Sayaw ni Bayaw [M2M]
yourbigbear · 10 chapters · 38,801 words
1
GIO Jimenez
“Babe, parang kinakabahan ata ako.” bulong ko.
Narinig kong natawa ang aking kasintahan na nakaupo sa aking tabi habang ako’y nagmamaneho.
“Bakit ka naman kakabahan? Hindi nangangagat ‘yong sina papa. They like you, and I’m sure they’ll also like you even more in person.”
Tumango na lamang ako habang patuloy sa pagmamaneho. Hinawakan ko ang kamay ni Cristine na siyang nagpakalma sa akin.
Naisip naming magpakasal ng aking nobya na ngayon ay fiancée na. Tatlong taon na rin kami sa aming relasyon at kahit na kailan ay hindi ko pinagsisihan ang pagpili sa kanya. Siya na ang para sa akin.
Ngayong araw ay tutungo kami sa bahay ng pamilya ni Cristine upang ibalita sa kanila ang plano naming pagpapakasal. Sa katunayan, ito ang unang beses na makikita ko ang pamilya niya sa personal. Dati kasi ay panay video call lang kami dahil nakatira ang mga ito noon sa America. Kauuwi lang nila sa Pinas ngayong linggo kaya naman pagkakataon na upang makilala sila sa personal.
Makalipas ang ilang oras ay nakarating na rin kami sa kanilang family house sa Laguna. Mansyon ang kanilang bahay na tila nasaksihan na ang ilang henerasyon ng kanilang pamilya.
May kaya ang pamilya ni Cristine kaya naman nagulat ako noong pinakilala niya ako sa kanyang pamilya at hindi nila alintana na hindi ako galing sa isang nakaaangat na pamilya. Hindi kasi ako nakatapos ng kolehiyo at sa ngayon ay isa akong call center agent.
“Ready ka na babe?” tanong ni Cristine pagkababa namin ng sasakyan.
“Ready na, basta para sa’yo.” Kinindatan ko siya at saka hinawakan ang kanyang kamay. Natatawa naman ito habang sabay kaming naglalakad patungo sa loob ng kanilang bahay.
“Ma? Pa? Nandito na po kami.”
Isang malawak na sala ang sumalubong sa amin. Ganito yung mga mansyon na napapanood ko lamang sa pelikula. May mataas na kisame, kumikinang na chandelier, at malaki at malambot na sofa na mukhang mamahalin talaga.
“Hija! Gosh, it’s so nice to finally see you.”
Niyakap ng mama ni Cristine ang kanyang anak at nakita kong bahagyang nangilid pa ng luha ang mata nito. Limang taon din kasi silang hindi nagkita sa personal. Nagpaiwan kasi sa Pilipinas si Cristine upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo habang ang kanyang buong pamilya ay lumipat sa ibang bansa.
“Mama, I missed you so much!” wika ni Cristine na hindi bumibitiw sa pagkakayakap sa kanyang ina.
“Ang mama mo lang ba ang na-miss mo?”
Isang boses ng lalaki ang kumuha ng aming atensyon.
Pababa sa hagdan ang papa ng aking fiancée. Kung ano ang itsura nito sa tuwing nakikita ko siya sa video call, ganoon pa rin ito. Matikas at matipuno pa rin ang kanyang pangangatawan sa edad na 55.
“Papa!” Binuksan ni Cristine ang kanyang mga braso upang hintayin ang pagyakap ng kanyang papa. “Na-miss rin po kita.”
Tatlo na silang magkakayakapan ngayon, at bilang nanunuod sa kanila, masaya ako na muli na nilang nakasama ang isa’t-isa.
Pagkaraan ay kinamusta rin ako ng mga magiging in-laws ko. Nawala ang lahat ng kaba ko kanina at napalitan ng saya dahil talaga ngang mabait sila.
Tanggap na tanggap nila ako at masaya sila nang ibalita namin sa kanila ang plano naming pagpapakasal ni Cristine.
Pagkaraan ay nagsasalu-salo kami sa pananghalian. Animo’y fiesta ngayon sa dami ng mga putaheng nakahanda. Nakaupo sa kabisera ang haligi ng tahanan at sa kanan naman niya’y ang kanyang kabiyak.
Sa kaliwa nakaupo si Cristine, ang panganay sa magkakapatid, at nakaupo ako sa tabi niya. Katabi naman ng mama niya sa kabila ang kambal sa pamilya na si Lea at Rhea.
Masaya kaming nag-uusap-usap habang nagsasalu-salo. Ang daming baong kwento ni Tita Sandra, ang mama ni Cristine, mula sa America. Napakamapagbiro din ni Tito Anton, ang padre de pamilia at talaga namang di nagpapahuli sa pagkkuwento ng mga bagay-bagay.
Sa kalagitnaan ng aming pag-kain, biglang bumukas ang pinto ng mansyon. Lulan noon ang isang binatilyo na tantya ko ay 16 o 17 ang edad. Nakasuot ito ng itim na hoodie at maong na pantalon na ang istilo ay puro butas at tastas.
Natigilan ang lahat kahit na si Tito Anton na nasa kalagitnaan ng pagkkwento.
Sa isang saglit, nagtama ang paningin namin ng binatilyo bago niya ito binawi at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa aming gawi.
“Tyler, mabuti’t nakahabol ka sa tanghalian. Halika’t maupo ka na dito. Nandito ang Ate Cristine mo at ang boyfriend niya, si Kuya Gio mo.” saad ni Tita Sandra.
Dahil may bakante pang upuan sa tabi ko, doon naupo ang binatang nagngangalang Tyler. Hindi ito nagsasalita, bagkus, kalmado lang na gumalaw upang kumuha ng makakain.
Hindi ko alam kung sino ito. Sa pagkakaalam ko kasi ay tatlo lang sina Cristine na magkakapatid at panay ito mga babae. Wala rin naman silang nababanggit na Tyler sa buong durasyon ng pagsasama namin. Nahihiya naman akong magtanong ngayon sa harapan ng lahat.
Marahil ay kamag-anak nila ito. Baka pinsan ni Cristine.
Hindi nagsasalita ang binata. Tumatango lamang ito o umiiling kapag tinatanong. Nararamdaman kong gustong isali nina Tita Sandra si Tyler sa usapan ngunit ang binata lang talaga ang umaayaw.
“Siya nga pala, Tyler. Ikakasal na si Ate Cristine mo.” wika ni Tito Anton.
“Congrats.”
Ito ang unang salita na lumabas sa bibig ni Tyler ngayon at wala pa itong kagana-gana. Parang hindi siya interesado.
“Salamat, Tyler.” Wika ko. Dahil mukhang pamilya rin naman ito ni Cristine, dapat ay maging malapit din ako sa kanya. “Pangako, aalagaan ko ang ate mo.” dagdag ko upang mas lalong magpa-impress.
“Okay.”
Ito lamang ang sagot ng binata. Ni hindi niya ako tinignan gayong magkatabi lamang kami. Wala naman ito para sa akin at hindi naman nakaka-offend. Alam kong may mga tao talaga na hindi gaanong masalita at baka ganoon si Tyler.
Pagkatapos ng pananghalian ay dumiretso ang pamilya sa sala. Nilabas ni Tita Sandra ang mga photo album ni Cristine na naglalaman ng mga litrato niya noong bata pa siya.
Napansin ko naman na hindi namin kasama si Tyler. Bigla itong naglaho sa kung saan, marahil ay nagtungo ito sa kanyang silid. Nagkibit balikat na lamang ako at tinuon ang atensyon sa aming usapan.
Nagkkwento si Tita Sandra tungkol sa pagkabata ng aking mapapangasawa. Pakiramdam ko ay mas nakilala ko pa siya ngayon. Marami akong bagong bagay na nalaman tungkol sa kanya at bawat isa doon ay lalong nagpa-ibig sa akin sa kanya.
Bukas pa namin binabalak umuwi ni Cristine sa Maynila dahil mayroon pa kaming pasok sa trabaho. Sa ngayon, nakahanda ang kwartong gagamitin namin dahil dito kami makikitulog ngayong gabi. Narito kami sa kwarto niya mula noong siya ay bata.
Kaliligo ko lang at nadatnan ko si Cristine na nakaupo sa aming kama at may kung anong palabas ang pinapanood sa cellphone.
“Babe?” tawag ko.
“Yes, babe?”
“May itatanong ako. Curious lang kasi ako.”
“Sabi ko na nga ba, malamang itatanong mo kung sino si Tyler no?” wika ni Cristine at binaba niya ang kanyang cellphone at tumingin sa akin.
Tumango ako. “Kilala mo talaga ako, eh ‘no?”
Umupo na rin ako sa kama katabi ni Cristine at niyakap siya sa kanyang bewang. Natawa naman siya dahil malamang nakiliti siya sa ginawa ko. Alam na alam ko kasi kung saan ang mga kiliti ni Cristine.
“Kapatid ko si Tyler.” wika niya.
Gulat akong napatingin sa kanya at tinitignan ko kung nagbibiro ba siya.
“Gulat ka ‘no?” Bahagyang tumawa ang aking fiancée bago muling nagpatuloy. “Half-brother ko siya, technically. Anak siya ni papa sa dati naming maid. 6 years ago, namatay ang mama niya kaya sa amin na siya pinahabilin. Tanggap namin siya. Maging si mama, kahit na noong una ay ayaw niya pero kalaunan ay inaruga na rin niya si Tyler na parang isang tunay na anak na nanggaling sa kanya. Pero nung nagmigrate ang pamilya ko sa States, hindi siya sumama at bigla na lang siyang nawala kaya naiwan din siya dito sa Pinas.”
“Bakit di ko ata narinig na binanggit niyo siya dati?” tanong ko.
“Hindi namin alam kung saan nagpunta si Tyler. Kahit na ako na naiwan sa Pinas, wala rin akong ideya kung nasaan siya. Nakita na lang ulit namin siya last week dahil kinontact niya si papa. Alam kong excuse lang ni papa na magbakasyon sa Pinas, dahil alam kong deep inside, gusto talaga niyang makita ulit ang anak niya. Kahit ako man, pakiramdam ko kasi ay hindi ko nagampanan ang pagiging isang ate.”
Nakita ko ang lungkot sa mata ni Cristine. Mabait na tao ang fiancée ko at alam kong magaan ang puso nito lalo na sa mga kapatid niya.
Niyakap ko ng mas mahigpit ang babaeng pakakasalan ko. Gusto kong maramdaman niya na nandito lang ako palagi para sa kanya.
“Ikaw ang the best ate sa mundo, tandaan mo yan.” Hinalikan ko ang balikat niya dahil nakasando lamang ito.
“May mga desisyon lang talaga sa buhay ang kapatid mo kaya siya umalis. Pero ngayon, nandito na siya, di ‘ba? At makakadalo pa siya sa kasal natin.”
Hinalikan ko sa pisngi si Cristine na siyang ikinangiti niya.
“Salamat, babe. Napagaan mo ang loob ko.” wika niya.
“Eh, pwede ba akong pumasok sa loob mo?” bulong ko naman.
Hinampas niya ang braso ko habang natatawa.
“Babe naman, baka marinig nina mama.” saad niya.
“Kainin na lang kita? Please?”
Gumapang na ang kamay ko mula sa kanyang bewang, paakyat sa kanyang dibdib.
Shit. Hindi siya naka-bra.
Pinisil-pisil ko ang utong niyang bumabakat na sa suot niyang puting sando.
Nakitang kong kinakagat ni Cristine ang labi niya upang pigilan ang ungol na gustong kumawala sa kanya.
“Binyagan natin ‘tong childhood room mo. Gusto mo ba?” bulong ko sabay kagat sa kanyang tenga.
“Saglit lang, Gio… hmmmm…”
Nilamas ko na ang malaki niyang suso at dinilaan ang isa niyang utong mula sa labas ng kanyang sando.
Malibog talaga akong tao. Dalawang linggo na rin kaming hindi nagtatalik ng Cristine kaya naman alam kong madami akong naiimbak na katas na gusto ko nang pakawalan. Kaya naman kahit nandito ang magulang niya, hindi ko pinalagpas.
Pinasok ko na ang kamay ko sa suot na short ni Cristine. Dinama ko ang init ng kanyang pagkababae. Mamasa-masa na rin ang kanyang lagusan marahil ay nalilibugan na siya sa ginagawa ko.
“Babe, ano, kainin lang kita? Please.”
Nakakaadik kasi ang puke ng fiancée ko. May pagkakataong inaaraw-araw ko siya ngunit hindi ako nagsasawang kainin at kantutin siya. Mabango ito at malinis. Pinkish ang tinggil niya na siyang mas nagpapalibog sa akin. Minsan nga ay amoyin ko lang ang hiyas niya’y pakiramdam ko’y lalabasan na agad ako.
“Babe… Sisidin mo ako.” Impit na ungol ng Cristine.
Hindi na ako nag-aksaya ng panahon pa. Agad akong pumwesto sa baba ng aking magiging asawa at dahan-dahang binaba ang salawal niya. Sinama ko na ang itim niyang panty para wala nang sagabal pa.
Tumambad ang matambok niyang pagkababae, ang pinakapaborito kong pagkain sa lahat.
Binuka ko ang kanyang dalawang hita para mas masilip ko pang ang pinakatatago niyang hiyas.
Nararamdaman ko din ang naninigas kong ari. Saglit ko itong sinalsal mula sa labas ng aking suot na boxers bago dumapa upang simulan ang pagsisid.
Hinalikan mo muna ang maputing singit ni Cristine. Dinilaan ko ito palibot at sinasadyang iwasan ang kanyang tahong.
“Ahh, Gio, ano ba…?” anas ni Cristine.
Mas binuka pa niya ang kanyang binti na para bang gusto niyang malantad pa ng husto ang kanyang puke.
“Puta, babe, nakakalibog talaga ang puke mo.”
Inamoy ko ito nang hindi pa rin ito hinahawakan. Mas lalong nainis si Cristine at kinadyot niya ang kanyang baywang upang ikiskis sa ilong ko ang kanyang hiwa.
“Tangina! Sabik kang magpakain ng puke, ha?”
“Kainin mo na, babe, please.” Pagmamakaawa niya
Pinagbigyan ko na siya at di na nagpasabik pa. Agad ko nang sinisid ang perlas ng mapapangasawa ko. Nginasab ko iyon na parang isang gutom na hayop. Marahan kong kinagat-kagat ang kanyang tinggil kaya namang napa-igtad siya.
“Ahhh, Gio! Ang sarap!”
Mas binuka ko pa ang puke niya at pinunterya ang kanyang butas. Sinupsop ko iyon at nalasap ang matamis na katas ng kanyang pagkababae. Hinagod ko ito ng aking dila at pagkatapos ay sinupsop ko ulit.
Nakakalibog ang mga tunog ng ginagawa kong pagkain sa puke niya.
“Puta, Gio… sarap niyan… sige pa.”
Hindi malaman ni Cristin kung saan babaling. Kumukurba ang katawan niya sa tuwing hinihigop ko ang kanyang katas.
Hindi ako nakuntento pa at pinatigas ko ang aking dila at ito ang ginamit upang kantutin ang loob niya. Ang init at ang sikip ng puke niya kaya alam kong sa tuwing kakantutin ko siya gamit ang burat ko, sarap na sarap ako na parang ayaw ko nang ilabas pa ang titi ko sa butas niya.
“Tangina babe, ang sarap ng puke mo.” Saad ko at bahagya kong pinasok ang gitna kong daliri sa lagusan niya. “Ang swerte ng magiging anak natin, dito sila sa mabangong puke lalabas.” dagdag ko pa.
Natawa naman si Cristine, bago muling umungol nang dalawahin ko ang daliri na naglalabas-masok sa hiyas niya.
“AHHH! B-babe… kantutin mo ko?”
Napatigil ako nang marinig ang tanong niya.
“Kinakantot na kita.” Painosente kong tanong.
“Hindi yan, ayoko niyan… hmmm…” sagot ni Cristine habang napapapikit ang kanyang mata sa ginagawa kong pagffinger sa puke niya.
“Anong gusto mo?” Mas lalo ko siyang tinutukso. Alam ko ang gusto niya ngunit nais kong marinig ito mismo mula sa kanya.
“Yung iyo… ahhhh, yung iyo Gio! Shit!”
Nararamdaman ko na umiindayog siya sa saliw ng aking musika. Ang libog. Siya na mismo ang kumakantot sa daliri ko gayong sinabi niya kanina na ayaw niya ito.
“Yung alin ko?”
“Tangina Gio, kantutin mo na ako ng burat mo!”
Alam kong bibigay din si Cristine. Sa una ay sasabihin kong kakainin ko lang siya, pero alam kong mauuwi at mauuwi ito sa kantutan.
Ngumisi ako at gumapang paitaas. Siniil ko siya ng halik at hinayaan kong matikman niya ng ang sarili niyang katas mula sa aking bibig.
“Ito na, babe. Ang paborito mong bur—”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Bigla kaming napalingon sa pinto nang may biglang kumatok dito.
Nagkatinginan kami ni Cristine at pinakiramdaman kung guni-guni lang ba namin iyon.
(Tok! Tok! Tok!)
Muli na namang may kumatok sa pinto. Dali-dali kaming bumangon upang magbihis. Nanlambot na rin ng bahagya ang aking alaga habang nagmumura ako sa aking isip.
Putangina. Istorbo pa.
“Sino yan?” Tanong ni Cristine habang isinusuot ang kayang salawal.
“Ate, may pinapabigay si papa.”
Boses iyon ng binata kaya malamang ay si Tyler ang tumawag.
Nagbihis na rin ako at sinundan si Cristine na buksan ang pinto.
Natanaw kong nag-aabang sa labas si Tyler. Nakasandal ito sa katapat na pader at ang ekspresyon niya ay tila buryong-buryo. Mukhang nagpalit na ito ng damit pangbahay dahil nakasuot na ito ng asul na basketball shorts at malaking itim na t-shirt.
“Ano yon Tyler?” Tanong ni Cristine.
Lumapit si Tyler sa amin at tinaas ang kamao niya na sa tingin ko ay may laman. Hudyat naman ito para ilahad ni Cristine ang kanyang palad.
Tumingin muna ang binata sa ate niya at binigyan niya rin ako ng isang tingin. Matapos nito, binuksan niya ang kanyang palad upang ibigay kung ano yung pinapaabot ni Tito Anton.
Hindi pa kami nakakapag-react ni Cristine pero agad nang umalis si Tyler na parang wala lang sa kanya na abutan kami ng ilang pirasong condom.
Oo, condom ang binigay sa amin.
Nagkatinginan kami ni Cristine at alam na agad namin ang iniisip ng isa’t-isa.
Narinig kami ng pamilya niya.
Lumipas ang araw, at oras na para bumalik kami ni Cristine sa Maynila. Hapon na kami umalis dahil hindi naman malayo ang biyahe mula sa Laguna. Sa kabutihang palad, walang nag-uungkat ng tungkol sa milagrong ginawa namin kahapon. Hindi na rin naming tinangka pang gumawa ng milagrobsa kwarto. Nagsalsal na lamang ako sa banyo para makapagpalabas.
“Mag-iingat kayo, Tin. Ikaw din Gio, wag mong pabayaan ang anak ko.” wika ni Tito Anton.
“Hinding-hindi ko po pababayaan si Cristine, tito. Ako pong bahala sa kanya.” sagot ko naman.
“Mama at papa na ang itawag mo sa amin. Magiging parte ka na ng pamilya namin kaya natural lang iyon.” Saad pa niya.
“Sige po, papa. Mama, salamat po sa mabuti niyong pagtanggap sa akin.”
Niyakap ako ni Tita Sandra—ni mama. Ramdam ko ang pagmamahal ng isang ina mula sa yakap niya.
“Welcome to the family, hijo. Aasahan ka namin.”
Mananatili pa ng ilang buwan sa Pinas ang pamilya ni Cristine bago sila muling lilipad sa ibang bansa. Depende sa aming plano, balak nilang hintayin ang aming kasal bago muling umuwi sa Amerika.
Pinangako naman namin na aasikasuhin na namin ang kasal at sasabihin ang mga detalye sa kanila.
Nag-paalam na kami sa isa’t-isa. Kapansin-pansin din na wala ang nag-iisang binata ng pamilya. Noong umaga ko pa ito hindi nakikita dahil wala rin ito noong nag-almusal kami. Hindi na ako nagkomento pa, sa halip ay sinabi ko na lang kay mama na pakisabi kay Tyler na paalam at aasahan namin siya sa kasal ng ate niya.
Araw ng lunes, balik opisina na naman. Bilang isang call center agent, pang-gabi ang aking pasok. Pitong taon na ako sa industriyang ito at wala pa naman akong balak tumigil. Nakakapagod, oo, pero para sa akin, alam kong dito ako pinakamagaling. At isa itong bagay na ipinagmamalaki ko.
Pasado alas-dos ng madaling araw ang aming isang oras na lunch break. Karaniwan akong kumakain sa 24/7 convenience store sa labas ng aming opisina, at hindi naiiba ang araw na ito.
Dala ang aking cellphone at pitaka, nagtungo ako sa convenience store at dumiretso sa estante ng kanilang instant food. Kasama ng isang bote ng Cobra, nagpunta ako sa counter upang magbayad. Sinabi ko na magd-dine in ako kaya naman ininit na ng cashier ang pagkain ko gamit ang kanilang microwave oven.
Matapos nito ay nagtungo ako kung saan naroon ang mga mesa para sa mga customer nila. Dahil maraming empleyado ng call center ang sabay-sabay na naglulunch, puno na ang lahat ng mesa.
Maliban sa isa.
“Hi, pwede bang makiupo. Wala na kasing bakante.” tanong ko sa lalaking mag-isang nakaupo sa isang mesa.
Kumakain ito ng cup noodles habang naglalaro sa kanyang cellphone. Hindi ko kita ang kanyang mukha dahil nakatungo ito at nakasaklob ang itim niyang hood sa kanyang ulo, ngunit nakita ko na tumango naman ito.
Umupo ako at mabilis na nilantakan ang binili kong pagkain. Pagkatapos kasi nito ay pupunta pa ako sa smoking area at magyoyosi.
Kinuha ko ang cellphone ko upang itext si Cristine. Alam kong tulog pa iyon, ngunit gusto ko lang banggitin ang kaganapan sa araw ko.
[Babe, lunch namin ngayon. Ingat ka mamaya pag-pasok. Mahal kita.]
Teacher si Cristine sa elementarya. Umaga pa ang kanyang pasok habang ako naman ay pauwi pa lang kaya naman malimit kaming magkita. Dalawang taon na kaming nagl-leave in kaya tuwing weekends lang talaga kami nagkakasama kapag day-off naming dalawa.
Maya-maya, naramdaman kong tumayo na ang lalaking kaharap ko. Inimis niya ang pinagkainan niya at saka umalis.
Nang mahagip ng paningin ko ang mukha nito, talagang nabigla ako.
Hindi agad ako nakapag-react kaya naman nakalabas na ito ng convenience store bago ko napagtanto na kamukha ni Tyler ang lalaking iyon.
Mula sa salaming pader ng convenience store, natanaw ko ang pigura ng binata na tumawid. Mukhang pupunta ata ito sa smoking area.
Sinimot ko na ang kinakain ko at dali-daling nagtungo rin sa smoking area.
Pinagbabawal ang paninigarilyo kung saan-saan dito sa lungsod namin. Kaya naman may mga itinalagang outdooor smoking area ang mga nanganagasiwa ng lungsod at sa oras na ito, doon nagkukumpol kumpol ang mga gaya kong nagttrabaho sa night shift. Karamihan dito ay mga call center agents din na gustong magrelax mula sa stress ng trabaho.
Medyo madilim ang lugar, ngunit may sapat namang ilaw upang makita ang paligid at ang mga tao rito. Nilibot ko ang aking mata hanggang sa makita ko ang pakay ko.
Nakaupo siya sa isang sulok. Naka-ekis ang kanyang braso at ang isang kamay niya’y hawak ang isang may sinding sigarilyo. May dalawang lalaki siyang kausap doon at dahil malayo ako, hindi ko alam ang kanilang pinag-uusapan.
Natanaw ko pa na tila inakbayan siya ng isa sa mga lalaki ngunit hindi natutuwa ang mukha ni Tyler. Kagaya noong nasa Laguna kami, seryoso lang ang kanyang ekspresyon at sa kaunting pangungunot ng kanyang noo, nagmimistula itong galit.
Sa di malamang dahilan, nakita kong tila hinimas-himas ng isa pang lalaki ang hita ni Tyler. Walang namang kahit anong reaksyon ang mukha ng binata, kaya hindi ko masabi kung ayaw ba niya sa ginagawa sa kanya, o ayos lang ba.
Nakakaramdam ako ng hindi tama, kaya naman bago ko pa mapigilan ang aking sarili, kusang gumalaw ang aking paa at nagtungo kung nasaan si Tyler at ang mga kasama niya.
“Nandito ka pala,” wika ko.
Nasaksihan ko kung paanong ang walang emosyong mukha ni Tyler ay napalitan ng pagkabigla.
Bahagya namang lumayo ang dalawang lalaki na kanina lang ay halos lumingkis na sa binata.
“Tara na, kanina pa kita hinahanap.” saad ko.
Nagkatitigan kami ni Tyler. Nagdadasal ako na sana’y maintindihan niya ang gusto kong gawin. Ang ilayo siya sa mga kaduda-dudang lalaking umaaligid sa kanya.
Nakahinga ako ng maluwag nang tumayo si Tyler at nagtungo sa direksyon ko. Hindi na niya nilingon ang dalawang lalaki at nagsimula itong lumakad palayo.
Hinabol ko naman siya at sinabayan siyang maglakad
“Sinong mga yon?” tanong ko.
Hindi kumibo si Tyler at sa halip, nagsindi ito ng bagong sigarilyo at humithit. Pero bago makalagpas sa smoking area, tinapon na niya ang sigarilyo niya kahit na mukhang hindi pa ito nauupos.
Huminto saglit ang binata sa paglalakad at tumingin sa akin. Sa ilalim ng street light, nakita ko ang maamo niyang mukha ngunit ang mga mata niyang malalim ay tila isang malalim na dagat at walang nakakaalam kung ano ang nasa pusod nito.
“Huwag mong sabihin kay ate o sa kahit sino na nakita mo ako.” wika niya.
“O-oo, sige. Pero ano bang ginagawa mo dito?” tanong ko.
“Trabaho.” ang maiksing sagot naman ni Tyler.
Tumango lang ako dahil marami naman talagang nagttrabaho sa parteng ito ng lungsod.
Hindi ko na naitanong kung anong trabaho niya o kung saan siya nagttrabaho dahil bigla na lang siyang tumawid ng kalsada at nagsuot sa isang eskinita.
Minabuti kong huwag na siyang sundan dahil malapit naring matapos ang isang oras kong break.
Bumalik ako sa opisina namin na puno ng tanong ang isip. Bukod dito, naaalala ko ang itsura ni Tyler habang kami’y nagkatitigan ng ilang saglit kanina. Mahirap siyang basahin ngunit ang katangian niyang ito ang mas nagdadagdag misteryo sa kanya at siyang dahilan ng namumuo kong kuryosidad.
Bagong kwento na naman.
(Pramis, m2m to, pagbigyan niyo na tong kantutan scene dito.)
2
GIO Jimenez
Isang linggo na ang nakaraan mula nang makita ko si Tyler. Kahit na ginawa ko ang pangkaraniwang routine ko na pumunta sa convenience store at magyosi sa smoking area sa parehong oras, ni anino niya ay wala akong nakita.
Gaya nga ng hiling ni Tyler, hindi ko binanggit sa ate niya ang pagkkrus ng aming landas. Hindi ko man alam ang dahilan, malamang ay may dahilan kung bakit.
Nagyaya ang mga katrabaho ko na mag-bar ngayon. Bagong sahod kasi at natanggap na namin ang aming incentives kaya naman malakas ang loob ng mga ito na gumasta.
Hinayaan ko silang magpasya kung saan pupunta. Ang akin lang ay makauwi ako ng buo. Nagpaalam naman ako kay Cristine na gagala kami ng mga katrabaho at pumayag naman siya.
Naisip ng isa kong baklang kaibigan na subukan ang bagong bukas na gay bar malapit sa aming opisina. Wala namang akong angal sa mga ganito at bukas ako sa pakikisalamuha sa mga miyembro ng LGBTQ dahil marami sa aking katrabaho ay bakla. Maayos naman silang kasama at maaasahan sa trabaho. Dagdag pa na kwela sila kaya naman wala akong problema kung sa gay bar kami pupunta. Ang pakay ko lang naman ay uminom.
Butterfly ang pangalan ng gay bar na aming pinuntahan. Nadadaanan ko ito sa tuwing papasok ako sa opisina ngunit hindi ko alam na gay bar pala ito.
Pagpasok namin, hindi naman ito iba sa mga ‘hindi gay’ na bar. Halos lahat nga lang ng mga parokyano nila ay mga lalaki o bakla na siyang kapansin-pansin. Eh, ano ba ang inaasahan ko sa isang gay bar? Malamang ay madaming bakla.
May iilan din namang mga babaeng customer na kasama ang mga bakla nilang kaibigan. Sa pangkalahatan, maayos naman ang bar na ito para sa akin.
Anim kaming magkakasama. Tatlo sa amin ay bakla at tatlo ay mga lalaki. Pumuwesto kami sa isang table na pang sampuan at nagsimula nang umorder ng mga inumin.
“Pre, balita ko may special show dito maya-maya.” Sabi ng kaibigan kong si Dan.
“Oo nga, ito daw yung specialty ng bar na to tuwing weekend. Kaya nga dito ako nagyaya para naman ma-sight ko din ang hiwaga.” saad naman ng bading kong katrabaho na si alyas Sugar.
Nag-inuman lang kami at nagkwentuhan. Nagulat din ako sa dami ng kanilang inorder na tantya ko ay abot ng limang libo. Hati-hati naman kami sa bayarin para na rin hindi masakit sa bulsa.
Narelax naman ako mula sa isang linggong pakikipagsagupaan sa mga tangang kano. Maganda rin talaga na minsan ay magliwaliw at wag isipin ang trabaho.
Maya-maya’y nagdilim ang paligid. Nagsimulang maghiyawan ang mga parokyano na tila kanina pa nila ito inaabangan.
Sa hinuha ko ay magaganap na ang show.
Sa maliit na entablado, tatlong maskuladong kalalakihan ang umakyat. May numero sila sa kanilang tagiliran—1, 2, at 3. Tanging hapit na briefs lang ang kanilang suot kaya naman litaw na litaw ang mg kargada nila. Nakasuot sila ng maskara na nakatakip sa buong mukha nila kaya tanging sa mga naglalakihang mga katawan lang nila naka-focus ang lahat.
Lalong naghiyawan ang lahat ng masaksihan ito. Kahit na ang mga kasamahan kong bakla ay grabe kung makatili na akala mo’y mauubusan sila ng hininga.
Nagsimula ang pagtugtog ng musiko sa saliw ng isang mabagal at sensual na ritmo. Umiindayog ang mga katawan ng tatlong bruskong kalalakihan upang akitin ang mga manunuod.
May poste sa gitna ng entablado at doon nila iginigiling at ikinukuskos ang kanilang kaselanan na para bang may tao silang sinasayawan.
Napakasenswal ng mga sayaw nila at sa bawat galaw nila ay mas lalong umiinit ang paligid. Bilang isang straight na lalaki, naaliw akong panuorin ang palabas na ito. Ngayon lang ako nakasaksi ng ganito kaya naman tinandaan ko ang bawat indayog nila at baka magamit ko para kay Cristine.
Napangisi ako.
Dahil weekend ngayon, susulitin ko na ang paglaspag sa mapapangasawa ko.
Biglang nagdilim na naman ang paligid. Sa muling pagsilay ng liwanag, iba na ang tao sa entablado.
Bagong mga macho dancer ang naroon—4 at 5. Kagaya ng mga nauna, ginigiling nila ang kanilang mga bewang sa saliw ng senswal na musika. May props pa silang silya na siyang sinasayawan nila. Parang pinapasabik nila ang sangkabaklaan dahil sa alindog ng kanilang malaki at mabatong katawan.
Pagkatapos ng ilang minuto, muling namatay ang ilaw. Nagkaroon ng bulung-bulungan. Ang iba ay naghihiyawan. Pero iisa lang ang alam kong reaksyon ng lahat. Lahat ng mga parokyano dito ay nasasabik.
At sa muling pagliwanag ng entablado, naroon ang bagong mga magpeperform. Numero 6, 7, at 8. Di gaya ng naunang grupo, ang mga nasa entablado ay halatang mga binabae. Natatakpan ng kalahating maskara ang kanilang mukha kaya nakalitaw ang namumula nilang labi. Ang kanilang katawan ay payat at may hugis na animo’y bote ng softdrinks. May mga suso rin sila na bagamat maliit, ay kapansin-pansin ang umbok na nakatago sa maliit na piraso ng tela.
Mapagkakamalan talaga silang mga babae kung hindi lamang sa umbok na kapansin-pansin mula sa kanilang maiksing shorts. Tila panty na nga ito dahil kita na ang kanilang mga singit. Maliban sa paggiling ng katawan, ang kanilang mata sa likod ng maskara ay tila nang-aakit din at nang-eengganyo na hawakan ang mga katawan nila.
Namatay ang ilaw. Hindi pa man ito sumisindi ulit, nauna nang tumunog ang senswal na musika na mas nagpainit sa dugo ng lahat ng manunuod.
“Asia!!”
Narinig kong sumigaw ang isang lalaking manonood at kasunod nito ang samu’t-saring hiyawan pa ng iba, sinisigaw ang parehong pangalan. Asia.
“Pre, balita ko, yan daw ang star dito.” Narinig kong bulong sa aking ng isang katrabaho ko.
Hindi ko ito pinansin at sa halip, nakatuon ang atensyon ko sa entablado. May kung anong bumubulong sa akin na nagsasabing magugustuhan ko ang makikita ko.
Sa wakas ay bumukas na muli ang ilaw sa entablado.
Isang lalaki na lamang ang naroon. Nunber 9. Hindi tulad ng mga nauna, ang katawan nito’y hindi pakurba ng gaya sa babae ngunit maliit ang bewang nito. Hindi gaanong ma-masel ngunit maganda ang hubog ng katawan at may abs din ito na nagdadagdag sa kasexyhan nito.
“Putangina, twink!”
Narinig kong sigaw ni Sugar.
Nakamaskara ito na hugis paru-paro na tatakpan ang kalahati ng kanyang mukha. Kakaiba rin ang suot ng lalaki. Hindi malusog ang kanyang dibdib ngunit nakasuot ito ng bra—kung bra pa bang maituturing ang dalawang pirasong maliit na trianggulo na tumatakip sa magkabila niyang utong.
Nakasuot din ito ng maong na palda na sa sobrang iksi ay kita na ang kuyukot nito. Sa paa naman niya’y suot ang pares ng makinang na high heels.
Pumuwesto si ‘Asia’ sa gitna ng entablado, nakasandal ang likod sa poste na naroon. Kumembot-kembot ito at hinawakan ng isang kamay niya ang poste sa bandang ulo-han niya.
