loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Raziel Niklaus Deogracia

Raziel Niklaus Deogracia

AmorevolousEncres · 7 chapters · 15,308 words

RAZIEL NIKLAUS DEOGRACIA

This book is a work of fiction. Names, places, incidents are produced by the author’s imagination and are used fictitiously. Any resemblance to persons, living or dead, events and locales are extremely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical, including, photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

© AMoRe2026

Date Posted: May 28, 2026 Ended: –/–/–

PROLOGUE

#RNDPrologue

​ Prologue

​Humampas sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin habang binabagtas ko ang kababaan ng daan patungo sa pinagtatrabahuan ng mga kapatid ko. Tumirik kasi ang dyip na sinasakyan ko doon sa kanto kaya naglalakad na lang ako ngayon. Hindi ko pa nabawi ang pamasahe ko. Hmp!

Kinilabutan ako at tumingin sa paligid. Nag-aalala ako na baka kasi may biglang sumulpot at makidnap ako.

​May mga naririnig pa naman akong mga tsismis mula sa aming mga kapitbahay na may kinikidnap na mga bata. Ay wait, hindi na naman pala ako bata, twenty years old na ako ngunit nasa high school pa-Grade 12 Senior High School!

​Alam kong may magtataka kung bakit high school pa lang ako, pero para sa mga kuryoso: late na kasi akong nakapag-aral dahil ulila ako. Lumaki ako sa orphanage at wala gaanong nagso-sponsor kaya aral-tigil ang nangyayari sa akin. Kasama ko ang mga ate ko roon at nang nasa tamang edad na ang mga ate ko, pinalaya na kami at sinama nila ako. Sila na ang tumustos sa akin.

​Ay wait ulit, bakit ko ba ito naiisip ngayon eh tutungo lang naman ako sa pinagtatrabahuan ng mga Ate ko? Alam ko na pinagbabawalan na nila akong dalawa na pumunta roon, kaso lang kasi wala akong pera at may kailangan pala akong bilhin na materials para sa school! May project kasi kami at ngayon ko lang naalala.

​Bumilis ang hakbang ko nang makita kong namamatay-bukas iyong ilaw sa may poste ng daan. Napa-sign of the cross ako kasi may napanood ako dati na palabas na ganito, tapos may susulpot na multo!

Dumoble ang bilis ng hakbang ko. Nang malapit na ako sa pinagtatrabahuan ng mga ate ko, may bigla akong narinig.

​“Meow!”

​Hala, may tiger! Joke-joke lang! Malamang may pusa!

​“Ang cutie mo naman!” komento ko nang makita ko ang itim na pusa sa tabing-daan. Dinidilaan niya ang katawan niya at ang kanyang mga paws.

​Tila nakalimutan ko ang pakay ko kung bakit ako naglalakad ng dis-oras ng gabi dahil sa pusang nakita. Nilapitan ko ang pusa ngunit tumakbo ito palayo sa akin. Mabilis kasi talagang lumipad kung saan-saan itong mind ko. Ganito siguro kapag gifted ka na tao!

​“Ay!” bigo kong sambit.

​May dalawang pusa ako sa bahay. Kahit na naghihikahos kami ng mga ate ko sa buhay, nakuha ko pang mag-rescue ng pusa. Naaawa kasi ako. Parang nakikita ko ang sarili ko sa kanila-walang tahanan at walang makain.

​Dahil malapit na naman ako sa gusaling pinagtatrabahuan ng mga kapatid ko, sinundan ko ang direksyon ng pusa kung saan ito tumungo. Hindi ko kabisado itong lugar at hindi rin ito pamilyar sa akin, pero nanaig sa puso ko na tulungan iyong itim na pusa. Gusto ko siyang bigyan ng tahanan sa pamamagitan ng pagkupkop sa kanya tulad ng pagkupkop ng mga ate ko sa akin.

​“Meow, meow, meow!” panggagaya ko sa pusa at patuloy itong hinahanap hanggang sa makarating ako sa malaking lote na may maraming sasakyan-sa parking lot.

​Dumadapa ako sementi upang masilip ang ilalim ng mga kotse, nagbabakasakali na nando’n nagtatago ang pusa. Ngunit sa paghahanap ko sa pusa ay may narinig akong mga lagitgit at kotse na tila humahalughog.

​Bigla akong inatake ng kaba! Gabi na at tahimik na ang parking lot kaya naman rinig na rinig iyong lagitgit ng kotse. Dahil tingin ko ikakamatay ko kapag hindi ko alam kung ano ang nangyayari, sinundan ko kung saan nagmumula iyong ingay.

​Maingat at kalkulado ang bawat hakbang ko. Napasinghap ako nang may makita akong malaking kotse na itim; mataas ito pero gumagalaw! Gumigiwang at umaalog!

​Napasinghap ako. Ano’ng nangyari? May lindol ba? Pero bakit naman hindi ako naapektuhan ng lindol at ang isang kotse lang ang umaalog?

​“S-sige pa! O-ohh, ayan! Malapit na ako!” ungol ng boses ng isang babae na alam kong galing sa loob ng kotse.

​“Ugh, ohh! Fuck!” sunod ko namang narinig ang ungol ng isang lalaki.

​Dahil nakuryoso na naman ako kung ano ang nangyayari sa loob ng kotse-tingin ko kasi kailangan nila ng tulong o ano-nilapitan ko ito. At kung sinuswerte nga naman, nakababa iyong bintana ng kotse kung saan ako lumapit.

​Nalaglag ang panga ko nang makita ko ang isang babae na magulo ang buhok, pinagpapawisan, at hindi na maayos ang suot na damit. Umaalog siya at nakahawak ang kamay sa nakabukas na bintana ng kotse.

​Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita ko ang isang lalaki na parang nahihirapan pero patuloy na kumakadyot sa likod ng babae. Nakabukas din ang suot niyang long sleeves at kagat-labing kumakadyot.

​“Ahh, ahh, ahh, sige pa! Sige pa! Faster! Faster!” pikit-matang ungol ng babae.

​Focus na focus silang dalawa sa kanilang ginagawa na hindi nila namamalayan na nandito ako sa kanilang harapan, nanonood sa kanilang paghihirap dalawa. Nakakaawa silang pareho-pawisan, hinihingal, at parang nasasaktan.

​Nahabag naman ako. Ang babae ay parang naiiyak na. Ang lalaki naman ay parang ginagawa rin ang lahat para sa babae na tinutulak niya mula sa likod.

​Ewan ko kung ano ang ginagawa nila pero parang may nagtutulak sa akin na i-cheer ko sila para mabilis nilang maabot ang kung anuman ang gusto nilang abutin.

​“Go, kuya! Go! Bilisan n’yo po! Bilis po! Sabi ni ate bilisan n’yo raw!” pagchi-cheer ko sa kanilang dalawa sabay taas ng kanang kamay ko sa ere. “Go!”

​Imbes na bilisan ni Kuya na nasa likod ang pagkadyot ay tumigil silang dalawa sa kanilang ginagawa!

​“Oh my god!” sigaw ng babae.

“Fucking shit!” Malutong namang mura ni kuya.

​Ay? Bakit sila tumigil? Nagchi-cheer na ako rito.

​“Kuya, bakit ka po tumigil? Go lang po! Sabi ni Ate malapit na raw po! Bilis! Bilisan n’yo po!” aligaga kong untag sa lalaki na pinanlisikan ako sa kanyang mga mata.

​“What the fuck?!” malakas niyang mura kaya napaatras ako sa takot!

​Ay? Pakiramdam ko hindi nila inaasahan na may audience na nanonood sa kanila at tsinicheer silang dalawa. Ang ungrateful!

​“H-hala! Ano’ng pinagsasabi mo d’yan, kuya? Tsini-cheer k-ko nga kayo ni Ate eh! Ang ungrateful mo naman eh, nagchi-cheer lang ako rito.” Ngumungusong wika ko.

​Umahon ang babae at inayos ang kanyang damit. Ang lalaki naman ay inayos ang kanyang pants at lumabas ng kotse. Nandidilim ang mga mata niya sa akin at parang bibigwasan na ako.

​Na para bang ang laki ng nagawa kong kasalanan? Ano ba ang ginawa ko?

Nagchi-cheer lang ako!

​“K-kuya,” utal-utal kong sambit. Nais ko mang tumakbo ngunit hindi na makagalaw ang paa ko.

​“What the hell are you doing?” he snarled.

​Kinagat ko ang labi ko. “Nagchi-cheer sa inyo?”

​Nalaglag ang kanyang panga.

​“You are cheering us?” Hindi makapaniwalang usal niya.

Nauunawaan ko si Kuya. Hindi niya inaakala na may magchi-cheer sa kanila.

​Tumingin ako sa paligid namin. “M-may iba pa ba kayong kasama?”

​Nagusot ang mukha niya!

​“Are you for real? Ginagago mo ba ako, huh!?” singhal niya sa akin, tila napigtas na ang natitirang pasensya na hawak niya.

​“T-totoo ako!” natatakot ko nang sagot kay Kuya. Kinapa ko ang sarili ko dahil baka naging multo na ako. Baka kaluluwa na itong nakikita niya sa akin ngayon.

Huhu! Mainit pa naman ang katawan ko. Buhay pa ako.

​Halos umusok ang ilong niya sa pagkakunsumi dahil sa akin. Hinabaan ko siya ng nguso ko. Ano ba ang ginawa kong mali?

​Tinuro niya ang sasakyan. Sumilip naman ako roon kaso wala na iyong babae. Ay? Naglaho si Ate? Parang hindi pa naman sila tapos ni Kuya ah.

​“Nawala na siya, kuya,” untag ko.

​“Malamang! Istorbo ka kasi!” Lumalim ang kanyang boses.

​“Nagchi-cheer po ako sa inyo!” I pouted even more.

​Napahilamos siya sa kanyang mukha. “Tanga ka ba? Alam mo ba kung ano ang ginagawa namin kanina?” Namumula na ang mukha niya.

​Pinabilog ko ang bibig ko at saglit na nag-isip. Deretso lang akong nagchi-cheer sa kanila nang hindi talaga alam kung ano ang ginagawa nila.

​“May inaabot ka po mula sa likod ni Ate?” nakangiti kong saad.

​“Tanga!” singhal niya at napapikit ako.

​“Ang sama n’yo naman, kuya! Ang sakit ninyo magsalita!”

​“Fuck!” Frustrated niyang sinuklay ang buhok. Binalik niya sa akin ang mga matang nag-aapoy sa galit. “Alam mo kung ano ang inistorbo mo kanina sa amin no’ng babae? Sex! You disturbed us while we were having sex. That’s supposed to be a private moment-”

​“Pero po nasa parking lot kayo. Hindi po ito ‘private’.” Matamis ko siyang nginitian. Hinamas ko ang baba ko nang may ma-realize. “Iyon po pala ang sex. Mukhang nahihirapan po kayo roon ha. Gano’n pala siya sa actual!” inosente kong saysay.

​“Arrgh!” daing niya at halos tirisin na ako!

​“What’s your name, huh?” maangas niyang untag.

​I smiled. Umayos ako sa aking pagkakatayo.

I placed my hand over my chest. “My name is Raziel… Raziel Niklaus Deogracia. I’m twenty years of age and currently studying at Montezzar South Village University-”

​“Shut up!” he snapped. “I’m just asking for your name! Not your goddamn biography!”

Ang lakas niya naman magmura. Well, mukha naman siyang malupit na tao. Hindi nakakapagtaka.

​Ngumiti lang ako kahit ang sama at sungit niya. Tiningnan niya naman ako na para bang tangang-tanga siya sa akin. Hehe! Wala akong paki, sanay na akong tawaging tanga ng mga classmates ko!

​“Ikaw, kuya, ano’ng name mo?” Ngiting-ngiti tanong ko sa kanya, kumukurap ang mga mata ko sa kanya.

Napapantastikuhan siyang tumitig sa akin.

​“Tsk! Leave me alone, you dimwit!” asik niya at tumungo sa kanyang kotse.

​“Tinanong mo name ko! Ang unfair po ninyo! Ang ungrateful din!” Pahabol kong saad.

​Napatigil siya, nilingon niya ako na may hostility sa kanyang mga titig.

​“It’s Piotr, you dumb!” Pabagsak niyang untag.


This story is already at

chapter 3

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 1

#RND01

​ Chapter 1

Raziel Niklaus

​Bago makasakay sa kanyang kotseng maganda at malaki si Piotr- ang Kuyang Pogi ay mabilis ko na siyang hinabol. Kahit na mahahaba ang kanyang mga biyas at malaki ang katawan, ewan ko, hindi ako nakaramdam ng takot kay Kuya.

​Siguro kasi naiisip ko iyong nangyari sa kanila ni Ate sa loob ng kanyang kotse. Ang bait-bait niya kay Ate, tinutulungan niya itong abutin ang kung ano man ang nais nitong makamtan mula sa likod nito.

​Humagikhik ako. Mali pala ako. Sex pala ang ginagawa nila. Pero nakakapagtaka, ganoon pala ang bagay na iyon gawin? Nahahabag ako kapag naiisip ang sex. Ilang beses ko na naman iyong nabasa at narinig, tapos may narinig ako sa mga classmate ko na masarap daw iyon. Para ka raw no’ng dadalhin sa langit. Pero maling-mali ang narinig ko sa aking nasaksihan.

​Kasi naman, paano iyong nakita ko? Nasaan ang masarap doon? Hirap na hirap nga sila sa nakita ko. Pinagpapawisan pa sila at umuungol! Kaya hindi rin ako masisisi ni Kuyang Pogi na nag-cheer ako sa kanilang dalawa. Naawa ako, eh. Akala ko kailangan nila ng moral support dahil hirap na hirap sila.

​Pero sa reaksiyon na nakita ko kay Kuyang Pogi kanina, parang hindi siya natuwa sa akin. Sobrang ungrateful niya na tao.

​Kasi kung iisipin, hindi lahat ng tao kayang gawin iyong ginawa ko! Hindi lahat ganoon kalakas ang loob na i-cheer sila ni Ate. Ngunit imbes na matuwa sila sa ginawa ko, m-mukhang nagalit pa.

