loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Boundaries #2: Drawing Boundaries ✔️

Boundaries #2: Drawing Boundaries ✔️

AmorevolousEncres · 47 chapters · 112,224 words

DRAWING BOUNDARIES

This book is a work of fiction. Names, places, incidents are produced by the author’s imagination and are used fictitiously. Any resemblace to persons, living or dead, events and locales are extremely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical, including, photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

© 2022

Posted: June 16, 2022 Reposted: July 19, 2025 Status: COMPLETED (January 12, 2026)

PROLOGUE

Prologue

“The business tycoon of the country and Asia, owner of DC Malls and Chairman of DC Corporations—please welcome the one and only Zadkiel Dela Cuerta!” rinig kong anunsyo ng isang kilalang host sa isang variety show.

Kahit na nagdidilig ako ng halaman sa labas ng maliit naming bahay ay nagkukumahog akong pumasok sa loob para makita ang interview ni Zadkiel.

Ilang taon na rin ang lumipas simula nang huli ko siyang makita. Ilang taon na rin ang lumipas simula nang huli kong mahawakan ang kamay niya. Ilang taon na ang lumipas simula nang huli ko siyang makatabi sa pagtulog. Ilang taon na ang lumipas simula nang huli ko siyang mayakap. At ilang taon na ang lumupas simula nang huli kong malanghap ang kanyang amoy pero parang na nanatili pa rin sa ilong ko, sa utak ko, at sa balat ko ang amoy at init niya.

Pinunasan ko ang pawis sa aking noo gamit ang suot kong t-shirt at umupo sa isang sofa na humahangos. Kanina pa kasi ako nagdidilig sa labas.

Sunod kong pinunasan ang luhang lumandas sa aking pisngi nang makita ko si Zadkiel na umakyat sa stage. Kahit na sa TV lang, makikita ko talaga ang pagbabago sa kany. Ang tangkad na niya. Mas gumwapo. Naging mature. Pero ’di pa rin nagbabago ang pagiging istrikto ng mukha niya. Dati ako lang ang nakakapagpapakalma sa kanya. Dati ako lang ang kinakausap niya kapag galit siya sa kanyang mga magulang. Dati ako lang ang kakampi niya.

Tipid siyang ngumiti sa camera at mapait akong napangiti roon. Kung noon nakakatabi ko siya, ngayon hindi na. Kung noon sinasabayan ko siya sa pagtawa niya, ngayon malabo na iyong mangyari. Kung noon nayayakap ko siya ng walang hirap, ngayon hindi na. Kung noon sinasandalan ko siya sa pag-iyak ko kapag naapi ako sa school, ngayon hindi na. Mag-isa na lang ako. Wala na akong kasama. Sabay silang nawala sa akin.

“Balita namin kaya ka umuwi ng Pilipinas Zadkiel dahil may bagong proyekto ang DC Corporation dito sa bansa.” Ang host at matamis na ngumiti.

Walang tigil pa rin sa pag-agos ang luha ko. How I miss him.

“Yes, we will soon open our new branch of DC Mall in Campo Otso Province, together with McDuffies Incorporation, which is our new partner in the industry.”

Nanlaki ang mata ko doon sa sinabi ni Zadkiel. C-campo Otso. Our province. Sa kanila pala iyong bagong mall na malapit ng matapos sa bayan namin? Sa DC pala iyon?

“And speaking of the McDuffies, we heard that you are in a relationship with Soleen McDuffie, the heiress.”

Tumingin si Zadkiel sa camera at parang ako ang tinititigan niya bago siya dahan-dahan sa tumango.

Parang gumuho ang mundo ko sa kanyang simpleng pagtango. Alam ko namang maraming taon na ang lumipas. Alam ko naman na marami na rin ang nagbago sa mga nakalipas na taon. Alam ko na naman na ’di na siya ang dating Zadkiel na mahal ko pero, bakit ang sakit? Bakit ganito kasakit? Bakit ’di ko pa rin tanggap? Kailan ba ako babangon sa pagkalugmok ko? Kailan ko ba i-aahon ang sarili ko sa pagkalunod kay Zadkiel?

CHAPTER 1

Chapter 1

Leinne’s Pov

“Waah! Lampa! Lampa!”

“Haha! Bading! Bading! Bading! Leinne, bading!”

Tahimik akong umiiyak habang pinupulot ko ang mga notebooks ko na naglakat sa lupa. Ayaw kong isipin ang mga kantyaw nila sa akin na lampa at bading kasi sanay na ako na laging ginaganoon kaso masakit pa rin talaga.

Nais ko silang gantihan. Nais ko silang sumabatan kaso malalaki sila kumpara sa akin. Matataas sila kumpara sa maliit kong katawan at patpatin.

Hapon na at uwian na namin. Nagmamadali akong lumabas sa aming classroom dahil alam kong naghihintay na sa akin si Zadkiel sa labas ng gate pero sa kasamaang palad ay nabundol ko pa ang isa sa mga siga rito sa aming school. Grade six din naman sila tulad ko kaso sila matatangkad, mataba at maraming kasama. Samantalang ako nag-iisa lang payat at maliit pa.

May kaibigan naman ako dito sa school namin na si Vivian kaso umabsent siya ngayon kasi masakit daw ang tiyan sabi ni teacher kanina. Nagpadala kasi siya ng excuse letter kaya tinanong ko si teacher kung bakit absent si Vivian. Iyong si Vivian lagi rin akong pinagtatanggol noon. Maldita kasi siya at kahit na mga boys namin na classmates tiklop kay Vivian.

“Ano? Iiyak ka lang ba d’yan, bading? Asan na iyong kaibigan mong tomboy?” asar pa sa akin ni June.

Si June talaga ang bully sa buong grade six. Palibhasa kasi mataba at pabalik-balik na sa school kaya ganyan ang lakas na mambully. Sabay-sabay na tumawa ang mga kasama ni June. Nasa apat sila ngayon at pinagtutulungan akong inasar at kinantyaw ng kung ano-ano.

“Absent si Vivian ngayon bossing kasi sumakit ang tiyan.” anang naman ng isa sa mga kagrupo ni June sa kanya.

“Hahahaha! Kinarma iyong malditang tomboy. Mabuti nga sa kanya.” Maangas naman na untag ni June, animo’y mature na kung makaasta.

Masama ko silang tiningnan dahil sa kanilang sinabi tungkol kay Vivian. Anong karapatan nilang sabihin iyon sa kaibigan ko? Ang sama-sama talaga nila.

“H’wag ninyong sabihan ng ganyan ang kaibigan ko!” untag ko at napangisi si June sa akin. Nagulat ako nang tinulak niya ang ulo ko kaya naman upo ako ng tuluyan sa lupa.

Napangiwi ako dahil iyong lupa ay may mga maliliit na bato at nasagi ang pwet at kamay ko roon. Sumadsad din ang hita ko sa mabatong lupa. Navy blue na shorts at polo ang uniform namin kaya naman naramdaman ko agad ang paghapdi ng kamay at hita ko.

Tumingin ako doon at nakita kong nagkagalos ang hita ko.

“Ha! Lampa ka talaga, Leinne! Bading na bading! Wahahahaha!” Kantyaw na naman nila at napapunas ako sa luha ko gamit ang braso ko.

Nanlalabo ang paningin ko sa luha saka ko kinuha ang huling notebook ko na nasa lupa at sinilid ko iyon sa bag ko na kulay pink at madumi na. Tinapak-tapakan kasi nila ito kanina pagkatapos nilang itapon ang mga notebooks, ballpens, at crayons ko.

Nag-aalala ako kapag iyong crayons ko nagkabali-bali na. Bigay pa naman iyon ni Zadkiel saka iyong mga ballpens ko bigay niya rin. Marami kasi siya noon kaya binigyan niya ako.

“Isusumbong ko kayo sa mama ko!” sigaw ko sa kanila at dahil sa sinabi ko nagalit ng husto si June sa akin.

Itinaas ni June ang kanyang paa para sipain na sana ako nang may sumigaw sa pangalan ko galing sa likuran nila.

“Leinne!”

Mabilis kong pinalis ang luha ko at pinulot ang bag ko.

“Zadkiel!!” Malakas kong sigaw. Parang saklulo na iyon.

Kapwa bumilog ang mga mata nila June nang makita si Zadkiel sa kanilang likuran. Nagkataranta sila at nagtutulakan sa pagtakbo papalayo nang humakbang si Zadkiel tungo sa direksyon namin.

“Anong nangyari sa’yo? Inaway ka?”

Tumango ako sa kanya at umiyak na naman. Hindi ko lang kasi mapigilan, e. Parang kuya ko na itong si Zadkiel at siya lang ang napagsasabihan ko sa lahat ng mga nang-aapi sa akin. Sa kanya ko sinasabi ang mga alipusta ng mga classmates ko.

Malditong tao si Zadkiel. Mainitin ang ulo at mababa ang pasensya pero kapag sa akin ay mabuti naman siya kahit papano siguro dahil magkaibigan kami simula pa noon. Mga anim na taon gulang ako noong una kong tumapak sa mansyon nila Zadkiel.

Galing kaming probinsiya ni Mama Norberta, sa Campo Otso Province, malayo dito sa Manila. Kinakailangan pa naming magtravel ng anim na oras sa bus at kalahating oras naman sa tricycle papunta sa aming baryo.

Nakipagsalaparan kami rito ni Mama at sa awa naman ng diyos ay nakapasok si Mama rito sa mga Dela Cuerta. Mabuti na lang din at tanggap lang ng mga Dela Cuerta na may anak na dala si Mama. Noong una ay ayaw sana nila kasi daw baka maging pabigat ako sa trabaho. Pero nakiusap si Mama at sinabi niya na marunong ako sa mga gawaing bahay. Totoo naman iyon. Marunong na akong maghugas ng pinggan, magwalis, at magpunas ng nga muwebles sa mura kong edad.

Mababait ang mga Dela Cuerta at noon laging may pagtipon-tipon sa kanilang mansyon. Pero ngayon ’di na masyado dahil nasa ibang bansa kasi ang mga ito.  May mga negosyo rin sila doon. Ang lagi lang naiiwan sa malaki nilang bahay ay ang mga katulong, kami, at ang bunso nilang anak na si Zadkiel.

“H’wag mo ako isumbong kay Mama, Zadkiel.” pakiusap ko sa kanya.

“Hindi na yata ito tama, Leinne. Kung lagi ka na lang nila ginaganito dapat na itong malaman ng mama mo.” aniya at pinagpag ang suot kong uniporme na nadumihan.

“Pùtangina! Sinugatan ka?” Biglang galit na sigaw nito.

Ganito naman lagi si Zadkiel kapag nakikita niyang may sugat ako. Nagagalit at nasanay na ako roon. Tingin niya kasi sa akin ay oarang nakababatang kapatid niya. Kaya hindi na ako nagulat sa kanyang reaksyon.

“T-tinulak lang naman, Zadkiel, kaya napa upo ako sa lupa.”

“’Di na ito maaari. Sasabihin ko na ’to sa mama mo, Leinne.”

Mabilis kong hinawakan ang kamay niya gamit ang nanginginig kong kamay. Ayaw ko kasi na makadagdag pa ako sa iisipin ni Mama. Ayaw ko na pinoproblema niya ako sa school ko. Kaya ko pa naman kasi. Kaya hanggat maaari sasarilihin ko muna ito. Saka nandirito naman si Zadkiel at Vivian, e.

“Please! Please, Zadkiel, huwag, please! ’Di ba sabi mo naman next year magkasama na tayo sa isang school?” paalala ko sa kanya.

Noong isang araw habang naglilinis ako sa kwarto niya sabi niya pinaalala niya raw sa kanyang mommy na ilipat ako sa school kung saan siya nag-aaral. Pina-enroll lang kasi ako ni Mama sa isang semi-private school kasi ’yon lang ang afford namin at ayos naman sa akin iyon. Walang problema sa akin iyon basta makakapag-aral ako.

Matagal nang nililigawan ni Zadkiel ang kanyang mommy na ilipat ako at nito lang pumayag si Ma’am. Sa Grade 7 na ko na lang daw ako lilipat.

“Tsk! Huli na ito, Leinne. Halika na. Lilinisin pa natin ang sugat mo.”

Dagtong ang kilay niyang kinuha ang kamay ko at hinila na ako palabas ng school namin. Sumunod ako kay Zadkiel na pumasok sa kanilang SUV.

“Leinne, natagalan ka, ah.”

Ngumuso ako at tumingin kay Zadkiel. Pairap niyang iniwas ang tingin sa akin. Binaling ko kay Kuya Celo ang mata ko at sumagot.

“May ginawa lang po.”

“Kaya pala. ’Yan tuloy napa-pasok mo si sir Zadkiel sa loob ng school n’yo.”

Tumingin ako kay Zadkiel pero iniwas niya lang ang mata sa akin at tumingin sa labas bago napabuntong hininga.

Napangiti na lang ako habang tinititigan ko ang gwapong mukha ni Zadkiel. Bakas na sa mukha ni Zadkiel ang strikto, suplado, at sungit lalo na kapag seryoso siya. Kikilabutan talaga ang ’di siya kilala o close na tulad ko. Kapag hindi ka sanay sa kay Zadkiel siguro ngangatog ang mga binti mo kapag kaharap o katabi mo siya.

Gwapo si Zadkiel. Naghalo ang lahi ng Mommy at Daddy sa kanyang mukha. Ang pagkastrikto sa mukha at suplado ay nakuha niya iyon sa kanyang Mommy. Noong una ngang kita ko kay Ma’am Ulysses talagang natakot ako sa kanya. Napakapit ako n’on sa bestida ni Mama sa takot. Iyong pagkagwapo, matangos na ilong at makapal na kilay ay namana naman iyon ni Zadkiel sa kanyang ama. Wala naman akong masyadong masasabi sa Daddy ni Zadkiel since mabait naman siya sa amin—sa mga kasambahay nila. Pati naman si Ma’am Ulysses sadyang nakakatakot lang ang mukha.

Alam kong nasira ko ang mood ni Zadkiel at kinakailangan ko siyang suyuin ngayon. Ganito naman lagi kaming dalawa, e. Kapag ako nagtampo sa kanya susuyuin niya rin ako. Kapag siya naman nagtampo o galit susuyuin ko rin. Kaso kapag siya kasi nagtampo matinding panunuyo ang ginagawa ko.

Binaba ko ang mata ko sa kanyang kamay na nasa kanyang hita na kinukuyom at binubuka niya. Habit niya iyon. Pinatong ko ang kamay ko sa kanyang kamay. Napangiti ako nang makita kong ang haba ng mga daliri ni Zadkiel.

Tumingin ako sa kanya.

“H’wag ka na magtampo, please? Hindi na nga iyon mauulit. Saka kasalanan ko rin kasi. Hindi ako tumitingin sa daan kaya nabundol ko sila June.” sabi ko sa malambot na boses.

Napaikot siya sa kanyang mata at hinawakan iyong kamay ko na hinawak ko kanina sa kanyang kamay.

“Tabi dapat tayo matulog ngayon. Tutulungan mo ako sa susulatin kong essay.” aniya.

Ngumuso ako at tumingin kay Mang Celo na napailing sa sinaad ng aming amo. Tumingin muli ako kay Zadkiel bago tumango.

Alam ko mula pa man noon na hindi na ako katulad ng normal na lalaki. Alam ko na iba ako kay Zadkiel. Alam ko na mula pa man noon na malambot ako. Bakla ako. At alam iyon ni Zadkiel. Alam niya pero naging magkaibigan pa rin kami. Hindi naging hadlang ang kasarian ko upang di kami maging magkaibigan ni Zadkiel. Lalaking-lalaki si Zadkiel pero kahit kailan di ako nagkaroon ng pangungutya sa kanya dahil sa kasarian ko. Kahit kailan di pa ako nakatikim ng pangungutya galing sa kanya. Zadkiel see me as a normal boy. At iyong pagtulog ko sa kwarto niya minsan ay nakagawian na namin.

“Papaalam ako kay Mama, Zadkiel.” saad ko sa kanya.

“Hmm. Ako ang magpapaalam kay Tita.”

“Ikaw bahala pero may mga assignments kami Zadkiel, e.”

“Tutulungan kita. Dalhin mo sa room ko ang mga assignments mo. Para matulungan mo rin ako.”

Napangiti naman ako doon. “Sige.”

Akala ko diretso na kami sa mansyon nila Zadkiel kaso dumaan pa kami sa isang convenience store.

“Labas na dali.” utos sa akin ni Zadkiel at humawak sa kamay ko para hilahin ako palabas sa sasakyan.

“May bibilhin ka?” tanong ko at nagpatianod sa kanyang hila tungo sa entrance ng store.

“Oo, bibili ng gamot sa sugat mo.” aniya at tinulak ang pintuan.

“Sa mansyon na lang, Zadkiel. May first aid naman doon, e.” Wika ko at napatigil siya.

“Makikita ng mama mo ’yan, Leinne.” Tinuro niya ang galos ko na natabunan naman sa shorts ko kahit papaano.

“Sa likod ako dadaan para di ako makita ni Mama.” Tawang sabi ko sa kanya.

Bumuntong hininga siya.

“Sige na nga, pero tutal nandito na tayo. Bumili na lang tayo ng kung ano ang gusto mo.” Suko nito.

“Mallows and ice cream!” Napa talon pa ako n’on sa sobrang pagka-excite.

Kinurot ni Zadkiel ang pisngi ko at pinantayan ang tindig ko. Naduling ako nang nilapit niya ang mukha niya sa akin.

“Favorite mo pa rin talaga ’yan, ha.”

Sunod-sunod na tango ang binigay ko sa kanya.

Pinagbili niya ako ng marsmallows at ice cream bago kami lumabas sa store. Gusto ko kasi na ang mallows ay sinasawsaw ko doon sa ice cream. Naging habit ko na iyon at paboritong gawin kapag may mallows at ice cream.

“Basta sa kwarto ko ikaw matutulog, Leinne.” paalala ni Zadkiel pagkababa ko sa sasakyan nila.

“Oo nga. Basta ikaw magpaalam kay mama.” saad ko sa kanya at kinuha ko ang bag ko na nasa tabi niya.

Para akong ninja papasok sa mansyon nina Zadkiel. Ingat na ingat upang di makita ni Mama. At naging matagumpay naman akong nakarating sa kwarto namin ni Mama sa maid’s quarter. May iba’t ibang room ang mga maids dito tagdalawa kada room at kami ni Mama dito sa aming kwarto.

Nagbihis ako ng mahaba na shorts na abot talaga sa tuhod ko bago ako lumabas sa kwarto para tumulong kina Mama sa labas. Normally, kapag galing akong school ako ang nagdidilig sa mga halaman dito sa paligid ng mansyon. Minsan naman ay nagpupunas ng mga muwebles at minsan din ay doon ako sa kwarto ni Zadkiel naglilinis ‘kuno’ pero ang totoo naglalaro lang kami ni Zadkiel o di kaya’y nanood ng movies at minsan pinapatambay lang niya ako sa kwarto niya. Malinis na kasi ang kwarto niya. Pala-linis kasi siya sa kanyang silid talagang sinasadya niya lang iyong guluhin minsan para may alibi na papuntahin ako sa kwarto niya. Pero tinutulungan ko naman siya sa paglilinis sa kanyang silid… minsan.

Nang dumating ang gabi pagkatapos naming maghapunan ni Mama kasama ang ibang kasambahay sa may dirty kitchen agad akong pumunta sa silid namin ni Mama. Hinanda ko na ang ang notebooks ko na may assignments at ballpen na dadalhin ko sa silid ni Zadkiel. Di paman alam ni Mama na doon ako matutulog ngayon pero nag-advance handa na ako. Just in case.

“Leinne, sabi ni sir Zadkiel doon ka raw niya papatulugin sa kanyang silid.”

Lumiwanag agad ang mukha ko sa sinabi ni Mama pagkapasok niya sa kwarto namin.

Nagkunwari akong walang alam at naghanda kuno.

“O-oh, sige po.” ani ko.

Umupo si Mama sa kama habang nagpupunas sa kanyang basang kamay.

“Leinne, anak. Wala namang ginagawang kung ano si sir Zadkiel sa’yo, di ba? Di ka naman niya inaapi o ano, di ba?”

Halos di ko na pinatapos si Mama sa kanyang sinabi at umiling agad ako.

“Hindi naman, ma. Mabait po sa akin si Zadkiel.”

“Hmm,” tango ni Mama. “Pero pag may ginawa siyang masama sayo o di mo gusto, anak, sabihin mo sa akin, ha. Aalis tayo rito kapag inapi ka dito.” si Mama at sumuklay sa buhok kong matuwid at makintab.

“Opo, ma.” wika ko kay Mama.

Di ko alam pero nung sinabi ni Mama na aalis kami dito. May gipit at suntok sa dibdib ko na di ko maunawaan. Siguro ay napamahal na kasi ako dito sa mansyon.

Hindi na ako kumatok sa kwarto ni Zadkiel at diretso ko na iyong binuksan at pumasok. Nakita ko siyang nandon sa kanyang study table at may ginagawa.

“Ang tagal mo.” ungot niya at umikot kasabay sa pag-ikot noong swivel chair niya.

Sinara ko ang pintuan at pumunta sa kanyang kama. Doon ang pwesto ko kapag nagsusulat ako sa mga assignments ko, e.

“Matagal nagsabi si Mama, e.” ani ko at di ko na siya tiningnan dahil magsasagot na ako sa assignments ko.

“Sabihin mo kapag nahihirapan ka. Tuturuan kita.” Saglit ko siyang nilingon at nagthumb’s up ako sa kanya. Sumilay ang ngiti sa labi niya saka tumalikod sa akin.

Si Zadkiel din ang taga-turo ko. Hindi naman kasi ako katalinuhan. Sakto-sakto lang at minsan kapag nakaka-encounter ako ng mga mahihirap na sagutan tinuturuan niya ako. Achiever kasi iyang si Zadkiel, e. Mapa-math, science, english, o kahit sa sports umaangat siya. Pambato nga iyan lagi sa kanilang school kapag may mga competition. Kaya laking pasalamat ko na naging kaibigan ko siya. Mapiling tao si Zadkiel. Mapili lang ang taong mabait siya at maswerte akong isa ako sa mga taong napili niyang laanan ng bait niya.


This story is already at

chapter 3

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 2

Chapter 2

Leinne’s Pov

“Sheyt, Leinne! Inaway ka kahapon ni Tanda?” Pasinghal na wika ni Vivian sa akin. Nakita niya kasi ang sugat ko sa tuhod at napakwento ako sa nangyari kahapon.

Hawak ko ang walis tambo dahil kami ang cleaners ngayon. Maaga nga akong pumasok sa school kasi maglilinis pa. Bali kasi sa umaga at tuwing uwian kami naglilinis ng room.

“Foot map mo, Vivian. Magsuot ka ng foot map! Hindi porket tayo ang cleaners ngayon ay deretso mong ipapasok ang sapatos mo.” Leksyon ko sa kaibigan bago ko siya sagutin sa kanyang tanong. Ang Tanda na kanyang tinutukoy ay si June. Matanda na kasi iyon kasi pabalik-balik na sa grade 6. Matigas kasi ang ulo at tamad!

“Sorry po!” Ngisi ni Vivian. Sinuot niya ang kanyang foot map. Kumuha ako ng walis sa broom stand at inabot sa kanya.

Kumamot naman siya sa kanyang ulo. Nagulo tuloy ang kanyang maayos na buhok. Mamayang hapon nito mukha na siyang bruha. Si Vivian kasi ay hindi pala suklay sa buhok. Magaspang gumalaw at mga lalaki ang mostly na mga friends niya. Kaya nga magkaibigan kami. Kaso baliko kasi ako.

Dose palang ako at kahit noon pa man, alam ko na sa sarili ko na hindi ako tulad ng ibang lalaki d’yan. Maaga kong nalaman at tinanggap ang aking kasarian.

Sa katunayan nga n’yan ay parang ako pa itong babae kay Vivian. Ako ang may dalang suklay, polbo, laging malinis, at organized sa mga gamit ko. May lip shiner nga rin ako eh. Binilhan ako ni Mama no’n. Syempre, iyong hiyang sa edad ko na lip shiner! Natural na kasi ang kulay rosas na labi ko. Kailangan ng konting pampasilaw!

“Grabe! Hindi mo ba alam kung ano ang nangyari sa akin kahapon, Leinne?” ani Vivian.

Nangunot ang noo ko sa kanya.

“Alam ko. May stomachache ka.”

“Oh, iyan naman pala. Bakit binibigyan mo ako ng walis?”

“Kahapon ka may sakit, Vivian. Tulungan mo ako. Para i-arrange na lang ng mga kasama natin mamaya ang ating chairs.” Nilagay ko na sa kamay niya ang walis.

I turned around and started sweeping the floor.

“Argh! Ewan ko talaga kung bakit tayo naging magkaibigan, Leinne! Ang sama-sama mo sa akin. Baka naman nahawaan ka roon sa amo mong pinaglihi sa sama ng loob!”

Napatigil ako sa pagwawalis at nilingon ang kaibigan. Bagot siyang nagwawalis.

“Mabait si Zadkiel, Vivian. Alam mo ’yan.” Pagtatanggol ko naman kay Zadkiel.

“Aysus! Mabait lang sa’yo. Sa iba parang manglalapa na. Ewan ko talaga kung bakit crush mo iyon!”

“Vivian!” Singhal ko.

Dati lang iyon! Ang duga kasi ng mga kaklase ko eh! May pa slambook sila tapos pinasagot ako. Grade 4 lang kami no’n at may nakalagay na crush. Sino raw ang aking first crush. Wala naman akong ibang maisip na pangalan ng lalaki kaya pangalan ni Zadkiel ang nilagay ko roon.

Kaibigan ko lang si Zadkiel. Para na kaming magkapatid kaya hindi ko masyadong pini-personal iyong pagsagot ko sa slam book. Until nabasa ni Vivian at tinutukso na niya ako. Ang iba nakalimot na pero siya hindi pa rin. Hanggang ngayon ginagamit niya pa rin iyon panukso sa akin!

“Nakakahiya. Baka may makarinig sa’yo. Hindi ko naman crush si Zadkiel. Mas matanda iyon sa akin eh.”

“Ay naku-naku, Leinne! Grade 6 na tayo at malapit nang grumaduate. Denial ka pa rin. Ika nga nila, denial is a river in egypt!”

“Huh? Anong ibig sabihin n’yan?”

Nagkibit siya ng balikat. “Malay ko. Narinig ko lang ’yan.”

“Mema ka naman eh. May masabi lang!”

“Ang tapang mo, boy!” Patuya niya. “Pero, maibalik ko nga lang ang tanong ko. Inaway ka kahapon nina Tanda? Ano pang ginawa sa’yo?”

“Wala lang iyon.” Pagsasawalang bahala ko.

“Ay, anong wala! Reresbakan ko sila mamaya! Aabangan ko sa gate!” Maangas niyang wika. May rolyo pa siya sa sleeves ng kanyang polo at saka nag-flex sa kanyang maliit na braso.

Itong babaeng ito talaga! Akala mo hindi rin patpatin tulad ko. Ang pinagkaiba lang namin ay hindi siya kumikilala ng binabangga. Ang dami kayang kaibigan ni June na bully. Tapos kami dadalawa lang.

“Maglinis na tayo, Vivian. Baka dumating na ang teacher natin.”

“Masakit pa kasi ang t’yan ko eh. Pinapalinis mo na ako.” Parinig niya sa akin. “Kapag talaga sumakit ito lalo papakopyahin mo ako sa spelling quiz natin ngayon ha.”

Ayan na naman siya. Para lang talaga makatakas sa kanyang obligation. Bumabawi na nga lang kami sa kabaitan kasi hindi kami nabiyayaan ng talino. Tapos itong kaibigan ang tamad.

“Tapos pareho tayong makaka-itlog mamaya?” Natatawa kong sabi.

“At least may karamay ka sa pagkolekta ng itlog. Hindi ka magiging lonely. Sasamahan kita, Leinne, hanggang sa pagbagsak mo!”

“Sira ka talaga! Inaaliw mo lang ako eh, para hindi ka makapagwalis d’yan!”

Vivian twisted her lips in annoyance. Muli niyang ginulo ang buhok kaya mukha na talagang bruha.

“Hoy! Kami ni Leinne ang nagwalis kaya kayo ang mag-arrange ng mga chairs. Masakit pa t’yan ko nito pero tinulungan ko si Leinne. Kita n’yo namang parang mababali na buto n’yan.”

Napatanga na lang ako kay Vivian. Walang nagawa ang iba naming kasama dahil inangasan na niya.

“Good morning, ma’am!” Kanya-kanya naming bati sa aming guro na papasok sa room namin. Nagkagulo ang mga kaklase ko sa pagbalik nila sa kanilang assigned seats.

“Good morning, class!” Bati ng aming guro sa amin pagkapasok niya sa classroom. “Get 1/2 sheet lengthwise for our spelling quiz this morning and number it from 1 to 20.” Dagdag ni Ma’am habang naglalakad tungo sa kanyang table. Ni hindi pa naibaba ni Ma’am ang kanyang bag.

“Hati na tayo, Leinne,” wika ni Vivian bago kumuha sa papel ko.

Pahaba niya itong tiklop at saka nilawayan!

“Kadiri ka naman, Vivian!” Ngiwing untag ko sa kanya.

“Sus! Parang konting laway lang naman. Tumahimik ka na d’yan. Ayan na ang sa’yo.”

Gusot ang mukha kong tiningnan ang binigay niyang lengthwise.

“Magsulat ka na. Saka muna alalahanin ang kaartehan mo d’yan. Parang ’di kaibigan eh.”

“Ikaw kasi eh. Nilawayan mo!”

“Hehehe! Oi, basta huwag mong takpan ang papel mo ha.”

Inirapan ko lang siya. Nang magsimula ang aming quiz ay hinayaan ko na si Vivian na makikopya sa akin. So far naman ay alam ko ang mga words kasi nababasa ko sila sa mga essays na pinapasulat ni Zadkiel sa akin. Nga lang ang iba hindi ko nakukuha kasi hindi familiar at iba ang basa ko sa pagkakabigkas ni Ma’am.

“Galing naman 16/20!” Silip ni Vivian sa papel ko. “Bakit itong akin ay 14 lang!” Reklamo niya at kinumpara ang papel namin.

Nakisilip na rin  ako. Humagikhik ako.

“Mali ang number 12 mo. Congee kasi, dalawa ang ‘e’. At iyang knowledge mo kulang ng letter ‘d’. Bakit ba hindi mo alam ang spell n’yang congee? Lugaw lang iyan sa tagalog, Vivian.”

“Aba, paki ko sa English n’yan? Sa bahay lugaw lang ’yan, eh. Congee-congee!”

Ngumiwi na lang ako. Kahit ganito kami ni Vivian hindi namin hinahayaan na binubully ng iba ang isa’t isa.

Nang maglunch ay pumunta kami ni Vivian sa canteen. Bumili siya ng lunch niya. Ako naman ay hindi na kasi may baon naman ako. Twenty pesos lang ang baon ko kasi hindi naman ako nagc-commute pauwi. Sinusundo ako ni Kuya Celo kasama si Zadkiel. 

“Magkasama na naman ang mga bakla!”

Parinig nina June sa amin nang dumaan kami ni Vivian sa kanilang table.

Binagsak ni Vivian ang tray sa table.

“V-Vivian,” hinawakan ko ang kamay ng kaibigan.

“May problema ka ba sa bakla ha, June!”

“Oo, may problema nga ako. Angal ka!” Ganti rin naman ni June.

“Angas mo porket ang laki mo ah. Lumaki nga katawan mo pero utak mo malaki pa ang kulangot ko!”

Rinig ko naman ang mga daing ng mga estudyante sa canteen.

“Tama na ’yan. Gusto n’yo bang ma-discipline office?” Ani ng isang estudyante na membro ng SPG, Supreme Pupil Government.

Hinila ko na si Vivian paupo.

“Mamaya ka sa akin tomboy ka.” Banta ni June kay Vivian.

“Talaga lang! Akala mo natatakot ako sa’yo? May atraso ka pa kay Leinne kahapon, Tanda. Sinugatan mo siya!”

Pinakitaan naman kami ni June sa kanyang gitnang daliri. Binetalan tuloy siya ni Vivian.

Nang sumapit ang hapon ay laking pasasalamat ko naman na may guro sa labas ng gate. Hindi naka-obra si June at ang mga kaibigan niya. Hinintay kong makasakay ng tricycle si Vivian bago lumapit sa SUV na minamaneho ni Kuya Celo.

“Wala po si Zadkiel?” tanong ko kay Kuya Celo.

Sinilip niya ako.

“Una ko silang hinatid ng mga kaklase niya sa bahay, Leinne.”

“Mga kaklase n’ya po?”

“Oo. May project daw kasi silang tatapusin sa bahay.”

“Marami po sila?”

“Mga anim lang naman, Leinne.”

Napatango ako. Binuhay na ni Manong ang makina ng kotse.

“Sana po hindi n’yo na lang ako binalikan. Nakakahiya po.” Sabi ko naman.

“Sinabi kasi ni Sir Zadkiel na balikan ka.”

Ngumuso lang ako.

Magpapaturo sana ako kay Zadkiel sa assignment ko sa math namin. Kaso may project pala silang tinatapos.

Nasa labas palang ako ng bahay ay rinig ko na ang mga boses mula sa loob ng bahay. Pagkapasok ko ay nakita ko sila sa sala. Anim nga sila. Tatlong babae at tatlong lalaki tapos si Zadkiel.

“May bata oh,” ang isang lalaki ang nakapansin sa akin.

Bahagya akong yumuko sa kanila. “M-magandang hapon!”

“Kapatid mo, Zadkiel?” ani ng isang babae.

“No. He’s Leinne, kaibigan ko.” Matamang sagot ni Zadkiel.

“H-hello sa inyo.” Tumalikod ako sa kanila. Nahihiya ako sa kanila.

Ewan ko, na-iintimidate ako sa mga presensya nila.

“Ang cute n’ya ha.”

“Ang puti rin.”

“Parang babae ang mukha. Ang liit.”

Ang mga narinig ko mula sa kanila.

“Tumigil na kayo. Tapusin na natin ito.” Suway naman ni Zadkiel sa mga kasama niya.

“Anong pangalan no’n, Zadkiel?” Tanong ng isang lalaki.

“Tumulong ka na lang dito, Felix. Ikabit mo itong mga wire.”

Tumagal ang mga kasama ni Zadkiel kaya naman marami ang hinanda. Tumulong na rin ako sa kusina at paghahanda sa lamesa. Pagkatapos kong ilagay sa mesa ang mga kobyertos ay babalik na sana ako sa kusina nang marinig ko ang mga babaeng kasama ni Zadkiel. Mukhang galing sila sa banyo.

“Umamin ka na kay Zadkiel, Stacy. Nagbreak na sila no’ng ABM student. This is your chance.”

“Eh, parang bago palang sila nagbreak.”

“Mukha namang hindi seryoso si Zadkiel doon eh. Hindi nga sila umabot ng buwan no’ng babae.”

“Tingin n’yo ba may feelings din siya sa akin?”

“Girl! Iba ang titig sa’yo ni Zadkiel. Saka hindi nga tumanggi nang sinabi mong dito natin gawin sa bahay nila ang project.”

“Tama si Jurity, Stacy.”

Hindi ko alam kung bakit ako nakikinig sa kanila. Hindi ko rin batid kung bakit ganon na lang din ang pagsikip ng dibdib ko.

What’s wrong with me?

Magkaibigan kami ni Zadkiel pero hindi ako nagtatanong sa kanya tungkol sa kanyang lovelife. O baka dahil sa agwat ng edad namin kaya hindi n’ya nababanggit sa akin ang mga ganong usapin. Dose pa kasi ako tapos siya disisyete na. Siguro iniisip niyang hindi ako makaka-relate.

“Sikat talaga iyang si Zadkiel sa school nila ’no, Leinne?” ani naman ni Vivian sa akin. Breaktime namin kaya nakakapag-usap kami. Kumakain ako ng sandwich na gawa ni Mama.

“Bakit mo naman nasabi?”

“Kasi kahit hindi naman sila classmate ng ate ko. Umabot sa kanila ang chismis na may bago na namang syota ang crush mo!”

“Huh?”

“May bagong syota ang crush mo. Stela? Ay, Stacy yata ang bagong syota niya!”

Hindi ko masyadong inisip iyon. Ano naman kasi ang paki ko? Kaibigan lang namin kami ni Zadkiel. Kaso lang… hindi maintindihan kung bakit may kumirot sa dibdib ko.


Graduation ko ngayon. Sa wakas tapos na ang taon ko bilang isang elementary student. Akala ko di makakapunta sa graduation ko si Zadkiel kasi may klase raw siya ngayon pero heto siya’t kasama ng Mama ko.

Kumaway-kaway pa siya sa akin.

Kumaway ako sa kanya ng konti gamit ang kamay ko na may hawak na diploma bago tuloyang bumaba sa stage. At nang tawagin ulit ako para sa special award si Mama Norberta at si Zadkiel ang kasama kong umakyat sa stage.

“Darryl Leinne G. Espiritu, recipient of the Most Neat and Clean Award, Special Award, and With Honors distinction.” Nakakagulat na napasali ako sa with honors. Mabait lang kasi ako.

“Congratulations, Leinne, my gift for you.” Pagbati ni Zadkiel sa akin at binigay sa akin ang isang maliit na paper bag na kulay puti.

“Hala! Ano ’to, Zadkiel? Di ka na dapat pa nag-abala.”

“Nag-ipon ako para d’yan, Leinne, so please accept it.”

Ngumiti ako sa kanya. “Anong laman nito?”

“Open it.”

Ngumuso ako at saka ko iyon binuksan. Kumunot naman ang noo ko nang makita ko ang isang rektanggulong kahon. Binaba ang paper bag at kinuha ko ang laman noon. Pagbukas ko sa rektanggulong kahon ay bumungad sa akin isang manipis at silver na alahas na may nakakabit na mga desinyo at ang nakakaagaw pansin doon ay ang initial ng pangalan ko.

“Magkano ’to, Zadkiel? Dapat di mo na ako binilhan pa ng necklace.” Untag ko.

Walang salita niyang kinuha ang laman noon saka lumapit ng husto sa akin. Napasinghap naman ako nang sumakay ang kanyang amoy sa akin ilong.

“O-oi, Zad–”

“Hindi ito necklace, Leinne. Bracelet ito.”

Hindi ko namalayan na nagpipigil na pala ako sa aking hininga habang ki akabit ni Zadkiel sa aking palapulsuhan ang bracelet.

Ginulo niya ang buhok ko.

“Bagay na bagay sa balat mo,” usal niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Yumakap ako sa kanya.

“Salamat, Zadkiel.”

Gumanti naman siya ng yakap sa akin at naramdaman ko ang baba niya sa tuktok ko.

“Basta para sa’yo, Leinne.”

Kinunan ako ni Zadkiel nang larawan gamit ang kanyang mamahaling telepono. Naka-ilang posing ako sa harap ng camera dahil kuha siya nang kuha ng larawan.

Umakyat kami sa stage nang humapa na ang mga tao doon na kumukuha ng larawan. Nagpa-picture kaming dalawa ni Mama sa cellphone ni Zadkiel. Wala naman siyang inangal doon at game na game kaming kinunan.

“Kayo naman ni sir Zadkiel, anak.” wika ni Mama.

“Sige po.” Ngumiti ako kay Mama.

Tinuruan muna ni Zadkiel si Mama kung papaano kumuha ng larawan saka siya lumapit sa akin.

Umakbay sa akin si Zadkiel at sinabihan niya si Mama na kunan kami. Ako naman ay nag-peace sign. Naka-ilang kuha si Mama sa amin nang bigla kumabog ang puso ko dahil bigla akong umangat sa ere. Walang kahirap-hirap akong binuhat si Zadkiel.

“Ibaba mo ako, Zadkeil.” Welga ko sa lalaki kaso ngumiti lang ito sa akin.

“Kapit ka lang, di naman kita ihuhulog.”

Ngumuso nalang ako sa kanya at niyakap ko ang kamay ko sa kanyang leeg. Umiwas ako sa mata niya nang maramdaman ko ang pag-init sa mga pisngi ko. Nahihiya ako. Masyadong OA naman itong si Zadkiel. Akala mo talaga gramaduate akong kolehiyo, e, elementarya lang naman.


This story is already at

chapter 5

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 3

Chapter 3

Leinne’s Pov

Pangiti-ngiti ako habang nakatingin sa aking wrist! Gandang-ganda ako sa binigay ni Zadkiel sa akin na bracelet! Hindi naman ito ang unang beses na binigyan niya ako ng gift kaso ito yata ang pinakamahal. Tunay raw kasi ito eh, hindi nagf-fade ang kulay kahit mabasa o ano.

“Leinne!”

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ko rito sa lounger nang marinig ko ang eskandalong pagtawag ni Vivian sa akin. Nasa poolside kasi ako dahil dito ako maglilinis ngayon.

May maliit kaming salo-salo ngayon at dito kami kakain sa labas mamaya. Bali celebration lang na maliit kasi graduate na ako ng elementarya.

“Vivian?” Balik ko namang sigaw.

Malaki ang ngiti nitong sumugod sa akin at niyakap ako. Akala mo talaga hindi kami nagkita o nagsama kahapon sa graduation.

“Ano palang ginagawa mo rito? Tutulong ka sa akin sa paglilinis?” ani ko matapos niyang pakawalan sa nakakasakal niyang yakap.

“Oi boy, nandito ako kasi may pakain daw kayo.”

Hilig niya talaga akong tawaging ‘boy’. Ayos lang naman siya sa akin, hindi naman ako nao-offend doon. Saka kami-kami lang ni Vivian ang naglalalitan sa isa’t isa. Dapat kami lang din ang nambubully sa isa’t isa. Ibang usapan na kapag may ibang umapi sa amin. Pero usually ako lang ang nalalait at nabubully.

“Bakla ka, saan mo iyan narinig? Bakit ba basta pagkain ang usapan ay ang bilis mong maka-amoy? May lahing aso ka ba?”

Inismiran niya ako. Nag-cross arms siya bago ngumisi sa akin.

“Nag-congratulate si Tita Berta kahapon. Binulong niya sa akin na may handaan kayo. Nakakahiya namang tanggihan ang grasya, di ba? Pagkain na eh, kaya pumunta ako!” Saysay niya. Norberta ang pangalan ni Mama pero sa mga kakilala niya ay Berta ang tawag.

“Ni hindi ka man lang tumanggi ng konti?”

“Ika ko nga, masama tanggihan ang grasya. Makakalibre pa ako nito ng lunch at dinner!”

My eyes stretched. Aba’t may balak talaga siyang dito magtanghalian at hapunan! Ang kapal talaga ng mukha nitong kaibigan ko. Akala mo talaga ay naghihirap sila sa bahay nila. Mayaman din naman ito kasi both parent niya ay nasa abroad. Mga nurse doon. Kaya naman sa bahay nila ay ang ate Vienna niya lang at mga kasambahay. Hindi ito ginugutom sa bahay nila sadyang patay gutom lang talaga umasta.

“Lunch at dinner. Bakit ba ang aga mo? Kakatapos lang namin sa breakfast eh.”

Biro niya akong siniko. “Tutulong ako sa preparations.”

“Heh! Anong preparations ang sinasabi mo? Pancit lang at manok ang handa!” Biro ko.

“Okay na okay na iyon! Sana lang may lumpia rin. I-request ko nga iyan mamaya kay Tita Berta.”

“Mahiya ka nga!” Supil ko sa kaibigan.

Umakbay siya sa akin. Nakakunot na ang noo ko dahil sa kanya.

“Leinne naman parang anak na rin ako ni Tita ’no! At parang soul sister na rin tayo. Awiiee, kinikilig na ’yan kasi sister tayo!” Tukso pa nito sa akin.

Hinampas ko siya pero nakaiwas siya at tumakbo paikot ng pool. Naghabulan kaming dalawa sa pool hanggang sa maabutan ko siya. Akmang itutulak niya ako sa pool ngunit nahawakan ko ang kanyang tshirt. Ang ending kaming dalawa ang nahulog doon sa tubig. Thankfully, marunong naman akong lumangoy!

Syempre no’ng una hindi ako marunong lumangoy. Laking bukid lang kasi ako tapos hindi pa kami masyadong napapasyal ni Mama sa dagat. Wala ring ilog na malapit sa amin noon. Dito na ako sa bahay nina Zadkiel natutong lumangoy. Tinuruan ako ng lalaki.

Naglaro kami ni Vivian sa pool. Nagsabuyan ng tubig at naghabulan. Umalingawngaw nga ang boses namin sa buong bahay! At hindi na rin ako magtataka kong may bumato na sa amin ngayon. Masyadong malaki ang bunganga ni Vivian. All out siya kapag tumatawa! Hindi nagpipigil sa boses niya.

“Ha! Napagod ako.” Natatawa niyang untag. Umalis na kami sa pool pero nakalublob pa rin ang paa namin sa tubig.

Dinuyan-duyan ko ang aking paa sa tubig at tiningnan ang aking repleksyon sa tubig.

“Sarap ng buhay mo rito, Leinne.” ani Vivian sa tabi ko.

Tumingin ako sa kanya. Nakatingala siya sa kulay asul na kalangitan. Medyo mataas na ang araw pero hindi kami naiitan sa aming pwesto.

“Hindi naman. Baka akala mo kami ang may-ari nitong bahay. Kasambahay lang kami ni Mama rito.”

“Hindi naman iyan ang ibig kong sabihin. Naisip ko lang na mas comfy itong bahay nina Zadkiel kaysa sa sariling bahay namin. Ang tahimik ng bahay namin eh. Parang walang nakatira pero dito parang ang lively. Alam mo ’yon?” May lungkot na saad ni Vivian.

Hay! Mukha lang tigasin itong kaibigan ko pero mahina ang puso niya pagdating sa kanyang pamilya at malapit sa buhay niya.

“Hindi pa ba uuwi ang parents mo?” tanong ko rito.

Nagkibit lang siya ng balikat. “Ewan ko. Hindi nga sila umuwi kahit graduation natin kahapon. Siguro dahil hindi naman ako honors kaya ganon.”

Nilapitan ko si Vivian at niyakap ito. Gumanti naman siya ng yakap sa akin.

“Ano ba ’yan! Nakaka-babae naman itong ginagawa ko.” Nanginginig ang kanyang boses.

Tinulak ko siya. “Babae ka naman talaga!”

“Psh! Ikaw ang babae sa atin!”

Dahil wala namang damit na dala si Vivian humirap siya ng tshirt kay Mama at shorts ko. Magtiis siya sa masikip kong shorts!

Nang magluto kami ay tumulong din siya. Tuwang-tuwa dahil may lumpiang niluto si Mama.

“Tita, pwede bang mag-uwi rin ako nitong lumpia?”

Papsimple ko siyang siniko.

Tumawa si Mama. “Oo naman! Ikaw’ng bata ka.”

“Hehe! Salamat, tita, dahil hindi ka madamot. Itong anak mo kasi ang damot!” At binelatan pa talaga ako!

“Vivian!”

At tinawanan lang nila ako.

Sa totoo lang sa gabi pa naman ang handaan kaso ang handa namin sa gabi ay kinunan na namin para sa lunch.

At nang sumapit ang gabi ay sa labas kami kumain. Kami lang ng mga kasambahay tapos si Vivian. Si Zadkiel naman ay hindi ko napansin buong araw kasi may pinuntahang kaibigan. Sa bahay raw nila Felix, iyong classmate niya.

“Magandang gabi, sir!”

“Good evening, sir!”

Bati ng mga kasambahay namin. Awtomatik naman akong napalingon sa pinto palabas dito sa may pool area.

Sumigla ako bigla nang makita ang lalaki.

“Good evening!” Balik niyang bati sa akin sa usual niyang tono, ang malalim at malamig niyang boses.

Kumuha ako ng paper plate para sa lalaki.

Binabati siya ng ibang kasambahay kaso nakatingin naman siya sa akin. Bigla tuloy akong kinabahan. Ayaw niya ba na may celebration kami rito?

“Oi, Zadkiel! Kain tayo!” Walang hiyang tawag naman ni Vivian kay Zadkiel. Kinamay niya pa ito at naglahad ng paper plate para sa lalaki. Ito talagang si Vivian kung itrato si Zadkiel ay parang bisita ito sa sariling bahay!

Tanging tango lang ang binigay ni Zadkiel sa mga bumati sa kanya. Dumeretso siya sa akin.

“Am I late?” tanong niya.

Tumikhim si Vivian at binaba ang kamay na may hawak na paper plate na hindi tinanggap ng lalaki.

Tumikhim pa ulit si Vivian kaso mukhang hindi ito napansin ni Zadkiel.

“Hindi… naman,” sagot ko sa kanya.

Kinuha niya ang paper plate sa kamay ko.

“Kumain ka na?” tanong niya sa akin.

“Kakain palang kami.”

“Okay, come on. Let’s eat,” anyaya niya sa akin.

Nilingon ko naman si Vivian na sinasamaan ng tingin si Zadkiel. Inaya ko rin si Vivian, kanina pa itong nandito. Gutom na gutom na ito.

Nauna si Zadkiel sa pagkuha ng kanin at ulam. Nakasunod naman sa akin si Vivian na tinutusok ako ng disposable spoon niya.

“Ano?” Baling ko kay Vivian, sinamaan ko siya ng tingin.

“Ang crush mo.”

“Vivian naman eh! Sabing hindi!” Angil ko rito.

“Sus! Natulala ka nga eh!”

Namula na ako. Mabuti at medyo madilim!

“Nakakahiya ka talaga! Parang kuya ko na siya!”

“Sus! Kuya-kuya ka pa d’yan!”

“Gusto mo nitong sweet and sour shrimps?” tanong ni Zadkiel dahilan para matigil kami ni Vivian sa aming munting bangayan!

“Sige!”

Hinainan naman ako ni Zadkiel no’n.

Kasama namin sa table si Vivian at panay ang sipa nito sa aking paa. Tinutukso na naman ako nito eh. Siya na nga itong may sabi na may jowa na ang lalaki pero tinutulak niya ako rito. Tinutulak akong maging imoral!

“Eat,”

Tumalon ang balikat ko nang biglang magsalita si Zadkiel. Nang bumagsak ang mata ko sa plato ko ay nando’n na ang binalatan niyang shrimps para sa akin.

“Ako naman, Zadkiel, ipagbalat mo rin!”

Sinamaan ko ng tingin si Vivian. Kung makautos kay Zadkiel ay akala mo talaga hindi ito ang amo namin ni Mama.

“I think you’re fine on your own, Vivian.”

Ngumiwi si Vivian.

Natawa na lang ako. Ako kasi sanay na ako sa ganitong akto ni Zadkiel. Naging normal na siya para sa akin. Kaso itong si Vivian ay binibigyan ng malisya ang ginagawa ng lalaki.

Habang kumakain kami ay umilaw naman ang cellphone ni Zadkiel. Tumatak ang tumatawag doon na si Stacy.

Mabilis na kinuha ni Zadkiel ang telepono at lumayo sa aming mesa.

“Grabe! Ang sungit talaga!” Panghihimutok ni Vivian nang makalayo ang lalaki sa amin. “Pero, ang gwapo rin naman. Kaya hindi kita masisisi, Leinne, kung naging crush mo ang bugnutin na iyon.”

“Eh, hindi ko nga crush, Vivian. Mapilit ka!”

“Sus!”

“Saka may girlfriend na iyong tao, ikaw na nga ang nagsabi niyan!” Tumawag pa nga eh.

“Crush lang naman. OA mo ha!”

I really didn’t entertain the thought of being in a relationship or having a romantic relationship with anyone. At sa buong taon ko naman sa elementary ay wala akong naging crush. Kaya nga si Zadkiel ang nalagay ko roon sa Slam Book.

The days rolled by like a split second, and when I opened my eyes, it was already my first day as a high school student at the same university where Zadkiel was studying. I was in Grade 7, while he was in Grade 12.

After no’ng celebration namin sa bahay nina Zadkiel ay tumawag ang Mommy at Daddy niya niya, si Ma’am Ulysses at sir Zeus. Pinaalam nito na sila ang magpapaaral sa akin at sa parehong school kami papasok ni Zadkiel. Sa una ay ayaw ni Mama kasi malaki ang tuition, hindi kaya ng sweldo namin dito. Kaso sinabi naman ni Ma’am Ulysses na hindi na raw namin aalahanin ang tuition kasi sila ang magbabayad. Ang allowance ko lang at pang araw-araw ang aming aalahanin.

Lubos akong nagpapasalamat sa kabaitan ng mga magulang ni Zadkiel. Though they seem strict and uptight, they genuinely care for someone like me.

“Dito na ang room mo. Good luck on your first day.” Hinatid ako ni Zadkiel sa room ko.

“Salamat, Zadkiel.”

He only smiled and jovially ruffled my hair.

“Text me kung wala kang kasama sa lunch. Sasamahan kita.”

Tumango ako sa kanya.

Tiningnan ko si Zadkiel habang papalayo. Kita ko na nilalapitan siya ng ibang mga students at mukhang kilala siya.

“Darryl Leinne!”

Halos lumuwa naman sa gulat ang aking puso nang may biglang tumawag sa pangalan ko. At nang pumasok ako sa room namin ay laking gulat ko na nando’n si Vivian!

“Vivian?!”

“Bakla ka ng taon! Gulat na gulat yarn?!”

Brusko pa itong lumapit sa akin at umakbay sa akin.

“Dito ka rin mag-aaral? Classmates tayo?”

Tumawa siya. “Oo naman! Kita mong naka-uniform na ako. Sheyt lang nitong palda nila, dapat ng above the knee talaga!”

Natawa ako. I eyed her. Bagay naman sa kanya ang pleated shirt na uniform kaso lang kasi magaslaw gumalaw itong si Vivian. Lalaking-lalaki ang pa ang datingan. Kung hindi lang mahaba ang buhok ay aakalain mong lalaki.

“Bakit hindi mo sinabi sa akin? Kinabahan ako kasi akala ko wala akong magiging kilala rito!”

“Sabi ko naman sa’yo na sasamahan kita, di ba? Syempre, gusto kong i-surprise ka!” Kinumpas-kumpas niya pa ang kamay. “At saka, mas gusto ito ng mga parents ko kasi nasa iisang school na kami ni Ate. Hindi na sila mahihirapang magbantay sa akin!”

Sobrang tuwa ko na classmate kami ni Vivian. Madali ko ring naging kaibigan ang ilan naming classmates dahil sa kanya. Mula kami sa iba’t ibang school at dito lang din nagkakilala.

Hindi na ako nagtext kay Zadkiel sa lunch kasi kasama ako si Vivian at si Leon. Si Leon ay classmate namin at dahil wala rin siyang ibang kilala sa amin siya sumama. Si Leon ay medyo matangkad na lalaki, tama lang ang pangangatawan, at pogi! Mayaman din!

“Wow! Ang sosyal ng mga tao rito!” Ani Vivian pagpasok namin ng cafeteria.

“I’ll find us a table.” Boluntaryo naman ni Leon.

“Ay, sige! Samahan mo na, Leinne.” Tulak ni Vivian sa akin tungo kay Leon. Muntik na akong ma-out of balance. Mabuti at nahawakan ni Leon ang aking likod.

“Careful,” ani Leon.

“Sorry, Leon. Si Vivian kasi eh.”

Tumawa lang si Leon. “It’s nothing. Halika. Maghanap na lang tayo ng table.”

Tinaguan ko ang lalaki.

Habang naghahanap kami ni Leon ng table ay nahagip naman ng mata ko si Zadkiel kasama ang mga kaibigan nito. Iyong mga pumunta sa bahay nila dati para sa isang project. Sa tabi nito ay si Stacy at parang tuko na kumakapit sa lalaki!

“Dito tayo, Leinne!” Tawag naman ni Leon sa akin.

“Oh!” Tanging sambit ko at pinutol ang titig sa direksyon nila Zadkiel.

Paupo na ako sa tabi ni Leon nang lumingon pa talaga itong ulo ko sa pwesto nila Zadkiel. Nanlaki ang mata ko nang magtama ang mata namin.

Hindi ko alam kung sa distansya ba o ano pero parang ang sama ng tingin niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Kaso nanliit lang ang mata niya… akala ko sa akin siya nakatingin. Sa katabi ko pala… kay Leon!


This story is already at

chapter 7

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 4

Chapter 4

Leinne’s Pov

Kung nung elementary ako ay nabu-bully ako ng aking mga classmates dahil sa pagiging malamya ko at pagiging malambot. Dito sa highschool ay hindi. Kung dati si Vivian lang talaga ang friend ko, ngayon sa highschool ay hindi na. Marami na akong friends na classmates ko. Pero syempre, bestfriend ko pa rin si Vivian. Wala yatang papantay sa babaeng iyon.

Si Leon ay palagi na rin naming kasama ni Vivian kumain. Mukhang nasanay na siya sa company namin. May ibang nag-aaya kay Leon kaso sa amin siya sumasama.

As for Zadkiel naman, hindi ko na lang inisip iyong masasamang titig niya kay Leon. Ganon na kasi siya eh. Inborn masungit na siya, cold, at may pagka-distant na tao. Pili lang ang taong pinapakitaan niya ng kabutihan.

“Argh! Reporting na naman!” Gusot ang mukhang reklamo ni Vivian. Nire-review niya ang gawang presentation para sa reporting namin sa AralPan. (Araling Panlipunan)

“Last subject na lang ito bago maglunch, Vivian.” Wika naman ni Leon.

Sumimangot lang siya sa amin ni Leon. Tabi kasi kami ni Leon ng chair. Kami ang nasa pinaka-unang row. Si Leon, ako, tapos si Vivian. Tapos na kami ni Leon sa reporting namin kasi group 1 si Leon at group 2 naman ako.

Inunan ni Leon ang baba sa aking balikat. Bahagya ko siyang nilingon. Ngumiti siya sa akin. Sa una ay medyo awkward para sa akin ang ganitong galawan ni Leon. Ngunit nang tumagal ay okay naman. May pagka-clingy lang talaga siya. And what amazes me is that he doesn’t mind doing it even if he knows that I’m gay. Minsan nga niyayakap niya ako bigla at inaamoy ang buhok ko.

“Ang duga kasi dahil hindi tayo groupmates. Sa susunod kung may groupings dapat hindi tayo magkatabi para naman magkasama tayo!” Panghihimutok niya at ginulo ang buhok. Sunod ko namang inayos ang buhok niya.

Natawa ako. Nagdadalaga na itong kaibigan ko pero ang gaslaw pa rin gumalaw!

“Tapos pagagalitan tayo ng teachers kasi ang gulo natin kapag may groupings?” sabi ko.

Umungol na lang si Vivian at pinagpapatid ang paa na parang batang nagta-tantrums!

Umiling ako. Kahit kailan talaga itong babaeng ito! Napabaling naman ako kay Leon nang kilabitin niya ang aking balikat.

“May baon ka ulit?” tanong niya sa akin. This time, pinaglalaruan niya ang daliri ko.

“Hmm!” Tango ko. Lagi naman akong hinahandaan ni Mama Norberta ng baon sa school. May snacks at lunch na hinahanda si Mama para sa akin para makatipid kami.

“Anong ulam mo ngayon?” Suna niyang tanong.

“Mmm, pritong isda lang at pakbet. Bakit?”

“Exchange tayo.”

“Ulit?”

“Oo, ayaw mo ba?”

Pinaningkitan ko si Leon sa aking mata. Ilang beses na kami nag exchange ng baon. Gusto niya raw kasi ang mga baon ko. Siya kasi kadalasan ay bumibili lang sa cafeteria ng lunch. Eh ako na nagtitipid ay hanggang tubig at juice lang ang binibili. Mayaman nga kasi itong si Leon kaya ganon.

“Gusto mo ulit mag-exchange tayo ng baon?” Ulit kong tanong sa kanya.

“Oo naman. Masarap kasi ang luto ng mama mo. Hinahanap ko tuloy.”

Nambola pa talaga siya!

Nilukot ko ang aking ilong bago siya tinanguan. Kinurot niya ang pisngi ko.

“Anong gusto mong ulam? Ako na oorder mamaya para sa’yo.”

Maloko akong ngumiti sa kanya. Humagikhik ako.

“Gusto ko no’ng beef steak sa cafeteria, tapos iyong squid, order-an mo na rin ako no’ng mango float nila at fruit salad, at softdrinks!”

Natatawa lang si Leon habang nakikinig sa mga pinagsasabi ko.

“Niloloko mo yata ako, Leon!” Puna ko kasi ngumingisi lang siya. Parang di nakikinig sa mga sinasabi ko.

“Hindi. I’m actually making a mental note of what you said.”

May pagdududa ko siyang sinamaan ng tingin.

“Tama na ang landian ninyo d’yan!”

Patalon akong bumaling kay Vivian at sinampal ang kamay niya.

“Anong landian ka d’yan?”

Nginuso ni Vivian si Leon.

“Kayo ni Leon. Kung mag-usap kasi kayo ay parang di na ako nag-iexist dito. Ano ba ako rito? Upuan?”

“May reporting ka kasi. Saka pagkain lang pinag-uusapan namin. Exchange kami ni Leon ng lunch mamaya.” Ngisi ko. Iniisip ko na kasi ang lunch. Nagutom tuloy ako.

“Hoy, Leon! Ilibre mo rin ako sa lunch! Ansama nitong kaibigan. Si Leinne lang ang laging naambunan ng grasya!”

Humalakhak si Leon. “Hmm! Basta galingan mo sa report mo.”

“Babasahin ko lang ’tong report ko. Iyon din naman ang ginawa ng iba.” Matabang na wika ni Vivian.

“Papaano kung may magtanong?” ani ko.

“Edi, aabangan ko mamayang labasan.”

“Sira ka talaga!” Nasampal ko na naman si Vivian.

Nang dumating ang teacher namin sa AralPan ay hindi naman natuloy ang report nila Vivian. Halos tumalon sa tuwa si Vivian. Sa Monday na lang daw kasi may oral recitation kami tapos bukas, Biernes, ay may moving exam kami. Kaya naman kaagad ding binawi ang saya ng mga classmates ko, lalo na si Vivian.

Vivian was yapping about our upcoming exam, quiz, and activities for tomorrow while we were on our way to the cafeteria. Napapailing na lang si Leon sa inasta ni Vivian.

“Hanap na lang kayo ng table natin. Ako na oorder ng mga pagkain ninyo.” Boluntaryo naman ni Leon.

“Libre mo, Leon?”

Siniko ko si Vivian. Para talagang walang pera itong babaeng ito.

“Hmm, para na rin mabawasan iyang sama ng loob mo. Hindi ka nakasagot sa recitation earlier eh.”

At sinapak naman ni Vivian si Leon.

“Sige na, Leon. Sunod ka na lang sa amin ha.”

He nodded. “I will.”

Hinila ko na si Vivian. Tingin ko, isa pa talaga sa kinasama ng araw niya ay iyong hindi siya nakasagot kanina sa oral namin. Binubulong ko na nga sa kanya ang sagot kaso hindi niya pa narinig.

May mga malapit naman na mall at kainan sa university kaso lang marami rin talaga ang kumakain dito sa cafeteria. Malaking university rin kasi itong ANU (Axis National University). May highschool siya at college at kilala pa kaya marami talagang estudyante.

Nang makakita ako ng bakanteng table ay kaagad kong hinila si Vivian tungo roon. Naiiyak pa rin siya kahit sa pag-upo namin.

Nang maibaba ni Vivian ang bag sa table namin ay tinakip niya ang dalawanag palad sa kanyang mukha.

“Hoy, mababawi pa naman iyong oral recitation na hindi nasagutan, Vivian.” Console ko sa kanya.

Madrama niyang binaba ang kamay at umaktong umiiyak kahit na walang luha. May hikbi pa.

“Sinabi ko bang iyon ang pino-problema ko?”

Nagusot ang mukha ko. “Eh, ano ba? Ang mga quiz at activities bukas?”

“Hindi! Kailan ba ako may paki d’yan?”

Tamad ko siyang pinukol ng tingin. Oo nga pala. “Eh ano ba?”

“Iniisip ko lang na hindi ko mai-enjoy ang weekend kasi may iisipin akong report sa lunes.”

Muntik ko na siyang masapak.

“Sira ka talaga! Akala ko iyong recitation at mga quiz ang inaarte mo. Kaya pala iba ang feeling ko sa drama mo!” Asik ko rito.

“Kaibigan kita, Leinne, pero minsan grabe ka na rin sa akin ha. Mabuting mag-aaral pa rin ako, ’no!”

Binelatan ko siya.

“Sige ka, kapag bumagsak ako, babagsak ka rin!”

“Hoy!” Suway ko sa kanya. “Nags-study na ako.”

“Hindi natin gawain iyon, Leinne.”

“Ewan ko sa’yo, Vivian! Nakakahiya naman kina Ma’am Ulysses na bulakbol ako.”

“Aysus-”

Naputol naman si Vivian nang umugong ang ingay sa cafeteria dahil sa mga bagong dating. I craned my neck and my eyes landed on the cafeteria entrance. Papasok sina Zadkiel and company! Kumukulampit na naman sa braso ni Zadkiel si Stacy. Si Stacy ay pangiti-ngiti samantalang si Zadkiel naman ay mukhang bagot at walang emosyon ang mukha.

“Gustong-gusto siguro ni Zadkiel si Stacy, ’no?”

“Tingin ko rin. Si Stacy lang kasi ang tumagal na GF niya.”

“Tama. Si Stacy lang yata ang GF ni Zadkiel na umabot ng ilang buwan.”

“Ang ganda rin kasi ni Stacy.”

“Tama. Bagay na bagay. Gwapo at maganda.”

Bumuntonghininga ako at winaglit na lamang ang mga samo’t saring bulong-bulongan sa paligid. Nagbaba ako ng tingin at kinuha ang baon ko.

Ang childish ko talaga no’ng naisip ko na ako ang pinaka-close na tao sa buhay ni Zadkiel. Ni hindi ko naisip ang mga gantong bagay. Na may ibang buhay siya at may ibang tao na malapit sa kanya aside sa akin. We’re best friends pero mukhang sa bahay lang. Dito sa eskwela-sa labas ay may iba-iba kaming buhay.

How pathetic!

“Oi,” si Vivian sabay tampal sa kamay ko.

“Oh?”

Ngumuso siya. “Sina Zadkiel, oh!”

Sinundan ko ang direksyon ng kanyang nguso at medyo nagulat nang sa katabing pwesto namin sila umupo!

“Hi, Leinne!” si Felix ang unang bumati sa akin.

“Leinne,” bati ni Jurity.

“Hello, Leinne!” si Stacy.

Kilala ko ang tatlo kasi kasama sila no’ng pumunta sila sa bahay ni Zadkiel at ilang beses ko na rin silang nakita dito sa cafeteria. Though, hindi kami nag-uusap. Si Zadkiel lang naman ang kaibigan ko sa kanila. Iyong ibang kasama nila sa project noon ay hindi ko masyadong nakikita na kasama nila.

Maliit akong kumaway sa kanila. “Hello po!”

“Hindi ka pa kumain?” Lumipad ang mata ko kay Zadkiel nang magsalita ito.

“Hindi pa. Hinihintay namin ang kasama namin.” saad ko.

“Oo, Zadkiel. Kararating lang din naman namin.” Singit ni Vivian.

Tango lang ang binigay ni Zadkiel kay Vivian.

“Kumain ka na. May baon kang lunch, right?”

“Oh, kayo rin.”

Naputol din ang aming pag-uusap nang humarang sa gitna ang katawan ni Leon. Umusog ako upang makaupo siya sa tabi ko.

“Ang daming nakapila. Sorry, natagalan ako. Are you hungry?” ani Leon at isa-isang nilagay sa mesa namin ang pagkaing binili.

My eyes shimmered when I saw the foods. Tanda niya nga ang mga sinabi ko kanina!

“Salamat, Leon! Galanti mo talaga! Sana palagi ito!” Walang hiyang untag ni Vivian.

“Vivian!” Suway ko rito.

Hindi naman ito inintindi ni Leon. Sanay na.

“Akin na ang baon mo.”

Binigay ko kay Leon ang baon ko.

“Kuha ka rin nitong mga binili mo sa akin.” Respetong aya ko.

“No, sa’yo na iyan. I know mauubos mo naman sila.”

“Tama ka, Leon! Sa liit ni Leinne parang may makina ng pagkain sa t’yan! Lakas kumain eh di naman tumataba at lumalaki!” Saad ni Vivian kahit puno ang bibig!

“Kain ka na.” ani Leon sa akin.

Tumango ako sa kanya bago sumabo. Kaso natukso kami ni Felix.

“Ayie! Ang sweet naman. Boyfriend mo ito, Leinne?”

Bilog ang pisngi ko sa pagkain. Hindi ako makapagsalita dahil sa punong bibig kaya umiling ako kay Felix. Si Zadkiel naman sa tabi nito ay nakakunot noo lang. Mukhang nababadtrip na ewan.

“No. We’re not.” Nakahinga ako ng maluwag sa sagot ni Leon.

“Weh? Bakit may pa palit kayo ng baon? Are you that caring towards Leinne, bro?” si Felix.

The girls on their table chuckles. Tingin ko si Zadkiel lang ang wala sa mood. Lagi namang ganyan.

“Masarap kasi ang baon ni Leinne. Minsan lang akong nakakakain ng ganito. That’s why…”

“T-tama si Leon. Saka mabuting magkaibigan kami.” Salba ko rin kay Leon nang malunok ang kinakain.

“Akala ko iba na eh.” Hagikhik ni Felix. “Parang magka-ibigan.”

“Wala rin namang masama.” Komento ni Jurity.

“Yeah. Are you into gays ba, Leon?” ani Stacy.

“Stop it, guys. Mga bata pa ang mga iyan.” Malamig na wika ni Zadkiel.

“Biro lang iyon, Zadkiel.” Baling ni Felix kay Zadkiel.

Hindi na umimik ang lalaki.

Matapos ang lunch ay panay ang hingi ko ng paumanhin kay Leon. Hanggang uwian namin. Kahit na sinasabi niyang wala iyon sa kanya ay nahihiya pa rin ako. Tinuksk tuloy siya sa akin.

“Sorry talaga, Leon.” saad ko kay Leon habang binabaktas namin ang daan palabas ng gate. Hindi namin kasama si Vivian kasi pumunta sa Ate niya.

“Leinne, pang ilang sorry mo na iyan. Wala lang iyon sa akin.”

“Eh, tinukso ka kasi sa akin.”

“I don’t see any problem with it, Leinne. I don’t really think about it, actually.”

Tiningala ko siya. Matangkad siya eh. “H-hindi ka ba naano na tinutukso ka sa isang bakla?”

Sabay kaming tumigil sa paglalakad. Yumuko siya ng konti at pinisil ang pisngi ko.

“Wala. I don’t feel disgusted or anything. So don’t think about it, okay?”

Ngumuso ako. “Tingin mo ba, huwag muna tayong mag-exchange ng baon?”

“I don’t want to. Exchange pa rin tayo ng baon.”

“Sure ka?”

“Sure na sure!”

May sumundo kay Leon kaya kumaway na lang ako sa kanya. Tumawid na rin ako ng daan kung saan ang SUV nina Zadkiel na naghihintay sa akin.

“Magandang…” naputol ang pagbati ko kay Kuya Celo nang makita ko si Zadkiel sa likod.

“Hello, Leinne! Kumusta ang eskwela?”

Ngumiti ako kay Kuya Celo. Tumabi ako kay Zadkiel sa backseat.

“Maayos naman po. Masaya po!” Kwelang sagot ko.

“Mabuti naman.”

Pinaandar na ni Kuya Celo ang kotse at umusad.

“Magandang hapon, Zadkiel.” Putol ko sa katahimikan namin ni Zadkiel.

“Lagi bang ganon?”

I scrunched my nose in confusion. Tumingin ako kay Kuya Celo sa harap kaso nagkibit lang siya ng balikat sa akin. Clueless din si Kuya.

“Huh? Anong tinutukoy mo, Zadkiel?”

“Kaninang lunch break sa cafeteria.” Aniya at humarap sa akin.

“Alin doon?”

I saw how his jaws clenched. “Lagi ka bang nakikipagpalitan ng lunch doon sa classmate mo?”

“Kay Leon?”

Hindi siya nagsalita.

Wala sa sarili kong hinawakan ang braso niya. Bumuntong hininga siya. Naninigas pa rin ang panga.

“Minsan lang. Kapag gusto niya ang baon ko. Tulad ng pakbet ni Mama at adobo.” Tumawa pa ako kaso nanatili siyang seryoso. Naitikom kong muli ang bibig.

“Ayaw mo ba no’n?”

“Huh? Hindi naman. Sini-share ko lang kay Leon kasi walang nagluluto sa kanya sa bahay nila. Hindi raw siya nakakakain ng ganon sa kanila. Kaya ganon.” I elaborated.

“Huwag kang magbaon ng pakbet at adobo.”

“Eh, Zadkiel…”

“Kung gusto mo no’ng fruit salad, beef steak, mango float, at squid. Just tell me, ako na ang bibili for you. Sa akin mo ibigay ang ibabaon ni Tita Norberta para sa’yo.”


This story is already at

chapter 11

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 5

Chapter 5

Leinne’s Pov

Hindi ko alam na seseryosohin ni Zadkiel ang kanyang sinabi sa akin na magpapalit kami ng baon. Every lunch namin ay nakikita ko na siya sa canteen at awtomatik na nabinibigay niya sa akin ang kanyang biniling lunch. Iba-iba pa ang putahe sa isang linggo! He knew I like sweets kaya naman may dessert din iyon palagi. Though ang comfort food ko talaga ay mallows at ice cream.

May pagkakataon pa nga na siya ang pumunta sa room namin para kunin ang baon ko. Nagtataka ako sa ginagawa niya pero hindi ko siya kinu-kwestsyon doon. Mabait lang talaga sa akin ang kaibigan at baka naaawa.

Dahil doon hindi na kami nagkaka-exchange ng baon ni Leon. Si Vivian nga ay napansin iyon.

“Taray mo naman, badet. Laging nakaka-libre ng lunch dahil kay Zadkiel!” Tukso ni Vivian sa akin. Kakarating lang nila ni Leon dala ang kanilang biniling lunch.

Magulo ang pagsapo ni Vivian sa kanyang uniform at sumalampak sa tabi ko. Mabuti na lang talaga ay may shorts siya kaya di nakikitaan. Halos makita ko na nga rin ang shorts niyang mahaba.

“Anong meron at bakit si bestfriend na ang bumibili ng lunch mo?” Pagdagdag ni Vivian at ang tinutukoy niyang bestfriend ay si Zadkiel. Of course, wala namang ibang bumibili ng lunch ko lately kung hindi si Zadkiel.

“Ewan ko. Baka lang naaawa?” sabi ko naman at kinuha ang aking spoon and fork sa bag.

“Hay, ewan ko talaga!”

Luminga ako sa paligid ng cafeteria at pansin kong wala naman si Zadkiel sa paligid. Itong lunch ko nga ay hinatid niya lang kanina sa room namin.

Mga buwan na simula nung pumasok ako dito sa school ngunit hindi ko pa rin talaga familiar ang mga mukha ng estudyante sa akin. Ang laki kasi ng population nitong school.

“Kain na, Leinne.” Anyaya bigla ni Leon sa akin nang hindi ko magalaw ang aking pagkain.

“Ah, oo.” Sambit ko na lang at nagbaba ng tingin sa aking pagkain. 

Maingay si Vivian habang kumakain kami. Tapos na siya sa reporting nila pero panay pa rin ang reklamo sa klase. Ang dami raw naming ginagawa at di pa nauubusan ng assignments ang mga subject teachers namin.

“Ayokong sauluhin iyong periodic table of elements!” Wika niya habang ngumunguya.

“Madali lang naman siyang i-memorize, Vivian.” ani Leon at uminom sa kanyang tubig.

“Madali sa’yo, Leon, kasi parang sponge ang utak mo na ang daling maka-absorbed ng information. Eh, papaano naman ako? Naaalala ko ngayon pero mamaya lumipad na ang mga natutunan ko.” Pabalang naman na wika ni Vivian.

Umiling ako sa kanya.

Actually, hindi ko naman din iyon sinaulo talaga. Paulit-ulit lang siya binasa hanggang sa parang naf-familiarize ko na siya. Saka kung may quiz naman kami ay pwede naman kaming magdala ng periodic table.

“Hindi mo uubusin ang lunch mo?” ani ko kay Leon nang makita ko na ang dami pa ng sobrang pagkain sa plato niya. Nagc-cellphone na siya sa tapat ko.

Tinaob niya sa mesa ang telepono. 

“I’m already full, Leinne. Gusto mo ba nito?”

Umiling ako sa alok niya. Marami na akong nakain. Marami kasi ang biniling lunch si Zadkiel para sa akin.

“Parang hindi mo naman ginalaw ang pagkain mo.” ani ko at nasasayangan sa kanyang pagkain. Marami kayang mga bata d’yan na hindi makakain ng tama.

Mahigpit talagang bilin ni Mama sa akin na huwag magsayang ng pagkain kasi hindi lahat may pagkaing nahahain sa kanilang mesa. May libo-libong t’yan na tinutulugan na lang ang gutom. At hindi rin madali ang pag-aani ng mga ito.

“Mas gusto ko kasi ang luto ng Mama mo, Leinne. Namiss ko ang mga baon mo.”

Umubo naman si Vivian sa tabi. Inalok ko siya ng tubig kaso nag-wasiwas naman siya sa kanyang kamay.

“Gusto mo bang ipagbaon din kita?”

Sumigla bigla ang mata ni Leon. “Talaga? Pwede?”

Ngumiti ako sa kaibigan.  “Oo naman. Sasabihin ko kay Mama na ipagbalot ka rin. Basta uubusin mo. Ayaw ni Mama na hindi nauubos ang pagkain.”

Maganang tumango si Leon.

“Of course! Uubusin ko sila. Magbibigay ba ako ng pera sa Mama mo for groceries?”

Natawa ako kay Leon. “Hindi na.”

Lumabi siya sa akin. “Nakakahiya naman sa Mama mo, Leinne.”

“Sasabihin ko pa naman kung maaari.”

“You’re right.” aniya at malapad ang naging ngiti sa akin.

After ng lunch ay naglakad-lakad muna kami para naman tunawan sa lahat ng nakain. Busog na busog ako. Kumuha rin si Leon ng mga larawan namin doon.

“Balik na tayo sa room? Nagugutom na naman ako sa paglalakad natin eh.” Reklamo na ni Vivian.

“Mabuti pa nga.” Sang ayon din kaagad ni Leon. “Ang tirik ng araw eh.”

“Ah, CR muna ako. Una na kayo sa room, Vivian, Leon.”

“Samahan ka na namin, Leinne.” ani Vivian.

“Hindi na. Kayo ko naman eh.” Agap ko kay Vivian.

“Sure ka?”

Natawa ako kay Vivian. “Oo. At saka hindi naman ako bata na kailangan ninyong samahan eh.”

“Sige na nga.” ani Vivian na parang napipilitan pa.

“Sumunod ka sa amin ha.” si Leon.

“Hmm!” ani ko sa dalawa at kumaway sa kanila.

Humiwalay rin ako sa dalawa dahil magbabanyo pa ako. Binibilisan ko rin ang aking hakbang kasi malapit nang mag-1PM, start na naman ng afternoon class. Ngunit napatigil ako sa aking paglalakad at tumago sa isang dingding nang makita ko ang grupo ng babae, sina Jurity at Stacy tapos may ibang babae pa silang kasama. Naka-bilog pa sila at nag-uusap.

“Pumayag ka naman sa ginagawa ni Zadkiel, Stacy?” Si Jurity na ang nagsasalita nang maabutan ko sila.

Hindi ako makatuloy tungo sa CR kasi nakaharang sila daan tungo sa banyo ng boys at girls.

“Oo nga, Stacy. Ikaw ang girlfriend ni Zadkiel pero iba ang binibigyan ng lunch!” Boses ng isang babae.

“I can’t bring that subject to Zadkiel, girls! Alam n’yo naman na best friend iyon ni Zadkiel, ’di ba?” si Stacy.

“Girl, ikaw ang girlfriend. Mas may karapatan ka compare doon sa batang iyon.”

“Oo nga. Saka pansin ko pa na iba ang kilos ng batang iyon.”

“Oh my god! Stop it, girls! Kita ko naman na hindi rin kinakain ni Zadkiel ang baon ng batang iyon. Sapat na sa akin ang bagay na ’yon!”

“Talaga, Stacy? Hindi niya kinakain? Eh, anong ginagawa sa mga foods na iyon?”

“I don’t really know, Jurity. Baka tinatapon.”

Mula sa pagtago ko ay unti-unti akong umatras bago tumakbo tungo sa aming classroom. Hinihingal ako at naninikip ang aking dibdib. Ayaw ko mang maniwala sa mga pinagsasabi nila ngunit ang kaisipang hindi kinakain ni Zadkiel iyong baon ko ay nasasaktan ako. Pinagpaguran iyon ng Mama ko.

Dumating ako sa room pero parang naiwan ang aking utak doon hallway.

“Nakapagbanyo ka na?” ani Vivian nang makaupo ako sa aking silya.

Wala pang ala una.

Kung hindi nagtanong si Vivian ay hindi ko maiisip na wala pa nga pala akong banyo. Hindi pala ako tumuloy kanina.

“O-oo. Hehehe!” Hilaw kong ngiti kay Vivian kaso sumimangot siya sa akin.

“Punasan mo ang pawis mo, Leinne. Hindi bagay sa mukha ang pagiging dugyutin.”

Matamlay ako buong maghapon. Hindi ko lang alam kung boring lang ba talaga ang teachers namin sa hapon o ano. Hanggang sa mag-uwian na kami. Sinabayan ako ni Leon. Kami na namang dalawa ang magkasama kasi si Vivian ay sumasabay sa kanyang Ate.

“Are you okay?” tanong ni Leon. Bitbit niya ang expanded envelop ko.

“Oo naman,” sagot ko sa kanya habang ang aking mata ay nasa daan namin.

“Really?”

Napatigil naman ako nang kapain ni Leon ang noo ko. Tamang nasa labas kami ng gate.

“Leon,”

“Tsini-check ko lang kung wala ka bang lagnat. Ang tamlay mo simula kanina. Gutom ka ba? Gusto mo bang bumili ng makakain?” Alok niya sa akin ngunit inilingan ko nalang siya.

“Hindi na, Leon. Uuwi na lang ako para makapagpahinga.” Matamlay kong wika.

“Okay, kung iyan ang gusto mo.”

“Sige na. Nand’yan na ang sundo mo oh. Akin na ang envelope ko.” ani ko sabay kuha ko sa aking envelope mula sa kanya.

“Ingat ka, Leinne.”

“Ingat ka rin, Leon.”

Ngumisi siya. “Ang baon ko, ha.”

Tumango ako. “Sasabihin ko kay Mama.”

“Dapat may cellphone ka, Leinne.”

Napakunot noo ako.

“Mahal siya eh tapos aanhin ko naman siya?” Lito kong sambit.

Tumango-tango si Leon at kumamot sa kanyang batok. Kumaway ako sa kanya. Akmang aalis na ako upang tumawid sa kabilang daan nang tawagin niya ulit ako.

“Leinne!”

Nilingon ko si Leon. Ngunit ganon na lang ang aking gulat nang bigla niyang hagkan ang aking pisngi!

“Bye, Leinne! See you tomorrow!” Kaway niya pero naiwan akong nabato sa aking kinatatayuan.

Nang makabawi ako ay napahawak ako sa aking pisngi kung saan niya ako hinalikan. Naipit ko ang aking labi at ngumiti. Tumingin ako sa paligid at mukhang wala namang nakapansin sa mabilis na halik na iyon. Namumula akong tumawid sa daan.

Bakit ako hinalikan ni Leon? Hindi naman siya ganon kapag nagpapaalam sa akin ah. Ginagaya niya ba ang napapanood sa telebisyon?

Hay! Bumuntong hininga ako.

Pangiti-ngiti akong kumatok sa salamin ng SUV. Bumaba naman iyon at nakita ko si Kuya Celo na hindi ko maintindihan kung natatae ba o ano.

“Magandang hapon, kuya Celo! Si Zadkiel po…” unti-unting nawala ang boses ko nang nginuso ni Kuya ang likod. Tumingkayad ako at sumilip doon. Laking gulat ko naman na nando’n na si Zadkiel. Masama ang timpla ng mukha. Kung anong kinaganda ng araw ay siyang kinasama ng ekspresyon ng mukha nito.

“Pasok ka na, Leinne. Kanina pa si Sir Zadkiel naghihintay.”

“O-okay po.” Kinakabahan kong untag.

Kanina pa siya? Nakita niya kaya na kiniss ako ni Leon? Eh, ano naman ang paki niya? Kaibigan ko naman si Leon.

“M-magandang hapon.” Untag ko matapos isara ang pinto ng kotse. Kinandong ko ang aking malaking bag.

“Let’s go, kuya,” ani Zadkiel na parang hindi ako narinig.

Tumango lang si Kuya Celo sa among masama yata ang araw.

“Kuya Celo, Zadkiel, sa susunod na matagalan ako ay okay lang po na iwan ninyo ako. Kaya ko naman pong mag-commute. Nakakahiya po na hinihintay ninyo ako.” Sabi ko naman.

“Leinne—”

Sumapaw ang boses ni Zadkiel.

“Papauwiin mo kami kasi gusto mong kasama ang paslit na iyon?” Saad ni Zadkiel.

“H-huh? Sinong paslit?” Lingon ko sa kanya, may pagtataka sa mukha. 

Gumalaw ang panga ni Zadkiel. “Leinne, ang bata-bata mo pa.”

“H-hindi. Grade seven na ako.” Pagtatanggol ko naman sa sarili ko kahit hindi ko maintindihan kung bakit lumihis kami sa pinag-uusapan.

“Kaya nga. Bata ka pa.”

“Eh, ano naman ngayon? Ano kung bata pa nga ako.”

Napaiwas siya ng tingin sabay dila sa kanyang labi.

“Bakit ka nagpapahalik kung ganon? Alam mong bata ka pa, kaya bakit ka nagpapahalik sa batang paslit na iyon!”

Bumilog ang mata ko habang nakatingin kay Zadkiel. Gulat akong nakita niya pala iyon! At ang tinutukoy niyang paslit ay si Leon!

Kung makapaslit naman siya kay Leon! Matangkad kaya si Leon saka nagbibinata pa kaya hindi pa ganon ka mature ang katawan! Later on, alam kung gaganda rin ang katawan no’n at popogi pa lalo!

“Ngayon hindi ka makasagot. Alam mo na ang mali mo?”

Matigas akong umiling kay Zadkiel.

“Kaibigan ko si Leon, Zadkiel.”

“Do friends kiss? Hinahalikan ba kita?”

Natigalgal ako.

“H-hindi naman sa ganon. Nagpapaalam lang siya sa akin.”

“Kung ako ang gagawa no’n. Hahayaan mo ba ako?”

“H-huh? Hindi este… ewan ko. Bigla lang din akong hinalikan ni Leon… sa pisngi lang naman.”

Napahilamos si Zadkiel sa kanyang mukha at maharas na bumuga ng hininga.

“Hinayaan mo siyang halikan ka.” Tunog pang-aakusa niya sa akin.

Ugh! Hindi ko nga iyon inaasahan! Bakit ba ang tigas ng ulo nitong si Zadkiel! Parang pinaparating niya sa akin na alam ko iyong ginagawa ni Leon pero hinayaan ko lang kasi gusto ko. Kung alam ko lang ay baka hindi rin ako pumayag!

Pero aaminin kung… medyo kinilig ako! First time iyon na may humalik sa akin maliban kay Mama!

Dinadaga ang dibdib ko dahil sa sama ng ekspresyon ni Zadkiel. Wala sa sarili akong napahawak sa bracelet na bigay niya.

“Kapag hinahayaan mo siyang gawin iyon. Iisipin niyang gusto mo siya.”

“T-talaga?”

“Yes!” Hingang malalim niya. Nagdikit ang kilay niya. “Gusto mo… ba siya?”

Umiling ako. “Then, huwag mo siyang hayaan na gawin iyon.”

“B-baka naman gesture niya lang iyon?”

“Gesture my ass!” Asik niya. Humulma ang panga niya.

“Kung hindi mo siya gusto, huwag kang papahalik ng ganon.”

“Pero kung gusto ko siya? Okay lang?”

Humasa ang ngipin niya at madiing napapikit sa mata.

“You’re still a minor. Hindi mo pa dapat iyon iniisip!”

“Kahit crush?”

“Huwag muna!”

Nagusot ang mukha ko. May tampo at inis pa ako sa kanya. Naunahan niya lang talaga ako sa bagay na ito!

“Kailan ba dapat?”

“When you’re already on your legal age!”

Sinamaan ko siya ng tingin at hindi na nagsalita. Grabe na siya kung maka-react doon sa halik ni Leon. Eh sa pisngi lang naman. Tatandaan ko nang pagsabihan si Leon. Hindi na ako papahalik. Ngunit papaano naman iyong mga baon ko na tinatatapon niya lang?

“Oo nga pala. Simula bukas hindi na tayo magpapalit ng baon.”

“What? Why? Because of that kid?”

Wala siyang binabanggit na pangalan pero alam ko namang si Leon ang tinutukoy niya. Ang init ng dugo niya roon sa kaibigan ko.

“Basta.” Matigas kong wika at tumingin sa labas.

“Leinne,”

Bahala ka d’yan. Anong akala niya? Siya lang ang sinusumpong?

“Darryl Leinne,”

Bumaling ako sa kanya pero inirapan ko lang siya. Nalaglag ang kanyang panga!

Kinabig niya ako at pwersahang hinarap sa kanya.

“What the hell did I do?” tanong niya at nagdidikit na ulit ang kilay.

“Wala,” maikling sagot ko at dumilim lang lalo ang mata niya.

“Bakit hindi na tayo magpapalit ng baon, ha? And what’s with the attitude?”

“Wala nga!”

“To hell with that!”

Napuno na rin ako sa kanya. “Eh, anong pang silbi ng pag-iexchange natin ng baon?! Tinatapon mo lang naman sila mabuti pa si Leon inuubos!” Sigaw ko rito.

“What?” Zadkiel stressed.

“Bakit? Akala mo hindi ko malalaman na tinatatapon mo ang—”

“I did not! Hindi ko tinatapon ang baon mo. You can ask kuya Celo. Alam niyang kinakain ko rito sa kotse ang baon mo. Ang dami kasing sinasabi ng mga classmates ko. Hindi ako nakakain ng payapa kasama sila kaya dito ako kumakain sa kotse!”

Tumingin ako kay Kuya Celo. Tumango siya sa akin.

Natamimi naman ako.

Iniwas ko lang ang aking tingin.

“Saan mo narinig na tinatatapon ko ang baon mo? May nagsabi sa’yo? Who? Name them!” Demand niya.

Kumibot ang labi ko.

“W-wala.”

“Stop lying to me, Leinne. It’s already obvious!”

Bumuntong hininga ako. Sumuko na ako at sinabi sa kanya ang aking narinig kanina.

“That was just their assumptions. Don’t believe them, okay?” aniya at ginulo ang aking buhok.

Umirap ako sa kanya.

“However, dapat klaruhin mo sa kaibigan mo ang ginawa niya sa’yo. You’re still a minor—barely a teen. At hindi maganda ang ginawa ng paslit mong classmate. Kung may crush ka, crush lang. Huwag kang papahalik kung sino-sino. They might take advantage of your innocence.” Leksyon ni Zadkiel na tinatak ko sa aking utak kahit na may inis at tampo ako sa kanya.

At nabalitaan ko na lang sa sumunod na araw na hiwalay na si Zadkiel at Stacy! I don’t know the details, but the months of their relationship just ended all of a sudden!


This story is already at

chapter 12

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 6

Chapter 6

Leinne’s Pov

Tuwang-tuwa si Mama Norberta nang sabihin ko sa kanya na gustong-gusto at namimiss na ni Leon ang kanyang luto. Kaya naman hindi na rin makatanggi si Mama nang sabihin ko sa kanya na ipagbalot din si Leon ng lunch.

Masaya si Mama na maliban kay Vivian ay may iba na akong kaibigan sa school. Pinaliwanag ko naman kay Mama na iba ang Axis doon sa Gloria Elementary School. Mostly sa mga classmates ko ngayon ay kaibigan ko na. Ngunit hindi naman lahat nakakasama ko sa lahat di tulad nina Leon at Vivian na parang magkadugtong na ang bituka namin.

Simula no’n ay nasanay na rin si Mama na dalawang baon ang kanyang ginagawa. Para sa akin at para kay Leon. Pero ang totoo talaga si Zadkiel naman ang kumakain sa lunch ko. Hindi ko lang ito sinasabi kay Mama.

At tungkol naman sa halik ni Leon sa aking pisngi. Pinaliwanag ko ito sa kanya. Napag-isip isip ko rin kasi ang sinabi ni Zadkiel and at some point may punto nga siya.

“I’m so sorry, Leinne. Naging uncomfortable ka ba dahil sa paghalik ko sa’yo?” ani Leon nang magkausap kami. Tapos na kami sa lunch no’n at naiwan kami ni Vivian sa aming mesa kasi sumakit ang t’yan. 

“Hindi ko inaasahan ang halik mo na iyon, Leon. Kaya hindi ko talaga alam kung ano rin ang nararamdaman ko sa oras iyon.”

“Sorry, Leinne. I promise hindi na iyon mauulit pa.”

“Mabuti naman, Leon. Ayaw ko lang din na magkaroon ng lamat ang ating pagkakaibigan.”

Naging mabuti ang usapan namin ni Leon at dahil doon hindi na naulit ang kanyang paghalik sa akin. Pero siguro likas nang gentleman si Leon kasi kapag may dala ako. Nagboboluntaryo ito na siya na ang bumitbit nito. Kapag din mabigat ang bag ko siya ang nagdadala nito.

Sa P.E namin siya lagi ang partner ko. Tapos lagi na rin siyang may dalang tissue kasi pawisin ako. Malamya ako at malambot kaso hindi siya nagrereklamo roon. Marami pa akong ginagawa sa katawan kaysa sa mga babae naming classmates at pinapanood niya lang ako.

“Ano naman ito?” Takang tanong ni Leon nang tingnan niya ang pouch na kadugtong na talaga sa buhay ko isang araw.

Laman ng aking pouch ang face powder, lip gloss, lip tint, suklay, Baby Johnson cologne at may blush on pa nga iyon. Bigay ng classmate kong mayaman. Kaso hindi na ako naglalagay ng ganon eh. Hindi pa ako masyadong marunong at nasuway na.

Nang minsan kasi akong naglagay no’n ay sinuway ako ni Zadkiel. Para daw akong na-sunburn sa putok na putok kong blush on. Nakikigaya lang naman ako sa mga classmates kong babae eh. Saka, sila nga minsan nag-aayos sa akin. Binabakla talaga nila ako lalo. Natutuwa naman ako!

