loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
The Bully Next Door (Next Door Series #2)

The Bully Next Door (Next Door Series #2)

jvxrodriguez · 36 chapters · 112,166 words

The Bully Next Door

This is a BL novel.

Content Warning: This book contains mature themes, including explicit sex scenes, sex references, sexual assault, dirty jokes, strong language, profanity, violence, domestic abuse, misogyny, bullying, homophobia, mentions of suicide, and other potentially distressing material. Reader discretion is advised.

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved. No part of this book may be reproduced or used in any manner without the prior written permission of the copyright owner, except for the use of brief quotations.

This book is not affiliated with the Philippine Military Academy. The views and opinions expressed in this book are those of the author and do not necessarily reflect the official policy or position of any agency of the Philippine government. Any content provided by the author is of their opinion and is not intended to malign any religion, ethnic group, club, organization, company, individual, or anyone or anything.

This book uses the military time format (24-hour clock) for particular time references.


NEXT DOOR SERIES

#1: The Playboy Next Door

#2:

The Bully Next Door

#3: The Daddy Next Door

While you can read the stories in any order, for a better reading experience and to avoid spoilers, I recommend reading the books in the series chronologically.

Chapter 1

May isang pangalan sa campus na kinatatakutan ng mga estudyante: Duke Montemayor.

Sabi nila, kapag nakita mo raw ito, kailangan mong yumuko. Walang mata ang makatingin nang diretso rito. Kung bakit? Panigurado ay ikaw raw ang pag-iinitan nito kapag hindi ka natipuhan. At kahit mahirap na ang buhay sa loob ng military academy sa simula pa lang, mas lalo nitong pahihirapan ang ilang taon ng pananatili mo rito.

“It is the destiny of the weak to be devoured by the strong,”

ito ang paboritong kasabihan ni Dad.

Bata pa lang kami, palagi niya nang pinaaalala sa ’min ni Kuya ang sistema ng mundo—kung paano ito tumatakbo. Between the weak and the strong, he was the strong one. Kaya nga siya nasa posisyon niya ngayon—isang heneral. At gusto niyang sumunod ang dalawa niyang anak na lalake sa yapak niya. Ang kaso, bumigay ang panganay niyang anak. Kaya ngayon, ako na lang ang natitira niyang pag-asa. Pero hindi ako katulad ni Kuya. Hindi ako mahina. At hinding-hindi ako magpapalamon sa isang tulad ni Duke.

Payapa naman ang naging unang buwan ko sa military academy. Noon pa lang, inihanda ko na ang sarili ko bago pa man ako pumasok dito. Madalas akong magbuhat kahit no’ng high school pa lang. Batak ang katawan. Oo, mas guwapo si Kuya—kahit pareho lang kaming maputi dahil may dugong Chinese—pero mas makisig naman ako sa ’ming dalawa at mas matangkad ako ng tatlong pulgada. Kaya nga lapitin ako ng chicks. Na-set na ni Kuya ang expectations ko sa kung anong mga dapat kong asahan dito sa military academy. Kaya naman, hindi ako nanibago sa matinding training, hindi tulad ng mga kasabayan ko.

Aaminin ko, medyo nalungkot ako no’ng mga unang gabi. Wala kasing uwian kapag pumasok ka na sa military academy, liban na lang kung matagal ka na rito. Bawal din ang cellphone. Panay tuloy ako kaiisip kung kamusta na si Mom. Huling kita ko sa kaniya ay no’ng Reception Rites pa namin. Pinanood niya kaming mga plebo (tawag sa freshmen students) sa may field habang dinidisiplina sa unang araw namin. Kita ko sa mukha niya ang pag-aalala, kaya pinakita ko rin sa kaniya na kaya ko at alam ko kung ano ang pinasok ko. Marahil ay naalala lang niya ang nangyari kay Kuya at natakot na baka ay matulad ako rito. At kamusta naman kaya si Kuya? Huling kita ko sa kaniya ay nang palayasin siya ni Dad sa bahay. Puro pasa ang katawan niya at nagsusugat din ang mga labi nang umuwi siya galing dito sa academy. Pero dinagdagan pa ito ni Dad nang malaman nitong hindi siya tunay na lalake.

Napapawi rin naman ang lungkot ko tuwing nakakakuwentuhan ko ang mga kasama ko sa barracks. Apat kami sa iisang barracks na matatagpuan sa dulo ng first floor. Sa loob ng kuwarto ay may dalawang double-deck na bunk bed: isa sa kaliwa at isa naman sa kanan pagbukas mo ng pinto. Sa may dulo ng kuwarto ay may magkabilaan ding cabinets: dalawang magkadikit sa kaliwa at gano’n din sa kanan. Sa gitnang dulo matatagpuan ang bintana kung saan abot-tanaw ang gubat. Sabi nila, may lawa raw sa gitna ng gubat, bagay na mga first-class cadet o fourth-year students lang ang nakakakita. Wala nga yatang pumupunta roon dahil may sabi-sabing may nagpakamatay raw na estudyante roon dati.

Sa tatlo kong roommates, si Harry ang pinakamalamya. Moreno at may nunal sa pisngi. Madalas itong matumba tuwing tumatakbo kami sa umaga. Kapag sabay-sabay din kaming nagbibihis ay madalas ko itong napapansin na sumusulyap sa natutulog kong pagkalalake. O baka namamalikmata lang ako dahil nakasalamin ito.

Si Mark naman ang malusog kong roommate. Madalas itong magdaing tungkol sa pagkain sa mess hall pati na rin sa routine namin. Wala raw kasing lasa, at hindi raw ito makakain nang maayos dahil bawat subo namin ay may bilang.

Si Joseph ang kabaliktaran ni Mark. Patpatin ang katawan at parang isang ihip lang ng hangin ay matutumba na. Palibhasa kasi jakolero. At ang malas ko lang dahil magkahati kami sa iisang bunk bed sa kaliwang bahagi ng kuwarto. Madalas itong magsarili tuwing patulog na kami. Pampakalma raw. Okay lang sana. Ang kaso, sa upper bunk ako nakahiga. Damang-dama ko ang bawat yugyog nito sa ilalim.

Nagsimulang magbago ang lahat nang matapos na ang R&R leave ng mga first at second-class cadet—panahon kung kailan maaari silang lumabas ng campus at magliwaliw. Ang dating tahimik at bakanteng barracks sa third at fourth floor ng Annex A Building, kung saan kami nanunuluyan, ay biglang nagkabuhay. Hanggang sa sumapit ang gabing hindi namin inaasahan…

Nasa kalagitnaan ako ng tulog nang maramdaman kong umuuga na naman ang bunk bed. Nang maisip kong baka si Joseph lang ang may kagagawan nito ay hindi ko na lang ito pinansin. Bumalik ako sa pagkakahimbing.

“Jax,” malumanay na boses ni Harry. Dahil sa kasarapan ng tulog ay hindi ko rin siya pinansin.

Mga ilang sandali pa nang biglang lumakas ang pagyugyog sa kama.

“Joseph, bukas na yan,” nanghihina kong sabi. Hindi pa rin ako nagmulat kahit naiirita na.

Mas lalong tumindi ang pagyugyog sa kama. Wala namang babae rito sa building—hiwalay ang building nila—kaya imposibleng may kasiping si Joseph sa ilalim para gumawa ng ganito kalakas na yugyog. At isa pa, hindi rin naman siya habulin ng babae—ako ’yon. At idagdag pa ang katotohanang hindi puwedeng may mangyari sa mga estudyante rito.

“Jaxon!” Naalimpungatan ako sa malakas na pagtawag ni Joseph sa pangalan ko.

Pagmulat ko, unang bumungad ang pader na kadikit ng kama. Madilim pa ang paligid. Dahil malabo pa ang paningin ko, kinapa ko sa gilid ng unan ko ang hinubad kong relo bago matulog kanina, saka mariing tiningnan ang oras. Mukhang 2355 pa lang. Masyado pang malalim ang gabi.

“Ano ba ’yon, Joseph?” irita kong tanong.

Bumaliktad ako ng pagkakahiga. Sa unti-unting paglinaw ng paningin ko ay tumambad sa ’kin sina Joseph, Mark, at Harry na nakatayo sa dulo ng kuwarto, nakayuko.

“Ano, gising ka na ba?!” boses ng hindi pamilyar na lalake na nanggaling sa ilalim. “Ang himbing ng tulog mo, ah!”

Pagsilip ko sa ilalim ay may dalawang lalakeng nakahawak sa magkabilang haligi ng bunk bed. Mukhang sila ang sumira ng tulog ko. Agad naman akong napabangon sa kama. Medyo malabo pa ang pag-iisip ko, hindi alam kung anong nangyayari. Ang alam ko, wala naman kaming training nang ganito ka-late. Mamayang 0430 pa ang simula ng routine namin. At sino ba ’tong dalawang mokong na ’to?! Madalas ay drill sergeant ang gumigising sa ’min, hindi mga buddy  (bansag sa mga second-year student na siyang gumagabay sa ’ming mga plebo o freshmen students).

Tinutukan ako ng tactical flashlight ng buddy na malapit sa nakabukas na pintuan ng barracks namin. “O, ano pang hinihintay mo?! Gusto mo ba kaming idamay sa katangahan mo?!”

Itinutok naman ng isa pang buddy sa kaliwa ang flashlight nito sa tatlo kong roommates na mukhang takot na takot doon sa dulo malapit sa binta. “O, ano, pati kayo rin ba tatanga-tanga?! Ano pang hinihintay n’yo?! Labas na!”

Lumabas na ang dalawang buddies na sinundan din naman ng mga roommate ko.

“Pst, Jaxon!” ani Joseph nang mapadaan sa gitna ng dalawang bunk beds. Sumenyas siya na bumaba na ako, na ginawa ko rin naman.

“Anong meron?” Napakamot ako sa noo at pinunasan ang natuyong laway sa bibig. Naglinis din ako ng mga mata. Pagkababa ko, sumunod ako kay Harry na nasa hulihan. Nakahawak siya sa likod ng sando ni Mark, mukhang natatakot.

“Initiation Night daw, Jax,” tugon ni Harry.

Kumunot ang noo ko. “Ano?”

Nang makalabas kami ng barracks ay tuluyan nang nagising ang diwa ko sa sunod na tumambad sa ’kin. Mula sa puwesto namin papunta sa pinakadulo—sa may bandang entrance ng building—ay makikitang may mga kadeteng nagtitipon sa labas ng bawat kuwarto sa may hallway. Mayroong sampung kuwarto sa bawat floor ng building na ito, bale limang magkakaharap sa isa’t isa. Lahat ng plebong nasa labas ay nakatayo sa harap ng bawat kuwarto pahilera, magkakaharap din. Mukhang nagtataka rin ang mga ito sa nangyayari tulad naming apat na kalalabas pa lang ng lungga. At tulad din namin ay nakadamit-pantulog pa sila (mga naka-sando at shorts o boxer).

Madilim sana ang hallway kung hindi lang dahil sa liwanag na nanggagaling sa flashlights ng mga nakatayong buddy. Dalawang buddies ang nakatayo sa magkabilaan ng bawat apat na plebo sa gitna. Lahat ng buddies ay naka-army combat uniform. Mukhang sila lang yata ang may alam sa nangyayari. Palibhasa tumagal na ng isang taon dito.

“O, ano pang tinatayo-tayo n’yo riyan?!” sigaw ng isa sa mga buddy na bumulahaw sa tulog ko kanina lang. “Pumuwesto na kayo!”

Tiningnan ko ito nang masama. Inis pa rin ako sa ginawa nila. At mas lalo akong nainis sa itsura nito. Ito ’yong tipo ng tao na wala pa ngang ginagawa, eh, parang masarap nang suntukin sa mukha. Marami na akong nasuntok na ganito dati.

Tulad ng mga plebong nakatayo sa barracks na katapat ng amin, pumuwesto na rin kami isa-isa habang nakaharap sa kanila. Nakapuwesto ako sa bandang dulo, sa harap ng pintuan ng barracks namin. Sa kaliwa ko ay nakatayo ang buddy na masarap suntukin. Sa kanan ko naman ay nakapuwesto si Harry, tila nanginginig. Sa kanan niya naman ay si Joseph na kumakamot sa betlog. Sunod ay si Mark na nakahawak sa tiyan. At sumunod kay Mark ay ang isa pa sa mga buddy na yumugyog sa bunk bed namin kanina.

“Puwedeng malaman kung anong meron?” seryoso kong tanong sa katabi kong buddy. “May training ba ngayon?”

Tumingin ito sa relo nito at tila walang narinig. “Malapit nang magsimula,” anito. Inilawan nito ng flashlight ang buddy sa tabi ni Mark. “Corpuz!”

Tumango naman ang tinawag nitong Corpuz at sumigaw ng, “Attention!”

Umabot ang boses nito hanggang sa dulo ng entrance ng hallway. Sa isang iglap ay biglang tumuwid ang tindig ng lahat ng buddies na nagbabantay sa mga plebo at inilagay ang mga kamay sa likuran. Dahil walang ka-ide-ideya sa nangyayari ay kusang napagaya ang mga plebo sa mga buddy, luminga-linga. Nasanay na rin kasing sumusunod ang mga plebo sa mga nakatataas kaya naging habit na. Hanggang sa naging maayos na ang lahat. Nawala na ang mga bulung-bulungan at animo’y walang tao sa building dahil sa labis na katahimikan. Tanging ang mga tunog ng kuliglig lamang sa gubat ang maririnig.

Paglipas ng halos isang minuto ay may tatlong lalakeng dumating sa entrance ng hallway—isang matangkad sa gitna, isa sa kanan, at isa naman sa kaliwa. Dahil madilim ang paligid, tanging silweta lamang ng mga katawan nila ang makikita mula sa liwanag na nanggagaling sa labas ng building. Ramdam kong nagpipigil ng hininga ang plebong nakatayo sa tapat ko. Gano’n din ang ilan sa mga kasama nito. O marahil, halos lahat sila, maging ang mga buddy. Si Harry naman ay mas lalong tumindi ang panginginig sa bawat yabag na gawa ng tatlong lalake. Ako lang yata ang naglakas-loob na tumingin sa mga ito.

“Magandang gabi!” panimula ng lalake sa kanan sa maangas na boses. “Marahil ay nagtataka kayo o naguguluhan sa nangyayari. Lahat naman dumaan sa ganito. Kung may mga kakilala kayong sundalo, tandaan n’yong dito rin sila nanggaling, at ito ang bumuo sa pagkatao nila.”

Naglakad ang mga ito at sinuri ang mukha ng bawat kadeteng nakahilera.

“Pero bago tayo magsimula,” tuloy ng lalake sa kanan, “ngayon pa lang, dapat itatak n’yo na sa kokote n’yo ’to: What you see, what you hear, what you feel, when you leave, leave it here. Sa madaling salita, walang makalalabas sa lahat ng magaganap dito…”

Initiation Night.

Hindi ito naikuwento sa ’kin ni Kuya. O baka ay hindi niya talaga tinangkang sabihin sa ’kin dahil sa military secrecy —code ng army na hindi puwedeng lumabas ang lahat ng nangyayari sa loob. Sinong mag-aakala na hanggang labas ng campus ay may pabaon pa rin silang takot sa mga kadete? Kung sa bagay, pagka-graduate ay mag-a-apply pa rin naman ang sistema. Kung sino ang mga nasa itaas ngayon pa lang, sila pa rin ang mananatiling nasa itaas pagdating sa totoong buhay, pagkatapos ng apat na taon sa academy. At kung sino naman ang mga nasa ibaba ay mananatiling nasa ibaba. O ’di naman kaya ay susuko. Tulad ni Kuya.

“Simula ngayong gabi, kalimutan n’yo na kung saan kayo nanggaling, kung ano ang estado n’yo sa buhay, at kung ano ang katungkulan ng kahit sinong miyembro ng pamilya n’yo,” sabi naman ng lalake sa kaliwa sa mas maangas pang boses. “Dahil simula ngayong gabi, hindi na kayo ang dating kayo. Lahat kayo ay pantay-pantay. Lahat kayo ay nasa ilalim! Tandaan n’yo, kayong lahat, mga hamak na plebo at yearlings lamang! Mga fourth at third-class cadet!”

Dumura ito sa paa ng isa sa mga buddy na nakatindig. Naaninag kong nanlaki ang mga mata ng buddy ngunit hindi ito nakaangal. Bagkus ay mas lalo itong napayuko nang titigan ng lalakeng nagsasalita. Sanay na siguro itong magsunud-sunuran.

“Ngayon pa lang, kailangan n’yo nang tandaan ang lugar n’yo!” tuloy ng lalake sa kaliwa. “Kailangan n’yo nang tandaan kung sino ang mga mas nakakaangat sa inyo! At kami ’yon! Kami!” Napaturo ito sa sarili. “Kami ang pagsisilbihan n’yo hangga’t nananatili kayo rito! Kami ang susundin n’yo kahit na anong utos pa man ang ibigay namin sa inyo! Kami ang diyos n’yo, at lahat ng sasabihin namin ay pakikinggan n’yo, susundin n’yo! Hindi puwedeng humindi! Alam n’yo naman kung anong kapalit ng pagsuway, hindi ba?! Kaparusahan! Naiintindihan n’yo ba?!”

“Sir, yes, Sir!” sabay-sabay na bigkas ng mga buddy at plebo liban sa ’kin.

Napansin ng buddy sa kaliwa ko na hindi ako nakatindig at hindi sumusunod kanina pa, kaya nagsalita ito nang pabulong. “Ikaw, umayos ka. ’Pag ako nadamay sa ginagawa mo—”

“Huwag mo ’kong utusan,” pabulong ko ring sabi sa malalim na boses. “Narinig mo ba ang sinabi nila? Sila ang diyos dito, hindi ikaw. Kaya hindi ikaw ang susundin ko.”

Napansin kong nanlaki ang dati nang malalaking mga butas ng ilong ng buddy sa kaliwa ko at napakuyom ang kamao nito sa likuran. Umawang ang bibig nito ngunit walang salitang lumabas mula rito. Hindi ito makabawi. At hindi rin naman ako nito puwedeng sigawan, kung hindi, magagambala nito ang pananalita ng mas nakatataas sa amin doon sa unahan.

Tuloy lang sa paglalakad ang tatlong lalake sa unahan, hanggang sa makarating na sila sa may bandang gitna, sa may bandang hagdanan kung saan din matatagpuan ang CR. Ang dating mga silweta nilang katawan ay unti-unting nagkaroon ng kulay at anyo sa paningin naming mga nasa dulong bahagi ng hallway.

Umabante na ngayon ang lalake sa gitna at nagsalita. “Kung sinuman sa inyo ang mahuhuling magsusumbong ay makakatikim mismo sa ’kin.” Buong-buo ang boses nito at hindi na kailangan pang sumigaw para magkaroon ng awtoridad, hindi tulad ng lalake sa kanan at kaliwa. Ang mga nadadaanan din nitong plebo at buddies ay napapayuko kahit hindi naman dinidiktahan. Nagmistula itong hari. At nagmistula ring alalay ang dalawang kadeteng nakasunod dito na kanina lang ay ubod ng tapang ang boses. Ang mga plebo at buddies naman ay nagmistulang mga alipin nito. “At sinasabi ko sa inyo, hindi n’yo gugustuhing makatikim sa ’kin…”

Nang makaabot na ito sa may barracks namin ay mas lalong naging malinaw sa paningin ko ang lahat—lalong-lalo na ang itsura nito. Nakapomada pataas ang buhok nito, may katamtamang lago ang mga kilay, matalas ang mga mata, matulis ang ilong, at makakapal ang mga labi. Hulmado rin sa mukha ang panga nitong mas lalong nagpapaangat at nagpapatapang sa itsura nito. Moreno. Aaminin ko, may dating. Pero tingin ko ay mas may dating ako. Ang tanging lamang lang nito ay mas matangkad ito sa ’kin. Bagaman ay nakasuot ito ng army combat uniform ay mapapansin pa rin ang kakisigan nito dahil sa laki ng mga bisig at kapal ng balikat. Sa parteng dibdib ng uniporme nito ay may nakaburdang name tag kung saan nakasulat ang apelyido nito: Montemayor.

Habang nagsasalita ito sa harapan ng buddy sa tabi ni Mark ay kita kong nakatitig ito sa direksyon ko—sa mga mata ko na nakatitig din sa mga mata nito. Nilulunod namin sa titig ang isa’t isa.

Sa wakas, nagkita na rin kami. Ang taong nanakit sa kuya ko noon, nasa harapan ko na ngayon. At sa puntong ito, isang bagay lang ang tumatakbo sa isip ko…

Lalamunin ko siya nang buo.

Chapter 2

Trigger Warning:

Bullying, Body Shaming, Homophobia

Tuloy pa rin sa pagtitig sa ’kin ang matangkad na lalake sa gitna habang nagsasalita. Marahil ay nagtataka ito kung bakit sa lahat ng mga plebo at buddy ay ako lang ang nagtangkang tumingin sa mukha nito nang diretso. Kita kong parang gusto ako nitong lapitan, at suntukin, o sikmuraan. Ngunit nang malampasan na nilang tatlo si Mark ay saka naman tumunog ang sikmura niya—isang malakas na tunog. Naagaw ni Mark ang atensyon ng lahat. Ang mga nakayukong plebo at buddy ay nagsitinginan sa direksyon niya, maging ako at ang mga katabi ko.

Napayuko si Mark. Sa puntong ito ay nangangatal na siya, lalo pa’t nang balikan siya ng tatlong lalake.

Lumapit kay Mark ang isa sa tatlong lalake—’yong lalakeng dumura kanina—at tiningan siya nito mula ulo hanggang paa. “Apelyido?” may angas nitong tanong sa kaniya, nagtaas ng baba at ngumiwi.

“R-R-Ro…” Kinusot ni Mark ang gilid ng sando niya. Hindi siya makatingin nang diretso sa lalake. “R-Rosales~” Nasinok pa nga siya. “Rosales, Sir.” At muli ay tumunog na naman ang makalam niyang tiyan, na agad din naman niyang tinakpan gamit ang kamay.

“Rosales!” sigaw ng lalake. “Kamay sa likod!”

“S-Sir!” Agad na ibinalik ni Mark ang kamay niya sa likuran at sinubukang ituwid ang tindig.

“Nagugutom ka ba, Rosales?” seryosong tanong ng lalake.

Marahang umangat ang tingin ni Mark sa lalake. “Sir?”

Nagtaas ng boses ang lalake. “Nagugutom ka ba?! Oo o hindi?!”

Hindi makasagot si Mark. Lumingon siya sa direksyon naming mga ka-barracks niya, marahil ay naghahanap ng kakampi. Kahit kami ay hindi rin alam kung paano sasagutin ang tanong. Kung oo, anong mangyayari? Kung hindi, palalampasin na lang ba nila ang lahat?

“Sagot!” Buong-buo ang boses ng lalake kaya umalingawngaw ito sa malawak at mahabang hallway.

Mas lalong nabalot ng takot ang mga nakahilerang kadete.

“Sir, no, Sir!” Pumikit si Mark nang sabihin niya ito.

“Good,” saad ng lalake sa mahinahon nang boses. Umatras na ito.

Marahang dumilat si Mark, inakalang okay na ang lahat. ’Yon din ang akala namin. Mga ilang saglit pa nang biglang bumuwelo ang lalake at nagpakawala ng isang malakas na suntok sa malaking tiyan ni Mark.

Agad na napahawak sa tiyan si Mark at namilipit sa sakit. Tikom-bibig niyang ininda ang sakit, nangasim ang mukha, at ngayon ay hindi na makatayo nang tuwid.

Aabante na sana ako mula sa kinatatayuan ko para suntukin ang walang-hiyang gago na lalakeng ’yon, kaso pinigilan ako sa braso ng isa pang gagong buddy na katabi ko. Umiling-iling ito, na parang sinasabing huwag akong mangialam. Wala akong ibang nagawa kundi panooring nasasaktan ang walang kalaban-laban kong roommate.

“Ngayon, busog ka na,” ang sabi ng lalakeng nanuntok kay Mark. Ngumisi ito.

Nagkuyom ako ng kamao sa likuran ko. Kung tutulong ako, tiyak na ako naman ang pag-iinitan nila. Ano bang dapat kong gawin? Hindi ko naman inakalang mangyayari ’to. Naaawa ako kay Mark. Sana makalagpas na sila sa kaniya.

“O, kaya naman pala mataba ’yang si Rosales, eh,” singit ng isa pa sa tatlong lalake, ’yong pinaka-unang nagsalita kanina, “kinain ba naman lahat ng pagkain.” Lumapit ito kay Joseph. “Kaya siguro payatot ’tong isa.”

’Lang hiya! Hindi pa pala sila tapos! Mukhang buong barracks ko ang mapag-iinitan ngayong gabi, ah.

“Apelyido?” tanong ng lalake kay Joseph.

Sinubukan ni Joseph na magmukhang matapang. Tumindig siya at inangat ang mukha mula sa pagkakayuko. Okay na sana, eh, kaso nasira ang lahat nang sabihin niya ang apelyido niya, “Durat, Sir.”

“Ano?” Kumunot ang noo ng lalake. “Burat?”

Nagsitawanan ang mga kadete sa unahan. Kaming mga ka-barracks lang yata ni Joseph ang hindi natawa. Noong una pa lang kasi ay lagi na namin siyang inaasar sa apelyido niya, at kinalaunan ay nagsawa rin. Napangisi naman ang matangkad na lalake, si Montemayor, mukhang pinipigilan na lumabas ang totoong emosyon.

“No, Sir!” paninindigan ni Joseph. Ang mga mata niya’y nakatingin lagpas sa ulo ng lalake. “Durat po ang apelyido ko, Sir!”

Humina na ang mga tawanan, at muling bumalik ang tensyon sa hallway.

“Anong sabi mo?!” Napintahan ng inis ang mukha ng lalake. “Ibig sabihin ba nito, kinakalaban mo ’ko?!”

Kumurap-kurap si Joseph. Mukhang hanggang dito na lang ang tapang niya. “No, Sir,” maingat niyang sabi.

“Kapag sinabi kong Burat ang apelyido mo, Burat ang apelyido mo! Wala ka sa lugar para humindi!” Dahil mas matangkad si Joseph ay tumingkayad pa ang lalake para duruin siya sa noo. “Naiintindihan mo ba?!”

“Yes, Sir.”

“Sagot! Hindi kita marinig!”

“Yes, Sir!”

“Anong apelyido mo?!”

“Burat, Sir.”

“Ano?!”

“Burat, Sir!”

“Burat, twenty push-ups, now!”

“Yes, Sir!” Agad na pumuwesto si Joseph sa sahig, sa gitna ng hallway, ang ulo ay nakatutok sa kabilang dulo kung nasaan ang entrance. Saka siya nagsimulang mag-push up.

“Bilang!” utos ng lalakeng nanduro kay Joseph.

“One…” pagsunod naman ni Joseph. “Two…” Hanggang sa umabot siya sa, “Fifteen…”

Nang makababa ang katawan ni Joseph ay bigla itong inapakan ng lalakeng nanduro sa kaniya sa likod. Hindi tuloy siya makaahon agad.

“Bilang!” sigaw ng kupal na lalake.

“Sixt—” Hirap na hirap si Joseph. Pinipilit niyang umahon. Pero kung kailan mas dinadagdagan niya ang lakas sa pag-angat ng katawan ay dinadagdagan din naman ng bigat ng lalake ang pagkakaapak nito sa likod niya. Nakasuot pa man din ito ng bota.

“Ano! Bakit parang nanghihina ka ngayon?!” anang lalake. “Kaya ka siguro nanghihina kasi mahilig ka maglaro ng burat! Kaya ka nangangayayat, eh!”

“Sixteen…” Nakaahon na si Joseph, ngunit may apat pang natitirang reps. Mabilis ang naging paglusong niya dahil sa dagdag na bigat na bigay ng lalake. Ngayon ay oras na naman para umahon. “Seven—”

Diniinan pa ng lalake ang pagkakaapak nito sa likod niya. “Bilang!”

“S-Seventeen…” Nakaahon na si Joseph at napahalinghing.

Tatlo pa.

“E-Eighteen…”

Dalawa.

“Nine… Nineteen…”

Last.

“Twenty!”

Sa wakas, natapos na rin ang paghihirap niya.

Pagtayo ni Joseph ay napahawak siya sa nananakit na likod, hingal na hingal. Bumalik na siya sa dati niyang puwesto at muling yumuko, pinagpahinga ang dalawang kamay sa likod.

“Ngayon, alam mo na kung ano ka!” sigaw ng kupal na lalake sa kaniya. “Isa kang burat!”

Kita kong maluha-luha na ang mga mata ni Joseph pero nagawa pa rin niyang kolektahin ang sarili. Sa ’ming apat, siya ang pinakamatapang sunod sa akin.

Sana tapos na sila sa ’min, kung hindi, mawawala na talaga ako sa sarili. Tarantado ’tong mga senior na ’to! Mga power-tripper!

“Ikaw…” Lumapit ang matangkad na lalake kay Harry na katabi ko lang.

Anak ng puta! Iniisa-isa yata kami! Bakit kami lang? Dahil ba mukhang lampa ang mga ka-barracks ko?

“Kanina ka pa nanginginig,” tuloy ng lalake sa malalim na boses. Sigurado akong siya si Duke dahil sa apelyidong nakaburda sa uniporme niya. At isa pa, siya lang naman itong kapag napapadaan ay napapayuko ang mga ulo. “Anong apelyido mo?”

Mas lalong tumindi ang panginginig ng mga kalamnan ni Harry. “S-Sir, um…” Napapakutkot na siya sa daliri ng kamay niyang nakapuwesto sa may puwetan. Hindi niya maiangat ang mukha niya. “Alcantara, Sir.”

“Hindi kita marinig,” sabi ni Duke sa kalmado ngunit buong boses. “Puwedeng pakilakasan?”

Lumunok si Harry. “A-Alcantara~!” ulit niya, ngunit pumiyok ang boses sa puntong ito.

Nagsitawanan ang karamihan.

Kung minamalas nga naman, napasama pa ako sa mga mahihina.

Walang emosyon ang mukha ni Duke. Humakbang lang siya palapit pa kay Harry. Ngayon ay medyo malapit na rin siya sa ’kin kaya naamoy ko ang perfume niya. Amoy pa lang ay parang manununtok na dahil sa lakas ng pagkalalake nito. Yumuko siya kay Harry na hanggang leeg niya lang at ipinuwesto ang mga kamay sa likod. “Alcantara,” bigkas niya sa apelyido ni Harry, “tumingin ka nga sa ’kin.”

Humina na ang mga tawanan.

“S-Sir?” Ngayon ay umangat na ang mukha ni Harry, tumingin sa guwapong—gagong pagmumukha ni Duke. Mahirap basahin ang mukha ni Duke kung galit ba o hindi. Kahit ako ay hindi rin alam. Basta ang alam ko lang, nababanas ako sa pagmumukha niya. Gusto ko siyang suntukin sa pisngi.

“Isang tanong, isang sagot…” tuloy ni Duke. “Mahilig ka ba sa burat?”

Puta! Sabi na nga ba, mahahalata niya si Harry!

Noong una pa lang, may naaamoy na ako kay Harry. ’Yong boses niya ay napakatinis para sa isang lalake. ’Yong mga galaw niya ay napakalambot. At ang selan niya rin sa katawan. Nagtataka nga ako kung paano siya napunta sa ganitong larangan. Hindi ito bagay sa kaniya. Pero kung ito ang nilalaman ng puso niya, sino ba ako para humusga? At kung napilitan man siyang mag-aral dito, sigurado akong hindi siya magtatagal. Pero bakit ganito? Bakit parang ako ang kinakabahan para sa kaniya? Dahil ba alam ko na ang sasapitin ng mga katulad niya?

Bumilog ang mga mata ni Harry. “S-Sir?”

’Lang hiya, Harry, huwag kang magpapatalo! Kapag nagpakilala ka ay ikaw ang pag-iinitan ng lahat dito! Magiging easy target ka!

“Kamay mo,” ani Duke. “Ilabas mo ang kamay mo.”

Puta, Harry, huwag kang susunod!

“Y-Yes, Sir,” sambit ni Harry. Sinunod niya nga ang utos ni Duke at inilagay ang kamay niya sa harapan ng shorts niya.

Inalis na rin ni Duke ang mga kamay niya sa likuran. Pagkatapos ay humakbang pa siya palapit kay Harry. “Ngayon, uulitin ko ang tanong ko…” Kinuha niya ang kaliwang kamay ni Harry. “Isang tanong, isang sagot…” At saka pinahawak ang kamay nito sa gitna ng pantalon niya, sa may bandang zipper. “Mahilig ka ba sa burat?”

Ngayon, alam ko na kung bakit ako nag-aalala para kay Harry. Natatakot akong baka matulad siya kay Kuya. At ngayon pa lang, mukhang alam ko na kung ano ang mga susunod na mangyayari sa kaniya rito sa military academy.

Umawang ang bibig ni Harry. Hindi siya makasagot.

Idiniin pa ni Duke ang kamay ni Harry sa bukol niya. Kinontrol niya ang kamay nito at pinakapit sa kabuuan ng nakatago niyang kargada. Bagaman nakatago ay bumakat pa rin ang katawan nito sa makapal na camouflage pants niyang suot. Mukhang may maipagmamalaki—pakialam ko?

“Oo o hindi?” Tinaas-baba niya ang nakakapit na kamay ni Harry sa bukol niya.

Muling napalunok si Harry. Sa puntong ito ay pinagpapawisan na ang mukha niya. Hanggang sa unti-unting kumukurba ang labi niya para sana sabihin ang salitang ‘oo’, ngunit hindi ko hinayaang mabuo ito. At hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla na lang akong lumapit sa kanilang dalawa. Nagulat ang lahat sa sunod kong ginawa.

“Tama na ’yan,” may gigil kong sabi. Hinawakan ko nang mahigpit ang pupulsuhan ni Duke. Tinitigan ko siya nang masama, saka hinigpitan pa lalo ang pagkakawahak sa kaniya.

Ngayon ay ako na ang sentro ng atensyon.

Binitiwan na ni Duke ang kamay ni Harry. Nang mabaling na ang matalim niyang tingin sa ’kin, nagsalubong ang magkabila niyang kilay. “At sino ka?” tanong niya nang may halong inis sa boses.

“Escobar,” sambit ko sa apelyido ko, mas nilaliman ang boses.

“Escobar?” ulit niya. Unti-unti ay kumalma ang magkabila niyang kilay, na para bang may naalala. “May kapatid ka bang—?” Bigla siyang natigilan sa ’di malamang dahilan. Ilang segundo siyang hindi nakaimik, sinuri lang ang mukha ko ngayong magkaharap na kami nang malapitan. Matapos ay lumingon siya pakaliwa, minatyagan ang mga tao sa unahan na sumisilip papunta sa ’min, sabay balik ng tingin sa akin. Bumalik ang magkabila niyang kilay sa pagkakasalubong. “Mukhang meron ka yatang nakakalimutan.”

“Escobar,” muli kong banggit sa apelyido ko, “ Sir .“

Tumaas ang isa niyang kilay, saka ibinaba ang tingin sa kamay kong nakawak pa rin pala sa pupulsuhan niya nang mahigpit. Nang mapagtanto kong ito pala ang tinutukoy niya at hindi ang honorifics na ‘Sir’ ay pinakawalan ko na siya.

Kumunot ang noo ng isa niyang kasamang nandudura. “Aba, tapang nito—!”

Itinaas naman ni Duke ang kaliwang kamay niya sa ere, dahilan para matigilan ang lalake at mapaatras. Mukhang siya ang boss sa kanilang tatlo.

Lumapit sa ’kin si Duke, ngumisi. “Escobar, kilala mo ba kung sinong binabangga mo?”

Inangat ko ang baba ko para mapantayan ang tingin niya. Ngayong magkalapit na kami ay saka ko lang napagtantong halos magkapareho lang pala kami ng height—5’9“. Pero mas matangkad lang siya ngayon dahil may suot siyang mga bota habang ako naman ay nakapaa lang.

“Sir,” sabi ko, “hindi ko naman ho kayo binabangga.” Ngumisi rin ako. “Mali lang ho kasi ang ginagawa n’yo, eh.”

Aabante pa sana ang isa pang lalake sa kanan niya pero agad din naman siyang nagtaas ng kamay sa ere kaya hindi ito nakahirit. Sa puntong ito ay tila ba siya lang ang may karapatang kumausap sa ’kin.

Nilapit niya pa ang mukha niya sa ’kin at pinanlakihan ako ng mga mata. “At ano ang tama?”

Nilapit ko rin ang mukha ko sa kaniya, hindi nagpatalo, at nanlaki rin ang mga mata. “Hindi ko alam kung ano ang tama, pero alam ko kung ano ang mali, at ito ’yon.”

Parehong matalim ang tingin namin sa isa’t isa. Walang makaimik sa mga kadete, maging ang dalawa niyang kasama. Nanaig ang katahimikan. Nangibabaw naman ang tunog ng mga kuliglig at ang palitan namin ng hininga na parang kaming dalawa lang ang nakaririnig. Na para bang wala kaming ibang nakikita. Kundi ako lang. At siya.

Malalim pa ang gabi. Marami pang puwedeng mangyari.

Chapter 3

Trigger Warning:

Violence, Explicit Scenes

Walang gustong bumitiw ng tingin sa ’ming dalawa. Ang kumurap ay talo. At ayoko nang natatalo. Hinding-hindi ako magpapatalo. Hindi sa isang katulad niya. Hindi sa pagkakataong ito. Ngayon pa lang ay dapat niya nang malaman kung sino ako.

Napaatras siya mula sa kinatatayuan niya. Buo ang paniniwala kong ako ang nanalo sa pataliman ng tingin dahil tila hindi siya makapagsalita. Dahil tila napipi ang dalawa niyang kasama. Dahil kahit sandali ay parang nawala ang takot sa kaniya ng lahat ng taong naririto. Pero nagkakamali ako.

Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin. Sabi niya sa malalim na boses, “Escobar, mukhang ’di mo yata ako kilala.”

Kilala ko siya. Kilalang-kilala. Siya ang lalakeng nagpahirap sa tatlong taon ng pananatili ng kuya ko rito. Siya ang puno’t dulo kung bakit pinalayas si Kuya sa bahay. Siya lang.

Humakbang ako palapit sa kaniya, at muli ay nagkalapit ang mga mukha namin. “Hindi n’yo rin ako kilala, Sir .”

Hindi niya ako kilala. Ako lang naman ang nag-iisang kapatid ng taong pinahirapan niya. Ako lang naman ang magpapabagsak sa kaniya. Ako lang.

Nanumbalik ang ingay sa paligid—ang mga bulung-bulungan. Ang mga plebo ay napapabulong kung gaano ako katapang. Ang mga buddy naman ay napapabulong kung gaano ako kagago. Pero wala akong pakialam. Ang mas mahalaga sa ’kin ay ang makuha ko ang hustisya para sa kuya ko. At kung kailangan kong banggain ang hari sa trono, gagawin ko.

“Kung gano’n, magpakilalahan tayo.” Ngumisi si Duke at sumenyas sa dalawa niyang kasama. “Dalhin n’yo siya sa banyo.”

Lumapit sa ’kin ang dalawang lalake at hinawakan ako sa magkabilang braso. Sinubukan kong pumiglas sa simula, pero nang mapagtanto kong baka madamay sa gulo ang tatlo ko pang ka-barracks ay nagpaubaya na lang ako. Tiningnan naman ako nina Mark, Joseph, at Harry na para bang natatakot sila para sa susunod na mangyayari sa ’kin, ngunit tumango ako sa kanila at sinabi ng mga mata ko na kaya ko nang mag-isa. Pagkatapos ay kinaladkad na ako ng dalawang lalake papunta sa CR na matatagpuan sa gitna ng hallway.


Dahil nakapaa lang ako, ramdam ko sa mga talampakan ko ang lamig ng sahig pagpasok namin sa CR—ang CR na nasa parehong panig ng barracks namin. Pagpasok sa loob ay unang bubungad sa ’yo ang bahagyang malawak at mahabang espasyo sa pagitan ng mga cubicle at shower room. Sa kanan ay may limang shower rooms na di kurtina. Sa kaliwa naman ay may limang cubicles. Sa pinakadulong sulok, sa may gitna, ay may tatlong lavatories na may iisang mahaba na salamin. Sa pinaka-itaas nito ay mayroong mahabang window grills na may vertical bars, kung saan tanaw ang mga sanga at dahon ng mga puno sa labas. Ang dalawang CR sa magkabilang panig ang dahilan kung bakit mukhang krus ang building kung titingnan mula sa mapa ng campus.

Bagaman madilim ang paligid, ramdam kong tuyo na ang puting tiles na nilalakaran namin dahil kanina pa nang may huling maligo. Dinala nila ako sa pinakadulo, sa tapat ng pinakagitnang lavatory at gitna ng ikaapat na shower room at cubicle. Huminto kami. Pinaharap nila ako sa salamin, at nakita ko ang guwapo kong mukha na bahagyang nasinagan ng liwanag ng buwan na lumulusot mula sa mahabang window grills. Pero ang kupal na Duke ay humarang sa view nang tumindig siya sa harapan ko. Nabalot ang katawan ko ng anino niya. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa ’kin sa magkabilang braso ng dalawa niyang kasama.

“May tanong ako sa ’yo…” Umalingawngaw ang buong boses ni Duke sa loob ng ngayo’y nakasara nang CR. “Bakit ganiyan ka makatingin?” Hinawakan niya ako sa baba at inangat ito. Ngayon ay kaharap ko na naman ang nakaaasar niyang mukha. “May galit ka ba sa ’kin?”

Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay pinanghawakan ko lang ang matalim kong tingin sa kaniya. Sinikap kong panghawakan ito hanggang dulo.

Napakamot siya sa hibla ng kilay niya. “Iibahin ko ang tanong…” At nagpamewang siya. “May nagawa ba ’ko sa ’yo?”

Sa ’kin, wala. Sa kuya ko, meron. Malaki ang atraso niya, at pagbabayarin ko siya.

Nagprotesta ako sa pamamagitan ng katahimikan. Tila lalo yata siyang naasar dahil umasta akong walang naririnig. Luminga-linga ako—sa shower room sa gilid, sa cubicle sa kabila, sa sahig, kahit saan huwag lang sa nakababanas niyang mukha.

Muli ay hinawakan niya ako sa baba, ngunit sa puntong ito ay may puwersa niya na itong inangat. Dahil dito ay nabaling na sa kaniya ang atensyon ko. “Pipi ka ba?” taas-kilay niyang tanong. “Kanina lang ay sumasagot ka pa, ah.”

Hindi pa rin ako sumagot.

Lumapit pa ang lalake sa kaliwa ko—’yong nandudura—at itinapat ang bibig nito sa tenga ko. Morales ang apelyidong nakaburda sa army combat uniform nito. “Hoy, plebo! Tinatanong ka nang maayos! Sumagot ka!” sigaw nito. Naramdaman ko ang pagtalsik ng laway nito sa lagusan ng tenga ko.

Hindi ako nagpatinag.

“Escobar!” sigaw din ng lalake sa kanang tenga ko—’yong nanduduro—na may nakaburdang Monsur sa army combat uniform. “Sinusuway mo ba kami?!”

At wala pa rin silang narinig mula sa akin.

Hindi ko sila sinusuway. Ginagawa ko lang kung ano ang dapat kong gawin. Sa ganitong oras ay dapat tulog pa ako, humihilik, at hindi nagsasalita. Wala ako sa oras ng training, kaya wala rin akong dapat sundin mula sa kanila kahit na mas mataas ang mga posisyon nila sa akin.

“Aba, ibang klase ka, ah!” Kita kong napakagat sa labi si Monsur at nagkuyom ng kamao. Umamba siya. At nang tangkain niya na akong suntukin—

“Monsur!” bulyaw ni Duke.

—ay tumigil sa ere ang kamao niya, kaya sandaling naligtas ang maputi at makinis kong mukha.

Tiningnan siya ni Duke sa mga mata—isang mababang tingin. Dahil dito, napababa ang kamao niya, at natahimik na parang isang asong napagalitan ng amo. Ngayon lang nagtaas ng boses si Duke nang tangkain akong saktan ni Monsur.

“Pinangungunahan mo ba ’ko?” nakangising tanong ni Duke kay Monsur.

Yumuko naman si Monsur at lumunok. “No, Sir.”

Dinuro ni Duke si Monsur sa dibdib, sa burda ng apelyido nito sa army combat uniform. “Alalahanin mo kung sino ang mas nakatataas sa ’yo. Ako ang firstie dito. Second-class ka lang. Second-class lang kayong dalawa. Ako pa rin ang magsasabi kung ano ang dapat maging parusa ng plebong ’to.” Tinuro ako ng maangas niyang mukha.

“Yes, Sir,” nanghihinang sagot ni Monsur. Ramdam kong sa ’kin niya ibinaling ang inis nang mapagalitan, dahil mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.

“Sir,” saad ni Morales, “hindi ba dapat turuan ng leksyon ’to? Ako na ang—”

“Morales,” singit ni Duke, lumapit na sa nandudurang lalake sa kaliwa ko.

“Sir,” ani Morales, tumindig.

“Pinangungunahan mo rin ba ako?” seryosong tanong ni Duke.

“No, Sir.” Tuwid pa rin ang tingin ni Morales sa repleksyon ng panget niyang mukha sa salamin, hanggang sa maharangan ito ng malapad na pangangatawan ni Duke. Mas nakakainis pa ’yong mukha ni Morales kaysa sa katabi kong buddy kanina. Ang haba ng baba nito. Kaya siguro hindi ito makayuko. “Sinasabi ko lang na—”

Mahinang tinampal ni Duke si Morales sa pisngi kaya natahimik ito bigla. At naulit pa ito. At naulit ulit. Nang naulit. Pero nanatili itong nakatindig at diretso ang tingin sa dibdib ni Duke.

“Uulitin ko lang, ako ang firstie dito. Ako ang magbibigay ng hatol, hindi ikaw, at mas lalong hindi si Monsur.” Bahagyang nagtagilid ng ulo si Duke at nanlaki ang mga mata. “Naiintindihan mo ba ’ko?”

“Yes, Sir!” tugon ni Morales sa buong boses.

Mukhang nangangagat ’tong si Morales. Malamang ay darating ang panahon na kakagatin nito ang amo nito—si Duke. Ito ang nararamdaman ko mula sa bilugan nitong mga mata na parang sa tarsier. Tulad ni Monsur ay mas lalong humigpit din ang pagkakahawak ni Morales sa braso ko. Ngayon ay nagmistula akong bihag na ayaw nilang pakawalan.

Naglakad si Duke pabalik sa harapan ko kaya muli akong natakluban ng anino niya. Muli ay sinuri niya ang mukha ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin kumakalma.

“Lumuhod ka,” utos niya sa ’kin. “Lumuhod ka sa harapan ko.”

At hindi ko ginawa. Pero pinilit akong paluhurin ng dalawang cows o second-class sa pamamagitan ng pagdagan ng mabibigat nilang mga kamay sa magkabila kong balikat. Mas matangkad ako sa kanilang dalawa kaya hindi nila ako mapaluhod kahit anong puwersa ang gawin nila. Hanggang sa sumenyas si Duke na may gawin sila sa ’kin.

Walang anupama’y naramdaman kong may malakas na puwersang tumama sa mga alak-alakan ko o likuran ng mga tuhod, kaya napaluhod ako nang wala sa oras. Tinadyakan pala ako ng dalawang gago patalikod. May suot pa man din silang matitigas na mga bota. Dahil naka-boxer lang, walang pumrotekta sa mga tuhod ko sa biglaang pagbagsak ng mga ito sa sahig. Nagpakawala ako ng putol na halinghing. Mas lalong tumindi ang galit ko.

Sa pagluhod ko ay tumingala ako sa mukha ni Duke at mas lalo siyang tiningnan nang masama habang nagtatagis ang mga bagang. Ngayon ay para akong nanliit habang kaharap ang mataas at malapad niyang katawan na nasisinagan ng buwan mula sa likuran. Mga ilang sandali pa nang hubarin niya ang tactical belt niyang kulay lumot. At nang matanggal ito sa camouflage pants niya ay marahan niya itong pinarolyo sa malapad niyang palad sa kanang kamay. Isang ikot. Dalawang ikot. At huminto sa ikatlo. Lumaylay pababa ang natirang piraso ng belt na hindi nakarolyo. Mayroon itong kaunting haba na sapat na para gawing panghagupit. Mas lalong bumigat at bumilis ang paghinga ko.

“Labas,” utos niya sa dalawang lalake. Noong una’y tila hindi siya narinig ng mga ito. Pero muli niyang sabi sa malalim na boses, “Lumabas kayo. Ako na ang bahala rito. Kayo na ang bahala sa ibang plebo.”

Tumindig sina Morales at Monsur at sabay na nagsalita. “Yes, Sir!” Matapos ay humarap sila patalikod at nagsimula nang maglakad palayo sa amin. Umalingawngaw ang kaluskos ng bawat yabag nila.

“At i-lock n’yo ang pinto,” pahabol ni Duke.

Sandaling nahinto ang mga yabag.

“Yes, Sir!” boses ni Morales.

At nagpatuloy ang mga ito sa paglalakad. Maya-maya pa nang marinig ko ang langitngit ng main door ng CR. Sunod kong narinig ang tunog ng pagsara nito. Mukhang nakalabas na ang dalawa. Ngayon ay kaming dalawa na lang ni Duke ang magtutuos sa loob.

“Escobar…” Nagsimulang maglakad si Duke paikot sa ’kin habang mahinang hinahampas ang dulo ng belt sa kaliwa niyang palad. At muling nasinagan ng buwan ang mukha ko. “Hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng tapang.” Diretso lang ang tingin ko sa tapat ng lavatory habang nakaluhod sa sahig. Unti-unti ay namamanhid na ang mga binti ko sa lamig. “Meron ka sigurong pinaghuhugutan.” Ngayon ay nasa likuran ko na siya. Pero hindi ko siya nililingon. “Sabihin mo, meron ka bang kakilala na may mataas na posisyon? Lieutenant? Major? Colonel?” Nakarating na siya sa kanan ko. “General?” Hanggang sa makabalik na siya sa harapan ko. “General Escobar…” At huminto siya, natigil sa paglalaro ng belt, ibinaba ang mga kamay sa magkabilang gilid ng pantalon. “Tama?”

Humarang na naman ang katawan niya sa liwanag ng buwan. Ngayon ay ang harapan ng pantalon niya ang nakabungad sa ’kin.

Lumunok lang ako, pero hindi pa rin nagsalita.

“Anak ka ni Heneral Lucio Escobar,” tuloy niya.

Katahimikan mula sa akin. Umiwas-iwas ako ng tingin para lang huwag kong makita ang bukol sa camo pants niya, na kanina lang ay pinahawak niya kay Harry. At isa pang dahilan ay para hindi niya mapansin sa mukha kong anak nga ako ng lalakeng tinutukoy niya.

“Kaya ka ba matapang? Dahil meron kang kapit?” tanong niya sa akin. “Kung gano’n, gusto kong malaman mo kung sino ako.” Nasilip kong inilapat niya ang kaliwang kamay niya sa dibdib. “Ako si Duke Montemayor. Anak ako ni Senador Rafael Montemayor—alumni at isa sa mga tinitingala sa akademyang ’to.”

Ngumisi ako at muling umiling. “Kaya naman pala mayabang,” pabulong kong sabi.

“Nagsalita ka rin,” sambit niya. “Nasabi ko na ang pangalan ko. Baka gusto mo ring sabihin ’yong sa ’yo?”

Muli akong nanahimik. Bakit ko sasabihin ang pangalan ko? Kung parurusahan niya ako, gawin niya na lang. Hindi ’yong ganito. Puro siya salita, kulang sa gawa. Pwe!

“’Di bale, ’di mo na kailangang magpakilala. Mukha mo pa lang, eh, alam ko na,” may kumpiyansa niyang sabi. “Maputi. Singkit. Matangos. Ikaw ang solong kapatid ni Janus,” tumbok niya. “Ikaw si Jaxon.”

Lumaki ang mga mata ko. Ang kapal ng mukha niya para banggitin ang pangalan ng kuya ko! Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya! At paano niya nalaman kung sino ako? Kung anong pangalan ko? Na may solong kapatid ang kuya ko? Tumingala ako sa mukha niya habang nanggagalaiti sa galit. Nilabas ko ang mga pangil ko.

“’Yan, ganiyan nga. Humarap ka sa ’kin. Gusto kong nakikita ang mukha mo.” Hinawakan ng kaliwang kamay niya ang baba ko, inangat ito at marahang ginalaw-galaw, pinagmasdan ang mukha ko. “Magkamukhang-magkamukha kayo.”

Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko. Napasinghap ako at napakuyom ng kamao. Pero masyado pang maaga para sa hustisya. Kung dadaanin ko siya sa dahas, may posibilidad na hindi ko na maisakatuparan ang plano ko. Madali lamang para sa isang first-class na katulad niya na paniwalain ang mga nasa itaas kung ano ang gusto niyang maging katotohanan. Isang plebo na nanuntok ng upperclassman? Walang maniniwala sa ’kin kung sasabihin kong dinepensahan ko lang ang sarili ko. At ’pag umabot kami sa gano’n, ako ang babagsakan ng hatol, hindi siya. At ayokong masayang ang lahat ng pinaghirapan ko. Kung hindi ko siya madadaan sa pisikalan, kailangan ko siyang hanapan ng ibang kahinaan.

“Ito ang payo ko sa ’yo para hindi ka matulad sa kuya mo…” Pinisil ng mahahaba niyang mga daliri ang nguso ko. “Susundin mo lahat ng gusto ko para tumagal ka rito.” At saka initsa ang bibig ko pakaliwa.

“Gawin mo na lang.” Naglalaban pa rin ang mga mata ko sa kaniya. “Hindi ako natatakot sa ’yo.”

Itinaas niya ang kanang kamay na may nakarolyong sinturon. Napailing ako sa kaliwa ko. Ramdam kong unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko. Oo, matapang ako. Pero nakararamdam pa rin naman ako ng sakit. Ngayon pa lang ay naiisip ko na ang mga puwede niyang gawin sa akin. Puwede niya akong hampasin sa mukha gamit ang sinturon. Puwede niya itong itali sa leeg ko para mahirapan akong huminga. Puwede niya itong gamitin panggapos sa mga kamay ko para hindi ako makapalag kung bubugbugin man niya ako nang paulit-ulit. Pero nagtapos ang mga hinala ko nang bigla niya itong itinapon sa sahig, sa parehong direksyon kung saan ako kasalukuyang nakabaling.

“Bibigyan kita ng pagkakataon,” sabi niya.

Pagbalik ko ng tingin sa harapan ko ay kita kong hinubad niya na ang butones ng pantalon niya. Pagkatapos ay ibinaba niya ito hanggang binti hanggang sa matira na lang ang itim niyang boxer brief. Napalunok ako sa sunod niyang ginawa. Ibinababa niya ito. Dahan-dahan. Una ay lumitaw ang buhok niya sa ibaba na may katamtamang lago. Hanggang sa sumilip ang puno ng kargada niya. Unti-unti ay nabubunyag ang kahabaan nito habang pababa nang pababa ang boxer niya. Lima. Anim. At nang tuluyan nang makababa ang boxer niya ay umuntol ito at itinuro ako. Mukhang pito, kasama ang ulo.

“Ligtas ka sa gabing ’to,” tuloy niya, “kung isusubo mo ’to.”

Oo, nasabi kong lalamunin ko siya nang buo… pero hindi sa ganitong paraan.

Chapter 4

This chapter is R-18.

Tarantado ba siya?

Anong akala niya sa ’kin, bakla? Nakaluhod lang ako, pero hinding-hindi ko isusubo ang pagkalalake niya. Magbigti na lang ako kaysa gawin ko ang pinagagawa niya.

Oo, may maipagmamalaki siya. Pero isang pulgada lang naman ang lamang niya sa ’kin. Isa lang! Baka gusto niya, ipakita ko pa ’yong akin? Nakakalalake na siya, eh!

“Lagkit ng titig mo, ah,” sabi niya. “Bakla ka ba?”

Aba’y tarantado talaga! Nalunod lang ako sa kaiisip! Hindi ako nakatitig sa kargada niya!

Dahil wala na ’yong dalawang kupal na gumapos sa mga braso ko kanina ay naisipan ko nang tumayo. Ayoko nang lumuluhod. Ako ’yong dapat na niluluhuran. Nanginginig pa ang mga binti ko pagtayo, hindi dahil sa takot sa kaniya, kundi dahil sa pagkamanhid. Nananakit din ang mga tuhod ko, pero sinikap ko pa ring tumindig.

“Hindi ako bakla,” tuwid kong sambit. “Hindi ko isusubo ’yan.”

“At sinong nagsabing tumayo ka?”

“Kung susuntukin mo ako, gawin mo na lang.”

Mas gugustuhin ko na lang na suntukin niya ako. Mas matatanggap ko pa.

“Isubo mo.”

“Hindi.”

Patigasan kami. Hinding-hindi ako magpapatalo kahit na anong mangyari.

“Hindi mo ba narinig ’yong sinabi ko?” Nanlaki ang mga mata niya. “Ligtas ka sa gabing ’to kung gagawin mo ’yong pinagagawa ko.”

Lumunok ako, pero hindi ko pinahalata sa kaniya. “At kung hindi ko gawin?”

Ngumisi siya. “Puwes, makikita mo ang hinahanap mo.”

Nakita ko na. Kaharap ko na nga, eh, at kausap pa.

Sandali akong natahimik. Iniisip ko kung paano ko malalampasan ang ganitong sitwasyon. ’Yong mukha niya ay mukha ng taong hindi marunong magbiro. Mukhang tarantado. Panigurado ay hindi niya ako palalabasin dito sa CR nang hindi nakukuha ang gusto niya. Kailangan kong baliktarin ’to laban sa kaniya.

“Eh, ikaw,” sabi ko nang may maisip, “bakla ka ba?”

Nagulumihanan ang mga mata niya. “Ha?”

“Lalake ang kaharap mo, pero tinigasan ka agad?” buwelta ko. “May gusto ka ba sa ’kin?”

Ang talino ko, puta.

Ha! Ano ka ngayon, Duke! Ikaw ’yong bakla sa ’ting dalawa! Tinigasan ka sa ’kin! Marami na akong nabalikong mga lalake kuno. Isasama kita sa listahan. Pwe!

“Ikaw ’yong bakla.” Hindi matigil sa pagngiwi ang bibig niya. Alam ko ’yong ganitong itsura. Ito ’yong itsura ng asar talo.

Isasagad ko na sa sukdulan ang pagkainis niya. Oras naman para ako ang bumawi.

“Kung may gusto ka sa ’kin, puwede naman akong magpaubaya.” Ibinaba ko ang suot kong boxer hanggang binti. Ngayon ay ang natutulog ko namang pagkalalake ang lumantad. “Isubo mo ’to.”

Tumingin siya pababa. Hindi siya makapagsalita. At kita ko ang paggalaw ng Adam’s apple niya. Napalunok siya! Akala niya ba, eh, hindi ko mapapansin?

“Lagkit ng titig mo, ah,” pabalik kong sabi. “Bakla ka nga?”

Sinong hindi mababakla sa isang tulad ko?

Nang ibaling niya ang tingin sa mga mata ko ay mas lalong nanginig ang bibig niyang nakangiwi. “Jaxon, ginagago mo ba ako?”

Ang kapal ng mukha niya na tawagin ako sa pangalan ko! Kasingkapal ng bulbol niya! Eh, kung nag-trim sana siya tulad ko, ’di ba? Pero wala pa rin siyang karapatan na tawagin akong Jaxon! Hindi ko siya kaibigan! At hinding-hindi ko siya kakaibiganin kahit kailan!

“Hindi,” seryoso kong wika. “Lalake ako. Kilala ko ang sarili ko. Eh, ikaw?”

Magkaalaman na agad.

“Lalake ako.” Tumuwid na ang bibig niya. “Mas lalake pa ako sa ’yo.”

“Hmm.” Tumaas ang isa kong kilay. “Eh, bakit hindi natin subukan ’yang pagkalalake mo?”

“Ha?” Kumunot na naman ang noo niya.

Ako na ang may hawak ng sitwasyon ngayon.

“Isang buwan,” panimula ko.

Mas lalong kumunot ang noo niya. “Isang buwan?” ulit niya sa sinabi ko. “Anong pinagsasabi mo? Diretsuhin mo ’ko. Ayoko ng malabo.”

“Isang buwan,” muli kong sabi. “Ligtas ako ng isang buwan kung una kang lalabasan.”

“Ha?” Ngumingiwi na naman ang bibig niya, bagay na gustong-gusto kong nakikita. “Ano?”

“Malabo pa rin ba sa ’yo? Gumagawa ako ng kasunduan.” Tiningnan ko siya nang malagkit sa mga mata. “Galawin mo ’yong akin, gagalawin ko rin ’yong iyo. ’Pag ikaw ang unang nilabasan, ligtas ako ng isang buwan. Hindi mo ako puwedeng saktan o kahit ng sino sa inyong tatlo. Ngayon, malinaw na siguro sa ’yo kung anong tinutukoy ko.”

“At bakit kita susundin?” Nasilip kong nagkuyom siya ng kamao. “Plebo ka lang naman.”

“Bakit? Natatakot ka ba?” Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya at pinagmasdan ang makakapal niyang mga labi. “Na baka mauna ka? Na baka bakla ka? Na baka may gusto ka sa ’kin?”

Hinawakan niya ako sa dibdib at mahinang nilayo ang katawan ko mula sa kaniya. “Hindi ako bakla.”

’Yan din ang sabi ng mga hindi pa nakakakita sa katawan ko. Malas niya lang, hindi niya ako makikitang tigasan. Hindi niya malalaman ang sukat ko.

“Eh, kung gano’n, pumayag ka na,” pagkumbinse ko sa kaniya. “Simple lang naman, eh. Mauna talo.”

“At kung ikaw ang mauna?” tanong niya.

Iyon ang hindi mangyayari kahit kailan. Sa mga babae lang ako tinitigasan at sa kanila lang din ako lalabasan.

“Puwede mong gawin kahit anong gusto mo,” may kumpiyansa kong sabi.

Ako ang mananalo, sigurado ako.

“Kahit ano?”

“Kahit ano.”

Sisiguraduhin ko.

“Isang taon,” panimula niya.

Bahagyang kumunot ang noo ko. “Isang taon?” ulit ko sa sinabi niya. “Diretsuhin mo na. Ayoko rin ng malabo.”

“Isang taon,” muli niyang sabi. “Isang taon mo akong pagsisilbihan kung una kang lalabasan.”

Nabitiwan ko ang ngisi sa labi ko. Masyadong malaki ang hinihingi niya kumpara sa hinihingi ko. Masyadong nakababahala.

Posible bang mauna ako sa ’ming dalawa?

Hindi. Hindi naman siguro. Imposibleng mangyari.

Nang maramdaman kong tila may lumalaking parte ng katawan ko ay napatingin ako pababa. At tuluyan na nga akong nabahala.

’Lang hiya! Totoo ba ’to? Nagsisimula na akong mabuhayan?

Hindi! Dahil lang ’to sa kaba. Tumataas lang ang dugo ko kaya ’to nangyayari. Kilala ko ang sarili ko. May mga ganitong sitwasyon na rin akong kinaharap, tulad na lang ng—

Wala pa. Anak ng puta.

“O, anong nangyayari? Lalake ang kaharap mo, pero tinigasan ka rin?” pabalik niyang sabi. “May gusto ka sa ’kin?”

“Ha?” ito lang ang tangi kong nasabi. Pero sa isip ko, minumura ko siya nang minumura sa lahat ng paraang alam ko. Hinding-hindi ako magkakagusto sa isang tulad niya. Higit sa lahat, sa kaniya.

Ngumisi siya. “Natatakot ka na.”

Tumulo ang pawis sa mukha ko. “Hindi ako natatakot.”

Inilapit niya ang mukha niya sa akin. “Jaxon, hanggang salita ka lang pala.”

Hinawakan ko siya sa dibdib at mahinang nilayo ang katawan niya mula sa akin. “Bago ko patunayan ang sarili ko sa ’yo, gusto ko munang makasiguro na tutupad ka sa usapan ’pag ikaw ’yong natalo.”

“May isang salita ako, Jaxon,” tuwid niyang sambit. “At hindi ako matatalo.”

“Eh, kung gano’n…” Hinubad ko na ang suot kong sando. Matapos hubarin ay initsa ko ito papunta sa kaliwa, natabunan ang belt niya. “Ba’t ’di natin simulan?”

Ngumisi ako matapos ibunyag sa kaniya ang taglay kong kakisigan—ang katawang ilang taon kong pinaghirapan. Sinuri ito ng mga mata niya habang walang emosyon ang mukha. Hindi niya na kailangan pang sabihin. Sigurado akong manghang-mangha siya sa ’kin.

Ganiyan nga, Duke. Sambahin mo ang katawan ko. ’Tang ina mo.

“Hm,” reaksyon niya. “’Di na masama.”

’Di na masama? ’Yan lang ang masasabi mo, Duke? ’Tang ina mo, doble.

“Masyado pang hilaw.”

’Tang ina mo, triple.

Nawala ang ngisi sa labi ko. “At ikaw?”

Napunta sa kaniya. “Bakit? Sabik kang makita?”

Nagtiim ang bagang ko. Alam na alam niya talaga kung paano makabawi. “Hindi. Halata naman kung anong nasa loob niyang uniporme mo. Ikaw ang hilaw.”

“Masyado pang maaga para makita mo,” buwelta niya. “Sa ngayon, kilalanin mo muna kung sino ako.”

Bigla niyang hinawakan ang pagkalalake ko, at hindi ko matanggap na mas lalo itong nabuhayan sa ginawa niya, naabot ang sagad na haba at laki. Bago ko pa man kuwestiyunin ang sarili ko kung bakit ito nangyari, agad ko ring hinawakan ang kaniya sa takot na baka ay agad niya akong simulan. Napaawang ang bibig niya sa ginawa ko, pero sinikap niyang huwag ipahalata.

Ngayon ay pareho naming hawak ang pagkalalake ng isa’t isa. At hindi ko inakala na sa ganitong paraan kami unang magkakakilala. Wala ’to sa plano. Pero dahil nandito na rin naman na kami…

“Simulan mo na, Sir .” Ako ang tatapos.

“Sabi mo, eh.” Siya ang nagsimula.

Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang simulan niya nang igalaw ang kamay niyang nakahawak sa pagkalalake ko. Nanginig ang mga kalamnan ko. At sa hindi maipaliwanag, parang nagsisimulang uminit ang kanina’y malalamig kong mga talampakan. Umakyat ito nang umakyat, hanggang sa maramdaman ko na rin ang init sa dibdib ko, at kinalaunan ay napunta sa mga pisngi.

“Simula pa lang pero ginaganahan ka na agad, chinito,” asar niya.

Sa lahat ng bagay, ayaw na ayaw kong tinatawag na chinito . Si Kuya lang ang may gusto no’n, hindi ako. Masyadong tunog pa-cute. Masyadong tunog mahina.

“Pinapartidahan lang kita, Sir ,” maangas kong sabi.

Ang totoo niya’y nagrarason lang ako. Hindi ko magawang simulan ang bagay na ako rin mismo ang may ideya. Buong buhay ko, ngayon pa lang ako nakahawak ng ari ng kapwa ko lalake. Hindi ko maiwasang mandiri. Sa kaniya. Sa sarili ko. Pero hindi ko rin gugustuhing matalo.

Pinagalaw ko na rin ang kamay kong nakahawak sa kahabaan niya. Ramdam ko sa palad ko ang tekstura ng balat nitong dumudulas sa bawat galaw ko. Hindi ko na lang ito tiningnan para hindi ako lalong mandiri. Inisip ko na lang na parang ginagawa ko ito sa sarili ko.

“Ugh.” Tumakas ang ungol mula sa ngayon ay nakabuka niyang bibig, at kita kong nabahiran ng hiya ang mukha niya dahil dito.

Nang magsimulang bumilis ang pag-atras-abante ng kamay niyang nakahawak sa kahabaan ko ay ako naman ang napaungol. “Ugh.”

’Lang hiya! Bakit parang nasasarapan ako sa ginagawa niya? Bakit parang mauuna yata ako nang wala sa oras? Hindi puwede ’to!

Binilisan ko rin ang pag-asikaso sa kaniya. Napakagat na siya sa labi ngayon. “Mmm,” impit niyang ungol.

At gano’n din ang ginawa niya sa ’kin. Sinubukan kong huwag kagatin ang labi ko, pero hindi ko napigilan. “Mmm,” impit ko ring ungol.

Hindi maputol ang tingin namin sa isa’t isa habang ramdam na ramdam sa mga kamay namin ang parehong ipinagmamalaki. Walang ibang maririnig sa loob ng nakasarang CR kundi ang mga halinghing at ang banggaan ng mga balat na likha naming dalawa. Nilunod ako nito sa kaiisip.

Ilang araw na ba mula nang huli akong magpalabas?

Kaya lang ba ako nag-iinit dahil masyado na akong tigang?

At bakit sa lahat ng lalake, siya pa talaga ang una kong napagbigyan?

Eh, kasi, hindi naman talaga ako nagkakagusto sa lalake. Ni kahit kailan ay hindi pumasok sa isip ko na may ibang makakahawak sa pagkalalake ko bukod sa akin at sa mga babaeng dumaan sa buhay ko. At mas lalong hindi ko inakala na makakahawak ako ng pagkalalake ng iba. Lalo na siya. Siya na kinamumuhian ko dahil sa lahat ng maling nagawa niya sa kuya ko.

“Masyado kang palaban, Jaxon.”

At ngayon, tinatawag niya na naman ako sa pangalan ko. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko—sarap ba o inis. Nakakainis, bakit ba ako nasasarapan?

“Sabi ko sa ’yo, hindi ako magpapatalo.”

Naglakad pa ako palapit sa kaniya, habang siya naman ay paatras nang paatras. Ramdam kong parang malapit na ako. At hindi ko alam kung malapit na rin ba siya. Masyado siyang magaling magtago ng emosyon. Kaya nakaisip ako ng mas magandang plano.

Nang tumama ang puwet niya sa gitnang lavatory ay hinawakan ko siya sa balikat, dinikit ito sa salamin, at tuluyan siyang pinasandal dito. Kumurba ang katawan niya at mas lalong naging madali para sa ’kin na makuha ang tamang anggulo. Ang kanina’y nakatutok sa ’kin na pagkalalake niya, ngayon ay nakatirik na pataas. At mula sa atras-abante ay naging taas-baba na ang paggalaw ko sa kaniya.

Mas lalong lumakas ang ungol niya dahil dito. Nanghihina na yata siya dahil hindi na siya makaalis pa mula sa pagkakasandal. Naging mas mahirap na rin sa kaniya na galawin ang akin, dahil masyadong mahirap iunat ang braso sa posisyon niya.

“Jaxon, ugh!” paulit-ulit na ganito. Papalit-palit, “Ugh, Jaxon!”

Hindi matigil sa panginginig ang mga kalamnan niya, habang ang mga mata ay nakatitig sa hulmado kong katawan na ngayon ay nasisinagan na ng buwan. Mas lalo akong nag-init sa pag-iisip na marahil ay napapansin niya na ang taglay kong kakisigan. Hindi ko maintindihan.

“Masyado kang maingay, Duke.”

Saan na napunta ang ‘Sir’? Nahihibang na ba ako at nagawa ko siyang tawagin sa pangalan? At nahihibang din ba siya dahil hindi niya man lang ako nagawang iwasto?

Gusto niya yatang tinatawag ko siya sa pangalan. Heto siyang ulol na ulol sa ginagawa ko. At heto akong mas lalong nauulol habang nakikita siyang nasasarapan.

’Lang hiya, malapit na ako!

“Puta…” usal ko.

Bakit ang tagal niyang labasan?

“Fuck…” usal niya.

Mas lalo ko pang binilisan.

“Ugh…” ungol niya.

Wala pa rin talaga.

“Ugh…” ungol ko.

Matatalo na ako! Hindi puwede!

Sa sobrang pagkabalisa ay may kung anong pumasok sa isip ko at naisipan kong ilapit ang labi ko sa kaniya at tiningnan siya nang malagkit sa mata, na parang inaakit siya. Nagkunwari akong hahalikan siya, ngunit hindi ko tinuloy, agad kong binitin. Ito ang bagay na paborito kong ginagawa sa akin ng mga babae tuwing nagpapaubaya ako. The more you tease, the faster the release.

“Ugh!” umaalingawngaw niyang ungol.

Walang anupama’y naramdaman ko ang pagpintig ng kahabaan niyang nakasiksik sa palad ko. Natalsikan ako ng mainit niyang likido sa dibdib. Umalingasaw ang magara nitong amoy at agad na kumapit sa ilong ko.

“Ugh!” umaalingawngaw ko ring ungol.

Sa hindi inaasahan, naramdaman ko na lang ang pagpintig ng kahabaan ko sa mainit niyang palad. Huli na nang mapagtanto kong nilabasan na rin ako tulad niya. Tumalsik ang akin sa ilalim ng lavatory.

Dinumihan niya ako. Hindi lang sa katawan. Dinumihan niya ang pagkatao ko. Ang pagkalalake ko. At ngayong natapos na kami pareho ay unti-unting nabalot ang hubo’t hubad kong katawan ng hiya. Kusang napalayo ang mukha kong kaunti na lang ang distansya sa kaniya. Kusa akong napabitiw sa kaniya. Sa kabila ng lahat, isang bagay pa rin ang mas matimbang sa ’kin…

Nanalo ako.

Matapos ang lahat ay binanlawan ko na ang dibdib ko sa lavatory kung saan ko siya mismo itinulak kanina, at dito ay tinanggal ko ang malagkit na bagay na bigay niya sa ’kin. Nakakadiri talaga, puta. Kahit anong linis ko sa sarili ay hindi pa rin maaalis ang katotohanang tinamaan ako sa ginawa namin kanina.

“Walang makaaalam nito,” sambit niya habang nagsusuot ng camo pants sa tabi kung saan niya initsa ang belt niya kanina.

Mula sa pagtitig sa namumula kong mukha sa salamin, lumipat ang tingin ko sa kaniya, naging masama. “Wala kung hindi mo sasabihin.”

“Sasabihin na?” Ngumisi siya habang may mapang-asar na mga mata. “Nilabasan ka sa ’kin?”

“Na nilabasan ka sa ’kin,” diin ko.

“Hm.” Sinimulan niya nang isuot ang belt niya.

Naglakad ako palapit sa kaniya. Pagkatapos ay yumukyok ako para kunin ang sando kong nasa sahig sa tapat niya lang din.

“O, gusto mo pa?” asar niya.

Tumingala ako sa kaniya at tumalim ang tingin. “Kinukuha ko lang ang damit ko.”

Pagkaahon ay isinuot ko na ang sando sa harap niya mismo.

“Uulitin ko lang, walang makaaalam nito.” Natapos na siya sa pagsuot ng pants. “Wala kang pagsasabihan.”

“Huwag kang mag-alala.” Ngumisi ako. “Walang makaaalam na bakla ka.”

Bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya. “Tapos na tayong maglaro. Ayusin mo ang pananalita mo.”

“ Sir .“

“At hindi ako bakla. Mag-iingat ka sa sinasabi mo.”

Ngumisi lang ako at umiling bilang tugon.

“Meron ka lang isang buwan,” sabi niya, kaya agad na bumalik ang tingin ko sa kaniya. “Pagkatapos, gagawin kong impyerno ang buhay mo.”

“Huwag kang mag-alala,” sabi ko naman, “susulitin ko.”

Binangga niya ang katawan ko nang maglakad palayo sa ’kin. Mga ilang saglit lang din nang matigil ang mga yabag na gawa niya.

“Teka, meron nga pala akong nakalimutan…” pahabol niya.

Kumunot ang noo ko. “Nakalimutan?”

“Huminga ka…”

“Humi—?”

POW!

Paglingon ko sa kaniya ay hindi ko inaasahang makatatanggap ako ng suntok sa mukha. Hindi naman ito ubod ng lakas, pero dahil hindi ako nakapaghanda, parang gano’n na rin. Napailing ang mukha ko sa kaliwa at agad ko ring nalasahan ang dugo sa loob ng bibig ko.

Nagsalubong ang magkabila kong kilay at muling sumama ang tingin sa kaniya. “Akala ko ba, may isa kang salita,” inis kong sambit, “ Sir?! “

Umismid siya. “Meron nga.”

Mas lalong nandilim ang paningin ko sa kaniya. “Eh, ano ’to?!”

“Pruweba.” Tinangka niyang hawakan ang nanakit kong pisngi.

Agad naman akong umiling at tinakpan ito para hindi niya mahawakan. “Pruweba?”

“Pruweba,” tuloy niya, “na pinarusahan kita. Baka magtaka sila ’pag lumabas kang walang galos.” Ibinaba niya na ang kamay niya ngayon. “Tuloy pa rin ang usapan. Ligtas ka ng isang buwan.”

Wala akong masabi. Pero gustong-gusto kong makabawi. Kung hindi ko siya puwedeng suntukin, ano ang puwede kong gawin?

Nang tumuloy na siya sa paglalakad palayo sa ’kin ay saka ako may naisip.

“Teka, meron din akong nakalimutan…” pahabol ko.

Napahinto siya at humarap sa ’kin. “Ano?”

Naglakad ako palapit sa kaniya. “Ito.”

PWE!

Tulad ng ginawa ng isa niyang kasama sa isang kadete sa hallway kanina ay dinuraan ko rin siya sa paa. Nabalot ang suot niyang bota ng pinaghalong dugo at laway, bagay na hindi basta-basta matatanggal.

Tiningnan niya lang ang bota niya. Huminga naman ako nang malalim at inihanda ang mukha ko sa pag-aalalang baka ay muli niya akong suntukin. Pero hindi. Hindi niya na ako muling sinaktan. Sa halip, napayuko lang siya at may binulong sa sarili habang nakangisi—o nakangiti nga yata.

“Jaxon, malaki ka na talaga.”

Pagkatapos ay naglakad na siya palabas ng CR at iniwan akong nakatulala. Sa pagbukas ng main door ay umalingawngaw ang samo’t-saring ingay ng mga plebong pinahihirapan ng dalawang kupal niyang kasama. Matapos sumenyas sa kanila ay nilapitan siya ng mga ito, pinakinggan ang importante niyang utos.

“Walang gagalaw sa kaniya,” sabi niya habang nakatingin sa direksyon ko. “Akin lang siya.”

Bago pa man ako makapagpakilala, mukhang matagal niya na akong kilala.

Chapter 5

“Jaxon, huwag kang iiyak.”

“Hershey…”

“Hindi dapat iniiyakan ang patay na.”

“No, Dad. H-He’s not yet dead. H-He’s still breathing. Let’s… Let’s bring Hershey to the hospital.”

“Aso lang ’yan, Jaxon. Madali lang ’yan palitan.”

“No!”

“It’s his fault he was born weak. If he were stronger, he wouldn’t have been mauled to death.”

“It’s not his fault, Dad! W-We were just walking back home, and then his dog attacked Hershey!”

“Jaxon, tumigil ka na.”

“I swear, Dad! I’m telling the truth!”

“Dad, nagsasabi po ng totoo si Jaxon.”

“Janus, huwag ka nang dumagdag.”

“Hershey…”

“Jaxon, mahihina lang ang mga lalakeng umiiyak! Hindi ka ipinanganak na mahina!”

“Hershey…”

“Jaxon, huwag kang iiyak!”

Umalingawngaw ang boses ni Dad. Pagmulat ko ay unti-unti itong naglaho sa pandinig ko at napalitan ng alingawngaw ng tunog ng bugle. Sa isang iglap, bumalik ako sa kasalukuyan. Natapos na rin ang masama kong panaginip. Pero hindi pa rin maalis ang bigat sa dibdib ko.

Parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Sa mga palad ko, ramdam ko pa rin ang dugo at mga nalagas na balahibo ng yumao kong aso noong pitong taong gulang pa lang ako. Si Hershey, isang Shih Tzu, na nilapa ng isang pit bull. Nilapa. Sa harapan ko mismo. At walang ginawa ang lalakeng may-ari ng pit bull.

Limot ko na ang itsura ng lalake. Matagal na rin kasi. Pero hindi ko pa rin makalimutan ang naging reaksyon nito habang nangyayari ang lahat. Nangingiti ito habang panay sa pag-iyak ang aso kong pinagsasakmal ng aso nito. Sinadya nito ang nangyari. Ginusto.

Iyon ang unang beses na nakaramdam ako ng sobrang pagkamuhi sa isang tao. At iyon na rin ang huling beses na naaalala kong umiyak ako.

Iba na ’ko ngayon.

0430 na. Hindi ko na kailangan pang tingnan ang hinubad kong relo para alamin ang oras. Ang ugong ng bugle sa labas na mismo ang hudyat na oras na para gumising.

“Puta…” usal ko pagkabangon sa kama nang maramdamang nananakit pa rin ang mga tuhod ko gawa ng dalawang kupal na cows o second-class cadets kagabi.

Kagabi?

Sigurado ako, may iba pang nangyari kagabi. O kanina. Ilang oras lang naman ang naging tulog ko—namin. Dahil yata sa kakulangan ng tulog kaya hindi ko pa maalala. Bangag pa ang utak ko. Dumagdag pa ang sakit sa pisngi ko na bigay ni Duke.

Ni Duke?

Kagabi?

May nangyari?

Ibinuka ko ang palad ko at pinagmasdan ito. At unti-unti ay parang bumalik sa ’kin ang lahat. Lumaki ang mga mata ko at umawang ang bibig sa gulat.

May nangyari sa ’min kagabi!

Agad na nagising ang diwa ko. Pero mas lalo itong nagising nang biglang bumukas ang pinto ng barracks namin at nang may pumasok na isang drill sergeant.

“Morning, plebes!” panimula nito sa buo at magaspang na boses. “Bakit madilim pa rin dito?”

Nang buksan nito ang ilaw ay panandalian akong nasilaw sa marahas nitong liwanag dahil napakalapit lang nito sa akin. Saka lumantad ang kasalukuyang sitwasyon: Sa kabilang bunk bed, makikitang mahimbing pa ring natutulog sina Mark at Harry sa kabila ng mahabang ugong ng bugle. Malamang ay gano’n din si Joseph sa ilalim ko dahil masyadong kalmado ang bunk namin.

“Hoy! Magsibangon kayo!” sigaw ng drill sergeant habang niyuyugyog ang bunk nina Mark at Harry. “Mga makukupad! Mga tamad! Bangon! Bangon! Wala kayo sa bakasyon!”

Nang maalimpungatan ay agad na bumangon sa kama si Harry, nabalot ang mukha ng takot nang makita ang drill sergeant. Umuga na rin ang bunk namin—senyales na nagising na rin si Joseph dahil sa ingay. Isang tao na lang ang hindi pa rin nagigising.

Naglakad ang drill sergeant palapit kay Mark na patalikod na nakahiga sa lower bunk, yumuko habang nakapamewang, saka sumigaw nang ubod lakas ng, “Hoy, plebo! Gumising ka! Oras na para sumabak sa giyera!”

Sa halip na bumangon ay napakamot lang sa puwet si Mark at sinabing, “Mommy, natutulog pa ’ko, eh! Huwag mo nga ’kong gisingin!” na parang spoiled brat.

Sinapo ko ang noo ko. Napatakip sa bibig si Harry. Natigil sa pag-uga ang kama sa ilalim ko. Katapusan na ng mundo. Sinigawan lang naman ni Mark ang isang drill sergeant.

“M-Mommy?!” inis na ulit ng drill sergeant. Maya-maya pa ay puwersahan nitong hinugot ang unan na kinahihigaan ni Mark, dahilan para bumagsak ang ulo niya sa kama at tuluyan na ngang magising. Pag-ahon niya ay may pagkabalisa siyang tumingin patalikod sa drill sergeant. “Wala rito ang mommy mo!” makabasag-tengang sigaw ng drill sergeant. “O baka gusto mong ibagsak kita sa summer training para makita mo agad ang mommy mo, ha?! Anong gusto mo, plebo?! Sabihin mo!”

Habang nakayuko ay nangangatal na ang bibig ni Mark. “I-I apologize for my mistake, Sir.”

“I don’t need your apology, plebe!” anang drill sergeant, galit na galit, parang gustong manakit. “I need you to get your fat ass off of your bed and start moving!”

“Y-Yes, Sir.” Marahang hinila ni Mark ang mabigat niyang katawan pababa ng kama.

“Faster!”

“Yes, Sir!” Dahil sa takot ay mas lalong binilisan ni Mark ang pagkilos.

Nang makababa na ng kama si Mark ay kami naman ang sunod na pinagtuunan ng mabangis na tingin ng drill sergeant. “At kayong tatlo?! Ano pang tinutunga-tunganga ninyo?! Magsikilos kayo!”

Nagulantang kaming tatlo nina Harry at Joseph at nagsimula na ring kumilos tulad ni Mark.

Sa ilalim ng mga mata ng drill sergeant ay inayos namin ang mga pinaghigaan namin, sinigurong na-tuck in nang maayos ang bed sheets (ginawang hospital corners), sinigurong makinis ang ibabaw (walang kahit anong gusot), sinigurong naipuwesto nang maayos ang unan at kumot. Sa aming apat, si Harry ang may pinakamalinis na higaan at nakatanggap pa nga siya ng papuri mula sa drill sergeant.

Pero wala pa ring ligtas sa ’ming apat. Ang kasalanan ng isa ay kasalanan ng lahat. Kung kaya’t nang matapos na kami sa pag-aayos ng mga kama namin at tumindig nang nakahilera sa pagitan ng dalawang bunk beds—kami ni Joseph sa kaliwa at sina Mark at Harry sa kanan—ay may mga iniwang salita ang drill sergeant bago kami tuluyang iwan.

“Listen up, plebes! Discipline isn’t just a word; it’s the backbone of this institution! You think war waits for you to catch your breath? Hell no! Tardiness? That’s a luxury civilians can afford! In the military, it’s a ticket to disaster…!” At kung ano-ano pa ang sinabi nito. Sa huli, iisa lang din naman ang punto. “To learn from the mistakes of your fellow cadet, you will all face the consequences! Today, you will be under the supervision of a first-class cadet, and I entrust all decisions regarding your punishments to him! Is that understood?!”

“Sir, yes, Sir!”

Expected na ’to. Ngayong nakabalik na ang mga upperclassman, sila na ang mga bagong magpapahirap sa ’min. Ang tanong na lang ay kung sino ang ma-a-assign sa amin at kung ano ang ipapataw nitong parusa sa ’ming apat dahil sa kasalanan ni Mark.

Naglakad na palabas sa nakabukas na pintuan ang drill sergeant. Sinundan ko ito ng tingin ngayong nakatalikod na ito, habang ang tatlo ko namang kasama ay nakaangat pa rin ang mga baba at diretso lang ang tingin sa itaas, pare-parehong kinakabahan. Kita kong tila may kausap ang drill sergeant sa labas.

Nang maglaho na ang drill sergeant sa paningin ko at nang mapansing may bagong papasok sa loob ng barracks namin, bumalik ako sa pagtindig at itinuwid ang mukha ko sa taas ng ulo ni Harry na kaharap ko—na alam ko ay kanina pa napapasulyap sa guwapo kong mukha.

Damang-dama ang tensyon sa loob, lalo pa’t nang marinig namin ang bigat ng mga binibitiwang yabag ng misteryosong tao.

Mga ilang saglit pa…

“Morning, plebes,” pamilyar na boses ng isang lalake. Marahan itong naglakad-lakad sa pagitan naming apat. “From now on, I will be your new drill sergeant…”

Habang tuloy-tuloy ito sa pagsasalita ay unti-unti akong nagkakaroon ng ideya kung sino ito. Buo at malalim ang boses, agad na nakuha ang inis ko sa unang dinig. At mas lalong nagpanting ang tenga ko nang lumakas pa ang boses nito sa pandinig ko nang bigla itong huminto sa pagitan naming dalawa ni Harry.

Para makumpirma kung tama nga ako ng hinala, sinubukan kong sumilip pababa. Unang bumungad ang suot nitong mga bota na nakaharap sa akin; ang isa ay may bahid pa ng pulang mantsa na hula ko ay dugo. Nang tumaas pa ang tingin ko ay tumambad ang apelyido nitong nakaburda sa suot nitong army combat uniform. At nang tumaas pa ay tumambad ang mga matang matatalim ang tingin at makakapal na mga labing nakangisi sa akin.

Anak ng puta!

Kung minamalas-malas nga naman, natapat pa kami sa maling tao. Si Duke, na panira sa umaga ang mukha, ang bago naming drill sergeant at magdedesisyon kung anong parusa ang ipapataw sa aming apat.


Sinundan kami ni Duke sa CR. Sa pinakadulong shower room, pumasok kaming apat, habang siya naman ay nasa labas. Nakabukas ang shower curtain kaya kitang-kita niya lahat, maging ang mga itinatago naming pagkalalake. Wala na nga yata akong itinatago pa mula sa kaniya. Nakita niya na ’yong akin kagabi. Nahawakan pa nga. At nagalaw.

Nakatayo kaming apat at napapagitnaan ang isang balde na puno ng tubig at may isang tabong nakalutang, hinihintay ang hudyat niya na puwede na kaming magsimulang maligo.

“Bago kayo magsimula, gusto ko lang ipaalam sa inyo na ngayon ko na mismo ibibigay ang parusa n’yo,” panimula niya.

“Sir, yes, Sir!” sabay-sabay naming sabi.

“Rosales,” tawag niya kay Mark, “dahil ikaw ang may kasalanan ng lahat, wala kang gagamitin na tubig ngayong araw.”

“H-Ho?” Umawang ang bibig ni Mark, hindi makapaniwala sa narinig.

Paano maliligo si Mark kung wala itong gagamitin na tubig? Tarantado ’tong si Duke. Sobra-sobra magbigay ng parusa.

Simula pa lang pero kumukulo na agad ang dugo ko. Gayunpaman, hindi ako nagsalita at umangal. Wala na kami sa Initiation Night, nasa oras na kami ng training. Ngayon, ang turing ko kay Duke ay isang upperclassman na kailangang sundin ang lahat ng utos. Mas umiiral ang prinsipyo ko sa puntong ito kaysa sa init ng ulo.

“Bakit?” maangas na sabi ni Duke kay Mark. “May angal ka, Rosales?”

“N-No, Sir!” tugon ni Mark.

“Mabuti.” Ngumisi si Duke. “Kung paano ka maliligo nang walang tubig, ikaw ang mag-isip ng paraan.”

“Yes, Sir!” si Mark.

“Durat,” sunod na tawag ni Duke kay Joseph.

Tumindig si Joseph. “Sir!”

“Isang tabo para sa ’yo,” ani Duke.

“Yes, Sir!” walang angal na tugon ni Joseph.

“Alcantara,” sunod na tawag ni Duke kay Harry na katapat ko.

“Sir!” sagot ni Harry, pinilit na gawing buo ang boses pero may bahid pa rin ng kalambutan.

“Dahil ikaw ang may pinakamaayos na higaan,” sabi ni Duke, “dalawang tabo para sa ’yo.”

“D-Dalawa?” mahinang ulit ni Harry.

Sa aming apat, si Harry ang pinakamaarte. Dati pa lang, isang balde ng tubig na talaga ang pinagsasaluhan naming apat, pero walang distribusyon tulad ng ginagawa ni Duke ngayon. Alternate sa paggamit ng tabo. Kapag parang dalawang tabo na lang ng tubig ang natitira sa balde, pinapaubaya na naming tatlo kay Harry, dahil ayaw nito ng pakiramdam na madulas pa ang balat gawa ng sabon.

Tapos ngayon, dalawang tabo lang. ’Tang ina, sino ang kakayaning maligo gamit lamang ang dalawang tabo ng tubig?

“Oo. Pasalamat ka nga at ginawa kong dalawa,” tugon ni Duke, tumabingi ang ulo habang nakatingin kay Harry. “Ayoko talaga sa ’yo at sa mga tingin mo. Pero dahil nagustuhan ka ng drill sergeant kanina, ginawa ko nang dalawa. Magpasalamat ka.”

“T-Thank you, Sir!” napipilitang tugon ni Harry.

Tapos na siya sa kanilang tatlo. Ngayon, oras na para sa hatol ko.

“Jax—” putol niyang tawag sa pangalan ko. Muntik nang pumutok ang ugat sa ulo ko kung natuloy lang ito. Sa lahat ng bagay, ayokong tinatawag niya ako sa pangalang Jaxon. Hindi ko siya gusto, kung paanong hindi niya gusto si Harry. Kaya wala siyang karapatan na tawagin ako sa pangalan ko. “Escobar.”

’Yan, ganiyan nga. Tawagin niya na lang ako sa apelyido. Mabuti at marunong siyang makiramdam. Kahit papaano ay may matitira pa akong katiting na respeto sa kaniya kung rerespetuhin niya lang ang pangalan ko.

“Sir!” tugon ko sa buong boses. Tumalim ang tingin ko nang ibaling sa kaniya.

Sandali siyang napangisi—o napangiti; puta kasi, ang hirap hulaan—nang humarap ako sa kaniya. Ito ang unang umaga na nagkita kami. At ngayong sapat na ang liwanag sa paligid dahil sa mga nakabukas na ilaw, naging mas maliwanag sa akin kung bakit ko siya kinaiinisan.

Hindi ko tanggap na napakakinis ng mukha niya. Samantalang ang kuya ko, punong-puno ng mga pasa ang mukha nang huli ko iyong makita. Gusto kong ibalik sa kaniya lahat ng ginawa niya sa mukha ng kuya ko. Dodoblehen ko pa. Titriplihin. Hanggang sa hindi na siya makilala. Hanggang sa hindi na siya makangiti.

“Dahil ikaw ang unang nagising sa inyong apat…” tuloy niya.

Alam ko na ang sasabihin niya. Bibigyan niya ako ng tatlong tabo ng tubig.

Ngumisi ako at umiling. “Tch.”

Masyado siyang madaling hulaan.

“Sa ’yo ang lahat ng matitirang tubig sa balde.”

Unti-unting nabura ang ngisi sa labi ko nang dahil sa sinabi niya. Marahan akong lumingon pabalik sa kaniya. Naging mas malalim ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Naging mas malinaw din sa akin na ngiti ang nasa labi niya at hindi ngisi. Kung bakit, ito ang hindi ko alam.

May kutob talaga akong matagal niya na akong kilala, kita ko ito sa mga mata niya. Paano kaya nangyari ’to? Hindi ko pa naman siya lubusang kilala—bukod sa hinuha kong siya ang nanakit sa kuya ko. Ang totoo niyan, kagabi ko nga lang siya nakita. At ngayong umaga nga lang kami muling nagkita. Pero parang may mali. Bakit parang matagal ko na siyang nakikita?

Saan? Kailan? At sa paanong paraan?

Wala akong matandaan.

Chapter 6

Trigger Warning:

Sexual Assault

Matapos ang hudyat ni Duke na puwede na kaming maligo, nagsimula na kaming kumilos. Limang minuto lang ang ibinigay sa amin. Apat kami sa loob ng isang shower room. Masyadong masikip, kaya hindi puwedeng kumilos nang sabay-sabay.

Nauna na si Joseph na gumamit ng isang tabo ng tubig. Hindi na nga ligo ang ginawa niya, eh. Hilamos lang. Nang matapos, agad siyang lumabas ng shower room at bumalik sa barracks namin.

Sumunod si Harry. Dalawang tabo ng tubig. Hindi na rin nakaligo dahil kulang na kulang ito para sa kaniya. Sa halip, naghilamos na lang din at nagmumog. Kaya lang, sobrang bagal kumilos.

Nang kaming dalawa na lang ni Mark ang natira sa loob, nagkatinginan kami sa isa’t isa at sa natitirang tubig sa balde na halos kalahati pa ang laman. Sabay napatingin kay Duke na nakabantay sa labas.

“Paano ba ’yan, dalawang minuto na lang,” ani Duke matapos silipin ang relong nakatago sa manggas ng ACU jacket. “Escobar, baka gusto mong bilisan?”

Ako lang ba ang nakikita niya?

Hindi niya ba nakikita na hindi pa nakakaligo itong isang kasama ko sa loob?

Bumuntong-hininga ako. “Sir, puwede ko bang ibigay ang kalahati ng parte ko kay Rosales?”

“Hindi puwede,” tuwid niyang sagot. “Pero kung masyado kang mabait, puwede mo namang ibigay lahat sa kaniya at ikaw naman ang mawawalan ng tubig.”

Ngumisi siya. Lumunok ako.

Ako pa ang mawawalan? Eh, hindi naman ako ang may kasalanan. Hindi ba’t ang unfair naman kung si Mark pa ang makakakuha ng pinakamaraming tubig gayong ito naman ang dahilan kung bakit kami pinarurusahan sa simula pa lang?

Pagbalik ko ng tingin kay Mark, bumaba ang mukha nito. “Jaxon, hayaan mo na. Hindi na lang ako maliligo. Balik na lang ako sa barracks.”

Muli akong lumunok. “Um.”

Ayoko…

Ayokong ipaubaya ang tubig na para sa ’kin.

Pero hindi ko maiwasang maawa kay Mark. Alam kong hindi rin naman nito sinadya ang nangyari. At isa pa, mukhang gusto rin talaga nitong maligo o maghilamos dahil naghintay pa nga ito sa loob imbes na umalis na agad kanina.

Lumaki si Mark sa marangyang pamilya, kaya nakukuha ang lahat ng gusto. Pero wala na kami sa loob ng mga tahanan namin. Nasa ilalim kami ng military training. Kailangan na nitong masanay sa bagong buhay rito. Gano’n pa man…

“Sa ’yo na,” hindi ko alam kung bakit ko ito nasabi. “Sa ’yo na lahat ng tubig.”

Umangat ang mukha ni Mark, bahagyang lumaki ang may pagkasingkit na mga mata. “S-Sigurado ka?”

Tumango ako. “Oo. Mamaya na lang ako maliligo.”

“S-Salamat.” Bahagyang gumuhit ang ngiti sa labi nito. “Jaxon, salamat.”

Umiwas lang ako ng tingin. Hindi ko matanggap na nagpaubaya ako. Nakakapanibago. Pero mas lalong hindi matanggap ni Duke ang ginawa ko. Kita ko kasing pumait bigla ang mukha niya.

Nang magsimula nang maligo si Mark gamit ang tubig na dapat sana ay para sa akin, napagpasyahan ko nang lumabas. Wala na rin naman nang dahilan para manatili pa ako rito.

Palabas pa lang ako ng shower room nang biglang humarang ang malapad na katawan ni Duke sa daraanan ko. “At saan ka pupunta?”

Tumindig ako at hindi siya tiningnan sa mata. “Permission to leave, Sir.”

“Request denied, remain at your post,” matigas niyang tugon.

“I need to get changed, Sir.”

“I’m not allowing you to.”

Dumiretso ang tingin ko sa mga mata niya—sa mga mata niyang hindi ko alam kung bakit matatalim. Galit ba siya sa ’kin?

“Rosales, get out of here,” biglang utos niya kay Mark.

“S-Sir?” dinig kong sambit ni Mark sa likuran ko.

“Pagbilang ko ng lima, nakalabas ka na,” banta niya.

“Sir—” si Mark.

“Isa…”

Lumakas ang pagbuhos ng tubig sa likuran ko.

“Dalawa…”

Tumunog pa nga ang pagkahulog ng tabo sa sahig.

“Tatlo…”

Hindi na umabot pa sa apat ang bilang dahil agad ding lumabas si Mark ng shower room. Kita kong may bula pa sa buhok nito na hindi nabanlawan, pero wala itong nagawa kundi ang umalis tulad ng iniuutos ng gagong Duke.

Nang kaming dalawa na lang ni Duke ang natira, bumalik ang buong atensyon niya sa akin. “Escobar—” Tumikhim siya. “Jaxon…”

Heto na naman siyang tinatawag ako sa pangalan ko. Ang kapal din talaga ng mukha nito, eh. Close ba kami?

Tumaas ang kilay ko. “Sir?”

Bahagyang yumuko siya, pinunasan ang dulo ng ilong, at suminghot. “Bakit mo ginawa ’yon?” Sabay balik ng kamay sa likod at umangat ang tingin sa akin. “Binigay ko ang tubig para sa ’yo, pero binigay mo rin sa iba. Bakit, Jaxon?”

Bakit ba ito big deal sa kaniya?

Umangat ang baba ko. “Sabi n’yo, puwede kong ibigay lahat ng tubig sa kasama ko, Sir.”

Humakbang pa siya palapit sa akin. Sa pagliit ng distansya sa pagitan namin, nakaramdam ako ng kaunting pagkailang. Naalala ko kasing hindi tulad niya, walang damit na bumabalot sa katawan ko.

“Sinabi ko nga,” aniya. “Hindi ko naman inakalang gagawin mo. Akala ko, matibay ka. Bakit parang ang bilis mong maawa?”

Hindi ko rin alam. Ang tanging alam ko lang, hindi ako demonyo katulad niya.

“Hindi ko na ho kailangang maligo kasi naligo na ako kagabi bago matulog, Sir,” rason ko. “Kaya binigay ko na po, Sir.”

Masaya na ba siyang tinatawag ko siyang ‘Sir’ nang paulit-ulit? Kasi ako, suyang-suya na! Presensya niya pa lang, hindi ko na masikmura. At ’tang ina, lumalapit pa nga!

“Alam ko ang mukha ng nagsisinungaling,” Sa bawat hakbang niya ay napapaatras ako. “At sa lahat, ayoko ng taong sinungaling.”

Sa hindi maipaliwanag, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nang masanggi rin ng binti ko ang balde sa likuran ko, para akong napatalon. At may unti-unting lumalaki.

Agad kong inilagay sa unahan ang mga kamay ko at tinakpan ang nabubuhayan kong pagkalalake. ’Tang ina, bakit ganito? Anong nangyayari? Hindi ’to nangyayari!

“Permission to leave, Sir,” pakiusap ko.

Hayop na ’yan. Baka kung anong isipin niya kapag napansin niya ang paglaki ko.

“Hindi pa ako tapos magsalita, Jaxon.”

Nang tuluyan na siyang makapasok sa loob ng shower room, bigla niyang isinara ang shower curtain. Bahagyang dumilim ang espasyo na kaming dalawa lang ang laman.

“Sinira mo ang parusa na binigay ko sa plebong ’yon. Alam mo bang ibig sabihin no’n?” tanong niya sa baritonong boses.

Umiwas ako ng tingin. “Alam ko ho, Sir.”

Kaparusahan para sa ’kin.

“Tumingin ka sa ’kin, Jaxon.” Hinawakan niya ang baba ko at muling pinaharap ang mukha ko sa kaniya. “Sa akin lang.”

Umigting ang panga ko. Bagaman nainis nang muling masilayan ang mukha niya, sinikap kong huwag maging mapaglaban.

Paulit-ulit kong ipinaaalala na nasa training ako ngayon. Susundin ko siya sa ayaw at sa gusto ko. Sa ngalan ng prinsipyo.

“Kamay sa likod,” utos niya sa kawalan.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Parang sinasabi niya na rin na ibunyag ko kung anong itinatago ng mga kamay ko.

Ngayon tuloy ay nagtatalo na ang diwa ko kung dapat ko bang unahin ang prinsipyo o hiya. Gayunpaman, sinunod ko pa rin siya.

“Yes, Sir.” At inilagay ko ang mga kamay ko sa likuran, saka bumaba ang tingin. Kita kong buhay na buhay ang pagkalalake ko.

’Tang ina, nakakahiya. Sinasadya niya ba ’to? Malamang. Sinasadya niya ’to kasi gumaganti siya sa nangyari sa ’min kagabi.

