loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
THE WEALTH OF MEDUSA

THE WEALTH OF MEDUSA

sweetestsheep · 3 chapters · 8,372 words

TRIGGER WARNING

Ang istoryang ito ay kathang isip lamang. Ano mang pagkakahawig sa totoong buhay ay wala akong paki-alam.

-Sweetestsheep

KABANATA 1

Tahimik akong nakaupo sa tapat ng aking salamin habang nagsusuklay ng aking mahabang buhok. Naaamoy ko pa ang paborito kong vanilla conditioner na ginamit kanina, na humahalo sa perfume ko na kasing amoy nito. Ngayong gabi ay may bisita ulit na makakasalo namin sa hapunan. Hindi man sabihin nina Mommy at Daddy kung sino iyon ay tiyak ko na kung sino. Ang pamilya Gokongwei.

Madalas ay hindi ako bumababa para makisalo kapag bumibisita ang mag-anak rito para sa isang intimate dinner kasama ang aking mga magulang. Nagdadahilan nalang ako palagi sa aming kasambahay na masama ang aking pakiramdam. Pero ang totoo, iniiwasan kong makita ako ng panganay na anak ng Gobernador. 

Si Bullet Gokongwei.

Pitong taong gulang ako nang una ko siya makita. Dahil magkasing edad kami noon ay natatandaan kong palagi kaming pinagtatabi ng aming mga magulang kapag bumibisita sila rito dahil malapit na magkaibigan ang Mommy at Daddy ko sa kasalukuyang Gobernador ng aming bayan. Pero kapag kaming dalawa nalang ang naiiwan, umaalis si Bullet kapag wala nang nakatingin, tumatalikod, at ako’y naiiwan na nakaupo mag-isa sa couch hawak ang aking barbie dolls. Makikita ko nalang siya na nakaupo sa isang bench namin sa poolside at naglalaro ng kanyang ipad. He would play noisy games that I don’t have any idea about.

Hindi niya ako kinakausap. Hindi niya rin ako pinapansin. Siguro ay dahil noon palang, alam na niyang isa akong sakitin, malamya, at higit sa lahat… pusong babae. But he never bullied me about my identity. He never spoke to me to begin with so we never had any conversation.

Ika-labing-isang kaarawan ni Bullet nang kami naman nina Mommy at Daddy ang naimbitahan sa kanilang napakalawak at napakalaking Hacienda. Iyon ang unang beses na sumama ako kina Daddy at Mommy sa birthday ni Bullet dahil palagi akong may sakit. 

Isang malawak na bermuda grass ang pumapalibot sa kanilang malaking mansion. Sa poolside ginanap ang birthday celebration noon ni Bullet na nagpatunay sa kung gaano ka-humble at kabait ang mga Gokongwei. Dahil hindi lang ang mga Tito, Tita at pinsan niya ang naroroon, kundi imbitado din ang lahat ng classmates at kaibigan noon ni Bullet sa school nila. 

Parang pista nga ng buong Santa Catalina kung ipagdiwang ang bawat kaarawan ni Bullet dahil mahal siya ng mga tao at ang kanilang buong angkan. At noong araw na iyon, unang beses ko siyang nakita na ngumingiti sa lahat ng bumabati sa kanya. Sa lahat ng nag-aabot sa kanya ng regalo. Nagmamano siya sa mga matatanda, at magalang na sumasagot sa mga ito kapag kinakausap. 

Kitang kita ko noon ang saya sa gwapo niyang mukha na minana niya sa kanyang ama. Hindi siya mahiyain, hindi rin makulit. Para na siya noon binata mag-isip kahit na eleven years old palang kami. Akala ko ay mabubura pansamantala ang mga ngiti sa labi ni Bullet nang makita kong lumapit ang isa niyang kaklase na tulad ko’y mahinhin at mistulang babae ang hitsura dahil sa pink nitong terno ng damit at jumper suit. Maputi ito at halos kasing-liit ko lang. Nakangiti nitong inabot ang isang malaking paper bag na ang tatak ay PSP.

Inabangan ko ang pagpawi ng ngiti sa mga labi ni Bullet dahil galit siya sa mga tulad ko. Pero nang tanggapin niya ang regalo nito, napakurap si Bullet ng ilang beses at nakangising tinanggap ang regalo na tila nagpapasalamat. Napanood ko pa ang kanilang pag-uusap saglit hanggang sa umalis na iyong nagbigay ng regalo kay Bullet. 

Pinaglalaruan ko ang aking mga daliri habang tinatago ko sa likod ang maliit na regalo ko kay Bullet. Mommy was already talking to some other ladies and Dad was doing the same with his fellow gentlemen. But they already directed me to give my small gift to him.

Kinakabahan ako pero dahil nakita kong nagiging masaya si Bullet sa mga natatanggap niyang gifts at nakikipagtawanan pa sa mga kaibigan, lumapit na ako kalaunan nang makita kong siya lang ngayon mag-isa. Ngumiti ako ng tipid nang kaharap na niya ako. Nilakasan ko ang loob ko at nahihiyang inabot ang aking gift. 

“U-Uhh… Maligayang kaarawan, Bullet.” I said in my tiny voice.

My lips quivered when I saw how his face went back to his neutral, uninterested and blank stare towards me. Gayunpaman, hinintay kong tanggapin niya ang regalo ko kahit na nangangalay at nanginginig na ang maliit kong braso na nakalahad sa tapat niya. 

Pero may isang babae ang lumapit at may dalang higit na mas malaking regalo sa akin na nasa paper bag pa ng isang sikat at expensive na brand ng sapatos. Nang makalapit ito, lumipat ang tingin ni Bullet doon at muling umusbong ang ngisi niya, at tinanggap niya ang regalo nito. 

Kaya naman agad akong tumakbo paalis at itinago sa likod ko ang regalo na ako mismo ang gumawa. Hinanap ko si Mommy at Daddy para sana sabihing naibigay ko na ang gift ko kay Bullet. Kahit na ang totoo’y hindi naman tinanggap ni Bullet iyong akin. 

At mula noon, kahit nagpapadala sa mansion namin ng invitation card ang parents ni Bullet tuwing kaarawan niya at iba pang espesyal na okasyon na exclusive at intimate, at kahit gusto akong papuntahin doon nina Mommy at Daddy mag-isa, hindi ako pumupunta. Nagkikita na lamang kaming dalawa kapag sinasama siya rito ng kanyang Mommy at Daddy kapag may intimate dinner kami, ngunit halos hindi ko siya lagi tinitignan o sinusulyapan dahil dala-dala ko ang huling imahe ng kanyang mukha na nawala ang ngiti sa labi nang ako’y makaharap niya. Ayaw niya sa akin. At umiiwas ako na magpakita sa kanya dahil alam kong ayaw niya sa akin. 