“Mga gamit ko iyan. Ang iba d’yan bigay ng mga classmates natin. Ang bait nila, noh?” Masaya kong saad kay Leon.

“Binibigyan ka nila kasi bagay rin sa’yo. Ang ganda nga ng nilagay mo sa labi mo.” Nginuso niya pa ang labi ko.

“Lip gloss lang siya.”

Tumango siya. Titig na titig sa aking labi. “Maganda. Bagay sa labi mo.”

“Hala ka, Leon. Baka maging bakla ka na rin tulad ko, hah.” Pagbibiro ko sa kanya.

Tumawa lang siya at umayos sa kanyang pagkakaupo.

Masaya ang naging first year highschool ko dahil kina Vivian at Leon at pati rin ng mga classmates ko. Kaya naman nang mag-fourteenth birthday ako, May 24, ay inimbitahan ko ang aking mga kaklase.

Nagpaalam si Mama kay Ma’am Ulysses at Sir Zeus na magcelebrate ako ng birthday sa mansyon at pinayagan naman nila kami. Nasa ibang bansa si Zadkiel sa birthday ko kasi bakasyon at sumama siya sa kanyang magulang. Sa July pa kasi ang pasok niya. Magka-college na siya samantalang ako ay grade 8 na sa pasukan.

Medyo nalungkot ako kasi simula nang tumira ako sa mansyon, itong fourteenth birthday ko lang yata wala si Zadkiel. Hindi niya rin ako binati kahit sa telepono man lang. May telephone naman kasi rito sa mansyon nila eh.

“Happy birthday, Leinne!”

“Omg! You’re so beautiful talaga, Leinne. Happy birthday!”

“Happy birthday, Leinne! Here’s my small gift for you!”

“Happy birthday, Leinne! Ito ang gift ko sa’yo. By the way, ang sarap ng lumpia ng Mama mo. Ang sasarap ng foods!”

Kinilig ako sa mga pagbati at puri ng mga classmates ko sa luto ni Mama. Karamihan sa dumating sa birthday ko ay mga babae. Atsaka iyong ibang kaklase namin ay nagbabasyon sa ibang bansa. Patapos na rin kasi ang bakasyon namin. Mukhang sinusulit na nila ito.

“Salamat sa mga regalo ninyo.  Hindi na sana kayo nag-abala pa.” Nahihiya kong sabi sa mga kaklase ko.

“It’s nothing, Leinne. Bawing-bawi naman kami sa foods eh.”

Isa-isa kong pinasalamatan ang mga kaklase ko. As much as possible nilalapitan ko ang lahat para asikasuhin sila. Inisip ko kasi na nilaanan talaga nila ng oras itong birthday ko.

“Leinne,” ang pagkilabit ng kung sino mula sa aking likuran ay siyang nagpalingon sa akin.

“Leon!” Tuwang sambit ko nang makita si Leon. Malaki ang kanyang ngiti at saka itinaas niya ang kanyang gift para sa akin na nakasilid sa isang maliit na paper bag.

Niyakap ko si Leon.

“Akala ko nasa Singapore ka?” Sabi ko matapos ko itong yakapin.

“Kahapon pa ako nakauwi. I just want to surprise you.” aniya. “Here’s my gift for you.”

Ngumisi ako. “Pwede ko nang buksan?” Pagbibiro ko.

“Sure,”

I narrowed my eyes at him pero binuksan ko na rin ang regalo niya. Para kasing ang kampante niya sa kanyang gift sa akin. Halos lumuwa ang mata ko nang makita ko ang kanyang regalong pabango sa akin. Nasa babasaging bote pa iyon.

“Di-or? Dior?” Sambit ko sa kanya.

He smirked. “I hope you like.”

“Mukhang mahal siya, Leon.” Angil ko.

“Hindi naman.”

“Sayang sa pera.”

Umiling siya. “Masasayang ang pera kung hindi mo gagamitin. Kaya sana gamitin mo siya.”

Muli kong niyakap si Leon. Paulit-ulit din akong nagpasalamat sa kanya.

“Badet! Happy birthday!” Eskandalong sigaw ni Vivian.

Tumakbo kaagad siya palapit sa akin at niyakap ako. Akala mo naman talaga hindi kami nagkita ng ilang taon. Kahit na bakasyon ay nagkakasama pa rin naman kami ni Vivian eh. Lumalabas kami at minsan dinala niya ako sa bahay nila.

“Bakit ang tagal mo?” ani ko rito.

“Para nasa akin ang spotlight.”

“Sira ka!” Kurot ko sa kanya. “Sige na. Kumain ka na. Malapit nang maubos ang lumpia, sige ka.” Takot ko rito.

Inabot niya naman sa akin ang kanyang regalo. Syempre binuksan ko rin iyon at nakita kong mga damit iyon.

For the first time, marami ang pumunta sa birthday ko. For the first time, ang dami kong natanggap sa regalo mula sa aking mga bisita. May isa pa nga akong classmate na dinalhan ako ng cake. Mukhang alam nila na lavender ang favorite kong kulay kaya iyon din ang kulay ng cake ko.

Usually, kasi kapag birthday ko ay kapwa kasambahay lang ang mga kasama ko. Si Vivian lagi rin itong present at si Zadkiel. Ngunit ngayon wala si Zadkiel.  Okay lang naman na wala siya. Marami namang classmates ko na dumalo. Siguro kapag may nawalang isa, may maraming papalit dito.

Nang sumapit ang gabi ay nagsiuwian na rin ang mga classmates ko. Ang iba may bitbit ng lumpia. Syempre, hindi papahuli roon ang matakaw kong kaibigan. Ito pa.

“Anak, magpahinga ka na. Kami na rito.” Suway ni Mama sa akin nang akma ko siyang tulungan sa paghuhugas ng mga plato.

“Pero, Ma…”

“Alam kong pagod ka rin buong araw. Sige na. Humiga ka na roon. Buksan mo rin iyong ibang regalo ng classmates mo.” Batid ko ang tuwa sa boses ni Mama. First tima ko kasing mag-imbita ng ibang kaibigan. Nakilala niya rin kanina si Leon at aniya’y desente at mabait na lalaki raw!

Niyakap ko si Mama mula sa likod niya. Basa na kasi ang kamay nito at may bula na rin.

“Salamat, ma. Ang saya ko po ngayon!”

“Ano ka bang bata ka. Wala ito. Masaya na akong naibibigay ko ito sa’yo, anak. Sige na. Tatapusin ko na lang ito at susunod ako sa’yo.”

Pagkatapos kong maglinis ng katawan at magbihis ng puti na shirt at pink na cotton short-shorts ay humiga na ako sa higaan ko. Saka ko lang nararamdaman ang pagod nang humiga na ako sa kama. Kaya ipinagpaliban ko na ang pagbubukas ng regalo.

May ngiti sa labi ko nang ipikit ko ang aking mga mata. Nagtukbong ako sa kumot at nagpatangay sa antok. Kaso ilang minuto lang yata ang naging tulog ko nang maramdaman ko ang pagyugyog sa aking balikat.

“Mama?” anas ko sa inaantok na boses.

“Anak, pumanhik ka sa taas.”

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mama.

Nakapikit pa ang mata ko at gusot ang aking mukha. Inaantok na talaga ako tapos bigla akong ginising. Gusto ko tuloy magdabog. Kaso inuutusan ako ni Mama.

Pilit kong binangon ang inaantok na katawan. Pakiramdam ko hinihila pa ako ng aking kama pahiga.

Nagkamot ako sa aking t’yan. “Saan, Ma? Anong gagawin ko sa taas?” Pikit pa rin ang mga mata ko.

“Pumunta ka na lang doon. Doon ka pumunta sa kwarto ng kaibigan mo, sa kwarto ni Zadkiel.”

“Mmm,” wala sa sarili kong untag at saka lumabas ng maid’s quarter. Bumungad sa aking ang tahimik na sala. Malamig na rin at hinihila pa talaga ako ng antok.

Halos gumapang na ako paakyat ng ikalawang palapag ng mansyon. Dahil familiar na naman sa akin ang mansyon kahit na nanlalabo ang aking mata sa kaantukan, natunton ko pa rin ang pinto ng kwarto ni Zadkiel.

Kumatok ako roon. Walang sumagot.

Panaginip ko lang ba iyong sinabi ni Mama kanina?

Bakit walang sumasagot?

At saka nasa ibang bansa naman si Zadkiel. Ah.

Eh, bakit ako nandito ngayon?

Banas kong kinamot ang pisngi bago sinubukang pihitin ang doorknob ng pinto. Unti-unti akong nagising nang mapagtanto kong hindi ito naka-lock.

Nang umalis si Zadkiel sa bahay ay ni-lock niya ito. Tanda ko pa iyon kasi kaming dalawa ang nag-pack sa kanyang dadalhing mga gamit.

Nang buksan ko ang pinto ng kwarto ni Zadkiel ay bumungad sa akin ang maliqanag na silid. Bukas ang ilaw kaya kita ko ang pinaghalong kulay na biege at puting silid. Taliwas sa aking inaasahan na madilim na kwarto.

Sinong nagbukas ng ilaw?

Kinusot ko ang aking mata. Sinara ko ang pinto sa likod ko. Umawang ang labi ko nang matanaw ko ang ibabaw ng kama nito na may bulaklak doon at box may suklob na kulay lavender—my favorite color!

“Zadkiel?” Kahit hindi sigurado ay tinawag ko pa rin ang pangalan ng kaibigan.

Walang sumagot sa akin.

Lumapit ako sa kama at umupo. Nagpipigil sa ngiti kong kinuha ang bulaklak at inamoy ko iyon. Lavender din ang kulay ng bulaklak na hindi ko alam kung ano ang pangalan!

Mistulang nawala ang aking antok dahil doon. Kinuha ko ang maliit na papel.

“Happy birthday, Leinne. I’m sorry I’m late, but at least I made it on your birthday, right?” Basa ko sa nakasulat sa letter.

Luminga ako bago ito tinawag, “Zad—”

Naudlot ang aking pagtawag kay Zadkiel nang makita ko itong nakaksandal sa pinto ng banyo. Suot niya ang itim na sleeveless na yumayakap sa kanyang katawan na nilalamanan na ng muscles. Tapos kulay puti naman ang kanyang sweatpants. Medyo magulo ang kanyang buhok na wolfcut na hairstyle. Pagod din ang kanyang mata.

Napatayo ako bitbit ang bulaklak. “Z-Zadkiel… umuwi ka?”

Ngisi siyang umalis sa pagkakasandal doon sa pinto at sinilid ang magkabilang kamay sa bulsa. Swabe siyang humakbang palapit sa akin dahil parang napako na ang paa ko sa sahig.

“Happy birthday,” he said softly.

Yumakap ako sa kanya. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya pabalik sa akin.

“You miss me?”

“Hindi! Akala ko lang nakalimutan mo ang birthday ko! Hindi ka bumati sa akin.” May tampo kong saad sa kanya.

Ginulo niya ang buhok ko na parang bata ako rito sa harap niya.

“Papaano ko naman makakalimutan ang birthday mo? We’ve been celebrating your birthday ever since.”

Kumalas kami sa yakap.

“S-salamat sa flowers.”

“Nagustuhan mo?” Aniya at giniya ako pabalik sa kama.

Nag-indian sit ako at siya naman ay nasa sahig lang ang paa. Tinuko nuya ang dalawang kamay sa likod dahilan para umusli ang kanyang muscles.

“Oo, pero di ko kasi alam ang pangalan ng bulaklak na ’to! Pero ang ganda niya tapos favorite color ko pa siya!” Puno sa energy kong saad, parang hindi inantok kanina.

“Hydrangea, iyan ang pangalan ng bulaklak.”

“Hydrangea,” bulong ko naman.

Inabot niya iyong box kanina na kulay lavender ang balot.

“Here. Ito ang gift ko sa’yo.” Hilahad niya sa akin iyong box.

Binaba ko sa aking kandungan ang bulaklak.

“Bubuksan ko na?”

“Hmm!”

Excited kong pinunit ang cover nito. Hindi ko batid pero dumadagundong ang aking puso habang binubuksan ang regalo niya sa akin.

Napatigil ako nang makita ko na ang regalo niya sa akin.

“Z-Zadkiel,”

“Wala kang phone, right? Kapag wala ako rito, tulad nitong nakaraan hindi ako nakakatawag sa’yo whenever I need a friend. Kaya naisipan kong regaluhan ka.” Nakangiti niyang untag pero… pansin kong matamlay siya ngayon. May ngiti nga sa labi niya kaso may lungkot sa kanyang mga mata.

“Huh? E-eh, ang mahal naman ng regalo mo.”

“Isang beses ka lang naman nagbi-birthday sa isang taon. At ngayon lang naman ako may nairegalo na mahal sa’yo ah.”

Sumimangot ako sa kanya. Itinaas ko ang wrist ko upang makita niya ang bigay niyang bracelet sa akin.

“Ito. Mahal din kaya ito.”

“Matagal ko na naman ’yang binigay sa’yo.”

“P-pero, kasi…”

“I know you’re not a fan of expensive things, Leinne, but just this once… please accept it.”

Dumamba ako ng yakap sa kanya. Hinaplos niya naman ang likod ko. Kakaiba ang yakap niya ngayon sa akin. Hindi ko ito maipaliwanag. Parang ang bigat nito.

“Salamat, Zadkiel! Promise, iingatan ko ito!”

“Mmnn!”

Umayos ako sa aking pagkakaupo. Inabot naman ni Zadkiel ang shorts ko at binaba niya ito kasi umaangat at malapit na akong makitaan.

“Hindi mo gagamitin ang phone para makapag-chat o text ka sa mga lalaki o crush mo ha.”

“Huh? Wala… w-wala pa akong crush o lalaki ngayon!”

Pinanliitan niya ako sa kanyang mata. Halos mawala na ang mapusyaw na kulay hazel n’yang mata.

“Wala nga eh! Fourteen pa ako!”

“It’s fine na magka-crush ka. Huwag ka lang papahalik.”

Nagusot lalo ang mukha ko.

“Iyong kaibigan mo… iyong Leon. Hindi mo ba iyon crush?” Suna niya pa.

Nahihintakutan ko siyang pinukol ng tingin.

“Zadkiel, kaibigan ko si Leon! Hindi ako magkaka-crush sa kaibigan ko!” I preached.

Umawang ang kanyang labi. Ilang sandaling natigalgal si Zadkiel sa sinabi ko. Yumuko siya at ilang sandali lang ay yumugyog na ang balikat niya. Bigla siyang natawa at humiga sa kama. Natatawa pa rin.

Gumaan din ang pakiramdam ko nang marinig ko ang tawa niya. Unlike kanina na parang may dinaramdam siya.

“Zadkiel, anong nangyayari sa’yo?”

“Nothing.” Tinakpan niya ang mata gamit ang braso. Nilagay ko sa gitna namin ni Zadkiel ang bulaklak at gift niya sa akin. Humiga rin ako sa kama tulad niya. Namiss ko ulit matulog dito.

“Zadkiel?”

“Hmm!”

“May favor sana ako.” Sabi ko at deretso lang ang mata ko sa kisame.

“Mmm, what is it?”

“Pwede bang matulog ulit ako rito sa kwarto mo? Kahit ngayon lang?” Binaling ko ang aking ulo sa kanya.

Saglit akong nagulat nang maabutan ko siyang nakatitig pala sa akin. Kumabog ang aking dibdib. Nagtagpo ang mga mata namin ni Zadkiel at sa unang pagkakataon para akong natutunaw habang tinititigan niya.

He smiled, his eyes shimmering for some reason.  “Mmm, no worries.”


This story is already at

chapter 14

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 7

Chapter 7

Leinne’s Pov

Bago kami natulog ni Zadkiel ay in-start muna namin ang cellphone ko. Kinikilig ako sa sobrang tuwa na may cellphone na ako. Hindi naman ako naiinggit sa mga ganito kasi may cellphone naman si Vivian at Leon na pwede kong hiramin. Hinahayaan nila akong maglaro doon sa kanilang cellphone at kahit pa mapuno sa mukha ko ang gallery ng cellphone nila.

Nakadapa ako sa kama ni Zadkiel habang ini-start niya iyon. Malakas pa ang kabog ng puso ko dahil sa sobrang kalagakan. Si Zadkiel naman sa tapat ko ay naka-indian sit.

Nang matapos iyon ay sinubukan ko kaagad ang camera nito. Sobrang tuwa ko naman dahil sa linaw ng kuha. O baka malinaw kasi si Zadkiel ang kinunan? Sunod ay c-in-onnect ni Zadkiel ang aking cellphone sa Wi-Fi ng bahay.

“May social media accounts ka na?” Rinig kong tanong ni Zadkiel sa akin habang nakatuon ang aking mata sa cellphone. Nagd-download ako ng mga Apps.

Tumango ako kay Zadkiel bilang sagot.

“What? How did I not know about your social media account?”

Doon ko naiangat ang mata sa kanya. Bumangon ako mula sa pagkakadapa ko sa kama. Ngumuso ako sa kanya nang makita ko ang paglalim ng kunot sa kanyang noo.

Tatanda talaga ng mabilis itong si Zadkiel dahil sa pagiging bugnutin niya at kasungitan. Wala namang masama sa pagngiti ah. But I noticed that girls flock to men like him. Iyong parang masungit tingnan, cold, at istrikto. Kahit iyong mga classmates kong babae ay kinikilig sa ganon. In which I don’t understand.

Hindi ba mas mabuti kong mabait ang lalaki?

Ako kasi hindi. Ayaw ko sa ganon. Gusto ko iyong pala-ngiti, approachable tingnan, at sweet!

My face heated at my own thoughts. Zadkiel cleared his throat kaya naman muli akong bumalik sa reyalidad at tinuon ang mata sa kanya. Napatikhim na rin tuloy ako. Kung saan-saan na naman umaabot ang aking utak.

“A-ah, may Facebook na ako. Ginawan ako ni Leon at ni Vivian.” sagot ko sa kanya.

The deep wrinkles on his forehead gradually relaxed.

“Really?”

“Oo!”

“Matagal na ba?”

Umiling ako sa kanya. Muli akong nagbaba ng tingin sa aking bagong-bago na cellphone. Kung wala lang si Zadkiel dito sa harap ko ay niyakap ko na ito. Matapos i-update ang mga Apps ay binuksan ko na ang mga ito. Una kong binuksan ang Facebook para makapag-log in na ako. I’m sure matutuwa sila Vivian kapag nakita nila na online ako bigla. 

“Hindi naman. Nitong bakasyon lang. Wala kasi akong Facebook tapos nasa ibang bansa si Leon. Sabi niya para daw mabilis ang communication namin ay gumawa ako no’n. Kaya ayon, ginawan ako ni Vivian sa cellphone niya.” Satsat ko naman pero ilang sandali lang ay naramdaman ko ang maririing titig ni Zadkiel sa akin. Mahirap iyong hindi pansinin kasi masyadong nakaka-distract ang titig niya.

Maingat akong nag-angat ng tingin kay Zadkiel at ganon na lang ang talon ng aking puso nang matagpuan ko siyang umiigting ang panga. Nagtatagpo ang kilay at nanliliit ang kanyang mata sa akin.

Ay?

“A-anong… bakit ganyan ka makatingin sa akin, Zadkiel?” Maingat kong tanong sa kanya dahil parang konting maling tanong ko lang ay bubulwak na ang galit niya.

Kulang ba ito sa pahinga? Siguro may jetlag pa mula sa mahabang byahe? Ay ewan ko ba! Baka naman dahil gabi na kaya wala na siya sa mood. Naubos na ba ang social battery niya? Kami lang naman dalawa ah.

Inabot ko ang kanyang braso at hinaplos ko ito gamit ang hinlalaki ko. I gave him a faint smile and watched as his tense, stoic face softened, like butter melting over a fading flame, slowly losing its hardness.

“Why didn’t you tell me na gumawa ka ng Facebook? Natawagan din sana kita—nakausap habang nasa ibang bansa rin ako. Hindi lang naman ang paslit na iyon ang kaibigan mo ah.”

Humagikhik ako. “Oi, nagbibinata na kaya si Leon.”

Umismid naman siya.

“Ito na. Ito ang Facebook ko. Sorry kung hindi kita na-add. Akala ko kasi hindi ka mahilig sa ganito.”

Itinaas ko ang cellphone ko at pinakita sa kanya ang profile ko sa Facebook. Mariin akong nakapikit doon sa profile ko at ang dalawang biloy ko naman ay tinusok ko gamit ang aking index finger. Sabi kasi ni Vivian cute ako roon.

Kinuha naman ni Zadkiel ang cellphone ko at kinalkal niya ang aking Facebook. Hindi naman ako takot na pakielaman niya iyon kasi parang wala na akong natatago sa kaibigan kong ito.

“Wala ka pang masyadong friends,” aniya mayamaya habang naglilikot pa ang kamay kaka-scroll sa aking Facebook.

“Sabi ko naman kasi sa’yo, bago pa siya.”

“Nagsend ako ng friend request sa aking facebook. I’ll just confirm your friend request later.”

Walang alinlangan akong tumango sa kanya.

“Walang problema.”

Nang ibalik ni Zadkiel sa akin ang aking cellphone ay kinunan ko naman ng picture ang bulaklak. Tumayo naman si Zadkiel upang kumuha ng extra na kumot para sa akin.

Malikot kasi akong katabi sa kama. Kahit si Mama nga minsan nasasakal ko sa aking kamay. Well, hindi naman nagrereklamo si Zadkiel sa pagiging malikot ko. Kaso na nanakawan ko siya ng kumot kaya ngayon tig-iisa kami.

“Zadkiel, bababa muna ako upang magpaalam kay Mama na rito ako matutulog.”

Sumampa siya sa kama at nilagay sa tabi ko ang aking kumot.

“I think Tita won’t mind if you sleep in my room, Leinne. Besides, she knows we’re really good friends.”

Humaba ang nguso at napag-isip isip ang kanyang sinabi.

“Also, baka pagod din si Tita kaya tulog na iyon.”

Nakumbinsi din naman ako ni Zadkiel sa kanyang sinabi kaya naman hindi na ako bumaba. Nilagay ko lang ang regalo niyang bulaklak sa akin at ang cellphone ko sa isang sofa sa tabi.

“Papatayin ko na ang ilaw.” Paalam ko sa kanya dahil naka-pwesto na rin naman siya roon kabilang side ng kama.

“Sure,” aniya.

Naiwan na bukas ang lampshade sa kanyang tabi. Nang makasampa ako sa kama at makahiga ay pinatay niya rin iyon.

Kahit na wala nang ilaw sa loob ng silid ni Zadkiel may liwanag pa ring tumatagos mula sa kurtina ng bintana. Maliwanag at bilog siguro ang buwan sa labas kaya ganon.

Tumagilid ako at inunan ko ang aking kamay sa aking pisngi. Dahil doon malaya kong natitigan ang side profile ni Zadkiel. Ang tangos talaga ng ilong niya tapos mahahaba pa ang makapal niyang pilik mata. Kung hindi lang talaga siya masyado suplado tingnan ay baka mas marami pa ang magkaka-crush sa kanya. Pero parang wala naman yatang pinagkaiba iyon ngayon. Kahit nga iyong mga upperclassmen ay may crush sa kanya. Masyadong mabenta si Zadkiel.

I don’t know if I’m right, but I sense that something’s wrong with him right now. Akala ko dahil lang iyon sa pagod niya sa byahe pero parang hindi naman. Tila malalim ang kanyang iniisip habang nakatingin sa kisame ng kwarto. Hindi nga niya napapansin ang titig ko sa kanya eh. Baka nga kung kaya lang tumagos ng titig niya ay tumagos na ito.

“Zadkiel,” mahina kong tawag sa kanya.

He didn’t answer.

See? He wasn’t his usual self. It seemed like he was deep in thought.

“Zadkiel,” kilabit ko sa kanya ng konti.

Doon lang siya gumalaw. Binaling niya ang kanyang ulo sa akin. Namangha ako sa kakaibang kisap ng kanyang mapusyaw na kulay hazel niyang mata nang matamaan ito ng linawag na nagmumula sa bintana.

“Hmm? Can’t sleep?”

Umiling ako. “Hindi naman.” Kanina ay antok na antok na talaga ako ngunit ngayon ay nawala na. “Bakit napaaga ang uwi mo?”

His lips tugged into a small smile. “Because it’s your birthday.”

Ngumuso ako. “Huwag ka ngang magsinungaling sa akin. Kilala kita, Zadkiel.”

Bumuntonghininga siya bago tumagilid ng maayos paharap sa akin.

“Umuwi naman talaga ako kasi birthday mo…” Napatigil siya saglit. Nakatanga lang siya habang ang mata niya ay hindi lumalayo sa mukha ko.

I felt something twist in my stomach under the weight of his stare, as though a hollow were forming inside me—a hollow that yearned to be filled, though I couldn’t yet decipher with what.

Humingang malalim si Zadkiel at bago ko pa mailayo ang aking mukha sa kanya ay naabut na niya ang ilong ko. Piningot niya ako.

“A-aray! Aray ko, Zadkiel!”

Tumawa siya at saka pinakawalan ang ilong ko.  Hinimas ko ang ilong kong nangingirot pa!

Pairap ko siyang tiningnan. “Ang sama! Kaya lalong dumadapa itong ilong ko eh!” Wala na ngang buto!

“You’re still cute though.”

“Tse! Hindi mo ako madadaan d’yan, Zadkiel Dela Cuerta!”

Mayamaya ay natahimik na naman siya. Bumaba ang kanyang kamay sa aking leeg at hindi naman ako nagreklamo roon. Sanay na ako sa mga hawak niya eh. Kahit nga sa yakap niya. Siguro dahil halos kinalakhan ko na siya na nasa tabi ko.

“It’s just about my parents, Leinne.” Pagsisimula ni Zadkiel.

“A-ay, sorry, Zadkiel. Hindi k-ko sinasadyang manghimasok sa inyo.” Na guilty naman ako nang marinig ang kanyang sagot sa akin. Hinabaan ko lang siya sa nguso ko. “S-sige na, Zadkiel. Matulog na tayo. Goodnight na at salamat ng marami sa pa-flowers at regalo mong cellphone sa akin.”

“Don’t sleep yet. Hindi ka pa naman inaantok, right?”

Bumaon ang ngipin ko sa aking labi bago dahan-dahan na tumango sa kanya.

“Like I said earlier, umuwi talaga ako kasi birthday mo. I was in a rush to go home as well because… I can’t stand being with Mom and Dad. Hindi ko alam kung bakit nila ako pinasunod sa kanila roon kung mag-aaway lang naman sila palagi.”

“Sorry, Zadkiel.” ani ko. “Hindi na dapat ako nagtanong pa sa’yo.”

“It’s fine. Mabuti na rin na nandito ka. Mas gumagaan ang pakiramdam ko dahil nandito ka, Leinne.”

“H-hindi naman pera ang pinag-aawayan nila, di ba? Baka masisante na kami rito.” Kinabahan kong saad sa kanya.

“Silly!” Ginulo niya ang buhok ko. “It’s not about money. Siguro madali pa kung ganyan ang problema but hindi kasi tungkol sa pera. Also, hindi ako papayag na umalis kayo rito.”

I pouted.

Tinapik ko ang malaking braso ni Zadkiel. Grabe ang tigas na ng kanyang braso. Parang ang sarap no’n yakapin!

“Ipagpi-pray ko na lang na hindi na mag-away sina Ma’am Ulysses at Sir Zeus para sa’yo, Zadkiel. Para hindi ka na malungkot!”

Nagawa niya pang tumawa bago tumihaya. “I’m not a kid, Leinne. Whatever happens to them is up to them.”

Nahabag ang aking dibdib para kay Zadkiel. Pati puso ko ay parang nadurog para sa kanya.

“Si ate Zarrah alam n’ya ba ito?”

Tumango si Zadkiel.

“Kaya nga hindi na rin gustong gumuwi ni Ate dahil d’yan. Ayaw niyang makita ang parents namin dahil kahit dati ay ito na rin ang problema sa relasyon ng parents namin.”

Si Ate Zarrah kasi ay isang model sa ibang bansa. Minsan ko lang talaga siyang makita rito sa bahay. Tapos hindi pa mapirmi rito dahil palaging may lakad.

Hindi ko na inusisa pa si Zadkiel doon. Ayaw kong pag-usapan na naman namin ang problema ng kanilang magulang kasi nalulungkot siya. Palaging nababago ang sakit at lungkot kapag pinagpatuloy ko pa itong pagtatanong ko sa kanya.

Nauna akong matulog kay Zadkiel. Bago pa man ako tuluyang tangayin ng antok ay naramdaman ko pa ang pagbalot niya sa akin no’ng kumot ko bago ako nawalan ng malay sa aking paligid.

Nang magising ako ay laking gulat ko naman nang makita ko ang sarili ko na nakaunan na sa braso ni Zadkiel at ang lalaki naman ay rinig ko ang hilik!

Para akong napapasong lumayo kay Zadkiel at bumangon! Gumalaw ito pero hindi nagising! Natutop ko ang dibdib at saka nakahinga ng maluwag! Ang likot ko kasi talaga sa kama. Kagabi naman ay maayos ang posisyon ko.

Umalis ako sa kwarto ni Zadkiel upang makatulong na sa gawaing bahay! Pumasok ako sa silid namin ni Mama at laking gulat ko naman nang makita ko si Mama na nakaupo sa higaan namin.

“M-ma?”

“Oh, saan ka natulog?” Bumaba ang mata ni Mama sa bitbit kong bulaklak at cellphone.

Lumapit ako sa aming kama at binaba ang mga bitbit ko.

“Ano ang mga ito, Darryl Leinne?” Mariing tanong ni Mama.

“Ma, regalo sila ni Zadkiel para sa akin. I-ito iyong pinunta ko kagabi sa kwarto niya.”

Problemadong nasapo ni Mama ang kanyang noo.

“Ano ba talaga ang relasyon ninyo ni Zadkiel,  Leinne?”

Napakurap-kurap ako sa tanong ni Mama sa akin. Hindi ko inaasahan ang tanong niyang iyon kaya naman natahimik ako.

“M-mama,”

Hinawakan ni Mama ang magkabilang balikat ko. Napangiwi naman ako dahil sa higpit ng kamay niya. Parang mababali na ang buto ko.

“M-mama, magkaibigan lang kami ni Zadkiel. Wala p-po kaming relasyon o ano… kaibigan ko lang po talaga siya.”

Pinikit ni Mama ang kanyang mata at saka humingang malalim. Nanghina ang kanyang kamay at pinakawalan niya ako.

“Siguraduhin mo lang, Leinne.”

Dinaga ang dibdib ko sa tono ng pananalita ni Mama. Parang naging banta ang dating ng kanyang seryosong boses.

“O-opo. Magkaibigan lang po talaga kami… at hindi rin ako naghahangad ng higit pa roon, Ma. Alam kong masyadong mataas si Zadkiel kung papangarapin ko siya.”

Tumango si Mama. “Tama. Tama ka, anak. Okay lang ako kung sumubok ka rin sa relasyon-relasyon na iyan, Leinne, kasi malaki ka na naman. At alam ko may crush-crush na sa ganyang edad mo. Pero huwag ang amo natin, ha? Masasaktan ka lang, anak.”

Kahit na hindi ko pa naman iniisip ang mga pinagsasabi ni Mama ay tumango ako para sa kanyang ikakapanatag.

“Opo, Ma.”


This story is already at

chapter 17

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 8

Chapter 8

Leinne’s Pov

Malayo ang aking tingin habang tumatakbo ang kotse sa kahabaan ng highway. Kasama ko si Zadkiel ngayon dahil mamimili ako ng school supplies. Supposedly, ako, si Vivian at Leon ang kasama ko ngayon. Kaso nabanggit ni Zadkiel kanina habang nagbi-breakfast kami na may pupuntahan daw siya rito sa mall kaya sinabay na niya ako. Aniya, di ko na raw kailangang mang-abala ng iba. Ang ibang tinutukoy niya ay sina Leon at Vivian lang naman! Hmp!

Bumuntonghininga ulit ako. Sa totoo lang hindi ko na alam kung ilang beses na akong napapabuga ng malalalim na hininga dahil kay Mama. At sa katunayan, hindi ko mawaglit-waglit sa isip ko iyong sinabi ni Mama sa akin. Sa tagal ng friendship namin ni Zadkiel ay iyon ang unang beses na overreact si Mama. Sa ilang beses kong matulog sa kwarto ng kaibigan ko ay iyon palang ang unang beses na sinabihan niya ako ng ganon. Dahil ba iyon… malaki na kami pareho ni Zadkiel?

Hindi ko na ba siya pwedeng katabi matulog? Bawal na ba iyon? Wala namang malisya iyong mga tulog ko sa silid ni Zadkiel. Normal lang naman iyon sa magkakaibigan… iyong mga sleepovers? Sleepover pero nakatira kami ni Zadkiel sa iisang bahay.

I don’t know if it’s just me or if I’m overthinking things, but I really feel that something is off. Sana… sana lang mali ako. Sana wala lang ito.

“Leinne?” I was pulled out of my deep reverie when Zadkiel called me.

Napaahon mula sa pagkakasandal ko sa aking ulo doon sa windshield ng kotse.

“Zadkiel? May sinasabi ka ba?” tanong ko sa kanya dahil ngayon ko lang ulit siya napagtounan ng pansin dahil sa mga iniisip ko.

“I was calling for a couple of times now. Hindi ka sumasagot. Akala ko kung ano na ang nangyari sa’yo. May problema ka ba?”

Umayos ako sa pagpagkakaupo at saka humawak sa seatbelt.

“Wala naman. Siguro pagod pa rin dala ng ginawa ko kahapon.”

“Hindi ka ba nakatulog ng maayos sa room ko? Nang magising ako ay wala ka na sa kama… maaga kang bumaba?”

Pinalobo ko ang aking bibig at tumingin sa daan. “Nakatulog naman ako ng maayos. At saka hindi naman ako… ganon ka-aga gumising.” sabi ko sa kanya.

I feel shy when I remember our position on the bed earlier. Sa ilang beses na magkatabi kami ni Zadkiel matulog ay iyon ang unang pagkakataon na nagising kami sa ganong posisyon.

Dahil lang ba iyon matagal na mula n’ong huli naming matulog ni Zadkiel sa iisang kama? O sadyang malikot lang ako?

“That’s good. Akala ko naman hindi ka na sanay na katabi ako.”

“H-hindi naman sa ganon, Zadkiel.”

Tumawa naman siya.

Nang makarating kami ni Zadkiel sa mall ay dumeretso kami sa school supplies. Nakalista naman ang lahat ng kakailanganin ko sa school kaya mabilis lang kami natapos doon.

“Hindi ka ba bibili ng bag?” tanong niya nang makalabas kami sa store. Siya na rin ang nagboluntaryong magdala sa mga pinamili ko.

Kahit may malakas ang aircon sa mall ay pinagpapawisan ako dahil akala ko hindi sasapat ang bigay ni Mama na pera. Sinabi ni Zadkiel na siya na ang magbayad no’ng mga pinamili ko kaso sobra-sobra na iyong mga bigay niya sa akin sa birthday ko.

“Hindi na. May classmate kasi akong naggift sa akin ng bag.”

Sa totoo lang nang buksan ko kanina ang mga regalo ng mga kaibigan ko ay natuwa ako. Kung hindi kasi damit at gamit sa school ang regalo nila, mga essentials naman para sa katawan. Natutuwa ako roon. May mga pabango tulad no’ng bigay ni Leon, may lotions akong natanggap, at mga make-up din! Sana matuto na ako maglagay ng make-up! Kahit iyong simple lang. Para naman hindi na ako mapuna ni Zadkiel.

“Marami ba ang pumunta sa birthday mo kagabi?”

“Oo!” Tuwang sabi ko kay Zadkiel at napakwento naman ako sa kanya ng wala sa oras.

“I’m glad that you enjoy your birthday, Leinne.”

“Hehe! Salamat sa mga parents mo na pumayag. Ang babait nila.” Tuwa kong saad pero tahimik naman ang lalaki sa tabi ko.

Tiningala ko si Zadkiel kaso kumuyom lang ang kanyang panga. Nawala iyong tuwa sa kanyang mata at sumeryoso.

Whenever I see him like this… hindi ko maiwasang hindi kilabutan. It feels like he’s different person.

“Let’s eat somewhere,” aya mayamaya.

“Di ba may pupuntahan ka pa? Sabi mo, may pupuntahan ka rito kaya sinabay mo na ako.” I reminded him. Baka kasi nakalimutan niya na lang kasi sinamahan niya pa ako roon sa school supplies.

Ngumiti siya. “Nag-text kanina si Felix. Hindi na kami matutuloy ngayon.”

Napatango ako. “Ahh, so kakain na lang tayo? Tapos uuwi na?”

Tinago ko sa likod ang aking kamay at ngumiti kay Zadkiel. Ngumuso naman ako nang kumunot ang kanyang noo habang nakatitig sa aking mukha.

Sinamaan ko siya ng tingin nang ginulo niya ang buhok ko.

“Don’t pout your lips like that.” Suway niya sa akin at naunang magkalad.

Pinagmasdan ko ang malapad na likod ni Zadkiel. Naka-faded jeans siya ngayon, puting printed shirt at sneakers. Kahit na ganon ka simple ang kanyang suot, may mga babae pa ring magkanda-bali ang leeg kakalingon sa kanya. Mukhang sanay na rin siya sa ganong atensyon kasi hindi na niya ito binabalingan.

Napatingin ako sa aking suot na maong shorts na hanggang sa ibabaw ng tuhod ko ang cut, dirty white na hoodie at crocs. Tapos may kulay lavender pa akong sling bag. Komportable kasi ako sa ganitong get-up!

Bumuntonghininga ako at saka pilit hinabol ang mahahabang hakbang ni Zadkiel. Batang-bata talaga ako tingnan sa tabi niya.

“Saan tayo kakain, Zadkiel?” usisa ko sa kanya nang mahabol ko siya.

I mentally calculated in my head so I would know how much to spend on our snack or lunch.

“Ikaw? Saan mo gusto?”

Napatingin naman ako sa paligid. Tumigil kami saglit nang makaraan kami sa food hall ng mall. Bigla ay pumasok si Zadkiel sa loob kaya sumunod ako sa kanya.

‘Ahmp! Ang mamahal ng mga pagkain.’ Reklamo ng utak ko habang minamata ang mga menu.

“G-gusto ko sa McDo, Zadkiel. Miss ko na ang fries nila doon eh.”

Bumaba ang tingin niya sa akin. Ang unfair talaga ng mundo! Ang liit ko! Hanggang kili-kili palang ako ni Zadkiel. 

“Talaga? Doon mo gusto?”

Magana akong tumango sa kanya.

“Okay,” walang angal niya namang untag at lumabas kami ng food hall.

Nakahinga ako nang maluwag.

Dahil naunang magsimula ang eskwela namin siya ang naghatid sa akin sa school. Syempre kinun-sulta ko iyon sa Mama ko at pumayag naman siya. Aniya’y kinausap na rin daw siya ni Zadkiel.

“Zadkiel, saan ka magka-college?” tanong ko sa kanya habang siya ay nagmamaneho.

“Sa ANU (Axis National University) pa rin,” sagot niya sa akin.

“Hindi ka lilipat ng university?”

Napabaling siya sa akin dahil tama namang nag-red ang stoplight.

“Bakit? Ayaw mo bang sa Axis pa rin ako papasok? Ayaw mo bang doon ako?”

“H-ha? Hindi naman! Nagulat lang ako. Akala ko kasi lilipat ka sa ibang university.”

“Kumuha na ako ng exam sa Axis. Natanggap naman ako.”

“A-ano ang kinuha mong kurso?”

“Civil Engineer.”

“Wow!”

“Ikaw? Anong kukunin mong program sa college? Dapat align siya sa kukuning mong strand sa senior high school.” Pangangaral niya sa akin.

Lumabi ako at tumingin sa daan. Dahil first day ngayon ang daming sasakyan sa daan! Lunes pa!

Muling tumakbo ang kotse nang mag-green ang stoplight.

“Ayaw ko pa isipin iyan. Gusto ko na lang maging cute at pretty boyfriend na para sa future boyfriend ko…” unti-unting humina ang boses ko nang maramdaman ko ang matutulis na titig ni Zadkiel sa aking pisngi.

“W-what did you say?” Halos hindi na maipinta ang mukha nito.

Pagak akong tumawa sa kanya. “B-biro ko lang naman iyon!” Bawi ko rin nang makita ang kanyang hitsura. “Alam ko naman na ang mga magulang mo ang gumastos sa pag-aaral ko kaya pagbubutihan ko. At saka… wala pa akong naisip na kurso ngayon pero balak ko na STEM ang kunin na strand sa senior high school.”

Nando’n ako sa graduation ni Zadkiel. He wasn’t the batch valedictorian pero isa siya sa with high honors. Balita na points lang daw ang lamang no’ng nauna kay Zadkiel. I was inspired when I saw it. Kahit na mahina itong utak ko nangarap din akong maging tulad niya—achiever at ang dami pang sinalihan na nga competition at extra-curricular activities.

Hay! Ewan ko talaga kung papaano n’ya mina-manage ang kanyang oras. Nagka-girlfriend pa siya sa lagay na iyan!

Pero kahit na ganon na ang na-achieve ni Zadkiel, tingin ko wala iyong halaga sa kina Ma’am Ulysses at Sir Zeus. Umuwi sila sa graduation ni Zadkiel pero hindi man lang nakauwi sa mansyon at lipad na naman sa ibang bansa!

“Biro nga lang.” Ulit ko at kinalabit siya.

Masama yata talaga ang mood niya dahil hanggang nakarating kami sa ANU ay hindi niya ako inimik.

“Oi, Zadkiel. Galit ka talaga? Biro lang naman iyon.” Ngumuso ako sa kanya.

“Mmm,”

“Hindi ka na galit?” Ngisi ko pa sa kanya.

“Hindi ako galit sa’yo.”

Nginiwian ko siya. “Pero ang sama ng tingin mo kanina sa akin.”

“Don’t mind me. May iniisip lang ako.”

“Okay!” Tawa ko at in-unbuckle ang seatbelt. “Si Kuya Celo ba ang kukuha sa akin mamayang hapon? O magku-commute ako?”

“Ako ang kukuha sa’yo.”

Napamaang ako.

“Ha? Wala ka bang gagawin? O lakad?”

“No. Good luck on your first day of school.”

Tinanguan ko siya at kinuha ang bag ko sa likod. Inayos ko muna ang aking uniform at sinilip ang mukha sa salamin. Binuksan ko ang pinto ng kotse at bumaba.

Ngunit kakababa ko lang nang bumaba ang windshield ng kotse.

“Leinne,” tawag ni Zadkiel sa akin.

“Ha?”

Kumunot ang noo ko sa kanya dahil nakatitig lang siya sa akin. Hinintay ko kung may sasabihin ba siya sa akin kaso wala naman. Tinitigan niya lang ako.

“Ano? May sasabihin ka?”

Zadkiel licked his lips before shaking his head. “Nothing. Good luck again!” anito at tumaas na ang salamin ng kotse.

Ha? Ano iyon? Ang weird naman!

Sobrang saya ko dahil kami-kami pa rin ang classmates ng mga classmates ko no’ng grade 7. Dahil magkakilala na kami ay napuno ng tawanan at kwentuhan ang aming classroom. Natahimik lang yata kami nang pumasok sa aming class adviser tapos nagdiscuss at gumawa kami ng house rules sa loob ng room.

“Leinne, di ba nabanggit mo na hindi ka pa marunong maglagay ng make-up? Turuan ka namin!” Alok ng mga kaklase kong babae na si Iyah sa akin. Isa rin siya sa pumunta sa birthday ko.

“Naku! Binabakla n’yo talaga ng todo itong si Leinne.” Ungot naman ni Vivian sa tabi ko.

Binelatan ko si Vivian. “Maglagay ka rin kasi.”

“Sus! Dagdag lang ’yan sa gagawin ko. Ayoko n’yan.” Brusko niyang untag.

Binalingan ko na lang si Iyah sa tabi ko. “Sige. Pero wala akong pambayad sa’yo.”

“Wala itong bayad.”

Dahil doon kapag break namin o di kaya’y ang subject teacher namin ay tinuturuan ako ni Iyah magmake-up.

Hatid-sundo ako ni Zadkiel sa school! Nakakahiya na nga sa totoo lang kaso ani ng lalaki wala rin naman daw siyang gagawin sa bahay.

Wala namang masyadong nagbago. Si Leon hindi na siya nagpapadala ng lunch sa akin, nakikihati na lang siya sa baon ko. Si Vivian ayon, mas naging galaw lalaki na siya. Parang kompleto na itong grupo namin, girl, boy, bakla, tomboy!

Si Iya, iyong babae, si Leon ang boy, si Vivian ang tomboy, at ako naman ang bakla. Si Iya ang nadagdag sa aming grupo dahil na rin palagi niya akong tinuturuan magmake-up!

“Leinne!”

Para akong binato ng yelo sa katawan nang marinig ko ang pamilyar na boses ng lalaki sa aking tabi. Hindi ako gumalaw.

“Leinne!” Ulit nito.

Napaatras na ako.

“Leinne, ako ito si June!” anito sabay hawak sa akin. Kinabig niya ako paharap sa kanya.

Doon ko tiningnan si June! Umawang ang aking labi nang makita ito sa aking harapan. Kumunot ang aking noo nang makita ang isang matangkad, malinis, matangos ang ilong, at mabangong lalaki. Nasaan na ang taba niya at ang kanyang double chin?

“Leinne, ikaw nga!”

Nang matauhan ako sa kanyang muling pagsasalita ay winaksi ko nang mabilis ang kanyang kamay.

“J-June? June… Dacles?”

“Oo!” Masaya niya pang sagot sa akin.

Umatras ako.

“A-anong ginagawa…” Hindi ko na natapos ang aking nais sabihin kay June dahil sa unipormeng suot niya! Pareho kami!

My eyes blinked in disbelief at what they were seeing. My heart palpitated as my hands trembled in fear. I still remember how this boy used to bully me when we were in elementary.

“Leinne,”

“Huwag mo akong tawagin sa pangalan ko!” signhal ko sa kanya.

Bakit ba ang tagal ni Zadkiel ngayon?

“Leinne, sorry.”

Saan siya nagso-sorry?

“Sorry kung bigla kitang in-approach. Natuwa lang talaga ako nang makita kita.”

“Natuwa?”

Napatango siya sa kanyang ulo.

“Oo… nag-transfer ako rito ngayon taon. Nagbabakasakali akong makita kita rito.”

Kumunot ang noo ko sa mga pinagsasabi ni June. Hindi ko siya maintindihan!

“A-anong pinagsasabi mo? Sinusundan mo ako rito? P-para ano, June? Para i-bully ako? Masaya na ako rito sa highschool, June. Masaya na ako sa mga bago kong kaklase! Bakit ka ba nandito?”

My lips quivered as tears started to form in my eyes.

“H-hindi, Leinne. Hindi ako nagtransfer dito para i-bully ka o ano. Nilapitan lang kita kasi… g-g-gusto kong humingi ng tawad sa’yo. Patawarin mo sana ako sa lahat ng ginawa ko sa’yo noon, Leinne.” Litanya ni June sabay luhod ng kanyang dalawang tuhod sa harap ko!

“J-june!” Natataranta kong untag. “Tumayo ka!”

“Patawarin mo ako, Leinne.”

“Tumayo ka nga!” Mariin kong untag sa kanya. “Tatayo ka ba d’yan o hindi ko tatanggapin ang sorry mo?”

Mabilis siya tumayo. “P-pinapatawad mo na ako?”

Umirap ako sa kanya.

“Mapilit ka kasi!” Asik ko rito.

Nilampasan ko siya at akmang tatawid na ako sa pedestrian lane nang hawakan niya ang aking palapulsuhan.

“Leinne,”

Nilingon ko siya. “Ano?” Tamad kong tanong sa kanya.

“M-masaya ako… masaya akong tinanggap mo ang sorry ko.”

Kinunutan ko lang siya sa aking noo. Hindi ko talaga siya maunawaan.

He smiled from ear to ear. “By the way, mas l-lalo kang g-gumanda ngayon.” Aniya at kasabay no’n ang pagkulay kamatis ng kanyang buong mukha.

Hindi ko pa man nababawi ang kamay ko mula kay June ay may boses nang bumasag mula sa likuran ko.

“Darryl Leinne!” Nilingon ko at ganon na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita ko ang mukha ni Zadkiel na nandidilim. Makulimlim pa sa hapon na iyon!


This story is already at

chapter 21

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 9

Chapter 9

Leinne’s Pov

Bago pa man ako makasagot kay June ay winaksi ko na ang kanyang kamay dahil sa gulat! Hindi naman ako natakot pero nagulat ako sa sigaw ni Zadkiel! Pati tuloy ibang estudyante ay napatingin sa kanya. Para kasi siyang matandang kapatid na tinatawag ang kanyang pasaway na kapatid.

Some girls were smiling at him, but his face remained grim. He couldn’t even manage a small smile or a nod to the girls passing in front of him, who were obviously magnetized by his charm.

Walang lingon kong iniwan si June at tumawid na sa pedestrian upang makalapit kay Zadkiel na hindi ko maintindihan kung galit ba o masama na naman ang araw.

“M-magandang hapon!” Ang usual kong bati sa kanya every time na sinusundo niya ako. Sinubukan kong siglahan ang aking boses para sa kanya.

Huminga siya ng malalim. “Get in the car,” aniya at hindi man lang bumati sa akin.

Hay! Hirap din talagang intindihin nito minsan. Minsan may tuyo pa siya sa babae eh.

Napalobo ako sa aking bibig at saka pinagbuksan ang sarili sa pinto ng kotse. Nakasakay na si Zadkiel sa driver’s seat nang lumingon pa ako sa gawi ni June. Nandon pa rin ito at nakatingin sa gawi ko. I could still see him smiling in my direction, despite the distance.

Gulat pa rin ako sa hitsura ngayon ni June. Sobrang laki ng pinagbago ng kanyang katawan at maging ang kanyang pakikitungo sa akin. Ewan ko lang talaga kung totoo iyong paghingi niya ng tawad sa akin.

Pero hindi na naman iyon mahalaga sa akin. Ang akin lang sana hindi niya ako gambalain ngayon. Masaya na ako rito sa ANU. May marami na akong kaibigan. Ayaw kong bumalik na naman iyong Leinne na inaapi at binubully dahil lang malamya ako at patpatin!

“Leinne!”

Muli akong napatalon dahil sa mala-kulog na boses ni Zadkiel. Masama ba ang gising nito? Kaninang umaga naman ang maayos siya ah!

“I-ito na aakyat na ako,” wika ko at sumakay sa shotgun seat. Kaagad akong sinalubong ng bango ni Zadkiel na dumikit na yata sa buong sasakyan.

Nasa tamang edad na siya kaya naman drive na nang drive sa sasakyan.

Hinubad ko ang aking bag at kinandong ko ito. Isinukbit ko na rin ang seatbelt dahil baka bumuga na talaga itong si Zadkiel ng apoy ngayon. Masyadong mainit ang kanyang ulo kung kaya’t ayaw ko ng dagdagan pa iyon!

Sanay na ako sa pabago-bagong mood ni Zadkiel kaso minsan nakakagulat pa rin talaga. Though nakakatuwa na kahit bugnutin siya at masungit ay may mga circle of friends naman. Tulad nila Felix, Stacy na ex-girlfriend niya pero dumidikit pa rin dito, si Jurity, at iyong mga kasama niya sa volleyball team.

“Ay, Zadkiel hindi pa ba tayo uuwi?” tanong ko nang matanaw kong lumagpas na kami sa subdivision nila. Ayaw ko sanang magsalita ngunit lumayo na kasi kami.

“I need to buy something.” Nagdidikit pa rin ang kanyang kilay. Animo’y nasa daan ang kanyang kalaban o ano.

“Sa mall ba?” Atat kong suna sa kanya.

“Hmm!” Masungit niyang tango.

“Bibili ka ng school supplies?” tanong ko sa kanya. Sa susunod na buwan kasi, August, ay pasukan na nila.

“Hindi. Bibili ako ng groceries at maiinom na alak.”

Kumunot ang noo ko.

“Kakabili lang naman ng groceries ah.” Hindi ko mapigilang komento.

“May party sa bahay sa Friday. Kailangan kong mamili.”

“Magpapa-party ka? Sinong mga kasama? Classmates mo no’ng grade 12?” Excited kong tanong sa kanya.

Napatingin siya sa akin dahil sa biglang pagsigla ng aking boses. Bumakat na naman ang kunot sa kanyang noo.

“Why do you sound so excited about the party?” tanong niya na may tunog pang-aakusa!

“Ha? Hindi naman. Medyo matagal-tagal na kasi simula no’ng huli kang nag-hold ng party sa bahay. Kaya… g-ganon…”

“Really?” sambit niya at nagdududa pa rin talaga sa akin.

“O-oo nga. Saka… bakit naman ako mai-excite sa party mo? Wala naman akong close sa kanila.”

“Sa Friday huwag kang tutulong sa paghahanda sa party. Mas mabuti rin sigurong hindi ka lumabas. May mga alak, minor ka pa naman,” wika niya.

Nalaglag ang panga ko kay Zadkiel. Sumusobra naman siya sa akin. Anong akala niya sa akin? Walang kamuwang-muwang na bata? Alam ko namang minor pa ako at bawal pa ang alak.

“H-hindi naman ako iinom. Saka baka nakakalimutan mong katulong ako.”

“Tsk! Just listen to me.”

Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Zadkiel. I gazed at him intently but he didn’t budge. Deretso lamang ang kanyang mata sa daan at hindi ako binabalingan.

“Zadkiel,” usal ko at aminado akong may lungkot sa aking tinig.

Umayos ako sa aking kinauupuan at pinaglaruan ko ang aking kamay.

Pakiramdam ko may nagbago kay Zadkiel habang tumatagal ay hindi ko na naiintindihan ang kanyang mga kinikilos. Dahil ba nasa teenage years na ako kaya ganito? Ganito ba talaga kapag tumatanda na? Dumadami na ang iisipin—ang mga bumabagabag?

O baka naman dahil pa rin ito sa parents niya?

“Leinne,” anito.

“Naguguluhan ako sa’yo minsan, Zadkiel. Sa kilos mo, sa pananalita mo sa akin, at sa asal mo. Hindi kita naiintindihan. Alam mo iyong pakiramdam na ang lapit-lapit mo sa akin pero… parang ang hirap mong hawakan.”

Nagulat ako nang biglang gumiwang ang sasakyan sa gilid— itabi niya ang sasakyan. Akala ko nakarating na kami kaso di pa naman.

“Leinne,”

Tumingin ako sa kanya.

Kumurap ang mga mata ko. Hirap akong intindihin ang mga titig niya sa akin. Parang may pagkalito, lungkot, at… takot.

Dahil pa rin ba ito sa isyu ng kanyang mga magulang? Hindi pa rin ba okay hanggang ngayon sina Ma’am Ulysses at Sir Zeus?

Kinuha ni Zadkiel ang kamay ko. Bumagsak ang aking mata roon. Sobrang liit ng kamay ko kumpara sa kanya. Mas maputi pa ako kay Zadkiel pero litaw na litaw naman ang kanyang mga ugat.

Pinisil niya ang kamay ko. “I’m sorry, Leinne.”

Naguguluhan akong nag-angat sa kanya ng titig. Iyong mababagsik niyang titig kanina ay napalitan ng lambot. Umaliwalas din ang kanyang mukha ngayon habang nakatitig sa akin.

“May problema ka ba, Zadkiel? Kaya ba lagi kang wala sa mood dahil sa problema mo?”

Doon siya napangisi sa akin. “Silly, wala. Medyo… nagkaroon lang ako ng self… issues.”

“H-ha?”

Piningot niya naman ang ilong ko. “Sa akin na iyon. Pero sorry dahil minsan hindi ko na nako-kontrol ang sarili ko. Sorry kung minsan naguguluhan ka na sa kilos ko, mmm?”

“S-sure ka ba? Baka iba na iyang nararamdaman mo.”

Saglit siyang natulala sa akin. Mayamaya ay umangat ang sulok ng kanyang labi.

“I’m really fine, Leinne. Don’t worry because I’m still your… friend. Your best friend!”

“Mabuti naman. Akala ko kasi kung ano na. Nag-aalala lang ako at nagtatampo ng konti kasi kanina para ka ng tigre na handang-handa manglapa!”

Humalakhak siya. “Am I?”

Sinimangutan ko siya. “Oo kaya! Hindi naman kasi sanay na ako sa pabago-bago mong mood ay manhid na rin ako.”

“Sorry again!” Piningot na niya naman ang aking ilong. “I’ll just buy you some marshmallows and ice cream, okay?”

Kaagad niya rin naman ako nauto roon. Iyong bigat sa aking dibdib ay nawala rin dahil sa pag-uusap namin ni Zadkiel. Siguro ganon na talaga kalaki ang inakupa ni Zadkiel dito sa dibdib ko para mabagabag ako ng ganon. Well, lumaki kasi kaming magkasama at kami-kami lang din ang inaasahan ng isa’t isa.

“Taray, ganda talaga ng cellphone mo, Leinne!” Ani Vivian at kinuha ang aking cellphone. “Iba talaga kapag may best friend na galante!”

Akala mo naman talaga ay mahirap siya. Ang yaman din kaya ng babaeng ito. Matagal ko nang s-in-hare sa kanila ni Leon na may cellphone na ako, bigay ni Zadkiel, pero magpa-hanggang ngayon ay tinutukso niya pa rin ako. Ewan ko sa kanya! Akala ko ikakatuwa niya kasi hindi na ako manghihiram ng phone. Pero ito at may nakita na namang bagong ipang-aasar sa akin.

Tapos na kami sa aming lunch kaya naman nandito kami sa field. Kasama ko ngayon si Iyah, Leon at Vivian. Si Vivian naglalaro ng Block Blast sa cellphone ko tapos si Leon naman sa tabi ni Vivian ay nagbabasa ng libro. Kami ni Iyah nandito sa bench kasi ginagigiliwan niya itong mukha ko ngayon.

“Picture-an nga natin!” saad pa ni Vivian at saka sunod na nagflash ang cellphone sa mukha ko.

“Vivian, ano ba! Baka kung ano ang hitsura ko d’yan!”

“Cute ka pa rin naman!” Hagikhik niya!

Hmp! Ang hilig kaya nito kumuha ng mga stolen shoots tapos zinu-zoom ang mga mukha ng mga classmates ko. Sini-send pa sa aming GC!

Nang sumapit ang ala una ay pumasok na rin kami sa aming classroom. Unang subject pa lang sa hapon ay may quiz kaagad kami. Kaya naman pala nakita ko si Leon na nagbabasa sa field. Masyado kasi akong nag-enjoy sa pamimili namin ni Zadkiel kahapon kaya nakalimutan kong may quiz kami!

At nang sumapit na ang uwian ay sabay kami nina Iyah, Leon, at Vivian lumabas. Naunang dumating ang kani-kanilang mga sundo kung kaya’t naiwan na naman ako.

“Mag-iingat ka, Leon!” Kaway ko kay Leon matapos niyang ibigay sa akin ang aking envelope. Ito ang huling umalis.

“Ikaw rin, Leinne,” wika niya at sumakay sa kotse.

Unlike kahapon, dito na ako naghintay kay Zadkiel sa usual spot kung siya pumaparada. Ngunit laking gulat ko naman nang sumulpot sa aking tabi si June!

“J-June,” napaatras pa ako.

Pawisin siya at nakasampay sa kanyang balikat ang polo namin. Naiwan tuloy ang kanyang puting sleeveless shirt. Though hindi naman siya mabaho!

“Hinihintay mo ulit iyong sundo mo?”

“O-oo,” sagot ko sa kanya at dahan-dahan na umusog sa kanya papalayo ngunit lumalapit siya sa akin!

“J-June, may kailangan ka ba?” Deretso ko nang tanong sa kanya.

He boyishly scratched the back of his head. Sumulyap-sulyap siya sa akin. Bumuga siya ng marahas na hininga bago humarap sa akin ng mabuti.

“G-gusto mo talagang malaman?”

Tumango ako sa kanya.

“Hindi k-ka ba magagalit?”

Unti-unting nagtagpo ang kilay ko sa kanya. Habang tumatagal ang aming pag-uusap ay nagiging suspicious na ako sa kanya.

“Depende sa sasabihin mo,” sagot ko naman sa kanya.

Mas lalong nawala ang mata ko sa paniningkit nang makita ko ang pangangamatis ng mukha ni June.

Ibang-iba na talaga si June. Kung dati ay bruskong-brusko siya kung lumapit sa akin, ngayon ay para na siyang pusang nahihiya. Dati nilalapitan niya lang ako para laitin at apihin ngunit ngayon ay parang ang hinhin na niya. Parang di nakakabasag ng baso kung makaasta!

“Leinne…” simula niya pero parang natatae na siya.

“Ano?” Udyok ko sa kanya. “Mamaya darating na ang sundo ko. Kung may binabalak ka, June, huwag mo nang subukan. Nando’n lang ang guard oh, sisigaw ako kapag sinaktan mo ako.” Inunahan ko na siya.

Nagkukumahog siya sa pag-iling.

“Hindi. Wala akong binabalak gawin sa’yo, Leinne. I mean, hindi naman masama ang sasabihin ko o gagawin ko.” Paliwanag niya, nataranta.

“Eh, ano nga?” Naiinis na ako sa kanya.

Gusto ko na siyang bugawin palayo. Kapag kasi ako ang lumalayo sa kanya, sumusunod siya sa akin!

“P-pwede bang manligaw?!” Malakas niyang sabi kaya napatalon ako.

Nayakap ko ang envelope at bilog ang matang nakatitig sa kanya. Animo’y nakakita ng multo. Namumula na siya ng husto at anytime parang iiyak na siya habang naghihintay sa reaksyon ko!

“J-June, ano ang sinasabi m-mo!”

Malalim ang naging lunok niya.

“Crush kita, Leinne. Kaya gusto ko sanang ligawan ka at i-date. Alam ko naman na naging gago ako sa’yo noon at ang sama ko sa’yo pero… nagbabakasakali akong payagan mo.” Pinahid niya ang malalaking butil ng pawis sa kanyang noo gamit ang sariling uniform.

“A-akala ko ayaw mo sa bakla? N-noon lagi ninyo akong inaapi dahil bading ako—bakla.” Sumbat ko sa kanya.

Kinamot niya ang noo. “Sorry talaga, Leinne. Alam ko ang mali ako noon… sising-sisi na talaga ako… ewan ko rin eh… siguro karma ko na ito dahil sa ginawa ko sa’yo noon.”

“H-hindi ko alam kung ano ang magiging sagot ko sa’yo, June. Ikaw ang number one na bumu-bully sa akin at… ngayon manliligaw ka.”

“Maghihintay ako, Leinne. Maghihintay ako sa sagot mo!”

Naipit ko ang aking labi. Hindi ako makapaniwala na ang unang lalaki na gustong manligaw sa akin ay ang bumu-bully pa sa akin!

“June, baka…”

“Leinne, alam ko naman na nagdududa ka rin sa akin. Ako ang unang umaapi sa’yo noon eh. Pero susubukan ko lang naman, Leinne. Susubukan kong kunin anag loob mo.”

“Baka niloloko mo ako, June.”

Ngumiti siya. “Sana nga biro na lang ito, Leinne. Pero hindi eh.”

Lumabi ako.

Inayos niya naman ang pagkakasukbit sa kanyang bag. “Sige na. Una na ako, Leinne. Pag-isipan mo sana ang sinabi ko sa’yo.”

Kumindat si June sa akin at paatras na humakbang papalayo sa akin.

“Ang ganda mo ngayon, Leinne. Ingat ka!” aniya bago kumaripas ng takbo!

Bitbit ko hanggang sa aking pag-uwi ang kinompisal ni June sa akin. Kahit si Zadkiel ay napansin ang aking pananahimik kaya akala niya may sakit ako.

Nang maghapunan kami ni Mama sa dirty kitchen ay pinagtapat ko kay Mama ang inamin ni June sa akin. Malaya ko itong sinabi kay Mama dahil kami na lang ang naiwan sa mesa.

“Mama, may gustong manligaw sa akin.”

Nabitin sa ere ang pagsubo ni Mama.

“Leinne, alam ko naman na may hitsura ka pero baka naman nagmamalabis ka na rin d’yan.”

Nagusot ang aking mukha. “Mama naman! Totoo nga po! Si June po iyong classmate ko sa elementary. Umamin siya sa akin kanina… gusto niya raw manligaw sa akin. “

“What?!” Zadkiel gritted.

Dahil sa biglaang pagsulpot ni Zadkiel sa bakuna ng dirty kitchen ay napabaling kami ni Mama sa kanya.

Naka-itim na sando na siya at abong jogger pants. Bitbit ni Zadkiel ang isang bote ng mineral water. Wala na iyong takip ngunit di pa naiinuman. Mukhang painom na ito kaso natigilan.

“Sinong manliligaw?” Ulit niya nang pareho kami ni Mama na natulala sa kanya.

“Ay naku, sir Zadkiel, may manliligaw na itong anak ko. Akala ko binibiro lang ako!”

Napanguso ako. Bigla akong nanliit nang dumating si Zadkiel. I was boasting to my mother that someone wanted to court me. Pero ngayong nandito si Zadkiel ay nawala na ang confidence ko.

“Sige, anak. Manliligaw pa naman. Para masubukan mo rin iyan.”

My eyes lightened. “T-talaga, ma—”

“Wait, tita.” Awat ni Zadkiel saka tuluyang pumasok sa dirty kitchen at nilapag ang mineral water sa mesa. Tumingin siya sa akin tapos kay Mama. “Leinne is just a minor, Tita. Anong hahayaan n’yo siyang magkaroon ng manliligaw?”

“Z-Zadkiel,” sabad ko sana kaso sumapaw si Mama sa akin.

“Mas mabuti nang maaga, hijo, ay maranasan ito ng anak ko. Para hindi siya ma-curious o ano.”

“But, Tita. Please, consider his age kaka-fourteen niya palang!” Pagmamatigas ni Zadkiel na hindi ko alam kung ano ang pinaglalaban niya. Pumayag na si Mama pero umawat siya.

“Eh, ikaw noon, hijo? Kailan ka ba nagkacrush-crush at nanligaw?” Supalpal naman ni Mama kay Zadkiel.

Mariing napapikit ang aking kaibigan.

“Zadkiel, manliligaw pa naman. Hindi nobyo.”

Zadkiel clicked his tongue and problematically brushed his hair. Dinaig niya pa si Mama kung makapag-react.


This story is already at

chapter 24

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 10

Chapter 10

Leinne’s Pov

“Taray naman! Hindi na nga kayo exchange ng baon ni Zadkiel pero itong si Leon naman ang nakiki-kain sa baon mo, badet!” Angil ni Vivian sa harapan namin ni Leon.

Magkatabi kami ni Leon ngayon dito sa canteen tapos sa tapat namin ay sina Iyah at Vivian.

“Tumahimik ka, Vivian. Ngayon mo lang talaga iyan napuna eh, no’ng nakaraang buwan pa iyan!” Hagikhik naman ni Iyah sa tabi Vivian.

Umismid naman si Vivian. “Ngayon lang kasi nasa tapat ko sila. Parang mag-jowa ang dating ah.”

“Vivian!” Supi ko naman sa kaibigan ko sabay sipa sa kanyang paa na nasa ilalim ng mesa namin.

Pinanlisikan ako ni Vivian sa mata niya pero binelatan ko lang siya. She made a face, but I just laughed at her. She groaned in annoyance!

Itong babaeng ito ay binibigyan niya talaga ng malisya ang pagkakaibigan namin ni Leon. Eh nasasarapan lang naman ang tao sa luto ng mama ko! Hinahatian ko lang itong si Leon sa baon ko, hindi naman talaga literal na nagsasalo kami sa baon ko. Ayaw ko no’n!

“Nanlalamang ka, Darryl Leinne!” si Vivian at pinanlakihan ako sa mata niya.

Kapwa kami ni Iyah humagikhik. Si Leon naman sa tabi ko ay iling-iling na tumawa dahil sa tinuran ng kaibigan namin.

Nagkakatuwaan kami dahil kay Vivian nang nay biglang dumating na isang bulto ng lalaki sa tabi ko. Natatawa ko itong nilingon ngunit ganon na lang ang aking pagsinghap nang makita kong si June ito.

Malapad ang ngiti ni June sa akin. Suot niya ang aming complete uniform at may bitbit siyang bulaklak at teddy bear na kulay brown.

Halos umusok ang aking pisngi dahil sa bulgarang ginagawa ni June. Kahapon niya lang ako tinanong ngunit ngayon may pa-bulaklak na siya. Tatlong pink roses iyon at may kasamang teddy bear.

Sa gulat ko ay hindi kaagad ako nakabawi. Natulala lang ako kay June. Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba rito ang kanyang dala o hindi. Umalpas ng malakas ang aking dibdib na para bang nakikipagpaligsahan ako.

Kagabi lang ay pinayagan naman ako ni Mama. Natuwa ako dahil first time ko itong tatanggap ng manliligaw. I mean, natutuwa ako kasi may nanliligaw sa akin. Kahit pala ganito ako… kaligaw-ligaw rin naman pala itong mukha ko.

Kaso lang si Zadkiel. I don’t know what’s wrong with him because he suddenly meddled in my mother’s decision to accept my suitor. Eh hindi nga siya makasagot nang sabihin ni Mama kung kailan siya nagcrush-crush at nanligaw.

FYI naman, maaga rin siyang kumiringking! Beside, wala naman yatang masama kung susubukan ko ito.

“Sino ka oi!” Ang maangas na sabad ni Vivian ang naputol sa aking malalim na pag-iisip.

Tiningnan ko si Vivian na kunot ang noo. Masuri nitong tiningnan si June mula ulo hanggang sa paa. Mukhang hindi niya rin namumukhaan si June! Para kasi itong nagbagong anyo!

“V-Vivian,” usal ni June. Nanginig bigla ang boses ni June dahil kay Vivian. Nawalan ng kulay ang mukha niya.

“Kilala mo ako?”

“J-June,” tawag ko kay June kaya bumaling siya sa akin.

He shyly gave me a hearty smile before extending his hand. “P-para sa’yo, Leinne.” He handed me the teddy bear along with the pink roses.

Kimi kong tinanggap ang bulaklak at teddy bear na bigay ni June. Sinundan ng mga kantyaw ng mga estudyanteng kumakain sa canteen ang ginawa ni June. Agaw pansin naman talaga ang ginawa niya!

Ngunit hindi nanuot ang kilig sa buto ko nang padarag na tumayo si Vivian at dinuro si June!

“Putek! June Borces?” Matapang na asik ni Vivian kay June.

“V-Vivian…”

“Vivian, nanliligaw ako kay Leinne,” ani June dahilan para masapawan niya ako.

Maharas ang naging singhap ni Vivian. Pagak siyang tumawa.

“Binibiro mo ba ako, June? Akala mo ba makakalimutan ko ang ginawa mo rito kay Leinne noon? Anong nahithit mo at ganito ka katapang, hah! Ligaw-ligaw ka eh dati nga binubully mo ang badet ko!”

Malalim ang naging lunok ni June. “A-alam ko ang ginawa ko sa inyo noon, Vivian. Pinagsisihan ko na iyon. At seryoso nga ako sa panliligaw ko kay Leinne. Promise! Tumaba man ako ulit!” Itinaas pa ni June ang kanang kamay.

“Hah! Kapag talaga, June, niloloko mo lang itong kaibigan ko. Makikita mo. Hindi ka makakatungtong ng ANU ulit!” Palatak ni Vivian.

Inabot ko ang kamay ng kaibigan ko.

“Vivian… tama na. N-nanliligaw pa naman siya.”

Umingos siya kay June. Si June naman ay yumuko na lang.

“Basted-in mo na iyan, Leinne! Matatanggap ko pa siguro kung si Leon o iyong BFF mong bugnutin ang manliligaw sa’yo!” Pasiring niyang saysay.

Nakurot ko tuloy ng pino ang kanyang kamay. Mabilis niyang nabawi ang kamay sa akin. Dinadamay pa talaga si Leon at Zadkiel! Akala naman talaga nitong kaibigan kong ito ay napaka-ganda ko para ligawan alin man kay Leon  at Zadkiel.

Binalingan ko na si June na namumutla na. Ibang-iba na talaga si June ngayon kaysa dati. Kung noon ito ay baka nagkarambola na sila ni Vivian ngayon. Si Vivian walang kinikilalang kaaway. Si June naman ay pumapatol ito ng babae noon.

Nag-mature na nga siguro talaga itong si June. Kami lang ata ni Vivian ang hindi pa! Mukhang nasa transition period pa kami from elementary days to highschool!

“June,” nag-angat kaagad ito ng tingin sa akin. A smile curved across his thick lips. “Salamat dito.”

Kumamot siya sa kanyang batok. Sumulyap siya kay Vivian na ngayon ay nakaupo na. Kinakausap ito ni Iyah pero irap lang nang irap ang babae.

“Leinne, p-pwedeng… mahingi ang number mo? H-hindi mo kasi ako in-accept sa Facebook.” Namumulang saad ni June.

Bumaon ang ngipin ko sa aking labi dahil sa pagpipigil ng ngiti. This is really happening. I already have a suitor!

“A-ah, ia-accept na lang kita sa Facebook.”

Sumigla ang kanyang mukha at ngayon ay unti-unti nang nanunumbalik ang kulay.

“Sige. Thank you in advance, Leinne. Magcha-chat ako sa’yo mamaya.”

Tinanguan ko si June. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong naghihintay pala ang kanyang mga kaibigang sa may entrance ng canteen. Kita kong sinalubong siya ng mga panunuksong titig ng mga ito. May isa pang pabirong sinuntok ang braso niya.

Lumingon sa gawi ko si June at matamis siyang ngumiti sa akin. Akalain mo nga namang papangitiin ako ng dating nagpapaiyak sa akin!

Hanggang sa pumasok kami sa classroom namin ay tinatalak pa rin ni Vivian ang pagkadisgusto niya kay June.

“Pasensya ka na. Hindi ko ito nabanggit sa’yo.” Suyo ko naman sa bakla ko ring kaibigan, si Vivian.

“May cellphone ka na, classmates tayo, halos magkasama araw-araw! Tapos hindi mo man lang sinabi na nagkaka-interes na pala sa’yo ang lintek na June na iyon!” Pag-aalburuto niya.

Kinawit ko ang aking braso sa kanya at nag-puppy eyes ako ng todo.

“Sorry na po. Hindi ko naman inaasahan na ganito kabilis si June. And don’t worry because he’s still my suitor.”

“Ayusin mo talaga iyan, Leinne. Kabanas naman! Kapag nagkataon iyong lalaking iyon pa ang magiging first boyfriend mo!”

May kumilabit sa aking balikat kaya nilingon ko ito. Si Leon pala. I untangled my arms from around Vivian’s arm and faced Leon.

“Leon?” Baling ko sa kanya.

Leon wet his lips by licking them “Iyon bang… lalaking nagbigay n’yan,” nginuso niya ang teddy bear at bulaklak na nasa arm chair ko. “Kilala n’yo na since elementary? Tama ba iyong narinig ko from Vivian na binubully ka no’n?”

I exhaled sharply through my nose. Dahil wala pa ang aming subject teacher ay napakwento ako kay Leon. Si Iyah naman ay naki-usisa na rin sa amin.

“Ayie! Baka binubully ka niya noon, Leinne, kasi crush ka na.” Tili naman ni Iyah na siyang nakasandal sa silya si Leon.

Masamang tiningnan ni Leon si Iyah. Napapak tuloy ni Iyah ang labi dahil sa sama ng tingin ng lalaki sa kanya.

“Ano ba ’yan, Leon. May masama ba akong sinabi? Kinilig lang ako!” Suway ni Iyah kay Leon.

“Hindi iyon nakakakilig. Binubully niya si Leinne noon tapos ngayon nanliligaw,” sabi niya. Tumingin si Leon sa akin. “Pag-isipan mong mabuti iyan, Leinne, kasi hindi maganda ang ginawa niya sa’yo… noon.”

“I think naman nag-reflect na iyong guy sa mga ginawa niya kay Leinne noon, Leon. Kita mo naman kanina na namumula pa siya in front of Leinne,” ani naman ni Iyah.

“Even if, Iyah,” Leon snorted.

Pansin ko na sa bawat bitiw ng mga salita ni Leon ay nagiging matigas na iyon.

“I’m just saying, okay!” Annoyed na sabi ni Iyah. Tinapik ni Iyah ang balikat ko. “Basta support lang ako sa’yo, Leinne. I’m just so kilig na may suitor ka. Bahala na iyong iba d’yan na magalit… baka naiinggit lang kasi torpe!” Pahabol pa ni Iyah sabay panlilisik ng mata niya kay Leon.

Habang naghihintay ako kay Zadkiel o kay Kuya Celo na kukuha sa akin ay namumula ang aking  pisngi. Ang bawat estudyanteng dumaraan sa harap ko ay napapa-second glance sa bitbit kong bulaklak at teddy bear.

Sumigla ako nang makita ko ang pamilyar na kotse. Tumigil ito sa tapat ko at bumaba ang windshield. Bumungad kaagad ang nakabusungot na mukha ni Zadkiel! Akala ko si Kuya Celo ang kukuha sa akin ngayon!

Kumuyom ang kanyang panga nang bumaba ang mata niya sa bitbit ko.

“M-magandang hapon, Zadkiel.”

“Good afternoon, Leinne. Pumasok ka na.”

Inabot niya ang pinto ng kotse at pinagbuksan ako. Umakyat ako at kinandong ang mga bitbit.

I pouted my lips before glancing at him in the driver’s seat when I noticed he hadn’t started the engine.

“What’s that?” The displeasure in Zadkiel’s voice was as clear as the skies outside the car. Mas bumakat ang buto ng kanyang panga at kung nakakasunog lang ang titig niya sa bulaklak at teddy bear ay baka abo na ito ngayon.

“B-bigay lang.”

Halos hindi pa ako makatapos nang sumabat kaagad siya.

“Nino?”

“G-galing kay… J-June.”

Humigpit ang kamay ko sa paghahawak doon sa mga bigay ni June sa akin.

“June? Is he the brat who’s courting you?”

Tumaas ang kilay ko kay Zadkiel. 

Brat?

“O-oo…”

“Don’t tell me it’s the same June who was bullying you back then?”

“Edi, hindi ko sasabihin,” mahina kong untag na kinasinghap niya naman.

Zadkiel needed to drag a hand down his face before he scanned me, frustrated

“Leinne…”

“Pinagsabihan na rin ako nina Leon at Vivian. Kesyo binubully ako ni June noon. Nanliligaw pa naman siya. Hindi ko pa siya boyfriend—”

“So you really had a plan to make him your boyfriend.”

My jaw dropped! Hindi ako makapaniwala na iyon ang narinig niya sa mga sinabi ko!

“Zadkiel, hindi naman sa ganon. Titingnan ko lang naman kung—”

“You don’t like that flower. It’s not your favorite color.” Sabad niya dahilan para maputol ako!

I can’t believe it. Oo favorite ko ang kulay lavender pero hindi naman ibig sabihin no’n ay ayaw ko na sa pink! It’s still cute!

“A-at least dalawang beses na ako naka-receive ng flowers.” Kontra ko sa kanya.

Kagabi pa talaga siya mainit dahil may suitor na ako! Bakit kasi hindi na lang siya sumaya para sa akin?

Hindi ba siya proud na may manliligaw ako?

Dapat maging happy siya!

“Whatever! I’ll  keep an eye on that brat!” he murmured under his heavy breath.

Sa mga sumunod na araw ay patuloy ang pagbigay ni June sa akin ng kung ano-ano. Minsan mamahaling tsokolate, na kinakain nina Iyah at Vivian bago ko pa mauwi sa bahay. Minsan naman may snacks siyang binibigay sa akin kaso si Iyah at Vivian lang ang kumakain.

Hanggang sa umabot ng biernes ay limang beses na akong binigyan ni June ng rose. Pero tag-iisang piraso lang. Every afternoon niya iyon binibigay sa akin bago siya umuwi!

Friday kaya naman si Kuya Celo ang kumuha sa akin. May party nga kasi sa bahay nila Zadkiel. Ewan ko kung anong party.

“Deretso ka sa quater ninyo, Leinne,” si Kuya Celo bago pa ako makababa ng kotse.

“Ha? Tutulong pa ako sa kusina nina Mama, Kuya Celo,” ani ko naman.

“Bilin ni sir Zadkiel.”

Napatango ako. Naalala ko ang sinabi nito sa akin. Pero sa kusina lang naman ako. Hindi ako lalabas.

“Sa kusina lang naman ako, kuya. Okay lang po iyon.”

Bumuntong-hininga lang si Kuya Celo.

Kaagad akong nagbihis sa usual kong pambahay na suot— cotton shorts na kulay lavender at puting tshirt na may print na The Powerpuff Girls. Iyong shorts ko ay umikli na dahil no’ng elementary ko pa ito.

“Ganda talaga nitong anak mo, ate Norberta!” Biro naman ni ate Sepa sa akin nang makapasok ako sa kusina.

“Ay, naku, tumahimik ka d’yan, Sepa!”

“Totoo naman, ate. Kung hindi lang panglalake ang gupit nitong si Leinne ay babaeng-babae na. Tiyak maraming manliligaw!” si Ate Sepa.

My face flushed.

“Maghuhugas ako sq mga gulay, Ma! Hello, ate Sepa!”

“Leinne?” Napalingon ako sa boses ng lalaki. Si Felix iyon.

“Oh, Felix… may kailangan ka?”

Ngumiti siya at hinagod ako ng tingin. Umiling naman siya pagkuwan. “Pwedeng makahingi ng plastic cups?”

Tumango ako sa kanya. Alam ko naman kung saan nakalagay ang mga plastic cups na binili namin ni Zadkiel no’ng lunes.

Ngiti akong humarap kay Felix bitbit ang plastic cups ngunit si Zadkiel na ang nakatayo sa kinatatayuan kanina ni Felix. Naka-trunk shorts lang si Zadkiel at ang polo niya naman ay bukas ang tatlong butones. Lumalantad ang dibdib niya.

Umikot ako sa island at hinanap si Felix.

“Sinong hinahanap mo?” ani Zadkiel.

“Um, si Felix lang. Nanghingi kasi siya ng cups.”

Kinuha niya ang plastic cups sa akin.

“I thought you’d be staying in your room. Go do your assignments.”

“M-may sabado at linggo pa. Tutulong ako kina Mama rito sa kusina.”

“Leinne,”

“Huwag kang mag-alala kasi hindi naman ako lalabas at iinom. Alam kong minor ako.” Nakakainis na siya na lang ang laging na susunod!

Umalis na ako sa harapan niya at bumalik sa paghuhugas. Dumating din si Ate Sepa galing sa labas at kinausap ako kaya nawaglit sa isip ko si Zadkiel.

Lumalim na rin ang gabi at mas naging maingay pa sa may pool area. No matter how curious I was to take just a second’s peek at what was happening, I suppressed myself from doing so.

Una akong pinatulog ni Mama dahil mukhang matatagalan pa ang party. Ngunit naalimpungatan na lang ako at wala pa rin si Mama. O baka lumabas na at hindi ko lang ito namalayang pumasok. Tumingin ako sa orasan at kita kong alas tres na ng madaling araw!

Humikab ako at lumabas. Walang tao sa kitchen kaya lumabas ako. Sa sala ay may nagkalat na plastic cups, bote ng alak, tapos may natutulog sa sofa.

Natanaw si Mama, ate Sepa, at ang ibang katulong na naglilinis sa may pool. Kalmado na at mukhang tapos na ang party. Pumuntahan ko na sana sila Mama upang tumulong nang may kumalabit sa akin.

“Hey!”

Tumalon ang balikat ko nang may biglang magsalita sa likod ko. Isang lalaki na namumula ang mukha at antok na antok!

“Do you know where the guest r-rooms are?” Lasing niyang tanong.

Tinuro ko ang ikalawang palapag ng bahay.

“C-can you s-show me?”

Lumunok ako.

“Dang! I’m really sleepy. I can’t drive in this state!”

“S-sumunod ka,” sabi ko sa kanya.

“Thank you!”

Tinuro ko sa kanya ang mga guest room sa ikalawang palapag. May bakanteng kwarto kaagad siyang nakita kaya inakupa niya ito. And for the last time nagpasalamat siya sa akin bago sinara ang pinto.

Akmang aalis na sana ako nang masara nito ang pinto nang mapansin kong may pinto na nakasiwang.

Nilapitan ko iyon para isara dahil baka may umakupa rito kanina at hindi sinara ang pinto kaso para akong nabusan ng malamig na tubig nang makita ko kung sino ang nasa loob.

It was Zadkiel with some random girl kissing his chest. Naka-bikini lang ang babae at naaninag kong bukas na ang polo ni Zadkiel.

Napasinghap ako at bago ko pa matakpan ang aking bibig ay bumaling na si Zadkiel sa akin. The girl on top of him was oblivious to my presence.

When my eyes locked with Zadkiel’s dark ones, a pang in my chest, one I couldn’t name at that moment, made my eyes burn. The sensation was so strong, it felt as though my heart was slowly breaking.

Tears pricked at my eyes

Umatras ako.

I saw Zadkiel shove the girl aside. She shrieked as she fell to the floor. Before Zadkiel could get off the bed, I bolted like lightning toward the stairs and ran straight to one of the maids’ quarters, crying.


This story is already at

chapter 26

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 11

Chapter 11

Leinne’s Pov

The next day, I avoided him as much as possible.

But why on earth did I act that way? Ewan ko rin. Malaking katanungan din siya.

Ang eksena na aking nakita sa guest room ay hindi ko pa rin talaga mawaglit sa aking isip! Para siyang sirang plaka na paulit-ulit na nagri-reply sa aking utak.

But the question is… bakit ako naiyak nang makita ko iyon? As a man, a mature and healthy man— alam ko naman na kasali iyong sa basic needs niya. Natural lang na maghanap siya nang makakapag-satisfy sa kanya kasi lalaki siya. Kaso bakit nga ako umiyak? Bakit pa parang may gumuho sa loob ng dibdib ko?

Kinapa ko ang aking dibdib nang bigla itong tumibok ng malakas. Para akong kinakabahan na ewan. Para akong tumakbo ng ilang kilometro dahil sa malalakas na hampas ng aking dibdib.

Kaibigan ko si Zadkiel. We’re best friends. I could have sworn to all the gods and goddesses that we’re nothing more than that. Pero natural lang ba itong nararamdaman ko? Natural lang ba na parang may kumudlit na sakit sa loob ng dibdib ko dahil sa aking nasaksihan?

Nasaktan ba ako kasi first time kong makakita ng ganon? First time kong makitang may ginanon si Zadkiel… naging intimate sa isang babae.

Alam ko ang mga naging ex-girlfriends niya mula pa noon. Though hindi ko kilala in person pero alam ko ang mga pangalan kasi kinukwento niya ito sa akin. Kahit elementary palang ako no’n ay natatandaan ko pa. Una si Pam, ang first ever girlfriend niya no’ng highschool. Pangalawa si Natasha na dalawang linggo niya lang na girlfriend. Pangatlo, si Brina na nerd daw at siya yata ang naging matinong babae ni Zadkiel. Tapos si Stacy na maldita at may lihim na grudge sa akin!

Hay! Nasanay ba ako na kinukwento ni Zadkiel sa akin ang love life niya? Kaya ba nasaktan ako ng ganito kasi nagulat ako? Pero magkaibigan lang naman kami. He doesn’t have to tell me everything that’s going on in his life. Hindi porket best friends kami ay ibabalita na niya ang lahat sa akin.

There should be a fine line separating us, no matter how close we are. It’s a boundary that simply can’t be crossed.

Humiga ulit ako sa kama. Mabuti at Sabado ngayon. Walang pasok. Sinabi ko rin kay mama na hindi maganda ang pakiramdam ko kaya sinabi niyang magpahinga na lang daw muna ako. Laking pasasalamat ko sa naging payo ni Mama!

Kaya habang nasa kwarto ako ay ginawa ko ang mga assignments ko. At nang matapos ako ay alas onse na. Nagliligpit na ako sa aking notebooks at ballpen nang may kumatok sa pinto!

Hindi muna ako sumagot at dali-dali kong itinabi ang aking bag at bumalik ako sa kama. Dito kasi sa silid namin ni Mama ay may desk kung saan ako gumagawa ng homeworks o projects ko. Pinaglumaan na desk iyon ni Zadkiel. 

“Leinne?” Garalgal ng isang boses mula sa labas—si Zadkiel!

Biglang tumalon ang aking puso! May kung anong init na pumahid sa aking dibdib pero winaglit ko ito at bumalik sa kama. Nagtulakbong ako sa kumot. Tama naman na bumukas ang pinto nang makapagtabon na ako ng kumot.

Naririnig ko ang yabag ng paa ni Zadkiel na palapit sa aking pwesto. Kinuyom ko ng mahigpit ang kumot at mariing pinikit ang mga mata.

Umuga ang kama nang umupo siya at mas lalong nagwala ang dibdib ko. Nagpipigil na ako sa aking hininga dahil kanyang ginawa.

Anong nangyayari sa akin? Ako ba ang nahuli na may ka-romansa? Pero ako kasi ang sumilip!

Pagagalitan niya ba ako? Susupihin na niya naman ako? Kaya ba siya nandito kasi pangangaralan na niya naman ako?

“Leinne,”

Lumunok ako at tinikom ang bibig.

“You’re awake, aren’t you?”

Hindi pa rin ako sumagot sa kanya.

Narinig ko ang kanyang pagbuga ng mararahas na hininga. Lihim akong nagdadasal na sana ay lumabas na siya kasi naiinitan na ako rito sa ilalim ng kumot.

“Tita Norberta told me that you’re not feeling well. Pinuntahan lang kita rito para kumustahin ka. I’m not here because of… something else.”

Bahala ka d’yan!

“From what I remember, you seemed okay last night. May nakain ka ba na kinasama ng pakiramdam mo?”

Nagmatigas pa rin ako. Bahala na sigurong mapanis itong laway ko. Gumalaw ako ng konti kasi pinagpapawisan na ako ng todo! Ang init na!

“Kung may gusto kang kainin you can tell me. Gusto mo bang kumuha ako ng mallows for you? You can’t eat ice cream for now kasi baka masama ang t’yan mo. Baka lumala.”

Desisyon siya! Wala namang masama sa pakiramdam ko. Ewan ko kung ano ang sinabi ni Mama rito. Baka sinabi na may stomach ache ako. May pa-hawak hawak pa kasi ako sa t’yan ko eh! Iyan tuloy!

Ice cream and mallows! Tsk! May favorite!

“I’m not that much of a fool, Darryl Leinne. For the love of God, I know you’re wide awake under that thick blanket, so come out. You’re testing my patience, little kitten,” Zadkiel teased, his teeth gritting.

Lumipad ang kumot palayo sa akin dahil sa marahas kong pag-alis nito sa akin.

Nakita ko si Zadkiel nakangisi dahil sa violent kong reaksyon. At sinong hindi magiging violent dahil sa sinabi niya? Sabihan ba akong kuting!

Bumangon ako pero siniksik ko ang aking katawan sa kama. Niyakap ko ang aking tuhod. Ayokong malapit sa kanya lalo na dahil sa ngisi niya.

“A-anong nginingisi mo? M-masama ang pakiramdam ko. Binubulabog mo ako. Natutulog pa naman ako.” Kunwa’y sabi ko rito.

Zadkiel eyed me. He gulped.

“Ayusin mo ang shorts mo,” he said hoarsely.

Naituwid ko ang aking mga binti at binaba ang shorts na sumiksik sa aking singit. Malapit na pala akong kitaan sa aking underwear. How careless can I be!?

I crunched my nose. “N-nagpapahinga ako.” I informed him.

“Yeah?” May panunuya niyang saad.

“Ano? Hindi ka ba naniniwala sa akin? S-sinabi na ni Mama sa’yo na masama ang pakiramdam ko.” Palusot ko pa sa kanya.

Ngunit nagpanic naman ako nang umakyat siya sa kama. Nais ko mang iatras ang katawan ko kaso wala na akong ma-aatrasan pa nang umabante na siya sa akin.

Dumukwang siya at napapikit ako nag i-angat niya ang kanyang kamay. My pulse went wild, and for a moment, I thought the world had stopped spinning. Pero naimulat ko ang aking mata nang maramdaman ko ang kamay ni Zadkiel sa aking noo. Akala ko sasampalin na niya ako.

Kita kong kinapa niya rin ang sariling noo na para bang kinukumpara niya ang aming temperatura. Ilang sandali ay sabay niya nilayo ang kamay sa noo ko at ang pagbaba niya sa kamay mula sa sariling noo.

“Wala kang lagnat. Anong nararamdaman mong masama? Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?”

Nanlaki naman ang mata ko sa kanya.

“Ha? Ayoko! Maayos na rin naman ako.”

Kumunot ang kanyang noo. Naguguluhan na yata sa akin.

Umingos ako sa kanya.

“M-maayos na ako. Nakapagpahinga na kasi at nag-perspire na kaya bumuti na ang pakiramdam ko.” Nagkukumahog sa pagpapaliwanag sa kanya. Mabuti at pinagpawisan naman ako.

Ngunit tumitig lang siya sa akin. Ilang sandali lang ay walang anu-ano’y hinila niya ang kamay ko palapit sa kanya. Muntik nang sumubsob ang mukha ko sa kanya.

“O-oi!”

Hindi siya umimik at muli akong pinukol ng tingin. The seconds passed by as if I were floating, carried away by the way he stared at me. Zadkiel’s pale hazel eyes bore into me, as though I were a riddle he needed to solve. His gaze was so intense it carved a hollow in my stomach—one I couldn’t begin to fathom.

Babawiin ko sana ang kamay ko mula kay Zadkiel nang higpitan niya ang paghahawak sa akin. Animo’y ayaw niya akong bitiwan sa higpit ng mga kapit niya.

My heart rattles.

Lumunok siya ng malalim.

“You…” he uttered, still winded. “You saw me hours ago… didn’t you?”

Bumilog ang mga mata ko sa kanya.

“Z-Zadkiel,”

“Why did you cry?”

Umiling ako sa kanya.

Ano naman ang sasabihin ko sa kanya? Iyan nga rin ang gumagambala sa akin eh! Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Hindi ko rin alam kung bakit ako umiyak at… nasaktan?

Nanghina ako. Lumaylay ang aking balikat at binaba na lang ang mata. Aside from that, hindi ko rin kaya pang salungatin ang mga titig niya sa akin. Masyado silang mabigat. The more I look into his eyes, the deeper I fall into a maze, and I’m afraid I won’t ever find my way out once I’m lost in it.

“H-hindi ko alam, Zadkiel,” usal ko, inipit ang aking ibabang labi.

“God!” Istres niyang untag. “Of course, hindi mo alam.”

“H-ha?” Angat ko ng tingin sa kanya.

Tumiim ang kanyang mga bagang. “You’re not mad at me, right?”