​Napailing-iling ako. Ang ungrateful talaga.

​Nataranta ako nang makita kong binuksan na ni Kuyang Pogi ang pinto sa driver’s seat! Hala. Aalis na siya. Gusto ko pang humingi ng TF sa kanya sa pag-cheer ko, eh. Hmp!

​“Kuyang pogi!” tawag ko rito bago siya makaakyat sa kanyang kotse.

Tila labag sa kanyang loob siyang humarap sa akin.

​Ngumisi ako sa kanya nang malapad at lumapit na ngumunguso. Tiningala ko siya kasi sobrang tangkad niya. Ang laki pa ng katawan at batak na batak ang kanyang mga muscle na parang naalagaan talaga.

​Hehehe! Pwede kayang ako ang mag-alaga ng ibang mga muscle niya? Hindi kasi ako biniyayaan ng muscles eh.

​Natawa ako sa sariling naisip. Pwede kayang ganoon?

​“What? Ano’ng kailangan mo? Umalis ka nga, tanga ka!”

​Nawala ang pagkakanguso ko dahil sa narinig ko mula sa kanya. Hala siya! Ang sama ng lumalabas sa bibig niya!

​“Kuyang pogi naman!” pagdadabog ko.

​Sumama ang kanyang tingin sa akin at napabuga ng marahas na hininga.

​“Ano pa bang kailangan mo? Ang laki mong istorbo, alam mo ba iyon?”

​Ngayon ay ang noo ko naman ang nangunot dahil sa kanyang sinabi.

​Huh? Ako? Istorbo? Kailan?

​“Hindi po. Hindi ko po alam na istorbo ako. Wala po akong ginawa na nakakaistorbo!” buong puso kong pagtatapat sa kanya. Tinampal-tampal ko pa ang dibdib ko para mas madama niya ang sinseridad ko.

​Hindi makapaniwalang umawang ang kanyang labi dahil sa sinabi ko.

​Uh-huh! Tingnan mo na! Tingnan mo na! Mali-mali ang kanyang pinagsasabi sa akin. Akala niya siguro ay mauuto niya ako dahil tangang-tanga siya sa akin! Hmp!

​Alam ko naman na marami akong hindi alam sa mundo dahil napagkaitan ako noon kasi lumaki ako sa isang orphanage na hindi masyadong napondohan. Pero hindi ako sing-tanga ng inaakala ni Kuya Pogi.

​Hayst! Kawawa naman si Kuyang Pogi, akala niya siguro mauuto niya ako!

​Sorry, Kuyang Pogi. I’m not like that!

​Pagak siyang natawa at napakapit sa pinto ng kanyang kotse.

​“I cannot believe this. What the fuck?!”

​See? Hindi rin siya makapaniwala kasi nga hindi niya ako mauuto! Akala niya maniniwala ako sa sinabi niyang nang-iistorbo ako.

​Nang-aakusa na siya!

​I pressed my lips together. Tiningnan ko siya gamit ang maamo kong mukha. “Pero, Kuyang Pogi, kaya ko namang kalimutan iyong sinabi ninyo na istorbo po ako.”

​Tinaasan niya lang ako ng kilay at may pagdududa akong tiningnan. Nangungunot na ang noo niya sa akin. Itong si Kuyang Pogi naman! Ano ang akala niya sa akin? Na anytime may gagawing kababalaghan? Again, I’m not like that!

​“State what the fuck you want so I can fucking go home!” gigil at nagtitimpi niyang usal habang nakakuyom ang panga.

​Sino ba ang ‘fuck’ na iyon? Bakit paborito ni Kuyang Pogi iyan? Kapag talaga nalaman ko kung sino iyang ‘fuck’ na ’yan, malalagot siya sa akin! Ginagalit niya si Kuyang Pogi, eh!

​Kung sino ka mang fuck ka, kutos ka sa akin! Makikita mo!

​“K-kuyang pogi… nahirapan po akong intindihin iyong sinabi mo. Hehehe! Si fuck lang po ang tumatak sa isip ko,” nahihiya kong anas sa kanya. Inabot ko ang kanyang balikat at tinapik ito. “Huwag kang mag-alala, Kuyang Pogi, kapag nakita at nakausap ko ’yang si fuck, ako na ang bahala roon. Ibalato mo na iyon sa akin!”

​Marahas niyang tinabig ang kamay ko.

​Ngumuso ako sa kanya.

​Inis siyang napasuklay sa kanyang buhok patalikod.

​“Ano… ano ang kailangan mo? Sabihin mo na bago kita patahimikin habambuhay!” aniya, umiigting ang panga sa pagpipigil.

​Madrama akong napahawak sa dibdib ko. P-patahimikin habambuhay? Kaya niya iyong gawin sa akin? Ano naman ang gagawin niya? Bubusalan niya ba ang bibig ko? Lalagyan niya ba ng scotch tape para manahimik na ako? Eh, paano ako kakain noon? Paano ako iinom ng tubig? Mabubuhay ba ako nang hindi kumakain at umiinom ng tubig?

​Madrama kong inilingan si Kuyang Pogi. Ayaw ko siyang tawagin sa kanyang pangalan kasi mas komportable ako sa Kuyang Pogi.

​Tangang-tanga siya sa akin pero mas tanga siya! Hindi niya ba naisip na kung patatahimikin niya ako, pwede akong mamatay sa gutom? Ang sama! Ang sama-sama niya! I’m so disappointed!

​Nais ko man sana iyong ireklamo sa kanya ngunit mas pinili ko na lang na isarili iyon kasi… mukhang tanga rin si Kuyang Pogi. Pareho kaming tanga.

​“K-kailangan ko, kuya?”

​Isang tango na parang napipilitan pa siya.

​Yes! Nabanggit niya rin iyan! Hindi ko na kailangan pang sabihin sa kanya ang tungkol sa talent fee sa pagchi-cheer ko sa kanya.

​“Kailangan ko, Kuya, ng materyales para sa project ko. Pwede n’yo po kaya akong tulungan doon? Need ko po kasi dahil bukas na po ang pasahan niyon-”

​“Bullshit!”

​Napakislot ako sa kanyang sinabi. Walang ano-ano’y pumasok siya sa kanyang kotse at saka binuhay ang makina niyon.

​Hala! Hindi niya ba ako narinig?

​“Kuya! Kuyang pogi naman, eh!” sigaw ko ngunit nakasara na ang salamin ng kanyang kotse.

​Dahil hindi siya nakinig sa akin, hinarang ko ang katawan ko sa harap ng kanyang higanteng kotse! Nabasa ko sa harap ang nakatatak na pangalan niyon. Ford Ranger!

​Power Ranger lang ang kilala ko, eh.

​I opened my arms at pikit-matang hinarang ang katawan ko. Ang ungrateful talaga ni Kuya! Materials na nga lang sa project ko ang hinihingi ko at hindi ang komisyon sa pag-cheer ko, ayaw pa ibigay. Ang sama-sama, hmp!

​Umandar talaga iyong kotse at mariin kong naipit ang mga mata ko.

​Ayaw ko pang mamatay. Ayaw ko pang mamatay! May project pa akong kailangang gawin at hindi pa ako nakakapagpaalam sa mga ate ko.

​Huhu! Pagagalitan ako ng mga iyon kasi hindi ako nagpaalam!

​“Hey, you dumb kid!”

​Isa-isa kong idinilat ang mga mata kong mariing nakapikit.

​Uh? Buhay ako! Wah! Buhay ako!

​Napatalon-talon ako at sumayaw-sayaw nang konti sa saya. Buhay ako! Hindi ako binangga ni Kuyang Pogi!

​“Ako po!?” turo ko sa sarili ko.

​“Get in my car now!” Bulyaw niya sa akin.

​“Totoo po?”

​“Fuck! Don’t make me repeat myself. O baka ayaw mo nang bumili ng mga materyales mo?”

​Sunod-sunod na iling ang ibinigay ko sa kanya. Kumaripas ako patungo sa front seat ng kotse niya. Gusto ko sana doon sa likod dahil malaki ang espasyo roon, kaso naalala ko ang ginawa nila ni Ate kanina. Mukhang disrespectful kapag doon ako umupo!

​“Wahh, ang laki ng kotse mo, kuya! Ang bango rin po, ah!” Mangha kong inilibot ang aking paningin sa kanyang kotse.

​Naglilikot ang mga mata ko sa loob ng kanyang kotse dahil first time kong makasakay sa ganitong klaseng sasakyan. Ang laki. Ang astig. At ang bango. Wow!

​“Fuck! Will you stop moving around? Dammit!”

​Awtomatikong pumirmi ako sa aking kinauupuan. Tinapik-tapik ko ang aking upuan. Ang ganda!

​“Ano nga ulit ang mga kailangan mo?”

​“Ay,” sambit ko at humarap kay Kuyang Pogi. Masama ang kanyang tingin sa akin pero ngumingisi lang ako sa kanya. Bahala siya sa buhay niya. “Kailangan ko nga ng mga… “

​“Materials. I know! So what materials exactly?” pagod niyang dugtong sa akin.

​“Ahh,” tumango-tango ako. “Kailangan ko po ng mga sign pen, kartolina, glue, ruler, bond paper-”

​“School supplies?”

​Tumango ako na may kasamang pikit ng mga mata.

​“Opo! Sungit kasi nung ate na nagtitinda roon malapit sa amin. Ayaw magpautang! Babayaran naman sana nina ate, eh. Kaso ayaw niya talaga. Hmp! Saka, kuya, kailangan ko ng ruler kasi iyong classmate ko? Naku! Nanghihiram pero hindi marunong magsauli!”

​Malalim ang naging buntonghininga niya at napahilot sa kanyang ilong.

​“Gabi na. Wala nang bukas na stores-.”

​“Ay, ay, ay! Kuya, bukas pa po ang tindahan nina Ate Jolen. FYI, kuya, si Ate Jolen ang sinasabi ko sa iyong magpautang!”

​“Are you sure na hindi pa siya nagsasara?”

​“Opo! May mga nag-iinuman din kasi sa harap ng tindahan niya kasi may mga alak din siyang paninda. Alam mo na, kuya, maraming lasenggo doon sa amin.”

​“Shit! Ang daldal mo!”

​“Ako po?” turo ko sa sarili.

​Huminga siya nang malalim bago binuhay muli ang kotse.

​Napangiti-ngiti ako sa aking kinauupuan dahil ang galing ko lang. Pumunta lang naman sana ako rito para manghingi ng pera kina Ate pero naka-sideline pa ako bilang isang cheerleader kanina.

​Okay na rin na hindi ko nakita sina ate kanina dahil baka mapagalitan ako. Ayaw nila akong pumupunta sa workplace nila, eh.

​“Ituro mo ang daan patungo doon sa store na sinasabi mo.”

​“Okay!” Nag-thumbs up ako sa kanya kaso sumama ang tingin niya sa akin.

​Ay?

​“Also, next time, huwag mong iharang ang sarili mo sa harap ng umaandar na kotse. What if binangga talaga kita?”

​“Edi, ma-oospital po ako?”

​“Tsk!” Napailing siya.

​“Pwede ring tuluyan akong mamatay, kuya, pero hindi naman nangyari. Mabuti na rin kasi hindi ako nakapagpaalam kina Ate tapos may project pa akong kailangan na tapusin ngayon.”

​“Ang ingay mo!”

​Hinabaan ko lang siya ng nguso ko.

​Ilang sandali lang ay natanaw ko na ang bukas na tindahan ni Ate Jolen. Ang masungit na matandang dalaga na siyang may pinakamalaking tindahan na malapit sa amin.

​Tama akong may mga lalaki pang nag-iinuman sa harap ng tindahan. Paldo na naman si Ate Jolen nito ngayon. Sana all! Kapag ako nagkapera, mga alak din ang gusto kong inegosyo kasi maraming lasenggo sa amin. Sigurado ako na araw-araw akong may kita!

​“Ayan na, kuya!” tuwang-tuwang turo ko sa tindahan ni Ate Jolen.

​Tumigil ang kotse. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse kaso hindi ko iyon mabuksan.

​“Kuya, ayaw magbukas,” sumbong ko kay Kuyang Pogi sabay haba sa nguso ko.

​Mariin niyang ipinikit ang mga mata bago kinalas ang kanyang seatbelt at inabot ang pinto sa tabi ko.

​Dahil sa pagdukwang niya sa pwesto ko, nalanghap ko ang kanyang panlalaking amoy. Ang bango-bango!

​Tumunog ang pinto at binuksan niya iyon. Bago ako lumabas ay tiningnan ko muna siya.

​“Kuya, anong kulay ng Downy ang gamit mo? Ang bango!”

​Nagtagpo ang kilay niya sa akin.

​“What? Downy? What the fuck is that?”

​Bobo ba itong si Kuya? Hindi niya alam ang Downy? Nasa patalastas pa nga ’yan, eh!

​“Hindi n’yo po-”

​“Labas! Tanga!” Singhal niya sa akin.

​Sinamaan ko siya ng tingin.

​“Hmp! Ang sama ng ugali mo, Kuyang Pogi!”

​Nailing na lang niya ang kanyang ulo at lumabas ng kotse. Lumabas na rin ako kahit na gusto kong malaman kung ano’ng kulay ng Downy ang gamit niya. Baka iyong may perfume? Sa amin kasi, Downy Anti-virus ang gamit. Ay, Anti-bac yata iyon. Matingnan ko nga mamaya sa bahay para makasigurado.

​“Oh, Raziel! Saan ka galing at ginabi ka yata?” tawag sa akin ng lasing na si Kuya Bentong!

​“Lasing ka na naman, Kuya Bentong! Aawayin ka na naman ng Ate Terya niyan!”

​“Aysus! Halika ka rito, uminom ka!” Itinaas pa ni Kuya Bentong ang baso.

​“Raziel! Itong batang ito, talaga. Gabing-gabi na at gumagala pa!” sabad nung kainuman ni Kuya Bentong.

​“Bibili lang po ako ng school supplies dito, mga kuya. Hindi po ako umiinom ng beer!” Coke lang!

​Nakita ko sa semento na nakailang bote na sila ng beer! May ilang case pa na wala na ring laman.