Kasabay ng musika, unti-unti niyang iginaya pababa ang kanyang katawan. Ang isang kamay niya’t gumagapang sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan—mula sa kanyang leeg, payat na tiyan, pababa sa gitna ng kanyang mga binti.
Nang maabot niya ang baba ng poste, agad niyang giniling ang kanyang katawan habang nakaluhod. Sa ilalim ng palda niyang walang silbi, nasilip ko ang tinatago niyang kayamanan.
Pagtapos ay tumalikod ito, kinapit ang dalawang kamay sa poste at saka niya tinaas-baba ang kanyang katawan na animo’y nagkakabayo. Umaangat din ang maiksing palda niya sa likod kaya naman kitang kita ang suot nitong tibak na kinakain ng dalawa niyang matambok na globo.
Napalunok ako.
Hindi ko maalis ang mga mata ko sa bawat galaw niya. Para akong nahihipnotismo. Parang gusto kong umakyat sa entablado at hayaan siyang gumiling sa harap ko.
Muntik ko nang mabatukan ang aking sarili dahil sa mga naiisip ko.
Straight ako. Tanging sa mga babae lang ako tumitingin. Mahilig ako sa puke at wala nang iba.
“Pre, mukhang buhay na buhay ka ah,” kantyaw sa akin ni Ron, isa sa mga kasamahan ko, sabay turo sa aking hita.
Doon ko lang napansin na bahagya akong tinigasan.
Putangina naman.
“Ha? Wala ‘to, haha. Iniimagine ko lang na yung babe ko yung sumasayaw.” usal ko. Natawa na lang ako sabay kamot sa likod ng ulo upang matakpan ang pagsisinungaling ko.
“Talaga lang, ha.” wika ni Ron na may kakaibang ngiti.
Saglit lang na sumayaw sa entablado si Asia. Pagkatapos ay muli na namang nagdilim ang paligid. Saglit lang at nagliwanag muli ang entablado, at isang baklang host na ang pumalit.
“Sino ang tigang?” tanong niya sa mga manood.
Maraming naghiyawan. Ang iba pa ngang magkakaibigan ay nagtutuksuhan.
Nakita kong tumingin sa akin si Ron at ngumisi pa ang hayop.
“At oras na para sa inaabangan ng lahat. Alam kong buhay na buhay na ang mga katawang lupa niyo sa mga patikim kanina.” wika ng host.
“Sino ang gustong tumikim?” dagdag nito.
Nagtaasan na naman ang maraming kamay. Marami ring bakla ang nagtitilian na.
“Okay, dating gawi. Ang top 2 highest spender of the night ang pwedeng mamili kung sino ang pwedeng i-table. O! O i-take out for tonight. Handa na ba kayo?”
“Sugar, ano itong pakulo nila?” Tanong ko sa kasamahan kong bakla. Nadala ako ng kuryosidad kaya naman hindi ko na napigilang magtanong.
Napag-alaman ko na dalawang table lang na may pinakamalaking bill ang pwedeng pumili mula sa siyam na performers kanina. Ang pangalawang top spender ay maaaring magtable ng sinoman sa siyam nang walang dagdag na bayad. Samantalang ang top spender naman ay maaaring i-table ang mga ito nang libre o ‘i-takeout’ ang sino man sa mga ito kapalit ang extrang halaga.
May hinala na ako kung ano ang ibig-sabihin ng ‘take out’ na sinasabi nila. May ganoong serbisyo pala ang establisyementong ito.
“Ang top 2 spender ay… table number 4!” anunsyo ng baklang host.
“Gago, pre. Tayo ‘yon!” usal ng isa kong samahan.
“Gosh! Salamat mga bakla. Kanina pa ako naglalaway dito.” Saad ni Sugar.
Lumapit sa table namin ang baklang host dala ang kanyang mic.
“So, excited na ba kayo?” tanong niya sa amin.
Di magkamayaw ang mga bakla kong kasamahan kaya napapailing na lang ako sa kahihiyan.
“O siya, larga. Pili na ng gusto niyong maka-table.”
Isa-isang umakyat sa entablado ang siyam na performer. Nakasuot pa rin sila ng maskara. Ang mga binabae at yung number 9 ay nakasuot na ng pekpek shorts at puting sando kung saan bumabakat ang kanilang utong.
Ang mga bakla kong kasamahan ang unang pumili. Siyempre, ang mga macho dancer ang napili nila. Kasunod na pumili ang isa kong kasamahan na sa tingin ko ay straight at pinili niya yung isa sa mga binabae na number 7. Pagdating kay Ron, nagtaka ako kung bakit tumingin muna siya sa akin bago sumagot.
“Number 9.”
Narinig kong nagpalakpakan ang lahat. Bumaba na rin sa entablado si number 9 o si Asia at nagtungo sa direksyon ng aming table.
Ako naman ang tinanong ng host. Sa totoo lang wala naman akong interes sa mga ganito. Tatanggi na sana ako kaso lang nagpumilit ang mga kasamahan kong bakla. Sa huli, yung number 6 ang napili ko.
Nagdagdag ng mga silya sa table namin. Yung mga binabae, piniling kumandong sa hita namin. Naiilang man ako ay hinayaan ko na lang dahil alam ko sa sarili ko na wala naman akong gagawin sa kanila.
“Hello po, I’m Candy.” saad ng binabae na nakakandong sa akin.
“Hello.” ang maiksi kong sagot.
“Ay, pa-mysterious si koyah. Gusto ko yan.” sabi ni Candy at naramdaman kong hinimas niya ang aking likod.
Katabi ko naman si Ron, at gaya ng ibang binabae, pinakandong din niya si Asia sa kanyang hita. Nakita ko pa kung paano himasin ng loko kong katrabaho ang bewang ng bakla at kinurot ang isang pisngi ng pang-upo nito.
Nakatalikod kasi ito sa akin kaya hindi ko rin matitigan ang itsura nito.
Nagtuloy-tuloy ang inuman namin kasama ang aming mga bisita. Isang oras lang naman ito at mapagtatyagaan din. Maayos namang kausap si Candy. Wari ko’y ramdam niya na ayaw ko siyang hipuan kaya naman ganoon din naman siya sa akin at tinigil na ang paghawak sa mga bahaging di kailangang hawakan.
Sa kalagitnaan ng aming pagsasaya, isang staff ng bar ang pumunta sa likod ni Asia at may binulong. Bahagya kong narinig ang ilan sa mga sinabi ng staff.
“May magttake out sayo, kaya ayusin mo…”
Pagkatapos ay humingi ito ng pasensya sa amin sa abala at umalis na.
Nanatili namang nag-eentertain si Asia kay Ron at itong si Ron naman ay panay ang halik sa leeg at balikat ng bakla.
Matapos ang isang oras ng pagttable sa kanila, nagpaalam na sila sa amin. Nagnakaw pa sa akin ng halik sa pisngi si Candy bago ito umalis.
Natanaw kong nagtungo sila sa table ng top spender. Ang iba sa kanila ay nagtungo na sa backstage at ibang performer ang pumalit. Marahil ay ito ang napili ng mga parokyano sa table na iyon. Nakita ko din si Asia na biglang kinabig ng isa sa mga lalaki sa table at biglang nilaplap sa harap ng mga kasama niya na ikinahiyaw ng marami.
Pwede pala yon.
Nagtuloy pa kami sa inuman. Ngunit ang paningin ko ay nakatutok sa table kung nasaan si Asia. Nakakandong ito sa hita ng lalaki habang ang isang braso ay naka-akbay dito. Maya’t-maya ang pagpapainom sa kanya ng alak ng lalaki at patawa-tawa pa ito.
Hindi nagtagal, tumayo ang dalawa at nagpunta sa kung saan.
THIRD person
Nakaakbay ang maskuladong lalaki sa isang lalaking nakabihis babae. Paakyat sila ngayon sa ikalawang palapag ng gusali. Naroon ang mga kwartong mistulang hotel na siyang nagsisilbing ‘take out room’ ng bar. May dalawang oras lang sila para magpakasasa kaya naman mas nasasabik ang bruskong lalaki. Kinambyo niya ang kanyang naninigas na ari na kanina pa niya gustong ilabas.
Pagpasok pa lang sa naka-assign na kwarto para sa kanila, sinunggaban agad nito ng halik ang binabae at sininandal ito sa pader.
“Hmmm… Nestor…” ungol ng binabae.
Si Nestor ang nakabili sa katawan ni Asia ngayong gabi. Suki siya sa Butterfly at talagang nahumaling sa alindog na dala ni Asia. Ito na ang ika-apat na beses na maikakama niya ang binabae ngunit sabik na sabik pa rin siyang matikman ito.
“Tangina Asia, mas nakakalibog ka ngayon..” usal ni Nestor bago sinibasib na naman ang bibig ni Asia.
Habang gumagalaw ang kanyang bibig, kumikilos din ang kanyang mga kamay na siyang nagtanggal ng butones ng short ni Asia. Pagkapatos ay eksperto niya itong tinanggal at tanging sando na lang ang nakabalot sa katawan nito.
Hinimas himas naman ni Asia ang sawa sa ilalim ng pantalon ni Nestor. Malaki at matigas ito sa sukat na pitong pulgada.
Sinapo ni Nestor ang pang-upo ni Asia ay binuhat ito habang magkadikit pa rin ang kanilang labi at nagsusupsupan ng dila. Dahil nakapalibot ang mga binti ni Asia sa bewang ni Nestor, nagawa niyang ipagkiskis ang kanilang mga ari na siyang nagpaungol sa barako.
“Putangina ka, Asia. Lalaspagin ko yang puke mo ngayon.” Babala ni Nestor matapos niyang itulak ang binabae sa kama.
Tumingin naman ng nakakaakit si Asia at mas lalong binuka ang mga hita na siyang nagpalitaw sa butas niyang kumikislot-kislot.
Gumapang si Nestor papunta sa kanya na animo’y isa itong mabangis na hayop na nakakita ng mabibiktima.
Wala itong sinayang na oras at siniil na naman niya ng halik ang maamong tupa sa kanyang ilalim. Bigla niyang hinawakan ang panga ni Asia at binuka ang kanyang bibig, pagkatapos ay dinura niya sa bunganga nito ang mainit na laway na kanyang inipon.
“Ahhh… isa kang puta Asia. Parausan ka lang tandaan mo yan,” wika ni Nestor at sinampal ang pisngi ng bakla.
Nilunok naman ni Asia ang laway na siyang mas lalong nagpalibog sa lalaking kaharap niya, bago nagsalita:
“Oo, Nestor, isa akong puta. Isa akong parausan. Gamitin mo ako ngayon.”
Hinubad ni Nestor ang natitirang saplot sa kanyang katawan at tumambad ang alaga niyang galit na galit. Sinalsal niya ito bago siya lumuhod sa ulohan ni Asia at pinasubo dito ang kanyang burat.
“Ahhh… shit, sarap talaga ang bunganga mo baby,” ungol niya.
Nilalabas pasok niya ang kanyang kahabaan sa bibig ni Asia at kinantot ito. Panay naman ang chupa ng bakla na walang magawa sa biglang pag-ulos ng ulo ng burat sa kanyang lalamunan.
Saglit na hinugot ni Nestor ang kanyang titi mula sa bibig ni Asia at pinangsampal ito sa pisngi ng bakla.
“Nagustuhan mo ba ang burat ko, baby? Ha?”
Sampal.
“Masarap bang chupain?”
Sampal.
Tumango-tango si Asia at kiniskis ang kanyang pisngi sa marigat na tarugo.
“Sarap ng burat mo, Nestor. Hindi nakakasawa.”
Napangisi ang bruskong lalaki. Sa isang galaw ay pinadapa niya ang katawan sa ilalim niya. Pinausli nito ang hubad na pwet ni Asia at saka sinubasib ng halik ang butas nito.
“Ah… ahhhhh! Nestor! Shit!”
Umuungol si Asia habang nakasubsob ang kanyang mukha sa kama.
Patuloy ang ginagawang pag-rim ni Nestor sa lagusan ng bakla. Nanggigil ito sa amoy ng baklang hiyas nito kaya mas binuka niya ang dalawang umaalog na pisngi nito at dinilaan ang butas na nagbubukas-sara.
“Sige pa, Nestor, ahhhh! Sarap niyan…”
Hindi pa nakuntento ay ginamit ng barako ang kanyang dila upang kantutin ang butas ni Asia. Ramdam niya ang init at sikip ng loob nito na talagang mas nagpatigas ng burat niya.
“Kainin mo pa ang puke ko, hah… ahhh… sige pa, sarap niyan…”
Patuloy lang sa pag-ungol si Asia habang nilalantakan ni Nestor ang pagkain sa harap niya.
Makalipas ang ilang saglit ay hiniwalay ng bruskong lalaki ang sarili niya sa pukeng basang-basa dahil sa laway niya.
“Tirahin na kita baby.” wika niya. “Magc-condom pa ba ako?”
Tumango ang bakla. “Oo, mag-condom ka.”
Saglit na umalis sa kama si Nestor at kumuha ng condom sa drawer sa gilid ng kama. Pagkaraan ay bumalik siya sa posisyon at sinuot ito sa kanyang ari.
Saka naramdaman ni Asia ang pagkatok ng ulo ng burat ni Nestor sa kanyang lagusan. Sinalsal niya ang sarili niyang titi na may limang pulgada at inintay na tuluyang mapasok ang kanyang teritoryo.
“Haaahhh… Baby, shit… tanginang puke to!” Napapaungol si Nestor habang unti-unting binabaon ang kahabaan niya sa butas ni Asia. Nakakapit siya sa bewang nito at sa sobrang gigil ay pinalo niya ang isang pisngi ng pwet nito.
“Tangina kang puta ka! Ang sikip mo!”
“Nestor… ahhh…”
Naipasok na ng buo ang burat sa puke ni Asia. Ilang segundong tumigil si Nestor upang damhin ang init ng kaloob-looban nito. Alam niyang pakantot si Asia ngunit hanggang ngayon ay masikip pa rin ang pwet nito.
Di nagtagal ay nagsimula nang bumayo ang burat na nakapasak sa panglalaking puke ni Asia. Mahigpit ang pagkakakapit ni Nestor sa maliit nitong bewang habang mabilis na kumakadyot.
“AHHH… Pukingina ka Asia! Sarap ng butas mo! Ang init!” Ungol ni Nestor na napapapikit sa sarap.
Maririnig ang pagsasalpukan ng kanilang balat. Humahampas ang malaking bayag ni Nestor sa pwet ni Asia sa sobrang bilis ng pagkakabaon niya dito.
“Sige pa, Nestor. Ang sarap ng burat mo! Kantutin mo pa ako!” sigaw naman ni Asia.
Pinatihaya ni Nestor ang bakla nang hindi tinatanggal ang kanyang burat sa butas at saka muli itong bumira ng kantot.
Sinupsop niya ang pink na utong nito na siyang mas nagpaungol kay Asia.
“Ahhh… Sikip mo baby… Ang sarap ng puke mo! Akin lang to!”
“Sige, Nestor, sayo lang yang puke ko… ahhh! Bilisan mo pa!”
Parang hayop na nagkantutan ang dalawa. Umaalingawngaw sa buong kwarto ang bawat pag-ungol nila. Maririnig rin ang nakakalibog na mamasa-masang paglalabas pasok ng tite ni Nestor sa masikip na butas ni Asia.
“Tangina mo baby, lalabasan na ako! Ahhh… ang sarap mo talagang kantutin!”
“Ayan na baby lalabasan na ako, kainin mo tong tamod ko, putangina ka!”
Maya-maya’y hinugot ni Nestor ang kanyang burat, tinanggal ang condom at saglit na nagsalsal.
Nakaabang naman si Asia at nabuka ang bibig na parang naghihintay ng grasya.
Pumulandit ang tamod ni Nestor sa mukha ni Asia. Karamihan ay napunta sa bibig nito ngunit ang ilan ay tumalsik sa mata at kilay ng bakla.
“Ahhh! Tangina!”
Matapos nito ay tumingin si Asia nang nakakaakit kay Nestor gamit ang isa niyang mata. Ang isa kasi’y natamuran at hindi niya madilat. Pinakita niya sa hayok na lalaki kung paano niya lumukin ang sago-sagong tamod nito.
“Sarap.” ang malanding wika niya.
“Putangina Asia,” sinampal-sampal ni Nestor ang naninigas pa rin niyang burat sa pisngi ng bakla. “Round 2 na kaagad.”
Nagkantutan pa ang dalawa hanggang sa matapos ang dalawang oras na binigay sa kanila. Iba’t-ibang posisyon ang kanilang ginawa sa iba’t-ibang parte ng kwarto. Sa sahig, sa pader, sa banyo, sa kubeta, sa binta. Lahat na ng sulok ng kwarto ay nakasaksi sa kahalayang ginagawa nila.
Pagkatapos ng kantutan, kinuha ni Asia ang mga damit niyang nagkalat sa sahig, habang si Nestor naman ay nakahiga pa rin sa kama at walang saplot. May hawak itong sinding sigarilyo at pinagmamasdan ang bawat galaw ng baklang naangkin niya.
“Nag-enjoy ako baby.” wika niya.
Hindi nagsalita si Asia at patuloy ang ginagawang pagbibihis. Nang matapos ay umupo ito sa kama katabi ng kanyang customer.
“Nag-enjoy din ako.” Hinalikan niya sa labi ang lalaki na nagtagal mg ilang minuto. Pagkaraan ay siya ang bumitaw.
“Nabitin ako, baby. Kailan ba kita mauuwi sa bahay?” paglalambing ni Nestor habang hinihimas ang braso ni Asia. Kapansin-pansin din ang muling pagtayo ng kanyang burat.
Bahagyang tumaas ang gilid ng labi ni Asia, “Itatanong ko sa manager ko.”
“Sige. Di ako makapaghintay. Ibabahay na kita para ako na lang ang makakantot sayo.” ani Nestor sabay kindat.
Bumangon ito sa kama at kinuha ang pitaka mula sa pantalon niyang hinagis niya kanina sa sahig. Pagkaraan ay bumaling siya kay Asia at may iniabot.
“Sabihin mo sa akin kung kulang pa. Alam mo naman na lahat ibibigay ko sa’yo.” wika ng lalaki at nagnakaw pa ito ng isang halik.
Napatingin si Asia sa hawak ng kanyang kamay. Pitong libo.
Napangiti siya at binigyan ng isang halik sa pisngi ni Nestor. “Salamat. Aabangan kita.”
Kapagkuwan ay lumabas na siya sa kwarto. Umakyat ang lalaking performer sa third floor kung nasaan ang kanilang dressing room. Ngunit hindi siya dito dumiretso, sa halip ay pumasok siya sa CR na nasa palapag na iyon.
Dali-dali siyang lumuhod sa isang kubeta sa bakanteng cubicle at sinuka ang kung anumang laman ng kanyang sikmura. Lumuluha rin siya habang patuloy na inilalabas ang mga nakakadiring bagay na nasa loob niya.
Nang matapos, napasalampak na lang siya sa sahig at sumandal sa pader ng masikip na cubicle. Patuloy siya sa pag-iyak ngunit sinisigurado niyang walang makakarinig ng kanyang paghikbi.
Napatingin siya sa kisame at tahimik siyang nagdasal. Hindi niya alam kung kanino, basta tumawag siya sa kahit sinong makakarinig sa kanya.
“Kailan ba ‘to matatapos?“
3
GIO Jimenez
“Babe?” Tawag sa akin ni Cristine mula sa kusina.
Nasa sala ako ng apartment namin, nakasandal sa sofa habang nanonood ng basketball game sa TV. Magkakasama kami ngayon ni Cristine sa bahay matapos ang magdamagang inuman kasama ang mga katrabaho ko kagabi.
Masuwerte at hindi masyadong malala ang hangover ko, kaya nagawa ko pang gumising nang maaga para samahan siya sa pamamalengke.
“Yes babe?” sagot ko.
“Free ka ba this weekend? Sabi kasi ni papa may salu-salo daw ulit. At may ipapakilala daw si Tyler.” saad ni Cristine.
“Talaga ba? Wala namang problema, free ako.” wika ko.
“Thanks babe. Ito kasing si papa, iggrab niya talaga ang kahit na ano, makapag-get together lang ang pamilya.” saad ni Cristine.
“Masaya lang ang Papa niyo,” sabi ko at ngumiti nang bahagya. “At mukhang nagiging open na sa inyo si Tyler kung may ipapakilala na siya.”
“Sana nga babe. Ang saya ko kung magkaganoon nga.”
Wala namang masyadong nangyari sa araw ko. Pagkatapos kumain ay nagkantutan lang kami magdamag ni Cristine hanggang sa nakatulog siya. Ito nga ang routine namin tuwing weekend at wala naman siyang reklamo dahil alam kong nasasarapan siya sa burat ko.
Kinabukasan, bumalik ako sa opisina. Nang dumating ang lunch break, imbes na dumiretso ako sa convenience store tulad ng nakasanayan, natagpuan ko ang sarili kong naglalakad papunta sa isang lugar na hindi ko inaasahan.
Napadpad ako sa Butterfly.
May sariling isip yata ang mga paa ko.
Pagpasok ko sa loob, kakaunti lang ang tao hindi tulad noong huling bisita ko rito. Wala naman akong balak uminom, lalo’t kailangan ko pang bumalik sa trabaho. Pero kahit hindi ko gustong aminin, may isang dahilan kung bakit ako nandito.
Lumapit ako sa isang serbidora. “Excuse me,” tawag ko sa kanya.
Lumingon siya sa akin at bahagyang tumaas pa ang kilay. “Yes, sir?”
“Ah… nandito po ba si Asia?” may pag-aalangan kong tanong.
Saglit niya akong tinignan, para bang hinihimay ako mula ulo hanggang paa ngunit hindi ko na lang pinansin.
“Wala si Asia. Tuwing Biyernes at Sabado lang siya nandito,” sagot niya nang walang emosyon.
Tumango ako. Mukhang tuwing special show lang siya nagpe-perform dito.
Nagpasalamat ako sa serbidora at lumabas na ng bar.
Habang naglalalad ay napagdesisyunan ko nang alisin si Asia sa isip ko. Hindi ko naman talaga dapat iniisip ang isang katulad niya. Wala kaming kaugnayan sa isa’t-isa. At isa pa hindi naman ako nagpapantasya sa mga bakla.
Siguro ay dala lang ito ng kuryosidad ko sa kung ano ang nasa likod ng maskara niya.
Dahil may oras pa naman ako, dumaan ako saglit sa convenience store at nag-take out ng sandwich pagkatapos ay dumiretso na ako sa smoking area para sabay na akong kumain at magyosi.
Habang nagahanap ng pwesto, nahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na mukha—isang binatang nakaupo sa isang bench, may hawak na sigarilyo, nakasandal sa pader habang nakaangat ang isang binti.
Si Tyler.
“Tyler?” tawag ko nang mas maaninag ko ang mukha niya.
Dahan-dahang siyang lumingon sa akin habang walang pagbabago sa ekspresyon. Hindi naman siya mukhang naiinis na nakita ako, pero halata kong hindi rin siya ganun kasaya.
“Pwede makiupo?” tanong ko.
Hindi siya sumagot, pero inalis niya ang pagkakapatong ng paa niya sa upuan—senyales na pinapayagan niya akong umupo. Kaya naman, hindi na ako nag-atubili.
Sinindihan ko ang yosi ko at pinagmamasdan ang usok na binuga ko na naglaho sa hangin.
“Palagi ka bang nandito?” tanong ko, dahil mukhang wala siyang balak makipag-usap.
“Oo,” maiksi niyang sagot.
“Hindi kita nakita dito nung isang linggo.”
“Baka maaga akong umuwi.”
At muling namayani ang katahimikan. Hindi ko na siya pinilit magsalita. May pakiramdam akong hindi pa siya komportable sa akin.
Nang malapit nang matapos ang isang oras kong break, tumayo na ako at nagpaalam. Isang tango lang ang kanyang sinagot at hindi man lang akong tinignan.
Nagpatuloy ang araw ko at ginawa ko ang mga routine na aking nakasanayan. Pagkatapos ng trabaho, umuwi ako sa bahay, kumain, natulog, at pagpatak ng parehong oras, naghanda na naman ako sa pagpasok sa trabaho.
Sumapit na naman ang aking lunch break. Dali-dali akong bumaba mula sa aming building at nagtungo sa convenience store. Tinignan ko kung nandoon ba si Tyler, ngunit nang masiguro kong wala siya, nag-take out na lang ako ng sandwich. Dalawa pa ang binili ko.
Halos puno ang smoking area ngayon. Wala akong makitang bakanteng bench. Sinipat ko din ang paligid ngunit hindi ko makita si Tyler. Mukhang wala ito ngayon.
Nagtungo na lang ako malapit sa poste ng ilaw na nasa labas ng smoking area. Pwede kasing umupo sa nakausling sidewalk doon.
“Kuya,” narinig kong may tumawag. Hindi ko man sigurado kung para sa akin iyon, otomatiko akong napalingon sa pinagmulan ng boses.
Nakita ko si Tyler na nakaupo sa isang parte ng sidewalk, may kalayuan mula sa poste ng ilaw. Bahagyang madilim sa pwesto niya ngunit hindi ako nagkakamali at siya nga iyon. Suot niya ang itim na hoodie at butas-butas na pantalon na nakita ko sa kanya noon nang bumisita kami sa Laguna.
Napangiti ako dahil siya na ang tumawag sa akin. At tinawag pa niya akong kuya.
“Tyler. Nandito ka pala. Hinanap kita dyan sa loob.” saad ko bago umupo sa tabi niya.
“Madaming tao.”
Natawa ako dahil ito ang tipikal na reaksyon niya lagi. Laging seryoso at walang kaemo-emosyon.
“Kanina ka pa?” usisa ko.
“Hindi naman.”
Nilabas mo mula sa supot ang binili kong sandwich at binigay sa kanya ang isa. Tumanggi pa nga ito pero sa huli, napilitan siyang tanggapin ito.
Sabay kaming kumain ng sandwich. May mga hiyawan at bulungan sa smoking area, pero wala ito para sa amin dahil katahimikan ang bumabalot sa aming dalawa ni Tyler.
Nagsindi ito ng yosi kahit na nasa labas kami ng tinalagang smoking area. Parang hindi ito natatakot na may humuli sa kanya. Pabiro ko siyang sinaway, ngunit wala naman itong gaanong reaksyon at tinuloy na lang ang ginagawa niya.
Hindi na naman kami nakapag-usap dahil tahimik lang ulit si Tyler. Sumapit ang oras na kailangan ko nang bumalik sa trabaho at naiwan ko siyang mag-isa doon sa pwesto namin.
Paglipas ng mga araw, nagpatuloy ang aming tahimik na routine. Tuwing lunch break, bibili ako ng dalawang sandwich, pupunta sa parehong lugar, at doon kami sabay na kakain. Minsan, may sinasabi siya, pero madalas, tango at iling lang ang sagot niya.
Pagdating ng biyernes, naalala ko na may lakad kami ni Cristine pa-Laguna dahil sa hinanda ng pamilya niyang isang salu-salo at dahil may ipapakilala daw si Tyler.
“Siya nga pala,” usal ko. “Bukas ay may handaan sa bahay niyo. Gusto mo bang sumabay na lang sa amin ng ate mo pa-Laguna?”
“Hindi na. Ako na bahalang pumunta.” wika ni Tyler. Gaya ng dati nagsisigarilyo pa rin siya sa labas ng smoking area
“Ikaw bahala.” wika ko. Gumaya na rin ako sa kanya at nagsindi na rin ng sigarilyo.
“Ahh, ayos pala magyosi dito.” anas ko pagkaraang maibuga ko ang usok sa hangin. “Alam ko kasi bawal.”
“Masarap ang bawal, kuya.”
Narinig kong nagsalita si Tyler kaya naman tumingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin—sa labi kong kagat ang stick ng sigarilyo.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal na ganoon, pero habang tinitignan ko ang mga mata niya, para akong nalulunod.
Ako ang unang bumitaw sa tingin. Tumikhim ako, bumuga ng usok, at ibinalik ang paningin sa harapan.
Ganoon din naman ang ginawa ni Tyler.
Muli na namang nabalot ng katahimikan ang hangin sa pagitan naming dalawa.
“Nga pala,” sabi ko, sinusubukang basagin ang namuong tensyon sa pagitan namin. “Sabi ng ate mo, may ipapakilala ka daw?”
May halong panunukso ang tono ko, at pabiro ko pang binangga ang kanyang balikat.
Sa unang pagkakataon ngayong gabi, nakita kong ngumiti si Tyler. Isang tipid na ngiti, pero sapat na para makita ang bahagyang pagbabago sa kanyang ekspresyon
Tumingala siya sa langit, kasabay ng marahang pagbuga ng usok mula sa kanyang sigarilyo.
“Meron nga, kuya.”
Nakakaramdam ako ng kung ano habang pinagmamasdan ang nakangiting labi ni Tyler. Siguro ay dahil bihira ko lamang ito makita pero namamangha ako.
Bakit parang ang gaan-gaan niyang tingnan kapag nakangiti?
“Ka-gwapong bata. Bagay sa’yo ang laging nakangiti.”
Napakurap ako.
“Po?” Napatingin siya sa akin at halatang nagulat.
Puta. Nasabi ko ba ‘yon nang malakas?
Agad akong napakamot sa batok, pilit na ikinubli ang sariling kahihiyan.
“W-wala,” mabilis kong sagot at umiwas ng tingin.
Tumingin ako sa orasan sa aking pulso kahit na hindi ko naman talaga tinandaan ang oras.
Kailangan kong umalis bago pa ako magbitaw ulit ng kung anu-ano.
Tumayo ako at marahang tinapik ang kanyang balikat. “Mauna na ako, Tyler. May gagawin pa pala ako.”
Napatango siya, pero hindi siya agad nagsalita.
“Ingat ka sa pagluwas bukas,” dagdag ko bago tuluyang lumakad palayo.
Tahimik akong naglakad sa kalsada, ngunit sa halip na dumaan sa pinakamalapit na ruta pabalik sa opisina, pinili kong tahakin ang mas mahabang daan.
Kailangan kong maglakad-lakad. Kailangan kong kumalma.
Ano ba naman kasi yang iniisip mo, Gio.
Kinabukasan, pag-uwi ko sa bahay mula sa trabaho, saglit muna akong nagpahinga bago kami bumiyahe ni Cristine papunta sa bahay nila sa Laguna.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinasabi sa kanya na nagkikita kami ni Tyler malapit sa opisina. Alam ko kasing ayaw ito ng bata kaya naman hahayaan ko na lang na siya mismo ang magkwento sa pamilya niya.
Ilang oras ay nakarating na kami sa Laguna. Sinalubong kami ng pamilya ni Cristine. Gaya noong nakaraan, mainit pa rin ang pagtanggap nila sa akin.
“Nandito na si Tyler, ma?” Tanong ni Cristine.
“Wala pa. Pero tumawag kanina at sabi nasa biyahe na raw.” sagot naman ni mama.
Habang naghihintay ay tumulong na kami ni Cristine sa kusina dahil si mama at isang katulong lang ang naghahanda ng mga pagkain. Sanay din naman akong magluto kaya naman alam kong may maitutulong din ako.
Maya-maya, narinig ko si papa na tumawag mula sa sala na siyang pumukaw ng aming atensyon.
“Mahal nandito na si Tyler!”
Pumunta kaming lahat sa sala upang salubungin siya ngunit lahat kami ay tila nasopresa.
Nakita naming lahat si Tyler—pero hindi siya nag-iisa.
“Pa, Tita Sandra… anak ko po pala, si Athena.” wika ni Tyler, habang karga ang isang batang babae na tantya ko ay nasa tatlo o apat na taong gulang.
Tahimik ang buong sala. Nagkatinginan sina Mama at Papa at kita sa mga mukha nila ang gulat. Pero ilang sandali lang, unti-unting lumambot ang kanilang mga ekspresyon at sumilay ang ngiti sa kanilang mga labi.
Naunang lumapit si Mama, kinuha si Athena mula sa mga bisig ni Tyler at hinalikan ang bata sa pisngi.
“Hi, apo. Naku, napakagandang bata.”
Nakangiti lang ang bata, tila hindi alintana ang biglang pagdami ng mga taong nakapaligid sa kanya. Mas lalo pa siyang natuwa nang simulang iuga-uga siya ni Mama. Lumapit din si Papa, hinaplos ang ulo ng bata at pagkatapos ay niyakap si Tyler ng mahigpit.
Maging si Cristine ay hindi napigilang puntahan ang bata.
“Babe, halika! Napa-cute ni Athena, no?” usal ni Cristine habang nilalaro ang bata.
Napangiti ako. Nakita ko kung paano niya kinikiliti si Athena, na ngayo’y tumatawa na habang hinahaplos ang mukha ng tita niya. Naisip ko tuloy ang magiging buhay namin ni Cristine kapag ikinasal na kami at nagkaroon ng sarili naming anak.
“Akyat ko lang po yung mga gamit namin sa kwarto.” wika ni Tyler bitbit ang ilang bag.
Saka lang kami nagkatinginan. May bahagyang pag-angat sa gilid ng labi niya na tila isang tipid na ngiti. Hindi ko alam. Pero hindi siya nagsalita pa. Tumalikod siya at iniwan kaming lahat sa sala kasama si Athena.
Buo ang pamilya nang kumain kami. Si Mama ang katabi ni Tyler habang si Athena naman ay nasa kandungan niya habang maingat niyang pinapakain. Nasa tapat ko lang sila kaya hindi ko maiwasang mapansin kung paano niya alagaan ang anak niya—maingat, kalmado, at puno ng pagmamahal.
Naputol ang katahimikan nang magsalita si Papa.
“Matanong lang, Tyler, kung di mo mamasamain.”
Saglit na huminto si Papa, tinitimbang ang mga susunod niyang salita.
“Nasaan ang nanay ni Athena?”
Tumigil si Tyler sa pagsubo ng pagkain sa anak niya. Hindi siya kaagad sumagot. Halatang hindi niya gusto ang tanong. Nagbaba siya ng tingin, saka marahang huminga.
“Matagal na po kaming hindi nagsasama.”
Hindi na siya nagbigay ng iba pang paliwanag. Tahimik lang kaming lahat, pero hindi naman naging awkward ang paligid.
“Ah, ganun ba, anak?” sagot ni Papa, bago siya ngumiti. “Ayos lang ‘yon. Marami namang tita si Athena. Tiyak maraming mag-spoil sa kanya.”
Bahagyang tumango si Tyler.
“Salamat po.”
Nagpatuloy ang pagkain habang nagkukuwentuhan ang pamilya. Pero sa kabila ng lahat, hindi ko maiwasang mapadako palagi ang tingin ko kay Tyler.
May kung ano kasi akong nararamdaman at hindi ko alam kung ano. Siguro ay humahanga ako dahil sa murang edad ay naitaguyod niya ang kanyang anak kahit hiwalay sila ng ina nito.
Pagkatapos ng tanghalian, kanya-kanyang naglibang ang lahat. Si Mama at Papa ay umakyat sa taas para magsiesta. Kami naman ni Cristine ay naiwan sa sala kasama si Athena.