Kapag ngang pinipilit ako nina Mommy at Daddy na sumama sa kanila kapag kami naman ang bumibisita, palagi kong sinasabi sa aming kasambahay na may sakit ako. At binibili naman nila iyon dahil alam ng buong Santa Catalina kung gaano ako kasakitin na bata at kung gaano kahina ang maliit kong katawan.

Mula sa saglit na pagkatulala ay napalingon ako sa sarado kong pinto nang kumatok ulit ang aming kasambahay. Hudyat iyon na kailangan ko nang bumaba, marahil nariyan na ang mga bisita. Umalis din agad ang kasambahay kaya wala na akong oras para tumanggi at magsinungaling.

Mabagal akong kumurap habang pinagmamasdan ang hitsura ko suot ang puting bistida na bumabalot sa aking buong braso at pati sa aking leeg. Flowy ito sa pang ibaba na sumasayad din sa sahig. Wala akong kahit anong make-up dahil hindi ako nasanay doon. Wala ring kahit anong accessory. At sabi din naman ni Mommy ay maganda ako kahit bare face lang dahil halos lahat ng feminine features ay namana ko sa kanya.

This has always been me since Mommy allowed me to transition. Maliban sa pagiging simple ay konserbatibo ang aking pananamit kaya halos lahat ng nasa cabinet ko ay full-body coverage dresses. Mahiyain ako mula pagkabata, walang kaibigan dahil home schooled palagi, at hanggang ngayon na araw nalang ang binibilang bago ako tumuntong sa Senior High ay ganoon pa rin ako.

Mabagal akong bumuntong hininga bago humakbang pababa sa aming grand staircase. Naririnig ko na agad ang iilang boses na nag-uusap sa dining area. Nakasalubong ko pa sa ibaba ng hagdan ang kasambahay namin na si Ate Glenda na pinagmasdan ako nang ako’y makababa.

“Naroon na ang mga bisita, neng. Makisalo ka na roon.” 

Bakas ang ngiti sa labi niya at halos namangha sa aking hitsura. Bihira lang kasi ako lumabas ng kwarto at bihira lang din mag-ayos nang ganito.

“Sige po.”

Isang tipid na ngiti ang ibinigay ko at nagtungo na ako roon. Tama nga si Ate Glenda dahil una kong nakita ang bulto ng aking Daddy na nakangiting kausap ang Gobernador ng bayan namin  na si Ginoong Adonis Gokonwei. Pareho sila ni Daddy na naka- itim na tuxedo at sa tindig nila’y hindi lang yata kaswal na hapunan ang ipinunta ngunit tulad ng madalas ay may kasamang usapang negosyo. Si Mommy, ganoon din na elegante ang suot na masayang kausap ang asawa ng Gobernador na si Ginang Hyacinth. Magiliw at halos may sariling mundo rin ang dalawa kung magkwentuhan. 

Pero nang ako’y pumaling sa isa pang pigura ng lalaking nakatayo malapit lang sa pwesto nina Daddy at ng Gobernador, isang seryosong lalaki na naka-itim na polo shirt ang kanina pa nakatitig sa akin. Ang pinabatang bersyon ng Gobernador na kasing edad ko lamang, ngunit kahit kailan ay hindi ko nakitang ngumiti kapag kaharap ako. Nakatikom lang ang bibig niya habang nakapamulsa sa kanyang itim na slacks. Sumisigaw ng karangyaan ang nakasilip at kumikinang niyang Rolex, at maging ang metal sa suot niyang belt. Nakasuklay ng patagilid ang kanyang itim na itim na buhok tulad ng isang binatang pormal at magalang. 

Umiwas agad ako ng tingin at yumuko. Itinago ko ang aking mga kamay sa likod ng aking flowy dress. Mabuti dahil narinig ko agad si Daddy na inimbitahan na ang lahat na maupo dahil nakita na niya rin ang pagdating ko, kaya agad akong nagtungo sa palagi kong pwesto sa kanang tabi ni Mommy habang si Daddy naman ay sa kaliwa ni Mommy na katapat ang Gobernador. 

Nasa paligid si Ate Glenda na abala ngayon sa pag-aasikaso sa amin at sa mga bisita. Sina Mommy at Daddy, tuloy lang ang pangkaraniwang usap sa mag-asawang Gokongwei, habang ako’y hindi ko mai-angat ang aking tingin dahil katapat ko siya. Si Bullet Gokongwei.

“Mabuti at natuloy kayo rito, kumpadre. Narinig kong galing pa kayo sa Aklan kaninang tanghali.” Sabi ni Daddy.

Ngumiti ang Gobernador. Kitang kita ko ang pagiging maginoo nito noon pa man. Walang duda na mahal ng buong bayan na ito ang mga Gokongwei dahil sa kanilang pagiging mapagkumbaba at natural na misyon na tumulong sa kanilang mga nasasakupan.

“Walang problema sa akin ito. Gusto ng asawa kong dito nalang din maghapunan at para makapag-usap na rin tayo tungkol sa pamilya at negosyo.” Bumaling sa akin ang Gobernador nang may ngiti. 

Nahiya ako agad ngunit tipid na ngumiti. Nakatingin na rin sa akin ang asawa ng Gobernador na kahit maliit na piraso ng mamahaling hikaw lamang ang accessory ay lumilitaw ang ganda niya na kinamamanghaan ng lahat dito sa bayan. Kung ibang tao lang ako ay mapapatitig na lamang ako sa halos umiilaw na kutis ng kanyang balat at sa halos perpekto niyang mukha na sa fairytale ko lang napapanood. Ngunit dahil sa ilang mahahalagang pagdiriwang tulad nito na nakikita ko siya, nasanay na ako ngunit hindi pa rin maiwasang mamangha. 

Mabuti nalang at diretso agad sa usapang negosyo ang pinagkwentuhan ng dalawang padre de pamilya. Sina Mommy at ang asawa ng Gobernador ay mayroon ding ibang pinag-uusapan. Ang tahimik lang na kumakain ay kaming dalawa ng katapat ko. 

Tipid lang ako sa pagsubo, habang nang ako’y saglit na sumulyap sa kanya, tahimik lang din siyang kumakain, at kahit hindi siya nagsasalita, ngunit nakatitig sa akin ang matapang niyang mga mata habang nginunguya niya sa nakatikom niyang bibig ang kanyang kinakain. 