​“Inom ka, Raziel,” ani nung isang binata.

​Tumayo ang isang kainuman nila Kuya Bentong na binata bitbit ang plastic cup na puno ng beer. Lumapit ito sa akin pero bigla akong hinila ni Kuyang Pogi at itinago sa likod niya.

​“He said he doesn’t drink, young man,” maangas na wika ni Kuyang Pogi at hinila na ako patungo doon sa tindahan ni Ate Jolen.

​Nilingon ko na lang ang binata at inilingan siya.

​“Bilisan mo. I need to go home already,” ani Kuyang Pogi.

​“Oh, Raziel, ano’ng sa iyo? Sinasabi ko sa iyo-”

​“Bawal umutang!” pagputol ko kay Ate Jolen. “Huwag kang mag-alala, Ate Jolen, may pambayad ako!” Pagmamalaki ko.

​“At saan naman galing ang pambayad mo?” taas-kilay na untag ni Ate Jolen. Agaw-pansin talaga iyong kilay ni Ate Jolen na parang iginuhit niya lang gamit ang eyebrow pencil.

​“Ito po, siya ang magbabayad. ’Di ba, kuya?” kalabit ko kay Kuya.

​“Mmm!” Masungit na higing ni Piotr.

​Nakita kong napaayos si Ate Jolen sa kanyang buhok na buhaghag at damit.

​“Hello, pogi!”

​Hinarang ko ang katawan ko sa line of vision ni Ate Jolen. Nagpapansin pa kay Kuyang Pogi, eh. Baka gusto niya ring maging cheerleader? Naku! Aagawan pa ako ng sideline, eh! May negosyo na siya. Doon na lang siya magpukos!

​Nagsimula na akong maglitanya kay Ate Jolen sa mga nais kong bilhin na school supplies. Thankfully ay mayroon siya ng lahat ng kailangan ko.

​“350 lahat, Raziel.”

​Umikot naman ako at naglahad ng dalawang kamay ko kay Kuyang Pogi.

​“350 daw po ang lahat.”

​Walang imik niyang binunot ang wallet sa bulsa ng kanyang pantalon. Muntik na akong masilaw sa dami ng blue bills na nandoon sa wallet niya.

​“Here,” lapag niya ng isang libo sa kamay ko.

​“Walang maliit nito, kuya?”

​“Wala!”

​Matapos magbayad ay sinundan ko pa si Kuyang Pogi patungo sa kotse niya. Nasa loob na siya ng kanyang matayog na kotse at nakatingala ang leeg ko sa kanya.

​“Ang sukli po sa pera ninyo!” Inabot ko sa kanya ang sukli.

​“Sa iyo na ’yan.”

​“Talaga po? Extra suhol ko po ito?”

​“What the fuck? What do you mean suhol? Naiingayan lang ako sa iyo kaya kita binilhan sa gusto mo.”

​“Suhol po sa pag-cheer ko kanina doon-”

​“Fuck! Just shut up! Now, go home and make that goddamn project of yours! At huwag kang iinom, you’re still a minor, aren’t you?”

​“Hala! Hindi. Twenty na po ako!” Kakasabi ko lang sa kanya kanina eh.

​“Whatever, just head home. Huwag ka nang dumaldal pa kahit saan.”

​Kumibot ang bibig ko.

​“What? May gusto ka pa? Kulang ba ’yang pera?” Nakita kong binunot niya na naman ang kanyang wallet at kumuha ng ilang libo. “Ito, sapat na ba ’yan?”

​Tamad kong tiningnan si Kuyang Pogi.

​“Ayaw ko niyan! May school supplies na ako, oh. Tanong ko lang kuya, kung magkikita pa ba tayo?”

​“The fuck! Of course not!”

​“Ay, ganon po ba? May Facebook kayo?”

​“What the hell?”

​Kinuha ko ang sign pen na binili ko kanina at ibinaba ko muna sa semento ang plastic na bitbit. Tumingkayad ako at saka kumuha ng isang libo sa perang hawak niya.

​“FB: Raziel Deogracia,” sulat ko sa pera gamit ang itim na Pilot sign pen.

​“Ayan na,” ibinigay ko sa kanya ang pera na may sulat ng FB account ko.

​“What the fuck is this, you dimwit?!”

​“Facebook account ko po iyan,” pinulot ko muli ang plastic sa semento at ngumisi kay Kuyang Pogi. “I-add n’yo po ako, ha! Mag-chat ka po kapag kailangan n’yo ulit ng taga-cheer! Hehehe! Mura lang po ang talent fee ko! Bye-bye na, Kuyang Pogi!”

​Nalaglag ang kanyang panga pero kinawayan ko na lang siya at saka tumakbo patungo sa bahay namin.


This story is already at

chapter 4

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 2

#RND02

​ Chapter 2

​Raziel Niklaus

​“Napakawalang-kwenta mong tao! Hindi ka na nahihiya sa mga kapitbahay natin dito! Umagang aalis at gabi ka na ring uuwi na lasing na lasing! Walang-hiya ka! Sana natuluyan ka na lang diyan sa pag-iinom mo!”

​“Punyetang buhay ito! Lumayas ka sa harapan ko kung ayaw mo na lumipad itong kaldero diyan sa pangit mong pagmumukha!”

​“Layas! Lumayas ka! Kapag hindi ako nakapagtimpi sa iyo, Bentong, paglalamayan ka na maya-maya!”

​Nagdilat ako sa aking mga mata matapos kong i-mimic iyong mga linya ni Ate Terya kada umaga. Himala na yatang hindi nagsisigaw si Ate Terya dahil kay Kuya Bentong na tambay sa tindahan ni Ate Jolen. Uulan yata ng bulalakaw kapag walang kalabog at rap ni Ate Terya sa umaga.

​Parang nagiging alarm clock ko na nga ang away nila, at natutuwa rin naman ako roon kasi doon ako nagigising. Iyong alarm clock ng cellphone ko ay nakakatulugan ko lang kasi, eh. Pero sa sigaw ni Ate Terya, nagigising talaga ako.

​Bumangon ako at nag-unat ng mga buto. Ang tagal kong nakatulog kagabi dahil sa project namin, ha. Pero okay lang, nakalibre ako ng school supplies mula doon kay Kuyang Pogi-si Kuya Piotr.

​Ang totoo niyan, kaya ako komportableng tawagin siyang Kuya Pogi ay dahil nahihirapan akong banggitin ang name niya. Nabubulol ako, kaya Kuyang Pogi na lang. Pogi rin kasi siya, mabango, matangkad, at maskulado. Masungit din siya at tangang-tanga sa akin. Hmp! Siya rin naman bobo! Hindi alam kung ano ang Downy!

​Napatalon naman ako sa kama ko nang may marinig na naman akong malakas na pagdabog mula sa bahay nina Kuya Bentong. Ayan na naman.

​Bumaba ako sa kama at nag-inat muli ng mga buto. Ini-stretch ko ang aking body para ma-kondisyon ito. At habang naririnig ko ang mga kalabog sa kina Ate Terya, magkatabi lang kasi ang bahay namin, eh-sinasabayan ko naman iyon ng sayaw. Hindi ko alam kung ano na kaya ang nababasag sa bahay nila, ang importante libre ang music ko sa kanila. Nakakatuwa!

​Kinembot ko ang aking puwet sabay ikot sa aking balakang at itinaas ang kamay sa ere. Habang sumasayaw ako ay may naramdaman akong kiliti sa paa ko at doon ko nakita ang aking dalawang pussy! Si Orenz at Neggy! Si Orenz ay ang matambok at masungit kong pussy na kulay orange. Si Neggy naman ay ang pussy ko na purong itim, makapal ang balahibo, at malambing. May mga gabing hindi ko nakikita itong si Neggy, lalo na kapag naputulan kami ng kuryente, hirap akong makita siya sa dilim dahil sa kulay niya. Noong bago pa kasi sina Neggy at Orenz dito sa bahay ay palagi kaming napuputulan ng kuryente.

​“Hala! Bibi Neggy, Bibi Orenz!” Tumigil ako sa pagsayaw at saka ako umupo sa sahig at niyakap ang dalawa kong pussy. Kaso lang, humiyaw nang pagkaarte-arte si Orenz at tumalon palayo sa arms ko. Mabuti pa si Neggy kasi nagpapalambing. Itong si Orenz, ma-attitude siya! Hmp!

​Naku! Ni hindi nga nag-thank you sa akin na pinulot ko sila sa daan! Mga ungrateful tulad ni Kuyang Pogi. Muling pumasok sa isip ko kung bakit ako napadpad doon sa parking lot, may sinusundan akong pusa. May kalahi na sana itong si Neggy kung nakita ko lang iyong pusa kagabi, eh. Sayang kasi na-distract ako. Pero okay na rin kasi nakalibre ako ng school supplies at hindi pa kinuha ang sukli!

‘​Sana i-chat ako ni Kuyang Pogi para sa next cheer ko sa kanya,’ pipi kong dasal sa isip ko.

​Matapos kong ayusin ang aking kama ay doon din natapos ang kalabog at sigaw ni Ate Terya. Minsan naaawa na ako sa kanya, baka kasi magkasakit siya. Pero sana naman hindi, kasi paano na ang alarm ko? Hayst!

​Iniwan ko sina Orenz at Neggy sa kwarto ko. Actually, mabait naman silang dalawa kasi marunong na silang gumamit ng kanilang litter box. Kaya hindi sila makalat sa bahay, at siyempre, nililiguan ko ang mga iyan. Kaya mabango.

​Natuwa ako nang makita ko si Ate Glaiza at Ate Yvette sa kusina namin na naghahanda ng agahan! Kumibot ang ilong ko sa naamoy kong ulam na nanggagaling sa mesa. Naamoy ko ang amoy ng adobong manok!

​“Mga ate ko! Good morning po!” buong lakas kong sigaw-iyong klaseng sigaw na kayang higitan ang sigaw ni Ate Terya.

​Patalon na tumingin sa akin sina Ate Yvette at Ate Glaiza! Hindi kami magkakapatid na tatlo, pero silang dalawa ang parang mga kapatid ko noon sa orphan house. Kaya noong nakalabas sila, idinamay na nila ako. Hindi naman umangal iyong mga staff sa orphan house kasi wala ring masyadong pondo roon.

​Si Ate Yvette ay kulay blonde ang buhok-feeling Amerikana kasi si Ate. Ang kanyang kulay brown na buhok ay pina-blonde niya. Sana makahanap na ng Amerikano si Ate para maging Amerikana na talaga siya. Ang Ate Glaiza ko naman ay same kami na itim ang buhok. Ang buhok ko ay tuwid pero kay Ate ay pinong kulot-kulot pero hindi buhaghag.

​Mababait sina Ate, inaalagaan ako, at mahal na mahal ako. Kahit minsan lang kami magkaroon ng masarap na ulam, ayos lang naman. May mga pagkakataon talaga na nauubusan kami kaya patis at mantika na lang ang isasahog namin sa kanin. Mas okay pa nga ito kasi may mga pagkakataon dati sa orphan house na wala talaga kaming kain at itutulog na lang ang gutom.

​Pero tulad ngayon na parang pumaldo ang mga Ate ko, nakakaulam kami ng masasarap! Sa totoo lang, hindi ko naman talaga alam kung ano ang trabaho nina Ate, eh. Basta ang alam ko lang ay ang lokasyon ng pinagtatrabahuan daw nila.

​Bumuntong-hininga si Ate Glaiza at yumakap sa akin.

“Good morning, Raziel. Ang tagal mong gumising, ah! Wala ka bang pasok ngayon?”

​“May pasok, Ate, pero ipapasa lang iyong project namin para sa aming performance task!”

​“Oh, may pera ka ba? Hindi ka nanghingi sa amin,” sabad ni Ate Yvette.

​Umupo ako sa isang silya upang makapag-agahan na kami. Humagikhik naman ako kasi naalala ko na naman si Kuyang Pogi. Natutuwa talaga ako sa bugnuting mukha ni Kuya Pogi. Lumutang na naman ang isip ko, at nang tumikhim si Ate Yvette ay saka lang ako bumalik sa reyalidad. Ay?

​“Ano’ng nginingiti-ngiti mo diyan, huh? Nangutang ka kay Ate Jolen? Hindi nagpapautang sa atin iyon!”

​Tumango si Ate Glaiza sa sinabi ni Ate Yvette.

“Luh, hindi, Ate. Kahit tanungin niyo pa iyang si Ate Jolen, hindi ako nangutang sa kanya! Hmp!”

​Nangunot ang mga noo nila ni Ate sa pagdududa sa sinabi ko.

“Bumili talaga ako, Ate Yvette, Ate Glaiza. May sobra pa nga doon sa mga binili kong materials, eh.”

​“Saan nga galing ang pera?” tanong ni Ate Glaiza na hindi inilalayo ang tingin sa akin. Na para bang ’pag inilayo niya ang mga mata niya sa akin ay may makakatakas na impormasyon mula sa mukha ko.

​“Raziel, huwag kang nagsisinungaling sa amin,” sunod na tanong ni Ate Yvette.

​Huminga ako ng malalim. Actually, wala akong balak na sabihin kina Ate ang tungkol kay Piotr. Hindi pa kasi sure kung makaka-sideline pa ako sa kanya, kaya ayaw ko muna itong ipagkalat sa kanila. Kaso ngayon, para na akong daga rito na naipit sa dalawang malalaking pusa, wala akong magagawa kundi umamin. Mabuti sana kung sina Orenz at Neggy iyon, kasi nguwa at tulog lang ang alam ng mga iyon.

​“Sumideline lang ako kagabi nang konti, Ate Glaiza, Ate Yvette,” suko ko at napabuga ng isang malalim na hininga. Tila nanghihinayang.

​“Huh? Sideline? Raziel, ano’ng pinasukan mong sideline!?” tumaas ang boses ni Ate Yvette.

​“Yvette, kumalma ka muna,” baling ni Ate Glaiza kay Ate Yvette.

