loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Living with the 13 Guys

Living with the 13 Guys

Ajai Kim · 52 chapters · 112,336 words

Prologue

This story was inspired by one of my favorite Reverse-harem anime called Brothers Conflict and kpop boy group TREASURE.

What if? Dahil sa tradisyon ng inyong pamilya ay mapipilitan kang tumira sa bahay ng labintatlong nagagwapuhang mga kalalakihan?

What if? Sa pagtira mo sa bahay na iyon ay mainlove ka sa isa sa kanila?

Pero, What if? Kung lahat sila ay magkagusto sayo?

Masarap nga siguro sa pakiramdam na maraming nagkakagusto sayo, kasi tinitingilaan ka nila at hinahangaan pero dahil lang doon ay magugulo ang lahat..

May desperado,

May obsessive,

May possesive.

Ano ang gagawin mo? Pipiliin mo ba ang taong sa tingin mo ay karapat-dapat sayo? O, ang taong mahal mo?


GENRE:

Reverse-harem/Romance/Obsession.

WARNING: The characters of this story and their mindsets were not perfect as you think. You don’t need to say offensive things to the story if you don’t like it. Research this story genre first. Constructive criticism is allowed and I appreciate that.

This story contains incorrect typos/spelling/grammar. I’m not a professional writer so please bear with me.

I wrote this story during my jeje days, so please forgive the

cringeworthy

and messy plotline.

The real original casts of Living with the 13 Guys is from the Former K-pop boy group,

TOPPDOGG

who debuted last 2013 but when they disbanded, I revised it into TREASURE fanfiction casts.


P

lease like

my

Facebook page:

“Ajai_Kim WP Stories”

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Copyright © 2015 by Ajai_Kim

All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the publisher except for the use of brief quotations in a book review.

Chapter 1 - Living with the 13 Guys?

Trinity’s POV

“WOOOHHHH! YEAAAHHHH!” Sigaw ni Chae habang nakikipag sexy dance sa harap ng kanyang boyfriend na si Leo.

Kung hindi niyo pa naitatanong ay nandito kami sa bar kasama si Chae, my bestfriend at ang kanyang 4 year longtime boyfriend na si Leo Aragon. Mahilig kaming gumimik tuwing friday night at past time na rin kapag wala kaming inaasikaso sa school. Para nga akong chapperone dahil ako lang ang walang boylet na kasama, well? I don’t want a commitments dahil ineenjoy ko pa muna ang single life ko, bukod sa mga koreanong crush ko na sila G-Dragon, Lee Minho, at Jay Park ay wala na akong gusto kundi sila lamang.

I’m Trinity Hernandez, 18 years old at isang 4th year college student sa YG Academy at isa lamang akong hamak na “DYOSA”. Hahaha totoo yan dahil ako ang muse-muse’san ng YG Academy. Nabihag ko lang naman ang puso ng mga lalakeng estudyante sa YGA kaya pinili nila ako as muse. Bragging me? Hehe.

Okay, Back to reality!

Matapos naming makipagsayawan ay naupo na kami sa pinareserved na upuan para sa amin ni Leo e, bigtime milyonaryo lang naman itong boyfriend ni Chae at super duper hot pa kaya kokotongan ko ’tong bruhilda na ’to kapag lumandi pa siya sa ibang lalake.

Kumuha ako ng drinks sa may counter at ininom ito habang ang dalawa ko namang kasama ay naghahalikan at may mga sariling mundo. Well? Sanay na ako.

Napapansin ko ang mga titig sa akin ng mga kalalakihan dito sa bar. Iba na talaga kapag dyosa!

Okay? May nagstand-out sa kanila, ’yong lalakeng nakacolor black na tshirt with matching leather jacket pa. Ang lagkit talaga ng mag titig niya sa akin. Ako naman ay natulala sa angking kagwapuhan niya. I mean napakagwapo ni Leo pero mas napakagwapo ’to.

Napansin ko na papalapit siya sa akin kaya nagback to my senses na ako. Nang makalapit na siya ay umupo siya sa tabi ko at nginitian ako. Tinaasan ko siya ng kilay sa ginawa nya. Playboy ito! Kahit gwapo pa siya ay hindi ako papatol sa mga katulad niya. I hate this kind of guy!

“Why?” Pagtataray ko sabay shot ng tequila na iniinom ko.

Ngumiti na naman siya. Lord! Bakit ang gwapo niyang ngumiti? Ehem.. Trinity, magbehave.

“Hi! I’m Travis, and you are?” Sabay abot ng kamay niya sa akin. Travis? Nice name.

Napansin ko na wala na pala sina Chae at Leo sa tabi ko, malamang ay naghotel na ang dalawang ’yon.

Tumayo ako at kinuha ang bag ko sa may couch sabay sabi sa lalakeng ’to na,

“Sorry, I don’t talk to strangers.” And I walk out.

Oh? ang taray lang ng lola mong diyosa di’ba? Hindi naman kasi lahat ng babae ay makukuha niya lalong-lalo na ako. Tss.

“Makukuha din Kita! Tandaan mo ’yan!” Sigaw niya pa nang medyo nakalayo na ako sa kinaroroonan niya. Aba at isinigaw pa niya ha?

“It will never happen!” Sigaw ko at hindi na siya nilingon.

Dali-dali naman akong lumabas ng bar dahil tumatawag sa phone ang kuya Tristan ko.

“Hello, Kuya?” Sagot ko habang naghahanap ng taxi pauwi ng bahay.

(Trins, umuwi ka na dahil may sasabihin si mommy sa’yo)

“Oh sige, kuya.”

Toot.. Toot..

Ay! Ibinaba agad? Base kasi sa tono ng pananalita niya ay parang ang seryoso niya. Ano naman kaya ang sasabihin sa akin ni mommy?

Nang makapagpara na ako ng taxi ay agad akong sumakay. Pagkadating ko sa bahay ay agad-agad akong pumasok, hindi ko na rin napansin ang pagbati sa akin ng mga katulong namin dahil sa sobrang pagmamadali ko.

Pagkapasok ko sa aming living room ay nakita ko na nakatayo si kuya Tristan na parang hindi mapakali. Si kuya Troy naman ay nakaupo katabi si mommy. Sa mga mukha nila ay halatang may problema nga.

“Finally! You’re here.” Sabi ni kuya Tristan sabay lumapit siya sa akin at inalalayan akong maupo kaharap nila mommy at kuya Troy.

“Baby girl, we need to sell your condo.” Mommy na napayuko.

“Why? Dad gave that condo to me,”

Bakit ibebenta nila ang condo na iniregalo sa akin ni daddy bago siya namatay?

Mommy held my hand. “Baby girl, medyo nalulugi na ang kumpanya natin, kapag naibenta na natin ang condo mo ay mababayaran na natin ang isang utang natin sa isang investor ng kompanya.” Nakikita ko sa mga mata ni mommy na labag sa kalooban niyang ibenta ang condo na iniregalo sa akin ni daddy pero siguro nga ay wala na kaming choice para mabayaran ang utang ng kompanya.

I hugged my mommy. “I understand.” I said.

“Sorry baby girl, kung may choice lang talaga si mommy.” Mommy na hinagod-hagod ang likod ko.

“It’s okay mommy, basta ang mahalaga ay mabayaran natin ang utang ng kompanya.”

After that scenario ay napakalma ko na rin si mommy sa pag-iyak niya. That condo is so precious to me. My dad gave that condo to me in my 18th birthday. Yes, My 18th birthday. He died because of his heart disease and until now ay sariwa pa rin ang pagkamatay ni daddy dahil last month lang nangyari iyon but I hope na masaya na siya sa heaven kasama ang mga angels at si God.

“Trinity, may isa pa kaming sasabihin sa’yo.” Kuya Troy break the silence.

He is my eldest brother, his name is Troy Hernandez, 26 years old at may anak at wife na rin siya. He’s a lawyer and already graduated in YG Academy. He’s not like kuya Tristan na makulit at jolly. Kuya Troy is very sophisticated and a quiet type of guy.

“What’s that, kuya?” Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot.

“You’re living with the 13 guys in one house.”

Ah, ayon lang pala.

T-teka?

What? Are you kidding me?

’W-what? Are you serious, kuya?“ You’re kidding right?“ Napatawa ako.

“You’re kuya Troy is not fooling you around, Trinity.” Mommy in a serious tone of voice.

Seryoso ba sila sa sinasabi nila? Me? I’m a girl and I’m going to live in a one house with those 13 guys?

“But why?”

“Doon ka muna titira Trinity, those guys are our investors sons, mga responsable sila anak at wala silang gagawin na kung anuman sa’yo.” Mommy.

“Pero bakit kailangan ko pang tumira dun? Naguguluhan ako mommy, kuya.”

Napansin ko na kanina pa tahimik si kuya Tristan at parang hindi siya sang-ayon dito.

“Isa sa kanila ang pakakasalan mo, nag-usap na kami ng mga investors about that, kung sino man ang magustuhan mo sa kanila ay iyon ang pakakasalan mo, Trinity.”

Wow! Just wow!

“Mommy, I’m only 18 at ipapakasal niyo na ako kaagad? Ano ako? pambayad utang?” Napatayo ako at napalakas ang boses ko dahil sa sobrang pagkabigla.

“Lower down your voice Trinity, that’s our mom.” Kuya Troy.

Napatayo rin si mommy.

“That’s our tradition Trinity, please do this for us?” Nagteary-eyed na si mommy at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

“Paano naman ako, mommy?” Napapaluha na rin ako.

“Ayoko man anak pero ito ang hiling ng dad mo sa akin bago siya mamatay, gusto niyang magkapamilya ka at lumigaya ka.”

Hays..

Kung hindi lang talaga kila mommy at daddy ay hindi ako papayag sa set-up na ’to. Magkakafiance na ako.

Pagkatapos ng iyakan session ay nakapagdesisyon na akong pumayag. Mababait naman daw ang Labintatlong lalake na makakasama ko sa bahay na ’yon. Mga gwapo kaya sila? O, mukhang mga sanggano at chaka? Hmm.

**

Umakyat na ako sa kwarto ko dahil sa sobrang pagod na rin. Humilata na ako diretso sa kama pagkatapos kong maligo. Dahil alam kong busy sina Leo at Chae sa kung anuman ay kay Bonnie ko na lang ikwinento ang mga nagyari ngayong araw na’to at pati na rin ang pagtira ko sa bahay ng anak ng mga investors ng kompanya namin.

Phonecall

(Really? Ano? mga gwapo ba? Ang haba ng hair mo ’teh ha? Living with the 13 guys in one house? Hahaha!) Nagsisisi tuloy ako na tinawagan ko ’tong si Bonnie kasi alam ko na pa lang aasarin lang ako nito. Dapat si Micca na lang pala ang tinawagan ko!

“Ayoko man sana pero tradisyon daw ’yon, papalugi na ang kompanya at bilin ’to ni daddy bago siya namatay so no choice ako, pero Bonnie.. hindi ko pa sila nakikita. Sa tingin mo ba ay mga gwapo at mababait sila?”

(Gaga! Malamang! Mga anak mayaman sila e, ikaw na talaga ang mahaba ang hair at puputulan ko na sumasayad na kasi dito sa loob ng bahay namin) Narinig ko pa ang tawa niya sa kabilang linya.

“Sira!” Hindi talaga matinong kausap ang babaeng ’to.

(Pero girl, kung sakali ngang may magustuhan kang isa sa kanila, are you willing to marry him na ba talaga?)

Silence..

“Still, I don’t know yet, you know? I hate commitments pero let’s see, hindi ko naman madidiktahan ang puso ko kung meron nga na may isa akong magustuhan sa kanila. Bahala na.”

(But.. Paano na lang kung silang lahat ay magkagusto sa’yo? That’s not impossible dahil titira ka ng ilang months sa bahay na ’yon tapos ikaw lang ang babae. Ano ang gagawin mo?)

Silang lahat? Magkakagusto sa akin? Nah! Imposible!

“That’s impossible! baka nga may mga girlfriends na sila, e.”

(That’s not impossible! Saka magpapakasal ba ang isa sa kanila sayo kung may mga girlfiends sila? Siguro nga ’yong iba sa kanila ay meron na pero sure naman akong nakipagbreak na sila dun. Isa pa bhest, maganda ka, muse ng YGA, nag-iisang anak na babae at mabait pa kaya hindi talaga malayo na magkagusto sila sa’yo)

Hmm.. napaisip ako sa sinabi ni Bonnie, paano nga? Pero sa tingin ko talaga hindi, e. Bahala na nga!

“Whatever! Matutulog na nga ako, kita-kits na lang sa monday, pagod na pagod na kasi ang mind ko. Bye, mwah.”

Magsasalita pa sana si Bonnie pero pinatay ko na agad ang phone ko. Nakakastress ang araw na ’to para sa akin. Goodbye my single life.

Kinuha ko ang bracelet na nakapatong sa side table na malapit sa kama ko at pinagmasdan ito. Ito ang bracelet na binigay sa akin ng kababata ko na si Jojo, binigay niya sa akin ’to bago sila lumipat ng States. Si Jojo ang kababata ko na palagi kong kalaro sa bahay namin. Magkapit-bahay lang kasi kami at sobrang lapit lang ng tinitirhan namin sa kanila. 4 years old ako at that time at 7 years old naman noon si Jojo but I guess, ilang dekada na ang lumipas pero hindi pa rin siya bumabalik. Ang sabi niya sa akin ay babalikan niya ako pero mukhang malabo nang mangyari iyon but I’m still hoping, believing and remembering those promises that he said to me.

Siya pa naman ang first love ko,

Siya pa naman ang gusto kong maging future husband ko..

Makatulog na nga!

Chapter 2 - Biglang Hila with Friendship

Trinity’s POV

It’s Saturday ngayon at dahil nakakaistress ang mga nangyari sa akin kagabi ay mamamasyal ako ngayon kasama ang aking magandang pamangkin na si Valerie sa Mall. Remember? Siya ang anak ni Kuya Troy.

Pinakiusapan ako ni Kuya na ipasyal ko daw muna si Val dahil may kailangan pa silang asikasuhin ni ate Vanessa (Kuya’s wife na mommy ni Val) sa office kaya pumayag na rin ako. Minsan ko lang kasi makasama ang pamangkin ko.

Mall

“Val, Where do you wanna go? Do you want in Playroom Studio?” Tanong ko kay Val habang hawak ko ang kamay niya at nag iikot-ikot sa loob ng mall. She is 5 years old palang.

“Hmp! No! I want ice cream tita!” Huminto siya sa paglalakad namin at biglaang nagpuppy eyes sa harap ko.

Ang cute!

Manang-mana talaga siya sa akin. Haha.

Kunwaring nag-isip pa ako at saka pumayag na rin. “Okay, but be sure na iinom ka kaagad ng water after you eat ice cream. Okay?” Napangiti siya at napatalon.

“Yes tita! I will.”

Then we head to the ice cream parlor inside this mall. She wants strawberry ice cream daw kaya ’yon na inorder niya at ako’y isang dakilang chocolate addict kaya ang inorder ko naman ay chocolate ice cream.

Habang kumakain kami ni Val ay bigla itong nagsalita.

“Tita, Why don’t you have a boyfriend? You are pretty naman.” Tanong niya habang busy pa rin siya sa pagkain.

Aba! Saan ’to natutunan ni Val? Intrigera na ang pamangkin ko?

Hays! Nagmana talaga siya kay kuya Troy na Interrogator.

“Ahm, I’m studying pa kasi Valerie, priority ko muna ang pag-aaral ko.” Sagot ko at pininch ang cheeks niya.

Nagulat naman ako nang ngumiti siya ng nakakaloko sabay alis niya sa inuupuan niya kaya napatayo ako.

“Val, what are-” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil may hinatak siyang guy na napadaan lang sa ice cream parlor na ’to at iniharap sa akin.

Nagulat yung guy sa ginawa ni Val at napatingin ito sa akin.

O_O - Guy

O_O - ako

^_^ - Val

“I’m the cupid Val, and I want you to meet tita, your boyfriend.”

What? Boyfriend ko daw?

Napatingin ako dun sa guy. Ngayon ko lang napansin na ang gwapo pala niya at mukhang mas matanda lang siya sa akin ng tatlong taon. Mukha siyang napapanood ko sa mga Kpop boy group sa Korea dahil sa dating niya. Kung anu-ano talaga ang ginagawang kalokohan ni Val! Manghatak daw ba ng lalakeng napadaan lang at gagawin pang boyfriend ko? Tsk.

Nang nasa pag-iisip na ako ay agad kong nilapitan si Val at hinatak ang kamay niya.

“Ikaw bata ka! Kung anu-ano na lang ang naiisip mo! Halika na umuwi na tayo.”

“But tita, I don’t want to!” Pagmamaktol niya.

Lumapit ako dun sa guy at humingi ng paumanhin.

“Sorry ha? Kung anu-ano na kasing naiisip nitong pamangkin ko, naistorbo ka pa tuloy.” He smiled.

