The Garcia #2: Planning Revenge with My Two Hot Brothers
gaga_bobita · 8 chapters · 7,828 words
00
Jamie
“Anak gising na at babyahe na tayo papunta sa Villafuerte City” pag gising saakin ng aking Ina
Lilipat kami sa isang napakagandang lugar. Tahimik at ligtas at malayo sa gulo.
Ang Villafuerte City ay isang magandang syudad na may zero crime rate kaya dito napagpasyahan ni Mama at Papa na mag simula muli.
My mother is a chef, a great chef but due to the popularity of the Seven Seas of Taste ay hindi niya napakita sa lahat na magaling siyang magluto.
Our family secret is the recipe book na nagngangalang Seven Seas of Taste na nanggaling pa sa great great great great great grandmother ko.
Isang napagaling na chef na nagsimula sa England. Isang cook ng Reyna.
Around 25 years old si Lola Yolanda Buenavista nang magdecide siya na maglakbay around Europe to taste different foods upang gawing insperasyon sa pag gawa ng bago niyang tatak.
It took Lola Yolanda 10 years sa paglilibot sa Europe bago makopleto niya ang European Version Recipes.
Our Family was given a talent by God na namamana ng susunod na henerssyon. Ang talent sa dila. Ang talent sa taste.
At the age of 35 ay nakapangasawa si Lola ng isang Canadian na nameet niya during her journey in Poland. Si Conrad Miller.
Lumipat sila Lola sa Canada upang doon manirahan at bumuo ng pamilya. Naging tanyag ang restaurant sa Canada. Ang Panlasa Restaurant.
Nagkaroon ng Dalawang anak si Lola Isang panganay na Lalake at bunsong babae. Ang Lalake ay sumunod sa yapak ni Lolo Conrad bilang sundalo habang si Ann naman ang nagmana sa talento ni Lola.
Si Lola Ann naman ang nagpatuloy sa tradisyon upang isagawa ang North American Version. Nilibot ni Lola Ann ang Canda at U.S.A para sa bersyon niya ng Recipe.
Nakapangasawa ni Lola Ann ng isang Brazilian na si Eduardo Ferreira at biniyayaan sila ng isang napakagwaponh anak na lalake na si Nathan Ferreira.
Dahil sa isang businessman si Lolo Eduardo ay di niya natanggap na ang anak niya ay magiging chef pero ipinaglaban ni Lolo Nathan ang kanyang pangrap na ituloy ito.
Nilibot ni Lolo Nathan ang buong Latin America at ibang bahagi ng South America para sa South American Version ng Recipe. Sa Belize ay nakilala ni Lolo ang Black African na si Lola Zuri Igwe na taga South Africa.
Lolo Nathan decided to settle sa Africa kasama ang kanyang asawa para maipagpatuloy ang tradisyon.
Hanggang sa napunta sa Australia and Eventually ay napunta naman sa Asia.
Sa henerasyon nila Lola Zenaida which is my Grandmother ay nagkaroon ng pagtatalo kung sino ang hahawak recipe book. Sa henerasyon kasi nila nai-atas na icompile into one book ang recipe.
Dahil si Lola Zenaida ang bunso ay sakanya ipinamana ni Lola Ryoko Nagasaki ang libro. Nakapangasawa si Lola Zenaida ng isang sundalo na si Lolo Lino Lacson.
Ang ginawa ni Lolo Lino ay itinago niya ang libro dahil pinagkakaintersan ito ng napakadaming tao gaya ng mga mayayamang tao magmula pa sa ibat ibang bansa.
Dahil sa pagkatago ng Libro sa henerasyon nila Mama ay nagmistulang isang Myth ang Seven Seas of Tastes. May mga naniniwalang totoo ito ngunit marami naman ang naniniwala na isa lamang itong kwentong bayan.
Isang alamat kung tawagin. Ang mga mayayaman at elitista lang ang nakakaalam na totoo ito ngunit hindi nila alam kung nasaan ito.
Wala silang alam at walang magawa dahil isang General si Lolo.
But when Lolo died a year ago ay nabuhay nanaman ang ugong ugong at maraming nagka interes.
Umabot pa sa pagkidnap sa akin ngunit wala rin silang napala dahil napanatili nilang magkakapatid ang pagpapanggap na wala silang alam.
Mabuti nalang at si Mama ang nagmana sa talento kaya sakanya naiatas na pangalagaan ang libro.
Nagkaroon ng dalawang lalakeng kapatid si Mama. Ang panganay na si Tito James na sumunod sa yapak ni Lolo at si Tito Bruno na bunso at isang Doctor.
“Anak bilisan mo na ang pagligo at para maka alis tayo ng maaga” wika ni mama sa labas ng pinto ng aking CR.
Di ko namalayan na napatagal ang pagmumuni muni ko sa Family History namin.
Binilisan ko na ang pagligo at pagkatapos ay nagbihis at gumayak na pababa.
“Ate kailangan ba talaga kayong umalis?” Tanong ni Tito Bruno
“Final decision na ito Bruno at para na rin sa kaligtasan namin”
“Eh Ate andito naman si Kuya James at I’m sure na maproprotektahan niya kayo” dagdag ulit ni Tito Bruno
“Haynako Bruno, alam mo naman na may pamilya na iyon si Kuya at ayoko maging pabigat. Buong buhay niyo na akong prinoprotektahan dahil ako ang nagmana ng talento sa pagluluto. Kaya hayaan niyo na ako at sinisigurado namin na walang nakakakilala samin sa probinsiyang lilipatan namin”
“Mukhang wala na akong magagawa pa Ate. Mag-ingat kayo palagi”
“At ikaw buchokoy ang pinaka cute kong pamangkin ma mimiss kita, hmmmmm ang cute cute mo talaga” wika ni Tito habang pinipisil ang cheeks ko
“Isa pa Bruno pwede mo naman kaming bisitahin kong may oras ka pero malayo ngalang kami”
“Saan ba kayo Ate?”
“Sa Villafuerte City lang kami. Safe doon at walang nakakakilala samin at hindi naman kami pababayaan ni Roy”
“Segi Ate Rose, mauna na ako at marami pang pasyente sa ospital. Bye Jamie”
“Mag-asawa kana Bruno!” Pasigaw na sabi ni Mama kaya napalingon ito na nasa pinto na at tumawa.
“Handa naba ang mag-ina ko?” Tanong ni Papa
Lumabas na kami sa bahay at pinagmasdan muna ang kabuohan ng aming home, sweet home na amin nang iiwan.
Marami kami ala-ala rito pero alam ko na darating ang araw na babalik din kami rito pag maayos na ang lahat
“Tara na at para hindi tayo gabihin sa daan”
Mag babarko lang kasi kami dala ang kotse namin dahil wala namang airport papunta sa Villafuerte City.