​Hinabaan ko sila ng nguso at pinaglaruan ang mga daliri ko na nasa mesa. Tinatawag na ako ng adobong manok pero ginigisa pa ako nina Ate. Sana hindi magtampo ang adobo. Dahan-dahan kong ginapang ang kamay ko roon sa plato na may adobong manok, kaso napatalon ako nang tampalin ni Ate Yvette ang kamay ko.

​“Ano lang… cheerleader?” anang ko, hindi ko sigurado.

​“Huh?” tanging sambit ni Ate Glaiza.

​Nagusot ang mukha ni Ate Yvette at halos dambahan na ako. “Ano? Pinagloloko mo ba kami, Raziel Niklaus!?”

​“T-Totoo nga! Nagchi-cheer lang ako, tapos ayon na,” nagkukumahog ko sa pagpapaliwanag.

​“At bakit ka naman biglang naging cheerleader?” natatawa ngunit sarkastikong anang ni Ate Yvette.

​“Kasi napadaan lang ako. Papunta sana kasi ako doon sa pinagtatrabahuan ninyo, Ate, para humingi ng pera. Kaso lang, nadaanan ko si Kuyang Pogi at chineer ko po siya!” pagmamalaki kong kwento sa kanila.

​Matapos kong sabihin iyon ay nakita ko naman ang makahulugang pagtitinginan nina Ate bago sila napabuga ng malalalim na hininga. Hala! Baka agawan nila ako ng trabaho, ha! Napapikit ako. Sana nagsinungaling na lang ako! Baka mamaya sila na ang mag-cheer kay Kuyang Pogi nito! Nakakainis naman, eh!

​“Kung sino man iyang tinutukoy mong chineer mo, Raziel, kalimutan mo na iyon, okay? Isa pa, huwag kang pupunta sa pinagtatrabahuan namin nang ikaw lang,” si Ate Glaiza.

​Tinanguan ni Ate Yvette si Ate Glaiza. “Starting today, mag-iiwan na lang kami ng pera sa iyo para hindi ka na lumabas, okay?”

Masunurin akong tumango.

​“Sige na, kumain ka na kasi may pasok ka pa,” dismiss nilang dalawa sa aming topic.

​Hindi na rin ako umalma roon kasi baka sa susunod ay tanungin na nila ang name ni Kuya Pogi at tuluyan na akong mawalan ng sideline. Minsan na nga lang itong mangyari, eh.

​Habang kumakain kami ay parang may ilaw na umilaw sa ibabaw ng ulo ko. May naalala akong bigla.

“Ay, Ate Glaiza, Ate Yvette, ano po pala iyong Downy na gamit natin? Anti-virus po?”

​Muntik nang maibuga ni Ate Yvette ang kanyang kinakain, habang si Ate Glaiza naman ay napasampal sa kanyang dibdib. Luh?

“Raziel, anti-bac iyon!” Natatawang anas ni Ate Glaiza nang makabawi.

​Napatango-tango naman ako. Anti-bac nga.

“Bakit mo naman iyan natanong, Raziel? Ang random mo talaga minsan!” ani Ate Yvette na namumula, nagpipigil na huwag bumulanggit ng tawa.

​“Wala, Ate,” iling ko. “Naitanong ko lang po.”

​Bitbit ko ang isang hiwa ng manok pagtayo ko nang biglang gusto ko na namang magtanong sa kanila. Tutal naman ay nandito silang dalawa at nagtsitsismis lang, mas mabuti nang matanong ko sina Ate.

​“Ate Glaiza, Ate Yvette,” tawag ko sa kanila at mabilis na bumaling sa akin na nakatayo na. “Alin po ba ang totoo? Masarap o masakit iyong sex?”

​Tuluyan nang naiubo ni Ate Yvette ang nasa loob ng bibig niya habang si Ate Glaiza naman ay lumabas ang tubig sa ilong!

​“Hala! Ang dudugyot ninyo, mga ate! Kadiri po kayo!” ngiwing saad ko. Mabuti at tapos na akong kumain. Nag-uunahan silang dalawa sa pitsel sa mesa namin.

​“Ano ba, Raziel? Bakit mo ’yan natanong, huh? Iyan ba ang sideline mo? Magsabi ka ng totoo!” bulyaw ni Ate Yvette. Ewan ko kung bakit siya namumula-dahil ba iyon sa galit o dahil naiubo niya ang ulam. Sayang kasi dahil adobong manok!

​“Luh! Hindi, Ate Yvette. Cheerer nga lang ako, eh. Saka curious lang ako roon!”

​“Raziel, masakit na masarap iyon kaya huwag mong susubukan!”

​“Glaiza!” Ngayon ay si Ate Glaiza naman ang sinaway ni Ate Yvette.

​“Ayaw ko po noong sex, Ate,” iling-iling kong untag.

​“Mabuti ’yan, Raziel, dahil delikado na sa panahon ngayon!” ani Ate Yvette.

​No. Hindi ko naman iyon inaalala, kung delikado ba o ano. Sa tuwing pumapasok kasi sa isip ko iyong ginagawa ni Kuyang Pogi at nung babae sa sasakyan, kinikilabutan ako. Naawa ako. Nahahabag.

​Tumahimik na lang ako at saka naligo para makapasok na sa school. Nagpaalam na ako kina Ate. Matapos kong magpaalam sa mga pussy ko at lagyan ng makakain ang kanilang bowl ay umalis na rin ako.

​Nag-jeep ako patungong MSVU (Montezzar South Village University). Habang nasa jeep ako ay tiningnan ko ang aking FB at Messenger, kaso walang nag-add o nag-message request sa akin. Sana hindi ako nakalimutan ni Kuyang Pogi. Paano na ang sideline ko nito sa pagchi-cheer sa kanya? Though biglaan iyong nangyari sa amin, pero at least may compensation ako!

​Bumuntong-hininga na lang ako at ibinalik sa bag ko ang aking luma at Android na phone. Baka kasi nakawin, wala na akong pambili.

​“Good morning, Kuya Nestor!” kwelang bati ko kay Kuya Nestor, isa sa mga guard dito sa MSVU, na siyang nagbabantay ng gate ngayon.

​Pinagbuksan ako nito sa gate na sarado na. Kaya kinaibigan ko si Kuya kasi magagamit ko siya sa mga ganitong pagkakataon. Hayst! Ito ba ang tinatawag nilang building connections?

​“Late ka na, Raziel.”

​Natawa ako kay Kuya Nestor at sinampal ang kanyang tiyan na bilog.

“Luh, si Kuya Nestor naman, eh! Hindi ko po tinatanong sa inyo kung late ba ako o hindi. Alam ko naman kasi po!” Umalon ang balikat ko kakatawa kay Kuya Nestor.

​Nagpapabukas lang naman ako ng gate, si Kuya Nestor naman kung ano-ano na ang sinasabi! Grabe siya!

“Ikaw talagang bata ka. Sige na,” naiiling nitong untag.

​Ito talagang si Kuya Nestor, parang ako pa ang may ginawang mali. Siya kaya itong nagsasabi na lang bigla na late ako kahit ’di naman ako nagtatanong!

“Salamat, Kuya!” ani ko na lang, at least grateful ako kasi pinagbuksan ako ng gate.

​Pagkarating ko sa room namin ay si Franzine lang ang bumati sa akin. Ganoon na lang lagi. Sa buong high school ko ay si Franzine lang ang naging close friend ko. Sabi ng mga classmates namin, bagay raw kami kasi pareho kaming weirdo. Ako raw tatanga-tanga, tapos si Franzine naman ay nerd daw. Grabe sila. Porket mahilig lang mag-study si Franzine at matalino, nerd kaagad!

​Kinaladkad na ako ni Franzine patungo sa faculty ng aming teacher kung saan namin ipapasa ang aming project. Gagawa na raw kasi ng grado ang aming teacher para sa aming first quarter.

​“Tagal-tagal mo! Akala ko absent ka,” ungot ni Franzine.

“Hindi naman. Alam ko kasi na wala tayong klase ngayon.”

“Wala nga, pero may kailangan tayong ipasa!”

​Nang matapos naming ipasa ni Franzine ang aming proyekto ay kaagad din kaming bumalik sa aming classroom. Si Franzine ay mahilig magbasa ng kung ano-anong komiks (yata, hindi ako sure d’yan sa mga binabasa niya talaga), at pagkatapos ay ikinukwento niya sa akin ang nangyayari. Hindi ako tulad niya na mahilig sa ganoon, pero good listener naman ako. Iyan nga ang ginagawa namin kapag vacant kami.

​Habang naglalakad kami ni Franzine patungo sa aming building ay may nakita naman akong isang lalaki na pamilyar sa akin. Isang matangkad, malaki ang katawan, at poging lalaki! Naka-side view ito kasama ang isang babae na medyo matanda at naka-pusod ang buhok na medyo namumuti na sa likod.

​Kahit sa distansya namin, hindi ko napigilan ang sarili kong tawagin ito.

“Kuyang Pogi!” ikinaway ko pa ang dalawang kamay ko sa kanya.

​“Ang gagang ito!” impit na saway ni Franzine sa akin at pilit na ibinababa ang kamay ko, ngunit nagpupumiglas ako sa kanya.

​Napalingon sa gawi namin si Kuyang Pogi! Tama ako! Si Kuyang Pogi talaga!

​Bakit siya nandito sa school namin? Nanlaki ang mga mata ko sa napagtanto. Magpapa-enroll ba siya? Hala! Baka nainggit ito sa akin noong sinabi ko sa kanya na dito ako nag-aaral sa MSVU kaya nagpa-enroll siya rito ngayon!


This story is already at

chapter 6

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 3

#RND03

​ Chapter 3

​Raziel Niklaus

​Patpatin man kaming dalawa ni Franzine pero mas maliit siya sa akin kaya naman nakawala ako sa kanyang mahigpit na pagkakahawak. For some reason, masayang-masaya ako na nakita ko si Kuya Pogi dahil hindi siya nag-chat sa akin. Gusto ko siyang tanungin tungkol doon sa pagchi-cheer ko. Ipapaalala ko lang kasi feeling ko may pagkaulyanin na iyong si Piotr. Feeling ko nga kaya siya babalik sa school para ma-refresh niya rin ang utak niya sa bagay-bagay.

​“Kuyang Pogi-” ang masayang tawag ko kay Piotr kaso lang naputol ito dahil sa sigaw ni… halos takasan ako ng dugo sa buong katawan ko nang mapagtanto ko kung sino itong kasama ni Kuyang Pogi! Ang aming… p-p-p-principal! Ang principal ng MSVU High School!

​Itong si Ma’am Principal ay naalala ko talaga sa kanya iyong masungit na madrasta sa Snow White-si Queen Grimhilde. Minsan ko kasing nakita iyan sa kapitbahay namin. Laging nakataas ang kilay ni Ma’am at nanlilisik ang mga mata. Matanda na si Ma’am pero ang sungit-sungit pa rin. Kaya siguro tumandang dalaga, walang nagkakaroon ng lakas-loob dahil sa kanyang nakaka-intimidating na awra!

​“Mr. Deogracia!” Nanlilisik ang mga mata ni Ma’am sa akin.

​Awtomatik na naging tuod ang paa ko sa sementong ground at hindi makagalaw. Animo’y naging bato ako sa sigaw ni Ma’am. Hindi man siya si Medusa na kayang magpabato kapag tinitigan mo siya pero si Ma’am Principal naman ay kaya akong patalsikin ngayon dito sa MSVU! Kaya natulos ako sa aking kinatatayuan.

​“Where are your manners, Mr. Deogracia? And why are you loitering around? Hindi ba’t class hours ngayon? Bakit nasa labas ka?” Sa bawat bitiw ni Ma’am sa akin ay napapatalon ang balikat ko sa gitla! Maayos naman ang panahon pero tingin ko kumulog ang langit dahil sa boses ni Ma’am!

​Tumambol nang pagkalakas ang dibdib ko nang makita ko si Ma’am Principal na malalaki at mabibigat ang hakbang patungo sa akin. Ang tunog ng kanyang sapatos sa bawat hakbang niya ay nakadagdag sa paninindig ng balahibo ko sa katawan!

​“Go back to your room, Mr. Deogracia! Can’t you see?” Mariin at pagpipigil-sigaw niyang turo kay Kuyang Pogi. “We have a very important visitor!”

​Napanguso na lang ako kay Ma’am. As much as possible gusto ko sanang suplahin si Ma’am na nakikita ko naman si Kuyang Pogi, kaso wala na akong boses dahil sa takot! Tingin ko rin kapag nagsalita ako ay ipapabagsak ako ni Ma’am Principal! Huhu!

​Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko ngayon! Naiiyak ako na ewan.

​“R-Raziel, halika n-na.” May humila sa kamay ko at nalingon ko ito kahit paano. Si Franzine na namumutla.

​“Get out of my sight, Mr. Deogracia!”

​Parehong tumalon ang balikat namin ni Franzine sa sigaw ni Ma’am Principal. Luh! Grabe naman si Ma’am, ako ang papaalisin niya? Bakit hindi na lang siya tumalikod para hindi ako makita? Hindi niya ba batid na nabato na ako rito?

​Tingin ko nga konting-konti na lang at maiihi na ako ngayon dito!

​“M-Ma’am, kilala ko po k-kasi siya. Gusto ko l-lang po siya makausap kahit saglit-”

​“Huh!” Singhal ni Ma’am at naamoy ko ang kanyang bad breath. Hmp! Kaya siguro bad breath kasi masasama rin ang lumalabas sa bibig ni Ma’am! “Paano mo makikilala ang taong tulad ni Mr. Piotr, huh, Mr. Deogracia?! Do you think nakikipaglaro ako sa’yo ngayon?”

​Nanlaki naman ang mga mata ko kay Ma’am! Nambibintang siya! Kahit halughugin niya pa ang utak ko, hindi ko naisip na nakikipaglaro ako sa kanya! Matanda na si Ma’am kaya hindi niya kayang maglaro ng nilalaro ko dati tulad ng patintero, luksong baka, Chinese garter, at habol-habulan!

​Kung makikipaglaro man ako ay kay Franzine na lang para naman hindi puro libro at komiks niya ang kanyang inaatupag! Never! Never kong naisip na makipaglaro kay Ma’am Principal! Baka mabali pa siya kasi matanda na at ako pa ang pagbintangan!