Oh no! Nakakatunaw ang ngiti niya. Ehem! Hormones umayos ka!

“No, It’s okay. Sadyang makukulit lang talaga ang mga bata ngayon.” Pati ba naman boses niya ay napakaganda rin? May pagkamanly pa.

“I don’t want to go home! Let’s bond together with your boyfriend, tita!” Sigaw ni Val.

Aish! Nakakahiya! Nag-eeskandalo na ’tong si Val. Kapag hindi talaga niya nakukuha ang gusto niya ay magwawala at iiyak siya. Hays.

“Quiet!” Hahatakin ko na sana siya ulit nang pinigilan kami ni guy.

“Why don’t you command her wish? I’m willing to be your boyfriend for this day, kawawa naman ang pamangkin mo.” Tiningnan ko siya ng are-you-crazy-look pero nginisian lang niya ako.

Bumitaw sa akin si Val at nagulat na lang ako nang bigla siyang maglupasay sa sahig at umiyak ng umiyak. Napapatingin na tuloy sa kanya ang mga taong dumadaan sa mall. Ang pasaway talaga ng batang ’to kahit na kailan! Napalaki kasing spoiled nina kuya Troy at ate Vanessa.

Lumapit ako kay Val at binuhat siya. “Oh, sige para manahimik kang bata ka.” Pinunasan ko ang mukha nito dahil sa pag-iyak niya.

“Yeeyyy! with my tito?” Bumaba siya sa pagkakabuhat ko sa kanya at nilapitan ’yong guy. Kailan pa niya naging tito ’yan?

“You are now my tita’s boyfriend, right? So you are now my tito?” Tanong ni Val sa guy. Lumevel naman ito kapantay ni Val at saka ginulo ang buhok nito.

“Of course, you can call me tito Kevin.” At binuhat niya sa Val.

Close na sila kaagad?

Lumapit ako sa kanila at saka inirapan si Val. Dinilaan ba naman niya ako? Kainis!

** Dinaan muna namin si Val sa Playroom Studio dahil gusto daw muna niyang maglaro doon kasama ang mga friends niya kaya lumabas muna kami ni.. Kevin ba? At naupo sa labas ng studio.

Ang tahimik naman ng Kevin na ’to, nagmamasid-masid lang siya sa mga taong dumadaan sa harapan namin.

“I’m melting.” Sagot niya nang nakangisi habang hindi pa rin niya ako nililingon.

Napaayos naman ako ng pwesto ko. I’m melting daw? Pwew!

“Hindi kaya kita tinititigan.” Sagot ko saka nilingon si Val sa loob ng studio.

Buking ka na Trinity, Indenial ka pa!

Narinig ko ang pag chuckle niya. “By the way, I’m Kevin Jae but you can call me Kevin nalang.” Sabay offer ng isang kamay niya sa akin as a sign for shakehands.

“I’m Trinity.” Nilingon ko siya at saka ito tinanggap.

‘Kevin Jae’

Naks! Magandang pangalan.

Napansin ko naman na hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko kaya ako na ang unang kumalas.

“S-sorry.” Aniya at umiwas ng tingin sa akin.

Bakit ba ayaw niya akong tingnan? Panget ba ang itsura ko ngayon? Hindi naman ah?

Silence..

“Kevin, sorry kung naistorbo ka pa-” Bigla agad siyang nagsalita. Okay hindi niya muna ako pinatapos magsalita.

“Okay nga lang, wala rin naman akong ginagawa at napadaan lang ako dito sa mall para magpahangin.” And thank god at tumingin na rin siya sa akin.

Bakit parang parami na ng parami ang mga nakikita kong gwapo ngayon? Nung una ay ’yong playboy na guy na ififlirt sana ako sa may bar tapos ngayon naman ay itong hinatak ni Val dito sa loob ng mall para maging boyfriend kuno ko daw? Bakit parang ngayon lang sila nagsusulputan? Mga gwapo naman ang mga taga YGA pero MAS gwapo pa ’tong mga ’to.

Wait! Did I saw him blushed? o namalik-mata lang ako?

“H-hehe, w-wala ’yon. Tara iwan na muna natin si Val dito, may nagbabantay naman sa kanila e, kaya let’s go.” Tumayo siya at hinatak ako mula sa pagkakaupo ko kaya napatayo na rin ako at nakaladkad na rin niya ako. How nice!

“Teka? Saan ba tayo pupunta?” Naiirita kong tanong.

“Basta.”

After a few minutes ay nandito na kami sa harap ng.. Bowling Center?

“Magbobowling ka?” Tanong ko dito sa kasama ko na wagas kung makahila na akala naman niya’y close na kami kaagad.

He formed a small smile from his lips. “Hindi lang ako, kundi tayong dalawa.”

“Are you kidding me?” Nagulat na lang ako nang bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin.

Geez! Mas gwapo pa pala siya kapag malapitan. His pointed nose, pinkish lips, brownish eyes, white complexion, chinito eyes and all over of his features is perfectly perfect.

“I’m not kidding you, Ms. Trinity.” Then he wink at me.

Napatulala ako sa ginawa niya. OMG! I think crush ko na siya. Hoy! ’wag kayo! Crush lang ah? Nothing more, nothing less. E, sino ba naman kasing hindi magkakacrush sa nilalang na ’to e, kegwapo-gwapo at mabait pa. Biruin mo nga naman, ang galing manghila ni Val ng guy. Ang gwapo pa ang nahila. Haha.

Wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa kagustuhan ni Kevin, nag-enjoy naman ako at natuto na ring magbowling nang dahil sa kanya. Favorite sport daw niya kasi ito since bata pa lang daw siya.

Pagkatapos naming magbowling ay nagdecide na kami na balikan na si Val sa Playroom Studio.

“T-thanks for this day.” Biglang sabi ni Kevin sa gitna ng paglalakad namin.

“Ako dapat ang magthank you sayo kasi pinagbigyan mo si Val sa kalokohan niya.” I smiled at him.

“Sana maulit pa ’to. So, friends?” He’s insisting for a shakehands again.

Tinanggap ko naman ito. “Yeah, friends.”

And this day is very memorable for me. I met a new friend named Kevin and I think that he is my first crush. I’m kinda attracted to him because he’s nice and cool but I know my limits at alam ko na hindi ako maiinlove sa kanya kasi si Jojo pa rin ang hinihintay ko kahit hindi ako sigurado kung may hihintayin pa ako. Ganon talaga siguro kapag mahal mo ang isang tao, ni hindi mo magawang kalimutan siya kahit matagal mo na siyang hindi nakikita o nalalalapitan, Ano ba ’yan umiiyak na naman ako, Peste!

Chapter 3 - Let the Battle Begins

Someone’s POV

Nakatitig lamang ako sa litrato ng babaeng gusto kong makasama habambuhay. Gagawin ko ang lahat makuha ko lang siya lalo na’t nalaman ko na makakasama ko siya kasama ang labindalawa ko pang mga kaibigan. Hinding-hindi ako papayag na hindi ako ang magiging fiancé niya. Dapat ako at ako lang!

Papatayin ko lahat ng mga hahadlang sa amin ng aking iniirog. Ayaw na ayaw ko na sinisira at aagawin ang pag-aari ko. Pag-aari ko si Trinity at sa akin siya ng buong buo.

“Trinity Li Hernandez, 18 years old, 4th year college student in YG Academy. The Campus Heartthrob Princess, only daughter of Mrs. Isabella Hernandez and Jorge Hernandez. She have a two brother named Troy and Tristan Hernandez and this georgeous and young lady has N-O B-O-Y-F-R-I-E-N-D.” Pagkatapos kong mabasa ang isang folder na naglalaman ng lahat ng background tungkol kay Trinity Hernandez ay ininom ko ang baso ko na may lamang wine at sumandal sa aking swivel chair.

“Sir, nandiyan na po ang lahat ng background ni Ms. Hernandez.” Sabi ng private investigator ko.

“You’re fired.” Sabi ko habang nagsasalin ng wine sa aking baso.

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. “S-sir? B-bakit po?”

“May kulang sa background na binigay mo.” Tumayo ako at inihagis sa mukha niya ang folder na naglalaman ng lahat ng background tungkol kay Trinity.

“P-pero sir, sinigurado ko po na kumple-”

“Nakalimutan mo yata ang background niya na.. She’s now a property of mine and mine, and yes, she is mine.. now.” I smiled devilishly to this idiot and stupid private investigator.

“Sir-”

“You’re fired.” I said calmy. Kanina pa niya inuubos ang pasensiya ko.

Lumuhod siya sa akin at hinalikan ang sapatos ko. “Maawa na po kayo sa akin sir, ako na lang po ang inaasahan ng pamilya ko. May sakit pong cancer ang anak ko at-”

Bang!

He lost my temper so I bang him with my beautiful gun.

“Inubos mo ang pasensiya ko Mr. Reyes kaya ayan tuloy, mapupunta ka na sa impiyerno.” I smirk again at pinunasan ang damit kong natalsikan ng dugo ng bobong private investigator na ’to gamit ang tissue na nakapatong sa table ko.

“Nadumihan pa tuloy ’tong maganda kong tshirt na favorite brand pa naman Trinity. Tsk tsk!”

Travis’ POV

“Travis, bakit tulala ka na naman diyan? Ilang araw ka nang ganyan.”

“Oo nga tol, siguro nakakakita si Travis ng multo.”

“Baka minumulto na siya ng mga nagiging girlfriend niya. Hahaha!”

Pak!

Binatukan ko lang naman si John. Panira kasi.

“Aray naman Travs, masakit ’yon ha?” John na hinihimas-himas ’yong leeg niyang binatukan ko.

Tinignan ko siya ng masama saka ipinagpatuloy ko ang pagtingin sa kawalan. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin makalimutan ’yong pagpapahiya na ginawa sa akin nung babae sa may bar. Ang swerte nga niya dahil ako pa ang unang lumapit sa kanya, kadalasan kasi ay ako ang unang nilalapitan ng mga babae tapos ang babae na ’yon ay inisnob lang ako? Sa gwapo kong ’to? Hindi matanggap ng ego ko ang mga pangyayaring ’yon. She don’t want to talk to the strangers like me daw? Magkikita’t-magkikita pa rin kami at sisiguraduhin kong makukuha ko rin siya.

“I think it’s a girl.” Napatingin ako sa nagsalitang si Arthur. He’s right. Babae nga ang iniisip ko.. Babaeng ipinahiya ako sa bar.

“Haha! Babae nga pala talaga ang dahilan kung bakit nagkakaganyan si Travis. Ang Cassanova ba ng TREASURE ay nakahanap na ng katapat niya? Kwentuhan mo naman kami.” Inakbayan ako ni Jun.

“Tss! Wala na kayo dun.” Tinanggal ko ang pagkakaakbay sa akin ni Jun at tumayo na para magpahangin sa labas. Alam ko kasi na iintrigahin lang nila ako kapag nagstay pa ako dito sa loob ng bahay kaya minabuti ko na munang lumabas.

Naupo ako sa may swing at napabuntong-hininga ng sobrang bilis. Tsk! Naaalala ko na naman ang babaeng ’yon, pati kasi ang mukha niya ay hindi ko na rin makalimutan. Sige, aamin ko na napakaganda niya, mukha siyang anghel sa sobrang ganda niya. She is the most beautiful woman I’ve ever seen in my life. Marami naman akong magagandang girlfriend and ex-es pero kasi siya.. Ibang-iba, may kung ano sa kanya na hindi mo makalimutan. She had a capable to attract guys and make them fall in love with her, kahit napakasimple lang niya ay i’m the one who’s attracted to her kahit unang beses pa lang kaming nagkita.

“I don’t know her name yet.” For the ’nth time at napabuntong-hininga ako ng sobrang bilis.

“Hoy!”

“Ay! Putangina!” Muntik na akong mahulog sa swing dahil sa biglaang pagsigaw ng malakas ni David sa tenga ko.

“Gago ka ba, David? Bakit bigla-bigla ka na lang sumisigaw diyan? Gusto mo bang mabingi ang tenga ko?” Tinitigan ko siya ng masama dahil sa sobrang pagkainis ko sa kanya.

“Pfft. Sorry na dude, ikaw naman kasi ang seryoso masyado ng itsura mo ngayon.” Umupo siya sa swing na katabi ng swing na inuupuan ko.

Mukhang kakarating lang niya galing sa trabaho niya dahil nakasuot pa siya ng pang-nurse na uniform na kulay puti na para sa lalake at may dala rin siyang backpack. Ewan ko ba dito sa lalakeng ’to, mayaman naman sila at may-ari rin ng ospital na pinagtatrabahuhan niya pero hindi ko alam kung anong meron sa utak nito at gusto pang magtrabaho bilang nurse sa sarili nilang ospital. Ang weird niya. Psh.

“Palibhasa kasi hindi mo sineseryoso ang ibang mga bagay.” He sigh.

“Nagseseryoso din naman ako paminsan-minsan. Ayoko lang na makita niyo na mahina ako sa paningin niyo.” Tiningnan ko siya nang nakakunot-noo. Sumeryoso din ang itsura niya at nakatingin sa malayo.

“Alam mo Travis, matagal na tayong magkakaibigang labingtatlo kaya nga tumira tayo sa iisang bahay lang. Kilala na natin ang bawat isa at lahat tayo ay may iba’t-ibang personalidad pero hindi ba’t sa kabila ng mga personalidad natin ay may itinatago tayong sikreto?” I nodded.

“At ang sikretong ’yon ay hindi natin masabi-sabi sa isa’t-isa.”

Ang weird nitong si David. Why is he saying this?

“Ang weird mo.” Tanging nasabi ko.

Nagkibit-balikat na lamang siya at kinalikot ang iphone5 na hawak niya.

“Para ka din si Jaden, ayaw niyong magshare ng problema niyo at sinasarili niyo lang. Ah sige na Travis, mauna na ako sa loob.” Tumayo siya at pumasok na sa loob ng bahay.

“Sikreto.” Mahinang bigkas ko.

Tama si David, lahat kami ay may itinatagong sikreto and I’m one of them.

** We’re all here in the living room dahil pag-uusapan namin ’yong babaeng sinasabi na magiging fiance ng isa sa amin. I already know that, let me scratch it, WE already know that dahil ’yon daw ay isang tradisyon. Kung sino daw ang magustuhan ng babaeng ’yon na isa sa amin ay yun daw ang pakakasalan niya. She’s living with us. Tanggap na namin ang kapalaran namin dahil mana at mga ari-arian rin ang nakataya dito. Siguro naman ay maganda ’yong babae? Dahil kapag hindi ay hinding-hindi ako magpapakasal sa kanya.

Inaantay na lang namin ang dalawang paimportante na sila Ben at Kevin.

“Ang tagal naman nila.” Naiinip na tanong ni Kyle na patingin-tingin kada segundo sa suot niyang wrist watch.

“Padating na daw sila.” Aniya Sam habang nag-aayos ng itsura niya sa harap ng salamin.

Sa wakas ay dumating na rin ang mga bida na paimportante.

“Sorry. Late ba kami?” Kevin na naghahabol ng hininga at obvious na tumakbo siya papunta dito.

Tumingin si Kyle sa wrist watch niya. “Late lang naman kayo ng isang oras.” At napailing ito.

“Ngayon lang kasi ako inout ng photographer ko kaya pasensiya na mga bro.” Ben

“That’s okay, shall we start?” Sabi ng leader-leaderan na si Daniel.

“Yes.” They all said except me and Jaden.

Lahat kami ay nakaupo sa may sofa at hinihintay ang sasabihin nila sa amin.

“Alam niyo naman siguro na may titirang babae dito at alam niyo rin na siya ang mapapangasawa ng isa sa atin?” Panimula ni Daniel.

“Alam na namin ’yan.” Nabobore na sagot ni Justin at napahikab ito. Kulang pa ba ang tulog niyang mahigit isang araw at inaantok pa rin siya?

“Sabi ni dad ay maganda daw siya kaya wala ka nang problema, Travis.” Tiningnan ako ni Jun at nginisian. Mabuti naman pala at maganda siya, sexy din kaya?

“She’s only 18 years old kaya huwag na huwag niyo siyang gagawan ng masama.” Litanya ni Sam habang dinuduro-duro niya kami ng hawak niyang ruler.

“Hahahaha! Mukha kang teacher sa ginagawa mo kuya Sam, Hahahaha!” John na kung makatawa ay parang wala nang bukas.

“Shut up.” Tiningnan ni Sam si John ng masama kaya tumigil na din ito sa kakatawa.

“Saan na nga ba tayo? Ayon nga, her name is Trinity Hernandez, anak siya ni Mrs. Isabella Hernandez.”

Nanlaki bigla ang mga mata nila Jaden at Kevin. Problema nila?

“What’s wrong?” Tanong ni Mason sa kanilang dalawa.

Umiling si Kevin. “Nothing.” At nakangiti ito.

