loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
The Palace's Secret

The Palace's Secret

DonReyes4 · 65 chapters · 106,145 words

Panimula

Litong-lito ako sa mga nangyayari

Pagmulat ko ng aking mga mata ay nasa isang kwarto ako na ngayon ko lamang nakita.

Agad na nagsisigaw ang isang babae sa aking tabi.

“ Amo! Amo! Gising na si Ginoong Yiren!“ Malakas na sigaw nya.

Dinig na dinig ko pa ang malalakas na yabag ng mga tao na paakyat patungo dito sa kwarto.

“Yiren! Kapatid ko sa wakas ay nagkamalay ka din!” Tuwang-tuwa na sabi ng isang hindi pamilyar na babae.

Tinitigan ko lamang sya.

Sino ba ang mga ito?

Bakit Yiren ang tinatawag nila sa akin?

Eh Jasper ang pangalan ko?

“Oh bakit ganyan ka makatingin sa akin Yiren?” takang tanong nya.

Hindi kona napigilan ang aking sarili na magsalita.

“Sino kaba? At bakit Yiren ang tawag niyo sa akin?” nagtatakang tanong ko.

“Nako! Mukhang nawalan ng ala-ala ang Ginoo dahil sa kanyang pagkakabagok sa lawa” wika ng babaeng sumisigaw kanina.

“Totoo nga ang sinabi ng mga doktor na mawawala ang iyong mga alaala”

“Ngunit panandalian lamang daw yaan at babalik din ang iyong mga alaala kapatid” wika ng babae sa aking tabi.

Nalilito pa din ako

Pero sa ngayon ay naririnig ko ang mga tao sa labas  na tuwang-tuwa dahil ako daw ay nagising na.

Ano ba ang nangyayari?

Huling natatandaan ko ay nahulog ako sa balon na malapit sa aming bahay.

Pagkatapos noon ay bigla na lamang dumilim ang paligid at ngayon ay nasa ibang tahanan na ako.

Tapos ngayon ay nawalan pa ata ako ng memorya.

Nasaan ba ako?

Paano ako napunta dito?

Nahihilo nako sa kakaisip kaya ipinikit ko na lamang muli ang aking mga mata at hinayaan ang sarili na lamunin ng antok.

1 | Si Jasper

•Jasper

“Ang mga Asawa ng Hari at Emperor noon ay tinatawag na Imperial Harem. Ang Qianlong Emperor ng China ang siyang may pinakamaayos na sistema sapagkat nagkaroon ng mga antas ang bawat babae ayon sa kanilang yaman, pag-uugali, at kagandahan” mataman na paliwanag ng aming guro sa History.

“E mam bakit naman po may antas pa e pare-pareho lang naman sila na asawa ng hari?” tanong ng isang kaklase ko.

“Dahil kung wala ang kanilang mga antas ay magugulo ang sistema dahil dapat ay meron ding namumuno sa kanila at iyon ay yung Reyna o Empress na siyang pangunahing asawa ng Hari o Emperor” sagot ni mam.

“Kung wala nang magtatanong ay ipapagpatuloy kona ang diskusyon”

“Gaya nga ng aking nabanggit na ang Empress o Reyna ang may hawak sa pinakamataas na posisyon sa Imperial Harem. Susundan ng Imperial ……….”

At tuluyan kona siyang hindi naintindihan dahil napatulala na lamang ako sa bintana dala ng aking antok.

Pinagmamasdan ko ang puno sa tapat ng aming silid na mayroon na lamang kakaunting dahon na malapit nading mahulog mula sa sanga.

Tanaw ko din ang mga ibon na nakapatong sa kabi-kabilang sanga ng puno nang biglang…

“Mr.Jasper Rivera, kung hindi kana interisado sa leksyon ngayon ay maari kanang lumabas sa klaseng ito!” biglang malakas na sabi ng aming guro na nagpabalik sakin sa tamang pag iisip.

“Pasensya na po mam hindi na po mauulit “agad akong humingi ng paumanhin sa kanya.

“Para bigyan pa din kita ng quiz ay ulitin mo ang lahat ng aking sinabi mula sa posisyon ng empress hanggang sa pinakamababang posisyon sa Imperial Harem.” wika nito.

Nako naman baka magkamali pako neto grrrr

Alam kong nabasa ko naman na ito 2 days ago dahil mahilig akong mag-advance reading kapag wala akong ginagawa.

“Ang

Empress

po ang may hawak ng pinakamataas na posisyon sa harem at isang tao lamang ang dapat na maging empress. Susundan naman sya ng

Imperial Noble Consort

na pangalawa sa pinakamataas na posisyon sa Harem at ginagawad lamang kung walang empress ang kaharian at ayaw ng emperor na maghirang ng panibagong empress.“

“Sunod sa Imperial Noble Consort ay ang

Noble Conso

rt

o ang pangatlo sa mataas na pwesto ng harem at maaring magkaroon ng dalawang Noble Consort sa kaharian.

Imperial Consort

naman ang pang-apat sa mga pwesto ng harem at apat lamang ang maaring maging Imperial Consort.

Imperial Concubine

naman ang ikalima sa mga pwesto sa harem at anim lamang ang maaring maging Imperial Concubine. Sumunod ang mga

Noble Lady

na nasa ika-anim na pwesto at kahit ilan ang kanilang bilang.“

“Ang mga Changzai naman at Daying ay ang mga pinakamababang pwesto na pwedeng igawad sa isang babae na papasok sa harem” .

Mahabang paliwanag ko at sana naman ay nakuntento na ang aming guro sa paliwanag na iyon.

“Magaling! Bilib talaga ako sa iyo pero sana ay huwag nang tutulala sa susunod Jasper ha! “ Tumango na lamang ako at umupo.

Matapos iyon ay nag-quiz nga kami at napagod ang utak ko dahil walang pasabi ang aming guro na 100 items pala ang balak niya.

Natapos na ang aming huling klase sa araw na ito ay ngayon ako ay pauwi na sa aming bahay.

Ako si Jasper Rivera, 17 yrs.old at isang Gr.12 HUMSS student na mahilig magbasa gaya ng aking nabanggit kanina. 5’4 ang height ko kung kaya’t ang liit ko kumpara sa ibang mga kaedaran kong lalaki, marami din ang nagkakagusto sa akin hindi sa pagmamayabang dahil sa aking maputing balat at dark brown na buhok na namana ko sa aking ina samantalang ang aking mga mapupulang labi ay sa aking ama ko daw nakuha ayon kay mama. Lumaki ako na ang Mama ko lang ang aking kasama dahil hindi naman ako kilala ng aking ama dahil hindi sila legal na mag-asawa ni Mama.

Patuloy akong naglalakad at nagpasalamat ako dahil tatlong kanto na lang at makakauwi nako sa amin.

Nang marating ko ang aming tahanan ay nakita ko si mama na naghahanda na ng hapunan dahil hindi ko namalayan na 7:45 na pala ako nakauwi.

“Oh anak, naglakad ka nanaman ano?” tanong ni mama.

“Opo, Ma sayang po ang pamasahe sa trucycle e malapit lang naman po ang bahay sa school.”

“Nako! Ikaw talagang bata ka pagod kana nga galing sa school mo ay naglakad kapa. Sana ay namasahe ka nalang may pera ka naman diba?”

“Opo, Ma e pwede ko namang lakarin para may dagdag ako sa pera ko bukas hahahaha”

“O sige at bahala ka, umakyat kana at magbihis para makakain na tayo kaloka kang bata ka!”

Natawa ako sa inasal ni Mama dahil pa-bagets padin ang trip nya.

Pag-akyat sa kwarto ay nagpalit na ako ng damit at nagsuot ng oversized shirt at medyo maikling short pantulog dahil dalawa lang naman kami ni Mama dito sa bahay.

“Wow! Dalaga na talaga anak ko hahahaha”

“Ay ewan ko sayo ma, trip mo nanaman ako”

Hindi ko nga pala nabanggit na ako ay hindi straight at ayun nga baliko hahaha at yung mga nagkakagusto sa akin sa school ay hindi lamang mga babae kundi mga kagaya ko din na binabae na walang kaalam-alam na pare-parehas lang kami ng hanap.

Kumain kami ni mama habang nagku-kwentuhan tungkol sa mga nangyari sa amin sa araw na ito.

Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na si mama na mauuna nang magpahinga (Hindi habang buhay ha) at ako naman ay naghugas na ng pinagkainan namin.

Matapos iyon ay nagpunta muna ako sa sala at nanood saglit para antukin ako.

Oo nga pala hindi kami mayaman ni Mama, masasabi kong nasa gitna lang ang estado namin sa buhay at masaya na kami na makakain ng tatlong beses sa isang araw.

Swerte lamang si Mama sa trabaho kaya siya nakaipon at nabili na itong bahay na inuupahan namin dati.

Nang ako’y dalawin na ng antok ay inayos kona ang sala at umakyat na sa kwarto ko para mag-ayos at makatulog na ako.

Pumunta muna ako sa cr dahil maghihilamos muna ako at magsskin care muna bago matulog upang maging maganda pa din ang aking mukha.

Matapos iyon ay pabagsak na lamang akong humiga sa kama at inisip ang mga mangyayari kinabukasan hanggang sa kainin ako ng antok.

2 | Ang Misteryosong Balon

•Jasper

KINABUKASAN

Nagising ako sa kalampag ni Mama sa pinto ng kwarto ko.

“Jasper!!! Anong oras na ikaw talagang bata ka!”

“Gising na po! Ang aga mo mangalampag Ma”

“Aba tanghali na kumilos kana jan at may pasok kapa”

“Sige po! Mag-aayos napo ako”

Matapos iyon ay nagtungo muna ako sa CR para maghilamos at magtoothbrush.

Bumaba na ako at nakita si Mama na kumakain na kaya umupo na din ako at sumabay sakanya.

“Oh nak, pagkatapos ko dito ay ikaw na ang bahala ha! Di ako pwede malate ngayon at may meeting ako ngayong araw”

“Sige po Ma! Ako na magliligpit neto pagkatapos”

Nagpatuloy kami sa aming pagkain at nagkwentuhan pa sandali bago umalis si mama.

“Nak, aalis nako ha! Wag mo kalimutan maglock mamaya pag pasok mo. Mag-iingat ka Love you!”

At umalis na nga sya.

Nanood muna ako ng TV para patayin ang oras. Hindi ko na napansin ang oras at isang oras nalang pala ay 1:00 na!!!

Malalate nako!!!

Agad akong napatakbo sa kwarto ko para maligo na at maghanda dahil mabagal ako kumilos kaya madalas ako paalalahanan ni Mama na wag kukupad-kupad.

25 minutes nalang at 1:00 na nang matapos akong maligo kaya binilisan kona ang pagbibihis at konting ayos at pabango nalang muna ang ginawa ko para hindi ako mahuli sa klase.

Matapos kong macheck ang mga nakasaksak at mailock ang gate ay halos lakad takbo na ang ginawa ko para makaabot sa klase kasi terror ang prof sa first subject namin ngayon.

Nang makarating sa school ay dumiretso agad ako sa room para lamang makita ang mga nag-iingay kong kaklase.

“Oh bakit hinihingal ka Jas?” tanong ni Emman, isa sa mga kaclose ko dito sa room.

“Kaya nga, pero bakit ganon kahit pawis kana ay fresh ka padin huhuhu” sabat naman ni Ron, kaklase ko din.

“E kasi naman natuwa ako sa kakanood sa TV kaya ayun 12 na pala saka lang ako natauhan at kumilos”

“Gaga ka talaga hahaha! Bakit kapa nagmadali  e wala naman daw si Prof ngayon kasi may lalakarin daw” sabi ni Niel, kaklase ko ulit.

“Ha!!! Bakit di nyo naman ako sinabihan!” pagmamaktol ko sa kanila dahil napagod ako dun sa pagtakbo ko.

“Haynako! Nag-announce ako sa gc natin di ka nagsiseen” sabi ni Lloyd, President namin.

“Kaloka nakalimutan ko magbasa kakamadali ko”

“Oh wala naman tayong klase, kain muna tayo?” yaya ni Emman na sinang-ayunan naming apat.

Grade 11 palang ay magkakaclose na kami ng apat na yan dahil likas na mga joker at masaya sila kasama.

Sila yung nagtatanggal ng boredom ko dito sa school kapag puro aral lang inaatupag ko, kukulitin ako nyang mga yan.

Hindi maitatanggi na naging magkakaclose kami dahil pare-parehas kaming babae ang puso’t diwa hahaha.

Pagpasok namin sa canteen ay medyo maraming tao pero nakahanap padin kami ng pwesto, nagpresinta na si Niel at Ron na umorder kaya nagbigay kami ng pera sa kanila para magpasabay na din.

Natagalan sila pero nakaorder din naman kaya hinintay nalang namin na tawagin kami para kuhain na ang mga naorder na pagkain.

Nang tumayo na sila para kunin ang mga pagkain ay biglang natisod si Ron kaya tumapon ang juice sakanya.

Nako po! Mukhang magkaka-away pa ata ngayon dito.

Mabilis na tumayo si Ron at tinignan kung sino ang nantisod sakanya.

Kitang-kita namin ang naka-arkong kilay nito malamang ay dahil inis na inis ito at namantsahan ang damit nya na ayaw na ayaw nyang nangyayari.

“Excuse me, anong problema mo at tinisod moko ha?”

“Wala naman, sadyang nakakainis lang talaga yang mukha mo kaya pinakiss kolang sayo yung lapag”

May mga nagtawanan dahil dun.

“Pigilan na natin si Ron bago pa sumabog yan, kilala nyo magalit yan” sabi ni Lloyd samin.

“Wag muna, deserve ng babaeng yan ang galit ni Ron” sagot ni Emman.

“Is that so? Ngayon kolang nalaman na naiinis din pala mga pader no”

At mas nagtawanan ang mga tao dahil dun.

“Whatever! Bagay lang naman sayo yan tutal mukha namang basahan yang suot mo hahaha!” wika nung babae na namukhaan kona. Si Mae na tiga TVL.

“Bagay ba? Mas bagay ata sayo e”

At saka binuhos ni Ron kay Mae yung iced tea ko!

Mas nakakagulat ang sumunod na nangyari dahil pinaghiwalay nya yung sandwich at pinahid sa magkabilang pisngi ni Mae kaya nagtitili ang babae.

Sasampalin sana nung Jessa na kasama ni Mae si Ron nang hinarang ito ni Niel at sya ang sumampal dito..

Masyado nang nakakagulantang ang mga nagaganap dahil may dumating pang tatlong babae na mukhang back up pa ata nung dalawa na nakasalampak ngayon sa sahig.

Sila Sophia, Joy, at Hazel pala yung mga yun na tiga STEM.

Agad nilang nilapitan yung dalawa at walang sabi na sinampal ni Hazel si Ron na hindi inexpect na mangyayari yun.

Agad kaming tumayo para tulungan ang dalawa dahil hindi namin sila hahayaan na maapi ng mga yun.

“Hey Ugly Ducklings! Ano sa tingin nyo ang ginagawa nyo sa mga kaibigan namin? “nakapamewang na sabi ni Emman with her signature Bored Face .

“Well, pinalad yung friend nyo hahaha” sagot nung babaeng akala mo kung sinong matangkad para makisabat samin.

“Aw how cute”

At bigla-biglang hinampas ng tray ni Emman Si Sophy na pinakamalapit sakanya at doon ay nagsisigaw ang bruha.

Agad na sasali sana ang dalawa nang harangin na namin sila ni Lloyd.

“At saan mo naman balak pumunta ha?” tanong ko kay Hazel.

Nagulat ako nang bigla ako nitong tadyakan kaya pagkabawi ko ng balanse ay hinatak ko ang buhok nito at saka sya nilock sa submission na nakikita ko minsan sa Wrestling.

Nag-aaray siya pero dinungisan nya ako kaya dapat lang na magbayad siya.

Natigil lamang ang away ng may dumating na apat na lalaki para umawat sa gulo na nangyayari ngayon.

Si Iverson, Levi, Zach, at Kayle, mga boyfriend nung apat.

Agad nilang nilayo ang mga kasintahan nila sa mga babae kaya nakaalis ang mga babae sa hawak namin.

Oo namin kasi hinatak ako ni Kayle na boyfriend nk Lloyd kasi di naman nakikipag-away si Lloyd dahil nga President sya at may reputasyon na iniingatan.

Nakakaloka wala nga pala akong boyfriend kaya wala akong aasahan dun.

Napagod ako sa away na yun kaya sabi ko ay sa library muna ako magpapahinga at saka na lamang papasok sa klase kapag may prof na kami.

MAKALIPAS ANG DALAWANG ORAS

Hindi ko namalayan na nakatulog nako sa pagod at kung hindi pako tawagan ng mga kaibigan ko ay hindi ako magmamadali na tumakbo papunta sa klase namin.

Agad akong umupo sa pwesto ko at buti nalang ay naunahan ko ang Prof namin na makarating sa room kundi ay yari ako.

Matapos ang klase namin ay sabay sabay kaming nagtungo sa gate.

Doon ay nakaabang na ang mga boyfriend nila sa kanila at sila ay nagpaalam na sa akin dahil magkakaiba kami ng daan pauwi.

Habang naglalakad ay parang may naririnig akong nanghihingi ng tulong ngunit mahina lang ang boses nito kaya dahan dahan kong sinundan ang boses na pinangggalingan nito at dinala ako nito sa isang abandonadong bahay na apat na kanto ang layo sa aming bahay.

Nagtataka lamang ako dahil sa tagal ko nang naglalakad pauwi ay hindi ko naman ito napapansin.

Nakakatakot pumasok sa loob ngunit mayroon pa ding nanghihingi ng tulong kaya nilakasan ko ang loob ko at dinala ako ng aking mga paa sa hardin ng bahay at doon ay may balon akong nakita na pinamahayan na ng mga sapot ng gagamba.

Unti-unti akong lumapit dito dahil palakas na ng palakas ang boses hanggang sa dahan dahan akong dumungaw dito at wala naman na ang boses kaya nagpasya ako na umuwi nalang para magpahinga dahil nasayang lang ang pagod ko dito.

Pag-uwi ko sa bahay ay nandoon na si Mama na sinabihan ko nalang na wala akong gana gumain at magpapahinga na ako.

Dumiretso nako sa kwarto ko at pagtapos ko maghilamos at sipilyo ay agad akong humiga at kinain na nang dilim.

3 | Pagkahulog sa Kawalan

•Jasper

Nang magising ako ay 11:00 na pala kaya dumiretso nako sa CR para maghilamos at magsipilyo na din dahil kakagising kolang.

Matapos iyon ay bumaba nako at nagtaka kung bakit wala si Mama e maaga pa naman.

Pumunta ako sa kusina at nakita ang pagkain na natatakpan ng tray at isang note.

“ Nak, maaga ako umalis kasi may importanteng kliyente kami ngayon kaya kailangan ako ng maaga doon ha. Hindi na kita ginising kasi parang pagod na pagod ka.

Ps: Wag mo kalimutan ilock ang pinto at bunutin lahat ng nakasaksak ha! Love you!“

Haynako si Mama talaga pero tama naman siya napagod talaga ako kahapon.

Makipagbugbugan ka ba naman tapos pumunta kapa sa nakakatakot na lugar na iyon sino ba naman ang hindi mapapagod ng todo dun.

Kinain kona ang niluto ni Mama at pagkatapos ay tumulala muna ako habang iniisip ang misteryosong balon na iyon.

Malinaw sa akin na doon nanggagaling ang malakas na pagtawag pero nung lumapit naman ako ay wala namang tunog na nanggagaling doon na nakakapagtaka.

Isa pa ang ngayon ko lang talaga nakita ang bahay na iyon sa tagal ko nang naglalakad papasok at pauwi galing sa school.

Natapos ang pagtulala ko nang marinig ko ang cellphone ko na nagriring kaya tinignan ko kung sino ang tumatawag sa akin.

Agad kong nakita ang pangalan ni Lloyd kaya sinagot ko ito.

“Oh bakit ka napatawag?”

“Jas, pumasok ka ng maaga ngayon kasi pinapatawag tayo sa Disciplinary Office dahil sa nangyari kahapon”

“Jusmeee! Di pa ako naliligoooo! Sige na magmamadali nako tawagan mo na din yung tatlo. Bye”

Binaba kona ang tawag at umakyat na sa taas para maligo at mag-ayos na para makapasok ako ng maaga at may appointment pala ako ngayon hahaha.

12:15 na nang matapos akong maligo at magbihis kaya nag-ayos na ako ng sarili at hinablot kona yung bag ko sabay takbo pababa.

Chineck ko muna kung may nakasaksak pa at nang makita ko na wala naman na ay nilock kona ang pinto at umalis nako.

Ang init pala ngayon buti nalang may payong ako kaya di naman ako matutusta nito.

Pagkadating ko sa school ay dumiretso na ako sa Disciplinary Office at doon ay nakita kona ang apat na hinihintay ako.

“Oh ano na ganap?” tanong ko sa kanila

“Ayun nagreklamo daw yung mga bruha kaya pinatawag tayo dito” sagot ni Lloyd

“Hampasin ba naman ng tray sa mukha e sino hindi magrereklamo dahil dun hahaha” natatawang wika ni Emman

Nagtawanan kami at maya-maya ay pinapasok na kami dahil dumating na ang mga bruha na masasama ang tingin sa amin.

Pinaupo kami ni Ms.Dela Paz at nagsimula na siya sa mga tanong niya.

“Sa palagay ko ay alam niyo na kung bakit kayo nandito ngayon diba?” tanong niya na tinanguhan naman namin.

“Yes po, Ms. Annie Joy” sagot ni Mae

“It’s Ms. Dela Paz okay?” nainis na tugon nito na ikinatawa namin.

“Hindi nako magpapaligoy-ligoy pa, sino ang nagsimula ng gulo?”

Tinuro namin sila habang sila naman ay tinuro din kami kaya nainis si Ms.Dela Paz.

“I’m hoping that you will be honest because I already know the true story here” sabi nito kaya walang nagawa ang mga bruha kundi magbaba ng kamay at manahimik.

“Okay very good, because of your actions yesterday you will be suspended for a week so that you can reflect about your inappropriate actions yesterday” wika nito at nakita ko ang panlulumo sa mukha ng mga bruha.

“As for you guys, all of you will do community service for 3 days and it starts today” wika nanaman niya na nagpalugmok sa akin dahil nakakaloka ang init ngayon tapos maglilinis pa kami.

“Sana hindi na maulit ito kundi ay ipapatawag kona ang mga parents niyo. That ends our discussion and sana hindi kona kayo makita dito sa office ko ulit ha. You can go now” at pina-alis niya na kami.

Dumiretso kami sa mga janitor para manghiram ng mga gamit at magsimula na maglinis.

Inuna na namin ang ground at doon palang ay suko na ako dahil tagaktak na ang pawis ko.

“Nakakaloka! Bakit ba kasi pinaglinis pa tayo!” reklamo ni Ron

“E may kasalanan din naman tayo sa nangyari kahapon saka buti nga hindi tayo nasuspend no mas nakakaloka yun” sagot ni Niel.

“True ka jan” segunda ni Lloyd.

Inabot na kami ng ilang oras at ngayon ay napagpasyahan namin na umupo muna sa mga bench dahil kakatapos lang namin magwalis sa ground at sobrang nakakapagod na talaga.

Maya-maya lang ay lumapit sa amin ang mga boyfriend ng apat at inabutan nila kami ng maiinom dahil sobrang uhaw na talaga kami.

Buti nga at binilhan din nila ako dahil lugi ako sa apat na yan dahil may mga boyfriend samantalang ako nag-iisa kaloka.

May mga nanliligaw din naman sa akin pero sadyang ayaw ko lang sa kanila dahil habang tumatagal ay hindi na sila makapaghintay sa sagot ko at sumusuko sila.

Dahil doon ay hindi muna ako tumatanggap ng manliligaw at ayoko munang mastress dahil sa kanila.

Matapos magpahinga sandali ay tumayo na kami at nagpatuloy sa paglilinis habang ang mga boyfriend naman nila ay nagsibalik na sa mga klase nila.

MAKALIPAS ANG DALAWANG ORAS

Napagpasiyahan na namin na tapusin na muna ang paglilinis para sa araw na ito dahil ubos na talaga ang mga energy namin kakalinis dito.

Nagpahinga nalang kami sandali at pinalipas ang oras.

Nang magbell na ay tumayo na kami at dumiretso sa gate at as usual hinihintay na sila ng mga jowa nila kaya nagpaalam na ako sa kanila ay nauna na maglakad.

Para akong zombie na naglalakad dahil sa pagod ko ay gusto kona sumalampak sa kalaada at matulog hahaha.

Habang nasa katinuan pa ako ay binilisan kona ang lakad ko para makauwi nako at makapagpahinga.

Habang naglalakad ay narinig ko nanaman ang boses na narinig ko din kahapon nang ako ay naglalakad na pauwi.

Kaya kahit ayaw kona sana na pumunta doon sa bahay na iyon dahil sigurado akong doon nanaman ako dadalhin ng tunog na ito ay pinilit ko nalang na lakasan ang loob ko at naglakad papunta doon sa abandonadong bahay na iyon.

Konting lakad lang ang ginawa ko at nasa tapat na ako ng bahay na iyon.

Naririnig ko na lumalakas na naman ang tunog ng nanghihingi ng tulong kaya binilisan kona ang pagpasok at doon nanaman ako dinala ng tunog sa hardin kung nasaan ang balon.

Dahan dahan ko ulit na nilapitan ang balon at sumilip doon nang maramdaman ko na may tumulak sa akin at doon ay naramdaman ko na lang na nalaglag na ako sa misteryosong balon na ito.

Sa takot ko ay nagsisigaw ako at humihingi ng tulong pero nag-eecho lamang ang boses ko at dahil sa mabilis na pagbagsak ko at lumubog ako sa tubig.

Pinilit kong lumangoy pataas pero may kung anong pwersa ang pumipigil sa akin na umahon at dahil nga pagod na ang katawan ko dahil sa paglilinis kanina ay hindi kona kinaya pang umahon at pinikit ko na lamang ang aking mata at hinayaan ang sarili na tuluyang kunin ng kawalan.

4 | Nasaan Ako

•Jasper

Naramdaman ko ang katawan ko na tila nakalutang ako sa kung saan at tila ba nasa bisig ako ng kung sino.

Pinipilit kong huminga pero may nakabara sa aking ilong at ako’y hindi makahinga. Pinipilit ko din na magsalita pero walang boses na lumalabas mula sa akin.

Hanggang sa naramdamang kong inilapag ako sa isang malamig na bagay at mayroong pwersa sa dibdib ko at bigla na lamang akong napabuga ng tubig at narinig ko ang isang tinig.

“Buhay ang Ginoo!”

Matapos kong magbuga ng tubig ay naramdaman ko na binuhat ako ng kung sino mang tao na ito kaya nagpadala na lamang ako sa antok at pagod na damang-dama ko padin.

Pagmulat ko ng aking mga mata ay nasa isang kwarto ako na ngayon ko lamang nakita.

Agad na nagsisigaw ang isang babae sa aking tabi.

“ Amo! Amo! Gising na si Ginoong Yiren!“ Malakas na sigaw nya.

Dinig na dinig ko pa ang malalakas na yabag ng mga tao na paakyat patungo dito sa kwarto.

“Yiren! Kapatid ko sa wakas ay nagkamalay ka din!” Tuwang-tuwa na sabi ng isang hindi pamilyar na babae.

Tinitigan ko lamang sya.

Sino ba ang mga ito?

Bakit Yiren ang tinatawag nila sa akin?

Eh Jasper ang pangalan ko?

“Oh bakit ganyan ka makatingin sa akin Yiren?” takang tanong nya.

Sino ba kasi si Yiren at bakit iyon ang tinatawag nila sa akin.

Hindi kona napigilan ang aking sarili na magsalita.

“Sino kaba? At bakit Yiren ang tawag niyo sa akin?” nagtatakang tanong ko.

Nakita kong nagulat siya sa aking sinabi pero nalilito talaga ako sa mga nangyayari e.

“Nako! Mukhang nawalan ng ala-ala ang Ginoo dahil sa kanyang pagkakabagok sa lawa” wika ng babaeng sumisigaw kanina.

“Totoo nga ang sinabi ng mga doktor na mawawala ang iyong mga alaala”

“Ngunit panandalian lamang daw yan at babalik din ang iyong mga alaala kapatid” wika ng babae sa aking tabi.

Ako? Nabagok sa lawa?

E ang huli kong natatandaan ay pauwi nako sa bahay kasi pinagcommunity service kami at pagod na pagod ako na naglalakad at narinig ko yung boses na naghihingi ng tulong.

Pinuntahan ko yung balon na pinanggagalingan ng boses at may tumulak sa akin doon. Paano ako nabagok sa lawa na sinasabi nila?

“Teka nga, anong nabagok ako sa lawa? Eh ang huling natatandaan ko ay nahulog ako sa isang balon” wika ko na siyang naging dahilan ng pagtawa ng dalawang babae na ito.

“Nako mukhang wala ka nga sa matinong pag-iisip at marahil ay naalog ang iyong utak dahil sa pagkakabagok mo” natatawang ani ng babae na hindi ko pa din nakikilala.

“Teka nga, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko” wika ko.

“Ano ka ba? Ako si Yuri, kakambal mo! Nakakatampo ka na ha pati talaga pangalan ko kinalimutan mona” wika nito.

“Eh ikaw sino ka naman? Kapatid ka din ba namin?” tanong ko sa isa pang babae.

“Ako ang inyong tagapaglingkod na si Rin” sagot niya sa akin at doon ay natauhan ako na wala ako sa bahay namin dahil hindi ko talaga sila kilala at lalong wala akong tagapaglingkod no!

Agad akong bumangon at nagmamadaling lumabas sa kwarto na tinutuluyan ko.

Nakakita ako ng hagdanan at ako ay agad na bumaba at nang makita ko ang pintuan ay nanibago talaga ako dahil wala naman ako sa bahay namin o sa hospital manlang.

Pagkalabas ko ng pintuan ay nakita ko ang gate ng bahay na ito at sa labas noon ay naririnig ko ang iba’t-ibang boses ng mga tao sa labas.

Mayroong nagbebenta, nag-aalok ng matutuluyan atbp.

Nalililito na talaga ako sa mga nangyayari kaya napabalik na lang ako sa loob kung saan sinalubong ako ni Yuri at Rin.

“Oh bakit ka biglang tumakbo palabas?” tanong ni Yuri.

“Nasaan ba ako? Kasi sigurado ako na hindi ako dito nakatira” tanong ko sakanya.

“Ginoo, nandito kayo sa inyong tahanan sa Kapitolyo” sagot ni Rin.

“Kapitolyo? Saan ba talaga ang lugar na ito, nasa Manila paba ako?” muli kong tanong.

“Hindi ko maintindihan Ginoo pero nandito tayo ngayon sa Kapitolyo ng Kaharian ng ating Emperor.”

Emperor? Emperor!!!

“Sinong Emperor ang tinutukoy mo?”

“Ang Emperor na kakaupo lamang sa trono, Ang Qianlong Emperor po Ginoo” sagot niya na nagpagulantang sa akin.

“Ano ba nangyayari sa iyo Yiren ha? Ikaw ay isa sa mga pinakamatalinong binata dito sa Kapitolyo. Imposibleng makalimutan mo ang mga iyan dahil paborito mo ang pag-aaral hindi ba?” nalilitong turan ni Yuri sa akin.

“Pumasok na nga tayo sa loob para makakain kana din at alam kong nagugutom kana” wika niyang muli sabay hatak sa akin papasok ng tahanan “namin”.

Nagpahatak na lamang ako sakanya habang nag-iisip.

Nasa Kapitolyo daw kami ng kaharian ng Qianlong Emperor kung ganoon ay nasa ibang panahon ba ako?

Jusko naman oh!

Kasalanan ng balon na iyon ang lahat ng ito e! Dapat talaga di kona pinansin iyon edi sana wala ako dito ngayon!

Nakakainis talaga!

Kailangan kong makabalik sa panahon ko dahil hindi ako nabibilang dito.

Nakakaloka naman kasi e! Kakaaral lang namin tungkol sa Qianlong Emperor na iyan tapos ngayon ay nandito ako sa panahon kung saan siya namuno.

Masisiraan yata ako ng bait dito.

Natapos lamang ako sa pag-iisip ng pinaupo na nila ako at hinainan ng pagkain at dahil nga nagugutom na din ako ay inalis ko muna sa utak ko ang mga iniisip ko at kumain na.

5 | Si Yiren

•Jasper/Yiren

Habang kumakain kami ay may dumating na babae at agad na pumunta sa lamesa na kinaroroonan namin.

“Amo, mabuti at gising na po ang Ginoo!” wika nito sabay tabi kay Yuri.

“Mabuti nga at nagising na din ang kapatid ko Rai” sagot ni Yuri.

Dahil sa hindi ko siya kilala ay tinanong ko ang pangalan niya.

“Sino ka? At bakit ngayon lang kita nakita?” wika ko na ikinatawa nito.

“Nako! Mukhang nakalimot nga ang Ginoo. Ako po si Rai, tagapaglingkod ng inyong kapatid, kagaya rin po ako ni Rin na kinuha ng inyong Ama at Ina para pagsilbihan kayo.” sagot niya sa akin.

Kung ganoon ay mayaman nga ang pamilya ni Yiren dahil kaya nilang kumuha ng mga tagapagsilbi at tig-isa pa talaga ang magkapatid na ito.

“Kanina pagkagising ko ay narinig ko sa labas na tuwang-tuwa sila na ako’y nagising na. Bakit ba ganoon ang mga reaksyon nila? At nasaan si Ina at Ama?” sunod-sunod na tanong ko sa kanila.

“Kahapon po kasi ay umalis tayo upang manguha ng mga halaman na inyo sanang gagamitin para sa paggawa ng gamot ng ibang tauhan dito sa tahanan ninyo. Habang naghahanap po tayo ay nakakita kayo ng isang lawa at sinabi mo na gusto mo munang magtampisaw at napakainit ngayon.”

“Sinabi mo na bumalik muna ako sa inyong tahanan para ikuha ka ng masusuot pagkatapos mong maligo sa lawa ngunit sa aking pagbalik doon ay hindi na kita nakita kaya kinabahan ako at nanghingi na ng tulong. Mabuti na lamang at may mga nagmagandang loob na tulungan ka at nang sumisid na sila ay nakita nila ang katawan mo sa ilalim ng lawa na katabi ng isang tibak ng bato. Agad ka nilang isinisid pataas at doon ay nakita namin na mayroong dugo na nanggagaling sa iyong ulo kaya agad akong nagpatulong para bitbitin ka pauwi at maipagamot ang iyong ulo.”

“Pagkarating natin dito ay nagpatawag agad ang iyong ama ng manggagamot para tignan ang kalagayan mo ay doon nga ay sinabi nito na maaring nabagok ang iyong ulo sa bato na iyon na siyang magiging sanhi ng pansamantalang pagkawala ng iyong memorya.” mahabang salaysay sa akin ni Rin.

“Gusto ko din pong humingi ng paumanhin sa iyo Amo dahil hindi kita nagawang bantayan doon.” muling wika nito.

“Wala ka namang kasalanan doon dahil ako ang nag-utos sa iyo at sa ngayon ay tulungan niyo na lamang ako na maibalik ang memorya ko.” sagot ko sakanya na sinang-ayunan nila Yuri at Rai.

“Magsimula tayo sa mga impormasyon tungkol sa iyo.” wika ni Yuri.

“Ikaw si Yiren, anak ni Zhao na Punong Ministro ng Kagawaran ng Pagsasaliksik at ni Mira na mula sa isang aristokratong pamilya dito at isa din sa pinakamagagandang babae na nasilayan ng buong Kapitolyo kung kaya’t marami ang naiinggit sa ating pamilya dahil sa impluwensya ng ating mga magulang.”

“Ikaw si Yiren, na isang binata na maglalabing-walong taon na sa susunod na anim na buwan at may kakambal na magandang dalaga na nagngangalang Yuri” wika nito at tumayo pa para lamang malaman kong siya si Yuri hahaha.

“Isa kang matalinong bata mula pa noong mga bata tayo ay hilig mona ang pagbabasa ng mga libro. Mahilig ka din mangulekta ng mga halaman na palagi mong ginagawang gamot para sa ating mga tauhan dito.” pagpapatuloy niya.

Kung ganoon ay talaga palang mabait na tao itong may-ari ng katawan na ito dahil likas siyang matulungin sa kanyang kapwa.

“Hindi lang iyon, ginoo. Kayo ni Binibining Yuri ang dalawa sa mga hinahangaang kabataan dito sa Kapitolyo dahil sa angkin ninyong kabaitan at natatanging mga mukha na tila ba perpekto ang pagkakagawa.” dagdag naman ni Rai.

Sinang-ayunan naman ito ni Rin at syempre ng kambal ko na si Yuri na tuwang-tuwa sa kanyang narinig.

Nung sinabi nila ito ay saka ko lamang natitigan ng maigi si Yuri at totoo ngang napakaganda nito at napakaputi din niya na binagayan ng kanyang itim na buhok.

Talaga palang maganda ang katayuan ni Yiren dito sa lugar na ito dahil sa impluwensya ng kanilang pamilya pati na rin sa kanyang talino at itsura na talagang hinahangaan ng mga tao dito.

Pagkatapos ng aming kwentuhan ay nagpaalam muna ako sa kanila para umakyat at magpahinga dahil hindi pa masyadong maganda ang pakiramdam ko kahit busog nako hahaha!

Sinamahan ako ni Rin hanggang sa kwarto at doon ay naghihintay lamang sya habang nakatayo at nagtaka ako dahil sa inasal niya ngayon.

“Oh bakit naman nakatayo kalang jan?”

“Amo, hindi ako pwedeng umupo dahil baka po may ipag-uutos kayo sa akin” sagot niya.

“Nako naman umupo kana din sige na at wala naman akong iuutos”

Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko.

“Oh bakit ka naman nagulat jan?”

“E kasi po dati ay hinahayaan nyo lang ako na tumayo habang nagpapahinga kayo samantalang ngayon ay niyaya niyo pa po akong umupo.” sagot niya

“Ganoon ba? Hayaan mo sa susunod kapag wala ka namang gagawin magpahinga ka din para naman narereserba ang lakas mo at hindi ka mapagod ng husto” sabi ko sakanya.

“Salamat po sa inyong pag-aalala ginoo.”

“Ilang taon kana ba Rin?” tanong ko sa kanya kasi kanina ko pa napapansin na madalas siyang mag “po” e mukha namang magkaedad lang kami.

“Kasing edad niyo lamang po ako ginoo”

“E ganon naman pala edi huwag kana mag “po” sa akin dahil nagmumukha akong matanda dahil jan hahaha“ natatawang wika ko sa kanya.

“Tanda po iyon ng paggalang ko sainyo ginoo kaya hindi ko po pwedeng alisin iyon” sabi niya.

“Sige, pero kapag tayong dalawa lang naman ay huwag kana magbigay galang sa akin at tawagin mo na lang ako sa pangalan ko dahil mas komportable ako doon.” sabi ko ulit sakanya.

“Kung iyan po ang inyong nais ay susundin ko po ito” sagot niya.

“Oh kakasabi ko lang e” natatawang ani ko.

“Pasensya na Yiren at sinasanay ko pa lamang ang aking sarili” nahihiya niyang tugon sa akin.

“Mabuti kung ganoon. Siya nga pala Rin, maari mo ba akong tulungan na maka-alala bilang nabanggit ni Yuri na matagal na kitang tagapagsilbi ay tiyak na marami ka namang alam sa akin hindi ba?”

“Walang problema Yiren. Magtanong ka lamang sa akin at sasagutin kita sa abot ng aking makakaya”.

“Maraming salamat. Ah maari mo ba akong ikuha ng salamin at nais ko lamang pagmasdan ang aking sarili ngayon.” utos ko na agad niya namang sinunod.

Nang makaalis sandali si Rin ay napaisip ako na talaga palang malaki ang pagpapahalaga ng mga tao sa antas ng pamumuhay dito sa panahong ito. Inisip ko din na siguro ay nasanay na si Yiren sa ganitong buhay pero hindi pa din niya nakakalimutang tumulong sa iba hindi katulad ng mga taong nakaaangat ang buhay sa panahon na pinanggalingan ko.

Naputol lang ang pag-iisip ko ng muling dumating si Rin na may hawak-hawak na isang salamin na agad niyang inabot sa akin.

Pagkakuha ko dito ay tinapat ko ito sa aking mukha at saka ko lamang napagmasdan ang aking sarili.

Hindi ko nga masisisi ang mga tao dito kung bakit sila humahanga kay Yiren dahil sa kanyang itsura. Talaga nga kasing nakakabighani ang itsura niya.

Sinuri ko ang aking sarili at nakita ko na wala namang masyadong nagbago maliban nalang sa buhok ko na hindi na dark brown dahil ito ay kulay itim na at makinang din ito ngayon.

Talaga ngang hawig ko si Yiren sa panahong ito at masasabi kong parang itinakda na mapunta ako dito sa panahong ito dahil kung hindi ay baka wala na talagang buhay ang Yiren na natagpuan nila sa lawa.

“Napakaganda talaga ng iyong mukha Yiren, walang pinagkaiba sa mukha ng iyong kapatid kaya hindi nakapagtataka na may mga kalalakihan din na nais kang maging kasintahan.” wika ni Rin.

Hala! Meron na din palang mga ganon sa panahon na ito.

“Totoo ba ang sinabi mo Rin?”

“Hindi ako nagsisinungaling Yiren, talagang maraming ang humahanga sa iyo dito sa Kapitolyo.”

Namula ako dahil sa binanggit niya. Lapitin din pala si Yiren ng mga lalaki dito hahaha. Mukhang magiging masaya naman ako dito pero kailangan ko pa ding makahanap ng paraan para makabalik ako sa panahon ko at baka nag-aalala na sa akin si Mama doon.

6 | Misyon Ni Yuri

•Jasper/Yiren

Matapos ang usapan namin ni Rin ay nagsabi ako sa kanya na gisingin nya na lamang ako kapag kakain na ulit kami at matutulog muna ako ulit.

Sinunod niya naman ang utos ko at agad siyang lumabas ng kwarto at narinig ko na lang ang mga yabag niya.

Habang nagpapaantok ako ay tumulala muna ako at saka ko naisip na parang ambilis naman ng mga nangyayari sa akin jusme.

Parang kanina lang ay naglilinis ako kasama ang apat na mga kaibigan ko tapos narinig ko yung boses na nanghihingi ng tulong at dahil sa kanya sumilip nanaman ako sa balon at may kung sinong tumulak sakin.

Tapos ngayon ay nandito nako sa isang bahay na kanina lang ay hindi pamilyar sa akin at ang mas nakakaloka doon ay nasa ibang katawan ako. I mean katawan ko pa din naman ito pero ibang tao na ako at nasa ibang panahon pa ako.

Napunta ako sa panahon na uso pa ang mga Emperor kaloka naman talaga oh!

Andaming nangyari sa akin sa loob lamang ng maikling panahon at pakiramdam ko ay pagod na pagod ako dahil dito. Alam ko naman na wala pa akong magagawa sa ngayon dahil bago lang ako dito at nag-aadjust pako sa paligid ko pero dapat akong makagawa ng paraan para makabalik ako sa panahon ko.

Sa ngayon ay pipilitin ko nalang muna makibagay sa mga tao dito bilang si Yiren, isang matalino at ubod ng gwapong binata na hinahangaan ng lahat.

Alam kong hindi magiging madali para sa akin ang lahat lalo na’t hindi ako sanay sa mga kilos at gawi nila dito sa panahong ito pero kaya ko naman sigurong aralin yung mga iyon habang nandito pa ako diba.

Naramdaman kona ang antok kaya itinigil kona ang pag-iisip ko at nagpatangay sa antok.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero tila ba isang talon na umaagos sa akin ngayon ang mga pangyayari kung saan nakikita ko ang sarili ko na naglalaro dito sa bahay na ito.

Nakikita ko din ang sarili ko na kasama ang isang babae na sa tingin ko ay nasa sampung taong gulang na pumipitas ng ilang mga bulaklak sa hardin habang sa likod namin ay mayroong dalawang babae na nakatingin lamang sa aming mga ginagawa.

Nakilala ko ang mga batang iyon. Ang katabi ko ay si Yuri na nahalata ko agad dahil sa hindi nalalayong itsura nito sa akin at ang mga nasa likod namin ay sina Rin at Rai.

Kung gayon ay totoo nga ang mga sinabi nila na bata pa lamang sila ay naninilbihan na sila sa amin.

Nawala ang memoryang iyon at napalitan ng eksena kung saan kumakain kami ni Yuri kasama ang isang napakagandang babae at isang lalaki na seryoso ang itsura pero gwapo din naman. Siguro ay sila ang mga magulang nila Yiren at Yuri.

Masaya kaming kumakain at nakikita ko sa mga mata nila ang galak habang nagkukwentuhan sila.

Napalitan nanaman ito at dito naman ay nakita ko ang sarili ko na nagbabasa ng isang libro habang marami pang mga nakapatong na libro sa harapan ko.

Mukhang mahilig ngang magbasa si Yiren ng libro na ikinatuwa ko dahil pareho kami ng hobby.

Nawala ulit iyon at napalitan ng isang eksena kung saan kaharap naman ni Yiren ang isang lalaki na may katandaan na at napansin kong may itinuturo ito sa kanya. Siguro eto yung teacher niya.

Matapos iyon ay nakita ko naman si Yiren at Yuri na naglalakad habang ang mga damit nila ay iba sa suot ko ngayon dahil parang mas formal ito at diretso lamang ang dalawa ng tingin na tila ba nagfofocus pati ang sapatos nila ay medyo nagpatangkad sa kanilang dalawa.

Mapapalitan na sana ulit ang eksena ng maramdaman kong may umuuga na sa akin at doon ay nagmulat na ako ng mata at nakita ko si Rin na ginigising na pala ako.

“Yiren, dumating na ang inyong Ama at Ina mula sa dinaluhan nila sa palasyo at tuwang-tuwa sila na gising kana kaya nagpahanda sila ng salo-salo. Halika na at hinihintay kana nila sa baba” wika sa akin ni Rin.

Agad naman akong tumayo at medyo nanibago ako dahil sanay akong naghihilamos paggising ko dahil may cr naman ako sa kwarto ko sa bahay pero dito ay sa baba pa ang kanilang paliguan at nandoon ang mga tubig kaya wala akong nagawa kundi manghingi nalang ng tuwalya kay Rin at magpunas muna ng mukha bago ako sumabay sakanya na bumaba.

Pagkababa namin ay naabutan ko ang dalawang tao na kanina lamang ay nasa panaginip pero ngayon ay nasa harapan kona.

Inalalayan ako ni Rin paupo at doon lamang nagsalita ang Ina nila Yiren.

“Kamusta na ang pakiramdam mo Yiren?” tanong niya na sinagot ko agad.

“Maayos na po ako Ina” sagot ko bagamat naninibago ako dahil hindi ako sanay na maraming kasama kapag kumakain dahil madalas ay dalawa lang naman kami ni Mama kapag kumakain na.

“Mabuti naman at hindi ka napuruhan sa lawa Anak” wika naman nung Ama nila.

Tinanguhan ko siya at ngumiti nalang ako sakanya dahil hindi ko alam kung ano ang tamang isasagot sakanya.

“Rin, napa-ayos mo na ba sa mga doktor ang sugat ng iyong Amo?” tanong niyang muli nq agad sinagot ni Rin.

“Opo, Master naayos na po nila at ilang araw lamang po ay gagaling na daw po agad ang sugat.” sagot ni Rin.

Matapos iyon ay sinimulan na naming kumain at masasabi ko na talagang masasarap pala ang pagkain nila dito. Nako baka tumaba ako dito kakain hahaha.

Habang kumakain ay biglang nagsalita si Ama. Nakalimutan ko kasi na dito nga pala ay ako si Yiren kaya dapat ay sanayin ko na ang sarili ko na tawagin silang Ama at Ina para hindi sila makahalata.

“Nalalapit na ang inyong ikalabing-walong kaarawan ninyong dalawa at alam mong malapit na din ang pag-alis mo dito sa ating tahanan Yuri.” wika nito na nagpalito sa akin.

“Ama, bakit po aalis si Yuri?” tanong ko na ikinatawa nila.

“Anak, nakalimutan mo ba na bilang anak na babae ng isang mataas na opisyal ay kailangan na niyang pumasok sa palasyo kapag nasa hustong edad na siya para sumubok na maging asawa ng emperor.” sagot niya at saka ko lamang naalala ang tradisyong ito na minsan nang nabanggit ng tinalakay namin ang tungkol sa harem ng isang emperor.

“Kung gayon po ay papasok na si Yuri sa palasyo?”

“Tama ang iyong binanggit. Kailangan na niyang pumasok sa palasyo nang sa gayon ay lumaki pa ang ating impluwensya at masuportahan natin ang lahat ng ating mga pangangailangan dito sa ating tahanan.” paliwanag niya.

Nakalimutan ko na may karampatang pilak at ginto nga pala ang mga posisyon ng harem sa palasyo at kapag nakakuha si Yuri ng mas mataas na posisyon ay mas malaki ang kanyang magiging allowance na pwede niya ipangdagdag sa suporta sa aming bahay.

“Hindi ko po nakakalimutan iyon, Ama” wika niya sabay bigay ng ngiti sa amin.

Kung gayon ay wala na din palang magagawa si Yuri kundi magpatali sa Emperor dahil sa sandaling maging asawa siya nito ay hindi na siya maaring lumabas pa ng palasyo dahil doon na siya titira hanggang sa tumanda na siya doon.

Nakakaawa naman siya dahil wala siyang karapatang sundin ang nais ng puso niya dahil nakatakda na siyang pumasok sa palasyo para sa aming pamilya.

Matapos ang aming hapunan ay niyaya ko muna si Yuri na magpahangin sa hardin dahil may mga gusto din akong itanong sakanya.

“Oh, ano at bigla mo akong niyaya dito sa hardin?”

“Yuri, ayos lang ba talaga sayo na maging asawa ng emperor?” tanong ko agad.

“Ano ba naman yang tanong mo hahahaha. Nais kong maging isa sa mga asawa ng emperor dahil makakuha lang ako ng mataas na pwesto sa harem ay mas lalaki na ang impluwensya natin at maari pang tumaas ng posisyon ni Ama kung ako ay papaburan ng Emperor kaya handa akong gawin ang lahat para sa ating pamilya. Isa pa ay wala naman akong iniibig dito sa Kapitolyo no dahil wala akong magustuhan sa kanila kaya mas ayos na din sa akin ang maging asawa ng Empero

r.“ sagot niya.

“Pero hindi ba’t may Empress na siyang pangunahing asawa ng Emperor? Paano kung pahirapan ka niya sa Palasyo lalo na’t wala kami sa tabi mo doon?” nag-aalalang tanong ko sakanya.

Kahit naman hindi ko talaga siya kapatid ay nag-aalala pa din ako dahil parang hindi ko kaya yung malayo sa pamilya ko at hindi na makalabas sa palasyo habangbuhay no!

“Yiren, nakalimutan mo naba na hinahangaan nating dalawa ang Empress dahil ang pamilya niya ay isa sa mga kaibigan ng pamilya natin bago siya maging Empress ay nakakasama pa natin sya at alam nating mabait siya at likas na busilak ang puso niya kaya hindi niya ako pahihirapan doon. Alam kong nag-aalala ka sa akin kapatid ko pero kilala mo naman ako, hindi ako susuko dahil hindi nila ako kakayanin hahahaha.” patawang ani nito na sinabayan kona din dahil iba talaga ang lakas ng loob nito.

Ilang buwan pa naman bago kami ang kaarawan namin kaya susulitin kona lang siguro iyon sa pakikipagbonding dito kay Yuri at mukhang napakasaya niya kasama.

Matapos ang usapan namin ay sabay ba kaming umakyat at naghiwalay lamang ng malapit na kami sa aming mga kwarto.

Agad akong humiga sa kama na nakaayos na doon at hindi kona inabala pa si Rin at ako ay nakatulog din agad.

7 | Unang Pagkikita

•Yiren/Jasper

Maaga akong ginising ni Rin dahil daw ngayon ay darating ang guro ko.

Agad akong napabangon ng marinig ko na ngayon darating ang guro ko dahil interisado akong malaman kung paano sila nag-aaral sa panahon na ito.

Nagpatulong ako kay Rin na ligpitin ang higaan ko at matapos iyon ay kumain muna ako sa baba at napansin ko na wala si Yuri at Rai kaya tinanong ko si Rin kung nasaan ang dalawa.

“Nagpunta ang Binibini sa tahanan ng kanyang guro upang maghanda na dahil ilang buwan na lang ay inyong kaarawan na at papasok ba din ang Binibini sa palasyo kaya naghahanda na siya” sagot ni Rin.

Mukhang nais talagang makakuha ni Yuri ng mataas na posisyon para sa aming pamilya. Sana lang ay magtagumpay siya at maging masaya kapag nandoon na siya.

Matapos kong kumain ay ipinahanda kona kay Rin ang paliguan para maya-maya ay makagayak nako at baka dumating na ang guro ko.

“Yiren, naihanda ko na ang paliguan mo”

“Susunod na ako diyan”

Eto ang unang beses ko na makikita ang paliguan nila dahil paggising ko nung nakaraan ay malinis at bihis na ako kaya diko na nasilayan ang itsura ng mga paliguan ng panahon na ito.

Pagpasok ko sa paliguan ay namangha ako dahil parang nasa hot spring lang ako dahil sa tubig na nasa bato at mas pinaganda pa ito ng mga rosas na nasa ibabaw ng tubig.

Nang idampi ko ang kamay ko sa tubig ay malamig ito at gusto ko na agad na magtampisaw kaya tinanong ko nalang kay Rin kung saan nakalagay ang sabon para ako na ang kukuha nito mamaya.

Tinuro niya agad ito at tinandaan ko iyon bago ko sinabi sa kanya na ihanda na niya ang mga susuotin ko pagkatapos ko maligo.

Hinubad ko ang aking kasuotan at bago ako lumusong sa tubig ay kinuha ko muna ang sabon at inilagay sa isang tabi na malapit lamang sa akin.

Dahan-dahan na akong lumusong sa tubig at nang buong katawan kona ang nasa tubig ay saka ko nadama ang lamig na gustong-gusto ng katawan ko.

Binabad ko muna ang katawan ko at saka ako pumikit at nagmuni-muni.

Inalala ko ang pagakahulog ko sa balon at ang pakiramdam ko noong nakalubog lamang ako sa tubig tapos ngayon ay nandito nako sa katawan ni Yiren at pilit nag-aadjust sa panahon na ito.

Siguro naman ay madami akong matutunan sa guro na iyon dahil ako lang ang tinuturuan niya.

Matapos kong magbabad sa tubig ay sinimulan konang magsabon at naghahanap ako ng shampoo kanina pa pero wala akong makita.

Hanggang sa mapadako ako ng tingin sa isang  parang bowl na mayroong mga kulay lila na bulaklak at nang hawakan ko iyon ay medyo malagkit siya pero mabango ang amoy kaya nilagay ko sya sa ulo ko para naman mabango pa din ang ulo ko dahil wala namang shampoo dito ay pwede na siguro iyon.

Nagbanlaw na ako makalipas ang ilang minuto at tinawag si Rin upang ipa-abot ang tuwalya na siyang sinunod niya agad.

Pagkalabas ko ay nandoon si Rin na inaabangan ako at sinamahan niya ako sa kwarto para magbihis na at mag-ayos ng sarili dahil kahit na nandito ako ay hindi ko maiwasan na maging medyo malambot at palaging naisin na magmukhang presentable sa lahat.

Tinulungan na akong magbihis ni Rin at matapos iyon ay inabot ko ang salamin at tinayo ito sa lamesa na malapit sa akin at doon ay napagmasdan ko ang aking sarili.

Napansin ko na medyo basa pa ang buhok ko kaya inabot ko ang tuwalya at tinuyo ito. Matapos iyon ay sinuklay kona ang mahaba kong buhok. Oo, humaba siya dahil tradisyon na ata nila ang hindi pagputol ng buhok sa panahon na ito kaya enjoy ko din ang pagiging longhair.

Matapos ko magsuklay ay nagtanong ako kay Rin kung mayroon bang pulbo or pampaputi ng mukha dito na agad naman niyang naintindihan dahil pumunta siya sa kwarto ni Yuri at paglabas niya ay may dala na siyang isang lalagyanan at pagbukas niya non ay mayroon ngang powder na agad kong ginamit para naman hindi ako maging oily dito.

Tinapos kona ang pag-aayos ko dahil narinig kona ang pagbukas ng aming tarangkahan na tanda na may dumating na tao at baka yun na ang guro ko.

Bumaba na kami ni Rin at doon sa bulwagan ay naghihintay ang isang may katandaang lalaki na mahaba na ang balbas at medyo malapit ng mawala ang itim na kulay dahil namumuti na ito.

Bago kami lumapit sakanya ay tinanong ko muna kay Rin kung ano ang pangalan niya at nalaman ko na siya pala si Ginoong Sei na isa sa mga bantog na iskolar dito sa Kapitolyo.

Nang makalapit na kami sakanya ay binati ko siya.

“Magandang Tanghali po Ginoong Sei” sabay yuko at pag-angat ko ng tingin ay ngitian ko siya na sinuklian naman niya.

“Magandang Tanghali din sa iyo Yiren, maupo na tayo at marami-rami tayong tatalakayin sa araw na ito lalo na’t nabalitaan kong naaksidente ka daw at nawala ang iyong memorya.” wika niya kaya agad ko siyang niyaya na umupo na para makapagsimula na kami.

Madali kong naintindihan ang mga tinuturo sa akin ni Ginoong Sei dahil sa kanyang malawak na pagpapaliwanag ng mga leksyon at ngayon ay nakikita ko na kung bakit naging matalino si Yiren.

Ilang oras pa kaming nag-aral ni Ginoong Sei hanggang sa sumapit na ang hapon at nagpaalam na si Ginoong Sei sa akin.

“Yiren, sa susunod na linggo ay babalik ako at bibigyan na kita ng ilang mga pagsusulit na alam ko namang masasagutan mo ng walang kahirap-hirap” wika niya sa akin bago niya iniwan sa akin ang mga libro na dala dala niya kanina.

Tinulungan kona mag-ayos ng mga ginamit namin si Rin at matapos iyon ay nagpasama na lang ako sa kanya na pagmasdan ang palalubog na araw sa tapat ng aming bahay.

Habang tahimik kong pinagmamasdan ang papalubog na araw ay dumating na si Yuri kasama si Rei na mga mukhang napagod mula sa kanilang paglalakbay papunta sa kanyang guro at pauwi dito sa aming tahanan.

“Salamat naman at nakauwi na din tayo” pagod na wika ni Yuri.

“Hindi ba’t naka-karwahe naman kayo, bakit tila pagod na pagod ka Yuri?” tanong ko.

“Kasi naman ilang beses akong pinaglakad at pinagsukat ng mga kasuotan para sa aking paghahanda sa pagpasok sa palasyo. Napakadami ding itinuro sa akin na mga batas at alituntunin ng Palasyo na dapat kong tandaan kapag ako ay ganap nang kasapi ng harem” sagot niya.

Pagkatapos naming mag-usap ay nag-paalam na siya sa akin na magpapahinga na daw siya at hindi na niya ako masasabayan kumain dahil napagod siya ng husto sa araw na ito.

Agad akong sumang-ayon sa kanya dahil halata ko naman na malapit na maubos ang energy niya at kailangan na niyang magpahinga.

Nang makaakyat na sila ay tinanong ko si Rin.

“Talaga bang madaming panuntunan para maging isa sa mga asawa ng emperor?”

“Oo, dahil maraming nagnanais na maging asawa ng emperor para umangat ang estado nila sa buhay at para maging maayos ang pagpili sa mga magiging asawa ng emperor ay nagtatag ang Inang Reyna ng mga panuntunan para sa pagpili ng magiging mga asawa ng emperor.” sagot niya na naintindihan ko naman.

Nagtanong lang ako ng nagtanong sa kanya hanggang sa hindi ko namalayan na gabi na pala at bumukas ang tarangkahan ng aming tahanan at pumasok si Ama at Ina kasama ang ilang kalalakihan na hindi pamilyar sa akin.

Napansin ko na halos lahat sila ay medyo may edad na maliban sa isang binata na mukhang nalalayo ang edad sa kanila pero kapareho nila ng kasuotan.

Agad akong lumapit sa kanila at binati ko si Ama at Ina.

“Maganda gabi po Ama, Ina” bati ko sabay ngiti sa kanila.

“Oh Yiren, mabuti naman at hindi ka nagbabasa ngayon at naabutan ka pa namin dito sa tapat ng ating tahanan” sagot ni Ina.

“Tapos na po ako mag-aral Ina kaya nagmumuni-muni na lamang ako ngayon” sagot ko naman sakanya.

“Sa loob na ninyo ipagpatuloy ang inyong pag-uusap at nais konang kumain” wika ni Ama na sinunod ko naman.

Nauna na kaming pumasok ni Rin at tinanong ko siya kung sino ang mga kasama ni Ama dahil ngayon ko lang sila nakita dito sa tahanan namin.

“Sila ang mga Ministro ng Kagawaran ng Pagsisiyasat na pinamumunuan ng iyong Ama. Siguro ay may pag-uusapan sila ngayon kaya sila isinama ng iyong Ama dito.” paliwanag niya sa akin.

“Kung ganoon ay sino iyong isang lalaki doon na parang bata pa naman at bakit siya kasama nila Ama?” tanong ko sa kanya.

“Siya si Ginoong Zichu, isa sa mga matatalino at makikisig na iskolar ng Kapitolyo. Siya ang pinakabatang naging ministro ng isang kagawaran ng palasyo kaya maraming humahanga sa kanya dahil sa edad na dalawampu’t-isa ay isa na siyang ganap na ministro.” paliwanag niyang muli.

“Ganoon ba, kaya pala siya lang ang mukhang naiiba sa mga kasama ni Ama.” sagot ko.

“Bakit nabighani kaba sa Ginoo?” tanong niya sa akin habang nakangiti.

“Nagtataka lamang ako no, hindi ako nabibighani sa kanya.” giit ko naman na ikinatawa niya.

“Alam mo Yiren, kahit hindi mo sabihin ay nahahalata ko na sa iyo na iba ka sa mga normal na lalaki na kaedaran natin dahil sadyang pino ang mga kilos mo na tila isang dalaga na hindi makabasag pinggan. Noon pa lang ay nahahalata ko na ito pero hindi ko binabanggit dahil baka ikagalit mo ito sa akin.”

Hala ganon na ba ako kahalata? E bakit si Yiren din daw noon ay mahinhin? Ibig sabihin ba ay malambot din si Yiren kagaya ko?

“Nako Rin ah tigilan mo ako sa mga pang-aasar mo” nasabi ko na lang sakanya.

“Huwag kang mag-alala dahil tayong dalawa lang ang makakaalam nito Yiren hahaha “natatawang ani niya.

Buti nalang at nawala na sa isip niya ang pagtatanong ko tungkol doon sa Zichu na iyon.

Inaamin ko gwapo naman talaga siya pero hindi naman ako mabilis mahulog sa isang tao no! Choosy din ako minsan pero kung si Zichu lang din. Ay may chance!

Jusko ano bang sinasabi ko.

Nang makapaghain na ang mga tagapagsilbi ng pagkain ay agad kaming ipinatawag ni Ama at pagdating ko sa bulwagan ay sinabi ko kay Ama na nagpapahinga na si Yuri dahil napagod ito sa kanyang mga ginawa maghapon.

Naintindihan naman niya ito at niyaya niya kami na magsimula nang kumain.

Habang kumakain ay saka ko lamang namalayan na katapat ko pala ng pwesto si Zichu. Oo, Zichu nalang dahil ilang taon lang naman ang agwat niya sa akin.

Parang nahiya naman ako na kumain ng dire-diretso dahil baka mapansin niya na gutom ako hahaha. Aabutin ko sana ang putahe na medyo malayo sa akin nang may kamay na biglang nagbigay sa akin ng lalagyanan nito.

Tinignan ko kung kaninong kamay iyon at nakita kong kay Zichu iyon.

Hindi ko alam kung bakit ako napangiti dahil doon.

Nang mahimasmasan ako ay agad akong nagpasalamat sa kaniya at nginitian ko di siya pero diko na nakita ang reaksyon niya dahil agad akong nagpatuloy sa pagkain.

Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na ako kila Ama at Ina na magpapahinga na din ako.

Nagpaalam din ako sa mga Ministro na nandoon sa lamesa.

Umakyat na ako pagkatapos noon at pinakuha ko kay Rin ang suklay para bago ako matulog ay maayos pa din ang buhok ko at gustong gusto ko itong inaayos hahaha.

Matapos kong magsuklay ay sinabihan ko si Rin na magpahinga na din dahil alam kong napagod din siya.

Nahiga na ako sa aking kama at agad akong pumikit at nagdasal na siyang nakasanayan ko na bago ako matulog.

Lord, sana po ay okay lang si Mama sa bahay ngayon, sana po ay hindi siya mag-alala ng husto sa akin dahil nasa mabuting lagay naman po ako.

Sana din po ay lagi siyang maging safe doon lalo na’t wala ako sa tabi niya.

Sana din po ay maging maganda ang takbo ng araw ko bukas.

Maraming salamat po sa lahat, Amen.

At ako ay kinain na ng dilim.

8 | Naiwang Gamit

•Yiren/Jasper

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking balat at mata.

Himala nga at hindi ako ginising ni Rin ngayon. Siguro ay wala naman akong mahalagang gagawin ngayon kaya nag-suklay lang ako ng buhok at nag-punas sandali ng mukha at saka ako bumaba.

Naabutan ko sina Yuri at Rai na nagkukwentuhan sa baba. Agad nila akong napansin nang umupo ako sa tabi ni Yuri.

“Kamusta ang hapunan kahapon?” tanong ni  Yuri.

“Maayos naman kaso hindi din ako nagtagal dahil inantok din ako kaagad pagkatapos kumain” sagot ko.

“Napagod ka din daw kahapon dahil sa maghapon ninyong pag-aaral ni Ginoong Sei. Kaya pala sinabi sa akin ni Rin kanina na hayaan ka munang magpahinga dahil wala ka namang mahalagang gagawin ngayon.” wika niyang muli.

“Teka nasaan nga pala si Rin?” tanong ko sa kanya.

“Umuwi po muna sa kanilang tahanan si Rin dahil may karamdaman daw po ang kaniyang Ama at bibisitahin niya laamang daw po muna. Nagpaalam po siya sa inyong Ina at Ama kaninang umaga.” sagot ni Rai sa aking tanong.

Nako! Sana pala ay binigyan ko ng karagdagang salapi si Rin para makatulong ako sa kanyang Ina.

“Ganoon ba? Nais ko na sanang maligo bago kumain maya-maya. Maari mo bang ihanda ang paliguan para sa akin Rai?” tanong ko sa kanya.

“Masusunod po Ginoo” simpleng sagot niya lang sa akin at siya ay umalis na para ihanda ang paliguan.

“Yiren, nakita mo ba kagabi si Ginoong Zichu?” biglang tanong sa akin ni Yuri.

Bakit naman niya naitanong sa akin.

“Oo, kasama siya ni Ama dito kagabi at kasabay din sa pagkain.” sagot ko sa kanya.

“Ano? Napakakisig niya hindi ba!” wika niya habang nakangiti.

“Sandali nga, may gusto kaba sa kanya?” tanong ko sa kanya.

“Nako, wag mo akong itulad kay Rai na gustong-gusto ang lalaking iyon no!” sagot niya sa akin.

“Gusto pala siya ni Rai” ani ko.

“Oo, kaya nga hindi ko binanggit kanina dahil baka ulanin ka ng mga tanong mula sa kanya no hahahaha.” natatawang sabi niya.

Kaya pala hinintay niya muna na umalis si Rai bago ako tanungin.

“Oh kamusta naman si Ginoong Zichu kapatid? Pasado ba sa iyo?” pilyang tanong niya na ikinagulat ko.

Huwag mong sabihin na alam niya din na medyo malambot tong si Yiren.

“Oh huwag kanang magtaka jan, kakambal kita kaya alam ko ang bagay na iyan. Bata pa lamang tayo ay hindi mo na hilig ang pakikihalubilo sa ibang mga lalaki dahil mas gusto mo pang magbasa ng mga libro at mamitas ng mga bulaklak na madalas ay gawain ng mga babae. Napakahinhin mo din at napakapino ng mga kilos mo.” wika niya sa akin.

“Ganoon ba, ayaw ko lang talaga sa mga gawaing nakakapagod no.” sagot ko na ikinatawa niya.

“Kung yan ang sinabi mo e, ano pasado ba si Ginoong Zichu sa iyo?” patuloy na pang-aasar nito sa akin.

Bago pa man ako makasagot ay nakabalik na pala si Rai.

“Ginoo, handa na po ang paliguan.” wika niya.

“Maraming salamat Rai” sagot ko sabay ngiti sa kanya.

Ngumiti lang din siya sa akin bilang tugon. Nagpaalam muna aki kay Yuri dahil maliligo muna ako.

Pagpasok ko sa paliguan ay nakita kong muli ang mga rosas sa ibabaw ng malinis at malinaw na tubig na nagpangiti sa akin.

Kagaya kahapon ay kinuha ko muna ang sabon pati na ang shampoo bago lumusong sa tubig. Oo shampoo na tatawag ko dun sa nasa lagayan na iyon para di ako malito.

Kulay dilaw na ang bulaklak na nandoon ngayon at napakabango din ito kaya naexcite akong ilagay ito sa buhok ko.

Lumusong na ako sa tubig at nagbabad muna habang nakapikit.

Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko ang imahe ni Zichu. Napadilat ako bigla at sinampal-sampal ko ang mukha ko. Bakit ko naman naisip ang mukha niya.

Hindi na ako pumukit ulit dahil baka makita ko nanaman ang mukha nun at maloka lang ako dito.

Umahon na ako at nilagay ko muna ang shampoo bago ako magsabon.

Nang matapos akong maligo ay hinahanap ko ang tuwalya. Nagpaikot-ikot na ako pero di ko parin makita.

Saka ko lang naalala na wala nga pala akong tuwalya na ipinahanda kay Rai. Kaya kinabahan ako dahil hindi ako makakalabas ng nakahubad no!

Sumilip ako sa pintuan ng paliguan at tinignan kung may tao ba na nasa paligid para sana manghingi ng tuwalya pero wala naman akong nakita kaya sumigaw nalang ako.

“Kung sino man ang makakarinig nito, maari bang dalhan niyo ako ng tuwalya!!!” sigaw ko at agad kong sinarado ang pintuan dahil sa hiya.

Napaupo na lang ako sa gilid ng paliguan nang may kumatok bigla.

“Ginoo! Narito na po ang inyong tuwalya.” wika ng isang lalaki sa labas kaya naman natuwa ako at binuksan ko ng bahagya ang pinto at inabot ko ang tuwalya.

Nang makapagpatuyo na ako ay lumabas na ako ng paliguan at nakita ko ang lalaki na nag-abot sa akin ng tuwalya.

“Buti naman at may nakarinig pala sa sigaw ko. Maraming salamat sa pagdadala mo sa akin ng tuwalya.” wika ko dito.

“Wala pong anuman, pero inutusan lamang din po ako ni Ginoong Zichu dahil siya po ang nakarinig sa sigaw ninyo” sagot niya na ikinagulat ko naman.

Nakakahiya! Bakit siya pa ang nakarinig ng sigaw ko! Teka nga bakit ba siya nandito e wala naman ngayon si Ama.

“Sandali bakit nandito siya? Hindi ba’t nasa palasyo si Ama? Ano ang pakay niya dito?” sunod-sunod na tanong ko.

“Kagabi daw po ay naiwan niya ang kanyang talaan kaya binalikan niya po ito ngayon Ginoo” magalang na sagot nito.

“Ganoon ba, sige na bumalik kana sa ginagawa mo at maraming salamat muli.” paalam ko sa kanya.

Umakyat na ako sa aking silid at mabuti naman ay may nakahanda nang kasuotan para sa akin.

Agad ko itong sinuot at matapos iyon ay umupo na ako sa lamesa ko at nagsuklay na ako ng buhok ko na amoy bulaklak pa dahil sa shampoo na ginagamit ko hihi.

Mabuti nalang at nandoon pa din ang pulbo na hiningi ko kahapon kay Rin dahil kung hindi ay hindi ako makakapagpulbo ngayon.

Mabuti nalang at nandoon pa din ang pulbo na hiningi ko kahapon kay Rin dahil kung hindi ay hindi ako makakapagpulbo ngayon.

Matapos kong mag-ayos ng sarili ay napagpasyahan ko na magbabasa na lang ako ngayon bilang pampalipas oras din.

Ibinaba ko ang mga libro na bigay sa akin ni Ginoong Sei dahil sa hardin ko gustong magbasa dahil presko ang hangin doon at saka maganda ang mga bulaklak at puno na natatanaw ko kaya nakakagana magbasa.

Nang makakaba ako ay nakita ko sina Yuri at Rai na nakatulog na sa inuupuan nila. Parehong nakadapa ang dalawa kaya ginising ko sila at pinaakyat sa kwarto ni Yuri lara doon sila magpahinga at mukhang napagod ang dalawa sa kung ano mang pinagkakaabalahan nila.

Matapos ko sila paakyatin ay nagpahanda ako ng lamesa at upuan ko sa mga tagabantay namin.

Agad nila akong sinunod at nang matanong ko kung nakaalis naba si Zichu ay sinagot nila ako na dumaan lang talaga ito para sa kanyang talaan at umalis daw kaagad ito.

Bakit ko ba natanong iyon!

Pinabalik ko din sila agad matapos nilang maiayos ang lamesa at upuan ko.

Nagsimula na akong magbasa at habang nagbabasa ako ay bigla nalang kumalam sikmura ko at saka ko lang naalala na hindi ako nakasabay sa pagkain nina Yuri at Rai kanina dahil napatagal ako sa pagligo at pag-aayos ng sarili.

Nagpahanda na lang ako sa mga tagapagsilbi ng tinapay at maiinom dahil ayoko din magkanin ngayon.

Nang maihatid na nila sa akin ang pagkain ay nagpasalamat lang ako sa kanila at bumalik na ako sa pagbabasa ko habang kumakain ako.

Hindi kona namalayan ang oras dahil abala ako sa pagbabasa at pagtingin ko sa araw ay papalubog na ito.

Kaya naman niligpit kona ang mga libro ko at inakyat ko muna ito sa aking silid bago ako bumaba para iligpit ang aking pinagkainan.

Matapos kong magligpit ay ipinabalik ko na ang lamesa at upuan sa mga tagapagsilbi habang ako ay pumunta sa harap ng aming tahanan para muling pagmasdan ang papalubog na araw.

Nagulat ako nang biglang magbukas ang tarangkahan at pumasok si Rin na kakabalik lang.

“Oh Rin, kamusta na ang iyong Ama?” tanong ko.

“Maayos na siya ngayon dahil tinulungan din ako ng inyong Ama na bayaran ang doktor na nanggamot sa aking Ama.” nakangiti niyang sagot sa akin.

“Mabuti naman kung ganoon.” ani ko.

Nagpalit muna ng kasuotan si Rin bago niya ako samahan sa panonood ng papalubog na araw.

Lumubog na nang tuluyan ang araw at dumating na din sina Ina at Ama kaya inakyat muna namin sila Yuri at Rai dahil oras na para kumain.

Buti naman at madali namin silang nagising at niyaya na namin silang kumain.

Habang kumakain ay nagkukwentuhan pa din kami tungkol sa mga nangyari sa amin sa araw na ito.

Matapos naming kumain ay nagpaalam na ako   balak ko sanang mamasyal bukas para naman makalabas din ako dito sa bahay na ito. Gusto ko ding makita ang nasa labas ng tahanan na ito.

Pinayagan naman nila ako kaya ako ay nagpasalamat kila Ama at Ina at saka ako nagpaalam na aakyat na ako upang magpahinga.

Sinabihan ko din si Rin na magpahinga at gisingin ako ng maaga bukas dahil siya ang maglilibot sa akin bukas.

Excited na ako bukas dahil sa wakas ay makakalabas na din ako at makakapaglibot dito.

Agad akong humiga at nagpatangay sa antok ko.

9 | Isang Gabi sa Pamilihan

•Yiren/Jasper

Kinabukasan ay sinunod nga ni Rin ang utos ko sakanya kagabi at maaga nga niya akong ginising ngayong araw.

“Yiren, nakahanda na ang paliguan mo” wika niya sa akin habang dahan-dahan niya akong inuuga.

“Salamat, susunod na ako” sagot ko at tumayo na ako at nagbanat muna ng mga buto.

Matapod iyon ay bumaba na nga ako at naabutan ko sina Yuri at Rai na nag-aayos ng mga tela.

“Oh para saan yang mga tela?”

“Mamaya kasi ay tutungo ako sa ating mananahi para magpasadya ng mga kasuotan natin.” sagot ni Yuri.

“Ganoon ba, mag-iingat ka doon” wika ko nalang at nagpatuloy nako papunta sa paliguan.

Naabutan ko sa pintuan na naghihintay si Rin kaya naman nagpahanda nako ng tuwalya sakanya dahil baka katulad kahapon ay makalimutan ko nanaman ito at magsisigaw nanaman ako dito.

Sinunod niya naman ang utos ko kaya pumasok na ako at ginawa ang mga palagi kong ginagawa sa paliguan at natuwa lang ako ng makita kona ang paliguan na kulay lila naman ang mga bulaklak ngayon.

Nakakatuwa lang dahil pula ang madalas na bulaklak doon at ngayon ay napalitan ito.

Ginawa ko na ang routine ko sa pagligo at nang matapos na ako ay nagpatulong na ako kay Rin na maghanda sa aking silid para maya-maya lamang ay makagayak na kami paalis.

Nang matapos akong magbihis ay nagsuklay na ako ng buhok ko at hindi na din ako nagpatulong sa paglalagay ng pulbo ko dahil kaya ko naman ito.

Inutusan ko nalang si Rin na mag-ayos na din ng sarili at magdala ng tuwalya para kung pawisan man kami mamaya ay may magagamit kami.

Maya-maya lamang ay bumalik na si Rin sa silid at niyaya ako na bumaba na dahil handa na daw ang mga gagamitin namin para sa aming paglilibot.

Agad akong sumunod sa kanya pababa at hindi ko naman napansin sila Yuri at Rai kaya hindi na ako nakapagpaalam sa kanila na aalis na kami.

Ibinilin ko na lamang sa isang tagapagsilbi na sabihan sila na nakaalis na kami. Matapos iyon ay lumabas na kami at nang nasa tarangkahan na kami ay mas naeexcite nako dahil sa wakas ay makikita ko na din ang nasa likod ng tarangkahan ng tahanan na ito.

Nang magbukas na ang tarangkahan ay nagsimula na kaming maglakad ni Rin dahil una niya akong dadalhin sa isang talon na madalas ko daw puntahan kapag gusto kong maligo mag-isa at dahil siya ang aking malapit na tagapagsilbi ay naisama kona siya doon.

Kung nagtataka kayo kung bakit hindi kami nakakarwahe ni Rin ay dahil iyon sa inutos ko kay Rin na ayaw kong magkarwahe dahil sa tingin ko ay mas maeenjoy ko ang paglilibot na ito kung maglalakad lang kami.

Nagsimula na kaming maglakad ni Rin at habang nasa daan ay nakikita kona ang iba’t-ibang mga puno dito sa paligid.

Napakaganda nilang pagmasdan dahil sa ilang mga dahon na dahan-dahang nalalaglag na nagpaganda ng nilalakaran namin dahil parang dati ay napapanood ko lang to sa mga k-drama tapos ngayon ay nakikita ko na siya sa personal. Ang kaibahan ngalang ay cherry blossom ang mga nalalaglag doon at dito naman ay mga dahon lang pero parang ganoon na din ang pakiramdam ko.

“Oh bakit naman napatulala kana dyan sa mga nalalaglag na dahon?” tanong ni Rin.

“Wala naman, nagandahan lang ako sa kanila” sagot ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Narating na namin ang isang kanto na parang madaming nagtitinda at medyo maingay kasi may mga bumibili at meron din namang mga nag-aalok ng mga paninda nila.

“Yiren, ito ang pamilihan ng Kapitolyo. Masanay kana na maingay talaga dito dahil sa palitan ng mga nagtitinda at mamimili.” wika ni Rin.

Tumango naman ako bagamat naisip ko na wala palang kaibahan ito sa mga palengke sa kasalukuyang panahon dahil sa pamilihan na ito ay maingay din pala katulad sa mga palengke sa Maynila hahaha.

Nalagpasan na namin ang Pamilihan at ngayon ay papasok na kami sa isang parang gubat pero hindi naman siya masukal dahil sa palagay ko naman ay hindi ka maliligaw dito at baka mas gustuhin mo pang tumira dito dahil napakapresko ng hangin dito dahil sa dami ng mga puno.

Sa bagay gubat ito, malamang ay marami talagang puno kaloka.

Sinundan ko lang si Rin hanggang sa dalhin niya ako sa isang mabatong bahagi ng gubat.

“Oh mag-ingat ka sa paglalakad Yiren at baka mabagok ka nanaman” paalala niya sa akin.

“Oo naman no ayoko na mabagok ulit at baka mawala na ako sa sarili ko sa susunod” natatawang sagot ko sakanya.

Matapos naming tawirin ang mabatong bahaging iyon ng gubat ay bumungad sa akin ang isang napakagandang tanawin.

CTTO

Literal na napabuka ang bibig ko dahil sa pagkamangha ko sa tanawin na nasa harapan ko ngayon.

Ito ang unang beses kong makita ang lugar na ito na paborito ni Yiren at talaga nga namang napagakanda nito.

“Napakaganda dito diba?” tanong ni Rin.

“Hindi ka nagkakamali dyan, halika na maligo tayo!” natutuwang pagyaya ko sa kanya.

Mabuti nalang at may mga inihanda kaming mga damit na aming gagamitin mamaya pagkatapos naming magtampisaw.

Agad kong hinubad ang aking kasuotan at itinira ko lamang ang aking puting panloob.

Hindi ako nakaunderwear lang ha! Iba kasi ang panloob nila dito dahil medyo makapal ang mga kasuotan nila dito dahil dalawang patong ang mga kasuotan.

Isang panloob na komportable sa katawan dahil sa malambot na tela nito. Ang panlabas naman ay isang pang kasuotan na kagaya ng panloob ang itsura pero mas makapal ito ay medyo maluwag ng kaunti sa akin.

Natapos na akong maghubad at ngayon ay handa na akong maligo sa talon.

“Mauuna na ako sayo Rin” wika ko sabay takbo papunta sa malalim na parte ng talon at ako ay sumisid na sa malinaw na tubig.

Sumunod naman sa akin si Rin at sumisid na din siya sa tubig.

Naligo lang kami at nagbabad ng nagbabad ni Rin dahil ang sarap sa pakiramdam ng malamig na tubig na galing sa talon.

Dahil sa sobrang pag-eenjoy namin sa pagligo sa talon ay hindi namin namalayan na ilang oras na pala kaming naliligo doon kaya naman umahon na kami at tumungo sa aming pinaglagyan ng mga gamit namin.

Inabutan ako ni Rin ng tuwalya pagdating namin doon at agad akong nagpatuyo na ako para makapagpalit na ako ng kasuotan ko.

Nang makapagpatuyo na ako ay kinuha kona ang aking mga isusuot at pumunta sa medyo mabatong parte ng talon para magpalit ng kasuotan ko.

Matapos kong magpalit ay nakita kong tapos na din magpalit si Rin ng kanyang suot kaya naman niyaya kona siya na pumunta sa aming susunod na destinasyon.

“Saan naman tayo susunod na pupunta Rin?”

“Pupuntahan naman natin ang paborito mong parte ng Kapitolyo.” sagot niya at hindi na ako nagtanong pa ulit dahil nagsimula na itong maglakad muli.

Tignan mo to di nanghihintay!

Nang makahabol ako sakanya ay sabay na kaming naglakad palabas ng gubat ay nanghingi muna ako sa kanya ng makakain dahil medyo nagugutom na din ako.

“Pahinga muna tayo, nakakapagod din maglakad lakad no!” wika ko sakanya sabay kagat sa tinapay ko.

“Sige pero sandali lang dahil maglalakad nanaman tayo papunta sa paborito mong parte ng kapitolyo” sagot niya na sinang-ayunan ko naman.

Kaya naman tinapos kona ang kinakain ko at niyaya ko na siya na maglakad muli.

Muli naming ipinagpatuloy ang paglalakad palabas ng gubat at nang makalabas na kami ay sinundan ko na lamang si Rin dahil hindi ko din naman alam ang lugar na paborito ni Yiren dito sa kapitolyo baka mamaya maligaw pako kapag hindi ko sinundan tong si Rin.

Matapos ang aming nakakalokang paglalakad ay nandito na kami ngayon sa tapat ng isang parang tower pero gawa siya sa kahoy.

“Oh ano namang gagawin natin dito?” tanong ko.

“Ito ang pinakapaborito mong lugar sa buong Kapitolyo ano kaba. Halika na at umakyat na tayo para maalala mo kung paano mo naging paborito ang lugar na ito.” yaya niya sa akin.

Naglakad na kami papasok doon sa parang tower na iyon at habang papasok ay binati ako ng mga tagabantay doon.

“Magandang Hapon po Ginoong Yiren! Bakit po ngayon lang kayo napunta muli dito?” magiliw na pagbati at tanong sa akin ng isang babae.

Nginitian ko siya at sasagot na sana nang unahan ako ni Rin.

“Naaksidente ang ginoo at nakalimutan niya ang kanyang mga ala-ala kaya dinala ko siya rito para naman makapagmunimuni siya.” sagot ni Rin habang nakangiti.

“Ganoon po ba, mabuti po at maayos na ang kalagayan ninyi Ginoo.” wika ulit ng babae at ngitian ko na lamang siya at tumango.

Inaya na ako ni Rin na magpatuloy sa pagpasok sa loob kung saan hagdan lamang ang nandodoon at ilang mga kagamitan kagaya ng lamesa at upuan.

Hindi kona naitanong kay Rin kung bakit iyon lang ang mga gamit dito dahil nakaakyat na ang siya sa taas.

Sumunod na ako sakanya at nang makarating na ako sa kinaroroonan niya ay nakita ko si Rin na nakatingin lamang sa labas kaya naman agad akong tumabi sakanya at pinagmasdan din ang kanyang nakikita.

CTTO

Muli nanaman akong napanganga dahil sa ganda ng aking nakikita ngayon. Ito ba ang sinasabi nilang kaharian? Shetttt!!!

“Ito ang dahilan kung bakit mo gustong-gusto ang lugar na ito.” nakangiting wika ni Rin.

“Napakaganda nga ng tanawin dito” nakangiti ko ding sagot sa kanya nang bigla akong mapatulala.

Biglang nagsipasukan ang iba’t-ibang mga eksena sa akin .

Nakita ko ang mga eksena kung saan mag-isa lang si Yiren na nakangiting pinagmamasdan ang tanawin sa harap niya.

Mayroon ding gumuguhit siya sa kanyang dalang papel habang nakangiti pa ding pinagmamasdan ang tanawin ng buong kaharian.

Mukhang ito nga talaga ang paborito niyang lugar dito sa kapitolyo.

Matapos ang pagpasok sa akin ng mga ala-alang iyon ay napabalik ako sa realidad nang tapikin ako ni Rin sa balikat ko.

“Oh, ano nang nangyari sayo at bakit napatulala kana jan?” tanong niya sa akin.

“Wala naman, nagbalik lang kasi ang ilan sa mga alaala ko sa lugar na ito” sagot ko sa kanya.

“Mukhang maganda nga ang pagpunta natin sa mga lugar na palagi mong pinupuntahan dati

“ sabi ni Rin na hindi kona pinansin dahil tinitigan ko nalang ang kaharian na na tanaw na tanaw ko.

Napakadaming parte nito at interisado akong malaman ang tungkol sa mga parte nito kayao naman tinanong ko si Rin ukol dito.

“Rin, bakit parang napakadami namang parte ng palasyo?”

“Nakalimutan mona ba? Nahahati ang palasyo sa tahanan ng hari, mga kagawaran ng kaharian, at sa mga tahanan ng mga miyembro ng harem ng emperor. Kaya ganyan na lang kalawak ang ating kaharian.”

“Kung gayon ay bawat miyembro ng harem ay mayroong tahanan sa palasyo?” muling tanong ko.

“Hindi naman lahat, dahil ang mga may matataas na pwesto sa harem lamang ang may karapatan na manirahan mag-isa sa isang palasyo sa ating kaharian. Ang Empress hanggang sa mga Imperial Consort lamang ang maaring manirahan nang mag-isa sa isang palasyo. Habang ang mga Imperial Concubine naman ay maari ring manirahan sa sariling palasyo pero may kasama silang Noble Lady.

Samantalang ang mga Changzai at Daying na mga mababa ang pwesto ay nakikihati lamang sa mga palasyo ng ibang mga nasa mataas na posisyon“ mahabang paliwanag ni Rin.

Kung gayon pala ay dapat na maging isang concubine o consort si Yuri upang hindi na niya kailanganin na makihati sa mga palasyo ng ibang mga miyembro ng harem“ wika ko.

“Magtiwala nalang tayo sa kakayahan ng Binibini at sa inyong impluwensya na maaring magluklok sa kanya sa mataas na pwesto sa harem” sagot naman niya.

Hindi na ako muling nagtanong pa dahil pinagmasdan ko ang tanawin na sinabayan pa ng pagdampi sa aking balat ng preskong hangin na napakasarap sa pakiramdam.

Hindi kona napansin ang oras dahil sa pagmumunimuni ko ay hindi ko na nga namalayan na papalubog na pala ang araw at mas maganda itong pagmasdan dito dahil mas kita ko ang paglubog nito dito sa aking pwesto.

Nang tuluyan nang kumagat ang dilim ay niyaya kona si Rin na umuwi na dahil baka mag-alala na sa akin sina Ina at Ama pati narin si Yuri dahil maggagabi na pala.

Bumaba na kami ni Rin at nagpasalamat naman ako sa mga bantay doon at nangakong babalik ako ulit doon kapag may oras ako.

Naglalakad na kami ulit ni Rin pabalik sa aming tahanan at medyo mahaba haba din palang lakaran ito dahil medyo malayo ang aming pinanggalingan sa aming tahanan.

Inabot na yata kami ng ilang oras sa paglalakad palang kaya naman nagugutom na ako at mabuti na lang ay malapit na kami sa pamilihan dahil gusto kong bumili ng makakain manlang pampawala lang ng gutom.

Nang nasa harapan na kami ng pamilihan ay tila ba naging ibang lugar ito dahil sa mga makukulay na ilaw na nakasabit sa itaas na animo’y mga banderitas na maganda pagmasdan.

Mas dumami din ang mga tao ngayon kumpara kanina at mas marami din akong nakitang mga paninda ngayon.

Naglalakad pa din kami ni Rin pauwi nang mahagip ng mata ko ang isang tindahan na madaming palamuti kaya tumungo muna ako doon para tignan ang mga ibinibenta nila.

Agad namang nakapukaw ng aking pansin ang isang hairpin na may ukit ng isang paro-paro na may kulay pink na mga bato.

CTTO

Nagandahan ako dito kaya nais ko sanang bilhin ito nang maalala kong wala nga pala akong perang dala dahil wala naman sa balak namin ni Rin ang mamili dito kung kaya’t maingat ko na lamang itong binitawan at ngumiti na lang ako sa may-ari ng tindahan bago umalis.

Pagtalikod ko ay hindi kona makita si Rin. Halaaa!!! Kanina lang ay nasa unahan ko siya ah akala ko naman ay susundan niya ako dito.

Baka nauna na iyon sa akin pauwi kasi ang alam niya naman ay nakasunod ako sa kanya.

Naaligaga na ako sa paghahanap kay Rin dahil nga hindi ko naman alam ang daan pauwi sa aming tahanan.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa may mabangga akong isang matigas na pader. Pag-angat ko ng tingin ay hindi pala pader amg nabangga ko kundi isang tao.

Agad naman akong yumuko at humingi ng paumanhin sa taong nabangga ko at nang wala akong marinig na tugon sa kanya ay nag-angat ako ng tingin.

Hindi ko inakala na siya pala ang mababangga ko ngayong gabi dito sa pamilihan.

Si Zichu ang nakabanggaan ko. Oo, si Zichu na isang ministro at tauhan ng aking ama.

Nakangiti lang siya sa akin habang ako naman ay nakatulala lang sa mukha niya dahil ngayon ko lang siya nakitang ngumiti at naisip ko na bagay pala sakanya kapag nakangiti siya.

Nang mabalik ako sa ulirat ay saka lamang ako muling humingi ng paumanhin.

“Pasensya na sa aking pagbunggo sa iyo Ginoong Zichu” wika ko.

“Wala iyon hindi naman ako nasaktan, baka ikaw pa nga ang nasaktan hahaha.” natatawang ani nito.

Aba! May ganto palang ugali ang isang ito ha.

“Nasaan ang tagapagsilbi mo? Bakit ikaw lang mag-isa dito sa pamilihan at gabi na din ha bakit ka nasa labas?

Saan kaba nanggaling?

“ magkasunod na tanong sa akin.

“Ah naglilibot kasi ako kanina dahil nagsasawa na ako sa aming tahanan kaya napagpasyahan ko na lumabas naman muna. Pauwi na sana kami ngayon galing sa aming pinanggalingan nang may nakita akong palamuti na pumukaw sa atensyon ko. Gusto ko sanang bilhin at ibigay kay Yuri pero naalala ko na wala naman akong dalang salapi ngayon kaya iniwan ko na muna ito. Nang tumalikod ako ay hindi kona makita si Rin at hindi ko din alam ang daan pauwi sa aming tahanan kaya kanina ay lakad lang ako ng lakad” sagot ko sakanya.

Teka nga close ba kami para tanungin niya ako kung saan ako galing? At bakit ko naman siya sinagot kaloka.

“Ganoon ba, halika at bilhin natin ang nais mong palamuti at pagkatapos ay ihahatid na kita sa inyong tahanan dahil gabi na din.” sabi niya sa akin at hinatak ako papunta sa bilihan ng mga palamuti.

Kung makahatak naman to akala niya ata close na kami. Pero buti nalang at nakabungguan ko siya kasi kung hindi ay baka nagkandaligaw-lugaw na ako pauwi.