At tanging barko lang ang magdadala samin doon pwera nalang kung may private plane or helicopter kami.
“Paalam aming bahay” mahinang wika ko habang nakaganaw sa binta ng aming kotse at maya maya pa ay lumarga na ito.
\---
01
Jamie
“Mabuhay is Tatay Marcelo! Mabuhay ang ating mahal na Senador! Mabuhay!” Mga sigawan ng mga tao dito sa Villafuerte City
Ang saya saya dito parang fiesta may mga karaykay at may mga matataas ding gusali. Napadaan ang aming sasakyan dito malapit sa Kapitolyo kaya rinig namin ang sigawan at hiyawan ng tao.
May isang matandang lolo ang nagsasalita sa harapan na sure ako ito ang tinatawag nilang Tatay Marcelo.
Mayroon ding isang lalake na kaedad siguro ni Papa at Babae na asawa siguro nito at sa gitna nila ang isang nasa teenage na lalake at batang babae na siguro kaedad ko.
Nasa 11 years old palang ako at dito ko na ipagpapatuloy ang grade 6 ko. Si mama ay magtatayo ng isang Karenderya habang si Papa naman ay mag aapply sa public attorneys office dito.
Nakarating kami sa isang simpleng bahay lang na kasyang kasya saming tatlo.
“Jamuel Iemier ayusin mo itomg mga gamit mo sa iyong silid” utos ni Mama
Dalawa lang ang kwarto rito sa bahay. Isang malaki para kina mama at papa at isang sakto lang para sakin.
Kompleto na ang bahay. May sala set narin at may mga furnitures na. Sa Kusina naman ay completo narin at may isang sakto lang sa laking Ref.
May four sitter dining table at may isang malapit na CR sa kusina.
Pagpasok ko sa room ko ay simple lang ang pintura na color skyblue at may ibang parte na may shade of pink.
Isang single bed at isang closet para sa mga damit ko. May study table na rin at may CR sa loob.
Hapon na nang matapos kami sa pag aayos ng among mga gamit.
Ngayon ay papunta kami sa kapitolyo dahil magpapasa si Papa ng application letter at si mama naman ay kukuha ng business permit.
Maganda at magarbo ang Kapitolyo ng City of Villafuerte. Dumerestso kami sa Mayors office at di namin inaakala na nasa loob pala ang buong pamilya nila.
“Magandang hapon po!” Wika ni Papa
“Magandang hapon din, ano ang saatin?” Tanong nung babae.
“Ako po si Atty. Roy Acosta at mag apply po ako sa PAO at ang asawa ko naman na si Rose ay pagaapply para sa business permit. Dito po kami pinapunta” ani ni Papa
“Ako pala si Senator Marcelo Villafuerte, ikimagagalak ko kayong makilala” ani nung Matanda
“Kaano ano mo si Judge Raul Acosta?” Dagdag na tanong pa niya
“Ahh Tatay ko po siya”
“I see, matalik kaming magkaibigan ni Raul. Kumusta na siy?” Tanong ulit ni Senator
“Ahh okay po pero kinalulungkot ko po na pumanaw na po si Ama”
“Sorry hindi ko alam” gulat at lungkot na ani ni Senator
“Ay okay lang po at matagal na rin po iyon” sagot ni Papa habang kumakamot sa ulo.
“Anyways, this is my son Governor Migo Villafuerte at this is his wife Mayor Sarah Villafuerte. My grand children Matthew Villafuerte and Sandra Villafuerte” pakilala ni Sanator kaya nakipagkamay sila Mama at Papa.
“Ahh eto nga pala ang unico iho ko si Jamie” pakilala naman sakin ni Papa.
“Ohh anak makipaglaro ka muna doon at may aasikasuhin lang kami ni Papa mo” ani Mama ta umupo na sila sa front desk ni Mayor Sarah
“Hi po” bati ko sa batang babae
“Yuck! doon ka nga kadiri ka. Look at your outfit you’re so mahirap. Baboy na nga bakla pa!” Pagtataray niya sakin at inirapan pa ako
Aba aba attitude si gorl. Halatang spoiled brat. Akala mo anghel kanina pero demonyo naman talaga.
Ang ganda ng lahi nila at si Kuya Matthew gwapo din. Siguro mga nasa 18 years old na siya, matikas at matangkad.
Habang tinititigan ko siya ay gumawi siya sakin kaya iniwas ko kaagad ang aking tingin.
“Tsk Bakla” mahinang sabi niya pero rinig ko iyon. Hala attitude din kaya hindi ko nalang sila pinansin at iginawi ko nala ang aking tingin sa gawi nila Mama.
Mataba lang ako pero maganda ako. Mix race kaya kami kaya di nakapagtataka kong maganda din ang lahi namin. Sila mama nga magkakaiba. Si Tito James chinito and very asian, si Mama maypagka western look dahil maputi ito at natural blond ang buhok habang si Tito Bruno ay maypagka maitim.
Nagtataka akong tinignan ang gawi ni Gov dahil kanina pa niya tinititigan si Mama. May kakaiba akong nararamdaman sa titig niya kay mama.
Hindi iyon nahahalata nila Mama at Papa dahil busy sila sa pakikipag usap kay Senator at Mayor.
Naririnig ko na pinaguusapan nila ang pagkain kaya naging attentive ako. Mahilig kasi akong kumain atsaka inispoil talaga ako ni Mama sa pagkain.
Napag alaman ko na isa rin palang chef si Mayor at may isang malaki at sosyal na Restaurant dito.
Maya-maya pa ay natapos din ang kanilang usapan
“Mauna na kami Senator, Gov at Mayor. Maraming salamat po” ani ni Papa
“Maraming salamat po” ani naman ni Mama
“Nako nako Roy just call me Tatay Marcelo nalang total at magkaibigan naman kami ni Raul”
“Yeah, just call me Sarah nalang din. Bye ingat kayo” ani ni Mayor
Sinipat naman ng tingin ni Gov ang dalawang nakaupo sa couch kaya napatayo agad ito.
“Paalam po at ikinagagalak ko po kayong makilala at lalo na si Jamie” ani ni Matthew
“Ako din at gusto kita maging friend” wika naman ni Ellice kaya nginitian ko lang sila pero lumapit sakin si Ellice at bumulong
“Bakla, in your dreams yuck” bulong niya
Attitude talaga sila at mga walang modo. Masyadong mayayabang at mapang mataas sa kapwa. Sabagay kasi alam nilang makapangyarihan sila at may kapit.
I wonder tuloy kung plastikada din itong si Senator, Gov at Mayor. Bait baitan para maka ani ng simpatya at boto sa mamamayan.
“Mauna na po kami. Maraming salamat po sa mainit na pag-tanggap” ani ni Papa
Lumabas na kami at umuwi na sa bahay upang makapagpahinga kami ng maaga.
