Single Dad Series
KingBL14 · 9 chapters · 8,164 words
Note
Mga maiiksing kuwento tungkol sa mga single dad na nahuhulog at natututong magmahal ng kapwa lalaki.
Puro preview lang po ang ipo-post ko rito, at gaya ng story na Paper Planes ay sa YT ko pa rin po ipo-post ang buong kuwento. Kaya sana po ay makapag-subscribe din kayo sa ating channel. Nasa profile ko po ang link, at iiwan ko rin sa comment section.
M2M/BXB/BL po ang story na ito. Kung hindi niyo po tipo ang ganitong mga kuwento ay magahanap na lang po kayo ng ibang mababasa.
Maraming salamat po!
luvlots,
The Seaman - Part I
The Seaman – Part I
Marky Santos’ POV
“Kailan po uuwi si Daddy?” tanong sa akin ng batang si Andrei habang kumakain kami ng agahan.
"Malapit na. Basta huwag maging pasaway, uuwi na rin ang dad mo," mababa naman ang boses na sagot ko.
"Mabait naman po ako, pero ang tagal po niya umuwi," sabi niya tapos ay napanguso pa.
Napangiti na lang ako kasi sobrang cute niya. Kamukhang kamukha niya si Andrew, ang tatay niya na bayaw ko naman. Isa kasi itong seaman, at madalas talaga kung matagal siya mawala. Ako si Marky Santos. 25 years old na ako at kasalukyang nagtatrabaho bilang isang team leader sa isang call center company.
Ang batang kausap ko naman ay si Andrei Serrano. Pitong taong gulang at anak siya ng ate ko na si Alice na pumanaw nang isilang si Andrei, at ng bayaw ko na si Andrew.
Kung hindi ako nagkakamali ay lumaki si Andrew sa bahay ampunan, kaya naman wala siyang kinalakihang pamilya. Nang nasa tamang edad na siya ay umalis na siya sa ampunan at nagsimulang suportahan ang sarili. Nakilala niya si ate noong college sila, hanggang sa nabuo nga nila si Andrei.
Nakakalungkot lang kasi hindi man lang sila naikasal, iyon sana ang balak nila at nag-iipon lang, ang kaso ay ang aga naman siyang kinuha sa amin. Hindi naman kami nagdalawang isip ni mama na tulungan si Andrew sa pag-aalaga sa bata lalo na kung kailangan nitong sumampa sa barko. After all, kadugo pa rin naman namin ang bata.
"Bakit ka malungkot, ayaw mo na bang si dada at mama lola ang nag-aalaga sayo?" nakangiting tanong ko naman sa bata, nakita ko kung paano siya napangiti dahil doon.
"Gusto po! Pero gusto ko rin po kasama si daddy!" maligayang sagot naman niya.
Wala na rin si tatay. High school pa lang ako nang pumanaw siya dahil sa sakit na lung cancer. Ganun pa man ay napatapos pa rin kami ni mama sa kolehiyo dahil sa pakikipaglabada. Nakita ko ang mga sakripisyo sa amin ni mama, kaya naman ngayon ay pinipilit ko na bumawi sa kanya. Binibilhan ko siya madalas ng mga bagay na gusto niya, at pinatigil na rin sa pakikipaglabada.
"Anak, ako na ang maghahatid kay Andrei sa eskuwela. Alam ko naman na puyat ka galing trabaho. Magpahinga ka na pagkatapos kumain ng agahan," sabi ni mama na nilapitan kami sa hapag.
"Salamat po, ma," sabi ko tapos ay muling ngumiti kay Andrei.
Mahal ko ang bata, iyon ang totoo. Sa amin na kasi siya lumaki. Kaya naman minsan, hindi ko maiwasang isipin na paano kung dumating ang araw na mag-asawa ulit si Andrew at bumukod na sila? Tiyak ako na sobra kaming maninibago ni mama kapag nangyari iyon.
Bata pa si bayaw, kung hindi ako nagkakamali ay 32 years old pa lang siya. Tapos ay guwapo pa siya. Moreno, matangkad at may magandang katawan na siguro ay nahulma na rin dahil sa bigat ng trabaho sa barko. Kaya naman hindi na ako magtataka kung isang araw ay mag-asawa siya ulit, lalo na alam ko rin naman na gusto ng tao na tumanda na may mag-aalaga sa kanya. May isang beses na rin naming napag-usapan ni mama iyon, at pareho lang na okay sa amin.
"Mag-iingat po kayo," sabi ko nang paalis na sina mama at Andrei. Bahagya pa akong lumuhod at hinalikan sa noo ang bata. "Magpakabait ka sa school. Huwag makikipag-away sa classmates at makikinig lagi kay teacher okay?" sabi ko pa kaya nakangiti siyang tumango.
"Opo dada!" sagot naman niya tapos ay mahigpit pang yumakap sa akin kaya natawa na lang ako.
Sobrang lambing din ng batang si Andrei. Masasabi ko na sobrang talino nito sa edad na pito. Madalas nga ay para na siyang matanda kung mag-isip. Nang maka-alis na sila ay nagpasya ako na linisan na ang mga pinagkainan para hindi na makadagdag pa sa mga trabahong bahay na alam kong gagawin ni mama pagkauwi nila mamayang tanghali.
Nang matapos ay kinandado ko na ang pinto ng bahay bago naglakad papasok sa kuwarto ko para makapagpahinga na. May sariling susi naman si mama at makakapasok pa rin kung sakaling tulog pa ako mamayang pagkauwi nila. Nang makahiga na sa kama ko ay nag-browse muna ako sa social media.
Habang nasa newsfeed ay bahagya akong natigilan nang makita ang mga posted pictures kung saan naka-tag ang bayaw ko. Tinignan ko isa-isa ang mga iyon at kumunot ang noo ko nang mapansin na isa sa mga pictures ay may kasama siyang maganda at sexy na babae. Nakalingkis pa kasi ito sa matipunong braso ng bayaw ko na parang isang tuko habang nasa bar sila.
Hindi ko maintindihan kung bakit, pero kahit pa alam ko naman na darating ang araw na may makikilala ulit siya na papalit kay ate sa buhay niya, ay parang nakaka-bitter pa rin ang ideyang iyon. Pero teka, ang akala ko ba nasa barko siya? Day off ba nila dito o ano? Hindi ko alam kasi wala naman akong ideya sa trabahong seaman.
Kahit pa naiinis ako sa picture ay pinusuan ko pa rin iyon, at nagpasya na matulog na. Dala ng puyat mula sa panggabing trabaho ay nakatulog naman ako agad. Nagising lang ako ulit nang maramdaman na parang maiihi ako. Bago ako lumabas sa kuwarto ko ay tumingin muna ako sa wall clock at napansin na alas diez pa lang ng umaga.
Ibig sabihin ay nasa school pa rin sina mama at Andrei. Pagkalabas ko sa kuwarto ay bahagya akong natigilan nang marinig ang lagaslas ng tubig sa banyo gayong ang alam ko ay mag-isa lang ako sa bahay. Nakalimutan ko bang isara ang gripo bago ako matulog? Hindi ko alam.