Nang makarating kami sa tindahan na iyon ay tinuro ko ang palamuti na nagustuhan ko at binili niya na ito at nang makapagbayad siya at inabot niya sa akin ang hairpin.

“Maraming salamat dito Zichu” nakangiting wika ko sa kanya.

“Zichu? Hindi mo ba alam na mas matanda ako sa iyo ng ilang taon?” tanong niya sa akin.

Napansin niya pa iyon kaloka!

“Alam ko naman pero hindi naman nagkakalayo ang edad natin kaya Zichu nalang ang itatawag ko sa iyo” sagot ko.

“Kung iyan ang nais mo Yiren

“ sagot niya sa akin na ikinalingon ko sa kanya.

Nginitian niya lang ako matapos iyon.

“Halika na at dapat ka nang makauwi sa inyo Yiren” yaya niya sa akin na agad kong sinang-ayunan.

Tahimik lang kaming naglalakad palabas ng pamilihan hanggang sa maging pamilyar na sa akin ang daan dahil sa mga puno na nakita ko kaninang umaga.

Ilang sandali pa ay narating na namin ang tarangkahan ng aming tahanan at doon ay hinarap ko siyang muli.

“Maraming salamat ulit dito sa palamuti at sa paghatid sa akin Zichu” nakangiti kong sabi sa kanya.

“Walang anuman Yiren pero hindi libre iyang palamuti na iyan ha.” sagot naman niya sa akin habang nakangiti din.

“Ha anong ibig mong sabihin?” tanong ko.

“Utang mo sa akin iyan at sa susunod na magkita tayo ay sisingilin na kita ha” sagot niya sa akin.

“Ganoon ba hahaha sige sa susunod nating pagkikita ay babayaran kita” sagot ko.

“Kung gayon ay mabuti naman. Pumasok kana sa loob Yiren, paalam” sabi niya sabay ngiti sa akin.

Sinuklian ko naman siya ng ngiti at kumaway na lang ako sa kanya bilang tanda ng pamamaalam.

Nang makapasok na ako ay may narinig akong sigaw sa loob ng aming tahanan.

Nagmadali naman akong pumasok at doon ay naabutan ko si Rin na hawak hawak ng dalawang tagabantay namin at si Ama na may hawak na latigo.

Kinabahan ako dahil mukhang hahampasin nanaman niya si Rin na may ilang latay na sa braso at umiiyak na din siya.

Sakanyang sigaw siguro ang narinig ko kanina.

Hahampasin na sana siya ni Ama nang sumigaw ako.

“Ama, itigil niyo iyan!”

Napalingon sila sa akin at doon ay nagmamadaling pumunta sa akin si Yuri at Ina at agad nila akong niyakap.

“Akala namin ay may nangyari na sa iyo kaya pinaparusahan ng iyong Ama si Rin dahil hindi ka niya kasama sa pag-uwi” wika ni Ina na hindi ko pinansin dahil pinuntahan ko agad si Rin.

Tinulak ko ang mga tagabantay na nakahawak padin sakanya at nilapitan kona siya.

“Rin, ayos ka lang ba? Pasensiya na kung nawala ako sa paningin mo kanina ha.” sabi ko kay Rin at lumingon ako kay Ama

Ama, walang kasalanan si Rin sa nangyari dahil ako ang humiwalay sa kanya para bumili sana ng palamuti“ paliwanag ko kay Ama na naintindihan naman niya agad kaya kumalma na ang sitwasyon.

Inutusan ko si Rai na tulungan si Rin na pumunta sa kanilang kwarto. Mabuti na lang at hindi siya masyadong napuruhan ng latigo na iyon.

“Paano ka nakauwi dito kapatid? Sino ang tumulong sa iyo?” tanong ni Yuri sa akin.

“Si Ginoong Zichu ang naghatid sa akin dito dahil nakabungguan ko siya sa pamilihan. Eto nga pala para sa iyo” sagot ko sa kanya sabay abot ng palamuti na binili ko kanina.

“Napakaganda nito Yiren! Maraming salamat!” sabi niya sabay yakap sa akin.

Mabuti naman at nagustuhan niya.

Masyadong nakakapagod ang araw na ito kaya nagpaalam na ako sa kanila na aakyat na ako sa aking silid at magpapahinga dahil sobrang napagod ako sa mga pangyayari ngayong araw.

Nang makaaakyat na ako sa aking silid ay humiga agad ako sa aking kama at hindi na ako nakapagsuklay at ayos ng buhok bago matulog dahil sa pagod ko.

Pumikit na ako at ewan ko ba kung bakit pero huli kong naisip ang mga ngiti ni Zichu sa akin kanina bago ako tuluyang tangayin ng antok.

10 | Nabubuong Pagtingin

•Yiren

Hindi ko alam kung bakit nakangiti ako nang magising ako kinabukasan.

Habang nakangiti akong nakatulala sa bintana ng aking silid ay bigla na lang pumasok ako sa isip ko ang mga nangyari kahapon sa aking paglilibot-libot dito sa Kapitolyo.

Una ay nakarating ako sa isang napakagandang talon siguradong dapat kong balikan dahil napakasarap magpunta doon lalo na at napakalamig ng tubig doon na napakasarap sa pakiramdam.

Pangalawa ay napuntahan ko ang paboritong lugar ni Yiren dito sa Kapitolyo kung saan kitang-kita ko ang tanawin ng buong kaharian na isang napakagandang lugar na kahit siguro pagmasdan ko buong araw ay ayos lamang dahil napakaganda naman ng aking tanawin.

Ikatlo ay ang pamilihan ng Kapitolyo kung saan ay medyo naligaw ako dahil sa kagagahan ko. Buti nalang ay nakabungguan ko si Zichu kung hindi ay baka maligaw ako pauwi dahil hindi naman ako pamilyar sa mga dinaanan namin ni Rin. Nako! Kailangan ko nga palang kamustahin si Rin, nasaktan siya kagabi dahil sa akin.

Nang maalala ko ang nangyari kay Rin kahapon ay agad akong nagmadali na lumabas ng aking silid at bumaba para matignan ko kung kamusta na si Rin.

Wala namang masyadong tao pagbaba ko. Mga tagapagsilbi lamang namin ang nandoon kaya naman hinanap ko sila Yuri dahil hindi ko din sila nakita.

Agad ko naman silang nakita sa hardin na naghahabi doon kaya nilapitan ko silang dalawa ni Rai.

“Magandang Umaga Yiren”

“Magandang Umaga po Ginoo” sabay pa na wika ng dalawa na sinuklian ko naman ng ngiti.

“Rai, kamusta na si Rin?” tanong ko sa kanya.

“Maayos na po sya Ginoo, nandoon lang po siya sa aming silid.” sagot niya.

“Ganoon ba, sige pupuntahan ko muna siya ha

“ paalam ko sa dalawa at ako ay naglakad na papunta sa silid ng dalawa.

Doon ay naabutan ko si Rin na nakaupo sa lamesa habang nag-aayos na ng buhok niya at nakasuot na siya ng madalas niyang kasuotan kapag kasama niya ako.

Nilapitan ko naman agad siya at tinulungan sa pagsusuklay ng buhok niya na kinagulat niya.

“Akala ko kung sino na ang katabi ko Yiren!” gulat na ani niya.

“E kasi naman seryoso ka sa pag-aayos ko kaya di na kita tinawag

“ natatawang sagot ko sakanya.

“Ako na dito Yiren” sabi niya at inagaw ang suklay na kinuha ko naman ulit sakanya.

“Dahil sa akin kaya ka naparusahan kagabi Rin, hayaan mong bumawi naman ako sayo” at tinapos kona ang pag-aayos ko ng buhok niya at ako na ang naglagay ng palamuti niya sa buhok.

“Salamat Yiren” nakangiti niyang turan sa akin matapos kong ayusin ang buhok niya.

Gumanti lang ako ng ngiti sa kanya.

Naglakad na kami palabas ng silid nila at pumunta kami sa hardin para makichika naman sa ganap ni Yuri.

Nang malapit na kami sa hardin ay nakarinig ako ng ilang pag-ubo kaya naman nagmadali na ako sa pagpunta sa aming hardin.

Doon ay naabutan ko si Rai na hawak ang likod ni Yuri.

Nang makita nila ako ay umayos ang dalawa.

“Anong nangyayari dito? May sakit kaba Yuri?” tanong ko agad.

“Nasamid lang ako kapatid wag kang mag-alala sa akin” nakangiti niyang sagot sa akin.

“Totoo ba ang sinasabi niya Rai?” tanong ko ulit.

“Opo ginoo” sagot nito.

“Mabuti naman kung ganoon” wika ko at nawala na ang pag-aalala ko kanina.

Tinanong kona kung ano ang ginagawa nila at nalaman kona naghahabi pala sila dahil isa ito sa mga maaring magsilbing libangan ni Yuri kapag nasa palasyo na siya.

Naging interisado naman ako dito kaya nagpaturo na din ako sa kanila ng paghahabi para naman may magawa din ako kapag bored ako dito at di na ako tutulala lang kung saan.

Lumipas ang dalawang oras na pagtuturo nila sa akin at ngayon ay apat na kaming naghahabi at ang aking hinahabi ngayon ay isang paro-paro na kung napapansin niyo ay nagiging paborito kona.

Ewan ko ba pero natutuwa ako kapag nakakakita ako ng paro-paro ay natutuwa ako dito dahil parang napakasaya nila dahil malaya silang nakakalipad sa ere.

Itinigil muna namin ang aming paghahabi dahil kakain na kami.

“Masaya pala ang paghahabi

“ wika ko.

“Oo naman no! Buti nalang talaga at mabilis kang matuto Yiren kaya nasasabayan mo na kami” nakangiting wika ni Yuri sa akin.

Kumain na kami at nagkwentuhan tungkol sa aming mga hinahabi.

Matapos iyon ay gusto ko nang maligo at parang gusto kong sa talon maligo ngayong araw.

Kaya naman sinabihan ko si Rin na maghanda ng mga kasuotan namin at ilang tuwalya dahil sa talon ako maliligo ngayong araw.

“Hindi ka nagpaalam kila Ama, Yiren baka naman mapagalitan ka mamaya” nag-aalalang wika ni Yuri.

“Ano pa at nandyan ang maganda kong kakambal. Sigurado naman ako na kaya mo akong pagtakpan kila Ama.” nakangiti kong wika kay Yuri.

Ngumiti naman siya sa akin at hinampas pa ako.

“Pilyo ka talaga, basta huwag kang magpapaabot ng gabi doon ha” turan niya na ikinatuwa ko naman.

Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa at umakyat muna sa taas para mag-ayos ng kaunti dahil lalabas kami at gusto ko na mukha akong presentable.

Kumatok na si Rin sa pinto ng aking silid at niyaya na ako na umalis na kaya naman lumabas na ako.

Lumabas na kami sa tarangkahan ng aming tahanan at naglakad na kami ni Rin patungo sa talon.

Muli naming nadaanan ang mga naglalaglagang dahon na nakita ko kahapon at katulad kahapon ay gandang-ganda pa din ako dito.

Matapos iyon ay dumaan din kami sa pamilihan at makalipas ang ilang minuto ng paglalakad ay narating na namin ang bukana ng gubat at tumuloy na kami ni Rin papunta sa talon.

At nang makarating kami doon ay hindi ko naiwasan na muling mamangha sa tanawin na nasa aking harapan ngayon.

“Oh tara na Yiren” kalabit sa akin ni Rin.

Kaya naman napasunod na ako sa kanya at nagsimula na ako na magtanggal ng aking kasuotan at itinira ko lamang ang aking panloob na balak kong hubarin din mamaya kapag nasa tubig na ako.

Lumusong na ako sa tubig at dinama kona ang sarap ng malamig na tubig sa aking balat at talaga namang nanaisin kona na dito na maligo araw-araw dahil napakarefreshing talaga ng tubig dito.

Sumisid-sisid lang ako sa tubig at nakita ko din si Rin na nagbabad kaya naman nagpatuloy na din ako sa pagligo ko hanggang sa makaramdam ako ng gutom.

Naalala ko na kaunti lang ang nakain ko kanina dahil nagmamadali ako na maligo dito sa talon.

Lumangoy ako papalapit kay Rin para magtanong kung may nadala ba siya na pwedeng makain.

“Rin, may nadala kabang tinapay o kahit na makakain?” tanong ko sakanya.

“Nako wala akong nadala dahil nagmamadali ka kanina hindi ba” sagot niya sa akin.

Nakakaloka ako pala talaga may kasalanan hahahaha.

“Maari kabang bumili ng makakain natin sa pamilihan Rin?” tanong ko sakanya.

“Pwede naman kaso ay maiiwan ka dito mag-isa Yiren kaya mo ba?” tanong niya sa akin

“Kaya ko naman dito saka wag ka mag-alala di ako aalis dito” sagot ko.

“Sige, hintayin moko dito at bibili lang ako ng makakain mo.” wika niya.

“Bumili kana din ng iyo Rin para sabay na tayo kumain” huli kong wika na tinanguan niya.

Lumangoy na papunta sa pinaglalagyan ng mga gamit namin si Rin at sinuot niya ang kanyang kasuotan at bago siya umalis ay nagpaalam siyang muli sa akin.

Nang makaalis na si Rin ay lumangoy na ako ulit papunta at nagbabad.

Naisipan ko na magfloating muna dito habang hinihintay ko si Rin na bumalik galing sa pamilihan.

Habang nakalutang ako sa tubig ay bigla kong naalala ang Mama ko at mga kaibigan ko na panigurado ay nag-aalala na sa akin ngayon dahil bigla nalang akong nawala doon sa amin.

Napapikit na lang ako habang inaalala ko ang mga masasayang alaala namin na magkakasama nang may bigla akong marinig na paghampas ng tubig.

Nagulat na lamang ako ng may lumapit sa akin at bigla akong binuhat kaya naman nagpumiglas ako dahil hindi ko kilala kung sino ito.

Habang nagpupumiglas ako ay bigla ako nitong nabitawan kaya naman nang makabawi ako ng balanse ko sa tubig ay tinignan ko kung sino ang nanggulat sa akin.

Sisigawan kona sana ito nang makita kong na isang pamilyar na tao ito.

Si Zichu

Oo siya ang nanggulat sa akin.

Anong ginagawa niya dito?

Paano niya nalaman ang lugar na ito?

“Zichu, anong ginagawa mo dito?

“ tanong ko sakanya.

“Madalas din ako dito sa talon na ito at narinig ko na madalas ka rin daw dito pero hindi naman tayo nagkikita kapag napupunta ako dito” paliwanag niya.

“Ganoon ba, e bakit mo naman ako biglang binuhat ha! Nakakagulat ka” tanong ko ulit kasi nagulat talaga ako kanina no akala ko kung sino eh.

“Nakita kasi kitang nakalutang lang dito kaya akala ko ay nalunod kana kaya naman agad akong tumalon sa tubig para sana ay sagipin ka” sagot naman niya sa akin.

Hala! Ganon pala ang nangyari, dapat ba akong mag-thank you sakanya? Ano sa tingin nyo? Comment down below nga. char

“Nako, maraming salamat kung ganoon” sabi ki pero agad akong natigilan dahil sa ginawa niya.

Hinuhubad niya ngayon ang panloob niya! At sa harapan ko pa!!!

“Teka Zichu bakit ka naghuhubad?

“ tanong ko sakanya.

“Dahil sanay akong maligo dito nang nakahubad saka pareho naman tayong lalaki kaya walang problema” sagot nito at tuluyan na niyang naalis ang panloob niyang damit at nakita kona ang katawan niya.

Kita ko ang maganda hubog ng katawan niya. Mula sa kanyang maumbok na dibdib na mayroong mga mapupulang mga nipples hanggang sa kanyang tiyan na mayroon ding abs pero hanggang sa kanyang mga mamuscle na braso.

Napatitig nalang ako sa katawan niya na mas magandang tanawin pa ata kaysa dito sa talon na ito.

“Oh bakit ka naman napatulala?” tanong niya na tumapos sa pagtitig ko sa katawan niya.

“Ah wala naman, di lang ako sanay na may nakahubad na lalaki sa aking tabi” sagot ko sabay langoy palayo sa kanya.

Nagulat na lamang ako nang may humawak sa kanang paa ko at di ko namalayan na katabi kona pala si Zichu.

“Kaya naman pala titig na titig ka sa aking katawan Yiren” sabi niya.

Namula naman ako kaya agad akong lumayo sakanya para di niya makita ang pamumula ko.

Muli akong nagfloating sa parte ng talon na medyo malayo sa kanya. Nagulat na lamang ako nang may biglang tumalsik na tubig sa mukha ko.

Napadilat ako at nakita ko si Zichu na natatawa kaya naman lumangoy ako palapit sa kanya at nang makalapit ako sa kanya ay hinampas ko ang tubig sa harapan niya at sakto ito sa kanyang mukha kaya ako naman ang natawa.

“Ganyan pala ang gusto mo ha!” wika nito sabay langoy palapit sa akin kaya namab agad akong lumangoy palayo sa kanya pero naabutan niya din ako.

Hinila niya ulit ang paa ko at nilapit niya ako sa kanya sabay hatak sa akin sa ilalim ng tubig.

Kaya ko naman sumisid pero hindi nang matagal kaya agad akong umahon at huminga dahil pakiramdam ko ay naubos ang hangin ko sa ilalim.

Nang makaahon na din siya ay saka ko lang napansin na masyadong malapit ang mga katawan namin at nararamdaman kona ang init nang kanyang katawan.

Agad akong lumayo dahil ang awkward ng pwesto naming dalawa doon.

Lumapit ako sa talon at doon ay muli kong dinama ang malamig na tubig at naramdaman ko nalang na tinabihan niya ako pero hindi na siya nagsalita.

Dinama niya nalang ang tubig at pumikit kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan ang mukha ni Zichu.

Mahaba ang kanyang mga pilik-mata, matangos din ang ilong niya at ang mga labi niya naman ay mapula na tila ba nang-aakit na tikman mo siya.

“Kaaya-aya ba ang aking mukha?” tanong nito na ikinagulat ko.

“Aba, hindi ko alam no!” sagot ko na ikinatawa niya.

“Paanong hindi mo alam, eh nakatitig ka nga sa aking mukha kanina lang” pang-aasar nito sa akin.

“Ewan ko sayo, diyan kana nga!” at lumangoy na ako papunta sa lagayan ng aming mga gamit ni Rin.

Kinuha ko ang tuwalya at nagtuyo na ako ng aking katawan at matapos iyon ay unti-unti konang hinubad ang aking panloob.

“Napakaputi mo ngang talaga Yiren” wika ng tao sa likod ko.

Shet! Nakalimutan ko na nandito nga pala siya!!!

“Heh! Huwag kangang tumingin

“ sagot ko.

Ipinagpatuloy ko nalang ang paghuhubad at nang maalis kona ang pang-itaas ay nakita kong napatitig sa akin si Zichu.

Napansin kong nakatingin siya sa katawan ko na inaamin kong medyo payat dahil hindi naman ako masyadong malakas kumain dito. Kasing katawan kona nga yata si Yuri e.

Agad naman akong nagpalit ng panloob ko at pumitik ako sa harap ni Zichu nang matapos na akong magsuot ng panloob ko.

Napabalik naman siya sa sarili niya at kinuha niya nadin ang kasuotan niya. Umupo muna ako sa mabatong parte nitong talon at tinabihan niya ako.

Nasaan na ba si Rin? Jusko! Kanina pa siya umalis ah.

Habang hinihintay ko si Rin ay biglang nagsalita si Zichu.

“Ang katawan mo ay parang katawan na ng isang dalaga” sabi niya.

Aba! Ano namang masama sa katawan ko. Teka nga bakit katawan ko naman ang pinansin niya!

“Ano naman ang masama doon?” tanong ko.

“Wala naman, hindi lang kagaya ng sa pangkaraniwang binata.” sagot niya.

“Hindi kasi ako masyadong kumakain ng marami kaya ganoon” sabi ko

“Bakit naman?” tanong niya.

Bago ko pa masagot ang tanong niya ay dumating na ang hinihingal na si Rin.

“Yiren! Tayo na at umuwi!” hinihingal niyang turan.

“Bakit naman? Anong nangyari?” tanong ko.

“Ang iyong Ama ay dumating na at paparusahan na niya ang iyong kapatid!” sagot niya na ikinatayo ko sa aking kinauupuan.

“Ano! Anong ginawa ni Yuri para parusahan siya ni Ama?” kinakabahang tanong ko.

“Pilit kang pinagtatakpan ng Binibini kaya’t siya ang paparusahan ng inyong Ama ngayon.” wika niya at saka niya lang napansin si Zichu na katabi ko.

“Ano po ang ginagawa niyo rito Ginoong Zichu?” tanong niya.

Sasagot palang sana si Zichu nang hatakin kona si Rin pauwi dahil kailangan kong tulungan si Yuri.

Hindi na ako nagpaalam kay Zichu dahil importanteng makauwi na agad kami para mailigtas ko si Yuri.

Mabilis naman kaming nakalabas ng gubat at doon ay nakita ko ang isang karwahe.

Magtatanong palang sana ako nang hilahin na ako ni Rin papasok dito.

“Kanino ang karwaheng ito?” tanong ko.

“Pag-aari niyo itong karwaheng ito na ginagamit kapag aalis kayo.” sagot ni Rin.

Hindi na ako nagtanong pa dahil kinakabahan ako sa kalagayan ni Yuri ngayon.

Mabilis kaming nakauwi ni Rin dahil nga nakasakay na kami sa karwahe.

Pagkababa namin ay bumukas ang tarangkahan at agad akong tumakbo papasok sa aming tahanan.

Doon ay nakita ko si Yuri at Rai na parehong nakaluhod habang si Ama ay hawak nanaman ang kanyang latigo na ipinanghampas niya kay Rin kahapon.

Hahampasin niya na sana si Yuri nang agad kong iniharang ang aking katawan at nakaramdam ako ang hapdi dahil doon.

“Ama! Wala pong kasalanan si Yuri.” wika ko

“Sinong nagbigay sayo ng pahintulot na umalis ng tahanan na walang paalam ha? Kailan

mo pa natutunan iyan ha! Yiren!“ galit na wika ni Ama.

“Ipagpaumanhin nyo po ang aking ginawa Ama, nais ko lamang pong maligo sa talon kaya po hindi ako nagpaalam dahil alam kopo na hindi ninyo ako papayagan” sagot ko sakanya.

Hinampas nanaman niya ako ng latigo at naramdaman ko nanaman ang hapdi sa aking likuran.

Tinitiis ko lang ang sakit dahil ako naman talaga ang may kasalanan dito.

“Alam mo naman na kagagaling mo lang sa sakit! Paano kung mapahamak ka doon ha!?” wika muli ni Ama at hinampas nanaman niya ako ng latigo.

“Argh! Ama! Patawad po!” napahiyaw nalang ako dahil napakasakit talaga ng paghampas sa akin ng latigo.

“Kailangan mong magtanda Yiren. Hindi ka dapat umaalis ng hindi namin alam!

“ sabay hampas nanaman niya sa akin.

Doon na tumulo ang luha ko dahil sa sakit na nadarama ko ngayon.

“Gusto ko lang naman po na makita ang lugar sa likod ng mga bakod ng tahanan na ito! Gusto ko lang naman na makapaglibot Ama!” sabi ko habang tumutulo ang luha ko.

“Sinasagot mo na ako ngayon? Kailan mo pa natutunan na sagutin ako ha!” sabay hampas sa akin ng tatlong beses.

Wala na akong magawa kundi ang humiyaw dahil sa sakit na nadarama ko ngayon.

Hindi na ako muling nagsalita pa dahil baka lalo lang magalit sa akin si Ama.

“Bilang kaparusahan sayo ay hindi ka muna maaring lumabas sa loob ng isang linggo! Kailangan mong magtanda!” wika niya sabay alis sa aking harapan.

Agad naman akong napahiga sa sahig dahil sa sakit na galing sa paglatigo sa akin kanina.

Agad naman akong nilapitan nina Yuri, Rin, at Rai.

“Yiren! Bakit ba kasi nagtagal ka doon? Hindi ba’t sinabi ko sayo na bilisan mo lang para hindi ka abutan ni Ama?” wika ni Yuri sa akin.

“Gusto ko lang naman na magtagal doon dahil nagiging kalmado ako doon sa talon.” sagot ko at ngumiti ako sa kanya.

“Huwag na kayong mag-alala sa akin. Kaya ko ito! Latigo lang iyon haha” natatawang ani ko sabay pilit na tayo.

Inalalayan naman ako ni Rin at Rai.

“Nais kona magpahinga, pakitulungan niyo naman ako paakyat oh” pakiusap ko sa dalawa.

Agad silang tumango at tinulungan ako sa pag-akyat papunta sa aking silid.

Tinulungan din nila ako sa paghiga ko.

“Ikukuha lamang kita ng gamot” wika ni Rin.

Ngumiti naman ako sa kanya at matapos iyon ay umalis na sila ni Rai.

Napatulala nalang ako sa kawalan at napaisip.

Napatagal nga yata talaga ako sa pagligo ko sa talon.

Eh kasi naman si Zichu kasi e dumating bigla. Ayan tuloy napatagal ako doon.

Ay teka! Ano namang kasalanan ni Zichu doon. Eh ako naman yung nakipaglaro pa sa kanya doon sa tubig.

Napabuntong hininga na lang ako nang biglang pumasok sa isip ko ang larawan ng katawan ni Zichu.

Hala! Bakit naman pumasok sa isip ko iyon!

Mukhang masama na ito ha. Nung isang gabi ay naisip ko ang ngiti niya sa akin bago ako makatulog tapos ngayon naman ay ang katawan niya.

Masama nga ito!

Parang gusto ko ulit na makita si Zichu. Ang mga ngiti niya na ewan ko ba pero magaan sa pakiramdam ko kapag nakikita ko iyon.

Ay teka nga!!! Ano ba pinagsasabi ko. Siguro ay dala lang iyon ng paglatigo sakin ni Ama.

Umayos nalang ako ng higa at hinintay ko si Rin na makabalik dito sa aking silid. Baka kung ano- ano nanaman pumasok sa isip ko kapag tumulala nanaman ako.

11 | Pag-amin

•Yiren

Naramdaman ko na may yumuyugyog sa aking katawan at dahil doon ay naalimpungatan ako.

Hala! Nakatulog pala ako kaloka.

“Yiren, handa na ang

gamot para sa iyong mga latay“ wika ni Rin.

“Nakatulog pala ako” wika ko.

“Marahil ay dahil sa pagod na dinanas mo kaya mabilis kang nakatulog” sabi ni Rin.

“Rin, ganon ba talaga kastrikto si Ama?” tanong ko sakanya.

“Hindi naman, siguro ay nag-aalala lamang siya sayo lalo kagagaling mo lamang sa isang aksidente kaya ganoon na lamang ang pagiging istrikto niya sa iyo.” sagot nito.

“E bakit naman pati si Yuri ay paparusahan niya na dapat kung hindi lang ako dumating ay baka may latay na din ang kapatid ko dahil sa kagagawan ko” wika ko.

“Dahil nagsinungaling ang Binibini na hindi naman niya talaga ginagawa kahit noong mga bata pa tayo ay hindi talaga siya mahilig magsinungaling.” sagot niya ulit.

“Ganoon pala, sa tingin mo ay ano ang mga gagawin ko dito sa loob ng isang linggo na nakakulong ako dito” tanong ko sakanya.

“Magbasa kana lamang ng iyong mga libro o di kaya ay maghabi na lamang tayo para may mapagkaabalahan ka naman habang nandito lang tayo sa tahanan.” sagot niya habang dahan-dahang nilalagyan ng kung anong dahon ang latay ko.

“Siguro nga ay yun na lang ang gagawin ko” sagot ko sakanya.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ang paglapat niya ng gamot sa aking latay at nagpaalam na din siya sa akin dahil anong oras na din naman.

Umalis na si Rin sa aking silid at ako nalang mag-isa ang naiwan.

Tumayo muna ako sa aking higaan at nagpunta ako sa bintana ng aking silid.

Tanaw na tanaw ko mula rito ang buwan na napakaliwanag ngayong gabi. Napakagandang pagmasdan nito lalo na’t tila nakangiti ito sa akin.

Napangiti na lamang ako sa naisip ko dahil naalala ko na nung bata ako ay lagi ko pang inaakala na hinahabol ako ng buwan kaya power takbo naman ako para makipaglaro sa kanya.

Nakakamiss lang ang mga ganong alaala kung saan wala pang problema at wala pa ako dito sa panahong ito.

Dinampot ko ang suklay sa kalapit na lamesa at unti-unti kong sinuklay ang aking buhok na ngayon ay nakalaylay na at tinatangay ng hangin na galing sa labas ng bintana.

Muling pumasok sa isip ko ang mga nangyari sa aking ngayong araw.

Ang pagtakas ko dito sa aming tahanan para maligo sa talon kung saan nakita ko si Zichu. Si Zichu na kagaya ko ay madalas din pala sa talon na iyon.

Naalala ko nanaman ang aming paghahabulan kanina sa tubig. Ang paglublob naming dalawa nang sabay.

Ang katawan niya na tila ba nililok dahil sa angking ganda nito na napakasarap pagmasdan. Ay ano ba sinasabi ko! Sa totoo lang naman ay talagang maganda ang katawan ni Zichu no!

Okay fine, masarap yung katawan ni Zichu. Kaya nga kanina ay napatulala na lang aki dahil ngayon lang ako nakakita ng katawan ng isang binata no! Totoo yun dahil sa panahon ko ay demure ang ganap ko don kaya di pa ako nakakakita ng hubad na lalaki.

Napaisip ako saglit. Napapadalas na ata ang pagpasok ni Zichu sa isip ko tuwing gabi at bakit ba palagi nalang akong napapangiti sa tuwing naalala ko ang lalaking iyon!!!

Sa tanang buhay ko ngayon ko lang ata naranasan to. Yung siya ang laman ng isip ko bago ako makatulog at kapag nakikita ko naman siya ay hindi ako mapakali.

Haynako! Sa tingin ko ay antok lang to. Agad kong tinapos ang pagsusuklay ko at humiga na ako sa aking kama.

Umayos ako ng higa at nagdasal muna bago ako magpatangay sa antok ko.

K I N A B U K A S A N

Nagising na lang ako sa yugyog nanaman nj Rin sa akin.

“Mag-aagahan na kayo Yiren, naghihintay na sila sa ibaba” wika niya.

“Sinong sila?” tanong ko sakanya.

“Hindi pupunta ngayon sa palasyo ang Amo kaya nandito lamang sila ng inyong Ina sa buong araw na ito” paliwanag niya.

“Sige susunod na ako sa baba” sabi ko sa kanya sabay tayo.

Nagpakuha muna ako ng tuwalya para makapagpunas naman ako ng mukha ko at baka may muta pako o tuyong laway.

Matapos iyon ay bumaba na kami ni Rin at nandoon nga sina Ama, Ina, Yuri at si Zichu.

Oo si Zichu.

Anong ginagawa niya dito!

Nagulat ako dahil nandito siya sa aming tahanan.

“Maupo kana Yiren” wika ni Ina.

“Magandang Umaga po Ama, Ina” bati ko muna bago umupo.

“Naririto na si Yiren kaya magsimula na tayong mag-agahan” wika ni Ama.

Agad kaming hinainan ng pagkain ng aming mga tagapagsilbi. Dahan-dahan lang akong kumain ngayon dahil nandito sila Ama at Ina pati na rin si Zichu na mas nagpaconscious pa lalo sakin.

“Kamusta ang mga sugat mo Anak?” tanong ni Ina

“Pawala na po ang mga marka, Ina” sagot ko.

“Mabuti naman kung ganoon, sa susunod ay magpaalam kana lamang kung nais mong umalis” wika niya.

“Opo, Ina” sagot ko at tinuloy kona ang pagkain ko.

Nagpatuloy kami sa pagkain habang si Ama naman ay may sinasabi kay Zichu na diko na iniintindi dahil diko din naman gets yung pinag-uusapan nila.

May biglang kumalabit sa akin.

“Kamusta na ang mga latay mo?” bulong ni Yuri sa akin.

“Maayos naman na, binigyan ako ng gamot ni Rin kagabi” sagot ko sa kanya.

“Mabuti naman kung ganoon” bulong niya ulit at muli siyang nagpatuloy sa pagkain.

Nagpatuloy na din ako sa pagkain ko nang bigla nalang akong mabulunan kaya naman agad kong inabot ako tubig pero medyo malayo ito sa akin.

Lalapitan na sana ito ni Rin nang may biglang mag-abot sa akin ng isang baso ng tubig.

Tinignan ko kung kanino galing iyon at ewan ko ba kung bakit nag-init ang pisngi ko nang makita kong kay Zichu nanggaling iyon.

Inabot ko naman agad yung baso at ininom yung tubig. Matapos iyon ay naramdaman ko na hinahagod ni Rin ang likod ko.

“Maraming salamat sa tubig” wika ko sabay tingin kay Zichu na nginitian lang ako.

Agad akong yumuko dahil nginitian niya nanaman ako!!!

Nararamdaman kona namumula ako ngayon kaya naman binilisan kona ang pagkain ko at nang matapos ako ay nagpaalam ako kina Ama at Ina na aakyat muna ako.

Pagkaakyat ko ay umupo ako sa tapat ng lamesa ko sa silid at humarap ako sa salamin na nandoon.

Kita ko nga na medyo namumula pa ang pisngi ko. Totoo nga yung nararamdaman ko kanina doon sa baba.

Bakit ba kasi nandun si Zichu e. Hindi ko tuloy maiwasan na mamula dahil sa hiya.

Sumunod naman sa akin si Rin.

“Rin, halika nga dito sa tabi ko.” yaya ko sa kanya.

“Oh bakit naman?” tanong niya pagkatapos niyang umupo.

“Rin, sa tingin ko ay may nararamdaman akong kakaiba kay Zichu” wika ko.

“Ano naman iyon? Wala namang kakaiba sa Ginoo ah” ani ni Rin.

“Hindi!! Huwag kang maingay ha sayo kolang sasabihin to. Simula kasi noong ihatid niya ako dito noong naligaw ako sa pamilihan ay madalas ko nang nakikita ang mukha niya na nakangiti sa akin bago ako matulog. Kagabi ay pumasok pa sa isip ko yung mga nangyari sa talon kung saan nakasama ko siya. Tapos kanina naman sa baba nung inabutan niya ako ng tubig ay nginitian niya ako tapos naramdaman ko na nag-init ang pisngi ko.” wika ko sakanya.

Natawa naman siya sa akin na nakapagpataka sakin.

“Oh bakit ka naman tumatawa diyan? May nakakatawa ba sa sinasabi ko?” tanong ko.

“Eh kasi naman sinabi mo noon na hindi mo magugustuhan si Ginoong Zichu kahit kailan pero tignan mo naman ngayon, mukhang nahulog kana sa Ginoo.” wika nito.

“Wala naman akong gusto sakanya no ! “ giit ko sakanya kahit alam ko naman sa sarili ko na tama siya.

Oo, inaamin kona nagugustuhan ko na nga si Zichu. Sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog doon sa lalaking iyon no. Eh sa ngiti pa ngalang niya hulog na hulog nako e.

“Kahit hindi mo naman sabihin Yiren, sa mga kilos at sa kwento mo sa akin ay halata naman na may gusto ka sa Ginoo” wika ni Rin sa akin.

“Eh! Hindi ko naman inaasahan na mahuhulog ako sa kanya e.” wika ko sakanya.

“Edi inamin mo din hahaha” natatawang sagot ni Rin sa akin.

Nagpatuloy pa kami sa pagkukwentuhan at makalipas ang isang oras ng pagchichikahan naming dalawa ay bumaba na ulit kami dahil kakain na daw kami ulit.

Nalaman kona umalis na din si Zichu dahil sina Yuri, Ama at Ina na lang ang nakaupo sa hapagkainan.

Hindi naman ako masyadong nakisali sa kwentuhan nila at dahil doon ay mabilis akong natapos sa pagkain ko.

Mabilis na lumipas ang oras at ngayon ay hapon na at nandito kaming apat nina Rin, Yuri at Rai sa hardin at kami ay naghahabi ulit.

Masaya kaming naghahabing apat at paminsan-minsan ay nagtatawanan dahil sa mga ilang pagkakamali sa aming mga ginagawa.

Muling lumipas ang oras at hindi ko namalayan na nandito na ako sa aking kama at nakahiga na ako.

Nang matapos akong magdasal at ipinikit kona ang aking mata at hinayaan ko ang aking sarili na tangayin ng dilim.

F A S T F O R W A R D

Dumaan ang dalawang araw na hindi ko namalayan dahil paulit-ulit lang naman ang mga ginagawa ko sa araw-araw.

Gigising sa umaga at kakain ng agahan pagkatapos ay magbabasa sandali ng mga aklat ko at maya-maya lang ay kakain na kaming dalawa ni Yuri. Pagkatapos ay maliligo na ako ay maya-maya ay pupunta na sa hardin para maghabi na nakasanayan na naming gawin. Sa pagsapit naman ng gabi ay kakain lang kami at aakyat nadin ako at magbabasa sandali hanggang sa antukin ako at makita ko ang nakangiting imahe ni Zichu sa aking isip at saka ako makakatulog.

Hulog na hulog na nga yata ako kay Zichu. Lagi nalang kasing siya yung nasa isip ko bago ako makatulog. Normal paba yun?

Ayan lamang ang mga ginagawa ko sa nakalipas na mga araw kung kaya naman sobrang nabuburyo nako dito sa tahanan namin.

Ngayon ang ika-apat na araw kong grounded ako. Masyado nakong nagsasawa sa daily routine ko. Wala naman ngayon sina Ama at Ina kaya pwede naman siguro akong pumuslit sa labas no.

Lumabas ako ng silid ko at agad kong hinanap si Rin para magpasama sana sa kanya sa talon para doon maligo pagkatapos ay pupunta kami sa tore kung saan tanaw na tanaw ko ang buong palasyo.

Narating kona ang silid nila ni Rai at doon ay nakita kong walang tao sa silid nila kaya naman pumunta ako sa hardin dahil baka nandoon siya pero pagkarating ko doon ay tanging isang tagapagsilbi lamang ang nandoon.

Agad kong nilapitan ang tagapagsilbi at tinanong.

“Nasaan sina Yuri? Napansin moba sila?” tanong ko.

“Nagpunta po ang Binibini sa kanyang guro kaya wala po siya ngayon dito” sagot nito.

“Ganoon ba, eh si Rin nakita mo ba?” tanong ko ulit.

“Kaninang umaga po ay kasabay ng inyong Ama at Ina si Rin na umalis ng tahanan” sagot niya.

“Bakit naman?” tanong ko.

“Isasama daw po ng inyong Ina ngayon si Rin dahil wala ang kanyang tagapagsilbi at nandito lang naman daw po kayo kaya hindi niyo masyadong kailangan si Rin.” sagot niya ulit.

Anobayan! Paano naman ako pupunta nito sa talon kung hindi ko kasama si Rin.

Alam ko naman na ang daan papunta doon sa talon dahil ilang beses naman na kaming nagpupunta doon ni Rin no! Pero yung daan patungo sa Tore ay hindi kopa masyadong kabisado dahil isang beses palang akong napupunta doon.

Nako! Bahala na nga basta gusto kong lumabas ngayon! Pupunta nalang ako sa talon mag-isa.

Agad akong umakyat sa aking silid para maghanap ng aking mga dadalhin para sa aking pagpunta sa talon.

Natapos naman akong maghanap at ngayon ay nailagay kona sila sa lalagyan na dadalhin ko. Nang matapos na akong mag-ayos ng sarili ko ay agad akong bumaba bitbit ang lagayan ko ng kasuotan ko.

Lumabas na ako ng aming tahanan at ngayon ay nasa tarangkahan na ako.

“Ginoo, saan po kayo pupunta?” tanong ng tagabantay.

“May bibilhin lamang ako sa pamilihan” sagot ko naman.

“Ngunit ipinagbabawal po ng Amo na lumabas kayo” wika nito.

“Alam ko naman iyon pero madali lang naman ako kaya sige na” pamimilit ko dito.

“Mapapagalitan po ako kapag pinayagan ko kayo na lumabas Ginoo” wika nito.

“Akong bahala kay Ama, pangako iyan” sabi ko dito.

“Sige po, pero bilisan niyo lamang po para hindi po kayo mapagalitan Ginoo” wika nito at binuksan ang tarangkahan.

“Maraming salamat po” wika ko dito at naglakad na ako palabas.

Sa wakas ay nakalabas nanaman ako ng aming tahanan! Ngayon ay tinatahak kona ang daanan papunta sa pamilihan at natanaw kona ang pamilyar na mga puno na katulad ng dati ay mayroon pading mga naglalaglagan na dahon na siyang ikinatuwa ko ulit.

Napakaganda talaga nitong pagmasdan.

Agad na akong nagpatuloy sa paglalakad ko at ilang minuto lang ang lumipas ay narating kona ang pamilihan kaya naman natuwa ako dahil medyo malapit na ako sa talon.

Agad kong nalagpasan ang pamilihan dahil wala naman talaga akong bibilhin doon e. Nang makalagpas ako sa pamilihan ay mas nagiging pamilyar na sa akin ang daan papunta sa talon.

Maya-maya lang ay naratint kona ang bungad ng gubat na siyang ikinatuwa ko.

Pumasok ako doon at tinahak kona ang daan patungo sa talon at nang makarating na ako sa talon ay napatalon na lang ako dahil nakarating ako dito ng ako lang mag-isa!

Agad kong inilapag ang aking mga gamit da tuyong parte ng talon at dahan-dahan kong hinubad ang aking panlabas na kasuotan nang may maramdaman akong nasa likod ko.

Agad akong humarap dito at napasigaw ako ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

“Anong ginagawa mo dito!?” tanong ko sakanya.

“Nakita kita sa pamilihan kanina na naglalakad at walang kasama kaya naman sinundan kita dahil baka maligaw ka nanaman sa kung saan mang pupuntahan mo.” sagot ni Zichu.

Oo, si Zichu nga ang nasa harapan ko ngayon.

“Wala kasi si Rin sa aming tahanan ngayon kaya nagpasya ako na pumunta dito mag-isa” wika ko.

Ganoon ba, oh ano pang hinihintay mo? Maligo na tayo!“ yaya nito sa akin.

Ha!? Maligo tayo? Maliligo din siya!

Agad siyang nagtanggal ng kanyang panlabas na kasuotan at sinundan naman iyon ng pag-alis niya ng kanyang pang-itaas na panloob. Kaya nakita ko nanaman ang katawan niya na agad na ikinapula ng mukha ko.

Natapos na siyang magtanggal ng kasuotan at nauna na siyang lumusong sa tubig. Kaya naman agad akong nag-alis na din ng aking kasuotan at sumunod sa kanya sa tubig.

Pagkalusong ko ay hinatak niya ako patungo sa mas malalim na parte ng tubig dito kaya naman napahawak ako sa dibdib niya dahil hindi pa ako nakakakuha ng balanse.

“Ano ba! Bakit ka nanghihila jan!?” tanong ko sakanya.

“E antagal mo kasi” sagot nito.

“E sino ba nagsabi na hintayin mo ako ha!” sabi ko dito sabay irap pero sa loob ko ay gusto ko nang tumili dahil hinintay niya ako!

“Gusto kitang makasabay e. Masama ba iyon?” tanong nito.

“Hindi naman pero sa susunod ay magsabi ka naman hindi yung nanghihila ka nalang nang biglaan” sagot ko dito at humiwalay na ako sa pagkapit ko sakanya dahil nakabalanse na ako ngayon.

“Kung gayon ay may susunod pa pala” wika nito sabay ngiti na ikinainit ng pisngi ko kaya naman lumangoy ako palayo sa kanya.

Hindi ko naman alam na maypagka-sireno pala tong si Zichu dahil napakabilis niyang lumangoy at ngayon lang ay nasa tabi ko na siya at binasa niya nanaman ako!!!

Agad akong gumanti sa kanya at nagbasaan lang kaming dalawa kahit basa naman na talaga kami kanina pa kasi nga naliligo kami diba.

Nang mapagod ako ay lumangoy na ako papunta sa pinaglalagyan ng mga gamit ko at kukuha na sana ako ng tuwalya ng biglang umangat ang katawan ko at naramdaman ko na lang na nasa tubig nanaman ako.

“Ano ba! Bakit mo ko binuhat papunta dito?” tanong ko kay Zichu.

“Masyado pang maaga para umalis ka, nais ko lang maligo kaya samahan mo naman ako dito.” wika nito habang nakangiti sa akin ng payak kaya naman wala akong nagawa kundi pumayag dahil sa tingin ko ay kahinaan kona ang mga ngiti ni Zichu.

Agad kaming bumalik sa tubig at ngayon ay mas dikit na kami sa isa’t-isa kaya nararamdaman ko ang init ng katawan ni Zichu.

“Masyado ka yatang malapit sakin Zichu” wika ko dito.

“Wala namang masama doon diba Yiren?” sagot nito.

“Wala naman pero kasi hindi ako sanay” wika ko.

“Kung gayon ay masanay kana dahil kapag kasama mo akong maligo ay mapapadalas na ata ang pagdikit natin sa isa’t-isa lalo na’t hindi ko alam kung bakit pero nais ko na laging maging malapit sa iyo” sabi niya.

“Ano ba ang sinasabi mo ha?” tanong ko dito.

“Hindi ko alam pero simula noong makita kita sa inyong tahanan ay hindi na mawala sa isip ko ang mukha mo at palagi kang nasa panaginip ko” wika nito.

Agad naman akong namula dahil doon. Shet! Hindi lang ikaw Zichu!

“Ano naman ang mayroon sa akin at gusto mong mapalapit sa akin?” tanong ko

“Hindi ko alam pero mayroong bagay sa iyo na sadyang pumupukaw sa atensyon ko at sa tingin ko ay nais pa kitang makilala ng lubusan” sagot niya.

“Ngunit Zichu, parehas tayong lalaki.” wika ko.

“Ano naman ang masama doon? Wala naman hindi ba?” sagog ni Zichu.

“Tama ang iyong sinabi at Zichu nais kong sabihin sa iyo na sa unang kita ko pa lamang sa mga ngiti mo ay hindi na ito nawala sa aking isipan at lagi mo nang ginugulo ang isip ko simula noon” nahihiyang pag-amin ko sa kanya.

“Huwag kanang mahiya sa akin Yiren. Ngayon ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil tila ba nagbubunyi ang puso ko dahil parehas tayo ng nararamdaman.” wika nito at pansin ko ang namumulang tenga nito.

Sasagot pa sana ako nang bigla akong kabigin nito at ikulong sa kanyang mga bisig.

Hindi na ako nagreklamo dahil totoo namang napakasarap dito sa piling ng mga bisig ni Zichu.

Hindi ko alam kung anong sumanib sa akin at niyakap ko din si Zichu. Dinama ko ang init ng katawan niya na nagbibigay sa akin ng ibang pakiramdam.

Maya-maya lamang ay kumalas na kami sa aming yakapan at hinawakan ni Zichu ang kamay ko at dinala niya ako sa gitnang parte ng tubig at doon at nagbasaan muli kaming dalawa na parang mga bata.

Di, ’di ko inakalang

Darating din sa akin

Nu’ng ako’y nanalangin kay Bathala

Naubusan ng bakit

Bakit umalis nang walang sabi?

Bakit ’di siya lumaban kahit konti?

Bakit ’di maitama ang tadhana?

At nakita kita sa tagpuan ni Bathala

May kinang sa mata na ’di maintindihan

Tumingin kung saan

Sinubukan kong lumisan

At tumigil ang mundo

Nu’ng ako’y ituro mo

Siya ang panalangin ko

Hindi ko alam pero iba talaga ang pakiramdam ko ngayon. Napakasaya ko at pakiramdam ko ay punong-puno ng kasiyahan ang puso ko ngayon. Kitang-kita ko din sa mukha ni Zichu ang kasiyahan habang nakatitig siya sa akin.

At hindi, ’di mapaliwanag

Ang nangyari sa akin

Saksi ang lahat ng tala

Sa iyong panalangin

Pa’no nasagot lahat ng bakit?

’Di makapaniwala sa nangyari

Pa’no mo naitama ang tadhana?

Maya-maya lang ay niyaya kona si Zichu na umahon na dahil medyo matagal na kaming nagbabad sa tubig.

Agad naman siyang sumunod at sabay kaming lumangoy papunta sa pinaglalagyan ng mga gamit namin.

Naupo muna kami pagkaahon namin. Hindi muna ako nagsalita at ganon din si Zichu kaya naman sumandal muna ako sa kanyang mga balikat.

Nu’ng nakita kita sa tagpuan ni Bathala

May kinang sa mata na ’di maintindihan

Tumingin kung saan

Sinubukan kong lumisan

At tumigil ang mundo

Nu’ng ako’y ituro mo

At hindi ka lumayo

Nu’ng ako ’yung sumusuko

At nagbago ang mundo

Nu’ng ako’y pinaglaban mo

At tumigil ang mundo

Nu’ng ako’y pinili mo

Siya ang panalangin ko

Mukhang siya na nga ang Panalangin ko.

12 | Pagbuo ng Pangako

•Yiren

Walang nagsasalita sa aming dalawa dahil nadin siguro sa pagod kakalangoy. Dinaig kopa yata sirena kaya napagod ako at napasandal nalang ako ngayon sa balikat ni Zichu.

“Zichu, seryoso kaba sa sinabi mo kanina?” tanong ko.

“Alin doon?” sagot niya.

“Yung ano sinabi mo kanina habang nasa gitnang parte tayo ng talon” wika ko.

“Ah iyon bang nais pa kitang makilala ng lubos?” sabi niya.

“Oo kasi naman nagtataka talaga ako sayo dahil wala namang espesyal sakin no!” sagot ko sakanya bagamat sa loob ko ay gusto konang magtatalon dahil masyadong nakaka-babae ang ganap ko ngayon.

Saka ngayon kona lang ulit na experience ang ganitong pakiramdam kaya naman grabe ang kilig ng lola niyo hahahaha.

“Sa aking paningin ay espesyal ka Yiren. Kaya sana ay hayaan mo akong mas makilala kapa ng lubusan.” wika ni Zichu at bumaling siya sa akin.

Umalis na ako sa pagkakasandal ko sa kanya at ngayon ay nakayuko ako dahil hindi ko kayang makipagtitigan sakanya baka manlambot ako at baka mahalikan ko yung mapulang labi niya no!

Ay kaloka! Ano bang pinagsasabi ko.

“E kung iyon ang gusto mo ay wala naman akong magagawa doon.” sagot ko sakanya.

“Maraming salamat Yiren, hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon dahil hindi kana mailap sa akin.” wika nito sabay angat ng mukha ko kaya nakita ko ang nakangiti niyang mukha.

Alam niyo namang kahinaan kona yata talaga ang mga ngiti ni Zichu.

Kung ice cream lang siguro ako tunaw na tunaw nako sa mga ngiti nito.

“Halata nga sa ngiti mo hahaha” wika ko sakanya sabay tawa.

Dinaan ko nalang sa tawa yung kilig na nararamdaman ko ngayon para hindi naman ako masyadong mahalata na hulog na hulog na sa kanya.

“E bakit ka tumatawa jan” nakanguso nitong sabi sa akin.

Ito ang unang beses ko na makita siyang ngumuso ng ganyan at masasabi kong ang cute niya kapag nakaganyan.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at napisil ko ang pisngi nya habang nakapout siya.

“Masakit! Masakit! Bitawan mo muna Yiren!” wika niya pero ngayon ay nakangiti na rin siya sa akin.

Agad ko naman siyang binitawan at nang bitawan kona siya ay nagulat na lamang ako nang yapusin niya ako.

“Ah Zichu anong ginagawa mo?” tanong ko sakanya.

“Nais ko lamang na muling madama ang katawan mo Yiren” sagot niya kaya naman hinayaan ko na lamang siya.

Dama ko ang init ng katawan ni Zichu kahit kakagaling lang namin sa tubig at hindi ko namalayan na niyakap ko na siya pabalik at ibinaon ko ang aking baba sa balikat niya para mas madama ko siya.

Nagtagal kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto. Walang nagsalita sa aming dalawa dahil kapwa namin dinadama ang moment na ito.

Hanggang sa magyaya na akong magbihis dahil basa pa din pala ang aming mga kasuotan na baka maging sanhi pa ng pagkakasakit namin.

“Zichu, halina’t magpalit na muna tayo ng ating mga kasuotan at baka magkasakit tayo dahil kanina pa tayo basa” wika ko sakanya.

“Tama ka nga Yiren” sagot niya sabay tayo na.

Agad kaming lumapit sa kinalalagyan ng aming mga tuyong kasuotan at tuluyan ko nang tinanggal ang aking panloob na kasuotan at ngayon at topless ako kaya naman agad kong kinuha ang pamalit ko dahil baka marape ako ng wala sa oras. Char!

Narinig ko namang natawa si Zichu dahil sa ikinilos ko kaya naman nagpatuloy ako sa pagpapalit at ngayon ay sinusuot kona ang aking panlabas na kasuotan na bitbit ko kanina.

Nakita kong tapos na din si Zichu.

“Maaga pa naman Yiren, nais mo bang maglibot muna dito?” wika niya sa akin.

Tinignan ko ang kalangitan at nakita ko na maaga pa nga kaya naman pumayag ako sa alok niya.

“Sige maglibot muna tayo” wika ko sakanya.

Kinuha niya naman agad ang bitbit ko at siya na ang nagdala nun at naglakad na siya kaya naman sinundan ko na siya.

Palabas na kami ng gubat ngayon at nang matanaw kona ang bukana ng gubat at sa wakas ay nakalabas na kami.

“Saan tayo pupunta Zichu?” tanong ko sakanya.

“Pupuntahan natin ang paborito mong lugar dito sa Kapitolyo” wika niya na ikinaexcite ko naman dahil matagal nadin akong hindi nakapunta doon.

Agad naman akong sumunod sa kanya sa paglalakad habang ngiting ngiti ako dahil ito ang unang beses na maglibot ako kasama si Zichu.

Lakad lang kami ng lakad ngayon pero hindi ako napapagod dahil siguro masaya ako na pupunta sa aking paboritong lugar kasama ang isang tao na nagparamdam sa akin na espesyal din ako.

Hindi nagtagal at narating na namin ang aking paboritong lugar.

Agad kaming nagtungo sa pasukan ng lugar na ito at doon ay nakita kong muli ang mga tagapagbantay ng lugar na ito.

“Ginoong Yiren, Ginoong Zichu naparito po kayo.” wika ng babae habang nakangiti.

“Nais ko lamang na makitang muli ang tanawin dito na talagang napakagandang pagmasdan “nakangiti kong sagot sa kanya.

“Siyang tunay Ginoo, tuloy po kayo” wika niya at umakyat na nga kami ni Zichu na tahimik lamang sa aking tabi.

Narating na namin ang tuktok na bahagi ng tore at doon ay nakita ko na ang bintana na siyang saksi sa isang napakagandang tanawin.

Agad akong pumunta sa bintana at doon ay sinalubong ako ng malakas na hangin na napakasarap sa pakiramdam.

Naramdaman kong tumabi sa akin si Zichu at pinagmasdan din niya ang tanawin na nasa aming harapan ngayon.

“Napaganda talaga ng tanawin na ito hindi ba Zichu” nakangiting wika ko sakanya bagamat sa tanawin ako nakafocus.

“Wala na ngang mas gaganda pa sa tanawing ito Yiren” sagot niya at doon ay napalingon ako sakanya at nakita ko siyang nakatingin lamang sa akin.

Kita ko sa mga mata ni Zichu ang kasiyahan kaya naman napangiti ako lalo dahil sa kanya.

“Ano kaba hindi mo naman tinitignan itong tanawin e!” maktol ko kunwari.

“Mas maganda lamang talaga ang tanawin na nasa aking tabi ngayon kaya mas nais ko siyang pagmasdan” wika niya sa akin.

“Mabulaklak ka magsalita ano!” sagot ko.

“Nagsasabi lamang ako ng totoo Yiren” wika niya sabay ngiti sa akin.

Hindi na ako nakasagot dahil humarap na siya sa tanawin kaya ganoon din ang ginawa ko.

Tanaw ko mula dito ang mga tao sa loob ng kaharian at lahat sila ay mukhang busy sa mga gawain nila kaya naman ang ganda nilang pagmasdan mula dito.

Hindi ko na namalayan ang oras at ngayon ay hapon na pala dahil konti na ang mga tao ngayon sa kaharian at papalubog na din ako ang araw na isa sa mga naging paborito ko nang parte ng aking bawat araw dito sa panahon na ito.

Pinagmasdan ko lamang ang papalubog na araw  nang maramdaman ko na lumapit sa akin si Zichu at nagulat na lang ako nang yakapin niya ang aking bewang at ibaon ang kanyang baba sa aking balikat.

“Alam kong paborito mong pagmasdan ang papalubog na araw at ang tanawin ng kaharian kaya dinala talaga kita dito.” wika niya.

“Maraming Salamat Zichu, ilang araw na mula noong huli akong dalhin ni Rin dito” wika ko.

“Kung nais mo ay lagi kitang dadalhin dito upang mapagmasdan mo ang iyong paboritong tanawin” sabi niya.

“Talaga!? Gagawin mo iyon?” tanong ko sakanya habang nakangiti.

“Oo naman dahil iyon ay isa sa mga makakapagpasaya sa iyo” sagot niya habang nakangiti din.

“Kung gayon ay dapat pala talaga akong magpasalamat sa iyo Zichu” wika ko.

“Walang anuman Yiren, nais ko lamang na makita kang nakangiti palagi” sagot niya sa akin.

Kaya naman humarap ako sa kanya at niyakap ko siya. Hindi ko alam pero sobrang saya ko dahil ngayon ko lamang talaga naramdaman ang ganitong pagpapahalaga sa akin ng isang tao.

Tumugon naman siya sa yakap ko at naramdaman ko ang malakas na tibok ng puso niya na kagaya ng sa akin dahil siguro pareho kaming masaya ngayon.

Nagkalas lamang kami sa aming yakap nang magdilim na dahil niyaya na ako ni Zichu sa aming susunod na pupuntahan.

Nang makababa na kami ay nagpaalam na kami sa mga tagapagbantay doon at umalis na kamj doon.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon ni Zichu pero ang alam ko lang ay masaya ako na kasama ko siya.

Yun lang ang mahalaga sa akin ngayon.

Mahaba-habang lakaran din ang ginawa namin ni Zichu.

Ngayon at narating na namin ang pamilihan at hawak lamang ni Zichu ang aking kamay habang naglalakad kami hanggang sa narating namin ang isang tulay at doon ay nakita ko ang mga tao na nagsisindi ng mga lantern kung tawagin sa modernong panahon.

Abala ang lahat sa kanilang mga ginagawa habang kami naman ni Zichu ay patuloy na naglakad hanggang sa marating namin ang gitnang bahagi ng tulay kung saan naroon ang maraming tao habang nagpapalipad sila ng kanilang mga lantern.

Nagulat ako nang abutan ako ni Zichu ng isang lantern. Saan niya naman kaya nakuha ito? Haynako mamaya ko na nga itatanong.

“Pagkatapos nating sindihan ito ay maari tayong humiling bago ito pakawalan upang magkatotoo ang ating hiling” wika ni Zichu sa akin.

Agad naman akong tumango sa kanya at tinulungan niya na ako na sindihan ang aking lantern. Nang masindihan na ito ay hinintay ko muna siyang masindihan ang kanya bago ako pumikit at humiling.

Sana ay lagi akong maging masaya at sana ay ayos lamang si Mama at mga kaibigan ko.

Sana din ay matupad ang kahilingan ni Zichu.

Maikli lamang ang kahilingan ko pero sana ay matupad ito.

Pagmulat ko ng aking mata ay nakita ko na nakatingin sa akin si Zichu at nang makita niya na nakamulat na ang mga mata ko ay ngumiti siya sa akin.

“Sabay na tayo?” yaya niya sa akin.

Nakangiti ko siyang tinanguan at pinakawalan na nga namin ang aming mga lantern at sumabay sila sa iba pang mga lantern na tinatangay ng hangin patungo sa himpapawid.

Lumapit sa akin si Zichu.

“Yiren, alam mo bang natupad na ang aking kahilingan?” wika niya sa akin.

“Bakit ang bilis naman ng sa iyo!” nakanguso kong sagot.

“Nung sandaling pumayag ka na makilala pa kita ng lubusan at natupad na ang aking hiling” wika niyang muli habang diretsong nakatitig sa akin.

Naramdaman ko naman na nag-init ang pisngi ko dahil sa kanyang sinabi.

“Mabuti naman dahil natupad na din ang hiling ko” wika ko naman.

“Ano ba ang hiling mo?” tanong niya

“Hiniling ko na palagi sana akong maging masaya at sana ay matupad ang iyong kahilingan” sagot ko habang nakangiti.

Agad naman siyang napangiti sa sinabi ko.

“Huwag kang mag-alala dahil gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para mapasaya ka palagi Yiren. Pangako iyan.” Wika niya sa akin.

“Gagawin ko din ang lahat para mapasaya di kita Zichu. Pangako ko din iyan.” wika ko at tinaas ko pa ang kamay ko para realistic hahaha.

Natawa lang din siya sa inasal ko at doon ay pinanood namin ang mga nagliliparang lantern na napakagandang pagmasdan lalo na’t kita ang repleksyon nito sa tubig kaya tila mga alitaptap sila na nakapalibot sa amin.

Lumipas ang ilang minuto at niyaya ko na si Zichu na umuwi na dahil gabi na at alam kong pagagalitan talaga ako ng bongga dahil sa pagtakas ko.

Agad naman niya akong hinatid at ngayon ko lang napagtanto na napatagal pala ang oras na magkasama kaming dalawa.

Mabilis naman naming narating ang aming tahanan dahil ilang minuto lamang ang layo nito sa pamilihan.

Nang makarating na kami sa tarangkahan ng aming tahanan ay inabot na sa akin ni Zichu ang aking mga gamit na kanina pa niya bitbit.

“Maraming salamat sa araw na ito Zichu, hindi mo alam kung gaano moko napasaya ngayong araw” wika ko habang nakangiti.

“Mas masaya ako Yiren at maraming salamat din sa pagpayag mo na samahan kita at sana ay maulit pa ito.” nakangiti din niyang sagot.

Lumapit ako sakanya at hindi ko alam kung anong spirito ang sumanib sa akin at hinalikan ko siya sa pisngi.

“Magandang gabi Zichu” wika ko at ako ay pumasok na sa aming tahanan habang siya naman ay nakatayo lang doon at tila naistatwa na hahaha.

Pumasok na ako sa loob at doon ay nakita ko sila Yuri, Rin, at Rai na nakaupo lamang kaya naman pumunta ako sa kanila.

“Oh san ka galing?” tanong ni Yuri na sinagot ko lamang ng ngiti.

“Ah Rin, paki-akyatan mo naman ako ng tubig sa taas at magpupunas lamang ako bago matulog” wika ko na sinunod naman niya.

Hindi na ako kumain dahil wala akong gana. Sa ngiti pa lang ni Zichu busog na ako e hahaha.

Nagpaalam na ako kila Yuri at Rai na magpapahinga na ako dahil pagoda ang lola niyo.

Hindi ko naman napansin sina Ina at Ama, marahil ay nagpapahinga na sila kaya hindi na nila ako napansin.

Panigurado bukas ang talakan session namin kaya kailangan kong magpahinga ng bongga.

Umakyat na ako papunta sa aking silid.


Hi guys! Sorry sa late update!! Medyo nahook lang ako sa pinapanood kong series kaya di ako nakapagsulat hihi.

Enjoy reading and Stay safe everyone!!

Author’s Note

Hi guys!

Sorry if wala akong update for today hehe. Medyo nababad kasi ako sa bl series na pinapanood ko kaya di ako nakasulat today hahaha.

Pero bukas may update naman na ako pambawi ko sa inyo hihi❣.

Stay tuned lang guys kasi malapit na tayo sa mga nakakalokang eksena sa story hahahahahaha.

Stay safe and huwag muna maglalabas ng house lalo na kapag hindi important ang gagawin sa labas.

See you guys sa next update.

Love y’all🤘❣

13 | Isang Regalo

•Yiren

Pagpasok ko sa aking silid ay agad akong umupo sa aking kama dahil sobrang pagod na ang lola niyo!

Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na din si Rin sa silid at inilapag na niya ang planggana na may lamang tubig at may mga petals ng rose.

Anong pakulo to ni Rin!?

“Rin, bakit may mga rosas sa tubig?” tanong ko.

“Para mas lumambot pa ang mga kamay at paa mo” sagot niya.

“E bakit mo naman naisipan na lagyan yan?” tanong ko ulit.

“Nais ko lang na maging malambot pa din ang mga kamay at paa mo dahil alam kong pagod ka ngayon” sagot niya.

“Nako! Maraming salamat Rin.” wika ko sabay ngiti.

“Wala iyon, basta bukas magkwento ka sakin ha.” wika nito.

“Oo naman, huwag lang ngayon kasi nais ko nang magpahinga.” wika ko dito sabay higa na sa aking kama.

Tumango naman ito at iniligpit na ang mga gamit na tuwalya at planggana.

Pagkalabas ni Rin sa silid ko ay pinikit ko na ang aking mga mata at kagaya ng dati ay nakita ko nanaman ang mga ngiti ni Zichu.

Ngunit ngayon ay hindi lamang ngiti niya ang nakita ko. Ang mga ginawa din namin kanina ay pumasok sa aking isip. Mula sa sabay naming pagtampisaw sa talon hanggang sa pag-amin namin sa isa’t-isa at panood namin ng mga lantern.

Napangiti na lamang ako dahil doon at unti-unti na akong tinangay ng antok.

K I N A B U K A S A N

Tirik na ang araw nang magising ako kaya naman agad akong bumaba dahil paniguradong kumakain na sila.

Sa hagdan ay nakasalubong ko si Rin na may dalang planggana at tuwalya.

“Oh para saan yan?”

“Sayo sana, hindi kaba maghihilamos ngayon?”

Saka ko lang naalala na hindi pa nga pala ako nakakapaghilamos kaya naman binasa ko ang mukha ko at pagkatapos ay kinuha ko ang tuwalya ka Rin para tuyuin ang mukha ko.

Pagkatapos ko ay iniabot kona ito kay Rin at sinabayan kona siya sa pagbaba niya para makapa-agahan na ako.

Pagkatapos ko ay iniabot kona ito kay Rin at sinabayan kona siya sa pagbaba.

Nadatnan ko na nakaupo sina Ama, Ina at Yuri sa lamesa at mukhang ako nalang ang hinihintay bago magsimulang kumain.

Agad naman akong umupo sa aking pwesto at nagsimula na nga kaming kumain.

“Saan ka galing kahapon?” tanong ni Ama.

“Naglibot lamang po ako kahapon Ama upang maging pamilyar sa mga lugar dito.” sagot ko.

“Mabuti naman kung ganoon at para maalala mo na ang mga nawala mong alaala” wika nito.

Tumango na lamang ako at nagpatuloy na sa pagkain.

Aba himala yata at hindi ako napagalitan ah.

“Ahm Ama maari po ba akong maglibot ulit ngayong araw?” nakangiti kong tanong.

“Pumapayag ako ngunit huwag ka masyadong magpagabi” sagot nito na ikinangiti ko pa lalo.

Agad kong tinapos ang aking pagkain at nang matapos ko ito ay umakyat na ako sa aking silid.

“Mukhang tuwang-tuwa ka ata ngayon Yiren” wika ni Rin.

“Nandyan ka pala” sagot ko.

“Oo kahapon kopa napapansin na iba ang ngiti mo e” sagot nito at tinignan ako.

“ Ah wala naman maganda lang ang gising ko“ wika ko sabay ngiti.

“Kilala na kita Yiren, huwag kanang tumanggi pa “wika nito ay humagikgik.

“E nakasama ko kasi si Zichu buong araw kahapon” sagot ko dito.

“Kaya naman pala iba ang ngiti mo e” sagot nito.

Ayun nga kahit hindi niya sabihin ay chinika ko sakanya ang mga ganap ko kahapon at ang gaga kinilig din. Dinaig pa ako hahaha.

Matapos ang aming chikahan ni Rin ay sinabihan ko siya na nais kong maglibot mag-isa para mapamilyar sa mga lugar dito na sinang-ayunan naman niya.

Ipinaghanda niya ako ng kasuotan at tuwalya pati na din ang salapi na ipambibili ko ng mga magugustuhan kong gamit o pagkain.

Matapos ang preparasyon ko ay hinatid na ako ni Rin sa aming tarangkahan at doon ay kumaway nalang ako sa kanya at lumabas na.

Muli kong nadaanan ang mga puno na ngayon ay hitik na sa mga berdeng dahon. Kay sarap pagmasdan nitong mga ito habang naglalakad lang ako.

Matapos iyon nagpatuloy na ako sa paglalakad ko at nandito na ako ngayon sa pamilihan at mabilis ko lang din itong nalagpasan dahil hindi naman ito ang una kong balak puntahan kundi ang talon para makapagbabad ako.

Narating kona ang bungad ng gubat at tinungo kona ang daan patungo sa talon. Pagkarating ko sa bungad ng talon ay may natanaw akong bulto ng isang lalaki na lumalangoy sa tubig.

Agad ko namang nilapag ang aking mga gamit at unti-unti kong hinubad ang aking panlabas na kasuotan. Isinunod ko na ang aking pang-itaas na panloob. Agad akong lumusong sa tubig at lumangoy palapit sa lalaki.

Nang makalapit ako sa kanya ay hinila ko ang paa nito kung kaya’t nataranta ito at nagpumiglas agad.

Natatawa naman akong umangat sa tubig at hinarap ang lalaki. Medyo nagulat siya pero ngumiti kaagad siya sa akin at agad akong nilapitan.

Pagkalapit niya sa akin ay nagulat ako nang maramdaman kong may dumampi sa pisngi ko.

Shetttt!!! Kiniss ako ni Zichu. Oo si Zichu yung lalaki. Feel ko naman alam nyo na e hahahaha.

Natulala ako at bumalik lang ako sa ulirat ng marinig kong tumatawa si Zichu.

“Mukhang parehas ang epekto sa atin” natatawang wika nito.

Natawa na din ako matapos kong maalala na natulala nga ito ng malala kahapon matapos ko siyang halikan din sa pisngi niya.

“E bakit ka kasi nanghahalik dyan!” wika ko.

“Masama ba na halikan ka din? Ako din naman ay hinalikan mo kagabi hindi ba” wika nito at naramdaman ko nalang na nag-init ang pisngi ko.

Zichu bat ka ganyan!!!

Hindi na ako nagsalita at lumubog na lang ako sa tubig at lumangoy langoy. Naramdaman ko naman na nasa tabi ko si Zichu at sinasabayan niya lang ako sa paglangoy ko.

Napakasarap talaga sa pakiramdam kapag nakababad ang katawan ko dito sa malamig na tubig na ito at masarap din sa pakiramdam kapag nasa tabi mo ang tao na nagbibigay sa iyo ng di maipaliwanag na kasiyahan.

Nu’ng nakita kita sa tagpuan ni Bathala

May kinang sa mata na ’di maintindihan

Tumingin kung saan

Sinubukan kong lumisan

At tumigil ang mundo

Nu’ng ako’y ituro mo

At hindi ka lumayo

Nu’ng ako ’yung sumusuko

At nagbago ang mundo

Nu’ng ako’y pinaglaban mo

At tumigil ang mundo

Nu’ng ako’y pinili mo

Siya ang panalangin ko

Matapos kaming magbabad ay nagpunta na kami sa kinalalagyan ng mga gamit namin. Naupo muna kami kagaya nung nakaraan ay sumandal muli ako sa balikat niya at tahimik lang kaming dalawa.

Naiinip naman ako kaya nagtanong na ako sa kanya.

“Wala ka bang gawain sa Kagawaran ngayon?” tanong ko.

“Wala naman na dahil natapos ko na ang mga nakaatas na gawain sa akin.” sagot nito.

Kaya naman pala ang dami niyang oras para magtungo dito.

Tumayo na kami at nagbihis na ako at nagpatuyo muna ako ng buhok ko. Mabuti na lang at may dala akong suklay dahil kung wala ay nakakaloka ang buhok ko.

Kasalukuyan ko nang inaayos ang buhok ko nang magulat ako nang hawakan ito ni Zichu at siya ang nag-ayos ng buhok ko at may nilagyan niya ako ng hairpin na pilak at nakaukit ang isang puting bulaklak sa dulo nito.

CTTO

“Ano iyan Zichu?” tanong ko.

“Iyan ang aking regalo para sa iyo.” wika nito.

“E bakit bulaklak ang nasa dulo nito?” tanong ko.

“Dahil kagaya ng puting bulaklak na iyan ay busilak at puro din ang tingin ko sa iyo.” wika nito na ikinanginig ko. Char!

“Maraming salamat dito Zichu” nakangiti kong wika sa kanya.

“Walang anuman basta ikasasaya mo ay handa akong gawin hindi ba?” wika nito.

Hindi na akong sumagot at ngumiti na lamang ako sa kanya.

Nang matapos akong mag-ayos ng sarili ay siya naman ang tinulungan kong magsuot ng kanyang panlabas na kasuotan. Hindi maiwasan na mapayakap ako sa kanya na ikinangigiti naman niya kaya napapangiti na lang din ako dahil anlakas talaga maka-asawa nitong ganap ko haha.

“Halika na Yiren at may pupuntahan pa tayo” wika ni Zichu.

“Saan naman?” tanong ko.

“Malalaman mo nalang kapag naroon na tayo. Halika na.” wika niya sabay kuha ng mga gamit ko.

Inalalayan niya ako sa paglalakad sa mabatong parte ng gubat at nang makalabas na kami sa gubat ay doon lamang niya binitawan ang kamay ko.

Nagsimula na kaming maglakad muli papunta sa kung saan man ako balak dalhin ni Zichu.

Hindi ko namalayan na nauuna na pala siya sa akin kaya humabol na ako sa kanyang paglalakad.


Hi guys!!! Sorry talaga sa super late UD!

Naadik lang talaga ako sa panonood and paglalaro pasenya na hahahaha.

Anyways stay tuned and stay safe guys.

Love you all❤

14 | Ang Pagkakamali

• Yiren

Nasabayan ko naman ang paglalakad ni Zichu na tahimik lang sa kanyang paglalakad.

Maya-maya ay natanaw ko na ang isang gubat. Gubat nanaman!? Kaloka dami yatang gubat dito.

Naglakad si Zichu papasok sa gubat kaya naman wala akong ibang gibawa kundi ang sumunod dahil baka maligaw ang lola niyo kapag nagmaganda ako hahahaha.

Sinundan ko lang siya hanggang sa marating namin ang masukal na bahagi ng gubat at medyo madaming mga puno dito saka mga dahon kaya medyo hirap ako na maglakad ng dire-diretso.

Napansin naman iyon ni Zichu dahil kinuha niya ang kamay ko at inalalayan ako sa paglalakad at shuta kinikilig ako!!!

Hindi ko nalang ipinahalata ang kilig na nadarama ko dahil baka kapag humarot ako ay madisgrasya pako dito.

Kaunting lakad pa ay tumigil na si Zichu at saka ako hinarap suot ang isang ngiti.

“Sigurado akong magugustuhan mo dito Yiren “nakangiti nitong wika sa akin.

Ngumiti din ako sa kanya at tumango bilang pagsang-ayon sa tinuran niya.

Maya-maya ay narating na ata namin ang tuktok nitong bundok na ito at talaga nga namang tama si Zichu na magugustuhan ko nga dito.

Mula dito sa aking pwesto ay tanaw ko ang napakagandang tanawin. Ang paglubog ng araw ba palagi kong gustong pagmasdan kapag nasa aming tahanan lamang ako.

CTTO

Pero ngayon ay mas maganda itong pagmasdan lalo na at ito na yata ang pinaka-espesyal na panonood ko sa paglubog ng araw.

Espesyal ito dahil kasama ko ngayon ang tao na nagoaparamdam sa akin na espesyal din ako sa kanya. Kaya naman napakasaya ko ngayon.

Nakangiti kong pinagmamasdan ang tanawin ng paglubog ng araw nang mapalingon ako kay Zichu na nakatingin lang sa akin at nakangiti.

Kagaya nung nagpunta kami sa tore nung nakaraan kung saan hindi niya inintindi ang magandang tanawin ng kaharian.

“Oh bakit ka naman nakatingin sa akin ng ganyan?” tanong ko dito.

“Mas nais lamang kitang pagmasdan na nakangiti dahil ang sarap sa pakiramdam kapag nakikita kitang nakangiti” sagot nito.

Napangiti ako dahil sa sinagit nito at nahampas ko ang braso niya.

“Bakit ka ganyan!?” galit-galitan kong sabi.

“Masama ba na iparamdam at ipakita ang aking pagtangi para sa iyo?” tanong nito.

Jusme!! Hindi kona kinakaya ang kilig ki dito.

“Pagmasdan mo na lamang ang magandang tanawin sa ating harapan.” wika ko.

“Nakatingin na ako sa pinakamagandang tanawin para sa akin.” sagot nito.

At nang muli akong lumingon ay sa akin padin ito nakatingin. Naramdaman ko na ako ang sentro ng kanyang atensyon na hindi ko na itatanggi na nagugustuhan ko na din talaga.

Nginitian ko lang siya at humarap na muli sa tanawin at ngayon ay naramdaman ko na humarap na din siya sa tanawin.

Naramdaman kona ang pagod mula sa aming paglangoy, paglalakad at sa kaninang mini-hiking trip namin.

Kaya naman niyaya ko na siya na maupo muna para makapagpahinga din kami dahil alam ko naman na napagod din si Zichu.

“Masaya ako na makita kitang nakangiti ngayon Yiren” wika nito sa aking tabi.

“Maraming salamat sa pagdala mo sa akin dito sa napakagandang lugar na ito” nakangiti kong sagot sa kanya.

“Tunay nga ang sinabi ni Rin na hilig mo ang panonood sa paglubog ng araw” wika nito.

Shuta to si Rin! Chinichika na pala ako kay Zichu hahahaha.

“Napakaganda lang kasing pagmasdan ng paglubog ng araw dahil para bang sinisimbulo nito ang pagtatapos ng isang araw” wika ko.

“Maganda nga talaga na maganda ang paglubog ng araw” sagot niya.

Napansin ko naman na paulit-ulit lang ang pinag-uusapan namin na alam ko ding napapansin nyo hahahaha. Kaya naman iniba ko ang aming pinag-uusapan.

“Zichu, nagtataka lamang ako kung bakit wala ka pang iniibig na babae bago mo pa ako makilala” wika ko.

“Wala pa naman kasi sa isip ko iyan pero simula nang matagpuan kita ay nagbago ang pananaw ko tungkol sa bagay na iyan.” sagot nito at muli nanaman akong namula.

“Kung ganoon ay wala ka talagang tinatangi kahit noon pa man?” tanong ko ulit.

“Ikaw pa lang ang tanging dilag na nakapukaw sa aking atensyon Yiren” wika nito.

Hala! Dilag daw ako hahaha. Shettttt!! Bat ka ganyan!

“Ngunit hindi naman ako isang dilag Zichu” wika ko ulit.

“Para sa aking mga mata at puso ay ikaw ang nag-iisang dilag na nakapukaw sa aking atensyon.” sagot niya.

Grabe naman to magpakilig!!

“Nais kong malaman mo din na wala akong ibang nais gawin kung hindi ang panatilihin kang masaya” sunod na sabi niya.

Tuluyan na akong natunaw dahil punong-puno ang puso ko ngayon dahil sa kilig at saya na nararamdaman ko an dulot sa akin ng mga sinabi ni Zichu.

Kaya hindi ko na inawat ang sarili ko at hinalikan ko siya ulit sa kanyang pisngi. Kitang-kita ko ang pagliwanag ng mga mata ni Zichu kasabay ng pagbitaw niya ng isang ngiti.

“Maraming salamat sa palaging pagpapangiti at pagpaparamdam sa akin na ako ay espesyal Zichu” wika ko dito.

“Pangako ko na gagawin ko din ang lahat para masuklian ang lahat ng iyong mga ginagawa para sa akin.” sunod kong wika.

“Hindi mo naman kailangang tumbasan ang mga ginagawa ko para sa iyo Yiren. Lahat ng aking ginagawa ay bukal sa aking puso dahil nais ko na lagi kang nakangiti. Kaya pangako ko din na lagi kitang pangingitiin at ipaparamdam ko sayo na espesyal ka para sa akin” sagot niya at naramdaman ko nalang na may dumampi sa pisngi ko.

Sa ikalawang pagkakataon ay hinalikan nanaman ako ni Zichu sa aking pisngi. Napangiti din ako dahil dito.

“Ito ang unang beses ko maramdaman ang ganitong bagay Zichu at gaya mo ay hangad ko din ang ikasasaya mo.” sagot ko sa kanya.

“Pangako Yiren, sa aking piling ay hindi ka masasaktan” wika nito.

“Maraming salamat Zichu. Pangako din na hindi kita sasaktan.” sagot ko sa kanya.

Ngiti ang isinagot namin sa isa’t-isa at sumandal ako sa kanyang balikat habang ang kanyang braso naman ay naramdaman ko na umakbay sa aking balikat.

Lakas maka-magjowa nito ah! Aaminin ko na gusto ko si Zichu na maging kasintahan ko pero hindi muna siguro ngayon.

At kung sakali man ay mananatiling lihim ang aming relasyon dahil bawal ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawang lalaki dito sa panahong ito.

In-enjoy nalang namin ang tanawin sa aming harapan habang nasa piling kami ng isa’t-isa.

Sumapit na ang dilim at kami ay umalis na din ni Zichu at ngayon ay naglalakad na kami pauwi sa aming tahanan.

Nang marating namin ang tapat ng aming tarangkahan ay kinuha ko na ang aking mga gamit.

“Maraming salamat ulit sa araw na ito Zichu” wika ko kay Zichu.

“Maraming salamat din Yiren at sana ay magkasama tayong muli” wika nito na nakangiti.

Lumingon-lingon muna ako sa paligid at nang masigurado ko na walang tao sa paligid ay lumapit ako kay Zichu at hinalikan ko siya ulit sa pisngi.

Napangiti siya ulit at nagulat ako nang halikan niya din ako sa aking pisngi. Hindi ako nagsalita at tumakbo na ako kaagad papasok sa aming tarangkahan.

Narinig ko ang pagtawa ni Zichu kaya natawa din ako sa aming ginawa.

Walang tao sa aming tanggapan kaya hindi ko na ito pinansin at pumasok na ako sa aming sala kung saan naabutan ko si Rai na may dala-dalang ilang tuwalya na may pulang marka.

“Rai, ano ang mga pulang marka sa mga tuwalya na iyong dala?” wika ko.

“A-a eh mantsa lamang iyan ginoo huwag niyo na lamang po pansinin.” sagot nito.

“Ganoon ba sige at aakyat na ako sa aking silid” paalam ko.

“ Magandang gabi ginoo “sagot niya sabay alis na sa harap ko.

Umakyat na ako sa aking silid at naabutan ko doon si Rin na naglilinis kaya naman pumunta na ako sa aking kama at saka lang ako nagsalita.

“ Rin napansin ko ang mga tuwalya na bitbit ni Rai, may mga pulang marka doon na ipinagtataka ko “pagsisimula ko sa usapan.

“ Huwag mona pansinin yun, pagod ka kaya magpahinga kana at bukas mona ako kwentuhan hahaha“ sagot nito at natapos na siya sa kanyang mga nililigpit kaya nilisan na din niya ang aking silid.

Humiga ako sa aking kama at saka ko inalala ang mga nangyari ngayong araw nang may ngiti na nakapaskil sa aking mukha.

Napakasaya ko ngayong araw at sana ay araw-araw na lamang na masaya ang bawat sandali dito.

Ipinikit kona ang aking mata at nagpatangay na ako sa antok.

K I N A B U K A S A N

Nagising ako at ginawa kona ang mga madalas kong ginagawa kapag umaga at nakakain na din ako kaya naman ngayon ay nakatambay lang ako sa aming hardin kasama si Rin at kasalukuyan naming pinag-uusapan ang mga ganap sa amin ni Zichu kahapon.

Nagpatuloy ang mga sumunod na araw na lumalabas ako ng aming tahanan para maglibot-libot. Madalas ay kasama ko si Zichu at sinasamahan niya talaga ako sa mga lugar na magaganda dito. Minsan naman kapag wala si Zichu ay si Rin ang kasama ko at nagpupunta kami sa tore kung saan tanaw ko ang tanawin ng kaharian.

Mabilis na lumipas ang mga araw at naging ganoon nga ang routine ko sa araw-araw at ngayon ay hindi ko namalayan na isang buwan na lamang pala at sasapit na ang aming kaarawan ni Yuri.

Mukhang pinaghahandaan talaga ito nina Ama at Ina dahil madaming pag-aayos ang mga nagaganap ngayon sa aming tahanan at nagpapagawa din kami ng aming kasuotan para sa aming kaarawan ni Yuri.

Hindi ko na din nakakasama si Zichu dahil noong huling kita namin ay sinabi niya na abala siya sa mga gawain sa kagawaran kaya wala siyang masyadong oras.

Nangako siya na babawi naman siya sa akin kaya okay lang sa akin iyon. Saka medyo abala din naman ako kasi nga diba todo prepare kami para sa aming kaarawan at hindi din ako nakakaalis ng aming tahanan ngayon lalo pa’t laging nandito sina Ama at Ina kaya di ako makalayas.

Ngayon ay nandito ako sa aming sala kasama si Yuri na nagbabasa lamang habang ako naman ay naghahabi para patayin ang oras at nang sumapit na ang gabi ay dumating na sina Ina at Ama na walang ibang sinabi sa aming pagkain kundi ang mga preparasyon para sa aming kaarawan dahil dadalo daw ang ilang mga matataas na opisyal ng kaharian para dito kaya inihahanda talaga nila ito ng bongga.

Hindi ko namalayan ang oras dahil sa sobrang pagkabored ko ay mabilis nanamang lumipas ang mga araw at ngayong umaga ay kaarawan na namin ni Yuri.

(Ang bilis ng oras dito samin no hahahahahaha.)

Bumangon nako sa aking higaan at lumabas na para maghilamos dahil pagkatapos ng almusal at maliligo na ako dahil magsisimula ang aming pagdiriwang mamayang tanghali maya dapat ay maghanda na ako.

Mabilis lamang ang aking naging pagkilos dahil inalalayan na ako ni Rin sa aking mga ginagawa. Ngayon ay nasa hapag na ako para kumain ng almusal at nandito nadin sina Ama, Ina, at Yuri na pansin kong medyo maputla ngayon.

Hindi ko na lamang pinuna ito dahil baka mag-alala pa sina Ama at Ina.

Natapos kaming kumain at ngayon ay nandito na ako sa paliguan para maligo syempre char. Para maglinis na ng sarili, nagtagal ako sa pagligo dahil namiss ko ang mga bulaklak sa aking tubig kaya inenjoy ko muna ito.

Matapos kong maligo ay umakyat na ako sa aking silid para magpalit na ng aking kasuotan.

Kulay asul ang aking kasuotan ngayong araw samantalang lila naman ang kay Yuri. Simple lamang ang disenyo ng akin pero mahahalata mo na pinaggastusan ito base sa tela nito at sa mga palamuti dito.

Inayos kona ang aking buhok at ngayon ay sinuot ko ang hairpin na bigay sa akin ni Zichu dahil simple lamang ito pero babagay siya sa kahit anong suotin ko kaya ito ang napagpasyahan kong gamitin.

Naglagay din ako ng kwintas at singsing para mas malakas makamayaman ang dating charet. Para naman maayos akong tignan dito dahil birthday ko no!

Nang matapos ako sa aking pag-aayos ay naglagay na akong ng pabango para humalimuyak ang aking amoy mamaya sa pagdiriwang.

Uso na nga pala ang pabango dito pero sa tingin ko ay mahal pa ito dahil halos mayayaman lamang sa panahong ito ang nakakagamit ng mga pabango.

Tapos na akong mag-ayos ng aking sarili kaya napagpasyahan ko na magtungo sa silid ni Yuri.

Doon ay nakita ko siya na napakaganda sa kanyang kasuotan na bagay sa kanyang maputing balat. Bagay din sa kanya ang mga alahas na suot niya ngayon dahil nagsusumigaw siya ngayon ng karangyaan na minsan lamang makikita sa kanya dahil simple lamang sya kung manamit.

Mukhang tapos na rin siya sa kanyang pag-aayos kaya niyaya ko na siya sa ibaba kung saan naabutan namin ang marami-rami nang mga tao.

Mga mukhang may kaya din naman sila at siguro kung nasa modernong panahon ako ay sila ang mga tinatawag na elite.

Lumapit na kami kina Ina at Ama na tuwang-tuwa sa aming mga suot ngayon. Agad nila kaming ipinakilala sa kanilang mga bisita na malugod naman naming binati at maya-maya lamang ay nagsimula na ang pagdiriwang.

Nagsimula na nga ang pagdiriwang at marami ang bumabati sa amin ni Yuri kaya naman medyo namamawis nako kaya niyaya ko muna si Rin na umakyat sa aking silid para mag-ayos.

Paakyat na kami nang marinig ko ang pag-uusap nina Ama at ng isang lalaki na bagong dating lamang.

“ Oh bakit ngayon ka lamang?“ tanong ni Ama.

“ Pasensya na Punong Ministro, galing pa ako kina Ministro Jiang dahil ikinasal ang kanyang anak ngayon. “wika nito.

“ Ah oo nga pala ngayon ang kasal ni “wika ni Ama na diko na naintindihan ang dulo dahil hinatak na ako ni Rin paakyat.

Ngayon ay nandito na ako sa aking silid at kasalukuyan akong naglalagay ng pulbos sa aking mukha para hindi ako magmukhang haggard hahaha.

Nang biglang sumagi sa isip ko ang dahilan nung lalaki na bagong dating kanina sa baba. Kaya tinanong ko si Rin dahil baka kilala niya ang ikinasal ngayon.

“ Rin kilala mo ba ang anak nung Ministro Jiang?“ tanong ko.

“ Oo naman, bakit hindi mo siya kilala?“ sagot nito.

“ Ah e sino ba ang anak niya?“ tanong ko ulit.

“ Imposibleng hindi mo kilala ang palagi mong nakakasama sa iyong paglilibot Yiren“ wika niya sabay tawa ng mahina.

“ Tama ba ang aking naiisip?“ wika ko.

“ Kung naiisip mo na si Ginoong Zichu ay tama ka doon dahil siya ang nag-iisang anak ni Ministro Jiang“ sagot ni Rin.

Nanlamig ako at natulala dahil sa aking narinig.

Si Zichu ang anak ni Ministro Jiang?

“ Teka Rin, narinig ko kanina na ikinasal ang anak ni Ministro Jiang, totoo ba iyon?“ tanong ko.

“ Siguro ngunit hindi ako sigurado dahil ilang araw na tayong hindi lumalabas hindi ba dahil nagaayos tayo para sa inyong kaarawan“ sagot niya at doon ay natulala na lang ako.

Dahil sigurado ako sa aking narinig sa baba na ikinasal ang anak ni Ministro Jiang.

At ayon kay Rin ay isa lamang ang anak ng Ministro.

Si Zichu.


Hi guys! Sorry ngayon lang ulit nakapag-UD hihi❣

Stay tuned sa mga susunod na magaganap dahil we’re just getting started.

Stay safe guys!

Love y’all❣

15 | Katapusan ng Saya

• Yiren

“Oh bakit natahimik ka?“tanong ni Rin.

Hindi agad ako nakasagot dahil kinakabahan ako sa mga nangyayari ngayon. Alam kong hindi ako dapat kabahan dahil may tiwala naman ako kay Zichu at imposible naman na ikasal siya dahil wala siyang nababanggit sa akin na ganoon.

Kailangan kong mapuntahan ang tahanan nila Zichu. Sa tingin ko ay yun lamang ang makakapagpakalma sa akin ngayon. Talagang pinagpapawisan ako ngayon hindi lamang dahil sa kaba kundi dahil na din sa takot na baka totoo nga ang narinig ko.

“Rin, samahan mo naman ako oh”pakiusap ko kay Rin.

“Saan naman Yiren? Alam mong hindi papayag ang amo kung aalis ka ngayon”sagot niya.

“Kailangan ko lang makasigurado Rin. Pakiusap samahan ko ako doon sa tahanan nila Zichu.“muli kong pakiusap at hinawakan kona ang kamay ni Rin.

“Kung iyan ang nais mo ay sige sasamahan kita.“sagot ni Rin na ikinahinga ko ng malalim dahil hindi pa din kumakalma ang aking pakiramdam.

Tumayo na ako at lumabas sa aking silid habang si Rin ay nakasunod na sa aking likuran.

“Maraming tao sa baba Rin, kaya mas madali tayong makakalabas ng bulwagan”wika ko.

“Mabuti kung ganoon at mapapadali ang pag-alis natin”sagot ni Rin.

Nakababa na kami at ngayon ay nakita ko sina Ama at Ina na kausap ang ibang mga ministro sa bandang dulo ng aming bulwagan kaya naman binilisan kona ang lakad ko para marating kona ang aming tarangkahan.

Mabilis kong nalagpasan ang mga tao at ngayon ay nasa harapan na ako ng aming tarangkahan at papalabas na sana kami ng tarangkahan ni Rin nang harangin kami ng tagabantay.

“Ginoo, ipinagbabawal po ng Amo ang inyong paglabas ngayon”wika ng tagabantay.

“May bibilhin lamang kami sa pamilihan sandali”wika ni Rin.

“Ngunit mahigpit na ipinagbabawal ng Amo ang pag-alis ng Ginoo ngayong araw.“sagot ng tagabantay.

“Mabilis lamang kami at babalik ako kaagad”ako na ang nagsalita.

“Ngunit ginoo mapapagalitan po ako…“sagot niya na hindi na niya naituloy dahil napuno na talaga ako.

“Palalabasin mo kami ngayon o mawawalan ka ng trabaho ngayon din!?“pagputol ko sa sasabihin niya.

Nakita kong natakot siya sa sinabi ko kaya naman dahan-dahan niyang binuksan ang tarangkahan at nakalabas na kami ni Rin.

Naglakad na kami ni Rin papunta sa tahanan nila Zichu kung saan daw idinaraos ang pagdiriwang ng sinasabing kasalan.

“Hindi ko alam na kaya mong gawin iyon sa tagabantay hahaha”natatawang wika ni Rin.