Yumuko ulit ako at nagpatuloy hanggang sa maubos ko nang mabilisan ang nasa plato ko. Alam ng mag-asawa na tahimik ako at mahiyain kaya nagpapasalamat ako na hindi nila ako masyado tinatanong o kinakausap. Pero madalas, si Bullet ay naisasali sa usapan, at nakikinig lang ako sa magalang nitong pagsagot sa kanyang ama at maging sa aking Daddy at Mommy kapag nagtatanong ang mga ito. 

At kami ni Bullet, kailanman ay hindi nagkaroon ng pag-uusap. Hanggang tingin lang ako sa kanya, at kapag nagkakatitigan kami ay ako agad ang unang nag-iiwas ng tingin dahil sa hiya. Bata pa lamang kami, kailanman ay hindi niya ako kinausap. Hindi niya ako tinanong maging ng pangalan ko at edad ko. Hindi ko alam kung nandidiri siya sa akin dahil sa kasarian ko o ano man, at pakiramdam ko’y ayaw niya akong nakikita dahil sa malamig na pakikitungo niya sa akin. 

“Napakabilis talaga ng panahon. Parang kahapon lang ay tumatakbo-takbo lang sa tarangkahan namin itong panganay ko. Pero heto, malapit nang magkolehiyo, ilang taon nalang.” Ani ng Gobernador.

“At malapit na ring hindi ko makasama sa bahay madalas. Dahil kaunting panahon nalang ay ikakasal na.” Segunda ni Ginang Hyacinth.

Magaan na tawanan ang aking narinig mula sa aming mga magulang. Pero si Bullet, walang pinagbago ang hitusa. Hindi man lang ngumiti, hindi rin sumimangot. Kaswal lang na lumagok ng tubig at ibinaba rin sa tabi ng plato niyang ubos na ang pagkain.

Matagal ko nang naiisip na baka napipilitan lang siya sa tuwing nagtutungo sila rito upang magsalo sa isang hapunan. At kaya siya ganito sa akin ay dahil matagal na kaming ipinagkasundo ng aming mga magulang na ikakasal kami pagkatapos namin sa kolehiyo. Sigurado akong ayaw niya iyon at tutol siya sa kagustuhan ng mga magulang, pero hindi ko man lang siya narinig na sabihin iyon dito sa hapag. Marahil ay isang kabastusan iyon na gawin niya sa tapat ng ibang pamilya kaya mimabuti niyang hindi magsalita. Pero ramdam ko ang pagkadisgusto niya sa akin sa  ilang taon na parang hangin lang ako na dumadaan sa kanyang tapat.

“Ilan ba ang gusto mong anak, Halleioh Myrrh?” Kaswal na tanong sa akin ng Gobernador na nagpakurap sa akin. Ngayon lang ako nila tinanong ng ganito at hindi ko ito napaghandaan.

Ramdam ko pang namula ang aking mga pisngi ngunit parang hindi naman napapansin ng mga bisita at ng parents ko ang mga maliliit na detalye na iyon. 

“P-Po?” 

Ngumiti sa akin si Ginang Hyacinth. 

“How many kids would you like to have with my son, hija?” Dugtong ng Ginang na para bang mas mauunawaan ko ang tanong kung iinglesin niya iyon. 

I chewed my lips, trying to utter a word that is too sensitive for me to say. Hindi kasi ako sanay sa mga usapan na ganito. Ang palagi lang tanong sa akin dito madalas nina Mommy at Daddy ay kung ano ang gusto kong dress at jewelries na bilhin, at kung saang lugar ko gusto magbakasyon sa Summer. But this thing, it caught me off guard.

“U-Uh… one…” Halos pabulong na ang sagot ko.

Mommy and Daddy didn’t seem to also make the question na big deal. Na para bang alam na nila noon pa na sa ganitong hapunan dapat pinag-uusapan ang mga ganoong bagay. 

“That’s so lovely…” Reaksiyon ni Ginang Hyacinth. “How about your dream house? Do you want to stay here in Santa Catalina? Or live in a different place, hija?”

“Mahal, huwag mong sunod-sunorin ang tanong sa bata. The kid is getting uncomfortable.” Governor smiled at me genuinely, as if making me feel comfortable. And by his manly and genuine fatherly aura that fills the whole dining together with my Dad’s, my uneasiness faded right away.

“I’m just asking her, mahal. And I will never make my daughter uncomfortable, Adonis. Hindi ba’t maganda na masaya ang isang may-bahay sa tahanan na tinitirahan nila? Take us for example, right Barbara? I want my daughter happy and cozy at home with my grandkids.” 

“Of course. I agree.” Mommy said with a smile.

“See?” 

Yumukod ako at hindi sinasadyang mapatingin ulit kay Bullet. Mabagal nitong inaalog ang hawak na wine glass na may laman na red wine. For his age, maaari naman nang uminom niyon, pero ako’y kailanman hindi ko sinubukan iyon dahil tingin ko’y mapait ang lasa at hindi rin ako pinapayagan nina Mommy at Daddy. Hanggang fresh milk lang ako sa gabi bago matulog.

“How about your son, kumpadre? Napag-uusapan niyo ba minsan ang tungkol diyan?” Ani Dad. “Tahimik na bata pa naman iyang si Bullet. Maginoo at magalang ngunit hindi ko pa rin naitatanong kung ilang bang anak ang gusto niya.”

“Son, ilan ba ang gusto mong maging anak?” Governor said with a stern yet formal tone.

Magalang na sumulyap si Bullet sa kanyang ama.

“Labindalawa po.”

Napakurap ako at napayuko. Samantalang ang inaasahan kong gulat na reaksyion ng aming mga magulang ay hindi ko man lang narinig. Imbes, pag-angat ko ng tingin ay tumango lang ang Gobernador, at ang Ginang Hyacinth ay nakangiting sumulyap lang sa aking Mommy.

Napalunok ako at ramdam kong namumula ang aking pisngi. Kahit sa iba na ang pinag-uusapan ng aming mga magulang, ramdam ko pa rin ang naiwan na pagka-ilang sa naging tanong sa akin at sa naging sagot ni Bullet. 

Natapos ang hapunan na ang mga magulang lang namin ang nag-uusap. Ako’y hindi na ulit nasali sa usapan, samantalang si Bullet naman ay nakita kong saglit na kinausap ng kanyang ama tungkol sa kung saan. Bawat sagot ni Bullet ay magalang siya sa kanyang ama. Hindi man ngumingiti pero lumilitaw ang pagiging maginoo niya. 