Bigla namang napatayo si Jaden at akmang papaalis na nang mapigilan siya ng bestfriend niyang si Sam.

“Saan ka pupunta?”

Napabuntong hininga muna siya bago sumagot. “Magpapahangin lang.” Hindi na napigilan ni Sam si Jaden at umalis na nga ito.

“Ang hilig niyo talagang magwalk-out ni Jaden, no Travis?” Nang-aasar na tanong ni David.

“Tss.” Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ng weirdo na ’to.

“And Trinity Hernandez, tomorrow, she will living here.” Daniel na pinaikutan pa kami. Feel na feel talaga niya ang pagleleader-leaderan niya. Psh.

“Baka maarte yan, tapos spoiled brat, tapos matapobre, tapos-”

“Over react ka naman Arthur, base sa sinabi ni Mrs. Hernandez sa aming tatlo ay mabait na anak daw si Trinity at NBSB pa.” Nakangising sagot ni Daniel.

“NBSB? I’m sure na ako ang magiging first boyfriend niya.” John

“As you wish.” Inirapan ni Justin si John.

“May the best man win.” Kevin said with a jolly tone of voice.

Hindi ko alam pero hindi ba napapansin ng mga kasamahan ko dito na sa tinagal-tagal naming magkakakilala ay parang may iba kay Kevin? Para kasing hindi maganda ang kutob ko sa kanya simula noon pa. Mabait at palangiti siya pero.. may mali talaga.

“I guess.” Ben na nagkibit-balikat na lamang.

Pagkatapos ng pagpupulong ‘daw’ namin ay nagkanya-kanya na kaming akyat sa mga kwarto namin. Pagod na rin kasi kaming lahat kaya matutulog nalang kami. Pinaayos na nila Daniel sa mga katulong dito ang magiging kwarto nung Trinity at kung sa minamalas ka nga naman ay malapit pa ’yon sa kwarto ni Daniel. Halatang plinano niya na magkapalapit lang sila ng kwarto nung babae. Tss.

Bumaba muna ako sandali para uminom ng gatas, hindi kasi ako makatulog sa hindi ko malamang dahilan. Nang nasa may kitchen na ako ay nakita ko na nakaupo si Daniel sa may table malapit sa kitchen. Kumuha muna ako ng fresh milk sa may ref at isinalin sa baso saka ko siya nilapitan at umupo sa tabi niya.

“Bakit gising ka pa?” Tanong ni Daniel na ngayon lang yata napansin ang presensiya ko.

“Hindi ako makatulog e, ikaw bakit gising ka pa?” Ininom ko ang baso ko na may lamang gatas.

Napansin ko ang bote ng alak at isang baso na nakapatong sa may table. Anong problema nito at bakit siya naglalasing?

“Nakipagbreak na sa akin si Naomi.” Bigla siyang napayuko. Broken hearted pala siya!

“E, di humanap ka ng iba.” Tumingin siya sa akin at kitang-kita ko na namumula ang mga mata niya na mukhang kakagaling lang sa pag-iyak.

Si Daniel ay umiiyak? Nang dahil lang sa isang babae?

“Mahal na mahal ko ’yong pinsan mo Travis pero mukhang ayaw na talaga niya sa akin kaya ibabaling ko nalang ang pagmamahal ko dun sa babaeng pakakasalan ko.” Biglang nagbago ang itsura ni Daniel na nakakaawa sa Daniel na nakakainis.

“Who? to that Trinity? Remember, hindi mo lang fiance si Trinity kundi nating LAHAT kaya you should play fair.” hindi ko alam kung bakit ganito ako e, babae lang naman ang pinag-uusapin namin dito pero nakakainis kasi ’tong si Daniel, akala niya sa kanya na ang lahat.

“I know, Travis” He sighed at naging kalmado na rin ang mukha niya at saka ito umubob sa may lamesa.

“You look pathetic, kalalake mong tao ay umiiyak ka. Makaalis na nga.” Pagkatapos kong maubos ang gatas na iniinom ko ay iniwan ko na si Daniel sa kusina. Nakakaawa ang itsura niya, he looks so wasted nang dahil lang nakipagbreak sa kanya si Naomi e, alam naman niyang matagal na siyang niloloko nito pero nagbubulag-bulagan lang ang dakilang martyr dahil mahal na mahal daw niya.

Kaya ayokong mainlove e, sakit sa ulo lang at gastos ang mapapala ko, mabuti pa na marami akong babae atleast napapaligaya nila ako at hindi pa sila mga demanding sa oras at pera ko.

Dumiretso na ako sa kwarto ko para makapagpahinga.

Calling..

Leozon Aragon

Tsk! Ano naman kaya ang kailangan ni Leo at sa ganitong oras ay tinatawagan ako?

“Bakit?” Walang gana kong tanong. Dinadalaw na rin kasi ako ng antok.

(Hindi mo naman sinabi sa akin na si Trinity pala ang titira sa inyo, she’s my friend)

Suddenly.. I frozed.

(And bro, my friend is fuckingly georgeous and hot so goodluck!)

Chapter 4 - We Meet Again

Trinity’s POV

Nandito na ako sa tapat ng bahay na titirhan ko. The house is too big and beautiful, hindi ko talaga maimagine na titira ako dito with those 13 unknown guys. Nakalagay na rin lahat ng mga gamit ko sa mga maletang dala-dala ko. Kanina sa bahay ay napaiyak ako dahil malalayo na ako kila mommy at sa mga kuya ko. In my 18 years of existence kasi ay nasanay na ako sa sila parati ang kasama ko at dahil kuya Tristan’s girl ako ay mamimiss ko talaga ang pinakamamahal kong kuya pero ngayon.. sabi ni mommy ay kailangan ko na din maging independent at para maisalba na rin ang kompanyang pinaghirapan nila kasama si daddy.

So here it is, new sorroundings and new people.

Pagkadoorbell ng driver namin sa gate ng bahay na titirhan ko ay mga maids agad na nagsilabasan at kinuha ang mga maletang dala-dala namin at ipinasok ’yon sa loob ng bahay. Pinapasok na nila ako sa loob at naiwan ang driver namin sa labas.

“Mam Trinity, hinihintay na po kayo nila sir sa may living room, excited na kayong makita.” Sabi ng katulong na katabi ko habang tinutungo namin ang living room.

“Talaga? Mababait po ba sila?”

“Hindi lang mababait, mga gwapo at matutulungin rin katulad nalang ni sir Jaden.” Nakangiting sagot ng katulong. Matanda na ito pero mukhang malakas pa naman.

“Jaden?” Isa rin kaya siya sa makakasama ko sa loob ng bahay na ’to?

“Opo mam, sa katunayan nga po ay pinag-aaral niya ang aking bunsong anak, gusto daw niya akong matulungan kaya malaki ang utang na loob ko kay sir Jaden dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi gagraduate ang anak ko sa kolehiyo.”

Ang bait naman pala nung Jaden, pinag-aaral pa niya ang anak ni manang. Napangiti ako dahil may ganun pa palang klaseng lalake.

“Mabait nga siya, manang.”

“Sana mam Trinity ay si sir Jaden ang makatuluyan niyo, bagay na bagay kayo.” Hinawakan nito ang kamay ko bilang assurance sa sinabi niya.

“P-po?” Imbes na sagutin nito ang tanong ko ay nginitian niya lang ako.

“Nandito na po tayo,” Hindi ko namalayan na narating na namin ang living room.

“Sir, nandito na po si mam Trinity.”

Napalingon ako sa harap ko at..

O.O - mga mukha nila

Bakit natulala sila nang makita ako? At bakit parang namumula pa sila? Mukha ba akong multo?

“Nagandahan siguro sila sayo, mam.” Bulong ni manang sa akin.

Tinignan ko sila isa-isa at hindi ko nga maipagkakaila na gwapo silang lahat. Nakatulala pa rin sila kaya nagsalita na ako, nakakaconcious kasi ang pagtitig nila sa akin. Iniwan na kami ni manang at umalis na siya.

“May problema ba?” Bigla ay mukhang natauhan na din sila at umayos sa kani-kanilang mga ulirat.

Nilapitan naman ako nung isang lalake.

“E-ehem.. Welcome Trinity, I’m Daniel at ipapakilala namin ang sarili namin sayo isa-isa.”

Grabe naman ’to kung makatitig sa akin, para kasing kakainin niya ako ng buhay kung tumitig siya.

“Wala pa yung tatlo mong makakasama rin dito pero mamaya ay makikita mo na sila, may pinuntahan lang.” Nakatitig pa din ang Daniel na ’to sa akin.

Tumango na lang ulit ako. Pwede bang tusukin ko nalang ang mata niya? Sa lahat yata ng gwapo ay siya ang pinakacreepy.

“Ako nga pala ulit si Daniel.”

“Hi Ganda! Ako nga pala si John and welcome!” Sabi nung lalakeng may matabang cheeks.

Ang cute-cute niya kaya nginitian ko siya. Bigla naman siyang namula sa hindi ko malamang dahilan. Bakit kaya?

“Sam here.”

“I’m Mason.”

“Kyle nga pala.”

“Ako si Jun.”

“Ben.”

“My name is Justin.”

“Arthur Flores.”

“David at your service!”

I’m living with these 10 handsome and gorgeous men? Tama nga si Bonnie! Ang haba ng hair ko.

Lahat sila ay tinanguan at nginitian ko na ikinamula na naman nilang lahat. May mga sakit ba sila at namumula sila?

Nasaan na kaya yung Jaden na tinutukoy ni manang? Nakakatuwa dahil nakakatulong siya sa ibang tao na hindi naman niya kaano-ano. Hindi ko alam pero kahit hindi ko pa siya nakikita ay gusto ko na siyang maging kaibigan.

“Take a sit.” Ginuide ako ni Daniel para maupo sa tabi niya.

Nag-aalangan pa akong umupo dahil medyo may pagkacreepy siya pero bigla nalang niyang hinatak ang kamay ko kaya napaupo na rin ako. Binigyan naman si Daniel ng masasamang titig ng siyam na lalakeng kasama ko.

“Tama nga ang sinabi nila kuya Daniel tungkol sayo, napakaganda mo nga.” Nakangiting sabi ni John habang nakahalumbaba na nakatitig sa akin.

Natawa ako bigla nang binatukan siya ni Justin. “Stop staring at her, mukha kang asong ulol.” Nagpout nalang si John sa sinapit niya kay Justin. These guys are funny.

“Pagpasensiyahan mo na na lang sila, talagang ganyan lang ang mga ’yan.” Ani David at inabutan ako ng orange juice and bowl of cookies.

“Thanks, Okay lang. Nakakatuwa nga kayo e, lalo na si John.” Napatingin ang lahat sa nakangising si John at sinamaan nila ito ng tingin.

“Salamat, Trinity.” John na kinindatan pa ako. Ang cute niya.

“Your mom said that you’re only 18 years old kaya para mo na rin kaming mga kuya, treat us as your real brothers.” Sam said.

Tumango ako. “Thank you.”

He introduced me to their other friends na wala pa. Ang dami nila pero I think na makakabisado ko na rin naman sila dahil magkakaiba sila ng personality and looks pero hindi ko pa pala nakikita ang tatlo nilang kasamahan and that Jaden.. I want to see him, now.

Jaden’s POV

Pinapunta ako ni ate sa bahay namin dahil gusto daw ako makita ng pamangkin ko na si Joshua. Wala kasi ’yong makalaro dahil wala siyang kapatid at nag-iisang anak lang siya nila ate. He is the only grandson of my mother and father. Matapos kong makipaglaro ng basketball kay Joshua ay nakatulog na ito at nasa loob na ng kanyang kwarto kaya lumabas muna kami ni ate Sara at nag-usap.

“Nahanap mo na siya, di’ba?” Tumango ako.

“I am happy for you, Jaden, nakakasama mo na rin ang taong gusto mo.” Tinapik niya ang balikat ko.

Pagkatapos namin mag-usap ni ate ay umuwi na ako sa TREASURE house at alam ko na hinihintay na nila ako.. pati na rin siya.

As I enter the house ay siya agad ang nakita ng mga mata ko. After so many years ay napakaganda pa rin niya at mas lalo na siyang naging anghel sa paningin ko. Maalala pa kaya niya ako? Nagalit kaya siya sa akin dahil hindi ko kaagad natupad ang ipinangako ko sa kanya noong mga bata pa lang kami? Lahat ng mga mata nila ay sa akin nakatuon pero ako naman ay sa kanya lang nakatuon ang mga mata ko. She is the same Rin-rin that i’ve used to know. She is always wearing her best and cute innocent look.

“Nandito ka na pala.” Jun na nilapitan ako at ginuide papalapit sa kanila.

Habang papalapit ako ng papalapit ay nagkatagpo ang mga mata namin. Nauna siyang umiwas ng tingin sa akin pero ako ay nakatuon pa rin sa mga mata niya. Bakit parang hindi na niya ako maalala? Kung sa bagay ay lumaki na rin kasi kami at iba ang itsura ko noon kumpara sa ngayon pero siya.. wala pa ring ipinagbago, kung maganda siya noon ay mas napakaganda na niya ngayon. She is a Goddess.

“Ehem.” Natauhan ako sa inaya ni John kaya napaayos ako ng wisyo.

“Ah. Trinity, siya si Jaden at Jaden, siya naman si Trinity.” Pakilala sa amin ni Kyle.

Matagal ko na siyang kilala kesa sa pagkakakilala ninyo sa kanya.

Tumango siya at nginitian ako.

“Nice to meet you, Jaden.” Napangiti rin ako at nakipagkamay sa kanya.

“Nice to meet you too, Trinity.”

Mukhang nagulat sila dahil sa inasta ko kay Trinity.

“Ngumiti ka, Jaden?” Hindi makapaniwalang tanong ni Arthur.

Bawal na ba akong ngumiti? At hindi ba ako ngumingiti?

“Obvious ba?” Sagot ni Daniel at sinamaan ako ng tingin. Anong problema nito?

Lumapit sa amin si David at tinanggal ang kamay namin ni Trinity na magkahawak pa rin.

“E, tutal na magkakilala na kayo at sina Kevin at Travis nalang ang wala pa ay kumain na muna tayo. Ikaw din Trinity dahil alam kong gutom ka na.” Bigla ay hinawakan ni David ang braso ni Trinity at nauna na silang nagtungo sa dining area.

Nagsinghapan ang lahat sa ginawa ni David. “Dumadamoves na kaagad si David. Tsk.” sam na napailing.

“Ngayon ko lang nakitang mag-approach ng babae si David, kadalasan naman kasi ay hindi siya namamansin ng mga babae na may gusto sa kanya kaya nakakapagtaka.” Ani Mason at tila nag-iisip ng malalim.

“Type niya yata si Trinity.” Sagot naman ni John.

Kitang-kita ko ang pagkainis ng mga mukha nila sa ginawa ni David at pati ako ay nainis din pero ’wag nilang sabihin na lahat sila ay may gusto kaagad kay Trinity? Ni wala pa nga sila sa pagkagusto ko kay Trinity noong mga bata palang kami.

“Let’s eat guys.” Nakita ko ang pagtiim ng bagang ni Daniel at nagtungo agad ito sa dining area.

“Anong problema ni Daniel? Bakit parang nagalit siya?” Maang na tanong ni Justin.

“Malamang ay nainis rin siya sa pasimpleng damoves ni David.” Napacross-arms si Jun.

“Magpunta na tayo sa dining area at baka kung ano na ang ginagawa ni David kay Trinity.” Napatango ang lahat sa sinabi ni John kaya nagmamadali naman silang nagtungo sa dining area.

Naiwan kaming dalawa ni Sam at tinititigan niya ako ng mariin habang nakakunot-noo.

“Problema mo?”

“Kilala mo na ba si Trinity noon pa?” Nang-uusisa niyang tanong.

I sighed. “Yeah, kababata ko siya but she doesn’t recognize me dahil sa tagal ng panahon na hindi kami nagkita o baka kinalimutan na niya talaga ako dahil sa ipinangako ko sa kanya na hindi ko natupad.”

Mapagkakatiwalaan ko naman si Sam kaya nasasabi ko ang mga bagay na ’to sa kanya.

Inakbayan niya ako at tinapik-tapik ang balikat ko.

“So, siya si Rinrin?” Tumango ako.

“Finally at nakita na rin ni Jojo si Rin-rin.”

And I smiled secretly.

Chapter 5 - Kiss Stealer

Trinity’s

POV

Ito na ba si Jaden? Napakagwapo niya at pakiramdam ko ay matagal ko na siyang kakilala, weird man pero ganon ang nararamdaman ko and when he suddenly smile at me. My heart beats faster and my world stops. Siya ba ang tinutukoy ni manang na gusto niyang makatuluyan ko? I smile on what i’m thinking. Sobrang tuwa and at the same time ay masaya ako dahil nakilala ko siya. After so many years ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong happiness when Jojo leave me. This guy have something.