“Babe, pasabi naman kay Tyler na pakuha ng bagong damit si Athena. Medyo basa na kasi ng pawis.”
Tumingin ako sa itaas. Umakyat kasi si Tyler kanina, aniya’y may aayusin daw.
“Sure. Saglit lang.”
Pumanhik ako at naglakad papunta sa dulo ng hallway kung saan naroon ang kwarto ni Tyler. Napansin kong bahagyang nakasiwang ang pinto.
“Tyler?”
Kumatok ako kahit na bukas ito. Wala pa ring sumasagot. Inulit ko pa ang tawag.
“Kuya, bakit po kayo nandito?”
Nagulat ako nang marinig ang boses niya mula sa likod ko.
Paglingon ko, doon ko lang napansin ang itsura niya. Nakababa ang kanyang basang buhok at may ilang patak pa ng tubig ang dumadaloy sa hubad niyang katawan pababa sa nakatapis niyang tuwalya.
Napalunok ako.
“Naligo ka pala.”
“Opo,” sagot niya, itinuro ang CR sa dulo ng hallway. “Walang banyo sa kwarto ko kaya doon ako naligo. Anong kailangan mo?”
“A-ano, si Athena… medyo basa na ng pawis. Magpapakuha sana ng damit si Ate Cristine mo.”
“Ganoon po ba. Saglit lang po kukunin ko. Pasok po kayo.”
Inaya ako ni Tyler sa loob ng kwarto niya.
Pumasok ako sa kwarto niya. Sa loob, kinuha niya ang isang bag at sinimulang hanapin ang damit ni Athena.
Hindi ko alam kung bakit ko siya tinititigan. Pero habang bahagya siyang nakayuko, napansin ko ang hubog ng katawan niya—hindi man sobrang maskulado, pero halatang alaga ito.
Ang balikat niya’y mas malapad kaysa sa bewang niya. Makinis ang balat niya, at kahit hindi batak ang muscles niya, may mga linya sa tiyan niya na parang abs.
Maumbok din ang kanyang pang-upo na nakausli dahil sa pwesto niya.
Parang biglang uminit ang kwarto.
“Kuya?”
Naputol ang aking iniisip nang marinig ko ang boses ni Tyler.
“Ha?”
“Ito po ang damit, sabi ko.” wika niya. Inabot niya sa akin ang damit ni Athena, at naramdaman kong ilang saglit nagtama ang aming mga daliri.
“Sige, mauna na ako.”
Isang tingin pa ang aking pinukol sa katawan ni Tyler bago ako tumalikod.
Dali-dali akong lumabas ng kwarto ni Tyler. Bago ako bumaba ng hagdan, huminga muna ako ng malalim at pinakalma ang aking sarili.
Kinagabihan, nagyaya si Papa ng inuman. Kasama namin si Cristine at Tyler. Ang iba’y hindi umiinom kaya kami lang ang naiwan sa sala.
Masaya ang kwentuhan, pero gaya ng nakasanayan, si Papa ang pinaka-madaldal sa amin. Halos siya lang ang nagsasalita habang kami’y nakikinig at natatawa sa mga kwento niya.
Saglit na umalis si Cristine sa sala kung saan kami umiinom upang kumuha ng yelo.
Doon ko namansin na tahimik lang si Tyler, kaya lumingon ako sa kanya.
“Tyler, ilang taon ka na pala?” tanong ko.
“Nineteen.”
Tumango lang ako pero sa isip-isip ko, kinakalkula ko kung ilang taon nakabuntis si Tyler. Apat na taon si Athena kaya mukhang 14 o 15 anyos ito nakabuntis. Hindi na ako nagkomento pa tungkol dito.
“Anak, Tyler. Tandaan mo na nandito lang kami palagi. Anak kita. Hindi magbabago yan.” saad ni papa na halatang lasing na.
“Opo pa, salamat.” ang maiksing tugon ni Tyler.
“Sumama ka na sa amin sa Amerika. Kayo ni Athena.” dagdag pa ni papa.
Natigilan si Tyler na tila nag-iisip. Pagkaraan ay tinungga niya ang kanyang baso na may lamang alak.
“Salamat po pa. Pero ayos na kami dito ni Athena.”
May kung ano sa mukha ni Tyler ngayon. Malungkot ito pero alam kong may nakatago pa dito. Mukhang malalim ang iniisip niya na gusto niyang sarilinin na lamang.
Hindi ko naman gustong makialam kaya hindi na lamang ako nagsalita. Alam kong darating din ang araw na si Tyler mismo ang lalapit sa pamilya niya upang mag-open up.
Nagtuloy ang aming inuman hanggang pasado ala-una. Pinauna ko na sa kwarto si Cristine at alam kong pagod na ito at nagpresinta ako na ako na ang maghahatid kay papa sa kwarto nila.
Dahil medyo malikot si papa, wala akong nagawa kundi ang magpatulong kay Tyler. Sabay naming inakyat si papa papuntang kwarto nila. Nagising pa nga si mama at nagsabi na siya na ang bahala sa lango niyang asawa.
Pagkababa namin ng sala, nakita kong may kaunting alak pang natitira. Kaya naman kinuha ko ito at pinakita kay Tyler.
“Ano? Shot pa?”
Saglit siyang tumingin sa bote bago tumango.
Muli kaming naupo sa sofa.
Pinuno ko ang baso niya, saka siya pinagmasdan habang tinutungga niya ito.
“Hanga ako sa’yo, Tyler.”
Napatingin siya sa akin at bahagyang nagtaas ng kilay.
“Nabuhay mo ang anak mo na ikaw lang mag-isa. At napakabata mo pa.”
Saglit siyang ngumiti, pero walang kasamang saya.
“Wala naman akong magagawa. Nagpapasalamat na lang ako at nandito pa siya sa tabi ko.”
May bigat sa kanyang boses. May lungkot na hindi niya kayang itago.
Hindi ko alam kung epekto lang ito ng alak, pero hindi ko napigilang sabihin:
“Nandito lang ako. Kung kailangan mo ng tulong, sabihin mo lang.”
Saglit siyang natigilan bago tumango.
“Salamat, Kuya.”
Nag-usap pa kami ng iba’t ibang bagay. Kadalasan, ako ang nagtatanong at siya naman ay maikli lang sumagot. Pero habang lumalalim ang gabi, parang nag-iiba ang hangin sa pagitan naming dalawa.
Tahimik. Hindi awkward, pero may kung anong hindi ko maipaliwanag.
Hanggang sa mapunta ang usapan sa mas personal na bagay.
“Maiba ako… wala ka pa bang girlfriend ulit? Ayaw mo bang bigyan ng bagong mama si Athena?”
Saglit siyang natawa, pero umiling.
“Wala, Kuya. Hindi ko naman iniisip ‘yon.”
“E, paano kung magkita kayo ulit ng mama niya?”
Napayuko siya saka umiling. Hindi ito kumibo.
May kung anong gumuhit sa kanyang mukha. Parang sakit o hinanakit.
Dahil sa epekto ng alak, pabiro kong idinugtong:
“Naku, sa gwapo mong ‘yan, alam kong makikipagbalikan ‘yon.”
Muli siyang umiling.
“Hindi po siguro, Kuya.”
“Eh di, mukhang walang nagpapaligayo sa’yo ngayon?”
Ngumiti lang siya bago uminom sa hawak niyang baso.
“Nako, maghanap ka na ng iba. Ang sarap kaya ng may kasama. Marasap rin sa kama.”
Sabay kaming natawa ni Tyler. Sa loob-loob ko, parang achievement sa akin na napatawa ko ito.
“Hindi na po kailangan.” sagot niya.
“Talaga bang wala ka nang balak humanap ng iba?” tanong ko sa kanya.
“Kung meron akong makita, bakit hindi?”
Nagtagpo ang mga mata namin.
Hindi ko alam kung paano nangyari, pero parang bumagal ang oras.
Tahimik.
May kung anong bumalot sa paligid na isang bagay na hindi ko kayang ipaliwanag.
Habang nakatitig ako sa kanya, biglang pumasok sa isip ko ang mga bagay na hindi ko dapat iniisip.
“Ano bang hinahanap mo?” tanong ko, halos pabulong.
Napakasarap titigan ng maamo niyang mukha. Napaka-inosente nito at hindi mo aakalaing nagawa na niyang makabuntis.
Ramdam ko ang bahagyang paglapit ng katawan namin. Hindi man sadya, pero ramdam ko ang init na nagmumula sa kanya.
At sa hindi malamang dahilan… parang nadadala ako.
“Hmm…” Napangiti siya, pero bahagyang pilyo. “Kahit ano po. ‘Yung maalaga… mabait…”
Muli kaming nagkatitigan.
At sa sandaling iyon… para bang may kung anong hindi dapat na nagsisimulang mabuo.
Ilang pulgada na lang ang pagitan ng aming mga mukha.
Ramdam ko ang kanyang init at ang bahagyang paghinga niya na dumadampi sa balat ko. Kitang-kita ko ang makinis niyang mukha na parang isang larawang perpekto sa bawat anggulo.
Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin.
O baka alam ko.
Pero sa sandaling iyon, wala akong pakialam.
Kinabig ko ang kanyang ulo at pinagbangga ang aming mga labi.
Mainit. Mapusok.
Naramdaman ko ang bahagyang pag-igting ng kanyang katawan, pero hindi siya lumayo. Sa halip, tinugunan niya ang halik ko at binuka ang kanyang bibig upang tanggapin ang pagpasok ng aking dila.
“Uhhmmm…”
Hinapit ko ang kanyang maliit na bewang, iniangat siya upang mapakandong sa hita ko. Hindi namin pinuputol ang pag-espadahan ng aming mga dila at mas ninamnam ko ang kanyang tamis—ang init na hindi ko alam na hahanapin ko.
Kumapit siya sa aking dibdib at marahang hinimas iyon, habang ang mga kamay ko naman ay gumapang sa kanyang katawan.
Pinasok ko ang kamay ko sa loob ng kanyang suot na t-shirt at hinaplos ang kanyang makinis na balat. Eksperto kong hinanap ang maliliit na butil sa kanyang dibdib at marahang pinisil.
“Haaahhh… kuya…!”
Napasinghap siya.
Bahagya naming pinaghiwalay ang mga labi, ngunit may malapot na laway ang nakakonekta pa sa aming bibig. Magkadikit pa rin ang aming mga noo.
Nagkatinginan kami.
Alam namin ang impluwensya ng alak sa aming ginagawa. Pero higit pa roon, alam naming pareho na gusto namin ito—kahit wala ang alkohol sa aming sistema.
“Tyler… ang sarap mong humalik.”
Napangiti siya. Ngunit imbes na sumagot, muli niyang sinunggaban ang aking labi. Mas mapusok. Mas nag-aalab.
Hinila ko siya pababa at inihiga sa sofa habang patuloy naming pinagsasaluhan ang isang taksil na halik. Pumatong ako sa kanya at pinadama ko ang epekto niya sa akin.
Kiniskis ko ang naninigas kong burat sa kanyang katawan. Naramdaman ko rin na buhay na rin ang kanyang alaga kaya naman mas idiiniin ko pa ang aking sarili sa kanya.
“Gusto mo ba to, Tyler?” tanong ko at kinagat ang kanyang labi.
Tumango lang si Tyler habang nakapikit ang mata. Marahil ay nasasarapan siya sa sensasyon ng nagkikiskisan ng aming mga ari.
“Sumagot ka kapag tinatanong ka!” hinawakan ko ang kanyang panga kaya naman napadilat siya.
Nakita ko ang libog sa kanyang mga mata—isang kasagutan na hindi niya kailangan pang sabihin. Pero gusto kong marinig ito mula sa kanya.
“Oo, Kuya Gio. Ituloy mo lang.”
Sa kanyang tinig at sa pagtitig niyang puno ng pagnanasa, alam kong wala nang balikan.
At sa gabing ito, may isang bagay na magbabago magpakailanman.
———x
4
(Para kay Kai na palaging naghihintay ng sunod na kabanata. Salamat.)
x
GIO Jimenez
Isang matinding sakit ng ulo ang gumising sa akin. Parang may martilyong paulit-ulit na humahampas sa sentido ko. Ang bigat din ng katawan ko na parang ayaw gumalaw. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko pero agad akong napapikit dahil sa liwanag.
Putangina. Ano bang nangyari kagabi?
“Babe?”
Paos ang boses ang lumabas sa akin, kasabay nito ang nararamdaman kong panunuyo ng aking lalamunan. Sinubukan mong lunukin ang aking laway pero wala itong silbi dahil kasing tuyo rin ng disyerto ang bibig ko.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto mula sa banyo at lumabas mula doon si Cristine na bagong paligo. Tanging tuwalya lamang ang nakatapis sa katawan nito at ilang patak ng tubig ang gumuguhit sa kanyang balat.
“Babe, gising ka na pala. Kamusta ang pakiramdam mo?” ang nag-aalalang tanong ni Cristine. Naupo siya sa gilid ng aking kama at tinulungan ako sa pagmamasahe ng aking ulo
“Masakit ang uko ko,” sagot ko naman.
“Ikaw kasi eh. Ang dami niyong nainom ni Tyler. Ubos lahat ng alak na natira bago kami pumanhik ni Papa.”
Marami pang sinabi si Cristine, ngunit lumabas lamang ang lahat ng ito sa aking tenga. Nag-pokus kasi ang aking utak sa pangalang nabanggit niya.
Si Tyler.
Natatandaan kong nag-iinuman nga kaming dalawa kagabi, pagkatapos ay nagkuwentuhan ng iba’t-ibang bagay. Hindi ko na matandaan kung anu-ano ang mga ito dahil ang pinakatumatak sa aking isip ay ang pagtatagpo ng labi namin ni Tyler.
Tila nalalasahan ko pa siya sa aking bibig at ang mga haplos niya ay tila gumagapang pa rin sa aking balat.
Hindi ako pwedeng magkamali. May… nangyari sa amin ni Tyler. Ngunit kung hanggang saan ang narating namin, ‘yan ang hindi ko na alam.
“Gusto mo ba ‘to, Tyler?”
“Oo, Kuya Gio. Ituloy mo lang.”
Ah, putangina. Anong nangyari pagkatapos no’n?
Nangunot ang noo ko habang iniisip kung ano pa ba ang nangyari kagabi at kung paano ako napunta dito sa kwarto namin ni Cristine.
“Nasaan si Tyler?” bigla kong nasambit.
“Si Tyler? Nasa baba ata. Bakit?” ang nagtatakang tanong ni Cristine.
“Wala lang. Tatanong ko lang kung siya ang nagdala sa akin dito. Pa-Parang nakatulog kasi ata ako sa sofa?” ang pagdadahilan ko kahit na hindi ko talaga alam ang nangyari.
“Ah. Kinatok ako kagabi dito sa kwarto. Ang sabi’y nakatulog ka nga daw sa sofa, kaya naman pinagtulungan ka naming buhatin papunta dito.”
“Ganun ba…”
Nagtama ang mga mata namin ni Cristine pero agad ko rin itong binawi at tumingin sa ibang direksyon. Hindi ko alam kung iniisip ko lang o talagang may bahagyang pag-aalinlangan sa tono ng kanyang boses. Pero mas kinakabahan ako sa posibilidad na may nasabi ako kagabi na narinig niya habang lango ako sa alak.
Damn it.
Napansin kong nakatingin pa rin sa akin si Cristine, pagkatapos ay hinaplos niya ang aking pisngi at ngumiti.
“Babe, parang ang lalim ng iniisip mo. May bumabagabag ba sa’yo?”
Napakurap ako. “H-Ha? Wala, babe. Medyo hilo lang siguro.”
Tumayo siya mula sa kama.
“Sige, maghahanda lang ako ng chicken soup para sa hangover mo. Nagyayaya nga pala si Papa na mag-mall mamaya. Gusto kasing ipasyal si Athena at mabilhan ng damit at laruan. Pero kung masakit ang ulo mo, pwede naman tayong ‘di sumama.”
Napabuntong-hininga ako at umupo nang tuwid sa kama. “Hindi, okay lang. Sasama ako.”
Ngumiti si Cristine at tumango bago pumunta sa cabinet upang magbihis. Pagkaraan ay lumabas na siya ng kwarto nang hindi kinakalimutang humalik sa akin.
Nasapo ko ang aking mukha nang makaalis na siya.
Ngayon wala na akong tama ng alak, naging malinaw na ang aking pag-iisip kaya naman ngayon ko lang naramdaman ang bigat ng nagawa kong pagkakasala sa babaeng pakakasalan ko.
Kapatid niya yun eh.
Saglit akong nanatili sa kuwarto upang ikondisyon ang aking sarili, pagkatapos ay bumaba na rin ako.
Naabutan ko si Cristine sa kusina na naghahain sa mesa. Siya lang ang naroon at mukhang kanina pa tapos kumain ang iba.
“Oh, babe. Sakto ang baba mo, halika at kumain ka na.” pagyaya sa akin ni Cristine.
“Thanks, babe.”
Nagsimula na akong kumain. Niyaya ko din si Cristine ngunit sabi niya ay nauna na siya kanina. Kaya naman habang kumakain ako, naisip niya na maligo na upang makapaghanda na siya para sa lakad namin mamaya.
Naiwan akong mag-isa sa kusina.
Binilisan ko na ring kumain makaraang makita ko ang oras. Mag-aalas-onse na pala.
Tahimik lang ang buong kusina maliban sa tunog ng kutsarang humahagod sa mangkok. Hanggang sa may marinig akong yabag papasok ng silid.
Si Tyler.
Napatingin ako sa kanya. Hindi niya ako sinulyapan o hindi man lang tumigil, at dire-diretsong naglakad papunta sa kabinet para kumuha ng baso.
Kinuha niya ang isang pitsel sa ref, nagsalin ng tubig, at mabilis na ininom iyon na halos nagmamadali.
Nakaramdam naman ako ng paninikip ng dibdib. Hindi ko alam kung dahil sa hangover o dahil sa simpleng pag-iwas niya sa akin.
Hindi siya tumitingin sa akin. Ni isang sulyap, ni isang segundo.
Pagkatapos niyang ibalik ang baso sa lababo, agad siyang lumabas ng kusina.
Parang walang nangyari.
At ang mas nakakabaliw?
Mukhang ako lang ang naiwan sa alaala ng ginawa namin kagabi.
Nagpunta na kami sa mall. Sina Mama, Lea at Rhea ay sama-sama sa isang kotse na minamaneho ni Papa. Ako naman ang nagmamaneho ng kotse namin lulan sina Cristine, Tyler at Athena.
Oo, nataon na nagkasama kami ni Tyler sa iisang sasakyan.
Nakaupo sila ni Athena sa likod. At sa buong biyahe, tahimik lamang siya. Minsan ay kinakausap siya ni Cristine, ngunit ang tipikal na pagtango o iling lamang ang madalas niyang sinasagot. Alam kong sanay na si Cristine na tahimik ang kanyang kapatid, pero nakikita ko na nage-effort siya para mapalapit dito.
Palihim naman akong sumusulyap sa rearview mirror upang tignan si Tyler. Sa bintana lang siya nakatingin o di kaya’y marahang kinakausap ang anak niya na si Athena. Sa buong durasyon ng aming biyahe, talagang hindi niya pinapansin ang aking presensya.
Para bang isa akong hangin na hindi niya nakikita.
Nang makarating na kami sa mall, ang una naming ginawa ay kumain sa isang family restaurant. Anong oras na kasi at nag-aalala kami na baka nagugutom na ang bata.
Mala-piyesta ang pagkaing in-order nina Papa. Sabi niya, masaya siya na makalabas ang buong pamilya kaya gusto niyang sulitin ang bawat sandali.
Habang kumakain, nag-uusap-usap ang magkakapatid. Siyempre, maliban kay Tyler na abala sa pag-aasikaso kay Athena at tahimik pa rin.
Sa kalagitnaan, napansin ko na nakatingin si Tyler sa isang ulam na medyo malayo sa kanya. Alam kong nahihiya siya na ipaabot iyon, o di kaya’y magsabi na gusto niya iyong ulam. Nagkataon naman na abot-kamay ko ang ulam na iyon dahil malapit ito sa pwesto namin ni Cristine.
“Tyler, gusto mo ba nito?” ang tanong ko sa kanya habang nakaturo doon sa ulam na tinitignan niya.
Nagpatingin siya sa akin sa unang pagkakataon. Pagkatapos ay marahan siyang tumango.
Inabot ko sa kanya ang plato at sa maiksing sandali, naramdaman ko ang bahagyang pagdidikit ng aming mga daliri. Sabay kaming napatingin sa isa’t-isa, ngunit si Tyler ang unang bumitaw at muling binaling ang atensyon sa pagkain.
Makalipas ang ilang minuto, payapang natapos ang aming salu-salo. Nagyaya na sina Papa at Mama na maglibot-libot sa mall at mamili ng mga regalo para kay Athena.
**
Nasa loob kami ngayon ng isang malaking department store at abala si Cristine sa pamimili ng mga damit para kay Athena.
Lumawak ang ngiti ko nang maisip na para bang namimili kami ng mga gamit para sa anak namin. Hindi na ako makapaghintay na mangyari iyon.
Nakaalalay naman si Tyler kay Athena. Buhat-buhat niya ito habang pinagmamasdan ang ilang damit para sa bata. Paminsan-minsan ay may ibinubulong siya sa anak niya, pero hindi ko marinig kung ano.
“Ano sa tingin mo, babe?” tanong ni Cristine at ipinakita sa akin ang isang kulay yellow na dress. “Bagay ba kay Athena?”
Napangiti ako. “Bagay. Maganda naman.”
“Ikaw talaga, oo ka lang nang oo.” Tinampal niya nang mahina ang braso ko pero natawa rin siya.
“Ano, bilhin natin?” tanong niya nang lumingon siya kay Tyler. “Tyler, anong gusto ni Athena na color?”
Sandali akong sumulyap kay Tyler. Mabilis siyang tumingin sa amin pero agad ding ibinalik ang tingin sa anak niya. “Pink po, ate.”
Napansin ko kung paano siya umiwas ng tingin sa amin. Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin, pero parang mas tahimik siya ngayon kaysa sa dati.
Sinubukan ko siyang kausapin sa ibang paraan. Gusto kong basagin ang kung anumang tensyon ang namumuo sa amin.
“Tyler, ikaw, may gusto ka ba para sa’yo? Pwede kang maglibot at kami na ang bahala kay Athena.”
Sandali siyang tumigil at tila nag-isip. Pero nang tumingin siya sa akin, bahagya lang siyang ngumiti at umiling.
Napakamot ako ng batok. Ayaw ko mang aminin, pero parang hindi ko gusto ang pakiramdam na iniiwasan ako ng magiging bayaw ko. Pinilit ko na lang na ibaling ang atensyon ko kay Cristine at sa pagpili ng mga bibilhin.
Habang nagtitingin-tingin, hindi ko maiwasang mapansin ang isang lalaki na nasa may kabilang seksyon ng tindahan.
Parang kanina pa ito nakasunod sa amin. Kanina rin sa restaurant habang kumakain kami, parang nakita ko na rin ang lalaking ito.
Hindi ko lang pinansin noon, pero ngayon ko lang napansin kung paano niya tinititigan ang grupo namin. Hindi naman siya mukhang kahina-hinala. Maayos ang suot niya, parang nasa 40 o 45, at mukhang ordinaryong mamimili lamang.
Baka nagkataon lang?
Baka iniisip ko lang ito?
Iwinaksi ko ang iniisip ko at ibinalik ang pansin kay Cristine.
Ilang minuto pa ang lumipas bago lumapit si Tyler kina Mama at Papa. “Pupunta lang po akong CR. Pakibantayan naman po si Athena.”
“No problem, Tyler.” wika ni mama. “Doon ata sa kanan ang CR.”
Binigay ni Tyler ang anak niya kay mama at papa. Si Athena nama’y nakangisi nang bigla siyang kargahin ni Papa na may dala ring isang basket ng mga pinamili para sa apo.
Agad na umalis si Tyler.
Napansin ko namang sumunod din ng tingin ang lalaking kanina ko pa napapansin.
Hindi naman siguro…
“Babe!”
Narinig kong tumawag si Cristine.
Lumingon ako at nakita ko siya sa tapat ng estante ng mga baby items. Hawak niya ang isang maliit na sapatos ng bata at tinitignan ito.
“Look! Ang cute, ‘di ba?” Pinakita niya sa akin ang asul na sapatos na mas maliit pa sa palad ko.
“Yes, babe. Cute nga,” sagot ko, saka bahagyang lumapit at bumulong, “Gawa na tayo ng anak?”
Bigla akong hinampas ng fiancée ko sa aking braso at pagkatapos ay tumingin sa paligid. Nag-aalala siguro ito na baka may nakarinig sa akin.
“Ay, umayos ka nga Gio! May makarinig sa’yo eh.”
“Ano naman? Normal lang naman ‘yon sa mag-asawa, ah.” ang natatawa kong wika.
Napairap siya pero alam kong natatawa rin siya kahit bahagya niyang tinakpan ang kanyang mukha. Lumipat siya sa estante ng stuffed toys kaya sinundan ko siya upang pumili rin ng laruan para kay Athena.
Habang naglalakad, muli kong sinulyapan ang direksyong kinatatayuan ng lalaking iyon kanina.
Napakunot ang noo ko.
Nakaramdam ako ng kaba nang makita kong wala na ito doon.
At hanggang ngayon ay wala pa rin si Tyler.
“Babe…” ang pagtawag ko kay Cristine. Hindi ko alam kung tumugon ba siya sa akin dahil nanatiling nakapako ang paningin ko sa dating kinatatayuan nung lalaki.
“Babe, pupunta lang akong CR.”
Hindi ko na hinintay ang sagot ni Cristine. Narinig ko pang tinawag niya ako, pero mabilis na akong naglakad papunta sa mga palikuran.
Madali kong nahanap ang men’s CR, pero agad akong napatigil.
May isang paskil na nakasabit sa pinto. “Out of Order.”
Napabuntong-hininga ako.
Marahil sa kabilang CR nagpunta si Tyler. Mas malayo ito dahil nasa kabilang dulo pa ito ng mall.
Tatalikod na sana ako nang may marinig akong kaluskos mula sa loob.
May bagay na natumba.
Kasunod nito ang ilang mga boses.
(Ginawa ko na ang gusto mo! Bitawan mo na ‘ko!)
(Hindi! Sasama ka sa akin!)
Mula sa labas ay tila mga impit na boses ang mga ito ngunit pamilyar sa akin ang isang sa mga narinig ko. Nakadama ako ng panlalamig sa katawan, kasunod ng pagkulo ng dugo ko. May isang malakas na kalabog akong narinig mula sa loob na parang may itinulak o sinapak. Dahil dito, hindi na ako nagdalawang-isip.
Dali-dali kong pinihit ang seradura ng pinto at sa kabutihang palad ay bukas ito. Sa isang iglap, isang hindi inaasahang tagpo ang bumungad sa akin.
Dalawang lalaki ang naroroon.
Ang isa’y halos nakahiga na sa lababo, na nahuli ko sa akto na tinutulak palayo yung isa pang lalaki. Halos magkapatong na sila. Biglang lumingon ang dalawa sa akin at nakita ko ang pagkagulat sa mukha nila pareho.
Lalo na si Tyler.
Nagdilim ang aking paningin.
Sa pwesto nila ngayon, halatang pinagsasamantalahan ng matandang lalaking ito si Tyler.
“Putangina mo, anong ginagawa mo?!”
Hindi ko napigilan ang aking emosyon at kakatihan ng aking kamao. Sinugod ko na ang lalaki at sinuntok ko ito sa mukha.
Napasalampak siya sa sahig. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong makabawi. Pinatungan ko siya at sunod-sunod na pinakawalan ang suntok ko sa mukha niya.
“Tangina mo! Sinasabi ko na nga ba may masama kang balak!”
“Ah!… Tama na!… A-Ano ba?!… Sino ka?!” ang wika ng lalaki sa gitna ng pambubugbog ko. Pilit niyang iniiwasan ang aking mga kamao gamit ang kanyang mga braso.
“Kuya, tama na po!”
Naramdaman ko ang pagyakap ng mga bisig mula sa aking likod. Kasunod nito ang impit na paghikbi.
“Tama na po, Kuya Gio…”
Parang mahika ang nangingiyak na boses ni Tyler. Narinig ko ang mahina niyang paghinga at ang panginginig ng kanyang katawan laban sa akin. Pinakalma ako nito.
Dahan-dahan akong bumangon nang hindi inaalis ang tingin sa matandang manyakis. Tiniyak kong alam niyang siya ang dehado.
Hinawakan ko ang mga kamay ni Tyler na mahigpit pa ring nakakapit sa akin. Hinila ko siya palapit hanggang siya na mismo ang napayakap sa dibdib ko.
Siya naman ngayon ang nakakulong sa aking bisig.
Mas lalo kong naramdaman ang panginginig sa katawan ni Tyler. Marahil gawa ito ng kanyang tahimik na paghikbi, ngunit maaari ring gawa ito ng takot.
Marahan kong tinapik ang kanyang likod at mas hinigpitan ang yakap sa kanyang bewang. Mabuti na lang at nakasubsob siya sa dibdib ko at hindi niya nakikita kung paano ako nanlilisik sa galit.
“Putangina mong matanda ka. Diyan ka lang. Ipapa-dampot kita sa security!” malamig kong sabi.
Duguan ang labi ng lalaki at may ilang galos sa mukha, pero nagawa pa niyang dumura at mapang-asar na tumingin sa akin.
“At sino ka naman? Ikaw ba ang bagong kumakantot sa pokpok na yan?!”
Sumiklab ulit ang galit ko.
Akmang susugurin ko na naman ang lalaki, pero agad akong pinigilan ni Tyler.
Mahina ang mga kamay niyang humahawak sa braso ko, pero hindi ko alam kung bakit na sa halip na lumaban ako, kusa akong tumigil.
Tumigil ako… para sa kanya.
Napakuyom na lang ako ng kamao ko na nanginginig sa pagpipigil ng galit. Gustong-gusto kong tapusin na ang hayop na ‘to, pero mahigpit ang kapit ni Tyler sa akin.
“Kuya, tama na… Please…” humihikbi siya, mahina ang boses pero ramdam ko ang panginginig niya.
“Huwag na po…”
Nanatili akong nakatitig sa lalaking nakahandusay sa sahig. Halata ang sakit sa mukha niya, pero sa kabila noon, may isang bagay sa ekspresyon niya ang naglapakas ng kaba sa dibdib ko.
Isang ngiti.
Nanunukso ito at parang kampante siya na hindi ko siya tatapusin ngayon. Sinamantala niya ang pagkakataon. Duguan pa rin ito, pero mabilis siyang gumapang palayo at pilit na bumangon.
“Tsk,” naiinis niyang sabi. Marahan niyang pinunasan ang dugo sa mukha niya mula sa lababo bago muling tumingin sa amin.
Sa akin.
“Tangina… Napaka-protektado mo naman pala, pokpok,” aniya habang nakangisi. “Kaya lang… hanggang kailan?”
Mas lumakas ang panginginig ng katawan ni Tyler sa bisig ko.
“Umalis ka na!” sigaw ko sa lalaki. “Huwag ko lang makikita ulit ‘yang pagmumukha mo, kundi di lang ‘yan ang aabutin mo!”
Natawa lang ang lalaki. Bumuntung-hininga ito at iniling ang ulo. “Todo tanggol ka pa sa pokpok na yan. Bakit pre, masikip pa ba ang puke niyan?”
Bago pa man ako makapag-react sa sinabi niya, walang lingon-likod siyang lumabas ng CR. Iniwan ako nitong halos sumabog sa galit habang yakap pa rin si Tyler.
Pinilit kong kumawala sa pagkakahawak ni Tyler para habulin siya, pero mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin.
“Please…” mas mahina na ngayon ang boses niya. “Huwag na po, kuya…”
Narinig ko ang panginginig ng boses niya na desperadong pagsusumamo.
At doon ko lang napansin. Sa gilid ng mukha ni Tyler, sa may pisngi, may mamula-mulang pasa.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Napansin niya ang pagtitig ko at agad siyang umiwas ng tingin habang pilit na tinatakpan iyon gamit ang kanyang kamay.
“Tyler…” mahinang tawag ko.
Hindi siya sumagot.
Mas hinigpitan niya ang pagkakatakip sa mukha niya at pilit na itinatago ang anumang iniwan ng lalaking iyon sa kanya.
At sa unang pagkakataon… parang gusto kong pumatay.
“Kilala mo ba ‘yung gago na yon?!”
Bahagyang napataas na ang aking boses dahil sa galit.
Nakita kong napapitlag si Tyler. Bahagya siyang napaurong na parang isang kuting na nagulat.
Maya-maya’y marahan siyang umiling. Nakatungo siya at iniiwasan pa rin ang tingin ko. Para bang natatakot siyang magtagpo ang aming mata.
Naawa naman ako sa kanyang itsura ngayon kaya pinakalma ko muna ang aking sarili bago ako muling nagtanong.
“Ano pang ginawa ng hayop na ‘yon sa’yo?”
“W-Wala na po, kuya…” mahina ang sagot niya na halos hindi ko marinig.
“Sigurado ka ba?”
“Opo kuya.” sambit ni Tyler. Marahan siyang tumingin sa akin. “‘Di ko po alam kung anong pinagsasasabi niya. Wag po kayong maniwala sa kanya.”
Ramdam ko ang pag-aalalang bumabalot sa kanya. Hindi lang dahil sa nangyari. Alam kong may mas malalim pang dahilan.
Napabuntong-hininga ulit ako. Hindi ko na kinaya ang lungkot sa ekspresyon niya. Hinila ko siya papunta sa bisig ko at mahigpit siyang niyakap.
“Bakit naman ako maniniwala sa kumag na ‘yon?” bulong ko sa kanyang tenga at pilit na pinapawi ang takot niya.
“Salamat po, kuya.”
Marahan siyang tumingala at ang kanyang mga mata’y nakatutok sa akin na para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya kayang bitawan.
At doon ko lang napansin kung gaano siya kalapit.
At sa isang saglit, tila naglaho ang ingay sa paligid namin.
Hindi ko alam kung ilang segundo kaming nakatayo lang sa ganoong posisyon: siya sa bisig ko at ako nama’y mahigpit siyang niyayakap.
Tahimik lang si Tyler, ngunit ramdam ko ang bahagyang panginginig ng kanyang katawan. Hindi ko alam kung dahil pa rin ito sa takot… o dahil sa init na bigla kong naramdaman sa pagitan namin.
Napatingin ako bigla sa kanyang nakaawang na labi.
Kahit alam kong mali…
Gusto ko siyang halikan. Kagaya kagabi.
Putangina.
Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya, pero sa halip na tumutol, parang lalo pang lumapit si Tyler.
Napakagat ako sa labi.
Alam kong mali ito. Pero tangina, bakit hindi ko mapigilan?
Ramdam ko na ang mainit niyang hininga na dumadapo sa aking mukha.
Ang labi niya’y bahagyang nakabuka at tila naghihintay ng grasya mula sa akin.
At ako?
Putangina.