​But then, hindi ko iyon kayang isaboses dahil sa kaba at takot ko ngayon. Pumipitik kahit na ang lalamunan ko!

​“Raziel, tara na k-kasi!” Nagkautal-utal na rin si Franzine at bakas sa boses nito ang kaba.

​Paano ko ipapaliwanag kay Ma’am Principal na kilala ko talaga si Kuya Piotr? Ayaw ko namang i-share ang naging sideline ko sa lalaki kasi marami na ang nakaalam. Ang mga Ate ko, alam na nga eh!

​“M-Ma’am, k-kahit saglit lang p-po talaga!” Nauutal kong pakiusap kay Ma’am gamit ang maliit kong boses.

​Rinig ko ang pagdaing ni Franzine sa likod ko. As much as I’m concerned sa nangyayari kay Franzine, iba ang priority ko ngayon.

​“Shut up, Mr. Deogracia, and go back to your-”

​“Excuse me, Ma’am.”

​Nang marinig ko ang boses ni Kuyang Pogi ay nakahinga ako nang maluwag. As if nawala ang something na bumara sa lalamunan ko.

​“Oh,” umamo bigla ang boses ni Ma’am. Nasaan na iyong malakulog niyang boses? “Yes, Mr. Piotr. I’m so sorry on behalf of these stubborn students. Don’t worry, Mr. Piotr, I already talk-”

​“You don’t have to, Ma’am. I know that kid.” At itinuro ako ni Mr. Piotr, este ni Kuyang Pogi.

​Itong si Ma’am Principal kasi eh. Mr. Piotr nang Mr. Piotr!

​“R-really?” Nag-crack ang boses ni Ma’am at lumaki ang mga mata.

​“Yes, Ma’am. And if hindi po nakakaabala sa students ninyo, pwede bang sila na lang ang mag-tour sa akin around the campus?” Pormal na wika ni Kuyang Pogi.

​Ewan ko kung mamangha ba ako sa pagiging pormal at seryoso ni Kuyang Pogi. Parang ibang tao siya sa nakilala ko kagabi. Kagabi kasi ang bugnutin niya at ang sungit sa akin. Tangang-tanga pa nga eh. Akala mo naman hindi rin siya bobo!

​“Naku, Mr. Piotr, ang mga batang ito ay walang alam sa mga-”

​“No, Ma’am. I insist.” Pagputol ni Kuyang Pogi kay Ma’am.

​Nang bumaling sa amin si Ma’am Principal ay pinanlisikan niya kaming dalawa ni Franzine sa kanyang mga mata. Naramdaman ko ang panginginig ni Franzine. Giniginaw ba ito?

​“Okay, Mr. Piotr, if that’s what you want!” Hilaw ang naging ngiti ni Ma’am kay Piotr at seryoso kaming binalingan muli ni Franzine. “You must behave! Importanteng tao si Mr. Piotr kaya umakto kayong maayos!” Mariing babala ni Ma’am.

​Nang makaalis si Ma’am ay lalapitan ko na sana si Kuyang Pogi upang mag-thank you sa presensya niya ngunit hinihila naman ako ni Franzine.

​“Raziel, ayaw kong sumama sa’yo. Bahala ka d’yang gaga ka,” aniya na mukhang natatae na ewan. Kaya siguro nanginginig kanina.

​“Ayaw mo bang makilala si Mr. Piotr?” Ginaya ko si Ma’am Principal sa tawag niya kay Piotr.

​“Ayaw ko!” Mabilis na sagot niya. “Sa room na kita hihintayin. Natatakot ako sa lalaking iyan,” dagdag niya at napakiskis sa kanyang magkabilang braso.

​Ngumuso ako. “Okay. Bantayan mo ang bag ko, huh. Adobong manok pa naman ang ulam ko.”

​Franzine leered at me before running back to our room building. Huminga ako nang malalim. Sana maayos lang si Franzine. Sana wala siyang LBM.

​“So, dito ka talaga nag-aaral, huh?”

​Napaikot naman ako nang magsalita si Kuyang Pogi. Hambog akong ngumisi sa kanya.

​“Now, show me around,” dugtong niya.

​Ay, oo nga pala!

​“Mag-uusap tayo habang pinapasyal kita rito sa campus namin, ha. Dito lang ba sa high school ang gusto mong pasyalan o pati na roon sa college buildings?”

​“Just high school.”

​Ahh, high school siya magpapa-enroll? Anong year level kaya? Makakahabol pa kaya siya? Tapos na ang aming first quarter exam!

​Dinala ko siya sa building ng pilot class ng campus.

​“Oo nga pala, bakit hindi ka nag-chat sa akin? Naiwala mo ba iyong binigay ko sa’yo na FB account ko?” ani ko sa kanya habang naglalakad kami.

​Sa aming paglalakad ay hindi ko maiwasang hindi magtaka sa mga estudyante at iilang guro na napapalingon sa amin. Para nila kaming pinagchi-chismisan. Ansasama!

​“I don’t have a Facebook or whatever social media account.”

​“Huh? Wala!” Dismayado kong sambit at napatigil kami sa paglalakad. Nandito kami sa tabi ng quadrangle kung saan may mga punongkahoy ng Narra at mga benches na gawa sa kahoy at semento.

​“Eh, paano mo ako mako-kontak niyan?” Nalungkot ako bigla.

​“And why would I contact you?”

​Tumayo siya nang maayos at isinilid ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang trousers na kulay black. Hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin ang suot niya pero ngayong natitigan ko siya nang mabuti… Pogi siya sa kanyang puting long sleeves, itim na trousers na siyang nagdedepina lalo sa mahahaba niyang legs, at makintab na sapatos. Naka-atras pa ang buhok nito at may iilang takas sa gilid.

​Nagtagpo ang kilay kong tiningala siya. Masyado akong disappointed sa kanya ngayon.

​“Syempre, ang pagchi-cheer ko sa’yo!”

​“Fuck!” tawang sambit niya.

​“Sshhh!” suway ko sa kanya sabay sampal sa kanyang braso. Saglit naman akong natigilan dahil ang tigas ng braso niya.

​“Bawal ka magmura dito sa campus! Naku, hindi ka talaga makakapag-enroll niyan!” pangangaral ko sa kanya at napapahinga nang malalim.

​“What? Enroll? Me?” turo niya sa sarili.

​Argh! Nakakatanga siya kausap!

​“Syempre! May kasama pa ba tayong iba? Eh, hindi naman natin kasama si Franzine at isa pa, enrolled na iyon!”

​Napahawak si Kuyang Pogi sa bridge ng kanyang ilong at umalon ang balikat sa pagpipigil na huwag bumulalas ng tawa.

​Dapat lang! Kasi baka maka-istorbo sa nagka-klase ang boses niya!

​“Tanga talaga! Do you think nandito ako para magpa-enroll? What do you think of me, kid?”

​“Luh! Twenty na nga ako! Hindi na ako kid. At saka, ano pa bang ginagawa mo rito? ’Di ba nainggit ka lang naman sa akin na dito ako nag-aaral sa MSVU kaya ka magpapa-enroll dito?”

​Lumipad ang isang kamay niya sa bibig at ang isa naman ay sa tiyan niya at saka siya bumulwak ng tawa!

​Tiningnan tuloy siya ng mga iilang estudyante na napapadaan na parang mamang nababaliw. Tawang-tawa siya samantalang seryoso naman ako rito.

​“Hoy!” suway ko sa kanya.

​Tuwing titingin siya sa mukha ko ay natatawa siya. Ilang sandali ay tumikhim siya pero nandoon pa rin ang multo ng tawa sa mga labi at mga mata niya.

​“Eherm. Raziel, right?” Tango ko. At least alam niya ang pangalan ko. “I’m not here to enroll. Tapos na akong mag-aral.”

​“Wehh?” ani ko sabay taas ng kilay ko sa kanya, hindi naniniwala.

​“Whatever. Basta tapos na akong mag-aral. I’m just here to run some errands for my father.”

​Ay? Medyo disappointed ako na hindi pala siya mag-e-enroll dito. Mali pala ako na inakala kong mag-e-enroll siya sa MSVU dahil nainggit siya sa akin.

​“Ganoon ba? Ano naman ang nangyari sa pinatakbo ng papa mo rito? Nahabol mo ba si errands?” concern kong tanong, pero bigla na naman siyang natawa at this time pinakawalan na niya ang boses niya!

​Kahit na hindi ganoong kaputi si Kuyang Pogi, nakikita ko ang pamumula ng kanyang mukha dahil sa tawa.

​“You know what,” natatawa niyang turo sa akin. “I think tama na pumayag ako kay Papa na pumunta rito. You really-fuck, hahaha! You made my fucking day!”

​Si ‘fuck’ na naman.

​Huminga na lang ako nang malalim. Ang hirap kausapin nitong tao na ito. Pogi na sana.

​“And because of that, sasabihin ko na kay Papa na magpapatuloy kami sa pag-invest dito sa school.”

​“Eehh!” ungot ko sa kanya. Hindi iyan ang sadya ko sa kanya.

​“What?” Kinagat niya ang labi para pigilan ang sariling huwag matawa.

​“Paano na iyong sideline ko sa’yo? Iyong pagiging cheerer ko? Alam mo bang naghahanap ako ng ibang pang-cheer! Gusto mo ba gumawa pa ako ng yell?” Determinado at puno ng confidence kong sambit sa kanya.

​Pakitaan ko ba siya ngayon sa yellings ko?

​“Forget about that,” dismissal niya.

​Nag-rattle naman ang sistema ko!

​“Kuyang Pogi!” daing ko. “Need ko ng extra money.”

​“How much?”

​“Eh?” Taas-kilay kong untag.

​“How much so that I can pay you for making me laugh that hard?” He grinned. Bakas sa mukha niya ang tuwa.

​“Hindi ko po alam ang sinasabi ninyo, eh. Nag-uusap lang naman tayo nang seryoso pero bigla kang natatawa. Nag-aalala tuloy ako sa’yo. Para kang sinapian ka ng mga kaluluwa dito. Kita mo naman na ang lalaki ng mga Narra dito sa campus!” Isa-isa ko pang tinuro ang naglalakihang mga puno ng Narra sa paligid.

​“You know what, I’ll just contact you soon!”

​Napapalakpak ako sa aking kamay. Muntik pa akong sumayaw sa harap niya.

​“Talaga! Magchi-cheer ulit ako sa’yo?” Halos kuminang ang mga mata ko sa kanya.

​“I don’t know how the fuck you came up with that cheer or sideline of yours, but, yeah. Let’s call it a cheer. You will fucking cheer for me.” Ngumisi siya lalo sa akin.

​Tumango-tango ako. Kahit nahihilo ako sa daming ‘fuck’ na binanggit niya. Makikita mo ‘fuck’, kutos ka talaga sa akin kapag nahuli kita!

​“Pero, saan mo ako mako-kontak? Wala kang Facebook! Gusto mo ba gawan kita? Don’t worry, ikaw naman gagawa ng password. Privacy mo iyan eh.”

​“There’s no need to. Where’s your phone?”

​“Bakit mo naman hinahanap phone ko?” Nanakawin niya ba? Luma na iyon. Maghanap na lang siya ng iba na pwede niyang i-snatch!

​“I’ll save my number on your goddamn phone!”

​Ngumuso ako. Ayaw niya talaga sa Facebook, mukhang tulad ko ay hindi rin siya mahilig doon. Pang-communication ko lang talaga kasi iyon dahil minsan lang ako makakapag-load kina Ate Jolen. Mabuti kung may account ka kasi pwede kang makapag-message kahit walang load!

​“There,” aniya, hinarap sa akin ang screen ng phone ko.

​Naka-save na ang kanyang number doon-Piotr.

​Napanguso ako. Kinuha ko sa kanya ang phone ko.

​“Basta tatawag ka, huh, kapag magpapa-cheer ka sa akin. Ako lang din dapat ang cheerleader mo!”

​Ang butas ng kanyang matangos na ilong ay kibot na lang. Ewan ko kung bakit tawa siya nang tawa ngayon. Parang hindi niya ako sinungitan last night, ha.

​“Whatever you say, dimwit!”

​Mukhang hindi sineryoso ni Kuyang Pogi ang aking sinabi sa kanya. Hanggang sa umuwi na rin ito at hindi man lang nagpaalam kay Ma’am Principal.

​Dumaan ang isang linggo ngunit wala namang text o tawag na dumating mula kay Kuyang Pogi. I guess, jino-joke time niya lang ako. Hindi talaga ako noon sineryoso.

​Hindi ko maiwasang hindi mainis kay Kuyang Pogi. Asang-asa ako sa sideline ko. Idagdag pa na napatawag ako ni Ma’am Principal sa office niya dahil gusto nitong makichismis sa pinag-usapan namin ni Kuyang Pogi.

​Grabe naman itong si Ma’am Principal. Akala niya siguro isi-share ko sa kanya ang pinag-usapan namin ni Piotr. Principal na si Ma’am, huwag na siyang makiusyoso pa sa sideline ko. Hmp!

​“Ang tamlay mo naman,” usisa ni Franzine sa akin at tinanggal ang headset niya. Nag-aabang kami ng masasakyan na jeep sa tapat ng MSVU.

​“Hindi pa kasi ako kino-kontak ni Kuyang Pogi eh.”

​“Iyong parang mamamatay-tao na sinugod mo na kasama si Principal?” naiintrigang saad ni Franzine.

​“Oo!” Tango ko pero matamlay akong nakatingin sa daan.

​Ang dami kasi naming bayarin sa school! Nakakainis! Naubos na iyong sukli na bigay niya sa akin. Nahihiya naman akong humingi kina Ate kasi last day lang nanghingi ako dahil may pina-print ako na ang mahal-mahal-ten pesos per bond paper!

​“Naku, Raziel, kung ako sa’yo, layuan mo na lang ang taong iyon. Mukhang walang mabuting idudulot iyon sa’yo. Saka baka i-take advantage noon ang kainosentehan mo.”

​And yet, pinapasok ko lang sa tainga ko at pinalabas sa kabilang tainga ang sinabi ni Franzine. Marangal na sideline kaya itong nakita ko.

