Rajer (VIP Body #1)
Maasim2 · 3 chapters · 2,864 words
Rajer
VIP BODY SERIES 1
Mabait at masipag na ama at asawa si Rajer sa kanyang asawa’ng si Bianca at anak nitong babae.
Palagi mang abala sa pagpapatakbo ng pag-aari nitong fast-food corporation sa loob at labas ng bansa, hindi pa rin nito nakakalimutang pag-laanan ng oras ang mag-ina.
Subalit nang umuwi siya nang Pilipinas para ayusin ang papeles sa bagong branch na itatayo, doon muling nanumbalik ang kanyang kagustuhang magpa-ubaya ng katawan sa mga bakla.
VIP BODY COMPANION
Codename: Chino
Occupation: Owner and CEO of Multinational Fast-food Corporation
Rating: 4.7 stars
Service Fee: 570, 000 / hour
M2M | PURE TOP | MUSCLE WORSHIP
Standby …
Prologue
New Branch
Nakapatong ang isang kamay ko sa ibabaw ng conference table, habang ang isa ay sinisimsim ang takip ng mamahaling ballpen sa sobrang pagkaburyo.
Tignan ko pa lang ang mga tambak na papeles na kailangan kong basahin at permahan, sumasakit na ang ulo ko.
“Boss, bukas makalawa na po ang alis niyo patungong Manila,” paalala ng executive assistant kong si Aeron. Pinoy rin ito at dito rin nakatira ang pamilya sa States.
Tumango lang ako saka kinuha ang kape sa gilid. Humigop ako bago nagtanong, “Ano-ano na nga ulit ang kailangan kong gawin do’n?”
Opening ng isang branch namin sa isang lugar doon sa Maynila. At kailangan raw na nandoon ako para mag-assist at mag-perma ng mga anik-anik.
Tumango si Aeron at inilatag ang folder sa mesa. Pagkatapos ay binasa ang listahan sa hawak nitong clipboard. “May kailangan po kayong permahan sa franchise agreement, tapos business permits na kailangan niyo pong ma-submit sa LGU, at pagkatapos ay employment contracts para sa bagong staff.”
Huminto siya saglit. Akala ko ay tapos na, ngunit mali ako.
Nagpatuloy siya, “meron din pong bank documents for capital allocation, at saka po ang lease agreement para po sa location po mismo ng branch.
“Bukod doon, gusto rin po kayong ma-meet ni Mr. Perez — a possible partner — for joint venture in the said branch…”
At nagtuloy-tuloy pa siya nang hindi matapos-tapos.
Sumakit ang ulo ko sa mga narinig. Ang dami naman! Bakit ba kase naisipan pa ni Bianca na mag-open pa ng panibagong branch sa Pilipinas? Ang dami na naming branch doon ah!
“Pwede bang online na lang?” inip na tanong ko. Batid ko ring bawal, pero nagbaka-sakali lang akong may himala.
“Hindi po pwede, boss,” pag-kompirma ni Aeron.
Napapikit ako at napabuga ng hangin. Para bang nagulat pa ako sa narinig.
“Sige sige, pwede ka nang lumabas,” utos ko. Lumabas siya matapos magpa-alam.
Hinilot ko ang sintido ko saka napasandal sa swivel chair.
Ayaw ko talagang bumalik sa Pinas. Bukod kase maraming korap doon at sobrang taas ng allocated taxes, hindi pa maganda ang ekonomiya. At saka…
Kaya nga dito na kami nag-stay ni Misis kasama ang anak namin.
Pero hindi ko maintindihan kung bakit ang hilig niyang magbukas ng maraming branch sa fast-food business namin. Okay naman din ang takbo ng branches namin dito sa Estados Unidos.
Alam ko namang may kinalaman ’yon sa naiwan niyang pamilya sa Pinas. Pero ayos na rin naman ang mga ’yon sa isang branch na ipinamahala namin sa kanila!
Lintek kasing linta niyang pamilya eh. Ginagatasan nang ginagatasan ang anak. Pero no’ng panahong walang wala kami ni Bianca, kulang nalang isumpa ako at ang asawa ko.
Muli kong ibinalik ang atensyon sa mga papeles na nakatambak sa mesa. Binasa at pinermahan ko ang mga importante, habang ang mga hindi ay tinambak ko lang ulit.