Kinabukasan, wala na sina Mommy at Daddy sa mansion dahil maaga pa lang ay mayroon silang pinuntahan na ginagawang bagong Pabrika sa kabilang dulo ng Santa Catalina. Ako’y nasa bintana lamang ng aking kwarto at pinagmamasdan ang malawak naming bahay.

Pamilya namin ang itinuturing na pinakamatagumpay na Negosyante sa buong Santa Catalina. Agrikultura ang pangunahing negosyo ng aking mga magulang at ang isa sa pinakamalaking nagsusupply ng mga palay, bigas, mais at asukal sa buong bansa at maging sa mga humahango nito patungo sa iba pang mga bansa. Gayunpaman, ang tagumpay ng aking mga magulang ay halos naididikit na sa makapangyarihang pamilya ng mga Gokongwei na mas naunang nakilala sa buong Pilipinas at maging sa ibang bansa. 

Noon pa man, karangyaan na ang katumbas ng mga Gokongwei. Maliban sa maayos at maunland ang aming bayan dahil sa nagsalin-salin na namumuno rito mula sa kanilang angkan, kailanman ay hindi na sila mawawala sa larangan ng negosyo.

At tulad ng kasalukuyang Don Adonis, natitiyak ko na balang araw ay si Bullet na ang susunod na magiging Gobernador ng bayan na ito. At marahil iyon ang dahilan kung bakit noon palang, gusto rin nina Mommy at Daddy na mapalapit pa kami sa pamilyang ito. Tutol man ako noong una dahil alam kong ayaw sa akin ng panganay ng mga Gokongwei, wala na rin akong nagawa paglipas ng panahon dahil naintindihan ko ang nais ng mga magulang ko. 

Kahit na sigurado akong hindi mangyayari ang kasal na iyon dahil hinding hindi papayag si Bullet na sa isang hindi tunay na babae siya ikakasal. 

Inabala ko nalang ang sarili buong araw sa pagbabasa ng libro. Simula sa pasukan sa susunod na Linggo, sa isang public school na ako mag-aaral dito sa bayan. Natatakot ako dahil mula Kinder ako ay home-schooled lang ako. Ang mga tutor ko ay nagtutungo dito sa aming mansion, at doon sa study room ko sa kabilang kwarto ako nag-aaral. 

Ito na rin marahil ang dahilan kung bakit ako naging mahiyain dahil hindi sanay sa ibang tao. Hindi ko man lang naranasan na magkaroon ng kalaro dahil wala akong classmates. Hindi ko rin naranasan ang tumakbo sa labas namin dahil bawal akong lumabas madalas mula nang dapuan ako ng sakit na Dengue noong ako’y apat na taong gulang. 

Kinakabahan ako dahil sa iisang iskwelahan na kami papasok ni Bullet. Alam kong hindi naman siguro kami magiging magkaklase pero ang ideya na may tyansa na magkita kami roon ang nagpapadagundong ng dibdib ko. Maliban doon, natatakot ako kung ano ang meron sa loob ng paaralan dahil ito ang unang beses ko na papasok. Bagaman naituturo sa akin ng mga teachers ko kung ano ang mga aasahan ko kapag pumasok na ako sa totoong school, hindi ko pa rin maiwasan ang matakot. 

Lumipas ang mga araw at kasama ko sina Mommy at Daddy na bumaba sa gate ng malawak na paaralan. Marami akong nakikitang estudyante ngunit hindi pa sila naka-uniporme dahil ngayong araw palang ang enrollment para sa lahat ng Senior High. Napansin ko din na sila Mommy at Daddy lang ang parents dito dahil ang mga estudyanteng napapatingin sa pagpasok namin ay may dala lang na mga brown envelope at walang kasamang guardian. Ang ilan sa kanila’y nakatambay sa mga concrete bench at nag-uusap, ang iba’y nagsisilabasan na sa school premises.

Mayroong isang teacher na sumalubong sa amin sa bungad ng building at nakangiting iginiya kami patungo sa loob kung saan magpapa-enlist. Pagpasok namin ay nagulat ako sa isang paikot at napakahabang pila ng mga estudyante ang naghihintay at nakapila para magpa-enroll sa tapat ng isang transparent window na isa-isang nagpapa-enroll ang mga estudyante. Siksikan at halos hindi mahulugan ng karayom ang parang sawa na pila. Halo-halo ang mga babae at lalaki, medyo maingay dahil sa mga boses sa kung saan saan, pero halos tumahimik ang buong paligid nang makita nila ang pagdating namin. 

“Mr. and Mrs. Ysmael, dito po ung pila for the enrollees as you can see. The enrollment is still ongoing, pero dito na po kayo dumiretso sa loob ng principal’s office para makausap niyo po ang aming Principal at para mapadali po ang enrollment ng inyong anak. Dito po tayo sa kabilang room.”

The teacher was very accomodating. Inilahad niya ang nakasaradong pinto ng principal’s office na katabi lang ng registrar’s office. The teachers inside those windows who were conducting the enrollment also fell silent the moment they saw us. Nakakarinig na ako ng bulong bulungan sa paligid mula sa mga estudyante na ang iba’y malakas kaya naririnig ko. 

“Wow, hindi ba sina Ginoong Ysmael iyan? Dito rin pala mag-aaral iyong nag-iisa nilang anak? At totoo nga na trans pala talaga…” One voice of a girl resonated in the area.

“Pre, totoo ba na home-schooled daw iyan simula elem?”

“Oo, tol. Ang ganda, gago.” Ani ng isang lalaking naka-blue na polo shirt na siniko agad ng katabi niyang lalaki dahil nakita nilang napatingin ako sa kanila.

May iba pa akong naririnig at malinaw na malinaw iyon sa pandinig ko bago pa bumukas ang pinto ng principal’s office na katabi lang ng registrar’s office.

“Mayaman sila ’di ba? Pero sa public school pag-aaralin?” One girl along the queue said.

“Oo nga e. Pero sabagay, si Bullet nga e mula kinder kasama natin sa public nag-aaral.”

I was shocked to hear them saying those things. I never experienced being someone else’s topic, especially when I am still in front of them. Mabuti nalang at hindi naririnig iyon nina Mommy at Daddy dahil kausap nila iyong teacher na iginiya kami papasok sa principal’s office. Also, hindi ko na rin ipinahalata na narinig ko ang mga iyon. 