Porke’t natalo siya.

“Tingin sa ’kin,” muli niyang utos.

Kusang umangat ang mukha ko. “Yes, Sir.”

Ngayong ako na ang nakaangat ng tingin, siya naman itong nagbaba. Nahuli ng mga mata niya ang nakalantad kong kahabaan. Walang emosyon ang mukha niya habang pinagmamasdan ito. Hindi ko siya mabasa.

“Jaxon, halata ka,” sambit niya sa kawalan.

Parang nagpanting ang tenga ko sa aking narinig. Halata? Halatang ano? Ano, ha?!

“Sir, hindi ko ho alam ang sinasabi n’yo.”

Alam ko. ’Tang ina! Sinasabi niya bang bakla ako? Dahil lang sa nakita niya, ha?!

Muling umangat ang tingin niya sa mukha ko. “Alam mo ang sinasabi ko, Jaxon.”

Nang magpatuloy siya sa paghakbang ay muli rin akong umatras nang umatras hanggang sa mausog nang mausog ang balde papunta sa pinakadulo, sa may gripo.

“Sir, hindi ko kayo maintindihan,” sabi ko.

Hindi ko talaga siya maintindihan. Ang hirap alamin kung anong tumatakbo sa isip niya. Pero mukhang alam niya na ang akin.

Nang ma-corner sa dulo, wala akong ibang nagawa kundi ang sumandal sa malamig na pader habang nakatuwid pa rin ang tindig.

“Halata na agad ang kahinaan mo…” Bigla niyang isinandal ang kamay niya sa pader at inilapit ang mukha sa akin. “ Sila. “

Lumunok ako at iniatras pa ang mukha ko, kahit nakasandal na rin ang ulo ko sa pader.

“Tama ako, ’di ba?” Ngumisi siya. “Silang tatlo?”

Hindi ako sumagot dahil hindi ko rin alam. O baka alam ko na kaya hindi ako sumagot. Hindi ko matanggap na may kahinaan ako. Wala sa plano ang mapasama ako sa tatlo.

“Kung gano’n, sa loob ng isang buwan, silang tatlo na lang ang pahihirapan ko,” sabi niya. “Hangga’t ligtas ka, sila muna.”

Huminga ako nang malalim. “Sir, kung galit kayo sa ’kin, sa ginawa kong pagsuway sa inyo kagabi, hindi kayo dapat mangdamay ng ibang tao. Wala silang kinalaman dito.”

“Meron silang kinalaman sa ’yo.” Isinandal niya ang isa pa niyang kamay sa kaliwa ko. Napagitnaan na ako ngayon ng mga braso niya. Mas lalong bumigat ang paghinga ko. “Sila ang hihila sa ’yo pababa rito.”

“Hindi ho mangyayari ’yon,” sagot ko.

Kung mangyari man ’yon, isasama ko siya pababa. Sisiguraduhin ko.

“Kung kailangan kong sirain ang loob nila para lang maalis sila rito, gagawin ko. Hanggang sa wala ni kahit isa sa kanila ang matira. Hanggang sa ikaw na lang ang matira. At ’pag nangyari ’yon…” Biglang bumaba ang kanang kamay niya mula sa pader papunta sa balikat ko, mabigat ang pagkakahawak dito. “Ikaw naman… Ikaw naman ang isusunod ko. Wawasakin kita.”

Hayop siya. Tingin niya, hahayaan ko siya?

Hindi ko na napigilang ngumisi. “Kaya ko ho kayo kahit na mag-isa lang ako, Sir.”

“Gano’n ba?” Naramdaman ko na lang ang unti-unting pagbaba ng kamay niya mula sa balikat ko papunta sa dibdib. “Buti naman.”

Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko dahil sa ginagawa niya at hindi ko mapigilang magpigil ng hininga. “Sir—”

“Huwag kang gagalaw.” Bumaba pa nang bumaba ang kamay niya papunta sa abs ko. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa ito. Napapansin niya na ba kung gaano ako kakisig? Hindi niya na ba mapigilan ang sarili niya pagkatapos akong makita kagabi? Ha! ’Tang ina, halata siya.

Pero mali ’tong ginagawa niya. Hindi ako nagbigay ng permiso sa kaniya na hawakan niya ang katawan ko—hindi tulad kagabi. Inaabuso niya ang awtoridad niya sa oras ng training. At hindi ko siya hahayaan.

“Sir,” sambit ko, “ang sabi n’yo ho, ligtas ako ng isang buwan.”

Sandaling tumigil ang kamay niya. Mula sa pagtitig sa abs ko ay bumalik ang tingin niya sa mga mata ko. “Bakit? Ano bang ginagawa ko sa ’yo? Sinasaktan ba kita?”

Umangat pa ang baba ko. “Hinahawakan n’yo ho ako sa katawan, Sir. Mali ho ’yan.”

“Eh?” Tumaas ang kilay niya. “Kagabi lang, ipinagmamalaki mo pa ang katawan mo sa akin. Asan na ang yabang mo ngayon?”

Tumuloy sa paggapang ang kamay niya. At hindi ko na alam kung anong sasabihin dahil gulong-gulo na ang isip ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit tila mas lalo akong ginaganahan sa ginagawa niya.

Nang makaabot na ang kamay niya sa puson ko, napalakas ang boses ko. “Sir!”

At muli siyang natigilan. Ngumisi siya nang makita ang pagkabalisa sa mukha ko. Sa mukha kong alam ko ay pulang-pula na ngayon dahil damang-dama ko ang init ng mga pisngi ko. Yumuko ako dahil sa hiya.

Ano ba kasing ginagawa niya?

Balak niya ba akong hawakan sa ibaba?

Hindi pa ba siya nakuntento sa nangyari kagabi?

Inalis niya na ang kamay niya mula sa katawan ko. “Huwag kang mag-alala, chinito. Wala akong balak na gawin sa ’yo. Inaalam ko lang lahat ng kahinaan mo.”

Umiling ako. Mas lalong bumigat ang paghinga. ’Tang ina, kuhang-kuha niya ako—ibig kong sabihin, ang inis ko.

Maya-maya pa, nakarinig ako ng paglagaslas ng tubig. Pagtingin sa kaliwa, kita kong binuksan niya na pala ang gripo. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang pag-ipon ng tubig sa balde na nilimas ni Mark kanina.

Tumingin siya patalikod, tila nagmatyag. Dinig kong nagsisilabasan na ang ilan sa mga plebo at upperclassmen sa banyo. Nang tumagal ay mas lalong tumahimik ang paligid. Sa pagbalik niya ng tingin sa akin, inalis niya na ang kamay niyang nakasandal sa pader at ibinalik sa likod.

“I’ll give you five minutes,” sabi niya. “Maligo ka na, Jaxon.”

Kumunot ang noo ko sa kaniya. “Sir?”

“Narinig mo ako.” Hininaan niya ang boses niya. “Binibigyan kita ng pagkakataon.”

Tuloy lang sa pag-awas ang tubig sa gripo.

“I’m alright, Sir,” paninindigan ko. “I’ll—”

Bigla siyang yumukyok sa harapan ko, dahilan para matigilan ako sa pagsasalita. Anak ng puta! Ano namang gagawin niya ngayon? Bibigyan niya ba ako ng blowjob?

Sa takot na magkatotoo ang iniisip ko ay agad kong tinanggal ang mga kamay ko sa likuran at muli itong itinakip sa harapan ko. Tila nagtaka siya dahil sa ginawa ko.

Hanggang sa makita kong pinulot niya lang pala ang nahulog na tabo sa sahig. Sa muli niyang pagtayo, inabot niya ito sa akin at tumakas ang katiting na ngiti sa labi niya.

“Jaxon, iniisip mo bang isusubo kita?” tanong niya.

Oo, ’yon nga ang naisip ko. Naisip kong kaya niya ako hinahayaang maligo dahil meron itong kapalit—at iyon ang kapalit.

“No, Sir.” Hindi ko pa rin kinuha ang tabo mula sa kamay niya.

“Hindi mangyayari ’yon.” Inilapat niya ang tabo sa dibdib ko. “Kunin mo na ang tabo.”

“Sir—”

“Escobar, that’s an order.”

“Yes, Sir.”

Wala akong ibang nagawa kundi kunin ang tabo mula sa kamay niya. Bahagyang nabunyag ang pagkalalake ko na isang kamay lang ang tumatakip. Lumunok ako.

“Limang minuto.” Tumabingi ang ulo niya. “Naiintindihan mo?”

Hindi ako dapat tumatanggap ng grasya mula sa kaniya, pero… “Yes, Sir.”

Kailangan ko siyang sundin.

“Good.” Ngumiti siya. “Babantayan kita.”

Paglakad niya palabas ng shower room ay agad akong tumalikod sa kaniya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makalma. Ang init pa rin ng katawan ko.

Para mapawi ang init, agad akong kumuha ng tubig sa balde at ibinuhos ito sa ulo ko. Ngunit kahit anong buhos ko ng tubig, hindi pa rin maalis sa akin ang pandidiri sa sarili dahil hindi ako matigil sa paninigas.

Paglingon patalikod, nahuli kong nakasilip sa akin si Duke, na agad niya rin namang winaksi. Nagkunwari siyang parang walang nakita, pero pansin kong tila naiinitan siya dahil inayos niya ang suot niyang jacket sa may bandang kuwelyo.

Anak ng! Sinisilip niya ba ang puwet ko?!

Chapter 7

May kakaibang nangyayari sa ’kin.

Kahit tapos na akong maligo, ang init pa rin sa pakiramdam. At parang bidyo na paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko ang nangyari sa shower room kanina lang. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang magaspang na palad ni Duke na naglalakbay sa maskulado kong katawan.

“Jaxon, ayos ka lang?” Nagising ako sa pagkatulala nang marinig ang boses ni Joseph.

Lumingon ako sa kaniya. “Ha?”

Kasalukuyan siyang nagsisintas ng sapatos habang ako naman ay nakatayo sa nakabukas kong cabinet, nagbibihis.

“Parang kanina ka pa wala sa sarili,” pansin niya. “May nangyari ba?”

Parang umalingawngaw ang tanong niya sa pandinig ko at hindi ko ito agad nasagot. Oo, may nangyari, pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila. Bukod sa hinawakan ako ni Duke sa katawan, sinabi lang naman nito na pahihirapan nito silang tatlo sa loob ng isang buwan, habang ligtas ako. Dapat pa ba nila itong malaman?

“Ah, wala.” Lumunok ako.

Hindi muna siguro. Baka bigla silang panghinaan ng loob. Iisip muna ako ng paraan para protektahan silang tatlo.

Pagkatapos isuot ang navy blue na pantalon, sunod akong nagsuot ng puting T-shirt. Bago tuluyang mabihisan ang itaas na katawan, sumaglit pa nga ng sulyap si Harry sa abs ko habang nag-a-apply ng sunscreen sa mukha. Nang mahuli ko ito, agad itong umiwas ng tingin at nagkunwaring nakapokus sa sariling repleksyon sa salaming nakakabit sa pinto ng cabinet nito. Magkatapat lang kasi ang mga cabinet namin malapit sa bintana.

“Hayop na Duke na ’yon, hindi pa nga tapos ang oras, bigla na lang akong pinalabas,” himutok ni Mark na nakatayo sa tapat ng cabinet katabi ng kay Harry. “Harry, tingnan mo nga. May bula pa ba sa likod ng ulo ko?”

Tiningnan ito ni Harry. “Wala na.”

“Gago kasi, eh.” Napakamot sa nangangating ulo si Mark. “Gagong Duke na ’yon. Sa atin pa talaga na-assign.”

“Shh, marinig ka,” pabulong na paalala ni Harry dito. “Nasa labas lang siya.”

Sa takot, nagtikom ng bibig si Mark.

“Paano ka nga pala nakaligo?” tanong ni Joseph kay Mark. “’Di ba wala ka namang tubig?”

“Uh, binigay sa ’kin ni Jaxon ang lahat ng tubig niya.” Sunod na bumaling sa akin si Mark. “Nga pala, paano ka nakaligo, Jaxon? ’Di ba konting tubig na lang ang natira?”

Sandali silang natigil sa kaniya-kaniyang ginagawa at nalipat ang buong atensyon sa akin. Umawang naman ang bibig ko at hindi alam kung ano ang sasabihin.

“’Di ba kayong dalawa na lang ni Duke ang natira sa shower room kanina?”

Mas lalo akong kinabahan sa sunod na tanong ni Mark. Bumabalik na naman ang humuhupa na sanang init ng katawan ko habang inaalala ang lahat ng nangyari .

Hindi ko rin maintindihan kung bakit iyon ginawa ni Duke. At mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit binigyan ako nito ng pagkakataong maligo gayong kaparusahan dapat ang natanggap ko.

“Um…” Kumurap-kurap ako. “Ano…”

Habang tumatagal, parang mas lalong napupuno ng pagdududa ang mga mukha nila. Ano na lang kaya ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang tila iba ang pakikitungo sa akin ni Duke kumpara sa kanilang tatlo? Paano kung malaman nilang ligtas ako dahil sa ginawa namin?

Naligtas ako mula sa tanong nang bigla na lang bumukas ang pinto ng barracks namin. Sa pagpasok ng drill sergeant sa loob, kusa kaming napatindig nang tuwid mula sa mga kinatatayuan namin.

“Mga plebo, bakit ang babagal ninyo?” boses ni Duke. “Magsilabas na kayo.”

“Yes, Sir!” sabay-sabay naming sagot.

Lumabas na sina Mark, Joseph, at Harry, habang naiwan naman ako sa loob dahil hindi pa rin ako nakakasuot ng sapatos. Nang kaming dalawa na lang ni Duke ang natira, mas lalo ko pang binilisan ang pagkilos sa ilalim ng mga mata niyang hindi maalis sa akin mula pa kanina.

Tumikhim siya. “Escobar, double time.”

“Yes, Sir,” sagot ko.

May pagmamadali akong umupo sa lower bunk—sa higaan ni Joseph—at kinuha ang mga sapatos ko sa pinaka-ilalim ng kama. Yumuko ako para sintasan ang isa sa mga ito nang bigla na lang maglakad palapit sa akin si Duke at huminto sa harapan ko.

Bumungad ang mga bota niyang kaharap ng mga sapatos ko. Nang iangat ko pa ang paningin ko ay agad ko itong ibinalik pababa nang makita siyang bigla na lang napakamot sa bukol niya sa camo pants.

Puta, sinusubukan niya ba talaga ako?

“Don’t get too distracted, Escobar,” aniya. “Ikaw na lang ang hinihintay.”

Eh, gago pala siya! Kung lubayan niya kaya ako nang agad akong matapos dito?!

“Yes, Sir.”

Mas lalo ko pang binilisan ang pagsisintas sa kaliwang sapatos ko.

Maya-maya pa…

“Ang bagal mo,” pagkainip niya.

Bigla na lang siyang yumukyok sa harapan ko. At sa hindi malamang dahilan, siya na rin mismo ang nagsintas sa kanang sapatos ko. Sandali akong natigilan.

“Kailangan, kumilos ka nang mabilis,” payo niya habang sinisintasan ito. “Huwag kang babagal-bagal, Jaxon. Mahuhuli ka palagi.”

Tumingin siya sa mga mata ko—isang seryosong tingin. Habang ako naman ay may halong inis na nakatingin sa kaniya. Hindi naman talaga ako mabagal. Nagkataon lang na nahuli akong maligo dahil nagpaubaya ako sa mga kasama ko.

“Kaya ko na hong mag-isa, Sir.” Pagkatapos itali ang sintas ng kaliwang sapatos ko, sinubukan kong kunin ang sintas ng kanang sapatos ko mula sa kaniya. “Ako na ho ang bahala—”

“Ako na.” Hindi niya naman ito binitiwan.

Pinagmumukha niya akong mahina. Hindi ko kailangan ng tulong niya! Sapatos lang ’to! Baka gusto niyang ihampas ko pa ito sa mukha niya?!

“Ako na ho, Sir,” diin ko.

Nang muli kong tangkain na agawin ito mula sa kamay niya, bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko. Dahil sa nangyari, pareho kaming naparalisa. Animo’y tumigil ang oras sa pagitan naming dalawa at hindi kami makaimik habang pinagmamasdan ang magkahawak naming mga kamay. Hindi rin naman ito nagtagal dahil ako na mismo ang kusang humugot ng kamay ko mula sa kaniya.

Umiwas ako ng tingin at nagpigil ng hininga. Gago, ano ’yong nangyari?

Sandaling katahimikan ang nanaig.

Hanggang sa…

Tumikhim siya. “Tapos na.”

Pagbalik ng tingin sa kanang sapatos ko, maayos na ang sintas nito. Tumayo na siya. Kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at tumayo na rin.

“Sir,” tanging saad ko habang nakatindig.

Tila naghihintay naman siya na may marinig sa akin, pero hindi ko hinayaang lumabas ito mula sa bibig ko. Hinding-hindi ako magpapasalamat sa ginawa niya. Una sa lahat, hindi ko naman ito hiningi mula sa kaniya. Ikalawa, kinamumuhian ko siya. Sobra.

“Ano pang hinihintay mo?” kalmado niyang tanong. “Hindi ka pa ba lalabas?”

“A moment, Sir.”

Tumalikod ako sa kaniya at tumingkayad para abutin ang relo na nakapatong sa higaan ko. Matapos itong kunin, muli ko siyang hinarap at isinuot na ito.

Nang madama ang pananahimik niya, umangat ang tingin ko sa mukha niya at nakitang bahagyang lumaki ang mga mata niya nang makita ang pula kong relo…

Relo na regalo pa sa akin ni Kuya Janus.

Tuwing suot ko ito, bumabalik ang pagkamuhi ko sa lahat ng tumarantado sa kaniya. Higit sa lahat, sa lalakeng kaharap ko ngayon na tinatawag kong…

“ Sir , tapos na po.“

Kahit tinawag ko na siya, hindi pa rin siya matigil sa pagkatulala sa relo ko. Kaya itinago ko na lang ang mga kamay ko sa likod. Saka lang siya nagising.

Yumuko siya at tumikhim. “Let’s go.”

Nauna na siyang lumabas ng barracks namin at sumunod naman ako. Habang nakapuwesto ang mga kamay niya sa likod niya, sinundan ko ng tingin ang mahabang manggas ng suot niyang ACU jacket, partikular na ang nakatago niyang pupulsuhan na mayroon ding suot na relo. Hindi ko alam kung bakit ito nakatago.

’Di bale, hindi ko kailangang malaman.


Ngayon ang simula ng ikalimang linggo namin sa summer training program o mas kilala rin sa tawag na “Beast Barracks”. Tamang-tama nga lang siguro ang ngalan nito dahil parang mababangis na hayop ang mga upperclassman na nagko-command sa amin. Sa paningin nila, para lang kaming mga langgam sa lupa na puwede nilang apak-apakan kapag ginusto nila. Ang mga sigaw nila ang almusal namin sa umaga…

“Takbo! Takbo! Anong silbi ng mga paa n’yo?!”

“Ang lalampa n’yo! Bawal ang mahihina rito!”

“Ano?! Naiiyak na ba kayo?! Ha?! Kung gusto n’yo nang umuwi, sabihin n’yo lang!”

“Walang hihinto hangga’t hindi namin sinasabi!”

Hindi pa nga sumisikat ang araw, tumatagaktak na agad ang mga pawis naming mga plebo dahil sa katatakbo mula pa kanina. Parang walang katapusan ang mahabang daang tinatahak namin paikot ng campus. O sadyang wala lang talaga siguro silang balak na pagpahingahin kami. Sobra na ’to.

Kahit malakas ang pangangatawan ko, magsisinungaling na ako kung sasabihin kong wala lang ito sa akin. Dahil ang totoo, parang bibigay na ang mga binti ko. Pero sa kabila ng lahat, hindi ko ito ipinapakita sa mukha—hindi dahil nakabantay lang naman sa amin si Duke. Ayokong makita nitong nanghihina ako—hindi sa ganito.

Usapang panghihina, ang tatlo kong kasama talaga ang pinakaproblema. Hindi dapat ako nasa hulihan ng formation run kung hindi lang dahil nag-aalala ako para kina Mark, Joseph, at Harry. Para kasing bibigay na ang isa sa kanila anumang oras. Kaya binabantayan ko silang mabuti.

“Taba, hindi mo na ba kaya?!” sigaw ni Morales kay Mark habang sinasabayan ang mabagal nitong takbo. Nasa unahan ko lang sila. “Ano?! Sumagot ka!”

“Kaya pa, Sir!” hingal na sagot ni Mark.

“Gutom ka na ba, Taba?!”

“No, Sir!”

“Gusto mo na lang bang maging si Jollibee para tubuan ka ng pakpak?! Mukhang hindi mo na yata kayang tumakbo, eh! Lumipad ka na lang!”

“No, Sir!”

’Tang ina mo, Tarsier. Ikaw ang paliparin ko riyan, eh.

“Ikaw, Burat! Mukhang magkakalasan na ang mga buto mo, ah! Kaya mo pa ba?!” pangpi-pressure ni Monsur kay Joseph.

“Yes, Sir!” buong sagot nito.

“Hindi mo na yata kaya! Umuwi ka na!”

“Kaya pa, Sir!”

“Naglaro ka ba ng burat bago matulog kanina?!”

“No, Sir!”

“Eh, bakit nanghihina ka?! Takbo pa!”

Mas lalong binilisan ni Joseph ang pagtakbo kahit parang hihimatayin na.

Samantala, katabi ko si Harry na kanina pa hingal na hingal dahil sa sobrang pagod. Para siyang malalagutan na ng hininga. Kanina pa nga ako nag-aalala sa kaniya.

“Alcantara, kaya pa?” buong boses ni Duke na nakabantay sa kaniya.

“Y-Yes, Sir!” malumanay niyang sagot.

Sa lahat ng mga tumatakbong plebo, ako lang yata itong walang bantay at hindi sinisigawan. Mukhang wala nga talagang magtatangkang gumalaw sa akin dahil sa mga sinabi ni Duke kagabi lang mismo.

“Gusto mo na bang sumuko?” muling tanong ni Duke habang tinutunaw ng tingin si Harry.

“No, Sir!” paninindigan ni Harry.

“O baka gusto mo nang sumubo?” pag-iba ni Duke sa tanong.

“S-Sir?” Mas lalong nanghina ang mga tuhod ni Harry.

“Sinong nagsabing bumagal ka?” banta ni Duke. “Gusto mo yata akong isubo, ’no?”

“S-Sorry, Sir!” Pinilit ni Harry na bilisan pa ang takbo niya.

Tiningnan ko nang masama si Duke—isang putang ina mo na tingin. Ngumisi naman ito sa akin, na parang sinasabi nito na sisirain nito ang loob ng kasama ko hanggang sa sumuko siya. Kung hindi pa ba ito ang ginagawa nito, ewan ko na lang kung ano.

“Alcantara, bilisan mo pa,” utos nito.

“Yes… Sir…” nanghihinang wika ni Harry.

Nag-aalala na talaga ako para sa kaniya. Dinig na dinig na kasi ang pag-agahas niya at nakanganga na rin para lang makahinga. Kung ako nga, hirap na, ano pa kaya siya?

“Bilis pa!” Sa hindi inaasahang pagtaas ng boses ni Duke ay tuluyan na ngang nadapa si Harry dahil sa gulat.

“Ugh!” ungol niya.

Natigil ako sa pagtakbo. Gano’n din si Duke. Napalingon naman sa amin sina Mark at Joseph na nasa unahan, pero nang sigawan ang mga ito ng mga bantay nila, tumuloy na sila sa pagtakbo. No choice.

Naiwan kaming tatlo sa gitna ng daan.

“Harry!” Yumukyok ako para alalayan siya. “Okay ka lang?”

Panay pa rin siya sa paghingal. Nang iangat niya ang mga palad niya, kita kong nagasgasan ang mga ito. Hindi agad siya nakatayo dahil mukhang nananakit pa nga ang isa niyang tuhod gawa ng pagkatumba. Agad akong nakaramdam ng awa sa kaniya.

“Alcantara, tumayo ka,” utos ni Duke. “Napag-iwanan ka na. Tayo, ngayon na.”

“Y-Yes, Sir,” mahanging sagot ni Harry.

Tumingin ako kay Duke nang magkasalubong ang mga kilay habang sinisikap na itayo si Harry. Naging masama naman ang tingin nito kay Harry na akay ko sa hindi malamang dahilan. Nang makatayo na kami, sinaklay ko ang payat na braso ni Harry sa malapad at makapal kong balikat.

“Escobar, bitiwan mo siya,” ani Duke.

“Sir, inaalalayan ko lang—”

“That’s an order.”

“Y-Yes, Sir.”

Kahit hindi ko gusto, marahan kong binitiwan si Harry. Namumutla na ang mukha nito. Pero itong gagong Duke, parang walang pakiramdam. Walang puso.

“Alcantara.”

“S-Sir?” Gumegewang-gewang na ang ulo ni Harry.

Tumabingi ang ulo ni Duke. “Kaya mo pa ba?”

“Y-Yes, Sir.” Hinawakan ni Harry ang nananakit niyang tuhod.

“Kung kaya mo pa, tumakbo ka na.”

Binasa ko ang labi ko sa panggigigil. Ano bang problema nitong gagong ’to? Malinaw namang hindi na kaya ni Harry ngayon.

“Ano, hindi ka tatakbo?” banta ni Duke. “Kung ayaw mo na, sabihin mo lang. Pauuwiin na agad kita sa inyo.”

Bigla na lang humikbi si Harry. “Sir, huwag po, k-kaya ko pa po.”

“Umiiyak ka ba?” tanong ni Duke sa nakakaasar na boses.

“No, Sir.” Kumurap-kurap si Harry at nilunok ang paghikbi. “H-Hindi po.”

Umiling ako para hindi makita ang nakakaawa niyang mukha. Hindi ko talaga maiwasang makita ang kuya ko sa kaniya. Hindi ko siya kayang tiisin. ’Tang ina.

“Alcantara, kung hindi ka makakarating sa dulo, patatakbuhin ulit kita mula sa simula,” seryosong saad ni Duke.

Muling bumalik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ngayon ay mas naging nakakaawa na ang mukha ni Harry. Sa ilalim ng bilugan nitong mga salamin, makikita ang mga mata nitong halos hindi na matigil sa pagkurap-kurap at nagsisimulang maluha.

Nagkuyom ako ng kamao. Gusto kong sapakin si Duke sa mukha, pero hindi ko magawa. Kanina pa naninikip ang dibdib ko. Gusto ko nang tumulong. Puta talaga.

“S-Sir, tatakbo na po ako,” pilit na sagot ni Harry.

Malapit na siyang mauwi sa pag-iyak. Gayunpaman, sinubukan niya ulit na tumakbo. Ngunit bawat hakbang niya ay parang bibigay na naman ang nanlalambot niyang mga binti. Hindi niya talaga kaya.

Muli namin siyang sinabayan ni Duke. Napakalayo na ng formation run mula sa amin. Hindi na nga namin marinig ang mga sigaw ng mga kupal na upperclassman at ang paghihirap ng mga plebo na nauna na.

Wala pang isang minuto, muli na naman sanang matutumba si Harry kung hindi lang dahil agad ko siyang naalalayan.

“Harry, okay ka lang?” tanong ko.

“Jax, nahihilo ako,” sagot niya.

“Anong problema, Alcantara?” si Duke. “Sinong nagsabing huminto ka, ha?”

Humikbi si Harry. “Sir, I’m… sorry.”

Huminga ako nang malalim at paulit-ulit na lumunok. Naguguluhan na ang isip ko sa kung anong dapat gawin—kung tutulong na ba ako o hindi.

Walang anupaman, bigla kong pinasan si Harry sa likod ko, bagay na kahit ako ay hindi inaasahang gagawin ito. Hindi ko na siguro natiis pa.

“Huwag kang iiyak,” pabulong kong sabi sa kaniya. “Akong bahala sa ’yo.”

“Escobar!” sigaw ni Duke.

Paglingon ko rito, kita kong tila hindi na maipinta ang mukha nito. Mas lalo itong nagalit dahil sa ginawa ko. O mas mainam sigurong sabihin na dahil may isang taong nakapasan sa likod ko, at hawak-hawak ko ang mga hita nito.

Nagsuot ako ng seryosong mukha. “Sir.”

“Anong ginagawa mo?” Tila nanginginig na ang mukha nito. “Bakit mo siya—?”

“Tinutulungan ko lang ho, Sir.”

Dinig ko ang mabilis na tibok ng puso ni Harry sa likod ko. At ngayon ay parang nadadamay na rin ako nito dahil unti-unting bumibilis ang tibok ng akin.

“Tinutulungan?” Ngumisi ito. “Bakit? Naaawa ka na naman ba?”

“No, Sir.” Nag-isip ako ng isasagot—ng paraan para mabaliktad ang sitwasyon. Pero para akong nauubusan ng talino. “Mukha na po kasing hinang-hina—”

“Kasalanan niyang mahina siya,” sabat nito. Ngayon ay nagtutunog na itong katulad ng dad ko.

“Sir, hindi naman ho talaga dapat kami manghihina kung kumpleto lang ang tulog namin,” biglang nasabi ng dila ko, at hindi ko alam kung paano ko ito agad naisip. “Kung hindi lang ho dahil sa… kagabi.”

“Sinasabi mo bang dahil sa Initiation Night kaya kayo nanghihina ngayon? ’Yon ba?”

“Kayo ho ang may sabi niyan, Sir.”

Lumapit pa ito sa akin habang nakapamewang. “Escobar, bitiwan mo si Alcantara.”

“Jax, sige na,” natatakot na sambit ni Harry. Umiwas ito sa banas na mukha ni Duke.

“Sir, kung okay lang sa inyo, ako na ho ang magdadala sa kaniya hanggang dulo.”

“Jaxon,” biglang palit nito ng tawag sa akin, “hindi ba’t sinabi ko naman sa ’yo? Sila ang hihila sa ’yo pababa rito. Bitiwan mo na.”

Umasta akong hindi ito narinig, ibinalik ang tingin sa daan, at saka nagsimulang tumakbo. Sa puntong ito, wala akong ibang naiisip kundi ang marating ang dulo.

“Jaxon—”

Sinabayan naman ni Duke ang pagtakbo ko. Nagsimula sa mabagal hanggang sa naging bahagyang mabilis kahit na may buhat ako. Hingal na hingal man, nagsumikap ako.

Unti-unting lumiliwanag ang langit. Mas lalong nabigyang kulay ang mga bagay sa paligid. At mas lalong naging malinaw na hindi galit ang nasa mukha ni Duke…

Higit pa ito rito.

Chapter 8

Nang malapit na kaming makarating sa dulo, ibinaba ko na si Harry para hindi makita ng ibang mga plebo at upperclassman na binuhat ko siya papunta. Panigurado kasing magtataasan ang mga kilay nila sa kaniya, lalong-lalo na sa akin.

Dahil nakabawi na ng kaunting lakas, nakaya niya nang tumakbo. Samantala, hinang-hina na ang mga tuhod ko at naliligo na ako sa pawis. Hindi ko na nagawang itago pa ang paghihirap sa mukha ko habang patuloy sa pagtakbo.

“Escobar, kaya mo pa ba?” usisa ni Duke. Si Harry ang pumapagitna sa ’ming dalawa.

Matamlay ko itong nilingon at hindi sinagot. Sabay balik ulit ng tingin sa daan.

Magkahalo-halo na ang nararamdaman ko—hilo, uhaw, gutom. Kakasimula pa nga lang ng araw, parang babagsak na agad ang katawan ko. Dati naman, maning-mani lang ito sa akin. Dahil talaga siguro sa puyat kaya nanghihina ako ngayon.

’Lang hiya, hindi puwede ’to.

“Hindi mo na kaya?” si Duke.

Hindi ko namalayan na lumipat na pala siya ng puwesto sa kaliwa ko. Ngayon ay dumagdag pa ang inis sa mga nararamdaman ko nang lumapit pa siya.

“Kaya pa ho, Sir,” hingal kong sagot.

“Gusto mo bang buhatin kita paharap?”

Sa sinabi niya ay parang nagising ang diwa ko. Mabilis na napalitan ang pagkainis ko ng galit. Pakiramdam ko ay nainsulto ako.

Ako? Bubuhatin niya? Paharap?

Ano ako, babae?!

Nagpigil ako ng hininga—kahit kinakapos na nga—saka bumaling sa kaniya nang may pagkaurat sa mukha.

Ngumisi naman siya sa akin at parang natuwa pa nga sa naging reaksyon ko.

“Namumula ka yata, chinito,” pansin niya.

Agad akong umiwas ng tingin sa kaniya.

Namumula? Ako? Nagbibiro ba siya?

Palihim kong sinilip ang balat ko sa braso at napansing namumula nga ako.

Anak ng! Gawa lang ’to ng pagtakbo!

Kapag bumibilis ang tibok ng puso ng isang tao, tumataas din ang blood flow, dahilan para mamula ang balat—

Hayop, ba’t ba ako nagpapaliwanag?

“Malapit na tayo,” usal niya. “Huwag kang magpapahalata, magmumukha kang mahina sa paningin nilang lahat.”

Siya at ang mga salitang ginagamit niya: “chinito”, “halata”. Ano pa ba? Gusto niya talagang napupunta sa maling panig ko.

Sige lang, inisin niya lang ako, para mas lalong umalab ang galit ko sa kaniya.

Huminga ako nang malalim at ibinalik ang mukha ko sa pagiging seryoso. Hindi sa nakinig ako sa payo niya, naalala ko lang na hindi ako mahina. Para pagtakbo lang, eh.

“’Yan, ganiyan nga,” mahinang sabi niya. “At saka, huwag mo akong susuwayin sa harap ng maraming tao. Ligtas ka lang ng isang buwan, pero ako pa rin ang mas nakatataas sa ’yo. Susundin mo ako. Naiintindihan mo?”

Hindi ko siya nilingon, pero alam kong dapat akong sumagot. “Yes, sir.”

Muntik ko nang makalimutan na nasa training pa rin kami. Siya pa rin ang nasa itaas—ang kailangang sundin. Kanina lang din nang sumuway na naman ako. Pero bakit parang lagi niya na lang pinalalampas ang bawat pagsuway ko? Nakapagtataka.

“You better do, Escobar,” wika niya, “kung ayaw mong matulad sa kuya mo.”

Pagkatapos ng sinabi niya, bumalik na siya sa puwesto niya kanina—sa tabi ni Harry—at itinuloy ang pagko-command dito. Habang ako ay natahimik at ramdam ang pag-init ng buong mukha dahil sa sobrang pagkapoot. Isang matalim na tingin ang ipinukol ko sa kaniya. Walang emosyon naman ang mukha niya nang mapadpad ang mga mata sa akin.

Parang inamin niya na ring siya nga ang nanakit sa kuya ko.

Hindi ko siya mapapatawad.


0700 nang dumako kami sa mess hall para sa breakfast.

Akala namin, makakapagpahinga na kami pagkatapos ng napakahabang pagtakbo kanina lang. Ang sarap sa pakiramdam na muling maupo habang nakahain ang mga pagkain sa mahabang lamesa. Pero ang hindi namin alam, hindi pa rin pala makakapagpahinga ang mga isip namin.

May dahilan kung bakit “mess hell” ang tawag sa mess hall kung saan nagsasalo ang lahat ng mga kadete at tactical officer. Mala-impyerno ang sitwasyon sa napakalawak na bulwagang ito. Puro sigawan ang maririnig. Nagsama-sama ba naman ang mga demonyo para pahirapan kaming mga hamak na plebo.

Pula ang kulay ng telang nakabalot sa mahabang lamesa. Sa palibot nito ay nakaupo kami kasama ang mga bantay naming upperclassman—sina Montemayor, Morales, Monsur, Corpuz, at ’yong isa pang nakakainis na katabi kong buddy sa Initiation Night kagabi na si Estrada.

Sampu kami sa iisang lamesa. Tatlo sa mga plebo ay ang mga ka-barracks ko at ang isa naman ay ang katapat kong plebo kagabi sa Initiation Night.

Sa limang demonyo, tig-iisa kaming mga plebo.

Akin si Duke.

“Escobar, how long is eternity?” tanong niya.

Sagot ko habang nakaangat ang baba at nakaunat ang itaas na katawan paatras, “Sir, if it takes a bird from outer space traveling at the speed of a turtle that is taking his time and picks a grain…”

Hindi kami makakain nang maayos dahil bago pa man kami makasubo, kailangang i-recite ang lahat ng mababanggit na plebe knowledges ng mga uppeclassman. Plebe knowledges ang tawag sa mga kaalaman na kailangan naming matutunan sa academy.

“Desiderata.”

“Go placidly amid the noise and the haste, and remember what peace there may be in silence…”

Paulit-ulit kaming ganiyan ni Duke.

Ni kahit isang beses, hindi ako nagkamali. Wala akong nakalimutang salita o linya. Kaya naman, hindi ako magawang sigawan. Hinding-hindi ko siya bibigyan ng dahilan.

Pagdating sa paraan ng pagkain, hindi na ito bago sa akin. Bawat galaw ng kubyertos, bawat pagpaparte ng kanin at ulam, bawat pagsubo, bawat pag-inom sa baso, alam na alam ko na. Sa bahay pa lang, sinanay na agad kami ni Dad sa ganitong setup.

Walang problema pagdating sa akin…

Kaya lang, may problema pagdating kay Joseph na katapat kong umupo sa lamesa.

Kanina pa kasi siya sinisigawan ni Monsur. Paborito talaga siya nitong pag-initan dahil sa katawan niya—o dahil sa apelyido niya.

“Burat, how’s the soldier?!”

“Sir, from the weather-beaten terrains of… of Babuyan Islands to the streaming jungles of… um…”

“Of what?!”

“Uh…”

“Bakit hindi mo alam?! Nagugutom ka na ba?!”

“N-No, Sir.”

“Gusto mo bang kainin lahat ng pagkain sa lamesa?!”

“No, Sir.”

“Simpleng plebe knowledge, hindi mo alam! Kumpletuhin mo o ipapaubos ko sa ’yo lahat ng kanin sa bandehado!”

“Sir, from the… the weather-beaten terrains of Babuyan Islands to the streaming jungles of… of… of…”

“Of what?! Of what?! Of what?!”

Pagkatapos lunukin ang kinakain ko, sinilip ko si Joseph at nasumpungan ang mga mata nito na nakasilip din sa akin, tila humihingi ng tulong—humihingi ng clue.

Mukhang hindi nagbibiro si Monsur nang sabihin nitong ipapaubos nito ang lahat ng kanin sa bandehado dahil padabog nitong inilapag ang bandehado sa tabi ng plato ni Joseph. Marami pa man din itong laman. Kung si Mark ang nasa sitwasyon ni Joseph, paniguradong wala itong reklamo. Pero iba si Joseph, hindi malakas kumain. Kaya panigurado, hindi ito kakayanin.

Dahil kinabahan ako para sa kaniya, hindi ko na nagawa pang manood na lang at ibinulong ko nang walang boses ang salitang, “Tawi-Tawi.”

Agad niya itong nakuha. “Of Tawi-Tawi, the Filipino soldier stands as the proud guardian of his country and people…”

Habang tuloy sa pagsasalita si Joseph ay bumaling sa akin si Monsur nang may matalim na tingin. Napansin yata nito ang ginawa kong pagtulong. Agad naman akong umiwas ng tingin pataas sa puting ceiling.

“Escobar,” biglang tawag nito sa akin, “tinulungan mo ba si Durat?”

Kumurap ako. “Sir, no, Sir.”

“Liar!” sigaw nito.

Biglang natigilan sa pagre-recite si Joseph.

“Nakita kong gumalaw ang bibig mo kanina!” dagdag pa nito. “Tinuruan mo ang plebong ’to?! Oo o hindi?! Sumagot ka!”

“Sir, ngumunguya lang ho ako, Sir,” paninindigan ko sa seryosong mukha.

Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko. Nahuli lang naman kami sa akto. Pero kahit na gano’n, sinubukan ko pa ring ikalma ang mukha ko. Kapag hindi ko kasi pinanindigan ang sagot ko ay mas lalo lang akong malalagay sa alanganin.

“Pinagloloko mo ba ako?!” sigaw nito mula sa kabila. “Escobar, baka gusto mong ikaw ang umubos ng lahat ng kanin sa—!”

BAM!

Agad itong naputol sa pagsasalita nang bigla na lang kaming makarinig ng isang malakas na kalabog sa lamesa. Unti-unti ring natahimik ang iba pang nakaupo sa lamesa namin at natuon ang atensyon sa pinanggalingan ng pagdabog sa lamesa—walang iba kundi si Duke na nakaupo sa pinakadulo malapit sa akin.

“Monsur.” Umigting ang panga ni Duke nang bumaling kay Monsur na katabi ni Joseph sa kanan niya. “Sinong may sabi na puwede mong galawin ang akin? Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko?”

Nagpigil ng hininga ang mga kasama ko. Dinig pa rin naman ang mga ingay sa ibang lamesa sa loob ng mess hall.

Kasabay ng pagyuko ni Monsur ay ang pagbaba ng tono ng pananalita niya. “Sir, I apologize. It… It was a mistake.”

Ngayon ay malinaw na kung sino talaga ang hari.

Pero anong karapatan ni Duke para sabihin niyang kaniya ako?

Hindi niya ako pagmamay-ari!

“Malinaw naman yata ang pagkakasabi ko kagabi, hindi ba?” tuloy ni Duke.

“Yes, Sir,” sagot ni Monsur.

Bahagyang tumabingi ang ulo ni Duke. “Sa lahat ng bagay, ayokong sinusuway ang utos ko. Alam mo ’yon, hindi ba?”

Lumunok si Monsur. “Yes, Sir.”

Mula sa pagkakapatong sa ibabaw ng lamesa, itinaas na ni Duke ang mga kamay niya, pinagyakap ang mga daliri, at itinakip ito sa bibig niya. Sabay pinagmasdan niya kaming lahat na mga nasasakupan niya—mga nasa ilalim ng mga palad niya.

“Ano pang hinihintay n’yo?” saad niya. “Tumuloy na kayo sa pagkain.”

“Yes, Sir!”

Hindi nagtagal, bumalik ang hapag-kainan namin sa pagiging maingay. Dahil naman sa nangyari, hindi na natuloy pa ang parusa ni Monsur kay Joseph. Nakumpleto kasi nito ang pagre-recite sa plebe knowledge.

Ako ang nagligtas sa kaniya.

Pero muntik na ako ro’n. Muntik na akong mapahamak dahil lang sa pagtulong. Kahit lumuwag na ang paghinga ko dahil ligtas na si Joseph mula sa parusa dapat niya, hindi pa rin maalis ang kaba sa dibdib ko.

Mabuti at naligtas din ako.

Sumilip ako kay Duke at nakitang sa akin siya kasalukuyang nakatitig. Tahimik lang siyang nagmamasid at hindi na ako ginugulo pa sa pagkain, samantalang hirap na hirap na ang mga kasama ko dahil sa mga bantay nila.

Hindi ko pa rin siya mabasa.


Nang matapos ang araw, para kaming mga lantang gulay sa barracks namin.

Mula breakfast ba naman hanggang dinner, hindi kami nilubayan ng mga demonyo. Hindi namin inasahang mas malala pa pala sila sa mga tactical officer na humawak sa amin noong unang buwan ng training.

Pagkatapos maligo, halos hindi na namin maigalaw ang mga binti namin at bagsak na bagsak na rin ang mga katawan. Dahil hindi pa oras ng bedtime, hindi pa kami makatulog sa mga higaan namin.

Ginamit namin ang natitirang oras para aralin ang plebe knowledges na naka-print sa kaniya-kaniyang booklet na hawak.

Kasalukuyan akong nakaupo sa lower bunk ng kama kasama si Joseph at sa tapat namin ay nakaupo sina Mark at Harry.

“Buti ka pa, Jaxon,” biglang pagbasag ni Mark sa katahimikan. “Parang hindi ka nila masyadong napag-initan ngayong araw.”

Mula sa libro, umangat ang tingin ko sa kaniya. “Ha?” mahina kong sabi.

Ibinaba niya ang librong hawak niya, saka bumuntong-hininga. “Grabe ’yong pagpapahirap nila sa ’min. Samantalang sa ’yo, parang… parang hindi masyado.”

Natahimik ako bigla. Lumunok.

“Hindi kasi tayo tulad ni Jaxon,” singit ni Harry na nagbaba na rin ng libro sa mga hita. “Mukha kasi tayong…”

“Mahina,” dugtong ni Joseph. “Mukha tayong mahina. Mukhang malakas si Jaxon. Gano’n lang kasimple ’yon.”

Yumuko ako. “Um…”

Hindi ko pa rin alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang lahat…

Kung bakit ako ligtas…

Kung bakit sila hindi.

“Alam ko naman ’yon,” singit ni Mark. Mas lalong lumalim ang pagbuntong-hininga niya. “Nakakainggit lang…”

Binasa ko ang labi ko at ibinalik ang tingin kay Mark. “Sa una lang naman ’to.” Nagsuot ako ng pilit na ngiti. “Sigurado akong sa una lang mahirap. Mahirap naman talaga ang summer training.”

“Isang buwan na lang naman,” ani Joseph. “Konti na lang, Mark, matatapos din ’tong paghihirap natin. Kapit lang.”

Buti pa ’tong si Joseph, mahina lang ang katawan, pero malakas ang loob.

“Paano kung hindi tayo umabot hanggang katapusan?” tugon ni Mark. “Ngayon pa nga lang, parang gusto ko nang sumuko, tapos may isang buwan pa.” Sunod siyang bumaling kay Harry. “Ikaw ba, Harry?”

Inayos naman ni Harry ang salamin niya at umiwas ng tingin kay Mark. “Hindi ako puwedeng sumuko.” Yumuko ito. “Hindi ako tatanggapin ni Papa kung babalik ako sa bahay namin. Baka palayasin pa ako.”

Sa sinabi nito ay parang nagbalik sa akin ang nangyari nang umuwi si Kuya sa bahay, kung paanong binugbog siya ni Dad.

Nakikita ko na naman ito sa kaniya.

Tumikhim ako. “Huwag kayong susuko. Magkakasama nating tatapusin ’tong summer training. Ga-graduate din tayo.”

Tumingin silang tatlo sa akin.

“Jaxon, madali lang namang sabihin para sa ’yo ’yan kasi malakas ka,” sabi ni Mark.

“Kaya nga huwag kayong susuko,” sabi ko. “Hangga’t nandito ako, ligtas kayo.”

Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang mga pinagsasabi ko gayong wala naman talaga sa plano ko sa simula pa lang na protektahan silang tatlo.

Nandito lang naman ako para sumunod sa yapak ni Dad.

At nandito ako para singilin ang nagkasala kay Kuya.

Siguro, naalala ko lang ang sinabi sa akin noon ni Mom: “Kung malakas ka, hindi kahinaan ang pagtulong sa mga mahihina.”

“Paano mo naman gagawin ’yon?” tanong naman sa akin ni Joseph.

Nilingon ko siya at natahimik lang ako.

Hindi ko rin talaga alam ang sagot.

Pero kaya kong humanap ng paraan.

Gagawa ako ng paraan.

Nakaiwas na naman ako sa tanong nang bigla na lang naming narinig na bumukas ang pinto ng barracks namin. Awtomatiko kaming natahimik at tumayo sa pagitan ng dalawang bunk beds kaharap ang isa’t isa.

Isang pamilyar na tao ang pumasok.

“Escobar,” tawag sa akin ni Estrada, ’yong nakakainis na buddy. “Pinapatawag ka.”

Nilingon ko ito. “Sir?”

“Umakyat ka raw sa kuwarto ni First Class Montemayor, may kailangan siya sa ’yo.”

Kumunot ang noo ko. “Ho?”

Gabi na, anong kailangan sa ’kin ni Duke?

Chapter 9

Sinamahan ako ni Estrada paakyat ng Annex A Building. Bawat palapag na nadaraanan namin, ramdam kong tila mas lalong bumibigat ang hangin.

Sa ikalawang palapag matatagpuan ang barracks nilang mga buddy o yearling. Tulad sa unang palapag, walang makikitang mga kadete sa may pasilyo.

Sa ikatlong palapag naman matatagpuan ang barracks ng mga cow o second-class cadet. Paakyat pa lang kami rito nang marinig ko ang usapan nina Monsur at Morales sa may pasilyo.

“Parang may kakaibang nangyayari kay Montemayor, ah. Parang lumalambot yata pagdating do’n sa plebong ’yon,” sambit ni Monsur.

“Sinabi mo pa,” si Morales. “Kita ko kanina kung paano nagalit sa ’yo ang puta. Dahil lang do’n. ’Pag nalaman ’to ni King—”

Natigilan ito sa pagdating namin. Sandali naman akong napahinto at napalingon sa direksyon nila. Kasalukuyan silang nakatambay sa tapat ng kanang barracks na kadikit ng hagdanan sa gitna.

Umalis sila mula sa pagkakasandal sa pader at agad na umasiwa ang mga mukha nang makita kami. Sabay silang naglakad palapit sa amin na parang mga hambog na ewan.

“Anong ginagawa n’yo rito?” tanong ni Tarsier—este, ni Morales—sa maangas na boses. “Bawal ang mga mabababa rito.”

Tumindig si Estrada at sumaludo. “Sir.”

Hindi pa sana ako sasaludo kung hindi lang dahil sinagi ng bota ni Estrada ang sapatos ko, kaya napilitan na lang din ako.

“Sir.” Matamlay akong sumaludo.

Pagod na pagod na ang katawan ko kaya hindi na ako nakapagtuwid pa ng postura. O sadya sigurong naubos na ang respeto ko sa kanila ngayon dahil sa pangmamaliit nila sa tatlo kong kasama buong maghapon.

Tumaas ang baba ni Monsur sa akin. “Escobar, nagkamali ka yata ng palapag na pinuntahan.”

Parang gusto niya yata akong hamunin ng suntukan, ah. Asar-talo ba siya dahil napahiya siya sa mess hall kaninang breakfast? Kung nasa labas lang kami ng academy, naturuan ko na ’to ng leksyon.

“Sir, apologies for passing by.” Mahigpit akong hinawakan ni Estrada sa pupulsuhan. “Pinapatawag lang po si Escobar ni First Class Montemayor. Nautusan lang ho ako, Sir.”

Napakaduwag nitong Estrada na ’to. Halatang gusto lang iligtas ang sarili.

“Ha?” Kumunot ang puro tigyawat na noo ni Monsur. “At anong dahilan?”

“Sir, no further details were disclosed.”

Nagkatinginan ang dalawang asungot sa isa’t isa nang may halong pagtataka.

“If you’ll excuse us, Sir,” tuloy ni Estrada.

Sabay din silang nagbalik ng tingin sa amin.

“Go ahead,” pagpayag ni Morales na parang napilitan.

Duwag din pala silang dalawa pagdating kay Duke. Mga asong bahag ang buntot. Hanggang patalikod na lang kayang tumahol sa amo nilang nasa itaas lang.

Habang paakyat kami sa ikaapat na palapag, ramdam kong nakasunod pa rin ang masamang pagtitig sa akin ng dalawa. Muli silang nag-usap tungkol sa akin, nagtataka kung bakit ako ipinatawag ni Duke, at muli rin nilang nabanggit ang pangalan na ngayon ko lang narinig—King.

Bago suungin ang pasilyo ng mga firsty o pinakamataas na kadete, sandali kaming huminto ni Estrada sa itaas na baitang ng hagdan. Bayolente niyang binitiwan ang pupulsuhan ko at tinaasan ako ng baba.

Bakit ba lahat sila ayaw nang natataasan?

Kasalanan ko bang mas matangkad ako?

“Ikaw, kagabi ka pa, ah,” mahina niyang sabi, pero ramdam ko ang gigil sa boses. “Mapapahamak ako dahil sa mga ginagawa mo. Kung ayaw mong gr-um-aduate, huwag ka nang mandamay ng ibang tao, okay?”

Parang lumabas-pasok lang sa mga tenga ko ang mga sinabi niya. Wala nga akong pakialam sa nararamdaman ni Duke, sa kaniya pa kaya na hindi ko naman kilala?

“Sino si King?” tanong ko sa kawalan.

Nabahiran ng pagkaurat ang mukha niya.

“Bastos ka rin, eh, ’no?” Ngumisi siya. “Hindi pa nga ako tapos magsalita, tapos may gana ka pa talagang magtanong?”

Ngumisi ako, pero katamtaman lang. “Nagtatanong naman ho ako nang maayos.”

Mas lalo pang lumapad ang ngisi sa labi niya. “Gusto mong malaman? Puwes, ipapaalam ko sa ’yo. Kung nandito si King, kagabi pa sana putol ’yang dila mo.”

Unti-unting nabura ang ngisi sa labi ko. “Ha?”

Putol ang dila? Nagpapatawa ba siya?

“Halatang marami ka pang hindi nalalaman, Escobar. Magpasalamat ka na lang na si Duke at hindi si King ang naabutan mo rito. Kung hindi, sigurado akong hindi ka tatagal ng isang taon dito.”

Sa mga sinabi niya ay mas lalong dumami ang mga katanungan sa isip ko.

Noong unang linggo ko rito sa academy, puro ‘Duke’ ang bukambibig ng mga plebo. Si Duke na kinatatakutan nilang lahat. Pero ngayon, parang sinasabi ni Estrada na may mas malala pa kay Duke. Seryoso ba siya?

“Anong ibig mong—?”

“Wala na akong oras para makipag-usap sa ’yo,” sabat niya. “Sumunod ka na lang.”

Hindi na ako nakapagtanong pa nang tumuloy na siya sa paglalakad. Sumunod naman ako sa kaniya. Sa pasilyo, nadaanan namin ang isang bukas na barracks kung saan makikita sa loob na tila may pinagkakatuwaan ang apat na firsties.

“Huwag kang lilingon,” payo ni Estrada. “Umasta kang parang walang nakikita.”

Sinubukan ko, pero ang hirap. Ang hirap balewalain ng nakikita ko ngayon. ’Yong kasama naming plebo kanina sa breakfast—’yong katapat ko sa Initiation Night—kita kong ginagawang punching bag ng isang plebo sa tiyan habang pinanonood lang ng tatlo nitong kasama.

Tinatawanan pa nga nila ito, at kapag bumabaluktot ang katawan ay sinisigawan na umayos ng tindig. ’Yong isang firstie ay nakatambay sa bukas na pintuan. Lookout.

Dahil hindi naman kami tactical officers ni Estrada, binalewala lang nito ang pagdaan namin. Natutuwa pa nga yatang ipakita ang nararanasan ng kapwa ko plebo. ’Tang ina.

Alam ba ’to ng akademya?

Isang saradong kuwarto pa ang nadaanan namin bago kami huminto sa barracks na matatagpuan sa pinakadulo ng pasilyo.

“Dito na ang kuwarto niya,” ani Estrada. “Escobar, kumatok ka muna at magpakilala bago pumasok. At alalahanin mo… respeto.”

Tiningnan ko lang siya—isang tingin na kulang sa huling salitang nabanggit niya.

“Nagawa ko na ang pinagagawa sa akin, kaya mauuna na akong bumaba,” tuloy niya. “Gawin mo lang ang mga iuutos niya. ’Yon naman ang dahilan kung bakit pinapatawag ang mga katulad mo rito—para utusan.”

Para gawing laruan kamo.

Tulad ng plebong nadaanan namin kanina.

Puwes, hinding-hindi magagawa sa akin ’yon ni Duke.

Paglisan ni Estrada, naiwan akong mag-isa sa pasilyo, sa tapat ng nakasarang pinto. Huminga ako nang malalim. Hindi. Hindi naman ako kinakabahan sa kung anong ipagagawa sa akin. Si Duke lang naman ’to.

At isa pa, ligtas ako ng isang buwan, ’di ba?

Kumatok ako nang tatlong beses.

“Sino ’yan?” malalim na boses ni Duke galing sa loob ng barracks.

Tumikhim ako at nilaliman din ang boses. “Escobar, Sir.”

“Come in.”

Marahan kong pinihit ang doorknob. Sa pagbukas ng pinto, unti-unting nabunyag ang loob ng barracks nila—o niya. Mag-isa lang siya. Wala siyang ka-barracks. Takte. Bakit ang ganda sa loob ng kuwarto niya?

Mayroon lamang single bed sa kaliwa. May sariling TV sa kanang pader. Isang cabinet. Isang sofa sa dulo na nagmistulang lounge. At may aircon pa nga—bagay na sa mga office lang nakakabit dito sa academy.

Kaya naman pala sinabing kuwarto ni Duke kasi literal na nakalaan lang para sa kaniya ang barracks na ’to. Hayop. Paano nangyari ’yon? Ano ’to, VIP dahil anak ng senador?

Anak ng puta.

“Maghubad ka,” unang utos niya.

’Lang hiya, hindi pa nga ako nakakaapak sa loob ng kuwarto, ito agad ang bungad niya.

Sabik na sabik ba siya sa katawan ko?

Gusto niya na ulit makita?

Nababakla na ba siya?

Bahagyang kumunot ang noo ko. “Sir?”

Kanina pa siya nakatayo sa tapat ng bintana niya at nakatalikod sa akin. Hindi ko alam kung parte ba ito ng pagpapanggap niya na misteryoso siya o kung pinagmamasdan niya ang madilim na gubat sa malayo.

“Pumasok ka at maghubad ka,” ulit niya.

Sandali akong lumingon pabalik sa pasilyo at sinigurong walang ibang tao. Nang masiguro, saka ako pumasok sa loob.

Niyakap ako ng lamig pagpasok ko sa loob. Nakasuot lang kasi ako ng sando at boxer shorts. Tapos, pinapahubad niya pa ako.

Kanina sa CR, kinakabahan ako. Alam ko kung bakit. Dahil siguro maraming tao. Pero ngayong kaming dalawa na lang…

Hindi naman ako madamot. Alam kong tinatamaan na siya sa akin. Kung gusto niya ulit akong makita, eh, pagbibigyan ko siya.

Patutunayan ko kung sino ang bakla.

Hinawakan ko ang laylayan ng sando ko at marahan itong itinaas. Sakto namang bumaling siya ng tingin sa akin. Pagkakita sa ginagawa ko, lumaki ang mga mata niya.

“Anong ginagawa mo?” seryosong tanong niya.

Natigilan ako sa kalagitnaan, kaya abs lang ang nalantad sa akin. “Sir, hindi ba’t pinapabuhad n’yo ako? Ito, ginagawa ko.”

Pasimple pa siya.

“Ng sapatos,” pagklaro niya.

Ngayon ay ako naman ang lumaki ang mga mata. Para akong nilamon ng kahihiyan. Hindi naman pala damit ang pinahuhubad niya sa akin. Baka mamaya, isipin niya…

“Teka, iniisip mo bang kaya kita pinatawag dito dahil gusto kong makita ’yang katawan mo?” Ngumisi siya. “Jaxon, iba ka rin, ’no? Ang lakas ng kumpiyansa mo sa sarili.”

Ayan na nga ba ang sinasabi ko.

Marahan siyang naglakad palapit sa akin. Mabilisan ko namang ibinaba ang laylayan ng sando ko at inayos ang pagmumukha ko.

Nagsuot ako ng matapang na mukha at hindi nagpalamon sa nararamdamang kaba.

Tulad ng utos niya, hinubad ko na ang mga sapatos ko. Saka binitbit ang mga ito. Mas lalo kong nadama ang lamig ng tiles na nanunuot sa mga paa ko kahit may medyas.

Huminto siya sa harapan ko. Nakasuot pa rin siya ng army combat uniform. Pero pagbaba ko ng tingin, nakapaa lang siya. Mukhang ayaw madumihan ang sahig, ah.

Ang arte amputa.

“Jaxon, huwag mong sabihing gusto mo ulit mangyari ang nangyari kagabi?” saad niya.

May nararamdaman na naman ako…

Inis.

Ngumiwi ako. “Ha?”

Humakbang pa ulit siya palapit sa akin.

At hindi ko alam kung ba’t ako napaatras.

“Sabihin mo, nag-iinit ka ba para sa ’kin?”

Naramdaman ko ang pag-init ng mukha—

Hindi ako nag-iinit!

“Mukhang ikaw ho yata ang malakas ang kumpiyansa sa sarili,” sagot ko. “’Yong nangyari kagabi, wala lang ho sa ’kin ’yon.”

Humakbang pa siya. Umatras pa ako.

Lumapit pa siya. Mas lalo akong nag-init—

Hindi nga ako nag-iinit!

Naramdaman ko na lang na tumama ang likod ko sa nakasarang pinto. Wala na akong iaatras pa. Cornered na naman ako. Nangyayari na naman ang nagyari sa CR.

“Tingin mo, bakit kita pinatawag?” tanong niya habang malagkit ang tingin sa akin.

Pagbaba ko ng tingin sa kamay niya, kita kong pinindot niya ang lock ng pinto.

“Bakit n’yo ho ako pinatawag?” Nanginginig na ang boses ko sa hindi maipaliwanag.

Mula sa mga mata ko, bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. At hindi ko alam kung gusto niya ba akong sunggaban ng halik.

Bahagyang tumabingi ang ulo niya. “Bakit nga ba?”

Gumapang ang kamay niya pataas, at sunod ko na lang na narinig ang pagpindot niya sa light switch, dahilan para dumilim sa loob.

Mabuti na lang at mayroon pang liwanag ng buwan na tumatagos sa nakasara niyang bintana, kaya nagkakakitaan pa rin kami.

Kita ko ang gago niyang mukha, ang mga mata niyang parang gusto akong lamunin, at ang mga labi niyang hindi nakakaakit.

Lumunok ako, pero hindi ko pinahalata. “Sir, ano hong ginagawa n’yo?”

“Ano sa tingin mo?” Mas lalong lumalim ang boses niya.

Mas lalo ring lumalim ang paghinga ko. “Hindi ho ako tulad ng iniisip n’yo.”

“Hindi ka ano?” Bumalik ang tingin niya sa mga mata ko. “Hindi ka tulad ng kuya mo?”

Ngayon ay alam ko nang kaya ako nag-iinit dahil galit ang nararamdaman ko at hindi kung ano pa man. Bumabalik na naman ang apoy sa dibdib ko tuwing naaalala ko iyon…

Ang dahilan kung bakit puro pasa ang mga katawan at mukha ni Kuya. Kung bakit hindi siya makalakad nang maayos. Dahil hindi lang siya binugbog. Na-rape siya.

“Hindi ako tulad ni Kuya,” mariin kong sabi. “Hindi ako magpapalamon sa ’yo.”

“Ano bang sinasabi mo?” sambit niya.

Tumalim ang mga mata ko. “Alam ko ang ginawa mo kay Kuya. Alam ko ang lahat.”

Inilapit pa niya ang mukha niya sa akin. “Escobar, hindi mo alam ang sinasabi mo.”

Mas lalong uminit ang buong katawan ko. Umaasta siyang wala siyang kinalaman sa nangyari sa kuya ko, samantalang panay siya banggit dito. Hindi niya ako maloloko.

“Ikaw ang gumahasa sa kuya ko,” sabi ko.

Bigla niyang idinikit ang noo niya sa noo ko at nilunod ako sa napakasamang titig. Ramdam ko ang init ng hininga niya habang napakalapit ng bibig niya sa akin.

“Jaxon, nagbibintang ka sa maling tao.”

Chapter 10

Kusang bimitiw ang mga kamay ko sa bitbit na mga sapatos at nahulog ang mga ito sa sahig. Binasag nito ang nakabibinging katahimikan pagkatapos ng mga salitang binitiwan niya. Mga salitang hindi ko alam kung paano ko paniniwalaan.

Bukod sa kaniya, may iba pa bang puwedeng gumawa no’n kay Kuya?

Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat at marahang inilayo ang katawan niya mula sa akin. “Maling tao?” singhal ko. “Nagagawa mo pang tawagin ang sarili mong tao? Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo?”

Nabalot sa pagkaseryoso ang mukha niya. “Ginawa ko?” At bahagyang naging mariin ang mga mata niya. “Halatang wala ka talagang alam, Jaxon. Wala kang alam.”

Bumaon pa ang mga daliri ko sa mga balikat niya. Gusto ko siyang sagutin. Pero sa isang banda, alam kong merong katotohanan sa sinabi niya. Pumunta ako rito nang walang ideya kung sino ang totoong tumarantado sa kuya ko. Kaya nang una kong malaman na siya ang kinatatakutan dito sa campus, siya agad ang pumasok sa isip ko. Kung gano’n, nagkakamali nga lang ba ako ng bintang? O nagsisinungaling siya sa mukha ko?

“Hindi ako ang hinahanap mo,” diin niya.

Sa sobrang galit, puwersahan kong hinila pabalik ang mukha niya palapit sa akin at binigyan siya ng nakakasindak na tingin. “Kung hindi ikaw, sino?”

Hinawakan niya ang magkabila kong braso. Isang mahigpit na hawak. At saka inalis ang mga kamay ko mula sa mga balikat niyang mukhang nananakit na dahil sa ginawa ko. “Hindi mo na kailangang malaman.” Saka ako pinakawalan. “Mas mabuti pang wala kang nalalaman.”

Pinisil-pisil niya ang kaliwang balikat niya na mukhang pinakanapuruhan sa dalawa. Pagkatapos ay maiging pinagmasdan ang mukha kong mula sa pagkagalit ay unti-unting nauuwi sa pagkalito.

Ginugulo niya ang isipan ko.

Ibinalik niya na ang mga kamay niya sa likuran niya. “Ngayon, bumalik tayo sa usapan.” Saka ngumisi. “Alam mo ba kung bakit kita pinatawag dito?”

Unti-unti nang kumalma ang paghinga ko. At unti-unti ay bumalik sa isip ko kung sino ang kaharap ko. Isang upperclassman. Dumagdag pa sa isipan ko na baka ay binubuhos ko ang galit ko sa maling tao. Pero hangga’t hindi ko pa nalalaman ang totoo, hindi ako puwedeng magpakasiguro.

Tumikhim ako. “Sir.”

Tumalikod siya sa akin. Pagkatapos ay marahan siyang naglakad palayo, papunta sa bintana. Paghinto, pahapyaw niya akong sinulyapan pabalik. Ang moreno niyang balat ay pinakikinang ng liwanag ng buwan.

“Isang taon na lang ako rito,” aniya.

Hindi ako sumagot. Bakit niya ba sinasabi ang bagay na alam na ng lahat? Sa susunod na taon, graduate na siya. Mas sasaya ang mundo kapag tuluyan na siyang nawala. Pero panigurado namang may papalit at papalit sa kaniya, kaya tuloy pa rin ang paghihirap ng mga estudyante rito.

“Pag-alis ko, gusto mo bang pumalit sa ’kin?”

Bahagyang lumaki ang mga mata ko. “Ho?”

Ako? Nagpapatawa ba siya?

“Oo,” tuwid niyang sagot. “Ikaw.”

Muli ay hindi ako makasagot.

“Kapag nangyari ’yon, ikaw na ang magiging bagong hari dito. Ikaw na ang titingalain ng lahat, susundin, at katatakutan. At sa ’yo na ang kuwartong ’to. Lahat ng bagay na naririto, sa ’yo lang.”

Pinagmasdan ko ang kagandahan ng kuwarto niya at ang mga bagay na hanggang panaginip na lang ng ibang mga kadete rito. Bagay na gano’n gano’n na lamang niya kadaling iaalok sa akin. Sa akin pa mismo na sinabi niyang pahihirapan niya pagkatapos ng isang buwan naming kasuduan.

Bumalik ang tingin ko sa kaniya. “Bakit ako?”

Bumalik din ang tingin niya sa labas ng bintana. Pansin kong hindi matigil sa paggalaw ang mga kamay niya sa likuran. “Kasi, ikaw ang gusto ko…”

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa narinig. O hindi nga ako sigurado kung tama ako ng dinig. Hindi ko naman inakalang aamin agad siya sa akin. Kaya naman pala ako dinala rito kung saan kami lang dalawa. ’Tang ina. Nahulog na siya.

“Ikaw ang gusto kong pumalit sa ’kin,” biglang dugtong niya.

Kumurap-kurap ako sa sunod na narinig. Ang buong akala ko’y umamin na agad siya sa akin kahit dalawang gabi pa lang kaming nagkikita. Hindi ko tuloy alam ang mararamdaman… Ha? Ano bang pinagsasabi ko?

Tumikhim ako. “Bakit hindi si Morales? Si Monsur? ’Di ba sila ang mga kaibigan mo?”

“Hindi ko sila kaibigan.” Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Sa kung paano pa lang siya pag-usapan ng dalawang asungot na ’yon, halata naman. “Isang tao lang ang naging kaibigan ko rito, at wala na siya.”

Gusto kong makita ang mukha niya pero hindi niya na ako nililingon. Kahit malalim man ang boses niya, may naramdaman akong katiting na kalungkutan habang pinagmamasdan niya ang gubat mula sa bintana. Tila mayroon siyang naalala.

Pero wala akong pakialam. Hindi ko naman kailangang malaman ang kuwento niya, o ng kaibigan niya. Wala naman itong kinalamam sa ’kin, hindi ba?

“Siya ang naging kahinaan ko sa lugar na ’to,” tuloy niya. “Kahinaan ang magkaroon ng kaibigang mahina rito. Kaya kung gusto mong pumalit sa posisyon ko—”

“Sinasabi mo bang dapat kong bitiwan ang mga kaibigan ko? Dahil mahihina sila?”

“Gano’n na nga, Jaxon.”

Nagkuyom ako ng kamao. “Kung gano’n, mas pipiliin ko na lang ho na maging ganito. ’Di bale nang nasa ilalim kaysa nasa tuktok pero mag-isa ka naman at walang mga kaibigan. Sa panlabas lang magandang pakinggan ang posisyon na inaalok n’yo, pero ngayong nakikita ko kayo, alam ko na kung gaano kalungkot. Kaya pasensya na ho kung tatanggihan ko ang alok n’yo, Sir .”

Sa mga sinabi ko ay natigilan sa paggalaw ang mga kamay niya sa likuran. Natahimik. Sapul ba siya? Dapat lang. Manuot sana hanggang sa kaloob-looban niya ang sakit. Dahil kulang pa ’yan sa mga dinaranas ng mga kadete rito dahil sa mga tulad niya.

“Kaya kung ’yon lang ho ang dahilan kung bakit pinapunta n’yo ako rito, puwede na ho ba akong lumabas ng kuwarto n’yo , Sir?”

Umayos ako ng tindig, senyales ng pamamaalam, ngunit hindi niya ako nilingon. Katahimikan ang nanaig.

“Permission to leave the room, Sir,” matigas kong sabi.

Maya-maya pa, nagawa niya na ring sumagot habang nakatalikod pa rin. “Go.”

“Thank you, Sir.”

Bubuksan ko na sana ang pinto nang bigla siyang sumingit. “At huwag mong kalilimutan ang mga sapatos mo.” Mahina siyang tumikhim, at sa hindi maipaliwanag, bahagyang umamo ang boses niya. “Liban na lang kung biglang nagbago ang isip mo at gusto mo nang tumira dito kasama ko…”

Ngumisi ako. ’Yon ang hinding-hindi mangyayari kahit kailan.

Pagkapulot sa mga sapatos ko ay agad din akong lumabas ng kuwarto.

Iniwan ko siyang mag-isa sa magara ngunit madilim niyang mundo.


Ngayong gabi, kakaibang panaginip ang dumalaw sa akin. Panahong bata pa ako nang mapagpasyahan kong maglakad mag-isa papunta sa isang playground malapit lang sa bahay namin. Marahil ay nililibang ko lang ang sarili ko noon pagkatapos pumanaw ng pinakamamahal kong aso na si Hershey.

Sa isang kalyeng nadaanan ko, hindi sinasadyang mayroon akong nakasalubong na isang malaking aso. Unang sulyap pa lang dito ay natigilan na agad ako, naalala kung anong sinapit ng alaga ko mula sa isa ring malaking aso tulad nito dati. Bumilis nang bumilis ang tibok ng puso ko habang papalapit ito nang papalapit sa akin. Dahil sa kaba, hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na tumakbo. At agad din ako nitong hinabol habang pinagtatahol.

“Help… Mom… Kuya…” hingal kong sabi. Ngunit alam kong malayo sila para tulungan ako. “H-Help me!”

Hindi ako tinantanan ng aso. Kung kailan mas lalo kong binibilisan ang pagtakbo ay mas lalo rin ako nitong hinahabol. At mas lalo pa ngang lumalakas ang pagtahol nito, pinatatayo ang mga balahibo ko at mas pinabibigat ang paghinga.

Sa pagliko ko sa isang kalye, hindi ko namalayan na narating ko na pala ang playground. Sa sobrang takot na matulad ako sa nangyari sa aso ko noon, hindi ako nag-atubiling umakyat at pumasok sa isang nakatayong concrete pipe, kung saan ako nagtago. Hindi man ako abot ng aso ay hindi ko pa rin mapigilan ang panginginig sa bawat mababagsik nitong kahol.

“No… No, please…” Pumikit ako at pinigilan ang sarili na humikibi, sabay takip sa magkabilang tenga. “Jaxon, huwag kang iiyak.”

Tuloy pa rin sa pagtahol ang aso. At para na akong mauubusan ng hininga sa sobrang hingal at sikip ng pinaglalagyan ko. Pinagpapawisan na rin ako nang malagkit dahil tumitindi na ang sikat ng araw.

“M-Mahihina lang ang mga lalakeng umiiyak…” paalala ko sa sarili. “Huwag… huwag kang iiyak.”

Akala ko ay katapusan ko na noon nang biglang mayroong bumugaw sa aso.

“Shoo!”

Isang lalake.

“Alis!”

At sa isang iglap, biglang tumigil ang mga pagtahol, ngunit hindi pa rin matigil ang puso ko sa mabilis nitong pagtibok. Hindi ko pa rin magawang imulat ang mga mata ko. Hindi pa rin ako matigil sa panginginig. Hanggang sa…

“It’s okay. You’re safe now,” anang lalake. “The dog ran away.”

Nang marinig ko ang boses na ’yon ay para akong nabuhayan ng loob.

Sa marahang pagmulat ng mga mata ko ay hindi na ulo ng asong humabol sa ’kin ang tumambad kundi ang mukha ng lalakeng nagligtas sa ’kin. Medyo hindi ko nga lang maalala ang itsura dahil masyado akong nasilaw sa liwanag ng araw na nasa likod niya. Pero tanda ko pang inabot niya ang kamay niya sa akin habang nasa loob ako ng concrete pipe, nanginginig pa rin dahil sa takot.

“It’s okay, I promise.” Ngumiti siya. “You’re okay now.”

Mula sa pagkakatakip sa mga tenga ay marahan kong tinanggal ang mga kamay ko. Pinagmasdan ko ang palad niya. Sabay balik sa mukha niyang may bahid ng ngiti.

“Anong pangalan mo?” tanong niya.

Noong una’y nag-atubili pa akong magpakilala, ngunit nang madama ko ang sinseridad sa boses niya ay sinabi kong, “J-Jaxon…”

Mas lalong lumapad ang ngiti niya.

“Jaxon, ako nga pala si—”

Agad na naputol ang panaginip ko sa pag-alingawngaw ng tunog ng bugle.

Sa isang iglap, parang naging isang alimuong ang mga pangyayari, unti-unting naglaho sa hangin. Ang boses, ang mukha, at ang pangalan ng lalakeng nagligtas sa akin, hindi ko na matandaan, tulad kung paanong hindi ko rin matandaan ang mukha ng lalakeng kumitil sa aso ko noon. Sa hindi maipaliwanag, parang unti-unti ko nang nalilimutan ang mga alaala ng kahapon. Lahat ng masasakit na alaala.

Isang panibagong araw na naman sa ilalim ng Beast Barracks ang hindi sinayang ng mga demonyong upperclassman para pahirapan kami. Takbo kung takbo. Pasalamat na nga lang ako at kahit papaano ay kinakaya na ng tatlo kong kasama ang tindi ng training. Kung hindi lang talaga dahil kupal ang mga bantay nila, eh.

“Alcantara, bilisan mo pa,” utos ni Duke kay Harry na katabi ko sa formation run. “Huwag kang madadapa ulit, kung hindi, pababalikin kita sa simula.”

“Yes, Sir!” may halong takot na tugon ni Harry. Kahit gegewang-gewang na ang mga binti niya ay tuloy pa rin siya sa pagtakbo.

Nang tumagal pa, akala ko ay madadapa na siya sa kalagitnaan ng mahabang daan na tinatahak namin. Ngunit kabaliktaran ang nangyari, ako ang nadapa sa halip na siya.

Sa kauna-unahan.

“Shit,” matigas kong sabi pagkabagsak sa sahig una ang tuhod.

Agad na natigilan si Harry nang makita ako. “Jax, okay ka lang?”

“Jaxon.” Gano’n din si Duke.

Nauna akong malapitan ni Harry kaya agad niya akong hinawakan sa balikat. “Anong nang—?”

“Tabi!” Pero agad din naman siyang binangga ni Duke, dahilan para mapatabi siya sa gilid. Yumukyok si Duke at hinawakan ako sa balikat. “Jax—Escobar, ayos ka lang?”

’Tang ina. Ba’t ako nadapa? Nanghihina na rin ba ako?

Pag-angat ko sa tuhod ko, laking pasasalamat ko nang makitang namantsahan lang ang pantalon ko pero hindi ito dumugo. Saka ko nalaman ang salarin ng pagkatumba ko. Nabuwag lang pala sa pagkakasintas ang kaliwang sapatos ko at naapakan ko ito. Hindi ako mahina. Pero ramdam ko pa rin ang sakit ng natamaan kong tuhod. Hinimas-himas ko ito habang mahinang napapahalinghing.

“Jax, ’yong sintas mo.” Aabutin na sana ni Harry ang sintas ng kaliwang sapatos ko nang bigla itong pinigilan ni Duke.

“Ako na,” singit ni Duke.

Agad na napaatras si Harry.

“Hindi, ako na,” diin ko.

Napabitiw na ako sa tuhod at tinangkang itali ang sintas ng sapatos ko.

“Ako na.” Pero mapilit itong si Duke. “Masyadong mahina pagkakatali mo, hindi tulad ng gawa ko.” Tinutukoy niya ang kanang sapatos ko na sinintasan niya kahapon. “Mapapahamak ka lang niyan.”

Pagkahawak niya sa sintas ng sapatos ko ay agad ko rin siyang pinigilan tulad ng ginawa niya kay Harry. “Ako na,” may halong inis kong sabi.

Sa hindi sinasadya, nahawakan ko ang manggas ng ACU jacket niya nang ilayo ko ang kamay niya mula sa sapatos ko. At sa pagdulas nito sa pupulsuhan niya ay natigilan na lang ako nang tumambad ang bagay na suot niya sa ilalim nito…

Isang relo. Kulay pula. Katulad ng suot ko.

Chapter 11

Hinablot ko ang pupulsuhan niya palapit sa akin. Nang mapagmasdang mabuti ang suot niyang relo, mas lalo kong nakumpirma na hindi lang kulay ang kapareho nito sa akin, parehong-pareho rin ang tatak at disenyo.

Hindi ako makapaniwala.

Hindi talaga.

Sa dinami-rami ng pagkakataon, ano ang tsansang mangyayari ’to?

Isang tao lang ang kilala kong may kapareho ng suot kong relo—ang tao rin mismong nagbigay nito sa akin.

Si Kuya Janus.

Regalo niya sa ’kin ’to bago siya pumasok dito sa military academy. Sabi niya sa akin noon, kapag nagkita raw ulit kami dito sa akademya, gusto niya, suot ko pa rin ang relong bigay niya. Pero hindi na mangyayari ’yon. At ngayon, makikita kong suot ito ng ibang tao—o hayop.

“P-Paanong—?”

Lumunok ako at pinagmasdang mabuti ang suot ko, sabay balik ng tingin sa relo niya. Paulit-ulit. At kahit anong kurap ang gawin ko, walang nagbabago.

“Bakit parang gulat na gulat ka?” ani Duke.

Nang lumipat ang tingin ko sa mukha niya, kita kong nakangisi na siya. Mas lalo lang nadagdagan ang mga katanungan sa isip ko.

“Paano nangyari ’to?” tanong ko. “Bakit suot mo ang—?”

“Sabi ko naman sa ’yo, ’di ba?” Tinanggal niya na ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko. “Hindi mo ako kilala.” Sabay hila pababa sa manggas ng ACU jacket niya, kaya muling natago ang suot niyang relo. “At marami ka pang hindi nalalaman.”

Pinagsalubong ko ang magkabila kong kilay. “Sagutin mo na lang nang diretso.”

Imbes na sumagot, umiwas lang siya ng tingin, ibinalik ang mga mata sa sapatos ko. Pagkatapos ay sinimulan niya nang itali ang sintas nito, at dahil wala ako sa sarili, hindi ko na siya napigilan pa. Mas angat sa ’kin ang kagustuhan na malaman ang totoo.

“Duke…”

Pagkabanggit ko sa pangalan niya, sandali siyang natigilan sa pagsisintas ng sapatos. At ’lang hiya, ngumingiti ba siya?

Muntik ko nang makalimutan na nasa training pa pala kami at kasama rin namin si Harry, kaya tumikhim ako.

“I mean, Sir—”

“Shh.” Natapos na siya sa pagsisintas ng sapatos ko ngayon, kaya nagawa niya na akong tingnan sa mga mata. “Wala na tayong oras para sa ganito. Mahuhuli na tayo sa formation run.”

Tinanaw ko ang formation run at napagtantong tama nga siya. “Alam ko, Sir, pero—”

Bigla siyang lumapit sa akin at may ibinulong sa kabila kong tenga. “Kung gusto mong malaman ang totoo, magkita tayo mamayang gabi… chinito.”

Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang dahil sa sinabi niya at para akong naparalisa. Muli niya akong tiningnan sa mga mata, pero sa puntong ito, hindi ko na siya magawang tingnan pabalik. Sa halip, hindi ako matigil sa pagbasa ng labi at sa paglunok na para bang bigla akong nauhaw, na para bang natapos na akong tumakbo hanggang dulo kahit hindi pa talaga.

“Escobar, kaya mo na bang tumayo?” usisa niya. “O gusto mong ako na ang magpatayo sa ’yo?”

Paghawak niya sa balikat ko ay para akong nahimasmasan. Kaya napatayo ako nang wala sa oras bago pa niya mapansin na nag-iinit na naman ang mukha ko.

“Kaya ko na,” sabi ko.

Tumuloy na ako sa pagtakbo, na sinundan din naman ng dalawa. Sa bawat hakbang, hindi ko maiwasang pagmasdan ang braso ni Duke kung saan nakatago ang relo. At sa gitna ng katahimikan, hindi ko maiwasang isipin kung ano nga ba talaga ang totoo…

Niloloko niya lang ba ako?

Baka gumagawa lang siya ng paraan para magkita ulit kami?

Kung anuman ang sabihin niya mamayang gabi, hinding-hindi ako magpapaloko.


Buong maghapon, hindi ko maiwasang tingnan ang relo ko para alamin kung anong oras na. May mga pagkakataong akala ko ay tapos na ang isang oras, pero ang totoo, ilang minuto pa lang pala ang nakalilipas. Kaya sa halip na matuwa, mas lalo lang nadadagdagan ang inis ko sa mga upperclassman na walang ibang ginawa kundi sigawan kami—o sila lang.

Kung kailan gusto kong magsalita si Duke, saka naman siya natahimik. Kanina pa niya ako hindi kinakausap. Parang hindi niya na nga ako nakikita, eh. Samantalang si Harry, kanina niya pa napapansin kahit sa mga mumunting bagay. Tulad ngayon sa open field habang nag-aaral kami ng knot tying…

“Alcantara.” Bahagyang nagulat si Harry nang bigla na lang sumulpot si Duke mula sa likuran niya.

“S-Sir,” ani Harry sa pilit na panlalakeng boses, bahagyang umayos ng pagkakatayo.

“Akin na ang gawa mo.” Inilahad ni Duke ang palad niya kay Harry.

May hiyang tumango si Harry bilang tugon at saka inilapag ang itinaling lubid sa kamay ni Duke. Pinagmasdan itong maigi ni Duke, at kita kong naguhitan ng katiting na ngisi sa labi niya. Pagkatapos ay tahimik siyang naglakad papunta sa unahan. Sa likod niya ay ang palubog nang araw.

“Attention!” biglang sigaw ni Duke.

Natigil ang lahat sa kaniya-kaniyang ginagawa nang marinig ang buong-buo niyang boses, at hindi rin nagtagal, natahimik ang lahat ng mga kadete sa field.

“Ito ang gawa ni Alcantara.” Itinaas ni Duke sa ere ang gawa ni Harry bilang halimbawa sa lahat. Akala ko ay pupurihin niya na ito, pero nagulat na lang ako sa sunod niyang binitiwang mga salita. “Ganito ang tamang pagtali ng lubid… kung gusto mong magpakamatay sa gubat.”

At sa isang iglap, biglang sumabog sa pagtawa ang mga upperclassmen, na sinundan din naman ng mga kapwa namin plebo, habang nakatingin sa direksyon ni Harry na katabi ko. Habang tumatagal, lalong lumalakas ang mga tawanan, kaya hindi matigil sa pagyuko si Harry, sa pagkagat sa labi, at sa pagkamot sa mga daliri dahil sa hiyang natamo. Pansin kong para na siyang maiiyak, pero pinipigilan niya lang. Nakaramdam ako ng awa.

Samantala, pagbaling ng tingin sa unahan, kita kong nakangiti si Duke habang pinagkakatuwaan ang kaibigan ko. Alam kong mali nga ng paraan ng pagkakatali ng lubid si Harry, pero kailangan niya ba talaga itong ipahiya sa marami?

Inis.

Inis na ang nararamdan ko sa kaniya ngayon.

Sa isang banda, parang gusto ko na lang hablutin bigla ang hawak niyang lubid at itali ito sa leeg niya. Pagkatapos ay ako na na mismo ang magtatali nito sa isang puno at hihilain ko ito, para sumunod na siya sa estudyanteng nagpakamatay noon sa gubat dahil sa pambu-bully ng mga katulad niya.

Iniisip ko pa lang, nangangati na ang kamay ko.


Salamat sa ginawa ni Duke, mas lalong naging mainit si Harry sa mata ng mga kadete. Hanggang sa pagligo namin sa CR pagkatapos ng mahabang araw, hindi pa rin siya tinatantanan ng mga mahihinang tawanan. Akala mo’y mga perpekto. Saka lang siya nakaligtas mula sa mapanghusga nilang mga mata nang makabalik na kaming apat sa loob ng barracks namin.

“Harry, parang lagi ka na lang napag-iinitan ng gagong Duke na ’yon, ah,” sabi ni Mark habang nakasandal sa pader paharap kay Harry na nakaupo sa higaan niya ngayon. “Okay ka lang ba?”

Sandaling natigil si Harry sa pagpunas ng buhok gamit ang tuwalya at nagpilit ng ngiti sa katabi. “A-Ayos lang, Mark.”

“Sa simula pa lang, parang trip na no’n si Harry, eh,” ani Joseph na nag-aayos ng higaan sa kabilang kama.

“Kaya nga. Naalala mo ’yong Initiation Night? ’Yong ginawa niya kay Harry?” si Mark.

“Oo.” Natigil sa ginagawa si Joseph at napalingon kay Harry. “Teka… ’Di kaya… ’Di kaya may gusto sa ’yo ’yon, Harry?”

“H-Ha?” Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Harry at umawang ang bibig. “Ako? Si Duke?”

Sandali naman akong napahinto sa pag-spray sa katawan habang nakatayo sa tapat ng cabinet ko. Sa hindi maipaliwanag, parang hindi ko matanggap ang narinig ko ngayon lang.

“Oo nga, ’no?” dagdag pa ni Mark. “Paano kung gano’n nga?”

Napayuko si Harry at hindi na makapagsalita sa sobrang hiya.

Samantala, pilit akong natawa. “Ha? Si Duke, may gusto kay Harry? Malabong mangyari ’yon!”

Nabaling ang atensyon ng tatlo sa akin na nasa dulo. Nang makita ang seryoso nilang mga mukha, napagtanto kong marahil ay hindi sila nagbibiro. Iniisip nga talaga siguro nila na totoo ’yon. Humina nang humina ang pagtawa ko hanggang sa bumalik ako sa pananahimik at pagkaseryoso.

Tumikhim ako saka umiwas ng tingin, papunta sa bintana.

Napasobra ba ako?

“Tama si Jax,” biglang singit ni Harry. “Malabo ngang mangyari ’yon. Imposible.”

Pagbalik ng tingin sa kanila, kita kong agad na napaiwas ng tingin si Harry nang mahuli ko siyang nakatitig sa abs ko.

“Joke lang, siyempre,” biglang bawi ni Mark sa sinabi. Mahina siyang natawa. “Hinuhuli ko lang si Harry. Parang kinilig.”

Pangiti ring tiningnan ni Joseph si Harry. “Kinilig ba ’yong bunso natin? Sabihin mo, Harry, sino ba crush mo rito?”

“Ha?” nanghihinang tugon ni Harry habang nakayuko. Sumaglit pa siya ng tingin sa akin, at nang magkonekta ang mga mata namin ay mabilisan siyang nagtalukbong ng ulo gamit ang tuwalya at may pagmamadaling pinunasan ang buhok. “W-Wala.”

Tipid akong ngumiti. “Huwag n’yo nang asarin. Babae gusto niyan ni Harry. ’Di ba, Harry?”

Hindi pa rin siya nagpapakita ng mukha at tuloy lang sa pagpupunas ng buhok. “Mm.”

Tumuloy na ako sa paggamit ng body spray sa katawan habang pinagmamasdan ang kaguwapuhan ko sa harap ng salamin na nakakabit sa pinto ng cabinet. Natigil na ang dalawa sa pang-aasar kay Harry, pero ako naman pala ang makikita nila ngayon.

“Jaxon, parang kanina ka pa yata diyan?” puna ni Mark.

“Oo nga,” si Joseph. “Naliligo ka na sa pabango. Amoy na amoy hanggang dito. Saan ka punta?”

“Ha?” Agad kong ibinalik sa cabinet ang body spray saka itinaas ang kilikili para amuyin ang sarili. “Hindi, ah.”

Saka ko lang napagtanto na tama nga sila. Kanina pa nga ako rito. Ano bang ginagawa ko?

“May kikitain ka ba?” usisa ni Joseph.

“Baka may chicks na. Kita ko ’yong mga babae sa field, tingin nang tingin sa kaniya,” mapang-asar na boses ni Mark. “Tir’han mo naman kami, Jaxon.”

“Gago, wala,” tugon ko.

Natural na sa ’kin ang pagtinginan ng mga babae. Pero hindi ako nagagandahan sa mga babae rito. Ayoko ng mga mukhang lalake rin. Gusto ko ’yong mahinhin. Kaya hindi sa kanila ang pokus ko tuwing nasa field kami. Sa isang tao lang.

“Eh, sino pinopormahan mo?” pahabol na tanong ni Mark.

Pinopormahan?

“Oo nga. Matutulog na lang tayo, nagpabango ka pa. At ngayon ka lang yata nagsuot ng shorts,” pansin ni Joseph. “Sino ba ’yan? Sabihin mo na.”

Isinara ko na ang pinto ng cabinet ko at tiningnan ang dalawa nang may pagkabalisa.

“W-Wala nga,” tanggi ko.

Pero ngayong nabanggit nila, napapaisip na rin ako kung bakit nga ba ako nag-aayos ng sarili. Isang tao lang naman ang inaasahan kong makita ngayong gabi.

Teka, teka, teka, sino bang nagsabing para sa kaniya ko ’to ginagawa?

Ha! Pakialam ko ba kung anong iniisip niya tungkol sa akin, sa suot ko, o sa amoy ko!

Hindi para sa kaniya ’to!

Nagkatinginan ang dalawa na para bang natatawa ang mga mata dahil sa inasal ko. ’Lang hiya.

“O bakit?” Kumurap-kurap ako.

Kahit hindi sila sumagot, alam ko na ang iniisip nilang dalawa—na may babae ako.

“Mga baliw.”

Habang nagsusuot ng sando, bigla na lang tumunog ang pinto ng barracks namin—senyales na may paparating, bagay na kanina ko pa hinihintay. Kaya nagmadali ako sa pagbihis. At agad din namang napatayo ang tatlo mula sa mga kama nila at umayos ng tindig. May pagmamadali akong tumabi kay Joseph, kaharap si Harry.

Pagbukas ng pinto, isang pamilyar na mukha ang nagpakita. Si Estrada. At mukhang alam ko na kung anong sadya ng pagpunta niya rito.

Naglakad siya sa gitna naming apat at huminto sa pagitan naming dalawa ni Harry. Saka siya tumingin sa akin. Tiningnan ko rin siya sa mga mata at hinintay na marinig ang pangalan ko mula sa bibig niya at ang pangalan ng taong alam ko ay nag-utos sa kaniya para ipatawag ako ngayong gabi.

Pero iba ang nangyari.

Bigla siyang lumipat ng tingin mula sa akin papunta kay Harry.

“Alcantara, pinapatawag ka ni First Class Montemayor,” wika niya.

Nanlaki ang mga mata ni Harry na pinagtinginan namin nina Mark at Joseph. “H-Ho?”

Pero mas lalong nanlaki ang mga mata ko. “Teka, sigurado ho ba kayong siya ang pinapatawag?”

Ako dapat ’yon, ’di ba?

Nilingon ako ni Estrada at nginisian. “Bakit, ikaw ba si Alcantara?”

Pero hindi ako nakasagot sa pilosopo niyang tanong. Sa halip, pinagmasdan ko lang si Harry na natatakot na ngayon.

Binasa ni Harry ang labi niya. “A-Ano raw po ang—?”

“Huwag nang maraming tanong,” sabat ni Estrada. “Sumunod ka na lang sa ’kin kung ayaw mong may masamang mangyari sa ’yo.”

“Sasama ako,” singit ko.

“Si Alcantara lang ang pinapatawag. Huwag kang bida-bida, Escobar,” sagot sa ’kin ni Estrada. “Alcantara, tara na.”

Tumango si Harry. “Yes, Sir.”

Naglakad na palabas ng barracks si Estrada, na sinundan din naman ni Harry. Bago tuluyang lumabas ng kuwarto ay binalikan pa kami ng tingin ni Harry, tila naghahanap ng kakampi. Pero wala kaming ibang nagawa kundi ang pagmasdan siya.

Sa pagsara ng pinto, naiwan akong nakatulala at nagdaramdam…

Bakit siya at bakit hindi ako?

Chapter 12

Kanina pa mula nang lumisan sina Harry, pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakababalik. Para na akong tanga kakatingin sa relo ko paulit-ulit. Isang oras na yata ang lumipas. Bakit ang tagal?

“Ano na kayang nangyari do’n?” taka ni Mark habang nagbabasa ng booklet sa kabilang bunk.

Ibinaba ni Joseph ang hawak niyang booklet. “’Di kaya…?”

Nagbaba na rin ng booklet si Mark. “Ano?”

Inilapit ni Joseph ang ulo niya papunta kay Mark. “’Di kaya tama tayo ng hinala?”

Lumapit din ang ulo ni Mark kay Joseph. “Na may gusto si Duke kay Harry?”

Tumango-tango si Joseph. “Mm.”

Nanlaki ang may pagkasingkit na mga mata ni Mark at napanganga siya. “Oo nga, ’no?”

“Wala nga!” Padabog kong inilapag ang booklet na hawak ko sa mga hita ko.

Sa ginawa ko, bahagyang nagulat ang dalawa at mabilis na nalipat ang tingin sa akin. Bakas sa mukha nila ang pagtataka sa naging reaksyon ko. Kahit ako rin nagulat.

Kumurap-kurap si Mark. “Um…”

“Galit ka?” mahinang tanong ni Joseph.

Muli kong itinaas ang booklet na hawak ko at nagkunwari akong bumalik sa pagbabasa ng plebe knowledges. Sabay singhot.

“Ako, galit?” Nang mapagtantong matigas pa rin ang boses ko, sinubukan ko itong pakalmahin. “H-Hindi ako galit.”

Ba’t naman ako magagalit?

’Tang inang Duke kasi ’yan!

Akala ko ba magkikita kami ngayong gabi?

Nilapitan ako ni Joseph na katabi ko sa lower bunk at sinuring mabuti ang mukha kong nakalukot. “Hindi, galit ka, eh.”

Bumuntong-hininga ako, at sa puntong ito, mahinahon ko nang inilapag ang booklet sa mga hita ko. Sabay tingin sa dalawa.

“Ano kasi…” Binasa ko ang labi ko. “N-Nag-aalala lang ako kay Harry.”

“Ah, kaya ka galit?” tanong ni Mark.

Tumango ako. “Baka kasi matulad siya ro’n sa kadeteng nakita ko sa taas kagabi.”

Isa lang ’yon sa mga dahilan.

Kung hindi man siya sinaktan, may isa pa akong naiisip kung bakit siya ipinatawag.

Hindi kaya may interes nga talaga sa kaniya si Duke dahil sa sobrang lambot niya?

Paano kung may ipagawa si Duke sa kaniya na katulad no’ng ginawa naming dalawa?

“Bakit? Anong nangyari sa kadeteng ’yon?” usisa ni Joseph.

Nagkuyom ako ng kamao. “Ginawang punching bag ng mga hayop na firsty.”

“Shit.” Nabalot ng pag-aalala ang mukha ni Mark. “Baka gano’n din gawin sa kaniya.”

“Mark, huwag mong sabihin, baka magkatotoo,” may halong pagkabahala na sabi ni Joseph.

Nagtiim ang bagang ko. “Subukan lang ni Duke…”

Pinag-uusapan lang namin ngayon, biglang bumukas ang pinto ng barracks at tumambad si Harry na tila luhaan. Agad kaming napatayo at lumapit sa kaniya.

“O, Harry, ayos ka lang?” si Mark.

“Anong nangyari?” si Joseph. “Umiyak ka ba?”

“Sinaktan ka ba?” kunot-noo kong tanong.

Hinawakan ko ang braso niya at sinuri ito. Wala naman akong nakitang kahit anong galos. Gano’n din sa mukha niya. Pero pansin kong parang hindi siya mapakali.

Hinugot niya ang braso niya mula sa kamay ko at niyakap ito. “A-Ayos lang ako.”

Pinunasan niya ang ilalim ng mga mata niyang mamasa-masa pati na rin ang ilong.

Tiningnan ko siya nang malalim at hinawakan sa balikat. “Harry, magsabi ka ng totoo… Anong ginawa sa ’yo ni Duke?”

Pero mabilis siyang kumalas mula sa kamay ko nang dumire-diretso siya ng lakad papunta sa cabinet area habang tahimik.

May pagtatakang nagkatinginan sina Mark at Joseph. Samantala, sinundan ko si Harry sa cabinet area at isinandal ang braso ko sa gilid ng bukas niyang cabinet. May kakaiba sa kinikilos niya. Para siyang may trauma.

“Harry, huwag kang matakot,” maamo kong sambit. “Sabihin mo lang sa ’kin kung anong ginawa sa ’yo ng Duke na ’yon.”

“Jax, wala,” sagot niya nang hindi ako nililingon. “Walang ginawa sa ’kin.”

May pagmamadali niyang kinuha ang booklet niya sa loob ng cabinet. Pagkatapos itong isara ay naglakad na siya papunta sa bunk bed at umakyat sa kama niya. Doon ay humiga siya paharap sa pader habang nakasubsob ang mukha sa bukas na libro.

Lumalim ang paghinga ko. Hindi ako naniniwalang walang nangyari. Sigurado akong may ginawa sa kaniya si Duke. Hindi naman siya magkakagano’n kung wala. O kung wala mang ginawa sa kaniya, marahil ay merong sinabi kaya natatakot siya.

’Yong hayop na Duke na ’yon.

Magkita lang kami.


Hindi tulad nang mga unang gabi, hindi na sumali si Harry sa kuwentuhan namin bago matulog. Siya pa nga ang pinaka-unang natulog sa aming apat. Sumapit ang alas-nuebe—oras ng curfew—may officer na nag-check sa barracks namin para alamin kung tulog na kaming lahat.

Lights off.

Dumating sa puntong ako na lang mag-isa ang gising. Hindi ako makatulog. Kahit anong pikit ko, ayaw akong pagpahingahin ng mga katanungang hindi pa rin nasasagot. At lahat ng ito dahil lang sa hindi tumupad sa usapan ang gagong ’yon.

“Kung gusto mong malaman ang totoo, magkita tayo mamayang gabi… chinito.”

Paasa amputa.

Saan na napunta lahat ng sinabi niya?

Sasapit na lang ang hatinggabi lahat-lahat, hindi ko pa rin alam kung bakit pareho kami ng relo. Tapos hindi ko pa alam kung anong ginawa o sinabi niya kay Harry.

Bumalikwas ako ng higa at pinagmasdan ang mukha ng natutulog na si Harry sa kabilang bunk. Iniisip ko kung paano niya nakakaya lahat ng pambu-bully sa kaniya.

Naaalala ko na naman tuloy si Kuya.

Okay lang kaya siya?

Sa kalagitnaan ng pag-iisip, naramdaman ko na lang na biglang tumunog ang pinto. Pagsilip ko rito, kita kong marahan itong bumukas. Kaya agad akong napapikit.

Nagkunwari akong tulog. Pero dinig na dinig ko kahit ang mga mahihinang kaluskos na gawa ng taong pumasok sa loob ng barracks namin ngayon lang.

Nakapagtataka…

May nagtsi-check pa rin pala sa barracks nang ganito ka-late?

At nagtsi-check nga lang ba? Bakit parang naglalakad-lakad pa nga yata sa loob?

At bakit parang papalapit nang papalapit sa akin? Nagkakamali nga lang ba ako?

“Jaxon.”

At bakit ibinubulong ang pangalan ko?

“Jaxon.”

At bakit hinahawakan ang mukha ko?

“Anak ng—”

Bago pa man ako makapagmura, agad na natakpan ang bibig ko ng isang magaspang na palad. Sa pagmulat ng mga mata ko, isang pamilyar na mukha ang nagpakita.

Nanlaki ang mga mata ko. ’Yong taong akala ko ay hindi tumupad sa usapan, nasa harapan ko na ngayon. Kaya mas lalong hindi ako makapaniwala. Hindi ko inaasahang susulpot siya sa ganitong oras.

“Shh.” Sumenyas siya na huwag akong mag-ingay. Pagkatapos ay marahan niyang tinanggal ang kamay niya sa bibig ko.

“A-Anong—?” Sa pag-aalalang baka ay magising ang mga kasama ko dahil sa ingay, ginawa kong pabulong ang boses ko. “Anong ginagawa mo rito?”

“Sumunod ka sa ’kin,” seryoso niyang sabi.

Kumunot ang noo ko. “Saan?”

“Sa gubat.”


Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sumama ako kay Duke sa kalaliman ng gabi. Bago lisanin ang barracks namin, nagbaon ako ng tactical flashlight—at isang swiss knife na itinago ko sa likod ng shorts ko. Mahirap na. Baka may balak siyang gawing masama sa akin.

Sino ba naman kasing tanga ang sasama sa isang taong hindi mo naman lubusang kilala papunta sa isang lugar na hindi ka naman lubusang pamilyar, hindi ba?

Tanga yata ako.

“Bakit tayo pupunta sa gubat?” tanong ko habang nakabuntot sa kaniya.

Sa bawat hakbang, ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko habang binabagtas ang bahagyang madilim na hallway. Tulad ng inaasahan, nakasara ang lahat ng barracks at halos nakabibingi ang katahimikan kung hindi lang dahil sa ingay na gawa ng gubat.

Gubat.

Kalaliman ng gabi.

Tanga. Ba’t ba ako sumama?

“’Di ba gusto mong malaman ang totoo?” sagot niya. “Sasabihin ko sa ’yo ang totoo.”