“Masyado kasi siyang makulit pero di ko naman totoohanin iyon dahil naawa din ako sa kanya lalo na’t ginagawa niya lamang ng maayos ang trabaho niya.“sagot ko.

Napatango nalang si Rin at muli niyang pinangunahan ang paglalakad namin papunta kina Zichu.

Nang marating namin ang pamilihan ng Kapitolyo ay lumiko si Rin at ngayon ay nakita kona ang ilang mga kabahayan na kagaya ng sa amin na magagara din at hindi nagpapahuli sa kalakihan.

Sinusundan ko lamang ang paglalakad ni Rin hanggang sa tumigil sya at narinig ko na nga ang masasayang boses ng mga tao at panay pagbati ang aking mga naririnig na lalong nagpakaba sa buong sistema ko.

Tinitigan ko si Rin at itinuro niya sa akin ang isang magarang tahanan na maraming tao na nakapalibot sa tarangkahan pa lamang nila.

“Iyan ang tahanan ni Ministro Jiang”wika ni Rin.

Bakit tila nagkakasayahan sila?

Kahit kinakabahan ako ay tumuloy pa din ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang harapan ng kanilang tahanan kung saan naroon ang ilang mga tao.

Agad silang napalingon sa akin at narinig ko silang nagbulungan.

“Hindi ba’t siya ang anak ni Punong Ministro Zhao?“wika ng isang babae.

“Siya nga iyon, tama ang tinuran nila na kulay gatas ang kutis nito dahil sa kaputian.“sagot ng kausap nito.

“Hindi ba’t nagdiriwang din sila ng kaarawan ngayon? Bakit nandito siya ngayon?“tanong nanaman ng isang tsismoso dito.

Hindi ko na sila pinansin at tumungo ako sa bungad ng tarangkahan nila kung saan hinarang ako ng tagapagbantay.

“Sino ka at ano ang iyong pakay rito?“wika ng tagabantay.

“Ako si Yiren, anak ni Punong Ministro Zhao at narito ako para sumilip sa mga kaganapan rito.“wika ko.

Agad naman siyang napayuko sa akin bilang paggalang.

“Paumanhin sa aking tinuran ginoo”wika niya na tinanguan ko.

Hindi na ako nakapagtanong pa sa kanya tungkol sa nangyayari sa loob dahil binuksan na niya ang tarangkahan at doon ay bumungad sa akin ang mga tao na nagkakasiyahan at nasa gitna nila ang dalawang tao na nakasuot ng matingkad na pulang kasuotan.

Naglakad ako papalapit sa kanila habang nararamdaman ko na unti-unting nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa kaba na nadarama ko ngayon.

Kaunting hakbang na lamang ay makakalapit na kami sa kanila nang biglang humarap sa direksyon namin ni Rin ang lalaki na nakasuot ng pulang kasuotan.

Tuluyan na akong nanghina at matutumba na sana ako ngunit nasalo lang ako ni Rin.

Tinitigan ko ang lalaki na nakatitig din sa akin ngayon. Kita ko sa mga mata niya ang pagkabigla dahil sa pagdating ko.

Sa akin nakatuon ang mga mata ni Zichu.

Tinitigan ko lang maiigi ang kanyang imahe suot ang kanyang pulang kasuotan na kapares ng kasuotan ng babae sa kanyang tabi.

Nanghihina ako dahil sa nakikita ko ngayon. Hindi ko inakala na ang mga naiisip ko kaninang mga pangyayari na pilit kong hindi pinaniwalaan ay totoo pala.

Totoo ngang nakipag-isang dibdib na si Zichu. Paano ko nasabi? Sa kanilang tradisyon ay hindi puti kundi pula ang isinusuot ng magkasintahang nagpapakasal at halata naman siguro ngayon.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil ang alam ko lang ngayon ay nasasaktan ako at nais kong umiyak. Hindi ko na kaya ang mga nakumpirma ko at nais ko nalang tumakbo papalayo sa lugar na ito lalo pa’t nakatingin na din sa akin ang ilang mga tao dahil parang tanga ako dito na nakatingin kay Zichu habang inaalalayan ako ni Rin.

Hinang-hina ako ngayon kaya naman hindi na ako nagsalita at pinilit ko nang tumalikod at umalis sa lugar na ito dahil konting-konti na lang ay babagsak na ang mga pinipigilan kong luha.

Naglakad na ako papalabas ng bulwagan at ngayon ay nasa tarangkahan na kami at pinagbuksan kaagad kami ng tagabantay kanina.

Paglabas na paglabas namin sa kanilang tahanan ay napaluhod na lamang ako at doon ay bumuhos na ang masaganang mga luha ko.

Hindi kona napigilan ang emosyon ko dahil nasasaktan ako ngayon. Nasasaktan ako.

Hindi ko inakala na sa unang beses kong mahulog sa isang tao ay magiging ganito ang sakit na idudulot sa akin nito.

Mabuti na lamang at wala na ang mga tao dito kanina sa labas dahil kung hindi ay magmumukha akong tanga dito na umiiyak sa daanan.

“Yiren, alam kong nabigla ka sa iyong mga nakita ngunit kailangan na nating umuwi para makapagpahinga ka lalo na’t alam kong hindi maganda ang pakiramdam mo ngayon”wika ni Rin sa tabi ko.

Agad akong humarap sa kanya at niyakap ko si Rin.

“Rin, nasasaktan ako. Ang sakit-sakit Rin”humahagulgol kong wika sa kanya.

Wala naman siyang ibang ginawa kung hindi ang hagurin ang likod ko pero hindi ko pa ding magawang pigilan ang pag-iyak ko dahil sobrang nasasaktan ako ngayon.

Patuloy lamang ako sa pag-iyak sa balikat ni Rin nang bigla niya akong yayain na tumayo na dahil mukhang dumidilim na.

Inalalayan niya akong tumayo na at nang unti-unti na akong tumayo ay naramdaman ko na ang patak ng ulan sa aking mukha.

Mukhang pati ang kalangitan ay nararamdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Tuluyan nang bumuhos ang ulan at wala kaming nagawa ni Rin kundi ang magpaulan na lamang dahil wala naman kaming dalang payong ngayon.

Nanatili lamang sa tabi ko si Rin na inaalalayan pa din ako habang naglalakad kami paalis sa lugar na sana ay hindi ko na hiniling na puntahan.

Sa lugar kung saan ko nasaksihan na ikasal ang itinatangi ng aking puso.

Sa lugar kung saan ko naranasan na masaktan.

Sa lugar na naging saksi sa katapusan ng aking kasiyahan.


Sorry sa late UD guys!!!

Bawi ako promiseeee hihi!

Stay tuned!!

Love y’all❣ Ingat kayo palagi hihi

16 | Hindi Inaasahan

• Yiren

Naglalakad na kami ni Rin pabalik sa aming tahanan at ngayon ay basang-basa na nga kami at tila wala ring balak na tumigil ang ulan dahil patuloy lamang itong lumalakas.

Narating na namin ang pamilihan at kaunting lakad na lamang ay makakauwi na kami ni Rin.

Nang biglang may humablot sa kamay ko kaya napaharap sa direksyon ng humablot sa akin.

Pagkaharap ko sa may-ari ng kamay na humablot sa akin ay lalo lamang akong naiyak dahil ngayon ay kaharap kona ang taong dahilan ng pag-iyak ko ngayon.

Oo si Zichu.

Suot-suot niya pa din ang pulang kasuotan niya na kasalungat ng aking asul na kasuotan ngayon.

Kahit nanghihina ako ngayon ay pinilit ko paring tanggalin ang pagkakahawak niya sa braso ko. Binalik lang niya ang hawak niya sa akin kaya naman nagpumiglas lang akong muli sa kanya.

“ Ginoong Zichu, pakiusap bitawan mona ang Amo ko. Kailangan na niyang umuwi ngayon.“ wika ni Rin sa tabi ko.

Salamat naman at nagsalita na si Rin dahil tila napipi na ako ngayon na kaharap ko si Zichu na kanina lamang ay nakita kong makipag-isang dibdib.

“ Kailangan ko muna siyang kausapin Rin, pakiusap hayaan mo akong kausapin siya. “mahinahon na sagot ni Zichu.

“ Ngunit …“pipigil pa sana si Rin nang tignan ko siya at tumango ako kaya naintindihan na niya iyon at siya ay lumayo na sa aming dalawa ni Zichu.

“ Magsalita ka .“wika ko.

“ Yiren, hindi ko alam kung saan ako magsisimula pero maniwala ka sa akin. Hindi ko ginusto ang mga nangyayari ngayon “wika ni Zichu sa akin at nang tignan ko siya ay seryoso lamang siya pero kita ko sa mata niya ang pagsisisi.

Natawa naman ako sa tinuran niya.

“ Hindi mo ginusto? Kaya pala hindi mo man lang ako inabisuhan na ikakasal ka na pala para sana ay nakapagpadala ako ng regalo sa iyo .“wika ko sakanya.

“ Hindi sa ganoon, talagang pinilit ako ni Ama na gawin iyon para sa aming pamilya. Dahil kung hindi ko pakakasalan ang anak ng Ministrong iyon ay mababawasan ang impluwensya ng aming pamilya .“sagot niya sa akin.

“Kung ganoon ay bakit hindi mo ako sinabihan! “napataas na ang boses ko dahil nagsisimula na akong mainis dahil sa napakawalang kwentang dahilan niya.

“Dahil alam kong masasaktan ka! At ayaw kong masaktan ka kaya inisip ko na mas maganda kung hindi mo nalang malaman .“tumaas na din ang boses niya.

“ Pero nasaktan na ako! Hindi mo alam yung pakiramdam na panoorin ang mahal mo na ikasal sa iba. Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan ngayon dahil habang nagdiriwang pala ako ng aking kaarawan ay nagdiriwang ka din ng iyong kasal .“ Sigaw ko sa kanya dahil hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko na sumabog na.

“Pero hindi ko ginusto lahat ng ito!” wika ni Zichu sa akin.

“ Ginusto mo man o hindi ay ginawa mo pa din! Sana hindi kana lang nangako na lagi mo akong pasasayahin kung labis na sakit lang naman ang idudulot mo sa akin.!“ at tuluyan na akong napahagulgol dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Hindi na siya umimik at naramdaman ko na niyakap na lang niya ako kaya lalo lang akong napahagulgol sa dibdib niya.

“ Nangako ka na lagi mo akong pasasayahin e! Bakit mo ako kailangang saktan ng ganito .“hagulgol kong wika sa kanya.

“ Patawarin mo ako Yiren, hindi ko sinasadya .“wika niya sabay hagod lang sa likod ko at halik sa buhok ko.

“ Nagmamakaawa ako Zichu, ako nalang. Pakiusap, ako nalang “kumalas ako sa yakap niya at lumuhod ako sa harap niya na ikinagulat niya.

“Zichu, ako nalang pakiusap “hagulgol kong wika at sa buong buhay ko ay hindi ko inakala na mararanasan kong magmakaawa ng ganito sa isang tao.

“ Patawarin mo ako Yiren, patawarin mo ako.“ wika ni Zichu habang itinatayo niya ako at hindi ko alam kung patak lamang ba iyon ng ulam o talaga lumuha siya.

Hindi na ako nagsalita dahil nakapagdesisyon na siya. Pinili niya ang utos ng Ama niya sa kanya. Sabagay sino ba naman ako para piliin niya hahaha.

Dahan-dahan na akong tumayo at pinunasan kona ang luha ko na hindi din naman halata dahil sa ulan.

“Tatandaan ko ang araw na ito. Ang araw na nagmakaawa ako sa iyo Zichu. Titiyakin kong hindi ko ito makakalimutan” wika ko sa kanya.

“……”

“ Maraming salamat sa mga masasayang mga ala-ala na ginawa natin nang magkasama. Mukhang kailangan ko nang itigil ang pag-iilusyon ko.“ wika kong muli at dahan-dahan akong lumakad papalayo sa kanya.

Blangko lamang ang ekspresyon niya kaya nang makatalikod na ako ay hindi na ako nag-abala pang tignan siyang muli.

Tama na siguro ang mga araw na pinagsamahan naming dalawa.

Hindi ko inakalang ang mga masasayang araw namin ay matatapos lamang sa isang iglap.

Kung kailan nais ko nang sabihin sa kanya na itinatangi na din siya ng aking puso ay ganito naman ang nangyari.

Siguro nga ay hindi kami para sa isa’t-isa.

Siguro nga ay tama na talaga.

Nang malapitan kona si Rin ay hinawakan ko lang ang kamay niya at naglakad na kaming dalawa pauwi sa aming tahanan.

Hindi naman na nagtanong si Rin at sinabayan lang ako sa paglalakad at nang marating na namin ang tarangkahan ng aming tahanan ay nagulat ako dahil nakabukas ito at tila ba natataranta ang mga tao sa loob.

Pinigil ko ang isang tagapagsilbi na may dala-dalang planggana na may lamang tubig.

“ Ano ang nangyayari?“ wika ko.

“ Ginoo! Ang inyo pong kapatid ay bigla na lamang nawalan ng malay kanina .“sagot nito at nagpatuloy na sa pagpasok sa loob.

Ano! Si Yuri.

Agad akong pumasok sa loob ng aming tahanan at doon ay nakita ko sina Ama at Ina na nakatayo kasama ang isang hindi ko kilalang lalaki.

“ Ama! Ano ang nangyari dito?“ wika ko.

“ Saan kaba nanggaling ha Yiren!!!“ pasigaw na wika ni Ama.

“ Bumili lamang ho ako ng aking ireregalo sa aking kapatid “sagot ko dito bagamat nagsinungaling ako.

“ Ang kapatid mo ay may karamdaman na hindi niya sinasabi sa atin anak “wika ni Ina sa akin.

Ano! Bakit hindi man lang nagsabi si Yuri sa amin.

“Ano po ang lagay niya Ina?” tanong ko.

“ Lumubha na ang kanyang karamdaman sa kanyang baga at ipinagtapat na din ni Rin na madalas na siyang maubo ng dugo nitong nakaraan buwan ngunit pilit niya lang itong itinatago sa atin dahil ayaw niyang mag-alala tayo sa kanyang kalagayan“ sagot ni Ina sa akin.

Lumuhod ako at tinabihan ko si Yuri na nakapikit ngayon.

“ Yuri “mahinang wika ko.

Nagmulat siya ng kanyang mga mata at napangiti siya ng makita niya ako.

“Yiren, kapatid ko” nakangiti niyang wika.

Kinuha ko ang kanyang kamay at hinawakan ko ito.

“ Bakit hindi mo sinabi sa amin ang kondisyon mo? Sana ay naagapan pa natin ang karamdaman mo ngayon .“malungkot kong wika.

“Hindi na kailangan iyon. Alam ko naman na hindi rin ako tatagal kaya ayaw ko na mag-alala pa kayo sa akin .“wika niya.

“ Huwag mong sabihin iyan Yuri, huwag mo kaming iwan“ naluluha nanaman ako.

“ Mula noong mga bata pa tayo ay alam ko na talaga na mahina ang aking katawan kaya’t mas ninanais ko na lamang na magbasa ng mga libro at maglagi sa ating hardin dahil hindi ko kaya na makipaglaro sa ibang mga bata dahil nga mabilis akong mapagod .“wika niya sa akin.

Ngayon ko lamang nalaman ito. Akala ko nung una ay talagang tahimik lamang si Yuri at pirmi lamang siya sa aming tahanan.

“ Kaya noong nagsimula akong makaramdam ng mali sa aking katawan ay hindi ko na ito sinabi sa inyo dahil alam ko naman na ang kahahantungan nito. Yiren, nahihirapan na ako dahil sa karamdaman ko.“ wika ni Yuri at nawala na ang kanyang nakangiting mukha at napalitan iyon ng naluluhang mga mata.

Naluluha na din ako pero pinilit kong tumayo para tawagin sina Ina at Ama na kausap ngayon ang doktor.

“ Ama, Ina gising na si Yuri “wika ko

Agad naman silang tumayo at pumasok sa kinalalagyan ni Yuri.

Ngumiti muna si Yuri sa amin bago siya nagsalita.

“ Ama, Ina maraming salamat sa inyong pagkalinga sa akin mula pa noong mga bata pa lamang kami ni Yiren. Salamat dahil minahal niyo kami at binuhay nang matiwasay. Alam ko pong hindi na ako magtatagal dahil wala namang lunas ang aking karamdaman. Kaya may pakiusap sana akong nais sabihin sainyo.“ wika niya.

“Ano iyon anak ko?” wika ni Ama.

“ Ama nais ko pong si Yiren ang magpatuloy ng aking misyon“ wika ni Yuri na nagpagulat sa akin.

Ngunit lalaki ang iyong kapatid anak. Hindi siya maaring pumasok sa palasyo bilang asawa ng hari kung siya ay isang lalaki“

wika ni Ina

“ Alam ko po iyon Ina kaya po nais ko sana na sa araw ng aking pagpasok sana sa palasyo ay si Yiren ang humalili sa akin dahil hindi naman lingid sa inyo na biniyayaan ng magagandang mga katangian na siyang dahilan para akalaing isa siyang babae ng iilan dito sa kapitolyo.“ wika ni Yuri.

“ Ngunit Anak “wika ni Ama na agad kong pinutol.

“ Kung iyan ang iyong nais ay susundin ko ang kagustuhan mo kapatid ko .“wika ko sakanya.

“Sa araw ng pagpasok ni Yuri sa palasyo ay ako ang papasok sa palasyo imbis na ang aking kapatid at ipinapangako ko sainyo Ama na gagawin ko ang lahat para sa ating pamilya at para kay Yuri .“wika ko.

Wala nang sinabi pa sina Ama at Ina.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa akin para sumang-ayon sa kahilingan ni Yuri pero nais ko lamang munang makalimot at sa tingin ko ay ang pagpasok sa palasyo ang magiging sagot para sa aking nais na mangyari.

Hindi ko man inaasahan ang mga nangyari ngayon at tinitiyak ko na magiging matagumpay ako sa aking pagpasok sa palasyo.

17 | Pagpanaw Ni Yuri

• Yiren

Nais nang magpahinga ni Yuri kaya naman nilisan na namin ang kanyang silid upang makapagpahinga na ang aking kapatid dito sa panahong ito.

Nagtungo na ako sa aking silid para magpahinga dahil ramdam ko ang labis a pagod hindi lamang sa pisikal na estado kundi pati na din emosyonal dahil kanina pa yata ako iyak ng iyak e.

Hindi ko nga maintindihan dahil kanina lamang ay ipinagdiriwang namin ang kaarawan namin ni Yuri. Ngayon naman ay nandito na kami sa sitwasyon kung saan nalaman namin na malala na ang karamdaman ng aking kapatid.

Kanina din ay nasaksihan ko ang taong inakala ko na palagi akong pasasayahin na ikasal sa iba. Hindi kona maitindihan kung para saan ba ang iiiyak ko dahil napakaraming dahilan ngayon para umiyak ako.

Ngayon na mag-isa lang ako sa aking kwarto ay malaya na akong ibuhos ang sakit na kanina ko pa dinadamdam. Pero pinili ko na magpahinga na muna dahil hindi ko na alam kung ano pang mga pagsubok ang aking haharapin kinabukasan.

Oo nasasaktan ako pero sa tingin ko ay kailangan ko nang magsimula na kalimutan ang mga alaala namin ni Zichu dahil sa tuwing naalala ko ang mga panahon na kasama mo siya ay pilit na pumapasok sa aking isip ang tagpo kung saan siya ay ikinasal sa iba.

Kaya kailangan ko na talaga sigurong makalimot muna ngayon lalo pa’t malala na ang lagay ng aking kapatid. Nais kong iparamdam kay Yuri na nandito ako sa tabi niya at hindi siya nag-iisa para magkaroon ng dahilan ang aking kapatid para lumaban.

Kahit alam kong hindi na siya tatagal ay talaga namang napamahal na ako sa kanya lalo pa’t siya ang isa sa mga tao na binigyan ako ng importansya dito sa panahong ito.

Ipinikit kona ang aking mata at hiniling kona lang na sana bukas ay maiba ang ihip ng hangin at sana ay magbago ang takbo ng tadhana dahil hindi ko nais ang makaranas ng ganitong mga bagay.

Nagpatangay na ako sa aking pagod at tuluyan na akong kinain ng dilim.

K I N A B U K A S A N

“ Yiren, gumising kanaaaa!!!“ sigaw ng kung sino na siyang dahilan para magmulat ako ng aking mga mata.

Nakita ko sa aking tabi si Rin na umiiyak sa tabi ng aking kama.

“ Anong nangyayari Rin?“ tanong ko

“ Yiren…“ wika niya

“Anong nangyayari!?” napataas na ang boses ko dahil kinakabahan na ako.

“ Ang iyong kapatid ay pumanaw na “wika ni Rin.

“ Ang iyong kapatid ay pumanaw na “

“ Ang iyong kapatid ay pumanaw na“

Ano? Ang kapatid ko?

Hindi ako nakapagsalita dahil sa samu’t- saring mga emosyon na nararamdaman ko ngayon.

Dahan-dahan akong tumayo pero napaupo lamang ako dahil nanghina ang tuhod ko. Hindi pa rin matanggap ng sistema ko ang narinig ko.

Unti-unting tumulo ang aking mga luha dahil ngayon lamang pumasok sa akin na wala na si Yuri. Si Yuri na walang ibang ginawa kundi puro kabutihan sa akin.

“ N-nasaan si Yuri?“ nanghihinang tanong ko kay Rin.

“ Nasa kanyang silid, nandoon na din ang mga magulang niyo“ sagot ni Rin na nagpupunas ng kanyang mga luha.

Agad akong tumayo bagama’t nanghihina ang mga tuhod ko ay inalalayan naman ako ni Rin patungo sa silid ng aking kapatid.

Doon ay naabutan ko sina Ama at Ina na kapwa nakaupo sa kama ni Yuri. Bumuhos muli ang masaganang mga luha ko. Kitang-kita ko ang walang tigil na pag-iyak ni Ina at kahit hindi ipahalata ni Ama ay kita ko ang mga luha na naglandas sa kanyang pisngi.

Lumapit ako sa kanila upang tignan ang aking kapatid.

“ Ama, Ina “wika ko.

“ Anak, wala na ang kapatid mo “hagulgol na wika ni Ina.

“ Kaninang Umaga ng dadalhan sana siya ni Rai ng kanyang agahan ay nakita niyang nakahiga lamang ito at nang lapitan niya ito at gisingin ay hindi na sumasagot ang iyong kapatid kaya naman tinawag na niya kami at nakumpirma na nga namin na pumanaw na ang kapatid mo .“wika ni Ama.

Tumabi ako sa kanila at doon ay kita ko si Yuri na ngayon ay payapang-payapa na nakapikit na animo’y natutulog lamang siya.

Pumasok sa isip ko ang mga sandali na kasama ko si Yuri. Mula sa aming unang pagkikita noong ako ay nagising mula sa pagkakalunod ko dito sa panahon na ito hanggang sa aming paghahabi ng sabay sa hardin. Ang kanyang pagiging mapagbigay sa akin. Isang napakabuting tao ni Yuri at sana ay nabuhay pa siya ng mas matagal.

Alam kong ngayon ay wala na ang sakit na iniinda niya kaya kahit papaano ay natutuwa din ako lalo pa’t hindi siya papasok sa palasyo kung saan alam kong hindi siya makakaranas ng kapayapaan.

Tumayo na si Ama mula sa higaan ni Yuri.

“ Bihisan ninyo si Yuri ng kanyang pinakamagandang kasuotan at ikabit ninyo sa kanya ang kanyang mga paboritong palamuti. Hindi lilisan ang aking anak ng hindi siya nagmumukhang maayos “utos ni Ama.

Lumabas na sila ng silid at doon ay pumasok na ang mga tagapagsilbi at ginawa ang utos ni Ama.

Napalitan na nila ang kasuotan ni Yuri at ngayon ay inaayos na nila ang mga palamuti ni Yuri at doon ay nakita ko ang palamuti na iniregalo ko sa kanya noong unang beses akong naligaw sa pamilihan na binili sa akin ni Zichu.

Nabanggit ko na naman siya pero agad ko syang iwinaglit sa aking isipan dahil hindi kona dapat siya isipin pa.

“ Isa ba ito sa mga paborito niyang palamuti?“ tanong ko.

“ Opo, nung ibinigay niyo po iyan sa Binibini ay lagi na niya itong suot “sagot ni Rai na ikinangiti ko dahil pinahalagahan ni Yuri ang aking simpleng regalo para sa kanya.

Natapos na nilang ayusan ang aking kapatid at ngayon ay nakita kong nagpunas ng luha si Rai na nahuhuli sa pag-alalay sa katawan ng aking kapatid pababa sa aming tarangkahan kung saan ipinahanda na ni Ama ang paglalagyan ni Yuri.

“ Rai, alam kong malungkot ka ngayon dahil tapat mong pinagsilbihan ang aking kapatid“ wika ko sa kanya.

“ Hindi ko inakala na ganito matatapos ang buhay ng binibini“ humihikbing sagot niya.

“Huwag kang mag-alala Rai dahil hindi mawawala sa ating mga puso ang alaala “wika ko sa kanya.

Hindi ko natanong kanina kung bakit ilalagay agad sa kanyang hantungan si Yuri nang hindi manlang napagluluksaan ng aming pamilya.

Kaya tinanong ko ito kay Rai at sinagot niya na matapos mailibing ni Yuri mamaya ay magsisimula na ang isandaang-araw ng pagluluksa para sa aking kapatid na isang tradisyon daw kapag may namatay na kasali ng isang nakatataas na pamilya dito sa kapitolyo.

Nasagot ang aking mga katanungan dahil doon at ngayon ay nandito na kami sa pook kung saan ililibing na ang aking kapatid kaya hindi ko mapigilan na maiyak muli dahil mamamaalam na kami sa kanya.

“ Alam kong lagi mo kaming babantayan mula diyan sa itaas Yuri. Sana ay gabayan mo ako sa aking pagpapatuloy ng iyong pagpasok sa palasyo. Hindi ko makakalimutan ang kagandahan ng iyong loob kapatid ko. Sana ay maging payapa kana diyan. Maraming salamat sa lahat“ taimtim na wika ko sa aking sarili.

Nilagay na ang kabaong ni Yuri sa ilalim ng lupa at doon ay napahagulgol na lamang kami dahil wala na talaga ang aking kapatid.

Paalam Yuri

Makalipas ang Dalawang Buwan

Lumipas na ang dalawang buwan at ngayon ay medyo bumalik na sa dati ang aming tahanan bagamat ngayon ay may kulang pa din.

Ipinagpatuloy namin ang aming mga araw hanggang sa sumapit na nga sa araw na ito kung saan.

Ipinatawag ako ni Ama sa kanyang silid at doon ay naabutan ko sila ni Ina at pinagusapan na namin ang aking nalalapit na pagpasok sa palasyo.

Sinabi ni Ama na sa kinabukasan ay darating na ang guro na magtuturo sa akin ng mga palatuntunin at iba pang mga bagay na dapat kong malaman kapag ako ay nasa loob na ng palasyo kaya naman pinaghanda na ako ni Ama.

Nitong nakaraang buwan ay nagsimula na akong magbihis babae dahil nga iyon ang plano ni Ama upang maipagpatuloy ko ang pagpasok ko sa palasyo.

Dumating na ang araw ng pagdating ng aking guro at ngayon ay nasa tarangkahan na siya.

“ Pagbati, Kamahalan, Punong Ministro Zhao “ wika ng guro pagkatapos ay lumuhod sya.

Hindi agad siya tumayo kaya nagtaka ako nang magsalita sya.

“ Kamahalan kapag isang tagapaglingkod ang bumati sa inyo ay hindi sila maaring tumayo ng walang permiso“ wika ng guro.

“ Ah eh maari na po kayong tumayo “sagot ko at inalalayan naman siya ni Rin na tumayo.

“ Maraming salamat Kamahalan “wika ng guro at niyaya na namin siya na pumasok sa aming tahanan.

Pagkatapos naming kumain ay nagsimula na siya sa pagtuturo sa akin.

Sa kanyang pagtuturo ay nalaman kona ang mga may ranggo na

Pin

o mga Imperial Concubine sa aming mga pinagaralan namin noong nasa hinaharap pa ako. Sila ang mga maari nang maging Pinuno ng isang palasyo. Hindi kagaya ng mga

Guiren

o mga Noble Lady na mas mababa ng isang Ranggo kaysa sa mga Pin kaya hindi sila maaring tawagin na Pinuno ng isang palasyo sa kaharian.

Ang mga may ranggo din na Pin pataas ay dapat na tawagin na NiangNiang bilang tanda ng paggalang sa kanila.

Sumunod sa mga Pin ay ang mga

Fei

o mga Imperial Consort na susundan ng mga

Guifei

or Noble Consort. Mas mataas ang mga

Huang Guifei

o Imperial Noble Consort ng ranggo kaysa sa mga Guifei dahil isang ranggo lang ang kanilang baba sa

Huangho

o ang Empress.

Nalaman ko din na papasok ako sa palasyo bilang isang Pin o Imperial Concubine dahil sa mataas na pagkilala ng Emperor kay Ama kaya nabigyan kaagad ako ng mataas na posisyon sa Harem.

Ang aking bagong titulo sa oras na makapasok ako sa palasyo ay Yi

Pin

o Imperial Concubine Yi, ang pYiinuno ng Changchungong(Changchun Palace).

Marami pa akong natutunan mula sa guro at hindi ko namalayan na bukas na ang aking pag-alis dito sa aming tahanan at napagpasyahan ko na isama si Rai at Rin bilang mga tagapagsilbi ko na nagmula sa aking kinalakihang tahanan kaya naghahanda na din ang dalawa.

Bukas ay magsisimula na ang bagong yugto ng aking buhay dito sa panahong ito.


Lesson muna kung paano basahin yung mga term na nabanggit hahahahaha.

Bali ganto siya for example si Yiren ay si Yi Pin na ngayon so pag babatiin siya ganto Yi Pin

Niangniang

yan na yun ibig sabihin nung Niangniang is Your Highness.

Sa mga Fei, Guifei, Huang Guifei and Huangho naman ganoon din kasi yun ang sign of respect sa kanila.

Ganito basahin mga yan hahahahaha.

Fei

  • Fey

Guifei- Guyfey

Huang Guifei

  • Wang Guyfey

Huangho

  • Wangho

Yun lang guyssssss! Sorry sa late UD again hahahahaha start na kasi ng classes ko ihhh.

Bawi nalang talaga ako hihi❣

Stay safe everyone

18 | Pagpasok sa Palasyo

• Yiren

Maaga akong gumising kinabukasan dahil mamayang hapon ay tuluyan ko nang lilisanin ang tahanang ito upang pumasok na sa kaharian at maging isang asawa ng hari.

Lumabas na ako sa aking silid at bumababa. Doon ay naabutan ko sina Ama at ang aking Guro na naguusap lamang kaya naman hindi kona sila inabala at tumungo muna ako sa silid nina Rin at Rai.

Doon ay nakita ko ang dalawa na nag-aayos ng sarili at nang makita nila ako ay nginitian ko sila.

“ Kamusta maayos naba ang inyong mga gamit?“ tanong ko.

“Kagabi pa namin ito naisaayos Kamahalan “sagot ni Rai na nakangiti.

“ Ano kaba Rai, sinabi nang kapag tayo tayo lamang ay maari nyo naman akong tawagin sa aking ngalan“ sagot ko sakanya.

“ Sinasanay lang naman namin ang sarili dahil kapag nasa kaharian na tayo ay hindi ka namin maaring tawaging sa iyong ngalan ng basta basta lamang“ wika ni Rin.

“ Ngunit kapag tayo tayo lamang ay tawagin nyo ako sa aking ngalan dahil hindi pa din ako nasasanay na tawagin na Kamahalan“ natatawang wika ko.

“ Masusunod, Kamahalan “sabay nilang wika sabay tawa.

Matapos ang aming munting pag-uusap ay iniwan kona sila dahil magtutungo pa sila sa kanilang tahanan upang magpaalam sa kanilang mga pamilya lalo na’t kapag pumasok na kami sa kaharian ay madalang na lamang silang makalalabas ng kaharian.

Pagsapit ng Kasikatan ng araw mamaya ay darating na ang karwahe ng kaharian na maghahatid sa akin patungo sa palasyo. Kaya naman habang maaga pa ay nais ko muna sana na libutin ang Kapitolyo kahit sa huling pagkakataon dahil panigurado akong mamimiss ko ang lugar na ito.

Pumasok na ako sa aming tahanan at hindi kona nakita sina Ama kaya umakyat na ako sa aking silid at nagpatulong sa isang tagapagsilbi na magpalit ng kasuotan para sa aking paglabas.

Natapos na akong magbihis kung kaya’t nagtungo na ako sa aming tarangkahan at nagbilin na babalik din ako kaagad dahil maglilibot lamang ako sa kapitolyo sa huling pagkakataon.

Sinamahan ako ng isang tagapagsilbi dahil nga wala si Rin at Rai ngayon. Naglalakad na ako ngayon papunta sa pamilihan kung saan marami din ang naganap.

Narating kona ang pamilihan at kagaya dati kapag maaga pa ay maraming tao rito. Mga mamimili at mga nagtitinda na masayang nag-uusap habang nagpapalitan ng salapi at produkto.

Nagpatuloy ako sa aking paglalakad hanggang sa marating ko ang tulay kung saan minsan na akong bumuo ng pangako na siyang nabali din ilang araw na ang nakalilipas.

Sandali lamang ako doon sa tulay na iyon sapagkat nais ko na magtungo sa talon na saksi sa ilang mga pangyayari na naganap doon.

Inutusan ko muna ang tagapagsilbi na umuwi upang ikuha ako ng pamalit dahil nais ko sana na magtampisaw sa talon sa huling pagkakataon.

Dahil alam ko naman ang daan patungo doon ay mabilis ko itong narating at nang malapit na ako sa tuyong bahagi ng talon ay isang hindi inaasahang tao ang aking nakita.

“ Yiren “wika ni Zichu.

“ Ginoong Zichu “sagot ko.

Maraming alaala namin ang nasaksihan ng talon na ito kaya hindi ko maiwasan na balikan ang mga masasayang sandali namkn dito.

“ Kamusta ka Zichu ?“tanong ko.

“ Maayos naman ako Yiren, ikaw kamusta kana?“ sagot niya.

“ Maayos na din ako at unti-unti nang naghihilom ang sugat na dulot ng pagkawala ng dalawang mahalagang tao sa aking buhay“ wika ko.

“ Dalawa? Ngunit ang iyong kapatid lamang ang pumanaw hindi ba?“ nalilito niyang pahayag.

“ Tama ka, si Yuri ang namatay ngunit kasabay ng pagpanaw ng aking kapatid ay ang pagkawala din ng mga alaala ko kung saan kasama kita. Alaala kung saan masaya tayong dalawa dahil simula noong nagmakaawa ako sayo at hindi mo ako pinakinggan ay itinuring ko na ding wala na ang nararamdaman ko para sa iyo“ wika ko.

“ Yiren …“wika niya.

“ Zichu, salamat sa mga masasayang alaala na kasama kita pero ngayon ay mayroon ka ng asawa na siyang dapat mong pasayahin. Hinihiling ko na sana ay maging masaya ka palagi at sana ay lagi kang mag-iingat “wika ko.

“Alam kong aalis kana mamaya upang magtungo sa kaharian. Hindi ko na makikita ang taong nagpabilis ng tibok ng aking puso. Ang taong siyang tunay na itinatangi ko.“wika niya.

“Ang taong itinatangi ng iyong puso ay ang iyong asawa Zichu kaya mahalin mo siya ng lubos at sana ay maging isang masaya kayong pamil-Uhm!!!“hindi kona natapos ang sasabihin ko nang biglang lumapat sa aking labi ang mga labi ni Zichu.

Hindi ako nakagalaw sa gulat.

Ngayon ang unang beses na mahalikan ako sa aking labi kaya naman nagulat talaga ang sistema ko.

Bumitaw na si Zichu sa kanyang halik dahil hindi naman ako tumugon sa kanyang halik.

“Anong ginawa mo!“inis na wika ko.

“Ipinahayag ko lamang sayo kung sino ang tunay na isinisigaw ng aking puso.“sagot niya.

“Huli na Zichu, huli na”wika ko sabay talikod na sa kanya nang bigla niya akong hilahin at muling halikan.

Sa pagkakataong ito ay napakapit na ako sa leeg niya at tumugon na din ako sa kanyang halik kahit na hindi ako marunong ay sinabayan ko na lamang ang ritmo ng kanyang mga labi.

Nang maramdaman kong mawawalan na ako ng hangin ay hinampas ko na ang dibdib niya at doon ay pinakawalan na niya ako.

“Zichu, inaamin ko na hindi agad agad na mawawala ang nararamdaman ko para sa iyo pero Zichu mali ito. May asawa kana at ako naman ay magiging asawa na ng Emperor”wika ko sa kanya.

“Yiren, kung hindi dahil sa aking ama ay hindi ko pakakasalan ang babaeng iyon at hindi ko din hahayaan na maging asawa ka ng kahit na sino pa man!“wika ni Zichu.

“Ang nangyari ngayon ay ituring mo nalang na pamamaalam ko sa iyo Zichu. Mag-iingat ka palagi at dalangin ko na lagi kang maging masaya.“wika ko sabay lakad na palayo kay Zichu na nandoon lamang tapat ng talon.

Hindi na pwedeng humaba pa ang usapan naming dalawa dahil parehas lamang kaming masasaktan dahil sa mga sitwasyon namin ngayon.

Alam kong na kay Zichu na ang puso ko pero magbabago din iyon sa paglipas ng panahon lalo na’t papasok na ako sa kaharian kung saan walang alaala niya doon na makatutulong sa akin upang makalimot na.

Hindi na ako muling lumingon pa sa kanya at nagdirediretso nalang ako sa aking paglalakad. Ngayon ay narating ko nang muli ang pamilihan at nakasalubong ko din ang tagapagsilbi na inutusan ko kanina.

Agad na akong nagtungo sa aming tahanan dahil nga hindi ako nakaligo sa talon ay maliligo na lamang ako dito sa aming tahanan.

Pagpasok ko sa aming tahanan ay naroroon na sina Ama at Ina pati na rin sina Rai at Rin.

Nagpaalam ako na mag-aayos na ng sarili upang handa na ako para sa aking paglisan maya-maya.

Isang oras na ang lumipas at ngayon ay tuluyan na akong nakabihis ng kasuotan na pang isang Pin at ang aking buhok ay may mga palamuti na din.

Maya-maya ay narinig na namin ang trumpeta at mga hiyaw ng kabayo na tanda ng pagdating ng karwahe na magdadala sa akin sa kaharian.

Pumasok sa aming tarangkahan ang Guro kasama ang isang May katandaan na babae.

“Pagbati sa iyo Kamahalan”sabay nilang wika.

“Maari na kayong tumayo”utos ko sa kanila. Oo sanay nako sa ganoon dahil isa iyon sa mga pagsasanay ko noong nakaraang buwan.

“Handa na po ang karwahe at ngayon at aalis na tayo Kamahalan kaya’t magpaalam kana sa iyong mga magulang.“wika ng babae.

Agad akong humarap kina Ina at Ama na niyakap lamang ako at doon ay alam kona ang ibig sabihin noon.

Hinatid pa nila ako palabas sa aming tarangkahan at ngayon ay nakasakay na ako sa karwahe kasama sina Rin at Rai.

Naramdaman ko na nagsimula ng umandar ang karwahe kaya nanahimik na lamang ako nakakaloka ang pauga-uga dito sa loob.

Maya-maya ay huminto na ang karwahe at hudyat na iyon upang buksan nina Rin at Rai ang talukbong at ako ay bumaba na ng karwahe.

CTTO

“Yi Pin Niangniang narito na tayo sa kaharian.“wika ng Guro.

“Hmm”sagot ko.

Pinangunahan nila ang paglalakad at nang marating namin ang bungad ng palasyo ay nakita ko ang ilang mga kababaihan na hindi naiiba ang kasuotan sa akin. Siguro ay mga bahagi din sila ng Harem.

“Maligayang Pagdating sa Kaharian Yi Pin Niangniang”sabay-sabay na wika nila.

Tinawag nila ako na Niangniang ibig sabihin ay mababa ang kanilang ranggo kaysa sa akin.

“Maraming salamat sa inyo”wika ko.

“Niangniang, alam namin na napagod kayo sa inyong paglalakbay kaya ipahahatid na namin kayo sa inyong palasyo at bukas na lamang kami tutungo doon”wika ng isa sa mga bumati sa akin kanina.

“Kamahalan siya si Yang Guiren at ang kanyang katabi ay si Kim Guiren”pagbibigay alam ng guro.

“Maraming salamat sainyo”wika ko nalang at ako ay naglakad na. Sumunod sila sa aking likuran.

Naglakad na kami at maya-maya lang ay narating na namin ang aking palasyo. Ang Changchungong na siyang nakalaan para sa akin.

Pagpasok ko ay agad na lumuhod ang mga tagapagsilbi at binati ako.

Pumasok na ako sa loob ng aking palasyo at dahil napagod ako dahil sa paglalakbay ay nais ko nang matulog kaya naman ipinahanda na ni Rin ang aking kama.

Nang matapos itong ihanda ay nagtungo na ako doon at humiga. Ngayon ay nasa loob na ako ng palasyo ano kaya ang mangyayari sa akin dito.

Ipinikit kona ang aking mga mata at nagpatangay na ako sa aking antok.

19 | Pagsagip

•Yiren

Kinabukasan ay ginising na ako nila Rin at Rai upang kumain na ng agahan na inihanda para sa akin.

“Niangniang, handa na ang inyong agahan at pagkatapos ninyo mag-agahan ay maliligo na kayo upang mamaya ay makapaglibot tayo dito sa kaharian”wika ni Rin sa akin.

“Hindi pa din ako makapaniwala na nandito na tayo sa kaharian”wika ko.

“Niangniang, masanay kana lalo na’t hindi na tayo maaring umalis dito.“wika ni Rai.

“Sige na sabayan niyo na ako mag-agahan”turan ko.

“Yiren, nandito ang ibang mga tagapagsilbi. Hindi maganda na makita nila na magkakasabay tayo na kumain dahil hindi ito ayon sa batas ng kaharian”bulonh ni Rin.

Napatango na lamang ako dahil hindi ko naman alam na ganoon pala.

Nagsimula na akong kumain habang sina Rin at Rai ay nasa tabi ko lamang.

Maya-maya ay pumasok ang isang Eunuch na naninilbihan dito sa akinh palasyo.

“Niangniang, narito na po ang inyong bagong tagapaglingkod”wika niya.

“Bagong tagapaglingkod? Sige papasukin mo siya”wika ko bagamat nalilito ako.

Pumasok ang isang may katandaang babae na mukha namang seryoso lamang.

“Pagbati Yi Pin Niangniang”wika niya sabay luhod.

“Maari kanang tumayo”wika ko.

“Maraming salamat niangniang.“sagot niya.

“Hindi ko alam na mayroon akong bagong tagapagsilbi.“wika ko.

“Ako po si Luyun niangniang, nanilbihan na ako sa palasyo sa loob ng mahabang panahon kung kaya’t ako ang kanilang ipinadala upang maging inyong punong tagapagsilbi bukod sa inyong mga tagapagsilbi na galing sa inyong kinalakihang tahanan”sagot niya sa akin.

“Hmm kung gayon ay ikinagagalak kitang makilala Luyun”wika ko at nginitian ko sya.

Mukha naman siyang mabait pero may pagkastrikto din. Maganda na din siguro na may tagapagsilbi ako na matagal na sa kaharian para may napagtatanungan ako kung sakali.

Natapos na akong mag-agahan kaya naman nagtungo na ako sa silid paliguan upang maligo obviously hahahahacharot.

Doon ay naabutan ko ang isang bath tub kung tawagin sa ating panahon. Ito ay puno ng tubig at sa ibabaw nito ay puno din ito ng mga bulaklak.

Tinulungan nila akong lumusong doon at kung nagtataka kayo kung bakit ayos lamang na naroon si Luyun ay dahil nalaman ko na pinili siya ng aking Ina bilang tagapagsilbi ko dito sa palasyo kaya alam niya ang aking sikreto.

Lumipas ang ilang minuto ay natapos na ako sa pagligo dahil nga wala naman akong ginawa lalo pa’t sila Rin at Rai ang naglinis sa akin.

Narito na ako sa tapat ng aking salamin at inaayos na nila ang aking buhok ayon sa ayos na para sa mga Pin.

Nilagay na nila ang mga palamuti sa aking buhok na bagay sa aking suot ngayon na kulay bughaw na may mga marka ng puting bulaklak at mga ibon.

Nang matapos na kami sa pag-aayos ay nagpasya ako na lumabas na ng aking palasyo upang maglibot dito sa kaharian.

Habang naglalakad kami patungo sa Hardin ng Kaharian na siyang nais kong puntahan ay tinanong ko si Luyun kung bakit mga Guiren lamang ang naabutan ko kahapon noong dumating ako sa kaharian.

Nalaman ko sakanya na nasa isang inspeksyon ngayon ang Emperor kasama ang Empress at Inang Reyna pati na rin ang mga may ranggo na Pin pataas kung kaya naman mga Guiren lamang pababa ang naiwan dito sa kaharian kasama ang mga may mababa pang ranggo at ako na kararating lamang kahapon.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad ng makasalubong ko si Yang Guiren na agad akong binati.

“Pagbati, Yi Pin niangniang”wika niya sabay luhod ng bahagya bilang paggalang.

“Mianli”wika ko. Ang ibig sabihin noon ay maari na syang tumayo. At hindi niya kailangan na maging sobrang pormal sa akin.

“Saan ka papunta niangniang?“wika niya.

“Nais ko lamang sana na magtungo sa hardin at maglibot-libot na rin dito sa kaharian ngayong araw”sagot ko.

“Maari ba akong sumama sa iyo niangniang?“wika niya.

“Huwag ko na akong tawagin na niangniang, tawagin mo na lamang akong Yiren kapag tayong dalawa lamang at oo maari mo akonh samahan.“nakangiti konh wika.

Napangiti din siya.

“Kung gayon ay tawagin mo na lamang akong Yang”sagot niya.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad at narating na nga namin ang hardin ngunit nang makalapit kami dito ay narinig namin ang ilang mga boses na tila nagtatalo kaya naman nagtungo kami doon sa pinagmumulan ng ingay.

Nang marating namin ang pinanggalingan ng ingay ay naabutan namin ang isang babae na nakatayo habang nakangiti at ang isa naman ay nakaluhod habang hawak hawak ng mga eunuch at naluluha.

Naglakad ako papunta sa kanilang direksyon kaya naman napansin na nila ang pagdating namin ni Yang Guiren at nakita ko ang pagngisi ng babae na nakatayo.

“Yang Guiren, nandito kaba upang manood ng kasiyahan?“wika ng babae.

“Luyun, sino sila?“tanong ko.

“Siya si Ji Guiren niangniang sabay turo sa nakatayo at sya naman si Han Changzcai turo niya sa nakaluhod”sagot niya.

“Ji Guiren, ano ang nangyayari dito?“wika ko sa kanya.

“Ako ay kanyang sinagot-sagot kung kaya’t marapat lamang na parusahan ko siya.“sagot nito.

“Bitiwan niyo si Han Changzcai”utos ko na agad sinalungat ni Ji Guiren.

“Sino ka para utusan sila at makialam dito!?“inis na wika niya.

“Tampalasan! Siya si Yi Pin niangniang”wika ni Yang kaya nawala ang inis na ekspresyon sa mukha ni Ji Guiren.

“Pagbati, Yi Pin niangniang”sabay-sabay na wika nila.

Naiinis ako sa ginawa ni Ji Guiren kung kaya’t hindi ko siya pinansin at pinatayo.

“Han Changzcai maari ka nang tumayo at magpaliwanag sa kaganapan dito”wika ko.

Hindi nagbalak na tumayo si Ji Guiren dahil mas nakakataas ang ranggo ko sakanya at hindi siya maaring tumayo hanggat walang permiso ko.

“Niangniang, nais ko lamang na mamitas ng ilang bulaklak dito sa hardin na gagamitin kong palamuti ngunit dumating si Ji Guiren at inutusan ang kanyang mga tagapagsilbi na itapon ang mga napitas ko na bulaklak. Dahil mas mataas ang ranggo niya sa akin ay wala akong nagawa upang salungatin siya.“wika niya sabay punas niya ng luha.

Naawa naman ako sa kanya at nainis sa babaeng nakaluhod.

Alam ko naman na maari kong parusahan ang mga may mababang ranggo sa akin na nakagawa ng kasalanan kaya yun ang gagawin ko ngayon lalo pa’t wala namang magaganap na gulo kung hindi pinagdiskitahan ni Ji Guiren si Han Changzcai.

“Ji Guiren, bilang kaparusahan sa iyong pagsagot sa akin kanina ay luluhod ka rito sa hardin sa loob ng 12 oras at hindi ka maaring tumayo hanggang hindi natatapos ang oras na itinakda ko.“wika ko at nakita ko na namutla siya.

“Sino ka para parusahan ako! Malalaman ito ni Shin Pin niangniang. Humanda ka!“sigaw niya sa akin.

“Para lamang sa kaalaman mo ay hindi ako natatakot kaya naman dahil sa iyong pagsigaw ay dadagdagan ko ng apat na oras ang pagluhod mo at hindi ka maaring samahan ng iyong mga tagapagsilbi dahil sa oras na samahan ka nila ay tatanggap sila ng 30 latigo.“pinal na wika ko.

Wala na siyang nasabi at tumingin na lamang siya ng masama kay Han Changzcai na inaalalayan ng mga tagapagsilbi.

“Halina kayo, nawalan ako ng gana na maglibot dito. Tumuloy tayo sa aking palasyo upang magkwentuhan”yaya ko sa dalawa.

“Malugod kong tinatanggap ang paanyaya”wika ni Yang.

“Mag-utos ka ka sa isang tagapagsilbi na puntahan si Kim Guiren upang sumama din at makakwentuhan natin.“wika ko kay Yang.

“Masusunod niangniang”sagot niya.

Tahimik lamang si Han Changzcai kaya hindi ko muna siya kinausap. Mamaya nalang siguro kapag nandoon na kami aa aking palasyo.


Hi guys! Sorry sa late update hihi dami activities hahahaha.

Short lesson muna tayohahahaha.

So basa doon sa Eunuch is yunuk okayyyy.

And tawag doon sa mga nanilbihan na ng matagal sa palasyo is Gugu so si Luyun ay isang Gugu.

Also kapag mas mababa ang rank mo tapos binastos mo ang nakatataas sayo ay talagang mapaparusahan ka kaya ganon.

Yun lang guys!! Stay safe lagi and salamat sa support nyo hihi.

Follow me on Twitter and IG Username:donnnnnnr Thankyou!!!

20 | Han Changzcai

•Yiren

Naglakad kami pabalik sa aking palasyo at nang makarating kami ay agad akong nagpahanda ng makakain at inumin para sa aming pag-uusap.

Pumasok na kami sa palasyo at pinaupo ko sila sa bulwagan ng aking palasyo.

“Maupo na kayo”wika ko.

“Salamat, Yiren”sagot ni Yang.

Nakita kong nagulat si Han Changzcai kaya naman agad akong nagsalita.

“Tawagin nyo na lamang ako sa aking ngalan kung tayo-tayo lamang ang magkakausap dahil ayoko na palagi akong tinatawag na kamahalan lalo pa’t nakapalagayan ko naman kayo ng loob.“wika ko.

“Masusunod niangniang”sagot ni Han Changzcai.

“Tawagin mo akong Yiren at tatawagin din kita sa iyong ngalan maaari ba iyon?“tanong ko.

“Maari naman ah eh Yiren. Tawagin mo na lamang akong tawaging Han kung nais mo”nahihiyang sagot niya sa akin.

Magsasalita pa sana ako ng biglang dumating si Kim Guiren.

“Pagbati, Yi Pin Niangniang, Yang Guiren, Han Changzcai”wika niya at tumayo din ang dalawa para magbigay ng paggalang sa isa’t-isa.

“Mabuti naman at narito kana”wika ko habang nakangiti.

“Niangniang, ano ba ang nangyari at napabalik ka sa iyong palasyo ngayon?“tanong niya.

“Tawagin mo na lamang akong Yiren at tatawagin kita sa iyong ngalan”wika ko.

“Masusunod Yiren”wika niya sabay ngiti kaya nagsimula na akong magkwento ng mga naganap kanina.

“Kanina habang patungo kami sa hardin ay nakarinig kami ng ingay at nang puntahan namin ang pinanggalingan ng ingay ay nakita ko si Ji Guiren na pinaparusahan si Han sa isang kasalanan na hindi naman mangyayari kung hindi dahil sa kanya kung kaya’t pinarusahan ko siya na lumuhod sa hardin sa loob ng labing anim na oras upang magtanda siya sa kanyang kasalanan”wika ko.

“Ikaw lamang ang nakagawa niyan Yiren, kilala si Ji Guiren sa kanyang ugali na abusuhin ang kapangyarihan niya para pahirapan ang iba.“wika ni Kim.

“Bakit naman pinapabayaan siya na ganoon?“tanong ko.

“Dahil ang ama niya ay nasa mataas na katungkulan kung kaya’t malakas ang loob niya na gawin ang mga bagay na iyon lalo pa’t kakampi niya si Shin Pin na isa pang kaugali niya.“sagot ni Yang na naiinis.

“Kung gayon ay tama lamang na parusahan ko siya kanina pero bakit walang iba na nagawang parusahan ang babaeng iyon?“tanong ko.

“Dahil kahit na kaparehas namin sya ng ranggo ay nanggaling pa din siya sa maimpluwensyang pamilya na kanyang sandalan upang makagawa ng mga ganoong bagay”sagot ni Kim.

“Palagi niyang pinagdidiskitahan si Han lalo pa’t siya ang may pinakamababang ranggo sa harem kung kaya’t pinagkakatuwaan siya ng ilan pang mga miyembro ng harem”wika ni Yang.

“Hindi ako natatakot sa impluwensya ng pamilya niya dahil ang aking ama ang punong ministro ng kagawaran ng pagsasaliksik at maimpluwensya din ang aking Ina kaya hindi ako matatakot sa kanya lalo pa’t isa lamang siyang Guiren”wika ko dahil sa inis ko sa babaeng iyon.

“Mabuti na lamang talaga at nandito kana sa palasyo dahil sa wakas ay may naglakas loob na lumaban sa babaeng iyon ngunit Yiren sa pagbalik ng kanyang kakampi ay mag-ingat ka dahil baka may gawin sila sayo”wika ni Kim.

“Alam kong nandito kayo para sa akin kaya hindi ako natatakot sa kung ano mang gawin nila dahil ibabalik ko sa kanila ang kung ano mang balak nilang gawin”wika ko.

Napangiti ang dalawa dahil sa tinuran ko.

Napatingin ako kay Han na tahimik lamang na nakikinig sa amin.

“Han, talaga bang napakatahimik mo?“tanong ko.

“Paumanhin hindi lamang talaga ako sanay na mayroong nais na makipagkaibigan sa akin at isa pang mataas ang ranggo na kagaya mo.“wika niya.

“Huwag kang mahiya na magsabi sa akin at sa dalawa kung may kailangan ka Han dahil handa kaming tumulong sa iyo.“wika ko sa kanya.

“Maraming salamat sainyo”wika niya.

Nagpatuloy ang aming kwentuhan at nalaman ko na ako pa lamang ang bagong pumasok sa harem na binigyan kaagad ng mataas na ranggo kung kaya’t natatangi daw ako.

Nalaman ko din na magkasama sa iisang palasyo si Han at Ji Guiren kaya sinabi ko na maari siyang manirahan kasama ako ngunit hindi pala maaring mangyari iyonh hanggat walang pahintulot ng Huangho kaya hihintayin ko na lamang ang kanilang pagbabalik upang ipagpaalam ang intensyon ko.

Sumapit ang hapon at nagsibalikan na din ang tatlo sa kanilang mga palasyo kung kaya’t mag-isa lamang ako dito sa aking palasyo.

Ngayon ay nandito na ako muli sa paliguan upang maglinis na lamang ng katawan dahil gabi na din at magbabasa lang naman ako ng libro na regalo sa akin ni Ina noong nasa tahanan pa ako.

Nagbasa lamang ako ng nagbasa at hindi na kumain ng hapunan dahil busog pa ako sa mga kinain namin kanina habang nagkukwentuhan.

Nagpasya ako na matulog na noong makalahati ko na ang binabasa kong libro.

Nagpatulong na ako kina Rin at Rai na tanggalin ang mga palamuti ko at magpalit na din ng kasuotan upang makatulog na ako dahil bukas ay itutuloy kona ang paglilibot ko lalo pa at niyaya ko ang tatlo na samahan ako sa paglilibot dito sa kaharian.

Natapos na akong magpalit ng kasuotan kaya naman pinagpahinga ko na din sina Rin at Rai sa kanilang silid dahil nandito naman si Luyun para bantayan ako.

Humiga na ako sa aking kama at ipinikit ko na ang aking mata dahil inaantok na din talaga ako. K I N A B U K A S A N

Habang inaayusan ako ng buhok ay pumasok na ang tatlo sa aking palasyo at hinintay nila ako sa bulwagan para sabay sabay na kaming lumabas.

Agad na natapos ang pag-aayos ko kaya naman hinarap kona sila at nagtungo na kami sa aming mga pupuntahan ngayon.

Una naming tinungo ang hardin na hindi ko nalibot kahapon dahil sa naganap na nagpawala sa aking mood hahaha.

Mabuti na lamang at wala ng ganoon ngayon at mas nagustuhan ko ngayon ang hardin na puno ng mga bulaklak at iba’y-ibang mga paro-paro na siyang mas nagpaganda dito.

“Narinig kong nakabalik na sa kaharian si Shin Pin dahil nagkaroon daw ito ng sakit kaya pinabalik na siya ng Kamahalan.“wika ni Yang.

“Kung ganoon ay nakahanap nanaman ng kakampi ang babaeng iyon”wika ni Kim

Magsasalita pa lamang sana ako ng biglang may sumulpot sa aming harapan na dalawang babae.

Isa doon si Ji Guiren at ang katabi niya ay paniguradong si Shin Pin na kagaya nga ng nasabi nina Yang at Kim ay kakampi niya dito sa palasyo.

“Pagbati, Shin Pin Niangniang”wika ng tatlo.

“Pagbati, Yi Pin Niangniang”wika ni Ji Guiren.

“Mianli”halos sabay na bigkas namin ni Shin Pin.

Dapat ay parehas kaming babati sa isa’t isa lalo pa at ito ang naayon sa kaugalian dito sa kaharian ngunit mukhang wala naman siyang balak na gawin iyon kaya hindi ko na din gagawin.

“Ikaw pala ang bagong miyembro ng harem”wika ni Shin Pin.

“Ako nga, ikinagagalak kitang makilala”wika ko.

“Ako ay hindi nagagalak na makilala ka lalo pa’t nabalitaan ko ang ginawa mo kahapon”wika niya at hindi na niya naitago ang intensyon nila dito.

“Dapat lamang na parusahan ang katabi mo lalo pa’t walang basehan ang kanyang mga pinaggagawa dito at binastos niya ako”wika ko naman.

“Talaga ngang may tapang kang taglay, kung gayon ay tignan nalang natin ang magagawa mo”wika niya sabay tango at doon ay kumilos ang mga tagapagsilbi niya at lalapitan sana ako.

“Ang sino mang magtangka na lapitan at hawakan ako ay mananagot sa akin kaya huwag niyo nang subukan pa”wika ko kaya napaatras ang mga tagapagsilbi niya.

“Huwag kayong matakot sa kanya”inis na wika niya. “Wala akong ginagawa sayo kaya huwag ka nang mag-aksaya pa ng panahon dahil ikaw ay may sakit hindi ba”patuyang wika ko sakanya.

“Babalikan kita, tandaan mo yan”wika niya sabay alis.

“Maghihintay ako”wika ko at kinindatan ko pa siya para lalo siyang maasar.

Nilisan na nila ang hardin at doon lamang nakapagsalita ang tatlo.

“Yiren, ikaw lamang talaga ang nakakagawa ng mga iyon sa kanila”wika ni Yang

“Hindi tama ang mga ginagawa nila at hindi ako papayag na pati ako ay mabiktima nila”wika ko.

Niyaya ko na sila na umalis sa hardin at magpunta sa Mga manghahabi lalo pa’t nais kong makita ang kanilang mga habi dito sa kaharian na tiyak kong iba kaysa sa mga habi doon sa kapitolyo.


Lesson muna ulit hihi!

Kapag kaparehas mo ng rank sa harem ay dapat padin na magbigayan kayo ng pagbati dahil naayon iyon sa batas ng kaharian.

Sorry sa delayed na update guys!!

Natambakan lang ng schoolworkshahahahahaa

Always stay safe mga veh

Love y’all

21 | Pagdating

•Yiren

Narito na kami ngayon sa mga manghahabi ng palasyo at kitang-kita ko ang mga magagandang mga gawa nila kaya naman napagdesisyunan ko na huwag nang magtagal pa doon.

Niyaya ko na sila na magbalik sa aming mga palasyo dahil hapon na din naman at kailangan na namin magpahinga lalo pa’t bukas ay darating na ang Emperor mula sa kaniyang inspeksyon.

Bukas ko din gagawin ang aking pormal na pagsapi sa harem dahil ang Huangho ang pinuno ng harem kaya dapat akong magbigay pugay sa kanya bukas sa aming araw-araw na pagtitipon na aking dadaluhan sa unang pagkakataon.

Naghiwa-hiwalay na kami at ako ang huling nakabalik sa aking palasyo kaya naman ipinahanda kona ang hapunan at ang paliguan upang mamaya ay dire-diretso na ang aking mga gagawin at ako ay maagang magpapahinga.

Natapos na akong maghapunan at ngayon ay nandito na ako sa paliguan at binubuhusan na ako nina Rin at Rai ng gatas na siyang inihahalo sa tubig upang lalong maging malambot ang aking balat.

Ang mga bulaklak ay aking pinaglalaruan dahil natutuwa ako sa kanila kapag naliligo ako.

Ngayon ay tapos na ako sa pagligo at nakasuot na din ako ng aking pantulog. Sinusuklayan na ako ni Luyun dahil ang dalawa ay pinagpahinga ko na lalo pa’t sila ang mga kasama ko kanina sa paglilibot namin.

Matapos akong suklayan ni Luyun ay pumunta na ako sa aking higaan at nahiga na. Pinikit kona ang aking mata at dalangin ko na sana ay maging maayos ang daloy ng araw ko dito sa kaharian.

K I N A B U K A S A N

Ginising na ako ni Luyun dahil handa na daw ang aking agahan at kailangan ko na din na mag-ayos dahil mamaya ay darating na ang mga Kamahalan sa kaharian.

Natapos na akong mag-agahan at maligo kaya naman ngayon ay inaayusan na nila ako at ipinalagay ko ang aking mga bagong palamuti sa buhok na babagay sa aking kasuotan ngayon.

Nagsuot na din ako ng pananggalang sa kuko ko na humahaba na dahil nga wala naman akong ginagawa dito sa aking palasyo dahil mayroon akong mga tagapagsilbi.

Nitong mga nakaraang araw ay hindi ako nagsusuot nito dahil normal na araw lang naman ang mga iyon pero simula ngayong araw ay kailangan ko nang magsuot nito para na din maprotektahan ang aking mga kuko.

CTTO

Nang matapos ako sa pag-aayos ay siyang pagpasok ng isang eunuch.

“Niangniang, nandito si Han Changzcai”wika nito.

Agad akong tumayo at pumunta sa aking bulwagan kung saan naroroon si Han na hinihintay ako.

“Han, ano’t naparito ka?“nakangiti kong tanong.

“Nais lamang sana kitang yayain na makasabay papunta sa tarangkahan ng kaharian”wika nito.

“Ganoon ba? Kung gayon ay halika na at medyo mahaba pa ang ating lalakarin”wika ko.

Magkasabay kaming lumabas ng aking palasyo at nakasunod samin ang mga tagapagsilbi habang nasa likod ko naman sina Rin, Rai, at Luyun at nasa likod din ni Han ang kanyang punong tagapagsilbi.

Naglalakad na kami nang makasalubong namin si Kim at Yang.

“Pagbati Yi Pin Niangniang”sabay na wika ng dalawa.

“Mianli”wika ko.

Binati din sila ni Han at nang matapos ay niyaya ko na sila na sabay-sabay na kaming tumungo sa tarangkahan.

Narating namin ang tarangkahan at naroon na sina Shin Pin at Ji Guiren na binati din ako.

Maya-maya lamang ay narinig na namin ang tunog ng mga trumpeta na siyang hudyat ng pagdating ng mga kamahalan dito sa palasyo.

Pumasok sa tarangkahan ang mga karwahe nila at nang marating nila ang entrada ng kaharian ay tumigil na ang mga karwahe at bumaba na sila sa kanilang mga sinasakyan.

Agad kaming nagsiluhod at bumati.

“Maligayang Pagbabalik sa Kaharian Taihou, Kamahalan, Huangho Niangniang”sabay-sabay na wika namin.

“Magsipagtayo na kayo”wika ng Taihou o Inang Reyna.

Pinangunahan nila ang pagpasok sa kaharian na sinundan naman namin. Nauna nang bumalik sa kanyang palasyo ang Taiho dahil napagod siya sa kanilang mahabang paglalakbay.

Ang Emperor ay hindi kona napansin pa lalo pa’t napakaraming mga tagapagsilbi na nakapalibot sa amin ngayon na siyang bago sa akin.

Sumunod kami sa Huangho papaunta sa kanyang palasyo para gawin ang aming pagbati sa kanya na siyang araw-araw na ginagawa ng mga kasapi sa harem bilang tanda ng paggalang sa Gitnang Palasyo o ang Pinuno ng Harem.

Tinungo namin ang Yikungong na talaga namang napakaganda mula sa labas nito at ngayon sa loob nito. Narito kami ngayon sa bulwagan ng palasyo ng Huangho.

“Pagdating ng Huangho Niangniang”anunsyo ng isang eunuch at agad kaming tumayo mula sa aming mga upuan.

“Pagbati, Huangho Niangniang”sabay-sabay naming wika sabay luhod.

“Mianli, maari na kayong magsiupo”wika niya at nagsitayuan naman ang lahat maliban sa akin.

Lumapit ako sa gitna at agad na nagpakilala.

“Nagmula sa Pamilyang Zhao, Anak ni Punong Ministro Zhao. Ako si Yiren, malugod na bumabati sa inyo Niangniang”wika ko sabay luhod at bigay pugay ng tatlong beses.

“Tunay ngang ikaw ay isang napaka-edukada at magandang binibini Yiren, maligayang pagpasok sa kaharian, maari kanag umupo”wika niya.

Tumayo na ako at ngumiti bago umupo.

“Si Yi Pin na siyang binigyan ng mataas na posisyon sa kanyang pagpasok sa palasyo ay bago pa lamang dito sa harem, magpakilala tayong lahat sa kanya.“wika ng Huangho.

“Niangniang, ako si Han Changzcai”pagsisimula ni Han

“Kim Guiren”wika ni Kim

“Yang Guiren”wika ni Yang

“Ji Guiren”wika niya.

“Shin Pin”wika niya at sabay kaming nagbigay galang sa isa’t-isa

“Dong Pin”wika niya at nagbigay galang din kami sa isa’t-isa

“Ming Pin”pakilala niya

“Ri Fei”

“Qi Fei”

“Shu Fei”

“Jang Fei”

“Mei Guifei”

Nagbigay galang ako sa kanilang lahat dahil mas nakatataas sila sa akin.

Natapos silang magpakilala at ngayon ay magpapahinga na ang Huangho kaya babalik na kami sa aming mga palasyo.

Habang naglalakad palabas ay pinigil ako ni Jang Fei.

“Sandali lamang Yi Pin”wika niya.

Humarap ako sa kanya at bumati.

“Jang Fei Niangniang”wika ko sabay taas ng aking kamay at bahagyang luhod.

“Sabay na tayong maglakad lalo pa’t katabi lamang ng iyong palasyo ang akin.“wika niya.

Nalaman ko na ang kanyang palasyo ay ang Xianfugong na katabi lamang ng aking palasyo.

“Narinig ko ang ginawa mong pagpaparusa kay Ji Guiren at pagsagot kay Shin Pin”wika niya

“Ginawa ko lamang ang nararapat sa kanila Niangniang”wika ko.

“Hanga ako sa iyo dahil sa iyong katapangan ngunit Yiren kakampi nila si Mei Guifei kaya mag-ingat ka sa kanilang dalawa lalo na sa Guifei”babala niya.

“Maraming salamat sa iyong paalala niangniang”wika ko.

“Maari kang bumisita sa aking palasyo kung nais mo at magkwentuhan tayo”wika niya sabay ngiti at siya ay nauna na dahil narito na ako sa tapat ng aking palasyo.

“Paalam, Niangniang”wika ko.

Pumasok na ako sa aking palasyo at umupo sa aking bulwagan.

Inisip ko ang sinabi ni Jang Fei sa akin. Kung magkakampi ang tatlong iyon ay dapat na magkaroon din ako ng malakas na kakampi sa harem.

Mukhang kailangan kong maging mga kaibigan ang mga Fei dito sa kaharian.

Habang iniisip ko iyon ay biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Yuri noon na bago maging Huangho ang Empress ngayon ay kaibigan namin siya.

Kung gayon ay dapat akong maging malapit sa Huangho upang magkaroon ako ng matatag na kaibigan.

Inalis ko na ang mga iyon sa isip ko at ipinahanda ko kay Luyun ang aking mga libro dahil nais kong magbasa ngayon lalo na’t maaga pa naman.

Inilagay nila sa aking tabi ang mga libro at nagdala din sila ng ilang mga pagkain at inumin kaya naman nagsimula na akong magbasa at sinabihan sila na huwag akong istorbohin muna dahil ako ay magbabasa.


Hi guys!!! Lesson muna hihi.

So ayun nga nakilala nyona ang mga ibang kasapi ng harem. So ito ang mga tamang way ng pagbasa sa kanilang mga pangalan.

Mei Guifei

  • Mey Guyfey

Jang Fei- Jang Fey

Shu Fei

  • Shu Fey

Qi Fei

  • Chi Fey

Ri Fei- Ri Fey

Ming Pin

Dong Pin

Isa pa e si Taihou o ang Inang Reyna.

Basa dun is Tayho

Yun lang guys hihi!

Sorry sa late update ha. Natambakan kasi ako ng mga activity namin hahaha.

Love y’all

Follow me on Twitter and IG @donnnnnnr

22 | Unang Sulyap

•Yiren

Nakatulugan kona ang pagbabasa kaya naman dahan dahan akong ginising ni Luyun upang magbabad na ng aking kamay at paasa sa gatas na may mga rosas upang mapanatili ang kalambutan ng aking kamay.

Matapos iyon ay tinulungan na niya akong mag-ayos para ako ay makapagpahinga na lalo pa’t andaming nangyari sa araw na ito.

Iniayos kona ang aking sarili at tumagilid na sa paghiga dahil hindi ako sanay na nakatihaya habang natutulog. Ipinikit kona ang mga mata ko at ako ay nagpatangay na sa aking antok.

K I N A B U K A S A N

Maaga akong nagising dahil maaga naman akong nakatulog kagabi at dahil na din kailangan kong gumayak ng maaga para sa aming araw-araw na pagbati sa Huangho.

Agad akong tumayo sa aking kama at agad naman akong tinulungan nina Rin at Rai nakararating lamamg at dala dala ang aking kasuotan para sa araw na ito na galing sa mga manghahabi ng palasyo na siyang gumagawa ng mga kasuotan ng iba pang mga kasapi ng harem.

Umupo na ako sa lamesa kaharap ang salamin habang ang dalawa ay inaayos na ang aking buhok at nilalagyan ng mga palamuti na siyang tugma sa aking kasuotan ngayon.

Matapos iyon ay tinulungan nila akong isuot ang aking kasuotan at ang panghuli ay nilagay ko na ang mga pananggalang ko sa aking kuko.

Matapos kong maghanda ay niyaya ko na sila na umalis na upang hindi ako mahuli sa aming pagbati sa Huangho.

Nakalabas na kami sa aking palasyo ng makasalubong ko si Jang Fei.

“Pagbati, Jang Fei Niangniang”wika ko sabay taas ng aking kamay at luhod ng bahagya bilang tanda ng paggalang.

“Mianli”wika niya at nagpatuloy na sa paglalakad kaya naman sinabayan kona siya sa paglalakad.

“Niangniang, ikaw ba ay matagal ng kasapi ng harem?“tanong ko.

“Pitong taon na ang nakalilipas mula noong una akong pumasok sa Manor ng Dating Ikaapat na Prinsipe na siyang Emperor na ngayon. Isa ako sa mga orihinal na miyembro ng kanyang harem na nagmula pa sa kanyang manor”sagot niya. “Kung ganon ay sino ang mga orihinal na miyembro ng harem niangniang?“tanong ko ulit.

“Ang Huangho ang Fujin o ang orihinal na asawa kaya naman siya ang itinalagang Huangho nang mailuklok sa trono ang Kamahalan. Samantalang si Mei Guifei ang Cefujin o pangalawang asawa kung kaya’t mataas din ang kanyang posisyon ngayon. Kaming Apat na mga Fei ay mga Gege na siyang sumunod sa Cefujin kaya kami nadin ang mga itinalagang mga Fei.“wika niya.

“Kung gayon ang lahat ng mga Pin at Guiren pati nadin si Han ay mga bago lamanh sa harem”napagtanto ko.

“Tama ka riyan Yiren”wika niya at hindi ko namalayan na narating na namin ang Yikungong kung saan nasa labas din ang ibang mga miyembro ng Harem.

“Pagbati, Qi Fei, Ri Fei, Shu Fei, Mei Guifei niangniang”wika ko at bigay galang.

“Mianli”wika ni Mei Guifei kaya naman umayos na ako.

Binati din sila ni Jang Fei at binati din kami ng mga Pin at Guiren.

Mula sa tarangkahan ng palasyo ng Huangho ay lumabas ang kanyang Gugu at inanyayahan na kami na pumasok sa loob dahil gising na ang Huangho.

Pumasok na kami sa loob at nagtungo sa bulwagan kung saan naroon ang aming mga upuan at doon na nga inanunsyo ang pagdating ng Huangho.

“Pagdating ng Huangho Niangniang”wika ng Eunuch. Sabay-sabay kaming tumayo at bumati.

“Pagbati, Huangho niangniang”sabay-sabay na wika namin.

“Mianli”wika niya.

Tumayo kaming lahat at umupo na sa aming mga pwesto.

Natapos ang aming diskusyon at ngayon ay sabay sabay na kaming lumabas sa palasyo ng Huangho.

Kasabay kong lumabas sina Jang Fei at Han habang sina Kim at Yang naman ay nauna dahil may tatapusin pa raw silang mga habi.

Naglakad na kami pabalik sa aming mga palasyo at unang humiwalay sa amin si Han dahil narating na namin ang Yonghegong at kita kong nakarating nadin sina Shin Pin at Ji Guiren doon kaya naman umalis na kami ni Jang Fei.

“Yiren, kung wala ka namang gagawin ay samahan mo ako sa aking palasyo upang tayo ay magtsaa at magkwentuhan pa”anyaya ni Jang Fei.

“Hindi ko iyan tatanggihan Niangniang”wika ko

“Kung iyong nais ay tawagin mo nalang akong Jiejie”wika niya.

Alam kong Ate ang ibig sabihin noon dahil napag-aralan namin yun dati.

“Masusunod jiejie”wika ko at ngiti.

Tumuloy na kami sa kanyang Xianfugong na unang beses kong nakita at masasabi ko na tunay ngang maganda ito at ang kanyang mga kagamitan ay napakagaganda din.

Pumasok kami sa kanyang palasyo at sa kanyang bulwagan ay naupo kami at doon ay hinatidan ba kami ng makakain at tsaa ng mga tagapagsilbi niya na mas marami kaysa sa akin dahil mas mataas ang posisyon niya.

Nagsimula na kaming magkwentuhan at nalaman ko sa kanya na ang paboritong babae ng Emperor ngayon ay si Ri Fei ngunit di katulad ng ibang mga napapaburan ng Emperor ay tahimik lamang ito at hindi ipinagyayabang ang kanyang pabor sa iba kaya naman wala itong kaaway sa kaharian.

Nalaman ko din na ang mga ama nina Shin Pin at Ji Guiren ay nasa ilalim ng ama ni Mei Guifei kung kaya’t ang tatlo ay magkakakampi.

Marami pa kaming mga napagusapan hanggang sa may dumating na Eunuch na iba ang kulay ng kasuotan kumpara sa mga ordinaryong Eunuch na nakikita ko. “Pagbati, Jang Fei niangniang, Yi Pin niangniang”wika niya.

“Mianli”wika ni Jiejie.

“Niangniang, binaliktad ng Kamahalan ang inyong pangalan ngayong gabi kaya maghanda na po kayo para sa pagsisilbi”wika ng Eunuch.

“Anong hangin ang nagpaalala sa kamahalan ng aking ngalan”gulat na wika ni Jiejie.

“Mag-ayos na kayo niangniang dahil ano mang oras ay parating na ang kamahalan”wika ng Eunuch sabay yuko at alis.

“Sini siya jiejie? At ano ang ibig sabihin niya sa pagbaliktad ng iyong ngalan?“tanong ko.

“Siya si Eunuch Bao, ang personal na Eunuch ng kamahalan at siya ang pinakamataas na eunuch sa kaharian kaya naiiba ang kanyang uniporme. At kapag binaliktad ang iyong ngalan ay ikaw ang magsisilbi sa kamahalan sa gabing iyon na sa tingin ko naman ay gagawin mo na din sa mga susunod na araw Yiren”wika niya.

“Kung gayon Jiejie ay babalik na ako sa aking palasyo upang makapaghanda kana”wika ko.

“Hmm mag-ingat ka”wika niya sabay ngiti.

“Paalam Jiejie”wika ko sabay talikod na sinundan naman ako nina Rin at Rai.

Pagkalabas ko sa Xianfugong ay saka ko naman natanaw ang isang sedan na may kasunod na kulay gintong mga simbolo ng dragon.

“Pagdating ng Emperor”sigaw ni Eunuch Bao.

Naistatwa ako sa aking kinatatayuan hanggang sa namalayan ko nalang na ibinababa na ang sedan sa aking harapan at bumaba doon ang isang lalaki na nakasuot ng isang kulay gintong kasuotan na halata mong gawa sa napakagandang tela.

Nakatayo lamang ako habang nakatingin sa lakaki na tila ba pinagpala dahil sa taglay niyang kakisigan at lalo na dahil siya ay higit na matangkad sa akin.

“Niangniang nandito ang kamahalan, bumati ka”kalabit sa akin ni Rin.

Agad naman akong natauhan at agad na lumuhod.

“Pagbati Kamahalan”wika ko sabay yuko.

“Hmm”wika niya kaya naman tumayo na ako at pagtayo ko ay nasa harapan kona siya.

“Ikaw ba ang bagong miyembro ng aking harem?“tanong niya.

“A-ako nga po Kamahalan”nauutal kong wika dahil nagulat talaga ako.

“Hmm”tanging wika niya at nagpatuloy na siya sa pagpasok sa Xianfugong.

Naiwan akong nakatayo doon at noong tuluyan na siyang nakapasok sa palasyo ay niyaya na ako nung dalawa na umalis na dahil kakagat na ang dilim.

Dahil malapit lamang ang aking palasyo ay mabilis akong nakabalik at agad kong ipinahanda ang paliguan dahil gusto kong magbabad ngayon sa tubig.

Agad akong nagtungo roon sa paliguan upang magbabad na sa tubig na may gatas at rosas na talaga namang maganda sa balat.

Habang nagtatampisaw ay inutusan ko ang isang tagapagsilbi na kumuha ng tsaa na matamis para naman malubos ko ang aking pagrerelax dito.

Nang mailagay na nila ang tsaa ay inutusan ko sila na umalis na muna at nais kong mapag-isa. Nagsalita ang dalawa na sa may pintuan lamang sila upang madali nilang marinig kung may kailangan paba ako.

Tinanguan ko sila at nilisan na nga nila ang silid paliguan ko.

Sumandal ako at pumikit hanggang sa biglang pumasok sa isip ko ang imahe ng kamahalan na nakatayo sa aking harap.

Isang napakakisig na lalaki na naglalabas ng aura ng isang Emperor na siya nga naman talagang bagay sa kanya.

Ang imahe niya lamang ang nasa isip ko kaya naman hindi ko namalayan na tuluyan na akong tinangay ng antok.


Hi guys! Sorry nanaman sa super late UD natambakan lang talaga ako ng mga assignments and activities namin since nagstart na classes ko huhu.

So quick lesson lang tayo hahahaha

Ayun na nga jiejie is ate kaya naman yun ang tawag ni Yiren kay Jang Fei.

Ang mga Mistress o Amo ng bawat palasyo ay mayroon ding sariling sedan na maari nilang gamitin kung malayo ayaw nila na maglakad.

Ayun lang guys sorry ulit hihi

Love y’all

23 | Pagpatak ng Niyebe

•Yiren

Lumipas ang mga araw na tahimik lamang ang mga nangyayari sa akin dito sa palasyo. Bukas ay magdadalawang linggo na ako dito kung tama ang bilang ko.

Hindi pa din naman nababaliktad ang pangalan ko para magsilbi sa kamahalan kaya naman malaya padin ako na maglibot libot at nito lamang ay nakarating ako sa isang lugar dito sa kaharian kung saan tanaw ko ang mga palasyo na parang kagaya lamang doon sa aking paboritong lugar sa kapitolyo kung saan tanaw ko ang buong kaharian.

Bukod sa paglilibot ay sinasamahan din ako nina Kim, Yang, at Han na maghabi at nagkukwentuhan din kami kapag niyayaya ko sila kapag wala talaga akong magawa.

Ngayon ay nandito ako sa aking bulwagan at tinutuloy ko ang aking hinahabing panyo at natututo na din ako na maglagay ng aking sariling burda ko na aking palatandaan na ako ang gumawa nito.

Ginagabayan ako ni Luyun sa pagburda habang sina Rin at Rai naman ay pinapaghabi ko din para naman hindi sila mainip dahil wala naman masyadong ginagawa sa aking palasyo.

Ngayon ay hapon na kaya naman naisip ko na imbitahin ang tatlo upang magtsaa kami kaya naman inutusan ko si Rai na tumungo sa kanilang mga palasyo upang ipaabot ang aking imbitasyon.

Mabilis siyang kumilos paalis habang ako naman ay patuloy lamang sa pagbuburda at lumipas ang ilang mga minuto at bumalik na si Rai kasama sina Kim at Yang na agad kong pinaupo.

“Oh nasaan si Han?“tanong ko.

“Niangniang, pasunod na po si Han Changzcai”wika ni Rai.

“Ganoon ba, bakit hindi pa sya sumabay sa inyong dalawa?“tanong ko sa dalawa.

“Madalas namang napag-iisa si Han, Yiren kaya masanay kana sa kanya”sagot ni Yang.

Napatango na lamang ako at maya-maya lamang ay dumating na din si Han kaya naman ipinahanda kona ang mga tsaa upang makapagpainit kami ng aming mga sarili lalo pa’t lumalamig na talaga.

“Napansin kong medyo lumalamig na ang simoy ng hangin dito sa kaharian”wika ko.

“Ganoon talaga Yiren, baka mamaya o bukas ay pumatak na ang niyebe na siyang marka na nagsimula na ang taglamig”sagot ni Kim.

Agad naman akong naexcite sa narinig ko dahil hindi ko naman inakala na mayroon palang niyebe dito sa panahon na ito at dahil ito din ang unang beses na makakita ako ng snow.

Napangiti ako dahil sa aking narinig at hindi na nagtanong pa kaya namab tumuloy na kami sa aming kwentuhan at napag-usapan namin ang mga kagamitan kapag taglamig na dito sa palasyo.

Kung saan bawat palasyo ay binibigyan ng kanilang mga uling upang kanilang gamitin sa pagpapainit ng kanilang mga sarili at para na din hindi sila lamigin.

Ang mga pulang uling ay para sa mga Guiren pataas kaya naman nalaman ko na ang ginagamit ni Han na uling ay iyong mga itim na uling na siyang mabilis na maubos hindi kagaya ng pula na mas sapat ang init at mas matagal maubos.

Kaya naman sinabi ko na kung nais niya ay babahagian ko siya ng mga pulang uling na para sa akin dahil ako lang naman mag-isa dito sa aking palasyo at sobra-sobra para sa akin iyon.

Agad namang napatayo si Han at tatanggi sana ngunit pinilit ko siya kaya naman wala na siyang nagawa kundi tumango na lamang at magpasalamat.

Nalipat ang aming usapan sa mga kinaiinisan namin na sina Shin Pin at Ji Guiren na nalaman kong pinagdidiskitahan si Han sa kanilang palasyo na kwento sa akin ni Yang.

“Minsan ay nais kong pahatiran ng isang panghimagas si Han ay nakita ng aking tagapagsilbi ang pagsagot sagot ng punong tagapagsilbi ni Shin Pin kay Han”kwento ni Yang.

Nakita kong napayuko lamang si Han at mukhang ayaw niya magkwento. Kawawa naman ang babaeng ito. Laging napagdidiskitahan nung dalawang bruha.

Iniba naman ni Kim ang usapan lalo pa’t mukhang hindi komportable si Han sa aming pinag-uusapan.

Nagpatuloy ang aming usapan at lumipas ang oras kaya naman nung sumapit na ang hapon ay nagpaalam na ang dalawa sa akin na mauuna na sila.

“Yiren, mauuna na kami lalo pa’t maglalakad pa kami, bibisitahin ka na lamang namin muli bukas”wika ni Kim at sabay sila ni Yang na nagbigay galang sa akin.

Nginitian ko sila at tinanguhan kaya umalis an ang dalawa at alam kong aalis na din si Han kaya naman nagsalita ako.

“Han, kung may kailangan ka ay huwag kang mahihiya na magsabi sa akin at tandaan mo na bukas ang aking palasyo para sa iyo ha”wika ko sakanya.

“Maraming salamat Yiren”wika niya at nakangiti ng bahagya.

“Hmm”wika ko at nginitian ko din siya.

Hindi nagtagal ay nagpaalam na din siya sa akin na siya ay aalis na.

Ngayon ay naiwan akong mag-isa sa aking bulwagan at inuubos ko lamang ang aking tsaa nang biglang pumasok sina Rin at Rai.

“Niangniang, pumapatak na ang niyebe halina kayo at inyong pagmasdan ito”paanyaya sa akin ni Rin.

“Talaga!? Halina kayo”wika ko habang nakangiti at nagmamadali dahil nais ko itong makita talaga.

Agad nila akong sinamahan sa labas at doon nga ay nakita ko ang unti-unting pagpatak ng niyebe na noon ay napapanood ko lamang sa mga palabas sa ibang bansa.

Ngunit ngayon ay nahahawakan at nadarama kona mismo ito sa aking palad at masasabi ko na isa ito sa mga masasayang nangyari sa akin dito sa panahong ito dahil ngayon ay nakita kona din ang snow.

Tumayo lamang ako sa gitna ng aking palasyo at masaya kong pinagmamasdan ang pagpatak ng niyebe sa lapag at maya-maya lamang ay nakaramdam na ako ng lamig kaya niyaya na ako ng dalawa na pumasok na upang makapaligo na ako.

Inalalayan nila ako patungo sa paliguan kung saan mainit na tubig ang inilalagay ngayon at hindi gatas upang mainitan ang aking katawan.

Ang mga rosas ay hindi nawawala kaya naman maganda pa din itong pagmasdan. Nagbabad lamang ako sa aking paliguan ng mga ilang minuto at maya-maya ay umahon na ako at muli nila akong inalalayan na magbihis dahil sa paliguan ako nagbibihis ng panloob ko kasama sina Luyun, Rin, at Rai upang hindi ako makita ng ibang mga tagapagsilbi.

Nang masuot kona ang aking panloob ay lumabas na ako sa paliguan at saka ako nagsuot ng aking pantulog at nagtungo na ako sa aking kama kung saan naroroon ang planggana na may gatas at rosas para sa aking pagbabad ng kamay at paa upang mapanatili ang kalambutan nito.

Matapos iyon at sinuklayan na ako ni Rin habang si Rai naman ay inaayos na ang mga uling sa aking tabi upang hindi ako lamigin.

Nang matapos ang kanilang mga gawain ay nagpaalam na sila at pinayagan kona din talaga sila lalo pa’t kailangan din nila na magpahinga.

Nahiga na ako at ngayon ay hindi na ako nilalamig kaya naman dama ko na magiging mahimbing ang aking pagtulog ngayon.

Pinikit kona ang aking mga mata at saka ako nagpatangay sa aking antok.

K I N A B U K A S A N

Matapos kong maghilamos na ay inayusan na nila ako ng buhok at nagsuot na din ako ng aking kasuotan.

Ang aking kasuotan ngayon ay mayroong mga fur na siyang proteksyon ko sa lamig.

Agad akong umalis sa aking palasyo upang magtungo sa Yikungong para sa aming araw-araw na pagbati sa Huangho.

Nakarating na ako doon at doon nga ay binati na namin ang Huangho at nang nasa labas na ako ay hinintay ko si Han dahil siya ang huli palagi sa paglabas.

“Han, halika at sabay na tayo”anyaya ko sa kanya.

“Ah, eh sige Yiren”wika niya.

Kaya naman sabay na kaming naglakad at nauna siyang makarating sa kanyang palasyo at ako namab ay nagpatuloy sa paglalakad at nang makabalik na ako sa aking palasyo ay agad akong nagtungo sa aking bulwagan.

Para magpainit naman lalo pa’t anlamig sa labas ngayon at damang-dama ko ang taglamig.

Habang nakaindian sit ako sa aking upuan ay naalala ko namaman ang unang beses ko na makita ang pagpatak ng niyebe at napapikit ako upang balika ang nangyari kahapon.


Hi guys!! Lesson muna tayo hihi

Ang mga Guiren pataas lang talaga yung mga pwede gumamit noon ng red charcoal at yung mga Changzcai and Daying ay black charcoal lamang ang pwedeng gamitin.

Sorry sa late UD hihi and Thank you sa support and messages nyo huhu.

Love y’all

24 | Bintang

•Yiren

“Niangniang”wika ng kung sino at dahil doon ay iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Luyun na nasa aking harapan.

“Luyun, may nangyari ba?“tanong ko.

“Nakatulugan niyo na po ang pagbabasa at gabi na din po kaya magpahinga na po kayo”wika niya.

“Ganoon ba, sige at samahan mo ako na magpunas ng aking katawan saka ako matutulog”sagot ko.

Agad naman niya akong inalalayan patayo at sinamahan ako sa silid paliguan upang makapagpunas na ako at maya maya ay makatulog na din.

Naabutan ko doon ang ilang mga tagapagsilbi na naglalagay ng gatas sa aking paliguan at nang matapos sila ay pinaalis na sila ni Luyun at nang mawala sila ay sinimulan ko nang maghubad at tinulungan na ako ni Luyun na magpunas.

Nagtagal ng ilang minuto ang pagpupunas ko lalo pa’t nagbabad din ako sa tubig na may gatas para mamaya ay hindi kona ibababad ang aking kamay at paa dahil nais ko nang matulog lalo pa’t bukas ay babati nanaman kami sa Huangho at ayokong mahuli.

Natapos na ako sa pagpupunas at nasuot ko na din ang aking pantulog at saka ako inalalayan ni Luyun sa pagsusuklay at matapos nga iyon ay nahiga na ako at tuluyan na akong nagpatangay sa antok.

K I N A B U K A S A N

Kagaya ng nakasanayan ay lumipas ang araw na wala naman akong masyadong ginawa dito sa palasyo kundi ang bumati sa Huangho araw araw at kung hindi magbasa ay maghahabi nalang ako para mapatay ang oras.

Ngayon ay kababalik ko lamang sa aking palasyo nang bigla kong maalala na hindi nga pala maaring gumamit ng pulang uling si Han dahil isa lamang siyang Changzcai kaya naman inutusan ko si Rin na magpasama sa mga Eunuch at ihatid kay Han ang ilang mga pulang uling upang kanyang magamit.

Naawa lang ako sa kanya dahil sa kanyang mababang posisyon ay napagkakaitan siya ng mga magagandang bagay na dapat ay meron din naman siya lalo pa’t miyembro din naman siya ng harem.

Agad na tumalima si Rin at hinatid na nga nila ang uling kay Han kaya naman nagpahanda na ako ng makakain lalo pa’t ipapagpatuloy ko ang binabasa kong libro kagabi.

Nagbasa lamang ako ng nagbasa para patayin ang oras at hindi ko namalayan na gabi na pala ulit at tila ba napakabilis ng oras ngayon kaya naman napagpasyahan ko na maglibot ngayon sa hardin lalo pa’t sigurado kong walang tao ngayon doon kasi gabi na.

Agad kong pinaghanda si Luyun dahil siya ang kasama ko ngayon at pinaiwan ko muna ang dalawa para magpahinga.

Nang makapaghanda na si Luyun at ang mga tagapagsilbi ay agad na kaming umalis at nagtungo sa hardin upang mamitas ng ilang mga bulaklak na pwede kong ilagay sa aking paliguan mamaya at sa mga susunod pang araw.

Inabot din ng ilang minuto ang paglalakad patungo sa Hardin mula sa aking palasyo kaya naman nang makarating kami sa hardin ay laking tuwa ko dahil sa wakas ay walang mga sagabal ngayon hindi katulad noong unang beses kong nagtungo rito.

Agad kong nakita ang mga bulaklak na kay titingkad ng kulay kaya naman nilapitan ko sila at pumitas ako ng ilang bulaklak at nilagay sa basket na dala ni Luyun.

Natutuwa ako sa pagpitas ng mga bulaklak nang maramdaman ko ang malamig na bugso ng hangin kaya minabuti na ni Luyun na yayain na akong bumalik sa aking palasyo.

Sinunod ko naman ang mungkahi niya at niyaya kona sila na magtungo pabalik sa aking palasyo dahil medyo malamig na nga at dapat ay magpahinga na kami.

Ilang minutong paglalakad muli ang naganap at narating kona ang aking palasyo at agad akong pumasok at pumunta sa aking bulwagan kung nasaan ang pampainit.

Tumapat ako doon at inabutan din ako ni Rai ng pampainit ng kamay upang hindi ako lamigin ng bongga hahaha.

Ang ganda naman kasi ng mga bulaklak kaya napatagal ako sa hardin at hindi ko na napansin ang oras at sobrang lamig na pala.