​Sabado ng gabi habang nagme-memorya ako ng mga terms sa isang subject namin nang tumunog ang cellphone ko.

​“Ano ba ’yan? Sino ba ito-ahhh!” sigaw ko nang may natanggap akong text mula kay Piotr! Pati ang mga pussy ko ay napatalon sa sigaw ko.

​“Let’s meet up tomorrow, you dumb. I need my cheerleader.”

​Basa ko sa text niya. Napa-yes ako dahil magkakapera na ako.

​Magre-reply sana ako kay Kuyang Pogi para tanungin kung saan kami magmi-meet kaso wala pala akong load! Hindi ko masend ang reply ko.

​“8 PM sharp, mag-aabang ako sa daan kung saan mo ako iniwan the first time we met.”

​Wala pa rin akong reply sa kanya. Mabuti at alam ko na kung saan kami magmi-meet. Doon lang pala sa may highway.

​Dahil sa tuwa ko sa text ni Kuya Pogi, napaluto ako ng favorite snack ko-ang puto cheese. Nagbebenta si Ate Terya ng puto cheese at sa kanya ko ito natutunan.

​Bandang alas-siyete y medya nga ay lumabas na ako ng bahay at yakap ko ang baunan na nilagyan ko ng puto cheese. Wala naman ang mga Ate ko kasi nasa work sila kaya okay na okay na lumabas ako.

​Wala pang alas-otso pero nang makalabas ako mula sa makipot na daan palabas ng highway ay nakita ko na ang pamilyar na sasakyan ni Piotr!

​Dahil wala pa namang alas-otso, kaya hindi muna ako lumapit sa sasakyan nito. Hinintay ko munang mag-alas-otso tulad noong text niya.

​Kumatok ako sa bintana ng kotse niya nang saktong alas-otso. Bumukas iyong pinto ng kotse.

​“Why the fuck ngayon ka lang lumapit? Ang tagal mong nakatunganga doon sa kabilang daan!” bungad niya sa akin.

​Ngumunguso akong umakyat sa kanyang matayog na kotse.

​“Sabi doon sa text mo, 8 PM sharp!” sumbat ko sa kanya nang makapwesto. Kasalanan ko bang maaga siyang dumating? Saktong alas-otso kaya akong kumatok sa kotse niya.

​Nakukunsumi siyang napahilamos sa kanyang mukha.

​“Ito oh,” ani ko sabay abot sa kanya ng cellophane kung saan nandoon iyong baunan na may puto cheese.

​“What the fuck is this?” matigas niyang untag at tinanggap naman ang cellophane.

​“Puto cheese iyan. Favorite snack ko ’yan.”

​Natawa siya pagkatapos akong mapabagsakan ng kanyang dumadagundong na boses.

​“Puto cheese? Why? Pampalubag-loob ba ito?”

​“Huh? Hindi ah! Ibebenta ko iyan sa’yo. One hundred iyan, ha, hindi pa kasali ang magiging service ko sa’yo ngayon as cheerleader mo.”

​Nanusok sa akin ang kanyang matatalim na titig. Tiningnan niya ako na parang sinasabi niyang, ‘Seryoso ka?’.

​“Damn!” Napailing pa siya at kinuha ang baunan mula sa cellophane. “The fuck? Bakit kulay itim ito?”

​“Oh,” tiningnan ko ang puto cheese na gawa ko na kulay black! “Naubusan na kasi ako ng food coloring. Bakit? Gusto mo ba iyong green? O iyong pink? Pwede ring violet-”

​“Just shut up! This puto cheese you said looks horrendous!” aniya at marahas na napabuga ng hininga sa kanyang ilong.


This story is already at

chapter 9

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 4

#RND04​

Chapter 4

​Raziel Niklaus

​Masaya ko ulit na nilibot ang paningin ko sa loob ng sasakyan ni Kuyang Pogi. Hindi ko na siya inintindi doon sa sinabi niyang horrendous daw ang puto cheese ko. Hindi ko kasi alam kung ano iyon eh. Pero maganda siya sa pandinig ko, huh! Maganda naman siguro iyon, di ba?

​Siguro proud lang siya sa naging outcome ng puto cheese ko na kulay black! Black kasi talaga siya na as in black! Iyong maliit na cheese lang sa ibabaw ang ibang kulay. Gusto ko pa sanang gawing black iyon pero baka sabihin nitong ni Kuyang Pogi na tinipid ko ang puto ko.

​“Tikman mo! Masarap iyan! Horrendous at masarap!” Proud na proud kong wika kasi nagamit ko pa ang natutunan kong word sa kanya.

​“Oi, Kuya, kulay black lang iyan pero promise, cross my heart, masarap iyan!” Nguso ko sa puto cheese na hindi niya ginagalaw. Tiningnan niya lang ito na para bang magiging puti iyon kakatitig niya.

​Hmp! Naghihintay ba siya ng himala?

​“I might get poisoned from eating this thing-”

​“Puto cheese!” Sapaw ko sa kanya kasi thing siya nang thing, sabing puto cheese eh! Tigas ng bungo!

​“Whatever! I don’t want to eat something like this! Baka ma-food poison ako.” Pagkibit-balikat lang ni Kuyang Pogi sa akin bago niya binalik sa akin ang cellophane na naglalaman noong baunan.

​Mabilis kong inilayo ang kamay ko sa kanya. Umiling ako pagkuwan.

​“Hala! Ayaw mo? Hindi ko na iyan tatanggapin pa! Babayaran mo iyan!”

​“Don’t worry, I’ll pay for that! Damn it!”

​“Totoo?” ani ko sabay tanggap sa cellophane, medyo nagdadalawang isip pa.

​“Whatever, you dimwit!”

​“Basta lilinawin ko lang ha. Hindi ito kasama sa service ko sa’yo ngayon. Ang dami kasing babayaran sa school eh. Kaya dapat lang talaga na hindi ka mag-i-enroll sa MSVU. Malulubog ka sa bayarin!”

​“I said, tapos na akong mag-aral!” pagod niyang saad.

​“Ay, oo nga pala!” hagikhik ko.

​Ewan ko lang pero kahit na last week ko lang nakilala itong si Kuyang Pogi at tatlong beses ko lang siya nakasama, hindi ako nahihiya sa kanya. Hindi ako natatakot o naiilang.

​Siguro dahil kahit na ganito ako… hindi niya ako pinagsasalitaan ng kung ano-ano. Kaya rin siguro ako komportable kay Kuyang Pogi kasi hindi niya tini-take advantage ang pagiging walang alam ko sa mga bagay-bagay.

​Hindi ko naman nakakalimutan ang mga bilin nina Ate Yvette at Ate Glaiza na huwag akong magtitiwala sa kung sino-sino. Pero si Kuyang Piotr kasi, kung gusto niya akong saktan o gawan ng masama, dapat matagal na niya iyong ginawa. Siguro no’ng first meet-up pa lang namin ay ginawa na niya. Kaso wala. Kaya malakas talaga ang kutob kong mabait si Kuyang Pogi.

​Ngumisi ako nang may pumasok sa aking isip. O baka kaya hindi ako kayang gawan ng masama ni Piotr ay dahil gusto niya rin ang serbisyo ko sa kanya!

​Aha! Ang pagchi-cheer ko siguro ang dahilan kung bakit mabait siya sa akin! Like, ’di ba? Wala naman akong ibang ginawa sa gabing iyon. Nagcheer lang ako sa kanya. Tapos ngayon mag-a-avail ulit siya. Nakakatuwa na sa munting ginawa ko ay malaking bagay pala sa kanya. Nakakataba ng puso si Kuyang Pogi.

​“Wala po talaga ito, Kuyang Pogi. Masaya ako na nagustuhan ninyo ang aking serbisyo sa inyo-” wala sa sarili kong untag na kaagad namang sinupla ni Kuya Piotr.

​“The fuck!” malakas niyang mura.

​Ay?

​“Huh?”

​“Ano’ng pinagsasabi mo d’yan?!” masungit niyang untag, nangungunot na ang kanyang noo sa akin.

Hehe! Bigla ko pala iyong nasabi. Tinitigan ko siya nang mabuti.

​Hindi ko talaga maipaliwanag ang awra ni Piotr. Masalimuot, madilim. Seryoso, malamig, at mukhang istrikto siya kaso may kung ano talaga sa kanya na hindi ko maipaliwanag.

​Ngunit kahit na ganoon, ang gwapo niya pa rin! Ang kanyang itim na may kulay dark brown na medyo wavy na buhok ay naka-burst fade at ang ilang hibla no’n ay bumabagsak sa kanyang noo. Ang kanyang almond brown na mga mata naman ay matatalim. Makapal naman ang kanyang flat na kilay at iyon ang nakadagdag sa istrikto niyang mukha. Matangos ang ilong niya at sakto lang ang kanyang labing kulay pula. At kahit na bronze ang kanyang kulay, malinis siyang lalaki at makinis!

​Nasasabi kong makinis kasi nakikita ko ang kanyang malalaki at muscled arms dahil naka-short sleeves black shirt lang siya ngayon na hinuhulma ang maganda at maskuladong hubog ng katawan niya, na ipinareha niya sa kulay abo na trousers. May suot din siyang relo doon sa palapulsuhan niya na kulay silver na parang may mga crystals. Siguro fake lang din iyon kagaya sa mga nabibili kong 2 for 150 pesos tapos kapag nabasa ng tubig, hindi na gagana.

​“What? Ano’ng tinitingin-tingin mo sa akin? May binabalak ka na naman ba?” Nagdugtong na halos ang kilay niya sa akin.

​“Huh? Ah, wala ’no! Judgmental ka talagang tao. Tinitingnan ko lang naman kung iyang relo mo,” nguso ko sa palapulsuhan niyang nakapatong roon sa steering wheel ng kotse.

​“What about my watch?”

​“Tig-2 for 150 iyan, ’no?”

​“What? What the fuck are you talking about, you dimwit! Kung saan-saan na talaga umaabot iyang imahinasyon mo!”

​Napahawak ako sa dibdib ko na animo’y masasaktan.

​“Grabe ka naman sa akin, Kuyang Pogi! Kahit imagination ko, pinapakialaman mo na!” Hmp!

​Ang dalawang palad niya ay naihilamos niya sa kanyang mukha at malalim ang naging buntonghininga na tumingin sa akin.

​“I really don’t know what I signed myself up for,” bulong-bulong niya sa sarili.

​Gusto ko sana siyang usisain doon kaso lang baka tawagin na naman nito si fuck! Mukhang mainit pa naman ang dugo niya roon. Baka itapon ako nito sa labas ng kotse niya na hindi ko pa nakukuha ang bayad sa puto cheese at ’di ko pa nagagawa ang serbisyo ko.

​“Akala ko talaga mawawala ang stress ko sa’yo. Just like what you did last time. Nawala ang stress ko!” aniya at pagod na ihinilig ang kanyang katawan sa sandalan ng driver’s seat.

​“Hala!” nag-aalala kong sambit sa kanya.

​Tumaas ang kanyang kilay sa akin at sumama ang mukha.

​“Kuyang Pogi, bakit naman po mawawala ang stress ninyo? Ito naman! Burara po ba kayo?” problemado kong saad. Baka hindi na matuloy itong raket ko ngayon dahil nawawala ang stress niya! O baka gusto niyang tulungan ko siyang hanapin ito? “Nasaan na si stress ngayon, Kuya? Naku, ha! Ako pa talaga ang sisihin mo! Baka na-misplace mo lang po siya?” Nanatiling seryoso ang boses ko at problemado ang mukha dahil sa pag-aalala.

​Tumingin ako sa paligid ng kanyang kotse dahil baka nandito lang sa kotse niya iyon. Ka-laki-laki naman kasi nitong kotse niya at siya lang naman mag-isa.

​Habang seryoso akong naghahanap sa kanyang stress sa loob ng kotse ay bigla na lamang siyang humagalpak ng tawa. Napatigil ako.

​May sira na ba ang utak ni Kuya Piotr? Don’t tell me na may nakikita siyang hindi ko nakikita rito sa loob ng kotse? Multo? White lady?

​“Fuck!” malakas niyang sambit at napayakap doon sa steering wheel ng kanyang kotse at doon kumapit habang tawa siya nang tawa.

​Bumuntong-hininga ako. Umiling ako sa pagkadismaya. Poging-pogi na ako kay Kuya Piotr kaso lang mukhang maluwag ang turnilyo sa utak nito. Tumatawa lang siya na mag-isa.

​“Oi,” kilabit ko sa kanya.

​Tumikhim naman siya at umalis sa pagkakayakap doon sa steering wheel ng kotse niya.

​“What? Pfft!” Natatawa na naman siya. Naglalaban ang tawa at ka-seryosohan sa kanyang mukha.

​“Magseryoso ka nga d’yan,” ngumuso ako sa kanya. “Akala ko ba kailangan mo ng cheerer kaya mo ako tinext? Bakit hindi tayo umaalis? Tawa-tawa ka pa d’yan. Baka sa akin mo ipahanap ang stress mo, ha. Sinasabi ko sa’yo, Kuyang Pogi!”

​“I cannot believe this!” iling niya at humingang malalim.

​“Sasama ka ba sa akin?” Ngayon ay may nakakalokong ngiti na sa kanyang labi at mapanghamon ang tono ng kanyang boses.

​“Saan po tayo? Ay, oo nga pala, Kuya. Sana naman hindi na sa parking lot magaganap iyong… you know… sex. Hindi kasi iyon private na lugar. Nakakahiya naman kung makita tayo roon na chini-cheer kita,” concern kong wika.

​Kinagat niya ang kanyang labi upang mapigilan ang sarili sa pagtawa. Kaso lang, kumakawala pa rin iyon.

​Nanginginig ang labi niya sa pagpipigil na huwag matawa. “So, hindi na sa parking lot?” Tumango ako. “Okay, sasama ka ba sa akin kung sasabihin ko sa’yong sa condo ko ikaw dadalhin?”

​“Doon na po ang venue?”

​Pumikit na naman siya.