“Sa gubat?” wika ko sa sarkastikong tono.

“Oo,” tipid niyang tugon.

Mukhang hindi siya nagbibiro.

Mabuti at walang nagbabantay sa hallway ngayon. O wala nga yata talagang bantay sa simula pa lang. Kasi kung meron, eh, ’di sana hindi nangyari ’yong Initiation Night.

Paglabas ng Annex A Building, mabilis na niyakap ang katawan ko ng lamig. ’Tang ina, dadalhin na lang ako lahat-lahat sa labas, hindi man lang nagsabi na magsuot ako ng jacket. Buti pa siya, naka-army combat uniform pa rin hanggang ngayon.

“Hindi ka ba naliligo?” tanong ko habang sinusundan pa rin siya papunta sa likod ng building. “Ba’t laging ganiyan suot mo?”

Dinig ko ang pagngisi niya habang nakatalikod. “Malinis ako sa katawan.”

“Eh, ba’t ’di ka nagpapalit ng damit?”

“Curious ka na sa ’kin ngayon?”

“Hindi.”

Nanahimik ako at sinarili na lang ang mga tanong ko, kaysa isipin niya na interesado ako sa kaniya o sa kuwento ng buhay niya.

Nandito lang naman ako para sa isang bagay—o dalawa.

“Anong ginawa mo kay Harry?” diretso kong tanong.

Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad at hindi ako nililingon. “Ginawa? Jaxon, wala akong ginawa sa kaniya.”

Sinungaling.

Nagkuyom ako ng kamao. “Eh, bakit siya umiyak kanina?”

“Tss. Masyadong balat-sibuyas ’yong asawa mo.”

“A-Asawa ko?” Nagsalubong ang mga kilay ko.

Pahapyaw niya akong nilingon. “Hindi ba?”

“Nagpapatawa ka ba?” banas kong sambit. “Hindi ako nakikipagbiruan sa ’yo, Duke.”

Bumalik siya ng tingin sa dinaraanan namin at tumikhim. “Ginawa ko lang ang dapat. Sinabi kong wala siyang lugar dito. Na dapat umalis na siya habang maaga pa.”

Lumalim ang paghinga ko at mas lalong humigpit ang pagkakakuyom ko sa kamao. Kaya naman pala umiyak, tinakot ng gago.

“At sino ka para sabihin na umalis na siya?”

“Tama lang ang ginawa ko.”

“Wala kang karapatan. Kung makakapasa man siya sa summer training o hindi, wala sa ’yo ang huling salita, nasa academy.”

“Hindi mo ako naiintindihan.”

“At hindi mo rin siya naiintindihan. Si Alcantara, hindi siya puwedeng bumagsak sa training. Hindi siya tatanggapin ng ama niya kung uuwi siya sa kanila nang gano’n.”

“Mas okay nang mangyari ’yon.”

Mas lalo akong nilamon ng inis.

“Wala ka bang puso?”

“Meron,” sagot niya. “Para sa ’yo…”

“Ha?” Muling nagsalubong ang mga kilay ko.

“Para sa ’yo kaya ko ginagawa ’yon.”

Lumunok ako. “Para sa ’kin?”

“Oo. Tinatanggalan lang kita ng mga kahinaan habang maaga pa.”

“At bakit mo naman ginagawa ’yon?”

“Kasi, ikaw ang kahinaan ko.”

Sandali akong natigil sa paglalakad. Nang maramdaman niya ito ay sandali rin siyang natigil. Ramdam ko ang lalong pagbilis ng tibok ng puso ko. At sa hindi inaasahan, para akong binalot ng kakaibang init sa katawan kahit kanina lang ay nilalamig ako.

Nilingon niya ako. “O, ba’t ka huminto? Wala pa tayo sa pupuntahan, Jaxon.”

Hinabol ko ang paghinga ko at binasa ang labi. “Huwag mo nga akong pinagloloko.”

Ayokong tanggapin ang narinig ko.

Hindi. ’Tang ina. Kadiri.

Ayoko.

Ngumisi lang ang gago. Sabay tumuloy ulit sa paglalakad na parang wala lang siyang nasabi na nakakapanindig-balahibo. Para hindi mapag-iwanan, sumunod naman ako.

Pagdating sa dulo, parang pinagsisisihan ko na lahat ng desisyon ko. May isang parte ng mesh fencing na sikretong lagusan pala papunta sa gubat—sa madilim na gubat. May sapat na espasyo ito para magkasya ang isang tao. Nauna nang pumasok si Duke sa loob. Habang natigilan naman ako.

“Bakit?” ani Duke sa kabila.

Nagbato ako ng matalim na tingin sa kaniya. “Kung may binabalak kang—”

“Relax,” sabat niya. “Wala akong balak na gawing masama sa ’yo. Nakalimutan mo na ba? Ligtas ka ng isang buwan, hindi ba?”

Alam ko. Pero…

“Huwag mo sabihing natatakot ka?”

Nagtiim ang bagang ko. “Hindi ako natatakot.”

“Kung gano’n, patunayan mo.”

Inangat niya ang dulo ng ginupit na fence, dahilan para magkaroon ng sapat na espasyo rito para pumasok ako. Habang nakapukol pa rin ang masamang tingin sa kaniya, yumukyok ako at pumasok sa loob.

Ngayong nakatuntong na ako sa kabilang parte ng fencing, sumasagi pa rin sa isip ko na may panahon pa para bumalik ako. Natutulog na dapat ako ngayon, eh. Pero mas umiiral pa rin sa ’kin ang kagustuhan na malaman kung ano ba talaga ang totoo.

Pinagmasdan ko ang bungad ng gubat. Sa malayo pa lang, parang may kakaiba na akong nararamdaman. Parang mabigat.

“Kailangan pa ba talagang pumunta rito?”

“Wala ka bang tiwala sa ’kin?”

“Wala.”

“Walang masamang mangyayari sa ’yo.”

Sa ’kin, wala. Sa kaniya, meron.

Kung may balak man siyang gawin sa akin sa loob ng gubat, uunahan ko na siya.

“Sumunod ka lang sa ’kin,” payo niya.

Nagsimula na siyang maglakad papasok sa gubat. Bago sumunod sa kaniya, nagbalik pa ako ng tingin sa kabilang parte ng fencing. Mukhang wala na nga talagang atrasan ’to. Bahala na. Kaya ko na siya. Para saan pa at malaki ang katawan ko kung hindi ko siya kayang itumba mag-isa.

Habang tinatahak ang madamo at madilim na daan, hawak ko sa kaliwang kamay ko ang tactical flashlight at ang kanang kamay naman ay nakahawak sa swiss knife na nakasuksok sa likod ng shorts ko. Handa akong gamitin ito kung kinakailangan.

Umihip ang hangin at muling nanuot sa balat ko ang hindi maipaliwanag na lamig. Sumayaw ang naglalakihang mga puno sa paligid at pumagaspas ang mga dahon sa mga sanga na para bang mayroong buhay ang mga ito. Ang mga kuliglig. Noon ay sa loob ng building ko lang naririnig ang mga ito, pero hindi ko inaasahang maririnig ko ito nang sobrang malapitan. Nakakarindi. At ang amoy ng lupa, lumalakas nang lumalakas habang lumalalim kami sa gubat.

“Puta.” Para akong napatalon sa kaba nang makarinig ng malakas na kaluskos sa kaliwa. Pagtutok ko ng flashlight sa pinanggalingan nito, wala akong nakita.

May halong pagtataka akong tiningnan ni Duke. Nasilaw ako nang tutukan niya ako ng flashlight sa mukha kaya napapikit ako.

“Ayos ka lang?” usisa niya.

Umiling ako at sinubukang ikalma ang mukha. Pagkaalis ng ilaw sa direksyon ko, tinitigan ko siya nang masama. Para kasing nangingiti ang gago dahil nagulat ako.

Dinig ko na naman ang pagngisi niya. “Natatakot ka ba, chinito?”

“Ha?” Uminit ang mga pisngi ko at napasinghot ako. “B-Ba’t ako matatakot?”

“Kasi may nagpakamatay na kadete rito.”

Biglang nagbago ang ihip ng hangin nang dahil sa sinabi niya. Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang maalala ang mga sabi-sabi noon tungkol sa gubat na tinatahak namin ngayon. Na may nagpakamatay raw na kadete rito dati dahil hindi na nakayanan ang pambu-bully sa kaniya. Anak ng puta, pinaalala pa kasi.

Lumunok ako. “H-Hindi ako natatakot.”

Pero kaunting kaluskos lang sa paligid, napapalingon na agad ako at napapatutok ng flashlight. Wala pa rin akong nakikita.

Sa hindi inaasahan, lumingon siya pabalik sa akin at bigla siyang nanigas mula sa kinatatayuan niya. Kaya napatigil din ako, lalo pa’t nang tutukan niya ako ng flashlight at nang makita ang nanlaki niyang mga mata na parang may nakita.

“Jaxon…” may pagkabahala niyang tawag sa pangalan ko.

Sumingkit ang mga mata ko. “B-B-Bakit?”

“Sino ’yang… Sino ’yang nasa likod mo?”

“Ha?” Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Kasunod ng flashlight, marahan kong inikot ang ulo ko papunta sa likuran ko, nagdarasal na sana ay walang magpakita kahit hindi ako paladasal.

Laking pasasalamat ko naman nang makitang walang ibang tao sa likuran ko—o kahit multo. Niloloko lang pala ako ng gago. Bumalik ang tingin ko sa kaniya.

“Ay, putang ama!”

Umalingawngaw ang malutong kong mura sa kasulok-sulukan ng gubat. Paanong hindi, ’yong lintik na Duke, itininutok lang naman ang flashlight pataas sa mukha niya habang nakadilat kaya nagmukha siyang multo! Parang nalaglag ang puso ko.

Napayuko ako habang hinihingal. Ramdam ko pa rin ang hindi matigil na kalabog sa dibdib ko. Samantala, nakarinig ako ng malakas na pagtawa mula sa salarin. Pag-angat ng tingin, kita kong nakahawak siya sa tiyan habang hindi maipinta ang mukha. Ngayon ko lang siya nakitang humalakhak nang hindi nagpipigil.

Bago man sa akin na makita siyang nagpapakita ng emosyon, hindi pa rin nito mababago ang katotohanang gago siya. Nagkiskisan ang mga ngipin ko sa inis.

“Nakakatawa ka?” banas kong reaksyon.

“Natakot ka.” Hindi pa rin siya matigil sa pagtawa. “’Yong mukha mo… natakot…”

Para akong nainsulto. Hindi ko matanggap.

Kung saksakin ko na kaya siya dito rin mismo nang matigil na siya sa pagtawa?

Patayin ko na ’tong gagong ’to.

Pigilan n’yo ako.

Unti-unting naubos ang tawa niya nang makita ang nanlilisik kong mga mata. Binilog niya ang kamay niya at itinakip ito sa bibig niya, sabay tikhim at pinilit na ibalik ang mukha sa pagiging seryoso.

“S-Sorry,” may bahid pa rin ng tuwa sa boses niya.

Umiwas ako ng tingin. Kahit mahigpit na ang pagkakahawak ko sa swiss knife, sinusubukan ko pa ring pigilan ang sarili ko na huwag itong gamitin sa kaniya.

Hindi muna ngayon.

“Huwag kang mag-alala. Walang multo rito. Hindi totoong may nagpakamatay rito sa gubat. Gawa-gawa lang lahat ng ’yon.”

Napukaw ang atensyon ko sa sinabi niya, kaya kahit naiinis, binalikan ko siya ng tingin—isang matalim na tingin pa rin.

“Ano?” taka ko.

“Sa ’yo ko lang ’to sasabihin… Ako ang nagpakalat no’n para matakot ang mga kadete, at para walang ibang pumunta rito kundi kaming dalawa lang ng kaibigan ko.”

Kumunot ang noo ko. “Kaibigan mo?”

Tinalikuran niya ako. “Oo.”

“Sino?” tanong ko.

“Malalaman mo.”

Sa pagtuloy niya sa paglalakad sa kalaliman ng gubat, wala akong ibang nagawa kundi ang sundan siya… nang sundan.

“Maraming hayop dito sa gubat, kaya kung ano-ano ang maririnig mo sa tabi-tabi,” kuwento niya kahit ’di ko naman tinanong.

“Isa ka na ro’n,” pabulong kong sabi.

Dahil hindi siya matigil sa pagdaldal, halos hindi ko na mapansin ang mga kaluskos na kung saan-saang parte ng gubat nagmumula. Habang tumatagal ay lalo ring nagiging maaliwalas ang paligid. Unti-unti nang sumisilip ang buwan mula sa mga sanga ng mga nagkakapalang puno, kaya nagbaba na siya ng flashlight, na ginaya ko.

Hindi naglaon, napagpag ang hindi maipaliwanag na kaba sa dibdib ko. Ang lugar na kinatatakutan ng lahat, unti-unting nagiging maganda sa paningin ko. Muntik ko na ngang makalimutan kung bakit ako nagparito, dahil wala akong ibang ginawa kundi ang pagmasdan ang payapang gubat na pumapalibot sa akin.

Pagdating namin sa pusod ng gubat, unti-unting nawala ang mga puno. Tumambad ang isang malawak na damuhan na may katamtamang taas. Sa hindi kalayuan, makikita ang isang banayad na lawa sa ilalim ng bilog na bilog na buwan. At sa tabi nito ay mayroong isang malaking puno. Isang patay na puno. Walang kahit anong dahon. Puro sanga.

“Nandito na tayo,” pagbibigay-alam niya.

Mas lalo akong nagtaka. “B-Bakit mo ako dinala rito? Anong kinalaman nito sa—?”

“Dito…” aniya habang nakatitig sa patay na puno. “Dito kami madalas pumunta.”

“Ng kaibigan mo?” banggit ko.

“Ng kuya mo,” sagot niya.

Mas lalo akong naguluhan. Pero mayroong parte sa akin na alam na kung anong tinutukoy niya, hindi ko lang matanggap.

Lumalim ang paghinga ko. “S-Sinasabi mo bang naging kaibigan mo ang kuya ko?”

“Oo,” tuwid niyang sagot.

Umihip ang malamig na hangin.

Halos manginig na ang mukha ko sa narinig. Hindi ko matanggap. ’Yong taong sinisisi ko sa nangyari sa kuya ko, ngayon ay nagpapakilala bilang kaibigan niya. Hindi ko kayang lunukin ang katotohanan.

Marahan kong hinugot ang swiss knife sa likod ko. “At bakit ako maniniwala sa ’yo?”

Pinaglalaruan niya lang ang damdamin ko.

Umiiwas lang siya sa kasalanan niya.

Akala niya ba maloloko niya ako?

Humarap siya sa akin. Pagkatapos ay itinaas niya ang kaliwang braso niya, hinila ang manggas ng suot niyang ACU jacket, at ipinakita ang bagay na nakita ko na noon.

“Ang relong ’to…” Pinagmasdan niya ang suot niyang kulay pulang relo. “Bigay ’to sa ’kin ng kuya mo bago siya umalis dito.”

Muling umihip ang malamig na hangin.

Sa sunod na narinig ay marahang kumalas ang kamay ko mula sa hawak na swiss knife. Wala akong masabi. Nanginginig na rin ang kamay ko habang marahan itong ibinubunyag pati na rin ang relong nakasuot sa pupulsuhan ko. Pinagmasdan ko itong mabuti pati na rin ang kaniya. Saka napagtantong nagsasabi siya ng totoo.

Kay Kuya Janus nga ang suot niyang relo.

Napaatras ako sa gulat.

“Hindi…” Tinakpan ko ang suot kong relo. “Hindi ako naniniwala sa ’yo.”

Sa puntong ito ay hindi ko na siya magawang tingnan sa mga mata.

“Nagsasabi ako ng totoo,” sagot niya.

Paano ko ba tatanggapin ang katotohanan?

“Aalis na ako rito,” sabi ko. “Babalik na ako. Mali na sumama ako sa ’yo papunta rito.”

Akma na sana akong maglalakad pabalik nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko para pigilan ako. Natigilan ako sandali.

“Teka lang, Jaxon.”

“Bakit ba?!”

Nangusap ang mga mata niya. “Kaya kita dinala rito, may gusto akong ipakita sa ’yo.”

Ipakita?

Hindi niya ba nakikitang galit ako?

May gana pa talaga siyang pigilan ako?

“Bakit mo ba talaga ako dinala rito?!”

At sa sandaling iyon, agad na nasagot ang tanong ko nang makita siyang lumingon papunta sa likuran niya, na sinundan ko rin naman ng tingin. Papunta sa patay na puno, na ngayon ay unti-unting nagkakaroon ng buhay. Nagmistulang mga gintong dahon ang mga alitaptap na dumadapo sa mga sanga nito at pinakikinang ang lahat ng bagay sa paligid.

At sa sandaling iyon, hindi ko namamalayang unti-unti akong napapahakbang sa tabi niya, nawala sa isip na magkahawak pa rin pala kami ng kamay. Magkasama naming pinagmasdan ang pinagkamagandang bagay na ngayon ko lang nakita ko sa buong buhay ko. Para akong dinadala sa kakaibang mundo. Sa isang mundo na para lang sa aming dalawa.

At sa sandaling iyon, merong nagbago.

Chapter 13

Kinabukasan, naalimpungatan na lang ako sa alingawngaw ng bugle na nanggagaling sa labas ng barracks. Sabaw man ang pag-iisip, sinikap ko pa ring bumangon sa kama. Mula pagligo hanggang pagbihis, hindi ako matigil sa paghikab. Hindi ko na maalala kung anong oras ako nakatulog kagabi. Pero naaalala ko pa rin ang lahat.

“Jaxon, parang antok ka pa yata?” puna ni Joseph.

“Kaya nga,” segunda ni Mark. “Nagpuyat ka ba? ’Di ba, maaga naman tayong natulog?”

Samantala, tahimik lang si Harry.

“Ah, hindi,” saad ko, pero naka-isang hikab pa nga ako. “Antukin naman talaga ako.”

Habang nagsusuot ng asul na pantalon, bumaling ako sa bukas na bintana sa kanan katabi lang din ng cabinet ko. Mula sa hindi kalayuan, sinilip ko ang nakalatag na mesh fencing at inalala kung saan banda ang sikretong lagusan papasok sa gubat. Alam ko ay malapit lang ito sa barracks namin dahil nasa dulo kami ng building.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko kagabi. Parang panaginip lang ang lahat. Sinong mag-aakalang may lihim na paraiso sa gitna ng gubat? At sino pa kaya bukod sa akin, kay Duke, at Kuya Janus ang may alam tungkol dito? Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan ang dahilan kaya ako nagpunta sa gubat kagabi. Dahil kay Kuya.

Totoo ba talagang magkaibigan sila ni Duke?

Pero… paano nangyari ’yon?

At kung gano’n, sino ang totoong nang-bully kay Kuya?

Kung kailan nasagot na ang mga nauna kong tanong, tila yata mas lalong dumami ang mga katanungan ko sa isipan. Hindi na ako mapakali. Gusto kong makita si Duke kahit kakakita pa lang namin kagabi. Gusto ko ulit maulit ang nangyari kagabi. Gusto ko ulit pumunta sa gubat kasama siya.

“Mark, may deo ka pa ba?” dinig kong tanong ni Harry na nakatayo sa likuran ko.

“Ah, nasa cabinet ko, kunin mo na lang,” tugon ni Mark na nagsusuot na ng sapatos habang nakaupo sa kama nito.

Agad ko namang kinuha ang deodorant sa cabinet ko at inalok ito kay Harry. “Ito, o.”

Pero parang wala lang siyang narinig. Binuksan niya ang katabi niyang cabinet at kinuha ang bagay na hinahanap niya rito kahit nagkusa na akong ipagamit ang akin. May pagtataka naman akong bumalik sa cabinet ko at ibinalik dito ang hawak ko.

Sumaglit pa nga ako ng tingin pabalik sa kaniya, pero hindi tulad ng dati, hindi na siya napapalingon sa direksyon ko o napapasulyap sa hulmado kong abs.

Napakamot ako sa sentido.

May nagawa ba akong mali?

Parang ako lang yata ang hindi niya pinapansin mula pagkagising.

Dahil pa rin ba ito kay Duke?

Kung alam ko lang sana ang lahat ng mga sinabi ni Duke kaya siya nagkakaganito…

Usapang Duke, biglang bumukas ang pinto ng barracks namin at pumasok siya sa loob.

“Cadets, double time,” mando niya.

Agad na napakaripas ng kilos ang tatlo kong kasama sa takot. Nang matapos na silang magsibihis, pinalabas na sila ni Duke, hanggang sa kaming dalawa na lang ang natira sa loob. Hindi na rin ako nag-aksaya pa ng oras at nagsuot na ako ng T-shirt. Nahuli ko pang nakatingin sa katawan ko si Duke habang nakangisi.

“Nakatulog ka naman ba kagabi, chinito?” tanong niya sa kawalan.

Isinara ko na ang cabinet ko at naglakad palapit sa kaniya sa gitna ng dalawang kama. Pagkahinto sa harap niya, ngumisi ako. “Hindi nga, eh. Salamat sa ’yo… Sir.”

Napalitan naman ang ngisi niya ng ngiti. Pero agad din naman niya itong tinakpan gamit ang kinuyom na kamao at klinaro ang lalamunan, nilaliman pa ang boses. “Bilisan mo na. Ikaw na lang ang kulang.”

Tumikhim din ako. “Yes, Sir.”

Nasa training kami, paalala ko sa sarili.

Sinundan niya lang ako ng tingin hanggang sa makaupo ako sa lower bunk—sa higaan ni Joseph. Sa puntong ito, sinadya ko talagang bagalan ang pagsisintas sa sapatos ko. Sinulit ko ang bawat segundo para lang makapag-usap kami. Pero ilang segundo na ang nakalipas at hindi pa rin siya umiimik.

Nang matapos ako sa kaliwang sapatos, sandali akong tumigil at tiningala siya. Kumurap-kurap ako. Wala ba siyang balak na tulungan ako sa pagsisintas ng kanan? Wala talaga? Sige, ako na. Sino bang nagsabi na kailangan ko ng tulong niya? Para naman akong bata, o. ’Lang hiya.

Nang simulan ko nang sintasan ang kanang sapatos ko, hindi na ako mapakali sa katahimikan at ako na rin mismo ang nagsimula ng usapan. “Tungkol kagabi—”

“Saka na natin pag-usapan,” pagputol niya sa akin. “Marami pa namang pagkakataon.”

Sandali akong natahimik, ngunit patuloy pa rin sa pagsisintas. Kanina pa ako rito pero hindi niya pa rin ako tinutulungan. Ano na?

“Paano mo naging kaibigan si Kuya—?”

“Wala nang oras,” muli niyang putol sa ’kin.

Pagbalik ng tingin sa kaniya, kita kong nakatitig na siya sa suot niyang relo. Pagkababa ng braso, naglakad na siya palayo sa akin. Bago buksan ang pinto, pahapyaw niya akong nilingon at nginitian.

“Sumunod ka na lang,” tanging wika niya.

May pagkainis ko namang binilisan ang pagtali sa sintas ng sapatos ko na kanina pa sana tapos kung tinulungan niya lang ako. Nang matapos ay may pagmamadali rin akong lumabas ng barracks bago pa ako mahuli sa formation run ngayong umaga.

“T-Teka,” nauutal kong sambit, “Sir.”

Minsan, hindi ko siya maintindihan.


Bandang ala una ng hapon natapos ang kalbaryo ng mga plebo sa mala-impyernong mess hall. Pagkatapos ng lunch break—o break na lang dahil hindi rin naman kami nakakain nang maayos—pinabalik kami saglit sa barracks namin para magpalit ng damit. Ngayong hapon, pinagsuot lahat ng plebo ng army combat uniforms.

Sunod kaming sinamahan ng mga upperclassman papunta sa isang lugar sa campus na ngayon lang namin napuntahan—ang firing range.

Bandang hilaga matatagpuan ang firing range. Nasa paanan lang ito ng isang bundok na pinakamalapit sa academy. Mayroon din namang mga puno sa paligid pero hindi kasingsukal tulad ng sa gubat sa likod ng Annex A Building.

Malawak at presko rito dahil sa sariwang hangin na dumadaloy, at hindi tulad sa field, hindi kami bilad sa araw dahil medyo lilim. Buti naman, dahil medyo hindi komportableng suotin ’tong army combat uniform. Si Duke lang yata ang sanay na palaging ganito ang suot buong magdamag.

“Attention!” buong boses ni Duke sa unahan.

Agad na natigil sa paggalaw at pag-iingay ang mga kadete na tila naninibago pa sa paligid. Natuon ang atensyon ng lahat sa unahan kung saan nakatindig si Duke. Sa likod niya ay ang magkadikit na dalawang puting mesa na pahaba, at sa ibabaw ng mga ito ay may mga nakapatong na rifle, hearing protection devices, at shooting glasses. Sa pinakadulo naman matatagpuan ang mga nakatayong silhouette target.

Mukhang may ideya na ako sa gagawin.

“Cadets, welcome to Basic Rifle Marksmanship Training…”

Sabi ko na nga ba.

Matapos ang simpleng introduksyon tungkol sa training na ito—na alam ko ay hindi naman talaga pinapakinggang mabuti ng lahat dahil nasa mga armas sa mesa ang pokus namin—ay naglakad na si Duke papunta sa likurang parte ng mesa. Doon ay pinulot niya ang isa sa apat na rifles at ipinakita itong mabuti sa lahat.

“This is the M16 rifle,” pabatid niya. Kahit nasa likod ako, abot-tanaw ko pa rin naman siya dahil sa tangkad kong ito. “Treat it with care and respect, and in return, it will take care of you on the battlefield…”

Ngayon ay siguradong nakikinig na ang lahat. Kating-kati na nga yata ang kamay ng karamihan na makahawak ng rifle. Ako lang yata ang hindi. Hindi na kasi bago sa akin ang makakita nito dahil madalas ko itong nakikita noon sa office ni Dad. Pero, aaminin ko, wala pa akong karanasan sa paggamit nito. Baril pa lang ang nahawakan ko buong buhay ko.

“Joseph, ayos ka lang?” dinig kong tanong ni Mark habang nakasilip kay Joseph sa kanan ko. Nakisilip din si Harry sa tabi ni Mark pero napaiwas din ng tingin nang sandaling magtama ang mga mata namin.

Pagbaling ng tingin kay Joseph, saka ko lang din napansin na namumutla na pala ito at pinagpapawisan pa rin ang mukha.

“H-Ha?” may pagkabalisang tugon ni Joseph kay Mark sa kaliwa ko. “Ah, oo.” Lumunok ito at napahinga nang malalim, saka nagpilit ng ngiti. “O-Okay lang.”

“First, you must learn the basics,” tuloy ni Duke sa unahan. “Let’s start with the disassembly and reassembly of the rifle…”

Dahil nasa interesanteng parte na kami ng diskusyon, binigyang tuon na namin nang mabuti ang lahat ng ginagawa at sinasabi ni Duke sa unahan. Sa kalagitnaan ng diskusyon, ramdam ko pa rin ang pagkabalisa ni Joseph. Para hindi mapansin ng karamihan ang panginginig ng mga kamay nito, itinago na lang nito ang mga ito sa suot na camo pants.

Ngayon ko lang ito nakitang nagkakaganito.

Nang maipaliwanag nang mabuti ni Duke ang tamang paraan ng pag-dissassemble at pag-reassemble ng rifle, dumako na siya sa pinakamahalagang parte ng training…

“A true man knows how to shoot a gun, but a true soldier knows how to shoot a rifle. The rifle requires more than just pulling the trigger—it’s about control, stance, and precision.”

Muli niyang inangat ang hawak na M16.

“First, get comfortable. Hold the rifle firmly and rest it against your shoulder.”

Sabay patong nito sa balikat niya.

“Your stance should be balanced—feet shoulder-width apart, knees slightly bent.”

Ginaya niya ang sinabi niya—tumalikod siya sa amin at humarap sa shooting targets, saka bahagyang yumukyok.

“Now, sight alignment: line up the front and rear sights, keeping the target in focus. Breathe slowly, then, as you exhale, squeeze the trigger smoothly, not jerking it…”

Umihip ang maamong hangin.

“Like this.”

BANG!

BANG!

BANG!

BANG!

At sa isang iglap, nakarinig kami ng apat na magkakasunod na putok. Para kaming nabingi sa alingawngaw ng mga ito at para kaming naparalisa mula sa mga kinatatayuan namin at hindi makapagsalita.

Pagharap ni Duke sa amin, itinutok niya ang rifle pataas sa maulap na langit, saka hinipan ang bibig nito na umuusok pa nga.

Huli na nang makapagreak kami. Dahil mahirap paniwalaan ang nakikita namin ngayon. Sa apat na shooting targets, lahat ay tinamaan niya sa ulo. Walang mintis. At wala pang gamit na kahit anong gears.

Napaawang na lang ang bibig ko.

“Shit, ang galing…”

“Sharpshooter pala siya…”

“Grabe, lahat tinamaan sa ulo…”

At sa isang iglap, maririnig ang mahihinang palakpakan na unti-unti ay lumalakas. Habang tumatagal ay lalo ring dumarami ang mga papuring maririnig.

Nakipalakpak din ang mga katabi ko. Kahit hindi man ako nakisabay sa kanila, aminado akong napahanga ako sa kaniya—I mean, sa husay niya pagdating sa shooting.

’Yong dalawa asungot na bantay lang yata sa gilid namin ang hindi napahanga.

“Tss. Ang yabang. Akala mo kung sinong magaling,” dinig kong inis na sabi ng tarsier na Morales sa kabila ng mga ingay.

“Sinabi mo pa,” dagdag naman ng puro tigyawat na si Monsur. “Trying hard masyado na gayahin ’yong kuya niya.”

Ngumisi si Morales. “Kuya? Kailan pa sila naging totoong magkapatid? Bastardo lang naman ’yang gago na ’yan. Anak sa labas.”

“Nga pala. Muntik ko nang makalimutan.”

Mahinang napatawa ang dalawa.

Nagbato ako ng tingin sa kanila—may halong inis at pagtataka. Inis dahil hindi ko matanggap na may ibang nanlalait kay Duke bukod sa akin. At pagtataka sa mga sinabi nila. Si Duke, anak lang sa labas ni Senador Rafael Montemayor? At sino naman ang tinutukoy nilang kuya niya? Ito ba ang totoong anak ng senador?

Ang dami na ngang gumugulo sa isipan ko, nadagdagan pa nang nadagdagan.

Nang mapansin ni Monsur ang masama kong titig, napabulong ito sa katabi. Bilang reaksyon, nag-angat naman ng baba si Morales na para bang inaambahan ako. Umiwas na lang ako ng tingin at baka makasapak pa ako ng dalawang panget. Kapag ganitong kulang ako sa tulog, baka hindi na ako makapagtimpi. Mahirap na.

Pagbalik ng tingin sa guwapong—

Pagbalik ng tingin sa mukha ni Duke, kita kong sa akin na pala siya nakasilip sa gitna ng mga pumapalakpak na kumpulan. May katiting na ngiti sa labi niya na para bang ipinagmamalaki niya sa ’kin ang nagawa.

Oo na, magaling siya.

Oo na nga! Ba’t pa ba ako napapangiti?

Yumuko ako at dinilaan ang itaas na labi ko para hindi niya mapansin ang pagtataksil ng sarili kong emosyon laban sa akin.

’Lang hiya talaga, o.

Kaninang umaga pa ako ganito.

Minsan, hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.

Chapter 14

Sa oras na natapos si Duke sa pagturo sa amin sa tamang paraan ng paggamit ng rifle ay nagsimula na ang totoong training. Oras naman para gamitin namin ang mga natutunan namin mula sa kaniya. Medyo nakakakaba, pero nakaka-excite din naman.

“Third-Class,” tawag ni Duke sa buddy na si Corpuz. “You may start now.”

Mula sa kumpulan ng mga kadete, umabante naman si Corpuz at tumindig sa harap ni Duke, saka sumaludo. “Yes, Sir.”

Pagkatapos ay humarap ito sa aming lahat saka bumaba ang tingin sa hawak na itim na clipboard, na hula ko ay may listahan ng mga pangalan namin.

“First group to perform the tasks today…” panimula nito. “Alcantara, Rosales, Escobar… and Durat.”

Mukhang grupo pa nga namin ang mauuna.

“Those called, please step forward!”

Sa pag-abante namin, kusang nahati ang kumpulan ng mga kadete sa dalawa at binigyan kami ng daraanan sa gitna. Bawat hakbang, ramdam ko ang mga matang nakasunod ang tingin sa amin. Ang ilang mukha ay tila natatawa at ang ilan naman ay tila walang tiwala sa grupo namin.

“Ayan na sila…”

“Ano na naman kaya ang gagawin ni Alcantara?”

“Baka tatalian sa leeg ’yong target gamit ’yong lubid niya kahapon.”

“O baka kamo yayakapin ’yong target imbes na barilin kasi lalake.”

Nahuli ko ’yong grupong nagbubulungan at nagtatawanan. Isang mabagsik na tingin ang ipinukol ko sa kanila kaya agad din silang natahimik. Mga duwag naman pala.

Samantala, sinilip ko si Harry para alamin ang lagay nito. Mainit pa rin kasi ito sa mga mata ng karamihan. Kita kong nakayuko lang itong naglalakad habang magkahawak ang dalawang kamay sa harapan ng suot na camo pants.

Pero mukhang hindi yata si Harry ang dapat kong alalahanin. Sa kanilang tatlo, si Joseph ang tila kakaiba ang kinikilos. Habang papalapit kasi kami nang papalapit sa unahan, tila mas lalo ring nagiging mabigat ang paghinga nito.

“Ayos ka lang?” usisa ko rito.

Tiningnan lang ako nito at tinanguan. Sunod nitong pinunasan ang pawis sa noo gamit ang likod ng kamay at binasa ang nanunuyot na mga labi.

Mukhang kanina pa ito balisa.

Anong problema nito?

Pagdating sa unahan, pinatayo na kami sa harapan ng dalawang puting mesa: sina Harry at Mark sa kaliwa, ako at si Joseph naman sa kanan. Naglakad si Duke papunta sa gitnang-likuran ng dalawang mesa bilang mga mata namin. Habang nasa kanang-gilid naman ng mesa si Corpuz.

“This is your first evaluation in Basic Rifle Marksmanship Training,” pabatid ni Duke. “For your initial task, you will have one minute to disassemble the rifle in front of you and another one minute to reassemble it. Failure to do so will result in a score of zero.”

Dinig ko ang pagkagulat ng mga kadeteng nanonood sa amin sa likuran.

Sino ba naman ang hindi mababahala? Sa loob lamang ng dalawang minuto, kailangan naming tapusin ang buong task.

Gaano ba ito kabilis na nagawa ni Duke kanina? Madali nga lang ba?

Madali nga lang siguro…

Kung kaya niya, kaya ko.

“For the second task, your scores will be based on the numbers printed on the silhouette targets. The vital areas marked with Xs, such as the head and the heart, will award you the highest points. So, aim wisely.”

Pinagmasdan ko sa malayo ang target na naka-assign sa ’kin at sinuring mabuti ang kabuuan niyon. Mukhang madali lang ito sa akin. Hindi naman ito ang unang beses na tumira ako… mapa-target man o babae.

“Keep in mind that your scores will be recorded and added to your summer training records,” panapos niya.

Inangat ni Duke ang braso niya kapantay ng dibdib at inilabas ang relo sa ilalim ng manggas ng ACU jacket. Sunod niya itong kinalikot na parang may sini-set siyang timer dito.

“Without further ado, let’s start with the first task.” Isa-isa kaming nilibot ng mga mata niya. Ramdam ko ang pagpipigil ng hininga ng mga kasama ko. “One minute to disassemble and one minute to reassemble the rifle. Once the time is up, put your hands on the air. Am I clear, cadets?”

“Sir, yes, Sir!” sabay-sabay naming tugon.

Hinawakan niya na ang button ng relo.

“Time starts…”

Sabay pindot dito.

“Now.”

Hudyat na puwede na kaming magsimula, isa-isa na naming pinulot ang mga nakalapag na rifle sa mesa at pinagbabaklas ang mga parte nito. Mayroon din namang printed blueprint kaya kahit papaano ay may guide kami.

Inalala kong mabuti ang ginawa ni Duke kanina at ginaya ito. Pero sa hindi maipaliwanag, tila nagiging malabo ang alaala ko. Dahil yata kulang ako sa tulog. Pero hindi pa rin ako nagpahuli.

Kung kailan naman nakukuha ko na ang tamang pagkakasunod-sunod ng pagtanggal ng mga parte, nagsisisi naman akong napalingon ako sa kanan ko.

Sa kanan kasi, makikitang nanginginig ang mga kamay ni Joseph at tila wala pa sa kalahati ang nababaklas nito. Halos dinig ko na nga ang bawat paghinga nito dahil sa sobrang lakas.

“Thirty seconds left to disassemble,” paalala ni Duke habang naglalakad-lakad sa kabilang panig ng mesa.

Unti-unti akong nilamon ng kaba. Sa pag-aalala sa kasama ko, muntik ko nang makalimutan ang kapakanan ko. At muntik ko na ring makalimutan na nakasalalay nga pala ang records ko sa task na ’to.

Hindi na ako nagpadalos-dalos pa at tinuloy na ang ginagawa ko kanina.

Hanggang sa…

“Takte,” nanginginig na boses ni Joseph.

Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng isang bagay sa suot kong bota. Pagyuko, nakita kong tumilapon pala ang handguard ng rifle ni Joseph sa paanan ko.

Walang pag-aatubili ko naman itong pinulot at inabot sa kaniya. “Heto.”

“U-Um, sorry,” paumanhin nito pagkatapos itong kunin sa kamay ko.

“Escobar, mind your own business,” may diing bigkas ni Duke habang seryosong nakatingin sa mga mata ko.

Huminga ako nang malalim. “Yes, Sir.”

Salamat sa ginawa niya at nagising ako sa katotohanang ilang segundo na ang nasayang dahil sa pagtulong ko. Hindi ko na sinayang pa ang mga nalalabing segundo at muli akong tumuloy sa pagbabaklas ng rifle ko.

Madali lang sana ito, eh, kung hindi lang nahahati ang atensyon ko.

Bakit ba kasi lagi kong inuuna ang kapakanan ng ibang tao?

Sina Mark at Harry, ano na kayang nangyari sa kanila?

Siguro ay hindi pa rin sila—

Anak ng! Tapos na sila?!

“Fifteen seconds left.”

Isang pagkakamali na sumilip din ako sa kaliwa ko dahil mas lalo akong kinabahan. Parang nakikipagsabayan ako sa mabigat na paghinga ni Joseph at hindi mapakali.

“Ten…”

’Tang ina. ’Tang ama. ’Tang anak.

“Nine…”

Paano ako naunahan ng dalawa?

“Eight…”

Kailan pa ako naging mahina?

“Seven…”

Kailan pa ako naging talunan?

“Six…”

Hindi ako talunan!

“Five…”

Nagpigil ako ng hininga, at para bang katumbas ng kamatayan ang huling limang segundo para sa ’kin. Kung hindi ko lalong bibilisan, tuluyan na akong malalagutan.

Ramdam ko ang pagwawala ng puso ko habang binabaklas ang huling piyesa ng armas. At sa huling segundo, para akong napatalon sa kaba sa boses ni Duke.

“Time’s up.”

Agad kong nailapag ang piyesa sa mesa. Kasunod nito ay ang pagtaas ng dalawa kong kamay sa ere. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib dahil natapos ko ito sakto sa oras. Nakahinga na rin sa wakas.

Mula sa nakalas na mga piyesa ng rifle ay lumipat ang tingin ko sa mga kasama ko sa kaliwa. Nakataas na rin ang mga kamay ng mga ito, pero nakatingin sila sa kanan ko.

Saka ko lang nalaman kung bakit nang makita ko si Duke na masamang nakatitig kay Joseph na hanggang ngayon ay tuloy-tuloy pa rin sa pagkilos at parang walang narinig.

Tila naliligo na sa pawis ang mukha ni Joseph at napipikit ang mga mata, ang mga labi ay hindi matigil sa pangangatal habang binabaklas ang mga piyesa.

Nagtataka na ang mga tao sa likuran namin sa kaniya.

“Joseph…” mahinang tawag ko sa kaniya, pero parang wala lang itong narinig.

“Joseph!” may kalakasan kong ulit sa pangalan nito.

Sa wakas, nakuha ko rin ang atensyon nito. Napatingin ito sa akin—sa aming tatlo na nakataas na ang mga kamay—papunta sa matikas na lalakeng nasa harapan nito. Saka ito unti-unting natauhan.

Binitiwan nito ang huling piyesa na hawak at marahang itinaas ang mga kamay habang hinahabol ang paghinga. Hindi nito maiangat ang mukha nang dahil sa hiya.

Umabante pa si Duke palapit sa dulo ng mesa at pinagmasdang mabuti ang mga parte ng rifle ni Joseph. Natapos nga ni Joseph ang task, pero hindi sa tamang oras.

“Durat,” maangas na sambit ni Duke sa apelyido ni Joseph.

Bahagyang nag-angat ng mukha si Joseph pero hindi mapantayan ang tingin ni Duke. “S-Sir.”

Tumibingi naman ang ulo ni Duke at umigting ang panga. “Hindi ba malinaw ang pagkakasabi ko na tapos na ang oras?”

Lumalabas na naman ang iba niyang pagkatao, at hindi ko na alam kung maiinis ba ako o kung ano. May punto naman kasi.

“M-Malinaw ho, Sir.” Kita pa rin ang panginginig ng mga daliri ni Joseph habang nakataas ang mga kamay sa ere. “P-Pasensya na ho, Sir.”

Ngumisi si Duke. “Wala ka bang respeto sa ’kin? Gano’n ba ’yon?”

“No, Sir!” Tumikhim si Joseph. “I-I mean, may respeto ho… Sir.”

Bumaling si Duke kay Corpuz na kasalukuyang nakatayo sa kanang tabi ng mesa malapit kay Joseph. “Third-Class, if he fails to reassemble this rifle on the next round, you know what to do.”

“Yes, Sir,” tugon ni Corpuz.

Halos hindi na kumurap ang mga mata ni Joseph at maluha-luha na.

Hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw sa akin kung bakit ito nagkakaganito. Sa kanilang tatlo, ito pa naman ang inaasahan kong magaling pagdating sa ganito. Pero daig pa ito nina Harry at Mark dahil nauna pa ang mga ito. At hindi ko rin tanggap na nadaig ako ng mga mas mahihina sa akin.

Naglakad si Duke at sunod na huminto sa harapan ko. “Escobar.”

Tumingin naman ako sa kaniya kapantay ang mga mata niya. “Sir.”

Sinilip niya saglit ang kinalas kong rifle sa mesa, saka ako binalikan ng tingin—isang tingin na may halong pagkadismaya.

“I expected a lot from you.”

Parang tumagos ang mga salita niya sa dibdib ko. Mayroong parte sa akin na tila nasaktan at hindi siya natuwa sa naging performance ko, at naglalaban din naman ang paniniwala na walang dahilan para manghingi ako ng papuri sa kaniya.

Hindi naman siya and dad ko. Ang mahalaga lang, natapos ko ang task sa oras.

Pag-alis ni Duke sa harapan ko, ibinaba ko na ang mga kamay ko.

Sunod niyang nilapitan si Mark. “Rosales.”

“Sir.” Nagpakita rin ang leeg ni Mark nang mag-angat ito ng mukha. May kaunting kaba na nakapinta sa mukha nito, pero agad ding naglaho sa sunod nitong narinig.

“You’re the first one to finish from the group,” ani Duke sa seryosong mukha. “Good job.”

Bahagyang napangiti si Mark sa narinig. Habang ako naman ay napakuyom ng kamao. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko, kung dapat ba akong mainggit o matuwa para sa kaibigan ko. Sa isip ko, ako sana ang nasa posisyon nito.

Ako sana.

Sunod na pinuntahan ni Duke si Harry. Ito ang ikalawa sa pinakanaunang natapos pero wala itong narinig na kahit ano. Sa halip na makatanggap ng papuri, binigyan lang ito ng malamig na titig ni Duke, kaya napayuko na lang ito at napalunok sa kaba.

“We’re done with the first half of the first task.” Muling itinaas ni Duke ang relo niya at hinawakan ang button nito. “Now, you have another one minute to reassemble the rifle.” Sinuri kami ng mga mata niya. “Your time starts…” Sabay pindot sa button. “Now.”

Sa ikalawang pagkakataon, inuna ko nang isipin ang sarili ko. Nilamon ako ng kagustuhang manalo kahit wala naman akong ibang kalaban kundi ang oras at ang sarili ko. Tila paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang paniniwala na ibinaon sa utak ko ni Dad noon…

Hindi ako ipinanganak na mahina.

Sa huli, ako ang pinakanaunang natapos sa aming apat. Ikalawa si Mark. Ikatlo si Harry. At laking pasasalamat ko na rin na nakahabol na ngayon sa oras si Joseph sa pag-assemble ng rifle kahit na ito ang pinakanahuli. Sa wakas, nakaligtas ito sa mga matatalim na mata ni Duke.

Nang dumating sa punto na tumigil na si Duke sa harapan ko para inspeksyunin ang binuo kong rifle, inihanda ko na ang ngiti ko dahil alam kong makakatanggap ako ng papuri sa kung gaano ako kabilis kanina.

Pero wala.

Wala akong narinig mula sa kaniya.

Sa makatuwid, nilampasan niya lang ako.

’Lang hiya. Parang mas tumagos pa sa dibdib ko ang katahimikan niya kaysa sa mga salitang binitiwan niya kanina.

At mas lalong naging malinaw sa akin na inggit nga ang nararamdaman ko nang purihin niyang muli si Mark kahit ikalawa naman ito sa naunang natapos ngayon.

Si Mark…

Si Mark na tahimik lang.

Si Mark na hindi ko inaasahang magaling din pala pagdating sa ganitong bagay.

Natapos ang unang task at lahat kami ay nakapasa. Sa ikalawang task, pinagsuot na kami ng hearing protection devices at shooting glasses. Nabawasan man ang mga ingay sa paligid, dinig pa rin naman ang pananalita ni Duke dahil sa pagkabuo at lalim ng baritonong boses nito.

“You have five rounds to complete the second task! Each rifle contains five bullets!” anito habang nasa likuran namin. “Once you hear the word ‘fire’ by Third-Class Estrada on the left, you may shoot the target! Am I clear, cadets?!”

“Sir, yes, sir!” sigaw namin.

“Third-Class Estrada,” tawag ni Duke sa lalake na nakatayo sa kaliwa malapit kay Harry. May hawak itong megaphone sa kanang kamay na nakatutok sa bibig. Tinanguan nito si Duke bilang tugon.

Sa kanan, naroon pa rin si Corpuz na may hawak na listahan ng mga score namin.

“Cadets,” panimula ni Estrada, “take your positions!”

Tulad ng ginawa ni Duke kanina, ipinatong ko sa balikat ko ang rifle at bahagyang yumukyok dahil sa tangkad ko.

“Prepare to aim!” dugtong ni Estrada.

Saka ako humugot ng isang malalim na hininga. Winaglit ko lahat ng bagay sa paligid, at walang ibang nakikita ang mga mata ko kundi ang target sa unahan.

Hindi na bago sa akin ang ganitong klase ng training dahil, noon pa lang, palagi na kaming dinadala ni Dad sa mga shooting workshop. Gano’n pa man, medyo naninibago ako sa paghawak ng rifle dahil madalas ay handgun ang nahahawakan ko.

Pero madali lang ’to. Kailangan ko lang taliman ang paningin ko habang nakasilip sa rear sight. Kailangan ko lang tamaan ang ulo na may pinakamataas na puntos—

Teka, bakit para akong nahihilo?

“Fire!”

BANG!

Sa pagkabigla, hindi sinasadyang nakalabit ko agad ang gatilyo ng rifle habang nakapikit gawa ng sakit ng ulo. Sa mabilisan kong pagmulat, huli na nang makita ko kung saan tumama ang bala.

Number 7, parteng sentido.

Sa pinakamababang score pa talaga!

BANG!

BANG!

Sunod kong narinig ang dalawang putok ng bala galing sa kaliwa ko. Pagsilip sa silhouette targets nina Mark at Harry, para akong nanghina bigla. Nakakuha ng score na 7 si Harry nang tamaan bandang tagiliran ang target. Habang naka-9 naman si Mark nang tamaan malapit sa puso ang target. Mas mataas pa ito sa akin!

“Nice shot, Rosales,” ani Duke sa likuran namin na muling nagpangiti kay Mark.

Lumunok ako.

Nilunok ko ang natitirang pride na meron ako. Kung naririto lang si Dad, malamang ay sermon ang aabutin ko. Kung bakit kapantay ko ang pinakamahina sa grupo namin at kung bakit mas mataas pa ang mas mahina sa akin, iyon ang isusumbat nito. Tulad na lang kung paanong lagi kaming pinagkukumpara ng kuya ko.

Mahinang inalog-alog ko ang ulo ko, dahilan para bahagyang matanggal ang pagkahilo. Hindi pa man tuluyang nauubos ang kumpiyansa ko sa sarili, ramdam ko ang bigat sa ilim ng mga mata ko. Kaya yata ako nanghihina dahil kulang ako sa tulog.

“Second round!” hudyat ni Estrada. “Prepare to aim!”

Sa ikalawang round, muli kong binalak na puntiryahin ang ulo ng target. Bagaman mas makipot ito kumpara sa katawan, hindi ko pa rin ito sinukuan. Hindi hangga’t hindi ko natatamaan ang lintik na X!

“Fire!”

BANG!

Bago ko pa man makalabit ang gatilyo ng rifle ko, mukhang naunahan na ako ng nasa kaliwa ko. Sa hindi sinasadya, nasilip ko ang silhouette target ni Mark, at nanlaki na lang ang singkit kong mga mata nang makitang tumama ang bala nito sa puso.

’Tang ina, paano nangyari ’yon?!

Paano nito nasapul ang X?!

Focus…

Jaxon, focus!

Agad kong ibinalik sa target ko ang ngayon ay nanlalabo ko nang paningin. Ramdam ko ang pag-akyat ng asido mula sa sikmura ko papunta sa lalamunan, pero agad ko rin itong nilunok pabalik. Tila lalo ring lumalayo ang distansya ng target sa paningin ko, pero hindi ko inalisan ng tingin ang markang X sa ulo niyon.

BANG!

Saktong nagkasabay kami ni Harry. Ang pinagkaiba, siya ay nakakuha ng 8, ako naman ay nakakuha pa rin ng score na 7.

’Tang ina talaga!

“Well done, Rosales,” boses ni Duke na tila unti-unting nagiging malabo sa akin.

Para nang umiikot ang paningin ko at yumayanig ang paligid. Hindi ko na maramdaman ang mga binti ko. Wala na rin akong ideya pa kung paano pakakalmahin ang puso kong nagwawala sa inis, galit, at inggit. Pinagpapawisan na ako nang malagkit. Para na akong napapapikit.

“Third round!” Tila umalingawngaw ang boses ni Estrada sa pandinig kong umuugong. “Prepare to aim!”

Halos magsalubong na ang magkabila kong kilay habang mariing sinisilip ang rear sight ng rifle. Dinig na dinig ko na rin ang bawat paghinga ko, pero parang naririnig ko rin si Dad kahit wala naman ito rito.

“Jaxon, ikaw na lang ang nag-iisang anak ko…”

“Huwag kang tutulad sa kuya mo…”

“Make our family proud.”

“Never lose to anyone.”

At narinig ko rin ang malambing na boses ni Mom na matagal ko nang hinahanap.

“Anak, I will love you no matter if you win or lose, ’cause you’re my son. You will always be.”

Nagtatalo na sa isip ko kung sino ang pakikinggan sa kanilang dalawa: ang isa na mabigat ang ipinatong na responsibilidad sa balikat ko, o ang isa naman na walang ibang hiniling kundi ang kabutihan ko.

Hanggang sa…

“Jaxon…”

May isang boses na nanggaling sa likuran ko. Pero sa puntong ito, sigurado akong totoo na ito at hindi guni-guni lamang.

“Makinig ka sa ’kin…”

At naramdaman ko na lang na may yumakap sa katawan ko sa likuran. Ang kanang kamay ay unti-unting naglakbay at huminto papunta sa ilalim ng kaliwang kamay ko na nakasuporta sa handguard. Ang isa naman ay humawak sa kaliwa kong balikat at maingat itong itinulak pababa.

“Kung hindi mo kayang tamaan sa ulo…”

Sa bahagyang pag-unat ng katawan ko pababa, naramdaman ko ang pagdidikit ng mga katawan namin. Ang paglapat ng dibdib niya sa likuran ko. At ang pagiging isa ng tibok ng mga puso namin. Batid kong mabilis ang tibok ng kaniya. Pero wala na yatang mas bibilis pa sa akin.

“Puwede mo namang tamaan sa puso.”

Ibinaba niya ang lebel ng ulo niya kapantay ng akin at halos magdikit na ang gilid ng mga mukha namin kung hindi lang dahil sa sagabal na hearing protection device. Sunod niyang hinila pababa ang kamay ko at itinutok ang rifle ko sa direksyon ng puso ng target imbes na sa ulo.

“Sa target lang ang tingin.”

Tumingin ako sa kaniya nang hindi iginagalaw ang ulo ko. Sa mukha niya. Sa bawat hibla ng buhok niyang nakataas na sumasayaw sa bawat ihip ng hangin. Sa mapupungay niyang mga mata na sa malayo lang ang tingin. Sa ilong niyang matangos. At huling napadpad ang mga mata ko sa mapupula niyang mga labi.

“Fire!”

Tila bumagal ang oras nang mga sandaling iyon. Ramdam ko ang init ng magkadikit naming mga katawan. Kakaiba rin ang naging tama ng magara niyang amoy sa akin na nililipad ng hangin. At sa hindi maipaliwanag, tila nawala lahat ng bagay sa paligid at wala akong ibang nakikita kundi siya lang. Kaming dalawa lang sa mundo.

Isang kalabit sa rifle.

Isang bala ang tumama.

Isang parte ang tinamaan.

Hindi ko na alam kung paano ipapaliwanag ang nararamdaman ko sa kasalukuyan. Basta’t isang bagay lang ang alam ko…

Hindi lang target ang tinamaan sa puso.

Chapter 15

“Fourth round!”

Nagising ako sa sarili kong kahibangan nang marinig ang hudyat ni Estrada. Hindi ko man lang namalayan kung gaano na pala katagal na nakayakap sa akin si Duke. At hindi ko rin matanggap na hinayaan ko lang siyang gawin ito buong magdamag.

Puta, para akong lasing na nahimasmasan.

Mahinang sinanggi ko ang katawan niya patalikod at tumikhim ako. “A-Anong ginagawa mo?” pabulong kong tanong.

Lumunok ako habang hindi inaalis ang tingin sa puso ng target na natamaan ko. Ramdam ko ang init sa mga pisngi ko, at hindi ko batid kung dahil lang ito sa pagkabalisa ko kanina o dahil sa kaniya.

“Tinutulungan lang kita,” sagot niya.

Muli ko siyang sinanggi patalikod, pero mas may puwersa na ngayon dahil naiinis ako… hindi sa kaniya, kundi sa sarili ko.

“Hindi ko kailangan ng tulong mo,” sabi ko.

Sa wakas, binitiwan niya na ang kamay at balikat ko. Tumikhim din siya habang marahang inilalayo ang katawan sa akin. Unti-unting guminhawa ang pakiramdam ko, at nagawa ko na rin siyang tingnan.

Inayos niya ang kuwelyo ng ACU jacket niya na para bang nainitan siya, sabay ngisi sa akin. “Ang lalim pala ng likod mo.”

“’Tang—”

Naudlot ang mura ko nang marinig ang sunod na hudyat ni Estrada.

“Prepare to aim!”

Inayos ko ang postura ko at muling ibinalik ang tingin sa rear sight ng rifle papunta sa puso ng target. Nagsalubong ang mga kilay ko, hindi dahil masyado akong focused sa target, kundi dahil nilalamon ako ng inis… hindi lang sa sarili ko, kundi pati sa kaniya.

’Tang ina, tsinansingan niya ba ako kanina?

Tinutukan niya rin ba ako ng armas niya?

Puta, tapos hinayaan ko lang siya?

“Gusto mo ng tip?” Nasilip kong yumukyok siya kapantay ko habang nakahawak ang magkabilang kamay sa mga tuhod. “Kung gusto mong gumaling, isipin mong ’yong target ay ’yong taong kinamumuhian mo.”

Isang mabilisang matalim na tingin ang ibinato ko sa kaniya at napangisi ako. Sinasabi ba niyang isipin kong siya iyon? Kasi siya ang kinamumuhian ko ngayon.

’Yon din mismo ang sinubukan kong gawin. Minata ko ang target na parang siya iyon, pero kahit anong gawin ko, hindi siya ang lumalabas sa isipan ko. Isang tao ang naiisip ko sa kasalukuyan—ang lalakeng pumaslang sa aso ko noong bata pa ako.

“Fire!”

Sumidhi ang galit ko at parang nagliyab ang mga mata ko nang alalahanin ang lahat ng nangyari noon. Ang dugo sa mga kamay ko. Ang sadistang ngiti ng lalakeng ’yon. Hindi ako nag-atubiling iangat ang aim ko. Mula sa puso, lumipat ang tutok ko sa ulo.

Sabay kalabit sa gatilyo.

BANG!

Sapul sa X.

Walang sinabi si Duke.

“Last round! Prepare to aim!”

Nabura ang kabang nararamdaman ko kanina lang. Napalitan ito ng apoy sa dibdib. Sa huling pagkakataon, muli kong itinutok ang rifle sa ulo ng target nang walang pag-aalinlangan. At ang huling pumasok sa isipan ko habang tinititigan ito ay ang taong tumarantado sa kuya ko.

Lahat ng galit.

Lahat ng pait.

Lahat ng sakit.

“Fire!”

Ramdam ko ang pamumuo ng mga luha sa mga mata ko na hindi magawang bumagsak kahit anong gawin ko. Nakalimutan ko na nga talaga kung paano umiyak. Kalakip nito ay ang pagtiim ng bagang ko habang ibinubuhos ang sarili sa hawak na armas.

BANG!

Umusok ang bibig ng rifle.

Sa marahang pagbaba ko nito, nagulat na lang din ako sa kung anong nagawa ko. Tumama ang bala ko sa eksaktong puwesto kung saan din ito tumama kanina—sa X.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang labi. Hindi ako makapaniwala. Tatlong Xs ang natamaan ko—dalawa, hindi kasama ’yong kay Duke.

Napangisi ako sa katabi ko. “Ano—?”

Pero wala na pala akong katabi.

Unti-unting nabura ang ngisi sa labi ko nang makita si Duke na nakatayo na sa tabi ni Joseph ngayon. Si Joseph na halos hindi na maipinta ang mukha dahil sa sobrang pangangatal habang tila naestatwa sa kinatatayuan, ang rifle ay nakatutok pa rin sa target na wala pang tama ni kahit isa.

“Durat,” mariing tawag ni Duke rito.

Pero parang wala lang itong naririnig. Hindi maalis ang tingin nito sa target at animo’y takot na takot sa hindi nakikita.

“Durat!” buong-buong sigaw ni Duke.

Sa pagkagulat, napabaling sa direksyon namin si Joseph habang hawak-hawak ang rifle sa kamay. Napaatras kami sa kaba nang makitang nakatutok ang rifle sa direksyon namin. Dinig ko rin ang pagkagulat ng mga kasama ko sa kaliwa maging ang mga kadete sa likuran namin na nanonood na unti-unting umiingay.

“Joseph,” ani Mark.

Kahit tinawag, parang wala lang itong narinig. Hindi pa rin nito ibinababa ang rifle at patuloy lang sa panginginig ang buong kalamnan. Tila hindi rin nito nakikita ang kadeteng mas nakatataas sa harapan. O wala na nga yata itong nakikita.

Dinig na dinig ang mga bulungan…

“Anong ginagawa niya?!”

“Nababaliw na ba siya?!”

“Wala na yata sa sarili!”

Sunod nitong tinutukan ng rifle ang mga kadete sa likuran na sabay-sabay na napaatras at napataas ang mga kamay. Sa isang iglap, biglang bumigat ang hangin sa loob ng firing range at nabalot ito ng takot.

“Plebe, put down the rifle,” kalmadong sabi ni Duke habang paunti-unting iniaabante ang mga paa palapit kay Joseph. “Now.”

“Joseph,” may pag-aalala kong tawag dito.

Hindi pa rin nito ibinababa ang rifle at para na itong mangiyak-ngiyak habang tuloy-tuloy sa paghalinghing, ang dibdib ay napapaalon. Hindi pa yata nakatulong na may suot itong hearing protection device.

Unti-unting kumukuyom ang kaliwang kamao ni Duke habang maingat na lumalapit sa kinatatayuan ni Joseph.

“Hindi ko sinasadya…” paulit-ulit na usal ni Joseph na parang may ibang nakikita. “’N-Nay, s-sorry… hindi ko… sinasadya…”

Tuluyan nang tumulo ang luha nito.

Maya-maya pa, nang tuluyang malapitan, sinunggaban ito ni Duke at binigyan ng isang ubod-lakas na suntok sa pisngi, dahilan para tumilapon ito sa lupa.

BANG!

Sabay-sabay kaming napayukyok at napatakip sa gilid ng mga ulo pagkatapos umalingawngaw ng isang putok ng rifle.

Dilim at katahimikan.

Isang nakabibinging katahimikan ang sunod na nanaig. At wala akong ibang marinig kundi ang mabilis na tibok ng puso ko habang nakapikit ang mga mata.

Anak ng—anong nangyari?

Sa rifle ba ni Joseph nanggaling ang putok?

Si Duke… Anong nangyari kay Duke?

Natamaan ba siya ng bala?

Maingat kong iminulat ang mga mata ko. Sunod ko na lang na nasilayan si Joseph na nakahiga na sa madamong lupa habang nakatutok ang rifle pataas sa langit. Bilog na bilog ang mga mata nito at parang nagising na rin ang diwa dahil sa nangyari.

Laking pasasalamat ko rin nang makitang ayos lang si Duke. Habang nakayukyok siya, mabilisan niyang sinipa ang hawak na rifle ni Joseph kaya tumilapon iyon sa tabi. Saka niya pinaibabawan si Joseph at binuhat ito sa kuwelyo gamit lang ang isang kamay at pinagsasapak ito sa pisngi.

“Joseph!” bulalas ko.

Hinubad ko na ang suot kong hearing protection device at dali-daling nilapitan si Duke. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at buong-lakas na hinila palayo sa walang kalaban-laban kong kaibigan.

Tumilapon si Duke sa tabi at napatingin sa akin habang hinahabol ang paghinga. Kapwa matalim ang titig namin sa isa’t isa habang nakabukas ang magkabila kong braso para protektahan si Joseph.

Muling nanumbalik ang ingay ng mga kadete sa likuran. At sa puntong ito, kasama na ako sa pinagtitinginan. Marahil ay naiisip nila kung bakit nagagawa ko pang ipaglaban ang kaibigan kong may nagawang kasalanan. Wala akong pakialam.

Alam kong may dahilan kaya nagkakaganito si Joseph.

Marahang tumayo si Duke sa harapan ko, tinaasan ako ng mukha. Bakas sa mukha niya ang inis dahil sa ginawa ng kaibigan ko, o baka ay dahil sa ginawa ko sa kaniya.

“Fourth-Class Joseph Durat, pack your things tonight…” hingal niyang sabi sa kaibigan ko habang sa akin lang nakatitig. “Tomorrow, you’re going home.”

Nanlaki ang mga mata ko. “Duke—Sir—”

“Corpuz! Estrada!” tawag niya sa dalawang buddies habang nanginginig ang mga panga. “Take that plebe to the office!”

“Yes, Sir!” wika ng dalawa.

Nilapitan nila si Joseph at hinawakan sa magkabilang braso at puwersahang itinayo.

“Sir, huwag n’yong gawin ’to,” mariin kong sambit habang tinutunaw siya sa tingin. Pinagsisisihan ko na ang lahat ng mga sinabi ko tungkol sa kaniya kanina.

Humakbang siya palapit sa ’kin. “Escobar, alam ko ang ginagawa ko. Kung hindi dahil sa ’kin, nakapatay na ’yang kaibigan mo.”

Natahimik lang ako sa sinabi niya, dahil alam kong tama rin naman siya. Napakuyom na lang din ako ng kamao habang pinagmamasdan ang mga kadete na nanonood sa amin. Kung hindi napigilan ni Duke si Joseph kanina, malamang ay may natamaan na sa kanila… o napatay.

“Jaxon…” mangiyak-ngiyak na tawag ni Joseph sa pangalan ko habang kinakaladkad ito palayo sa amin.

Wala akong ibang nagawa kundi ang sundan sila ng tingin. Parang natanim ang mga paa ko sa lupa dahil hindi ako makagalaw. Mas lalong wala ring nagawa sina Mark at Harry kundi ang mag-alala para sa kaibigan—kay Joseph na mukhang mapapaagang lumabas ng academy.

Lumapit pa sa akin si Duke at bumulong. “Ginagawa ko ’to para sa ’yo… Jaxon.”

Pagkatapos noon ay naglakad na siya palayo at sinundan sila papunta sa office.

“Everyone, get back to your barracks! We’ll continue the training tomorrow!” utos niya. “Monsur, Morales, you know what to do.”

“Sir, yes, sir!”

Isa-isa nang nagsisialisan ang mga kadete nang humiyaw ang dalawang asungot na bumalik na kami sa barracks namin. Habang ang ilang buddies naman ay inutusan nila na iligpit na ang mga gamit. Pagkatapos hubarin ang lahat ng gears ay sumunod na rin kami sa hulihan ng pila.

Habang naglalakad pabalik sa building, hindi kami tinantanan ng mga tingin at bulungan ng mga kadete sa unahan. Hindi na nga maganda ang tingin nila sa amin sa simula pa lang, mas lalo pa itong lumala dahil sa ginawa ni Joseph kanina lang.

Pero hindi ko sinisisi si Joseph.

Nag-aalala pa nga ako para sa kaniya.

Hindi naman siguro nito sinasadya ang nangyari.

“Mabuti naman at mawawala na ’yong Burat na ’yon,” ani Monsur sa katabi na parehong bantay namin sa likuran. “Akala ko, palalagpasin lang no’ng gagong Duke.”

“Sinabi mo pa,” saad naman ng tarsier. “Akala ko, pakikinggan niya ’yang kupal na Escobar na ’yan, eh… plebo lang naman.”

Nagsalubong ang mga kilay ko habang nakatalikod ako sa kanila. Konti na lang…

“Nakita mo ba ’yong ginawa niya kanina?” si Monsur. “Nangialam siya sa training. Tinulungan niya pa nga ’yang si Escobar. Kulang na lang, siya mismo ’yong tumira.”

“May bias ’yong gagong ’yon, sinasabi ko sa ’yo,” ani Morales. “Porke’t kapatid ’yan ng kaibigan niya, kaya niya tinutulungan.”

“’Di bale, susunod din naman ’yang kupal na ’yan sa kuya niya palabas ng academy, pati na rin do’n sa baliw niyang kaibigan.”

“Ha. Sinabi mo pa.” Dinig ko ang pagngisi ni Morales sa likuran. “Kahit pa makapasa ’yang kupal na ’yan sa training, wala pa rin ’yang ligtas ’pag bumalik na si King.”

Nagkuyom ako ng kamo, at nang akmang lilingunin ko na sila para suntukin, hinawakan ako ni Mark sa braso. “Jaxon…”

Umiling-iling si Mark na parang sinasabi na huwag ko nang ituloy ang binabalak ko, kaya nagawa kong kolektahin ang sarili ko.

Pinalampas ko lang muna ang lahat at baka pati ako ay mapatawag din sa office.

Nang makabalik kami sa barracks namin, halos manuot ang nakabibinging katahimikan sa bawat sulok ng kuwarto. Nakabagsak lang ang mga mukha namin habang nakaupo sa magkabilang kama; ako sa higaan ni Joseph, si Harry naman ay katabi ni Mark na nakaupo sa kama nito.

Matiyaga naming hinintay ang pagbabalik ng isa pa naming kaibigan. Hanggang ngayon, hindi pa rin kami makapaniwala sa ginawa nito kanina sa firing range. Parang hindi iyon ang Joseph na nakilala namin. Pero pumasok din sa isip namin na baka ay mayroon itong hindi naikukuwento sa amin noon tungkol sa buhay nito, kaya sinikap na lang naming intindihin ang nangyari.

Pagsapit ng dapit-hapon, napatayo na lang kaming tatlo nang biglang bumukas ang pinto ng barracks namin. Unang bumungad ang walang buhay na mukha ni Joseph, at sa tabi niya ay nakatayo sina Estrada at Corpuz na binitiwan na siya sa mga braso. Hindi ko nakitang kasama nila si Duke.

Matapos siyang iwan ng dalawa ay naglakad na siya papasok sa loob nang walang kahit anong sinasabi. Marahan. Bawat yapak ay may bigat. Habang ang mga mata niya ay inaanalisa ang mga mukha namin, na para bang ito na ang huling beses na makikita niya kami.

Sa gitna ng katahimikan, walang pag-aalinlangan siyang niyakap ni Harry. Marahan ding lumapit si Mark sa kanila at nakisama na rin sa pagyakap. Habang ako ay hindi makaalis sa kinatatayuan ko. Sa isang iglap, umalingawngaw ang isang makatunaw-pusong hagulgol ni Joseph.

Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa. Ayokong tanggapin na ito na ang huling pagkakataon na makikita ko siya. Kahit lagpas isang buwan pa lang kaming magkakilala, napalapit na siya sa akin. At kahit gusto kong umiyak para sa kaniya gaya nina Mark at Harry, walang luha na lumalabas sa mga mata ko. Wala talaga…

Wala na ba talaga akong magagawa?

Chapter 16

Trigger Warning:

Domestic Violence

Sa huling gabi ni Joseph sa academy, tinulungan siya nina Mark at Harry sa pagliligpit ng mga gamit. Habang ako naman ay walang ibang ginawa buong magdamag kundi ang humiga sa kama ko at titigan ang puting ceiling. Nakaunan ang ulo sa braso. Nag-iisip. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na aalis na siya.

Dahil lang sa isang pagkakamali.

Hindi pa naman siya nakakapagpaalam sa amin. Bukas ng umaga pa siya lilisan.

Kaninang umaga lang, antok na antok ako. Pero sumapit na lang ang oras ng curfew lahat-lahat, hindi pa rin ako nakakatulog.

At mukhang hindi ako nag-iisa.

Ramdam ko ang hindi matigil na pagyugyog ng hinihigaan kong kama. Madalas, naiinis ako kapag nangyayari ito dahil alam kong may ginagawang kahalayan si Joseph sa ilalim bilang pampakalma. Pero ngayon, mas pipiliin ko na lang na malagay sa ganoong sitwasyon.

Sa lubhang pag-aalala para sa kaibigan ko, hindi na ako nagdalawang-isip na silipin siya. Sa ilalim, nasulyapan ko siyang paupong nakayakap sa mga binti habang ang mukha ay nakasubsob sa mga tuhod.

Hindi tulad kanina, natigil na siya sa pag-iyak, pero batid kong mabigat pa rin ang pakiramdam niya hanggang ngayon. Pansin kong nanginginig pa rin siya at paulit-ulit na inuuntog ang likod ng katawan sa pader na sinasandalan niya.

Napagdesisyunan kong umalsa sa kama para damayan siya. Maingat akong bumaba para hindi magising sina Mark at Harry na nauna nang matulog sa kabilang kama. Saka ako marahang naupo sa tabi niya. Sumandal sa pader. Itinukod ang isang binti sa kama at ipinatong ang braso sa tuhod. Yumuko ako at natahimik lang.

Hindi ko alam kung paano magsisimula.

Hindi ko alam kung anong sasabihin.

Mas mabuti pa nga ang mga kuliglig sa gubat, nagagawa nilang punan ang nakabibinging katahimikan sa kalaliman ng gabi. Samantalang ako, parang walang silbi. Wala akong kuwentang kaibigan.

Hindi ko man lang siya naipaglaban.

Hindi ko man lang siya natulungan.

Kung sana’y nakita ko agad ang mga senyales sa simula pa lang, baka sakaling napigilan ko agad ang nangyari kanina.

Kung hindi lang sana ako nagpalamon sa kagustuhang malamangan sila, nalaman ko sana agad na kailangan niya ng tulong ko.

Kasalanan ko ’to.

“Jaxon, sorry…” pagbasag niya sa katahimikan.

Pagbaling sa kaniya, kita kong umahon na ang mukha niya sa pagkakasubsob at nakatingin sa akin nang may mugtong mga mata, nakayakap pa rin sa mga binti.

“Sorry sa nangyari,” tuloy niya sa namamalat na boses.

Lumunok ako. Huminga nang malalim. At nag-isip ng tamang sasabihin. “Hindi… Hindi ka dapat mag-sorry, Joseph. Hindi mo naman siguro ginusto ang nangyari.”

Umiling siya. “Pero kasalanan ko lahat. Kung… Kung hindi lang sana ako…” Humikbi siya. “Kung hindi lang…”

Inalis ko sa pagkakatukod ang binti ko at umusog pa sa tabi niya para punan ang distansya sa pagitan naming dalawa. Sunod ko siyang hinawakan sa likod at hinimas-himas iyon para aluin siya bago pa siya mauwi na naman sa pag-iyak.

“Shh. Huwag mo nang sisihin ang sarili mo,” sabi ko. “Nangyari na ang nangyari.”

Hindi ako ang pinakamagaling pagdating sa ganitong bagay. Pinalaki kami ni Dad sa paniniwalang hindi dapat nagpapakita ng ganitong emosyon ang mga lalake. Gayunpaman, sinisikap kong intindihin ang kasalukuyan niyang nararamdaman.

“Hindi ko sinasadya…” saad niya.

“Alam ko…” tugon ko.

Tumingin siya sa akin na parang nagmamakaawang paniwalaan ko siya.

“Jaxon, hindi ko sinasadya…”

“Alam ko… Naiintindihan ko…”

“Hindi mo naiintindihan…”

Yumuko siya at hinigpitan pa ang pagkakayakap sa mga binti niya. Mas lalo ring tumindi ang panginginig niya.

“Jaxon, n-nakapatay ako ng tao.”

Natigilan ang kamay ko sa paghimas. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang labi. Sa tono ng pananalita niya, mukhang hindi siya nagbibiro.

“Jaxon, napatay ko ang tatay ko.”

Muli niyang isinubsob ang mukha niya sa magkadikit na mga tuhod at napahikbi. Sa puntong ito, wala na akong nagawa kundi ang pagmasdan siyang mapaiyak.

“Kasalanan ko lahat…”

Hindi ko na alam ang sasabihin.

Hindi ko inaasahan na manggagaling mula mismo sa kaniya ang bagay na tanging siya lang ang nakakaalam. At ngayong ipinagkatiwala niya sa akin ang sikreto niya, naramdaman kong kailangan kong alamin ang buong katotohanan, para malaman kung saan siya nanggagaling.

“Uh, Joseph…” Binasa ko ang labi ko. “A-Alam kong mabuti kang tao.” Suminghap ako. “Alam kong… hindi mo magagawa ang bagay na ’yon nang walang dahilan…” Lumunok ako. “Kung… Kung okay lang sa ’yo, p-puwede mo namang sabihin sa ’kin ang lahat… Makikinig ako… Paniniwalaan kita… Pangako.”

Unti-unti siyang natahan. Matapos punasan ang ilalim ng mga mata niya, inunat na niya ang mga binti niya papunta sa dulo ng kama. Sabay sandal ng ulo sa pader at napalingon ulit sa akin.

Nanghihina na ang mga mata niya, pero sinikap niya pa ring panatilihing bukas ang mga ito sa loob ng bahagyang madilim na kuwarto. Kung hindi lang dahil sa liwanag ng buwan na nanggagaling sa bintana, hindi ko pa mapapansin ang pamamalat ng mga labi niya at ang pasa sa pisngi niya.

’Lang hiyang Duke. Hindi man lang naawa. Pinatanggal na nga ang kaibigan ko, pinabaunan pa ng pasa sa mukha.

Nang makontrol na ni Joseph ang emosyon niya, marahan ko nang tinanggal ang kamay ko sa likod niya. Sabay humugot siya ng malalim na paghinga. Napalunok.

“Sampung taon…” panimula niya sa nanghihinang boses. “Sampung taon lang ako nang magawa ko ang bagay na ’yon.”

Sa mga mata niya, animo’y bumalik siya sa nakaraan—sa malayong nakaraan—habang ikinukuwento ang buong detalye sa ’kin.

“Ginawa ko ’yon dahil… dahil kung hindi, baka napatay na ni Tatay si Nanay.”

Kumurap-kurap siya. Bakas pa rin ang tumakas na mga luha kanina sa mamasa-masa niyang mga pilikmata.

“Hindi ko naman inakalang aabot kami sa gano’n.” Mapait siyang ngumiti. “Ang alam ko dati, masaya naman kaming pamilya.”

Muling nangibabaw ang tunog ng mga kuliglig sa saglit na katahimikan. Bago ituloy ang kuwento, muli siyang humugot ng isang malalim na paghinga. Kasabay nito ay ang pag-aliwalas ng mukha niya.

“Mahirap man kami, hindi ko naramdaman ’yon dahil busog ako sa pagmamahal.

“Sundalo si Tatay, kaya madalas, hindi ito umuuwi sa bahay nang ilang buwan kapag nadedestino sa ibang lugar. At kung minsan pa nga, umaabot ng isang taon. Habang si Nanay naman, nasa bahay lang para alagaan at gabayan ako sa pag-aaral.

“Tuwing umuuwi si Tatay, palagi siyang may pasalubong na laruan para sa ’kin. Sa ganoong paraan siya bumabawi. Isang beses nga, humiling ako na bil’han niya ako ng laruang pellet gun dahil ’yon ang uso sa baryo namin. Pero ang dahilan talaga kaya ’yon ang hiningi ko sa kaniya ay dahil gusto kong maging katulad niya. Gusto ko ring maging isang matapang na sundalo.

“Madalas akong bully-hin noon ng mga kaklase ko dahil sa kakaiba kong apelyido. Walang kumakaibigan sa ’kin dahil lang sa pangalan ko. Pero nagbago ang lahat ng ’yon nang isang beses, umuwi ako sa amin nang umiiyak. Tinanong ako ni Tatay: ’Anak, anong nangyari sa ‘yo?’ At ikinuwento ko lahat sa kaniya. Sa galit, naisipan niyang puntahan ang school ko, suot ang ACU.

“Tumindig siya sa harap ng classroom hawak-hawak ang kamay ko. Gano’n na lang ang gulat ng mga kaklase ko nang malaman nilang sundalo ang tatay ko.

“ ‘Hindi dapat pinagtatawanan ang pangalan ng anak ko!’ pangaral niya sa mga kaklase ko. ‘Isang karangalan na nanggaling siya sa angkan ng mga Durat—angkan ng mga sundalo!’

“Mula noon, hindi na ulit ako tinutukso pa ng mga kaklase ko. Nagkaroon ako ng mga kaibigan, mga kalaro. Hangang-hanga sila sa akin dahil palagi akong may dalang laruang pang-sundalo. Habang ako naman ay mas lalong lumaki ang paghanga sa tatay ko—sa propesyon niya. Pangarap ko ring maging katulad niya paglaki ko.

“Kaya nga ako nandito.”

Muling tumamlay ang mukha niya nang mapagtanto sigurong hindi na niya matutupad ang pangarap niya. Sa kabila nito, tinuloy niya pa rin ang kuwento.

“Mahal na mahal din ni Tatay si Nanay. Si Nanay kasi iyong tipo ng babae na tapat sa asawa. Kahit maraming lalake ang nagkakagusto kay Nanay sa baryo namin, sa amin lang ni Tatay umiikot ang mundo nito. Kaya nga tuwing umuuwi si Tatay, abot-langit na lang ang ngiti niya kapag muli silang nagkikita ni Nanay. Parang napapawi lahat ng pangungulila niya na naipon sa loob ng ilang buwan… o taon.

“Alam kong mas lamang ang pagmamahal ni Nanay kay Tatay, dahil walang araw na hindi siya tumawag para kamustahin ito, o nag-iwan ng text kapag ilang araw na niya itong hindi ma-contact. Gabi-gabi, dinig ko ang lihim niyang pag-iyak sa banyo dahil sa sobrang pangungulila sa tatay ko. Hindi rin siya matigil sa pagdarasal tuwing sumasabak sa laban ang tatay ko sa malayong lugar. Gano’n niya ito kamahal.

“Hanggang sa isang araw, na-assign ang tatay ko sa Mindanao para lumaban sa mga terorista roon. Sobrang tutol ni Nanay no’n dahil alam niya kung gaano iyon kadelikado. Pero, ang dahilan ni Tatay, kailangan niya raw iyong gawin dahil iyon lang ang tanging paraan para tumaas ang ranggo niya; para guminhawa ang buhay namin. Kaya itinuloy niya pa rin iyon.”

Kinusot niya ang shorts niya. Habang tumatagal, mukhang nagkakaroon na ako ng ideya sa mga susunod na mangyayari.

“Hanggang sa…”

Lumunok siya.

“Hanggang sa isang gabi, habang naghahain si Nanay ng hapunan namin sa lamesa, bumungad sa TV ang balita tungkol sa pag-hostage ng mga terorista sa mga ipinadalang sundalo sa Mindanao. Isa si Tatay sa listahan ng mga na-hostage. Tanda ko pa noon, nabitiwan ni Nanay ang hawak niyang plato at nabasag iyon. Akala namin noon, patay na si Tatay.

“Halos mawalan na ng gana na magpatuloy si Nanay sa bawat araw na lumilipas at wala pa ring balita tungkol kay Tatay. Hindi na siya natutulog. Hindi na rin halos kumain kung hindi ko pa susubuan. Parang ako na rin ang pumalit sa kaniya dahil hindi na rin siya nagluluto at naglilinis sa bahay. Pati pagpasok sa eskuwela, mag-isa ko na lang ginagawa. Para na rin akong nawalan ng nanay.

“Isang buwan ang nakalipas, nagulat na lang kami pareho ni Nanay nang biglang sumulpot si Tatay sa pintuan. May dalang bagahe. Puno ng bandage ang ulo pati katawan. Putol ang isang braso. Halos hindi namin siya nakilala agad.

“Pero nang mag-sink in na sa ’min na siya nga iyon, agad kaming napatakbo at napayakap sa kaniya nang mahigpit. Halos hindi magkamayaw si Nanay sa kakahagulgol nang dahil sa tuwa… sa tuwa na ligtas ding nakauwi ang asawa nito sa tinagal-tagal. Gano’n din siyempre ako. Sobra-sobrang pasasalamat ko at bumalik na rin ang tatay ko; na buo na ulit kami at puwede na ulit maging masaya.

“Ang hindi ko alam, katawan lang pala ni Tatay ang bumalik sa ’min noon…”

Mas lalong bumigat ang bawat paghinga niya. Gano’n din ako habang tahimik lang na pinakikinggan ang kuwento niya.

“Wala na ’yong tatay na dati kong nakilala. ’Yong marangal na tatay na lagi kong ipinagmamalaki sa mga kaibigan at kaklase ko. ’Yong mapagmahal na asawa.

“Simula no’ng hindi na siya makabalik sa serbisyo dahil sa kapansanan niya, wala na siyang ginawa buong araw kundi ang uminom nang uminom. Kahit wala na kaming makain, mas pipiliin niya pang ilaan sa alak ang perang natanggap niya bilang settlement sa dinanas sa kamay ng mga terorista, imbes na ibigay kay Nanay.

“Nang isang beses nga na sinubukan ni Nanay na kumuha ng pera palihim sa pitaka ni Tatay para pambili ng pagkain, napagbuhatan siya ng kamay. Ikinagulat ko iyon. Pero sabi sa ’kin ni Nanay, hindi raw sinasadya ni Tatay. Humingi rin daw ito ng tawad kinagabihan. Pinaniwalaan ko iyon.

“Pero hindi lang kay Nanay nagsimulang magbago si Tatay, pati sa akin din. Hindi tulad ng dati, hindi niya na ako binibilhan ng mga laruan o binibigyan kahit ng baon man lang. Kaya madalas, hindi na ako nakakapasok sa eskuwela. At madalas, naglalaro lang ako mag-isa sa bahay.

“Nang isang beses nga na nakita niya akong naglalaro ng laruang rifle sa sala, nanlaki ang mga mata niya. Dali-dali niyang kinuha iyon sa kamay ko at pinaghahampas sa batok ko. Sa sobrang sakit, hindi ko na napigilang umiyak. Halos patayin niya na ako noon sa palo at sigaw kung hindi lang siya pinigilan ni Nanay.

“Tinanong ko si Nanay noong gabi ring iyon, ‘Nay, ano pong nangyayari kay Tatay?’

“Sagot naman ni Nanay, ’Anak, hindi madali ang pinagdaanan ng tatay mo sa kamay ng mga terorista. May trauma ang tatay mo. Kailangan niya ng pang-unawa mula sa ‘tin dahil tayo na lang ang meron siya. Naiintindihan mo naman ako, anak, hindi ba?’ “

“Tumango ako noon kahit hindi ko masyadong maintindihan ang nangyayari sa murang edad ko. ‘Opo, Nay,’ sabi ko.”

Kinusot niya ang mga mata niyang nagbabadya na namang maluha. Kahit ako ay ramdam na rin ang pamumuo ng mga luha sa mga mata ko na ayaw bumagsak.

“Tinanong ko ulit si Nanay, ’‘Nay, mahal pa rin po ba tayo ni Tatay?’

“Sagot niya naman, ‘Oo naman, anak. Mahal na mahal tayo ng tatay mo.’ “

Humikbi siya.

“Sinungaling si Nanay…

“Kung mahal siya ni Tatay, bakit araw-araw na lang siyang may pasa sa katawan?

“Kung mahal ako ni Tatay, bakit palagi niya akong pinapalo nang walang dahilan?”

Hinilamos niya ang palad niya sa mukha at napasinghap siya. Napasinghap din ako, dahil kung hindi, baka maipon ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib para sa kaniya.

“Umabot sa sukdulan ang lahat nang maisipan ni Nanay na magtrabaho dahil wala nang natira pa sa pera si Tatay. Kung hindi niya gagawin iyon, malamang ay mamamatay kaming lahat sa gutom. Namasukan siya bilang isang katulong sa mayamang pamilya sa baryo namin.

“Tuwing umuuwi na lang si Nanay, palagi itong kinukuwestyon ni Tatay kung saan galing at ginabi na, kahit ang totoo naman ay wala itong ibang pinuntahan kundi trabaho. At kaya lang nahuhuli ng uwi dahil kailangang dumiretso sa palengke para mayroong maluto na hapunan namin.

“Isang gabi, hinatid si Nanay pauwi ng amo niya gamit ang kotse. Lalake. May itsura. Hindi malabong mas bata-bata kay Tatay. Tinulungan si Nanay ng lalake na ipasok ang mga pinamili sa palengke sa loob ng bahay. Bago pa man makatungtong sa pintuan ang lalake, dali-daling tumakbo si Tatay papunta sa kuwarto at bumalik nang may hawak-hawak na baril sa kamay.

“Tanda ko noon, magkakasunod na putok ng baril ang narinig ko at halos marindi ako habang nakatayo lang na nanonood.

“Namatay ang lalake sa harap ng bahay. Habang si Nanay, kinakaladkad ni Tatay papunta sa sala nang may tutok ng baril sa ulo. ‘Bakit mo ako niloko?! Dahil ba lumpo na ako?! Dahil ba wala na akong trabaho?!’ “

“Todo tanggi si Nanay sa paratang ni Tatay. ‘Bakit mo siya pinatay? Tinulungan niya lang ako. Hindi kita niloloko, mahal ko.’ Pero kahit anong pagpapaliwanag ang gawin ni Nanay, sarado na ang isipan ni Tatay.”

Nagsisimula na naman siyang manginig.

“Nilapitan ko si Tatay, hinila palayo kay Nanay. ‘Tay, tama na po…’ pagmamakaawa ko. ‘Huwag n’yo pong saktan si Nanay.’ Pero walang-wala ako kumpara sa kaniya. Isang tulak niya lang sa ’kin, tumilapon ako sa tabi. Hindi ako matigil sa pag-iyak no’n.

“ ‘Papatayin kita!’ sigaw niya kay Nanay. ’Niloko mo ‘ko! P-Papatayin na kita ngayon!’ Hindi rin matigil sa pag-iyak si Tatay nang itutok niya ang baril sa noo ni Nanay. Parang wala na siyang kontrol sa sarili.

“ ’Huwag po, ‘Tay!’ iyak ko.

“Pero pagtayo ko, sunod na itinutok sa ’kin ni Tatay ang baril kaya natigilan ako.

“ ’H-Huwag! Anak mo ‘yan!’ iyak ni Nanay. Hinablot niya ang kamay ni Tatay kaya nabitiwan nito ang baril sa sahig.

“Sa inis, sinampal ni Tatay si Nanay at itinulak pahiga sa matigas na sofa. Doon ay pinaibabawan niya ito at sinakal sa leeg.”

Sunod-sunod ang pagbagsak ng mga luha sa mga mata niya at hindi na rin mapakali ang mga kamay niya na panay bukas-sara.

“Totoo nga talagang balak niyang patayin si Nanay. Dahil hindi niya ito binitiwan sa leeg kahit hindi na ito makahinga, kahit namumula na ang mga mata, kahit namumutla na ang mukha. Habang nakatingin sa akin si Nanay, sinabi niya, ‘A-Anak… t-tumakbo ka… tumakbo ka na.’ “

Kahit anong punas niya sa mukha, hindi pa rin nito napigilan ang tuloy-tuloy na pag-agos ng balde-balde niyang luha.

“Pero hindi ko kaya… hindi ko kayang tumakbo… Hindi ko siya kayang iwan… Kaya imbes na humakbang palayo, naglakad ako palapit sa kanila. Dahan-dahan. Hanggang sa masanggi ng paa ko ang nalaglag na baril sa sahig.

“Pinulot ko iyon… Mabigat sa kamay… Mas mabigat kaysa laruan ko… Pero sinikap kong buhatin… pataas… tinutok kay Tatay.

“Kinalabit ko ang gatilyo… Tinamaan siya sa likod ng ulo… Humandusay siya sa sahig habang ako ay natulala lang sa hangin.”

Napatakip siya sa bibig nang mauwi ang pag-iyak niya sa paghagulgol. Pinunasan ko naman ang gilid ng mga mata ko. Ramdam na ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko.

“Hindi pa ako magigising sa katotohanang nakapatay ako kung hindi ko lang narinig ang pagpalahaw ni Nanay. ‘Anong ginawa mo?!’ Paulit-ulit niya akong sinisisi habang niyuyugyog ang magkabila kong balikat.

“Lumuhod siya sa sahig at kinalong ang duguang ulo ng walang buhay kong tatay. Panay siya sigaw sa pangalan nito… Panay siya hagulgol… Panay hingi ng tawad sa asawa para sa kasalanang nagawa ko.

“Kusang napabitiw ang kamay ko sa baril. Habang marahan akong napapaatras, sinabi ko, ’Nay, s-sorry… H-Hindi ko ho… Hindi ko ho sinasadya… ’Tay, s-sorry ho… “

Napakagat siya sa kamay nang mapahalinghing.

“Napatigil na lang ako sa pag-atras nang biglang lumapit si Nanay… hindi sa ’kin… kundi sa baril. Sabay pulot dito… S-Sabay tutok sa ulo niya… ‘Anak, patawarin mo ako.’ Sabay kalabit sa gatilyo… At… At tumalsik ang maraming dugo… tumalsik ang dugo niya at binalot ang buong mukha ko.”

Hindi na siya magkamayaw pa.

“Nilapitan ko si Nanay… Hinawakan ko siya sa mukha… Iniyakan… ’‘Nay, s-sorry… hindi… hindi ko ho sinasadya… Gising na…’ Sunod kong nilapitan si Tatay… ’’Tay, sorry ho… Huwag n’yo ho akong iwan… Mahal na mahal ko kayo ni Nanay… Gumising na ho kayo… ’Nay… ‘Tay… Gising na po… Please… Hindi ko kaya… Huwag n’yo akong iwan… Please…’ “

Napatakip siya sa mukha. Sa puntong ito, hindi na siya nagpapigil pa at hinayaan ang pagbuhos ng emosyon niyang mukhang matagal na naipon sa loob ng ilang taon.

Dali-dali ko namang niyakap ang ulo niya at isinubsob ang mukha niya sa dibdib ko.

’Tang ina…

’Tang inang mundo ’to…

Bakit kailangang may dumanas nito?

Mas lalong napalakas ang iyak niya nang makulong sa mga bisig ko. Ramdam ko ang pagtulo ng uhog ko sa ilong at ang pagliyab ng mga mata na punong-puno ng luha. Gustuhin ko man siyang damayan sa pag-iyak, hindi ko magawa. Sadyang ayaw bumagsak ng mga luha. Sa halip, hinimas ko na lang ang buhok niya—pampakalma.

Paglingon sa kaliwa, nakita ko si Mark na nakaupo sa kama niya at napapapunas na rin sa mga matang luhaan. Kanina pa pala ito gising at napakinggan ang buong kuwento ni Joseph. Sa ibabaw na kama naman ay nandoon si Harry na pahigang nakasubsob ang mukha sa unan pero dinig na dinig ang kulob na iyak hanggang dito.

Nang matapos ang masidhing iyakan, napag-alaman kong wala na rin palang uuwian si Joseph. Kinupkop lang siya ng isang ampunan, at nakaalis lang siya roon nang makapasa sa military exam. Dahil dito, mas lalo lang tumindi ang kagustuhan kong iligtas siya. At isang tao lang ang alam kong puwedeng makatulong sa akin.

Kung kailangan kong lumuhod sa harap ni Duke para sa kaibigan ko, gagawin ko.

Chapter 17

Bandang alas-onse y medya, tulog na ang tatlo kong kaibigan. Napagod yata sa matinding iyakan kanina. Ako na lang itong hanggang ngayon ay gising pa rin.

Kanina pa ako tingin nang tingin sa relo.

Kanina pa ako may hinihintay na dumating.

Alam ko ay mga ganitong oras din nang dalawin ako ni Duke kagabi para yayain na pumunta sa gubat. Hindi ako sigurado kung dadalaw ulit siya ngayon, pero gustong-gusto ko na kasi siyang makita.

May dahilan kaya gusto ko siyang makita.

May gusto akong ipakiusap sa kaniya.

Lumipas na lang ang tatlumpung minuto at hindi pa rin bumubukas ang pinto ng barracks namin. Para na akong tanga kakaisip sa kung anong gagawin. Hindi naman puwedeng ipagpabukas ko pa ang lahat, dahil mamayang umaga rin mismo, aalis na si Joseph.

Time check: 0030.

Hanggang ngayon, wala pa rin si Duke. Umaasa lang yata ako sa wala. Wala yata talaga siyang balak na dalawin ako ngayong gabi para yayain na samahan siya sa gubat.

Puwes, kung gano’n, ako na lang ang dadalaw sa kaniya.

Isinuot ko ang relo ko at maingat akong bumaba sa kama. Pagkabihis ng shorts, tahimik kong kinuha ang mga sapatos ko sa ilalim ng kama ni Joseph. Habang isinusuot ang mga ito, hindi ko maiwasang pagmasdan ang kawawang mukha ng kaibigan ko. Hindi ako papayag na basta na lang siya matanggal. Ako na ang bahala.

Lumabas na ako ng barracks at marahang ibinalik sa pagkakasara ang pinto para hindi magising ang mga kasama ko sa loob.

Tahimik ang buong hallway nang tahakin ko ito. Hindi na ako nagdala pa ng flashlight at baka mamaya ay may makakita sa akin. Wala namang bantay sa labas. Pero kahit na. Malay natin hindi lang pala ako ang gising pa rin sa mga oras na ito.

Gising pa kaya ’yon?

Ligtas kong nalampasan ang lahat ng palapag, hanggang sa nakarating ako sa pinaka-itaas—sa fourth floor, ang teritoryo ng mga first-class.

Mabuti at sarado ang dalawang barracks na dinaanan ko papunta kay Duke. Paghinto sa tapat ng kuwarto ni Duke sa pinakadulo, nagmasid muna ako sa paligid para masigurong walang ibang nakakita sa akin. Ano na lang ang sasabihin ko kapag may nakahuli sa ’kin at tinanong kung bakit ako nandito? ‘Nagpapalamig lang ho ng bayag’?

Malamig naman kasi talaga kahit sa labas pa lang. Siguro dahil na rin sa nasa mataas na lugar ako at sando lang ang pang-itaas ko. Mabuti na lang at naisipan kong magdoble ng shorts imbes na boxer lang.

Nang ituon ang mga mata sa pinto ni Duke, huminga muna ako nang malalim bago ito katukin. Pero hindi pa man ako nakakakatok, mukhang bukas na ito dahil kita ko ang makipot na siwang sa gilid nito.

Kumunot ang noo ko. Nang hawakan ko ang doorknob at mahina itong itinulak, nakumpirma kong bukas nga ang pinto dahil mas lalong lumaki ang siwang at medyo dinig din ang paglangitngit nito.

Natigilan ako sandali.

Pucha, patibong ba ’to?

“Pasok,” malalim na boses na nanggaling sa loob.

Mas lalong kumunot ang noo ko. Sa tono ng pananalita ni Duke, parang alam niya na agad na darating ako. May pagdududa man, matapang ko pa ring binuksan ang pinto.

Patay ang ilaw sa loob ng kuwarto niya, pero maliwanag naman ito dahil sa bintana sa dulo. Sa sofa, kita kong nakasandal siya patalikod at nakatitig lang sa bilog na bilog na buwan habang nakapatong ang magkabilang bisig sa likod na sandalan.

“Pumasok ka sa loob,” tuloy niya, “Jaxon.”

Napalunok ako. Hindi niya pa nga ako nililingon at hindi pa nga ako nakakapagpakilala, alam niya na agad na ako ang nasa labas ng kuwarto niya.

’Di bale, ang mahalaga, gising pa siya. Dahil binigyan niya ako ng permiso, pumasok na ako sa loob ng kuwarto matapos iwan ang mga sapatos ko sa labas.

Unang apak sa sahig, literal na umakyat ang lamig mula talampakan papunta sa mga itlog ko. ’Tang ina, muntik ko nang makalimutan na may aircon nga pala rito.

“Isara mo ang pinto,” utos niya. “Liban na lang kung gusto mong may makarinig.”

Makarinig? Saan? Sa usapan ba namin?

Tulad ng utos niya, isinara ko na ang pinto.

Muli akong humarap sa silweta ng likurang katawan niya at umisa pa ng malalim na paghinga, saka binasa ang itaas na labi.

“Sir—”

“‘Duke,’” pagputol niya sa akin. “‘Duke’ na lang. Tayong dalawa lang naman dito.”

’Yon na nga. Kaming dalawa lang. Pero bakit para akong kinakabahan?

“Duke,” sabi ko, “kaya ako nandito—”

“Kasi gusto mong iligtas ang kaibigan mo,” muli niyang pagputol sa akin.

Alam niya.

Alam niya kung bakit ako nandito.

Yumuko ako at napabuntong-hininga. “Hindi sinasadya ni Joseph ang nangyari.” Napakamot ako sa baba. “Um…” Lumunok. “K-Kaya niya nagawa ’yon kasi… kasi hindi madali ang pinagdaanan niya no’ng bata pa siya. Masyadong madilim ang nakaraan niya. ’Yong tatay niya, dating sundalo—”

“At kailan ka pa naging abogado?”

Natigilan ako.

Una sa lahat, nabanggit niya ang pangarap kong maging noong bata pa ako. Ikalawa, hindi ko gusto ang tono ng pananalita niya.

“Noong una, ipinagtatanggol mo sa ’kin si Alcantara. Ngayon naman, si Durat.” Bahagyang tumabingi ang ulo niyang nakatalikod. “Sabihin mo, hanggang kailan mo balak ipagtanggol ang mga kaibigan mo, Attorney Jaxon ‘Chinito’ Escobar?”

Heto na naman sa chinito.

Kung kailan seryoso ang usapan.

Tumalim ang tingin ko sa kaniya. “Ipinagtatanggol ko sila kasi masyadong maraming abusado sa kapangyarihan dito.”

“Abusado?” Napakamot siya sa ulo gamit ang hintuturo. “Sabihin mo, hindi sila para dito. Walang lugar ang mga mahihina rito.”

“’Yan din ba ang dahilan kaya hindi mo ipinagtatanggol si Kuya no’ng nandito pa siya?” tanong ko. “Kasi mahina siya at wala siyang lugar dito? Gano’n ba ’yon… Duke?”

Natigilan siya at natahimik.

“Alam mo, duda nga ako no’ng sinabi mo sa ’king kaibigan ka niya,” tuloy ko. “Kasi, kung totoong kaibigan ka niya, hindi mo dapat hinayaang mangyari sa kaniya ’yon.”

Katahimikan.

Sandaling katahimikan.

Parang sapul siya sa sinabi ko.

“Wala kang alam,” sagot niya. “Hindi mo alam lahat ng nagawa ko para sa kuya mo.”

Ngumisi ako. “Wala kang ginawa.”

“Dahil sa ’kin kaya siya nakaalis dito,” aniya sa mariing boses. “At dahil sa ’yo kaya nandito pa rin ako hanggang ngayon.”

Bahagyang tumaas ang tono ng pananalita ko. “Dahil sa ginawa mo, binugbog siya ni Dad at itinakwil bilang anak. At dahil sa ’yo, nawalan siya ng tahanan. Ngayon, sabihin mo, kaibigan ka ba talaga niya?”

Napatayo siya sa sofa. “Kung hindi dahil sa ’kin, matagal nang patay ang kuya mo.”

Ako naman ang natigilan ngayon.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

Pahapyaw siyang bumaling sa akin. “At lahat ng ginagawa ko… lahat ’yon para sa ’yo. Tinatanggalan kita ng mga kahinaan habang maaga pa, habang may oras pa.”

Napangiwi ako. “Ha?”

“Hindi mo ako naiintindihan,” sabi niya.

Hindi talaga.

Tuwing nagsasalita siya, para bang ang dami niyang itinatago at para bang alam niya na lahat ng mangyayari sa hinaharap.

“Jaxon, hindi ako ang kalaban mo rito… Hindi ako. Pero sa oras na dumating siya , hihilingin mo na sana nakinig ka na lang sa ’kin.” Nag-angat siya ng baba. “’Yang mga kaibigan mo? Gagamitin niya ’yang mga ’yan laban sa ’yo. Kung hindi, pahihirapan niya katulad ng kuya mo. Wala siyang sinasanto… Wala. Saka mo lang masasabi na ang totoong demonyo, wala pala sa impyerno, kundi nasa institusyong ’to.”

Napaabante ako sa sobrang inis. “Sino ba kasi ang tinutukoy mo?! ’Yon ba ’yong tumarantado sa kuya ko, ha?! Sabihin mo, sino ’yon at ibabalik ko siya sa impyerno?!”

Tinalikuran niya ako, bumalik ang tingin sa labas ng bintana. “’Yan ang problema sa ’yo. Pinangungunahan ka ng init ng ulo.”

Dali-dali akong naglakad palapit sa kaniya. Ayoko sa lahat ’yong tinatalikuran ako ’pag kinakausap. Huminto ako sa harap niya.

“Bakit ’di mo na lang sabihin kung—?!”