Kulang na lang ay burahin ko na ang natitirang espasyo sa pagitan namin.
RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!
Biglang tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Halos mapatalon kami pareho. Agad akong bumitaw kay Tyler at mabilis na nilabas ang telepono ko.
Si Cristine.
Tangina.
Sinagot ko ito habang pilit na pinapakalma ang boses ko.
“Babe?”
“Babe, nasaan na kana? Ang tagal mong bumalik. Si Tyler din wala pa.”
Napatingin ako kay Tyler. Napalunok ulit ako nang makita ang pagsusumamo sa kanyang mukha.
Huwag mong sabihin.
Halos marinig ko ang tinig niya sa isip ko kahit hindi siya nagsasalita. Muli siyang tumungo at mahigpit na napakapit sa laylayan ng aking damit.
Huminga ako nang malalim at pilit pinakalma ang sarili.
“Ah… nagkita kami ni Tyler sa CR kasama ko siya ngayon. Nagpapasama kasing bumili ng pang-surprise kay Athena,” sagot ko kay Cristine.
“Ay, talaga? Anong surprise? Dapat pala sumama na kami d’yan—”
“Hindi na babe. Kaya na namin ‘to.” putol ko agad. “Mauna na din pala kayo sa bahay. Pakisabi na rin kina Mama at Papa.”
“O-Okay, sige… bilisan n’yo ha.”
“Yeah… See you, babe. Love you.”
Pagbaba ko ng tawag, hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga.
Napatingin ako kay Tyler. Tahimik lang siya, pero kita ko pa rin ang namumulang marka sa gilid ng kanyang pisngi na iniwan ng hayop na ‘yon.
Muli kong inabot ang mukha niya, hinaplos nang marahan ang balat kung saan naroon ang pasa. Napasinghap siya at bahagyang napapikit.
“Masakit ba?” ang malumanay kong tanong.
Umiling siya. Pero kita kong nagsisinungaling lang siya.
Ngumiti ako nang bahagya. “Dapat gamutin natin ‘yan.”
Napakunot-noo siya. “H-Ha?”
“Tara.” Hinawakan ko ang kanyang pulsuhan, hindi masyadong mahigpit, pero sapat para hindi siya makatanggi.
Nakita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha. Pero hindi siya umatras.
Hindi siya tumanggi.
Dahil katabi lang ng exit ang palikuran, agad kaming nakalabas ni Tyler sa mall. Dumiretso kami sa parking lot at sumakay sa kotse namin. Ilang minuto akong nagmaneho papunta sa isang botika. Mabilis kong binili ang mga dapat bilhin, at pagkatapos, muli na naman akong nagmaneho.
Maya-maya ay nakakita ako ng lugar kung saan walang tao. May talahiban sa gilid ng daan at mukhandi pinupuntahan ng mga tao. Ipinarada ko ang sasakyan sa gilid at pinatay ang makina.
“Kuya Gio, bakit po tayo nandito?” ang mahinang tanong ni Tyler.
“Gusto mo bang makita ka ng mama at papa mo na ganyan ang itsura mo?”
Hindi sumagot sa Tyler, sa halip, yumuko na lamang ito.
Tinanggal ko ang aking seatbelt at kinuha mula sa likod ang supot ng pinamili ko sa drug store kanina. Nandoon ang isang cold gel pack, cream para sa pasa, at kaunting pain reliever kung sakaling masakit pa rin ang pisngi niya mamaya.
Tahimik lang si Tyler habang binubuksan ko ang supot. Kinuha ko ang cold gel pack at pinisil-pisil ito para mas lumamig pa. Tiningnan ko ang mukha niya kung saan tumama ang sampal. May bahagyang pamumula pa ito na talagang mahahala dahil na rin sa maputing kutis ni Tyler.
“Sandali lang, malamig ‘to.” Dahan-dahan kong inilapat ang gel pack sa pisngi niya. Napaigik siya nang bahagya.
“Sorry,” bulong ko.
“Okay lang po…” sagot niya, halos pabulong din. “Salamat.”
Nang humupa na ang pamumula, pinahiran ko ng kaunting cream ang balat niya gamit ang dulo ng daliri ko. Ramdam ko ang init ng pisngi niya sa kabila ng lamig ng gel. Saglit kaming nagkatinginan na parang may sasabog na hindi dapat sumabog sa pagitan naming dalawa.
“Kuya Gio…” mahina niyang tawag.
“Hmm?”
Umiling lang siya at umiwas ng tingin.
Hindi ko rin alam kung anong sasabihin. Ang lapit ng mukha niya. Ramdam ko ang init ng hininga niya. Pero hindi ito ang tamang oras.
“Mas okay na ba?” tanong ko at sinadyang basagin ang katahimikan.
“Opo. Salamat.” Bahagya siyang ngumiti, pero halatang pilit. At may lungkot.
Bumuntong-hininga ako, saka muling isinandal ang likod sa upuan.
Tahimik pa rin kami sa loob ng kotse. Nakahawak pa rin ako sa supot ng gamot, pero matagal nang wala sa isip ko ang laman nito.
Nilingon ko siya. Tahimik siyang nakatitig sa labas ng bintana, pero hindi nakalampas sa akin ang bahagyang panginginig ng labi niya at ang paghigpit ng hawak sa laylayan ng kanyang t-shirt.
“Tyler…” mahinang tawag ko.
Dahan-dahan naman siyang tumingin sa akin.
“May masakit pa ba?” tanong ko na halos pabulong.
Umiling siya, pero hindi ako tiningnan. Sa halip, dumako na naman ang paningin niya sa labas ng bintana. “Wala na po. Huwag mo na pong alalahanin.”
“Hindi ko naman kayang hindi.”
Napalingon siya sa akin. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang pag-aalinlangan at ang pag-aalala.
“Kuya Gio… Pasensya na sa nangyari sa atin kagabi. Pareho lang tayong nalasing.”
“Ano pa bang nangyari kagabi? Ang natatandaan ko lang kasi ay… hinalikan kita.” wika ko
“Hanggang doon lang ang nangyari sa’tin dahil bigla kang nakatulog.” saad ni Tyler.
Tumango na lang ako sa kanyang sinabi. Talaga ngang hindi na lumagpas pa sa paghahalikan ang ginagawa namin kahapon.
“Kung yan ang gusto mo.” mahinang tugon ko.
Muling naghari ang katahimikan. Ramdam ko ang bawat paghinga niya. Gusto kong hawakan ulit ang pisngi niya, hindi para gamutin, kundi para haplusin. Gusto kong hilahin siya palapit. Gusto kong…
Pero hindi ko ginawa.
“Alis na po tayo,” sabi niya sa wakas, boses niya bahagyang nanginginig. “Baka hinahanap na tayo.”
Tumango ako, kahit ayaw ko pang tapusin ang sandali. Binuhay ko ang makina, pero hindi ko siya tiningnan. Baka kasi kapag nagtagal pa ang tinginan naming dalawa, may mangyari na namang hindi dapat.
Asia = Ah-sha
5
GIO Jimenez
Umuwi na kami kaagad ni Tyler sa bahay nina Cristine. Ang palusot ko sa bigla naming pagkawala ni Tyler ay tinotoo ko na rin. Bumili ako ng malaking dollhouse para kay Athena nang kami’y mapadaan sa isang toy store habang binabagtas ang daan pauwi. Sinabi pa ni Tyler na babayaran niya ako, pero tumanggi ako. Pamasko ko na ‘yon sa anak niya, sabi ko. At totoo naman.
Hindi naman gaanong nag-usisa pa si Cristine dahil kahit siya ay natuwa sa laruan na dala namin. Inakay niya si Athena patungong sala at doon nila pinagtulungang ayusin ang dollhouse.
Sa kabutihang palad, wala namang nakapansin sa mukha ni Tyler. Hindi na rin naman kasi pansin ang pamumula nito. Salamat na lang at nadaan pa ito sa cold compress.
Ako naman, dumiretso sa kwarto namin. Nagdesisyon akong maligo. Kailangan kong magpalamig at mahimasmasan kahit kaunti. Para bang napakaraming nangyari sa maikling panahong nasa Laguna kami.
Magulo ang utak ko. Hindi ko alam kung paano kami ni Tyler nauwi sa ganito. Paano nagsimula? Bakit hinayaan kong mangyari? At higit sa lahat… ano nga ba talaga ang gusto ko?
Nagbabad ako sa ilalim ng shower, sumasabay ang agos ng tubig sa pagtatangka kong burahin sa isip ko ang mga bagay na ayokong isipin. Mali ang nangyari sa amin ni Tyler. At alam kong ayaw rin niya ‘yon. Sinabi niya ito kanina. Nararapat lang na dito sa Laguna manatili ang lahat ng yon at hindi kailanman dapat sumama pauwi.
Naging normal at payapa ang mga nangyari sa araw na ito. Nung kinagabihan din ay napagpasyahan naming umuwi na ni Cristine sa Maynila dahil maaga pa ang pasok niya bukas. Hindi na rin sumabay sa amin sina Tyler dahil sabi niya’y bukas pa sila luluwas ni Athena at baka mapagod daw ang bata na bumiyahe ulit.
Habang binabagtas namin ang daan pauwi, itinatak ko sa isip ko na kalilimutan ko na ang mga bagay na hindi ko na dapat nagawa. Iiwanan ko sa Laguna ang mga bagay na alam kong pagsisisihan ko.
Isang linggo ang nakalipas mula nang aming pagluwas sa Laguna. Naging normal at maayos naman ang mga araw ko. Trabaho, bahay, minsan kaunting inom kasama ang mga katranaho. Yan lang tipikal na ginagawa ko sa buhay.
Isang linggo ko ring hindi nakita si Tyler sa smoking area malapit sa opisina. Hindi ko naman sinasadyang hanapin siya, pero naging bahagi na kasi ng lunch break ko ang pagtambay doon habang humihithit ng yosi kasama siya. Sabay kaming kumakain ng sandwich at kahit hindi kami gaanong nag-uusap, napakakomportable ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Ngayon, parang may kulang. Hindi ko rin masabi kung iniintay ko ba siyang dumaan o hinahanap ko lang ang pamilyar na anyo niya sa tabi ko. Gusto ko sanang sabihin na wala lang to, pero alam kong hindi ganon kadali.
Ayaw ko man ay mukhang nagkaroon na ng lamat sa pagitan naming dalawa. Hindi ko gustong hindi makaayos ang sinuman sa pamilya ni Cristine ngunit inaamin ko na lumagpas ako sa aking limitasyon noong araw na iyon kaya naman hindi ko masisisi si Tyler kung gusto niyang lumayo.
Pero kahit ganon, umaasa pa rin ako. Umaasang baka sa susunod na araw, magkasalubong ulit kami sa convenience store o sa smoking area, at kahit isang tipid na tango lang, sapat na yon para masabi kong okay kami.
Dumaan ang mga araw at heto na naman ang Sabado. Walang palya, nagyaya na naman ang mga katrabaho ko na lumabas at uminom. Sa pagkakataong ito, mas marami na kami at lumaki ang tropa dahil nadamay na rin ang ibang katrabaho. At syempre, dahil na rin sa mga kwento tungkol sa nakaraang gimik, napagkasunduan naming bumalik sa Butterfly.
Siyam kaming nakaupo sa isang mesa. Malaki naman ito at mahaba. Apat na bakla, apat na lalaki, at isang babae. Maingay, makulay, at halatang sabik lahat sa gabing puno ng saya at alak.
“Oh, bili lang nang bili ha. Dapat tayo ang highest spender!” sabi ni Sugar na isa sa mga baklang katrabaho ko na kasama ko rin dito noon.
“Mukhang may binabalak ka Mamu ah.” kantyaw naman ng isang babaeng katrabaho, si Angge. Alam na kasi nila ang special event ng Butterfly tuwing weekends kaya alam kong inaabangan din nila ito.
Sunod-sunod na ang order ng mga alak at pulutan. At gaya ng sabi ni Sugar, mukhang determinado talaga ang grupo naming magpasiklab. Ako naman, nakikisabay lang sa agos. Tumatawa, umiinom, pero hindi ko layuning maging bida ng gabi. Kung tutuusin, mas gusto kong mag-obserba ng tahimik. Nandito lang ako para magrelax.
**
Mas lumalim ang gabi, at mas dumami ang tao sa loob ng Butterfly. Mainit na ang paligid. Sa alak, sa sayawan, at sa halakhak. At tila ba bawat sulok ng club ay nababalutan ng kung anong enerhiya na mas nagpapasiklab sa lahat.
Biglang namatay ang lahat ng ilaw.
Walang nag-panic. Sa halip, tila sabay-sabay pang napasinghap ang mga tao. Lahat ay tila kinilig at nanabik. Alam ng lahat ang ibig sabihin nito.
Hudyat ito ng palabas na hinihintay ng marami.
Sa loob ng ilang segundong kadiliman, sumiklab ang unang nota ng isang senswal na musika. Tila gumapang sa balat ang bawat beat nito. Kasabay ng muling pagbukas ng ilaw, tumambad ang limang lalaki sa entablado. May maskara sa mukha nila at itim na brief lang ang suot. May mga numero ding naka-pin sa brief ng bawat isa, mula 1 hanggang 5.
At gaya ng dati, pinainit nila ang entablado.
May choreography silang ginawa na sa bawat galaw ng kanilang mga bisig at balakang ay mas nagpapainit ng gabi. Salitan silang gumigiling sa poste sa gitna ng entablado at mas mapusok ang ginagawang pag-indayog ng kanilang katawan. Sa bawat paghampas ng liwanag sa kanilang balat, mas bumibigat ang tensyon sa paligid.
Nagkagulo ang mga tao lalo na nang lumuhod ang mga macho dancer sa gilid ng stage at inalok ang mga katawan nilang batak sa mga parokyanong nasa harapan. Isang itong paanyayang walang bahid ng hiya pero puno ng pang-akit.
“Putangina, dapat doon tayo umupo mga bakla!” sigaw ng isa sa mga kasama kong bakla na si Gigi habang nagpipitlag sa excitement.
“Ang yummy, mga bhie! Buti na lang talaga sumama ako,” sabay sabunot sa buhok ni Angge na ngayo’y hindi malaman kung saan titingin.
Patuloy ang malalaswang galawan ng limang macho dancer sa entablado, hanggang sa bigla na namang namatay ang ilaw.
Mas malakas na hiyawan ang dumagundong sa loob ng club. Hindi nagtagal, agad ding sumilay ang entablado at naroon ang apat na babae. O mga binabae.
Ang 7 hanggang 9 ay mga korteng babae na may maliit na umbok na bumabakat sa kanilang manipis ay maiksing shorts. Mahaba ang mga buhok nila at kapansin-pansin ang bahagyang tambok ng kanilang mga dibdib ngunit masasabi mong mga binabae talaga sila dahil sa parte ng nasa gitna nilang katawan.
Pero wala lang sila sa paningin ko. Sa iisang tao lang ako nakatingin. Kay number 6.
Kahit na payat at maliit rin ang bewang nito, kita pa rin ang magandang hulma ng mga braso nito. Walang tambok ang dibdib nito at flat na flat ngunit kapansin-pansin naman ang bahagyang porma ng abs nito. Nakasuot rin siya ng maiksing pulang wig na bob ang istilo.
Mas lalaking tignan ang katawan ni number 6 kumpara sa mga kasama niya. Kung di lang dahil sa suot nito ngayon, baka akalain ng lahat na naligaw ito dito.
Lahat sila ay nakasuot ng maiksing short na halos kita na ang kanilang singit. May maliit na bra rin silang suot ngunit see-through ito kaya naman kita pa rin ang kanilang utong. Napaka-erotiko niyang tignan na kahit ang straight na kagaya ko ay naaapektuhan na.
Lalo na tuwing tinitignan ko si number 6. Si Asia.
Hindi ako pwedeng magkamali. Si Asia ito.
Suot pa rin niya ang ginto’t kumikislap na maskara na hugis paru-paro. Mas lalo pa tuloy siyang nagiging misteryoso.
Ang bawat galaw niya ay parang tinatawag ako. Sa bawat pagpitik ng kanyang mga daliri, sa bawat pagkembot ng kanyang bewang, tila hinihipnotismo ako.
Tanging kay Asia lamang ako nakatingin. Sinusundan ko ang bawat galaw niya na parang siya lamang ang nag-iisang tao sa entablado.
Hanggang sa umupo siya sa props nilang silya at saka bumukaka habang patuloy na gumigiling kasabay ng senswal na musika.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Mas lumakas ang dating sa akin ni Asia mula nang huli ko siyang nakita. Nagkakaroon ng reaksyon ang katawan ko habang pinagmamasdan ko ang bawat galaw niya.
Dati, kahit pa anong bar pa ang puntahan namin, kahit ilang mananayaw pa ang gumiling sa harap ko, wala akong nararamdamang ganito. Oo, maganda silang panoorin, pero walang libog.
Pero kay Asia?
Iba.
Tanging kay Asia lang ako nakakaramdam ng ganito.
Hindi ko maintindihan.
Pero malinaw sa akin na ibang klaseng tukso ang dala niya. Para siyang nag-aanyaya na hindi ko alam kung kaya ko bang tanggihan.
Hindi ko namalayan na natapos na pala ang pagsayaw ng grupo ni Asia. Muli na namang namatay ang ilaw kasabay ng malakas na hiyawan at sigaw ng mga tao.
“Mic check. Mic check.”
Isang boses ang lumitaw mula sa dilim. Mas nagsigawan na ang nga tao dahil alam na nila ang ibig sabihin nito.
Oras na para i-announce kung sino ang maswerteng makakapagtable o ‘take out’ sa gabing ito.
Muling bumukas ang ilaw at naroon na nga sa entablado ang baklang host kagaya dati. Napaka-energetic nito at nakakaaliw din siyang maghost.
Parang may biglang kumakabog sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit.
Wala naman akong balak maging top spender. Wala akong planong maging bahagi ng anumang paandar ngayong gabi. Pero ngayon, sa hindi ko maipaliwanag na dahilan… hinihiling ko lang na makausap ko si Asia. Kahit ilang minuto lang.
“Mga baklang tigang, handa na ba ang lahat?” sigaw ng baklang host.
Kanya-kanyang hiyawan at sigawan ang mga tao. Pati mga katrabaho ko ay halos sumabog ang boses, lalo na ang mga babae at bakla.
“Woooh! Ganyan nga ang energy na bet ko!” bulalas ng host. “O siya, mukha na kayong naglalaway. Pero bago yan…”
Napahinto siya at ngumisi. “…magpasalamat muna tayo sa ating mga sponsors!”
“Boooo!”
“Tagal naman!”
“Gutom na kami!”
Tawa lang nang tawa ang host habang iniisa-isa ang mga reklamo. Mukhang sanay na siya sa ganito at lalong ginaganahan sa asaran.
Maging ako, gusto ko na ring sumigaw. Sa totoo lang, naiinip na ako. Pakiramdam ko, bawat segundong dumadaan ay unti-unting nawawala ang tsansa kong makalapit kay Asia.
“Joke lang mga bakla!” natawang sigaw ng host. “Heto na nga! Ang second top spender natin ngayong gabi ay walang iba kundi…”
May drum roll na pinatugtog sa sound system. Corny, oo, pero hindi ko mapigilang matawa nang bahagya. Sabay dasal sa loob ko na kahit second place lang, sana kami na.
”…Table number 8! Congrats, mga bading!”
Biglang naghiyawan ang mga katrabaho ko at doon ko lang napagtanto na kami pala ang tinawag.
Parang may kung anong init ang umakyat sa batok ko. Nakahinga ako ng maluwag.
May pag-asa ako kay Asia ngayong gabi.
“Myghad! Mahahawakan ko na naman ang abs ni Danny!” tili ni Gigi, isa sa mga bakla na kasama namin noon dito sa club.
Lumabas mula sa likod na stage ang siyam na performers kanina. Ang mga kalalakihan ay nakasuot na ngayon ng hapit na shorts na bakat na bakat ang hinaharap. Habang ang mga binabae naman ay nakasuot na ng maong na pekpek short at pink na crop top. Nakamaskara pa rin sila gaya ng una kaya napapanatili nito ang misteryo sa pagkatao nila.
Nilapitan kami ng host at kagaya ng dati, tinanong na nila kami kung sino ang itatable namin. Kaya naman pinauna na naming pumili ang mga kasama naming bakla at babae dahil sila naman ang nag-aya nito. Mabuti at sakto ang dami namin sa bilang ng mga performers.
Pero may isa pa akong dapat na ipanalo.
Napatingin ako kay Ron, isa siya sa kasama namin noon dito sa Butterfly. Siya ang naka-table kay Asia noon. Naramdaman ata ni Ron ang tingin ko, kaya napalingon ito sa akin. May kung anong ngisi sa mukha niya na siyang bahagya kong ikinainis.
Mukhang ittable niya ulit si Asia.
Napili na ang mga kasama naming bakla at babae ang nga macho dancer. Kami namang mga lalaki ang pipili.
Hindi pa man nagtatanong ang host kung sino ang sunod na pipili, hindi na ako nag-atubili at tinaas ko ang kamay ko sabay sigaw ng:
“Akin si number 6.”
Kinailangan kong unahan ang gagong Ron.
Naghiyawan naman ang mga tao dahil si Asia talaga ang tinuturing na star nitong club. Lahat ata ng mga barako dito ay gustong makasama siya.
“Nakooo… In demand talaga si ate nyong Asia!” sigaw ng host, sabay turo sa entablado. “O sige na, number 6, baba ka na at pasayahin mo na itong fafable ng table number 8!”
Saktong bumaling sa direksyon ko si Asia. Saglit lang, pero nagtama ang mga mata namin. Isang segundo. O baka dalawa. Tapos iniwas niya ang tingin niya na parang biglang nahiya. Taliwas ito sa mapang-akit na tingin niya kanina habang siya ay sumasayaw.
“Ayos yang si Asia, brad,” sabi ni Ron sa tabi ko, may halong ngisi habang umiling.
“Subukan ko lang brad.” sagot ko.
Nang makapili na ang lahat, saka inanunsyo ng host ang top spender ng gabi.
“At ang napakasweteng top spender of the night, ay walang iba kundi… ang table number 9!”
Ang katabing lamesa pala ang panalo sa gabing to. At sa grupo na iyon, nakita ko yung lalaking humalik kay Asia dati. Naka-jacket na mukhang mamahalin at may hawak na baso ng alak. Mukhang suki siya rito. At mukhang si Asia lagi ang binabalikan.
May kung anong kumurot sa dibdib ko. Hindi pa man sila nagkakalapit, iniisip ko pa lang yung halikan nila noon, parang sasabog na ang ulo ko sa inis.
Maya-maya’y pumunta na sa mesa namin ang siyam na performers. Nasa mahabang upuan kami ngayon na palibot sa mesa kaya naman pwedeng sumingit ang mga ito sa pagitan namin.
Tinignan ko si Asia na ngayon ay nakayuko at nakatingin sa sahig. Mukhang nahihiya ito base sa kilos niya. Ngunit sisiguraduhin ko na magiging komportable siya sa akin at di ako gagawa ng bagay na hindi niya gusto.
“Asia.” pagtawag ko sa kanya.
Dahan-dahan siyang tumingin. Bahagya lamang siyang ngumiti pero sapat na ito para paliwanagin ang buong gabi ko.
Naupo siya sa tabi ko. Ilang pulgada ang pagitan namin, parang sinadya niyang maglagay ng espasyo. At okay lang ‘yon.
“Hi fafa! It’s me, Candy. Remember me?” sigaw ng boses mula sa kanan. Si Candy. Yung baklang naka-table ko noon. Ngayon, katabi na siya ni Ron.
“Hello,” bati ko.
“Ay, ang cold talaga ni koyah… Gusto yarn,” hirit pa niya.
Natawa ako. Napailing. Pero agad kong binaling ulit kay Asia ang buong atensyon ko.
Noong nakaraan, nakakandong ito kay Ron at nakatalikod sa akin kaya hindi ko man lang siya nasulyapan ng ayos. Hindi rin naman kami nakapag-usap kahit saglit. Ngunit heto ngayon, kitang-kita ko na siya sa malapitan.
“Hello, Asia,” sabi ko, habang inilagay ang braso ko sa likod ng sandalan. Sa puwestong yon, parang nakaakbay ako sa kanya, pero hindi naman direktang dikit. Sakto lang para maipakitang hindi ako bastos.
Ngumiti si Asia mula sa ilalim ng kanyang maskara. Tapos, ginalaw niya ang kamay niya na parang may gustong ipahiwatig. Tinuro niya ang lalamunan niya, tapos gumawa siya ng ekis gamit ang mga daliri.
“Ah… ma…masakit ang lalamunan mo? Wala kang boses?” tanong ko, nagbabakasakaling tama ang hula ko.
Mabilis naman siyang tumango.
Tama nga.
May kumurot sa dibdib ko. Sa lagay na to, nagtatrabaho pa rin siya. Hindi man lang nagpapahinga. Mas lalo akong bumilib, ngunit mas lamang pa rin ang pag-aalala ko sa kanya.
Nilagay ko ang kamay ko sa balikat niya. Marahan. Banayad. Naramdaman ko ang tensyon mula sa kanyang katawan ngunit agad din itong nawala.
“Ayos lang yan. Samahan mo lang ako rito. Hindi mo kailangang uminom, para hindi lumala yang sakit mo,” bulong ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin nang diretso sa mata. Hindi ko rin mabasa ang tingin niya. Malamlam ito, pero may kung ano. Tumango siya at saka ngumiti. Bahagya lamang ito pero alam kong totoo.
At sa katunayan, hindi ko pa narinig ang boses ni Asia. Noong kay Ron siya naka-table, laging sila lang ang nag-uusap. Parang may sariling mundo. Ako, taga-sulyap lang sa di kalayuan.
Pero ngayon, akin siya. Kahit isang oras lang. Susulitin ko ang bawat segundo ngayon.
Bahagya kaming umusog sa dulo ng upuan. Wala nang istorbo at wala nang nakikisingit. Nakuha naman agad ng mga kasama ko ang gusto ko at hindi nila kami pinapansin. Sige sila sa sarili nilang kuwentuhan.
Nagsalin ako ng alak sa baso at nilagok ito. Pagkatapos, humarap ako sa kanya. Tinitigan ko siya. Tahimik lang siya, pero ang lakas ng dating.
Nakaharang man ang maskara sa mukha niya, tiyak ko na mala-anghel ang mukha sa ilalim nito. Makinis din ang kanyang maputing balat na parang sa babae kaya naman natukso akong haplusin iyon.
Napalunok ako.
Pinasadahan ng daliri ko ang kanyang braso pababa sa kanyang kamay, bago ko ito hinawakan.
“Ang galing mong sumayaw kanina. Humanga ako.” bulong ko.
Dahil hindi makapagsalita, ngumiti lang si Asia ngunit naramdaman ko na hinawakan din niya ang kamay ko ng mahigpit na para bang nagpapasalamat ito sa akin.
“Pasensya ka na,” sabi ko pa. “Hindi ko rin alam ang ginagawa ko. Unang beses kong maka-table, e.”
Sumimangot siya. Parang nagtatanong: Talaga lang, ha?
Alam kong hindi siya kumbinsido. Kaya nag-explain ako.
“Oo na, pero yung huli naming punta dito, uminom lang talaga ako. Katable ko si Candy pero di naman kami masyadong nag-usap. Ni hindi ko nga siya hinawakan.”
Bahagyang humilig ang ulo ni Asia na parang nagtatanong pa ulit. At sa totoo lang, ang cute niya sa kilos niyang ‘yon. Parang bata. Parang inosente.
Mas lalo akong tinigasan.
Tinakpan ko na kanina ng t-shirt ang harapan ko, pero hindi ko alam kung nahalata niya. Kaya bahagya akong umayos ng upo at tumikhim.
“Pero pangako,” sabi ko, mas seryoso na ngayon. “Hanggang akbay at hawak lang ng kamay ang gagawin ko. Wala nang iba. Hindi ko gagawin ang ayaw mo.”
Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Asia sa kamay ko. Napakalambot nito at walang kalyo. Ang sarap nitong i-holding hands magdamag.
Mainit ang mga palad niya na parang sinasabi na “Salamat.”
At sa oras na yon, para bang gusto ko na lang tumigil ang mundo.
Ayos na ako rito. Sa kamay niya. Sa tabi niya. Kahit sandali lang.
Tahimik pa rin si Asia. Nakahawak pa rin ang malambot niyang kamay sa akin na parang ayaw bumitaw.
Sinusuyod ko naman ang bawat detalye ng mukha niya, kahit natatakpan ng maskara ang kalahati. Ang kinis ng balat niya, parang hindi sanay sa alikabok. Wala na rin akong maramdamang pag-aalinlangan sa kilos niya ngayon. Tahimik lang siya pero ramdan na ramdam ko pa rin ang presensya niya.
Parang pamilyar nga ang katahimikang ito sa pagitan namin. Tila ba ayos lang kahit walang magsalita sa amin, ang mahalaga’y magkasama kami. Bonus pa na magkahawak ang aming kamay.
Maya-maya’y kinalas niya ang isang kamay niya mula sa akin, at ginamit ito upang magsenyas. Itinuro niya ang sarili, tapos gumawa ng bilog sa ere gamit ang daliri.
“Anong oras na?” tanong ko.
Umiling siya.
Ah, mali. Akala ko kasi relo.
Itinuro niya ako, pagkatapos ang sarili niya ulit, saka ang baso sa mesa. Kumunot ang noo ko saglit bago ako natawa nang mahina. Parang sinasabi niyang “Ikaw. Ako. Inom.”
Uminom tayong dalawa.
“Gusto mong uminom tayo? Mag-toast?” tanong ko.
Tumango siya.
Sinabayan ko ang ngiti niya at sinalinan ko ng juice ang baso niya. Hindi ko talaga siya pinainom ng alak kahit na gustohin niya. May sakit siya. At parang ayoko rin siyang lasingin, ewan. Gusto ko lang… nariyan siya. Gising at kasama siya.
Tumango ako at iniangat ang baso.
“To Asia,” bulong ko.
Itinaas din niya ang kanya. Nagtama ang baso namin. Mahina lang ang tunog, pero tila hudyat ito ng mas malalim naming koneksyon.
Maya-maya’y naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa balikat ko. Parang nilalapit niya ang ulo niya. Hindi ako gumalaw. Hinayaan ko lang siya. Parang gusto lang niyang sandalan ako kahit isang segundo lang.
Hindi siya lasing. Hindi rin siya nagpapa-sweet. Pero sa dami ng kaharap niyang lalaki gabi-gabi, sa dami ng umaasang mahawakan siya o makasama man lang… ako lang ‘yung pinili niyang sandalan ngayong gabi.
Pero ilang saglit lang yon. Muling lumayo si Asia at binalik niya ang distansya sa pagitan namin.
Pagkatapos ay dumating ang isang staff at sinabi sa amin na sampung minuto na lang. Bago ito umalis, may binulong siya kay Asia. Hindi ko ito narinig ngunit nakita ko ang pag-iba ng reaksyon niya.
Pagkaalis ng staff, muli ko siyang inakbayan. Para bang gusto kong magkalapit kami palagi at gusto kong maramdaman ang init ng katawan niya. Hindi sa sekswal na paraan, ngunit kahit ganito lang. Nakaupo at magkasama.
“Paano ba yan, ten minutes na lang.” wika ko.
Doon na humilig ang ulo ni Asia sa balikat ko. Sa una ay tila hindi ako malagalaw dahil sa pagkabigla, ngunit kalaunan, mas nilapit ko pa siya sa aking sarili, habang ang isang kamay ko’y pinaglalaruan ang mga daliri niya.
“Pinasaya mo ako ngayon, Asia. Salamat.” bulong ko. “Magpagaling ka. Kung pwede sana ay umabsent ka muna kahit saglit, para hindi na lumala ang sakit mo.”
Naramdaman kong napailing si Asia sa balikat ko, habang ginagantihan din niya ng paglalaro ang mga daliri ko.
“Kung mapadaan ako ulit dito…” saad ko. “Pipiliin ulit kita ha.”
Napatingala si Asia sa akin. Ang kanyang mga mata sa ilalim ng maskara ay parang nangungusap.
Ngunit biglang may isang tila imahe ang pumasok sa isip ko pero bigla rin itong nawala. Para itong imahe ng… mga mata na nakatingin din sa akin.
Napailing ako habang tinatanggal ang di malamang bagay na pumasok sa isip ko.
Tumikhim ako ng bahagya bago ko siya muling binilinan, “Wag kang magpapakapagod ha.”
Tumango lang si Asia at saka ngumiti bago siya bumalik sa pagkakasandal sa akin.
Inubos namin ang natitira naming oras na magkasama sa posisyong iyon. Tahimik at walang pag-uusap. Sapat na na magkadikit ang aming mga balat.
Hanggang sa dumating na ang staff na nagsabing tapos na ang oras namin para i-table ang mga dancer nila. Hudyat na rin ito na kailangan na nilang magpunta sa sunod na table.
Tumayo na si Asia, pero bago siya tuluyang tumalikod, hinawakan niya ang kamay ko nang isang beses pa. Sandali lang. Dahan-dahan. Parang sinasabing salamat .
Ngumiti ako, pero hindi ko maitago ang bigat sa dibdib ko.
Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad papunta sa kabilang mesa. Ang table number 9. ‘Yung top spender. ‘Yung grupo kasama yung lalaking huli kong nakita na humahalik sa kanya noon.
Kahit hindi ko kita ang buong mukha ni Asia, pero ramdam ko naman ang pagbabagong kinikilos niya. Parang biglang bumigat ang mga hakbang niya. Iba yung galaw niya. Wala na yung bahagyang lambing na kanina lang ay ako lang ang nakakita.
Samantala, naka-relax lang ang lalaki sa pagkakaupo. Nakabuka ang binti nito, hawak ang baso ng alak. Walang hiya-hiya habang hinihintay ang ni-request niya.
Pagkaupo ni Asia, hindi na nag-aksaya ng oras ang lalaki. Wala siyang pakundangan. Agad niyang ipinatong ang kamay sa hita ni Asia, at saka unti-unting gumapang ang mga daliri nito sa may singit.
Pagkatapos ay nakita ko na lumapit ang lalaki sa tenga ni Asia at tila may binulong. Ngunit hindi ko na nakita ang reaksyon nito nang bigla siyang sugurin ng halik ng lalaki. Mapusok ito gaya noon.
At ang masakit para sa akin, nakita kong nakipagsabayan din ng halik si Asia.
Gusto ko nang lumapit.
Pero hindi ko puwedeng basta gawin yon. Alam ko kung anong klaseng lugar ito. Alam ko kung anong klaseng serbisyo ang binabayaran dito. At mas lalo kong alam kung anong klaseng trabaho meron si Asia.
Alam ko.
Kaya siguro mas masakit.
Matapos ang maalab na halikan, tumawa pa yung lalaki. Tumingin siya sa mga kasama niya, sabay sabing “Sulit.”
Maya-maya, tumayo na ang lalaki at si Asia. Alam ko na ang gagawin nila. Ite-take out niya si Asia.
Putangina.
Pero mas nagulat ko sa sunod kong nakita. Imbis na isa lang ang kasama ni Asia, may isa pang lalaki ang tumayo rin at sumunod sa kanila.