Kinuha ko na agad ang leather bag ko saka tumayo at lumabas ng opisina.
“Mr. Lim, Mr. Sowells wants to request a preliminary meeting with you this afternoon,” bungad ng isang stuff pagkalabas ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad kaya sumunod lang ito.
“Who?”
“Mr. Sowells—”
“I mean who is that?!” inis na saad ko. Ta-tanga-tanga pa ’tong isang ’to.
Na para bang kilala ko lahat ng tao dito sa States?
Napalatak ito. “Uhm… he’s a major stockholder from Meta who wants to invest in franchise expansion—”
“Reject it.” Pinutol ko siya.
“But, Mr. Lim…”
Pinukol ko siya ng masamang tingin kaya natahimik siya. Sumakay na ako sa elevator saka bumaba patungo sa first floor.
Hindi na sumunod ang kupal.
Pagkarating ko sa parking lot, pinagbuksan ako ng personal driver ko saka pinaharurot ang sasakyan.
Pagkauwi ko, saka lang ako nakahinga ng maluwag at napangiti nang masilayan ko ang mag-ina ko sa bahay.
Nakipag-bonding ako sa kanila. Sinamahan ko rin silang mag-shopping, at saka sabay kaming nanuod sa sinehan ng pelikula.
Pagod kaming umuwi sa bahay at naghapunan. I felt lucky to have my wife and my daughter stay beside me. Kahit pa nasa hindi kumulang dalawang linggo na magkakahiwalay kami bukas makalawa.
That night, someone called me.
“You’re going back here, hmm? Gusto mo bang i-renew ko na agad ang kontrata mo, Raj?” anang malanding boses.
Kumuyom ang kamao ko. Ito na naman ang kinakatakot ko. Ang kalabanin ang sarili ko.
Rajer - Rey-jer
Raj -
Radj
Kabanata 1
He’s back
Pagkabukas pa lang ng pinto ng eroplano, agad akong sinalubong ng matinding init at masangsang na hangin. Napapikit ako.
Lintek. Nasa Pilipinas na nga ako.
Tahimik akong naglakad palabas habang may dalawang security personnel na sumusunod sa likod ko.
Habang nasa immigration line ay binuksan ko ang cellphone ko na agad ko ring pinagsisihan.
Dalawampu’t pitong emails, labing apat na missed calls, tatlong meeting reminders. At isang message mula kay Aeron.
Aeron: Good luck, boss.
Neknek.
Paglabas ko ng arrival area ay agad kong namataan ang mga naghihintay.
Nanguna si Leo naCountry Operations Manager na matagal na sa kompanya ko dito sa Maynila. Mas matagal pa yata kaysa sa kalahati ng managers namin sa Amerika eh.
Katabi naman niya si Janelle na may hawak na tablet. At sa likuran nila ay si Marco. Marco Villanueva, pinsan ng asawa ko.
Isa si Marco sa iilang kamag-anak ni Bianca na may silbi at hindi display sa sarili naming kompanya.
“Good afternoon, sir,” bungad ni Leo.
Tumango ako. “How are you?”
“Ayos naman po, hehe.” Humawak ito sa likod ng leeg at ngumiti.
“Kamusta po ang biyahe?” singit ni Janelle na kasamahan ni Leo sa work.
Napatingin ako sa kanya at natahimik siya. “Sorry po.”
Wala pa akong sinasabe ah?
“Welcome back, Kuya Raj.” anii Marco nang makuha ang mga bagahe ko mula sa SPs.
“Na-miss kita, Marc,” ginulo ko ang buhok niya matapos kong ngitian itong batang ’to.
“Ahhh… Kuya Raj, hindi na ako bata!” sita niya sa akin. Huling kita ko rito ay teenager palang ’to e. Ngayon, binata na.
Umiling iling ako. Three years… it’s been three years since I’ve stepped foot in my own country.
Kinuha nila ang mga gamit ko at nagtungo kami sa parking area.
Magulo, maraming tao, at ganun pa rin ang trapik. Same as usual. Mukhang iyon ang isang bagay na hindi kailanman magbabago sa bansang ito.