Kung bakit ako natigilan, nakita ko kasing tila may nagbago sa kaniya. Ngayon ko lang siya nakitang nakabagsak ang buhok sa noo. Bago rin sa paningin ko na nakasuot siya ng itim na hoodie at jogging pants. Mukhang kakagaling niya lang sa pagligo dahil amoy presko pa ang katawan. At ang… ang linis niya yatang tingnan ngayon.

“Um.” Napalunok ako. Nakalimutan ko na kung anong sasabihin. “S-Sino ba kasi—?”

“Saka ko na sasabihin sa ’yo kapag malamig na ang ulo mo,” sambit niya sa mukha ko. “Sa ngayon, kailangan mo lang munang maniwala sa ’kin. Mas maigi nang lumabas ang kaibigan mo habang maaga pa lang.”

Lintik naman.

Kaya nga ako pumunta rito.

“Hindi mo kasi naiintindihan,” mariin kong bigkas. “Si Joseph, wala na siyang ibang puwedeng puntahan pag-alis niya rito.”

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. “Ganiyan din ang sinabi mo kay Alcantara.”

Nanlaki rin ang mga mata ko. “Wala ka bang awa sa kanila? Wala ka bang puso?”

“Jaxon, bakit ba ang tigas ng ulo mo? Hindi ba malinaw ang pagkakasabi ko kanina? Walang lugar ang mga kaibigan mo rito. At hindi habang buhay, kaya mo silang protektahan. Hinihila ka nila pababa, hindi mo ba nakikita?” paninindigan niya.

Humakbang pa ako palapit sa kaniya. “Sabihin mo, duwag ka lang. Puwes, hindi tayo pareho. Kaya kong ipaglaban ang mga kaibigan ko hanggang dulo hindi tulad mo.”

Sa sinabi ko ay tila nag-iba ang timpla ng mukha niya. “Huwag mo akong subukan.”

“Hindi puwedeng matanggal si Joseph. Hindi tama ang naging desisyon mo.”

“Akademya ang nagdesisyon, hindi ako. Kung hindi niya kayang humawak ng armas, puwes, hindi siya dapat magsundalo. Muntik nang makapatay ang kaibigan mo.” Inilapit niya pa ang mukha niya sa akin. “Muntik niya na akong tamaan. Muntik na akong mamatay. Wala lang ba ’yon sa ’yo?”

Umiling ako at hindi sumagot.

“At alam mo ba kung kanino ang sisi? Sa akin. Kasi ako ang may hawak sa inyo.”

Wala na akong ibang masabi kundi…

“Wala akong pakialam.” May halong tapang ko siyang hinarap. “Gawan mo ng paraan.”

Ngumisi siya. “At paano ko gagawin ’yon?”

Ngumisi rin ako. “Hindi ba’t anak ka ng senador? Hindi ba’t ikaw ang hari dito? Huwag mo sabihing wala kang kakayahan.”

“Hm.” Naglakad siya palapit sa akin. “Alam ko kung anong puwede kong gawin. Pero, ang tanong, bakit ko naman gagawin ’yon? Ano bang mapapala ko sa kaibigan mo?”

Napaatras naman ako at napalunok habang unti-unting binabalot ng kakaibang init sa katawan sa pagliit ng distansya sa pagitan namin. “G-Gagawin ko lahat ng gusto mo.”

Desperado na yata ako. Hindi ko na alam kung anong mga pinagsasabi ko. Sa isip ko lang, hindi ako puwedeng umalis dito nang hindi nakukuha ang gusto ko, ’yon lang.

Lumapad pa ang ngisi niya. “Kahit ano?”

Muli naman akong napalunok. “Kahit ano.”

Napahinto siya. Nauwi ang ngisi niya sa hindi maipaliwanag na ngiti. “Puwes, kung gano’n,” aniya, “lumuhod ka sa harapan ko.”

Napahinto rin ako sa pag-atras at bahagyang bumigat ang paghinga ko.

Gusto niya ba akong magmakaawa? Kung gano’n, kaya kong lamunin ang pride ko para lang maligtas ang kaibigan ko.

Yumuko ako. Labag man sa loob ko, pinili kong lumuhod sa carpet. Hindi ko inasahan na darating ang araw na luluhod ako sa ibang tao. Para akong binalot ng kahihiyan, pero ito lang kasi ang tanging paraan.

Hinawakan ko ang magkabila kong hita habang nakaluhod. Saka lumunok nang paulit-ulit. Humugot ng lakas ng loob.

“Duke, nag… nagmamakaawa ako sa ’yo.” Suminghap ako. “Iligtas mo si Joseph…” hiling ko. “Iligtas mo ang kaibigan ko.”

Ito na yata ang pinakamababang punto ng buhay ko. Ni hindi ko man lang siya magawang tingalain dahil sa hiya—hindi sa kaniya, kundi sa sarili ko. Wala akong magawa kundi ang tingnan siya sa mga paa.

Nakuha niya na ang gusto niya. Kaya bakit hindi siya umiimik? Ano pa ba ang gusto niya? Na umiyak ako ng dugo? ’Yon ba?

Alam niya ba kung gaano kahirap sa ’kin na gawin ito? Siya lang ang bukod-tanging niluhuran ko buong buhay ko. Siya lang.

Mga ilang saglit lang nang maramdaman kong hinawakan niya ang baba ko. Gamit lamang ang hintuturo, marahan niyang inangat ang mukha ko, dahilan para mapatingala ako sa mukha niya. Sa mukha niya na parang hindi na sa tao. Para siyang hayop kung makatingin. Parang mayroon siyang hindi magandang binabalak sa akin.

“Hindi ’yan ang kailangan ko sa ’yo…”

Naparalisa ako at halos hindi ko maigalaw ang buong mukha ko. Huli na rin nang maramdaman ko ang paghawak ng hinlalaking daliri niya sa ibaba kong labi. At unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko sa marahan nitong pagpasok sa bibig ko. Hanggang sa bahagya akong mapanganga. Hanggang sa tuluyan kong malasahan ang balat ng daliri niya sa dila ko. Hanggang sa hindi na ako makahinga nang sabihin niya…

“Gusto kong pasukin ang bibig mo.”

Chapter 18

This chapter is R-18.

Tulala.

Natulala ako habang nakatangila sa mukha niya na nagliliwanag sa sinag ng buwan. Sa kasalukuyan naming posisyon, parang isa siyang diyos, at kung makatingin siya sa akin, para lang akong tagasunod niya.

Nagising na lang ako sa pagkatulala nang alisin niya na ang kamay niya sa baba ko. Mula sa bibig ko, lumipat ang hinlalaking daliri niya papunta sa ilalim na labi niya, ipinasok iyon sa bibig, at saka tinikman.

Puta!

Sa hindi maipaliwanag, nag-init ang buong mukha ko sa ginawa niya. Agad akong napailing habang tumatahip ang dibdib.

Bakit niya ginawa ’yon?! Adik ba siya?! Tinikman niya ang laway ko, ’tang ina!

At ano ’yong sinabi niya?! G-Gusto niyang… Gusto niyang pasukin ang bibig ko?!

Parang nanuyot ang lalamunan ko nang mapagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin. Paglunok, napasama na rin yata ang mga murang gusto kong ibato sa kaniya dahil hindi ako makapagsalita.

Isang malaking pagkakamali na sinabi kong gagawin ko ang lahat ng gusto niya.

Hindi ko alam na ito pala ang gusto niya.

Sana ay nagbibiro lang siya.

“Bakit?” aniya. “Ayaw mo?”

Bumalik ang tingin ko sa mukha niya. Saka ko napagtanto… Hindi ito ang mukha ng nagbibiro. Determinado pa nga ang mga mata niya. Pinanlisikan ko naman siya ng mga mata at umigting ang panga ko.

“Akala ko ba, gagawin mo lahat ng gusto ko?” Muli niyang hinawakan ang ibabang labi ko at pinaikot-ikot ang daliri dito habang malagkit itong tinititigan. “Jaxon, isa lang naman ang gusto ko ngayon—”

Agresibo kong hinablot ang braso niya at agad akong umalis sa pagkakaluhod bago pa ako mauwi na naman sa pagkatulala. Pagtayo, pinantayan ko siya ng tingin. Hinigitan pa nga dahil nag-angat ako ng baba. At piniga ko ang pupulsuhan niya.

“’Tang ina, mukha ba akong bakla?” mariin kong tanong. Kulang na lang ay labasan ako— ehem —kulang na lang ay lumabas ang usok sa mga butas ng matangos kong ilong.

Imbes na masindak, napangisi siya. “Mainit na naman ang ulo mo,” mapang-asar niyang tono. “Puwede mo ring painitin ang ulo ko.” Sabay tingin sa ibaba niyang katawan.

Parang umakyat ang dugo ko sa ulo dahil hindi lang ako nabastos, parang naapakan din ang pagkalalake ko. Ang ayaw ko sa lahat, ’yong ginaganito ako—lalo na niya.

Lalong lumakas ang pagkuyumos ko sa pupulsuhan niya at kumuyom ang kaliwa kong kamao. “Hindi ko gagawin ’yon.”

Nabura ang ngisi sa labi niya. Umangat din ang baba niya kapantay ng akin. “Puwes, hindi ko rin gagawin ang hinihiling mo.”

Dito na ako nagsimulang matauhan.

Nakalimutan kong kinabukasan nga pala ng kaibigan ko ang nakataya rito.

Hindi ako nakaimik at kusang humina ang pagkakahawak ko sa braso niya. Hanggang sa unti-unti ko itong mabitiwan. Nang makalaya ang braso ay hinawakan niya ang pupulsuhan niya at pinaypay ang kamay.

“Alam mo, hindi naman malaki,” sabi niya, “ang hinihingi ko sa ’yo.” Bumalik ang tingin niya sa akin. “Sa ’ting dalawa, ikaw nga ’tong masyadong demanding.” Binitiwan niya na rin ang braso niya. “’Yong pinapagawa mo, alam mo bang kailangan ko pang dumaan sa superintendent para lang iligtas ang kaibigan mo? Hindi ’yon madali, chinito.”

Alam ko.

“Ngayon, kailangan ko lang naman ng kauting motibasyon para gawin iyon.”

Motibasyon amputa.

“At nasa sa ’yo kung ibibigay mo ’yon.”

Napailing ako. Ramdam ko ang bigat ng magiging desisyon sa dibdib ko. Kung bibigay ako sa hinihingi niya, hindi ko na alam kung kaya ko pang ibalik ang kaunting dignidad na mayroon ako. Lumuhod na ako kanina. Tapos, luluhod na naman ulit ako? Pero kung hindi ko naman ito gagawin, paano na ang kaibigan ko?

Sinilip ko ang nanginginig kong kamay na hindi na magawang kumuyom ngayon. Pinagmasdan ko ang palad ko. Sa malalim na pag-iisip, bigla akong may naalala.

“Hindi ko kaya,” sabi ko nang ibalik ang tingin sa mukha niya. “Hindi ko kaya ang pinapagawa mo. Pero kaya ko ulit gawin ang ginawa ko sa ’yo noon. ’Yon na lang.”

Mas kaya ko pang sikmurain ’yon.

At alam kong hindi siya makakatanggi.

Sa mukha niyang ’yan, sigurado akong—

“Hindi ko kailangan ang kamay mo,” tuwid niyang sabi. “May kamay rin ako, Jaxon.”

’Tang ina. Ang tigas niya naman.

“Wala namang pinagkaiba ’yon,” sabi ko.

“Meron.” Nagpamewang siya. “Lalake ka, kaya sigurado akong alam mo rin ’yon. At isa pa, pinapantayan ko lang ang demand mo. Mas malaki ang hinihingi, mas malaki rin ang kapalit. Gano’n lang kasimple ’yon.”

Wala na ba talagang ibang paraan?

Ito na lang ba talaga?

’Lang hiya naman.

Nagpamewang din ako. “At kung ibibigay ko ang hinihingi mo, paano ako… paano ako makasisigurong gagawin mo rin ang—?”

“Hanggang ngayon, may duda ka pa rin? Hindi ba’t tumupad naman ako sa usapan noon? Ligtas ka pa rin hanggang ngayon.”

Alam ko, pinapahaba ko lang ang usapan dahil nag-iisip pa ako ng ibang paraan.

“At kung gagawin ko—?”

“Alam mo, kung gagawin mo, simulan mo na lang.” Tumabingi ang ulo niya. “Kasi kung hindi, magpapahinga na ako.”

Hindi ako makapagsalita.

“Pagbilang ko ng lima, nakaluhod ka na. Kapag hindi pa rin, palalabasin na kita.”

Puta, bakit kailangan niyang magbilang?!

“Isa…”

Nanginig na ang mga binti ko ngayon.

“Dalawa…”

Hindi na rin ako matigil sa paglunok.

“Tatlo…”

Para akong maiihi sa kaba.

“Apat…”

Luluhuran o hindi?!

“Lim—”

Ina!

Sa pagkabigla, mariin ko siyang hinawakan sa magkabilang balikat at itinulak nang itinulak hanggang sa makaabot kami sa may sofa. Doon ay itinumba ko siya paupo. Nanlaki ang mga mata niya nang ibaon ko pa ang likuran niya sa sandalan niyon. At napaawang na lang ang labi niya nang bigla akong pumatong sa ibabaw niya habang mabilisang hinuhubad ang suot na sando.

“T-Teka, hindi ko sinabing—”

“Manahimik ka,” matigas kong sabi.

Ramdam ko na rin ang matigas na bagay sa ilalim ko kaya binilisan ko pa ang pagkilos.

“Jaxon, sobra-sobra pa ’to sa hinihingi ko.” saad niya. “Pero sino ako para tumanggi?”

Nang matapos sa paghuhubad ng sando ay nilantakan niya ng tingin ang hulmado kong katawan. Akma rin sana niya akong hahablutin sa batok para halikan, pero agad ko siyang nahawakan sa leeg at naitulak.

“Anong ginagawa mo?” banas kong tanong habang idinidiin ang leeg niya sa sandalan.

“B-Bakit?” bahagyang nasasakal niyang sagot. “Hindi ba tayo magse-se—?”

Nagsalubong ang magkabila kong kilay. “’Tang ina, hindi!”

Nasobrahan na siya sa kahibangan! Aba’y pinatungan ko lang, akala niya’y ibibigay ko ang mas malaking bagay sa hinihingi niya?!

Binitiwan ko na ang leeg niya bago ko pa siya mapatay sa inis. “Kamay sa likod.”

“Bakit?” taka niya. “Anong gagawin mo?”

“Kamay sa likod,” ulit ko. “Pipiringan kita.”

“Pipiringan?” Umawang ang labi niya nang mapagtanto kung bakit. “Ah, nahihiya ka bang makita ko ang mukha mo habang—?”

Hinablot ko siya sa damit at pinanlakihan ng mga mata. “Kamay sa likod, bago pa magbago ang isip ko.” Nagsimula akong magbilang. “Isa…” sabi ko. “Dalawa…”

Pero hindi pa man ako nakakaabot sa tatlo, agad niyang naitago ang mga kamay niya sa likuran ng sandalan ng sofa. Humulma ang malalaki niyang mga bisig nang maipatong ang mga iyon sa ibabaw ng sandalan.

Hinawakan ko na sa magkabilang dulo ang hinubad kong sando, tinupi, at binanat ito. Walang anupama’y sinimulan ko na siyang piringan nang walang sinasabing kahit ano.

“Iba ka rin, Jaxon,” boses niya na mas malalim pa sa gabi. “BDSM ang gusto.”

“Manahimik ka.”

Sa inis, sinadya kong higpitan pa lalo ang pagkakatali ng sando ko sa ulo niya.

Napahalinghing naman siya. “Ang sikip.”

Dahil sa sinabi niya ay yumuko pa ako palapit sa kaniya at sinilip ang tali sa likod ng ulo niya. Niluluwagan ko na nga ang pagkakatali dahil nagrereklamo siya, pero tuloy-tuloy pa rin siya sa paghalinghing.

“Jaxon,” ungol niya, “ang sikip mo.”

Saka ko lang napagtantong gumagalaw na pala siya sa ilalim ko nang dahil sa narinig.

“’Tang ina!” bulalas ko.

Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo sa ibabaw niya, napakuyom ng kamao, at inambahan siya ng suntok. Hindi naman siya napailing nang gawin ko iyon, senyales na maayos na ang pagkakatali ko ngayon.

Hingal na hingal ako habang nakatutok pa rin ang direksyon ng kamao sa mukha niya. Ano mang oras, ibabagsak ko ’to. “Kung hindi ka mag-aayos, hindi ko ’to itutuloy.”

Tumikhim siya at itinuwid ang mga labi. “S-Sorry.”

Nakakapanibagong marinig siyang humingi ng tawad.

Marahan ko nang ibinaba ang kamao ko. Habang hinahabol ang paghinga, sabi ko, “Tandaan mo, ginagawa ko lang ’to, hindi dahil gusto ko, kundi para sa kaibigan ko.”

Marahan siyang tumango. “Alam ko.”

“Kapag may ibang makakaalam nito, sinasabi ko sa ’yo, papatayin kita kahit kaibigan ka pa ng kuya ko,” banta ko.

Muli lang siyang tumango.

Suminghap ako at sinuklay ang manipis na buhok pataas gamit ang kamay habang marahang ibinababa ang mga paa sa sofa. Pagtayo sa harapan niya, nasilayan ko ang kabuuan niya na nababalot ng anino ko.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang gagawin ko ’to. At mas lalong hindi ako makapaniwalang unti-unti akong napapaluhod sa harapan niya at napapahawak sa mga tuhod niya.

Ito pa nga lang ang ginagawa ko pero napapaungol na siya.

“Puwede bang huwag kang maingay?” pagkabanas ko.

Daig pa ang babae, eh, kung makaungol.

“Huwag kang mag-alala, walang makaririnig sa ’tin,” aniya na akala mo’y makatutulong para mabawasan ang kaba ko na baka ay may makaalam sa ginagawa namin. “Hindi pa nakakabalik ang may-ari ng kabilang kuwarto, kaya puwede tayong mag-ingay. Gawin mo lang lahat sa akin.”

“Shh,” saway ko. “Huwag sabing maingay.”

Kinagat niya ang ilalim na labi niya. Hindi na nga siya nag-ingay tulad ng utos ko. Pero itong puso ko, kanina pa nagwawala.

’Lang hiya.

Tama ba ’tong ginagawa ko?

At alam ko ba kung anong gagawin?

Hinawakan ko ang mga hita ko at ibinaon ang mga daliri rito. Mula sa napiringang mukha ni Duke na may bahid ng katiting na ngiti, bumaba ang mga mata ko papunta sa dibdib niyang bumubukol dahil sa pagkakaunat paatras, pababa sa nakakubling tiyan, at sa huli ay nahinto ang mga mata ko sa pang-ibaba niyang suot. Sa jogging pants ay mayroon nang bumabakat.

Habang nakaluhod, lumapit ako sa kaniya at may panginginig-kamay na hinawakan ang magkabilang gilid ng pantalon niya. Alam ko ang pakiramdam niya ngayon dahil minsan na rin akong nalagay sa posisyon niya. Malamang ay hindi na siya makapaghintay sa mangyayari. Nagpigil ako ng hininga. At habang marahang hinihila pababa ang pantalon niya ay may unti-unting nabubunyag. Galit na galit.

“Ay, putang ina!” walang boses kong mura.

Mabilisan kong ibinalik pataas ang pantalon niya at napailing ako.

“O bakit?” taka niya. “Anong problema?”

Paano ko ba sasabihin na ’yong armas niya ang problema? Bago ako pumayag na gawin ito, hindi ko man lang naalala kung gaano ito kalaki. ’Tang ina, mapapasubo ako!

Suminghap ako at matapang na humarap ulit sa kaniya. “Puwedeng ikalma mo ’yan?”

“Ikaw ’yan, Jaxon, paano ako kakalma?”

’Yon na nga, eh. Ako ’to. Isang lalake. Kaya bakit parang ganadong-ganado siya?

“Bakla ka ba?” diretso kong tanong. “Ang tigas mo, eh. O nababakla ka lang sa ’kin?”

“Kung ipapasok mo ang alaga ko sa bibig mo, anong matatawag mo sa sarili mo?” tanong niya pabalik.

“Magkaiba tayo,” paninindigan ko. “Ginagawa ko lang ’to kasi—”

Naputol ako sa sasabihin nang biglang sinanggi ng tuhod niya ang bukol ko sa shorts. Agad ko naman itong tinakpan ng dalawang kamay kahit hindi niya ako kita.

Nagsalubong ang mga kilay ko. “Anong—?”

“Okay na,” nakangisi niyang tugon. “Nasagot na ang tanong ko.”

’Tang ina. Hindi talaga siya nagpapatalo.

“Kinakabahan lang ako kaya ako tinitig—”

“Oo na. Tahan na. Subo na.”

Putang ina talaga. Sinusubukan niya ako!

Nagtatagis ang mga ngipin ko habang mabilisang hinihila pababa ang jogging pants niya. Ay aba, ang putang ina, naka-commando pala. Kaya pala walang brief na sumasama sa paghila. Nang tuluyang mahila hanggang mga tuhod ang suot niya ay lumantad sa akin ang kabuuan ng ipinagmamalaki niya. Clean and shaved.

“Puta, pinaghandaan mo ’to?” usisa ko.

Isang ngisi lang ang naging kasagutan niya.

Balik sa ipinagmamalaki niya, napalunok ako nang mapagtanto kung gaano ito kataba at kahaba. Hindi naman ito ang unang beses na nakita ko ito, o nahawakan, pero ngayon lang ako natakot para sa buhay ko, dahil alam kong papasok ito sa bibig ko at malamang ay hindi ako bubuhayin nito.

Umangat ang tingin ko papunta sa pinto.

Puwede pa akong tumakbo.

May pagkakataon pa para—

“Kahit kalahati lang,” pagbasag niya sa katahimikan. “Ayaw kitang saktan.”

Tatayo na sana ako kung hindi lang dahil sa narinig. May halong lambing sa boses niya kahit sobrang lalim nito, bagay na hindi ko inakala. Kaya imbes na tumakbo palayo, inayos ko pa lalo ang pagkakaluhod ko at sinimulan nang ibukaka ang mga hita niya.

Sa ginawa ko ay lalong umayos ang anggulo ng pagkalalake niya—mula sa pagkakahiga sa puson ay tumirik ito na parang kandila. Hindi ko alam kung maiingit ba ako o ano.

Sabi kasi noon sa nabasa kong article, ang average size daw ng mga Filipino ay apat. Kaya no’ng nalaman kong anim ang akin, tuwang-tuwa ako. At ngayon, malalaman kong meron pang mas mahaba sa ’kin?

Ang unfair ng mundo.

Tiningnan ko siya nang masama. Nakatingala na siya ngayon at para bang hinihintay na ang sunod kong gagawin.

Bibilisan ko lang ’to. Tatapusin agad.

Sisiguraduhin kong hindi na siya sisikatan ng araw.

Nanginginig-kamay kong hinawakan ang pagkalalake niya. Damang-dama ko ang kinis nito sa magaspang kong palad. At nang ilapit ko pa ang mukha ko rito, amoy na amoy ko ito. Mabango. Bakit mabango? Ngayon ko lang din napansin na meron na palang paunang katas na tumatagas sa ulo nito, na unti-unting tumutulo sa kamay ko.

“Hayok na hayok ka, ah,” sambit ko.

“Sayo lang,” tugon niya.

Kung makasagot siya, akala mo’y matagal na kaming magkasintahan. Eh, ilang gabi pa nga lang kaming nagkikita, at ito pa lang ang ikalawang beses na may mangyayari sa ’min. Masyadong pilingero.

“Huwag kang maingay,” sabi ko nang simulang itaas-baba ang kamay ko.

Pero ang yawa, umungol nang malakas.

“Huwag ka sabing maingay!” sigaw ko.

Kaya natahimik siya nang wala sa oras.

“Sabi-sabi ka pa na may pinagkaiba ang bibig sa kamay, pero iisa lang ang epekto sa ’yo,” sumbat ko. “Hayok ka lang kamo.”

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at napapikit ako nang simulang isubo ang ulo ng pagkalalake niya. Para akong nandiri bigla nang malasahan ang maalat-alat at matamis-tamis niyang paunang katas.

Putang ina. Gusto kong iluwa agad.

Parang ubos na talaga ang dignidad ko.

Pero nasimulan ko na, eh, aatras pa ba ako?

Habang nakapikit, dinig na dinig ko ang impit niyang ungol. Kung ako sana ang nasa posisyon niya ngayon, baka kaya ko pang sikmurain ’tong ginagawa namin.

Para saan pa ang lahat ng pagpapalaki ko ng katawan kung mapapasubo lang din.

Sana iba na lang ang nasa posisyon ko.

Nang ibaon ko pa ang bibig ko sa pagkalalake niya, halos maduwal ako kaya agad ko itong iniluwa. “ Blaaacch. “

Naubo-ubo ako. Parang umakyat ang asido mula sikmura papunta sa lalamunan ko.

“Ayos ka lang?” pagkabahala niya.

“Shh!” Para akong masusuka. “ Gakk! “

Sukang-suka na ako sa ginagawa namin.

Pero bakit parang gusto ko pa ring ituloy?

Sinamaan ko siya ng tingin at hinabol ko ang paghinga ko nang ibalik ang tuon sa mapanakit niyang armas. Kaya ko ba ’to?

Nagpigil na lang ako ng hininga nang ibalik ang hawak sa pagkalalake niya. Sa ikalawang pagkakataon, muli kong sinubukang subuin ito. “ Blaaaach! “

Pero mas lalong lumala ang gag reflex ko.

Tatanggalin niya na sana ang piring niya kung hindi ko lang ito napansin agad. “Kamay sa likod!” utos ko. “K-Kaya ko ’to.”

Putang ina, kaya ko ’to.

Para sa kaibigan, kakayanin ko.

Matapos ibalik ang mga kamay sa likod ng sandalan ng sofa, yumuko siya sa akin habang naduduwal ako at may sinabi: “Take your time. Marami pa namang oras.”

Sa sinabi niya ay mas lalo akong nag-panic. Gusto niya yatang paabutin ’to hanggang umaga. Puwes, hindi iyon ang gusto ko. Gusto ko na lang na matapos na ’to.

“Normal lang ’yan,” sabi niya na walang naitulong. “Lalo pa’t maliit ang bibig mo.”

Ramdam ko na ang pamamasa ng boxer ko.

“Para ’di ka maduwal, subukan mong—”

“Kailan ka ba tatahimik?” Pinunasan ko ang bibig ko nang matigil sa pagduduwal. “Alam mo, para kang babae. Kanina ka pa.”

“Para din kasing sa babae ang bibig mo.”

Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako o matutuwa dahil sa sinabi niya—

’Tang ina, anong matutuwa?!

Jaxon, ano ka, bakla?!

Habang tumatagal, lalo akong nawawalan ng respeto sa sarili ko. Kaya sabi ko habang muling nilalapitan ang pagkalalake niya, hinawakan, at isinubo ang ulo: Last na ’to.

Sa huling pagkakataon, parang bumalik sa akin ang mga alaala nang misan din akong makatanggap ng ganito sa ex-girlfriend ko. Madalas magreklamo ang ex ko noon dahil sa laki at haba ko. Kung hindi lang siguro dahil maalaga ako, baka umayaw na siya.

Ang madalas kong payo sa kaniya noon:

“Huminga ka nang malalim… Bagalan mo lang…. Paunti-unti… ’Yan, ganiyan nga…”

Ganiyan nga ang ginagawa ko ngayon.

“Sanayin mo ang pakiramdam sa bibig mo… At dahan-dahan kang dumulas pababa… Mmm…”

Nakaabot na ako sa kalahati ni Duke.

“Ulit-ulitin mo lang… Hanggang sa makontrol mo na ang paghinga mo… Huwag mo akong isipin… Mahal kita kaya napapasaya mo ako…”

’Tang ina, parang gumana ang sarili kong payo mismo sa akin. Halos nabawasan ang pagkaduwal ko habang nagtataas-baba ang bibig sa kalahati ni Duke. Sakop na sakop nito ang bukana ng bibig ko, kaya sa ilong na lang ako humihinga ngayon. Pero hindi sa ginagawa ko ako tinatamaan. Hindi pa rin siyempre maalis sa akin ang pandidiri sa sarili. Tinatamaan ako sa bawat ungol ni Duke na gusto nang kumawala kung hindi lang dahil pinagbabawalan ko siyang mag-ingay. Masaya ba siya sa ginagawa ko?

Mukhang masaya naman siya dahil halos punitin niya na ang ilalim na labi niya sa kakakagat at para na siyang sinasapian habang nakatingala sa puting ceiling. ’Tang ina, sumalangit na ba ang kaluluwa niya?

Nang masanay na ang bibig ko sa laki at haba niya ay unti-unti ko ring binilisan ang pagtaas-baba rito. Ramdam na ramdam ko ang bawat banggaan sa loob ng bibig ko. Halos umabot na siya sa lalamunan ko kahit kalahati pa nga lang. Madali lang sabihin para sa mga babae na gusto nila ng ganito kalaki, pero kapag nasa aktuwal na, hindi nila alam kung gaano kahirap itong trabahuin. Naiintindihan ko na ngayon.

Dahil sa ginagawa ko ay mas lalong lumakas ang mga impit na ungol ni Duke. Nagtatagis na rin ang mga ngipin niya at hindi matigil sa panginginig ang mga hita. Ang mga hita niya na nagtitigasan din.

Halos ilang minuto na akong paulit-ulit sa ginagawa, at kanina pa basang-basa ang boxer ko nang hindi sinasadya, pero hindi pa rin ako nakakakita ng senyales na malapit na siyang labasan. Nangangalay na ang panga ko, parang awa niya naman.

Paano niya nagagawing kontrolin ang sarili niya? Kapag ako nga ay hindi tumatagal ng isang minuto sa ex ko. ’Lang hiya naman, o.

Sandali kong iniluwa ang armas niya at ipinagpahinga ang bibig ko. Sumagap din ako ng malamig na hangin. Pero saglit ko lang din itong naramdaman, dahil nang pumasok ito sa baga ko, dumagdag lang din ito sa init na nararamdaman ko ngayon.

Tinititigan ko nang masama ang salarin habang panay taas-baba ang dibdib. Tulad ko, hinahabol din niya ang paghinga niya at hindi pa rin mabura ang ngiti sa labi niya.

Tingnan na lang natin kung hanggang saan aabot ang ngiti niya.

Hinawakan ko ang magkabilang baywang niya at muli akong yumuko, pero sa puntong ito ay hindi na pumikit, bagkus ay pinagmasdan pa nga ang mamula-mula niyang pagkalalake. Hindi na yata gagana sa kaniya ang ginagawa ko. Kulang yata ang kalahati. Kailangan ko nang isagad ito, kung hindi, aabutin na kami ng umaga.

Walang anupama’y isinubsob ko ang bibig ko sa kabuuan niya. Isang pagkakamali dahil halos malagutan ako ng hininga nang bumara ito sa lalamunan ko. “ Gakk! “

“Jaxon, shit!” Tuluyan nang kumawala ang kanina pa’y pinipigilan niyang mga ungol.

Pag-ahon sa alaga niya, para akong nagtatawag ng uwak dahil hindi ako matigil sa pagduwal. Pagtingala sa kaniya, kita kong nakayuko na siya at dinig na dinig din ang putol-putol niyang paghinga.

“S-Sigurado ka ba sa ginagawa mo?” may halong pag-aalala sa boses niya. “Mukhang hindi mo yata kaya. B-Baka masaktan ka—”

Pero agad ko siyang pinutol nang itulak ko ang tiyan niya palayo, dahilan para muling mapaunat ang katawan niya paatras sa sandalan at muling tumirik ang armas niya.

Pinunasan ko ang labi kong naglalaway. “Hindi ako babae,” hingal kong sabi. “Hinding-hindi ako masasaktan, Duke.”

Napahawak ulit ako sa mga baywang niya at isinubsob ang kahabaan niya sa bibig ko, sinanay ito sa loob. Ang lalim. Ang lalim nito sa akin. Ang sakit. Puta, ang sakit.

“Jaxon, ugh , shit,” ungol niya. “Ang sarap.”

Sa hindi maipaliwanag, nabuhayan ako sa sinabi niya at nagkaroon ako ng lakas ng loob na marahang itaas-baba ang bibig ko sa kabuuan niya. Halos durugin na ng mga binti niyang gustong magdikit ang mga tagiliran ko. At nagawa niya nang talunin ang ingay ng mga kuliglig sa gubat dahil sa lakas ng bawat ungol niya. Mga ungol niya na lalo ring nagpapabilis sa ginagawa ko.

Anak ng puta, para akong bihasa.

Para na akong bakla nito.

Hindi ko tanggap.

“Jaxon, hindi ka naman babae, ’di ba?”

Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko at sa sobrang dami ng iniisip ko, halos hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya. Parang naglalabas-pasok na lang ang mga salita niya sa magkabila kong tenga.

“Puwede ba kitang…?”

Hindi ko na alam kung ano ’yong huling sinabi niya. Ang tanging alam ko lang ay bigla akong may naramdamang dumagan sa likod ng ulo ko at may kung anong puwersa ang humila sa akin pababa sa alaga niya.

Sagad kung sagad.

“Shit, ang lalim!” Hindi ako makaahon agad dahil sa lakas ng mga kamay niya.

“ Dawk! “ magkahalong pagkaduwal at sigaw ko sa pangalan niya.

Mukhang hindi niya na ako naririnig. Para maisalba ang sarili, sumagap ako ng hangin sa ilong. Pero hindi pa nga ako nakakakuha ng sapat na hangin nang bigla niyang pabilisin ang ulo ko sa pataas-baba sa kahabaan niya. Ramdam ko ang bawat tusok nito sa lalamunan ko na halos ikasuka ko na kung hindi lang ako nagpigil ng hininga. Balahura ang putang ina!

Halos bumaon na ang mga daliri ko sa mga baywang niya dahil sa lakas ng kapit ko rito. Gusto ko siyang suntukin, sikmuraan, itulak sa bintana, pero merong parte sa akin na nabubuhayan sa marahas niyang pagbayo sa bibig ko. Tuwing lumalabas ang magagaspang na ungol sa bibig niya ay para bang mas lalo akong nagkakaroon ng dahilan para hayaan lang siya sa ginagawa.

“Jaxon, malapit na ako…”

Nagkaroon ako ng pag-asang mabuhay pa nang marinig ko ang mga salitang iyon.

“Shit, Jaxon, ayan na!”

At sa huli, naramdaman ko na lang ang pag-unat ng tiyan niya palapit sa ’kin at ang pagbulwak ng likido niya sa lalamunan ko. Naka-limang putok. Dahil hindi makaalis sa puwersa niya, nalunok ko iyon, at ang ilan ay naglakbay pa papunta sa dila ko.

’Tang ina, nakakasuka ang lasa.

Hindi, nasusuka talaga ako.

“ Dawk! “

Sinuntok ko siya sa sikmura, dahilan para mabitiwan niya na ang ulo ko. Napasinghap siya nang hawakan ang nananakit na tiyan. Habang ako ay dali-daling umiling, napahawak sa leeg, at isinuka ang deposito niyang natira sa bibig ko papunta sa carpet.

“Sorry…” paghingi niya ng tawad. “Sorry.”

Hahawakan sana niya ako sa likod pero agad kong hinawi ang kamay niya habang tuloy-tuloy lang sa pagsusuka ng semilya.

’Tang ina, amoy na amoy ko pa.

Kaya lalo akong nasuka.

Nang makarekober, bumalik ang matalim kong tingin sa kaniya, pero lalo lang itong tumalim nang malaman kong wala na pala siyang piring sa mata. Agad akong tumayo.

“Putang ina, kanina ka pa ba nakakakita?!”

Hinablot ko siya sa damit habang nagtatagis ang mga ngipin ko.

“Hindi.” Napataas naman ang mga kamay niya sa ere. “Ngayon-ngayon lang din.”

Nang makita ko ang hinubad kong sando sa kamay niya ay dali-dali ko itong kinuha. Nanlaki ang mga butas ng ilong ko habang isinusuot ito at habang nakatingin siya.

“Teka lang.” Hinawakan niya ako sa braso. “Kung gusto mo, puwede rin kitang tulu—”

Itinulak ko siya sa sofa nang akma siyang tatayo. “Huwag mo akong hawakan!”

Muli siyang napaupo. Nang matapos ako sa pagbihis, pinunasan ko na ang naiwan niyang ebidensiya sa labi ko. May pandidiri kong winisik-wisik iyon sa kamay ko.

“Galit ka ba sa ’kin?” tanong niya.

Pansin kong unti-unti nang nakakalma ang pagkalalake niya dahil sa inaasta ko.

“Siguraduhin mo lang na tutupad ka sa usapan,” banta ko. “Kasi kung hindi—”

“Hindi kita bigiguin,” sagot niya.

Unti-unting nakalma ang paghinga ko nang makita ang kasiguraduhan sa mukha niya. Yumuko ako habang nakapamewang at pinagmasdan ang naisuka ko sa carpet.

“Huwag kang mag-alala,” sabi niya, “ako na ang maglilinis niyan para sa ’yo.”

Hindi naman ito ang ipinag-aalala ko.

“Huwag kang mag-alala,” sabi ko rin nang bumaling sa kaniya, “ito na rin ang huling beses na mangyayari ’to.”

Naging mapungay ang mga mata niya nang dahil sa narinig, at hindi ko alam kung senyales ba ito ng lungkot o kung ano pa man. Sadyang wala lang akong pakialam.

Isang bagay lang ang ipinag-aalala ko…

“Aalis na ako,” paalam ko.

Dali-dali akong naglakad palayo sa kaniya.

“Dito ka na matulog,” pahabol niya.

Pero hindi ko tinanggap ang alok niya. Sa halip, saglit ko lang siyang nilingon habang masama pa rin ang tingin sa kaniya. Bakas ang magkahalong pagtataka at lungkot sa mukha niya ngayong maiiwan na naman siya mag-isa. Wala pa rin akong pakialam.

“’Tang ina mo,” bulong ko.

Padabog kong isinara ang pinto nang makalabas at ora-oradang isinuot ang mga sapatos ko. Pagtayo ko, dali-dali kong hinawakan ang itaas ng shorts at boxer ko, saka sinilip ang loob nito. Punong-puno.

Ito ang ipinag-aalala ko kanina pa.

Lintik, ba’t ako nilabasan?!

Pag-ihip ng hangin sa madilim na hallway, parang muling binalot ang katawan ko ng kakaibang lamig, at para akong natauhan. Hindi ko lubos-maisip na nagawa ko ang bagay na ’yon, at sa kaniya pa talaga.

Niyakap ko ang sarili ko sa sobrang hiya.

Pagbaba sa first floor, sa CR muna ako dumiretso imbes na sa barracks namin. Hindi ko na binuksan pa ang ilaw dahil maliwanag naman sa loob dulot ng buwan.

Sa gitnang lavatory, nilabhan ko ang boxer kong punong-puno ng semilya. Pagkatapos, hinubad ko na rin lahat ng suot kong damit at hinaplos-haplos ang sarili ko ng tubig.

Diring-diri ako sa sarili ko.

Kahit anong hilamos at mumog ko, parang hindi pa rin maalis ang kahihiyang dulot ng nangyari sa ’min kani-kanina lang. At hindi ko tanggap na parang nagustuhan ko iyon.

Habang nakakapit ang magkabilang kamay sa lavatory, umangat ang tingin ko sa repleksyon ko sa salamin—sa maputi at makinis kong mukha, sa maskulado kong katawan, at sa naninigas kong pagkalalake.

Humigpit ang pagkakakapit ko sa lavatory habang nanginginig ang buong mukha. Pakiramdam ko ay may nawala sa akin. Pakiramdam ko ay hindi na ako buo. At may hindi ako matanggap sa sarili ko…

Hindi ko matanggap na sinabi ko sa kaniyang iyon na ang huli.

Chapter 19

Masama ang naging gising ko kinaumagahan. Nilalamig ang buo kong katawan at halos hindi ako makalunok sa sobrang sakit ng lalamunan. Parang may nakabarang tinik doon na hindi ko matanggal, at ang pait din ng panlasa ko. Nariyan din ang pakiramdam na parang may dumadagan sa ’kin sa kama at hirap akong bumangon.

Sa kabila ng lahat, pinilit ko pa ring igalaw ang mga kalamnan ko, hindi lang dahil may training ngayon, kundi dahil ngayong araw, may nakatakdang umalis.

Pag-ahon sa kama, napansin kong nauna na palang magising ang tatlo kong kasama kahit kasisimula pa lang tumunog ng bugle sa labas. Nakaupo na si Harry sa ibabang kama katabi si Mark. Pareho silang malungkot na nakatingin sa cabinet area.

Dumapo rin ang mga mata ko roon. Sa tapat ng katabi kong cabinet, nasilayan ko si Joseph na nakabagsak ang mukha habang isinusuot ang military bag. Sa tabi niya ay nakatayo na rin ang isa niyang maleta.

Mukhang tanggap niya nang aalis siya.

Sinubukan ko siyang tawagin. “Jos—”

Pero nabasag ang boses ko at napahawak ako sa leeg nang maramdaman ang lubhang pamamaga ng ngalangala at lalamunan ko. ’Lang hiya, may nalasahan pa akong dugo.

Sumingkit pa ang singkit ko nang mga mata nang mapakunot ang noo dahil sa sobrang pananakit ng ulo. Para itong binibiyak. Hindi na nga ako makakilos masyado, hindi rin halos makapagsalita, hindi pa makapag-isip nang maayos.

Hayop na Duke.

Kasalananan niya ’to.

Pero asan na ba siya?

Bakit hindi pa rin siya dumarating?

Huwag niya sabihing napunta lang sa wala lahat ng paghihirap ko para lang iligtas ang kaibigan ko?!

“Mga bai,” nanghihinang boses ni Joseph.

Mula sa saradong pinto, lumipat ang naniningkit kong mga mata sa kaniya. Nakatayo na siya ngayon sa pagitan ng dalawang kama. Nagpilit ng ngiti.

“Maraming salamat sa inyong tatlo.” Yumuko siya at lumunok. Humigpit din ang pagkakakapit niya sa hawakan ng maleta niya sa tabi. Pag-angat ng mukha, kumurap-kurap ang maluha-luha niyang mga mata. “Hindi ko kayo makakalimutan.”

Napatayo naman sina Mark at Harry, at nagsimula na ring maluha ang mga mata.

“Seph,” ani Harry, pinunasan ang gilid ng mga mata sa ilalim ng bilugang salamin, “lagi kang mag-iingat sa labas ha.”

Tumango-tango si Joseph habang nakaipit ang mga labi.

“Joseph, bai,” sambit naman ni Mark, “paglabas mo, kumain ka nang marami.”

Mula sa seryosong mood, nauwi sa mahinang pagtawa ang tatlo dahil sa biro ni Mark.

Lalo namang sumakit ang ulo ko at hindi ako makatawa tulad nila. Paano, hanggang ngayon, wala pa rin ang inaasahan ko.

Nang humina na ang mga tawanan nila, sunod na bumaling sa akin si Joseph. Gano’n din si Mark. Si Harry lang itong hindi pa rin ako magawang tingnan.

Mukhang hinihintay nila akong magsalita.

Dahil dito, napagdesisyunan ko nang bumaba ng kama. Kinailangan ko pang itulak ang mga binti ko para lang maibaba ang mga ito. Pagtukod ng mga braso ko sa gilid ng kama, para akong nanghina at muntik nang matumba nang tumalon ako. Mabuti at naalalayan agad ako ni Mark.

“O, Jaxon, ayos ka lang?” tanong ni Mark.

Hinawi ko naman ang kamay niya sa braso ko at sinabing, “O-Okay lang ako.”

Pero napansin niya yatang hindi ako okay dahil sinapo niya pa ang noo ko at sinapo niya rin ang noo niya para pagkumparahin ang temperatura naming dalawa. “Jaxon, sobrang init mo yata. May lagnat ka ba?”

Iritable akong napailing. “Wala…”

“Namumutla ka rin, o,” puna niya. “May lagnat ka nga. Anong nangyari sa ’yo?”

Tumikhim ako at bumulong sa hangin. “’Tang ina, napasubo lang naman ako.”

“Ha?” pagtataka ni Mark. “Ano kamo?”

Mariin ko siyang nilingon. “Wala.”

Inayos ko ang tindig ko at sinubukang ikalma ang mukha nang muling harapin si Joseph. Mabigat man ang ulo, sinikap kong pantayan siya ng mukha. Hindi rin naman kami halos nagkakalayo ng height.

Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya. Ang ayoko sa lahat ay ’yong nagpapaalam. Naalala ko noong nilibing ang alaga kong aso noon, halos hindi ako makatulog nang ilang gabi at hindi rin makakain nang ilang araw sa pagluluksa.

“Jaxon.” Naglakad pa palapit sa ’kin si Joseph hila-hila ang maleta sa kamay. Paghinto sa harapan ko, ngumiti siya—ngiting may halong lungkot sa mga mata. “Hindi mo na ako kailangang alalahanin.” Binasa niya ang mga labi niya. “Mas okay na nga siguro ’to. Pag-alis ko, mababawasan na ang mga problema mo.”

Yumuko ako at huminga nang malalim. “Joseph,” sabi ko, sabay balik ulit ng tingin sa kaniya, “hindi naman problema ang tingin ko sa ’yo. Kayong lahat… mga kaibigan ang tingin ko sa inyo—kapatid.”

Asan na ba ’yong hayop na ’yon?

Sabi niya, hindi niya ako bibiguin.

Sumasakit na ang lalamunan ko sa dami ng mga salitang binitiwan ko para lang hindi makaalis agad si Joseph. At tumatakbo rin ang oras. Hindi pa kami nakakapagligpit ng mga pinaghigaan at nakakaligo bago sumabak sa matinding training.

“Salamat, Jaxon.” Tuluyan nang napaluha si Joseph. “Maraming salamat sa lahat.”

Yumuko ako at napakuyom ng kamao.

Ayokong ito ang huling mukha niya na makikita ko.

Hindi, ayoko talagang tanggapin na ito na ang huling beses na makikita ko siya.

Duke, ’tang ina, magpakita ka na!

Mga ilang saglit lang, nabuhayan ako ng loob nang marinig ang pagbukas ng pinto ng barracks namin. Paglingon patalikod, bumungad ang guwapong mukha ni Duke. Nakasuot siya ng ACU at nakapomada pataas ang buhok. Ang mga kamay ay nasa likod. “Morning, plebes,” bati niya sa ’min.

Agad na napatindig sina Mark at Harry. “Good morning, Sir!” bati nila pabalik.

Habang ako naman at si Joseph ay tahimik lang na nakatindig. Nanginginig ang mukha ko habang nakatitig kay Duke, dahil bukod sa hindi maganda ang pakiramdam ko, balak ko rin siyang puksain kung hindi maganda ang sasabihin niyang balita ngayon. Lalo pa’t inubos niya ang dignidad ko kagabi.

“Fourth-Class Joseph Durat,” tawag niya sa kaibigan ko sa kabilang dulo.

“S-Sir,” sagot ni Joseph. “S-Sorry for taking too long. I’m just about to leave—”

“And who says you’re going to leave?” Bahagyang tumabingi ang ulo ni Duke. “You’re not going home today, plebe.”

Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang bibig. Gano’n din ang mga kasama ko.

“H-Ho?” Hindi makapaniwala si Joseph. “Sir, uh, a-ano hong ibig n’yong sabihin?”

“Do I need to repeat myself?” si Duke.

Unti-unting nagkaroon ng liwanag sa mga mata ni Joseph. “I-Ibig sabihin ho—?”

“Yes.” Bakas na bakas ang pagkabanas sa mukha ni Duke. “You have been pardoned.”

Habang si Duke ay hindi natuwa sa sinabi niya, ang mga kasama ko naman ay parang wala nang mapaglagyan ang saya. Niyakap ng dalawa kong kaibigan si Joseph na ngayon ay napapahikbi na sa tuwa. Pinilit ko namang itago ang ngiti ko dahil baka ay mapansin pa nitong katabi kong moreno.

“S-Sir,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Joseph habang nangingiti-ngiti. “Thank you…” Suminghap siya. “Thank you ho.”

“Huwag ka sa ’kin magpasalamat,” saad ni Duke. “Magpasalamat ka kay Escobar.” Bumaling siya sa ’kin at ngumisi. “Siya lang naman ang nagbayad sa kasalanan mo.”

Parang sandaling binalot ang katawan ko ng hindi maipaliwanag na init nang magtama ang mga namin ni Duke. Heto na naman ang malagkit niyang titig na halos magpaluhod sa ’kin sa kinatatayuan ko ngayon. Habang nanginginig ang mga tuhod, napailing ako at mariing napalunok

Nang muling magparamdam ang namamaga kong lalamunan, napahawak ako sa leeg at napapikit. ’Lang hiya, parang nagbalik sa ’kin lahat ng nangyari. Mas lalo lang tuloy sumama ang pakiramdam ko. Niyugyog ko ang ulo ko para agad itong maiwaksi sa isipan. Hindi puwede ’to.

“Jaxon, thank you.” Naramdaman ko ang biglang pagyakap sa ’kin ni Joseph. “Thank you, bai. Hindi ko alam kung anong ginawa mo, pero maraming salamat kasi—”

“Tama na ’yan,” biglang singit ni Duke.

Agad niya kaming pinaghiwalay ni Joseph habang bahagyang magkasalubong ang mga kilay. Pagkatapos ay napatikhim din.

“Durat,” tawag niya kay Joseph.

“Sir.” Tumindig si Joseph sa harapan niya at nagsuot na ng seryosong mukha ngayon. Mamasa-masa pa rin ang mga mata nito.

“This will be your second chance—” seryosong wika ni Duke habang masamang nakatitig sa kaibigan ko. “No, this will be your last chance to prove yourself. Kapag ginawa mo ulit ang ginawa mo kahapon, tandaan mo, ako na mismo ang kakaladkad sa ’yo palabas ng academy.”

Kumurap-kurap ang bilugang mga mata ni Joseph at napalunok ito. Kahit tila may takot, sinikap nitong itaas ang noo nito nang may halong paninindigan. “Sir, yes, Sir!”

“Now get the hell out of my sight and change your clothes to ACU,” utos ni Duke. “The superintendent still wants to see you, and you have a lot of explaining to do. Estrada and Corpuz, who are waiting outside, will escort you to his office.”

“Yes, Sir!”

Dali-daling bumalik si Joseph papunta sa cabinet area hila-hila ang maleta at doon nagsimulang magpalit ng damit.

“As for the three of you…” tukoy ni Duke sa ’kin, kay Mark, at kay Harry.

“Sir!” tugon naming tatlo pagtindig.

“You have one minute to fix your beds.”

“Sir, yes, Sir!”


Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa nangyaring pagkaligtas ni Joseph nang makita ito ng mga kadete na naglalakad sa hallway nang walang dalang gamit pauwi.

Hanggang sa pagligo, dinig ko ang mga usap-usapan sa bawat shower room. Ayon sa mga plebo, nangingiti raw si Joseph habang naglalakad, kaya siguradong hindi ito uuwi ngayong araw. Reaksyon naman ng mga buddy, imposibleng mangyari iyon, lalo pa’t mabigat ang nagawang kasalanan ni Joseph. Pero buwelta naman ng mga cow, hindi imposibleng mangyari iyon, lalo’t kung may politikang naganap.

Ang tanong nila ngayon:

Sino ang tumulong kay Joseph?

Limang tao lang ang nakakaalam:

Ako, si Duke, at ang tatlo kong kaibigan.

Kung kaya’t nang matapos kami sa pagligo at pagbihis, nagbanta si Duke kina Mark at Harry bago sila palabasin ng barracks.

“Walang ibang makaalam kung sino ang tumulong sa kaibigan ninyo,” aniya. “Kapag nalaman kong may nagsumbong na isa sa inyong dalawa, tiyak na parurusahan ko.”

“Yes, Sir!” takot na tugon naman ng dalawa.

Nang kami na lang ni Duke ang naiwan sa loob ng kuwarto, lumapit siya sa akin habang nakaupo akong nagsisintas ng kaliwang sapatos sa higaan ni Joseph.

“Wala akong tiwala sa mga kaibigan mo,” sabi niya.

Huminto siya sa harapan ko habang nakapamewang. Pag-angat ng tingin, bumungad sa akin ang harapan ng camo pants niya kaya agad akong napayuko nang maramdamang bumilis ang tibok ng puso.

Hayop. Naaalala ko na naman.

Para akong nauhaw bigla at napalunok ako nang wala sa oras. Sa ilalim ng pantalong iyan din mismo nakakubli ang mapanakit na armas na hindi lang sumira sa pagkatao ko, kundi maging sa buong lalamunan ko.

Sinagad ba naman ng putang ina.

“Mas wala akong tiwala sa ’yo,” sagot ko.

May pasabi-sabi pa siya noong una na ayaw niya akong saktan. Tapos noong sinabi ko lang sa kaniya na hindi ako babae, ay aba, parang sinapian ng demonyo ang puta.

Hindi na ako magtitiwala sa susunod.

Susunod? Bakit, may susunod pa ba?

“Jaxon, ilang linggo pa lang kayong magkakakilala. Paano ako makasisiguro na walang magsusumbong na isa sa kanila?”

“Kilala ko silang lahat. Kaibigan ko sila. Hindi nila ikakalat na ikaw ang tumulong.” Banas akong tumingala sa mukha niya. “At saka, bakit ka ba natatakot? Ano naman kung may makaalam na ikaw nga ’yon?”

Umabante pa siya palapit sa ’kin. “Jaxon, reputasyon ko ang nakasalalay rito. Kapag nalaman nilang ako ang tumulong, magtataka sila kung bakit ko ginawa ’yon. Mawawalan sila ng respeto sa ’kin.”

Bumaba ang tingin ko sa pantalon niyang napakalapit na sa mukha ko ngayon. Saglit lang naman. Pagkatapos, agad ko ring ibinalik ang mga mata ko sa sapatos ko at tumuloy na ako sa pagsisintas nito.

“Bakit?” Bahagya akong napangisi. “Takot ka bang mawalan ng kapangyarihan dito?”

“Oo,” hindi ko inaasahang isasagot niya. “Kasi kapag nangyari ’yon, ibig sabihin, hindi na rin kita mapoprotektahan.”

Sandali akong natigil sa pagsisintas.

Sa paraan ng pananalita niya, akala mo’y mayroon siyang malaking responsibilidad sa ’kin. Eh, kami nga itong hindi lubusang magkakilala, tapos kung makaasta siya…

“Protektahan?” namamalat kong boses. “Hindi ko kailangan ng proteksyon mo. Hindi ako… Hindi ako katulad ni Kuya.”

Tumuloy na ulit ako sa ginagawa.

“Nasasabi mo lang ’yan ngayon, Jaxon,” saad niya. “Pero pagdating ng araw, malalaman mo rin—ako lang ang kakampi mo rito. Tandaan mo ’to: ’Yang mga kaibigan mo, puwede ka nilang traydurin anumang oras. Parang nagsisisi na nga akong niligtas ko ’yong si Durat. Hindi ko naman talaga dapat gagawin ’yon kung hindi ka lang…” Umiling siya at tumikhim. “Masarap,” pabulong niyang dugtong.

Akala niya yata ay hindi ko iyon narinig. Umuugong man ang tenga ko sa sobrang pagkahilo, malinaw sa ’kin ang sinabi niya.

Sumama ang tingin ko sa kaniya. “Anong sabi mo?”

Yumuko naman siya pabalik sa akin at sinabing, “Sabi ko, hindi ko dapat gagawin ’yon kung hindi mo lang ako… niluhuran.”

Lumaki ang mga butas ng ilong ko. “Niluhuran?!”

Napakamot siya sa kilay. “Ibig ko sabihin, kung hindi ka lang nagmakaawa sa ’kin.”

Bahagyang nakalma ang magkasalubong kong mga kilay sa narinig. Akala ko ay tinutukoy niya ’yong ibang pagluhod na ginawa ko sa kaniya. Mabuti kung gano’n.

Nang matapos ko ang kaliwang sapatos, bigla siyang yumukyok sa harapan ko at hinawakan ang sintas ng kanang sapatos.

“Ako na,” sabi niya.

Pero agad kong hinampas ang kamay niya.

“Ako na,” diin ko.

Pero hindi siya nagpatalo.

“Ako na,” ulit niya.

Kaya naitulak ko siya.

“Ako na nga sabi!” sigaw ko.

Nagtaka naman siya sa kinilos ko—ako rin naman. Kanina pa ako iritable dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko, kaya siguro nakalimutan kong nasa training kami ngayon, at nasigawan at naitulak ko lang naman ang isang upperclassman.

Yumuko ako habang hinahabol ang mabigat na paghinga. “S-Sorry… Sir.”

Mula sa pagkatumba, bumalik siya sa pagkakayukyok habang nakakunot ang noo. “Jaxon, sabihin mo, galit ka ba sa akin?”

Pinunasan ko ang pawis ko sa noo. “Sir—”

“‘Duke,’” sabi niya. “Tayong dalawa lang.”

Alam ko, pero parang may mali kung tatawagin ko siya nito sa oras ng training.

Tumuloy na ako sa pagsisintas ng sapatos ko nang hindi sinasagot ang tanong niya.

“Nagawa ko na ang hinihiling mo. Niligtas ko na ang kaibigan mo,” sumbat niya. “Kaya bakit parang hindi ka yata masaya?”

“Nakuha mo rin naman ang gusto mo,” walang gana kong sumbat pabalik.

“Ah, dahil ba ’to sa nangyari kagabi?” Napakamot siya sa baba. “’Yon ba?”

Binuhat ko ang kanang binti ko at inilapag sa sahig patagilid sa kaniya para maiwasan ang tingin niyang may halong pagtataka.

Huwag siyang mag-alala, kahit ako rin ay nagtataka sa nararamdaman ko. Kagabi pa ako ganito. Kaya nga wala ako halos tulog.

“Ang aga-aga, bakit ba ang init ng ulo mo?” tanong niya nang makita ang nakalukot kong mukha. “Hindi ka ba nag-enjoy—?”

“’Tang ina, hindi!” Muli akong nagulat sa naging reaksyon ko. “S-Sorry ho… Sir.”

“‘Sir-Sir’, sabing ‘Duke’ ’pag tayong dalawa lang!” Nakikipagsabayan na rin siya sa init ng ulo ko ngayon. “Sabihin mo, galit ka ba dahil hindi mo matanggap na ikaw ang…?” Suminghap siya. “Hindi mo ba gusto na ikaw ang nasa ganoong posisyon, ha?” Hinawakan niya ang tuhod ko. “Kung gusto mo, pagbibigyan din kita, chinito.”

Hinablot ko ang braso niya. “Puwede ba huwag mo akong hawakan,” sabi ko, “Sir?”

Nakalma naman ang mukha niya nang dahil sa ginawa ko. “J-Jaxon, ang init mo.”

Agad kong binitiwan ang braso niya. Nang akma niya pa sanang ididikit ang likod ng kamay niya sa noo ko, agad kong iniatras ang ulo ko para hindi niya ito maabot.

Binilisan ko pa ang pagsisintas. At nang matapos na ako, dali-dali akong tumayo. Gano’n din siya. Nang muli niya akong tinangkang hawakan sa braso, iritable kong sinanggi ang kamay niya. Pero hindi siya nagpatalo. Hinawakan niya ako sa balikat at idiniin ang katawan ko sa gilid ng kama.

“Stay put, Escobar,” sambit niya nang may halong awtoridad. “That’s an order.”

Nanginginig man ang mukha ko, hindi ako gumalaw tulad ng utos niya. Lintik na ’yan, ginagamitan na ako ng kapangyarihan para lang mapasunod. Napakuyom na lang ako ng kamao habang idinidikit niya ang kamay niya sa noo ko at ang isa naman sa kaniya.

“May lagnat ka,” aniya. “Kailangan mong pumunta sa infirmary ngayon din mismo.”

“Sir, no, Sir,” tugon ko.

“May sakit ka,” matigas niyang sabi. “Kailangan mong matingnan ng nurse.”

“No, Sir, I’m perfectly fine and healthy,” pagmamatigas ko. “I never get sick.”

Umigting ang panga niya. “Jaxon!”

“I’m late for the formation run. I’ll get going now, Sir, if I may be excused.”

Hindi pa man nakukuha ang permiso niya na puwede na akong umalis ay naglakad na ako palabas ng barracks namin. Habang naglalakad sa hallway, hindi ko maiwasang paypayin ang T-shirt ko sa sobrang init.

Hindi ko maintindihan. Halos hindi ako makahinga kanina nang lapitan niya ako. At ’yong mukha niya. Nag-aalala ba siya? Bakit? Dahil ba kapatid ako ng kaibigan niya? ’Yon din ba ang dahilan kaya gusto niya akong protektahan? ’Yon lang ba?

“Jaxon!” boses niya sa likuran ko.

At hindi ko rin maintindihan kung bakit ako napapatakbo palayo. Bakit ko ba siya iniiwasan? Dahil lang ba ’yon sa nangyari kagabi? Hindi ba’t ginusto ko rin naman ’yon? Kung hindi nga dahil sa kaniya, muntik nang umuwi si Joseph ngayon.

“Jaxon!” humihina niyang boses.

Kanina pa pala nagsimulang umusad ang formation run. Mukhang malabo nang maabutan ko pa ang pinakadulo noon. Sa kabila ng lahat, sinikap ko pa ring tumakbo… nang tumakbo… palayo… sa kaniya… sa tunay kong nararamdaman.

Naghalo-halo na ang mga kulay sa langit: asul, dilaw, kahel, at lila. Kasabay nito ay ang bahagyang pagliwanag ng paligid. Pero ramdam ko na ang unti-unting pandidilim ng paningin ko. Patag na patag din ang daang tinatahak ko. Pero ramdam ko na rin ang unti-unting pagkawala ng balanse ko.

Umikot ang mundo.

Huli na nang maramdaman ko na lang na bumagsak ang katawan ko. Pero bago tuluyang mawalan ng malay, alam kong mayroong braso na sumalo sa akin at paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko.

Iyon din mismo ang boses ng lalakeng nagligtas sa ’kin noong bata pa ako.

Chapter 20

“You’re a disgrace to this family!”

“Dad, I’m sorry… I’m sorry ho. Hindi ko ho… Hindi ko ho ginusto ang nangyari…”

“You brought this upon yourself! If it weren’t for who you are, this wouldn’t have happened to you! Disgusting… You deserve to go to hell!”

“Dad, maniwala ho kayo—”

“Starting today, you’re no longer part of this family! Itinatakwil na kita bilang anak! Dalhin mo na lahat ng gamit mo at huwag ka nang babalik sa pamamahay na ’to kahit kailan!”

“Dad, please… huwag n’yo hong gawin ’to… Please… P-Parang awa n’yo na ho… Sorry… Mom… please… wala ho akong kasalanan…”

“Janus, anak—”

“Honey, get out of this!”

“Jaxon…”

“K-Kuya—”

“Jaxon, pumasok ka sa loob!”

“Mom… Jaxon… Huwag n’yo akong iwan… Please… Mom…! Jaxon…!”

“Tandaan n’yo ’to: Walang sinuman ang puwedeng magpapasok ulit sa salot na ’to sa pamamahay ko! At walang sino sa inyong dalawa ang puwedeng makipag-usap sa kaniya! Naiintindihan n’yo?!”

“Dad, maawa ho kayo sa ’kin… W-Wala na ho akong ibang mapupuntahan…”

“Huwag mo akong matawag-tawag na ‘Dad’!

“Wala akong anak na bakla!”

Pagmulat ng mga mata ko, wala na ako sa loob ng malaki naming tahanan. Wala na si Mom na halos mahimatay na sa tabi ko sa lubhang pag-aalala para sa panganay na anak. Wala na si Dad na walang awang itinulak palabas at pinagsar’han ng gate si Kuya. At wala na si Kuya na nakakapit sa mga rehas ng gate noon—nagmamakaawa, humahagulgol—sa ilalim ng ulan.

Naglaho na ang makahabag-damdaming hagulgol ni Kuya, pero tuloy-tuloy pa rin ang tunog ng buhos ng ulan sa pandinig ko. Sa unti-unting paglinaw ng paningin ko, sunod na bumungad ang puting ceiling. Ceiling na sigurado ako ay hindi sa barracks namin dahil kakaiba ang disenyo nito—may grids. Sa hindi maipaliwanag, kakaiba rin sa pakiramdam. Bukod sa mas komportable ang hinihigaan kong kama, malamig ang paligid. Kung hindi lang dahil sa ibang disenyo ng ceiling, iisipin ko na sanang nasa kuwarto ako ni Duke.

Nasa’n ba ’ko?

Sa tangkang pag-ahon sa kama, napahawak ako sa ulo at umasim ang mukha ko nang bigla na lang akong makaramdam ng pagkahilo. Gano’n pa man, pinilit ko pa ring bumangon.

Mabigat pa rin sa pakiramdam. Parang naubos ang buong enerhiya ko kahit na kakagaling ko lang sa pagtulog. Sa kabila ng pag-iinit ng mga mata ko, mariin kong pinagmasdan ang paligid. Mula sa suot kong pantalon at puting T-shirt, lumipat ang tingin ko sa kama na parang pang-ospital ang disenyo. Pag-angat ng mukha, sunod kong nasilayan ang kulay asul na kurtinang nakapalibot sa paligid. At pagtalikod ko, bumungad ang isang mahabang bintana sa bandang uluhan.

Ngayon alam ko na kung saan nagmumula ang tuloy-tuloy na ingay. Malakas pala ang buhos ng ulan sa labas. Basang-basa ang mga puno sa hindi kalayuan at nagkulay-abo ang paligid sa labas sa kapal ng mga ulap sa kalangitan.

Mukhang malapit nang maggabi—

Maggabi?

Hindi ba’t mag-uumaga pa lang?

Sa pagkataranta, dali-dali kong tinginan ang suot kong relo.

Anak ng—1732 na?!

Anong ginagawa ko rito?!

Bakit wala ako sa training?!

May pagmamadali akong bumaba sa kama. Pag-apak sa sahig, nanlambot ang mga tuhod ko at muntik na akong matumba kung hindi lang nakakapit agad sa gilid. Sa ilalim na gilid ng kama lang din nakalapag ang mga sapatos ko na agad kong isinuot.

Paghawi ng kurtina, naging malinaw sa akin kung nasaan ako nang makita ang labas. Nasa infirmary pala ako ng military academy. At ’yong hinigaan ko ay matatagpuan sa pinakadulo. Kinailangan ko pang lakari’t lampasan ang ilang blankong higaan habang gumegewang-gewang ang katawan para lang makarating sa entrance.

“O, cadet, gising ka na pala.”

Natigilan ako sa paglalakad habang nakahawak sa nananakit na likod nang lingunin ko ang pinanggalingan ng boses. Nanggaling iyon sa babaeng napatayo sa likod ng isang desk na matatagpuan sa kanang-gilid ng malawak na infirmary. Nakasuot ito ng ACU at Army Nurse Corps Cap. Ang mga kamay ay nakatago sa likod.

Kahit maraming iniindang sakit sa katawan ay agad akong napatindig at sumaludo bilang respeto sa mas nakatataas sa akin.

“Ma’am—” Nabasag ang boses ko nang maramdaman ang namamagang lalamunan.

Kung hindi pa ako nagsalita, hindi ko pa sana maaalalang isa pa nga pala itong lintik na lalamunang ’to sa mga iniinda ko. ’Lang hiya, mas lalo pa nga yata itong lumala.

“How are you feeling, cadet?” usisa ng military nurse at tipid na ngumiti.

Sa mukha nito, hula ko ay mga kasing-edad ito ni Mom. Pero hindi tulad ni Mom, kayumanggi ang kulay ng balat nito at may kaunting hawig ng artista na si Pokwang.

Ibinaba ko na ang kamay ko.

“I’m—” Parang kinakayod ang lalamunan ko tuwing nagsasalita dahil sa sobrang panunuyot nito. “I’m okay now… Ma’am.”

Napatingin ako sa glass door.

“You don’t look okay to me, iho,” sabi niya.

Pansin niya yata ang panghihina ko.

“Um.” Lumunok ako kahit masakit. “May… Kailangan ko na hong bumalik sa training.”

“There’s no need to do that, iho,” aniya. “Kaninang tanghali pa na-postpone ang mga training dahil sa lakas ng ulan.” Itinuro niya ang mahabang bintana sa gilid. “Kita mo ’yan?”

“H-Ho?” Sandali kong sinulyapan ang bintana at naisip na baka nga ay totoo ang sinasabi niya, saka ibinalik ang tingin sa kaniya. Binasa ko ang nanunuyot kong mga labi. “K-Kanina pa ho ba ako nandito?”

“Yes,” tugon niya, “kaninang umaga pa.”

Shit.

Na-miss ko pala ang kalahati ng training.

Bahagyang kumunot ang noo ko. “A-Ano ho bang nangyari?”

“Maupo ka muna, iho.” Itinuro ng nakangiti niyang mga mata ang kulay lumot na monoblock chair sa tapat ng desk.

Tulad ng utos niya, naupo nga ako roon.

Umupo na rin siya sa swivel chair niya.

“Um,” muli kong panimula, “b-bakit po ako nandito?”

Mula paggising, ang labo pa rin ng pag-iisip ko dahil sa sobrang pagkahilo. Nilalamig din ako at parang masusuka.

“Hindi mo ba naaalala?” Inilapag niya ang mga kamay niya sa ibabaw ng desk. “Hinimatay ka raw kaninang umaga habang tumatakbo.”

Napakurap-kurap ako. “H-Hinimatay?”

Umiling ako, saka unti-unting nagbalik sa ’kin ang lahat—ang pagmamatigas ko kay Duke, ang pag-iwas ko sa kaniya, ang langit na kaninang umaga lang ay hindi pa galit, at ang pagdilim ng paningin ko kanina.

Hinimatay ako.

Hindi ako makapaniwala.

Hinimatay ako sa kauna-unahan.

Ako na bihira magkasakit kahit noon pa man. Ako na malakas ang pangangatawan. Ako na pinakamatikas sa lahat ng mga plebo sa akademyang ito. Ako na mas lalake pa sa lahat ng lalake sa mundo.

“P-Paano ho nangyari ’yon?” tanong ko pagbaling sa nurse.

“Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan, iho. Anong nangyari at bigla kang hinimatay?” tanong niya pabalik.

Kumunot ang noo ko. “H-Hindi ko rin ho alam.”

“Wala ka bang tulog kagabi?” tanong niya.

Binasa ko ang mga labi ko. “Um…”

“Hindi ba’t maaga naman kayong pinapatulog dito sa academy?” dagdag pa niya.

“O-Oho,” tugon ko.

“Eh, bakit parang puyat na puyat ka?” taka niya. “Kanina, hindi ka namin magising.”

Yumuko ako, lumunok, at biglang napipi.

Kasalanan ’to ng armas ni Duke—niratrat ang bibig ko kagabi. Kaya wala na nga akong tulog, masakit pa ang lalamunan.

Putang ina lang.

“Alam mo ba, nag-alala nang sobra ’yong nagbuhat sa ’yo papunta rito,” pabatid niya. “Akala ko nga, may namatay nang kadete rito sa military academy sa kauna-unahan.”

“Nagbuhat?” ulit ko sa sinabi niya.

“Oo, iho, eh, paano ka makakapunta rito kung wala kang malay,” pabiro niyang wika. “Balisang-balisa nga ’yong tao dahil sa ’yo, tanong nang tanong kung okay ka lang at kung kailangan pang isugod sa ospital sa labas. Hindi pa makakalma kung hindi ko sinabihan na nawalan ka lang ng malay.”

“S-Sino ho?”

“Hindi mo ba natatandaan kung sino?”

“Um, mataba ho ba?”

“Hindi.”

“May suot na salamin?”

“Wala.”

“Matangkad? Moreno? Guwapo?”

Bahagyang tumaas ang kilay niya. “Oo.”

’Lang hiya. Si Duke nga.

Binuhat ako ni Duke papunta rito. Para tuloy akong nadismaya. Nakita niya ako kung kailan ako pinakamahina. Kung alam ko lang, kinaladkad ko na sana ang sarili ko papunta rito kanina at hindi na tinuloy ang pagtakbo. Kasalanan ko rin dahil hindi ako nakinig sa katawan ko. Kabanas amputa.

Lumilinga-linga ako sa paligid. “Nasa’n na ho siya ngayon?”

“Nandito pa ’yon kanina, eh, nagbabantay. Tapos no’ng nalamang maggagabi na, bigla na lang lumabas kahit ang lakas pa ng ulan. Kukuha lang daw ng makakain n’yo at baka raw bigla kang magutom paggising mo.”

Feeling boyfriend amputa.

“Puwede na ho ba akong umalis, Ma’am?” paalam ko bago pa makabalik ang hayop.

“Hindi pa, iho. Ang lakas pa ng ulan, o.” May kinuha siya sa lalagyang cylinder sa tabi. “Pa-check nga ulit ng temperature mo. Kanina lang, ang taas ng lagnat mo, eh.”

Inabot niya sa ’kin ang isang thermometer.

“O-Okay po, Ma’am.” Wala akong choice kundi iipit ang thermometer sa kilikili ko. Habang hinihintay ito, tinanong ko, “Um, wala na ho bang iba pang pumunta rito?”

Sagot niya, “Wala na, bakit?”

“Ah, wala ho,” sabi ko.

Hindi man lang dumalaw ang mga kaibigan ko? Hindi kahit isa man lang sa kanila?

Lumingon ako sa labas ng bintana.

Baka dahil siguro malakas lang ang ulan. O baka hindi lang nila alam na nandito ako.

Nang tumunog na ang thermometer, hinugot ko na ito mula sa kilikili ko at ibinigay sa nurse. Binasa niya iyon.

“Thirty-nine degrees celsius,” sambit niya. “Lalo yatang tumaas ang lagnat mo. Akala ko bababa na kapag nakapagpahinga ka. Papainumin sana kita ng gamot kanina, kaya lang, ayaw mong magpagising.”

Kaya pala ang sama-sama sa pakiramdam.

“Paracetamol,” sabi ko. “Kailangan ko lang ho ng paracetamol. Kahit isa lang, Ma’am.”

Gagaling din ako agad pagkainom ng gamot.

Mind over matter lang.

“Pero bago kita bigyan ng paracetamol, puwede ko bang malaman kung may iba ka pang nararamdaman?” tanong niya. “Kasi kahit uminom ka no’n, baka may iba pang dahilan kaya ka nilalagnat. ’Yon ’yong kailangan nating pagtuunan ng pansin.”

Mariin akong napalunok at tumikhim.

“Um.” Umasim na naman ang mukha ko. “M-Masakit ho ang…” Hinawakan ko ang leeg ko. “Masakit ho ang lalamunan ko.”

“Ah, ’yon. May nakain ka ba, iho?”

“Nakain?”

“Oo. May nakain ka bang hindi puwede?”

Para akong naputulan ng hininga sa tanong niya. Tama siya. May nakain akong hindi puwede. Pero hindi ko rin puwedeng sabihin sa kaniya kung ano.

“Ah, wala naman ho,” pagsisinungaling ko.

“Sigurado ka?” duda niya. “Matamis? O maanghang? O ’yong mga bawal sa ’yo?”

“Hindi ho ako maselan sa pagkain.”

“Ah.” May kinuha ulit siyang gamit sa loob ng lalagyang cylinder. “Patingin nga ako.”

“Ho?” kabado kong sambit.

“Patingin nga ng lalamunan.” Itinaas niya ang hawak na penlight. “Nganga ka, iho.”

“Um, kasi…” Napaipit ako ng mga labi.

“Nganga,” mungkahi niya. “Ahhh.”

Kay wala akong nagawa kundi gayahin siya. “Ahhh.”

Pagkabukas sa penlight, bahagya siyang napatayo, hinawakan ang baba ko, at inangat ito. Una niyang sinuri ang ngalangala ko, at bahagyang nagsalubong ang nagkakapalan niyang mga kilay. Hindi nagtagal, pinanganga niya pa ako nang mas maigi at pinag-aralan ang lalamunan ko. Sa puntong ito, nanliit na ang mga mata niya.

“Tsk, tsk, tsk,” pagkadismaya niya.

Pagkatapos ay pinatay niya na ang penlight at ibinalik sa lalagyan, saka siya bumalik sa pagkakaupo. Inilapag niyang muli ang mga kamay niya sa ibabaw ng desk. Napayuko. Binasa ang mapupulang mga labi. At sa huli ay napabuntong-hininga na para bang meron siyang nakitang cancer o kung ano.

“Iho, huwag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko,” nakabibigla niyang sabi.

Dito na ako nagsimulang kabahan.

Paano nga kung may nakita siyang malala sa lalamunan ko? May nalalasahan pa man din akong dugo. Paano kung mas malala pa ito kaysa inaasahan ko? Hindi puwede… Kailangan ko pang makapasa sa training. Kailangan ko pang ipaghiganti si Kuya.

“Bakla ka, iho,” tuwid niyang sambit.

Halos mahulog ako mula sa kinauupuan ko nang dahil sa narinig. Mas malala pa iyon para sa akin kaysa malaman na mayroon akong malubhang karamdaman. Pag-ayos ulit ng upo, napahawak ako sa mga tuhod.

“H-Ho?” Kumurap-kurap ako. “Ano ho?”

Gusto kong isipin na nagkamali lang ako ng dinig, pero seryoso ang mukha niya.

“Alam ko, iho, mahirap tanggapin,” sabi niya nang may halong emosyon. “Lalo pa’t nasa military academy ka. Naiintidihan ko.”

’Tang ina, hindi ko siya maintindihan.

Umiling-iling ako. “H-Hindi ho ako—”

“Ganiyan din ang sinabi ng anak ko bago siya bumigay.” Napahawak siya sa dibdib at napangiti. “Kakampi ako, iho, huwag kang mag-alala. Hinding-hindi kita isusuplong.”

Kakampi?

Kakampi saan?

At anong bumigay?

Puta, sinasabi niya bang—?!

Mas lalong tumindi ang pag-iling-iling ko. “Ay, hindi ho. Hindi ho ako—”

“Top,” dugtong niya. “Hindi ka top. Alam ko, iho. Sa nakita ko pa lang, alam ko na.”

“Ho?” Kulang na lang ay magdikit ang mga kilay ko dahil sa mga sinasabi niyang hindi ko maintindihan. “T-Top? Top po saan?”

Sumenyas siya sa akin na ilapit ang tenga ko sa kaniya. Kaya ginagawa ko rin.

“Kumbaga sa sandwich, iho, mayroong hotdog,” bulong niya, “at ikaw ang tinapay.”

Agad akong napaatras sa sinabi niya. Nanindig ang mga balahibo ko at parang may kung anong insekto ang pumasok sa tenga ko dahil nakiliti ang loob niyon.

Puta, parang hindi yata tama ang behavior ni Ma’am. At sa edad niya, hindi ko alam na kaya niyang magbukas ng ganitong topic. Dahil ba sa mayroon siyang anak na—?

“Ay, h-hindi ho ako katulad ng anak n’yo, Ma’am.” Umiwas ako ng tingin at naubo. ’Lang hiya, napagkamalan na ngang bakla, natawag pang tinapay. “T-Top ho ako.”

“So, bakla ka nga?”

“Ho?” Bumalik ang gulat kong tingin sa kaniya. “Hindi ho talaga. May ex-girlfriend ho ako.” Lumunok ako. “Sa ’ming dalawa, ako ho ’yong laging nasa ibabaw. ’Yon ho ’yong top na tinutukoy n’yo, hindi ba?”

“Hmm.” May duda sa mga mata niya.

Habang tumatagal, parang hindi na nurse ang kausap ko—parang nanay na na todo usisa sa mga pribadong bagay tungkol sa buhay ng anak niya. Parang gano’n siya.

“Ano ho bang mali sa lalamunan ko?” tanong ko para matapos na ang usapan.

“Nasobrahan sa haba ’yong top mo kaya—”

Puta, heto na naman.

“Pahingi na lang ho ng gamot.”

Ayaw yata nito maniwala sa akin.

Hindi ako bakla!

“O, sige.” Sandali siyang umatras at binuksan ang drawer ng desk, may binutingting sa loob noon. “Um, let’s see… For tonsillitis… antibiotic, um, painkiller…” Sandali siyang nag-angat ng tingin sa akin. “Nanghihina ka pa rin ba, iho?” Tumango lang ako. “Okay,” sabi niya saka tumuloy sa pagbubutingting. “Oral rehydration…” Sandali na naman siyang natigil sa ginagawa. “First time mo ba, iho?”

“F-First time?” Kumunot ang noo ko. Nang maisip na baka ay tinatanong lang niya kung first time kong pumunta rito, tumango-tango ako. “Ah, oho, first time ko ho rito. Hindi naman ho kasi ako sakitin kahit noon pa lang, Ma’am.”

“Ibig ko sabihin, iho,” tuloy niya, “is it your first time to give oral?”

Napahawak ako sa leeg at naubo-ubo. “Ay, hindi ho. May nakain lang ho ako kaya—”

“Kaya namaga,” tuloy niya na parang iba ang nasa isip niya. “Tsk, tsk, tsk.”

Puta, hindi ba siya titigil?!

Naiinis na ako, ah!

Kaunti na lang, mawawalan na ako ng respeto kay Ma’am!

“Mga kabataan talaga ngayon, masyadong mapupusok.” Tuloy lang siya sa pagsasalita habang hinahanap ang mga tamang gamot sa drawer. “Alam mo, puwede mo namang sabihin sa top mo na magdahan-dahan lang para hindi ka nasasaktan, lalo na kung mahaba. Kita mo ’yang nangyari sa ’yo.”

Dahil naasar na, umiwas na lang ako ng tingin para hindi niya ito makita sa mukha ko. Wala akong choice kundi pakinggan ang mga pangangaral niya habang naghihintay. Hanggang sa kung saan-saan na siya umabot. Para maghahanap lang ng gamot.

“Alam mo ba, ’yong anak ko, lalakeng-lalake rin ang datingan no’n dati. Nagpapalaki rin ng katawan katulad mo,” sabi niya kaya napatingin ako sa mga bicep ko at ibinaba pa ang mga manggas ng T-shirt ko para takpan ang mga ito. “Tapos ngayon, drag addict na siya.”

Nanlaki ang mga mata ko sa kaniya. “D-Drug addict?”

“Hindi. Drag. D-R-A-G,” paliwanag niya. “Mahilig siya manood no’ng ano… ’yong mga beki na mahilig mag-make-up at mag-costume ng kung ano-ano. Gusto nga no’n sumali sa gano’n balang araw, eh.”

“Eh?” Hindi ko alam ang tinutukoy niya.

“Hindi ko nga alam kung paano tatanggapin no’ng una,” tuloy niya. “Pero siyempre, anak ko pa rin ’yon. Kahit na gano’n siya, wala namang nagbago sa pagmamahal ko sa kaniya. Eh, ’yong asawa ko lang naman ang hindi makatanggap sa kaniya. Nasa military din kasi kami pareho. Gusto ng asawa ko, ipadala ’yong anak namin dito, pero hindi ako pumayag. Sabi ko, hindi naman ’yon ang gusto ng anak natin, kaya bakit mo pipilitin, ’di ba?”

Parang nakikita ko si Harry at Kuya Janus sa anak niya.

“Parang nakikita ko nga ’yon sa ’yo,” sabi niya naman.

Putang ina talaga…

Pinagpipilitan niyang bakla ako!

“Gusto mo ba, ipakilala kita sa anak ko? Tiyak na magugustuhan ka no’n kasi pogi ka rin.” Inilapag niya na ang mga gamot sa desk. “Kaya lang, pareho kayong bottom.”

At bottom pa nga…

’Lang hiya, ano ’yon?!

May kinuha siyang papel at ballpen. “Ano nga pangalan mo, iho?”

Marahas akong umiling-iling. “Ah, h-hindi ho… hindi ho ako… Lalake ho ako,” sabi ko. W-Wala ho akong interes sa anak n’yo…“

Napahalikhik siya. “Ano ka ba, hindi ko ibibigay sa anak ko. Ibig kong sabihin, anong pangalan mo para mai-record ko ’yong mga ibibigay kong gamot sa ’yo.”

“Ah.” Nakalma ako dahil sa sinabi niya. “J-Jaxon…” Tumikhim ako at mas nilaliman pa ang boses. “Jaxon Escobar.”

“Jaxon,” bigkas niya habang isinusulat ang pangalan ko sa papel. “Esco—” Kumunot ang noo niya nang tingnan ako. “Escobar?”

“O-Oho.” Nagtaka ako. “Bakit ho, Ma’am?”

“Ah, wala,” tugon niya. “Parang pamilyar lang kasi ang apelyido mo.”

Lumunok ako at inilapit pa ang mukha sa kaniya. “Um, Ma’am, may… may kilala ho ba kayong… Janus Escobar?”

“Janus Escobar?” ulit niya.

Tumango-tango naman ako.

“Ah, hindi ako sigurado, iho. Kaka-assign lang din sa akin dito.” Tumuloy na siya sa pagsusulat. “Pero parang may nakuwento sa ’kin ang pinalitan kong nurse. Ang alam ko, ’yon yata ang dahilan kaya siya nagbitiw sa posisyon dito. Parang hindi niya yata matanggap na iba ang binigay niyang diagnosis sa pasyente bilang utos sa kaniya ng nakatataas.” Matapos sa pagsusulat ay isinilid niya na ang papel sa isang puting folder sa tabi at sinulatan naman iyon ng pentel pen. “Bakit, iho? Kaanu-ano mo ’yong taong tinutukoy mo?”

“Ah, kapatid ko ho,” sagot ko.

“Ah.” Saglit siyang natahimik. “Base sa suot mo, plebo ka pa lang, tama ba ako?”

“Oho.” Kumurap-kurap ako at nagbasa ng labi. “Um, puwede ko ho bang malaman kung… kung ano ho ’yong binigay sa kaniyang diagnosis ng dating nurse rito?”

“Naku, iho, hindi ko rin alam. Pasensya ka na. Tulad ng sabi ko, bago lang din ako.”

Tumagos ang tingin ko sa mahabang shelf cabinet na matatagpuan sa likuran niya. Doon ay naka-stack ang mga folder na naglalaman ng mga medical record ng mga kadete rito sa military academy.

“Puwede n’yo ho bang i-check kung nandito pa ang records ng kapatid ko?” hiling ko.

“Ay, ’yon ang hindi-hindi ko puwedeng gawin., iho.” May pagkailang siyang ngumiti. “Mahigpit akong pinagbawalan na huwag galawin ang files ng mga kadeteng wala na rito.”

“Bakit daw ho?”

“Hindi ko rin alam. Sumusunod lang naman ako sa mga utos sa ’kin.” Muli niyang binuksan ang puting folder matapos isulat ang pangalan ko sa labas niyon. “Bakit, ano ba talagang nangyari sa kapatid mo, iho, at pinalabas siya ng academy?”

Mukhang wala nga siyang alam.

Yumuko ako. “Ah, w-wala ho.”

Masyadong sensitibo ang nangyari sa kuya ko para ikuwento sa kaniya. Pero dahil sa mga sinabi niya kani-kanina lang, pumasok sa isip ko na parang may maling nangyari sa kaso ni Kuya. Hindi, may mali talaga.

May pinagtatakpan ang akademyang ’to.

Chapter 21

Maiging ipinaliwanag sa akin ng nurse ang mga gamot na dapat kong inumin, tamang oras ng pag-inom, ilang beses dapat inumin sa isang araw, at putang ina, wala na akong matandaan kasi gusto ko na siyang alisan.

Sa lahat ng mga gamot na ibinigay niya sa akin, isang bagay na lang ang hindi niya pa naipapaliwanag—ang kulay pulang sachet.

“Ah, Ma’am, ito ho, kailan ko iinumin?” usisa ko matapos itong damputin sa desk.

“Ay, iho, hindi iniinom ’yan,” sagot niya naman habang parang napapahalikhik.

“Ah, para saan ho ba ’to?” seryoso kong tanong habang sinusuri ang kabuuan ng pulang sachet. Kumunot ang noo ko dahil hindi tulad sa ibang gamot, puro Chinese characters ang nakasulat sa packaging nito. Hindi tulad ni Mom, hindi ako bihasa sa pagsasalita ng Chinese, at lalong-lalo na sa pagbabasa. Kaya ’yong logo lang ng sachet ang nabasa ko—may nakasulat na ‘SiYi’.

Pagbalik ng tingin kay Ma’am, sumenyas siya sa akin na may ibubulong siya. At ako naman, muling nagpabiktima at inilapit ang tenga sa kaniya. “Lubricant ’yan, iho.”

“Ay, put—” Nabitiwan ko ang hawak ko sa desk at muntik pa nga akong mapamura sa harap ng isang higher-up kung hindi lang natakpan agad ng kamay ko ang bibig ko.

Imbes na magalit sa naging reaksyon ko, mukhang natuwa pa nga siya. “O, bakit?” nangingiti niyang sabi. “Anong problema?”

Napakurap-kurap ang nanlaki kong mga mata. “L-Lubricant?” ulit ko sa sinabi niya habang nakatakip sa bibig. “Para saan ho?”

Namamagang lalamunan ang problema ko, bakit niya ako binibigyan ng lubricant?

“Ay, hindi mo alam?” Pinulot niya ang pulang sachet at itinapat ito sa mukha ko. “Iho, ito ’yong pinapahid sa ano bago—”

“Alam ko ho, alam ko ho,” mabilis kong sagot habang iwinawasiwas ang mga kamay. “Ibig ko hong sabihin, b-bakit n’yo ho ako binibigyan niyan? Hindi ho ako—”

“Handa,” dugtong niya. “Hindi ka pa handa. Alam ko, iho, don’t you worry.” Hinawakan niya ang kanang kamay ko at inalapag ito sa desk patihaya, pagkatapos ay inilapag ang pulang sachet sa palad ko. “Kaya nga kita binibigyan nito para handa ka sa oras na sumabak ka sa bakbakan.”

“Pero—”

“Wait,” pagputol niya habang nakataas ang isang kamay. Pagkatapos ay meron siyang dinukot sa bulsa ng camo pants niya—isa pang pulang sachet. Nang makuha iyon ay idinagdag niya iyon sa palad ko. “Ayan, dinagdagan ko pa ng isa in case na mabitin kayo ng top mo. Galing mismo ’yan sa bulsa ko, hindi sa bulsa ng gobyerno.”

“Ma’am—”

“Shh, no need na, iho.” Winasiwas niya ang kamay niya sa ere habang nangingiti. “’Di mo na kailangang magpasalamat sa ’kin.” Sabay hawak sa kamay ko at tiniklop ang mga daliri ko kahit na labag sa loob ko. “Sabi ko nga kanina, nakikita ko ang anak ko sa ’yo,” saad niya. “Kaya itong ginagawa ko, isipin mo na lang na kawang-gawa ’to.”

Inusog ko ang nakasara kong kamay pero agad din niya itong inusog pabalik sa ’kin.

“Sa ’yo na ’yan, iho.” Tumango-tango siya nang may mapupungay na mga mata, na para bang ang laki ng utang na loob ko sa kaniya. “Basta, ang mapapayo ko lang… Bago isuko ang Bataan, paluwagin ang—”

Hindi na natapos pa ang payo niya dahil agad din akong napatayo kaya nabitiwan niya ako. Sa inis, kumuyom na ang kamao kong may hawak na dalawang sachets ng lubricant. Halos pumutok na ang ugat ko sa ulo at muntik na naman akong mapamura kung hindi ko lang naitikom ang bibig ko.

“Ma’am, um, salamat ho, ah, pero kailangan ko nang umalis.” Nilingon ko ang glass door. “Um, meron ho ba kayong kapote?”

Hihiramin ko lang sana para makalabas na ako rito. Habang tumatagal kasi ay lalong sumasakit ang ulo ko sa kaniya. Kanina pa.

“K-Kapote? Kailangan mo rin ng kapote? Naku, iho, naubos na namin ng asawa ko.”

“Ho?” Bumalik ang tingin ko sa kaniya nang may halong pagtataka. “Ano ho?”

Nauubos ba ang kapote?

“Kung meron lang, bibigyan din sana kita.” Napatakip siya sa bibig at napabungisngis. “Kaya lang, naubos na namin ng mister ko. Hindi pa ako nakakalabas ng academy para bumili.” Natigil siya sa pagbungisngis nang iwasiwas ang kamay. “’Di bale, mukhang hindi n’yo naman yata kailangan ng top mo. Nag-undergo naman kayo ng medical exam bago pumasok dito, ’di ba? Mukha naman kayong malilinis. Basta lang, stick to one partner pareho para walang problema.”

Mas lalo lang sumidhi ang pagtataka ko. “Eh?”

Nawaksi ang ngiti niya nang makita ang gulong-gulo kong mukha. “Hindi ba ’yong kapote na sinusuot ’yong tinutukoy mo?”

Tumango-tango ako habang nakakunot ang noo.

“Ay!” Napatayo na rin siya at napahalakhak. “Hindi pala ’yon!” Itinulak niya ako sa balikat, at sa panghihina ng mga tuhod, muntik na akong matumba kung hindi lang napakapit sa gilid ng desk. “Ikaw naman kasi, hindi mo inaayos,” pabiro niyang sabi. “Wala… Wala akong kapote, iho. Naku, naiwan ko nga rin sa quarters namin. Kung alam ko lang na uulan, dinala ko na sana.”

Lintik na ’yan.

Stuck na ako rito kasama siya.

“Ah, gano’n ho?” sabi ko. Sa likod ng pilit na ngiti ko ay ang kagustuhan na itulak din siya pabalik—’yong ubod-lalas, ’yong tipong titilapon siya sa shelf cabinet sa likuran at mababagsakan ng mga folder.

“Oo, eh, sorry.” Isinara niya na ang folder ko at pinatayo ito sa desk. “Bakit ’di muna tayo magkuwentuhan habang nagpapatila ka ng ulan?” mungkahi niya. “Na-miss ko na rin kasing may kausap na… alam mo na .”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig kahit hindi pa nga ako nababasa ng ulan. Kaya ko nga gustong lumabas para matakasan na ang bibig niya, tapos…

“Kuwentuhan mo naman ako kung gaano kahaba ang top—”

“Aray,” bigla kong daing. Napahawak ako sa ulo at nagkunwaring sumakit ito kahit kanina pa naman talaga masakit.

“O, bakit?”

“Mukhang kailangan ko pa po yatang magpahinga,” pabatid ko habang nangangasim ang mukha. “Ang sakit…”

“Ah, gano’n ba?” pagkalungkot niya. “O, siya… sige, sige, magpahinga ka na muna ulit. Uminom ka na rin pala ng gamot para humupa na ’yang lagnat mo.” May itinuro siya bandang kaliwang-likuran niya, sa tabi ng cabinet. “Ayon lang ’yong tubig, iho.”

“S-Salamat ho…” Kinuha ko na ang mga gamot ko at isa-isang isinilid sa bulsa ng pantalon ko, pagkatapos ay tinungo iyon.

Sa ibabaw ng bottom load water dispenser ay mayroon nang supot ng paper cups na nakapatong kaya iyon na rin ang ginamit ko para uminom. Habang pinupuno ng tubig ang paper cup ay hindi ko maiwasang pagmasdan si Ma’am na kasalukuyang inilalagay ang folder ko sa shelf cabinet. Isinalansan niya iyon sa may bandang gitna kung saan may nakasulat na ‘J-L’ label.

Nang mapansin ako, agad akong napaiwas ng tingin at nagkunwaring walang nakita. Hindi rin naman ako nagtagal sa water dispenser at baka ay simulan niya na naman akong daldalin. Uminom na agad ako ng paracetamol at pagkatapos ay naglakad pabalik sa pinakadulong higaan. Sinundan lang ako ng tingin ng nurse habang tumatagos naman ang tingin ko papunta sa shelf cabinet sa likuran nito.

Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi nito kanina tungkol sa ginawang misdiagnosis ng naunang nurse. Kung ano iyon, mukhang nandoon mismo ang sagot.

Ngumiti lang ang nurse. Ngumiti rin ako pabalik, pero siyempre pilit. Pagtalikod sa kaniya, agad din itong nabura sa labi ko at napalitan ng pag-uusok ng ilong at tenga.

Kuhang-kuha niya rin ang inis ko.

Balik sa loob ng pinakadulong higaan, napagdesisyunan ko nang itapon ang mga ibinigay na pulang sachet sa akin ng nurse nang mapansin ko ang maliit na trash can, kadikit lang ng side table sa tabi ng kama.

Gigil na gigil ako habang nakatitig sa mga pulang sachet sa loob ng trash can.

Tinutulad niya ako sa anak niya…

Hindi ako bottom kung ano man ’yon!

“Ma’am,” pamilyar na boses ng isang lalake galing sa malayo—mukhang sa entrance.

“O, iho, nakabalik ka na pala,” boses ng nurse. “Pagkain ba ’yang mga dala mo?”

“Oho, Ma’am,” sagot ng lalakeng may guwapong boses. “Ipinagdala ko na rin ho kayo kasi baka nagugutom na rin kayo.”

“Naku, iho, nag-abala ka pa,” may halong tuwang sabi ni Ma’am. “Pero salamat at dinal’han mo rin ako at ’di ako makalabas. Kita mo ’yan, o, sobrang lakas ng ulan.”

“Walang anuman ho,” sagot ni Duke. “Siya nga ho pala, gising na ho ba si Chinito?”

Bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig.

“Ay, oo. Nakainom na rin ng gamot. Kaya lang, may lagnat pa rin. Kaya nga hindi ko pinapaalis kahit nagpupumilit lumabas.”

“Asan na ho siya?”

“Andon sa pinakadulo.”

“Sige ho. Salamat ho, Ma’am.”

“Salamat din sa pagkain, iho.”

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang mga yabag na gawa ng mga bota. Umupo ako sa gilid ng kama at dali-daling hinubad ang mga sapatos ko. Pagkatapos ay humiga na ako patihaya sa kama at pinagpatong ang mga kamay sa dibdib. Habang nakahiga, pikit ang isang mata kong sinilip ang maliit na awang sa gilid ng kurtina. Hanggang sa may makita akong kamay na humawak doon kaya tuluyan ko nang isinara ang mga mata ko.

Kasabay ng lalong pagbilis ng tibok ng puso ko ay siya ring lalong paglakas ng mga yabag, na sa huli ay huminto bandang gilid ng kama. Hindi ko alam kung bakit ko ba ginagawa ’to—nagkukunwaring tulog. Para akong bata. Pero kasi, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin pagkatapos ng nangyari sa amin kaninang umaga lang.

“Sabi, gising na,” may halong pagtatakang sambit ni Duke. “Natulog kaya ulit?”

Nagkunwari akong humihilik.

Sunod kong narinig ang paglapag ng tila isang metal na bagay sa side table. Parang napagalaw pa nga ang mga mata kong nakasara dahil doon, pero nakontrol din.

“Um…” sabi niya. “Jaxon…”

Pero tuloy-tuloy lang ako sa paghilik.

“Jaxon…” Naramdaman ko ang paghawak ng kamay niya sa braso ko, sabay maingat akong niyugyog. “Gising na… Kakain na.”

Mas lalo lang tumindi ang paghilik ko.

“Tulog ba talaga ’to?” pagdududa niya na.

Hindi ko alam kung nasobrahan ako sa ginagawang pagkukunwari dahil parang hindi siya naniniwala. Pero napanatag na lang ang loob ko nang bitiwan niya na ang braso ko. Akala ko ay napaniwala ko na siya. Akala ko ay lulubayan niya na ako. Pero nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa. Hinawakan niya lang naman ang ibaba kong labi at mayroon siyang sinabi…

“Jaxon, hindi sa nagbabanta ako sa ’yo pero… kapag hindi ka pa gumising sa bilang ng lima, hahalikan na kita.”

Napaurong bigla ang hilik ko sa narinig.

“Isa…”

Puta, nagbibiro ba siya?!

“Dalawa…”

At bakit ba lagi niya akong binibilangan?!

“Tatlo…”

At bakit parang may unti-unting lumalapit sa mukha ko?!

“Apat…”

’Tang ina! Hindi siya nagbibiro!

“Lim—”

Pagmulat ko, nagulat na lang ako nang makita ang mukha niyang halos ilang pulgada na lang ang layo sa akin. Nag-init ang buong mukha ko sa paraan ng pagtitig niya sa labi ko na para bang susunggaban ito kung natapos lang siya sa pagbibilang. Agad ko naman siyang hinawakan sa makapal niyang dibdib at itinulak palayo, dahilan para mabitiwan niya ang labi ko.

“’Tang ina, anong ginagawa mo?” mahina kong tanong at baka ay may makarinig.

Kusa naman siyang napaatras at umayos ng tindig, pinunasan ang dulo ng ilong, saka umiling at parang napapangiti pa nga. “Tinitingnan ko lang kung tulog ka talaga.”

Inahon ko na ang itaas na katawan ko sa kama. “Hindi mo kailangang gawin ’yon.”

Bumalik ang mapagbiro niyang mga mata sa akin. “Eh, ayaw mo kasing magpagising.”

Ako naman ang umiling ngayon at baka mapansin niya ang pamumula ng mukha ko, ramdam ko kasi ang lubhang pag-iinit nito. “K-Kahit na… pareho tayong lalake.”

“Pagkatapos ng nangyari sa ’tin kagabi, ’yan pa rin ang iniisip mo?”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Nangyari?” Umigting ang panga ko. “Walang nangyari sa ’tin, Duke. Baka nakakalimutan mo na… Ginawa ko lang ’yon para sa kaibigan ko.”

Sumeryoso ang mukha niya dahil sa sinabi ko, bahagyang nalungkot. “Galit ka pa rin.”

Yumuko ako at natahimik.

Hindi niya ako naiintindihan.

May dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

“Ah, nga pala… dinalhan kita ng pagkain.”

Sinundan ko siya ng tingin nang tumungo siya sa side table sa tabi ko. Dito ay nakita kong binuksan niya ang two-layer stainless steel lunch box kung saan nakalagay ang umuusok pang kanin sa unang lalagyan at ang ulam na may sabaw naman sa ikalawa. Napalunok ako nang maamoy ito.

Tinola…

Tinola pa talaga…

’Yong paborito ko pang ulam.

“Hindi ako nagugutom,” mariin kong sabi.

Nang lingunin niya ako, agad akong napaiwas ng tingin.

“Alam kong gutom ka na. Hindi ka nakapag-umagahan at tanghalian.”

“Hindi nga ako nagu—” Bago pa man ako matapos sa sasabihin, bigla na lang tumunog ang tiyan ko. “—gutom.”

Nagsalubong ang mga kilay ko.

’Lang hiyang tiyan ’to, tinatraydor ako.

Dinig ko ang pagngisi niya. “Mukhang iba ang sinasabi ng tiyan mo, chinito.”

Hindi na ako nakapagsalita pa. Bagkus ay napasinghap na lang nang muling tingnan ang mga pagkain sa side table. Napadila.

Hindi nagtagal, natapos na rin siya sa paghahanda maging ng mga kubyertos.

“Usog ka nga onti,” utos niya.

“Bakit?” maangas kong tanong habang nakatingala sa guwapo niyang mukha.

“Uupo ako sa tabi mo,” pagbibigay-alam niya. “Paano kita masusubuan ng pagkain?”

“M-Masusubuan?” Kumurap-kurap ako. “Ha. Anong akala mo sa ’kin, bata?”

“Oo, gano’n pa rin ang tingin ko sa ’yo.”

Ngumiwi ako. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin sa sagot niyang iyon.

“Umusog ka para makaupo ako,” ulit niya. “Kung ayaw mo, sa ’kin ka uupo.”

Kusa akong napausog dahil sa narinig.

“Good boy,” sabi niya pag-upo sa tabi ko. “Madali ka lang palang mapasunod.”

Wala akong masabi kundi, “Ha.”

Nang tangkang kukunin niya na ang kutsara, napahawak ako sa braso niya.