\---
02
Jamie
Naging maganda wargaming pamumuhay dito sa Villafuerte dahil natanggap si Papa sa PAO at si mama naman ay lumalago na ang kainan business niya.
Nag-aral ako sa isang private school kung saan kaklase ko ang bruhildang si Sandra. Isang bitchesa at bully si Sandra dito sa St. Villafuerte Academy.
Walang nangangahas na banggain siya dahil pagmamay-ari nila ang paaralan.
Nakilala ko rin si Marco Villafuerte na isang grade 9 student at kapatid ito ni Matthew at Sandra.
Isa sya sa matalik kong kaibigan ngayon. Para saakin ay naiiba ang ugali niya sa kanyang pamilya. Mabait at palakaibigan ito at sabi niya sakin ay hindi daw siya masyadong sumasama sa family gatherings nila dahil palagi lang naman siyang minamaliit.
Anak ni Gov si Marco sa labas kaya hindi siya tanggap ni Mayora at palaging minamaliit ni Tatay Marcelo dahil maypagka nerdy si Marco.
Payat at may makapal na salamin pero kung tutuosin ay gwapong binata rin ito si Marco. Hindi lang masyadong napapansin dahil andyan naman si Matthew at hindi din naman masyadong lumalabas si Marco.
Si Matthew ay kasalukuyang nagaaral ng Political Science sa Antonio Gracia University na nasa Bonifacio City na may kalayuan dito.
Sa Bonifacio City rin nag tratrabaho si Tito Bruno. Sa isang Hospital na tinatawag na PGH. Hindi ko masyadong alam ang pangalan dahil PGH lang naman ang sinasabi ni Tito palagi.
Naging best friend ko si Marco despite na mas matanda siya sakin at palagi niya akong pinagtatanggol sa mga bully sa school.
“Marco tara sa bahay at magluluto daw si Mama ng special turon niya” pag-aya ko kay Marco
Uwian na kasi ngayon sa school. Magkasama kasi ang highschool at elementary dito sa St. Villafuerte.
“Segi ba pero pwede ba nating isama si Sandra? Kailangan kasing sabay kami umuwi at baka pagalitan nanaman ako” ani ni Marco
“Se-segi ikaw bahala” tanging sagot ko nalanang kahit ayaw ko.
“Tara na at nagpaalam na ako kay Dad at siya nalang daw ang susundo samin ni Sandra” wika ng kararating na si Marco kasama ang bruhildang si Sandra na tinarayan pa ako.
“Sabay na kayo ni Hernie samin” pag-aya ng nakangiting si Marco
“What? No! Hindi sila pwedeng sumakay sa car natin at madudumihan yuck!” Wika ni Sandra na kinainis ko
“Sandra! Stop it!” Ani ni Marco sa kapatid niya
“Ahh okay lang kami Marco, sasakay nalang kami ni Hernie sa tricycle kaya magkita kita nalang tayo sa bahay” nahihiya kong turan kahit gusto ko naman talaga sumabay nalang kami.
Si Hernie or Hernando Bagacay ay anak ng isang helper ni Mama sa karenderya. Baklitang malandi itong isa ko pang best friend na super crush si Marco at Matthew.
“No! I insist at isa pa para mas madali tayong makarating sa bahay ninyo” pagpipilit ni Marco
“Huwag niyo nalang pansinin yang si Sandra” ani ni Marco kaya napatango nalang ako.
Sumakay kami sa isang puting van. Pwumesto si Sandra sa harapan habang kaming tatlo nila Marco ay nasa likod.
“Mang Narding sa Karederia ni Rose po tayo” ani ni Marco.
Malapit lang kasi sa bahay namin ang karenderya ni Mama kaya hindi masyadong nahihirapan si mama sa travel travel.
“Mang Narding una na po kayo at si Dad nalang daw ang susundo samin” wika ni Marco sa Driver nila.
Pumasok kami kaagad sa loob at pwumesto sa isang upuan.
“Hi Anak kamusta ang school mo?” Pagsalubong samin ni Mama
“Ma gusto ko pong ipatikim sa kanila ang special turon mo” ani ko kay Mama ng nakangiti.
“Ahh mabuti pa nga at para makapag meryenda kayo. Wait lang kayo diyan anak at ihahanda ko lang” turan ni Mama at bumalik sa kusina.
Marami rin ang tao sa loob dahil may kalakihan din ang puwesto ni Mama. Pumatok sa panlasa ng mga taga Villafuerte ang mga luto niya kaya mabilis na kumalat iyon kaya dinadagsa ni Mama ng costumers palagi.
“Bes puntahan ko lang si Nanay sa kusina” ani Hernie at madaling pumunta sa kusina.
“Goshhh I hate here! Its so mainit and the smell is yuck! Wala ba kayong aircon dito? Grrrrr!” Naiinis na turan in Sandra
“Manahimik ka nga Sandra, nasayo na nga nakatutok ang electric fan nagiinarte ka pa” pagsasaway ni Marco a kanayang kapatid
“Shut up kanalang pwede ba eh sampid kalang naman!” walang tabas na turan ni Sandra na ikinagulat ko.
Grabe walang modo sa nakakatanda sa kanya. Walang respeto at mapangmataas talaga kainis. Ang sarap iprito sa kumukulong mantika.
“Pabayaan mo nalang” wika ko habang hawak ang nakakuyom na kamao ni Marco at tumingin sa mata niya kaya nagkatitigan kami.
Agad ko rin iniwas ang aking tingin at umayos ng upo. Si Sandara naman ay wapakels lang at busy sa pagkakalikot sa mamahalin niyang phone.
“Mga bata eto na ang special turon ni Rose kaya for sure na magugustuhan ninyo ito” wika ni Aling Fe na nanay ni Hernie na siyang nagdala ng pagkain samin.
Kumain lang kami ng special turon ni Mama and gladly they liked it pati narin si Sandra na mistulang ayaw pa kanina kumain.
Maya-maya pa ay dumating si Gov para sunduin ang kanyang mga anak.
“Hi po Gov, baka gusto niyo pong kumain?” Salubong na wika ni Mama
“Pwede bang ikaw nalang?” Sagot ni Gov at hinaplos ang braso ni Mama at hinawakan ang kamay niya na siyang binawi kaagad ni Mama.
Nakita ko iyon pero hindi iyon nakita ng ibang tao dahil busy sa pagkain at walang pake sa paligid.
Agad na tumalikod si Mama at umalis pero si Gov ay tumawa lang na paramg wierdo.
Lumapit siya samin para ayain na umuwi sila Marco at Sandra.