Umiling  ako.

“Did… did I hurt you, perhaps?”

Umiling na naman ako.

“Are we okay?”

“O-oo naman…”

Binitiwan niya ako at tinuko ang kamay sa likod. Ngumiti siya sa akin at hindi nilalayo ang mata sa akin.

“I thought you’re mad at me, Leinne. Akala ko nagpanggap kang masama ang pakiramdam mo dahil ayaw mo akong makita. I’m glald to know that we’re fine. Ayokong magkagalit tayo, Leinne. If we have a problem… if dumating man ang panahon na masaktan kita na hindi ko alam. Please, do tell me, okay?” Kalmado ngunit may strictness sa kanyang tono.

Lumabi na lang ako sa kanya.

“We’re friends right, Leinne?”

Tumango ako.

“I don’t want to lose you, Leinne. If staying by your side means I have to endure seeing those bastards with you… then so be it.”

Nangunot ang aking noo sa sinabi ni Zadkiel. Masyadong malalim yata ang kanyang sinabi na hindi ko ito makuha.

Mayamaya ay bigla niyang hinilot ang sintedo.

“M-masakit ba ang ulo mo?” Usisa ko sa kanya at umusog para isara ang konting distansya na naghihiwalay sa aming binti.

Nag-indian sit si Zadkiel tulad ko.

“I think naparami ang inom ko kagabi.”

“Uminom ka ng gamot.” Payo ko pa.

Kiniling niya ang ulo at pinakatitigan ako. “I think I need my friend’s hug. Pinag-alala mo kasi ako. Hindi ako nakatulog ng maayos sa pag-iisip ko.”

“Anong sinabi mo?”

He snorted. “It’s nothing. If gusto mo akong tulungan, a hug will do.”

Nilabian ko siya bago umusog at niyakap ang kanyang malaking katawan. Niyakap ako ni Zadkiel sabay bagsak niya sa aming katawan sa kama.

“Shit! Inaantok ako.”

“Edi, bumalik ka sa kwarto mo. Doon ka magpahinga.”

Maliit kasi itong kama ko. He couldn’t fully stretch his legs since my bed was too short for his tall frame.

“Inaantok na ako. Dito na lang ako sa kama mo,” umuungol niya saad.

Bumuntong-hininga na lang ako at niyakap ito. Zadkiel snuggles his head on my neck.

“Zadkiel,”

“Mmm?”

“Bakit ka pala nagpa-party kagabi?”

“Nothing. Malapit na ang pasukan namin at kinukulit nila ako. They miss hanging out together, like we used to.” Sagot niya naman sa akin.

“Leinne, seryoso ka ba roon sa bubwit mong manliligaw?”

Pilit ko siyang tiningnan kaso nasa leeg ko ang kanyang mukha.

Bakit naman kami napunta sa usaping ito?

“G-gusto ko siyang subukan, Zadkiel.”

“Hindi science ang bagay na iyan na gusto mong pag-eksperimentohan, Leinne.”

“Kinikilala ko nga si June.”

“Remember, he bullied you back then.”

Napapalunok ako ng malalim dahil nakikiliti ako sa kanyang mainit na hininga na umiihip sa aking leeg.

“Kaya nga kinikilala ko… at saka masaya ako kasi may nanligaw sa akin. First time ko ito. Hindi ko kasi aakalain na may manliligaw sa akin… kasi alam mo na. Bakla ako.”

Ewan ko kung pinaglalaruan ba ako ng aking pandinig pero parang may narinig akong ungol.

“Enjoy your youth, Leinne. But please, don’t ever settle for less, okay? Just because you’re gay doesn’t mean you have to accept every scrap of attention a guy gives you. You’re an amazing person, Leinne, never forget that. Hindi lang iyang June na iyon o iyong Leon ang lalaki sa buhay mo.”

“Ehh… Zadkiel, kaibigan ko lang din si Leon! Hindi iyon nanliligaw.”

Humasa ang ngipin nito. “Whatever!”

“Zadkiel,”

“Just heed what I told you, Leinne. It’s okay to enjoy your youth, but don’t overdo it, and never settle for less when you deserve so much more. You’re still young; there’s still so much waiting for you to explore.”


This story is already at

chapter 28

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 12

Chapter 12

Leinne’s Pov

“Ang yaman-yaman pala talaga nila Zadkiel ’no, Leinne?” sabi ni Iyah sa tabi ko.

“Hmm?” tanong ko dahil hindi ako nakakasunod sa kanyang pinagkakaabalahan. Occupied ako sa aking cellphone dahil nagcha-chat sa akin si June.

Iniwan ko muna saglit ang tina-type kong reply kay June at sinilip ang binabasa ni Iyah sa kanyang cellphone.

Larawan iyon ni sir Zeus Dela Cuerta sa isang magazine yata at may recognition ito sa Asya. Hindi ko alam iyon pero tumingin ako kay Iyah at tumango na lang.

“Mayaman talaga. Sobra!” sagot ko sa kanya.

Nakakatuwa nga na kahit na sobrang yaman nila ma’am Ulysses at si Zeus ay nanatili pa rin silang down to earth. Tapos hinahayaan pa nila ang kanilang anak kung saan nito gustong mag-aral. Mukha ring hindi pressured sila Zadkiel at ate Zarrah na sumunod sa kanilang yapak. Si ate Zarrah kasi piniling mag-aral at maging modelo sa ibang bansa.

Imagine ang yaman-yaman nila pero nagsisikap pa rin ito para sa sarili niya. Hindi siya umaasa sa perang bigay ng kanyang mga magulang.

Bless na nga sila sa pamilya, bless pa sa mga anak at sa buhay! Nuwa’y lahat!

Kaya nga ngayon nag-aaral ako ng mabuti kasi pinapaaral ako nila Ma’am Ulysses dito sa Axis. Nakakahiya naman na hindi ko sila bigyan ng magagandang marka. Kaso lang minsan hindi nakikisabay ang katawan ko at ang hirap pa kasi may short term memory ako.

“Ano kaya ang pakiramdam ng ganito ’no? Iyong tipong ikaw na ang tinitingala ng iba dahil sa sobrang successful mo sa buhay.” Untag ni Iyah.

Nang masend ko ang reply ko kay June ay hinarap ko so Iyah. Inakupa niya ang chair ni Leon kasi nasa likod si Leon at kausap ang iba naming kaklase.

“Mayaman ka naman, Iyah.”

“May kaya lang ang family ko, Leinne. Hindi kagaya nila Zadkiel na namamayagpag talaga ang pangalan sa construction industry at iba pa. Ang laki kaya ng Dela Cuerta Corporations. Imagine kung ilang industry ang under ng DC!”

Sumakit ang ulo ko sa sinabi ni Iyah. Wala akong alam sa mga ganon. Basta ang alam ko mayaman ang mga Dela Cuerta.

“Tapos kita mo si Zadkiel? Hindi hambog at hindi halata na mayaman. Unless, puntahan mo sa bahay nila.” Dugtong pa ni Iyah.

Sumang-ayon ako kay Iyah. Though masungit at intimidating talaga ang awra ni Zadkiel pero mabait siya at walang kahambugan pagdating sa kanilang yaman.

Also, kahit nga ako na kasambahay nila ay kinaibigan niya. Hindi siya tumitingin sa estado ng buhay ng isang tao. At kapag magkasama kaming dalawa, hindi ko napi-feel na mayaman siya at mahirap ako.

Na-isturbo naman ang aming pag-uusap ni Iyah nang dumating si Vivian. Pinagdiskitaan kasi nito ang dalawang pigtails ni Iyah at nagkarambula na ang dalawa. Naputol tuloy ang aming pag-uusap tungkol sa mga Dela Cuerta.

Tawang-tawa naman si Vivian dahil naiinis na si Iyah sa kanya. Namumula na sa inis si Iyah dahil tumabingi na ang kanyang pigtails.

“Hmp! Sabihin mo lang kasi na inggit ka sa straight at mahaba kong buhok, Vivian.” si Iyah.

“Naiinis nga ako sa buhok mong iyan! Anong inggit-inggit ka d’yan! Ang feeler mo naman!” Asar pa ni Vivian kay Iyah.

Pareho talaga kami ni Iyah na pikon pagdating dito kay Vivian. Sobrang bilis naming mainis dito kaso hindi naman buo ang araw namin kapag walang bangayan at asaran! Minsan nga si Leon sumasali pa sa amin!

“Hoy, badet manliligaw mo oh!” Nguso Vivian mayamaya sa labas ng classroom namin.

Sinundan ko ang nguso ni Vivian at nakita ko sa labas si June. Lumapad ang ngiti ni June nang magtagpo ang mga mata namin.

Nahihiya akong tumayo dahil nakasunod ang mga mata ng classmates namin sa akin. Patakbo akong lumabas sa room at hinila si June sa may pinto upang magtago sa mga mata ng classmates namin.

“Good morning, Leinne.” Namumula ang mukhang bati niya sa akin. “Para sa’yo pala.”

Inabot niya sa akin ang dalawang mamon at minute maid fresh na inumin.

“June,” apila ko. “Hindi naman kailangan nito, June. Nahihiya na ako sa’yo nito.”

“Hindi, Leinne. Huwag kang mahiya at saka nanliligaw ako sa’yo.”

“Pero hindi mo naman ako kailangang bigyan ng ganito.” Idagdag pa ang mga rose na binibigay niya sa akin every dismissal namin sa hapon.

“Ngunit gusto ko itong ginagawa ko, Leinne. Bambawi na rin sa mga ginawa ko sa’yo noon. Alam mo naman…”

Bumuntong-hininga ako. Dati kasi ay kinukuha niya ang mga baon kung snacks! Para talaga siyang patay-gutom noon.

“Hindi na kailangan pa, June. At isipin mo, sa magulang mo pa ikaw nanghihingi ng pera para dito. May iba pa namang paraan sa panliligaw eh.” Payo ko sa kanya.

At simula no’n ay hindi na ako binibigyan ni June ng kung ano-ano. Simula rin no’n ay araw-araw na siyang maaga sa school at hinihintay niya ako sa may gate ng school at siya na ang nagbi-bitbit sa envelope ko instead na si Leon. Sa hapon din ay hinihintay niya ako sa labas ng classroom namin at siya ang nagdadala ng bag ko palabas!

Nasa library kami dahil wala ang aming MAPEH teacher. Si Vivian at Iyah ay magkatabi na natutulog at kami ni Leon ay nagbubuklat lang sa malaking dictionary.

“Leinne, hindi mo pa ba sinasagot iyong manliligaw mo?” bulong ni Leon sa akin.

Kinilabutan ko nang umihip ang kanyang mainit na hininga sa aking leeg.

“A-ano?” Utal kong sambit.

Bawal kaming mag-ingay kasi magagalit ang librarian.

“I said, hindi mo pa ba sinasagot ang nililigawan mo?”

Magkatabi kami ni Leon at ilang pulgada lang ang layo ng mukha namin. Halos maduling nga ako nang tumingin ako sa kanyang mukha.

Seryoso siyang nakatingin sa akin at hindi niya nilalayo ang mga mata sa aking mukha. Bigla tuloy akong na-conscious. Baka may muta pa ako ’no!

“H-hindi pa.”

“May balak ka bang sagutin siya?”

“E-ewan ko…” kibit balikat ko.

Unti-unting nagusot ang kanyang mukha dahil sa aking sinabi.

“What? Hindi mo alam? Ano ba ang nararamdaman mo sa kanya? Baka umasa ang  lalaking iyon, Leinne.”

Napag-isip isip ko ang tanong ni Leon sa akin. Komportable ako kay June. Masaya ako kapag nagka-chat ko siya. Pero walang spark. Wala akong ibang nararamdaman para sa kanya. Parang kaibigan lang ang turing ko sa kanya.

Iyong kilig ko ay no’ng una lang. Ngayon ay wala na. Nasanay na lang ako sa presensya ni June at wala nang iba.

Mali ba na hinayaan ko si June na manligaw sa akin? Mali ba iyong sinubukan kong tumanggap ng manliligaw? Hindi ko naman intensyon na paasahin siya. Akala ko lang may madi-develop na feelings along the way kasi kinilig naman talaga ako sa kanya no’ng una. Akala ko magtuloy tuloy na iyon.

“Ano ba ang gagawin ko?” tanong ko kay Leon.

Tiniklop niya ang libro at hinarap ako ng mabuti.

“May feelings ka ba sa kanya?”

Dahan-dahan akong umiling.

“Then, huwag mo na lang patagalin pa ang panliligaw niya. Baka mag-assume siya, Leinne.”

Taimtim kong tinitigan ang mukha ni Leon.

“Leon, ikaw ba ay nagka-crush na?”

Bumilog ang kanyang mga mata sa akin. Napalunok siya at nag-iwas ng tingin. Parang kinakabahan siya.

“Bakit sa akin napunta ang topic?”

“Nagpapayo ka sa akin eh.”

Binasa niya ang labi gamit ang dila niya at muling dumiin ang titig niya sa akin. Ngayon ay ako na naman ang na-intimidate sa kanyang mga mata. Para niyang binubutasan ang aking mukha dahil sa talim ng kanyang mga titig.

“May crush na ako.”

Napasinghap ako. Tinakpan ko ang aking bibig gamit ang dalawang kamay.

“Totoo?”

“Gulat na gulat ka talaga?”

I vigorously nodded my head up and down. Isang taon ko na siyang kilala pero wala kasi siyang binabanggit na crush. Kapag nag-uusap kami nina Iyah at Vivian sa mga crush-crush ay hindi siya sumasali. Lumalayo siya sa amin at nakikipag-usap sa iba naming kaklase.

“Oo naman. Akala ko wala kang crush,” ani ko.

“Meron. Matagal ko na nga siyang crush eh.”

Hala!

“Hindi ka umamin?” tanong ko.

“Ayoko.” aniya.

“Ay, torpe ka?”

Totoo ba ang sinabi no’n ni Iyah na torpe siya?

“Iba ang torpe sa takot na mawala ang taong iyon sa akin. Ayokong… masira ang pinagsamahan namin dahil sa nararamdaman ko.” si Leon.

Ohws! Mukhang seryoso talaga itong crush-crush niya ha.

“Maganda siya? Matalino? Anong grade level?”

Ngumisi siya. “Maganda siya. Unang kita ko palang sa kanya… nagandahan na ako.” Tumigil siya saglit. “Hindi naman siya ganon katalino pero creative, forgivable, at enthusiastic! At grade 8 din siya!”

Malakas ang naging singhap ko! Ito ang unang pagkakataon na nag-share si Leon tungkol sa kanyang crush! Sayang hindi ko siya na-record! Ipaparinig ko pa naman sana iyon kina Iyah at Vivian na halos tumulo ang laway sa desk!

Humagikhik ako sa aking mga kaibigan na parang aso’t pusa. Pero ngayon naman ay halos magkayakap na sila sa isang bean bag chair. May ngisi sa aking labi na bumaling kay Leon pero nahuli ko siyang nakatitig sa aking mukha.

“Ang ganda mo,” usal niya.

Nawala ang ngisi sa aking labi.

“Huh?”

Mabilis na umiling si Leon.

“N-nothing,” dumapo ang mata niya kina Vivian at Iyah sa may bean bag. “They’re just lovely.”

Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon sa kanya.

Kinabukasan, pagkatapos ng aming klase ay inaasahan ko na si June sa labas ng classroom namin. At tama naman ang aking hinala.

“Ako na ang magdadala sa bag at envelope mo, Leinne.”

Nilayo ko kay June ang aking envelope.

“June, pwede ba tayong mag-usap saglit bago lumabas?”

Sandali siyang natigilan pero kalaunay tumango rin. Nauna akong naglakad sa kanya hanggang sa makarating kaming dalawa sa malawak na field ng Axis.

“June,” pagharap ko sa kanya.

“Leinne,” usal niya naman.

“June, itigil mo na ang panliligaw mo.”

“Hah? Bakit? May nagawa ba ako? Naging sobrang–”

Nalusaw ang kanyang mga sasabihin nang umiling ako sa kanya.

“Hindi, June. Wala kang nagawa and in fact masaya ako sa mga pinapakita mo sa akin. Pero kasi, June, wala talaga eh.”

Napayuko siya at humawak sa sling ng kanyang backpack.

“Basted na ako?”

Tumango ako sa kanya. “Sorry, June.”

Lumunok siya. “Don’t be, Leinne. Kahit masakit… masaya ako na nagpakatotoo ka sa akin. Salamat sa pagbigay mo ng chance sa akin. Sana… kung komportable ka ay maging friends pa rin tayo? At sana pumayag ka na magchat pa rin ako sa’yo.”

“Walang problema iyon sa akin, June.”

“Pwedeng… payakap?”

Tinanguan ko na lang siya at hinayaan na yakapin ako.

Sinamahan pa rin ako ni June palabas pero tahimik na siya. I feel so sorry pero hindi naman pwedeng magsinungaling ako sa kanya. Ayaw ko naman siyang sagutin out of guilt lang o awa. Kahit naging masama siya sa akin noon, ayaw kong paglaruan ang feelings niya.

“Kuya Celo?” gulat kong sambit nang makita kong si Kuya Celo ang sumundo sa akin!

Nagsimula na ang klase nila Zadkiel last week at may kotse na siya kaya sumasabay na ako sa lalaki. Kaya naman nabigla ako nang si Kuya Celo ang sumundo sa akin gamit ang kotse ni Zadkiel.

“Magandang hapon, Leinne. Halika ka na.”

Umakyat ako sa likod ng kotse. Kinandong ko ang aking bag.

“Kuya si Zadkiel po pala? Bakit po kayo ang nagmamaneho sa kotse niya?”

“Nasa bahay na si Sir Zadkiel, Leinne. Pinapasundo ka lang niya. Umuwi kasi sila Ma’am Ulysses at sir Zeus.”

“Talaga po? Biglaan po yata ang pag-uwi nila ma’am at sir.” Komento ko pa.

“Biglaan nga at… ang gulo sa bahay.” si Kuya Celo at bumuntong-hininga siya.

Hindi na ako nakapagtanong pa kay Kuya Celo nang umusad na ang kotse.

Nakakapagtaka na kapag umuuwi sila Ma’am Ulysses at sir Zeus ay sinasabi naman nila iyon sa amin beforehand para makapaghanda. Everytime kasi na umuuwi sila ay may mga gatherings talagang nagaganap sa bahay.

Nang makarating ako sa bahay ay nagtaka ako sa kakaibang atmosphere ng bahay. Pagpasok ko palang ay ramdam ko na ang tensyon. Nanlaki ang aking mata nang makita sila ate Sepa na naglilinis ng mga bubog sa sahig.

Lumapit ako sa kanila.

“Ate Sepa, anong nangyari?” Usisa ko at nilibot ang tingin sa buong sala na magulo.

“Oh, Leinne. Pumasok ka na sa kwarto ninyo ng mama mo. Magbihis ka at tumulong sa paglilinis. Nagkagulo dito sa bahay. Nagwala si Ma’am Ulysses!”

“Po? Bakit po?”

“Basta. Sige na. Kumilos ka na.” Hasty na utos ni Ate Sepa sa akin.

Nang matapos akong magbihis ay nakita ko si Mama sa kusina na mag-isa, nagluluto. Kukuha lang sana ako ng panlinis eh.

“Ma,” humalik ako sa pisngi ni Mama. “Ano po ang nangyari? Sabi ni Kuya Celo sa akin kanina nagkagulo raw dito. At sabi naman po si Ate Sepa…” luminga muna ako sa paligid upang masiguro na walang nakikinig. “Nagwala raw po si Ma’am Ulysses.” pabulong kong dugtong.

Bumuntong-hininga si Mama. “Leinne, kasambahay lang tayo rito. Huwag na tayong makisali sa kanila.” Supi ni Mama sa akin.

Hanggang sa maghapunan kami ay walang bumanggit sa nangyayari ngunit ramdam ko ang tensyon sa buong hapunan namin.

Sa buong taon na namamasukan kami ni Mama rito sa mansyon ng Dela Cuerta ay ngayon lang ito nangyari. May naging away naman noon sila Ma’am at pagtatalo pero hindi ganito. May mga bagay na kasing winasak!

Habang ginagawa ko ang aking homeworks ay bigla namang may kumatok sa pinto. Si Mama ay natutulog na kaya ako na ang nagbukas sa pinto.

Laking gulat ko nang si sir Zeus ang bumungad sa akin.

“Leinne,”

My eyes blinked.

“Sir, magandang gabi po.”

“Leinne, pwede mo bang puntahan si Zadkiel sa silid niya?”

“Bakit po?” Pagtataka ko.

Tumamlay ang mata ni sir Zeus. “Hindi siya lumalabas ng kwarto since dumating siya rito sa bahay. Naabutan niya kaming nag-aaway ng Mom niya kaya nagkulong siya sa kanyang kwarto. Can you check on him and bring his dinner? He didn’t eat earlier.”

Binigay ni Sir Zeus ang tray ng pagkain at sinamahan ako hanggang sa labas ng kwarto ni Zadkiel.

“Thank you, Leinne.” ani Sir Zeus bago ako iniwan.

Nag-ipon muna ako ng hangin sa aking dibdib bago kumatok ng tatlong beses sa pinto.

“I want to be alone! Ano ba ang hindi ninyo maintindihan doon!?”

Napatalon ako sa malakas na sigaw ni Zadkiel.

Tumikhim ako. “Z-Zadkiel, dala ko ang dinner mo. Hindi kita iisturbuhin. Kunin mo lang itong dala kong pagkain. Nag-aalala—”

Nabitin ang aking pagsasalita nang bumukas ang pinto. Hinila ako ni Zadkiel papasok sa silid niya. Nilagay ko sa kama niya ang tray.

Aalis na sana ako nang may braso na yumakap sa akin mula sa likod. Lumukob sa aking likod ang init ng katawan ni Zadkiel. Tumatagos ang init ng kanyang katawan sa damit na naghihiwalay sa aming katawan.

“Z-Zadkiel,”

“I hate them, Leinne.”

“Zadkiel,” gumalaw ako upang harapin siya kaso humigpit ang kanyang pagkakayakap sa akin.

“Can we just stay like this? Just for five minutes, Leinne.”

My defiance crumbled when I heard his weak, pleading voice. Hinaplos ko na lang ang kanyang kamay at tumango.

Ang hina ko talaga pagdating dito sa kaibigan ko.

Zadkiel dropped his head on my neck, and I felt his heavy breathing brushing against my skin as heat coursed through my body, like I was running a fever.


This story is already at

chapter 34

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 13

Chapter 13

Leinne’s Pov

Hinayaan ko siyang yakapin ako. Wala akong imik at nakiramdam lang sa kanya. Mabibigat at malalim ang kanyang hininga sa aking leeg. Gusto ko man siyang harapin para yakapin ng mabuti kaso ito yata ang gusto niya. Ayaw niya yatang makita ko siyang malungkot at vulnerable.

But it’s in people’s nature, we’re human, which is why we can feel and express different emotions. However, may mga tao talagang kinukubli ang kanilang totoong nararamdaman at emosyon. Siguro iyon ang kanilang paraan para protektahan ang sarili. Siguro doon sila komportable. Others may tend to hide their true feelings and emotions to please the people around them.

Yet, it’s suffocating. Kung patuloy kang magkukubli at itatago ang totoo mong nararamdaman. Iipon siya sa dibdib mo hanggang sa ikaw na mismo hindi na makahinga at makilala ang sarili mo.

Wala man akong relo ngayon o timer pero alam kong lumagpas na kami ngayon sa five minutes na magkayakap. Ay, si Zadkiel lang pala itong nakayakap sa likod ko. Kanina no’ng nakita ko siyang magulo ang buhok at pagod ang mga mata, nanghina rin ako. Hindi ako sanay na ganon siya eh. Sanay akong makita siya na naka-kunot noo, seryoso, at istrikto.

“Zadkiel kumain ka muna,” sabi ko mayamaya. Nagbaba ako ng tingin sa kamay niyang nakapulupot sa aking katawan. Hindi ko napigilan ang kamay na haplusin ang kanyang umuusling ugat sa bisig.

He shuddered.

“I don’t feel like eating, Leinne,” namamaos niyang untag.

Umikot ako para harapin siya, sa pagkakataong iyon hinayaan niya akong gumalaw sa gitna ng yakap niya. Tiningala ko siya at ngumiti. He couldn’t smile back at me.

Tuluyan kong kinuha ang braso niyang nakagapos sa akin. Hinila ko siya sa kama at pinaupo. Para siyang wala sa sarili na sumusunod sa akin. Parang robot na kung ano ang gustong ipagawa, walang angal na sumusunod.

“Kain ka. Nag-alala si Sir Zeus sa’yo. Pinuntahan ako sa silid namin para ako ang magdala ng dinner mo,” sabi ko sa kanya at umakyat sa kanyang kama.

Nag-indian sit ako dito sa kama niya habang siya naman ay nasa paanan ng kama at nasa sahig ang paa. Tinulak ko ang tray palapit sa kanya.

“Mukhang ininit siya ni Sir Zeus kasi mainit pa.” Dagdag ko nang nakatulala lang siya sa akin.

Kumuyom ang kanyang mga panga. “Sorry.”

Tumaas ang kilay ko sa kanya. “Bakit ka nagso-sorry?”

“Because my father has to wake you up.”

Ngumiti lang ako sa kanya. “Wala iyon. Hindi pa naman ako natutulog eh. Saka hinanap din kita no’ng dinner, wala ka sa dining table. Naisip kong dalhan ka sana ng pagkain kaso lang…” kinalikot ko ang aking daliri. “Baka kailangan mo ng space.”

“Did I make you worry?”

Tumango ako. Oo naman, nag-aalala ako sa kanya kasi best friend ko siya. Wala man siyang sinasabi pero bakas sa kanyang mukha ang lungkot. Bibihira ko lang siyang makita na ganito.

“Come on, samahan mo akong kumain.”

“Huh? Hindi na. Tapos na naman ako at… hehe kumuha ako sa ref ninyo ng prutas at iyon ang kinain ko habang gumagawa ng homeworks.”

My heart pounded with joy when I saw him pick up the spoon and fork.

“Wala na bang mallows at ice cream sa ref?”

Alam niya kasing iyon ang kadalasan kong kinakain kapag may ginagawang assignments.

“Meron pa naman pero gusto ko ng fruits ngayon. Para healthy.” May pakindat ko pang untag sa kanya para pagaanin ang atmosphere.

The corner of his lips tugged upward, making my heart rattle. Oh, what’s happening to my heart? I discreetly glanced at my chest as it suddenly began beating irregularly, which was so unusual.

I shrugged off those thoughts and focused on Zadkiel.

“Here,” saad niya sabay taas sa kutsarang may lamang kanin at ulam.

Matigas ko siyang inilingan. Busog pa naman ako.

“Hindi na. Tapos na kasi akong kumain.” Mariin kong tanggi sa kanya. Susubuan pa niya talaga ako.

Binaba niya ang kutsara. “I don’t like it. Nandito ka sa kwarto ko, kumakain ako at ikaw d’yan nakatingin lang sa akin.”

Ngumuso ako. Kinuha ko ang isang unan niya at niyakap ito. Binaon ko ang ilong ko sa unan niya. Nanalakay kaagad ang kanyang musky na amoy sa aking ilong.

Zadkiel gazed at me through his long lashes.

I gulped as I gathered myself to speak.

“Kumain ka lang. Magku-kwento na lang ako sa’yo habang kumakain ka!”

“Hindi ka pa ba inaantok? How about your homework?”

“Hindi naman ako dinalaw ng antok ko at saka huwag mo nang intindihin iyong homework ko.”

Uminom muna siya ng tubig. “Hindi ka na nagpapaturo sa ’kin.”

Kumamot ako sa aking buhok. “May mga kaibigan na kasi ako sa school. Sa kanila na ako nagtatanong. Nahihiya rin kasi ako sa’yo kasi college ka na. Mahirap daw sa college, Zadkiel.”

“Hindi ko pa nararamdaman ang hirap ngayon. You can still consult me or ask for my help. Tutulungan at tuturuan pa rin naman kita… just like before.”

Tinanguan ko na lang siya.

“Zadkiel, may sasabihin pala ako sa’yo.”

Dati sanay na sanay ako kahit na anong sabihin ko kay Zadkiel. Kahit tungkol pa siya sa mga classmates kong umihi sa uniform nila. Lalo na sa mga pambubully na natatanggap ko noon. Para siyang human diary ko noon eh. Kaso ngayon na lumalaki na ako… nahihirapan na akong sabihin sa kanya itong mga nararamdaman ko.

Maybe because… lumalaki na kami at may iba-iba nang pinagkakaabalahan aside sa isa’t isa? O baka dahil… habang lumalaki kami unti-unti na ring nagkakaroon ng boundaries sa pagitan naming dalawa? Without us knowing, may boundaries na pala na hindi namin pwedeng tawarin?

“Ano iyon?” Mukhang nakuha no’n ang atensyon ni Zadkiel kasi dumiin ang titig niya sa mukha ko.

“Kumain ka lang habang nagku-kwento ako.”

“Kakain ako. Sige na.” Encourage niya.

Huminga ako ng malalim.

“Di ba, nanliligaw sa akin si June.”

Biglang nawala ang excitement niya at ngayon ay umarko ang kilay niya nang marinig ang pangalan ni June.

“What about that kid?”

I crinkled my nose. I know that June suddenly turned over a new leaf, but I can feel his sincerity.

“Matagal na siyang nanliligaw sa akin…”

“Hindi pa matagal ang isang buwan, Leinne.”

“E-ehh, matagal na siya para sa akin.”

Pilit siyang tumango sa akin.

“Kanina kinausap ko na siya doon sa may school ground. B-b-binasted ko na siya.” Pahayag ko sa kanya.

Napakurap-kurap siya.

“You… you what?” he breathed.

I pouted my lips.  “B-binasted ko si June, Zadkiel. Kasi… iyong kilig na naramdaman ko sa kanya ay nawala eh. Akala ko kapag pinayagan ko siyang manligaw ay babalik iyong ganong excitement. Kaso nawala. Ayoko ko namang paasahin na lang si June. Nakakahiya sa tao.” Ngumunguso kong sabi sa kanya.

Laking pasalamat ko talaga na pinaliwanag ni Leon iyon sa akin kanina. Kung hindi dahil sa kanya, baka hindi ko mari-realize ang bagay na iyon.

“You turned him down,” he said in an undertone, yet he still sounded pleased. For whatever reason, parang malugod sa kanya ang aking ginawa.

Hinabaan ko na lang siya sa nguso ko.

“Are you sure that you don’t have feelings for him?” usisa niya pa sa akin.

I nodded. “Wala… wala talaga.”

“Then you made the right decision, Leinne.”

I thought  so…

Biglang gumana sa pagsubo si Zadkiel. Naubos nga niya iyong dala kong kain at ulam. Itinabi niya rin iyon pagkatapos. Hindi naman ako pinaalis ni Zadkiel kaya nanatili ako sa silid niya. Tapos na siyang mag-toothrush at umakyat na sa kama.

Isinandal ni Zadkiel ang katawan sa headboard ng kama. Ako ay nanatili lang sa posisyon ko kanina kaso ngayon ay naka-baba na ang unan sa kandong ko.

“Zadkiel, pasensya ka na kung itatanong ko ito ha?”

“Go ahead, Leinne.”

Pinisil ko ang unan na kalong ko.

“Zadkiel… dahil ba kay ma’am Ulysses at sir Zeus kaya ka hindi bumaba kanina? At kanina pagkarating ko galing sa school n-nakita ko sa baba ang mga basag na gamit. Nilinis namin—”

“Hindi ka ba nasugatan? Dapat hindi ka na lang tumulong sa paglilinis no’n. Delikado.” Pagputol niya sa akin.

“Ako lang naman ang nagdala ng mga panlinis at basuharan doon.”

Bumuga siya nang marahas na hininga.

“Maaga akong nauwi kanina kasi nagtext si Mom kung nasa bahay ba si Dad. Wala naman ang prof namin kaya umuwi ako. Kaso wala si Dad.”

“H-hindi ba nasa ibang bansa naman sila?”

He smiled humourlessly. “That’s what we thought. Akala din ni Mom na nasa Thailand si Dad pero wala siya roon. At may nakapagsabi kay mom na nakita raw si Dad dito. Kaya umuwi si Mommy. Magkasabay silang dumating dito at nag-away.” Paliwanag niya.

“Nag-away?”

Pumikit si Zadkiel at tinakpan ang mata gamit ang braso.

“Mmm, inaway ni Mom si Dad because my mommy’s friend saw my dad dining at a restaurant with some random woman.”

Kumurap-kurap ang mata ko dahil sa sinabi ni Zadkiel. Hindi ako makapaniwala sa kanyang mga sinasabi. Si Sir Zeus? May ibang kasama na babae?

“Z-Zadkiel, baka naman kaibigan lang o ka-sosyo ninyo iyon sa negosyo?”

Inababa ni Zadkiel ang braso mula sa pagkakatakip sa kanyang mata. Namumula ang mata niya.

“Leinne, you’re still too young for this.”

“Pero gusto kong maintindihan,  Zadkiel. Mabait naman ang Daddy mo. Hindi iyon magagawa ni sir Zeus kay ma’am Ulysses. At saka kita mo naman na mahal na mahal ng daddy mo ang mommy mo.”

“Leinne, a man can still act sweet and caring while having an affair with someone else. Kaya nga galit na galit si Mommy iyon kasi sabi mo nga mahal na mahal ni Dad si Mom. But look at what he did — he’s having an affair with a woman the same age as me!”

Sa bawat bigkas ni Zadkiel ay mayroong diin doon at puot.

“Zadkiel, b-baka naman hindi niya affair iyon?”

“I saw it with my own eyes once, Leinne.”

Umawang ang labi ko. “No’ng birthday mo. Sinadya ko ring umuwi no’n kasi galit na galit ako kay Dad no’n. Nakita ko kasi siyang may kasamang babae sa store ng Channel. Bibili sana ako ng bag para sa birthday mo no’n. But I saw my dad pampering his woman.” Saglit siyang tumigil. Umiling siya. “And I don’t know how many affairs he’s had in each country he visited. Baka iyong sinasabi niyang business sa ibang bansa ay mga babae niya pala ang inaasikaso niya.”

I was able to hear all those things and absorb them, but I couldn’t say anything. Walang mga comforting words na nabubuo sa ulo ko. All my life, si Mama Norberta lang ang kasama ko. Lumaki akong walang ama. Alam kong may kulang sa akin pero hindi ko siya hinanap kasi napupunan siya ni Mama. Wala na ang tatay ko dahil inatake ito kaya kayod kalabaw talaga si Mama mabuhay lang kami.

Si Mama hindi nakapagtapos ng highschool kasi nabuntis sa akin at tinakwil ng pamilya. Ang Papa ko naman wala na ring pamilya. Kaya naman kami na lang talaga ni Mama ang magkasama at magkasangga sa buhay.

I used to envy Zadkiel because he had a complete family. Mayaman, buo ang pamilya, at masaya. Pero ngayon na nalaman ko ang mga ito. Isa na rin ako sa nadismaya.

Yakap lang ang tanging naibigay ko kay Zadkiel.

“He used to be my idol, Leinne. I loved him, but he betrayed us. I hate him!” Iyak ni Zadkiel. Hinagod ko lang ang likod niya.

Simula no’n ramdam ko ang pagbabago ni Zadkiel. Naging mas cold na siya at masungit. Umalis ang kanyang mga magulang na wala silang maayos na pag-uusap. Nagka-ayos naman si ma’am Ulysses at sir Zeus no’n. Nangako si sir Zeus na hindi na niya ulit gagawin iyon at hindi na sasaktan si ma’am Ulysses.

Hanga ako kay ma’am Ulysses kasi kahit na nambabae na ang asawa niya, napatawad niya pa rin ito. Galit siya pero nagpapatawad. Ngunit iba si Zadkiel. Malaki talaga ang galit niya kay sir Zeus. Hindi niya inimik ang ina dahil ang bilis lang nitong tanggapin ang nagawa ng kanyang ama.

Nagpatuloy si Zadkiel na ganon: masungit at mas naging mainitin pa ang ulo. Parang konting kilabit lang sa kanya ay sisigawan ka na. Akala ko iyon lang din ang nagbago sa kanya kaso minsan umuuwi siya sa bahay na nakainom. Hindi na rin ako sumasakay sa kotse niya. Isa pa may mga klase siya ng alas syete.  Kaya naman nagko-commute na ako. Nahihiya na rin ako kay Kuya Celo eh. Kahit sabihin ni Kuya Celo na utos nu Zadkiel na ihatid ako, tumatanggi ako.

“Badet, si Zadkiel iyon oh,”

Intramurals namin. Whole week ang activities kaya naman nakakapaglakad-lakad kami sa campus ng kampante at walang inaalalang oras. Required din kasi ang attendance kahit sa ganito. Si Iyah ay badminton ang napiling salihan, si Leon naman ay basketball, si Vivian ay sa throwing, at ako naman ay sa table tennis kaso nalaglag na. Si Vivian naman ay tapos na ang laro at talo rin. Si Iyah at Leon na lang ang may laro.

Kunot ang noo kong sinundan ng tingin ang tinitingnan ni Vivian. Mainit kasi. Sa pagliwaliw namin ni Vivian ay umabot na kami rito sa college.

I feel something inside my chest knotting before it crumbles into smaller pieces, making my chest feel heavier than it should. Natatanaw namin ni Vivian si Zadkiel at ang isang babae na kasama nito. Nakaupo sila sa bench na nasa ilalim ng kahoy at sinusubuan no’ng babae si Zadkiel ng french fries.

“Syota n’ya ba iyan, Leinne?”

I blinked as I felt my eyes burn, tears forming around them.

“E-ewan ko,” I answered in an indifferent tone.

Just as I saw the girl lean toward Zadkiel and kiss his lips, my tears clouded my vision.

Tumalikod kaagad ako at lumayo doon.

“Lah! Mukhang girlfriend nga! Nagpahalik lang si Zadkiel eh! Leinne!” Umalingawngaw ang boses ni Vivian pero hindi ko siya binalingan!

“Darryl Leinne!” sigaw ulit ni Vivian sa pangalan ko pero matigas na ang katawan ko. Ayaw ko nang lumingon pa.

Bahala ka d’yan, Vivian.


This story is already at

chapter 37

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 14

Chapter 14

Leinne’s Pov

“Ano bang nangyari sa’yo kanina? Bakit ka nagwalk-out ha? Bakit mo ako iniwan doon?” Ang mabigat na kamay ni Vivian ay inakbay niya sa akin. Kumakain kami ng ice cream na binili namin sa booth na nadaanan. Tingin ko kasi kailangan ko rin nito dahil sa init ng panahon.

“W-wala lang. Baka lang makita tayo ni Zadkiel doon. Baka kung ano ang sabihin niya na napadpad t-tayo sa building ng mga college.” Palusot ko pa.

Dumila ako sa strawberry ice cream na unti-unti nang natutunaw. Dinilaan ko ito ng mabilis dahil baka pumatak pa sa yellow tshirt ko.

“Yuckie ka, badet!” Biglang kurot ni Vivian sa braso ko.

“Aray ko, Vivian! Sadista ka talaga! Yuckie-yuckie ka pa d’yan!” Reklamo ko sabay haplos sa kanyang kurot. Namumula ito.

Sinamaan ko siya ng tingin.

“Sa liit mong ito ay napakasungit mo, ha. Hindi ka naman ganito. Sinasabayan mo pa ang init ng panahon eh!” Malaki ang bibig nitong kumagat sa ice cream niya. “At hinay-hinay ka sa pagdila d’yan!” Nilapit niya ang bibig sa tapat ng tenga ko bago bumulong, “para ka kasing lumalaplap ng notch!”

Halos umusok ang mukha at tenga ko dahil sa sinabi ng aking kaibigan. Kahit na pilit kong nilalabanan na huwag ngumiwi sa kanya, hindi ko talaga siya napigilan. Ang sarap din talagang busalan ng bibig nito minsan!

G-ganon ba iyon? Gumaan anag pagdila ng a-ano… mabilis kong pinilig ang ulo dahil na curious na ako sa bagay na iyon.

Dahil talaga kay Vivian nagiging polluted na itong utak ko sa mga ganyang bagay! Ewan ko ba kung bakla ba talaga siya o ano!

Papaano niya nalaman ang mga ganon? Nakakita na ba siya? Minor pa kami ah.

Nag-make face na lang ako matapos ko siyang ngiwian.

“Sus! Nagiging bugnutin ka na talaga dahil d’yan sa amo slash BFF slash crush mo!”

“Hindi ko crush iyon,” mahina kong tanggi. Thankfully, hindi na iyong notch ang nasa usapan.

Ngunit si Zadkiel naman. Peto totoo naman, di ba? Hindi ko naman crush si Zadkiel eh.

Dumila ulit ako sa ice cream ko bago at nagbaba ng tingin sa aking dibdib. Ano iyong nangyari kanina? Bakit bigla na lang siya naninikip? Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng biglang pagbigat ng dibdib ko at tila may gumuho.

Gumaan lang iyong pakiramdam ko nang may makita akong booth na nagtitinda ng ice cream.

Naalala ko ang pagtulo ng luha ko. Dahil ba iyon sa nakita ko? Pero, bakit ako umiiyak? Normal lang naman yata iyon kay Zadkiel eh. But then it happens two times already, ang una no’ng nakita kong kahalikan din si Zadkiel sa guest room tapos ngayon.

Naninibago lang ba ako sa best friend ko? Gusto ko ba siyang ipadamot sa iba? Ayaw ko bang ganon siya sa ibang tao… lalo na sa babae? Kaso ano naman ang karapatan ko? It’s his life, and I have my own.

“Hindi raw crush pero nasaktan no’ng may nakitang sumusubong iba sa best friend.” Tukso pa ni Vivian na hindi talaga nakatulong sa aking isip.

Sinamaan ko ito ng tingin. “Huwag mo nga akong tinutukso roon, Vivian. Kita mo naman na may girlfriend na iyon!”

“Ayiie!” Sundot niya sa tagiliran ko bago sinalampak sa bibig niya ang ice cream cone. Nilunok niya ito at may panunuksong ngumisi sa akin. “Kung walang syota, oks lang sa’yo?”

Tinampal ko ang kanyang kamay. “Hindi! Ayoko ko rin. Best friend kami!”

Nagusot ang mukha ni Vivian. “Grabe sige. Ipilit mo ’yang kaibigan-kaibigan mo, Darryl Leinne Queen of Beking Denial!”

“Tumigil ka na nga, Vivian!”

“Oo na. Oo na! Pikon talaga!” Ngisi niya. Hirap talaga hilahin ng mahaba at magulo niyang buhok!

Inangkla niya naman ang braso sa braso ko bago kami pumunta sa gym. Pagdating namin sa gym ay si Iyah na ang may malaro. Natalo siya pero safe na siya sa third place.

“Congratulations, Iyah!” ani Vivian.

“Salamat, Vivs!” si Iyah.

“Congrats, Iyah. Mabuti ka pa secure na sa third place. Kami ni Vivian, olats!” Natatawa kong sabi.

Sinukbit ni Iyah ang sling ng kanyang badminton bag at saka kami lumabas ng gym. Si Vivian abala sa pagchat kay Leon dahil sabay kaming kakain ng lunch. Mamayang hapon pa kasi ang huling laro nito. Kalaban nila ang grade 10 mamaya. Malakas ang mga iyon!

“Leinne, umiyak ka ba?” bulong ni Vivian sa akin habang naglalakad kami.

“H-huh?”

Nilapit niya ang mukha sa akin at pinanliitan ako sa mata niya. Si Vivian ay maarte sa katawan, palaging nakaayos ang buhok, at mabango. Hindi kagaya sa isang bebst friend ko na dugyot! Pero mahal na mahal ko iyon!

“Namumula kasi ang mata mo at slight na namamaga.”

“T-talaga?”

“Mmn!”

“A-ah, napuwing kasi ako kanina eh. Naglakad-lakad kasi kami ni Vivian kanina sa field, may malakas na hangin at may buhangin na pumasok sa mata ko.”

Mukhang naniwala naman si Iyah doon sa rason ko at hindi na ako binusisi pa roon. Kinabahan ako dahil baka kanina halatang-halata ang mata ko. Kaya ba tinukso ako ni Vivian?

Matalim kong tiningnan si Vivian. Nang iangat niya ang ulo mula sa kanyang cellphone, nagtama ang mata namin?

“Anong tingin-tingin mo, badet? Gwapong-gwapo ka ba sa akin?” Mahangin niyang sabi before she invisibly brushed her hair up in a manly manner.

Lumabas na naman ang pagiging hangin nito!

“Tumigil ka na, Vivs! Mainit ang panahon, huwag kang maghasik ng bagyo ngayon. Hintayin mo munang natapos itong intramurals!” saad naman ni Iyah.

Hinapit ni Vivian ang leeg ni Iyah at saka biro itong sinakal gamit ang braso niyang maliit!

“Agh! Ano ba, Vivian!” Angil ni Iyah at pilit na kumawala sa pagkaka-headlock ni Vivian sa kanya.

“Nagkakampihan na kayo ni Leinne, ha!”

Para tulungan si Iyah, hinila ko ang buhok ni Vivian! Maingay siyang umangal. Masama ang tingin niya sa akin kaya naman napatili ako. Alam ko kasing hahabulin niya ako!

“Darryl Leinne!” sigaw ni Vivian at sumugod sa akin!

“Ahh!” Impit kong tili at tumakbo. Lumiwanag ang mukha ko nang makita ko si Leon! Tili ako nang tili habang tumatakbo palapit kay Leon na naka-yellow jersey shirt at shorts. Parang tae talaga ang team color naming grade 8.

“Tulungan mo kami ni Iyah, Leon! Inaaway kami ni Vivian!”

“Tumugil nga kayo!” Natatawang saad ni Leon at tinago ako sa likod niya.

“Inaway rin nila ako, Leon. Huwag kang umastang knight in shining armor ngayon!” Maangas pang saad ni Vivian.

“Tigil na. Kumain na tayo. Libre ko kayo.” ani Leon.

“Oh, talaga? Libre mo? Kahit mag-McDo tayo?”

“Oo,” sagot ni Leon, natatawa dahil sa bilis ng pagbabago ng tono ng boses ni Vivian.

“’Yan naman pala! Ano pang tinutunganga natin dito? Tara lets!” si Vivian at nauna pang maglakad. Extra ang saya niya kasi makakalibre na naman kami.

“Vámonos!” sigaw naman ni Iyah at umakbay sa akin.

“Leon, hindi ako papalibre sa’yo. Nakakahiya naman.” saad ko rito.

“Okay lang, Leinne. Suhol ko na lang ito para manood kayo mamaya sa laro ko. Para naman may sumigaw para sa akin.” Si Leon.

“Sisigaw kami para sa’yo, Leon,” ani ko.

“Gusto mo ba hiramin pa namin ang speaker doon sa ground!” si Iyah.

“Kayo talaga! Seryoso ako rito. Iyong mga makakalaban kasi namin mga grade 10 na. Marami na iyong mga kakilala na sisigaw sa kanila.”

Niyakap ko ang isang braso ni Leon at si Iyah naman sa kabila.

“Kami na bahala sa’yo mamaya, Leon. Maglaro ka lang at sisigaw kami kada-shot mo!” ani ko.

“At kapag nanalo kayo, Leon, dapat umamin ka na sa crush mo!” Ngumiting aso pa si Iyah kay Leon.

Pinamulahan ng husto si Leon sa kanyang mukha.

“A-ayaw ko pa.”

Inis na binitiwan ni Iyah ang braso ni Leon.

“KJ mo naman! Tamang-tama pa naman ngayon kasi may wedding booth at blind date!” Iyah hissed before jogging away from us. She joined Vivian and clasped her hand around Vivian’s arm.

Si Leon ay napakamot na lang sa kanyang batok.

Luh! Alam ba ni Vivian kung sino ang crush ni Leon? Akala ko ako lang ang nakakaalam no’n! Tulog kaya sila ni Vivian no’ng sinabi iyon ni Leon sa akin sa library.

“Alam ba ni Iyah kung sino ang crush mo, Leon?” tanong ko sa kanya at binitiwan na rin ang kanyang kamay.

“Don’t mind her, Leinne. Para namang hindi mo kilala si Iyah.”

Ngumuso na lang ako at tumango sa kanya. Sabagay nga naman.

Nilibre talaga kami ni Leon sa McDo. After no’n bumalik kami sa Axis hanggang sa maglaro na. Natalo sila ni Leon kaya medyo down siya pero chineer-up namin ito.

Nang pwede nang umuwi ay sabay kaming apat lumabas ng campus. Si Leon naghihintay na ang sundo niya pati si Iyah. Si Vivian naman ay dumating rin mayamaya ang Ate niya.

“Ba-bye na, badet! Kita tayo bukas. Magpaalam ka kay tita Norberta na manonood tayo ng Battle of the Bands ha! Sabihin mo kasama naman natin ang ate ko!” Sulsol sa akin ni Vivian.

“Talaga andon ang Ate mo?” Sinilip ko ang Ate niya sa kotse.

“Wala. Pero para lang payagan ka ni Tita. Hindi hilig ni Ate ang ganyan. Mas gusto niya kaharap ang computer niya!”

“Baka mapaano tayo?”

Kinurot niya ako. “Saglit lang tayo.”

“Hmp! Sige na nga!”

I was mentally rehearsing how to persuade my mother when a familiar car parked in front of me. Naglakad ako ng konti para pumara sana ng jeep or tricycle na dadaan subdivision ng mga Dela Cuerta. Nang bumaba ang windshield no’ng kotse.

“Get in, Leinne.” Mababang wika ni Zadkiel.

Muling bumalik ang pait sa aking lalamunan nang makita ko siya. Naalala ko ulit iyong nakita ko sa ground ng college.

Biglang ayaw kong sumakay sa kotse ni Zadkiel.

“Magku-commute lang ako.”

“Sakay na. Pauwi na rin ako.”

“Ayoko.”

“Sasakay ka o hihintayin mong buhatin kita papasok.”

Sumama ang mukha ko kay Zadkiel. Tinatakot niya ako.

“Don’t try me, Leinne. Alam mong hindi ako marunong magbiro.”

Bakit ba kasi ako nag-iinarte ngayon? Libreng sakay na nga ito!

Binuksan na niya ang pinto ng shotgun seat kaya naman sumakay na rin ako. Tahimik ako sa byahe namin ni Zadkiel. Pati ako naguguluhan na sa ’kin kasi ayokong imikin si Zadkiel.

I know there’s really something wrong with me. Wala kay Zadkiel ang mali. Sarili ko ang may mali.

“Bakit ang tahimik mo?” Pagbasag niya sa katahimikan namin.

Tumingin ako sa labas.

“Pagod lang ako.”

“Kumusta ang intramurals ninyo?” Usisa niya na para bang ayaw niyang putulin ang usapan namin.

“Okay naman. Natalo ako.”

“It’s fine. Gusto mo bang bumili ng mallows at ice cream?”

Alam na alam niya ang comfort food ko pero nag-ice cream na ako kanina.

“Ayoko.”

Ilang sandali ay tumahimik ulit ang loob ng kotse. Tingin pati paghinga ko at tibok ng puso ko ay naririnig ko na sa sobrang tahimik.

“Leinne, may nagawa ba ako?”

“Wala naman,” sagot ko pero nakatingin pa rin sa labas.

“Then, why can’t you look at me? You know that’s it’s rude na tinatalikuran mo ang kausap mo.”

Umayos ako sa pagkakaupo. Sumulyap ako sa kanya at nakita ko kung paano umusli ang ugat niya sa kamay dahil sa higpit ng kanyang pagkakahawak doon sa steering wheel.

“Bakit ayaw mong sumakay kanina sa akin?”

I chewed my lips. “B-baka lang may isasabay kang iba.”

“At sino naman?”

I gulped. “Girlfriend mo.”

I don’t know, but part of me was silently praying that he’d say he doesn’t have a girlfriend. However, my prayer wasn’t heard.

“Umuwi na siya.”

May girlfriend nga siya!

“H-hindi mo hinatid?” tanong ko.

“Hatid-sundo siya ng driver n’ya.”

Mayaman din ang girlfriend niya!

“I heard na may Battle of the Bands bukas. Gusto mo bang pumunta? Sasamahan kita.”

Nakuha niya ang buo kong atensyon doon. Napangiti ako pero kaagad ko rin iyong binawi.

“M-magpapaalam pa ako kay Mama.”

“Ako na ang magpapaalam kay Tita.”

“Papaano kung hindi pumayag si Mama?”

“Papayag iyon. Nando’n naman ako,” he confidently said.

Hindi ako pinayagan ni Mama. Gabi kasi ang Battle of the Bands kaya malamang gabing-gabi na rin akong makakauwi no’n. Kaso nang si Zadkiel ang nagpaalam kay Mama… though my hesitations, pumayag siya.

Masaya ako sa Battle of the Bands. Nagkahiwalay din naman kami ni Zadkiel kaya nahila ako ni Vivian at Iyah. Si Leon parang chaperone namin na nakasunod. Masaya akong nakisabay sa mga kantang alam ko habang tumutugtog ang bandang sumalang. Pati na sina Iyan at Vivian kahit na mga sintunado kami ay birit lang kung birit!

Medyo rock ang sunod na kanta ng ibang contestant kaya may mga estudyanteng tumalon-talon sabay sigaw. May sa harap ko na nagtatalon-talon kaya umatras ako. Hindi ko naman sinasadya na maapakan ang paa ng taong nasa likod ko. Patuloy na tumalon ang estudyante sa harap ko hanggang mawalan ako ng balansi. Ngunit tumama ang likod ko sa matigas na katawan.

I turned on my heels to look at him and apologized, but my eyes widened when I saw it was Zadkiel.

Kunot ang kanyang noo; his eyebrows were knitted, and his jaw was ticking.

“Z-Zadkiel,” usal ko.

Kanina tumawag siya sa akin na nasa ground na raw siya. Pinuntahan ko siya kasi gusto niyang magkasama kami para hindi na maghanapan kapag uuwi. Kaso lang dumating ang kanyang girlfriend- iyong nakita kong kahalikan niya, at lumayo sila sa akin.

Bakit nandito siya ngayon? Nasaan ang girlfriend niya?

“B-bakit ka nandito?”

I knew that the loud music masked my low voice.

Zadkiel crouched down to match my height and leaned his ear toward my face.

“What?” he asked loudly.

Dahil siksikan at parang nagwawala ang mga estudyante sa paligid namin nabundol ako ng kung sinong estudyante. Zadkiel protected me like a shield as he wrapped his arms around my waist and steadied my frail body.

“Nasaan ang… girlfriend mo?” Malakas kong sabi sa tapat ng tenga niya.

Nang tumingin siya sa akin ay halos maduling ako sa lapit ng aming mukha.

“Ayaw niya rito kasi crowded. Nasa likod siya.”

“Dapat siya ang sinamahan mo. May kasama naman ako… sina Leon, Iyah, at Vivian.”

Kumuyom ang panga niya.

My eyes fluttered under his pale hazel gaze. I wanted to pull my eyes away from his intense stare, but I was still drowning in it.

“Ikaw ang una kong niyaya rito. That’s why, I’m here with you.”


This story is already at

chapter 39

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 15

Chapter 15

Leinne’s Pov

Bumalik ulit sa dati ang relasyon namin ni Zadkiel. I mean, iyong closeness naming dalawa. Iyong mga kung ano-anong nararamdaman ko sa kanya ay hindi ko na lang inintindi. Tingin ko naman dala lang siya sa mga pagkakataong naninibaghan ako sa mga kilos ni Zadkiel. Mga ginawa niya na sweet. Mga ginagawa niya na hindi naman ako sanay.

Ayokong lagyan ng kung ano-anong kahulugan ang mga bagay na nagpapatibok sa puso ko, nagpapasakit, at nagpapasikip ng puso ko. Lalo na kung si Zadkiel ang dahilan. We’re friends and will always be.

And I didn’t bother asking him about his relationship or his woman. I’ve come to realize now that there are certain boundaries we can’t step into. Zadkiel has his own life where I don’t belong and can’t cross,  and I have my own life too. Though, hindi ko pa alam kung ano iyon… alam ko sa sarili ko may parte rin ng buhay kong ito na walang Zadkiel Dela Cuerta.

“Naiintindihan mo ba ito?”

“H-ha?” Aanga-anga kong tanong kay Zadkiel.

“I said, nakuha mo ba ang problem na ’to?” Ulit niya, tinapik ang paper kung saan nakasulat ang solution sa isang math problem.

Tiningnan ko ang paper. Nanliit ang mata ko. Nilapitan ko pa ng husto ang solution doon kaso para na akong nahilo sa mga numbers.

H-hala! Hindi ko siya nakuha! Kinagat ko ang ulo no’ng ballpen ko. Pilit kong inaalala ang mga sinasabi kanina ni Zadkiel kaso para silang usok na nawala na lang sa ere. Kahit pa siguro ihalik ko na itong mukha ko sa solution di na babalik iyong mga narinig ko kanina.

Ang duga naman! Kanina lang nakasunod ako ng mabuti sa tinuturo niya eh. Napapatango pa nga ako kasi nakukuha ko na sila.

Dahan-dahan kong binalik kay Zadkiel ang mata ko. Hilaw ang naging ngiti ko sa kanya.

“I’ll repeat it again. Watch me.” Sabi niya, halata yata na hindi ko siya alam.

Ganado akong tumango. Umayos ako sa aking pagkakaupo at dumikit sa kanya.

Zadkiel cleared his throat but my eyes were so fixated on the blank paper. Ayaw ko nang may makaligtaan na detalye!

Linggo ngayon at nag-aaral ako para sa aming examination sa Thursday at Friday. Second periodical examination is coming kaya gusto kong bumawi. Nagsisikap ako na maging with honor. Kahit with honors lang ayaw ko na no’ng mga with high honors or with highest honors na ’yan. With honor lang ang nais ko.

Bukas may mga mastery exams kami kaya aligaga ako ngayon. Kailangan kong mag-aral ng todo… lalo na sa math at science kasi doon ako laging mababa ang score. May calculation pa naman ang science namin ngayon though konti lang naman sila! Pero ang dami ko ring  kailangan pag-aralan ngayon!

Napi-pressure din ako kasi si Zadkiel ang nagtuturo sa akin. Mas tensyonado pa ako na siya ang nagtuturo kumpara sa mga teachers namin.

“Tama ba ito?” Pakita ko kay Zadkiel sa solution ko.

Tumaas ang kilay niya at kinuha ang paper na sinagutan ko. Ginawan niya pa talaga ako ng set of problems pagkatapos niyang magturo.

Zadkiel checked my paper, and I’m so glad that I got 8 out of the 10 problems he gave.

“Yehey!” Tuwang-tuwa kong untag.

Tingin ko kaya ko na ang math sa Friday kahit wala nang mastery bukas! Sana lang ma-retain ko sila. Pinagpag ko sa ibabaw ng ulo ko ang papel na sinagutan pati na iyong mga solutions na ginawa ni Zadkiel.

Natawa siya sa akin.

“Prrft! What are you doing?” Aliw niyang tingin sa akin habang pinagpag ko ang papel sa ibabaw ng ulo ko.

“Para pumasok sila sa utak ko,” seryosong sagot ko pa sa kanya. Pagpag ulit sa papel.

Humalakhak siya sa akin.

Hala! Ang sama niya! Nagsisikap kaya ako rito!

“Itigil mo na ’yan. Science na tayo. Hindi mahirap ang science mo ngayon, di ba?”

Inilingan ko siya. Mahirap kasi may short-term memory ako. Kahit nga klase namin no’ng friday limot ko na!

“Come on, let’s review.” Anyaya niya. Siya pa ang nag-aaya sa akin eh hindi naman siya ang may mystery at periodical exam.

Sumimangot ako. Kinalkal niya iyong mga printed materials ko at notebooks para hanapin ang science na aking aaralin. Hay! Nakita niya kasi ako rito sa may pool side na nag-aaral. Nakiupo siya at tinulungan akong magreview.

“Earth and physical sciences,” basa niya.

Sinulyapan niya ako. “Walang mahirap kapag nag-aaral ka. Make reading as your hobby too. It will help you a lot.”

Kahit mga fictions hindi ako nagbabasa eh. Gusto ko iyong gumagalaw ang nakikita ko. Like sa anime at drama.

Tumikhim siya. “What is the point inside the Earth where an earthquake originates called?”

I pouted. “Epicenter?”

“Wrong! Inside the earth, Leinne. Epicenter is the point on the Earth’s surface directly above the focus of an earthquake.” Zadkiel emphasized the word ‘above’.

Sorry, ha! Nalilito kasi ako sa kanila!

“Uh, focus!” Nasabi na niya rin naman!

Ginanahan ako bigla. Kailangan ko lang sigurong i-refresh itong mga kinalawang ko ng mga napag-aralan.

“Which type of fault occurs when one block moves up over another because of compression?” Zadkiel fired a question.

Bakit naman kasi hindi nagkakasunod-sunod itong tanong niya?

Eh, sa exam, Leinne? Sunod-sunod ba?

Ano ba ang sagot sa tanong na iyon? Strike-slip fault ba iyon?

Pinindot ko ang aking sintedo. Come on, brain! Please, cooperate ka nga.

“Thrust or reverse fault?”

Tumaas ang kilay niya. “Not sure?”

I grimaced. “Sure ako!”

“That’s correct!”

“Which material transmits sound fastest?”

“Air?”

“Fastest, Leinne.”

“Ay, sa solid like wood or metal.”

He grinned. Aliw na naman sa pagka-aanga-anga ko.

“True or false. Sound can travel through a vacuum.”

“False kasi kailangan ng sound ng medium to travel.”

“Why does tropical cyclones usually develop over oceans?”

“Because water provides moisture and heat.”

Tumango-tango siya.

“What are the parts of a comet?”

“Nucleus, coma, and tail,” i answered.

Itong astronomical bodies ay medyo may alam ako kasi slight favorite ko ito. Ang fascinating lang kasi ng galaxy and other celestial bodies outside earth. Okay ako dito basta huwag lang ang mirror and lenses at iyong may calculations.

Sa bawat sagot ko kay Zadkiel mga matatamis na ngiti ang naging sukli niya. Pagkatapos namin ni Zadkiel sa science binagsak ko ang pisngi ko sa table. Tulala ako at tingin ko ang bigat na ng utak ko dahil sa dami ng information na aking nalaman.

“The next time you study, you have to chunk it so you won’t be bombarded with information. If you take in all the information at once, there’s a chance you’ll have a mental block during your examination. Mmm?” aniya, ginulo niya ang buhok ko.

“Come on, kumain ka muna.” Nilapit niya sa akin ang fruits na binigay ni Mama kanina.

I pouted. “Gusto ko yata ng ice cream at mallows. Tingin ko pagod na pagod ang brain ko ngayon. First time niya mag-overtime sa kaka-aral.”

Zadkiel laughed.

“Gusto mo bang lumabas?”

Umahon ako mula sa pagkaka unan ng pisngi ko sa mesa.

“Pwede?”

Piningot niya ang ilong ko.

“A-ahh! Zadkiel!”

“Of course, you need a reward as well. Ang dami mong naaral ngayon. It’s time to unwind.”

“S-sasamahan mo ako?”

“Ako ang nagsabi sa’yo. Alangan naman kung hindi kita sasamahan.” Tawa niya. Pinulot niya ang cellphone na nakataob sa mesa. “Magbihis ka na. Hihintayin kita sa labas.”

Mali ka, Zadkiel. Pwede mo akong hindi samahan. Pwede kang tumanggi sa akin. Pero hindi mo iyon ginagawa.

Pinilig ko na lang ang ulo ko. Niligpit ko ang mga printed material ko at mga notebook. I glanced at him. Nakakunot-noo. May ka-text siya.

Nagpaalam ako kay Mama na lalabas kami ni Zadkiel. Pumayag naman siya basta maaga kaming uuwi.

Dinala ako sa mall ni Zadkiel. Pinakain niya ako sa isang ice cream parlor tapos pumunta rin kaming school supplies dahil  luma na raw iyong mga ballpen ko at mga highlighter.

Hindi naman sila importante eh. Kaso gusto niyang bilhan ako. Aniya, highschool pa raw siya no’ng binili niya ang mga iyon. At sabi niya reward niya raw ito sa akin kasi masipag ako mag-aral!

I don’t know if I really deserve the things he bought for me. But tinanggap ko na lang din siya. Ang gaganda kasi ng binili niya.

“A lavender-colored pouch, do you want this?” Kinuha niya iyon at pinakita sa akin.

Ang ganda nga. Favorite color ko pa.

Nahihiya akong mamili kasi dalawang daan lang ang binigay ni Mama. Sabi pa ni Mama kapag may sobra ako baon ko na bukas at sa martes.

“’Wag na. Meron pa naman ako doon sa bahay.”

“Iyong mga pouch na bigay ko rin?”

Ngumuso na lang ako.

“We’ll buy this,” sabi niya sabay lagay no’n sa basket. “Wala ka bang libro na gustong bilhin? Pumili ka.”

Umiling na ako. Hindi naman ako mahilig sa mga libro.

Pagkatapos magbayad ni Zadkiel, akala ko uuwi na kami nang pumasok kami sa play zone.

“M-maglalaro tayo?” Natutuwa ko siyang tiningala.

“Mmm, come on,” aniya at hinawakan ang kamay ko.

“Dalawa,” aniya doon sa babae.

Kinuha ko ang kamay na hawak ni Zadkiel. Kinuha ko ang isang daan sa maliit na bag na dala ko.

“Zadkiel,” kilabit ko sa kanya. Napatigil naman siya sa pagbuklat sa wallet niya. Inabot ko sa kanya ang isang daan.

“Para saan ’to?”

“Para sa akin, nakakahiya na nilibre mo na ako sa lahat.”

Huminga siya ng malalim. Binalik niya sa akin ang pera.

“Ako na. Sa susunod ka na lang, okay?”

“Zadkiel, ikaw na ang nagbayad sa lahat ngayon tapos ikaw pa ang nagturo sa akin kanina.”

“Ilibre mo ako doon sa labas ng Axis. Bukas. Iyon na lang ang bayad.” Kinurot niya ang ilong ko.

Hinubad lang ni Zadkiel ang sapatos niya. Ako naman ay binigyan ng medyas. Pagkapasok namin ni Zadkiel sa loob ng palaruan ay nagpakuha kaagad ako sa kanya ng larawan. Binigay ko sa kanya ang cellphone ko para kunan niya ako.

Hindi ko alam kung magkano ang binayad ni Zadkiel pero tingin ko nasa isang oras o humigit kaming nasa loob. Tuwang-tuwa ako sa mga tulald no’ng sa mga obstacles courses, sa slides and climbers at iba pa.

Hawak ko ang mga pinamili namin ni Zadkiel. Palabas na kami ng mall. Kahit wala na kami sa play zone nakangiti pa rin ako.

May naalala ako kaya naman napatigil ako sa paglalakad. Kahit si Zadkiel tumigil din.

“Leinne? What’s wrong? May nakalimutan ka ba?” tanong niya sa akin.

Kumurap-kurap akong bumaling kay Zadkiel. Naiiyak ko siyang tiningnan.

“Leinne,” naaalarma na niyang untag. “May problema ba? Sabihin mo sa ’kin.”

“Z-Zadkiel…” bitbit ang plastic, sinapo ko ang ulo ko. “Zadkiel,  tingin ko nakalimutan ko na ang mga inaral ko!”

This time si Zadkiel naman ang natanga sa akin. Ilang sandali siyanga natulala. Mayamaya ay tumawa siya.

“Y-you are unbelievable, Leinne!” Tawa niya, halos humawak na sa t’yan kakatawa.

“Zadkiel, seryoso kasi ako!” Giit ko pa.

Ano nga iyong mga formula?

Hala! Naalog yata ang utak ko kaya nakalimutan mo na sila!

“Mag-run through ka before matulog. You will retain the information you studied earlier. Don’t stress yourself! Kanina tatawa-tawa ka pa.” Tukso niya naman sa akin.

Tumatawa pa rin si Zadkiel  kahit hanggang sa parking lot. Ang epic ko raw doon kanina. Kaso biglang naputol ang tawa niya kaya tiningnan ko siya. Nakatingin siya sa aming harapan. At doon ko nakita na nando’n ang kanyang girlfriend.

Sumugod sa amin ang kanyang girlfriend! Mabilis naman akong tinago ni Zadkiel sa kanyang likod.

“Get in the car, Leinne.” Utos niya sa akin.

“Z-Zadkiel,” usal ko.

“Susunod ako. Pumasok ka na sa kotse!” Mariin niyang wika.

Sinilip ko ang kanyang girlfriend at napatalon ako sa nanlilisik niyang mga mata sa akin! Animo’y may laser doon.

Tumakbo ako tungo sa kotse ni Zadkiel. Tatlong kotse pa kasi bago ang kotse nito.

“What was that, Zadkiel? Akala ko busy ka? Akala ko may ginagawa ka kaya hindi ka maksipoy sa date natin! Kasama mo pala ang bakla mong kaibigan! Inuna mo na naman ang malanding bakla na iyon!” sigaw ng girlfriend ni Zadkiel. “Hanggang kailan ako makikihati sa’yo sa malanding bakla ’yon? I’m your girlfriend!”

“Genina!” bulyaw rin naman ni Zadkiel.

Hindi ako natuloy sa pagbukas ko ng pinto ng kotse dahil sa sigawan nila.

“Don’t you dare call him like that!”

Napapalunok ako sa kaba dahil sa lakas ng boses ni Zadkiel.

“Wow! Ikaw pa ngayon ang galit, Zadkiel! Bravo! Ako ang girlfriend mo pero inuuna mo ’yang kaibigan mo!” Sarkastikong wika ni Genina. “Tell me, Zadkiel. Magkaibigan lang ba talaga kayo ng baklang iyon? I get that that faggot is pretty but—”

“Shut the hell up! Do you hear yourself, Genina!? Anong tingin mo sa akin, huh! Leinne is my friend! Do you think papatol ako sa kaibigan? Sa bata at minor? Aren’t you disgusted?”

I think what Zadkiel said struck me to my deepest core. My hands trembled.

“Oo may ginawa ako kanina. Tinulungan ko siya sa pagre-review niya kasi malapit na ang periodical exam nila. He has no one to call in our house since we’re the only students there. I’m just like a big brother to Leinne, Genina. And yes, lumabas kami ngayon kasi drain na drain na siya. Naawa ako.”

“Pero girlfriend mo ako!”

“Because it’s what you want right?! You demanded it!”

Narinig ko ang malakas na singhap ni Genina.

“But that’s  because… I-I gave myself to you!”

“Voluntarily.” Naging malamig ang tono ng boses ni Zadkiel. “I’ve never bedded anyone out of coercion, Genina. You spread your legs voluntarily!”

“Y-you’re so heartless, Zadkiel!”


This story is already at

chapter 41

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 16

Chapter 16

Leinne’s Pov

“Yehey! Tapos na ang exam!” Pagdiriwang ni Vivian nang dumating ang Biernes nang hapon! Umakbay siya sa amin ni Iyah. “Maaga pa naman kung uuwi na tayo. What if gumala muna tayo? Mag-mall tayo!”

Pareho kami ni Iyah na bumuntong-hininga. Talagang maaga pa naman. Half-day kami ngayon since iba na naman ang magti-take ng exam sa hapon. Alas dose pa pero nandito na kaming apat sa labas ng gate.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin.  Confident naman ako sa mga sagot ko. Medyo nahirapan lang ako sa Math namin pero sa iba, kampante akong ipapasa ko sila.

But then, I couldn’t find myself smiling at all. Ngayon na maayos ang naging exams ko, hindi ako masaya. Whereas no’ng last quarter na hindi ako confident sa mga sagot ko, masaya ako. Kagaya ngayon ni Vivian na malaki ang ngiti. Ganitong-ganito ako last quater pagkatapos ng exam.

My mind was clouded with thoughts that felt irrelevant to me. Why was I thinking about Zadkiel and his girlfriend Genina’s conversation last weekend? Was it because my name was involved in their fight? Dahil ba feeling ko kasalanan ko kung bakit nag-away si Zadkiel at si Genina? Kaya ba ganito kabigat ang dibdib ko ngayon?

Or was it something else?

Dahil sa narinig kong away nina Genina at Zadkiel naging walang buhay ang buong linggo ko. My sad weekend dragged on way too long, making my week feel gloomy and somber.

However, I’m still grateful that in the midst of my chaotic mind, I was able to recall and answer the things I had studied.

If only umakyat na lang ako sa sasakyan no’ng time na ’yon. Wala akong iisipin ngayon. Kung sana hindi ko lang narinig iyong mga sinabi ni Genina, walang bumabagabag sa akin ngayon. I feel responsible kung bakit nag-away ang magkasintahan.

However, does it really have to hurt this way? Why do I feel my heart slowly breaking apart—so slow that I can feel every single fiber of pain?

But then, Zadkiel should have told me if he had plans that day. I wouldn’t have chained him to me just to help with my review. The man didn’t tell me a thing. Genina has been putting up with Zadkiel so much, yet here he is—so heartless toward his own girlfriend.

Ganon ba siya sa mga naging girlfriend niya? Is he really treating them that way? I know that even before, he’s been with different women, but I just can’t wrap my head around it when he’s that mean to them. He’s always been rude and indifferent, but this feels like too much.

Bu then, masama siguro akong kaibigan kasi kapag nalalaman ko na hiwalay na siya sa mga girlfriend niya noon. May kung anong bigat na nawawala sa dibdib ko. Pero, hindi naman kailangang gano’n siya ka-sama sa babae niya.

Ano ang gagawin ko ngayon? Should I talk to Genina? Pero baka lalong magalit iyon. No’ng weekend nga galit na galit na.

Isa pa, hindi ko alam kung ano ang naging huli nilang pag-uusap kasi pumasok na ako sa sasakyan no’n. Ayaw ko na silang pakinggan pa.

Hay! Bakit ba ako namumublema ngayon sa relasyon ng iba? Wala nga akong love life eh!

“Darryl Leinne!”

“Mama!” Malakas kong hiyaw nang sumigaw si Vivian sa tenga ko!

Hawak ko ang aking tenga dahil tingin ko nabingi ako sa ginawa ng kaibigan ko! Masama kong tiningnan si Vivian.

Tinaasan naman niya ako sa kilay niya. Mabuti na lang talaga may konting kahoy dito sa harap ng eskwelahan kaya hindi gano’n ka-init.

“Kanina ka pa namin kinakausap, badet! Di ba, Iyah?” Nginuso niya pa sa Iyah. Tumango si Iyah.

Hinamas ko ang tenga bago ko binaba ang aking kamay. Tumingin ako sa kanila. Nahihiya naman akong aminin sa kanila ang bumabagabag sa akin.

“Iniisip mo ba ang exam, Leinne?” marahang tanong ni Leon. Pinisil niya ang balikat ko. “Wala pa namang checking kaya huwag ka munang mag-alala roon. Saka, lumabas naman mostly ang mga question mula sa mastery natin.”

Ngayon si Vivian naman ang aligagang napakagat sa kanyang kuko.

“T-talaga, Leon? Marami-raming questions ang lumabas mula sa mastery?”

Leon nodded and repeated the questions he remembered from some subjects. Napapatango naman ako sa kanya kasi nasagot ko lahat ng questions na sinabi niya.

Si Vivian ay namutla!

“Nak ng teteng naman! Sana pala binasa ko iyong mga questionnaire no’ng mastery!” Palatak niya.

Tumawa si Iyah. “Okay lang iyan, Vivs. Second quarter pa naman!”

“Heh! Bakit ba kasi ang layo ng mga pwesto natin sa classroom. Ni hindi ko nagamit ang mga skills ko!”

“Sira ka talaga!” Suway ko kay Vivian.

Walang cheating na mangyayari kasi sobrang higpit no’ng proctor na nagbabantay sa amin! Konting kaluskos lang warning kaagad. Daig pa namin ang kumuha ng board exam!

“Argh! Ang duga!” Hinagpis niya at ginulo ang buhok!

“Vivian, mag-mall na lang tayo. May pera ka naman, di ba?” ani Iyah.

“Oo nga, Vivian.” Sang-ayon ko naman.

Arte siyang nagpunas sa pisngi, animo’y may luha roon pero wala naman.

“Tara na. Arcade tayo ha.”  Ngumiti ito.

Kaming tatlo nina Leon at Iyah ang napabuga ng hininga. Ang bilis talaga nitong alu-in.

Nagtext ako kay Mama na pupunta muna akong mall kasama ang mga kaibigan ko. Alam niya kasi na half-day lang kami ngayon, baka mag-alala siya na matagalan ako sa pag-uwi.

Mama: mag-iigt kyu anak. magsabi ka kng uuwi na kyu.

Ako: okie, mama.🥰

Ang sinakyan namin patungong mall ay ang service ni Leon. Siyempre, nagpaalam din muna siya sa magulang niya at pumayag naman ito.

Kumain kami sa isang fastfood chain at nag-usap-usap tungkol sa exam. Pero dinisma naman kami ni Vivian kasi nasi-stress daw siya sa mga pinag-uusapan namin.

“Oi, si Leon kanina may kausap sa hallway na chics.” ani mamaya ni Vivian habang kumakain kami ng ice cream. Sinasawsaw niya ang fries sa ice cream.

Kumunot ang noo ni Iyah. Ako naman ay nanlaki ang mata. Ito bang kausap niya ang crush niya?

“Tumigil ka, Vivian. Nagtatanong lang iyon!” Supi naman ni Leon sa kanya.

Vivian playfully waggled her eyebrows at Leon, teasing him even more!

“Weh? Grade 9 iyon. Narinig ko iyon ang representative ng grade 9 no’ng intramurals sa pageant!” Panunukso ni Vivian.

“Talaga? Alin doon, Vivian?” Naiintriga ko namang tanong. Tig-dalawa kasi ang representative na muse every year level no’ng intrams.

“Hindi nga.” Tanggi ni Leon. Tumingin siya sa akin na para bang ako lang ang kausap niya. “Leinne, huwag kang maniwala d’yan kay Vivian. Kung ano-ano lang ang sinasabi niya!” Paliwanag naman ni Leon.

“Tama, Leinne. Mali-mali naman ang nasasagap na tsismis ni Vivian. ’Wag ka maniwala d’yan!” Suporta pa ni Iyah kay Leon. “Alam ko kaya ang crush ni Leon!” Pagmamalaki ni Iyah.

“Iyah!” Naalarma si Leon.

Si Vivian naman ay nahulog ang fries na kinakain!

“Weh?” si Vivian.

“Talaga!” si Iyah.

Sinundot ni Vivian ang tagiliran ni Iyah. “Sino?”

Birong inirapan ni Iyah si Vivian.

“Basta. Malalaman mo rin soon, Vivs. Huwag ka kasing bulag-bulagan!”

Namula nang husto si Leon. Talagang kilala ni Iyah ang crush niya! Pero saan niya nalaman? Wala namang binanggit na pangalan si Leon no’ng nakwento niya sa akin ang crush niya.

“Ah, ang sasama! Parang hindi mga true friends!” sabi ni Vivian.

“Tara na!” Pahayag ni Leon. “Di ba, mag-aaracade pa tayo? Tara na.”

Umingos kami ni Vivian. Ang KJ! Si Iyah lang ang may alam sa crush niya!

Nang makarating kami sa arcade; maingay, maraming tao at puno ng kulay ang loob. May mga blinking neon lights, tunog ng tickets na lumalabas sa machines, at tawanan ng mga bata’t teenagers. Lunch time ngayon at may malalapit na eskwelahan ang mall kaya maraming bata. Si Iyah bitbit pa ang kanyang float na hindi naubos kanina.

“Oh, saan muna tayo?” tanong ni Vivian, tama na napatigil kami sa harap ng isang claw machine na may mga stuffed toy na kulay pastel.

Wow! May lavender na unicorn!

“Dito na lang muna!” mabilis na tugon ni Iyah, sabay turo sa machine. “May unicorn plushie oh!” Excited na turo ni Iyah doon.

Kinagat ko ang labi ko. Gusto ko rin non!

“Iyah, kunin mo iyang plushie na unicorn tas bigay mo sa akin!” natatawang sabi ko sa kanya, sabay tapik sa balikat.

Nilingon ko si Leon at naabutan ko ang titig niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay dahil baka may dumi ang uniform ko o ano. Pero umiling naman siya. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at humawak sa bibig.

Eh? Anong nangyari dito kay Leon?

“Hoy Leon, na sa’yo ang mga token!” sigaw ni Vivian.

Napatalon si Leon doon. Medyo nagulat siya pero agad na nag-abot ng token na binili niya kanina. Kapag kasama kami ni Leon, para siyang sugar daddy namin. Bulsa niya lagi ang butas kapag kami ang nagsama-sama! Naawa at nahihiya ako. Kaso makakapal naman ang mukha ng dalawa kong kasama.

“A-ah, uh, sige!” Tango niya.

“Thanks, Leon. Para kay Leinne naman ito kapag nakuha ni Vivian ang plushie!” Ngumingising saad ni Iyah, sabay insert ng token.

Pumikit pa si Vivian ng sandali bago sinimulan ang pag-control ng claw.

“Ho!” Pagbuga nito ng hangin.

Nagtipon kaming apat sa harap ng machine. Nakasandal ako sa gilid, habang si Leon ay pinilit na tumabi sa ’kin. Natawa na lang ako.

“Do you think makukuha ni Vivian ‘yan?” tanong ni Leon sa ’kin, medyo pabulong.

I shrugged, ngumiti. “Hayaan natin siya.”

Humagikhik na rin si Leon sa tabi ko.

Biglang bumagsak ang claw, sumabit saglit ang stuffed unicorn, pero nakawala rin bago bumagsak sa loob ng machine.

“Ayy!” Dismayadong daing namin ni Iyah.

“Ano ba ‘yan!” reklamo ni Vivian. Tinampal ang claw machine pagkatapos ay sinapa pa! Badtrip na siya! “Scam talaga ’to!”

“Haha! Ang sabihin mo di ka lang magaling, Vivs,” singit ni Iyah, natatawa.

“Ang duga! Scam talaga ‘yang claw machine.” Panghuhimutok niya.

“Eh try kaya natin ang iba?” mungkahi ko sa kanila kahit wala naman akong nilabas ni piso rito. “Baka kasi malas lang si Vivian dito.” Nguso ko sa aking kaibigan.

“Oy excuse me?!” reklamo ni Vivian. “Sige na nga! Pero gusto ko makita si Leon mag-try. Mukha siyang seryoso, baka may skill.”

“Skill?” sabay naming untag ni Iyah at nagkatinginan bago humagalpak ng tawa!

It wasn’t a bad idea to come here. My mood lightened up because of my friends!

Tumingin kaming tatlo ni Iyah at Vivian kay Leon pero sa akin nakatitig ang lalaki. Uh? Parang kinabahan yata siya.

“’Wag ka ma-pressure! Biro-biro lang naman iyong kanina!” sabi ko kay Leon, ngumisi ako sa kanya. Iyong ngisi na di na makita ang mga mata ko.

Kumuha si Leon ng coin, inilagay sa slot, at huminga nang malalim. Tensyonado siyang humawak doon sa controler ng claw machine. Hinawakan ko ang balikat ni Leon. Tensyonado pa siya ngayon kaysa noong basketball match nila sa grade 10!

“Relax ka nga,” saad ko habang ang mata ay nasa stuffed unicorn!

Wah! Sana makuha ni Leon! Kahit malaki siya ilalagay ko siya sa bag ko!

“Konti pa left, left pa.. ayan!” sabi ko, nakatutok stuffed toy.

Nang bumagsak ang claw. Impit akong tumili sa tuwa. Bilog na bilog ang mga mata kong nakatitig nang maiangat ng claw ang plushie at tuluyang nahulog sa chute.

“Wahhh!” sabay-sabay naming sigaw

Tumalon-talon kami sa tuwa at hindi inintindi ang mga estudyanteng nakatingin sa amin na para bang ang wi-weird namin dito. Para kaming naka-jackpot sa lotto.

“Ang galing mo, Leon!” ani ko. Excited sa stuffed toy. Pero hindi ko naman alam kung ibibigay ba iyon ni Leon sa akin o baka doon niya ito ibibigay sa crush niya.

Sana hindi iyon mahilig sa unicorn para sa akin ibigay ni Leon ang stuffed toy! Lihim kong bulong at nagfinger crossed!

“Tsamba!” si Vivian, parang may hinanakit.

“May skill nga!” biro ni Iyah.

Lumapit si Leon sa akin at inabot niya ang stuffed toy.

“Leinne, para sa’yo.” Si Leon.

Medyo nagulat naman ako roon kahit hiniling ko siya.

“Akin? W-wala ka bang ibang pagbibigyan? Baka doon sa c-crush mo?”

May umubo sa likod ko. Hindi ko alam kung si Iyah o Vivian.

“Eh… ikaw kasi nagsabi kung saan ko ididiretso. Kaya, technically, ikaw nakakuha nito,” mabilis niyang paliwanag, sabay iwas ng tingin.

“Wow, sweet,” bulong ni Vivian, na agad tinapik ni Iyah para manahimik.

“Okay…” tumawa ako, kinuha ang stuffed unicorn kay Leon. “Thanks, Leon. Ang cute.” Titig na titig ako sa unicorn. Ang ganda pa ng kulay!

Lumipat kami sa basketball shooting game. Si Vivian agad ang naghulog ng tokens.

“Girls vs Boys tayo, ha!” hamon ni Iyah. “Ikaw Leinne parter mo muna si Leon!” Tulak pa ni Iyah sa akin kay Leon.

Mabilis namang nahawakan ni Leon ang balikat ko bago pa ako matumba.

“Yiee, lalaki ka muna ngayon, badet!” Panunudyo pa ni Vivian sa akin. Talagang nagkampihan ang dalawa ngayon

“Game na!” anunsyo ko.

Nagkatinginan kami ni Leon.

“Galingan mo, Leon. Tatalunin natin ang dalawang iyan! Ni-aaway ako!” Parang bata kong sumbong kay Leon.

“Ako ang bahala,” nakangiting sagot niya naman sa akin.

Nagsimula ang timer. Agad akong nagbato ng bola at na shoot sa hoop.

Yey!

“Nice one!” si Leon.

I looked at him.

“Magfocus ka rin d’yan! Tingnan mo si Iyah at Vivian shoot lang nang shoot!” tawa ko.

Sumunod na nag-shoot si Leon. At napapalakpak ako dahil swish ang nga tira niya!

Pagkatapos ng isang minuto, nanalo kami ni Leon ng kaunting puntos kina Vivian at Iyah. Nanghihimutok na naman si Vivian.

“Yey!” Nag-high five ako kay Leon. Pero nagtagal ng konti ang palad ni Leon sa akin dahil pinagsiklop niya ang kamay namin.

“Leon,” usal ko.

Mabilis na binawi ni Leon ang kamay at tumalikod sa akin.

Pagkatapos ng ilang laro, nagpasya kaming umupo muna sa isang bench malapit sa prize counter.

“Ang dami na nating tickets!” tuwang-tuwa si Iyah, sabay buhos sa mesa. “Pwede na siguro tayong makakuha ng keychain o candy.”

“Candy lang? Ang duga naman!“reklamo ni Vivian. “Eh ilang games na ‘yun!”

“Ganun talaga, Vivian. Hindi ka naman kasi nananalo sa laro,” ani ko, sabay yakap sa plushie. “But worth it naman.”

Nang masulyapan ko si Leon nakatitig lang siya sa yakap-yakap kong plushie. Hala! Baka gusto niya itong bawiin sa akin?

Bago pa man iyon maisipang bawiin ni Leon, sinabi ko na sa kanila na umuwi na kami.

Alas singko na nang makarating ako sa mansyon ng mga Dela Cuerta. Pumasok at magdere-deretso na sana sa quarter namin ni Mama nang marinig ko ang boses ni Zadkiel at nang isang babae!

“Bakit ka ba umuwi ngayon? At hindi ka man lang nagsabi!” si Zadkiel.

“May sorpresa bang sinasabi, Zadkiel Dela Cuerta?” si Ate Zarrah!

“Akala ko hindi ka na uuwi eh. Bakit ka umuwi?”

“You’re so bad, brother! Can’t you just be happy that I’m here? Besides, you know why I don’t want to be here.”

“You left me here— alone.”

Kita kong hinaplos ni Ate Zarrah ang mukha ni Zadkiel.

“You have Leinne naman.”

I let out a small cough.

Lumingon silang pareho sa akin. Napatayo si Ate Zarrah at sumugod sa akin. Niyakap niya ako.

“Oh my! Ang laki mo na, Leinne! Nagdadalaga ka na!”

My face flushed like a ripe tomato. Hilig talaga ni Ate Zarrah na tuksuhin ako.

“Ate naman!” Nguso ko.

Tumawa siya at muli akong niyakap! “I miss you, Leinne!”

Sinuklian ko ang yakap ni Ate Zarrah. “Namiss din kita, Ate.” Tumingala ako sa kanya. “Ate, bakit ka po umuwi?”

“I have to take care of a few things here, Leinne.” Makahulugan niyang saad, ngumisi siya bago ginulo ang buhok ko.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 17

This chapter is dedicated to: aviluna_wp

shishibooks

geneWP01

lookpeachiyarat @akishicherry , salamat palagi sa pagbabasa ninyo sa story ko!

Chapter 17

Leinne’s Pov

Nasa kalagitnaan kami ng daan at sumasabog ang tunog ng playlist ni ate Zarrah sa speaker. Malaki ang ngiti ni ate Zarrah habang nasa unahan ang atensyon, sapo naman ng Rayban niya ang buhok. Umiindayog sa music ang kanyang ulo at bakas sa mukha ang excitement, kagaya ko.

“Ate, salamat po at sinama n’yo po ako sa lakad ninyo.” Ani ko kay Ate Zarrah mayamaya. Ngayon ay tinatahak namin ang daan patungong Baguio. Gagala lang daw muna kami since weekend naman.

“Don’t mention it, Leinne. Saka namiss din kita eh.” Si Ate Zarrah.

Ngumiti ako rito. “Ilang araw po pala tayo roon, ate?” tanong ko dahil pinag-impake ako ni Ate Zarrah ng ilang pares ng damit. Pinayagan din ako ni Mama sa lakad na ’to kasi kasama ko si Ate Zarrah.

“Two to three days lang tayo, Leinne. ’Wag kang mag-alala d’yan.” Sinilip ako ni Ate Zarrah dito sa likod.

“Ate, bibili po tayo no’ng strawberry halo-halo nila.”

Aliw na tumango si Ate Zarrah sa akin. “Of course, of course!” Tango-tango ni Ate.

Nasa front seat si Zadkiel, kanina pa ito tahimik at tamad na nakasandal ang ulo sa salamin ng kotse. Hindi ko alam na kasama pala siya. Ang akala ko mags-stay siya sa bahay. Saka Sabado kaya. May klase siya sa NSTP nila. Pero baka wala silang klase ngayon! Hay!

Hindi ko alam kung nagkaayos na ba siya at si Genina. Medyo nilalayo ko na rin kasi ang sarili ko sa kanya dahil doon sa nangyari. Ewan ko lang kung pansin n’ya ba ang pagiging distant ko sa kanya nitong mga nakaraan. Lito na ako ngayon sa mga nangyayaring pagbabago sa damdamin ko at ayaw ko nang dagdagan pa iyon.

Sinandal ko ang likod sa kotse sabay hawak na neck pillow. My heart skipped a beat when Zadkiel looked in the mirror and our eyes met. I immediately tore my gaze away. Tumingin ako sa labas ng bintana na malakas ang kabog ng dibdib. Tinuon ko na lang ang mata sa mga kahoy at posteng nadadaanan namin.

Pinikit ko na lang ang mata ko. Pinagdasal ko ring kumalma na itong damdamin ko. Ngunit nagising na lang ako ay nasa daan pa rin kami.

Kinusot ko ang mata. “Ate Zarrah, malayo pa po ba tayo?” reklamo ko, sabay hagod sa buhok ko.

Sumilip si Ate Zarrah sa akin. Nagulat ko nang si Zadkiel na ang nagmamaneho sa kotse.

“Mga tatlong oras pa lang tayo, Leinne,” sagot ni ate Zarrah. “Nasa four to five hours ang byahe natin, Leinne. Kaya tulog ka muna. Iidlip lang din ako kaya si Zadkiel muna ang pumalit sa akin. Nangangalay na rin ang kamay at paa ko. Hindi na ako sanay sa mahahabang byahe.”

Pinahiram ko kay Ate Zarrah ang neck pillow ko. Nang makatulog si Ate Zarrah. Para akong hindi makahinga sa awkwardness namin ni Zadkiel. O baka ako lang ang ganito. Ako lang naman kasi… ang umiiwas sa kanya eh.

“Leinne.”

Muntik na akong tumambling sa kinauupuan ko nang magsalita si Zadkiel.

“Zadkiel,” usal ko naman.

“May mga gusto ka bang puntahan na lugar sa Baguio o tourist spot? We can go there. Si Ate may ibang gagawin siya kaya hindi natin siya makakasama sa buong araw.” Saysay niya at sumusulyap sa akin. Para bang tinitingnan niya ang reaksyon ko o emosyon na aking ipapakita.

“O-oh, hindi pa ako nakakapunta ng Baguio. Pero narinig ko sa mga kaklase ko ang Burnham Park at La Trinidad Strawberry Farm. Pwede raw tayo mamitas doon!”

Ngumiti siya sa akin. “Let’s do that.”

Pagdating namin sa Baguio bandang alas-siyete ng gabi, ramdam agad ko ang lamig na sumalubong. Niyakap ko ang katawan nang magkababa kami. Sa isang transient house kami nagcheck-in.

“Malapit lang ang Burnham Park dito, Leinne. We’ll go there tomorrow.”

Nanindig ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang bumulong si Zadkiel sa aking tenga!

“O-oh,”

“Zadkiel,  Leinne, halika na kayo.” Tawag ni Ate Zarrah. Kaagad ko namang iniwan si Zadkiel. 

“Grabe, ang lamig pala talaga dito, ate!” saad ko kay Ate Zarrah nang mahabol ko siya.

“Mmm, kaya magsuot ka ng makakapal. Sinunod mo naman iyon sinabi ko na magdala ka ng makakapal na jacket?”

Binaba ko ang aking mga gamit at pinakita kay Ate Zarrah.

“Hiramin mo na lang muna iyong dala kong jacket. Masyadong maninipis itong dala mo. Mas malamig na ngayon dito eh.” ani Ate.

Matapos naming magcheck-in at ibaba ang mga gamit lumabas din kami upang humanap ng makakainan. Napagdesisyonan nila na sa Good Taste kami kumain. Si Zadkiel at Ate Zarrah na ang umorder ng foods namin.

“Wow, “ bulaslas ko nang halos mapuno ang mesa namin ng pagkain: buttered chicken, chopsuey, fried rice, at soup. “Ang dami!”

“Kumain ka na, Leinne.”

“Leinne,” si Zadkiel sabay abot sa akin no’ng plato na hinainan na niya.

“A-akin ’to?”

“Mmn,” si Zadkiel.