“Ibigay mo na lang sa ’kin ang pagkain. Ako na ang magsusubo sa sarili ko,” wika ko. “Hindi ko kailangan ang kamay mo. May… May kamay rin ako, Duke.”

Pinagmasdan niya ang kamay kong hindi matigil sa panginginig gawa pa rin ng hindi pa humuhupang lagnat. Hindi man niya masabi, alam kong hindi siya naniniwala sa akin kaya agad ko rin siyang binitiwan.

Ngumisi lang siya at tumuloy sa ginagawa habang ako naman ay nakaiwas ng tingin.

’Lang hiya talagang katawan ’to.

“Kain na tayo,” aniya. Pagbaling sa kaniya, kita kong sumalok na siya ng sabaw at ibinuhos iyon sa kanin. Sinamahan niya na rin ng katiting na piraso ng manok. “Bagay ’to sa ’yo kasi masakit ang lalamunan mo.”

“Masakit dahil sa ginawa mo.”

“Alam ko, chinito. Kaya nga nag-sorry ako,” sabi niya habang maingat na itinataas ang kutsarang may laman. Pahapyaw niyang isinubo ang kutsara. At nang malamang mainit pa ang pagkain, hinipan niya ito.

“’Lang hiya, hindi ko kakainin ’yan, may laway mo na, eh,” daing ko.

Sandali siyang natigil sa pag-ihip at may halong sama akong tiningnan. “Ang arte naman. Natikman ko na nga laway mo. Ano naman kung matitikman mo rin sa ’kin?”

Nanlaki ang mga butas ng ilong ko. “Hindi ko naman sinabing gawin mo ’yon, ah.”

“Oo na. Tahan na.” Inilapit niya ang kutsara sa bibig ko. “Subo na, chinito.”

Pinagdikit ko ang mga labi ko bilang protesta. Hindi naman siya natuwa sa ginawa ko dahil dumilim ang mukha niya

“Isubo mo ’to,” bigkas niya nang may halong banta, “kundi iba isusubo ko sa ’yo.”

“A—?” Bago pa man lumabas ang mga salitang ‘Anong sabi mo?’ sa bibig ko ay agad itong naudlot nang mapasukan ng kutsara. Nang mailagay ang pagkain sa loob ay saka niya iyon hinugot palabas.

“’Yan, very good.”

“ ’Pang ima, “ bulol kong mura dahil punong-puno ang bibig. “ Anklamoskn— “

“Shh.” Idinikit niya ang hintuturo niya sa bibig ko kaya napasara ito nang wala sa oras. “Don’t talk when your mouth is full.”

Pagkatapos akong patahimikin ay dinampot niya ang mumo ng kanin na naiwan sa gilid ng bibig ko. Akala ko ay itatapon niya lang iyon sa sahig, pero laking gulat ko na lang nang bigla niya iyong isinubo na parang normal lang ito.

Napatulala lang ako sa ginawa niya.

Siya rin naman, nang magtagal ang pagkain sa loob ng bibig ko ay unti-unti ko itong nalasahan. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Animo’y nagbalik ako sa gabing nilutuan ako ni Mom ng parehong ulam isang araw matapos pumanaw ng aso kong si Hershey. Tanda ko pa noon, halos wala rin akong ganang kumain. Ngunit nang malasahan ang masarap na luto ni Mom, nagkaroon ako ng lakas na ngumuya. At gano’n nga rin ang ginagawa ko ngayon.

Sunod na inilapit sa akin ni Duke ang lalagyan ng ulam. “Higop ka rin ng sabaw,” mungkahi niya. “Kailangan mo nito.”

Magkasalubong man ang mga kilay ay kusang napabuka ang bibig ko habang nakalapag lang ang mga kamay sa mga hita.

“ Gmgawaklangtkasi—“

Agad din akong natahimik matapos niyang subuan. Pagtama ng sabaw ng tinola sa dila ko ay mas lalong nanuot ang lasa nito. Mas lalo ring naging madali sa akin na ngumuya kahit masakit sa ngalangala dahil naging malambot ang kanin sa loob. At paglunok, parang sandaling napawi ang sakit ng lalamunan ko nang bahagyang mainitan.

Hindi nagtagal, hindi ko namalayang nakarami na pala ako ng kain. At nang mabusog sa wakas, si Duke na mismo ang umubos ng mga tira-tira. Ni wala man lang siyang takot na mahawaan ng lagnat ko dahil iisang kutsara lang ang gamit namin. ’Di bale, mukha naman siyang malakas.

Nang matapos sa pagkain, pinainom niya na ako ng tubig sa canteen niya—tawag sa kulay lumot na lalagyan namin ng tubig. Hindi ko na rin napigilang dumighay. At sa hindi maipaliwanag, bigla siyang napangiti.

“Mukhang nasarapan ka, ah,” sambit niya. Siya naman ang sunod na uminom ng tubig.

Hindi ko pa rin binibitiwan ang galit sa mga kilay ko. “Hindi, sakto lang ang lasa.”

Hindi ko lang masabi sa kaniya pero sobrang nasarapan ako sa pagkain. Kung nandito lang si Mom, iisipin kong siya ang nagluto niyon. Pero himala, bigla yatang nagkalasa ang luto sa mess hall na madalas ireklamo ni Mark. Sino kaya ang nagluto?

“Luto ko ’yon,” ani Duke matapos lumagok ng tubig. “Akala ko nagustuhan mo.”

May halong lungkot sa mga mata niya nang ilapag ang water canteen sa side table.

“Ha?” Kumurap-kurap ako. “Seryoso?”

Pinunasan niya ang mamasa-masa niyang mga labi. “Oo. Tumulong ako sa galley. Kasi ’pag hindi, baka hindi ka makakain nang marami.” Umiwas siya ng tingin. “Kaya lang, parang ’di mo nagustuhan.”

Hindi ako makapaniwalang luto niya ’yon.

“Ha.” Ngumisi ako. “Nagbibiro ka lang.”

Hindi talaga. Pero hindi nagsisinungaling ang mga mata niya nang tingnan ako.

Tumayo na siya para ligpitin ang mga pinagkainan sa table. “Nilutuan ka na nga ng paborito mo, ayaw mo pang maniwala.”

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. “P-Paano mo nalaman ang paborito ko?”

Sandali siyang natigilan sa ginagawa. At sa hindi maipaliwanag, para siyang napipi at hindi niya rin ako magawang tingnan.

Natagalan bago siya tuluyang nakasagot.

“Um, naitanong ko lang noon sa kuya mo.”

At sa sagot niyang iyon ay mas lalo lang akong nagtaka. Kung bakit pati mga mumunting bagay tungkol sa ’kin ay tila inaalam niya na noon pa lang kahit hindi pa naman kami nagkakatagpo, at kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito sa kasalukuyan, ito ang gusto kong malaman.

“At bakit? Ano mo ba ako?”

Katahimikan.

Tanging katahimikan ang nanaig pagkatapos ng tanong kong iyon.

At walang ibang maririnig kundi ang tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan.

Chapter 22

Sumapit na lang ang curfew hours at hindi pa rin tumitila ang lintik na ulan. At ang lintik na Duke, pinahiram lang naman ang kaisa-isang kapote na ginamit niya papunta rito sa nurse na kahawig ni Pokwang. Dinig ko pa nga ang naging usapan nila habang umiihi ako sa loob ng banyo ng infirmary.

“Iho, sigurado ka bang puwede kong gamitin ang kapote mo?” boses ng nurse. “Wala kang gagamatin paglabas.”

“Dito na lang ho kami matutulog,” paalam ni Duke. “Puwede ho ba?”

“Sigurado ba kayo?” tanong naman ng nurse. “Kayong dalawa lang dito.”

“Wala hong problema,” sagot ni Duke. “Pareho naman ho kaming lalake.”

“Ay, ’yon na nga ang problema,” ang sabi ng nurse. “’Di ka sigurado.”

Nagtagis ang mga ngipin ko sa narinig.

“Pero puwede naman kayong magpalipas ng gabi rito. Bukas ng madaling-araw, babalik din agad ako. Sadyang ’di lang kasi ako sanay na matulog dito kahit na maraming higaan,” ani Ma’am. “’Yon nga lang, wala kayong kumot na gagamitin. Puro nabasa kasi ng ulan sa sampayan kaninang tanghali matapos i-washing. Malamig pa naman dito ’pag hatinggabi. Lalo na ngayon, ang lakas-lakas ng ulan.”

“Mas okay nga ho ’yon,” ani Duke. “Salamat ho, Ma’am.”

“Sa ’yo kamo, maraming salamat at pinahiram mo ako ng kapote mo. At salamat din sa pagkain. Nabusog ako.”

“Walang anuman ho. Mag-iingat ho kayo.”

“Ikaw kamo ang mag-iingat sa kasama mo. Mukhang type ka yata base sa mga sinabi niya kanina tungkol sa ’yo.”

Lintik na nurse ’to. Mukhang balak pa akong ibuko.

Natigil ako sa pag-ihi at napapagpag nang wala sa oras.

“Bakit? Ano ho bang mga sinabi niya?”

“Ah, ano ka raw… matangkad… moreno… tsaka guwa—”

Agad na naputol sa pagsasalita ang nurse nang marinig ang pagbukas ng pinto ng banyo at nang makita akong lumabas.

“Guwa—ra,“pag-iba nito sa sinasabi. “ Gora … Ayon na nga, gogora na ako. Goodbye, cadets. See you tomorrow.”

Sumaludo naman kami ni Duke sa kaniya.

“Goodbye, Ma’am,” sabay naming tugon.

Sumaludo rin ito pabalik bilang panapos.

Suot ang kapote, lumabas na ito ng infirmary, hanggang sa kaming dalawa na lang ni Duke ang natira sa loob.

Pagharap sa akin ni Duke—na ngayon ay nakatayo sa tapat ng saradong glass door—napakamot siya sa kilay habang nakahawak ang isang kamay sa baywang. Bahagyang nakababa man ang mukha, alam kong nangingiti siya. “May… May sinabi ka raw tungkol sa ’kin?” usisa niya.

Napahalukipkip ako at umiwas ng tingin, saka sinipsip ang pagitan ng dalawang itaas ng ngipin. “Ina kasing nurse ’yan…” bulong ko sa hangin sa sobrang inis.

“Ano ulit tawag mo sa ’kin?” wika ni Duke. “Matangkad? Moreno? Tsaka g—?”

“Gago,” dugtong ko pagbalik ng matalim na tingin sa kaniya. “Sabi ko, gago ka.”

Imbes na mainsulto, napangiti pa siya. “Parang hindi ’yon ’yong narinig ko.”

Tulad ko ay napahalukipkip din siya habang naglalakad palapit sa akin. Humulma ang mga bisig niya sa suot niyang ACU jacket. At ngayon ko lang din napansin na mamasa-masa pa pala ang buhok niyang bahagyang nakabagsak. Mukhang nabasa siya ng ulan kanina.

“Gusto mo palang matulog dito,” pag-iba ko sa usapan. “Eh, ’di sana sa ’kin mo na lang pinahiram ang kapote mo para nakabalik na ako sa barracks namin.”

Huminto siya sa harap ko. Hindi pa rin nabubura ang katiting na ngiti sa labi niya. “Bakit?” sabi niya. “Ayaw mo bang makatabing matulog ang isang matangkad, moreno, at guwa—?”

“Puwede ba?” Tumabingi ang ulo ko sa sobrang inis. “Wala akong sinasabing kahit ano sa nurse na ’yon tungkol sa ’yo. Masyado kang mapapaniwalain.” Binasa ko ang mga labi ko. “At isa pa, sinong nagsabing magkatabi tayong matutulog? Ang taas din ng tingin mo sa sarili mo, ’no?” Umiling ako. “Akala mo kung sino kang guwapo.”

Nanlaki ang mga mata ko sa huling salitang nabitiwan ko. ’Lang hiya, nadulas ako… Nadulas ang dila ko!

Sandaling katahimikan.

Maya-maya pa, narinig ko na lang ang pagngisi niya. Hindi nga yata ngisi, dahil nang marahan ko siyang lingunin, kita kong bumubukol na ang mga pisngi niya sa sobrang lapad ng ngiti niya.

“Um…” Lumunok ako, hindi alam ang sunod na sasabihin. Pero ramdam kong nag-iinit na ang mga pisngi ko, at alam kong hindi lang ito dahil sa lagnat.

Sa sobrang hiya sa sarili, agad ko siyang tinalikuran at may pagmamadali akong naglakad patungo sa pinakadulong higaan. Sumunod naman siya sa akin.

“Ano ulit ako?” pabiro niyang tono.

Mas lalo kong binilisan ang paglalakad kahit nanghihina pa rin ang mga tuhod.

“Chinito, ano nga ulit ako?” pangungulit niya.

Suminghot ako. “Gago.”

“Hindi ’yon ’yong narinig ko, eh, sigurado ako.”

Nang marating ang pinakadulong higaan ay pumasok na ako sa loob nito at isinara ang cubicle privacy curtain. Nang tinangka niya itong buksan, hinawakan ko ang gilid ng kurtina at hinila ito pasara para hindi siya makapasok.

“Diyan ka lang sa labas,” mariin kong sabi. “Higaan ko ’to.”

“Higaan natin?” saad niya.

Pansin kong lumalabas ang kakulitan niya. Porke’t kaming dalawa lang ang nandito ngayon at porke’t may narinig lang siya.

Pilit kong nilalabanan ang lakas niya. “Ang dami-daming higaan dito,” sambit ko. “Humanap ka ng matutulugan mo.”

Maya-maya pa ay natigil na rin siya sa tangkang pagbukas ng kurtina at natahimik. Makakahinga na sana ako nang maluwag. Kaya lang, paglingon sa kanan ko, kita kong bigla na lang bumukas ang kabilang gilid ng kurtina na naghihiwalay sa higaan ko at sa katabi nitong higaan.

May pagmamadali ko siyang pinigilan.

“A-Anong ginagawa mo?”

Pero sa sobrang lakas niya—hindi, mahina lang talaga ako ngayon dahil may sakit—ay kusang napabitiw ang kamay ko. Wala akong nagawa kundi ang panoorin siya.

“Huwag kang mag-alala,” sabi niya, “dito naman ako matutulog sa kabilang higaan.”

Kumunot ang noo ko. “’Yon naman pala. Eh, bakit kailangan mo pang buksan?”

Nang tuluyan nang mawala ang dibisyon ay hinarap niya na ako. Nagpamewang siya.

“Para kita kita,” sagot niya.

Nagsalubong ang mga kilay ko. “Ano?”

“At para kita mo ang kaguwapuhan ko.”

Nagpamewang ako at umiling, saka dinilaan ang itaas na labi. “Ha.” Mahina at pilit akong napatawa. “Kapal amputa.”

Parang lumalaki yata ang ulo niya.

Porke’t nabanggit ko lang na guwapo siya.

“Diyan ka lang, ah,” mapang-asar niyang wika. “Huwag kang lalagpas sa higaan mo ’pag tulog na ako.” Bumalik ang asar kong tingin sa mukha niya. “Sabi pa naman ng nurse, dapat daw akong mag-ingat sa ’yo.”

“Ha!” pangisi kong reaksyon, bahagyang tumabingi ang ulo. “Alam ba ng nurse na sa ’ting dalawa, ikaw ’tong mas delikado?”

Malamang hindi.

Kinukupal ako no’ng nurse na ’yon, eh.

“Nga pala, baka nilalamig ka. Payag naman akong tumabi ka sa ’kin,” tuloy niya. “Kung gusto mo, papainitin ko pa ang gabi mo.”

“Mas gugustuhin ko na lang na matulog sa labas kaysa tumabi sa ’yo,” buwelta ko.

Dahil hindi na kinaya pa ang kahibangan niya, napagdesisyunan ko nang hubarin ang mga sapatos ko at nahiga na ako sa kama. Patagilid ang naging higa ko at paharap sa kaniya, para kita ko lahat ng kilos niya.

“O, ba’t ganiyan ka makatingin?” tanong niya habang nakaupo sa kabilang kama at naghuhubad ng suot na bota. “Huwag mo sabihing may binabalak ka sa ’kin?”

Napahalukipkip ako habang nakahiga para hindi niya mahalatang nilalamig ako. “Kaya nga ako nakatingin sa ’yo kasi baka ikaw ’tong may binabalak. Subukan mo lang.”

“Sino ba ’tong may type raw sa ’kin?” pangisi niyang tugon.

Wala akong ibang masabi kundi, “Ha!”

Iyon lang. Kasi kahit ako ay hindi rin alam kung paano ko iyon itatanggi. Mabuti na lang at natapos na siya sa paghuhubad ng mga sapatos at nahiga na rin sa kama, kaya

agad na naputol ang usapan tungkol do’n.

Pagharap sa ’kin, napahalukipkip din siya at muling nagsimula ng usapan: “Anong gusto mo… lights on o lights off?”

Noong una ay nagdalawang-isip pa ako kung anong gusto niyang ipahiwatig, pero kinalaunan ay agad ko rin itong nakuha.

“Puwede ba?” sabi ko. “Wala akong balak makipag-se—”

“Paano ka matulog, lights on o lights off?” paglinaw niya sa tanong.

Napalunok ako at kumurap-kurap. “Bakit?”

Puta, mali lang pala ako ng pakakaintindi.

Tipid siyang ngumiti. “Tinatanong ko lang kasi ’di ako sanay matulog nang may ilaw.”

“Eh, ’di lights on. Huwag mo nang patayin.”

Kung saan siya mahihirapan, doon din ako.

“Bakit? Takot ka ba sa multo?” usisa niya.

“Hindi sa multo.” Ngumisi ako. “Sa ’yo.”

Lalong lumapad ang ngiti niya. “Iniisip mo talagang may gagawin akong masama sa ’yo, ’no? Kung meron, eh, ’di sana ginawa ko na habang wala kang malay kanina.”

Alin ang tinutukoy niya, ’yong oras na wala talaga akong malay pagkatapos mahimatay o ’yong pagtutulug-tulugan ko kanina?

“Sus. Kahit tulog pa ako, kayang-kaya kitang balibagin,” pagmamayabang ko.

“’Di mo nga kayang kumain mag-isa,” buwelta niya naman.

Natahimik ako at napasinghot habang matalim ang tingin na ibinabato sa kaniya. Pero imbes na masindak, tila nangingiti pa nga yata ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang banas kong mukha.

“Pero seryoso, takot ka nga sa multo?” pagbalik niya sa usapan.

“Hindi,” tuwid kong sagot. “Bata pa lang ako, hindi na ako naniniwala sa multo.”

Bahagyang tumaas ang kilay niya. “Bakit?”

Tumikhim ako. Kahit nagdadalawang-isip kung dapat ba akong magbahagi sa kaniya, ginawa ko pa rin dahil lang makulit siya. “Sabi kasi ni Dad sa ’min noon, kapag namatay raw ang kahit anong buhay sa mundo, wala nang pupuntahang kahit ano. Tuluyan lang maglalaho. Makakalimutan.”

Iyon ang sinabi ni Dad para matigil ako sa pagluluksa sa pumanaw kong aso noon.

“Eh, bakit nagulat ka sa gubat noon?” pabiro niyang tanong.

“Sinong hindi magugulat sa mukha mo?” seryoso kong sagot.

Napahalikhik siya.

“’Pag ako naging multo, ikaw una kong mumultuhin, para maniwala ka.”

“’Pag ako minulto mo, hinding-hindi ako matatakot sa ’yo.”

“Bakit? Kasi guwapo ako?”

“Hindi. Kasi hindi ka nakakatakot.”

Sumeryoso ang mukha niya.

“Talaga?” duda niya. “No’ng una mo akong nakita, hindi ka man lang natakot sa ’kin?”

“Hindi,” tipid kong sagot.

Iba ang naramdaman ko no’n.

“Bakit hindi? Samantalang nanginginig ang mga kasama mo,” pagbalik-tanaw niya.

Rason ko naman, “Kasi kulang ka sa angas.”

Natahimik lang siya.

“Alam mo ba—?”

“Hindi,” sabat ko. “Matulog ka na.”

Nanghihina na ang mga mata ko. Mukhang kailangan ko pang bumawi ng tulog. Pero kailangan ko munang paunahing matulog ’tong kasama ko. Mahirap na… Kaming dalawa lang pati rito. Baka may mangyari.

“Alam mo bang ikaw ang una kong hinanap no’ng gabing ’yon?” tuloy niya.

Sa narinig ay biglang nagising ang diwa ko.

“Ako?” Bahagyang kumunot ang noo ko.

“Oo, ikaw,” sagot niya. “Bago umalis ang kuya mo rito, meron siyang sinabi sa ’kin: ’Ngayong taon papasok ang kapatid ko sa academy. Hindi tulad ko, hindi siya magiging pabigat sa ’yo. Matapang si Jaxon… matikas… pero matigas ang ulo. Alam kong makikilala mo siya agad ’pag nagkita kayo. Suot niya rin ang relo. Duke, protektahan mo siya… tulad kung paano mo ako palaging pinoprotektahan.”

Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya at lumuwag ang pagkakahalukipkip ng mga braso ko. “S-Sinabi niya ’yon sa ’yo?”

Maingat siyang tumango.

“Tapos nakita kita…” tuloy niya. “Nando’n ka sa pinakadulo. Halos magkahawig kayo ng mukha ni Janus. Mas matapang nga lang ang mukha mo. At tama si Janus, matikas ka nga. Pero mas lalo akong naniwalang ikaw nga ’yon, hindi dahil sinabi mo ang apelyido mo, kundi dahil sa tigas ng ulo mo. Nagawa mo akong sagutin sa harap ng maraming tao. Hindi ka man lang natakot.”

Ayaw ko siyang paniwalaan, pero hindi nagsisinungaling ang mga mata niya.

Lumunok ako. “Kaya mo ba ako…?”

“Pinoprotektahan?” tumbok niya.

Tumango ako.

“Hindi…” sagot niya. “Hindi kita pinoprotektahan dahil sa kuya mo.”

“Kung gano’n, dahil ba ’yon sa nanalo ako sa pustahan nating dalawa sa banyo?”

“Mas lalong hindi,” tanggi niya. “Pakulo ko lang lahat ng ’yon. Inalam ko lang kung luluhod ka ba talaga sa harapan ko… kung tunay ka nga talagang lalake. Kahit naman matalo ka no’n, poprotektahan pa rin kita.”

Naputol ang paghinga ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon sa nalaman. ’Tang inang ’yan. Ginalingan ko pa naman no’n. Tapos pakulo lang pala lahat ng ’yon?

“Eh, kung gano’n, bakit mo ba ako pinoprotektahan? Bakit mo ba ginagawa lahat ng ’to? Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kanina pagkatapos kumain.”

Napangisi lang siya na may halong ngiti.

“Ano? Bakit ’di mo sabihin?”

“Matulog ka na.”

Sandaling nanaig ang katahimikan at ang malakas na buhos ng ulan. Kung kailan napapapikit na ang mga mata niya, saka naman nag-iba ang plano ko. Plano kong panatilihin siyang gising para marami pa akong maitanong sa kaniya. Hindi ko kasi matanggap na bigla na lang niyang tatapusin ang usapan nang gano’n na lang.

Ilang beses ko siyang tinanong tungkol kay Kuya, sa totoong nangyari noon, kung sino-sino ang mga dapat panagutin, pero tuluyan na siyang napapikit at umastang walang naririnig. Hindi ko alam, pero parang meron siyang iniiwasang mabanggit na tao o pangalan. Parang sinasadya niyang ilayo sa akin ang buong katotohanan.

Nang tumagal pa ay akala ko nga, multo na ang kinakausap ko dahil hindi na siya nagmulat pa ng mga mata at hindi na rin umiimik, hanggang sa ibalik ko na ang usapan tungkol sa kinatatakutan ko.

“Hindi multo…” muli kong panimula. “Hindi multo ang kinatatakutan ko.”

“Alam ko…” sagot niya naman habang nakapikit. “Alam ko kung saan ka takot.”

Bahagyang tumaas ang kilay ko. “Saan?”

Ngumiti lang siya at hindi sumagot.

Nang tila mamamatay na naman ang usapan, sinikap kong gisingin siya.

“Ikaw, ano bang kinatatakutan mo?”

Unti-unting nabura ang ngiti sa labi niya at marahang nagmulat ang mga mata niya. “Isang tao lang ang kinatatakutan ko…”

Lumunok ako. Ramdam ko pa rin ang pamamaga ng lalamunan ko, pero mas nanaig sa ’kin ang kagustuhan na mapawi ang pagtataka ko kaysa sakit nito. “Sino?”

Bumigat ang paghinga niya at tila malayo ang naabot ng paningin niya habang nakatulala. “Si…” sabi niya. “S-Si K—”

Hindi ako sigurado kung nautal ba siya o nasinok. Pero sigurado akong hindi niya nakumpleto ang pangalan ng taong ’yon.

Mas lalo lang akong nagtaka. “Sino?”

“H-Ha?” Pagkurap-kurap niya, para siyang natauhan at nagbasa siya ng mga labi.

“Sino kamo ang kinatatakutan mo?” ulit ko.

“Ah.” Muli siyang kumurap-kurap. “Wala.”

Ngumiwi ako. “Eh?”

“Anong oras na.” Bumalikwas siya ng higa sa kama niya at tinalikuran na ako. “Magpahinga ka na, chinito.”

“Hindi pa tayo tapos mag-usap, Duke.”

“Marami pang pagkakataon.”

At doon nagtapos ang pag-uusap namin.

Kahit anong ingay ang gawin ko, hindi na niya ako magawang lingunin. Kahit anong pangungulit ko, hindi na siya sumasagot. Nauna na nga talaga yata siyang matulog. Hanggang sa napapikit na lang din ako.

Sa huli, kuntento na akong meron akong nalaman… hindi lang tungkol kay Kuya… kundi maging sa kaniya. Nalaman kong ang kinatatakutan ng lahat ay mayroon din palang kinatatakutan. Ang tanong… sino?


Sa kalagitnaan ng gabi, muli akong dinalaw ng isang masamang panaginip. Nagbalik ako sa nakaraang ayoko nang balikan. Natagpuan ko ang bata kong sarili na naglalakad sa daan, hawak-hawak ang tali ng aso sa isang kamay. Pauwi na kami no’n.

Bughaw na bughaw ang langit. Sumasayaw ang mga sanga ng mga puno sa paligid. Banayad ang hangin na dumadampi sa balat ko. At hindi maalis ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ang masayang paglalakad ni Hershey sa tabi ko. Tahimik at payapa lang ang lahat sa simula.

Hanggang sa…

May narinig akong sipol mula sa likuran ko. Sa hindi maipaliwanag, nanindig ang mga balahibo ko. Binalot ako ng pangamba, na para bang may nagbabadyang trahedya. Sa marahang pagtalikod ko, isang lalake ang nagpakita. Meron itong hiwa sa kilay na konektado sa mahabang peklat sa noo.

Ngumiti ang lalake. Hindi ko batid kung anong klaseng ngiti iyon. At ngumiti rin ako pabalik bilang bati. Pero unti-unting nabura ang ngiti sa labi ko nang makita ang alaga nitong pit bull sa tabi nito… at nang bigla na lang nitong bitiwan ang tali niyon.

At hindi ko malilimutan ang sinabi nito…

“Kill.”

Hanggang sa naging kulay dugo ang lahat.

“Hershey!”

Naalimpungatan ako sa basag kong sigaw. Pagmulat ng mga mata, ramdam ko pa rin ang hindi matigil na pagkalabog ng dibdib ko. Hingal na hingal ako at mahigpit na nakayakap sa sarili sa sobrang pagkaginaw.

“Huwag kang iiyak,” paulit-ulit kong usal habang tinatapik-tapik ang mga balikat.

Nang makalma na ang paghinga ay saka lang pumasok sa ’kin na bumalik na ako sa kasalukuyan. Nandito ako. Wala na ang kinatatakutan ko. At nandito rin si Duke.

Mas lalong napanatag ang loob ko sa katotohanang hindi ako nag-iisa. Kahit sinanay kami ni Dad noon na huwag umasa sa iba, masaya akong meron akong kasama.

Naroon si Duke na mahimbing na natutulog sa kabilang kama habang nakaharap sa akin. Buti pa nga ito, mahaba ang suot na damit kaya hindi nilalamig.

Samantalang ako…

Sa isang punto, parang gusto ko na lang tuloy tumayo at lumipat sa kabilang kama at tabihan ito. Pero alam kong mali ang naiisip ko. Dala lang ’to ng kalungkutan.

Hinahanap ko lang siguro ang init galing sa mga mahal ko sa buhay. Ano na kayang lagay ni Mom? At nasaan na kaya si Kuya Janus ngayon? Naiisip din kaya nila ako?

Miss ko na sila.

At miss ko na rin ang yumao kong aso.

Sana nga ay totoo na lang na may multo para makita ko ito at mahingian ng tawad.

Hershey, patawad at hindi kita naprotektahan noon… Patawad at mahina pa ang amo mo noon… Naaalala pa rin kita hanggang ngayon.

Nang maramdamang nagtutubig na ang mga mata ko ay pinilit ko na lang na muling isara ang mga ito. Kahit giniginaw, tiniis ko ang lahat at bumalik na ako sa pagtulog, hiniling na sana gumaling na ako.

Titila rin ang ulan.

Mapapawi rin ang lahat ng sakit.


Kinalaunan, naramdaman ko na lang ang katawan kong unti-unting binabalot ng init. Na para bang mayroong yumakap sa akin, kaya natigil na ako sa panginginig.

Hindi na ako nagmulat pa dahil naisip kong baka ay guni-guni ko lang ang lahat. Baka ay pinaglalaruan lang ako ng isip ko. Baka ay dulot lang ito ng labis na pangungulila.

Hindi ako sigurado kung anong oras iyon nagsimula at kung gaano iyon katagal. Basta’t ang alam ko, iyon ang nagbigay sa akin ng kapahingahan sa gabing maginaw.

Chapter 23

Masarap ang naging gising ko kinabukasan. Pakiramdam ko ay nabawi ko na ang lakas ko matapos ang ilang araw na kulang ako sa tulog. Nawala na rin ang sakit ng ulo ko. Pero ramdam ko pa rin ang bahagyang pamamaga ng lalamunan ko.

Pag-ahon sa kama, nabahagian ako ng init na nagmumula sa sikat ng araw na tumatagos mula sa bintana sa likuran ko. Maluwag na akong nakakahinga. Hindi na rin umiikot ang paningin ko. Kaya nga napansin ko agad ang damit na nalaglag mula sa itaas kong katawan nang bumangon ako—isang ACU jacket.

Kunot-noo ko itong inalsa at binaliktad para tingnan ang apelyidong nakaburda sa harapang parte nito. At hindi ako makapaniwala sa nabasa ko:

MONTEMAYOR.

Si Duke…

Si Duke ang may-ari nito.

Paano kaya ito napunta sa ’kin?

Lumingon ako sa kanan ko at nakitang bakante na ngayon ang kabilang kama, na alam ko ay hinigaan ni Duke kagabi. Hanggang sa unti-unting nagbalik sa akin ang lahat… ’yong pakiramdam na bigla na lang akong nakaramdam ng init, na para bang may yumakap sa akin kagabi. Ito kaya ang dahilan? Dahil ikinumot ito sa ’kin ni Duke?

Lumunok ako.

Pakiramdam ko talaga ay totoong tao iyon dahil hindi naman gano’n kabigat ang ACU jacket. At parang may muscles pa nga akong naramdaman. ’Di bale, ang mahalaga, mukhang humupa na ang lagnat ko at siguradong wala na ring ulan. Puwede na ulit akong bumalik sa training…

Training?!

Agad kong itinabi ang ACU jacket ni Duke at dali-daling tiningnan ang suot kong relo. Gano’n na lang ang pagkagulat ko sa sunod kong nakita. “Anak ng!” bulalas ko nang mapag-alamang 0830 na.

Kaya pala hindi ko na makita rito si Duke.

’Lang hiya, hindi niya man lang ako ginising!

Kasabay ng panlalaki ng mga mata ay dali-dali akong bumaba sa kama at nagsuot ng mga sapatos. Patakbo pa lang sana ako palabas nang biglang may sumulpot pagbukas ko ng kurtina.

“Ay, bakla ka!” bulalas ng nurse na sumalubong sa ’kin, sabay hawak sa dibdib.

“Ay, put—!” naudlot ko namang mura nang parang mapatalon ako sa gulat.

Para akong nakakita ng multo at parang nalaglag ang puso ko. ’Lang hiyang nurse ’to, balak pa yata akong bigyan ng sakit sa puso… kung kailan magaling na ako.

“Ano ka ba…” natatawang wika ng nurse nang mahinang hampasin ako sa dibdib. “Nagulat ako sa ’yo.”

“M-Ma’am,” hingal kong tawag sa kaniya. Habang hinahabol ang paghinga, tumindig ako at sumaludo sa kaniya. “Good… Good morning, Ma’am.”

“Morning.” Pumikit siya sandali. “Hay, ’yong puso ko.”

Ang arte, eh, ako nga ’tong nagulat sa mukha niya.

Sa muling pagmulat niya, sinabi niya, “Saan ka ba pupunta, iho, at parang madaling-madali ka?”

Binasa ko ang mga labi ko. “Um, sa… sa training ho.”

“Training?” ulit niya. “Ah.” Nahabol niya na rin sa wakas ang paghinga niya. “Walang training ngayon, iho.”

“Ho? Bakit ho?” Kumunot ang noo ko at sandali akong lumingon patalikod sa bintana. “Wala naman na hong ulan, ah.”

“Hindi,” sagot niya. “Ikaw lang.”

Bumalik ang tingin ko sa kaniya, mas lalong kumunot ang noo. “Ho?”

“Exempted ka ngayong araw sa training, iho,” aniya. “Huwag kang mag-alala, sumulat na ako ng excuse letter. Kaya nga kita pinuntahan dito kasi gusto kong malaman kung gising ka na, para masabi ko agad sa ’yo. Tapos, ginulat mo naman ako.”

Binasa ko ang mga labi ko. “Um, okay naman na ho ako. Sino hong nagdesisyon na…?”

“’Yong kasama mo,” banggit niya. “Si First-Class Moreno—este, Montemayor.”

“Ho?”

Bakit nagdedesisyon si Duke para sa ’kin? Katawan ko ’to, eh. Alam ko kung kaya ko o hindi. Hindi man lang muna ako no’n kinonsulta. Magmumukha akong mahina nito, eh, sa mata ng ibang mga plebo.

“Sabi niya, kailangan mo pa raw ng mahabang pahinga. Nga pala, dinalhan ka rin niya ng umagahan kani-kanina lang.” Ngumuso ang nurse sa likod ko. “Ayon, o.”

Paglingon ulit patalikod, saka ko lang napansin ang lunch box sa side table.

“O, siya, kumain ka na muna bago ka lumabas dito sa infirmary, para makainom ka na ulit ng gamot sa sakit ng lalamunan. Mukhang wala ka naman nang lagnat kasi hindi ka na namumutla,” anang nurse. “Pagkatapos, punta ka lang sa desk ko para makapag-usap tayo. Kuwentuhan mo ako.”

Asa naman ang nurse na ’to na gusto ko siyang kausapin. Hindi ko na siya pinansin pa dahil mas napukaw ang atensyon ko sa tila sticky note na nakadikit sa takip ng lunch box. Nilapitan ko iyon at tinanggal sa pagkakadikit, saka binasa ang nakasulat.

Napangisi ako sa una kong nabasa.

“To Chinito…

“Eat well.”

Pero mas lalong lumapad ang ngisi ko sa sumunod.

“From Guwapito…” sabi sa sulat na may kasamang smiley emoticon.

Hanggang sa hindi ko namalayang nauuwi na pala ang pagngisi ko sa pagngiti, kaya pinaypay ko ang mukha ko na akala mo’y nadapuan ng langaw para agad itong mawaksi. Napasapo ako sa noo ko at yumuko, hindi makapaniwalang malaki ang naging epekto sa ’kin ng ganito kasimpleng sulat, kahit na noon pa man ay madalas na akong nakakatanggap ng mga tulad nito mula sa mga babaeng nagkakagusto sa ’kin.

’Lang hiya naman, o.

Mukhang mapapasubo na naman ako…

Ng pagkain.


Hindi tulad kagabi, sopas ang pinadalang pagkain sa akin ni Duke ngayong umaga. At kahit walang kanin, busog na busog talaga ako dahil sa sarap ng timpla nito.

Oo na, naniniwala na akong siya nga ang nagluto nito. Kasi hindi naman ganito kasarap magluto ang mga mess officer dito, eh—tawag sa mga tagaluto sa galley.

Daig niya pa ako sa mga ganitong bagay. Parang puwede na nga siyang maging haligi ng tahanan. ’Di bale, mukhang wala naman yata siyang balak mag-asawa. Mukha nga yatang wala pa siyang nagiging girlfriend, eh. Sus, sayang lang ang itsura.

“Tsk, tsk, tsk,” sabi ko pagkatapos uminom ng pinaghalong tubig at oral rehydration salt. Sa naiwang lasa nito sa bibig ko ay nakaramdam tuloy ako ng pagkaduwal.

“Ugh..”

’Lang hiya, naaalala ko rito ’yong lasa ng semilya ni Duke—maalat-alat na manamis-namis. Dahil sumagi sa isip ko, bumalik din tuloy sa akin ang pakiramdam na nabibilaukan ako dahil sa kahabaan ni Duke. Napahawak ako sa leeg ko nang maramdamang parang masusuka na ako.

“Ecccch! “

Agad akong napatayo at tinungo ang trash can sa tabi ng side table. Isinandal ko ang isa kong kamay sa pader at yumuko ako, hanggang sa tumulo ang naisuka kong asido pabagsak sa loob ng trash can. Mga ilang saglit lang, may napansin ako.

“O?” Nanlaki ang mga mata ko.

Mas lalo pa akong yumuko para kumpirmahin kung tama ba itong nakikita ng dalawang mata ko. At nang makumpirmang tama nga ako, kumunot na ang noo ko. Wala na ang mga itinapon ko rito kagabi lang—’yong dalawang pulang sachets na ibinigay sa akin ng nurse.

Kumurap-kurap ako.

Sigurado akong dito ko itinapon ang mga ’yon.

Saan na napunta?


Bandang 1030 nang ma-discharge ako sa infirmary. Masaya na sana akong nagawa ko nang makalaya mula sa bibig ng nurse na walang humpay ang tanong kung may nangyari ba sa amin ni First-Class Moreno (bansag niya kay Duke kahit hindi iyon ang apelyido nito), at panay tanggi naman ako na wala at hindi ako tulad ng iniisip niya. Pero siyempre, hindi siya naniniwala. Kaya lang, napagtanto kong meron din pala akong mahalagang bagay na nakalimutan…

Sa sobrang sarap ng tulog ko kagabi, nakalimutan kong i-check ang file ni Kuya! ’Tang ina, saka lang pumasok sa isip ko kung kailan naglalakad na ako pabalik sa barracks namin! Ang tanga ko, puta! Iyon na sana ang tamang pagkakataon dahil walang bantay sa desk kagabi, tapos…

Hay, ’tang ina talaga.

Hindi ko na tuloy alam kung magkakaroon pa ulit ako ng pagkakataong makabalik doon. Liban na lang kung muli na naman akong magkakaroon ng sakit sa lalamunan. O kung may mangyayaring mas malala pa.

’Lang hiya, nagsitayuan ang mga balahibo ko bigla. Kung ano-ano naiisip ko. Para namang may dahilan para muli akong isugod sa infirmary sa hinaharap, ’di ba? Para namang may mas lalala pa sa magang lalamunan? Para namang mapapasukan—?

Kusa akong napahinto sa paglalakad.

Napatulala ako sa hangin nang maalala ang sinabi ng nurse kahapon… na bottom daw ako. ’Tang ina, paano kung totoo ’yon?! P-Paano ko ba malalaman?

Marahas kong iniling-iling ang ulo ko nang tumuloy ako sa paglalakad. “Hindi,” bulong ko sa hangin. “Hindi, ’tang ina. Hindi nga ako bakla, bottom pa kaya.” Hindi matigil sa pagtagis ang mga ngipin ko na para bang may kaaway akong hindi nakikita. “Ina kasing nurse ’yan, nilalason isip ko.”

Pagtitinginan tuloy ako ng mga kadeteng napapadaan. Sa isip siguro nila, nababaliw na ako. Huwag silang mag-alala kasi gano’n din ang tingin ko sa sarili ko. O baka kaya nila ako pinagtitinginan dahil nakasuot ako ng pang-plebo tapos may bitbit akong lunch box? Officers o higher-ups lang kasi ang puwedeng kumain kahit kailan nila gustuhin. O baka naman dahil sa bitbit kong ACU jacket sa isa kong braso? Mamayang hapon pa naman kasi ang Basic Rifle Marksmanship Training. Hindi yata nila alam na kay Duke lang naman ’to.

Siya nga pala, may nabanggit ang nurse kanina bago ako lumabas ng infirmary…

“Iho, alam mo ba kung anong nangyari kay First-Class Moreno?” tanong nito.

“Bakit ho?” taka ko naman.

“Eh, kasi, may napansin lang ako…” sabi nito, kahit lahat naman yata ay napapansin nito.

“Ano ho ’yon?”

“Kanina kasi, nakita ko siya na walang suot na jacket. Ang macho! Mas macho pa sa ’yo!”

Siyempre napukaw ang atensyon ko. Hindi dahil sa sinabi nitong macho si Duke kasi batid ko naman iyon sa ilalim ng jacket niya kahit noon pa man. At hindi rin sa katotohanang mas malaki ang katawan ni Duke sa akin. Kundi sa sunod kong narinig.

“Kaya lang,” tuloy ng nurse, “ang dami niyang mga peklat sa mga braso… ’yong parang mga hiwa… at paso. Kung hindi nga siya kadete pa lang, baka naisip ko nang sumabak na siya sa giyera noon. Aakalain mo kasing battle scars. Tinanong ko nga siya kung anong nangyari doon. Pero hindi naman siya sumasagot. Ang sabi niya lang, huwag ko raw ikukuwento sa ’yo. Medyo nakakabahala nga, eh. Iho, hindi kaya sinasaktan niya ang sarili niya noon?”

At dahil nga sa nalaman ko, natulala na ako sa bitbit kong ACU jacket. Hindi ko alam kung totoo nga talaga ang sinabi ng nurse. Wala rin kasi akong tiwala sa bibig no’n. Kita mo ’yan, huwag daw ikuwento, sabi ni Duke, pero kinuwento niya. Pati ’yong mga sinabi ko tungkol kay Duke, lumabas din.

Pero kasi, ni kahit isang beses ay hindi ko pa nakikitang nakahubad si Duke—ibig ko sabihin, bandang itaas. Palagi kasi niyang suot ’tong ACU, at no’ng nakaraang gabi naman ay nakasuot siya ng hoodie kaya balot na balot din ang itaas na katawan.

Mas lalo lang tuloy akong na-curious sa kaniya. Sa totoong pagkatao niya. Kung totoo nga talaga ang mga sinabi ng nurse tungkol sa mga braso niya. Kung sa mga braso lang ba niya meron noon. At isa lang ang naiisip kong paraan para malaman.


Mula breakfast hanggang lunch, hindi ko pa rin nasisilayan ang mukha ni Duke. Hindi naman sa hinahanap ko siya—bakit ko siya hahanapin? Ano siya, Tallano gold? Sadyang marami lang talaga akong gustong itanong… Gusto kong itanong kung kumain na ba siya—puta, hindi! Gusto ko lang naman itanong ’yong ano… ’yong mga tanong na hindi niya pa nasasagot kagabi.

Kasi habang tumatagal, baka mabaliw na ako rito kakatitig sa ceiling ng barracks.

Sa kalagitnaan ng malalim na pag-iisip, bigla ko na lang narinig na tumunog ang pinto kaya agad akong napabalikwas sa kama. Hindi rin naman ako makatulog sa sobrang init dito, eh. Wala kasing ceiling fan man lang. Sinadya rin siguro, dahil ’pag gabi lang naman kami natutulog dito at lumalamig din naman dito ’pag gabi. O ganito lang siguro ang trato sa mga plebo.

Pagbaba sa kama, gumuhit ang ngiti sa labi ko nang maisip na baka ay si Duke na ang nasa labas ng pinto para hatiran ako ng pagkain. Pero agad din itong nabura nang ibang tao ang nagpakita. Si Estrada pala.

Tumindig ako kahit hindi ko gusto. “Sir.”

Guwapong mukha ang hinahanap ko… Kung bakit iba ang ibinigay sa akin.

“Escobar,” tawag sa akin ni Estrada. Sandali siyang natahimik at pinagmasdan ang kabuuan ko. Bago tumuloy sa pagsasalita, tumikhim muna siya. “Um… balita ko… balita ko nahimatay ka raw…”

Aangat na sana ang baba ko dahil naisip kong baka kaya niya sinabi iyon para maliitin ako, pero hindi ko inasahang tila may bakas ng pagtataka sa mukha niya. Na para bang gusto niya lang malaman kung totoo nga iyon at kung ano nang lagay ko.

Sa isang banda, pumasok sa isip ko na isa nga pala siyang buddy. Trabaho ng mga buddy na gabayan kaming mga plebo. Pero ang kaibiganin kami? Bihira lang mangyari iyon, dahil madalas, power tripping ang nagaganap. Nagsisimula kasi sa itaas kaya napapasa hanggang ilalim.

At isa pa, isa siya sa mga kinaiinisan ko.

“I’m fine, Sir,” sabi ko. “Aksidente lang ho.”

Aksidente lang namang nasubsob ako sa armas ni Duke. Oo.

Muli siyang tumikhim. “P-Pinabibigay nga pala sa ’yo,” saad niya sabay abot sa hawak na lunch box. Hindi ko pa nga nababalik sa galley ’yong pinagkainan ko kanina, eh.

Kinuha ko naman ito mula sa kamay niya. “Thank you… Sir.”

Kumurap-kurap siya at lumunok. “Huwag kang magpasalamat. Sumusunod lang ako.”

Pagkatapos noon ay may kinuha siya sa bulsa ng pants niya at inabot iyon sa akin.

“Ano ho ’to, Sir?” tukoy ko sa ibinigay niya kahit alam ko naman na kung ano ito.

“Susi…” tipid niyang tugon.

Kumunot ang noo ko. “Susi ho saan?”

“Sa kuwarto ni First-Class Montemayor. Pagkatapos mong kumain, doon ka na raw muna magpahinga… ’yon ang utos niya.”

Matapos sabihin iyon ay umalis na siya.

Samantala, naiwan akong nakatulala sa susi sa palad ko, walang ideya na ito rin pala ang magiging susi para may matuklasan ako.

Chapter 24

Ilang beses kong pinag-isipan kung dapat ko bang tanggapin ang alok ni Duke na sa kuwarto niya na lang ako magpahinga pagkatapos kumain. Sa katunayan, hindi ko pa nga nagagalaw ang pagkaing pinadala niya kay Estrada. Kanina pa kasi ako palakad-lakad sa cabinet area hawak ang susi sa kuwarto niya. Nag-aalangan kasi ako. Baka mamaya niyan ay pag-isipan ako nang masama ng ibang mga kadete—na baka kaya iba ang trato sa akin ni Duke dahil may nangyayari sa amin, gano’n. Kasi, bakit nga naman niya ako patutulugin sa kuwarto niya nang walang dahilan, ’di ba?

O masyado lang yata akong praning.

Si Estrada nga, hindi naman nagtaka kung bakit ako pinadalhan ng pagkain ni Duke at binigyan ng susi. Siguro, naisip din nito na kapatid ako ng kaibigan ni Duke, kaya.

Oo, puwede rin namang gano’n.

Natigilan ako nang biglang bumukas ang pinto ng barracks. Sunod na nagpakita ang mukha ni Joseph. Nang mapansin ako, nanlaki ang mga mata niya. “O, Jaxon…”

“Joseph.” Naglakad ako papunta sa kaniya at napangiti sa katotohanang nandito pa rin siya hanggang ngayon. Mukhang sulit ang pinagdaanan ko para iligtas siya.

Ngumiti rin siya. “Nakabalik ka na pala.”

“Oo.” Isinilid ko na sa bulsa ng pantalon ko ang susi bago pa niya ito mapansin.

“Buong araw kang wala kahapon, ah.”

Napakamot ako sa ulo. “Kaya nga, eh.”

“Nahimatay ka raw. Paano nangyari ’yon?”

At ikinuwento ko sa kaniya kung anong nangyari; walang dagdag, pero puro bawas.

“Ah, kaya ka pala nahimatay kasi wala kang tulog,” paniwala niya sa mga sinabi ko.

Sinundan ko siya nang maglakad siya papuntang cabinet area. “Oo, ’yon lang naman ang dahilan.”

Paghinto sa tapat ng cabinet niya ay hinubad niya na ang suot niyang T-shirt. Lumantad ang payat niyang katawan. “Akala naming tatlo kung napa’no ka na.” Isinabit niya ang hinubad niya sa pinto ng cabinet. “Nag-alala kami. Pupuntahan ka sana namin sa infirmary, kaya lang…”

Sumandal ako patagilid sa cabinet kong nakasara, bahagyang kumunot ang noo. “Kaya lang?”

“Um.” Nabawasan ang sigla sa mga mata niya. “Sabi sa ’min ni Duke, sinabi mo raw na hindi mo na kami kailangan doon.”

“Ano?” Nagsalubong ang mga kilay ko. “Wala akong sinasabing gano’n, ah.”

“Gano’n ba?” matamlay niyang sambit. Sunod niyang hinubad ang mga sapatos at medyas niya. “Naisip nga namin na baka kaya ka mahimatay dahil sa ’kin. Jaxon, ano ba ang ginawa mo para lang maligtas ako?”

Sa loob lamang ng ilang segundo, parang bidyo na nag-play sa utak ko ang lahat ng nangyari. At dahil dito, uminit bigla ang pakiramdam ko at may nararamdaman akong unti-unting nabubuhayan sa ibaba.

“Um…” Lumunok ako. “H-Hindi na mahalaga ’yon. Ang mahalaga, okay ka na.”

Yumuko siya at sunod na hinubad ang pantalon at brief niya. Nang masilayan ang natutulog niyang pagkalalake, hindi ko alam kung bakit, pero bigla ring bumalik sa pagkakatulog ang akin. Humupa rin ang init na nararamdaman ko sa katawan.

Saka ko lang napagtanto kung bakit…

Sabi na, eh, mali ang nurse!

Hindi nga ako bakla! Ha!

Kung bakla ako, eh, bakit ako nawalan ng gana nang makita ko ang ibon ni Joseph?

Pero kung totoong lalake ako, bakit ko kinukuwestyon ang sekswalidad ko?

’Tang ina, ang gulo…

“Jaxon, okay ka lang?”

“H-Ha?” Nagising ako sa pagkatulala nang marinig ang boses niya. Saka ko lang din napansin na kanina pa pala ako nakatitig sa ibon niya habang nakahawak sa baba. Kaya agad kong ibinaba ang kamay ko at binasa ang mga labi. “Ah… um… oo…” sagot ko. “Oo naman…” Tumango ako. “Lalake ako.”

Kumurap-kurap siya. “Ha?”

“Ha?” tanong ko rin pabalik sa sarili. Saka nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung anong nasabi ko. “U-Uh, ibig ko sabihin… oo naman, okay lang ako.”

Sa kahihiyan, umiling ako papunta sa bukas na bintana at kinagat ang ilalim na labi ko.

Anak ng puta, napapadalas na yata ang pagkadulas ng dila ko. Hindi puwede ’to…

“Nga pala, asan na ’yong dalawa?” pag-iba ko sa usapan nang balikan siya ng tingin.

Nagbibihis na siya ngayon ng ACU. “Ah, nasa mess hall pa yata. Sila ’yong na-assign na magligpit ng mga pinagkainan namin.”

Habang ibinubutones ang camo pants niya, pansin kong nanginginig na ngayon ang mga kamay niya. Saka ko lang din naalala, ngayon nga pala itutuloy ang Basic Rifle Marksmanship Training dahil na-postpone ito kahapon dulot ng ulan. Bakas ang pagkabalisa sa mukha niya dahil hindi niya magawa ang simpleng pagbubutones man lang. Ramdam ko na rin ang unti-unting pagbigat ng paghinga niya na saka lang natigil nang hawakan ko siya sa balikat.

“Joseph, okay ka lang?”

“H-Ha?” May panginginig-mata niya akong tiningnan. “Ah, oo…” Ngumiti siya nang pilit. “Medyo kinakabahan lang ako.”

Hindi nga yata medyo—kinakabahan talaga siya kahit na wala pa nga sa firing range.

“Um…” Nag-isip ako ng tamang sasabihin. Alam kong wala ako sa posisyon para magbigay ng payo dahil hindi pa naman ako namamatayan. At mas lalong hindi pa ako nakakapatay. Pero sinikap kong hanapin ang mga tamang salita. “Huwag mo nang sisihin ang sarili mo sa nangyari.”

Natigilan siya sandali sa pagbubutones.

“Wala kang kasalanan,” dagdag ko pa sa malumanay na boses. “Biktima ka lang din. Prinotektahan mo lang ang nanay mo noon. Kaya huwag mo nang sisihin ang sarili mo.”

Nagsisimula na siyang humikbi. “Pero, dahil sa ’kin… kung hindi ko… si Nanay…”

“Hindi ikaw ang may kasalanan,” saad ko. “Bata ka pa lang no’n. Hindi dapat ginawa ’yon ng nanay mo sa harapan mo. Bilang magulang, dapat alam niya ang magiging epekto no’n sa ’yo paglaki mo. Hindi ka niya dapat iniwan. Wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan na nagkaroon ka ng mga ganoong klase ng magulang, Joseph.”

Kung nandito lang si Kuya, ito rin ang sasabihin ko sa kaniya—wala siyang kasalanan. Hindi niya kasalanan ang nangyari sa kaniya. Hindi niya kasalanan na ipinanganak siyang gano’n. At hindi niya kasalanan na sa pamilya Escobar siya ipinanganak. Hindi karapat-dapat si Dad na maging magulang niya. Kung nasaan man siya ngayon, sana makahanap siya ng bagong pamilya—’yong mamahalin siya at tatanggapin nang buo sa kung sino siya.

Yumuko si Joseph at napahikbi na nga. “Hindi ko alam kung… kung kaya kong…”

Naglakbay ang kamay ko mula sa balikat niya papunta sa ulo at marahang isinubsob ang mukha niya sa balikat ko. “Shh…”

Hanggang sa umalingawngaw na ang paghagulgol niya sa bawat sulok ng kuwarto. Wala akong ibang sinabi at hinayaan lang siyang ibuhos ang lahat habang hinihimas-himas ang likod niya.

Hindi nagtagal, natigil na siya sa pag-iyak. Nang makalma na ang paghinga, pinunasan niya na ang mga mata niya at tumuloy na sa pagsusuot ng ACU. Bago lumabas ng barracks, nagpasalamat siya sa akin.

Mukhang nakatulong naman ang mga sinabi at ginawa ko kahit papaano. Pero alam ko rin na sa huli, walang ibang makatutulong sa kaniya kundi sarili niya lang din. Kailangan niyang malampasan ’to.

At kung mauulit man ang nagawa niyang kasalanan, laging handa ang lalamunan ko.


Dahil basang-basa ng mga luha ang suot kong T-shirt, naisipan ko nang magpalit ng damit. Tama lang din, kasi pakiramdam ko, ang lagkit na ng suot ko. Sa kalagitnaan ng paghuhubad ng pantalon at boxer, muling bumukas ang pinto ng barracks kaya agad ko itong hinila pabalik para matakpan ang natutulog kong pagkalalake. At nang mapag-alamang si Harry lang pala ito, nakahinga ako nang maluwag at tumuloy na sa ginagawang pagbaba sa mga suot.

“Harry,” pangiti kong tawag dito.

Sa hindi malamang dahilan, napayuko ito at akma pa sanang isasara pabalik ang pinto kung hindi lang dahil sa sinabi ko…

“Pasok ka.” Tumango ako bilang senyas.

Magkaibigan naman kami, kaya walang kaso sa ’kin na makitaan ako. At isa pa, matagal niya naman na akong nakikitaan.

Walang mali-malisya sa magtotropa.

Muli niyang binuksan ang pinto, pero sa pagkakataong ito ay maingat niya na itong ginawa. Yumuko siya nang pumasok sa loob na para bang may iniiwasang makita.

Tahimik lang siyang naglakad papunta sa cabinet area. Nang marating ang cabinet sa kabila—sa likuran ko—hindi pa rin siya nagsasalita. Hindi man lang ako nakarinig ng ’Anong nangyari sa ‘yo?’, ‘Kamusta ka na, Jax?’, o kahit ‘Buti okay ka na’. Hindi naman gano’n kalayo ang distansya namin sa isa’t isa, pero parang hindi ko siya dama.

Kaya ako na lang ang nagsimula ng usapan.

“Kamusta ang training?” panimula ko.

Pero wala akong narinig na sagot.

Matapos itabi ang mga pinaghubaran ko, sandali akong napatingin sa salamin na nakakabit sa likod ng pinto ng cabinet. Sa repleksyon nito, kita kong nagmamadali siyang maghubad ng mga damit. Lumantad sa ’kin ang likuran niya, pero wala naman akong naramdamang kahit ano. Dumagdag lang ito sa mga patunay na hindi ako bakla.

“Um,” sabi ko, “nag-alala ka ba sa ’kin?”

Pero wala pa rin akong narinig. Sa halip, nakita kong sandali siyang natigilan, pero kinalaunan ay tumuloy na rin sa ginagawa.

Naka-ilang tanong pa ako pagkatapos, pero ni kahit isang beses ay wala akong narinig mula sa kaniya. Para lang akong nakikipag-usap sa hangin. Sa inis, napagdesisyunan ko nang harapin siya pagkatapos kong magsuot ng boxer.

Nilapitan ko siya habang nakatalikod siyang nagsusuot ng camo pants. Isinandal ko ang kamay ko sa ibabaw ng cabinet niya at yumuko ako sa kaniya.

“Harry, okay ka lang ba?”

Para siyang napatalon sa gulat nang marinig ang malalim kong boses. Sa kabila nito, nagpatuloy siya sa pagsusuot ng camo pants. Pero mas binilisan niya pa ngayon.

“May problema ba sa ’yo? Sa ’ting dalawa?” tuloy ko. “Kasi parang iniiwasan mo ’ko.”

Nang matapos sa pagsusuot ng camo pants ay may panginginig-kamay niyang kinuha ang undershirt at ACU jacket sa loob ng cabinet niya. Dahil hindi pa rin niya ako nililingon at iniimik, hinawakan ko na siya sa balikat gamit ang kabilang kamay.

“Pansinin mo naman ako, o.”

Para naman siyang nakuryente nang maramdaman ang palad ko sa balat niya dahil natigilan siya. Sa marahang pag-ikot ng katawan niya, kusang napasama ang kamay kong nakahawak sa kaniya at pumulupot ang braso ko sa likod ng balikat niya. Animo’y nakulong siya sa yakap ko.

Humigpit naman ang pagkakayakap niya sa mga hawak niyang damit sa dibdib nang magtama ang mga mata namin. Nanginginig ang mukha niya nang mapatulala siya sa mukha kong balot ng pagtataka. At umawang ang mga labi niya nang unti-unting bumaba ang tingin niya…

Mula sa mukha ko, napunta sa adam’s apple sa leeg, sa mabuhok kong kilikili, sa maputi at malapad kong dibdib, sa abs, sa puson, at napalunok na lang siya nang matigil ang mga mata sa suot kong boxer. Nagtagal siya roon nang ilang segundo.

“Harry?”

Para siyang naparalisa dahil hindi siya makaalis mula sa pagkakayuko. Habang ako naman ay unti-unting kumakalas ang pagkakahawak sa balikat niya nang makaramdam ng pagkailang sa sitwasyon.

“Uy…”

Marahan akong umatras. Hanggang sa unti-unting kumalas ang pagkakahawak ko sa kaniya at napabitiw na rin ako sa cabinet. Umaliwalas sa pakiramdam nang magkaroon ng sapat na distansya sa pagitan ng mga katawan naming walang pang-itaas. Pero pansin ko ang pamumula ng mga pisngi niya at ang bigat ng paghinga niya, na para siyang nilalagnat.

“Harry, okay ka lang ba?”

Kumurap-kurap ang mga mata niya sa ilalim ng suot na salamin, at sa halip na tumingala sa mukha ko, agad siyang napaiwas ng tingin—papunta sa saradong pinto. Maya-maya pa, yumuko siya at biglang kumaripas ng takbo palabas.

Kumunot ang noo ko nang sundan siya ng tingin. Ngayon ay sigurado na akong iniiwasan niya ako. Pero hindi ko pa rin alam kung bakit… kung bakit ako lang.

Nagpamewang ako at inamoy ang katawan ko—may kaunting amoy ng pawis pero hindi naman ako mabaho. Tapos naalala kong maselan nga pala siya. Baka hindi niya lang masabi na kailangan ko nang maligo? Pero hindi, eh. May kakaiba talaga.

Siya rin naman, bigla kong naalala ang sinabi ni Joseph kanina lang—’yong pagsisinungaling ni Duke na sinabi ko raw na hindi ko kailangan ang mga kaibigan ko. Mukhang si Duke rin yata ang may kagagawan kaya ako iniiwasan ni Harry.

Hindi malabo.

Plano niya talagang paglayuin kaming apat.


Si Mark ang pinakahuling pumasok sa barracks. Kaya pala siya nahuli dahil jumebs pa raw sa CR, at natagalan daw siya dahil sira ang flush. Kung bakit kailangan niya pang i-kuwento sa ’kin… mas lalo tuloy akong nawalan ng ganang kumain.

Matapos magkamustahan, may naitanong ako sa kaniya nang maupo ako sa kama niya. “Ikaw ba, Mark, may hindi ka pa naikukuwento sa ’min—sa ’kin?”

Napatingin siya sa ’kin habang nagbibihis sa cabinet area. “Naikuwento na?”

“Na kahit ano tungkol sa ’yo,” sagot ko. “Baka meron ka ring masalimuot na nakaraan.” Umiling ako at napahawak sa lalamunan, saka bumulong. “Sabihin mo na para isang subuan na lang, o. ’Lang hiya.”

“Um, hindi ko alam kung masalimuot, eh.”

Bumaling ako sa kaniya. “Bakit? Ano ba ’yon? Ikuwento mo lang. Makikinig ako.”

Yumuko siya, at sa hindi maipaliwanag, naging malungkot ang may pagkasingkit niyang mga mata. “Noong bata kasi ako,” panimula niya, “madalas na talaga akong ma-bully dahil sa katawan ko. Ako palagi ang taya kapag naglalaro kami ng takbuhan ng mga kaibigan ko, kasi alam nilang hindi ko sila mahahabol agad.” Tumuloy na siya sa pagsusuot ng camo pants na masikip. “Tapos, madalas din, umuuwi akong puro mantsa ang uniform, kasi itinutulak ako ng mga kaklase ko sa putikan. Dapat lang daw sa ’kin ’yon, kasi, baboy naman daw ako.”

Sandali akong natahimik. Hindi ako madalas ma-bully noon dahil palaganti akong tao, kaya hindi ako maka-relate.

“High school, mas lalong lumala ang pambu-bully sa ’kin ng mga kaklase ko,” tuloy niya sa kuwento. “Ako ’yong palaging binabatuk-batukan kahit wala namang ginagawa. Lagi ring hinuhubaran ng pantalon at pinagtatawanan kapag nakikitaan.” Isinuot niya na ang belt niya sa pantalon at hinigpitan iyon. “Damulag ang tawag nila sa ’kin.” Mapait siyang ngumiti. “Hindi ko nga alam kung bakit, kasi, sa palabas na Doraemon, si Damulag naman ’yong bully, eh. Samantalang wala naman akong ginagawang masama sa kanila.”

Kumuha siya ng damit sa loob ng cabinet.

“Kaya imbes na ma-bully, mas pinili ko na lang na um-absent nang um-absent sa school. Hindi na ako lumalabas ng kuwarto. Laro na lang ako nang laro ng online games. Madalas puro barilan ang nilalaro ko. Araw-gabi, ’yon lang lagi ang ginagawa ko, kaya madalas din akong mag-rank one sa leaderboards. Doon, marami akong naging kaibigan. Naramdaman kong tanggap ako ng mga tao kahit hindi nila ako nakikita—o dahil siguro hindi nila ako nakikita. Masarap pala sa pakiramdam.”

Kaya siguro siya magaling sa shooting. Pero nakakalungkot ding malaman na naranasan niya iyon dahil lang sa…

“Sa sobrang sarap, nakalimutan ko na ngang bumalik sa totoong mundo. Nakalimutan ko nang meron pa pala akong mommy na nag-aalala para sa ’kin. Na palagi akong ginigising kapag tanghali na at hindi pa rin ako nakakakain. Na palaging kumakatok sa pinto ng kuwarto ko para kamustahin ako. Na palagi kong itinataboy. Na palagi kong sinisigawan kapag naiistorbo ako sa paglalaro. Hanggang sa hindi ko namalayang unti-unti ko na palang ginagawa sa kaniya ang ginagawa lang sa ’kin noon ng ibang tao.”

Huminga ako nang malalim. Mukhang alam ko na kung saan patungo ang kuwento. Panigurado ay may nasamang nangyari sa mommy niya kaya siya nandito.

Lumunok ko. “Tapos? Anong nangyari?”

Huminga rin siya nang malalim, sa sobrang lalim ay umimpis ang tiyan niya. “Ayon, sinigawan niya rin ako pabalik: ’Mark! Ano, hindi ka talaga kakain?! Ilang araw ka nang ganiyan! Ano bang nangyayari sa ‘yong bata ka?! Plano mo bang papayatin ang mommy mo sa sobrang pag-aalala?! Lumabas ka nga riyan!’

Nagulat ako.

Literal.

Dahil kuhang-kuha niya ang sigaw ng mommy niya maging ang ekspresyon ng mukha noon. Hindi ko rin inasahan na biglang liliko ang takbo ng kuwento niya.

“Kaya binuksan ko ang pinto,” tuloy niya. Ngayon lang siya natapos sa pagsusuot ng undershirt. “Tapos umiyak ako sa kaniya. Kinuwento ko kung bakit ako nagkukulong sa kuwarto. Niyakap niya ako nang mahigpit, tinapik-tapik sa likod. ‘Tahan na. Si Mommy na ang bahala sa kanila, baby.’”

Suminghot ako. Parang nasayang ang ilang minuto ng buhay ko. Kasalanan ko rin dahil hindi ako naniwalang hindi nga talaga masalimuot ang nakaraan niya. Pero, okay na rin. At least, mukhang hindi ko siya aalalahanin—sa ngayon—dahil magaling naman siya pagdating sa shooting.

“O, tapos?” sabi ko para matapos na. “Pinagsabihan ng mommy mo ’yong mga nam-bully sa ’yo? Gaya no’ng kay Joseph?”

“Hindi.” Ngumiti siya, hindi na mapait. “Pinapunta niya sila sa bahay at pinakain.”

“Ha?” Habang tumatagal, parang lalong nag-iiba ng direksyon ang kuwento niya.

“Masarap magluto si Mommy, eh,” sabi niya habang isinusuot ang ACU jacket. “Kaya nga lagi akong busog. Siyempre, nasarapan din ’yong mga nam-bully sa ’kin. Mula noon, tuwing may nambu-bully sa ’kin, pinapupunta ni Mommy sa bahay para pakainin. Hanggang sa naging kaibigan ko na sila. Gano’n lang naman pala kadali.”

“Eh?”

“Tapos may sinabi sa ’kin si Mommy: Para daw makuha mo ang loob ng isang tao, kailangan mo lang lutuan ng pagkain.”

Sa huling sinabi niya ay dumapo ang tingin ko sa lunch box sa tabi ko. Kumurap-kurap ako, binasa ang mga labi, at napalunok. Anak ng. Nakukuha na ba ni Duke ang loob ko? Dahil lang masarap siya… magluto?

Puta, kaya pala. ’Yong luto niya ang salarin.

“Um, Mark, nagugutom ka ba?” tanong ko.

“Lagi,” sagot naman ni Mark. “Bakit?”

“Sa ’yo na ’tong pagkain sa lunch box.”

Habang kumakain si Mark sa kama niya, hindi niya maiwasang banggitin kung gaano ito kasarap maging ang breakfast kanina at dinner sa mess hall kagabi. Sa kauna-unahan daw ay parang totoong pagkain na ang inihahain sa amin. Hindi ko sinabi na si Duke lang naman ang nagluto.

Usapang Duke, mabuti at napansin ni Mark ang iniwan nitong ACU jacket sa ’kin, na isinabit ko sa footboard ng upper bunk. Akala nga ni Mark ay sa akin ito. Nang matapos na rin siya sa pagkain ay agad din siyang sumunod sa firing range. Nagkaroon tuloy ako ng tamang dahilan…

Tamang dahilan para gamitin ang susi.

Wala naman talaga akong balak matulog sa kuwarto ni Duke. Usa sa lahat, wala akong balak na pumalit sa kaniya tulad ng inaalok niya noon. Ikalawa, hindi pa— hindi

naman kami mag-asawa, kaya bakit ko gagawin ’yon? Plano ko lang namang ibalik ang ACU jacket niya sa loob ng kuwarto niya.

Tama, ’yon lang.

Hindi na ako nagdoble ng shorts bago umakyat, dahil saglit lang naman ako. Bitbit ang ACU jacket sa braso, maingat kong binagtas ang mahabang hagdanan. Bakante ang barracks sa bawat palapag. Busy sa training ang lahat. Ako lang talaga ang hayahay sa mga plebo.

Gamit ang susi, pumasok na ako sa loob ng kuwarto ni Duke. Tahimik sa loob. Mainit dahil nakapatay pa ang aircon. Malinis. Walang kahit anong bakas ng alikabok. At organisado lahat ng gamit. Noong una nga ay hindi ko agad nahanap kung saan ang laundry basket o lagayan niya ng mga pinaghubaran—hinahanap ko lang kasi doon ko balak ilagay ang ACU jacket.

Hanggang sa napadpad ang mga mata ko sa mga storage box na nakatago sa ilalim ng kama niya. Hinila ko ang mga iyon at isa-isang tiningnan ang loob ng bawat box.

Unang storage box:

Puro underwear ang laman. Mabango, pero agad kong isinara. Hindi ko sininghot, kusang nangamoy; amoy fabric conditioner.

Ikalawang storage box:

Puro hoodies. Hindi na ako nagtaka.

Ikatlong storage box:

Dito…

Dito na ako nagtaka.

Sa tatlong boxes, ito ang pinakamaliit at bukod-tanging gawa sa cardboard, hindi plastic. Marahan ko itong hinila palabas. Tumalungko ako nang mailagay ko ito sa harapan ko, at maingat ko itong binuksan.

Uniporme.

Uniporme ang unang bumungad sa ’kin sa loob ng box—hindi ACU, at hindi rin pang-martsa o kahit anong may kinalaman sa military academy. Isang pamilyar na uniporme—ang parehong uniporme ng paaralang pinasukan ko noong high school.

Nanlaki ang mga mata ko habang marahan itong iniaangat mula sa box. Kung bakit meron siya nito… ito ang ipinagtataka ko.

Pero mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa sunod na lumantad nang maalis na ang nakatuping uniporme sa pinaka-ibabaw. Sa loob ng box, ito ang mga natagpuan ko:

Mga sulat na nakapangalan sa ’kin.

Ang lalagyan ng suot kong relo.

Larawan ko noong bata pa ako.

At larawan ng isang lalake.

Lalake na tila pamilyar sa akin ang mukha.

At nang magtagal, saka ko lang napagtanto: ito rin mismo ang parehong mukha ng lalakeng nagligtas sa akin noon. Bagama’t malaki na ang pinagbago ngayon—mas lalong lumaki ang katawan, mas naging malapad ang mukha, mas lalong lumalim ang boses, at palagi nang nakatago ang emosyon—walang duda, siya nga ito.

Bumuhos ang lahat ng mga alaala sa ’kin na parang kahapon lang nangyari. At para ding bumalik ako sa nakaraan. Sa loob ng concrete pipe. Nakatago ako. Nakatingala sa maamo niyang mukha habang iniaabot niya ang kamay niya sa ’kin. At nakangiti siya nang ipakilala niya ang sarili niya…

“Jaxon, ako nga pala si Duke.”

Chapter 25

Bakit ang katotohanan, kung kailan hindi mo hinahanap, saka kusang lumalapit?

Heto akong hindi makagalaw at hindi makahinga habang kunot-noong nakatitig sa lumang larawan ni Duke. Isang litratong kinunan noong Elementary graduation. Kung bakit ko alam? Dahil ito rin mismo ang private school na pinasukan ko noong Elementary. Pero bakit hindi ko alam na pareho kami ng Elementary school? At bakit pati uniporme ng paaralan ko noong high school ay meron din siya?

Matagal na ba kaming magkakilala?

O ako lang itong matagal niya nang kilala?

Kasi, hindi ko siya matandaan, eh. Bukod sa kaisa-isang alaala na iniligtas niya ako noon sa playground, wala nang ibang palatandaan na magkakilala nga kami. Nagkataon lang ba na napadaan siya noon at nakita akong nangangailangan ng tulong? Doon pa, sa lahat ng lugar? At sa lahat ng taong mapapadaan, siya pa talaga?

Nanghina ang mga binti ko mula sa pagkakatalungko, sanhi para mapaupo ako sa sahig. Tumakas ang mabigat kong hininga mula sa awang ng bibig. Tumulo ang malagkit na pawis sa mukha. Hindi lang ang litratong ito ang nagpatindig sa mga balahibo ko, kundi pati ang mga nauna kong nakita. Binalikan ko ang mga iyon.

Muli kong dinampot ang litrato ko. Litratong hindi lang ako ang laman, kundi maging ang alaga kong aso noon—si Hershey. Yakap-yakap ko ito habang nakalawit ang dila nito at habang nakangiti akong nakatingin sa camera. Sa camera ng cellphone ni Kuya. Si Kuya na siya ring nagbigay sa ’kin noon kay Hersey noong tuta pa lang ito bilang regalo para sa kaarawan ko. At sa kaniya rin galing ang…

Relo.

Sunod kong kinuha ang watch box na may tatak sa ibabaw ng parehong brand ng suot kong relo. Noong una ay nagdalawang-isip pa ako kung dito nga talaga nanggaling ang suot ko. Pero naalala ko na, noong ibinigay nga pala sa ’kin ni Kuya itong relo ko, wala itong kasamang lalagyan. At para makasiguro pa nga, binuksan ko ang watch box. At sa loob nito, nakita kong may dalawang bakanteng watch pillows sa loob. Dali-dali kong hinubad ang suot kong relo para alamin kung tutugma ito sa lalagyan.

At tumugma nga.

Napalunok ako nang malagkit. Parang may pumilipit sa loob ng tiyan ko. Humapdi rin ang mga mata ko dahil nakaligtaan ko nang kumurap. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman. Paanong nasa kaniya ito? Sa simula pa lang, sa kaniya ba ito galing?

Sa kalagitnaan ng pagkatulala, nakarinig ako ng mga mahihinang yabag at usapan sa labas ng kuwarto. Mukhang mga firsty. Paglingon sa pinto, saka ko lang napagtanto na hindi ko nga pala ito naisara. Dali-dali kong kinuha ang relo ko sa lalagyan at muli itong isinuot. Binalik ko na ang mga gamit paisa-isa sa storage box. Bago ipatong ang nakatuping uniporme sa ibabaw, kinuha ko ang isa sa mga sulat na nakapangalan sa ’kin, tinupi ito, at isinuksok sa boxer sa tagiliran ko, tinakpan ng sando. Pagkatapos ay isinara ang box.

Maya-maya pa, mas lalong lumakas ang mga yabag at usapan sa pandinig ko.

“’Tang inang mga plebo ’yan! Sasarap pagtatadyakan sa mukha, eh! Ang hihina!”

“Sinabi mo pa! Lalo na ’yong mga hawak ni Montemayor! Kilala mo ’yong Alcantara?”

“’Yong nagtali raw ng pangbigti?”

Nakarinig ako ng halakhak. “Oo, ’yon!”

“Bakit? Anong meron do’n?”

“Hindi mo ba nahahalata? ’Tang ina, baklang-bakla kung makahawak ng rifle!”

Napahalakhak din ang isa. “Puta, oo nga!”

“May bago nang papalit kay Escobar!”

Natigilan ako sa pagbabalik sa ikatlong box sa ilalim ng kama, nang dahil sa narinig.

“Kay Janus?”

“Oo. Sino pa ba?”

“Eh, kasi, may kapatid din ’yon dito.”

“Ah, ’yong mukhang siga? ’Tang ina, bakla rin ’yon, eh! Nagtatapang-tapangan lang!”

Malalakas na halakhakan.

Habang nakatuwad at nakasuksok ang ulo sa ilalim ng kama, umusok ang mga butas ng ilong ko at umigting ang panga ko.

“Alam mo ba ang mga usap-usapan?”

“Ano? Ano?”

“Ginagawang asawa raw ni Montemayor si Escobar. Sabi nina Monsur at Morales, parang may special treatment sa kaniya.”

’Tang inang mga asong ’yon. Tumatahol.

“Sa kaniya lang?”

“Oo.”

Sandaling natigil ang mga yabag na napakalapit na ngayon. Pagbaling sa bukas na pintuan, kita ko ang paglapat ng dalawang anino sa sahig. Mukhang nahinto sila sa barracks na katapat ng kay Duke.

“Hindi ba dahil kapatid lang ’yon no’ng kaibigan niyang nawala?”

“Sabihin mo kamo, baka pinapasubo ni Montemayor. May itsura ba naman, eh.”

“Pinapasubo? Ng pagkain?”

“Hindi. Ng tite.”

Nauwi ang dalawa sa malakas na halakhakan. Habang ako ay sumikip ang dibdib at bumaon ang mga daliri sa hawak na box. Halos pumutok na ang ugat sa ulo ko. Isang malaking insulto sa akin ang narinig. Parang inapak-apakan ang pagkalalake ko hanggang sa naging sobrang dumi, at hindi ko na alam kung paano ko pa ito maibabalik sa pagiging malinis. Siya rin naman, saka lang ako tumuloy sa pagbabalik ng box sa ilalim ng kama nang gumalaw na ang mga anino.

Natigil sa paghalakhak ang isa. “O, bakit bukas ’tong kuwarto ni Montemayor?”

Humupa na rin ang pagtawa ng kausap nito. “O… Oo nga, ’no?”

Dito na nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko. Pinag-uusapan pa lang nila, ano na lang kaya ang iisipin nila kapag nakita nilang nandito ako sa loob ng kuwarto ni Duke? Mas lalong magkakatotoo ang mga paratang nila—na may special treatment na nagaganap. Pagkatulak sa huling box sa pinakadulo, dali-dali akong sumuot sa ilalim ng kama at nagtago, nagpigil ng hininga. Damang-dama ko ang init sa loob.

“May sapatos din dito, o.”

Anak ng! ’Yong sapatos ko!

“Gagi, kay Montemayor ’yan.”

“Mahilig ba sa rubber shoes ’yon?”

“Hindi. Pero ka-size ng paa niya, eh.”

“Eh, bakit niya iniwan sa labas? At bakit bukas ang pinto ng kuwarto niya?”

Humaba ang isang anino sa sahig. Sa paglangitngit at tuluyang pabukas ng pinto, bumungad ang dalawang bota sa doorway.

“Hoy, huwag kang pumasok.”

“Tinitingnan ko lang kung may tao.”

Mas lalo ko pang isiniksik ang sarili ko sa ilalim ng kama, katabi ng storage boxes.

“Dinudumihan mo ’yong sahig.”

“Ano naman? Wala naman siya rito.”

“Baka nakalimutan lang isara?”

Tumahip pa lalo ang dibdib ko sa paghinto ng lalake bandang gitna ng kuwarto.

“Ganda dito, o. Para ka lang nasa hotel.”

“Lumabas ka na riyan.”

“Ako dapat ’yong nandito, eh.”

“Bakit, anak ka ba ng senador?”

Natatawang sagot ng lalake na pumasok sa loob, “Hindi, anak ako ng presidente.”

Mukhang maraming nag-aasam sa trono, ah. Samantalang libre lang itong iniaalok sa ’kin ng kasalukuyang hari.

“Bilisan mo na. Babalik pa tayo sa field.”

“Tss. Oo na.” Umikot ang mga bota pabalik sa direksyon ng pintuan at muling naglakad papunta roon. “Ang init-init do’n, eh.”

“Eh, ’di daan na lang ulit tayo sa firing range, para kunwari may ginagawa tayo.”

“Sige, buti naisip mo.”

“Magpapalit lang ako ng damit.”

“Bilisan mo. Parang impyerno rito sa taas.”

“Huwag kang mag-alala. Magiging impyerno rin sa ibaba kapag nakabalik na ang demonyo. Kawawang mga plebo.”

Mahihinang tawanan.

Maya-maya pa, tuluyan nang naglaho ang mga bota sa paningin ko. Sa pagsara ng pinto, unti-unting nakalma ang paghinga ko. Pero hindi pa rin maalis ang kunot sa noo ko sa lahat ng narinig ko. Parang naghalo-halo na lahat ng impormasyon sa utak ko at hindi ko na alam kung anong uunahin. Si Harry, si Kuya, si Duke, ako, at ang tinutukoy nilang demonyo. Mukhang konektado lahat ng nangyari sa nakaraan sa mangyayari pa lang sa hinaharap. At ngayon pa lang, may kutob na ako…

Hindi maganda ang kahihinatnan nito.


Saka lang ako nakalabas ng kuwarto ni Duke nang masiguro kong nakaalis na ang dalawang firsties sa katapat na kuwarto. Laking pasasalamat ko naman at ligtas akong nakababa dahil wala na akong ibang nakasalubong na kadete sa bawat palapag. Iniwan ko ang susi sa ibabaw ng kama ni Duke. Napagtanto ko kasing kapag pinaghawakan ko iyon ay lalo lang magkakatotoo ang hinala sa ’min ng lahat.

Hindi na rin sumagi sa isip ko na bumalik ulit doon para halungkatin ang iba pang mga laman ng box dahil sa takot sa nangyari kanina lang. Muntik na akong mahuli. Hindi man lang naisip ni Duke ang magiging epekto sa ’kin ng mga ginagawa niyang kabutihan. Lalo akong nagiging mainit sa mata ng iba. Habang tumatagal, lalo akong nagiging mahina sa tingin nila.

Pagbalik sa barracks, dali-dali akong umupo sa higaan ni Mark at kinuha sa tagiliran ko ang nakatuping papel. Medyo nabasa ito ng pawis ko, kaya maingat ko itong binuklat para hindi mapunit. Sa unti-unting pagkabunyag ng nilalaman nito ay siya ring unti-unting paglalim ng paghinga ko at panlalaki ng mga mata. Hindi ko alam kung handa ang puso ko sa kung anuman ang puwede kong mabasa, pero sa kabila nito, ginawa ko pa rin…

Mahal kong Jaxon,

Hindi ko alam kung may karapatan akong tawagin kang “mahal” dahil hindi mo naman siguro ako naaalala. At hindi ko rin naman alam kung magkakaroon ako ng lakas ng loob na maibigay sa ’yo ang sulat na ito. Pero hayaan mong isulat ko kung ano ang totoo kong nararamdaman para sa ’yo… para sa ’yo na siyang tanging laman ng mga alaala ko.

Hindi ko alam kung saan ko nakukuhang humugot ng mga malalalim na salita. Hindi naman ako madamdaming tao. Pero kung ito ang tanging paraan para mailahad ko lahat ng nilalaman ng puso ko, handa akong tanggapin ang kahihiyang matatamo ko kung sakali mang hindi mo ito magustuhan, o kung sakali mang hindi mo maramdamang totoo ako sa lahat ng sinasabi ko. Pero gusto kong malaman mo na lahat ng nakasulat dito ay galing sa puso ko.

Marahil ay nagtataka ka kung sino o ano ako…

Uunahan na kita. Hindi ako babae.

Pero huwag mo sana munang tatapusin ang pagbabasa. Huwag ka sanang mawawalan ng interes dahil lang hindi ako tulad ng inaasahan mo. Alam kong mga babae ang madalas na nagbibigay sa ’yo ng kung ano-ano. Kaya nga hindi ko alam kung ibibigay ko pa ito sa ’yo. Hindi ko alam kung may pag-asa ako. Pero isinusulat ko ito dahil hindi ko alam kung kailan ulit kita makikita. Dahil sa susunod na buwan, papasok na ako sa military academy.

Alam kong magkikita ulit tayo sa loob din mismo ng academy na papasukan ko. Pero minsan, hinihiling ko na lang na sana ay hindi. Sana ay sundin mo kung ano ang totoong nilalaman ng puso mo. Alam kong gusto mo talagang maging abogado. Huwag kang matakot kung bakit ko alam. Nagkataon lang na naabutan kita noong itinapon ang ginuhit mo sa papel na pangarap mong maging paglaki mo. Alam kong napagalitan ka noon ng ama mong sundalo dahil iba ang gusto nitong pangarap para sa ’yo. Kaya nadurog ang puso ko nang makita ang lungkot sa mga mata mo.

Araw-araw kitang nakikita noong naglalakad pauwi nang nakabagsak ang mukha. Gusto sana kitang samahan, kaya lang, hindi ko alam kung gugustuhin mong maging kaibigan ang isang anak sa labas. Kahit ang mga kaklase ko noon ay madalas akong i-bully at iwasan, dahil bukod sa isa akong bastardo, mukha akong lalampa-lampa. Isang tao lang ang hindi ako hinusgahan sa kung sino o ano ako—ang kuya mo. Ang kuya mo lang ang naging kaibigan ko.

Ayaw kitang nakikitang malungkot. Kaya nga kahit mahal na mahal ko ang aso na regalo sa ’kin ni Mama, nagawa kong ibigay ’yon sa ’yo para lagi kang may kasama. Para hindi ka nag-iisa. At salamat sa kuya mo, naibigay ko ’yon sa ’yo. Natuwa nga ako nang pangalanan mo iyong Hershey. Mas maganda kaysa sa binigay kong pangalan. Milo. Huwag ka sanang matatawa dahil panget. Nagbase lang din ako sa kulay ng mga balahibo nito tulad mo.

Marahil ay nagtataka ka kung bakit ko ginawa ang lahat ng ’yon para sa ’yo. Alam kong wala kang nakikitang magandang dahilan. At hindi rin ako sigurado kung naaalala mo pa kung paano mo akong nakita. Nakakahiya man, pero ikaw ang kauna-unahang nagtanggol sa ’kin no’ng pinagtutulungan akong bully-hin ng tatlong estudyante sa Elementary. At nang hindi ka nag-atubiling batuhin ang isa sa kanila sa noo kaya nabiyak iyon at dumugo. Alam kong natakot ka noon kaya agad kang tumakbo. Hindi mo na nakita ang mukha ko dahil nakatalikod ako. Pero nakita ko ang mukha mo. Alam kong ikaw ’yon. Sa ’ting dalawa, ikaw ang unang nagligtas sa ’kin.

Kaya nga hindi ko matanggap na wala man lang akong nagawa para sa ’yo. Hindi ko man lang nagawang protektahan ka… at si Milo. Patawad at nahuli ako. Pagdating ko, umiiyak ka na. Wala nang buhay si Milo—si Hershey. Kasalanan ko ang lahat… Kung hindi mo ako ipinagtanggol noon… Kung hindi sana ako mahina… hindi sana mangyayari ’yon. Hindi mo alam kung gaano kasakit para sa ’kin na makitang pumanaw ang alaga ko—nating aso. Higit sa lahat, ang makita kang humahagulgol.

Hindi ko alam kung paano mo nakayanan ang mga nakita mo sa murang edad. Alam kong hindi madali para sa ’yo na kalimutan ang lahat ng ’yon. Pero palagi kong hinihiling na sana ay mawala na lang ang lahat ng alaala mo noong bata ka pa, kahit parte ako noon. Kahit pa hindi mo na maalalang ako ang nagligtas sa ’yo noon sa playground nang habulin ka ng malaking aso. Alam kong isa na iyon sa mga kinatatakutan mo pagkatapos ng nangyari kay Hershey. Hindi matigil ang panginginig mo noon habang nakatago ka sa loob ng concrete pipe. Gusto kitang yakapin. Gustong-gusto ko. Pero wala akong nagawa kundi ang ibigay ang kamay ko sa ’yo… at ang ipakilala ang sarili ko.

Pero iyon na rin ang huling beses na nakita mo ang mukha ko at narinig ang pangalan ko.

Paglipas ng mga taon, hindi na kita magawang lapitan… hawakan… o kausapin. Madalas, nadadaan-daanan na lang ako ng mga mata mo kahit pa nga pareho tayo ng paaralang pinapasukan hanggang high school. Kasi, bakit mo nga naman ako makikita? Tulad ng sabi ko, hindi naman ako babae. Kaya pasensya na kung palagi kitang pinagmamasdan mula sa malayo. Maging ako ay hindi alam kung bakit sa tuwing nakikita kitang may kasamang iba, may nararamdaman akong bigat sa dibdib.

Hindi ko alam.

Hindi naman gano’n kalayo ang agwat natin sa isa’t isa, pero pakiramdam ko, para kang bituin sa langit. Kahit lumipad pa ako, hindi kita kayang abutin. Pero alam kong balang araw, magkikita ulit tayo. Sa military academy. At kapag nangyari ’yon, ipinapangako ko sa ’yo…

Hindi na ako ang dating nakilala mo…

Hindi na ako lalampa-lampa…

Hindi na ako mahina…

Hindi mo na ako kailangang ipagtanggol…

Dahil ako naman ang magtatanggol sa ’yo…

Kahit pa hindi mo na ako maalala.

Nagmamahal,

Duke, ang kapitbahay mo

Chapter 26

Trigger Warning:

Explicit scenes

Isang linggo na akong wala sa sarili pagkatapos mabasa ang sulat na iyon. Sulat na aakalain mong galing sa babae sa unang tingin. Una sa lahat, ang penmanship. Bibihira kang makakita ng lalakeng magaling sa cursive writing. Ikalawa, hindi pa ako nakakatanggap ng sulat mula sa lalake kahit kailan. Oo, may mga nagkagusto rin namang bading sa akin noon, pero hindi umabot sa puntong nakatanggap ako ng ganoon kahabang sulat mula sa kanila. Kadalasan ay simpleng sticky note lang na nakadikit sa tsokolate o bulaklak na ibinibigay sa akin tuwing Valentine’s Day. At higit sa lahat, masyado nang makaluma ang pagsusulat ng liham.

Ni kahit kailan nga ay hindi ko nagawang sulatan ang mga nililigawan ko noon. Nagsisimula lang ako sa simpleng “Hi” sa Instagram, at ayon, girlfriend ko na agad wala pang isang linggo. Iba rin ang tama ng mga chinito sa mga babae, eh, lalo na ’pag guwapo. Pero mas iba ang naging tama sa akin ng nabasa kong sulat. Ilang araw akong hindi nakakain nang maayos dahil do’n—hindi dahil masakit pa rin ang lalamunan ko. Sa katunayan nga, gumaling na ito noong Martes lang. Sadyang binabagabag lang ako ng mga nabasa ko.

Mula paggising hanggang pagtulog, lagi kong binabalikan ang sulat para basahin. At kasabay nito ay ang pagbabalik-tanaw ko rin sa nakaraan. Sa bawat sandali, sinusubukan kong alalahanin ang mga pagkakataong nagkukrus ang landas naming dalawa nang hindi ko namamalayan: tuwing pumapasok sa eskuwela, kapag nasa loob ng campus, tuwing uuwi ng bahay, at iba pang mga pagkakataon. Bakit hindi ko siya nakita?

Dahil ba ibang-iba na siya ngayon? Sa itsura? Sa katawan? Higit sa lahat, sa boses? O sadyang wala lang talaga akong interes sa mga lalake noon? Hindi naman sa sinasabi kong meron na ako ngayon.

Si Duke lang naman…

Si Duke lang ang kaisa-isang lalake na nagparamdam sa akin ng kakaibang emosyon. ’Yong tipong mas mabilis pa ang tibok ng puso ko kaysa sa mga galaw ng binti ko tuwing binibigyan niya ako ng malagkit na titig sa formation run. ’Yong hindi na ako makalunok ng pagkain tuwing ginagamit niya ang bota niya para iangat ang laylayan ng pantalon ko—palihim sa ilalim ng mesa—kapag kumakain kami sa mess hall. ’Yong halos bumigay na ang mga tuhod ko tuwing pasimpleng niyayakap niya ako patalikod sa firing range, para ayusin kunwari ang postura ko, at may nararamdaman akong matigas na bagay na dumidikit sa likuran ko. Bukod sa mga ito, marami pa siyang ginawang kahina-hinala.

Hindi ko nga alam kung may gusto siyang ipahiwatig o ano. Ni hindi pa nga niya alam na alam ko na ang totoong pagkatao niya. Pero pansin kong masyado na yata siyang nagiging komportable sa akin magmula nang gabing lumuhod ako. At hindi ko rin matanggap na ilang beses ko nang pinalalampas ang lahat ng ginagawa niya.

“’Tang ina…” pabulong kong mura.

Habang nakayuko, sinuntok ko ang pader ng shower room na kinapapalooban ko. Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng tubig mula sa shower papunta sa ulo ko, tinutulungan kahit papaano na palamigin ang pag-iinit ng katawan sa tuwing naaalala ang huling beses na may nangyari sa amin ni Duke.

Kailan pa ’yon.

Sumilip ako sa likuran ko. Bad move. Nang makita kasi ang hilera ng mga lavatory, nahinto ang mga mata ko sa isa sa mga iyon—sa pinakagitna. Animo’y umakyat ang dugo mula sa mga paa ko papunta sa nakabunyag kong pagkalalake. At walang ano pa man ay bigla itong nabuhayan. Sa kaba, agad kong ibinalik ang tingin ko sa harapan at yumuko ako sa ilalim ng tubig.

“Ina talaga…” bulong ko ulit. Sabay suntok sa harapang pader habang pinagmamasdan ang galit na galit kong pagkalalake.

Ni hindi pa nga ako nakakapag-shampoo o sabon. Mabuti na lang at walang bantay sa amin. Kapag kasi tapos na ang training, hinahayaan na kaming maligo one to sawa. Kaya hindi na limitado lang sa ilang tabo ang tubig na puwede naming gamitin; puwede rin naming mapakinabangan ang shower. Siguro, naisip din nila kung gaano kapawis at kabaho ang mga katawan namin pagkatapos ng mahabang araw. O baka nga, hindi kami ’yong iniisip nila, kundi ’yong mga punda at kumot na puwedeng madumihan kapag hindi kami nagsiligo.

“Jaxon, bai, puwede bang makihiram ng sabon?” dinig ko mula sa likuran ko.

Kusang umahon ang mukha ko at sinilip si Joseph na hubo’t hubad na nakatayo sa bukas kong shower room, ang isang braso ay nakasandal sa gilid ng pintuan. Tig-iisa kasi kami ng shower room dahil nauna na sa ’ming maligo ang ibang mga plebo, at nakapuwesto ako sa pinakadulo. Sa katabing shower room lang si Joseph, kaya siguro ako ang napili niyang puntahan.

“Ah, sure.” Kinuha ko ang nakapatong na sabon sa soap holder sa gilid na pader. Pagkatapos ay naglakad ako papunta kay Joseph na para bang may nakakalimutan ako. “Ito, o. Balik mo rin pagkatapos.”

Ngumiti siya matapos kunin ang sabon mula sa kamay ko, isang mapang-asar na ngiti—bagay na ngayon ko lang ulit nakita. “Mukhang tayong-tayo si Manoy, ah.”

At saka ko lang napagtanto kung bakit.

Nalantad pala sa kaniya ang kahabaan ko. Galit na galit pa rin. Kahit pareho kaming lalake, bigla akong tinamaan ng hiya at agad ko itong tinakpan gamit ang dalawang kamay. Lumunok ako at pilit na tumawa.

“Ah, hindi. Evening wood lang.”

Napangiti naman siya sa sinabi ko. “Siguro, may naiisip kang babae, ’no? Seksi ba?”

Nitong mga nakaraang araw, pansin kong unti-unti nang bumabalik ang dati niyang sigla. Gulat nga ako dahil nagagawa niya nang humawak ng rifle. At hindi lang humawak, napapaputok niya na rin ito kahit may panginginig-kamay. ’Yon nga lang, mas mataas pa scores ni Harry sa kaniya. Pero, malaking bagay pa rin na nagawa niyang labanan ang takot niya.

Dahil ayoko namang basagin ang trip niya, sinakyan ko na lang iyon. “Oo,” sagot ko, pilit na ngumiti. “’Yong ex-girlfriend ko.”

“Ah… kaya.” Inilapit niya ang mukha niya sa akin at may ibinulong sa tenga ko. “Sige lang, Jaxon. Mag-jaks ka lang. Huwag ka nang mahiya. Tayong apat lang naman dito sa CR. Pare-pareho naman tayong lalake.”

Para namang gano’n kadali ’yon. Hindi naman ’to mapapawi ng simpleng jaks lang, eh. Sinubukan ko na rin noong Miyerkules lang. Sandaling naibsan. Pero nang patulog na kami, mas lalo lang tumindi ang init na nararamdaman ko. Kaya dilat buong gabi.

“Uh…” Lumunok ako. “Mamaya na lang.”

Umatras siya. “Ah, gusto mo sa kama?”

“Hindi. Mamaya na lang pag-alis n’yo,” pagklaro ko. Hindi tulad niya, hindi ko naman kayang magkalat sa higaan.

“O, sige.” Tinapik niya ang balikat ko.

Nang bumalik na siya sa kabilang shower room, saka lang ako nakahinga nang maluwag. Tinanggal ko na ang mga kamay ko mula sa pagkakatakip. Sandali itong nahimbing sa maikling usapan namin ni Joseph. Pero nang muling dumapo ang mga mata ko sa lavatory, muli itong nagising.

“Ano bang gusto mo?” tanong ko sa alaga.

Pagbalik sa ilalim ng shower, paulit-ulit kong inuntog ang noo ko sa pader. Habang nakapikit itong ginagawa, isang mukha lang ang pumapasok sa isip ko. Mukha na sigurado ako ay hindi sa ex-girlfriend ko. Kundi mukha ng lalakeng nakaupo sa sofa, nakatingala sa ceiling habang may piring ang mga mata, at nakakagat sa labi. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga ungol nito.

“Ano ba ’tong nangyayari sa ’kin?”


Nauna nang matapos sa pagligo ang mga kaibigan ko kaysa sa ’kin. Kanina lang, nagpaalam na sina Mark at Joseph na babalik na sila sa barracks. Hula ko naman, sumunod na rin sa kanila si Harry—si Harry na noong nakaraang linggo pa ako hindi pinapansin—dahil wala na akong ibang nauulinigang nakabukas na shower.

Nakapatay na rin naman ang shower ko dahil kasalukuyan akong nagsasabon ng katawan. Habang tumatagal, mas lalo akong nilalamig. Dahil yata hindi na babad ang katawan ko sa tubig. Kaya mas lalo ko pang binilisan ang pagkilos. Kinuskos ko ang sabon sa leeg ko, kilikili, dibdib, abs, at lahat ng kasingit-singitan ng katawan ko.

Nang dumako na ako sa pagsasabon sa alaga ko, hindi ko inasahang magkakaroon ng sariling buhay ang kamay ko. Dahil mula sa maingat na pagkuskos lang sa katawan ng alaga ko para linisan ito ay nauwi na ako sa paglalaro nito. Napahawak ang isang kamay ko sa pader at napapigil ako ng hininga nang maramdamang tila nawawalan na ako ng kontrol sa kamay ko.

Hindi nagtagal, nilisan ng lamig ang katawan ko habang unti-unting kumakalat ang init mula sa kamay kong ayaw tumigil sa pagbabati, papunta sa buong katawan. Madulas at mainit sa pakiramdam dulot ng bula ng sabon. Masarap at talaga namang nakakapanghina ng mga tuhod. Kahinaan ko ito bilang lalake. Kaso, ’tang ina—lalake rin ang nasa isip ko habang ginagawa ito.

Pero, puta…

Hindi ko mapigilan.

Kahit diring-diri na ako sa ginagawa ko, hindi ko magawang labanan ang tawag ng laman. Alam kong ito lang ang tanging paraan para mabawasan kahit papaano ang init na nararamdaman ko. Kung hindi, maiipon ito nang maiipon ’pag nagtagal. At iyon din mismo ang kinatatakutan ko. Dahil kapag nangyari ’yon, baka ay tuluyan na akong makagawa ng hindi maganda.

Bahala na kung ’di ako makatulog mamaya.

Sabado naman bukas. Walang training.

Nasimulan ko na, eh. Baka tuluyan na akong maulol nito kapag binitin ko pa.

Mas lalo ko pang binilisan kaya napapikit na ako at napatingkayad ang mga paa. Kulang na lang ay bumaon ang mga daliri ko sa pader sa tindi ng pagkakakapit ko rito. Kaunti na lang sana at maaabot ko na ang langit nang biglang may narinig akong pamilyar na boses mula sa likuran ko.

“Jax.”

“Ay, puta—” Hindi lang pagkalalake ko ang nabitiwan ko kundi maging ang puso.

Nahuli ako sa akto. Ni Harry. Kung kailan malapit na akong labasan. Sa sobrang hiya, napahawak na rin ang kamay na ginamit ko sa pagbabati sa pader at napayuko ako.

Hindi ko alam na nandito pa pala siya.

“Um, s-sorry…” paumanhin niya.

Putol-putol man ang paghinga ko dulot ng pagkagulat, sinikap ko pa ring magsalita. “Ah, um… Shit…” Lumukot ang mukha ko. “Ano…” Tumikhim. “A-Ano ’yon, Harry?”

Naiwan pa rin ang sensasyong dulot ng pagbabati sa pagkalalake ko—nagliliyab at parang gusto na itong ipatapos sa akin.

Pero hindi ko ginawa.

Mas napukaw kasi ang atensyon ko sa katotohanan na nagawa na rin akong kausapin ni Harry. Sa tinagal-tagal.

Mga ilang segundo akong naghintay ng sagot mula sa kaniya, pero hindi na ako nakarinig ng pag-imik. Nang magtagal pa ay saka ko lang siya naisipang lingunin.

Akala ko ay nakaalis na siya, pero nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita siyang tahimik lang na nakatayo sa tapat ng shower room na kinapapalooban ko.

“Harry?” Bahagyang kumunot ang noo ko. “Bakit? May… May kailangan ka ba?”

Mukha namang tapos na siyang maligo dahil nakabihis na siya ng shorts at sando. Nakapagtataka lang dahil parang nanigas siya mula sa kinatatayuan niya, ang mga mata ay hindi maialis mula sa hubo’t hubad kong katawan na nakatalikod sa kaniya.

“T-Toothpaste?” Kumurap-kurap ako. “Kailangan mo ba ng toothpaste?”

Lumunok siya. “Uh… hindi.”

Balak ko na sana siyang harapin kung hindi lang dahil sa naninigas kong pagkalalake.

“Um, may gusto ka bang sabihin sa ’kin, Harry?” tanong ko nang maisip na baka ay ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin sa akin ang totoong nangyayari sa kaniya—kung bakit niya ako palaging iniiwasan. Pero wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Tuloy lang siya sa pagkatulala sa likurang katawan ko.

Dito ko na naisipang kunin ang tuwalyang nakasabit sa pader sa kaliwa, na siyang nagsilbing dibisyon sa katabi kong shower room. Matapos itong itapis sa ibabang katawan ay saka ko na hinarap si Harry.