Nakaupo ako sa aking upuan at nagpapainit ng biglang pumasok ang isang Eunuch at nagbigay ng isang ulat sa akin.

“Niangniang, may masamang nangyari kay Han Changzcai”wika niya sa malakas na boses kaya naman napatayo ako.

“Ano!? Anong nangyari kay Han?“aligagang tanong ko.

“Pinagbintangan siyang nagnakaw ng pulang uling ni Shin Pin at ngayon ay paparusahan na siya Niangniang”wika nito.

Kung gayon ay inakusahan nila si Han ngayon dahil sa mga bigay kong uling para sa kanya.

“Luyun, Rin, Rai magtutungo tayo ngayon  sa Yonghegong!“wika ko.

“Ngunit niangniang”wika ni Rin.

“Kailangan ako ngayon ni Han”wika ko at wala na siyang nagawa kung hindi ang tumango nalang at ihanda ang mga tagapagsilbi.

Agad akong lumabas nang sabihin nila na handa na ang aking sedan para sa pagpunta ko sa Yonghegong.

Nang makalabas na ako ng palasyo ay agad akong umupo sa aking sedan at pinagmadali sila dahil baka kung ano pa ang mangyari kay Han kung hindi ako magmamadali.

Makalipas ang higit sampung minuto ay narating ko ang Yonghegong at inanunsyo ng isang eunuch ko ang aking pagdating.

“Pagdating ni Yi Pin Niangniang”malakas na wika niya.

Agad namang bumukas ang tarangkahan ng Yonghegong at doon ay nakita ko ang mga tagapagsilbi na nakatayo sa gilid at ang mga Eunuch na may hawak ng sulo bilang ilaw.

Sa gitna nila ay nakita ko si Han na nakaluhod sa niyebe at nanginginig na kaya agad akong pumasok sa loob ng palasyo at tinungo si Han.

Agad namang nagsipagbigay galang ang mga tagapagsilbi at Eunuch sa akin pero hindi kona sila pinansin at agad akong lumapit kay Han na nanginginig at namumula na talaga.

“Han, andito na ako sabihin mo sa akin kung anong nangyari”wika ko sakanya at hinubad ko ang aking balabal at isinuot sa kanya.

“Yi-yiren, i-inaakusahan nila ako ng pagnanakaw ng mga pulang uling na hindi ko n-naman ginawa”wika niya at humikhikbi na siya kaya naman agad akong pumunta sa harapan kung nasaan sina Shin Pin at Ji Guiren na agad tumayo.

Nagbigay galang sa akin si Ji Guiren samantalang si Shin Pin ay agad na tumaas ang kilay sa akin.

“Oh, anong ginagawa mo dito sa aming palasyo?“tanong niya.

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo kay Han!?“naiinis na wika ko sa kanya.

“Isa siyang magnanakaw kaya dapat lamang sa kanya ang dinaranas niya ngayon.“sagot ni Shin Pin

“Sa akin nanggaling ang mga pulang uling na ginagamit niya dahil nakakarating sa akin ang mga ulat ng pagkuha ninyo ng uling na dapat sana ay para sa kanya”wika ko.

“Kung gayon pala ay hindi ka sumusunod sa mga alituntunin ng palasyo”wika ni Ji Guiren

“Tampalasan! Sino ka para kwestyunin ako ha!!“sigaw ko sa kanya.

“Yi Pin! Anong karapatan mo na mag-ingay sa aking palasyo!?“sigaw din ni Shin Pin.

“Binabalaan kita kung ayaw mong may mangyari sa mga pamilya ninyk sa kapitolyo ay huwag ninyo akong inisin!“pagbabanta ko kay Shin Pin at Ji Guiren.

“At ano naman ang magagawa mo?“sagot ni Shin Pin.

“Kung mahal mo pa ang reputasyon ng pamilya mo ay babawiin mona ang paratang mo kay Han ngayon din”wika ko na agad tinutulan ni Ji Guiren

“Niangniang, wag kang patakot sa kanya!“wika nito.

“Kung gayon ay ingatan ninyo na ang inyong mga pamilya dahil sisiguraduhin ko na babagsak kayo kaya habang hindi pako tuluyang nawawalan ng pasensya sa inyo ay magpasya na kayo.“pagbabanta ko ulit sa kanila.

Alam nila ang kapangyarihan ng aking pamilya kaya naman kung matino silang mag-isip ay ngayon palang ititigil na nila ang balak nila.

“W-wala talagang kasalanan si Han Changzcai kaya naman alalayan ninyo na siyang tumayo”nautal na wika ni Shin Pin.

Hindi naman makapagsalita si Ji Guiren sa likuran niya.

Nilapitan kona si Han at tutulungan kona sanang tumayo nang may maalala ako.

“Ikaw, Ji Guiren bilang parusa sa iyong kalapastanganan sa akin ay luluhod ka dito mismo sa aking kinatatayuan ng dalawang oras bilang kaparu—“naputol ang sasabihin ko ng may mag-anunsyo.

“Pagdating ng Kamahalan at Huangho Niangniang”

Nalaluhod ang lahat kaya pati ako ay agad na napaluhod upang magbigay galang sa mga kamahalan.

Pumasok na sila sa Palasyo at nagsalita ang Huangho.

“Kami ay nagpapahinga na ngunit rinig na rinig ang gulo dito kaya naman napapunta pa kami rito.“wika niya.

“Huangho Niangniang, magpapaliwanag kami”wika ko.

“Pumasok muna tayo sa loob at doon kayo magpaliwanag sa amin”wika ng kamahalan na nagpatulala sa akin dahil narinig ko nanaman ang boses niya at nakita kong tumingin siya sa akin.

“Masusunod, Kamahalan”sabay-sabay na wika namin.

“Yi Pin, Han Changzcai bago kayo pumasok sa loob ay magpalit na muna kayo ng kasuotan ninyo”wika muli ng Kamahalan.

Agad kaming tumalima at nagtungo sa silangang bahagi ng Yonghegong na siyang tinutuluyan ni Han.


Cut muna hahahahahaha

Ayan magsisimula na ang bagong road for Yiren hihi

Stay tuned guys!!

Love y’all and always keepsafe

Follow my Social Media Accounts:

IG:donnnnnnr Twtr:donnnnnnr

25 | Parusa at Katuparan

•Yiren

Pagkapasok pa lamang namin sa loob ng tinutuluyan ni Han ay naubo na ako dahil sa mga alikabok doon at hindi kagaya sa aking palasyo na maayos ang lahat.

Dito sa tinutuluyan ni Han ay daig pa ang silid ng mga tagapagsilbi sa aking palasyo. Talaga namang naawa ako kay Han na ngayon ay nanginginig na.

“Han, bakit hindi ka nagsasabi sa amin na ganito na ang nararanasan mo rito?“tanong ko sakanya.

“Wala naman akong magagawa Yiren, mababa lamang ang aking posisyon at hindi masyadong maimpluwensya ang aming pamilya”tugon niya sa akin.

“Kahit na Han, nandito naman kami nina Kim at Yang upang tulungan ka”wika ko ulit.

“Nahihiya din ako na laging humingi ng tulong sainyo lalo na sayo dahil ikaw ay higit na mataas sa akin”wika niya.

“Ano ka ba naman! Huwag kang mahiya sa akin naiintindihan mo ba?“wika ko.

“O-oo”nauutal na sagot niya.

Agad kong inutusan ang mga tagapagsilbi na ikuha na siya ng bagong kasuotan at tulungan na siyang magbihis.

Sinunod agad nila ang utos ko at habang nagbibihis si Han ay dumating na si Rai na inutusan ko kanina lamang na ikuha din ako ng bagong kasuotan para makapagpalit ako.

Agad akong nagtungo sa isang gilid at tinulungan na ako ng tatlo na magpalit ng aking kasuotan.

Natapos na akong magpalit at ngayon ay hawak ko ang pampainit ng kamay upang hindi ako lamigin.

Si Han naman ay tapos na rin magbihis kaya lang ay nanginginig padin siya hanggang ngayon dahil kanina pa siya nakaluhod sa niyebe at kung hindi pa ako dumating ay lalo pa siyang magtatagal na nakaluhod doon.

Inalalayan ko si Han papasok sa Gitnang bahagi ng Yonghegong kung nasaan ang Kamahalan at Huangho.

Agad kaming pumasok sa bulwagan at doon ay naabutan namin ang Kamahalan at Huangho na nakaupo na habang sina Shin Pin at Ji Guiren ay nakaupo din at animo’y mga aso na nangingig.

Agad kaming naglakad papalapit sa kanila at nang makalapit ay bumati kaming dalawa ni Han.

“Pagbati, Kamahalan, Huangho niangniang”wika namin ni Han.

“Mianli, maupo na kayo”wika ng Huangho.

“Salamat, niangniang”sabay ulit naming wika ni Han.

Magkatabi kami ni Han na umupo at nagsimula na ngang magsalita ang Kamahalan.

“Ang inyong gulo ay dinig na dinig hanggang sa aking palasyo, ano ba ang nangyari dito?“tanong ng kamahalan.

“Sagot sa Kamahalan, ako ay likas na lamigin talaga kaya naman kailangan ko ang aking mga uling upang labanan ang lamig. Kanina ay iniulat sa akin ng aking tagapagsilbi na nawawala ang uling ko kaya naman pinahanap ko ito sa buong palasyo at kanila itong natagpuan sa Silangang bahagi ng palasyo na siyang tinutuluyan ni Han Changzcai.“sagot ni Shin Pin.

“Kamahalan, likas na lamigin si Shin Pin niangniang at hindi pupwedeng gumamit ng pulang uling si Han Changzcai dahil sa kanyang posisyon kaya dahil doon ay paparusahan na sana siya kanina dahil sa kanyang ginawang pagnanakaw.“dugtong ni Ji Guiren.

“Han Changzcai, tunay ba ang kanilang mga tinuran?“tanong ng Kamahalan.

“S-sagot sa K-kamahalan, ang mga pulang uling ko po ay bigay sa akin ni Yi Pin niangniang kaya hindi po titoo ang kanilang mga paratang sa akin Kamahalan. Hindi ko po magagawang magnakaw ng isang bagay na hindi naman sa akin.“sagot ni Han at naluha siya ng kaunti kaya naman inaalo ko siya.

“Yi Pin, alam mo bang hindi pwedeng gumamit si Han Changzcai ng pulang uling?“tanong ng Huangho.

“Niangniang, alam ko po iyon ngunit nakarating sa akin ang ulat na kinukuha ng dalawang ito ang mga rasyon ng uling na para sana kay Han kaya naman naawa ako sa kanya lalo pa’t grabe ang lamig ngayon kung kaya’t pinadalhan ko siya ng aking mga uling.“sagot ko.

“Kung gayon ay wala kang kasalanan dito Yi Pin at ikaw din Han Changzcai”wika ng Huangho.

Lihim akong napangiti habang nakayuko ako.

“Ngunit niangniang, ipinagbabawal na gumamit si Han Changzcai ng pulang uling at sinuway nila ang alituntunin ng palasyo!“wika ni Shin Pin.

“Ipinagbabawal din ang inyong madalas na pang-aapi kay Han kaya naman marapat lamang na talagang parusahan kayong dalawa!“wika ko din.

“Anong pang-aapi ang tinutukoy mo Yi Pin?“tanong ng Kamahalan.

“Kamahalan, noong unang beses akong magtungo sa Hardin ng Kaharian ay naabutan kong pinagmamalupitan ni Ji Guiren si Han at mung hindi pa ako dumating ay hindi siya titigil. Noong naunang bumalik sa palasyo si Shin Pin ay binalak din nilang apihin si Han na siyang hinadlangan ko lamang.“sagot kong muli.

“Kung gayon ay talaga palang gawain niyo na ang apihin si Han Changzcai.“wika ng Kamahalan.

“K-kamahalan, hindi po sa ganoon”sabay na wika ng dalawa.

“Kung hilig nyo ang mang-api ay dapat lamang na maranasan niyo din na maapi bilang kaparusahan sa inyong mga aksyon. Mula ngayon kayong dalawa ay mga Daying na lamang at itong Yonghegong ay magiging palasyo na ni Zhe Pin”wika ng Kamahalan.

Napaluhod na lamang ang dalawa habang ako ay natuwa sa aking narinig dahil talagang dapat lang sa kanila iyon.

“Kung ganoon Kamahalan ay pababalikin mona dito si Zhe Pin?“nakangiting wika ng Huangho.

Agad akong bumulong kay Luyun.

“Sino si Zhe Pin?“tanong ko.

“Siya ang Pin na piniling manirahan sa Hardin ng Tag-Araw niangniang”sagot ni Luyun.

“Tama siguro na pabalikin kona siya lalo pa’t dalawang taon na din siyang namalagi doon.“sagot ng Kamahalan.

“Kamahalan kung babalik na si Zhe Pin, saan na manunuluyan si Han?“tanong ko dahil wala talaga siyang nabanggit na bagong tutuluyan ni Han.

“Nakita ko na malapit kayonh dalawa sa isa’t-isa kaya naman kung nais mo ay maaring sa iyong palasyo na manuluyan si Han Guiren”sagot ng Kamahalan.

“Han Guiren?“tanong ko habang nakangiti dahil alam ko ang ibig sabihin ng kanyang tinuran.

“Bilang aking gantimpala ay isa ka nang Guiren ngayon Han.“sagot ng Kamahalan.

Napangiti kami ng Huangho at dahan-dahan namang lumuhod si Han.

“M-maraming Salamat Kamahalan”wika niya at siya ay nagkowtow bilang tanda ng pasasalamat.

“Bilang naayos na ang kaguluhan dito at lumalalim na ang gabi ay babalik na kami sa Palasyo ng Kamahalan. Yi Pin, Han Guiren bumalik na din kayo sa inyong palasyo at bukas na lamang ninyo simulan ang paglilipat.“wika ng Huangho.

“Masusunod, niangniang”wika ko.

“Kami ay aalis na”wika ng Kamahalan.

“Paalam, Kamahalan, Huangho niangnian”sabay na wika namin ni Han.

Inangat ko ang aking tingin at nakita ko na tinignan ako ng Kamahalan kaya naman ramdam ko ang pamumula ko.

Ayokong makita nila akong kinikilig kaya naman niyaya kona silang bumalik na sa aking palasyo.

Bago kami tuluyang lumabas ay binulungan ko si Han at ako ay natawa dahil sa aking binulong.

Nilapitan namin ang dalawa na nakaluhod at nagwika si Han.

“Bilang kayo ay mga lapastangan, kayo ay luluhod sa labas ng palasyo sa loob ng tatlong oras at walang maaring lumapit sainyo”wika ni Han.

Natuwa naman ako dahil sa wakas ay nakaganti din si Han sa lahat ng mga pagpapahirap ng dalawang Daying na lamang ngayon.

Agad kaming lumabas sa palasyo at pumunta na ako sa aking sedan at iniutos ko din na ilabas ang sedan ng Yonghegong upang magamit ni Han.

Agad nilang ginawa ang pinag-uutos ko at kami nga ay umalis na ni Han para magtungo na sa aking palasyo lalo pa’t malalim na ang gabi at kailangan na naming magpahinga.

Ilang minuto lamang ang inabot at narating na namin ang aking palasyo kung saan agad kong pinahanda ang kanlurang bahagi ng aking palasyo upang maging tuluyan ni Han dito.

Doon ay babagay na sa kanya dahil iyon ay palaging nililinis ng mga tagapagsilbi at maayos din ang mga dekorasyon doon kaya naman siguradong akong magiging komportable dito sa aking palasyo si Han.


Hi guys!! Lesson muna tayo ulit hahahaha

As you all know ang mga Daying ay yung mga lowest rank sa harem kaya naman yung dalawang naparusahan ay mas kawawa na ngayon kaysa kay Han.

Zhe Pin- Je Pin yan ganyan ang basa jan ha.

Yung mga sedan pala dapat hindi pa pwede gumamit si Han nun kasi pang mga Pin yun pataas pero dahil nagbida ang ate nyo Yiren e pinagamit na sakanya hahahaha.

So ayun sorry talaga guys napakadami naming module kaya di ako makasulat huhu!!

Pero weekends naman kaya makakabawi ako sainyo and stay tuned kasi baka magpagive away ako kapag naka 2k reads na tayo!!!

Super thank you guys sa support nyo!!

Love u all!!

26 | Paglipat at Pagpili

•Yiren

Natupad ngayong gabi ang aking nais na mailipat si Han ng tirahan at ngayon nga ay magkasama na kami dito sa Changchungong at tiyak ako na masaya din si Han.

Naging mahaba ang araw na ito lalo pa’t maraming nangyari at naparusahan na nga ang dalawang Daying na mukhang isda din naman talaga charothahahahah.

Ngayon ay nandito na ako sa aking higaan ngunit di pa din ako makatulog lalo pa’t tinitigan nanaman ako ng Kamahalan at hindi ko alam kung bakit sa tuwing tititigan niya ako ay iba ang epekto nito sa akin.

Talaga naman kasing napakagandang lalaki ng Kamahalan at siguro kung nasa modernong panahon lamang kami ay isa siyang sikat na sikat na artista.

Nakailang tagilid na ako at hindi pa din ako dinadatnan ng antok kaya naman tumayo muna ako at nagtungo sa bintana upang tignan kung abot-tanaw ko ba ang buwan mula rito sa aking kinatatayuan.

Nais ko lamang pagmasdan ang buwan dahil kung nasa modernong panahon ako siguro ay nagcecellphone lang ako at nagsscroll sa aking feed hindi kagaya dito na walang masyadong mapaglilibangan kaya hirap akong makatulog ngayon.

Tanaw na tanaw ko nga ang buwan mula dito at napakaganda nitong pagmasdan kaya naman tinitigan ko lamang ito sa loob ng ilang minuto at nang maramdaman kong dinadalaw na ako ng antok ay bumalik na ako sa aking kama.

Agad akong humiga at saka ko na pinikit ang aking mata upang tangayin na ako ng antok. Habang nakapikit ay pumasok nanaman sa isip ko ang larawan ng Kamahalan at napangiti na lamang ako at tuluyan na nga akong nakatulog.

K I N A B U K A S A N

Ginising na ako ni Rin dahil pupunta pa kami sa Yikungong ngayon upang bumati sa Huangho kaya naman pagkatayo ko ay pinapuntahan ko kay Rai si Han upang sabihan siya na puntahan ako kapag tapos na siyang mag-ayos.

Pumasok na ako sa silid-paliguan upang maligo syempre hahahaha. Sandali lang ang aking itinagal sa tubig dahil naligo naman ako kagabi.

Agad akong tinulungan ni Luyun at Rin na magpatuyo ng katawan at tinulungan din nila ako sa pagsusuot ng aking panloob at ng maisuot kona ang aking kasuotan ay saka na nila ako inalalayan patungo sa aking salamin upang mag-ayos ng sarili.

Sinuklayan nila ang aking buhok gaya ng nakagawian at nang maiayos na nila ito ay ako na ang namili ng mga palamuti na aking ilalagay ngayon.

Matapos kong mag-ayos ng aking sarili ay ilalagay kona sana ang aking mga pananggalang sa kuko nang biglang pumasok si Han sa aking silid.

“Yiren, handa na ako”wika niya sabay yuko sa akin bilang tanda ng kanyang paggalang.

“Oh kamusta ang iyong pagtulog kagabi Han?“tanong ko.

“Higit na mahimbing ang aking tulog kagabi kaysa sa mga nagdaang araw Yiren, maraming salamat sa iyong tulong”sagot niya at ngumiti sya sa akin.

“Wala iyon, halika na at baka mahuli tayo sa pagbati”yaya ko sakanya dahil nailagay kona ang mga pananggalang ko sa kuko.

Sabay kaming lumabas ng aking silid at ng palasyo at sa likod namin ay sumusunod ang aking mga tagapagsilbi.

Ilang minuto lamang ang dumaan at narating na namin ang Palasyo ng Huangho kung saan nakita rin namin ang ibang mga Pinfei(harem) na naghihintay din.

“Pagbati Yi Pin niangniang”wika ng mga Guiren at ng dalawang Daying sa akin.

“Mianli”sagot at umayos na sila.

“Pagbati, mga niangniang”pagbati ko sa apat na Fei.

Agad na lumapit sa amin ni Han si Kim at Yang na nakipagchikahan sa amin tungkol sa nangyari kagabi lalo pa’t malayo ang kanilang palasyo sa amin ni Han.

“Yiren, kanina pa namin naririnig ang ulat tungkol sa ginawa mo sa dalawang Daying kaya tignan mo at binati ka din ng mga Guiren na hindi naman talaga nila ginagawa”wika ni Yang.

“Wala naman akong ginagawa ah hahaha”sagot ko sabay tawa.

Magsasalita pa sana si Kim ng dumating na ang Guifei at pinapasok na din kami sa bulwagan ng Huangho kaya hindi na namin siya nabati pa.

Pagpasok namin sa loob ay naroon na ang Huangho na nakaupo sa kanyang trono sa gitna kaya naman agad na kaming bumati sa kanya.

“Pagbati, Huangho niangniang”sabay-sabay na wika namin.

“Mianli, magsiupo na kayo”wika niya kaya tumayo na din kami.

“Ang nangyari kagabi sa Yonghegong ay paniguradong nakarating na sa inyo kaya naman ang nais ko lamang ipaalala sa inyo na hindi kona nais pang maulit muli ang ganoong insidente maliwanag ba?“wika ng Huangho.

“Masusunod, niangniang”sabay-sabay na sagot namin.

Nagdiskusyon pa kami ukol sa ilang mga bagay hanggang sa matapos na ang aming pagbati sa Huangho at ngayon ay palabas na kami sa Yikungong nang bigla kaming harangin ng dalawang tao.

“Kung inaakala mong tapos na ang lahat nagkakamali ka Yi Pin”wika ni Shin Daying sa akin.

“Ngayong isa ka na lamang Daying ay may lakas ka pa din ng loob na magsalita na ganyan sa akin”wika ko.

“Napabagsak mo man kami ay sinisigurado naming makakabawi din kami sa iyo”sagot naman ni Ji Daying.

“Mga Daying lamang kayo kaya wala kayong karapatan na pagbantaan ang aming amo”biglang wika ni Rai sa aking tabi.

“Tampalasan! Wala kang lugar upang magsalita sa aming usapan!“wika ni Shin Daying at nagulat ako noong sinampal niya si Rai.

Napasapo sa pisngi niya si Rai kaya naman agad ko siyang hinarap upang tignan ang kanyang pisngi.

“Rai, ayos ka lamang ba?“nag-aalalang tanong ko.

“Ayos lamang ako niangniang”sagot nito.

“Indahin mo na muna iyan mamaya ay lalagyan ko iyan ng gamot”pag-aalo ko sa kanya.

“Yan ang nararap—“magsasalita pa sana si Shin Daying ng bigla ko din siyang sampalin kaya naman napaupo siya.

“Yan ang nararapat sayo, eto ang tandaan niyong dalawa hinding-hindi ako matatakot sa inyo bagkus kayo ang dapat na matakot sa akin”wika ko sa kanila.

“Luyun, bigyan silang dalawa ng tagsampung sampal bilang kaparusahan sa kawalang galang nila sa akin.“wika ko na agad namang sinunod ni Luyun.

Kakawala pa sana ang dalawa pero pinahawakan ko sila sa mga Eunuch kaya wala silang nagawa ng pagsasasampalin sila ni Luyun.

Matapos niyang magawa ang utos ko ay niyaya kona silang umalis at iwan ang dalawang talunan.

“Hindi lang iyan ang makukuha ninyo sa akin sa susunod na may gawin nanaman kayong hindi ko ikatutuwa kaya kung ako sainyo ay mag-iisip na ako.“huling sambit ko at umalis na talaga kami.

Naglakad na kami pabalik sa aking palasyo nang maalala ko na ililipat na ngayong araw ang mga kagamitan ni Han sa aking palasyo. Kaya naman pagkarating na pagkarating palang namin sa aking palasyo ay inutusan kona ang mga Eunuch upang magtungo sa Yonghegong at kunin ang mga gamit ni Han.

Agad nila akong sinunod kaya naman niyaya ko muna si Han na magtsaa sa aking bulwagan na agad niyang pinaunlakan.

Lumipas ang ilang oras na naglilipat sila ng gamit hanggang sa sumapit na ang gabi at nagulat ako ng may pumasok na Eunuch sa aking palasyo na kagaya ng uniporme ng Eunuch ng kamahalan.

“Pagbati, Yi Pin niangniang, Han Guiren”wika niya.

“Mianli, bakit ka naparito?“sagot ko.

“Niangniang, ang inyong pangalan ang binaliktad ngayon kaya maghanda na po kayo upang pagsilbihan ang Kamahalan mamayang gabi”wika nito.

Para akong binuhusan ng tubig dahil ngayon pa lamang ako magsisilbi sa Kamahalan at base sa kwento ni Jang Fei ay alam kong pagtatalik ang gagawin namin dahil iyon ang tungkulin ko bilang kasapi ng Harem.

Ilang araw ko na ding naiisip na paano kung ako na ang mapili upang magsilbi sa Kamahalan at sigurado ako na kapag ako ang nagsilbi ay mabubunyag na ang aking sikreto dahil kailangan kong pumasok ng hubad sa silid ng Kamahalan at doon palang ay mabubunyag na ang aking sikreto.

Nabalisa ako bigla dahil sa narinig ko at natauhan lamang ako ng kinalabit ako ni Han at napatingin ako sa Eunuch na nakangiti sa akin.

Kailangan kong makaisip ng paraan upang hindi ako magsilbi ngayong gabi sa Kamahalan. Hindi dahil sa ayaw ko kung hindi dahil ayokong mabunyag ang aking sikreto na kailangan kong ingatan.

Agad namang may pumasok sa isip ko na ideya na agad kong sinabi sa Eunuch.

“Ngunit hindi ako makakapagsilbi sa Kamahalan ngayon lalo pa’t tinamaan ako ng lamig kagabi na nagresulta sa aking pagkakaroon ng ubo ngayon. Ayokong mahawaan ang kamahalan kaya ipaabot mo sana sa kanya ang aking paumanhin”sagot ko.

Nalungkot ang Eunuch na nakangiti kanina pero agad siyang tumango sa akin at nagpaalam na babalik na sa Palasyo ng Hari.

Pag-alis ng Eunuch ay saka pa lamang ako nakahinga ng maluwag dahil nawala ang aking iniisip kanina.

“Yiren, totoo bang nagkaroon ka ng ubo?“tanong ni Han.

“Oo, kagabi ko lamang naramdaman ang pagkati ng aking lalamunan at kanina ay ikinubli ko lamang ito upang hindi na kayo mag-alala sa akin”wika ko sabay pekeng ubo upang maniwala talaga si Han dahil kapag naniwala si Han ay maniniwala din ang iba.

“Kung gayon ay maiwan na kita dahil kailangan mong magpahinga upang mawala ang iyong karamdaman at mapagsilbihan mo ang Kamahalan”sagot niya sa akin na tinanguhan ko at saka nga siya umalis.

Pagkaalis niya ay agad kong tinawag ang tatlo upang magpahanda ng malamig na tubig para sa aking pagligo mamaya.

Alam kong kapag sa malamig na tubig ako nagbabad ay magkakaroon ako ng tyansa na talagang magka-ubo na kailangan kong maachieve ang ubo no dahil kung hindi ay baka mabuko ako at matapos agad ang kwento na to charot.

Nang matapos silang maghanda ay agad na akong nagtungo sa paliguan upang magbabad ng matagal-tagal para makamit ang aking pekeng karamdaman.


As promised!!! Another update for you guys para makabawi ako hihi!!

Lesson muna again yung mga kasapi ng harem ay pwedeng tawaging

Pinfei o Feipin

na ang ibig sabihin ay kasapi sila ng harem.

Yun lang hihi stay tuned and stay safe guys!!

Love y’all

Follow me on:

Twitter:donnnnnnr IG:donnnnnnr

Diyan tayo magchikahan if want nyo hihi. ❤

27 | Pekeng Karamdaman

•Yiren

Sobrang lamig ng tubig sa aking paliguan ngayon at habang palubog ako ng palubog ay unti unti akong nilalamig ng bongga pero kailangan kong gawin ito para maisakatuparan ko ang aking plano.

Nang mailublob kona ang aking katawan sa paliguan ay nagsimula na sila Rin at Rai na lagyan ng mga rosas ang tubig habang si Luyun naman ay dahan-dahang ibinubuhos ang gatas.

“Niangniang, kailangan mo ba talagang gawin ito?“tanong ni Rai.

“Kung ayaw ko pang mabuko ang aking lihim ay kailangan kong gumawa ng paraan upang manatili itong isang lihim sa lahat maging sa Kamahalan”sagot ko at pumikit nalang ako.

Tuloy lang sila sa paglalagay ng mga bulaklak at gatas sa aking paliguan kaya naman pumikit muna ako upang marelax ako kahit na ramdam kona ang panginginig ko dahil sa sobrang lamig na tubig.

Makalipas ang ilan pang mga minuto ay umahon nako dahil hindi kona talaga kaya ang lamig. Agad akong nagbalot ng tuwalya at saka ako nangatog dahil sa labis na lamig na aking nadarama ngayon.

Inalalayan ako ng tatlo papunta sa aking silid upang mag-ayos na dahil gabi na din at ako ay matutulog na.

Agad akong humiga matapos kong masuklayan at maayusan ng damit. Nagbalot ako ng kumot at inutusan ko sila na magsindi ng uling upang hindi ako lamigin ng sobra dahil kahit layon kong magkasakit ay ayoko naman na maging cause of death ko yun no!

Agad na akong pumikit at hinayaan ang sarili na magpatangay sa antok na aking nadarama.

K I N A B U K A S A N

Nagising ako na nilalamig padin kahit na mayroong nakasinding uling sa tabi ng aking kama at kahit nakatalukbong ako kaya naman napagtanto ko na naging tagumpay ang ginawa ko kagabi.

Agad kong tinawag si Luyun upang magpatawag ng isang Taiyi or Doktor dito sa palasyo dahil kailangan kong makumpirma ang aking kalagayan ngayon.

“Luyun, magpunta ka sa Kagawaran ng Medisina at ipagbigay alam mo sa kanila na kailangan ko ng isang Taiyi ngayon dahil sobrang nilalamig ako at nanginginig.“wika ko kay Luyun.

“Masusunod, niangniang”wika niya sabay bow at alis na.

Nang makaalis si Luyun ay sunod kong tinawag si Rin upang ipagbigay alam sa Huangho na ako ay may karamdaman ngayon habang si Rai naman ay inutusan kong pumunta kay Jang Fei upang ipagbigay alam din sa kanya ang aking lagay at upang ako ay bisitahin niya din.

Agad na tumalima ang dalawa kaya naman naiwan na lamang ako dito sa aking silid at habang naghihintay ay inutusan ko ang isang tagapagsilbi na ikuha muna ako ng makakain ko lalo pa’t agahan sana ngayon pero dahil hindi ako makatayo at makagalaw masyado ay ipinakuha ko na lamang ito.

Habang kumakain ako ay dumating na si Luyun kasama ang isang Taiyi kaya naman ipinaligpit kona ang mga pagkain upang ako ay masuri na ng Taiyi.

“Pagbati, Yi Pin niangniang”wika ng Taiyi at nang matitigan ko ang kanyang mukha ay bigla yatang nag-init ang aking mukha.

Napakagwapo naman neto!!!!!

“Ah, eh Mianli”wika ko at umiwas ng tingin kahit hindi ko magawa kasi naman e sobrang pogi neto.

Mayroon siyang morenong kutis at ang kanyang mga mata ang pinaka-nakakuha ng atensyon ko dahil napakaganda nito at parang hihigupin at dadalhin ka nito sa ibang dimensyon charot!

Agad itong lumapit sa aking kama at ako ay kanya na ngang sinuri at tinanong ng ilang mga bagay ukol sa magiging future namin charot tungkol sa aking nararamdaman na sinasagot ko naman agad dahil ayaw ko siyang paghintayin.

“Niangniang, kayo ay napasukan ng lamig kung kaya’t kayo ay makakaranas ng pag-ubo kaya naman dapat ay lagi kayong mayroong nakasinding uling sa inyong tabi upang malabanan ang lamig. Ako ay magbibigay ng inyong gamot na kailangan ninyong inumin sa loob ng tatlong araw upang mawala ang inyong karamdaman”wika niya sa akin habang ako ay nakatitig lang sa mukha niya.

Kung hindi pa titikhim si Rin na kararating lang ay hindi ako mababalik sa ulirat.

“Maraming salamat sa iyo?“pasasalamat ko at pagtatanong na din.

“Ang aking pangalan ay Yinzhen niangniang”sagot nito.

“Ah, maraming salamat Yinzhen”sagot ko at nginitian ko siya.

Nakita kong napangiti din ito sa akin kaya naman tuwang-tuwa ako sa loob loob ko hahahaha.

“Kung wala na po kayong katanungan ay ihahanda kona ang inyong preskripsyon para sa inyong gamot niangniang”turan niya at yumuko sa akin.

Tinanguan ko lamang siya at pinanood ang kanyang paglisan. Agad namang siyang sinamahan ni Luyun papalabas upang kunin nadin ang mga lunas ko.

Nilapitan naman ako ni Rin at ng kararating lang na si Rai.

“Niangniang, ipinaguutos ng Huangho niangniang na huwag ka muna bumati sa kanya hanggat hindi ka bumubuti ang iyong lagay dahil nag-aalala siya sa iyo”wika ni Rin.

“Niangniang, maya-maya lamang ay darating na si Jang Fei niangniang dahil noong nalaman niya ay agad siyang nag-ayos upang bisitahin ka rito kaya naman nasisiguro kong parating na siya”wika naman ni Rai.

“Maraming salamat sa inyong dalawa”sagot ko sa dalawa at nginitian ko sila at inutusan na kumain na din ng kanilang mga agahan at yayain na din si Luyun.

Nagbasa na lamang ako ng libro habang hinihintay si Jang Fei dahil alam kong malapit na din siya dahil halos magkatabi lang ang aming mga palasyo.

Maya-maya lamang ay narinig kona ang anunsyo ng pagdating niya kaya naman isinarado kona ang librong binabasa ko at hinanda ang sarili para sa pagharap sa kanya.

Nang makapasok na siya sa aking silid ay agad ko siyang binati.

“Jiejie, paumanhin kung hindi kita mabati ng maayos”wika ko.

“Yiren, ano ba ang ginawa mo at bakit ka nagkaroon ng ubo ha”wika nito na parang ate ko talaga.

“Dahil sa nangyari sa Yonghegong ay pinasukan ako ng lamig at ang resulta ay ang pagkakaroon ko ngayon ng ubo.“sagot ko.

“Ikaw naman kasi ay isang pasaway din kaya ka nagkakasakit e! Mabuti na lang at nasuri ka kaagad kung hindi ay baka lumala pa iyan”wika nito.

“Jiejie, ayos na din naman ako kaya huwag ka nang mag-alala pa sa akin”wika ko.

Natawa naman ito kaya alam kong nasa mood na ito ulit kaya naman nagpahanda na ako ng mga makakain upang makapag-kwentuhan kami ukol sa mga latest chika dito sa kaharian.

Habang nagkukwentuhan kaming dalawa ay dumating din sina Kim at Yang pati na din si Han kaya naman pinadagdagan kopa ang mga pagkain upang mapasarap ang aming pag-uusap.

Lumipas ang ilang oras na kami ay nag-uusap lamang dahil sa sobrang kadaldalan ni Kim at Yang kaya tawang-tawa kami lalo pa’t nakwento nila na kanina ay haharangin sana nung dalawang Daying si Han dahil wala ako at akala nila ay sa kanila ang araw na ito.

Pero dahil nandiyan pa ang dalawa ay wala nanamang nagawa ang dalawa kundi umalis nalang hahahaha buti nga sa kanila dahil kapag may ginawa nanaman sila ay hindi na sampal at luhod ang ipaparusa ko sa kanila lalo pa’t may bago na akong nalamang parusa na pwedeng igawad sa kanila sa sandali na lumagpas sila sa kanilang mga posisyon at ako ay bastusing muli.

Habang nag-uusap pa kami ay dumating ang isang Eunuch sa aking bulwagan.

“Pagbati, mga niangniang”wika nito.

“Mianli, ano ang pakay mo rito?“tanong ko.

“Yi Pin niangniang nalaman ng Kamahalan ang inyong karamdaman kaya naman maya-maya lamang ay pupunta siya rito sa inyong palasyo upang kayo ay bisitahin”sagot nito.

“Kung gayon ay babalik na kami sa aming mga palasyo upang makapaghanda kana dito Yiren”wika ni Jang Fei.

“Mukhang ganoon na nga ang dapat nating gawin”wika ni Kim.

Tumayo na silang apat at nagpaalam kami sa isa’t-isa at ngayon ay ako na lang mag-isa dito sa aking bulwagan kaya naman tinawag ko ang tatlo upang tulungan akong mag-ayos.

Inalalayan naman nila ako at hindi kona ipinaayos ang aking buhon dahil mas komportable ako kung nandito naman ako sa aking na maglugay lang.

Naglagay lang ako ng pabango at nagpalit ng aking mas magandang kasuotan na pangtulog lamang na siyang isa sa mga regalo sa akin ni Ina bago ako pumasok dito sa kaharian.

Ilang minuto lamang ay narinig kona ang anunsyo ng pagdatin ng Kamahalan kaya naman nagsuot na ako ulit ng aking sapatos upang lumabas na at salubungin ang kamahalan dahil iyon ay isang alituntunin para sa aming mga Pinfei.

Agad akong lumabas at dahil sa pagmamadali ay nakalimutan kong maglagay ng balabal at ngayon ay ramdam na ramdam ko na naman ang lamig dito sa labas.

Nang makapasok na ang kamahalan sa loob ay agad kaming lumuhod at bumati.

“Pagbati, Kamahalan”wika ko na sinundan ng aking mga tagapagsilbi.

Hindi nagsalita ang Kamahalan kaya naman magsasalita pa sana ako nang bigla kong maramdaman na may pumatong sa aking balikat at nakita ko na lamang na nilagay niya sa akin ang kanyang suot na balabal.

“Ikaw ay may karamdaman na pero lumabas ka pa rin dito kung saan napakalamig ng simoy ng hangin”wika ng Kamahalan.

“Dahil iyon ay isa sa aming mga alituntunin Kamahalan”sagot ko habang nakayuko dahil nais kong itago ang mukha ko dahil sa hiya at kilig na nadarama ko ngayon.

Ngayon ko lang kasi naranasan yung may maglalagay sakin ng balabal hihi ang sweet lang.

“Kamahalan, tayo ay pumasok na at malamig ang simoy ng hangin at baka kayo ay lamigin dito sa labas”wika ko.

“Hmm”sagot ng Kamahalan at sabay kaming pumasok sa loob ng aking Palasyo.


Hi guys!!!

Sorry sa late UD again hihi bawi ulit ako sainyo kaya enjoy this update muna dahil meron pa bukas hihi.

Always stay safe everyone and don’t forget to wear your masks kapag lumalabas kayo hihi.

Love y’all

28 | Pagbisita

•Yiren

Pagkapasok namin sa aking bulwagan ay agad kong pinaghanda sina Luyun ng tsaa at ilang makakain para sa Kamahalan dahil biglaan naman ang pagbisitang ito.

Inalalayan ko din ang Kamahalan na umupo dahil isa ito sa aming mga tungkulin at ang pagpakaroon ng sakit ay hindi dapat na humadlang sa pagsisilbi sa Kamahalan.

Nang makaupo na ang Kamahalan ay saka lamang ako sumunod na umupo at magsalita.

“Kamahalan, ano po ang dahilan nang inyong pagparito sa aking Palasyo?“tanong ko.

“Kailangan ko ba ng dahilan upang magpunta sa iyong palasyo?“tanong ng Kamahalan kaya agad naman akong kinabahan dahil baka na-offend ko siya.

“Ah eh hindi naman po sa ganoon Kamahalan”sagot ko agad.

“Nakarating sa akin ang ulat na ikaw ay may karamdaman kung kaya’t hindi mo ako nagawa ang iyong unang pagsisilbi sana sa akin kagabi”wika ng Kamahalan.

“Noong gabi ng insidente sa Yonghegong ay nanggaling ako sa Hardin Kamahalan at hindi ko namalayan na napakalamig na ng hangin dahil sa aking tuwa sa pagpitas ng mga bulaklak doon”sagot ko.

“Kung gayon ay napalala pa ito ng iyong pagtatagal sa labas ng Yonghegong kung saan pumapatak ang Niyebe”turan ng Kamahalan.

“Siyang tunay, Kamahalan  kung kaya’t muli akong humihingi ng paumanhin sa aking pagliban sa pagsisilbi sa inyo dahil sa takot na kayo ay aking mahawaan pa”wika ko.

“Kung gayon ay magpagaling ka mula sa iyong Karamdaman dahil sa sandaling ikaw ay gumaling na ay pagsisilbihan mo pa ako”sagot ng Kamahalan.

“Sinisigurado ko na aalagaan ko ang aking sarili ng mabuti Kamahalan upang ako ay agad na gumaling”sagot ko.

Matapos kong sabihin iyon ay tumayo ako mula sa aking kinauupuan at lumuhod ako dahil ito ang unang beses na makasama ko ang Kamahalan nang kaming dalawa lamang kaya dapat ay dito kona isagawa ang aking pormal na pagbati sa Kamahalan.

“Kamahalan, hayaan niyo ako na ipakita ang aking pormal na pagbati at pasasalamat sa inyo sa pagbibigay sa akin ng isang maayos na posisyon sa inyong harem”wika ko.

Agad akong nagkowtow at winika ang ngalan.

“Ako si Yiren, anak ni Punong Ministro Zhao ng Kagawaran ng Pagsasaliksik. Bumabati at nagpapasalamat sa Kamahalan”wika ko sabay kowtow ng tatlong beses.

Nakita kong tumayo mula sa kanyang upuan ang Kamahalan at nagulat ako nang ilahad niya ang kanyang kamay sa aking harapan na ang ibig sabihin ay tutulungan niya ako sa pagtayo.

“Halika at tumayo kana diyan, hindi ako nagkamali sa pagbibigay sa  iyo ng iyong posisyon dahil kita ko ang iyong pagiging Elegante at ang iyong mga kilos ay talaga namang kilos ng isang edukadang binibini”wika ng Kamahalan kaya naman namula nanaman ang pisngi ng lola niyo.

Magsasalita pa sana ako nang biglang dumating na si Luyun kasama ang dalawang tagapagsilbi na may bitbit na tsaa at ilang makakain.

“Kamahalan, niangniang kayo po ay magtsaa at kumain muna”wika ni Luyun.

“Maraming salamat”wika ko at alam na ni Luyun na dapat na silang umalis kaya naman lumapit na ako sa Kamahalan at tinulungan siyang umupo muli at inabot ang tsaa sa kanya.

Nagtagal pa sa aking Palasyo ang kamahalan ng ilang oras at wala kaming ginawa kundi pag-usapan ang aking pamilya na masaya ko naman ibinabahagi sa kanya.

Ngayon ay ganap na ang gabi at nagpaalam na ang Kamahalan sa akin.

“Ikaw ay magpahinga na at ako ay sa palasyo ng Huangho matutulog ngayon”wika ng Kamahalan at siya ay tumayo na at tuluyan nang naglakad palabas ng aking palasyo.

“Paalam, Kamahalan”wika ko sabay luhod ng bahagya.

Nang marinig kona ang anunsyo ng pag-alis ng Kamahalan ay napaupo ako sa aking upuan at napabuntong-hininga na lang dahil sa wakas ay wala na ang kaba na nararamdaman ko kanina.

Dahil hindi pa ako dinadalaw ng antok ay napagpasyahan kona pumunta muna kay Han upang makipagchikahan muna sana para na din dapuan ako ng antok.

Agad akong nagtungo sa kanlurang bahagi ng aking palasyo kung saan tumutuloy si Hanat buti na lamang at gising pa ito at nagbabasa lamang kaya naman may makakausap pako dito.

Nagkwentuhan kaming dalawa tungkol sa mga Pinfei na minsan nang nabigyan ng pabor ng Kamahalan dahil kung hindi niyo alam.

Ang mga Pinfei na nabibigyan ng pabor ay mas makapangyarihan sa palasyo minsan kaysa sa Huangho dahil ang Huangho ay kailangan na laging maging isang modelo ng lahat ng kababaihan sa mundo.

Isang babae na mahinhin, edukada at elegante na laging sumusunod sa mga alituntunin ng palasyo hindi kagaya ng isang Pinfei na may pabor na pwedeng gawin ang lahat ng kanyang naisin.

Kaya naman hindi kataka-taka kung lahat ng mga Pinfei ay nais ang pabor ng Kamahalan.

Napadako din ang aming usapan sa mga Pinfei na nabiyayaan na magkaroon ng anak dito sa Kaharian at sa ngayon ay apat pa lamang sila.

Ang Una at Ikalawang Prinsipe ng Kamahalan ay galing kina Qi Fei at sa Huangho ngunit sa dalawang prinsiper ay ang Ikalawang Prinsipe ang mas mataas lalo pa’t anak siya ng DeFujin o legal na asawa ng Emperor.

Ang Una at Ikalawang Prinsesa naman ay anak nina Dong Pin at Ming Pin at kung nagtataka kayo kung bakit mga Pin lang ang dalawa kahit sila ay may mga anak na ito ay dahil mas nauna sina Shu Fei at Ri Fei sa kanila kaya natural lamang na mataas ang kanilang posisyon at apat lamang ang maaring maging Fei maliban na lamang kung mawawala ang isa o mapapataas ang pwesto ay saka lamang ito mapapalitan.

Makalipas ang mahigit dalawang oras ng pagchichikahan namin ay nagpaalam nako kay Han dahil nakakaramdam na ako ng antok kaya naman ako ay matutulog na.

Lumabas na ako sa tinutuluyan ni Han at nagtungo sa aking Palasyo at ako ay maliligo na pero hindi kagaya kagabi na sobrang lamig ng tubig na ipinahanda ko ngayon ay mainit na tubig naman dahil baka hindi ko na kayanin kapag sobrang lamig nanaman.

Agad na akong nagtungo sa silid paliguan upang mapabilis na ang aking pagkilos lalo pa at dama kona ang antok na kanina lamang ay hinahanap hanap ko.

Pinabayaan kona lamang yung tatlo sa kanilang mga gawain lalo pa’t wala na talaga ako sa mood na maggagagalaw pa at dahil nakababad na din ako sa paliguan.

Ilang minuto lamang ang aking itinagal doon at umahon nako at nagpatuyo ng sarili habang si Rin at Rai naman ay tinutulungan ako magsuot ng pantulog na kasuotan at si Luyun ang nagsusuklay sa akin.

Nang matapos na sila ay sinabihan ko sila na iwan na ako at ako na ang mag-aayos ng aking sarili sa pagtulog.

Ngayon ay mag-isa na lamang ako sa aking silid at nakahiga na ako sa aking Kama ay pumikit na ako at inisip ang mukha ng Kamahalan.

Oo, inaamin ko na sobrang attracted talaga ako sa Kamahalan at sa tingin ko nga ay crush kona siya hahahahaha.

Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa isang lalaki na ubod ng gwapo at kisig ang problema ko lamang ay ang aking sikreto na baka maging hadlang sa love story namin.

Kahit gustong gusto ko na din maranasan ang pagsilbihan ang Kamahalan na siyang magiging unang beses ko pa lamang sana ay hindi ko magawa lalo pa’t baka ito ang maging cause of death ko dito sa panahon na to.

Dahil sa sandaling malaman ang sikreto ko siguradong mapapatay ako dito kaya lahat ay gagawin ko upang ingatan ang aking sikreto hanggang sa makahanap ako ng paraan upang makabalik sa aking panahon.

Ngunit kaya ko pa nga ba umalis dito?

Hays ayoko na nga muna isipin ang mga iyan dahil nasstress lang ako at baka magkawrinkles pako nito.

Makatulog na nga lang.

Ipinikit ko na ang aking mga mata at nagpatangay na sa aking antok.


As promised again guys!!! Another update for y’all and pagpasensiyahan niyo na if maikli lang siya ngayon coz babawi ako sa mga susunod na chapter kasi who knows baka magsilbi na ang ating bida sa Kamahalan hihi.

Btw true po iyon na apat lang talaga ang mga Fei at di pwedeng mapalitan ang isa if walang vacant na pwesto kaya ganern tiyaga tiyaga muna sa Pin hahaha.

Stay safe and always wear your masks everyone and if wala naman masyadong gagawing necessary sa outside world wag na lumabas para makahelp sa prevention ng pagkalat ng COVID.

Love y’all

29 | Hindi Maiiwasan

•Yiren

Kinabukasan ay medyo maayos na ang aking pakiramdam kaya naman napagpasyahan ko na tumungo na din sa Yikungong upang bumati na ulit sa Huangho.

Inutusan ko si Rai na abisuhan si Han na sasabay ako sa kanya sa pagtungo sa Yikungong na agad naman niyang sinunod kaya ngayon ay nandito na ako sa harap ng aking salamin at namimili ng bagong palamuti sa mga na regalong natanggap ko kay Jang Fei.

Habang inilalagay ang aking mga napiling palamuti ay pumasok si Rai kasama si Han sa aking silid at hinintay na niya akong matapos kaya naman minadali kona ang pag-aayos upang hindi siya maghintay ng matagal at para hindi kami mahuli sa pagbati.

Ilang minuto lamang ang lumipas at ngayon ay palabas na kami sa aking palasyo at patungo na sa palasyo ng Huangho.

Nang marating namin ang Yikungong ay naroon na ang lahat at tila kaming dalawa nalang ni Han ang kulang kaya naman pumasok kami kaagad.

Pagkapasok namin ay saktong lumabas din ang tagapagsilbi ng Huangho at sinabihan kami na pumasok na sa bulwagan dahil naroon na ang Huangho.

Agad kaming pumasok sa loob at saka kami sabay-sabay na bumati.

“Pagbati, Huangho niangniang”wika namin.

“Mianli, magsiupo kayo”wika ng Huangho.

“Masusunod, niangniang”muli naming wika.

Agad kaming nagsipagtayo at umupo na kinalaunan at sinimulan na namin ang araw araw na pagtalakay sa mga kaganapan sa Kaharian.

“Yi Pin, mabuti at narito ka nang muli, kamusta ang iyong kalagayan?“tanong ng Huangho.

“Unti-unti nang nawawala ang aking karamdaman niangniang at ramdam ko din na maayos na ang aking lagay kaya naman nagpasya ako na bumati na muli sa inyo”sagot ko.

“Mabuti naman kung ganoon, patuloy kang magpalakas”wika nito sabay bitiw ng isang ngiti.

Sinuklian ko siya ng tangi at ngiti na din.

“Sa susunod na Linggo ay muling babalik sa Kaharian si Zhe Pin kaya naman tayo ay magkakaroon ng piging”wika ng Huangho.

At nagpatuloy ang aming diskusyon tungkol sa iba pang mga bagay at lumipas ang ilang oras. Ngayon ay kalalabas lang namin sa Palasyo ng Huangho.

Ngayon ay naglalakad na kami pabalik sa aking palasyo ni Han nang bigla kong maalala na baka narito sa Kaharian si Ama dahil nandito sa loob ng Kaharian ang kanilang kagawaran.

Kaya naman napagpasyahan ko na bisitahin siya roon dahil matagal tagal ko na din siyang hindi nakikita at nakakausap.

Sinabihan ko si Han na mauna na sa palasyo dahil may pupuntahan lang ako saglit. Hindi naman siya umangal pa kaya tumungo na kami sa Kagawaran ng Pagsasaliklik at salamat sa tagal ni Luyun dito sa kaharian ay mabilis kaming nakarating doon.

Nadatnan ko ang ilang mga Eunuch na nagwawalis sa lapag ng mga niyebe at nang makita ako ng mga tagapagbantay ng tarangkahan ay hinarang nila ako kaya napataas ako ng kilay.

“Sino ka? At ano ang iyong pakay rito sa Kagawaran ng Pagsasaliksik?“wika ng tagapagbantay.

“Tampalasan! Sino ka para kwestyunin si Yi Pin niangniang”wika ni Luyun

Agad na napalaki ang mga mata ng mga tagapagbantay at agad silang lumuhod.

“Paumanhin sa aking kawalang galang Yi Pin niangniang”wika nito.

“Nasaan si Punong Ministro Zhao?“tanong ko.

“Ang Punong Ministro ay nasa loob niangniang kasama ang ibang mga ministro”sagot nito.

“Hmm nais ko siyang bisitahin”wika ko.

“Masusunod, niangniang”agad nitong sagot at inalalayan nila ako papasok sa Kagawaran.

Nang makapasok ako sa loob ay nag-anunsyo ang tagapagbantay.

“Pagdating ni Yi Pin niangniang”sigaw nito.

Agad na nagsipagtayo ang mga ministro na kanina ay nakaupo at si Ama ang nasa gitna nila na siyang naiiba ang uniporme. Nginitian ko si Ama.

“Pagbati, Yi Pin niangniang”sabay-sabay na wika nila.

“Mianli”sagot ko.

Agad silang nagsipagtayo at saka ko nilapitan si Ama.

“Ama, kamusta kayo ni Ina?“tanong ko.

“Maayos naman kami niangniang, ikaw ang aking dapat na tanungin kung maayos kaba rito ds Kaharian?“tanong ni Ama.

“Ama, huwag kayong mag-alala sa akin dahil ayos lamang ako at wala naman akong problema”sagot ko.

“Natutuwa akong malaman iyan niangniang”sagot ni Ama at sasagot na sana ako nang biglang may nagsalita ng malakas.

“Punong Ministro nahanap kona ang inyong pinapahanap!“malakas na sambit ng kung sino at pagkaharap ko ay agad kong pinagsisihan ito.

Nakita ko ang taong ninais konang kalimutan.

Si Zichu.

Dahil nakaharap na ako ay hindi ko na magawang tumalikod pa dahil wala na ding saysay at para saan pa e nakita naman na namin ang isa’t-isa.

Ngayon ay natahimik ito at tinitigan lamang ako.

“Mabuti naman at nakuha mona Zichu”wika ni Ama at saka lamang ito natauhan.

Agad siyang lumuhod at bumati sa akin.

“Pagbati, Yi Pin niangniang”wika nito.

“Hmm”simpleng sagot ko.

Agad itong tumayo kaya naman hindi kona ninais na magtagal rito dahil nakita ko naman na si Ama.

“Ama, ako ay babalik na sa aking Palasyo, bibisita akong muli kapag ako ay may oras palagi kayong mag-iingat ni Ina”wika ko kay Ama at nagpaalam na ako.

“Paalam, Niangniang”wika nilang lahat.

Hindi nako lumingon pa muli sa kanila dahil nais ko na dire-diretso na akong lumabas ng Kagawaran.

Nawala sa isip ko na isa din siyang ministro rito kaya ngayon ay muli ko na naman siyang nakita at napansin ko na ganoon pa din naman ang itsura niya pero pansin sa mata niya na…

Hays bakit ko ba siya pinagtutuunan ng pansin.

Agad akong nagmadali na makaalis sa lugar na ito at makabalik na sa aking Palasyo dahil napakalamig rito sa labas dahil sa pagpatak ng niyebe.

Ayoko namang magkasakit nanaman no kota nako kaloka hahahahaa.

Ilang minuto lamang ang lumipas at narating na namin ang aking palasyo.

Ngayon ay pumasok na ako sa aking palasyo at hinubad kona ang aking balabal at nagtungo sa aking silid kung saan ko ginagawa ang paghahabi, pagbabasa at iba pa or in short silid kung saan ko inaalis ang aking boredom.

Nung isang araw kasi ay napanood ko si Luyun na naghahabi ng isang panyo at syempre gusto ko din matutunan iyon kaya naman papaturo ako ngayon kay Luyun na maghabi ng isang panyo.

Agad nilang inihanda ang tela na aking gagamitin pati na rin ang mga kagamitan panghabi at ilang mga makakain namin dahil kasama ko si Rin at Rai na maghahabi ngayon.

Sinimulan na ni Luyun na turuan ako na maghabi at lumipas na nga ang oras at ngayon ay hapon na at mas tama sigurong sabihin na maggagabi na dahil kita kona ang paglubog ng araw at paglitaw ng buwan.

Nandito na ako ngayon sa hardin ng aking palasyo habang tinitignan ang aking mga bulaklak na narito na talaga noong lumipat ako rito.

Maya-maya ay may dumating na eunuch at ako ay inabisuhan.

“Pagbati, Yi Pin niangniang”wika nito.

“Hmm, ano at naparito ka?“wika ko.

“Niangniang, kayo ang napili ng Kamahalan ngayong gabi kaya maghanda na po kayo sa pagsisilbi”wika nito.

Agad akong napaisip dahil kakasabi ko lang na may sakit ako at hindi ko na iyon pwedeng gawing dahilan pa kaya siguradong wala na akong takas ngayon sa pagsisilbi sa Kamahalan.

Hay nako mukhang eto na ata talaga ang katapusan ko dito sa panahong ito.

“Ah, narinig ko”sagot ko sa Eunuch at umalis na ito.

Agad akong napapasok sa aking palasyo at napaupo dahil naloloka talaga ako ngayon.

Ngayon na mangyayari ang aking kinatatakutan at talaga namang kung kailan ko pa hindi inaasahan ay saka ito mangyayari.

Hindi ko nga siguro maiiwasan ang pagsisilbi sa kamahalan at mukhang ngayon na mabubuko ang aking sikreto.

Hays!!! Wish me luck.


Hi guys!!! HAPPY 2K READS!!!

Huhu diko talaga inexpect na maachieve ko to huhu kaya super salamat po sa inyo na sumusupport and naniniwala sa akin.

Like what I’ve announced earlier e may pa-give away tayo!!!

Yehey!!!

Just answer my question and if tama ang inyong guess I will message u and give ur prize.

Question:

Sino sa tingin niyo ang unang makakaalam ng sikreto ni Yiren at sino ang magpuprotekta sa kanya sa kaharian?

Comment ur answers guys hihi

Love y’all and thank u so much for ur support

30 | Unang Gabi

•Yiren

Agad kong ipinahanda ang silid paliguan hindi dahil sa excited akong maligo at magsilbi kung hindi dahil kailangan ko itong gawin dahil wala nang atrasan etong gagawin kong pagsisilbi ngayon.

Nagsipagkilos na agad sila dahil ito ang unang beses ko na magsisilbi sa Kamahalan kaya dapat lamang na walang maging palpak dahil alam kong pagkatapos nitong gabing ito ay ako ang magiging sentro ng mga usapan at katapusan ko na din siguro pagkatapos nitong gabi na ito.

Nang matapos na silang maghanda sa silid paliguan ay nagtungo na ako doon at agad na sinimulan ang pagbababad sa aking sarili sa tubig na may purong gatas at mga bulaklak.

Ilang minuto din ang aking itinagal sa paliguan hanggang sa ako ay nagpasya nang umahon at mag-ayos na ng sarili dahil hindi ko naman pwedeng salubungin ang kamahalan na nakatali pa din.

Kaya naman inalis kona ang aking mga palamuti sa buhok at naglugay nalang at nagsuklay mag-isa dahil inihahanda ni Rin at Rai ang purong gatas na pagbababaran ko ng paa at kamay ko.

Si Luyun lang ang tumutulong sa akin at habang nagsusuklay ay naisip kong maglagay nalang ng hairpin na babagay sa kulay ng aking kasuotan ngayon na kulay Rosas din.

Inilagay ko sa aking buhok ang hairpin at bumagay naman ito. Kaya ko ito nilagay ay para kahit makita ako ng mga tagapagsilbi ay maayos at kaaya-aya pa din akong pagmasdan.

Tuluyan nang sumapit ang gabi at ngayon ay kasalukuyang nakababad ang aking paa sa gatas na may rosas habang ang aking kamay naman ay nakababad din para sabay na.

Ilang minuto ko din itong binabad at nang magsawa na ako at matiyak ko na malambot na lalo ang aking palad ay ipinaligpit kona ito sa kanila.

Tumawag ako ng ilang tagapagsilbi at inutusan din sila na maghanda na ng hapunan dahil tiyak na dito rin kakain ang Kamahalan kaya dapat ay handa ang aking palasyo.

Habang naghihintay ako ay nagbasaa muna ako ng libro dahil mukhang mamaya pa naman darating ang Kamahalan.

Maya-maya lamang ay nagulat ako dahil nag-anunsyo na sa labas ng aking palasyo.

“Pagdating ng Kamahalan”sigaw sa labas kaya agad akong napasuot ng sapatos at lumabas upang salubungin ang Kamahalan.

Pagkalabas ko sa pintuan ng aking palasyo ay kakapasok pa lamang ng Kamahalan sa tarangkahan ng aking Palasyo.

“Pagbati, Kamahalan”wika ko na sinundan ng aking mga tagapagsilbi.

Naramdaman kong lumapit sa akin ang Kamahalan at nakita ko na inilahad niya ang kanyang kamay sa aking harapan kaya hinawakan ko iyon at ako ay tumayo na.

“Ito ang Unang Gabi mo na kasama ako kaya halika na at pumasok na tayo”wika ng Kamahalan at hinatak niya na ako papasok.

Hindi niya binitawan ang aking kamay kaya naman naramdaman kong namula ako dahil sa hiya at kilig na nararamdaman ko ngayon.

Nang makapasok na kami sa loob ay iginiya ko ang Kamahalan sa lamesa upang kumain muna dahil alam ko na napagod siya sa pag-aasikaso sa buong bansa na sakop niya.

“Kamahalan, alam kong kayo ay napagod ngayong araw kaya inyong subukan ang inihanda kong tsaa at sabaw na nakakapagpabalik ng enerhiya.“wika ko ang nilagyan siya ng tsaa at sabaw.

“Hmm, malasa ang sabaw at sakto lamang lasa ng tsaa”sagot ng Kamahalan.

Napangiti naman ako at hindi na nagsalita pa dahil isang alituntunin ng Kamahalan ay ang pagiging tahimik sa pagkain liban na lamang kung siya ang magsisimula ng usapan.

Nang matapos kaming kumain ay tumayo na ang Kamahalan kaya naman inalalayan ko siya papunta sa aking silid dahil tutulungan ko pa siyang magpalit ng kanyang kasuotan.

At dahil dito ay makikita ko na din kung may abs ba ang Kamahalan hihi.

Nararamdaman ko na din ang katapusan ko ngayon dahil nalalapit na din ako magalis ng aking kasuotan dahil kapag nahiga na kami ay kailangan na panloob na kasuotan na lamang ang aking suot.

Naupo muna saglit ang Kamahalan dahil wala namang nagmamadali sa amin no dahil mahal ko pa ang buhay ko pero dahil nga tuloy na tuloy na ang pagsisilbi ko ay alam kong malapit na din ako matapos.

Ilang minuto lamang ang lumipas nang tumayo na ang Kamahalan at tinawag na ang kanyang tagapagsilbi.

“Schel, ipasok na ang aking kasuotang pantulog”wika ng Kamahalan.

“Masusunod, Kamahalan”wika ni Schel na siyang may hawak ng  pinakamataas posisyon bilang Eunuch na nagsisilbi sa Kamahalan.

Ipinasok na ni Schel ang kasuotan at umalis din agad dahil alam niyang ako na ang mag-aasikaso sa Kamahalan.

Agad akong lumapit sa Kamahalan at sinimulan ko nang tanggalin ang mga butones ng kanyang kasuotan at tagumpay naman ako sa pagtatanggal ng panlabas na kasuotan at ngayon ay tinatanggal  ko naman ang butones ng ikalawang panloob.

Nang matapos ko din ito nakita kona ang santol este ang kahubdan ng Kamahalan na ang tanging suot lamang ay ang kanyang panloob kaya naman agad kong kinuha ang kanyang kasuotan at tinulungan ko siyang suotin ito.

Nang matapos nang magbihis ang Kamahalan ay umupo ito sa kama at tinitigan ako.

Dito nako nagsimulang kabahan dahil alam kong panahon na para ako naman ang maghubad ng aking mga kasuotan.

“Ano pa ang iyong hinihintay? Ako pa ang magtanggal ng iyong kasuotan?“tanong ng Kamahalan kaya naman napakilos agad ako.

Agad kong tinanggal ang mga butones ng aking kasuotan at nang matapos ay hinubad kona ang panlabas na kasuotan at sinunod naman ang ikalawang panloob ko.

Ngayon ay ang nakasuot na ako ng aking pantulog at saka ako tumabi sa Kamahalan.

“Magsimula kana”wika ng Kamahalan.

Kinakabahan na ako ngayon ng malala dahil saglit na lamang at matatapos na ata talaga ako dito sa panahon na ito.

“Kamahalan…“wika ko na agad naputol dahil sa winika ng Kamahalan na siyang nagpabigla sa akin ng labis.

“Kung nababahala ka sa iyong sikreto ay huwag kang mag-alala dahil simula pa lamang ay alam ko na iyon”wika ng Kamahalan.

Agad naman akong napatitig sa kanya na laman ng aking mukha ang pagtataka at pagkagulat.

“Alam kong namayapa na ang iyong Kapatid na babae kung kaya’t ikaw na may wangis ng isang babae ang pumasok sa kaharian bilang kapalit niya at dahil sa aking kuryosidad ay hinayaan kitang makapasok sa Kaharian”wika ng Kamahalan.

“K-kung g-gayon ay ayos lamang sa inyo Kamahalan?“nauutal na tanong ko.

“Papayagan ba kitang pagsilbihan ako kung hindi ako sang-ayon sa iyong pagpasok sa aking Kaharian?“sagot niya.

“Kung gayon, Kamahalan paano kung malaman ng ibang mga Pinfei ang aking sikreto? Tiyak na ako ay mababawian ng buhay sa oras na lumabas ang aking sikreto.“wika ko.

“Huwag kang mag-alala sa kanila dahil hanggat nais pa kita ay nasa ilalim ka ng aking proteksyon”wika ng Kamahalan at parang natanggalan ako ng tinim sa dibdib dahil sa aking narinig.

Agad akong bumaba mula sa kama at agad na nagkowtow bilang tanda ng pasasalamat sa Kamahalan.

“Walang hanggang pasasalamat sa inyong proteksyon at pagkalinga Kamahalan”wika ko at nagkowtow ako.

Hinawakan naman ng Kamahalan ang aking balikat at ako ay kanyang itinayo.

“Lahat sa iyo ay wangis ng isang babae kaya naman hindi mo ako kailangan na pasalamatan ng lubos. Halika na at simulan mo nang iparanas sa akin ang isang bagay na bago para sa akin.“wika ng kamahalan at iginiya niya ako sa higaan.

“Ngunit, Kamahalan wala pa akong alam sa mga ganiyang mga bagay…“nahihiya kong sagot.

Totoo naman no NBSB kaya ako kaya ano naman ang alam ko tungkol sa pagtatalik kaloka paano ba ako makakapagsilbi neto.

“Kung gayon ay paano mo ako pagsisilbihan niyan?“tanong ng Kamahalan.

“Ako ay wala pang karanasan, Kamahalan ngunit handa akong matuto para sa inyo”sagot ko at ngumiti ako.

“Dapat pala ay ako ang magturo sa i-hmmp!“sambit ng Kamahalan na agad kong pinutol gamit ang aking mga labi.

Oo, hinalikan ko ang Kamahalan!

Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para magkaroon ng lakas ng loob at gawin ito pero nandito na ako kaya wala nang atrasan ito.

Naramdaman kong gumalaw ang labi ng Kamahalan kaya ako naman ang nagulat dahil hindi pa yata ako ready para sa ganitong mga roles charothahahaha.

Ang alam ko lang ay ngayon na magsisimula ang aking pagiging ganap na Pin ng Kamahalan.

      

             I T U T U L O Y


Hi guys!!! Sorry bitinin muna natin hihi.

Stay tuned sa mga susunod na mangyayari hihi.

New Story Cover made by shadowwchaserr thank uuuuu!!!

Follow him and Read his stories guys!!

Stay safe and healthy guys!!

Love y’all

31 | Pagiging Isa

Ang Kabanatang ito ang mayroong mga eksena na hindi angkop sa mga mambabasa  na labingpitong taong gulang pababa kaya read with caution!!!

SPG

•Yiren

Hindi agad ako nakagalaw dahil sa biglang paggalaw ng mga labi ng Kamahalan na siyang nagpabigla sa akin pero sa isip ko ay It’s now or never.

Kaya naman kahit ito ang unang beses ko na mahalikan at hindi pa ako marunong ay sinundan ko ang galaw at ritmo ng labi niya at doon nga ay tuluyan na kaming nagpatangay sa agos.

Napahiga ang Kamahalan at dahil magkadikit pa din ang aming mga labi ay napasama ako at ngayon ay nakadagan ako sa kanya at may saplot pa kami pareho kaya naman dahan dahan kong inialis ang butones ng Kamahalan.

Naging natagumpay ako at tumulong na rin ang Kamahalan sa pagaalis ng kanyang kasuotan kaya mas napadali ang ginagawa ko.

Tuluyan ko nang nakita ang kahubdan ng Kamahalan.

Ang kanyang katawan ay tila nililok dahil sa sobrang kisig niya at ang pinakanagustuhan kong parte ng kanyang katawan ay ang kanyang matipunong mga dibdib na tila ba nag-iinbita sa akin upang tikman ito.

Agad akong yumuko at lumapit sa dibdib ng Kamahalan at nang narating kona ang korona ay saka ko nilabas ang aking dila at sinimulang padaan ito.

“A-argh, argh ano ang iyong ginagawa?” wika ng Kamahalan pero bakas sa mukha niya na siya ay nakakaranas din ng kakaibang sensasyon.

“Namnamin mo na lamang ang lahat ng aking gagawin ngayong gabi, Kamahalan” sagot ko at nagpatuloy na akong muli sa pagdila sa kanyang utong.

Kung nagtataka kayo kung bakit alam ko ito kahit na birhen pa ang lola niyo ay dahil ito sa mga butihing kaibigan ko na nagturo sa akin na manood ng porn tuwing nagssleep over kami.

Naalala ko na hindi lang pagdila ang ginawa nung sa napanood ko dati kaya naman ibinuka ko ang aking mga labi at sinakop ang parte na kanina lamang ay dinidilaan ko.

“Argh! Argh!” napalakas na wika ng Kamahalan.

Ipinagpatuloy ko lang ang aking mga ginagawa hanggang sa biglang bumaliktad ang aking pwesto at ngayon ay ang Kamahalan naman ang nasa ibabaw ko.

“ Ako naman ang magtatrabaho “wika nito at nag-iba na ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Ako ay nakasuot pa din ng pantulog kaya naman dahan dahan din akong tinanggalan ng Kamahalan ng kasuotan at tumulong na din ako para mas mapabilis ang pagtatanggal.

Nang tuluyan nang maalis ang aking kasuotan ay kitang-kita na ng Kamahalan ang aking buong katawan at dahil sa hiya ay tinakpan ko ang aking ari.

Natawa ang Kamahalan dahil sa aking ginawa.

“ Oh, nasaan na ang mabangis na leon kanina?“ tanong ng Kamahalan.

Namula naman ako dahil doon dahil inaamin ko na palong-palo din naman akohahahaha.

Sasagot pa lamang sana ako nang sunggaban ng Kamahalan ang aking leeg at doon ay nagsimula siyang halik-halikan ako kaya naman nakiliti ako at dahil doon ay napakapit na lamang ako sa likod ng Kamahalan.

Tuloy-tuloy lamang siya sa paghalik sa aking leeg hanggang sa bumaba siya at sinimulan naman ang paghalik sa aking dibdib.

Pagkadampi pa lamang ng kanyang dila sa aking utong ay agad na akong kinilabutan at dama ko ang aking mga balahibo na nagsipagtayuan dahil sa kakaibang sensasyon na aking nadarama ngayon.

Nang tuluyan nang balutin ng kanyang labi ang aking utong ay napaliyad na lamang ako dahil sa kakaibang kiliti at sarap na nararanasan ko ngayon.

Tuluyan nang sinipsip ng Kamahalan ang aking kanang dibdib habang ang aking kaliwang utong naman ay patuloy niyang nilalaro gamit ang kanyang mga daliri.

Maya-maya ay bumaba siya sa aking tiyan at nung una ay tinitigan niya ito hanggang sa bigla niyang dilaan ang aking puson na siyang nagbigay din sa akin ng kakaibang sensasyon.

Sobrang kiliti ang nararamdaman ko kaya inangat ko ang ulo ng Kamahalan at tinitigan ko siya sa mata.

Bumaliktad ako ng pwesto at nagbalik ulit kaming dalawa sa aming mga pwesto kanina at ngayon ay nakahain na muli sa aking ang katawan ng Kamahalan na siyang kahuhumalingan ng kahit sino.

Tinitigan ko itong muli at napadako ako sa kanyang mga braso na parang kaya akong buhatin kahit anong oras man at nacurious ako kung mabuhok ba ito o hindi kaya naman kumandong ako sa Kamahalan at dahan dahan ko itong itinaas.

Bumungad sa akin ang mabuhok ngunit kaaya-ayang kili kili ng Kamahalan at hindi ko napigilan ang sarili ko na amuyin ito at hindi ako nagsisi dahil talagang wala itong amoy at lalaking-lalaki ang amoy na malalanghap mo mula rito.

Matapos doon ay bumaba na ako sa pinakamasarap na putahe na nakahanda ngayon sa aking harapan.

Matapos doon ay bumaba na ako sa pinakamasarap na putahe na nakahanda ngayon sa aking harapan.

At iyon ay ang pag-aari ng Kamahalan ngayon ay nakatayo sa aking harapan. Ito ay hindi nalalayo sa kulay ng balat ng Kamahalan at hindi rin ito masyadong napapaligiran ng buhok kaya naman dahan dahan ko itong hinawakan.

Nang tuluyan ko ito mailagay sa aking palad ay naramdaman ko ang init na nagmumula rito at saka ko ito dahan dahang itinaas baba gaya ng mga napanood ko noon.

Tinitigan ko ang Kamahalan sa kanyang mata at lumaban din ito sa titigan at tila hinihintay ang aking susunod na gagawin kaya naman hindi ko siya binigo at ibinuka ko ang aking bibig at saka ipinasok rito ang ulo ng kanyang sandata.

Napapikit ang Kamahalan at tila hindi niya inaasahan ang ginawa ko dahil sa tingin ko ay hindi pa uso ang mga ganitong gawain sa pagtatalik noon.

Dahan dahan ko itong isinubo at dinilaan ko ang paligid nito dahil hindi ko kayang isubo ito agad agad ng buo lalo pa’t malaki din ang pag-aari ng Kamahalan.

Sinubukan kong laliman pa ang aking ginagawa kaya naman napaungol ang Kamahalan at naramdaman kong hinawakan niya ang aking ulo.

“ Argh, huwag kang titigil “wika ng Kamahalan.

Kaya mas lalo long pinag-igihan ang aking ginagawa hanggang sa maya-maya ay tinigil ko ang aking ginagawa at tumayo.

Napatitig sa akin ang Kamahalan at nabigla din ito dahil sa aking pagtigil kaya naman nagsalita ako.

“ Kamahalan, ngayon na may ipinaranas akong bago sa inyo ay iparanas niyo din sa akin ang inyong nalalaman“ wika ko at tinitigan ko ito sabay dila ng aking labi.

“ Kung iyan ang iyong nais “sagot ng Kamahalan at ako ay kanyang inihiga at gaya kanina ay nagsimula nanaman siyang halikan ang aking leeg kaya napakapit muli ako sa kanyang likod.

Binalikan niya rin ang aking dibdib kaya hindi ko maiwasan na mapahalinghing at ungol dahil sobrang sarap at swabe ng dila ng Kamahalan.

“ Ugh!!! Ugh Ugh Ugh“ sunod-sunod kong halinghing dahil sa sarap na aking nadarama.

Maya-maya ay nararamdaman ko na unti-unting binubuka ng Kamahalan ang aking hita at doon ay bumungad sa kanya ang aking pag-aari pero hindi siya doon nakatitig kung hindi sa aking likuran.

Kung saan naroroon ang aking butas at nagulat ako nang maramdaman ko ang isang bagay na madulas na kumikiliti roon kaya naman hindi ko napigilan ang aking sarili at muli akong napaungol.

“ Ugh!!!, Kamahal-ugh!!“ napaigtad na lang ako dahil sa sensasyon at sarap na ipinararanas sa akin ng Kamahalan ngayon.

Maya-maya ay tumigil ang Kamahalan at pinabangon ako.

“ Gawin mo muli sa aking ari ang ginawa mo kanina“ utos ng Kamahalan kaya agad akong tumuwad at nilagay kong muli sa aking bibig ang kanyang pag-aari at doon ko ito pinaglaruan.

Dinilaan ko din ang katawan nito kaya napahawak muli sa aking buhok ang Kamahalan at pinatigil niya din ako nang mapansin na andami nang laway ko ang naroon sa kanyang ari.

Inihiga niya akong muli at dahan dahang ibinuka ang aking hita at itinapat niya ang kanyang ari sa aking lagusan.

Maya-maya lamang ay naramdaman ko ang isang matigas na bagay na bumubundol sa aking lagusan kaya naman alam kong eto na talaga to!!

“ Ikalma mo ang iyong sarili “wika ng Kamahalan kaya naman napapikit ako at nag-isip ng kung ano ano para kumalma at nagtagumpay naman ako.

Dahan dahang pumasok ang Kamahalan at nakaramdam ako ng kakaibang hapdi kaya napakapit ako sa kanyang leeg at napamulat ng mata.

“K-kamahalan, masakit ugh!” wika ko na naputol dahil naramdaman kong nakapasok na ang ulo sa aking lagusan kaya napapikit akong muli dahil kailangan kong indahin ito.

“ Dadahan-dahanin ko dahil ito ay ang iyong unang beses “wika ng Kamahalan.

Pagkawika niya noon ay umisang ulos siya at…

“Ugh!!!!”

“Argh!!!”

Sabay na wika namin dahil nabigla ako at napatindi ang kapit ko at bumaon na ang aking kuko sa likod ng Kamahalan.

Ilang saglit din tumigil ang Kamahalan hanggang sa maya-maya ay nagsimula na siyang umulos kaya naman nararamdaman na ang kanyang ari sa aking loob.

Tuloy-tuloy ito sa pagbayo kaya naman wala akong magawa kundi umungol nalang dahil kung kanina ay masakit ito sa pagpasok ngayon naman ay ibayong kiliti ang dala nito sa akin.

Nagpatuloy lamang sa pagbayo ang Kamahalan hanggang sa maya-maya ay may natamaan siya sa loob ko na nagpaungol sa akin ng matindi.

“ Ugh! Kamahalan! Ugh! Ugh !“sunod sunod na ungol ko dahil sobrang sarap tuwing tinatamaan ang bagay na iyon sa loob ko.

Bumabayo pa din ang Kamahalan at tuloy siya sa pagtama sa aking loob kaya naman tuloy-tuloy din ang sarap na aking nadarama.

Makalipas ang ilang minuto ay bumaliktad kami at ako naman ngayon ang nasa taas at inupuan ko ang Kamahalan kaya siya naman ngayon ang napapaungol.

Maya-maya ay naramdaman ko na parang may lalabas sa akin kaya naman napatigil ako sa pagtaas baba pero bumabayo pa din ang Kamahalan sa baba kaya hindi nagtagal at narating ko na din ang aking pagsabog.

“ Ughhhhhhhh! Ughhhhh!“ sigaw ko dahil sa sobrang sarap na aking nadarama na ngayon ko lamang naranasan.

“ Malapit na rin ako, argh!“ wika ng Kamahalan kaya naman inilapit ko ang aking mukha sa kanya at hinalikan kong muli ang kanyang labi habang siya ay patuloy na bumabayo.

Hindi nagtagal ay umungol nang umungol ang Kamahalan.

“ Eto na!!! Argh ayan na! Eto na“ malakas na wika ng Kamahalan.

Naramdaman ko na lamang na may mainit na likido na pumuno sa aking loob at matapos itong pumutok ay napahiga na lamang sa ibabaw ko ang Kamahalan.

Napapikit na lamang ako dahil sa pagod at hindi kona alam ang mga susunod na nangyari….


Hi guys!!! How’s the scene? Hihi 1st time ko gumawa ng ganyang scene sana pagpasensyahan niyo na ha.

Feel free to comment about the chapter!!

Stay safe everyone!!

Love ko kayo❤

32 | Pabor ng Kamahalan

•Yiren

Nagising na lamang ako na nakatayo na sa aking harapan ang Kamahalan at tinutulungan na magbihis nina Rin at Rai.

“Kamahalan, bakit hindi niyo ako ginising?“inaantok pa na tanong ko.

“Alam kong napagod ka kagabi kaya ayaw kong maistorbo ang iyong pagtulog”wika ng Kamahalan.

Agad ko namang naramdaman ang pag-iinit ng aking pisngi dahil bumalik sa aking isip ang mga naganap kagabi sa pagitan naming dalawa ng Kamahalan.

“Ako ay pupunta na sa sesyon ng korte kaya naman magpahinga ka na muna riyan, kapag may oras ako ay dadalawin kita.“wika ng Kamahalan at siya ay umalis na kasunod si Schel.

Ngumiti lamang ako sa kanya at tinanaw siya habang paalis sa aking silid.

Nang tuluyan nang mawala ang Kamahalan sa aking paningin ay agad na lumapit sa akin ang dalawa na akala mo ay nanalo sa lotto dahil sa ngiti sa kanilang mga mukha at bakas sa kanilang mata ang labis na kasiyahan.

“Oh bakit ganyan ang mga ngiti nyo?“tanong ko sa kanila.

“Masaya lamang kami niangniang”wika ni Rin.

“Bakit naman?“tanong ko.

“Dahil sa wakas ay binisita ka na din ng Kamahalan at nakapagsilbi kana niangniang”sagot ni Rai.

“Natural lang naman iyon hindi ba?“nagtatakang tanong ko.

“Niangniang, naikwento ni Luyun sa amin na sa oras na magustuhan ka ng kamahalan ay walang hanggang pabor ang mapapasayo kaya naman natutuwa kami dahil lalong gaganda ang katayuan mo at ng Changchungong dito sa kaharian”wika ni Rin.

“Kayo talagang dalawa! Ayos lamang na maging masaya ngunit huwag ninyo masyado ipahalata upang hindi tayo pag-usapan ng iba”wika ko sa kanila.

“Masusunod, niangniang”wika nilang dalawa.

“Ihanda niyo na ang aking panghilamos at agahan”utos ko at saka sila umalis.

Bumangon na ako sa aking higaan at umupo sa harap ng aking lamesa na naglalaman ng aking salamin at mga palamuti.

Humarap ako sa salamin at inalala ko ang mga nangyari kagabi.

“Ugh! Kamahalan! Ugh! Ugh!“sunod sunod na ungol ko dahil sobrang sarap tuwing tinatamaan ang bagay na iyon sa loob ko.

Bumabayo pa din ang Kamahalan at tuloy siya sa pagtama sa aking loob kaya naman tuloy-tuloy din ang sarap na aking nadarama.

Makalipas ang ilang minuto ay bumaliktad kami at ako naman ngayon ang nasa taas at inupuan ko ang Kamahalan kaya siya naman ngayon ang napapaungol.

Maya-maya ay naramdaman ko na parang may lalabas sa akin kaya naman napatigil ako sa pagtaas baba pero bumabayo pa din ang Kamahalan sa baba kaya hindi nagtagal ay lumabas na ang aking katas.

“Ughhhhhhhh! Ughhhhh!“sigaw ko dahil sa sobrang sarap na aking nadarama na ngayon ko lamang naranasan.

Agad akong napadilat at natawa dahil sa mga pumasok sa aking isip pero narealize ko din na hindi na pala ako isang birhen.

OMG

Hindi nako Virgin!!!!!!

Napatakip ako ng aking mukha dahil sa aking napagtanto.

Siguro kung nandito ang mga kaibigan ko ay baka ipinapakwento na nila sa akin ang mga naganap sa akin kagabi at nagtatawanan kami ngayon.

Nag-iisip pa din ako ng kung ano ano nang biglang pumasok si Luyun at ako ay sinabihan.

“Maligayang Pagbati sa inyo Kamahalan!“wika ni Luyun habang nakangiti.

“Oh, Luyun ano ang iyong sadya rito?“tanong ko.

“Niangniang, handa na ang inyong tubig panghilamos at ang inyong agahan kaya halina po kayo”wika nito at inalalayan akong tumayo.

“Nasa bulwagan din po si Han Guiren, niangniang at hinihintay niya kayo.“wika muli ni Luyun.

“Papasukin mo siya sa silid kainan upang saluhan ako”utos ko.

Mag-isa na akong nagtungo sa paliguan upang maghilamos lang at magpunas ng sarili dahil mamayang gabi pa ako maliligo.

Pagpasok ko ay naroon na din ang dalawa kaya hindi na ako nagtagal doon at agad akong nagtungo sa silid kainan kung saan nakita ko si Han.

“Pagbati, Yi Pin Niangniang”wika nito at nagbow sa akin kaya agad ko siyang nilapitan at itinayo.

“Han, hindi mo naman ako kailangan batiin sa ganyang paraan hindi ba?“wika ko.

“Ngunit, Yiren ikaw ay nasa ilalim na ng pabor ng Kamahalan ngayon kaya maiiba na ang trato sa iyo ng lahat”wika nito.

“Ganoon ba yun?“nagtataka kong tanong dahil clueless talaga ang lola niyo.

“Mamaya sa ating pagbati sa Huangho ay makikita mo ang epekto ng pagkakaroon ng Pabor”wika ni Han.

“Mamaya pa naman iyon, halika na at mag-agahan muna tayo”paanyaya ko.

Agad kaming naupo at masayang kumain at nagkwentuhan tungkol sa mga naganap kagabi kaya tawanan din kami ni Han.

Maya-maya lamang ay pinaalalahanan nako ni Luyun na kailangan ko nang magpalit ng Kasuotan dahil malapit na kaming bumati ni Han.

Parehas kasi kaming nakalugay pa ni Han kaya naman niyaya ko na din siya na sabayan nako sa pag-aayos ng sarili.

Ipinakuha ko na lang sa kanyang mga tagapagsilbi ang kanyang kasuotan dahil pwede naman siyang pumili sa mga palamuti ko.

Inayusan na kaming dalawa ng aming mga buhok at ngayon ay pumipili kami ng mga palamuti at singsing para sa dagdag na elegance hahahaha.

Sinuot na din namin ang aming mga pananggalang sa kuko na mayroon na din si Han dahil isa na siyang Guiren at pwede na siyang magsuot nito.

Nang matapos na kaming mag-ayos ay lumabas na kami at ipinahanda ko ang aking sedan dahil medyo masakit pa ang likuran ko you know naman kung bakit hahahaha.

Nang matapos itong ihanda ay sumakay na ako roon habang si Han ay sumasabay sa paglakad sa aking gilid.

Nang marating namin ang Yikungong ay ibinaba na ang aking sedan at pumasok na kami ni Han sa loob ng palasyo kung saan naroon na din ang iba pa.

“Pagbati, mga niangniang”bati ko kina Qi Fei, Shu Fei, Ri Fei, at Jang Fei na nakangiti lahat sa akin.

“Meimei, pagbati sa iyong matagumpay na pagsisilbi”pagbati sa akin ni Jang Fei.

“Maraming Salamat, Jiejie”sagot ko at nang lumingon ako kila Han ay binati din ako ng iba.

“Pagbati, Yi Pin niangniang”wika nila at ang ipinagtaka ko ay pati ang mga kagaya kong Pin ay nagbow din sa akin kaya naman mabilis ko silang pinatayo.

“Mianli, mianli”wika ko at magsasalita pa sana si Kim at Yang nang papasukin na kami sa loob ng Yikungong.

Sa bulwagan ay nakaupo na ang Huangho sa kanyang trono kaya nang makaayos na kami ay agad kaming bumati.

“Pagbati, Huangho niangniang”sabay-sabay na wika namin.

“Mianli, magsiupo na kayo”wika niya.

“Masusunod, niangniang”wika namin at tumayo na kami at nagsiupuan.

“Yi Pin, binabati kita sa iyong tagumpay na pagsisilbi kagabi sa Kamahalan”wika ng Huangho niangniang.

Agad akong tumayo at nagpasalamat.

“Maraming salamat, niangniang”wika ko at pinaupo na niya akong muli.

“Bilang tanda ng aking pagbati ay tanggapin mo ito.“wika niya at lumapit sa akin ang isa niyang tagapagsilbi at ipinakita sa akin ang dala niyang kahon.

Isa itong kwintas na gawa sa ginto at mayroong mga magagandang bato na kulay pula at kahel na agad kong nagustuhan kaya tumayo akong muli at nagpasalamat.

Lumipas ang oras at natapos na ang aming pagbati at ngayon ay pabalik na kami ni Han sa aming palasyo kasama sila Kim at Yang kaya hindi na ako sumakay sa aking sedan dahil nakakahiya naman na ako ay naka sedan habang sila ay naglalakad lamang.

Nang marating namin ang aking palasyo ay nagulat ako dahil naroon si Schel kasama ang maraming Eunuch na may mga dala dalang baul at mga kahon.

“Pagbati, Yi Pin niangniang, mga Guiren”wika nito.

“Mianli, Schel ano at naparito ka?“tanong ko.

“Niangniang, ito ang mga gamit na gantimpala sa inyo ng Kamahalan”wika nito at nginitian ako.

Ako naman ay nagulat dahil hindi ko alam na sobrang big deal pala sa panahon na ito kapag ikaw ay may pabor mula sa Kamahalan.

“Ipaabot mo sa Kamahalan ang aking pasasalamat Schel”wika ko at ipinasok na nila sa loob ang mga gamit.

Sinundan nila si Luyun kaya naman habang nag-aayos pa sila ay sa Kanlurang bahagi muna kami tumuloy kung nasaan naninirahan si Han.

Nagkwentuhan na kaming apat at kumain din ng mga ipinahanda ni Han na mga pagkain at tsaa.

Lumipas ang oras at inabisuhan ako ni Luyun na tapos na ang paglipat ng mga gantimpala sa akin kaya naman niyaya ko na sila sa aking palasyo.

Agad kaming pumunta sa bulwagan kung nasaan nakalagay ang mga gantimpala at lahat ng ito ay mga palamuti, alahas, tela, at iba pang mga kagamitan na kakakitaan ng kagandahan at magandang kalidad.

Napatili nalang kami at saka pumunta sa mga gamit at tinignan ang mga ito.

Kaya pala marami ang nagnanais ng Pabor ng Kamahalan ay dahil sa mga gantimpala at kapangyarihan upang magkaroon ng Katayuan dito sa Kaharian.

Ngayon na ako ay may pabor ng Kamahalan ay hindi ko ito sasayangin dahil hindi ko alam kung palagi ba akong nasa pabor.

Pero sa ngayon ay eenjoyin ko muna ang Pabor ng Kamahalan.


Hi guys!!! Sorry ngayon lang me nakapag upload hihi!!!

So lesson muna tayo!!!

Ang mga Guiren pataas lamang yung mga nakakagamit ng nail guard dahil ang mga Changzcai at Daying ay mga mababang pwesto lamang kaya hindi sila makakagamit ng nail guard.

Sa isang palasyo isa lang ang sedan at mga Pin pataas lamang ang maaring gumamit nito dahil sila ang mga Namumuno sa kada palasyo.

Yun lang hihi.

Comment your thoughts guys!!!

Stay safe and stay tuned for the updates!!!

Love y’all❤

33 | Isang Gabi sa Hardin

•Yiren

Sa nagdaang mga araw ay patuloy lamang sa pagbisita sa aking palasyo ang Kamahalan at lagi din na nababaliktad ang aking ngalan kaya naman lagi akong nagsisilbi sa kanya.

Ang mga regalo din sa aking palasyo ay araw-araw na nadadagdagan kaya naman ang mga sobra ay binibigay ko kay Han upang maghati naman kami sa aking mga tinatamasa rito.

Kadalasan ay mga alahas at iba pang mga vase o mga kakaibang gamit na makaluma ang inihahandog sa akin.

Lahat ng ito ay gawa sa mga pinakamaayos at pinamakahal na materyales na inireregalo ng mga nasasakupan ng Kamahalan sa kanya na siya namang ibinibigay niya sa kanyang Harem.

Lahat kami ay nakakatanggap nito ngunit iba pa din talaga kapag ikaw ay nasa pabor dahil ako ang nauunang pumili sa lahat at sa sandaling matapos na akong pumili ay saka lamang ipapamahagi sa iba ang mga natira.

Ngayong araw ay masaya na naman sa aking palasyo dahil kaaalis lamang ng Kamahalan dito dahil dito siya muli nagpahinga kagabi at sa tingin ko ay nasasanay na ako sa mga nangyayari sa akin.

Kasalukuyan akong kumakain ng aking tanghalian kasama si Han dahil niyaya ko siya na sabayan ako dito sa pagkain dahil sobrang daming nakahain araw-araw.

Nagkwentuhan lang kami at napagpasyahan ko na nais kong maglibot muli kesa naman manatili na naman ako dito sa Changchungong.

Kaya naman matapos naming kumain ni Han ay niyaya ko na siya na umalis na upang makatagal naman kami sa paglilibot dito sa palasyo.

Si Luyun lamang ang isinama ko sa akin dahil kailangang may maiwan na namamahala sa Changchungong kaya ipinaiwan ko muna ang dalawa.

Hindi ako sumakay sa aking sedan dahil nais kong maglakad.

Ipinahanda ko lang ang payong na kadalasan nilang ginagamit kapag umuulan lamang kaya nagtaka si Han sa akin dahil iniutos ko na magdala sila ng dalawang payong.

Una kong nais puntahan ay ang ibang mga palasyo dito sa Kaharian kaya naman iminungkahe ni Han na magpunta kami sa Yanxigong o ang palasyo nina Kim at Yang.

Ang kanilang palasyo ang pinakamalayo sa lahat ng mga palasyo ng mga kasapi sa harem kaya ang kanila ang inuna namin dahil nga nasa dulo ito.

Habang naglalakad kami sa gitna ay gumigilid ang mga tagapagsilbi at Eunuch. Bumabati din sila sa amin bilang tanda ng paggalang kaya naman hindi hassle ang paglalakad dahil walang mga nakaharang.

Naglalakad kami nang biglang lumakas ang sinag ng araw kaya ipinabukas kona ang payong at iniangat ito kaya naman natatakpan ako nito at hindi naiinitan.

Hinawakan ito ni Luyun at ginaya siya ng tagapagsilbi ni Han kaya naman alam na siguro niya kung bakit ako nagpadala ng payong.