Tapos bago pa makalakad si Asia, kinabig pa niya ang baywang nito at pinalo ang pwet. Hindi malakas. Pero bastos at garapal. Pagkatapos ay saglit niyo itong nilamas.
Napalingon si Asia, hindi sa lalaki, kundi sa paligid. Para bang tinitiyak niya kung may ibang nakakakita.
Doon nagtama ang paningin namin.
At doon ko nakita ang bahagyang takot sa mga mata niya.
Parang saglit siyang naging ibang tao. Wala yung ngiti niya kanina. Parang… humihingi ng tulong, kahit walang sinasabi.
Tapos agad niya ding inalis ang tingin niya at naglakad na papunta sa likod, kasunod ang dalawang lalaki.
At ako?
Naiwan akong nagpipigil sa galit.
Putangina talaga. Bakit ganito?
6
🔞 WARNING
THIRD person
Habang binubuksan ni Asia ang pinto ng kwartong nakareserba para sa kanila, naramdaman niya ang pagkiskis ng isang malaki at mainit ng bagay sa kanyang likod. Kasabay nito ang mahinang ungol at tawanan.
“Puta pre, tigang na tigang ka ah” sabi ng isa sa mga lalaki, si Tonio.
“Sinabi mo pa!” anas naman ni Nestor.
Nang magbukas na ang pinto, agad na pumasok ang tatlo. Naupo sa kama si Asia habang ang dalawang barako naman ay nakatayo sa harap nito at nakapamewang.
“Long time no see, baby. Wala ka na naman last week ah.” wika ni Nestor.
“Oo nga. Pero maigi iyon, marami akong inipong tamod para sayo.” saad naman ni Tonio.
“May inasikaso lang ako sa amin. Pero heto na ako, handang magpakaputa para sa inyo.”
May bahid ng kalandian ang boses ni Asia na siyang nagpasabik at nagpalibog lalo sa dalawang lalaki.
Mga putangina niyo.
“E, ako nga dapat ang titira sayo nung nakaraan e. Kaso wala ka. Kaya heto, nagkasundo kami ni Pareng Nestor na pagsaluhan ka.” wika ni Tonio. “Humanda ka at pagtutulungan ka namin.”
Pinagkiskis ni Tonio ang mga palad niya habang dumidila pa. Halata ang pagkamanyakis nito. Kumpara kay Nestor na may katamtamang hubog ng katawan, malaki ang tiyan ni Tonio dahil sa laging pag-iinom nito. Halos panot na din ang buhok niya kaya mas mukha siyang matanda. Nasa 55 na siguro ito.
Isa si Tonio sa suki ng Butterfly at masugid na tagahanga ni Asia. May-ari ito ng isang bigasan at may asawa’t apat na anak na, ngunit nagagawa pa niyang mamakla.
At isa ito sa pinaka-ayaw na customer ni Asia. Bukod kasi sa pangit, napakabaho pa ng hininga nito.
“Ako muna ang uuna sayo, baby ko. Pinasabik mo kasi ako e.” sabi ni Nestor bago niya hinila ang mukha ni Asia at sinunggaban ito ng halik.
“Nnnnm…” napaungol si Asia sabay ng pagkapit niya sa braso ng lalaking kahalikan.
Si Tonio naman ay naupo sa katapat na silya at hinubad ang pantalon niya. Nilabas niya ang kanyang apat na pulgadang titi at sinalsal ito habang pinapanood ang mainit na tagpo sa kanyang unahan.
Nagpatuloy sina Nestor at Asia sa paglalaplapan na para bang gusto nilang ubusin ang laway ng isa’t-isa.
Sinasamantala na ni Asia na si Nestor ang kanyang kahalikan ngayon dahil kung sakaling humalik si Tonio sa kanya, hindi niya nasisigurado na hindi siya maduduwal.
Maya-maya’y tinulak ni Nestor ang binabae sa kama at pumatong dito. Agad niyang pinunit ang suot nitong crop top na siya namang ikinagulat ni Asia.
“Bakit mo pinunit?” Ako pa ang magbabayad tuloy nitong costume.
“Ssshhh… Babayaran ko yan. Kahit bilhan pa kita ng benteng damit, walang problema.” saad ni Nestor. Dumako ang kamay niya sa salawal ni Asia at sa kabutihang palad, normal niya itong hinubad kasama ang isang itim na lace panty nito.
“Puta ka Asia, mas bagay sayo walang damit. Sarap mong tirahin magdamag.”
Matapos hubaran ng damit, tinanggal na din ni Nestor ang maskara at wig ni Asia. Dito tumambad ang anyo ng isang lalaki. Maamo at inosente ang mukha nito at walang mag-aakala na nagbebenta ito ng panandaliang aliw.
“Ahh… Nakakalibog talaga ang itsura mo Asia. Puta ka!”
Agad na sinisid ni Nestor ang butil sa taas ng dibdib ni Asia. Dinila-dilaan niya ito na parang sanggol at para bang may lalabas na gatas mula dito.
Ang kabilang utong naman ay nilapirot niya gamit ang isang niyang kamay. Sarap na sarap siya sa ginagawa niya pero alam ni Nestor na mas nasasarapan ang baklang niroromansa niya.
“Uuhhhh… sige pa Nestor, susuhin mo lang… susuhin mo ko hanggang sa lumabas ang gatas sa utong ko…”
Napasabunot si Asia sa buhok ni Nestor. Hindi dahil sa sarap, ngunit sinadya niya ito para lang makagati kahit paano sa mga kababuyan nito. Hinila niya lalo ang buhok nito mula sa anit at sinabayan pa ng pag-ungol.
Ito ang gusto ng mga kupal na hayok na to. Kaunting ungol lang, akala mo talaga masarap ang ginagawa nila.
Dahil libog, inakala ni Nestor na nasasarapan din si Asia sa ginagawa niya at hindi niya alintana ang pagsabunot sa buhol niya. Mas binilisan niya ang pagkagat, dila, at supsop sa utong ni Asia at salit-salit niya itong ginawa sa magkabilang utong.
“Hhhhaaaaa!! Sarap niyan Nestor sige pa!”
Putangina mo, Nestor!
Ngunit walang pasabing huminto si Nestor sa ginagawa niya at ngumisi. “Wag kang atat baby, mamaya rin ay maaabot mo rin ang langit.”
Tumayo si Nestot at mabilis na hinubad nito ang lahat ng suot niya. Wala siyang tinira kaya naman kitang-kita ang burat niyang malaki at tayung-tayo.
“Nakikita mo to Asia? Ikaw may gawa nito. Kanina pa ako nalilibugan sayong puta ka.”
Lumapit ito kay Asia at sinampal-sampal niya ang pisngi nito gamit ang kanyang matigas na burat.
Isampal mo lang. Balang-araw, mapuputol ko rin yang burat mo.
Napangisi naman si Asia at sa muling pagtama ng burat sa pisngi niya, agad niya itong sinunggaban. Dinilaan niya ang ulo nitong nagmumura na agad ng pre-cum.
“Uuuhhhh… Shit… Ganyan nga…”
Nagtaas-baba ang ulo ni Asia sa kahabaan ni Nestor. Pinapasadahan niya ng dila ang bawat pulgada nito at pagkatapos ay sisipsipin ang pinakaulo nito. Nilalaro-laro niya ang tuktok na butas ng burat gamit ang kanyang dila na siyang nagpabaliw sa barako.
“Ahh, ganyan nga Asia, ang sarap talaga ng bunganga mo, walang makakapantay!!”
Sari-saring istilo ng pagchupa ang ginawa ni Asia sa nagngangalit na burat ni Nestor. Pati ang maitim na bayag nito ay hindi niya pinalagpas. Nilaro-laro niya ang santol sa bibig niya at salit-salitan niyang sinisipsip ito.
Tangina, ang tagal labasan nitong hayop na to.
Minsan ay nasasaktan si Nestor dahil sa minsang pagsagi ng ngipin sa kahabaan niya, ngunit marahil dahil sa libog, tanging sarap lang ang naghahari ngayon sa katawan niya.
Pagkatapos ng chupaan, agad pinatuwad ni Nestor ang bakla sa kama. Tumalima naman kaagad si Asia at agad niyang binalandra ang butas ng kanyang pang-upo na kasalukuyang kumikislot-kislot.
“Nakakalibog yang puke mo Asia. Daig mo pa ang babae e!” usal ni Nestor.
“Gawin niyo akong babae ngayon. Ako ang putang babae niyo kaya gawin niyo ang gusto niyong gawin sakin!” sigaw ni Asia habang patuloy na winawagwag ang kanyang puwet sa harap ng dalawang hayok.
Putanginang buhay to! Bakit di na lang mamatay!
“Mabuti at alam mo ang lugar mo, puta. Sisiguraduhin naming di ka na makakalakad pagkatapos nito!!” Bulong ni Nestor at saka kinagat ang tenga ni Asia.
Pagkatapos nito’y hinawakan niya ang panga nito at saka pinaling ang ulo nito paharap sa kanya. Nginasab ng lalaki ang malambot na labi ni Asia na parang isang baboy na gutom na gutom.
Nagsisitulo na ang mga laway na umaapaw sa bibig nina Asia at Nestor ngunit wala silang pakialam. Patuloy ang pagsasabong ng kanilang dila na para bang wala nang bukas. Sinamantala ni Nestor ang pagkakataon na itutok ang kanyang burat sa bukana ni Asia. Kiniskis niya ito ngunit hindi pa tuluyang pinapasok.
“Ahhmmmmmpppphhh!!!… Mmmmppphh!!”
Hindi makapagsalita, ni makasigaw ng ayos si Asia dahil kinagat nito ang kanyang dila habang sila’y naghahalikan. Naglalasang kalawang na ang bibig ni Asia dahil sa dugo ngunit wala siyang magawa kundi lunukin na lang ito.
“C-condom…” bulong ni Asia makaraang tantanan ni Nestor ang bibig niya.
“Magkano ba ang bayad kung gusto kong magpaputok sa loob mo?” tanong ni Nestor habang hinahalikan ang batok ng binabae. “Mas masarap yon. Mas mararandaman mo ang burat ko.”
“Hindi pwede. Dapat laging may condom.” sagot naman ni Asia.
May mahinang ibinulong si Nestor bago ito tumayo at kumuha ng isang dakot na condom mula sa drawer. Hindi naintindihan ni Asia kung ano ito kaya’t nagkibit-balikat na lamang siya.
Maya-maya’y bumalik na si Nestor. Sinuot niya ang condom at muling itinutok ito sa butas ng nakatuwad na bakla.
“Hmm… Namiss ko talaga tong puke mo Asia, di na ko makapag… uhh!” Habang nagsasalita ang lalaki’y bigla na lamang niyang inulos ang burat nito sa loob ng butas ni Asia na bahagyang napaigtad sa sakit. “…hintay.”
Halos maiyak naman si Asia sa nararamdaman niyang sakit. Ni hindi man lang siya hinanda ng mga kupal na customer. Tiniis niya ang hapdi sa kanyang likod at piniling hindi magreklamo. Napapamura na lamang siya sa isip niya habang nagpepeke ng ungol.
Naglabas-pasok ang mataba at mahabang burat ni Nestor sa loob ni Asia. Habang binabarurot niya ito, muli na naman niyang pinaling ang ulo ni Asia upang matikman na naman ang bibig nito.
Napuno ang kwarto ng tunog ng pagsasalpukang balat at malagkit na pagpapalitan ng laway. May mga ungol ding impit at mabilis na paghinga ang maririnig mula sa dalawang taong nagkakantutan.
Maya-maya’y tinantanan na ni Nestor ang bunganga ng bakla at tinuon na ang atensyon niya sa pagbrotsa dito. Parang asong kinantot niya si Asia mula sa likod kaya kitang-kita niya ang maliit na bewang nito. Kumapit siya dito at mas lalo pang idiniin ang kanyang kahabaan sa loob ng masikip at mainit na butas. Kulang na nga lang ay ipasok niya pati ang bayag niya sa loob.
“Ahhh, mga puta kayo, ang tagal niyo naman!” sabat bigla ni Tonio na patuloy lang sa pagsasalsal sa sulok.
Di na niya natiis at lumapit na siya sa kama at sinabunutan ang buhok ni Asia.
“Nganga!” utos niya.
Ang malas _. E _ to na siya.
Sinunod naman ito ng isa. Dinuraan ni Tonio ang nag-aabang na bunganga ni Asia at pinuno ito ng malapot niyang laway. Pagkatapos ay pilit niyang pinasara ang bibig nito upang ipalunok ang likido mula sa kanyang bibig.
Nangingilid ang luhang nilunok ito ni Asia. Nandidiri siya sa mga pinaggagagawa sa kanya ngunit kailangan niyang mairaos ang oras na ito.
Nakatanggap pa siya ng isang sampal mula kay Tinio bago nito muling ipabuka ang bibig nito.
“Dalawa naman ang butas mo e,” anas ni Tonio. “Pareng Nestor, gamitin ko na to ha. Tutal parang puke rin naman ang bunganga nito.”
“Sige lang, gusto yan ng puta natin.”
Mga hayop kayong dalawa!
Agad na pinasok ni Tonio ang maliit niyang titi sa bibig ni Asia. Napa-ungol naman ito nang malakas nang maramdaman ang kainitan at kasikipan ng bibig nito.
Gustong matawa ni Asia dahil sa maliit na ari ng manyakis na matanda. Sa tuwing kinakantot siya nito ay parang inaantok siya dahil halos wala naman itong maabot sa loob niya. Pinag-iigihan na lang niya ang pag-ungol para magmukhang may silbi naman ang titi nitong maliit.
Hindi rin nahirapan si Asia sa pagchupa kay Tonio. Para lang siyang kumakain ng lollipop. Mabaho nga lang. Amoy mapanghi ito at tingin niya’y may latak-latak din ang balat.
“Ahhh… Pukingina mo talaga Asia. Ikaw ang pinakamasarap kong nakantot!” hiyaw ni Tonio.
Patuloy sa pagbarurot ang dalawang lalaki sa magkabilang butas ni Asia. Para siyang letsong nakatuhog sa kawayan, ang kaibahan lang ay naglalabas pasok ang mga kawayan na ito sa kanyang katawan.
Di nag tagal, iniba ni Nestor ang kanyang pwesto. Humiga siya sa kama at saka tinapik ang kanyang hita. Ibig niyang umupo si Asia sa nakatayo niyang burat.
Agad namang sumunod si Asia. Tinutok niya ang malaking burat sa kanyang laspag na butas at saka dahan-dahang binaba ang kanyang sarili dito. Mas malalim ang naaabot ng burat ni Nestor sa ganitong pwesto.
“Ahhh, shit, ganyang nga Asia. Kabayuhin mo ako! Ahhh… Kabayuhin mo ang paborito mong burat!”
Nagtaas-baba si Asia sa kahabaan ng lalaki. Nakatukod ang kanyang mga kamay sa dibdib nito habang tumatalbog sa gabakal na sawa ni Nestor.
Biglang naramdaman ni Asia na may dumidila sa likod niya at paglingon niya, nandoon si Tonio at dinidilaan ang butas niyang may naglalabas-masok na burat.
“Aaahhh… Sige pa, sarap niyan… Tonio, Nestor… Putahin niyo pa ako!”
“Maghitay ka lang Asia, nag-uumpisa pa lang tayo..” bulong ni Tonio.
Habang nangangabayo si Asia ay pinachupa na naman ni Tonio ang maliit nitong alaga kay Asia. Kinantot niya ang bibig nito nang mabilis habang nakatayo sa unahan ng bakla.
“Ahhh.. Pinanganak kang puta! Heto pa! Susuhin mo pa tong burat ko!”
Anong burat? Wala pang isang dangkal yang titi mo!
Nagpatuloy ang ganitong posisyon hanggang sa labasan si Tonio sa bunganga ni Asia.
Kadiri, tangina!
Binuka ni Asia ang bibig niya upang ipakita ito sa lalaki at sinandya niyang patuluin ang ilang tamod. Mabawasan man lang bago niya ito lunukin.
“Yan. Ganyang nga puta.” wika ni Tonio at umalis sa kama. “Iinom lang ako.”
Mahina na nga, mabilis pang labasan.
Habang si Nestor naman ay patuloy sa pagbarurot sa butas ni Asia. Di nagtagal ay nilabasan na rin ito sa condom.
Napahiga si Asia sa dibdib ng lalaki habang naghahabol ng hininga. Pagkatapos ay naghalikan sila na para bang magnobyo sila na katatapos lang magsex.
“Ako naman, puta! Gusto ko nang mapasok ang puke ng malanding to!” sigaw ni Tonio.
“Sige na baby, magpakantot ka lang kay pareng Tonio. Magpapahinga lang ako, pinagod mo ko e.” bulong ni Nestor bago niya hinugot ang ari niya mula sa butas.
Ngumiti lamang si Asia at saka humiga sa kama. Binukangkang niya ang kanyang mga hita na parang pinapangalandakan niya ang laspag niyang butas na nangingintab sa sarili niyang katas. Halata sa namumulang butas niya na kakatapos lang itong kantutin dahil nagbubuka-sara pa ito na parang gutom na bibig.
“Magsuot ka ng condom.” paalala ni Asia.
“Ang arte mo naman!” singhal ni Tonio. “Mabubuntis ka ba ha?”
“Pre, sumunod ka na lang. Kung ayaw mo, lumabas ka na at nang masolo ko si Asia.” saad naman ni Nestor.
Sa huli ay tumalima naman si Tonio at agad na isinuot ang condom sa maliit niyang ari. Mabuti na lamang at may iba-ibang size ang condom na mayroon sa drawer.
Nang makapasok na ang titi ni Tonio sa butas ni Asia, agad niya itong kinantot nang mabilis. Samantalang nakahiga lang si Asia habang nagpepeke ng kanyang ungol.
“Ahhh… sige pa Tonio, ang sarap ng burat mo! Ahh… ang sarap! Idiin mo pa! Ahhhhh…”
Sana kinantot ko na lang ang sarili ko gamit ang daliri ko.
“Talaga! Puta ka kasi kaya sabik ka sa burat!”
Mas binilisan ni Tonio ang pagbayo. Di nagtagal ay agad itong nilabasan.
“Ano ba yan pre. Para kang teenager ah, bilis labasan.” kantyaw ni Nestor na ngayon ay nakasuot na muli ng bagong condom.
“Gago ka pre. Ang sikip lang kasi nitong si Asia kaya nilalabasan agad ako.” depensa naman ni Tonio.
Napailing na lang si Nestor. Muli siyang dumako sa kama at hinalikan ang nakahigang si Asia.
“Ready ka na ba baby?”
“Saan?” tanong ni Asia.
Hindi sumagot si Nestor, sa halip, pinagpalit niya ang pwesto nila ni Asia kaya ngayo’y nasa ilalim na siya at si Asia ang nasa taas ngunit nakatalikod siya dito.
“Gusto mo ulit akong mangabayo?” Lumingon si Asia kay Nestor at nagtanong.
“Hindi…” Pinahiga ni Nestor si Asia sa kanyang dibdib, bago niya hinawakan ang dalawang hita nito at binuka. At muli niyang pinasak ang kanyang matigas na namang burat sa bagong kantot na butas ni Asia.
“AHHHH… Yan nga… Ang sikip pa rin ng puke mo tangina ka!”
Nagsimula nang bumayo si Nestor mula sa ilalim. Hawak niya ang magkabilang binti ni Asia kaya naman nakatambad ang butas niyang walang-awang binabarurot ng malaking burat.
“Uuum… Nestor. Sige pa, ang sarap… Ang laki ng burat mo! Sige pa! Gusto ko ng malaking burat!”
Narinig mo Tonio? _M _ alaking _. _ __ _B _ urat.
Alam na ni Asia ang balak ng dalawang lalaki. Hindi pa siya nakakaranas nito kaya nagdadalawang-isip siya kung itutuloy pa ba niya ang pagseserbisyo sa mga ito.
Maya-maya, lumapit na si Tonio na kanina pa nagsasalsal. Nanlambot na kasi ang titi nito at nahirapang patigasing muli. Pumuwesto siya sa gitna ni Asia at ikiniskis sa kanyang may lamang butas ang alaga niya
“Oras na Asia. Kanina pa ako natatakam. Napakaputa mo kasi.”
Inulos ni Tonio ang ari niya kasabay ng pagpasok ng burat ni Nestor. Maliit man ang haba, may katabaan naman ang titi ni Tonio. Nabatak nito ang butas ni Asia na siyang ikinangiwi ng niya.
“Ahhh… saglit… saglit lang!!”
Sa oras na to, totoong nasasaktan si Asia. Pilit niyang tinulak si Tonio ngunit mas malakas ang lalaking ito. Tila wala itong narinig at pinagpatuloy lang ang pagpasok ng kanyang ari dito.
“Teka! Ahhh! Masakit! Saglit lang! Ahhhh!” sigaw ni Asia.
“Ahhh… sarap! Mas lalong sumikip ang puki mo baby!” hiyaw ni Nestor na patuloy ang pagkantot. Kahit siya ay nagtengang kawali sa mga hinaing ni Asia. Para sa kanya, musika sa kanyang tenga ang kanyang pagmamakaawa.
Naipasok naman ni Tonio ang kanyang titi sa loob at halos labasan na siya sa sobrang sikip at init nito ngayong dalawang sawa na ang nag-uunahan sa pagkantot kay Asia.
“Kingina ka Asia, ang sarap ng puke mo! Uhhhm.. Nnggg.. Shit!” sigaw ni Tonio.
Salitang bumabayo ang dalawang lalaki sa nag-iisang butas ni Asia. Hindi magkamayaw ang mga ito sa pagkantot dahil unang beses din nilang tumira sa iisang butas lang.
Ngunit sa kabilang banda, tumutulo na ang luha ni Asia sa sakit na kanyang nararamdaman. Kahot anong pagmamakaawa niya, walang naririnig ang dalawang lalaki. Patuloy ang panggagahasa ng mga ito sa bayarang bakla at ni hindi man lang nagpakita ng kaunting awa.
“T-Teka lang, parang… Ahhhh! …awa niyo na, hugutin niyo saglit!!!”
“Masasarapan ka rin dit Asia. Di ba’t hayok ka sa burat. Eto, dalawang burat na ang kinakain ng puke mo!”
“Haha oo nga, ganto ang ginagawa sa mga puta di ba? Pagsilbihan mo kami gamit ang butas mo!”
Nagtagal ang ganitong eksena ng ilang minuto, bago unang nilabasan si Tonio. Agad naman nitong hinugot ang ari niya sa siyang dahilan upang maibsan kahit na papaano ang sakit sa likuran ni Asia.
Di nagtagal ay nagpaulan na rin ng tamod si Nestor sa condom. Tinulak niya ang lupaypay na katawan ni Asia at saka niya tinanggal ang condom sa burat niya na kalahating puno ng tamod.
Binuhos niya ito sa mukha ni Asia habang ito’y naghahabol ng hininga. Wala siyang magawa. Ito ang trabaho niya. Ang babuyin ng kahit na sinong lalaki. Ang pagparausan ng mga lalaking handang magbayad para sa oras niya.
Nalagyan ng tamod ang talukap ng mata ni Asia. Kasabay ng kanyang pagpikit ay ang pagtulo ng luha niya na siyang humalo sa nakakadiring tamod aa kanyang mukha.
Kailan ba _’ _ to matatapos?
Makaraan ang ilang minuto, nakapag-ayos na ang lahat. Limitado lang ang kanilang oras at hindi na pwedeng lumagpas pa. Nakahiga si Asia sa kama suot lamang ang kanyang short dahil napunit na ang kanyang pang-itaas.
Nakasuot na ng damit si Tonio at may hinugot ito sa bulsa ng kanyang pantalon.
“Eto, Asia.” Inabot niya ang kamay ng dancer at marahas na isinuksok dito ang perang papel. “Next week ulit. Siguraduhin mong nandito ka, kundi… sabay ka na naman naming lalagariin ni Pareng Nestor.”
Pagkatapos non, nagmamadali itong lumabas ng kwarto. Paano ba naman, bigla siyang tinawagan ng asawa niya’t hinahanap na siya.
Naiwan na lang sa silid sina Asia at Nestor.
“Nag-enjoy ako, Asia. Ang galing mo talagang magpaligaya,” wika ni Nestor. Umupo siya sa gilid ng kama at dumampi ng halik sa kanyang labi. Kasabay noon, marahan niyang hinawakan ang kamay ni Asia at may inabot.
Pera.
“Next week ulit. Uunahan ko yang si Tonio. Gusto ko, solo lang kita.”
“Hmm… Next week ulit. Aabangan kita.” Matamis ang ngiti ni Asia. Isang ngiting batid niyang bahagi lang ng trabaho.
Ngunit sa likod ng ngiting iyon, unti-unting nanlilimahid ang kanyang damdamin. May kumikirot sa loob. Hindi lang ang pisikal na katawan niya, kundi sa kanyang pagkatao.
Hinintay niyang makalabas ng kwarto ang huling lalaki bago siya tuluyang nakahinga ng maluwag.
Nakahiga pa rin siya sa kama, at ang kanyang mga mata’y nakatitig sa kisame. Walang imik. Hindi niya namalayang may luha na palang dumadaloy mula sa gilid ng kanyang mata.
“Putanginang buhay ‘to…” mahinang bulong niya, halos paanas sa hangin. “Habambuhay na lang ba akong ganito? Ang babuyin ng kahit sino?”
Patuloy ang hikbi niya. Ang mahibinang tunog na ito ay sinabayan ng katahimikan ng silid at parang saksi na lang ang pader at kisame sa pagkawala ng piraso ng dignidad sa kanya.
May dignidad pa nga ba ako?
Nang sa wakas ay mailabas na niya ang lahat ng sakit, marahan niyang pinunasan ang kanyang pisngi gamit ang punit na crop top. Tiningnan niya ang perang nasa palad niya. Dalawang kumpol ng papel na sumisimbolo ng pagiging bayaran niya.
At natawa siya. Isang malutong na tawa na may halong poot. Para siyang baliw. Para siyang wasak.
“Nakakatawa ka, Asia,” bulong niya sa sarili. “Tangina… dose mil kapalit ng pagkatao ko?”
Pagkalabas ng kwarto, dumiretso si Asia sa banyo. Bahagyang naririnig pa rin ang tugtugin mula sa unang palapag. May iilang tao siyang nakakasalubong sa hallway ngunit wala silang pakialam kahit halos hubad na si Asia.
Binuksan niya ang shower. Tinapat niya ang sarili sa ilalim ng agos at nanatiling nakatayo doon. Hindi siya gumagalaw. Tinatanggap niya ang malamig na tubig, at iniisip kung nakakamatay ba ang lamig. Dahil kung, oo, di siyang mag-aatubiling maligo sa bloke ng yelo.
Dahan-dahan siyang kumilos. Kinuskos niya ang kanyang braso, leeg, at balikat. Paulit-ulit. Madiin. Para bang may hinuhugasan siya na hindi naman nakikita ng mata. Para bang may bahid ng dumi na ayaw nang maalis.
At sa gitna ng katahimikan, bigla niyang naalala ang lalaking nag-table sa kanya kanina.
Tahimik lang ito. Hindi bastos at hindi mapanghusga. Iba rin ang tingin nito. Hindi tinging manyakis. Hindi tinging may masamang balak.
Napakapit siya sa dingding ng banyo habang nakapikit.
“Sana… sana siya na lang.”
Napangiti siya, pero kita sa ngiti niya ang sakit. Kasi kahit anong pagnanais niya, alam niyang hindi puwede. Hindi dapat. Lalo na sa kanya.
Hindi dapat niya hinahangad. Pero heto siya ngayon.
Pinikit ulit ni Asia ang mga mata niya.
“Wag ka nang pumunta dito… pakiusap…” bulong niya sa gitna ng buhos ng tubig.
Nakapagpalit na ng ordinaryong damit si Asia at tahimik siyang nagtungo sa isang kwarto sa ikalawang palapag. Pagbukas niya ng pinto, naabutan niya roon ang ilan sa mga performers na nakasuot na rin ng pangkaraniwang kasuotan at tila tapos na rin sa kani-kanilang mga serbisyo.
“Oh, Asia, ngayon ka lang natapos? Nasarapan ata mga customer sa’yo e,” biro ng isang binabaeng dancer, sabay kindat.
“Ewan ko sa’yo,” mahinang sagot ni Asia habang inaayos ang buhok. “Mas nasarapan pa yata akong maligo pagkatapos.”
Nagsitawanan naman ang mga taong malapit sa kanya.
“Balita ko, pinagsabay ka raw ng dalawang customer ah?” Bigla namang bumulong sa kanya ang isa sa mga macho dancer, si Alex. “Ano? Masarap bang ma-DP?”
Isa si Alex sa mga hindi niya kasundo sa club. Kaya ang tanging isinagot lang ni Asia ay isang matalim na irap bago tuluyang lumakad palayo. Nagpunta siya likod ng isang partisyon. Nandoon ang isang mesa kung saan nakaupo ang isang matandang bakla.
“My Darling, Asia. Nandito ka na,” bati nito na may halong lambing.
“Mamang,” tugon niya habang pilit ang ngiti.
Si Mamang ang may-ari ng bar. Kilala ng lahat, kinatatakutan ng ilan. Wala itong pakialam sa pakiramdam ng iba. Nagsindi ng sigarilyo sa loob ng kwarto na parang wala lang, kahit nangangamoy usok na ang paligid.
“Kamusta?” tanong ni Mamang, habang inilalapag ang lighter sa mesa at bumuga ng usok. “Pinipilahan ka talaga. Alam mo ba, muntik nang mag-away yung dalawang customer mo? Parehong ayaw magpaawat, sabik na sabik na makantot ka ngayong gabi.”
Hindi ito kita mula sa puwesto ni Mamang, pero mariing nakuyom ni Asia ang mga kamao sa gilid ng katawan niya. Sa kabila nito, nanatili ang maamo at kalmadong ekspresyon sa kanyang mukha.
“Hindi naman po sa ganoon, Mamang.” ang mahinhing sagot ni Asia.
“Hmmm… Pero tiba-tiba ka panigurado.”
Nilahad ni Mamang ang kanyang palad na tila sanay na sanay na sa galaw na iyon. Wala nang tanong, kinuha ni Asia mula sa bulsa ang kumpol ng perang papel at iniabot iyon.
Agad na binilang ito ni Mamang. Pagkatapos, ngumiti ito nang malaki na parang naka-jackpot sa sugal.
“Aba, hindi masama,” aniya. “Binayaran na ni Nestor yung nasirang damit, kaya wag ka nang mag-alala.”
Kumuha si Mamang ng ilang perang papel mula sa hawak niyang bugkos at padabog itong hinagis sa ibabaw ng mesa. Parang bang basura itong tinapon bigla.
Lalong nanigas ang panga ni Asia habang tinititigan ang dos mil sa mesa na parang limos na ibinato sa kanya.
“Salamat, Mamang.”
Humanda ka saking matanda ka. Makakaganti rin ako.
“Pag-igihan mo ang trabaho, Asia.” saad ni Mamang. “Ikaw ang star ng bar na to. Kaya hinding-hindi ka makakaalis dito ng ganon-ganon na lang.”
“Opo Mamang.”
“May lakad ka pa ba sa mga susunod na araw?”
Saglit na natigilan si Asia upang mag-isip. Ngunit sa huli’y umiling na lamang siya.
“Sige. Makakaalis ka na.”
Tumalikod si Asia na sabik na makalabas sa nakasusulasok na kwartong iyon. Ngunit bago pa siya tuluyang makalayo, narinig niyang muling nagsalita ang matandang bakla. Mas malamig ang boses nito kaysa kanina.
“Kung gusto mo talagang makaalis dito, tandaan mo ang inuutos ko, Tyler .”
(Maraming salamat sa 100 million followers. At salamat sa pagbibigay ng 100+ votes sa kwentong ito. Vote lang nang vote. Comment lang ng comment!)
7
GIO Jimenez
Madaling-araw na nang makauwi ang grupo namin mula sa Butterfly. Nag-grupo-grupo ang ilang magkakasabay sa daan, samantalang ako ay mag-isang uuwi dahil pa-ibang direksyon ang biyahe ko. Nagpaalam na kami sa isa’t-isa at naghiwa-hiwalay ng landas.
Hindi naman marami ang nainom ko ngunit naisipan kong maglakad-lakad muna para mahimasmasan. Ang malamig na simoy ng hangin sa madaling araw ang nagpagising sa diwa ko. Dahil dito, biglang naging malinaw sa akin ang lahat.
Nagbalik muli sa isip ko ang lahat ng nangyari sa loob ng bar. Ang bawat paghaplos ko sa balat niya, ang bawat pagtatama ng aming mga mata, at ang nahihiya niyang ngiti.
Bakit ko nagawa iyon? Bakit ko nararamdaman ito kay Asia?
Napakawalang-kwentang tao ko. Paano ko ito nagawa sa mapapangasawa ko? Tinigil ko na kung ano ang kasalanang muntik naming simulan ni Tyler, ngunit bakit nagkakaganito naman ako kay Asia ngayon? Ano bang nangyayari sa akin?
Ayokong magkasala. Ayokong lokohin si Cristine. Mahal na mahal ko siya. Alam kong siya na ang babaeng para sa akin.
Inis kong inihilamos ang mga palad ko sa aking mukha. Hindi na ito dapat maulit.
Naglakad-lakad lang ako hanggang sa makarating ako sa sakayan ng jeep. Naisip ko nang umuwi dahil baka nag-aalala na sa akin si Cristine.
Umaga na naman.
Mabuti na lang at Linggo ngayon at walang pasok. Tirik na ang sikat ng araw nang ako’y magising. Kinapa ko ang espasyo sa gilid ko, ngunit wala na doon si Cristine.
“Babe?” pagtawag ko.
Walang sumagot. Babangon na sana ako mula sa kama nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Cristine.
“Morning babe,” and bati sa akin ni Cristine na bitbit ang isang tray. “Gigisingin pa naman sana kita. Breakfast in bed?” Nilapag niya ang tray sa maliit sa bedside table. Laman nito ang isang tasa ng kape at ilang piraso ng tinapay sa plato.
“Good morning,” bati ko pabalik sa kanya at hinalikan ang pisngi niya. “Nag-abala ka pa, eh, babangon din naman ako.” dagdag ko pa.
“Ikaw naman, it’s time to relax. Bebe time natin ngayon and I want to do this for you.” ang malambing na wika ni Cristine. May kakaibang ningning sa kanyang mga mata. Para bang nag-aanyaya ito para sa isang bagay na alam niyang hindi ko matatanggihan.
“Swerte ko talaga sa babe ko.”
Pinuno ko ng halik ang mukha niya na siyang dahilan para mapuno ng tawa ang loob ng kwarto.
“Babe! Nakikiliti ako! Hahaha!”
Mas kiniliti ko pa ang kanyang payat na bewang. Ramdam ko sa bawat haplos ang madulas niyang kutis.
“Hindi kita tatantanan babe.” ang malalim na wika ko.