Tipid akong ngumiti habang naglalakad patungo sa kaniya, nakapamewang. “Ah, sorry nga pala sa nakita mo.” Binasa ko ang mga labi ko. “Hindi ko naman alam na—”

“Sorry,” aniya habang nakatingala sa maputi kong mukha. “S-Sorry, Jax.”

Huminto ako sa harapan niya. May lagkit pa ngang naiwan sa katawan ko dulot ng natuyong sabon sa balat na hindi pa nababanlawan. Maliwanag sa loob ng CR kaya litaw na litaw ang pamumula ng mga pisngi niya nang malapitan ko siya. At hindi lang ito ang nahagip ng mga mata ko. Pansin ko rin ang umbok sa shorts niya, na agad niya rin namang tinakpan gamit ang mga kamay niya. Sa isang banda, saka ko lang din napansin na pati sa tuwalya ko ay may bumubukol din pala nang dumapo rito ng mga mata niya. Kaya agad ko rin itong tinakpan. At saka sabay kaming napailing.

Tulad kung paano niya ako nahuli kanina, muli akong nilamon ng matinding hiya. “Uh…” Suminghot ako. “S-Sorry saan?”

Gumilid ang mga mata ko para silipin siya. Kita kong nakaiwas pa rin ang tingin niya sa akin at hindi siya matigil sa pagsinghap. Kulang na lang ay isipin kong inubos niya na lahat ng amoy ng sabon sa katawan ko.

Dumiin ang mga kamay niyang nakatakip sa umbok ng shorts niya. “S-Sorry sa…”

Muling bumalik ang buong tingin ko sa mukha niyang namamawis, sa mga labi niyang paulit-ulit niyang binabasa. “Sa?”

Hanggang sa ibalik niya na rin ang buong tingin niya sa akin at nagtama ang mga mata namin. “Sa gagawin ko,” tuloy niya.

Bahagyang tumaas ang kilay ko, lumunok. Hindi ko alam ang isasagot pabalik kaya hinayaan ko lang siyang magpatuloy.

“May gusto lang akong malaman…”

Natalo ako sa patagalan ng tingin nang mapakurap. Sa ilalim ng bilugan niyang salamin, nangungusap ang mga mata niya.

Sandaling katahimikan.

Mga ilang saglit lang, humakbang siya palapit sa akin. Napunan ang sapat na puwang sa pagitan naming dalawa. Saka unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko nang masundan pa ang paghakbang niya. Bago pa magdikit ang mga katawan namin, agad akong napaatras pabalik sa loob.

“Harry, uh, okay ka lang?” usisa ko.

Pero parang wala lang siyang narinig. Tuloy lang siya sa marahang paghakbang at ako naman sa pag-atras. Biglang nagbago ang tingin sa mga mata niya—tila naging mapusok, bagay na hindi ko inaasahan mula sa inosente niyang mukha. Natakot ako… Natakot ako dahil sa kinikilos niya.

“Harry—”

Napabitiw ako sa pagkakatakip sa bukol ko nang bumangga ang likod ko sa gripo. Napakapa ako sa paligid. Nang mahawakan ang pader, gumilid ako at tuluyan nang napasandal ang likod ko rito. Para akong na-corner—hindi, na-corner talaga ako.

Huminto lang siya nang makitang wala na akong kawala. Uminit sa pakiramdam dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Pero mas lalo pang uminit sa loob ng shower room nang bigla niya akong hinawakan sa mukha.

Napailing ako. “Harry, anong—?”

Agad na naputol ang tanong ko nang simulan niyang haplusin ang pisngi ko. Ramdam ko ang lambot ng palad niya na parang sa babae lang. Sa kabila nito, hindi matigil sa panginginig ang mukha kong pilit inilalayo sa kaniya. Batid kong hindi ako nag-iinit dahil tinatamaan ako sa ginagawa niya, kundi dahil sa pandidiri.

Naguguluhan ako. Bakit niya ’to ginagawa?

Mas lalong sumidhi ang panginginig ko nang dumulas pa ang palad niya papunta sa leeg ko—sa adam’s apple. At napasinghap ako nang bumaba pa ito, papunta sa hiwa ng dibdib ko. At hindi pa siya nakuntento. Sunod siyang dumako papunta sa mga hiwa ng abs ko, dinama ang bawat linya nito.

Mas lalo akong naguluhan. Bakit iba ang nararamdaman ko sa ginagawa niya?

Hindi naman siya ang kauna-unahang lalake na nakahawak sa katawan ko. Nangyari na rin ’to dati. Ginawa na rin ito sa akin ni Duke noon. Pero imbes na mabuhayan, parang iba ang nananaig sa akin. Hindi ko ito nagugustuhan. Masagwa sa pakiramdam. Para akong nababastusan.

“Harry, mali ’to,” diin ko. “Tumigil ka na.”

Pero parang wala lang siyang narinig. Bumaliktad pa nga ang kamay niyang nakahawak sa akin at tumutok ito pababa. Napakuyom ang kamao ko nang marahan itong dumausdos sa balat ko, papunta sa puson. At nagsitindigan na lang ang mga balahibo ko nang sumuksok ito sa tuwalya.

“’Tang ina, hindi ako bakla kagaya mo!”

Biglang nandilim ang paningin ko at umugong ang tenga sa sariling sigaw. Mabuti na lang at nakapagpigil ako at hindi ko siya nasuntok sa mukha, naitulak lang. Naitulak nang sobrang lakas. Sa sobrang lakas, tumilapon lang naman siya sa sahig at nahulog ang suot niyang salamin.

Sandaling katahimikan ulit.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nakakaawang kalagayan niya, saka bumigat ang paghinga. Heto siyang nakatihaya sa basang sahig habang nakasuporta ang dalawang braso, napapahalinghing nang mahina. Bakas sa mukha niyang nasaktan siya. Nasaktan ko siya. Sa kauna-unahan, nasaktan ko ang isa sa mga kaibigan ko.

Nabasag ang katahimikan.

Sa isang iglap, nauwi ang paghalinghing niya sa putol-putol na paghikbi. Hindi niya magawang iangat ang mukha niya. Hindi niya ako magawang tingnan. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang lapitan. Nang magtagal pa, saka lang ako natauhan sa nagawa ko.

“Harry, h-hindi… hindi ko sinasadya.”

“Hindi ko rin sinasadya.” Humikbi siya. “Gusto ko lang malaman ang magiging reaksyon mo… At ngayon, alam ko na.”

Humakbang ako. “Harry—”

Pero agad akong natigilan sa sunod niyang sinabi. “Hindi ko naman kasalanan… Hindi ko naman ginustong ipinanganak akong ganito. At hindi ko naman kayo pinipilit na tanggapin ako. Gusto ko lang mabuhay…”

“Harry, mali ka ng iniisip—”

“Gusto ko lang mabuhay.” Napaiyak na siya ngayon. “Mula sa bahay hanggang dito, bakit ba kailangan kong magkunwari para lang gawin ’yon? Sa sarili ko… Kay Papa… Sa inyo…” Suminghap siya. “Sa ’yo, Jax.”

Lumunok ako, umawang ang mga labi, habang nagingilid ang luha sa mga mata.

“Bakit ba hindi mo makita?” tanong niya. “Bakit ba hindi mo ako kayang tanggapin?”

Napaatras ako. “Harry, hindi totoo ’yan.”

Tinangka ko siyang hawakan para iahon, pero hinawi niya ang kamay ko. Pagdampot sa salamin niyang naputulan ng braso sa sahig, napatayo siya at saka ako hinarap.

Pinunasan niya ang luhaan niyang mga mata at napasinghap siya. “Kaya pala pinagpipilitan mo na babae ang gusto ko? Dahil hindi mo matanggap kung ano ako?”

Hindi ako nakasagot sa puntong ito. Alam kong nasabi ko nga ang bagay na ’yon, pero hindi ko naman alam na mamasamain niya.

“Tama nga siguro ang sinabi niya sa ’kin…”

Muling bumagsak ang luha niya.

“Tulad nila, pandidirian mo rin ako…”

At napatakip siya sa bibig.

“Kapag nalaman mong bakla ako.”

Pagkatapos ay paiyak siyang tumakbo palayo. Habang ako ay naiwang nakatulala sa hangin. Hindi makagalaw. Nababalot pa rin ng init ang katawan. Napupuno ng galit, inis, lungkot, pagtataka, pagsisisi sa nagawa at mga nabitiwan kong salita, at kung ano-ano pang hindi ko maipaliwanag.

Tama nga ako ng hinala. Kaya niya ako iniiwasan dahil may gustong sumira sa pagkakaibigan namin. At isang tao lang naman ang alam kong kumausap sa kaniya—ang tao rin mismo na hindi maalis sa isip ko mula pa noong nakaraang linggo.

Sa paglisan ng init sa katawan ko, unti-unti itong napalitan ng lamig. Saka ko hinubad ang tinapis kong tuwalya at bumalik ako sa ilalim ng shower, binuksan ito nang todo, at malakas na sinuntok ang pader sa harap, ang mukha ay ’di matigil sa panginginig.

“Duke,” may halong ngisi kong sambit. “Humanda ka sa ’kin mamayang gabi.”

Nilinis ko ang katawan ko nang maigi.

Chapter 27

Inasahan ko nang hindi ako makakatulog ngayong gabi. Pagkatapos ba naman ng nangyari sa ’min ni Harry sa CR kanina. Akala ko talaga ay mareresolba na ang hindi niya pagpapansin sa akin noong nakaraang linggo pa, pero lalo lang pala itong lalala. Tuluyan pa ngang lumawak ang puwang sa pagitan naming dalawa.

Kasalanan ’to ni Duke, eh.

Dahil sa kaniya, nabulyawan ko si Harry at natawag itong bakla. Alam ko naman kahit noon pa lang kung ano ito, pero wala akong intensyon na makapanakit gamit ang salita. At mas lalong hindi ko intensyon na itulak ito kanina. Nadala lang ako ng emosyon. Hihingi sana ako rito ng tawad, pero bago pa man mag-curfew, tulog na agad ito.

Sabi nina Mark at Joseph, umiiyak daw nang dumating ito sa barracks kanina. Tinanong nga nila ako kung ano raw ang nangyari. Hindi ko naman sila sinagot. Ayokong pati sila ay madamay sa gulo.

Masyado nang marami ang iniisip ko.

Kita mo ’yan, ako na lang ang gising. Kanina pa nga ako nakatulala sa ceiling, sa mahabang anino ng bintana na nakalapat doon. Unan ko ang isa kong braso at ang isang kamay naman ay nakasuksok sa loob ng boxer, hinahaplos-haplos si Junior. Si Junior na kanina pa naninigas dulot ng naudlot na pagpapalabas. Kabitin amputa.

“Shit,” mahinang ungol ko nang mapakapit ang kamay ko sa katawan ng alaga ko.

Nawawalan na naman ako ng kontrol sa sarili. Sumilip ako sa kanan sa pangamba na baka ay may nakakakita sa ginagawa kong kahalayan, pero nang makumpirmang patalikod na nakahiga si Harry sa kabilang kama, tumuloy-tuloy na ako sa ginagawa.

“Putang ina,” walang boses kong sabi.

Dito na ako inabutan ng tawag ng laman. Siniguro kong maingat ako sa bawat galaw ko dahil ayokong magising ang mahimbing na natutulog sa ilalim na kama. Napapikit ako dulot ng sarap na natatamo sa bawat pagbati sa tigas na tigas kong alaga. Mula sa dilim, nagkaroon ng imahe ang taong pinagbabatihan ko: moreno… at guwapo.

“’Tang inang ’yan,” may boses ko nang sabi.

Agad akong napamulat at mabilisang hinugot ang kamay mula sa loob ng boxer. Naalala ko nga palang dapat akong magalit sa taong ’yon, hindi ang pagpantasiyahan siya. Siya ang dahilan kung bakit ako nilalayuan ng kaibigan ko. Siya ang dahilan kung bakit ko ito nasaktan at napaiyak. Siya rin ang dahilan kaya ako litong-lito. Sa kasarian ko. Sa totoong nararamdaman ko.

Isa lang ang paraan para matigil na ’tong kahibangan ko. Kailangan naming magkita.

Chineck ko ang hindi ko pa nahuhubad na relo para alamin ang oras. 2310 na pala.

Siguro naman ay gising pa ’yon.

Umahon na ako sa kama. Pagbangon, dumikit ang ulo ng naninigas kong alaga sa puson ko dahil lumampas ito sa boxer.

“Mamaya ka na, please,” bulong ko rito.

Itinaas ko ang garter ng boxer ko para matakpan ito. Saka ako sumilip sa baba. Tulog na tulog si Joseph: check. Mas lalo na si Mark dahil ang lakas ng hilik nito: check. Affirmative: puwede nang bumaba.

Go, go, go! ala-Counter-Strike na bulong ng mga gagong demonyo sa isip ko.

Parang ninja, maingat akong bumaba sa kama. Pag-apak sa sahig, hinugot ko ang likurang parte ng boxer ko na nahigop ng puwet. Saka ako tumungo sa cabinet at maingat na binuksan ang pinto niyon, kumuha ng shorts. Nagdoble. Sunod kong kinuha ang sulat ni Duke sa ilalim ng unan ko. Isinuksok sa likuran, itinago sa sando. Sunod ang mga sapatos sa ilalim ng kama ni Joseph. Isinuot. At naglakad na palabas.

Palipat-lipat pa rin ang tingin ko sa mga kasama habang marahang binubuksan ang pinto, iniiwasang makalikha ng ingay. Patalikod akong lumalabas ng pintuan. Nang makatuntong na sa labas, hinila ko na ang pinto. Pinihit ang doorknob. Isinara.

Safe.

Isang atras, dalawa, tatlo. Bumangga ang katawan ko sa matigas na bulto. Nanindig ang mga balahibo ko at muntik na akong mapasigaw kung hindi lang dahil may makalyong kamay na tumakip sa bibig ko.

“Shh.” Niyapos ako ng taong nabangga ko patalikod. “Huwag kang maingay, chinito.”

Nang marinig ang boses nito, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Akala ko ay kung sino na ang nakahuli sa ’king lumabas ng barracks kung kailan curfew hours na.

Siya rin naman, parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang maramdaman ang matigas na bagay sa likuran ko, at pati ako ay tinigasan na rin.

“ Bidiwon mo ’kwo ,“ pigil kong bigkas sa ilalim ng makalyong palad. “ Dawk .“

“Saan ang punta?” Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko. “Hanap mo ba ’ko?”

“ ’Tong ino mo .“

Siniko ko siya sa tagiliran kaya nabitiwan niya ako. Pagharap sa kaniya, kita kong napaigtad siya at napahawak sa nananakit na tagiliran. “Mapanakit ka talaga, chinito,” napapahalinghing niyang wika. “Aray ko.”

“S–Sorry,” may halong pag-aalala kong sambit. Lalapitan ko pa sana siya para i-check, pero naalala ko nga palang galit dapat ako sa kaniya dahil niyakap niya ako. “’Tang ina mo, ano ba kasi ginagawa mo?”

Natigil na siya sa paghalinghing, pero nakahawak pa rin sa tagiliran, tumikhim. “B-Balak lang sana kitang gulatin, tapos…”

Gulatin? Sa pamamagitan ng pagyakap?

“Bakit ka nandito?” tanong ko.

“Ikaw, bakit ka nandito?” tanong din niya.

“Eh, naiihi ako, eh,” pagsisinungaling ko.

“Samahan na kita. Sabay tayong umihi.”

“Gago.” Nag-init ang mga pisngi ko. “Pumunta ka rito para lang umihi?”

Para namang walang CR sa fourth floor.

Napahalikhik siya. “Siyempre hindi.”

Nagpamewang ako. “Eh, bakit ka nandito?”

Binitiwan niya na ang tagiliran niya at umayos siya ng tindig. Kahit madilim dito sa hallway, naaaninag ko ang kabuuan niya. Nakasuot siya ng itim na jogging pants at hoodie sa parehong kulay. Ang buhok niyang bahagyang nakabagsak sa noo ay mamasa-masa pa. Mukhang bagong ligo.

“Ikaw ang pinunta ko rito,” sagot niya.

Bahagyang tumaas ang kilay ko. “Ako?”

Isinilid niya ang kamay niya sa kaliwang bulsa ng suot na hoodie. “Oo, sino pa ba?”

Galit ka, Jaxon. Galit ka Jaxon. Galit ka, Jaxon.

Nagsuot ako ng galit na mukha. “Bakit?”

Dumapo ang mga mata ko sa nakatago niyang kamay sa bulsa nang mapansin kong parang may pinipiga siya roon. Parang plastic na ewan ang tunog. Ang sagot niya habang nakangiti, “May pupuntahan tayo.”

Napalunok ako nang mariin. “S-Saan?”

Naging ngisi ang ngiti. “Sa gubat.”


Bobo…

Sumama ang bobo…

Sumama kahit hindi alam kung anong panganib ang naghihintay sa gubat.

Para akong bata na tinanggap ang alok na candy ng isang mamang estranghero para mapasunod sa isang tagong lugar at gawan ng hindi kanais-nais. Ang pinagkaiba lang, hindi na ako bata at alam ko ang ginagawa ko. At hindi na rin naman na estranghero sa ’kin si Duke. Pagkatapos ng lahat ng nalaman ko tungkol sa kaniya sa sulat….

Sulat na nakasuksok ngayon sa shorts ko.

Hawak-hawak ko ang nakausling parte nito sa likuran ko habang sinusundan ko ang paglalakad niya patungo sa pusod ng gubat. Tulad noon, madilim pa rin ang paligid dahil sa sobrang yabong ng mga puno. Pasilip-silip ang buwan. Tuloy-tuloy ang huni ng mga kuliglig, kuwago, palaka, at kung ano-ano pang buhay meron sa gubat.

“At bakit mo na naman ako dinala rito?” tanong ko. “Hindi naman ako si Kuya.”

Hindi lumilingon, sumagot siya. “Bakit? ’Di mo ba nagustuhan ang pinakita ko noon?”

Kung ang mga alitaptap sa patay na puno ang tinutukoy niya, hindi ko itatangging nagustuhan ko nga iyon. Isa nga iyon sa mga dahilan kaya ako sumama sa kaniya ngayon. Gusto ko ulit iyong masaksihan.

“S-Sakto lang,” sinungaling kong tugon.

Higit pa sa sakto ’yon. Walang salita ang makakatumbas sa ganda ng tanawing ’yon. Pero hindi ko aaminin sa kaniya. Baka mamaya ay maging utang na loob ko pa. Sa dami na ng nagawa niya noon para sa ’kin.

Sabihin ko na ba sa kaniya ang totoo?

Na alam ko na ang lahat?

“May gusto pa sana akong ipakita,” aniya habang hinahawi ang mga balakid sa daan.

Hindi naman ako interesado. “Ano ’yon?”

“Gusto mo bang makita ang langit?”

Sandali akong natigilan sa paglalakad. Gano’n din siya. May kumabog sa dibdib ko at may kumislot sa loob ng shorts ko.

“’Tang ina. May balak ka sa ’kin, ’no? Kaya mo ba ako dinala rito?” pagdududa ko.

Dinig ko naman ang paghalikhik niya habang nakatalikod. “A-Ano? Wala, ah.”

“Anong wala?” Dumako ang tingin ko sa isa niyang braso na nakatago sa harapan. “Eh, ano ’yang nasa loob ng bulsa mo, ha?”

“Wala.” Tinanggal niya na ang kamay niyang nakatago sa bulsa ng hoodie at ibinaba ito sa tabi ng pants. “Eh, ikaw?”

Kumunot ang noo ko. “Anong ako ?”

Pahapyaw niya akong nilingon at nginisian. “Ano ’yang nasa likod ng shorts mo?”

Natahimik ako, napakurap-kurap. “H-Ha?”

“May dala ka na naman bang kutsilyo?”

Umawang ang bibig ko sa narinig. Bumuka ang kamay na nakahawak sa usli ng papel at marahang napabitiw rito. “K-Kutsilyo?”

Alam niyang may dala ako noong patalim, at hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

“Masakit din, ah.” Naging mapait na ngiti ang ngisi sa mukha niya. “Alam kong wala kang tiwala sa ’kin noon, pero nasaktan pa rin ako. Hindi ko alam na nakakaya mong isipin na patayin ako, samantalang gusto ko lang namang ipakita sa ’yo ang paraiso.”

Parang may kung anong nanuot sa dibdib ko. Konsensya ba o ano. Hindi ko matukoy. Hindi ko rin masabi. Natahimik lang ako.

Bumalik na ang tingin niya sa daan sa harapan. “Hanggang ngayon, wala ka pa ring tiwala.” Tumikhim siya. “Okay lang.” At tumuloy na siya sa paglalakad. “Balak ko lang naman sanang ipakita ang langit na punong-puno ng mga bituin. ’Yon lang.”

Sumunod na rin ako sa paglalakad, napayuko sa hiya kahit hindi niya naman ako nakikita. “D-Dapat kasi nililinaw mo.”

“Ano ba kasing langit ang nasa isip mo?” mapagbiro niyang tono. “Kung ibang langit ang tinutukoy mo, puwede ko rin naman ’yong ipakita sa ’yo. Dadalhin kita roon.”

Muling nag-init ang mga pisngi ko. “Gago.”

Sandali kaming natahimik habang tinatahak ang kahabaan ng gubat.

Unang pagkakamali ko na sumama ako rito nang hindi pinaghandaan ang mangyayari. Ang ikalawa ay ang hindi ko pagsuot ng mahabang kasuotan bago sumama. Alam ko na ngang malamig dito, eh, hindi ko pa rin ginawa. Nang rumagasa tuloy ang malamig na hangin mula sa unahan ay nanginig ako at napayakap sa sarili.

“Nilalamig ka ba, chinito?” usisa niya.

“Hindi,” tuwid ko namang sagot.

Nang sumilip siya sa akin para i-check ako ay pinalitan ko ang pagkakayakap sa sarili sa pagkakahalukipkip, umastang matibay.

“Dito ka nga sa tabi ko,” mungkahi niya. “Mukhang kailangan mo ulit ng yakap.”

Umiwas lang ako ng tingin. “Ina mo.”

Ngayon, sigurado na akong niyakap niya ako noong gabi sa infirmary. Magnanakaw ng yakap amputa. Bigwasan ko siya, eh.

“Baka mamaya, nilalamig ka kasi may iba na palang nakayakap sa ’yo,” sambit niya.

Kahit hindi naman matatakutin, parang nagsitindigan ang mga balahibo ko sa narinig. Kusang bumilis ang paglalakad ko hanggang sa mapatabi ako sa kaniya nang hindi sinasadya dahil nakatingin patalikod.

Napakibit ang balikat ko nang bigla niya na lang akong inakbayan. Ramdam ko ang bukol ng bisig niyang nakaakbay sa akin. “O, akala ko ba ’di ka takot sa multo?”

“H-Ha?” sabi ko pagbaling sa kaniya.

Napahalikhik siya. “Para kang bata.”

Ngayong magkalapit na ang katawan namin sa isa’t isa, sumaboy ang mabangong amoy niya sa ilong ko na humahalo sa amoy ng lupa, dahon, at lahat ng bagay sa paligid na may kinalaman sa gubat. Bumaba ang tingin ko sa braso niyang sumasayad sa dibdib ko at sa kamay niyang sumasanggi sa utong ko habang naglalakad kami. Mas lalo lang akong tinitigasan dahil dito.

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko. “Bitiwan mo nga ’ko.”

Nagkibit ako ng balikat bilang senyas na alisin niya na ang mabigat at malaman niyang braso mula sa akin, pero sa halip na bitiwan ako ay nagkunwari siyang sa daan lang ang tingin at mas lalo pang idinikit ang katawan ko sa kaniya. Idiniin. Dinama.

“Relax,” saad niya. “Pinapainit lang kita.”

Pero kabaliktaran ang nangyari. Sa halip na ma-relax, mas lalo lang akong nakaramdam ng pagkailang tuwing tumatama ang kamay niya sa utong ko. Bawat sagi nito ay mas lalo iyong nagiging sensitibo. Mas naging masikip naman ang pagkakahalukipkip ko sa mga braso, pero hindi ko itinaas ang mga ito sa dibdib para takpan ang bagay na natatamaan niya. Hinayaan ko lang iyon.

Suminghap ako at itinuon na rin ang tingin sa harapan. Sa hindi maipaliwanag, parang nawala na ang lamig na nararamdaman ko.

“Hanggang akbay ka lang,” pagpayag ko. “Pasalamat ka at kaibigan ka ng kuya ko.”

“Sir, yes, Sir!” aniya at sumaludo pa nga. “Maraming salamat ho sa pagpayag, Sir!”

Umiling ako at napakagat sa labi. Puta…

Gusto kong humagalpak sa tawa pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung sinadya niyang sabihin iyon para magpatawa, pero malakas ang naging tama noon sa ’kin.

Mabigat man ang braso niya, gumagaan naman ang loob ko. Hindi puwede ’to. Nakalimutan ko na yata kung bakit ako nandito. Galit nga pala ako sa kaniya.

Suminghot ako para mawaksi ang namumuong ngiti sa labi, saka nagsuot ng banas na mukha, ibinalik ang tingin sa harapan, magkasalubong ang mga kilay.

“Bakit mo sinabi ’yon kay Harry?” tanong ko, sinisikap na paigtingin ang galit kong nawala mula nang yakapin niya ako kanina.

Natagalan bago siya sumagot. “Ang alin?”

Nagmamaang-maangan pa siya.

Bumaling ako sa kaniya. “Alam mo ’yon .”

Sandaling natigil sa pagsagi ang kamay niya sa naninigas kong utong. Gumaan ang braso niyang nakapatong sa balikat ko. Bumagal ang tempo ng paglalakad namin.

“Na hindi siya bagay rito sa military?” tugon niya, sa harapan lang ang tingin.

Umigting ang panga ko, hindi lang dahil tumigil na siya sa pagsanggi sa utong ko, kundi dahil parang iniiwasan niyang ibigay ang sagot na hinihingi ko. “Hindi ’yon. May sinabi ka sa kaniya na ’di ko nagustuhan.”

Ayaw pa rin akong tingnan, aba! Tinanggal pa nga ang braso mula sa pagkakaakbay sa ’kin! Sinabi ko bang gawin niya ’yon?!

“Mukhang malapit-lapit na tayo, chinito.”

At iniiba pa nga usapan!

Kinalas ko na ang mga braso ko mula sa pagkakahalukipkip, napabuntong-hininga.

“Balak mo ba talaga kaming sirain, ha?”

Taimtim lang ang tingin niya sa lagusan. “Nagagalit ka na naman sa ’kin, chinito.”

“At bakit hindi?” Hinablot ko siya sa braso kaya natigil kami sa paglalakad. “Sinabi mo lang naman kay Harry na pandidirian ko siya…” Suminghap ako. “Kung bakla siya.”

Sa wakas, hinarap niya na rin ako. Dumapo ang tingin niya sa braso niyang pinipiga ng kamay ko. “Nasasaktan ako,” daing niya.

Ngumisi ako. Akala mo naman ay sobrang lakas ng ginagawa kong pagpiga sa braso niya. “Kalalake mong tao, nasasaktan ka?”

Umangat ang tingin niya sa mukha ko. “Nasasaktan ako,” diin niya, “kasi kahit ako ang kasama mo, ibang tao nasa isip mo!”

Rumagasa ang hangin mula sa dulo ng lagusan, pinabibigat ang paghinga ko.

“Puro ka na lang ‘Harry’, ‘Harry’!” reklamo niya. “Kaya lalo akong nagagalit do’n, eh!”

Napakunot na lang ang noo ko. Ako dapat itong nagagalit, eh, pero parang baliktad.

“Natural, kaibigan ko ’yon!” singhal ko. “At hindi maganda ’yong mga sinabi mo! Kita mo ’yan, hindi na ako pinapansin ng tao!”

“Eh, ’di mabuti!”

Tumuloy na ulit siya sa paglalakad, kaya kusang napabitiw ang kamay ko sa kaniya.

Sumunod ako. “Duke, kinakausap pa kita!”

Parang wala lang siyang narinig. Ayoko pa naman sa lahat ang tinatalikuran ako kapag kinakausap—lalo na ’pag guwapo ang kausap. Hindi ko makita ang mukha niya.

“Ano ba talagang gusto mo?!” pahabol ko.

Ano ba talagang gusto ko? tanong ko rin sa sarili. Bakit ako humahabol sa isang lalake?

“Bakit mo ba ako inilalayo sa mga kaibigan ko?! Bakit mo ba ginagawa lahat ng ’to?!”

Bakit kung kailan siya lumalayo, ako naman itong kusang lumalapit? Bakit ko ’to ginagawa?

“Bakit hindi ka sumasagot?!”

Bakit hindi ko alam ang sagot?

“Duke, sagutin mo ’ko!”

Kailangan ko ng sagot!

Umabot na ang habulan hanggang sa pusod ng gubat. Nawala na ang mga mayayabong na puno sa paligid, napalitan ng malawak na hawan ng damuhan. Ang bilog na bilog na buwan ay tuluyan nang nagpakita sa kalangitan. Ang mga huni ng mga kuliglig at kung ano-anong hayop ay humina. Mas lalo namang lumakas ang tibok ng puso ko.

Sa malayo, kita kong tuloy-tuloy lang sa paglalakad si Duke papunta sa kalbong puno sa gitna, malapit sa lawa, habang ako ay sandaling natigilan sa puwesto kung saan din ako natigilan nang una kaming pumunta rito. Noong gabing iyon, hindi ako lumagpas mula sa kinatatayuan ko.

Natakot ako noon. Bago lang sa ’kin ang lahat—ang may maramdamang kakaiba para sa kapwa ko lalake. At labis ang takot ko na baka ay tuluyang lumalim iyon, hindi mapigilan, at mauwi sa hindi inaasahan. At heto ako ngayon, lumalagpas sa linya, tuloy lang sa paghakbang patungo sa kaniya.

Bawat hakbang ko, nagsisilipana ang mga alitaptap na nakakubli sa mga luntiang damo. Dilaw na dilaw ang mga ito. Mas lalo nitong pinagaganda ang paligid—at mas lalo lang nitong ginugulo ang damdamin ko. Galit pa ba itong nasa puso ko o iba na?

“Duke, hintayin mo ’ko!”

May nararamdaman akong bigat sa dibdib. At parang may kung anong bumara sa lalamunan ko at hindi ko masabi ang mga bagay na gusto kong sabihin. Marami… Marami akong gustong sabihin sa kaniya.

“Duke, huwag mo ’kong iwan!”

At hindi ko rin alam kung bakit nagtutubig ang mga mata ko. Para naman akong tanga, o. Para lang sa isang lalake, nagkakaganito ako? Dahil lang hindi niya ako pinapansin? Hindi na nga yata ito tungkol kay Harry, eh.

“Duke, ’tang ina naman, harapin mo ’ko!”

Sa sobrang hingal dulot ng kasisigaw, sandali akong nahinto sa paglalakad. Pinanood ko lang siyang magpatuloy. Lumayo. Iwan ako. Ang damdamin ko.

“Bakit mo ba ginugulo ang isip ko?!”

At sa tanong kong iyon siya napahinto.

“Bakit mo ba ginagawa sa ’kin ’to?!”

Piniga ko ang gilid ng shorts ko.

“Bakit mo ba ako pinahihirapan?!”

At sa isang iglap, kusang lumabas ang lahat ng mga salita, umapaw mula sa puso kong punong-puno ng pagtataka sa kung ano talaga ang tunay na nararamdaman ko.

“Sagutin mo ang mga tanong ko!”

May halong gigil at kapaguran sa boses ko.

“Huwag mo akong talikuran!”

Nangingilid ang luha sa mga mata ko.

“Duke, harapin mo ’ko!”

Sa huli kong sinabi, nagawa niya na rin akong harapin. Mula sa malayo, nagtama ang mga mata namin. Mga matang nangungusap. Na para bang kami lang ang nakikita ng isa’t isa. At ang sagot na hinahanap ko, mukhang nakita ko na.

Umihip ang hangin sa pagitan namin.

Nahipan ng hangin ang buhok niya sa noo at tumaas iyon, kaya mas lalong naging maaliwalas ang mukha niya. Tulad kung paano ko siya unang nakita. Tulad kung paanong unang may naramdaman akong kakaiba. Nakita ko ang sagot sa labi niya.

Isa, dalawa, tatlong hakbang. Ako, patungo sa kaniya. Apat, lima. Siya, patungo sa ’kin. Anim, pito. Hindi ko na mabilang. Tulad ng mga alitaptap na nabulabog sa damuhan, hindi ko na mabilang ang mga hakbang na kinailangan para magtagpo kami sa gitna.

Ang alam ko na lang, nang makalapit kami sa isa’t isa, natigilan kami at sandaling nagkatitigan. Napahawak ako sa batok niya, napahawak siya sa batok ko. Kinabig ko ang mukha niya, kinabig din niya ang mukha ko. At nauwi iyon sa isang halik. Sa isang halik na mas malalim pa sa gabi.

Iyon din mismo ang sagot na hinahanap ko.

Chapter 28

This chapter is R-18.

Ni minsan ay hindi pumasok sa isip ko na halikan ang kapwa ko lalake. Una sa lahat…

Straight ako. Halata.

Hindi pasok sa bokabularyo ko ang mga salitang M2M, BXB, BL, top, bottom, o kahit anong may kinalaman sa dalawang lalakeng naghahalikan—o higit pa roon.

Sa cellphone ng seatmate ko noong Grade 8 ko unang nakita ang mga salitang M2M at BXB. Nang minsang hiniram ko kasi ang cellphone nito para magpapasa ng porn sa SHAREit, nag-pop up sa notifications ang updates ng tila isang reading app. Hindi naman ako mahilig sa mga nobela tulad ng seatmate ko, pero dahil na-curious kung ano ang mga binabasa nito, pinindot ko ang notification ng nasabing reading app.

No’ng araw din mismong iyon, lumipat ako ng upuan at hindi na pinansin ang kaklase kong ’yon. Parang na-trauma kasi ako nang mabasa ang mga sinusubaybayan nitong kuwento sa app. Ang tawag pa naman lagi sa ’kin nito, pare . Tapos dalawang pare din pala na nagtatalik ang mga binabasa nito. Lagi pa naman kaming sabay umihi no’n. Huli na nang malaman ko. Nandiri ako.

Grade 9 nang una kong marinig ang salitang BL. Akala ko nga noong una, isa itong brand ng makeup. Palagi kasing nababanggit ng mga kaklase kong babae. Binabalewala ko naman dahil wala akong interes sa mga gano’n. Ang laman palagi ng utak ko noon ay basketball, gym, shooting, at siyempre, ang girlfriend kong maganda.

Isang beses, pinuntahan ko si Kuya Janus sa kuwarto nito para yayain na sumama sa gym. Hindi ko ito nakita sa kuwarto. Pero pansin kong naiwan ang cellphone nitong nakapatong sa study table, nakabukas. May nagpi-play na video. Nilapitan ko iyon para panoorin. Sa video, may dalawang lalake. Parehong siga ang itsura—’yong isa maputi, ’yong isa naman ay medyo kayumanggi. Nagsisigawan sa isa’t isa. Pero hindi ko masyadong maintindihan ang mga pinagsasabi ng dalawang bida dahil Chinese ang lengguwahe. May English subtitle naman. Kaya lang, sobrang bilis. Maya-maya pa, biglang hinablot ng maputing lalake ang isa sa kuwelyo ng uniporme at inilapit ang mukha nito sa kaniya, pinanlisikan ng mga mata. Bago ko pa man malaman kung anong sunod na mangyayari, biglang dumating si Kuya galing sa labas at may pagmamadaling hinablot ang cellphone niya at pinatay iyon.

Tinanong ko si Kuya kung anong palabas iyon. Ang sagot niya naman, Chinese drama lang daw. Love triangle. Magkaribal sa iisang babae ’yong dalawang lalakeng bida kaya nagtatalo. Hindi ko na masyadong tinanong dahil wala naman akong hilig sa mga drama na ’yan. Ang nakapagtataka lang, magmula no’ng araw na ’yon, palagi nang nagla-lock ng kuwarto si Kuya kahit na iihi lang sa CR sa baba.

Isang araw, napansin ko ang babae kong kaklase na nanonood ng parehong drama. Alam ko dahil parehong-pareho ang mukha ng dalawang lalakeng bida sa nakita ko sa CP ni Kuya. Tinanong ko ang kaklase ko kung anong drama iyon. Ang tanging sagot nito, BL daw, kaya hindi ko maiintindihan. Siyempre, nagtaka ako. Akala ko talaga, makeup ang BL. At akala ko, magkaaway ang dalawang lalake sa kuwento tulad ng sinabi ni Kuya. Pero bakit tila kilig na kilig ang kaklase ko habang nagtatalo ang dalawa? Nakisilip ako habang nanonood ang kaklase ko sa harapan. Parehong episode na napanood ko sa cellphone ni Kuya. Hinablot sa kuwelyo ang isa. Nagkatitigan ang dalawa nang masama. Akala ko, mauuwi na sa suntukan ang dalawa. Maya-maya pa, nanlaki na lang ang mga mata ko sa sumunod na eksena.

Anak ng puta, naghalikan sila!

Siyempre nandiri ako. Bago lang sa ’kin na makakita ng gano’n. Bata pa lang kami, palagi nang sinasabi ni Dad na ang lalake ay para sa babae, ’yon lang at wala nang iba. Pero kasabay ng pandidiri ko ang realisasyon kung bakit nagsinungaling sa akin si Kuya noon at kung bakit tila takot na takot siya nang makita ko ang palabas na pinanonood niya. Natatakot pala siyang malaman ko ang tunay niyang pagkatao. At alam ko rin na natatakot siya na malaman iyon ni Dad. Kaya napalitan ang pandidiri ko ng lungkot. Lungkot dahil baka naisip niyang pandidirian ko siya kapag nalaman ko ang totoo, at baka isumbong pa kay Dad. Sa kabila ng lahat, umasta akong parang walang nalaman at hindi binago ang pakikitungo sa kaniya. Para sa ’kin, siya pa rin ang kuya na hinahangaan ko dahil sa sobrang kabaitan. Kaya iningatan kong mabuti ang sikreto niya hanggang sa makapasok na siya sa military academy.

Mula noon, nilawakan ko ang pang-unawa ko sa mga bagay-bagay. Hindi na ako naging mapili sa mga kakaibiganin ko. Humingi ako ng tawad sa dati kong seatmate noong Grade 8 na bigla ko na lang iniwasan nang hindi sinasabi rito ang dahilan. Si Kuya ang siyang naging daan para maging maunawain ako sa mga taong tulad niya, ay natatakot na mahusgahan.

Pero kahit gano’n, wala pa ring nagbago sa kung paano ko nakikita ang sarili ko. Babae pa rin ang nagugustuhan ko. At kahit natanggap ko na ang katotohanang may mga taong nahuhulog sa parehong kasarian, hindi ko pa rin nakikita ang sarili ko na magiging katulad nila balang araw.

Para sa ’kin, imposible. Malabo. Hindi mangyayari. Ang hindi ko alam, darating pala ang araw na magbabago ang lahat.

Ni minsan ay hindi pumasok sa isip ko na halikan ang kapwa ko lalake. Pero sa huli…

Bumigay ako. Kay Duke.

Bumigay ako sa init ng mga labi niya. Sa kakaibang pakiramdam na dulot nito sa akin kaya hindi ko mapigilang mapapikit. Nalulunod ako sa napakalalim niyang halik. At kahit hindi makahinga, pakiramdam ko ay punong-puno ako ng buhay. Napapaso ang batok ko mula sa init ng palad niya. Maging ang mukha ko ay nasobrahan sa pag-iinit sa bawat palitan namin ng halik.

Marahas humalik si Duke, hindi ako binibigyan ng pagkakataon para huminga. Matalas ang dila, pilit na ipinapasok sa maliit na awang ng mga labi ko hanggang sa tuluyang makapasok sa loob ng bibig ko. Doon ay hinanap niya ang dila ko para kalabanin, at hindi naman ako nagpatalo. Naghalo-halo ang mga laway sa loob ng bibig ko. Malagkit. Matamis. At masarap.

Sa sobrang sarap, para akong hihimatayin sa kinatatayuan ko. Hindi. Mukhang hihimatayin na talaga ako sa kakulangan ng hangin sa baga. Mabuti na lang at nakontrol ko ang sarili ko; ako na mismo ang pumutol sa pinakamatagal na halik ng buhay ko. Sa paghihiwalay ng mga labi namin, sumama ang magkarugtong naming laway at marahang tumulo sa gitna.

Sunod kaming nagkatitigan habang hawak pa rin ang batok ng isa’t isa, bahagyang magkalayo ang mga namumulang mukha, parehong hinahabol ang paghinga, ang mga mata ay tila walang ibang nakikita. Sa sandaling katahimikan, nagmistulang mga palamuti ang mga alitaptap sa damuhan na tuloy-tuloy sa paglipad sa palibot namin.

“Jaxon…” Hindi maitago ang tuwa sa mga mata niyang mamasa-masa. “Totoo ba ’to?”

Kahit ako ay hindi pa rin makapaniwala.

Tumango-tango na lang ako bilang tugon.

Bahagyang kumunot ang noo niya. “Bakit?” Lumunok. “Um, anong…?” Kumurap-kurap. “Anong nangyayari? B-Bakit mo ’ko—?”

“Huwag ka nang magtanong…” Marahang napabitiw ako sa batok niya at napailing sa hiya. “Alam mo naman kung bakit.”

Hangin. Kailangan ko pa ng mas maraming hangin. Hindi ko kayang makita ang mukha niya—ang mapupungay niyang mga mata. Lalo lang akong nahihirapang huminga, eh.

Ang kaso, bigla niyang hinawakan ang pisngi ko at muli akong pinaharap sa kaniya. “Jaxon, gusto kong marinig…”

At muli, lumantad na naman sa ’kin ang guwapo niyang mukha. Nakakapanghina.

Putang ina, luluhuran ko na ’to.

“Ano bang gusto mong marinig?!” boses kong napipilitang magalit. “Na gusto kita, ha?!” Umangat ang baba ko. “’Yon ba?!”

Nanlaki ang mga mata niya at umawang ang labi, saka siya maingat na tumango bilang pahiwatig na iyon nga ang gusto niyang malaman, kaya sinagot ko iyon.

“’Balak mo talaga akong sagarin?! Ubos na ubos na ang pagkalalake ko dahil sa ’yo!” Nagtiim ang bagang ko. “Oo, ’tang ina! Duke, gusto nga kita! Masaya ka na?!” Umiling ako. “’Lang hiyang buhay ’to…”

Sa hindi maipaliwanag, kahit hinihingal, parang nabawasan ang mga nagpapabigat sa dibdib ko—ang mga salitang hindi masabi. Nakatulong din yata ang pagsigaw ko para mailabas ang nag-uumapaw na emosyon. Lumuwag sa pakiramdam.

“Jaxon, tumingin ka sa ’kin.” Mula sa batok ko ay lumipat ang isa pa niyang kamay papunta sa kabila kong pisngi. “Ulitin mo ang sinabi mo.” Pagkatapos ay muling pinaharap ang mukha ko sa mukha niya. “Sabihin mo ulit sa ’kin na gusto mo ’ko.”

Mas lalong pumungay ang mga mata niya. Mas lalo ring nanghina ang mga tuhod ko.

“Ano bang—?!” ’Tang ina, nauubusan na ako ng sigaw. “Ano bang gusto mong—?” Lunok-laway. Hingang malalim. Salita. “Gusto nga kita… Bakit ba ang kulit mo?”

Puta, kadiri. Napalambing ang boses ko.

“Kailan pa?” nangingiti niyang tanong.

“Hindi ko rin alam,” bantulot kong sagot.

Siya naman itong napalunok at suminghap. “Jaxon, may gusto rin sana akong aminin…”

Tipid akong ngumiti. “Alam ko na.”

“Hindi. Hindi ’yong nararamdaman ko… Alam mo naman na gustong-gusto kita.” Binasa niya ang mga labi niya. “Ang totoo kasi… Matagal na kitang kilala… Matagal na kitang gusto… Jaxon, ako nga pala ’yong—”

“Kapitbahay ko,” pagputol ko sa kaniya.

Natigilan siya sa narinig.

“At ikaw ’yong nagbigay kay Hershey.”

Nanlaki ang mga mata niya.

“At ikaw ’yong nagbigay ng relo.”

Lalong napaawang ang mga labi niya.

“At ikaw ’yong nagligtas sa ’kin noon.

Ilang segundo bago siya nakasagot.

“N-Naaalala mo na ’ko?” Halos hindi na siya makakurap. “Naaalala mo na lahat?”

Umiling-iling ako. “Saka ko lang naalala no’ng… no’ng nakita ko ’to sa kuwarto mo.”

Kinuha ko ang nakaipit na papel mula sa likuran ko at inabot ito sa kaniya. Sa hindi maipaliwanag, tila nilamon siya ng hiya at napabitiw sa mga pisngi ko. Kinuha niya ang papel mula sa kamay ko na alam kong pamilyar sa kaniya dahil sa kaniya lang naman ito galing. Bahagya siyang yumuko at binuklat ito para basahin ang nilalaman. Hindi rin naman niya ito tinapos basahin at agad din itong ibinalik sa pagkakatiklop. Pati ang bibig niya ay napatiklop na rin.

“Nagsulat ka nga, pero hindi mo naman binigay,” sabi ko. “Paano ko malalaman?”

Hindi pa rin niya maiahon ang mukha niya. “Jaxon, hindi naman gano’n kadali ’yon…”

“Paanong hindi, eh, kapitbahay lang kita?” buwelta ko. “Tumingin ka nga sa ’kin.”

At ginawa nga niya ang utos ko; bahagyang umahon ang mukha at tiningnan ako sa mga mata. “’Yon na nga, eh, magkapitbahay lang tayo… isang bakod lang ang pagitan natin… pero… parang ang hirap mong lapitan. Ang hirap mong abutin, Jaxon.”

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko. “Paanong mahirap? Kung nagpakilala ka lang sana. Kung sinabi mo lang sana na ikaw ang—”

“Kung sinabi ko sa ’yo ang lahat, meron bang magbabago? Mapapansin mo na ’ko?”

Unti-unting nakalma ang mga kilay ko.

“Ni hindi mo nga yata alam na magkaharap lang tayo ng kuwarto… ng bintana…”

Napaawang ang mga labi ko. “A-Ano?”

“Kita mo na. Hindi mo alam,” pagkadismaya niya. “Hindi mo kasi ako nakikita, eh.”

Napalunok na lang ako ng laway.

“Kahit ando’n lang ako sa kabilang bintana at palaging nagmamasid sa ’yo, hindi mo ako napapansin. At paano ako magpapapansin sa ’yo? Tuwing nakikita kita roon, palagi kang nangingiti habang may katawagan sa cellphone. Kinikilig ka pa nga. May nagpapasaya na pala sa ’yo.”

Kita ko ang kirot sa mga mata niya. Para namang matutunaw ang puso ko sa paraan ng niya ng pananalita—maingat at malumanay, na para bang napapahikbi na.

“Ako sana ’yon, eh.” Pinagpag niya ang dibdib niya. “Kaya lang… lalake ako.”

Hindi pa rin ako makasagot.

“Ikaw nga itong unang nagpahirap sa ’kin, eh. Dahil sa ’yo, litong-lito ako sa sarili ko. Hindi ko alam noon kung ano ba talaga ako. Kasi, nakakapagtaka lang. Hindi naman ako nagkakagusto sa ibang lalake. Pero bakit hindi ko magawang tumingin sa mga babae? Bakit kahit pilitin ko, ikaw pa rin ang paulit-ulit na tinitibok ng puso ko?

“Shit. Heto na naman ako. Pasensya na kung ang lalim ko na naman tulad ng sinulat ko. Sa ’yo lang naman ako nagkakaganito. Eh, paano, ilang taon mo akong pinagtiis. At tatlong taon… Tatlong taon lang naman akong naghintay para lang masabi ang lahat sa ’yo. Kasi, ang duwag kong tao. Hindi ko man lang nagawang ibigay sa ’yo ang sulat.

“Noong Senior High graduation namin ng kuya mo ko pa dapat ito ibibigay sa ’yo, eh. Pero alam mo kung anong nangyari? Nakita kitang may katabing babae. Morena. At maganda. Ang lambing n’yo nga sa isa’t isa, eh. Sa sobrang pokus mo sa kaniya, ni hindi mo nga siguro narinig nang tawagin ang pangalan ko at nang magmartsa ako.

“Nagdadalawang-isip pa nga ako noon kung ibibigay ko pa sa ’yo ang sulat pati relo. Kaso, napagtanto ko, baka hindi na kita ulit makita. Papasok na kami ng kuya mo sa military academy, eh. Kaya kahit may kutob, naglakas-loob pa rin ako na hanapin ka pagkatapos ng ceremony noon. At nakita nga kita. Nandoon ka sa hagdanan. Kasama ang babaeng nakatabi mo. Kahalikan.”

Sa muli niyang pagyuko, tuluyan na ngang bumagsak ang isang butil ng luha at pumatak iyon sa hawak niyang papel.

“Kaya kung itinatanong mo kung bakit hindi ko naibigay sa ’yo itong sulat… dahil ’yon sa nakita ko.” Mula sa hawak na sulat, sunod na dumapo ang tingin niya sa suot kong relo. “At alam mo bang itatapon ko na rin sana ang relo kung hindi lang ako pinigilan ng kuya mo? Ang sabi niya, siya na lang daw ang magbibigay sa ’yo. Pumayag naman ako, sa isang kondisyon… Huwag sabihin sa ’yo na sa ’kin galing. Tulad kung paanong hindi niya sinabi noon

sa ’yo na sa akin din galing si Hershey.“

Napayuko ako at napatingin na rin sa suot niyang relo na kaparehas ng akin. Mas lalong naging malinaw sa ’kin ang lahat.

“Nakuntento na nga ako sa gano’n—sa pagbibigay sa ’yo ng mga parte ng buhay ko. Kahit pa nga hindi mo na malaman na sa akin galing, basta lang mapasayo. Kasi umaasa ako na balang araw, ikaw naman ang mapasa’kin, kahit parang imposible.”

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

“Jaxon, gusto kita, noon pa. Pero sa mga narinig ko, mahal na yata kita ngayon.”

Mas lalong nag-init ang buong katawan.

“At lahat ng sinasabi ko ngayon—tulad ng sa sulat—lahat ’to galing sa puso ko.”

At mas lalo akong nanghina.

Mga ilang segundo akong naparalisa mula sa kinatatayuan ko matapos niyang ihayag ang tunay niyang nararamdaman para sa ’kin. Wala naman akong sakit, pero pakiramdam ko, para akong tinatrangkaso.

“Jaxon, ano? Bakit hindi ka nagsasalita?”

Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa.

“Bakit hindi ka makatingin sa ’kin?”

Marahang umangat ang tingin ko sa mukha niyang parang nagsusumamo.

“Nasagot ko na ang mga tanong mo.”

Pinantayan ko ang mga mata niyang tila nahihiya dahil sa ginawang pag-amin.

“Magsalita ka naman.”

Saka pinagmasdan ang mga labi niya.

Hanggang sa unti-unting humina sa pandinig ko ang boses niya. Tuloy-tuloy lang siya sa pagbikas ng mga salitang hindi ko na maintindihan. Lumabo na ang lahat liban sa paningin kong maiging nakatutok sa bawat pagbuka at pagkipot ng mga labi niya. Ang mapupulang mga labi niya na noon pa man ay lagi ko nang napapansin.

Sa pag-ihip ng hangin, para bang may bumulong sa akin na muli siyang halikan.

“Sagutin mo naman a—”

At iyon din mismo ang ginawa ko.

Natahimik na lang siya bigla nang hablutin ko siya sa batok at muling kinabig ang mukha palapit sa akin, saka marahas siyang hinalikan. Labi sa labi. Dila sa dila. Laway sa laway. Ang bagay na pinandidirian ko lang noon, ginagawa ko rin mismo ngayon. Sa puntong ito, hindi ko na alam kung ano ang tama at mali. Pero kung sakali mang mali ang naging desisyon ko, hindi ko ito pagsisisihan. Kung sa impyerno man ang bagsak ko pagkatapos nito, nakahanda akong masunog basta’t kasama si Duke.

Ngayon pa nga lang, nag-aapoy na ang buo kong katawan. Sa ilalim ng palad ko, dama ko rin ang pag-iinit ng balat ni Duke. Nang ihawak ko pa ang isang kamay sa batok niya ay tuluyan na siyang nakulong sa mga braso ko. Naglakbay naman ang mga kamay niya papunta sa likuran ng katawan ko habang nilulunod ako sa matamis na halik. Ilang saglit lang, mariin niya akong hinila papunta sa kaniya hanggang sa tuluyan nang nagdikit ang mga katawan namin.

Dibdib sa dibdib, animo’y naging iisa ang pintig ng mga puso naming nagwawala. Higit pa rito, nagdikit din ang mga tigas na tigas naming pagkalalake at nagkiskisan. Bawat lipat ng posisyon ng halik ay siya ring dahilan para magbanggaan ang mga iyon. Batid kong mayroon nang kaunting likido na tumatagas sa ilalim ng boxer ko. Gano’n pa man, itinuon ko ang buong atensyon ko sa ginagawa naming halikan.

Makalipas ang ilang sandali, nagpahinga.

“Jaxon, sigurado ka ba sa ginagawa natin?”

“Dalawang beses na kitang hinalikan tapos tintatanong mo pa kung sigurado ako?”

“Hindi ba’t meron kang—um—sa labas?”

“Hiwalay na kami pagpasok ko rito.”

“Talaga ba? Totoo bang hiwal—?”

“Oo nga, ang dami mong dada.”

“Gusto ko lang makasigu—”

“Halik na, puta.”

Saka namin itinuloy ang laplapan.

Ipinaalam ko sa pamamagitan ng halik na walang ibang pinaglalaanan ang mga labi ko kundi siya lang. Sa kaniya lang ang buong katawan at puso ko ngayong gabi.

Kung anong lamig ng hangin ay siya namang init ng ginagawa naming halikan. Nakakaubos ng hininga. Nakakapaso ng dila. Nakakapanghina ng mga tuhod.

Habang nakapikit, nagpatangay na lang ako sa bugso ng damdamin at hinayaan siyang dalhin ako kung saan man kami mapadpad.

Nang mapahinto kami, saka lang ako nagmulat, at nanlaki na lang ang mga mata ko nang mapagtanto kung nasaan kami.

Nasa ilalim kami ng patay na puno. Habang pinupupog niya ako ng halik ay hindi ko maiwasang mapatingin sa itaas, sa mga sanga ng puno, kung saan may iilan nang alitaptap na nanonood sa amin at marami pang parating para magsilbing ilaw namin.

Nang tila mapansin ni Duke na napatigil na ako sa paghalik ay napahinto rin siya saglit. Habang magkayakap, pinagmasdan namin pareho ang paghayo ng mga alitaptap mula sa damuhan papunta sa mga sanga ng patay na puno. Ngayon ay punong-puno na ito ng buhay… tulad ko… tulad namin ni Duke.

Nagkulay-ginto ang paligid.

“Ang ganda,” tanging nasabi ko.

Pansin kong bumalik sa mukha ko ang maamong tingin ni Duke. “Oo nga, eh.”

Bumalik din ang tingin ko sa mukha niya, sa mga mata niyang kumikinang gawa ng magkahalong repleksyon ng ginintuang paligid at namumuong mga butil ng luha.

“Bakit parang naiiyak ka na naman?” tanong ko. “Kalalake mong tao, aba.”

Tipid siyang ngumiti at kumurap-kurap. “Wala. Hindi lang ako makapaniwala…”

“Hindi makapaniwala saan?”

“Na nahalikan kita.”

“Ngayon ka lang ba nakahalik ng lalake?”

“Hindi. Ngayon lang talaga ako nakahalik.”

“Seryoso? Sabihin mong nagbibiro ka lang.”

“Seryoso. Ikaw ang unang nahalikan ko.”

Hindi nagbibiro ang mga mata niya.

“Wala bang nagkakagusto sa ’yong babae?”

“Marami. Pero ikaw lang ang gusto ko.”

’Tang ina. ’Yong puso ko. Nagwawala.

“Bakit? Ako lang ba ang tao sa mundo?”

“Hindi, Jaxon. Ikaw ang mundo ko.”

Sa huli niyang sinabi ako pinakatinamaan.

Posible palang mangyari ang imposible? Sabi ko noon, imposibleng mahulog ako sa sa isang lalake. Pero heto akong nakatulala sa mukha ng unang lalakeng nagpatibok ng puso ko. At sabi ko pa noon, malabo. Pero ngayon, malinaw namang gusto ko siya…

At may gusto rin akong ibigay sa kaniya.

Napabitiw na ako sa batok niya. “Duke…”

“Bakit?” Napabitiw na rin siya sa likod ko.

“Handa na ’ko,” sabi ko. “Ibibigay ko na…”

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya at umawang ang bibig. “I-Ibibigay ang alin?”

Tumikhim ako. “’’Yong… alam mo na…”

Sa narinig, muling nagkabuhay ang mga mata niya. Ipinasok niya ang dalawang kamay niya sa mga bulsa ng hoodie—sa kanan, doon niya isinilid ang sulat; sa kaliwa, parang mayroon siyang kinapa.

“T-Talaga?” Hindi na naman maipinta ang mukha niya. “Jaxon, sigurado ka ba?”

“Oo,” sabi ko. “Bakit, ayaw mo ba?”

“Hindi, hindi,” mabilis niyang sagot. “Eh, kasi, Jaxon, um, hindi ba masakit ’yon?”

“Huwag kang mag-alala, may experience na ako,” kumpiyansa kong sabi. “Ako bahala.”

“M-May experience ka na?”

“Oo.” Tumango ako. “Ako bahala sa ’yo.”

Lalong napakunot ang noo niya. “Um—”

“Dadahan-dahanin ko lang para hindi ka masaktan. Sa una lang naman masakit.”

Oo, handa na akong tumira ng lalake, kahit may bahid ng kaunting pandidiri. Kung para sa kaniya, handa akong gawin ito.

Biglang nabura ang ngiti sa labi niya. “Ha?”

“Duke…” Hinawakan ko siya sa balikat at tinanguan nang may kasamang tipid na ngiti. “Huwag kang matakot. Gentle naman ako kahit sa ex-girlfriend ko. Ako bahala.”

Nagsalubong ang mga kilay niya nang mapatingin sa balikat na hinawakan ko.

“Sige na,” saad ko. “Tumuwad ka na.”

Pasalamat siya, pagbibigyan ko siya.

Bumalik ang ngayo’y seryoso na niyang tingin sa akin. “Teka, teka, parang hindi tayo nagkakaintindihan sa part na ’yan.”

Ako naman ang napakunot ang noo. “Ha?”

Sa isang iglap, biglang nagbago ang timpla ng mukha niya—mula sa pagiging maamo, naging demonyo. “ Ako ang titira sa ’yo.“

Nanlamig ang buong mukha ko. “Ano?”

“Pinaiyak mo ’ko…” Humakbang siya, napaatras ako. “Ikaw naman paiiyakin ko.”

“Teka, teka.” Sumenyas ako na tumigil siya. At tumigil nga siya. “Hindi ’yan ang usa—”

“Huwag kang mag-alala, dadahan-dahanin ko. Akong bahala sa ’yo,” balik niya sa ’kin.

’Tang ina. Pitong pulgada. Hindi ko kaya.

“Duke, mali ka,” sabi ko. “Top ako.”

“Top?” Wala siyang ideya. “Anong top?” Pero napanganga. “Ahh. Gusto mong nakapatong sa ’kin habang ginagawa ang…?” Luminga siya sa paligid. “Okay lang naman, kung ’yon ang gusto mong posisyon. Kaso, saan ako hihiga?”

Napabitiw na ako sa balikat niya. “Hindi…”

Hindi kami nagkakaintindihan. Kahit ako ay nalito rin naman nang unang banggitin ng nurse ang mga salitang top at bottom.

“Ano ba?” baling niya sa akin.

Napabuntong-hininga ako. Mukhang hindi magpapatalo ’to. Bukas pa kami aabutin nito. “Ganito na lang… Luluhuran kita.”

Bahagyang tumaas ang isa niyang kilay. “Luluhuran?”

“Oo,” pagpayag ko. “Pasukin mo bibig ko.”

Magaling naman na ang lalamunan ko.

Bago pa gumuhit ang ngiti sa labi niya, bahagya siyang napayuko at napakamot sa kilay gamit ang hintuturo, sabay silip. “Eh, paano kung iba ang gusto kong pasukin?”

Sumikip ang dibdib ko. Pati puwet. “Wala.” Nagpamewang. “Kung ayaw mo, ’di wag. Aalis na lang ako rito.” At tinalikuran siya. “Bibigyan ka na nga ng ulo, ayaw mo pa.”

Akma na sana akong maglalakad palayo nang bigla siyang magsalita. “Oo na…”

Natigilan ako, bahagyang napangisi. Bibigay din naman pala ang dami pang—

“Payag na ’ko,” aniya, “sa isang kondisyon.”

Nabitiwan ko ang ngisi sa labi ko at muli siyang hinarap habang nakapamewang pa rin. “At ano naman ’yon?”

Umangat ang baba niya. “Bigyan mo ’ko.”

Kumunot ang noo ko. “Ha?”

“Bigyan mo ’ko ng isa sa mukha.”

Mas lalong kumunot ang noo ko. “Isa?”

“Oo.” Tumango siya. “Isang suntok. ’Pag natamaan mo ang pisngi ko, gagawin ko ang gusto mo. Pero ’pag hindi, titirahin kita magdamag.” Ngumisi siya. “Ano?”

’Tang inang kondisyon ’yan.

Napalunok ako. “Isang suntok lang?”

Tumango siya. “Isang tsansa lang din. ’Pag hindi mo ako tinamaan, alam mo na…”

Isang suntok? Sa mukha? At isang beses ko lang puwedeng gawin? ’Pag nanalo ako, ako ang titira. ’Pag hindi, siya. Pero ’lang hiya, magdamag?! Balak niya ba ’kong patayin?!

“At paano ako makasisigurong—?”

“Kilala mo ’ko. May isang salita.”

Sandali akong natahimik, nagdalawang-isip. Patibong ’to, sigurado ako. Malamang, hindi siya magpapatalo, iilag sa suntok ko. Kita mo ’yan, nakangisi ang demonyo—mukhang iniisip na ang mga gagawin sa ’kin ’pag natalo ako. Puwes, uunahan ko na siya. Susuntukin ko na siya sa pisngi habang nagsasalita pa siya. Dati ko pa naman itong gustong gawin sa kaniya. Gusto kong makabawi sa pagsuntok niya sa pisngi ko noon sa CR.

“Naduduwag ka na ba, chinito?”

Hindi muna ako sumagot tulad ng plano.

“Isang suntok lang sa pisngi, o.”

Hinayaan ko lang siya sa panunuya sa ’kin.

“Ayan na, o. Ilalapit ko pa sa ’yo. O, o.”

Saka ako yumuko, palihim na kinuyom ang kamao sa gilid ng shorts, at napasinghap.

“Pinagbibigyan na nga kita. Suntukin—”

Sabay buwelo! Kagat sa labi! Suntok!

Boom, bobo! Walang tinamaan!

Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Ang alam ko na lang, hangin lang ang napuruhan. Paano, pumailalim siya sa braso ko, inatake ako pasulong, at bigla ko na lang naramdaman ang lakas ng pagkakayakap niya sa mga hita ko. Ang buong katawan ko, parang nawala sa kontrol, umangat sa ere na akala mo’y kay gaan lang. Saka bumaliktad ang mundo. Hindi. Ang ulo ko pala. Maging ang itaas na katawan. Nawalan ako ng balanse.

Huli na nang mapagtanto kong kinarga niya na pala ako na parang sako lang ng bigas. “Shit, nakahuli ako ng chinito.”

Bumaba ang dugo sa ulo kong nakaharap sa likod niya, kaya muling uminit ang mukha. “Duke, ibaba mo ’ko!” pagpupumiglas ko.

“Paano ba ’yan, nanalo ako.”

“Nanalo?! Bakit, pumayag ba ’ko?!”

“Pumayag ka kasi napasuntok ka.”

Pinaghahampas ko ang likod niya. “Hindi! Ibaba mo ’ko! Wala akong sinabi na—!”

“Shh. Tanggapin mo na lang na natalo ka.”

Habang naka-lock ang isang braso niya sa mga alak-alakan ko ay pinalo niya ang puwet ko na katabi lang ng pisngi niya.

“Ahh, puta!” ungol ko.

“Wala pa nga, umuungol ka na agad.”

Napakagat ako sa labi nang dahil sa hiya.

Maya-maya pa, bigla siyang umikot paharap sa puno at nagsimulang maglakad. Habang hawak-hawak niya pa rin, sinikap kong magpumiglas, iahon ang itaas na katawan, at ipadyak ang mga paa, kaya gumewang-gewang siya’t napapatigil-tigil.

“Aray ko, chinito!” reklamo niya. “Huwag kang makulit! Matutumba tayo niyan, eh!”

“Sabing ibaba mo ’ko!” Pinaghahampas ko ulit ang likod niya, pero mas malakas na.

Para akong nasa WWE. ’Yong ibabalibag.

“Ahh, shit!” ungol niya. “Oo na! Oo na!”

Natigil ako sa paghampas dahil sa narinig.

Akala ko ay ibababa niya na ang katawan ko sa lupa, pero nanlaki na lang ang mga mata ko nang maramdamang shorts at boxer ko pala ang napili niyang ibaba. Nalantad ang mga pinsgi ng puwet ko.

“Duke!”

“Shit, ang puti.”

Hindi pa siya nakuntento, hinila pa niya nang hinila ang shorts at boxer ko. Sumama naman ang tigas na tigas kong pagkalalake sa paghila at pumitik sa balikat niya nang maibaba hanggang hita ang mga salawal. Gusto ko pa sana siyang hampasin ulit pero nanghina na lang ako nang bigla niyang hinimas ang isang pisngi ng puwet ko.

“Ang lambot at ang kinis mo, chinito.”

Mas lalo akong nanghina sa sinabi niya.

Nang tumigil na siya sa paghimas at tumuloy na sa paglalakad, saka lang ako natauhan at bumalik sa pagpupumiglas at pagsabi ng kung ano-anong ’di ko na alam.

“Huwag kang maligalig,” utos niya. Pero hindi iyon sapat para tumigil ako. “Jaxon!”

Isang hampas ulit sa puwet kaya napaungol ako. “Ahh, ’tang—!” At napakagat sa labi.

“Sorry, sorry… Ang kulit mo kasi!”

Akala niya yata hindi ko iyon nagustuhan.

Hindi nagtagal, ibinaba niya na rin ako kung kailan hindi na ako nagpupumilit. Sa katawan ng puno, isinandal niya ako paharap sa kaniya. Ngayon naman ay nalantad sa kaniya ang pagkalalake ko.

Pinagmasdan niya ito at nginisian ako.

“Akala ko ba ayaw mo?” aniya, sabay angat sa ulo ng alaga kong nilalabasan na ng paunang-katas gamit ang hintuturo. “Bakit parang iba ang sinasabi ng katawan mo?”

Napasandal ang ulo ko sa puno dahil sa ginawa niya at mariin akong napalunok. “Kinakabahan lang ako kaya ako—!”

“Nilalabasan?” dugtong niya, sabay bitiw sa alaga ko. Walang ano pa ma’y bigla niyang isinubo ang hintuturo niyang natuluan ng paunang-katas ko, saka sinupsop iyon. Nang maubos ay saka lang niya iniluwa ang daliri, saka ako nginisian. “Ang tamis mo.”

Napasinghap ako. Napalunok. Paulit-ulit.

Alam na alam niya kung paano ako kunin. Kuhang-kuha niya ang mga kahinaan ko. At nakakainis lang dahil wala akong magawa.

Hindi. May magagawa pa ako.

Puwede pa akong tumakas.

Sinubukan kong tumakbo pakaliwa, agad siyang napahawak sa puno kaya humarang ang braso niya. Sa kanan, gano’n din. Huli na nang makulong ako sa mga braso niya.

“Jaxon, huwag mo naman akong takbuhan. Sabi mo, payag ka nang gawin ang gusto ko. Binigyan na nga kita ng tsansa para magawa mo rin ang gusto mo. Talo ka nga lang. Sana tumutupad ka rin sa usapan.”

Hindi siya ang tinatakbuhan ko—’yong alaga niya! Kung lima o anim lang, papayag sana ako. Pero puta, pito! Sa haba ko pa nga lang, nagrereklamo na ang ex-girlfriend ko!

Ayokong bumigay pero… ’yong mukha niya… para siyang nagmamakaawa—

Hindi pa rin! Pitong pulgada! Magdamag!

Isa na lang ang tanging daan. Sa ilalim.

Nagbilang ako habang tuloy lang siya sa pagsasalita: Isa, dalawa, tatlo, at pagsapit ng pito, agad akong napatalungko. Akala ko ay makakatakas na ako. Pero natigilan na lang ako nang bigla niya akong hinawakan nang mabigat sa ulo. Hindi ko namalayan na nakaharap na pala ako sa bukol niya.

“Sabi na nga ba, papayag ka rin.” Iba ang pagkakaintindi niya sa ginawa ko.

“Duke, hindi—”

“Oo, hindi natin bibiglain.”

Sa muli niyang pagdiin ng kamay sa ulo ko ay tuluyan na akong napaluhod. “Duke—”

“Shh. Oo na nga. Ipapasubo ko na muna bago ipasok sa ’yo.” Saka hinubad ng isa pa niyang kamay ang suot na jogging pants. “Kailangan munang dumulas, tama?” At maya-maya lang ay umuntol ang tigas na tigas niyang pagkalalake. Pagtigil, natapat ito sa mismong bibig ko. “Isubo mo na.”

Napatulala ako sa laki at haba ng alaga niya. Tulad ng sa akin ay mayroon ding paunang-katas na tumatagas dito. At tulad nang una ko itong malapitan, mabango ito. Nanunuyot ang lalamunan ko… Nauuhaw.

“Nahihiya ka ba?” tanong niya. “Gusto mo bang pumikit ako? O piringan ulit ang—?”

“Hindi. Puwede mo na ’kong tingnan.”

Para akong sinaniban ng kung anong demonyo at ibinaba pa hanggang tuhod ang kaisa-isa niyang pang-ibaba na jogging pants, saka hinawakan siya sa mga hita.

Hingang malalim.

Lunok.

Subo.

“Ugh!” Bahagyang napaurong ang balakang niya sa pagsubo ko sa ulo ng alaga niya. Pagtingala, kita kong nanginginig ang isang braso niyang nakasandal na sa puno, habang ang mukha ay hindi maipinta dahil malinaw na niyang nakikita ngayon kung paano unti-unting pumapasok sa bibig ko ang kabuuan niya. “Jaxon, dahan-dahan…”

Hindi niya na dapat ako pinaaalalahanan.

“Baka sumakit na naman ang lalamu—”

Alam ko na ang ginagawa ko ngayon.

“Ahh, shit, Jaxon!”

Natahimik siya nang isubo ko na nang buo ang kahabaan niya. Pinanatili ko iyon sa loob ng bibig ko nang ilang segundo. Abot ulit hanggang lalamunan. Walang itinira.

Ramdam ko na naman ang pagkaduwal. Kung hindi niya sana ako kinarga kanina, hindi sana bumaliktad ang sikmura ko at mas madali sana ’tong ginagawa ko ngayon.

Pero kaya ko ’to. Kakayanin. Pipilitin.

“Ang sikip-sikip talaga ng bibig mo…”

Ngayong malinaw ko nang nakikita ang mukha niyang nasasarapan, parang mas lalo akong ginanahan na dagdagan pa ang sarap na nararamdaman niya. Marahan kong hinugot ang bibig ko, sandaling sumagap ng hangin, sabay subo ulit.

“Ugh, shit, ang init…”

Hindi ko na siya pinagbawalang mag-ingay dahil wala namang ibang makaririnig sa amin sa gubat. Kung kaya’t kumawala ang bawat paghalinghing at ungol niya na mas lalong lumalakas sa unti-unting pagbilis ko.

“Jaxon, tama na. Wait. Shit. Lalabasan ako.”

’Yon nga ang pakay ko—ang labasan siya.

“Hindi pa puwede. Titirahin pa kita.”

’Yon nga ang ayaw kong mangyari.

Kaya kahit pilit niyang itinutulak ang ulo ko palayo sa kaniya, mas lalo kong hinihila pabalik ang mga hita niya at inigihan ang pag-ulos ng bibig sa kahabaan niya. Kahit na naduduwal-duwal paminsan-minsan, sinikap kong ubusin lahat ng lakas niya.

Hanggang sa napasabunot na siya sa akin.

Mula sa pagtulak sa ulo ko palayo, nauwi siya sa paghatak nito pabalik sa kargada niya. “Jaxon, shit, lalabasan na ’ko!”

Hanggang sa napahawak na ang dalawang

kamay niya sa likod ng ulo ko. “Hnn—!”

Hanggang sa siya na mismo ang kusang gumagalaw, bumabayo. “Shit, ayan na!”

Hanggang sa labasan siya. “Hhhnngg!”

Umalingawngaw ang ungol niya—hindi, sigaw na nga yata—sa kasuluk-sulukan ng gubat habang tumitibok-tibok ang alaga niyang tuloy-tuloy sa pagsabog sa loob ng bibig ko. Hindi ko na mabilang kung ilang putok ang pinakawalan niya dahil mas nagtuon ako sa tuloy-tuloy na paglunok ng mainit at malapot niyang likido. Simot na simot ko iyon at wala akong pinatakas kahit kaunting patak mula sa bibig ko. Pagluwa, dinilaan ko pa ang pagkalalake niya mula sa ilalim papunta sa ulo at muli itong isinubo habang nakatingala sa mukha niyang nanghihina. Napahangos pa nga siya na akala mo’y binawian na ng buhay.

Nang magsawa, tinantanan ko na ito at binitiwan na ang mga hita niya, inilapag ang mga kamay ko sa sariling mga hita. Kumapit ang nakakasukang amoy ng semilya sa ilong ko. Ang nakapagtataka lang, hindi na ako nasusuka. Pagyuko, saka ko lang din napansin na nilabasan na pala ako. Mabuti at ibinaba ni Duke ang shorts at boxer ko kaya hindi na naipon ang mga semilya ko roon, kundi maglalaba na naman ako. Sa halip, napadpad ang mga pinaputok ko sa mga damo. Nadiligan.

Hinga.

Hinga.

Hinga.

Pag-ahon mula sa pagkakaluhod, muli kong hinarap si Duke, tinititigan siya sa mga mata’t nginitian. Ngumiti rin siya pabalik. Nagtama ang mga pagkalalake naming parehong tigas na tigas, pagkatapos ay nagdikit nang lumapit pa siya sa akin. Muli niyang inihawak ang kamay niya sa puno habang nakasandal naman ako roon kaya nakulong ako sa braso niya. Pagkatapos ay sinunggaban ako ng halik. Pinagsaluhan namin sa bibig ko ang magkahalong lasa ng laway niya, laway ko, at semilya ng isa’t isa.

Hindi ko na matukoy kung ilang minuto iyon nagtagal. Ang alam ko na lang, nang matapos iyon, muli kaming nagkatitigan habang nagpapalitan ng mainit na hininga.

“Duke, gabing-gabi na. Bumalik na tayo.”

“Jaxon, huwag muna. Marami pang oras.”

“Tama na. Nanghihina ka na, o.”

“Marami pa akong lakas.”

“Tapos ka nang magpalabas.”

“Marami pa akong katas.”

“Hindi ako nagbibiro.”

“Ako rin.”

Sa kalagitnaan ng panghihina ng katawan, hinawakan niya ako sa balikat, pagkatapos ay pinaikot ang katawan ko patalikod sa kaniya at idiniin ako sa punong-kahoy. Maglalaban na sana ako, eh, kaso lang, hinalikan niya ako sa pawisang batok at saka idinampi ang daliri niya sa mainit kong butas. Napahalinghing ako dahil dito.

“Duke, a-anong—ahh—ginagawa mo?”

“Alam mo kung anong ginagawa ko.”

“Hindi ka pa ba nagsasawa?”

“Hindi kita pagsasawaan.”

Mas lalong tumindi ang paghalinghing ko nang paikutin niya ang daliri niya sa palibot ng butas kong sensitibo. “Duke—”

“Masarap ba?” mapang-akit niyang tanong.

“Umm…” Bahagya akong napatuwad.

Sapat na siguro iyon para malaman niyang nasasarapan ako sa ginagawa niya. Sa sobrang sarap nga ay napakapit na ang mga kamay ko sa puno, bumaon ang mga daliri.

“Jaxon, puwede na ba kitang tirahin?”

Ahh, ’tang ina. Nauulol na talaga ako.

“Sige na. Parang awa mo na, o.”

Hindi… Hindi puwede.

“Pagbigyan mo na ’ko.”

Gawa ng pagkakaunat patalikod, mabilis niyang naipasok ang isa pa niyang kamay sa loob ng sando ko, at doon ay pinaglaruan niya ang isa pang parte ng katawan ko na sensitibo rin—ang naninigas kong utong.

“Ahh, puta…” Nakakabaliw. “Umm…”

Paikot-ikot. Sa butas. Sa utong.

“Sige na naman, chinito…”

Pahalik-halik sa batok.

“Duke…”

Paulit-ulit siya sa ginagawa. Paulit-ulit din ang pag-untog ng noo ko sa puno habang nakapikit. Akala ko ay lalambot na ang pagkalalake ko ’pag nagtagal pa, pero lalo lang itong nabubuhayan sa ginagawa niya.

Hindi ko alam kung paano pa ako babalik sa katinuan. Hindi na ako makapag-isip nang maayos. Parang natuon na ang lahat ng atensyon ko sa init. Sa init ng hininga niya nang sabihin niya, “Sige na, mahal …”

Sa huli, tuluyan na akong nagpaubaya.

Chapter 29

This chapter is R-18.

Hindi pa nga ako pinapasok ni Duke ay para na naman akong lalabasan. ’Lang hiya ba naman kasi, kanina pa siya sa paglalaro ng butas at utong ko. ’Yong mga labi niya ring kanina lang ay pahalik-halik pa sa batok ko, napadpad na sa gilid ng leeg.

“Duke, nakikiliti ako. Potaena, tama na,” nanghihina kong tugon, napapahalinghing.

“Sige pa?” pagsalungat niya naman.

“Hindi.” Napapakagat na ako sa labi.

“Bilisan ko pa, mahal?”

“Oo—hindi.”

Pahamak ’yang salitang ‘mahal’ na ’yan. Dahil diyan, hindi na ako makaalis dito. Kanina pa nakabagsak ang mukha ko; sa tingin ko’y na-imprintahan na ang noo ko ng magaspang na balat ng punong-kahoy gawa ng matagalang pagkadikit doon. At mukhang may balak din ang lalake sa likuran ko na imprintahan ang leeg ko.

“’Tang ina, huwag mong ituloy…” banta ko nang maramdaman ang nagbabadyang pagsipsip niya sa gilid ng leeg ko. “Duke!”

Sandaling umahon ang mga labi niya mula sa balat ko. “Ano? Ano? Ano na naman?”

“Alam ko ’yang ginagawa mo! Balak mo ’kong bigyan ng chikinini!” buwelta ko.

Napahalikhik lang ang demonyo.

“Duke, isa!” mariin kong saad nang muli na naman niyang tangkain na sipsipin ako.

“Ano ba ’yan…” reklamo niya, napatigil na rin sa paglalaro ng mga sensitibong parte ng katawan ko. “Anong gusto mong gawin ko, titigan ka lang? Alam mo ba kung gaano ka kasarap, Jaxon? At alam mo ba kung gaano ako kasabik sa ’yo? Isang linggo ko kayang hindi ginalaw ang sarili ko para lang sa pagkakataong ’to, tapos…”

Ay, puta. May gana pang mang-gaslight.

Sumilip ako sa kaniya. “Balak mo bang ipaalam sa lahat ’tong ginagawa natin, ha?”

“Oo,” ngisi niya, sabay lapit ulit ng mga labi sa gilid ng leeg ko. “Nang malaman na ng lahat na may nagmamay-ari na sa ’yo…”

“Duke, ano ba—ah… ahh… ahhh… puta ka.”

Para akong nanghina nang biglang tumuloy ang mga daliri niya sa pag-ikot sa utong at butas kong sensitibo, dahilan para hindi ko na mapigilan pa ang paghigop at pagsipsip niya sa gilid ng leeg ko kung saan hindi nakaharap ang mukha ko. Parang naging triple tuloy ang sarap na nararamdaman ko.

“Duke, haa… haha… ha… hago… hago ka.”

May kiliti at kirot sa pagsipsip niya.

“Duke, ang hapdi na… Aw. Aw. Aw.”

Para na ’kong asong ulol nito.

“Tama ’yan—tama na… Tama na!”

Agad din naman siyang napatigil nang marinig ang pakiusap ko. Dinig ko pa nga ang pagsinghap niya nang umahon ang mga labi niya mula sa balat ko. Bilang panapos, dinilaan pa niya ang parteng sinipsip niya. Nanindig ang mga balahibo ko sa kakaibang sensasyong dulot niyon.

Nang makuha na ang gusto ay natigil na sa paggalaw ang mga daliri niyang makukulit.

“Okay na,” aniya. “Namarkahan na kita.”

Bumalik ako sa katinuan dahil sa narinig.

“N-Namarkahan?” Binangga ko ang katawan niya patalikod kaya napalayo’t napabitiw na siya sa katawan ko. “Puta.” Kinapa-kapa ko ang gilid ng leeg ko na mainit-init pa at parang mahapdi na makati. Sinubukan ko iyong silipin pero siyempre hindi ko nagawa dahil hindi iyon abot ng mga mata ko. “Gago ka, Duke… Hindi ka talaga nag-iingat, ’no? Alam mo bang pinagdududahan na tayo ng mga kadete rito?” Kinamot-kamot ko iyon. “Noong nakaraan, binigyan mo pa ’ko ng susi sa kuwarto mo. Muntik na ’kong makita ng mga firsties, alam mo ba?”

“Hayaan mo silang magduda,” kumpiyansa niyang sabi. “Ako naman ang batas dito.”

“Ikaw nga, pero paano naman ’yong reputasyon ko? ’Yong pagkalalake ko?”

“Hindi ko naman tinatanggal ’yon sa ’yo.”

“Gago, kanina mo pa tinanggal.” Tinutukoy ko ’yong mga salawal ko na nasa mga hita.

Napahalikhik na naman siya. “Eh, kung tanggalin ko na rin kaya ’yong sando mo?” Nalaman kong muli siyang lumapit sa ’kin nang dumampi ang ulo ng alaga niya sa hiwa ko. Napaawang ang bibig ko at hindi na ako nakapagsalita. Mas lalong hindi nakapalag nang hilain niya pataas ang suot kong sando. “Kamay sa taas, mahal ko.”

Isinusumpa ko na ang salitang ’yan! Dahil diyan, para na ’kong asong sunud-sunuran sa amo kong sobrang bastos. Ngayon tuloy ay nagdududa na ako kung sa kaniya nga talaga galing ang sulat. Baka nga pinagawa niya lang ’yon sa babae niyang kaklase, eh.

“Ganito ka ba lagi, Duke?” tanong ko habang nakasilip at nakataas ang mga kamay. “Akala ko pa naman matino ka.”

Napahalikhik ulit amputa. “Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na mahawakan, mahalikan, at makaisa ang taong pangarap mo lang noon, makakapagpigil ka pa ba?”

Ang lalim na naman. “Si Jose Rizal ka ba?”

“Hindi, kasi hindi naman ako babaero.”

“Pero ang galing mo sa mga salita.”

“Best in Filipino ako noon.”

“Ah, kaya.”

Paghubad sa sando ko, itinapon niya iyon sa kung saan. Ngayon ay nalantad sa kaniya ang kabuuan ng likod ko. Napapikit na lang ang mga mata ko sa pagpisil ng alaga niya sa hiwa ko nang idikit pa niya ang katawan niya sa akin. At napapigil na lang ako ng hininga nang maglakbay ang mga kamay niya sa harapang bahagi ng katawan ko: ang isang palad ay nahinto sa puson at hinimas-himas iyon na para bang alam niyang nag-iinit iyon, habang ang kabila naman ay marahang umaakyat pataas.

Bumalik ang noo ko sa pagkakadikit sa puno sa sobrang hiya dahil napapakagat na naman ako sa labi habang dinadama niya sa palad niya ang bawat linya ng abs ko. Alam na nga yata niya ang hulma nito. Nang magsawa ay umakyat na siya sa dibdib ko. Dumaplis ang gitnang daliri niya sa hiwa nito. Hindi lang isang beses. Paulit-ulit na nagtaas-baba ang daliri niya rito nang mabilis habang ang pagkalalake niya naman ay dumadaplis sa isa ko pang hiwa.

“Hnn…” impit kong ungol.

Ramdam na ramdam ko ang laki at haba niya sa pagitan ng mga pisngi ng puwet ko. Magkahalong kaba at takot ang namuo sa dibdib ko sa ideya pa lang na paano kung pumasok na iyon sa loob ko. Wasak ako.

Pero sandaling napagpag ang kaba at takot ko nang tumigil na siya sa paggalaw sa harap at likod ko. Sa halip, napalitan ito ng pagkagulat nang sunod na dumako ang kamay niya sa kaliwang dibdib ko kung saan niya pinaglaruan ang utong ko kanina. Nilamas-lamas niya iyon at pinanggigilan.

“Duke, anong… ugh… anong ginagawa mo?”

Bawat piga, para akong lalabasan.

“Sensitive ka sa dibdib, mahal?”

’Tang ina, alam niya na.

“Hindi… ako… babae…”

Parang may sariling isip ang mga kamay niya. Nang malaman kasing lalo akong nanghina sa ginagawa niya ay kusang umakyat ang isa sa mga iyon—iyong nasa puson ko—papunta sa kanang dibdib ko. Nagkrus ang mga braso niya sa paghawak niya sa kaliwa at kaninang dibdib ko. Piga.

“Hmph!” napalakas na impit kong ungol.

Habang tumatagal, lalong sumisidhi ang paglamas niya sa dibdib ko. At habang nanginginig ang puson, ramdam ko na ring muling may tumatagas sa ulo ng alaga ko. Gano’n din ang kaniya dahil parang naglalaway na iyon habang nakadampi sa balat ko. Partida, hindi pa siya pumapasok.

“Duke, hindi ako babae…”

“Alam ko, alam ko…”

“’Di ako bakla…”

“Alam ko…”

“Sige pa.”

Sa hudyat ko, lalo siyang ginanahan sa ginagawang paglamas. Pigang-piga ang makikinis at naglalakihan kong dibdib sa ilalim ng magagaspang niyang mga palad. Habang ginagawa ito ay paulit-ulit niya akong hinalikan sa balikat ngayong wala nang sagabal na sando. Hindi naman ako nagalit dahil hindi na niya iyon sinipsip. Alam niya rin naman siguro na delikado na kapag pinuno niya ako ng marka sa buong katawan. Sapat na ang isa. Sa kaniya na ’ko.

“Mahal, ’di na ’ko makapaghintay,” mainit niyang bulong, sabay halik ulit sa balikat. “Pero ’di rin naman kita puwedeng biglain.”

Natigil na siya sa paglamas. Natigil na rin ako sa paghalinghing at nakamulat na rin sa wakas. Muling bumaba ang kaliwang kamay niya at saglit na hinimas ang puson ko, saka ako niyapos ng braso niya sa may tiyan. Muling pumisil ang pagkalalake niya na kanina pa naghuhumindik sa hiwa ko.

“Halikan mo nga ’ko nang makapagpigil ako,” usal niya. Dumako ang isang kamay niya mula sa dibdib papunta sa leeg ko, at sunod sa baba, saka pinaharap ang mukha ko sa kaniya. Nilunod niya ako sa halik.

Sobrang init ng bibig niya—maging ang ulo ng alaga niya na kanina pa tinutuluan ng malagkit na paunang-katas ang hiwa ko. Akala ko ay hindi na puwedeng mangyari ’yon pagkatapos labasan. ‘Pauna’ nga, eh. Pero pareho kaming nakararanas nito.

Matapos ang mainit na halikan, muling kumilos ang kamay niyang nakahawak sa baba ko at pinatingala niya ako sa puno. Hinalikan niya ako sa anit saka mayroong sinabi sa ’kin. “Jaxon, pangarap lang kita.”

Doon. Doon ako natigilan.

Kung kaya’t kusang nagpaubaya ang mga kamay ko nang hawakan niya ang mga iyon at inilapat pataas sa katawan ng puno at pinagpatong sa isa’t isa. Habang ang mga labi niya ay pahalik-halik na bumababa, ganoon din ang mga kamay niya nang masigurong hindi na ako makakagalaw pa. Pahaplos na dumausdos ang mga palad niya sa mga braso ko nang makarating ang mga labi niya sa batok ko. Isang halik lang doon ay muling nanindig ang mga balahibo ko. Bumaba pa siya nang bumaba—ang mga labi niya, ang mga braso. At kusang kumurba ang katawan ko patuwad nang makarating siya bandang gitna ng likod ko.

“Duke,” panghihina ko, “saan ka pupunta?”

Mukhang alam ko naman kung saan, ayaw ko lang paniwalaan. Kung iyon nga ang binabalak niyang gawin, saka ko lang malalaman kung hahayaan ko siya.

Kaya hinayaan ko na muna siya.

Hindi sumasagot, sunod na napadpad ang mga kamay niya sa mga kilikili kong may malalagong buhok. Saka bumaba sa mga gilid ng dibdib. Bumaba pa. Pahalik-halik sa balat. Dumulas ang mga kamay sa mga gilid ng tadyang. Bumaba. Pahalik-halik. Napunta ang mga kamay sa tagiliran. Baba. Halik. Sa mga balakang. Baba. Halik. Baba.

Maya-maya pa, napasinghap na lang ako nang mapadpad na ang ilong at mga labi niya sa pagitan ng mga pisngi ng puwet ko.

Sumilip ako patalikod, napalunok nang mariin. “Duke, a-anong binabalak mo?”

Tumingala naman ang matutulis niyang mga mata sa akin, namuo ang ngisi sa labi. “Jaxon, mahal, puwede ba kitang kainin?”

Uminit ang mga pisngi ko. “H-Ha?”

Muling bumaba ang mga kamay niya papunta sa mga pisngi ng puwet ko, saka lumapad ang ngisi sa labi. “I-rim kita.”

Lalong uminit ang mga pisngi ko. “Ano?”

’Tang ina. Kumakain pala siya ng puwet?

“Duke, huwag ’yan,” kabado kong tugon.

Nang simulan niyang hilain ang mga pisngi ng puwet ko palayo sa isa’t isa ay tuluyan nang nalantad sa kaniya ang bukana ko.

“Bakit hindi?” Napatulala siya roon at napangiti. “Hindi mo kasi nakikita ang nakikita ko. Ang sarap i-rim nito, o.”

Mula sa pagkakatalungko ay napaluhod na siya sa damo. Sa unti-unting paglapit ng bibig niya sa butas ko ay siya ring pagbilis nang pagbilis ng tibok ng puso ko. Walang ano pa ma’y naramdaman ko ang pagdikit ng dulo ng dila niya roon, kaya napaigtad ako. Bago pa man siya magtagumpay sa pinaplano ay agad akong napabitiw sa puno at marahang itinulak ang ulo niya palayo.

“Huwag ’yan!” hingal kong sambit.

Nawalan siya ng balanse at natumba sa damuhan. Kita ang pagkabitin sa mukha niya at bahagyang inis dahil sa ginawa kong pagtulak. “Bakit? Ano na naman ba?”

“Huwag ’yan. ’Di ka ba nandidiri?” tanong ko. “Ako nga, ’di kayang gawin ’yan sa—”

“Puwede bang huwag mo nang banggitin ’yang ex-girlfriend mo?” Bumusangot siya. “Ako ’tong kasama mo, o. Ano ba ’yan…”

“Ba’t mo kasi gustong kainin? Lalake ako.”

“Bakit? Saan ba ako papasok? Sa mga butas ng tenga mo? Sa mga butas ng ilong?”

Aba, namimilosopo pa nga.

Suminghap ako. “Basta…”

Naglupasay siya habang nakaupo sa lupa. “Ano ba ’yan, ano ba ’yan! Lahat na lang!”

“Tumayo ka nga riyan,” pagkuha ko sa loob niya. “Tirahin mo na ’ko kung gusto mo!”

Napatigil siya sa paglupasay at napatitig sa mga mata ko, ang mga kilay ay bahagyang nakalma. Maya-maya pa ay tumayo na siya maging ang naghuhumindik niyang armas. Akala ko ay gagawin na nga niya ang sinabi ko dahil nagmula mismo sa bibig ko. Pero imbes na tirahin agad ako ay nagpamewang lang siya, umiling, at napabuntong-hininga.

“Kung ako lang ang tatanungin, kanina pa kita gustong tirahin.” Bumaling siya sa ’kin. “Kita mo ba ’to?” Bumaba ang tingin niya sa alaga niya, na siya rin namang sinundan ko ng tingin. Tumango-tango iyon na akala mo’y may sariling pagkatao. “Kita mo, naman ’di ba? Birang-bira na ’to, kanina pa.” Lumabas ang mga pangil niya. “At tingnan mo…” Tumagilid siya. “Tingnan mo…” ulit niya kahit nakatingin naman ako. Maya-maya pa, sinimulan niyang birahin ang hangin habang ang mga nakatihayang braso ay may hinihilang hindi ko nakikita. “O, o, o.” Hala bira, Duke. Buntis na siguro ang hangin. “O, ’di ba, suwabeng-suwabe?”

Nang matigil sa kabaliwan ay muli siyang humarap sa ’kin at muling magpamewang. “Huwag ka na kasing mag-inarte nang mapasok na kita. Ayoko namang masaktan ka kaya nga inihahanda ko ’yang ano mo. Anong oras na kaya. Kanina pa tayo rito. Hays, mag-iilang rounds pa nga tayo, eh.”

Puta, naalala ko na naman ang salitang ‘magdamag’, at para akong kinilabutan nang maisip na paano kung ako ’yong hangin. Malamang ay wasak na wasak ako sa pagbira niya. ’Lang hiya kasing armas ’yan, abot hanggang Mindanao ang haba. Punong-puno pa ng bala ang magasin. Isang linggo ba namang hindi ginalaw, eh.

Pero kung sa bagay, tama nga siya. Kung hindi niya ako ihahanda, ako lang din ang masasaktan. At oo nga, kanina pa kami rito. Maging ang mga alitaptap sa mga sanga siguro ay naiinis na dahil patigil-tigil ang pinanonood nilang porn. Baka maubos na lang ang ilaw nila, hindi pa rin kami tapos.

“Oo na, oo na!” pagpayag ko rin sa huli. “Gawin mo na ’yong gusto mo, puta…”

Nabuhayan ang mga mata niya at gumuhit ang ngiti sa mga labi. “Salamat, mahal.”

Agad akong napaiwas ng tingin, umiinit na naman kasi ang mga pisngi ko at nangingiti ako sa hindi malamang dahilan. Ibinalik ko na rin ang mga kamay ko sa pagkakapatong pataas sa puno at inayos pa ang pagtuwad. Bago tumingala, sandali ko siyang nilingon dahil parang wala na akong narinig mula sa kaniya. Kita ko namang nakatulala lang siya habang pinagmamasdan ang kurba ko.

“O, ano? Tutunganga ka lang ba riyan?”

“H-Ha?” pagbalik niya sa wisyo. Pinunasan niya ang tumulong laway sa gilid ng bibig niya, saka nanumbalik ang ngisi sa labi, muling tumalim ang mga mata. “Yes, Sir.”

Niluhuran niya ako. Pero sa likuran.


“Duke, ang sarap ng dila mo…” ungol ko habang hinihimod niya ang butas ng puwet ko. Kanina pa nga nangangalay ang leeg ko gawa ng kakatingala. Hinang-hina na ako. Samantala, lunod na lunod naman ang guwapong mukha ng lalake sa likuran ko.

Sayang naman ’yong lahi niya kung sa loob ko lang mapupunta, pero… “Mmm, sige pa.”

Kanina pa siya sa kakasisid sa ’kin. Minsan nga, nag-aalala na ako at baka malagutan na siya ng hininga. Tulad ngayon, ipit na ipit na naman ang matangos niyang ilong sa hiwa ko, habang ang dila ay paulit-ulit na tumutusok sa bukana kong higit na mas sensitibo kaysa sa ibang parte ng katawan.

“Duke, buhay ka pa ba?” paniniguro ko.

Umahon siya sandali. “Yes, Sir.”

Sabay hingang malalim. Sisid.

“Mmm, puta ka talaga…”

Napakabastos ng ginoong ’to. Dinaig pa ako sa mga ganitong bagay, samantalang ako itong may experience sa ’ming dalawa.

“Saan mo natutunan ’to, ha?” tanong ko habang nakapikit. “Ba’t ang galing mo?”

Umahon siya. “Research lang ho, Sir..”

Sabay sisid ulit.

“Ummm…” Natigil ako sa pagkagat ng labi. “A-Ako lang ba? Sa ’kin mo lang ba ’to—?”

“Sa ’yo lang, mahal,” mabilis niyang sagot pag-ahon. “Sabi ko nga, ikaw ang una ko.”

Sisid.

Nang makuha na ang sagot na hinahanap ko ay nanahimik na ako. Alam ko kasing naiinis na siya kahit hindi sinasabi dahil patigil-tigil kami. Maski ako ay nabibitin din tuwing umaahon siya. May kakaibang hatid sa ’kin ang pag-abuso ng dila niya sa palibot ng butas ko, lalo na sa tuwing nadidilaan niya ang mga buhok ko roon.

Mainit. Malagkit. Masarap talaga.

Habang tumatagal, para na ’kong lalabasan.

Hindi. Mukhang lalabasan na talaga ako!

“Duke, tama na ’yan… lalabasan na ’ko,” pakiusap ko, pero parang wala lang siyang naririnig. Sa halip, mas lalo pa nga niyang binilisan ang paghimod sa butas ko. Mas lalo niyang binanat ang mga pisngi ng puwet ko, kaya mas maayos ding nakapasok ang matulis niyang dila sa kaloob-looban ko. Tinusok-tusok niya iyon at binasa-basa. “Duke, ’tang ina… Lalabasan na ’ko… Ahh!”

Sumikip ang puson ko at walang ano pa ma’y sunod-sunod na nilabasan ang tirik na tirik kong pagkalalake. Nadiligan ang puno.

’Lang hiya, saka lang siya tumigil kung kailan huli na. Pagtayo niya, mahina pa nga siyang napatawa at pinalo ang puwet ko.

“Ugh,” ungol ko sa ginawa niya.

“Sarap, ’di ba?” pang-aasar pa niya.

Napayuko ako. Hapong-hapo. Hinang-hina.

“’Tang ina mo…” tanging nasabi ko.

Lumapit pa siya sa ’kin, niyakap akong muli, hanggang sa maramdaman ko ang naglalaway niyang alaga sa namamasa kong hiwa. “Ano, ready ka na ba?” tanong niya.

Puta, magsisimula pa nga lang pala kami, pero parang lupaypay na ang katawan ko.

“Dahan-dahanin mo lang,” pagpayag ko.

“Alam ko. Hindi naman kita bibiglain, mahal,” bulong niya. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa tenga ko. “At isa pa…” Sunod kong naramdaman na may kinuha siya sa kaliwang bulsa ng suot niyang hoodie habang nakayakap sa ’kin. “Meron naman tayo nito.” Saka ito ipinakita sa ’kin.

Nanlaki ang mga mata ko habang nakayuko sa pamilyar na bagay sa palad niya. “Puta…”

“Alam mo kung ano ’to, Sir?” tanong niya.

“Natural, sa ’kin galing ’yan, eh!” sagot ko. “Pinulot mo lang ’yan sa basurahan, ’no?”

Napahalikhik siya. “Hinugasan ko naman.”

“’Tang ina mo talaga…”

“Ang hot mo talaga ’pag nagmumura ka,” puri niya sa akin. “Sayang lang, hindi kita magawang murahin. Masyado ka kasing mahalaga sa ’kin. Alam mo ba ’yon?”

Hindi na ako nakapagsalita.

“Hindi kita kayang murahin. Hindi kita kayang pagsabihan ng mga masasakit na salita.” Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko. “Pero kaya kitang paiyakin…”

Itinaas niya na ang hawak na sachet ng lube. Umahon naman ang mukha ko nang sinundan ko iyon ng tingin. Itinapat niya iyon sa bibig niya habang nakatitig sa ’kin.

“Sa ganitong paraan lang kita paiiyakin…”

Sabay bukas ng sachet gamit ang ngipin, dura sa napunit na parte nito sa kaliwa, at balik ng mga matang mapupungay sa ’kin.

“Pangako ’yan, Jaxon.”


Nagsimula siya sa paggamit ng daliri.

Una, nilagyan niya ng lube ang palibot ng butas ko. Tulad kanina, napapikit na naman ako nang paikutin niya ang daliri niya roon, hindi makapaniwalang nagugustuhan ko ang bagay na dapat ay pinandidirian ko.

Matapos padulasin ang labas, nagpaalam siya sa ’kin. “Jaxon, pasukin ko na, ha?”

“Mm.” Tumango-tango naman ako habang nakatalikod sa kaniya. Kasabay ng pagtahip ng dibdib, napakagat ako sa ilalim na labi.

Maya-maya pa, nagsimulang dumulas ang daliri niya sa loob ko nang walang kahirap-hirap. “Hinliliit pa lang ’to…”

Puta, kaya naman pala.

Akala ko ay maluwag na agad ako.

“Sabihin mo kung masakit,” payo niya, saka sinimulang ilabas-masok ang hinliliit sa loob ng butas ko. “Masakit ba, mahal?”

“H-Hindi,” tugon ko. “Medyo mahapdi.”

“Sa una lang ’yan,” malumanay niyang tono, sabay halik sa batok ko. “Sasanayin natin.”

At ’yon nga ang ginawa niya.

Mga ilang minuto lang, nasanay rin ako sa laki at haba ng hinliliit niya sa loob ko.

“Hintuturo,” pagbibigay-alam niya nang palitan na ang daliring ipinapasok sa loob ko. “Sabihin mo lang kung masakit, ha…”

Napasinghap ako nang muling mapasukan ng mas mahabang daliri. “Um… Duke…”

“Masakit ba, mahal?” tanong niya.

Tumango-tango ako bilang tugon.

“Sorry. Wait natin bago galawin.”

Ilang minuto namin iyong hinintay.

Hinliliit. Hintuturo. Palasingsingan.

Nalampasan ko ang lahat ng ito. Ngunit nang dumating sa punto na ginamit na niya ang pinakamahabang daliri niya—ang nasa gitna—dito na kami medyo nahirapan.

“Duke, masakit…” Isinandal ko ang noo ko sa mga bahagyang nakababang braso na nakalapat sa puno. “Ang hapdi na, Duke…”

“Shh, shh…” Hinipan niya nang hinipan ang anit ko. “Huminga ka…” payo niya. “Relax…”

Sinusubukan ko naman. “Okay… Okay…”

Hindi muna siya gumalaw hangga’t hindi nakukumpirmang maluwag na akong nakakahinga. Nang malamang okay na ako, saka siya nagsabi ng, “Galawin ko na, ha?”

Tumango-tango ako kahit nag-aalangan.

Mabagal at maingat niyang ginalaw ang pinakamahabang daliri niya sa loob ko. Habang ginagawa ito ay napag-isipan niya ring lamas-lamasin ang dibdib ko gamit ang isa pa niyang kamay. Kaya sa halip na umapaw ang hapdi, nahaluan ng sarap ang ginagawa niyang pagtusok sa butas ko.