Inside the principal’s office was a nice and fully airconditioned room. The head of the school is an old lady with a warm and welcoming smile as my parents talked about my enrollment. Hindi naman na ako tinanong ng principal dahil nasa isang folder na dala ni Dad ang aking mga requirements. Nakikinig lang ako sa usapan nila, at halos engaging ang principal dahil gusto pa ako nitong kumustahin kung masaya ba ako na dito na ako mag-aaral, at sinabihan pa ako na marami akong magiging kaibigan dito dahil mababait daw ang mga estudyante nila. 

Halos sampung minuto lang ang itinagal namin at lumabas na rin kami kasama ang principal na nagpaunlak pa na bibigyan kami ng quick tour sa buong campus. Nadaanan ulit namin iyong mahabang pila ng mga estudyante na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakausad sa pila. 

Pero sa pinakadulo, sa mismong hallway na dadaanan namin para makapunta sa Oval na Field na sinasabi ng principal, nakita ko ang bulto ng lalaking hindi ko inaasahang makikita ngayon. Si Bullet. Nag-uusap at nagtatawanan sila ng apat pa niyang kaklase: dalawa pang mga lalaki naka-jersey shirt and shorts tulad ni Bullet, at dalawa ring babae na naka-jeans at off shoulder dresses. Pawisan silang tatlong lalaki kasama si Bullet, iyon isang lalaki na may eye glassess ay may sukbit na bola ng basketball pa sa tagiliran. Hawak din nila ang mga brown envelopes nila.

“Gosh, hinintay pa namin kayo ni Lexie tapos ngayon lang kayo natapos sa game niyo. Nasa hulihan na tuloy tayo.” one of the girls said.

“Wala e, nag-isang game pa ung kalaban gusto bumawi. Napatagal tuloy.” The moreno guy said, smirking. “Talo rin naman ulit sila. Doble tuloy pusta kinubra namin.” Sabay tawa nito.

“Walang kupas si Bullet. Kung nanood kayo kanina, baka ’di kayo tumigil kakasigaw kada-three points niya. Shooter sa tres, pano pa kaya kapag ibang ring na ung pinapasukan.” The eyeglassed guy said and laughed, teasing Bullet.

“Ulol.” Bullet grinned. “Sadyang tanga ka lang kapag pinapasahan, palaging naaagawan ng bola.”

“E pano ba naman kupal ung kalaban, palaging ako binabantayan nung semi-kalbo kanina, sinasadya akong sikuhin kaya nakaka-steal ang ungas. Sarap ipa-baranggay amputa.” the eyeglassed guy said again.

“Mamaya sumbong natin yan kay Tito Adonis. Sabihin natin kay Tito may kupal sa court ng Santa Catalina nang masampolan.” The moreno guy said and grinned playfully.

Bullet smirked. 

“Anong oras na tuloy tayo inabot. But it’s okay, mabilis lang naman yata iyong pila ngayon for Grade 11 enrollment compared kahapon sa junior high na sobrang haba talaga ng pila abot hanggang oval.” The Lexie girl said.

Nagsitahimikan sila nang mapansin ang aming pagdaan. Kitang kita ko ang paghinto ng mga kaibigan ni Bullet sa pag-uusap at nanatili na sa akin at kina Mommy at Daddy ang kanilang mga mata. Habang si Bullet, malamig lang ako na dinapuan ng mga mata. Saglit kong nakita ang pagkunot ng noo at pag-galaw ng kanyang panga marahil sa gulat, pero agad na bumalik sa normal niyang hitsura na sigurado akong hindi napansin ng mga kasama niya.

“Bro, siya ba ung nag-iisang anak ng mga Ysmael na transferee na sinasabi kanina nung mga nandon sa unahan?” One guy said, iyong moreno ang balat.

“Oo, man.” The guy with the eyeglasses answered, eyes following me. 

Dahil mabagal ang lakad namin dahil nauuna ang principal na may information na sinasabi sa aking parents na nakasunod at nakafocus lang din doon, ako lang ang nakakarinig ng mga pabahol nilang conversation kahit nakatalikod na kami.

“Ang puti. Kilala mo, bro?” The moreno guy asked carefully again. 

“Hindi e. Pero ang alam ko, malapit ang mga Ysmael sa mga Gokongwei. ’Di ba bro, Bullet?”

I thought Bullet would say something, but he didn’t. 

One girl in his circle said next, “Ganyan talaga kapag may pera, Andres. May pang-derma kasi. Kahit sino naman pwedeng pumuti nang ganyan basta lang may pera.”

“Super true, Lexie. Walang imposible kapag may pera. Money works miracles you know, kahit hindi kagandahan basta maputi ang balat ay nadadala.” the second girl said and laughed a bit.

Nang matapos ang short tour with the principal, my parents thanked her genuinely. Sa kabilang bahagi na kami ng building lumabas at dumiretso na rin sa nakaparada naming sasakyan. Habang lulan ng sasakyan pauwi ay mabagal kong pinaglalaruan ang mga labi ko dahil sa nakita ko kanina.

He was laughing along with his friends. He was having a good time with them. He’s having fun. Ngumingiti siya, probably nakikipagbiruan din. And yet, I’ve never seen him this way in front of me all throughout my life.

Sa akin lang ba siya malamig makitungo? Hindi ko alam dahil hindi ko naman siya nakikita kung paano makihalubilo sa iba. Kanina ko lang iyon nakita.

Noong gabing iyon, habang naka-tuck na ako sa aking bed at nakapajama dress, I opened my ipad to watch my favorite crochet patterns on Youtube. Ito ang libangan ko mula pagkabata, at marami na akong nagawa na ganito. Iyong ibang hand-knitted ko na bag ay personal kong ginawa para sa mga teachers ko noon bago sila matapos sa duration ng pagtuturo nila sa akin. 

At katunayan, ito rin ang regalo ko noon kay Bullet sana. Isang black beanie na kaunaunahan ko noong natapos. Ang una kong obra. Nakatago pa rin iyon hanggang ngayon sa loob ng closet ko na kailanman ay hindi ko na ulit nagalaw pa. Hindi na rin naman niya iyon makikita dahil hindi niya tatanggapin. Isa pa, pang-bata ang size noon dahil ginawa ko iyon para sa kanya noong kaarawan niya. 

Nakatapos ako ng tatlong videos na puro Japanese designs ang output. I then decided to open my Instagram account where I upload some cozy pictures of my crochet artworks. I don’t sell them since I don’t interact with people online too. I just find pleasure and happiness in putting my crafts under the beautiful lens of my camera at allowing anyone on the internet to see them by chance and appreciate them. 