​“You can say that. So what? Sasama ka na sa akin? Always remember, Raziel, you don’t know me at all. Sasama ka ba kahit na hindi mo pa ako lubusang kilala?”

​“Trabaho naman po ito kaya, opo!” determined kong sagot sa kanya.

​“What if I do something bad… to you?”

​“Kikidnapin n’yo po ako?!”

​“This is not considered kidnapping. Ikaw ang kusang sumakay dito sa kotse ko!”

​“Oo nga, ’no! Pero kapag kinidnap ba ninyo ako, masasarap ba ang ipapakain mo sa akin?”

​“You’re unbelievable, Raziel. You’re not supposed to trust someone that easily. Kapag may nagsabi sa’yong dadalhin ka kung saan, dapat hindi ka pumapayag!” banas niyang wika.

​“Eh, kilala naman kita at mabait ka. Alam ko hindi mo ako kikidnapin, lugi ka sa akin eh, ’di ba?”

​“You are a hopeless case, Raziel. Anyways, this might be the last time we will be seeing each other.”

​“Ay? Paano na ang sideline kong trabaho sa’yo? Ang pagiging cheerer ko?”

​“You can find another work.”

​“Hindi matutuloy ang pagchi-cheer ko sa’yo ngayon? Hindi alam nila Ate na may lakad ako ngayong gabi pero pwede naman akong sumama sa’yo. Kahit hanapin pa natin ang stress mo.”

​Binunot niya ang wallet sa kanyang bulsa at kumuha ng pera doon. Binigyan niya ako ng sampung libo.

​“You made my night already, so keep that.”

​Tiningnan ko ang sampung libo sa kamay ko. Nakakahabag namang tanggapin ang pera na ’to na hindi ko pinaghirapan? Deserve ko ba ito?

​“Hindi na talaga kita ichi-cheer, Kuya? Gusto mo ba kantahan kita?”

​“No, there’s no need for you to sing,” mabilis niyang sagot. “And you will never ever do that to anyone, you get me?”

​“When… when you see something like that, just leave the place immediately. Huwag mo nang gawin iyong ginawa mong p-pagcheer sa akin.”

​“Sa’yo na lang ang pera na iyan, Kuya.” Akmang ibabalik ko sa kanya ang pera pero itinulak niya sa akin iyon pabalik.

​“Hindi mo iyan ibabalik sa akin. Kulang pa nga iyan dahil pinatawa mo ako. Because I’ve never met someone who can make me laugh so fucking hard, Raziel.”

​“Ito na talaga ang huling beses na magkikita tayo?” Medyo nalungkot ako, wala na akong work.

​“It is,” tango niya.

​“Aalis ka ba ng bansa, Kuya?”

​“You dimwit, hindi ako aalis ng bansa. It’s just that… I cannot trouble an innocent and naive person like you.”

​“Hindi ka na rin po magti-text sa akin o tatawag?”

​“Hindi na.”

​Bumuntong-hininga ako. I guess wala na akong magagawa roon.

​“Sige na nga.” Inabot ko ang cellophane ng puto cheese.

​“Sa’yo na lang iyan, Kuya. Don’t worry, walang lason po iyon. Kapag nalason po kayo, balikan n’yo po ako!”

​Tinanggap niya naman iyon uli.

​“Paano kapag namatay ako dahil sa lason? Paano kita babalikan?”

​“E ’di, multuhin n’yo po ako!”

​“Tanga talaga!” iling niya.

​Ngumiwi ako sa kanya. Kung makatanga talaga siya sa akin akala mo naman hindi siya bobo. Gusto ko nga siyang pangaralan tungkol sa Downy eh, kaso itinikom ko na lang ang bibig ko. Ang dami niyang perang ibinigay eh.

​Talagang nakakatahimik ng buhay kapag may pera. Ang sarap talaga kapag may pera. Ibinulsa ko na iyong pera na bigay ni Kuyang Pogi.

​“Bago pala ako umuwi, Kuyang Pogi. Pwede bang magtanong ako?”

​Tumaas ang kilay niya sa akin.

​“What?”

​“Kapag po ba nakikipagsex kayo, kaya n’yo na po na walang cheerer-”

​“Fucking shit! Wala talagang matino na lumalabas d’yan sa bibig mo! Of course, with what you did, hindi na ako nakapagsex pa. I got fucking traumatized, you silly!”

​Aba! Ako pa talaga ang ginawang rason? Bakit ba kasi ayaw niyang aminin na hindi niya kaya kapag walang taga-cheer? Sus! Nambintang pa! But forgiven kasi binigyan niya ako ng pera. Iintindihin ko na lang siya!

​At totoo nga, simula nang gabing iyon ay hindi na muling nagparamdam sa akin si Piotr. Animo’y isang hangin lang siya na dumaan sa buhay ko at nawala na na parang bula!

​“Sabihin mo ang totoo, Raziel Niklaus! Saan galing ang pera mo?” seryosong tanong ni Ate Glaiza sa akin.

​Isang buwan na simula no’ng huling pagkikita namin ni Kuyang Pogi at ngayon lang nalaman nila Ate ang tungkol sa perang nakuha ko mula kay Piotr.

​Nagtatanong kasi sila sa akin kung kumusta na sa school ko at ang mga bayarin ko roon. At hindi ko naman sinasadyang mabanggit sa kanila ang tungkol sa pera.

​“M-may nagbigay nga sa akin, Ate!” nangingiyak kong sagot.

​“Nagbigay? Sino, huh? At anong kapalit, Raziel? Ano?” sunod-sunod na sambit ni Ate Yvette.

​“K-kaibigan ko, Ate. Kakilala ko nga po, si Piotr.”

​“Huh? Pio… Piotr?! Kailan ka pa nagkaroon ng kaibigan maliban kay Franzine? At ano’ng klaseng pangalan iyan?” si Ate Glaiza.

​“L-last month po.” At saka malay ko ba kung bakit ganoon ang pangalan ni Kuyang Pogi? Gusto ba ni Ate na tanungin ko magulang ni Kuyang Pogi? Naku!

​Marahas silang napabuntong-hininga.

​“Raziel, huwag ka namang basta-basta na lang magtitiwala sa mga tao d’yan. They might… they might take advantage of your innocence! Hindi mo alam kung gaano kamasalimuot ang mundong ito! Maraming tao d’yan ang mapanglamang!”

​“Tama si Glaiza, Raziel. Ayaw ka lang naming mapahamak, okay? Kung sino mang Piotr na ’yan na hindi namin kilala, stay away from that person.”

​Yumuko ako. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Hindi na nga iyon nagpaparamdam sa akin eh. May natira pa sa perang bigay niya sa akin pero siya, hindi ko na maramdaman. I thought kahit papaano ay friends kami.

​“Don’t worry, Ate. Hindi ko na rin naman iyon nakikita. Kaya wala akong lalayuan.”

​Pumasok ako sa school after kong masermonan nila Ate. I understand naman na concern lang sila sa akin at mahal ako ng mga Ate ko kaya ganoon sila mag-react. Hindi kasi nila nakilala si Piotr eh. Tapos binigyan pa ako ng pera, kaya ganoon.

​Ayaw kong bigyan ng sakit sa ulo ang mga Ate ko. Kaya magiging mabuting estudyante at kapatid na lang nila ako.

​May ginawa kami ni Franzine sa aming isang subject dahilan para maabutan ako ng dilim. Ang malas ko pa kasi iyong nasakyan kong jeep ay hindi dumaan doon sa amin kaya kailangan kong maglakad.

​Ang mapusyaw na kulay kahel na ilaw mula sa street lights ang nagliliwanag sa daan. May iilang dumadaan na mga sasakyan at malamig na ang gabi.

​Hanggang sa umabot ako sa may malaking puno sa tabing-daan at may narinig akong impit na ungol-ungol na tila nasasaktan!

​Nanindig ang mga balahibo ko sa katawan at nanlamig ang katawan ko. Natuod ako sa aking kinatatayuan.

​Tatakbo na sana ako nang may umungol na naman at may kaluskos ng dahon sa likod ng malaking punongkahoy. Imbes na tumakbo ako ay dahan-dahan akong sumilip doon sa likod ng puno.

​“Ahhh-” sigaw ko at napaatras at na-out of balance pa ako nang masagi ng paa ko ang isang ugat ng puno. Bumagsak ang pwet ko sa lupa. Tinakpan ko ang bibig ko at nanlaki ang mga mata kong tiningnan ang lalaking nakasandal sa puno ng kahoy at hawak-hawak nito ang kanyang balikat.

​“R-Raziel?”

​Napalunok ako. Saglit kong nakalimutan kung paano magsalita.

​“Raziel, what the fuck are you d-doing here? Answer me, you dimwit!”

​Nailing ko lang ang ulo ko kay Piotr. Bumangon siya at nahihirapang tumayo, naglakad siya tungo sa akin habang hawak ang balikat niya.

​Bumilog ang mata ko nang maaninag kong duguan iyong balikat niya.

​Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Niyugyog niya ang katawan ko.

​“Raziel!”

​“K-kuya Piotr,” nauutal at naiiyak kong sambit nang makita ko ang maraming dugo sa balikat niya.


This story is already at

chapter 11

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 5

#RND05

​ Chapter 5

​Raziel Niklaus

​Nalilito ako, naiiyak, at natatakot dahil may mga lalaking kumuha sa amin ni Kuya Piotr! Huhuhu! Kinidnap kami ng mga lalaki at hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon! Pwede naman sanang ibulong ang address!

​Paano na ang quiz ko bukas? Sana man lang marunong silang magkonsiderasyon sa taong gusto lang mag-aral nang mabuti! Saka kinidnap nila ako kasama si Kuyang Pogi nang hindi ako nakakapagpaalam sa mga Ate ko. Paano kung mag-alala sila sa akin?

​Hindi! Mag-aalala talaga sina Ate kapag umuwi sila sa bahay tapos wala ako roon. Isusumbong ko ang mga ’to kapag nakauwi ako.

​“Isusumbong ko kayo sa mga Ate ko! Sabi nang, saan ninyo kami dadalhin ni Kuyang Pogi, eh! Duguan siya. Dapat sa ospital ninyo kami dalhin!” Humagulhol ako nang walang luha sabay tingin kay Kuyang Pogi na nakapikit lang ang mga mata sa tabi ko at kalmado.

​Sanay ba sa kidnappers si Piotr? Dati, may nabanggit siyang ganito, eh. Hindi kaya… dati na siyang nakidnap at nakatakas?

​Kanina pa ako talak nang talak dito sa tabi ni Kuyang Pogi at nag-aalala sa sugat niya, kaso hindi nagsasalita ang mga kidnapper. Panay lang ang tingin nila kay Piotr dito sa tabi ko. Parang wala silang naririnig o nakikitang iba.

​“Wahh! Huhuhu!” This time, halos umagos na ang luha ko kaso wala talaga! Hindi ko kaya ang Kathryn Bernardo na iyak.

​Umaarte akong umiiyak habang kinakapa ang sarili ko. Bakit hindi ako pinapansin ng mga kidnapper? Tatlo sila, eh. Dalawa sa unahan kasama iyong driver, tapos isa dito sa tabi namin ni Piotr sa backseat. Ngunit bakit ni isa, walang pumapansin sa akin?

​Naging invisible ba ako? Wahh! Ayoko na!

​“You’re alive. They see and hear you, you dimwit,” namamaos na untag ni Piotr sa tabi ko habang nakapikit.

​Mabilis na pumihit ang ulo ko sa kanya at emosyonal ko siyang binalingan. Nagpunas pa ako sa mata kong walang luha. Hinawakan ko ang kamay niya.

​“Buhay ako. Huwag kang mag-inarte d’yan,” saad nitong muli bago pa ako makapagreact sa kanyang naunang sinabi.

​Ay?

​Hinabaan ko siya ng nguso ko. “Akala ko nasa kritikal ka nang kondisyon, Kuyang Pogi! Itong mga kidnapper, hindi nakikinig sa akin. Sinabi kong dalhin ka sa ospital kasi may sugat ka, pero hindi sila nakikinig.” Sumbong ko sa kanya.

​May narinig naman akong mga tikhim. Hindi ako sure kung saan galing iyon pero… A. Sa mga kidnapper. B. Sa tatlong lalaki na kasama namin. C. Lahat ng nabanggit.

​Siyempre, iisa lang naman ang identity nila kaya letter C ang sagot! Lahat ng nabanggit.

​“Kuyang Pogi, bakit tayo kinidnap? May quiz ako bukas, eh!” ungot ko na naman. “Kailangan ko pang mag-study.”

​“I really cannot believe you, but, yeah, you’ll study in my penthouse. Don’t worry, uuwi ka rin later,” aniya at sa wakas ay iminulat na ang mga mata.

​Matamis akong ngumiti kay Kuya Piotr.

Tumingin siya sa akin, namumungay ang mga mata niya kulay brown. Ilang minuto ang naging titig niya hanggang sa bigla kong naramdaman ang kakaibang ritmo ng damdamin ko, dahilan para mawala ang ngiti ko.

​Bakit titig na titig itong si Piotr sa akin? Don’t tell me… naging multo-

​“Huwag mo nang ituloy kung ano man ang iniisip mo. Tanga talaga!”

​Kinurot ko siya sa tagiliran niya at pinanlisikan niya naman ako ng mga mata.

​“Kanina mo pa po ako inuunahan, ah. Nababasa mo ba ang nasa isip ko? Mind reader ka? O… may telepathy?”

​Ngunit hindi ko inaasahan na bigla niyang kukurutin ang ilong ko!

​“A-aray ko!” daing ko sa kanya. Ngumuso ako at masama siyang tiningnan.

​“Wala. Hindi ako mind reader at walang telepathy. Sadyang halata ka lang masyado,” tamad niyang untag. “Also, sa sitwasyon mo ngayon, iyan pa talaga ang iniisip mo? You’re in a car full of dangerous men, Raziel. Aren’t you afraid?”

​Ngumisi ako. “Takot po! Pero kasama kasi kita, kaya nawala ang takot ko. Takot lang ako na mamatay ka dahil sa sugat mo!” Nguso ko pa sa sugat niya.