Inaantok pa rin ako nang itulak pabukas ang pinto. At halos lumuwa naman ang mga mata ko nang makita ang hubo't hubad ng bayaw ko na naliligo sa banyo.
"Sorry!" agad na sabi ko tapos ay mabilis na sinara ang pinto.
Napahawak pa ako sa may parteng puso ng dibdib ko dala ng labis na kaba na nararamdaman. Bakit hindi siya nagsabi na ngayon pala ang uwi niya? Hindi ko alam, pero hindi na iyon mahalaga. Alam ko na matutuwa si Andrei pagkauwi niya kapag nakita niya ang daddy niya.
Bukod pa ro'n, pakiramdam ko ay namumula ang buong mukha ko sa ideya na nakita ko ang kahubdan ni bayaw. Hindi naman kasi lihim sa lahat na may malambot akong puso, sana lang ay hindi siya mag-isip ng kung ano dahil lang sa nangyari.
Note:
Hello po! Sana po ang makapag-subscribe din kayo sa YT Channel natin. Just search for King BL Stories or @blstoriesPH. Nasa profile ko rin po ang link at sa comment section. Uploaded/Posted na po ang complete story ng
Paper Planes
sa YT. Sana po ay masuportahan niyo rin ang YT channel natin, maraming salamat po!
luvlots,
The Seaman - Part II
The Seaman – Part II
“Pasensiya ka na bayaw. Hindi na kita ginising kanina kasi mukhang puyat ka. Alam ko naman na panggabi ang trabaho mo,” sabi ni bayaw na ngayon ay nakaupo sa sofa namin sa sala, nasa gilid din ng sofa na inuupuan niya ang kanyang maleta.
"Bakit hindi ka nagsabi agad na ngayon ang uwi mo? Sana ay nakapaghanda man lang kami ni mama," sabi ko naman tapos ay nilapag ang isang pitchel ng juice sa lamisita.
"Biglaan din kasi ang uwi namin bayaw, tapos nagka-ayaan pa ang mga kasama ko kagabi na mag-bar muna sa maynila," sagot niya kaya tumango naman ako.
"Nakita ko nga ang mga pictures niyo," sabi ko na ang tinutukoy ay ang mga pictures na tinignan ko kanina bago ako matulog. "In fairness, ang ganda nung girlfriend mo," sabi ko at pilit pang ngumiti. Nakita ko naman kung paano kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.
"Wala akong girlfriend," sagot naman niya.
"Sus, okay lang naman sa amin ni mama kung meron na. Atsaka pitong taon na rin namang wala si ate, at alam namin na kailangan mo ng tao na mag-aalaga sayo pagdating ng araw," wika ko naman.
"Baka si Anna iyong tinutukoy mo, iyong nakalingkis sa braso ko. Hindi ko siyota iyon. Aaminin ko na nagamit ko na siya, pero iyon lang iyon. Alam mo naman na lalaki ako, at gaya nang sinabi mo pitong taon na rin wala ang ate mo. Nakakasawa rin gumamit ng palad," sabi naman niya at mahina pang natawa.
Hindi ko maintindihan kung bakit para akong nag-init sa narinig, pero sa huli ay pilit na lang akong tumango at nagpasya na iwaksi sa isipan ang kakaibang nararamdaman. Alam ko kasi na hindi tama dahil nga bayaw ko siya, asawa siya ng ate ko, at ama siya ng pamangkin ko.
"Lagi nga palang tinatanong ni Andrei kung kailan ka uuwi. Mabuti at nandito ka na, para na akong mauubusan ng dahilan sa bata," may halong pagbibiro na wika ko naman.
"Hindi ko na nga alam kung paano ko pa kayo mapapasalamatan ni mama sa lahat ng tulong niyo sa amin ng anak ko," sabi naman niya na siyang nagpangiti sa amin.
"Sus, huwag mong isipin iyon. Huwag ka ring magsalita na parang ibang tao ka. Pamilya na tayo!" sabi ko naman. "Kailan ka nga pala ulit sasampa sa barko?" tanong ko pa.
"Balak ko sanang magpahinga muna kahit anim na buwan o hanggang isang taon lang. Naisip ko rin kasi na madalas, isang buwan ko lang nakakasama si Andrei sa loob ng isang taon. Gusto ko na bumawi sa kanya, may sapat na ipon na rin naman ako na puwedeng gamitin pangnegosyo para kahit na papaano ay may pagkukuhanan sa mga gastusin dito sa bahay," paliwanag niya.
Para akong na-excite sa ideya na dito pa rin sila titira. Ang akala ko kasi talaga ay may balak na siyang bumukod kasama si Andrei.
"Lilinisin ko ang kuwarto kung ganun, tatabi na muna ako kay mama," nakangiting sabi ko.
Dalawa lang kasi ang kuwarto sa bahay. Dati ay magkasama sina mama at ate sa kuwarto, nang magsama naman sina ate at bayaw noon ay sa sala na ako natutulog. Ngayon ay ako ang may gamit ng kuwarto na sa kanila ni ate dati, kaya alam ko na dapat lang na ibigay ko iyon ulit sa kanya.
"Huwag na bayaw, para hindi mo na rin ilipat ang mga gamit mo. Puwede naman akong bumili ng maliit na kama na mailalapag sa kuwarto. Iyon ay kung ayos lang sayo na makasama ako sa kuwarto," sabi niya, parang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa narinig. Pilit naman akong ngumiti bago tumango.
"Wala namang kaso sa akin, ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Alam mo naman na..." hindi ko matuloy ang sunod kong sasabihin.
"Na iba ang seksuwalidad mo?" pagtuloy niya sa sasabihin ko kaya tumango na lang ako. "Wala namang kaso iyon sa akin. Atsaka pagsasamantalahan mo ba ako?" dagdag ay may halong pagbibiro na tanong pa niya kaya natawa ako.
"Hindi kita type, bayaw!" natatawang sagot ko na lang.
Pero ang totoo ay matagal ko na talaga siyang crush. Kahit na noong boyfriend pa lang siya ni ate ay iba na ang dating niya sa akin. Aaminin ko na may mga gabi nga noon na napanaginipan ko na pinagsasaluhan namin ang mga gabi. Alam ko na mali, kaya pilit ko iyong iwinaksi sa isip ko. At nakakatuwa naman kasi hindi ako nakagawa ng bagay na alam kong pagsisisihan namin.
"Ikaw na lang siguro ang maghintay sa kanila bayaw. Mga bandang alas onse o alas dose ay uuwi na rin naman ang mga iyon. Inaantok na kasi ako ulit, at may trabaho pa ako mamayang gabi," sabi ko at tumayo na.
"Ayos lang ba kung tatabihan kita?" gulat na gulat ako at agad na natigilan dahil sa tanong niya. Mukhang napansin niya ang naging reaksiyon ko kaya mahina siyang natawa. "Pagod din kasi ako sa biyahe at inaantok. Gusto kong magpahinga muna rin sana," sabi naman niya kaya agad akong tumango.