One year na rin ang IG account ko dahil kailan lang din naman ako pinayagan nina Mommy at Daddy na gumamit ng gadgets. Ever since I was a kid, physical toys, teddy bears and some handicrafts ang aking pinagkakaabalahan kapag wala akong tutorial class. And as of today, mayroon akong 1 follower sa aking account. 

I giggled again as I saw the IG account of one of our kasambahays whom I don’t happen to interact with since I don’t even go out of my room often. It’s Ate Glenda’s nephew who was year older than me. When she accidentally saw me in the living room touching my Ipad while she was mapping the floor, she got excited to ask about my instagram since she have it also. I was surprised at first but nonetheless became mutual with her. 

And yes, the single like on some of the photos I uploaded was only her. It makes me happy because I’m not alone anymore in my world of appreciating beautiful craft such as mine. 

As I went to sleep, I prayed that I will not be scared of the school anymore once I started studying there. Maybe it’s normal to feel this way because I’m not used to seeing many kids as the same age as me and the big school. I trust Mommy and Daddy that they will still take care of me just like how they always do. And on the days to come, I will also pray that I will not cross path with Bullet. I know he doesn’t want me around, and I will do my best to hide my face from him.

KABANATA 2

Vast green spaces, trees and ricefields. Mula pag-alis namin kanina mula sa bahay hanggang ngayong papunta na kami sa school para sa first day of class ko ay iyon lang ang aking nakikita mula sa bintana. Daddy is driving us this morning while Mommy is next to him.

Humikab ako at napasandal sa aking pink na car pillow. Sabi ni Mommy ay palaging ganito ang oras ng pasok ko. Iyong sumisilip pa lang ang araw mula sa matatayog na bundok ng Santa Catalina.

I’ve been living here for almost all my life, but I had never had a chance to witness the approaching dawn in the horizon of this old yet powerful land. 

I thought I would be very nervous. Especially that it’s my first day to be alone in a classroom full of students who are stranger to me. But because Mommy reassured me that I will be alright, I know I’ll surely be.

Pagkarating namin sa gate ng school, I saw that there are already many students entering the gates. The guard of the school approached our car which made Daddy rolled down his window for courtesy.

May pormal na ngiti sa labi ng guwardiya.

“Magandang umaga ho, Ginoong Ysmael. Ipapasok niyo po ba ang sasakyan niyo?”

The guard seemed oriented to assist us since they apprehended that Dad will be here this morning to bring me to school. Maybe because I am the only one here who is riding a car. I can see most students outside whose mode of transportation were only by walking and the vehicle with the three wheels that I don’t know what it’s called.

“Yes. Ihahatid namin ang anak ko sa classroom niya. Pwede ko ba itong ipasok at iparking sa loob?” Dad replied.

“Pwede po, sir. Malawak po ang parking sa loob para sa inyo.” The guard said.

Nang makapasok kami at makapag-park si Dad, I saw that there were almost no other private vehicles in the wide parking lot. I don’t know how they get to school without any vehicle because this place is a little malayo.

Dad was carrying my pink channel bag as we walked down the hallways. Mommy was on my other side gently holding my hand. At nang makarating kami sa tapat ng magiging classroom ko, Daddy and Mommy kissed me on my cheeks and gave me a reassuring smile.

“Your mom and I will just see you later after your classes, hija.” Daddy said.

I gently nodded and turned to Mommy who also had some last few words to say.

“All of the school staffs are aware that this will be your first day in a real classroom, anak. I already asked your teachers to look after you to make sure you will be alright. I told them to call us if there’s an emergency.”

“Thank you, Mommy.”

I bid them final hugs and kisses before I turned my back to walk inside the classroom. My classmates and my teacher are already inside, and they were all whispering to each other while watching me and my parents the whole time. 

The first people that I saw were the side of the girls who were wearing the same white blouses and black skirts as me. And then, the other side of the class where all the boys are also watching. 

The teacher approached me with a reassuring smile. 

“Hello, Halleioh… I’m Mrs. Santos, and welcome to your first day at school.”

I beamed a sweet smile because her tone is gentle and sweet too. I felt like I was just talking to Mommy.

Nasa gitna kami ng green board at nakapaharap kami sa aking mga kaklase. Binalikan ko ng tingin sina Mommy at Daddy na nasa labas pa rin pero naroon na ang Principal ng paaralan at kausap sila. 

“Okay, class, mayroon kayong bagong classmate. Simula sa araw na ito hanggang sa matapos ang ating semestre, magiging bahagi siya ng lahat ng ating school activities.” Anunsyo ni Mrs. Santos.

My classmates seems nice. They are not noisy nor scary. They just look like normal students na halatang magkakakilala na ang ilan sa kanila.

“Isa pa, gusto kong magpamalas lang kayo ng pagiging mabuting kamag-aral sa bago niyong kaklase dahil ito rin ang unang araw niya na makakasama tayo bilang isang klase. Maaasahan ko ba iyon mula sa inyo, class?”

“Opo, Ma’am.” The class said in unison.

Mrs. Santos turned to me. “Gusto mo bang sa harapan ka maupo?” 

Nakita ko sa dulo na may tatlo pang bakanteng upuan sa dako ng mga girls. In this class, the boys and girls are separated by an isle. 

“Uhm, kahit doon nalang po ako sa dulo, Ma’am.” Tugon ko.

“Okay, sige. Mas maganda nga roon dahil mas malapit ang ceiling fan doon sa’yo. Maaari ka nang umupo, Halleioh.”

I hugged my bag tightly as I walked down the isle towards the empty seat. I took the seat nearest to the window so I can catch a fresh air coming from the outside.  Wala akong katabi sa likod.

I thought marami pang sasabihin ang aming guro, ngunit agad nang nagsimula ang opisyal naming klase. Isa isa kaming pinatayo at nagpakilala sa harapan. My classmates were just having fun, sometimes laughing and cheering for the boys who are introducing themselves. Magkakakilala na nga talaga silang lahat.

And when it was my turn, the whole class fell silent.

“Hi, my name is Halleioh Myrrh Ysmael. My hobbies are making handicrafts such as crochet. And I am happy to be here with all of you po.” I said.

One of the boys raised his hand.

“Ma’am, trans raw po ba talaga siya?” He said. Nagsisikuhan pa sila sa likod ng mga katabi niyang boys.

Mrs. Santos tried to hush him to avoid some uncomfortable topics but the boy seemed curious.

“Mukha po kasi siyang babae talaga, Ma’am. Curious lang po kami.” 