Natigilan si Cristine. Napatingin siya sa akin at ilang saglit nagtagpo ang aming mga mata. Biglang nag-iba ang ihip ng hangin sa loob ng kwarto. Para bang biglang nag-init.
“Babe…” ang mahinang bulong ni Cristine sa tenga ko na para bang isa itong ungol.
Doon pa lang ay nagkaroon na agad ng reaksyon ang katawan ko. Bigla kong hinila si Cristine hanggang makaupo siya sa aking hita. Nagkadikit ang aming mga kaselanan at kahit na nakasaplot, ramdam ko ang init na nagmumula sa kanyang katawan.
“Babe…” pag-uulit pa niya. Sa pagkakataong ito, inulos ko ang aking bewang upang hagurin ang balot na puke ni Cristine. Pigil ang ungol niya ngunit alam kong nasasarapan siya dahil bigla niyang iginiling ang kanyang sarili, tila tinutukso ang aking sumsaludong ari.
Nilibot ni Cristine ang kanyang mga braso sa aking leeg habang patuloy siya sa panunukso sa aking burat. Hindi na ako makapagpigil.
Pinagsaklob ko na ang aming mga labi. Ninamnam ko ang bawat pagkubot ng kanyang dila sa aking bibig, pati na rin ang pag-ungol niya na siyang musika sa aking pandinig.
Habang naglalaban ang aming mga dila, hindi ko na inaksaya ang oras at eksperto kong hinubad ang aming mga saplot. Mga abala lang sila sa mainit na pagtatagpo na gagawin namin ng mapapangasawa ko.
Nag-iinit na ang katawan ko. Gusto ko na muling angkinin si Cristine.
Nang matanggal na ang aming damit - maging ang panty niya - agad kong dinakma ang kanyang mainit at basang pagkababae. Hinding-hindi ko pagsasawaan ang puke ni Cristine. Kailang beses ko na ito napasok, palagi akong gutom sa init na dala nito.
Ito lang ang puke na kakantutin ko.
Habang naglalaplapan kami ay dinaliri ko na ang basa niyang pepe. Pinaglaruan ko ang tinggil niya, pinisil-pisil at kinalabi-kalabit ko ito. Alam ko ang mga teknik na gusto ng mapapangasawa ko.
“Babe, fingerin mo pa ko… aaahh!”
Nakakapit pa rin sa leeg ko si Cristine at tila kinakantot na niya ang kanyang sarili gamit lamang ang mga daliri ko. Nagtaas baba siya habang nakapasok ang dalawa kong daliri sa kanyang pepe.
“Putangina, ang sarap babe! Sige pa!”
Hayok na hayok si Cristine. Mas lalo akong nakaramdam ng libog.
Tinanggal ko ang mga daliri ko sa hiwa niya at umayos ako ng pagkakahiga habang nakaupo pa rin siya sa ibabaw ko. Nakita kong napangisi siya. Alam na niya ang gagawin niya.
“Upuan mo yang burat ko babe. Pakita mo sa akin kung gaano ka ka-hayok sa kantot ko.”
Gusto ko nang banatan ang puke na to.
Hindi nagdalawang-isip si Cristine. Hinawakan niya ang ari ko at sandaling sinalsal ito. Alam kong damang-dama niya kung gaano na katigas ang burat ko. Pagkatapos ay pinuwesto na niya ang kanyang sarili, tinutok ang ulo ng burat ko sa kanyang hiwa, at pagkatapos, binagsak niya ang sarili, dahilan upang matuhog siya ng malibog kong tarugo.
“FUCK! TANGINA KA!”
Napamura ako sa biglang pagbalot ng init sa aking ari. Basang-basa na ang hiyas ni Cristine kaya naman madali lang ang paglabas-masok ng titi ko sa loob niya.
“Babe! Ahhh… sarap magpakantot sayo… mmmmm…”
Nagtaas-baba si Cristine sa burat ko na parang isang hinete. Nakakalibog ang mga tunog na nililikha ng malagkit na paglabas-pasok ng burat ko sa hiyas niya. Sinalubong ko na rin ang ritmo ng kanyang galaw. Sinigurado kong sagad na sagad ang espada ko sa loob niya.
Nakatingala ako at nakatingin sa malaswang ekspresyong ginagawa ni Cristine. Mas lalong nanigas ang alaga ko sa loob niya at alam kong ramdam niya rin iyon.
“Ang sarap ng puke mo babe… ako lang kakantot dito.”
Mas diniinan ko ang pagsalubong sa indayog niya. Para akong nasa langit.
Hinila ko mukha ni Cristine at sinalubong siya ng isang mapusok na halik. Saglit na napatigil sa paggalaw si Cristine, ngunit agad din niyang ipinagpatuloy ang paggiling niya sa burat ko habang kami ay naglalaplapan.
Dila sa dila. Laway sa laway. Napapikit ako sa sarap ng sensasyong dulot ng pagtatama ang aming mga balat at paglalaban ng aming dila. Ang tanging nasa isip lang naming dalawa ay ang pagpapakasasa sa libog na bumabalot sa aming dalawa.
Puno ng mahalay na tunog ang aming kwarto. Kung marinig man ng mga kapitbahay, wala akong pakialam. Hindi nila alam kung gaano kasarap kumantot ng puke na kagaya ni Cristine.
Damang-dama ko ang masikip na butas na tila sumasakal sa aking burat. Ang init. Ang lagkit. Ang sarap kantutin.
Ang sarap.
Ang bewang na gumigiling. Ang mga matang nang-aakit. Ang bawat malalaswang paggalaw sa taas ng entablado na sumasabay sa bawat ritmo ng sensual na musika. Ang bawat sulyap sa likod ng maskara, alam kong sarap ang dala niya.
Ang sarap.
Naramdaman ko ang paghiwalay ng mga labi mula sa akin. Nagpatuloy ang pagtalbog at pag-indayog sa aking burat.
Pagmulat ko ng aking mga mata… siya ang aking nakita.
Hindi na si Cristine ang nasa ibabaw ko.
Kahit na nakamaskara, kita ko ang mga mata niyang nakakaakit na napapapikit sa bawat pagsundot ko sa kaloob-looban niya.
Ang balingkinitang katawan niyang sanay sa entablado, ngayon ay nakaupo sa kandungan ko, dumuduyan sa bawat ulos ng aking burat. Ramdam ko ang bigat niya, ang sikip ng puwit niyang sinasalubong ang bawat salpok ko. Ang mga palad ko’y nakabaon na sa makinis at madulas na balat niya. Pawis, libog at init ang namamagitan sa aming mga katawan.
Si Asia.
Kinuha niya ang aking dalawang palad at pinagsaklob ang aming mga daliri. Dito siya nakakapit habang patuloy siyang nagpapakasarap sa pangangabayo ng aking galit at matigas na burat.
” Ang sarap mo, Gio. ” Hindi ko pa naririnig ang boses ni Asia ngunit nai-imagine ko na kinakausap niya ako sa gitna ng aming kalibugan.
Napaigtad ang kanyang katawan. Sa bawat pag-indayog niya, lalong pumapasok nang sagad ang burat ko sa loob niya. Parang siya na mismo ang nagmamando kung kailan ako lalabasan.
” Ang laki mo… ang tigas… ” bulong niya sa akin, habang gumigiling, umiikot ang balakang niya, sinasakal ng masikip niyang lagusan ang kabuuan ko.
Ah putangina mo Asia… sarap mong kantutin.
Nilapit niya ang mukha niya sa akin at humalik. Mapusok ito at sabik na sabik. Hindi ito halik ng kasintahan, kundi halik na sumisira sa katinuan ko.
Hinila ko siya pababa at kinagat ang ibabang labi niya, habang sinabayan ng malalim na ulos. Napasinghap siya at napahawak sa dibdib ko habang nanginginig sa sarap.
“Ugh… Aaassi… AHHH..” ungol ko.
Tangina. Ang sarap.
“Uhhh… babe! Sige pa!”
Napamulat ako. Pumasok sa pandinig ko ang ungol ni Cristine.
Napakapit siya sa balikat ko, habol-hininga, habang patuloy ang pagkayod ng balakang niya sa akin. Basang-basa ang katawan niya sa pawis at namumula ang kanyang pisngi ngunit sige lang ang kanyang hiyas sa pagsakal sa aking ari.
Ngunit kahit siya ang kaharap ko, ang hawak ko, ang kinakantot ko…
Si Asia pa rin ang nasa isipan ko.
Tinagilid ko siya at ako naman ang pumatong. Ginabayan ko ang sarili ko sa pagbayo. Mas mabagal. Mas malalim. Mas sagad.
Ang sarap.
Napapikitako sa sobrang sarap. Sa likod ng mga talukap ko, bumalik ang imahe ni Asia.
Siya ang kinakantot ko. Siya ang binabarurot ng burat ko.
” G-Gio… ang laki ng… AAHH! Gio, sige pa! ”
” Tangina Gio, isagad mo! Kantutin mo pa ko!”
” Mmm… tangina ng burat mo Gio… sarap… diin mo pa.. sagad mo Gio!”
“Shit…” bulong ko habang nilalamon ng pantasya ang buo kong ulirat. Mas nanigas ang alaga ko sa loob ng mainit at masikip na butas.
Sa bawat ulos ko sa puke ni Cristine, sa bawat kadyot na lumalalim, hindi siya ang nararamdaman ko.
Putangina mo Asia. Pakantot ka, kaya heto, tanggapin mo ang burat ko!
“Wag mo tigilan ang butas ko Gio!”
Hindi ko talaga titigilan yan. Lalaspagin ko yang butas mo Asia. Ihuhulma ko ang burat ko sa loob ng binabae mong puke.
Burat ko lang ang maaalala mo. Burat ko lang ang hahanap-hanapin mo.
Isasagad ko sa kaloob-looban mo tong burat ko. Nararamdaman mo ba ang ulo ng tarugo ko na bumabakat sa tiyan mo? Sarap di ba? Kantot puta ka sakin Asia.
Gusto mo to di ba?
Pupunuin kita ng tamod. Kahit wala _ka _ ng matres, sisiguraduhin kong mabubutis ka. Aanakan kita, Asia. Tatamuran kita ng paulit-ulit, hindi kita titigilan hangga’t di ka nabubuntis ng burat ko.
Akin ka lang Asia. Ako lang ang dapat na gumamit sa butas mo.
Napuno ng malaswang imahe ni Asia ang imahinasyon ko. Ini-imagine ko ang bawat pwesto na gagawin namin sa aming pagkakantutan. Patutuwarin ko siya at titirahin sa likod na parang aso. Kakargahin ko siya at kakantutin patayo. Isasandal ko siya sa pader, itatas ang kanyang isang binti, habang binabayo ko ang makipot niyang butas. Kakantutin ko siya sa banyo. Kakantutin ko siya sa kusina. Saan mang sulok ng bahay, sisiguraduhin kong masasaksihan ang pagkantot ko sa kanya.
Binilisan ko ang pagkantot. Mas madiin. Mas mabangis.
“Ahh.. shit, sikip ng puke mo! Hmmmn…”
Di ko na mapigil ang pag-ungol ko.
Patuloy ako sa pag-ulos ng aking balakang, dinadama ang bawat sulok ng masikip na butas na kinakantot ko.
“Babe! Malapit na ko!”
Narinig ko ang tinig ni Cristine.
Saglit akong tumigil upang ibahin ang aming pwesto. Mula sa patagilid, tuluyan ko nang pinatihaya si Cristine sa kama. Wala akong oras na sinayang at muli kong sinalpak ang naghuhumindig kong burat sa loob ng puke niya.
Sa una’y mabagal, ngunit di nagtagal ay muli kong binarurot ang masarap na puke na to.
Putangina. Sa susunod, puke ni Asia naman ang lalaspagin ko.
Nababaliw na ako. Pinupuno ni Asia ang malibog kong imahinasyon.
Nararamdaman kong malapit na ako. Niyakap ko si Cristine habang patuloy ako sa pag-ulos. Parang barena ang burat ko na walang tigil sa paglabas-pasok sa makitid na hiwa.
Muli na namang pumasok sa isip ko ang imahe ni Asia. Ramdam ko ang mas paninigas ng burat ko, senyales na malapit na ako sa rurok.
Ito na, konti na lang.
Asia. Tatamuran na kita. Bubuntisin kita, tangina ka!
“Ahh… Aaass… Aahhhh!!” hindi ko napigilang umungol habang nilalabasan ako.
Sumirit sa loob ni Cristine ang tamod ko. Di ko mabilang kung ilang putok ang pinakawalan ko. Ngunit ang imahe sa utak ko’y si Asia. Nakatingala siya sa ilalim ko, nakangisi, at ninanamnam ang bawat patak ng punla ko.
Napapikit ko at inintay matapos mapusok na sensasyong bumalot sa akin.
Pagdilat ko, naramdaman ko ang katawan ni Cristine. Ramdam ko ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib habang hinahabol niya ang kanyang hininga.
“Gigil ka ngayon, babe.” bulong sa akin ni Cristine. Rinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. “I like it.”
Hinalikan ko ang leeg niya bago ako bumangon mula sa pagkakapatong ko sa kanya.
Para bang nahimasmasan ako at mas luminaw ang aking isip kasabay ng pagputok ng tamod ko. Post-nut clarity kumbaga.
Dahil sa pagod, nahimbing na nang tuluyan si Cristine. Binalot ko sa hubad niyang katawan ang kumot, habang ako nama’y naupo sa gilid ng kama.
Talagang nagawa kong magpantasya ng ibang katawan habang katalik ko ang babaeng mapapangasawa ko?
Talagang nababaliw ka na Gio! Walang kapantay ang katangahan mo. Dahil lang sa hamak na baklang GRO, nagkakaganito ka?
Napasabunot ako ng aking buhok sa sobrang inis. Hindi katanggap-tanggap ang nagawa kong ito. Hindi ako mapapatawad ni Cristine kapag nalaman niya kung ano ang nasa isip ko.
Dumako ang tingin ko sa natutulog na si Cristine. Kahit hindi siya nakatingin sa akin, hindi ko siya matitigan nang diretso. Nagguilty ako. Nahihiya ako sa nagawa ko.
Tumayo na ako at nagpunta sa banyo upang kumuha ng bimpo at nilinisan ko ang katawan ni Cristine. Habang ginagawa ko ito, pinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi na ito maulit. Magiging tapat na ako sa isip, sa salita, at sa gawa.
**
Lumipas ang dalawang araw. Miyerkules.
Lumabas ako sa opisina upang bumili ng makakain. Naudlot ng isang oras ang lunch break ko, ngunit gaya ng nakagawian, sa isang malapit na convenience store ako nagtungo. Ngunit di tulad sa ibang nagdaang araw, hindi ako nag-iisa. Kasama ko si Ron dahil napagkasunduan naming sabay na magyosi.
Habang naglalakad ay natanaw ko ang malaking usok sa langit mula sa kung saan. Kahit na madilim pa ang kalangitan, hindi ako pwedeng magkamali. Mukhang may nasusunog.
Ito marahil ang dahilan kung bakit kanina ko pa naririnig ang sunod-sunod na wang-wang. Magkakasunod din ang mga emergency service vehicle ang rumaragasa sa kalsada.
Pagpasok namin sa loob, agad kaming sinalubong ng lamig ng aircon. Sumalubong din ang amoy ng instant noodles, at ang ingay mula sa ibang customer na kumakain. Kumabig ako sa may refrigerated section upang tumingin-tingin, pero sa totoo lang, wala akong gana. Kaya sandwich na lang ang kinuha ko- yung ham and cheese na mukhang tinamad rin sa ingredients. Si Ron naman, walang kaarte-arte at nagtungo sa ready-to-eat meals at kumuha ng chicken teriyaki na sabi niya ay paborito niya raw.
Naghanap kami ng mesa at naupo sa sulok na medyo tago sa mga dumadaan ngunit katabi lang ng salamin nilang pader.
Pinagmasdan ko muna ang labas. May ilan pa rin akong nakikitang humahangos na firetruck. Mukhang malaki ang sunog base sa usok na nakita ko.
“Loko talaga yang si Rick na yan. Bigla na lang nag-AWOL. Tsk,”
Nabaling ang atensyo kay Ron nang nagsalita ito habang binubuksan ang plastic lid ng pagkain niya.
Napasulyap lang ako sa sandwich ko. Ni hindi ko pa nga ito nabubuksan. Wala akong ganang kumain dahil yosing-yosi na ako.
“Eh, ganyan talaga. Dapat masanay ka na. Ilan na lang ba tayong natira mula sa wave natin?” saad ko.
“May utang pa kasi sakin yong kupal na yon. Tapos di na nagparamdam. Namblock pa sa Facebook!”
Ang taong nirereklamo ni Ron na si Rick ay isa sa mga ka-team namin. Kasama namin siya mula noong training ngunit, heto nga, biglang nag-AWOL.
“Yaan mo na. Lagi namang hiring sa atin. Baka next week lang, madagdagan tayo ng mga newbie.”
“Sabagay,” napatango si Ron. Bahagyang lumuwag ang mukha niya, tapos ngumisi. Ito yung tipikal na pilyong ngiti na may halong kung anong binabalak.
“Tirador ka talaga ng newbie.” Biro ko sa kanya na ikinatawa niya.
Palagi kasing pumoporma itong si Ron sa mga new hire sa amin. Mabilis kumilatis ng maganda, at mabilis din kumilos. Pero sa awa ng Diyos, wala pa naman akong naririnig na scandal na kumalat tungkol sa kanya. May sa demonyo itong si Ron, tinatago niya lang.
“Hindi naman. Nagbagong buhay na ako.” wika ni Ron bago ito sumubo ng pagkain. “At saka, may balak akong pormahan no.” dagdag pa niya.
“Aba. Saang simbahan ka ba nagpabasbas at parang naging anghel ka?” Kantyaw ko sa kanya. “At sino naman itong pinopormahan mo?”
“Wala ka na don, pre.”
“Nahiya ka pa. Parang wala naman tayong pinagsamahan niyan.”
Saglit na napatigil si Ron sa pagkain at taimtim na tumingin sa akin saglit. Para bang may kung anong binabalak o may sikreto siyang gustong iluwa pero nagdadalawang-isip pa.
“Alam mo naman yung Butterfly di ba?” ang seryosong tanong niya.
Nagtaka ako kung bakit nadawit ang Butterfly sa usapan namin, ngunit tumango naman ako bilang pagsang-ayon. “Oo naman,” sabi ko. “Bakit?”
“Nandon yung popormahan ko.”
Hindi ko alam kung nagbibiro na itong si Ron o ano kaya naman seryoso ko siyang tinignan. Iniintay ko kung tatawa ba siya at sasabihing “joke lang” ngunit nanatiling diretso ang kanyang ekspresyon.
“Teka… babae ba yan o…”
“Nakita mo na siya.” pahapyaw na sagot ni Ron.
Malamang ay isa sa mga performer ang natitipuhan niya. Nung huling lakad namin ay si Candy ang nakatable niya. Hindi kaya nagkapalagayan sila ng loob?
“Ahhh…” Tumango ako. “Ang bilis mo pre ah. Isang gabi pa lang, nahulog ka na kay Candy.”
Nag-iba ang ekspresyon ni Ron na para bang may nasabi akong masama.
“Anong Candy? Ugok ka.” Natawa si Ron bago muling sumubo ng pagkain. “Hindi si Candy pre.”
“Eh sino?”
Luminga muna si Ron, parang tinitiyak kung may makakarinig ba, saka bahagyang yumuko at bumulong, “Atin-atin lang ‘to ha. Bumalik ako sa Butterfly nung Linggo.”
“Oh tapos?”
“Gumastos ako ng 5k, pero swerte ko, nakasama ko si Asia.”
Halos mapaatras ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang sinabi niya.
Si Asia?
“Teka… teka,” uminom muna ako mula sa bottled water na binili ko at huminga ng malalim bago nagpatuloy. “A-Anong meron kay Asia? Bakit popormahan mo siya?”
“Wala lang. Gusto ko lang masubukang mag-shota ng bakla. At saka yung tipo ni Asia ang gusto ko. Malambing at mahinhin.” Malaki ang ngisi ni Ron sa kanyang mukha. Para bang proud pa ito.
“Ano namang ibig mong sabihin na nakasama mo siya? Na… na-take out mo siya?”
Natawa si Ron at umiling. “Hindi. Pangalawa na naman, kaya na-table ko lang siya.”
May kung anong bumigat sa dibdib ko. Hindi ko masabi kung selos, inis, o alin sa dalawa. Pero ramdam ko ang kirot.
“Hindi ba mahirap pormahan yang mga ganyan?” tanong ko. Pilit kong pinanatiling normal ang tono ng boses ko. “Ibig kong sabihin… baka naman marami nang customer ang pumoporma diyan.”
Hindi ko mawari kung anong pumasok sa isip nitong si Ron. Wala naman akong pakialam kung pumorma siya sa kahit sinong performer sa Butterfly. Pero si Asia?
“Ayos lang. Ako naman ang pinakagwapo sa kanila,” sagot ni Ron na parang kampanteng-kampante. Walang halong pag-aalinlangan sa boses niya.
May sumagi bigla sa isip ko.
Hindi ba’t titigilan ko na si Asia? Nagawa kong alisin siya sa isip ko nitong nakaraang dalawang araw, ngunit heto, nababanggit pa lang ang pangalan niya, muling sumisikip ang dibdib ko.
Ano ba yan Gio?
“Bahala ka, pre. Buhay mo yan,” saad ko, kahit pilit kong itinatago ang kunot sa noo ko.
“Kaya pre, tulungan mo ako sa Sabado,” sabi ni Ron.
Napatingin ako sa kanya. “Anong tulong?”
“Samahan mo ako sa Butterfly. Hati tayo sa bill kahit konti, tutal makakainom ka naman. Target kong maging number one spender pare, alam mo na… para ma-take out ko si Asia.”
Napatingin ako sa kanya na parang hindi ko alam kung tatawa ba ako o babatukan siya.
Ako pa talaga ang inaya niya para sa ganito?
Pinipilit ko nang iwasan ang kahit anong may kaugnayan kay Asia. Pero heto, si Ron pa mismo ang naglalapit sa kanya.
“Bakit di mo isama yung iba?” tanong ko. “Tutal marami naman tayo noon, di ba?”
“Ayoko. Sikreto lang to pre. Atin-atin lang to. Kaya sige na.”
“Tignan ko pre, baka may gawin ako sa Sabado e.” sagot ko. Ang totoo niyan, wala talaga akong nakaplanong gawin sa araw na iyon. Pero siyempre, kailangan kong gumawa ng dahilan.
“Sige na. Minsan lang naman to.” giit ni Ron. “Kapag kasal ka na, hindi mo na magagawa yung mga ganto. Nakatali ka na. Hindi ka na makakawala.” dagdag niya.
Huminga ako ng malalim. Tanging oo o hindi lang ang isasagot ko ngunit bakit parang hirap na hirap pa akong mamili? Alam ko ang tama, pero bakit pinag-iisipan ko pa rin gawin ang mali?
Tinignan ko si Ron at ang ngising nakapaskil sa mukha niya. Muli akong napabuntong-hininga.
Huli na ito. Pagkatapos nito, tatapusin ko na ang pag-iisip ko tungkol kay Asia.
“Sige na. Pero hindi ako gagastos ng sobrang laki.” sagot ko.
Lumaki ang ngiti ni Ron sa kanyang labi at tila saglit kong nasilayan ang mukha ng isang demonyo.
“Sabi ko na nga ba, papayag ka rin.”
Pagkatapos naming kumain, dumiretso na kami ni Ron sa smoking area. Dala ko pa nga yung sandwich kong hindi ko nabuksan at ngayo’y nakatago ito sa bulsa ko. Mamaya ko na lang siguro kakainin ito.
Nakahanap kami ng pwesto malapit sa entrance ng smoking area. Marami-rami pa rin ang mga tao kahit ganitong oras. Ngunit sa mga taong narito ngayon, ni anino ni Tyler ay hindi ko makita.
Ewan ko ba. Otomatikong naiisip ko si Tyler kapag nasa smoking area ako. Marahil ay dahil dito kami tahimik na tumatambay noon. Na kahit di kami magsalita, payapa kami, sabay na nagyoyosi, o di kaya’y kumakain ng sandwich.
Nag-usap lang kami ni Ron tungkol sa iba’t-ibang bagay, pampalipas lang ng oras. Pagkatapos ng halos kalahating oras, napagdesisyunan naming bumalik na ng opisina.
Bago kami makarating sa tawiran, may napansin akong lalaking nakatayo hindi kalayuan sa harapan namin. Nasa gilid siya ng kalsada, tila nag-aabang ng masasakyan. May buhat siyang bata, at sa isang braso’y nakasabit ang ilang plastic at isang maliit na backpack.
Nakatagilid siya sa direksyon namin, kaya hindi ko agad namukhaan. Pero nang mapansin kong pamilyar sa akin ang maamong mukha ng batang kanyang buhat, parang may kumislot sa dibdib ko.
Ngumiti ang bata sa akin.
Si Athena.
Napabilis ang lakad ko. Hindi ko na hinintay si Ron, agad akong lumapit.
“Tyler?”
Hindi ako sigurado noong una. Parang imposibleng siya yon. Pero nang lumingon siya at nagtagpo ang mga mata namin, para akong napalunok.
“Tyler, ikaw nga. Anong ginagawa niyo ni Athena dito?” tanong ko, may halong pagtataka at pag-aalala sa tono ko. “Anong oras na, oh.”
Tinitigan ko ang mukha ni Tyler at doon ko lang napansin na may bakas ng luha ang mukha niya. Namamaga ang mata niya at halatang galing lang sa pag-iyak. Tinignan ko din ang suot niya na tanging tshirt at pambahay na shirts lamang. Si Athena naman ay nakabalot sa kumot.
“Kuya Gio!”
Nabiyak ang boses ni Tyler, at bago pa ako makapagsalita, humangos siyang papalapit. Niyakap niya ako, hindi alintana kung gaano kabigat si Athena sa braso niya. Idiniin niya ang ulo niya sa dibdib ko at doon siya muling napahagulgol.
“Anong problema, Tyler? Bakit ka umiiyak?” tanong kong may halong pagkataranta. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Hindi siya sumagot at umiyak lamang. Kaya marahan kong tinapik-tapik ang likod niya; hindi para patahanin siya, kundi para iparamdam na narito ako, na hindi siya nag-iisa. Hinaplos ko rin ang tuktok ng ulo ni Athena na ngayon ay nakatitig sa akin. Mukhang natatandaan niya kung sino ako. Napangiti naman ako kahit mabigat ang dibdib ko sa kalagayan nilang nakikita ko ngayon.
Habang umiiyak si Tyler, nilingon ko si Ron na nagtatakang nakatingin sa amin mula sa likod.
“Pre, pasabi na lang kay TL na may emergency. Kung di ako ma-late ng balik, baka di na ko makapasok mamaya.”
Tumango lang si Ron.
Si Tyler naman ay umalis sa pagkakayakap sa akin at nagpunas ng luha.
“S-Sorry, Kuya Gio. Pasensya sa abala. T-Tatawagan ko na lang si Ate.”
“Hindi to abala,” wika ko. “Ano bang nangyari?”
Tinapik ako ni Ron sa balikat at tumango, senyales na babalik na siya sa opisina. Bago tuluyang tumawid, nakita kong sumulyap pa siya sa amin, tumingin kina Tyler at Athena.
Nagpresinta akong buhatin ang mga dala nilang plastic at bag. Kita ko sa mga kilos ni Tyler na hirap na hirap na siya, hindi lang sa bigat ng gamit kundi sa bigat ng nararamdaman niya. Inabot ko rin ang jacket ko at ipinasuot sa kanya. Ramdam ko ang ginaw ng madaling-araw at lalo akong nag-alala sa kalagayan nilang mag-ama.
Habang naglalakad kami papunta sa isang lugar na mas tahimik, naikwento ni Tyler ang nangyari.
Nasunugan daw sila.
Ang compound kung saan sila nakatira ay tinupok ng apoy, mga limang bahay ang natupok kasama na ang tinitirahan nila. Halos wala silang naisalbang gamit, kundi ilang damit at ang buhay nila. Hindi na niya nagawang kunin ang perang itinabi niya sa bahay at tinupok din ito ng apoy. Wala rin silang malalapitan ngayon.
Naramdaman ko ang biglang pagbigat ng dibdib ko. Naawa ako kay Tyler at kay Athena. Wala na silang matutuluyan. Walang kasiguraduhan sa susunod na oras. Hindi pa sumisikat ang araw, namomroblema na sila. Sabi nga nila, mas mabuti pang manakawan kesa masunugan. At ngayon, nakikita ko sa harapan ko ang bigat ng trahedyang yon.
“Sa bahay muna kayo manuluyan ni Athena,” alok ko. “Kami lang naman ng Ate mo ang nandon. May extra kaming kwarto, di ginagamit. Don muna kayo, para makapagpahinga ka.”
Nag-angat ng tingin si Tyler, halatang nag-aalangan.
“Papayag po ba si Ate? Baka makaabala kami sa inyo,” halos pabulong niyang sabi.
“Sigurado akong ito rin ang gusto ng Ate mo. Mas mag-aalala pa ‘yon kung sa iba ka pa makikituloy,” sagot ko. “At hinding-hindi kayo abala sa amin, Tyler. Pamilya tayo, di ba?”
Tumango siya, at sa unang pagkakataon ay parang gumaan nang kaunti ang bigat sa balikat niya. “Maraming salamat po,” mahina niyang tugon.
Saglit ko silang iniwan sa gilid ng daan para kunin ang kotse sa parking ng opisina. Binigay ko rin ang sandwich na dala ko upang makakain muna sila kahit papaano. Ilang minuto lang, bumalik ako at agad silang pinasakay. Tahimik si Tyler habang inaalalayan si Athena papasok sa passenger seat. Sa kandungan niya natulog agad ang bata na halatang pagod na pagod.
“Matulog ka na rin kung gusto mo,” sabi ko habang binubuksan ang makina. “Gigisingin ko kayo pag nasa bahay na tayo.”
Tahimik lang si Tyler, pero kita sa mga mata niya ang pagod at lungkot. Namamaga pa rin ang mga mata niya sa pag-iyak.
“Maraming salamat po, Kuya Gio,” bulong niya. “Hindi ko alam kung paano ko kayo pasasalamatan.”
“Wala yon,” sagot ko habang nilingon ko sila saglit, “Walang problema. Basta andito lang ako.”
Tahimik na binaybay namin ang daan pauwi. Tumawag na rin ako kay Cristine upang sabihin ang nangyari. Gaya ng inaasahan ko, nag-alala siya sa kalagayan ng kapatid at pamangkin niya. Nagpasalamat siya sa Dios at nakita ko sina Tyler, kung hindi, baka hindi pa nila nalaman ang nangyari dito.
Hindi ko alam kung hanggang kailan. Ngunit simula ngayon, kasama na naming titira sa bahay si Tyler, ang kapatid ni Cristine na mapapangasawa ko.
8
GIO Jimenez
Pagdating namin sa bahay, agad kaming sinalubong ni Cristine na nakatayo sa may pinto, halatang kanina pa nag-aabang.
Nakita ko kung paano siya patakbong lumabas sa gate at nagtungo sa bahagi ng passenger upang alalayang makababa si Tyler at ang anak niya.
Habang nasa biyahe kanina ay tahimik lang na nakatingin sa bintana si Tyler. Halatang malalim ang iniisip nito. Hinayaan ko na lang ang katahimikan dahil pakiramdam ko ay kailangan niya iyon.
“Mauna ka na, Tyler. Ako na ang bahala sa mga gamit ninyo,” sabi ko habang inaabot ang bag niya.
Tumango lamang si Tyler at marahang binuksan ang pinto. Nasa labas si Cristine na bakas sa mukha ang pag-aalala.
“Tyler!” Bakas sa boses ni Cristine ang pag-alala sa kanyang kapatid.
“Ate…” May kung anong lungkot sa tono ng boses ni Tyler. “Pasensya na po sa abala.” wika niya pagkababa ng sasakyan.
Bumaba na rin ako dala ang ilang gamit ng mag-ama.
“Anong abala? Tyler, kapatid kita,” agad na tugon ni Cristine habang inilalapit siya para sa isang yakap. “Kailanman, hindi ka magiging abala. Mas kampante akong nandito kayo, at masaya akong ibahagi sayo ang kahit anong mayroon ako.”
Bahagyang ngumiti si Tyler, karga-karga pa rin ang mahimbing na natutulog na si Athena, ang maliit nitong kamay nakahawak sa damit ng ama.
Pagpasok namin sa bahay, dumiretso si Cristine sa kwarto na inihanda na niya. Nasabihan ko na siya kanina tungkol sa pagtuloy ni Tyler, kaya agad niyang inayos ang bakanteng silid. Wala itong kama, pero may airbed kami na siya ring hinanda niya. Malinis ang mga kumot at may maliit na electric fan sa gilid para komportable ang mag-ama.
Hinayaan muna naming magpahinga sila sa kwarto. Ako naman ay hinila ni Cristine papuntang kusina para maghanda ng makakain. Bumalot agad sa bahay ang amoy ng luya at manok mula sa niluluto niyang arozcaldo.
Maya-maya, lumabas ng kwarto si Tyler.
“Ate, Kuya Gio… maraming salamat po,” maingat niyang sabi. “B-babayaran ko po kayo sa pagpapatuloy ninyo sa amin.”
Nagkatinginan kami ni Cristine na siyang napa-iling na lang. “Ito talagang batang to…”
Lumapit siya kay Tyler, hinawakan siya sa braso, at marahang itinulak paupo sa hapagkainan. Saktong katatapos lang maluto ng arozcaldo, at umuusok pa ang mangkok.
“Take your time, Tyler,” wika ni Cristine habang inilalapit ang pagkain. “Wala kaming hinihinging kapalit ng Kuya Gio mo. Ang gusto lang namin, maging ligtas kayo ni Athena.”
Niyakap ni Tyler ang kanyang ate, at sa sandaling iyon, parang may kumirot sa dibdib ko. Pinagmamasdan ko silang magkapatid, at naalala ko kung gaano kahaba ang panahong nawalay sila sa isa’t isa. Kita ko sa mukha ni Cristine ang saya at ginhawa na makasama muli ang kapatid na matagal nawalay sa kanila. Alam ko kung gaano nag-aalala si Cristine kay Tyler mula pa noong muli silang nagkita pagkatapos ng mahabang panahon.
Kumain na kami at si Tyler pa ang nagpresintang maghugas ng plato. Hinayaan na lamang namin siya sa kung ano ang nais niya dahil alam naming nag-aalangan pa rin si Tyler sa pagtuloy sa bahay namin.
Kinabukasan, pasado alas-diyes na ako nagising. Malalim at mahimbing ang tulog ko kagabi. Isa itong bihirang biyaya para sa gaya kong sanay magpuyat dahil sa trabaho.
Pupungas-pungas akong bumangon mula sa kama at iniisip kung babalik ba ako sa pagtulog dahil mamaya pa namang gabi ang pasok ko. Ngunit nang marinig ko ang ilang hagikhik mula sa labas, parang bigla akong nagising nang tuluyan.