"Kung ganun, magpapahinga na muna ako sa kuwarto ni mama para makapagpahinga ka ng maayos," sabi ko naman.
Mukhang magsasalita pa sana siya pero hindi na niya nagawa kasi nagmamadali na akong naglakad papasok sa kuwarto ni mama. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, at sobra din akong nahihiya sa naging reaksiyon ko. Alam ko napansin niya iyon dahil sa naging pagtawa niya. Nakakahiya tuloy dahil baka isipin niya na may pagnanasa ako sa kanya. I mean, toto naman iyon, pero hindi naman ako tanga para sabihin at aminin iyon sa kanya.
Note:
Hello po! Uploaded na po ang Part 1-5 ng story na ito sa YT. Sana po ang makapag-subscribe din kayo sa YT Channel natin. Just search for King BL Stories or @blstoriesPH. Nasa profile ko rin po ang link at sa comment section. Uploaded/Posted na rin po ang complete story ng
Paper Planes
sa YT. Sana po ay masuportahan niyo rin ang YT channel natin, maraming salamat po!
luvlots,
The Seaman - Part III
The Seaman – Part III
Mabilis na lumipas ang mga araw, at gaya nang sinabi ni bayaw ay bumawi siya sa anak niya. Hindi lang kay Andrei sa totoo lang, maging sa amin ni mama. Nariyan ang aayain niya kaming kumain sa labas, pumasyal at bibilhan ng kung ano ano. Napagpasyahan din namin na magsama na lang sa kuwarto, at gaya rin nang sinabi niya ay bumili siya ng isang foam na inilapag niya sa baba para matulugan.
"Ayaw mo bang tabihan si daddy dito anak? Miss na kita katabi matulog," sabi ni bayaw kay Andrei, bahagyang napanguso ang bata dahil doon.
Kung hindi ko pa kasi nababanggit ay hindi nakakatulog si Andrei na hindi si mama ang katabi niya. Nasanay siya na yakap ito, at nakasanayan din niya na hinahaplos haplos ang buhok ng lola niya para makatulog siya. Ito ata ang bagay na nakuha niya sa akin, ang kuwento kasi ni mama ay gano'n din daw ako noong bata pa ako. Hinahayaan lang namin kasi alam naman namin na mawawala rin ang ganung nakasanayan sa pagtanda niya.
"Hindi naman siya nakakatulog na hindi yakap ang lola niya," nakangiting sabi ko.
Alas nueve na ng gabi, at kauuwi lang namin mula sa bayan. Gaya kasi nang mga nakalipas na araw ay naglibre si bayaw at kumain kami sa isang kabubukas lang na restaurant sa bayan. Araw ng sabado ngayon ay day off ko, kaya naman nakasama ako sa kanila kanina.
"Daddy matutulog ka na po? Play muna po tayo," paglalambing naman ni Andrei sa tatay niya kaya muli akong napangiti.
"Oras na rin kasi anak, okay lang ba kung bukas na lang? Papasyal ulit tayo sa Mall kasama sina mama lola at dada," nakangiting sabi naman ni bayaw.
"Opo!" masayang sagot ni Andrei na halos pasigaw pa kaya sabay kaming natawa ni bayaw.
"Andrei apo, halika na't maghilamos ka na. Matulog na tayo pagkatapos at hindi maganda sa bata ang nagpupuyat," sabi naman ni mama na sumilip sa pinto ng kuwarto namin.
Agad namang tumayo si Andrei, yumakap siya sa daddy niya tapos ay lumapit siya sa akin at yumakap din. Marahan ko naman siyang hinalikan sa noo bago pinakawalan. Tapos ay patakbo na siyang lumapit kay mama at sumama dito. Tumayo din si bayaw tapos ay sinara ang pinto ng kuwarto. Napakagat pa nga ako sa ibabang labi ko nang makita na maghubad siya ng damit, at tanging basket ball shorts na lang ang suot.
Ilang araw na rin kaming magkasama sa kuwarto, at madalas ko naman na siyang makita na hubad baro lalo na kapag nasa kuwarto, pero hindi ko pa rin talaga magawang masanay na makita ang katawan niya. Para kasi akong napapaso kahit na hindi ko naman nahahawakan.
"Papatayin ko na ang ilaw bayaw," sabi niya, ngumiti na lang ako at tumango.
Pagkapatay niya ng ilaw ay napabuntong hininga na lang ako. Hindi na ako magsisinungaling sa sarili ko. Mula noon, at hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang kakaibang nararamdaman ko para sa bayaw ko. Pero alam ko naman na kailangan kong pigilan dahil nga hindi tama, iyon nga lang ay sobrang hirap.
"Bayaw, salamat ulit sa pag-aalaga at pagpapalaki ng maayos sa anak ko ah?" sabi niya mayamaya lang.
Nakapag-adjust na ang mga mata ko sa dilim, at hindi naman sobrang dilim sa kuwarto kasi ay nagbibigay ng liwanag ang poste ng ilaw sa labas na lumalandas sa nakasara pero malinaw na bintana ng kuwarto.
"Gaya nang sinabi ko ay hindi naman na kayo iba sa amin. Pamilya tayo," sagot ko na lang. "Sa totoo nga lang bayaw, medyo nag-alala kami ni mama. Akala kasi namin ay may balak ka nang bumukod kasama si Andrei. I mean, okay lang naman iyon sa amin kung iyon ang pasya mo. After all, ikaw naman ang tatay ni Andrei. Pero parang ang hirap kasing mahiwalay sa bata," mahabang dagdag ko pa.
"Parang hindi ko rin naman kayang bumukod. Kayo na ang naging pamilya ko mula nang maging kami ng ate mo. At isa pa, hindi ako sigurado kung kaya ko bang palakihin ng mag-isa si Andrei," sagot niya.
"Bakit, wala ka na bang balak na mag-asawa? Bata ka pa naman. At sigurado ako na marami ka pang makikilala na mas hihigit pa kay ate, iyong babae na mamahalin at aalagaan kayong dalawa ni Andrei," wika ko. May bahagyang kirot sa puso ko nang sabihin iyon, ang hirap din kasing isipin na muli siyang mag-aasawa.
"Hindi ko alam," sagot niya. "Wala pa naman kasi akong nakikilala na kagaya ng ate mo o hihigit pa sa kanya." Napangiti ako dahil sa narinig.
Maganda si ate at sobrang bait pa. Gustong gusto siya halos lahat ng mga nakakakilala sa kanya dahil sobrang magalang din siya. Siya iyong tao na hindi magdadalawang isip na tumulong kahit na nahihirapan din siya. Kaya sobrang sakit at hirap tanggapin noong mawala siya sa amin.
"Miss mo na si ate ano?" sabi ko at malungkot pang ngumiti, alam ko naman na hindi niya makikita ang reaksiyon ko kasi medyo madilim nga sa kuwarto.