We’re all here in dining room, eating and talking. They are kind at ramdam ko ang pagwelcome nila sa akin. Halatang iniiwas muna nila ang topic about sa ‘fiance thingy’ na ’yan, maybe gusto nila na pag-usapan ’yon some other time and I felt relief.

“You should try this.” Nilagyan ni David ang plato ko ng afritada.

“Thanks, David.” Nginitian ko si David and he smiled, too. He’s nice and cute at the same time.

“Mas masarap ’to Trinity.” Inabutan naman ako ni Kyle ng caldereta at isinalin niya sa plato ko.

“A-ah thanks din, Kyle.” Nakangiti kong sagot na ikinamula niya. What was that?

“Eto pa, eat some dessert.” Lumapit sa akin si Arthur at binigyan ako ng isang slice ng chocolate cake, my favorite.

Seriously? Hindi ko naman mauubos ang lahat ng nilalagay nila sa plato ko but I found them cute dahil napaka hospitable nila sa akin.

“Salamat din, Arthur.”

“Welcome.” Nakangiting sagot nito.

“Mga pabida.” Rinig kong bulong ni Daniel sa sarili niya dahil katabi ko lang siya, hindi naman ’yon narinig ng mga kasama ko dito dahil mahina ang pagkakasabi niya. Naiinis ba siya sa mga kaibigan niya?

Tinignan ko si Jaden at nahuli ko itong nakatitig sa akin. Gosh! My heart is beating so fast again. Ano bang meron siya at nagkakaganito ako? Hindi naman kasi ako ganito kapag tinititigan ako ng mga lalake, normal lang kasi sa akin ’yon pero kapag sa kanya? Iba ang nararamdaman ko.

“So, Trinity, nag-aaral ka pa pala, gusto mo ba na ako nalang ang maghatid-sundo sayo?” Tanong ni Jun.

“Jun, kasi-” Nagsasalita pa lang ako nang biglang sumabat si Ben. Ngayon lang siya nagsalita kasi napakatahimik kasi niya.

“That’s unfair.” Then he looked at me.

“Tama si Ben! Unfair nga ’yon.” Pagsang-ayon naman ni Sam.

“Psh.” Ben only said.

Pagkatapos naming kumain ay ginuide nila ako sa magiging kwarto ko. The room is big and clean, hindi nga lang siya katulad ng room ko na color pink at malaki pero ayos na din ’to para naman masanay ako sa hindi ko nakaugaliang lugar.

“Thanks ulit sa pagwelcome sa akin. I really appreciate it.” I smiled at them including him.

“You’re welcome.” Sagot nilang lahat.

Iniwan na nila ako dito sa loob ng kwarto para makapag-ayos na ako ng mga gamit ko, makapaglinis ng aking sarili at makapagpahinga.

Wala pang limang minuto ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya napatayo ako sa pagkakahiga ko mula sa kama at pinagbuksan ng pintuan ang kumakatok.

Pagkabukas ko ay si Daniel ang bumungad sa akin.

“May kailangan ka ba, Daniel?” Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay nagdire-diretso siyang pumasok sa kwarto ko at nilock ang pintuan ko. He pinned me on the wall na mas ikinagulat ko. Kinakabahan na ako sa kanya. Sabi ko na nga ba, ’yung pagtitig niya sa akin ay may ibang kahulugan yun.

He smirk na mas lalo kong ikinakaba. “Goodnight kiss.” And after that he kissed me.

Hindi agad nakapagreact ang katawan ko sa ginawa niya at nakatingin lang ako sa kanya. After 5 seconds na pagkakadikit ng aming labi ay bumitaw na siya.

“Bye.” Umalis na ito sa harapan ko then he waved his hand at lumabas na ng kwarto ko. Nang matauhan ako ay napaupo ulit ako sa kama at napamura.

“Sh*t! He stealed a kiss, sabi ko na nga ba at hindi siya mapagkakatiwalaan!” Dapat talaga ay hindi ako magtiwala ng buo sa mga lalakeng kasama ko dito sa bahay. They are kind and nice pero hindi pa rin maipagkakaila na mga lalake sila at natetempt din. Katulad na lang ng ginawa ng Daniel na ’yon. Stealing a kiss is a crime, you should kiss a person if you love him/her and not for a playtime reasons.

Kinalimutan ko nalang ang nangyari at palalampasin ito pero kapag ginawa na naman niya ulit iyon ay magkakamatayan na kami.

Calling..

09*********

May tumatawag na unknown number sa phone ko. Sino naman kaya ’to?

“Hello? Who’s this?” Sinagot ko ang tawag at humiga sa kama.

(This is Kevin. Remember? ’yung guy sa mall na friend mo na?) Si Kevin? Makakalimutan ko ba siya e, siya nga ’yung first crush ko!

“Makakalimutan ba kita? Haha anyway.. where did you get my number?” I asked him. Sa pagkakatanda ko kasi ay hindi ko naman binigay ang number ko sa kanya.

(I have my source..) Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

“Ha?”

(How are you? Kumusta na pala si Val?)

Speaking of Val, simula nang magkakilala na sila ni Kevin ay palagi nalang niya akong kinukulit na gusto daw niya ulit makita si Kevin at dapat na palagi kong kasama dahil boyfriend ko daw. Kung alam lang niya na hindi naman kami seryoso ni Kevin dun at sinakyan lang namin ang trip niya.

“Hinahanap ka nga niya sa akin e, akala nga siguro niya ay boyfriend na talaga kita.”

(Hindi ba pwede?)

“Ha?”

(Ah wala ’yon. If you don’t mind nga pala, pwede ba tayong magkita ulit?)

Kinilig naman ako dun. Yayain ka ba naman ng crush mo na magkita ulit kayo ay sinong hindi kikiligin?

“Sure pero bakit?”

(Kumbaga bonding lang dahil may bago akong kaibigan na Trinity ang pangalan)

OMG! Napatili ako sa isipan ko dahil sa sinabi niya. Kevin ’wag kang ganyan dahil mas lalo akong kinikilig sayo!

“H-hehe ganun ba? Uhm.. kailan ba?” Napapangiti tuloy akong mag-isa dahil sa kanya.

(Tomorrow in the afternoon, itetext na lang kita kung saan tayo magkikita. Okay lang ba sayo?)

“Oo naman, Sige.”

(Alright, so see you tomorrow then?) He said with his husky voice.

“O-okay.” Napahiga ako sa kama at parang tangang tumitili nang mahina habang hinarang ko ang bibig ko sa unan.

(You should rest. It’s already 11pm. Goodnight Trinity and sweetdreams) Then he ended the call.

Mukhang mapapasarap ang tulog ko nito. Kilig night for me.

**

“ Ganda, Woke up! It’s already 7am. Magbreakfast ka na.“ I feel someone poking my cheeks.

“Hmm.. Who are you?” Tanong ko habang nakapikit pa rin ang mga mata ko. Ang sarap sarap pa ng tulog ko e!

“It’s me, John.”

“John, give me more 30 minutes.” sagot ko at tumalikod ng pagkakahiga at nagtalukbong ng kumot.

“No. Get up.” Pangungulit niya.

“Later.”

“Get up.”

“Later.”

“At the count of three kapag hindi ka pa bumangon diyan ay may gagawin ako na hindi mo inaasahan.” I ignore him. E, sa antok na antok pa ako.

“One-”

“Two-”

“Three..”

“Sinusubukan mo talaga ako young lady ha?” Nagulat nalang ako nang bigla niyang tinanggal ang nakataklob na kumot sa katawan ko at kinikiliti na niya ako sa tagiliran.

“Hahahahahahahaha! Stop it John! Hahahahahahaha!” Sa sobrang pagkakakiliti niya sa akin ay nasa itaas ko na siya habang ako naman ay nakahiga pa rin.

“Ayaw mo gumising e.” Sabi niya habang kinikiliti pa rin ako.

“Hahahahahaha! Oo na tatayo na ako.” At itinigil na nito ang pagkiliti sa akin.

Pero pareho kaming napatigil dahil sa pwesto namin. He’s on top of me at sobrang lapit ng mukha namin. Pareho rin kaming nakatitig sa isa’t-isa. Ang gwapo pala ni John lalo na kapag malapitan, now I wonder na maraming nagkakagusto sa kanya.

Mas lalo niyang inilapit ang mukha niya sa akin na ikinagulat ko. “Ang ganda mo talaga.” Sabi niya habang nakatitig sa labi ko.

Akmang hahalikan na sana niya ako nang naitulak ko siya at tumayo ako. Napahiga na siya ng tuluyan sa kama dahil sa pagtulak ko sa kanya.

“M-maliligo muna ako, bababa na lang ako.” Sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya. Nakita naman ng peripheral vision ko na tumayo na siya sa pagkakahiga sa kama ko.

“O-okay.. sige, aalis na ako.” At mabilis siyang lumabas ng kwarto ko.

Sht! Kung hindi ko lang talaga siya naitulak ay malamang na nahalikan niya rin ako katulad ng ginawa sa akin ni Daniel kagabi. I should must be careful now.

Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako sa kwarto ko at nagtungo sa dining area. Naabutan ko silang lahat na kumakain na.

“Kain ka na.” Nilapitan ako ni Jun at pinaupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. Ipinaglagay niya ako ng plato, kutsara at tinidor sa lamesa at pagkatapos ay ipinaglagay niya rin ako ng kanin at ulam sa plato ko.

“Jun, ako na.” Pero parang wala siyang naririnig sa sinabi ko. Pagkatapos nun ay umupo na siya sa tabi ko at nag-umpisa nang kumain.

Napatingin naman ako sa mga kasama ko at mukha silang mga nalugi. Nalugi naman saan? Nang tinignan ko si Jaden ay kumakain lang ito at hindi makatingin sa akin.

Jaden, Nacucurious ako sayo, Matagal na ba tayong magkakilala? Pakiramdam ko kasi, oo.

Habang kumakain kami ay hindi ko mapigilang mailang kina John at Daniel. Sino ba namang hindi maiilang sa lalakeng hinalikan ka at sa lalakeng muntik ka nang halikan? Di’ba?

“Bakit parang ang tahimik mo yata ngayon John? At hindi ka nag-iingay? Nakakapanibago.” Puna ni David sa kanina pang walang imik na si John.

“W-wala. Pagod lang siguro ako dahil sa practice.” Sagot ni John habang nakayukong kumakain.

“Ganun ba? Speaking of Travis, bakit wala pa siya dito?”

“Sabi nga pala ni Travis sa akin kagabi ay pinapunta raw siya ng mommy niya sa Japan para bisitahin ang lola niya don. Baka next week pa siya makauwi dito.” Ani Mason.

Sa kanilang sampu, parang si Mason lang ang hindi gumagawa o kumikilos ng mga kakaibang bagay kapag kaharap ako and I think that’s cool. Nakikita ko si Kuya Troy sa kanya. Very cool and quiet.

“I see, How about Kevin? Hindi pa rin ba tapos ’yung emergency sa kanila?”

Bigla kong naalala si Kevin, may lakad pala kami mamayang hapon at kailangan kong magpaganda ng bonggang-bongga para sa kanya.

Si Arthur ang sumagot. “Mamayang gabi ay uuwi raw siya.”

“Then good para makita na ni Trinity sina Travis at Kevin.” Tumingin sa akin si Daniel at nginisian ako.

Argh! I hate him! Kiss Stealer!

Napatingin na naman ako kay Jaden and I saw him smiling at me kaya napangiti na rin ako. Naaalala ko tuloy sa mga ngiti niya si Jojo. Hay.

Chapter 6 - Brainwash

Trinity’s

POV

Kevin texted me na 3pm kami magkikita sa may 7/11 store malapit dito. It’s 12pm pa naman kaya may oras pa akong manood ng tv. Nagpunta ako sa may sala at naabutan ko doon sila David, Sam at Kyle na nanonood ng tv. Nang makita nila ako ay nginitian nila ako at nginitian ko rin sila. Lumapit naman ako at tumabi sa kanila. Tumingin ako sa tv at X-men pala ang pinapanood nila.

Nafocuse ako sa panonood ng X-men dahil sobrang ganda pala ng movie na ’to. The effects and sounds are amazing.

“Sobrang ganda pala ng X-men no?” Tanong ko sa kanila habang nakafocus pa din ako sa pinapanood ko.

“Oo. Sobrang ganda..”

“Ang ganda-ganda..”

“Super ganda..”

Nang lumingon ako sa kanila ay hindi naman sila nakatingin sa tv kundi sa.. akin.

“May dumi ba ako sa mukha?” Napailing naman sila at biglang nagfocuse na sa pinapanood namin. Weird, e?

Binalewala ko na lang ’yon at nagpatuloy nalang sa panonood. Sa susunod nga ay bibili ako ng cd na’to. Ang ganda pala nito.

“Trinity, Saan ka pala nag-aaral?” Tanong sa akin ni Kyle.

Napaharap naman ako sa kanya. “Sa YG Academy. Bakit?”

“Kilala mo si Gavin Daryl Buenavista di’ba?”

Si Gavin Daryl Buenavista, ang walanghiyang anak ni Mayor Buenavista na muntik na akong gawan ng masama last year. Ang jerk na ’yon!

“Sinong hindi makakakilala sa jerk na ’yon e, siya lang naman ang nag-iisang anak ng mayor natin sa lugar na ’to.” Nangigigil talaga ako kapag naaalala ko ang ginawa sa akin ni GD pati ng mga kaibigan niya. Kung hindi lang talaga sila nakita ng mga guards noon na pinipilit nila akong ipasok sa isang bodega ng school para gahasain ay malamang na nagawan na niya ako ng masama.

Napatawa ng mahina si Kyle. “Mga katulad mo ang type ni GD kaya mag-iingat ka sa kanya. He has a motto that what he wants is what he gets.”

That’s true.

“Kilala mo ba personally si GD?”

“He’s my cousin.” Nanlaki bigla ang mga mata ko sa sinabi niya.

“Really?” He nodded.

“Pero bakit magkaiba kayo ng ugali? You’re nice and he’s a jerk.” Totoo naman e! Magkaibang-magkaiba sina Harris at GD. Opposite ng kabaitan ni Kyle ang kabaitan ni GD. Si GD na walang ibang ginawa kundi kulitin at pagtripan ang buhay ko para lang mapapayag niya akong maging girlfriend niya.

“Ay, outcasted yata tayo dito pareng Sam, sila lang ang nag-uusap at mukhang nakakaistorbo pa tayo.” Parinig ni David na obviously ay kami ang panaparinggan ni Kyle.

“Oo talaga! Nakakahiya naman sa atin pareng David.” Parinig din ni Sam.

Kyle ignored them at ako naman ay natawa nalang sa kanila. “Pinsan ko lang naman si GD at hindi ko siya kapatid kaya magkaibang-magkaiba kami.”

“May point ka, Kyle.” He smiled. Ang gwapo talaga niya.

These guys are kind and well? Handsome.

** 2:45pm na and I’m heading to 7/11 para makipagkita kay Kevin. Nakabihis na ako’t lahat-lahat nang bumaba na ako sa aking kwarto. Nakasalubong ko naman si Mason na palabas na din at bihis na bihis.

“Oh Trinity, saan ka pupunta?” Tanong niya sa akin habang sabay kaming naglalakad papalabas ng bahay.

“Meeting a friend, Ikaw ba?”

“Bibili lang ako ng regalo para sa kinakapatid ko. Birthday niya kasi bukas.”

Ang sweet naman niyang guy.

“Ang sweet mo naman.” Napangiti siya sa sinabi ko.

“Magcocommute ka lang ba?” Tumango ako dahil hindi ko magawang makapagsalita dahil namesmerized na ako sa ngiti niya.

“Sumabay ka na sa akin. I have a car.”

“Naku ’wag na, kaya-”

“Delikado para sayo ang magcommute.” Wala na akong nagawa dahil hinila na niya ako papunta sa kotse niya. He has a nice car at sige, siya na ang may magandang kotse!

“Saan ba kita ibababa?” Tanong niya ng nasa loob na kami ng magara niyang kotse.

“Sa may 7/11 lang.” Sagot ko naman habang naglalagay ng seatbelt.

Pinaandar na niya ang kotse. Tahimik lang siyang nagdadrive habang ako naman ay nakatitig sa kanya. Ang gwapo din pala niya lalo na kapag malapitan. Si Mason yung tipo ng lalake na pang ideal type ng isang babae. He’s gentleman and nice.

“I wanna make you smile.. whenever you say.. carrying you around when your arthritis is bad.. all I wanna do.. Is grow old with you..” He sang that lyrics then he faced me.

His voice is beautiful.

“Nandito na pala tayo.” Hindi ko namalayan na nasa tapat na kami ng 7/11. Tinanggal ko na ang seatbelt ko at nagpasalamat sa kanya.

“Mason, thank you sa paghatid mo sa akin.” Hindi niya ako sinagot instead ay tumitig lang siya sa akin na ikinailang ko.

“How can you turned to be a beautiful human being?”

“Ha?” Ano daw?