“Hi po Gov” bati ni Hernie
“Anak tara na uwi na tayo at mag gagabi na” turan niya kaya sumunod kaagad sila Marco at Sandra
“Bye Jamie at Hernie sa uulitin”
“Bye Marco” sabay na paalam namin ni Hernie
\---
03
Jamie
“Mahal ipinagtataka ko lang kung bakit zero crime rate lugar na ito? Its too good to be true” ani ni Papa sa aming salo salo
“Mahal kung ano man yan mag-iingat ka at baka ikapahamak mo pa iyan” sagot naman ni Mama
“Kung wala silang tinatago edi mabuti pero kung meron man ay malalaman ko iyon”
“Basta magiingat ka mahal ha” wika ni Mama
“Ang cute kong anak, kumusta ang araw mo ngayo ?” Tanong ni Papa
“Ahh okay lang naman po. Nagmeryenda lang kami nila Hernie kanina sa karendrya atsaka sa school naman Papa ay okay naman po” sagot ko kay Papa
“Basta pagbutihin mo ang pag-aaral mo ha para may reward ka sakin” turan ni Papa na nagpalapad ng ngiti ko
“Ano yun papa?” Nagagalak kong tanong
“Basta! Secret ko na iyon kaya pagbutihin mo ang pag-aaral mo” tanging sagot ni Papa kaya mas lalo akong naeexcite sa pag-aaral para makakuha ng malaking marka.
Matapos namin kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko upang mag-aral ng mga aralin namin para bukas.
Matapos ang mahaba habang pag-aaral ay naisipan ko nang matulog para hindi ako mapuyat.
I was about to sleep when my phone rang kaya agad ko itong kinuha.
“Hello?”
“Hi Jamie, si Marco ito”
“Oh anong satin Mr. Villafuerte”
“Grabe ka naman sa Mr. Vilafuerte hahahaha pero ito nga may gusto akong sabihin”
“Ano ba yun?” Tanong ko
“Ahhm pasyal tayo bukas nila Hernie sa bahay nila Nay Soling bukas kasi birthday niya” pag-aaya niya sakin
Si Nay Soling ay asawa ni Mang Narding ang second parent daw ni Marco na palaging nanadiyan dahil madalas naman na maleft alone or hindi masali si Marco sa mga ganap ng Villafuerte.
Even Tatay Marcelo ay hindi daw siya minsan gusto isama kasi nakakasira daw siya sa imahe ng pamilya dahil tampolan talaga ng tsimis ang pagiging anak niya sa labas.
“Segi ba game na game kami dyan ni Hernie basta pagkain”
“Yey salamat Hernie atsaka tamang tama lang bukas dahil friday naman at wala rin sila Daddy kasi may pupuntahan daw” wika ni Marco
“Segi mas mabuti nga iyan”
“Goodnight Jamie”
“Goodnight din sayo Marco”
Kinabukasan ay maaga akong nagising upang tumulong sa pagaasekaso sa aming agahan at baon sa school.
Nagbabaon lang kami ni Papa kasi mas masarap ang luto ni Mama at isa pa makakatipid din kami.
Kailangan din kasi namin mag-ipon kasi nga nagsisimula palang kami sa bago naming buhay.
Inihatid muna namin ni Papa si Mama sa karenderya bago niya ako ihatid sa school.
Ito ang set up namin na palagi kaming ihahatid ni Papa sa umaga at sa uwian ko naman ay mag tricycle nalang kami ni Hernie pauwi dito samin.
“Bye anak pagbutihin mo ha”
“Bye Papa mag-ingat po kayo” sabi ko habang naka ngiti at kumakaway sa palalayong kotse ni Papa.
“Goodmorning Section Einstein” bati ni Sir Cruza
“Goodmorning Sir Cruza, Goodmorning everybody” sabat naman namin
“Okay as promised last meeting ay magkakaroon tayo ng long quiz ngayon”
“Get one and pass the test sheets students at ibalik sakin ang sobra”
“Okay all are settled, your timer starts now. You only have 30 minutes to ansser the test kaya Godbless at pagbutihin ninyo”
“Bakla goodluck satin” wika ni Hernie na katabi ko. Hernie is a scholar sa school na ito.
Buti nalang at nag-aral ako kagabi kaya confident ako sa mga sagot ko sa test.
“Okay times up guys! Pass your ansser sheet to the front” wika ni Sir
“Okay class habang nagchecheck ako sa test niyo ay I want you to copy this notes para sa lecture natin bukas” dagdag pa ni Sir
“Oy Hernie kamusta ang test?” Tanong ko sa katabi ko
“50/50 ako friend hindi ako sure saiba kong answer ang hirap naman kasi lalo na sa problem solving na part” wika niya at napa buntong hininga
“Ikaw ba?” Tanong niya
“Parang okay lang at confident naman ako na papasa ako sa test”
“Ay iba ikaw na friend ang pinagpala ng katalinuhan. Tandaan mo na Calculus ito. Ang hirap kaya kainis” wika niya at inirapan ako kaya tinawanan ko lang siya
“Okay class I have now the result of the test. I will just announced the top 5 highest score and the rest bukas niyo na malalaman ang scores niyo”
“We got only one who got a perfect score” wika ni Sir na may ngiti
“We all know naman na si Sandra iyon” wika ni Eunice na isa sa bitchesang friend ni Sandra
“With 95 points, congrats to Eunice Pineda” wika ni Sir kaya nagpalakpakan kami at si Eunice naman ay tumayo at winagayway ang kamay na mistula isang beauty queen.
“Tied with 97 points, Congrats to Hernando Bagacay at si Jared Marasigan” pag announce ni Sir
“Salamat po Sir pero sana Hernie talang para mas bongga” wika ni Hernie kaya nagtawanan kami
“Okay okay Mr. Hernie” natatawang wika naman ni Sir
“Voklo congrats yiieee” wika ko at pinalakpakan sila
“With 99 points, please congratulate to Sandra Villafuerte” wika ni Sir kaya natahimik ang lahat at mistulang naiinis at galit na galit ang mukha ni Sandra
Spoiled Brat talaga, ang sama sama ng ugali ni hindi makatanggap na may mas mataas sa kanya.
“Wait Sir I protest baka naman po nagkamali lang kayo sa pag check” naiinis na turan ni Sandra na paramg iiyak na sa galit
Ganyan ba talaga siya walang tinatanggap na kamalian. Hindi magandang ugali iyon at nakakabaliw ang ganyang pananaw sa buhay na everyone is under or lower than you.
“No Sandra, I’ve already checked it twice at wrong ka talaga sa isang item which is using union of functions instead of intersection of domain of each function” wika ni Sir kaya hindi na siya nakapalag.
“And our highest score and the one who got a perfect score is no other than Jamuel Iemier Acosta. Palak pakan natin siya” wika ni Sir na nagpagulat sakin
“Wahhhhhhh congratssss frennnyyyyy ang galing galing mo” hiyaw ni Hernie at nag bow sign pa. Kaya tinawanan ko lang siya.