"Sino namang hindi makaka-miss sa kanya?" pagbabalik niya ng tanong sa akin. "Ang tagal na nang nangyari pero hanggang ngayon parang kahapon lang ang lahat para sa akin. Alam mo sa totoo lang, may mga pagkakataon na nalulungkot pa rin ako," sabi pa niya.
"Mahal na mahal mo si ate ano?" tanong ko. "Alam mo, ang suwerte ni ate kasi nakakilala siya ng lalaki na kagaya mo. Kahit na nawala siya sa atin agad, alam ko na naging masaya pa rin siya dahil sayo. Sayang nga lang kasi hindi man lang niya nahawakan at nayakap si Andrei, pero kung nasaan man siya, alam ko na lagi niya tayong binabantayan at masaya siya para sa ating lahat," sabi ko.
"Suwerte rin naman ako sa ate mo," sagot niya. "Dahil sa kanya nagkaroon ako ng pamilya. Dahil sa kanya kasama ko kayo ngayon," puno ng sinseridad na dagdag pa niya.
Muli akong napangiti dahil sa narinig. Hindi ko tuloy maiwasang itanong sa sarili ko kung kailan kaya ako makakakilala ng kagaya ni Andrew? Iyong mamahalin ako gaya ng pagmamahal niya kay ate. Darating ba ang panahon na iyon? Hindi ko alam, pero sana ay dumating nga.
Note:
Hello po! Uploaded na po ang Part 1-5 ng story na ito sa YT. Sana po ang makapag-subscribe din kayo sa YT Channel natin. Just search for King BL Stories or @blstoriesPH. Nasa profile ko rin po ang link at sa comment section. Uploaded/Posted na rin po ang complete story ng
Paper Planes
sa YT. Sana po ay masuportahan niyo rin ang YT channel natin, maraming salamat po!
luvlots,
The Seaman - Part IV
The Seaman – Part IV
Kinabukasan ay maaga akong nagising, sa tingin ko ay mga bandang alas sais iyon ng umaga. Nakita ko nga na tulog na tulog pa si bayaw, nakatiyaha siya, bahagyang naka-awang ang bibig at naghihilik pa. Hindi siya nakabalot ng kumot kaya agad ko ring nakita ang maganda niyang katawan, bumaba pa ang tingin ko at napalunok kasi nakita na medyo buhay ang parteng iyon ng katawan niya.
Mabilis akong umiling dahil sa naisip tapos ay tumayo na at lumabas ng kuwarto. Sumilip ako sa kuwarto ni mama at nakita kong tulog na tulog pa rin silang dalawa ni Andrei. Napangiti ako kasi kahit na tulog ay nakita ko rin na mahigpit ang yakap ng bata sa lola niya.
Nagpasya na akong pumasok sa banyo para maghilamos, tapos ay dumiretso na ako sa kusina para ako na ang makapaghanda ng agahan naming apat. Nagluto ako ng kanin gamit ang rice cooker namin, tapos ay humanap ng puwedeng maluto sa ref.
Sa huli ay nagpasya ako na mag-prito na lang ng ham, itlog, hotdog at tuyo. Habang nakaharap sa kalan at abalang nagluluto at muling bumalik sa isip ko ang tanawin na nakita ko kanina sa kuwarto pagkagising ko. Ano kaya ang feeling na yakap si bayaw bago matulog? At ano rin kaya ang feeling na yakap ko pa rin siya pagkagising? Hindi ko alam kasi hindi ko pa naman nararanasan, at alam ko na imposibleng maranasan ko iyon.
"Ang bango naman," bahagya akong nagulat nang magsalita si bayaw mula sa likod ko.
Sa kaiisip ng kahalayan ay hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala siya, sobrang lapit ng katawan namin sa isa't isa, at kahit pa hindi magkadikit ay ramdam ko pa rin ang init ng singaw ng katawan niya sa akin. Nang mapalingon ako ay sobrang lapit din ng mukha niya na nakangiti pa sa akin.
"Nakakagulat ka naman bayaw!" sabi ko kaya mahina siyang natawa.
"Mas lalong hindi ko ata kayang umalis dito, alagang alaga kasi ako ng bayaw ko," nagbibirong wika niya kaya napailing na lang ako.
"Maghilamos ka na bayaw, patapos na ito. Kakain na tayo niyan," sabi ko naman.
"Bakit, mabaho na ba ako?" nagbibirong tanong niya tapos ay itinaas pa ang braso at inamoy kunware ang kilikili niya. Ginawa niya iyon sa harap ko kaya bumungad sa akin ang malago niyang buhok doon. Para na namang nanghina ang mga tuhod ko dahil sa nasaksihan.
Bago pa ako mas lalong matukso ay muli ko nang ibinalik ang tingin sa niluluto. Siya naman ay naglakad na papunta sa banyo para makapaghilamos na. Saktong pagkatapos ko ay nagising na rin sina mama at Andrei. Tapos ay sabay kaming apat na kumain ng agahan, at habang nasa hapag ay sinabi ni Andrew ang balak niya na pumasyal ulit sa Mall ngayong araw.
"Kayo na lang at inaya kasi ako nina Salve na mag-zumba!" sabi ni mama. "Ipang-takeout niyo na lang ako ng makakain mamaya para hindi na ako magluto ng tanghalian," dagdag pa niya.
Iyon naman ang napagpasyahan. Pagkatapos kumain ay naligo na ako, nang matapos sa banyo ay pumasok naman ang mag-ama para sila naman ang makaligo. Ako naman ay nagbihis na. Sa isip ko ay ang suwerte ni Andrei kasi kasama niyang maligo sa banyo ang daddy niya. Mahina pa akong natawa dahil sa naisip.
Nang matapos sila at makapagbihis ay naglakad na kami papunta sa kanto, kung saan maraming tricycle. Doon kami sumakay at nagpahatid sa isang kilalang Mall. Hindi maalis ang ngiti kay Andrei na halatang excited, kahit pa mula nang pagkauwi ng daddy niya ay halos araw araw na kaming lumalabas.
"Anak, gusto mo bang manuod ng sine?" tanong ni Andrew pagkapasok namin sa Mall.
"Naku, mamaya na iyon bago umuwi. Kapag kasi nanunuod kami ng sine niyan hindi pa natatapos ang pelikula ay umaalis na kami agad. Natutulog kasi lagi. Hayaan na muna natin siyang maglaro sa arcade," sagot ko naman.
Ngumiti sa akin si Andrew dahil sa sinabi ko. Si Andrei naman ay excited na kaming hinila papunta sa arcade. Nakahawak siya sa kaliwang kamay ng daddy niya at nakahawak naman siya sa kanang kamay ko. Hindi ko maintindihan pero kinikilig ako sa ganito. Feeling ko kasi ay isang buong pamilya kami. Habang naglalakad nga kami ay pansin kong may napapalingon sa gawin namin, alam ko na kagaya ng iniisip ko ang iniisip nila kaya medyo naiilang ako. Napalingon pa ako kay Andrew pero parang wala lang sa kanya iyon.
"Siguro sa susunod, kayo na lang ni Andrei ang mamasyal," sabi ko kay bayaw habang pinapanuod namin si Andrei na masayang naglalaro.