Pansin ko ang talim ng titig ni Ate Zarrah kay Zadkiel. Namamalikmata ba ako?

Maaga akong nagising kinabukasan. Kumakaway pa ang hamog habang naglalakad kami ni Zadkiel papuntang Burnham Park. Kumukuha ako ng larawan para ipakita ko kina Iyah, Vivian, at Leon. Nag-arkila kami ni Zadkiel ng bike at nag-stroll sa paligid. Hindi namin kasama si Ate Zarrah kasi may kikitain pa raw siya.

“Hoy, saglit lang Zadkiel!” sigaw ko dahil naiiwan na niya ako. Ang bilis niya naman magbike!

Patuloy siyang nagpapadyak sa biseklita niya at tumatawang lumingon sa akin. Nakuyom ko naman ang kamay na nasa manibela nang biglang humampas ng malakas ang puso ko dahil sa ngiti ni Zadkiel.

Nang mapagod sa pagbibiseklita ay nagboat ride kami ni Zadkiel. Napapanguso ako dahil kadalasang nakikita ko ay mga couples. Nag-selfie ako at kumuha ng mga pictures.

Pagkababa sa boat, tama namang may nagtitinda ng strawberry taho.

“Zadkiel,  taho oh,” turo ko sa magtataho.

Nabaling ang aking mata sa strawberry na taho!

“Kuya, taho nga po.” Lumapit sa amin ang magtataho. “Tatlo po, kuya.” ani Zadkiel.

Nang ibigay sa akin no’ng manong na nagtitinda ng taho ang taho ko. Kaagad ko itong tinikman.

“Ang sarap! Matutuwa si Vivian nito.” Saad ko at humigop. Basta pagkain si Vivian talaga ang naalala ko.

Si Zadkiel na ang nagbayad sa mga taho ko. Umupo kami sa bench at nilalantakan ko ang huling baso ng taho.

“Thank you, Zadkiel!” Baling ko kay Zadkiel sa tabi ko. Kita ko na nangangalahati lang siya sa kanyang taho. Hindi njya talaga gano’n ka-bet ang mga matatamis.

Napasinghap ako nann biglang ipahid ni Zadkiel ang hinlalaki sa gilid ng labi ko! Inatras ko ang ulo ko kaso sumunod naman ang kamay niya. Muli kong naramdaman ang mga paruparong nagsiliparan sa t’yan ko.

“Zadkiel.”

“Ang dungis mo kumain.” Saad niya.

Iniwas ko anag mukha sa kanya at nagpunas. Malamig man ang klima pero ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.

Sumaglit kami ni Zadkiel sa Baguio Cathedral. Pinagdasal ko ang paggaling ng t’yan kong pinupugaran na ng mga paruparo. Kumain kami ng authentic Cordilleran food. Nang may tumawag kay Zadkiel kaya naiwan niya ako.

Hindi na ako mapakali sa mga nararamdaman ko kaya naisipan kong tumawag sa aking BFF—si Vivian! Hindi ko kasi masabi itong nararamdaman ko ngayon kay Zadkiel.

“Vivian,” untag ko nang sagutin niya ang tawag ko.

“Ang duga mo, Darryl Leinne! Nakita ko ang mga myday mo sa FB! Nasa Baguio ka palang badet ka!” Kahit sa cellphone lang batid ko ang hinanakit nito.

“H-huwag kang mag-alala dahil may pasalaubong ka sa akin!”

“Sabi mo ’yan ha! Promise na ’yan!”

“Oo. P-promise!

“Hmn, teka. Bakit ka napatawag?”

Tiningnan ko ang pagkain na hindi ko maubos-ubos.

“Kasi, Vivian…”

Bigla akong ginapangan ng kaba. Kanina ang lakas ng loob kong tawagan ito pero ngayon naduduwag na ako.

“Badet? Hello? Nand’yan ka pa ba, Leinne?”

Peke akong umubo. “Oo, nandito pa.”

“Tuloy mo na. Ano iyong sasabihin mo? Akala ko pa naman naputol na ang tawag.”

“Vivian kasi…”

“Kasi? Bilisan mo, badet, kasi taeng-tae na ako.”

Umasim ang mukha ko sa kanyang sinabi. Pasalamat siya tapos na akong kumain. Kadiri talaga ito minsan eh!

“Badet, may sasabihin ka o magbabanyo na lang—”

“Vivian, tingin ko may mali na sa ’kin.” Pagputol ko sa kanya bago pa man siya makapagbanyo.

“H-huh? Bakit? Minulto ka ba d’yan sa tinutuluyan ninyo sa Baguio? Naku, badet! Marami pa naman akong naririnig na mga kwento-kwento na katatakutan…”

“Hindi naman kasi ganyan. Katabi ko si Ate Zarrah matulog ’no!”

“Oh, edi ano pala?”

Huminga ako nang malalim.

“Vivian, kasi… kapag nakikita ko itong tao na ’to. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Kapag ngumingiti siya sa ’kin. Parang nagiging blur ang lahat maliban sa kanya. May gawin man siya o wala… pinapabilis niya ang tibok ng puso ko!” Kwento ko sa kanya. 

Hindi kaya… nagiging totoo na iyong mga tukso ni Vivian sa akin? Na crush ko si Zadkiel? Ganito ba iyon? Crush ba ito?

“Tinamaan ka na ni Kupido, badet.”

Nalukot ang mukha ko. “Ha?”

“Kung sino man iyang nagpapabilis sa tibok ng puso mo. Gusto mo na siya. Iyang mga nararamdaman natural lang ’yan sa taong nagkakagusto.”

“Eh, Vivian,” ungot ko. Hindi naman pwede. Hindi pwede ang ganito. Kaibigan ko si Zadkiel.

“Anong inaarte mo d’yan? Madidiktahan mo ba iyang damdamin mo? Pero ang bata pa natin, badet. Mawawala din ’yan. Feelings change!”

Mistulan akong nawalan ng lakas sa sinabi ni Vivian sa akin. Pinutol na niya ang tawag kasi taeng-tae na raw siya. Hindi ko matanggap ang sinabi ni Vivian. Tulad ng pagdi-deny ko sa kanya kapag sinasabi niyang crush ko si Zadkiel. 

May feelings na ako kay. Zadkiel? Bakit ako nagkaka-feelings sa kanya? I saw him breaking women’s hearts. I witnessed how cruel he could be. But how did I end up liking him? Was it because he’s different with me? Was it because he’s my hero?

No! It can’t be!

“Leinne? Is something wrong?” busisi ni Zadkiel sa akin nang makabalik siya. Nakita niya siguro akong lutang.

I just shook my head. Ang daming pumapasok sa isip ko. Gulong-gulo ako.

Dumaan kami saglit ni Zadkiel sa Harrison Road night market kaso hindi ako mapalagay na kasama si Zadkiel. Lalo na ngayon na alam ko na may feelings ako sa kanya.

So matagal ko nang gusto si Zadkiel? Kaya ba ako umiyak no’ng nakita ko siyang may kahalikan sa guest room kasi may feelings na ako sa kanya? Kaya ba naiyak ako nang makita ko siyang hinalkan ni Genina kasi may gusto ako sa kanya?

Why? How did I end up in this situation? Did I mistake Zadkiel’s kindness for something else? Ano naman ngayon kung iba ang trato niya sa akin? Ano naman ngayon kung caring siya sa akin?

“Stay away from him!”

Napatigil ako sa tapat ng kwarto ni Zadkiel nang marinig ko ang pasigaw na untag ni Ate Zarrah.

“Ate,”

“Zadkiel, alam ko ang nakikita ko! I know there’s something in the way you look at and treat him!”

Him? Sino ang pinag-uusapan nila?

“You’re just paranoid, ate!” singhal din na bwelta ni Zadkiel.

“Paranoid? I wasn’t born yesterday not to notice it, Zadkiel. Hanggang maaga pa. Lumayo ka. Leave him be. Aren’t you disgusted of yourself?”

“Ate, stop it!”

“I will not stop until you wake up from this shit, Zadkiel! He’s a minor, for God’s sake!”

“Ate, wala akong ginagawa! Hinahayaan ko nga siya sa lahat!”

“But you’re like a wolf, ready to attack anyone who tries to take him away from you! Hindi pa ba ’yan kabaliwan, Zadkiel? I get that he’s your confidant. I get that he’s very special to you, but Leinne is too young for you!” Patid ko ang gigil sa pagbawat letrang lumalabas sa bibig ni Ate Zarrah.

Napaatras ako sa aking narinig. Dahil doon hindi ko sinasadyang maatrasan ang isang paso. Lumikha iyon ng ingay kaya bumukas ang pinto. Lumabas si Ate Zarrah at Zadkiel na parang nakakita ng multo.

“Leinne.” si Zadkiel.

“L-Leinne.” Garalgal ni ate Zarrah.

Nagblangko ang utak ko nang makita ko silang dalawa. Walang ibang pumasok sa isip ko kung hindi ang tumakbo ngunit may kamay nang humila sa akin bago pa man ako makatakbo.

Hinuli ni Zadkiel ang kamay at mabilis niya akong pinasok sa kwarto niya. Naiwan si Ate Zarrah sa labas. Ni-lock niya kaagad ang kwarto.

“Zadkiel! Buksan mo ito!” sigaw ni Ate Zarrah at kinakalampag ang pinto.

Hindi iyon pinansan ni Zadkiel. Pinaupo niya ako sa kama at lumuhod siya sa harap ko.

“Ano ang narinig mo, Leinne?” Mahinahong tanong ni Zadkiel.

She pressed my hands.

Kinuha ko ang kamay ko mula sa kanya. Niyuko ko ang ulo ko. Sunod na bumagsak ang mga luha ko sa aking hita.

“Leinne,”

“Zadkiel, gusto m-mo rin ako?” I stumbled. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nalaglag ang kanyang panga.

“L-Leinne,”

“Mali ba ako? Mali ba ang pagkaka-intindi ko sa narinig ko, Zadkiel?”

Mixed of emotions flickered in his amber eyes.

“Leinne, what do you mean?”

“Z-Zadkiel, magkaibigan tayo.”

Kumuyom ang kanyang panga at tila mabigat ang ulo niya dahil sa mahinang pagtango.

“Sorry, Zadkiel. Sorry kung makasarili ako at nagustuhan din kita.” Patuloy sa pagbagsak ang mga luha ko.

“Leinne, this can’t  be.” Para siyang robot na umiiling sa akin.

“D-dahil may girlfriend ka, di ba?” I choke out.

“No. Wala na kami ni Genina.” Kalmado pero may diin niyang wika. “That’s not it, Leinne. You’re young… far too young for this, Leinne. Your feelings will change eventually, okay?”

“Pero, Zadkiel… a-ano iyong sinabi ni Ate Zarrah?”

Pumikit siya nang mariin at namumula ang mga mata nang kanya itong binuka muli.

“You know how much I treasure you, Leinne. But there are things we cannot cross.”

Umiling ako sa kanya. Hindi ko siya naiintindihan.

“Zadkiel,”

He wiped my tears. “Leinne, I… I’m leaving.”

“Zadkiel, bakit? Bakit ka lalayo? Dahil ba… gusto kita? Dahil ba nandidiri ka sa akin?”

Mabilis siyang umiling sa akin.

“No, Leinne. This is just me choosing to set boundaries between us.”

Bumaba ako sa kama at yumakap sa kanya. “Zadkiel, ’wag kang umalis! Kung aalis ka dahil lang gusto kita. Huwag kang mag-alala kasi hindi ko ito ipu-pursue. Manatili ka lang sa mansyon, Zadkiel. Pangako hindi kita guguluhin hangga’t may feelings pa ako sa’yo.”

Tinulak ako ni Zadkiel. “Leinne. This is for the both of us.”

Umiling ako. Hindi ko siya naiintindihan! Akala ko ba gusto niya ako? Alam ko naman na ang bata ko pa pero totoo naman ang nararamdaman ko! Despite how bad he is to everyone, I still like him!

“I don’t understand!” I cried, collapsing onto the floor. “Why are you drawing boundaries between us?”


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 18

Thank you so much for supporting BS2, beh

renbeoms

❤️


Chapter 18

Leinne’s Pov

The truth that I like my best friend sent tremors through me, but Zadkiel’s sudden decision to leave the mansion scares me. I thought he liked me too. I thought I had a special place in his heart. But I don’t get him. I don’t understand why he has to leave. I guess I was wrong.

How did our relationship end this way? Those nights I slept in his bedroom, those moments I had with him—designing his project, rewriting his essays, and whatnot. The laughter we shared. Our little arguments. Our friendly dates. All those things suddenly changed.

I was so afraid that those moments would never happen again. At sinisisi ko ang sarili ko roon. Kung hindi ko ba sinabi sa kanya na gusto ko siya, hindi siya aalis? Kung hindi ba ako nagkagusto sa kanya, hindi niya kailangang lumayo? The wall that has started to build between Zadkiel and me is becoming more evident now. He has already declared it. He set the boundaries between us—boundaries that I can’t break through. Boundaries that, no matter how much we treasure each other, neither of us can cross.

Like he said, I’m still young. These feelings of mine will eventually change or disappear. The latter would be nice. Tulad din no’ng sinabi ni Vivian na mawawala rin ito. Bata pa ako. Hindi naman siguro ito kailangang i-big deal ni Zadkiel? Hindi ko na alam. Naguguluhan ako at hindi ko maintindihan ang naging desisyon ni Zadkiel.

Uuwi kami ni Ate Zarrah sa mansyon na kami lang dalawa. Maiiwan si Zadkiel doon at hindi ko alam kung saan siya tutuloy o uuwi. Basta isa ang siguro, hindi sa mansyon. Umiiyak ako rito sa shotgun seat at hindi ako sinisita ni Ate. Hinayaan niya akong umiyak. Humagulhol  na parang bata na gutom pero walang mainom o makain. I want to feed my mind with happy thoughts, but my tears are relentlessly trickling down my cheeks like pouring rain.

Walang inasikaso si Ate Zarrah sa Baguio. Talagang binantayan niya lang ang kilos namin ni Zadkiel. And when she saw something was going on, she stepped in. It seemed like she had to step in because she had the most rational decision between me and Zadkiel.

“Ate, saan po mag-aaral si Zadkiel? Hindi na rin po ba siya mag-aaral sa ANU?” tanong ko kay Ate Zarrah nang pinarada niya ang sasakyan sa parking area ng mansyon.

Nararamdaman ko ang mga titig ni ate Zarrah sa aking mukha pero hindi ako lumingon sa kanya. Nahihiya akong tumingin sa kanya at makita niya ang namumugto kong mata. Nakatulogan ko ang pag-iyak. Kaya naman mahapdi ngayon ang mga mata ko. Hanggang ngayon humihikbi ako.

“Lilipat siya ng ibang university,  Leinne, I hope one day you will realize and understand everything.”

Hindi rin nagtagal sa mansyon si Ate Zarrah. Umalis din siya. When she arrived, Ate Zarrah mentioned that she needed to fix something, and I think I know what she meant by that.

Mabilis na kumalat sa mga kapwa namin ni Mama kasambahay ang biglaang pag-alis ni Zadkiel sa mansyon. Hindi ko rin sila masisisi kasi dati alam namin na gusto nina Ma’am Ulysses at sir Zeus na lumipat si Zadkiel ng school kaso hindi ginagawa ng lalaki. Matigas ang ulo nito at ayaw lumipat. Tapos ngayon bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin at lumipat ng eskwela. Hindi pa nagpaalam.

“Baka naisip na rin ni sir Zadkiel na mainam na sa ibang eskwelahan siya mag kolehiyo. Dati na siyang pinagsasabihan ni Ma’am Ulysses kaso matigas kasi ang ulo.”

“Ano kaya ang nagtulak kay sir Zadkiel para lumipat? Hindi naman iyon agad-agad na nangyayari ’no!”

“Baka si Ma’am Zarrah ang kumausap. Kasi kung hindi umuwi si Ma’am Zarrah, hindi naman siya lumipat.”

“Pero Manila pa rin naman.”

“Oo, pero ang laki ng Manila. Hindi lang ito isang barangay.”

Kagaya ng mga narinig ko. Nandito lang din sa Manila si Zadkiel pero hindi ko alam kung saang parte. Dumaan ang aming semestral break at hanggang sa nagpasukan na na ulit. Third quarter na namin.

Akala ko kapag nasa eskwelahan ako ay makakatakas ako tungkol kay Zadkiel. Kaso naging usap-usapan din ang pag-alis nito. Gano’n siya ka-kilala sa ANU. At kahit dito sa highschool umabot iyon.

“Badet, may alam ka ba kung bakit lumipat ng ibang eskwelahan si Zadkiel? Di ba best friend mo iyon?” Pasimpleng bulong ni Vivian sa akin habang paakyat kami ng building. 

“Hindi ko alam.” Mahina kong sagot kay Vivian.

Bumuntong-hininga ako.

Nasa second floor na kami nang bigla akong hilahin ni Vivian sa isang sulok. Nagtataka man pero hinayaan ko itong hilain ako. Nitong mga nakaraang araw ay wala akong lakas sa lahat.

“Anong nangyari?” tanong niya sa akin. Tumingin siya sa kanyang relo. “May time pa tayo para bago pumasok ang English teacher natin kaya sabihin mo sa akin kung ano ang problema mo, badet.”

Mahigpit kong niyakap ang aking envelope.  Hindi ko magawang tumingin ng deretso sa mga mata ni Vivian ngayon.

“W-wala akong problema, Vivian. Pumasok na lang tayo sa—”

“Leinne, magkaibigan tayo simula no’ng elementary. Kung si Iyah at Leon hindi nila napapansin ang pagiging matamlay mo. Pwes ibahin mo ako. Atsaka nakailang bumuntong-hininga ka na.” Saysay niya.

Lumabi ako. Nag-init ang aking mga mata dahil sa luhang nagbabadyang bumuhos. Bago pa man may luhang bumuhos, piniga ko na ang mata ko gamit ang aking palad.

Napigilan ko man ang aking luha sa pagbuhos pero hindi ang paghikbi ko.

“Leinne,”

“Vivian, tingin ko… ako ang dahilan kung bakit umalis si Zadkiel.” Hikbi ko. Kinuha ni Vivian ang envelope ko bago niya ako niyakap. Hinagod niya ang likod ko kaya naman mas naiyak ako. Akala ko naiyak ko na ang lahat no’ng pauwi kami ni ate Zarrah galing Baguio. Kaso mas malakas ang iyak ko ngayon.

“Leinne, sobrang bait mo naman na inako mo pa pati iyan. Sorry sa tanong ko. Sorry, badet.”

Umiling ako at tinago ang mukha sa balikat ni Vivian.

“Vivian, sinabi ko k-kasi kay Zadkiel na gusto k-ko siya. Tingin ko… dahil doon kaya siya napilitang umalis ng mansyon.”

Naitulak ako ni Vivian. Nagpanghanap ang kanyang mga mata sa akin.

“S-siya iyong… tinutukoy mo sa tawag natin no’ng…” hindi niya natapos ang nais sabihin nang tumango ako. Kinabig niya muli ako. “Huwag mong sisihin ang sarili mo, badet. Grade 8 palang tayo, ’no! Hindi lang si Zadkiel ang magugustuhan. May marami pang lalaki d’yan! Mas green flag, mas gwapo, mas mayaman, at mabait. Tapos hindi bugnutin!”

“Vivian, ang sakit-sakit pala nito.” Iyak ko.

Ramdam ko ang kanyang pagbuga nang malalaim na hininga. “First love mo yata si Zadkiel, badet. Ganyan talaga iyan pero lilipas din naman ang sakit. Daraan lang iyan, hindi iyan mananatili.”

I believed in Vivian’s words—that the pain wouldn’t last long, that it would eventually fade away, that the heaviness in my chest would be lifted. But no, it wasn’t that easy.

Matagal bago ko ma-realize itong feelings ko kay Zadkiel. Kaya siguro matagal din siyang nawala? Ganito ba talaga kapag heartbroken ka? Normal lang bang natutulala ka bigla? Normal lang ba itong luha na bigla na lang bumabagsak?

Dumaan ang 19th birthday ni Zadkiel pero hindi siya umuwi. It was painful because it was the first birthday of his that we weren’t together (ever since I came into their house). Yet I didn’t dwell on it anymore.  May third periodical exam akong inaatupag.

“Leinne!” Nasa sakayan ako sa labas ng ANU nang may tumawag sa akin. Bumaling ako sa tumawag sa akin at doon ko nakita si Felix na nag-jog patungo sa akin. Kasunod niya naman si Stacy at Jurity.

Napakapit ako sa sling ng bag ko nang makita ko ang mga kaibigan ni Zadkiel.

“Bakit po?” tanong ko sa kanila nang makalapit ang mga ito.

“Sorry, Leinne. Nagulat ka ba namin?” Felix said shyly. I shook my head. “Uuwi ba si Zadkiel sa Christmas and New Year?”

“A-ah, hindi ko po alam. Hindi kasi siya tumatawang sa mansyon…”

“Talaga? Kahit sa’yo?” Stacy eagerly interrupted, cutting me off in the middle of my sentence.

“Oo,”

Umirap si Stacy. “I told you, Felix. Wala tayong mapapala sa bata na ’to.”

“Pero may communication naman kayo ni Zadkiel, Leinne?” sunod namang usisa ni Jurity sa akin.

Umiling ulit ako. “Wala rin po.”

“As in wala?” si Stacy.

Tumango ako.

“Ganon ba.” Si Felix. Ngumiti siya sa akin at pinisil saglit ang balikat ko. “Sorry sa disturbo, Leinne. Akala kasi namin nagri-reply siya sa’yo. Ang huli kasi naming nalaman mula sa kanya sabi niya lilipat siya ng La Salle. Akala ko nga gino-good time lang niya kami. Hindi ko aakalaing seryoso na pala iyon.”

La Salle?

Mabuti pa sila alam kung saan lumipat ng school si Zadkiel. After kasi no’ng maghiwalay kami sa Baguio wala na siyang paramdam. Talagang pinutol na niya lahat ng communication namin.

“Tara na!” Inis na wika ni Stacy. “We thought this kid was somewhat special to Zadkiel. Hindi naman pala.”

“Stacy,” suway ni Felix dito.

“Leinne, alis na kami ha. Sorry ulit.” Ani Felix bago hinila si Stacy palayo.

I’m more devastated by the truth that they still have communication with Zadkiel while he has cut me off. The envy in my chest blossoms.

He left me with so many questions in my head, as though he had left a puzzle with no clue for me to solve. Para kaming walang pinagsamahan sa biglaan niyang ginawa. O baka ganon niya ka-ayaw ang ideyang nagustuhan ko siya?


“Merry Christmas! Yohoo!” sigaw ni Vivian at Iyah!

Nandito kami sa bahay ni Leon para sa aming Christmas party. Supposedly, kaming apat lang dapat sa party na ito kaso sumali sa amin ang mga kaibigan ni Leon no’ng elementary. Kaninang unaga pa kami rito at ngayon hapon na. Nakakatuwa na suportado naman ng mga parents ni Leon itong party. Tiningnan pa kung may alak bang dinala o tinago ang mga boys. Minors pa raw kami kaya juice-juice muna.

Bago mag-exchange gift kasama ang mga kaibigan ni Leon. Kami munang apat ang mag-iexchange gift. Kami ni Leon ang nakabunot sa isa’t isa habang si Iyah at Vivian naman.

Binuksan namin ang regalo ng isa’t isa.

“OMG! Thank you rito, Vivs!” Kinikilig na saad ni Iyah nang makita ang stiletto at pabango na regalo mula kay Vivian.

“Welcome, Iyah patotie. Alam ko kasing kailangan mo ang mga  ’yan!”

Nasapak tuloy siya ni Iyah. “What? So you think I’m mabango rin?”

Humagalpak ng tawa si Vivian nang makita ang pamumula sa mukha ni Iyah.

Napasinghap naman ako nang makita ko ang regalo ni Leon para sa akin. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa regalo niya sa ’kin.

“Leon, ang dami naman n-nito.” Usal ko. Kaya pala ang laki ng gift niya para sa ’kin. Bigla tuloy akong nahiya sa regalo ko sa kanya na wallet at  bracelet na DIY pa!

“Hala! May make-up set!”

“May mga pabango pa at damit!”

Tinulak ko ito pabalik kay Leon.

“Leon, hindi ko ito matatanggap. Ang dami naman niyan. Tapos iyang bigay ko sa’yo— akin na lang iyang gift ko sa’yo!” Sabi ko sabay abot sana sa regalo kong nasa kamay ni Leon kaso tinaas niya ito.

“No! Ayoko. Ano naman ang gagawin ko d’yan kung ibabalik mo sa akin ang mga ’yan? May Mom specifically bought that for you.”

“Huh?”

“Sinabi ko kasi sa kanya na may exchange gift tayo. Nagpabili ako sa kanya at d-in-escribe lang kita at iyan na ang binili niya.Please, Leinne.” Pakiusap niya at muling binalik ang gift niya sa akin. Pero grabe naman siya sa make-up set. Okay lang kaya sa akin ang blush on at Johnson’s na polbo kahit para na iyong harina.

“P-pero ang dami kasi nito.  Tapos iyang regalo ko sa’yo. . . .” Hindi ko siya matapos. Nahihiya ako kasi worth two hundred lang ang gift ko sa kanya.

“Kung iyan ang bumabagabag sa’yo… why not go out with me after Christmas?”

I blinked.

I saw Iyah biting her lip just to hide her huge smirk. Vivian’s eyes widened.

“S-sige.”

“Wala nang bawian, ha?”

Tumango ako.

Bumaba rin kami matapos ang aming exchange gift. Nang lumabas kami sa may pool ng bahay nagkakasayahan na ang lahat. Nagtatampisaw na sa pool at may mga palaro. Hapon na kays masarap magtampisaw.

“Leon, halika na! ’Nu ba ’yan, wala namang aagaw sa bebe mo kaya ’wag kang buntot nang buntot!” Sigaw ng isang kaibigan ni Leon na na sa pool.

Nilingon ko si Leon sa likod ko. Namula ang mga tenga niya.

“Shut up, Rio!” Tawang suway niya sa kaibigan.

Despite the awful things that happened to me, I still celebrated Christmas with a smile on my lips. And it was all thanks to my friends and my mother. But for the first time, it was the first Christmas that he didn’t greet me. I guess there really is a first time for everything. I couldn’t help but smile bitterly upon remembering him. Why did my first have to be with him?

Ayoko na. Ayoko na siya na naman ang maging first ko. Gusto kong sa ibang tao na naman.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 19

Chapter 19

Leinne’s Pov

“Ang dami mo namang mga regalo, anak,” ani Mama Norberta nang makita ang bitbit ko pagkapasok ng bahay. Aside sa gift ni Leon sa akin, may binigay din si Iyah at Vivian sa akin. Shorts ang mga bigay ni Iyah sa akin, aniya’y hindi na raw kasya sa kanya ang mga iyon. Pero mga bago naman. Ewan ko nga kung nagamit ang mga ito.

Tinulungan ako ni Mama para maipasok ito sa silid namin.

“Teka, kumain ka na ba? Ikukuha kita ng hapunan para dito ka na kumain kasi tapos na kaming maghapunan at nakapagligpit na.” si Mama nang makarating kami sa silid.

Inilingan ko si Mama. “Tapos na akong kumain, Ma. Pinakain kami ng Mama ni Leon bago kami hinatid ng kotse nila.” Pagmamalaki ko.

Napakabait ng mga magulang ni Leon! Isa-isa kaming hinatid pauwi para safe raw kaming makarating sa kanya-kanyang uuwian. Nagpasalamat din ang mga magulang ni Leon sa pagpunta namin sa bahay nila. Masaya sila na nakilala nila ang mga kaibigan ng anak sa eskwela.

Natutuwa lang ako kasi ang babait nila at attentive sa ’min. Hindi talaga kami pinabayaan habang nagpa-party sa bahay nila.

“Gano’n ba,” si Mama.

“Opo! Ang babait nga ng mga parents ni Leon, Ma. Binusog talaga kami sa bahay nila tapos hinatid pa!”

“Natutuwa ako sa mga kaibigan mo ngayong highschool, anak. Dati rati si Vivian lang ang bukambibig mo. Ngayon ang dami-dami na.” Masayang sabi ni Mama at tumabi sa akin. Tinulungan niya ako sa paglabas no’ng mga gift na natanggap ko.

“No’ng birthday mo ang dami mo ring natanggap na regalo. Binigyan ka pa ng cellphone ni sir Zadkiel. Nagagamit mo ba ang mga ito, Leinne? Oh, may pabango na naman ulit.” Wika ni Mama nang makita ang pabango na bigay ni Leon. Dior ulit iyon. Same no’ng birthday gift niya sa akin.

Actually, iyong mga gifts na bigay ng mga classmates ko no’ng birthday. Sinusuot ko talaga sila. Ayokong isipin nila na hindi ko nagagamit ang bigay nila. At iyong pabango na bigay ni Leon, gamit na gamit ko rin. Malapit na ngang maubos eh. Pero may bago na naman siyang bigay sa akin.

I started wearing makeup because of my classmates, but my mother stopped me from doing so. Ang bata pa raw ng mukha ko para doon. Aniya’y sapat na naman daw ang liptint at powder sa akin. Nasuway na rin ako no’ng lalaki nung naglagay ako ng blush on. Blush pa nga iyon.

I’m really, really grateful that my mother loves me for who I am. I am gay, and she embraces my identity without reservation or hesitation. I can be who I am, and I can express myself without fear of being judged or frightened.

When Zadkiel left, I thought I had no one. When he left, I thought I would be alone. However, because of what happened, I learned to appreciate the people around me more-those I didn’t notice before because I was only thinking of Zadkiel.

May pinagsamahan kami ni Zadkiel. Iba ang pinagsamahan naming dalawa pero may iba pang tao sa buhay ko. Hindi lang si Zadkiel ang tao sa buhay ko na nagpapahalaga sa ’kin. Marami sila.

“Anak, hindi ka ba sisingilin ng mga kaibigan mo sa mga regalo nila. Ang dami nito.” Parang problemado pa si Mama sa mga regalo na natanggap ko.

“Mama, okay nga iyan kasi hindi mo na ako kailangang bilhan ng damit! Atsaka mga bago itong damit na bigay nila, Ma.”

Napakamot si Mama sa tenga niya. “Kaya nga, anak. Nakakahiya sa kanila. Ano kaya ang magandang ibigay sa mga kaibigan mo?”

“Ma, ’wag mo na iyong isipin. At saka, ano naman ang ibibigay natin sa kanila? Nasa kanila ang lahat.” Ngumuso ako. “Pero, ma. Gustong-gusto po nila ang lumpia mo. Iyong mga classmates ko po na pumunta no’ng birthday ko rito. Bukambibig din nila ang lumpia mo. Nakakakita lang sila ng lumpia, lumpia mo ang naiisip nila, Ma.”

“Talaga?”

“Opo!”

“Kung gano’n ay gawan natin sila ng lumpia.”

“Sa pasukan na next year, Ma. At turuan mo rin ako ng lumpia mo, Ma. Para nakuha ko ang recipe mo!”

Kinurot ni Mama ang pisngi ko. “Ikaw talagang, bata ka. Sige na. Ayusin na natin itong mga natanggap mong regalo para makapagpahinga ka.”

Humagikhik ako.

“Ay, oo nga po pala, Ma. Inaya ako ni Leon lumabas. Sana po payagan ninyo ako.” Saad ko habang nagtutupi ng damit.

“Sinong kasama ninyo? Si Vivian at Iyah?”

“Ewan ko, Ma. Mukhang kami lang po ni Leon.”

Nilapag ni Mama ang damit na tinupi sa aking kandungan. Patuloy ako sa pagtutupi nang maramdaman ko ang natatalim na titig ni Mama sa ’kin.

Hindi ko natiis ang titig ni Mama kaya tiningnan ko ito. Nanliit ang mga mata niya sa akin at may pagdududa.

“Ma,”

“Sabihin mo nga sa akin, Darryl Leinne. Nanliligaw ba sa’yo iyong Leon?”

Muntik na akong atakehin sa puso dahil sa tanong ni Mama. Natampal ko tuloy ang kamay ni Mama. Ngayon ay lalong nangunot na ang kanyang noo.

“Ano? Bakit ganyan ka maka-react? Nanliligaw ba iyon sa’yo? Bakit wala kang sinasabi sa akin, Leinne? Hindi ba’t hindi naman kita pinagbabawalan sa bagay-”

“Mama, tama na po!” Singit ko kay Mama dahil kung hindi ko siya puputulin hahaba itong sermon niya sa akin. “Hindi po nanliligaw si Leon sa akin. Mabuting kaibigan ko lang po siya.”

“Talaga? Hindi ka ba gusto no’n?”

“Mama naman. Hindi po porket mabait at mapagbigay ang lalaki sa ’kin ay gusto na kaagad ako.”

“Ayusin mo talaga iyan, Leinne.”

Ayoko ng maulit pa iyong nangyari sa amin ni Zadkiel. Mawawalan na naman ako ng kaibigan dahil sa ganyan. Ngayon gusto ko na lang lubusin itong panahon na masaya ako sa mga kaibigan ko. Kaya ayokong isipin iyong mga sinasabi ni Mama.

Tiningnan ko si Mama na humiga. Tinitigan ko nang mabuti si Mama. Si Mama hindi naman maarte sa katawan kaso likas na maganda talaga siya. Naka-clip lang lagi ang buhok niya at hindi naglalagay ng kung ano sa katawan at mukha pero maputi at maganda.

Naisip ko tuloy na pwede pa naman siyang mag-asawa ulit. Hindi ko naman pipigilan si Mama roon kaso mukhang wala na siyang interes sa mga lalaki.

“Nanunusok na ang mga titig mo, Leinne.”

I laughed heartily. Huh! When was the last time I laughed like this?

“Natutuwa lang ako, Mama. Ang ganda mo kasi, kaya siguro maganda rin ako?”

Natatawang tumingin si Mama sa ’kin. “Maganda ka talaga! Hindi na tanong iyan!”

Niligpit ko na ang mga nagkalat sa kama ko. Pahiga na ako nang may maalala ako.

“Oo nga pala, ma. Gusto ko pong bumili ng bagong cellphone.” Sabi ko kay Mama.

“Huh? Nasira na ba ang cellphone na bigay ni sir Zadkiel sa’yo?”

“N-nasira po yata ang screen. Naupuan ko po.”

No. The truth is, I don’t want to use the phone anymore. I don’t want anything that reminds me of him. Iyong lantang bulaklak na kini-keep ko kasi galing sa kanya, tinapon ko. Iyong mga bigay niyang school supplies sa ’kin nakalagay na siya sa isang box. Itatapon ko na lang.

Zadkiel seems to want to forget me completely, and I want to forget everything about him too. I’ll start by disposing of the things that remind me of him.

Even the bracelet he gave me at my elementary graduation is already in the box, together with the other gifts he gave me. May niregalo si Vivian sa akin na bracelet kaya iyon ang pinalit ko sa bakante kong wrist.

I was deeply hurt by the fact that he was able to contact Felix, Stacy, Jurity, and maybe his other friends, yet he couldn’t send me a single text.

Some may think I’m too childish and narrow-minded, but Zadkiel has pushed me enough. Enough para magdesisyon akong ipangtapon lahat ng mga bagay na nakakapagpapaalala sa ’kin tungkol sa kanya.

The New Year is coming-a fresh start and a new beginning for me.

“You changed your number?” tanong ni Leon nang maka-akyat ako sa kotse.

“Sir, sa museum po tayo?” Bago ako makasagot kay Leon, nagtanong ang kanyang driver sa unahan namin.

“Opo, kuya,” sagot naman ni Leon.

Tumuon ang atensyon ni Leon sa akin, naghihintay sagot ko.

Tumikhim ako. “Oo, binilhan ako ni Mama ng bagong cellphone. Ito raw ang Christmas gift niya sa akin.” Share ko sa kanya.

“Patingin,”

“Ayaw,” ani ko. “H-hindi siya kagaya no’ng unang cellphone ko. Pero maayos naman kasi pwedeng mag-Facebook.”

“Nasira ba iyong dati mong cellphone? Baka pwede pa iyong ipatingin. Pupunta tayo ng mall after sa museum.”

Wala namang aayusin doon kasi walang sira.

“May b-bago na akong phone. Ayoko na roon.” Ang hambog ko pakinggan. Akala mo talaga ang daming pera pambili ng bago.

Nakarating kami ni Leon sa museum. Sabay naming in-explore ang lugar at kinukunan niya rin ako ng mga larawan. May solo at meron ding kaming dalawa.

“Pwede ko bang i-post ang mga larawan natin, Leinne?” tanong niya bigla habang abala ako sa pagbabasa.

“Oo naman.” Baliwala kong saad. Wala namang kaso sa akin kung magpost siya sa mga larawan namin.

“I’ll tag you, ha.”

“Sige ba!”

Nagpatuloy kami ni Leon sa paglalakad sa loob. Maaga kami kaya naman iilan lang tao sa loob.

“Pwede kang maglakad-lakad doon o umupo. Baka maburyo ka kakasunod sa ’kin.” Bugaw ko kay Leon. Panay kasi ang sunod niya. Hindi naman required na sabay kami sa paglilibot.

“Ayos lang ako. Don’t mind me.”

Ngumuso lang ako sa kanya.

I was a bit bothered because he was so close to me-so close that our skin brushed against each other, and it didn’t sit well with my stomach. It felt like some unknown insects were sprouting inside me.

After exploring the museum, Leon took me to a well-known yet affordable eatery. Nasa tabing daan lang siya pero kilala raw ito. Kakain muna kami bago pumuntang mall.

“Ako na ang magbabayad. Kaya nga lumabas tayo ngayon, ’di ba?” I reminded him just as he was about to pull out some bills from his full pocket.

“Leinne,”

“’Wag ka ngang mag-alala. May sahod naman kasi ako sa mansyon pero naka’y Mama iyon. At binigyan ako ni Mama ng extra na pera.”

Nang makita ni Leon na desidedo akong magbayad. Sumuko rin siya.

“Ako sa desert natin later,” pangunguna na niya.

“Oo na. Oo na!” Ngisi ko sa kanya.

Tiningnan niya akong magbayad at parang masakit talaga sa loob niyang makita akong nagbabayad.

I hugged his arm as we stepped out of the eatery, and Leon stiffened.

“’Wag ka ngang sisimangot! Uuwi ako, sige ka!” Pananakot ko rito pero natulala lang siya sa akin.

“Leon!” sabi ko sabay alog ko sa braso nito na akap ko.

His ears suddenly turned red, and he looked away nervously.

“F-fine. Sakay na tayo sa kotse. Masyado nang mainit.”

Kaya ba namumula ang tainga niya?

The resumption of classes started at walang ibang ginawa si Vivian at Iyah sa akin kung hindi usisain ako tungkol sa paglabas namin ni Leon. I was somewhat relieved that Vivian didn’t mention Zadkiel anymore. However, it seemed like she had been influenced by Iyah, and now both of them were ganging up on me. Tinutukso nila ako tungkol sa paglabas namin ni Leon na wala namang malisya!

“Stop it. Baka marinig kayo ni Leon at maano siya!” Supi ko kay Iyah at Vivian.

“Yiiee!” Tukso nila sa akin.

However that didn’t stop. Kahit sa simpleng pagtulong ni Leon sa mga assignments ko; sa pagbitbit ni Leon sa mga gamit ko na lagi na namang ginagawa ng lalaki; sa pagpapasakay ni Leon sa akin pauwi. Lahat ng iyon bini-big deal na nila!

Until Valentines came! Laking gulat ko nang may biglang humuli sa kamay ko.

“H-hoy! Sino kayo? Ano ba?” Pagwawala ko nang bigla akong hawakan ng dalawang lalaki sa braso ko.

“Mga officer kami. Napag-utusan lang kami na hulihin ka.”

Huh? Wala akong kasalanan! Sa jail booth ba nila ako dadalhin?

“What is this!?”

Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Leon sa may marriage booth. Hawak din ng dalawang lalaki ang kamay nito sa likod.

May malaking puting tela sa marriage booth at may arko pa iyon na dinisenyuhan ng artificial flowers at may parang pari pa sa harap!

Bakit ba pumayag ang principal namin dito? Binibigyan nila ng ideya ang mga bata na kumiringking!

“Ayiiee!”

I snapped when I heard Vivian’s voice. At nakita ko sila ni Iyah na ngumingiting tagumpay.

Anong pumasok sa isip nila at ipapakasal nila ako kay Leon?

“Ayoko ko po nito,” sumbong ko sa babae na naglagay ng pekeng veil sa buhok ko at tinakip sa mukha ko.

“Two hundred ang bayad kapag hindi ka tutuloy sa kasal.”

“Huh?”

Tiningnan ko si Leon. Nakatayo lang siya. Kalmado na siya ngayon kumpara kanina na medyo nagpapanic.

Galing lang akong banyo at nagulat na lang ako nang hulihin ako! Tapos ikakasal pala ako kay Leon?

“Kami po ang witness!” Taas kamay pa ni Iyah.

Alam ko na kung sino ang may pakana nito. Ang dalawang babaeng ito!

Kaysa magbayad ako ng two hundred pesos at awayin si Iyah at Vivian. Sumakay na lang ako. Nagpakasal na lang ako kay Leon sa marriage booth.

Nanginginig ang kamay ni Leon nang isuot nito sa ’kin ang isang singsing.

“Saan galing ang singsing?” tanong ko.

“Ewan ko. Binigay lang nila ito sa akin.” si Leon.

Mabilis kong sinuot kay Leon ang isang singsing nang turn ko na.

“May bayad po ang singsing pero bayad na naman po.” Ani no’ng babaeng officer.

After the heartbreak I experienced last year, the following years brought comfort to my heart. My friends always make me feel included, important, and loved. They make me realize that I’m no less just because I’m gay. Of course, there are misunderstandings and a few friendly quarrels, but we always manage to patch things up.

Nag-moving up kami na lahat sa section namin honors. May tatlong with highest, limang with high honors and the rest with honors including me.

In all those years, I’ve become so close with Iyah, Vivian, and Leon. Nakagawian na rin naming nagcelebrate ng Christmas party together tapos bakasyon kapag sa summer sa resort nila ni Iyah.

“Holiday sa monday, national heroes day. Wala kang gagawin?” tanong ni Leon sa akin bago ako makalabas ng kotse. Ang dating driver niya pa rin ang nagmamaneho ng kotse. Though marunong na siya magmaneho pero kasi minor pa. Seventeen palang kami.

“Wala naman. Wala kaming practice sa sayaw namin sa P.E eh.”

“Let’s go out.”

“Kasama sila Iyah at Vivian?”

“We can invite them.” Tango niya.

“Sige! Text-text na lang?”

“Sure!”

“Goodbye, Leon! Salamat ulit sa paghatid.”

“Again and again, you’re welcome, Leinne.” Matamis ang ngiti ni Leon sa ’kin.

Iniiling ko ang ulo bago bumaba ng kotse. Nang mawala na sa paningin ko ang kotse ni Leon saka lang ako tumalikod. Kaso ganon na lang ang kabang lumukob sa damdamin ko nang makita ko si Zadkiel sa courtyard.

After so many years, he finally showed up at the mansion… as if nothing had happened!

“Zadkiel, pambihira ka. Ang laki pala nitong bahay ninyo!” ani ng isang lalaki at sinampal nito ang balikat ni Zadkiel. Pero ang mata ni Zadkiel nasa akin pa rin.

Napansin ng lalaki na wala sa kanya ang mata ni Zadkiel kaya naman napatingin ito sa akin.

“Sino ’yan? Sino ka?” Bungisngis nitong tanong sa akin.

“Shut up, Elvin. Let’s get inside,” wika ni Zadkiel doon sa lalaki.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 20

Chapter 20

Leinne’s Pov

Ilang okasyon sa mansyon na hindi siya umuwi. Ilang birthday niya ang dumaan na hindi siya umuwi. Ilang school break, holidays, at Christmas season na hindi siya umuwi. Wala siyang paramdam dito sa mansyon. Tapos ngayok bigla-bigla siyang uuwi.

Nawindang ako. Nasanay na ako rito sa mansyon na wala siya. Sa mga taon na dumaan, hindi na ako naghanap ng Zadkiel na kaibigan ko.

Akala ko ba nasanay na akong wala siya? Akala ko ba, maayos na ako? Akala ko ba wala na. Pero, bakit ganito? Bakit parang bumalik ang tampo na naramdaman ko? Ang sakit na naramdaman ko? Ewan!

Sobrang dami nang nagbago sa buhay ko at sa buhay niya. Hindi na ako ang dating Leinne. Na paslit at walang kamuwang-muwang. Hindi na ako ang dating Leinne, na laging si Zadkiel ang nakikitang kakampi at kaibigan.

I have grown. I may not be fully mature yet, but I’ve changed—somehow. Pati na rin… ang puso ko.

“Hi!”

Napatalon ako nang biglang may nagsalita sa likuran ko habang nagdidilig dito sa backyard. Umikot ako at nakita ko ang lalaking bisita ni sir Zadkiel. From what I remember he’s Elvin, iyon ang tawag sa kanya ni Zadkiel kahapon.

Hindi kami pormal na nakapagkilala nito kagabi kasi iniiwasan kong makasalamuha si Zadkiel. Hindi naman ako apektado o ano. Sadyang nagulat lang ako sa biglaan niyang pagdating dito sa mansyon at hindi ko na alam kung papaano siya pakitunguhan.

“Good morning po, sir! May kailangan po ba kayo?” tanong ko rito, ngumiti.

He waved a hand at me, a smile slowly curving across his lips.

“’Wag mo nga akong tawaging Sir. Nakakahiya.” Suway niya sa akin.

“Pero bisita po kayo ng amo namin,” ani ko naman at bumalik sa pagdidilig. Tumayo naman siya sa harap ng dinidiligan kong mga bulaklak.

“Kaibigan n’ya lang ako kasi classmates kami. Ikaw na nga ang nagsabi na amo mo siya at bisita niya ako. Pero ’di mo ako kailangang tawagin na Sir.” Humarap siya sa ’kin. “Elvin, would be fine. Also, hindi na kita napansin kagabi, ako nga pala si Elvin Tiongson.”

Naglahad siya ng kamay. I hesitated before taking his hand—large and veined.

“Nakikipagkaibigan lang ako, ha. May boyfriend ako, mahal na mahal ko iyon.” Depensa naman niya.

Natawa ako. Pero mas nakuryoso ako sa kanyang… boyfriend.

Pinatay ko ang tubig at nagpunas sa kamay ko.

“Leinne Espiritu, masaya akong makilala ka Elvin.”

Saglit ang shake hands namin at binulsa niya ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang shorts.

“W-wala ba kayong klase ngayon?” tanong ko rito kaso ang awkward na nandito siya at sobrang tahimik.

“Mmm, may sadya rin kami ni Zadkiel. Pumunta kami sa kanilang construction company.”

Napatango ako.

“Anyway, it’s nice meeting you, Leinne. Nais lang din kitang makilala kasi naaalala ko ang maarte at malditong kaibigan ko sa’yo sa Monti Alegri!”

“H-ha?”

Ngumisi siya. Nawala ang chinitong mata ni Elvin sa pagngisi niya. Tiningnan ko si Elvin, he’s tall and well-toned, exuding a warm aura and a genuinely friendly vibe.

“Kaibigan  ko sa Monti Alegri. Pero,” humalupkip siya. “Pero iyon kasi sobrang arte no’n at sobrang maldita. Ikaw mukha ka namang mabait at mahinhin.”

Natawa ako sa kanya. Magsasalita na sana ako nang magring ang kanyang cellphone. Mabilis niya itong kinapa sa bulsa at kinuha.

Kita ko ang paglaki ng ngiti niya habang nakatingin sa cellphone niya. Ultimo mata niya parang kumikisap doon.

Tinapat niya sa mukha ang cellphone.

“Good morning, cheesecake ko!” ani Elvin at hindi nawala ang ngiti sa labi. Kumaway siya sa camera ng cellphone.

“Good morning, babe! Kumusta ang lakad ninyo ng friend mo there? Nasa’n ka na right now?”

Nakakatuwa naman magsalita ang kanyang boyfriend.

“Nasa bahay pa, babe. Mamaya aalis kami. Tulog pa yata iyong kaibigan ko eh.” Elvin pouted in front of his phone.

I guess he’s talking to his boyfriend. Ang sweet naman nila.

“Oh, you take care, babe.”

“Ikaw rin, cheesecake ko. Magdala ka ng payong. Bigla-bigla pa namang umuulan ngayon.”

“I will. I will. Sige na, I’ll make lakad na.”

“Ingat ka. Papakasalan pa kita.” Ngumuso pa si Elvin na parang humahalik sa camera.

Iniwas ko ang tingin sa kanya at nagdilig na lang ulit. Bigla akong nakaramdam ng inggit sa kanyang relationship.

Ako kaya? Makakaranas kaya ako ng ganon? May lalaki kayang gagawa ng kagaya ng ginawa ni Elvin? May nagsasabi kaya sa akin na papakasalan niya ako?

“Oh, Zadkiel! Nagising ka na pala!” Bungisngis ni Elvin.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa hose ng tubig. Dumistansya kaagad ako kay Elvin.

“Bakit nandito ka sa labas? Did you had your breakfast?”

“Wala pa, pre. Nakakahiya naman kung kakain na ako tapos wala ka pa.” Tumawa si Elvin. “Nakita ko ring nagdidilig ng halaman ang kaibigan mo, ’di ba siya iyong Darryl Leinne na laging mong kinukwen—”

“Pumasok na tayo nang matapos na tayo rito.”

Lumingon ako sa kanila. Nakita kong inakbayan ni Zadkiel si Elvin. Mabuti na lang din at nakatalikod na sila sa akin.

“Hahaha! Bakit ba takot na takot ka d’yan?” si Elvin.

“Shut up, man!” Zadkiel fired back.

“Sus!”

Inalis ni Zadkiel ang pagkaka-akbay kay Elvin at sinuntok nito ang balikat ni Elvin.

“Magsisisi ka talaga kapag magduduwag-duwagan ka, pre. Ang ganda pa naman. Duda, akong may umaaligid-aligid na d’yan.”

Bumuntong-hininga na lang ako at bumalik sa aking trabaho. Wala rin naman akong maintindihan sa mga pinag-uusapan nilang dalawa.

Kami ni ate Sepa ang nagsilbi sa kanilang breakfast. Umalis si Zadkiel at Elvin matapos nilang magbreakfast. Dinala ni Zadkiel ang dating sasakyan na ginagamit dito. Iyon ’yong SUV noon na sinasakyan namin kapag hinahatid-sundo kami ni kuya Celo.

Sa nakalipas na taon maayos naman ang mga kotse kasi inaalagaan iyon ni Kuya Celo. Pinapaandar niya ito at ginagamit din kapag nago-grocery sila ni Ate Sepa.

“Leinne, pwede bang ikaw muna ang maglinis ng pool?” wika ni ate Sepa habang nagpupunas ako ng mga hinugasang plato.

“Opo, ate. Walang problema.” Sang-ayon ko naman din.

Niyakap ako saglit ni Ate Sepa.

“Salamat, Leinne. Mamimili kasi kami ni Kuya Celo mamaya. Tapos binilin ni sir Zadkiel na linisan ko raw ang pool. Mukhang magpaparty siya.” Kwento ni Ate Sepa.

I just pressed my lips together.

“Sige, ate. Ako na ang bahala sa pool.” Kindat ko sa kanya.

Humingang malalim si Ate Sepa habang nakatutok sa mukha ko. Naasiwa ako roon kaya naman sinuway ko si Ate.

“Ate, may dumi ba sa mukha ko? Natulala ka r’yan!” Puna ko sa kanya.

Ngumiti siya at umiling. “Wala naman, Leinne. Parang kailan lang kasi na ang liit-liit mo pa. Bubwit ka pa no’ng tumatakbo ka rito sa kusina pero ngayon dalagang-dalaga ka na!”

Ngumuso ako kay Ate Sepa.

“Ate!” Ungol ko.

“Totoo naman! Ang laki mo na. Baka nga sa susunod may boyfriend ka ng dalhin dito!”

“Si Ate Sepa talaga!”

Tumawa siya. “Nagsasabi lang ako ng totoo. ’Tsaka malabong walang nagkaka-interes sa’yo, Leinne! Maganda ka at sobrang bait!”

Kiniling ko na lang ang ulo kay Ate Sepa. Pumasok si Kuya Celo sa kusina at tinawag si Ate Sepa. Handa na raw ang kotse.

Tinapos ko muna ang mga nauna kong trabaho bago ako nakapaglinis sa pool. Mga dahon lang naman ang kukunin ko roon kasi lagi namang nalilinis ni ate Sepa itong pool kahit ’di masyadong nagagamit.

Pagkatapos kong maglinis, hindi muna ako pumasok sa loob. Tumambay muna ako sa may pool area. Ilang sandali ay natukso akong maligo.

Tumingin ako sa loob ng bahay. Si ate Sepa at Kuya Celo hindi pa nakakabalik, si Mama naman naglilinis sa taas. Wala rin si Zadkiel, hindi pa nakauwi mula sa lakad nito kasama si Elvin.

Naligo ako sa banyo na nasa labas ng bahay, nasa gilid lang din ito ng bahay. May malinis na towel na naka-stock sa banyo kaya kumuha ako roon bago lumabas. Tinabi ko ang towel sa gulid ng pool at pagkatapos ay nag-dive ako sa pool.

“Ahh!” Ungol ko nang makaahon mula sa pag-dive.

Muli akong lumangoy at nilubos ko ang oras sa pool na wala pang tao sa bahay. Minsan lang din akong maligo rito eh. Kahit na wala rito sina Ma’am Ulysses at sir Zeus, pwede naman kaming gumamit sa pool.

Nang makaramdam ako ng pagod. Nilangoy ko ang kabilang side ng pool kung nasaan ang towel na kinuha ko kanina.

Nang maabot na ng kamay ko ang gilid no’ng pool saka lang ako nagbukas ng mata. Ngunit ganon na lang ang gulat ko nang may kamay nakalahad sa harapan ko.

Nakahawak ang dalawang kamay ko sa gilid ng pool nang tingalain ko si Zadkiel. Ang isang kamay niya nakalahad sa akin habang ang isa nasa kanyang tuhod at nando’n din ang towel ko!

“Zadkiel,” naghilamos ako.

Umiwas ako sa kanya at hindi ko tinanggap ang kanyang kamay. Doon ako umahon sa tabi niya. Tumayo siya at humarang sa daraanan ko.

“Your towel,” sabay bigay niya sa towel sa ’kin.

Kinuha ako ito dahil malamig na nang umahon ako. Tumingin ako sa likod niya at hindi ko nakita si Elvin. Maingay rin si Elvin kaya alam ko kung nandito siya.

“Si Elvin?”

Tumaas ang kilay niya sa ’kin. Tumingin siya sa kanyang likuran na parang may tinitingnan doon.

“Nauna na siyang umuwi sa boyfriend niya,” sagot niya naman.

Nagpunas ako sa katawan ko.

“G-ganon ba. Hindi ka pa ba babalik?”

He swallowed hard. “No. May party pa ako bukas dito. Inaya ko ang mga… kaibigan ko rito.”

Dahan-dahan ang naging tango ko sa kanya. Tipid kong nginitian si Zadkiel. Hindi ko alam kung kailan naging ganito ka-awkward makipag-usap sa kanya.

Ilang taon ang lumipas. Mas naging mature siya tingnan. Lumaki ang katawan at… mas lalong sumungit ang kanyang mukha. Though mukhang pagod ang kanyang mata ngayon. Ano kaya ang nangyari sa lakad nila?

Ito ang unang pag-uusap namin matapos ng ilang taong walang komunikasyon at pagkikita. Walang kamustahan. Walang kahit ano. Just a casual talk.

Lumunok ako nang may maramdaman akong bumara sa aking lalamunan. Sa kabila nang nangyari sa amin noon… parang may longing pa rin sa akin. Longing para sa isang kaibigan na minsan ko ring ginusto.

Nag-init ang mata ko. I thought I had changed. I thought the pain from the past had already faded with time. But I was wrong. I’ve only learned how to live with it. I may have changed, but I’ve carried that pain with me. It lay dormant for so long, but now that I see him, it’s awakening.

“S-sige pasok na ako.” Nautal ako dahil sa kung anong bumara sa lalamunan ko. Mabilis akong humakbang at nilampasan siya. Ngunit nakailang hakbang lang ako sa kanyang likod nang may humawak sa aking braso, dahilan para mapatigil ako.

I heard him groan.

“Zadkiel,”

“I… Leinne.”

Sinubukan kong bawiin mula sa kanya ang braso ko kaso mas malakas siya sa akin.

He sighed audibly. “I m-miss you.”

My shoulders fill. Tila nawalan ng lakas ang aking katawan.

He missed me? Pero bakit hindi niya ako ma-contact? If he couldn’t contact me through my number because I changed phone, then he still knows my Facebook account— yet I haven’t received even a single message from him.

Ganon ba talaga siya ka-galit sa akin nang umamin ako sa kanya para hindi niya ako ma-message? I know I was so young back then, but if he had only explained things, I would have understood him. Hindi man ako ganon ka-talino pero maiintindihan ko siya.

We parted in Baguio years ago, leaving me with so many questions in my head. I didn’t understand what was happening. Why did we have to part ways like that? Why did we have to hurt each other? How did we end up like this?

I bowed my head as tears fell freely. I blinked, and another stream of tears traced down my cheeks.

“I miss you—”

“Y-you miss me? Pero ilang taon ang lumipas na hindi ka nagparamdam, Zadkiel. Ganon ka ba kagalit sa akin noon? Hindi mo ba kayang tumingin sa ’kin kaya ka umalis ng ganon?”

Where are the boundaries now? I tried to live on my own after he left. I watched as the lines he drew between us grew wider and clearer sa mga lumipas na taon.

“No!”

Umikot siya at humawak sa baba ko. Iniwas ko ang mukha ko sa kanyang kamay. Nagpunas ako ng luha gamit ang isa kong kamay dahil ang isa hawak niya pa rin. Animo’y tatakasan ko siya kaya hindi niya ako mabitiwan.

Tiningala ko siya. Muling nanlabo ang paningin ko dahil sa luha.

Ano ba ’yan, Leinne?! Ano bang iniiyak-iyak mo? Ang iniiyakan mong lalaki ay mismong ang lalaki ring nanakit sa’yo dati!

Zadkiel’s jaw clenched, his eyes darkening to a deep, somber red.

“I’ve been missing you, Leinne. I’m so sorry for being a coward. I’m just afraid…” Pumikit siya. Halata sa hitsura niya na ang dami niyang gustong sabihin kaso walang lumalabas sa kanyang bibig. Kinabig ako at niyakap.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 21

Chapter 21

Leinne’s Pov

Inayos ni Zadkiel ang pagkakakapa no’ng towel sa katawan ko matapos niya akong yakapin. Umalis siya saglit upang kumuha ng isa pang towel sa banyo. Nagtaka ako kung ano ang gagawin niya sa kinuhang towel kaso pinunas niya iyon sa tumutulo kong buhok. Nagtatagpo ang kilay niya habang nagpupunas sa buhok ko. Animo’y kalaban niya ang towel. Ewan ko rin ba kung bakit hindi ako umalis kanina. Talagang hindi ako gumalaw rito sa aking posisyon.

Bumaba ang kamay ni Zadkiel sa palapulsuhan ko. Parang may hinahanap ang kamay niya roon pero ang hawakan niya ay ang pulseras na regalo ni Vivian sa ’kin noon.

Mabilis kong binawi kay Zadkiel ang kamay ko. Kumuyom naman ang kamay niya nang makawala ako mula sa pagkakahawak niya.

“Zadkiel, totoo bang hindi ka t-talaga galit sa ’kin noon? N-no’ng sinabi ko na sa’yo na…” ang mahina kong boses ay tuluyan nang nawala. Hindi ko kayang tapusin ang nais kong sabihin sa kanya.

Nagbaba ako ng tingin sa paa kong nakaapak lang sa semento. Nakuyom ko ang daliri no’n nang muling mamayani ang katahimikan sa amin ni Zadkiel.

“Kung ano ang nangyari sa ’tin sa Baguio, Leinne… habang buhay ko iyong dadalhin.” Garalgal niya na para bang nahihirapan siyang magsalita.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya. His pale hazel eyes were filled with pain and sorrow. His gaze softened, an emotion I rarely saw from him. Sanay ako noon sa Zadkiel na masungit, palaging bored, at istrikto.

Hindi ko alam kung bakit ganito siya ngayon. Hindi ko alam kung ano ang nagbago sa kanya sa mga nakalipas na taon, maliban sa pagtangkad niya, paglaki ng katawan at pag-mature ng kanyang hitsura.

“Alam mo. Wala na naman sa akin iyon, Zadkiel. Oo batang-bata pa nga ako noon. Siguro nga natatabunan ng matinding emosyon ang aking rationality noon. Pero kasi, umaasa ako na pagkatapos no’n magiging magkaibigan pa rin tayo. May pinagsamahan kasi tayo. Labis nasaktan no’n. Sinabi ko sa’yo na gusto kita pero bigla mong sinabi na aalis ka. Akala ko… galit ka sa sinabi ko.”

Habang sinasabi ko iyon nakita ko ang pagkuyom ng mga panga ni Zadkiel at mabalot ng iba’t ibang emosyon sa kanyang mukha. And I’m afraid to name those emotions. Because what if they’re fake? What if they’re only temporary — just for this moment?

“I’m so sorry, Leinne. I’m so sorry for hurting you.”

I forced a smile, trying to steady my breathing as my chest tightened.

“O-okay na, Zadkiel. Matagal na naman iyon. M-may maliit lang akong tampo sa’yo noon… kasi hindi mo ako magawang ichat. Samantalang iyong ibang friends mo… hindi naman naputol ang communication n-ninyo.”

Napatango-tango lang siya roon.

“P-papasok na ako,” muli kong wika.

Humakbang na ako palayo sa kanya nang magsalita siya. Tumigil naman kaagad ang paa ko.

“Leinne, we’re still f-friends right? I’m your best… friend?”

Napangiti ako roon sa sinabi niya. Niyakap ko ang katawan ko bago muling humakbang.

“Oo naman.”

Totoo ngang may party si Zadkiel kinabukasan. Ewan ko kung buong classmates niya ba noon ang inimbitahan niya pero ang daming bisita! Maaga pa at namumulot ako ng tuyong dahon ng mga bulaklak sa hardin sa front yard. Kaya naman nakikita ko talaga ang mga pumapasok sa bahay. Kahit maaga isa-isa nang nagsidatingan ang mga bisita ni Zadkiel. Kaya siguro maagang nagising si Mama, ate Sepa at ang ibang katulong dahil maaga yatang magsisimula ang party nila.

“Leinne?”

Muli akong napalingon sa may gate nang may tumawag sa ’kin. Nakita ko si Felix kasama si Jurity. Wala si Stacy.

“It’s really you! Ang laki mo na.” Lumapit si Felix sa ’kin.

Hindi ko na matandaan kung kailan ko huling nakita itong si Felix. Tingin ko no’ng pinuntahan nila ako sa  labas ANU highschool, doon yata ang huling interaction namin. Kilala ko lang naman kasi sila. Hindi naman talaga kami magkaibigan, sila lang ni Zadkiel ang magkakaibigan.

Tumayo ako ng maayos at iniwan saglit ang ginagawa nang makita kong lumapit sila ni Jurity sa ’kin.

“K-kumusta kayo?” ani ko.

Ngumisi si Felix sa ’kin. Si Jurity naman binigyan ako ng tipid na ngiti.

“Busy na kami kasi malapit na ang OJT. How about you? How are you? I can’t believe this parang bubwit ka palang noon. Ngayon…” napailing si Felix. “You’ve grown so well, Leinne. You become so pretty.”

Hinila na ni Jurity ang suot ni Felix.

“Felix, calm yourself and know your place. Bawal mo na ’yan siyang—”

“Jurity, come on. Nakikipagkaibigan lang. Besides, kilala niya naman tayo noon pa because of Zadkiel.”

Nagtagpo ang kilay ko sa kalituhan dahil sa kanilang mga pinag-uusapan.

May ngising bumaling si Felix sa akin. “Leinne, hindi ka ba sasali sa party?”

“O-oh,” tanging usal ko kasi hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Felix.

“Inom-inom lang naman ito, Leinne. Kamustahan din at swimming.”

“Oo nga, Leinne. Impossible naman na hindi ka inimbitahan ni Z-Zadkiel?” Sabat pa ni Jurity.

And the truth is, hindi nga ako inimbitahan ni Zadkiel. Nabanggit niya ito kahapon sa ’kin kaso walang imbita. And even before, kapag may party dito sa bahay si Zadkiel. Hindi niya naman ako pinapalabas.

Also, kahit na imbitahin ako, maa-out of place din ako since ’di naman ako close ang mga kaibigan ni Zadkiel. Isa pa minor pa ako, may alak kapag nagpa-party sila.

“B-bawal pa naman ako d’yan.” Sabi ko na lang. May maisagot lang sa kanila.

“Wait, hindi ka pa ba eighteen?” si Jurity.

Pinilig ko ang ulo. “Seventeen palang.”

“Pero pwede na namang uminom ’yan. Tikim-tikim lang.” Sulsol pa ni Felix.

Nasapok ni Jurity ang ulo nito. Binigyan ako ng huling ngiti ni Jurity bago niya hinila papasok ng bahay si Felix. Kaso narinig ko pa ang mga bangayan nila.

“Let’s just get inside, Felix. Hinahawaan mo pa ang utak ni Leinne. Malalagot ka kay Zadkiel.”

“Come on, Jurity. Wala na naman yatang pakialam si Zadkiel doon.”

“Aish! Just shut up, Felix. Iba magalit ’yang si Zadkiel. Hindi mo alam kung ano ang kayang gawin ng lalaking ito.”

Napailing ako sa mga ito at nagpatuloy na lang sa ginawa. Matapos kung linisan ang mga bulaklak. Pumasok naman ako sa loob para tumulong kina Mama. Hindi pa naman ako ganon kagaling magluto pero pwede na rin.

“Ang daming bisita ni Sir Zadkiel ngayon, ano?”

“Aba’y ang tagal kasing nawala rito.”

“Oo nga.”

“Saka parang babalik na ulit dito si Sir Zadkiel. Narinig ko kasi sa labas na sa kompanya nila dito yata siya mag-o-OJT.”

“Mukhang mapapadalas na itong party kung ganon?”

“Parang ganon na nga.”

Mga chismisan naman ng mga kapwa ko kasambahay. Bali kasi nasa lima kaming katulong dito. Si Ate Sepa lang ang stay-in dito sa bahay tulad namin ni Mama at Kuya Celo. Itong tatlong katulong ay stay-out kasi malapit lang ang bahay at may mga anak na rin.

Nang gumabi mas lalong naging maingay ang bahay. Mabuti at natapos ko na ang mga activities na pinauwi ng teachers namin. May quiz lang kami sa Tuesday kaya kailangang mag-study kaso ang ingay!

Imbes na mag-study. Lumabas na lang ako upang tumulong kina Mama. Hindi rin kasi ako makatulog sa sobrang ingay! May sigawan, hiyawan, tugtog, at ingay ng tubig galing sa pool. Parang nakawala sa hawla ang mga ito!

“O, anak. Anong ginagawa mo rito? Doon ka na lang sa kwarto. Lunes bukas, Leinne.” Sabi ni Mama na kakarating lang sa kusina. May dala siyang empty tray.

“Mama holiday po bukas pero may lakad po kami ng mga kaibigan ko.”

“Nang kaibigan mong si Leon ulit?” Ani Mama na parang natural na lang na kapag lalabas ako, si Leon na ang kasama ko.

“Hindi naman, Mama. Iimbitahin po namin ang ibang friends namin.”

Kumuha si Mama ng ilang bote ng alak.

“Edi, magpahinga ka na roon. May lakad ka pa rin naman.”

“’Di ako makatulog, Ma. Tutulong na lang muna ako rito.”

“Hindi na kailangan, anak.”

Lumapit ako kay Mama at inagaw sa kanya ang bote ng mga alak.

“Mama, kayo muna ang magpahinga. Pagod na po kayo. Umupo muna kayo. Ako na maghahatid nito sa labas.”

Pinilit kong paupuin si Mama sa silya. Bakit kaya ganito ang mga magulang? Pagod na pero sinasabing hindi pa pagod. Kahit kita na sa histura nito ang pagod, humihindi pa rin.

Hinatid ko ang alak sa labas at nang makarating ako sa may pool area, sumampal sa akin ang klase-klaseng amoy. Kahit na gabi, medyo may pagkamaalinsangan ang simoy ng hangin. Nakakahilo ang mga neon lights na hindi mapirmi ang galaw. Tapos sumasabog ang sexy at rock na tugtog sa speaker.

“Uy, shot muna bago lumangoy!” sigaw ng kung sino. Tiningnan ko ang sumigaw na may hawak ang bote ng Tequila Rose. Nilapag nito sa lamesa ang mga plastic shot glass at nagbuhos.

May mga lumipat sa kanya at nagtatawanan ang mga ito. Topless ang mga lalaki at naka-two piece ang mga babae!

“Wala bang mas malamig dito?” Ani ng isang babae na naka-two piece na kulay red.

“Huwag kang magreklamo, para namang ’di mo inuubos kahit hindi malamig ang alak,” sabad naman ng isang lalaki habang nasa inflatable float, umiindayog sa tubig.

Itinaas ng babaeng naka-red two piece ang gitnang daliri sa lalaki.

Napailing ako. Bumaling ako sa  gilid ng pool, may nakabukas pang Smirnoff Mule at isang bucket ng San Mig Light. Amoy na amoy ko ang alkohol at ng kung ano-anong mga iniihaw. Tumungo ako roon upang ilapag ang dalang alak.

Kaso sa tabi no’n nakita ko sila Zadkiel kasama ang iba niyang bisita. Pabilog ang kanilang posisyon. Sa tabi ni Zadkiel si Jurity, sa kabila naman si Felix. Mga basa na ang mga ito at kapwa may hawak na alak o kung ’di naman bote ng alak ay plastic cups. Nagtatawanan sila at may boteng pinapa-ikot sa gitna.

“Okay, truth or dare!” wika no’ng isang babae.

“Dare!” Malakas na wika no’ng lalaki.

“Okay, I dare you to strip and jump into the pool.”

Ngumisi lang ang lalaki.

“Woi, parang ang ambastos naman n’yan!”

“No, I will do it!”

Ako na lang ang napapikit dahil talagang walang pag-aatubiling naghubad ang lalaki at tumalon sa pool! Naghiyawan ang lahat para sa kanya! Lasing na yata ang lalaki.

Muntik na akong mapa-sign of the cross!

“Truth or dare, Jurity?”

Muli akong napalingon sa kanila. Ang lalaki namang tumalon sa pool ay hindi na umahon.

“Dare!” Matapang na sagot ni Jurity.

Ngumisi iyong lalaking nagtanong sa kanya.

“Then I dare you to spill a secret about the guy on your right!” ani ng lalaking nagtanong.

Napatingin ako sa kanan ni Jurity. Si Zadkiel  iyon. Of course, hindi naman nila ako nakikita kasi nakatalikod sila sa akin. Nakikilala ko kasi sila dahil sa pangangatawan at minsang pag-side view.

“What?” Gulantang na sambit ni Jurity at tumingin kay Zadkiel.

Wala namang ginawa si Zadkiel doon.

“Guys, it’s Zadkiel’s—”

“KJ! Lahat dito tumanggap ng dare, Jurity, kahit humalik pa sa lupa. Ang simple nga ng dare mo!” Reklamo naman no’ng isa.

“Fine, fine! I’m sorry, Zadkiel.” Saad ni Jurity bago humarap sa mga kasama. “I think… kami lang ni Zadkiel ang nakakaalam nito. Ewan ko rin kung bakit ako ang napili niya sa lahat ng kanyang kaibigan pero… may isa siyang tao na laging pinapatingnan sa ’kin. That’s it. I won’t spill the person’s name anymore!”

Napaungol ang mga nakikinig kay Jurity. Si Zadkiel naman umiling lang.

Pagod ako kinaumagahan. Matagal akong nakatulog dahil naglinis pa kami sa kalat sa labas. Tapos… inaalala ko pa ang sinabi ni Jurity kagabi.

Ano kaya ang ibig n’yang sabihin doon? Sino kaya ang pinapabantayan ni Zadkiel sa kanya? Ganon ba sila ka-close? Akala ko si Felix ang pinakamalapit na kaibigan ni Zadkiel?

“Leinne? Saan ka pupunta?” Napalingon ako. Nasa veranda kasi ako ng bahay. Naghihintay kay Leon kasi sabi niya dadaanan niya ako rito.

“Ay palaka!” Sambit ko sa gulat sabay hawak sa dibdib ko.

Hawak ko ang dibdib at umikot. Sumalubong sa akin si Zadkiel na inaantok at magulo ang buhok. Nakashorts na itim siya at puting oversized tshirt.

“May lakad ka?” Aniya. Pinasadahan niya ako ng tingin.

“Ah, aalis ako.”

“Saan?”

Nagkibit ako ng balikat kasi ’di pa naman ako sure kung saan talaga kami ni Leon ngayon. Sa mall ba o kung saang pasyalan.

“Hindi mo alam kung saan ka pupunta? Sinong kasama mo?”

Nagusot naman ang mukha ko dahil sa mga tanong niya.

“Hindi lang ako sure kung saan kami pupunta. Si Leon ang kasama ko.”

Natigilan siya. Lumunok.

“Leon, iyong classmate… mo?”

Tahimik akong tumango kay Zadkiel.

“Kayo lang bang dalawa?” Usisa niya pa.

May marinig akong busina ng sasakyan. Pamilyar sa akin ang busina na iyon kasi iyon ang busina ng kotse nina Leon!

“Oh, nand’yan na pala sila Leon. Sige, Zadkiel. Alis na ako!” Nagmamadali kong saad dito.

“Leinne!” Tawag ni Zadkiel kaso hindi ko na siya nilingon.

Deretso akong lumabas sa gate at mabilis na binuksan ang likod ng kotse nina Leon. Kumunot ang noo ni Leon nang makita akong humahangos.

“Anong nangyari sa’yo? Bakit ka tumatakbo? Tumakas ka ba kay Tita Norberta?” tanong niya sa akin.

“Ha? Hindi ah. Nagpaalam ako k-kay mama kagabi.” Hiningal kong saad.

“Eh, bakit parang may humahabol sa’yo?” Usisa niya sabay silip sa loob ng bahay ng mga Dela Cuerta. Tumingin din ako sa labas at nahigit ang hininga nang makita ko si Zadkiel na nakatayo pa rin doon sa veranda ng bahay, mukhang nakatanaw rito sa kotse.

“Alis na lang tayo, Leon.” Wika ko.

Seryosong tumuon ang mga mata ni Leon sa mukha ko.

“Bumalik na si Zadkiel?” Biglang sumama ang timpla ng mukha ni Leon.

“Holiday kasi ngayon. Hindi naman ’yan magtatagal. Babalik din ’yan kasi may klase pa.”


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 22

Chapter 22

Leinne’s Pov

“Leon, ayos ka lang ba?” Busisi ko kay Leon nang mapansin ko ang pananahimik niya sa gitna nang byahe namin.

Kanina naman kasi ay hindi siya ganito para siyang nawalan ng gana. After ko siyang sagutin kanina tungkol kay Zadkiel ay natahimik na lang siya. Ewan ko kung may nasabi ba akong masama para manahimik siya ng ganito.

“K-kung… hindi mabuti ang pakiramdam mo, Leon, okay lang naman sa ’kin na hindi tayo tumuloy sa lakad natin ngayon. Bababa na lang ako rito—”

“No!” Mabilis niyang pigil, pinutol ako bago pa ako matapos sa pagsasalita.

“Eh, mukhang hindi ka okay ngayon. Ayoko lang lumabas na may dinaramdam ka. May klase tayo bukas.”

Hindi na kami classmates ngayon pero magkatabi naman ang classrooms namin. Si Leon STEM strand kasi ang kinuha niya. Si Iyah naman HUMS tapos si Vivian at ako naman ay ABM. Ani Vivian, hindi niya raw ako iiwan, kahit saang strand pa ako, susundan niya ako. Baliw rin talaga!

Pero thankful ako dahil kahit papaano kasama ko si Vivian. Ewan ko lang kasi ngayong SHS (senior highschool) iilan na lang ang masasabi kong friends ko. May iilan naman kaming classmates ngayon na clssmate namin no’ng  junior  high school, masasabi kong friends pa rin kami kaso iba na ang circle of friends.

Pero kaming apat nina Leon, Iyah, at Vivian, malapit pa rin kami sa isa’t isa. Kapag wala kaming ginagawa sa weekend lumalabas kaming apat tapos catch up. Madalas sa bahay kami nina Leon. Doon kasi libre ang pool at may maraming pagkain! Minsan naman kahit may assignments nagkikita pa rin kami para matulungan ang isa’t isa.

“I’m sorry. May isip lang kasi bigla.” Inabot ni Leon ang kamay ko na nasa kandungan ko. Pinisil niya ito.

Ngumiti ako kay Leon. Parang stress na siya sa strand niya. Kahit naman kami ni Vivian nahihirapan din pero keri pa naman.

“Baka may mga assignments ka o activities na kailangang gawin. Unahin mo muna iyon,” sulsol ko sa kanya.

As much as gusto kong lumabas para hindi makita si Zadkiel. Pero kung may kailangang gawin itong si Leon ay ayos lang din naman sa ’kin.

“Wala. Tinapos ko na kahapon ang mga gawiin ko.” Si Leon at maliit na ngumiti sa akin.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko ang ngiti niya. Hindi rin kasi ako mapalagay na makita si Leon na seryoso. Nagiging malupit kasi ang hitsura niya, kagaya ng kanyang pangalan.

“Ah, si Iyah at Vivian pala, inimbitahan mo rin sila?” Muntik ko nang makalimutang itanong sa kanya.

Sinandal ni Leon ang katawan at tumingin sa direksyon ko. He gave me a lopsided smile. For years, Leon had been a good friend of mine. Even though we ended up in different strands, his presence in my life remained steady, a quiet but constant reminder that some bonds don’t fade with time.

Kaya nga kami natutukso nina Iyah at Vivian sa closeness naming dalawa. Eh, ito rin namang lalaking ito, parang naging buntot ko na. Nakasunod kahit saan ako. Isa rin sa hinahangaan ko rito sa kanya ay ang pagiging maalagain niya sa amin. Sa grupo namin masasabi kong siya lang talaga ang tunay na lalaki (syempre kasi bakla ako). At komportable  kami nina Iyah at Vivian sa kanya. Komportable kami sa kanya to the point na kaya naming matulog sa iisang silid kasama siya!

“Hindi available si Iyah kasi may try out daw siya sa badminton. Si Vivian masama daw ang t’yan niya. Mukhang na-impatso.” Tugon naman ni Leon.

Muli kong naramdaman ang pagpisil ni Leon sa kamay ko. Sa tagal kong kaibigan itong si Leon, alam ko na talaga kapag may bumabagabag sa kanya. Kaya ngayon, hindi niya maipirmi ang kamay niya. At ngayon, kamay ko ang napagdiskitaan niyang laruin.

“Ay, sayang naman.”

“Babawi raw sila sa susunod. Next time punta raw tayo sa bahay ni Iyah.”

Tumango ako. So, kami lang palang dalawa ngayon. Well, it’s not like it’s our first time going out together. I’m just a little bit sad na hindi makakasama ang dalawang maiingay sa barkada namin.

“Tayo lang pala ngayon. Saan tayo unang pupunta?” Pagpapatuloy ko sa usapan namin para hindi kami matahimik.

“Ikaw, saan mo gusto?”

“Magsi-search ako. Wait lang,” sabi ko sa kanya at kinuha ko sa aking sling bag ang cellphone. Nakakatuwa na iyong biniling cellphone ni Mama sa akin noon, buhay pa rin until now. Ito pa rin ang ginagamit ko.

Habang nagsi-search ako kung saan kami pwedeng pumunta ni Leon. Nagulat na lang ako nang maramdaman ko siyang humilig sa aking balikat. Tumingin ako sa kanya at tama namang inamoy niya ang damit ko.

“Leon,” sambit ko.

Habang nasa balikat ko ang kanyang ulo, nag-angat siya ng tingin sa akin.

“Inaantok ka?” Tanong ko.

“Medyo… nahilo lang.”

“Naku, sir Leon, hindi ka kasi kumain ng agahan sa bahay.” Sabad naman bigla ni Manong habang nagmamaneho.

“Huh? Hindi ka pa kumain?”

Napaungol si Leon. Sumama ang tingin niya kay Manong.

“Saan mo ba gustong kumain? Kumain ka muna bago tayo gumala.” Suhestiyon ko.

Matigas siyang umiling sa ’kin.

“I like it,” he murmured, his smile deepening. “You’re wearing the perfume I gave you, aren’t you?”

Yeah, the Dior perfume. Birthday, christmas, o anong okasyon, hindi nawawala ang pabango na ’yan sa mga regalo niya sa ’kin. Dahil sa mga gift niya todo ang tipid ko para lang makapagregalo din ako ng maayos sa kanya.

Gusto ko naman kasi ang bango no’n kaya naman ginagamit ko. Dati pa naman kahit sino ang may regalo sa ’kin, ginagamit ko talaga.

“Iniiba mo ang usapan, eh.”

“Kakain ako kapag kakain ka rin,” aniya.

“Eh, kumain na ako sa mansyon.”

Mapapagastos na naman ako nito.

“Desert. Basta sumama ka lang. Hindi nga ako kumain sa bahay because ako lang mag-isa.”

Huminga ako ng malalim at tumango na rin. Nakita ko naman sa rearview mirror ang ngiti ni manong sa amin ni Leon. May tupak din talaga itong si Leon minsan eh.

“Sige na nga! Hindi ka pa ba nasasanay kumain mag-isa?”

He pouted, then shook his head with a faint chuckle. Niloloko lang yata ako.

Tinulak ko ang mukha nito dahil hindi bagay sa kanya ang ngumuso-nguso.

Biglang bumigat ang balikat ko nang makita ko ang tinigilan namin ni Leon na restaurant. Sa labas palang no’ng kainan mamahalin na! Mangingiyak na naman ang bulsa ko nito.

“Manong sama ka sa amin,” imbita ko pa sa kay Manong na para bang ako ang magbabayad sa pagkain nito.

“Ay, kumain na ako, sir Leinne. Si sir Leon lang naman po talaga ang hindi pa kumakain.”

Humaba ang nguso kay Manong bago bumaling kay Leon. Nakikinig lang pala siya sa amin ni Manong.

Pumasok kami ni Leon sa restaurant at may sumalubong kaagad sa amin na server.

“Table for how many, sir?” anito kay Leon, halos mapunit ang labi ni Ateng server kakangiti. Infairness ang ganda niya.

“For two, please.” Tugon naman ni Leon rito.

“Okay! This way, sir,” ani no’ng server saka giniya kami ni Leon sa aming table.

Natuwa naman ako kasi nasa tapat kami ng glass wall kaya nakikita ko ang daan. Mga lang, ang lamig ng lugar! Naka-jort shorts lang ako, isang short sleeved na top at sapatos.

Binuklat ko ang menu upang tumingin lang sa mga sini-serve nilang pagkain. Tumingin ako sa mga dessert kasi iyon ang naisip kanina kaso nang makita ko ang presyo ng desserts nila. Tubig na lang pala ang gusto ko.

“Anong gusto mo?”

Naibaba ko ang menu hanggang sa ibaba ng ilong ko.

“Wala. Ikaw lang naman ang kakain.”

Ang mahal-mahal naman ng mga pagkain dito!

“What? Kahit dessert?”

I cast a discreet glance at the server standing nearby, still waiting patiently for our order. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa amin ni Leon.

Tinakip ko ang menu sa kabilang pisngi ko at hinilig ang katawan sa mesa.

“Ang mahal ng dessert!” Pabulong kong sumbong kay Leon.

He let out a hearty laugh, his eyes crinkling with amusement.

“Leinne, sinabi ko bang ikaw ang magbabayad? It’s on me. Please have some dessert while I eat.”

“Eh, Leon,” angil ko.

“Sige na. Baka order-in ko ang lahat kapag hindi ka nag-order kahit dessert man lang.”

And so, I ended up ordering one dessert. Iyong pinakamura na rin ang inorder ko.

Kung ano-ano ang pinag-uusapan namin ni Leon habang hinihintay ang pagkain namin. Kumuha siya ng larawan naming dalawa at humingi ulit siya ng permission na ipost ang pictures namin sa Facebook. Hindi ko naman siya pinigilan doon. In fact, nagpa-tag pa ako sa post niya.

Habang kumakain umagaw naman sa aking mata ang katabing mesa. Babae at lalaki sila na couple nagsusubuan.

“Leon,” tawag ko kay Leon. Nginuso ko naman ang couple na sweet na sweet. “Ang sweet nila oh.”

Sweet pa sa dessert ko ngayon!

Nang tumingin ako sa lalaki, umiling lang siya. Sa ilang taon naming magkakaibigan ni Leon. Hindi niya nabanggit sa akin kung sino ang crush niya. Noon nagbigay siya ng clue kaso hindi ko nalaman ang pangalan. Si Iyah mukhang alam na kung sino kaso wala namang nasi-share sa ’kin.

Nakakahiya nga na tinutukso nila ako kay Leon, eh may crush nga iyong tao!

“Leon, crush mo pa rin ba iyong nakwento mo sa ’kin noon?” Out of nowhere kung tanong sa kanya.

Naubo naman ni Leon ang nginunguyang pagkain.

Mabilis ko siyang inabutan ng tissue at tubig.

“Okay ka lang?”

“B-bakit mo naman iyan natanong?” Nauubo niyang saad, nagpunas sa bibig.

“Wala lang. Ilang taon na kasi tayong friends at hindi ko pa narinig na may naging girlfriend ka. Hindi mo na rin nakwento iyong crush mo.”

Also, kung may girlfriend si Leon. Hindi na rin ako papayag na lalabas kami na ganito. Na kami lang dalawa. Ayokong mangyari ulit iyong nangyari sa amin ni Zadkiel noon. Ayokong masisi na naman. Ayokong may masirang relasyon dahil sa closeness ko sa isang lalaki. 

“Wala akong babae, Leinne. Wala akong girlfriend o kahit ano.”

Tumango ako.

“Basta kapag may girlfriend ka o… partner sabihin mo ha. Ayokong makasira ng relasyon.”

Kumuyom ang mga panga ni Leon. Ilang sandali lang ay tumango siya. Pagkatapos naming kumain ni Leon nagtanong siya sa ’kin kung gusto ko bang mag-mall kami. Humindi naman ako roon kasi ayokong gumala sa mall na walang pera. Maiinggit lang ako. Tapos ang dami ko na namang pag-iipunan kapag nakakakita ako ng magaganda.

Kaya naman gumala kami ni Leon sa isang kilalang tourist spot. Para siyang little Amsterdam, may maraming bulaklak at iba-iba ang kulay. May coffee shop ang pinuntahan namin kaya nagkape na rin kami roon.

“Mag-amusement park tayo!” Aya ko kay Leon.

Maaga pa kasi kung uuwi kami.

“Sure ka? Hindi ka ba takot sa mga rides?”

“Takot.” Takot ako pero noon nasubukan ko na naman siya. Though iba ang kasama ko sa panahon na ’yon.

“Eh, papaano tayo mag-ienjoy roon?”

Kinawit ko ang braso ko sa kanya. Malambing ko siyang tiningala. I saw Leon’s eyes flutter wide in shock.

“Kasama naman kita,” hagikhik ko.

Nagtaka ako sa malalalim na lunok ni Leon.

“S-sige! Sige, mag-amusement park tayo.”

Kung ano-ano ang sinakyan namin ni Leon. Hindi nga ito ang unang beses kong makapag-amusement park. Kasi minsan na rin kaming nakapag-amusement park ni Zadkiel kaso bata pa kami no’n. Sa mga rides din noon si Zadkiel ang kasama ko.

Hinintay namin ni Leon ang fireworks display ng amusement park bago umuwi. Inaya niya pa ako ng dinner kaso nagti-text na si Mama sa ’kin.

“Salamat, Leon. Nag-enjoy ako ng sobra ngayon,” wika ko kay Leon. Bumaba pa talaga siya ng kotse.

“Are you sure na hindi na kita ihahatid sa loob? Baka mapagalitan ka ni Tita Norberta. Ako ang mag-iexplain sa kanya.” Alok niya.

“Hindi na, Leon. Ako na ang bahala. Kita na lang tayo bukas, mmm?”

“Okay, if that’s what you want.”

Tumalikod ako kay Leon para pumasok sa gate kaso ilang hakbang palang ang nagagawa ko nang may humuli sa aking palapulsuhan—si Leon. Nilingon ko si Leon.

“May kailangan ka pa, Leon?”

Unti-unting nangunot ang noo ko nang hindi siya nagsalita. Nakatitig lang siya sa akin at nanigas ang ekspresyon ng mukha.

“Leon—”

Naudlot naman ako nang sunggaban niya ako ng yakap. Mahigpit at halos hindi ako makahinga.

“L-Leon,” angal ko rito.

“Thank you for today, Leinne. Lumabas pa ulit tayo.”

Hay! Tinapik ko ang likod niya.

“Oo na. Kaya bumitiw ka na.”

Ngunit mas nawindang ako nang biglang halikan ni Leon ang gilid ng labi ko! Ni hindi ako makapagwelga roon kasi biglaan ang paghalik niya at kaagad din siyang pumasok sa kotse!

“Leinne!”

Tumalon ang balikat ko nang marinig ko ang tawag ni Mama sa akin. Para akong natamaan ng kidlat.

“Ikaw’ng bata ka! Bakit ba ginabi kayo ng masyado ni Leon? Pinag-alala mo ako ng husto!” Sermon ni Mama sa akin. Hinila na niya ako papasok sa mansyon.

“S-sorry, Ma. Hinintay kasi namin ni Leo ang fireworks.” Saka para din tulog na si Zadkiel o kung hindi man tulog, nakaalis na kapag dumating ako. “T-teka lang, ma. Bakit dito po tayo dumaan sa likod?”

“Naku, huwag ka nang maraming tanong, Leinne. Nasa loob si Sir Zadkiel. Mainit ang ulo no’n simula nang makabalik kararating lang din. Naglalasing sa kitchen kaya dito tayo dadaan sa likod.”

“Po? Hindi pa siya umalis?”

Tumigil kami ni Mama sa bungad ng dirty kitchen, katabi na rin no’n ang maid’s quarter.

“Aba’y, ewan ko. Bahay naman nila ito kaya ano naman ngayon kung hindi pa umaalis,  Leinne? Halika ka na nga rito. Kumain ka na ba?”

Hinila na ako ni Mama sa loob ng dirty kitchen kaso nalunod na ang isipan ko kay Zadkiel. Bakit hindi pa siya umalis? Saka sabi ni Mama umalis daw ito kanina at kararating lang din. Saan naman ito nagpunta?


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 23

Chapter 23

Leinne’s Pov

Alam kong may klase pa bukas pero habang nakahiga ako sa kama hindi ako mapalagay. Panay ang galaw ko at gising na gising pa ang diwa ko sa kabila ng mahabang araw namin ni Leon.

Kinuha ko ang cellphone at nag-Facebook, pampa-antok. Bumungad sa akin ang post ni Leon kasama ako, iyong kanina. Marami ang reacts doon at komento pero pabida talaga ang comments ni Iyah at Vivian.

Viv Saragoza: ah, ganyan pala kayo kapag wala kami.😒

Iyah Niñal: Ang daming places na pinuntahan. Nainggit tuloy si me!🤭

Viv Saragoza: Itong si Leon may favoritism sa girls niya.☹️😁

At m-in-ention pa talaga ni Vivian si Leon sa kanyang comment. Nagreply naman sa comment niya si Iyah.

Iyah Niñal: Hindi kasi us malapit sa heart niya🤨🫣

Nag-haha reacts lang ako sa mga comments nila. Hindi ko talaga alam kung matutuwa ako o maiinis sa mga panunukso nila sa amin ni Leon. Kaya siguro hindi na nagkaka-girlfriend iyong tao. Nakakahiya tuloy!

Habang nagsu-scroll ako sa Facebook bigla namang nagpop-up ang message ni Leon sa akin.

Leon: hi, leinne! hindi ka ba napagalitan ni tita?

Tumihaya ako at saka nagtipa ng reply kay Leon.

Ako: hindi naman, leon. by the way, salamat ulit sa libre mo kanina.

Leon: wala iyon.

Ako: lagi nalang ikaw ang nanlilibre!

Leon: edi, labas ulit tayo next time.

Napailing ako. Lalabas ulit tapos siya na naman ang gagastos. I understand that he has more money than I do, but I don’t like the idea of him being the one who always pays for me. Gusto ko ng libre pero hindi iyong palagi na lang. Baka mamaya masumbatan ako.

So far naman itong si Leon wala pang nasumbat. Pero papaabutin ko pa ba sa panahon na manunumbat na? Ayoko ’no! Kahit na wala pa sa mukha ni Leon ang manumbat.

Ako: kung lalabas tayo, kanya-kanya na tayo ng gastos.

Leon: iyan ka na naman sa gastos eh.

Humaba ang chat namin ni Leon. Akala mo naman talaga hindi nagkikita sa school. ’Tapos hinahatid pa ako nito pauwi. Simula kasi no’ng lumipat si Zadkiel ng eskwela, nagco-commute na ako. Kaso lang itong si Leon ginigiit na ihahatid ako.

Leon: sunduin kita bukas?

Ako: hindi na, leon. salamat sa alok mo.

Nagpaalam na rin ako kay Leon matapos ng ilang minuto. Pinatay ko ang cellphone at tinabi iyon. Inayos ko na ang kumot ko kaso lang nakaramdam ako ng uhaw!

Dahan-dahan akong lumabas ng quarter namin ni Mama. Sa dirty kitchen lang sana ang punta ko nang makita kong bukas pa ang mahina at kulay dilaw na ilaw ng kusina sa loob ng mansyon. May ingay din ng babasaging baso mula doon, kaya naman sa kuryoso ko, pumunta ako ng kitchen.

Bumilog naman ang mata ko nang makita ko si Zadkiel. Nakaupo siya sa isang upuan sa harap ng island counter ’tapos sa harap niya ang ilang bote ng alak na wala nang laman!

Pinaningkitan ko sa mata ang label no’ng alak na iniinom niya.

Red Label. Iyan ang pangalan sa alak na kanyang iniinom.

Napatalon naman ako sa gulat nang biglang bumaling ang ulo ni Zadkiel sa aking pwesto. Siguro’y naramdaman nito na may ibang tao sa paligid maliban sa kanya.

“Leinne?” Paos ang kanyang boses at magaspang. “What are you doing here? H-hindi ka pa ba matutulog?”

Kailan pa naging lasinggo itong si Zadkiel? Dati aminado naman ako na nakikita ko siyang umiinom kaso hindi ganito. Nakailang bote na kaya siya. Isa ba ito sa natutunan niya habang wala siya rito?

Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. I just watched him as he stared at me without blinking, and I couldn’t pull my gaze away from his. It felt as if my eyes were glued to his.

Then, all of a sudden, I felt something slowly sprouting inside me, a familiar feeling I had tried to bury years ago. The longer I looked at him, the stronger the stirring in my stomach became.

Kung hindi lang tumikhim si Zadkiel, mukhang hindi ko rin mapuputol ang titig ko sa kanya. Doon ko lang din naalala na hindi ko pa pala nasagot ang tanong niya.

“A-ahm, nauhaw lang ako.” I chirped quietly.

Napakurap-kurap ako.

“Okay, want me to get you a glass?”

Mabilis ang naging iling ko kay Zadkiel. Ayaw ko namang pumunta doon sa dirty kitchen dahil nasabi ko na kay Zadkiel na nauhaw ako. Iyon na ang naging palusot ko sa kanya ngayon lang.

Magmartsa ako tungo sa ref at kumuha ng malamig na tubig. Tingin kailangan ko rin ang lamig para mahimasmasan ako. Mahimasmasan dito sa nararamdaman ko.

Dumaan ako sa likod ni Zadkiel para kumuha ng baso at tahimik na uminom ng tubig. Rwan ko ba dahil tingin ko ang bigat ng atmosphere  dito ngayon. Halos hindi ako makahinga. Pagkatapos ay hinugasan ko rin ang baso bago binalik ang pitsel sa loob ng ref.

Napansin ko ang paggalaw ni Zadkiel kaya lumingon ako sa kanya. Bumaba siya sa silya at humawak sa kanyang noo.

Aalis na sana ako nang makita kong sumuray si Zadkiel nang humakbang ito. Out of impulse, I rushed toward him and caught his elbow. His masculine scent filled my senses, this time tinged with alcohol. He still smelled the same as before, musky and familiar.

“Zadkiel,” saad ko nang mahawakan siya.

“I’m fine, Leinne.” Tulak niya sa kamay ko.

Hindi na rin naman ako nagpumilit pa at pinakawalan siya. Naka-gabay siya sa countertop habang sumusuray. Pinapanood ko lang siya at nang muntik na naman siyang matumba ay aalalagayan ko na sana siya kaso lang itinaas niya ang kamay.

“I’m fine.” Ulit niya.

Lihim ko siyang sinusundan hanggang sa malakabas kami ng kusina. Kaso lang nasagi ang paa niya sa isang baitang patungo sa sala. May dalawang baitang kasi roon.

Lumagapak siya sa sahig. Tutulungan ko na sana siya kaso lang tinaas niya muli ang kamay.

“I’m fine. Kaya k-ko.” Wika niya ulit pero ngayon ay nanginig ang boses niya.

Sinusubukan niyang tumayo kaso hindi niya kaya. Bumabagsak siya dahil sa kalasingan.

My chest tightened as I watched him struggle to stand, only to fall again and again. Hot tears streamed down my cheeks, and my chest felt heavy, as if it were being squeezed.

Why am I crying like this? Dahil ba hindi ako sanay makita si Zadkiel na mahina at nasasaktan? He hurt me before, but watching him now feels three times more painful!

Inis kong pinalis ang luha ko at hinawakan ang braso ni Zadkiel. Binabawi niya ang braso mula sa ’kin kaso hindi ko siya binibitiwan! Malamya na rin ang waksi niya sa ’kin.

Bakit ba ang tigas din ng ulo niya?

“I don’t need you, Leinne!” he shouted, trying to push me away, but I stood firmly by his side.

“T-tulungan na kita umakyat sa kwarto mo,” saad ko at tinulungan siyang tumayo.

Yumuko ako upang hilain na siya patayo nang lingunin niya ako. I was stunned when I saw his tear-streaked cheeks. His pale hazel eyes were bloodshot, shimmering with unshed tears.

“Zadkiel,” usal ko.

“I said, I can, Leinne. Kaya kong tumayo mag-isa!” Argumento niya sa ’kin kaso malakas ang buhos ng luha niya. Tingin ko hindi niya alam na umiiyak siya.

Why does it feel like there’s something deeper behind his words? Why do I feel like he’s trying to say something he just can’t put into words?

Pumikit ako at bumuhos din ang luha ko.

“Alam ko naman. Alam ko namang kaya mo, Zadkiel, pero kahit ngayon lang. Hayaan mo naman akong tulungan ka.” Iyak ko.

Parang kaming baliw dito na nag-iiyakan. Kahit ako, hindi ko alam bakit nasasaktan ako habang umiiyak siya.

“Kapag tutulungan mo ako… hahanap-hanapin ko na naman, Leinne.” Zadkiel’s voice was hoarse.

My eyes fluttered open.

“H-hindi kita naiintindihan,” sabi ko, sumisinghot.

“I’ve been in the deepest pit, Leinne. I once fell, and I thought I’d recovered. I thought I was over it. But why does it feel like everything I did all those years ago was futile?” he said firmly.

“I know I was the one who drew the boundaries between us, but why am I the one now desperate to climb those same walls just to get a glimpse?” Zadkiel continued.

Umiling ako. Umiiyak ako ng malakas. Hindi ko siya naiintindihan pero nasasaktan ako. Parang ang puso ko ang sinasaksak ng kutsilyo!

“I don’t want you to help me, Leinne. Because once I hold you… baka hindi ko na kayang bumitiw. Baka masakal kita sa nararamdaman kong ito.”

Lumamlam ang mata ko habang lumuluha.

“Ano ba ang nararamdaman mo, Zadkiel? Ipa-intindi mo siya sa ’kin! Sabihin mo sa akin. Linawin mo ang mga sinasabi mo!”

Matigas siyang umiling.

“I… I can’t!” It came out as barely a whisper. “I can’t because I’m coward, Leinne.”

“Zadkiel, kaya nagkalamat ang pagkakaibigan natin noon dahil d’yan sa pagiging makasarili mo! Ang labo-labo mo pa! Hindi mo siya pinapaintindi sa ’kin. Sinasarili mo ang lahat!” Humihigpit ang kamay ko sa braso niya.

Chills ran down my spine as I felt his thumb gently rub my cheek.

“I don’t want to see you cry. I don’t want you to cry because of me.”

“Ang labo-labo mo kasi. Umiiyak ako kasi hindi mo pinapaintindi sa ’kin ang lahat! If only you had shared even a little of your burden with me, we wouldn’t be like this.

Namumungay ang mga mata ni Zadkiel. Pagod niyang binagsak ang noo niya sa noo ko. Hinihingal siya. Ang isa niyang kamay ay nasa batok ko, habang ang isa naman kung saan ako nakahawak ay nasa sahig.

“Leinne,” usal ni Zadkiel kaya tumingin ako sa kanya. “I… I like…”

Naghihintay ako sa kasunod niyang sasabihin nang bumigay ang buong katawan niya sa ’kin.

“Zadkiel, Zadkiel!” Gising ko sa kanya kaso nakatulog na siya.

Kahit na nahihirapan ako, inakay ko si Zadkiel tungo sa taas kung nasaan ang silid niya. Ilang minuto ang lumipas bago kami nakarating sa labas ng kwarto niya.

Binuksan ko ang pinto sa silid ni Zadkiel at pumasok kaming dalawa. Memories of us together in his room washed over me like rain as I laid him on his bed. His scent lingered in every nook and corner, clinging to the air.

I glanced around his room, it still looked just the way it used to before. Ang study table niya, ang mga ballpens, highlighters, books at ang iba pang gamit sa school ay nando’n pa.

Kahit sa bedside table niya nando’n ang picture naming dalawa no’ng graduation ko noong elementarya, naka-frame siya.

Hinubad ko ang sapatos niya at kinumutan siya. Nang aalis na ako, nagsalita siya habang pikit ang mga mata.

“Leinne, I’m miss you so much!”

Kumunot ang noo ko.

“Zadkiel,” tawag ko rito.

“Miss na m-miss kita, Leinne… I’m sorry.”

Bumuntong-hininga ako. Mukhang nagsi-sleep talk lang siya. Tumayo na ako at pinatay ang ilaw ng kwarto niya.


Hinihilot ko ang sintedo ko habang hinihintay si Iyah at Leon. Nauna kami ni Vivian dito sa canteen kasi maaga kaming pinalabas ng subject teacher namin.

Si Vivian sa tabi ko ginagawa ang assignment niya kasi nakalimutan niya raw. Pasalamat siya na mamayang hapon pa ang pasahan no’n.

“Ayos ka lang ba, badet?” Usisa ni Vivian sa akin, nagpalipat-lipat ang mata niya sa papel at sa mukha ko.

“Hmm, medyo masakit lang ang ulo ko eh.”

“Ito, lagyan mo ng vicks ’yang sintedo mo. Ikaw kasi magdamag ka na namang nag-aral ’no? Naku, badet, gusto mo talagang i-clutch iyang with high honors?”

Nagmake-face ako sa kanya.

“Hindi! Matagal lang ako nakatulog kagabi!”

Paano ako makakatulog sa mga sinabi ni Zadkiel sa ’kin kagabi? Ni hindi ko makalimutan ang hitsura niyang umiiyak! Para siyang bata na naliligaw at hindi nakauwi sa kanyang tahanan.

“Aysus! Iniisip mo ba ang lakad ninyo ni Leon? Ayiiee!”

Dinampot ko ang water bottle ko at umambang ibabato ito sa kanya. Ini-kes ni Vivian ang braso sa harap ng mukha niya.

“Senior high school na tayo’t lahat-lahat, Darryl Leinne, pero pikon ka pa rin!” Natatawa niyang saad.

“Eh, inaasar mo ako kay Leon! Nakakahiya kaya sa tao!”

“Hindi ka pa sanay!”

“Kaibigan ko si Leon, Vivian. Baka magalit na iyon sa pang-aasar ninyo ni Iyah sa amin.” Ngumunguso kong saad kay Vivian.

Ngumingisi lang siya.

“Sinong magagalit?”

Napatalon ako sa aking kinauupuan nang may magsalita sa likod ko at kasabay no’n ang paglapat ng kamay sa balikat ko!

Lumingon ako sa kanan ko upang tingnan kung sino itong humawak sa balikat ko. Ngunit nasinok ako sa gulat nang sumalubong sa akin ang mukha ni Leon. Halos magdikit na ang labi namin ni Leon sa lapit naming dalawa.

Gulat din si Leon kaya hindi siya makagalaw kagaya ko.

“Leinne— nmm!” Naputol si Leon nang may biglang tulak sa ulo niya at nagdikit ang labi naming dalawa!

Kapwa nanlaki ang mga mata namin. Labis ang pamumula ng mukha ni Leon nang maghiwalay ang labi naming dalawa!

“Yie! May first kiss na si Leon!” Ang tukso ng ibang barkada niya kaya mas nasunog ang mukha ni Leon. Pati ako ay ramdam ang pag-init ng mukha! Tinukso na kami ng mga estudyante sa paligid na kumakain!

It was my first kiss too!


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 24

Chapter 24

Leinne’s Pov

“Sorry, Leinne. Sorry talaga! I-iyong mga barkada ko kasi, a-ang lilikot nila!” Paghingi ng paumanhin ni Leon sa ’kin.

Hapon na at sa katunayan ay dismissal na namin. Nagulat na lang ako nang pagkalabas ko ng gate ay sumalubong sa akin si Leon. Si Vivian iniwan akong mag-isa at tinukso pa nga ako! Sa likod naman ni Leon ay ang mga kaibigan, isa roon ay ang tumulak kay Leon kanina dahilan para mahalkan niya ako ng aksidente.

Winiwasiwas ko ang kamay kay Leon dahil wala na naman iyon sa ’kin. Oo nagulat ako pero hindi rin naman niya iyon sinasadya. Namumula si Leon at hindi makatingin ng deretso sa mga mata ko.

“Hindi mo naman din iyon ginusto, Leon. Huwag na nating isipin ang nangyari.” Sabi ko sa kanya.

“Leinne.”

Tinapik ko ang balikat ni Leon dahil mukhang nahihiya pa talaga siya sa ’kin.

“Okay nga lang! Swerte mo kasi first kiss kita!” Biniro ko na lang siya para naman mapanatag na siya.

Leon was biting his lip as he glanced up at me. His eyes remained intense, and his shyness was evident in them.

“Leinne naman. Nagbibiro ka pa!”

Tumawa ako. “Wala na nga iyon sa ’kin. Pero baka ikaw d’yan hindi komportable kasi… k-kasi ako ang naging first kiss mo. Bakla.”

Naging alerto si Leon doon sa sinabi ko.

“Leinne, hindi naman! Gusto ko rin! Este… hindi  naman ako nag-iisip ng ganyan. Wala naman sa ’kin kung sa isang tulad mo ang first kiss ko.” Mas nasunog ang mukha ni Leon. Dahil kagaya ni Zadkiel, maputi rin siya. Halata talaga masyado kapag nagbu-blush si Leon! Ang cute niya. Cute na pogi?

Ngumiti ako. Akala ko rin magiging awkward dahil kaibigan ko si Leon tapos siya pa ang first kiss ko kaso nakakatuwa naman kasi ang insidenteng iyon. Both of us were oblivious to it, and because of that, I didn’t feel anything. Siguro pagkatapos no’n ay may konting hiya kasi marami ang nakakita, public place naman kasi. But after no’n, wala na naman.

Kaya nga ayokong maging ganito si Leon. Baka maapektuhan nito ang relasyon namin.

Lumapit iyong mga kaibigan ni Leon na siyang naunang tumukso sa amin kanina.

“Sorry, Leinne.” Ngumunguso namang saad no’ng kaibigan ni Leon na siyang tumulak talaga sa lalaki. Nilingon nito si Leon. “Ito kasing si Leon nasabi niyang wala pang first kiss… na-tripan namin siya at hindi namin sinasadya na sa’yo iyon mangyayari.”

I shot him a smile.

“Okay lang. ’Wag n’yo na lang ulitin sa iba. Dahil baka may girlfriend o boyfriend. Makasira pa kayo ng relasyon!” Payo ko rito.

“Eh, Leinne, wala ka namang boyfriend…?” May pag-aalangan nitong tanong sa ’kin.

“Wala pa naman,” ngiting-ngiti kong tugon.

“’Yon oh, may pag-asa pa si Le—hmm!”

Inakbayan na ni Leon ang kaibigan sabay takip sa bibig nito.

“Pero, Leinne, open ka naman kapag may manligaw sa’yo? Malay natin nakukursunadahan na ka ng iba d’yan.” Sabat naman ng isa pang kaibigan ni Leon.

Nakita kong aligaga itong nilingon ni Leon.

“Oo naman!” Kwela ko pang sagot.

Umingay ang mga kaibigan ni Leon at ito naman ay niyuko na lang ang ulo. Sa araw na ’yon ay sinadya kong hindi sumabay kay Leon sa pag-uwi. Nagdahilan lang ako sa kanya na may dadaanan pa ako kahit wala naman. Tingin ko kailangan din kasi niya ng konting space after no’ng kiss namin. Nahihiya pa kasi siya sa ’kin.

Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa dumating ang intramurals namin. Bumalik din naman si Zadkiel sa school niya kaya hindi na nasundan pa ang interaction naming dalawa. ’Di ko rin naman siya nakita noong umalis ng bahay kasi may pasok ako. Dumaan ang 2nd periodical exam namin at dumating ang November.

“H-hello po, Ma’am Ulysses!” Bati ko kay Ma’am  at ako ang tumanggap sa bag nitong dala.

Gulat siya nang makita ako. Hinawakan niya ang aking balikat at tuwang tiningnan mula ulo hanggang paa.

“Ikaw na ba ito, Leinne? Oh my! Ang laki-laki mo na! Ang ganda mo pa!” May panunuksong wika ni Ma’am.

Nahihiya akong ngumiti kay Ma’am Ulysses. Sa mansyon nila hindi na talaga sekreto ang kasarian ko. Kasi even before, ako na ang ginagawang manika ni Ate Zarrah.

“Zeus, tingnan mo ang laki-laki na ni Leinne!” Balita niya pa kay Sir Zeus! Kakababa lang nito sa kotse. Suot ni sir Zeus ang Ralph Lauren polo shirt na kulay puti. Naka-tuck in ang kanyang polo sa itim na slacks tapod makintab na sapatos sa paa nito.

May edad na itong si sir Zeus kaso ang tikas pa rin at ang lakas ng dating. Nakikita ko talaga ang hitsura ni Zadkiel sa kanya. Kapag tumanda si Zadkiel ay walang duda na kopya niya ang ama.

Binaba ni sir Zeus ang suot na salamin upang matingnan ako. Hinagod niya ang ako ng tingin. Tumango ito.

“Oo nga. Akalain mo nga namang naging binatilyo na ang dating nilalagyan ng kolorete ni Zarrah noon.” Ani sir Zeus.

Natutuwa akong makita na maayos na ang relasyon nina sir Zeus at ma’am Ulysses. Iyong malaking away nila nang umuwi sila rito ay hindi na iyon nasundan (sa pagkakaalam ko lang). Naging mabuti na rin ang takbo ng relasyon nila.

Siguro ganoon talaga ang buhay. Minsan may ’di pagkakaunawaan. Hindi lahat masaya at maayos. Minsan sinusubukan talaga ng tadhana ang buhay para tumibay ito. Minsan sinusubok ng pagkakataon ang tibay ng pagsasamahan—ng isang relasyon.

Halos manginig ako nang-akbayan ako ni Ma’am Ulysses papasok sa mansyon nila. Binabati siya ng mga kasama ko ring kasambahay na naglilinis.

“I saw your grades, Leinne. They’re impressive!” Si Ma’am Ulysses.

Binaba ko ang bag niya sa sofa, sa mismong tabi niya. Umupo siya at bahagya naman akong yumuko sa gilid niya.

“Thank you po, Ma’am! Salamat din po sa pagpapaaral ninyo sa ’kin. Habang buhay ko po itong tatanawin na utang na loob sa inyo!”

Maharang umiling si Ma’am Ulysses sa ’kin.

“No, Leinne. Pinagtatrabahuan mo rin naman iyan. Nagtatrabaho ka rito sa bahay, nag-aaral ka. It’s  your hardwork.” Ani Ma’am Ulysses.

“Sa college, Leinne, may naisip ka na bang kurso na gusto mong i-pursue?”

Binalingan ko si sir Zeus nang tanungin niya ako. Sa tagal ko rito sa mansyon nila talagang nai-intimidate pa rin ako sa kanila.

“W-wala pa po, sir, eh.” Sagot ko kay sir Zeus.

Saka titingnan ko pa kung kakayanin ba namin ni Mama ang college o kung pagpapaaralin pa rin ba ako nila Ma’am at Sir.

“Anyway, Leinne, sa birthday ni Zadkiel, you can invite your friends.”

“Po?” sambit ko. “Dito po magbi-birthday si Zadkiel?”

Natawa naman si Ma’am Ulysses sa reaksyon ko.

“Yes!”

Dumating muli ang pasukan namin at hindi umalis nang mansyon sina Ma’am Ulysses at sir Zeus until may trabaho. Doon na sila umuuwi sa mansyon galing sa kani-kanilang trabaho.

I invited my friends to Zadkiel’s birthday, but they were hesitant to come since they’re not close to him. Sinabihan ko lang din sila kagaya ng sabi ni Ma’am Ulysses sa ’kin.

Akala ko simpleng handaan lang ang sinasabi ni Ma’am Ulysses na birthday ni Zadkiel. However, it turned out far more extravagant than I imagined. Just a day before Zadkiel’s birthday, the organizers arrived and transformed the mansion into something straight out of a fairytale—like the ones I’d only ever seen in movies.

Every corner gleamed with hints of gold, and the flowers, though artificial, blended so perfectly they could fool anyone. A small stage stood beside the grand staircase, completing the scene with a touch of elegance and opulence.

At kaya naman pala ganon na lang ka-engrande ang birthday ni Zadkiel ay dahil hindi pala c-in-elebrate ng lalaki ang mga birthdays for the past years.

“T-talaga, ate Sepa?” Garalgal ko dahil sa sinabi ni Ate Sepa. Ito ang nagsabi sa akin na hindi pala nagsi-celebrate ng birthday si Zadkiel simula nang umalis ito sa bahay!

“Oo, Leinne!” Bulong ni Ate Sepa sa ’kin. Nagpupunas kami ng mga pinggan at baso. Kami kasi ang nag-aasikaso sa mga organizer ng birthday ni Zadkiel. 

“Saan mo naman nalaman iyan, ate Sepa? Baka naman chismis lang ’yan!” Kontra ko sa kanya.

Tiningnan naman ako ni Ate Sepa na para bang ako ang kontrabida sa buhay niya.

“Sabi no’ng organizer. Syempre naki-chismis ako sa kanila kanina kasi ako ang nagdala ng mga meryenda nila. Nagbiro pa ako na parang debut ni sir Zadkiel. ’Tapos ayon, nasabi ng organizer na sinadya raw iyong gawing engrangde ni Ma’am Ulysses dahil ilang birthday na raw na hindi nagcelebrate itong si sir Zadkiel.”

At kinabukasan nga dumagsa ang mga kaibigan ni Zadkiel at maraming bisita na hindi ko kilala at do’n ko palang nakita.

Gumabi na at nagsimula nang umingay ang buong bahay. May kinuha namang cater sila Ma’am Ulysses kaso tumutulong pa rin kami sa pag-aasikaso ng mga bisita.

Kanina ay dumating si Ate Zarrah, halos magkasabay sila ni Zadkiel, kaso abala ito sa pag-aasikaso ng mga bisita. Binaba ko ang tray na may lamang mga babasaging baso. At bumalik sa kusina dahil marami pa akong kukunin na kagamitan doon nang sinalubong ako ni Ma’am Ulysses.

“Oh, Ma’am? May kailangan po ba kayo?” Sinalubong ko Ma’am Ulysses. Mas lalong umaangat ang ganda ni Ma’am Ulysses sa suot nitong beige na gown. Ewan ko, habang tumatanda paganda nang paganda si Ma’am.

“Leinne, nand’yan ka pala. I was looking for you everywhere!” Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko.

“Ah, tumulong kasi ako sa paglabas ng mga gamit, Ma’am!” Ngiti kong wika sa kanya.

“Oh, I see. Pero birthday ngayon ni Zadkiel. Dapat nagbihis ka na.”

Hilaw ang naging ngiti ko kay Ma’am Ulysses.

“Ma’am, wala kasi akong masusuot.” Tugon ko. Akala ko kasi simpleng handaan lang o ’di kaya’y usual na party ni Zadkiel.

“What? May binili akong suit para sa’yo. Si Zeus ang nagbaba no’n kasi hindi pa ako tapos sa pag-aayos earlier!”

“Po?”

“Go to your quarters. I’m sure nando’n na ’yon. Also, pagkatapos mong magbihis, pwede mo bang puntahan si Zadkiel sa silid niya, Leinne? Please?” Pakiusap naman ni Ma’am Ulysses.

“Hindi pa ba siya bumababa, Ma’am? Ang dami na pong bisita.”

Ma’am Ulysses let out a heavy sigh and gave my hand a gentle squeeze.

“He’s mad.”

Bumuntong-hininga ulit si Ma’am.

“Bakit po?”

Binitiwan ako ni Ma’am. “Ang alam niya kasi simpleng birthday party lang. Hindi niya alam na ito ang hinanda ko. It was partly his fault too, he hadn’t celebrated his birthdays in years, not even a simple one for his debut last year.” Paliwanag ni Ma’am Ulysses. “Please, Leinne. Sa’yo lang naman nakikinig iyon kapag galit.”

I doubted that, Ma’am. Sobrang dami ng nangyari at hindi ako sure kung kagaya pa rin ba ng dati ang friendship namin ni Zadkiel.

Si Ma’am Ulysses na ang nag-udyok sa ’kin na umalis at magbihis para mapuntahan ko si Zadkiel.

Pumunta ako sa silid namin ni Mama at hindi na ako kumatok doon. Nagulat ako nang maabutan si sir Zeus sa loob ng quarters namin ni Mama. Magkaharap sila ni Mama.

“Sir,” usal ko. Tiningnan ko si Mama at nag-iwas siya ng tingin sa ’kin.

“Leinne, nand’yan ka pala. Hinatid ko lang ang suit na binili ni Ulysses para sa’yo. Magbihis ka na.” Saad ni sir Zeus.

Binalingan ko naman ang suit na nasa kama ko.

“Mauna na ako ha.” Tinapik ni sir Zeus ang balikat ko bago lumabas ng silid.

Ni hindi ako makapagsalita dahil ngayon lang pumasok sa silid namin ni Mama si Sir.

“Leinne, magbihis ka na. Tutulong ako sa labas.” Untag naman ni Mama.

“Mama, bakit po pumasok dito si Sir Zeus?” Kuryoso kong tanong kay Mama.

Nasuklay ni Mama ang buhok gamit ang daliri bago pinadaan ang palad sa mukha. Tumalikod siya at pinulot ang panali ng buhok niya sa kama.

“H-hinatid lang ang suit na binili ni Ma’am para sa’yo. Pumasok d-din siya para tingnan ang silid natin. Ginigiit niya kasing… maliit lang ito para sa atin.” Saysay ni Mama ngunit nakatalikod siya sa akin.

“Oh, gano’n po ba?” ani ko.

“Mmm, sige na. Lalabas na ako. Magbihis ka na, ha.” Si Mama bago umalis.

Ilang sandali akong natulala nang makalabas ng silid si Mama. Pinilig ko ang aking ulo bago magbihis at inayos ang sarili. Kulay lavender ang biniling suit ni Ma’am Ulysses sa ’kin. Natuwa ako kasi favorite color ko ito.

Mabuti at marunong na akong mag-ayos ng sarili kaya hindi na ako nahirapang maglagay ng makeup. Sinuklay ko ng mabuti ang buhok at saka lumabas.

Siguro dahil hindi kami nagkakausap ni Zadkiel simula nang makauwi siya kaninang umaga kaya ako kinakabahan ng ganito. Parang lumulukso ang puso ko sa loob ng ribcage ko.

Kamuntikan akong matumba sa kaba nang makarating ako sa harap ng silid ni Zadkiel. Inamoy ko ang sarili ko. Napapikit mata ako nang mapagtanto kong hindi ako nakapagpabango sa pagmamadali ko.

“Tsk! Mamaya na nga lang!” Usal ko sa sarili.

Kumatok ako sa pinto. Ngunit walang sumagot.

“Z-Zadkiel—”

Napasinghap naman ako nang biglang bumukas ang pinto.

Zadkiel’s stoic face came into view, but the moment his eyes met mine, his expression softened. My breath hitched as I took him in—white long sleeves with the top three buttons undone, revealing a glimpse of his broad chest, the fabric neatly tucked into pressed black slacks that framed his long legs.

Before I could tell him that his visitors were waiting downstairs, he silently walked away  from me and sat on the edge of his bed.

Left with no choice, I stepped inside, gently closing the door behind me before moving toward him with cautious steps.

“Zadkiel, magsisimula na ang party mo sa baba. Ang dami nang bisita. Pinapababa ka na ni Ma’am Ulysses.” Maingat kong untag sa kanya.

Huminga siya ng malalim, unti-unting lumingon sa akin na kuyom ang mga panga. Pinukol niya ako ng tingin.

His eyes roamed over me from head to toe, sending a sudden jolt through my chest as my heartbeat thrashed like a caged animal.

“B-binili ito ni Ma’am…”

Nalusaw ang nais kong sabihin sa kanya nang lumapit siya sa ’kin.

“You didn’t wear that perfume?”

“H-ha?” Usal ko. Napatango-tango naman ako nang maalala kong wala akong perfume ngayon. “Ah, hindi ako nakapaglagay.”

Tumango siya. Tumalikod siya at may kinuha sa closet niya. Kumunot naman ang noo ko nang pagbalik niya may bitbit na siyang bote ng pabango. It was his perfume. I couldn’t be mistaken. Without saying a single word, he sprayed it behind my ears, on my neck, and down my back.

“M-mabaho ba ako? P-pinagpawisan pa naman ako kanina sa l-labas.” Uminit ang pisngi ko sa hiya.

Oo nga naman. Buong araw akong nagtatrabaho tapos nagbihis lang ako at dumeretso dito.

Sinarhan niya ang pabango at tinapon iyon sa kama.

Nabato naman ako sa aking kinatatayuan nang lumapit siya sa ’kin at nilapit ang mukha sa aking leeg. Halos makalimutan kong huminga nang umihip ang kanyang mainit na hininga sa aking leeg. Hindi ako makagalaw.

“You smell so good with your sweat, Leinne,” he rasped, his tone laced with heat

A tremor ran through my legs.

Nanginginig ang kamay kong humawak sa kanyang long sleeve. Tingin ko kapag hindi ako kumapit sa kanya, bibigay na talaga ang tuhod ko.

“Z-Zadkiel.”

“I could lick your sweat, Leinne, yet my scent on your body still hits differently,” he purred against my neck, his warm lips brushing against my feverish, hypersensitive skin.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 25

Chapter 25

Leinne’s Pov

I froze in place as his lips pressed against my neck, a slow lick following that sent a shiver down my spine. My whole body tensed, every nerve on edge. Pakiramdam ko nawalan ako ng kakayahang mag-isip ng mabuti dala ng mainit na dila ni Zadkiel na humahaplos sa leeg ko.

Tuluyang bumigay ang tuhod ko sa panginginig at mabilis namang umagap ang braso ni Zadkiel sa baywang ko. Hinapit niya ako at niyakap upang huwag bumagsak sa sahig.

Parang hindi ko na ma-kontrol ang katawan ko nang tinabingi ko na ang aking leeg para kay Zadkiel. Wala na akong pakialam kung magusot ko ang long sleeves ni Zadkiel dahil kinuyom ko na iyon ng mahigpit. May parte sa akin na gusto siyang itulak kaso wala namang ginagawa ang katawan ko.

Namigat ang takipmata ko at dinama ang dila ni Zadkiel na humahaplos sa aking leeg. A shiver ran down my spine when Zadkiel growled against my skin, his breath hot before he buried his face in the crook of my neck, his lips tracing over my skin in slow motions.

“Leinne,” usal ni Zadkiel habang nakadikit pa rin ang labi sa leeg ko.

Doon ko namulat ang mata. Dumeretso ang aking paningin sa ceiling ng kwarto niya. Sinubukan kong itulak si Zadkiel kaso mahigpit ang pagkakayakap niya sa katawan ko, animo’y bakal.

“Z-Zadkiel,” garalgal ko, nauutal ako dahil sa lakas ng kabog ng puso ko.

Nang magkaroon na ako ng lakas na itulak siya ay nilayo ko ang aking ulo sa kanya. May konting distansya na ang mga katawan namin kaso nanatiling nakapulupot ang kanyang braso sa baywang ko. Mukhang wala siyang balak na pakawalan ako.

Nang tingalain ko siya malamyos ang kanyang titig sa aking mukha. Saglit naman akong napapikit nang itaas niya ang kamay at hinaplos ang likod no’n sa aking pisngi.

Bumagsak ang mata ni Zadkiel sa labi ko. Nakita ko ang pagdila niya sa labi.

“Did I s-scare you?”  he stammered.

“I… I–” sasagot na sana ako sa kanya nang may kumatok sa pinto.

Sabay kami ni Zadkiel na napabaling doon sa pinto. Lumuwag ang pagkakayakap ng isang braso niya na nasa baywang ko kaya naman naitulak ko siya. Nang makawala ako ay dinistansya ko kaagad ang aking sarili sa kanya at yumakap ang kamay ko sa aking leeg.

Para akong nilagnat nang bumuhos sa akin ang nangyari. Lihim akong nagpapasalamat sa kung sino man ang kumatok dahil kung hindi dahil doon ay baka bumigay kaagad ako. Baka kung saan na kami makarating.

Ano bang nangyayari sa’yo, Leinne? Bakit hinayaan mo ang sarili mo na matukso?

Umalis iyan ng walang sinasabi sa’yo! Ni hindi kayo nag-uusap tapos bigla ka na lang ginaganon! Ang rupok mo naman!

“Sir Zadkiel, bumaba na raw po kayo. Mag-s-start na po ang program.” Saad nong boses sa labas ng pinto.

“I know!” Inis na tugon ni Zadkiel.

Napatingin na lang ako sa may pinto. Mabuti at hindi iyon binuksan kung sino man iyong kumatok!

Tumuon ang mga mata ni Zadkiel sa akin kaya naman napatingin din ako sa kanya. My eyes were glued to him. It was a mistake to stare, because once I did, I couldn’t look away. It felt as though some invisible force was pulling my gaze toward him.

Hindi ko maipaliwanag ang emosyong naglalaro sa mga mata ni Zadkiel. Kahit na nakatitig ako rito, wala akong makuhang impormasyon. Para siyang isang puzzle na kahit na anong titig ko hindi ko siya ma-solve.

Umurong naman ako nang humakbang siya palapit sa ’kin.

“We will talk later, okay?” mahinahon niyang saad.

Tumango lang ako. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pag-uusapan namin o alin pero nakatango na ako.

“Let’s head down,” aya niya sabay lahad ng kanyang palad para sa akin.

Tinitigan ko lang ang kanyang kamay. Umiling ako.

“A-ayoko.”

“What?” His eyebrows knitted together in confusion.

“Birthday mo. Susunod na lang ako.”

“Leinne,” subok niyang alma.

Tinago ko ang kamay sa likod.

“Sinabi ni Ma’am Ulysses na hindi ka nagsi-celebrate ng birthdays. Bumabawi lang siya, kaya bumaba ka na.”

Huminga siya ng malalim. His features tightened with unease, but he eventually gave a nod.

“We will talk, okay?” Pag-uulit niya.

“O-oo.”

Inayos ni Zadkiel ang suot at tumingin muna sa salamin bago tinungo ang pinto. He smiled at me before leaving. Hinayaan ko si Zadkiel na maunang lumabas sa silid niya.

Naupo ako sa kama ni Zadkiel. Nanghihina ako at biglang sumakit ang ulo ko sa mga nangyari. Napatingin ako sa pabango niya na tinapon niya kanina sa kama.

Pareho na kami ng amoy ngayon.

I closed my eyes as realization washed over me. A part of me didn’t want to admit it, a part of me wanted to deny it. But what happened earlier proved me wrong. I thought I had already forgotten the feelings I had for him. I thought that over the years, I had managed to replace them.

But it only took one lick for everything to come back to life.

Sinaktan niya ako. Iniwan niya ako sa ere. Kaya nagalit ako sa kanya. Nagtampo ako sa kanya. At akala ko dahil doon makakalimutan ko na ang feelings ko sa kanya. Akala ko dahil sa mga naramdaman ko noon, makakalimutan ko siya. Pero nagkakamali ako.

Zadkiel was my first crush and my first love, and he still is, even now. All those emotions I felt back then were just a cover-up for my wounded heart. I needed those words to mend my broken pieces.

I was in pain because I truly liked him. I was in pain because I was disappointed. I thought I hated him, but in reality, I was just hurt and displeased. All those raw emotions were simply proof that I’m human, someone capable of feeling deeply.

Lumabas ako ng kwarto ni Zadkiel at tinanaw ko lang siya mula rito sa taas. Walang emosyon ang kanyang mukha habang nagsasalita sa harap.

Nanood lang ako habang kaliwa’t kanan siyang binabati ng mga bisita niya. But then I wonder kung nasaan si Elvin. Akala ko makikita ko siya dahil birthday ni Zadkiel. Kaso wala siya.

Bumaba lang ako nang makita ko ang mga tao na abala sa pakikipag-usap sa isa’t isa.

“Leinne?” Palabas ako ng bahay nang may biglang kumalabit sa ’kin.

Si Jurity. Hindi ko ulit napansin si Stacy ngayon.

“Jurity, ikaw pala,” sambit ko at napatingin sa hawak niyang alak.

“Lalabas ka?” tanong niya.

Napatingin ako sa labas na wala masyadong tao.

“Oo,” tugon ko sa kanya.

“Tamang-tama. Lalabas din ako eh.”

Bumuntong-hininga ako at saka naunang maglakad kay Jurity. Rinig ko ang tunog ng kanyang heels sa likod habang naglalakad kami sa sementadong driveway.

Masyadong maraming sasakyan sa harap ng bahay kaya naman naisipan kong sa likod na lang ng bahay. Sa tabi lang din iyon ng dirty kitchen. Minsan doon ako tumatambay.

“Kumain ka na ba?” tanong ni Jurity nang makaupo kami sa kahoy.

“Hmm. Kanina tumulong kasi ako sa pag-aayos.” sagot ko naman sa kanya. Sinabihan ako ni Mama na kumain muna bago tumulong.

Binaba ni Jurity ang inumin niya. Natahimik kaming dalawa. Hindi naman kasi kami close. Anong pag-uusapan namin? Tumingila ako. Wala masyadong bituin sa langit ngayon.

“Matagal ka na rito, right Leinne?”

“Mmm. Dito na yata ako lumaki eh.”

“Taga saan pala talaga kayo?”

“Sa Campo Otso. Malayong probinsya siya mula rito.”

“Oh, sorry, but I’ve never heard of that place pa. Umuuwi ba kayo ng mama mo roon?”

Hindi ko alam kung anong trip nitong Jurity kung bakit niya ako kinakausap ngayon.

“Hindi na. Wala na kasi kaming pamilya ni Mama roon.”

“But my property pa kayo roon?”

“Oo sabi ni Mama.” Maliit na lupa lang daw.

“So dito ka na talaga lumaki kina Zadkiel. Parang kalain lang no’ng napapasyal kami rito tapos ang liit-liit mo pa no’n.” Humagikhik siya. “I just can’t imagine na pati ikaw pinagseselosan noon ni Stacy.”

“H-huh?”

Natawa siya. Ngumuso at tumingala. “Ewan ko rin sa babaeng iyon. Pero pinagseselosan ka talaga niya.”

“E-eh, kaibigan ko lang naman si Zadkiel.”

She stifled a laugh. “Mmm.”

“Pero nasaan na pala si Stacy ngayon, Jurity? Hindi na yata kayo magkakasama?”

“She’s busy with her new boytoy. Mabuti na rin iyon.” Saad niya at napapailing.

Muling namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Jurity. Dinama ko lang ang malamig na hangin na humahampas sa aming dalawa.

“Wala ka pa bang boyfriend, Leinne?” Usisa ni Jurity  mayamaya.

“W-wala pa naman.” Napapakurap ako.

“Pero may manliligaw ka?”

Sa totoo lang may mga gumagambala sa messages ko. Kaso hindi ko sila pinapansin. May mga nagpaparinig pero nawalan ako ng interes simula nang mag-SHS.

“I bet marami.” Dagdag niya naman nang hindi ako sumagot.

“Jurity, may kailangan ka ba sa ’kin?”

Napatingin siya sa akin.

“Why do you ask?” Tumusok sa akin ang kanyang mata.

Lumunok ako. “K-kasi hindi naman tayo close t-tapos biglang…”

Ngumisi si Jurity. “We’re not close, Leinne, but I know a lot about you!” Aniya na parang may iba siyang pinapahiwatig at kumindat pa siya sa ’kin.

“Ano ang ibig mong sabi—”

“Leinne, Jurity!”

Napatayo kami ni Jurity nang biglang may tumawag sa amin. Si Zadkiel at Felix ay papalapit sa amin.

Kinawit naman ni Jurity ang braso sa braso ni Felix nang makalapit ito. Winaksi pa ito ni Felix kaso parang lintang kumapit si Jurity sa kanya.

“Hi, Leinne!” ani Felix.

Ngumiti ako sa kanya.

“Nagutom ako bigla. Tara sa loob, Felix.” si Jurity at ngumisi kay Zadkiel.

“Huh? Ikaw lang ang gutom, Jurity! Kararating lang ng tao rito. Ikaw na lang ang—”

“Samahan mo ako! Natatakot ako!” Putol naman ni Jurity kay Felix at hinila na ito palayo.

Ang ihip ng hangin at ang munting ingay na mula sa loob ng bahay ang naririnig ko maliban sa nagwawala kong damdamin. Dinuyan ko ang paa ko sa ere habang pinapakiramdaman si Zadkiel sa tabi ko na tahimik lang din. Parang kagaya ko, na-tanga na rin siya.

Nagkunwari akong tumitingin sa bituin kahit na nagkabuhol-buhol na rin ang takbo ng utak ko. Hindi talaga mabuti na magkalapit kami ni Zadkiel. Hindi siya nakakabuti sa aking utak at dibdib. Pero dahil lang din naman ito sa nangyari doon sa silid niya! Kung hindi dahil doon, hindi naman ako magkakaganito!

My breath hitched when I felt something warm brushing against my hands. I glanced down and saw Zadkiel’s fingers playing with mine.

I lifted my gaze to him and caught him smiling softly, lips pressed together, as he continued to toy with my hand.

“Zadkiel,” usal ko.

Doon lang naputol ang titig ni Zadkiel sa aking kamay. Malalalim ang hininga na aking pinapakawalan dahil sa mga titig ni Zadkiel na para bang tumatagos na iyong hanggang sa kaluluwa ko.

“Sabi mo mag-uusap tayo.”

I watched him draw in a deep breath before giving a firm nod.

“Okay lang ba sa’yo na dito? Malamig dito sa labas.”

“Okay lang naman… makapal naman itong suot ko.” Nagbaba pa ako saglit ng tingin sa suot kong lavender na suit.

“It suits you. I didn’t get the chance to compliment you earlier, but you really stand out when you wear that color, Leinne.”

I bit the inside of my cheek to keep myself from smiling.

Hindi ako nakapagprotesta nang kunin ni Zadkiel ang isa kong kamay at kinulong niya ito sa dalawang kamay niya.

“I’ve been an ass, haven’t I, Leinne?” Zadkiel said quietly, his eyes fixed on our hands.

My eyes flickered, and I felt a warmth gather at their corners, tears pooling, threatening to fall.

“Mmm!” Of course, I wouldn’t deny it.

“I hurt you, didn’t I?”

It only took one blink for my tears to spill down my cheeks.

“You d-did!”

Humigpit ang kanyang pagkakahawak sa kamay ko.

“I’m so sorry, Leinne. I’m sorry for being an asshole, for being a jerk, and for being a coward,” he lamented. I saw his shoulders trembling as he spoke. Zadkiel lifted his head, and I saw his eyes brimming with unshed tears.

“You’re my friend, Leinne. You’re special to me. You’re one of the most important people in my life, and I don’t want to lose you. I once said I’d rather watch you in another man’s arms than lose you, but I can’t, Leinne. Because I’m just another bastard who wishes to be in your arms.” Zadkiel continued.

“Z-Zadkiel,” nag-crack ang boses ko.

“Leinne, I’d rather lose anyone than you. I can’t give you up—I just can’t! I can’t stand seeing you with another man. I’m so sorry.”

“W-wala na ang boundaries?”

A smile curved his lips. “Damn boundaries… they’re still useless to me.”


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 26

Chapter 26

Leinne’s POV

“Ha… H-happy birthday, Zadkiel,” untag ko. Natuptop ko naman ang labi dahil sa katagang lumabas sa bibig ko.

Zadkiel could only snicker at my lame response. Ano ba dapat ang sasabihin ko? ’Tsaka birthday niya rin naman talaga ngayon.

Ngumuso ako dahil sa totoo lang, dine-justify ko lang iyong sinabi ko sa kanya. But honestly, my mind was in a haywire right now. Nagkabuhol-buhol na ang utak ko dahil sa nag-uumapaw na emosyon. I had a lot of questions running through my head, but I couldn’t voice them out. I was too busy minding my thumping heart. My heart was throbbing inside my chest that I could feel it in my throat and in my ears.

I wonder kung naririnig na ba ni Zadkiel ang tibok ng puso ko dahil ang lakas na ng kabog no’n, na para na akong niyayanig.

“Let’s set aside my birthday for now, my little kitten.”

Napakislot ako nang marinig ko iyon sa kanya. Kailan ko ba narinig ang katagang iyon sa kanya? Siguro dahil sa tagal na no’n ay hindi ko na matandaan. Pero hindi ako pwedeng magkamali, tinawag na niya ako sa ganoong paraan.

“Zadkiel, h-hindi na ako kitten. Lumaki na ako ngayon!”

Natawa siya. “You did?” Amused niyang wika.

“Oo!”

“But you’re still the Leinne I know. You’re still the same Leinne who can melt my frozen heart and my indignant attitude.”

Pinuno ko ng hangin ang aking bibig kaya naman bumilog ang aking pisngi.

“M-masungit ka lang. Namimili ka lang ng taong pinagbubuksan mo ng puso mo,” komento ko naman.

“And I chose you, Leinne. I gave you my heart… my everything.”

Binaba ni Zadkiel ang kamay namin sa kanyang kandungan, hindi niya pinakawalan ang kamay ko.

He looked into my eyes. I couldn’t distinguish the way he gazed at me. Hindi naman dahil medyo madilim itong pwesto namin, may konting ilaw pa rin naman dito mula sa dirty kitchen. At dahil Ber months na, may yellow Christmas lights na rin itong kahoy. So it wasn’t really dark.

“Pero bakit gano’n, Zadkiel? Bakit… kailangang mangyari iyong nangyari sa Baguio?” My voice came out as a whisper.

Kumuyom ang kamay ko. Sumikdo ng matindi ang dibdib ko at kahit anong inhale at exhale ko, hindi ito kumakalma ngayon. Mas lalo lang tumitindi ang sipa ng puso ko dahil sa pananahimik ni Zadkiel.

Was it wrong to ask about it? Years had passed, yet my heart was still not over it. I thought time could actually help me forget those moments, but it only renewed everything, the disappointment, the pain, the expectations my memory kept revisiting.

Tingin ko, kaya ko lang silang ewan kapag tuluyan ko nang naintindihan ang lahat. Tingin ko kaya ko lang bumitiw sa sakit at pagkadismaya ko kung malalaman ko ang totoong rason kung bakit iyon ginawa ni Zadkiel—kung bakit kailangang makialam ni Ate Zarrah.

“Leinne…”

“Akala ko… makakalimutan ko rin iyong nangyari, Zadkiel. Akala ko naka-move on na ako ro’n… pero hindi eh. I just learned how to live with the grudge and my frustrations. I was able to enjoy the years without you… by living with them.” I murmured. I couldn’t even lift my eyes because I was afraid na madadagdagan lang ang mga hinanakit ko sa kanya.

Tingin ko rin, nasaktan ako ng sobra noon dahil sobra-sobra ang expectations ko kay Zadkiel. Because back then, even with his history with women, tinitingala ko pa rin siya. He was like a hero to me. That’s why when it happened, I felt like I fell from the sky to the ground, unguarded and so young.

Hindi ko inaasahan ang pag-agos ng luha ko. I avoided this kind of situation, let alone talking about what happened back then. Pero ngayon, parang gusto ko siyang pakawalan. Siguro dahil siya ang dapat kong pagsabihan nito in the first place.

Naramdaman ko ang pagkabig ni Zadkiel sa akin at nasundan iyon ng pagkulong niya sa aking katawan. Napatingala ako sa puno na may mga Christmas lights, blurry sila sa aking paningin dahil sa mga luhang pumuno sa mga mata ko.

“I’m so sorry, Leinne. I’m so sorry for hurting you. I was so scared back then. I didn’t know what to do. At ang desisyon na napili ko ang nagpasakit sa’yo ng husto. Sorry,” litanya ni Zadkiel habang yakap-yakap ako.

Humihikbi ako sa gitna ng kanyang yakap.

“Sobrang bata mo pa noon. Pinagbawalan ako ni Ate Zarrah na lumapit sa’yo kasi sobrang bata mo pa. Lumayo ako para pakawalan ka, Leinne. I chose to study away from you so you could grow on your own. I wanted you to see the world without me.” Narinig ko ang hikbi ni Zadkiel. Sinubukan ko siyang itulak kaso lang humigpit ang kanyang pagkakayakap sa akin. “Oo, inaamin kong may pagka-possessive ako sa’yo pero hindi ko aakalain na iba na pala siya. Akala ko kaibigan lang ang tingin ko sa’yo, Leinne, kaso nagkamali ako. And Ate noticed it. Kaya sinabi niyang layuan kita. That we couldn’t be together because you were so young. That my feelings for you disgusted her.”

Kapwa kami nag-iiyakan ni Zadkiel. Kumapit ako sa suot niyang suit.

“It’s been so long, Leinne. Ilang taon na ang lumipas. Sinabi ni Ate na mawawala rin itong feelings ko sa’yo. Sabi niya magbabago rin ang nararamdaman natin sa isa’t isa kapag nagkalayo na tayo. Sabi niya ginawa lang daw nating mundo ang isa’t isa kaya nabulag tayo sa ibang tao na nasa paligid natin,” umiiyak niyang saad. “But she’s wrong. My feelings didn’t change throughout the years we’ve been apart. I’ve been to many places and met a lot of people, but I just can’t find someone like you, Leinne. You are the very reason that I became a better person.”

Nang pakawalan ako ni Zadkiel, una niyang tinuyo ang luha ko kaysa sa kanya. Malamyos ang kanyang titig sa akin at sinisikap niyang matuyo ang aking pisngi kahit nanginginig ang kamay niya.

“Zadkiel,” sambit ko, pinigilan ko na ang kamay niya sa pagpunas ng mga luha ko.

He dried his cheeks.

“You don’t have to say anything, Leinne. I just want you to understand why I did those things years ago. I’m sorry that because of it, I hurt you in return, mmm?”

“G-gusto… mo pa rin ako? Hanggang ngayon?”

“The answer to that is much brighter than the stars in the night sky, Leinne. Yes. I still like you, even through those years that we’ve been apart.” Huminga siya ng malalim. “That’s why… when I saw you with that boy…”

“Boy?”

“That boy. Leon.”

Umawang ang labi ko.

“K-kaibigan ko lang si Leon, Zadkiel.”

Napairap siya sa sinabi ko, parang hindi siya naniniwala.

“D-don’t tell me… n-nagseselos ka sa kanya?”

Pagak siyang natawa. “May karapatan ba ako?”

Ngumuso ako, umiling sabay sabing, “Wala.”

“Nagseselos ako, Leinne. Selos na selos na gusto kong butasan ang gulong ng sasakyan niya para lang huwag kayong matuloy sa lakad ninyo. Pero tulad ng sabi mo… wala akong karapatan.”

“A-ang sama mo naman,” komento ko.

“Baby, mas madali pang pigilan ang gutom at uhaw kaysa sa selos.”

Pinapak ko lang ang labi ko. My cheeks burned upon hearing his pet name… for me? No’ng una, little kitten; ngayon naman, baby. Parang iyon din ang tawag niya sa mga girlfriends niya noon.

Zadkiel lifted my chin. “Leinne, pwede ba akong magselos? Bibigyan mo ba ako ng karapatang magselos sa mga lalaking umaaligid sa’yo?”

Gumagalaw ang kanyang panga habang sinasabi iyon.

Nangunot naman ang noo ko sa kanyang sinaysay.

“Z-Zadkiel, sabi mo nga mahirap pigilan ang selos. Pero, anong karapatan ang gusto mo?”

“Make me your man.”

Nailayo ko ang aking mukha sa kanya. Matatalim ang kanyang titig sa akin kaya iniiwasan ko iyon.

Malalalim ang hininga ko dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

“Z-Zadkiel, ang b-bilis mo naman. Ganyan ka ba sa mga babae mo noon?”

“No!” Halos sapawan niya ako. “They confessed to me and asked me to be their boyfriend. That’s it!”

“U-umaamin din sila… tulad ng ginawa ko noon?”

Napabuga siya ng marahas na hininga. “Baby, let’s not talk about them.”

“Eh, Zadkiel… ayoko pa magboyfriend. M-may gusto ngang manligaw sa ’kin kaso hindi na ako nagpapaligaw.”

“But you still like me!”

Tuluyan na akong nag-iwas ng tingin sa kanya. “A-ano naman ngayon?”

“Then, what do you want?”

Unti-unti kong binalik ang tingin ko sa kanya. His eyes were hopeful.

“P-pwedeng kitang… fuck buddy?”

“Darryl Leinne!”

Tingin ko biglang kumulog dahil sa lakas ng boses ni Zadkiel.

“Saan mo natutunan ’yan?” Frustrated siyang napahilamos sa kanyang mukha. “Dammit! Ganyan ba ang sinasabi mo sa mga manliligaw mo?”

“H-huh? Hindi ah! Sinasabi ko lang sa kanila na hindi ako nagpapaligaw kasi study first na ako. I-ikaw lang nga ang in-offeran ko ng ganyan!”

Problemadong naipikit ni Zadkiel ang mga mata.

Nagmulat siya at kinuha ang kamay ko. “I can’t accept that proposal, Leinne. Shit! Fuck buddy? You’re just seventeen, for God’s sake! Think of something else, baby.”

Totoong may feelings ako kay Zadkiel pero ayaw ko pa siyang maging boyfriend. What if… kagaya no’ng mga naging girlfriend niya ay hiwalayan niya ako? Yes, hindi raw nagbago ang feelings niya even after how many years had passed, pero hindi ako nakakasiguro doon.

Saka… ang bilis naman kung gagawin ko kaagad siyang boyfriend. Kakabalik niya pa lang rito sa mansyon tapos gusto kaagad niyang mag-boyfriend kami!

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi noon ni Iyah. ‘Fling,’ sabi niya sa ’kin. May mga ka-fling daw siya!

Matapang kong sinalubong ang mga titig ni Zadkiel sa akin. Halata sa kanyang hitsura ang pagkasabik na marinig ang aking sasabihin.

“Gusto mo… ng ibang option aside sa fuck—”

“Because, baby, you’re just seventeen to think of something like that!” Walang habas niya akong pinutol.

Santo-santohan na ba ngayon si Zadkiel? I bet marami na rin ang nag-offer sa kanya ng gano’n—fling!

“Sige, kung ayaw mo ro’n… edi…” abang na abang siya! “Fling na lang!”

Napakurap-kurap siya.

“Fling?”

“Ayaw mo rin no’n? Kung gano’n best friend—”

“Fling na nga,” agap niya sa akin bago ko pa matapos ang nais sabihin. “I’m okay with fling, but to make it clear, you can’t have another fling aside from me!”

My lips protruded.

“Dapat… ikaw din… walang ibang fling o kung ano pa man!”

“I already retired from being one long time ago, Leinne.”

Binati ko ulit si Zadkiel ng happy birthday. Sinabi ko rin sa kanya na wala akong pang-gift dahil biglaan ang kanyang birthday celebration. Akala ko kasi… hindi na siya uuwi pa rito para mag-celebrate. Isa pa, konti lang ang ipon ko. May balak pa kami nina Iyah, Vivian, at Leon na mag-Christmas party, at syempre may exchange gifts. Dapat malaki-laki ang ipon ko.

Hinagkan ni Zadkiel ang noo ko bago bumulong, “You’re the best birthday gift I’ve ever received, Leinne!”

I think there’s nothing wrong with being flings with him! Both of us have feelings for each other, but then, I don’t want a relationship with him yet. Gusto ko pang tingnan kung hanggang saan ang kaya niyang gawin. Baka kasi bigla na naman niyang maisipang umalis, lalo na kapag nalaman ni Ate Zarrah.

“Ano!?” pasigaw na untag ni Vivian kaya mabilis kong tinakip sa kanyang bibig ang aking palad.

“’Wag ka ngang sumigaw!” suway ko sa kanya, napatingin ako sa paligid. Nandito kami sa garden, to be exact, nasa ilalim kami ng puno at kinuwento ko sa kanya ang naging confession ni Zadkiel!

“Ginawa mong fling si Zadkiel Dela Cuerta?” pabulong ngunit may diin niyang tanong sa ’kin.

“O-oo, pwede naman siguro iyon! Ayaw ko pa kasi siya gawing boyfriend!” paliwanag ko sa kanya.

“Boba ka, badet! Pwede mo namang sabihin na manligaw muna siya! Taray ng atake mo ha!”

“E-eh, alam niya na may feelings din ako!”

Ginulo ni Vivian ang buhaghag niyang buhok!

“Kaya flings ganon?”

“Oo, flings kami. Fling niya ako at fling ko rin siya!”

Malakas ang naging tawa ni Vivian, animo’y nababaliw na siya kasi ako nakasimangot sa kanya pero siya tuwang-tuwa!

“M-may monthsary kaya k-kahit flings lang?” Dahan-dahan kong tanong kay Vivian kaso lang humagalpak siya lalo ng tawa! Ngayon may hawak na siya sa kanyang tiyan!

“Badet, ewan ko talaga sa’yo! Malamang wala! Gaga ka, ha!”

Ay, wala palang monthsary ang mag-flings? Nilagay ko pa naman iyon sa notebook ko—birthday ni Zadkiel, November 10, at iyon din ang time na naging fling ko siya!

Nadismaya ako na wala palang monthsary ang mga mag-flings!


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 27

Chapter 27

Leinne’s POV

I stared at Leon, my eyes flicking as I couldn’t bring myself to close my mouth after hearing his confession. Nakatitig lang din siya sa akin at parang inaabangan ang magiging reaksyon ko o ang sasabihin.

We’re both inside the gym. Walang ilaw at ang liwanag lang na nanggagaling sa mga matataas na bintana ang pumapasok sa loob. The afternoon glow of the yellowish sun somewhat bathed us.

Dismissal na namin, which means uwian na. Kaso biglang nag-text sa ’kin si Iyah kanina. Sabi niya puntahan ko raw siya rito sa gym kasi nanonood siya ng practice game nina Leon. Ngunit pagdating ko rito, ang madilim at tahimik na gym ang bumungad sa ’kin.

I was ready to flood Iyah’s inbox with my annoyance, but then Leon suddenly came running toward me, beads of sweat trickling down his forehead.

“Leon? Tapos na ba ang practice game ninyo?” I pouted. “Tinext ako ni Iyah na pumunta rito dahil may practice raw kayo. Tapos ito ang maabutan ko, walang tao rito!”

I rubbed my arms as my hair rose. I’m not really a believer in ghosts or anything, pero nakakatakot kaya kapag mag-isa ka sa madilim na lugar, at ang laki pa nitong gym!

“Ah, wala kaming practice ngayon. Na-postpone ang practice namin,” Leon answered, wiping his forehead as if there was a shallow well there that never ran out of water.

Panay ang punas niya pero ilang sandali pa, namumuo na naman ang malalaking pawis. Sobrang-sobra ang pagpapawis niya.

“Leon, tara na. Labas na tayo. O may pinuntahan ka ba rito?” I asked. Para rin kasi siyang nagmamadali kanina nang dumating siya.

My face scrunched when I noticed how restless Leon was. He couldn’t keep his eyes steady, and they seemed to tremble. His gulps were also deep, making me wonder what was going on with my friend.

Wait! Don’t tell me bukas ang third eye ni Leon? Tapos may nakikita siya rito sa gym na hindi ko nakikita? Kaya ba siya parang nabato sa kinatatayuan niya?

Naku naman! Tapos na ang katatakutan season. ’Wag namang magkaroon ng late Halloween dito! Magdi-December na. Paawat naman ang mga multo.

I walked closer to check if he was still okay. Baka kailangan ko na siyang dalhin sa clinic dahil mukha na siyang nakakita ng multo dito sa gym.

I was about to get even closer when he raised a hand, stopping me.

Kumulubot ang noo ko.

“Leon, m-may multo ka bang nakita?” My voice involuntarily shook as nervousness and fear crawled up my body. “Para ka kasing nakakita d’yan ng multo. Pinagpapawisan ka, nanginginig, at halos mamutla na.”

I saw him swallow hard before taking a deep breath. His hands at his sides slowly curled into fists, the veins along them protruding.

“W-walang multo, Leinne.”

A deep sigh escaped my mouth and nose when he said that. At least walang multo. Hapon na at mabilis nang dumilim ngayon.

“Mabuti naman. Tara na, Leon—”

“Leinne, may sasabihin sana a-ako sa’yo.” He cut me off.

“Oh, talaga? Ano iyon?” I held the sling of my backpack.

Baka nasa labas na si Zadkiel ngayon. ’Yong bugnutin na iyon ang naghatid sa ’kin kaninang umaga at sabi niya susunduin niya rin ako ngayon bago siya bumyahe pabalik sa syudad kung saan siya nag-aaral.

“Leinne, sana hindi magbago ang pagtingin mo sa ’kin sa aaminin ko sa’yo ngayon.”

My brows, which had relaxed earlier, creased again at his words. I gave Leon a confused look.

“Leon,” I said.

My heart began pounding inside my ribcage because Leon looked so serious.

“No matter what… sana manatili ang relasyon natin, Leinne.”

I let out a breath. “Leon, kahit ano pa ’yan, kaibigan kita. Walang magbabago sa relasyon nating dalawa.” I assured him. Honestly, he looked like he was about to explode from nerves.

Leon took a deep breath before saying, “Leinne, I like you! I like you so much!”

My brain couldn’t process it immediately, so he repeated it as if my mind malfunctioned.

“Leinne, I like you so much,” he said like an oath right next to me.

His words slowly sank in, and my lips parted. I couldn’t even blink at him.

“Leinne,” Leon said hoarsely.

Only then did I blink. It felt like my brain had shut down for a moment and if he hadn’t spoken, baka nakatanga lang ako rito sa harap niya.

“L-Leon,” I breathed out.

“Sa t-totoo n’yan, Leinne… matagal na akong may crush sa’yo. Naduduwag lang ako sa tuwing may pagkakataon na gusto kong magtapat sa’yo.”

I swallowed. I wasn’t expecting this moment. I never thought… Leon liked me?

Totoo ba? Or maybe it was because of Iyah and Vivian’s teasing?

“A-at sa katunayan n’yan, Leinne… nagpatulong ako kay Iyah. Wala talaga kaming practice. Nagpatulong lang ako sa kanya na papuntahin ka rito para… p-para makapagtapat ako.”

“Leon… Leon kasi…”

Nasasaktan ako para sa kaibigan ko. Through the years, I learned to value people like Leon and Iyah, who became my close friends aside from Vivian.

I love them, but only the love a friend has for another. Yes, sometimes I admired Leon, but that was just admiration. Appreciation. Not romantic love.

“Leon, m-may gusto a-akong iba. Sorry. Sorry, Leon. Sorry talaga.” I played with my fingernails and bowed my head.

I didn’t want to see him hurting. I know how painful unreturned feelings are. But I didn’t want to lie to him just to spare him.

“I know,” he said with a laugh that didn’t reach his eyes. I lifted my head, but the sadness behind his smile was obvious.

“Leon.” Did Vivian tell him I have a fling? “A-alam mo na?” I asked quietly.

He gently nodded. He shifted his weight to his other foot and inhaled deeply.

“Matagal ko na ’yang napapansin.”

“H-ha?”

“Matagal ko nang napapansin na iba talaga ang samahan ninyo ni Zadkiel. Nakikita ko ang sarili ko sa’yo, the way you look at him, because that’s how I am when I’m staring at you.”

My lips parted at Leon. Why didn’t I ever notice? Was I really that dense? Or… was my heart already too occupied with Zadkiel?

“Leon, sorry,” I murmured.

He stepped closer to me. He pulled me into a hug. Marahas akong napabuga ng hangin sa ilong.

“No, Leinne. Don’t be sorry just because you cannot reciprocate my feelings. I’d rather choose this than you lying to me.”

“Leon, kaibigan kita. Ayoko lang mawalan ng kaibigan dahil dito.”

Because I almost lost my best friend once because of feelings. It took years for me and Zadkiel to finally be honest with each other.

“Hindi naman ako mawawala, Leinne. Yes, I need time to move on, but that doesn’t mean you’ll lose me along the way. I’ll always be here.”

Why is life so complicated? Just when you’re trying to survive, more things keep coming your way. I’m just in senior high school, and every day feels like another brick added to my shoulders. Everything becomes heavier. The responsibilities. The accountability for your words and actions, they grow more demanding.

I released a deep, heavy sigh and looked out the window of Zadkiel’s car. Kahit may biyahe pa siya mamaya dahil may klase pa bukas, sinundo niya pa rin ako.

My brows furrowed when the car suddenly stopped at the side of the road. We weren’t even close to the mansion yet.

I looked at Zadkiel as he turned off the engine.

“Zadkiel, bakit tayo tumigil?” I asked.

“Because you’re spacing out, Leinne. Ever since you climbed into the car, ang layo ng mga tingin mo. Do we have a problem?”

“W-wala naman, Zadkiel. May nalaman lang kasi ako ngayon.”

His perfectly shaped brows knitted. “What? Anong nalaman mo?”

His large hand reached for mine, his thumb rubbing soothingly across my skin.

I gathered my courage before telling him what happened earlier in the gym, why I took so long to come out. Muntik na rin kasi siyang pumasok sa loob ng ANU.

“Umamin rin siya sa’yo. So… ano ang sinabi mo right after he said that he likes you?” May bitterness ang boses niya.

“Ano pa ba?” Tumaas ang kilay ko.

Zadkiel’s jaw tightened. He brought my hand to his lips and kissed it.

“You tell me, baby,“ he slurred.

I gulped. “S-siyempre… sinabi kong m-may gusto na akong iba. Tapos sabi niya… alam na naman daw niya.”

“But he still chose to confess?”

“Baka gusto niyang maka-move on kaya umamin na siya.”

People have different ways of moving on. Maybe for Leon, admitting it was the only way to move forward without regrets.

“So that’s why you’re spacing out because of it?”

I shook my head. “Pinag-aalala ko ang friendship namin.”

“Just give him time, Leinne. The boy needs it.”

“Do you want to eat ice cream and mallows?”

My mood instantly lifted. I missed eating my comfort food with him.

Zadkiel made a U-turn and drove to the convenience store.

He guided me inside, his huge hand on my back. A shiver ran down my spine. It was such a small gesture, yet it sent tremors through me.

As we passed by the marshmallows, I grabbed a bag.

“What flavor do you want?” Zadkiel asked as I hugged the bag to my chest.

“Rocky road,” I replied.

After getting the ice cream, Zadkiel and I headed to the cashier. The line was long and filled with students.

Zadkiel volunteered to fall in line, and I saw how girls stretched their necks just to look at him. Zadkiel kept his eyes straight ahead while the girls whispered excitedly.

“Bata, kuya mo?”

I jumped when someone nudged my waist. A girl in a college uniform looked at me. Alam kong college kasi malapit ang ang schoolniya sa Axis.

“H-ha?” I said.

She pointed her lips at Zadkiel. “I said, is that tall, fair, muscular guy your kuya?”

I couldn’t answer right away. “A-ah, hindi…”

“Leinne, come here!” Zadkiel interrupted.

I turned to him. He beckoned me over. I gave the girl a small smile before walking to him.

And unexpectedly, he wrapped an arm around my waist. In his other hand was the cart with ice cream, mallows, and his Minute Maid.

I heard the sharp gasps around us.

“Zadkiel,” I muttered when his fingers brushed my side. Goosebumps crawled over me.

“Shh. Let them know that I am yours.”

I bit the inside of my cheek upang pigilan ang sarili ko na huwag manginsay dito sa kilig!

Normal lang ba itong kilig ko kahit fling ko lang si Zadkiel? Itong ginagawa namin, gawain din kaya ito ng mga mag-flings?

Ganito ba talaga ang mga flings? Normal ba ’to? Dapat sinabi ko kay Iyah para may alam ako. Kay Vivian ko pa lang kasi sinabi na fling ko si Zadkiel.

“Ahh,” I said to Zadkiel, bringing a mallow dipped in ice cream to his lips.

I was halfway through the bag when I decided to feed him too. We ate the ice cream and mallows inside the car.

Zadkiel looked at my hand.

“A-ayaw mo ba…” Kinakabahan kong untag nang titigan niya lang ito.

I was about to pull my hand away when he gripped my wrist. The melted ice cream dripped onto my fingers.

“Uh!” I gasped as Zadkiel took the mallow into his mouth. Then he licked my two fingers clean, his eyes on me the whole time.

My ears and cheeks burned.

“Can I have more?” he said in a low, throaty voice.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 28

Chapter 28

Leinne’s POV

“Leinne, sorry pala about yesterday, ha,” ani Iyah sa ’kin kinabukasan sa school.

Tumigil ako sa pagsusulat sa notebook ko at tiningnan si Iyah. Lunch break namin ngayon at tapos na kaming maglunch, kaso lang may kailangan kasi akong kopyahin kaya naman ginamit ko ang konting break para makapagsulat.

Maliban kay Zadkiel, wala na akong sinabihan pa tungkol sa confession ni Leon sa ’kin. Kahit kay Vivian, hindi ko ito tsinika sa kanya.

“Wala iyon, Iyah.” Ngumiti ako sa kanya upang iparating dito na ayos lang.

“Bakit? Ano’ng nangyari kahapon?” Na-iintriga namang singit ni Vivian na kumakain na naman ngayon ng apple.

“Wala ka na roon, Vivs!” Suway ni Iyah sa kanya.

Inabot naman ni Vivian ang ponytail ni Iyah saka ito hinila kaya napa-aray si Iyah.

“Bwesit ka talaga, Vivs! Gusto mo bang humiwalay itong hair ko sa anit ko? Gaga ’to!”

Kumakagat si Vivian sa apple. “Ano ba kasi ang nangyari kahapon at nagsosorry ka rito kay Badet?”

Umirap si Iyah. Inayos niya ang pagkaka-ponytail sa kanyang buhok. Tumabingi kasi iyon dahil sa paghila ni Vivian.

“Wala na roon. Sa amin na lang iyon!”

“Ah, gano’n?” ani Vivian. Tinaasan niya kami ni Iyah sa kanyang kilay. “Sige, FO na lang!”

“So OA mo naman!” si Iyah.

“Badet,” ngumuso si Vivian sa akin.

Hayst! Wala akong balak ipagkalat iyong nangyari kahapon. Ngayon nga hindi kami binalingan ni Leon, kasama nito ang mga kaibigan niya, as usual, pero dati naman sinasadya kami nito sa table namin. Minsan nga dito sa amin sumasabay. Kaso ngayon hindi na nito ginagawa.

I know na alam ni Leon na nandito kami sa canteen dahil sa bunganga nina Iyah at Vivian. Kaso lang hindi niya kami pinansin. At alam kong dahil iyon kahapon!

Tamad kong tiningnan si Vivian. Sinara ko muna ang notebook ko at saka pinatong ang dalawa kong siko sa table at nagsimulang isaysay sa kanya ang mga pangyayari kahapon.

Umawang lang ang bibig niya sa mga sinabi ko. Ang mga mata niya ay halos lumuwa na rin sa socket nito. Pagkatapos kong isaysay sa kanya ang mga nangyari bumaling siya kay Iyah.

Napasinghap naman ako nang batukan ni Vivian si Iyah.

“Vivs!” Angil ni Vivian, namimilipit ang babae mula sa pambabatok ni Vivian sa kanya.

“Vivian!”  sigaw ko rin sa gulat.

“Gaga ka rin, Iyah.”

“What?” Inis na untag ni Iyah kay Vivian, hinihimas niya pa rin ang batok kung saaan tumama ang kamay ni Vivian. Gusot na ang mukha niya kay Vivian.

Ang brutal naman talaga ni Vivian!

“Gaga, may ibang tipo itong baklitang ito.” Turo ni Vivian sa ’kin.

“Ano?”

Ngumisi si Vivian. “Kaya mga hindi ko na sila tinutukso, ’di ba? Kahit alam ko iyong feelings ni Leon dito kay Badet. Hindi ko iyon ini-encourage kasi alam ko itong si Badet eh.”

So all this time, may alam na pala si Vivian at Iyah sa feelings ni Leon sa ’kin. Ako lang pala itong manhid at hindi nakaramdam sa true feelings niya para sa ’kin!

“Sorry! Hindi ko kasi alam!” Pagdadabog ni Iyah, kinurot niya ang braso ni Vivian.

Akmang gaganti na naman sana si Vivian sa kanya kaso binangasan na ito ni Iyah.

“Sige, gaganti ka? Gusto mo bang tusukin kita nitong ballpen ko? Ikaw nga itong naunang nambatok sa ’kin!” Asik ni Iyah kay Vivian. “Tatamaan ka talaga nitong ballpen ko!”

Sa tagal na naming magkaibigan. Natuto na lang talagang gumanti itong si Iyah kay Vivian.

Tumingin sa akin si Iyah. “Sorry ulit, Leinne. Matagal ka na kasing gusto ni Leon eh. Kaya no’ng humingi siya ng tulong sa akin tinulungan ko siya. Hindi ko naman alam na… may iba ka palang gusto.”

“Hindi lang gusto! Ginawa niyang fling!” mariing bulong ni Vivian kay Iyah na kinalaglag ng panga nito.

Dahil doon nalaman tuloy ni Iyah na fling ko si Zadkiel.

Ang mga ’to talaga!


Nagcommute ako pauwi at nagselfie ako havang tumatakbo ang tricycle para i-send ko iyon kay Zadkiel. Nagsi-send kasi siya sa ’kin sa mga ginagawa niya roon sa ibang syudad. Minsan nagsi-send siya ng larawan habang magda-drive, nasa gym, at minsan iyong bagong ligo siya at nasa bathroom. Kaya gusto ko lang din gumanti.

Kahit na ngumingiwi na sa ’kin ang katabi ko sa tricycle, nagawa ko pa ring i-chat iyon kay Zadkiel.

Ako: pauwi na ako sa mansyon.

Send ko tapos kasunod no’n ang selfie ko. Lumukso naman ang puso ko nang makita kong mabilis itong nagseen sa chat ko.

Zadkiel: I told you na magpahatid-sundo ka na lang kay Kuya Celo.

Ako: hindi na kailangan, zadkiel. nakakahiya na kapag nagpapahatid pa ako kay kuya celo.

Zadkiel: But I just want you to be comfortable.

Ako: komportable naman ako sa tricycle at mahangin pa eh.😉🌬🍃

Zadkiel: Mausok naman.

Ako: panira ka talaga!🤨

Zadkiel: It’s true! Anyway, you look so cute and pretty, baby. I wish I were there to kiss those pink cheeks.

Naitaob ko ang cellphone ko ay tumingin sa katabi ko sa tricycle. Mabuti at nakatingin na siya sa unahan, hindi niya nakikita ang pamumula ko rito!

Kinalma ko muna ang sarili ko dahil parang nagha-hyperventilate ako sa kilig.

Ako: bawi ka na lang.

Zadkiel: You’re tempting me, baby. You’re miles away, but I don’t mind driving for miles just to kiss you.

Ako: pero sa pisngi lang…

Zadkiel: Kahit sa kamay pa ’yan.

Kyaah! Gusto ko tuloy gumulong sa kilig. Kaso pinipigilan ko ang sarili ko na huwag manginsay sa kilig. Hanggang sa pagkarating ko sa bahay dala-dala ko ang kilig.

Kung hindi ko lang nakita si Ma’am Ulysses sa front yard na tinitingnan ang mga pananim na bulaklak, ay hindi na mabura ang ngiti ko.

“Wow! You look so happy, Leinne. How’s school?” ani Ma’am Ulysses.

I bit my lip to stop myself from smiling like an idiot.

“A-ayos lang po, Ma’am, maraming activities pero keri pa naman po. Good afternoon po pala.”

“Hmm. That’s good. Dapat ini-enjoy mo rin ang pag-aaral mo. Anyway, pumasok ka na sa loob.”

“Sige po, Ma’am.”

Yumuko ako ng konti kay Ma’am Ulysses at pumasok sa mansyon. After no’ng birthday celebration ni Zadkiel sa bahay, umalis din sila Ma’am Ulysses kinakukasan no’n. Pero ilang araw lang din ay umuwi sila ni Sir Zeus sa mansyon at mula noon, panay na ang uwi nila sa bahay. Ngayon mukhang maaga sila Ma’am nakauwi kasi kadalasan ay ginagabi sila at maagang umaalis para sa trabaho kinaumagahan.

“Zadkiel?” Taka kong untag nang buksan ko ang pinto at tumambad siya sa ’kin. Kahit na may gulat sa akin, umusbong din ang tuwa sa puso ko. “Anong ginagawa mo rito?”

Pilit kong iniisip kung anong araw ngayon ngunit Huwebes pa naman! Bakit ang aga niyang umuwi?

Sa nagdaang linggo kasi ay sabado na nang umuwi siya. Dito nga niya ginawa ang thesis niya kasi nagmamadali siyang umuwi. Pinasa niya na lang sa kanyang ka-grupo ang parte niya.

Kapag bumabalik si Zadkiel, sa La Salle kasi siya nag-aaral. Malayo siya rito kaya naman condo ang tinutuluyan niya roon. Kapag ganon, text-text lang kaming dalawa o kung hindi naman ay video calls at tawag.

“We didn’t see each other for four days, baby. Iyan ba ang bungad mo sa ’kin?” he teased me.

Sa totoo lang gusto kong tumalon ngayon sa kanya at yakapin kasi namiss ko siya kaso lang nahihiya ako. Sumilip siya sa loob ng kwarto namin ni Mama.

It’s already seven in the evening pero lumabas si Mama kasi naubos na ang kanyang Efficascent oil, bibili lang daw siya saglit.

“Nand’yan ba si Tita?” tanong niya.

“W-wala. May binili si Mama.”

“Can I get inside?”

“Zadkiel, gabi na.”

“I need my kiss. I mean, the kisses on your cheeks. I want to get them right now.”

Nalaglag ang panga ko sa sahig. Hindi niya nakalimutan iyong chat namin? Huwag niya namang sabihin na iyan ang inuwi niya ng maaga dito sa mansyon?

“E-eh…”

“I won’t do anything aside from kissing your cheeks. Just on your cheeks, baby.”

Ngumuso lang ako sa kanya.

“But aside from the kiss, I really miss you, Leinne.”

Kinagat ko ang ibabang labi. “I… miss you too, Zadkiel.”

Nilakhan ko ang siwang ng pinto para papasukin siya. Ngumisi siya sa ’kin at pumasok naman.

“’Wag mo isara ang pinto,” sabi niya nang isasara ko na sana ito.

“Bakit?”

“For my sanity at para makaiwas sa tukso.”

Napatango ako. Tiningnan ko ang bukas na pinto bago sumugod sa kanya. Nilibot niya ang tingin sa buong kwarto namin ni Mama.

“Seems like nothing has changed here,” aniya.

Umupo ako sa silya na nasa harap ng aking study table. Si Zadkiel naman ay umupo sa paanan ng aking kama.

Maliit lang itong kwarto namin ni Mama pero may dalawang single bed. May kabinet para sa mga damit namin ni Mama, study table ko at may iilang boxes.

“Wala naman talaga.”

“No,” aniya at pumako ang kanyang tingin sa akin. Malamyos ang kanyang titig sa akin. “May nagbago rito, Leinne. Hindi ko na nakikita ang mga bigay ko sa’yo noon.”

My eyes flickered.

“Hindi ko ito nasabi sa’yo pero simula nang bumalik ako napansin kong… hindi mo na sout ang bracelet na bigay ko sa’yo. Wala na iyong cellphone na bigay ko sa’yo.” Tumingin ako sa table kung saan ang cellphone ko, iyong binili ni Mama noon. Gusto ko tuloy’ng takpan ang buong study table ko nang tumuon ang mga mata niya roon kaso hindi ako makagalaw sa aking kinauupuan. “The flowers I gave you. Those pens, pouch…. everything.”

Pinaglaruan ko ang aking mga daliri sa ibabaw ng hita ko. Ito ang nakagawian kong gawin kapag kinakabahan ako o kundi naman kapag hindi mapalagay.

“But I understand why you did that, baby.” Biglang lumambot ang boses ni Zadkiel. Sa walang sabi ay inabot niya ang binti ko sabay hila nito. Dahil may gulong naman iyong silya, dumeretso ako sa pagitan no’ng nakabukang hita ni Zadkiel.

I gasped as my knees bumped his thighs.

“You resent me back then. I understand that you wanted to erase me from your life.”

“Z-Zadkiel.”

Kinuha niya ang kamay ko. Pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa.

“I’m sorry again, ha?”

Umiling ako. Kinuha ko ang isa kong kamay mula sa pagkakahawak niya at hinaplos ko ang kanyang pisngi.

“Naiintindihan ko na siya, Zadkiel. Alam ko na ang rason mo.”

I felt my breath catch in my throat as our eyes locked to each other. An unfathomable sensation broke between our gazes. It sparkled, and everything around us disappeared; all I could see was Zadkiel’s soft gaze on me.

Zadkiel rolled his tongue over his lips when his eyes dropped on my gasping lips. There was part in my head that I wanted to pull my eyes away from Zadkiel’s intoxicating stares, but I found myself dazed in his pale hazel eyes.

“Leinne!”

Pareho kami ni Zadkiel na napatalon sa aming kinauupuan nang marinig namin ang boses ni Mama sa labas. Kaagad akong tumayo na parang napapaso at si Zadkiel naman ay mararahas ang pinapakawalang hininga.

“Anak?”

Nilingon ko si Mama. “Ma.”

“Uh, sir Zadkiel… nakauwi po pala kayo.”

Bumali ang leeg ko kay Zadkiel. Tumayo siya at pinahid ang palad sa suot na jeans.

Zadkiel offer a smile at my mother. “Ahm, yes, tita. Gusto ko lang pong imbitahan si Leinne.”

My forehead twisted in confusion. Nais kong kilabitan si Zadkiel dahil hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya kay Mama.

“Hinihintay po talaga kita, tita, para sana magpaalam na gusto ko pong ipasyal si Leinne doon sa pinapasukan kong university.”

Tuluyang pumasok si Mama sa aming silid. Nilapag niya ang biniling Efficascent oil.

“Bakit naman, sir? Ang layo no’n,” ani Mama.

“Ahm, grade 12 na po by next year si Leinne. Baka lang po magustuhan niya rin doon sa pinapasukan kong university.”

Natawa si Mama. “Naku, sir, hindi namin afford ang mga mamahaling unibersidad.”

Hindi ako makapagsalita dahil sa biglaang pagbukas ni Zadkiel sa ganoong usapin kay Mama. Biglang umabot na sa university.

“Leinne?”

“Ma?” Medyo tumaas ang boses ko dahil nawala ako saglit sa sarili.

“Sabi ko gusto mo bang sumama kay sir Zadkiel. Ano ba ang iniisip mo?” Kinapa ni Mama ang leeg ko. “Wala ka namang lagnat. Bakit natutula ka d’yan?”

“A-ah, wala lang, Ma. At saka,” saglit akong sumulyap kay Zadkiel. “K-kapag papayagan n’yo po ako. Edi, sasama po ako.”

“Oh, s’ya sige kung ganon.”

“Kailan pala ang alis ninyo, sir?” Baling ni Mama kay Zadkiel.

“Bukas na, Tita. Wala namang pasok bukas si Leinne since holiday. Sa linggo ko po siya iuuwi rito.”

Napakalmot si Mama sa kilay niya.

“Saan naman tutuloy itong anak ko?”

“Sa condo ko na, tita. Malaki naman po ang condo ko roon.”

It was settled that I would be going with Zadkiel tomorrow. I don’t know how it turned out that way, but I’ll be going to his condo!

Lumabas si Zadkiel at nag-insist ako ng ihatid siya. Kahit ayaw ni Zadkiel nagpupumilit ako.

“T-totoo ba iyong sinabi mo kay Mama?” mahina kong tanong kay Zadkiel nang makalabas kami sa kwarto. Sinadya kong isara ang pinto para makausap ko si Zadkiel.

“Yeah, sasama ka sa ’kin bukas.”

“Talaga?”

Kinurot ni Zadkiel ang ilong ko. “Silly, my little kitten. Of course!”

“Edi, maghahanda ako ng damit ko?”

“Mmm! Sige na. Matulog ka na ng maaga. Maaga tayong babyahe bukas at kung may mga assignments ka dalhin mo na rin para doon mo gawin.”

Hinintay kong umalis si Zadkiel kaso hindi siya gumalaw.

“Pumasok ka na. Aalis ako kapag nakapasok ka na,” sabi niya.

Pumikit ako. Humawak ako sa matigas na t’yan ni Zadkiel bago tumingkayad at humalik sa kanyang pisngi.

“Goodnight!” Mabilis kong sambit at tumalikod. Tumatalbog ng malakas ang puso sa loob ng dibdib ko. Muntik pa akong mabunggo sa pinto sa pagkataranta ko!


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 29

Chapter 29

Leinne’s POV

“D-dito ka nakatira?” Manghang sambit ko habang nakatingala sa matayog na building. Halos sumakit ang leeg ko kakatingala sa tuktok nito na ’di naman naaabot ng mga mata ko.

Back then, akala ko talaga ang liit lang ng Manila. Akala ko iisang lugar lang iyang Makati, Pasay, Taguig, at iba pang lugar. Akala ko mga barangay-barangay lang sila sa Manila pero hindi, iba-ibang syudad pala sila. Ang laki pala ng Manila!

Akala ko no’ng sinabi ni Mama na Maynila ay doon na talaga kami, hindi pala. Umabot pa kaming Pangasinan– kung saan kami nakapasok ni Mama bilang kasambahay sa mansyon ng mga Dela Cuerta.

Though it wasn’t the first time I had seen those tall buildings, nakakapanibago pa rin dito. Nilibot ko ang aking mata sa buong paligid. May mga kanya-kanyang business ang mga tao. At dahil ber months na rin kaya ang gaan ng aura ng mga tao sa paligid.

“Nasa 15th floor lang ang condo ko,” sagot ni Zadkiel sa ’kin bago ako giniya papasok sa elevator. Lumapat ang kanyang palad sa likod ko.

“Ikaw lang ba… mag-isa?” tanong ko, tiningala siya. Nakasabit sa kanyang isang balikat ang sling ng bag ko. The white light from the elevator ceiling washes over him like a spotlight. A crisp white polo rests against his frame, the fabric falling effortlessly across his shoulders. His cream trousers drape straight down his long legs, one hand tucked into his pocket.

I curled my lips. Parang sagabal iyong bag ko sa kanya. Sinabi ko na naman sa kanya na ako na ang magdadala sa bag ko since hindi naman siya gano’n ka-bigat. Kaso matigas din kasi ang ulo nitong lalaki. Nakikipagtalo pa.

Zadkiel turned to me, his forehead slowly creasing. “Of course. I’m all alone, Leinne.”

“T-talaga?”

He groaned. “Yes! All the years I’ve been living here, I’ve never invited anyone inside my condo, well, except for Ate and my parents.”

“O-okay!”

I tore my eyes away from him, taking a deep breath before fixing my gaze ahead. Our reflection in front of us clearly showed our height difference. Zadkiel was so tall, and I barely reached his shoulders. He had a toned, muscular body, while I was lean and petite.

Well, maybe it’s because I’m only seventeen and my muscles haven’t developed yet. But as far as I remember, Zadkiel already had a defined body back then. Ngayon mas nadepina talaga ang kanyang katawan at lumaki ang mga muscles.

It was just the two of us inside the elevator. And with Zadkiel’s eyes piercing through me in the mirror, my body suddenly tensed. Something within me tingled as his gaze lingered on me, weakening my knees. It felt as if his stare was seeing straight through me.

“Leinne,” he uttered under his breath.

“Oh?” Saglit ko siyang sinulyapan.

Bumagsak ang mga mata niya sa ’kin tapos tumuloy iyon hanggang sa kamay ko.

“Can I hold your hand?”

Napakurap ako, ilang sandali ay tinanguan ko rin siya.

“Mmm!” I nodded, smiling.

His lips curved into a smile as he deliberately skimmed his hand over mine before intertwining our fingers. Zadkiel’s thumb rubbed against my hand, sending warmth through my core.

“I’ve really wanted to do this for a long time.”

“Huh?”

“Holding you. I pictured this before, but it was still so vague back then. That’s why holding your hand right now still feels like a dream.” Zadkiel’s grip tightened.

I pressed my hand against his, offering him my sweetest smile. I liked doing this to him as well. Hindi ko alam kung gawain ba ito ng mga mag-flings pero ang sarap niya pala sa pakiramdam.

Hanggang sa nakarating kami ni Zadkiel sa kanyang unit ay hawak-hawak niya ang kamay ko. Nilapag niya ang bag ko sa sofa doon sa living area habang magkahawak pa rin ang mga kamay namin. Umabot na kaming kusina pero hawak niya pa rin ang kamay ko.

“Zadkiel,” natatawa kong tawag sa kanya. “Bitiwan mo na ako. Hindi naman ako tatakbo eh.” Natatawa kong puna sa kanya.

Pinisil niya muna ang kamay ko bago unti-unting lumuwag ang kanyang pagkakahawak sa akin.

“Sorry.”

I gave him a slight shake of my head. “Okay lang naman…” Besides, wala namang nakakakilala sa amin dito eh. Okay lang na magholding hands kami rito.

“Pwedeng mag-grab na lang tayo? I don’t feel like cooking for our lunch.”

“Oo naman. Walang problema sa ’kin.”

“Okay, sa dinner na tayo lalabas, mmm?”

Tinanguan ko siya. Habang kinakalikot ni Zadkiel ang kanyang cellphone, nag-oorder na siya, lumapit ako sa kanyang ref.

“Pahinging tubig ha,” bilin ko rito.

“Suit yourself, baby. Make yourself feel at home.”

Kumuha ako ng tubig sa ref nito. May nakita akong maliit na bottled water, Wilkins— kaya iyon na lang ang kinuha ko.

I uncapped the lid before bringing it to my lips and drinking the water. Umalis ako sa kusina, nilibot ko ang kanyang condo except for the rooms. There are two rooms in his condo, which is why I can really say that his place is quite big. May sala din ito, maliit na veranda, tapos kitchen.

Lumapit lang ako sa floor-to-ceiling window na may transparent glass. Ayaw kong lumabas sa may veranda since hindi ako sanay sa ganito ka-tayog na building. Nalulula ako sa taas.

I jolted when I felt a body press against me from behind. Moments later, a possessive, veiny arm snaked around my small waist. My heart thudded in my chest like it had been kicked by a horse. Despite our clothes, Zadkiel’s warmth still seeped through the fabric and into my skin.

Zadkiel rested his jaw on my shoulder, and I couldn’t move my feet, they felt rooted to the floor. Deretso lang ang tingin ko sa labas.

“Breathe, Leinne. I won’t do anything you won’t like, okay?”

Kung hindi lang iyon sinabi ni Zadkiel, hindi ko rin malalaman na hindi na pala ako humihinga. The problem wasn’t that he might do something I wouldn’t like. The problem was my own body, because I felt like I would give in to him no matter what he did.

Now, I could feel the danger lingering between us. And I had to endure this for two nights!

“S-sorry.”

“Hey,” aniya, siya Zadkiel na ang umikot sa katawan ko dahil para na akong senemento. Hindi ako makatingin ng deretso sa mga mata niya. “Don’t be sorry, okay? I’m a touchy, clingy, and possessive man, Leinne. So please, tell me if I’m making you uncomfortable, alright? Don’t hold yourself back just because it’s me. I don’t want to scare you. I don’t want you to see me as superior in this relationship.”

“K-kahit flings lang tayo?”

Gumalaw ang kanyang panga. “K-kahit flings lang.”

I bobbed my head, mentally noting his words. My eyes flickered to him when his arms tightened around me.

“Zadkiel, may problema ba?”

Mahina siyang umiling. There was a faint smile hanging on his lips, yet his eyes were saying the opposite.

“Nothing. I just realized how much of an asshole and a jerk I was back then for letting you slip through my hands.”

“Nagsisisi ka sa mga nangyari noon?” I croaked, my voice low and soft, but I was sure it reached his ears clearly.

“Not entirely,” he mumbled, shaking his head side to side.

I wrapped my arms around his body. Grabe, ang tigas na talaga ng katawan ni Zadkiel. Ano na kaya ang hitsura ng katawan niya kapag wala siyang suot?

Napailing ako. Kinakabahan na ako sa mga pumapasok sa isip ko.

“I saw how you grew up gracefully without me, Leinne. You blossomed into a fine boy, and I love what you’ve become. I’m happy to see you grow into such a person, broad‑minded, gentle, and soft‑hearted. I can’t let you go now, Leinne. You’ll be stuck with me even if you say we’re just flings. Fuck that fling thing, because I want you so bad, baby.”

I burned under his intense gaze. Those pale hazel eyes bored into me like wildfire. It felt as though I were ice melting under his fiery stare. My knees softened, and I was grateful he was holding me, because if not for his steel‑like strength, I would have already collapsed in front of him.

Zadkiel held me with his strong arms, with no sign of letting go. And I trusted him with my whole body, because I felt so weak under those lashes and those eyes.

“You don’t know how terrified I was, baby, when I saw your wrist wearing other bracelets. And when I saw your room? I felt like my whole world was crashing down in front of me. Seeing your room bare, without the things I gave you, without any trace of me, it was fucking killing me. It was killing me softly, making me feel every ounce of pain.”

Niyakap ko siya at binaon ko ang mukha ko sa kanyang dibdib. Ramdam ko ang malakas na sipa ng kanyang puso sa aking tainga.

Dati gusto ko na talagang mawala ang lahat ng mga bagay na nakakapagpapaalala sa akin kay Zadkiel. Niligpit ko na ang lahat ng bagay na bigay niya, mula sa ballpens, pouch, crayons, iyong mga lantang bulaklak, ang bracelet, cellphone at kung ano-ano. Handa na akong itapon ang mga iyon kaso hindi ko magawa. Hindi ko natapon o nasunog ang mga iyon. Hindi ko kaya.

I can’t throw those things away because it feels like I’d be throwing away a part of myself. Zadkiel will always be a part of me. I can’t picture myself growing up without him.

He may be my first crush, my first like, my first love, and even my first heartache. I can’t deny that. He will always be a part of me.

Instead, nilagay ko sila sa box. Iyong mga kahon na nasa kwarto namin ni Mama. Iyon ang mga bigay niya. At ngayon nga, suot ko na ulit iyong bracelet na bigay niya. Kinalkal ko talaga ito bago kami tumulak papunta rito.

“Suot ko na ulit iyong bracelet.” Usal ko.

Sorry, Vivian. Tinago ko naman ang bracelet na bigay mo.

“I know.” I felt his lips on top of my head. “That’s why I couldn’t let you go earlier, because I was so happy when I saw you wearing it again. Thank you so much, Leinne.”

Naputol lang ang yakapan namin ni Zadkiel nang may magdoorbell sa labas. Nagpunas si Zadkiel sa kanyang mata.

“I think it’s our food already. Titingnan ko lang,” sabi niya.

“Ihahanda ko ang mesa?”

“No, ako na.”

Ngumuso lang ako sa kanya. Umupo ako sa sofa at hinagod ang tuhod dahil nanghihina pa rin ako.

Nagtaka naman ako nang hindi pa bumabalik si Zadkiel, kaya naman sinundan ko siya sa may pinto. Nakita ko siyang nakatayo lang at may bitbit ng boxes.

“Asshole! Dinahilan mo pa talaga si Jona?”

“Psh! Para ka namang ngayon lang magbi-birthday, pre!” ani ng isang boses lalaki na nabobosesan ko.