“Class Dismissed!”
Ang mga alipores ni Sandra ayon masama ang tingin samin ni Hernie at mas lalo na sakin.
“Bakla pabayaan mo na yan. Ganyan talaga yan siya walang tinatanggap na pagkakamali na akala mo perfect siyang tao. Yuck kasuka. Isa palang yan bakla marami pang iba na hindi mo alam. Hayssss spoiled brat nga talaga” chika sakin Hernie
“Tara na nga at baka marinig ka niyan”
\---
04
Roy Acosta
Mag aapat na taon na kami ritong naninirahan sa Villafuerte at masasabi ko na nagimg maayos ang amimg pamumuhay naming mag-anak.
Sa pamamalagi ko sa PAO ay may mga napansin akomg misteryosong mga kaso at lahat ng mga iyon ay laban sa mga Villafuerte.
Mayroon kay Tatay Marcelo, kay Gov at mayroon din kay Mayora pero ang pinagtataka ko ay matapos magreklamo at magfile ng kaso ay bigla nalang nadidismiss kahit walang hatol dahil umaatras ang mga complainant at sinasabi na gagawa lang daw nila ang akosasyon.
May mga kasong pagpatay at corruption, pagnanakaw ng ari-arian at ang pinakamarami ang reklamong rape against Gov. Migo.
Tinanong ko ang mga kasamahan ko pero tikom ang bibig nila at huwag ko nalang daw pamg pakialaman kaya mas lalo akong na curious kung bakit.
“Ohh Tay Manuel kanina pa po kayo dyaan?” Tanong ko sa janitor namin dito. Nagulat ako dahil nasa tabi ko pala siya at tinititigan rin ang kaso ng isang batang nirape, pinaslang at pinaanod sa tubig.
Ayon sa report hindi daw matukoy kung sino ang pumaslang pero may Anonymous na nagsabi na si Gov daw pero hindi ito pinaniwalaan ng mamamayan dahil mabait daw si Gov.
“Hahahahahahha gugulatin sana kita dahil mukhang seryoso ka dyaan” natatawa niyang wika at biglang umalis.
“Huwag mo na pansinin iyon si Tay Manuel maypagka weirdo yun at parang may saltik minsan sa isip” wika ni David na isang lawyer din dito sa PAO
Hindi ko nalang sila pinansin at ibinalik na ang mga lumang kaso at reports.
Hindi naman mabigat ang trabaho dito kasi minsan lang ang gulo at ika nga zero crime rate sila dito kaya mapayapa ang lahat.
Habang nagmumuni muni ay naalala ko si Gov na napapadalas ang pagpunta sa Karenderya at pagsundo sa mga anak nya na nakikimeryenda.
Ayaw ko naman pag isipan siya ng masama pero base sa mga tingin niya sa Asawa ko eh parang may laman at maypagka malagkit.
Sabi naman ni Rose na wala daw kaya hindi ko na tinanong. Wag lang talaga siyang magkamali na saktan o kantiin ang asawa ko.
Maganda naman kasi ang asawa ko dahil mixed race siya atsaka pa alam ko rin naman ang family secret nila kaya lang hindi naman ako mahilig magluto o talent sa lagluluto kaya di ko siya matutulongan sa karenderya niya.
Hayysss makapagpahinga nga muna saglit.
Jamie
“Tara na para makasakay na tayo sa tricycle” pagaaya samin ni Marco
Hindi ko alam kung bakit kami ang kinaibigan niya eh mas bata naman kami sakanya.
Nakarsting kami sa isang simpleng kahoy na bahay na may maraming nakatanim na puno ng ibat inang prutas, meron ding gulay at mga flowers.
“Magandang hapon po Nay Soling” bati namin ni Hernie at nagbless.
“Buti naman at nakarating kayo”
“Ahh opo kasi gusto daw nila matikman ang bico at pansit na luto ninyo” wika ni Marco
“Ohh siya halina kayo sa loob at para makakain tayo” pag aaya samin ni Nay Soling
“Buti po at pinayagan kayo ni Lolo” wika ni Marco
“Syempre naman at minsan lang naman ito kaya kumain lang kayo marami pa niyan kaya wag kayong mag-alala”
“Si Tay Narding po?” Tanong ni Marco
“Ahhh bumili lang iyon ng soft drink. Ohh adyan na pala sya” kaya napaligon kami sa pinto
“Ohhh adyan na pala ang mga bisita natin” wika ni Tay Narding na may bitbit na dalawang 1.5 coke.
Kumain lang kami nang kumai at nagkwentuhan. Massrap yung bico dahil sakto lang yung tamis at yung pansit yum yum lalo pat may kalamansi.
“Ang cute cute mo naman Jamie” natutuwang sabi ni Nay Soling at pinisil pisil ang cheeks ko
“Ehh pano malusog si frenny” sabat ni Hernie
“Grabe siya. Ganado lang talaga along kumain duh” sabat akk at inirapan siya kaya natawa sina Marco
“Wala po ba kayong anak Nay Solin?” Biglaang tanong ni Hernie kaya nataranta ako dahil mukhang wrong move.
“Ahh hindi kasi kami nabiyayaan ng diyos at matanda narin nung maging mag-asawa kami ni Narding pero andito naman si Marco at kami naman ang nag-alaga sa kanya simula sanggol siya kaya siya ang itinuturing naminng anak” pagkwento ni Nay Soling
“Minsan nga dito yan natutulog pag umaalis ang kanyang pamilya at hi di siya sinasama” wika naman ni Tay Narding
Nalungkot at naawa ako kay Marco dahil ipinadama talaga sakanya na sampid lang siya.
“Naku naku wag kayong malungkot dahil sanay na ako at masaya ako na andyan sila Nay Soling at Tay Narding bilang pangalawa kong magulang” wika ni Marco kaya napangiti nalang kami
“At isa pa okay lang yun kesa naman makipagplastikan ako sa kanila at sa mga kamag-anak ng mga Villafuerte na ang tanging tingin saakin ay isang basura” dagdag niya pa
“Ohhh siya tama na ang drama mga bata at kumain pa kayo” pag iba ni Tay Narding sa usapan
Nang matapos kami kumain ay agad kaming nagpaalam kina Nay Soling at Tay Narding.
Hinatid lang kami ni Marco sa sakayan dahil sa bahay daw nila Nay Soling siya matutulog dahil for sure wala daw tao sa bahay nila kasi nagsialisan daw.
“Hi Ma andito na ako” bati ko kay Mama na malalim ang iniisip habang nagluluto. Mag gagabi narin kasi.