"Bakit naman?" tanong niya sa akin.
"Kapag tatlo lang kasi tayo pinagtitinginan tayo. Alam ko naman na iba ang iniisip nila," sagot ko.
"Eh ano naman ngayon? Nahihiya ka ba na kasama ako?" tanong ulit niya na kinagulat ko.
"Hindi naman sa gano'n, baka lang kasi ikaw ang nahihiya," sabi ko.
"Alam mo, hayaan mo ang sasabihin at iisipin ng iba. Totoo naman na pamilya tayong tatlo hindi ba? Pero kung bigyan nila ng ibang kahulugan ang pagiging pamilya natin, sila na ang may problema nun. Wala naman tayong dapat na ipaliwanag sa ibang tao," mahabang saad niya.
May punto naman siya, at napangiti ako dahil sa narinig. Sobrang buti talaga niyang tao. Hindi naman ako iyong tipo ng binabae na sobrang lambot talaga kumilos. Pero kahit pa alam ni bayaw na iba ang seksuwalidad ko, mula noon, kahit na minsan ay hindi siya umakto na parang may iba sa akin. Maayos at may respeto ang turing niya sa akin na siyang nakakatuwa.
"Bayaw may gusto ka ba? Naisip ko lang kasi na ang dami ko nang nabili para sa bahay, para sa mama mo at kay Andrei, pero ikaw parang ayaw mong tanggapin ang mga bigay ko," sabi pa niya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.
"Ikaw..." sagot ko, ang ibig kong sabihin ay siya na ang bahala. Kung ano ang gusto niyang ibigay ay tatanggapin ko. Hindi naman ako maarte at madali akong maka-appreciate. Basta hindi lang gaanong mahal. Kahit pa may ipon siya ay hindi naman siya mayaman.
"Ako ang gusto mo?" tanong niya kaya napalingon ako sa kanya, nakita ko na nakangisi siya na parang nang-aasar kaya para naman akong nakahinga ng maluwag.
"Puro ka talaga kalokohan! Ang ibig kong sabihin ikaw na ang bahala!" giit ko naman kaya natawa rin siya.
"Ah, akala ko ako ang gusto mo eh. Ibabalot ko na sana ang sarili ko at ibibigay sayo," pagbibiro pa niya. Alam ko na biro lang iyon, pero sobrang nakakakilig pa rin naman.
Note:
Hello po! Uploaded na po ang Part 1-5 ng story na ito sa YT. Sana po ang makapag-subscribe din kayo sa YT Channel natin. Just search for King BL Stories or @blstoriesPH. Nasa profile ko rin po ang link at sa comment section. Uploaded/Posted na rin po ang complete story ng
Paper Planes
sa YT. Sana po ay masuportahan niyo rin ang YT channel natin, maraming salamat po!
luvlots,
The Seaman - Part V
The Seaman – Part V
Alas siete na ng gabi nang makauwi kami. Tumawag ako kay mama kanina at sinabi na hindi na kami uuwi ng tanghalian dahil nga sobrang nag-eenjoy si Andrei. Ngayong gabi naman ay nag-takeout kami ng hapunan namin. Si Andrei ay tulog na tulog na. Ako ang nagbuhat sa kanya mula sa Mall hanggang sa makauwi kami rito. Si bayaw kasi ang may bitbit ng mga pinamili namin. Ang sabi niya ay mas mabigat daw kasi ang mga iyon kaya siya na ang magbubuhat.
"Pagod na pagod ang apo ko," sabi ni mama tapos ay kinuha sa akin si Andrei. "Daldalhin ko lang siya sa kuwarto, mauna na kayong kumain at susunod ako," dagdag pa niya kaya iyon naman ang napagpasyahan naming gawin.
Nang mailagay na ni bayaw ang mga pinamili namin sa Mall ay naglakad na kami papunta sa kusina, tapos ay binaba ko na sa hapag ang pagkain na takeout namin mula sa isang fast food chain.
"Okay ka lang bayaw?" tanong ko nang mapansin na bahagya siyang nag-unat ng katawan.
"Medyo sumakit lang ang braso ko, ang dami at bigat kasi ng buhat kanina. Medyo masakit din ang mga paa ko kasi halos maghapon tayong nakatayo," sagot niya kaya natawa ako at tumango.
"Akala ko nga hindi mauubusan ng energy si Andrei, maging ako ay napagod din," wika ko ulit.
"Wala ka bang kilalang masahista na nagho-home service? Magpa-masahe tayo!" nakangiting suhestiyon niya sa akin, bahagya naman akong napangiwi dahil doon. "Loko! Alam ko iniisip mo. Masahe lang talaga! Hindi naman ako mag-uuwi ng babae rito ano!" dagdag pa niya habang tumatawa.
"Wala akong alam eh," sabi ko naman. "Kung gusto mo ako na lang ang magmasahe sayo mamaya bago matulog. Medyo marunong naman ako kasi lagi kong hinihilot ang likod at mga binti ni mama sa tuwing sumasakit," dagdag ko pa.
Hindi ko alam kung bakit nae-excite ako sa ideya na imamasahe ko siya. Siguro ay dahil alam ko na mahahawakan ko ang likod niya na hindi siya nag-iisip ng malisya. Iba na talaga ang tama ko kay bayaw.
"Ayos lang ba iyon sayo? Baka naman gusto mo na ring magpahinga at makaabala pa ako," sabi niya kaya ngumiti na lang ako at tumango.
"Ayos lang, sigurado naman na hindi ako aantukin agad kahit na medyo pagod kasi nasanay na ako na gabing nakagising," sagot ko.
Pagkatapos nun ay dumating na si mama at sinaluhan kami sa pagkain ng hapunan. Nang matapos ay nagpasya na rin naman kaming magpahinga na.
"Sigurado ka bayaw ayos lang ah?" tanong sa akin ni Andrew habang nakaupo ako kama ko, napalingon pa ako sa kanya at nakita na pumasok na siya sa kuwarto at sinara ang pinto. Hawak niya ang isang kulay puting tuwalya at walang siya ulit suot na pang-itaas.
"Oo naman," sagot ko sa kanya at ngumiti pa. Isinabit niya sa likod ng pinto ang hawak na tuwalya tapos ay dumapa na sa kama niya na nasa lapag. Sobra ang kaba na nararamdaman ko nang mga sandaling iyon, pero bumaba pa rin ako sa kama niya at umupo sa tabi niya. "Pero walang oil bayaw, okay lang?" tanong ko pa.
"Oo bayaw. Salamat ulit," sagot naman niya habang nakadapa.
Nagsimula na ako sa marahang paghaplos sa likod niya. Ramdam ko nga na medyo nanginginig ang mga kamay ko pero pinilit ko ang sarili na maging maayos. Hindi ko alam kung gaano ko siya katagal na minamasahe sa likod at maging sa mga binti niya, hanggang sa mayamaya lang ay bigla siyang tumihaya.