“Nothing. Mag-iingat ka,” He smiled and I nodded absent-mindedly at lumabas na sa loob ng kotse niya.

Pumasok na ako sa 7/11 at nakita ko kaagad si Kevin na nakaupo sa isang table malapit sa glass wall.

“Kevin.” Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya.

Oh Lord! Bakit parang mas lalo siyang gumagwapo? Pati tuloy ’tong mga babae sa loob ng store ay napapalingon sa kanya.

“I’m glad that you came. Let’s go somewhere.” Tumayo siya at hinila ako na papalabas.

“Saan tayo pupunta?” Tanong ko nang nasa tapat na kami ng kotse niya. May kotse din siya katulad ni Mason. Mga mayayaman nga naman.

“Sa bahay namin. Nagprepare ako ng dinner para sa atin, I just want to talk you freely.. you know? Getting to know each other.” He smiled again that made me feel kilig and ano daw? He prepared dinner para sa aming dalawa? How sweet he is.

“Ganon ba? I’m in.” Pinapasok na niya ako sa loob ng kotse niya at siya rin. Ikakabit ko na sana ang seatbelt ko nang lumapit siya sa akin at siya na ang nagkabit.

“Ayoko na nahihirapan ka at ayoko na pahihirapan ka, kung maghihirap ka man ay gusto ko na sa pagmamahal ko ’yun.” Bigla akong nagtaka sa sinabi niya at napatitig sa mukha niyang sobrang lapit sa akin habang siya ay busy pa rin sa pagkabit ng seatbelt ko.

“Anong sinasabi mo, Kevin?”

Nang matapos na siya sa pagkabit ng seatbelt ko ay napatawa siya ng mahina. “Line lang ’yon sa napanood kong drama.” Napahinga naman ako dun ng maluwag.

“Akala ko kung ano na pero grabe naman ang line na yun, parang ang selfish pakinggan.” At napatawa na rin ako.

Nginitian niya lang ako sa sinabi ko at nag-umpisa na siyang magdrive. Hindi ko maintindihan pero I feel something strange about him. Pakiramdam ko ay hindi ako safe sa kanya. Teka? Ano nga pala tong mga pinagsasabi ko? Ang bait-bait na nga sa akin ni Kevin tapos pinag-iisipan ko pa ng masama? Ang sama ko namang tao. Paranoid pa!

After 30 minutes ay narating na rin namin ang Mansiyon nila? Hindi ito bahay dahil sa sobrang laki nito. Napakayaman naman pala ni Kevin. Isa siyang rich kid kung tutuusin.

“Are you living here with your family?” Tanong ko nang makalabas na kami sa loob ng kotse niya.

“I’m living alone. I have no family.” Napahinto ako sa sinabi niya.

He’s alone in this mansion? Bigla ay nakaramdam ako ng awa sa kanya.

“S-sorry, I didn’t know that.” Tinignan niya ako and he’s still smiling.

“I already accepted my faith and God have a purpose.” Tignan mo nga naman Trinity, he had a fear to God tapos kanina ay pinag-iisipan mo pa siya ng masama? Bad me.

Nagpunta kami sa veranda nila. Nakaready na nga ang dinner namin dahil may table, chairs, foods, drinks at candlelights pa. Para tuloy kaming nagdidinner date nito.

“Take a sit.” Pinaupo ako ni Kevin sa katapat na upuan niya.

“Talagang pinaghandaan mo to?” Tanong ko.

He grinned “Para naman sweet ang ambiance natin.”

Nginitian ko nalang siya dahil I feel awkward. Crush ko ang kaharap ko e.

“Kumain na tayo.” Nag-umpisa na rin kaming kumain and after a minutes ay nag-uusap na kami.

“Talaga palang ang yaman mo, no? Ang dami mong business at your young age. Pautang naman!” Biro ko sa kanya at napatawa na rin ako.

“Baka naman mamulubi ako niyan Trinity, maawa ka naman..” Pagbibiro niya na mas lalo ko namang ikinatawa.

“Grabe ka sa akin, Kevin ah?” And we laughed. Napatigil siya sa pagtawa kaya napatigil rin ako.

“Bakit?” Then he looked at me seriously.

“Do you have a first love?” Para naman akong napako sa tanong niya.

I have a first love but he broke his promise to came back for me. He is the man that I still love until now even if the distance is our wall. I tried manage to speak kahit parang maiiyak na ako sa tanong niya. These emotions doesn’t fade whenever I remembered him. I miss him so badly.

“Y-yes.” I manage to smile dahil anytime ay babagsak na ang mga luha ko.

“Where is he?” Tanong uli niya.

My emotions burst out at napaiyak na ako sa harapan ni Kevin. I can’t hide my belongings to Jojo anymore. This is too much.

“H-he left me.. s-sabi niya babalikan niya ako p-pero.. ilang dekada na ang nakakalipas ay h-hindi niya pa rin ako binabalikan.” Bigla ay nilapitan ako ni Kevin at niyakap.

“S-shh.. Don’t cry..” At humagulgol na ako ng tuluyan.

Ilang taon ko nang hinihintay si Jojo, he knows that I just want to be with him kahit sa paglaki ko. I’ll stick to his promises dahil mahal ko siya. Tinurndown ko na ang lahat ng mga manliligaw ko even Jerome na bestfriend ko pa para lang sa kanya pero tama pa ba itong paghihintay ko sa taong ni minsan ay hindi man lang ako nagawang kamustahin kung buhay pa ba ako? Sobrang sakit na kasi.

Kevin whisper something in my ear while he’s still hugging me. “Just hate him, he’s hurting you for almost decade. He doesn’t deserve a girl like you. He’s asshole and stupid for breaking a promises that he didn’t mean to or maybe he don’t love you. Forget him and hate him, Trinity.”

Parang unti-unting pumapasok sa isipan ko ang mga sinabi ni Kevin lalo na sa sinabi niyang baka hindi ako mahal ni Jojo na mas lalo pa iyon nagpasakit sa puso ko.

Kevin kiss my hair and stroke it, “Hate him even more. You’re suffering too much pain. Don’t love him because he’s just playing your feelings..”

Masakit man magsalita si Kevin pero totoo naman lahat ng mga sinabi niya, para akong tanga na naghihintay sa wala.

Huminto ako sa pag-iyak nang mahimasmasan na ako. “Tama ka, dapat magalit ako sa ginawa niya sa akin. I hate him from now on.” Hinarap ako ni Kevin sa kanya and he kiss my temple.

“You do the right decision.” Kinuha niya ang panyo niya sa bulsa at saka pinunasan ang mga luha ko.

“I don’t want to see you crying again for that dumb man. I’m always here, hindi niya alam ang pakiramdam ng taong iniwanan.” Napatitig ako sa mukha niya, nakikita ko na seryoso siya sa mga sinasabi niya sa akin.

Tama ba talaga na kamuhian ko na si Jojo?

“Kailangan ko ba talaga siyang kamuhian?” He smile and then he held my hand.

He nod “Hate and forget is the way for you to be happy.”

** 6pm na at kailangan ko nang umuwi. Tatanggihan ko sana ang pag-iinsists ni Kevin na ihatid ako pauwi pero talagang mapilit siya at sa huli ay nasunod rin ang gusto niya. Ayoko lang namang magpahatid dahil masyado ko na siyang naaabala but I found him na concern siya sa akin and i’m lucky to have a new friend like him.

Narating na namin ang bagong tinitirhan ko at lumabas na rin ako ng kotse niya.

“Salamat sa paghatid sa akin, Kevin.” Sandali ay lumabas din ito sa loob ng kotse niya at nilapitan ako.

“Kevin!” Napaharap naman kami sa sumigaw ng pangalan niya. Si Arthur pala. Nilapitan niya kami at inakbayan si Kevin.

Nagtaka naman ako. “Magkakilala ba kayo?”

“Oo, siya ’yong isa mo pang makakasama mo dito sa bahay. Ah? Teka nga lang.. bakit magkasama kayo? Magkakilala na ba kayo?”

Mas lalo akong naguluhan kaya napatitig ako kay Kevin nang may pagtataka but he just smirk.

“I’m living here also,”

Yung Kevin? Siya nga pala talaga ’yon?

“Pero bakit.. hindi mo sinabi sa akin kanina na dito ka pala nakatira? E, di ba nakatira ka sa mansiyon niyo?” Lumawak lalo ang mga ngiti niya sa mga sinabi ko. Why he is always smiling?

“I just want to surprise you and see your reaction at doon naman sa bahay ko ay hindi ako dun nakatira, bumibisita lang ako doon paminsan-minsan.”

At ako ay still shocked pa rin sa nalaman ko. Bigla ay hinatak ako nila Arthur at Kevin papasok ng bahay pero ang pag-iisip ko ay lutang na lutang pa rin.

Ibig sabihin ba ay Im living in this house with Kevin? Si Kevin na first crush ko?

I think I’m gonna get a heart attack.

Chapter 7 - In YG Academy

Trinity’s POV

Umagang-umaga pa lang ay gising na gising na ako at nag-eexercise dito sa labas ng garden. Kailangan ko nang exercise at para mamaintain na rin ang kalusugan ng aking katawan. Hindi naman sa pagyayabang pero sexy talaga ako. I won Ms. Body Fitness sa YG Academy last year. I’m only wearing a white sando and cycling shorts. The usual exercise outfit.

I just doing an arm stretching nang makita ko na nakatingin si Jaden sa akin na nakaawang ang bibig. I just smile at him at pinagpatuloy ko ang aking ginagawa. Boys are boys.

Unti-unting lumapit sa akin si Jaden pero hindi siya nakatingin sa akin kundi sa may bench na malapit dito sa garden.

“M-magbihis ka nga ng mas disente, kapag nakita ka pa nila na ganyan ang suot mo ay panigurado na pagpapantasyahan ka nila.”

What? Is he concern about me?

Napangiti ako sa hindi malamang dahilan and my heart beats faster again.

Lumapit ako sa kanya at iniharap ko ang mukha niya sa mukha ko. Ngayon ko lang nakita si Jaden nang malapitan and I could say na siya na ang pinakagwapong lalake na nakita ko. His hair that makes him hotter and sexy. Matangos ang ilong niya, slight singkit, maputi and he has a kissable lips.

Unti-unting bumaba ang tingin niya sa mukha ko hanggang sa napunta na sa dibdib ko, and yeah, he’s staring at my boobs.

“Why is that big?” Tanong niya habang nakatingin pa rin sa dibdib ko.

Another playful thought hit me, ikinawit ko ang dalawa kong braso sa leeg niya at tinitigan siya. Siya naman ay nagulat sa ginawa ko at sa akin na nakatitig.

“I don’t know.” It’s obvious na i’m seducing him. Gusto ko lang naman na lokohin siya.

Kakalas na sana ako sa kanya nang bigla niyang tinanggal ang tshirt na suot niya hanggang sa makita ko na ang oh-so-hot-body niya. Shet! He’s sexy as hell! Kahit wala siyang muscles ay sexy pa rin siya.

Ako naman ay namula sa nakita ko but he suddenly smirk.

“Trying to seduce me, Trinity?” He whispered in my ear and he bit my earlobe that made me shiver and red like a tomato.

“Magbihis ka na, baka kung ano pang magawa ko sayo.” He whisper again at pagkatapos non ay kumalas na siya sa akin at pinulot ang tshirt niya at pumasok na sa loob ng bahay.

Napaupo naman ako sa damuhan at naghahabol ng hininga ko. Mukhang ako pa ang naseduce sa plano ko at nakakahiya!

** 10am na at may klase pa ako kaya nagmamadali na akong umalis ng bahay. Yung driver ang naghatid sa akin para daw fair. Ewan ko ba sa mga lalakeng kasama ko sa bahay, bigdeal na ba na ihatid ako? Kung sa bagay may points yun para makaiscore sa akin.

As I walking around the campus, halos lahat nang mga estudyante ay nakatingin sa akin. Psh. Attention again.

“Ang ganda talaga ni Trinity. She’s a Goddess.”

“I agree, I just want to be like her someday..”

“Bagay talaga sila ni GD.”

“Definitely!”

Aish! Ang ingay naman nila? Why are they minding my own business? May mga buhay naman sila at bakit sa akin pa ang pinag-uusapan nila? Ganon ba talaga kaboring ang mga buhay nila para pag-usapan ako?

Sa di kalayuan naman ay nakita ko sina Bonnie, Chae, Leo, Micca at Jerome na papalapit sa akin. Nang makalapit na sila ay niyakap ako nung tatlong babae.

“Namiss ka namin bruhilda!” Sabi ni Bonnie habang yakap-yakap niya ako.

“Para namang ilang taon kayong hindi nagkita niyan.” Matawa-tawang sabi ni Micca. Inirapan na lang siya ni Bonnie at bumitaw na sa pagkakayakap sa akin. Mas lalo pang natawa si Micca kay Bonnie.

“Ano? Kumusta ka na? Masarap bang tumira sa bahay ng 13 gorgeous guys?” Nakangising tanong ni Chae.

Siguro ay naikwento na sa kanila ni Bonnie ang lahat kaya kahit sila Chae ay alam na. Ang daldal talaga!

“Siguro ay doon na muna kayo mag-usap sa canteen. 30 minutes pa naman bago ang klase.” Napatango kaming lahat sa sinabi ni Leo at nagtungo na kami sa canteen.

Nang narating na namin ang canteen ay naupo kami sa isang table. Nagtitinginan na naman sa akin ang mga estudyante na kumakain dito sa canteen.

“Spill,” Panimula ni Chae.

Ikwinento ko sa kanila ang lahat ng mga nangyari at napa “Ohh” silang lahat except Jerome na kanina pa tahimik.

“Jerome, okay ka lang ba?” Tanong ko sa kanya.

Tumango lang siya at nginitian ako. “Okay lang ako. Don’t mind me.”

Bukod kay Chae ay matagal ko na ring kaibigan si Jerome. High school pa lang kami ay kaibigan ko na siya. Noong first year college pa kami ay nanligaw siya sa akin pero nabasted ko siya. Wala kasi akong nararamdamang espesyal para sa kanya, hanggang pagkakaibigan lang kasi ang tingin ko dito. Naiintindihan naman niya ako and until now ay kaibigan ko pa rin siya. He will find a right girl someday at hindi ako iyon. He’s handsome, kind and down to earth person at kahit sinong babae ay magkakagusto sa kanya. That’s my bestfriend.

Tumango na lamang ako at sumandal sa balikat niya. Wala naman itong malisya at habit ko na talaga ang pagsandal sa balikat niya. Wala lang naman iyon dito sa mga kasama ko dahil sanay na sanay na sila sa amin ni Jerome.

“Basta mag-iingat ka pa rin sa kanila. Mga lalake pa rin ’yon.” At tinap nito ang ulo ko.

“Alam ko yun,” Sabi ko na lang.

He is nice, right? That’s why I owned Jerome so much.

“Kung hindi lang talaga kayo magkaibigan ay iisipin ko na magsyota kayong dalawa.” Ani Chae at sumandal sa balikat ni Leo.

“Me too.” Sang ayon ni Bonnie.

“Me three.” Sang ayon rin ni Micca.

Iniintay na lang namin magsalita si Leo. Napatingin pa siya ng alanganin kay Jerome na nakatingin sa kanya bago ito nagsalita. “Uh? Me four?”

Napatawa kaming lahat sa naging reaksiyon niya.

“Kung sino man ang mapili mo sa 13 guys na ’yon ay nandito lang ako at susuportahan ka.” Sabi ni Bonnie.

“Thanks, Bonnie.” She just smile at nag thumbs up sa akin.

Sandali ay natigilan ito at napatingin siya sa likod ko.

“Sila GD..” Napatingin naman kaming lahat sa may likod ko at nakikita namin ngayon sila GD kasama ang apat niyang mga kaibigan na papalapit sa amin.

Nagsitilian ang mga babae nang makita sila GD. Ang sakit lang sa tenga ng mga sigaw nila. These crazy fangirls are annoying.

“Kyaaahh! GD! Ang gwapo-gwapo mo talaga!”

“Paolo! You’re so hot!”

“Theo, marry me!”

“Sean, troll with me!”

“Dennis, Kyaaahh! Haranahin mo ako!”

Kung makatili at makasigaw naman ang mga babaeng ’to parang mga artista ang dumating. This group of GD annoys me so much. Hindi ko pa rin makakalimutan ang ginawa nila sa akin, mabuti na lang at hindi na kumalat iyon dito sa YGA kundi ay masisira siya sa dad niya at ayoko na palakihin pa ang sitwasyon dahil mas lalo lang magkakagulo.

Nang makalapit na sila sa pwesto namin ay tinitigan niya ako at ngumisi. Kinwelyuhan niya si Jerome na katabi ko at saka nito itinayo mula sa pagkakaupo sabay itinulak ito. Napaupo si Jerome sa sahig dahil sa ginawa sa kanya ni GD.