“Hi anak kamista yung birthday ni Nay Soling?” Tanong niya
“Ahhh mabuti naman po Ma, nabusog po ako sa pansit ni Nay Soling” sagot ko sa kanya
“Ohh siya siya magbihis kana at para makapagoahinga kana or gusto mo pang sumabay kumain samin?” Wika ni mama
“Sasanay po ako kumain dahil mukhang masarap po iyang adobo ninyo” turan ko at dumiretso na sa silid upang magbihis ng damit.
\---
05
Jamie
Today is the 20th founding anniversary of the St. Villafuerte School.
Our school will have a cooking show competition and I’m one of the contestant.
Kasali rin si Sandra sa competition. We are about 8 contestant mga representative ng ibang section.
Nag umpisa na ang competition. Andito ang mga parent ko to cheer and support me kaya mas lalo akong ginanahan upang ipanalo ang labang ito.
Each contestant ay may kanya kanyang table na completo sa gamit including the stove with oven.
Napansin ko na may hinahanap ang mata ni Sandra kaya sinundan ko ang tingin niya at doon ko nakita na bakante pa ang reserve seat para sa mga magulang niya.
Nalungkot ako para sa kanya kasi wala ang mga magulang niya para icheer siya.
Si Nay Soling lang at Marco ang naandon kasama si Hernie.
Binigyan kami ng limang minuto upang kunin ang ingredients namin para sa dish na aming gagawin.
I decided to cook a fish lumpia dahil eto ang naisip ko.
Habang namimili kami ng mga ingredients na kakailanganin namin ay may isang personnel na lumapit kay Sandra at binigyan siya ng isang earpiece na siyang sinuot niya agad.
Bumalik na kami sa aming kanya kanyang table para umpisahan ang aming pagluluto.
Kumuha ako ng isang malaking bangus and thankfully dahil boneless na ito.
Lumpia wrapper, onion, onion leaf, celery, singkamas, carrot, parsley, egg. Ang seasoning ay nasa table na namin kanina pa. Salt, pepper, soy sauce, vinegar and others.
Agad kong hinugasan ang lahat pagkatapos ay nagpainit na ako ng kawali para sa bangus because I decided na ipaksiw ko muna siya para lumabas ang lasa ng bangus.
Konting vinegar, onion, pepper, luya at salt lang nilagay ko. As much as possible ay koting sabaw lang para madali siyang magdry.
Tinignan ko ang audience na nacoconfuse na ginagawa ko but amoy na amoy na ang masarap na paksiw.
“Yuckkk what’s that smell?” Maarteng litanya ng katabi ko
Hindi ko nalang siya pianansin. Ipinaghalo ko ang, singkamas, carrot, celery, parley, onion, garlic at onion leaf sa blender para maging pino at puro sila.
Nang maubusan na nang sabaw ang paksiw ay pinatay ko na ito para palamigin saglit. Habang hinihintay ko pa ang paglamig ng isda ay gumawa muna ako ng isang masarap na sawsawan na babagay sa fish lumpia.
Pagkatapos kong gumawa ng sauce ay sinimulan ko nang durugin ang isda at pagkatapos ay hinalo sa blenender ko kanina.
Pagkatapos ko mahalo ay nilagyan ko ito ng isang itlog para mas lalo siyang maging malinamnam.
Then nagbalot na ako gamit ang wrapper at nang matapos ay sinunod ko na ang pag priprito.
Habang nagpriprito akk ay naririnig ko si Sandra na may binubulong. I think shes talking to someone gamit ang earpiece.
Mayamaya pa ay dumating narin ang parent niya kasama si Tatay Marcelo.
Base sa kilos ni Sandra ay masasabi ko na nahihirapan siya sa ginagawa niya. She look like a mess now. Walang organization.
Ang pagluluto kasi hindi yan kabasa basa lang ng recipe. Ang pagluluto ay dapat may halong pagmamahal.
You should love what you are doing. Magluto ka ng masaya para magwork ang sense of smell and taste mo.
You should also know the fundamentals of cooking. Wag palaging magbase sa nakalagay sa receipe dahil walang perfect na recipe.
Kailangan natin matutong magbalanse ng lasa dahil meron at meron talagang magiging error kung babase kalang literally sa recipe.
Ngayon ay judging time na. I made 20 pieces of lumpia na hinati hati for the audience and judges.
All I can say na mukhang nasarapan sila sa luto ko dahil lahat sila ay nakangiti at tumatango tango pa habang nilalasap ang linamnam ng fish lumpia ko.
Nagthumbs up pa sakin si Mama at Papa pati na sila Marco. Kaya kampante ako na masarap ang luto ko.
Ang importante ay magustuhan nila at hindi nabigo ang expectation nila.
The judge commented that dahil sa pagpaksiw ko sa bangus ay nagbigay ito ng kakaibang flavor sa lumpia at nagcomplement sa gulay na sahog at sa sauce.
Kaya nagpalakpakan ang mga tao.
Ngayon ay si Sandra na ang ijujudge and all I can say na chaka ang plating ng dish niya.
Its a buttered shrimp I guess. Nang tumikim ang judges at audience ay parang tumahimik ang lahat.
Yung iba ay hindi maipinta ang mukha. May mga naubo pa nga sa judges but after that ay ngumite sila ng napakaplastic.
I know na fake iyon dahil iba naman ang sinasabi ng mata nila.
Sabagay ano pa ba ang iniexpect ko dito dahil sakanila naman talaga ang school na to.
Sa huli ay si Sandra ang tinanghal na panalo but the reaction of the audience speak differently.
Wala din naman kami magagawa ang importante ay proud sina Mama at Papa sakin.
Kung ganyan nila itratrato palagi si Sandra, sinasabi ko hindi siya magiging isang magaling na mangluluto dahil hindi siya matututo kong hindi siga mag fifail.
Trial and Error ang cooking. Kailangan mong magkamali para makuha mo ang tamang lasa na gusto mo.
\---
06
Jamie
Pagkatapos ng cooking show ay dumeretso kami sa gymnasium dahil doon gaganapin ang main event ng school.
Kasama kong umupo sina Mama at Papa sa may harapan at sa may likod namin sina Nay Soling, Marco at Hernie.
May mga nag perform lang na mga talents, may roon ding mga studyante pero ang pinaka highlight ng event na ito ay ang maligayang kaarawan ni Gov. Migo.
Sabay kasi sa birthday niya ang foundation day nitong school kaya naka sanayan na for 20 years na dito niya dinadaos ang kanyang kaarawan.
“Magandang Umaga sainyo mga minamahal kong mga taga Villafuerte, at pati na rin sa mga bisita sa araw na ito ikinagagalak kong naparito kayo para makidiwang sa 20th Foundation Day nitong paaralan, at salamat na rin dahil sinamahan niyo ako sa isa sa pinakamahalagang araw sa buhay ko iyon ay ang aking kaarawan.” Wika ni Gov sa may stage.