Lumapit ako kay Zadkiel at sumilip kung sino ang kausap niya. At bumilog ang mata ko nang makita kong si Elvin ito. Sa tabi naman ni Elvin ay ang isang babae— ay hindi, lalaki siya kaso ang liit ng mukha, ang puti, at ang kintab ng labi. Naka-hook ang braso niya sa braso ni Elvin.

“Tang ina! Tinanan mo?” bulaslas ni Elvin nang magtagpo ang nga mata namin. “Hi, Leinne! Si Elvin ito, naalala mo pa ba ako?”

“Damn you! I did not!” Zadkiel almost launch at Elvin.

Tumabi ng konti si Zadkiel para sa ’kin. I stood beside him with a sheepish smile on my lips, my eyes shifting back and forth from Elvin to the pretty boy beside him. He was smiling at me too.

“H-hello, naalala pa kita.” Nahihiya kong untag.

Ano ba naman itong Elvin? Para namang ilang taon ko siyang hindi nakita para hindi ko siya maalala.

“Babe, ito iyong sinasabi ko sa’yong ano niyan!” Nginuso ni Elvin si Zadkiel. “Leinne, ito pala si Jona, ang sugar mommy ko—argh!”

Napahawak na lang si Elvin sa t’yan niya nang sikuhin siya ng lalaking katabi niya.

“Don’t mind him!” Umirap ito kay Elvin bago bumaling sa ’kin na may malaking ngiti sa labi. “I’m Jona, chaperone ko lang itong si Elvin!”

“Babe!” Reklamo ni Elvin.

Ngumisi si Jona kay Elvin.

“Ikaw naman ang nag-start mang-asar to me. Now na gumaganti ako, you’ll complain?”

Napangiti na lang ako sa bangayan nilang dalawa. Saka nakakatuwa ang pagiging conyo ni Jona. Conyo siya na hindi nakaka-asar pakinggan.

“N-nice to meet you, Jona. I’m Leinne.” Pagpapakilala ko rin.

“I know you, Leinne. Anyways,  you’re so beautiful pala. No wonder huh!”

“Tara na, cheesecake. Baka umi-iscore itong pare ko sa kanyang boyfriend!” si Elvin.

“Shut up, Elvin! You’re so noisy!” angil ni Zadkiel  dito.

“H-hindi ko siya boyfriend…” tumaas naman ang kilay ng dalawa, ni Jona at Elvin. “… mag-fling lang kami.”

Dahil doon sumabog ang tawa ni Elvin sa buong floor. Halos gumulong na siya sa sahig kakatawa.

Kinuha na lang ni Zadkiel ang kamay ko at pumasok na lang sa loob ng condo niya. Habang kumakain kami, kita ko ang pamumula ng kanyang tainga dahil sa pang-aasar ni Elvin sa kanya.

“Zadkiel, mali bang sinabi ko kay Elvin na fling tayo?”

Ang sarap naman ng fried chicken na in-order ni Zadkiel. Hindi ko siya maiwasang hindi ikumpara doon sa manok na binibenta sa isang fastfood chain. Ang kaibahan nito marami siyang flavors at boneless pa. Ang sarap-sarap!

“It’s fine, Leinne. Don’t think about it, okay? Gano’n lang talaga si Elvin.”

“Dito rin siya nakatira?”

“Sila ng partner niya.”

“Magkasama sila?”

Natawa siya. “Yeah, since 1st year college nila, magkasama na sila.”

Hindi ko maiwasang hindi mamangha. Ang tagal-tagal na pala nilang dalawa?

Tiningnan ko si Zadkiel na binubuksan ang coke in can ko. Nilapag niya rin ito matapos buksan.

“Zadkiel, gusto mo ba ng gano’n?”

Nagtagpo naman ang kanyang kilay.

“What do you mean?” Nilunok niya ang nginunguyang pagkain.

Nginuso ko ang labas. “Iyong kagaya nina Elvin at Jona. Magkasama sa iisang condo.”

“Baby, don’t ask such things. I’m already at my limit because of this fling thing. I can’t demand anything right now. As long as I have you… in any kind of relationship except friendship, I’m fine with it. That’s enough for me.”

“Pero kung maging… tayo?”

“No. Kaya ko manang puntahan ka sa Pangasinan araw-gabi makita ka lang. I won’t ask you to live with me, Leinne. Because I can find ways to be with you and see you.”

Hayst! Bakit ko nga ba ito tinatanong sa kanya? Flings palang naman kami.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 30

Chapter 30

Leinne’s POV

Galing kaming Shangri La Plaza ni Zadkiel ginala niya ako roon at tumambay saglit sa Starbucks. Doon natanong niya ako about sa school ko at sa gusto kong kunin sa college. Halos siya lang ang nay naitanong sa ’kin. Nang dumilim, inaya niya naman akong kumain sa Balboa.

Napagod ako sa paglilibot namin ni Zadkiel ’tapos isang sweatshirt at sapatos lang naman ang binili ko. Of course, it was from my own money. As much as Zadkiel wanted to pay for those things, I respectfully declined his offer.

Nahihiya kasi ako na siya na nga ang gumastos sa lahat ng pagkain ko ’tapos magpapabili pa ako? I mean, there’s no harm naman kung ililibre n’ya ako. But for once, I just wanted to buy something with my own money.

Sa dami ko kasing gamit sa bahay. Tingin ko bilang lang sa daliri ko ang binili ko talaga from my own money. Ang mga galante ko kasing friends ay laging may pinapamigay.

Ang makeup kit nga at mga lipstick na bigay ni Iyah sa ’kin nag-abot na iyon sa drawer mo. Ang lagi ko kasing ginagamit ay powder at lipgloss o lip balm. Pampakintab na lang sa labi ko.

I checked my Facebook right after I finished my assignments. Oo dinala ko talaga rito ang mga assignments ko. Gumuhit naman ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang mga pictures na kinuha ni Zadkiel sa akin kanina sa Shangri La. Nagchat ako sa kanya, nagpapasalamat lang sa mga pictures na kinuha niya. Nagreact din ako roon.

Ako: Thank you, Zadkiel.

Zadkiel: Hey! Why aren’t you sleeping yet?

Ngumuso ako at saka nagtipa ng reply sa kanya. Dumapa ako sa kama.

Ako: Katatapos ko lang gawin ang assignments ko. At tingin ko namamahay ako, ’di ako inaantok eh.

Pagod ang katawan ko kaso hindi pa talaga ako inaantok. Nakailang higa at dapa na ako sa kama kaso ’di ako makatulog. Isa isa kong tiningnan ang mga pictures na kinuha ni Zadkiel.

Wow! Ang galing n’ya namang kumuha ng larawan. Alam na alam niya ang angle ko. Nag-post ako sa story ko ng picture. Ilang minuto ay kaagad namang may reply doon si Iyah at Vivian.

Viv Saragoza: at nakapag-adventure na nga ang badet ko!

Humagikhik ako. Nagreply ako sa chat nito.

Ako: Pinasyal ako ni Zadkiel. Nandito ako ngayon sa condo niya.😍

Viv Saragoza: taray naman ng batang ’yan!

Ako: sira! 😒

Viv Saragoza: naku ha, kayo lang dalawa d’yan. baka may gawin ’yang bugnutin mong fling sa’yo

Ako: wala ’no!😒 ang judgemental mo naman kay Zadkiel, Vivian!🤨

Viv Saragoza: heh! ang lakas talaga ng lalaking ’yan sa’yo!

Ako: Hindi naman!😁

Viv Saragoza: aysus! pero mag-enjoy ka d’yan, badet. basta pakopya ako ng assignments ha. mahal kita! mwa!

Natawa na lang ako sa chat ni Vivian sa ’kin. Muli akong tumihaya sa kama nang sumulpot ang chat ni Iyah.

Iyah Niñal: Gumala ah!

Ako: Iyah! Sinama lang ako ni Zadkiel.🤭

Iyah Niñal: Ayiiee! Iba kayo ha!😉

Matapos ang ilang minuto kong pagcha-chat kina Iyah at Vivian. Nauhaw ako. Lumabas ako ng silid at tiptoed na naglakad tungo sa kusina. Maingat akong hindi makalikha ng ingay dahil ayaw kong maisturbo si Zadkiel.

Ngunit ganon na lang ang gulat ko nang makita ko ang lalaki sa kusina. Umatras pa ang paa ko at lumipad ang palad sa dibdib dahil sa gulat nang may makita akong tao sa kitchen. Napasinghap ako.

Nakuha ko naman ang atensyon ni Zadkiel dahil sa singhap ko. Mukhang naligo rin siya. Ngayon ay suot niya ang gray sweatpants tapos dri-fit shirt na humuhubog sa kanyang katawan.

He was sipping something from his glass. It was a red drink, and as he took a sip, his deliberate movements entertained my eyes. The way his fingers clamped around the glass, the subtle flex of his grip, the veins pushing against the skin of his arm.

“Come here, bakit hindi ka pa natutulog? It’s already 10 PM.” Zadkiel beckoned, placing his glass on the island counter.

I slowly strode toward him, filling my lungs with air as I suddenly felt short of breath just from watching him. I always feel in awe when it comes to him.

“N-nauuhaw lang kaya ako lumabas. Hindi rin kasi ako makatulog,” sagot ko sa kanya, sinilip ko ang kanyang baso na malapit nang maubos ang laman

“It’s alcohol. Bawal ka pa nito.”

My lips pursed. “Malapit na rin naman ako mag-eighteen. Ang iba nga d’yan maaga pang natutong uminom!”

Ipalagay na natin si Vivian at Iyah!

“You’re not drinking this. If you want something to drink, meron sa refrigerator. Or if you want milk, meron din there.”

Ayaw ko naman na maging pasaway sa kanya kaya kumuha na lang ako ng tubig at fresh milk. Baka makatulong ito upang makatulog ako. Aalis na sana ako nang nanatili pa siya sa kitchen.

“Hindi ka rin ba makatulog?”

Pinasadahan niya ang mukha gamit ang kamay.

“I find it hard to sleep.”

“Ganito ka ba lagi dito?” May insomnia ba siya?

He tilted his head in refusal. “Ngayon lang.”

“B-Bakit naman?”

“Because you’re here, kitten.”

Uminom ako sa fresh milk. Tingin ko kasi kailangan ko iyon dahil pakiramdam ko nanuyo ang lalamunan ko bigla. Ayaw niya ba sa ’kin dito?

“Disturbo…ba ako—”

“Damn!” Ngayon ay ang dalawang palad na niya ang hinilamos sa mukha. His troubled eyes regarded me. “Baby, I want to sleep with you! Fuck!”

Kung may iniinom lang ako ngayon, malamang ay tumulo na iyon dahil laglag ang panga ko kay Zadkiel.

“G-gusto mo bang… magkatabi tayong matulog?” I asked, puzzled.

Huminga siya ng malalim at unti-unting tumango.

“Edi, sige! Kunin ko lang ang kumot at unan ko…” Namiss ko rin na katabi siya.

“There’s no need for that.” A crooked smile curved his lips.

Napatango ako sa kanya. Tinapos niya lang ang kanyang iniinom at sabay na kaming tumungo sa kanyang kwarto. Unlike doon sa silid ko, ang kwarto niya ay mas spacious at may malaking bed.

Pinatay ni Zadkiel ang ilaw at tumabi na sa ’kin sa kama. At sa totoo lang namiss ko rin na katabing matulog si Zadkiel. I miss being with him in his bedroom like before.

Pinakiramdaman ko lang siya sa tabi ko. Malaki ang kama niya kaya naman may konting space sa gitna namin. Pero share pa rin kami ng kumot.

“Leinne, can I hug you?” Zadkiel whispered in the dark, his tone sounded restrained.

My head snapped toward him, though I couldn’t see him clearly because the room was pitch-dark. Is he drunk?

Danger warnings flashed inside my head, but my body kept wanting something treacherous. I just noticed that my body always betrays my mind when it comes to Zadkiel.

Despite the warnings my brain sent me, I didn’t heed them and found myself responding to him.

“O-okay,” I said breathlessly.

Mabilis naman ang kilos ni Zadkiel at umusog palapit sa ’kin. I thought it was just a simple hug, but the boy slid one arm under my head and wrapped the other tightly around my body, holding me close.

“Shit! I miss this,” bulong niya naman.

Hindi ko na siya sinagot at yumakap na lang din ako sa kanyang katawan. I guess pwede naman ito sa magflings?

The next morning, I found myself bear-hugging Zadkiel with my arms and legs! Heat rushed to my face, turning it bright red. Itutulak ko na sana ang katawan ko palayo kay Zadkiel kaso lang hinigpitan nito ang pagkakayap sa ’kin.

I felt him nuzzle his face into my hair.

“Morning, baby!” His bedroom voice sent waves of warmth through my belly, almost making me shudder in his arms.

“G-good morning! Bumabangon na tayo, Zadkiel. ’Di ba sabi mo pupunta pa tayo sa mga university dito? Mag-i-inquire tayo?”

Iyon kasi ang rason niya kay Mama eh. Isa pa, hindi ko kaya ang ganito kalapit sa kanya! Para akong sasabog na ewan!

He huffed a manly yet soft chuckle. “Baby, it was just an alibi.”

“Huh?”

Sinubukan kong ilayo sa katawan niya ang mukha ko. I peered up at him, my breath catching in my throat when I realized our faces were just inches apart.

His throat bobbed. “Gusto lang kitang dalhin dito at mag‑date. So, we’ll go out, and I’ll bring you to our school.”

“Malapit lang ba siya rito?”

“A minutes drive, Leinne,” sagot niya, nagpalipat-lipat ang mga mata niya sa labi at mata ko.

“B-bumangon na tayo?”

“Yeah, I think we should.” He gulped.

Gatas lang ang ininom pagkatapos kong maligo dahil sabi ni Zadkiel doon na lang daw kami kumain malapit sa DLSU.

“Ano’ng  gusto mo for breakfast? May specific food ka bang gustong kainin?” tanong niya habang nagmamaneho.

“Ah, kahit ano na lang. Basta ayaw ko iyong fine dining - fine dining ha.”

The corner of his lips turned up. “Hmm, let’s find something around Leon Guinto, baka may gusto kang resto there.”

Ilang minuto rin kami ni Zadkiel sa daan. Kaya naman hindi ko na mapigilan ang sarili na magtanong sa kanya.

“Zadkiel.”

“Hmm? Need something?” Attentive niya saad.

Umiling ako. “Wala naman. Naisip ko lang na ilang minuto ang pagmamaneho mo mula sa tinitirhan mo papuntang school. Bakit hindi mo naisip na lumipat?”

“I was once in The Grand Tower. Malapit iyon sa school pero lumapit kami ni Elvin since nakahanap siya ng kaaway roon eh.”

“Huh?”

“Yeah!” Natawa siya. “Nagustuhan ko na rin naman sa Midori Towers.”

Marami ngang kainan sa sinabi niyang street. Marami kang mapagpipilian na restaurant. Pero   ang pinili kong kainan ay doon sa may tuhog-tuhog, sa Tinuhog ni Benny Barbecue House.

Pagkatapos naming kumain, dinala niya ako sa loob ng school. Aaminin kong malaki naman talaga ang Axis National University kaso mas malaki itong DLSU. Halos sumakit ang paa ko sa paglalakad namin ni Zadkiel.

Tumigil lang kami sa may Henry Sy Sr. Hall at umupo saglit doon. Ewan ko kung naninibago lang ba ako o ano, pero iba ang ambiance ng university. Ibang-iba pa magsalita ang mga estudyante! Minsan nakaka-intimidate din sila the way they looked at you! Siguro hanggang Pangasinan lang ako nito!

Bago kami bumyahe ni Zadkiel sa kung saan, kumain muna kami sa Kenny Rogers.

“Hala!” sambit ko nang mapagtanto ko kung saan niya ako dinala! Nakatulog ako sa byahe namin at nagulat na lang ako nang magising ako na nasa EK na kami!

Hala! Laguna na ito!

“Zadkiel.”

“Gusto kong dalhin ka sa amusement park since dinala ka no’ng kaibigan mo sa amusement park, ’di ba?”

Si Leon ba ang tinutukoy niya? Papaano niya nalaman iyon?

“H-huh?”

He gave a slow, lazy shake of his head.

“Come on,” aniya, nilahad ang kamay sa akin.

Tinanggap ko ang kamay ni Zadkiel at nagpatangay sa kanya sa loob ng theme park! Kumpara sa pinupuntahan naming amusement park noon at no’ng lumabas kami ni Leon, ’di hamak na mas malawak ito kaysa roon.

“Ano’ng gusto mong unahin natin na rides?”

“Anchors Way?”

Hala! Ang laki ng anchors way nila dito!

Para kaming bumalik ni Zadkiel no’ng panahon na bata pa kami at pumunta kami sa amusement park. Pareho kaming dalawa na hindi takot sa mga rides at gusto ang mga breathtaking rides. Halos malula ako sa Space Shuttle. First time ko sa EKstreme Drop at muntik pa akong masuka pero dinaan ko na lang sa tili.

“Here, wear this,” aniya sabay lagay no’ng bunny ear hat sa ulo ko na gumagalaw ang tainga kapag pinipisil iyong dangling paws niya.

Namili rin ako ng babagay sa kanya. Kusang binaba ni Zadkiel ang ulo upang maabot ko ito.

“’Yan!” Malaki ang ngiti ko nang maisuot ko sa kanya ang ear hat.

I looked at him with admiration. It was no wonder girls, and even some boys, turned their heads for him. He looked effortlessly good in his black sweater, sleeves rolled up to his elbows, paired with loose grey corduroy pants and crisp white sneakers. With his towering height, it was impossible not to notice him.

Bumagay lang ang itim na headband na sinuot ko sa kanya. Napatingin naman ako sa sarili ko, I wore a white tank top layered with a beige cardigan, paired with cream trousers and sneakers.

“Gusto mo bang umupo muna tayo? O gusto mong subukan ang horror house nila dito?”

“Hindi pa naman sko pagod. Sa horror house muna tayo?” I flashed a cheeky smile.

Zadkiel took my hand and intertwined our fingers. Napahigit ako ng hangin dahil nawawalan na naman ang hangin ang dibdib ko.

The whole time na sumakay kami sa mga rides ni Zadkiel, tawa at tili lang ang ginawa ko. Halos namamalat na nga ang boses ko kaka-tili at hiyaw sa ere!

Saglit kaming tumigil ni Zadkiel at kumain. At syempre ayaw kong umalis sa theme park na hindi nasusubukan ang kanilang Ferris Wheel!

“Ang ganda!” Mangha kong untag nang umabot sa tuktok ang ferries wheel at natatanaw ko ang mga munting ilaw sa baba. Napahawak pa ako sa steel no’ng cabin na sinakyan namin ni Zadkiel.

My eyes shone, catching the glow of the city lights that flickered like distant stars.

“Zadkiel—!” Masayang untag ko sabay lingon kay Zadkiel ngunit mistulang nakalimutan ko ang susunod kong sasabihin nang pagharap ko sa kanya, ang mukha ng lalaki ang sumalubong sa ’kin.

While I was busy watching the lights, it seemed like he was busy with something else. The ferris wheel continued to move, but I was now more concerned with Zadkiel beside me.

His eyes were fixed on me as if I might vanish the moment he looked away. Then I felt his fingers slide over mine, squeezing my hand softly.

“Leinne,” he said in a low growl.

“Z‑Zadkiel,” I breathed, unable to tear my gaze away from him, as if those pale hazel eyes were pulling me in.

“Leinne,” ulit niyang tawag sa ’kin, binasa niya ang labi. Hindi nilalayo ang mga mata sa labi ko. “Can I kiss you?”

Umiling siya. “Fuck! I’m sorry, Leinne! Forget about—”

Ilalayo na niya sana ang mga mata sa ’kin dahil parang mahimasmasan siya kaso hinawakan ko ang panga niya. I could literally hear his teeth graze against each other as he clenched and unclenched his jaw.

Without saying anything, I leaned into him, closed my eyes, and pressed my lips to his. It felt like something inside me exploded. I was incapable of feeling anything except Zadkiel’s firm yet soft lips on mine.

Zadkiel grunted before cupping my face with both hands, tilting me to the side, and deepening our kiss.

Sa una ay ang labi ko lang ang hinahalkan niya. Salitan niyang sinisipsip ang bottom at top lips ko. Ilang sandali lang nanunudyo na ang kanyang dila sa ngipin ko, urging me to open my mouth for entrance.

“Mmm!” I moaned, wanting to press closer to his body. Tingin ko magkakasakit ako kapag hindi ko nilapit ang katawan ko sa kanya. Parang nangangati akong ikiskis ang katawan sa kanya.

Yumanig ang passenger cabin na aming sinakyan nang kumalampag ang kamay ni Zadkiel sa steel sa likod ko at pinid ako. He trapped me with one arm and plunged his tongue deep into my mouth. Our tongues had a little battle as our lips remained locked. Zadkiel’s kiss shifted from gentle to rough, and if he could have reached my throat, I think he would have!

And if it weren’t for the fireworks, pakiramdam ko ayaw nang tantanan ni Zadkiel ang labi ko. Hinihingal ako habang nakatingin sa fireworks sa labas. Sabog pa ako mula sa halik at parang nasa cloud nine.

“Leinne,” ani Zadkiel kaya tumingin ako sa kanya. His eyes glimmered as he fixed his gaze on me. “Thank you!”

I hadn’t realized a man’s eyes could be this gentle until I saw Zadkiel staring at me.

I smiled brightly at him, kissed his cheek, and said, “Thank you rin, Zadkiel!”

He may not have been my first kiss, but it was worth it. Ang galing niya humalik! Ang sarap-sarap. Pwede pala iyong gano’n. Iyong masarap ang halik?


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 31

Chapter 31

Leinne’s POV

Habang naglalakad ako patungong classroom, hindi ko inaasahan ang pag-akbay ng kung sino mula sa likuran ko.

“Ano ba—”

“Badet!”

Na-udlot iyong kaba ko nang mapagtanto ko kung sino ang umakbay sa ’kin. Si Vivian lang pala.

“’Wag ka namang manggulat ng ganyan, Vivian!” Panghihimutok ko sa kanya! Para kasing aatakehin na ako kanina.

Medyo may hangover pa kasi ako mula sa lakad namin ni Zadkiel eh. Kagabi lang kami nakauwi sa mansyon tapos siya bumalik din kaagad dahil may klase siya sa umaga.

Naawa nga ako dahil ilang oras din ang byahe niya pero sabi niya kaya niya naman daw. Hindi nga ako nakatulog ng maayos hangga’t hindi ko matanggap ang text niya na nakarating na siya sa condo niya.

Zadkiel: I’ve already arrived, baby. My condo feels so empty now that you’re not here. Goodnight, baby!

Nang matanggap ko ang mensahe niya hindi na ako nagreply dahil baka akalain niya na hinihintay ko talaga ang text niya. Kaya naman kanina ko lang siya ni-replyan!

Nagtagpo ang kilay ko nang bigla akong amuyin ni Vivian na parang aso. Para siyang aso kung makaamoy sa ’kin, akala mo talaga may dala akong fried chicken at takam na takam siya.

“Vivian—”

“Bakit iba na itong naaamoy ko?” Usisa niya, maloko siyang ngumiti at h-in-eadlock ako gamit ang kanyang ’di naman kalakihang braso!

“V-Vivian!” reklamo ko sa kanya dahil nahihirapan na akong huminga rito!

Binitiwan niya nga ako kaso lang ginulo naman niya ang buhok ko. Inamoy ko ang sarili ko. Totoong iba talaga ang amoy ko, hindi lang iyon metaphor o ano ni Vivian. Nagbago na kasi ako ng pabango.

Binihan ako ni Zadkiel ng ibang pabango. Ayaw niya raw doon sa amoy ng dati kong pabango. Bago kami umalis kahapon sa kanyang condo, binigay niya sa ’kin ang bagong pabango.

“Aba, nagpalit ka ng pabango?” usisa niya sa ’kin.

I chewed on my lips, trying to hide my smile.

“Aba, aba, itong badet ko! Ang ganda ng love life ah! Akala mo naman magboyfriend! Flings lang kayo oi!”

Nawala ang ngiting pinipigilan ko dahil sa kanyang sinabi.

Attitude ko siyang inirapan!

“Ito naman! ’Di mabiro! Pero bet ko itong amoy mo ngayon, badet!”

Ngumuso ako. “Talaga?” Kinikilig kong wika.

Ngumisi siya.

“Hmm! Bet na bet ko! Kahit ang nagbigay ng pabango mo, manok ko ’yon para sa’yo!”

“A-alam mo?”

Kinurot niya ang pisngi ko. “Syempre naman! Sino pa ba ang lalaki mo sa buhay? Wala akong matandaan na ibang lalaki na kagaya ni Zadkiel ka-teritoryo sa’yo!” Ismid niya. Inangkla niya ang braso sa akin at sabay kaming naglakad patungo sa room.

“Nakikita ko rin na grabe na ang happy hormones mo these days dahil sa fling mo. Kaya kahit nasaktan ka niya noon… bumabawi naman siya. ’Wag lang talaga siyang maging gago ulit!”

Napangiti ako kay Vivian. Muntik ko na siyang yakapin dahil sobrang happy ko!

“Thank you, Vivian! Kaya love na love—”

“Hoy! Anong thank you ka r’yan! Pakopya ng assignments mo. Hindi mo ako madadaan sa thank you at pa-cute mo!”

Hay! Kahit kailan talaga!

Umiling na lang ako. Binigay ko kay Vivian ang assignments ko para makopya niya. Alam ko naman na hindi maganda iyon kaso hindi ko rin naman siya matiis.

“’Wag mo kopyahin lahat, ha. Baka pati pangalan ko makopya mo!”

“Oo na!” Disma niya sa akin. Siya pa ang banas.

Kahit kailan itong si Vivian ay kakampi ko sa lahat. Sinusuportahan niya ako at mahal! Marami nang taon ang lumipas at pinagdarasal ko na sana kahit na marami nang taon ang lumipas mananatili itong relasyon naming dalawa.

I can’t name a word that can describe what I truly feel. I’m brimming with happiness nitong mga nakaraan!

“Oh my gosh! Vacation na talaga!” Masayang untag ni Vivian.

Nandito kami sa kanilang rest house. Mayaman talaga ang isang ’to.

Ginagawa pa rin namin ang aming tradisyon na pagsi-celebrate ng christmas.

“Grabe akalain n’yo ’yon? Grade 12 na tayo next year!” Madramang wika ni Vivian.

“Sira!” Sinapak ni Vivian ang ulo niya. “Maggi-grade 12 tayo kapag nakapasa! Last month pa nga nagsimula ang second semester. Closing ceremony na ang nasa utak mo!”

“Argh! You’re so mean to me, Vivs!” Inis na pinadyak ni Iyah ang paa. Nag-iihaw silang dalawa pero nagtatalo!

Natawa ako sa kanila. At binalingan si Leon at ang kanyang boyfriend! Thankfully, bumalik na iyong dating relationship namin ni Leon. Masaya rin ako kasi may boyfriend siya! Actually, ang cute ng boyfriend niya!

“Hello, Penny!” bati ko sa boyfriend ni Leon nang lumapit ito sa ’kin.

“Hi, Leinne!” Balik din naman nitong bati sa ’kin.

“Pasensya ka na sa ’min, Penny. Ganito kami ka-chaotic.” Ngumisi ako. “Mabuti sumama ka kay Leon.”

“Ah, wala naman din kasi ang ginagawa. Saka gusto ko rin kayong makasama. Lagi kasi kayong nababanggit ni Leon, mukhang fun nga kayo ka-bonding!” Kinuha niya ang ibang plato at kobyertos sa ’kin. “Tulungan na kita, ha!”

Tinanguan ko si Penny. Hinahanda namin ang mesa para sa aming dinner tapos mamaya ay maliligo kami sa pool!

Hindi ko alam kung papaano naging mag-on si Leon at Penny, hindi naman kasi kami classmate at malihim si Leon. Isang araw pinakilala niya na lang sa amin si Penny.

Napanguso ako nang parang aso’t pusa na nagtatalo si Vivian at Iyah. Si Leon at Penny naman ay naglalambingan. Kakatapos lang ng dinner at umupo muna kami para sa exchange gift namin tapos swimming na kami. Si Penny sumali na rin sa exchange gift.

“Thank you, Leinne. Ang cute nito!”

“Salamat din dahil nagustuhan mo!” ani ko kay Penny. Isaiyong stuffed toy.

Binuksan ko ang regalo ni Iyah, ako kasi nakabunot sa numero niya. Terno na PJ ang natanggap ko na kulay lavender! Wow! Parang sinadya niya! Ang ganda.

“Thank you, Iyah! Isusuot ko ito ngayon!”

“You’re welcome, Leinne!”

Habang abala ang iba sa pagbukas ng gift na matanggap nila. Tumunog naman ang cellphone ko.

Zadkiel: Nasa labas ako.

Kumunot naman ang noo ko nang mabasa ko ang message niya. Nasa labas siya? Eh, nagpaalam naman ako sa kanya na may overnight kami rito sa rest house nila ni Iyah.

Ako: Nasa rest house pa ako nina Iyah, Zadkiel. May overnight kami. Sinabi ko na ’to sa’yo.

Zadkiel: Exactly, baby. Nasa labas ako.

“Ano?!” Gulat kong sambit sabay tayo.

Napatingin silang lahat sa akin.

“Anong problema, badet?”

“Leinne,” si Leon.

Kinamot ko ang batok. “S-si Zadkiel… nasa labas daw siya.”

“Papasukin mo!” ani Iyah.

Iniwan ko sila para puntahan si Zadkiel sa labas. Naabutan ko siyang nakasandal sa kanyang kotse at kunot noong nakatitig sa cellphone. Naiilawan siya sa poste ng ilaw na nasa malapit. A black jacket hung from his shoulders, curving neatly along his frame, with a pure white tank underneath. His faded denim jeans slouched loosely around his legs, paired with white sneakers. May backpack din siyang dala!

“Zadkiel!” Tawag ko sa kanya.

Ang kanyang nakasimangot na mukha ay lumiwanag nang makitang ako ang tunawag sa kanya. Sinalubong niya ako ng yakap.

“Ano’ng ginagawa mo rito? Sabi ko naman na may christmas party kani ngayon.”

“I know. Pinuntahan lang kita kasi bored ako sa bahay. Wala ka roon.”

“E-ehh…”

“Pasok na kayo! Swimming na tayo, Leinne!” tawag naman ni Vivian.

“Halika,” wika ko, hinila si Zadkiel sa loob.

May malaking pool ang bahay kaya malaya kaming nagtampisaw! Inaya ko rin si Zadkiel na maligo at hindi naman siya nagprotesta.

“Ano? Ano’ng sadya ng fling mo rito?” Usisa ni Vivian sa ’kin.

“Dito rin ba iyan matutulog?” tanong naman ni Iyah.

Pinalibutan nila ako dalawa. Si Penny kasi at Leon ay nagmo-moment din.

“H-hindi ko alam. Bored lang daw siya sa bahay.  Ewan ko rin kung gusto niya bang dito rin matulog. Tatanungin ko siya.”

Napako naman ang mata ko nang lumabas si Zadkiel galing sa banyo na nasa tabi ng pool na naka-shorts lang! Bumaba siya sa pool. Sina Iyah at Vivian ay kusang lumayo.

Susunod ba ako kina Iyah? Anong gagawin ko?

Suminghap ako nang maramdaman ko ang pagyakap ng mga braso ni Zadkiel sa katawan ko. Kinabig niya ako palapit sa kanya.

“Z-Zadkiel.”

“Hindi ka ba nilalamig?”

“O-okay lang naman.” Nag init ang pisngi ko.

Hala! Hindi ako makatingin kay Zadkiel ng deretso! Ewan ko kung saan ko itutuon ang mga mata ko kung ganitong topless siya.

His sculpted, chiseled body was pulling my eyes like a magnet. The moment my eyes drifted over him, heat rushed to my cheeks. And when I look up, nakikita ko naman ang mga malalagkit niyang titig sa ’kin.

Noon walang malisya naman sa ’kin ang ganito. Pero ngayong flings na kami, iba na. Kahit sa konting lapat ng mga balat namin, para na akong nakukuryente!

“Hey,” garalgal niya.

“Oh?” Nag-angat ako ng tingin.

“Are you nervous? Relax, baby. I won’t do anything against your will, okay?”

And that’s the problem! Because my body is my biggest enemy right now. My brain is functioning well. I am alright. But whenever I’m near him, my system gets twisted. It feels like my body has its own command center.

Just like right now, my brain wants to act normal, but it can’t be seen with how I act!

“O-okay lang… I mean, okay lang ako.”

Bumuntong-hininga si Zadkiel. “Didistansya lang ako sa’yo…”

Bago pa man ma-process ng utak ko ang dapat gawin. Humawak na ako sa baywang niya.

“Leinne.”

Ngumuso ako.

“Lalayo ako o yayakapin kita?”

He licked his lips.

“Ayaw ko na hindi ka komportable sa gagawin ko, Leinne. Oo gustong-gusto kitang yakapin ngayon. Halikan. Kaso nagpipigil ako. Ayokong biglain ka.”

Tumango ako. Siguro dapat magpaturo ako kay Zadkiel kung paano ’yang self-control niya. Ako kasi parang nagwawala na.

Nakayakap si Zadkiel mula sa likod ko. Sinandal ko naman ang aking katawan sa kanya at tumingala sa kalangitan.

Umahon na sila Penny at Leon tapos sumunod naman sina Iyah at Vivian. Naiwan kami ni Zadkiel dito sa pool.

Bumaon ang ngipin ko sa aking labi nang maramdaman ko ang daliri ni Zadkiel na naglalaro sa aking balat.

“Z-Zadkiel,” I nearly slapped myself when my voice came out sensual.

“I’m touching you, baby. Do you want to continue?”

Kagat-labi akong tumango. Umakyat ang kamay ni Zadkiel sa dibdib ko. Hanggang sa tumigil ito sa utong ko at kinurot sila!

“A-ah!” Daing ko.

Binaliktad ni Zadkiel ang aming posisyon. Nakatalikod na siya sa labasan ng pool area at ako naman ay natatabunan ng katawan niya.

“Z-Zadkiel!” Impit kong ungol nang masahen niya ang dibdib ko.

Bumagsak ang kanyang labi sa leeg ko at doon pinadaan ang dila, mula sa shoulder blades tungo sa leeg at maging hanggang sa mukha ko.

He licked a hot line down my neck, rough and hungry, and I couldn’t help but tilt my head to the side for him. His lips returned a second later, marking me with wet, open-mouthed kisses.

And while he massaged my chest and traced his tongue across my neck from side to side, he grinned, his growing arousal pressing against me from behind, making me whimper like a lost kitten.

Mariin kong naipikit ang aking mga mata. Sinulyapan ko si Zadkiel na matapang na sinasalubong ang titig ni Ate Zarrah.

We got caught! We were cuddling when his bedroom door flew open and Ate Zarrah barged in!

“A-Ate, ’wag po kayong magalit kay Zadkiel, please! Wala po siyang ginagawang masama. Wala po siyang ginawa na labag sa kalooban ko!” Inunahan ko na si Ate.

Prente siyang nakaupo sa desk chair ni Zadkiel  habang kami ng lalaki ay nakaupo sa edge ng kama.

“Matagal na ’to?” tanong ni Ate.

Naiiyak akong tumango kay Ate Zarrah.

“Ate, please, don’t scare Leinne!”

“Shut up, you animal! Hindi ka talaga nakatiis?”

“Oo, ate! Basta si Leinne, nagwawala talaga ako! I can’t stand watching the other guys hovering around him like wolves! Why should I watch those wolves when I can shoo them away?”

Sa haba rin ng paa ni Ate Zarrah naabot niya ang paa ni Zadkiel nang sipain niya ito.

“You’re heartless, Ate! It’s Valentines today. Umuwi lang ako to surprise Leinne!”

“Pero nagcuddle!” asik ni Ate kay Zadkiel.

“P-pagod kasi siya, A-ate!” I chipped in!

Tumawa si Ate Zarrah na parang nasasapian!

“Leinne! ’Wag kang magpapauto sa lalaking ’to! Baka, ganyan ang linyahan niya sa ibang babae o lalaki na—”

“Ate!” Eskandalosong putol ni Zadkiel kay Ate Zarrah.

Sa totoo lang wala pang ni isa rito sa bahay ang nakakaalam sa relasyon namin ni Zadkiel. Ang mga kaibigan ko at sina Elvin at Jona lang ang may alam na flings kami!

Sinamaan ko ng tingin si Zadkiel.

“B-baby, please don’t believe Ate Zarrah. She’s just trying to ruin our relationship!” Nagpapanic na paliwanag niya.

“Relationship? Ano ba talaga kayo?”

Nalingon namin ni Zadkiel si Ate Zarrah. Pinagkrus niya ang braso sa isa’t isa at seryoso kaming pinukol ng tingin ni Zadkiel.

“We’re just fli—”

“Boyfriend ko po siya, Ate!” Malakas kong sabi, dahilan para mas manaig ang boses ko kay Zadkiel.

Nagtaas ng kilay si Ate Zarrah.

“B-baby,” si Zadkiel.

Ngumuso ako at binaba ang tingin sa kamay na kandungan ko. Pinaglalaruan ko ang mga daliri upang maibsan ang kaba ko.

“L-last year, ate… mag-flings po kami n-naguguluhan palang po kasi ako no’n. Aminado po ako no’n na gusto ko si Zadkiel. Ayaw kong makita siya na may kasamang iba o kahit iniisip na may iba siya… ayoko po. Pero natatakot kasi ako, natatakot ako na baka magbago ang feelings niya sa ’kin. ’Tapos what if umalis ulit siya at iwan ako? Iyon po ang kinakatakot ko kaya ayaw ko siyang i-boyfriend. But so far naman po,” binalingan si Zadkiel. Hindi ko maipaliwanag ang emosyong naglalaro ngayon sa kanyang mga mata. “… pinatunayan niya naman sa ’kin ang nararamdaman niya. Hindi lang pisikal kong katawan ang gusto niya kundi pati na po damdamin ko!”

“Baby, I want to kiss you right now! Fuck! I may lust over your body, Leinne, but what matters to me the most are your feelings!”

Masuyo akong tumango kay Zadkiel.

Niyakap niya ako kahit na nasa harap pa namin si Ate Zarrah.

“Thank you so much for making me your boyfriend, baby! Dammit! I’m yours! I love you so fucking much!”

Tanging daing na lang ang narinig namin kay Ate Zarrah. Taliwas sa kinakatakot ko na kapag nalaman niya ang tungkol sa ’min at paghiwalayan niya kaming dalawa. Sinuportahan niya kami. Alam na rin ni Ate na wala pang nakakaalam dito sa bahay sa totoo naming relasyon ni Zadkiel.

“Hindi ko na naman kayo mapipigilan d’yan. But please! Please, control yourself, especially you, Zadkiel! I know that sexual urges at your age are really strong, but please have some self-restraint and practice safe sex!”

Zadkiel got busy with his studies, especially on their capstone, but he was still able to find time to come home and visit me. He also took me on dates and brought me back to Manila from time to time.

Nakapasok na ako sa mansyon. Palapit na ako sa maids quarter’s nang makita ko si Sir Zeus. Ngumiti ito nang makita ako.

“Leinne.”

Yumuko ng bahagya kay Sir Zeus nang makalapit.

“Magandang hapon po, Sir Zeus. May kailangan po ba kayo?”

Umiling siya. Napakurap-kurap nang hawakan niya ang braso ko.

“Sir.” Sambit ko.

Napangiwi ako nang humigpit ang kamay sa braso ko.

Humakbang siya palapit sa ’kin nang biglang sumulpot si Ate Sepa at Kuya Celo! Mukhang galing ito mang-grocery dahil sa dami ng dala!

“Sir Zeus, ito na po ang mga inutos ninyong ipabili.”

Binitiwan niya ako.

“Good! Sepa, ikaw na ang bahala sa dinner, okay? Babalik lang ako sa opisina.”

Tanging tingin na lang ang nagawa ko sa papalayong bulto ng katawan ni Sir Zeus. Naguguluhan ako sa inakto nito.

Tinanong ako nina Ate Sepa at Kuya Celo kung ano ang ginawa ni Sir Zeus sa ’kin. Pero inilingan ko lang sila. Wala naman itong ginawa maliban sa paghawak sa akin.

Tumuloy na lang ako sa silid namin ni Mama upang makapagbihis na ako at tumulong sa paghahanda ng dinner. Ngunit laking gulat ko nang maabutan ko si Mama sa kwarto namin na umiiyak!

“M-mama,” saad ko. Mabilis kong binaba ang bag at dinaluhan si Mama sa kama niya.

Sabog ang kanyang buhok at humahagulhol siya! Winalis ng kamay ko ang buhok na tumakip sa mukha niya.

At ganon na lang ang gulat ko nang makita kong may sugat si Mama sa labi at namamaga ang pisngi!

“M-mama, ano pong nangyari sa’yo!?” Mabilis na umagos ang luha ko.

Walang naging sagot si Mama pero niyakap niya lang ako at humahagulhol nang malakas!


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 32

Chapter 32

Leinne’s POV

I don’t really remember the last time my mother cried that hard. Even now, I can still feel her arms wrapped around me, as if she wanted to squeeze me between them. The sound of her sobs still lingers in my ears like a painful, lonely song carrying so much sorrow.

Mahal na mahal ko ang Mama ko. I cannot recall my father’s face, as he left us when I was still too young to even recognize a person’s face. Since then, ang Mama Norberta ko na ang kasama ko sa lahat. Sa palipat-lipat na ang bahay para lang mamasukan bilang katulong.

Noon madalas tinatanggihan si Mama kasi may sabit— may batang dala. Hanggang sa napadpad kami rito sa mansyon ng mga Dela Cuerta sa Pangasinan. We found a home in this mansion. At simula no’n maayos na ang buhay namin ni Mama. Hindi na siya umiiyak sa gabi kasi inaaalala niya na wala kaming makakain o matutulugan.

Living in the Dela Cuerta mansion is such a luxury for me, for us. Parang wala na sa amin ang ginagawang mga trabaho araw-araw dahil nakasanayan na namin siya. Idagdag pa na wala lagi sa bahay ang mga amo namin.

However since last year, palagi nang umuuwi sila Ma’am  Ulysses at Sir Zeus dahil sila na muli ang namamalakad sa construction firm nila. Kaso lagi pa ring nasa labas.

We’ve been living comfortably and happily in the Dela Cuerta mansion for a long time, that’s why seeing my mother wail shocked me so much.

Kinumpronta ko na roon si Mama kaso ayaw niyang magsalita! Tinanong ko siya kung may nakaaway ba siyang mga kasambahay sa mansyon kaso wala raw!

“’Wag kang magdududa sa kahit na sino rito, Darryl Leinne! Nadapa lang ako sa banyo habang naglilinis kaya ganito ang m-mukha ko!” Galit na singhal ni Mama sa ’kin!

Imbes na sagutin ako ni Mama. Sininghalan niya ako. Gusto ko lang naman malaman kung ano ang nangyari sa kanya. Hindi kasi ako naniniwala sa sinabi niyang nadulas daw siya sa banyo. Paano naman? Bakit punit ang labi niya? Kung nabagok siya bakit ang magkabilang pisngi niya ang may pasa?

Nais kong magtanong kina Ate Sepa at Kuya Celo at sa iba pang mga kasambahay sa mansyon kaso mahigpit akong pinagbawalan ni Mama.

Naguguluhan na ako sa mga inaakto niya!

Binagsak ko ang aking mata sa test paper. Final examination na namin kaso lumilipad pa rin ang utak ko.

“Argh! Tingin ko na-lowbat na ang brain ko! Na overheat yata ang cells ko kaka-sagot sa exam!” Daing ni Vivian at inunan ang pisngi sa table.

Nandito kami sa study hub, kakatapos lang namin sa aming lunch pero tumambay muna sa school.

“Vivian, Leinne!” Ang matalis na boses ni Iyah ang bumulabog sa amin ni Vivian.

“Ingay naman nito!” Daing ni Vivian kay Iyah, sinaaman niya ito ng tingin.

Tinawanan lang siya ni Iyah. Sa tagal na naming magkakaibigan nasanay na rin talaga kami sa ugali at bibig ni Vivian.

“How was your finals, guys? Easy lang ba?”

“Kung easy lang sana edi hindi mao-overheat itong braincells ko ngayon!” Ungot naman ni Vivian.

“Leinne?” Tinapik ni Iyah ang kamay ko sa mesa kaya tinuon ko sa kanya ang mata ko.

“Huh? May sinasabi ka, Iyah?” Ani ko.

Kumunot ang noo ni Iyah. “Wala naman. Natulala ka kasi r’yan. Kaya akala ko kung ano na ang nangyari sa’yo.”

Tiningnan ko silang dalawa ni Vivian. Si Vivian tumuwid sa kanyang pagkakaupo. Pareho nila akong tinititigan, tila binabasa at sinusubukan nilang basahin ang aking nararamdaman ngayon. Nanunukat ang mga titig nila.

Kung anuman ang nangyari sa araw na ’yon doon sa mansyon, wala akong pinagsabihan. Kung may nanakit man sa Mama o ano… hindi ko iyon pinagkalat. Kahit kay Zadkiel at kina Vivian.

It happened weeks ago, but it still bothers me so much that I zone out. My mother’s bruised face and cut lips have healed, but not my curiosity. Bakit kasi ayaw na lang ni Mama sabihin sa ’kin ang totoong rason? Kaya hanggang ngayon nawawala ako sa sarili kapag naiisip ko ang pangyayaring iyon. Idagdag na palagi ko nang nakikita na tulala si Mama.

“Badet, may problema ba?”

Sa mga bibihirang pagkakataon nagiging seryoso si Vivian at kalmado. Tulad ngayon.

“Leinne, kung may problema ka and if you feel like talking about it. Nandito lang kami, okay? We’re friends, and through ups and downs, in darkness and in light, in sorrow and in happiness, we will always have each other!” Iyah said, pouting her lips and reaching for my hand to give it a squeeze.

I puffed out a heavy, deep breath through my nose. My chest has felt heavy these past few days, and I’m thankful that Zadkiel has been busy with his studies. He hasn’t been able to see me like this. I forced a smile for both of them.

“H-hindi lang ako confident sa mga answers ko. Ayaw kong magretake!” Nguso ko sa kanila.

“Badet, mas ako nga ang dapat kabahan dahil hula ko lang yata ang mga sinagot ko.”

“I know you will do well on your exams, Leinne. You studied a lot, kaya tiwala lang, okay? Fighting!”

Natawa ako ng bahagya.

“Fighting!” Sabay naming tatlo.

“So, wala na naman tayong klase this afternoon. Want ninyo magmall? We need some air—”

“Air-conditioned!” Singit ni Vivian kay Iyah.

“Hangin pa rin. Mas lalo lang tayong mag-iisip sa answers natin kapag nandito tayo sa ANU. Youse Café na lang tayo? Treat ko! Maganda ang sunset doon!” si Iyah.

“Naku, Leinne,  tumayo ka na d’yan! Ito namang si Iyah, ’di kaagad sinabi!” si Vivian.

Inis na hinila ni Iyah ang magulong buhok ni Vivian.

“Basta libre talaga!” Gigil niyang saad dito. “Magcomb ka nga sa buhok mo, Vivs.”

“Later na lang. Halika na kayo. Leinne, halika na.” Nginitian ako ni Vivian nang malawak.

Naglakad na kami palabas ng ANU. Nasa labas na rin kasi ang sundo ni Iyah at iyon na rin ang sasakyan namin patungong Youse Café.

“Si Leon at Penny? Hindi natin isasama?” tanong ko.

“I’ll text Leon na lang. Baka rin may date sila ni Penny,” wika ni Iyah.

“Tama.” sabat ni Vivian.

Tumango ako. Sabagay nga naman. Tumambay kami sa Youse Café hanggang magsunset at hinatid naman nila ako sa mansyon pagkatapos.

“Leinne, hindi kaya napapadalas na iyang lakad ninyo ni sir Zadkiel?” ani Mama nang magtupi ako ng mga damit.

Nakapagpaalam na ako kay Mama na may lakad kami ni Zadkiel bukas. Hindi ko pa alam kung saan since halos nalibot na naman namin ang buong Pangasinan. But usually kapag trip lang namin ang sunset at dagat sa Patar Beach kami. Libre  lang doon at maganda pa ang dagat tapos may mga maliliit na rock formations.

Kapag kaming magkakaibigan trip namin ang pool ang go-to namin ay sa Old rock. Mura lang ang entrance fee doon eh.

“Saan ba kayo pupunta ngayon? Sabi ni sir Zadkiel sa linggo ka na naman niya iuuwi. Leinne, alam kong bakasyon n’yo na ngayon pero hindi pwede ang ganito na lang lagi ha.” Paalala ni Mama.

Sa totoo lang kapag may mga lakad kami ni Zadkiel siya ang unang nagpapaalam kay Mama.

“Wala siyang sinabi, Ma.”

Tumigil ako sa pagtutupi ng damit ko nang hawakan ni Mama ang kamay ko. Hinaplos niya rin ang pisngi ko.

“Anak, wala ka namang nililihim kay Mama, ’di ba?”

Bigla akong sininok sa naging tanong ni Mama.

“M-mama.”

“Anak, hindi dapat tayo magkaroon… ng kahit na anong relasyon sa mga Dela Cuerta maliban sa pagiging katulong natin sa kanila, mmm?”

I feel terrible. I feel so bad lying to my mother.

Habang nasa byahe kami ni Zadkiel nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Medyo mahaba-haba na ang byahe namin ngunit parang wala pang planong tumigil itong kotse.

Sinulyapan ko ang kamay ko nang may dumapong kamay roon. Tiningnan ko si Zadkiel na may katanungan sa mukha. Unti-unti ay tumigil ang kotse, pinark niya ito sa tabi ng daan.

“Leinne,” anito.

Hinarap ko siya. Saglit kong nilibot ang tingin sa labas.

“Zadkiel, nandito na tayo?”

Umiling siya. “Sa La Union tayo ngayon.”

“Huh?”

“Nagbook na ako ng villa para sa ’tin doon. Ayaw mo bang tumuloy? You seemed lost right now, baby. Pagod ka ba? Pwede kang matulog. Gisingin na nalang kita kapag nando’n na tayo.”

Hinawakan ko ang kamay niya.

“Wala naman. Hindi ako pagod. May konting iniisip lang.”

“Would you like to share it with me? I’ll listen.”

Huminga ako ng malalim.

“Wala lang ito. Bumbyahe na tayo!” Natatawa kong saad sa kanya.

“Ayaw kong magbakasyon tayo tapos marami kang iniisip. Hindi natin ito mai-enjoy.” Sabi niya, dinala ang palad ko sa bibig niya.

Lumabi ako. “S-si Mama kasi… nagdududa na siya sa palaging paglabas natin, Zadkiel.” Suko ko.

“Gusto mo bang sabihin na kay Tita ang relasyon natin?” Malambing niyang wika.

Tinanggal niya ang seatbelt saka hinabot ang mukha ko.

“P-pero natatakot ako… a-ayaw ni Mama na m-magkaroon ako— kami ng kahit na anong relasyon sa inyo, Zadkiel. Noon pa man… sinasabi na niya ’yan sa ’kin. Amo namin kayo, katulong kami.”

“But, Leinne, I love you!”

Tumango ako. “Alam ko. Mahal din kita. Kaya nga natatakot akong umamin kay Mama dahil baka… baka paghiwalayin tayo.”

Napalabi na lang ako at kinurap ang mga mata upang hindi umagos ang mga luha.

“I will fight for you. Haharapin ko si Tita at patutunayan ko sa kanya na mahal kita, na totoo ang feelings ko sa’yo, okay?”

“N-natatakot ako, Zadkiel. Pati na rin kina Ma’am Ulysses at Sir Zeus.”

Kinabig niya ng konti ang ulo ko saka hinagkan ang noo ko.

“Ako ang bahala sa kanila. Allow me to handle this for us, Leinne. Just stay with me—just be with me!” Malamyos niyang saad.

Tumuloy kami ni Zadkiel sa Thunderbird Resort sa La Union. My mouth hung open as we stepped into the resort, perched atop the highest point of Poro Point Peninsula, offering a breathtaking view of San Fernando Bay and the endless expanse of the West Philippine Sea.

“Ang ganda rito,” umaliwalas ang mata ko sa lugar.

Pinagsiklop ni Zadkiel ang kamay namin sa isa’t isa at sumunod sa staff upang ituro ang aming villa.

“This place is often called the ‘Santorini of Asia,’ and I have to admit, it truly lives up to the name.”

Habang naglalakad kami may tinuturo ding mga bahagi ng resort ang staff. Tulad ng dining nila na nakaparaming pagpipilian, may recreational at wellness facilities din sila. Sinabi rin nito na may function halls sila at all weather golf course.

Ang nakuha naming room ay nakaharap sa pool at kusang pumapasok sa aming room ang natural na sinag ng araw. Two-bedroom villa ang kinuha ni Zadkiel.

Hindi pa ako nakapunta sa Santorini pero may nakikita naman na pictures online at itong lugar ay parang gano’n nga ang architecture design niya. Mula sa malalaking puting dingding, blue dome roofs at ang white and blue motif nito.

Kumain muna kami ni Zadkiel pagkatapos naming ihatid sa aming villa ang gamit. Naglakad-lakad din kami sa lugar at kumuha ng mga larawan! Pagkatapos no’n ay naligo naman kami sa pool at doon hinintay ang sunset.

Zadkiel hugged me from behind, his arms wrapped snugly around my small frame as we both gazed at the breathtaking sunset painting the sky before us.

Ilang sunset at sunrise na ang nakita ko na kasama siya. Ilang byahe at lugar na ang napuntahan ko kasama siya. Ngunit sa bawat lugar na aming napupuntahan, palaging bago at iba ang pakiramdam. Nando’n lagi ang excitement.

“I can’t picture myself watching the sunset without you anymore, Leinne,” Zadkiel whispered suddenly. “What you said earlier really made an impact on me. I don’t want to lose you either, Leinne. All I want is to spend the rest of my life with you. I want to watch the sunset and sunrise with only you by my side.” Then he dropped his head on my shoulder.

Umikot ako at umapak sa kanyang paa sa ilalim ng tubig bago tumingkayad para maabot ko ang labi niya.

Like what he usually does when we kiss, he supported my spine with his hand and deepened the kiss. I responded to his kisses with the same force and need.

Hindi niya lang alam kung gaano ako kasaya. Hindi niya lang alam kung gaano ako nagpapasalamat na boyfriend ko siya!

Zadkiel is already a formidable man. He is beyond my reach, he was like a luxury I never knew I would be able to have. But instead of me reaching for him, he was the one who extended his hand to me. I’m living my dream right now, having him with me.

“Let’s continue in our room,” he murmured through clenched teeth.

I nodded, hypnotized by his kisses.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na kaming nagkakasama sa iisang kama. Ngunit ni isang beses, wala talagang nangyayari sa ’min. Just kisses and a little naughty touch, that was all we do when we were together.

Kinabukasan pinuntahan namin ni Zadkiel ang kanilang recreational area at nag-gym din siya. Kaya pala ang ganda ng katawan niya kasi no’ng nasa Manila na siya nagi-gym na siya.

Hapon nang maglakad-lakad kami sa dalampasigan nang may biglang tumawag kay Zadkiel.

“T-tita? Why did you call?”

Tita? Sa pagkakaalam ko may mga malalayong kamag-anak sila Zadkiel na wala sa Pangasinan, nasa ibang probinsya at malalaking tao rin doon. However, hindi sila malapit sa isa’t isa kasi hindi nagkakasundo.

Ano ito ngayon?

“What? N-nasa ospital kayo ngayon?”

Nakita ko ang pagkuyom ni Zadkiel sa kanyang cellphone.

“Okay, uuwi na ako.” Aniya saka pinatay ang tawag.

“Zadkiel, ano’ng nangyari? Sino’ng tita mo iyon?” tanong ko sa kanya.

Nakita ko ang pagkawala ng dugo sa kanyang mukha.

“Ang kapatid ni Mom. W-we need to go home, Leinne. Nagka sudden cardiac arrest si Mom.”

Dahil doon umalis kami ni Zadkiel sa resort. Basta na lang namin hinagilap ang mga gamit at nag-check out.

“Dumeretso ka na lang sa ospital, Zadkiel. Ibaba mo na lang ako sa sakayan ng taxi. Magta-taxi na lang ako patungo sa mansyon.”

“Baby,” daing niya.

Mabilis na ang pagpapatakbo niya at kinakabahan na rin ako.

“Okay lang. Unahin mo si Ma’am Ulysses. Maghihintay ako sa mansyon. Kung gusto mo ng kausap tumawag ka sa ’kin.”

Hinagkan niya ang labi ko bago ako binaba. Kinunan niya ng larawan ang taxi at kahit number nito ay kinuha niya.

“I love you. Text me kapag nasa bahay ka na.”

Masuyo akong tumango. “Mahal din kita, Zadkiel. Mag-iingat ka sa pagmamaneho.”

Sumakay akong taxi patungo sa mansyon. Biniro pa ako ng taxi driver na sobrang protective raw ng boyfriend ko.

“Salamat po, Manong!” sabi ko sa driver nang makababa.

Pumasok ako sa mansyon ngunit hindi ko inaasahan ang madadatnan ko. Kinakaladkad ng isang babae ang mama ko palabas ng room namin.

“Mama!” Natapon ko ang cellphone at bag ko sa pagmamadaling daluhan si Mama.

“God! Nandito na pala ang anak mo?!” Singhal nito kay Mama.

Nakaluhod ako at niyayakap ang Mama ko na umiiyak! Sabog ang buhok at umiiyak.

“A-ano pong nangyayari? Bakit n’yo p-po sinasaktan a-ang Mama ko?!”

Pagak itong natawa. “Wala kang alam sa pinaggagawa ng ina mo? Oh my gosh! Bakit hindi mo tanungin iyan?” Paghamon nito sa ’kin.

Tiningnan ko si Mama kaso umiiyak lang siya.

“M-mama…”

“L-Leinne, umalis n-na tayo rito!” Putol-putol niyang saad.

“Dapat lang, Norberta! Dapat ka lang umalis dahil kapag may nangyaring masama kay Ulysses! Hindi ko na alam kung ano ang magagawa ko sa inyo! Mga piste kayo sa bahay na ’to!” Bulyaw nito!

Binalingan ko ang babae. “M-ma’am, mawalang galang na po… p-pero sino po kayo. A-ano po ang s-sinasabi ninyo?”

“Yeah, hindi mo ako kilala kasi hindi naman ako napapadpad sa bahay na ’to. But to tell you, I’m Ulysses’s sister! At para sabihin ko sa’yo, hijo. Ang Mama mo at si Zeus Dela Cuerta… nahuli ni Ulysses na magkasiping sa maids quarters kaya ito inatake!”

Para akong sinuntok sa t’yan nang marinig ko iyon. Tiningnan ko si Mama pero humahagulhol lang siya.

“Kaya nasa hospital ngayon si Ulysses dahil sa kababuyan at kalandian ng nanay mo! Leave! Umalis na kayo! Umalis na kayo bago pa kayong dalawa ang kaladkarin ko! I can’t believe that my sister is housing a whore in this house!” Gigil niyong singhal sa amin.

Lumapit ako sa babae at lumuhod sa harap niya.

“M-ma’am, ’wag naman p-pong ganito!” Umiyak ako sa harapan ng kapatid ni Ma’am Ulysses.

“Hijo, gaano ba kakapal ’yang mukha mo para makiusap? Nag-aagaw buhay na ngayon ang kapatid ko! Umalis na kayo at ’wag na ’wag kayong magpapakita kahit na sinong Dela Cuerta!” Mariin niya untag at dinuro ako.

Umiling ako. Kakausapin ko si Zadkiel. Hindi ito magagawa ng Mama ko. Mabait ang mama ko! Si Sir Zeus… siya dapat ang ginaganito niya! Bakit ang Mama ko lang?

Papaano ito nangyari? Kailan pa ito? Bakit wala akong kamalay-malay sa mga nangyayaring ganito?!

Napadaing ako nang sikupin ng kapatid ni Ma’am Ulysses ang pisngi ko. Dumiin ang kanyang  kamay sa pisngi kaya napapangiwi ako sa sakit.

“Hijo, sa tingin mo… ano ang gagawin ni Zadkiel kapag nalaman niya ito? Ni Zarrah? Pauwi na si Zarrah ngayon, si Zadkiel papunta na sa hospital. What if hindi na magising si Ulysses? Itatakwil din kayo. Kamumuhian din nila kayo! Palalayasin din kayo dahil sa ginawa ng nanay mo! Ngayon palang… umalis na kayo bago pa nila kayo maabutan dito!”

Hinaklit ni Mama ang braso ko patayo at sapilitan akong kinaladkad palabas ng mansyon! I wanted to stay! I wanted to call Zadkiel to explain and tell him everything!

But my mother was dragging me out of the house! My phone wasn’t with me, I had nothing but the spare clothes my mother packed for me!


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 33

Chapter 33

Leinne’s POV

Pinunasan ko ang luha na pilit na humaharang sa aking paningin habang pinapanood ang interview ni Zadkiel. I managed a fragile smile, though the words stung. It’s okay. He deserves to be happy with his fiancée.

Ilang taon na rin naman ang lumipas ah. Ano ba ang gusto ko? Na maging stagnant din ang buhay niya tulad ko? Gusto ko bang tumigil din ang mundo niya kasi gano’n ang nangyari sa ’kin?

The flow of nature… that’s the hardest thing to disrupt, let alone suppress. It is the continuous movement, processes, and chain of links that sustain life and regenerate the world we live in.

In layman’s terms, it is the innate way everything in the natural world operates. It’s like a constant dance of cycles and transformation.

Pagod ka. Hindi ka makakareklamo kasi patuloy lang siyang tumatakbo. Hindi hihinto ang ritmo ng mundo, just because you’re struggling. Pagod ka, magpahinga ka pero hindi ka pwedeng tumigil. Not because you’re in pain does time stop to mend your wounded heart.

Sana kagaya na lang ng kalyo ko sa kamay itong puso ko. The more I exert pain, the stronger it becomes. Like the other muscles in our body, the more we exert and strain them, the firmer they become.

Recognizing the flow of nature encourages us to align our lives with these natural rhythms, understanding that living sustainably means working with the cycles of the Earth rather than trying to move against them.

Just like these cycles, in this lifetime there is growth, peak, decline, and regeneration or rest. We are not merely observers of nature’s flow; we are entirely subject to it. At dahil doon, mapipilitan ka talagang sumunod sa agos ng buhay, mapipilitang sumayaw sa daloy ng buhay na matagal nang nawalan ng ritmo.

Sa loob ng limang taon, nabuhay akong hindi alam kung saan na patutungo itong buhay ko. I went to school, came back home, cleaned the house, ate, cooked, and slept. That constant cycle repeats every day, except when I have a hosting gig.

Yes! Nang magcollege ako doon ako natutong maging emcee sa mga events. Sa school, sa mga event sa barangay, and some birthday parties. Kung wala naman akong hosting (of course, hindi naman ako masyadong in-demand since hindi ako ganon kagaling), nagtitinda ako ng ulam especially lumpia. Nilalako ko sila sa palengke, sa munisipyo, at kahit doon sa may construction site.

Tingin ko dahil sa ginagawa ko at trabaho ko, kilala na ako sa buong municipality namin. Lalo na ngayon na tapos na ako sa aking on-the-job training sa hotel kung saan ako nakapasok. Mas napagtutuonan ko ng pansin ang pagtitinda.

This year ga-graduate na ako ng Bachelor of Science in Hospitality and Restaurant Management. Dito rin ako nag-aral sa isang state university dito sa aming munisipalidad.

Kahit sa mga dagok ng buhay na dumating sa buhay ko… pinagpatuloy ko ang pag-aaral ko kasi ito ang isa sa hiling ni Mama Norberta bago siya mawala sa ’kin.

Nakuyom ko ang aking palad. Kung babalikan ko ang mga nangyari sa buhay ko noon, hindi ko talaga alam kung paano ko naigapang ang lahat kahit sa murang edad.

Pagkatapos ng interview ni Zadkiel, napatingin na lang ako sa kamay ko. Doon ko nakita na nanginginig na pala ako. Sa TV ko nga lang siya nakikita pero ganito na ang epekto niya sa ’kin.

Papangarapin ko pa ba siyang makita muli kung ganito na ang epekto niya sa ’kin? Baka nga kapag nasa harapan ko na siya mahimatay ako sa kaba.

In those years that passed, I have never seen him, not even once, not even his shadow. At saka, sa dami ng taon na lumipas… alam kong naka-move on na siya sa lahat ng nangyari. Alam ko nakaahon siya. Ako. Ako na lang itong nalulubog pa at hindi alam kung papaano umahon.

Hindi ko kilala iyong Soleen na kanyang fiancé, pero sa apilyedo pa lang no’n alam ko nang pareho silang dalawa na galing sa alta na pamilya.

“Tao po! Tao po! Darryl!”

I was jerked from my reverie when someone yelled outside the house. Tumayo ako at pinunasan ko ang aking mukha at huminga ng malalim. Binuksan ko ang pinto at doon ko natanaw si Ate Loling, nasa harap ng mababang bakod ng bahay suot ang kanyang uniform sa BHW (Barangay Health Workers).

“Ate Loling, ano po ang sadya ninyo?” tanong ko sa kanya nang makalapit ako. Binuksan ko ang bakod.

“Naku, hindi na ako papasok, Darryl, dahil may medical mission ngayon sa barangay.”

“Po? Talaga?”

Si Ate Loling ay biyuda kong kapitbahay. May anak siyang lalaki na matanda sa akin ng ilang taon at may motor shop sa lungsod. Tingin ko nga may tatlong branch na siya, dalawa rito sa aming munisipalidad at ang isa ay nasa karatig na lungsod.

At kahit na gano’n, nagtatrabaho pa rin si Ate Loling. Ayaw niya raw kasing umupo na lang sa bahay niya dahil tingin niya magkakasakit siya!

“Oo! Jusko kang bata ka! Nagpost naman sa pesbok ang sekretarya ng barangay. Hindi mo ba nakita?”

Umiling ako. Hindi ko rin naman friend iyon sa Facebook. At isa pa, hindi na ako masyadong gumagamit ng social media apps.

“O s’ya,  pumunta ka roon. ’Di ba, inuubo ka?”

Tumango ako. “Opo.”

Kaya nga ako hindi muna tumatanggap ng gigs ngayon. Sayang nga. Binabawi ko na lang sa paglalako ng mga ulam!

“Ikaw kasi todo na iyang sipag mo at parang hindi ka na marunong magpahinga. Sinasabi ko naman sa’yo na hindi mo kailangang magtrabaho ng husto basta sagutin mo na iyong anak ko!”

Natawa na lang ako kay Ate Loling. Inaasahan ko na ito. Kasi naman hindi talaga natatapos ang aming pag-uusap kapag hindi niya napapares ang anak sa ’kin.

“Naku, ate! Baka patulan ko na ’yan!” Pagsakay ko sa trip niya.

“Aba’y mabuti!”

“Si Ate talaga! Ate, akala ko nagmamadali ka ngayon?” Pag-iiba ko sa usapan namin.

“Ay, jusko! Oo nga pala! Ikaw kasi eh!” At nasisi pa ako!

Gumayak na rin ako para pumunta sa covered court ng barangay. Medyo may kalayuan siya pero may tricycle naman. Nanghihinayang ako dahil hindi ako nakapagluto ng lumpia! Sayang ang mga ten pesos!

Ito naman kasing si Ate Loling, ngayon lang binalita sa ’kin! Tapos kanina natanga pa ako sa telebisyon!

Nang makarating ako sa covered ng barangay namin, nanlumo ako lalo dahil sobrang dami ng tao. Marami sana akong kita ngayon lalo na’t malapit na ang lunch time.

“Darryl!” Nakuha naman ni Ate Loling ang aking atensyon mula sa dagat ng tao.

“Halika! Kunan na kita ng vitals para makapila ka na kay Doc!”

“Sige po.”

Kinunan ako ni Ate Loling ng blood pressure, pulse rate, temperature, timbang at height ko. Marami ang nagpa-checkup pero may tatlong doctor naman kung saan pwede pumila kaya medyo mabilis at hindi ganon kahahaba ang queueing.

Pagkatapos akong ma check ng doctor sa ubo ko may libreng mga gamot din kaya doon naman ako pumila. Palagi ako sa rural health office dahil may mga suki na rin ako roon kaso lang wala akong time magpacheckup.

Alas dose na rin nang matapos ako. Lunch time na. Humuhupa na rin ang mga tao sa covered court. May mga dentista rin pala na pumunta at libre ang tooth extraction at cleaning. Maayos naman ang ngipin ko kaya uuwi na lang.

Ngunit palabas na ako ng covered court nang may biglang humawak sa braso ko. Sa gulat ko ay napatalon ako sabay lingon dito.

Ilang sandali akong napatitig sa lalaking humawak sa braso ko. Matangkad siya, matipuno ang katawan, mabango pa, at malinis. Pinanliitan ko siya sa mga mata ko.

“Leinne.”

Umawang ang labi ko. Simula nang bumalik kami ni Mama rito sa Campo Otso, wala nang tumatawag sa ’kin no’n. Well, except sa mga kaibigan ko na sina Iyah at Vivian na minsan ko lang na makatawagan.

“H-huh? Sino ka?” Wika ko, binawi ang braso ko mula sa kanyang pagkakahawak.

Binitiwan niya ako na para bang napapaso niya.

“June,” aniya, tinapik ang dibdib. Bumilog ang mga mata ko. “June Dacles!”

“I-ikaw…” hindi ko matapos ang nais kong sabihin dahil sa gulat ko.

“You remember?” Tuwa niyang saad.

Pinasadahan ko siya ng tingin. “O-oo. Pasensya ka na, June. Hindi kaagad kita nakilala!”

Ngumiti ako nang makita ko ang pamumula ng kanyang mga tainga. Kinamot niya ang batok.

“Okay lang, Leinne. Ilang taon na rin kasi eh.”

“Mmm, ilang taon na nga.” My voice sounded melancholic.

“Wait, pwede ba tayong mag-usap somewhere? Wala ka namang gagawin, right?”

Simula nang umalis kami ni Mama sa Pangasinan, sina Iyah at Vivian na lang ang nakakausap ko na mula roon. Si Leon kasi umalis daw ng bansa. Ni hindi kami nakapag-usap no’ng umalis ito. Nabalitaan ko na lang kina Iyah at Vivian na sa ibang bansa na raw ito mag-aaral.

Hindi ko rin pinayagan sina Iyah at Vivian na puntahan ako rito sa amin, iniiwasan ko kasi talagang makisalamuha sa mga tao na galing Pangasinan. Dahil na rin sa nangyari noon. Kahit sina Vivian, hindi ko tinatanong kung ano na ang balita sa mga Dela Cuerta o kung may kumakalat bang isyu roon about kay Mama.

Ngunit nakita ko na lang ang sarili ko na tumango kay June. Dinala niya ako sa isang tent.

“Dito na lang. Dito ang tent namin ni Mama.”

Binigay niya sa ’kin ang isang foldable chair.

“Mama mo? Nandito rin?” Sambit ko at umupo.

Hinila niya ang isang foldable chair papunta sa harap ko. Ngumiti siya at umupo.

“Oo. Isa si Mama sa mga dentista sa labas.”

“G-ganon ba?”

“Mmm!”

“Teka lang, June. Okay lang ba na nandito tayo? Baka hinahanap ka doon sa court.”

Umiling siya at inabot ang dalawang packed lunch sa mesa na nasa likod niya. Inabot niya rin ang stand fan at hinarap sa amin.

“Hindi. Sinabi ko na kay Mama na magpapahinga muna ako at… nakita kita. Akala ko kasi namamalikmata ako.” Inabot niya sa akin ang isang packed lunch.

“Akin?” Tinuro ko ang sarili. Tumango siya. “P-pero hindi naman ako kasali sa…”

“Sige na. Marami ang binigay sa ’min, eh.”

Nahihiya kong tinanggap kay June ang packed lunch na nakasilid sa styro.

“May gusto ka bang sabihin sa ’kin, June?”

Sinulyapan niya ako at binuksan ang packed lunch niya. Fried chicken, lumpia, shumai, at rice ang laman no’n.

“Ahm, n-namiss lang siguro kita… a-ah, ano… kasi… nawala ka bigla sa ANU. Hindi na kita napansin noong grade 12 yata iyon eh. Doon ko yata napansin na wala ka na sa Axis.”

“N-napansin mo?”

Mahina ang kanyang naging subo at tumango.

“Kahit na binasted mo ako noon, Leinne. Hindi naman kita madaling nakalimutan. Ikaw kasi ang una kong nagustuhan. Kaya panay pa rin ang sulyap ko sa’yo sa malayo.” Saysay niya habang nakayuko, ang nakikita ko lang ay ang kanyang tainga na pulang-pula. “Akala ko nga nag-STEM ka kaya iyon ang kinuha kong strand. Iyong pala nasa ABM ka. Kinarma nga talaga siguro ako noon sa pambubully ko sa’yo no’ng elementary.”

“June, matagal na iyon.”

Unti-unti siyang nag-angat ng tingin. Siguro nga no’ng pinayagan ko siyang manligaw noon ay dala lang iyon sa excitement ko na may suitor na ako. Pero ko hindi ko naisip na gano’n pala kalalim ang feelings ni June. Siguro dahil bata pa kami no’n at immature?

However, matanda pala sa ’kin si June kasi pabalik-balik ito sa elementarya noon.

“Pero iyong feelings ko sa’yo noon, Leinne. Iyon ang nagdrive sa akin na pagbutihan ang pag-aaral ko. Mga bigatin kasi ang mga lalaking nakaaligid sa’yo. Ako lang ang walang direksyon sa buhay! Natuwa nga ang mga magulang ko nang biglang nagpursige ako sa study ko.” Nakatingin lang siya deretso sa mga mata ko. “Kahit nabasted mo ako noon, Leinne. Nagpapasalamat ako sa dinulot no’ng feelings ko sa’yo. It changed me… for good.”

Napatango ako sa kanya.

“I’m happy for you, June.”

“Ikaw, Leinne? Kumusta ka na? B-bakit bigla kang nawala? At… dito ka ba nakatira? Sa probinsiya na ’to?” Sunod-sunod ang kanyang pagbato ng tanong sa ’kin.

Ngumiti ako sa kanya at dahan-dahan na tumango.

“I’m… trying. I’m trying to live my life, June.” I don’t want to repeat the cycles that have been happening to me. I want some changes too… just like my feelings for him. Kasi tingin ko, ako na lang ang naiwan. “Mmm, dito na ako tumira… simula no’ng umalis kami ni M-mama sa Pangasinan.”

“S-sorry sa maging tanong ko.”

Inilingan ko siya. “Okay lang, June. Alam ko naman… na hindi mo naman ipagkakalat na nandito ako, ’di ba?”

Napatuwid siya sa pagkakaupo. “Oo… oo naman!”

Kumain na rin ako. Natawa ako kay June kasi binabagalan niya raw ang subo niya kasi hindi pa raw ako kumakain. Ayaw niyang kumain ako na mag-isa.

“Graduate ka na ba?” tanong niya at inabot sa akin ang isang softdrinks.

Tinanggap ko iyon. “Naghihintay na lang ako sa graduation namin.”

“Kailan ang graduation mo? Baka makapunta ulit ako rito. Though I can’t promise, kasi baka may gagawin ako sa school.”

Matigas akong umiling sa kanya.

“Okay lang, June. Ano ka ba! Ang layo rin kaya ng lugar na ’to.” Pigil ko sa kanyang binabalak. “Ano pala ang course mo?”

“Ah, nursing ang kinuha ko. Para kasing ang ganda niya.”

“Sige, June. Aalis na ako, ha! Saka salamat sa lunch!”

Tatayo na sana ako nanghawakan niya ang kamay ko.

“L-Leinne… pwede mahingi ang number mo?”

“Para saan naman?”

Kinagat niya ang labi. “A-ano… kwentuhan… saka iyong about sa graduation mo. Baka lang… nakapunta ako.”

Nanginginig ang kamay ni June nang iabot sa akin ang cellphone niya. Tinipa ko na lang din ang number ko roon.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 34

Chapter 34

Leinne’s POV

“Benteng lumpia sa ’kin, Darryl,” ani Lander nang makarating ako sa motor shop niya, ang Lander’s Motorshop.

“Talaga?” Natigalgal ako nang marinig ko ang sinabi ni Lander. “Seryoso ka ba r’yan, Lander? Mauubos mo ba?” Pahabol kong tanong kaso kumuha na rin ako ng plastic kung saan ko ilalagay ang lumpia.

Mula sa pagkakaupo, nakangiting tumayo si Lander. Narinig ko naman ang mga munting sipol at tikhim ng kanyang mga trabahante sa shop.

Kinuha niya ang isang upuan. “Oo, seryoso ako. Kailan ba ako nagbiro sa’yo? Upo ka muna.” Binigay niya sa ’kin ang isang silya.

“Naku, hindi na. Uuwi na rin ako ngayon.” Tanggi ko sa kanya.

“Ubos na ba ang lumpia mo?” tanong niya at sinilip ang lalagyan ko ng lumpia.

“May konti pa siguro kung itutuloy mo ang bente na lumpia.”

“Edi, ubusin ko na!”

“Niloloko mo ba ako, Lander?” Kumawala ang tawa ko.

“Hindi lang naman ako ang kakain d’yan.” Nilingon niya ang nga tauhan niya na may kinukompuning motor. May panaka-nakang bumibili rin ng mga gamit at accessories ng motor. “Libre ang ulam ng mga impakto na ’yan.”

Napapailing ako sa kanya. “Baka naman mapurga na sila sa lumpia ko.”

“Hindi ’yan. Bigwasan ko sila kapag hindi sila kumain!”

Natawa na lang ako sa kanyang sinabi. Tiningnan ko ang kanyang mga trabahante na nakarinig sa kanyang sinabi. Hindi nila mapigilang hindi mag-react sa sinabi ni Lander.

“Grabe ka naman, boss!”

“Nangangamoy lumpia na nga kami!”

“Amoy, aseite kamo!” Asik ni Lander sa kanila.

“Mga sira! Nagbabango si boss. Hayaan n’yo na!”

Ngumisi ako sa mga hirit ng kanyang mga trabahante.

“Ayusin n’yo ’yang trabaho ninyo kung ayaw ninyong makatikim sa sipa ko!” Malakas na supi ni Lander sa kanyang mga trabahante kaso tinawanan lang siya.

Sa tagal kong kilala itong si Lander, masasabi ko talagang mabuti siyang anak at kaibigan. Ito kasing shop niya mga kaibigan niya rin ang mga trabahante niya. Iyong mga tambay sa amin na marunong sa pag-aayos ng motor ang kanyang mga tauhan.

Minsan nagpapakain din siya sa mga bata roon sa amin at namimigay ng mga school supplies. Hindi ko alam kung malaki ba ang kita niya rito sa shop niya pero napaka mapagbigay niyang tao.

Napapaisip nga ako kung bakit hanggang ngayon wala pa rin siyang asawa o girlfriend. Gwapo rin kasi siya at maalaga sa katawan. Tapos may negosyo pa! Ano pa ang hahanapin ng babae rito?

“Ito na ang lumpia mo, oh!” Abot ko sa kanya sa lumpia niya.

Binigyan niya naman ako ng saktong bayad. Sa tagal ko nang ginagawa ito, alam na rin ni Lander na ayaw na ayaw kong sobra-sobra ang binibigay niya sa ’kin. Ayaw kong isipin niyang namimihasa na ako sa keep the change niya! Kaya sinupi ko na siya roon!

“May gagawin ka ba ngayon?” tanong niya.

“Pagkatapos nito sa bahay lang ako. May aasikasuhin lang akong portfolio na ihahabol ko sa prof ko para bukas.” Tugon ko sa kanya.

“Edi, bukas after mong magpasa, wala na?”

Pinulot ko ang handle ng storage box bago sumagot kay Lander, “Wala na.”

“Lumabas tayo.”

“Bakit naman?”

Muli kong narinig ang mga sipol mula sa mga trabahante niya.

“Wala lang… kape lang tayo o gala kung saan mo gusto. May iro-road test din kasi akong motor!”

Saglit akong nag-isip.

“Okay.”

Hindi rin naman ito ang first time na inaya ako ni Lander. Inaaya niya rin kasi ako kapag may mga libre siyang araw kaso minsan natatanggihan ko lalo na kapag may gigs ako o busy lang.

Nang makarating ako sa bahay. Nagwalis muna ako, naghugas sa mga ginamit ko kanina sa pagluluto bago pumunta sa silid. Ginawa ko na ang portfolio ko at nang matapos ay humiga ako sa kama.

Sumakit din ang likod ko kakayuko at sumakit ang mga daliri ko kaka-tipa sa keyboard. Pero mabuti at natapos ko na, ipapa-print ko na lang siya.

Humikab ako pinikit ang mga mata.

Isang linggo na ang lumipas simula no’ng interaction namin ni June sa covered court. Simula no’n panay na ang tunog ng cellphone ko kasi nagti-text siya sa ’kin.

Napapaisip tuloy ako kung tama ba na ibinigay ko sa lalaki ang number ko! Naisipan ko bigla na i-text kay Vivian ang pagkikita namin ni June last week. Mula akong pumikit matapos ko siyang i-text.

Namulat ko ang mga mata nang biglang tumunog ang aking ringtone! Hinagilap ko sa kama ang cellphone ko. Si Vivian ang tumatawag. Si Vivian o kung hindi naman ay si Iyah lang ang tumatawag sa ’kin. Ngayon nadagdagan na sa mga text ni June.

“I can’t believe you!” Bungad ni Vivian sa ’kin nang sagutin ko ang tawag niya.

Nilagay ko lang ang cellphone ko sa tabi ng aking tainga. Ni-loud speak ko ito.

“Bakit?” Inosente kong sambit.

“Anong ‘bakit’ ka r’yan, badet! Joke ba itong text mo? Nagkita kayo ni June? June Dacles? Iyong bully no’ng elementary at nanligaw sa’yo no’ng highschool?!”

Nilagay ko ang aking palad sa t’yan at tumingin lang sa kisame ng kwarto. Akala ko no’ng umalis kami noon ni Mama sa mansyon ng mga Dela Cuerta, wala kaming pera. Pero may savings pala si Mama.

Iyong savings niya ginamit niya iyon para ipaayos itong bahay namin. Kaya kahit na maliit lang siya at may isang kwarto, fully furnished naman siya.

But sadly… Mama left me. I don’t know if she took her own life or if someone did that to her. Nakita na lang kasi ang katawan niya sa tabing dagat na walang malay.

Iniwan ako ni Mama na may pera galing sa savings niya at bahay na kanyang pinaayos. It feels like everything was planned.

“Siya nga. Nakapagkwentuhan nga kami saglit…”

Narinig ko ang malakas niyang daing. “Ang unfair nito sa amin ni Iyah! Kami hindi mo sinasabi kung nasaan ka ba talaga. Pinipigilan mo kaming pumunta d’yan sa’yo pero si June kinausap mo!”

“Aksidente lang naman iyon. Isa siya sa volunteers, okay!”

“Kahit na ’no!”

“Hay naku! Sa graduation ko na lang. Pumunta kayo ni Iyah rito sa graduation ko!”

“Pangako na ’yan, ha!”

“Oo nga!”

“Pero balik tayo kay June.”

Napailing ako at dumapa sa kama. Kinuwento ko sa kanya ang naging pag-uusap namin ni June.

“Badet, hindi kaya gusto ka pa rin ni June until now? Baka destiny na ito!” Bakas sa boses nito ang pagka-intriga at tuwa!

“Sira! Anong destiny ka r’yan?” Natatawa kong wika.

“Kasi nga isipin mo, noon binibully ka niya. ’Tapos no’ng highschool nanligaw sa’yo pero binasted mo. At sabi mo, kahit na binasted mo siya sinusulyapan ka pa rin niya mula sa malayo. He even changed because of you! Imagine mo naman, badet! Ganun ang epekto ng isang Darryl Leinne Espiritu sa isang June Dacles! Naging matuwid ang pananaw ni June sa buhay dahil sa’yo! Haba naman ng hair mo!” Naging tunog panunukso na iyong huling sinabi ni Vivian sa ’kin.

“Sira ka talaga! Gusto lang no’ng tao na makipagkaibigan ulit!” Giit ko sa kanya.

“Hay! Ewan ko talaga kung manhid ka ba o naivé lang, Leinne!”

“Vivian, ilang taon na kaya lumipas…”

“Tama ka… ilang taon na nga lumipas, Leinne. Nakalaya ka na ba?”

“Vivian,”

“Sorry. Let’s not talk about that. Ang pag-usapan natin ay kung kailan kami pwedeng bumisita ni Iyah sa’yo! Jusko! Nauna pa sa amin si June!”

Ano pa nga ba ang kinakatakot ko ngayon? Ang mga Dela Cuerta? Wala naman si Mama. Matagal na naman akong nanahimik rito sa probinsiya. Natahimik na rin siguro sila.

Sa sumunod na araw ay pinasa ko nga ang portfolio ko pagkatapos ko itong ipa-print. Nilako ko na rin ang mga naluto kong lumpia. Dumaan ako roon sa may construction site kung saan iyong mall na malapit nang matapos. May mga suki kasi ako roon. Sa tagal kong magtitinda sa kanila ng ulam, hindi ko man lang alam na ang DC Corporation pala ang may ari ng mall na ’to!

“Balik-balik ka rito, ha! Saka same order ulit ako. Sampu ulit, Darryl.”

“Kami rin, Darryl, tigsa-sampu!”

Tinanguan ko ang mga kuyang construction workers. Matagal ko na silang suki. Kaya hindi ko talaga matalikuran ang construction site na ’to!

Nang dumating ang hapon nagroad trip kami ni Lander at gabi na nang makauwi.

“Saan kayo galing, Darryl?” Sundot ni Ate Loling sa aking baywang nang ihatid ko sa loob ng bahay nila ang pinamili ni Lander para sa kanya. May malisya ang tono ng pananalita nito.

Nasa labas pa si Lander kasi may tinitingnan pa siya sa motor.

“May motor lang na ni-road test si Lander, ate!” Sagot ko rito at binigay sa kanya ang supot ng ulam at paper bag.

“Road test?”

“Opo!”

Natatawang umiling si Ate Loling. “Teka nga, wala pa kayong hapunan? Dito ka na lang maghapunan sa bahay, Darryl. Marami akong niluto!”

“’Wag na, ate Loling. Nakakahiya naman po!”

“Naku, ’wag ka ngang mahiya! Kahit nga dito ka pa matulog!”

Tinawanan ko si Ate Loling. Ang lapit lang kaya ng bahay ko sa kanila! Dahil sa pamimilit ni Ate Loling, doon na rin ako naghapunan sa bahay nila.

Ewan ko kung mabilis lang ba kumain si Ate Loling pero nauna na siyang matapos sa amin ni Lander. Nagpresenta pa na bumili ng Coke sa labas!

“Ako na lang ang magliligpit nito.” Presenta ko nang matapos kami ni Lander sa dinner.

“Tulungan na lang kita, Darryl.” Tumayo kaagad siya.

“Ako na lang, Lander. Nakalibre na nga ako ng hapunan dito eh. Grabeng pagmamalabis na ’to!” I snickered.

Lander sighed. “Hindi, tulungan na kita.” Kontra niya sa ’kin.

I heaved and just nodded. There’s no point in arguing with him. Baka hindi kami makapagligpit sa mesa dahil nagtatalo kami.

While I was busy washing the dishes, I could feel Lander’s eyes boring holes into my face. It was hard not to notice, because he was right beside me, and the weight of his stare was too palpable to ignore.

I shifted my weight to the other side, puffing out air through my nose.

I glanced up for a moment, only to catch him gazing at me intently.

“M-may dumi ba sa mukha ko?” tanong ko sa kanya bago ko binalik ang mga mata sa hinuhugasang plato.

“Darryl,” usal nito.

Nang matapos ako sa pagsasabon. Binanlawan ko ang kamay ko.

Humarap ako sa kanya. Tiningala ko si Lander since matangkad siya ng konti sa akin.

Lander is shorter than him!

Wait! Why am I suddenly comparing Lander to him?

Hindi ko naman inaasahan na natanga ako sa harap ni Lander dahil biglang pumasok sa isip ko si Zadkiel.

Bumalik lang ako sa aking huwesto nang maramdaman ko na ang mainit nitong labi sa labi ko!

His lips only touched mine for a couple of seconds before I pushed him away. My eyes bulged as I glared at Lander.

It seemed like he wasn’t expecting it either, judging by the horror I saw in his eyes.

“D-Darryl, s-sorry…”

Itinaas ko ang kamay ko sa kanya.

Umiling ako kay Lander. “I-ikaw na ang magtapos ng mga hugasin. Sabihin mo na lang kay Ate Loling na umuwi na ako.” Deretso kong saad kay Lander at lumabas ng bahay nila.

Narinig ko pa ang tawag ni Ate Loling, mukhang nakabalik na ito, kaso dere-deretso na ang lakad ko patungong bahay.

I have known Lander since my mother and I lived here. Sila ang una naming naging kaibigan sa neighborhood na ’to. Up until then, Lander was nothing more to me than a playboy. Palagi ko kasing naririnig si Ate Loling dati na pinapagalitan si Lander dahil sa mga babae nito. Natatakot si Ate Loling na baka hindi makapagtapos sa pag-aaral at makabuntis ng babae si Lander.

Until one day, tumahimik na lang ang bahay nila. Hindi ko na narinig ang mga litanya ni Ate Loling kay Lander tungkol sa mga babae nito!

Even with the closeness I share with Lander, I’ve never once considered him as someone I could be with romantically. To me, he’s always been a friend, a brother figure.

Kaya naman gulat na gulat ako nang halkan niya.

Kinabukasan, pumunta na naman ako bayan upang ilako ang mga ulam na binibenta ko. Sometimes, I cook adobo, fried chicken, pancit, and pritong isda. Para naman kung magsawa sila sa lumpia. May iba silang pagpipilian.

Matapos kong libutin ang palengke tumungo ako sa construction site. Naka-packed na ang mga ulam nila para pagdating ko doon bigay ko na lang kaagad sa kanila ang ulam at magbabayad na sila.

“Hello po!” Tawag ko roon sa mga gumagawa ng plant box sa labas ng mall. Ang mga pintor naman ay tumingin din sa ’kin pero kaagad nag-iwas ng tingin.

Ano’ng nangyayari? Usually naman kapag dumarating ako rito nagkukumpulan na sila para sa kanilang ulam.

“Ah, mga kuya heto na po ang mga ulam na order ninyo kahapon.” Sunod kong saad.

Kumunot ang noo ko nang wala silang imik. Parang hangin na lang ako rito.

“Ahm, hindi n’yo po ba kukunin?” tanong ko naman. “Naka-packed na po ito kagaya ng order ninyo kahapon.”

“Ah, hindi n’yo po kukunin. Sige po. Okay lang! Sa susunod na lang po ulit!” Siniglahan ko ang boses ko.

Ayos lang. Doon nga sa palengke hindi rin ako iniimik ng ibang mga tindera.

“Alis na po ako. Salamat!” Naglakad ako palabas nang may tumawag sa ’kin.

“Darryl,” tawag ni Kuya  Roy. Si Kuya Roy ay ang time keeper nila at tumutulong din siya sa pagpipintura.

“Kuya, kukunin n’yo po ang lumpia?”

Pansin ko ang pag-aalinlangan ni Kuya.

“Wala na po kayong pera? Okay lang po na utangin n’yo muna. Hindi na po kayo iba sa ’kin eh!”

Kuya Roy shook his head. His eyes seemed troubled.

“Darryl, gusto… g-gusto naming kunin iyang mga ulam mo. Kaso… bawal kasi, bayaran na lang namin at iuwi mo na lang.”

A frown creased my forehead! “Po?”

“Ewan ko, Darryl. Iyong boss namin. Dumating kahapon rito at nagulat na lang din kami nang bigla niyang sabihin na hindi kmai pwedeng bumili ng ulam sa labas. Ewan ko ba, inaya namin siyang kumain kahapon at kumain na man siya kaso lang biglang nag-init ang ulo. Hindi namin alam kung ayaw niya ba sa ulam namin o baka sa luto mo. Iyon lang naman kasi ang ulam namin kahapon nang maabutan niya kami. Mahigpit niyang bilin na ’wag nang bumili ng ulam na kagaya kahapon. At kapag nahuli niya kami, masisisante kami. Bigla na lang nagalit at—”

Lito rin si Kuya Roy sa kanyang paliwanag kaso naputol siya nang may malakas na boses na sumingit sa kanya.

“What is this?!”

My eyes widened when I heard the familiar voice. It had been so long since I… since I last heard it. My knees wobbled, and my heart began to pound erratically! I couldn’t even bring myself to move!

“Ito ba ang nagtitinda ng ulam sa inyo? I told you not to buy this, and not to even allow it—”

I saw him walk past me in my peripheral vision.

Air caught in my throat as my eyes followed Zadkiel when he finally stopped in front of me. My hands lost their strength, and the handle of the storage box slipped from my grip.

“L-Leinne…?”

Umigting ang mga panga niya. Humakbang siya palapit sa ’kin kaso kusang umatras ang paa ko. He stepped forward. I retreated, heart pounding, until I could finally summon the courage to run! Iniwan ko ang mga paninda kong ulam na nahulog doon at tumakbo na lang ako palayo roon!


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 35

Chapter 35

Leinne’s POV

I clutched my heart that was pounding so hard against my ribcage. My other hand was anchored on the tree where I decided to catch my breath after sprinting to my heart’s content.

Hindi ko alam kung itong pagwawala ng dibdib ko ay dahil ba sa pagtakbo o dahil sa kadahilanang nakita ko si Zadkiel. Nakita ko siya after… five years! ’Di ko siya masyadong natitigan kanina kasi nagwawala ang sistema ko. Kailangan ko pang suwayin ang sarili mula sa pagkabato ko kanina.

No’ng napanood ko ang interview niya sa telebisyon, doon ko lang nalaman na sa DC pala iyong mall. Hindi ko naman pinagtutuonan ng pansin iyon, nito lang din naman ako napapadpad sa mall dahil tapos na ako sa OJT at wala nang klase.

Kasalanan ko bang hindi ko natanong sila Kuya Roy kung sino ang nagpatayo ng mall na ’yon? Pagkakamali ko bang hindi nag-ingat masyado?

Nang malaman ko na sa kanila iyong mall… hindi ko naman inisip na maaaring magkita kami. As much as that thought bothered me, I didn’t think much of it because Campo Otso Province was very far from Pangasinan or Manila!

I was so confident that his path wouldn’t cross with mine! At saka, bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa siya napadpad dito?

Napaupo ako sa ilalim ng puno. Hinanap ko ang sobrang ulam na hindi ko nabenta sa construction site ng mall kaso wala na.

Nasampal ko ang noo ko nang mapagtanto kong naiwan ko ito roon sa mall. Pinulot kaya iyon ni Kuya Roy? Sana kinuha niya iyon.