Mahabang lakaran ang aming ginawa ni Han at sa wakas ay narito na kami sa Yanxigong kung saan may dalawang Eunuch na nagbabantay sa tarangkahan.

“Pagbati, Yi Pin niangniang, Han Guiren”wika nilang dalawa.

“Ipagbigay alam mo sa iyong mga Zhúsa na narito kami ni Han Guiren”wika ko.

Agad itong yumuko at pumasok sa loob ng punong palasyo o gitnang bahagi ng Yanxigong kung nasaan ang dalawa.

Kung nagtataka kayo ang mga Zhúsa ay ang mga amo ng palasyo o mga mistress sa english ay natutunan ko ito kay Luyun dahil curious ako nung nakaraan hahaha.

Agad na lumabas ang dalawa at nang makita nila kami ay mabilis silang lumapit at binati nila ako.

“Pagbati, Yi Pin niangniang”wika nila dahil kahit na hindi na namin ito kailangan ay marami pa ding tagapagsilbi ang naririto kaya kailangan namin na irespeto ang pagbati ng isa’t isa.

“Mianli”wika ko.

“Hindi kayo nagpa abiso na kayo ay bibisita sa aming palasyo”wika ni Yang.

“Nais ko lamang maglibot kaya naman naisip ko ang inyong palasyo lalo pa’t kayo ang laging bumibisita sa aming palasyo ni Han kaya kami naman ang bibisita sa inyo ngayon”sagot ko.

Pumasok na kami sa loob ng kanilang palasyo at doon ay nag-usap usap lang kami at nagtawanan kaya masasabi kong mas masaya ang ganito kaysa ang tumambay lang sa aking palasyo maghapon at walang gawin.

Nang sumapit na ang Hapon ay niyaya ko na si Han na bumalik na sa aming palasyo dahil mag-gagabi na at baka abutan pa kami ng dilim sa labas.

Hinatid kami ni Yang at Kim hanggang sa kanilang tarangkahan at doon ay nagpaalam na kami sa isa’t-isa kaya naman naglakad na kami ni Han pabalik sa aming palasyo.

Nang bigla kong maalala na nais ko palang pumitas ng mga bagong bulaklak sa Hardin ng Palasyo kaya naman nagtungo muna kami doon.

Hindi ko naman alam na may madadatnan na naman kaming eksena sa Hardin.

Kita ko na nakasakay sa sedan ang nag-iisang Guifei sa kaharian at nakaluhod naman ang isang hindi ko pa mamukhaan na Pinfei.

Alam kong isa siyang miyembro ng harem dahil sa kanyang kasuotan at dahil na din may tagapagsilbi siya na kasama niyang nakaluhod doon sa harap ng Guifei.

Agad akong lumapit doon upang malaman ang dahilan kunh bakit nakaluhod ang isang iyon sa harap ng Guifei.

Paglapit ko ay nagsipagluhod ang mga tagapagsilbi at bumati sa akin.

“Pagbati, Yi Pin niangniang”wika nila na hindi ko pinansin dahil kailangan kong batiin ang Guifei.

“Pagbati, Guifei niangniang”wika namin ni Han.

“Oh, Yi Pin ano ang iyong ginagawa rito?“wika nito pero dama ko na agad sa boses niya ang kaplastikan nito.

“Napadaan lamang ako niangniang dahil nais kong pumitas ng mga bulaklak rito sa Hardin at hindi ko inaasahan na makita kayo rito ni..“wika ko at nang tumingala ako ay nagulat ako dahil ito ay si Qi Fei niangniang.

“Qi Fei niangniang”wika ko at bumati ako.

Agad ko siyang nilapitan at itatayo ko sana siya nang biglang magsalita ng malakas ang Guifei.

“Yi Pin! Anong karapatan mo upang makialam rito!?“wika nito.

“Niangniang, hindi ako nakikialam sa inyo ngunit hindi kaaya-ayang tignan na nakaluhod ang isang Feipin sa harapan ninyo habang nanonood ang mga tagapagsilbi”wika ko.

“Kung iyan ang iyong nasa isip, bakit hindi mo siya samahan riyan nang malaman mo kung bakit siya lumuluhod sa aking harapan hahaha”wika nito at tumawa pa.

“Qi Fei niangniang, ano ba ang iyong nagawa upang parusahan ka niya ng ganito?“tanong ko.

“Yi Pin niangniang, matagal na pong may alitan ang Guifei at ang aking Zhúsa at ngayon na nagsalubong sila ay talaga namang gumawa ng gulo ang Guifei upang maparusahan ang aking amo”wika ng kanyang tagapagsilbi.

“Niangniang, halika at tumayo ka”wika ko at itinayo namin siya ni Han na kanina pa tahimik.

“Yi Pin niangniang! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?“wika ng tagapagsilbi ng Guifei.

“Isa kang tagapagsilbi lamang kaya kung ano man ang gawin ko ay wala kang pakialam doon”sagot ko at napatayo doon ay ibinaba na ang sedan ng Guifei at bumama siya doon.

“Tunay ngang ikaw ay matapang Yi Pin”wika niya habang naglalakad palapit sa akin.

“Hindi ako matapang niangniang, alam ko lamang na dapat ay laging sa tama ako papanig”wika ko dito.

Napansin kong nawala si Han sa aking tabi pero hindi ko muna siya hinanap pa dahil mas importante na maipagtanggol ko si Qi Fei na kanina pa tahimik lamang sa aking tabi.

“Kung hindi ka matapang ay hindi ka makikiaalam rito sa aming dalawa ni Qi Fei kaya bilang kaparusahan sa iyong pakikiaalam at pagsagot sa akin na nakatataas sa iyo”wika nito na pinutol niya muna.

“Hawakan niyo siya ay sampalin ng 20 beses”wika nito.

Agad na lalapit sa akin ang mga tagapagsilbi niya kaya agad akong sumigaw.

“Sinong susubok!? Ang sino man na lumapit sa akin ay magsisisi”banta ko sa kanila dahil hindi ko matatanggap ang parusa na ito.

“Huwag kayong matakot sa kanya!“wika ng Guifei.

“Matakot kayo sa lagay ng inyong mga pamilya sa oras na gawin niyo ang utos niya!“sigaw ko.

“Yi Pin!?“sigaw din nito na naputol dahil sa anunsyo.

“Pagdating ng Kamahalan!!!“anunsyo ni Schel.

Lumapag ang sedan ng Kamahalan at doon ay nakita ko si Han sa tabi ng Kamahalan.

“Pagbati, Kamahalan”wika naming lahat.

Naglakad papalapit sa akin ang Kamahalan at itinayo ako.

“Salamat, Kamahalan”wika ko.

“Ano ang nangyayari rito?“wika ng Kamahalan.

“Kamahalan, si Yi Pin ay lumagpas sa kanyang kapangyarihan at ako ay kanyang binastos!“wika ng Guifei na agad kong sinalungat.

“Kamahalan, ipinagtatanggol ko lamang si Qi Fei na kanyang pinaparusahan dahil sa walang kwenta niyang dahilan”wika ko.

“Kayo ay nasa harapan ng mga tagapagsilbi at umaakto kayo ng ganiyan!? Guifei at Qi Fei magsibalik kayo sa inyong mga palasyo!“wika ng Kamahalan.

“Masusunod, Kamahalan”wika nilang dalawa at tinignan ko si Qi Fei na nginitian ako bagi umalis.

Habang ang Guifei ay masama ang tingin sa akin na hindi ko na binigyan ng importansya dahil hindi siya mahalaga.

“Han Guiren, mauna kana bumalik sa Changchungong at kakausapin ko pa si Yiren”wika ng Kamahalan kaya naman nagpaalam na si Han na nginitian ko dahil nagets ko na kung bakit siya nawala kanina.

Hinatak niya ako sa silong doon sa hardin kaya napasunod na lamang ako sa kaniya.

Pagkarating namin doon ay kinurot niya ang aking ilong na ikinagulat ko.

“Ikaw talaga, paano kung hindi ako dumating ha”wika niya.

“Kamahalan, naiinis kasi ako sa kanyang walang kwentang dahilan upang parusahan ang isang tao na inosente naman”sagot ko.

“Kalimutan mo na ang nangyari ngayong gabi at isipin mo nalang na kasama mo na ako kaya dapat ako lang ang laman ng isip mo”wika niya.

Napangiti naman ako at lumapit sa kanya. Sabay naming tinitigan ang kalangitan kung nasaan ang mga bituin at napatingin ako sa lalaki sa aking tabi.

“Bakit mo ako tinitigan?“tanong niya.

“Ngayon lang kasi talaga ako nakakita ng isang lalaki na sobrang kisig”sagot ko.

“Ikaw talaga!“wika nito at ikinulong niya ako sa kanyang mga bisig na ikinatuwa ko naman dahil habang nasa ilalim kami ng mga bituin ay yakap ako ng isang tao na nagsisimula nang ko nang magustuhan.


Hi guys!!! Sorry for the late UD!!!

PETA and Exam week kasi namin huhu pero it’s finally done kaya nakapagsulat na me ulit hihi.

Lesson for this Chapter:

Zhúsa or Amo ng isang palasyo; pronounced as Jusa

If curious kayo about sa mga palasyo sa kaharian. Sa next UD chika ko sa inyo hihi!!

Stay tuned and Stay Safe Everyone!!

Love Y’all

34 | Ang Karamdaman ni Qi Fei

•Yiren

Matapos ang nangyari kagabi sa hardin ay alam ko na sa aking sarili na nagkaroon ako ng panibagong kaaway sa harem at hindi siya basta basta ngayon.

Dahil siya ang nag-iisang Guifei na dalawang ranggo lamang ang layo sa Huangho pero hindi ako natatakot sa kanya lalo pa’t kung patuloy siyang gagawa ng gulo at madadamay ako ay hindi ko siya hahayaan na magtagumpay.

Ngayon ay nandito kami sa Yikungong para sa aming araw-araw na pagbati at pagdidiskusyon ukol sa mga kaganapan sa mga palasyo.

“Nakarating sa akin ang ulat kagabi ukol sa kaguluhan na nangyari sa Hardin”wika ng Huangho

Tahimik lamang kaming lahat at walang gustong magsalita.

“Guifei, Yi Pin ano ang nangyari kagabi?“tanong ng Huangho.

“Pagsagot sa Huangho, kagabi ay nais ko lamang pumitas ng mga bulaklak para sa aking paliguan nang maabutan ko si Qi Fei na nakaluhod sa harapan ng mga tagapagsilbi ng Guifei na sa aking palagay ay hindi nararapat”sagot ko.

“Huangho, walang alam si Yi Pin ngunit malakas ang loob niya na makialam kung kaya naman nais ko din siyang maparusahan dahil sa kanyang kalapastanganan sa akin”naiinis na wika ng Guifei.

“Ganoon pala ang nangyari, Yi Pin pinupuri ko ang iyong pag-iisip. Guifei, hindi maaring maparusahan si Yi Pin dahil hindi siya pinarusahan ng Kamahalan kaya wala tayong lahat sa posisyon upang parusahan siya”turan ng Huangho na ikinangiti ko.

“Ngunit!..“magsasalita pa sana ang Guifei ng lumakas na ang boses ng Huangho.

“Guifei! Kung ano ang aking tinuran, ay siyang susundin ninyo! Maliwanag ba!?“wika ng Huangho.

“Maliwanag, niangniang”wika naming lahat.

Natapos na ang aming pagdidiskusyon at ngayon ay palabas na kami sa aming mga palasyo ng bigla akong lapitan ng isang tagapagsilbi.

“Yi Pin niangniang, kung inyong mamarapatin ay maari ho ba kayong pumunta sa Jingyanggong dahil nais kayong kausapin ng aking Zhúsa”wika nito.

Bakit naman kaya…

“Asahan niyo ang aking pagdating”wika ko at naglakad na paalis.

Pagkadating ko sa Changchungong ay agad akong nagtungo sa aking silid upang mag-palit ng kasuotan at ng mga palamuti ko.

Pinaghanda ko din si Rin at Rai ng mga regali para kay Qi Fei at sa Unang Prinsipe na paniguradong nandoon din.

Ilang minuto lamang ang lumipas at ngayon ay handa na akong umalis. Ipinahanda ko ang aking sedan at isasama ko naman ngayon ang dalawa samantalang si Luyun ang maiiwan ngayon sa palasyo.

Naroon din naman si Han kaya panatag ang aking loob na aalis sa palasyo.

Ilang sandali lamang ang lumipas at ngayon ay nakasakay na ako sa sedan at papunta na sa Jingyanggong upang malaman kung bakit ako nais na makausap ni Qi Fei.

Nasa Kanluran ang Changchungong samantalang ang Jingyanggong naman ay nasa Silangan kaya matagal tagal din ang inabot bago ko narating ang tarangkahan ng Jingyanggong.

Pagkababa ng aking sedan ay saka ko lamanh ipina-anunsyo ang aking pagdating.

“Pagdating ni Yi Pin niangniang”wika ng Eunuch at saka bumukas ang tarangkahan at nakita ko na palabas na doon ang tagapagsilbi na kumausap sa akin kanina.

“Yi Pin niangniang, nasa bulwagan na po ang aking Zhúsa at hinihintay kayo”wika nito na tinanguan ko.

Pinangunahan niya ang paglalakad na siyang sinundan ko lamang at pagpasok ko sa loob ay pansin ko ang ibang mga kagamitan doon na talaga namang magaganda pero may nakita akong ibang mga gamit na tila di napapalitan kaya nagtaka ako.

Pagpasok sa bulwagan ay nakita ko si Qi Fei na nakaupo at nang masilayan niya ako ay ngumiti ito sa akin.

“Yi Pin, narito kana pala”wika niya.

“Pagbati, Qi Fei niangniang”wika ko sabay bow.

“Meimei, mianli halika at maupo ka rito”wika nito at itinuro ang katabi niyang upuan.

“Niangniang, ngayon lamang tayo nagkausap kaya naman naisip ko na magdala ng regalo para sa inyo ng Unang Prinsipe, sana ay tanggapin nyo ang aking mga munting handog.“wika ko.

“Bakit nag-abala ka pa”wika nito at tumawa.

“Niangniang, maari ko na bang malaman kung bakit ninyo ako nais na kausapin?“tanong ko.

“Noong sandali na ako ay magbuntis sa Unang Prinsipe ay sinabihan na ako ng Taiyi na magkakaroon ito ng kapalit dahil noong bata pa ako ay talaga namang mahina ang aking katawan kaya hindi ako dapat nagbuntis ngunit ito ay isang tungkulin kaya hindi ko pwedeng hindi gawin”kwento niya

“Kung tama ang aking iniisip ay…“magsasalita sana ako nang bigla niya akong putulin.

“Oo, ang aking karamdaman ay lumalala kaya kagabi ay wala ako sa sarili at nakasalubong ko pa si Mei Guifei na alam kong labis ang suklam sa akin”wika nito.

Pansin ko din ang pagiging payat nito na napagtatakpan lamang ng kanyang kasuotan na maluwag sa kanya.

“Niangniang, bakit hindi kayo nagpagamot sa mga Taiyi noong una pa lamang?“tanong ko.

“Hindi nila ako gagamutin dahil sa utos ng Guifei na hindi nila maaring baliin lalo pa’t lubha siyang makapangyarihan noon at kung hindi ka pa dumating ay hindi niya makikilala ang kanyang katapat”sagot niya.

“Alam kong ilang buwan na lamang ang aking itatagal dahil ang aking karamdaman ay nasa loob ng aking katawan at hindi kita sa panlabas”pagpapatuloy niya.

“Kung hindi mo mamasamain ay maari ko bang malaman kung ano ang iyong karamdaman?” tanong ko.

“Ako ay mayroong komplikasyon sa aking puso na nagbabawal sa akin na mapagod kaya naman lumala ito noong nagdalang tao ako.“sagot niya.

“Kaya sa sandali na ako ay mawala, nais kong ipagkatiwala sa iyo ang aking Prinsipe”wika nito na ikinagulat ko.

“Ang Unang Prinsipe!?“turan ko.

“Alam kong magiging ligtas siya sa iyong piling dahil ikaw ay isang tao na may paninindigan at kapangyarihan dito sa palasyo. Nakikita ko din na isa kang mabuti at mapagkalingang tao kaya sana ay pagbigyan mo ang aking hiling”wika nito at hinawakan ang kamay ko.

“Niangniang,…“wika ko.

“Ang pagkakaroon ng isang Prinsipe ay tiyak na magbibigay sa iyo ng mas malakas na kapangyarihan sa harem na makakatulong sa iyo kaya nais ko na sa iyo ipagkatiwala ang aking nag-iisang alaala dito.“wika niya kaya naman napaisip ako.

Kung magkakaroon nga naman ako ng Prinsipe ay tiyak na hindi ako mapagdududahan dahil mayroon akong anak at hindi ko kailangangan magbuntis.

Alam ko din na malaki ang tiwala sa akin ni Qi Fei dahil bilang isang Ina ay hindi mo basta basta ipapagkatiwala sa isang tao ang iyong nag-iisang anak.

“Umasa ka na pangangalagaan ko ang Unang Prinsipe niangniang, sa ngayon ay madalas akong bibisita rito upang tignan ang inyong kalagayan”sagot ko.

“Hindi mo alam kung gaano kalaking problema ang tinanggal mo sa aking dibdib Yi Pin”wika nito at kita ko sa kanyang mata ang kasiyahan.

“Kung makakatulong ako ay tutulong ako kaya naman ginagawa ko ang aking makakaya”sagot ko.

“Niangniang, kailangan mo pang magpahinga kaya mauuna na ako, bibisita ako sa susunod na araw”turan ko ulit.

“Kung gayon, ay mag-iingat ka sa iyong daan pauwi Meimei”wika nito at nagbow na ako at umalis na.

Naglakad na ako palabas sa Jingyanggong na nag-iisip kaya naman ninais ko na huwag munang umuwi sa aking palasyo.

Nais kong mapag-isa dahil madaming pumapasok sa isip ko ngayon at kailangan kong ikalma ang aking isip bago umuwi kaya nais ko talagang mapag-isa muna.

Pinabalik ko na ang sedan sa aking palasyo habang ako ay naglakad na lamang at nagmumuni-muni nang bigla kong maisip na malapit lamang rito ang Kagawaran nila Ama.

Kaya niyaya ko ang dalawa na bumisita muna roon dahil ilang linggo na din simula noong una akong pumunta rito.

Kaunting lakaran lamang ang naganal at narating ko na ang Kagawaran ng Pagsasaliksik at sana ay narito pa si Ama dahil nais ko siyang makita.

Pagpasok ko ay naroon ang mga tagapagbantay na inutusan ko na huwag akong i anunsyo pa dahil nais ko lang naman na makita si Ama.

Pagpasok ko sa loon ng Kagawaran ay wala naman na ang mga tao kaya nagtaka ako at naghanap pa saglit hanggang sa may makabangga ako.

“Yiren…“wika nito.

“Zichu Dal”wika ko.

Sa lahat talaga ng mga pwedeng matira ay bakit siya pa ang natira ngayong oras na to.

Mukhang natauhan siya sa tawag ko sa kanya at agad itong bumati.

“Yi Pin niangniang”wika niya.

“Hmm, Zichu Dal nasaan si Ama?“tanong ko.

“Kanina pa nauna ang Punong Ministro at ang iba pa”sagot niya.

“Kung gayon ay aalis na ako”wika ko at aalis na sana nang bigla niyang hawakan ang braso ko.

“Yiren, ngayon na lang ulit tayo nakapag-usap ng tayong dalawa lamang.“wika niya.

“Zichu, bitawan mo ako”wika ko sabay pumiglas.

“Yiren, bakit ka pumayag na maging isang Feipin?“tanong nito.

“Ito ay ang aking kagustuhan dahil nais kong makalimot at lumayo”sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.

“Bakit hindi mo ako hinintay?“wika nito sa mahinang boses.

“Para saan pa Zichu? Para ako ay iyong saktan muli?“tanong ko.

“Kung wala ka nang sasabihin pa ay aalis na ako.“wika ko sabay hablot sa aking braso at lakad paalis.

Kagaya noong nakaraan ay hindi na ako lumingon pa pabalik at dire-diretso na akong lumabas ng Kagawaran.

Tahimik lamang akong naglalakad pabalik sa aking palasyo.

Sa aking pagiging tahimik ay hindi ko namalayan na narating ko na ang aking palasyo at nang matauhan na ako ay pumasok na ako sa aking palasyo at dumiretso na agad ako sa aking paliguan.

Nag-alis na ako ng aking mga kasuotan at palamuti at ngayon ay narito na ako sa aking paliguan at nakapikit nang biglang may magsalita.

“Saan ka nanggaling?“wika ni….


Cut muna hihi!! Hi guys! Sorry for the late update

So eto na nga ang mga Palaces sa Kaharian:

Palace of Eternal Longetivity( Yongshougong )-Noble Consort Mei

Palace of The Queen Consort( Yikungong )-Empress

Palace for Gathering Elegance( Chuxiugong )- Concubine Dong

Palace of Eternal Spring( Changchunggong )- Yiren, Han Changzcai

Palace of Universal Happiness( Xianfugong )- Consort Jang

Palace of Great Benevolance( Jingrengong )-Consort Ri

Palace of Celestial Favour( Chengqiangong )-Consort Shu

Palace of Eternal Harmony( Yonghegong )-Concubine Shin, Noble Lady Ji

Palace of Great Brilliance( Jingyanggong )- Consort Qi

Palace of Accumulated Purity( Zhongcuigong )-Concubine Ming,

Palace of Lasting Happiness( Yanxigong )-Noble Lady Kim, Yang,

Cininggong

  • Empress Dowager

And yung kaninang tawag ni Yiren kay Zichu is Dal meaning Lord

So Lord Zichu yun hihi.

Have a great night everyone!!

Love Y’all❤

35 | Pamamaalam

•Yiren

“Saan ka galing?“wika ng kung sino.

Agad akong humarap tungo sa direksyon ng taong bumulong sa akin at nagulat ako dahil nasa harapan ko ngayon ang Kamahalan.

“Kamahalan!?“nagulat kong wika.

“Talaga bang nakakagulat na makita ako hahaha”natatawang wika nito.

“Kamahalan…“turan ko habang nakayuko dahil nakakahiya no hubo’t hubad ang mima niyo tapos makikita ako ng Kamahalan.

“Ano ang dahilan ng iyong pagyuko Yiren? Nakita ko naman na ang lahat sa iyo kaya walang dahilan upang ikaw ay mahiya sa akin.“sambit ng Kamahalan.

Napaangat na ako ng tingin sa Kamahalan at nagulat ako nang makita ko siya na nagtatanggal na ng kasuotan at nang matapos siya ay wala pa rin yata ako sa katinuan.

“Yiren, ang sabi ko ay magsabay na tayo sa pagligo upang hindi na mahirapan ang mga tagapagsilbi sa pagpapalit ng tubig na ginamit mo.“wika ng Kamahalan na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

Magsasalita pa lamang sana ako nang bigla din siyang lumusong sa aking paliguan kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang umusog at bigyan siya ng pwesto.

Nang makalusong na siya ay hinatak niya ako sa kanyang tabi at nangyari na nga ang mga dapat na maganap.

And the rest is history hahahahahaha nadiligan na na naman ako charot.

Matapos naming “maligo” ay una kong tinuyo ang katawan ng Kamahalan at tinulungan ko rin siya na magbihis ng kanyang pantulog dahil halata naman na rito siya matutulog sa aking palasyo ngayon.

Matapos namin na magbihis ay sabay na kaming nagtungo sa aking silid upang magpahinga na dahil bukas ay tutungo pa ako sa Jingyanggong upang bisitahin si Qi Fei at ang Unang Prinsipe.

Ngayon ay nakahiga na kami at magkatabi nang biglang magtanong ang Kamahalan.

“Yiren, hindi mo pa nasasagot ang aking katanungan kanina. Saan ka nanggaling?“tanong nito.

“Kamahalan, nanggaling ako sa Jingyanggong”sagot ko.

“Jingyanggong? Ano ang ginawa mo sa palasyo ni Qi Fei?“tanong nito muli.

“Kamahalan, binisita ko siya dahil sa kanyang paanyaya at sa aking pagbisita ay nalaman ko ang kanyang karamdaman na matagal nang hindi nabibigyang ng lunas kaya naman lumalala na ito at humantong sa punto na hindi na ito kaya pang gamutin ng mga Taiyi”sagot ko.

“Hindi nakarating sa aking kaalaman ang ganitong ulat, si Qi Fei ay isa sa aking mga Unang Fei at siya ang Ina ni Yonghuang(Unang Prinsipe).“wika nito.

“Maging ako ay nagulat sa aking nalaman Kamahalan”wika ko.

“Bukas ay bibisitahin ko siya sa kanyang Palasyo, sumama ka sa akin”wika nito.

“Masusunod, Kamahalan”wika ko at niyaya ko na ang Kamahalan na matulog na dahil lumalalim na ang gabi.

Ipinikit ko na ang aking mga mata at nagpatangay na sa antok dahil bukas ay paniguradong isang mahabang araw na naman ang lilipas.

K I N A B U K A S A N

Pagkamulat ko ng aking mata ay nakita ko pa rin sa aking tabi ang Kamahalan kaya naman ginising ko na siya upang sabay na kami na mag-agahan.

“Seiya, gumising kanaaaaa”wika ko sabay uga sa kanya ng kaunti.

“Hmm”wika nito at nagmulat na din ng kanyang mata kaya naman nginitian ko siya.

“Ano ang iyong itinawag sa akin?“tanong niya.

“Seiya…“sagot ko.

“Bakit naman Seiya?“tanong niya.

“Dahil madalas mo akong tawagin na Yiren at ang aking tawag sa iyo ay Kamahalan palagi kaya nais ko itong baguhin”wika ko.

Kinurot nito ang aking pisngi.

“Ikaw talaga, kung iyan ang iyong nais ay pinahihintulutan kita ngunit tawagin mo lamang akong Seiya kapag tayo lamang dalawa ang magkasama upang hindi ka maging sanhi ng mga usapan dito sa palasyo”wika nito.

Agad akong napangiti at dahil hindi ko napigilan ang aking sarili ay nahalikan ko ang kanyang pisngi.

Nagulat ito sa aking ginawa pero kinalaunan ay nakabawi din siya at nilapitan niya din ako upang halikan din sa aking pisngi at may iba pa sana siyang gagawin nang biglang pumasok si Schel kasama si Luyun kaya napatigil ito.

“Ay, eh Kamahalan paumanhin sa aking kalapastanganan”nabiglang wika ni Schel.

Natatawa naman si Luyun sa gilid habang ako ay natatawa lamang din dahil sa itsura ng Kamahalan ay tiyak na mapaparusahan si Schel ng very light mamaya hahaha.

Tumayo na kami upang magbihis na at mag-agahan. Naunang matapos ang kamahalan na magbihis dahil ako ay aayusan pa ng buhok at maglalagay pa ako ng mga palamuti kaya pinauna ko na siya sa silid kung saan ako kumakain.

Ilang minuto lang naman akong nagtagal at pagkarating ko roon ay nakaupo na ang Kamahalan kaya pagkaupo ko ay agad na kaming nagsimula sa pagkain.

Maya-maya ay natapos na kami at tumayo na ang Kamahalan.

“Yiren, pagkatapos ng sesyon sa Korte ay pupunta na ako sa Jingyanggong. Papaabisuhan na lamang kita upang magpunta ka na rin.“wika ng Kamahalan at umalis na ito.

Tumayo ako at nagbow bilang pagbibigay galang.

Ipinaligpit ko na ang mga pinagkainan namin at ako ay nagtungo na sa aking bulwagan upang doon muna tumambay.

Pinapunta ko din si Han para may kasama naman ako at para hindi kami mabore pareho dito lalo pa at wala kaming gagawin.

Agad na nagtungo si Han na agad kong pinatabi sa akin at sabay kaming naghabi nalang upang patayin ang oras na tila napakabagal umusad ngayong araw.

Balak kong isama mamaya si Han sa pagtungo sa Jingyanggong upang bisitahin si Qi Fei kaya sinabihan ko na din siya na magtutungo kami roon mamaya.

Naghabi kami nang naghabi ni Han hanggang sa dumating na ang isang Eunuch at inabisuhan ako na magtungo na sa Jingyanggong dahil papunta na rin ang Kamahalan kaya naman ipinahanda kona ang aking sedan at ang isa pang karwahe ng palasyo para may sakyan din si Han.

Nang maihanda na ang mga ito ay agad ko nang niyaya si Han at tumungo na kami sa Jingyanggong.

Nakasakay na ako sa aking sedan ngayon nang bigla akong makaramdam ng hindi maganda kaya pinagmadali ko sila na tumungo sa Jingyanggong dahil nais ko nang makita si Qi Fei upang kamustahin na siyaa at mapanatag ang aking loob.

Ilang minuto lamang ang itinagal ng pagtungo namin sa Jingyanggong at ngayon ay nasa harapan na kami ng Palasyo kaya naman pumasok na ako kahit wala pa ang Kamahalan.

Sa labas ng kanyang palasyo ay nakita ko ang mga tagapagsilbi at ang mga Taiyi na naka-pwesto lamang doon.

Pagpasok ko sa loob ay nakita ko agad sa kanyang higaan si Qi Fei na kahapon ay nakita ko pang maayos ang lagay pero ngayon ay namumutla na ito.

Sa kanyang tabi ay ang Unang Prinsipe na nasa Anim na taong gulang pa lamang na umiiyak sa kanyang tabi.

“Qi Fei niangniang”wika ko.

Nasa tabi ko si Han na bumati din kay Qi Fei na napatingin sa amin at nginitian kami.

“Yi Pin, Han Guiren halika kayo at maupo kayo”anyaya nito.

Pagkasabi niya noon ay umubo ito at agad kaming nagmadali na lumapit upang alalayan siya.

Umupo ako sa tabi niya at nagsalita siya sa Unang Prinsipe.

“Yonghuang, siya ang iyong Yi niangniang. Sa kaniya ka inihabilin ni Ina, alam kong sa piling niya ka lamang magiging ligtas at lalaki ng maayos. Kaya panatag nang lilisan si Ina rito.“wika nito sa kanyang namamaos na boses.

“N-ngunit, Ina sabi ninyo ay gagaling pa kayo! Sabi ninyo ay gagaling pa kayo!“umiiyak na sagot ng Prinsipe.

“Anak, ang Ina ay nanghihina na at pinipilit ko na lamang na labanan ang aking Karamdaman dahil nag-aalala ako sa iyong kalagayan dito sa Kaharian sa sandali na mawala na ako. Ngunit ngayon na narito ang iyong Yi niangniang ay panatag na ako”sagot ng kanyang Ina habang inaalo ang anak.

“Qi Fei niangniang, nariyan lamang ang mga Taiyi sa labas, maari ka pa nilang magamot…“wika ni Han na pinutol ni Qi Fei.

“Han, huwag mo na akong alalahanin pa, ninais ko na din na mangyari ito dahil sa pamamagitan nito ay makakalaya na ako rito at sana sa aking susunod na buhay ay maging isang ordinaryong babae na lamang ako na hindi kailangang makulong dito sa Kaharian”wika nito.

“Yiren, sa iyo ko ipinagkakatiwala ang aking Anak na sana ay protektahan mo at mahalin. Sana ay palagi kayong manatiling ligtas dito sa kaharian. Maraming Salamat sa iyo.“wika nito at hinarap niya ang kanyang anak.

“Yonghuang, anak, hindi na kaya ni Ina. Hayaan mo akong magpahinga na. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni Ina at kahit nasaan man ako mapunta ay lagi kitang babantayan. Sana ay lumaki ka na isang mabuti at isang Prinsipe na may prinsipyo. Mahal na Mahal ka ni Ina.“wika ni Qi Fei na nagpaiyak na din sa akin dahil ngayon lamang ako nakakita ng ganitong eksena at tunay na napakasakit sa damdamin nito.

Matapos sabihin ni Qi Fei ang mga iyon ay nagulat na lamang ako nang mabitawan niya ang ulo ng kanyang anak kaya napalapit ako sa kanya at inuga siya.

“Qi Fei niangniang!?“sigaw ko.

“Qi Fei niangniang!”?nagulat na wika ni Han.

“Taiyi!!!!“sigaw ko at agad na pumasok ang isang Taiyi at nilapitan kami.

Kinuha niya ang palapulsuhan ni Qi Fei at nang makita ko ang kanyang mukha na bumagsak na lamang ay bumagsak din ang aking mga luha dahil alam ko na ang ibig sabihin nito.

“Si Qi Fei niangniang ay lumisan na”wika nito.

Bumuhos na nga ang luha ko dahil tuluyan na ngang namaalam ang isang mabuting tao at isang mabuting Ina.

Agad na nagsiluhod ang mga tagapagsilbi at nagbow sa katawan ng namayapang si Qi Fei.

“Paalam, Qi Fei niangniang!“sigaw sa labas.

“Pagdating ng Kamahalan!“isa pang sigaw sa labas.

Narito pa din kami sa tapat ng higaan ni Qi Fei at nagluluksa nang biglang pumasok ang Kamahalan suot ang blangkong mukha na hindi ko makitaan ng kahit anong emosyon.

Nilapitan niya ang kinaroroonan namin at nang makalapit siya ay umupo siya sa tabi ni Qi Fei at hinawakan ang kamay nito.

“Meiru, nahuli ako, patawarin mo ako”bulong niya na narinig ko dahil ako ang pinakamalapit sa kanya.

Nagtagal ang Kamahalan sa tabi ni Qi Fei at nang tumayo siya ay wala pa ding emosyon ang kanyang mukha.

“Schel, ipakalat ang aking utos. Si Qi Fei, Ina ng Unang Prinsipe at nagsilbi sa akin sa loob ng mahabang panahon. Mahinhin, mapagbigay at isang mabuting halimbawa sa palasyo ay isa na ngayong Huangguifei. Ang kanyang titulo ay Qi Huangguifei.“wika ng Kamahalan.

“Masusunod, Kamahalan”wika ni Schel.

“Yiren…”


Hi Guys! Sorry for this Late Update.

So lesson muna hihi.

Yung Huangguifei ay isang posisyon nalang ang layo sa Huangho at iginagawad ito madalas sa mga Pinfei na malapit nang mamaalam nang sa gayon ay lumisan sila na may dangal. Iginagawad din ito kung walang Huangho o kung namatay ang isang Huangho dahil walang nagmamanage ng Harem.

So ayun nalaman niyo na ang name ng ating Emperor hihi.

Stay tuned for the next update.

Follow me for more updates!!

Love y’all

36 | Bagong Responsibilidad

•Yiren

“K-kamahalan, l-lumisan ang Huangguifei ng maayos”nauutal na wika ko dahil pa rin sa pag-iyak.

Tumango siya at nilapitan ang Unang Prinsipe.

“Yonghuang, ang iyong Ina ay naglakbay na patungo sa lugar kung saan siya sasaya. Huwag kang mag-alala dahil nandito pa si Ama upang gabayan ka.“wika niya sa kanyang anak habang yakap niya ito.

“Pagdating ng Huangho niangniang”anunsyo sa labas.

Nagmamadaling pumasok sa loob ng palasyo ang Huangho at pagpasok niya ay agad akong tumayo at nagbigay paggalang.

“Kamahalan”wika ng Huangho.

“Huangho, ikaw ang mamahala sa libing ng Huangguifei”utos ng Kamahalan.

“Masusunod, Kamahalan”sagot niya.

Magsasalita pa sana ang Huangho nang biglang magsipasok na rin ang ibang mga Feipin na nagsipagluhod agad.

“Kamahalan, lumisan na ang Huangguifei kaya marapat lamang na may maiwan na mag-aalaga sa Unang Prinsipe”wika ng Huangho.

“Tama ang iyong tinuran”wika ng Kamahalan.

“Kamahalan, handa akong alagaan ang Unang Prinsipe nang bukal sa aking kalooban”wika ng Guifei kaya agad akong napakontra dahil alam kong walang mangyayaring mabuti kay Yonghuang kung sa kamay niya siya mapupunta.

“Kamahalan, bago lumisan si Qi Fei niangniang ay sa akin niya inihabilin ang Unang Prinsipe kaya marapat lamang na sundin ko ang kanyang kahilingan”salungat ko.

“Ngunit Kamahalan, walang pruweba si Yi Pin sa kanyang tinuran..“pagsalungat rin ng Guifei.

“Huang Ama, narinig ko ang tinuran ni Ina bago siya lumisan”wika ng Prinsipe na kanina pa tahimik.

“Yonghuang, ano ang tinuran ng iyong Ina?“tanong ng Huangho.

“Huang niáng, tinuran ni Ina na kay Yi niangniang niya ako inihahabilin dahil sa piling ni Yi niangniang lamang ako magiging ligtas”wika ni Yonghuang.

“Sigurado ka ba Yonghuang?“tanong ng Huangho.

“Opo, Huang niáng”sagot ng Prinsipe.

“Kung ganoon, simula sa araw na ito ang Unang Prinsipe ay mapupunta na sa pangangalaga ni Yi Pin”anunsyo ng Kamahalan.

“Ngunit, Kamahalan…“sasabat pa sana ang Guifei.

“Tapos na ang diskusyon na ito, Huangho ikaw ang bahalang umayos ng burol ni Qi Fei, siguraduhin mo na magiging maayos ito at isang burol na nararapat sa isang Huangguifei.“wika ng Kamahalan.

“Masusunod, Kamahalan”wika ng Huangho.

Wala nang sinabi pa ang Kamahalan at umalis na lamang siya kaya nagbigay galang kami.

“Yi Pin, ang Unang Prinsipe ay iyong pangalagaan mo. Mauuna na ako at aayusin ko pa ang magiging burol ng Huangguifei.“wika ng Huangho.

“Masusunod, niangniang”wika ko at nagbigay galang.

Matapos lumabas ng Huangho ay sumunod na rin ang iba sa kanyang paglisan at ngayon ay ako, si Han, at si Yonghuang na lamang ang natitira rito sa Jingyanggong.

Lumuhod ako at pumantay kay Yonghuang upang kausapin siya.

“Yonghuang, sisiguraduhin ko na lagi kitang poprotektahan, aalagaan, at mamahalin bilang aking tunay na anak”wika ko at niyakap ko ang bata.

“Yi niangniang, maraming salamat sa iyong pag-aalala kay Ina. Sa aking paglaki ay sisiguraduhin ko na maaasahan mo ako.“sagot nito.

“Yiren, bumalik muna tayo sa ating Palasyo upang makapagpahinga ka na rin pati na ang Unang Prinsipe.“mungkahi ni Han.

Agad akong tumango at hinawakan ko ang kamay ni Yonghuang at sabay-sabay kaming lumisan paalis sa Jingyanggong.

Nagbigay ako ng utos sa mga tagapagsilbi na isunod ang mga gamit ng Unang Prinsipe sa aking Palasyo dahil doon na siya titira matapos ang mga nangyari sa araw na ito.

       PAGLIPAS NG ILANG LINGGO

Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon ay narito na nga sa aking Palasyo si Yonghuang na tumutuloy sa Silangang Bahagi ng Changchungong ngayon.

Ilang Linggo na ang lumipas at naninibago pa rin si Yonghuang sa kanyang bagong buhay kung saan wala na ang kanyang Ina.

Madalas ko siyang paalalahanan na kahit wala na ang kanyang Ina ay narito pa rin ako at si Han upang alagaan siya at araw-araw ko ring pinaparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa.

Noong Linggo ng burol ni Qi Huangguifei ay ilang beses lamang pumunta ang Kamahalan at halata ko sa kanyang itsura na naapektuhan din siya sa pagpanaw nito.

Nais ko man siyang damayan ay hindi ko magawa dahil kailangan kong alagaan si Yonghuang na lubhang nagluksa noon.

Ngayon ay medyo umaayos na ang bata at lagi namin siyang sinasabayan sa pagkain ni Han upang ganahan siya at hindi niya isipin na siya ay nag-iisa.

Si Yonghuang ay isang masayahing bata ayon sa kanyang Momo o Punong Tagapagsilbi pero ngayon ay tahimik lamang ito kaya naman nais ko na malibang ito ngayon upang mawala sa isop niya ang kalungkutan.

Kasalukuyan itong nasa kanyang silid kaya naman pinuntahan ko siya upang yayain siya na maglibot ngayong araw sa kaharian.

Pagpasok ko sa kanyang silid ay nagbabasa lamang ito at na sa kanyang gilid ang kanyang momo.

Umupo ako sa tabi niya.

“Yonghuang, nais mo bang ilibot kita ngayon sa kaharian?“nakangiting tanong ko dito.

Nakita kong napaisip ito pero kalaunan ay ngumiti rin naman at tumango.

“Kung gayon ay halika at maglilibot tayong dalawa ngayon”wika ko sa kanya at hinintay ko siyang magsapatos at saka kami sabay ba lumabas sa kanyang silid.

Dumaan muna kami sa silid ni Han upang abisuhan siya at yayain kaya lamang ay tumanggi siya dahil naghahabi siya ng kasuotan ngayon.

Sinabihan ko na lamang siya na siya na muna ang bahala sa Palasyo habang wala kami.

Matapos iyon ay lumabas na kami ng Changchungong at ngayon ay nais kong dalhin si Yonghuang sa isang lugar na aking nadiskubre neto lamang na tiyak kong magbibigay ng kasiyahan sa kanya.

Naglakad kami ni Yonghuang ng ilang minuto at narating namin ang lugar na aking nadiskubre at umakyat kami.

Nakakapagod na pag-akyat nga lang pero sulit naman kapag narating na namin ang itaas ng lugar.

Nang makarating kami ay tinignan ko ang tanawin at naalala ko ang Tore sa Kapitolyo na madalas kong puntahan noon upang matanaw ang Kaharian at sa tingin ko ay ganoon din ang aming ginagawa ngayon dahil kitang-kita ang buong kaharian sa aming kinatatayuan ngayon.

Nagulat ako nang biglang lumapit sa akin si Yonghuang at nagsalita.

“Yi niangniang, napakaganda rito!“nakangiting wika nito at ako ay napangiti din dahil ito ang unang beses na nakita ko itong ngumiti.

“Pangako dadalhin pa kita sa iba pang mga magagandang lugar dito sa Kaharian kapag tayo ay may panahon upang maglibot”wika ko dito na tinanguan nito.

Nagtagal pa kami doon ng ilang minuto bago bumaba at magtungo sa Hardin na siyang susunod naming pupuntahan.

Kung napapansin niyo ay hilig ko talaga na maglagi sa Hardin no hahahaha. Napakaganda lang kasi talaga ng Hardin na parang lagi akong dinadala sa Katahimikan kapag naroroon ako.

Naglakad muli kami ni Yonghuang at sa paglalakad namin ay nakasalubong namin si Zhe Pin na noong nakaraang Linggo ay bumalik na sa Kaharian.

Binati namin ang isa’t-isa.

“Pagbati, Zhe Pin jiejie”wika ko.

“Yi Pin meimei”wika nito.

“Pagbati, Zhe niangniang”wika ni Yonghuang.

Ngumiti naman si Zhe Pin kay Yonghuang at saka ito lumapit sa akin.

“Jiejie, saan ka magtutungo?“tanong ko.

“Tutungo ako ngayon sa Mga Mananahi ng Kaharian upang kunin ang aking mga bagong kasuotan, Kayo saan kayo patungo?“sagot at tanong din nito.

“Inililibot ko lamang ang Prinsipe at ngayon ay patungo na kami sa Hardin ng Kaharian”sagot ko.

“Kung gayon ay mag-iingat kayo, mauuna na ko meimei, Unang Prinsipe”wika nito at nagbigay-galang kami sa isa’t-isa.

Magkasalungat ang aming daraanan kaya naman nagpatuloy na kami ni Yonghuang sa paglalakad patungo sa Hardin na di rin nagtagal ay narating namin.

Ngayon ay narito na kami ni Yonghuang at pinabayaan ko muna siya na maglibot sa Hardin. Kasama niya naman si Rin at Rai pati na rin ang kanyang Momo.

Naupo ako sa dito sa parang gazebo rito sa Hardin kung saan abot tanaw ko pa rin naman si Yonghuang.

Si Luyun ang kasama ko ngayon na pinagmamasdan si Yonghuang na kasalukuyang tinitignan ang mga bulaklak.

Sumandal muna ako sa kinauupuan ko at pumikit saglit dahil sobrang nakakarelax ang ambiance rito sa Hardin at talagang aantukin ka.

Ilang minuto pa lamang akong nakapikit at komportable sa aking pagsandal ay may umubo sa aking harapan.

“Ehem”ubo ng kung sino na nagpamulat sa akin.

“Kamahalan!?“nagulat na wika ko.


Cut muna hihi! Hi guys!!! Namiss ko kayo huhu.

Sorry sa late UD huhu nawalan talaga ako ng time magsulat huhu pero everything is alright now❤

Lesson muna:

So ang mga Prinsipe ang tumatawag sa Emperor na Huang Ama or Royal Father and sa kanilang Ina naman ay Muqin or niáng and sa Empress naman is Huang niáng dahil ang Empress ang Imperial Mother ng lahat ng mga Prinsipe.

Ayun lang hihi!! Stay tuned for the upcoming Updates.

Stay Safe Everyone!!! Sending love❤

37 | Pagtaas ng Posisyon

•Yiren

Tatayo na sana ako at babati nang hilahin niya ako paupo sa tabi niya kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang magpatangay sa Kamahalan.

“Bakit dito ka natutulog?“tanong niya.

“Inilibot ko si Yonghuang ngayon sa Kaharian upang malibang naman ang bata lalo pa at bukas ay mag-aaral na siyang muli.“sagot ko.

“Ganoon ba”napatango ang Kamahalan at ako naman ay napangiti.

May sasabihin pa sana ang Kamahalan nang biglang dumating si Yonghuang at bumati sa kanyang Ama.

“Pagbati, Huang Ama”wika niya.

“Yonghuang, halika sa aking tabi”wika ng Kamahalan.

Lumapit ang bata at tinabihan ang kanyang Ama na hinila siya papunta sa aming gitna at doon ay napangiti na lamang ako dahil pumasok sa aking isipan ang larawan ng isang masaya at simpleng pamilya.

Isang bagay na hindi ko naranasan sa aking panahon dahil si Mama lamang ang nagpalaki at nagparamdam sa akin ng pagmamahal.

Anyways ayoko malungkot kaya balik tayo sa mag-ama na ngayon ay nagkakamustahan at masayang nag-uusap.

Kita ko sa mata ng bata na talagang malapit siya sa kanyang Ama at ganoon din ang Kamahalan dahil si Yonghuang ang kanyang unang Anak kaya naman higit na malapit siya rito.

Pinagmamasdan ko lang sila habang nag-uusap nang bigla akong pitikin sa ilong ng Kamahalan.

“Kanina pa kita tinatawag, ano ba ang nasa iyong isipan?“tanong ng Kamahalan habang nakangisi.

Narinig ko naman ang tawa nina Yonghuang, Luyun, at Schel sa paligid.

“Kamahalan naman e, natutuwa lamang akong pagmasdan kayong dalawa”sagot ko.

Natawa ito at hindi na nagsalita pa.

Maya-maya ay nagpaalam na ito sa kanyang Anak at sa akin.

“Yonghuang, bibisitahin ka ni Ama sa aking libreng oras. Yiren, alagaan mo maiigi ang ating anak”wika nito na nagpagulat sa akin.

Ano raw!? Ating anak?

Halaaaaaa!!!!? Omygad

“Niangniang, nakaalis na ang Kamahalan”wika ni Luyun na nagpabalik sa akin sa katinuan.

Saka lamang ako napatayo at nung nagsink-in na sa akin yung sinabi ng Kamahalan ay masaya kong niyaya si Yonghuang na umuwi na sa aming Palasyo dahil maggagabi na.

Ilang minuto rin ang inabot bago kami maka-uwi at nang marating na namin ang aming Palasyo ay dumiretso kami sa silid ni Yonghuang dahil maliligo na ang bata.

Ipinahanda ko na ang paliguan niya habang tinatanggal ko ang tirintas ng kanyang buhok upang pagkaligo niya maya maya ay mas madali itong ayusin.

“Yonghuang, naging masaya ka ba ngayong araw?“tanong ko sa bata.

“Maraming salamat sa araw na ito, Yi niangniang”sagot nito at nagulat ako nang yakapin ako neto.

Nang makabawi ako ay niyakap ko rin ito. Bumitiw na siya at saka naman pumasok si Rin upang ipagbigay-alam na handa na ang paliguan kaya pinasama ko na sa kanya si Yonghuang.

Naiwan akong mag-isa sa silid ng bata at sa hindi ko mawaring dahilan ay napangiti na lamang ako dahil sobrang gaan ng pakiramdam ko at sobrang saya ko ngayong araw.

Nang matapos na maligo si Yonghuang ay tinulungan ko sila na bihisan siya at inihatid ko siya sa kanyang higaan.

“Yonghuang, kailangan mong matulog ng maaga dahil sa pagsikat ng araw kinabukasan ay magsisimula na ang iyong klase”wika ko rito.

“Hmm, maraming salamat Yi niangniang sa pag-aasikaso sa akin”sagot nito.

“Ikaw ay magpahinga na”wika ko rito at hinalikan ko ang bata sa kanyang noo.

Pumikit na ito kaya naman umalis na ako upang makapagpahinga na ang bata.

Dumiretso na ako sa aking palasyo upang magpahinga na rin dahil balak kong ihatid si Yonghuang bukas sa paaralan ng mga Prinsipe bukas bago kami bumati sa Huangho.

K I N A B U K A S A N

Maaga akong nagising at nag-ayos ng sarili upang silipin si Yonghuang at tulungan siyang maghanda para sa kanyang pagpasok sa kanilang paaralan.

Pagpasok ko sa kanyang silid ay nakaupo na ito sa harap ng kanyang damitan at namimili na ang kanyang Momo ng kanyang kasuotan para sa araw na ito.

Nilapitan ko siya at napangiti naman ito ng makita ako. Tumayo ito at bumati sa akin.

“Maganda Umaga, Yi niangniang”wika nito habang nakabow.

“Magandang Umaga, Yonghuang”nakangiting pagbati ko rin sa kanya.

“Handa ka na ba sa iyong pagpasok Yonghuang?“tanong ko sa kanya.

“Handa na ako Yi niangniang”nakangiti nitong sagot.

Kaya naman inutusan ko na ang kanyang Momo na bihisan na siya at ang kanyang personal na Eunuch naman ang inutusan ko na ayusin na ang mga gamit niya.

Makalipas ang ilang minuto ay tapos na magbihis at ayusan si Yonghuang kaya naman niyaya ko na siya na umalis na siyang ikinagulat naman niya.

“Yi niangniang, sasamahan mo ako?“tanong nito.

“Bakit naman hindi? Nais kitang ihatid sa iyong paaralan”tanong at sagot ko sa kanya.

Napangiti ito at tumango ng may energy hahahahaha.

Hinawakan ko ang kamay nito at sabay kaming lumabas sa aming palasyo upang tahakin ang daan tungo sa kanilang paaralan.

Ilang minutong lakaran mula sa Changchungong lamang ang layo ng kanilang paaralan kaya naman mabilis kaming nakarating doon.

Pagkapasok namin ay naroon na ang ibang iskolar ng kaharian at nasa harapan naman ang kanilang guro na nagsipagtayuan dahil sa aming pagdating doon.

“Pagbati, Yi Pin niangniang, Unang Prinsipe”wika nilang lahat.

“Mianli, Guro inihatid ko lamang ang aking anak”wika ko at oo, anak ko na talaga si Yonghuang.

Kagabi ko pa narealize na mayroon na nga akong anak sa panahong ito at ito ay si Yonghuang kaya naman gagawin ko ang lahat upang iparamdam sa kanya ang aking pagkalinga at pagmamahal.

Nang makaupo na si Yonghuang ay lumingon ito sa kinaroroonan ko kaya naman itinaas ko ang aking kamay at nagbye sign na ginaya na lamang ng bata kaya napangiti ako.

Nilisan ko na ang paaralan at tumuloy na ako papunta sa Yikungong upang hindi ako mahuli sa pagbati sa Huangho.

Sa daan papunta roon ay nakasalubong si Jang Fei kaya naman sumabay na ako sa kanya paounta sa Yikungong at pagdating namin ay naroon na rin ang iba as usual charot.

Inabisuhan na kami na pumasok sa loob dahil naroon na ang Huangho kaya naman pumasok na kami ngunit di namin inaasahan na naroon din ang Kamahalan at ang Inang Reyna.

Agad kaming nagsipagluhod at bati sa kanila.

“Pagbati, Taihou, Kamahalan, Huangho niangniang”sabay sabay na wika namin.

“Mianli, magsiupo na kayo”wika ng Taihou.

Nagpasalamat kami bago umupo.

“Ang araw na ito ay isang masayang araw para kay Yi Pin”wika ng Huangho na nagpagulat sa akin.

“Niangniang?“napatanong na lamang ako.

“Nakarating sa aking kaalaman kung paano mo inialay ang iyong sarili kay Yonghuang na siyang aking Unang Apo, Yi Pin”wika ng Taihou.

“Taihou, ginagawa ko lamang ang mga bagay na marapat gawin ng isang Ina para sa kanyang anak.“sagot ko.

Napatango at ngiti ang Taihou.

“Tunay nga ang iwinika sa akin ng Huangdi(Emperor)“wika nito.

Napatingin naman ako sa Kamahalan na nakangisi lamang sa akin kaya napanguso naman ako dahil clueless talaga ako sa mga nangyayari ngayon.

“Dahil sa iyong dedikasyon sa pag-aalaga sa Unang Prinsipe, Yi Pin ikaw ay magiging si Yi Fei na”wika ng Taihou na nagpagulat sa aming lahat maliban sa kanilang tatlo sa gitna.

“Yi Fei!?“naguguluhang tanong ko.

“Napagpasyahan namin na iangat na ang iyong posisyon sa mas nararapat na pwesto kaya naman ano pa ang iyong hinihintay Yi Fei?“wika ng Kamahalan.

Kinalabit ako ni Luyun at binulungan na magpasalamat kaya kahit nabigbigla pa rin ako sa mga kaganapan ngayon ay tumayo ako at nagbow bilang pasasalamat sa kanilang gantimpala.

“Taos pusong pasasalamat sa inyong gantimpala, Taihou, Kamahalan”wika ko.

“Hmm, mianli”wika ng Taihou kaya tumayo na ako at bumalik sa aking upuan.

“Tatlong araw mula ngayon ay gaganapin ang iyong pormal na koronasyon, kaya maghanda ka Yi Fei”wika ng Huangho.

“Masusunod, niangniang”sagot ko.

Natapos ang aming pagbati at kasabay ko si Han na bumalik sa aming palasyo. Ilang minuto kaming naglakad pabalik at nang makarating kami sa aming palasyo ay nagulat ako.

“Pagbati, Yi Fei niangniang”wika ng lahat ng tagapagsilbi. Kasama si Yonghuang na nasa gitna nila.

“Mianli, mianli”wika ko.

“Yi Fei niangniang, tunay ngang ikaw ay naiiba dahil sa loob ng mabilis na panahon ay umangat kaagad ang inyong posisyon sa Kaharian”wika ng isang tagapagsilbi.

“Maari tayong magsaya ngunit huwag ninyong ipahalata sa ibang mga nasa labas dahil maari nilang isipin na sobrang nagbubunyi tayo at baka magkaroon pa ng usapin”utos ko na agad nilang tinanguan.

Kasama ko pumasok sa palasyo si Han at Yonghuang.

Nang nasa silid na kami at naghihintay ng hapunan ay nagsalita si Han.

“Yiren, hindi ako makapaniwala na isa ka nang Fei ngayon”nakangiting wika ni Han.

“Maging ako ay hindi makapaniwala Han”sagot ko.

“Tiyak akong sa pagtaas ng iyong posisyon ay marami ang mababahala lalona ang mga may masasamang hangarin”wika ni Han.

“Hayaan na muna natin ang mga iyan sa ngayon ay kumain na tayo.“wika ko.

Lumipas nang mabilis ang mga araw at ngayob ay kasalukuyan na akong nakaluhod sa harap ng aking palasyo habang ginaganap ang seremonya.

Narito ang lahat ng mga Pinfei kasama ang Huangho niangniang upang saksihan ang aking koronasyon.

“Si Yi Pin mula sa angkan ng mga Zhao ay mahinhin, may kagandahang panloob at panlabas ay siyang si Yi fei na ngayon”wika ng taga anunsyo.

“Taos pusong pasasalamat sa biyaya, Kamahalan”wika ko at ginawa ko ang anim na bow na kailangan sa seremonya.

Natapos ang seremonya at ngayon ay narito kami sa loob ng aking palasyo at umiinom ng tsaa nang biglang…

“Pagdating ng Kamahalan”anunsyo sa labas.


And cut hahahahahaha so lesson muna guys

Si Yiren ay isa nang Fei or Consort ngayon meaning Rank 4 na siya sa harem kaya mas lumakas ang kanyang power sa kaharian.

Ayun lang naaliw ako dun sa nagreply nung nakaraan na humahabol daw ba ako sa pasko hahahahaa sorry na po!!

Stay safe and always wear your masks everyone.

Love y’all❣

38 | Muqin

•Yiren

“Pagdating ng Kamahalan” anunsyo sa labas ng aking palasyo.

Lahat kami ay nagsipagtayo mula sa aming mga upuan at sabay sabay na nagsipagluhod upang magbigay-pugay sa Kamahalan.

Pagpasok ng Kamahalan ay sabay-sabay kaming nagsibati.

“Pagbati, Kamahalan”wika naming lahat.

“Mianli”sagot ng Kamahalan.

“Kamahalan, katatapos lamang ng koronasyon ni Yi Fei mabuti at nakahabol pa kayo”wika ng Huangho.

“Katatapos lang ng koronasyon kung kaya’t narito ako upang sabihan kayo na magsibalik na sa inyong mga palasyo upang makapagpahinga si Yi Fei”utos ng Kamahalan.

“Masusunod, Kamahalan”wika ng Huangho na sinundan ng ibang Pinfei.

Nang matapos silang lumisan ay niyaya na ako ng Kamahalan patungo sa silid kainan.

Hawak niya ang aking kamay patungo roon kaya naman hindi ako nagsalita at hinayaan siya na tangayin ako papunta sa silid.

Nakapagtataka ang ikinikilos nito dahil kanina pa ito nakangiti sa akin at inalalayan pa ako nito sa aking pag-upo.

Nakahanda na sa lamesa ang mga pagkain na hinihintay na lamang kaming dalawa.

Bago kami magsimula ay nagsalita na ito sa akin.

“Kanina pa ako nakangiti rito ngunit hindi ko pa naririnig mula sayo ang pasasalamat para sa pagtaas ng iyong posisyon”wika nito na nagpatawa sa akin.

“Kaya naman pala iba ang pakiramdam ko kanina pa hahaha ikaw talaga”sagot ko.

“Mamaya ay sisiguraduhin ko na nasa akin ang huling tawa”wika nito na parang banta na rin sa akin.

Nagsimula na kaming kumain nang biglang dumating si Yonghuang at bumati sa aming dalawa.

“Pagbati, Huang Ama, Muqin”bati nito na nagpalaki ng aking mata at napatingin ako sa kanya.

“Yonghuang, ano ang iyong itinawag sa iyong Ina?“tanong ng Kamahalan.

“Muqin”sagot nito.

“Bakit naman ganoon na ang iyong tawag sa iyong Ina?“tanong muli ng Kamahalan.

“Dahil naisip ko na si Yi niangniang na ang aking bagong Ina rito sa kaharian kaya naman marapat lamang na igalang ko siya at ipakita sa kanya ang aking pagrespeto Ama”sagot ng bata na nagpangiti sa akin.

“Mabuting bata, hindi ako nagkamali na sa iyong Muqin ka mapunta. Nakikita ko ang magandang resulta nito.“wika ng Kamahalan habang tinatapik ang balikat ng anak.

“Yonghuang, halika na at sumalo ka sa amin ng iyong Huang Ama”paanyaya ko sa aking anak na malugod nitong tinanggap kaya naman pumwesto ito sa gitna naming dalawa ni Seiya na nakita kong napasimangot kaya natawa ako.

Napansin ako nito at tinignan ng masama kaya tumigil ako at umayos na sa pwesto ko at nagpatuloy kaming tatlo sa pagkain at talagang natutuwa ako dahil parang isang tunay na pamilya kami ngayon na siyang pinapangarap ko na magkaroon ako dati at ngayon ay mayroon na talaga ako nito.

Natapos kaming kumain at nagpaalam na ang Kamahalan sa akin dahil mayroon pa siyang sesyon sa korte na kailangan niyang puntahan at pangunahan dahil siya ang Huangdi.

Sinabi niya sa akin na rito sa aking palasyo siya magpapahinga mamayang gabi kaya hintayin ko raw siya.

Pumasok na rin sa paaralan si Yonghuang kaya naman naiwan na naman ako mag-isa rito sa aking silid kaya naman nagpakuha na lamang ako ng libro kay Luyun upang basahin ko nalang para hindi ko mamalayan ang paglipas ng oras.

Gaya nga ng layunin ko ay hindi ko namalayan ang oras at ngayon ay papunta na ako sa paaralan ng kaharian upang sunduin si Yonghuang dahil malapit na magtakip-silim.

Dahil malapit lang sa aking palasyon ang paaralan ay ilang minutong lakaran lamang ang aking ginawa bago ko marating ang paaralan.

Pagpasok ko sa loob ay babati sana ang mga kawal tagapagbantay ng tarangkahan ngunit sinabihan ko sila na huwag na dahil maiistorbo ang mga bata.

Naghintay ako ng ilang sandali at nang matapos sila ay binati ako ng kanilang guro kaya naman napalingon na ang lahat sa akin at nakita ko si Yonghuang na nakangiti.

Ngayon ay hawak ko na ang kamay nito at naglalakad na kami pauwi sa palasyo upang makapagpahinga na ang aking anak dahil maghapon siyang nasa paaralan.

Nang marating namin ang palasyo ay dumiretso na kami sa kanyang silid at ipinahanda ko na ang paliguan niya dahil kapag nakapagpahinga na siya ang lilinisan na siya ng katawan bago siya matulog.

Kinamusta ko muna ang araw niya bago siya magpalinis ng katawan.

“Yonghuang, kamusta ang araw mo?“tanong ko.

“Labis na nakakagalak ang mga nangyari sa araw na ito, Muqin”sagot nito habang nakangiti.

“Kay sarap naman pakinggan ng iyong tawag sa akin, anak”wika ko na lalong nagpangiti rito.

“Gayon din po ang tawag ninyo sa akin.“sagot nito.

“Muqin, simula ngayon ay asahan mo na palagi akong magiging tapat sa iyo at hindi kita iiwan hanggang sa huli dahil ako ay iyong anak”wika nito.

“Oo naman, ikaw ay aking anak kaya naman asahan mo rin na sa habang panahon ay ituturing kitang aking anak at ipaparamdam ko sa iyo ang aking pagmamahal.“sagot ko rito.

Niyakap ako nito kaya naman napangiti ako at sinuklian ko ang yakap nito.

“Niangniang, handa na po ang paliguan ng Prinsipe”wika ni Rai sa akin kaya naman pinaalalayan ko na sa kanya si Yonghuang upang malinisan na ito at makapagpahinga na rin.

Hinintay ko itong matapos at ako na mismo ang nagbihis at nagsuklay sa kanyang buhok bago ko siya alalayan papunta sa kanyang higaan.

“Yonghuang, bukas ay papasok ka pang muli sa paaralan kaya naman matulog ka ng maaga anak”wika ko rito.

“Magandang gabi, Muqin”wika nito at humiga na.

“Magandang gabi, anak”wika ko sabay halik sa noo nito at tuluyan na itong pumikit.

Habang binabantayan ko ang bata ay kinilabutan ako nang may biglang bumulong sa aking tenga.

“Ngayong mahimbing na ang tulog ng ating anak ay ako naman ang iyong asikasuhin”bulong ng Kamahalan.

Boses pa lamang ay alam ko na siya ang tao sa aking likuran kaya naman napaharap ako rito at di ko inaasahan na sobrang lapit nito sa aking mukha kaya naman hindi ko naiwasan ang mga labi nito na direktang hinalikan ang aking mga labi.

Agad akong humiwalay dahil sa aking pagkabigla.

Nagulat ito ngunit agad akong bumulong upang maintindihan niya kung bakit ako bumitaw.

“Kakatulog lamang ng iyong anak at heto ka at gumagawa na kaagad ng kababalaghan. Halika na sa aking silid upang hindi maistorbo ang bata!“wika ko rito at hindi pa ako nakakatayo ay nauna nang umangat ang katawan ko dahil binuhat na ako neto ng pa-bridal style kaya naman kahit gusto ko man na sumigaw ay pinigilan ko ang aking sarili dahil natutulog na si Yonghuang..

Nagulat ang mga tagapagsilbi sa labas na agad nagsipagyuko at tabi upang bigyan ng daan ang Kamahalan na agad na tumungo sa aking silid at nakakaloka dahil inihagis ako nito sa aking kama.

Agad itong nagtanggal ng kanyang kasuotan na sinabayan dahil to tell you the truth guys, namiss ko rin talaga ito charot!!! hahahahaha.

                                  S P G

Nang matanggal na namin ang aming mga kasuotan ay muli kong nasilayan ang kahubdan ng kamahalan na kagaya ng dati ay tila nililok dahil sa sobrang kisig niya at ang aking pinakapaboritong  matipunong mga dibdib na tila ba nag-iinbita sa akin upang tikman ito.

Kaya naman agad akong yumuko at lumapit sa dibdib ng Kamahalan at nang narating kona ang korona ay saka ko nilabas ang aking dila at sinimulang padaan ito.

“A-argh, argh talagang napakahusay mo sa ganitong bagay Yiren!“wika ng Kamahalan habang bakas sa kanyang mukha ang sarap na nararanasan niya ngayon.

“Namnamin mo na lamang ang lahat ng aking gagawin ngayong gabi, Kamahalan”sagot ko at nagpatuloy na akong muli sa pagdila sa kanyang utong.

Hindi lamang pagdila ang aking ginawa dahil sinipsip ko na rin ito kaya naman naramdaman ko ang kamay ng Kamahalan sa aking buhok.

“Argh! Argh!“napalakas na wika ng Kamahalan.

Ipinagpatuloy ko lang ang aking mga ginagawa hanggang sa biglang bumaliktad ang aking pwesto at ngayon ay ang Kamahalan naman ang nasa ibabaw ko.

“Ako naman ang magtatrabaho”wika nito at nag-iba na ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Kinabahan ako pero mas nanaig yung excitement sa akin alam nyo yun! HAHAHAHAHAHA

Nagsimula nang sunggaban ng Kamahalan ang aking leeg at doon ay nagsimula siyang halik-halikan ako kaya naman nakiliti ako at dahil doon ay napakapit na lamang ako sa likod ng Kamahalan.

Tuloy-tuloy lamang siya sa paghalik sa aking leeg hanggang sa bumaba siya at sinimulan naman ang paghalik sa aking dibdib.

Pagkadampi pa lamang ng kanyang dila sa aking utong ay agad na akong kinilabutan at dama ko ang aking mga balahibo na nagsipagtayuan dahil sa kakaibang sensasyon na aking nadarama ngayon.

Nang tuluyan nang balutin ng kanyang labi ang aking utong ay napaliyad na lamang ako dahil sa kakaibang kiliti at sarap na nararanasan ko ngayon.

Tuluyan nang sinipsip ng Kamahalan ang aking kanang dibdib habang ang aking kaliwang utong naman ay patuloy niyang nilalaro gamit ang kanyang mga daliri.

Maya-maya ay bumaba siya sa aking tiyan at nung una ay tinitigan niya ito hanggang sa bigla niyang dilaan ang aking puson na siyang nagbigay din sa akin ng kakaibang sensasyon.

Sobrang kiliti ang nararamdaman ko kaya inangat ko ang ulo ng Kamahalan at tinitigan ko siya sa mata.

Bumaliktad ako ng pwesto at nagbalik ulit kaming dalawa sa aming mga pwesto kanina at ngayon ay nakahain na muli sa aking ang katawan ng Kamahalan na siyang kahuhumalingan ng kahit sino.

Ngayon ay nasa kamay ko ang kadakilaan ng Kamahalan na ngayon ay nakatayo sa aking harapan.

Nang maramdaman ko ang pamilyar na init na nagmumula rito ay dahan dahan ko itong itinaas baba upang maramdaman ng kamahalan ang sensasyon.

Tinitigan ko ang Kamahalan sa kanyang mata at lumaban din ito sa titigan at tila hinihintay ang aking susunod na gagawin kaya naman hindi ko siya binigo at ginawa ko na ang kanyang paborito sa tuwing kami ay nagigising isa.

Ibinuka ko ang aking bibig at saka ipinasok rito ang ulo ng kanyang sandata. Napapikit ang Kamahalan at mas humigpit pa lalo ang hawak niya sa aking ulo at mas idinidiin niya pa ako papunta sa kanyang kadakilaan

Kaya naman nilaliman pa ang aking ginagawa kaya naman napaungol ang Kamahalan.

“Argh, huwag kang titigil”wika ng Kamahalan.

Pinag-igi ko ang aking ginagawa ng biglang bumaliktad na naman ang aming pwesto at itinaas ng Kamahalan ang aking dalawang hita at naramdaman ko na naman ang napakasarap na sensasyon na nagpapatirik sa aking mga mata.

Ugh!!!, Kamahal-ugh!!“napaigtad na lang ako dahil sa sensasyon at sarap na ipinararanas sa akin ng Kamahalan ngayon.

Maya-maya ay tumigil ang Kamahalan at pinabangon ako.

“Gawin mo muli sa aking ari ang ginawa mo kanina”utos ng Kamahalan kaya agad akong tumuwad at nilagay kong muli sa aking bibig ang kanyang pag-aari at doon ko ito pinaglaruan.

Dinilaan ko din ang katawan nito kaya napahawak muli sa aking buhok ang Kamahalan at pinatigil niya din ako nang mapansin na andami nang laway ko ang naroon sa kanyang ari.

Inihiga niya akong muli at dahan dahang ibinuka ang aking hita at itinapat niya ang kanyang ari sa aking lagusan.

Dahan dahang pumasok ang Kamahalan at nakaramdam ako ng kakaibang hapdi kaya napakapit ako sa kanyang leeg at napamulat ng mata.

Pagkawika niya noon ay umisang ulos siya at…

“Ugh!!!!”

“Argh!!!”

Sabay na wika namin dahil nascam na naman ako dahil binigla na naman niya ako.

Ilang saglit din tumigil ang Kamahalan hanggang sa maya-maya ay nagsimula na siyang umulos kaya naman nararamdaman na ang kanyang ari sa aking loob.

Tuloy-tuloy ito sa pagbayo kaya naman wala akong magawa kundi umungol nalang dahil kagaya noong unang beses ay masakit ito sa pagpasok ngunit habang tumatagal ay ibayong kiliti ang dala nito sa akin.

Nagpatuloy lamang sa pagbayo ang Kamahalan hanggang sa maya-maya ay may natamaan siya sa loob ko na nagpaungol sa akin ng matindi.

“Ugh! Kamahalan! Ugh! Ugh!“sunod sunod na ungol ko dahil sobrang sarap tuwing tinatamaan ang bagay na iyon sa loob ko.

Bumabayo pa din ang Kamahalan at tuloy siya sa pagtama sa aking loob kaya naman tuloy-tuloy din ang sarap na aking nadarama.

Makalipas ang ilang minuto ay bumaliktad kami at ako naman ngayon ang nasa taas at inupuan ko ang Kamahalan kaya siya naman ngayon ang napapaungol.

Maya-maya ay naramdaman ko na parang may lalabas sa akin kaya naman napatigil ako sa pagtaas baba pero bumabayo pa din ang Kamahalan sa baba kaya hindi nagtagal ay lumabas na ang aking katas.

“Ughhhhhhhh! Ughhhhh!“sigaw ko dahil sa sobrang sarap na aking nadarama na ngayon ko lamang naranasan.

“Malapit na rin ako, argh!“wika ng Kamahalan kaya naman inilapit ko ang aking mukha sa kanya at hinalikan kong muli ang kanyang labi habang siya ay patuloy na bumabayo.

Hindi nagtagal ay umungol nang umungol ang Kamahalan.

“Eto na!!! Argh ayan na! Eto na”malakas na wika ng Kamahalan.

Naramdaman ko na lamang na may mainit na likido na pumuno sa aking loob at matapos itong pumutok ay napahiga na lamang sa ibabaw ko ang Kamahalan.

“Masaya ako ngayong gabi, Yiren”wika ng Kamahalan na umayos na ng higa at niyakap ako.

“Maging ako ay sobrang saya ngayong gabi, Seiya”sagot ko at yumakap na rin ako rito.

“Sana ay palagi mo akong samahan habang-buhay Yiren”wika nito.

“Tiyak naman iyan, Seiya kaya magpahinga na tayo dahil pinagod mo na naman ako”wika ko rito na nagpatawa sa kanya.

Tinulungan namin ang isa’t-isa na magpunas at magsuot ng pantulog at nang maayos na namin ang aming sarili ay humiga na kaming dalawa.

Dahil mas maliit ako kumpara sa kanya ay sa dibdib niya ako umunan habang yakap ko siya habang siya ay yumakap din sa akin.

Ang tanging nasa isip ko lamang ngayon ay para akong nasa alapaap dahil sa sobrang kasiyahan.

Nagpatangay na ako sa antok at pagod at tuluyan na akong pumikit at natulog sa tabi ng aking Huangdi.


Hi everyone!!! Here is an update for y’all. Enjoy!!

Muqin is read as “Mu-chin” hihi lesson lang

Stay safe everyone!

Love y’all❤

Special Chapter

•Yiren

Hindi ko na namalayan ang paglipas ng mga araw at ngayon ay narito ako sa labas ng aking palasyo at nakaup habang pinagmamasdan ko ang pagbagsak ng niyebe.

Ilang buwan na rin ako rito sa panahong ito at kung ngayon ay taglamig na rito at may niyebe na ay tiyak na Disyembre na sa kasalukuyang panahon at bagama’t walang niyebe ay tiyak ko na masaya ang selebrasyon ng bawat isa dahil tuwing Disyembre ipinagdiriwang ang Pasko.

Ang Pasko ay palaging ipinagdiriwang ng mga tao sa kasalukuyang panahon kaya naman namimiss ko na ito dahil halata naman na sa panahon ngayon kung nasaan ako ay hindi uso sa kanila ang Pasko.

Habang pinagmamasdan ko ang niyebe ay dumating si Luyun at inabutan ako ng tsaa kaya naman tinanong ko na rin siya.

“Luyun, anong araw na ngayon?“tanong ko.

“Nasa huling buwan ng taon na tayo, niangniang at pitong araw na lamang ay matatapos na ang taon na ito”sagot niya kaya naman napalaki ang mga mata ko dahil kung pitong araw na lang bago matapos ang taon na ito.

Ibig sabihin ay December na ngayon sa panahon na ito at sinabi ni Luyun na pitong araw na lamang bago matapos ang buwan na ito.

Edi ika-dalawampu’t apat na araw na ngayon ng buwan na ang ibig sabihin ay bisperas na ng Pasko at tiyak na kung nasa kasalukuyan lang ako ay magno-Noche Buena na kami mamaya ni Mama.

Nang pumasok sa aking isipan si Mama ay gusto kong umiyak dahil namimiss ko na ang Mama ko. Ilang buwan ko nang hindi naririnig ang boses niya. Ilang buwan ko na siyang hindi nakikita kaya naman miss na miss ko na siya.

Pasko na pala bukas at hindi ako sanay na hindi ipagdiwang ang Pasko kaya naman tumayo na ako sa aking kinauupuan at pumasok sa aking palasyo upang isagawa ang planong kapapasok lang din sa isip ko hahaha.

Syempre bilang wala namang Pasko rito ay gagawa nalang ako ng sarili kong Holiday bukas.

Ang balak ko ay magpapahanda ako ng isang piging bukas upang ipagdiwang ang Pasko at iimbitahan ko ang Kamahalan at ang Huangho pati na rin ang mga malalapit sa akin na Pinfei upang samahan ako na magdiwang.

Balak ko rin na tumulong bukas sa paghahanda dahil nais ko na gawin talagang holiday bukas kaya naman ayaw kong mapagod ang mga tagapagsilbi bukas dahil day-off nila kumbaga.

Kailangan din nila ng pahinga dahil buong taon ay pinagsilbihan nila kami rito sa kaharian.

Pagpasok ko sa loob ng palasyo ay agad kong nilapitan sina Luyun, Rin, at Rai upang abisuhan sila tungkol sa aking plano para bukas.

“Talaga, niangniang!?“napatayong wika ni Rai.

“Oo naman, nais kong magdiwang bukas dahil isa itong mahalagang araw para sa akin at nais ko rin na bigyan ng pahinga ang aking mga tagapagsilbi”wika ko.

“Maraming salamat, niangniang maaga kaming babangon bukas upang pamunuan ang paghahanda”turan ni Luyun.

Napangiti naman ako at saka ako pumunta sa akingg bulwagan upang isaayos na ang mga gagamitin at gagawin bukas.

Naisip ko kasi na para hindi kami kapusin sa oras ay ipapahanda ko na ang mga lamesa at upuab ngayong gabi upang bukas ay magluluto na lamang at iimbitahan ang aming mga bisita.

Oh diba! Lakas maka-Pasko netong balak kong gawin. Agad kong tinipon ang lahat ng mga tagapagsilbi kasama na ang mga tagapagsilbi nina Yonghuang at Han upang ianunsyo ang magaganap bukas.

Tumayo ako ngayon sa harap ng aking palasyo at masayang inanunsyo sa kanilang lahat ang mangyayari bukas na siyang ikinaliwanag ng kanilang mga mata at kita ko sa kanilang mga mukha ang kagalakan.

Katabi ko si Yonghuang at Han na kapwa rin excited para bukas kaya naman matapos kong ianunsyo ang piging bukas ay nagtulungan na kami upang isaayos ang mga gagamitin bukas.

Isinet-up namin ang mga lamesa sa loob ng palasyo at nang ito ay maayos na namin ay ipinalagay ko na ang mga upuan na gagamitin at dahil hindi ko pa alam kung sino sino ang mga pupunta bukas ay nilagyan ko na lamang muna ng anim na upuan kada lamesa.

Bukas ko na ipalalagay ang table cloth at pati na rin ang mga kutson sa mga upuan dahil baka malagyan lang ng niyebe at mabasa ito.

Nang matapos kaming mag-ayos ay sinabihan ko sila na magpahinga na dahil marami pa kaming gagawin bukas.

Inihatid ko muna ang aking anak sa kanyang silid bago ako tumungo sa aking silid at nagpunas ng katawan bago matulog.

Nang matapos akong magpunas ay nagsuklay lamang ako at ako ay nagtungo na rin sa aking higaan upang magpahinga dahil tiyak na magiging isang mahabang araw ang magaganap bukas.

K I N A B U K A S A N

Papasikat pa lamang ang araw nang ako ay gumising at nang ako ay bumangon. Narinig ko na ang ingay sa labas kaya naman sumilip ako at natuwa ako nang makita ko sila na nag-aayos nang muli.

Hindi na muna ako nag-ayos ng aking sarili dahil nararamdaman kong mahahaggard lang ako kapag nag-ayos agad ako kaya naman sinuot ko lang ang aking sapatos bago ako lumabas.

Nang mapansin nila ako ay agad silang nagsipagbati sa akin.

“Pagbati, Yi Fei niangniang”wika nilang lahat.

“Mianli, Magandang Umaga sa inyong lahat”nakangiti kong sagot sa kanila.

“Niangniang, paumanhin sa aming kaingayan at ikaw ay amin pang naabala sa iyong pagtulog”wika ng isang tagapagsilbi.

“Wala iyon, balak ko talagang gumising ng maaga upang tulungan kayo ngayong araw.“wika ko.

“Niangniang, ano ba talaga ang ipagdiriwang natin ngayong araw?“tanong ng isang Eunuch.

Napangiti muna ako bago sila sagutin.

“Tawagin na lamang ninyong Pasko ang pagdiriwang na ito”sagot ko sa kanila.

“Bago ko makalimutan, Maligayang Pasko sa inyong lahat”wika ko habang hindi pa rin nawawala sa aking mukha ang ngiti ko.

“Ah, eh, Maligayang Pasko, Yi Fei niangniang”wika ni Luyun sabay luhod at Kowtow sa akin na siyang sinundan ng lahat kaya naman agad ko silang pinatayo dahil kalat ang niyebe sa lupa at napakalamig.

Nang matapos iyon ay nagtungo na ako sa kusina ng aking palasyo upang sabihan ang mga tagapagluto ng kanilang mga ihahain para sa araw na ito.

Pinaghanda ko sila ng maraming putahe sa araw na ito at nais ko ring gumawa ng isang panghimagas na sikat tuwing pasko at iyon ay ang Fruit Salad kaso lamang ay namomroblema ako dahil hindi pa uso rito ang Refrigerator.

Nang mabanggit ko ang bagay na iyon ay nagwika ang isang kusinero na napapalamig nila ang ibang mga inumin at panghimagas sa pamamagitan ng isang box na puno ng yelo na hindi ko naisip hahahaha.

Natuwa naman ako kaya naman inutusan ko sila na magsimula na sa pagluluto upang hindi sila magahol sa oras.

Bumalik na ako sa loob ng palasyo at pansin ko na sikat na ang araw kaya naman inutusan ko si Rin at Rai na magtungo sa tatlong lugar ngayon.

Sa Palasyo ng Taihou, Kamahalan, at Huangho upang ipagbigay alam sa kanila na iniimbita ko sila sa pagdiriwang ngayong araw sa aking palasyo.

Tiyak naman na pupunta ang mga Pinfei sa Yikungong mamaya para sa pagbati at hahayaan ko na ang Huangho na siyang mag-anunsyo nito sa kanila.

Absent muna ako ngayong araw sa Pagbati dahil sobrang abala ko today ahahhaha.

Ako naman ay nagpasama kay Luyun na kumuha ng mga sangkap para sa aking gagawin na Fruit Salad na mula pa sa recipe ni Mama kaya sana naman ay magustuhan nila ito mamaya.

Inutusan ko na rin ang dalawang Eunuch na kunin ang sinasabi ng mga kusinero na Ice Box kuno upang ilagay ko nalang mamaya ang Fruit Salad roon.

Lumipas ang mga oras at ngayon ay katatapos ko lamang na gumawa ng Fruit Salad kaya naman lumabas ako sa aking silid at sinilip ang ginagawa nila sa labas at ako ay namangha.

Dahil ang aking palasyo ngayon ay sobrang makulay dahil sa mga dekorasyon at palamuti. Ang mga lamesa at upuan ay nakaayos na rin pati ang mga gagamitin sa pagkain handa na kaya naman bago ako pumunta sa aking silid ay inutusan ko si Luyun na puntahan si Yonghuang at Han upang abisuhan sila na maya-maya ang magsisimula na ang pagdiriwang.

Ako naman ay tumungo na sa aking silid kasama ang dalawa na kababalik lamang kanina.

Isinuot ko ang aking pinakabagong kasuotan ang mga palamuti upang umangkop ito sa okasyon na aming ipagdiriwang mamaya.

Inaayusan ako ng buhok ng pumasok sa aking silid si Yonghuang kasama si Han na kapwa nakasuot din ng mga magagandang kasuotan kaya naman napangiti ako na agad ding nawala.

“Niangniang, parating na ang mga Kamahalan!“anunsyo ng isang Eunuch.

Mabuti na lamang at nailagay na ang mga palamuti ko sa buhok. Agad akong tumayo at kasabay ko sina Yonghuang at Han na lumabas ng palasyo upang salubungin ang aming mga bisita.

Pagkalabas namin sa Tarangkahan ay inanunsyo na nga ang kanilang pagdating.

“Pagdating ng Taihou, Kamahalan, Huangho niangniang”

Agad kaming lumuhod upang salubungin sila at batiin.

“Pagbati, Taihou, Kamahalan, Huangho niangniang”wika ko na sinundan ng lahat.

“Mianli, Yi Fei ano ang ating ipagdiriwang sa araw na ito?“tanong ng Taihou.

“Taihou, tawagin na lamang nating Pasko ang okasyon na ito. Isa itong pagdiriwang para tanggalin ang pagod sa ating mga sarili at isa itong araw upang maging masaya ang lahat”sagot ko.

“Hmm, magandang ideya Yi Fei”wika ng Taihou habang nakangiti naman sa akin ang Huangho.

Ang Kamahalan naman ay nakatitig lang sa akin habang nakangisi na naman.

Sa likod nila ay naroon ang mga Pinfei kaya naman hindi ko na pinatagal pa at agad ko silang pinapasok sa loob at kita ko ang pagkamangha sa kanilang mga mata noong sila ay pumasok kaya naman labis akong natutuwa.

Nang makaupo na ang mga Kamahalan ay saka lamang kami umupo dahil iyon ang rules tuwing may piging.

Ipinaserve ko na ang mga putahe sa araw na ito at ngayon ay pinapasok ko na ang mga mang-aawit na aking kinausap kanina upang magtanghal habang ang lahat ay nagsisimula nang kumain.

Masaya ang kapaligiran at ngayon ay masasabi kong dama ko na muli ang diwa ng Pasko kaya naman tunay akong nagagalak.

Ang mga tagapagsilbi rin ay kumakain na habang ineenjoy ang pagtatanghal. Habang sila ay nanonood ipinahanda ko na ang Fruit Salad upang matikman na nila ito.

Nang matapos nila itong ihanda ay agad ko itong ipinaserve.

“Taihou, Kamahalan, Huangho niangniang iyan ang panghimagas na aking ginawa para sa pagdiriwang na ito, sana ay inyong maibigan”wika ko at nang tinikman na nila ay napapikit ako dahil kinakabahan ako sa reaksyon nila.

“Hmm, ngayon lamang ako nakatikim ng ganitong panghimagas na talaga namang malinamnam at angkop ang lamig nito. Yi Fei, saan mo natutunan ang paggawa nito?“tanong ng Taihou.

“Iyan po ay turo sa akin ng aking Ina, Taihou”sagot ko habang nakangiti.

“Magaling, magaling ako ay natutuwa sa iyo”wika ng Taihou kaya naman napangiti ako lalo.

“Bilang natuwa ang Inang Reyna ay gagawin na natin ang Pagdiriwang ng Pasko kada taon”wika ng Kamahalan kaya nagulat ako.

“Sang-ayon ako sa iyo, Huangdi”wika ng Taihou.

Nagpatuloy ang pagdiriwang nang masaya at matiwasay.

Heto naman ako ngayon at tumutulong sa pag-aayos ng mga ginamit sa pagdiriwang na ito dahil kakatapos lamang ng pagdiriwang at nagsi-alis na ang mga bisita.

Nakakapagod man ang araw na ito ay nakakatuwa pa rin dahil naipagdiwang namin ang Pasko at kahit nasa ibang panahon man ako ay naramdaman ko ang diwa nito.

“Niangniang, kaya na namin ito. Kayo ay magpahinga na dahil kayo ang pinaka-napagod sa pagsasaayos nitong pagdiriwang”wika ni Rai sa tabi ko.

“Siyang tunay, niangniang”wika rin ni Rin.

Wala naman akong nagawa kundi ang pumasok na sa aking silid at magpahinga na rin dahil tunay na napagod ako ngayong araw.

Humiga na kaagad ako sa aking higaan at ipinikit ko ang aking mga mata at nagpatangay sa antok.

Naalimpungatan lamang ako dahil naramdaman ko na may nakahawak sa pisngi ko kaya nagmulat ako ng mata at nagulat ako nang makita ang Kamahalan na hinahaplos ang aking mukha.

“Kamahalan!?“wika ko.

“Ganyan ka talaga kagulat na makita ako?“tanong nito.

“Hindi naman sa ganoon, e bakit ka naparito?tanong ko rin.

“Aba, pag-aari ko ang kaharian kaya kahit saan ko naisin na pumunta ay maari kong puntahan”sagot nito.

“Oo nga naman, kung gayon ay bakit mo hinahaplos ang aking mukha ha!“wika ko.

“Nais lamang kitang gisingin dahil nais ko na ring magpahinga”wika nito sabay tingin sa ibang direksyon.

“Sus, huli na itatanggi pa”pabulong na wika ko.

“Anong sabi mo!?“wika nito.

“Wala, ang sabi ko ay dapat nang magpahinga ang Kamahalan”wika ko nang paasar.

“Iniinis mo talaga ako ha!“wika nito at saka ako dinaganan kaya naman natawa ako dahil sa pagiging isip-bata nito na hindi mo madalas na makikita dahil mas madalas itong seryoso.

Maya-maya lamang ay umayos na kaming dalawa at saka kami tumayo upang magpalit na ng pantulog.

Nang matapos kami ay saka kami humiga at ngayon ay magkaharap kaming dalawa kaya naman binati ko siya.

“Seiya”tawag ko.

Napatingin ito sa akin.

“Maligayang Pasko”wika ko habang nakangiti.

“Ano ang ibig sabihin ng iyong tinuran?“tanong nito.

“Ang ibig sabihin ko ay sana naging maligaya ka sa araw na ito, aking Kamahalan”wika ko rito.

“Kung gayon ay Maligayang Pasko rin sa iyo, Yiren”wika nito at saka ako niyakap.

Sobrang sarap ng pakiramdam ko ngayon at muli akong nagpatangay sa antok at ipinikit ang aking mga mata.


Merry Christmas!!! Hope you guys enjoy this Chapter hihi! Wala munang putukan ha sa New Year na yun charot hahahahaha.

Love ko kayo!!❤

39 | Ipinagbabawal na Kahilingan

•Yiren

Pagmulat ko ng aking mga mata ay napansin ko agad na wala na akong katabi sa aking higaan kaya naman napa-upo ako at pagbaling ng aking mata sa aking gilid ay nakita ko ang katabi kk kagabi.

Ang Kamahalan na kasalukuyang inaayusan ni Schel at Luyun ng kanyang kasuotan na para sa kanyang pagpunta sa sesyon ng korte.

“Niangniang, gising na pala kayo”wika ni Luyun.

Nilapitan naman ako nina Rin at Rai at inalalayan sa pagsusuot ng aking sapatos at saka ako lumapit sa Kamahalan.

“Kamahalan, bakit hindi mo naman ako ginising?“tanong ko.

“Nais ko lamang na magpahinga ka dahil alam ko naman na napagod ka.“sagot niya sabay ngisi sa akin kaya namula ako.

Nang maisuot na niya ang kanyang sumbrero ay nagpaalam na ito sa akin.

“Yiren, huwag mo na ako ihatid sa tarangkahan. Babalik ako rito sa aking libreng oras”wika nito kaya ngumiti na lamang ako.

“Paalam, Kamahalan”wika ko sabay bow.

Tuluyan na nga siyang umalis kaya naman ako ay bumalik sa aking higaan pero hindi na ako humiga pa. Naupo na lang ako at inalala ang mga kaganapan kagabi.

Na agad ding natapos dahil dumating na sila Rin at Rai na bitbit ang aking bagong kasuotan at ang tubig at tuwalya para sa aking paghihilamos.

Ganoon lumipas ang aking umaga at ngayon ay narito ako sa lugar ni Han upang samahan siya na maghabi ng mga bagong panyo na aming ginagamit.

Nakaalis na rin si Yonghuang kanina pagkatapos namin mag-agahan kaya naman wala na talaga akong magawa kung hindi ang tulungan si Han dito sa ginagawa niya.

Nagkwentuhan na rin kaming dalawa tungkol sa mga chismis dito sa kaharian hahaha. Uso na pala talaga dati pa ang mga chismis no.

Mabilis na lumipas ang oras at ngayon ay napagpasyahan ko na bisitahin si Ama sa Kagawaran ng Pagsasaliksik dahil noong ako ay naging Fei kahapon ay nagpadala lamang sila ni Ina ng regalo.

Bawal sila bumisita sa akin ng walang pahintulot ng Kamahalan kaya naman ganoon lamang ang kanilang magagawa.

Ilang buwan na rin ang lumipas noong huli kong makita si Ama lalo na si Ina na simula pa noong pumasok ako sa kaharian ay hindi ko na nakita pang muli.

Ito ang kapalit ng pagiging miyembro ng Harem. Ang paglayo mo sa iyong pamilya kaya naman nalulungkot ako ngayon dahil kapalit ng tinatamasa kong karangyaan dito sa kaharian ay ang pagkawalay ko sa mga magulang ko sa panahong ito.

Mabuti na lamang at wala nang ganitong tradisyon sa kasalukuyan.

“Niangniang, handa na ang inyong sedan”pagbibigay-alam ni Luyun sa akin.

“Ganoon ba, halika na”wika ko.

Inalalayan niya ako sa pagtayo at paglabas ng palasyo.

Ngayon ay nakaupo na ako sa aking sedan at inutusan ko sila na dalhin ako sa Kagawaran ng Pagsasaliksik.

Mabilis kong narating ang Kagawaran at ngayon ay kabababa ko pa lang sa aking sedan at agad akong pumasok sa loob kung saan naabutan ko ang ibang ministro na agad akong binati.

“Nais kong malaman kung nasaan ang Punong Ministro?“tanong ko sa kanila.

“Niangniang, ang Punong Ministro ay nasa inyong tahanan at binabantayan ang Furen”sagot ng isang Ministro.

“Inaalagaan!? Ano ang nangyari?“nabigla kong tanong.

“Niangniang, ang inyong Ina ay kasalukuyang sugatan ngayon matapos nitong makaaway ang isa pang Furen”sagot nito.

Agad akong tumalikod at lumabas ng Kagawaran. Umupo agad ako sa aking sedan at agad na pinabalik ito sa Changchungong.

Nag-aalala ako kay Ina ngayon dahil isa siyang mahinhin at eleganteng babae na madaling masaktan kaya naman labis din ang inis ko sa nakaaway niya dahil sinaktan nito ang aking Ina.

“Magtungo tayo sa Yangxindian”utos ko.

Kailangan kong puntahan si Ina ngayon kaya naman kahit bawal ako lumabas sa kaharian ay gagawa ako ng paraan at kahit na magmakaawa ako ngayon sa Kamahalan ay gagawin ko.

Nang marating ko ang Yangxindian ay pumasok kaagad ako at sinalubong ako ni Schel.

“Yi Fei niangniang, ano at naparito kayo?“tanong nito.

“Schel, nais kong makausap ang Kamahalan”wika ko.