Pagkasakay ko sa sasakyan ay agad kong isinandal ang ulo ko sa upuan.
Tahimik kaming bumiyahe sa loob ng ilang minuto.
Hanggang sa nagsalita si Leo.
“Sir, dederecho po ba tayo sa mansion?”
Napadilat ako. “Hindi.”
“Sir?”
Hindi na ako sumagot. Ayuko munang dumiretso doon dahil mag-isa lang ako doon, ang makakasama ko lang ay mga tauhan ko. Baka bukas or makalawa nako babalik don.
Napipilan si Leo.
Sa rearview mirror ay nakita kong pinipigilan ni Marco ang pagtawa.
“Hotel, then,” si Leo na wala nang nagawa.
Makalipas ang halos isang oras ay narating namin ang bagong branch.
Pagbaba ko pa lang ng sasakyan ay agad kong nakita ang gusali.
Malaki at malinis, mukhang mahal.
Kapag si Bianca talaga ang gumastos, para iyong may personal na misyon na ubusin ang laman ng bank account.
Pagpasok pa lang namin sa loob ay agad akong sinalubong ng malamig na hangin mula sa air-conditioning.
“Good afternoon po, sir!”
Napalingon ako sa lalaking halos tumakbo papalapit.
Nakasuot ito ng long sleeves saka necktie. Halata ang kaba nito sa katawan.
“Sir, ako po si Ronald. Branch Manager po.”
Tumango ako. “Okay.”
Nang parang namumutla ito ay hindi ko mapigilang tumawa sa isip. Natakot ko yata. “Relax.”
“Po?”
“Mukha kang aatakihin sa puso.”
Namula ito.
Sa likod ko ay narinig kong napahikbi sa tawa si Marco. Hindi ko na pinansin. Bahala sya diyan.
Naglakad ako papasok.
“Show me everything.”
At agad naman kaming nagsimula.
Una naming tinungo ang dining area. Malinis at maayos ang ayos ang mga mesa. Pantay ang pagitan. Walang nakakalat.
Good.
Sunod ay ang kitchen.
Doon ako mas matagal. Hindi naman ako chef pero negosyo ko ito.
Kung may mali rito, pera ko rin ang mawawala.
Tahimik akong nagmasid habang nagpapaliwanag si Ronald.
Paminsan-minsan ay tumatango ako. Paminsan-minsan naman ay nagtatanong.
“Capacity?”
“Three hundred fifty meals per hour po.”
“Storage?”
“Good for almost three weeks po.”
Tumango ako.
Hindi masama.
Maayos rin ang inventory room. Nagpatuloy ako sa pag inspect. Halos dalawang oras din bago natapos ang buong inspection.
At sa kabuuan…
Satisfied naman ako.
Hindi siya perfect. Pero wala namang negosyo na perfect. Kahit ang headquarters namin sa California may reklamo pa rin ako araw-araw. Pero desente na itong bagong branch kaya ayos na rin.
Paglabas namin ng branch ay alas kuwatro na ng hapon.
At doon ko naramdaman ang pagod.
Mahigit sampung oras na flight.
Dalawang oras na inspection.
At wala pang matinong tulog.
“Sir, derecho na po tayo sa hotel?” tanong ni Janelle.
“Oo.”
At wala nang tumutol.
Mukhang nakita rin nila sa mukha ko ang pagod.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating kami sa hotel.
Pagkababa ko ng sasakyan ay agad akong sinalubong ng staff para kunin ang mga gamit ko. Na-briefed na rin siguro ang mga ito na darating ako.
Pagdating sa suite ay agad kong inilapag ang leather bag ko sa sofa. Pinalabas ko na sina Marco saka Leo, sumunod din si Janelle, tapos ay sinabihan kong huwag muna akong isturbohin maliban sa dinner.
Kahit pagod, kinuha ko ang cellphone ko at agad na nag-video call.
Ilang segundo lang ay lumitaw na ang mukha ng asawa ko.
Napangiti ako.
Kasunod no’n ay ang mukha ng anak namin.
Mas lalo akong napangiti.
Nawala paunti-unti ang pagod ko sa katawan.
“Papa!”
“Hey, princess.”
“Na-miss mo ako?” anang bulinggit ko. Ang cute-cute talaga.