Lumabas ako ng kwarto at nadatnan si Athena sa harap ng TV, nakataas ang dalawang kamay habang umiindak sa tugtog ng pambatang palabas. Halata sa mukha niya ang tuwa. Tila wala siyang pakialam sa paligid at nakatutok lang sa masayang ritmo ng kanta.
Sa sofa naman, naroon si Tyler na nakaupo at may malambing na ngiti habang pinagmamasdan ang kanyang anak. Hindi niya napansin na nandoon ako na nakasandal lang sa pader at tahimik na nakamasid. May kung anong kakaibang gaan sa pakiramdam habang nakikita ko silang dalawa sa ganitong eksena.
“Dada, dance! Dance!” hiyaw ni Athena, sabay hagikhik at tuloy pa rin sa pag-indak.
“Galing talaga ng princess ko!” komento naman ni Tyler.
Lumundag-lundag si Athena at umikot-ikot, hanggang sa mapansin niya ako sa may pinto. Bigla siyang tumigil na para bang may nakitang multo.
“T-To Ji… ‘To Ji…” bulol niyang tawag.
Dahil dito, napalingon na rin si Tyler sa pwesto ko. Nanlaki ang mata nito at saka dali-daling tumayo mula sa sofa na para bang nahuli itong gumagawa ng masana. Na siya namang pinagtaka ko.
“K-Kuya Gio…”
“Good morning Tyler.” bati ko.
“Pasensya na po at binuksan ko ang TV.” napakamot ito sa kanyang ulo. Mabilis niyang kinuha ang remote at saka pinatay ang TV.
“Bakit mo pinatay?” tanong ko.
Hindi siya sumagot, nakayuko lang gaya ng nakasanayan niya. Naramdaman marahil ni Athena ang pagbabago sa ekspresyon ng ama, kaya dali-dali siyang tumakbo at yumakap sa binti ni Tyler.
“Dada…” ang mahina nitong tawag na para bang inaalo ang ama.
Mukhang natatakot pa ata si Tyler na gumalaw dito sa bahay na ulitimo pagbubukas ng TV, akala niya ay pagbabawalan ko.
Umiiling akong lumakad papunta sa kanila. Kinuha ko ang remote mula sa kamay ni Tyler at saka muling binuhay ang TV. Napuno muli ng tawanan ng mga cartoon characters ang bahay.
“Tyler, pwede niyong gamitin ang kahit na ano dito sa bahay. Pwedeng-pwede kayong manood ng TV. Pwede kayong gumamit ng wi-fi. Pwede niyo ngang gamitin yung tablet na naroon sa mesa.” wika ko.
Hinawakan ko ang kamay ni Tyler at ibinigay ulit sa kanya ang remote.
“Ituring niyo na ring bahay ito. Wag kang mahihiya, at walang magbabawal o magagalit sayo. Naintindihan mo ba?” ang tanong ko kay Tyler habang hawak pa rin ang kamay niya.
“Opo Kuya Gio. Salamat po.” ang sagot naman ng binata.
“Good.” Binitawan ko na ang kamay niya. Napasarap ata ako sa paghawak dito. “Nga pala, nag-almusal na ba kayo?”
“Opo. Tinulungan ko po si Ate na magluto ng almusal kanina. Meron pa pong nakatabi sa mesa para sa inyo.”
Pasado alas-7 kasi umaalis ng bahay si Cristine dahil isa itong guro. Weekday ngayon kaya naman may trabaho siya. Naalala ko pa kanina, ginising niya ako para magpaalam at humalik bago umalis. Pagkaalis niya, bumalik ako sa kama at nagpatuloy sa pagtulog.
“Ganun ba? Mabuti naman. Dito lang kayo ni Athena at magluluto na rin ako ng tanghalian natin.” bilin ko kay Tyler.
Ngunit nagpumilit si Tyler na siya na lamang ang magluto.
“Masarap akong magluto Kuya Gio. Wag po kayong mag-alala.” pagsusumamo ni Tyler.
“Hindi ko naman pinagdududahan ang cooking skills mo,” ang natatawa kong sagot. “Gusto ko lang na magpahinga muna kayo. Samahan mo si Athena sa sala at makipaglaro. Kaya ko na ‘to. Sa susunod, sige, ikaw na ang magluto.”
“To Ji! ‘To Ji! Luto po si Dada! Luto!” masayang hirit ni Athena. Dahil bulol pa, imbes na Tito Gio, “To Ji” ang tawag niya sakin.
Umupo ako sa harap niya para pantayan ang tingin at marahang tinapik ang ulo niya. “Masarap bang magluto si Dada?”
“Mmm! Sarap po!” mabilis at paulit-ulit niyang tango.
“Okay, sige. Magluluto si Dada para kay Athena. Okay ba?”
“Okay! Yey!” Naglulundag ang bata at muling umakap sa binti ng kanyang ama.
Tumingala ako kay Tyler mula sa aking pwesto at nakita kong nakangiti siya. Minsan ko lang makita ang ngiting iyon, kaya hindi ko namalayan na napatulala na pala ako.
Nagtagpo ang mga mata namin. At gaya ng dati, mabilis niya itong iniwas.
**
Nagluto si Tyler ng simpleng adobong baboy. Mabuti na lang at kumpleto kami ng rekado sa bahay, kaya hindi na kinailangang lumabas pa. Mula pa lang sa amoy ng kumukulong toyo at suka, nahulaan ko na masarap ito.
Nagsalu-salo kaming tatlo sa hapagkainan. Si Athena ay natural na madaldal na kahit bulol ay walang tigil itong nagkukwento. Minsan nahihirapan akong unawain ang sinasabi niya pero pinapaliwanag naman sa akin ni Tyler kung ano ang ibig sabihin nito.
Pagkatapos kumain ay ako na ang nagpresintang maghugas ng plato, tutal si Tyler naman ang nagluto. Aangal pa sana si Tyler ngunit tinuro ko si Athena na mukhang inaantok na mula sa kanyang kinauupuan. Napagod marahil ito sa pagsasalita niya kanina.
“Dalhin mo na muna siya sa kwarto. Ako na dito,” sabi ko.
Tumango si Tyler at dinala si Athena sa kwarto. Naiwan ako sa mesa at saglit kong kinuha ang cellphone ko. Kinuhanan ko ng litrato ang pinagkainan namin.
Pagkatapos ay sinend ko ito kay Cristine sa chat:
GIO _: _ ____ _ _ Tapos na kaming kumain babe. Si Tyler ang nagluto ng adobo.
_Kumain ka na ba? _
Maya-maya lang ay nakatanggap agad ako ng reply mula sa kanya.
CRISTINE : ____ _ _ _Wow! Gusto ko ding matikman ang luto ni Tyler _ 😭
Yes babe. Kumain na ko.
GIO : May tinira kami para sayo para makain mo pag-uwi.
CRISTINE : Thanks babe! I love you! 😘
GIO : Love you more!
Pagkatapos ng maikling usapan, tumayo na ako at nagsimulang maghugas.
Patapos na ako sa pagbabanlaw nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto. Lumingon ako at nakita si Tyler papalapit.
“Tulog na si Athena?” tanong ko habang patuloy na naghuhugas.
“Opo, Kuya. Mukhang nabusog po sa kinain.” sagot ni Tyler na mahinang tumawa.
“Masarap ka kasing magluto e.” Komento ko. Lumingon ako upang tignan si Tyler, ngunit tila namumula ito. Marahil ay dahil sa init ngayon dito sa kusina.
“Siya nga pala, pwede bang makisuyo na isalin mo yung tirang ulam sa tupperware? Gusto rin kasi matikman ng Ate mo yung luto mo mamaya. Para na rin mahugasan ko yung kaldero”
“Ok po kuya.”
Naunang dumako si Tyler upang kunin ang kaldero mula sa kalan. Nilapag niya ito sa espasyo sa gilid ng lababo.
“Nasaan po pala yung tupperware kuya?”
“Ah, teka nasaan nga ba yon…” Nadako ang tingin ko sa kabinet sa taas ng ulo niya. “Diyan ata sa taas na yan. Tignan mo.”
Binuksan ni Tyler ang nasabing cabinet. Bakas sa mukha nito na nakita niya ang kailangan niya. Inabot niya ito. Umuusli ang laylayan ng kanyang damit habang pilit niyang inaabot ito, bahagyang lumilitaw ang makinis na balat sa bewang niya. Sa huli, sadyang mas mataas ang cabinet kaya hindi niya maabot ang nasa loob nito.
“Ako na, saglit lang.” Pinagpag ko ang basa kong kamay at pinunas sa basahan, bago nagtungo sa likod ni Tyler.
Natanaw ko na naroon nga ang mga tupperware kaya naman tinaas ko ang braso ko upang abutin ito.
Di sinasadyang magdikit ng katawan namin ni Tyler. Ang unahang parteng katawan ko at dumikit sa likuran niya.
Naramdaman kong napapitlag si Tyler. Ganon din ako. Randam ko ang pagdikit ng alaga ko sa ibabang bahagi ng likod niys.
“Kuya Gio…” bulong niya at parang may halong kaba.
Ramdam ko ang banayad na pag-angat at pagbaba ng likod niya kasabay ng paghinga niya. Sa bawat segundo, parang lumiliit ang espasyo sa pagitan namin hanggang sa tuluyan na itong maglaho.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. O mas maiging sabihin na… tinigasan ako.
Nakaipit ngayon si Tyler sa pagitan ng counter at ng katawan ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya. Alam kong randam niya rin ang init ko, lalo na ng naninigas kong ari.
Nakataas pa rin ang braso ko. Hawak ko na ang tupperware. Kung tutuusin, pwede na akong lumayo dahil nakuha ko na ito, pero may kung anong sumapi sa akin.
Hindi ko magawang lumayo.
Marahan kong ikiniskis ang ari ko sa likuran niya. Diniin ko ito sa balat niyang nababalot ng damit. Tila dinuduro at hunahamon siya ng matigas na sandata ko.
Taas-baba ang pagkiskis ko. Mabagal pero minsan bibilis. Sinusubukan ko kung hanggang saan siya papayag sa ginagawa namin ngayon.
Hindi ko siya kinakantot ngunit napakasarap ng pakiramdam ko ngayon.
Nakahawak sa magkabilang gilid ng counter si Tyler habang sinasalubong ang bawat indayog ng balakang ko. Rinig ko ang bigat ng kanyang hininga.
“Ahh… Kuya…”
Napakapit ang isang kamay ko sa cabinet at ang isa ay napahawak sa bewang ni Tyler. Pinisil ko iyon at mas lalong nilapit ang katawan ko sa kanya habang patuloy kong pinadadama sa kanya ang init ng na sumusingaw mula sa aking burat.
Nagwawala na sa loob ng short ko ang alaga ko. Gusto na nitong kumawala. Gusto na nitong maramdaman ang totoong init ni Tyler.
“Ty… uhh… Tyler…” bulong ko sa tenga niya habang patuloy ako sa paggalaw.
Tila may sariling utak naman ang isa kong kamay na mula sa bewang, at dumako ito sa unahang bahagi ni Tyler.
Nakasayad siya sa malamig na tiles ng counter at ayokong iyon ang maramdaman niya. Kaya naman sinapo ko ang umbok sa unahan niya at hinimas-himas ito kasabay ng patuloy kong pagkiskis sa likod nito.
“Ahh! Kuya!… Hmmm…”
Ramdam ko ang paninigas niya sa palad ko. Para bang kumikislot ito sa bawat paghimas ko. Pinisil ko iyon nang mas madiin at napasinghap siya. Napakagat si Tyler sa kanyang labi para pigilin ang kanyang ungol.
“Putang… ina… Kuya…” bumubulong siya ngunit tila gusto niyang sumigaw.
Hindi ko alam kung sinasaway niya ako o gusto pa niya akong hilahin palapit at magpatuloy. Pero wala na akong pakialam dahil lalo lang akong ginanahan. Dumikit pa ako nang husto at halos maramdaman ko na ang buong kurba ng pwet niya laban sa umbok ng burat ko.
Hinayaan ko ang isang kamay kong gumapang mula sa bewang niya papasok sa ilalim ng kanyang tshirt. Mainit ang balat niya. Makinis ito at… bahagyang nanginginig.
“Tangina, Ty… ang lambot ng balat mo…” bulong ko sa mismong tainga niya at sinabayan ng bahagyang pagkagat dito.
Napapikit si Tyler at naramdaman kong kumislot ang alaga niya sa palad ko. Pinaglaruan ko iyon sa ibabaw ng manipis na tela ng kanyang shorts. Hinagod ko ito mula sa puno hanggang sa dulo at pinaikot-ikot ang hinlalaki sa pinakaulo na basang-basa na ng pre-cum.
“Kuya… huwag… baka…” pero imbes na lumayo, bahagya niyang iniyuko ang katawan niya kaya mas dumikit ang pwet niya sa harap ko.
“Tangina, Ty… hindi ka ba tinatablan sa ginagawa ko sayo?” Dinama ko ang bawat pag-angat ng dibdib niya na para bang nilalamon na siya ng makamundong sensasyon.
“Hnnn… ahhh…” tanging ungol lang ang isinagot niya.
Hinila ko siya palapit sa katawan ko gamit ang isang braso mula sa kanyang tiyan, habang patuloy ang dahan-dahang pagkiskis ng ari ko sa pagitan ng pisngi ng pwet niya. Tanging ang naghihiwalay lang sa amin ay ng manipis na tela ng shorts at brief namin.
Itinaas ko pa ang tshirt niya hanggang umabot sa ilalim ng dibdib niya. Hindi ko ito tuluyang hinubad at sadyang iniwan ko itong nakabalandra. Gusto kong maramdaman niyang kaya kong gawin ang gusto ko, pero pinipigilan ko lang… sa ngayon.
Isinubsob ko ang ilong ko sa batok ni Tyler. Amoy sabon ito. Amoy pawis na malinis at amoy lalaking kagigising lang mula sa kama. Dinilaan ko iyon, mula sa batok hanggang sa ilalim ng tenga niya.
“Ahhh… Kuya Gio… putangina mo…” Halos mapasandal siya nang tuluyan sa dibdib ko.
Hawak ko pa rin ang burat niya at marahang sinasalsal ito. Sa bawat galaw ng kamay ko, mas nadadagdagan ang init sa pagitan namin.
“Kung alam mo lang kung gaano kita gustong pasukin ngayon, Ty…” bulong ko pero may bahid ng gigil at pagpipigil sa boses ko. Hindi ko alam kung naiintindihan o naririnig pa ba niya ako dahil panay ungol at mabigat na paghinga lamang ang lumalabas mula sa kanyang bibig.
“Kuya… h-hindi ko na kaya…”
Nanginginig na ang binti ni Tyler habang patuloy kong hinahagod ang burat niya sa ilalim ng shorts. Basang-basa na ang palad ko sa pre-cum niya at bawat pagsalsal ng kamay ko ay parang mas lalong nagpapakawala ng ungol sa bibig niya.
“Tangina, Tyler… sabay tayo…” bulong ko na hindi na niya tinutulan.
Mas diniin ko ang katawan ko sa kanya at nagsimula akong gumiling. Ikinikiskis ko pa lalo ang matigas kong burat sa pagitan ng pisngi ng pwet niya. Ramdam kong basang-basa na rin ang brief ko. Bawat kadyot ay nagpapalapit sa akin sa rurok ng tagumpay.
“Ahhh… Gio… ahhh… putang-inaaa…”
Hinila ko ang shorts at brief niya pababa hanggang hita habang hawak pa rin ang burat niya at binilisan ang pagtaas-baba ng kamay ko. Kasababay nito, ikinikiskis ko pa rin ang sarili ko sa kanya. Halos pumasok na sa hiwa ng pwet niya ang burat ko pero hindi ko ito tinutuloy.
“Shit… shit… malapit na ako…” sabi ko.
Napakagat-labi ako para hindi tuluyang mapasigaw.
Bigla siyang umarko patalikod habang nanginginig ang buong katawan. Sumirit ang tamod niya sa sahig at sa kamay ko. Mayroon ding iba na tumalsik sa counter. Ramdam ko pa ang bawat pulso ng burat niya habang nilalabasan siya.
Doon na rin ako bumigay. Madiin kong ikiniskis ang sarili ko sa kanya hanggang sa sumabog ako sa loob ng brief ko. Ang tindi ng sensasyon. Nilabasan ako dahil lamang sa libog ko habang kinikiskis ko ang sarili ko sa kanya. Napayakap ako nang mahigpit sa kanya habang pareho kaming hinihingal.
Ah tangina. Ang sarap.
Ilang minuto lang ang lumipas, pero biglang bumalik ang realidad.
Putangina… anong ginawa ko?
Binitiwan ko si Tyler at agad na umatras ng ilang hakbang. Ramdam ko pa ang lagkit sa pagitan ng hita ko at ang amoy ng tamod na umaalingasaw mula sa katawan namin.
“Tyler…”
Hindi makatingin si Tyler sa akin. Dali-ali lang siyang nag-ayos ng shorts at agad pumasok sa kwarto na parang walang nangyari.
Nanatili akong nakatayo at nakasandal sa pader. Hinahabol ko ang aking hininga habang patuloy na iniisip ang mga nangyari.
Tangina, Gio… kapatid yan ni Cristine. Magiging bayaw mo yan. Ano ba tong ginawa mo?
Pero kahit anong pilit kong isipin na mali, may isang bagay na ayaw mawala sa utak ko.
Yung init ng kamay ko sa burat niya, yung ungol niya sa tenga ko, at yung paninigas ng katawan niya sa sandaling nilabasan siya.
At mas lalo akong nadidiri sa sarili ko dahil alam kong… gusto ko pa itong maulit.
Author’s note: salamat sa paghihintay. Natapos ko nang isulat ang susunod na mga bahagi. Pero pwede pa itong mabago… depende sa mga reaskyon niyo. 😆
Salamat sa mga bagong followers, votes, comments, at pag-save ng kwentong ito.
(Tandaan po na hindi ito PTR, o kailanman hindi magiging PTR ang kwentong ito. Huwag pong maniwala sa sabi-sabi.)
9
GIO Jimenez
Sapo-sapo ko ang umbok sa unahan ni Tyler. Sa pagkakataong ito, tanging itim na brief lang ang suot niya.
Magkaharap kami sa isa’t-isa habang marahang hinahaplos ang mainit na kargada namin na nagtatago sa ilalim ng maliit na tela.
Banayad ang haplos ni Tyler habang taas-baba niyang hinihimas ang namumula kong burat sa ilalim ng aking brief. Nakatitig kami sa isa’t-isa. Mata sa mata. Walang kumakalas sa nagtatalo naming mga titig, kasabay nito ang walang tigil na paghimas, paghaplos, paghipo, at pagsalsal na ginagawa namin sa isa’t-isa.
Ang mapupungay niyang mata’y nakatingin lang sa akin. Napakalagkit ng tingin niya. Para bang sinasabi ng titig niya na ako lang ang mahalaga sa sandaling iyon, na wala siyang ibang nakikita kundi ako.
“Kanina mo pa ‘yan hinihimas, Kuya Gio…” bulong ni Tyler.
“Ano pa ba ang gusto mong gawin ko?” tanong ko gamit ang nang-aakit na boses. “Gagawin ko ang lahat, para sayo…”
Sa halip na sumagot, dahan-dahan niyang ipinasok ang kamay niya sa loob ng puti kong brief. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang direktang paghaplos ng balat niya sa matigas kong burat. Kumislot iyon sa unang dampi pa lang.
“Ang sarap Tyler…”
“Babe…”
“Yes, babe…
“Babe, gising na.”
“Huh?”
Naramdaman kong may tila yumuyugyog sa aking balikat.
Biglang nawala lahat ng nasa harap ko. Nawala yung mainit na kamay na humahaplos sa pagkalalaki ko. Maging si Tyler ay naglaho din. Doon ko lang napagtanto na hindi pala totoo ang mga ito.
“Babe, gising na. Sa kwarto ka na matulog, hindi komportable dito oh.”
Pagmulat ko, si Cristine agad ang nakita ko. Nakasuot pa siya ng uniporme at may bitbit na bag, halatang kararating lang mula sa trabaho.
Dali-dali akong bumangon mula sa sofa. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako roon.
Pagkatapos kasi ng nangyari sa amin kanina ni Tyler, hindi ako mapakali. Hindi na kasi lumabas ng kwarto si Tyler, at ayaw ko rin naman siyang katukin. Wala akong mukhang maihaharap sa kanya. Ni hindi ko nga alam kung ano ang sasabihin ko kung makapag-usap man kami.
Walang excuse sa ginawa ko. Walang kapatawaran ang ginawa kong pagsasamantala sa kapatid ng fiancée ko.
Nagpalakad-lakad lang ako sa loob ng bahay at nagpaikot-ikot, hanggang sa mapagod ako at mapahiga sa sofa… doon ako tuluyang nakatulog. Pero kahit sa panaginip, si Tyler pa rin ang laman ng isipan ko. At hindi iyon inosenteng panaginip, puno iyon ng makamundong pagnanasa.
“Babe, nandito ka na pala.” Pinilit kong ngumiti at hinalikan si Cristine sa labi, pero mas lalo lang bumigat ang konsensya ko.
Bunga ng mapusok na panaginip, naninigas na naman ang aking burat. Hindi ko alam kung napansin ba ni Cristine, pero gayon pa man, kinuha ko pa rin ang unan sa sofa at tinakip ito sa unahang parte ng aking katawan.
“Ang liit-liit ng sofa natin, mukhang ‘di ka komportable kaya ginising kita para sana makalipat ka sa kwarto at doon matulog.” wika ni Cristine.
“Hindi na, babe. Okay na yung tulog ko.” saad ko. “CR lang ako sagit.”
Dali-dali akong tumayo at tumalikod, umaasang hindi niya napansin ang bakat ko. Naglakad ako papunta sa banyo para pakalmahin ang sarili.
Pagbukas ko ng pinto, pumasok ako agad at isinara iyon. Pero napahinto ako.
Bakit bukas ang ilaw?
“Ku..Kuya Gio?”
Nanlaki ang mata ko nang makita si Tyler na nakasilip mula sa likod ng shower curtain. Itaas na bahagi lang ng kanyang mukha ang nakikita ko.
Bumaba ang kanyang tingin sa gitnang bahagi ko. Nakita ko kung paano nanlaki ang mata niya nang makita ang umbok ng matigas kong burat.
“Sorry!” bulong ko.
Lalabas na sana ako nang marinig kong dumaan si Cristine sa tapat ng banyo.
“Babe, ‘wag ka na magsaing. May dala akong take-out,” sigaw niya mula sa kusina. “Nasaan pala sina Tyler at Athena?”
Nagkatinginan kami ni Tyler. Alam naming delikado kung malalaman ni Cristine na nandito kami pareho sa banyo. Wala naman kaming ginagawang masama, ngunit baka iba ang isipin ni Cristine.
“Nasa kwarto ata,” palusot ko. “Nakatulog kasi ako at hindi ko napansin.”
“Okay. Ayusin ko na ‘tong mga pagkain para makakain ka na rin.”
Hindi ako makalabas. Abot-tanaw kasi mula sa kusina ang pintuan ng banyo. At kung gagamitin ni Cristine ito gaya ng nakasanayan niya tuwing kakauwi, tiyak na makikita niya si Tyler sa loob.
Naririnig ko na patuloy lang si Cristine sa pag-aayos sa kusina. Pero sa loob ng banyo, ibang mundo ang namamagitan sa amin ni Tyler.
Sobrang tahimik. Tanging tunog ng patak ng tubig mula sa gripo at ang mabilis na tibok ng puso ko ang pumupuno sa pandinig ko. Marahil ay dahil ito sa kaba.
“Uhh… Kuya Gio,” bulong ni Tyler, “Pwede po ba’ng paabot ng tuwalya at damit ko sa gilid ng lababo?”
Dahan-dahan kong dinako ang tingin ko sa lababo. Nandoon nga ang isang malinis na puting tuwalya at ilang piraso ng damit na maayos na nakatiklop. Noon ko lang din napansin na sa ilalim ng lababo, nandoon ang mga pinaghubarang damit niya… at doon napako ang aking tingin.
Ang brief niya.
Kumislot ang burat ko. Ito yung brief na binaba ko kanina para masalsal ko ng ayos ang burat ni Tyler. Mabilis pumasok sa isip ko ang init ng balat niya at ang bigat ng hininga niya sa noong oras na iyon.
“Kuya?”
Bumalik ako sa katinuan nang marinig kong pabulong na tumawag si Tyler mula sa likod ng shower curtain.
“Ah, oo. Ito na,” inabot ko sa kanya ang mga damit habang si Tyler naman ay kinuha ito. Tanging ang kanyang braso at kamay na basa ng tubig ang nakita ko, pero sapat na ito para painitin na naman ang katawan ko.
Nandito ako sa banyo para pakalmahin ang burat ko, pero heto, mas lalo pang nagagalit.
Ilang saglit pa ay narinig kong nagbibihis si Tyler mula sa likod ng kurtina.
Sa labas, patuloy pa rin ang tunog ng mga galaw ni Cristine na walang kaalam-alam sa kinasasadlakan naming sitwasyon dito sa loob.
‘Di nagtagal, lumabas si Tyler mula sa likod ng shower curtain. Sa pagkakataong ito, nakabihis na siya. Ngunit ‘di ko inaasahan ang makikita ko.
Halos makita na ang hubog ng katawan ni Tyler mula sa manipis na puting t-shirt na suot niya. Medyo basa pa ito sa bandang leeg niya dahil sa ilang patak ng tubig mula sa kanyang buhok. Oversized ang tshirt niya kaya naman natatakpan nang husto ang suot niyang maliit na short, na siyang nagbibigay ng ilusyon na wala itong suot na pambaba.
At doon ko rin napansin… ang mga nakabakat na utong niyang matigas at malinaw na kita mula sa manipis na tela. Dalawang maliit na umbok ito na tila nanunukso.
Putangina talaga.
“Tyler…” hindi ko alam kung bakit nasambit ko ang pangalan niya. Ni hindi ko nga namalayan kung napaungol ba ako. Pero alam kong nahuhumaling ako sa itsura niya ngayon. Para akong nagayuma. Alam kong naiilang si Tyler sa titig ko, pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.
Nakatingin lang din si Tyler sa akin. Mukha itong nahihiya. Saglit sumagi sa isip ko ang isang pares ng mata na nakatingin sa akin mula sa likod ng maskara, ngunit agad din itong nawala.
Bakit ko ba naaalala si Asia sa mga oras na ito?
Sa oras na ito, sakto namang kumislot ang kargada ko sa loob ng short ko at automatiko akong napahawak dito, na siyang dahilan kung bakit nadako ulit ang mata ni Tyler sa bahaging iyon.
Pakiramdam ko talaga ay sasabog na ako. Nananakit na ang bayag ko, gusto nang makawala ng katas ko.
“Tyler… pasensya na,” bulong ko, at napakamot ako sa batok, “Pero… tumalikod ka muna…”
Alam kong pareho naman kaming lalaki, at malamang ay nagmamaryang palad din si Tyler, ngunit hindi ko maaatim na makita niya ako sa sitwasyon na ito. Lalo pa’t siya ang dahilan kung bakit naninigas ang burat ko ngayon.
Nanatiling nakapako ang tingin ni Tyler sa akin… o mas mabuting sabihin, sa kargada ko. Kita ko sa kanya ang pag-aalangan, pero hindi siya umiwas.
Huminga siya nang malalim na parang may pinag-iipunan ng lakas ng loob.
“Kuya Gio…” bulong niya na parang natatakot na may makarinig.
“Mn?”
“Tulungan ko na po kayo…”
Tila mas nabalot ng katahimikan ang banyo nang sabihin iyon ni Tyler.
Nanuyo ang lalamunan ko at hindi ko alam ang sasabihin.
“Ibig kong sabihin… ka-kanina… ikaw…” Hindi na maituloy ni Tyler ang sasabihin niya pero alam ko na ang ibig niyang sabihin. Sinalsal mo ako kanina kaya ikaw naman ang sasalsalin ko ngayon .
Hindi ko alam kung matatawa ba ako. Pero nakikita ko sa mukha ni Tyler na seryosong-seryoso ang ekspresyon nito.
“Hindi na kailangan, Ty-”
“Alam ko pong hindi ko kailangan,” Unti-unti siyang lumapit sa akin at tinabig nang marahan ang kamay kong nakatakip sa shorts ko. “Pero gusto ko.”
Napasandal ako sa pader. Ramdam ko ang dahan-dahan niyang paghila pababa sa shorts ko. Mainit ang palad niya na dumampi sa balat ko, at kahit mukhang kabado siya, steady ang galaw niya. Hindi ko na namalayan kung paano napalapit ang mukha niya sa akin habang nakapikit ako at sinusubukang pigilan ang ungol na kumakawala sa akin nang simulan na niyang igalaw ang kanyang kamay.
Tangina ang sarap. ‘Yung panaginip ko kanina, nagkatotoo na.
“Uhhh.. Tyler…” napaungol ako.
“Shhh.. Kuya, baka marinig ka ni Ate…” bulong sa akin ni Tyler.
“Ang sarap ng palad mo Tyler, ahhh shit…”
Mainit pa rin ang palad ni Tyler na nakahawak sa kahabaan ko. Habang bumibilis ang hagod niya, parang nawawala na rin yung pagkailang niya mula kanina. Yung dati niyang maingat na galaw, ngayon ay parang determinado na. Para bang gusto niyang masigurong hindi ako mabibitin.
Mula sa labas, naririnig ko pa rin ang mahihinang tunog ng mga galaw ni Cristine gaya ng tunog ng plastic, pagbukas ng cabinet, at mahihinang yabag.
Tangina, kung alam lang niya…
“Tyler…” halos ungol na pabulong ang lumabas sa labi ko.
“Shhh…” bulong niya. Tumitingala si Tyler sa akin habang patuloy na binabayo ng kamay niya ang burat ko. Kita ko sa mga mata niya na kinakabahan siya, pero may halong kakaibang tapang na ito na ngayon ko lang nakita sa kanya.
Napalunok ako at marahang hinawakan ang batok niya upang hilahin siya palapit. Saglit siyang nag-atubili, pero nang maglapat na ang labi namin, parang may sumabog na init sa pagitan namin.
Mainit at mabango ang hininga ni Tyler. Bahagyang nanginginig ang labi niya habang gumaganti sa halik ko. Mula sa mabagal na dampi, naging mas mapangahas ito. Naghalo ang laway namin at bawat ungol ko ay sinasalo ng bibig niya.
Sa bawat paghigop ko sa labi niya, humihigpit ang pagkakahawak niya sa burat ko. Ramdam ko na dumudulas na ang kamay niya sa dami ng precum na lumalabas, at mas lalo pa niyang binilisan ang galaw.
“Ahhh… putangina, Tyler… bilisan mo pa… malapit na ‘ko…” pigil-hininga kong bulong habang nakasubsob ang mukha ko sa leeg niya. Ninanamnam ko ang amoy ng sabon na humahalo sa natural na amoy ng balat niya.
Bumilis pa lalo ang kamay niya, mariin at diretso sa pinakaulo ng titi ko. Naramdaman kong namumuo na sa bayag ko ang init na sasabog na anumang segundo.
“Tyler… ahhh… putaaaa…”
Hinila ko ulit siya, at sa pagkakataong ‘to, sinalubong niya agad ang labi ko.
Tangina, ang lambot talaga ng labi niya. At nung gumalaw na ang dila ko papasok, sinalubong niya rin ng kanya. Nagpalitan kami ng laway. Yung halik namin, parang naglalaban kung sino sa amin ang mas uhaw.
Napakapit ako sa batok niya habang nakasandal ang likod ko sa malamig na pader ng banyo. Bawat sipsip ko sa labi niya, sumasabay ang hagod ng kamay niya sa pinakaulo ng burat ko, paikot, tapos pababa nang madiin. Napapaungol ako sa bibig niya at naririnig ko rin ang mahinang impit niya.
Naghiwalay saglit ang labi namin. Kapwa kami hingal na hingal. Matapos lumanghap ng hangin, muli kong sinunggaban ang bibig niya. Sa pagkakataong ‘to, mas marahas ang halikan namin. Sinisipsip ko ang dila niya habang pinipisil niya ng mariin ang burat ko. Ang sarap ng sensasyong mula sa init ng laway namin at ang dulas ng kamay niya na basa na katas ko.
“Uhhmm… Ty… tangina ka…” bulong ko habang magkadikit pa rin ang labi namin, at halos kagatin ko na ang ibabang labi niya.
Dinikit niya ang katawan niya sa akin. Ramdam ko ang init niya dahil manipis lang ang t-shirt at shorts niya. Mula sa labas, dinig ko ang pagbukas ng ref ni Cristine. Napakagat na lang ako sa labi para hindi ako mapamura nang malakas habang pinipiga na ni Tyler ang burat ko nang mas mabilis.
“Malapit na ‘ko…” bulong ko habang nakasubsob sa leeg niya.
May ibinulong si Tyler sa tenga ko ngunit hindi ko na ito maintindihan. Halos umikot na ang mata ko sa sobrang sarap ng ginagawa sa akin ni Tyler.
At doon na nga, tila sumabog lahat ng init sa katawan ko. Napakagat ako sa balikat niya habang sunod-sunod na sumirit ang tamod ko. Tumama ito sa tiyan ko, sa laylayan ng puting t-shirt niya, at may tumulo pa pababa sa kamay niya. Marahan niyang sinalsal pa ang sensitibo kong kargada hanggang sa mailabas ko ang huling patak.
Pareho kaming hingal na hingal. Magkalapit ang noo namin at ninanamnam ang bawat segundo ng katahimikan.
Tok! Tok!
“Babe?” sigaw ni Cristine mula sa labas, pero hindi malakas. “Aakyat muna ako sa kwarto para magbihis.”
Napabalikwas kaming pareho. Nagkatinginan kami ni Tyler at hindi alam ang gagawin.
“O-Okay babe!” sigaw komula sa loob.
Narinig namin ang paglayo ng mga yabag ni Cristine at ang marahang pag-akyat sa hagdan. Nang masiguro namin na wala na si Cristine sa labas, saka lamang ako nakahinga ng maluwag.
Naghiwalay kami ni Tyler. Dumiretso siya sa lababo upang hugasan ang kamay niya pati na rin ang ilang tumalsik na tamod sa damit niya.
Ako nama’y kumuha ng tissue upang punasan ang kalagkitang naiwan sa alaga ko. Kumalma naman ito ngayon, para bang natakot nung kinatok kami ni Cristine kanina.
“Tyler,” bulong ko. “Pasensya na…”
Inangat ni Tyler ang paningin niya at nagtama ang aming mata sa salamin na nasa harap ng lababo.
“A-ayos lang Kuya…”
Sa kabutihang palad, naging maayos ang gabi namin. Sabay-sabay kaming kumain ng hapunan bago ako umalis papunta sa trabaho.
Habang nagtatrabaho ako, randam ko ang bagong enerhiya na bumalot sa katawan ko. Hindi ko alam kung saan galing ito. Tila ba magaan ang aking mga hakbang, at tanging mga positibong bagay lang ang aking nakikita. Kahit pa nasigawan ako ng ilang tangang kano sa telepono, hindi ko ito ininda. Pasok-labas lang sa magkabila kong tenga ang mga ito.