“Ngunit niangniang, nagbabasa ang Kamahalan ngayon at hindi siya maaring maistorbo”wika nito.

“Nakikiusap ako, Schel kailangan kong makausap ang Kamahalan”wika ko.

“Sumunod kayo sa akin, niangniang”wika nito at binuksan niya ang tabing upang makapasok ako.

Ito ang unang beses ko rito kaya naman hindi ako pamilyar sa kapaligiran.

Narating namin ang tanggapan ng Kamahalan at nakita ko si Seiya na seryosong nagbabasa.

“Kamahalan, narito si Yi Fei niangniang”wika ni Schel.

Umangat ito ng tingin at binitawan ang kanyang binabasa. Tumayo ito at lumapit sa akin.

“Yiren, ano at naparito ka?“tanong nito.

“Kamahalan, may nais akong hilingin sa iyo”wika ko.

“Ano iyon?“tanong niya.

“Nais kong bisitahin ang aking Ina sa labas ng Kaharian”wika ko.

Nakita kong sumeryoso ang itsura nito bago ito lumayo sa akin at bumalik sa kanyang upuan kanina.

“Iwan niyo kami”utos nito.

Lumabas sina Luyun at Schel kaya naman nagsalita na muli si Seiya.

“Yiren, alam mong hindi maaring lumabas pa ng Kaharian ang mga Pinfei sa oras na sila ang maging bahagi na ng Harem. Maari lamang silang lumabas ng kaharian kung sila ay isasama ng Huangdi sa paglalakbay”wika nito.

“Alam ko ito, Kamahalan ngunit kailangan ako ng aking Ina ngayon sapagkat siya ay kasalukuyang binabantayan ng aking Ama dahil malubha ang mga sugat nito ngayon. Bilang kanilang anak ay kailangan nila ako sa kanilang piling.“pangangatwiran ko.

“Kung gayon ay bumalik ka na lamang sa kanila!“nagulat ako sa tinuran at pagtaas ng boses ng Kamahalan.

“K-kamahalan”nautal na wika ko.

Ito ang unang beses na makita ko siyang magalit at ito rin ang unang beses niyang magalit sa akin.

Tinitigan niya ako at saka lumambot ang kanyang ekspresyon. Muli siyang tumayo at lumapit sa akin.

Hinawakan niya ang aking Kamay at saka nagsalita.

“Hindi ko sinasadyang pagtaasan ka ng boses ngunit sana ay maintindihan mo na hindi ko mapapagbigyan ang iyong kahilingan Yiren”wika nito.

Yumuko na lamang ako at tumango.

“Mauuna na ako, Kamahalan”wika ko at nagbow bago umalis.

Tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak sa aking mga kamay at saka tuluyang umalis.

Lumabas na ako ng Yangxindian nang hindi lumilingon pabalik at agad akong dumiretso sa aking sedan at inutusan sila na bumalik na sa aking palasyo.

Nakatitig lamang ako sa daan at nag-iisip. Talaga nga namang hindi madali ang buhay ng mga Pinfei dahil sa dami ng kanilang mga dapat sundin at bilang isang indibidwal na nabuhay sa kasalukuyang panahon at nasanay sa pagiging malaya ay talaga namang mahirap ito para sa akin.

Hindi ko namalayan ang pagdating namin sa aking palasyo dahil sa aking pag-iisip. Ibinaba na ang aking sedan kaya naman tumayo na rin ako at pumasok sa loob ng aking palasyo.

Paglagpas ko ng tarangkahan ay lumingon ako pabalik sa mga tagabantay at nagbigay ng utos.

“Isara ninyo ang tarangkahan at huwag ninyong bubuksan hanggat hindi ko ipinag-uutos. Wala rin kayong papapasukin dito maliban sa atin na mga naninirahan dito.“wika ko.

“Masusunod, niangniang”wika nila sabay yuko.

Naglakad na akong muli at sinalubong ako ni Han na kalalabas lamang.

“Niangniang, bakit isinasara ang ating tarangkahan?“tanong niya.

“Nais ko lamang ng katahimikan, Han”sagot ko at nginitian ko siya bago ako umalis sa kanyang harapan.

Ngayon ay tuluyan nang kumagat ang dilim kaya naman nagpalabas ako ng upuan at saka ako pumwesto sa veranda ng aking palasyo upang pagmasdan ang buwan at ang mga tala.

Ang araw na ito ay nakakabigla at nakakadisappoint. Nakakadisappoint dahil hindi ko nagawa ang nais kong gawin at yun ay ang bisitahin si Ina at Ama.

Nakakabigla dahil ito ay araw kung saan nakita ko ang isang side ng Kamahalan na hindi ko madalas makita.

“Muqin, ano at nag-iisa ka rito?“tanong ni Yonghuang na bigla na lamang sumulpot sa aking tabi.

“Oh kailan ka pa naparito, Yonghuang?“tanong ko.

“Nakita kong malungkot kay Muqin kaya nilapitan kita”sagot nito.

Napangiti naman ako dahil doon at saka ko ito niyakap. Napagtanto ko na hindi nga naman pala ako nag-iisa dahil mayroon akong anak at nariyan pa rin si Han para sa akin.

Pinagkwento ko na lamang si Yonghuang tungkol sa mga nangyari sa kanilang pag-aaral ngayon at masigla nitong ibinahagi sa akin ang mga natutunan niya sa araw na ito.

Maya-maya lamang ay ipinasok ko na si Yonghuang sa kanyang silid dahil lumalamig na rin at baka magkasakit pa ito dahil sa akin kaya naman mas maganda na magpahinga na ang bata.

Matapos ko itong hintayin na makatulog ay ako naman ang nagtungo sa aking silid upang magpahinga na rin dahil lumalalim na ang gabi.

Nahiga ako sa aking higaan matapos matanggal ang aking mga palamuti at makapagpalit ng aking pantulog.

Pinikit ko na ang aking mga mata dahil nais ko nang magpahinga.

Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nakatulog pero ngayon ay naalimpungatan ako dahil may nakahawak sa aking pisngi.

“Patawad, dahil hindi ko kayang pagbigyan ang iyong kahilingan”wika ng kung sino.

“Sana ay huwag ka nang malungkot, babawi ako sa iyo.“wika nitong muli at naramdaman ko na lamang na may humalik sa aking pisngi kaya naman napadilat na ako ng aking mata.


Cut muna hahahaha

I missed u guys! Hope y’all are doing fine hihi.

Lesson: Totoo yung hindi na talaga pwedeng lumabas ng kaharian once na maging member ka na ng Harem. You will spend your lifetime sa loob ng kaharian.

Stay safe everyone❣

40 | Pagkawala ni Yiren

•Yiren

Pagmulat ko ng aking mga mata ay naroon sa aking harapan ang Kamahalan.

“Kamahalan, ano at naparito ka?“nabigla kong wika at saka ako bumangon.

“Nais lamang kitang kamustahin at binisita ko rin si Yonghuang”sagot niya.

Sariwa pa rin sa aking isipan ang naganap kanina kaya naman hindi na ako nagsalita pa at tumango na lamang.

“Yiren”wika niya.

“May nais ka bang sabihin Kamahalan?“tanong ko ng diretso.

“Alam kong-“pinutol ko na kaagad ang sasabihin niya dahil alam ko na ang nais niyang ipahiwatig.

“Kung tungkol iyan sa nangyari kanina ay huwag na ninyong ituloy pa Kamahalan. Naiintindihan ko ang desisyon mo.“diretso kong turan sa kanya.

Hindi ko siya tinitigan at nakaupo lamang ako sa aking higaan habang siya naman ay nasa gilid.

“Hmm, magpahinga ka nang muli bibisitahin kita kapag may libre akong oras”wika niya at tumayo na siya sa kanyang upuan.

Hindi na ako tumayo para magbigay-galang pa dahil wala akong gana pang gawin iyon. Pinanood ko na lamang na mawala ang pigura niya sa aking harapan.

Maya-maya lamang ay bumalik na ako sa aking paghiga at tinawag ko sandali si Rin upang ipasarado ang tabing ng aking higaan.

Matapos niyang gawin iyon ay pumikit na ako at nagdesisyon na bumalik na sa aking pagpapahinga na naudlot kanina nang dumating ang Kamahalan.

Ipinikit ko na ang aking mga mata at hinayaan kong tangayin ako ng antok at kapaguran.

K I N A B U K A S A N

Kagaya ng nakasanayan ay naghahanda na ako ngayon upang bumati sa Huangho at pagkatapos ay binabalak ko na magtungo muli sa Kagawaran ng Pagsasaliksik dahil baka sakaling naroon na si Ama.

Nais kong malaman ang kalagayan ni Ina sapagkat wala akong magagawa para bisitahin siya. Talagang nakakulong na ako sa kahariang ito sa loob ng mahabang panahon.

Habang nagsusuklay ng buhok ay napansin ko si Luyun na kanina pa ako inoobserbahan at tila may nais siyang sabihin sa akin.

Nagdesisyon na akong kausapin siya dahil tila nahihiya itong magsalita sa akin.

“Luyun, may nais ka bang sabihin sa akin?“tanong ko.

Lumapit siya sa akin at kinuha ang suklay sa aking kamay at ipinagpatuloy niya ang pagsusuklay sa aking buhok.

“Niangniang, kagabi noong lumabas ang kamahalan mula sa inyong silid ay nahalata ko na nagkaroon kayo ng pagtatalo.“wika nito.

Napatahimik naman ako at hindi nalang nagsalita.

“Niangniang, alam kong nag-aalala ka sa iyong Ina ngunit talagang ipinagbabawal ng batas ng kaharian ang paglabas dito. Kung makarating pa ito sa kaalaman ng Taihou ay maari kang maparusahan.“wika ni Luyun kaya napatingin ako sa kanya.

“Tunay ba ang iyong tinuran?“tanong ko.

“Mahigpit ang Taihou pagdating sa mga batas ng kaharian niangniang kaya mabuti na lamang at kaalyado natin si Schel at madaling niyang mapigilan ang paglabas ng impormasyon mula sa Yangxindian”sagot ni Luyun.

“Siguro nga ay mali ako sa aking ginawa ngunit hindi mo ako masisisi Luyun dahil nag-aalala lamang ako para sa aking Ina.“wika ko.

“Alam ko iyon niangniang kaya kita kinausap ay dahil nais kong ipaalam sa iyo na may paraan ka namang magagawa upang tulungan kahit papaano ang Furen”wika ni Luyun.

Napaharap ako sa kanya at agad akong nagtanong.

“Ano ito? Sabihin mo sa akin Luyun”wika ko.

“Niangniang, ipinagbabawal sa inyo na lumabas ng kaharian pero hindi ipinagbabawal na magpadala ka ng tulong sa iyong mga magulang. Maari kang magbigay ng utos sa isang Taiyi upang magtungo sa inyong tahanan at tignan ang kalagayan ng Furen”wika ni Luyun.

“Taiyi? Bakit ngayon ko nga lang naisip to”natatawang wika ko dahil ang tanga ko pala sa part na yun hahahaha.

“Ang mga Taiyi ng kaharian ay ang mga pinakamahusay na manggagamot sa buong Imperyo kaya naman tiyak na matutulungan ka nila niangniang.“muling wika ni Luyun.

“Maraming salamat sa pagpapaalala, Luyun. Mamaya ay dumiretso tayo sa kanilang kagawaran pagkatapos ng pagbati sa Huangho.“wika ko kay Luyun

Tinapos na niya ang pagsusuklay sa aking buhok at tinulungan na niya akong maghanda para sa pagbati sa Huangho.

Ngayon ay nakasuot ako ng puting kasuotan na may mga bulaklak at butterfly na pattern kaya naman freshness lang ang lavanan. Charot hahahaha.

Nang matapos akong maghanda ay nagtungo na ako sa silid ni Han upang yayain na siyang umalis at magtungo na sa Yikungong upang bumati.

Umalis na kaming dalawa at naglakad lamang kami dahil ayokong gumamit ng sedan ngayon. Pagkarating namin sa Yikungong ay naroon ang ibang Pinfei na bumati sa akin.

Binati ko rin ang mga nakakataas sa akin at maya-maya lamang ay pinapasok na kami sa loob at kagaya ng dati ay naganap na ang pagbati sa Huangho.

Hindi nagtagal ay pinabalik na kami ng Huangho sa aming kanya-kanyang palasyo. Nagpaalam na kami at ngayong nakalabas na kami ng Yikungong ay sinabihan ko si Han na mauna na sa aming palasyo dahil may pupuntahan pa ako.

Sinang-ayunan naman niya ang sinabi ko at ngayon ay nagtungo na kami ni Luyun sa Kagawaran ng mga Taiyi upang isagawa ang aming balak.

Nagtungo na kami sa Kagawaran ng mga Taiyi kung saan binati ako ng mga Eunuch at dumiretso ako sa tanggapan nila.

“Pagbati, Yi Fei niangniang”wika ng lahat ng naroroon.

“Mianli”wika ko at nang makatayo na sila ay saka ako lumapit sa Punong Taiyi na siyang namamahala ng kagawaran.

“Yu Taiyi, may nais akong ipagawa sa iyo.“wika ko.

“Gagawin ko ito sa abot ng aking makakaya, niangniang”sagot niya.

“Nais kong magtalaga ka ng isang mahusay na Taiyi na lalabas ng palasyo at magtutungo sa aming tahanan at titignan ang kalagayan ng aking Ina.“wika ko.

“Naiintindihan ko niangniang, hayaan niyong ituro ko sa inyo ang siyang gagawa ng inyong ipinag-uutos.“wika nito at iginiya ako patungo sa lamesa ng isang nakayuko at tila abalang Taiyi.

“Yinzhen, may nais akong ipagawa sa iyo.“wika ni Yu Taiyi.

Nag-angat ng ulo ang lalaki at nagulat ako dahil siya iyong poging Taiyi na pumunta sa aking palasyo noong may pekeng karamdaman ako.

“Pagbati, Yi Pin niangniang”wika ng Taiyi at nang matitigan ko ang kanyang mukha ay bigla yatang nag-init ang aking mukha.

Napakagwapo naman neto!!!!!

“Ah, eh Mianli”wika ko at umiwas ng tingin kahit hindi ko magawa kasi naman e sobrang pogi neto.

Mayroon siyang morenong kutis at ang kanyang mga mata ang pinaka-nakakuha ng atensyon ko dahil napakaganda nito at parang hihigupin at dadalhin ka nito sa ibang dimensyon charot!

Agad itong lumapit sa aking kama at ako ay kanya na ngang sinuri at tinanong ng ilang mga bagay ukol sa magiging future namin charot tungkol sa aking nararamdaman na sinasagot ko naman agad dahil ayaw ko siyang paghintayin.

(Scene from Kabanata 26)

Hindi ko ipinahalata na nagulat ako at nanatiling tikom lamang ang aking bibig.

“Ano ang iyong ipag-uutos, Shifu?“tanong nito.

“Hahayaan kong si Yi Fei niangniang na ang magbigay-alam sa iyo.“wika nito.

Tinanguhan niya ako at saka siya umalis sa aking harapan.

“Niangniang, ano ang inyong ipag-uutos?“tanong ni Yinzhen.

“Nais kong magtungo ka sa aming tahanan sa kapitolyo at tignan mo ang kalagayan ng aking Ina. Alam kong kaya ka inirekomenda sa akin ni Yu Taiyi ay dahil hindi siya mapapahiya sa iyo.“wika ko.

“Karangalan kong pagsilbihan ka niangniang. Masusunod ang inyong kahilingan”wika nito na nagpangiti sa akin.

“Magaling, kapag nagawa mo ng maayos ang aking utos ay gagantimpalaan kita ng mabuti.“wika ko saka ako umalis at tumungong muli kay Yu Taiyi.

“Nakausap ko na siya, asahan mong gagantimpalaan ko ang kagawaran ninyo kapag nagawa niya ng maayos ang aking ipinapagawa”wika ko.

“Maraming salamat niangniang”agad nitong wika at saka ako naglakad paalis sa kagawaran.

Naglalakad na kami ni Luyun at napansin kong tila makulimlim na at mukhang uulan mamaya kaya naman sinabihan ko si Luyun na bumalik sa palasyo at ihanda ang aking paliguan dahil nais kong maligo mamaya.

Ayaw niya sana ako iwan mag-isa pero dahil sinabi ko na ay wala na siyang magagawa pa.

Pinasama ko rin sakanya ang dalawang tagapagsilbi at dalawang eunuch na kasama namin dahil ang totoo ay may pupuntahan ako at nais kong mapag-isa muna sa araw na ito.

Nang mawala na sila sa aking harapan ay tuluyan na akong napag-isa kaya napagdesisyunan ko na sa araw na ito ay mawawala muna ako sa paningin ng lahat.

Uunahan ko na kayo ha! Wala akong balak na magpatiwakal! Pupunta lang ako sa lugar na ako lang ang may alam para kahit hanapin nila ako ay hindi muna nila ako makita.

Nagsimula na akong maglakad tungo sa lugar na minsan ko nang napuntahan kasama si Yonghuang. Ang lugar sa kaharian kung saan tanaw na tanaw ko ang buong kaharian pati na rin ang Kapitolyo.

Nais kong dito muna pumunta at pagmasdan ang pag-ulan. Nais kong mapag-isa at magreflect muna.

Masyado na akong naooverwhelm sa mga nangyayari kaya kailangan mo muna siguro ng oras para sa sarili ko.

Matapos kong maglakad ay narating kona ang lugar na nais kong puntahan at ngayon ay nagsimula na akong umakyat patungo sa taas kung saan tanaw na tanaw ko ang buong kaharian at kapitolyo.

Nang marating ko ang tuktok ay nagtungo ako sa harap at dinama ko ang simoy ng hangin.

Hindi nagtagal ay nagsimula nang pumatak ang ulan at hinayaan ko lamang ito na mapatakan ako. Lumalakas na ang patak at ngayon ay umuulan na nga.

Masaya ko namang dinadama ang ulan dahil ngayon ko nalang ito nagawang muli dahil kailangan na palaging maayos ang aking pagkilos dito sa kaharian ay hindi ko na nagagawa ang mga bagay na dati kong nakasanayan.

Tumingala ako at saka ako pumikit at hinayaan ang ulan na basain ang aking mukha at tanggalin lahat ng mga bumabagabag sa akin.

Ngayon ay ako lamang mag-isa rito kaya naman eenjoyin ko na ang moment na ito.

Dumaan ang oras at ngayon ay sasapit na ang gabi pero patuloy pa rin ang pag-ulan at narito pa rin ako at pinagmamasdan ko lamang ang tanawin sa aking harapan.

Kay sarap sa pakiramdam na nawala ang lahat ng worries ko at ngayon ay bumalik na ang sigla ko.

Minsan masaya rin talaga na mafeel mo ulit ulit sa sarili mo na malaya ka. Masarap sa feeling kapag pwede mong gawin lahat ng gusto mo.


Minsan kapag feel niyo na kailangan niyong magpahinga at huminga. Huminga kayo guys!!!

Sino nakarelate kay Yiren? Feel free to comment hihi

Ayun lang guys!! Enjoy and always stay safe♡

Love y’all

41 | Siya na Hindi Nakalimot

•Yiren

Patuloy kong dinama ang pagpatak ng ulan sa aking katawan habang nakapikit at nagmumuni-muni.

Nang bigla na lamang may magsalita kaya naman napadilat ako.

“Tama nga ang ating anak, dito kita matatagpuan” wika ng kamahalan na nakatayo malayo sa akin.

“K-kamahalan! Kanina ka pa ba nariyan?“tanong ko.

Naglakad siya palapit sa akin at saka niya ako sinagot.

“Ilang minuto na akong nakatayo sa aking pwesto ngunit hindi mo pa rin napapansin”sagot niya.

Sasagot sana ako nang bigla kong mapansin na parehas kaming basa na ang kasuotan at buong katawan.

“Bakit ka nagpaulan, Kamahalan!?“aligagang tanong ko.

“Ang aking Fei ay maaring magpaulan, samantalang ako ay hindi?“wika niya.

“Kamahalan naman eh! Hindi ka maaring magpaulan sapagkat mahalaga ang kalusugan mo.“nag-aalalang wika ko.

Bigla siyang natawa bago magsalita.

“Nag-aalala ka sa aking kalusugan, ngunit ang iyong sarili ay hindi mo inaalala?“turan niya.

“Hmmp, bakit ba kasi nagtungo ka rito?“wika ko sabay talikod.

“Bago lumubog ang araw ay nasa iyong palasyo na ako at naghintay ako ng ilang oras para lamang sa wala.“salaysay niya.

“Mabuti na lamang at dumating si Yonghuang at naisip niya ang lugar na isang beses niya pa lamang napuntahan kasama ka kung hindi ay baka ipinahalughog na kita sa buong kaharian.“patuloy niya.

Napayuko naman ako sa hiya. Shemz gumawa pala ako ng eksena without knowing it myself.

“Nais ko lamang na mapag-isa at mag-isip-isip kaya nagtungo ako rito”wika ko.

“Yiren”malambing na wika ng Kamahalan at nagulat ako ng kinuha niya ang aking kamay.

Kapwa malamig ang aming mga palad pero sa hindi ko mawaring dahilan ay naramdaman ko ang init ng kanyang pagmamahal charottt.

Naramdaman ko ang init ng kanyang palad kaya naman tumingin ako sa kanya at siya naman ay nakatitig din ng mariin sa aking mga mata.

“Alam kong hindi ka natuwa sa aking ginawa nang huli tayong mag-usap ng matino kaya naman narito ako sa iyong harapan ngayon para hingin ang iyong kapatawaran.“wika ng Kamahalan.

“Wala ka namang pagkakamali, Kamahalan ako ang nakalimot sa aking posisyon at humiling ng isang bagay na higit sa aking limitasyon. Ipagpaumanhin mo ang aking naging aksyon”wika ko sabay yuko.

“Yiren, naiintindihan ko ang iyong nararamdaman kaya naman upang makabawi ako sa iyo ay naglabas ako ng isang utos kanina sa sesyon ng korte.“wika ng Kamahalan.

“Anong utos iyon, Kamahalan?“tanong ko.

“Hindi iyan ang tawag mo sa akin kapag tayong dalawa lamang”wika ng Kamahalan at inangat niya ang aking mukha at saka ako tinitigan.

“S-seiya, ano ang utos na iyong tinutukoy.“tanong ko.

“Ipinagbigay-alam ko sa mga opisyal na magtutungo ako sa Kapitolyo upang usisain at inspeksyunin ang buong Kapitolyo at tignan ang kanilang mga pamamalakad.“wika niya.

“Ano naman ang kinalaman ko riyan?“tanong ko.

“Ikaw ang aking isasama sa aking paglabas ng Kaharian at sa inyong tahanan tayo manunuluyan sa loob ng dalawang araw”wika ng Kamahalan na nagkinang sa aking mga mata.

“Talaga, Kamahalan!!?“aligagang tanong ko.

“Siyang tunay, makikita mo nang muli ang iyong Ina at ang Kapitolyo.“wika ng Kamahalan.

Walang mapagsidlan ang aking tuwa kaya naman niyakap ko siya ng mahigpit.

“Maraming salamat, Seiya hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayon pa lamang”nagagalak kong wika habang nakayakap pa rin sa kanya.

Naramdaman ko ang kamay niya na hinahaplos ang aking likod.

“Sapat na sa akin na mapasaya ko ng lubos ang aking Ai Fei” wika ng Kamahalan na hindi ko na naintindihan ang huling kataga.

Lumakas pa lalo ang buhos ng ulan at yayayain ko na sanang bumalik sa palasyo ang Kamahalan ngunit nais niya pang magtampisaw kaya naman sumabay na lamang ako sa kanya.

Ngayong nagkaayos na kami ay mas gumaan ang aking pakiramdam at ngayon ay puno na ako ng kasiyahan kaya naman hindi ko na pinigilan ang aking sarili at ako na ang lumapit kay Seiya.

This chapter contains scenes that may not be suitable for readers below the age of 18.

Nakatingala lamang siya sa kalangitan kaya naman inabot ko ang kanyang mukha at nang mapatingin siya sa akin ay saka ko ipinagdikit ang aming mga labi.

Hiwaga ng panahon

Akbay ng ambon

Sa p’yesta ng dahon

Ako’y sumilong

Gumanti ang kamahalan sa aking halik at mas pinalalim pa niya ito at sinimulan na niya akong tanggalan ng kasuotan.

Malamig ang patak ng ulan sa aming paligid ngunit mas mainit ang nararamdaman namin para sa isa’t-isa at nagagawa nitong daigin ang lamig na dulot ng ulan.

Daan-daang larawan ang

Nagdaraan sa aking paningin

Daan-daang nakaraan

Ibinabalik ng simoy ng hangin

Nang matanggal na namin ang aming mga kasuotan ay muli kong nasilayan ang kahubdan ng kamahalan na kagaya ng dati ay tila nililok dahil sa sobrang kisig niya at ang aking pinakapaboritong matipunong mga dibdib na tila ba nag-iinbita sa akin upang tikman ito.

Kaya naman agad akong yumuko at lumapit sa dibdib ng Kamahalan at nang narating kona ang korona ay saka ko nilabas ang aking dila at sinimulang padaan ito.

“A-argh, argh talagang napakahusay mo sa ganitong bagay Yiren!“wika ng Kamahalan habang bakas sa kanyang mukha ang sarap na nararanasan niya ngayon.

“Namnamin mo na lamang ang lahat ng aking gagawin ngayong gabi, Kamahalan”sagot ko at nagpatuloy na akong muli sa pagdila sa kanyang utong.

Bumubugso ang ulan ngunit bumubugso rin ang aming kagustuhan na muling maging isa kaya naman walang makakapigil sa aming dalawa.

“Argh! Argh!“napalakas na wika ng Kamahalan.

Ipinagpatuloy ko lang ang aking mga ginagawa hanggang sa biglang bumaliktad ang aking pwesto at ngayon ay ang Kamahalan naman ang nasa ibabaw ko.

“Hayaan mong ako naman ang magparanas sa iyo ng sarap” wika nito at nag-iba na ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Tinignan ko lamang ang kanyang nga mata habang suot ang nang-aakit na ekspresyon sa aking mukha.

Nagsimula nang sunggaban ng Kamahalan ang aking leeg at doon ay nagsimula siyang halik-halikan ako kaya naman nakiliti ako at dahil doon ay napakapit na lamang ako sa likod ng Kamahalan.

Tuloy-tuloy lamang siya sa paghalik sa aking leeg hanggang sa bumaba siya at sinimulan naman ang paghalik sa aking dibdib.

Pagkadampi pa lamang ng kanyang dila sa aking utong ay agad na akong kinilabutan at dama ko ang aking mga balahibo na nagsipagtayuan dahil sa kakaibang sensasyon na aking nadarama ngayon.

Nang tuluyan nang balutin ng kanyang labi ang aking utong ay napaliyad na lamang ako kagaya ng dati dahil sa kakaibang kiliti at sarap na nararanasan ko ngayon.

Tuluyan nang sinipsip ng Kamahalan ang aking kanang dibdib habang ang aking kaliwang utong naman ay patuloy niyang nilalaro gamit ang kanyang mga daliri.

Maya-maya ay bumaba siya sa aking tiyan at nung una ay tinitigan niya ito hanggang sa bigla niyang dilaan ang aking puson na siyang nagbigay din sa akin ng kakaibang sensasyon.

Sobrang kiliti ang nararamdaman ko kaya inangat ko ang ulo ng Kamahalan at tinitigan ko siya sa mata.

Tatawa na lamang, o ba’t hihikbi?

Ang aking damdamin, pinaglalaruan ng baliw at ng

Ulan

At sino’ng ’di mapapasayaw ng

Ulan

At sino’ng ’di mababaliw sa ulan

Bumaliktad ako ng pwesto at nagbalik ulit kaming dalawa sa aming mga pwesto kanina at ngayon ay nakahain na muli sa aking ang katawan ng Kamahalan na siyang kahuhumalingan ng kahit sino.

Ngayon ay nasa kamay ko ang kadakilaan ng Kamahalan na ngayon ay nakatayo sa aking harapan.

Nang maramdaman ko ang pamilyar na init na nagmumula rito ay dahan dahan ko itong itinaas baba upang maramdaman ng kamahalan ang sensasyon.

Tinitigan ko ang Kamahalan sa kanyang mata at lumaban din ito sa titigan at tila hinihintay ang aking susunod na gagawin kaya naman hindi ko siya binigo at ginawa ko na ang kanyang paborito sa tuwing kami ay nagigising isa.

Hindi namin iniinda ang lamig ng lapag at hangin sapagkat kapwa namin nais ang mga nagaganap ngayon.

Ibinuka ko ang aking bibig at saka ipinasok rito ang ulo ng kanyang sandata. Napapikit ang Kamahalan at mas humigpit pa lalo ang hawak niya sa aking ulo at mas idinidiin niya pa ako papunta sa kanyang kadakilaan

Kaya naman nilaliman pa ang aking ginagawa kaya naman napaungol ang Kamahalan.

“Yiren, ikaw lamang talaga ang nakakapagbigay sa akin ng ganitong pakiramdam”wika ng Kamahalan.

Hinulog ng langit (Hinulog ng langit)

Na siyang nag-ampon

Libo-libong alaala

Dala ng ambon

Pinag-igi ko ang aking ginagawa ng biglang bumaliktad na naman ang aming pwesto at itinaas ng Kamahalan ang aking dalawang hita at naramdaman ko na naman ang napakasarap na sensasyon na nagpapatirik sa aking mga mata.

Ugh!!!, Kamahal-ugh!!“napaigtad na lang ako dahil sa sensasyon at sarap na ipinararanas sa akin ng Kamahalan ngayon.

Maya-maya ay tumigil ang Kamahalan at pinabangon ako.

Inihiga niya akong muli at dahan dahang ibinuka ang aking hita at itinapat niya ang kanyang ari sa aking lagusan.

Dahil kami ay kapwa nakahubad ngayon at naulan ay basa na kaagad ang kanyang kadakilaan at hindi na kailangan pang lawayan upang mapadali ang kanyang pagpasok.

Dahan dahang pumasok ang Kamahalan at nakaramdam ako ng kakaibang hapdi kaya napakapit ako sa kanyang leeg at napamulat ng mata.

Nang maipasok na niya ng buo ay sabay kaming napawika.

“Ugh!!!!”

“Argh!!!”

Sabay na wika namin dahil nascam na naman ako dahil binigla na naman niya ako.

Daan-daang larawan ang

Nagdaraan sa aking paningin

Daan-daang nakaraan

Ibinabalik ng simoy ng hangin

Ilang saglit din tumigil ang Kamahalan hanggang sa maya-maya ay nagsimula na siyang umulos kaya naman nararamdaman na ang kanyang ari sa aking loob.

Tuloy-tuloy ito sa pagbayo kaya naman wala akong magawa kundi umungol nalang dahil kagaya noong unang beses ay masakit ito sa pagpasok ngunit habang tumatagal ay ibayong kiliti ang dala nito sa akin.

Hindi ko alam kung kailan ako masasanay dito ngunit alam kong habang tumatagal ay hinahanap-hanap ko na siya.

Nagpatuloy lamang sa pagbayo ang Kamahalan hanggang sa maya-maya ay may natamaan siya sa loob ko na nagpaungol sa akin ng matindi.

“Ugh! Seiya! Sige pa!“sunod sunod na ungol ko dahil sobrang sarap tuwing tinatamaan ang bagay na iyon sa loob ko.

Bumabayo pa din ang Kamahalan at tuloy siya sa pagtama sa aking loob kaya naman tuloy-tuloy din ang sarap na aking nadarama.

Tatawa na lamang, o bakit hindi?

Ang aking damdamin, pinaglalaruan ng baliw at ng

Ulan

At sino’ng ’di mapapasayaw ng

Ulan

At sino’ng ’di mababaliw sa ulan

Makalipas ang ilang minuto ay bumaliktad kami at ako naman ngayon ang nasa taas at inupuan ko ang Kamahalan kaya siya naman ngayon ang napapaungol.

Maya-maya ay naramdaman ko na parang may lalabas sa akin kaya naman napatigil ako sa pagtaas baba pero bumabayo pa din ang Kamahalan sa baba kaya hindi nagtagal ay lumabas na ang aking katas.

“Ughhhhhhhh! Ughhhhh!“sigaw ko dahil sa sobrang sarap na aking nadarama na ngayon ko lamang naranasan.

“Malapit na rin ako, argh!“wika ng Kamahalan kaya naman inilapit ko ang aking mukha sa kanya at hinalikan kong muli ang kanyang labi habang siya ay patuloy na bumabayo.

Hindi nagtagal ay umungol nang umungol ang Kamahalan.

“Eto na!!! Argh ayan na! Arghhhh!“malakas na wika ng Kamahalan.

Naramdaman ko na lamang na may mainit na likido na pumuno sa aking loob at matapos itong pumutok ay napahiga na lamang sa ibabaw ko ang Kamahalan.

Tatawa na lamang, o bakit hindi?

Ang aking damdamin, pinaglalaruan ng baliw at ng

Ulan

At sino’ng ’di mapapasayaw ng

Ulan

At sino’ng ’di mababaliw sa

Ulan

At sino’ng ’di aawit kapag

Umulan

Hinalikan niyang muli ang aking mga labi sabay higa sa aking tabi.

“Seiya, maraming salamat sa pagpapadama sa akin na ako ay natatangi at minamahal”wika ko sabay halik sa kanyang pisngi.

“Lahat ay gagawin ko mapasaya ka lamang Ai Fei, lagi mong tatandaan na hindi ko makakalimutan maging ang mga maliliit na detalye tungkol sayo”

“Lagi mong ilagay sa iyong isipan na madismaya man kita ay titiyakin ko pa rin na makakabawi ako sa iyo at maibabalik ko sa iyo ang iyong ngiti” sunod-sunod na wika niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

“Hindi na maihahayag pa ng mga salita ang aking nararamdaman ngayon, Seiya ang alam ko lamang ay labis akong natutuwa at tila ba nasa alapaap ako ngayon kasama ang aking tinatangi”wika ko habang nakapikit.

“Hindi na rin maihayag ng mga salita at kataga ang nararamdaman ko ngayon, Yiren. Ang mahalaga ay masaya tayong dalawa” wika niya sabay halik sa aking noo.

Ulan

At sino’ng ’di mapapasayaw

Ulan

At sino’ng ’di mababaliw sa

Ulan, ulan, ulan

Sa ulan

Oh


Hello guys!!! I missed writing hihi

It took too long for me to write another chapter again kasi I got busy sa school works u know SHS stuff hahahahahaha.

Lesson:

Ai Fei

ilang beses naulit sa kabanatang ito yang dalawanf salita ba iyan ngunit ano nga ba ang ibig sabihin niyan.

Ai Fei means Beloved Consort or Tinatanging Fei

Hihi ayun lang!

Hope you guys enjoy this one!!!

Love y’all and stay safe♡

42 | Si Yiren at Seiya sa Kapitolyo

•Yiren

Pagkaraan ng ilang minuto ay tumayo na kaming dalawa dahil talaga namang malamig na ang lapag at malaki ang tyansa na kami ay magkasakit neto.

Sinuot naming dalawa ang aming mga kasuotan at ang mga ngiti na siyang nagpapahayag ng aming wagas na kasiyahan.

Sabay kaming bumaba at nang marating namin ang baba ay naroon na ang aking sedan pati na rin sina Rin at Rai na tila aligaga na.

“Niangniang! Basang-basa ang iyong kasuotan maging ang iyong katawan!“nag-aalalang turan ni Rin.

“Ayos lamang ako, Rin”wika ko.

“Niangniang, bakit naman hindi niyo isinama ang kahit isa man lamang sa amin”tanong ni Rai.

“Nais ko lamang mapag-isa kanina ngunit ngayon ay ayos na ako, huwag na kayong mag-alala pa.“sagot ko at nginitian ko silang dalawa.

Magsasalita pa sana ang dalawa nang biglang sumingit ang Kamahalan.

“Yiren, maghanda kana dahil sa pagsikat ng araw ay siyang pag-alis din natin”paalala niya.

“Masusunod, Kamahalan”wika ko sabay tango.

“Hmm, magkita nalang tayo mamaya, mag-iingat ka pabalik sa iyong palasyo”wika nito at saka umandar ang kanyang sedan papuntang Yangxindian.

“Paalam, Kamahalan”wika ko na sinundan ng mga tagapagsilbi ko.

Hindi na rin ako nagtagal pa at agad na akong sumakay sa aking sedan at bumalik sa aking palasyo upang maghanda para sa aming pagpunta sa Kapitolyo.

Ipinikit ko muna ang aking mata upang magpahinga saglit hanggang sa abisuhan ako ng dalawa na nakarating na kami sa palasyo.

Sinalubong ako ni Han na halata kong nag-alala sa akin.

“Niangniang, saan ka nagtungo at ikaw ay nawala buong araw!?“nag-aalalang tanong nito.

“Naglibot lamang ako, Han huwag kang mag-alala”sagot ko at hinawakan ko ang kanyang kamay.

Sinamahan niya ako sa pagpasok sa aking palasyo kung saan sinalubong naman ako nina Luyun at Yonghuang.

“Muqin! Tama ang aking hinuha, doon ka nga natagpuan ng Huang Ama”wika nito.

“Ikaw talaga”wika ko rito sabay pisil ng mahina sa kaniyang pisngi.

“Niangniang, ipinahanda ko na ang iyong paliguan upang hindi ka lamigin”wika ni Luyun kaya naman dumiretso na ako sa paliguan at sinundan ako ng tatlo.

Ang aking paliguan ay umuusok ngayon dahil mainit na tubig ang pumupuno rito ngayon. Hindi naman sobrang mainit to the point na malalapnos nako ha. Hahaha

Saktong init lamang para mawala ang lamig sa aking katawan dahil sa sobrang pagbababad sa ulan at sa alam niyo na hehehe.

Nagbabad lamang ako sa tubig habang ang tatlo naman ay pinupunasan ang aking braso pati na rin ang aking hita. Sinusuklayan din nila ang aking buhok na basang-basa pa rin dahil nga sa ulan.

Ilang sandali pa ang lumipas at ngayon ay suot ko na ang aking pantulog habang inaalalayan ako ni Luyun sa aking silid at doon ay inaayos ng dalawa ang aking higaan.

Umupo ako sa harapan ng aking vanity mirror or yung table kung saan nakalagay lahat ng mga pang-ayos ko and everything.

Tuyo na ang aking buhok at sinusuklayan na ako ulit ni Luyun dahil mabilis akong antukin kapag sinusuklay ang buhok ko.

Ilang minuto lamang ay nagbilin ako kila Rin at Rai na mag-ayos na ng mga gamit naming tatlo na dadalhin sapagkat silang dalawa ang isasama ko sa paglabas ng kaharian.

Alam kong nangulila rin sila sa kanilang mga pamilya na hindi nila mabisita lalo pa’t naninilbihan na sila sa kaharian at kagaya sa aming mga Pinfei ay hindi rin sila basta-basta nakakalabas ng kaharian ng walang pahintulot.

Matapos kong magbilin ay ipinikit ko na ang aking mga mata at nagpadala na ako sa antok.

MAKALIPAS ANG ILANG ORAS

Naramdaman ko na ang mahinang pagtapik sa akin kaya naman iminulat ko na ang aking mga mata at saka ako dahan-dahang bumangon mula sa aking higaan.

Naabutan ko si Rai sa aking harapan.

“Niangniang, dapat na kayong maghanda dahil maya-maya lamang ay darating na ang ating sundo at tayo ay aalis na”wika niya.

“Hmm”tanging sagot ko kasama ang pagtango dahil inaantok pa ako.

Inalalayan niya ako sa pagtayo at pagpunta sa aking vanity upang mag-ayos na ng aking sarili.

Sa araw na ito ay hindi pang-Pinfei ang napagpasyahan kong ayos ng aking buhok sapagkat kami ay lalabas ng kaharian at dapat ay lowkey lamang kami upang hindi mahalata ng mga tao.

Ipinagawa ko na lamang ang palaging ayos ng aking kapatid at saka ako naglagay ng mga palamuti na babagay sa ayos ng aking buhok ngayon.

Nang matapos kong ayusan ang aking buhok ay isinuot ko na rin ang aking damit para sa araw na ito.

Hindi rin ito kagaya ng palagi kong suot-suot dito sa kaharian na isang mahabang bestida dahil ito ay isang pares ng pang-itaas at palda na magkapareho ang tahi at burda.

Kulay rosas ang aking kasuotan kaya naman pinili ko rin ang aking kulay rosas na sapatos upang bumagay sa aking kasuotan.

Nang matapos na akong mag-ayos ay dumiretso muna ako sa silid ni Yonghuang upang magpaalam sa aking anak.

Natagpuan ko siyang mahimbing pa ang tulog kaya naman nagsulat na lamang ako ng liham at inihabilin sa kanyang tagapagsilbi na ipabasa sa kanya ito sa sandaling magising siya mamaya.

Bago ko lisanin ang kanyang silid ay hinalikan ko sa noo ang aking anak at inayos ko ang kanyang kumot.

Matapos ito ay nagtungo naman ako sa silid ni Han kung saan naabutan ko siya na umiinon ng tsaa at nakapantulog pa rin kaya naman nang nakita niya ako na nakabihis na ay nagtaka siya.

“Yiren, saan ka magtutungo at bakit ganiyan ang iyong kasuotan?“tanong niya.

“Han, nais kong ihabilin muna sayo si Yonghuang dahil ilang araw akong mawawala sapagkat kasama ko ang Kamahalan sa kanyang inspeksyon sa Kapitolyo”wika ko.

Agad naman siyang tumango.

“Naiintindihan ko, mag-iingat kayo Yiren”wika nito at saka nag-bigay galang sa akin.

Pagkalabas ko sa kanyang silid ay sakto namang dumating na si Schel.

Ipinagbigay-alam niya sa akin na nakahanda na ang Kamahalan at hinihintay na ako sa tarangkahan ng Kaharian.

Sumakay ako sa karwahe upang hindi ako makilala ng mga posibleng makakita sa akin. Kasama ko sa loob sina Rin at Rai na dala-dala ang aming mga gamit.

“Sa ating pagtungo sa Kapitolyo ay maari niyong bisitahin ang inyong mga pamilya lalo pa’t alam ko na nangulila kayo sa kanila”nakangiti kong wika sa kanila.

“Maraming salamat, niangniang”wika nila.

“Oh, pabalik na tayo sa Kapitolyo kaya naman sanayin niyo muna ang inyong sarili na hindi niangniang ang tawag sa akin.“wika ko.

“Masusunod, XiaoZhu”wika nila.

Hindi rin nagtagal at narating na namin ang tarangkahan at hindi ako maaring bumaba sa karwahe sapagkat maari akong makita ng iba na siyang iniiwasan naming mangyari.

Nagdire-diretso lamang ang karwahe sapagkat nasa labas naman si Schel at alam nilang kasama ako ng Kamahalan kaya walang humarang sa amin.

Ipinikit ko na lamang ang aking mata habang nakikinig sa dalawa na excited na nag-uusap at umuwi sa Kapitolyo upang makita ang kanilang mga pamilya.

Mamaya rin ay bibigyan ko sila ng ginto upang mabilhan nila ng mga pasalubong ang kanilang pamilya at bilang pasasalamat ko na rin sa dalawa sa hindi pag-iwan sa akin.

Bibilhan ko na rin ng mga gamit si Luyun at ilang pasalubong para kina Yonghuang at Han.

Ilang sandali na ang lumipas nang magsalita na si Schel sa labas ng karwahe.

“Niangniang, narito na tayo sa tarangkahan ng inyong tahanan”anunsyo niya.

Dali-daling lumabas ang dalawa at binuksan ang tabing ng karwahe at saka ako inalalayan palabas.

Ngayon ay nasa harapan na ako ng tarangkahan ng aming tahanan na mag-iisang taon ko na ring hindi nasilayan.

Paglingon ko sa aking kanan ay nakita ko ang Kamahalan na kabababa lamang sa kanyang karwahe at kasalukuyang naglalakad palapit sa aking kinaroroonan.

Nang siya ay tuluyang makalapit sa akin ay agad niyang hinawakan ang aking kamay at nagwika.

“Maayos ba ang iyong pagtulog?“tanong niya.

“Maayos naman ang aking tulog, Kamahalan”sagot ko.

“Oh, ngayong nasa labas tayo ng kaharian ay tawagin mo na lamang ako gamit ang aking ngalan, Yiren”wika niya.

“Masusunod, Seiya”nakangiting wika ko.

Habang hawak ang kamay ng isa’t-isa ay sabay kaming nagtungo sa harapan ng tarangkahan at agad naman akong nagsalita nang marating namin ang harapan.

“Buksan ninyo ang tarangkahan, ako ito ang inyong Xiaozhu”wika ko.

Agad namang nagbukas ang tarangkahan at bakas sa mukha ng mga tagapagbantay ang gulat at agad silang nagsipagluhod at bumati.

“Maligayang pagbabalik, Xiaozhu”sabay nilang wika sa akin kaya naman napansin na rin ng ibang mga tagapagsilbi na bukas ang buong tarangkahan.

Agad na may sumigaw kaya naman lumabas na sina Ama at Ina kasama ang mga tagapagsilbi.

Bakas ang gulat sa mukha ng lahat nang makita nila ako at lalo na ang aking kasama.

“M-maligayang pagdating, Kamahalan”wika ni Ama na sinundan ng lahat.

Matapos iyon ay ako naman ang kanilang binati.

“Maligayang pagbabalik, Yi Fei niangniang”bati ng lahat.

“Ministro Zhao, paumanhin sa aking hindi pag-abiso sa iyo ng maaga. Magsasagawa ako ng inspeksyon sa Kapitolyo at nais kong tumuloy sa inyong tahanan habang narito ako sa Kapitolyo.“wika ni Seiya.

“M-masusunod, Kamahalan”nautal na wika ni Ama kaya naman natawa ako at nagsalita.

“Ama, ituring mong lalaking anak si Seiya habang narito kami sa ating tahanan”wika ko at saka ako ngumiti.

“Masusunod, niangniang”wika ni Ama.

“Ama naman, ako si Yiren ang inyong anak at hindi si Yi Fei niangniang, maliwanag ba?“turan ko sa kanila.

Napatango na lamang sila kaya naman pumasok na kami ni Seiya sa loob ng aming tahanan at saka sumunod sina Ama at Ina sa amin.

Nang makarating kami sa aming tanggapan ay naupo si Seiya sa dulong upuan at ako naman ay sa kanyang kanan samantalang sina Ina at Ama naman ay katapat ko.

“Kamahalan, napakalaking karangalan na inyong tuluyan ang aming tahanan”pagsisimula ni Ama ng usapan.

“Nang-aabala lamang ako at nais ko ring mapasaya ang aking Ai Fei kaya naman isinama ko siya rito”wika ng Kamahalan.

Napangiti naman ang aking mga magulang.

“Ina, kamusta ang iyong kalagayan?” Tanong ko.

“Maayos na ang aking karamdaman, niangniang”sagot ni Ina.

“Kamahalan, niangniang, alam kong kayo ay napagod sa inyong paglalakbay kaya naman kung inyong nais ay magpahinga muna kayo sa iyong silid niangniang.“suhestyon ni Ama.

“Mabuti pa nga Ama”wika ko naman at saka ko niyaya si Seiya na umakyat pataas patungo sa aking silid.

Nang makarating kami sa aking silid ay napansin kong malinis pa rin ito at hindi nagbago ang ayos nito mula nung ako ay huling nanuluyan dito.

Napangiti ako hanggang sa bigla na lamang akong hilahin ni Seiya.

Itutuloy….


Hello guys! It’s been a while hihi.

Before everything pala

Xiaozhu means Young Mistress kaya ayon nalang yung itawag natin kay Yiren habang nasa Kapitolyo pa siya and kay Seiya naman ay pwedeng Xiaoyen or Young Master.

That’s it and hope you enjoy this chapter and all of the upcoming ones!

Thank you for continously supporting my story and me as well♡

Love, y’all guys!!!

PS: Please stay safe po and stay inside your homes if wala namang gagawing important sa labas.

43 | Ibang Perspektibo

•Yiren

Napahiga na lamang ako kasama niya sa aking higaan.

“S-seiya, anong ginagawa mo?“kinakabahang tanong ko.

“Huwag kang mag-alala Yiren, nais ko lamang magpahinga sa tabi ng aking Ai Fei”sagot niya.

Napatitig ako sa kanya dahil dito at saktong pagtingin ko sa kanya ay nakatingin din siya sa akin at tila ba binabasa niya ang aking buong pagkatao.

Unti-unting lumapit ang aking mukha sa kanya hindi para halikan siya kung hindi para idikit ang aking ilong sa kanya.

Nose to nose ganern!

Natawa siya sa aking ginawa at ilang sandali lamang ang lumipas ay nasa bewang ko na ang kanyang kamay at pagkatingin ko sa kanya ay payapa na siyang nakapikit.

Hinayaan ko lamang siyang magpahinga dahil alam kong kaakibat ng kanyang posisyon ang lahat ng mga tungkulin at obligasyon sa buong imperyo.

Siya lahat ang nangangasiwa at namumuno sa mga bagay na kailangang pagtuunan ng pansin dito sa kaharian kaya naman alam ko ring napapagod din siya.

Dahan-dahan kong hinaplos ang kanyang mukha at taimtim siyang pinagmasdan dahil ni minsan hindi ko inakala na magkakaroon ako ng boyfriend sa kasalukuyang panahon dahil nga hindi pa ako handa at marami pa akong kailangang unahin.

Pero tignan niyo naman ngayon sa ibang panahon hindi lamang kasintahan ang mayroon ako. Sinong mag-aakala na magkakaroon ako ng asawa na siyang pinuno pa ng isang imperyo.

Isang asawa at pinuno na tapat sa kanyang mga tungkulin sa mga mamamayan pero hindi nakakalimutan ang kanyang pamilya.

Sa kakaisip at kakatitig sa mukha ni Seiya ay hindi ko namalayan na ako ay nakatulog na rin.

         

PAGLIPAS NG ILANG ORAS

Naramdaman kong may humahaplos sa aking pisngi kaya naman naalimpungatan na aki at nagmulat ng aking mga mata.

Natagpuan ko si Seiya sa aking harapan na tahimik akong pinagmamasdan na tila ba ako ay isang kayamanan na kanyang nahahawakan.

(Napaka-feelingera ko hahahahaha)

“Yiren, mabuti at nagising ka na”wika niya.

“May nangyari ba?“tanong ko agad.

“Wala naman hahaha, nais ko lamang na sabay tayong kumain kaya’t hinintay talaga kitang magising”natatawang wika niya.

Hindi ito ang unang beses na nakita ko siyang tumawa pero napaka-gandang tanawin nito para sa akin. Sapagkat madalang mo lamang masasaksihan ang Kamahalan na tumatawa ng hindi iniisip ang kanyang kapaligiran.

Kadalasan ay seryoso lamang siya at tanging ngiti lamang niya ang nakikita ng karamihan kaya naman talagang natutuwa ako dahil alam kong komportable siya ngayon.

“Ayon lang pala akala ko kung ano na ang nangyari”natatawang wika ko rin.

“Halika na at bumaba na tayo upang makakain na ang aking Kamahalan”sunod kong wika.

Inalalayan niya ako sa pagtayo at hawak-kamay kaming bumaba sa aming hapag upang kumain na. Doon ay naabutan ko sila Ama at Ina na nakatayo lamang sa gilid kasama ang mga tagapagsilbi rito sa aming tahanan.

“Ah eh Kamahalan, ipinahanda namin ang mga pagkaing paborito ng aming anak at tinulungan din kami ni Ginoong Schel sa pagpapaluto ng inyong mga paborito nang sa gayon ay ganahan kayo sa pagkain”wika ni Ama.

“Maraming salamat, Ama”wika ni Seiya na ikinagulat naming lahat.

“Oh bakit kayo napatigil?“nagtataka niyang tanong sa aming lahat.

“Seiya, hindi lamang kami sanay”sagot ko matapos kong makabawi mula sa pagkagulat.

“Yiren, hindi ba’t sinabi mo kahapon na ituring nila ako bilang kanilang anak kaya naman ituturing ko rin sila bilang aking mga magulang”wika niya kaya naman napangiti na lamang ako.

“Ama, Ina bakit kayo nakatayo riyan, sumabay kayo sa aming pagkain”wika ni Seiya kaya naman napatango kaagad sila Ama at umupo na rin.

Lihim akong napatingin kay Seiya dahil tila nakikita ko siya sa ibang perspektibo ngayon. Sa isang perspektibo na siya ay isang normal na mamamayan lamang.

Naging masaya ang aming salo-salo dahil para talaga kaming isang buong pamilya na sabay-sabay kumakain.

Sayang lamang at wala na ang aking kapatid.

Agad kong binura ang ideyang iyon dahil alam ko namang kung nasaan man ngayon si Yuri ay masaya siya para sa amin at lagi niya kaming ginagabayan.

Ilang sandali pa ang lumipas at natapos na kaming kumain kaya naman niyaya ko muna si Seiya sa aming hardin upang magpahinga.

Nang marating namin ang hardin ay hindi pa rin ito nagbabago dahil balot pa rin ito ng mga halaman at ang aking mga paboritong bulaklak ay naririto pa rin.

Nilapitan ko ang mga ito at pinagmasdan. Maya-maya lamang ay nasa tabi ko na si Seiya at pinagmasdan din ang mga bulaklak sa aming harapan.

“Yiren, kay ganda at halimuyak nitong mga bulaklak na ito”turan niya.

“Siyang tunay, sila ay aking inaalagaan noong ako ay naririto pa.“wika ko.

Niyaya ko siyang umupo muna upang makapagpahinga dahil ilang minuto na rin naming pinagmamasdan ang mga bulaklak na namiss ko talaga dahil hindi ko na naappreciate ang mga bulaklak sa kaharian dahil sa tuwing pupunta ako roon ay hindi pwedeng walang eksena kaya naman hindi ko na naappreciate ang mga magagandang bulaklak.

“Yiren, sabihin mo nga sa akin ang mga pinagkakaabalahan mo noong hindi ka pa pumapasok sa kaharian”wika ni Seiya.

“Mahilig akong magbasa ng mga libro kahit na hindi pa naituturo sa akin ang mga leksyon ay binabasa ko na ito upang magkaroon ako kaagad ng ideya ukol dito.“sagot ko sa kanya.

“Hmm, magkaparehas pala tayo, noong ako ay nag-aaral pa ay pinupuri rin ako palagi ng aking Ama dahil sa aking dedikasyon at sipag sa pagbabasa”turan niya.

“Bukod sa pagbabasa ay nakahiligan ko rin ang paglilibot dito sa Kapitolyo dahil maraming magagandang lugar dito na hindi masyadong alam ng mga naninirahan dito.“pagkwkwento ko.

“Kung gayon ay sulitin na natin ang ating pananatili rito at ako ay dalhin mo sa mga lugar na iyong naging paborito rito sa Kapitolyo”wika niya na nagpangiti sa akin ng lubos.

“Talaga! Nais mong maglibot?“excited kong tanong sa kanya.

Napangiti naman siya sa inasal ko kaya naman nahiya ako at napayuko.

“Oo naman, nais kong makita ang mga lugar na minahal mo rito sa Kapitolyo”wika niya.

Iba ang pumasok sa aking isip nung narinig ko yung nga “Minahal ko rito sa Kapitolyo” pero hindi ko na binigyang pansin pa ito.

Tumayo na ako sa aking upuan at hinawakan ko ang kanyang kamay sabay hatak sa kanya patayo at takbo paakyat sa aking silid.

Para kaming mga bata na nagtatatakbo rito sa loob ng aming tahanan at lahat ng mga tagapagsilbi ay nakangiting pinagmamasdan lamang kami.

Nang makaakyat na kami sa aking silid ay agad akong umupo sa harap ng aking salamin ay sinuklay ang aking nakalugay na buhok. Maghahanap na sana ako ng mga palamuti sa buhok nang biglang kunin ni Seiya ang suklay at siya na ang nagsuklay ng aking buhok.

Kaya naman napangiti ako at humanap na ng mga palamuti sa aking buhok na babagay sa aking kasuotan na kulay purple. Nang makapili na ako ay inilapag ko lahat sa aking harapan at sinimulan ko nang ayusan ang aking sarili dahil maglulugay lamang ako para simple lang ang atake charot.

Natapos na akong mag-ayos ng buhok at ilalagay ko na ang aking mga palamuti sa buhok nang bigla itong kunin ni Seiya at siya na ang naglagay nito sa aking buhok.

“Hayaan mong tulungan naman kita”wika niya habang dahan-dahan niyang nilalagay ang aking palamuti.

Nang matapos ako ay tumayo na ako at siya naman ang aking pinaupo at sinuklayan ko rin ang kanyang buhok at ako na rin ang nag-ayos ng kanyang bun at ang kanyang palamuti ay jade dahil isa siyang anak ng mayamang pamilya.

Matapos naming mag-ayos ng buhok ay naglagay lamang ako ng kaunting pulbos at pabango bago magpalit ng kasuotan.

Ang aming kasuotan ngayon ay parang kasuotan din ng mga tiga-Kapitolyo ngunit ang kaibahan lamang ay iba ang burda ng aming mga damit dahil nga ang aming pagkakakilanlan ay mga anak ng mayamang pamilya kaya ang aming mga damit ay base rin sa aming estado.

Natapos na kaming magbihis kaya naman lumabas na kami sa aking silid at bumaba.

Doon ay nag-aabang lamang sila Schel, Rin, at Rai sa aming dalawa.

“Schel, magsama ka ng mga kawal maglilibot kami sa Kapitolyo. Siguraduhin mong hindi kayo mahahalata upang maiwasan ang kaguluhan”utos ni Seiya.

“Masusunod, Xiaoyen”sagot ni Schel.

Matapos iyon ay lumabas na kaming dalawa habang kasunod ko ang dalawa sa aking likuran at ngayon nga ay maglilibot na kaming dalawa ni Seiya sa Kapitolyo.

Pinabuksan ko na ang tarangkahan at ipinahanda ko na ang karwahe na aming sasakyan papunta sa Kapitolyo.

Hawak-kamay kaming lumabas ng aming tahanan at nang makasakay na kami sa karwahe ay sumandal lamang ako sa kanyang balikat habang tahimik kaming naghihintay na makarating sa Kapitolyo.


Hi! Sorry for this short update guys!!! Just enjoy this part muna po hihi.

Stay safe, everyone!!! ECQ ulit so wag po muna maglalalabas para safe!

Love y’all

44 | Pangako ng Dalawang Puso

• Yiren

Ilang saglit lamang ay tumigil na ang karwahe at nagwika si Schel sa labas.

“Xiaoyen, narito na tayo sa Kapitolyo”wika niya sa labas.

Agad kaming umayos at naunang bumaba si Seiya na siyang sinundan ko at inalalayan niya ako sa pagbaba mula sa karwahe.

Ngayon ay kitang-kita namin ang maingay ngunit buhay na buhay na parte ng Kapitolyo, ang Pamilihan.

Naglakad na kaming dalawa at humalo sa mga tao na kaliwa’t-kanang namimili at nagtitingin ng mga produkto dito sa Pamilihan.

Hawak pa rin namin ang kamay ng isa’t-isa habang naglalakad kaya naman nang makita kong muli ang tindahan ng mga palamuti na pinagbilhan ko ng aking iniregalo kay Yuri ay naglakad ako patungo roon.

“Binibini, nagbalik ka!?“masayang bati sa akin ng nagtitinda.

“Nais ko lamang makita kung mayroon akong matitipuhan sa inyong mga produkto ngayon at kung mayroon man ay bibilhin ko ito”nakangiti kong turan sa kanya.

Dali-dali niyang ipinrisenta ang isang kahon na nung kanyang binuksan ay puro magagandang palamuti ang laman kaya naman kinuha ko ang isang hikaw na kulay pula ang bato.

Napukaw nito ang aking pansin kaya naman pinili ko ito kasama na ang isang kwintas at mga palamuti na kulay pula rin upang may magamit na akong mga palamuti para sa aking pulang kasuotan.

Pinapanood lamang ako ni Seiya na mamili ng mga palamuti kaya naman nang mapansin ko ang isang singsing na tiyak kong panglalaki ay agad ko itong kinuha at nang makita ko na gawa ito sa bato or jade ay isinukat ko ito sa daliri niya.

Nagulat siya sa aking ginawa pero naging ayos muli ang kanyang itsura nang magkasya sa kanya ang singsing kaya naman ipinabalot ko na ang mga napamili ko at hinayaan ko na sina Rin at Rai na magbayad at magdala ng mga iyon.

“Seiya, wala ka bang nais na bilhin?“tanong ko sa kanya.

“Wala naman, nais ko lamang pagmasdan ang mga tao na hindi ko nagagawa kapag nasa kaharian ako.“wika niya kaya naman

Pinagmasdan ko lamang siya ulit at napangiti ako dahil nag-uumapaw ang aking paghanga para sa lalaking nasa aking harapan ngayon.

“Seiya, halika na at puntahan natin ang isang tagong yaman ng Kapitolyo.“pag-anyaya ko sa kanya.

Tumango naman siya kaya naman naglakad na ako at tinahak na namin ang daan patungo sa Talon na madalas kong pagliguan at saksi sa maraming alaala na hindi ko na nais pang isipin.

Ilang sandali pa ay narating na namin ang bukana ng gubat kaya naman hindi ko na pinasunod ang mga tagapagsilbi namin dahil kabisado ko naman ang daan dito at saka nais ko na mapag-isa kasama ang aking Kamahalan.

Nilakad namin ang daan patungo at nang marating namin ang Talon ay talaga namang bumalik sa akin ang alaala kung saan unang beses ko pa lamang na makita ito at talagang manghang-mangha ako sa taglay nitong kagandahan.

• Seiya

Ngayon ay narating namin ang Talon na binanggit ni Yiren kanina at ngayon ay masayang-masaya siya na pinagmamasdan ang Talon at ang kapaligiran nito.

Nakatingin lamang ako sa kanya habang para siyang isang paslit na unang beses pa lamang makakita ng isang napakagandang tanawin.

Lingid sa kanyang kaalaman ay bukod sa magandang tanawin sa aming harapan ay naka tuon ang aking paningin at atensyon sa pinakamagandang tanawin na hinding-hindi ko pagsasawaang pagmasdan.

Ang tanawin ng aking minamahal na busilak na nakangiti at masayang pinagmamasdan ang kanyang kapaligiran.

Noong una ay interisado lamang ako sa kanya sapagkat narinig ko ang kanyang kwento na tila nagbago siya simula nang siya ay maaksidente. Kaya naman pinahintulutan ko ang kanyang pagpasok sa palasyo bilang isang Pinfei at binigyan ko siya kaagad ng mataas na posisyon dahil sa kanyang misteryong itinatago.

Ngunit habang lumilipas ang panahon at mas nakikilala ko siya ay mas lumalalim ang aking interes para sa kanya at ngayon nga ay inaamin ko na tuluyan na akong nabihag ni Yiren.

Minsan nang itinuro sa akin ng aking Ama na ang isang Pinuno ay hindi maaring umibig ng buong puso sapagkat kailangan niyang unahin ang kapakanan ng mga mamamayan kaysa sa kanyang pansariling interes sa buhay.

Ngunit isa rin naman akong tao na may pakiramdam at kakayahang magmahal kaya naman hindi ko masisisi ang aking sarili kung bakit ako tuluyang nahulog sa isang tao na kaparehas ko ang kasarian.

Si Yiren ay isang tipo ng tao na sadyang mapapamahal ka na lamang hindi dahil sa kanyang taglay na kagandahang panlabas kundi pati na rin sa kanyang busilak na puso na siyang aking minahal sa kanya.

Marahil ay parehas ang aming kasarian kaya parehas din ang aming nararamdaman para sa isa’t-isa. Alam kong kapag nalaman ng lahat ang kanyang sikreto ay magkakaroon ng malaking kaguluhan kaya naman gagawin ako ang lahat upang pigilan itong mangyari.

“Seiya!“wika niya kaya naman napabalik akk sa reyalidad.

“Ano iyon?“tanong ko.

“Ang sabi ko ay napakaganda ng talon hindi ba?“nakangiting turan niya.

• Yiren

Nais ko rin sana na maligo ngayon sa talon kaya lang e may pupuntahan pa kaming dalawa saka hapon na kaya kailangan na naming magmadali para maabutan namin ang paglubog ng araw.

Kaya naman niyaya ko na si Seiya na kanina ay nakatitig lamang sa akin na bumalik na at puntahan na namin ang aking pinakapaboritong lugar dito sa Kapitolyo.

Sa palagay ko naman ay alam niyo kung saan iyon hahahaha. Ngayon ay naglalakad na kaming dalawa palabas ng kagubatan at ilang saglit lamang ay narating na muli namin ang bukana ng gubat kung saan nag-aabang sina Schel atbp.

Hapon na nga at malamang ay palubog na ang araw kaya naman nagmadali na kami sa paglalakad at ilang minuto ang lumipas ay natatanaw ko na ang tore.

Ang tore na siyang aking paborito sapagkat dito ay kitang-kita ko ang buong kaharian. Pagkarating namin sa tarangkahan ay tinanong kami ng mga kawal kung sino kami kaya naman sinabi ko na ako ay anak ni Ministro Zhao kaya pinapasok nila kami.

Hindi ko na muli pinasunod sila Schel dahil mas gusto ko na ma-enjoy naming dalawa yung mga ganitong moment na hindi namin nagagawa sa kaharian dahil sa mga batas na kailangang sundin.

Hinawakan ko ang kamay ni Seiya at tinignan ko siya at nginitian bago ako magsimulang umakyat patungo sa pinakatuktok nitong tore at makita ang tanawin ng kaharian pati na rin ang papalubog na araw.

Nang marating naming dalawa ang tuktok ay masaya kong ipinakita sa kanya ang tanawin ng Kaharian at kita ko sa kanyang mata ang tuwa at pagkamangha.

“Ngayon ko lamang nalaman na mayroong lugar sa Kapitolyo na tanaw na tanaw ang buong Kaharian”wika niya.

“Noong ako ay palaging naglilibot sa Kapitolyo ay ito ang aking pinakapaboritong puntahan kasama na ang Talon dahil nadarama ko sa lugar na ito na ako ay malaya at masaya”nakangiting wika ko.

Napangiti naman siya at hinatak niya ako palapit sa kanya.

“ Yiren, nais kong malaman mo na sa iyo lamang ako naging ganito“ wika niya na nagpalito sa akin.

“ Ano ang iyong ibig sabihin, Seiya?“ tanong ko.

“Sayo ko lamang naranasan na maging isang normal na tao naman at maging malaya. Sa piling mo ay malaya ako na ipaalam sa iyo kung gaano ka itinatangi ng aking puso” wika niya na nagpatingin sa akin sa kanya ng taimtim.

“ Seiya, hindi mo alam kung gaano nag-uumapaw ang saya sa aking puso ngayon.“ wika ko dahil hindi ko maiwasang kiligin ng sobra dahil ngayon ko lang naranasan yung ganito.

Yung ganitong pakiramdam, ngayon ko lang naranasan kaya hindi ko alam kung paano ako mag-rereact dahil nag-uumapaw yung saya at kilig na nararamdaman ko.

“Yiren, maari bang mangako ka sa akin?” taimtim niyang tanong sa akin.

“ Ipangako ang alin?“ tanong ko.

“ Ipangako mo sa akin na sa buhay na ito ay hindi mo ako iiwan at hindi ka magsasawa na intindihin ako “wika niya.

Napangiti ako sa kanya dahil ngayon ay kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang labis na emosyon.

“ Ipinapangako ko sa iyo na sa buhay na ito ay hinding-hindi ako magsasawa na unawain at intindihin ka. Hinding-hindi kita iiwan sa mga laban na iyong kakaharapin“ wika ko sa kanya.

“M-maraming Salamat “nautal na wika niya at bigla na lamang niya akong niyakap.

“Yiren, ipinapangako ko sa iyo na palagi kong ipaparamdam sa iyo ang aking pagmamahal. Pangako, hindi ako magsasawa na pagmasdan ka at hinding-hindi ako magsasawa na makasama ka.” wika niya na nagpangiti sa akin lalo.

“ Kung sa buhay nating ito ay paghiwalayin tayo ng tadhana, ipinapangako ko sa iyo na hahanapin kita. Kahit sa anong panahon pa ay sinisigurado ko na mahahanap kita“ pagpapatuloy niya.

Nang sabihin niya ang mga linyang iyon ay tuluyan nang sumabog ang emosyon na kanina ko pa pinipigilan at tuluyan nang dumaloy ang luha ko.

Hindi ko alam na ganito pala kasarap ang pakiramdam kapag ikaw ay nagmamahal ng lubos at minamahal ka rin ng lubos.

Tuluyan na akong humikbi sa kanyang dibdib kaya napahiwalay siya sa akin at tinitigan niya ako.

“ Bakit ka nagtatangis, Yiren?“ nag-aalalang tanong niya.

“S-seiya, maraming salamat sa pagpapadama sa akin ng ganitong pakiramdam” naiiyak na wika ko.

“ Maraming salamat, sa iyong pagdating, Mahal kong Kamahalan “wika ko at nagulat na lamang ako nang bigla niya akong halikan.

Umaga na sa ating duyan

’Wag nang mawawala

Umaga na sa ating duyan

Magmamahal, oh, mahiwaga

Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata upang damhin ang sensasyon at emosyon na nag-uumapaw ngayon.

Matang magkakilala

Sa unang pagtagpo

Paano dahan-dahang

Sinuyo ang puso?

Nang maghiwalay ang aming mga labi ay ipinagdikit namin ang aming mga noo.

Kay tagal ko nang nag-iisa

And’yan ka lang pala

Pumikit ako at hinayaan kong magtagal kami sa ganoong posisyon sa loob ng ilang minuto.

Mahiwaga

Pipiliin ka sa araw-araw

Mahiwaga

Ang nadarama sa ’yo’y malinaw

Tunay ngang mahiwaga ang nararamdaman ko ngayon dahil ito ay busilak at nararamdaman ng taong nasa harapan ko.

Saksi ang paglubog ng araw sa aming pagmamahalan na dalangin ko ay hindi lumubog dahil hindi namin papabayaang mangyari iyon.

Mahiwaga

Pipiliin ka sa araw-araw

Mahiwaga

Ang nadarama sa ’yo’y malinaw

“Seiya, muli Maraming salamat sa iyo.“wika ko.

“Yiren, salamat at dumating ka.“wika niya habang nakangiti.

Napangiti rin ako at saka ako lumapit sa kanya para halikan siya sa labi.

Mahiwaga

’Wag nang mawala araw-araw

Mahiwaga

Pipiliin ka araw-araw


Naiyak ako while writing this huhu! Grabe hindi ko alam kung saan ko nahugot yung mga lines huhu!

Never pa naman ako nagkajowa huhubells!!!

Btw guys, okay lang ba yung POV ni Seiya?

First time kong nag POV ng ibang character hahahaha

So ayun, sana magustuhan niyo tong chapter na ito.

Love y’all♡

Mahalagang Anunsyo

Hi everyone! It’s me Don, author of The Palace’s Secret. I just want to inform you guys na I won’t be continuing this story anymore. The reason for this is because nadidiscourage na ako and may mga nagmemessage sakin saying na I should stop writing kasi ginagaya ko lang naman yung story ng iba, which is not true but nakakadown lang kasi nag-eeffort po ako sa paggawa nitong story.

It’s not that I’m affected but it’s really downgrading so I decided to stop writing na po. I just want to thank everyone who supported me throughout this story.

Maraming Salamat po for uplifting and encouraging me to continue and persevere. I really appreciate it po and I hope na maka-interact ko pa po kayo in the future.

I hope that the downgrading messages can stop now po and I wish you all the best and be sure to stay safe and sound po.

Once again, This is Don, Closing the Book of The Palace’s Secret.

Thank you and Goodbye.

45 | Sa Piling ng Dalawang Mundo

•Yiren

Bumitiw na kami parehas at nang muling magtama ang aming paningin ay kita ko ang labis na kasiyahan sa kanyang mga mata.

Napangiti rin ako dahil dito at saka ako lumapit muli sa kanya para yakapin siya at sabay naming tanawin ang paglubog ng araw habang pinagmamasdan ang tanawin ng buong kaharian na kanyang pinamumunuan.

Tahimik lamang namin itong pinagmamasdan hanggang sa may magsalita sa aming likuran kaya naputol ang aming pagtanaw sa araw at kaharian.

“Xiaoyen, malapit nang sumapit ang dilim, kailangan na nating bumalik”wika ni Schel.

“Naiintindihan ko”wika ni Seiya.

Tumango lamang si Schel at saka tumalikod at naglakad palayo sa amin.

“Seiya, halika na at tayo ay bumaba na”anyaya ko sa kanya.

“Salamat sa pagdadala sa akin dito, Yiren.“wika niya habang nakangiti.

Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin at ikulong sa kanyang mga bisig. Napangiti na lamang ako at yumakap din sa kanya.

“Pangako tayo ay babalik muli rito at tatanawin natin nang magkasama ang paglubog ng araw”wika niya na nagpakabog ng dibdib ko.

“Yiren, ipangako mo sa akin na sa kahit anong paghakbang na aking gagawin ay nariyan ka sa aking tabi at lagi mo akong sasamahan sa pagtahak ko sa iba’t-ibang landas ng buhay natin.“wika niyang muli na siya naman nagpakalas sa akin mula sa kanyang yakap.

“Seiya, alam mo naman na palagi mo akong kasama at hinding-hindi ako titigil sa aking pagsuporta sa iyo at sa mga desisyon na iyong gagawin ay asahan mo na nasa tabi mo ako at sumusuporta sa iyo”malambing kong wika.

Ngumiti naman siya at saka hinawakan ang aking kamay at sabay na kaming bumaba. Sinalubong kami ng aming mga tagapagsilbi at tunay ngang malapit nang magdilim kaya kailangan na naming magbalik sa aming tahanan para na rin makapagpahinga na si Seiya lalo pa’t bukas ay maaga siyang aalis upang isagawa na ang pagsuri sa Kapitolyo na siyang idinahilan niya para lamang mapagbigyan ako sa aking kahilingan na makalabas ng kaharian at madalaw ang aking Ina.

Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa Pamilihan at sa aming tahanan nang bigla naming madaanan ang isang tulay kung saan maraming tao ang naroroon at hawak-hawak ang iba’t-ibang kulay ng mga parol.

Tinitigan ko lamang ang mga tao at biglang may sumagi sa aking isipan na isang alaala.

Ngayon at narating na namin ang pamilihan at hawak lamang ni Zichu ang aking kamay habang naglalakad kami hanggang sa narating namin ang isang tulay at doon ay nakita ko ang mga tao na nagsisindi ng mga lantern kung tawagin sa modernong panahon.

Abala ang lahat sa kanilang mga ginagawa habang kami naman ni Zichu ay patuloy na naglakad hanggang sa marating namin ang gitnang bahagi ng tulay kung saan naroon ang maraming tao habang nagpapalipad sila ng kanilang mga lantern.

Nagulat ako nang abutan ako ni Zichu ng isang lantern. Saan niya naman kaya nakuha ito? Haynako mamaya ko na nga itatanong.

“Pagkatapos nating sindihan ito ay maari tayong humiling bago ito pakawalan upang magkatotoo ang ating hiling”wika ni Zichu sa akin.

Agad naman akong tumango sa kanya at tinulungan niya na ako na sindihan ang aking lantern. Nang masindihan na ito ay hinintay ko muna siyang masindihan ang kanya bago ako pumikit at humiling.

(Scene from Kabanata 12 “Pagbuo ng Pangako)

Agad kong binura ang alaalang iyon sa aking isipan habang umiiling dahil hindi ko na dapat pang inaalala ang mga ganoong tagpo na nangyari.

“Yiren, nakikinig ka ba?“tanong sa akin ng aking katabi kaya naman napabalik ako sa katinuan at nilingon ko siya.

“A-ah ano ulit ang iyong tinuran?“wika ko kay Seiya.

Kinurot niya naman ang aking pisngi at narinig kong napahagikgik sila Rin at Rai dahil dito.

“Ikaw talaga, ang sabi ko ay nais mo bang magpalipad din ng mga parol kasabay ng nga tao sa tulay?“tanong niya sa akin.

“Wala namang problema sa akin, nais mo rin ba?“balik-tanong ko sa kanya.

Hindi na siya sumagot at hinila na lamang ako palapit sa mga nagkukumpulan na mga tao.

Inabutan kami ni Schel ng tag-isang parol at siya rin ang nagsindi nito kaya naman naghanap kami ng pwesto ni Seiya at doon ay magkaharap kami sa isa’t-isa habang magkatitigan.

“Alam mo kung para saan ito?“tanong ko sa kanya.

“Hindi ba’t ginagawa ito upang matupad ang iyong kahilingan?“tanong niya rin.

“Tama ka, kaya humiling ka na at ako naman ay hihiling na rin”nakangiting wika ko sa kanya.

Tumango naman siya at pumikit kaya naman pumikit na rin ako at taimtim na humiling.

“Noong unang beses akong humiling dito ay natupad naman ang aking kahilingan ngunit agad din itong nagbago dahil hindi ako sumaya ng tuluyan. Kung hindi pa ako pumasok sa kaharian ay hindi ko na yata matatagpuang muli ang aking kasiyahan na nahanap ko sa taong kaharap ko ngayon. Ang aking kahilingan ay sana hindi dumanas ng hirap ang lalaking aking kaharap at sana ay matupad ang lahat ng kanyang layunin at kahilingan. Hayaan niyo akong samahan siya sa kanyang landas at suportahan siya sa kanyang mga plano”taimtim na panalangin ko.

Nang aking imulat ang aking mata ay nakita kong taimtim na nakapikit pa rin si Seiya kaya naman napangiti ako dahil mukhang mahaba-haba ang kanyang kahilingan.

Lumingon-lingon muna ako sa kapaligiran na sana pala ay hindi ko na ginawa sapagkat nahinto ang aking mata sa isang pamilyar na tao na sa hindi inaasahang pagkakataon ay napatitig din sa akin.

Kababakasan ng pagkagulat ang kanyang mga mata at kita ko rin ang kasiyahan sa kanyang mga mata na hindi ko na pinansin pa dahil naagaw ng kanyang katabi ang aking pansin.

Sa kanyang tabi ay naroon ang kanyang asawa. Katabi ni Zichu ang kanyang asawa na nakatingala at tinitignan ang mga parol na lumilipad sa kalangitan na siyang nagbibigay liwanag sa madilim nang kalangitan.

Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanyang tabi ay bumakas sa kanyang mukha ang lungkot at pagsisisi ngunit hindi na ako naapektuhan dahil sa ngayon ay kalmado na ang aking puso at masaya na rin ako sa mga nangyayari sa aking buhay.

Iniiwas ko na ang aking paningin sa aking dating naging mundo at itinuon ito sa aking mundo na siyang taimtim na humihiling at nang siya ay dumilat ay nakita niya akong nakatitig lamang sa kanya kaya natawa siya.

“Oh bakit naman sa akin nakatuon ang atensyon mo, tapos ka na ba sa iyong kahilingan?“tanong niya.

“Kanina pa kaya! Hinihintay lamang kita dahil nais ko na sabay nating paliparin ang ating mga parol”nakanguso kong wika sa kanya.

Natawa na lamang siya sa akin at iginiya ako paharap sa ilog at hinawakan niya ang aking kamay at dahan-dahan naming pinakawalan ang mga parol na aming hawak.

Pumwesto siya sa aking likuran at niyakap ako habang ako ay hinaplos ang kanyang mga kamay at dinama ang init ng kanyang mga yakap.

Ilang minuto pa ang lumipas at napagdesisyunan na naming umuwi na para magpahinga dahil lumalakas na rin ang hangin at baka magkasakit pa kami kung mananatili pa kami ng matagal dito.

Habang hawak ang kamay ng isa’t-isa ay sabay din kaming naglakad paalis at nagulat ako nang harangin ako ng kung sino kaya naman nang tignan ko ito ay mas nagulat ako.

Bakit ako haharangan ni Zichu!?

“Yiren? Pa-paano ka nakalabas ng-“naputol ang kanyang sasabihin nang agad akong sumabat.

“Zichu, ang ano mang gawain ko ay hindi na sakop ng pakialam mo”wika ko at kita kong nasaktan siya sa sinabi ko.

“Ngunit nagtataka lamang-“muli na namang naputol ang kanyang sasabihin nang magsalita naman si Seiya na kanina ay nakatitig lamang sa kanya.

“Ano man ang gawin ng aking asawa ay hindi mo kailangang pakialaman pa, tumabi ka sa aming dinaraanan”wika niya nang diretso habang nakatitig kay Zichu na nagulat sa sinabi ni Seiya.

Napansin kong wala na rin ang kanyang asawa sa kanyang tabi kaya pala mag-isa na lamang siya at baka iniisip niya kanina na mag-isa lamang ako kaya niya ako hinarang.

Nagsimula na muling maglakad si Seiya kaya napasunod na rin ako sa kanya at napatabi si Zichu sa gilid habang nakayuko na lamang.

Hindi ko na siya muli pang sinulyapan at itinuon ko na lamang ang pansin kay Seiya hanggang sa narating namin ang aming karwahe at sumakay kaming dalawa para kami ay makauwi na.

Nang nakasakay na kami ay tinanong ako ni Seiya.

“Napagod ka ba sa ating paglilibot, Yiren?“tanong niya.

Napangiti naman ako at saka sumagot sa kanya.

“Ikaw nga ang dapat kong tanungin niyan dahil maghapon tayong naglakad baka napagod ang Kamahalan”nang-aasar kong sagot.

Napangisi naman siya at saka tumitig sa akin.

“Hindi ako mabilis mapagod Yiren, kaya ko pa ngang mapaung-hmph!“hindi ko na pinahintulutan pang ituloy niya ang sasabihin niya dahil alam ko na agad ito.

Naramdaman kong nag-init ang aking pisngi dahil sa kanyang dapat na sasabihin.

Natawa naman siya sa aking inasal kaya napanguso ako habang nakatitig sa kanya.

“Nahihiya ang aking Ai Fei hahaha”tumatawang wika niya.

“Sino ba naman ang hindi mahihiya hmp”napahalukipkip na lamang ako at sandal sa upuan.

Magsasalita pa sana siya at aasarin ako nang magsalita si Schel sa labas.

“Xiaoyen, Xiaozhu narito na tayo”wika niya kaya naman bumaba na kaming dalawa at pumasok sa tahanan namin na himalang nakabukas na.

Nagpatuloy na kami sa pagpasok at dinatnan namin ang aking Ama at Ina na seryosong nakikipag-usap sa isa pang mag-asawa na sa tingin ko ay kaedaran lamang nila.

Inanunsyo lamang ni Schel ang aming pagdating kaya naman napatingin sila sa aming direksyon at naputol ang kanilang pag-uusap.

“Babalik na lamang kami sa susunod, Punong Ministro”sabay yuko ng dalawa na tinanguan naman ni Ama.

Lumapit naman ako sa kanilang dalawa.

“Ama, sino sila?“tanong ko nang maihatid na palabas ang mga panauhin.

“Isang ministro sa kagawaran at ang kanyang asawa”sagot ni Ama.

“Hmm, mauuna na kaming dalawa ni Seiya sa silid Ama at nais na naming magpahinga.“wika ko sabay yuko sa kanilang dalawa.

Tumango naman si Ama at yumuko kay Seiya.

Umakyat na kaming dalawa sa aking silid at sinundan kami ng mga tagapagsilbi upang makapag-ayos at makapaglinis kami ng aming mga katawan bago matulog.

Ilang minuto ang itinagal nito at nang matapos na ito at nakapagpalit na kami ng mga kasuotan ay pinaupo ko si Seiya sa harap ng salamin habang ako naman ay pumunta sa kanyang likuran at tinanggal ang Pin na nagtatali sa kanyang buhok.

Nalugay ang kanyang buhok na siyang aking nilagyan ng langis ang kanyang buhok at saka ito sinuklayan upang manatili itong malambot at mabango.

Tahimik lamang kaming dalawa habang sinusuklayan ko at nang matapos na ay ako naman ang nagsuklay ng sarili at sabay na kaming humiga sa kama.

Magkaharap kaming dalawa at magkatitigan.

“Naging masaya ka ba ngayong araw, Yiren?“tanong niya.

“Higit pa sa masaya, Seiya. Maraming salamat”wika ko habang nakangiti.

Ngumiti rin siya at idinikit ang ilong sa akin at sana siya pumikit kaya pumikit na rin ako at nagpatangay sa antok.


Hello everyone!

I missed you guys huhu! Happy 7k reads and 100 followers🤘😭. Thank you so much for supporting me and encouraging me all the time.

Love y’all and I don’t want to make it long so please enjoy this update as there is a lot more to come.

Stay safe everyone mwuah!♡

46 | Pagbalik sa Realidad

•Yiren

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mata. Nang imulat ko nang tuluyan ang aking mata ay nakita ko sa aking tabi si Seiya.

Nakatitig lamang siya sa aking mukha at nang mapansin niya na gising na ako ay ngumiti siya sa akin at nagsalita.

“Hinintay kitang magising, Yiren”paunang wika niya.

“B-bakit naman, may nangyari ba?“tanong ko sabay dahan-dahang bangon mula sa higaan.

“Wala naman, ngayong araw ko susuriin ang mga kaganapan dito sa Kapitolyo at hindi kita maaring isama kaya naman hinintay kitang magising upang makapagpaalam ako sa iyo ng maayos”kalmadong wika niya.

Hindi naman ako nalungkot at agad ko namang naintindihan ang kanyang nais ipahiwatig dahil isa akong bahagi ng harem at hindi ako pwedeng makilahok sa politika. Iyan ang isa sa mga batas ng harem na siyang sinusunod naming lahat.

“Naiintindihan ko, mag-iingat ka Seiya”wika ko sabay halik sa kanyang pisngi. Deadma na kung wala pakong mumog-mumog hahahaha.

Napangiti naman siya at saka ako hinalikan ng saglit sa labi at siya ay tumayo na at bago makalampas sa pintuan ay lumingon muna siya ulit kaya kumaway ako bilang tanda ng pamamaalam sa kanya.

Tinawag ko sina Rin at Rai upang tulungan akong mag-ayos ng sarili bago bumaba at maghanap ng maari kong gawin dahil wala akong maisip na pwede kong gawin ngayong huling araw ng aming pananatili rito sa aming tahanan.

Gabi kami aalis mamaya upang makapagpahinga kami at makabalik sa aming mga regular na gawain sa kaharian at para hindi kami mahalata lalo na ako.

Nang makarating ang dalawa sa aking silid ay agad nila akong tinulungan na mag-ayos at ngayon ay nakakulay maroon akong kasuotan na tinernohan ko ng mga bagong bili kong palamuti at saka ako nagkulay sa aking labi ng pula rin.

Kung hindi niyo pa alam ay may parang lipstick na sila rito ang kaso nga lang ay sa manipis na papel ito nakalagay at kailangan mo itong ipitin sa gitna ng iyong dalawang labi upang kumatas ang kulay.

Tiningnan ko ang aking sarili ngayon sa salamin at ang masasabi ko lang talaga ay: Ganda mo veh! Pak! hahahaha.

Bumaba na ako kasama ang dalawa at nakita ko si Ina na nagbibilin sa isang tagapagsilbi at parang may pupuntahan yata siya kaya naman nilapitan ko siya.

“Pagbati, Ina”wika mo sabay yuko.

“Yiren, kamusta ang iyong tulog anak?“malambing na tanong ng aking Ina.

Bigla kong naalala ang aking tunay na Mama na laging ganito rin ang bungad sa akin sa umaga. Mag-iisang taon ko nang hindi nakikita ang aking Mama kaya namimiss ko na talaga siya.

“Yiren?“tanong ni Ina sa akin na nagpabalik sa akin sa katinuan.

“Ah maayos naman ang aking naging pagtulog, Ina”agad kong sagot.

“Saan ka patungo ngayon, Ina?“tanong ko.

“Papunta ako sa pamilihan at sa tahanan ng aking kaibigan upang makipag-kamustahan ngayong araw”sagot ni Ina.

Naisip ko naman na wala akong gagawin kaya naman pwede akong sumama kay Ina para naman mapalipas ko ang oras hanggang sa mag-gabi na.

“Ina, nais kong sumama sa iyo, wala naman akong gagawin ngayong mag-hapon”wika ko sabay kapit sa kanyang braso.

Napangiti naman siya at mahina akong kinurot.

“Ikaw talaga, paano kapag dumating ang iyong Asawa at Ama, sino ang sasalubong sa kanila?“tanong niya pero nakangiti pa rin.

“Ina, mayroon namang mga tagapagsilbi rito sa ating tahanan e”nakanguso kong wika kaya nagtawanan ang mga nasa paligid.

“Ikaw talaga, halika na nga at baka tayo ay mahuli pa”wika niya at saka kami naglakad palabas ng tahanan.

Sa tarangkahan ay nakahanda na ang karwahe na aming sasakyan papunta sa Pamilihan kaya naman nakapag-usap pa kami ni Ina habang wala pa kami sa Pamilihan.

“Ina, kamusta na ang iyong lagay simula noong nangyari ang insidente?“nag-aalalang tanong ko.

“Maayos na ako anak, mahusay ang iyong ipinadalang Taiyi kaya bumuti kaagad ang aking pakiramdam”nakangiti niyang wika sa akin.

Hindi ko naman napigilan ang aking sarili at ako ay napatanong.

“Ina, sino ang may gawa sa iyo noon?“tanong ko.

“Huwag mo nang alalahanin pa iyon, Anak maayos na ang aking kalagayan ngayon”wika niya.

“Alang-alang sa iyo ay kakalimutan ko, Ina ngunit kapag nangyari muli ang ganitong insidente ay hindi ko na mapapalagpas ang kung sino mang manakit sa inyo ni Ama”wika ko.

Hinaplos naman ni Ina ang aking braso na tila ba pinapakalma ako kaya naman kumalma na ako at ngumiti na muli.

Maya-maya lamang ay narating namin ang Pamilihan kung saan walang bago at marami pa ring tao at kaliwa’t-kanan ang mga tindahan at mga naglalako ng iba’t-ibang produkto.

Tumuloy kami ni Ina sa isang tindahan ng mga kasuotan at doon ay nagningning ang aking mga mata dahil sa sobrang daming pares na maari kong pagpilian.

“Ina, maari ba akong bumili?“nasasabik kong tanong.

“Oo naman, kaya kita dinala rito upang may madala kang kasuotan kapag nakabalik ka na”wika niya.

Napangiti naman ako at agad na nagpunta sa aking mga nagustuhang damit at bestida. Makalipas ang halos kalahating oras ay nakapili ako nang limang pares ng kasuotan at tatlong bestida.

Pumili rin ako ng tatlong pares ng mga bagong sapatos na galak na binili sa akin ni Ina kaya naman napayakap ako sa kanya at nagpasalamat.

Nang matapos ibalot ang aming mga pinamili ay bitbit ito nina Rin at Rai at ng iba pang tagapagsilbi na kasama namin ni Ina.

Sunod kaming pumasok sa isang tindahan ng mga palamuti at alahas na hindi ko pa napapasok dahil lagi akong bumibili ng palamuti roon sa isang tindahan na suki na ako.

Dito ay nakita ko ang mga magagandang alahas na sa tingin ko ay maganda rin ang presyo kaya wala na akong balak pa na magpabili kay Ina.

“Yiren, mamili ka ng iyong nais at akin itong bibilhin para sa iyo”biglang wika ni Ina sa aking tabi kaya naman napaharap ako sa kanya.

“Talaga, Ina!?“nagulat kong tanong.

Tumango naman siya at ngumiti kaya nagtingin ako ng mga alahas at nakita ko ang isang pares ng pulseras, kwintas, hikaw, at singsing na pare-pareho ang disenyo at kulay.

Ang disenyo ay may mga paro-paro na alam niyo namang mga paborito kong hayop. Hindi ako nag-alangan at kinuha ito upang ipakita kay Ina na namimili rin ng kanyang alahas.

Nang makita niya ito at nang makapamili na rin siya ay nagbayad na kami at lumisan upang magtungo na sa kaibigan ni Ina. Hindi na namin binalak pang dalhin ang mga napamili namin dahil mahihirapan ang mga kasama namin kaya ipinauwi na namin ito at ipinaiwan ko sina Rin at Rai pati na rin ang alalay ni Ina.

Nang maka-alis na ang mga tagapagsilbi namin ay nagtungo na kami ni Ina sa tahanan ng kanyang kaibigan at habang nasa daan kami ay tinanong ko siya kung sino ang aming pupuntahan.

“Ina, sino ang iyong kaibigan na ating pupuntahan?“tanong ko.

“Ating pupuntahan ang Ina ni Ri Fei, kilala mo ba siya anak?“tanong rin ni Ina.

“Si Ri Fei ay isang mabait at matulungin na tao sa kaharian kaya naman lahat ay humahanga sa kanya at nirerespeto siya, Ina”wika ko naman dahil kilala ko si Ri Fei at kahit tahimik lamang siya ay alam kong mabuti ang kanyang kalooban.

“Siyang tunay, tahimik lamang ang batang iyon ngunit mabuti ang kanyang puso”wika ni Ina hanggang sa makarating na kami sa tahanan nina Ri Fei.

Bumaba kami sa karwahe at pinakatok ang alalay ni Ina upang ipaalam ang aming pagdating. Bumukas ang tarangkahan at saka kami tumuloy ni Ina papasok.

Ang kanilang tahanan ay hindi nalalayo samin ngunit mas malawak lamang ang aming tahanan ng kaunti ngunit parehong maganda.

Tumuloy kami ni Ina sa bulwagan at doon ay nakita ko ang tatlong kababaihan na kasing-edaran ni Ina. Naglakad kami patungo sa kanilang direksyon at napatingin naman sila sa amin.

“Pagbati, Xingxuan”wika ni Ina.

“Maligayang Pagdating, Mira”wika naman ni Xingxuan na sa aking tingin ay ang Ina ni Ri Fei.

Ngumiti naman ang isa na nakaupo habang ang isa ay pasimpleng umirap na hindi nakalagpas sa aking paningin.

“Mabuti naman at maganda na ang iyong karamdaman, Mira”pagsisimula ni Xingxuan.

Tahimik lamang akong naka-upo katabi ni Ina at hindi ako nagsasalita. Lumipas ang ilang minuto at nagkamustahan lamang ang dalawa habang ako ay umiinom lamang ng tsaa.

Biglang sumabat sa usapan nila Ina ang babaeng nakaupo malapit kay Xingxuan na nakapagpaangat ng aking tingin.