Umupo si GD sa upuan na kanina ay inupuan ni Jerome at tinitigan ulit ako. Lalapitan ko na sana si Jerome nang hinarang ako ng mga kaibigan ni GD.

Ang mga kaibigan ko naman ay halatang kanina pa nagtitimpi sa grupo nila GD. Akala talaga ng tao na ’to ay siya ang hari dito sa YGA. Napakalakas ng loob niya at wala siyang kinakatakutan dahil alam niyang anak siya ng mayor at malakas ang kapangyarihan nila sa faculty ng YGA dahil isa ang ama niya sa namamahala rito. Gusto man kaming pansinin ng mga estudyante sa loob ng canteen ay hindi nila magawa dahil sa takot nila kay GD. Hindi ito ang unang beses na mangyari ito. Ilang beses na itong nauulit at alam nila na magagalit si GD kapag pinag-uusapan kami. He has a power na gawing sunod-sunuran ang mga estudyante ng YGA.

“Anong kailangan mo?” Nanggigigil kong tanong sa kanya. Kapag nakikita ko talaga ang pagmumukha niya ay naiinis ako.

Ipinatong nito ang dalawang paa niya sa isang upuan sa tabi at isinandal ang dalawang kamay niya sa kanyang ulo and he lean on the wall.

“Ikaw lang naman ang kailangan ko.” Naglabas siya ng sigarilyo at sinindihan ito. Pinagbabawal sa YGA na manigarilyo pero siya ay wala lang pakialam.

“Pwes kung ganon ay hindi kita kailangan. Guys, tara na.” Tatayo na sana ako nang bigla niya akong hinigit at inupo sa kandungan niya. Lalapitan na sana ako nila Chae nang hinarangan sila ng mga kaibigan ni GD. May mga estudyanteng lalake rin ang nakisali at tinulungan ang mga kaibigan ni GD sa pagharang.

“Tangina! Bitawan niyo ako mga gago!” Sigaw ni Leo na hinaharangan nang mahigit sa limang lalakeng estudyante.

“Bitawan niyo nga kami pwede ba?!” Sigaw naman ni Bonnie.

Hindi ako makagalaw sa kandungan ni GD dahil sa sobrang higpit ng kapit niya sa akin.

“Let me go!” Tinawanan lang ako nito pati ng mga kaibigan niya.

Pinagtitripan na naman nila ako.

“Pakipot ka pa kasi Trinity, alam ko naman na type mo ako.”

“Never in my whole life na maging type ko ang mayabang na katulad mo!” Sigaw ko sa kanya. Mas lalo lang siyang tumawa sa sinabi ko.

“Napakasama mo talaga!” Sigaw ni Micca kay GD.

“Mr. Buenavista! What the heck is happening here?”

Mabuti na lamang at dumating ang terror professor namin sa Math na si Mam Roque.

Napabitaw sa akin si GD at binitawan na rin nila ang mga kaibigan ko. Napatayo ito at nilapitan naman siya ng mga kaibigan niya. Here we go again.

“Pinagtitripan niyo na naman ba si Ms. Hernandez?” Lumapit si mam kila GD na may nakakatakot na aura.

Hindi sumagot si GD sa halip ay sinipa niya ang upuan sa tabi niya kaya natumba ito na ikinagulat ni mam Roque.

“Dyos kong bata ka! Hindi ka na ba talaga magtitino?” Galit na usal nito na napahawak pa sa kanyang dibdib dahil sa sobrang gulat.

“Ang dami niyong satsat, sa guidance office naman ang tuloy nito di’ba?” Balewalang sagot ni GD na ikinatawa na naman ng mga kaibigan niya.

Mas lalong dumilim ang aura ni mam kaya napasigaw na ito.

“Go to the Guidance Office now!” Napangisi na lang sila GD at umalis na sila sa canteen pero bago iyon ay nilapitan niya si Jerome.

“We’re not done yet,” Ani nito at umalis na sila.

“Go back to your class, now!” Sabi ni mam kaya nagsialisan na ang mga estudyante sa canteen at nagpunta na sa kani-kanilang mga klase.

“Okay ka lang?” Nilapitan ako ni Jerome at niyakap.

“Okay lang. Sanay na ako.”

“That guy is totally insane!” Mailing-iling na sabi ni Chae.

Nagpunta na kami sa kanya-kanya naming mga klase matapos ang insidente na iyon. Nasanay na ako sa pantitrip sa akin nila GD. Titigilan lang raw niya ako kung papayag akong maging girlfriend niya pero kahit na kailan ay hindi ko gugustuhing maging boyfriend siya. Di bale nang tumanda akong dalaga basta huwag ko lang siyang maging boyfriend. Matapos ang napakahabang oras ng klase ay sa wakas at uwian na. Niligpit ko na ang aking mga gamit at lumabas na ng classroom nang makita ko sila Chae, Bonnie, Micca, Leo at Jerome na nakaabang sa akin.

“Oh, anong ginagawa niyo ditong lahat?”

“Bibisitahin lang naman namin ang bagong tinitirhan mo.” Nakangiting sagot ni Bonnie.

“Gusto rin namin mameet ang 13 guys na ’yon.” Follow up ni Micca.

“Shall we go?” Nakangising sagot ni Chae.

May magagawa pa ba ako?

– A/N: Hi guys! I’m sorry kung ngayon lang ulit ako nakapag-update. Nung Last June pa yata ako nag-update? Hehe, pasensiya na dahil nasira ang cellphone ko para pang update pero ngayon ay itutuloy-tuloy ko na ito. Almost 3k na pala ang reads ng LWT13G. Salamat sa vote, follow at support guys.

Chapter 8 - The Meet Up

Bonnie’s POV

Nasa tapat na kami ng bahay na tinitirhan ni Trinity kasama ang 13 guys na nakatira din dito. Malaki naman ang bahay at mukhang mayayaman talaga ang nakatira dito. Lumabas na kaming anim sa sinakyan naming kotse ni Leo.

“Infairness, malaki ang bahay ha?” Namamangha kong sabi habang nililibot ko ng tingin ang buong bahay.

“Pero mas malaki pa rin ang bahay nila Leo.” Sabi ni Micca.

“Paanong hindi malaki ang bahay nila Leo e, milyonaryo lang naman po sila,” Sarkastikong pagkakasabi ko.

Natawa na lang sila sa sinabi ko at pinapasok na kami ni Trinity sa loob. Nang nasa loob na kami ay may isang gwapong lalake ang lumapit kay Trinity. Holy cow! Ang gwapo niya.

“Mga kaibigan mo?” Tanong nung gwapong lalake kay Trinity na pinasadahan kami ng tingin.

“Oo David, gusto kasi nilang makita itong bagong tinitirhan ko.” Sagot naman ni Trinity.

David ba ang pangalan niya? Ang gwapo naman ng pangalan niya. Kasing gwapo din niya.

“Ganon ba? Doon tayo sa may sala.” Nakangiti nitong sabi kay Trinity at makikita dito ang sparks sa mga mata niya.

Bigla akong nanlumo dahil nakikita ko rin na may gusto siya kay Trinity. E, ano pa nga ba? Halos lahat naman ng mga lalake ay nagkakagusto kay Trinity. Kahit nga si Leo noon na hindi pa niya nakikilala si Chae ay minsan nang nagkagusto kay Trinity noon, pero hindi ko naman masisisi si Trinity na maraming nagkakagusto sa kanya dahil isa siyang maganda, mabait at mabuting tao. I won’t waste it nang dahil lang sa isang lalake.

Sinundan namin sila Trinity at David papuntang sala at habang naglalakad kami ay biglang bumulong si Chae sa akin.

“Isa ba yan sa 13 guys? Ang gwapo niya no?” Siniko ko naman siya.

“Marinig ka ni Leo diyan, baka magselos ’yon.” Sabi ko at tinignan si David.

“Type mo ba?” Pang-aasar niya.

“Ewan ko sayo!” Inirapan ko si Chae at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad.

Aminin ko man o hindi pero type ko si David kaso hindi na pwede.

Nang narating na namin ang sala ay naabutan naming nagkukulitan ang mga sinasabing kasama ni Trinity sa bahay na ito. Mayroong nagkukulitan, nag-uusap, may natutulog at ang iba ay may mga sariling mundo.

Napatigil silang lahat sa kani-kanilang mga gawain nang makita nila kami.

“Hi guys! Mga kaibigan ko nga pala.” Pakilala ni Trinity sa amin. Tumango naman silang lahat at inaya kaming maupo.

“Introduce yourself guys.”  Bulong sa amin ni Trinity. Halata namang walang pakialam dito ang dalawa naming kasamang lalake.

“Hi! Ako nga pala si Micca.” Pakilala ni Mecca sabay sulyap dun sa lalakeng mataba ang cheeks at cute. Type niya?

“I’m Chae.” Pakilala ni Chae sabay sulyap sa lalakeng gwapo at cute.

“Bonnie.” Pakilala ko sabay sulyap kay David na nakangiti sa akin. OMG! Kinikilig ako sa kanya! Sana he’s good at singing like me para same kami.

Napansin naman ni Trinity na ayaw magpakilala nila Leo at Jerome na nakasandal lang sa may couch kaya sinamaan niya ito ng tingin. Mukhang nakuha naman ng dalawa ang nais iparating ni Trinity kaya umayos na sila sa pagkakaupo at nagpakilala.

“Leo.” Walang ganang sagot nito at ngumiti ng pilit.

“Jerome.” Nakangiting sabi ni Jerome na ikinatuwa naman ni Trinity. Paimpress lang sa babaeng nafriendzoned siya?

Tumango yung mga lalake at ang iba sa kanila ay nahalata ang pagkadisgusto nila Leo at Jerome sa kanila pero nanatili na lang silang tahimik.

Nagpakilala din sila sa amin isa-isa at nalaman ko na John pala ang pangalan ng lalakeng kanina ay tinitignan ni Micca at si Daniel yung gwapo na cute. Nagkukwentuhan lang kami nang mapansin ko na palihim silang lahat na tumititig kay Trinity na masayang nakikipag-usap kay Chae. Napaghahalataan na talaga sila!

“Check mo nga si Trins, baka tunaw na.” Napansin din pala iyon ni Micca.

“Oo nga e, ang obvious nila.” Napadako ang tingin ko sa lalakeng yellow ang buhok na napansin kong tinitignan ni Trinity kanina.

“Napansin mo ba yung lalakeng kulay yellow ang buhok?” Tinuro ko kay Micca yung lalake.

“Ah, Jaden yata ang pangalan niya, pero kung sa bagay, ang gwapo din niya kaso mukhang suplado.” Nakapout na sabi nito.

“Hindi mo ba napansin? Kanina pa yan tinitignan ni Trinity.”

“Oh? Baka iyan ang type niya. Sino ba namang hindi magkakagusto kay Yellow head e, ang gwapo na at papable pa. Pero mas type ko pa rin si John. Hihi.” Kinikilig nitong sabi habang nakatitig siya kay John na busy naman sa pakikipagkukulitan.

“Mukhang may tama ka na diyan sa John na yan ha?”

“Hmp. E, ikaw nga diyan ang over mong makatitig kay David kanina pa.” She got me kaya napatahimik ako na ikinatawa niya.

Sige na! Aaminin ko na crush ko na si David. E, sa ang gwapo niya. Ano namang magagawa ko? At mabait pa!

Nagmasid ulit ako sa kanila at tinignan ko yung isang lalake na Arthur ata ang pangalan na nakatingin kay Trinity. Hindi ko alam pero nangilabot ako sa way ng pagkakatitig niya, parang may tinatago siya na kung ano sa kanya. Ay! Nababaliw na talaga ako sa mga thoughts ko. Ito ang nakukuha ko sa mga napapanood kong suspense/horror movies e. Kung ano-ano na ang mga pinag-iisip ko.

Matapos ng mahigit isang oras namin sa bahay na iyon ay napagpasiyahan na naming umuwi. Nagpaalam na din kami kila Trinity at tuluyan ang umalis doon.

“Hindi talaga maganda ang kutob ko sa kanila.” Ani Jerome.

We feel the same way too.

Trinity’s

POV

Nang makaalis na ang mga kaibigan ko ay umakyat na ako sa loob ng kwarto ko at nagpalit ng manipis na malaking tshirt at maikling shorts. Sobrang init ng panahon at nasanay na rin ako na ganito lang ang suot ko sa loob ng bahay namin. Bumaba na ako sa aking kwarto at dumiretso na sa dining area. Nakita ko silang lahat na napabuntong-hininga at parang naiinitan nang makita nila ako dahil panay ang paypay nila sa kanilang mga sarili.

“May problema ba?” Tanong ko sa kanila.

“W-wala.. Ang init lang dito kasi summer na, di’ba?” Sagot ni Sam habang pinapaypayan ang sarili niya gamit ang kamay nito.

“Ah, oo nga e. Sobrang init na pero hindi pa summer, January pa lang.” Natatawa kong sagot at umupo sa tabi ni Kevin na nginitian ako.

“Hehe. Oo nga pala,” Napakamot na lang si Sam sa ulo niya.

“Usap tayo mamaya sa may terrace.” Nakangiting sabi sa akin ni Kevin. Ngumiti rin ako at tinanguan siya.

Bigla namang nalaglag ang kutsara ni Jaden dahilan para malipat sa kanya ang atensiyon namin.

“S-sorry,” Sabi niya sabay yuko at kinuha ang kutsarang nalaglag sa ilalim ng lamesa.

Nagsimula na kaming kumain at pinag-uusapan namin ang pakikipagmeet ng mga kaibigan ko sa kanila.

“Mukhang ayaw yata sa amin nung dalawang kaibigan niyong lalake.” Sabi ni Jun habang busy sa pagkain.

“Sina Leo at Jerome ba? Pasensiya na kayo sa kanila. Ganon lang talaga sila kapag hindi pa nila lubos na kilala ang isang tao.” Sabi ko.

Napatango naman si Jun. “Yung Leo ba girlfriend niya yung Chae?”

“Oo.” Sagot ko naman.

“E, yung Jerome? Girlfriend niya si Bonnie?” Napailing naman ako na parang matatawa na.

Ayaw na ayaw nga ni Bonnie kay Jerome dahil masyado raw malambot kumilos at walang sense of humor at ayaw na ayaw ni Jerome kay Bonnie dahil masyado raw madaldal at nakakairita dahil makulit.

“Hindi. Ayaw nga nila sa isa’t-isa dahil opposite na opposite sila ng taste.” Sabi ko.

“Oo nga naman, mukhang type kasi ni Bommie si David. Kung tumitig ba naman parang malulusaw na si David.” Matawa-tawang sabi ni Kyle na sinamaan ng tingin ni David. Napansin ko din iyon kanina at ikukumpirma ko yun kay bruhilda. Mukhang crush niya yata si David.

“May iba na akong gusto..” Sambit ni David at tumingin sa akin na ipinagtaka ko.

“Hahaha okay. E, kumusta naman ang kay John? Mukhang may type yung Micca sa kanya.” At natawa naman kaming lahat doon.

Bagay naman kasi talaga sina John at Micca dahil pareho silang cute at pinakabata sa grupo.

“Bagay!” Pang-aasar ni Mason.

“Loveteam of the month goes to JohnMi Couple!” Pang-aasar pa ni Justin na mas lalo naming ikinatawa.

“Trip niyo ako, e no?” Naaasar na sabi John habang nakatingin ng masama sa mga kaibigan niya.

“E, si Daniel? Kay Jerome?” Natawa na kami nang tuluyan sa sinabi ni Arthur.

“Napansin ko kasi na nakatitig ng masama si Daniel kay Jerome kanina. Baka nagseselos siya kay Leo.” Dugtong pa niya na may halong pang-aasar.

Parang sasakit na nga ang tiyan ko sa kakatawa. Ang saya pala nilang kasama. Mapapatawa ka talaga sa mga kalokohan nila.

“Gago!” Binato ni Daniel si Arthur ng table napkin at tumama ito sa mukha niya na ikinatawa din naming lahat.

“They are just crazy.” Sabi ni Kevin sa akin habang naiiling na ngumingiti.

“Ang saya nga e,” Sabi ko sa kanya. He just smiled at me at nagpatuloy na sa pagkain niya.

Si Jaden naman ay tahimik lang na kumakain pero kanina ay palihim siyang napapangiti sa mga kalokohan ng mga kaibigan niya. He’s not expressive pero may pakiramdam rin siya. At kapag naaalala ko na naman ang epic fail plan ko na ‘Seduce Him’ ay nahihiya ako sa ginawa ko. Nakita ko pa ang katawan niya na napaka-hot kaya namumula ako kapag naaalala ko iyon. Ano nga ba ang pumasok sa isip ko at ginawa ko ang bagay na iyon?

After we eat at maglokohan ay nag-insist ako na ako na ang maghuhugas ng plato pero pinigilan akong gawin iyon kaya ang end up ko ay nasa may sala lang ako at naglaro na lang ng games sa cellphone ko.