Mrs. Santos was looking at me as if she’s apologizing, but I just smiled at her before I spoke.

“May I know his name po?” I asked her.

“Uh… his name is Arkin.” 

I nodded and turned again to face them.

“Hi, Arkin. Yes, I am a transwoman. I was born male, but I live as a girl. “ I smiled at him.

His cheeks blushed but he quickly nodded and his seatmate was smirking too as if he’s teasing Arkin.

“Okay, thank you, Halleioh. Such a polite girl.” Mrs. Santos said before letting me go back to my seat. 

Sa paglipas ng oras, hindi ko na nakita ang parents ko sa labas. Probably they have gone to work already. Sinabi naman nila sa aking susunduin nila ako kaya I know I’ll get to see them soon right after our class ends. 

During our break time, our teacher went out of the classroom to also take a break. My classmates got more talkative to each other. Some of them went outside in groups to by snacks at the cafeteria, but since I have mine prepared in my lunchbox, I just opened it and ate it.

I saw Arkin, my classmate, looking at my direction while he’s comfortably sitting on his desk and talking to his friend. I smiled at him and waved my hand cutely while munching my sushi. His cheeks turned red again before looking away. 

I thought he will become my first friend here in school. But as time passed by, no one dared to approach me even after the bell rang for the continuation of our class. I was just sitting on my seat, looking around especially to the girls, but they seemed to ignore me. But they are also flocked in groups just like the boys so I think all of them are really good friends already. 

Hindi ko akalain na matagal pala ang pag-aaral sa loob ng classroom. My hips were already hurting for sitting longer than usual. Noong home-schooled pa kasi ako ay two hours lang akong nakaupo at nakikinig sa aking teacher. At ang upuan ko roon ay malambot na pillow. Dito, matigas na plastic armed chair ang aking upuan.

I raised my hand to our next teacher after I felt I need to go to the bathroom. She also recognized me as one of the newest here in the class, and so she allowed me to go outside to have a break. 

Walang students sa mga hallway sa mga oras na iyon dahil nga nasa klase ang lahat. Hindi ko alam kung saan ang bathroom ngunit tinahak ko lang ang hallway. Pero pagliko ko, tumama ang aking mukha sa isang matigas na bagay. 

Napapikit ako at muntik pang mawalan ng balanse kung hindi lang may malaking braso ang pumulupot sa beywang ko at humila sa akin padikit sa matigas niyang katawan.

“Ouch…” I moaned lowly in pain before looking up to see the person whom I bumped into. 

Nagulat ako nang makita ang seryosong mukha ni Bullet, bahagyang magkadugtong ang makakapal na kilay na parang nagtataka kung bakit ako nandito.

He did not let go of me yet. Instead, he kept me in that position to keep me standing still.

“Saan ka pupunta.” He asked me. But his tone was straight and not even a question.

“Uh, I’m sorry I bumped my head on you…” I apologized right away. Naamoy ko ang pamilyar na mamahaling pabango niya dahil nasa tapat lang ng mukha ko ang malapat at matigas niyang dibdib. He’s wearing the same uniform as the other boys here in school.

The fresh and cold breeze of the wind blew which made my hairs dance with it. But the warm body heat of Bullet was enough to counter it. 

His polo is neat and looks manly on him, and his black slacks and black shoes were so pitch black. Ang kalidad nito ay tulad na ng sinusuot ng kanyang ama na Gobernador ng bayang ito. I easily compared it to what Arkin and my other classmates were wearing, but Bullet looks more sharp, crisp and hard.

“I was about to go to the bathroom.” Sabi ko, bahagyang nakatingala sa kanya dahil matangkad siya. 

“Hindi rito ang daan.” Matigas niyang sambit ngunit ang mga mata’y naglalakbay sa akin.

Bago pa ako tumugon ay nakita kong pababa mula sa hagdan na siya rin yatang pinanggalingan ni Bullet ang sunod-sunod niyang mga kaklase. They saw me and Bullet, but Bullet snaked his arm tightly around my waist and walked me way from the scene. 

I don’t know where we are going but I know Bullet will not hurt me. Right? 

“Bro, saan ka pupunta?” Tawag ng isang kaklase ni Bullet. But Bullet beside me did not even dare to look back.

Naririnig ko ang ilan pang mga boses ng kaklase niya na parang pinag-uusapan siya, pero tuloy lang ang lakad namin ni Bullet hanggang sa dalhin niya ako sa tapat ng girl’s bathroom. Doon niya lang binitiwan ang beywang ko.

“Dito ang banyo.” He said. 

Bahagyang pumamulsa at nakatindig sa harap ko. 

“Thank you, Bullet…” I said, almost a whisper, before I entered the bathroom. 

No one was inside. It looks like a hotel’s bathroom. Clean, shiny, and the smell is nice. Also, isa lang ang main cubicle rito. Complete with bidets, paper towels just like the usual restrooms where I go to.

Mabuti nalang at nakita ko si Bullet. Dahil kung hindi, sa maling direksyon nga ako nagtungo at matatagalan akong mahanap ito. 

I took my time as I peed. I washed my hands after and dried it also with the warm hand blower. 

Paglabas ko, nagulat ako nang makitang naroon pa rin si Bullet. Nakatalikod at nakapamulsa ang isang kamay habang may katawagan sa telepono. I thought he would not hear me getting near him but he shifted his attention right away and cutt off the person he’s talking to.

“Uh, I’m done.” Sabi ko. 

He simply nodded.

I started to walk back to my room, but the big figure of Bullet was just right behind me. Following me. Nang nasa tapat na ako ng classroom ko, hinarap ko siya at nakitang sinisilip niya rin nang bahagya ang loob. Naroon pa rin ang teacher ko na nagsasalita sa harap, habang iyong iba kong kaklase ay napapatingin na rin sa bintana dahil visible kaming dalawa mula sa loob. 

“This is my classroom. And I am sitting there at the back.” Sabi ko at tinuro ang aking pwesto kung saan nakita kong nakaupo na sa tabi ng upuan ko si Arkin na tahimik na nakikinig sa aming guro. I don’t know why he was sitting there but it’s fine with me though.

I don’t know if I need to tell him those details, but I thinks that’s good so I will not look snobbish to him. Sinamahan niya naman ako sa bathroom. Also, if I would happen to look snobbish to him, he might ignore me more than ever just like what he always do.

He did not seem to care about what I said. But he was still not leaving. Bahagyang matalim ang tingin niya sa pwesto ko.

“Uh, babalik ka na rin ba sa classroom mo?” I asked him.