“Mabuti naman at gumaling kapa, Mira”natatawang wika nito sabay irap.

“Gagaling at gagaling talaga ako, Ruoxin”nakangiting wika ni Ina.

Tila nainis naman ang babae at ikinalma muna ang sarili bago nagsalita.

“Tila nasa maayos ka naman na palang kalagayan, bakit kailangan pang magpadala ng iyong anak ng isang Taiyi para suriin ka?“tanong nito habang nakataas ang kilay.

Napataas na rin ang kilay ko dahil ano bang pakialam niya sa kung anong gusto kong gawing pagtulong sa aking Ina.

“Nag-alala lamang ang aking anak sa akin kaya nagpadala siya ng Taiyi, bakit hindi ba nagagawa sa iyo ng iyong anak iyon?“natatawang wika ni Ina kaya naman nagulat at natuwa rin ako dahil may ganitog side din pala siya.

“Huwag kang masyadong magmataas sa akin, Mira baka nakakalimutan mong isang Fei lamang ang anak mo”wika nito na may pang-uuyam kaya napataas lalo ang kilay ko at sa oras na may gawin tong hindi ko nagustuhan lilipad ang kamay ko sa mukha nito.

“Isa ngang Fei ang aking anak ngunit siya naman ay pinapaburan ng Kamahalan, hindi katulad ng anak mo na tumagal na sa kaharian ay hindi pa rin nagkakaanak”wika ni Ina na nagpagulat sa akin.

“Anong sabi mo!?“napatayong wika ng Babae.

“Hindi ba tama naman ako? Ilang taon nang Guifei ang anak mo ngunit hindi pa rin siya nagkakaanak”natatawang wika ni Ina at nagulat ako nang biglang sampalin ng babae ang aking Ina.

“Walanghiya ka! Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatan upang bastusin ako at ang aking anak!“sigaw ng babae.

Napahawak si Ina sa kanyang pisngi habang si Xingxuan at ang isa pang babae ay pinapakalma at pinipigilan ang babae na sumugod kay Mama.

“Kulang pa yata ang ginawa ko sa iyo noong nakaraan para magtanda ka, Mira. Sinabi ko na sa iyo na huwag mo akong kakalaba-aah!“naputol na wika nito dahil nabigla silang tatlo nang bigla ko itong sampalin.

“Sino rin ang nagbigay sa iyo ng Karapatan para saktan ang kapatid ko ha!“sigaw ko rin sa kanya dahil hindi ko maaring sabihin na Ina ko siya dahil mapapahamak ako kapag kumalat na nakalabas ako sa kaharian.

“Walanghiya ka!“wika ng Ina ni Mei Guifei.

Oo siya lang naman ang nag-iisang Guifei sa kaharian at sa gaspang pa lamang ng pag-uugali niya ay alam ko na kaagad na Nanay niya to.

“Mas walanghiya ka! Wala kang hiya! Nasa ibang pamamahay ka ngunit kung umasta ka ay kala mo sarili mo itong pamamahay. Sino ka ba!? Ha!?“sigaw ko ng sunod-sunod habang nakataas ang kilay at nanggigigil na tumingin sa kanya.

“Isa akong Furen! At ako ang Ina ni Mei Guifei! Anong karapatan mong saktan ako!“sunod-sunod netong sigaw kaya naman sinampal ko siya ulit.

Nagulat siya sa biglaang pagsampal ko kaya naman napahalukipkip ako.

“Sa susunod na malaman kong sinaktan mo ang kapatid ko, hindi lamang iyan ang aabutin mo sa akin, Hampaslupa.“mapagmataas kong wika.

Gulat na gulat namang tumingin sa akin ang Ina ni Ri Fei pati na rin yung isang babae kanina. Pati si Ina ay nagulat sa aking tinuran.

“Tandaan mo to, wala akong pakialam sa kung sino ka man. Kapag sinaktan mo ang kapatid ko o kahit sino sa pamilya niya ay babalikan kita ng mas malala pa!“banta ko sa kanya at saka ko siya tinalikuran at niyaya si Ina na umalis na roon.

Nagpaalam naman si Ina kay Xingxuan at sa isa pang babae na kapwa lamang yumuko at tumango.

Naglakad na kami palabas ni Ina at nang makasakay kami sa karwahe ay nagtanong si Ina.

“Yiren, hindi ko inaasahan ang nangyari”wika niya.

“Maging ako ay hindi inasahan na makikilala ko ang nanakit sa iyo, Ina.“sagot ko.

“Hindi ko alam na parang isang leon kung magalit ang aking anak”natatawang wika ni Ina.

Natawa rin ako at saka sumagot.

“Ina, nasa kaharian ako at tanging sarili ko lamang ang kakampi at aasahan ko kaya kailangan kong maging malakas at matapang para walang magtangka na apihin o saktan ako dahil ibabalik ko talaga sa kanila ang kung ano mang gawin nila sa akin”wika ko.

Napatango naman si Ina.

“Salamat sa pagtatanggol sa akin, Anak”wika ni Ina kaya napangiti ako.

“Wala iyon, Ina sa susunod ay sabihin mo sa akin kung may mangyari pang ganito muli”wika ko.

Matapos iyon ay nanahimik na kaming dalawa at nang makarating kami sa tahanan ay naroon na si Seiya at Ama na nag-uusap.

“Oh, Mira, Yiren nakabalik na pala kayo”pagbati ni Ama.

“Naglibot lamang kami ni Ina sa pamilihan, Ama”pagsagot ko sa kanya.

Napatango naman si Ama at saka ako nagpaalam na aakyat muna sa silid upang magpahinga sandali dahil hapon na at maya-maya lamang ay aalis na rin kami ni Seiya.

Nang makahiga na ako sa aking kama ay kasunod kong pumasok si Seiya na umupo sa aking tabi at hinawakan ang aking kamay.

“Hmm, kamusta ang inspeksyon?“tanong ko.

“Maayos naman ang lahat dito sa Kapitolyo”nakangiting wika niya.

“Mabuti naman kung ganoon”wika ko.

“Kayo ni Ina, kamusta ang paglilibot?“tanong niya.

“Masaya dahil namili kaming dalawa ng mga bagong kasuotan at alahas”nakangiti kong sagot.

Napangiti naman siya bago muling nagsalita.

“Handa ka na bang umalis mamaya?“tanong niya.

Tumango naman ako bago sumagot.

“Alam ko namang hindi ito permanente dahil kailangan ka sa kaharian at may tungkulin din ako sa kaharian. Isa pa ay nangungulila na ako sa ating anak”wika ko.

“Siyang tunay, ilang araw din tayong nawala at panahon na para bumalik sa reyalidad”wika niya.

Humiga siya sa tabi ko at pumikit kaming dalawa.

       P A G L I P A S  N G  O R A S

Ginising kami ni Rin at sinabing nakahanda na ang lahat para sa aming pagbalik sa kaharian at kaming dalawa na lamang ang hinihintay.

Bumangon kami at inayusan ng mga tagapagsilbi at nang kami ay handa na bumaba kami nang hawak-kamay at lumapit kila Ina at Ama.

Agad akong humarap kina Ina at Ama na niyakap lamang ako at doon ay alam kona ang ibig sabihin noon.

Nagpaalam na rin si Seiya at nagpasalamat sa paggpapatuloy nila sa amin.

Hinatid nila kami palabas sa aming tarangkahan at ngayon ay nakasakay na kaming dalawa ni Seiya sa karwahe habang nasa labas sina Schel, Rin, at Rai.

Naramdaman ko na nagsimula ng umandar ang karwahe kaya sumandal muna ako sa balikat ni Seiya at pumikit muna. Saka na ako magmumulat ng mata kapag nasa kaharian na muli kami.

Naramdaman ko namang ipinatong sa akin ni Seiya ang kanyang ulo at sa tingin ko ay iidlip din ito kaya napangiti na lamang ako at tuluyang nagpatangay muli sa antok.


Ready na ba kayo sa pagbabalik-kaharian ng dalawa? Hahahaha.

Enjoy this update guys and stay safe everytime.

Love y’all

47 | Ang Kapahamakang Tinamo ni Yonghuang

•Yiren

Hindi ko na namalayan na tinangay na pala ako ng antok at nakatulog na ako.

“Kamahalan, Niangniang, narito na tayo sa kaharian”wika ni Schel sa labas na nagpagising sa akin.

Tinignan ko si Seiya at nakapikit pa rin ito kaya naman marahan kong tinapik ang kanyang pisngi hanggang sa kunin niya ang aking kamaya at saka dumilat.

“Kamahalan, narito na tayo sa kaharian”wika ko.

“Masaya kaba, Yiren?“tanong niya.

Ngumiti naman ako bago magsalita.

“Higit pa sa kasiyahan ang aking nadarama, Kamahalan”wika ko.

Ngumiti rin siya at saka niya iniutos na buksan ang tabing ng karwahe at saka naunang bumaba.

Sumunod naman ako at ngayon nga ay narito na kami sa bungad ng kaharian at malapit na ang pagtirik ng araw kaya naman humarap ako sa kanya.

“Kamahalan, malapit na ang pagtirik ng araw at magsisipaglabasan na ang mga tagapagsilbi kaya mauuna na ako sa aking palasyo”paalam ko.

Tumango naman siya bago magsalita.

“Magsama ka ng ilang tagapagsilbi at mag-ingat ka sa iyong daan, bibisita ako kapag ako ay may libreng oras”wika niya at saka siya lumapit sa akin at hinalikan ang noo ko.

Nakangiti akong nagpaalam at saka tumalikod upang magsimula nang tahakin ang daan patungo sa aking palasyo.

Wala pang mga tagapagsilbi o kahit mga Eunuch sa paligid kaya malaya pa akong nakakapaglakad at nang malapit na ako sa tarangkahan ng aking palasyo ay napagpasyahan ko na sa likurang bahagi ako pumasok.

Upang hindi ako mahalata ng mga kalapit kong palasyo at para na rin hindi na ako gumawa pa ng ingay. Kaya naman nagtungo kami nina Rin at Rai sa likurang tarangkahan at nang buksan ito ng dalawang Eunuch ay agad silang napangiti at lumuhod.

“Maligayang Pagbabalik, Niangniang”wika nila.

“Tumayo na kayo”wika ko.

Agad naman nila itong sinunod at tumayo ang dalawa. Nagpatuloy naman ako sa pagpasok at pinadiretso ko na kina Rin at Rai ang mga gamit sa aking silid. Habang ako namab ay dumiretso sa silid ni Yonghuang upang makita ang aking anak.

Nang marating ko ang kanyang silid ay wala siya roon marahil ay naliligo na siya dahil papasok pa siya sa paaralan ng kaharian ngayon. Nang makita ako ng dalawang tagapagsilbi ay masaya rin nila akong sinalubong at pinagsilbihan habang hinihintay namin na matapos si Yonghuang.

Ilang minuto lamang ang lumipas ay lumabas na siya sa paliguan nang nakabihis na at nakalugay ang kanyang buhok. Nag-iinat-inat pa ito nang bigla siyang mapalingon sa gawi ko at napangiti.

“Muqin! Nagbalik ka na”wika nito sabay takbo papunta sa akin.

Niyakap ko ito at saka ako nagsalita.

“Kamusta ka, anak? Naging maayos kaba noong wala ako?“tanong ko.

“Hindi ako pinabayaan ni Han niangniang, Muqin hinahatid niya ako sa paaralan at siya rin ang nag-aasikaso ng mga pagkain at susuotin ko”pagkwkwento niya kaya naman napangiti ako.

Hindi ako binigo ni Han kaya naman pasasalamatan at reregaluhan ko siya mamaya upang maipakita ang aking katuwaan.

“Nais mo bang ako ang maghatid sa iyo ngayon sa paaralan, Yonghuang?“nakangiting tanong ko.

Mabilis itong tumango kaya naman inalalayan ko na ito para umupo at nang maayos na ang kanyang buhok. Ilang sandali pa ang lumipas at handa na itong pumasok kaya naman sabay kaming lumabas sa kanyang silid.

Nang marating namin ang sentro ng aming palasyo ay naroon ang lahat ng mga tagapagsilbi at si Han naman ay nasa harapan nila at babatiin na sana nila ito nang bigla silang mapalingon sa amin.

Agad na sumilay ang ngiti sa kanilang mga labi at sabay-sabay silang nagsipagluhod.

“Maligayang Pagbati, Yi Fei niangniang, Unang Prinsipe”sabay-sabay nilang bati.

Lumapit naman si Han at saka ako binati.

“Maligayang Pagbabalik, niangniang”wika niya sabay luhod kaya naman agad akong nagwika.

“Mianli, mianli”wika ko at agad silang tumayo kaya inutusan ko sila na magsimula na sa kanilang mga gawain.

Binuksan ang tarangkahan ng palasyo kaya naman naglakad na kami ni Yonghuang habang nasa likod namin sina Luyun at ang kanyang Eunuch at ang anim pang tagapagsilbi.

Ang mga tagapagsilbi kapag lalabas ka ng iyong palasyo ay nakabase rin sa iyong posisyon. Halimbawa, ang Huangho ay may kasamang sampung tagapagsilbi sa tuwing lalabas siya sa palasyo niya.

Samantalang ang Guifei naman ay mayroong walo at ang mga Fei at Pin ay mayroong apat. Sa kaso ko, anim ang aking kasama sa paglabas dahil sa utos ng Kamahalan na dagdagan ang mga tagapagsilbi ko.

I feel special charot hahahaha. Back to the story, eto na nga papunta na kami sa paaralan ng kaharian at ilang sandali lang ay narating na namin ito kaya naman hinintay ko na makapasok muna si Yonghuang bago ako tumalikod.

Nang masiguro ko na nakapasok na siya ay tumalikod na ako at aalis na sana patungo sa Yikungong upang bumati sa Huangho lalo pa at tatlong araw akong nawala kaya tiyak na ako na ang sentro ng atensyon ng ibang kasapi ng Harem.

Maglalakad na sana ako paalis nang may biglang sumigaw.

“Yi Fei niangniang!“wika ng kung sino kaya humarap ako at nakita ko ang Huangho at ang kanyang alalay na sa tingin ko ay ang sumigaw.

Agad akong lumapit at lumuhod sa harap ng Huangho.

“Pagbati, Huangho niangniang”wika ko.

“Mianli”sagot niya kaya tumayo na ako at tumabi sa kanya.

“Ilang araw tayong hindi nagkita, Yiren kamusta ka?“tanong niya.

“Maayos naman ako, niangniang”sagot ko.

“Niangniang, patawarin mo ako sa aking pagliban sa mga pagbati ng tatlong magkakasunod na araw”wika ko sabay luhod.

“Tumayo ka na, alam ko ang lahat Yiren kaya hindi mo kailangang humingi ng kapatawaran.“kalmado niyang wika.

Hindi naman ako masyadong nagulat dahil siya ang Gitnang Palasyo at lahat ng kaganapan sa Harem ay alam niya at dumaraan sa kanya.

“Sabayan mo na ako papunta sa aking palasyo dahil siguradong naroroon na ang iba upang bumati, huwag mo na lamang patulan ang kanilang mga magiging komento kung maari”kalmado niyang wika.

Isang katangian niya na hinahangaan ko ay ang kanyang pagiging kalmado at isama na rito ang pagiging mahinhin na nagpapakita lalo ng kanyang kapangyarihan.

Kung titigan mo siya ay malalaman mo kaagad na siya ay isang makapangyarihang tao dahil kahit na tahimik ay nagsusumigaw ang kanyang aura bilang isang pinuno.

Tahimik na kami sa aming daan patungo sa Yikungong at nang marating namin ito ay nasa labas ng palasyo ang mga sedan kaya naman pumasok na kami ng dire-diretso patungo sa bulwagan.

Nakaupo na ang mga Pinfei at nang ianunsyo ang pagdating ng Huangho ay sabay-sabay silang tumayo at bumati.

“Pagbati, Huangho niangniang”wika nila.

“Mianli, magsiupo na kayo”wika ng Huangho.

“Ngayon ay narito na muli si Yi Fei matapos niyang isara ang kanyang palasyo nang tatlong araw upang magpahinga at maikalma ang kanyang isip”anunsyo ng Huangho.

“Mabuti at may balak ka pang lumabas, Yi Fei Meimei”wika ng Guifei kaya naman nginitian ko siya.

“Ninais ko lamang na magkaroon ng kapayapaan kaya paumanhin kung ilang araw akong nawala”wika ko sabay yuko. Umismid naman ito at humarap na sa Huangho.

Lumipas ang oras at ngayon ay pabalik na kami ni Han sa aming palasyo. Naglalakad lamang kami dahil hindi ako nagsedan kaya naman nagmamadali na kami dahil kanina pa ako naglalakad.

Ilang sandali lamang ang lumipas at narating na namin ni Han ang aming palasyo at saka kami pumasok sa loob ng aking silid upang magkwentuhan.

Nang makarating kami ay nagpahanda ako ng mga makakain at tsaa habang nagkwkwentuhan kami at nagsimula na nga kaming magchikahan.

Nalaman ko ang ilan sa mga ganap noong nawala ako kaya naman natatawa ako sa ibang kaganapan dahil ang babaw ng mga rason.

Bago ko pa makalimutan ay pinakuha ko kay Rin ang dalawang pares ng kasuotan na binili ko sa kapitolyo at akin itong ibinigay kay Han.

“Yiren, ano at para saan ito?“tanong niya.

“Iyan ang aking regalo sa iyo dahil naikwento sa akin ni Yonghuang na hindi mo siya pinabayaan noong wala ako.“nakangiti kong wika.

“Hindi ko ito matatanggap, ginawa ko lamang ang aking responsibilidad dahil anak ng Changchungong si Yonghuang kaya anak ko na rin siya.“wika ni Han na lalong nagpangiti sa akin.

“Tanggapin mo na iyan upang makita naman kita na suot ang mga matitingkad na kulay at hindi lagi ang mga simpleng kulay”pamimilit ko pa kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang tanggapin ito at magpasalamat na lamang sa akin.

Masaya kaming nagpatuloy sa pag-uusap hanggang sa nagmamadaling pumasok ang isang Eunuch na namukhaan kong tagapagsilbi ni Yonghuang.

“Niangniang, puntahan niyo po ang Unang Prinsipe!“hinihingal na wika nito.

“Ano ang nangyari!?“napatayong wika ko.

“May kaguluhan ngayon sa Paaralan, niangniang at sangkot dito ang Unang Prinsipe”sagot niya.

“Ano!? Luyun ang sedan!“sigaw ko at agad akong lumabas habang kasunod ko si Han.

“Sasama ako, Yiren” wika ni Han kaya naman nang naihanda na ang sedan ay nagmamadali kaming nagtungo sa paaralan. Ilang sandali ang lumipas at narating na namin ang paaralan.

Nakita kong maraming mga Eunuch sa paligid at nang marinig ko ang boses ni Yonghuang at ng isang matandang lalaki ay agad akong pumasok.

“Sino ka ba sa tingin mo para saktan ang aking anak ha!?“sigaw ng matanda na nagpagulat sa akin.

“Lapastangan!“sigaw ko na nagpatahimik sa lahat ng mga nagbubulong-bulungan sa paligid.

Agad akong lumapit kay Yonghuang na natatakot na yumakap sa akin.

“Sino ka para kwestyunin ang aking anak ha!?“mas malakas kong sigaw.

“Ako ay isang Ministro sa Kagawaran ng Hustisya, sino ka para kwestyunin ako”galit nitong wika.

Nagulat ang mga nasa paligid dahil sa tapang na ipinapakita nito sa aking harapan pero hindi ito uubra sa akin.

“Lapastangan! Kaharap mo si Yi Fei niangniang at ang Unang Prinsipe!“sigaw ni Luyun.

Bumakas ang gulat sa kanyang mukha at nauutal itong nagsalita.

“Yi-yi Fei?“patanong niyang wika.

“Ako nga si Yi Fei, ngayon tatanungin muli kita sino ka sa tingin mo upang sigaw-sigawan ang aking anak!?“nakataas kilay kong tanong sa kanya.

Agad itong lumuhod sa harapan ko at paulit-ulit na humingi ng kapatawaran.

“Niangniang, hindi ako nag-iisip, patawarin niyo ang aking pagkakasala”paulit-ulit nitong wika.

Wala ako sa mood para maging mapagpatawad lalo pa at si Yonghuang ang kanyang sinaktan.

Itinaas ko ang aking kamay at lumapit ang aking mga tagapagsilbi.

“Hawakan niyo siya at kaladkarin papunta sa Kagawaran ng Pagpaparusa”utos ko.

Umiyak naman ang bata sa tabi niya habang ang Ministro ay paulit-ulit na humingi ng tawad.

“Rin, ipagbigay alam ko sa Kamahalan ang nangyari at hayaan natin siyang magbigay ng huling hatol”utos ko kay Rin na agad nitong sinunod.

Tinignan ko naman si Yonghuang na nakayakap pa rin sa akin at ngayon ay wala na ang bakas ng takot sa kanyang mukha.

Lumapit na rin si Han at saka kinamusta si Yonghuang. Dinala na namin siya pauwi at pinabalik ko na rin ang lahat sa kanilang mga gawain sa paaralan.

Umalis na kami at ngayon ay pabalik na kami sa aming palasyo. Ilang sandali lamang ang lumipas at nakabalik na kami sa aming palasyo.

Dumiretso kami sa aking bulwagan at nagpahanda ako ng mga bagong makakain para kay Yonghuang.


Hi everyone! Enjoy this Update hihi!

Ngayon lang ulit me nagkaroon ng vacant time para magsulat huhu malapit na kasi Finals namin.

Stay safe everyone!

Love y’all!♡

48 | Hindi Pagkakaunawaan

•Yiren

Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon habang nasa aking tabi si Yonghuang na ngayon ay kalmado na kaya naman naging hudyat ito para sa akin na magtanong tungkol sa tunay na naganap kanina.

“Yonghuang, maari mo bang ikwento sa akin ang naganap kanina? At kung bakit sinasabi ng ministrong iyon na sinaktan mo ang kanyang anak?“magkasunod na tanong ko kay Yonghuang.

Tumango naman siya sa akin kaya nginitian ko siya dahil gusto ko ring malaman ang rason kung bakit ganoon ang pakikitungo sa kanya ng ministrong iyon.

“Muqin, ang aking kamag-aral na iyon ay madalas akong inaalipusta sapagkat ako ay walang Ina. Sa lahat ng bagay ay gusto niyang malamangan ako kaya naman kanina ay bigla siyang lumapit sa akin at nagulat na lamang ako nang sadya niyang inupo ang kanyang sarili ng malakas at biglang dumating ang kanyang ama at sinigaw-sigawan ako.“pagkkwento ni Yonghuang.

Hindi ko nagustuhan ang aking narinig sapagkat kahit na walang Ina si Yonghuang ay isa siyang Prinsipe at ang pinakamatandang anak ng Kamahalan kaya sino ang batang iyon upang husgahan at alipustahin siya.

“Yonghuang, bakit hindi ka lumaban sa batang iyon kung ganoon?“tanong kong muli.

“Sapagkat isa akong Prinsipe, Muqin at hindi maganda kung papatol ako sa mga ganoong bagay. Alam ko na kailangan kong pangalagaan ang imahe ng ating pamilya kaya nagtitiis na lamang ako.“pagsagot niya sa akin.

Naawa ako sa aking anak sapagkat hindi niya magawang maipagtanggol ang kanyang sarili laban sa mga taong sinasaktan na siya sapagkat inaalala niya ang kanyang pamilya.

Napagtanto ko lang na kahit na miyembro ka pa ng Imperial Family ay hindi mo maaring magawa ang mga nais mo dahil may imahe kang pinapangalagaan.

Lumapit ako kay Yonghuang at niyakap ko na lamang ang aking anak habang hinahaplos ang kanyang buhok.

Sisiguraduhin ko na hindi na mauulit ito dahil hindi ito deserve ng bata na dapat ay lumaking masaya at malaya sa mga taong mapansamantala.

Alam kong kaya malakas ang loob ng batang iyon ay dahil alam niyang hindi siya papatulan ni Yonghuang dahil nga pinagtitimpian lamang siya ng aking anak.

Hindi ko sa bata isisisi ang bagay na ito kung hindi sa kanyang magulang na base pa lamang sa nangyaring komprontasyon namin kanina ay mahahalata mo nang pinagmanahan ng bata.

Bumitiw na ako sa yakap ko kay Yonghuang at niyaya ko siya sa kanyang silid upang siya ay makapagpahinga na.

Ipinahanda ko ang kanyang kasuotang pantulog at panghilamos upang maging presko at mahimbing ang kanyang pagtulog.

“Niangniang, handa na po ang mga gagamitin ng Prinsipe”wika ng kanyang Momo sa akin kaya naman pinaalalayan ko na sa kanya si Yonghuang upang malinisan na ito at makapagpahinga na rin.

Hinintay ko itong matapos at ako na mismo ang nagbihis at nagsuklay sa kanyang buhok bago ko siya alalayan papunta sa kanyang higaan.

“Yonghuang, alam kong napagod ka sa mga naganap kaya magpahinga ka at mamaya ay sasaluhan kita sa pagkain ng hapunan”wika ko rito.

“Masusunod, Muqin”wika nito at humiga na.

“Matulog ka ng mahimbing, anak”wika ko sabay halik sa noo nito at tuluyan na itong pumikit.

Ilang sandali pa ang hinintay ko bago ako tumayo at nagpasyang magtungo sa Kagawaran ng Pagpaparusa upang tignan ang kalagayan ng Ministrong nanakit sa aking anak.

Hindi na ako nagpahanda pa ng sedan sapagkat nais kong maglakad patungo roon. May kalayuan ang Kagawaran ng Pagpaparusa sa aking palasyo sapagkat nasa bandang dulo ito ng kaharian.

Ilang minuto ang inabot ng aking paglalakad hanggang sa marating ko ang Kagawaran ng Pagpaparusa at nang marating ko ito at papasok na sana ako ay hinarangan ako ng mga kawal.

“Hindi maaring pumasok ng basta-basta rito”wika ng kawal.

“Lapastangan! Nasa harapan mo si Yi Fei niangniang”wika ni Rin.

Agad naman itong lumuhod at humingi ng kapatawaran sa akin.

“Paumanhin sa aking kalapastanganan, niangniang”wika nito.

“Nais kong magtungo sa kulungan ng Ministrong nanakit sa aking anak”wika ko.

“Sumunod kayo sa akin, niangniang”wika ng kawal at nagsimula na itong maglakad.

Dinala nila ako sa loob ng Kagawaran at ilang saglit pa ay narating namin ang kinaroroonan ng Ministro na ngayon ay nakaupo sa loob ng selda.

“Hm-mm”pag-ubo ko kunwari upang makuha ang kanyang atensyon.

Napatingin naman siya sa aking gawi at agad na nanlaki ang kanyang mata.

“Yi Fei niangniang, patawarin niyo ang aking pagkakasala!“paulit-ulit niyang wika habang nakaluhod sa likod ng mga rehas.

Magsasalita pa lamang sana ako nang biglang may tumatakbong Eunuch patungo sa aming direksyon at nang marating niya ang aming pwesto ay agad itong bumati.

“Pagbati, Yi Fei niangniang”wika niya.

“Mianli, bakit ka narito?“tanong ko.

“Ipinag-uutos ng Kamahalan na pakawalan ang Ministro”wika niya na nagpalaki naman sa aking mga mata.

“Ano!“malakas na bigkas ko.

“Niangniang, ipinapatawag din kayo ng Kamahalan sa Yangxindian”pagbibigay-alam niya kaya naman tinitigan ko ng masama ang Ministro bago ako umalis.

Hindi ko maintindihan kung bakit pinakawalan ni Seiya ang lalaking nanakit at bumastos sa kanyang anak.

Nagmamadali akong maglakad patungo sa Yangxindian dahil ngayon ay hapon na at malapit nang kumagat ang dilim. Ilang minuto na naman akong naglakad at sa wakas ay narating ko na ang tarangkahan ng Yangxindian.

Pumasok na ako at iginiya ako ni Schel papasok sa loob kung saan nakita ko ang Kamahalan na umiinom ng tsaa at nakaupo sa kanyang trono.

“Pagbati, Kamahalan”wika ko.

“Yiren, narito ka na pala”wika niya at saka siya tumayo.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kanay at hinatak ako patungo sa kanyang tanggapan at ako ay tinabihan niya sa upuan.

“Seiya, ano ang ibig sabihin ng desisyon mo ngayon lamang?“agad kong tanong nang kami ay makaupo na.

“Yiren, ang ministrong iyon ay isa sa mga may matataas na pwesto sa Kagawaran ng Hustisya kaya naman hindi ko siya maaring parusahan ng mabigat dahil mahalaga ang kanyang gampanin sa Kagawaran at Korte, sana ay maintindihan mo ako.“wika niya.

“Seiya, sinaktan niya ang anak mo! Hindi pa ba sapat na rason iyon para parusahan mo siya.“wika ko sa kanya.

“Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, Yiren ngunit sana ay intindihin mo rin ako dahil may dahilan ang aking naging pasya.“wika niya pa na para bang pinal na ang kanyang desisyon at hindi na maari pang baguhin.

Tumayo naman ako mula sa pagkakaupo at hinarap ko siya.

“Naiinitindihan ko na isa kang pinuno na dapat isipin ang lahat bago gumawa ng nga pasya ukol sa isang bagay. Naiintindihan kita, Seiya ngunit ang anak mo ang kaso rito at hindi ko kayang masaktan ang anak ko ng isang ministro na wala sa kanyang kalingkingan”wika ko.

Tumayo rin siya at hinarap ako.

“Yiren, nagbigay na ako ng hatol kaya pakiusap huwag ka nang gumawa pa ng hakbang dahil unang beses pa lang namang nangyari ito.“wika niya na nagpapantig ng tenga ko.

“Kamahalan, kung nangyari sa unang pagkakataon ay maari itong maulit at sa sandaling maulit pa ito ay patawarin mo ako sa aking gagawin sa kung sinong magtatangka na saktan ang anak ko”wika ko sa kanya.

“Yiren…“magsasalita pa sana siya ngunit pinutol ko na ito.

“Nakapagpasya ka na, Kamahalan kaya wala na ako sa posisyon upang magsalita pa. Mauuna na ako”wika ko sabay yuko.

“Yiren, sandali lamang”wika niya at hahawakan pa sana niya ako ngunit umiwas ako sa kanyang kamay at dire-diretsong naglakad palayo sa kanya.

Nakalabas na ako ng tanggapan at ngayon ay sinalubong na ako ni Rin upang alalayan ako palabas ng Yangxindian.

Hindi na ako lumingon pang muli at mabilis na akong umalis.

Hindi ko inaasahan na magiging ganoon ang kanyang desisyon at aaminin ko na-disappoint ako.

Kaninang umaga lamang ay masaya pa kaming dalawa habang ngayon na kumagat na ang dilim ay hindi kami nagkaunawaan.

Iwinaksi ko na lamang ang mga iniisip ko at tahimik na naglakad pabalik sa aking palasyo.

Ilang saglit lamang ang lumipas at ngayon ay narito na kami sa aking palasyo at pagpasok ko sa aking bulwagan ay nakaupo si Yonghuang sa lamesa at tila hinihintay ako kaya naman tinabihan ko siya.

“Yonghuang, gising ka na pala”wika ko dahil naalala ko na sinabi ko sa kanya na sabay kaming kakain ng hapunan.

“Saan ka nanggaling, Muqin?“tanong niya sa akin.

“Naglakad-lakad lamang ako upang palipasin ang oras”nakangiti kong sagot sa kanya.

Ipinahanda ko na ang mga pagkain at ipinatawag ko rin si Han upang sabay-sabay na kaming kumain at ilang saglit lamang ang aming hinintay dahil dumating siya kaagad.

Masaya kaming nag-usap habang kumakain at hindi ko na namalayang ako na lamang pala mag-isa ngayon sa harap ng aking salamin at nagsusuklay ng buhok.

Nakatingin lamang ako sa aking repleksyon at habang pinagmamasdan ko ang aking sarili ay nanibago lamang ako sapagkat dati ay maikli ang aking buhok at hindi ko kailangang magsuklay ng buhok o magbihis ng magagarang kasuotan dahil sanay ako sa simpleng bihis.

Andaming nagbago sa akin ayan lamang ang konklusyon na mabubuo ko dahil totoo naman na simula nang mapunta ako sa panahong ito ay lubusan nang nagbago ang takbo ng buhay ko.

Naputol ang aking pag-iisip nang biglang pumasok si Rai sa aking silid.

“Niangniang, nasa labas ang Kamahalan”wika niya.

“Sabihin mo na nagpapahinga na ako”utos ko sa kanya.

“Ngunit, niangniang”sasalungat pa sana si Rai ngunit pinigilan ko na kaagad siya.

“Sundin mo na lamang ang sinabi ko, Rai magpapahinga na rin naman talaga ako.“wika ko kaya yumuko na lamang siya at lumabas na sa aking silid.

Tumayo na ako at naglakad patungo sa aking higaan upang magpahinga na dahil nakakapagod ang araw na ito at gusto ko nang matulog.

Nagtanggal na ako ng sapatos at umupo sa aking higaan. Hihiga na sana ako nang bumalik si Rai at may dalawang isang nakatuping papel.

“Niangniang, ipinaabot ng Kamahalan sa inyo”wika niya.

“Ilagay mo na lamang sa lamesa, babasahin ko na lamang bukas.“utos ko at tuluyan na akong nahiga.

Ipinikit ko na ang aking mga mata at hinayaan ang sarili na tangayin ng antok at makatulog ng tuluyan.


Hi everyone! Sorry for this short update, babawi ako sa inyo huhu.

Sorry for not being active for the last few days kasi naghahabol sa requirements kaya ngayon lang ulit ako nakapagsulat.

Finally! Our School Year is almost ending and wala na akong pending tasks kaya expect more updates!!

Love y’all guys♡

Stay safe everyone, goodnight xoxo

49 | Ang Inang Reyna

•Yiren

Sa hindi ko mawaring dahilan ay bigla akong napadilat at nang tumingin ako sa paligid ay tahimik pa ang lahat at tila ba sakop pa rin ng dilim ang kalangitan.

Hindi ko alam kung bakit ako nagising ng ganitong oras. Inalis ko ang kumot na nakatakip sa aking katawan at ako ay bumangon na mula sa aking higaan.

Dahan-dahan akong tumayo at isinuot ang aking sapatos. May nagtutulak kasi sa akin na maglakad-lakad ngayong walang gising sa paligid.

Sa labas ng aking higaan ay nakita ko si Luyun na mahimbing na nakasandal sa lamesa at nagpapahinga. Hindi ko na siya inabala pang gisingin dahil kailangan niya ring magpahinga.

Dahan-dahan akong humakbang upang hindi makalikha ng tunog. Nilapitan ko ang aking damitan at isinuot ko ang nakahandang kasuotan ko para sa araw na ito.

Umupo ako sa harapan ng salamin at dahil hindi ko kayang ayusin ang aking buhok ng mag-isa ay inilugay ko na lamang ito at nilagyan ng mga palamuti sa itaas. Isinuot ko rin ang aking perlas na hikaw at ang aking pulseras na ginto.

Hindi naman sa maarte ako pero kailangan kong lumabas na presentable pa rin ang aking ayos sapagkat isa akong Chùza. Nang matapos akong mag-ayos ay tumayo na ako.

Naglakad ako palabas ng bulwagan at ngayon naman ay narito na ako sa bungad ng aking palasyo at kita kong sarado ang tarangkahan kaya naman nilapitan ko ito at dahan-dahang binuksan.

Nang mabuksan ko ito ay lumabas na ako at naglakad patungo sa kung saan man ako dalhin ng aking paa.

Naglakad lamang ako ng dire-diretso sa loob ng ilang minuto at namalayan ko na lamang na naglalakad na ako papunta sa Hardin ng Kaharian.

Narito na ako ngayon sa tapat nito at dahil madilim ay hindi ko rin ma-eenjoy ang mga bulaklak.

Nagpasya ako na muling maglakad at masasabi kong nakakatakot maglakad dito mag-isa. Para akong nasa loob ng isang maze. Parang maliligaw ako any time hahahaha.

Sa paglipas muli ng oras ay tumigil ang aking mga paa at nang tignan ko ang nasa harapan ko ay nasa Kagawaran ng Pagsasaliksik na pala ako.

Tinitigan ko lamang ito at maya-maya ay nagpasya akong pumasok dahil wala namang bantay dito. Matagal-tagal na rin yata simula noong huli akong nagpunta rito.

Tuluyan na akong pumasok sa Kagawaran at nagulat ako dahil mayroong silid na bukas pa ang ilaw. Ibig sabihin ay may tao pa rito kaya pinuntahan ko ito para malaman kung sino ito.

Naglakad ako patungo sa direksyon ng silid at nang makarating ako sa pinto ay nakita ko ang isang lalaki na nakasubsob sa kaniyang lamesa. Bukas ang kanyang silid kaya pumasok na ako.

Ang silid ay maayos at organized ang mga gamit kaya naman naglakad-lakad ako palibot dito. Napatigil ako sa isang orasan na pabaliktad o hourglass kung tatawagin sa panahon natin.

Tinitigan ko ang buhangin na dahan-dahang bumabagsak sa ibaba. Tinitigan ko lamang ito hanggang sa magulat ako nang biglang may magsalita sa likuran ko.

“Sino ka? Papaano ka nakapasok sa Kagawaran?“tanong ng isang pamilyar na boses.

Humarap ako at nakita ko si Zichu na tila ba naalimpungatan sa pagtulog. Nakatingin siya sa akin na parang gulat na gulat dahil nakikita niya ako sa harapan niya.

“Y-yiren? Nananaginip ba ako?“muli niyang tanong.

“Paumanhin, mukhang naistorbo ko ang iyong pamamahinga”wika ko sabay lakad na sana paalis nang bigla siyang sumagot.

“Hindi naman, ano ba ang iyong pakay dito?“tanong niya.

Hindi ko alam pero wala akong maramdamang kakaiba ngayon dahil kapag kaharap ko siya ay naawkward ako minsan dahil sa nakaraan naming dalawa pero ngayon ay iba.

“Nagising kasi ako at ninais ko lang na maglakad-lakad para may gawin na rin kaysa tumulala lamang ako sa aking silid.“sagot ko.

“Nais mo bang samahan kitang maglakad sa labas?“tanong niya.

Ngumiti naman ako at pumayag sa kanyang suhestyon.

“Kung nais mo naman ay pumapayag ako”sagot ko.

Ngumiti siya at naunang lumakad palabas ng silid. Sumunod ako sa kanya at naglakad kami palabas ng Kagawaran.

Tahimik lamang kaming dalawa na naglalakad at nagulat ako nang dalhin niya ako sa isang pamilyar na lugar sa akin.

“Sandali, alam mo ang lugar na ito?“nagtatakang tanong ko.

“Oo naman, dito ko madalas na pinapalipas ang oras ko kapag tapos na ang aking gawain sa Kagawaran”sagot niya sa akin.

Nagsimula na kaming umakyat patungo sa pinakapaborito kong lugar sa kaharian. Ang tore sa dulong bahagi ng kaharian kung saan matatanaw ko ang buong sakop ng kaharian.

Narating namin ang tuktok at ngayon ay nakatayo kaming dalawa at nakaharap sa view ng kaharian na masarap tignan dahil hindi masyadong maliwanag ang mga ilaw sa bawat palasyo.

Malamlam lamang ang mga ilaw dahil tulog pa ang mga tao. Tinitigan ko lamang ang mga ilaw nang magsalita si Zichu sa tabi ko.

“Yiren, may problema ka ba?“tanong niya.

Nagulat naman ako at napaharap sa kanya.

“Ah wala naman, bakit mo naitanong?“tanong ko pabalik.

“Kilala kasi kita, hindi ba’t kapag may problema ka gusto mong nagpupunta sa mga tanawing nakakapagpakalma at lumilinaw sa isipan mo.“sagot niya.

Naalala niya pa pala iyon. Itinago ko ang pagkagulat ko at agad na nagsalita.

“Naguguluhan lamang ako, Zichu. Kaya siguro hindi rin ako makatulog”wika ko.

“Maari ko bang malaman kung bakit ka naguguluhan?“pagtatanong niya.

Dahan-dahan akong umupo at sumunod din siya.

“Nagkaroon kami ng pagtatalo kahapon ng Kamahalan, hindi ko kasi maintindihan ang naging desisyon niya tungkol sa kaso ng anak namin”pagkkwento ko.

Pagkatingin ko sa kanya ay parang dini-digest niya pa ang sinabi ko.

“Kahapon kasi ay nasangkot sa gulo si Yonghuang at muntik na siyang saktan ng isang ministro na hindi siya kilala. Dumating ako bago mangyari yon at pinarusahan ko ang ministro.“pagpapatuloy ko.

“Nang puntahan ko siya sa Kagawaran ng Pagpaparusa at nais kwestyunin ay nagbigay ng utos ang Kamahalan at pinakawalan na siya”

“Pumunta ako sa kanyang Palasyo at nakipagtalo sa kanya dahil kalagayan ng anak niya ang pinag-uusapan at nais kong parusahan ang ministro na iyon.”

“Hindi pumayag ang Kamahalan?“tanong niya.

Tumango ako at ipinagpatuloy ang kwento.

“Sabi niya ay tignan ko ang mas malaking larawan dahil kailangan ang ministro sa kanyang kagawaran kaya hindi niya ito maparusahan”.

“Kahit gusto kong magreklamo ay umalis na lang ako at ngayon ay hindi ko siya pinapansin sapagkat hindi pa nawawala ang inis ko sa kanyang naging pagdedesisyon”pagtatapos ko ng aking kwento.

“Yiren, kung sa anak ko rin mangyari ang bagay na iyon ay tiyak na hindi ki patatawarin ang may sala ngunit kung iisipin ay tama naman ang Kamahalan sa kanyang pasya. Hindi kita sinasalungat ngunit isipin mo, kasisimula pa lamang ng kanyang paghahari sa kaharian at kung may paparusahan siyang ministro ay hindi ito magiging maganda para sa kanyang imahe”pagpapaliwanag ni Zichu.

“Mali ba ako, Zichu?“tanong ko sa kanya.

“Hindi, Yiren ngunit nasa Pamilya ka ng Kamahalan at marami kang kailangan isa-alang-alang. Hindi katulad ng sa isang ordinaryong pamilya”wika niya.

“Natural lamang para sa isang magulang na mag-alala para sa anak ngunit ang anak mo ay isang Prinsipe at ikaw naman ay Feipin at kalakip ng inyong posisyon ay ang mga tungkulin na marapat ninyong gampanan”pagpapatuloy niya.

Tumango naman ako at naintindihan ang point niya.

Nanatili akong tahimik at maya-maya ay tumayo na ako. Pagtanaw ko sa kaharian ay papasikat na ang araw. Matagal ba kaming nag-usap ni Zichu? Comment down below charot hahahaha.

“Paumaga na pala”wika ko at nagulat ako nang biglang kumalam ang sikmura ko.

Natawa naman si Zichu sa tabi ko kaya tinignan ko siya ng masama.

“Ikukuha kita ng makakain, hintayin mo ako rito”wika niya na sinang-ayunan ko naman dahil gutom na rin talaga ako.

Ayoko na mag-inarte pa sapagkat natatalo nako ng gutom at tingin ko naman ay lahat tayo sasang-ayon kapag gutom at pagkain na ang pinag-uusapan hahahaha.

Ilang minuto lamang akong naghintay at nakita ko na ang bulto ni Zichu na papalapit na muli sa aking pwesto.

Bitbit niya ang isang tray na sa tingin ko ay may lamang pagkain at inumin. Inilapag niya sa harapan ko ang tray at umupo siya sa aking tabi bago siya nagsalita.

“Yiren, paumanhin kung ito lamang ang maihahandog ko sa iyo, iyan lamang ang pagkain sa aking silid.“turan ni Zichu.

“Ano ka ba, Zichu sapat na ito para sa akin. Halika at saluhan mo ako sa pagkain nito, hindi ko ito mauubos”pag-anyaya ko sa kanya.

Tumango naman siya at nang kumuha na ako ng pagkain ay saka siya sumunod. Hindi ako nakapagsalita kaagad dahil puno ang bibig ko.

“Z-zichu, m-maramingh salamat sa pag-shama mo sha akin”nagkanda utal-utal ko nang wika.

“Walang anuman, Yiren. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon sapagkat pakiramdam ko ay hindi tayo nagkaroon ng pagtatalo at parang tayo pa rin ang palaging magkasama sa Kapitolyo maglibot”nakangiting sagot niya.

Napangiti na lang din ako dahil sa puso ko ay alam kong napatawad ko na si Zichu at siguro sa susunod ay handa na akong maging kaibigan niya.

Ilang saglit pa ang lumipas at tumayo na ako dahil patirik na ang araw at tiyak na tapos na ang Pagbati sa Huangho at lumiban na naman ako.

Siguro ay personal ko na lamang siyang bibisitahin mamaya. Ayaw ko pa kasing bumalik sa aking palasyo sapagkat wala pa ako sa mood at gusto ko muna mawala sa paningin nila.

“Zichu, mauuna na ako sa iyo, sa muli nating pagkikita ay ako naman ang magdadala ng pagkain”wika ko.

Agad naman siyang napatayo at parang may nais pang sabihin pero ngumiti na lamang siya at tumango sa akin.

“Hanggang sa muli nating pagkikita, Yiren”huling wika niya na narinig ko bago ako magsimulang maglakad palayo.

Ilang minuto lamang ng pagbaba sa pagkataas-taas na hagdan ang aking ginawa at ngayon ay naglalakad na ako pabalik sana sa Hardin para magtingin ng mga bulaklak.

Sa aking daan ay may nakasalubong akong grupo ng mga Eunuch at Tagapagsilbi na nakakalat sa lugar. Naglakad ako at hindi sila pinansin hanggang sa nagulat ako sa sigaw.

“Narito si Yi Fei niangniang”sigaw ng isang tagapagsilbi.

Lumapit sila sa akin kaya nagtanong ako sa kanila.

“Ano ang kailangan niyo sa akin?“tanong ko.

“Niangniang, kami ay mga tagapagsilbi sa Palasyo ng Taihou at ikaw ay kanyang pinapatawag sa kanyang palasyo. Kami ay nagtungo sa inyong palasyo ngunit napag-alaman namin na wala rin kayo at kasalukuyang pinaghahahanap ng mga tagapagsilbi niyo at mga kawal ng kaharian”pagsasalaysay nila.

“Ganoon ba, naglakad-lakad lang naman ako kanina”wika ko.

“Niangniang, hindi isinasapubliko ng Taihou ang pag-anyayang ito kaya pasasakayin namin kayo sa isang karwahe para hindi kayo makilala ng mga tagapagsilbi.“wika nila na sinang-ayunan ko.

Pumasok na ako sa karwahe at nagsimula na itong umandar. Ilang minuto ang nagdaan at tumigil ang karwahe.

“Niangniang, narito na po tayo”wika sa labas kaya binuksan ko na ang tabing at bumaba.

Inalalayan ako ng isang tagapagsilbi patayo at nabungaran ko ang isang malawak na palasyo na hindi kagaya sa mga palasyo naming mga Pinfei.

Ito nga ang Tahanan ng Inang Reyna kaya ito ay tunay na magarbo at grandiyoso. Nagsimula na akong maglakad papasok. Umakyat ako sa hagdanan papasok dito.

Sinalubong ako ng mga tagapagsilbi at ng isang Tagapagsilbi na naiiba ng ang kasuotan kaya sa tingin ko ay ito ang punong tagapagsilbi rito.

“Pagbati, Yi Fei niangniang”wika niya.

“Hmm”tanging wika ko.

“Niangniang, naghihintay na ang Taihou sa loob”wika niya at iginiya ako papasok sa loob ng palasyo.

Nagtungo kami sa bulwagan at doon ay nakita ko ang Taihou na nakaupo sa kanyang trono at saka ako lumuhod at bumati.

“Pagbati, Huang Taihou”wika ko sabay bow.

“Mianli, maupo ka”wika niya.

“Salamat, Tauhou”pagsagot ko at saka ako tumayo.

Umupo ako sa upuan sa gilid at nagsimulang magtanong ng dahilan kung bakit ako ipinatawag ng Inang Reyna.

“Taihou, maari ko bang malaman kung bakit niyo ako ipinatawag?“tanong ko.

“Nabalitaan ko na nawawala ka na naman sa iyong palasyo at ipinapahanap ka sa buong kaharian ng aking anak”pagsagot niya.

Nagulat naman ako kaya nagsalita kaagad ako.

“Taihou niangniang, nais ko lamang maglibot-libot at mapag-isa para makapag-isa at makapag-isip dahil nagkaroon kami ng pagtatalo ng Kamahalan”pagsagot ko.

“Yi Fei, noong ako ay isang Pinfei katulad na katulad mo ako at ang Kamahalan noon ay pinapaburan ako kaya naman ako ay kanyang pinapagbigyan sa aking mga kakulitan. Alam kong may tampuhan kayo ng aking anak ngunit sa ngayon ay kailangan mo na lamang muna siyang intindihin at unawain upang mapaayos na ang sitwasyon. Binisita ko siya kahapon at tila balisa ang aking anak at wala sa wisyo na magbasa ng mga ulat ukol sa mga problema ng kaharian.“pagkkwento ng Taihou.

Napayuko naman ako at hindi ko naisip na magiging ganoon ang epekto sa Kamahalan ng aking hindi pagpansin sa kanya dahil sa naganap na pagtatalo naming dalawa.

“Taihou, napag-isipan ko na ang bagay na ito at balak ko na sanang kausapin ang Kamahalan at magpakumbaba.“sagot ko dahil alam ko na ang mali ko.

“Mabuti naman kung ganoon, Anak”wika ng Taihou na nagpagulat sa akin.

“Ano ang ibig ninyong sabihin riyan, Taihou?“nalilitong tanong ko.

“Ikaw ay asawa ng aking anak, kaya anak na rin kita at ako ay ituring mong iyong Ina. Maari kang magpunta rito sa aking Palasyo kung mayroon kang libreng oras.“nakangiting wika niya.

“Masusunod, Taihou”nakangiti kong wika.

“Tawagin mo akong Huang E’niang”wika niya.

“Ngunit ang Kamahalan at Huangho Niangniang lamang ang maaring tumawag sa inyo ng ganiyan”nagtataka kong tanong.

“Pinapahintulutan kita, Yiren kaya samahan mo ako na magtsaa, halika na”paanyaya niya sa akin at lumapit naman ako sa kanya upang alalayan siya na tumayo at magtungo sa silid kainan.


I missed you guys!!! Thank you for your continuous support.

Love y’all and enjoy this update!!!

Chikahan tayo sa comment section HAHAHAHAHAHAHAHAHA

50 | Muling Pagkakasundo

•Yiren

Inalalayan ko ang Taihou patungo sa silid kainan upang samahan siya sa pagtsa-tsaa. Hindi naman nagtagal ang paglalakad namin dahil parang nasa kabilang ibayo lang ng palasyo ang silid.

Inalalayan namin sa pag-upo ang Taihou at saka ako umupo sa kanyang tapat habang hinihintay namin ang paglalagay ng tsaa sa lamesa.

“Taihou, maari ba akong magtanong?“tanong ko.

“Yiren, ano ang nais kong itawag mo sa akin?“tanong niya kaya agad akong napangiti ng alanganin.

“Huang E’niang, bakit ninyo ako ipinatawag at bakit niyo ako pinapahintulutan na tawagin kayo sa ganitong paraan?“tanong ko.

“Ipinatawag kita sapagkat nais ko na makasama ka ng tayong dalawa lamang upang hindi mo kailanganing sumunod sa lahat ng batas ng kaharian.“sagot niya na ikinapagtaka ko.

“Ngunit bakit naman, Huang E’niang?“muling tanong ko.

“Yiren, nagkaroon ako ng dalawang prinsesa na ngayon ay kapwa na ikinasal sa mga malalayong lugar upang maiwasan ang mga digmaan laban sa ating kaharian. Bilang isang Ina, hindi ko kailanman ninais na mawalay sa aking mga anak lalo pa’t sila’y mga babae. Ngunit bilang isang Guifei noong panahon ng aking asawa ay wala akong nagawa kung hindi ang sundin ang utos ng Namayapang Emperador.“pagkkwento ng Taihou.

“Ipinakasal ko ang aking mga anak na babae sa mga malalayong lugar kaya naman ngayob ay labis ang aking pangungulila sa kanila. Aaminin ko sa iyo, nakikita ko sa iyo ang aking bunsong anak na babae kaya sadyang magaan ang aking loob sa iyo.“pagpapatuloy ng Taihou.

Bahagya naman akong nagulat dahil sa tinuran ng Taihou. Kung gayon ay hindi lang pala si Yiren ang kahawig ko kung hindi pati na rin ang isang prinsesa.

Ganda ko naman pala masyado charot hahahaha.

“Maraming salamat sa pagsasabi ng dahilan, Huang E’niang, bilang asawa ng inyong anak ay anak niyo na rin ako at masaya ako na gampanan ang mga tungkulin ng isang anak sa inyo.“nakangiti kong wika.

Kung iisipin ay mas lalakas ang kapangyarihang hawak ko rito sa kaharian kung nasa akin ang Pagmamahal ng Kamahalan, Proteksyon ng Huangho at ang Pabor ng Taihou.

Sa tingin ko ay walang magtatangka na galawin o magbalak na gawan ako ng masama sapagkat hindi lamang ako ang makakalaban nila.

“Mabuti naman kung gayon, narito na ang tsaa, inumin mo na habang ito ay mainit-init pa”pagsasalita ng Taihou na nagpabalik sa akin.

Ngumiti naman ako at tumango bago simulang inumin ang tsaa. Habang taimtim kong ninanamnam ang tsaa ay may pumasok na tagapagsilbi.

“Taihou, iniimbita kayo ng Huangho niangniang sa Piging mamaya”wika ng tagapagsilbi.

“Hmm”tanging wika ng Taihou at sumenyas ang Gugu sa tabi niya na umalis na ang tagapagsilbi.

“Yiren, hindi pa nila nalalaman na nawawala ka sa iyong palasyo”wika ng Taihou.

“Huang E’niang, babalik na ako sa aking palasyo upang maghanda na rin sa mangyayaring piging”pagpapaalam ko.

“Hmm, mabuti pa nga at magpahinga ka muna, magkita na lamang tayo sa piging”wika niya.

Agad naman akong tumayo at nagbow bago magwika.

“Paalam, Huang E’niang”wika ko sabay talikod.

Lumabas na ako sa Palasyo ng Taihou at sa likuran ko ay ilang mga tagapagsilbi na pinasama sa akin ng Taihou para ihatid ako sa aking palasyo.

Dire-diretso lamang akong naglakad na tila ba walang nangyari at namasyal lang ako. Alam ko naman na pinagtitinginan ako ng ibang tagapagsilbi sapagkat nakalugay ang aking buhok ngayon.

Hindi ko na pinansin ito at naglakad na lamang. Ilang minuto rin ang itinagal ng aking paglalakad pabalik sa aking palasyo dahil may malaking distansya sa pagitan ng palasyo ko at palasyo ng Taihou.

Ilang sandali pa ay nakarating na rin ako sa tapat ng aking palasyo kaya hinarap ko ang mga tagapagsilbi ng Taihou.

“Ipabatid niyo sa Taihou ang aking pasasalamat, makakaalis na kayo”utos ko sa kanila.

“Masusunod, niangniang”wika nila sabay bow at talikod sa akin.

Ako naman ay lumakad na papasok sa gitnang tarangkahan ng aking palasyo na bukas na bukas.

Naglakad ako papasok at naabutan ko ang lahat na nakaluhod sa tapat ng aking palasyo at ang mga tanging nakatayo lamang ay si Han na katabi ni Yonghuang.

Lahat ng mga tagapagsilbi ay nakaluhod at sa kanilang harapan naman ay nakaupo ang lalaking nakasuot ng gintong kasuotan.

Si Seiya na mukhang seryoso sa kanyang iniisip. Hindi na nila napansin ang aking pagdating kaya naman naglakad na ang papasok at sinadya kong lakasan ang aking paglalakad upang gumawa ng ingay.

Hindi naman ako nabigo dahil kaagad na napalingon sa akin ang pinakamalapit na tagapagsilbi at agad itong napasigaw.

“Yi Fei niangniang!“sigaw nito na nakaagaw ng pansin ng lahat.

Agad naglingunan ang lahat tungo sa aking direksyon at nang makita ako ni Seiya ay agad itong tumayo mula sa kanyang inuupuan.

Ngumiti naman ako sa kanilang lahat bago ako nagsalita.

“Bakit kayo nakaluhod, tirik na tirik ang araw oh, magsitayo kayo”utos ko sa kanila.

Agad naman silang nagsipagtayo nang marinig ang aking iniutos.

Magsasalita pa sana ako nang biglang may kumaladkad sa akin papasok sa aking silid.

“Walang susunod sa amin”wika nito kaya napatigil si Luyun na kita kong palakad na sana palapit sa akin.

Nang marating namin ang aking silid ay binitawan na ako ni Seiya.

“Bakit ka naman nanghihila jan ha!?“tanong ko sa kanya.

“Tinatanong mo pa ang rason ko? Niloloko mo ba ako, Yiren?“tanong nito habang salubong ang mga kilay.

“Nagtatanong na nga ako tapos sasagutin ako ng tanong din”pabulong na wika ko.

Nagulat naman ako nang bigla niyang kurutin ang pisngi ko kaya napangiwi ako.

“A-arayyyyy, bitiw Seiya!“wika ko.

“Parusa mo ito sapagkat pinag-alala mo na naman ako”wika nito bago ako bitawan.

“Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sa iyo, Yiren nang malaman ko sa iyong tagapagsilbi na wala ka sa iyong silid at sa buong palasyo mo. Kulang na lamang ay baliktarin ko ang kaharian mahanap ka lamang. Saan ka ba nagtungo!?“wika nito sabay upo sa kama ko.

“Namasyal lang naman ako para makapag-isip isip, Kamahalan hindi mo kailangang mag-alala ng lubos sa akin. Nahahalata ka masyado e”nang-aasar kong wika.

Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin palapit sa kanya at ihiga.

“Nakukuha mo pa akong asarin ha, kung iba ang gumawa nito sa akin ay tiyak na naparusahan ko na sila ng malubha. Pero kapag ikaw(*shurrrrrr HAHAHAHAHAHAHAchar lang) ay hindi ko magawang parusahan”wika nito.

Napangiti naman ako at saka ko siya hinalikan sa kanyang pisngi.

“Paumanhin, Seiya sa aking naging kilos nitong mga nakaraang araw at sa pagtakas ko ngayon hehe”wika ko habang nakangiti.

Ngumisi naman siya bigla bago nagsalita.

“Sa tingin ko ay hindi sapat ang halik lamang, Yiren”nakangising wika nito kaya napangisi na lamang din ako at hinatak siya papahiga rin sa aking tabi.

S P G

Nagulat na lamang siya sa aking ginawa kaya naman agad kong inabot ang kanyang mukha at nang mapatingin siya sa akin ay saka ko ipinagdikit ang aming mga labi.

Gumanti ang kamahalan sa aking halik at mas pinalalim pa niya ito at sinimulan na niya akong tanggalan ng kasuotan at matapos kong matanggalan ng kausotan ay tinulungan ko rin siya magtanggal ng kasuotan.

Nang matanggal na namin ang aming mga kasuotan ay muli kong nasilayan ang kahubdan ng kamahalan na kagaya ng dati ay tila nililok dahil sa sobrang kisig niya at ang aking pinakapaboritong matipunong mga dibdib na tila ba nag-iinbita sa akin upang tikman ito.

Kaya naman agad akong yumuko at lumapit sa dibdib ng Kamahalan at nang narating kona ang korona ay saka ko nilabas ang aking dila at sinimulang padaan ito.

“A-argh, argh talagang napakahusay mo sa ganitong bagay Yiren!“wika ng Kamahalan habang bakas sa kanyang mukha ang sarap na nararanasan niya ngayon.

“Namnamin mo na lamang ang lahat ng aking gagawin bilang pambawi sa iyo, Seiya”sagot ko at nagpatuloy na akong muli sa pagdila sa kanyang utong.

Dama ko sa pagitan naming dalawa ang nag-aalab na pagnanasa namin para sa isa’t-isa kaya naman mas ginalingan ko pa sa aking ginagawa.

“Argh! Argh!“napalakas na wika ng Kamahalan.

Ipinagpatuloy ko lang ang aking mga ginagawa hanggang sa biglang bumaliktad ang aking pwesto at ngayon ay si Seiya naman ang nasa ibabaw ko.

“Hayaan mong ako naman ang magparanas sa iyo ng sarap” wika nito at nag-iba na ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Tinignan ko lamang ang kanyang nga mata habang suot ang nang-aakit na ekspresyon sa aking mukha.

Nagsimula nang sunggaban ng Kamahalan ang aking leeg at doon ay nagsimula siyang halik-halikan ako kaya naman nakiliti ako at dahil doon ay napakapit na lamang ako sa likod ng Kamahalan.

Tuloy-tuloy lamang siya sa paghalik sa aking leeg hanggang sa bumaba siya at sinimulan naman ang paghalik sa aking dibdib.

Pagkadampi pa lamang ng kanyang dila sa aking utong ay agad na akong kinilabutan at dama ko ang aking mga balahibo na nagsipagtayuan dahil sa kakaibang sensasyon na aking nadarama ngayon.

Nang tuluyan nang balutin ng kanyang labi ang aking utong ay napaliyad na lamang ako kagaya ng dati dahil sa kakaibang kiliti at sarap na nararanasan ko ngayon.

Tuluyan nang sinipsip ng Kamahalan ang aking kanang dibdib habang ang aking kaliwang utong naman ay patuloy niyang nilalaro gamit ang kanyang mga daliri.

Maya-maya ay bumaba siya sa aking tiyan at nung una ay tinitigan niya ito hanggang sa bigla niyang dilaan ang aking puson na siyang nagbigay din sa akin ng kakaibang sensasyon.

Sobrang kiliti ang nararamdaman ko kaya inangat ko ang ulo ng Kamahalan at tinitigan ko siya sa mata.

“Seiya, may piging pa mamaya kaya hindi natin maaring pagurin ang ating mga sarili ng sobra, hayaan mong pasayahin na lamang kita”wika ko.

Bumaliktad ako ng pwesto at nagbalik ulit kaming dalawa sa aming mga pwesto kanina at ngayon ay nakahain na muli sa aking ang katawan ng Kamahalan na siyang kahuhumalingan ng kahit sino.

Ngayon ay nasa kamay ko ang kadakilaan ng Kamahalan na ngayon ay nakatayo sa aking harapan.

Nang maramdaman ko ang pamilyar na init na nagmumula rito ay dahan dahan ko itong itinaas baba upang maramdaman ng kamahalan ang sensasyon.

Tinitigan ko ang Kamahalan sa kanyang mata at lumaban din ito sa titigan at tila hinihintay ang aking susunod na gagawin kaya naman hindi ko siya binigo at ginawa ko na ang kanyang paborito sa tuwing kami ay nagigising isa.

Hindi namin iniinda ang lamig ng lapag at hangin sapagkat kapwa namin nais ang mga nagaganap ngayon.

Ibinuka ko ang aking bibig at saka ipinasok rito ang ulo ng kanyang sandata. Napapikit ang Kamahalan at mas humigpit pa lalo ang hawak niya sa aking ulo at mas idinidiin niya pa ako papunta sa kanyang kadakilaan

Kaya naman nilaliman pa ang aking ginagawa kaya naman napaungol ang Kamahalan.

“Yiren, ikaw lamang talaga ang nakakapagbigay sa akin ng ganitong pakiramdam”wika niya sa akin.

Tuloy-tuloy lamang ako sa pagsamba sa pag-aari ng Kamahalan. Dila at subo ang aking ginawa rito kaya naman hindi magkamayaw sa pag-ungol ang Kamahalan at ito naman ay mistulang musika sa aking pandinig.

Ilang sandali pa ay nagwika na si Seiya.

“Malapit na ako, argh!“wika ng Kamahalan kaya naman mas binilisan ko pa ang aking pagsubo sa kanya at dinidilaan ko rin ang kanyang dalawang bola kaya mas napapalakas ang kanyang ungol.

Hindi nagtagal ay umungol nang umungol ang Kamahalan.

“Eto na!!! Argh ayan na! Arghhhh!“malakas na wika ng Kamahalan.

Naramdaman ko na lamang na may mainit na likido na pumuno sa aking lalamunan at matapos itong pumutok ay napabuntong hininga na lamang si Seiya.

Dinilaan ko muna ang paligid ng kanyang pag-aari bago ako umangat at pumantay sa kanyang higaan.

“Yiren, natatangi ka lamang talaga”wika niya habang pagod na nakangiti sa akin.

Napangisi naman ako bago magsalita.

“Nag-iisa lamang ako Seiya”wika mo habang nakangiti.

Hinalikan niya ang aking noo sabay pumikit siya. Hinayaan ko siyang magpahinga muna habang nasa tabi niya lamang ako.

Sumiksik ako sa kanyang tabi at niyakap siya at nang maramdaman kong humarap siya sa akin at niyakap din ako ay napangiti ako at saka ako pumikit dahil ramdam ko na ang antok na bunga ng maaga kong paggising kanina.

Hindi ko na namalayan ang oras at naalimpungatan na lamang ako nang may dahan-dahang tumatapik sa akin.

“Niangniang, dalawang oras na lamang bago ang piging gumising na kayo upang makapaghanda na kayo”wika ni Luyun na nakilala ko dahil sa kanyang boses.

“Hmm”wika ko bilang senyales na gising na ako.

Bumangon na ako at napansin ba mag-isa na lamang ako sa aking kama kaya tinanong ko si Luyun kung nasaan na si Seiya.

“Luyun, nasaan ang Kamahalan?“tanong ko.

“Nauna na ang Kamahalan dahil maghahanda pa rin siya, magkita na lamang daw kayo sa piging.“sagot ni Luyun.

“Kung gayon ay ihanda niyo na ang gagamitin ko at ni Yonghuang para sa piging, susunod na ako sa paliguan”utos ko na agad sinunod ni Luyun.

Nang ako na lamang muling mag-isa ay napangiti ako sapagkat naisip ko na ayos na muli kami ng Kamahalan. Naisip ko rin na kaninang umaga ay maayos na ang aking pakikitungo kay Zichu at handa na muli ako na maging kaibigan siya.

Masaya ako sapagkat wala na akong iniisip ngayon at maari na akong magrelax sa mga darating na araw.


Hi guys! Namiss ko kayo hahahahaha. Sorry now lang ako nakapag-update andami ko kasing tinapos na anime hehehehe.

Anyways enjoy this chapter hihi!

Comment na rin kung sino ang Endgame Couple niyo HAHAHAHAHAHAHAHA

Team YiChu(Yiren and Zichu) or Team SeiRen(Yiren and Seiya) HAHAHAHAHAHAHAHAHA SURVEY TAYO

Btw, thank u so much sa 9k reads guys and road to 10k na huhu. Thank u so much for supporting me and this story.

Love y’all♡

51 | Isang Anunsyo

• Yiren

Ilang minuto lamang ang hinintay ko at natapos din agad ang mga tagapagsilbi sa paghahanda ng aking paliguan.

Nilapitan na ako ni Luyun upang alalayan patungo sa silid paliguan.

“Luyun, papasukin mo si Rin dito at ikaw na ang mag-asikaso kay Yonghuang”utos ko na agad niyang sinunod.

Nag-bow lamang siya at saka lumabas ng silid.

Ilang saglit lamang ay pumasok naman si Rin kasama si Rai at sinimulan na nilang isarado ang buong silid kagaya ng nakaugalian namin upang maging ligtas sa ibang tagapagsilbi ang aking sikreto.

Inalalayan ako ng dalawa sa paglusong sa tubig at sinimulan na ni Rai kuskusin ang aking katawan habang si Rin naman ay abala sa aking buhok.

Sumandal lamang ako at pumikit muna saglit upang ma-relax ko ang sarili ko. Dinama ko muna ang tubig at inamoy ang amoy nito syempre charot HAHAHAHAHAHA.

Mahigit kalahating oras ang lumipas at saka lamang ako napadilat dahil nagsalita ang dalawa na tapos na sila sa kanilang ginagawa kaya naman tumayo na ako.

Binalutan nila ako gamit ang tuwalya at tinuyo ako. Matapos iyon ay sinuot ko ang aking mga panloob at ang panloob na kasuotan ko.

Lumabas na ako sa paliguan at dumiretso sa aking silid upang mag-ayos ng sarili. Para sa araw na ito ay kailangan kong magsuot ng Jifu o ang mga kasuotan ng mga bahagi ng Harem kapag mayroong mga espesyal na kaganapan gaya ng mga pagdiriwang o mga piging katulad ngayon.

Ang kulay ng Jifu na ihinatid dito sa aking palasyo ay lavender na siyang aking ikinatuwa dahil mahilig talaga ako sa mga pastel colors. Napakasarap pagmasdan ng mga ganitong kulay sapagkat hindi sila masakit sa mata.

Sinuot ko na ang aking Jifu at ngayon ay iniaayos na ang aking buhok habang ako ay naglalagay ng pulbos at iba pang kolorete upang mas mahasa ang aking kagandahan emsz HAHAHAHAHA.

Ilang minuto nilang inayos ang aking buhok at nang maayos na ito ay tapos ko na ring piliin ang mga ilalagay na palamuti sa aking buhok at ngayon ay nilalagay na nila ito sa aking buhok.

Pumili ako ng mga gintong palamuti sa buhok at naglagay nalang ako ng mga kulay lilang bulaklak sa tuktok ng aking buhok upang bumagay sa aking kasuotan.

Ang aking hikaw ay kulay lila rin habang ang aking mga singsing at pulseras ay panay ginto sapagkat iyon ang aking mga alahas na ipinadala sa akin ni Ina para sa aking pagpasok dito sa kaharian.

Ilang saglit pa at nasatisfy na ako sa aking itsura kaya naman tumayo na ako at bago ako tuluyang umalis ay nagwisik muna ako ng pabango mula sa ibang bansa na iniregalo sa akin ni Seiya.

Kung nagtataka kayo kung bakit mayroong mga ganito sa kaharian ay dahil ito sa mga inireregalo sa kaharian ng mga dayuhan na inireregalo rin sa aming mga Pinfei.

Nang matapos na ako sa aking preparasyon ay nagsimula na akong maglakad palabas ng aking palasyo. Inaalalayan ako ni Rin habang si Rai ay nasa aking kabilang gilid.

Lumabas na kami ng palasyo at natanaw ko na si Yonghuang sa tapat ng kaniyang silid katabi si Luyun at mukhang ako na lamang ang hinihintay nila sapagkat naroon na rin si Han sa labas ng kaniyang silid.

Lumapit sila sa aking tabi at ipinahanda ko na ang mga karwahe at ang aking sedan na aming gagamitin patungo sa Lijingxuan kung saan magaganap ang piging.

Ilang sandali pa kaming naghintay at inabisuhan kami na maayos na lahat kaya naman pinasakay ko na sina Yonghuang at Han sa kanilang mga karwahe at ako naman ay umupo na sa aking sedan.

Naunang inangat ang mga karwahe nina Yonghuang at Han kaya nauna silang umalis. Nang mawala na sila sa aming daanan ay saka inangat ang aking sedan at nagsimulang maglakad ang mga nagbibitbit nito.

Maganda ang sikat ng araw ngayon ngunit ayoko namang masunog kaya ang aking bandera ay ginawa ko nang payong para hindi ako maarawan dahil ano pang purpose nito kung maiinitan lang din ako diba.

Hindi naman lubhang malayo sa aking palasyo ang Lijingxuan kaya naman sa tantya ko ay nasa dalawampung minuto lamang ang inabot ng paglalakbay patungo roon.

Ilang sandali lamang ay ibinaba na ang aking sedan at nakita kong kabababa lamang din ng mga karwahe nina Yonghuang at Han kaya naman tumayo na ako at inalalayan akong muli ni Rin.

Naglakad na ako papasok sapagkat nauna na ang dalawa at naianunsyo na ang kanilang pagdating. Huminto ako sa tapat ng tiga-anunsyo at nang makita kong tapos na bumati si Yonghuang at Han sa mga Kamahalan ay saka ko iniutos na ianunsyo ang aking pagdating.

“Pagdating ni Yi Fei niangniang!“malakas na sigaw ng tiga-anunsyo.

Naglakad ako papasok at naramdaman ko ang titig sa akin ng ibang Pinfei at kada hakbang ko ay nagbobow ang kanilang mga tagapagsilbi sa likuran nila.

Ang aking upuan ay sa unahan katapat ng Guifei sapagkat nasa akin ang pabor ng tatlong Kamahalan na nasa itaas ng plataporma.

Naglakad ako patungo sa unahan at saka ako lumuhod upang bumati sa tatlo.

“Pagbati, Huang E’niang, Kamahalan, Huangho niangniang”wika ko.

“Huang E’niang? Yi Fei tila wala ka pa sa iyong wisyo?“patuyang wika ng Guifei nang marinig niya ang aking pagbati.

“Mianli, Yiren maupo ka na”pagsasalita ng Taihou na nagpatahimik sa Guifei.

Tumayo naman ako at agad na naglakad tungo sa aking pwesto.

“Kung nagtataka kayo sa itinawag sa akin ni Yi Fei ay ako na ang magsasabi ng dahilan. Akin siyang pinahihintulutan na tawagin ako sa ganoong paraan”pag-aanunsyo ng Taihou kaya naman walang nagawa ang karamihan kung hindi ang tumango.

“Yi Fei meimei, tila ikaw ay nagustuhan ng Huang E’niang”turan ng Huangho habang nakangiti sa akin.

Ngumiti rin ako sa kaniya bago ako nagsalita.

“Isang malaking karangalan para sa akin ang magustuhan ng Huang E’niang, niangniang”pagsagot ko.

Umubo naman kunwari ang Kamahalan kaya naputol ang aming pag-uusap ng Huangho at napatingin ang lahat sa kaniya.

“Ang piging na ito ay aking ipinahanda sa Huangho upang ipagdiwang ang ating matagumpay na pakikipagkasundo sa tribo ng mga Khorchin sa Mongolia”wika ni Seiya.

Agad naman kaming tumayo at iniangat ang aming mga baso upang bigyan ng parangal ang Kamahalan.

“Maligayang Pagbati, Kamahalan”sabay-sabay naming wika.

“Hmm, maupo na ang lahat at sama-sama nating panoorin ang mga pagtatanghal na inihanda para sa atin.“wika ng Kamahalan.

Umupo naman na kami at pumapalakpak si Schel bilang hudyat na maari nang magsimula ang pagtatanghal.

Pumasok na ang mga magtatanghal at sa tingin ko ay magsasayaw ang kababaihang ito na nakasuot ng mga costume na pang-sayaw.

Nagsimulang tumugtog ang banda sa kanilang likuran at nagsimula ang mga babae sa kanilang sayaw. Taimtim lamang akong nanonood habang sila ay nagtatanghal.

Ito ang aking unang beses na makadalo sa isang piging at masasabi kong BORING ang ganitong mga kaganapan. Hindi man lang ako natuwa sa pagsasayaw ng mga kababaihan sa aking harapan.

Hindi naman sa nagmamaldita ako ha pero wala talagang natatangi sa sinayaw nila ngunit masasabi kong maayos naman ang kanilang pagtatanghal kaya naman pumalakpak pa rin ako nang sila ay matapos nang magtanghal.

Pumasok na ang susunod na magtatanghal at dalawa lamang sila. Parehong lalaki kaya naman napaayos ako at dama ko na yung energy na hinahanap ko kanina ems HAHAHAHAHAA.

May bitbit silang mga instrumento at ito ay ang Zither at Violin kung tatawagin sa ating panahon. Sa panahon na ito ay hindi ko alam kung ano ang tawag nila dito.

Nagsimulang tumugtog ang dalawa at tila ba nadala na naman ako sa ibang mundo dahil talagang napasarap pakinggan ng kanilang tinutugtog ngayon.

Tila ba ako’y hinihele para ako ay makatulog dahil sa kanilang pagtugtog. Sobrang kalmado ng tunog at hindi ako makaisip ng mga salita upang mailarawan ito.

Pumikit na lamang ako at mas dinama ko pa ang tugtog. Tuloy-tuloy lamang ang dalawa sa pagtugtog nang biglang may nagsalita ng malakas na ikinatigil nila.

“Kamahalan, mayroon akong nais sabihin sa inyo”wika ng isang babae kaya nagmulat ako ng mata at nakita kong si Shu Fei ito.

“Shu Fei, ano ang iyong nais sahihin?“tanong ni Seiya.

“Kamahalan, nitong nakaraang linggo ay hindi nawawala ang aking pagkahilo at nagsusuka na rin ako kaya naman napagtingin ako sa mga Taiyi. Kamahalan, ako ay nagdadalang-tao na”nakangiting wika niya.

Nawala naman yung kalmadong pakiramdam ko at biglang bumigat ang aking pakiramdam. Napatulala na lamang ako habang pinapakinggan ang pagpapatuloy ni Shu Fei.

“Tunay ba ang iyong tinuran Shu Fei?“napatayong wika ni Seiya at tanaw ko sa kaniyang mata ang labis na kagalakan.

Lalo lamang bumigat ang aking pakiramdam nang makita ko ang kaniyang ekspresyon.

“Ayon sa Taiyi ay dalawang buwan na akong nagdadalang-tao, Kamahalan”sagot ni Shu Fei.

Tumayo naman ang Huangho at ang ibang Pinfei kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang dahan-dahang tumayo at iangat din ang aking baso upang batiin ang dalawa.

“Pagbati, Kamahalan, Shu Fei”sabay-sabay naming wika.

“Isa itong magandang balita, Shu Fei alaagan mong mabuti ang iyong sarili at ang iyong dinadala”wika ng Taihou.

“Shu Fei, matagal ka nang isang Fei at ngayong nagdadalang-tao ka na ay marapat lamang na palitan ko na ang iyong titulo.“wika ng Kamahalan.

“Magsilang ka man ng isang Prinsesa o Prinsipe ay ikaw na ngayon si Chun Fei”pag-aanunsyo ng Kamahalan.

Mas lumaki naman ang ngiti sa mga labi ni Chun Fei. Hindi pa man sila umuupo ay umupo na ako at agad uminom ng alak na nakahain sa aking lamesa.

Sumunod naman ang iba at nagsipag-upuan na rin. Tinapos din ng mga nagtatanghal ang kanilang pagtugtog at inutusan ko si Rai na kunin ang pangalan ng mga tumugtog dahil baka ipatawag ko sila kapag ako ay nasa mood na makinig sa kanilang pagtugtog.

Ilang pagtatanghal pa ang naganap at ngayon ay tuluyan nang natapos ang piging at nauna nang umalis ang Taihou kanina.

“Mauuna na rin akong bumalik sa Yangxindian, mag-iingat kayo sa inyong mga daan pabalik”huling wika ni Seiya at siya ay tumayo na at nagtama ang aming paningin ngunit agad akong umiwas.

Nang tuluyan na siyang nakaalis ay saka kami umalis at ngayon ay hindi ko mawari ang aking nararamdaman sapagkat magkakaroon na muli si Seiya ng anak.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit sapagkat lahat ng mga Pinfei ay may kakayahang magdalang-tao maliban sa akin.

Lalo lamang bumibigat ang aking pakiramdam kaya binilisan ko na ang paglalakad at agad kong inutusan ang mga tagapagsilbi na simulan na ang paglalakbay namin pabalik sa aking palasyo.

Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at sumandal ako sa aking upuan.

• Sikretong Tauhan

“Niangniang, nagdadalang-tao na si Chun Fei tiyak na mas mahihirapan tayo sa mga paparating pang araw sapagkat hindi na lamang si Yi Fei ang makakalaban niyo sa pabor ng Kamahalan”wika ng isang babae.

Ngumisi naman ang kaniyang kausap bago ito magsalita.

“Sino naman ang nagsabi sa iyo na makakapagdalang-tao ng maayos at matiwasay ang Chun Fei na iyon?“nakangising wika niya ngunit bakas sa kaniyang mata ang inis.

“Niangniang, ano ang ating gagawin?“muling tanong ng babae.

“Sa ngayon ay maghihintay muna tayo ng pagkakataon upang umatake”sagot sa kaniya ng kaniyang kausap.

Nagpatuloy na sila sa kanilang daan pabalik sa kanilang palasyo.


Hi guys! It’s been a while hihi

Lesson muna tayo. Yung Jifu guys is Semi-formal attire ng mga Pinfei na sinusuot nila kapag may mga banquet or kapag may celebration.

Btw HAHAHAHAHA I remembered na this is a harem-centered story kaya hindi nawawala ang scheming. Abangan ang mga susunod na kabanata. Masyado kasi akong nafocus sa romance HAHAHAHAHAHA.

Chikahan tayo sa comments HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

(May napansin ba kayo kay Yiren?)

Happy 10k reads!!! Road to 1k votes na rin tayo huhu♡

Love u guys!!

Anibersaryo

Maganda Gabi, everyone!

Sorry for not updating these past few days. Nagsosort out pa kasi ako ng mga idea for the upcoming chapters. You know nood-nood muna para may mga inspiration yg mga scenes.

Moving on, I made this announcement to thank all of you because a year ago today. I started writing this book and you guys are continously supporting me kahit napakabagal ko mag-update huhuhu.

I started to write few chapters of this story last June 18, 2020 and nag-enjoy naman ako so tinuloy ko na. It is fun meeting you guys huhuhu.

I hope na you will still support me till the end of this story and sa mga upcoming stories ko pa.

I have a lot of stories to tell all of you guys. So please bear with me HAHAHAHAHAHAHA.

Love y’all

Don

52 | Ang Pusong Nalinawan

•Yiren

Narating na namin ang aking palasyo kaya naman dire-diretso akong pumasok sa aking palasyo upang magpahinga na dahil nawala ako sa mood.

Nagtungo ako sa harap ng aking salamin at sinimulan ko nang tanggalin ang aking mga palamuti at mga alahas na aking suot kanina lamang.

Nang abutan ako ni Rin at Rai ay agad silang lumapit sa akin at tinulungan nila ako sa paghubad ng aking kasuotan dahil nais ko nang magpahinga.

Buong akala ko ay magiging masaya lamang ang takbo ng araw ko ngunit nagkamali pala ako sapagkat bibiglain ako ng isang anunsyo na hindi ko nakitang paparating.

“Rin, Rai samahan niyo naman ako sa paliguan ngayon, nais ko lamang ng makakausap”wika ko sa dalawa.

Nagtinginan naman sila bago sabay na yumuko.

Pinaalis ko na sila upang makapaghanda sila ng kanilang mga susuotin ngayon dahil kagaya nga ng aking tinuran ay sasamahan nila ako sa pagligo.

Kasalukuyan nang nakalugay ang aking buhok at ngayon ay nakatitig ako sa aking repleksyon sa salamin. Patuloy kong sinusuklay ang aking buhok habang tinitignan ko lang ang aking magandang mukha. HAHAHAHAHAHAHAHA EMSZ!

Ilang saglit pa ang lumipas at muling pumasok ang dalawa at inalalayan na nila ako papunta sa silid paliguan.

Pagkarating namin sa paliguan ay nakahanda na ang lahat kaya naman pinaalis ko na ang ibang tagapagsilbi at ako ay nauna nang lumusong sa tubig.

Dama ko ang lamig nito na bumalot sa aking balat at imbis na manginig ay dinama ko pa ito dahil ang sarap nito sa pakiramdam. Napansin ko naman na nakatayo lang ang dalawa sa tapat ko kaya nagsalita ako.

“Oh, bakit hindi niyo pa ako samahan dito?“tanong ko.

“Niangniang, hindi kami maaring makisabay sa inyo sapagkat mga tagapagsilbi lamang kami”pagsagot ni Rin.

“Rin, kapag sinabi kong sabayan niyo ako ay sabay niyo ako”wika ko naman kaya wala silang nagawa kung hindi ang tumango at dahan-dahang lumusong na rin sa tubig.

Tumabi sila sa akin at ngayon ay magsisimula na akong magsalita tungkol sa mga naiisip ko simula pa nang magbalik kami rito sa aking palasyo.

“Rin, Rai sagutin niyo nga ang mga tanong na bumabagabag sa akin kanina pa”panimula ko.

“Ano ba ang mga iyon, niangniang”wika ni Rai.

“Simula noong ianunsyo ni Chun Fei ang kanyang pagbubuntis ay tila ba hindi ako natuwa sapagkat alam niyo naman na ako ay walang kakayahan na magdalang-tao.“panimula ko.

“Naisip ko lang na sa lahat ng mga miyembro ng harem ay ako lamang ang walang kakayahan na magdalang-tao at hindi ko maiwasang mainggit sapagkat lahat sila ay kayang bigyan ng anak ang Kamahalan samantalang ako ay hindi”papahinang wika ko na.

Yumuko na lamang ako matapos kong sabihin ang sentimyento ko.

“Niangniang, kanina ko pa napansin na nag-iba ang iyong itsura noong banggitin ang anunsyo. Alam kong nasaktan kayo ngunit niangniang, isipin niyo na lamang na kahit mabigyan pa nila ng anak ang Kamahalan ay hindi nila mapapantayan ang pagmamahal sa iyo ng Kamahalan.“turan ni Rin.

“Siyang tunay, niangniang sa ating palasyo madalas magtungo ang Kamahalan at simula noong pagpasok niyo sa Kaharian ay hindi kayo nawala sa pabor niya.“pagpapatuloy naman ni Rai.

Inangat ko naman ang aking ulo at saka ako muling nagwika.

“Aanhin ko naman ang pabor kung hindi ko naman kayang bigyan ng supling ang Kamahalan. Para saan pa at naging Pinfei ako kung wala rin naman akong silbi hindi ba?“pagtatanong ko sa kanila.

“Niangniang, hindi lamang—“naputol ang sasabihin ni Rai nang biglang may malakas na boses na nagsalita.

“Lumabas kayong dalawa! Ngayon din!“Seryosong utos ng Kamahalan na ngayon ay nakatayo sa aking harapan.

Agad namang tumayo ang dalawa at isinuot ang kanilang mga panglabas na kasuotan at nagbow sa amin bago tuluyang lumabas ng silid.

“Kamahalan, ano ang inyong ginagawa rito?“pagtatanong ko.

“Ikaw ang dapat kong tanungin Yiren, bakit may mga kasama ka sa iyong pagligo!?“inis na wika nito.

“Ang mga kasama ko ay mga tagapagsilbi ko simula pa noong hindi mo pa ako Pinfei”pagsagot ko.

Mas lalong bumakas sa kaniyang mukha ang inis at nagulat ako nang bigla itong magtanggal ng kaniyang mga butones at walang sabi-sabing naghubad at lumusong sa tubig.

“K-kamalahan! Anong ginagawa mo!?“pasigaw na tanong ko.

“Ang mga tagapagsilbi mo ay may karapatan na samahan ka sa iyong pagligo samantalang ako na asawa mo ay wala!? Ganoon ba Yiren?“naiinis na tanong nito.

Agad naman akong natawa dahil sa kaniyang itsura at sa sinabi niya.

“Sandali lamang, nagseselos ka ba kila Rin at Rai?“natatawang tanong ko sa kaniya.

Agad naman siyang nag-iwas ng tingin sa akin bago nagsalita.

“Sinong nagseselos? Kung nais kitang makasama ay kaya kong gawin iyon kaya walang dahilan para magselos ako sa kanila.“wika niya.

“Kunwari na lamang ay naniwala ako sayo hahaha”pang-aasar ko pa sa kaniya.

Agad naman siyang lumundag palapit sa akin at hinablot ako patungo sa kaniyang bisig.

“Sino kaya ang nakita kong nalukot ang mukha dahil sa anunsyo ni Chun Fei”nakataas kilay na tanong nito sa akin na tila ba ako naman ang inaasar.

Agad naman akong humiwalay sa kaniya at humalukipkip at humarap sa kaniya.

“Seiya, magkakaanak ka na sa kaniya, alam mo naman ang sitwasyon ko at hindi ko maiwasang hindi mainggit sa kaniya at kanila sapagkat sila ay mga tunay na babae at ako ay hindi”pagsagot ko sa kaniya.

Agad namang lumambot ang ekspresyon niya at kinulong ako sa kaniyang mga bisig.

“Yiren, paumanhin hindi ko inintindi ang iyong mararamdaman, nais ko lamang na asarin ka rin”wika niya habang hinahagod ang aking likod.

“Walang kaso roon, Seiya napagtanto ko na rin naman na hindi ko kailangang mainggit sa kanila sapagkat na sa akin naman si Yonghuang at hindi ako nag-iisa sapagkat nariyan ka para sa akin.“turan ko.

Bumitiw naman siya sa pagkakayakap niya sa akin at hinarap ako sa kaniya.

“Yiren, nais kong tandaan mo na kahit ilan pang anak ang kanilang ipanganak ay hindi nila mapapantayan ang saya na dulot mo sa akin. Ikaw lamang ang natatangi sa aking puso kaya hindi mo kailangang mainggit kanino man.“wika ng Kamahalan kaya nawala na nang tuluyan ang insecurities ko.

“Siyang tunay, Seiya?“kunwari pang pagtatanong ko.

“Pangako ko sa iyo na hindi ako magbabago at kung may magawa man ako na makakasakit sa iyo parati mong tatandaan na hindi kita sasaktan nang walang dahilan. Yiren, alam mong sa iyo ko lamang naipapakita ang mga ganitong bahagi ng aking pagkatao. Sa piling mo lamang ako nagiging kampante na maging ako. Sa piling mo lamang ako malaya na gawin ang mga nais ko kaya hindi ako magsasawa na manatili sa iyong tabi, Ai Fei.“sinserong wika niya.

Nag-init naman ang pisngi ko at naramdaman ko na napuno ng tubig ang aking mga mata at tuluyang tumulo ang luha ko dahil sa pagkapuno ng aking puso.

Nag-uumapaw ang emosyon na nararamdaman ko ngayon at hindi ko alam kung paano ko ito masasabi kay Seiya kaya naman lumapit na lamanh ako sa kanya at ipinagdikit ko ang aming mga labi.

Dahan-dahan ang pagbuka ng aming mga labi at tila ba may ritmo kaming sinusundan dahil puno ng pagmamahal ang halik na ito.

Nagpatuloy lamang kami sa paghahalikan hanggang sa igiya niya ako pakandong sa kanya habang magkadikit pa rin ang aming mga labi kaya naman mas lalong nag-alab ang pakiramdam ko at nilaliman ko pa ang halik.

Natigil lamang kaming dalawa nang mawalan na kami parehas ng hangin at kailanganin na naming huminga muna hahahahaha.

“Seiya, talagang nakuha mo na ako”wika ko at bago pa ako makabawi ay sinakop na muli ng Kamahalan ang aking mga labi at nauwi na naman sa isang mainit na halikan ang naganap sa aming dalawa.

Ngunit bago pa kami mapunta sa kung saan ay bumangon na kami sa tubig dahil baka magkasakit naman kami dahil antagal na naming nababad sa tubig at lumalalim na rin ang gabi.

Nagsuot na kami ng mga panloob namin at hawak-kamay naming tinungo ang aking silid dahil alam kong dito na magpapalipas ng gabi si Seiya.

Hello! Sino ba makakahindi sa ganda ko divine?(HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA)

Agad na kaming dumiretso sa aking silid at pinaalis kaagad niya ang mga tagapagsilbi at nang mawala na sila sa aming mga paningin ay agad akong hinablot ni Seiya at inihiga sa aking kama at doon nagsimula ang kwento ng lolo at lola niyo charot.

Muli na namang nadiligan ang inyong lingkod at ngayon ay nakahiga na kaming dalawa habang nakaunan ako sa kanyang dibdib at nakaakbay na siya sa akin.

“Seiya, maraming salamat dahil niliwanagan mo ako”wika ko.

“Yiren, palagi mo lamang tandaan na tayong dalawa ang magkakampi at ikaw lamang ang nag-iisa sa aking puso”wika niya kaya naramdaman kong nag-init na naman ang aking mga pisngi.

Andami niyang baon na banat ngayong gabi nakakainez!

Sumandal na lamang ako sa kaniyang dibdib at niyakap siya dahil wala na akong masabi pa sa kanya. Aatakihin pa ata ako sa puso dahil kanina pa niya ako pinapakilig kaloka.

Ilang sandali pa ay nagdesisyon na kaming magpahinga sapagkat may sesyon pa ang korte bukas at marami pa siyang aasikasuhin.

Ipinikit ko na ang aking mga mata nang may ngiti sa aking mga labi sapagkat nawala na ang mga iniiisip ko kanina.

Salamat sa aking katabi ngayon ay kampante at kalmado na akong muli.

Hindi ko na namalayan at tinangay na ako ng aking antok.


Hi guys!!! Enjoy this update hihi!

Please vote rin po pala sa mga chapter! Road to 1k votes na tayo!

Thank y’all for the continuous support huhuhu!

Love y’all

Stay safe everyone!!!

53 | Pagbisita ni Chun Fei

•Yiren

Mabilis na lumipas ang panahon at ngayon kung tama ang aking pagkakaalala ay tatlong buwan na ang nakalilipas mula nang i-anunsyo ni Chun Fei ang kaniyang pagdadalang-tao.

Sabi sa mga chika all around the kingdom na ang unang tatlong buwan daw ang need na malagpasan ng isang nagbubuntis para maging fully stable yung dinadala niya.

Pagbati kay Chun Fei sapagkat nalagpasan niya ito. Wala naman akong hard feelings kay Chun Fei sapagkat isa naman siyang matinong tao. Ang ibig kong sabihin ay alam niya ang kaniyang lugar at hindi siya hadlang sa akin kaya naman pinapakitunguhan ko siya ng maayos.

Ngayon ay wala naman akong masyadong pinagkakakaabalahan maliban sa pagbabasa ng mga libro para sa pag-aasikaso ng mga nagaganap sa kaharian.

Ako na kasi ang tumutulong sa Huangho sa pagmamanage ng mga Harem Matters.

Sa nakalipas na tatlong buwan ay wala naman masyadong nagbago rito sa kaharian dahil ganoon pa rin naman ang buhay namin. Boring.

Ngayon ay narito ako sa aking silid at kasalukuyang nag-aayos ng aking sarili sapagkat babati kami sa Huangho. Alam niyo naman na araw-araw namin itong gawain.

Ilang minuto rin akong nag-ayos ng sarili at nang mailagay ko na ang aking mga palamuti sa buhok at katawan ay tumayo na ako at nagwisik ng pabango na regalo sa akin ni Seiya.