Napatawa ako. “Ikaw, sa tingin mo?”
“Opo.”
“Correct.” Ngiti ko saka kumindat.
At tulad ng inaasahan, lumaki agad ang ngiti niya. “Pero I miss you more, daddy! Balik ka na po agad!”
“E isang araw pa lang tayong hindi nagkikita, miss mo na agad ako?” Ngumuso ako.
“Ehhh daddy…” nagmaktok na ito kaya agad na kinuha ni Bianca ang ipod na hawak saka iyon ang kumausap sa akin.
“Kumusta naman ang inspection? Maayos ba ang bagong branch, mahal?” siyasat niya.
Hinilot ko ang sintido saka napatingin sa kisame. “I wanna go back there.”
Rinig ko ang munting tawa niya. “You need to chill. To be honest, kaya kita pinauwi diyan, para naman makapagpahinga ka, Raj. Subsob ka dito sa trabaho, although hindi naman ako nagrereklamo dahil napaglalaanan mo ng oras kaming mag-ina mo. Pero syempre, naaawa rin ako para sa katawan mo, ’no!”
Napatingin ako sa kanya saka hindi makapaniwalang sinuri kung nagsisinungaling siya. Pero seryoso na siya ngayon. “Seriously?”
“Hmm.” Kinuha niya ang anak namin saka pinalaro doon sa may gilid ng toys and dolls nito, saka siya naglakad pabalik. Binuhat nya ang ipod bago siya nakataob na humiga sa kama namin. “Mahal, I’ve been thinking about that for months na. Kung paano kita mapipilit na magpahinga. E alam ko namang tatanggi ka, so ang naisip ko—”
“—na pauwiin ako sa Pilipinas?” tinuloy ko ang sinabe niya. Napailing ako, pero sa loob ko ay nagpapasalamat ako sa asawa ko. She’s concerned on my well-being. “Kaya ka ba nagbukas ng bagong branch dito?”
She rolled her eyes. “Tangek, hindi. Ang plano ko, ako ang uuwi diyan syempre. Miss ko na rin sina Mama at Papa e. Saka mga relatives ko, pero naisip ko, what if ikaw nalang? Para after like, two days ng inspection ng permahan ng papers… pwede ja nang magliwaliw muna for two weeks before going back here in the US.”
Umasim nang konti ang mukha ko nang mabanggit niya ang pamilya nya. Pero agad ko ring binawi dahil ayukong masira ang mood niya.
“Ikaw talaga,” aniko. Kaya mahal na mahal kita e.“
Ilang orminuto pa kaming nag-usap. Hanggang sa pinatay nya na ang tawag at ako naman ay nakatulog na sa sofa. Nagising nalang ako nang dumating si Leo para sabihing magdidinner na kami.
Matapos ang dinner ay umakyat ako pabalik sa kwarto saka naligo at nagbihis. Naka kalagitnaan ako ng umakyat si Leo at sabihing may bisita ako.
“Sino?” tanong ko.
Napapikit ako nang kumagat labi ito. Damn. Kilala ko na kung sino.
“Parents po ni Ma’am Bianca.”
“Sige, bababa ako pagkatapos magbihis.”
Tumango siya saka umalis na. Hindi maganda ang mood ko pagkababa ko.
“Hello, my dear son!” ang bungad ni tita Vivoree.
“Hello po, Mrs. Villanueva,” mapaklang saad ko.
Aktong magbebeso ito sakin pero nauna na akong umupo sa round table.
Imbes na mainis, ngumiti ito ng matamis saka umupo at tumabi sa asawa.
“Dear, gumwapo lalo ang son-in-law natin, right?” aniya kay tito.
“Hmm, ganun na nga,” napipilitang saad ni Tito Robert. Hindi ito makatingin sa akin ng diretso.
Kung si Tita ay manhid at makapal ang mukha, itong si Tito ay alam batid ang pagkamuhi ko sa kanilang mag-asawa.
Pero sunod-sunoran sa asawa si Tito, anong magagawa niya kung anyayahin siya nitong makipag meet up sakin?
Tch.
“How’s living in the States?” panimula nito.
Sumubo lang ako ng hotdog saka sumagot. “It’s peaceful.”