Naramdaman ko na may umupo sa tabi ko kaya nilingon ko ito. Nagulat na lang ako na si Daniel pala.

“Daniel?” Ito na naman. Kinakabahan na naman ako sa kanya. Baka halikan na naman niya ako.

Yumuko siya na parang nahihiya sa akin. “Trinity, I’m sorry for what happened in the other day. I didn’t mean to kiss you.. I’m j-just..” Napasabunot siya sa kanyang buhok na tila nahihirapan sa sasabihin niya. Inaantay ko na lang siyang magsalita.

“I-im just broken hearted. My girlfriend broke up with me..” Laking gulat ko na lang nang bigla siyang napaupo sa sahig at parang hirap na hirap ang sitwasyon niya kaya ang ginawa ko na lang ay yakapin siya.

“Magiging okay rin ang lahat Daniel. Marami pa naman diyang iba na mas papahalagahan ka.” Hinagod-hagod ko ang kanyang likod para kahit papaano ay kumalma siya.

“But.. I love her.” Napakaswerte naman ng babae na ’yon. Sobrang mahal siya ni Daniel to the point na naghihirap na ito.

“Alam mo Daniel, kung mahal mo talaga siya, respect her decision. Malay mo ay may hihigit pa sa kanya. All you need to do is to move on.” Napatitig ito sa akin pero hindi na yung titig na parang kakainin niya na ako ng buhay nung una kaming nagkakilala. Yung titig niya ngayon ay parang namangha ito sa sinabi ko.

“Now I wonder kung bakit nagustuhan ka nila.” Ano daw? Nagustuhan nila? Sinong nila?

“Ano Daniel? Sinong nila ang tinutukoy mo?” He just shrugged to my question.

“Wala ’yon.”

Umupo na kami ulit sa sofa at nakikita ko na medyo kalmado na siya.

“Okay ka na?”

He nodded. “Yes. Salamat. Hindi ko na talaga uulitin na halikan ka.  Hindi ko iyon sinasadya.” Nakikita ko sa mga mata niya na hindi niya sadya.

“Okay na Daniel, naiintindihan ko naman kung bakit mo nagawa ’yon.” I smiled at him.

Kahit papaano ay hindi na ako kinakabahan kay Daniel. Dala na rin siguro ng pagiging broken hearted niya kaya hinalikan niya ako. Makakagawa ka kasi ng isang bagay na hindi naman pwede dahil sa depression na nararamdaman mo at labis ko ’yon naiintindihan sa kanya.

“Salamat.” And he patted my head as his little aister.

Lingid sa kaalaman nila Trinity at Daniel ay may isang pares ng mga mata na nanonood sa kanila. Tila nagagalit ito sa kanyang nakikita kaya napakuyom ang kanyang mga kamao at napaigting naman ang kanyang bagang.

“Akin lang si Trinity! Walang ibang pwedeng magpangiti sa kanya kundi ako at ako lang..”

Chapter 9 - Travis is Back

Jaden’s POV

Hindi ko talaga mapigilan na magselos lalo na’t ang lapit na ng loob ni Trinity sa mga lalakeng kasama niya dito sa loob ng bahay. Gusto ko man aminin sa kanya na ako si Jojo na kababata niya ay hindi ko magawa dahil alam ko na kapag nalaman niya iyon ay kamumuhian niya ako at ipagtatabuyan. Nasaktan ko siya dahil hindi ko natupad ang pangako ko sa kanya na babalikan ko rin siya. Kung alam lang talaga niya ang dahilan kung bakit kailangan namin noon na tumira sa amerika. Hanggang ngayon ay mahal ko pa rin si Trinity na kahit wala akong karapatang magselos ay nagagawa ko pa rin.

“Hanggang kailan mo balak itago sa kanya na ikaw si Jojo?” Ani Sam habang nagdidribble ng bola at ishinoot sa ring. Nandito kasi kami ngayon sa basketball court sa may plaza malapit lang sa bahay.

Ipinasa naman sa akin ni Sam ang bola, nagdribble din ako at ishinoot ang bola sa ring. “Kapag handa na ako.”

Napatawa itong bigla ng mahina sa sinabi ko. “Kailan pa kaya iyon? Kapag may isa na siyang nagustuhan sa atin?” Napahinto ako sa sinabi niya.

“Sa atin? May gusto ka rin ba kay Trinity? Kakalabanin mo din ba ako Sam?” Hindi makapaniwalang tanong ko.

Huminto siya sandali sa pagbabasketball at nagpunta sa bench matapos ay uminom ng tubig sa bottled water na kinuha niya mula sa bag nito.

“She’s nice, kind and pretty at magsisinungaling ako kung sasabihin ko sayo na hindi ko siya gusto, I like her too, Jaden at habang maaga pa ay sabihin mo na sa kanya na ikaw si Jojo, otherwise may karapatan din naman ako na piliin niya.”

Tila napailing ako sa sinabi niya. Siya rin pala ay may gusto kay Trinity? Tss. Ano ito? Reverse-harem? [Reverse-harem; A Japanese term to a girl that 4 or more men admires her]

“I can’t believe this!” Nakangisi kong sagot na parang naiinis sa sinabi niya. Akala ko pa man din ay susuportahan niya ako kay Trinity iyon pala ay makikipagkumpitensiya din siya sa akin.

He just smiled at kinuha ang sports bag niya at isinabit sa kanyang braso ang towel na hawak niya. “Sana maintindihan mo ako Jaden. Kailangan ko din ng babaeng aalagaan at mamahalin ko. Sige, uuwi na ako.” Matapos niyang sabihin iyon ay naglakad na ito papalabas ng court hanggang sa makaalis na siya.

“Ang dami-dami namang babae diyan at bakit si Trinity pa ang gusto nila?” Tanong ko sa sarili.

Habang nakaupo lang ako dito sa bench sa court ay may tatlong lalake ang pumasok at isa sa kanila ay pamilyar sa akin. Hindi ba’t siya ’yong kaibigan ni Trinity na mukha nang espasol dahil sa kaputian?

Nakasuot sila ng jersey at may hawak din silang mga sports bag at bottled water. Napatingin sa gawi ko ang espasol na ’to saka siya ngumiti at lumapit sa akin. Psh.

“Ikaw pala, Jaden.” Sabi niya at umupo sa tabi ko.

“Ako nga,” Sagot ko na lang at kinuha ang bottled water ko at ininom.

Sinenyasan niya ang dalawa niyang kasama na mamaya na lang sila maglalaro at tumango na lang sila.

“Alam mo ba na first kiss ako ni Trinity?” Sabi niya na nakangiti sa akin.

Sabi na nga ba. Isa rin siyang mapagpanggap.

Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi na lang ako nagsalita. “Ninakawan ko kasi siya ng halik noong high school pa lang kami habang natutulog siya sa bahay namin dahil sabay lagi kaming nagrereview. Nakatulog siya kaya I grab the opportunity..”

“Ibang klase ka.” He chuckled na mas lalong nagpainis sa akin.

“Maraming nagkakagusto sa kanya pero walang nagbabalak na manligaw dahil natatakot sila sa isang Jerome Cruz.” Sumandal siya sa bench na inuupuan namin at pinaglaruan ang towel na hawak niya.

“Not unless na may nakisalang Gavin Daryl Buenavista. Mas sumasaya ang laro dahil sa kanya.” Napakuyom ang kamao ko sa sinabi niya.

“Niligawan ko siya nung first year college palang kami pero binasted niya ako. Well, makakapaghintay naman ako kasi sa akin lang siya babagsak.”

Akalain mo nga naman. Sa unang tingin ay akala mo kung sino siyang santo ayon pala ay isa rin sa mga nagkukubling demonyo. Sa bahay nga meron pati din pala dito.

Tinignan ko siya at nginisian. “Mabuti na lang pala at binasted ka niya. Siguro hindi lang talaga gusto ni Trinity ang mga kaibigang mapagpanggap at manloloko.” Mukhang nainis ito sa sinabi ko pero hindi lang niya ipinahalata. Pinagpatuloy ko pa ang sasabihin ko.

“Alam mo, malaki ang tiwala sayo ni Trinity kaya huwag mo siyang lokohin ng ganyan. Makuntento ka na lang sa pagiging magkaibigan niyo.” Natahimik siya sa sinabi ko kaya tumayo na ako at binitbit ang mga gamit ko.

“Makuntento ka sa kung anong meron kayo dahil panigurado na may isang tao rin ang naghihintay lang sa kanya.” And I left him hanging.

At ako ang taong iyon.

Travis’ POV

Pagkatapos ng isang linggo ko na pagbabakasyon sa Japan ay sa wakas at nakauwi na rin ako ng pilipinas. Bumisita kasi ako sa aking lola dahil sa business matters. Desidido na talaga sila ng mga magulang ko na sa akin ipahandle ang kompanya namin. Wala naman akong magawa kundi ang sumunod sa kanila alang-alang sa inheritance ko.

I research something about our fiancé na kasama namin na titira sa TREASURE house at nalaman ko na siya pala yung babaeng ipinahiya ako sa bar. Si Trinity Hernandez. Hmm.. let’s find out kung magiging akin ba siya. Ako na lang pala ang hindi namemeet ng babae na iyon. Ano naman kaya ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niya na isa rin ako sa makakasama niya sa iisang bahay? Panigurado na magugulat siya at maiinis na din. Mukhang masaya ’to.

Habang nagdadrive ako pauwi ng bahay galing sa airport ay tumatawag sa phone ko si David kaya sinagot ko ito.

“Ano?” Inis kong sagot. Istorbo e.

(Woah! Chill ka lang.. ang init na kaagad ng ulo mo) Sabi niya habang naririnig ko na nagpipigil siya ng tawa sa kabilang linya.

“Kung ang itinawag mo ay kung nasaan na ba ako, I’m driving at malapit na ako. Okay na?”

(Mind reader ka ba, Travis? Alam na alam mo na ang itatanong ko ah?)

Tss. Hindi ko talaga magets kung bakit si David ang pinakaclose ko e, iritang-irita ako palagi sa kanya.

“Bye.”

(Teka–) Magsasalita pa sana siya nang ibinaba ko na ang tawag.

Badtrip na nga ako kanina kay lola tapos may mangungulit pa sa akin. Mas lalo tuloy sumakit ang ulo ko. Pagkatapos ng ilang oras na pagdadrive ko ay narating ko na din ang bahay. Binaba ko na ang maletang dala ko at ipinapasok iyon sa guard sa loob. Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa sala para magpahinga. Medyo pagod na rin kasi ako sa biyahe.

“Nakauwi ka na pala,” Sabi ni Justin na mukhang kakagising lang dahil gulo-gulo pa ang buhok nito at kinukusot pa ang mata niya.

“Yeah. Nasaan yung iba?” Tanong ko at isinandal ang ulo ko sa sofa.

Lumapit naman siya sa akin at umupo sa tabi ko. “Yung iba may kanya-kanyang pinuntahan. Yung iba nasa kwarto, natutulog at si David lumabas sandali, may bibilhin lang daw siya.” Tumango na lang ako.

“Yung Trinity? Nasaan na siya?” Hindi ko mapigilang tanong. Gusto ko na siyang makita.

“Pumasok pero uwian na yata nila kasi 6pm na din. Kilala mo na pala siya?” Tanong nito.

“Nagresearch ako tungkol sa kanya.” Sagot ko na lang.

He sighed. “She’s nice at mukhang nagugustuhan na siya ng mga kaibigan natin.” Bigla akong napatingin kay Justin dahil sa sinabi niya.

“Really?” He nodded.

Mukhang mapaparami ang makakalaban ko sa kanya. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil nakakahypnotize ang babaeng iyon at kapag natitigan mo siya ay hindi mo na maialis ang mga mata mo sa kanya. That girl has something.

“She’s beautiful.” Sabi niya nang nakangiti.

“May gusto ka rin sa kanya?” He shrugged. Tss.

Ilang minuto din ang nakalipas nang magsidatingan na silang lahat at nung nakita nila ako ay kinamusta nila ako. Sinagot ko naman ang mga tanong nila kahit medyo pagod ako. They are still my friends after all.

Natigil kami sa pag-uusap nang biglang pumasok ng sabay sina Kevin and the girl I saw and encountered in the bar. That Trinity.

She’s wearing a uniform and skirt but she’s still beautiful and gorgeous. Nang makita niya ako ay nanlaki ang mga mata niya and I smirk.

Hinatak naman siya ni Kevin at lumapit sa pwesto namin.

“Trinity, siguro hindi mo pa siya kilala. I want you to meet, Travis.” Pakilala ni Daniel sa amin sa gulat pa rin na mukha ng babae na ’to.

She’s so beautiful in any facial expressions.

“Hi. I’m Travis.” Pakilala ko sa kanya at nag offer ng shakehands.

Nang makabawi siya sa pagkagulat ay ngumiti ito ng peke at nakipag shakehands rin.

“Nice to meet you.” Medyo may pagkainis niyang sabi pero napangisi na lang ako. Mukhang ayaw niya sa akin pero gagawin ko ang lahat makuha ko lang siya.

Tinitigan ko lang siya kaya bigla naman niyang binawi ang kamay niya sa akin. Nakita ko naman ang pagkainis ng mukha ni Kevin kaya mas lalo akong napangisi. I know he’s playing safe and so I do. Kilalang-kilala ko na si Kevin.

“Ngayong nameet mo na si Travis, umupo na kayong dalawa ni Kevin.” Umupo naman silang dalawa.

Nakikita ko sa mga mukha nila na ayaw nilang katabi ni Trinity si Kevin at ganon rin ako pero wala naman silang magagawa don.

I’m staring at her at nahuhuli ko siya na tumitingin kay Jaden na tumitingin din sa kanya. Hindi kaya? Hindi! Hinding-hindi pwedeng mangyari iyon.

“18 years old ka pa lang, Trinity?” Tanong ko dahil naiinis na ako sa pagtitinginan nila ni Jaden.

Mukhang nagulat siya sa biglaang tanong ko kaya tinitigan niya ako ng masama bago sumagot. She’s cute when got angry.

“Oo. I’m only 18.” Sagot niya at inirapan ako. Mas matanda pala ako ng limang taon sa kanya.

Napapansin na ng mga lalakeng ’to na ayaw sa akin ni Trinity kaya nagtanong na sila.

“Kanina ko pa napapansin na parang magkagalit kayo. Magkakilala na ba talaga kayo?” Tanong ni John habang nagtatakang nakatingin sa amin.

“No!” Sagot ni Trinity using her defensive tone.

“Ah, okay?” Tumango-tango nalang si John na mukhang may pagdududa pa rin.

** “You like her?” Bulong sa akin ni Arthur habang nakatambay kami sa garden at nakaupo sa may hagdan.

Nginisian ko na lang siya sa tanong niya at nakita ko na napatampal siya sa noo niya.

“Kilala kita Travis, huwag mo siyang gawan ng masama. She’s not your girl.”

Napatawa naman ako ng mahina sa sinabi niya. “Talagang gustong-gusto niyo siya ha?” Sabi ko sabay ininom ang beer in can na hawak ko.

Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot. “A-ano kasi.. mabait siya at maaalahanin. Magaan ang loob ko sa kanya at parang maaapektuhan ka na lang when you see her crying. B-basta, don’t hurt her.”

Knowing Arthur na hindi naman ganito kaconcern sa isang babae ay nakakapanibago. That girl is changing my friends.

“Fine.” Sabi ko at napangiti na lang siya.

Hindi ko alam pero simula nang makita ko si Trinity sa bar noon at nilapitan ay natuwa ako at nagulat dahil inisnob niya ang isang Travis Ramos. I know she’s not interested with me when we first encounter pero ngayon.. I’m kindly interested to her. I want her.

’ Makukuha din kita. Tandaan mo yan’ The words I said before.

I’ll make sure that she’s going to be mine.

Chapter 10 - Jealous?

Jerome’s POV

Napatawa ako sa reaksyon ng Jaden na ’yon nung sinabi kong ako ang first kiss ni Trinity e, hindi naman totoo ang lahat ng mga pinagsasabi ko kanina. Sinusubukan ko lang kung may gusto siya kay Trinity at nakumpirma ko na oo. May gusto pa rin ako kay Trinity hanggang ngayon pero hindi naman niya ako gusto kaya nakukuntento na lang ako sa pagkakaibigan na meron kami. Kahit kaibigan lang niya ako ay poprotektahan at aalagaan ko siya. Ayoko na magkasira kami nang dahil lang sa mahal ko siya.

“Tol, sino yung lalakeng kausap mo kanina? Mukhang maangas e.” Tanong ni Charles. Isa sa mga kaibigan at kateam mate ko sa basketball.

“Kaibigan ni Trinity.” Sagot ko na lang. Ayoko na magkwento sa kanila na isa ang Jaden na iyon sa pagpipilian ni Trinity na magiging fiancé niya.

“Oh? Di’ba may gusto ka kay Trinity? Bakit hinahayaan mo lang na lapitan siya ng yellow head na ’yon?” Sagot naman ni Kier. Isa rin sa mga kaibigan at kateam mate ko.