"Sa dibdib naman bayaw..." mahinang saad niya habang titig na titig sa mga mata ko, nagulat pa ako nang maramdaman ang kanang kamay niya na marahang humaplos sa hita ko, tapos ay ngumiti pa siya sa akin. Mas lalong dumoble ang kaba na nararamdaman ko dahil sa nangyayari. Pakiramdam ko kasi ay nagpapakita siya ng motibo pero hindi ko naman gusto na mag-assume. Pilit ko na lang iwinaksi sa isip ko ang nangyayari at nagsimula na sa pagmasahe sa kanya.
"Ang sarap bayaw..." mahinang bulong niya na parang ungol habang titig na titig pa rin sa akin kaya napalunok na naman ako ng laway. "Bayaw magsabi ka nga sa akin ng totoo. May gusto ka ba sa akin?" seryosong tanong pa niya kaya napasinghap ako.
"Anong klaseng tanong naman yan?" wika ko at pilit pang tumawa.
"Pansin ko kasi na iba lagi ang tingin mo sa akin. Mula noon at hanggang ngayon. Hindi ko lang alam kung paano ka tatanungin tungkol doon kasi hindi ko gusto na mailang ka sa akin," mahina pero seryosong sagot niya. "Bayaw, napakabuti mo sa akin. Noong mga naunang linggo at buwan na nawala sa atin ang ate mo, hindi mo ako iniwan. Ikaw ang nag-alaga sa akin nang pakiramdam ko ay pinagsakluban na ako ng langit at lupa. Sa totoo lang hindi ko na talaga alam kung paano pa makakabawi sayo," mahabang dagdag pa niya.
"Hindi mo naman kailangang bumawi, gaya nang sinabi ko ay pamilya tayo," mahina at kinakabahang sagot ko naman.
Nagulat ako nang bigla siyang umupo sa kama tapos ay hinawakan ang mga kamay ko na kanina lang ay nasa dibdib niya, habang ang mga mata ay seryoso pa ring nakatitig sa akin. Masyadong mabilis ang mga nangyari, para akong naging ugat sa kinauupuan ko nang maramdaman ang marahan niyang paghalik sa labi ko.
At nang gabi ring iyon, kahit na alam kong mali ay hindi ko na nagawa pang pigilan ang sarili ko. Pinagsaluhan namin ng bayaw ko ang init ng aming mga katawan.
Note:
Hello po! Uploaded na po ang Part 1-5 ng story na ito sa YT. Sana po ang makapag-subscribe din kayo sa YT Channel natin. Just search for King BL Stories or @blstoriesPH. Nasa profile ko rin po ang link at sa comment section. Uploaded/Posted na rin po ang complete story ng
Paper Planes
sa YT. Sana po ay masuportahan niyo rin ang YT channel natin, maraming salamat po!
luvlots,
The Seaman - Part VI - X
Hello po!
Uploaded na po ang Part 6-10 ng story na ito sa YT. Sana po ang makapag-subscribe din kayo sa YT Channel natin. Just search for King BL Stories or @blstoriesPH. Nasa profile ko rin po ang link at sa comment section. Uploaded/Posted na rin po ang complete story ng
Paper Planes
sa YT. Sana po ay masuportahan niyo rin ang YT channel natin, maraming salamat po!
luvlots,
The Stripper - Part I - V
The Stripper
Blurb:
Matagal nang kakilala ni Luis Bernabe si Mike Sanchez, bestfriend kasi ito ng kuya niya. Isang tagong silahista si Luis, at matagal na rin siyang may gusto kay Mike. Hindi tago sa kanilang barangay na isang stripper si Mike mula sa isang kilala at mamahaling night bar sa kanilang bayan. Bigtime ang mga nagiging kliyente nito.
Alam niya na napilitan lang si Mike na pasukin ang gano’ng trabaho dahil bukod sa malaki ang kita ay hindi siya nakapagtapos sa kolehiyo. Sa tuwing aalis sa gabi si Mike para pumasok sa trabaho ay iniiwan niya sa kanila ang walong taong gulang na anak nitong lalaki na si Mikee.
Malapit ang loob ni Luis sa bata, at mukhang gano’n din naman ito sa kanya. Pero may tiyansa ba na malapit din ang loob niya sa tatay nito na si Mike?
The Stripper – Part I
Luis Bernabe’s POV
“Magandang gabi po, Aling Lydia, nandiyan po ba si Luis?” mula sa maliit kong kuwarto ay agad akong napa-upo sa kama nang marinig ang boses ni Mike Sanchez. Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko.
Matagal ko nang kakilala si Mike, matalik na kaibigan kasi siya ng kuya ko na nagtatrabaho bilang isang driver sa Japan. Noon pa lang ay malakas na ang tama ako kay Mike kasi nga ay guwapo ito at may maganda pang pangangatawan, pero siyempre, wala naman akong lakas ng loob na aminin iyon kasi alam ko na wala siyang ideya na isa akong silahista. Ako nga pala si Luis Bernabe, 25 years old na ako at nagtatrabaho bilang isang salesman sa isang department store.
"Luis, hanap ka ni Mike!" narinig ko namang sigaw ni nanay.
"Opo, lalabas na!" sigaw ko pabalik tpos ay inayos muna ang sarili bago naglakad palabas ng kuwarto. Normal na kasi iyong pupunta siya rito kapag gabi, tapos ay iiwan niya sa akin ang anak niyang si Mikee na walong taong gulang pa lang para makapasok na siya sa trabaho.
"O kuya, nasaan si Mikee?" tanong ko nang makita kong mag-isa lang siya ngayon.
"Ah, iniwan ko saglit sa bahay. Hindi na muna ako pumasok ngayon at tinatamad ako. Ano, inom na lang tayo? Wala kasi akong makasama!" sabi niya kaya napakagat ako sa ibabang labi ko bago ngumiti at tumango.
Kung hindi ako nagkakamali ay isang bayarang babae ang nanay ni Mikee. Nakilala siya ni Kuya Mike sa katabing bar kung saan din siya nagtatrabaho, isang taon pa lang siya nang iniwan niya ito at si Kuya Mike para sa ibang lalaki. Iyon ang bali-balita sa barangay namin. Mula noon ay wala nang naging balita sa babaeng iyon ang lahat.
"Sige kuya! Maghihilamos lang ako saglit!" nakangiting sagot ko bago nagmamadaling tumakbo papunta sa maliit naming banyo. Ang akala ko nga ay nauna na siya sa bahay nila, pero medyo nagulat ako nang hinihintay pala niya ako sa sala namin. Sabay naman na kaming naglakad papunta sa bahay nila, at pagkapasok sa loob ay nakita ko na nakahanda na sa maliit na lamesita ang isang tsitsirya at empi lights.
"Pasensiya ka na at ito lang ang kinaya. Gusto ko lang talagang uminom ngayon," sabi niya nang makaupo na kami sa mga silya.
"Okay lang kuya!" nakangiting sagot ko naman.
"Gusto ko sanang makabawi sayo dahil sa palagiang pag-aalaga mo kay Mikee, pero nagkataon kasi na nagsabay sabay ang mga bayarin ngayon," wika pa niya.