Matapos iyon ay lumabas na rin ako mula sa aking silid at nagbilin muna kay Luyun na ihatid si Yonghuang sa paaralan dahil si Rin at Rai ang isasama ko ngayon sa Yikungong.

Matapos kong magbilin ay tuluyan nakong naglakad palabas ng aking palasyo kasabay si Han na ngayon ay nag-aayos na rin ng kaniyang sarili.

Pinagsabihan ko kasi siya na kung hindi siya mag-aayos ng kanyang sarili ay habang buhay na siyang magiging wala sa pabor ng Kamahalan. Mabuti nalang at nakinig siya sa akin at ngayon ay lumalabas na ang kaniyang ganda.

Maglalakad lamang kami patungo sa Yikungong sapagkat maganda ang sikat ng araw at magandang maglakad ngayon for the Vitamin D. Na binibigay din naman ni Seiya (if you know what I mean HAHAHAHAHAHAHA).

Ilang minutong lakaran ang aming ginawa hanggang sa marating namin ang Yikungong at kaagad na kaming pumasok upang magpatuloy sa aming pagbati at nang sa gayon ay umusad na ang araw namin.

Halos isang oras ang aming itinagal sa loob ng Palasyo ng Huangho kaya naman paglabas ko sa tarangkahan ay nag-unat ako ng katawan sapagkat nakakangalay din ang pag-upo.

Sinabihan ko si Han na magtutungo ako sa Cininggong upang bumati sa Taihou. Isinasama ko siya ngunit sabi niya ay kukuha siya ng mga tela ngayon sa Panahian upang gumawa ng mga bagong kasuotan ni Yonghuang.

Pinayagan ko naman siya at naghiwalay na nga ang aming daan. Naglakad na ako patungo sa Cininggong kasama sina Rin at Rai.

Ilang saglit lamang ang lumipas at ngayon ay malapit na ako sa tarangkahan ng Cininggong. Sa kanang bahagi ako nanggaling kaya naman sa kanang bahagi rin ako naglakad papasok sa tarangkahan.

Hindi ko naman alam na galing sa kaliwang bahagi ng palasyo ay makakasabay ko sa paglalakad ang Guifei. Kapwa kami nagulat sa isa’t-isa kaya naman nagpakumbaba na ako para bumati sapagkat maganda ang araw at ako kaya ayokong masira ito.

“Pagbati, Guifei jiejie”wika ko sabay luhod ng bahagya.

“Yi Fei meimei”wika niya naman at bumati rin sa akin na isang himala.

Hindi na kami nagkibuan at sabay na kaming pumasok sa Palasyo kung saan sinalubong kami ng punong tagapagsilbi ng Taihou.

“Pagbati, Guifei, Yi Fei niangniang”wika ng tagapagsilbi.

“Mianli, narito ako para bumati sa Huang E’niang”wika ko kaya agad akong inalalayan nito.

Lumingon ako sa Guifei at nginitian siya hehehe.

Pagpasok ko sa loob ng palasyo ay kasunod ko lang ang Guifei at nang marating namin ang silid ng Taihou ay sabay kaming lumuhod at bumati na.

“Pagbati, Huang E’niang”wika ko samantalang ang Guifei ay bumati rin.

“Mianli, magsi-upo na kayong dalawa”wika ng Taihou.

Nagpasalamat muna kami bago kami tumayo at umupo na sa mga silya. Nang maiayos ko na ang aking sarili ay ibinaling ko ang aking katawan paharap sa Taihou.

“Huang E’niang, kamusta kayo nitong mga nakaraang araw?“tanong ko.

“Maayos naman ako, Yiren wala na akong masyadong ginagawa sapagkat kayo naman ng Huangho ang namamahala sa Kaharian at panatag ako sa inyong dalawa”sagot ng Taihou na ikinangiti ko.

“Siyang tunay, Taihou. Maayos ang pamamahala ng Huangho niangniang at isama pa ang pagtulong ni Yi Fei meimei ay talaga namang payapa ang buong kaharian”segunda ng Guifei.

“Mei Guifei, kamusta ka naman?“pagtatanong ng Taihou.

“Maraming salamat sa pag-aalala, Taihou ako ay maayos naman.“pagsagot ng Guifei.

“Mabuti naman kung ganoon, ikaw ay matagal nang nagsisilbi sa Kamahalan kaya naman sana ay magdalang-tao ka na rin”biglang wika ng Taihou na ikinatingin namin ng Guifei sa isa’t-isa.

Kaming dalawa ang mga pinaka-nasa pabor ng Kamahalan ngunit kami ring dalawa ang hindi nagkakaroon ng anak. Sa aking sitwasyon ay wala na akong magagawa ngunit sa sitwasyon ng Guifei ay nakakapagtaka sapagkat matagal na nga siyang naririto sa kaharian ngunit bakit hindi pa siya nagbubuntis.

Napaisip naman ako at naputol lang ang aking pag-iisip nang biglang sumagot ang tagapagsilbi ng Taihou.

“Taihou, kapwa bata pa ang mga niangniang at tiyak na magkakaroon sila ng mga anak sa tamang panahon sapagkat sila ang mga pinaka-pinapaboran ng Kamahalan”wika ng Tagapagsilbi.

“Hmm, siyang tunay”sagot naman ng Taihou.

Humaba pa ang aming usapan at kung saan-saan pa ito napunta kaya naman nang maramdaman ko na ang antok ay nagpaalam na ako na mauuna na dahil ang sakit din sa panga ang kakadaldal.

Pumayag naman ang Taihou kaya tumayo na ako at nagpaalam ng maayos. Matapos akong mag-bow ay narinig ko na nagpaalam na rin ang Guifei at tumayo na rin kasunod ko.

Halos magkasunod lang kaming lumabas ng Palasyo ng Taihou at ngayon ay malapit na kami sa tarangkahan kaya humarap ako sa kaniya upang magpaalam.

“Mauuna na ako, Guifei niangniang”wika ko sabay luhod ng bahagya bago tumalikod.

Nagulat ako nang pigilan niya ako at nang humarap ako sa kaniya ay nakakitaan ko siya ng malambot na ekspresyon.

“Meimei, kung ikaw ay may panahon bisitahin mo ako sa aking palasyo upang makapag-kwentuhan naman tayo.“wika nito na nagpagulat sa akin dahil alam niyo naman ang history naming dalawa.

Wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang tumango na lamang at saka tumalikod muli para umalis na.

Hindi ko na siya sinagot pa dahil nagulat lamang ako na may ganoong side pala siya sa pagkatao niya na kinainisan ko simula noong pumasok ako rito sa kaharian.

Isinawalang bahala ko nalang ito at nagpatuloy na sa paglalakad pabalik sa aking palasyo upang makapagpahinga ako dahil napagod din ako sa pakikipagdaldalan.

Ilang minutong lakaran na naman ang lumipas at ngayon ay narating ko na ang tarangkahan ng aking palasyo at nagulat ako nang may makita akong sedan sa labas ng aking palasyo.

“Rin, kaninong sedan ito? Hindi naman ako gumamit ng sedan kanina”pagtatanong ko.

“Hindi ko alam, niangniang e magkakasama tayo kanina pa, paano ko malalaman kung kanino yan”sagot naman neto kaya hinampas ko siya sa kaniyang braso.

“Talaga ba, Rin?“pagtatanong ko habang napahawak sa bewang ko.

“E kung pumapasok na kaya tayo para nalalaman natin kung kanino ba ang sedan na iyan”suhestyon naman ni Rai.

Pumalakpak naman si Rin bago nagsalita.

“Sa wakas, Rai! May naisip ka ring matino”pumapalakpak na wika nito kaya naman natawa ako.

“Bakit, ngayon lang ba ako nakaisip ng matinong bagay ha!?“turan ni Rai na ikinatawa ko lalo.

“Tumigil na nga kayong dalawa riyan at pumasok na tayo sa loob”wika ko naman kaya inalalayan na nila ako papasok sa loob.

Pagpasok ko sa loob ay sinalubong ako ni Luyun kaya tinanong ko kung kanino ang sedan sa labas ng palasyo.

“Niangniang, kanina pa nasa loob si Chun Fei at hinihintay kayo”pagbibigay-alam sa akin ni Luyun.

“Ganoon ba, sige at halina kayo sa loob.“pagyaya ko sa kanila at kami nga ay pumasok na sa loob ng aking palasyo.

Naabutan ko na nakatayo sa harap ng aking tanggapan si Chun Fei at ang kanyang tagapagsilbi na nasa tabi niya lamang.

“Chun Fei niangniang, narito na ang aming Chúza”pagsasalita ni Luyun.

Humarap naman si Chun Fei sa akin at nang makita niya ako ay bumati siya sa akin.

“Pagbati, Yi Fei niangniang”wika nito at saka lumuhod ng bahagya.

Naglakad ako patungo sa aking tanggapan at nang ako ay nakaupo na saka lamang ako nagsalita.

“Ano ang iyong ginagawa rito sa aking palasyo, Chun Fei?“pagtatanong ko.

“Nais ko lamang na bumisita at kamustahin ka, niangniang”pagsagot niya sa akin.

“Hmm, maupo ka”paanyaya ko sa kanya at saka lamang siya umupo sa gilid ko.

Alam ko naman na hindi ito pupunta rito sa aking palasyo kung wala itong kailangan sa akin kaya naman nagpahanda muna ako ng mga makakain at maiinom bago ko siya tuluyang tanungin.

Nang maihanda na ito sa aming harapan ay saka ako nagwika sa harapan niya.

“Iyong sabihin ang iyong tunay na pakay sa pagparito mo, Chun Fei”diretso kong wika.

Nagulat naman siya at nagulat din ako nang bigla itong tumayo mula sa kaniyang kinauupuan at saka biglang lumuhod sa aking harapan.

“Niangniang”wika niya na naputol sapagkat tumayo kaagad ako upang itayo siya.

“Chun Fei, pareho ang ating posisyon kaya hindi ka dapat lumuluhod sa aking harapan”wika ko sabay tayo sa kaniya.

“Ngunit nais kong makiusap sa iyo at sana ay pakinggan mo ako”pagwiwika niya kaya wala na akong nagawa kung hindi ang muling umupo sa akinh upuan.

“Niangniang, nanganganib ang aking dinadalang sanggol.“wika niya sa harap ko na nagpagulat sa akin.

“Chun Fei, ang dinadala mo ay anak ng Kamahalan kaya sino naman ang magtatangka sa iyo?“pagtatanong ko.

“Alam nating dalawa na ang mga bahagi ng harem ay hindi mabubuting tao. Karamihan sa mga naririto ay hangad ang yaman at pabor ng Kamahalan. Kaya gagawin nila ang lahat para makuha ito”pagsagot niya.

“Ngunit nasa proteksyon ka naman ng Kamahalan at Huangho kaya ano pa ang ipinangangamba mo?“muling pagtatanong ko.

“Niangniang, maraming hindi nalalaman ang dalawa at pailalim kung umatake ang mga masasamang loob kaya nais kong hingin ang iyong proteksyon”wika ni Chun Fei.

“Pangako, kapag ako ay iyong tinulungan na ligtas na maipanganak ang aking sanggol ay tatanawin ko itong malaking utang na loob at ako ay iyong magiging kakampi habang-buhay.“pagpapatuloy niya kaya wala akong nagawa kung hindi ang mag-isip.

“Sino ba ang sa tingin mong magtatangka na saktan ka?“pagtatanong ko.

“Hindi mo pa ba nahahalata kung sino ang pinaka-magaling sa pagpapakitang-tao sa harem?“pagtatanong niya sa akin na aking ikinalito.

“Ano ang ibig mong sabihin?“pagtatanong ko.

“Siya ang isa sa mga pinakamabait na miyembro ng harem ngunit sa likod ng kaniyang magandang imahe ay ang kaniyang mga nagawa upang manatili sa kaniya ang pabor ng Kamahalan”pagkkwento ni Chun Fei.

“Chun Fei, sino ang iyong tinutukoy?“naiinip kong tanong sapagkat hindi ako fan ng suspense kung hindi lang buntis tong kausap ko baka nasampal ko na to sa dami ng pabitin niya e.

“Bago ang iyong pagdating dito sa kaharian. Ang pinaka-pinapaboran ng Kamahalan ay ang Chúza ng Xianfugong”pagwika ni Chun Fei at saka ko na naintindihan ang kaniyang nais na sabihin.

“Si Jang Fei? Ngunit mabait siya sa lahat hindi ba?“pagtatanong ko pa.

“Yiren, noong kami ay mga Gege pa lamang ng Prinsipe Bao(Qianlong Emperor) doon ko napansin ang kaniyang pag-uugali kaya sa kaniya ako pinaka-nag iingat. Ang Guifei ay madaling basahin ngunit siya ay hindi kaya naman nais ko na mag-ingat ka rin mula sa kaniya.“pagbibigay-babala ni Chun Fei.

“Maraming salamat sa iyong babala, mag-iingat ako mula sa kaniya. Ikaw din ay mag-iingat at asahan mo ang aking suporta sa iyo. Bibisitahin ko rin ang iyong palasyo kapag ako ay may oras.“pagwiwika ko at hudyat na iyon ni Chun Fei para tumayo at saka magpaalam sa akin.

“Mauuna na ako, niangniang”paalam ni Chun Fei na tinanguhan ko naman.

Nang mawala na siya nang tuluyan sa paningin ko ay tumayo na ako at inalalayan ako ni Rai patungo sa aking silid upang doon ay makapag-pahinga na ako.

Nang matanaw ko ang aking kama ay kaagad akong tumakbo rito at hindi ko inaasahan na tatabingi ang aking sapatos na dahilan upang tumagilid ang aking paa at ako ay matumba.

Sumalampak ako sa sahig at sobrang sakit ng aking paa. Kaya naman napasigaw na lamang ako sa sobrang inis at sakit.

“AaaaaAaaaa!!!!!“sigaw ko.


Hi guys!!! Long time no update HAHAHAHAHAHAAHHAA. A lot has happened kasi and like what I said sa announcement ko kakagaling ko lang sa sakit huhu kaya pasensya na kung hindi ako nakapag-update.

Anyways, ito yung shoes ng mga harem women before kaya no wonder kung madadapa si Yiren.

CTTO

And also, Prince Bao of First Rank is Emperor Qianlong’s Title before being an Emperor.

That’s it! Please Vote for this chapter and stay tuned for more updates!!

Love y’all guys and stay safe

54 | Isinantabi

•Yiren

Sa tingin ko ay rinig na rinig sa buong palasyo ang pagsigaw ko dahil matapos akong sumigaw ay naramdaman ko kaagad ang sakit ng aking paa na natapilok pa nga yata.

Ilang saglit lang ay nagmamadaling pumasok sina Rin at Rai. Nadatnan nila ako na nakasalampak sa sahig pero mas uminit pa ang ulo ko dahil nagawa pa nilang magtanong.

“Niangniang, anong ginagawa ninyo sa sahig?“tanong ni Rai.

“Niangniang, marumi ang sahig kaya tumayo na kayo at maupo na lamang sa inyong higaan”suhestyon naman ni Rin.

“Sa tingin niyo bang dalawa ay nais ko lamang humiga rito sa lapag!?“naloloka kong sambit sa kanila.

“Ngunit ano ang dahilan at nakasalampak lamang kayo riyan, niangniang”tanong muli ni Rai.

“Rai! Itayo niyo kaya muna ako hindi yung tanong kayo ng tanong dahil kanina pa ako nakasalampak dito!“pasigaw kong utos dahil hindi ko alam kung saan ako maiinis sa pagkatapilok ko ba o sa nakakalokang katanungan ng dalawa.

Agad naman silang lumapit sa akin at magkatulong na inangat ako. Nagpadala ako sa aking upuan upang maging komportable ang aking pakiramdam dahil pakiramdam ko may naipit na ugat sa paa ko dahil makirot ito.

“Rin, magpunta ka sa Kagawaran ng mga Taiyi at sabihin mo na kailangan ko ng isang Taiyi ngayon din”utos ko kay Rin.

Agad naman itong sumunod sa akin at umalis sa harapan ko at iniwan si Rai na muli na namang nagtanong sa akin.

“Niangniang, bakit ka nga ulit nakasalampak kanina sa lapag?“tanong nito na ikinaikot na lamang ng mata ko.

Yumuko nalang ako sa lamesa at ipinikit ang aking mata kaysa naman mabaliw lang ako dito sa kasama ko.

Ilang saglit pa ang lumipas at may nagsalita sa tabi ko kaya napabangon na ako.

“Niangniang, narito na ang Taiyi”wika ni Rin.

Agad akong humarap sa direksyon nila at nakita ko si Yinzhen, ang Taiyi na unang gumamot sa akin noong ako ay nagsakit-sakitan dati. Siguro ay siya na ang itinalaga para sa akin ng kanilang Kagawaran.

“Pagbati, Yi Fei niangniang”wika nito sabay luhod.

“Mianli”tanging sambit ko at tumayo na ito at lumapit sa kinaroroonan ko.

“Niangniang, maari ko bang malaman kung bakit kayo natapilok?“tanong nito na tinanguan ko naman.

“Nais ko lamang magpahinga at sumalampak sa aking higaan kaya tumakbo ako patungo roon hindi ko inaasahan na tatabingi ang aking sapatos na siyang dahilan kung bakit ako natapilok”pagkkwento ko.

Narinig ko naman na kapwa natawa sila Rin at Rai kaya napatawa na rin ako dahil inaamin ko naman na ang tanga ko sa part na yon. Nawala sa isip ko kung gaano kataas ang mga sapatos na isinusuot namin.

Nagpatuloy na si Yinzhen sa pagtingin sa kalagayan ng aking paa at maya-maya lamang ay nilagyan na niya ng benda ang aking paa at ibinilin na manatili muna ako sa aking higaan sa loob ng isang linggo upang hindi mamaga ang aking paa.

Nag-iwan din siya ng mga gamot para sa pagkirot ng aking paa bago siya tuluyang umalis.

Pagka-alis niya ay siya namang pagpasok ni Han sa aking silid.

“Yiren, anong nangyari sa iyo?“tanong niya na sinagot ko naman.

“Natapilok ako habang ako ay patungo sa aking higaan kaya ngayon ay hindi ako makakapaglakad sa loob ng isang linggo.“pagkkwento ko.

“Kinakailangan mo ngang magpahinga, huwag kang mag-alala ako na ang bahala na magsabi sa Huangho niangniang ng iyong kalagayan”wika niya.

Agad naman akong ngumiti at tumango sa kanya. Nagkwentuhan pa kami saglit bago siya magpaalam sa akin dahil magpapahinga na rin ako.

Ipinaayos ko na ang aking higaan dahil kanina ko pa sana gusto magpahinga bwiset nadisgrasya pa. HAHAHAHAHAHAHA

Nang matapos na silang mag-ayos ay kaagad na akong nagpaalalay sa kanila patungo sa aking higaan at ako ay umayos na ng higa para makatulog na ako.

Ipinikit ko na ang aking mata at hinayaan ang sarili na magpatangay sa antok at pagod.

K I N A B U K A S A N

Hindi pa rin ako masyadong makatayo ng maayos dahil medyo makirot pa rin ang aking paa ngunit mas maginhawa naman ang pakiramdam ko ngayon kaysa kahapon.

Ipinasabi ko muna kay Han na hindi ako makakabati sa Huangho sa loob ng tatlong araw dahil kailangang ipahinga ng paa ko.

Ngayon ay narito ako sa aking silid tanggapan at nagbabasa ng libro nang bigla kong maisip na wala na akong ibang ginawa kung hindi ang magbasa ng libro kapag wala akong magawa. Ang boring naman masyado ng buhay ko kaloka hahahaha.

Tinignan ko sina Rin at Rai sa tapat ko na kapwa nakaupo at abala sa kanilang mga binuburda. Kapag kami-kami lamang kasi ang magkakasama ay pinapabayaan ko naman sila magpahinga dahil kailangan at deserve rin nila ito.

Si Luyun naman ay naka-upo lamang sa tabi ko kaya naman lumingon ako sa kaniya upang magtanong sa kaniya.

“Luyun, ano pa ba ang maari kong gawin bukod sa magbasa na lamang ng mga libro rito?“tanong ko sa kaniya.

Napalingon naman siya sa akin at saka sumagot.

“Niangniang, maari kang magpahanda ng isang pagtatanghal upang panoorin at mawala ang iyong pagkabagot o di kaya ay tumugtog ng mga instrumento”pagbibigay suhestyon niya sa akin.

“Hmm, magandang ideya nga iyan, mamaya ay ikuha mo ako ng isang plawta at nais kong tumugtog”pagbibigay-utos ko sa kaniya.

Hindi ko pa yata nasasabi sa inyo na marunong na akong tumugtog ngayon ng plawta dahil nakikinig na rin ako sa mga leksyon para sa mga tumutugtog ng plawta rito sa kaharian.

Matapos akong magbilin ay sumandal na ako sa aking upuan muli at bigla namang sumagi sa isipan ko na ilang araw nang hindi dumadalaw si Seiya rito sa aking palasyo.

“Rin, Rai, alam niyo ba kung ano ang pinagkakaabalahan ngayon ng Kamahalan?“tanong ko sa kanila sapagkat madalas namang pagtsismisan ng mga tagapagsilbi sa buong kaharian ang mga ginagawa naming mga Pinfei at ng Kamahalan.

“Sa aking narinig, parati lamang daw nasa loob ng Yangxindian ang Kamahalan, niangniang”pagsagot ni Rai.

“Hindi pa ba niya alam ang nangyari sa akin?“tanong ko pang muli sapagkat nagtataka rin ako dahil agad naman iyong pumupunta rito kapag may nangyayari sa akin na hindi inaasahan.

“Naipagbigay alam na namin kay Eunuch Schel ang nangyari sa inyo, niangniang.“sagot ni Rin.

“Hmm, hayaan niyo na bukas ay bibisitahin ko na lamang ang Kamahalan”huling wika ko bago ako magpatuloy sa pagbabasa.

Lumipas muli ang oras na nakaupo lamang ako at kumakain habang nagbabasa. Kaya naman napag-isipan ko nang tumayo at maglakad-lakad naman para umayos na muli ang paa ko.

Inalalayan ako ng dalawa sa paglalakad sa hardin ng aking palasyo. Nagtitingin lang ako ng mga bulaklak nang biglang makabalik na si Luyun dala ang isang kahon.

“Niangniang, narito na ang iyong plawta”pagbibigay-alam niya sa akin.

Agad naman akong tumango sabay bukas ng kahon at nakita ko na nga ang aking kulay puting plawta.

Tumayo ako sa isang gilid at nagsimulang umihip sa aking plawta.

Bilang fast learner naman ako ay tutugtugin ko ngayon ang My Heart Will Go On ni Celine Dion na madali ko nang nakakapa sa plawta dahil aral ko na ito.

Nagsimula na akong tumugtog at dahil pahapon na rin at wala nang masyadong ginagawa ang mga tagapagsilbi ay pinalibutan nila ako habang sila ay nakikinig sa aking pagtugtog.

(Play the Video sa taas para mas feel HAHAHAHAHAHAA)

Ilang sandali rin ang itinagal ng aking pagtugtog at nang sandaling ako ay matapos na at magmulat ng aking mata ay lahat sila nakatingin sa akin na puno ng paghanga ang mga mata.

“Niangniang, napakahusay ng iyong pagtugtog!“wika ng isang Eunuch na ikinangiti ko naman.

Inulan pa ako ng papuri na ikinangiti ko lamang at dahil maganda na muli ang mood ko ay nagpahanda ako sa kusina ng palasyo ng makakain para sa lahat ngayong hapunan.

Natuwa naman ang lahat at nagpasalamat sa akin. Pumasok na rin ako sa loob matapos ang eksenang iyon dahil nais ko na ring magpahinga at uminom ng tubig dahil hiningal ako sa kakaihip HAHAHAHA.

Ngayong nasa loob na ako ng aking silid ay komportable na akong umupo sa tapat ng aking salamin at nag-tanggal na ng mga palamuti sa aking katawan dahil nais ko na magpahinga.

Pagsikat ng araw kinabukasan ay bibisitahin ko ang Kamahalan sapagkat kung hindi siya bumisita rito sa aking palasyo ay maari ko naman siyang bisitahin at alamin ang dahilan kung bakit hindi niya pa ako binibisita o kinakumusta lamang.

Ipinikit ko na ang aking mga mata at muling nagpatangay sa antok.


Kasalukuyan akong nag-aayos ng sarili dahil ipinahanda ko na ang sedan na aking gagamitin sa pagpunta sa Yangxindian ngayong araw.

Ang kasuotan ko ngayon ay kulay kahel na aking napili sapagkat buhay na buhay ang kulay at agaw pansin ang disenyo ng kasuotang ito.

Nagsuot din ako ng mga gintong hikaw at pulseras upang bagayan ito. Ang aking mga palamuti naman sa buhok ay kapwa ginto at naglagay lamang ako ng bulaklak na kulay kahel din sa gilid upang maaliwalas tignan.

Nang magustuhan ko na ang aking ayos ay tumayo na ako at mabuti na lamang ay kaya ko na ulit magkikilos. Inabot ko ang pabango na aking gagamitin at saka ito iwinisik sa aking buong kasuotan mula katawan hanggang sa ibabang parte ng aking kasuotan upang manuot ang amoy nito.

Nang makuntento na ako ay saka ako lumabas ng aking silid at nagtungo na sa tarangkahan kung saan naghihintay na si Luyun kasama sina Rin at Rai pati na rin ang mga tagapagsilbi at tagabuhat ng sedan.

Nang makalapit ako sa kanila ay inalalayan kaagad ako ni Luyun at tinulungan akong maupo at nang makaayos na ako ay ipina-angat ko na ang sedan at nagsimula na kaming baybayin ang daan tungo sa Yangxindian.

“Niangniang, napakabango ng iyong amoy ngayon siguradong magugustuhan ito ng Kamahalan”nakangiting wika ni Rai na ikinangiti ko rin.

“Siyang tunay, niangniang sumasama sa hangin ang halimuyak na nagmumula sa iyo”segunda naman ni Rin na ikinangiti ko lalo.

Lahat ng mga tagapagsilbi na nasa daanan ay gumigilid at nagbibigay-galang sa akin dahil kailangan nilang tumabi kapag dumaraan ang mga sedan ng Kamahalan at mga Pinfei.

Ilang saglit pa ang binaybay namin at tuluyan ko na naming narating ang Yangxindian. Ibinababa ng mga tagabuhat ang sedan at dahan-dahan akong tumayo habang inaalayayan ako ni Luyun.

Nang makatayo na ako ay pumasok na ako sa loob ng tarangkahan at pumasok na rin ang mga tagapagsilbi at Eunuch na dala ko ngunit hanggang sa tarangkahan na lamang sila maaring maghintay dahil ako na lamang at ang tatlo ang pwedeng pumasok sa loob.

Nang marating ko ang harapan ng Yangxindian ay naabutan ko si Schel na nakatayo sa labas kaya lumapit na ako.

“Schel, nais kong makita ang Kamahalan”sambit ko sa harap niya.

Tila nagulat naman ito at agad na bumati sa akin.

“Pagbati, Yi Fei niangniang”bati niya.

Hindi ko pinansin ang kanyang pagbati sapagkat nakarinig ako ng pagtatawanan sa loob at mga instrumentong tumutugtog.

“Schel, ano ang kaganapan sa loob?“tanong ko.

“Uh, pumasok na lamang po tayo, niangniang”sagot ni Schel at parang aligaga pa siya.

Tumango naman ako at kaagad na pumasok habang ang apat ay nanatili sa aking likod.

Pagpasok ko sa tanggapan ay wala roon ang Kamahalan kaya nagtungo ako sa kanyang personal na silid tanggapan dahil dalawa ang kanyang tanggapan dito.

Doon ay nakita ko ang walong mga babae na nakatalikod at may kanya-kanyang hawak na mga instrumento na kanilang tinutugtog.

Hinanap ng aking mata ang Kamahalan at nang mahanap ko siya ay hindi ko inaasahan ang aking nakita.


Nako! Ano kaya yung nakita ni Yiren? HAHAHAHAHAAHAHA stay tuned for the updates guys!

Don’t forget to vote! Mwuah

Stay safe, everyone!

55 | Ang Nasaksihan ni Yiren

•Yiren

Pabagsak akong umupo sa aking upuan dito sa aking tanggapan matapos ang naging mga kaganapan kanina sa Yangxindian.

Kumukulo ang dugo ko dahil sa nasaksihan ko at dahil na rin sa hindi ko inasahan ang mga lalabas na salita at dahilan mula kay Seiya na lalong nagpapakulo ng dugo ko.

“Niangniang, ikukuha ko muna kayo ng malamig na inumin upang makatulong sa pagpapakalma ng iyong sarili”wika ni Luyun sa gilid ko.

Tumango naman ako bago muling ibaling sa ibang direksyon ang aking paningin.

“Niangniang, alam naming hindi maganda ang timpla niyo kaya inihanda namin ang iyong plawta dahil baka naisin monh tumugtog”wika naman ni Rin.

Napalingon ako sa kaniya at inilahad ang aking kamay upang kunin sana ang plawta nang biglang ipatong ni Rai ang kanyang kamay sa ibabaw ng palad ko.

“Rai, anong ginagawa mo?“tanong ko.

“Ah, akala ko ay nais niyong ipatong namin ang aming kamay sainyong palad, niangniang”pahayag nito na ikinapikit at ikinabuntong hininga ko na lamang.

Mababaliw na yata talaga ako kung ganito nalang palagi ang makakasama ko. Hindi ko na rin kasi lubos maisip kung ano ba sinisinghot neto ni Rai at ang lakas ng tama niya.

“Akin na ang plawta, Rin nang mahampas ko itong si Rai”utos ko na pabiro.

Agad naman itong tumalima at iniabot sa akin ang plawta kaya napasigaw naman si Rai.

“Niangniang, huwag niyo akong hampasin, pakiusap”sigaw nito sabay layo sa akin na ikinatawa ko na lamang dahil masyadong paniwalain ang babaeng ito.

Nang mahawakan ko na ang aking plawta ay inisip ko muna ang mga naganap kanina bago ko tuluyang hipan ang plawta upang tumugtog na.

Ano nga bang nangyari kanina?

Pagpasok ko sa tanggapan ay wala roon ang Kamahalan kaya nagtungo ako sa kanyang personal na silid tanggapan dahil dalawa ang kanyang tanggapan dito.

Doon ay nakita ko ang walong mga babae na nakatalikod at may kanya-kanyang hawak na mga instrumento na kanilang tinutugtog.

Hinanap ng aking mata ang Kamahalan at nang mahanap ko siya ay hindi ko inaasahan ang aking nakita.

Patuloy sa pagtugtog ang mga kababaihan at nang dumako ang aking mata sa kanilang harapan ay hindi ko inaasahang makita si Seiya at ang isang babae.

Prenteng nakaupo si Seiya sa kanyang upuan habang ang babae naman ay nakakandong at nakalingkis sa kanya na tila ba isang tarsier.

Tumalikod ako hindi para umalis kung hindi para titigan si Schel at tila ba nakuha niya kaagad ang nais kong ipahiwatig dahil kaagad siyang nagsalita.

“Kamahalan, narito si Yi Fei niangniang”pagbibigay-alam niya kay Seiya na kaagad na nagmulat ng mata.

Napatitig naman sa akin ang lahat ng mga tumutugtog at agad silang nagsipagtigil at lumuhod sa aking harapan. Ang babae naman na kanina lamang ay nakakandong sa hita ni Seiya ay tila ba inaantok akong tinitigan.

Hindi ko nagugustuhan ang tingin nito na tila ba nagmamalaki pa sa akin. Kaya naman ibibigay ko sa kanya ang nararapat para sa kanya.

“Pagbati, Kamahalan”pagbibigay-galang ko sabay luhod.

“Pagbati, Yi Fei Niangniang”wika ng mga kababaihan pati na rin ng babaeng kanina lamang ay nakatitig sa akin.

“Yiren, ano ang nagdala sa iyo rito?“tanong ni Seiya na ikinainis ko dahil para bang normal lamang ang inabutan kong sitwasyon ngayon.

Tumayo naman ako kaagad bago sumagot. Ngunit bago ako makapagsalita ay nakita kong tatayo na ang babaeng nagpapakulo ng dugo ko ngayon at tila ba susundan na siya ng mga kababaihang hindi naman naiiba ang kasuotan sa kaniya.

“Wala akong natatandang sinabi ko na tumayo na kayo”wika ko na agad nilang ikinaluhod muli.

“Nagtungo ako rito upang bisitahin ka, Kamahalan sapagkat hindi ka nagagawi sa aking palasyo kaya naisipan ko na ikaw ang aking surpresahin ngunit hindi ko inaasahan na ako pala ang masusurpresa”sagot ko kay Seiya na hinaluan ko pa ng tawa para hindi ako magmukhang nagseselos dito dahil hindi naman talaga selos ang nararamdaman ko kung hindi inis at pagkabwisit.

Agad namang tumayo si Seiya at lumapit sa akin. Nang makalapit siya sa akin ay iginiya niya ako papalapit sa kaniya ngunit nagpumiglas ako dahilan upang mapatingin siya sa akin nang nagtataka.

“Ayokong dumikit sa iyo gayong nadikitan ka ng isang tagapagsilbi”pasuyang wika ko.

Nakita ko naman na nagulat siya sa aking tinuran ngunit bilang siya si Seiya ay may naisagot pa rin siya sa akin.

“Yiren, ano ba ang iyong sinasabi, halika at maupo ka rito sa aking tabi”pag-anyaya niya sa akin.

Hahawakan niya palang sana ang aking kamay upang alalayan ako patungo sa kanyang upuan nang bigla akong makarinig ng bulungan na ikinapantig ng tenga ko.

“Sino ba siya sa tingin niya at nagagawa niyang umasta ng ganiyan sa harap ng Kamahalan. Samantalang kanina noong dumating ang Huangho ay wala naman itong sinabi masyado at umalis na lamang”rinig ko bulungan ng mga babaeng ito at nang lingunin ko ang pinagmumulan ng bulungang iyon ay uminit lalo ang ulo ko kaya naman.

“Luyun, sampalin ang babaeng iyan ng dalawampung beses”utos ko kay Luyun at itunuro ang babaeng kanina lamang ay nakalingkis kay Seiya.

Ang kapal naman ng mukha niya na kwestyunin ako at pati ang Huangho ay idinamay niya pa kaya hindi ko talaga mapalalagpas ang kahangalan nitong babaeng ito.

Nagulat naman siya at kaagad na humarap sa Kamahalan at humingi pa ng saklolo. Akala naman niya ay may magagawa pa si Seiya kapag ako na ang nagdesisyon.

“Yiren, paalisin na lamang natin sila at huwag mo na siyang parusahan pa”nagulat ako nang magsalita si Seiya sa aking tabi.

Nanlalaki ang mata ko nang humarap ako sa kanya.

“Ano!? Pagkatapos niya akong bastusin pati na rin ang Huangho niangniang na siyang legal mong asawa?“pagtatanong ko pa sa kanya.

Hindi naman siya nakatingin sa akin at nag-iwas na lamang ng tingin na tila ba alam niyang mali siya.

“Luyun, gawin mo ang utos ko!“naiinis kong wika at agad ngang hinawakan nina Rin at Rai ang babae at sinampal na ito ni Luyun.

Pinanood ko ito ng mabuti at kita ko kung paano magsiyukuan at magsiksikan ang iba pang mga kababaihan na kanina ay tumutugtog.

Nang matapos na nilang parusahan ang babae ay binitawan na nila ito at ngayon ay nakasalampak na ito sa lapag kaya naman iniutos ko na paalisin na sila sa aming harapan.

Ilang sandali lamang ang lumipas at naiwan kaming dalawa ni Seiya rito sa kanyang personal na tanggapan at saka lamang ako humarap sa kanya at nagsimulang magsalita.

“Ilang araw akong mayroong pilay ngunit hindi mo man lamang ako binisita. Naiintindihan ko naman na hindi lamang ako ang prayoridad mo at kailangang mas unahin ang kapakanan ng buong Imperyo. Hindi naman ako nagtatampo sa iyo dahil sa hindi mo ako nagawang bisitahin o kumustahin lamang tapos ngayon na bumisita ako rito ay makikita kitang may kalong-kalong na babae habang prente kang naka-upo at nakikinig sa pagtugtog ng mga tagapagsilbi na iyon!“sunod-sunod kong paglalabas ng aking sentimyento.

Agad naman siyang humarap sa akin at kita ko ang pagsisisi sa kaniyang mata kaya naman kumalma ako ng kaunti.

“Yiren, narinig ko naman ang nangyari sa iyo ngunit sadyang abala ako sa mga problema ng Imperyo kaya hindi kita nabisita o nakumusta lamang. Ang naabutan mo naman kanina ay ngayon lamang nangyari dahil nais kong magpahinga dahil napapagod din naman ako.“pagdadahilan niya sa akin na ikinalingon ko muli sa kanya.

“Seiya, kung napapagod ka ay maari kang magpahinga o matulog ngunit ang ginawa mo ay hindi tama sapagkat isa kang Emperador at may kalong-kalong kang babae na hindi naman bahagi ng Harem. Kung nais mong magpahinga kasama ang isang babae ay diretsuhin mo na ako at pwede ka namang bumisita sa ibang kababaihan sa Harem kung talagang nais mo ngunit mukhang hindi ganoon ang nais mo”mahabang sagot ko sa kanya.

Tumayo na ako matapos kong sabihin iyon at agad ding tumayo si Seiya at hinawakan ang aking kamay.

“Yiren, sana ay maunawaan mo ako at inaamin ko na mali ako kaya patawarin mo ako sa aking kasalanan”wika niya sa akin at kita sa kanyang mata ang pagsisisi sa kanyang kasalanan.

“Naiintindihan kita at pilit kitang iintindihin, Seiya at hindi mo kailangang humingi ng tawad sa akin”wika ko sa kanya.

Hinawakan niya naman ang kamay ko at balak pa sana niya akong hatakin patungo sa silid-kainan ngunit bumitaw ako sa kanyang kamay.

Humarap naman kaagad siya sa akin at tinitigan ako suot ang nagtatakang ekspresyon sa kaniyang mukha.

“Hindi ako nagugutom, Seiya, babalik na ako sa aking palasyo dahil kailangan ko pang ipahinga ang aking paa”wika ko habang hindi siya tinitignan.

“Yiren…“wika niya na pinutol ko na kaagad.

“Mauuna na ako, Kamahalan”wika ko sabay luhod at yuko ng bahagya.

Tumalikod na ako sa kanya at naglakad palabas ng kanyang tanggapan. Sinalubong naman ako nina Luyun sa labas at agad na hinawakan ang aking braso upang alalayan ako sa aking paglalakad.

Ngayon ay tumutugtog na akong muli ng isang tono na hindi ko rin alam at bigla na lamang pumasok sa aking isip at umihip na ang aking bibig.

Hindi ko lamanh maintindihan ang aking sarili sapagkat sinabi ko kay Seiya na naiintindihan ko siya pero mayroong parte sa akin na nagsasabi na sana ay sinuyo man lang ako ni Seiya dahil dapat ay alam niya na hindi ko nagustuhan ang bumungad sa akin at na-disappoint ako sa kanya dahil sa pangyayaring ito.

Alam kong nangako ako na palagi ko siyang uunawain at paniniwalaan dahil palaging may dahilan ang kanyang mga ginagawa ngunit ngayon ay wala akong nakikitang ibang dahilan sa aking nasaksihan kanina kung hindi ang kanyang sariling pagnanais. Ang sa akin lang naman ay kung gusto niya ng babae ay marami sa harem at hindi pa ako mabibwisit sapagkat alam ko naman na hindi ppwedeng ako lamang ang kanyang pagtuunan ng pansin sapagkat hindi naman siya sa akin palagi.

Iwinaksi ko na lamang ang lahat ng iniisip ko at itinuon ko na lamang ito sa aking pagtugtog na maya-maya lamang ay ititigil ko na rin dahil gusto ko na rin magpahinga.

Ilang sandali pa ang lumipas at tuluyan ko na ngang itinigil ang aking pagtugtog sapagkat hinihingal nako kakaihip at ayon nga oras na rin para sa aking pagligo.

Kagaya ng nakagawian ay tinulungan ako ng tatlo sa aking pagligo sa tubig na iniutos kong lamigan nila dahil nais kong magtampisaw ngayon sa malamig na tubig upang mawala ang init sa aking ulo at katawan.

Nakababad lamang ako ngayon habang sila ang nagkukuskos ng aking mga binti, braso, atbp. Sinusuklayan din nila ang aking buhok gamit ang suklay na inilulublob nila sa tubig na mayroong mga rosas.

Ilang saglit pa ang lumipas at ngayon ay tapos na ako sa aking pagligo at nakaharap na ako ngayon sa aking salamin at sinusuklayan kong muli ang aking buhok.

Nakapagpalit na ako ng kasuotan at handa na akong matulog upang makapagpahinga na sapagkat nais kong magliwaliw bukas upang maiba naman ang mga ginagawa ko na paulit-ulit na lamang.

Nang makuntento na ako ay nagtungo na ako sa aking higaan at tuluyan na akong humiga at tumitig muna sa kawalan habang iniisip kung ano na kaya ang kalagayan ng Mama ko sa tunay kong panahon. Ano na kaya ang lagay ng mga kaibigan ko dahil namimiss ko na sila.

Makakabalik pa kaya ako sa aking tunay na panahon? Paano naman kaya? Paano ako makakabalik sa tunay kong panahon kung maiiwan ang puso ko sa panahong ito?

Ilan lamang iyan sa mga tanong ko sa aking sarili na iwinaksi ko na at idadaan ko na lamang sa pagtulog.

Ipinikit ko na ang aking mata at tumagilid na ako at tuluyang hinayaan ang sarili na magpatangay na sa antok.


You betrayed me And I know that you’ll never feel sorry For the way I hurt, yeah You’d talk to her When we were together🎶

Mapapakanta ka nalang talaga HAHAHAHAHAHAHAHAHA EMZS

Kumusta kayo guys? Sorry kasi nalate ng 2 days ang UD na i2 HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAA nanood pa kasi ako ng references.

Last 20 Chapters to go. Expect more nakakaiyak na scenes guys huhu matatapos na tayo sa Romance Arc HAHAHAHAHAHAHSHSHSHSHSS.

That’s it! Don’t forget to vote and comment your thoughts regarding this chapter hihi.

Stay safe Everyone!

56 | Ang Bagong Miyembro

•Yiren

Ilang araw na ang nakalipas simula noong naganap ang pagtatalo namin ni Seiya at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagagawi rito sa aking palasyo.

Maging ako ay wala rin namang balak na muli pa siyang bisitahin sapagkat ayoko nang makasaksi ng eksena na magpapabigat lamang ng aking kalooban.

Nitong mga nagdaang araw ay walang masyadong nagaganap sa aking buhay dahil umiikot lamang ito sa pag-aasikaso ko kay Yonghuang at pagbisita sa Taihou.

Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa harap ng aking salamin habang inaayos ni Luyun ang aking panlabas na kasuotan. Sinusuklayan ako ni Rai habang si Rin naman ay nililinisan ang aking paa.

Patungo ako sa Huangho maya-maya lamang upang bumati sa kanya at magtungo na rin sa Hardin ng Kaharian dahil hindi na ako nagagawi roon masyado.

Ilang saglit pa ay sinimulan na ni Rai na ayusin ang aking buhok at nang matapos niya itong ayusan ay pumili na ako ng aking mga gagamiting palamuti.

Dahil paborito ko ang aking mga gintong palamuti ay ito ang ginamit ko at isinuot ko rin ang aking gintong mga singsing at pulseras na mga regalo sa akin ng iba’t-ibang mga opisyal at nila Ama at Ina.

Iyan din ang isa sa mga pinagkakaabalahan ko, ang pagtanggap ng mga bisita sa aking palasyo. Mga asawa ng mga opisyal na nais dumikit sa akin sapagkat alam nila na ako ang pinaka-pinapaboran ng Kamahalan.

Nang matapos kong ayusin ang aking mga palamuti ay ipinalagay ko na kay Rin ang aking dilaw na sapatos na terno sa aking dilaw na kasuotan na may burda ng mga bulaklak na kulay bughaw.

Kung tutuusin ay hindi ako maaring magsuot ng mga kasuotan na kulay dilaw o pula sapagkat ito ay ang mga simbolo ng Huangho ngunit bilang isang Feipin na pinapaboran ay maari ko rin itong suotin ngunit kailangan kong siguraduhin na hindi sobrang tingkad ng kulay sapagkat isa pa rin akong Feipin.

Nang matapos na ako sa pag-aayos ng sarili ay tumayo na ako at nagwisik ng pabango bago tuluyang maglakad palabas ng aking silid.

Ipinahanda ko na ang sedan kanina kaya naman nakaabang na sila sa labas ng aking palasyo ngayon. Dire-diretso akong naglakad papalabas sa aking tarangkahan.

Inalalayan ako ni Luyun paupo sa aking sedan at nang maayos na ang lahat ay inutusan ko sila na iangat na ako at simulan ang pagtungo sa Yikungong.

Ilang saglit lamang ang itinagal ng aking mini adventure dahil narito na ako kaagad sa tapat ng Yikungong at nang ako ay makapasok. Wala na akong naabutan sa tarangkahan na ang ibig sabihin ay huli na ako at nakapasok na sila sa loob.

Agad akong naglakad papasok at nang buksan ang tabing ay sinalubong ako ng mga tingin ng mga kapwa ko Pinfei at ang nasa harapan ay ang Huangho na nakasuot ng kahel na kasuotan na aking ikinapagpapasalamat sapagkat hindi kami magkaparehas ng kasuotan.

Maari kasi itong pagmulan ng problema at baka gawin pa itong dahilan upang magkaroon kami ng hidwaan ng Huangho.

Agad akong naglakad patungo sa harap at lumuhod.

“Pagbati, Huangho niangniang”wika ko.

“Mianli, maupo ka Yiren”sagot sa akin ng Huangho.

Tumango naman ako bago tumayo at umupo sa tabi ni Chun Fei na nginitian lamang ako.

“Ngayong tayo ay kumpleto na, ating pag-usapan ang kaganapan kagabi”panimula ng Huangho.

“Tila narinig niyo rin ang ingay ng karwahe kagabi, niangniang?“pagtatanong ni Ri Fei.

“Siyang tunay, kaya nais ko kayong tanungin kung isa ba sa inyo ang nakasakay sa karwahe ng pagsisilbi kagabi?“tanong ng Huangho.

Wala namang sumagot sa kanyang katanungan kaya nagsalita ang Guifei.

“Huangho niangniang, kung isa man sa amin ang magsisilbi sa Kamahalan ay hindi na namin pang sumakay doon sapagkat para lamang iyon sa mga bagong Pinfei”wika niya.

“Hindi kaya’t si Yi Fei niangniang ang sakay noon? Ano bang malay natin kung nangungulila na ang Kamahalan sa kanya?“natatawang tanong ni Shin Pin.

Natawa rin ang iba at napangiti naman ako ngunit hindi ako iyon at narinig ko rin ang ingay ng karwaheng iyon dahil gabing-gabi na.

“Hindi ako ang sakay ng karwahe sa kasamaang palad”natatawang sagot ko.

“Kung gayon ay baka mayroon tayong bagong Meimei?“tanong ni Yang Guiren.

“Siyang tunay, Huangho niangniang may bago ba tayong makakasama?“tanong naman ni Kim Guiren.

Napatingin kaming lahat sa Huangho na tila nagulat din at inayos muna ang sarili bagong sumagot sa aming mga tanong.

“Sa totoo lamang ay wala rin akong alam sa naganap kagabi kaya nga kayo ay akin ring tinanong-“naputol ang sagot ng Huangho nang biglang may nag-anunsyo.

“Pagdating ni Xiao Guiren”anunsyo sa labas bago nila buksan ang tabing.

Lahat kami ay napatingin sa tarangkahan kasabay ang pagpasok ng isang babae na nakasuot ng kulay lilang kasuotan at nakaayos na kagayang-kagaya namin.

Nang makita ko ang kanyang mukha ay wala namang kakaiba sa kanya. Normal lang ang kanyang itsura para sa akin. Nawalan na ako ng pakialam kaya uminom na lamang ako ng aking tsaa habang dumiretso siya  sa harapan naming lahat at bumati.

“Pagbati, Huangho niangniang ako si Jing’er mula sa Pamilyang Xu”pagbati niya.

“Mianli, maupo ka”pagsagot ng Huangho.

Nagpasalamat siya bago tumayo at magtungo sa bakanteng upuan. Nang makaupo na siya ay nagtinginan kami ni Chun Fei na tila ba alam namin ang iniisip naming pareho.

Andito na ata ang sagot sa kanina lamang ay tinatanong ng Huangho.

“Xiao Guiren, ikaw ba ang nakasakay sa Karwahe ng Pagsisilbi kagabi?“tanong ng Huangho.

“Ako nga, niangniang”sagot naman niya.

“Kailan ka binigyan ng titulo ng Kamahalan?“tanong muli ng Huangho.

“Kagabi lamang, niangniang kaya’t ngayon lamang ako nakadalo sa pagbati sa inyo”sagot niya kaagad.

“Hmm, kung ganon ay pagsilbihan mo ng mabuti ang Kamahalan at sana ay maging maligaya ang iyong pagdating dito sa kaharian”turan ng Huangho.

“Maraming salamat, Huangho niangniang”sagot niya.

“Maari na kayong magsibalik sa inyong mga palasyo”wika ng Huangho at nang kami ay magpapaalam na sana ay nagtanong siyang muli.

“Xiao Guiren, saang Palasyo ka nga pala pinapatuloy ng Kamahalan?“tanong muli ng Huangho.

“Pagsagot sa Huangho, ang sabi ng Kamahalan ay sa Changchungong ako tumuloy”sagot niya na ikinataas ng aking kilay.

Lahat din sila ay napatingin sa akin kaya naman agad akong nagsalita upang linawin ang sitwasyon.

“Nakatira sa aking Palasyo si Han Guiren pati na rin ang aking anak na si Yonghuang kaya naman wala nang espasyo pa sa aking palasyo para sa iyo”diretso kong wika habang nakatitig sa kanyang mata.

Hindi naman ito nagpatalo at tinitigan din ako sa mata bago sumagot.

“Kung gayon ay hindi ko ba susundin ang utos ng Kamahalan, Yi Fei niangniang?“tila ba nanghahamong tanong nito.

“Ginagamit mo ba ang Kamahalan para takutin ako?“natatawang wika ko sa kanya dahil kabago-bago pa lamang niya ay gumagawa na kaagad siya ng gulo.

“Hindi iyan ang aking intensyon niangniang”sagot naman niya.

“Walang ibang umuukopa ng Jingrengong maliban kay Ri Fei na siyang Chúza ng palasyo, doon ka na lamang tumuloy Xiao Guiren”pagputol ng Huangho sa aming usapan.

Agad naman siyang humarap sa Huangho at nagpasalamat.

“Masusunod, Huangho niangniang”sagot niya.

“Maari na kayong umalis, maliban sa iyo Yi Fei”utos ng Huangho.

Nagpaalam na sila at ako na lamang ang naiwan sa loob kaya naman lumapit ako sa Huangho.

“Huangho niangniang, nakita mo ba ang pag-uugali ng Xiao Guiren na iyon?“naiinis na wika ko.

“Yiren, huminahon ka muna at umupo rito.“sagot niya sa akin at niyaya ako na umupo sa kanyang tanggapan.

Nang ako ay makaupo na, inilagay nila sa aming tapat ang mga makakain na inihanda kanina. Kumuha muna ako ng isang tinapay at kumain habang ang Huangho naman ay umiinom ng tsaa niya.

“Yiren, ang babaeng iyon ay bago lamang kaya iwasan mo muna na makipagtalo sa kanya, hayaan mo muna siyang maging kuntento sa kanyang sarili at kapag siya na ang gumawa ng ikakapahamak niya ay saka na tayo sumali sa kanyang eksena”mahinahong utos sa akin ng Huangho.

“Naiintindihan ko, niangniang didistansya ako mula sa kanya ngunit kapag sinubukan niya ang pasenya ko ay magsisisi siya”wika ko naman.

Natawa naman ito at uminom na lamang ng tsaa kaya nagpatuloy na rin ako sa aking pagkain. Marami pa kaming napagkwentuhang dalawa at ngayon ay nakaupo pa rin kaming dalawa habang nagbuburda ako ng aking bagong panyo at siya naman ay nagtatahi ng bagong kasuotan para kay Yonglian.

Nitong mga nakaraang araw din kasi ay nag-aaral ako na magtahi upang may pagka-abalahan naman ako bukod sa pagbabasa at pagtugtog ng plawta.

Hindi ko namalayan ang oras at kumagat na pala ang dilim kaya naman nagpaalam na ako sa Huangho dahil alam kong masyado na akong nanggagambala at kailangan na rin niyang magpahinga.

“Huangho niangniang, mauuna na ako sapagkat masyado ko na kayong nagagambala”wika ko sabay yuko upang magpaalam.

“Wala iyon, Yiren mag-iingat ka sa iyong daan pauwi at bukas ay magburda ulit tayo kung iyong nais.“nakangiting pahayag niya kaya tuluyan na akong nagpaalam at umalis na.

Naglakad na ako patungo sa tarangkahan nang biglang may nag-anunsyo sa labas na ikinabigla ko sapagkat hindi ko ito inaasahan sa ngayon.

“Pagdating ng Kamahalan”sigaw sa labas kaya naman nagmadali na akong lumabas upang maiwasan siya dahil ayaw ko pa siyang makita ngayon dahil naalala ko lang ang ginawa niya ilang araw pa lamang ang nakakalipas.

Palabas na sana ako sa tarangkahan nang bumukas ito at bumungad ang kanyang kalmadong mukha sa aking harapan.

Napalitan ang kanyang kalmadong ekspresyon ng gulat at saya na hindi ko na pinansin sapagkat magpapaalam na ako kaagad.

“Pagbati, Kamahalan”wika ko sabay luhod.

Naramdaman ko naman ang kamay niya sa dalawang balikat ko at ako ay kanyang inalalayan patayo.

“Yiren, hindi ko inaasahan na naririto ka sa Yikungong ngayon”panimula niya.

“Nagkwentuhan lamang kami ng Huangho niangniang at hindi ko na namalayan ang oras”sagot ko habang hindi nakatingin sa kanya.

Napansin niya yata na hindi ako nakatingin sa kanya kaya naman nagsalita siya kaagad.

“Yiren, hindi pa rin ba humuhupa ang iyong galit?“tanong niya.

Hindi na ako mag-aabala pang sumagot sa kanya dahil nais ko nang umalis ngayon.

“Mauuna na ako, Kamahalan sasaluhan ko pa si Yonghuang sa pagkain ng hapunan”wika ko sabay yuko at bitaw sa kanya bago ako maglakad palabas.

“Yiren”narinig ko pang tawag niya sa akin ngunit hindi ko na siya pinansin pa dahil baka umandar pa ang karupokan ko at mapatawad ko siya kaagad.

Nagmadali na ako palabas ng Yikungong kung saan nakaabang ang aking sedan at agad ko silang inutusan na dalhin na ako pabalik sa aking palasyo upang makapagpahinga na ako.


Long time no update mga mare HAHAHAHAHAHAHAHAHAH welcome back to me!

Kakatapos lang ng aking mga PETA and now lang ako nagkatime magsulat hihi!

Hope you enjoy this update!

Comment your thought about this chapter!

Stay safe eveyone!

Love u all

57 | Pagmamataas at Leksyon

•Yiren

Lumipas muli ang mga araw at ngayon ay nakaupo lamang ako sa tapat ng hardin sa aking palasyo at pinagmamasdan ang mga paro-paro na kay titingkad ng kulay at malayang nakakalipad sa mga bulaklak at iba pang mga halaman.

Ilang araw ko na rin itong ginagawa sapagkat dito ko lamang nararamdaman ang kapayapaan habang nagbabasa ako ng libro o minsan kaya ay tumutugtog ng aking plawta.

Nitong mga nagdaang araw na hindi maganda ang lagay ng relasyon namin ni Seiya ay mas pinagbuti ko ang pagbibigay ng atensyon kay Yonghuang at sa aking sarili na rin.

Kung ako ay inyong tatanungin, hindi rin naman nagtatangka si Seiya na kausapin pa ako o kumustahin man lang matapos ang aming pagtatalo kaya hindi rin ako nag-aabala na magpapansin sa kanya lalo pa at hindi ko nais na palaging ako na lamang ang gumagawa ng mga hakbang upang magkaayos kami.

Madalas akong mapag-isa ngayon sapagkat inuutusan ko sila na iwanan akong mag-isa para makapagrelax naman ako no! Nakakastress kaya ang makipag-usap kay Rai at Rin ngayon dahil ang hirap nilang makaintindi at mababaliw lang yata ako kapag nakipag-usap pa ako sa kanila ng matagal.

Nitong nakaraang araw ay pinaalala sa akin ni Rin na nalalapit na pala ang aking kaarawan at malapit na rin mag-isang taon mula noong ako ay pumasok dito sa kaharian at maging isang Pinfei.

Nais ko na magkaroon na lamang kami ng simpleng salo-salo dito sa aking palasyo kung saan walang tagapagsilbi at walang chúza kung hindi lahat ay pantay-pantay at nagkakasayahan.

Isasarado ko na lamang siguro ang aking palasyo sa araw ng aking kaarawan upang makapag-saya kami ng matiwasay at maidaos ang aking kaarawan ng mapayapa.

Tahimik lamang akong nagmumuni-muni nang bigla kong maisip na nais kong puntahan sina Yonghuang at Han na kasalukuyang nasa silid-aklatan ng kaharian upang hanapin ang mga kasagutan sa takdang-aralin ni Yonghuang.

Kaya naman tinawag ko si Luyun upang ipahanda ang aking sedan at nang mapuntahan ko na ang dalawa at makisali sa bonding nila hahahaha.

Nang makalapit sa akin si Luyun ay nagbigay na ako ng utos na ihanda ang sedan at maghanda rin ng mga makakain para sa dalawa dahil siguradong pagbalik pa nila rito sa palasyo sila kakain kaya mas maganda na dalhan na lamang namin sila.

Lumapit na rin sa akin sina Rin at Rai na nagsimula na namang magtanong kaya napabuntong-hininga muna ako bago magsasasagot sa mga katanungan niya.

“Niangniang, para saan ang mga pagkain na iyong ipinahanda?“isa lamang yan sa mga katanungan nya.

“Rai, para saan ba ang pagkain? Hindi ba’t para sa sikmura?“napapapikit kong sagot sa kanya.

“Ngunit, niangniang ikaw lamang ang kakain at napakarami ng inihanda nila, baka sumakit ang inyong tiyan.“wika niyang muli.

“Alam mo, Rai kapag di mo pa ako tinigilan ay sisikmuraan na kita”nalolokang wika ko na sa kanya.

Agad namang natawa si Rin at nagtago si Rai sa likod niya.

Ilang saglit pa ay lumapit na sa amin si Luyun at ipinagbigay-alam na handa na ang lahat kaya naman inalalayan na ako patayo ni Rin.

Naglakad kaming apat patungo sa tarangkahan kung saan naghihintay na ang lahat. Dahan-dahan akong umupo sa aking sedan at nang tuluyan na akong makaayos ay saka ko iniutos na iangat na nila.

Malayo-layo ang silid-aklatan mula sa aking palasyo kaya naman pinagmamasdan ko muna ang paligid habang kami ay naglalakbay. Marami kaming nadaanan na mga palasyo at iba pang lugar sa kaharian.

Nadaanan din namin ang Kagawaran ng Pagsasaliksik at nais ko mang bisitahin si Ama ay hindi ko magagawa sapagkat may tunguhin pa ako sa ngayon.

Nagmumuni-muni ako nang marinig ko ang sigawan nila Luyun sa gilid ko na nagpabalik sa akin sa reyalidad at saka ko sila tinignan.

“Unang Prinsipe! Bakit kayo humahangos?“malakas na tanong ni Luyun.

Tila naman nabigla si Yonghuang at nagliwanag ang kanyang mga mata nang makita ako.

“Muqin, nasa panganib si Han niangniang, pakiusap tulungan mo siya, Muqin!“natatarantang wika nito.

Pinababa ko ang sedan at lumapit ako kay Yonghuang upang pakalmahin ito at nang matanong ko siya kung ano ba ang nangyayari.

“Yonghuang, huminga ka muna nang malalim”ginawa naman ito ng prinsipe.

“Ngayon, sabihin mo sa akin kung ano ang nagaganap at bakit nasa panganib ang iyong Han niangniang?“mahinahon kong pagtatanong.

“Si H-han niangniang—“hindi niya maituloy ang kanyang sinasabi dahil sa hingal kaya pinainom muna siya ng tubig nila Rai.

Tinanong ko ang Eunuch na kasama niya kung anong nangyayari.

“Sabihin mo sa akin kung ano ba ang nangyayari”utos ko.

Agad itong tumango at nagsimulang magsalaysay sa akin.

“Yi fei niangniang, si Han Guiren at ang Unang Prinsipe ay nasa silid-aklatan lamang nang iwan ni Han Guiren sandali ang Prinsipe upang maghanap pa ng mga libro na magagamit. Sa hindi sinasadyang pangyayari ay tumayo ang Prinsipe at naglibot muna nang kanyang makabungguan ang isang Pinfei at hindi siya nakilala nito kaya naman nag-utos ito na paluhurin ang prinsipe at parusahan ngunit agad na tumutol si Han Guiren at ipinaglaban ang Prinsipe kaya naman siya ngayon ang naiipit at baka kung ano na ang ginagawa nila sa kanya ngayon.“mahabang pagsasalaysay ng Eunuch na nagpakulo ng dugo ko.

“Dalhin mo ako kung nasaan si Han, ngayon din!“pasigaw na utos ko at saka ako mabilis na tumayo at naglakad patungo sa kinaroroonan ng aking kaibigan.

Sana lamang ay wala pang ginagawa ang kung sino mang babae na binanggit kay Han dahil ibabalik ko sa kanya ng doble ang gagawin niya at titiyakin ko na hindi niya makakalimutan ang araw na ito.

Ilang saglit pa ay narating namin ang silid-aklatan at narinig ko ang komusyon sa likod ng mga shelves kaya nagmadali ako sa pagpasok at doon ay nakita ko si Han na pilit tinatanggalan ng palamuti ng mga tagapagsilbi ng isang babae na nakatalikod kaya hindi ko pa makilala.

“Itigil niyo ang ginagawa niyo!“malakas kong sambit na nagpagulat sa kanila.

Lahat sila ay humarap sa akin at nang makita ko ang kalagayan ni Han na pilit tinatakpan ng kanyang mga tagapagsilbi ay mas kumulo ang dugo ko dahil gulong-gulo ang kanyang buhok at ang kasuotan niya na regalo ko ay may punit na.

“Sino ka para kontrahin ang utos-“naputol ang kanyang sasabihin nang makita niya ako.

Tinitigan ko ang babae na siyang hindi ko na kinatuwaan simula noonh una kaming magkita. Si Xiao Guiren ang nagpaparusa kay Han ngayon. Mararanasan ng babaeng ito kung paano ako magalit.

Nang makilala niya ako ay agad itong lumuhod at bumati sa akin.

“Pagb-bati, Yi fei niangniang”nautal na pagbati nito.

Naglakad ako patungo kila Han at nang makita niya ako ay naiyak na lamang ito. Kaya hindi ko rin maiwasan na maawa lalo sa kalagayan na sinapit niya maipagtanggol lamang si Yonghuang.

“Tulungan niyo si Han Guiren na tumayo, ikaw bumalik ka sa ating palasyo at magdala ka ng kasuotan ng Guiren pabalik dito”mahinahon ko pang utos sa mga tagapagsilbi na agad nila sinunod.

Nakita ko naman na tumayo ang mga hangal na kanina lamang ay nakaluhod. Kaya nagpasya ako na simulan na ang pagpaparanas ng impyerno sa babaeng ito.

“Wala akong natatandaang utos ko na maari na kayong tumayo, tama ba Rin?“pakunwaring tanong ko kay Rin.

“Siyang tunay, niangniang”agad niyang sumagot.

“Kung gayon, bakit kaya may mga taong tumayo na kaagad, hindi ba nila ako iginagalang o sadyang matigas lang ang kanilang buto upang baliwalain ako!“pasigaw kong sambit na nagpagulat sa lahat.

“Ngayon, magpaliwanag ka kung ayaw mong maranasan ang galit ko, bakit mo pinarusahan si Han Guiren at anong karapatan mo na parusahan ang isang myembro ng Changchungong!“pasigaw kong tanong habang dahan-dahan akong lumalapit sa babaeng hindi makatingin ng diretso sa akin.

Agad namang lumuhod ang tagapagsilbi at nagpaliwanag ngunit may hindi ako nagustuhan sinabi nito kaya naman.

“Niangniang, si Han Guiren ay nagwika ng mga salita na nakakapanakit kay Xiao Guiren kaya siya ay naparusahan”wika ng tagapagsilbi kaya naman sinampal ko ito ng malakas.

“Pareho lamang sila ng katayuan at ranggo sa kaharian kaya sino ang Xiao Guiren na ito para parusahan ang kapwa niya Guiren!?“sigaw ko sa kanya.

“Hawakan niyo ang tagapagsilbi na iyan”utos ko sa mga tagapagsilbi ko.

Nang kanila itong hawakan ay nagpupumiglas ito at nagmamakaawa na pakawalan siya ngunit hindi ito mangyayari sapagkat ibabalik ko sa kanila ang ginawa nila ng mas malala pa.

“Yi fei niangniang, pakiusap pakawalan niyo ang aking tagapagsilbi, kasama ko siyang lumaki at siya ang aking pinakamalapit sa akin sa kahariang ito”nakaluhod na pakiusap sa akin ng Xiao Guiren na ito.

Napahikab naman ako at napatingin sa aking sapatos kaya naman nakaisip ako ng isang maganda ideya.

“Hmm, ang aking sapatos ay tila nadumihan yata.“tila-inaantok kong wika.

Agad naman nagsiluhod ang tatlo at naglabas pa si Rin ng pamunas ngunit pinigilan ko agad sila dahil iba ang nais kong mangyari.

“Ano ang ginagawa niyong tatlo? Sinabi ko ba na kayo ang maglinis?“tanong ko sa kanila kaya kaagad silang napatayo.

“Kung nais mo na humingi ng isang pabor ay may kailangan ka munang gawin, tama ba ako Xiao Guiren?“pasuyang tanong ko.

“Ano ang nais niyong gawin ko, niangniang?“nakayukong tanong nito.

“Simple lang, linisin mo ang aking sapatos gamit ang iyong kamay at baka pakawalan ko ang pinakamamahal mong tagapagsilbi.“wika ko.

Agad namang lumapit sa akin ang isa pang tagapagsilbi ni Xiao Guiren at agad na hinawakan ang aking paa bago nagsalita.

“Niangniang, hayaan niyong ako na lamang ang maglinis ng inyong sapatos dahil ito po ang aking madalas na trabaho at bihasa ako rito”wika niya.

Agad kong inalis ang paa ko sa kanyang kamay at inangat ito upang sipain ang kanyang balikat na nagpaurong sa kanya.

“Bago mo hawakan ang aking paa ay isipin mo muna kung nararapat ka ba para pagsilbihan ako.“mataray kong wika.

“Xiao Guiren, naghihintay ako sa iyong gagawin”nakahalukipkip kong wika.

“Gagawin ko ang iyong utos, niangniang pakiusap lamang, pakawalan niyo na ang aking pakiusap.“payuko niyang wika.

“Narinig niyo ang Guiren, pakawalan ang tagapagsilbi.“utos ko naman.

Binitawan nila ang tagapagsilbi at matapos ito ay dahan-dahang nagtungo sa akin si Xiao Guiren ngunit siya ay nakatayo kaya naman mas pinaganda ko pa ang gagawin niya.

“Maglakad ka patungo sa akin gamit ang iyong mga tuhod upang hindi ka mahirapan”kunwari pa ay nag-aalalang wika ko.

“Guiren, hindi mo ito kailangang gawin!“sigaw ng tagapagsilbi niya.

“Sampalin ang bunganga ng tampalasang iyan!“utos ko na agad sinunod ng mga tagapagsilbi ko.

“Yi fei niangniang, gagawin ko na huwag mo lamang silang sasaktan, pakiusap”wika ni Xiao Guiren kaya itinaas ko ang aking kamay upang patigilin sila.

Dahan-dahan namang natungo sa aking harapan ai Xiao Guiren gamit ang kanyang tuhod at nang makalapit na siya sa aking paanan at kinuha niya ang kanyang panyo at sinimulang punasan ang aking sapatos.

“Maganda ba ang aking sapatos?“tanong ko.

“Siyang tunay, niangniang”sagot niya.

“Alam ko naman iyon”sambit ko sabay flip hair charot.

“Tandaan mo, iyan lamang ang lebel mo kaya huwag na huwag ka nang magtatangka na lumagpas sa otoridad mo at gumawa ng mga desisyon na ikakapahamak mo lamang”.wika ko sa kanya bago ko binawi ang aking paa na hawak-hawak pa niya.

“Xiao Guiren, hindi na kita paparusahan sa hindi mo pagpapakita ng paggalang sa akin, ngunit sa susunod na may galawin ka na kahit sino sa aking palasyo ay titiyakin ko na magluluksa ka, kilalanin mo kung sino ang mga babanggain mo”huling wika ko at tinapik ko pa ang ulo niya na parang aso.

Nakapagpalit na ng kasuotan si Han kaya naman niyaya ko na silang umalis sa silid-aklatan na hindi maalis sa utak ni Xiao Guiren.

Nang makalabas kami sa silid ay kinausap ko si Han at kinumusta ang kanyang kalagayan.

“Han, pasensya ka na kung ako ay nahuli sa pagsagip sa iyo”mahinahon ko nang wika.

“Wala iyon, Yiren ginawa ko lamang ang responsibilidad kong protektahan ang Unang Prinsipe.“wika nito na ikinangiti ko.

“Magpapatawag ako ng mga Taiyi upang tignan ang iyong kalagayan pagbalik natin sa ating palasyo”wika kong muli.

“Maraming salamat sa muling pagsagip sa akin, Yiren”sambit ni Han.

“Ngunit, Yiren kapag nakarating ito sa Kamahalan ay maari kayong magkaroon ng pagtatalo lalo pa’t ang kanyang pinapaboran sa ngayon ay si Xiao Guiren”nag-aalalang wika ni Han.

“Kung may problema siya sa akin ay haharapin ko siya at kung kkwenstyunin niya ang ginawa ko ay hindi ako papatinag sa kanya lalo pa at tama ako sa pagpaparusa sa hipokritang babae na iyon”agad kong sagot.

Napabuntong-hininga na lamang si Han dahil kilala naman talaga niya ang ugali ko.

Ilang saglit pa ng paglalakad at nakarating na kami sa Changchungong at nagpatawag kaagad ako ng mga Taiyi upang tignan ang kalagayan ni Han.

Sunod ko namang tinungo ang silid ni Yonghuang upang kumustahin ang bata at pakalmahin ito dahil siguradong kinabahan ito dahil sa mga naganap.


Grabe 1 month akong walang update omg! Sorry for keeping you waiting guys huhu andaming naganap sa September ko😭

Anyways, enjoy this chapter and comment down you thoughts about it. Also, don’t forget to vote hihi.

That’s all, stay safe and love y’all!

58 | Gabing Ka’y Sakit

•Yiren

Nang masiguro ko na maayos ang lagay nina Han at Yonghuang ay saka pa lamang ako pumasok sa aking silid upang magpahinga naman dahil binabalak ko rin na magpunta ngayon sa Kagawaran ng Pagsasaliksik upang bisitahin si Ama.

Agad akong nagtungo sa aking higaan at sumandal bago ako pumukit at umidlip panandalian.

Taimtim lamang ang aking pagpapahinga hanggang sa hindi ko na namalayan na ako pala ay nakatulog na.

Hindi ko alam kung gaano katagal na oras na ang lumipas ngunit nagising na lamang ako dahil sa pagsigaw ni Rin.

“Kamahalan, kasalukuyang nagpapahinga ang niangniang!” Rinig kong sigaw ni Rin.

Pamulat pa lamang ako ng aking mga mata nang bigla na lamang akong hilahin ng kung sino mula sa aking pagkakahiga kaya napadilat ako kaagad at nasilayan ang mukha ni Seiya na galit na galit ang pagkakatingin sa akin.

“Schel, paalisin mo ang lahat ng tao sa palasyong ito ngayon din!” Galit na utos ni Seiya.

Agad namang umalis si Schel bitbit si Rin na ayaw pa sanang umalis ngunit wala ring nagawa kung hindi ang sumunod na lamang.

Nagpumiglas naman ako sa pagkakahawak sa akin ni Seiya dahil hindi na ako kumportable sa paraan ng paghawak niya sa akin dahil masyado itong mahigpit at nasasaktan na ako.

“Kamahalan, ano ang dahilan ng iyong biglaang pagpunta sa aking palasyo?” Tanong ko.

“Totoo ba na pinarusahan mo si Xiao Guiren na maglakad habang nakaluhod para lamang linisin ang sapatos mo?” Tiim-bagang niyang tanong sa akin.

Ha! Ang bilis naman palang nakarating sa kanya ng balita.

“Siyang tunay, Kamahal–” agad na napapaling sa kaliwa ang aking mukha nang bigla akong makaramdam ng isang mabigat na palad sa aking mukha.

Pinagbuhatan ako ng kamay ni Seiya.

“Alam mo ba na nagdadalang-tao siya? Alam mo ba nasa ginawa mo ay kamuntik-muntikan na siyang malaglagan ng bata? Alam mo ba!?” Pasigaw niyang tanong sa akin.

Agad akong umayos muli ng aking tayo matapos kong makabawi sa sampal na ibinigay niya sa akin.

“Paumanhin, ngunit wala akong ideya na siya ay nagdadalang-tao pala, Kamahalan” Malamig kong sagot sa kanya.

“Nagbago ka na, Yiren” wika niya na nag-udyok sa akin para tignan siya.

“Matapos mo akong pagbuhatan ng kamay nang hindi man lang pinapakinggan ang aking dahilan, ikaw pa ang may lakas ng loob na magsabing nagbago ako?” Pasuya kong wika sa kanya.

Bumalakat sa mukha niya ang pagkalito dahil sa aking tinuran.

“Minsan ko nang sinambit sa iyo na kung sino man ang magtatangkang saktan si Yonghuang ay hindi ko na mapapalagpas pa kagaya noong unang ginawa mo sa ministrong nagtangka sa aking anak.” Pagpapatuloy ko.

“Yiren-” pinutol ko kaagad ang sasabihin niya.

“Kung hindi kinontra ni Han ang babaeng iyon ay si Yonghuang na ang may mga galos at sugat ngayon. Ngayon mo sabihin sa akin na mali ang aking parusa sa kanya.” Huli kong sambit.

“Yiren, magkagayon man ay dapat hindi mo pa rin siya pinarusahan ng ganoon lalo pa’t siyang nagdadalang-tao” patuloy niyang pagsalungat sa akin.

“Ilang beses ko bang uulitin na hindi ko nga alam! At kung alam ko man ay hindi pa rin ako mag-aatubiling parusahan siya sapagkat ginusto niya iyon.” Tumaas na ang boses ko habang pinipilit kong ipaglaban ang sarili ko.

“Yiren, kailan ka pa naging ganiyan? Hindi na kita makilala. Hindi na ikaw ang aking Yiren ko na kay giliw at lambing.” Wika niya na ikinatawa ko na lamang.

“Kamahalan, hindi ako nagbago, ganito naman talaga ako kaya kung nagagalit ka dahil sa pagpaparusa ko sa babaeng kinagigiliwan mo ngayon ay wala na akong magagawa pa ngunit kung uulit pa siya ay baka iba na ang magawa ko sa kanya na maaring ikawala na ng kanyang anak” Pagsagot ko sa kanya at eksaktong pagkatapos kong magsalita ay dumilim ang kanyang mukha at muli ay napapaling ang aking mukha sa isang direksyon.

“Ang dali sayong banggitin iyan sapagkat hindi mo alam ang hirap ng pagdadalang-tao dahil kahit kailan naman ay hindi ka makakapagdalang-tao dahil hindi ka isang babae!” Pasigaw niyang wika sa akin na siyang bumigla sa akin.

Agad ko siyang sinampal dahil sa lahat ng tao sa buong imperyo na ito, sa kanya ko hindi inaasahang maririnig ang mga katagang ito.

Tila nabigla naman siya sa aking sampal at sa kanyang nasabi sa akin dahil agad na bumakas sa kanyang mukha ang pagsisisi at pagkagulat sa lumabas sa kanyang bibig.

Bago pa man siya makabawi ay agad na akong nagsalita.

“Seiya, tandaan mo na hindi ko ginustong makapasok sa impyernong lugar na ito at mas lalong hindi ko ginusto na makilala ka at kung alam ko lang na ganiyan pala ang tingin mo sa akin simula pa lamang noong una ay sana hiniling ko na lamang sa aking ama na huwag na akong ipadala dito nang sa gayon ay hindi na kita nakilala pa!” pa-iyak ko nang sigaw dahil tunay akong nasaktan sa kanyang sinabi sa akin.

Napaupo na lamang ako sa sahig habang patuloy ang masaganang pagtulo ng aking mga luha dahil sa sakit at realisasyon na aking napagtanto at nararanasan ngayon.

Matapos ang halos isang taon na palagian naming pagsasama at pagpaparamdam niya sa akin na ako ay espesyal at hindi ko kailangan magkaroon ng inggit sa katawan dahil hindi ako isang tunay na babae ay malalaman ko na ang lahat ng iyon ay hindi pala totoo.

“Yiren, hindi ko sinasadya-” nagtangka siyang lumapit sa akin ngunit agad ko siyang itinulak papalayo sa akin.

“Tandaan mo, minsan lang kita mamahalin at ang minsan na iyon ay sinayang mo kaya simula ngayon ay hindi na ako lalapit pa sa iyo at hindi na kita kikilalanin pa” umiiyak kong sambit sa kanya.

“Yiren, hindi, alam kong nabigla ka lamang dahil sa mga sinabi ko, kasalanan ko lahat. Patawarin mo ako sa hindi ko pakikinig sa iyong dahilan. Patawarin mo ako, Yiren sapagkat nabigla lamang din ako at walang ibig sabihin ang aking naturang mga salita.” agad niyang pag-aalo sa akin habang pilit niya akong ikinukulong sa kanyang bisig.

Malakas akong nagpumiglas at tinignan siya sa mata.

“Tama ka nga, hindi mo na ako makilala at sana ay manatiling ganyan ang nasa isip mo dahil simula ngayon ay hindi na rin kita kilala. Maraming salamat sa halos isang taong pagbibigay sa akin ng kasiyahan kahit pa lahat ng ito ay hindi pala totoo para sa iyo.” Pinal kong wika bago ako dahan-dahang tumayo.

“Yiren, makinig ka muna sa akin, paki-usap naman!” Nanginginig ang boses niya ngunit hindi ko na siya pinagtuunan pa ng panahon.

“Iwan mo na ako, Kamahalan. Masyado na ang sakit na idinulot mo sa akin ngayong gabi. Salamat sa iyong regalo.” Huli kong wika bago ako lumabas ng aking silid at dire-diretsong naglakad paalis.

Nakakatawa lamang dahil nais kong iwan niya ako ngunit ako ang umaalis ngayon. Hindi na ako lumingon pa sa kanyang direksyon at nang marating ko ang labas ng aking tanggapan ay walang katao-tao kaya dire-diretso pa rin akong naglakad palabas at doon ay nakita ko ang lahat ng aking mga tagapagsilbi na nagulat sa aking itsura.

Saka ko lamang naalala na puno nga pala ng luha ang aking mukha ngayon kaya bago pa man sila makalapit sa akin ay tumakbo ako papalayo sa kanila dahil ayaw kong makita nila ako sa ganitong sitwasyon.

Tumakbo ako kahit hirap ako at masakit sa paa ang pagtakbo na ginagawa ko ngayon.

Hindi ako tumitingin sa aking dinaraanan kaya naman bigla na lamang akong tumilapon matapos kong maramdaman ang pag-uga ng aking sapatos na siyang dahilan upang mawalan ako ng balanse at tuluyang madapa.

“Yiren, ayos ka lamang ba!?” tanong ng kung sino.

Pag-angat ng aking tingin ay napatawa na lamang ako.

“Ayos lamang ako, Zichu”

Sa lahat ng pwedeng makakita sa akin sa ganitong kalagayan ay yung taong unang nagparanas pa talaga sa akin ng sakit ang makakakita sa akin.

Hindi ko alam kung minamalas lang ba talaga ako o pinaglalaruan ako ni Lord.

Agad niya akong nilapitan upang tulungan akong tumayo. Nang makatayo naman ako ay agad akong bumitaw sa kaniya at inayos ang sarili.

“Anong ginagawa mo rito, Zichu, hindi pa ba tapos ang iyong trabaho?” Tanong ko sa kanya.

Napakamot na lamang siya ng kanyang ulo bago tumango.

“Sandali, Yiren, umiyak ka ba?” Nag-aalalang tanong niya sa akin.

Agad naman akong pumeke ng tawa sabay hampas sa hangin upang hindi mahalata.

“Napuwing lamang ako kanina, huwag mo akong intindihin.” Turan ko pa.

“Ngunit hindi maganda ang lagay ng paa mo ngayon, halika at tutulungan kitang gamutin iyan sa kagawaran” Pag-anyaya niya sa akin.

Tatanggi pa lamang sana ako nang bigla siyang tumalikod at saka lumuhod sa harapan ko.

“Zichu, ano ang ginagawa mo?” Nagtataka kong tanong sa kanya.

“Alam kong masakit ang paa mo kaya pumasan ka na sa akin upang hindi ka mahirapan” Sagot niya sa akin.

“Hindi mo na kailangan pang gawin ito, Zic-ay!” Hindi na siya naghintay pat agad siyang tumayo ng bahagya at ipinasan ako.

“Maari kang magkwento sa akin, Yiren handa akong makinig sa iyo.” Patuloy niyang wika kaya nanahimik na lamang ako.

Sa palagay ko ay ayos lang naman ito lalo pa’t gabi na kaya wala ng tao sa kapaligiran.

Hinayaan ko na lamang si Zichu na dalhin ako sa Kagawaran ng Pagsasaliksik sapagkat pagod na rin akong maglakad at mag-isip.


Minsan lang kitang iibigin, minsan lang kita mamahalin🎶💔

Sorry for the long wait everyone! I’m finally back and will continue to finish this story. Now lang talaga ako sinipag ulit magsulat kaya I’m very sorry for making you guys wait.

I hope you guys will enjoy this chapter.

Comment your thoughts!

Stay safe y’all!

Kabanata 59 | Isang Balikat na Masasandalan

•Zichu

Hindi ko alam ngunit tila ba ayaw pa umalis ng aking katawan sa kaharian ngayong gabi kaya naman hindi ako mapakali at lumabas muna ako mula sa kagawaran upang magpahangin.

Sa aking paglalakad ay napadpad ako sa isang pasilyo ng kaharian kung saan nakarinig ako ng mga mabibigat na yapak patungo sa akin kaya naman nagpasya akong tignan ito at sa aking gulat ay nakita ko ang indibidwal na siyang tumangay sa aking puso.

Ang indibidwal na alam kong nasaktan ko dahil sa aking pagiging makasarili. Inaamin ko na sa tagpong iyon kung saan inabisuhan ako ng aking ama na ako ay ikakasal sa isang babae ay wala akong nagawa at hindi na rin ako humanap pa ng paraan upang makawala rito dahil inakala ko na kahit magkagayon pa man ay hindi aalis ang itinatangi ng aking puso mula sa aking tabi.

Ngunit mali ako, nasaktan ko ang taong ibinigay ang kanyang busilak na puso sa akin. Nang makita ko siyang umiiyak sa pamilihan na isa sa mga espesyal na lugar para sa akin sapagkat dito nagsimulang mabuo ang pagtingin ko sa kanya.

Kasabay nang pagtulo ng mga patak ng tubig mula sa kalangitan ay siyang pagbuhos naman ng masaganang mga luha mula sa kaniyang mga mata na siyang nagbigay ng pangamba at malabis na kalungkutan sa akin.

Inakala ko na maipapaliwanag ko sa kanya ng maayos ang naging sitwasyon ko ngunit nagkamali akong muli sapagkat ang itinatangi ko ay lubha nang nasaktan at ako ang dahilan nito.

Pinalipas ko ang oras upang palamigin ang kaniyang ulo nang sa gayon ay makapagpaliwanag ako sa kaniya ngunit sa paglipas pala ng oras na iyon ay nakapagpasya na siya na lumayo sa akin.

Mula sa malayo ay pinagmasdan ko ang taong nagmamay-ari ng aking puso na suot-suot ang kanyang magarbong pulang kasuotan at ang mga gintong palamuti sa kanyang buhok. Napangiti na lamang ako dahil sa isip ko ay ako sana ang pupuntahan at makakasama habang buhay ng pinakamamahal ko kung hindi lamang ako naging kampante masyado.

Kung hindi lamang sana ako natakot sa aking ama ay sana masaya rin ako ngayon at hindi tulad nito na pinapanuod ang aking pinakamamahal na sumakay sa kanyang magarbong karwahe patungo sa kaharian.

Pinagmasdan ko ang aking pinakamamahal na si Yiren, papalayo sa aking mga mata at paningin dala ang aking puso at damdamin.

Nang makarinig ako ng isang pagbagsak ay nabalik ako sa ulirat at nakita nga si Yiren sa aking harapan na nakasalampak kaya naman madali akong lumapit sa kanya upang tulungan siya.

Nung una ay tumanggi pa siya sa akin ngunit batid ko na sa unang pagtingin ko pa lamang sa kanyang itsura at mukha ay mukhang pagod ito at galing sa matinding pag-iyak.

Sa taas pa ng kanyang sapatos at sa kanyang ginawang pagtakbo at tiyak na masakit na ang kanyang paa kaya ipinasan ko na siya sa aking likuran at wala na itong magawa kung hindi ang magpaubaya na lamang.

Habang pasan-pasan ko siya sa aking likod ay wala na akong narinig pa kaya masaya ko na lamang siyang dinala sa Kagawaran ng Pagsasaliksik.

Noong mga panahong malapit pa kami sa isa’t-isa ay hindi namin ito nagawa sapagkat si Yiren ay may malakas na loob at isang pagkatao na hindi handang humingi ng tulong sa iba.

Sanay siya na sarilihin na lamang ang lahat ng kanyang mga pinagdaraanan kagaya na lamang nito.

Hindi ko na namalayan ang aking paglalakad at narating na namin kaagad ang Kagawaran kaya naman agad ko siyang ipinasok sa aking silid dito at hinanap ko ang mga naitabi kong pamahid sa sugat na maaring maka-ibsan sa sakit ng kanyang paa.

Maingat ko siyang ibinaba sa upuan na may sandalan dahil nakatulog na pala ito habang pasan-pasan ko siya kanina. Dahan dahan kong iniangat ang kanyang paa at maingat na hinubad ang kanyang sapatos.

Tama nga ang aking hinala sapagkat namumula ang kanyang bukong-bukong na papahiran ko pa lamang sana ngunit nakarinig na ako ng boses.

“Z-zichu, ano ang ginagawa mo?” pa-ungat na tanong ni Yiren sa akin na kakamulat pa lamang ng mga mata.

“Lalagyan ko lamang ng gamot ang iyong paa upang hindi ito mamaga at lumala pa” sagot ko sa kanyang katanungan.

“Zichu, hindi naman ito malala” pagsalungat niya sa akin.

“At hihintayin mo pang lumalala ito, ganoon ba?” tanong kong muli.

Agad naman siyang napailing kaya napangiti na lamang ako dahil alam kong nanalo ako.

Ilang saglit pa ang lumipas at natapos na ako sa pagpapahid ng gamot sa kanyang paa kaya tumayo na ako mula sa pagkakaluhod at umupo sa upuan na malapit sa kanya.

“Salamat, Zichu sa iyong tulong” wika sa akin ni Yiren.

“Hindi mo na kailangan pang magpasalamat, Yiren alam mong handa akong tulungan ka parati.” sagot ko sa kanya.

“Ngayon, ano ba ang nangyari at nalagay ka sa ganyang kondisyon?” pagtatanong ko sa kanya.

Agad namang bumalatay sa kaniyang mukha ang lungkot at sakit na minsan ko nang nakita sa kanya noong huli kaming magkaroon ng matinding away na nagdala sa amin sa aming sitwasyon ngayon.

“Zichu, mali ba ang umibig?” biglang tanong niya kaya napatitig ako sa kanyang mga mata na nagsisimula na muling magtubig.

“Hindi, kailan man ay hindi ito naging mali, Yiren” mahinahong sagot ko sa kanya.

Nagulat na lamang ako nang biglang tumulo ang kanyang masaganang mga luha at bigla siyang humagulgol sa aking harapan kaya naman agad akong lumapit sa kanya at inalo siya.

“Yiren, kung hindi ka pa handa na isalaysay ang mga naganap ay naiintindihan ko. Nandito lamang ako upang palaging makinig sa iyo” pag-aalo ko sa kanya.

Sa aking pagkagulat ay bigla na lamang siyang sumandal sa aking katawan na malapit sa kanya. Nakatingin lamang siya sa isang direksyon habang patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata.

“Zichu, hindi ko naman alam na nagdadalang-tao pala si Xiao Guiren nang siya ay aking parusahan na linisin ang aking mga sapatos gamit ang kanyang mga kamay at paluhod niya itong gawin. Nagawa ko lamang ito dahil hindi ko nagustuhan ang kanyang iniasal na ugali kay Yonghuang at Han.” mahinang wika nito.

Taimtim lamang akong nakikig sa kanya habang ang aking kamay ay nakapatong na ngayon sa kanyang mga balikat upang hindi siya mahirapan sa kanyang pwesto.

“Hindi ko inaasahan na dahil dito ay magagalit sa akin si Seiya at masasabi niya sa akin ang mga salitang hindi ko inasahang sa kanya pa mismo manggagalin-.” mula sa mahina niyang pagwika kanina ay tuluyan na ngang bumigay su Yiren at humagulgol.

Mabilis ko siyang iniharap sa akin upang mayakap siya at maramdaman niya na sa kanyang sitwasyon ngayon ay hindi siya nag-iisa dahil handa akong damayan siya.

Patuloy siyang humagulhol sa aking dibdib hanggang sa sumagot na ako sa kanya.

“Ano ba ang kanyang nasabi sa iyo na siyang dahilan upang lubusan kang masaktan ng ganito?” wika ko habang dahan-dahan kong siyang pinapakalma.

“Zichu, alam ko naman na hindi ako isang babae at hindi ako magkakaroon ng anak na galing mismo sa akin ngunit sa lahat ng tao na maaring magsabi sa akin ng mga masasakit na salita na hinding-hindi ko raw malalaman ang kondisyon ni Xiao Guiren dahil kahit kailan ay hindi naman ako makakapagdalang-tao ay si Seiya pa talaga ang magsasambit ng mga katagang ito sa akin” umiiyak niyang pagkkwento sa akin.

“Zichu, hindi ba ako sapat? Alam kong may nagawa akong mali pero sobra naman yata ang balik sa akin nito. Tao lang din naman ako, nasasaktan din” patuloy niyang pagsambit habang humihikbi.

Napakuyom na lamang ang aking mga kamay dahil kahit kailan ay hindi ko napag-isipan ang ganoong mga bagay ukol kay Yiren. Isa siyang inosenteng indibidwal na hindi gagawa ng mga bagay na ikapapahamak niya lalong-lalo na rito sa palasyo. Akala ko ay itinatangi rin siya ng Kamahalan ngunit mukhang mali ako.

“Yiren, walang mali sayo at kahit kailan ay wag mong iisipin na may mali sa iyo sapagkat sapat ka bilang ikaw at hindi mo kailangang magbago para lamang sa mga tao sa paligid mo” turan ko sa kanya.

“Sapat ako ngunit nagawa mo pa rin akong ipagpalit, sapat ako ngunit kahit anong gawin ko ay mali ako sa paningin ni Seiya” mahinang wika niya kaya naman agad akong natahimik.

Bumalik sa akin ang lahat ng mga naganap at napagtanto ko na sa lahat ng ito ay isa lamang ang kaawa-awa at siya ang ang taong nasa mga bisig ko ngayon.

Ilang sandali ang lumipas at napagpasyahan ko na ipaalam na kay Yiren ang tunay na mga nagaganap at magaganap sa kanyang paligid. Hindi ko na kaya pang makita siya sa ganito kamiserableng kalagayan dahil hindi ito ang dapat niyang maranasan.

Dapat ay maging masaya siya dahil para sa akin, kapag masaya siya ay masaya rin ang puso ko na kailan man ay hindi nagbago sapagkat siya pa rin ang itinitibok nito.

“Yiren, may nais akong sabihin sa iyo” wika ko sa kanya.

Napaayos naman siya ng kanyang pwesto at ngayon ay nagpupunas na siya ng kanyang mga luha at nang matapos siya ay humarap siya sa akin at mukhang handa na siyang marinig ang aking mga sasabihin.

Nawa’y sa pamamagitan ng aking mga sasabihin sa kanya ay muling maibalik ang ngiti sa mga labi ng aking itinatangi.

•Ikatlong Persona

Ngayon ay nagmamadaling bumalik ang isang babae sa tarangkahan ng isang palasyyo at nang makapasok siya at natiyak na walang nakakita sa kanya ay agad itong tumuloy sa loob.

“Niangniang, gaya nga ng iyong hinuha ay nasa Kagawaran ng Pagsasaliksik siya ngayon kasama ang isang Ministro na pasan-pasan siya papunta doon” wika ng babae.

“Magaling, ngayon ay maghintay na lamang tayo ng ilang araw bago makapanood ng isang magandang palabas.” wika ng kanyang Chuźa.


Papunta na tayo sa exciting part.

Stay tuned for the updates.!

Don’t forget to vote and comment your thoughts about this chapter. Stay safe, everyone!

Important Update

Hello, everyone!

May nagbabasa pa ba nito? Comment naman if meron haha. Anyways, I just wanted to let you know that this book will be continued na. It’s my fourth year in college and it’s my vacation as well. I have all the time to write now. I miss writing and I was able to retrieve my manuscript for this book. 

Moving forward, I will be editing the chapters from the beginning until the ending. I hope that you will continue your support to this book. 

Do follow me in my Tiktok Account:  soleillllll22

I will be posting new chapters this week. Stay tuned! Love lots.


Return to top?