Pagod kong sinandal ang katawan ko sa kahoy. Pilit ko pang pinapakalma ang aking damdamin na hanggang ngayon hindi ko pa rin mapatahan.

Sinapo ko ang ulo ko. Bakit ngayon pa? Sa lahat ng oras o araw na pupunta siya sa roon, bakit ngayon pa?

Patapos na naman ang mall ah. Ano pang ginagawa niya? Nag-iinspect?

Alam niya kayang nandito lang ako sa Campo Otso? Ano naman ngayon? Matagal nang naputol ang relasyon namin ni Mama sa kanila.

Sa totoo lang hindi rin sinabi sa ’kin ni Mama ang lahat ng nangyari. Kapag sinusubukan ko siyang kausapin noon tungkol sa nangyari pinapagalitan niya ako. Ayaw na ayaw niyang nababanggit ang mga Dela Cuerta. Kung kaya lang siguro akong ibalik ni Mama sa sinapupunan niya para lang manahimik ako tungkol sa mga Dela Cuerta, ginawa na niya!

Natuto na rin ako no’n na ayaw na talaga ni Mama sa mga Dela Cuerta. I’m not sure if it’s because they got caught or if there’s still something behind it that she cannot share with me.

Namatay si Mama na hindi ko nasabi sa kanya na naging boyfriend ko si Zadkiel. Kasi kahit ang pangalan ng lalaki, ayaw na ayaw niyang nababanggit ko.

What should I do now? He saw me. He knows I’m here. Aalis ba ako rito? Hahabulin ba nila ako at gaganti sa ginawa ni Mama noon?

No’ng gabing umalis kami sa mansyon ng mga Dela Cuerta, siya lang ang inaalala ko. Umiiyak ako dahil hindi ako nakapagpaalam sa kanya no’n. Kung nakapagpaalam ba ako sa kanya… may magbabago? Kung nasabi ko ba sa kanya ang nangyari… makikinig kaya siya? Maniniwala kaya siya sa ’min ni Mama?

Lito ako kung ano ba talaga ang gagawin ko ngayon. Nandito si Zadkiel Dela Cuerta sa bayan namin!

I am this affected and conflicted because I still have feelings for him despite the years that passed. There are still bits of emotions lingering in my heart, feelings that, with one jab, would rupture again. Emotions that are still hanging by a thread.

When Zadkiel suddenly drew boundaries between us, my heart was confused, bleeding, and masked with hatred. Then all of a sudden, the tables turned and I was the one who drew boundaries, who built a wall between us. It makes me wonder if he also felt what I felt back then.

Yes, I didn’t mean to leave him or walk away from his life unannounced. But our situation and the circumstances forced me to leave.

Lumukso ang dibdib ko nang may marinig akong boses mula sa labas. Napatigil ako sa paghihiwa ng carrots. I removed my hair net and my gloves before scurrying toward the door.

“Darryl? Si Lander ito.”

Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Lander sa labas ng mababang fences ng bahay. Ano’ng ginagawa niya rito? Gabi na ah.

“Lander, ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya.

Nahihiya siyang tumingin sa ’kin. “Pwedeng pumasok kahit d’yan lang sa bakuran ninyo? May dala akong ice cream at marshmallow para sa ’tin.” Pinakita niya ang supot.

Hay! Paano naman ako makakatanggi roon? They’re my comfort foods!

Pinasok ko si Lander at umupo siya doon sa kahoy na upuan na nasa labas lang ng bahay. Binigay niya sa ’kin ang isang disposable spoon at binuksan din ang mallows.

“Thank you rito, Lander!” sabi ko sa kanya at sumubo ng malaki sa ice cream.

I miss eating ice cream. Ugh!

“You’re welcome, Darryl.”

“Gabi na, galing ka pa ba sa bayan?” tanong ko sa kanya at sumandok na naman ng ice cream.

“Mmm, kumain lang ako saglit sa bahay tapos bumili ako ng ice cream and mallows. Noon kasi ito ang nakikita kong kinakain mo lagi.”

Napapatango ako. Napapansin niya pala iyon?

“At saka… Darryl, gusto kong humingi ng dispensa sa’yo.”

Lumamon ako ng mallows at tumitig sa kanya. Nasa unahan lang ang mata nito, mukhang malalim ang iniisip. Bumaba ang mata ko sa kamay niya at nakita ko ang panginginig no’n pati na ng kanyang tuhod.

“Sorry kung bigla kitang hinalkan no’ng gabing iyon, Darryl. Putek nito! Nakakahiya pero… pero nadala talaga ako ng tukso. Sorry dahil ginawa ko iyon sa’yo nang walang paalam, Darryl.”

Nagpakawala ako ng hangin mula sa ilong ko.

“Bakit mo ba kasi iyon ginawa, Lander? Kaibigan kita ngunit iyon ang unang pagkakataon na ginawa mo iyon.”

Hindi ko na lang inintindi ang kiss niya sa ’kin. Ngunit masaya akong nakausap ko siya ngayon. Masaya ako na nakapagreflect na siya sa ginawa niya.

Tumingin siya sa akin. Ewan ko kung matatawa ba ako sa hitsura niya o ano. Para kasi siyang may iniindang pananakit sa t’yan. Naiiyak siya na parang ewan!

“H-hindi pa ba talaga ako halata, Darryl?”

“Halata? Na ano?” Clueless kong saad. “Hala, natutunaw na ang ice cream!” Binilisan ko ang paglamon no’ng ice cream.

“Na may feelings ako sa’yo.”

Tumigil ako sa pagsubo.

“H-huh? Lander naman.” Natatawa kong saad kaso nanginig ang boses ko.

“Ang manhid mo talaga. Si mama, iyong mga barkada ko, at tingin ang buong barangay alam na ang feelings ko sa’yo. Pero ikaw… hindi mo talaga nahalata?”

Binaba ko ang disposable spoon. Umiling ako kay Lander.

“Darryl, gusto kita. Matagal na kaso naduduwag kasi ako lalo na kapag magkasama tayo. Ilang beses ko nang sinubukan na umamin sa’yo kaso lang napapangunahan ako lagi ng takot.”

“E-eh, Lander… sorry.”

Kumuha siya ng mallows. “Okay lang, Darryl. Hanggang kaibigan lang ang tingin mo sa ’kin, ’di ba?”

Lumabi ako sa kanya. “Pasensya ka na, Lander. You… you deserve better. You don’t deserve someone like me who still isn’t over his past.”

“Darryl, handa akong hintayin ka.” Desidido niyang wika.

“’Wag, Lander. Please, ’wag. I cannot guarantee that I can reciprocate your feelings. I can’t promise you anything. Ayokong paasahin ka.”

“I really like you, Darryl.”

My shoulders heaved with each labored exhale.

“I’m so sorry, Lander.”

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Tiningala ko ang mga bituin sa langit.

“Hindi na nga siguro kita mapu-pursue, Darryl. Pero thank you sa pagpapakatotoo mo sa ’kin.”

Tanging ngiti na lang at tango sa aking ulo ang naging sagot ko kay Lander.

He drew in a deep breath, swung around to face me, and stretched out his arms.

“Pwedeng… payakap na lang?”

Umusog ako ng konti sa kanya at niyakap siya.

Nang magising ako kinaumagahan, una kong hinagilap ang cellphone ko at nag-online. Baka kasi may announcement about sa graduation namin o mga changes. Pero ang nakita ko lang ay ang announcement ng mayor namin sa mga hindi pa naka-fullypaid sa kanilang bayarin.

Naglinis muna ako saglit sa bahay bago naligo. Nang matapos ay nagluto naman ako para sa breakfast. Habang nagluluto ako ay may narinig naman akong tumatawag sa ’kin mula sa labas.

“Kuya Roy?” sambit ko nang makita ko si Kuya Roy.

Pinunas ko lang ang kamay sa damit ko at lumapit kay Kuya Roy. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong bitbit niya ang storage box na pinaglalagyan ko sa mga paninda ko!

“Darryl, mabuti at naabutan kita. Ito pala ang storage box mo. Naiwan mo ito kahapon doon sa mall na ginagawa namin.”

“Salamat, Kuya Roy. Naabala ko po kayo dahil dito.” Tinanggap ko ang storage box mula sa kanya.

“Wala iyon, Darryl. Saka kinuha na pala namin ang mga orders namin sa’yo kahapon. Nasa plastic na nasa loob n’yan ang mga bayad namin.”

Napakurap-kurap ako. “Talaga po?”

“Oo sayang kasi.” Kamot nito sa kanyang pisngi.

“Maraming salamat, Kuya!”

“Wala iyon. Ah saka pala, hindi ka naman busy sa Sabado?”

“Hindi naman po.”

“Tamang-tama! Pwede bang umuroder ako ng lumpia sa’yo? Birthday kasi ng bunso namin ni Misis at paborito niya ang lumpia mo!”

“Walang problema, Kuya. Sige po. Ano’ng oras ko po dadalhin ang lumpia sa bahay ninyo?”

“Mga alas sais na lang siguro. Inimbita ko na rin kasi ang mga katrabaho ko.”

Mabilis na dumaan ang mga araw. Simula no’ng magkita kami ni Zadkiel doon sa mall, iniiwasan ko na ang lugar na iyon na para bang may kababalaghan roon. Hanggang sa dumating ang Sabado na hindi ko siya nakita!

Singkuwenta na lumpia ang pinagawa ni Kuya Roy sa ’kin ngunit dahil malapit siya sa ’kin, may konti akong dinagdag roon.

Sumapit ang alas singko y media kaya gumayak na rin ako para maihatid ko ang lumpia kina Kuya Roy. Malapit lang sa isang elementary school ang bahay nila kaya alam ko ito kasi minsan umaabot ako roon kapag naglalako.

Pagkarating ko naman doon, may mga tao na at may mga palaro na sila sa mga bata.

“Darryl? Darryl pasok ka! Ito na ba ang lumpia’ng inorder ni Roy sa’yo?” ani ng asawa ni Kuya Roy na si Ate Berly.

“Opo!”

“Naku, halika ka muna sa loob. Kumain ka na rin ha.”

“Naku, ’wag na po.”

“Hindi, hindi pwede. Malapit na rin naman ang dinner. Halika!” At kinawit na nga nito ang braso sa akin saka ako hinila papasok sa kanila.

Medyo kilala ako ng mga tao dahil na rin sa iba-ibang raket na pinapasukan ko. Kaya may mga tumatawag din sa ’kin na tumatagay na.

“Ilagay ko lang itong lumpia sa mesa ha. Ikukuha na rin kita ng plato at ang bayad nitong lumpia.”

“Walang problema, ate.”

Asikasong-asikaso ako ni Ate Berly na para bang kung sino akong tao. Binigay ni Ate ang bayad sa ’kin at pinakain ako. Nahihiya na rin akong umuwi kaagad kaya umupo na lang muna ako at nanood sa mga palaro ng mga bata.

Hanggang sa may umaya na sa akin sa isang mesa na uminom. Hindi na ako nakatanggi sa kanila. Konti lang ang ininom ko pero inabot na ako ng dilim.

Nagkakasayahan na, may nagsasayawan at kantahan kaya na-enjoy ko na rin.

“Mahal, kasama ko ang boss namin.”

“Hala! Sige, sige, pasok kayo. Hello po, sir! Magandang gabi!”

“Good evening, Ma’am. Where’s the celebrant? I have something for him.” Saad ng lalaki na may malalim na boses.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa baso ng alak nang marinig ko ang pamilyar na boses. I was reprimanding myself not to turn around, but I still disobeyed myself.

Nanlaki ang mga mata ko nang makimpirma kong si Zadkiel nga iyon! Ano’ng… bakit siya nandito? Ganito na ba siya ka-friendly ngayon?

Gulat na gulat ako nang makita siya ngunit ito naman ay wala lang reaksyon. Nakatitig lang siya sa akin. Kung hindi lang siya giniya ni Kuya Roy papasok ng bahay hindi nito puputulin ang titig niya sa ’kin.

Bigla kong nalagok ang isang baso ng alak. Dumaloy ang pait at tapang ng alak sa lalamunan ko. Umasim tuloy ang mukha ko dahil sa biglaang ginawa.

Tumayo ako at nagpaalam sa mga kainuman ko sa mesa. Aalis na sana ako nang tawagin ako ni ate Berly.

“Darryl, pasok ka muna rito sa bahay! Pinapapasok ka ni Roy!” Ngising-ngisi pa si Ate sa ’kin.

“N-naku, ’te. ’Wag na po. Kanina pa po ako rito. Uuwi na lang po ako.”

“Kain ka ulit sa loob. Kanina pa iyong kain mo at ano’ng oras na ngayon! Kain ka muna sa loob bago ka umuwi, please?”

“D-dito na lang ako kakain sa labas, ate.”

Matigas nitong kiniling ang ulo. “Hindi! Ang dami ng lasing d’yan. Dito tayo sa loob!”

At hinatak na nga ako ni Ate sa loob ng bahay. Medyo sumuray pa ako dahil natamaan na ng alak!

Bilang pagrespeto na lang ang pagpasok ko sa bahay nila Kuya Roy. Kumuha lang ako ng isang slice ng cake at softdrinks. Isa lang ang mesa sa loob ng bahay at alam kong nando’n si Zadkiel. Sa labas na sana ako kakain nang tawagin na ako ni Kuya Roy sa mesa nila.

At kung minamalas pa ako, isa na lang ang bakanteng upuan. Iyong nasa tabi pa ni Zadkiel.

“Darryl, salamat sa pagpunta mo rito ha. Mabilis naubos ang lumpia mo pero mabuti na lang at tinirhan pa kami ni Misis.”

Tipid lang akong ngumiti kay Kuya Roy. Sumulyap ako sa plato ni Zadkiel at may limang pirasong lumpia roon. Wala siyang ibang ulam kundi iyon lang! May lechon naman, seafoods, bistek, chicken cordon, at iba pang ulam.

Akala ko ba ayaw niya sa luto ko? Akala ko ba ayaw niya sa lumpia ko? Ano ’to? Hindi niya ba alam na ako ang nagluto?

Hindi ako umimik at halos manigas na ang katawan sa upuan dahil hindi ako gumalaw. Nilalamon ko lang ng mabilis ang cake para makaalis.

Napangiti ako ng maubos ko na ito.

“E-excuse me. Aalis na ako, Kuya Roy. Salamat po sa pag-imbita at pagkain,” saad ko matapos uminom ng softdrinks.

“Ha? Aalis ka na, Darryl?” Si Kuya Roy.

“O-opo. Kanina pa rin po kasi ako rito.” Ani ko.

“O s’ya hatid na kita sa-”

“Hindi na po! Kaya ko naman po!” Mabilis kong agap kay Kuya Roy.

“Naku, wala na masyadong dumadaan na tricycle ngayon dahil pasado alas dies na.”

Nginginig ang labi kong ngumiti kay Kuya Roy saka umiling. Tumayo ako ngunit nabuwal naman ako sa aking kinatatayuan. Akala ko matutumba na ako ngunit may isang kamay na yumakap sa baywang ko.

“Jusko!”

“Jusmeyo!”

Sabay na sambit nina Kuya Roy at ni ate Berly.

I tried to pull away from Zadkiel, but his hold on my waist only grew firmer.

“Mang Roy, Ma’am, uuwi na rin po ako. And I think I’ll send D-Darryl to his house since there’s no-”

“Hindi!” Apila ko.

“Kung hindi iyon nakakaabala sa’yo, sir, ay mabuti po. Medyo lasing na rin po si Darryl eh.” ani ate Berly at halos kinadaing ko iyon.

I allowed Zadkiel to escort me on the way out of the house. But when we finally reached the spot where his car was parked, I shoved him away from me.

Napasandal ako sa kotse niya dahil nahilo ako! Nag-ipon muna ako ng lakas.

“Ano ba’ng kailangan mo sa ’kin? Bakit ang friendly mo kanina ha? Ano’ng pakulo iyon?” Nanggagalaiti kong sigaw sa kanya. Salamat na lang dahil maingay sa bahay nila Kuya Roy kaya hindi siguro naririnig ang boses ko roon!

My heart quickened its pace when he closed the space between us. I hate how affected I am by him after all those years!

I hate the fact that I’m the only one who’s still affected and can’t move on from the past!

“Ano ba’ng gusto mo, ha?!” Frustrated kong wika.

Hindi pa ba sapat na nawala na ang Mama ko? Ano? Mag-isa na nga lang ako eh!

“You… you can’t even say my name anymore,” he muttered in a low, deep tone, his voice dripping with sorrow and grief.

“Ano?” usal ko.

“I should be the one who’s mad because you left me without a word, Leinne. But why? Why do you loathe me that much?”

Napapak ko ang labi ko. Pilit kong nilulunok ang kung anong pilit na bumabara sa lalamunan ko.

“Anak… anak ako ng taong sumira sa pamilya mo. Anak ako ng taong dahilan kung bakit nasa nasa bingit ng kamatayan ang mama mo noon. You have the right to be mad, to hate me, and even to curse me to death.” Naggitgit ang mga bagang ko. “At hindi nga ako m-magugulat kong nandito ka para gumanti at pahirapan ako. Kaya nagagalit ako… nagagalit ako kung bakit ganito ang trato mo sa ’kin! Nagagalit ako kasi hindi ko alam ang pakulo mo ngayon!”

“But I can’t…” he uttered breathlessly. “I also don’t know what the hell really happened before, but I can’t be mad at you, let alone wish for your death, Leinne! You must have been so afraid and scared at that time. I wasn’t there to defend-”

“Tumigil ka na!” Singhal ko dahilan para mapatigil siya.

I don’t want to hear anything from him. My heart is so vulnerable right now. I cannot let myself be swayed by his words.

What if this is just his scheme to get back at me? Siguro halata na may feelings pa ako kaya iyon ang gagamitin niya laban sa ’kin.

Besides… why is he talking about what happened to us before when he already has a fiancée?

“Uuwi na ako.” Huminga ako ng malalim at pilit na inalis ang sarili sa pagkakasandal sa kotse niya.

Ang bigat ng katawan ko. Lasing na nga siguro ako.

“Ihahatid na kita!” Mabilis niyang wika, halos sapawan ako.

“Ayoko!”

“Wala ka nang masasakyan at gabi na. I’ll send you home.”

“’Wag! Kaya ko ang sarili ko.”

“But you’re tipsy and it’s already late.”

Kinuyom ko ang kamay ko at tiningnan siya ng masama. “Wala ka ng paki roon!”

“May paki ako, Leinne.” Pagmamatigas niya at walang pag-aalinlangan akong pinasahan sa kanyang balikat na para akong isang sakong bigas.

Nagwala ako at sinuntok ang likod niya kaso wala lang sa kanya ang mga malamya kong suntok.

Akmang ipapasok na niya ako sa passenger seat nang magwala ulit ako. Nauntog ang ulo ko sa bubong no’ng kotse kaso hindi iyon masakit dahil may kamay na sumangga sa likod ng ulo ko.

“Fuck!” mura niya pero matagumpay niya pa rin akong naipasok sa loob ng kotse at sinuot ang seatbelt sa ’kin.

“Arrghh!” Pagwawala ko, nanlisik ang mata ko sa kanya. “Ano ba-”

Yumuko siya sa akin kaya nanlaki ng husto ang mga mata ko. Nalunok ko ang nais sabihin sa kanya.

I shrank in my seat.

“I’ve been a good son throughout all those years. Tiniis ko ang lahat… sinunod ko ang lahat. Kaya ngayon… gagawin ko naman kong ano ang gusto ko. Masagaan ko man ang sino… hindi na ako papayag na mawala ka na ulit sa ’kin.” Sabi niya at sinara ang pinto ng kotse.

Lito ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang pinupunto niya. Sinundan ko lang ng tingin si Zadkiel na umikot patungo sa driver’s seat. Tatakas na sana ako ngunit naka-lock ang pinto no’n.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 36

Chapter 36

Leinne’s POV

Pagkamulat ko, sakit ng ulo kaagad ang bumungad sa ’kin kinaumagahan! Dumaing ako dahil ito yata ang unang beses na nagka-hangover ako!

Alam ko na mahina talaga akong uminom pero kagabi ay mukhang napasubo ako. Napasubo nga ba o baka dala lang ng pagpapanic ko? Hindi nga ako nahimatay sa pangawalang paghaharap namin kaso nalasing naman ako.

Gano’n na lang ba ang tapang ko no’ng nakaraang gabi para harapin si Zadkiel at singhalan ito? Nais ko na lang iumpog ang ulo ko.

Ano ba iyong mga pinagsasabi niya? Hindi ko na matandaan! May nakikita ako na mga senaryo sa isip ko habang nagtatalo yata kaming dalawa no’ng nakaraang gabi. Ngunit wala akong matandaan sa mga pinagsasabi ko at ng kanya.

Hay! Inom pa, Darryl Leinne! Alam mo ngang napakababa ng alcohol tolerance mo pero lumaklak ka pa rin!

Sapo ko ang noo ko nang bumangon ako. Nakahinga naman ako nang maluwag nang mapansin kong nasa bahay ako. Nandito ako sa silid ko.

Napasinghap ako!

Teka lang! Alam ni Zadkiel kung saan ako nakatira? Nakatulog ako sa byahe namin kagabi kaya… kaya alam kong wala akong sinabi sa kanya na address. O baka naman nasabi ko sa kanya ng aksidente kagabi?

Lasing na lasing ka nga, Leinne. Baka nasabi mo nang hindi mo namamalayan!

Nakuyom ko ang buhok gamit ang dalawang kamay ko. Nagwala ang puso ko habang pilit kong inaalala ang mga nangyari noong nakaraang gabi!

Kahit pa yata bunutin ko itong buhok ko wala akong maalala sa mga sinabi ko! Bahala na nga! Ano naman ngayon kung ano ang mga sinabi ko sa kanya?

’Wag ko lang talaga mabanggit sa kanya kung gaano ako nangulila sa kanya.

Mahunos dili ka, Leinne! May fiancé na ang tao! Kilabutan ka!

Inayos ko ang kama bago ko ito iwan. Humarap ako sa salamin upang tingnan ang mukha ko. Kaso ganon na lang ang sindak na naramdaman ko nang makita ko ang sarili ko na iba na ang suot sa suot ko kagabi.

“Ahhh!” sigaw ko na para bang nakakita ako ng multo!

Napalingon naman ako sa labas ng kwarto nang may marinig akong kalabog mula roon! M-may multo talaga?

“Leinne!”

Kusang gumalaw ang mga paa ko paatras nang may tumawag sa ’kin. That voice again! Marahas ang pagbukas ng pinto at  pumasok si Zadkiel na humahangos.

My eyes widened, my mouth agape in shock at seeing him in the flesh in front of me first thing in the morning.

“Leinne, what’s wrong? Why did you yell?” Natatarantang tanong niya at humakbang palapit sa ’kin kaso umatras ako.

I swallowed, my heart shaking against my ribs.

Tinaas ko ang kamay ko sa kanya, pag-aapila ko sa kanyang balak na paglapit sa ’kin! Natataranta na ako!

“T-teka!” Tumaas ang boses ko.

I saw him freeze, as if my voice alone had commanded him.

“Ano… anong ginagawa mo rito?” Sinubukan kong tatagan ang boses ko ngunit nanginig sila!

Halata ba masyado na apektado ako sa presensya niya?

I watched him closely. Iba na rin ang suot niyang gamit. Ngayon ay naka-polo shirt siya na kulay itim at naka-tuck iyon plantsado niyang trousers! May medyas din ang paa niya!  Pormal ang kanyang dating kaso may hawak siyang sandok— sandok na alam kong sa akin!

“I-I was cooking in your kitchen when I heard you scream. I thought something had happened, so I rushed in here without knocking on your door. I’m sorry.”

Hinilot ko ang aking sintedo nang marinig ang kanyang paliwanag. Parang lumala ang hangover ko ah!

“I-ikaw ba ang nagbihis sa akin…?”

“Leinne, as much as I don’t want to dahil baka magalit ka sa ’kin, I have to because you vomit inside my car, I have to clean you up and…”

Inilingan ko na siya dahil ayaw ko nang marinig ang sumunod no’n! Nagkalat ako? Nagkalat ako nang hindi ko namalayan?

Lagot ka talaga, Leinne!

“You even puked on me when I carried you to your room. That’s why I cleaned up the house and got changed too.” Paliwanag niya ulit at muntik na akong mawalan ng malay sa mga ginawa ko!

Anlala naman no’n, Leinne! Napakalaking pagkakamali na uminom ka dahil lang nando’n siya! Tingnan mo ngayon ang nangyari!

“Dito… ka natulog?”

“No,” iling niya. “Sa kotse ako natulog right after kong maglinis at maligo. Nakigamit pala ako ng bathroom.”

“Lumabas ka na. Okay lang ako.”

“Pero sumigaw ka.”

Ano ba ’yan!?

“Medyo nagulat l-lang ako kaya ako sumigaw. Labas ka na.” Tuboy ko sa kanya.

Nagtagal ng ilang segundo ang kanyang mga mata sa ’kin bago huminga ng malalim at tumalikod.

Pagkasara ni Zadkiel sa pinto, napaluhod ako sa panlalambot ng tuhod ko.

Nagsuka ako, nagkalat ako kagabi at siya ang naglinis. Sinukahan ko rin siya at binihisan pa ako.

Bakit niya iyon ginawa? Dapat hinatid niya lang ako! ’Tapos ngayon nagluluto pa siya d’yan sa kusina.

At ano nga iyong sabi niya? Sa kotse niya siya natulog? Pwede naman siyang umalis ah.

Ginulo ko na lang ang buhok ko at bigong tumingin sa salamin. Naligo ako at saka nagbihis.

Nang makarating ako sa kusina ay may nakahain na sa mesa at may soup pa. Hindi yata ako napansin ni Zadkiel dahil naghuhugas siya roon sa sink nang maabutan ko.

Tumikhim ako para makuha ang kanyang atensyon.

Mabilis ang paglingon niya sa akin.

“Leinne, kumain ka na.”

Tiningnan ko lang saglit ang mga pagkain sa mesa bago siya pinukol ng tingin.

“Kung tapos ka na… p-pwede ka nang umalis. Salamat sa pagtingin sa ’kin at sa paglinis ng bahay. At saka salamat dito sa niluto mo kahit ’di naman kailangan.”

May disobedience sa mga titig niya sa akin. Kumukuyom ang kanyang bagang. Tila may nais siyang sabihin ngunit hindi niya iyon maisatinig.

I ripped my gaze from him and pulled a chair toward me.

“Okay,” usal niya.

Naglakad siya palabas ng kusina at hindi ko siya tiningnan. My heart wrenched inside my chest. I wanted him to stay and eat with me, but who was I to ask that? Besides, the man has a fiancée. Kahit na sabihin kong may pinagsamahan kami noon… ’di pa rin maganda tingnan na magsama kami. Hindi talaga maganda tingnan.

“Leinne, kung gusto mong magtinda ulit sa mga niluto mo kina Mang Roy. Pwede kang pumunta sa mall.”

Akala ko nakaalis na siya.

“Para sa’n pa?”

“Hinahanap nila ang luto mo.”

Pinisil ko ang mga mata ko nang marinig ko ang pagsara ng pinto. Huminga ako ng malalim dahil tingin ko pinipigilan ko ang sarili kong huminga kanina.

Why was he doing this? Last week lang kami nagkita ’tapos ganito na kalala ang mga nangyayari.

Kinapa ko ang dibdib ko. Tanga man ako dahil hindi pa rin ako makaahon mula sa mga nangyari sa ’min noon. Pero ayokong umabot sa punto na makasira ako ng relasyon ng ibang tao.

As much as I wanted Zadkiel’s attention, I restrained myself from seeking it, even if I had to chain myself. May kasintahan na ang tao. Dapat nilalayuan ko na siya.

Ngayon ko pa talaga ito pino-problema. Bakit ba kasi napadpad siya rito!?

The following week rolled by in the blink of an eye. I smiled widely when I saw Vivian and Iyah climb off the bus.

Nandito ako sa terminal para sunduin ang dalawa kong kaibigan. Hindi sila nagdala ng sasakyan dahil malayo raw at hindi nila gamay ang daan. I just sent them instructions on what to ride and where to get off.

Naghihintay na rin sa ’min ang inarkila kong tricycle.

“Leinne! Ang badet ko!” Malakas na sigaw ni Vivian nang tuluyang makababa sa bus. Binaba niya lang ang maleta saka ako sinugod ng yakap!

Binuhat niya ako at pinaikot-ikot!

“Tama na, Vivian! Pinagtitinginan na tayo!” Suway ko sa kanya pero tawang-tawa ako.

Totoong pinagtitinginan na kami ng mga tao sa terminal. Akala siguro nila nababaliw na kami rito.

“Leinne, my dear!” Nangingiyak namang sugod ni Iyah sa ’kin at yumakap. “I miss you so much, Leinne!”

Tinapik ko ang balikat ni Iyah. “Namiss ko rin kayo, Iyah! Pasensya na kayo, ha.”

“It’s fine, Leinne. We know naman na you have your reasons. Alam namin na hindi ka aalis doon kung hindi naman mabigat ang reasons mo.”

“Group hug tayo!” singit ni Vivian kay Iyah.

Sa barkada namin noon ako ang pinakamaliit at hanggang ngayon gano’n pa rin. Ang unfair  naman!

“Kayo ang gagastos dito ha. Alam n’yo naman na wala akong pera!” Dinala ko sila sa isang kainan dahil malayo rin ang binayahe nila. ’Tapos babyahe na naman kami patungo sa ’min.

“Kuripot mo, badet!”

“Hindi ako kuripot, ’no! Pobre lang talaga!”

’Di na rin ako tumanggi nang ayain din nila akong kumain. Panay ang kurot ni Vivian sa ’kin dahil baka raw nag-iilusyon lang siya! Ako dapat ang kumurot sa kanya eh. Si Iyah naman maraming tanong tungkol sa buhay ko rito.

Nag-uusap naman kami via call and text kaso lang iba pa rin talaga kapag sa personal na. May sampalan, kurutan, at sabutan kasi. Dahil doon napakwento na rin ako sa kanila. Especially the things that happened weeks ago.

“Ano? Ano’ng ginawa niya sa’yo?” Galit na wika ni Vivian.

“How bad! Bakit ayaw niyang bumili ang mga employees niya sa luto mo?” Buntong hininga naman ni Iyah.

“Wala siyang ginawa. Tumakbo na kasi ako eh. Ewan ko rin kung bakit pinagbabawalan niya ang mga empleyado niya. Hindi niya rin inakala na ako ang naglalako roon.”

Isang mahabang sipsip sa softdrinks niya ang ginawa ni Vivian. Ngumingiwi siya habang nagkukwento ako tungkol sa pagkikita namin ni Zadkiel.

Kinuwento ko rin sa kanila ang nangyari no’ng nalasing ako. Wala akong plano na isali iyon pero dahil napasarap sa usapan hindi ko na napigilan ang bibig ko.

“Wait, baka… baka may feelings pa siya sa’yo, Leinne!”

“Hoi, Iyah, tumigil ka r’yan! Hindi mo ba alam na may fiancé na iyong tao? Dapat magalit ka roon dahil ginagambala niya ang kaibigan natin! ’Tapos may syota naman siya!”

“Vivs, isipin mo naman. Inalagaan niya si Leinne while he was drunk. Kung ibang lalaki o tao pa iyon baka kung ano na ang ginawa no’n kay Leinne!”

Inismiran lang ni Vivian si Iyah.

“Ano? Papaasahin din natin ang kaibigan natin, Iyah?! Magtigil ka d’yan kung hindi tatamaan ka sa ’kin!” Inis na wika ni Vivian.

“But, Vivian, think about it. Hindi naman ginusto nina Leinne at Zadkiel na maghiwalay sila. Maybe their situation and circumstance calls for it. Kahit na matagal na iyon, they still need to talk, you know. Baka kasi may mga hang-ups pa sila. Mahirap magmove-on kapag ganyan.”

I didn’t think of it that way. Maybe Iyah was right. Maybe Zadkiel and I need to talk so that I can free myself, so that I can finally move on.

Marami akong what if at mga sana dahil sa nangyari sa ’min. Kaya siguro hindi ako maahon mula sa past dahil may unfinished business pa ako.

Pero simula nang pinaalis ko siya sa bahay, hindi ko na siya nakita. Baka umuwi na siya sa fiancé niya.

“Wow! Ang cute naman ng house!”

Ngumiti ako sa reaksyon ni Iyah nang makarating kami sa bahay. Binigyan ko sila ng tsinelas pambahay.

“Maliit lang ang bahay kaya magsisiksikan tayo sa kwarto ko,” sabi ko sa kanila. “Magtitiis kayo ng three nights kasama ako sa isang silid!”

“’Yan nga ang gusto namin para makapagkwentuhan pa tayo! Dami pa nating dapat pag-usapan!” ani Iyah.

“Tama, tapos alak din!” Excited na saad ni Vivian.

“Sige lang basta hindi na ako iinom,” sabi ko sa kanila at dinala sila sa kwarto ko.

Nagsabi na sila sa akin ahead na pupunta sila rito kaya naman binilhan ko na sila ng foam.

Pagod sila sa byahe kaya kinagabihan ay bagsak sila. Kinabukasan naman ay maaga akong nagluto para sa dalawa. Ang tagal ko na palang hindi nakapagluto ng marami kapag dito lang sa bahay. Wala naman kasi akong hinahandaan maliban sa sarili ko!

Napatalon ako habang hinahalo ang niluluto ko nang may kumatok sa pinto!

“Saglit lang!” sigaw ko nang sunod-sunod ang naging katok nito!

Hininaan ko ang apoy ng kalan. Nagpunas ako ng kamay bago tinungo ang pinto. Pagkabukas ko ng pinto bumungad sa akin si June!

“June?!” Tumaas ang boses ko!

Hilaw siyang tumawa sa ’kin.

“Ano’ng ginagawa mo rito? A-at paano mo nalaman ang bahay ko?” Sumilip ako sa bakod sa labas. Bukas na iyon!

“Tumatawag ako kaso walang sumasagot,” aniya.

Tinawanan ko siya. “Paano kung hindi ko ito bahay tapos kumatok ka na?”

“Nagtanong-tanong na ako. Alam kung ito ang bahay mo!”

“Hindi ka man lang nagsabi na bibisita ka.” Nguso ko.

“I wanted to surprise you,” aniya sabay taas sa supot na bitbit.

Bumuntong-hininga na lang ako. “Pasok ka—”

“Darryl!”

Pareho kami ni June na napalingon sa tumawag sa ’kin. Ngayon ay si Lander naman ang pumasok sa bakuran. May dala itong baunan.

“Lander, ang aga mo naman.” Sabi ko at tumabi kay June.

Habang naglalakad si Lander palapit sa ’kin, unti-unti namang nanliit ang mga mata niya. Tumalim ang titig niya kay June.

“Nagluto si Mama ng tinolang manok. At dinalhan na kita para sa breakfast mo.”

“Naku si Ate Loling talaga! Nag-abala pa talaga kayo!”

“Darryl, hindi ka na iba sa amin ni Mama.” Matamis pa siyang ngumiti sa ’kin.

Tumango ako. Tatanggapin ko na sana ang baunan mula sa kanya nang ilayo niya ito sa kamay ko.

Masama ang tingin niya kay June. “Ako na ang magdadala nito sa loob, Darryl.”

Lumabi ako. “Ikaw bahala.”

Sumunod ang dalawang lalaki sa ’kin. Nakaabot na kami sa kusina at doon ko lang napagtanto na hindi ko pa pala sila na-introduce sa isa’t isa.

“Lander, si June pala. Kaibigan–”

Naputol naman ako dahil may kumatok na naman sa pinto!

Sino ba itong kay aga-aga nambubulabog?

“Ako na ang magbubukas, Leinne!”

“Ako na, pre!”

Sabay nilang wika!

Tinawanan ko lang sila. “’Wag na. Ako na lang. Titingnan ko lang kung sino ito.”

Iniwan ko ang dalawang lalaki sa kusina at tinungo ang pinto. Gusot na ang mukha ko dahil sa dalawang lalaki na nasa kusina.

Sana pinaalis ko na lang! Kaso parang walang manners naman ako no’n.

Inis kong binuksan ang pinto. “Sino ba kasi–”

Nalaglag ang panga ko nang makita kong si Zadkiel ang nasa labas.

He beamed brightly. Halos masilaw ako! “Hey, good morning!”

“Z-Zadkiel?!” Nauutal kong sambit.

Nang magsasalita na sana ulit ako ay may tumawag naman mula sa likod. Malalim ang naging lunok ko nang biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko!

“Darryl?” Boses ni Lander.

“Leinne?” si June!

Mariin na lang akong napapikit! Ano ba namang umaga ito?

Nang muli akong tumingin kay Zadkiel. Nandidilim na ang mga mata nito habang nakatingin sa dalawang lalaki na sumilip mula sa kusina!

Jusko!


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 37

Chapter 37

Leinne’s POV

“Wow! Ako ang hindi makahinga sa mga nagaganap ngayon! Ikaw ba, Iyah?” sabi ni Vivian, umaktong pinapaypayan ang mukha na tila naha-hyperventilate siya!

Napapailing naman si Iyah in response kay Vivian. “I didn’t expect na ito ang bubungad sa ’tin dito, Vivs!”

“Pero ako, isa lang ang sigurado ako. May isa d’yan na kinakapos na rin sa hangin!” Pasiring namang saad ni Vivian.

Tumingin ako sa kanya kaya nakita ko ang pagbaling niya sa ’kin. Nang magtama ang mga mata namin ay binigyan niya naman ako ng ngiting may panunuya!

I rolled my eyes at Vivian before fixing my gaze back on Lander, June, and Zadkiel! Nagtatayo sila sa tent namin dahil nasa beach kami ngayon! Ang slacks ni Zadkiel nakatupi at topless siya. Si Lander naman habang binabaon ang tent namin ay naka-sleeveless na itim at trunk short. At si June ay suot ang tshirt niya at ang jeans ay nirolyo rin hanggang sa tuhod.

Biglaan itong paglabas namin. Ewan ko rin kung paano ako napapayag ng dalawa’ng ’to! Kasi ang plano ko lang naman sana para sa ’min ngayon ay ipasyal muna sila rito. Plano ko na sa huling araw na lang nila rito kami magbeach. Ang dahilan nila magpapa-tan sila rito. Tingin ko may balak silang magbeach araw-araw!

Out of courtesy lang naman sana ang pag-invite nina Iyah at Vivian sa mga lalaki kanina kaso wala man lang tumanggi. Sumama silang lahat!

Itong si Lander may shop na pinapatakbo, si Zadkiel naman… may trabaho rin yata ito dito. Si June lang siguro ang walang trabaho sa kanila kaya naintindihan ko na sumama siya pero ang dalawa, ewan ko na lang!

“Leinne, dito na kayo sumilong!” Masayang kamay naman ni June sa amin.

“Ito namang si June Dacles, halata masyado na may favorite! Tatlo tayong naka-tayo rito pero si badet lang ang tinawag!”

“Tara na doon sa tent para ma-set up na rin natin ang mga foods natin at table.” Hila na ni Iyah kay Vivian.

May kanya-kanya kaming bitbit tungo sa tent na tinayo ng tatlong lalaki. Napa-igik ako nang salubungin ako ng tatlong lalaki.

All I could do was blink at them. Medyo naiilang ako sa mga katawan na nakabalandra sa harapan ko.

“Leinne, ako na ang bumitbit nito.” ani Zadkiel.

“Ako na, Darryl.” Lahad ni Lander sa kamay.

“Akin na ang dala mo, Leinne.” si June.

Nilayo ko sa kanila ang mga bitbit ko. Ang gaan kaya ng mga bitbit ko kumpara kina Iyah at Vivian. Nilampasan lang nila ang dalawang babae!

“’Wag na. Magaan lang ’to. Sina Iyah at Vivian ang tulungan ninyo. Mabigat ang bitbit nila.” Turan ko dahil softdrinks kaya ang dala ni Vivian at pagkain naman namin ang bitbit ni Iyah!

’Tapos dito sila nagkagulo sa ’kin na isang ecobag na may lamang plastic cups, pitcher, at mga paper plates. Then, maliit na storage box din akong dala para sa nilaga kong sweet potato at saging.

“Ang bigat!” Parinig ni Vivian.

“Ahw, my arms!” Reklamo naman ni Iyah.

Kinuha ni Lander at June ang bitbit nina Iyah at Vivian. Sila na ang bumitbit sa dala ng dalawang babae.

“Oi!” Usal ko na lang nang kunin ni Zadkiel ang supot ng paper plates at plastic cups sa ’kin. Kinuha niya rin ang dala kong tupperware na may lamang nilagang saba at sweet potato mula sa ’kin.

“Tara na. Namumula ka na sa init.”

I don’t want to feel special or care about Zadkiel’s remarks. However, something within me wants to hope, and I know it’s wrong. Very wrong, because the man I long for has a fiancée.

Napag-isip isip ko ang sinabi ni Iyah kahapon. Maybe… just maybe, we really need to talk for me to move forward and leave the traces of us behind.

I know it’s hard. I know it’s not easy. But when will I wake up from this? From everything?

Simula nang magkita ulit kami matapos ng ilang taon, parang bumalik sa ’kin ang lahat. Ang mga alaala namin. Ang mga pinagsamahan namin. Ang mga tawanan at iyakan naming dalawa. Our relationship… our dates, and every moment I spent with him. I treasured those moments as if they were a luxury.

How can those memories that once brought me so much happiness and joy bring so much pain and longing now?

Zadkiel is my greatest love— my true love. Yet the love that once burned so brightly has left me with scars I can’t mend, even after so many years.

Humampas sa mukha ko ang maalat na simoy ng hangin mula sa dagat. Sumugat ang ngiti sa labi ko habang dinama ko ito.

“Badet, drinks mo oh,” lingon ni Vivian sa ’kin mula roon sa mesa. Sila ang naghahanda ni Iyah para sa aming mga maiinom.

Ako ang magluluto, si June at Lander nilinis ang isda at nagmamarinate sa karne. Habang si Zadkiel naman sa tabi ay gumagawa ng apoy! Pansin ko na hindi ito lumalayo sa ’kin.

Mmn, ang feeling ko naman sa part na ’yan!

“Badet, maliligo na kami ni Iyah, ha. Sumunod ka kaagad sa ’min.” sabi ni Vivian. Hinubad niya ang oversized tshirt kaya naiwan na lang ang kulay black niya na bra tapos maong na short shorts.

Hinatak na ni Vivian si Iyah patungo sa dagat. Actually publich beach lang itong dagat na pinuntahan namin pero maganda siya. Pino ang puting buhangin at malinis ang kulay asul na dagat. May public toilet din na libre.

“Leinne, ang mga boys na d’yan!”

Natatawa akong tumango sa kanila.

Dinala ko ang isda na iihawin sa pwesto ni Zadkiel. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa lalagyan no’ng dalawang isda dahil kahit walang ginagawa si Zadkiel, lumalakas ang kabog ng dibdib ko!

“Let me,” kinuha ni Zadkiel mula sa kamay ko ang isda nang ilalagay ko na sana ito sa stainless steel bbq mesh.

Hindi ako umapila at kinuha ang isa pang isda.

“Leinne,” anito. “Galit… ka ba s-sa ’kin?”

I swallowed, feeling something in my throat trying to block my airway.

“W-wala naman akong rason para magalit.”

“No’ng hinatid kita sa bahay mo na lasing ka. Sinisigawan mo ako no’n. Ayaw mong ihatid kita. Akala ko galit ka no’n.”

Humugot muna ako ng hangin dahil tingin ko kinakapos na ako.

“I also want to say sorry… tungkol doon sa nangyari sa mall. I mean, alam mo naman siguro na sinabi ko sa mga employee doon na bawal silang bumili ng ulam mula sa labas. Hindi ko talaga alam na ikaw ang nagbibenta no’n sa kanila. Nagalit lang kasi ako dahil no’ng natikman ko siya… kagaya sa lasa no’ng gawa ni Tita Norberta.”

Dumagundong ang dibdib ko. Tumingin ako sa kanya.

“G-galit ka sa Mama ko?”

“I-I want to… I want to be mad at your mother, Leinne, but my father has a long history of debauchery and mistresses. Mabait si Tita. I have a feeling that maybe… maybe she was just attracted to my father at that time.” Nauutal at putol-putol niyang paliwanag.

“Until the last breath of my mother, Zadkiel…” umiling ako at namuo ang mga luha. “Walang sinabi si Mama tungkol sa nangyari noon. Nagagalit siya kapag napag-uusapan kayo! You should have confronted your father!”

“I did! I did, Leinne, but he told me nothing either! And now he’s fucking dead!”

Umawang ang labi ko.

“H-huh?”

W-wala na si Sir Zeus?

“Wala na siya, Leinne. He had an accident that he didn’t survive. My mother is sick. Ate is busy with our other business together with my aunt, while I handle DC Corporation even though I don’t want to.”

I feel like we still have a lot of things to talk about; however, Lander and June came over to us. Isinalang na rin nila ang marinated na baboy sa apoy!

Iniwan ko na sila dahil masyado nang crowded doon. Sumunod ako kina Iyah at Vivian na dala pa rin ang malakas na kabog ng dibdib ko.

Sabik ang dalawang babae na lumapit sa ’kin. Hinaltak ako ni Vivian dahilan para masubsob ako sa tubig!

“Vivian!” Inis kong sigaw sa kanya at naghilamos.

“Ang gaga! Ano’ng pinag-usapan ninyo ni Zadkiel ha? Ano ’yon?”

Inirapan ko siya.

“Naku kapag makikipagbalikan ’yan, Leinne, ’wag kang papayag!”

“Vivian, alam ko. Alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili ko!”

“Pero ano nga ba ang pinag-usapan ninyo roon?” Giit ni Iyah.

“H-humingi lang ng sorry.”

“Hindi niya in-open ang… relationship ninyo before?” tanong ni Iyah.

Umiling ako.

“Ano ba ’yan? ’Wag na nating pag-usapan iyan! Maligo na tayo at magsaya!” Agaw naman ni Vivian sa atensyon ko.

“Right! Let’s take a photo too para mainggit si Leon!” ani Iyah.

Kinuha ni Iyah ang cellphone saka kami kumuha ng mga larawan. My heart fluttered as I splashed water on Iyah and Vivian like we were kids having fun in the sea. I think our laughter dominated the whole place.

“Ah! Kapagod!” daing ni Vivian sabay higa sa buhangin.

“Pero ang saya! Parang dati lang,” si Iyah naman ay tinabihan si Vivian.

Tumabi rin ako sa kanila. Nasa gitna namin ni Iyah si Vivian.

A smile formed on my lips as I gazed at the blue sky and the slowly moving clouds.

“Salamat, Vivian, Iyah.” Ang tagal ko nang hindi nakatawa ng ganon. The kind of laugh that holds nothing but true joyfulness. The kind of laugh that is carefree.

“Ehh, nagdadrama naman itong badet ko! Payakap nga!” Gigil akong niyakap ni Vivian.

“Me too!” Pagsali ni Vivian sa yakapan namin.

Ilang sandali ay tinawag na kami ng boys para kumain. May foldable table kaming dala kaya nakatayo kami habang kumakain.

Iyah led the prayer before we dived into our food.

“Leinne, oh.” sabi ni June sabay abot nong paper plate na may lamang inihaw na isda.

“Darryl heto.” Alok din naman ni Lander sa ’kin no’ng pork barbecue.

“Pinaghimay kita ng shrimps, Leinne.” Lahad ni Zadkiel no’ng shrimps na binalatan niya.

Sumipol si Vivian. Singhap naman ang nagawa ni Iyah.

“Hirap naman maging maganda!” Parinig ni Vivian.

Hindi ko binalingan ang mga kaibigan. Hilaw ang naging ngiti ko sa mga lalaki sa tapat ko. Isa isa kong tinanggap ang alok nilang ulam.

“K-kumain na kayo. Kayo pa naman ang nagluto.”

Halos ’di pa ako makasubo dahil tingin ko may mga pares ng mata na nakamasid sa ’kin. Ilang minuto matapos kaming kumain ay bumalik naman sa dagat si Vivian. Sumunod din si Iyah sa kanya kaya naiwan ako kasama ang mga boys.

Ngunit si Lander ay naunang umuwi dahil may tumawag sa kanya sa shop.

“Hindi ka man lang nakapagtampisaw.” Sabi ko nang magpaalam siya sa ’kin.

Kinurot niya ang pisngi ko. Biro kong sinampal ang kamay niya.

“Pwede naman tayong bumalik dito. Kahit tayo lang dalawa!”

Tinawanan ko siya. Puro talaga ito biro! “Sige na. Ingat ka sa pagmamaneho ha.”

“Opo!” Ngisi niya.

Kumunot naman ang noo ko nang yakapin niya ako. Itutulak ko na sana siya nang may binulong siya sa ’kin.

“Siya iyon, ’di ba?” bulong ni Lander.

Nahigit ko ang aking hininga. “L-Lander.”

“It was obvious. Panay ang sulyap mo sa kanya eh.”

Sinapak ko ang likod ni Lander kaya bumitiw siya sa yakap.

“Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa inyong dalawa, Darryl. Basted na ako sa’yo pero… alam mo ipagdadamot pa rin kita sa iba. Kaso… dehado na ako roon kay Zadkiel. You two must talk, you know. Kasi siya halata naman na gusto ka pa rin niya. Gustong-gusto!”

Bumuntong-hininga na lang ako. Pinanood kong umalis si Lander dala ang motor niya. Lumingon ako kay Zadkiel na naka-upo sa buhangin, hawak nito ang isang can beer at malayo ang tingin.

Gusto niya… pa rin ako? How? Eh may fiancée na siya!

I shook my head.

“Ako na rito, Leinne.” Natatawang agaw ni June sa hawak kong garbage bag. Naglilinis ako sa table namin.

“Ako na,” bawi ko sa garbage bag na hawak niya.

“Ako na, please!” Tumawa siya sabay hila naman sa bag.

Para kaming naglalaro ng tug of war gamit ang garbage bag. Kaso ilang sandali lang ay narinig ko ang mura ni Zadkiel.

“Fuck!”

Nabitiwan ko ang garbage bag nang matanaw kong nalukot na ang hawak ni Zadkiel na beer. Umagos iyon kaso may kasamang pulang likido!

Tumayo siya at natapon ang lata sa buhangin na tuping-tupi. Nakita kong may dugo rin iyon!

“Dammit!” Winaksi niya ang kamay na dumudugo!

Pumulot ako ng mineral water at towel ko saka mabilis na lumapit kay Zadkiel. Kinuha ko ang kamay niyang duguan at hinugasan ng tubig!

“Ano ba’ng ginawa mo?” My voice was thick with worry as I poured water over his palm and rubbed it gently.

I shivered, unable to stop staring at the blood that kept flowing from his hand.

“Dapat kasi nag-iingat ka! Malalim ba ’to? Gusto mo pumunta sa malapit na clinic o ospital?” Sunod kong wika, nagpa-panic!

Naubos ang laman ng bottled water kaya tinapon ko ito at piniga ang palad ni Zadkiel gamit iyong puting towel ko.

“Leinne.”

Tiningala ko siya. My eyes flickered at his red and misty eyes. Those pale hazel eyes still never fail to bring butterflies to my stomach like a teenage Darryl Leinne would.

I gasped when he intertwined the fingers of his wounded hand with mine as he pulled me closer. My body bumped against his firm body, making me quiver.

“Z-Zadkiel, masakit?”

“Yes.” Usal niya.

“S-sa ospital…”

Hindi ko natapos ang nais kong sabihin sa kanya nang yakapin niya ako.

“I’m sorry, Leinne, but I really want to do this. I couldn’t even do this last week, or the week before. I’ve been dying to hold you like this, baby!”

The sheer self-restraint I had washed away. Why is he like this? Is he toying with my feelings?

I can’t be the other person in his life. I should be ashamed of wanting a man who already has a fiancée.

Akmang itutulak ko na sana siya nang magsalita siya ulit.

Bahagya akong nakatingala habang kalong niya sa kanyang bisig.

“It hurt so much, Leinne. Watching you laugh with another man hurt a million times more than this fucking wound.”

“Z-Zadkiel!”

“I miss you. I miss you so much, my baby,” he whispered, dropping his head into the nook of my neck.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 38

Chapter 38

Leinne’s POV

Of course, no matter how badly I want the guy. Pinigilan ko talaga ang sarili ko na ’wag bumigay sa kanyang malambing na boses. The last thing I want is to be like what my mother did. She got caught with a married man. I don’t want to be a relationship wrecker.

I miss him too. I want to complain and tell him that I miss him so badly as well, but I can’t be that weak and vulnerable. I need to keep my hands to myself.

Nagpasalamat na lang talaga ako na nakaya ko pa siyang itulak sa mga oras na iyon. Matapos ng mga sinabi niya mas lalo lang akong nangulila sa kanya. Mas lalo lang siyang hinanap ng puso ko.

June left that day since may duty pa raw siya. May OJT kasi siya at day-off niya lang sa araw na iyon kaya nakapunta siya rito sa probinsiya.

“Oh my gosh! Ang bilis naman ng araw! Uuwi na kami tomorrow!” Ungot ni Iyah. Humiga siya sa kama ko matapos niyang i-blow dry ang buhok.

“Salamat ulit sa pagpunta n’yo rito, Iyah. Ang saya nitong mga nakaraang araw dahil sa inyo ni Vivian.” Nilingon ko ito. Inaayos ko ang kanilang kumot ang unan na gagamitin.

Umahon si Iyah mula sa pagkakahiga sa kama. Nag-indian sit siya bago tinapik ang espasyo sa kanyang harapan.

“Upo ka dali!” Anyaya niya.

Nilapag ko ang unan at saka umakyat sa kama. Nag-indian sit din ako. Kumunot ang noo ko nang kunin niya ang mga kamay ko.

“Iyah?” Taka kong tanong nang pisilin niya ang mga kamay ko.

“For the last two days, hindi tayo nakapagheart-to-heart talk. Puro lang tayo gala at tulog kapag nakauwi. Right now, pwede tayong mag-usap.” aniya. Ngumiti si Iyah sa ’kin. “I don’t know how you cope with everything that happened to you, Leinne. You left Pangasinan with your mother, and the two of you lived here alone. And w-when she left… you had no one to be with. H-how? Wala kami… we’re friends pero wala kami sa mga oras na ’yon sa side mo.” Iyah said, her eyes shining with unshed tears

Bumukas ang pinto at pumasok si Vivian. Umupo rin siya sa kama. Kapwa kami ngayon naka-indian sit sa ibabaw ng kama ko.

“Masaya ako, badet. Masaya ako nang makita kang maayos dito at may payapang buhay. Pero kagaya ni Iyah…” Saglit na tinapunan ng tingin ni Vivian si Iyah bago bumaling sa ’kin. “Iniisip ko rin ang mga panahon na mag-isa ka rito. Kung paano mo nalampasan ang mga pagsubok na dumating sa buhay mo. Iniwan ka ni Tita Norberta… Leinne, sorry kung wala kami sa mga oras na iyon. Sorry kung wala kami no’ng kailangan mo ng balikat na masasandalan.” Nanggilid ang mga luha sa mata niya.

My lips quivered as my vision blurred with tears. I covered my eyes with both hands and bawled like a lost kitten.

“Iiyak mo lang ang lahat, Leinne. Nandito lang kami ni Iyah sa tabi mo.” Humihikbing saad ni Vivian.

Hindi ko namalayan na habang umiiyak ako ay gano’n din pala sila. Nagyayakapan kami at umiiyak. Matapos ang ilang araw na puro kasiyahan ngayon ay umiiyak na naman kami.

Nang kumalma ako ay nagsimula akong nagkwento sa kanila. Wala akong mapagsabihan sa mga nangyari noon. And I didn’t even think of telling them about it, not even back then, when we reconnected.

Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sa kanila ang mga nangyari. Sa loob ng mahabang panahon ay kinimkim ko ito at sinarili ang lahat.

I trust my friends, and I now have the courage to tell them about the past without leaving a single detail.

“Y-you mean to say… umalis ka sa bahay nila Zadkiel na wala siyang ka-alam alam? Ang Tita talaga ni Zadkiel ang sumugod doon sa mansyon at sinugod si Tita Norberta?” Si Iyah ang unang nakapagsalita nang matapos ako sa pagkukwento sa kanila.

“M-mm. Siya rin siguro iyong tumawag kay Zadkiel no’n na sinugod si Ma’am Ulysses sa ospital.” Tugon ko. Humigit muna ako ng hangin. “Ayaw kong umalis… ayaw kong iwan noon si Zadkiel na hindi man lang siya naka-usap pero… p-pero dahil sa sitwasyon namin ni Mama, napilitan akong umalis. Takot na takot din kami no’n.”

“Pero hindi ka ba nagtataka, Leinne, kung bakit walang sinasabi si Tita Norberta sa’yo? At… ang hirap paniwalaan na magagawa ni tita na pumatol sa may asawa na lalaki. She’s been a good mother to you all her life and then… bigla na lang na gano’n?” Lito at naguguluhang wika ni Vivian.

Tumango si Iyah. “Right! Nakilala natin si Tita.”

Kahit ako… ayaw kong maniwala at hirap akong tanggapin ang lahat. Pero bakit walang sinabi si Mama sa ’kin? Dapat nagsabi siya. Though hindi man namin maibabalik ang mga nangyari pero at least alam ko ang totoo! Hindi iyong ganito na nanghuhula ako kung ano ba talaga ang mga nangyari noon!

“Kaya ba iniisip mong galit si Zadkiel sa’yo dahil sa nangyari noon? At binalikan ka lang niya ngayon for revenge? Do you think, Leinne, magagawa iyon ni Zadkiel sa’yo? Ang saktan ka?”

Nagkibit balikat ako kay Iyah. Kapag nasaktan ang tao… nagiging posible ang mga imposibleng bagay.

Bumagabag ang bagay na ’yan sa ’kin. Na kaya lang ako nilalapitan ni Zadkiel dahil may plano siyang maghigante. Kasi may fiancée na siya eh. Ano pa ba ang posibleng pakay niya sa muling pagsulpot niya sa buhay ko?

“Nakita ko noon… noon pa man alam kong importanteng tao si Leinne sa buhay ni Zadkiel, Iyah. Nagalit ako sa lintek na lalaki na ’yon kasi sinaktan niya si Leinne.  Ngunit hindi ko naman maipagkakaila ang nararamdaman niya dito kay Badet. Galit ako nang malaman kong may fiancée siya tapos umaaligid ngayon kay Leinne. Kaso lang… hindi… hindi ko nakikita sa mga mata niya ang galit kay Badet lalo na ang maghigante.” Aburidong ginulo ni Vivian ang kanyang buhok!

May hate and like talaga siya kay Zadkiel kahit noon pa man.

“Hey, Vivs! ’Di ba ayaw na nating masaktan si Leinne? ’Di ba ayaw mo na kay Zadkiel at galit ka roon?”

Inirapan ni Vivian si Iyah. “Alam ko! Saka sinabi ko bang bati kami ng lalaking iyon? Noon pa man nasusungitan na ako roon. Ngunit alam naman nating dalawa na sasaya lang itong kaibigan natin sa kurimaw na ’yon!”

Lumabi si Iyah at tumingin sa ’kin. Kinuha niya ang kamay ko at pinisil iyon.

“Whatever your decision is, Leinne. Nandito lang kami ni Vivian. You’re old enough to weigh your decisions. We’re just here to support you, whenever and whatever!”

“Hindi ka namin itutulak sa lalaking may sabit na, Badet. Pero… kung may pagkakataon… sana makapag-usap kayo ni Zadkiel ng masinsinan. Mag-usap kayo, hindi ko sinasabi na kailangan may balikan.” Tila labag pa sa kalooban niyang untag.

“Kasi hindi naman pwedeng kapag nagkikita kayong dalawa puro ka lang lunok at iwas kay Zadkiel. Darating at darating talaga ang time na kailangan ninyong harapin ang isa’t isa at mag-usap tungkol sa nangyari noon. Leinne, moving forward doesn’t mean forgetting the past. It’s about accepting things and moving forward with the lessons you have learned from them.”

Pagkatapos ng usapan na ’yon ay tinawagan namin si Leon. I was so happy when I was finally able to talk to Leon after so many years of no communication!

“Hola, Leinne! Como estas?” Malaki ang ngiti ni Leon.

“Leon! Kumusta! Ang tagal din nating ’di nakapag-usap!” Kumaway-kaway pa ako sa camera.

Nakisingit naman sina Iyah at Vivian.

“It’s so unfair! You two! Dapat sinabi ninyo sa ’kin na bibisita kayo kay Leinne!” Nakabusungot si Leon sa kabilang linya.

“Uho! Dapat kasi dito ka na lang nag-aral sa Pinas. OA mo kasing magheal eh, d’yan pa talaga sa Spain!” Tukso ni Iyah kay Leon.

“Paandar kasi ’yan siya! Para may ma-post siya sa Facebook na ‘sinaktan sa Pangasinan, nagheal sa Toledo, Spain!’” Gatong pa ni Vivian.

“Gwapo mo na d’yan, Leon!” ani ko naman.

Umirap siya. “Ano’ng magagawa ng kagwapuhan ko kung hindi niya makikita?”

“Amputa! Akala ko nagheal ka na d’yan?” Tawa ni Vivian kay Leon.

“Ows! Hindi pa naka-move on!”

“Mahal mo pa rin si Penny, Leon?”

It turned out kasi naghiwalay sila ni Penny noon dahil nakipagbalikan si Penny sa ex-boyfriend  nito.

“Gwapo rin kasi no’ng ex-boyfriend ni Penny, eh. Kahit ako madi-depress!”

“Friendship over na ’to, Vivian, Iyah. You’re supposed to comfort me and support me, not bully me and my wounded heart!”

“Umuwi ka na rito kasi!” si Vivian.

“Namiss na namin ang libre mo, Leon!” sabi ni Iyah.

“Tapos pasyal ulit kayo rito!” ani ko.

“Pera ko ang namiss ninyo! Hindi ako!” Natatawang saad ni Leon.

“Sus! Umuwi ka na! Hinawalay na sila. Pwede ka na ulit sumingit!” Hagalpak ni Vivian.

“Wala kayong pasalubong sa ’kin. Si Leinne lang ang meron, siya lang kasi na-miss ko!”

“Leon!”

“Oi, Leon, ’di naman mabiro ang isang ’to!”

“Bahala kayo! Sige na. Bye! Adios!”

Hinatid ko hanggang terminal ng bus sina Iyah at Vivian. Ni hindi pa nakakaalis ng Campo Otso ay may plano na silang bumalik. Next time daw na pupunta sila rito ay kasama na si Leon. Plano nila na magpa-party sa birthday ko sa darating na May 24. And I really hope na makapunta rin si Leon dito.

Sa ilang araw nila rito, tingin ko sobrang dami ng nangyari. May inuman (pero sila lang kasi baka magkalat na naman ako), gala, tawanan, at iyakan.

After ng ilang pagmove sa date ng graduation  namin, finally sa June 8 na talaga ang aming graduation! Kaya habang naghihintay sa graduation nagpatuloy ako sa pagtitinda.

“Darryl! Namiss ka namin dito!” Sinugod kaagad ako ng mga nagtatrabaho sa mall. Nakakatuwa na patapos na talaga! May nakita nga ako sa labas na tarpaulin para sa soft-opening ng mall!

“Naging abala rin po kasi ako last week. Mukhang malapit na po kayong matapos dito.” ani ko habang hinahanda ang kanilang order na ulam.

“Oo, malapit na kaya nga siguro araw-araw nagpapa-lechon sa amin si Sir Zadkiel!”

“Nauumay na kami sa lechon!”

“Kaya hinahanap talaga namin ang ulam mo, Darryl!”

Grabe naman! Araw-araw siyang nagpapalechon sa trabahante niya?

Napalinga-linga ako. Baka sakaling makita ko siya.

“Hinahanap mo ba si Sir Zadkiel? Naku, wala iyong ngayon kaya ayos lang, Darryl!” Si Kuya Roy.

Nang umalis sina Iyah at Vivian para tuloy akong nanibago sa tahimik na bahay. Isang gabi patulog na ako nang may kumatok sa labas.

Ano ba ’yan? Parang wala nang saysay ang bakod ko sa labas! Dumederetso na ang mga tao sa pinto ng bahay!

“S-sino ’yan?” Kapag gabi at may kumatok. Hindi ko kaagad ito pinagbubuksan. Baka kasi may mga masasamang loob. Pero so far sa tagal ko na rito sa baryo namin wala pa namang gano’ng krimen.

“Darryl? Darryl, pwede mo bang buksan ang pinto?”

“Kuya Roy?” Sambit ko. “Kuya Roy kayo po ba ’yan?”

“Ah, eh… oo, Darryl. Pasensya ka na kung nabulabog ko ang gabi mo.”

Dahil si Kuya Roy naman ang sumagot sa ’kin. Unti-unti kong binuksan ang pinto. Kaso lang natigilan ako nang makita kong may akay siyang tao. Si Zadkiel na lagong-lago!

“Zadkiel,” ani ko.

“Naku, Darryl, pasensya ka na talaga! Hindi ko kasi alam kung saan ko dadalhin si Sir. Nagpainom kasi si Sir sa amin doon sa mall. ’Tapos napasarap at nalasing siya. Hindi ko naman alam ang address ni Sir Zadkiel kung may bahay ba siya rito. Kaya… dito ko na lang siya dinala.” ani Kuya Roy.

“P-po?”

“Panay kasi ang tawag ni Sir Zadkiel sa’yo… kaya inaakala kong ikaw ang gusto niyang puntahan at mukhang magkakilala na naman kayo.”

“E-eh, kuya…” I can’t think straight right now.

“Gusto ko nga sanang sa bahay dalhin ito pero… saan ko naman patutulugin itong si Sir?”

Sa huli pinapasok ko si Kuya Roy sa bahay. Pinaderetso ko si Zadkiel sa kwarto ko. Nang makaalis si Kuya Roy ay tiningnan ko si Zadkiel na nasa kama ko. Hindi ganon kalaki ang kama ko kaya naman lumalagpas ang paa niya at ang liit lalo tingnan ng kama ko!

“Leinne, my baby!” Daing nito at kinalmot ang leeg.

Maputi siyang lalaki kaya naman kita-kita ko ang pamumula ng kanyang balat ngayon.

“Baby, I miss you!”

Napapikit ako. Ewan ko kung tama ba itong ginagawa ko ngayon. Pinatuloy ko ang ex ko na may fiancée na!

I decided to get a clean towel, water, and a basin. Lilinisan ko lang ito. Umupo ako sa kama at piniga muli ang towel bago pinunasan ang lalaki. Ang init ang katawan nito!

“Wala akong ibang gagawin. Magpupunas lang ako,” litanya ko habang isa isang tinanggal ang butones ng kanyang polo.

Malalim ang naging lunok ko nang makita ko ang kanyang katawan. His chiseled body came into view. My nape felt hot as I watched his glistening abs and broad chest.

Pumikit ako at pinunasan siya.

“Walang malisya ’to!”

“Walang malisya ’to!”

“Walang malisya ’to!”

Naglilitanya ako habang nagpupunas sa katawan ni Zadkiel pero natigilan din ako nang may kamay na humawak sa palapulsuhan ko.

Nagmulat ako. “Z-Z-Zadkiel!”

Nagkanda utal-utal ako nang magkasalubong ang mga mata namin. His half-closed, sleepy eyes darted at me.

I tugged my wrist away from his grip, yet despite his drunken state, he was still strong. His grasp on my wrist only tightened.

Binabawi ko ang wrist ko mula sa kanya dahil gusto ko nang lumayo ngunit isang kabig niya lang sa ’kin ay sumubsob na ako sa dibdib niya!

“Baby, you’re here in my room. You’re real!”

Mariin kong napikit ang mga mata! Anong in my room? Nasa bahay ko siya!

“Zadkiel, ano b-ba?!”

Akmang babangon ako nang gumapos ang mga braso niya sa baywang ko. I can hardly breathe because of his tight embrace.

Tiningnan ko siya para sana pagalitan. Alam ko namang lasing ito kaso gustong-gusto ko siyang singhalan ngayon! However, it was a wrong move because he suddenly claimed my lips, which were slightly apart.

“Baby, fuck! Are you really real? Your warmth feels so fucking real!” he said in between our kisses.

Ititikom ko na sana ang bibig ko nang mangalugad ang kanyang dila sa loob ng bibig ko!


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 39

Chapter 39

Leinne’s POV

It’s so foolish of me to get swayed by someone who’s drunk and even mistake that we’re in his room and that I’m his illusion.

Maling-mali na nandito ako sa ibabaw niya at hinayaan siyang halikan ako. Para akong nabato sa ibabaw niya at hindi man lang nakapagprotesta sa kanyang mga halik!

Damang-dama niya ang paghalik samantalang ako ay dilat na dilat habang hinahalkan ako.

Tanga, marupok, at walang paninindigan! Ganyan ko ilarawan ang aking sarili ngayon habang patuloy na nilalantakan ni Zadkiel ang labi ko na para bang isa itong nakakatakam na pagkain!

However, when I felt his arms loosen their embrace around me, I took that opportunity to get away from him. Umupo ako sa tabi niya na hinihingal at malakas ang tahip ng puso.

“Kasalanan mo ’to!” Asik ko sa wala nang malay na si Zadkiel bago ginawaran ng sampal ang mukha!

Natuptop ko naman ang bibig na tingin ko namumula na ngayon dahil sa kanyang halik. Namamanhid nga eh!

Nais ko mang magsorry pero hindi niya naman siguro malalaman na sinampal ko siya dahil sa kalasingan niya!

Umalis ako sa kama at hindi ko na tinuloy ang paglinis sa katawan nito.

“Baby.”

“My baby!”

“Leinne.”

“Leinne!”

He called my name in his half-awake state. He was sleep-talking. I mean, I don’t know if he was awake or asleep, or just lost in his dream.

Iniwan ko si Zadkiel sa silid ko na may inis at galit. Inis dahil nagpadala ako sa lalaki. Hindi ako lasing at nasa tamang pag-iisip ako pero ’di ko man lang napigilan ang isang lasing na halkan ako. Galit ako kay Zadkiel dahil hindi na natatahimik itong isip ko sa mga ginagawa niya!

Sa sofa ako natulog. Hindi ko yata kakayaning matulog sa iisang silid kasama ang lasing na si Zadkiel. Mabuti may mga extra akong unan at kumot dahil sa pagbisita ng mga kaibigan ko.

Unexpectedly, nakatulog ako ng maayos sa sofa! Maybe I’m already used to my small bed, which is why I got sleepy and comfortable on the sofa.

My nose twitched when I smelled something. The scent of garlic and onion rushed into my nostrils, swarming my senses. I opened my eyes, and the blinding light coming from the window charged into them.

I closed my eyes and rubbed them as they began to adjust to the light. Upon opening my eyes again, my vision was still hazy, yet everything became clearer as the seconds went by.

Hindi ako maaaring magkamali! May nagluluto sa kusina! May naggigisa. I bounced up from the sofa and rushed to the kitchen.

My mouth fell open when I saw Zadkiel’s toned back, his muscles jerking as he stirred something under the whirring fan.

Nagluluto siya na naka-topless at suot lamang ang shorts ko na humahapit sa kanyang hita at pwet! Ni hindi ako maka-recover sa kanyang nag-iigtingang muscles nang dumapo ang mga mata ko sa bilog niyang pwet! Mas malaman pa ang pwet niya kaysa sa akin ah!

I think he felt my sharp gaze because he turned around and caught me eyeing his round butt cheeks!

Umusok ang tenga at ilong ko at halos magka-nosebleed nang tumuon ang mga mata ko sa kanyang bumabakat na pagkalalaki!

“Leinne, good morning. Sorry I used your kitchen again. I didn’t know how I ended up–”

“Magliligpit lang ako sa hinigaan ko!” Pigil hiningang saad ko saka siya tinalikuran. Hinagilap ko lang ang hinigaan ko sa sofa at tumakbo sa kwarto ko at doon impit na sumigaw sa inis!

Bakit ang short ko ang sinuot niya? Kita naman na ang liit-liit ng size ko kumpara sa kanya! Halos mamutok na iyong tahi!

Mabilis akong naligo at saka nagbihis. Ang tibok ng puso ko ay umaabot na hanggang sa lalamunan ko dahil sa kaba.

Bago ako lumabas ay naghanap muna ako ng malaking tshirt para sa kanya. Ang bastos kaya kumain sa hapag na naka-ganon lang siya! He look so bare! And I got easily distracted pa sa katawan niya!

Act cool, Leinne! Bahay mo ito! Kahit mag-attitude ka wala siyang magagawa kasi nasa pamamahay mo siya!

Parang inaabangan niya lang ako sa kusina dahil nang dumating ako kay mabilis siyang umalis mula sa pagkakahilig mula sa sink.

“Leinne–”

Tinapon ko sa kanya ang tshirt. “M-magbihis ka nga!”

Ngumiti siya sa akin pero inirapan ko lang siya. Tiningnan niya muna iyon bago sinuot. Umupo na ako.

“Sorry, kung nakialam ulit ako sa kusina mo.”

Hindi siya umupo kaya inanyaya ko pa siya.

“Kumain ka muna kung aalis ka.”

Hindi siya nagpapilit dahil kaagad siyang naghila ng upuan sa tapat ko. Nais ko na siyang supilin dahil panay ang ngiti niya sa ’kin. Para siyang bata na napagbigyan sa kanyang mga gusto!

“I’m not as good at cooking as you are.” Saad niya naman. “At saka… k-kung ayaw mong umalis ako. Hindi ako aalis. Wala naman akong gagawin ngayon!”

Tahimik lang ako habang nagsasalita siya. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano ko namiss ang boses niya. Ngayon na defenseless ako at hindi iniisip ang mga pangamba, ang sarap pala sa pakiramdam na nandito siya.

Lubos-lubosin ko na ba ito? Kasi… baka hindi na ito mangyari eh.

“Sino sa trabahante ko ang naghatid sa ’kin dito, Leinne? Pasensya ka na talaga. Though… I’m kind of grateful na dito nila ako dinala sa’yo.”

Nilunok ko ang laman ng bibig ko. Hindi ko namalayan na subo lang pala ako nang subo at hindi nalulunok ang pagkain. Lumulubo tuloy ang pisngi ko.

“Si Kuya Roy.”

Napatango siya. “M-may alam ka ba na nangyari kagabi? Ewan ko pero tingin ko may sumuntok sa ’kin o ano. Masakit kasi ang pisngi ko.” Wika niya pero may ngisi sa labi.

Tingin ko pumasok sa ilong ko ang kanin at saka ako naubo!

“Water,” mabilis niya akong dinaluhan saka sinalinan ng tubig sa baso.

Paagaw kong kinuha ang baso sa kanya at ininom ito.

“Sorry, may nasabi ba–”

“’Wag ka ngang sorry nang sorry!” Disma ko sa kanya.

Wala siyang ginawang mali pero panay ang sorry niya!

“L-Leinne,”

“Wala ka namang ginagawa na mali, Zadkiel. Wala kang ginawa na hindi ko gusto kaya tigilan mo ang kakasorry mo!”

Kumuyom ang kanyang bagang. “So… I mean, hindi na ako magsasalita. Please don’t get mad, mmm? I just want us to have a calm and quiet talk, Leinne. Mmm?”

Huminga ako malalim. Siguro ito na nga ang tamang oras na mag-usap kami. Dahil baka kapag pinatagal ko pa ito… mas lalo lang lalala ang lahat!

“You want us to talk?”

“Yes!”

“Sige… mag-usap tayo. Pag-usapan natin ang lahat para matigil na rin ang mga ’to!”

Malalim ang kanyang naging lunok.

“Dito tayo mag-uusap?”

“Sa… ibang lugar na lang. Ayoko rito. Ikaw ang bahala kung saan mo gusto. Basta walang disturbo.”

I don’t know how our breakfast ended with a heavy atmosphere around us. None of us was brave enough to break the silence after that talk.

Zadkiel went out first because he wanted to get changed before we went to the place where we could talk. He didn’t tell me anything about the place; he just nodded at me.

It’s safe to say that he already had a place in mind where we could be alone and no one would disturb us.

Nang may narinig akong bumusina sa labas ng bahay, tumayo ako at inayos ko ang suot na polo na black and white stripe na pinailaliman ko ng manipis na white tshirt ’tapos pinaresan ko ng maong na short na hanggang sa ibabaw ng tuhod ang haba.

Wallet at cellphone lang ang dala ko ngayon dahil balak ko na pagkatapos naming mag-usap ni Zadkiel ay magco-commute na lang siguro ako pauwi.

Ni-lock ko ang pinto saka naglakad tungo kay Zadkiel na nasa labas ng kotse niya. Halos masilaw naman ako sa suot nitong baby blue na long sleeves. He rolled up his sleeves to his elbows and paired them with black trousers that defined his long legs. The morning sunlight hit his black loafers.

He looked so formal in his attire, as if he were about to join an important meeting. Against his striking outfit, I looked more informal and casual than usual.

Pinagbuksan niya pa ako sa pinto ng kotse bago tinungo ang driver’s seat. Kumpara no’ng nalasing ako sa bahay nina Kuya Roy, ngayon mas tensyonado ako sa kinauupuan.

Panay ang pisil ko sa kamay ko at kung saan-saan na lang tumingin.

His scent hadn’t changed. It was still the same as before, so masculine and musky.

Habang nagtatagal kami sa byahe lumalalim na ang pagkakakunot ko sa noo. Hindi na ako pamilyar sa daan na kanyang tinatahak.

Oo hindi gano’n kalaki itong probinsya namin kaso hindi ko naman ito na-explore lahat! Hindi ko na abot ang lugar na ’to. Kahit sa mga hosting gig ko ay hindi ko naabot ang lugar.

“M-malayo pa?” Hindi na ako nakapagtiis.

“We’re almost there.”

Coastal road na ang aming dinadaanan at pataas na nang pataas. Ilang minuto nga ay tumigil na nga kami ni Zadkiel sa isang daan na may matayog na gate. Malayo ang huling bahay na aming nadaanan. At itong tinigilan namin ay nasa tabing daan na bahay at nakadungaw pa ang property sa malalim na dagat sa baba.

“Zadkiel!” Tawag ko sa lalaki nang basta na lang niyang binuksan ang malaking tarangkahan ng bahay! “H-hoy!”

Tinulak niya ang gate bago may ngiting bumaling sa ’kin.

“Kaninong property ito? Baka kung sino–”

“Don’t worry, Leinne. It’s ou-” ngumiti siya. “…my house.”

Natigilan ako sa kanyang sinabi. May bahay siya? Sa kanya talaga ito?

Gulat man ngunit sumunod ako sa lalaki papasok sa loob. May malawak siyang graveled front yard pero sementado naman ang driveway.

Binuksan ni Zadkiel ang main door at saka una niya ako pinapasok. Nalaglag ang panga ko dahil tumuloy ang tingin ko sa asul na dagat sa unahan. The house was perched beside on a coastal road. Patakbo akong tumungo sa backyard ng bahay at namangha ako lalo nang marinig ko ang malalakas na hampas ng alon sa ilalim.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakangiti habang tinitingnan ang paligid! Ang ganda! Parang ang kalikasan lang ang kasama mo.

“Do you like it?” anang ng boses ni Zadkiel sa likod ko.

Lumingon ako rito. Malaki ang ngiti ko kay Zadkiel na nakahilig sa pinto at naka-krus ang braso sa isa’t isa.

Nahigit ko ang hininga dahil ang gwapo niya tingnan.

’Wag kang magpapadala sa tukso, Leinne!

Tumikhim ako upang itago ang ngiti na kanina pa nakapaskil sa labi.

“M-maganda siya. Hindi ko alam na may ganitong property dito.”

Umalis siya mula sa pagkakahilig at sinilid ang dalawang kamay sa bulsa ng slacks niya.

Umupo siya sa isang bakal na upuan dito sa backyard. Pinagkrus niya ang mahahabang binti sa isa’t isa.

Iniwas ko ang tingin. Kahit sa simpleng ginagawa niya iba ang dating no’n sa ’kin.

Inakupa ko ang isang silya at humawak sa short ko. Pinahid ko ang namamasang palad sa shorts.

“Kakabili ko lang din sa property na ’to. Naghahanap kasi ako ng bahay dito sa lugar at may isa akong empleyado na nagturo dito. Tama naman na mura siya kaya binili ko na lang.”

“Mura lang ito?”

Mga 2 million ba? Wala ka ngang hundred thousand sa bulsa mo, Leinne.

“Mmm!”

“Wow!”

“I bought it for about 250 million only.”

Kahit wala akong iniinom ay naubo ako sa presyo! Ano? Two hundred and fifty million? Mura lang iyon sa kanya?

“Ang bare pa nga dahil… wala pa siyang masyadong laman.”

Napatango ako. Wala pa ngang masyadong muwebles ang bahay.

Baka dito niya balak tumira pagkatapos ng kasal niya.

Para kong sinaksak ang sarili sa kaisipang iyon. Iyon yata ang katotohanan na ikakamatay ko eh. Ngayon bearable pa ang sakit pero kapag nagpakasal na talaga siya… ewan ko na lang.

“D-dito ka na magsi-settle down? I mean kayo… kayo ng asawa m-mo?”

“Mmm! Dito ko na balak magsettle kapag dito rin ang gusto niya. Kahit saan siguro basta… siya ang kasama ko.”

Hilaw akong ngumiti. “I’m sure… magugustuhan n’ya rito.”

“I can see it na nga.”

“Huh?” Lingon ko rito.

Natatawa siyang umiling. “Nothing, Leinne.”

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa ni Zadkiel. Ang ugong ng hangin at ang alon sa baba na lang ang tanging naririnig ko.

Well, maliban sa puso ko na nagwawala na.

“Ahm…” subok kong basag sa katahimikan naming dalawa ni Zadkiel kaso kaagad din akong napatigil dahil sa lalas ng kabog ng dibdib ko. Malakas pa yata sa current ng dagat!

“Leinne, you don’t have to force yourself. I know I said that I want us to talk, but if you’re still not comfortable talking-”

“No! We need to talk now, Zadkiel. We cannot keep prolonging this,” I interrupted.

I saw his jaw clench.

“Right,” he whispered, but it reached my ears.

“Zadkiel… years ago,” that’s how I started. “I didn’t mean to leave you,” I muttered, my eyes burning as tears threatened to fall.

“You want to talk to me pero ako iyong dapat may sabihin at klaruhin sa pagitan nating dalawa, Zadkiel.” Nagkatitigan lang kami. Sumasayaw ang puno sa tabi at nakasilong kami sa mayabong nitong dahon. “Alam mo na naman for sure kung bakit kami umalis ni Mama sa mansyon ninyo noon. N-nahuli ni Ma’am Ulysses si Mama… at ang Daddy mo. Sila ang may dahilan kung bakit sinugod sa ospital ang Mommy mo dahil inatake siya.”

Binaba ko ang tingin ko sa aking kamay na nasa mesa.

“No’ng gabing… dumating tayo from La Union. Naabutan ko si Mama na pinapalayas ng Tita mo, iyong… kapatid ni Ma’am Ulysses. Hindi ko naintindihan ang mga nangyayari noong una pero kalaunan ay napagtagpi-tagpi ko rin ang lahat. Natakot ako… kinabahan sa maaaring mangyari sa ’min ni Mama. Ayoko… ayokong umalis na hindi ka nakakausap o nakapagpaalam sa’yo. Ngunit wala rin akong nagawa. I wanted to call you, or at least text you, but I didn’t have my phone with me. All I did that night was cry in despair.” Hinayaan kong lumandas ang mga luha ko habang inaalala ang gabing iyon. Gabing puno ng takot, pangamba at walang kasiguraduhan.

“Dumating kami ni Mama rito… ang una kong naisip ay tawagan ka… kausapin ka at magpaliwanag kaso ayaw ni Mama. Ayaw niyang magkaroon ako- kami ng kahit na anong koneksyon sa inyo. I can’t even mention your name in front of her dahil pinapagalitan niya ako. U-until one day… nawala rin si Mama. Walang komplikasyon sa katawan niya, sa pagkakaalam ko. Pero namatay siya… ni hindi ko nasabi sa kanya no’n na naging boyfriend kita. I’m sorry sa ginawa ko, Zadkiel. Sorry sa ginawa ni Mama.”

Malakas ang loob kong sinalubong ang mga titig ni Zadkiel.

“May kinikimkim ka d’yan sa dibdib mo, Zadkiel. Pwede mo ’yang sabihin lahat sa ’kin ngayon… d-dahil baka ito na ang huling pag-uusap natin.”

Pinisil niya ang mga mata gamit ang daliri at natawa ng bahagya.

Nagtagpo ang mga kilay ko.

“I was right… I was right from the very beginning. I’ve never doubted your feelings toward me, Leinne.” Natatawa niyang saad pero may nakita akong luhang tumulo mula sa mga mata niya.

“Z-Zadkiel…”

“Iba ang sinabi ni Tita Uriell sa ’kin noon. Ang sabi niya umalis kayo ni Tita Norberta dahil guilty kayo. Sinubukan daw niya kayong pigilan pero hindi kayo nagpapigil. Ikaw pa nga raw ang nagtulak sa Mama mo na umalis kayo.” Nang ibaba ni Zadkiel ang mga kamay niya, nakita ko ang pamumula ng kanyang mga mata. “I’m sorry that I wasn’t there with you, Leinne. I’m sorry that because of my family, you suffered.”

“We suffered because of what happened, Zadkiel. Both of us got hurt unknowingly. We didn’t intend to hurt each other, but things just happened. Everything got out of control.”

“But I never stopped loving you, Leinne. I’ve never lost faith in you and in your feelings for me. I have grown these feelings for you, and I probably will forever.”

“Z-Zadkiel…”

“This is my choice, Leinne. I choose you and this path. I want to please myself for once, because I’ve been living a life they wanted me to live, and it’s wearing me out. Choosing you, in spite of the pain, feels more alive than doing what other people want me to do- yet inside, I’m dying.”

Umiling ako sa kanya. “You can’t be.”

“I can, Leinne.”

I slammed my hand on the table. “May fiancée ka na! Please, respect her! Respect the woman, Zadkiel! Don’t make me feel like I’m walking the same path my mother did!”

“No, baby! You won’t be like Tita Norberta!” he said firmly. “I loved you back then and I still love you now! And Soleen knows about my feelings for you! Before we entered this damn engagement, we were open about it. I have never cheated on how I feel for you!”


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 40

Chapter 40

Leinne’s POV

“What?!”

“… the hell!?”

Laglag ang panga nina Iyah at Vivian matapos kong magkwento sa kanilang dalawa! Nag-video call kami ngayon at tumihaya ako sa kama.

Actually, nangangamusta lang naman silang dalawa sa ’kin hanggang sa mabanggit si Zadkiel at humaba ang usapan at umabot sa pinag-usapan namin ng lalaki one week ago!

Isang linggo na ang lumipas matapos ang pag-uusap naming dalawa pero hanggang ngayon parang naririnig ko pa rin ang kanyang boses. Klaro pa rin ang kanyang eskpresyon at emosyon sa isipan ko.

Isang linggo na nga rin ang nakalipas kaso lang… panay na ang sulpot ni Zadkiel sa bahay o kahit saan man ako mapadpad. Ngayon ko lang tuloy naramdaman na ang liit nga talaga ng probinsya namin dahil sa dalas nang pagkikita namin ni Zadkiel.

Akala ko dahil nakapag-usap na kami matatapos na itong lahat at hindi na kami magkikita. Kaso lang mas napapadalas ang pagkikita namin ni Zadkiel. Tingin ko nga ngayon mas tumatapang na siya. Binibisita na niya ako sa bahay at may isang beses na inabangan ako! Sumama sa paglalako!

Tingin ko rin tama na rin na sabihin ko ito sa mga kaibigan ko kasi parang mababaliw ako kapag sinarili ko lang ang lahat! Lalo na’t sobrang persistent ng lalaki. Kahit na anong sungit ko at pinagkikibit balikat ko lang ang mga paandar niya. Parang wala lang ito sa kanya. Nauubusan na nga ako ng rason para itaboy siya.

“Tama ba iyong narinig ko na ipu-pursue ka niya ulit, badet?!” Sambit ni Vivian at nilapit pa ang mukha sa camera. Nagzoom out ang mukha niya sa screen ng cellphone ko.

“O-oo nga! Tinanggihan ko syempre. Tinutulan ko siya sa plano niya. Akala ko nga… aalis na siya rito o hindi na magpapakita kaso lang… kabaliktaran ang nangyari,” saad ko naman, malalim na huminga na animo’y pasan ang problema ng mundo.

Ngayon ay libreng oras ko since tapos ko nang ilako ang mga ulam na niluto ko. May hugasin na lang ako sa kusina pero makakapaghintay naman iyon.

“Wow!” Tanging usal ni Iyah.

“Pero paano iyong Soleen McDuffie? Rinig ko heiress iyon ah!” si Vivian.

“Yeah, I heard that too.” Tango-tango ni Iyah.

“Kagaya ng sinabi ko sa inyo kanina… sabi ni Zadkiel alam daw no’ng babae ang tunay niyang feelings s-sa ’kin. Bago pa man daw sila pumasok sa engagement nila, alam daw nito ang tungkol sa kanyang feelings.”

“Ano na ang plano mo ngayon, badet?”

Huminga ako ng malalim. Napatitig na lang ako sa ceiling ng bahay.

“Ewan ko.” Naguguhan kong wika. “Nahihirapan na rin akong itaboy siya.”

“Sundin mo na lang kung ano ang nararamdaman mo, Leinne.” Ani Iyah.

“But this feels so wrong, Iyah. May fiancée si Zadkiel.”

“Then, klaruhin mo sa kanya. Sa ating tatlo… ikaw ang nakakakilala kay Zadkiel, Leinne. That man… hindi no’n hahayaan na maging third party ka.”

“Hay! Wala akong love life pero pino-problema ko rin ang love life mo, badet. Basta, nandito lang kami ni Iyah para sa’yo. Kapag ginawa kang third party n’yang Zadkiel na ’yan. Kahit lalaki siya at malaki ang pangangatawan, uupakan ko iyon. Babayagan ko pa para sa’yo!” Pinakita pa ni Vivian ang kanyang braso at f-in-lex ito sa harap ng camera.

“Salamat. Salamat sa inyo, Vivian, Iyah. Kahit paano gumaan ang pakiramdam ko.”

“Walang anuman, Leinne. We’re always here for you!”

“Malakas ka sa amin, badet! Saka see you soon sa birthday mo!”

“Yes! Excited na kaming bumalik d’yan and this time kasama na namin si Leon!”

Pagkatapos ng aming video call ay pumunta ako sa kusina para maghugas sa mga hugasin kong nakatambak! Nagpatugtog ako habang naghuhugas, nakasanayan ko na kapag may ginagawa ako sa bahay ay nagpapatugtog ako.

Umiindayog ako sa kanta ni Chris Brown. I shook my ass and hips to the music, bouncing my head and singing as if I were having a concert right here in the kitchen.

I was grinding my hips when I heard someone speak behind me. I jolted, and the Tupperware in my hand slipped as shock hit me! I felt like I had been struck by lightning.

“Leinne.”

Pakiramdam ko halos lumiwalay sa katawan ko ang aking kaluluwa nang marinig ko ang boses ni Zadkiel. Bilog ang mga mata kong binalingan ang lalaki.

Nakatayo siya roon sa bakuna papasok dito sa kitchen. Yakap ng isang braso niya ang malaking paper bag na may sumisilip na mga gulay.

“Z-Zadkiel, kanina ka pa?” Namutla ako sa sariling tanong ko sa lalaki.

Did he… did he see me dancing like an idiot earlier? Please tell me he didn’t!

He slightly gestured toward the back. “I was calling you, but no one responded. Narinig ko na malakas ang music dito sa loob kaya pumasok na lang ako since hindi rin naka-lock ang pinto.”

Napakurap-kurap ako. Nilapag niya sa mesa ang paper bag na dala at lumapit sa akin dito sa sink habang tinataas ang sleeves ng kanyang long sleeves sa siko.

“Don’t worry about what I saw. I’m not going to tell anyone. By the way, I like how your ass sways and bounces.” Panunukso pa nito sa ’kin!

Nasampal ko si Zadkiel sa kamay ko na may bola. Naiinis ako at ramdam ang pamumula sa pisngi kaso nakangisi lang siya sa akin.

“Dapat hinintay mo na pinagbuksan kita! Wala kang manners!” Iritado kong wika sa kanya.

“I said, I was calling you earlier, but no one answered me. That’s why I just went inside, because it also happened that you didn’t lock your door, “Zadkiel explained. “You should learn to lock your door, Leinne. What if may mga masasamang loob na pumasok dito?”

Sumama ang tingin ko sa kanya. Binalikan ko na lang ang hugasin ko.

“Ikaw lang naman ang basta-basta na lang pumapasok dito sa bahay. Saka walang mananakaw dito sa bahay, ’no!”

“Even if.” Kontra niya sa ’kin. “Tulungan na kita sa hugasin…”

“’Wag na. Kaya ko na ’to saka… ano ba ang ginagawa mo rito? Wala ka bang trabaho?”

“Ikaw pa ang tatrabahuin ko for now. I’m still pursuing you!” Huminga siya ng malalim.

“Ha? Hindi k-ka ba titigil d’yan, Zadkiel? Ayusin mo muna ang sa inyo ni Soleen bago mo ako guluhin!” Nilingon ko siya.

Tumaas ang kilay ko nang makita ko siyang umawang ang labi.

“Damn! So hindi mo na ako itataboy? Leinne, nakapag-usap na kami ni Soleen the day after nating mag-usap sa bahay ko. She’s rooting for me to get you back.

What? Kaya ba siya ganito ka persistent dahil nakapag-usap na sila ni Soleen? Kaya ba kahit anong taboy ko sa kanya at tulak na bumalik kay Soleen ay pinagsiksikan niya ang sarili niya rito?

“Zadkiel, masasaktan m-mo si Soleen.”

Ngumiti si Zadkiel sa ’kin. Hindi ako nakapalag nang hulihin niya ang baywang ko gamit ang isang braso.

Nanlaban ako kaso inipit niya lang lalo ang katawan ko.

“Trust me on this, Darryl Leinne. That’s not gonna happen. I swear!”

“Zadkiel, ayaw kong may masaktan na kahit na sino. Ayaw kong may babaeng masaktan dahil dito. At mas lalong ayaw kong maging third party o kabit mo. Kahit na gaano ko kagusto ang isang tao, kung magiging kabit lang din naman ako. Mas mabuting maging miserable ang buhay ko.” Makahulugan kong saad sa kanya.

May ngiti sa kanyang labi na tumitig sa mukha ko.

“Hindi ka magiging kabit, Leinne. You don’t deserve to be one- no one is, and I will not allow that to happen. You have my word, Leinne.”

Yumakap siya sa ’kin. Mahigpit ang yakap niya at ramdam ko ang malalakas na sipa ng kanyang puso. Hindi ako pumalag at hinayaan siya. Nang pakawalan niya ako ay hahalikan na niya sana ako nang iharang ko ang palad ko sa kanyang labi.