"Naku, wala sa akin iyon. Hindi naman na kayo iba sa amin," sagot ko ulit. "Nasaan nga pala si Mikee?" tanong ko pa. Nakakapagtaka kasi na hindi niya ako sinalubong ng yakap. Normally ay yayakap iyon sa akin kapag nakikita niya ako. Gano'n siya kalambing na bata.
"Nasa kuwarto na at maagang natulog," sagot niya kaya tumango ako.
"Bakit nga pala hindi ka pumasok?" tanong ko pa nang magsimula na kami sa inuman.
"Sinuspinde ako ng bisor namin eh! May naka-away kasi ako kahapon na stripper din. Inakusahan kasi ako na mang-aagaw ng kliyente, eh anong magagawa ko kung mas trip ako ng mga customer? Hindi ko naman kasalanan na magaling akong magpaligaya kaya ako ang binabalik-balikan nila hindi ba?" mahabang saad niya kaya napalunok ako ng laway.
Hindi tago sa barangay namin ang klase ng trabaho na meron siya. May ilan ang hinuhusgahan siya, pero hindi naman niya pinapansin ang mga iyon. Nang tinanong ko siya minsan kung bakit, ang sagot niya ay hindi naman daw siya mapapakain ng panghuhusga nila kaya hayaan na lang.
Ilang buwan pa lang mula nang mawala ang nanay niya dahil sa sakit na cancer. Ang tatay niya ay matagal na silang iniwan. Kung iisipin ay sobrang bigat at hirap na ng mga pinagdaanan niya pero kahit na papaano ay lumalaban pa rin siya sa buhay para sa anak niyang si Mikee. Isa na marahil iyon sa mga dahilan kung bakit mas nahulog ang loob ko sa kanya. Kahit pa kasi ano ang sabihin ng iba na hindi maganda tungkol sa kanya, alam ko na mabuti siyang tao, at mabuti siyang ama kay Mikee.
"Kuya, huwag kang mao-offend ah? Pero masaya ka ba sa ginagawa mo?" mababa ang boses na tanong ko, nagibit naman siya ng balikat bago ngumisi.
"Masaya sana kung puro magagandang babae ang kliyente. Masasarapan na, kikita ka pa. Pero marami kasi na ang daming demand. Pikit mata at lunok laway na lang para sa pera," sagot niya.
"High school graduate ka naman hindi ba? Kung tutuusin ay may mahahanap ka pa naman na ibang trabaho kahit na hindi ka nakatungtong ng kolehiyo, tignan mo si kuya Lando, nasa Japan na!" sabi ko.
"Walang asenso dito sa pinas lalo na kung wala kang natapos. Kung hahanap ako ng ibang trabaho, paano ang mga bayarin? Paano ko bubuhayin si Mikee? Wala naman kaming ibang puwedeng mapagkukuhanan ng pera at tulong," aniya tapos ay napabuntong hininga pa. "Kung maga-abroad din ako gaya ng kuya mo, kanino ko iiwan si Mikee? Sa inyo?" dagdag pa niya.
"Bakit naman hindi? Gaya nang sinabi ko ay hindi naman na kayo iba sa amin," sabi ko.
"Ikaw ang mag-aalaga sa kanya?" tanong niya habang seryosong nakatitig sa akin, napalunok naman ako ng laway bago pilit na ngumiti at tumango.
"Oo! Wala namang kaso iyon," sagot ko.
"Iba talaga tama mo sa akin ano?" tanong niya at ngumisi pa.
"Anong ibig mong sabihin?" nalilito at medyo kinakabahan na tanong ko.
"Luis, matagal na akong nagtatrabaho sa bar. Marami na akong naging kliyente at naka-ingkuwentro na gaya mo kaya hindi mo kailangang magsinungaling sa akin. Atsaka halata naman sa titig mo madalas na para mo na akong hinuhubaran," paliwanag niya tapos ay mahina pang natawa.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo kuya," pagdadahilan ko tapos ay nag-iwas pa ng tingin.
"Alam mo sa totoo lang gustong gusto kong makabawi sayo," makahulugang saad niya kaya muli akong napalingon sa kanya. Kinagat pa niya ang ibabang labi niya tapos ay dinilaan iyon na para bang inaakit ako. "Kaya kung may gusto kang mangyari magsabi ka lang," dagdag pa niya sa boses na nang-aakit. "Kahit na ano," mahina at halos pabulong na sabi pa niya.
"Kahit na ano?" kinakabahang tanong ko.
"Kahit na ano..." pang-uulit niya tapos ay kumindat pa sa akin.
Note:
Hello po! Uploaded na po ang full story ng Single Dad: The Stripper sa YT.
Sana po ang makapag-subscribe din kayo sa YT Channel natin. Just search for King BL Stories or @blstoriesPH. Nasa profile ko rin po ang link at sa comment section. Sana po ay masuportahan niyo rin ang YT channel natin, maraming salamat po!
luvlots,
The Ex-Convict
The Ex-Convict – Part I
John Castro’s POV
“Kayo po ba ang tatay ko?” kinagat ko ang ibabang labi ko nang itanong iyon ng limang taong gulang na batang si Dave, sa ama niyang si Damon.
Ako si John Castro, 25 years old na ako at nagtatrabaho bilang isang supervisor sa isang fast food chain. Wala akong pamilya dahil lumaki ako sa bahay ampunan, kaming dalawa ng matalik kong kaibigan na si Lily. Noong 18 years old kami ay kinailangan na naming umalis sa ampunan para matustusan na ang sarili naming pangangailangan.
Ang batang kasama ko ay si Dave, anak siya ng matalik kong kaibigan na si Lily, at ni Damon. Pumanaw si Lily noong isilang niya ang bata. Noong mga panahong iyon ay na nakakulong na si Damon dahil sa pagtutulak ng droga. Magmula noon ay ako na ang nag-alaga sa bata, ako na ang tumayong magulang niya.
Matapos ang halos limang taon, heto ngayon si Damon sa harap namin. Dala niya ang isang malaking bag. Noong huling linggo ay pinasyalan ko siya sa kulungan at nabanggit nga niya sa akin na baka makalaya na raw siya dahil bibigyan siya ng parol. At heto na nga siya ngayon.
Noong nasa kulungan pa siya ay may isang beses ko siyang tinanong kung gusto ba niyang makita ang anak niya, pero ang sinabi niya ay hindi na muna. Hindi raw kasi niya gustong makita ng bata ang kalagayan niya. Hindi raw niya gusto na pangit ang iisipin sa kanya ni Dave habang lumalaki ito.
Kaninang umaga ay may tumawag sa akin mula sa isang hindi nakarehistrong numero, nang sagutin ko iyon ay agad kong nakilala ang boses ni Damon at sinabi niya na nakalaya na nga raw siya at pupuntahan niya kami agad. Kaya naman hindi ako pumasok sa trabaho, at agad kong sinabi kay Dave ang magandang balita. Lagi na rin kasing nagtatanong sa akin ang bata kung sino at nasaan ang tatay niya.