Nasa loob pa rin ng classroom ang tingin niya na para bang may sinusuri siya roon.

“Do you want to go inside?” I asked him again.

I don’t know if he can go inside because he’s not my classmate afterall. But I think if he wants to know more about my classmates, he must go inside to see it  himself.

Pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin na nasa loob. Some were even whispering to one another. Maging si Arkin ay napatingin na rin sa direksyion namin at bahagyang may pagtataka sa kanyang mukha. 

“Uh, Bullet, I think I need to go inside now. My classmates are getting distracted na kasi…” I whispered softly to him. 

I am still balancing my words because I knew from the bottom of my heart that Bullet doesn’t want to talk to me or even to be with me sharing the same space and breathing the same air at least. So I am gently asking him to leave but he seem more snob than ever.

“Anong pangalan nung katabi mo.” He asked.

“Uh, his name is Arkin. Actually, he’s not supposed to be sitting there, but I think it’s better to have a seatmate na rin so I can have a friend.”

He smirked. Pero it’s deep and it’s not his normal happy face. Is he mad?

Binalik niya sa akin ang kanyang tingin at doon nawala ang diin sa kanyang paninitig kay Arkin.

“Pasok ka na.” He said.

I nodded and smiled at him. A shy smile that I always give when I am facing him. 

“Thank you, Bullet.” 

Tumalikod na ako at pumasok sa loob. Doon ay tumabi ako kay Arkin na nakasunod din sa akin ang mga mata.

“Uh, nag-banyo ka?” He asked.

He’s holding his pen and notebook, mayroong pinapasulat sa board ang aming teacher pero wala roon ngayon ang focus niya.

“Hmm yes. Uh, dito ka na ba uupo sa tabi ko from now on, Arkin?” I gave him a friendly smile.

Doon ko lang napagtanto na kumpara sa ibang tao, I can give them a more open and genuine smile. Sa isang tao ko lang pala hindi ito kayang gawin. Kay Bullet.

Tumango-tango siya at sumulyap ulit sa labas. Pero wala na roon si Bullet. Kinagat niya ang dulo ng kanyang ballpen at bumalik na rin sa pagsusulat. Ginaya ko siya at ang iba pa naming kaklase na nagsusulat ng magiging topics namin sa buong semester para sa subject na iyon.

After that subject, walang paalam na bumalik sa dati niyang upuan si Arkin. Habang wala pa ang aming susunod na guro, nagpabilog sila ng kanyang mga kaibigan at mayroong kung anong pinag-uusapan. I did not mind it because I think that’s just how boys will act most of the time. Mula palang kaninang pagpasok ko ay nagkaroon na ako ng idea kung ano ang magiging set-up ng aming classroom hanggang sa matapos ang semester. 

The class ended and my classmates started to go outside the class. Naririnig ko silang nag-uusap tungkol sa pupuntahan nila mamaya. Ganito siguro kapag matagal ka nang nakatira sa bayan at halos lahat ng mga tao ay magkakakilala.

I tucked all my things inside my bag, and I was the last to leave the room because my classmates were blocking the exits earlier. Paglabas ko ng classroom, nagulat ako nang makita si Bullet na sukbit sa isang balikat ang itim niyang backpack habang kausap ang kanyang mga kaibigan.

I remember them. These were his friends that I saw during the enrollment. Ngayon, nakita ko ulit ang malokong ngisi ni Bullet mula sa malayo. May kung anong sinasabi ung nakasalamin at moreno niyang mga kaibigang lalaki, while the two girls were just listening to them and joining the conversation. 

I was about to pass them by to go and find my parents who are surely waiting outside the building, but Bullet saw me, his eyes followed me and walked towards me. His friends stopped talking as they also got interrupted by Bullet walking away from them with no reason.

Bullet’s straight face and broad figure blocked my sight on his friends. I also observed that there were still many students around, and most of them went silent as they watched Bullet and me. I don’t know why we got their attention all of a sudden.

“Uh, hi…” Ang nahihiyang nasabi ko na lamang. “Uh… I’m going home… my parents are waiting for me outside.”

He nodded. 

“Kanina ka pa nila hinihintay.” He said. Suplado ang mukha at hindi pinapansin ang mga taong nasa paligid na naririnig kong pinagbubulungan na kami.

“Oh, sure… sorry uhmm…” 

“Give me your bag.” Aniya.

I’m not used to people intently watching me but I just tried to ignore them just like what Bullet is doing. He gently took my bag from me and he carried in on his left hand. His right arm snaked around my waist gently. I can feel the warmth of his arm on my lowerback.

Then he walked beside me towards the exit. The students seemed to get stunned by what they were seeing. I can hear most of them keeping their shocked as Bullet and I went straight to the carpark.

“Hija,” My father was first to hug me and kissed me on my forehead. My Mommy was next. 

“How’s school, dear?” Mommy giggled. 

I smiled so big because I thought the school was nice. 

“It was good, Mommy, I think I will have a new friend in the next coming days.” I said. 

While Mommy and I were talking, Daddy is also having a talk with Bullet. Kinuha na ni Daddy ang bag ko from Bullet, and just like the usual, pormal, seryoso at maginoong tumutugon si Bullet sa aking Daddy. 

I timidly smile at Bullet and gave him a small wave that he did not responded to. Until pinapasok na ako ni Mommy sa kotse para umuwi na. 

“Uh, where is Bullet going now, Mommy?” 

I asked when we started moving out of the school gate.

“He’s surely going home too, dear.” Mommy said. 

I wonder what Bullet and Daddy have talked aout. Bullet seemed so formal in front of my Dad. As well as in front of his parents. Kapag kasama niya ang mga kaibigan niya ay mas maluwag ang kaniyang mga ekspresyion at nakikita ko na nagagalak siya. 

I thought that Bullet would just ignore me if we happen to see each other here in school. But it turned the opposite. He even helped me search for the bathroom.

While I’m tucked inside my big and warm comforter, I was watching a new crochet pattern on the internet. I suddenly got an idea to make a new gift to Bullet. I don’t know what happened in the past few days between me and Bullet but I felt like he suddenly became a little nice to me. Because in the past, he doesn’t even dare to give me a glance. But earlier at school, everything changed. Hindi niya lang ako ilang ulit na tinitigan, sinamahan niya pa ako sa bathroom hanggang sa makauwi sa aking parents.

Something inside me was also curious. Why all of a sudden. But also, my mind is telling me that unexpected things happen for a reason. And tomorrow, I hope things between me and Bullet will not change.


Return to top?