“Akala ko pinu-pursue mo pa ako?” Nagtaas ako ng kilay sa kanya.

Kagat labi siyang ngumiti.

“Akala ko lang makakaisa na ako sa’yo. Don’t worry, Leinne, dahil kahit habang buhay pa kitang ligawan gagawin ko! Well, ’yan naman talaga ang lifetime commitment ko sa’yo.”

I may have known Zadkiel, but with the years we were apart, I know there are things that changed, not only because he became more manly or developed a muscular body.

Both of us grew, both of us suffered, and both of us learned. I trust him when he says that he already talked to Soleen, but I still want to guard my heart. Ayaw ko nang basta-basta na lang tatalon sa isang desisyon na pagsisisihan ko sa bandang huli.

Ngayon hinayaan ko siya sa gusto niya. He can pursue me however he wants. Sana lang hindi niya ako bibigyan ng rason para pagsisihan ko itong desisyon ko.

I gave myself a chance. I gave our old relationship a chance. And I do hope that this time, I’m brave enough and mature enough for everything that may come our way.

Well, hindi ko naman inaasahan na magiging madali ang lahat with our past at ang nangyari sa kanyang Papa at kay Mama.

“Ako na nga lang ang magluluto.” Pakikipagtalo ko sa kanya dahil nagpupumilit siyang siya ang magluluto ng hapunan.

Nandito na naman siya sa bahay ko kaninang umaga pa siya dito.

“But I’m pursuing you!” Matigas niyang wika.

“Oo nga! Walang nagsasabi na hindi mo ako pinu-pursue. Pero hindi kita driver, cook, at taga-linis, okay? Ako na rito. Umupo ka na lang!” Asik ko sa kanya kaya naman natahimik siya at ngumuso sa akin. Para siyang aso na napagalitan ng kanyang may-ari.

Linggo ngayon at mukhang wala siyang trabaho kaya dito siya tumambay sa bahay! Siya ang nagdilig sa mga halaman ko sa labas, inagawan niya ako sa paglilinis ko dito sa bahay, ’tapos may order ako kanina na hinatid at siya ang naging driver ko!

Note that this is not the first time he has done this. Ilang beses na itong nangyayari. Kinakabahan na nga ako dahil parang hindi na nga siya pumapasok sa trabaho niya!

“Pagkatapos ng dinner, umuwi ka na sa bahay mo ha.” Babala ko rito.

“Can I just sleep here instead?”

Napairap ako habang kaharap ang kaldero.

“Hindi pwede. You’re still pursuing me.”

“But nakatulog na ako rito sa house mo.”

“Iba ’yon, Zadkiel.”

“I just miss sleeping with you, Leinne.”

Humigpit ang pagkakahawak ko sa sandok.

“M-magtiis ka. Baka paalisin na kita!”

“I’m well-behaved, babe.”

“S-saka… hindi pa tayo!”

“Gusto ko lang ulit sanayin ka. Magiging tayo na rin naman ulit.” Nahimigan ko ang pagkakampante niya sa kanyang tono.

Napabuntong hininga na lang ako.

“Also, hindi naman tayo nagkaroon ng pormal na breakup before. Kung tutuusin, tayo pa until now!”

May disgusto sa mukha ko nang lingunin ko siya.

“Kung iniisip mo ’yan, parang nagcheat ka rin since may naging fiancée ka.”

“Hey, babe! I already told you that I opened up my feelings to Soleen even before we entered that damn engagement shit!”

Naging normal na lang sa ’kin na sumusulpot si Zadkiel sa bahay ko. Minsan sa umaga dinadalhan na niya ako ng breakfast tapos sa dinner naman ay nakikikain siya sa bahay bago umuuwi.

Minsan humihirit siya sa ’kin ng halik pero hindi pa ako bumibigay sa kanya! Bahala siya! Pinagbibigyan ko nga lang siya sa yakap.

Dumating ang araw ng birthday ko. Magkasama kami ni Zadkiel dahil sabi niya may pupuntahan daw kami. Ngunit nagulat na lang ako nang pagkapasok sa kotse niya ay pinirangan niya ang mata ko.

“Zadkiel!” Inis kong daing ko sa kanya.

“Just relax, Leinne. Don’t worry, hindi kita ipapahamak, okay?”

“Bakit ba kasi may paganito ka pa?” Angal ko.

“Nautasan lang din ako!” Humagikhik pa siya.

Huminga na lang ako nang malalim at hindi na umimik sa kanya. Ilang minuto rin yata kaming nasa sasakyan at hindi ko na alam kung saan niya ako dadalhin. Hanggang sa tumigil na ang kotse.

Nangangapa ako nang palabas ako ng kotse kaso pinigilan ako ni Zadkiel. Rinig ko ang pagbukas nito sa kotse. Inalalayan niya ako hanggang makalabas.

Dahil wala akong nakikita, sinubukan kong talasan ang aking pandinig at pakiramdaman ang lugar.

Zadkiel’s arm encircled my waist like a cage, and his other hand held mine gently as we made our way through

I heard the faint sound of waves, and the cold afternoon breeze bit into my skin. As Zadkiel guided me and led the way, I noticed that we were walking on a gravel path.

“Be careful.” Zadkiel said.

“Z-Zadkiel, nasaan ba tayo?”

“Just wait for a bit, babe, mmm?” he whispered on my ears.

Malakas ang kabog ng dibdib ko sa paandar ng lalaki ngayon. Ilang sandali lang ay tumigil din kami sa paglalakad. Naramdaman ko naman ang malamig na simoy ng hangin at pakiramdaman ko may mga matang nakatingin sa ’kin aside kay Zadkiel. O baka nag-ooverthink na lang ako?

“Tatanggalin ko na ang piring mo sa mga mata mo.” Wika ni Zadkiel.

I just nodded, as I was also eager to know where we were.

And just as Zadkiel removed the handkerchief he had used as a blindfold over my eyes, I heard loud, unfamiliar and familiar sharp voices shouting.

“Happy birthday, Leinne!”

Natigalgal ako at napatalon nang may pumutok na confetti sa tabi. Naglakbay ang mga mata ko sa mga taong nasa harapan. My lips quivered as I saw Iyah, Vivian, and Leon, wide smiles curving their lips. Actually, marami pala talagang tao dito sa backyard ng bahay ni Zadkiel.

Nandito ang iilan kung kilala na naging suki ko na sa pagbibenta ko ng ulam doon sa mall. Si Kuya Roy at ang pamilya nito, si Lander at si Ate Loling, at nandito rin si June.

“Happy birthday, Leinne.” Saad ni Zadkiel sa tabi ko.

Tumingin ako sa kanya at napalabi. Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya at itago ang aking mukha sa kanyang dibdib.

Zadkiel rubbed my back, and I felt his lips against my hair.

“Thank you,” I murmured between my sobs.

Actually, isang beses lang ako nakapagbirthday dito. Iyon ang time na buhay pa si Mama at simula nang mawala ito, parang nakalimutan ko na rin ang sariling birthday.

“You’re welcome, babe. But you should thank your friends too, because they’re the ones who organized all of this. I just lent them the house.”

I pulled away from our embrace. He dried my cheeks with his thumb. I gazed at him, and he only nodded.

I went to my friends and hugged them.

“I miss you so much, Leinne!” ani Leon.

“Namiss din kita, Leon!”

“Huwag masyadong mahigpit ang yakap, Leon. Nakatingin si Zadkiel. Baka itapon ka d’yan sa dagat! Ang lalim pa naman!” Tukso ni Vivian kaya kaagad na kumalas si Leon sa yakap namin.

“Happy birthday, badet!”

Yumakap si Iyah sa akin.

“Happy birthday, Leinne! Blow your candles na!” Excited pang saad ni Iyah.

“Oh, blow mo na, badet, dahil baka mamaya iba na ang i-blow mo!”

Umusok yata ang ilong at tainga ko sa sinabi ni Vivian! Kung hindi lang nito hawak ang cake ay baka nahampas ko na siya!


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 41

Chapter 41

Leinne’s POV

“Happy birthday, Leinne!” Binati ako ni June at inabot ang isang paper bag.

“Ano ’to?” ani ko nang tanggapin ang regalo ni June para sa akin. “’Di ka na dapat nag-abala pa, June.”

“Buksan mo na lang ’yan later. Baka magamit mo ’yan…ngayon o sa susunod,” sabi ni June habang naglalaro ang ngisi sa kanyang mga labi.

Dahil sa kanyang ekspresyon, nakuryoso tuloy ako kung ano ang laman no’ng paper bag. Napakagaan ng paper bag na animo’y wala itong laman!

“Happy birthday, Leinne!” Sunod na bumati sa ’kin si Lander at si Ate Loling.

“Bahay ito ng nobyo mo, Darryl?” bulong ni Ate Loling sa ’kin.

Mabilis namang kumalat ang init sa mukha ko.

“N-naku hindi po, ate.”

“Manliligaw pa lang niya, Ma.” Sabad ni Lander sa ina.

Sinamaan ng tingin ni Ate Loling si Lander bago ako tiningnan at saka ngumiti.

“Naku, ’di na talaga ako nagtaka na marami ang nagkakagusto sa’yo, Darryl. Gwapo, may talento, independent, at mabait! Hay!”

“S-salamat, Ate Loling, pero grabe naman po sa marami ang nagkakagusto sa ’kin. Mga kaibigan ko lang po talaga sila.” Natatawa kong wika.

Hindi ko alam kung sino ang gumastos sa birthday celebration ko ngayon pero may pa-cater sila at three layers na cake sa ’kin. Nilagay ko muna sa mesa ang gift na bigay ni June sa ’kin kung saan ang ibang mga gift na natanggap ko.

May ilang pang bumati sa ’kin bago ako nakaupo sa mesa nina Iyah, Vivian, Leon, at June. Kapagod ding mag-asikaso ng bisita. Si Zadkiel naman ay doon umupo sa mesa kung saan sila Kuya Roy at ang ibang mga trabahante niya yata.

“Ang birthday boy!” Masiglang wila ni Vivian nang makaupo.

Sinimangutan ko siya dahil naiinis pa rin ako sa sinabi niya kanina.

“Ang mga gift namin, Leinne, nando’n na sa mesa ha. May mga pangalan naman iyon,” sabi ni Iyah.

“Ang ganda pala rito. No wonder na nagtagal ka rito, Leinne. At ang babait pa ng mga tao,” wika ni Leon.

“Siguro gano’n din sa Spain, nagtagal ka eh,” sabatni Iyah.

“Wala naman akong balak magtagal doon. Uuwi pa rin naman ako rito.” si Leon.

“Naku, baka magtalo pa kayo. Inom muna!” saad naman ni June saka tumayo at binigyan kami nang tag-iisang baso. Isa isa niyang pinuno ang mga baso namin ng alak.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa baso.

“Dapat uminom ka, Leinne, since birthday mo ngayon. Walang excuse-excuse!” Sundot ni Iyah sa siko ko. Magkatabi kasi kaming dalawa tapos sa kabila ko naman ay si Leon.

“E-eh…”

Hala! The last time I got drunk, I made a mess! I’m still not over it, and right now, mukhang mapapasubo pa ako sa mga ’to!

“Tama, tama! ’Wag kang mag-alala, badet, kasi nandito naman kami ni Iyah. Saka mga kaibigan mo lang ang nandito!” Gatong pa nga ni Vivian.

Masama ang naging tingin ko sa kanila ni Iyah.

“Hindi rin kami maglalasing, Leinne, since babyahe pa kami mamaya.” Ani June.

“Yes! Cheers para sa ating birthday celebrant!” sigaw ni Iyah at tinaas ang baso.

I was forced to raise my glass too. My eyes made their way to where Zadkiel was. I jerked in my chair as our eyes met halfway. However, he just smiled at me.

Pinakita niya rin sa ’kin ang baso niya na may lamang alak.

Pinutol ko ang tingin kay Zadkiel at binangga ang baso kasama ang mga baso nina Vivian. Pikit mata akong uminom.

“Happy birthday again, my best friend, Leinne Darryl!” sigaw ni Leon bago nilagok ang alak!

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong inubos ni Leon ang isang baso ng alak!

“Hoy, Leon, gago talaga! Hindi tayo magwawalwal dito ha!” suway ni Vivian kay Leon.

“I know. I know.” Tango-tango pa nito.

Isa isang nilagok ng mga kaibigan ko ang mga alak nila pero ako ay nagdadalawang isip pa rin. Ayoko na kasing magkalat eh!

Pero birthday ko naman ngayon! Nandito ang mga kaibigan ko. I’m sure hindi nila ako pababayaan!

Pikit mata kong nilagok ang alak. Sa totoo lang sa una lang naman talaga mahirap pagdating sa pag-inom. Kagaya ngayon, na nakaubos na kami ng tatlong bote ng alak.

Mas sumarap kasi ang inuman namin dahil umiyak si Leon habang nagri-reminisce siya sa kanyang relationship with Penny noon. Mukhang hindi pa siya nakapag-move on kahit nag-Spain na siya! Kahit pa yata nag-outer space siya, hindi niya makakalimutan si Penny!

“Ako kashi… tinanggap ko na kung saan ako lulughar sha buhay niya! I shee naman na mashaya s’ya sa lalaking iyon. Kaya fine na ako!” ani June at may pa-taas taas pa siya sa kamay na animo’y sumusuko. Napapapikit mata na ito dahil sa kalasingan.

“Alam namin, June. Alam namin!” Drama ni Vivian at dahil magkatabi sila ni June niyakap niya ito. “Kahit tarantado ka noon at binubully si Badet. Napatawad naman kita… pero gusto pa rin kitang tuhurin!”

“Isstopp it!” Awat pa ni Iyah na mas lasing pa yata kay Vivian.

Hindi ko na alam kung paano natapos ang birthday ko dahil namigat na ang mga mata ko. Ang huli kong narinig ay pinaasikaso na ni Zadkiel ang mga lasing kong kaibigan.

Inunan ko na ang pisngi ko sa mesa dahil hindi ko na rin kayang tumayo. Nanlalabo na ang mga mata ko at umiikot ang mundo.

Kahit na anong gawin kong iling at kurap-kurap sa mga mata. Nagwi-wave na ang paningin ko! Para ng mga alon ang lahat na gumagalaw!

“Baby,” may bumulong sa akin.

“Z-Zadkiel?” Ungol ko.

“Let’s go to your room.”

My forehead creased at his statement. Hinanap ko kung saan siya at nasa harapan ko lang pala. Nakaupo siya sa isang silya sa tapat ko.

“Saan ang kwarto ko? Uuwi tayo sa bahay ko?”

Inangat niya ang ulo ko at pinaunan niya sa ’kin ang palad niya.

“You’re drunk, Leinne. And we’re not going to your house. Dito ka matutulog sa bahay natin.”

Lasing na nga siguro ako kasi sa pandinig ko ang lamyos at banayad na ang tono ng boses ni Zadkiel.

“Hindi… hindi i-ito ang bahay ko. Bahay ito ni Zadkiel.”

I heard him chuckle.

“Exactly. My house is your house too.”

“Ha? H-hindi ko ito bahay. Bahay ito ni Zadkiel at ng kanyang mapapangashawa!” Ngumuso ako.

“Baby, si Zadkiel… si Zadkiel walang ibang gustong mapangasawa kundi si Leinne lang.”

Pumikit ako at humagikhik.

“Gushto… ko ren ’yan.”

“Let’s head to your room.”

Hindi ko nasundan ang sunod na nangyari dahil nilamon na ako ng kadiliman. Ngunit nagising ako sa pagbaliktad ng sikmura ako.

“Blargghh!” Duwal ako.

“Damn!”

Naimulat ko ang mga mata nang marinig ko ang matulong na mura.

Natuptop ko ang bibig nang makita kong nasukaan… ko naman si Zadkiel! My vision was still blurry at first, but it eventually became clear. That’s when I realized that we were in a room.

“S-sorry- urrggh!” Nasuka na naman ako kaya mabilis akong binuhat ni Zadkiel at dinala sa banyo.

Sumuko ako sa sink. Binuksan ni Zadkiel ang faucet. Halos lublob ko na ang mukha ko sa sink habang sumusuka!

Masakit ang lalamunan ko at ang ulo ko. May luha pa sa mga pisngi dulot ng pagsusuka ko. Daig ko pa ang babaeng may morning sickness sa pagduduwal ko!

Nilinisan ako ni Zadkiel. Pinunasan niya ang mukha ko at leeg.

“Open your mouth, ahh!” Mando nito sa ’kin.

Walang angal ko naman siyang sinunod. He brushed my teeth while I was half awake and half asleep. Pinag-gargle pa ako.

“Pwee!” Dura ko sa sink.

Nakasandal ako sa dingding nang bumungad sa akin ang malapad na likod ni Zadkiel nang ibukas ko ang inaantok kong mga mata.

Naghuhubad siya! Naghuhubad!

I tried to reach for him, but my arms felt too short for the distance between us.

Nilingon niya ako.

My mouth watered when I saw his pecs- ripped and mouthwatering abs!

“Ihatid muna kita sa kama–”

Akmang hahawakan niya ako kaso sinuway ko ang kamay niya.

“Bakit ayaw mong makita kitang nakahubad?”

Napapikit siya.

“I-it’s not like that, Leinne.”

“Sus! Sinungaling! Sinungaling ka!” Mariin ko siyang tinuro!

“Baby, naghubad lang ako because nasukaan mo ang damit ko. I need to clean myself before–”

“Sinungaling ka!” Dagdag ko pa! “Pinapakitaan mo ba ang mga babae mo dito sa katawan mo?”

“Tang ina!” Malakas niyang mura. Kumukuyom ang mga panga! “Baby, don’t make this hard for me.”

“Sus!”

“Baby, I think you’re fooling me right now. You know that I’m still pursuing you. And then you’re like this, hirap na hirap na nga akong magpigil sa’yo!”

“Anong nagpipigil?”

Marahas siyang bumuga ng hangin sa bibig at ilong.

“Leinne, don’t play with me!” Natatawa niyang wika but there’s a warning in his tone!

“Hah? Ikaw ang naglalaro d’yan sa ’kin!”

Akmang hahawakan niya ulit ako kaso nilayo ko ang kamay sa kanya.

“Fuck this! If you only knew how my goddamn brain works when it thinks of you, baby- damn! You’d be running for your life!”

“Ako ang binibilog mo, Zadkiel Dela Cuerta!”

“Leinne, you’re drunk, and I’m afraid this will escalate into things you’ll regret right after!”

“Huwag mo akong pinapaikot sa salita mo, Zadkiel! Deretsuhin mo ako–”

“Fine! I want you! I’m shamelessly having a boner right now while we’re arguing about this. I want to make love to you. Own you. Eat you up! Shit!”

Bumaba ang mga mata ko sa kanyang pantalon. I gulped when I saw something bulging between his thighs.

“Don’t stare at it–”

Siguro nga wala na ako sa sarili ko dahil inabot ng kamay ko ang bumabakat niyang pagkalalaki!

“Putang ina!” Kinuha ni Zadkiel ang kamay ko mula doon. “Let’s go to bed!” Galit niyang wika at pinasan niya ako sa balikat.

Mabibigat ang hakbang niya palabas ng banyo. My poor body bounced on the huge bed.

“Go to sleep!” Matigas niyang saad.

Bumangon ako.

“Papaano ang humihindig mong pagkalalaki! Akala ko gusto ng seks!” Matapang kong saad.

“Fuck!” I saw him rake a hand through his hair problematically. “Hindi na kita papainumin sa susunod!”

I gazed at him quizzically.

“I don’t want to take advantage of your state right now, baby. So sleep. A cold shower will do for now. Humanda ka talaga sa ’kin!”

A shiver ran down my spine!

“Let’s have sex!”

Napaluhod si Zadkiel sa may paanan ng kama. Problemado niya akong tiningnan.

“You’re drunk, baby. Please have mercy on me!”

“Hindi na ako lasing!”

Natatawa niya akong tiningnan.

“Okay, ilan ito.”

Tumaas ang kilay ko sa kanya. Tiningnan ko ang mga daliri niya.

“Kapag tumama ka, maniniwala akong hindi ka lasing.”

Hinawakan ko ang palapulsuhan ng kamay niya. I narrowed my eyes as I tried to count his fingers.

“10!” sagot ko!

“Wrong! It’s 8!”

Naibagsak ko ang katawan sa kama. Binuhat ako ni Zadkiel sa gitna ng kama. Kinumutan niya ako at saka hinalkan sa noo.

“Goodnight, baby!”

Nagising ako dahil sa mga nanunusok na sinag ng araw sa mukha ko. Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang unan. Sinubukan kong matulog ulit kaso lang hindi na ako dinalaw ng antok.

Pagod akong bumangon at hinagod ang ulo ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong iba na ang suot ko! Isang puting tshirt na malaki sa ’kin at itim na boxers lang ang saplot ko!

“Hala!” Sambit ko at tinakpan ang bibig.

Nasapo ko ang ulo ko. Napadaing na lang ako nang pumasok sa isip ko ang fragments ng mga nangyari sa kagabi.

I wanted to curse the alcohol, but then I realized it was all my fault. The alcohol can’t walk straight down to my stomach on its own. Ako pa rin ang may kontrol sa sarili ko kaso lang nadala rin ako ng mga kaibigan ko!

I roamed my eyes around the room. There were no ornaments aside from the lamp beside the bed. Every corner was bare.

Lumabas ako sa kwarto kahit na medyo masakit pa ang ulo ko. Ininda ko ito. Ngunit nang lumabas ako, may pinto sa tapat ng kwartong nilabasan ko na nakasiwang.

And, being a curious human, I walked toward the ajar door and peeped inside the room.

Ngunit ang aking pagkakuryoso ay napalitan ng pagkasurpresa. Hindi ko na nga namalayan na nakapasok na pala ako sa kwarto.

The room was filled with things I had back then. Even the drawer I used at Dela Cuerta’s mansion was here, the study table, the boxes where my old things were.

My heart pounded so hard against my chest as I stepped forward. Nasa harapan ko ang isang box kaya naman binuksan ko ito.

Nanghina ang tuhod ko. Nando’n ang mga gamit ko noon. Kahit iyong luma kong cellphone, ang mga damit ko, at ang mga mini photo album ko noon.

“Leinne.”

In one blink, my tears cascaded down my cheeks like waterfalls.

“Damn!” Mura niyang makita ang box na binuksan ko.

“Z-Zadkiel, a-ano ang m-mga ’to? B-bakit nandito ang mga ’to? M-mga gamit ko sila…”

Nag-iwas siya ng tingin sa ’kin.

“Zadkiel,” sambit ko.

Nanigas ang panga niya. Nang tumingin siya sa ’kin ay nando’n ang pighati at pangungulila.

“I don’t have anything aside from your things, Leinne. Everything that reminded me of you, I kept like a treasure I wouldn’t trade for anything in this world. I may have lost faith in us, but I never surrendered despite everything. I endured those years without you, and these things are the reason I kept going!”

Tinakpan niya ang mukha gamit ang palad.

“My Mom… ayaw niya sa’yo. Nang sinabi ko sa kanya na ikaw ang mahal ko at partner ko… nagalit siya. Ginamit niya ang sitwasyon niya para hawakan ako sa leeg. Kaya ako may fiancée kasi iyon ang gusto niya! Kasi… kung hindi ko siya susundin… natatakot akong aatakehin na naman siya.”

Nang ibaba ni Zadkiel ang kamay ay doon ko nakita ang kanyang pisngi na basang-basa.

“Pero hanggang kailan? Hanggang kailan ako magiging sunod-sunoran, Leinne? Paano naman ako? Paano naman ang sarili kong kasiyahan? When can I choose myself and my own happiness?”

It felt like he let his guard down this time and allowed himself to be weak.

“I don’t care about what my aunt will say, or whatever Ate Zarrah would say, nor what my mother would use to threaten me. I won’t let you go anymore, Leinne. I just can’t! I’m already done with everything!”

I didn’t say anything. Lumapit lang ako sa kanya at pinunasan ko ang luha niya.

“I love you so much, Leinne. I’m so sorry if I kept pestering and annoying you these past days.”

“It’s fine.” My voice came out soft.

A wry smile formed his lips. Nagpatuloy ang pag-agos ng luha niya. “Actually, nagpipigil pa nga ako sa puntong ito.”

Niyakap ko siya.

It was our past that had been holding us back. It was our fear that made us draw boundaries between us, thinking those boundaries would hinder our feelings. However, despite the tall and formidable walls, nothing could stop the feelings we had for each other.

We’ve been through pain and loneliness. Our fate broke us apart, yet the broken pieces of our hearts still found their way to each other. Yes, we were wounded and full of scars, but because of that, we became who we are today, stronger and braver.

“Hi, Tita, Tito!” ani Zadkiel nang ilapag niya ang bulaklak sa puntod ni Mama at isa kay Papa. Magkatabi lang kasi sila.

Nagsindi ako ng kandila bago umupo sa tabi ni Zadkiel.

Umuwi na ang mga kaibigan ko at babalik sila sa susunod na mga araw para sa graduation ko. Si Zadkiel naman nag-aya na dumalaw sa puntod ni Mama. Sinang-ayunan ko rin siya since naging abala ako lately at hindi nakadalaw kay Mama at Papa.

“Tita, sorry po sa nangyari noon. Ako na po ang humihingi ng tawad sa kung… kung anuman ang nangyari noon at sa ginawa ng Tita ko. At, tita, tito, nandito po ako dahil gusto kong gumawa ng pangako sa inyo na… kahit na naging masungit ang anak ninyo sa ’kin. Mamahalin ko po ito, kahit mas maging tuyuin man ito. Pangako ko po na iiyak lang si Leinne,” nilingon niya ako at ngumisi. “dahil sa sarap at saya!”

“ZADKIEL!” Umalingawngaw ang boses ko sa buong sementeryo!

“Ang bastos mo naman! Nasa harap tayo ng mga magulang ko!”

“I told you, Leinne. Nagpipigil lang talaga ako sa’yo—”

“Ahh! Manahimik ka na!”

Tumawa siya.

“Tara na nga!” Inis kong wika sa kanya.

Tumayo kaming dalawa. Bago kami umalis ay pinagsiklop ni Zadkiel ang aming mga daliri. Malamyos ang naging tingin niya sa ’kin bago binalingan ang puntod ni Mama at Papa.

“Tita, tito, I’m really working hard to get your son’s yes! Sisipagan ko pa po para maging official na ulit kami at maging boyfriend niya na ak–”

“Hindi na kailangan,” sabi ko sabay hila ko sa kamay niya.

Bilog ang mga mata niyang bumaling sa ’kin.

“Baby,”

“Let’s make it official.”

“W-what?!”

“Ayaw mo ba?” Natatawa kong wika dahil sa kanyang naging reaksyon.

“No! Of course, gusto ko! Dammit!”

Sinunggaban niya ako ng yakap. Nang akmang hahalik na siya sa ’kin ay may nagsalita naman! Akala ko kung sino na pero si Ate Sepa at Kuya Celo pala!

“Leinne? Zadkiel?” si Ate Sepa.

“Sir Zadkiel, nandito ka pala. Kayo na ulit?” ani Kuya Celo.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 42

Chapter 42

Leinne’s POV

No’ng kinailangan ko ang mga papers ko sa school dahil dito na ako mag-aaral sa Campo Otso, si Ate Sepa ang lumakad sa mga papeles ko sa ANU noon. Hindi permanente ang communication namin ni Ate Sepa pero siya lang ang nilapitan namin ni Mama.

Nakadalaw rin siya sa ’kin noong namatay si Mama pero umuwi rin siya kaagad. Si Kuya Celo ay talagang wala na akong balita sa kanya.

Nagulat nga ako na nandito silang dalawa ni Ate Sepa at mukhang magkasama pa sila. Wala akong masyadong balita kay Ate Sepa dahil nga hindi permanente ang aming communication at kung magtawagan man kami ay hindi ko ito natatanong sa personal na nangyayari sa buhay niya.

Coincidence lang na nagkita-kita kami ngayon dahil si Ate Sepa nais niyang dalawin si Mama. Si Kuya Celo naman daw ay nito lang sila nakapag-reconnect at sumama sa kanya na dumalaw dito sa puntod ni Mama. Nabanggit kasi ni Ate Sepa kay Kuya Celo na pupunta siya rito para dalawin si Mama.

Pagkatapos namin sa sementeryo ay nag-aya si Ate Sepa na mag-usap kami. Hindi ko alam kung ano ito pero mukhang seryoso siya.

May nakitang kapehan si Zadkiel na medyo exclusive kaya doon namin naisipan na pumunta.

Si Kuya Celo at Zadkiel ang nag-order ng mga drinks namin kaya naiwan kaming dalawa ni Ate Sepa sa aming mesa. Kami palang ang tao sa kapehan kaya ang mahinang tugtog ng speaker at ang ugong ng aircon lang ang nagpapaingay sa lugar.

“Kumusta ka na, Leinne? No’ng huli kitang nakita medyo maliit ka pa at patpatin. Ngayon tumangkad ka na at nagkalaman na.” Saysay ni Ate Sepa, malamyos niya akong binigyan ng ngiti at pinisil ang kamay ko na nasa kahoy na mesa.

Hinawakan ko ang kamay ni Ate Sepa. “Okay lang ako, Ate Sepa. Masaya po akong nakadalaw po ulit kayo rito!”

Huminga siya ng malalim. “Sa t-totoo lang, Leinne, wala akong plano na pumunta ngayon dito. Kaso lang… n-napanagipan ko ang Mama mo.”

“Talaga, ate?”

“Hmm! Alam mo naman na matagal din ang pinagsamahan natin noon sa bahay ng mga Dela Cuerta. At kayo talaga ang naging malapit sa ’kin. Kaya nga n-noong pinaalis kayo ni Ma’am Uriell, umalis din ako. Lumipat ako ng ibang trabaho.” Wika ni Ate Sepa na may malungkot na ngiti sa mga labi.

“Sorry, ate, kasi hindi po tayo nakakapag-usap nitong mga nakaraang taon. When in fact ikaw ang lagi kong nalalapitan pagdating sa mga papeles ko noon.”

Umiling si Ate Sepa sa ’kin, napansin ko ang pamamasa ng kanyang mga mata.

“Wala iyon, Leinne. Masaya ako na nakita kita ngayon at maayos ka. At…” tumingin siya kina Zadkiel at Kuya Celo na nasa counter. “mukhang… hindi lang kami ni Celo ang nagtagpo. Mukhang kayo ring dalawa ni Sir Zadkiel.”

“N-no’ng April lang din, Ate.”

“Kayo na ba?”

Mahina akong tumango. Ngayon ko lang din sinagot ang lalaki.

“Hay, hindi ko aakalain na ang mga batang inaalagaan ko noon ay ang lalaki na at may love life na.” si Ate Sepa.

Tumingin ako kay Zadkiel. Hindi ko rin inaasahan na mahuhulog ako ng ganito sa kaibigan ko… sa taong laging nagliligtas sa ’kin noon.

Ang dami nang nangyari sa buhay naming dalawa pero dito pa rin kami dinala ng aming mga landas. Pinaghiwalay kami ng pagkakataon at panahon pero pinagtagpo pa rin kami.

“Oo nga pala, Ate Sepa, bakit gusto n’yo po kaming makausap kami ni Zadkiel?” tanong ko nang makabalik si Zadkiel at Kuya Celo dala ang in-order nilang kape at cake.

Sumipsip si Ate Sepa sa kanyang kape. Huminga muna siya ng malalim bago sinalubong ang aking mga titig. Magkaharap kaming dalawa, si Zadkiel nasa tabi ko at nasa tapat niya naman si Kuya Celo.

“Umm, sa t-totoo lang, Leinne. Wala na akong balak itong sabihin sa’yo. P-pinangako ko noon kay Norberta na hindi ko ito sasabihin sa’yo ngunit dinalaw din niya ako sa panaginip ko. Tingin ko, iyong na ang sign para sabihin ko rin ito sa’yo.”

Nangunot ang noo ko dahil sa sinaysay ni Ate.

“S-siguro ito rin ang tamang panahon dahil magkasama kayo ni Zadkiel at masasabi ko ito sa inyo ng sabay.”

“A-ate…”

“Leinne, kailanman hindi ginusto ng ina mo ang mga nangyayari sa kanila ni S-sir Zeus noon!” Napayuko si Ate Sepa, tinakpan niya ang bibig upang mapigilan ang paghagulhol!

Nag-init ang mga mata ko at kumuyom ang aking mga palad sa mesa.

“W-what do you mean, Ate?” si Zadkiel ang nakapagsalita dahil parang may bumara na sa lalamunan ko.

Para akong naparalisa na hindi makagalaw at hinahayaan ko lang ang mga luhang rumagasa sa pisngi ko.

“D-dalawang taon… dalawang taon nang tiniis ni Norberta ang pang-aabuso ng ama ninyo, Sir Zadkiel. Maniwala man kayo o hindi… iyan po ang alam kong katotohanan. At minsan ko rin silang nakita pero pinagbantaan din ako ni Sir Zeus na kapag sinabi ko sa iba ang nakita ko, buhay ko ang magiging kapalit nito. Kaya nanahimik ako sa takot. Dahil din doon nasabi ni Norberta sa ’kin ang mga kahalayan ng ama ninyo.” Pahayag ni Ate Sepa habang umiiyak.

“Fuck!” Mura ni Zadkiel, kumalabog ang mesa nang suntukin niya ito!

“A-ate… bakit hinayaan iyon ni Mama? P-pwede naman n-niyang tanggihan ito o m-magsumbong!”

“Iyan din ang payo ko sa Mama mo, Leinne. Pero kagaya ko, hawak kami ni Sir Zeus. Kung ako pinagbantaan ni Zeus na patayin, ang ina mo naman ay pinagbantaan niyang ipapapatay ka.”

Natakpan ko ang aking labi at umiyak ng malakas. Naramdaman ko ang pagkabig ni Zadkiel sa akin at kinulong niya ako sa mga ’to.

“I’m so sorry, baby. I’m so sorry that I didn’t know about this. I’m so sorry for what my father did t-to your mother. Sorry!” Iyak din ni Zadkiel.

Umiyak lang ako sa dibdib niya. Para akong nawalan ng lakas sa mga naririnig ko ngayon kay Ate Sepa. Humahagulhol na lang ako.

“Tiniis ni Norberta ang lahat… hihintayin lang niya sanang matapos si Leinne ng senior high school… kaso lang nahuli sila ni Ma’am Ulysses at napalayas ni Ma’am Uriell.”

I may have doubted my mother at some point. Pero tama akong hindi magagawa ni Mama na maging kabit. Na hindi niya nanaising maging kabit.

It was all Zeus Dela Cuerta’s fault! He was the villain from the very beginning! He even used me to get what he wanted. He used me so he could have my mother!

Ang Mama ko!

Wala na akong paki kung pinagtitinginan na ako ng kung sino, pero malakas ang naging iyak ko sa mga bisig ni Zadkiel.

Walang laban ang Mama ko sa taong kagaya ni Zeus Dela Cuerta. She obeyed him because she wanted to protect me! All this time, pino-protektahan ako ng Mama ko!


Kagagaling ko lang sa school. Kinuha ko na ang toga ko dahil bukas na rin ang aming graduation. Hindi muna ako umuwi sa bahay at dito muna ako sa tabing dagat tumambay. Dito kami naligo noon nung binisita ako nina Iyah at Vivian.

Dalawang araw na ang lumipas simula nang sabihin ni Ate Sepa ang mga nalalaman niya noon. After naming makapag-usap, humingi muna ako kay Zadkiel ng konting oras upang i-organize ko ang thoughts ko at makapag-isip isip. Kaya dalawang araw na rin kaming hindi nakapag-usap at nakapagkita ni Zadkiel.

Palagi naman siyang nagti-text sa ’kin. Kinakamusta ako at binabati araw-araw at gabi-gabi. Kahit na wala akong reply sa mga text niya, patuloy lang ang pagpapadala niya ng mensahe sa ’kin.

Kaya niya siguro hiningi ang number ko noong huli naming pagkikita para makapagtext siya ng nonstop sa ’kin.

Hanggang sa dumating ang araw ng graduation ko. Present si June, Iyah, Vivian, Leon… at si Zadkiel! Akala ko hindi siya pupunta dahil wala akong paramdam sa kanya pero nandito siya. Hawak ni Zadkiel ang bouquet. It was the same flower he gave me back then on my birthday -a hydrangea in the shade of my favorite color, lavender.

“Yey! Congratulations, Leinne!” sabi ni Iyah nang puntahan ko sila matapos ang graduation ceremony!

Ang mga classmates ko nagkanya-kanya nang kuha ng larawan. Pagkatapos ng ilang take ng pictures ng mga classmates ko. Nag-excuse ako para lapitan ang mga kaibigan ko na bumyahe pa talaga ng ilang oras para lang makadalo.

“Cum laude ’yan siya! Ang taray mo naman, badet!” si Vivian naman at niyakap ako ng mahigpit.

Sunod akong binati ni June at yumakap din. “Congratulations, Leinne!”

“Congratulations, Leinne! You’re so pretty today!” ani naman ni Leon.

Inangkla ni Vivian ang braso sa leeg ni Leon at hinila palayo sa ’kin. That gave Zadkiel an opening to step in and hand me that huge bouquet of flowers. He looked dazzling in his black long-sleeved polo, rolled up to his elbows, paired with ironed trousers and slick black shoes. He looked so manly and sinfully handsome to me this time.

Always naman siyang pormal sa mga outfits niya kaso ngayon ibang-iba ang dating niya. O baka dahil namiss ko lang siya? Either way, he’s Zadkiel Dela Cuerta - my man!

“Congratulations, baby! I miss you so much!”

I bit my lower lip to keep it from shaking too much. I miss him so much as well. The days we didn’t see each other made me long for him.

I had already made up my mind. We would leave our past behind and face the future together. It wasn’t him who made my mother suffer - it was his father!

The years we’ve been living together helped a lot. I know this man. I know him so well, and because of that, I know he is far from being like his father.

“Thank you!” I threw myself at him and hugged him. My heart thudded loudly with joy when I felt his arms snake around my body. “I miss you too, Zadkiel!”

Yakap niya pa rin ako sa mga braso niya nang tingalain ko siya.

“I wanted to be the one who say you’re so damn pretty today, Leinne. Pero naunahan na ako ni Leon. I hate him!” he sulked.

Ngumiti ako. “Pero mas espesyal ang galing sa’yo!”

A smug grin curved his lips.

“I love you, baby!”

“I love you, Zadkiel!”

In the two days we didn’t see each other, he was also busy because of the DC Mall opening. Doon kami dinala ni Zadkiel para kumain ng dinner! May isang sikat na restaurant din kasi roon.

Bago pa lang ang mall pero halos occupied na ang lahat ng stalls at marami ring tao. Siguro dahil marami ring tao at magagandang lugar dito sa Campo Otso kaya ganon!

Nang matapos ang dinner ay nagkanya-kanya na rin silang paalam. Inimbita pa sila ni Zadkiel na matulog doon sa bahay niya since gabi na but they refuse for a reason na may naiwan din silang mga personal business sa kanila.

Sa huli kami na lang ni Zadkiel ang umuwi sa bahay niya. Suot ko ang aking polo at slacks mula sa graduation. Ang toga ko ay nakaligpit na sa paper bag.

Pagod kong binagsak ang katawan ko sa sofa ng living area. Ang bulaklak na bigay ni Zadkiel ay nasa center table kasama ang paper bag kung nasaan ang toga ko.

Ilang oras din kaya kaming nakatayo kanina sa gym ng school. Sumakit ang binti ko kakatayo!

“Zadkiel!” Tili ko nang buhatin niya ang paa ko. Kinandong niya ang binti ko saka siya umupo sa sofa at hinilot ito.

“Tired?” he asked, his hands remaining on my calves.

“Umm!” Tango ko sa kanya.

“’Wag mo na ngang pisilin ’yan. Magbihis ka na. Let’s sleep!” Pagod kog wika.

Binuhat niya ako tungo sa second floor ng bahay at biglang may pumitik sa ulo ko. At saka pumasok iyong mga ginawa ko no’ng birthday ko!

Ginapangan ako ng hiya at kaba nang pumasok kami sa kwarto at nilapag niya ako sa kama. Mas lumala pa nang lumuhod si Zadkiel sa harap ko upang hubarin ang sapatos ko.

“Z-Zadkiel,” kinakabahan kong sambit.

Para akong nasusunog ngayon sa pamumula ng pisngi ko.

I was so glad that he didn’t remind or tease me about that night; however, my own shame overwhelmed me.

“You remember what you did here?”

Napapikit ako ng mariin!

“W-wala!” Matigas kong tanggi sa kanya. “Magbihis ka na. Magbibihis na rin ako!”

Matapos niyang itabi ang sapatos at medyas ko ay kaagad akong tumayo. Tumungo ako sa banyo.

Ang pagod ko mula sa graduation ay napalitan ng hiya!

Ikaw lang din ang nagdadala ng sarili mong kahihiyan, Leinne! Napukpok ko ang ulo gamit ang kamay.

I removed my make-up and washed my face. Naghalf-bath na rin ako at nagsuot ng bathrobe na nasa banyo.

Pagkalabas ko ng banyo ay wala si Zadkiel. Malaya akong nagbihis ng isang itim na tshirt at isang gray na boxers. Mukhang kay Zadkiel iyon. Kaya nga maluwag ang boxers sa ’kin.

Wala pa si Zadkiel kaya nagkaroon ako ng oras para mag-online at magpost sa mga larawan namin na kinuha kanina. Pinost ko ang solo picture ko na naka-toga, iyong kaming lahat nina Iyah, Vivian, Leon, June, at Zadkiel. Syempre iyong larawan na kami ni Zadkiel ay pinost ko rin. Zadkiel held my waist as I smiled so widely, my arms wrapped around the bouquet of flowers he had given me.

Tama nang matapos ko iyong ipost sa Facebook ay bumukas naman ang pinto. Pumasok si Zadkiel sa kwarto na ang suot ay ang plaid PJ niya at kulay puting sleeveless shirt na humahapit sa katawan niya!

Dala niya ang dalawang wine glass at wine.

“Care for a little drink? Don’t worry, it’s only 3% alcohol. It can’t knock you out, Leinne.”

Ngumuso ako.

“S-sige!”

Gumapang ako tungo sa paanan ng kama. Unlike no’ng una na napaka-bare ng silid, ngayon ay may malaking TV na siya, may carpet sa sahig, at flower vase sa isang sulok.

Binuksan ni Zadkiel ang TV. Pareho kaming nakaupo sa carpet sa sahig at nanonood ng TV habang sumisipsip sa wine.

Matamis siya at hindi matapang ang amoy. Nakatatlong salin ako ng wine sa wine glass bago nag-decide na tumigil.

Sinandal ko ang ulo sa kama sa likod namin ni Zadkiel. Nanonood kami ng isang series sa netflix.

Ngunit ilang sandali lang ay naramdaman ko ang daliri ni Zadkiel na naglalaro sa kamay ko na nasa carpet. Gumuguhit siya ng kung ano doon sa kamay ko.

Tumingin ako sa kamay namin na sana carpet bago ginapang ang tingin kay Zadkiel. Kumabog ang dibdib ko nang makita ko siyang nakatitig pala sa ’kin.

Zadkiel swallowed hard, then drew his tongue across his lower lip.

“Can I kiss you?” he said through a tight jaw.

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Tinabi ni Zadkiel ang baso namin at ang wine. Umusog siya sa ’kin. His hand cradled the sides of my face, the other entwined with mine.

Zadkiel leaned in slowly, and time seemed to stretch endlessly as I waited for his lips. He gazed at me with an intensity that made it feel as though I might disappear if he looked away.

As his face drew nearer, I closed my eyes willingly, heart racing in anticipation. My breath caught when, at last, his lips met mine.

For a heartbeat, he lingered, their warmth pressing against mine, unmoving, as if savoring the moment. Tila ninanamnam niya ang bawat segundong magkalapat lang ang mga labi namin.

Suminghap ako nang himasin niya ang baba ko at umudyok ang kanyang dila na buksan ko ang aking labi.

“Uhmm!” Ungot ko nang mangalugad ang dila ni Zadkiel sa loob ng bibig ko.

Sinuportahan ni Zadkiel ang puno ng leeg ko nang pailaliman niya ang halik at sumuso ng todo sa aking dila. Akala ko mauubusan ako ng hangin dahil sa kanyang torrid kisses sa ’kin!

The aftershocks of our long, wet kiss cling to me as he finally pulled away to catch his breath.

“A-amoy wine ka… lasang mint at wine din.” Ngiti ko.

“Well, you still taste the same as before, Leinne- still so soft, sweet, and delicious that I find myself wanting more!”

I wrapped my arms around his neck before straddling his lap.

“Then do more of that to me tonight,” I urged him.

Umigting ang panga ni Zadkiel. Napatid niya pa ang wine kaya natumba iyon sa carpet. Pero binalewala niya iyon.

Tumayo siya at dinala ako sa kama. Pumaibaba siya sa akin,ang mga mata ay nag-aalab sa pagnanasa at pananabik!

“You’re not drunk right now, right, baby?”

Ngumisi ako. “Kahit pabilangin mo ulit ako!”

Humalakhak siya at saka sinugod ang labi ko.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 43

⚠️

R18

Chapter 43

Leinne’s POV

I watched movies with hot scenes, straight series, and some boys’ love series. Inosente pa ba ako no’n? Hindi ko yata matatawag na inosente ako pagdating sa ganitong bagay kasi nanonood ako eh.

Kaso lang wala akong experience. Wala akong first hand experience kumbaga. Hindi na inosente ang utak ko pero ang katawan ko, inosente pa. Kaya naman ngayon, doble ang kaba ko. Kaba dahil sa pananabik at kaba dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko o unang gagawin!

Hihiga lang ba ako? Ibubuka ko lang ang mga binti ko kay Zadkiel? Nangangapa ako!

Sa mga movies kasi na napapanood ko ay putol! Hindi naman pinapakita roon ang lahat! Puro romansa-romansa lang pero lang saya at sarap.

Ngunit ngayon sa amin ni Zadkiel ay nangingibabaw ang kaba ko. I should have watched rated 18 movies or videos back then. May stock knowledge sana ako. Siguro may alam ako kahit paano kung nanood lang ako. Nawala na kasi sa isip ko iyan dahil eskwela, trabaho, at si Zadkiel lang ang iniisip ko!

Beads of sweat pricked my forehead. I felt hot and dizzy with everything. As far as I remember, the room had an air conditioner, but for some reason, I was sweating so badly.

My mouth ran dry when I saw Zadkiel take off his sleeveless shirt above me, his knees jailing me. Sunod niyang hinubad ang kakasuot ko lang na tshirt.

Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ni Zadkiel. Siguro kinakabahan din siya o ano.

Nang tuluyan na niyang mahubad sa ’kin ang tshirt, sunod niya namang binaba ang boxers na suot ko.

Napapikit ako nang titigan niya ang kahubaran ko! I had the urge to cover my body, but I only covered my eyes with my arms. Parang nanunusok na iyong mga titig ni Zadkiel sa katawan ko. Na-conscious ako bigla.

“Lool at me, Leinne,” saad niya at kinuha ang braso ko mula sa pagkakatakip sa aking mga mata. “Watch me how I admire you, and long for you.”

Sinulubong ko ang mga titig ni Zadkiel. I saw how his face brightened with desire and need, his jaw clenching so hard. Pakiramdam ko tinutupok na ako ng nag-aalab niyang mga mata.

Binaba niya ang kamay ko doon sa kanyang naghuhumindig na pagkalalaki. I flinched when I felt his hard member beneath his pajamas and underwear.

“You feel that? Ganyan ang epekto mo sa ’kin, Leinne.”

Pinasok niya sa loob ng PJ at underwear niya ang kamay ko. His gorgeous face hardened with pain when my hand palmed him.

I giggled when I felt him bare against my palm. He didn’t feel real. He was huge - hard, hot, and pulsating.

“I wanted you so bad, Leinne. I wanted to make love to you so badly. And I’m telling you, there’s no turning back anymore,” he bit his lip.

My stomach tightened at what he said. Kahit na natatakot ako ngayon at kinakabahan, hindi pumasok sa isip ko ang umatras.

“N-nahihiya ako!” anas ko naman. Para niya kasing sinasaulo ang bawat parte ng katawan ko gamit ang mga uhaw niyang mata.

“Don’t be, Leinne.” Malamyos niyang wika bago muling hinalkan ang mga labi ko.

Sa una ang dahan-dahan ang pag-angkin niya sa labi ko. Ngunit habang tumatagal ay mas nagiging gigil ang kanyang halik sa akin.

At habang hinahalkan niya ako, he guided my hand into his pajamas; he directed me to stroke him, moving my hand along his length.

Hindi ko mahawakan ng buo ang kanyang pagkalalaki sa taba nito kaya naman tinulungan niya ang kamay ko sa loob. Napapariin ang hawak ko sa kanyang kargada saka gigil na binati.

Ang laki niya. Ang haba kahit hindi ko pa ito nakikita ng buo!

“Touch the tip of member,” he told me.

I only nodded and obeyed without a second thought. The tip of his length was a bit slippery from the fluid it secreted.

Bumaba ang mga labi ni Zadkiel sa leeg ko. Sinisipsip niya ang balat ko at saka niya naman dinidilaan na para bang may natutunaw na ice cream doon.

“Ngghh! Z-Zadkiel!” Daing ko dahil naramdaman ko na may unti-unti nang nabubuo sa belly ko na hindi ko maipahiwatig!

Unti-unti ay nawala na iyong hiya ko at takot. I just followed his lead and did what my body wanted. And it wanted what Zadkiel was doing- kissing, massaging, licking, and sucking every inch of my skin!

Hala! Ayokong maihi ngayon!

“Z-Zadkiel, n-naiihi yata a-ako! Hnggh, umm!” Putol-putol kong saad habang ninanamnam ko ang kanyang mga halik sa collarbone ko, sa dibdib ko, at pagsuso sa utong ko.

Pakiramdam ko dinadala niya ako sa ibang dimensyon sa mga ginagawa niya sa katawan ko.

I don’t see myself doing this kind of stuff with another man. His kisses made me forget my fears. Pinalitan niya ng kakaibang sarap at pananabik ang kaba at takot na nararamdaman ko kanina.

My body trembled when my first orgasm arrived! Nanghihina ang mga hita ko sa unang orgasmo na nadarama.

Zadkiel splayed and spread his long legs on the bed while I was between them.

“Ahh!” higaw ko nang paghiwalayin ni Zadkiel ang binti ko at inangat ang pwetan ko hanggang sa makita niya ang bakuna ko!

The bewilderment I felt from my orgasm was still high, yet the man before me wouldn’t let me gather my thoughts.

Pleasure was evident in his eyes, his nostrils flaring and jaw tightening as he fixed his gaze on my bare hole. His eyes glimmered with lust as he watched my member spurt with my own release!

“Z-Zadkiel!” Uminit ng husto ang buong mukha ko sa kanyang ginagawa!

Tremors surged through me when I saw him spit on my hole. I felt his hot fluid trickle down to the valley of my ass.

“Did you touch this pretty hole, Leinne?” he asked in a hoarse, guttural tone.

Ano ba naman itong si Zadkiel? Bakit niya ako tinatanong ng ganon? Siya pa nga ang unang nakagawa no’n! I had masturbated a few times, but I had never reached the point of shoving anything into my hole, not even my fingers. I only touched myself.

I enjoyed touching myself, but never like this. It felt a bit too much, yet I couldn’t resist or stop him from what he was doing.

Tumirik ang mga mata ko nang maramdaman ko ang dila niya na dumaan sa aking bakuna! Mainit siya at may dalang kung anong kiliti sa ’kin!

“Z-Zadkiel! A-anong ginagawa… m-mo, uhmm!” Nagpupumiglas ang mga hita ko kaso niyakap niya lang ang mga binti ko upang mapirmi ito at patuloy na tinudyo-tudyo ang kanyang dila sa aking butas!

“Mmm!” Ungol niya naman habang kinakain ako sa baba!

I bit my lips. I felt my chest tighten, and goosebumps wracked my body.

Zadkiel pressed his tongue inside me, and I felt like I was thrown into oblivion. His teeth grazed my skin there! Hindi nagtagal ay mga daliri na niya ang sunod na ipinasok sa ’kin.

My second orgasm washed over me like a flood, just from Zadkiel eating and fingering my hole.

Saglit akong iniwan ni Zadkiel na parang kinunan ng lakas sa ibabaw ng kama. Inisang baba niya ang PJ niya at underwear. Tinapon niya lang kung saan ang saplot.

Malalim ang naging lunok ko nang makita ko ang kanyang kargada. My mouth hung open at the sight of his manhood. It was a deep pink, erect, hard, veins corded along his shaft, and it glowed with his own cum. He went to the nightstand and grabbed some square foiled sachets and bottles of… lube.

He returned, kneeling in front of my spread legs. Zadkiel yanked me closer to him, as if demanding more contact between our damp skin. Hindi ko aakalain na magiging ganito ka-flexible ang aking katawan. Na kaya pala ng mga binti ko ang bumuka ng ganito ka-lapad!

My knees were still weak, still reeling from the rush of my earlier climax, but Zadkiel showed me no mercy this time. He really wanted me.

I looked at Zadkiel. He was heaving hard, his hair damp with sweat. With the light on, I could see his chest flushed a deep red.

Zadkiel lifted one of my legs and placed it over his shoulder. Using his teeth, he tore open the foil sachet of the condom and expertly rolled it down his lengthy member.

“Ahh, fuck!” he gritted out in pleasure as he slapped the head of his cock against my wet entrance, creating a wet, sensual sound.

Hinimas-himas ni Zadkiel ang mga binti ko gamit ang kanyang palad. Tinaas niya ang binti ko na nakasampay sa kanyang balikat, kinisnis niya ang pisngi doon sa binti ko bago niya ito dinilaan habang nakatingin sa akin na may pagnanasa!

He looked at me with those worshipful, lustful eyes, shaded with affection.

My eyes nearly popped out of their sockets as the head of his length pressed against my hole. I thought he would shove his member inside at once, but no! Zadkiel teased me, just nudging the tip against my entrance, and it frustrated me.

“Zadkiel! Zadkiel, please! “ I whimpered his name breathlessly.

“Please, what, baby?” he growled.

“Please, take me now!” I sobbed.

Zadkiel made a long, slow drag of the tip of his arousal over my twitching hole. Ilang ulit niya pang tinukso ang butas ko sa ulo ng kanyang pagkalalaki.

“I’ll be taking you now, baby! I’ll be popping you right now!” Zadkiel said hoarsely, fisting the base of his cock and aiming it at my hole.

A loud bark escaped his mouth as he plunged his whole length inside me. I felt something within me shake and crumble. My eyes and mouth fell open at once. Silence filled my ears before a pang of pain registered.

My limbs, stomach, and entrance ached, but the pleasure lured my body at the same damn time!

“Fuck! You’re so damn tight and warm, baby! What kind of paradise is this!” he hissed, ragged breath seeping through his teeth.

Gumalaw ako kaso mabilis akong pinigilan ni Zadkiel!

“Not yet, baby.”

“S-sorry,” I chirped.

Zadkiel hovered above me. Ginapang ko naman ang mga palad ko sa kanyang abs, tungo sa kanyang dibdib bago ko niyakap ang mga braso ko sa kanyang leeg.

Zadkiel once again held my chin and captured my lips. With his fervent, wet kisses, he stole me away from the pain caused by his long, thick manhood.

He humped me passionately and earnestly. Together, he nibbled my lips, sucked my tongue, and whispered ’I love you’with each thrust inside me.

“You feel so wonderful, baby.”

Tango lang ako nang tango sa kanya habang tinatanggap ang kanyang mga mapupusok na ulos sa ’kin. Ewan ko kung ang kama ba ang gumagalaw kasama kami o nahihilo na ako?

Nalilibog ako lalo sa mga tunog ng katawan namin na nagbabanggaan at ang mga mababasang tunog na pumuno sa kwarto!

“Do you hear that? Do you feel that, baby?” bulong ni Zadkiel sa ’kin at dumiin ang kanyang paglundag sa butas ko!

“Ah, ahh, Z-Zadkiel! Ha, ah, ah!” My voice cracked as he plunged his dick deeper and wilder each time! Para bang may sinusubukan siyang abutin sa loob ko!

Yumakap siya ng mariin sa akin at binaon ang mukha sa leeg ko.

“Damn! This is making me crazy, Leinne! Help me to stop!” Nalilibog niyang daing pero mas bumilis ang pag-angkin sa ’kin. Dumadahas ang kanyang bawat hugot at baon sa kanyang pagkalalaki sa loob ko.

Umagos ang luha ko sa saya at sarap na nararamdaman habang inaangkin ni Zadkiel. I never knew I could cry from pleasure!

Nararamdaman mo ang paglaki niya sa loob ko. My toes curled in the air. I screamed in pleasure as the sparks buzzed through me. The ruthless pleasure of him taking me made me lose my sanity.

My hole tightened around him, and I started to spasm, which he mirrored, as I felt my orgasm approaching. Zadkiel roared against my neck, his hips smacking me brutally.

I shouted into the air as my orgasm hit, hot fluid shooting out from me and flowing between our bodies. Despite my climax, Zadkiel continued thrusting again and again, making the bed slam against the wall.

His body fell over me, but his hips kept working like a devoted laborer. Later, he grunted huskily and trembled inside me once more.

Niyakap niya ako ng mahigpit at humalik sa sintedo ko. Kapwa kami hinihingal at namamawis mula sa aktibidad na ginawa.

“Did you feel great?”

May ngiti akong tumango sa kanya!

Sobra-sobra pa ang ginawa niya!

“We can do this every day, baby.”

Doon ako napasimangot. “Magpahinga naman tayo. Nakakapagod naman ang araw-araw!”

Ngayon nga na isang round lang pagod na ako! Papaano kung araw-arawin niya ako?

“Hihiga ka lang naman. Ako ang gagawa sa lahat–”

Tinakpan ko ang bibig ni Zadkiel.

“Ang hayuk mo naman, Zadkiel!”

“Ang tagal ko kasing hinintay ito. Susulitin ko na!”

Natawa ako!

“Zadkiel, ’di ko alam na ganito ka!” Humagikhik ako.

“Malamang! Nagpipigil kasi ako sa’yo! Ayokong matakot ka sa ’kin, kaya dinahan-dahan kita.”

“Sira ka!”

Bumangon siya at hinubad ang condom. Tinali niya muna iyon at tinapon sa tabi. Ang gulo pala ng kama namin ngayon.

Humalik siya sa labi ko at tumabi sa akin. Umunan siya sa maliit kong braso at yumakap sa katawan ko.

Nakiliti naman ako nang sumuso siya sa nipple ko!

“Z-Zadkiel, nakikiliti ako! Cuddle lang muna tayo, please? Pagod ako!” Nilambingan ko ang aking boses.

“Tsk! Sige na nga!” Para pa siyang napilitan! “Kapag nakapagpahinga ka na, round 2 tayo. Sulitin na natin ’to while you’re still loose down there, Leinne!”

Tinampal ko ang bibig niya! Niyakap ko siya ng mahigpit kasi akala ko magrereklamo siya kaso iyon pa yata ang nais niya!

Nagpahinga lang kami saglit ni Zadkiel bago kami nagtungo sa banyo upang maglinis sa katawan. Kaso nakaulit pa siya sa ’kin sa banyo.

Kaya naman sa sumunod na araw, nagising na ako na masakit ang buo kong katawan. Kung ano-ano na kasing posisyon ang ginawa ni Zadkiel doon sa banyo. Mukhang nanibaghan yata ang katawan ko sa mga aktibidad na ginawa kaya gano’n!

Malinis na ang kwarto nang magising ako. Though my body ached and my butt felt hot and sore, I woke up with a smile on my lips. What happened last night was just so amazing. I was also happy that I did it with the man I loved the most!

Para akong sira kasi masakit ang katawan mula sa mga ginawa namin ni Zadkiel kagabi kaso nakangisi pa rin ako. Iba rin talaga ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. May pagod pero mas malamang ang kasiyahan ko! Hindi lang ako masaya dahil naka-graduate na ako. Masaya rin ako dahil sa nangyari sa ’min!

Tingin ko walang makakasira sa araw ko ngayon!

It took me so long to get down because my legs felt numb and my hips hurt a lot!

Naabutan ko si Zadkiel sa kusina. Nagluluto siya with only his boxers and an apron. His back was turned to me, allowing me to watch the ridges of his muscles twitch and ripple with every movement.

Hindi na ako nakapagtiis at niyakap ko siya mula sa likod! Ang init ng katawan niya! I pressed my face against his back, feeling his warmth.

“Oh, baby. Good morning!”

“Magandang umaga!” ani ko naman habang yakap pa rin siya.

Umikot si Zadkiel. Yumuko siya at ginawaran ng mabasa at malalim na halik ang mga labi ko. “Hindi ka na dapat bumaba. Babalik naman ako sa taas to bring your meal. Breakfast in bed dapat ito.”

So this is what it feels like to live with him? Ang sarap naman! Ito ang gusto kong araw-arawin! Ang kiss niya at luto. Hindi ang seks na siyang nais ng lalaki!

“Okay lang!”

“Still feel sore?” suri niya sa akin.

Tumango ako.

“Do you want to see a doctor?” Nagiging malambing ang boses niya sa bawat tanong.

“Hindi na kailangan. Magpapahinga lang ako.”

“That’s good. No fever, right?”

Umiling ako. Baka gusto niyang tanungin if may laceration? Kidding aside.

While we were having our lovely moments in the kitchen. May narinig naman akong nagdoorbell sa labas. Si Zadkiel na sana ang lalabas kaso matigas ko siyang pinigilan!

Lalabas siya na tanging boxers at apron lang ang suot? Hinding-hindi ako papayag!

Lumabas ako at tinungo ang gate.

“Sino iyan?” Masaya kong untag sabay bukas ng gate.

Napakurap-kurap naman ako nang bumungad sa akin ang pamilyar na mukha. Though sa TV ko lang nakita ang kanyang mukha… pero hindi ako maaaring magkamali!

It was Soleen McDuffie, Zadkiel’s fiancée!

“Hey!” Taas kilay niyang wika sabay suri sa akin mula ulo pababa sa paa ko.

“Who are you?” tanong niya nang ibalik ang mata sa aking mukha na namumutla. “And… what are you doing here in my fiancé’s house?”


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 44

This is the final chapter of the story. Thank you so much for reading Drawing Boundaries! Stay tuned for the last installment of the Boundaries series! I love you all!

You can also follow me on:

FB : Amore Contaleone

IG : amorevolous.encres

Chapter 44

Leinne’s POV

Umiiyak ako. Galit at naiinis naman si Zadkiel pero tumatawa lang si Soleen. Ewan ko kung maaawa ba ako sa sarili o ano. Hindi alam ni Soleen kung gaano ako ka-kaba kanina nang magtaray siya sa ’kin at artehan niya ako.

“HAHAHA!” Sumasabog ang tawa ni Soleen sa buong sala ng bahay.

Kandong ako ni Zadkiel na parang bata na tinatahan habang si Soleen naman ay tawang-tawa pa rin kahit umiiyak na ako! Para akong bata na aapi at ang umapi sa ’kin ay tuwang-tawa pa.

“I’m sorry, okay? Hahaha!” Natatawang wika ni Soleen.

Zadkiel hissed at Soleen, but she just kept laughing. Balewala sa kanya ang nakakamatay na titig ni Zadkiel sa kanya.

“Baby,” alo ni Zadkiel sa ’kin, hinagod niya ang likod ko.

“Sorry,” bulong ko kay Zadkiel sa gitna ng pagbaha ng mga luha ko.

I’m not exaggerating or overreacting! I was really nervous and scared when I saw Soleen McDuffie earlier. The way she stared at me and scrutinized me with her catlike eyes made me tremble in fear like a scaredy cat.

I even left her there after she spat her lines. I couldn’t form any rebuttal earlier, so all I did was run inside the house and confront Zadkiel about it.

I lashed out at him. I went hysterical over what Soleen had said to me. Inaway ko na si Zadkiel at pinagsusuntok. Ni hindi ko siya hinayaang magpaliwanag mabuti na lang dumating si Soleen.

Pinaliwanag niyang umarte lang pala siya kanina sa labas.

“What the hell did you do, Soleen!?” Malakas na singhal ni Zadkiel kay Soleen nang dumating ito kanina sa kusina.

Inaaway ko pa si Zadkiel pero umeksena siya. Mamumula si Zadkiel sa inis kay Soleen.

“Zadkiel, I’m sorry, okay? I was just trying to act in front of him, and I didn’t know it would end like this.” Ang paliwanag kanina ni Soleen.

How could she do that to me? She was the best actress earlier. Gayang-gaya niya talaga iyong mga nakikita ko sa mga palabas noon na mga kontrabida.

Kasi istrikta naman talaga tingnan si Soleen at laging nakataas ang kilay niyang plakado! Kapag tumingin siya parang dyina-judge niya na ang buong pagkatao mo!

Hindi pa kami nakapagbreakfast ni Zadkiel dahil dumating siya at pinaandaran ako sa acting skills niya. Pati si Zadkiel, nainis sa kanyang ginawa. Takot na takot ang lalaki na tatakbuhan ko na naman siya!

Zadkiel gently wiped the dried tears from my cheeks. He looked at me solemnly and with concern.

“Sshh. I told you, alam ni Soleen ang feelings ko for you. And to tell you, that woman has a man throughout our entire setup. The engagement thing was just to shut my mom and her family up.” Pahayag ni Zadkiel habang mahinahong hinahaplos ang pisngi ko.

Nilingon ko si Soleen. I saw her eyes twinkle, as if she were gazing upon a rare gem. Tinamaan naman ako ng hiya nang makita ko ang posisyon namin ni Zadkiel. Kandong ako ng lalaki habang nasa tapat namin si Soleen.

Bakit ganyan siya makatingin!?

“Oh my gosh!” Impit na tili ni Soleen at kinagat ang daliri! “You’re so cute with your puffy eyes, Darryl Leinne! Your nose is so red, and your cheeks are so pink! Can I pinch your cheeks, please?!”

“Soleen! My baby is not your goddamn toy or plushie!”

“But he can be–”

“Stop it! Nasaan ba si JV?”

JV?

“Oh my god! Naiwan ko sa kotse!”

Dismayadong inilingan ni Zadkiel. Si Soleen.

Umalis ako sa kandungan ni Zadkiel at nagpunas sa aking pisngi ng isang beses. Siniksik ko ang katawan kay Zadkiel na para bang ginagawa ko siyang shield laban kay Soleen.

“Nasa labas siya?” Ani Zadkiel.

“Nasa car, okay! Na-entertain kasi ako kay Darryl Leinne. I didn’t know he was this cute and pretty in the flesh! Naaliw ako!” Napapapikit si Soleen sa gigil niya.

“Shit! Don’t tell me this is one of the many weird things a pregnant woman does? Pinaglilihian mo ba ang boyfriend ko?!” Malakas na sigaw ni Zadkiel.

Natanga ako. Ang Soleen McDuffie na kinainggitan ko at pinagselosan ko ay sinisinghalan lang ni Zadkiel!

“Bakit ba ang damot mo?! Sa’yo ba siya?! Boyfriend ka palang!?” Balik na sigaw ni Soleen kay Zadkiel.

Nagsisinghalan sila kahit magkatapat sila sa isa’t isa!

But wait?! She’s pregnant? Sinong ama? Si…

“B-buntis ka?” Huni ko sa gitna ng sigawan nilang dalawa para silang magkakapatid na nag-aaway!

Mabilis na nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Soleen: mula sa pagkasimangot kay Zadkiel, matamis ang naging ngiti niya sa ’kin! Her eyes glimmered at me as if she had found a crystal or gold worth millions.

“Yes, Darryl Leinne! I’m pregnant. You see, pinaglilihian ko yata ang cute mong cheeks and nose. Pwedeng pahaplos–”

“No way!” Maharas na singit ni Zadkiel kay Soleen ay niyakap ako. Tinago ni Zadkiel ang mukha ko sa kanyang dibdib.

“Ayoko! Ayokong paglihian mo ang mukha ng boyfriend ko, Soleen! Find someone else out there! Ayoko!” Pagdadamot ni Zadkiel.

“Ugh! Why so damot, Zadkiel?! I won’t hurt Darryl Leinne, okay? Hahaplusin lang naman!” Frustrated na wika ni Soleen.

“Calm down, you woman! Baka nakakalimutan mong buntis ka!”

“Hmp!”

Sa gitna ng pagyakap ni Zadkiel, tiningala ko siya. Kulong niya ako sa kanyang mga braso.

“Zadkiel… s-sino ang ama ng pinagbubuntis ni Soleen? I-i-ikaw b-ba–”

“Baby, no! No! That will never happen, never! It’s JV; he’s actually my driver.”

“Huh?”

“Pupuntahan ko muna siya sa labas.” Anunsyo ni Zadkiel saka ako pinakawalan. “Siya ang ama ng pinagbubuntis ni Soleen, okay?”

Masamang tiningnan ni Zadkiel si Soleen. “Lalabas lang ako para papasukin si JV. Baka kung ano-ano na naman ang sabihin mo kay Leinne!” Pagbabanta ni Zadkiel kay Soleen.

“Whatever, Zadkiel Dela Cuerta! Eww! So possessive!” Soleen made a face at Zadkiel.

Nang makalabas si Zadkiel sa bahay. Mabilis ang kilos ni Soleen at lumapit sa akin.

I was shocked when she held my hand and intertwined our fingers. I gulped as my heart began to beat wildly.

“Sorry. I’m so sorry if I scare you earlier, Darryl Leinne! Actually, nagulat ako nang makita kita kanina sa labas. At first nagulat ako pero kaagad kong na-realize na ikaw ang tinutukoy ni Zadkiel na nililigawan niya rito sa Campo Otso. I really, really didn’t mean it, Darryl Leinne. And I promise- Zadkiel and I are only good friends.”

“O-okay lang. Sorry din nag-react ako ng ganon. A-akala ko kasi talaga ay k-kayo pa o baka nagsisinungaling sa ’kin si Zadkiel. Takot na takot ako.”

Lumabi si Soleen sa ’kin. “If you only knew, Darryl Leinne. There’s nothing going on between Zadkiel and me because, aside from the fact that he’s not over you, I was already in love with someone else when he came into my life.” Nagningning ang mga mata ni Soleen.

“T-talaga?”

“Yes!”

“Eh, bakit ka pumayag sa setup ninyo ni Zadkiel?”

Huminga siya ng malalim at tiningnan ang kamay namin na magkahawak.

“Well, it’s because I was pressured by my family too! They want me to marry Zadkiel Dela Cuerta, but little do they know I’m in love with my driver, JV. I made JV quit his job as my driver and had him become Zadkiel’s driver instead so we could freely do things without my family suspecting anything.” Kwento niya. “Akala ng parents ko, pupunta ako sa house ni Zadkiel para dalawin siya pero ang driver niya ang dinadalaw ko. Sometimes nga sa hotel umuuwi si Zadkiel so that I could have JV all to myself in his house! That’s why I have a good relationship with him. Of course, nakukwento ka niya to me. And I’m so kilig sa mga kwento niya! He loved you so much that he didn’t get interested in anyone after you! All those years you were apart, he was yearning for you! I think nga everything about you is a treasure to him!”

My eyes burned as I listened to her. As I longed for him all those years, he felt the same. We were like two souls who could not be tamed or find peace when not in each other’s arms.

Two souls once separated by circumstances and time, yet fate made a way for us. Our fate, and our love for each other, brought us back together in each other’s arms.

“Salamat dahil nasa tabi ka niya sa mga panahon na iyon, Soleen. Salamat!”

“It’s nothing, Darryl Leinne!” Matamis siyang ngumiti sa ’kin. Ang ganda niya talaga! “Anyway, can I touch your cheeks, please? Please?!” Nagpuppy eyes pa siya sa ’kin.

Natawa ako kay Soleen. “Hmm! Pero ’wag mo na ako tawaging Darryl Leinne. Leinne na lang.”

“Sure!” Masigla niyang sabi at saka hinawakan ang pisngi ko!

Lumabi siya habang hawak-hawak ang maglabilang pisngi ko.

“How I wish ganito ang face ng magiging baby namin ni JV! Pretty and cute, with big dark brown eyes, long lashes, and gorgeous lips!”

Namula ako ng husto sa mga compliment niya sa ’kin. Naku baka magsisisi siya kapag naging kamukha ko ang anak niya! Ang ganda niya kaya!

Hindi siya nakontento sa paghawak lang sa mukha ko. Kinurot-kurot niya pa at mukhang gigil pa siya!

Dumating si Zadkiel kasama ang isang lalaki na ang hula ko ay ito ang sinasabi ni Soleen na driver niya noon at ang kanyang mahal. Kaagad nilapitan ni Soleen si JV at inangkla ang braso kay JV.

“Look, babe! Isn’t Leinne a cutie?! Gusto ko ganyan ang baby natin!” Hinaplos ni Soleen ang t’yan.

“But I want our child to look like you though!” Tawa ni JV.

Hala, Englishero itong boyfriend ni Soleen!

“Urgh!” Busangot ni Soleen. “Anyways, Leinne, this is my babe, JV. And JV, this is Leinne, ang boyfriend ni Zadkiel na laging kinukwento niya before!”

Nagkamayan kami ni JV.

“Nice to meet you, Leinne. “

“H-hello!” Nahihiya kong tinanggap ang kamay ni JV.

Saan ba galing itong si JV. He looks like a man I’ve seen in a Turkish series. May mustache, angled jaws, at matangos na ilong. No wonder kung bakit na-inlove sa kanya si Soleen. Kahit sa agwat ng kanilang buhay, hindi iyon naging hadlang!

Yumakap ang braso ni Zadkiel sa baywang ko. Humalik siya sa leeg ko.

“Baby.”

“Zadkiel.” Nakikiliti kong sambit.

Nais lang sana nina Soleen at JV na pumasyal sa bagong mall dito sa Campo Otso. Ngunit naisipan nilang daanan si Zadkiel. Magpapasama lang sana silang gumala sa mall kaso lang iba ang nangyari.

Inaya na rin namin ni Zadkiel sina Soleen at JV na kumain ng agahan. Ang cute ni Soleen kasi gusto niyang paghainan ako. Si Zadkiel sana ang gagawa no’n kaso inagawan siya ni Soleen.

“Please, let her be, sir Zadkiel. Soleen is pregnant.” Alma naman ni JV dahil aawayin na naman ni Zadkiel si Soleen.

Nagtagal si Soleen at JV sa bahay ni Zadkiel dahil naisipan naming maligo sa dagat. Sumaglit ang dalawang lalaki sa mall upang makapamili sa mga kailangan namin at sa lulutuin nila. Kayanagkaroon kami ni Soleen ng oras para makapag-kwentuhan.

“Regalo ito ni Zadkiel sa’yo, right?” ani Soleen at sinuri ang palapulsuhan ko kung saan iyong bracelet na bigay noon ni Zadkiel sa ’kin. Muli ko itong sinuot no’ng araw ng graduation ko. Nakatago lang kasi ito eh. Sinubukan ko man itong i-dispose noon kasama iyong ibang mga gamit ko no’ng junior high school ako, kaso ’di ko naman magawa.

I just can’t throw away the things Zadkiel gave me. If he treasured everything that concerned me, I feel the same way. Even the slightest and tiniest things he gave me back then mean so much to me.

“Oo, paano mo nalaman?” sagot ko kay Soleen.

“Of course, I know! Ito ang wallpaper niya eh!”

“Really?”

“Yeah! I thought it was a silly picture or just a photo he downloaded online. It turns out that it was actually your hand on his wallpaper!”

Umawang ang labi ko.

Nalaman nga ni Soleen na grumaduate ako kahapon kaya sinabi niyang magpapadala siya ng regalo sa ’kin.

Gusto pa sanang matulog ni Soleen sa bahay para daw makapagbonding pa kami kaso hinindian na siya ni Zadkiel. Binigay ko kay Soleen ang Facebook ko at number dahil mami-miss niya raw ako.

Kung ano-ano na lang talaga ang amats ng mga buntis.

“Finally!” Hingang malalim ni Zadkiel habang tinatanaw namin ang papalayong sasakyan nina ni JV at Soleen.

Tamad kong tiningnan si Zadkiel. Gabing gabi na kaya! Mabuti at hindi nakainom si JV.

“Ayy!” I squealed when he suddenly carried me in bridal style. “Zadkiel!”

Hinampas ko ang braso niya pero kumapit pa rin sa leeg niya. Dinala niya ako sa taas- sa kwarto namin.

“You’ve been smiling since earlier, baby. Are you that happy with Soleen’s company?” aniya saka dumagaan sa ’kin.

Zadkiel undressed me and lapped at one of my nipples.

“Mmm! M-masaya ako dahil kay Soleen pero mas masaya ako kasi… panatag na ako ngayon sa ’tin. Ang p-pamilya mo na lang ang iniisip ko ngayon. Si Ma’am Ulysses, si Ma’am Uriell, at si Ate Zarrah.” Kompisal ko kay Zadkiel.

Tumigil si Zadkiel sa pagsuso sa dibdib ko. Pinunasan niya ito bago humiga sa kama at binuhat ako sa ibabaw niya. Dumapa ako sa kanyang ibabaw.

Sinuklay niya ang buhok gamit ang daliri niya. His eyes softened as he held me, those pale hazel eyes watching me with such sweetness that my heart melted like ice under heat.

“Don’t think about them, alright? We’ll see them when you’re ready. Ate Zarrah already knows that I’m pursuing you again, the last time we talked. At first, she couldn’t believe it, but eventually, she understood me. Ngayon sapat na sa ’kin ang suporta ni Ate sa ’tin, Leinne.”

“Z-Zadkiel, ayaw kong magkalamat ang relasyon mo sa pamilya mo dahil sa ’kin.”

Humalik siya sa labi ko. Mabagal at malamyos. “Matagal ng may lamat ang pagsasama ng pamilya namin, Leinne. Also, I don’t plan on keeping you as my secret lover. Ayaw ko no’n. Kaya kapag handa ka na. Haharapin natin si Mom. We will talk to her.”

I nodded. “Let’s do that. I love you, Zadkiel!”

“I love you so much, Leinne. So, so much, baby!”

Muling binaliktad ni Zadkiel ang posisyon namin. Ngayon ay ako na naman ang nasa ilalim niya. Kaso may naalala ako. May mga gifts pala ako na naiwan dito na hindi ko nabubuksan no’ng birthday ko since nalasing ako.

Tiningnan ko ang mga gifts ko nung birthday ko na hindi pa nabubuksan.

“Mag-a-unbox muna ako sa mga gifts. Ang tagal na nila rito.” Nguso ko sa mga gifts na nasa isang sulok ng kwarto.

Napabuga na lang si Zadkiel ng hangin sa ilong at tumango. Humalik siya sa labi ko bago umalis sa pagkakadagan sa ’kin.

Sinamahan ako ni Zadkiel sa pag-a-unbox ko. Umupo kami sa sahig. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang regalo ni Iyah at June na lang ang naiwan.

Una kong binuksan ang regalo ni June na parang walang laman sa sobrang gaan. Pinunit ko ang paper bag pero sa loob no’n ay may box pa!

Tumaas ang kilay ko at malakas na pinunit ang box.

“Hala!” Sambit ko sa gulat nang mapunit ang box at tumalsik ang laman no’n na mga maliliit na square sachet! Nagmistulang confetti iyon na bumagsak sa amin ni Zadkiel.

“Fuck!” Mura ni Zadkiel nang makita ang mga nagbagsakang mga sachet ng condom sa sahig!

June! Lagot ka talaga sa ’kin! Hanggang ngayon ba binibully mo pa rin ako?!

Umusok ang tainga ko sa hiya! Nasa harap ko pa naman si Zadkiel!

Pinulot ni Zadkiel ang isang sachet.

“Nice! Your friend really knows that we’re gonna have an active sex life, baby!” Ngisi ni Zadkiel!

Hinablot ko mula sa kanya ang condom. Tinabi ko ang mga condom at binuksan ko ang gift ni Iyah.

“Magpigil ka, Zadkiel!”

And this time buong katawan ko na yata ang namula nang makita ko ang regalo ni Iyah. It was an underwear na may stockings na kulay pula- a pantyhose! May kasama pa iyong cat ear headband at choker na kulay pula rin!

Mabilis ko itong tinago kaso hinuli na ni Zadkiel ang kamay ko.

“Zadkiel!” Kinakabahan kong sambit.

“Baby, let me see.”

“Ayaw!”

“Baby!”

“Ayaw nga!”

“Let me see. I think it will look good on you, baby.”

“Zadkiel!”

“Wear it.”

“Huh?” Gulantang ko.

His eyes lit with affection, hunger and desire! “Wear it. I want to see you wearing them!”

EPILOGUE 1

Epilogue Part 1

My lips slowly parted when I saw my baby, Darryl Leinne Espiritu, step out of the bathroom wearing nothing but mere underwear that has a stocking attached to it. I don’t know what it is called, but it was like that.

I’ve always been craving Leinne. Ever since we had a relationship during my college years, he has always been present in my late-night fantasy. I’m like a f*cking horny dog, hungry and insatiable when it comes to him.

However, my little innocent baby, I don’t want to scare him. I know that he always looked up to me and saw me as his savior. That’s why I’ve never had a chance to show him how much I wanted him. And what he did to my body.

I moaned even if he was just meters away from me. Watching him barely clothed awakens the raging beast down there. My manho*d inside my cotton pants twitched in pain!

I grimaced, rubbing my bulging pants to tame my angry member. Shit! Calm down, Zadkiel!Noong nakaraang gabi ko palang siya unang naangkin pero ngayon gustong-gusto ko na naman siyang angkinin ulit! Tang ina! Mabuti na lang siguro at ngayon ko lang siya natikman dahil kung noon ito nangyari, baka highschool palang siya wala na ang virginity nito sa ’kin!

I wanted to praise myself for restraining my lust and desire for him back then. Tinitigasan na ako noon pa man sa mga halik namin at sa mga make out sessions namin dati sa condo ko. Pero pinipigilan ko ang sarili ko na hindi siya magulat o matakot sa kahayukan ko!

My heart thumped in my chest when I saw Leinne biting his lips, unable to look me in the eye. He looked shy, rubbing his knees together and trying to cover himself with both hands.

Oh fuck, Leinne!

Watching his reactions now brought me back to the day when I first met him. Hindi pa siya gano’n ka-puti nang dumating siya sa bahay. But he really caught my eye with those expressive, big brown eyes of his.

“Zadkiel!” Inis na saad ni Ate Zarrah saka hinila ang buhok ko! Akala ko hihiwalay na ang buhok ko sa aking anit!

“Ate!” Singhal ko rin sa kanya.

Lumayo ako sa kanya dahil naiinis na ako sa pinaggagawa niya sa ’kin. Mahilig maglaro si Ate ng kung ano-ano. Gusto niya iyong may inaayusan siya. Gusto niyang may nilalagyan siya no’ng mga clips sa buhok ’tapos binibihisan niya!

Sa pagkakataong iyon ay ako ang nakita niyang pagdiskitaan. Highschool na siya pero naglalaro pa rin ng ganito! Bakit ayaw niyang ang sariling buhok na lang ang kalikutin?

“Sana talaga babae na lang ang naging kapatid ko!” Singhal niya sa ’kin.

“You have no choice, Ate! Lalaki ako!”

“Sana naging bading ka nalang!”

“Are you serious, ate?!”

Medyo malaki ang agwat ng edad namin ni Ate kaso lang para pa rin siyang isip bata. Inis akong tumayo mula sa pagkakaupo sa silya. Nandito kami sa may poolside ni Ate. Talagang pinuntahan niya kasi ako rito para lang isturbuhin sa pagbabasa ko!

Pinulot ko ang libro. Papasok ako ng bahay nang dumungaw si Ate Sepa sa pinto palabas dito sa pool area.

“Sir Zadkiel, Ma’am Zarrah, pumasok daw muna po kayo sa loob. Utos po ni Ma’am Ulysses.”

“Okay, ate!” ani ko.

“Sige, ate!” si Ate.

Sabay kaming pumasok ni Ate sa loob ng bahay. Nakasunod kami kay Ate Sepa hanggang sa sala ng bahay.

Kumunot naman ang noo ko nang may makita akong bagong mukha. Isang babae na sing tanda yata ni Mommy at isang… bata. Medyo marumi ang suot niya at malikot ang mga mata niya sa loob ng bahay.

Mukha siyang kuting na nawawala sa malaking lugar.

Mariin ko siyang tiningnan. When his eyes landed on me, I saw his shoulders jump in surprise. I looked at him intently and noticed he became uncomfortable under my gaze.

He bit his lips and brought his hands together. Pinagsiklop niya ang kamay at saka nagdikit ng husto ang kanyang mga maiikling binti. Maybe I was hallucinating, but for a moment I thought time had stopped, and the warm, serene, and comforting air wrapped around me.

“Zadkiel, Zarrah, hali kayo. Sila ang mga bagong katulong natin. Si Norberta at ang kanyang anak, si Darryl Leinne,” saad ni Mama.

Si Ate kaagad na nahumaling kay Leinne. Ewan ko lang kung wala bang choice ang batang ito o ano pero sumusunod lang siya sa gusto ni Ate Zarrah. Ewan ko kung pwede ba sa bata ang mga makeup na nilalagay ni Ate sa mukha ni Leinne.

I hate to admit it, but he really looks cute whenever Ate Zarrah dresses him up. Naiinis ako na nilalagyan siya ng mga kung ano-ano ni Ate pero tuwang-tuwa naman siya. Para talaga siyang kuting para sa ’kin!

Sa una ayaw ko naman talaga kay Leinne pero hindi ko pinahalata sa kanya. Siguro nasusungitan siya sa ’kin pero gano’n na talaga ako. Sabi nga ni Ate Zarrah, para ko daw’ng pasan ang problema ng mundo dahil sa nakabusangot kong mukha!

What can I do? I’m already like this!

“Ang ganda mo talaga, Leinne!” Ate squealed, making my head snap away from the paragraph I had been reading.

I eyed Leinne through my lashes, my gaze taking in his small face, and those brown eyes caught my attention without fail.

“S-salamat, Ate Zarrah!”

Yeah, nakiki-Ate na rin siya sa Ate ko!

Tinanggap ni Mama sa bahay si Leinne dahil marunong naman daw ito sa mga gawaing bahay pero hindi talaga ito inuutos-utosan kasi child labor na iyon. Kung ano lang ang trip gawin ng bata.

The elders in the house were not coercing him to do anything. Pero ako inuutusan ko siya!

“Pumunta ka sa silid ko. Linisin mo.” Masungit at brusko kong untag sa kanya.

However, despite my nasty behavior toward him, Leinne always returned it with a smile that made me feel guilty!

“Okay! Kukuha lang ako ng walis at basahan!” Ngiti niya sa ’kin.

Nanlaki ang mga mata ko sa kanya dahil biglang sumikdo ang kung ano sa loob ng dibdib ko. Ang heart ko! Ang heart ko bumibilis ang tibok!

Hindi talaga siya marunong maglinis. I mean, hindi kagaya ng Mama niya at ni Ate Sepa pero pwede na. Marunong siyang magtupi ng damit pero panget ang pagkakatupi!

Kaya kapag naglilinis siya sa kwarto ko tinutulungan ko na siya! At ang pagtulong ko sa kanya ng isang beses ay naging hobby ko na whenever nandito siya sa room ko para maglinis o ano. Lalo na kapag nagtutupi siya sa mga damit ko. Panget kasi ang gawa niya!

“Ako magtutupi nito!” Umusok ang dulo ng tainga ko saka mabilis kong inagaw mula sa kanya ang underwear ko!

Nandito ulit kami sa silid ko at inutusan ko siyang tupiin ang mga damit ko na ginulo ko ng sadya para lang pumunta siya rito.

“E-ehh,”

“Ako ang magtutupi sa mga u-underwear!”

He pouted. “O… okay.”

Sa pagsasama namin ni Leinne, hindi ko na lang namalayan na nagiging komportable na ako sa kanya. Na hinahanap ko na ang presensya niya.

I’m happy that, despite my being indifferent and grumpy, he stayed by my side. He made me smile with his silly face.

“Ang sungit talaga ng mukha mo, Zadkiel. Magsmile ka naman,” sabi niya habang nakadapa sa kama ko gumuguhit na naman ng kung ano.

I groaned. May binabasa ako at siya naman gumuguhit lang ng kung ano-ano sa notebook na binigay ko sa kanya.

Kapag wala siyang ginagawa at hindi napagtripan ni Ate na ayusan. Tinuturuan ko siyang magbasa. Hindi kasi marunong. Marunong siyang magsulat pero panget pa. At napansin ko sa mga ginagawa niya sa mga notebooks na bigay ko ay nagkukulay siya roon. Gumagawa ng mga bulaklak na kinukulayan niya ng lavender.

Tiningnan ko kung ano ang ginagawa niya. Gumuguhit na naman siya ng bahay tapos may garden. Tapos ang bulaklak sa garden lavender na naman ang kulay.

“Ang panget naman ng mga guhit mo.” Saad ko.

Nang makita niyang nakatingin ako sa kanyang ginuguhit. Mabilis niya itong tinaob. Pero kinuha ko ang notebook from his small and flimsy hand.

“Zadkiel!” Angal niya. Binaba niya ang sign pen na ginamit pangkulay. Tumayo siya sa kama at sinubukang kunin ang notebook mula sa kamay.

Pinagpasa-pasahan ko ang notebook sa dalawang kamay ko. Kapag kumakanan si Leinne, nililipat ko naman sa kaliwang kamay ko ang notebook. Kapat kakaliwa siya, ililipat ko naman sa kanan ang notebook.

“Akin na ’yan, Zadkiel! Bigay mo na ’to sa akin eh!” Naiinis na siya at nakita ko ang paglukot ng ilong niya.

Ang cute niya magalit! Maliit siyang bata at sa paningin ko para siyang kuting- a little kitten!

Nakaupo lang ako sa kama at siya nakatayo pero hindi pa maagaw ang notebook sa ’kin! Ang ikli kasi ng kamay! Haha!

“Kunin mo muna sa kamay ko!” Udyok ko sa kanya at winagayway ko ang notebook sa ere!

“Zadkiel naman eh!” Napapadyak na siya sa inis.

Sa pananatili nila ng Mama niya rito sa bahay namin. Napansin kong unti-unting nagbabago ang kutis niya. Kung dati parang nasunog itong balat niya, ngayon unti-unti na itong pumuputi. Kahit sunog siya no’ng unang dumating dito, halata na sa kutis niya na maputi siya pero siguro dahil nagbibilad siya sa araw kaya nasusunog ang balat niya!

“Aray!” Ungol niya nang matapilok siya kakatalon sa kama.

“Leinne!” Daing ko naman nang matumba siya tungo sa akin. Hindi ko iyon inaasahan kaya naman bumagsak din ang likod ko sa kama at si Leinne nasa ibabaw ko.

Parehong nanlaki ang mga mata namin at nabato kami. Nakita ko ang pagkulay kamatis ng buong mukha ni Leinne habang nakadagan sa ibabaw ko.

“Z-Zadkiel,”

“Leinne,” usal ko at nagpalipat-lipat ang mga mata sa kanyang mga mata.

For some reason, I couldn’t take my eyes off him. My heart started pounding violently in my chest, and my mind went into chaos as our eyes met.

For the first time, I couldn’t form a single word. I felt completely lost in those big brown eyes.

“A-ang notebook!” aniya.

Nilayo ko ito sa kanya. Sinilip ko ang kanyang ginuhit.

“Bakit ba pabalik-balik ang kulay nitong mga bulaklak mo? Ang panget tuloy,” ani ko.

Hinabaan niya ako sa nguso niya. Hindi siya umalis sa ibabaw ko. Dumapa lang siya roon.

“G-gusto ko ang kulay.”

“Lavender? Iyan ang favorite color mo?”

Ngumuso siya lalo at tumango. Nagtagal ang mga mata ko sa kanyang labi.

Tumikhim at pinutol ang tingin sa kanyang labi. “Ang panget din ng handwriting mo!”

Sumama ang tingin niya sa ’kin. “Magpa-practice ako! Makikita mo gaganda ang sulat ko!”

I just smiled at him. Itong kuting na ’to talaga!

Hindi na ako nakapaghintay at bumaba ako sa kama. Nilapitan ko na si Leinne na nakatayo roon harap ng pinto ng bathroom. Just like before, I still feel lost whenever I look into his eyes.

Hinaplos ko ang palad ko sa kanyang baywang pataas sa kanyang braso bago ko niyakap ang kanyang maliit na baywang.

Niyakap niya ako. “Nahihiya ako. Pambabae naman ito eh.”

Tinago niya ang mukha sa dibdib ko. Hinalkan ko ang kanyang buhok. Ang kamay ko naman ay tumungo sa kanyang pwet at pinisil ito.

Hindi ako nakontento at pinasok ko sa loob ng kanyang suot na underwear ang kamay at dinama ang pwet niya. It feels cold beneath my palm.

“Baby,” bulong ko sa kanya.

Tumingala naman siya. “Mmm?”

“Hindi na ba masakit?”

Pinalobo niya ang bibig. “M-medyo… pero kaya naman s-siguro.”

Binuhat ko siya at naglakad tungo sa kama. Tang ina ang sakit na ng puson ko!

“Then, I’ll be gentle.”

Kinagat niya ang labi saka mahinang tumango.

Pinuwesto ko siya sa gitna ng kama at unti-unti kong pinaghiwalay ang kanyang nanginginig na binti sa isa’t isa.

As much as I’m turned on, he is too!

Sinampay ko ang kanyang dalawang binti sa balikat ko. I pierced the thin material of his underwear with both of my fingers till my fingers broke through it.

Pinunit ko pa iyon gamit ang kabilang kamay upang lumaki ang butas ng underwear. I pressed my fingers against his small opening.

“Z-Zadkiel!”

I leaned in to give him a kiss while hovering over him. Hinding-hindi ako magsasawang halikan ang mga labi na ’to. This is something I can do every day. I can give him pleasure every day.

I kept giving him soft kisses on the lips as my fingers slowly filled his hole below.

“I love you, baby!”

“I… I love you too, Zadkiel!” he said in his labored breath.

Hindi lang pagmamahal ang bibigay ko kay Leinne. Kaligayahan, siguridad sa relasyon namin, at pamilya. Ibibigay ko iyan sa kanya.

I know that we’re both men and neither of us can conceive a child. But I’m willing to adopt or pursue surrogacy to give him a family.

I will stay healthy so I can spend as much time with him as possible. I will be a good partner so he won’t regret loving a man like me.

I know I’m not the kindest man. I have my flaws. I’ve made mistakes. But I will work hard to be a man- a better man, for Leinne.

I know there are other men out there who wish to be with him, but I’m one lucky bastard that he loves. Mula noon at hanggang ngayon ako at ako ang pinipili niya.

Tang ina! Ang swerte ko sa kanya!

Ayaw ko na itong pakawalan. Akin na ’to!

No more boundaries between us. No more boundaries to separate us.


Return to top?