Pagkatapos ng speech ni Gov ay nagsimula na ang totoong party. Maraming handang naka helera dito sa may gym kaya napakarami rin ng dumalo. Malaki-laki din kasi itong gym kaya kasya ang napakadaming tao rito.
“Marco hindi kaba doon sa Pamilya mo sasabay sa pagkain?” Tanong ko kay Marco na katabi ni Hernie at kumakain. Dito kasi siya sa table namin kaya nag-aalala ako at baka hinahanap sya.
“Wag kang mag-alala hindi yan nila mapapansin na hindi nila ako kasama.” Deretsong wika niya habang patuloy lang sa pagkain. Mukhang sanay na talaga sya na parang multo lang sya sa bahay nila.
“Mahal, sa banyo muna amo.” Paalam ni Mama kay Papa.
“Samahan na kita.” Akmang tatayo na si Papa pero pinigilan siya ni Mama.
“Ano kaba kumain kalang dyan.” Kaya walang nagawa si Papa kumdi ang bumalik sa pag upo.
\---
Rose Acosta
Dumeretso lang ako sa may CR nitong gym, pagkapasok ko ay saktong walang tao kaya kaagad akong umihi. Pero pagkalabas ko ay syang pagkagukat ko dahil hindi na ako nag iisa sa loob.
“G-gov? C-CR po ito ng mga babae.” Kinakabahan kong turan kay Gov.
“Gov? A-anong ginagawa niyo? Gov!” Sigaw ko nang lunapit siya sa akin at sabay hawak sa palapulsohan ko.
“Gov wag po! Gov maawa po kayo! Gov!” Nagpupumiglas ako nang paulanan niya ako ng mga halik sa leeg at pinipilit niyang halikan ang mga labi ko.
“Wag Gov! Tulong! Ahhhhhh Gov wag po!” Sigaw ko nang simulan niya akong hubaran ng pang itaas. Hindi ko magawang lumaban dahil mas malaki sya saakin kaya ang tanging nagawa ko lang ay ang sumigaw ng tulong.
BOOGSHHH!
Huminto si Gov nang may narinig kaming pagkahulog ng isang paso ng halaman. Binitawan niya ako atsaka lumabas ng CR para tignan kung sino yun. Kaya nagkaroon ako ng oras para tumakas sakanya at dali-dali akong tumakbo palabas at bumalik sa upuan ko.
Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumapit dahil tiyak na magkakagulo pag nakita akong ganito ni Roy.
“Ohh, andiyan ka napala? Ang tagal mo ah?” Tanong kaagad ni Roy nang makaupo ako.
“Ah nag bawas lang hehehe.” Pagsisinungaling ko at saka ko lang napansin na nagpasa pala ang pagkakahawak ni Gov sa wrist ko kaya kaagad ko itong itinago sa ilalim ng mesa para hindi nila mapansin.
\---
Jamie
Hapon na nang matapos ang event kaya pagkauwi namin ay bagsak kaagad ako sa kwarto dahil na rin sa pagod.
Gabi na nang maalimpungatan ako dahil sa mga ingay na naririnig ko sa labas. Mukhang nag-aaway nanaman si Papa at Mama.
“Rose kanina pa ako nagtanong sa’yo sumagot ka naman! Saan galing iyang mga pasa mo sa kamay pati narin sa may leeg?” Sigaw na tanong ni Papa. Napano kaya si Mama?
“Mama okay ka lang?” Napalingon naman sila sa akin.
“Anak, Jamie pumasok ka muna sa kwarto mo at may pinag-uusapan kami ng mama mo.” Mahinahon na saad ni Papa pero alam kong galit sya kaya sumunod kaagad ako at bumalik sa kwarto.
“Ano kayang pinag-uusapan nila?” Wika ko sa sarili ko. Hindi ko na tuloy marinig dahil parang humina ang mga boses nila. Hinayaan ko nalang at bumalik sa paghiga at nagmuni muni habang nakatingin sa kisame.
Boogsh!
“Ano?” Napabalikwas ako dahil sa kalabog na narinig ko sa labas sabay ng sigaw ni Papa na ‘Ano?’ kaya lumabas ako para sumilip.
“Papa, tama na po!” Kaagad akong lumapit para yakapin si Papa dahil pinaghahampas niya ang upuan sa may pader habang si Mama naman ay umiiyak na.
“Mga walanghiya sila! Ididimanda ko sila!” Galit at pasigaw na sabi ni Papa pagkatapos ay binitahan na niya ang nagkapira-pirasong upuan.
\---
07
Roy Acosta
Kinabukasan
“Mahal wag mo nang ituloy please at baka mapano kalang.” Wika ni Rose habang nasa hapag kami.
“Oo na mahal.” Pero ang totoo ay nag-aapoy talaga ako sa galit. Mga walanghiya at asawa ko pa talaga ang kinanti ng hayop na gobernor na yun.
“Kilala kita Roy, please maniwala ka nalang saakin. Okay lang ako.” Nag-aalalang sabi uli ni Rose sabay hawak ng mahigpit sa kamay ko. Pero kaagad ko itong binawi kasi alam kong hindi ko iyon maipapangako.
Hindi na kami pa nagkibuan hanggang sa matapos kaming kumain at magprepare para sa pagpasok namin sa kanya-kanya naming mga trabaho.
“Mauna na kami, Mahal.” Pagpapaalam ko nang maihatid namin si Rose sa karenderya niya.
“Ingat kayo sa byahe.” Wika naman ni Rose sabay halik saakin sa labi at kay Jamie sa noo.
“Bye, Mama.” Kumakaway naman na paalam ni Jamie sa bintana ng kotse ko.
Pagkahatid ko kay Jamie sa school ay kaagad akong dumeretso sa office ko at hinalungkat ang mga kasong naibasura mula kay Gov.
Laking gulat ko nang macompile ko ang lahat ng kasong reklamo sakanya ay puro mga panghahalay kaya naman nag init nanaman ang dugo ko dahil doon.
Sumapit ang hapon na hindi parin humuhupa ang galit ko. Wala akong nagawa kundi ang umalis nalang upang sunduin ang anak ko. Pero kapagminamalas ka nga naman ay nakita ko si Gov na may kahalikan then kaagad silang naghiwalay tapos sumakay na siya sa kotse niya.
Ayaw ko na sanang makigulo pa kasi bilin iyon ng misis ko pero mas lalo lang uminit ang galit ko sakanya nang makita ko siya. Tinext ko si Jamie na mag commute nalang at inikot ko ang kotse ko upang sundan siya.
Nang humito ito sa bahay nila. Kaagad akong bumaba at sinugod si Gov at pinasusuntok.
“Hoyyy anong ginagawa mo? Guards awatin niyo sila!” Sigaw ni Mayora kaya naman ay inawat kami ng mga guards.