​Napakurap-kurap siya parang nagulo ang kanyang payapang mga mata, ngunit ilang sandali lang ay iniling niya ang kanyang ulo.

​“Stop that fucking pout of yours!” padabog niyang untag.

​Saglit akong napatingin sa daan. Ilang minuto na kaming bumabiyahe pero hindi pa rin kami nakakarating sa aming paroroonan. Ang mga lalaking nakasuot ng all-black outfit ay tahimik naman.

​“Desisyon ka naman lagi sa buhay ko, Kuyang Pogi. At saka… nagtatampo pala ako sa ’yo.”

​“And why is that?”

​“Kasi tinanggalan mo ako ng raket, at buwan kang hindi nagpakita…”

​“Because I don’t want to trouble you, you little dumb!” singit niya habang nagsasalita pa ako. Bad! Walang manners!

​Umirap lang ako sa kanya. Hmp!

​“You saw me bleeding, hindi ka pa ba natatakot sa akin? May daplis ako sa balikat, Raziel. Tama ito ng baril, hindi ka pa ba natatakot sa akin? I’m a very… dangerous man. We live in opposite worlds and we have different beliefs.”

​Bumuntong-hininga ako. Ang dami-dami niya namang sinasabi. Oo, kanina natakot ako nang makita ko siyang duguan at natanga nga. Kaso nang mapagtanto kong maayos naman siya… medyo gumaan ang pakiramdam ko.

​Actually, masaya nga ako na nagkita kami ngayon. Aakalain ko kasing ilusyon ko lang iyong mga nangyari noong nakaraang buwan. Pero ngayon na nagkita kami at kilala niya ako, tila may nawalang nakadagan sa dibdib ko.

​Piotr is real. Piotr is not my imagination. Ewan ko sa sinasabi niyang dangerous siya, hindi ko iyon ramdam.

​Kumamot ako sa gilid ng mata ko. Ano ba iyong sinasabi niyang opposite world? Baligtad na ba ang mundo niya? Distorted na ba ako sa paningin niya? Isa pa, ano iyong sinasabi niyang magkaiba kami ng paniniwala? Kilala niya ako? Kilalang-kilala niya ako na alam niya kung ano-ano ang mga paniniwala ko?

​“Hindi nga ako natatakot sa ’yo. Mabait ka, hindi ka bad,” mahinang untag ko.

​Marahas siyang bumuga ng hininga at tumingala sa ceiling ng kotse. Ginaya ko naman siya.

​“You are really naive! I don’t know what to do with you anymore, you little dumb!”

​“Ang dami mong pangalan sa akin!” angil ko at sinilip siya.

​May multong ngisi sa labi niya. Hehe!

​“Tanga, dumb, little dumb, dimwit… ang dami mong nickname sa akin!”

​“You also keep calling me Kuya and Kuyang Pogi. Did you hear any complaints from me?”

​Ngumisi ako. “Wala naman akong narinig, Kuyang Pogi. Unless bumulong ka sa akin, may maririnig ako!”

​“Pfft!”

“Puta!”

“Hahaha!”

​Tawa ng mga kidnapper. Luh?

​“You shut your goddamn mouths, you fucking bastards!” litaniya ni Piotr at halos takpan ko ang tainga ko sa dami ng mura na lumabas sa bibig niya.

​Nataranta akong tumingin sa mga kidnapper na tumikhim at umayos sa kanilang puwesto.

​Pasimple kong kinurot si Kuyang Pogi sa tagiliran niya.

​“A-aw! What the fuck is wrong with you, little man!” asik niya sa akin.

​“Bakit mo naman pinagmumura ang mga kidnapper?!” ang half-yell at half-whisper kong untag sa kanya. Makukurot ko talaga ito sa singit niya!

​“Dammit! Just shut your mouth for a while!”

​Umakto akong zinipper ang bibig ko at umayos sa aking kinauupuan. Ilang minuto nga lang ay tumigil kami sa isang matayog na building. Halos sumakit ang leeg ko kakatanaw sa tuktok nung building. Wahh!

​Inalalayan ni Kidnapper 1 si Kuyang Pogi at ang isa naman ay kinuha ang bag ko. Si Kidnapper 1 ay iyong lalaki na mahaba ang buhok na nakatali sa likod. Malaking tao at maskulado.

​“Salamat po. Naku, mabigat po ang bag ko. Ingatan niyo po iyan, ha,” sabi ko kay Kidnapper 2. Si Kidnapper 2 naman ay mahaba rin ang buhok kaso may shave ang both sides no’n at nakatali ang mahabang buhok. Tapos si Kidnapper 3 naman ay taper fade ang gupit at may ahit ang isang kilay.

​Infairness sa kanila dahil gwapo sila. Mapuputi, matangos ang ilong, at malalaking lalaki.

​Winaksi naman ni Piotr ang kamay ni Kidnapper 1 nang makapasok kami sa elevator. Umalog ang elevator nang umandar ito kaya napahawak ako kay Kuyang Pogi.

​“S-sorry,” hilaw kong ngisi sa kanya. Akmang bibitiwan ko siya nang hawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa kanyang braso at pinirmi ito roon.

​“Wow!” Bumilog ang mata ko nang pumasok kami sa isang silid.

​“Dito niyo po ba kami idi-detain ni Kuyang Pogi? Sosyal na kidnappers po pala kayo-”

​“Shut up, little dimwit. Hindi sila tulad nang sinasabi mo.”

​Napatakip ako sa bibig ko. Huh? Hindi sila kidnappers? Pero bakit nila kami dinampot kanina roon sa tabing-daan?

​Mauuwi lang pala sa wala ang kaba st takot ko kanina? Hindi ito pwede! Dapat kidnappers sila! Aha! Baka hindi na kidnappers ang tawag sa ganitong mudos ngayon?

​“Eh, kidnappers sila, Kuya,” pagmamatigas ko. “May bago na bang tawag sa ganitong mudos ngayon?” Intriga kong sambit at napapakagat labi.

Hindi na maipinta ang mukha ni Piotr.

“Whatever you say, dimwit!”

​“I’ll call a physician for you, sir.”

Sir?

​“There’s no need to. Basta ligpitin n’yo na lang iyong mga kalat.”

​Napalinga naman ako sa paligid. Nasaan ang kalat? Kaya ba dinala ako rito para tumulong sa pagliligpit at paglilinis?

​Yumuko ang tatlong kidnapper at tumalima. Tiningnan ko si Piotr na tumalikod din at umakyat sa hagdan patungo sa second floor nitong bahay niya.

​“T-teka lang, Kuya! Saan ako pupunta? Anong gagawin ko? Saan ang kalat na lilinisin?”

​Naantala si Kuyang Pogi sa pag-akyat doon sa stairs at nilingon ako.

​“D’yan ka lang sa sala. Wait for me here.”

​“Pero ang sugat mo…”

​“I can handle this. Mag-aral ka kung gusto mo. May quiz ka, ’di ba?”

​Kahit na nalilito ako, sinunod ko na lang ang gusto niya. Umupo ako sa sofa ng living area at saka kinuha ang bag ko. Mabuti at iniwan ito ng kidnapper.

​Kinuha ko ang notebook ko at nagsimulang mag-aral. Ang dami namang aaralin, nakakatamad tuloy! Humiga ako sa sofa at itinaas ko ang notebook ko para mag-aral habang nakahiga.

​“Hey, you dimwit!”

​Awtomatik akong napaahon mula sa pagkakahiga ko nang marinig ko ang boses ni Piotr.

​Ngumiti ako nang makita ko itong may bitbit. Nang malapit siya sa akin ay itinapon niya sa kandungan ko iyon. Itinabi ko ang notebook at bag ko saka sinuri ang itinapon niya sa akin. Towel, t-shirt, at boxer shorts.

​“Para saan po ito? Ano ang gagawin ko rito, Kuyang Pogi? Hehe?” tanong ko sa kanya.

​Nagde-kuwatro siya sa tabi ko at pinagkrus ang braso sa harap ng dibdib. Humulma sa malaking bilog ang bibig ko nang makita ko ang malapad na dibdib ni Piotr na gumagalaw. Naka-topless lang kasi siya ngayon at itim na sweatpants. Kahit ang kanyang braso ay umuusli ang ugat at ang lapad talaga ng dibdib. Ngumuso ako nang makita kong nagamot na niya ang balikat niya. Mabuti naman. Akala ko kasi bata siya na kailangan pang pagsabihan.

​“Kainin mo ’yan!” sarkastiko at banas niyang wika. “Subukan mong kainin ’yan kung pwede ba!”

​Kumibot ang labi ko sa kanya. Nagsi-igtingan naman ang kanyang panga at nagtatagpo ang kilay na pinukol ako ng tingin.

​Pagkain pala itong hawak ko? Mukhang hindi naman. Damit ito, eh. Pero sabi niya pagkain daw. Dinala ko sa bibig ko iyong boxers na kulay black at nangatngatin ko na sana ito nang mabilis iyong naagaw ni Piotr.

​“Tanga! Hindi ito pagkain!” Umusli ang ugat sa noo niya sa pagkakunsumi sa akin. Pinalobo ko ang bibig ko bago siya nilabian.

​“Sabi mo… pagkain at kainin ko.” Pinaglaruan ko ang daliri ko.

​“Tanga!” Hingang malalim niya. “That was sarcastic. I didn’t mean to-argh!” Malakas niyang ungol at napahawak sa sintido niya. Hinimas niya ito na tila sumasakit na ang kanyang ulo.

​“You are so fucking good at driving me nuts!”

​Luh? Naninisi pa? Siya nga itong may kasalanan kung bakit gusto ko ngatngatin iyong boxers. Sabi niya pagkain. Bobo rin ito, eh. Ayaw pa tumanggap ng pagkakasala! Bad! Very bad!

​“What do you think was the reason why I fucking brought you here?” seryoso niyang untag at humigpit na ang pagkakahawak doon sa boxers.

​“Luh? Kuya Piotr naman! Nakalimutan mo bang hindi ikaw ang nagdala sa akin dito?” Itinuro ko ang direksyon ng pintuan. “Iyong tatlong lalaki kanina, iyong mga kidnapper ang nagdala sa atin dito! FYI!”

​Nasapo niya ang mukha at namumula ang mukhang hinilamos ang palad sa pagkakunsumi. Ay? Bakit siya ganyan? Siya nga itong ulyanin na, eh. Pinapaalala ko lang sa kanya iyon. Dapat nga siguro bumalik siya ng senior high school.

​Madrama kong iniling sa pagkadismaya ang aking ulo sa kanya.

​“Magbihis ka. May banyo malapit sa kitchen. Magbihis ka dahil may dugo ang uniform mo. Ibigay mo sa akin ang uniform mo para malabhan bago ka umalis.”

​Napatingin ako sa uniform ko. Niyugyog niya pala ako kanina kaya naduguan ang uniform ko. May munting patak din ng dugo iyong pants ng uniform ko.

​“Aalis na ako na walang dinner? Ikaw dahilan kung bakit ako nandito. Pakainin mo naman ako. Ang ungrateful mo talaga sa akin.” Nguso ko sa kanya.

​Napahilot siya sa bridge ng kanyang ilong.

​Tumayo siya. “Fine! Samahan na kita sa kitchen para makapagbihis ka sa banyo at magluluto ako.”

​“Yehey!” Patalon akong tumayo sa tabi niya.

“Pwede rin ba akong mag-request ng ulam?” tanong ko sa kanya at kinukurap-kurap ko ang mga mata ko sa kanya.

​Nakita ko ang pag-alon ng adam’s apple ni Piotr. Animo’y may malaki siyang nilulunok.

​“Stop doing that!”

​“Huh?”

​“Stop the fuck acting cute in front of me.”

​Nagusot ang mukha ko sa kanya. Luh? Cute ba ako? Cute lang?

​“Gumalaw ka na d’yan, tanga!” aniya bago itinapon sa pagmumukha ko ang boxers.

​Ay? Mabuti nasalo ko iyon.

​Lakad-takbo tuloy akong sumunod sa kanya kasi ang hahaba ng hakbang niya. Parang kapre siya. Malaki, maitim, at nakatira sa malaking puno ng kahoy! Hehe! Joke lang!

​Lumabas ako ng banyo at amoy ko naman ang mabangong amoy na galing sa niluluto ni Piotr sa kusina. Ang gara ng kusina niya malinis at maraming equipment. Nagluluto siya roon sa parang touch screen lang na lutuan. May hinahalo siya at natatanaw ko mula sa likod niya ang paggalaw ng kanyang muscles sa likod sa bawat halo niya roon. Topless kasi habang nagluluto.

​“Uhm…” kuha ko sa atensyon niya.

​Nilingon niya ako habang hawak ang isang sandok. Bigla akong nahiya kasi suot ko lang ang isang malaking t-shirt na kulay black din at boxers, pero hindi nakikita ang boxers kasi natatakpan ng malaking damit.

​“Ito,” inilahad ko sa kanya ang uniform ko na nakatupi.

​Pinilig niya ang ulo at saglit na pumikit bago tumikhim. Kinuha niya sa akin ang uniform. Umalis siya patungong living area nang walang sinabi. Umupo na lang ako sa stool sa harap ng pinaglulutuan niya. May narinig akong mabibigat na yabag ng paa kaya napalingon ako doon. Nakita ko si Piotr na may dalang towel na may malalaking marka na letter H.

​“Ay!” sambit ko nang pinihit niya ang kinauupuan kong stool at inilagay niya sa kandungan ko iyong towel.

​“Bakit mo po ako nilalagyan nito?” tanong ko sa kanya.

​Itinungkod niya ang isang kamay sa may counter sa gilid at tiningnan ako sa pagitan nung mahahaba niyang pilik-mata.

​Lumunok ako nang may maramdaman akong kakaiba sa mga matatalim niyang titig sa akin. Luh! Baka may supernatural powers itong si Kuyang Pogi! Binubudol niya ba ako? Wahh!

​“You… you might be fucking cold,” sabi niya na tila kinakapos sa hangin.

​Ay? Sa bagay nga! Ang lakas kasi ng aircon nitong bahay niya, eh. Dinaig ang aircon sa mga mall at computer lab namin!


This story is already at

chapter 13

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))


Return to top?