“Dito ba ’yon?” mahinang tanong niya sa sarili habang tila may kinakapa sa loob ko.

“Ano ba ’yon?” ungol ko. “Ano hanap mo?”

“Basta.” Tumuloy sa pagkapa ang daliri niya na hindi ko alam kung anong hanap.

Pero hindi rin naman nagtagal, napaawang na lang ang mga labi ko nang may mahagip ang daliri niya na kung ano sa loob ko.

“Ahh… Duke.” Batid kong iba iyon sa sarap ng ginagawa niyang paglamas sa dibdib ko.

“Duke, anong…? Haaa…” ungol ko. “Haa…”

Mas lalo kong nakumpirma na tama nga ako nang bitiwan niya na ang dibdib ko at tumuloy-tuloy siya sa pagmamasahe sa kung anong parte ng lamang-loob ko, tapos hindi pa rin nawawala ’yong sarap, lalo pa nga yatang nadadagdagan, sumisidhi.

“’Yon,” pagkatuwa niya. “Sarap ba?”

Tumango-tango ako. “Sarap…”

Hindi ko alam kung ano ’yon. Pero, ’lang hiya, para akong maiihi kapag ginagalaw niya iyon, minamasahe, pinaglalaruan.

“Dagdagan na natin ng daliri, ha?”

“Ha?” nanghihina kong tugon.

“Kulang ’tong isa. Malaki ako.”

“Ah,” sabi ko. “Ikaw na bahala.”

Ipinaubaya ko na sa kaniya ang lahat. Mukhang alam niya naman ang ginagawa niya, eh. Hindi nga siya nagsisinungaling nang sabihin niyang nag-research siya, dahil ultimo ’yong pagmasahe sa parteng iyon ng katawan ko ay alam niya. Ang hindi ko lang alam ay kung kailan pa niya ginawa ang research niya dahil wala naman ditong cellphone. O baka meron siya pero ’di niya lang pinapakita? O baka sa TV sa kuwarto niya? May Wi-Fi at YouTube kaya ’yon? O baka ilang taon niya akong pinaghandaan?

Isa. Dalawa. Tatlo. Tatlong daliri at marami-raming lube ang nakalipas…

“Jaxon, totoo na ang papasok sa ’yo ngayon. Mas mahaba ’to. Mas malaki. Mas masakit.”

“Huwag mo ’kong takutin nang ganiyan.”

“Hindi kita tinatakot, sinasabihan lang.”

“Basta, dadahan-dahanin mo, puta.”

“Oo nga. Wala ka bang tiwala?”

“Paano kung wala?”

“Tiwala lang.”

At nagtiwala nga ako. Alam kong tapos na niyang padulasin ang loob ko, pero para makasiguro daw ay binuhusan pa niya nang binuhusan ng lube ang pagkalalake niya. Pagkatapos ay sinabi niya, “Tuwad ka pa.”

At tumuwad pa nga ako. Tuluyan nang bumaba ang isa kong braso sa puno at ito ang ginamit ko para takpan ang mga mata. Sa sandaling katahimikan, dinig na dinig ko ang mga kalabog sa dibdib ko. “Ito na…”

Para akong napatalon sa gulat nang bigla niya akong hinawakan sa balikat. Sobrang bigat ng kamay niya, parang inihahanda talaga ako sa kung anong mangyayari.

Maya-maya pa, may naramdaman akong ulo na dumidikit sa hiwa ko. Dumudulas. At unti-unting pumapasok. Napakagat ako sa labi habang nanginginig ang buong mukha. Hindi naglaon, dumikit iyon sa bukana ko at maging ang makinis na katawan niyon ay naramdaman ko na rin.

“Duke…”

“Shh… Shh… Wala pa…”

Sa marahang pagtulak ng ulo ng alaga niya pasulong ay siya ring unti-unting pagbuka ng butas ko at pigbilis ng tibok ng puso.

“Duke…”

“Relax… Ako bahala…”

Relax. ’Yon lang ang puwede kong gawin, ’di ba? Dahil kung hindi, pareho kaming masasaktan? Pero, puta, ’di ako maka-relax.

“Ang sakit…”

“Masakit talaga… Kaya relax lang…”

Ulo pa nga lang, pero para nang mapupunit ang bukana ko. Kung wala sigurong lube ay hindi pa siya makakausad nang tuluyan.

“Haa…”

“Shh… Kaunti pa… Relax…”

Tulak. Tumulak pa ang pagkalalake niya sa loob ko. Nalagpasan ko na ang malaking ulo. Pero ngayong kasama na ang katawan, parang gusto ko na iyong itulak palabas.

Relax… Relax, Jaxon. Noong unang may mangyari sa amin ng ex-girlfriend ko noon, ’yon din naman ang sinabi ko. Relax lang.

Habang tuloy-tuloy siya sa pagpasok ay tuloy-tuloy rin ako sa pagkontrol ng paghinga. Maingat. Malumanay. Relaxed.

“Jaxon, ang sikip mo,” nanghihina niyang sabi, napasandal ang noo sa likod ng ulo ko.

Hindi na ako makapagsalita pa dahil natuon na lang ang buong atensyon ko sa paghinga at pagkontrol ng mga kalamnan.

“Hnngh,” impit kong ungol nang muli siyang tumuloy sa pagpasok ng kabuuan.

“Masakit ba?” maamo niyang tono. “Ano?”

Tanging putol-putol na halinghing lang ang narinig niya mula sa ’kin.

“Jaxon, magsalita ka.” Natigil na siya.

“Um…” Suminghap ako. “Buo na ba?”

Mukha naman. Ang lalim niya na, eh.

“Hindi. Kalahati pa lang ako.”

“Ay, puta—” Pinukpok ko ang puno sa narinig at para na akong napapahikbi.

“Ano tuloy ko pa ba?” tanong niya.

Natigil ang nakakuyom kong kamao sa pagpukpok sa puno. “I-Ituloy mo na…”

Nasimulan na, eh. Nakakapanghinayang. Pero, puta, may bahid din ng pagsisisi sa akin dahil pumayag akong papasukin siya. Ngayon ay para na akong nasa bingit ng kamatayan. May lube nga, pero sakop na sakop ng laki at kahabaan niya ang loob ko. Walang natirang espasyo at tuluyan pa ngang nasakop nang tumulak pa siya.

Naging mas malakas ang mga impit kong halinghing sa sobrang sakit at kirot. Gusto ko siyang suntukin, murahin, saktan, pero nabaling ang lahat ng galit ko sa puno na paulit-ulit kong pinupukpok gamit ang gilid ng kamao. Dahil sa dulas na dulot ng lube, hindi siya nahirapang tumulak… nang tumulak… hanggang sa marating ang dulo.

“Ahhh… Haaaa…. Ahhh… Duke…”

Mas naging marahas ang pagpukpok ko sa puno na wala namang kasalanan sa ’kin.

“Shh… Shh… Buo na… Okay na…”

Bumaba ang kamay niya mula sa balikat ko papunta sa dibdib, saka ako niyakap.

“Masakit… Mahapdi…”

“Sa una lang ’yan…”

Hinalik-halikan niya ako sa anit. Pagkatapos ay inihip-ihipan iyon.

“Duke…”

“Andito ako…”

Gusto ko nang hugutin niya. Pero ayoko namang masayang ang pinaghirapan niya.

“Anong gagawin ko?”

“Relax… Sabayan mo ’kong huminga…”

Oo, may experience ako, pero hindi sa pagtanggap ng mahabang armas, kundi sa pagpasok sa butas. Kaya kahit alam ko naman kung anong gagawin, sinunod ko ang payo niya. Sinabayan ko ang bawat paghinga niya. Hinga. Buga. Hinga. Buga.

“Good… Good… Ganiyan nga, mahal…”

“Masakit pa rin… Ang hapdi…”

“Hintayin nating masanay…”

Nagtagal siya sa loob ko nang ilang minuto. Alam ko ring habang nakasuksok ang kahabaan niya sa loob ko ay nilalabasan na siya paunti-unti pero nagawa niya iyong kontrolin. Nanginginig, pawis na pawis, hindi ko alam kung saan hihingi ng tulong.

“Okay ka lang?” tanong niya nang mapansin ang panginginig ko.

Gumewang-gewang ang ulo ko.

“Jaxon, magsalita ka,” pagkabahala niya.

“Oo, okay lang ako,” irita kong sagot.

“Halikan kita. Akin na bibig mo.” At kinabig nga niya ang mukha ko saka ako hinalikan nang hinalikan, kaya sandaling napawi ang sakit na nararamdaman ko.

Nanatili kami sa ganoong posisyon—ako, nakatagilid ang mukha; siya, nakadukwang naman ang ulo sa balikat ko para halikan ako. Binigyan niya ako ng mainit na hininga. At hindi ko alam kung iyon din ang dahilan kaya hindi ko na alintana ang malaking bagay na nakasuksok sa loob ko.

Nang makitang humupa na ang panginginig ng mukha ko ay sinabi niya sa akin, “Gagalaw na ako paunti-unti, okay?”

Tumango-tango naman ako at muling ibinalik ang mukha sa harapan—sa puno.

Hingang malalim. Lunok. Hugot.

“Haaa…” Sandali akong nakaramdam ng ginahawa sa pag-atras ng bagay na kanina pa nakabara sa loob ko. Pero agad din iyong napalitan ng kirot sa muli nitong pagpasok. “Ahh… Duke…” pagsusumamo ko. “Awa…”

“Sorry, sorry…” aniya, sandaling natigil. “Sabihin mo lang sa ’kin ’pag puwede na.”

Makalipas ang ilang segundo, muli akong nagbigay ng hudyat na puwede na siyang tumuloy. Ilang beses kaming nahinto sa proseso. Paulit-ulit ako sa pagpapatigil sa kaniya. Paulit-ulit naman siya sa paghinto kapag sinasabi ko. Hanggang sa hindi ko na namalayang unti-unti na pala akong nasasanay sa laki at kahabaan niya.

“Ano, Jaxon? Okay ka lang?” usisa niya nang muling mapansin ang pananahimik ko. “Masakit pa ba? ’Di mo na ba kaya?”

Hindi niya yata alam na kaya ako natahimik dahil unti-unti nang napapalitan ang kirot na nararamdaman ko ng sarap. Sarap sa bawat paglabas-masok niya sa loob ko.

“Jaxon, hindi ka na naman nagsasalita.”

“O-Okay lang ako,” panghihina ko.

“Sigurado ka ba?” paniniguro niya.

“Bilisan mo pa…”

“Ha?”

“Sabi ko, bilisan mo pa.”

“Mahal, sigurado ka ba?”

“Bilisan mo!”

“Yes, Sir.”

Kumalas na siya mula sa pagkakayakap sa ’kin at saka hinawakan ang mga balakang ko. Tulad ng utos ko, binilisan pa nga niya ang pag-ulos. Muli namang nanumbalik ang hapdi at kirot na nararamdaman ko, pero mas higit na nangibabaw ang sarap, lalo pa’t tuwing natatamaan niya ang bagay na minamasahe lang ng daliri niya kanina.

“Duke, ’tang ina…”

“Bakit? Bakit? Masakit?”

“’Tang ina, huwag mong bagalan!”

“Paano ba? Ganito ba?”

“Wala na bang ibibilis ’yan?!”

“Ayoko. Masasaktan ka.”

“Bilisan mo!”

“Jaxon—”

“Duke!”

“Ito na!”

“Ugh!”

Pambihira. Kalalake kong tao pero ang lakas kong makaungol habang tinitira ng kapwa ko lalake. Nagawa na ngang umahon ng mukha ko mula sa pagkakadikit sa braso. Napahawak na rin ang mga kamay sa puno at bumaon ang mga daliri doon. Umiigting ang panga. Nagtatagis ang mga ngipin. Tumatagaktak ang pawis sa mukha. Nag-iinit ang mga mata. Nanginginig ang mga kalamnan ko habang tinitira niya ako.

“Shit…” ungol niya. “Ang lalim mo, Jaxon.”

“‘Mahal,’” pagwasto ko sa kaniya. “Mahal mo ’ko, ’di ba?” Sinilip ko siya. “’Di ba?”

“Mahal kita,” boses niya na magkahalong naiiyak at nasasarapan. “Mahal kita, Jaxon.”

“Kung mahal mo ’ko, eh, ’di bilisan mo pa!”

“Mahal kita! Mahal na mahal kita!”

Kasabay niyon ay ang pagbarurot niya sa akin at ang pagtirik ng mga mata ko dahil wala nang mapaglagyan ang sarap na naiipon sa puson ko. Wala na ako sa wisyo. Gano’n din naman yata siya. Alam ko ’yan, ’yong pakiramdam na nakapasok ang alaga mo sa loob ng mainit at madulas na butas. Pero hindi ko alam na mas masarap pala ang pakiramdam ng pinapasukan. May kirot man, nakakabaliw naman ang bawat hagod, lalo pa’t kung mahaba at mataba ang bagay na nakapasok sa loob mo. At lalo na kapag guwapo ang bumabayo sa ’yo.

“Jaxon—mahal, lalabasan na ’ko…”

“Puwes, bilisan mo pa!”

“Lalabasan na ’ko…”

“Ba’t ka ba nagpapaalam?!”

“Ipuputok ko ba sa loob?”

“Iputok mo sa loob!”

“Sigurado ka ba?”

“Oo!”

Sandali siyang natigil sa ginagawa. Maiinis na sana ako dahil akala ko ay sinusubukan niya ang hangganan ko, pero agad ding nawala ang kunot sa noo ko nang biglang dumagan ang mabigat niyang katawan sa ’kin. Mula sa mga baywang ko ay dumulas pataas ang maiinit niyang mga palad sa pawisan kong katawan, dumako sa tagiliran, sa tadyang, sa gilid ng dibdib. Halik sa likod. Pataas nang pataas. Napasinghap ako. Kamay sa mga kilikili ko. Pataas nang pataas. Dumapo sa mga bisig. Sa mga braso. Halik sa batok. Nanindig ang mga balahibo ko. Kamay sa kamay. Daliri sa daliri. Nang makuha ang mga tanging parte ng katawan ko na mayroon akong kontrol, itinaas niya ang mga kamay ko, unat na unat, at saka pinagdikit sa gitna. Ipinako niya ang mga kamay ko sa puno gamit ang naglalaparan niyang mga palad.

“Sigurado ka ba?” ulit niya sa sinabi, pero sa puntong ito ay may halo nang awtoridad.

“Duke…” Nawala ang angas sa boses ko.

Humugot siya. Bumuwelo. Bumaon.

“Ugh!” malakas kong ungol.

“Iputok ko sa loob?” malalim niyang boses.

“Duke…” Para akong natutunaw sa init niya.

Hugot. Buwelo. Baon.

“Hngggh!” pamimilipit ko.

“Humanda ka, mahal. Lalabasan na ’ko.”

Bago pa man ako makapaghanda ay muli niyang binilisan ang pagbayo sa ’kin. Nakapako ang mga kamay, wala akong ibang nagawa kundi ang pakinggan ang bawat umpugan ng mga balat namin habang marahas siyang naglalabas-masok.

Parang hinahalukay ang kaloob-looban ko. Para na akong nasa pagitan ng langit at impyerno. May sarap. May sakit. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman dahil nauulol na ako sa ginagawa niya, lalo pa tuwing naririnig ang matitigas niyang ungol habang tuloy-tuloy sa pagtrabaho.

“Mahal, hingang malalim!”

“Puta—”

Napapigil ako ng hininga nang mapansing tila napatagal ang pagbuwelo niya nang muling hugutin ang pagkalalake niya. At laking pasasalamat ko naman na ginawa ko ito dahil tuluyan nang tumirik ang mga mata ko nang biglang bumalik sa mabilis na pagbaon iyon. Wala siyang tinirang parte ng pagkalalake niya, buong-buo iyong nakapasok sa kaloob-looban ko. Kulang na lang ay mag-isa na ang mga balat namin.

“Ahhhhh, shittttt!” mahabang ungol niya, umuntog pa nga ang noo sa likod ng ulo ko.

“Duke… hnnnngh…” pagsinghap ko naman nang dumaplis ang alaga ko sa puno.

Kasabay ng pagbulwak ng likido mula sa pagkalalake ko ay ang unang pagsabog niya rin sa kaloob-looban ko. Dumaloy ang mainit niyang katas at kumalat sa loob.

“Mahal, isa pa. Hinga!”

“Anak ng—”

Pigil-hininga. Buwelo. Baon!

“Ahhhhh… ahhhhh… ahhhhh!” putol-putol niyang ungol pagdagan sa katawan ko.

“Duke…” mangiyak-ngiyak kong sabi.

Nadagdagan pa ang deposito niya sa loob ko. Ang sarap. Ang init. At nakakabaliw. Muli ring nadiligan ang patay na puno sa ikalawang pagsabog ng pagkalalake ko.

“Mahal, last na. Promise!”

“Puta, Duke—”

Agad akong napakagat sa labi nang maramdamang muling umurong paatras ang pagkalalake niya sa ngayon ay sobrang dulas ko nang butas. Kasabay ng pagbuwelo niya ay siya ring pagpigil ko ng hininga. Mariin akong napapikit. Napalunok. At humiling na sana ay buhayin pa niya ako.

Walang ano pa man, humagupit ang pinakamalakas niyang pagbaon. Kasabay ng pag-umpugan ng mga balat namin ay siya ring pag-alingawngaw ng magkahalo naming mga ungol—sa kaniya ay matigas, sa akin naman ay sobrang nanghihina.

Kusang napatingala ang mukha ko sa itaas ng puno. At kasabay ng pagmulat ay ang pagtulo ng luha ko sa gilid ng mga mata. Habang tuloy-tuloy ang pagdaloy niya sa loob ko, wala akong ibang nagawa kundi ang pagmasdan ang ganda ng nakikita ko—ang magkayakap naming mga kamay.

Ako. Siya. Tuluyan na kaming naging iisa.

Habang nakapasok pa rin ang pagkalalake niya sa loob ko, hinaplos-haplos niya ang ulo ko at saka paulit-ulit itong hinalikan. Paulit-ulit din niyang sinabi kung gaano niya ako kamahal. At batid ko naman iyon habang nakadikit ang dibdib niya sa ’kin.

Ang puso ko. Ang puso niya. Iisa ng tibok.

Sa huli, tinupad niya ang pangako niya sa ’kin. Ipinakita nga niya sa ’kin ang langit, at wala na akong ibang mahihiling pa. At sa ilalim din mismo ng punong iyon, hindi ko malilimutan ang isa pang pangako niya… “Sa ganitong paraan lang kita paiiyakin…”

Pinanghawakan ko ang pangakong ’yon.

Chapter 30

“Jaxon, huwag kang iiyak!”

Sa mabilisang pagmulat ng mga mata ko, napasinghap ako nang akalaing totoo ang lahat: ang umalingawngaw na sigaw ni Dad, ang duguan kong mga palad, ang naghihingalo kong aso, ang mukha ng kuya kong awang-awa sa akin, at ang sadistang ngiti ng lalakeng ’yon. Ang putang inang lalake na siyang huling nagpaiyak sa akin.

Wala na ako sa lugar ng pinangyarihan ng insidente, pero naiwan pa rin ang poot sa dibdib ko. Kasabay ng pagmulat ay siya ring pagtulo ng luha sa gilid ng mata ko, bagay na hindi ko inaasahan. Ang huling beses kasi na umiyak ako ay noong araw din mismong iyon sa panaginip ko. Panaginip na mukhang napapadalas na.

Mali. Hindi na nga pala iyon ang pinakahuli. Sa tinagal-tagal ng panahon na hindi tumulo ang luha ko, may isang taong nagawa akong paiyakin muli. Parang kanina lang, ang dahilan pa ng pagtulo ng luha ko ay ang magkahalong sakit at sarap sa huli niyang pagbaon sa ’kin—sa lugar na tanging kaming dalawa lang ang may alam.

Alam ko rin, pagkatapos no’n ay wala nang sumunod pa dahil sa sobrang panghihina ko, kaya hindi natupad ang kagustuhan niya na magdamag kaming magbakbakan. Hindi na niya ako pinilit pa dahil batid niya naman na iyon ang una ko at ayaw niya akong mapuruhan. Kaya sabay kaming bumalik sa Annex A Building pagkatapos kong linisin ang sarili sa lawa. At sigurado rin akong sa barracks ako natulog kanina.

Pero ngayon, iba ang nakikita ng mga mata kong nanlalabo pa dahil sa mga namumuong luha. Isang pamilyar na ceiling ang nasilayan ko—may grids. Dito pa lang, alam ko na agad kung nasaan ako. Ang hindi ko alam, kung bakit ako nandito.

Wala naman akong naalala na nahimatay ako. Natulog lang naman ako kanina.

Isang tao agad ang hinanap ko nang mapagtantong nasa infirmary ako.

“Du—” Pagsalita ko, parang kinayod ang buong lalamunan ko sa sobrang sakit.

Lumukot ang mukha ko at napahawak ako sa leeg nang maramdaman ang pamamaga nito. Ultimo paggalaw ng braso ay parang ang bigat gawin. Sumasakit ang mga kasu-kasuan ko. Nilalamig ang buong katawan. Pinagpapawisan nang malagkit. At may isa pang parte ng katawan ko na ngayon lang sumakit buong buhay ko.

Ang puwet ko.

Para akong maiiyak na ewan nang iipit ang kamay ko sa ilalim ng shorts. Kinapa-kapa ko iyon. Pagkapa bandang butas ng puwet ay napakibit ang mga balikat ko. Puta, sobrang hapdi! Parang pinahiran ng maraming sili ang bukana nito, lalo na ang loob, dahil nagliliyab sa init. Sa hapdi ay tumulo ulit ang luha sa gilid ng mata ko.

“Duke.” Walang boses na lumabas mula sa bibig ko.

Sinubukan kong bumangon pero hindi ako nagtagumpay. Parang may kung anong puwersa na pumipigil sa ’kin na umahon mula sa kinahihigaan dahil ang bigat ng ulo at katawan ko. Naghalo-halo na ang mga nararamdaman ko: poot, kirot, lungkot, panlalamig, pangungulila. ’Lang hiya, parang katapusan na ng mundo. At heto akong nakaratay sa higaan, naghahanap…

Hinahanap ko ang taong siyang dahilan kung bakit ako nandito. At hindi ko siya makita. Hindi ko siya marinig. Hindi ko siya maramdaman. Sino ba ang nagdala sa ’kin dito? Mga kaibigan ko? Kung gano’n, asa’n sila? Bakit mag-isa lang ako rito?

Bumaling ako sa kanan ko. Nakasara ang kurtinang naghihiwalay sa cubicle ko at sa katabi nito. Nang may naaninag akong silweta ng isang lalakeng nakaupo sa kama sa kabila, gumuhit ang ngiti sa labi ko.

“Duke.” Wala pa ring boses na lumalabas. Mariin akong napalunok. Pagdaloy ng mapait na laway sa lalamunan ko ay lalo kong naramdaman ang pamamaga nito. Sa kabila ng lahat, pinilit kong magsalita. “Duke—!”

Naubo ako nang mabigla ang lalamunan sa pagsigaw. May nalasahan pa nga akong dugo, bagay na inasahan ko na dahil sa ginawa ko kagabi. Ito yata ang resulta ng sobrang kayabangan ko. Minaliit ko kasi ang pitong pulgada, ito tuloy ang napala.

Nang mapansing bumukas ang kurtina, sinikap kong pakalmahin ang mukha ko. Siyempre, ayokong makita akong may maasim na mukha ng isang matangkad, moreno, at guwapo. Pero parang may mali sa tumambad sa ’kin. Moreno nga ang nagpakita pero hindi gano’n katangkad.

“Escobar, gising ka na pala,” anito.

Ang sama na nga ng pakiramdam ko, ang masamang mukha pa ni Estrada ang bubungad sa ’kin. Agad kong pinunasan ang pinsgi kong natuluan ng luha dahil baka isipin niyang umiyak ako, kahit iyon naman talaga ang nangyari.

Tumindig siya sa tabi ng kama, may bakas ng pagkailang sa mga mata. Hindi tulad ng lagi kong nakikita, hindi siya nakasuot ng ACU ngayon, kundi itim na shorts at sando lang tulad ko. Saka ko lang naalala, Sabado nga pala ngayon. Wala kaming training.

“Um,” panimula niya, “kamusta?”

Napakasimple lang ng tanong niya pero hindi ko iyon sinagot. Hindi naman kami close, eh. Ba’t niya ako kinakamusta? At isa pa, isa siya sa mga kinaiinisan ko kahit noong Initiation Night pa lang. Ang kupal kaya niya sa ’kin noon. Tapos ngayon…

“S-Sir…” Kahit nanghihina, pinilit ko pa ring bumangon. Ayokong nakikita ako ng ibang tao sa ganitong kalagayan—higit sa lahat, ng mga kaaway ko. Ramdam ko ang sakit sa butas ng puwet ko pag-upo sa kama, pero nagkunwari akong walang iniinda. “A-Ano hong nangyari?”

Tumikhim siya at tila hindi mapakali ang mga mata kung saan titingin. Quits lang, dahil hindi ko rin naman matagalan ang mukha niya. ’Yong mga kilay niya kasi, parang lagi na lang magkasalubong kahit hindi siya galit. “Sabi ng mga ka-barracks mo, napansin na lang daw nila na tanghali na at hindi ka pa rin nagigising,” kuwento niya. “Akala nga nila no’ng una, bumabawi ka lang ng tulog. Pero buong maghapon ka raw na hindi umahon sa kama. Kaya sinubukan ka nilang gisingin. Tapos ’yon, saka lang nila napansin na nanginginig ka raw at parang inaapoy sa lagnat.”

“Ho?” basag kong boses. “Buong… maghapon?” Bakit, gabi na ba?

Lumingon ako patalikod sa mahabang bintana sa uluhan at nakumpirmang bahagyang madilim na sa labas.

“Wala ka bang naaalala?” tanong niya.

Malabo pa rin ang memorya ko. Magulo pa rin ang lahat. Nakakahilo. Parang binibiyak ang ulo ko at pumipintig-pintig sa sakit.

“S-Sila ba ang nagdala sa ’kin dito?” usisa ko pagbalik ng tingin sa kaniya.

“Hindi,” tugon niya. “Si First-Class Montemayor ang nagdala sa ’yo rito. Sakto kasing dumalaw siya sa barracks n’yo kanina, kaya nakita niya ang lagay mo.”

Parang may unti-unting nagbalik sa ’kin: ’yong paghawak ng magaspang na palad sa pisngi ko para gisingin ako, ’yong pamilyar na pakiramdam habang buhat-buhat ako ng matitigas na braso, ’yong malalim na boses na paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko sa pag-aalala. Walang duda. Si Duke nga.

“Kung gano’n…” Bakit ikaw ang nandito? gusto ko sanang itanong sa kaniya pero hindi ko na tinuloy.

“Um, tumulong muna siya sa galley sa pagluto ng hapunan mo.” Siya na mismo ang kusang sumagot sa naudlot kong tanong. “At ako ’yong nautusan niya para bantayan ka, kaya ako nandito. Baka raw kasi bigla ka na lang umalis paggising mo.”

Bad trip naman. Dapat isa na lang sa mga kaibigan ko ’yong inutusan ni Duke para bantayan ako, eh, hindi ’yong buddy na ’to.

Sa bagay, ayaw nga pala ni Duke sa mga kaibigan ko. Pero kahit na… Mas may tiwala ba siya sa buddy na ’to? Mukha palang nito parang hindi na katiwa-tiwala.

“Um, nandiyan nga pala ’yong canteen mo sa side table.” Itinuro ng nguso niya ang tinutukoy niya. “Baka lang nauuhaw ka…”

Pagbaling sa water canteen sa side table, napalunok ako. Napasama na rin yata sa paglunok ang pride ko, dahil, sa sobrang pagkauhaw, agad ko iyong kinuha. Sabay bukas sa takip nito. Subo sa bibig. Lagok.

Parang disyerto na ngayon lang nadaluyan ng tubig ang palibot ng bibig at lalamunan ko. Maging ang mga labi kong bitak-bitak ay nakaramdam ng kaginhawaan nang mabasa ng tubig. Lagok lang nang lagok.

“Para kang kuya mo…”

Sa kalagitnaan ng pag-inom, nasamid ako dahil sa sinabi ni Estrada. Sandali akong natigil sa paglagok at humarap sa kaniya, bahagyang kumunot ang noo. “H-Ha?”

Hindi pa rin siya makatingin nang diretso sa ’kin. “Sabi ko, para kang kuya mo…” Binasa niya ang mga labi niya. “Noong unang taon ko rito, madalas ko rin siyang makitang isinusugod ni Duke— ehem —ni First-Class Montemayor dito sa infirmary.”

Dahil sa sinabi niya, nawalan na ako ng ganang uminom ng tubig. Mas nangibabaw kasi sa ’kin ang pagkauhaw sa katotohanan. Kaya inilapag ko ang canteen sa side table.

Mas lalong kumunot ang noo ko. “Bakit?”

Sa puntong ito ay hindi na niya ako magawang tingnan sa mata. “Um…”

“Alam mo ba kung anong totoong nangyari kay Kuya?” tanong ko kahit ’di kami close.

Napabuntong-hininga siya at umiwas ng tingin. Itinago niya rin ang mga kamay niyang hindi mapakali sa likod. “Hindi—”

“Alam mo kung anong nangyari,” diin ko bago pa niya itanggi. “Kilala mo si Kuya.”

“Sinong hindi makakakilala sa Kuya mo?” Bumalik ang tingin niya sa akin na may halong inis. “Sa lahat ng cows, siya lang ang bukod-tanging nagpakita ng awa sa ’ming mga plebo noon. Napakabait ng kuya mo, hindi kagaya mo. Kaya nga hindi ko matanggap ang ginawa nila sa kaniya—”

Nanlaki ang mga mata niya matapos kusang lumabas ang mga salita mula sa bibig niya, at agad na nag-iwas ng tingin.

“Nila?” Mas lalong nanlaki ang mga mata kong kanina pa mahapdi. “Sino sila?”

Suminghap siya. Hindi na naman niya ako magawang tingnan. “Hindi ko dapat—” Lumunok. “Wala akong sasabihin sa ’yo.”

’Tang ina.

“Sabihin mo na lang kung sino sila—” Sa kakapilit magsalita, napailing ako at muling naubo-ubo. Sa bawat pag-ubo ko, lalo pang humahapdi ang lalamunan ko.

“O-Okay ka lang?” Sa hindi maipaliwanag naman, nang tinangka niya akong lapitan, sandali siyang natigilan. Napatulala siya sa kaliwang bahagi ng leeg ko na para bang may mali rito. “Um…” Napakurap-kurap siya at agad na tumalikod na parang walang nakita. “T-Tawagin ko na ’yong nurse…”

“Sandali—” Sino sila?! gusto ko sanang itanong ulit sa kaniya pero hindi ko na nagawa dahil sa kakaubo nang marahas.

Pahapyaw niya akong nilingon. Akala ko ay sasagutin niya na ang tanong ko, pero iba ang lumabas mula sa bibig niya. “Hindi ko alam kung anong meron sa inyong dalawa, pero mag-iingat kayo. Maraming mata at tenga ang demonyo sa akademyang ’to.”

Paglisan niya, saka lang natigil ang pag-ubo ko. Gano’n pa man, naiwan pa rin ang kati at kirot sa lalamunan ko. Ang dami ko pa naman sanang gustong itanong sa kaniya. Bababa na sana ako ng kama para sundan siya, pero paggalaw ng mga binti ko sa ilalim ng kumot, lalong tumindi ang hapding nararamdaman ko sa may puwet.

“Puwetang ina,” walang boses kong iyak.

Napahawak ako sa ilalim ng shorts ko at napahalinghing. Para talagang nagliliyab ang kaloob-looban ko, habang ang labas ng katawan naman ay pinagpapawisan nang malamig. Ang lala ng pakiramdam ko. Mas malala pa sa unang pagkakataon na bumangon ako sa parehong higaang ito.

Wala akong nagawa kundi ang manatili sa kama habang pinakikinggan ang mga pamilyar na boses sa medyo kalayuan…

“Ma’am, gising na po siya,” si Estrada.

“Gano’n ba?” boses ng nurse. “Sige, teka. Ako na mismo ang pupunta sa kaniya ro’n. Kunin ko lang ’yong… ’yong folder niya.”

“Um, puntahan ko na ho si First-Class para malaman niya. Kayo na ho muna ang—”

“Oo, huwag kang mag-alala. Ako bahala sa kaniya. Hindi ko siya palalabasin dito.”

“Salamat ho, Ma’am.”

“No problem, iho.”

“Permission to leave this room.”

“Go ahead.”

Sandaling katahimikan.

Hula ko ay lumabas na ng infirmary si Estrada. Wala na kasing ibang maririnig kundi ang mahihinang halinghing ko at ang boses ng nurse—na kahit parang pabulong sa sarili ay dinig na dinig ko pa rin sa lakas—habang tila iniisa-isa niya ang mga folder doon sa may shelf cabinet.

“Jade Mendoza…

“Jake Sotto…

“Jamie Fabre…

“Um, ano nga ulit pangalan ni Chinito?

“Ja… Jak… Parang Jak ’yon eh…”

Ang tagal niyang nag-isip.

“Jakla?”

Sa huling niyang sinabi ay napahalahak siya na akala mo’y may nakakatawa. Sinapo ko ang noo ko at nagtiim ang bagang ko.

’Lang hiya talagang nurse ’to. Trip akong pag-trip-an, aba. Namumuro na siya, ah.

Nang magtagal, humina nang humina ang pagtawa niya. Pero hindi iyon sapat para mabawasan ang pagkainis ko sa kaniya.

“Ah, oo, naalala ko na…”

Tila muli niyang inisa-isa ang mga folder. Kahit pabulong pa rin ang pananalita ay nauulinigan ko pa rin ang mga pangalan.

“Jamie…

“Jamville…”

Hanggang sa…

“Janus Escobar…

“Ay, wait, hindi ’to.”

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

“King Montemayor…

“Teka, lumampas ng isa…”

At mas lalo pang nanlaki dahil doon.

“Ito, kita ko na…

“Jaxon Escobar.”

Kusang napabitiw ang kamay ko sa noo. Kasabay ng pag-awang ng mga labi ay ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa dalawang pangalang nabanggit: ang isa pang Escobar bukod sa ’kin, at ang isa pang Montemayor bukod kay Duke.

Chapter 31

May dahilan yata kung bakit dinala na naman ako ng tadhana rito. ’Yong folder ni Kuya, kailangan kong makita. Hindi ako puwedeng lumabas dito nang hindi nalalaman kung ano ang totoong nangyari sa kaniya. At sino si King? Bakit nito ka-apelyido si Duke? Ito ba ang tinutukoy nina Morales at Monsur na kuya niya?

Ang dami ko pang kailangang malaman.

Nagising ako sa pagkatulala nang bumukas ang kurtina ng cubicle bandang paanan ng kama. Iniluwal nito ang taong mas higit na kinaiinisan ko kaysa kay Estrada.

“Hi!” masiglang bati ng nurse sa ’kin.

Habang nakaupo, pinilit kong ituwid ang itaas na katawan ko kahit nananakit ang likod at sumaludo ako sa kaniya. “Ma’am. Good mor—good evening ho.”

“Good evening din!” Iniwan niyang nakabukas ang kurtina at naglakad siya palapit sa ’kin. “Huwag ka nang mag-straight body, iho, hindi bagay sa ’yo.”

“Ho?” magaspang kong boses.

“’Tsaka, huwag mo nang palalimin ang boses mo.” Winasiwas niya ang kamay niya sa hangin. “Ano ka ba, tayo lang naman dito. Consider this place as a safe space. Sabi ko nga noon, ’di ba, kakampi ako.”

Tumikhim ako at napakurap-kurap. Malalim naman talaga ang boses ko, ano bang sinasabi niya? Dahil sa ngalay naman, ibinaba ko na ang kamay ko at ibinalik ang katawan sa bahagyang pagkakabaluktot.

“Usog ka nga, ’nak,” aniya. “Paupo ako sa tabi mo.”

At ngayon, tinawag niya na akong ‘anak’. Ang galing. Ni hindi man lang niya tinanong kung gusto ko siyang maging nanay.

“Uh…” Hindi na ako nakaangal pa at umusog na lang ako sa kaliwa para bigyan siya ng espasyo sa kama.

“Salamat.” Umupo siya sa tabi ko at ipinatong sa mga hita niya ang bitbit niyang puting folder, saka pinagmasdan ang mukha ko nang ilang segundo na akala mo’y kaytagal niya akong hindi nakita. Nakangiti ang mga mata niya; ang akin, hindi. Hindi ko kasi gusto kung paano siya makatingin. Akala mo’y close kami. “Awww, na-miss kita, ’nak.”

Kita mo ’yan. Feeling close, eh. Tinawag na naman akong ‘anak’, aba.

Muli akong kumurap-kurap, hindi magawang tingnan siya nang diretso sa mukha. Si Pokwang talaga ang nakikita ko sa kaniya, eh.

“Alam mo ba, para na akong mababaliw rito. Ilang araw ba naman akong walang kausap. Wala na kasing ibang isinugod dito pagkatapos mo. Kailan pa ’yon, eh,” kuwento niya kahit ’di ko naman tinanong. “Ang titibay kasi ng katawan ng mga ka-batch mo. Samantalang sabi ng mga kasama ko, noong nakaraang tatlong taon daw, maraming isinusugod na mga plebo rito.”

Bahagyang tumaas ang kilay ko at nagawa ko nang tingnan ang mukha niya dahil sa narinig. “Bakit daw ho?”

“Nagsimula lang naman daw ’yon no’ng dumating ’yong isang tao rito, eh.”

“S-Sino raw ho?”

“Tss, ayaw nga nilang sabihin sa ’kin kung sino. Mga tao rito, parang ang daming itinatago. Akala mo naman, isisiwalat ko lahat kapag nalaman ko. Ang behaved ko kayang tao.”

Sandali akong natahimik. Bukod sa hindi ako naniniwalang behaved siya, nabalot ako ng pagtataka sa kung sino ang taong tinutukoy niya, at kung nasaan ito.

Nanumbalik ang ngiti sa mga mata niya. “Anyways, I’m happy that you’re here—” Itinakip niya sa bibig ang folder na hawak niya at pinigilan ang namumuo niyang tawa. “I’m sorry. I mean, ’di ko sinasabing masaya ako na nagkasakit ka.” Sabay lapag ulit ng folder sa mga hita niya. “What I mean is, masaya lang ako na nagkita ulit tayo, nagkausap. Ikaw ba?”

Isang pilit na ngiti lang ang ibinigay ko sa kaniya bilang tugon.

“Yeah, I know masaya ka rin,” desisyon niya. “By the way, okay lang ba sa ’yo na tawagin kitang ‘anak’? Nakikita ko talaga sa ’yo ang anak ko, eh.”

Sinisimulan niya na naman ako. “Uh, Ma’am—”

“Huwag na ‘Ma’am’, para naman akong matanda niyan. Tanggalin mo na ang ‘am’ sa dulo.” Inilapat niya ang kamay niya sa dibdib, pumungay ang mga mata. “Just call me ‘Ma’.”

No, thanks. “Uh, Ma—”

“That’s right,’” pagputol niya sa ’kin kaya hindi ko na nakumpleto ang ‘Ma’am’. Hinawakan niya ang isang kamay ko na nakalapag sa tuhod. “Don’t worry, hindi naman ako ma-o-offend kahit ano pang itawag mo sa ’kin. Hindi naman gano’n kataas ang posisyon ko, eh. Buti sana kung heneral ako, ’di ba, o superintendent. ’Tsaka, para ka na ring anak ko.”

Sinubukan kong hugutin ang kamay kong nadaganan ng kamay niya pero mas lalo niyang binigatan ang pagkakahawak dito.

“So, ’nak, tell me… Anong nangyari?” usisa niya, sumeryoso na ang mga mata. “Bakit isinugod ka na naman for today’s video?”

Napalunok na lang ako ng laway dahil sa tanong niya. Nagagawa ko na sana siyang tingnan nang matagal sa mukha, eh, pero ngayon ay parang hindi na naman. “Uh…” Binasa ko ang mga labi ko. “Kasi ho…”

“Ang init ng kamay mo, o, ’tsaka namumutla ka na naman. Teka…” Sa wakas, binitiwan niya na ang kamay ko kaya nagawa ko na itong iatras. Sunod niyang kinuha ang thermometer sa bulsa ng ACU jacket na suot niya at inabot iyon sa akin. “Pa-check nga ng temp mo.”

Inipit ko ang thermometer sa kilikili ko at pinalipas ang ilang sandali. Pagtunog nito, ibinalik ko rin sa kaniya.

“Tsk, tsk, tsk, ang taas ng lagnat mo.” Matapos patayin ang thermometer, isinilid niya na ito sa bulsa. “Huwag mo sabihing…”

Pinag-ipit ko ang mga labi ko at napailing ako.

“Ah, sabi na, eh.” Pagsilip sa kaniya, kita kong sunod niyang inilabas ang penlight sa bulsa. “Patingin nga ng lalamunan, anak.”

Napapikit ako at napalunok. Sigurado akong malalaman niya na naman kung anong nangyari kapag nakita ang loob ng bibig ko.

“Anak, dito ang tingin.” Hinawakan niya ang baba ko at niliko ito pabalik sa pagkakaharap sa kaniya. “Nganga ka, ’nak,” utos niya. “Ahhhhhhh…”

Habang nakapikit, kusang napanganga ang bibig ko. Maya-maya, naramdaman kong parang umahon siya sa kama at inangat pa ang baba ko para mas makita nang maigi ang loob ng bibig ko. Sa sandaling katahimikan, walang ibang maririnig kundi ang mga buntong-hininga niyang kay bigat at ang paulit ulit na, “Tsk, tsk, tsk.”

Nang bitiwan niya na ang baba ko ay saka lang ako nagmulat. Ang dismayadong mukha niya ang unang bumungad sa ’kin. At tama nga ako, umahon siya at tumayo sa tabi ng kama, iniwan ang folder sa inupuan.

“Hay, magang-maga na naman,” daing niya. “Ano ba naman klaseng top ’yan.”

Kinagat ko ang ilalim na labi ko at umiling ako. Wala akong masabi. Panay lunok ako. Alam ko namang alam niya ang dahilan kung bakit namamaga ang lalamunan ko. Ang hindi niya alam ay ginusto ko rin ito.

“O, kita mo ’yan…” Nasilaw ako nang bigla niyang tinutukan ng penlight ang mukha ko—mali, ang leeg ko pala. “Binigyan ka pa talaga ng chikinini sa leeg. Tsk, tsk, tsk.”

“Eh?” Nanlaki ang mga mata ko. Muntik ko nang makalimutan ang ginawa ni Duke kagabi. Puta, ito rin yata ang napansin ni Estrada kanina! Sinubukan ko itong silipin pero hindi naabot ng paningin ko, kaya tinakpan ko na lang ng kamay. “H-Hindi ho. Uh, kagat lang ho ’to ng lamok… Marami ho kasing lamok sa gubat kaya—”

“Sa gubat?” Ibinaba niya na ang penlight. “Bakit? Anong ginagawa mo sa gubat?”

“Ho?” Napanganga ako. Hindi ko naman alam na ilalaglag ako ng sariling bibig.

Bahagyang tumaas ang kilay niya. “Sabi mo, malamok sa gubat. Eh, bakit ka nasa gubat?”

Kinamot ko ang chikinini sa leeg ko. “Uh…” Tumulo ang malamig na pawis sa mukha. “Kasi…” Binasa ang mga labi at nagpigil ng hininga. Kalma, Jaxon. Wala siyang alam. Hindi niya alam ang nangyari sa inyo ni Duke. Nagtataka lang siya. “Uh, kasi ho, ano…”

Lalong tumaas ang kilay niya. “Kasi ano?”

Grabe siya kung makatingin.

“Kasi ho, ano…” Maya-maya pa, gumana rin ang talino ko. “’Yong… ’yong barracks ho namin kaharap lang ’yong gubat, tapos um… m-mainit ho ’pag gabi…” Kahit hindi naman. “Kaya lagi naming binubuksan ang bintana para lumamig. Kaya lang, ang dami hong lamok na pumapasok. Kinakagat ako.”

Ilang segundo bago nakalma ang kilay niya. “Ahh, kinakagat ka…”

Pilit naman akong napangiti. “Oho…”

“Ng lamok.”

“O-Oho…” Buti naniwala siya.

“Akala ko naman, totoong nakapunta ka sa gubat,” natatawa niyang sabi, sabay tulak sa bisig kong nananakit. “Eh, alam ko, may harang ’yon, eh.” Habang tumatagal, lalong lumalakas ang pagtawa niya, at mas lalo ring lumalakas ang pagtulak niya sa ’kin—o sadya yatang sobrang naghihina lang ako kaya tinatangay ang katawan ko sa puwersa niya. Tawa lang siya nang tawa. Ngiti lang din ako nang ngiti kahit napipilitan. “Ay grabe namang lamok ’yan! Parang bampira kung makasipsip sa leeg mo!” Dahil sa sinabi niya ay lalo pa akong nanghina at hindi na naihanda ang sarili mula sa pinakamalakas niyang pagtulak. “Ayyy!” tili niya nang tumumba ako sa gilid ng kama kadikit ng pader.

“Aw…” Napabitiw ako sa leeg at agad na hinawakan ang puwet kong nanakit dahil sa hindi sinasadyang biglaang paggalaw ng katawan. Sunod-sunod na halinghing ang pinakawalan ko habang iniaahon ang sarili.

Hindi na maipinta ang mukha ko habang umaahon. Nang makabalik sa maayos na pagkakaupo, marahan akong napalingon sa kaniya nang mapansin ang pananahimik niya. Kaya pala, napatakip siya sa bibig at nanlaki ang mga mata. Agad naman akong napatigil sa paghalinghing at napabitiw sa puwet nang mabasa kung anong nasa isip niya, saka ikinalma ang mukha, itinuwid ang postura. Anak ng. Alam niya na ba?

“OMG!” bulalas niya na nagpakislot sa mga mata ko. “Pinasukan na ang Bataan?!”

Puta, alam niya na!

“Ho?” Iwas na iwas ako sa mga tinginan niya. Tingin na may halong pagkamangha at hindi ako sigurado kung pagkadismaya.

Napabitiw siya sa bibig. “’Nak, higa ka nga padapa sa kama. I need to check your…”

Tumikhim siya. “… your puwet, anak.”

“Ho?!” Lalong nanlaki ang singkit kong mga mata. “I-check… ang puwet ko?!”

Sumeryoso ang mukha niya. “’Nak, I’m serious. Kung gusto mong gumaling agad, ipapa-check mo sa ’kin ang puwet mo.”

Nagpapatawa ba siya?! “Uh…”

“Ano ka ba, huwag ka nang mahiya. Nurse ako, o. Kita mo naman sa suot ko. Isipin mo na lang din na parang nanay mo na ’ko,” pagkumbinse niya. “’Tsaka, ilang puwet na kaya ang dumaan sa buhay ko. Puwet ng asawa ko. Puwet ng anak ko. Kahit nga puwet ng sundalong tinamaan ng bala, nakita ko na. Ano pa kaya ’yong sa ’yo?”

Mariin akong napalunok.

Kailangan ba talagang gawin ’to?

“At ’di ba, nag-medical exam naman kayo? Doon nga, chineck pa ang bayag n’yo at pinasukan pa kayo ng daliri sa puwet.”

Alam ko, pero… iba naman kasi ’yon. No’ng time na ’yon, kumpiyansa pa akong ipahawak ang mga itlog ko at papasukan ng daliri ang puwet para i-check kung healthy ako. Pero kagabi lang, may bagay na higit na mas malaki at mas mahaba pa sa daliri na pumasok—o naglabas-masok—sa puwet ko. At natatakot akong makita niya ang pinsalang dulot ng bagay na iyon sa akin.

“Sige, kung hindi ka komportable dahil babae ako, may kakilala naman akong lalakeng nurse na puwedeng—”

“Kayo na ho,” pagpayag ko sa huli kahit may halong pag-aalangan. Lalake raw, eh. Si Duke lang naman ang tanging lalake na nagugustuhan ko, kaya siya lang din ang tanging lalake na puwedeng makahawak sa puwet ko—o makapasok. Puta, sumagi na naman tuloy sa isip ko ’yong marahas niyang pagbaon sa ’kin kagabi. Bumalik tuloy sa pagkakalukot ang mukha ko nang maramdaman ang hapdi sa puwet ko.

Muling itinaas ng nurse ang penlight at itinutok iyon sa ilalim na katawan ko, ginalaw-galaw bilang senyas. “Sige na, ’nak. Dumapa ka na.”

Kahit nahihirapan, itinabi ko na ang kumot na nakabalot sa mga binti ko at bumalikwas ako sa kama, saka padapang humiga rito. Nakahiga ang ulo sa unan, humarap ako sa pader at hinayaan na nurse na mismo ang kusang magbaba ng mga pang-ilalim kong damit—una, ang shorts; sunod, ang boxer. Hindi naman nabunyag ang pagkalalake ko pero kumakabog pa rin ang dibdib ko habang unti-unting nalalantad ang puwet ko. Napakagat na lang ako sa labi at hinintay ang sunod na gagawin ng nurse.

Pagbaba ng mga salawal bandang hita, hinawakan ng dalawang daliri niya ang magkabilang pisngi ng puwet ko at binuka iyon. Pinasukan iyon ng malamig na hangin at humapdi pa lalo nang magalaw. Napasinghap na lang ako at pinigilan ang sarili na maiyak. Kalalake kong tao, eh.

“My god!” Ang lalim ng buntong-hininga niya. “Tsk, tsk tsk!” Mas lalo lang akong nababalisa sa mga nagiging reaksyon niya. “Hay, jusko lord! Ang sakit tingnan nito!”

“B-Bakit ho?” Nanginginig ang mukha ko.

“Pulang-pula ka sa loob! Na-trauma, o!”

Sabi na, eh. Kaya pala ang hapdi. “Um…”

Wala na akong masabi. Kasalanan ko rin naman. Binuyo ko kasi si Duke na bilisan, eh, alam ko namang masasaktan ako sa huli. Pero paano ko mapipigilan ang sarili ko, eh, sarap na sarap kami pareho?

Binitiwan niya na ang puwet ko at ibinalik pataas ang mga salawal ko. Pagkatapos ay bumalik na ulit ako sa pagkakaupo. Nang makita ang mukha niya, kita kong lalong nadagdagan ang mga linya sa noo niya.

“Lintik talaga ’yang top mo!” galit niyang sambit habang ibinabalik ang penlight sa bulsa. “Hindi man lang naawa sa ’yo!”

Bumagsak na lang ang mukha ko sa hiya.

“Ginamit man lang ba ninyo ang binigay ko?!”

Tumango-tango na lang ako. Para saan pa kung magsisinungaling ako, eh, wala naman na akong puwedeng itago.

“Eh, bakit naman ganiyan, anak?” Lumalabas ang pagkananay sa boses niya. “Hindi mo dapat hinayaang mangyari ’to.”

Gusto ko nang humikbi pero pinipigilan ko lang. Ang sama na nga ng pakiramdam ko, lalo pang sumasama dahil pinapagalitan niya ako. Eh, kasi, kasalanan ko rin naman.

“Sabihin mo, sino ba ’yang top na ’yan, ha?! Sino ba ’yan?! Dalhin mo rito at sasabunutan ko!”

Pag-angat ng mukha, nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita si Duke na nakatayo na pala ngayon sa may labas ng cubicle, nakanganga at tila nanigas sa kinatatayuan dahil sa mga narinig.

“Name drop, anak! Huwag kang matakot!” anang nurse na walang kamalay-malay na nandito lang pala ang hinahanap niya.

Sumenyas ako kay Duke na umalis na muna siya at sobrang init ng ulo ng nurse, pero hindi niya ako naintindihan. Sa halip, nanatili lang siya sa kinatatayuan niya, tila humahanap ng tiyempo para makasingit sa usapan. Pero tuloy-tuloy lang ang nurse sa pagkuda at pagsabi ng masasamang bagay tungkol sa top ko. Sa top ko na nakakaawa ang itsura dahil parang napapahikbi na.

“Dapat diyan sa top mo pinuputulan ng tite!” hingal na hingal na panapos ng nurse.

Sandaling nanaig ang katahimikan sa loob ng infirmary at walang ibang maririnig kundi ang paulit-ulit na pagsinghap ng nurse. “Wooh! Sorry…” Napahawak siya sa dibdib. “Nadala lang ng emosyon. Eh, kung ikaw ba naman kasi ang totoong anak ko, ganito rin ang magiging reaksyon ko.” Ngumiti siya nang pilit. “Wooh.” Paulit-ulit pa siyang suminghap. “Anyways…” Nang makontrol ang paghinga, kinuha niya na ang folder sa tabi ko at binuksan ito. “’Yong mga gamot na ibibigay ko sa ’yo, halos same lang din naman sa mga ibinigay ko noon: paracetamol, painkiller, alam mo naman na siguro kung kailan mo iinumin?” Tumango ako sa kaniya bilang tugon. “Dadagdagan ko lang ng isa, ha, para diyan sa ano mo—hay, lintik talaga na top ’yan.”

Habang hawak ang folder sa isang kamay, kumuha siya ng ballpen at isinulat doon ang diagnosis ko. Siya rin naman, napatitig ako sa pangalang nakasulat sa labas nito. Alam kong may sulat din sa labas ang ibang folders doon sa shelf cabinet kaya madali ko lang na makikita ang folders nina Kuya at no’ng King na ’yon, kung sino man ’yon.

“Alrighty.” Isinara niya na ang folder at muli akong nginitian. “Dito ka lang, anak, at ako na mismo ang magdadala sa ’yo rito ng mga gamot mo, okay?”

“Ah, Ma’am, ako na ho,” singit ni Duke.

Bahagyang napakibit ang balikat ng nurse dahil sa lalim ng boses ni Duke. “OMG.” Niyakap nito ang folder at nilingon siya. “A-andiyan ka na pala, First-Class.” Suminghap ulit siya. “Gulat ako.”

Pagdako ng tingin ng nurse sa kaniya ay hinarang niya ang hawak niyang lunch box sa harapan ng bukol niya sa jogging pants. “M-Ma’am.” Tumindig siya at sumaludo.

Sumaludo pabalik ang nurse, nagpilit ng ngiti. “K-Kanina ka pa riyan?”

Ibinaba na ni Duke ang isang kamay niya at inihawak ito sa hawakan ng lunch box. “Ngayon lang ho, Ma’am.”

Aba, aba. Ang bilis nawalan ng emosyon ang mukha, samantalang kanina lang, takot na takot pa siya sa mga banta ng nurse.

“Ah, mabuti. Wala kang narinig,” sagot ng nurse. “O, siya, balik na ako sa desk ko. Ikaw na lang ang magdala ng mga gamot nitong si Escobar, okay lang ba?”

“No problem ho, Ma’am.” Tumikhim si Duke. “Iniwan ko nga ho pala sa desk n’yo ’yong hapunan n’yo.”

“Ay, wow. How very kind of you, iho.” Naging sinsero na ang ngiti ng nurse ngayon. “Tamang-tama, gutom na ako. Thank you, ha.”

“You’re welcome po.”

“O, siya…” Bumaling sa ’kin ang nurse. “ Guwara na ako, anak.“

Paghakbang nito palabas ng cubicle ay napausog naman sa tabi si Duke. Nang malapitan pa nga ng nurse ay lalo pang itinago ang bukol niya sa ilalim ng lunch box na parang pinoprotektahan ang pagkalalake niya. Nahagip naman iyon ng mga mata ng nurse at bahagyang napataas pa nga ang kilay nito bago tuluyang maglakad palayo.

Nang makaalis na ang nurse, saka lang nabitiwan ni Duke ang seryosong mukha niya. Yumuko siya at tinanggal ang lunch box na nakaharang sa jogging pants, saka kinapa-kapa ang bukol niya na akala mo’y nawala. Nakahinga siya nang maluwag, saka nag-ahon ng mukha, tumitig sa ’kin.

“Ano?” walang boses kong sabi habang pinagmamasdan ang maamo niyang mukha. Nakatulala lang siya sa ’kin na akala mo’y may malaki siyang kasalanang nagawa. “Pasok.” Sumenyas ako sa kaniya gamit ang nguso na pumasok na siya sa loob. Kaya naglakad na siya. “Isara mo ang kurtina,” may boses ko nang wika. “Bilis.”

Matapos ilapag ang lunch box sa tabi ng water canteen sa side table ay may pagmamadali niyang isinara ang kurtina sa kanan at sa may paanan ng kama. Saka siya tumindig sa tabi ng kama na parang hinihintay ang sunod kong iuutos.

“Ano? Tatayo ka na lang ba diyan?” irita kong tanong.

Tahimik siyang naupo sa gilid ng kama, ang mga mata ay hindi makatingin sa akin.

“Um, o-okay ka—?”

“Hindi.”

Itinikom niya ang bibig niya at bahagya siyang umusog sa kama, yumuko.

“Bakit ang tagal mo?” tanong ko.

“Hm?”

“Ang tagal mo.” Nagsuot ako ng banas na mukha. “Iniwan mo ’ko rito.” Umiwas ako ng tingin. “Pagkatapos ng ginawa mo…”

“Um…” Umusog ulit siya palapit sa ’kin, tinangkang hawakan ang kamay kong nakahawak sa tuhod. “Ipinagluto kita ng—”

“Tsk.” Winahi ko ang kamay niya. “Huwag mo nga ’kong hawakan. Inis ako sa ’yo.”

“Sorry…” Muli niyang hinawakan ang kamay ko. “Sorry kung dahil sa ’kin—”

“Ano ba.” Sinubukan kong hugutin ang kamay ko pero nanghina ako nang bigla niya itong itinaas at idinikit sa pisngi niya.

“Sorry na…” Hinaplos-haplos niya sa pinsgi niya ang likod ng kamay ko. “Mahal.”

“Hoy.” Nag-init ang ilalim ng mga pisngi ko nang tingnan ang mga mata niyang nagsusumamo. “B-Baka may makarinig…”

Nangingiti na siya ngayon. “Akala ko ba, gusto mong tawagin kitang ‘mahal’?”

Mas lalo akong nanghina nang halik-halikan niya ang likod ng kamay ko.

“Ano ba…” Kahit anong sikap kong panatilihin ang galit sa mukha ko, hindi ko ito mapanghawakan nang matagal. ’Lang hiya kasi, sa mga tinginan niya pa lang ay natutunaw na ako. “Huwag dito…”

“Galit ka pa ba sa ’kin, mahal ?”

“Duke, isa…”

“Nagugutom ka na ba, mahal ?”

“Dalawa…”

“Subuan na ba kita, mahal ?”

“Ina ka talaga…”

“Pa-kiss muna ako, mahal .”

Akma sana niya akong hahalikan sa labi kung hindi ko lang siya napigilan agad. “Hoy, may lagnat ako, baka mahawa ka.”

“Ano naman?” sabi niya. “Isa lang naman.”

Nang muli niya akong tinangkang lapitan ay mahinang itinulak ko ang dibdib niya. “Tumigil ka nga. Masyado kang halata.”

“Halatang ano?”

Umiwas lang ako ng tingin.

“Halatang mahal kita?” tuloy niya.

Lalong uminit ang buong mukha ko. “Huwag ka ngang ganiyan. Hindi ako sanay. Ginagawa mo ’kong babae, eh.”

“Ah, sorry, ayaw mo ba?”

“Hindi naman. Saktuhan mo lang. ’Yong hindi naman tayo mahahalata. ’Yong parang magtropa lang. Alam mo bang marami nang nakakapansin sa ’tin?”

“May magtropa bang nagtitirahan?”

Tinakpan ko ang bibig niya. “’Tang ina, ’yong boses mo! Ang bastos mo talaga!”

“Hindi kaya.” Dinalaan niya naman ang palad ko kaya agad ko siyang binitiwan.

“Kadiri ka.” Pinunas ko ang palad ko sa suot kong sando. “Dapat lang siguro na ipaputol ’yang alaga mo.”

Bigla niyang hinablot ang kamay ko at ipinahawak sa bukol niya, saka doon ito ipinunas. “Huwag naman, kawawa naman ’to.”

Para akong nalagutan ng hininga nang maramdaman ang laki nito sa palad ko. “B-Bastos ka talaga! Hindi ka talaga titigil?!” Piniga ko ang alaga niya sa kamay ko. “Dahil dito, nakaratay ako sa kama ngayon. Eh, kung ako na lang kaya ang pumutol dito? Ano? Putulin ko ’to!”

“Huwag, huwag.” Napanganga siya, at hindi ako sigurado kung nasasaktan siya o nasasarapan. “S-Sorry… Sorry, mahal.”

Nilakasan ko pa ang pagpiga. “Huwag sabing ‘mahal’! Makulit ka rin, eh, ’no?!”

“S-Sorry, chinito.”

“’Yan. Good.”

Pinakawalan ko na ang alaga niya. Pagbitiw rito ay agad niyang sinilip ang loob ng jogging pants niya at napahalinghing siya. “Awts. Hilig mo talaga akong saktan.”

“Arte mo. Eh, ako nga ’tong hindi makaahon sa higaan dahil sa sakit.”

“Sorry na nga, eh.”

“Sorry mo mukha mo.”

“Gutom ka na ba?”

“Um, medyo.”

“Subuan na kita?”

“Buti pa nga.”

“Kiss muna.”

“Hindi!”


Matapos pagsaluhan ang masarap niyang luto—ang paborito kong tinola—ay kinuha na niya ang mga gamot ko sa desk ng nurse at bumalik din agad para ipainom sa ’kin ang mga iyon. Inasahan ko nang hindi agad eepekto ang mga gamot, pero nabawasan naman kahit papaano ang sakit ng mga kasu-kasuan ko nang makainom ako ng painkiller.

Maya-maya pa, nakaramdam ako ng pagkaihi. Tinangka kong bumaba sa kama.

“O, sa’n ka punta?” usisa niya.

“Tabi ka nga, bababa ako.”

Tumayo na siya sa tabi ng kama. “Bakit?”

“Anong ‘bakit’? Naiihi ako. Tumabi ka.”

Inalalayan niya ako sa pagbaba. “Buhatin na kita.”

“Huwag na.” Pagkababa sa kama, muntik na akong matumba kung hindi lang niya ako nasalo agad.

“Kulit naman ng chinito ko.” Hindi na siya nag-atubili pang hawakan ako sa mga binti, saka ako binuhat pahiga sa mga braso niya. “Ilang beses na nga kitang binuhat, eh.”

“H-Hoy…” Kusang tumiklop ang katawan ko sa mga braso niya, at wala akong nagawa kundi ang titigan siya sa mukha. “Duke—”

Mabilis niyang hinalikan ang labi ko kaya hindi na ako nakapagsalita at mas lalong hindi nakapalag. Habang siya naman ay napangiti nang makita ang mukha kong namumula—o namumutla, hindi ko na alam. Paano ba niya ako nakikita? Ano ba ang nararamdaman niya tuwing nagtatama ang mga mata namin? At bakit ba ganito siya kung makatingin? Nanlalambot ako.

Buhat-buhat ako, nagsimula na siyang maglakad palabas ng cubicle at nilampasan ang mga bakanteng higaan. Nang makarating kami bandang desk kung saan nagsisimula pa lang na kumain ang nurse, napaipit ako ng mga labi dahil sa naging reaksyon nito. Natigil kasi ito sa pagsubo at nanlaki ang mga mata dahil sa nakikita.

“Uh, tinulungan ko lang ho,” ani Duke kahit hindi naman tinanong ng nurse. “Naiihi raw ho kasi ’tong si… Escobar.”

Tumango-tango naman ang nurse habang puno ang bibig na akala mo’y nanonood ng romantikong palabas. Sabay nguso sa pinto ng CR bandang tabi ng water dispenser.

May pagkailang na ngumiti si Duke at tumuloy na sa paglalakad habang ang nurse naman ay nakasunod lang ang tingin sa amin, ang kilay ay bahagyang nakataas.

Ibinaba na ako ni Duke sa harap ng pinto ng CR. Nakapaa lang ako kaya naramdaman ko ang lamig ng tiles sa talampakan ko. Amoy na amoy ang usok ng tinola sa lunch box ng nurse na mukhang may iba ring naamoy sa aming dalawa.

“S-Salamat ho, Sir,” tawag ko kay Duke para hindi magduda ang nurse.

“Walang anuman, Escobar,” mapagbirong tono naman ni Duke.

Lalo lang tumaas ang kilay ng nurse, hindi na nalunok ang pagkaing laman ng bibig.

Pagpasok ko sa loob ng CR, para akong matutumba dahil sa sobrang panghihina. Napasandal na lang ako sa pader bilang suporta habang umiihi sa bowl. Dinig ko ang usapan ng dalawa sa labas ng pinto.

“Pst!” panimula ng nurse. “Hindi siya makalakad?”

“Po?” si Duke.

“I mean, kailangan mo ba talagang buhatin?”

“Ah, oho.”

“May wheelchair dito.”

“Ah, kaya ko naman ho.”

“Sigurado ka?”

“Opo.”

“Sige.”

“Uh, ano ho pala… Balak ko ho sana siyang pagpahingahin sa barracks ko mamaya ’pag humupa na ang lagnat niya. Malamig din naman ho roon ’tsaka tahimik. Puwede ho ba naming mahiram ang wheelchair?”

“Sa barracks mo?”

“Oho.”

“Bakit sa barracks mo?”

“Ho?”

“Close kayo?”

“Ah, oho.”

“Gaano ka-close?”

“Um, dati ho kaming magkapitbahay.”

“Ahhhh, magkapitbahay kayo!” realisasyon ng nurse. Hula ko ay nawala na rin ang pagdududa nito dahil parang natatawa pa nga. “Kaya pala ang lapit n’yo sa isa’t isa!”

“Oho.” Pilit na natawa si Duke.

“’Yon pala ang dahilan! Akala ko naman ikaw ’yong—!”

Namatay ang tawanan nila nang lumabas na ako ng CR. Bumalik sa pagkain ang nurse na akala mo’y hindi ko narinig ang usapan nila, at tumabi naman si Duke.

“Tapos ka na?” tanong niya.

Tumango ako bilang tugon. Sunod kong nilingon ang nurse—ang shelf cabinet. “Uh, Ma—am, puwede ho bang d-dito… dito na lang ho kami magpalipas ng gabi?”

’Yong folders. Kailangan kong makita.

“Hmm?” anang nurse.

Umasta akong lubhang nanghihina. “Parang hindi ko pa ho yata kaya…”

“Bakit?” singit ni Duke, pero agad ko siyang siniko kaya natahimik.

“Hmm…” Uminom ng tubig ang nurse. Paglunok, muling nagsalita. “Masakit pa rin ba ’pag lumalakad ka? Nakainom ka na ng painkiller?”

“Nakainom na ho,” sagot ko. “Kaso masakit pa rin ho. Mukhang kailangan ko pang—”

“May wheelchair dito.”

“Kaya nga,” ani Duke. Muli ko itong siniko.

“Ah, nakakahiya po. Baka makita akong naka-wheelchair ng ibang mga kadete.”

Umawang ang bibig ng nurse. “Ahh, nahihiya ka… Sa bagay…” Mukhang nakuha niya rin naman ang punto ko. “O, sige, anak… puwede naman. May mga kumot naman na, eh. Kaso, kayong dalawa lang dito mamaya. Okay lang ba sa inyo ’yon?”

“Okay lang ho. Natulog naman na ho kami rito dati.”

“Eh, kay Guwapo, okay lang ba?”

Bumaling ako kay Duke na mukhang iba ang gusto, pero isang siko ko lang dito ay agad din namang nakumbinse. “O-Oho.”

“Sige, kayo bahala. Basta aalis ako rito mamaya. Kayong dalawa lang talaga rito.”

Mas okay nga ’yon, eh. May balak din kasi akong gawin kay Duke mamaya ’pag kaming dalawa na lang dito sa infirmary.

“Salamat ho, Ma—am.”

“No problem, anak.”

Binuhat na ako ni Duke pabalik sa pinakadulong cubicle. Tumuloy naman sa pagkain ang nurse habang nakasunod pa rin ang tingin sa amin—may bakas pa rin ng pagdududa sa mga mata—habang ako naman ay nakatuon lang ang tingin sa shelf cabinet sa likod niya. Sa mga folder.

Chapter 32

Alas-diyes ng gabi, nakaalis na ang nurse. Kaming dalawa na lang ni Duke ang naiwan sa loob ng infirmary. Pareho na kaming nakahiga sa kaniya-kaniyang kama. Nakabukas lang ang kurtina sa pagitan namin. Nakapatay ang ilaw dahil request ko kay Duke, pero bahagyang maliwanag naman sa loob dahil sa sinag ng buwan na tumatagos sa mahabang bintana sa uluhan.

Kanina pa ako hikab nang hikab, pero sinisikap kong panatilihing gising ang diwa ko para sa malaking plano ko mamaya kapag ako na lang ang gising. Pinapauna ko lang matulog ’yong guwapo sa kabila para magawa ko na rin ang isa ko pang plano (sa kaniya), kaso mukhang matatagalan pa yata bago makatulog ’to. Ang daming kuda, eh.

“Bakit dito mo gusto matulog?” tanong niya habang nakahiga patagilid sa kama paharap sa akin. “Ayaw mo sa kuwarto ko?”

“Sinabi ko na, ’di ba,” sagot ko. Nakatagilid din ako ng higa paharap sa kaniya habang nakahalukipkip ang mga braso, ang kumot ay nakabalot lang hanggang tagiliran.

“Natatakot ka na baka mapansin nila tayo?”

“Anong baka mapansin? Pansin na kamo. Kita mo ba kung pa’no makatitig ang nurse kanina? Parang may iniisip sa ’tin.”

Nangingiti pa ang loko. “Hayaan mong isipin nila kung anong meron sa ’tin.”

“Bakit, meron bang tayo?” ngisi ko.

Dahil sa sinabi ko, nabura ang katiting na ngiti sa labi at lumamlam ang mga mata niya. “Akala ko ba… gusto mo rin ako?”

“Oo nga,” pagkumpirma ko. “Pero wala pa namang tayo. May nangyari pa lang sa ’tin.”

“Um, ayaw mo ba na maging tayo?”

Suminghot ako. “Hindi. Ang sinasabi ko lang, wala pa ngang ligawang nagaganap.”

“Ah. Gusto mong ligawan kita?”

“Baliw, hindi.” May halong pag-aalangan akong ngumiti. “Paano mo naman ako liligawan dito sa loob ng academy, aber?”

Para namang tanggap ang dalawang lalakeng nagmamahalan dito. Itong usapan nga naming ito, eh, kaya lang nangyayari dahil walang ibang nakaririnig sa amin.

Seryoso pa rin ang mukha niya. “Bakit hindi? Puwede naman, eh. ’Yong mga ginagawa ko—hindi pa ba panliligaw ’to?”

Tumikhim ako, ginawang seryoso rin ang mukha. “Hindi ka pa ba nakakapanligaw?” Umiling-iling lang siya. “Ah, oo. Paano ka nga pala manliligaw, eh, sabi mo, ako ang mundo mo,” sagot ko rin sariling tanong.

Nanumbalik ang tipid na ngiti sa labi niya. “Pa’no ba manligaw?”

“Ano. Mag-e-effort ka para makuha mo ’yong loob ng tao—”

“Pinagluluto kita. Effort ’yon.”

“Teka lang kasi,” saad ko. “Ganito kasi ’yan. Kapag ako nanliligaw sa babae, palagi kong sini-send-an ng sweet messages—”

“Sinusulatan naman kita, ah. Hindi mo nga lang alam.”

“Teka lang kasi!” Tumikhim ako dahil nanakit ang lalamunan ko sa pagsigaw. “H-Hindi naman gano’n kadali ’yon. Siyempre, gagawin mo ang lahat para—”

“Gagawin ko lahat para sa ’yo.”

“—makuha mo ’yong loob ng isang tao,” tuloy ko kahit sabat siya nang sabat. “At ’pag nakuha mo na, saka mo itatanong—”

“Jaxon, will you be my boyfriend?”

Sa huli niyang sinabi ay natigilan ako. Hindi. Tumigil yata talaga ang takbo ng oras sa suot kong relo, sa suot niyang relo, sa wall clock na nakasabit sa pader sa taas ng glass door nitong infirmary. Maging ang mga kuliglig sa labas ay walang sinabi.

Habang ang lahat ay mahimbing nang natutulog sa mga oras na ito, gising na gising ang puso ko. Lalong lumalakas ang pintig, pero iba ang tunog na nililikha: Duke-duke. Duke-duke. Duke-duke. At sa hindi maipaliwanag, uminit ang tiyan ko.

Bumalik ang oras sa normal nitong takbo nang tumuloy siya sa pagsasalita. “Ano?”

Nag-iinit ang mukha, sinabi ko, “Gago.”

“O, bakit?” Napahalikhik siya. “Ayaw mo?”

“Masyado kang mabilis, guwapito!” Napakagat siya sa labi dahil sa pangalang itinawag ko sa kaniya, pero sumisilip-silip pa rin ang mga ngiti roon. “Ilang araw pa nga lang tayong nagkakakilala, tapos…!”

“Matagal na tayong magkakilala, ah.”

“Ang ibig ko sabihin…” Suminghot ako. Alam kong hindi niya ako pakikinggan. “Basta! Ang bilis mo! Dinaig mo pa ako sa mga babae, eh! Nagmamadali ka ba, ha?!”

“Paano kung oo?” seryoso niyang tugon.

Kumunot ang noo ko. “Eh?”

“Paano kung nagmamadali ako?”

Mahinang tinawanan ko lang ang sinabi niya. “At ba’t ka naman nagmamadali?”

“Paano kung kulangin tayo sa oras?”

“Ang dami-dami pang oras, Duke.”

“Jaxon, isang taon na lang ako rito.”

Nahinto ako sa pagtawa. Hanggang sa unti-unting nabitiwan ang ngiti sa labi. Sandaling pumagitna ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. May namuo sa dibdib ko. Batid kung lungkot ito pero hindi ko hinayaang mapinta sa mukha ko.

“Yayayain mo ’kong maging boyfriend tapos aalis ka rin pala,” sambit ko.

“Kaya nga sagutin mo na ako agad.”

“Baliw ka talaga.”

Ngumiti siya, kalahati lang. Kalahati dahil may namuong lungkot sa mga mata niya. “Ayaw mo ba na maging tayong dalawa?”

Bumuntong-hininga ako. “Hindi naman sa gano’n. Hindi lang kasi gano’n kadali ’yon.”

Tumikhim siya. “Pag-graduate ko rito sa academy, ipapakilala na rin ako ni Papa sa media—sa buong Pilipinas—na anak niya ’ko,” aniya. “At pag-graduate mo, paglabas na paglabas mo rin sa lugar na ’to, saka ko na lang kukunin ang matamis mong ‘oo’. Ano? Tapos, ipapakilala kita kay Papa…”

“Duke…”

“Tapos, ipapakilala mo rin ako sa—”

“Duke,” mariin kong bigkas, may ngiti sa labi ngunit pilit, “hindi gano’n kadali ’yon.” Hindi na siya makapagsalita sa puntong ito. “Hindi ka tatanggapin ni Dad.” Bumigat ang paghinga ko. “At mas lalong hindi niya ako tatanggapin kapag nalaman niyang…” Kasingbigat ng bawat paghinga ang mga salitang binibitiwan ko, pero kailangan ko siyang gisingin sa katotohanan. “Kapag nalaman niyang nagkagusto ako sa ’yo.”

Napalunok ako ng mapait na laway. Nasabi na ang mga dapat sabihin, pero ayaw pa rin lumisan ng hindi maintindihang bigat sa dibdib ko. Ayaw pa rin tumigil ng bibig ko sa pagbitiw sa mga salitang kahit ako ay hindi gustong pakinggan, pero kailangan.

“Hindi ko alam kung may pag-asa tayo.”

Kailangan ko ring gisingin ang sarili ko sa katotohanan. Mas maigi na nga sigurong pareho kaming magising habang maaga pa lang bago kami parehong masaktan sa huli.

“Kaya kitang mahalin, pero hindi ako sigurado kung kaya kitang ipaglaban.”

Mapait siyang ngumiti. “Huwag ka namang magsalita nang tapos. Hindi pa nga tayo—”

“Gusto mo rin ba akong palayasin ni Dad?” Humapdi ang mga mata ko, at kung hindi ako kukurap ay alam kong mamumuo ang mga luha. “Gusto mo rin ba akong mawalan ng tahanan? Ng pamilya? Tulad ni Kuya?”

Umawang ang mga labi niya, ang mga mata ay nanlaki. “P-Pinalayas ang kuya mo?”

“Hindi mo alam?” kunot-noo kong tanong.

Kumunot din ang noo niya, sabay mahina siyang umiling-iling. “Hindi,” sagot niya sa basag na boses. “Noong R&R leave namin, noong nakaraang buwan, pagkalabas na pagkalabas ko ng academy, ang bahay n’yo ang unang pinuntahan ko. Para hanapin ang kuya mo. Para mahingian ko siya ng tawad.” Kumikinang na ang mga mata niya ngayon dahil sa mga namumuong luha. “Pero hindi ko siya nakita. Wala akong ibang nakita kundi ang signage sa labas ng bahay n’yo. Na ibinebenta na. Kaya naisip ko, baka lumipat na kayo, at kasama siya.”

“Sinubukan ko siyang tawagan sa number niya nang paulit-ulit. Tinext. Pero ni isang sagot ay wala akong natanggap mula sa kaniya,” patuloy niya. “Kung saan-saan ako naghanap, pero hindi ko siya makita. Sabi ko, baka ayaw niya na akong makita. Baka gusto niya nang kalimutan ang lahat, pati ako. Kaya tinanggap ko na lang. Kung ano ang makakapagpabuti sa kaniya. At kahit hindi ko gusto, bumalik ako rito, kasi may pangako ako sa kaniya. Poprotektahan pa kita.” Gusto nang kumawala ng mga luha niya pero kinukurap-kurap niya na lang. “Hindi ko naman alam na…” Lumunok siya. Hindi ko alam na pinalayas na pala siya.“

“Pinagbawalan kami ni Mom na kausapin siya, na makita siya sa laman. Kaya bago ako pumasok dito sa military academy, lumipat kami ng bahay. Sa malayo. Para daw siguradong wala nang babalikan si Kuya,” paliwanag ko. Hindi ko na rin mapigilang kumurap-kurap. Nagtatagisan lang yata kami kung kaninong luha ang unang babagsak. “Kaya siguro hindi na rin niya ginagamit ang number niya. Para saan pa? Ultimo mga cellphone namin ni Mom, kinumpiska ni Dad. Blinock nga siguro sa mga ’yon ang number ni Kuya. Kaya hindi ko alam—hindi namin alam kung nasaan na si Kuya ngayon. Kung nakakain ba siya nang maayos. Kung may natutulugan. Kung magaling na ba ang mga pasa’t sugat niya sa mukha, sa katawan. Kung hindi na ba siya…” Nagdurugo, hindi ko maituloy.

“Duke,” nanghihina kong boses, “sabi mo sa ’kin noon, hindi ikaw ang may gawa no’n sa kuya ko. At sabi mo, sasabihin mo sa ’kin kung sino kapag hindi na… kapag hindi na mainit ang ulo ko.” Nanghihina rin ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang mga mata kong nagsusumamo. “Sabihin mo na sa ’kin ngayon. Sino siya? Sino sila?”

Isang lunok. Dalawang singhap. Tatlong pagkurap ang ginawa niya. Pero ni kahit isang beses ay hindi siya umimik.

“Sino ang tumarantado kay Kuya?”

Napatulala siya sa hangin, tila napadpad sa malayong nakaraan ang isip. Sa huli, tuluyan na ngang tumulo ang luha niya.

“Ano ba talaga ang totoong nangyari?”

Agad niyang pinahid ang luha niya, saka bumalikwas sa kama, tumihaya ng higa, tumitig sa ceiling. Doon siya napatulala.

“Jaxon, masama ang pakiramdam mo, ayoko nang pasamain pa lalo,” tugon niya. “Ayokong punuin ng galit ang puso mo.”

“Sabihin mo na sa ’kin lahat.”

“Kinalimutan ko na lahat.”

“Bakit ba ayaw mong sabihin?”

“Kasi ayoko nang balikan!”

Umalingawngaw ang basag niyang sigaw sa bawat sulok ng madilim na infirmary—sa mga bakanteng cubicle, sa abandonadong desk ng nurse, sa nakasarang CR, sa mga tenga kong nag-iinit, sa puso kong ayaw papigil sa paghahanap ng katotohanan.

Pero paano ko siya pipilitin kung nakikita ko siyang nanginginig sa kama habang yakap-yakap ang sarili? Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha sa gilid ng mata na hindi niya na magawang pahirin. Hindi na makapagsalita. Hindi na rin makagalaw.

Sa kawalan, nakikita niya yata si Kuya tulad kung paano ko rin ito huling nakita…

Noong araw na sinabi ni Mom na uuwi na si Kuya, hindi ako pumasok sa eskuwela. Tatlong taon. Tatlong taon ko ba namin itong hindi nakita, eh. Ipagpapalit ko ba ang isang araw para sa pagkakataong iyon? Pagkakataon na muling makita ang taong hinahangaan ko?

Pero bakit gano’n? Bakit nang umuwi si Kuya sa bahay, ibang-ibang na siya? Bakit parang hindi ko na siya makilala? Noong huling beses na lumabas siya sa pinto ng bahay namin, punong-puno pa ng sigla ang mga mata niya.

Naglaho ang lahat ng ’yon na parang isang bula. At ang ibinalik sa amin ay isang Janus na puno ng pasa ang mukha, sugatan ang mga labi, nakatago ang katawan sa suot na hoodie. Hindi naman mahilig sa hoodie si Kuya, eh.

“Kuya,” tawag ko sa kaniya, pilit na ngumiti.

Pero parang wala lang siyang narinig. Nakabagsak lang ang mukha niyang namumutla. Ang mga mata ay walang buhay.

“Anong nangyari?” tanong ko kay Mom.

“Anak, mamaya na,” sabi sa ’kin ni Mom.

“Asan si Dad?” tanong ko nang hindi ito makitang kasama nilang pumasok sa bahay.

“May kausap sa labas,” tanging sagot ni Mom.

Hawak si Kuya sa bisig, inakay niya ito papunta sa ikalawang palapag ng bahay kung saan matatagpuan ang mga kuwarto namin.

Walang ideya sa nangyayari, saglit akong naglakad papunta sa bukas na pintuan. Nakita ko si Dad sa labas, sa garahe, may katawagan.

“Senator, again, I’m so sorry,” sabi nito. “I’m so sorry about my son.” Napakagalang ng tono ng pananalita, hindi tulad kung paano nito kami palaging sinisigawan kapag nagkakamali. “Don’t worry, Senator, my son will not talk.” Ngumiti pa ito pero halatang napipilitan lang. “I will make sure he will not talk to anyone.”

Mas lalong wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi ni Dad at kung sino ang kausap nitong mukhang may kapangyarihan, kaya sumunod na lang ako kina Mom sa itaas. At agad ko rin namang nalaman kung nasaan sila nang makarinig ako ng mga paghikbi. Nasa loob sila ng nakasaradong kuwarto ni Kuya.

“Anak, ano ba talaga ang totoong nangyari?” mangiyak-ngiyak na tanong ni Mom kay Kuya. “Sabihin mo sa ’kin… Bakit nagdurugo ka?”

Walang ibang maririnig kay Kuya kundi ang mga basag nitong paghikbi. Naglakbay iyon mula sa loob ng kuwarto papunta sa napakakipot na siwang sa ilalim ng pinto, papunta sa mga paa ko, umakyat nang umakyat, kumalat sa buong katawan, pinatayo ang mga balahibo ko, pinanginig ang mga kalamnan. Hanggang sa hindi ako makagalaw.

“Anak, sabihin mo sa ’kin…” hagulgol ni Mom. “Bakit puro pasa ka? B-Bakit ka nagdurugo?” Halos wala nang mapaglagyan pa ang sakit sa puso ni Mom habang inuusisa ang anak na hindi makapagsalita. “Anak, magsalita ka…”

Lumabo ang paningin ko sa pag-ipon ng mga luha sa mga mata ko habang unti-unting lumalakas ang bawat paghikbi ni Kuya.

“Janus, anak, nandito ako…”

At lumakas pa ang paghikbi…

“Huwag kang matakot…”

… nang lumakas.

“Sabihin mo sa ’kin—”

Hanggang sa nauwi si Kuya sa paghagulgol. Isang hagulgol na halos pigain ang dibdib ko sa sakit habang naririnig ko iyon. “M-Mom…” basag niyang iyak. “G-Ginahasa po ako…!”

Pumalahaw ng iyak si Kuya at umalingawngaw ang putol-putol niyang hagulgol, pinuno ang bawat parte ng bahay na itinuturing niyang tahanan. At parang may mapurol na kutsilyo na bumaon sa dibdib ko. Mas lalong lumabo ang paningin ko sa pag-apaw ng mga luha sa mga mata. Mas lalong nanindig ang mga balahibo. Mas lalong nilamig ang balat sa mga talampakan at gumapang nang gumapang sa buong katawan, habang nakatayo lang ako sa labas ng kuwarto niya, walang magawa.

“’Tang ina. ’Tang ina. ’Tang ina…” paulit-ulit kong usal habang inuuntog ang noo sa pinto.

Noong araw din mismong iyon, pinalayas si Kuya. At walang ibang nakaalam sa kung ano ang totoong nangyari sa kaniya… at kung sino—o sino-sino—ang mga dapat panagutin.

Tuluyan nang dumaloy ang luha sa gilid ng mata ko, bagay na noon pa dapat nangyari. Kasalanan ko rin, masyado kasi akong nagpakulong sa paniniwalang hindi dapat umiiyak ang mga lalake. Pero dahil kay Duke, nang makita ko siyang lumuha sa gubat kagabi at nito lang sa infirmary, nabago ang paniniwala kong iyon.

Hindi naman pala kahinaan ang pag-iyak kahit na lalake ka pa o ano man ang iyong kasarian. Kapag mahal mo kasi ang isang tao, hayop, bagay, o kahit na ano pa man, natural lang na iyakan mo ito—lalo na kapag nakikita mo itong nasasaktan o ’di naman kaya ay kapag bigla na lang nawala sa buhay mo. Tulad ng nangyari sa mga magulang ni Joseph. Tulad ng nangyari kay Hershey. At tulad ng nangyari kay Kuya.

Namatay ang usapan namin nang gano’n lang kabilis. Nagsimula kami sa biruan. At nauwi sa iyakan. Kaunting espasyo lang ang pumapagitan sa mga higaan namin, pero pakiramdam ko ay ang layo namin sa isa’t isa. Hindi niya na ako magawang tingnan. Sa halip, tumagilid pa nga siya ng higa sa kama sa posisyong nakatalikod sa akin. Yakap-yakap pa rin niya ang sarili niya. Pansin pa rin ang panginginig.

“Duke…” mahinang bigkas ko sa pangalan niya, pero hindi niya ako nilingon.

Gusto kong humingi ng tawad sa kaniya. Hindi ko rin alam kung bakit. Dahil ba sa mga sinabi ko kanina na hindi ko siya kayang ipaglaban? Dahil ba sa pagpilit ko sa kaniya na sabihin sa ’kin ang lahat nang hindi man lang iniisip ang nararamdaman niya? Bakit ba hindi ko man lang naisip? Kaibigan din siya ni Kuya. Malamang ay nasaktan din siya sa nangyari. At ngayon, bumabalik sa ’kin ang ilang beses na siya ang itinuro kong tumarantado kay Kuya.

Ilang beses ko siyang nasaktan. Sa salita.

“Duke…”

At ngayon, gusto kong bumawi. Sa salita.

“Sorry…” Humigpit ang mga braso ko sa pagkakahalukipkip. “Sorry sa lahat…”

Nilunok ko pansamantala ang pait na kanina pa nakabara sa lalamunan ko.

“Sorry sa lahat ng mga nasabi ko…”

At unti-unti siyang natigil sa panginginig.

“Noong una kitang nakita, sa ’yo ko ibinuhos lahat ng galit ko. Dahil akala ko… akala ko ikaw ’yong taong hinahanap ko.” Suminghap ako. “Sorry, ah… Sorry kung naakusahan kita. Hindi ko man lang naisip na baka nagbibintang ako sa maling tao. Tama ka nga siguro… Masyado akong pinangungunahan ng init ng ulo.”

“At sorry…” patuloy ko. “Sorry kung pinangungunahan din ako ng takot. Bago lang kasi sa ’kin ang lahat. Ngayon lang ako nagkagusto sa lalake. Sa ’yo pa lang. Sa totoo lang, hanggang ngayon nga, naninibago pa rin ako. Pero, gusto ko lang malaman mo, lahat ng sinabi ko kanina, puwede pang magbago ’yon. Sadyang hindi pa talaga tayo puwede. Hindi ngayon. Hindi sa lugar na ’to. Dahil alam naman natin pareho kung gaano kadelikado rito.

“Balang araw siguro. Kapag malaya na ako. Kapag tuluyan nang naglaho ’tong poot sa dibdib ko. Kapag nawala na lahat ng takot. Kapag tanging pagmamahal mo na lang ang natira sa puso ko, ikaw naman ang pipiliin ko. Ipaglalaban kita, hindi lang kay Dad, kundi maging sa buong mundo.

“Kaya sana, bigyan mo ako ng oras. Bigyan mo ako ng pagkakataon na masanay sa pagmamahal na ibinibigay mo sa ’kin. Bigyan mo ako ng pagkakataon na lubusang matanggap ang sarili ko. Na makaipon ako ng sapat na lakas ng loob. ’Yon lang naman ang hinihingi ko sa ’yo.

“Sana mahintay mo ako.”

Matapos sabihin ang mga dapat sabihin, kumalas ang mga braso ko. Umaliwalas sa pakiramdam. Naibsan ang bigat sa dibib ko matapos bitiwan ang mga sunod-sunod na salita at matapos pakawalan ang mga luhang naipon sa matagal na panahon.

Nang makitang gumalaw ang balikat niya ay dali-dali akong bumalikwas sa kama, patalikod sa kaniya at paharap sa pader, dahil sa hiya. Pinahid ko ang mga luha ko at suminghot ako. Lumunok para mabasa ang lalamunang nanunuyot matapos ang mahaba-habang paglalahad ng damdamin.

Naghintay ako ng sagot mula sa kaniya. Akala ko nga ay wala nang darating. Akala ko ay nauwi na sa wala ang lahat ng sinabi ko. Pero natigilan na lang ako nang may naramdaman akong brasong yumakap sa akin sa tiyan. Isang katawan ang tumabi sa akin sa kama at nagbigay sa akin ng init na higit pa sa ibinibigay ng manipis na kumot.

“Sanay akong maghintay sa ’yo,” sabi niya sa ilalim ng mainit na hininga. “Kahit ilang taon. Kahit gaano katagal. Hihintayin kita.”

At sapat na iyon para muling tumulo ang mga luhang hindi ko na alam kung paano ko pipigilan sa pagtakas. Hanggang sa hindi ko na namalayang unti-unti na pala akong nanghihina. Sa init ng hininga niya. Sa pamilyar na pakiramdam habang yakap niya ako. Sa kalmadong tibok ng puso niya. Hanggang sa nadamay na rin ang puso ko.

Pakurap-kurap, sinubukan kong labanan ang panghihina ng katawan. Pero paano ko lalabanan? Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Sa ilang taon na namuhay ako sa kagustuhang mapasaya si Dad, hindi ko man lang naisip kung masaya ba talaga ako. At ngayon, masasabi ko nang… masaya ako.

Unti-unting binalot ng dilim ang paligid.


Kusa akong nagising nang muling dalawin ng masamang panaginip. Hapong-hapo ako. Mabilis ang tibok ng puso. Nilalamig ang buong katawan. At kahit naimulat na ang mga mata ay parang naiwan pa rin ang alingawngaw ng sipol ng lalakeng iyon.

’Yong hayop na ’yon! Hindi ko alam kung bakit napapadalas na ang pagdalaw niya sa panaginip ko. Ilang taon na, eh, mula nang huli ko siyang makita. Ilang taon ko na ring pinilit na kalimutan. Pero ngayon, kusang bumabalik ang mga masasamang alaaala.

“Sorry…” Isang mainit na hininga ang dumampi sa batok ko. “Sorry, Jaxon…”

Napatulala ako sa pader nang makarinig ng mga paghikbi mula sa lalakeng nakayakap sa ’kin sa likuran—putol-putol at mahina.

“Sorry, baby Jaxon…” usal ni Duke na para bang nananaginip. “Sorry, Hershey… hindi ka dapat… nadamay.” Humigpit pa lalo ang pagkakayakap niya sa akin. “Jaxon… huwag ka nang… umiyak. Nasasaktan ako… kapag… nakikita kang… malungkot.” May kirot sa boses niya. “Tahan na, baby Jaxon… Kung puwede lang kitang… yakapin. Kung…”

Hanggang sa humina nang humina ang boses niya, gano’n din ang braso niyang nakalingkis sa tiyan ko. Naglaho ang mga salita at unti-unting napalitan ng mga mahihinang paghilik. Bawat buga ng hangin mula sa awang ng bibig niya papunta sa batok ko ay may hatid na init.

Iisa lang ba kami ng napanaginipan?

Hindi nagtagal, kumalat ang init sa buo kong katawan at natigil ako sa panginginig. Pansamantalang naglaho ang masamang alaala at nakaramdam ako ng kaligtasan sa ilalim ng yakap niya. Nakalma ang paghinga ko. Naging klaro ang isipan.

Hanggang sa isa-isang bumalik sa ’kin ang mga plano kong muntik nang makalimutan.

Unang plano ko ay ang alamin kung ano ang itinatago ni Duke sa ilalim ng suot niyang hoodie—kung totoo nga talaga ang mga sinabi ng nurse noon tungkol sa nakita nito. Kaya sa tangkang pagbalikwas sa kama, hinawakan ko ang braso ni Duke na nakalingkis sa tiyan ko. At gayon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang hindi tela ng hoodie ang nahawakan ko, kundi balat. Isang magaspang na balat.

Pagbaba ng tingin sa kabuuan ko, saka ko lang napagtanto na may bagay palang nakabalot sa itaas kong katawan. Ang hoodie rin mismo na suot lang ni Duke kanina bago matulog, ibinalot niya sa akin. Tulad kung paanong ibinalot din niya sa akin ang suot niyang ACU jacket noong unang gabi namin dito. Bumaba pa ang tingin ko, papunta sa hawak kong braso.

Hindi ko inasahang ganito lang magiging kadali ang una kong plano. Akala ko’y kailangan ko pa siyang hubaran ng hoodie kapag tulog na siya. Pero heto siya ngayon…

Maingat at marahan kong hinila pataas ang braso niyang nakayakap hanggang dibdib ko, saka bahagyang inangat ito sa ere at pinagmasdan sa ilalim ng liwanag ng buwan na tumatagos sa bintana sa uluhan. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa nasumpungan. Totoo ang sinabi ng nurse!

Puno ng peklat ang malaki at maugat na braso ni Duke. Kahit malago ang mga balahibo sa katawan ay hindi nito kayang takpan ang mga bakas ng kahapon. Mga hiwa. Mga paso. Ang ilan ay malalim ang pagkakaukit sa balat. Ang ilan ay mababaw. Kung gaano kakinis ang mukha niya ay siya ring dami ng mga imperpeksyon sa braso niya. Mas malala pa ito sa mga pasa ni Kuya sa katawan. Ang kaniya ay mukhang ilang taon niya nang dala-dala at itinatago.

Gusto kong humikbi pero ayoko siyang magising. Kaya marahan ko na lang na ibinaba ang braso niya sa likod ko. Saka ako bumalikwas sa kama. Humarap sa kaniya. Padampi-dampi, hinaplos ko ang mga latay sa balat niya. Nagsimula ulit ako sa braso. Paakyat nang paakyat sa bisig, hindi mapigilang magtubig ng mga mata ko sa nakikita. Habang umaakyat ang mga daliri ko, lalong tumitindi ang mga marka.

Ang alam ko dapat ay namamangha ako o naiinggit dahil mas malaki pa sa ’kin ang bisig niya. Pero iba ang nararamdaman ko sa puntong ito—matinding lungkot at awa.

Siya ba ang may gawa nito? Sinasaktan ba niya ang sarili niya? Hindi ako naniniwala. Kahit sabihin pa nating may mga taong kayang gawin iyon, hindi ako naniniwalang magagawa niya iyon sa sarili. Kung gano’n, sinong demonyo kaya ang may gawa nito?

Nahinto ang mga daliri ko nang dumako sa dibdib niyang nakabukol sa ilalim ng suot na sando. Balak ko pa sanang alamin kung ano ang nasa ilalim ng sando niya, pero meron akong mahalagang bagay na napagtanto: May dahilan kung bakit niya ito itinatago. Tulad no’ng pag-uwi ni Kuya, may dahilan kung bakit siya nakatago sa ilalim ng mahabang kasuotan. Marahil ay ayaw niyang ipakita sa lahat ang kahinaan niya. Marahil ay hindi pa siya handang ipakita sa akin. Naiintindihan ko na…

Naiintindihan ko na kung bakit noong gabi nang Initiation Night—sa CR—hindi niya magawang hubarin ang suot niyang ACU jacket. Kung bakit kahit nasa loob na siya ng kuwarto niya ay balot na balot pa rin siya ng damit. Kung bakit hindi niya magawang ipakita sa ’kin ang kabuuan niya habang nagtatalik kami sa gubat. Naisip ko ngang unfair sa ’kin, eh, kasi ako lang ang hubo’t hubad sa ’ming dalawa. Kaya nga plinano ko talagang alamin ang itinatago niya kapag tulog na siya. Pero bakit ganito?

Pakiramdam ko ay hindi rin fair sa kaniya na nakikita ko ang kahinaan niya habang wala siyang malay. Hindi pa siya handang ipakita, eh. Hindi ko pa dapat siya nakikita nang ganito. Hindi tama ’tong ginagawa ko.

Inalis ko ang kamay ko mula sa dibdib niya. Pagkatapos ay kinuha ang hoodie na naipit sa gitna ng mga naglalakihan naming katawan. Ibinalot ko ito sa kaniya dahil para siyang nangangatog. Hindi naman na ako nilalamig—salamat sa ginawa niya. Sunod kong hinaplos ang mukha niyang parang sa sanggol lang habang natutulog. Malayong-malayo ang nakikita ko sa mukhang palaging nakikita ng lahat. Isang Duke na punong-puno ng kahinaan. Isang Duke na hindi dapat kinatatakutan. Isang Duke na karapat-dapat na… mahalin.

Sinulit ko na muna ang bawat sandali bago isakatuparan ang isa ko pang plano.


Unang apak sa sahig nang makababa sa may paanan ng kama, nilamig kaagad ang talampakan ko. Nang maiapak ang isa pang paa sa sahig ay dumoble pa nga ang lamig. Muntik pa akong matumba pagtayo dahil sa bigat ng katawan at bahagyang umuga ang kama paghawak ko sa footboard. Buti na lang at mahimbig ang tulog ng guwapo.

Sandali ko siyang pinagmasdan habang nakahiga sa kama. Hindi naman siguro niya mapapansin ang saglit kong pagkawala. Sinapo ang noong nananakit at hawak ang likod, nagsimula akong maglakad palabas ng cubicle nang walang suot na sapatos para hindi mabasag ang katahimikan.

Paika-ika kong binaybay ang mahabang daan papunta sa nurse station. Gumilid pa nga ako ng lakad para lang makahawak sa pader bilang suporta. Tulad sa cubicle namin ni Duke ay sarado ang iba pang mga cubicle na nadaanan ko kaya bahagyang madilim ang daan. Tinakpan kasi ng mga kurtina ang puting liwanag ng buwan.

Gayunpaman, kahit umiikot ang paningin, naaaninag ko pa rin ang mga bagay-bagay. ’Lang hiya, ang sakit pa rin ng mga kasu-kasuan ko. Ng pang-upo. Ng lalamunan. Mukhang kailangan ko pa ulit uminom ng painkiller. Hindi lang ’yon. Mukhang kailangan ko ring uminom ng maraming tubig dahil nanunuyot na ang mga labi’t lalamunan ko. Uhaw na uhaw ako. Pero mas uhaw pa rin sa katotohanan.

Kung kaya’t hindi na muna ako dumiretso sa water dispenser, kundi sa mismong desk ng nurse. Nanginginig ang mga kamay, kinapa ko ang mga gamit sa ibabaw ng desk. Hanggang sa mahawakan ko ang lalagyang cylinder. Isinuksok ang kamay sa loob. Nakapa ang iba’t ibang aparatus ng nurse. Gunting. Pentel pen. Thermometer. At ang pinakahinahanap ko: ang penlight.

Noong una’y nalito pa ako kung paano ito gamitin. Hinanap ang pindutan. Nasa puwetan lang pala. Dahil nakatutok sa mukha ko ang LED bulb, nasilaw tuloy ako nang paulanan ng liwanag ang mga mata ko matapos pindutin ang switch. Ilang segundo bago ako nakarekober sa pagkasilaw. Nang um-okay na ay muli kong pinindot ang switch ng penlight, pero sa puntong ito ay nakatutok na sa desk. Nahinto ako sa ikatlong pindot dahil sapat na ito para makita ko ang mga bagay-bagay.

Sunod akong bumaling sa shelf cabinet sa likuran ko, itinutok ang penlight doon. Mataas at malawak ang cabinet, pero alam kong hindi naman ako mahihirapan dahil nasa bandang gitna lang naman nito ang hinahanap ko. Inilibot ko ang ilaw ng penlight sa cabinet. Nang mahagip ang ‘J-L’ na label, naglakad ako palapit dito.

Isa-isa, nilakbay ng mga daliri ko ang mga folder na patagilid na natutulog din sa gitnang rack ng cabinet. Binasa ang bawat pangalan. Pangalan ng mga kadeteng hindi ko alam kung nandito pa o matagal nang wala. Wala akong pakialam. Isang folder lang naman ang hinahanap ko—o dalawa.

Nahinto ako pagdating sa Janus Escobar. Sandaling napatulala. Ang katotohanan, nasa kamay ko na. Nanginginig pa rin ang kamay, maingat kong hinugot ang folder mula sa pagkakasiksik habang tinututukan ng penlight. May dalawang folders na sumama sa paghugot ko at nalaglag sa sahig, pero hindi ko na muna pinansin.

Walang ibang umiiral sa ’kin kundi ang kagustuhan na malaman ang buong katotohanan sa nangyari kay Kuya. O kung hindi man, kung ano ang sinasabing misdiagnosis na isinulat ng dating nurse.

Rape.

Na-rape si Kuya.

Putang ina na lang kung hindi iyon ang nakasulat sa loob ng folder na ’to.

Tumungo ako sa desk at inusog pa sa tabi ang balakid na swivel chair, saka inilapag sa ibabaw ng desk ang nakasarang folder. Suminghap ako. Lumunok. Luminga. Naghanap ng makukuhanan ng lakas ng loob para buksan ang putang inang folder.

“Duke…” hikbi ko. “Tulungan mo ’ko.”

Hindi ko alam kung anong puwedeng mangyari sa ’kin kapag nalaman ko ang buong katotohanan. Bibigay ba ang katawan ko? Matutumba ba ako at hahandusay rito sa sahig? Hindi… Hindi maaari. Kailangan kong gawin ’to.

Pinahid ko ang mga luhang nangingilid sa mga mata ko bago pa tumulo sa folder. Huminga nang malalim. Ipinako ang mga paa sa malamig na sahig para tumibay ang mga binti. Hingang malalim. Kinontrol ang mukhang nanginginig at sinikap na itinuon ang tingin sa folder. Hinga. Kumakabog ang dibdib, marahan ko itong binuksan… Hinga. Nang binuksan… Hinga. Hanggang sa tuluyang lumantad sa ’kin ang loob nito.