Ano ba ang nagbago? Wala naman. Ang tanging nag-iba lang ay ang nangyari sa amin ni Tyler kanina: kung paano ko tinrabaho ang ari niya, at kung paano niya rin binate ang galit kong pagkalalaki. Nagsabong pa ang aming mga dila sa mapusok na halik na pinagsaluhan namin.
Siguro ito nga ang dahilan kung bakit masigla ako ngayon.
Sa buong linggo, naging normal lang ang pakikitungo sa akin ni Tyler. Akala ko ay magbabago ang lahat dahil sa nangyari sa amin, ngunit sa kabutihang-palad, ganoon pa rin siya sa akin. Natural sa kanya ang pagiging tahimik, ngunit hindi niya ako iniwasan sa tuwing tatanungin ko siya ng ilang bagay sa gitna ng pag-uusap namin kasama si Cristine. Gayon din naman ako. Sinikap kong manatiling kalmado at kumilos na parang walang kakaibang nangyari. Para bang pareho naming ibinaon ang lihim namin sa hukay.
Kapag nagkakasalubungan kami sa bahay, isang ngiti ang ibabato namin sa isa’t-isa. Minsan, naglalaro kami ni Tyler kasama si Athena kapag wala si Cristine. Sa mga sandaling iyon, para kaming isang buo at payak na pamilya: siya ang masayang Dada na nagpapatawa kay Athena, at ako naman ang nakikihalubilo sa kanilang dalawa na parang natural lang. Para bang parte ako ng mundo at pamilya nila. Pagdating sa tanghalian, siya ang magluluto at ako naman ay kakain kasama sila. At gaya ng dati, ako ang maghuhugas ng plato habang siya’y nag-aasikaso kay Athena.
Pero sa kabila ng mga iyon, aaminin ko…
May nangyayari sa amin ni Tyler.
Nagsimula ulit ito noong Lunes. Karaniwan, nakakauwi ako sa bahay ng alas-sais o alas-siyete ng umaga, pagkatapos ng buong shift. Pagka-uwi, diretso agad ako sa kuwarto para humiga at matulog nang mahimbing. Awtomatiko akong nagiging ng bandang alas-dose ng tanghali, sakto lamang upang magtanghalian.
Noong araw na iyon, paglabas ko ng kuwarto, nadatnan ko si Athena na mag-isang nakaupo sa sala at nakatutok sa TV habang nanonood ng cartoon. Nakayakap siya sa isang stuffed toy (na pasalubong ni Cristine), tila ba abala sa makulay na mundo ng pambatang palabas.
“Nasaan ang dada mo?” tanong ko sa bata.
Napatingin sa akin si Athena at ngumiti. Kita pa ang bunging ngipin niya habang masiglang sumagot, “Luto po si Dada.”
Ah, nagluluto si Tyler.
Magaan kong tinapik ang tuktok ng ulo ng bata bago ako nagpaalam at naglakad patungo sa kusina. Doon, bumungad sa akin si Tyler. Nakatalikod siya at nakasando at shorts lang, habang abala sa pagluluto.
Mula sa kinatatayuan ko, kita ko kung paanong bahagyang kumikilos ang balikat at bewang niya habang hinahalo ang nasa kawali. May marahan siyang hinu-hum na kanta, at ang banayad na himig nito ay sumasabay sa pag-ikot ng kanyang bewang.
Sandaling napako ang tingin ko sa kanya. Simple lang ang tanawin, pero may kung anong init na gumapang sa dibdib ko. Napansin ko ring tila mas defined na ang katawan niya… o baka matagal ko lang hindi napansin ito.
“Uy,” ang kaswal na tawag ko.
Bahagya siyang lumingon at tipid na ngumiti sa akin. “Gising ka na pala, Kuya. Malapit na po ‘to.”
Tumango ako at pumwesto sa tabi niya at bahagyang sumilip sa niluluto nito. “Mabango ah. Ano ‘to?”
“Menudo po. Paborito ni Athena.” sagot niya, sabay baling ulit sa kawali.
Nagtama ang siko namin nang bahagya. Dapat ay normal lang iyon, pero may kakaibang kuryenteng gumapang sa balat ko. Hindi ko na pinansin ito at nagkunwaring abala ako sa paghahanap ng plato.
Habang naghahain siya, napapansin ko ang pawis na dumadaloy sa gilid ng leeg niya, papasok sa loob ng kanyang sando. At nang yumuko siya para kunin ang ibang gamit, bahagyang umangat ang laylayan ng damit niya at tumambad ang maputi at makinis na bewang niya. Bigla akong napalunok.
“Kuya Gio,” tawag niya na bigla nagpabalik sa akin sa wisyo. Nakatingin siya sa akin na may bahagyang ngiti. “Pwede mo po bang isalin sa mangkok ang ulam? Ako na sa kanin.”
Agad akong kumilos. Pilit kong tinatago ang tensyon na nararamdaman ko. Pero habang magkasama kaming naghahanda ng pagkain, hindi mawala ang bigat ng presensya niya sa paligid ko.
Nang matapos, sabay kaming tatlo na naupo sa mesa. Tahimik kaming kumain. Si Athena ay walang kamuwang-muwang at masayang nagkukwento pa tungkol sa pinapanood niya kanina. Paminsan-minsan ay nagtatama ang tingin namin ni Tyler, at sa bawat pagkakataon, para bang lihim na nag-uusap ang aming mga mata.
Pagkatapos kumain, ako ang nagprisintang maghugas ng plato. “Ako na dito. Asikasuhin mo na si Athena,” sabi ko.
Tumango siya. Pero imbes na lumabas ng kusina, nanatili siya roon. Umupo siya sa mesa habang pinagmamasdan akong maghugas. Ramdam kong nakatutok ang mga mata niya sa likod ko.
Paglingon ko, saktong nakita ko ang pagtitig niya. At sa muli, nakita ko na naman ang pangungusap mula sa kanyang mata.
Nagtagal ang titig niya. Para bang iniimbitahan niya ako sa bagay na alam namin hindi namin pwedeng gawin. Hanggang sa dahan-dahan siyang tumayo, lumapit sa akin mula sa likod, at walang pasabi, ipinatong niya ang palad niya sa bewang ko.
Napahinto ako. Ramdam ko ang init ng kamay niya.
“Tyler…” mahina kong bulong.
Inilapit niya ang labi niya sa tenga ko. Ang mainit na hinginga niya ay dumadampi sa pisngi ko.
“Kuya Gio… nararamdaman mo ba,” ang mahinang sabi niya.
Parang natuyo ang lalamunan ko. Lumingon ako, at bago pa ako makasagot, hinalikan niya ako.
Hindi ito marahas, kundi mabagal at tila naghahanap. Nawala ang lahat ng pagpipigil ko. Ilang araw na kaming normal na nagsasama at nakikitungo sa isa’t-isa pero heto…
Bumigay agad ako.
Hinila ko siya palapit, at sa loob ng kusina, muli na namang sumiklab ang init na ilang araw naming pinipigil.
10
GIO Jimenez
Nang maglapat ang labi namin, ramdam ko agad ang init ng halik niya. Mabagal sa simula, pero may kasama itong pangungulila at pananabik. Hinawakan niya ang batok ko nang mariin na para bang ayaw na niya akong pakawalan.
Napasinghap ako sa gitna ng halikan namin. “Tyler…” bulong ko. Pero agad niya akong pinatahimik sa pamamagitan ng mas mariing pagdikit ng labi niya.
Habang magkahinang kami, naramdaman kong dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay niya mula sa bewang ko, papunta sa harapan ng shorts ko. Ramdam ko ang init ng palad niya nang dumampi iyon sa bukol ko.
Napalunok ako. Biglang tumigas lalo ang burat ko sa ilalim ng shorts ko.
“Shit…” mahina kong ungol. Halos hindi ko na makontrol ang sarili ko.
Ngumiti siya nang mapanukso, bago dahan-dahang ikiniskis ang palad niya sa kahabaan ko.
“Nasasarapan ka ba?” bulong niya habang diretsong nakatitig sa mata ko.
Hindi na ako nakapagsalita. Napasandal ako sa lababo habang patuloy niyang hinihimas ang burat ko sa loob ng shorts. Maya-maya, mabilis niyang ibinaba ang garter at dinakma ng kamay niya ang tigas na tigas kong titi. Mainit, malaki, at nanginginig sa libog. Alam kong nararamdaman niya ang bawat pintig nito.
“Putangina…” napaungol ako. Napapikit ako nang maramdaman kong jinajakol niya ako nang dahan-dahan.
Pero hindi doon nagtapos si Tyler. Lumuhod siya sa harapan ko nang walang alinlangan at tila sabik na sabik. Nakatitig pa siya pataas habang ibinababa ang shorts at brief ko hanggang tuhod. At muli, lumantad sa kanya ang titi kong tayung-tayo at nangingintab na sa precum.
“Ang laki…” mahina niyang sabi, bago ngumiti at idinikit ang labi sa pinakaulo nito.
Parang kinuryente ang buong katawan ko nang maramdaman kong dinilaan niya iyon. Paikot-ikot at mabagal niyang sinisimot ang paunang katas sa butas ng burat ko.
Napasinghap ako at napakapit sa gilid ng lababo. “Tangina, Tyler…”
At saka niya sinubo.
Sa una’y kalahati lang. Ang pagchupa ng mainit at madulas na bibig niya ay naging mas mabilis at naging mas agresibo. Dinilaan niya ito habang kinakain ang kabuuan, at ilang sandali lang ay ramdam kong malapit na akong mabaliw.
“Ahhh… fuck… putangina… ang sarap…” ungol ko habang napasabunot sa buhok niya.
Hindi ko alam kung anong gagawin.
First time kong magpachupa sa lalaki. Iba ang pakiramdam. Mas masikip, mas mainit, mas nakaka-adik ito. Ramdam kong hinahagod ng dila niya ang ilalim ng titi ko habang pinapasok niya nang mas malalim sa lalamunan niya.
Siguro dahil sa isa rin siyang lalaki kaya alam na alam niya kung ano ang dapat gawin upang mapaligaya ang kapwa niya lalaki.
“Shit… Tyler… baka labasan na ako…” halos nanginginig kong bulong pero pilit na pinipigilan ko pa rin ang sarili ko.
Ayoko pang matapos ‘to.
Pero imbes na tumigil, mas lalo niyang binaon sa loob ng lalamunan niya ang kahabaan ko. Ramdam kong sumagad hanggang lalamunan niya ang burat ko.
Napamura ako nang malakas. “Tanginaaaa…!!”
Sinimulan niyang bilisan. Labas-masok ang kargada ko sa bibig niya at may kasamang sipsip at dila pa. Para bang sabik na sabik siya sa lasa ko. Ang tunog ng basang bibig niya habang chinuchupa ako ang pumupuno sa buong kusina.
Hanggang sa hindi ko na kinaya. Napasabunot ako nang mahigpit at napa-ungol nang malakas.
“Tyler… ayan na ako! Tangina ka!!!”
Pero imbes na alisin, mas lalo niyang isinagad. At doon, sumabog ako sa loob ng bibig niya. Ilang putok ang pinakawalan ko sa bibig niya. Hindi lang ‘yon. Ramdam kong nilunok niya lahat. Walang siyang tinira, hanggang sa huling patak.
Nanginginig akong napasandal sa lababo. Hingal na hingal ako at halos hindi makapaniwala sa nangyari.
At si Tyler, dahan-dahan lang na tumayo. Pinunasan niya ang gilid ng labi niya gamit ang kanyang daliri, bago tumingin sa akin nang diretso. May pilyong ngiti sa kanyang mukha.
“First time mo ba ‘yon, Kuya?” bulong niya.
Hindi ako nakasagot agad.
Nanginginig pa rin ako, pawisan, at libog na libog pa rin kahit katatapos lang. Nagmadali kong tinaas ang brief at shorts ko. Ramdam ko ang pawis na bumabalot sa buong katawan ko.
“First time kong magpachupa sa lalaki…” ang sagot ko sa kanya.
Tumango lamang si Tyler. Inayos niya ang suot niyang shorts na parang walang mabigat na nangyari.
“Pero Tyler…” mahina kong tawag.
Nagkatinginan kaming muli ni Tyler.
Biglang umalingawngaw ang halakhak ng bata mula sa sala. At doon, parang sumiklab bigla ang konsensya ko. Nasa kabilang sala lang si Athena at walang kamuwang-muwang. Heto ako, ang tito niya, nagpapachupa sa kanyang tatay na magiging bayaw ko rin.
Ano bang klaseng tao ako?
“Hindi… hindi na dapat maulit ‘to,” bulong ko, pero tila para lamang ito sa sarili ko.
Hindi sumagot si Tyler. Tumitig lang siya sa akin nang seryoso.
Bago pa ako makaisip ng sasabihin, biglang may narinig kaming kaluskos mula sa sala.
“Dadaaa!” sigaw ni Athena habang tumatakbong papalapit.
Mabuti na lang at bihis na kami at disente na ang itsura.
Mabilis akong umatras at kinuha ang basang baso sa lababo para magkunwaring naghuhugas. Si Tyler naman, umupo agad sa mesa at inabot ang tubig sa baso para magmukhang natural lang na naghahanda ng inumin.
Pumasok si Athena sa kusina habang may dalang laruan. “Gutooom na ko ulit, Dada,” sabi niya, sabay lapit kay Tyler.
Kumalabog ang dibdib ko. Ramdam ko pa ang lagkit ng pawis ko at ang amoy ng init na hindi pa nawawala sa paligid namin. Pero si Tyler ay nanatiling kalmado. Kinuha lang njya ang anak at binuhat ito sa kandungan niya na parang walang nangyari.
Nanatili naman akong nakatalikod at mahigpit ang hawak sa baso. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang sarili ko.
Pero walang mag-aakala na lolokohin ko lang pala ang sarili ko.
Hindi lamang ito ang huling araw ng may nangyari sa amin ni Tyler.
**
Kinabukasan pag-uwi ko galing trabaho, hindi pa man ako nakakapasok ng bahay, sumiksik na sa isip ko ang amoy at lasa ni Tyler kahapon. Yung init ng labi niya, yung dila niyang walang sawang naglalaro sa burat ko, at yung tingin niyang parang mas gusto pang higitan ang ginagawa namin.
At nang magising nga akong muli matapos magpahinga, para bang kusa na akong nahulog ulit sa bitag.
Doon mismo sa kusina, habang nagbubukas ako ng ref, biglang pumasok si Tyler at yumakap siya mula sa likod. Randam ko ang mainit na hininga niya sa batok ko, at bago ko pa man magawang lumayo, nilamas na niya ang bukol ko sa boxers.
Wala na akong nagawa kundi magpaubaya.
At sa mismong mesa kung saan kumakain kami ni Cristine, nakaluhod siya at chinuchupa ako. Basang-basa ang labi niya habang pinipigilan kong mapaungol nang malakas.
Sa sumunod, hindi rin kami nakatiis. Sa pagkakataong ito, ako ang unang kumalabit kay Tyler. Doon kami sa banyo, habang bukas ang shower para matabunan ang mga ungol naming dalawa.
Dinilaan niya ako mula dibdib hanggang tiyan bago muling isinubo ang burat ko na parang hayok na hayop. Halos mapaupo ako sa tiles habang siya’y walang tigil sa pagchupa. Basang-basa ang katawan naming dalawa sa tubig at pawis.
At siyempre, nilabasan ako dahil sa tindi ng ginawa niya.
Kaya naman tuwing sasapit ang gabi, sa trabaho, para bang may baon akong extra energy. Kahit gaano kabigat ang trabaho, gumagaan. Nagiging mas ganado ako at mas maayos kumilos, dahil alam kong may nag-aabang sa akin pag-uwi.
Parang naging cycle na ang mga kahalayang iyon. At habang inuulit-ulit ng utak ko ang bawat imahe: yung mukha ni Tyler na nakatingala habang nakasubo sa burat ko, yung ungol niya tuwing nilalamas ko ang pwet niya, mas lalong namamayani ang tawag ng laman kesa sa tawag ng katotohanan.
Tanging pagchupa pa lamang aming nagagawa pero sa tuwing finifinger ko ang puwet niya, nararamdaman kong gusto na niyang magpatira. Gustong-gusto ko na ring pasukin siya ngunit gusto kong gawing espesyal ang unang pagniniig naming dalawa. Ayokong gawin na lang ito basta-basta.
At isa pa… Hindi pa namin napag-usapan kung ano ba talaga kaming dalawa. Ano ba ang relasyon namin?
Hindi naman kami nakakapag-usap ng masinsinan. Pagkatapos naming maglaro ng apoy, aakto kami nang parang walang nangyari. Hindi ko rin alam kung ano ba ang iniisip niya tungkol sa sitwasyon namin.
Naisip kong ipagpabukas na lamang ang tanong na ito. Para na rin makapag-usap kami tungkol sa estado naming dalawa.
Pero kinagabihan, bago ako pumasok sa trabaho.
Katatapos lang naming maghapunan. May ilang oras pa bago ko kailangang umalis, ngunit nagyaya si Cristine na mahiga muna saglit. Naka-on lang ang maliit na lampshade sa tabi ng kama. Nakahiga si Cristine sa balikat ko, habang ako’y nagkukunwaring relaxed kahit ang utak ko’y gulo-gulo pa rin.
“Babe,” bulong ni Cristine. “Excited na ako sa kasal natin.”
Napatingin ako sa kanya. “Ako rin naman,” ang mahinang usal ko, pagkatapos ay napabaling ako sa kisame.
Tumatak sa isip ko ang kinang sa mga mata ni Cristine. Dama ko kung gaano siya ka-excited na maikasal kami.
Umangat siya ng kaunti upang mas lalong maglapit ang aming mga mukha. Naka-ngiti siya pero ramdam ko ang seryoso niyang tono.
“Alam mo, hindi ko akalaing darating sa punto na… may makakasama talaga ako habambuhay. Lalo na’t ikaw pa.”
Napakagat ako sa labi.
Hindi ko alam kung paano tatanggapin ang mga salitang iyon.
“Tiwala ako sa’yo, Gio,” dagdag niya. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko. “Alam kong hindi mo ako lolokohin. Maliban kay Papa, ikaw lang ang pinagkakatiwalaan kong lalaki sa buhay ko.”
Doon tila bumagsak ang isang mabigat na bagay sa dibdib ko. Para bang hindi ako makahinga. Lahat ng ginawa ko kasama si Tyler, animo’y isa-isang sumasampal sa pisngi ko.
Tumango lang ako at pilit na ngumiti. “Oo, Babe… ako rin. Pangako, hindi ko sisirain ‘yon.”
Gusto kong masuka. Parang may sumasakal sa aking leeg at pahigpit ito nang pahigpit. Kasabay nito, para bang may tumatawa sa aking mukha, at pinagtatawanan ang kasinungalingang lumalabas sa aking bibig.
Kinakain na ako ng konsensya ko.
Niyakap ako ni Cristine nang mahigpit at isinubsob ang mukha njya sa dibdib ko. Samantalang ako, nakatitig lang sa dilim at pilit pinapakalma ang sarili ko.
Habang nakayakap siya sa akin nang mahigpit, doon ko binulong sa isip ko: Kailangan ko nang magbago. Hindi ko puwedeng ipagpatuloy ‘to. Hindi ko kayang sirain ang tiwala ni Cristine.
Pero kahit anong pilit kong paniwalaan ang sarili ko, nanatili pa rin sa utak ko ang mga alaala: ang mainit na labi ni Tyler, ang basang dila niya, at ang titig niyang puno ng pagnanasa.
At doon ko napagtanto, magsisimula pa lang ang tunay na laban ko sa sarili.
Nang nasa trabaho na ako. Alam kong wala ang utak ko sa dito. Kung gaano ako ka-energetic noong mga nakaraang araw, tila lahat nang ito ay nawala. Lumilipad ito kung saan-saan, at hindi ko na nga namamalayan na mali na pala ang ginagawa at nasasabi ko habang nagtatrabaho.
Ramdam kong pati mga katrabaho ko, napapansin na ako. Nang sumapit ang lunchbreak, lumapit sa akin si Ron habang naka-ngisi.
“Pre, may problema ba kayo ni misis?” biro niya, pero may bahid ng pagkaseryoso ang boses niya.
Sa halip na lumabas, sa cafeteria na lang ako kumain. Ayokong bumaba at wala rin naman akong ganang kumain.
Sa totoo lang, nababagabag na ako. Hindi ko na alam kung matutuloy pa ba ang kasal namin ni Cristine.
Mahal na mahal ko siya. Sigurado ako doon. Pero dahil sa sunod-sunod na pagtataksil na nagawa ko sa kanya… ang pagnanasa ko kay Asia noon, at ngayon ay si Tyler… hindi ko na alam kung nararapat pa ba ako sa kanya.
Kinakain na ako ng konsensya ko. Alam kong kahit hindi ito malaman ni Cristine, may dalawang matang laging nakatingin sa mga ginagawa ko: ang langit, at ang karma na naghihintay lang ng tamang oras para maningil.
“Hindi naman pre.” sagot ko kay Ron.
Ngumisi siya. “Tamang-tama talaga. Sa Sabado, pre. Dadaan ulit ako sa Butterfly. Sayang kasi, wala si Asia noong nakaraang linggo. Ready na sana ang wallet ko.”
Pinaalala na naman ni Ron ang tungkol sa Butterfly na isa sa dahilan ng pagtataksil ko kay Cristine.
May tatlong buwan pa bago ang kasal. Kung magiging maingat ako, kung itatama ko ang mga desisyon ko, baka may pag-asa pa. Alam kong habang-buhay kong dadalhin ang lahat ng kasalanang nagawa ko, pero gusto kong subukan.
“‘Di ako pwede, pre. May lakad kami ni Cristine.”
Tinignan ako ni Ron na para bang alam niya na nagdadahilan lang ako. Pero nanatiling buo ang desisyon ko. Hindi na ako muling aapak sa Butterfly. At ang tungkol kay Tyler… hindi maiiwasang magkita kami dahil nakatira na kami sa iisang bahay. Pero gagawin ko ang lahat para lang iwasan siya.
Dahil alam kong isang tingin niya lang, bibigay muli ako.
“Ikaw bahala, pre. Sayang, dami mong mami-miss,” sagot niya bago umalis.
Totoo sa pangako ko, pilit kong iniwasan si Tyler sa bahay. Hindi na ako sumabay sa kanila ni Athena noong tanghalian, at umalis ako nang mas maaga para hindi na rin makasabay sa hapunan.
Dahil doon, hindi na rin ako halos kumakain sa bahay. Ito kasi ang mga sandaling nakakasalamuha ko siya sa bahay. At aaminin ko, mahirap. Mahirap huwag ipaling ang mata ko sa kanya. Pero sa kagustuhan kong magbago, tinitiis ko.
Isang araw, nagising ako ng tanghali dahil nauuhaw ko. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at nakita kong ala-una na pala ng tanghali. Kadalasan kasi’y gising na ako ng ganitong oras.
Bumaba ako upang magpunta sa kusina pero nagulat ako nang makita na nandoon si Tyler. Nakaupo ito sa isang silya. Nang makita niya ako, dali-sali siyang tumayo sa isang gilid.
Iniwas ko kaagad ang tingin ko at nagpatuloy lang sa paglalakad papuntang ref. Kumuha ako ng isang pitsel ng tubig. Para makakuha ng baso, kailangan kong pumunta sa kabila, ngunit nandoon si Tyler.
Tinatagan ko na lang ang loob ko at dumiretso sa lalagyanan ng baso.
“Kuya Gio, kumain na po kami ni Athena.” nagulat ako nang biglang magsalita si Tyler. Kadalasan kasi ay hindi nagsasalita si Tyler kung hindi ito kinakausap.
Isang tango lang ang binigay ko at hindi pa rin siya binibigyan ng tingin.
“Ano po kasi…” Bakas ang pag-aalangan sa boses ni Tyler pero nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Hinanda ko ‘tong pagkain kasi pansin ko hindi ka sumabay samin kahapon. Kumain na po kayo.”
Doon ko lang napansin na may nakatakip na ulam sa mesa. Agad namang kumilos si Tyler upang kumuha ng plato at kubyertos. Mabilis niya itong nilapag sa mesa, at pagkatapos, nagtungo siya sa rice cooker upang magsandok ng kanin.
Nang matapos ay muling tumayo si Tyler sa gilid. Para bang isa siyang butler o katulong na pinagsisilbihan ako. Napilitan tuloy akong tignan siya.
Ganoon pa rin ang mukha niya. Maamo at malambing. Natural ang ekspresyon niya, pero sa mata niya, may bahagyang kaba at parang gusto niyang makita kung matitikman ko ba ang niluto niya.
Nakasuot siya ng puting sando na mababa ang pagkakagupit sa gilid. Kitang-kita ang utong niya tuwing gumagalaw siya, gayon din ang hubog ng kanyang bewang.
Sa makatuwid, parang wala lang sa kanya kung ano ang nangyayari sa amin. Gusto pa rin niyang ituloy ang ginagawa naming pagtataksil. Parang hindi niya iniisip kung ano ang magiging epekto kung malaman ng ate niya na pinagsasamantalahan ko siya dito mismo sa kusina na kinatatayuan namin.
Doon ako napuno ng inis.
Pakiramdam ko ako lang ang nababaliw at nagmomoblema sa nangyari. Pakiramdam ko, wala siyang pakialam sa akin. Para bang inakit niya lang ako, tapos iiwan na lang ako para maghirap mag-isa.
Hindi niya alam ang markang iniwan niya sa isip ko. Siya ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko nitong nakaraang araw. Kahit hindi ko siya tinitingnan, kabisado ko ang mukha at pati ang mga ekspresyon niya, dahil paulit-ulit ko itong naaalala.
Naiinis ko.
“Hindi ako kakain. Itabi mo na ‘yan.” ang maiksi kong sagot. Kung magsasalita pa ako, baka kung anong masabi ko kay Tyler.
“Kahit kaunti lang Kuya Gio. Kumain ka na.” pagpilit ni Tyler na bahagyang lumapit pa sa akin.
Hindi ko na siya pinansin at naglakad na paalis, pero mapilit siya.
Hinila niya ang kamay ko. “Kuya Gio, galit po ba kayo sa akin?” mahina niyang tanong. “Kuya Gio…” hinaplos niya ang braso ko.
Nagtiim ang bagang ko.
“Hindi ako galit.” ang madiin kong wika.
“Pero parang iniiwasan niyo po ako…”
“Bitawan mo na ako Tyler.”
Pero hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Sa oras na ‘to, napuno na ako.
Hinarap ko siya at tinignan, mata sa mata.
“Putangina Tyler, sinabing bitiwan mo ko! Inaakit mo na naman ba ako ha?!”
Kita ko ang gulat sa mukha niya, dahilan para bigla siyang bumitaw… Pero huli na. Rumaragasa na ang inis at init ng ulo ko.
“Malandi ka! Mapapangasawa ko ang ate mo, tapos may gana ka pang akitin ako! Hindi ka ba nahihiya?!”
“Kuya Gio, anong… Hindi ko po…”
“Anong hindi?!” Ako naman ang humatak kay Tyler. Agad kong sinapo ang umbok ng ari niya at saka marahas na hinimas ito. “Tignan mo ‘tong tite mo! Tinitigasan ka na naman!”
“Hindi po Kuya! Tama na po!”
“Ano, gusto mo bang tuluyan na kitang kantutin dito sa kusina, ha?! Sige! Tumuwad ka! Ibibigay ko sayo ‘tong burat na gusto mo!!”
Tinulak ko si Tyler sa counter. Sa oras na iyon, ramdam ko ang bilis ng tibok ng dibdib ko. Hindi dahil sa libog, kundi sa halo-halong galit, inis, at bigat ng lahat ng pinipigil ko.
Pero bago pa man ako makapaghubad, agad akong tinulak palayo ni Tyler, kasunod ng isang malutong na sampal sa aking pisngi.
Nakatingin lang si Tyler sa akin at nanlaki ang mga mata niya kasabay ng pamumuo ng mga luha.
“Kuya… hindi ko po ginusto… kahit kailan…” mahina niyang bulong habang nanginginig ang boses.
Nanatili akong nakatitig sa kanya habang hinahabol ko ang aking ang hininga sa galit.
Isang hikbi ang binitiwan niya, at doon na mas umagos ang mga luha niya. “Hindi po kita inaakit… hindi ko rin po ginusto na guluhin kayo… Akala ko kasi ay ito ang gusto niyo… na ito ang gusto niyong kapalit sa pagpapatira sa amin dito.”
Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman nang marinig iyon. May parte sa akin na parang gusto siyang yakapin at patahanin, pero mas nangingibabaw ang takot ko sa sarili kong damdamin.
Tanga ka Gio. Napaka _gago _ mo. Ikaw ang may kasalanan, ikaw ang unang nagnasa, pero isisisi mo sa iba? Nakakaawa ka.
Naririnig ko ang konsensya ko na bumubulong sa akin.
Binitiwan ko na si Tyler na patuloy lang na umiiyak. Sa higpit ng pagkakahawak ko sa kanya, hindi ko alam kung mag-iiwan ito ng marka sa maputing kutis niya.
“Ginawa ko lang ang mga iyon dahil wala na akong maisip na ipangbayad sa inyo. Akala ko… ang habol niyo lang ay katawan ko kaya mo kami pinatuloy dito. Pero ngayon… ngayon ko lang nalaman na ganyan pala ang tingin niyo sa akin… ”
Mabilis na pinunasan ni Tyler ang pisngi niya gamit ang likod ng kamay, pero lalo lang dumami ang luhang bumuhos sa mga mata niya. Tumalikod siya, halos matalisod sa pagmamadali, at tuloy-tuloy na tumakbo palayo. Ilang saglit lang, narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto ng kwarto nila.
Naiwan akong mag-isa sa kusina. Napasalampak ako sa sahig at napasabunot sa aking buhok. Ramdam ko ang hapdi ng sampal na binigay niya sakin.
Ang sabi ko sa sarili ko, aayusin ko na ang mga desisyon ko sa buhay. Pero ano itong ginawa ko? Una, pinagtaksilan ko si Cristine. Ngayon naman, nasaktan ko ang kapatid niyang si Tyler. Ibang klaseng kagaguhan na ito, Gio.
Naalala ko ang masasakit na salita at paratang ang sinabi ko kay Tyler. Para akong masusuka sa ginawa ko.
Maaga pa para umalis ako pero napagdesisyunan kong lumabas na. Bahala na kung saan ako mapunta.
Ilang oras akong nagmaneho na parang wala akong direksyon. Wala akong pakialam kung saan ako makarating. Parang gusto ko na lang iwanan sa hangin ang lahat ng bigat sa dibdib ko. Nagpapalamig lang ako ng ulo at nililibang ang sarili.
Pagkatapos ng ilang oras na walang patutunguhan, diretso na ako sa opisina. Mabilis lang lumipas ang oras doon. Hindi ako alam, dahil siguro lumilipad talaga ang isip ko at hindi makapirme sa iisang lugar.
Muli akong niyaya ni Ron na sumama sa Butterfly. Sabi niya ay last chance na daw ito dahil pupunta siya bukas doon. Saglit ko itong pinag-isipan.
Baka nga kailangan ko ng konting pahinga at maaliw.
Pero agad pumasok sa isip ko ang eksena kanina sa bahay… kung paano ko nasaktan si Tyler, kung paano ko siya sinisi sa mga kagaguhan ko.
Isa akong malaking tanga kung ako na naman ang lalapit sa tukso. Ayoko nang magpatong-patong ang mga kasalanan ko.
Sa huli, tumanggi ako kay Ron. Mas kailangan ko ngayon ng katahimikan… at ng pagkakataon para humingi ng tawad kay Tyler pag-uwi ko mamaya.
Matapos ang ilang oras ng pag-iisip, malinaw na malinaw na sa akin. Ako ang may mali. Wala nang ibang dapat sisihin. Nagpadala ako sa damdamin ko at pinairal ko ang init ng ulo ko.
Kasabay noon, iba ang intensyong naiparating ko kay Tyler. Kahit kailan ay wala akong intensyong gamitin ang katawan niya kapalit ng pagtulong sa kanya. Naging malibog ako, oo, pero hinding-hindi ko maaatim na paglaruan ang katawan isang tao kapalit ang pagtulong ko. Hindi ko dapat iyon ginawa kay Tyler. At hindi ko dapat siya pinaratangan ng masama.
Sabado ng umaga nang makauwi ako mula sa trabaho. Alam kong sa ganitong oras, tulog pa si Cristine. Madalas ay nakahiga lang siya buong umaga tuwing weekend para magpahinga. Araw rin ito na dapat ay magkasama lang kami, walang iniintinding trabaho o problema.
May dala akong dalawang kahon ng doughnut at iniisip ko na pagsaluhan namin itong lahat. Ako, si Cristine, si Tyler at syempre, si Athena. Ngayong weekend, itutuwid ko ang lahat, itatama ko ang mali.
“Babe?” tanong ko nang makita si Cristine na nakaupo sa sofa. “Ang aga mo magising ah.”
Hinalikan niya ako sa pisngi. Doon ko agad napansin ang mabigat na ekspresyon sa mukha niya.
“May problema ba?” tanong ko.
“Babe, kasi…” saglit natigilan si Cristine bago nagpatuloy, “si Tyler, nagpaalam kahapon na igagala lang si Athena. Pero hanggang ngayon… hindi pa rin sila umuuwi.”
Parang biglang nawala ang lakas ng mga tuhod ko. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko.
Bumagsak mula sa pagkakahawak ko ang mga kahon ng doughnut sa sahig.
ASIA
Mabigat ang pakiramdam ko. Kung nasaan man ako ngayon, ayokong mapunta dito. Kung ano man ang gagawin ko… ayoko… ayoko… ayoko…
” And let’s give a round of applause… ”
Bago ko man makita ang mga manonood, narinig ko na ang mga hiyawan nila. Dumadagundong ito sa aking tenga. Nararamdaman kong ring tumutulo ang pawis sa aking mukha na nasa likod ng maskara.
Saglit akong nasilaw sa liwanag ng spotlight na tumutok sa akin. Napakainit nito at nakakapaso na lalong nagpapawis sa aking balat. Napapikit ako sandali, at nang imulat ko ang mga mata ko, ayun sila…
Ang mga matang sabik na sabik, ang mga katawang gutom na gutom. Ang mga nag-aabang, ang mga hayok. Ang mga taong may inaasahan mula sa akin, at ang mga taong handang magbayad para sa oras ko.
Nakakatawa. Nasa taas ako ng entablado, pero ang totoo, pakiramdam ko’y nilalapastangan nila ako sa bawat tingin nila. Minamaliit nila ako at binababa hanggang sa madurog ang kung anumang dignidad ang natitira sa akin.
” … _to the one and only _ , Asia!! ”
Ayoko dito…
(Itutuloy)
[AUTHOR: Huwag kayong mag-alala, hindi ito ang main story nina Gio at Tyler. Kailangan lang ma-realize ni Gio kung ano ba talaga ang gusto niya.
Samahan niyo ako sa susunod na update.]