Tipid akong napangiti nang makita ang luhang namuo sa mga mata ni Damon. Marahan pa niyang binitawan ang hawak niyang bag tapos ay lumuhod sa harap ng kanyang anak.
"Ako nga, anak ko," mahina at lumuluha pero may halong saya naman na sagot ni Damon. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad niyang niyakap ng mahigpit si Dave.
"Bakit ngayon lang po kayo? Saan po kayo galing? Hindi niyo po ba ako mahal? Ayaw niyo po ba akong kasama?" sunod-sunod na tanong ng batang si Dave, mahigpit siyang nakayakap sa tatay niya habang humihikbi.
Kung iisipin ay napakabata pa niya para magawang itanong ang mga bagay na iyon sa ama niya. Pero matalinong bata si Dave. Madalas nga ay para siyang matanda kung magsalita. Natutuwa naman ako kasi kahit pa dalawa lang kaming magkasama ay hindi ako naiinip. Dahil nga bata ay kuryoso pa siya sa maraming bagay at hindi nauubusan ng tanong.
Kasalukuyang nasa day care si Dave, at sa tuwing pumapasok ako sa trabaho ay inihahabilin ko siya sa kapitbahay naming si Anna na may anak din na kasing edad niya. Nakakatuwa naman kasi naiintindihan niya ang sitwasyon at hindi siya nagsasawa na tulungan ako. Nasa Saudi ang asawa ni Ann at isa siyang fulltime housewife, at naiintindihan daw niya ang kalagayan ko kaya naman hindi siya nagdadalawang isip na tumulong. Kung tutuusin ay ang daming hindi magandang tsismis tungkol kay Ana, pero dahil nga mabait siya sa amin ay wala namang kaso sa akin ang mga iyon.
Hindi naman sikreto sa kanila ang nangyari kay Lily kung kaya't nasa akin ang batang si Dave, pero hindi nila alam ang totoong nangyari sa tatay nito. Kapag nagtatanong sila ang lagi kong sinasabi ay nagtatrabaho sa malayo.
"Dave, anak, hindi ba't sinabi na ni tito sayo na nagtrabaho lang ang tatay mo sa malayo?" mahinahon naman ang boses na sagot ko. Nag-angat ng tingin sa akin si Damon na medyo namumula ang mga mata dahil sa pag-iyak tapos ay ngumiti. Pabulong pa siyang nagsabi ng 'salamat' kaya marahan na lang akong tumango.
Nang umagang iyon ay hindi mapaghiwalay ang mag-ama. Nakakatawa nga kasi laging umaakto ang batang si Dave na big boy na siya noong kaming dalawa pa lang ang magkasama. Pero sa puntong ito ay hindi na siya halos magpabitaw sa pagkakabuhat sa kanya ng tatay niya. Hinayaan ko na lang sila dahil alam ko na miss na miss na rin naman nila ang isa't isa. Tapos ay nagpasya ako na maghanda na ng tanghalian para sa aming tatlo.
"Ano pala ang balak mo niyan?" tanong ko kay Damon nang kumakain na kami sa maliit naming hapag.
"Kukunin ko na sana ang anak ko," sagot niya kaya bahagya akong natigilan. "Hindi ko alam kung paano magpapasalamat sayo, John. Pero sana maintindihan mo na maraming taon ko siyang hindi nakasama. Miss ko na ang anak ko. At sa puntong ito, gagawin ko ang lahat para makabawi sa kanya. Para maging isang ganap na ama sa kanya. Hindi ko na sasayangin iyong pangalawang pagkakataon na naibigay sa akin para makasama siya," mahabang dagdag pa niya.
Pilit na lang akong napangiti dahil sa narinig tapos ay marahang tumango. Sa totoo lang ay naisip ko na, na puwedeng mangyari ang bagay na ito kapag nakalaya na nga si Damon. Hindi ko lang masyadong binigyan ng pansin. Wala naman akong magagawa kung gusto na niyang kunin at makasama ang anak niya. After all, may karapatan naman kasi talaga siya.
"Naiintindihan ko," sagot ko naman. "Saan kayo titira?" tanong ko pa.
"Hindi ko pa alam. Wala rin naman kasi akong pamilya na malalapitan. Pero may konting ipon naman ako mula sa mga trabaho na binibigay nila sa amin sa kulu—." Hindi niya nagawang ituloy ang salitang 'kulungan' nang mapagtantong nakaharap din sa amin si Dave at nakikinig. "Puwede ko sigurong magamit ang ipon na iyon para makakuha kami ng kahit maliit lang na mauupahan. Hahanap din ako ng puwedeng mapasukang trabaho kahit na ano lang, basta marangal," dagdag pa niya kaya ngumiti na lang ako ulit at tumango.
"Kailan kayo aalis?" may halong lungkot na tanong ko pa.
"Aalis po tayo? Saan po tayo pupunta?" tanong naman ni Dave sa amin.
"Anak, gusto kasi ni tatay na makasama at maalagaan ka. Kaya isasama na kita," sagot ni Damon.
Medyo napangiwi ako kasi mukhang hindi siya gaano kagaling na i-express ang sarili niya gamit ang mga salita lang. Medyo hindi kasi tama ang pagkakasabi niya sa bata kahit pa gano'n naman talaga ang gusto niyang tukuyin. Pero sa huli ay hinayaan ko na lang at hindi na ako nagsalita pa.
"Iiwan po natin si tito?" may halong lungkot na tanong ni Dave. "Ayaw ko po! Dito na lang po tayo kay tito! Love ko po si tito at hindi ko po siya gustong iwan!" sabi ni Dave kaya agad na may namuong luha sa mga mata ko.
Nagkatinginan pa kami ni Damon dahil doon. Maaaring ako nga ang nagpalaki sa bata, pero kung ano man ang magiging desisyon ni Damon ay alam kong karapatan niya iyon.
"Anak, sobra na kasi ang nagawa sa atin ng tito mo. Hindi ko naman gusto na makadagdag pa sa mga iniisip niya," mahinahong saad naman ni Damon.
"Okay lang sa akin!" mabilis na sagot ko naman. Ang hirap kasi talaga sa akin na malayo sa bata. "I mean, okay lang naman sa akin kung... dumito muna kayo pansamantala. Hindi ba mas okay kung... may nakakatulong ka sa pag-aalaga kay Dave lalo pa't nag-aaral na siya?" dagdag ko pa.
"Sigurado ka ba? Sa totoo lang kasi ay sobra na akong nahihiya sayo. Ikaw na ang gumawa nung mga bagay na ako dapat ang gumagawa para sa anak ko," may halong pag-aalangan na wika niya.
"Hindi na kayo iba sa akin, lalo na si Lily at si Dave. Kaya walang kaso sa akin ang tumulong sa mga tao na parang pamilya ko na," sagot ko na siyang nagpangiti sa kanya.
Listen to the full story on YT. Just search for King’s Stories. Nasa profile ko rin po ang link at sa comment section. Don’t forget to hit the like button and subscribe! Salamat po!