Para akong nalagutan ng hininga sa nakita.

Walang laman ang folder.

Kumunot ang noo ko. Kumurap-kurap ang mga matang kanina pa nagtutubig. Hindi alam ang mararamdaman. Patlang. Sa loob ng mahabang katahimikan, nalunod ako sa pag-iisip habang nakatitig lang sa folder.

Nawawala ang medical records ni Kuya. May kumuha? May nagtago? Sino? Bakit? Inangat ko pa ang nakabukas na folder, kahit alam kong katangahan ito, dahil hindi ako makapaniwala. Pero wala akong nakita.

Nalaglag ba ang laman? Bumaling ako sa likuran. Wala namang mga papel sa sahig, tanging mga folder lang na nadamay sa paghugot kanina. Napalunok ako nang muling ibalik ang tingin sa folder sa desk.

Bakit walang laman? Imposibleng walang records si Kuya, eh, sabi ni Estrada, lagi raw itong isinusugod sa infirmary noon.

Bantulot kong isinara ang folder. Sandaling napagpag ang kaba sa dibdib. Nabura ang kunot sa noo. Natigil ang mga kamay sa panginginig. At nakalma ang paghinga.

Hindi ko pa rin alam ang mararamdaman.

Ibinalik ko ang tingin ko sa dalawang folders na nalaglag sa sahig. Tinutukan ng penlight. Magkapatong ang mga iyon sa isa’t isa. Sa pinaka-ibabaw na folder, nakita kong nakasulat ang pangalan ko. Nilapitan ko iyon. Tumalungko. At saka pinulot.

Pagdampot sa folder ko, hindi ko na ito binuksan pa dahil hindi naman na ako magtataka kung ano ang mga isinulat ng nurse sa loob. Ang nakapagtataka ay ang isa pang folder na nalaglag at natabunan nito. At ang pangalang nakasulat dito.

Bumalik ako sa desk at inilapag ang mga pinulot na folder. Ipinatong ang akin kay Kuya. At ipinatong ang folder ng lalake sa pamilyar na pangalan sa folder ko. Walang ideya sa kung anong naghihintay sa akin, tinitigan ko ito at marahang binuksan.

Nang tuluyang mabuksan ang folder, natigilan ako nang masilayan kung ano ang nasa loob nito. Nanlaki ang mga mata ko, nagsitayuan ang mga balahibo, at muling nanikip ang dibdib. Sa sobrang sikip, parang hindi na ako makahinga.

Isang 2x2 photo ang nakadikit sa itaas ng pinaka-unang papel na makikita. Lalake. Moreno. Manipis ang buhok. May hiwa sa kilay na konektado sa mahabang peklat sa noo. Kalahating nakangiti. Isang ngiti na nagpanginig sa mga kalamnan ko at nagpaawang sa nanunuyot kong mga labi.

Bumalik ang lahat ng sakit, muhi, at galit. Ang masayang araw na nauwi sa trahedya. Ang mga balahibo sa mga palad ko. Ang masangsang na amoy ng dugo at ang matingkad nitong kulay na nagkalat sa semento. Ang naghihingalo kong aso. Ang mga hagulgol kong puno ng sama ng loob. Ang paulit-ulit na pagsabi ni Dad na huwag akong iiyak. Si Kuya na naaawa. Si Duke na kararating lang. At ang lalake sa tabi niya, na siya ring lalakeng makikita sa litrato…

Si King Montemayor.

Chapter 33

This chapter is R-18.

Isang linggo na ang nakalipas mula nang matuklasan ko na ang lalakeng unang nagtanim ng galit sa dibdib ko ay isa pala sa mga estudyante rito sa military academy. Tanda ko pa nga ang mga detalyeng nakasulat sa papel bago ko iyon ibalik sa shelf cabinet—ang pangalan, edad, ranggo, maging ang medical history nito.

King Montemayor. First-Class Cadet. Ang nakapagtataka lang, bente tres na ang edad na nakasulat sa papel, samantalang nitong taon lang ang latest medical record nito. Masyado na ba itong matanda noong nagsimulang mag-aral? O sadyang ilang beses na umulit ng taon habang nag-aaral?

Kung ano-anong diagnosis ang isinulat ng dating nurse na sa huli ay iisa lang naman ang naging pasya kung bakit kailangan itong i-refer sa isang psychiatric hospital sa labas ng academy para ipa-therapy.

Nakitaan ng signs ng PTSD.

’Tang ina, paano nagka-PTSD ang gagong ’yon, eh, sa ’ming dalawa, ako nga dapat itong may PTSD dahil sa ipinakita nitong brutalidad sa aso ko noong bata pa ako? Kung kay Kuya iyon medical record, maniniwala pa sana ako, pero ’yong hayop na ’yon? PTSD? At bakit nakasulat doon na puwede nitong ulitin ang ikaapat na taon sa akademya kapag bumuti na ang kalagayan? Kailan ito babalik? Makababalik pa ba ito?

Ang dami kong tanong na hindi masagot.

“Tahimik ka na naman,” ani Duke.

Kasalukuyan kaming nakahiga sa ilalim ng patay na puno sa pusod ng gubat. Hindi ko namalayang kanina pa pala ako nakatulala sa mga sanga nito, partikular na sa mataba at mahabang sanga na nakabaluktot paturo sa direksyon ng lawa. Nagising lang ako nang ilapit ni Duke ang mukha niya sa akin at nang marinig ang malalim niyang boses.

Tumagilid ako ng higa paharap sa kaniya na nakatagilid din ng higa sa kumot na ginawa naming sapin sa damuhan. Nakatukod ang isang siko niya bilang suporta sa gilid ng ulo. Nagniningning ang mga mata sa ilalim ng ginintuang tanglaw ng mga alitaptap sa itaas, nangingiti dahil kakatapos niya lang maka-iskor sa akin.

“Anong iniisip mo?” Pinaikot-ikot niya ang hintuturo niya sa naninigas kong utong.

“Wala.” Nginisian ko siya. “Kagagaling ko pa nga lang, pinasukan mo na naman ako.”

Lumapad ang ngiti ng loko. “Sino ba ’yong unang sumunggab ng halik kanina? Magpi-picnic lang naman dapat tayo ngayong gabi, eh, pero bigla mong pinasok ang kamay mo sa loob ng pants ko. Halatang hinahanap-hanap mo si Junjun.”

“Wow, ang kapal,” buwelta ko. “Hahalikan lang naman sana kita, eh, tapos bigla mong ipinasok ’yang kamay mo sa loob ng shorts ko. Hinahanap-hanap mo rin puwet ko, eh.”

Napahalikhik siya. “Sikip mo kasi.”

“Puta ka,” nangingiti kong mura. “’Pag ako isinugod na naman sa infirmary bukas, hindi ka na makaka-iskor kahit kailan.”

“Huwag naman.” Lalong bumilis ang paglalaro niya sa utong ko. “Alam mo namang sa ’yo lang ako uhaw, ’di ba?”

Napapikit ako sa sarap. “Ahh, puta ka talaga…” Habang nakaawang ang mga labi ko ay bigla niya akong hinagkan, ipinasok ang dila sa loob ng bibig ko at nilaplap ito.

Mga impit na ungol ang pinakakawalan ko habang unti-unting naglalakbay ang kamay niya mula sa utong ko, papunta sa tagiliran, sa likod, sinakop ng malawak na palad ang nakalantad na mga pisngi ng puwet ko, at saka hinila palapit ang katawan ko sa kaniya. Nagdikit ang naninigas naming mga pagkalalake at nagkikiskisan.

“Mm!” napalakas kong impit na ungol nang magsimulang pumasok ang mahaba niyang daliri sa loob ng butas ko. Mabilis itong dumulas gawa ng naiwan pa ang mga deposito niya sa loob ko pagkatapos naming magtalik kani-kanina lang.

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay saka lang ako nakamulat at pinagmasdan ang mga labi niyang napapaawang habang nakikita ang mukha kong nasasarapan sa ginagawa niyang pagpi-finger sa ’kin.

“Masarap ba?” mapusok niyang tanong.

“O-Oo,” mahangin kong bigkas.

“Sigurado kang ayaw mo nang maulit ’to?”

Nanghihina akong umiling. “G-Gusto ko.”

Ngumisi siya, hinugot ang daliri sa loob ko at saka ako muling hinagkan sa labi. Matapos abusuhin ang bibig ko ay sinabi niya, “Tumalikod ka. Papasukin ulit kita.”

Tulad ng utos niya, bumalikwas nga ako ng higa sa sapin, patalikod sa kaniya ang posisyon. Para hindi siya mahirapan ay itiniklop ko ang magkadikit kong mga binti, inunat ang isang tuhod paharap. Ramdam ko ang gaspang ng mga damo sa tagiliran ko sa ilalim habang patagilid akong nakahiga, pero mas ramdam ko ang pagdampi ng magaspang niyang palad sa tagiliran ko sa ibabaw. Naglakbay ito at natigil sa tiyan, saka hinimas-himas iyon.

“Jaxon, mahal na mahal kita,” bulong niya sa likod ng tenga ko. Kakaibang init ang dulot ng mainit niyang hininga na dumampi sa balat ko. Nang dilaan niya ang tenga ko ay nanginig ang mga kalamnan ko.

Pahimas-himas ang kaliwang kamay sa tiyan ko ay sunod namang naglakbay ang kaliwang kamay niya sa ilalim ng leeg ko, pinaulon ang ulo ko sa matigas niyang bisig. Nakulong ako sa mainit niyang yakap at sa paulit-ulit niyang paghalik sa leeg ko, na mas lalo lang nagpapahina sa akin.

“Huwag…” usal ko nang maramdamang parang balak niya na namang sipsipin ang leeg ko.

Tulad ng nurse, noong mga nakaraang araw ay napansin din ng mga kaibigan ko ang iniwan ni Duke na chikinini sa leeg ko. “Kagat ng lamok,” ang tanging sinabi ko sa kanila. Mabuti na lang at may pabaon na band-aids ang nurse nang ma-discharge ako no’ng Linggo kaya may panakip ako sa leeg kapag nagte-training. At mabuti na lang din at may ibinigay itong ointment sa ’kin kaya mabilis na natuyo at nabura ang marka. Tapos ngayon…

“Duke, huwag mong subukan,” banta ko nang tumusok na ang pangil niya sa balat ko sa leeg. “Masisira buhay mo.”

“Tsk, oo na,” pagsunod niya naman. “Basta akin ka lang, ha. Markado ka na, chinito.”

“Ikaw ang markado, guwapito.” Hinawakan ko ang naninigas niyang alaga sa likuran ko at pinosisyon ito sa bukana ko. “Sa ’kin lang ’to, ha.”

“Sa ’yo lang ’yan,” mainit niyang sambit. “Sa ’yo lang din ang puso ko.”

“Sa ’yo lang din ako,” tugon ko. “Sa ’yo lang lahat ’to.”

Inatras ko pa ang puwet ko at binitiwan na ang kargada niya nang makapasok ang ulo nito sa hiwa ko. Sa marahang pagdulas nito sa loob ko ay hindi ko mapigilang mapasinghap dahil sa laki at haba nito. Akala ko ay nasanay na ako kanina. Akala ko ay kayang-kaya ko na. Pero heto akong naiiyak habang tinatatanggap na naman ang kabuuan niya.

“Shh. Relax, mahal,” pagpapatahan niya sa ’kin. “Malapit nang mabuo.”

Nag-relax nga ako kahit nangingilid ang mga luha. Huminga kahit naninikip ang dibdib. Pinagmasdan ang mga damong sumasayaw sa bawat hampas ng hangin. Ang mga puno sa malayo na nakatingin sa amin. Ang tuktok ng Annex A Building na abot-tanaw sa itaas ng mga puno. Patay ang mga ilaw sa pinaka-itaas na palapag, pero hindi ko maiwasang alalahanin na paano kung may ibang nakakakita sa ginagawa namin.

Saka ko lang napagtantong nasagad niya na pala nang sabihin niyang, “Buo na, mahal.”

“Duke,” usal ko nang may halong pangamba.

“O, bakit?” maamo niyang tanong. “Natatakot ka ba?”

Muli akong suminghap, hindi makapagsalita.

“Dadahan-dahanin ko, huwag kang mag-alala,” pagbibigay-alam niya.

Hindi naman iyon ang ikinababahala ko.

“Hindi kita sasaktan, Jaxon. Pangako.”

Lumingkis ang braso niya sa dibdib ko at idinikit niya ang pisngi niya sa akin. Lalong humigpit ang pagkakayakap niya. Lalong nagdikit ang mga katawan namin. Laman sa laman. Puso sa puso.

Nang masanay na sa loob ko ang kahabaan niya ay saka niya ako sinimulang bayuhin.

Malumanay. Malagkit. At mainit.

Bawat hagod niya ay magkahalong sakit at sarap. Patunay ang mga halinghing na kumakawala mula sa bibig ko kung gaano ako kasaya sa ginagawa niyang pagpapaligaya sa ’kin. Pero kalakip nito ay ang hindi mapawi na pangamba sa dibdib ko habang pinagmamasdan ang nakasilip na parte ng building sa likod ng mga puno.

“Duke,” muli kong tawag sa kaniya.

“Ano ’yon, mahal?” panghihina niya, halatang nalulunod din sa sarap.

Para hindi masayang ang pagkakataon ay iniwas ko na lang muna ang tingin ko sa building at iginilid ang mga mata sa kaniya, hinawakan siya sa batok habang naglalabas-masok siya sa akin.

“Halikan mo ’ko,” utos ko.

Kusang hinanap ng mga labi niya ang mga labi ko. Nang magdikit ay mas lalo ring bumilis ang ritmo ng pagbayo niya, tinatamaan at kinikiliti ang malambot na bagay sa loob ko. Paulit-ulit na inaabot iyon, tinutusok. At mula sa tiyan ko ay nalipat ang kaliwang kamay niya sa naninigas kong pagkalalake, saka ito sinimulang batihin. Hanggang sa wala na akong ibang maramdaman kundi sarap.

Doble. Tripleng sarap.

Sarap sa bawat pasok niya. Sarap sa bawat pagbati niya. Sarap sa bawat paghalik niya.

Kasabay ng pagpikit ko ay ang pagtulo ng luha dahil sa tuwa. Kung sa ganitong paraan niya lang ako paiiyakin, handa akong umiyak nang paulit-ulit. Handa akong ibigay ang lahat sa kaniya.

Ang buong katawan ko.

Ang buong kaluluwa.

Ang buong puso.

Habang walang humpay niya akong hinahalikan ay naramdaman ko na lang ang pagbalikwas niya sa katawan ko, hanggang sa namalayan kong hindi na ako nakatagilid sa sapin, kundi nakatihaya na ng higa sa buong katawan niya. Walang humpay rin ang pagtaas-baba ng kargada niya sa akin.

Natigil lang siya sa paghalik nang may usalin. “Buksan mo ang mga mata mo.”

At tulad nga ng utos niya, marahang nagmulat ang mamasa-masa kong mga mata. Saka tumambad ang magandang tanawin. Ang mga sanga ng patay na puno at ang mga alitaptap na tahimik lang na nagmamasid sa amin.

Napanganga na lang ako sa ganda.

Hindi ako makapagsalita. Wala akong ibang ginawa kundi ang magpadala sa bawat pagbayo at pagbati niya sa akin at ang mapatitig sa nakabaluktot na sanga ng puno. Hindi ko maintindihan kung bakit naluluha ako habang tinititigan iyon.

Parang may pangambang hatid iyon sa akin. At kahit mahigpit ang yakap niya sa akin ay pakiramdam ko, maaari siyang mawala anumang oras. Hindi ko maintindihan. Dahil ba sa alam kong isang taon ko na lang siyang makakasama rito?

Ayoko siyang mawala. Hindi ngayon. Hindi kahit kailan.

Ayoko nang matapos ang mga sandaling ito.

“Jaxon…” Maya-maya pa ay bumilis nang bumilis ang pagbayo niya sa akin. “Shit.”

Lalo ring bumilis ang pagtaas-baba ng kamay niyang nakahawak sa pagkalalake ko. Umapaw ang sarap sa puson ko at kumalat ito sa buong katawan, hanggang sa naalis lahat ng mga bumabagabag sa isipan ko kahit pansamantala lang. Sa bawat ulos niya, nagiging mga linya na lamang ang mga sanga ng puno at ang mga alitaptap sa paningin ko gawa ng hindi matigil na pagyugyog ng katawan sa bawat indayog niya. Nang kabigin niya ang mukha ko at hagkan ako sa labi ay lalo akong naulol. Binalot ang buong katawan ko ng sarap.

“Ngh!” impit kong ungol nang bumuwelo siya at bumaon nang sagad, pero agad itong naputol nang palitan niya ng mainit na halik habang binabati ang pagkalalake ko.

Nanginig ang buong kalamnan ko nang paulit-ulit siyang bumuwelo at pumasok.

Sinagad. Sinakop. Binuo. Winasak.

Hinigop lahat ng ungol at hangin ko.

Nang tumigil sa pag-ulos ay inihanda ko ang sarili ko mula sa malakas niyang pagbaon. Pero hindi niya iyon ginawa. Bilang panapos ay marahan niyang pinadulas ang kahabaan niya sa loob ko, hanggang sa tuluyan siyang labasan gawa ng priksyon.

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Limang masaganang putok ang pinakawalan niya sa loob ko. Kasabay ng limang putok na iyon ay ang tuloy-tuloy na pagbati niya sa akin, hanggang sa labasan na rin ako. Umulan ang kumawalang katas sa pawisan kong tiyan at dibdib.

Hindi lang mga laway namin ang naghalo kundi maging ang mga impit na ungol nang kapwa maabot ang rurok ng langit.

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. Kumalat ang amoy ng tamod nang tangayin ng hangin, pero hindi namin ito alintana. Mas mahalaga ang nakikita ng mga mata. Mas mahalaga ang naririnig ng mga tenga. Ang magkadikit naming mga katawan. Ang magkasabay na tibok ng mga puso namin.

Habang yakap-yakap ako at dumadaloy ang mainit na likido sa loob ko, may sinabi siya:

“Jaxon, handa akong ibigay lahat sa ’yo…”

Sinundan pa niya iyon ng apat na salita:

“Kahit pa buhay ko.”

Iyon ang ikalawa niyang pangako.


Pareho kaming nanghihina sa ginawa. Parehong nakatuon ang tingin sa itaas ng puno. Sa mga alitaptap. Sa mga sanga nito.

Nakaulon ako sa kanang bisig niya habang nakaulon naman siya sa kaliwang braso niya. Gusto ko pa sanang magtagal ng higa sa ibabaw niya at huwag nang hugutin pa ang pagkalalake niya sa loob ko para tuluyan na akong masanay sa laki at haba niya, pero baka kasi hindi na siya makahinga pa dahil sa bigat ng katawan ko, kaya pinili ko na lang na mahiga sa tabi niya. Hindi lang naman siya itong bato-bato ang katawan.

“Tahimik ka na naman ulit,” pansin niya habang hinihimas-himas ang bisig ko. “May problema ba? Napatodo ba ’ko?”

“Hindi,” sagot ko kahit napatodo siya. ’Di bale, marami namang pabaon na painkillers ang nurse. Alam talaga na mauulit pa ito.

“Eh, bakit parang ang lalim ng iniisip mo?”

“Eh, kasi…” Bumaling ako sa kanan kung saan makikita ang building. “Sigurado ka bang tayo lang ang nakakaalam nito?”

“Ng alin? Ng ginagawa natin o ng lugar na ’to?”

Sunod akong bumaling sa kaniya. “Pareho.”

Hinugot niya ang brasong hinigaan niya at ginamit ang mga daliri niya para suklayin pataas ang buhok kong sumasayad sa noo. Nang maging klaro ay pinahid ng palad niya ang mga pawis kong namuo sa noo. “Huwag kang mag-alala, tayo lang ang nakakaalam ng lahat ng ginagawa natin at sa ’ting dalawa lang din ’tong paraiso.”

“Sigurado ka ba?” pag-aalala ko. “Hindi ba tayo kita rito ng mga firsty sa fourth floor?”

Nangingiti siyang umiling-iling. “Hindi.”

“At paano ka nakakasiguro?” Nanlalambot ako sa bawat haplos ng magaspang niyang palad, lalo pa sa kung paano siya makatitig.

Sunod niyang pinunasan ang gilid ng mata ko. “Kasi nakita ko na ang lahat mula sa itaas. Sa lahat ng barracks, ’yong akin lang ’yong kayang tanawin itong kinahihigaan natin ngayon. ’Yong sa iba, natatakpan na ng mga puno ang vision.” At dumako ang palad niya sa pisngi ko, hinaplos ito. “Isa pa, wala namang ibang gising nang mga ganitong oras ng gabi, kaya wala kang dapat ipag-alala. Tayo lang ang may alam.”

Muli akong napatingala sa itaas ng puno kaya inalis niya na ang kamay niya sa pisngi ko. “Hindi lang ako makapaniwala na solo natin ang ganda nitong tanawin.”

“Ayaw mo no’n? Wala tayong kahati.”

“Siyempre gusto rin naman, kaso…”

“Kaso?”

“Wala.”

Idinikit niya ang pisngi niya sa tuktok ng ulo ko at nakisabay na rin sa pagkatulala sa itaas. May mangilan-ngilang alitaptap na sumasayaw sa ere, ipinagmamalaki ang mga gintong palamuti sa katawan. Naroon pa rin ang karamihan sa mga sanga, pinanonood ang dalawang lalakeng magkatabi sa ilalim ng puno—ang moreno ay hubo, ang maputi ay hubo’t hubad.

“Wala kang dapat ikatakot,” aniya. “Basta’t kasama mo ’ko, wala kang dapat ikatakot.”

“Eh, paano kung wala ka na?”

Nanaig ang sandaling katahimikan. Nangibabaw ang iba’t ibang tunog na likha ng lahat ng buhay na meron sa gubat at tabing-lawa. Umalingasaw ang amoy ng mamasa-masang mga damo sa palibot namin maging ang amoy ng natuyong tamod sa katawan ko. Hindi pa rin namin ito alintana. Mas mahalaga ang sagot niya.

“Ano naman kung wala na ako?” sagot niya. “Kaya nga tayo nandito, para kapag wala na ako sa academy, may lugar na magpapaaala sa ’yo sa ’kin. At isa pa, hihintayin kita.”

“Hindi ko alam kung kaya ko mag-isa rito.”

“Kaya mo,” tugon niya. “Lalake ka, ’di ba?”

“Sira,” halikhik ko. “Kahit na. Hindi ko pa rin kayang mag-isang pumunta rito. Baka mamaya, bigla na lang akong lamunin ng lungkot. Ikaw lang naman ang dahilan kaya ako nagpupunta rito, eh.”

“Huwag mo kasing isiping gano’n. Ang isipin mo, ’yong lahat ng ginagawa natin dito. Para kahit wala na ako, maaalala mo pa rin ’yong sarap ng pagbayo ko—aw!” Napatahol siya nang pitikin ko ang alaga niya at napaigtad ang tagiliran dahil dito.

“Pasalamat ka, guwapo ka. Kung hindi, ’di mo ako mapapasukan, Sir ,” buwelta ko.

“Sal—salamat,” halinghing niya, “S-Sir.”

Pinag-ipit ko ang mga labi ko para maitago ang ngiting nagbabadyang mamuo.

“Sir,” tawag niya sa akin nang makaahon sa sakit. “Alam mo ba ang kuwento kung bakit nilagyan ng harang ’tong gubat?”

Bahagyang kumunot ang noo ko. “Ano?”

“May dalawang kadete raw na nakatakas dito sa military academy dati,” kuwento niya. “Dito raw sila dumaan sa gubat.”

“Eh?”

“Oo,” seryoso ang tono ng pananalita niya.

“Paano? Bakit?”

“Siguro, hindi nakayanan ’yong stress.”

“Nahuli?”

“Hindi. Masyadong malawak ’tong gubat.”

“Namatay?”

“Grabe, namatay agad?”

“Eh, anong nangyari?”

“Walang nakakaalam. Wala nang nakakita, eh. Pero ang alam ko, may bayan sa dulo nitong gubat. Baka do’n sila pumunta. Ewan. Matagal na ’yong kuwento, eh.”

“Ah, kaya pala hinarangan ’tong gubat.”

“Oo.”

Sandali siyang natahimik.

Makalipas ang ilang minuto, muli rin siyang nagsalita. “Jaxon, kung yayayain kitang tumakas tulad nila, papayag ka ba?”

“Gago.” Mahina akong natawa, pero agad ding naudlot nang makitang seryoso ang mukha niya. “S-Seryoso?”

“Mm,” tango niya.

“Seryoso?” ulit ko sa mas mataas na tono. “B-Bakit naman tayo tatakas?”

May dahilan ba?

May dapat ba kaming takasan?

“Wala lang. Tinatanong ko lang.” Ngumiti siya nang pilit. “Kung yayayain kitang kalimutan na ang lahat tapos magsisimula tayo ulit na tayong dalawa lang, papayag ka ba?”

“Sinasabi mo bang itatanan mo ’ko, ha?”

“Parang gano’n na nga.”

Napahalikhik ako. “Baliw.”

Nabura ang pilit na ngiti sa labi niya, lumamlam ang mga mata. “Seryoso ako.”

Alam ko, pero… “Hindi ko alam. Hindi ako sigurado kung sasama ako sa ’yo. Paano ’yong pangarap ko na makatapos dito?”

“Hindi mo naman pangarap ’to, eh.”

“Paano ’yong pamilya ko?”

“Bubuo tayo ng sarili nating pamilya.”

“Baliw ka talaga.”

Habang tumatagal, lalong umuukit ang hapdi sa mga mata niya dahil sa mga nagiging sagot ko. “Bakit? Ayaw mo ba?”

“Hindi naman. Ang bilis lang kasi natin.”

“Kasi desidido naman na ’kong makasama ka habambuhay. Marami akong plano para sa ’ting dalawa. Kung puwede nga lang, itanan kita ngayon na mismo, gagawin ko, para makapagsimula na tayo agad. Pareho naman na tayong nasa hustong edad.”

“At saan mo naman ako dadalhin, ha?”

“Hindi ko rin alam…”

“Kita mo ’yan, may plano raw pero—”

“Hindi ko rin alam, pero handa akong magbanat ng buto para sa ’yo. Panigurado naman, makakahanap ako ng trabaho sa katawan kong ’to. Kahit construction, papasukin ko para lang may matirahan tayo, para may maipakain ako sa ’yo araw-araw, sa mga magiging anak natin.”

“Gagooo.” Panay ang halikhik ko. Kung bakit siya ganito, hindi ko rin alam. “Anak amputa. Saan naman tayo kukuha no’n?”

“Ewan. Adoption? Surrogacy?”

“Titira ka ng babae? Huwag na lang, ’oy.”

“Hindi,” mabilis niyang tugon. “Sperm donation.”

“Ah, akala ko ipapasok mo ’yang armas mo sa iba, eh. Iiwanan kita ’pag gano’n.”

“Alam mo namang sa ’yo lang ’to , ’di ba?”

“Dapat lang, kundi puputulin ko ’yan ’pag ipinasok mo sa iba.”

“Kung gusto mo, pag-aaralin pa kita sa law school,” dagdag niya pa. “’Di ba ’yon naman talaga ang pangarap mo? Susuportahan kita. Ikaw lang naman ang pangarap ko.”

Sandali akong natahimik, ibinalik ang tingin sa itaas, sa mga gintong palamuti. Alam kong imposible ang mga plano niya para sa ’ming dalawa, pero sa isang banda, parang gusto kong matupad ang mga iyon.

Kung gano’n lang sana kadali ang lahat.

“Attorney,” tawag niya sa akin. “Makikilala ka ng lahat bilang Attorney Jaxon Escobar. Huwag na pala ’yong Chinito sa gitna. Ako lang ang puwedeng tumawag sa ’yo no’n.”

Nahanapan ko agad ng butas ang plano niya. “Eh, ’di mahuhuli tayo ’pag nakilala ako. Fourth-Class Jaxon Escobar—takas sa military academy. First-Class Duke Montemayor—ang may pakana ng lahat. Kulong tayong dalawa ’pag nagkagano’n.”

“Shit, ’di ko naisip ’yan.”

Pagkatapos noon ay ang mahabang katahimikan. Sa paghampas ng hangin, magkasamang nalipad ang lahat ng mga planong binuo niya para sa ’min, ang mga pangarap na pareho naming gustong matupad, at ang mga pangakong binitiwan niya. Saan ito patungo? Hindi ko rin alam.

Ang alam ko lang, hindi kayang liparin ng hangin ang sayang nararamdaman ko habang kapiling siya. Na para bang kahit saglit, nakalimutan ko ang lahat ng sakit at pait, ang muhi at galit. Naiwan sa ilalim ng puno ang lahat ng mga alaala naming dalawa. Lahat ng mga usapan. Lahat-lahat.

“Kanina ka pa nakatitig sa sangang ’yan.”

“Oo nga, eh. ’Di ko rin alam kung bakit.”

“Ano bang meron diyan?”

“Ewan. Nalulungkot lang ako kapag tinititigan ko. Para kasing…”

“Parang masarap talian ng lubid?”

“Gago, hindi. ’Yon ba naiisip mo?”

“Oo.”

“Puta, ’di magandang biro ’yan.”

“Hindi. I mean, talian ng lubid tapos kabitan ng gulong para gawing duyan.”

“Ahh. ’Kala ko suicidal ka, eh. Mukha pa namang hanging tree ’tong puno kung ’di lang dahil sa mga alitaptap na dumadapo.”

“Grabe ka naman. Hindi ako gano’n.”

“Biro lang.”

Sandaling katahimikan.

“Pero seryoso,” tuloy ko rin maya-maya. “Nalulungkot ako para sa puno na ’to.”

“Bakit? Kasi mag-isa lang siya?”

“Siguro. O baka kasi patay na siya.”

“Diniligan mo naman. Baka sakaling muling mabuhay.”

“Ina mo.”

Pipikit-pikit ang mga mata, sinikap kong manataling gising. Ayokong makatulugan ang mga sandali, dahil baka paggising ko ay maglaho ang lahat na parang bula.

“Anong puno ba ’to?” tanong ko. “Anong pangalan?”

“Hindi ko rin alam, eh.”

“Parang mangga.”

“Parang hindi.”

“Mangga ’to, eh.”

“Paano mo nalaman, eh, wala naman ni isang dahon?”

“Hula ko lang.”

“Ganito, bakit hindi natin pangalanan?”

“Anong pangalan?”

“Ikaw mag-isip.”

“Wala akong maisip.”

“Sige, ako na lang.”

“Ano?”

“Ipapangalan ko sa ’yo.”

“Ano nga?”

“Chinitree.”

“Ang corny amputa.”

“O, bakit? Ayos naman, ah.”

“Ang corny mo, guwapito.”

Hindi ko na napigilan pang itago ang ngiti ko. Kinalaunan ay napapatawa-tawa na nga sa bawat biro niya. At kung minsan ay napapaisip kung may karapatan ba akong maging masaya gayong may kapatid akong nakaranas ng pang-aabuso mula sa kamay ng mga upperclassman na katulad niya.

Gusto ko sanang itanong sa kaniya ang lahat. Kung si King ba ang kuya niya. Kung ito ba ang kinatatakutan niya. Kung bakit nito pinaslang ang aso na ibinigay niya sa ’kin noon. Kung bakit puro peklat ang mga braso niya. Kung kailan ba niya ipapakita ang katawan niya sa akin. Kung kailan niya sasagutin ang lahat ng mga tanong ko.

Pero sa huli, pinili kong isantabi muna ang lahat ng mga pangamba, ang lahat ng takot, ang lahat ng galit, ang lahat-lahat, dahil gusto kong sulitin ang bawat segundo, minuto, at oras na kapiling ko siya.

“Third round?”

“Third round.”

At sa bawat pagdidikit ng mga labi, bawat umpugan ng mga balat, bawat ungol at halinghing, bawat salitang lumalabas mula sa bibig niya, “Mahal kita,” at “Sa ’yo lang ako,” ay ang mga sandali ring napapaisip ako kung hanggang kailan kami ganito, kung hanggang kailan kami magtatago.

Ang punong iyon ang nagsilbi naming tagpuan. Sa lilim niyon, pakiramdam namin ay ligtas kami. Na malaya kami. Malayang pag-usapan ang kahit na ano. Malayang gawin ang bagay na sa paningin ng karamihan ay mali. Pero mali nga ba?

Mali nga ba ang magmahal? Kaya bang maturuan ang puso na ibigin lamang kung ano ang sa mata ng batas, o sa mata ng Diyos, ay tama? At marapat lamang ba na sundin mo kung ano ang tama kahit na ang kapalit nito ay ang kasiyahan mo?

Masaya ako kay Duke. Masaya ako tuwing nakikita ko siya sa umaga at sa hatinggabi. Masaya ako tuwing pumupunta kami sa lugar na tanging kaming dalawa lang ang may alam, at tuwing nagkakaisa kami. Masaya na ako… kahit na ganito lang kami.

Pero lahat ng bagay ay may hangganan.

Tulad kung paanong may hangganan ang tubig sa lawa, ang tayog ng mga puno, ang lawak ng damuhan, ang oras kung kailan sisibol at lulubog ang araw, kung kailan susulpot sa langit ang mga bituin at buwan.

Tulad ng maikling buhay na ipinagkaloob sa mga alitaptap na nagsisilbing tanglaw sa madilim na mundong ginagalawan namin.

At tulad ng puno sa pusod ng gubat.

Ang lahat ay may katapusan.

Chapter 34

Incorporation Rites

Tapos na ang summer training.

Parang kailan lang, nakatayo kami rito sa malawak na field habang tirik na tirik ang araw, sinisigawan ng mga upperclassman, sinusubok ang katatagan ng katawan at isipan. Patatakbuhin sa kinatatayuan. Pagpu-push-up-in nang ilang beses sa manipis na damuhan. Muling patatayuin. Tatanungin kami ng, “Sigurado ka ba sa pinasok mo, ha?! Ano?! Sagot!” Saka namin sasagutin ng, “Sir, yes, Sir!” Kapag nakitang pinanghihinaan kami ng loob, saka dudurugin ang kaluluwa. “Naiiyak ka na ba, ha?! Bawal ang iyakin dito! Sabihin mo na ngayon pa lang kung gusto mo nang sumuko! Gusto mo na bang sumuko?!” Masusundan ng, “No, Sir.” Tataasan ng boses ng upperclassman. “Ano kamo?! Gusto mo nang sumuko?!” At sa huli ay lalakasan ng plebo ang bigkas. “No, Sir!”

Hanggang ngayon ay umaalingawngaw pa rin sa isipan ko ang mga sigawan, mga hikbing pilit pinipigilan at kung hindi ay lalo kang pag-iinitan, mga masasakit na salitang kailangan naming lunukin at sang-ayunan, at ang pagdadalawang-isip kung tama ba itong pinasok namin.

Noong Reception Rites pa iyon.

Iba ang naging tagpo sa field nang ganapin ang Incorporation Rites —ang pormal na pagtanggap sa ’min bilang opisyal nang mga kadete rito sa military academy. Bukod sa bahagyang mahamog ang paligid dahil umulan nang malakas kaninang umaga (bilang panimula ng rainy season sa Pilipinas) ay tahimik din kaming nakahimpil sa mamasa-masang field. Nanunuot ang lamig sa mga anit namin dahil sa nipis ng mga gupit namin. Sumasakit na nga ang mga binti gawa ng kamamartsa kanina—sa pamumuno ng first-class marcher—at ilang oras na pagtayo habang idinaraos ang okasyon.

Tiis-guwapo na lang ako kahit kanina pa nananakit ang puwet ko gawa ng marcher sa unahan. Pinasukan ba naman ulit kagabi. Sinabi nang huwag muna dahil mahalaga ’tong araw na ’to. Malinaw ang pagkakasabi ko, eh. “ Duke, huwag… huwag… huwag kang titigil, ’tang ina!“ At ’yon, hindi nga ako tinigilan. Wasak na naman tuloy ang Bataan.

Siya nga pala, ang daming tao sa grandstand. Doon sa bleachers nakaupo ang mga magulang at pamilya naming mga plebo, nanonood, nagpi-picture, o ’di naman kaya ay nagvi-video. Isang malaking himala nga na wala ni isa sa batch namin ang natanggal, higit sa lahat, sa tatlo kong kaibigan. Ang lahat ng ito ay dahil kay Duke. Hindi ko alam kung sapat na ba ang mga ginagawa kong pagsama sa kaniya sa pusod ng gubat tuwing hatinggabi, at tuwing may nangyayari sa ’min, bilang kapalit sa lahat ng pagliligtas niya sa mga kaibigan ko tuwing may nagagawa silang mali sa training. Pakiramdam ko tuloy ay sinasamantala ko na ang damdamin niya para sa ’kin, samantalang hindi pa rin ako sigurado kung paano ko siya ipakikilala sa mundo.

Alam ko… alam niya… alam namin pareho… hindi madali ang lahat para sa ’ming dalawa.

“And now, please welcome on stage one of our Guests of Honor, an alumnus of this respected institution, Senator Rafael Montemayor…”

Kasabay ng mga palakpakan mula sa mga sibilyan at ibang mga panauhing nakaupo sa bleachers ng grandstand, nagising ako mula sa malalim na pag-iisip nang marinig ang pamilyar na pangalan. Malayo man mula sa kinatatayuan namin ay natanaw ko ang matangkad na lalake na umakyat at naglakad sa stage. Nakasuot ito ng pormal na kasuotan—Barong Tagalog at itim na pantalon. Pagkahinto sa tapat ng isa sa tatlong upuan sa stage, ngumiti ito at kumaway sa mga tao sa bleachers sa likuran, saka humarap sa aming mga nakahimpil sa malawak na field.

Mula sa stage, kita kong isang tao ang pinagmasdan nito nang matagal—ang marcher sa pinaka-unahan namin.

Hindi ko man nakikita ang mukha ni Duke, alam ko kung anong nararamdaman niya sa mga sandaling ito. Batid kong natutuwa siyang makita ang papa niya. At mukha namang natutuwa rin itong makita siya, lalo pa’t nakuha niya ang tungkulin ng isang marcher—malaking karangalan na ring maituturing para sa isang First-class Cadet. Mag-ama nga talaga ang dalawa dahil magkapareho ang kulay ng balat. Ngunit mukhang iilan lang ang nakakaalam nito.

“Also one of the alumni of this respected institution, please welcome our next Guest of Honor, Philippine Army General Lucio Escobar…”

Mula sa papa ni Duke, lumipat ang tingin ko sa lalakeng kararating pa lang sa stage. Sa bawat hakbang nito roon ay naramdaman ko ang unti-unting pagsikip ng dibdib ko, na para bang nauubusan ako ng hangin, na para bang may sumasakal sa leeg ko. Hindi ko lubos maisip na magagawa pa nitong ngumiti sa mga tao. Na para bang wala itong itinakwil na anak. Na parang isa itong perpektong ama. Na parang isa itong mabuting tao. Naroon ito’t yumukod at nakipagkamay pa sa senador na parang mabuti silang magkaibigan, o matagal nang magkakilala, o mayroon itong malaking utang na loob sa senador.

Pagharap ng lalake sa amin, agad ako nitong nahanap sa hanay ng mga kadete sa malawak na field. Bukod sa ako ang pinakamaputi sa batch namin, sa pinaka-unang row din kasi kami nakahimpil ng mga kaibigan ko. Sa pagtitig nito sa akin ay awtomatikong nanigas ang buong mukha ko at bahagyang bumaba ang tingin bilang tanda ng pagrespeto… o marahil ay tanda ng paghingi ng balidasyon mula sa taong siyang puno’t dulo kung bakit ako nandito.

Dad… proud ho ba kayo sa ’kin?

“And now, ladies and gentlemen, honored guests, proud parents, and most especially, the new members of this academy, please give a warm welcome to Superintendent Louis Alfonso…”

Naputol ang seryosong tingin ni Dad sa akin sa pagdating ng superintendent sa stage. Umalingawngaw ang mga palakpakan sa grandstand sa likurang bahagi ng stage, nagsitaasan ang mga camera, at sinalubong ng ngiti ang superintendent ng dalawang guests of honor na kasalukuyang nakatayo sa harap ng dalawang upuan—kay Dad na nasa kaliwang upuan, at sa senador na nasa kanang upuan.

Pagkarating ng superintendent sa may bandang gitna ng stage, nakipagkamay ito kay Dad. Nag-usap ang dalawa ngunit hindi ko dinig kung anong pinag-uusapan nila dahil sa layo ng grandstand mula sa amin. Panay tango at ngiti si Dad sa superintendent na para bang may maganda silang ugnayan. Ibang-iba ang dad na nakikita ko ngayon sa dad na palagi kong nakikita sa bahay. Pagkatapos kay Dad ay sunod na bumati at nakipagkamay ang superintendent sa senador. Nakapagtataka lang. Ang taong pinakamataas ang posisyon sa institusyong ito ay tila napapayukod din sa presensya ng senador—tulad ni Dad.

Ganoon ba ka-impluwensya ang ama ni Duke? Kaya ba gano’n na lang kadali para kay Duke na gawin lahat ng gusto niyang mangyari, kahit pati ang paghiling sa superintendent na huwag tanggalin sa training program si Joseph sa kabila ng nagawa nitong kasalanan? Kaya ba nakapasa si Harry kahit na hindi naman palaging pasado ang records nito sa training? Kaya ba hindi pa rin ako natatanggal sa kabila ng pagsuway ko sa mga mas nakakataas na kadete sa ’kin tulad nina Monsur at Morales? Kaya ba nagagawa ni Duke lahat ng hinihiling ko sa kaniya?

Iba rin talaga ang nagagawa ng kapangyarihan.


Ilang oras ang nakalipas, natapos din ang okasyon. Matapos bigyang basbas ng superintendent ang batch namin bilang opisyal nang mga kadete ng akademya, nabigyan din ng pagkakataon ang mga mahal namin sa buhay na bumaba ng grandstand para lapitan at kamustahin ang mga kadeteng nakatayo sa field. Habang hinihintay silang makarating sa amin, sinulit na naming magkakaibigan ang pagkakataon para ipagdiwang ang pinakamasayang araw ng buhay namin dito sa loob ng academy—na hindi namin alam ay siya na rin palang huli.

“Wooh!” mangiyak-ngiyak na hiyaw ni Mark habang naglalakad palapit sa ’kin. Sa pagyakap niya sa akin ay para akong napiga. “Jaxon, sundalo na ako!”

“Ikaw lang ba?” Lumapit din sa amin si Joseph at nakiyakap na rin. “Sundalo na tayo!”

Napangiti ako kahit nahihirapang huminga sa mahigpit na yakap ng dalawa. “Wala pa. Hindi pa nga tayo graduate!”

Natawa lang ang dalawa sa sinabi ko.

Paglingon ko kay Harry, kita kong agad siyang napaiwas ng tingin. Iniiwasan pa rin yata niya ako. Hindi ako sigurado kung bakit. Nilinaw ko naman sa kaniya na hindi totoo ang sinabi ni Duke noon. Hindi ko siya pinandidirian. Pero sa hindi maipaliwanag, mukhang may iba pang dahilan kung bakit siya nagkakaganito.

“Harry, sama ka rito!” tawag sa kaniya ni Mark.

“Bai, ano? Tara dito!” anyaya rin ni Joseph sa kaniya.

Ngumiti naman ang mga mata ko sa kaniya at tumango ako bilang senyas na samahan niya kaming tatlo. Na hindi siya iba kahit na ano pa man siya. Na isa siya sa mga kaibigan ko. At hindi ko alam kung napilitan lang ba siya dahil nakayuko siya nang lumapit sa amin. Pero hindi ko na pinalampas ang pagkakataon. Pagkalapit niya ay agad kong hinablot ang katawan niya at idinikit sa aming tatlo hanggang sa tuluyan kaming mabuo. Isang barkada.

Hindi magkamaliw sina Mark at Joseph sa paghiyaw dala na rin ng emosyon. Ikaw ba naman, palaging pinag-iinitan ng mga hinayupak na upperclassman dahil lang sa sobrang kapayatan o katabaan, kung kay Harry naman ay dahil sa kasarian. At ngayon, hindi namin inaasahang apat na sabay-sabay kaming uusad sa isa na namang panibagong yugto ng buhay namin—bilang mga tunay nang military student; bilang ganap nang mga kadete.

Matapos lumundag-lundag at pag-uumpugin ang mga dibdib, ulo, at kung ano-ano pa mang parte ng katawan, nakahinga na rin ako nang maluwag sa wakas nang mabuwag na kaming apat mula sa pagkakayakap.

“Shit, naiiyak ako.” Agad na pinunasan ni Mark ang mamasa-masa niyang mga mata gamit ang likod ng kamay.

“O, bakit?” seryoso kong tanong.

“Kasi noong unang beses natin dito sa field, akala ko ’yon na rin ang huli.”

“Ako rin naman, bai.” Pati si Joseph ay napapahid na rin ng luha. “Pangarap ko lang ’to dati, eh. Tapos ngayon…”

Papikit-pikit lang ang mga mata ni Harry pero halatang naluluha na rin.

“Ano ba kayo,” nangingiti kong tugon. Hinila ko ang mga balikat nina Joseph at Harry na nasa magkabilang tabi ko. “Huwag kayong ganiyan. Para namang mga babae.” Akala mo ay hindi rin ako umiiyak.

“Maraming salamat, Jaxon,” ani Mark sabay hawak sa balikat ko. “Kung ’di dahil sayo…”

Inumpog naman ng balikat ni Joseph ang balikat ko na kadikit niya. “Bai, ikaw talaga ang dahilan kung bakit pa rin kami nandito, eh.”

“Sinabi mo pa,” pagsang-ayon ni Mark. “Kung ’di dahil sa ’yo, baka…”

“Shh!” agad kong saway sa kaniya at baka marinig ng lahat ang sikreto na dapat ay kami lang ang nakakaaalam—na may taong nasa likod ng pagkaligtas naming apat.

“Ay, sorry.” Napahalikhik si Mark. “Basta, salamat nang marami, Jaxon! Ang saya-saya ko na makakasama ko pa rin kayo rito!”

“Ako rin, bai! Malaki ang utang na loob ko sa ’yo, tandaan mo ’yan. Kahit anong mangyari, palagi mo akong kakampi.”

“Thank you,” ang sabi naman ni Harry sabay iwas ng tingin. Piniga ko ang balikat niya bilang tugon pero tila nanigas siya sa kinatatayuan niya habang katabi ko.

“Huwag kayong magpasalamat sa ’kin.” Tumagos ang tingin ko mula kay Mark papunta sa guwapong marcher sa likuran niya, sa hindi kalayuan, na kasalukuyang nakatitig sa akin—o siguro sa kamay ko na nakahawak sa balikat ni Harry, kaya agad din akong napabitiw. Mahirap na. Baka sa susunod na may mangyari sa ’min, baka isugod na naman ako sa infirmary. Kusang dumistansya naman si Harry nang mabitiwan ko. Binitiwan ko na rin si Joseph dahil walang pinipiling taong pagseselosan ang hari ng lahat ng kadete rito sa field. “Magpasalamat kayo kay…”

“Kay?”

“Kanino?”

Agad kong winaksi ang tingin ko kay Duke dahil sumasakit lang ang puwet ko tuwing nakikita siya. Sa halip, tumingala na lang ako sa makulimlim na langit. “Kay Lord.”

“Ah, oo,” pagsang-ayon ni Mark. “Thank you, Lord! Patawad!”

“Yes! Amen!” segunda ni Joseph.

“’Di na po magsasalsal sa barracks si Joseph, Lord!”

“Yes, Lord! Ame—ha?”

“Tama na, bai,” ani Mark kay Joseph. “Nakapasa na tayo. Wala ka nang dapat ka-stress-an. Baka naman puwedeng tigilan mo na rin pagja-jaks sa barracks? Kumakapit amoy ng modtakels mo, eh.”

Nagpigil ako ng tawa.

“Ah, oo.” Tumango si Joseph. “Sorry na.”

Sa puntong ito ay sabay-sabay na kaming natawa. Sa lahat ng kadete sa field, ’yong grupo lang ata namin ang may pinakamaraming tawanan.

“Markkkkk! Babyyyyyy!” Isang matabang babae ang tumakbo palapit kay Mark.

Agad ding nanlaki ang mga mata ni Mark nang marinig ang boses at napalingon sa pinanggalingan niyon, sa may likuran niya. “Mommyyyyy!”

Nagyakapan ang dalawa na parang ilang dekadang hindi nagkita sa sobrang higpit. Ang kanina’y pinipigilang hikbi ni Mark ay tuluyan nang umalingawngaw sa buong field. Pinangibabawan naman ito ng boses ng mommy niya na kay tining. “Miss na miss na kita! Mark! My babyyyyy!”

“Miss na miss din kita, Mommy!”

“Parang kailan lang dumedede ka pa sa ’kin, tapos ngayon…”

“Mommy!”

“Ay, sorry!”

Matapos wakasan ang yakapan ng mag-ina ay hinawakan si Mark ng mommy niya sa magkabilang braso. “Anong nangyari sa ’yo? Parang pumayat ka ata? Hindi ka ba nila pinapakain dito nang maayos?”

Umiling-iling si Mark. “Hindi po, Mommy! Sadyang hindi lang ako makakain nang marami kapag hindi ikaw ang nagluto.”

“Ay, sus! Ang baby Mark ko, malaki na!”

“Yes, Mommy! Sundalo na po ako!”

“Kahit ano ka pa, baby ka pa rin sa paningin ko!”

“Mommy naman!”

Napangiti na lang ako nang muling magyakapan ang mag-ina. Hindi naglaon, sunod na dumating ang pamilya ni Harry.

“Anak!” tawag sa kaniya ng tatay niyang tila tuwang-tuwa siyang makita. May kasama itong babae na mukhang masungit.

Natulala lang si Harry sa mukha ng ama habang pinagmamasdan itong lapitan siya. At hindi rin nagtagal ay niyakap siya nito hanggang sa napaawang na lang ang mga labi niya, napakurap-kurap ang mga mata.

“Ang galing mo!” puri sa kaniya ng ama pagkatapos siyang yakapin. “Lalakeng lalake ka na!” Sinuri nito ang kabuuan ng suot niyang full dress uniform at hinawakan siya sa balikat. “Hindi ako nagkamali na pinapasok kita rito!” Saka siya muling niyakap. “Lalake ka na!”

Sa hindi maipaliwanag, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa nakikita ko, lalo na sa mga narinig. Sa pagkakaalala ko, ito rin mismo ang amang handa siyang itakwil kung hindi siya matatanggap sa training.

“Palagi kang kinukuwento ng papa mo sa mga tito mo,” singit naman ng mama niya habang yakap siya ng ama. Nakahalukipkip lang ito at hindi magawang yakapin ang anak. “Bidang-bida ka sa buong Alcantara.”

“Daig mo ang pinsan mong si Aaron. Mas lalake ka na sa kaniya ngayon!” anang tatay niya matapos ulit siyang pakawalan. “Sabi ko na, eh! Ipinagmamalaki kita… anak!”

Sa kabila ng lahat, nanatiling tahimik si Harry. Nakatulala sa hangin. Nalulunod sa balidasyon mula sa sariling ama. Ngunit hindi alam kung anong mararamdaman.

Ipinakilala kami ni Mark sa mommy niya bilang mga kaibigan niya. Gano’n na lang ang saya nito nang malaman na nakahanap ng mga bagong kaibigan sa loob ng military academy ang kaisa-isa nitong anak. Dahil hindi nila nagawa noong Reception Rites, sinamantala na ng mag-ina ang pagkakataon para libutin ang buong campus, kaya sandali lang din namin nakausap ang mommy ni Mark. Si Harry naman ay dinala na ng mga magulang niya papunta sa stage para doon magpa-picture. Ni hindi man lang nga kami naipakilala sa kanila. Hanggang sa kaming dalawa na lang sa magkakaibigan ang naiwan sa field.

“Uh, bai, CR lang ako. Kanina pa ako naiihi,” biglang paalam din ni Joseph sa ’kin maya-maya lang. Binasa niya ang mga labi niya at tila pinakurap-kurap ang mga mata para hindi mamuo ang mga luha. Gano’n pa man, bakas pa rin ang lungkot sa buong mukha niya. Sa aming apat, siya lang ang bukod-tanging walang pamilya.

Nakaramdam ako ng awa. Kaya para pagaanin ang loob niya, sinubukan ko siyang biruin. “Ihi lang ba? Baka jaks?”

“Hindi na,” nangingiti niyang sabi. “Hindi na yuyugyog bunk bed natin palagi. Promise ’yan.”

“Joke lang, bai, ikaw naman.” Tinapik ko siya sa balikat. “Sige na, umihi ka na.”

Tipid niya lang akong nginitian. Bago siya lumisan, luminga-linga siya sa paligid—sa mga ate, sa mga kuya, sa mga nanay, sa mga tatay ng mga plebong hindi minalas sa pamilya, hindi tulad niya. Kita kong nagpahid pa siya ng mata habang nakatalikod at tila pinipigilan na bumuhos ang mga luhang nagbabadya. Maya-maya pa ay tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Pero naiwan pa rin sa akin ang awa.

“Jaxon… anak.”

At sa sumunod na boses ako natigilan. Isang malumanay na boses ng isang babae. Ang boses na hinahanap-hanap ko tuwing umuuwi ako sa bahay. Ang boses na nagpapagising sa akin tuwing nagkakaroon ako ng masamang panaginip. Ang boses na nagpapakalma sa akin tuwing nababalot ako ng takot mula sa sarili kong ama.

Mom?

Agad akong napalingon sa likuran ko. At saka ko nakumpirmang hindi nga ako nagkamali ng dinig. Sa harapan ko, tumambad ang isang magandang babae. Singkit ang mga mata. Maputi ang mukha.

“Mom?!” Sinalubong ko siya ng isang mainit at mahigpit na yakap. Ang yakap na palaging bumabalot sa akin tuwing tinatabihan niya ako kapag hindi makatulog. Ang yakap na palaging bumubuo sa akin kapag pakiramdam ko ay kulang ako. Ang yakap ng isang ina. “Mom!”

Hindi ko na napigilan ang sarili kong maluha. Kanina ko pa siya hinahanap mula sa hilera ng mga tao sa grandstand. Kanina ko pa siya gustong-gustong makita. At ngayon ay hindi ko lang siya nakita, nayakap pa. Parang napawi lahat ng pagod at hirap ko mula nang pumasok ako rito.

Ipinakita ko sa kaniya noon na kakayanin ko ang buhay rito. At kinaya ko nga. Para kay Dad. Para sa kaniya. Para kay Kuya. Pero hindi ko yata kayang marinig siyang umiiyak habang yakap-yakap ako.

“Mom…” basag kong boses. Sa dinami-rami ng gusto kong sabihin sa kaniya, walang ibang salitang lumalabas sa bibig ko kundi ito. Kay tagal kong hinintay na makausap siya, pero wala akong ibang ginawa kundi yakapin siya at damhin ang init niya.

“Anak…” Paghagod niya sa likod ko ay napapikit ako. Isang salita lang ang kinailangan niyang sambitin para mapatulo ang luha ko. Nakalimutan ko na nga ring may iba pang tao sa paligid na puwedeng makakita sa akin na umiiyak.

Pero anong laban nila sa isang anak na nangungulila sa isang ina?

Ilang segundo ang ginugol ko bago ko siya tuluyang pakawalan. Kung pwede nga lang gawing minuto ang segundo, o kahit oras, yayakapin ko siya hanggang sa magdamag, dahil alam kong matagal-tagal din bago ko ulit siya makikita, makakausap, at madarama. Pero kailangan ko ring tapusin agad dahil naalala kong may isang tao na ayaw na ayaw akong nakikitang umiiyak.

“Mom.” Pinunasan ko ang mga mata ko at klinaro ang lalamunan bago muling kausapin si Mom. Pinagmasdan ko ang maputi niyang mukha. Sa puti nito ay agaw-pansin ang mugto niyang mga mata. Batid kong hindi lang ito dahil sa umiyak siya nang makita ako ngayon. Dulot ito ng ilang araw na pag-iyak. O buwan. “Si Dad?”

“Nandoon, kasama sila .” Ipinunto ng mukha niya ang kinaroroonan ni Dad.

Sa stage, kita kong naroroon pa rin si Dad kasama ang superintendent at ang senador na kasuluyang ini-interview ng sikat na TV Network sa Pilipinas. Ni kahit minsan ay hindi ko pa nakikita si Dad sa telebisyon. Pero ngayon, tila naging isa siyang importanteng panauhin dahil lang sa kadikit niya ang dalawang pikamakapangyarihang taong nandidito ngayon. Kailan nga ulit nang ma-promote si Dad bilang heneral? Kung tama ang pagkakaalala ko, hindi ba’t bago lang din? Pagkatapos ba niyang palayasin si Kuya?

Mula kay Dad ay naagaw ang atensyon ko ni Duke na hindi gaano kalayuan sa amin. Kasalukuyan siyang nakatalikod sa amin at nakatingala papunta sa stage. Mag-isa. Pinagmamasdan niya ang papa niyang nakaharap sa camera. Saka ko lang din naalala ang naikuwento niya sa akin sa gubat noong isang gabi. Pangarap niyang maipakilala siya ng papa niya sa buong Pilipinas bilang anak nito. Ito ba ang tumatakbo sa isipan niya ngayon? Na magkaroon ng himala at babain siya ng senador sa field para lapitan at ipakilala sa media? Alam ko ay sa graduation pa niya iyon napipintong mangyari. Sigurado namang babalik ang senador sa araw na iyon bilang isa ulit sa mga Guest of Honor. Gusto ko sana siyang lapitan, kausapin, pasalamatan, tanungin, at yakapin na rin. Pero mamaya na lang siguro pagpunta namin sa gubat pagkatapos ng mahabang araw na ito.

“Kamusta ka rito, anak?” Muling bumalik ang atensyon ko kay Mom nang marinig ang maamo niyang boses. Hinawakan niya ang mga kamay ko at hininas-himas ang mga ito.

Ngumiti ako sa kaniya. “Mom, ayos lang naman po ako. Kayo nga po ang dapat kong tanungin, eh. Kamusta po kayo?”

Ako naman ang humawak sa mga kamay niya at idinampi ang mga ito sa mga pisngi ko para damhin.

“Ayos lang ako, anak,” pero bakas sa boses niya na hindi. “Huwag mo ’kong alalahanin. Ayos lang ako. Ikaw nga ang lagi kong pinag-aalala. Ang kalagayan mo rito. Kung nakakatulog ka nang maayos. Kung nakakakain ka sa tamang oras—”

“Mom, huwag mo rin akong alalahanin. Ayos na ayos ako rito.” Ibinaba ko na ang mga kamay niya at sunod na ibinida ang suot kong full dress uniform. “Kita mo, Mom, nakapasa ako sa summer training. Top 1 pa sa batch namin. Ako pa pinakapogi. Manang-mana sa ’yo, eh.”

Sa huli kong sinabi ay napangiti siya. Agad ko namang pinahid ang mga luha sa mamasa-masa niyang mga mata at baka magtaka si Dad kapag nakita siya sa ganitong sitwasyon. “Sigurado ka?”

“Sigurado po.” Sinikap kong huwag mabahiran ng pag-aalangan ang boses ko. “Nga po pala, may balita na po ba kay…?”

Kay Kuya, pero hindi ko maituloy. Hanggang ngayon ay nangingibabaw pa rin sa akin ang takot sa paalala ni Dad na huwag na huwag naming mababanggit ang taong matagal nang hindi parte ng pamilya.

Luminga si Mom paligid, partikular na sa stage sa grandstand. Nang makumpirmang malayo sa amin ang taong pareho naming kinatatakutan, saka lang niya ako sinagot. “Hindi pa, anak. Hindi pa.” Muling nagtubig ang mga mata niyang pinahid ko na. “Pero palagi ko siyang ipinagdarasal. Na sana, may natutulugan siya. May nakakain. Na may kumupkop sa kaniya.” At tuluyan na nga siyang napahikbing muli, napatakip na ng kamay sa bibig. “Jaxon, tingin mo ba, mapapatawad niya ako? Kahit pa ang laki ng kasalanan ko?”

Hinawakan ko siya sa magkabilang braso. “Mom, wala po kayong kasalanan—”

“Sarili kong anak, hindi ko man lang nagawang ipaglaban…” Panay sa pagbuhos ang mga luha niya, kaya maging ako ay naluluha na rin. “Wala man lang akong nagawa. Wala akong kuwentang ina.”

“Mom, hindi po totoo ’yan—”

Nanginginig na ang kamay niyang nakatakip sa bibig. “Hindi ko man lang… Ang kuya mo… Dapat noon pa lang…” Napahagulgol na siya sa ilalim ng bibig na pilit tinatakpan.

Muli ko siyang niyakap nang mahigpit at hinawakan sa ulo, saka maingat na inilapat ang mukha niya sa dibdib ko kung saan siya nagtuloy-tuloy sa pag-iyak at sa paulit-ulit na pagsabi ng “sorry” at sa pagbanggit sa pangalan ng anak na matagal nang wala.

“Mom… tahan na…” Pilit kong pinipigilang patatagin ang sarili ko. Pilit kong nilalabanan ang mga luha kong muling nagbabadyang bumagsak para ako ang magsilbi niyang pagkukuhaan ng lakas. “Hindi mo naman ginusto ang nangyari.”

“Sorry… wala akong… nagawa.”

“Mom, huwag kang mag-alala…” Gagawin ko ang lahat para managot ang tumarantado kay Kuya… “Balang araw, magiging maayos din ang lahat…” Lahat ng kasabwat sa nangyari… “Mabubuo ulit tayo…” At kapag nangyari ’yon… “Makikita rin ulit natin si Kuya.”

Matapos iiyak ni Mom ang lahat sa akin ay kusa siyang kumawala mula sa yakap ko at pinahid ang sariling luha. “Sana nga, anak.”

“Huwag na po kayong umiyak, Mom.” Hinaplos ko siya sa mukha. “Mahal ko po kayo, at sigurado ako, mahal na mahal ka pa rin po ni Kuya sa kabila ng lahat ng nangyari.”

Tumango siya at muling nagpilit ng ngiti, kahit katiting. Saka ko siya muling niyakap para ipakita kung gaano ko siya kamahal.

“Siya nga pala, anak…”

“Mom?”

“May naghahanap sa ’yo…”

“Po?”

“Nakiusap siya sa dad mo kung puwede siyang sumama sa amin ngayong araw. Gustong-gusto ka raw kasi niyang makita. May dapat daw kayong pag-usapan?”

Ako na mismo ang kumalas mula sa pagkakayakap sa kaniya sa puntong ito. Bahagyang kumunot ang noo ko. “S-Sino?”

Lumingon si Mom sa likuran niya. Hindi kalayuan sa kaniya, may isang babaeng nakatayo. Morena. Maganda. Pamilyar ang mukha. Nang magtagpo ang mga mata namin, dahan-dahan itong naglakad palapit sa amin. Unti-unti, nagbalik ang lahat sa akin.

“Sige, anak. Hayaan ko na muna kayong mag-usap.”

Nginitian ako ni Mom at sa huling pagkakataon ay hinawakan niya ang mga kamay ko bago siya naglakad palayo. Hanggang sa mawala na ang harang sa pagitan ko at ng babaeng huminto sa harapan ko ngayon lang din.

Katulad pa rin siya nang huli ko siyang makita. Malinis kung manamit. Tuwid na tuwid ang buhok. Malakas ang dating. Katulad pa rin siya kung paano ko siya huling…

“Jaxon…”

… iniwan.

“E-Erika?”

Bumilis ang tibok ng puso ko. Parang nawala ang lahat ng tao sa paligid. Buo ang pagkatao ko bago ako pumasok dito. Pero isang puso ang iniwan kong wasak sa labas noon. At ngayon, nagbabalik ito, nasa harapan ko, ang mga mata ay nangungusap, tila humihingi ng isa pang pagkakataon.

Akala ko tapos na kami?

Akala ko tinapos ko na ang lahat noon?

“A-Anong…?”

Nauubusan ako ng salita.

“Jaxon, mahal pa rin kita.”

Hindi ako makagalaw.

“B-Bakit—?”

At naubusan ako ng hininga nang bigla siyang lumapit sa akin at sinunggaban ako ng halik. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at kusang napakuyom ang mga kamao sa pagkabigla. Nanlaki ang mga mata. Sa lahat ng tao, hindi siya ang inaasahan kong magpapakita rito. Sa lahat ng pagkakataon, hindi ngayon. Sa lahat ng lugar, hindi kung saan may bago nang nagmamay-ari sa ’kin.

“Jaxon…” boses sa hindi kalayuan.

Isang lingon mula sa pinagmulan ng boses, bumungad ang pigura ng mag-isang lalakeng nakaharap sa direksyon namin. Hindi matigil sa pagtaas-baba ang dibdib nito. Ang buong mukha ay tila naparalisa. Ang mga labi ay nangangatal. Ang mga mata ay tila nagsisimula nang maluha.

Duke…

Chapter 35

Itinulak ko palayo si Erika. Pero mukhang hindi lang siya ang napalayo sa akin. Bago pa man ako makapagpaliwanag, agad na naglakad paalis ng field si Duke. At kung kailan balak ko itong habulin at kausapin, saka naman ako pinigilan ni Erika.

“Jaxon, sandali.” Hinawakan niya ang kamay ko kaya muli akong natigilan.

Muli ko siyang hinarap. Saglit na tiningnan ang mga mata niyang naguguluhan. Pero ibang tao ang hinahanap ng mga mata ko sa kasalukuyan. At ngayon, hindi ko na ito matagpuan. Nalunod na sa lipon ng mga taong nagkalat sa malawak na field.

“Duke…” usal ko kahit hindi na ako nito marinig. Ngayon lang bumalik sa akin kung gaano kaingay ang mga tao sa paligid.

“Jaxon, please,” pagsusumamo ni Erika. Muli ko siyang pinukulan ng tingin kahit pa nga ibang tao ang laman ng isip ko.

Kasabay ng mabigat na paghinga ay sinabi ko sa kaniya, “Erika, ’di ba tapos na tayo?”

“I know,” wika niya sa malumanay na tono.

Kahit saan ako lumingon, hindi ko na talaga makita si Duke. May halong inis kong binalikan ng tingin si Erika. “Eh, bakit—?” Sabay hawak sa ibabang labi.

“I’m sorry.” Yumuko siya at pinagmasdan ang kamay niyang hindi ko namalayang nakahawak pa rin pala sa isang kamay ko. “Hindi ko lang napigilan ang sarili ko.”

Hinugot ko ang kamay ko mula sa malambot niyang palad. “Erika naman!”

Sa sobrang kawalan ng kontrol sa emosyon ay hindi sinasadyang napataas ang boses ko kaya napakislot ang mga mata niya, tanda ng pagkabigla. At dito na ako nagsimulang makonsensya. Sa ilang taon naming pagsasama, ni kahit minsan ay hindi ko pa siya nataasan ng boses. Lalo pa’t minsan ko rin siyang minahal nang tapat. Nagkataon lang na kinailangan ko kaming tapusin.

“S-Sorry.” Lumunok ako at tinangka siyang lapitan at hawakan sa kamay tulad ng palagi kong ginagawa noon sa kaniya. Pero may kung anong pumigil sa akin. Kaya itinago ko na lang ang mga kamay ko sa likuran. “N-Nabigla lang ako… Erika.”

Ang dami nang nagbago, pero tulad pa rin siya kung paano ko siya huling nakita—punong-puno ng lungkot ang mga mata. At kumikirot ang puso ko kapag nakikita siyang ganito. Naguguluhan ako.

“Alam ko.” Yumuko siya. “Pasensya na kung bigla akong sumulpot.” At sa muling pag-ahon ng mukha niya ay nabunyag ang mga mata niyang nagsisimula nang maluha. “Hindi ko lang kasi matanggap na gano’n gano’n na lang tayo kadaling magtatapos.”

Binasa kong ang mga labi ko. “Erika—”

“Jaxon, bakit ka ba talaga nakipag-break?”

Isang tanong pero sandaang alaala ang nagbalik sa ’kin. Mula sa unang beses na nahulog ako sa kaniya, unang beses na sinuyo ko siya, unang beses na hinalikan, unang beses na nakaisa ang katawan, ang puso, hanggang sa kahuli-hulihan. Paano ko ba makakalimutan? Ako rin mismo ang nagtapos sa ilang taon naming relasyon.

Nanghina ang mga mata ko. “Erika, sinabi ko naman sa ’yo kung bakit… hindi ba?”

“At sinabi ko rin sa ’yo na kaya kitang hintayin sa labas, Jaxon. Para apat na taon lang naman. Hindi naman gano’n katagal ’yon para sa ’kin… para sa ’tin,” hikbi niya.

Alam ko… Noon pa lang, alam ko naman.

“Erika, hindi mo naiintindihan—”

“Jaxon, kaya nga ako nandito kasi hindi ko pa rin maintindihan.” Hinawakan niya ang dibdib niya na para bang naninikip ito. “Bakit mo ako kinailangang iwan? Hindi ba’t sinabi ko naman sa ’yo? Sususportahan kita kahit pa ito ang buhay na pipiliin mo. Kahit pa nga hindi sundalo ang gusto ni Dad na mapangasawa ko. Alam mo naman ’yon, ’di ba? Jaxon, gano’n kita kamahal.”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hawakan siya sa magkabilang braso. “Erika… alam ko naman ’yon… pero…”

“Pero ano?”

Hindi na ako nakasagot. Kusang napabitiw ang mga kamay ko sa kaniya. Tulad kung paano ko inilalayo ang mga ito, gano’n din ang kasagutan na pilit niyang inaalam.

“Pero ano, Jaxon?”

Nadagdagan pa ang mga namumuong luha sa mga mata niya. Hanggang sa hindi ko na namalayang nalulunod na rin pala ako sa kakatitig sa mga ito. At walang nagawa ang mga kamay ko kundi ang mapakuyom dahil sa labis na panghihinayang sa sinayang ko.

Oo. Sinayang ko siya. Kasalanan ko lahat.

“Jaxon, may mali ba sa ’kin? Kung oo, saan ako nagkamali?” patuloy niya. “Kasi kung meron, handa naman akong magbago, eh.”

Lumunok ako at umiwas ng tingin. Dahil kung hindi, baka iba ang umiral sa ’kin. Tama na sa ’kin na naguguluhan ako.

Alam ko sa sarili ko na siya ang nauna. At bago pa man ako pumasok dito, kilala ko ang sarili ko. Pero ngayon, hindi na ako sigurado. Paano pa ako babalik sa dati?

“Handa rin naman kitang hintayin sa labas kahit gaano pa katagal,” sambit niya, bagay na ipinangako rin sa akin ng isa pang tao.

“Erika, hindi puwede…” balik ko sa kaniya.

Lalong sumikip ang pagkakakuyom ng mga kamao ko. Ganoon ang dibdib ko habang nakatitig ako sa mga mata niyang hindi pa rin mahanap sa mga mata ko ang sagot.

“Bakit?” basag niyang boses.

Suminghap ako. Sabay iwas ng tingin.

“Bakit hindi puwede?” muli niyang hikbi. “Hindi naman ako magiging sagabal sa pag-aaral mo rito. Sabi ko nga, ’di ba, susuportahan pa kita… At… At kung sa akin naman, kilala mo naman ako, hindi ba? Kahit nasa malayo pa ako, alam mong hinding-hindi ako maghahanap ng iba. At alam ko rin naman na hinding-hindi ka—”

Lalong dumilim ang paligid nang dumaan ang nagkakapalang mga ulap sa kalangitan. Kasabay nito ay ang pagdilim din ng pag-asa na muli ko pa siyang babalikan. Alam ko na alam niya na ito ang ibig sabihin kung bakit hindi ako makasagot… at kung bakit bigla na lang siyang natigilan.

“Jaxon… may… may iba ka na bang…?”

Sa marahang pagbalik ng tingin ko sa kaniya ay muling nagkonekta ang mga mata namin. Ilang segundo ang ginugol ko bago ko siya sagutin. Hindi ko na rin kasi alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya kahit na dalawa lang naman ang puwede kong sabihin: oo o wala. Pero wala akong ibang nasabi kundi, “Sorry…”

At sa isang salitang binitiwan ko ay tuluyan nang napatulo ang luha sa pisngi niya. Kasabay nito ay ang pagbuhos ng katamtamang ambon, dahilan para magsitakbuhan palayo ang halos lahat ng tao sa field papunta sa kung saan sila puwede makasilong. Habang kaming dalawa ay naiwan at hindi alintana ang ambon. Ang mga mata ay hindi na maialis sa isa’t isa. Lalo na ako sa kaniya.

Pinaiyak ko na naman siya sa ikalawang pagkakataon. Samantalang ipinangako ko sa kaniya noon na hinding-hindi ko siya paiiyakin. Samantalang ipinangako ko sa kaniya noon na siya na ang napili kong makasama sa habambuhay. Samantalang sabay kaming bumuo ng mga pangarap.

“O-Okay lang…” Pinahid niya ang luha niya. “Gusto ko lang namang malaman, eh… S-Salamat nga at sinagot mo. At least, hindi na ako maghihintay sa labas kakaisip kung bakit… at kung kasalanan ko.” Bakas sa boses niya na pinipilit niya lang na maging okay kahit hindi naman talaga. “Sana noon pa lang, sinabi mo na agad, ’no?” Suminghap siya. “Eh, ’di sana, hindi na ako umasa na may pag-asa pa ako sa ’yo… tayo.”

“Erika, sorry…”

“No. Please… Huwag kang mag-sorry.” Pilit niyang nilalabanan ang pagkabasag ng boses. “I didn’t come here for your apology. I came here for a second chance, but what I got was closure. And that’s okay with me.”

’Tang ina. Hindi ko ’to ginusto.

“Kasalanan ko lahat…” malumanay kong tugon. “I’m… I’m really sorry, Erika…”

Ngumiti siya, iyong halatang nasasaktan. “Kakasabi ko lang, eh… huwag kang mag-sorry…” Saka suminghap. “I should be the one saying sorry to you. Sorry if I kissed you earlier. If only I knew that… that you are already… in love with someone else, I wouldn’t have… done that. So, I’m sorry…”

Hindi ko na tuloy siya magawang tingnan sa mga mata. Napupuno na ako ng hiya. Gusto siyang iyakan pero ’di ko magawa.

“I just wanted to know… kailan pa?” maingat niyang tanong.

“After we broke up,” maingat kong sagot.

“I see.” Muli siyang suminghap. “So, you found someone else here? That’s nice.”

“Sorry—”

“Shh.” Mapait siyang napangiti. “Ano ka ba, it’s okay. Actually, I’m happy for you… Maybe, what you actually need is someone who can always be there for you, hindi ba? Lalo pa rito sa loob ng academy. Alam ko naman kung gaano kahirap ang buhay n’yo rito, eh. And I’m sorry I cannot be that person… I can only wish I was. Pero hindi naman tayo pareho ng pangarap. I cannot be a soldier. And you cannot be a lawyer, either. Maybe magkaiba nga talaga tayo. But still, thank you… and goodbye… Jaxon.”

“Erika—”

Bago pa siya mabasag sa paghagulgol ay patakbo siyang naglakad palayo sa akin. Gusto ko siyang habulin. Gusto kong sabihin na mali siya. Na pareho kami ng pangarap. Na tulad niya, gusto ko rin maging isang abogado kahit noon pa. Na may iba pang dahilan kung bakit ko siya hiniwalayan noon. Pero hindi ko magawa.

Napako ako mula sa kinatatayuan ko, ni hindi ko man lang siya magawang lingunin. Bumuhos hindi lamang ang lumalakas na ulan sa buo kong katawan kundi maging ang lubhang pagsisisi. Pagsisisi dahil sa lahat ng nagawa kong pagkakamali sa kaniya. Dahil itinago ko sa kaniya ang totoo. Noon, wala naman talaga akong balak na hiwalayan siya. Sa kaniya ko nakikita ang kinabukasan ko. Pero dahil sa nangyari kay Kuya, biglang nagkaroon ng pagbabago sa mga plano ko.

Ayoko siyang madamay sa gulo na balak kong pasukin. Ayoko siyang masaktan. Ayoko siyang maging kahinaan ko. At kung sakali mang magiging maayos din ang lahat balang araw, saka ko lang balak sabihin ang lahat sa kaniya. At kung magkataon man na ako pa rin ang itinitibok ng puso niya… saka ako magbabakasakali kung puwede pa.

Pero pati iyon ay mukhang malabo na ring mangyari. Itinulak ko na siya palayo. Dahil maging ako ay hindi na sigurado sa sarili ko. Sa nararamdaman ko para sa kaniya.

May iba nang nagmamay-ari sa puso ko.

“Duke…” bukambibig ko.

Luminga-linga ako sa paligid. Naubos na lahat ng tao sa field, pero hindi ko pa rin mahanap ang isa pang taong nasaktan ko.

“Duke!” Lalong lumakas ang ulan.

Balak ko pa sanang pumunta sa kung saan para hanapin siya kung hindi lang may biglang tumawag sa pangalan ko.

“Jaxon, anak,” si Mom. Pagkalapit sa akin ay agad niya akong isinilong sa ilalim ng dala niyang payong. “Nababasa ka na.”

“Mom.” Bumaling ako sa kaniya.

“Tara doon. Hinahanap ka na ng dad mo.”

“Opo, Mom.” Kinuha ko ang payong mula sa kaniya para hindi na siya mahirapan sa tangkad ko at hinawakan siya sa balikat.

Bago namin tunguhin ang grandstand ay pinilit kong kolektahin ang sarili ko. Kahit apektado sa mga nangyari ngayon lang, pinigilan ko ang pagbuhos ng emosyon ko. Ni hindi man lang ako nagkaroon ng sapat na oras para maproseso ang mga nangyari.

Sa lilim ng grandstand, nadatnan namin si Dad na naglalakad palapit sa amin sa gilid ng stage. Mukhang tapos na ang interview dahil nagliligpit na rin ng mga gamit ang crew ng TV station. Habang ang senador naman ay nakikipagkamay na sa reporter.

Bawat pagpatak ng tubig mula sa tiniklop kong payong sa kanang kamay ko ay parang nakikipagsabayan ang tibok ng puso ko.

“Jaxon…” Huminto si Dad sa harapan ko.

“D-Dad…” Itinuwid ko ang postura ko at bahagyang ibinaba ang tingin sa takot.

Hinawakan naman ni Mom ang kaliwang braso ko kaya kahit papaano ay nabawasan ang takot ko. Pero panay lunok pa rin ako.

Maya-maya pa ay hinawakan ni Dad ang balikat ko at pinunas ang palad niya sa mga mumunting butil ng ulan na pumatak dito. “This uniform really suits you well…”

Hindi ko alam kung dapat ba akong ngumiti, pero pinilit ko pa ring gawin. “T-Thank you, Dad—” Lunok. “General.”

“I’m so proud of our son,” singit ni Mom.

Nahinto ang kamay ni Dad sa pagpunas at unti-unti itong bumigat sa balikat ko. Saglit siyang bumaling kay Mom. Sunod sa akin. Halos matunaw ako sa seryoso niyang tingin. “What is there to be proud of? It’s not like our son—our only son—has already graduated from this academy.”

Inaasahan ko nang ito ang sasabihin niya, pero sa hindi maipaliwanag ay parang nadurog ako. Bukod sa pakiramdam ko ay kulang pa rin ang lahat ng nagawa ko, parang sinasabi niya rin na wala na siyang ibang anak. Gano’n lang ba kadali ang lahat para sa kaniya? Na makalimutan na minsan ay mayroon din siyang panganay na anak na nakatuntong dito sa stage, kaharap niya, at sinasabihan niya ng parehong bagay?

“Don’t worry, Dad,” nanginginig kong tugon, “I-I promise… I’ll make you proud.”

Nang dahil sa sinabi ko ay gumaan na ang pagkakapatong ng kamay niya sa balikat ko. “Well, you should.” Saka ito muling pinunasan. “I expect a lot from you.”

Tumango ako. “Y-Yes, Dad…”

Nawala nga ang bigat ng kamay niya sa balikat ko pero ramdam ko pa rin ang bigat ng pasanin na iniwan niya sa akin.

“By the way, where’s Erika?” pag-iba niya sa usapan. “Have you two already met?”

Bigla akong nablangko sa tanong niya.

“Nagkabalikan na ba kayong dalawa?”

At mas lalong hindi ako nakasagot.

“Um…” Paano ko ba sasabihin sa kaniya ang lahat? Na hindi na mangyayari iyon dahil iba na ang anak na kaharap niya ngayon? Na may iba na akong mahal? Na ang mahal ko ay hindi ang inaasahan niya?

Kahit saang anggulo tingnan, alam kong hindi niya matatanggap kung sasabihin ko sa kaniya ang totoo. Masisira ang lahat. Higit sa lahat, itatakwil niya ako bilang anak. Mawawalan ako ng pamilya.

“Uh, honey, umalis lang saglit… mag… gagamit lang daw ng banyo,” biglang singit ni Mom. Bahagyang humigpit ang pagkakahawak nito sa braso ko. “Pero babalik din daw agad. That’s why…”

Mukhang nakita nito ang nangyari kanina. At mukhang pinagtatakpan ako nito.

“I see…” baling ni Dad kay Mom. “But ang lakas na ng ulan. Honey, why don’t you go to Erika para sunduin siya?” Kinuha ni Dad ang payong mula sa kamay ko at iniabot iyon kay Mom. “Bring her to Jaxon.”

Sandaling sumulyap si Mom sa akin, na para bang nakikimatyag kung dapat niya nga iyong gawin. Hindi na lang ako kumibo dahil hindi ko rin naman alam kung anong gagawin. O mas mainam sigurong sabihin na wala naman talaga akong magagawa.

Lahat ng gusto ni Dad ay sinusunod namin.

“Y-Yes, honey…” Nang marahang bumitiw sa akin si Mom ay parang nabawasan ako ng paghuhugutan ng lakas. Bago ito bumaba ng grandstand ay may halong pag-aalala pa nga nito kaming sinundan ng tingin. Hanggang sa tuluyang makalayo.

Ngayon ay naiwan ako kasama si Dad.

“Jaxon…” muli niyang panimula. “I don’t know what happened between you and Erika, pero ito ang dapat mong tandaan…” Inayos niya ang kuwelyo ko kahit na hindi naman ito magulo. “A man can have all the glory and honor in this world. But what is a man without a woman?” At nang matigil ay saka ako muling hinawakan sa balikat. “Sooner or later, pagka-graduate mo rito sa academy, you will have to marry, have your own children, your own family. And you can only do all of that with a woman.”

Ang dami kong gustong sabihin na hindi ko masabi. Ang dami kong gustong ipaglaban pero hindi ko magawa.

“Hindi ka naman ipinanganak na mali, hindi ba?” dugtong pa niya.

Mali nga ba na may nararamdaman ako para sa kapwa ko lalake? Kay Duke?

“Hindi ka naman katulad ng kuya mo.”

Hindi ko na alam. Gulong-gulo na ako.

Gayunpaman, sumagot ako. “No, General.”

Kahit hindi sigurado, iniahon ko ang mukha ko at matapang siyang hinarap. Kahit puno ng pag-aalala, sinikap kong ipakita sa kaniya ang gusto niyang makita—isang anak na puwede niyang maipagmalaki, buong-buo ang pagkatao, puno ng determinasyon at prinsipyo.

Hindi ko na talaga alam.

“Come here, son.”

Lumipat ang kamay niya sa likod ko at saka ako niyakap. Kung anong higpit ng yakap ni Mom sa akin kanina ay siya namang gaan ng kaniya. Na sa sobrang gaan ay parang wala akong maramdaman.

Para lang akong dahon na tinatangay ng hangin. Sunud-sunuran sa kung saang direksyon ako liliparin. Walang sariling kilos. Walang sariling salita. Na minsan ay naiisip ko na nga lang kung sino ba sa amin ni Kuya ang mas masuwerte. Kung siya ba na nakalaya na mula sa hawla? O ako na hanggang ngayon ay nakakulong pa rin?

“General,” boses na nanggaling sa likuran ni Dad. Pag-alis mula sa pagkakayakap sa akin ay nabunyag ang bulto ng senador.

“Senator.” Yumuko si Dad sa senador na ngayon ay nakatitig sa akin at nakangiti. Saka siya tumabi sa akin at ipinakilala ako rito. “By the way, this is my son Jaxon.”

“Sir.” Agad akong sumaludo sa senador.

Ngayong nasa malapitan, kitang-kita ko kung saan hinulma ang mukha ni Duke. Kung hindi nga isang senador, iisipin kong dati itong artista. Pero hindi ba’t karamihan naman ng mga senador sa Pilipinas ay mga dating artista?

“It’s nice to meet you.” Inalok nito ang kamay nito sa akin kaya agad ko ring inabot at kinamayan ito. “Ang puputi talaga ng mga anak mo, ’no?” banggit niya kay Dad. “Sa asawa mo talaga sila nagmana pareho.”

Mga anak? Sila? Alam ba nito na may isa pang anak sina Dad at Mom? Paano?

Nagising ako sa pagkatulala sa mukha nito nang mabawasan ang ngiti nito sa labi at nang bumaba ang tingin nito sa mga kamay naming magkahawak. Saka ko lang napagtanto na hindi ko na pala namalayang humihigpit na pala ang pagkakahawak ko sa kamay nito, kaya agad akong bumitiw.

“I beg to disagree, Senator,” pabirong tugon ni Dad, saka ako lalong idinikit pa sa kaniya. “Sa akin nagmana itong isang ’to. Matapang at may paninindigan.”

Nadagdagang muli ang ngiti sa mukha ng senador. “Sabi ko nga.” Pero kita kong sinusuri ako ng mga mata nito. “But still…”

“Don’t worry, Senator. He’s not like him .”

Inalisan na ako nito ng tingin. “Oh, I’m not worried at all,” anito kay Dad. “I just hope that this year, things are gonna get better. Ayoko na ulit na may mangyaring gano’n.”

Gano’n? Ano ba ang pinag-uusapan nila?

“Anyways, I’m looking for someone, but it seems like he’s nowhere to be found.” Muling bumaling sa akin ang senador. “Iho, have you seen the first-class marcher?”

“Um.” Umiling-iling ako. “H-Hindi po.”

Hinahanap ko nga rin ang hinahanap nito.

“Is that so?” Ngumiti ulit ito. “Too bad, gusto ko pa naman sana siyang makausap.”

Ako rin. Ang dami kong gustong sabihin. “Kanina pa po yata umalis ng field, Sir.”

“Yes, it seems like it.” Lumingon ito sa malawak at bakanteng field. Tuloy-tuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan. Bakas sa mga mata nito ang pag-aalala sa anak ; salita na hindi man lang nito magawang sabihin.

“By the way, your son is graduating this year,” singit ni Dad. “Am I right, Senator?”

“Ah, yes,” balik ng senador kay Dad. Bigla tuloy akong napaisip kung si Duke ba ang tinutukoy nito, pero agad din itong napawi sa mga sumunod nitong sinabi. “He just got out of rehab. I’m not sure if he’s okay yet, but he’ll be back here pretty soon.”

“Congratulations in advance, Senator. Sa ’kin, mukhang ilang taon pa ang hihintayin ko bago pa ako tuluyang magkaroon ng anak na sundalo,” masiglang wika ni Dad.

“Oh, don’t congratulate me yet, General. In fact, I’m more jealous that you have a normal son.” Ngumiti lang si Dad sa sinabi nito, na para bang alam niya kung sino ang tinutukoy ng senador. “If all else fails, I might have to introduce a new son soon.”

Sandaling katahimikan ang nanaig pagkatapos niyon. Kahit si Dad ay hindi na alam ang isasagot sa senador dahil mahirap alamin kung seryoso ba ito o hindi sa likod ng nakaukit nitong ngiti. At kahit ako ay hindi rin alam kung ano ang sasabihin.

Sinundan ko lang ng tingin ang mga mata ng senador na muling dumapo sa malawak na field na ngayon ay basang-basa sa ulan.

Lalong lumalakas ang pagbuhos.

Hindi pa rin mahagilap si Duke.


Gabi na nang tumila ang ulan. Nakauwi na sina Mom at Dad pati na rin si Erika lulan ng sasakyan. Kanina lang, bago sila lumisan, ay muli kaming pinagharap ni Dad ni Erika. Kaya lang, mukhang wala na itong balak pang kausapin ako dahil hindi ako nito kinikibo. Panay lang ito yuko at iwas ng tingin sa akin. Wala rin naman akong mukhang maihaharap sa kaniya.

Samantala, sinulit ko na ang pagkakataon at niyakap ko si Mom nang mahigpit na mahigpit kanina, dahil hindi rin ako sigurado kung kailan ko ulit iyon magagawa. Habang nakatalikod naman siya kay Dad at nakayakap sa ’kin, may mahina siyang ibinulong sa ’kin: “Kapag hindi mo na kaya, puwede kang sumuko, Jaxon. Alalahanin mong nandito lang ako. Hindi ko hahayaan na mawalan pa ulit ng anak.”

At pagkatapos niyon ay agad din siyang tinawag ni Dad para papasukin sa loob ng kotse. Sumunod din naman si Dad matapos magpaalam sa ’kin gamit ang mga salitang, “Make me proud,” at isang tipid na yakap.

Habang umaandar palayo ang kotse ay nilingon pa ako pabalik ni Erika na nakaupo sa may back seat. Malamlam ang mga mata nito. Na para bang parehong nakikita nito ang nakaraan namin at ang kasalukuyan. At sa paglisan nila, alam kong wala na akong babaeng babalikan pa.

Ang gago ko…

Niyakap ko ang sarili ko habang nakahiga sa kama. Tulog na ang tatlo kong kasama sa sobrang pagod dahil sa magdamag na tayuan kanina. Ako na lang itong hindi pa rin pinatatahimik ng multo ng nakaraan.

Kung hindi kami nagkakilala ni Duke, may tsansa kayang hindi ako magiging ganito? Kung hindi iyon nangyari kay Kuya, posible kayang hanggang ngayon ay kami pa rin ni Erika? Sigurado na ba talaga ako kay Duke?

“Duke…” pangalang kanina ko pa sambit.

Kung bakit ko pa itinatanong kung sigurado ako, eh, ngayon pa lang na hindi ko siya nakikita at naririnig ay parang mababaliw na ako. Halos hindi ko na nga maialis ang tingin ko sa suot kong relo.

’Tang ina, Duke, magpakita ka. Miss na kita.

May usapan kami na magkikita kami ngayong hatinggabi sa pusod ng gubat, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya maramdaman. Maiintindihan ko pa sana kung umuulan pa rin. Hindi talaga kami makakapunta roon kung gano’n. Pero hindi, eh. Nagagawa na ngang sumilip ng sinag ng buwan sa bukas na bintana.

Hindi niya man lang ba ako bibigyan ng pagkakataon para magpaliwanag?

Pumatak na lang ang alas-dose ng hatinggabi—oras na dapat ay naroroon na kami sa pusod ng gubat para masilayan ang paglipana ng mga alitaptap—at hindi pa rin siya nagpapakita. Sa pagkainip, bumangon na ako sa kama at sumibat sa barracks.

Lalong kumapit ang lamig hindi lamang sa anit kundi maging sa buo kong katawan nang tahimik kong tinahak ang hagdan sa bawat palapag. Pagkarating sa ikaapat, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad na tinungo ang isang barracks sa pinakadulo. Sarado ang pinto nang madatnan ko iyon. Sinubukan kong kumatok, tawagin ang pangalan niya nang mahina, pero hindi siya sumasagot. Hindi rin niya ako pinagbubuksan ng pinto.

Naghintay ako ng ilang segundo. Hanggang sa ang segundo ay naging minuto. Naging oras. Naghintay ako, kahit gaano katagal.

Naghintay lang pala ako sa wala.


Ang sabi ko sa sarili ko kagabi, baka napagod lang si Duke at nakatulog kaya hindi niya ako narinig na kumakatok at tumatawag sa kaniya kagabi, kaya nakalimutan niya na may usapan kaming pagkikita. Pero napatunayan kong hindi iyon ang kaso nang kinabukasan ay hindi ulit siya nagparamdam sa akin.

Gayunpaman, naghintay pa rin ako.

Ang segundo ay naging minuto.

Ang minuto ay naging oras.

Ang oras ay naging araw.

Buong araw akong naghintay, pero hindi pa rin siya nagpakita. Nagsisimula na akong mag-isip ng kung anu-ano. Na baka ay bigla na lang siyang nagising isang araw at naisip na mali ang ginagawa namin.

Kahit naman naguguluhan ako, alam kong may nararamdaman ako para sa kaniya. At kahit alam kong mali ang nangyayari sa amin, paulit-ulit ko iyong hinahanap. Dahil alam kong higit pa roon ang meron kami.

Ang araw ay naging gabi.


Dalawang gabi na akong walang matinong tulog kakahintay na magparamdam si Duke, na dumalaw siya sa barracks namin at yayain akong samahan siya sa gubat, na sumagot siya at pagbuksan ako ng pinto tuwing tinatawag ko ang pangalan niya dahil alam niyang hindi dapat ako nakikita sa ikaapat na palapag, pero wala talaga…

Wala lang ba ako sa kaniya?

Bakit niya ba ginagawa sa ’kin ’to?

Madali lang naman sanang pag-usapan ang nangyari, eh. Hindi ko iyon ginusto. Wala na rin akong balak na balikan si Erika. Pero paano ko masasabi ang lahat ng ’yon kung hindi niya ako bibigyan ng pagkakataon?

Isang pagkakataon lang naman sana.

’Tang ina, Duke. Magpakita ka na.

Nitong ikatlong gabi, matiyaga pa rin akong naghintay kahit alam kong malabo nang magpakita ang taong hinahanap ko. Bukod sa malimit kaming pumunta sa gubat tuwing Linggo dahil may training kinabuksan ay malakas din ang buhos ng ulan na may kasama pa ngang pagkulog.

Mahimbing nang natutulog ang tatlo kong kasama. Gusto ko man silang sabayan sa paghilik ay hindi ko magawang patulugin ang diwa ko kahit pa nga ipikit ang mga mata. Ang hirap ng ganito. Punong-puno na ako ng pangungulila. Kay Mom. Kay Kuya. At paulit-ulit ding nagbabalik sa akin ang nasabi ko kay Erika. Pero mas higit na nangingibabaw sa ’kin ang nakita ni Duke.

Alam kong nasaktan siya sa nakita niya. Pero kailangan niya rin ba akong saktan? Kasi, ’tang ina, nasasaktan ako sa ginagawa niya. Parang bigla na lang niya akong sinukuan nang gano’n gano’n na lang. Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa ’min.

Pinisil ko ang braso ko. Kanina pa ako nag-iisip kung dapat ko ba ulit siyang puntahan sa barracks niya o kung dapat ko na bang tigilan ’to dahil baka mauwi na naman ulit ang lahat sa wala. Dapat nga ngayon ay nagpapahinga na ako dahil simula bukas ay magsisimula na ang official training namin. Nakakapanghina.

Limang minuto na lang at mag-a-alas-dose na ng hatinggabi. Hintayin ko pa ba? O dapat ko na ba siyang puntahan? O dapat ko na lang itulog ’to? Sigurado akong bukas ay makikita ko rin naman siya sa training.

’Tang ina, Duke. Magpaki—

Parang nabitiwan ko ang puso ko nang biglang lumangitngit ang pinto ng barracks namin. Gumuhit ang ngiti sa labi ko at agad akong bumangon sa kama sa pag-aakalang dumating na ang hinahanap ko. Sambay sambit sa pangalang, “Duke.”

Una ay ang tunog ng kulog. Sumunod ay ang pagkislap ng kidlat sa kalangitan na tumagos sa nakasarang bintana sa kabilang dulo. At ang paglapat ng puting liwanag sa lalaking nakatayo sa bukas na pintuan.

“Gising!” si Estrada. “Gumising kayo!”

Mula sa labi ay lumipat ang guhit sa noo ko. Anong ginagawa ni Estrada rito? Sa ganitong oras ng gabi? At bakit siya—?

“Gising, bilisan n’yo!” may bakas ng takot sa boses nito. Naglakad ito papasok sa loob at niyugyog ang kabilang bunk bed. “Gumising kayo, Alcantara, Rosales!”

May isa pang lalakeng pumasok sa loob, nakasuot din ng ACU tulad ni Estrada—si Corpuz. Hinawakan nito ang bunk bed namin at marahas na niyugyog din. “Durat, gising!” Saka tumingala sa akin. “Esco—!” At nang makitang gising na ako ay sinabi nito, “Ano pang hinihintay mo, Escobar?” nang may halong pakiusap. “Baba ka na.”

Tumigil ang pagyugyog at agad din akong bumaba sa kama kahit may pag-aalangan.

“Sir, a-anong meron?” tanong ni Mark kay Estrada habang nakikimatyag pa sa paligid.

Agad namang bumaba si Harry na mukhang naalimpungatan pa nga.

“Huwag nang maraming tanong!” sagot ni Estrada, sabay tingin sa kasama. “Corpuz.”

“Gising na si Durat,” ani Corpuz.

“Good,” hingal na wika ni Estrada. Sunod siyang bumaling sa aming apat. “Rosales, Durat, Alcantara, Escobar, outside. Now.”

Pamilyar ang tagpo, pero naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari. “Sir, anong—?”

“Corpuz, lead the way.”

“Yes, Sir.”

Naunang lumabas ng barracks si Corpuz, na agad din namang sinundan ni Joseph na mukhang hindi pa nga lubusang gising ang diwa. Sumunod si Mark na nagpupunas pa ng bibig. Saka si Harry na nanginginig ang mga binti sa takot. At ako na gusto siyang lapitan at sabihan na ayos lang ang lahat. Pero kahit ako ay may nararamdamang kakaiba na hindi ko maipaliwanag. Kanina lang ay nababalot ako ng lungkot, pero ngayon ay labis na kaba… Ang malakas na buhos ng ulan. Ang bawat pagkulog at pagkidlat. Ang kakaibang kinikilos ng dalawang buddies na gumagabay sa amin.

“Sir, a-anong nangyayari?” mahinang tanong ko sa lalakeng nakabuntot sa ’kin.

Lumunok naman si Estrada. “Basta, sumunod na lang kayo para walang gulo.”

May mali… Parang may mali. Nangyari na ’to dati. Hindi. Mukhang iba ’tong ngayon.

Itinuon ko muna ang tingin ko sa harapan. Paisa-isa, lumabas na ang mga kasama ko. At nang ako naman ang makalabas, sandali akong natigilan sa bumungad sa akin. May tatlong lalakeng nakatayo sa harap ng pader ng barracks namin at ng kabilang barracks. Tiningnan ako ng dalawang lalake sa kaliwa at sa kanan, saka nginisian, na para bang sinasabing humanda ako. Pero hindi sila ang umagaw sa pansin ko kundi ang matangkad na lalake sa gitna.

“Duke…” ngiti ko, pero hindi ako nito pinansin. Malamig lang itong nakatitig sa kabilang dulo ng pasilyo. Na parang walang itong narinig. Na parang wala itong nakita.

“Bilisan mo,” ani Estrada sa likuran ko.

Unti-unti kong nabitiwan ang ngiti sa labi ko. Naglalakad papunta sa tabi ni Harry, sinundan ko pa rin ng tingin si Duke. Pero kahit anong titig ko sa mga mata nito ay hindi pa rin ako nito magawang tingnan.

Sandali ko munang isinantabi ang lahat ng tanong ko sa kaniya dahil isang tanong ang pinaka mas nangibabaw sa akin sa puntong ito. Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit kami nagtitipon dito sa mahabang pasilyo?

Pamilyar talaga ang tagpo. Minsan na rin kaming nagtipon dito. At tulad ng dati, heto kami at mukhang walang ideya kung bakit kami nandito. Mga nakasuot pa nga ng pantulog. At may mga bantay sa tabi.

“Estrada,” bulong ko sa katabi ko.

“Huwag muna ngayon, Escobar.”

Batid niya yatang hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko nakukuha ang sagot.

“Initiation Night?” mahinang tanong ko.

“Hindi,” kinakabahang sagot niya naman.

Pinagmasdan ko ang paligid. Hindi tulad noon ay paminsan-minsan kong nakikita ang mukha ng bawat kadete sa pasilyo dahil sa pagkislap-kislap ng kidlat na kumakalat sa kahabaan nito. Hindi na mapakali ang mga kasama ko, gano’n din ang iba pang mga nakahilerang kadete hanggang dulo ng pasilyo. Panay linga sa kung saan-saan, lalo na sa bukana nito. Na para bang may magpapakita roon, kahit pa nga nandito ang kinikilalang hari sa kabila.

“Anong meron?” tanong ko kasabay ng tunog ng kulog para hindi marinig ng iba.

Lumunok si Estrada. “N-Nagbalik na siya.”

Kumunot ang noo ko. “Sino?”

Bago pa muling bumuka ang bibig niya ay natigilan siya nang magsalita si Morales na halos katabi niya lang din pero nakaharap sa direksyon namin. “Monsur,” anito sa isa pang kasama habang nakatitig sa relo.

Tumango naman si Monsur. “Mm.”

Nahuli kong lumunok si Duke habang nakatitig sa kabilang dulo ng pasilyo. Bagama’t tuwid na tuwid ang mukha ay tila hindi mapakali ang mga mata at labi nito. Panay kasi sa pagkislot ang mga iyon.

“Attention, cadets!” umalingawngaw ang sigaw ni Monsur hanggang dulo ng pasilyo.

Wala anupaman, tumuwid ang postura ng lahat ng mga bantay na upperclassman sa tabi ng mga plebong nakahilera sa magkakatapat na mga barracks. Na agad din namang ginaya ng mga plebo. Na agad ko rin namang ginaya. At mula sa kanina ay bahagyang tahimik nang pasilyo, animo’y nalagutan na ng hininga ang lahat ng mga kadete dahil walang kahit sino ang nagtatangkang gumawa ng ingay o kahit kaunting kaluskos sa sahig. Nakatapat na ang mga ilaw ng mga hawak na tactical flashlights ng mga bantay sa ceiling.

“Sino?” ulit ko kay Estrada na ngayon ay mukhang nakalimutan na ring huminga.

Una ay ang tunog ng kulog. Sumunod ay ang pagkislap ng kidlat sa kalangitan na tumama sa bukana, sa kabilang dulo ng pasilyo, at ang paglapat ng mahabang anino sa sahig na umabot hanggang sa amin. Sinilip ko ang pinagmumulan niyon. Sa may bukana, may nakatayo. May suot na kapote. May hawak na tali sa kamay. Tali na kumokonekta sa pigura ng tila isang aso.

Kasabay ng isang pamilyar na sipol ay marahan itong naglakad sa pasilyo kasama ang mabangis na hayop na nasa tabi nito. Bawat hakbang ay may kasamang bigat. Walang makagalaw. Walang makatingin nang diretso. Walang makahinga. Sa isang iglap, napuno ng takot ang buong pasilyo.

Sa hindi maipaliwanag, umakyat ang lamig mula sa sahig papunta sa talampakan ko at kumalat sa buo kong katawan. Nagsitayuan ang mga balahibo ko. Biglang nanikip ang dibdib. Hindi ako makagalaw. Kahit pilitin ko, hindi ko rin maialis ang tingin ko rito.

Kumulog.

Kumidlat.

Hanggang sa mabunyag kung sino ito.

“Si King…” huli na nang ibulong ni Estrada.

At huli na rin nang maalala ko ang kasunduan namin ni Duke noon:

Ligtas lamang ako ng isang buwan…

Mukhang dito na nagtatapos iyon.


Return to top?

Part of a series

Next Door

Part 3 of 3