“Anong nangyayari rito???” Galit na tanong ni Senator.
“Eh yang manugang niyo kinakanti ang asawa ko! Tapos kanina nakita ko na nakikipaghalikan sa ibang babae! Baboy yang hayop na yan!” Sigaw ko pa.
“Shhh shhh! Kumalma muna kayo! Dito na matin yan pag-usapan sa loob.” At kaagad na Pinapasok kami ni Mayora.
Lukot man ang damit ko at madumi ay walang kahiya-hiya akong umupo doon sa sofa nila.
“Mukhang mabigat iyang paratang mo ah? May ebidensiya ka ba?” Kaagad na tanong ni Tatay Marcelo.
“Syempre po!” Confident kong sabi habang hinihingal pa siguro ay dahil sa pagod at galit na rin.
“Ohh kumalma ka muna eto tsaa!” At kaagad ko iyong tinanggap.
“Kung may solido kang ebidensiya edi sa korte na natin to pag-usapan bukas.” Wika pa ni Tatay Marcelo habang masama ang tinginan namin ng baboy na governador na iyon.
“Siya ipagpabukas na natin to. Yung kalmado na tayo.” Wika pa ni Mayor. Ininom ko muna ang tsaa at kaagad na umalis na at hindi na nag-abalang magpaalam.
Habang nagmamaneho ako ay parang nakakaramdam ako ng pagikot ng paningin ko. Kaya naman kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko ang asawa ko.
“Mahal! Mahal na mahal kita lagi mo iyang tatandaan! Mahal na mahal ko kayo ni Jamie” Sigaw ko at nagpagewang-gewang ang kotse ko at pinilit na ipreno ngunit hindi iyon gumana hanggang sa bumangga ako sa kasalubong kong truck bago ako lamunin ng kadiliman.
\---
Rose Acosta
“Condolence, po sa nangyari sa asawa mo.” Kaagad na bati ng mga Villafuerte nang makapasok sila sa bahay kaya naman umapaw ang dugo ko papunta sa ulo ko.
“At nakuha niyo pa talagang pumunta rito! Pinatay niyo ang asawa ko! Mamatay tao kayo! Galing ang asawa ko sainyo bago siya maaksidente! At drunk driving? Hindi umiinom ang asawa ko!” Sigaw ko sa kanila kaya napaatras sila at pinababato sila ng funeral flowers.
Wala silang nagawa kundi ang umalis dahil pinagtitinginan sila ng mga tao.
\---
Jamie
“Anak lagi mong dadalhin ang librong ito ha. Wag na wag mo itong kakalimutan. Pamana saatin yan ng lola mo okay?” Napatango nalang ako at niyakap ang umiiyak na si Mama.
Isang linggo na simula nang mawala si Papa at hindi parin ang sisink-in sa utak ko na hindi ma namin makikita pa si Papa.
“Siya pumasok kana anak.” Yumakap akong muli kay Mama bago umalis sa bahay.
Nagabihan pa ako ng uwi dahil aa dami ng mga ginawa ko sa school at isa pa dumami rin ang nambubully saakin simula nang magkaroon ng lamat ang pamilya namin at ang pamilya Villafuerte.
Pakiramdam ko ay kaaway ako ng lahat ng studyante sa paaralan ko except kina Marco at Hernie.
Nang hawkan ko ang pinto ay kusa itong bumukas kaya nagulat ako. Nang makapasok ako ay mas lalong lumaki ang mga mata ko dahil nagkalat ang mga gamit sa bahay na para bang ninakawan kami o may bagyong dumaan sa bahay namin.
“Ma?” Tawag ko kay mama at dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto nila ni Papa perp wala sya don. Sinunod ko naman ang kwarto ko at wala rin siya don.
Then binuksan ko naman ang pinto ng cr pero wala parin siya doon kaya naman ay kinabahan ako.
Naalala ko tuloy ang bilin ni Mama kaya naman kinuha ko ang librong nakatago sa secret compartment at niyakap iyon at dahan-dahang tinungo ang likdo bahay.
Habang papalabas ako ay may naririnig akong boses ng babaeng nahihirapan kaya naman nangatog ang tuhod ko sa takod pero tinapangan ko hanggang sa napunta ako sa tapat ng bodega namin.
“Nasaan na ang libro?” Sigaw ng lalake habang dinadaganan niya ang hubo’t hubad na si Mama.
“Mama??” Sigaw ko nang makita ko sila. Kaya naman napatingin ang duguan at maraming pasa na mukha ni Mama dahil sa bugbog.
“Nooo! Anak takbo!” Sigaw ni Mama kaya naman ay natauhan ako at kaagad na kumaripas ng takbo nang hahabulin na sana ako ng lalake pero nahawakan ni Mama ang Papa neto kaya nadala eto.
Kitang kita ko pang tinadyakan niya si Mama sa mukha pero ininda lang iyon ni Mama para lang makatakbo ako.
Tulo luha at takot na takot akong kumaripas ng takbo papasok sa masukal na gubat sa likod bahay namin.
Nagkanda sugat-sugat pa ako dahil nadapa ako at natamaan ng ilang matutulis na sanga pero kaagad akong tumayo at pinaglatuloy ang pagtakbo kahit pa wala na akong sapin sa paa.
Bang! Bang! Bang!
“Mamaa!” Sigaw ko at tumakbo pabalik upang puntahan si Mama pero hindi pa naman nangangalahati ang tinatakbo kong kumpara kanina ay nakasalubong ko ang lalake.
Bang!
Binaril niya ako pero nakailag ako. Kaya wala akong nagawa kundi ang umalis at tumakbo papalayo at abandonahin si Mama.
Binilisan nag binilisan ko ang pagtakbo hanggang sa marating ko ang kalsada.
Pumagita ako doon at saktong may paparating na kotse kaya hinarang ko iyon.
“Please tulongan niyo ako! Please umalis na tayo! Please!” Pagmamakaawa ko ng bumaba ang dalawang siguro nasa teenage or early twenties ang edad nila.
“Halika bilis!” Mukhang na intindihan kaagad nila ang pagiging deseperado kong makaalis doon, idagdag pa ang madungis at sugatan kong katawan.
“Bata sino ka ba? Tanong nong isa.
“Ako po si Jamie please lumayo na po tayo!”
“Ako naman si Rayver. At wag kang mag-alala at nakaalis na tayo.”
“At ako naman si Rocco.” Sabat naman noong lalakeng nagmamaneho ng kotse.
“Talaga po?” Hindi ko makapaniwalng tanong kasi nawala na talaga sa isip kong umaandar kami.
“Ano ba kasing nangyari sayo?”
Hindi ko na nasagot ang tanong nila dahil kaagad akong nawalan ng malay nang malaman kong nakaalis na kami.
\---