Kuminang ang mata nito nang mapagtantong nakuha nito ang atensyon ko. “Really? You know naman na gusto namin kayong bisitahin doon, pero sobrang busy rin kase dito sa Pilipinas kaya hindi namin magawa-gawa ni Robert. Hays. I’m sorry dear…”
“You don’t need to go there and visit us,” walang emosyong saad ko.
Napilitang ngumiti si Tita saka inayos ang upo. “Raj, hanggang kailan mo ba kami bibigyan ng cold treatment ni Robert?”
Dahil sa sinabe niya, huminto ako sa pag-nguya ng laman ng Lobster at tinitigan sya sa mata.
I smirked. And speak up my mind. “Si Bianca lang ang pinakasalan ko at hindi kayo, Mrs. Villanueva. Be thankful nalang at hindi ko kayo tinatanggalan ng karapatang gamitin ang connection niyo kay Bianca para manatili ang posisiyon niyo sa kompanya ko, at sa businesses ko. Now if you excuse me,” at umalis ako roon nang hindi sila tinatapunang muli ng tingin.
“Marco, let’s eat outside!” wika ko saka lumabas ng hotel na ’yon.
THIRD PERSON
“He’s really back!”
Iyon ang bumungad sa taenga ni Patrick pagpasok palang ng Office ng Director.
“Director,” tawag niya.
Tumingin ito nang may kinang sa mga mata at kinuha ang iniabot niyang papel. “Patrick, puntahan mo si Sebastian ngayon din at sabihin na kontakin niyang muli si Raj. And bring this to him. Asap!”
Inabot sa kanya nito ang clipboard.
“Opo!” mabilis ang paggalaw ni Patrick at lumabas nang office para puntahan ang booking manager ng Gilded Circle na si Sebastian.
Habang nagmamadaling pindutin ni Patrick ang elevator, hindi niya mapigilang marinig ang sinasabe ng ilang interns sa paligid.
“Nabalitaan mo na rin ba? The Kingmaster is back in the Philippines!” anang isa. “I can’t believe it! After all these years… huling kita ko sa kanya, namasa ang panty ko!”
“Oo, my god! I can’t wait to see him! At balita ko nire-recruit na ulit siya ni manager para bumalik sa Agency!” anang isa pa. “Oh, to be his client….”
“Weirdos.” bulong ni Patrick, itinuon ang atensyon sa clipboard na hawak at binasa ang laman sa papel na nakasulat.
Agent L-23
Chino, Legacy Agent. Rating: 4.6 Prestige Index: 99.8%
Historical rate: 360, 000 / hour
Hindi maintindihan ni Patrick kung bakit parang maraming gustong bumalik sa Agency itong… Chino… kuno na ito. Dahil one year ago lang nang makapasok si Patrick ay hindi niya nakita sa personal itong Chino kuno na nagngangalang Rajer Lim, at hindi niya maintindihan ang buong Agency bakit parang mas baliw na baliw sila rito kumpara sa ibang Legacy Agents na inactive na rin ngayon.
May mas gwapo naman kay Chino. May mas matangkad, ma-appeal, at mas mataas ang rating. Pero dahil lang sa Prestige Index, duh…
For Patrick, Prestige Index is nothing. Mas mahalaga sa kanya ang rating, since those are based on experiences of the previous clients with their companions. They wouldn’t rate low if the companion is good.
For him, Tristan Evander — his one and only crush in the Agency — is the most perfect Agent here. Sobrang gwapo, makinis, matangkad, mabait, at maganda ang hubog ng katawan. At higit sa lahat, currently active. Si Tristan dapat ang tinitingala, at ito dapat ang pinagkakaguluhan at hindi si Chino.
Chino, tss. Loser.
~
Sobrang exciting gawin ang world building ng Gilded Circle Agency. Pag naintindihan niyo na pano tumatakbo itong Agency, mas maiintindihan niyo bakit maraming gustong mag-rent sa mga Agent kahit sobrang mahal.
At mas maiintindihan niyo bakit maraming gustong bumalik si Raj sa Agency, temporarily or permanently.
At bakit maraming straight, may asawa man o wala, ang gustong pumasok sa Agency na ito at nagpapatikim ng katawan sa mga bakla. Bakit nga ba? Well, subaybayan niyo nalang.