Pagkatapos kong maglay-up ng bola ay umupo muna ako sa bench at sumunod naman sila sa akin at umupo sa tabi ko.

“Hindi ko naman girlfriend si Trinity para pagbawalan siya na lapitan ang lalakeng iyon.” Bigla namang napailing sina Charles at Kier sa sinabi ko.

“Masyado ka talagang mabait, Jerome.” Sabi ni Charles at pinaikot sa daliri niya ang hawak niyang bola. Ako daw mabait? Loko talaga. Sinungaling pa.

“Sinabi mo pa, Charles. Wala yata sa bokabularyo niya ang salitang ‘mang-agaw’.” Natatawa namang sabi ni Kier.

Palibhasa kasi mga chickboy ’tong kasama ko. Araw-araw papalit-palit ng girlfriend at kapag may boyfriend na yung babaeng natipuhan nila ay gagawa sila ng paraan para agawin at akitin yung mga babaeng iyon at nagtatagumpay naman ang dalawang ’to using their good looks.

“Mga bad influence talaga kayo sa akin e, no?”

“Jerome naman! Wala namang masama kung minsan ay magiging masama ka. Kulang na lang e, magkaroon ka ng halo dahil sa sobrang bait mo.” Inakbayan ako ni Kier at tinapik-tapik ang balikat ko.

“Ewan ko sayo. Tigilan niyo nga akong dalawa, di ako katulad niyo!”

Sandali ay may inilabas si Kier na isang sigarilyo at binigay sa akin.

“Magyosi ka muna.” Kinuha ko naman yung sigarilyo at sinindihan ito gamit ang lighter na inabot sa akin ni Charles.

“Tinulak ka raw ni GD kaya napaupo ka sa sahig nung pinagtitripan ulit nila si Trinity?” Namamanghang tanong ni Charles. Natatawa siguro siya dahil alam niyang hindi ako lumaban.

“Oo, saka ayoko makita ni Trinity na magalit ako baka kasi matakot siya sa akin kapag nakita niya akong magalit.”

“Kung ako ang nandon, malamang binugbog ko na ang GD na ’yon. Akala niya kung sino siyang hari kasama ang mga kaibigan niyang kasing bobo at kitid ng utak niya.” Nanggagalaiting sabi ni Charles.

Malaki ang galit ni Charles kay GD dahil marumi itong maglaro pagdating sa basketball. Kapag naglaro kasi si GD ay namimisikal na ito kapag natatalo na namin sila ng mga kagrupo niya.

“Kalma lang, Charles,” Sagot ni Kier na natatawa.

Pagkatapos naming magpractice sa court ay nagpalit na kami ng damit at napagpasyahan namin na pumunta ng mall dahil manlilibre daw ’tong si Charles. Akalain mo ‘yon? Manlilibre ang kuripot? Siguro ay nasapian siya ngayon ng mabuting espirito kaya siya manlilibre. Nang nasa loob na kami ng mall ay pinagtitinginan kami lalo na ng mga babae. Hindi naman talaga maipagkakaila na gwapo sina Charles at Kier at pati na rin ako. We’re all 6’ foot tall at mga varsity player ng YGA. My mother is a full blooded Korean and my father is a full blooded filipino. Namana ko ang itsura ko sa mama ko kaya siguro ay napakaputi ng balat ko at medyo singkit rin. Maraming mga nagkakagusto sa akin pero lahat ng iyon ay binabalewala ko dahil si Trinity lang ang nais kong magkagusto sa akin kahit malabo.

“Daming chicks pre!” Sandali ay naiwan kami ni Kier at lumapit sa mga nagkukumpulang babae na kanina pa nakatitig sa amin. Basta talaga kapag babae ay hindi niya pinapalampas.

“Si Charles talaga oh! Sabi manlilibre pero inuna na naman ang mga babae.” Sabi ko at nagpatuloy na lang kami ni Kier sa paglalakad.

Habang naglalakad kami ni Kier ay laking gulat ko nang makita ko si Jaden na kasama ang isa ring kasama ni Trinity sa bagong tinitirhan niya.

“Si yellow head ’yon di’ba?” Tanong sa akin ni Kier.

Tumango ako. “His name is Jaden, not yellow head.” Natatawa kong sabi.

“Ah. Mukhang kasama niya ang kaibigan niya.”

“Tara, lapitan natin.” Hinigit ko si Kier papalapit sa kinaroroonan ni Jaden.

Nang makalapit na kami ay mukhang nagulat pa sila nang makita kami.

“Woah. Di’ba ikaw yung KAIBIGAN ni Trinity?” Tanong ng kaibigan ni Jaden na sa tanda ko ay Jun ang pangalan. Medyo may pagkasarkastiko ang pagkakasabi niya at diniin pa talaga niya ang word na kaibigan.

Halatang ayaw niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanila. “Yes. Ako nga. Nice to see you.. and you too, Jaden.” Walang emosyon lang ang mukha ni Jaden at tumango na lang.

“Kaibigan ko nga pala, si Kier.” Pakilala ko sa kanila kay Kier na walang emosyon din na nakatingin sa kanila.

“Nice to meet you.” Sabi ni Jun kay Kier at napailing ito.

“Nice to meet you din.” Sagot naman ni Kier.

Mukhang nainis na sa amin si Jaden or should I say na naiinis na siya sa akin. Sineryoso niya talaga siguro yung mga sinabi ko sa kanya. Halatang-halata na gusto na niya si Trinity.

Bumalik na rin sa wakas si Charles. Ipinakilala ko siya kina Jaden at Jun. Mukhang namukhaan naman niya si Jun.

“Nasaan nga pala si Trinity?” Tanong ko kay Jaden.

He just shrugged his shoulders. “I don’t know.” Napabuntong-hininga naman sina Charles at Kier sa inaasal sa amin ni Jaden. Halata rin na ayaw niya kaming makausap. Kung ganito lang naman ang magiging fiancé ni Trinity ay mas mabuti pa na huwag na lang.

“Umalis na nga tayo dito Jerome, marami kasing maaangas dito sa paligid.” Ani Charles habang pasipol-sipol lang at nakatingin sa mga taong dumadaan.

Lumapit bigla si Jun kay Charles. “May problema ba?” Tanong nito.

Nginisian siya ni Charles. “Oo. Kayo ng kaibigan mo ang problema! Halata namang ayaw niyo sa amin e.” Tinulak niya si Jun kaya napaatras ito.

“Charles, tama na.” Awat ni Kier.

Nainis si Benedict sa ginawa ni Charles kaya itinulak niya rin ito at napaatras din si Charles. “Ang angas mo e? Akala mo kung sino ka.”

Nag-umpisa namang dumami ang mga tao sa paligid namin at ang iba ay pinipicturan pa kami sa sitwasyon namin.

“Sissy! Ang gagwapo nila!”

“Tama ka! Lalo na yung mukhang koreano pati yung yellow hair!”

“Ang hahot pa nila kaso mukhang nag-aaway sila.”

Ayan ang mga naririnig ko sa paligid namin. Mga babae nga naman.

Nagulat na lang kami nang biglang suntukin ni Charles si Jun kaya napaupo ito sa sahig. Bumawi naman si Jun at sinuntok din si Charles at nagsuntukan na sila.

Inaawat namin silang dalawa. Nagkakagulo na sa paligid at mabuti na lang ay may mga dumating na security guards.

“Ano bang nangyayari dito?” Tanong ng isang guard.

Hawak naman ni Kier si Charles habang hawak naman ni Jaden si Jun.

“Yan! Mayabang ang gago na ’yan!” Sigaw ni Charles at dinuro si Jun. Susugod pa sana siya nang napigilan naman siya.

Pareho nang duguan ang mga mukha nila pero parang wala lang silang pakialam.

“Kumalma ka lang Charles, reresbakan natin ’yan pero hindi dito.” Bulong ni Kier na ikinakalma naman ni Charles.

“Mas mabuti pa siguro mga sir ay umuwi na kayo. Public place po ito at nakakaistorbo kayo sa mga taong nandito.” Sabi pa nang isang security guard.

Pilit tinanggal ni Charles ang pagkakahawak namin sa kanya at tinignan niya si Jun na masama ang titig sa kanya.

“Hindi pa tayo tapos.” Sabi nito at naglakad na papaalis.

Hindi na namin nasundan si Charles at naiwan kami dito. Nagsialisan na din ang ibang mga nakikiusyoso at pati na rin ang dalawang security guards.

“Pasensya na kayo sa kaibigan namin.” Hingi ko ng paumanhin kina Jaden at Jun.

“Okay lang iyon, wala kang kasalanan.” Sabi naman ni Jaden

“Alis na tayo dito, Jaden.” Sabi ni Jun at umalis na.

Tumango na lang sa amin si Jaden at sinundan ang kaibigan niya.

Nang kaming dalawa na lang ni Kier ang naiwan ay napailing na lang kaming dalawa.

“Hindi talaga makontrol ni Charles ang galit niya.” Natatawang sabi ko.

“Pero mas matindi kang magalit, Jerome.” Napatigil naman ako sa sinabi ni Kier.

“Kaya hangga’t maaari ay iniiwasan kong huwag magalit lalo na kapag nandiyan si Trinity dahil alam mo ang nagagawa ko Kier.” Napatango siya.

“If I’m not mistaken, 58 people na?” Nginitian ko naman ito.

“It’s already 60, bro.” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.

“60? May dalawa kahapon?” I nodded.

He just smirk. “Who’s that two?”

Inumpisahan ko namang maglakad at sinundan niya ako. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ng pantalon ko at hinarap siya.

“Secret.” And I smirk too.

Trinity’s

POV

Hanggang ngayon ay gulat pa rin ako dahil makakasama ko ang Travis na iyon sa iisang bahay. Bakit sa lahat-lahat ay siya pa? Inis na inis talaga ako sa kanya lalo na sa ginawa niya noon sa bar. He acts na parang hindi pa niya ako nakita. I hate that guy!

Napasalampak lang ako dito sa sahig katabi ng sofa nang makita ko sina Jaden at Jun na kakarating lang sa kung saan. Umupo naman sila sa sofa na katabi ko at napansin ko na may pasa at maraming sugat sa mukha si Jun.

“Jun, bakit nagkaganyan ang mukha mo?” Nag-aalala kong tanong at inobserbahan ang mukha niya. Lumapit ako sa kanya at iniangat ang baba niya gamit ang isang kamay ko.

Napaubo si Jaden pero hindi ko na lang iyon pinansin.

“Wala ’to.” Sabi ni Jun at pilit iniiwas ang mukha niya sa akin.

“Gagamutin ko yan, babalik ako.” Tumayo ako at nagpunta sa kwarto ko para kunin ang first aid kit ko.

Nang makita ko na ang aking first aid kit ay bumaba na ako mula sa kwarto at nilapitan ulit si Jun na nakaupo pa rin sa sofa.

Sinimulan ko nang lagyan ng betadine ang bulak na hawak ko at maingat ko iyong dinampi sa mukha niya. Sobrang lapit nang mukha namin at nakikita ko kung gaano kakinis ang mukha niya. Sobra akong nag-aalala sa kanya dahil kaibigan ko na siya. I care for my friends so much.

“Ano ba kasing nangyari sayo? Bakit ang dami mong sugat sa mukha?” Teary-eyed kong sabi. Ayoko kasi na nakakakita ng ganito.

Mukhang nagulat sina Jun at Jaden nang makita na papaiyak na ako.

“Trinity, okay na ako. Calm down.” Nahinto ko ang ginagawa ko nang hawakan ako ni Jun sa magkabilang balikat ko at iniharap ng tuwid sa kanya.

Hindi ko na napigilan at umiyak na ako sa harapan niya. Takot na takot kasi akong makakita ng taong nabugbog o nasugatan dahil sa past childhood memories ko sa taong kinamumuhian ko.

“S-sorry.. ninenerbyos l-lang talaga ako when I see you l-like that..” I said between my sobs.

Nagulat na lang ako nang niyakap niya ako. “Sshh. I’m okay,” Then he rubbed my back. Napatingin ako kay Jaden and I saw a pain in his eyes o namamalik-mata lang ako?

I hugged him too and after a minutes ay napakalma ko na rin ang sarili ko. Jun wiped my tears using his handkerchief at humiwalay na rin ako sa yakap niya.

“I’m sorry kung nagfreak out pa ako. Hindi lang talaga ako sanay na-” Jun stop me.

“You really care for me? I appreciate that.” He smile and I can’t help it but to smile too.

“Siyempre, kaibigan kita e,” After I said that word ay biglang nawala ang ngiti niya at tumango na lang.

“Yeah, a friend.”

Jaden stand up at nagpaalam kay Jun. “Matutulog na ako.” Jun nodded.

“Okay.” Hindi man lang siya nagpaalam sa akin. Hmp!

Tinignan muna ako ni Jaden bago siya tuluyang umalis. I was left dumbfounded sa hindi ko malamang dahilan. Assuming ba ako kung nakikita ko sa kanya na para siyang nagseselos sa aming dalawa ni Jun? I think so. Bakit naman siya magseselos kung wala namang kami? Assuming lang talaga ako.

Suddenly, Jun held my hand at itinayo niya ako mula sa pagkakaupo ko.

“Let’s go to the Terrace. I want to know you better.” Tumango na lang ako at tinungo na lang namin ang terrace sa 3rd floor ng bahay.

Pagkarating namin doon ay naupo kami sa upuang semento na nakalagay don at sabay naming pinagmasdan ni Jun ang mga bituin sa langit.

“Jun, pwede ko bang malaman kung bakit nagkasugat at pasa ka sa mukha?” Tanong ko habang pinagmamasdan pa rin ang mga stars.

“Sinuntok ako nung kaibigan ng bestfriend mong si Jerome. Kanina sa mall ay nakita namin sila ni Jaden. May kasama pa silang isa.” Laking gulat ko sa mga sinabi ni Jun. Sinuntok siya ng kaibigan ni Jerome? Sino? Si Charles ba o si Kier?

“Pero bakit ka niya sinuntok?”

Nagkibit-balikat siya. “He’s heat headed.” Natahimik ako at tila nag-isip.

May duda ako na si Charles ang sumuntok kay Jun. Siya lang naman kasi ang mainitin ang ulo sa kanilang dalawa ni Kier.

“Okay ka na ba talaga?” Lumapit pa ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang-balikat niya. Humarap siya sa akin at sa hindi ko inaasahan ay hinila niya ako papalapit sa kanya at hinalikan.

I frozed.

– Another UD. Ginaganahan talaga ako mag-update lalo na kapag may nakaka appreciate ng gawa ko. Yung simpleng pagbasa at pagvote niyo po ay natutuwa na ako. I finish this story until the end. Marami pa akong pasabog. Lovelots!

Chapter 11 - The Guys POVS

Mason’s POV

Hinahanap ko ang gitara ko at naalala ko na naiwan ko pala ’yon kanina sa terrace nung tumutugtog ako kaya dali-dali akong umakyat papunta don. Papasok na sana ako sa loob nang makita ko si Jun na hinila si Trinity palapit sa kanya at saka niya ito hinalikan. Nagulat ako sa nakita ko kaya bumaba nalang ako sa terrace ng tahimik.

Nagpunta ako sa kwarto namin at naabutan ko sina Arthur at Kevin na naglalaro ng chess sa kama ni Arthur. Napaupo ako sa kama ko ng tahimik at iniisip ang nangyari kanina. Bakit hinalikan ni Jun si Trinity? May gusto na ba siya kay Trinity?

“Mason, okay ka lang ba?” Puna sa akin ni Arthur.

I nodded. “Oo, okay lang ako.” Sinuri niya muna ako akong mabuti bago siya nagpatuloy sa pagchechess nila ni Kevin na nagdududa ring nakatingin sa akin.

Kailangan kong makausap si Jun tungkol dito. Gusto kong makumpirma kung bakit niya hinalikan si Trinity. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kwarto nila Daniel. Mabuti na lang at siya lang ang mag-isa dito sa kwarto nila. Naabutan ko siyang natutulog, naka boxers lang siya at walang pang-itaas. Tsk! Paano na lang kaya kapag pumasok si Trinity dito at naabutan niya na ganito ang itsura ni Daniel? Ano na lang kaya ang iisipin non?

Tinapik-tapik ko ang balikat ni Daniel para magising siya. “Daniel, gising at may sasabihin ako..”

“Hmm..” Sandali rin ay nagising siya at bumangon saka umupo sa kama niya. Tumabi naman ako.

“Ano ba ’yon?” Sabi niya habang kinukusot ang mata niya.

“Nakita ko na hinalikan ni Jun si Trinity sa may terrace kanina.” Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko.

“Talaga? Pero bakit sila magkasama sa terrace?”

“Hindi ko alam pero base sa nakita ko sa mukha ni Trinity kanina nang hinalikan siya ni Jun ay nagulat rin siya sa ginawa sa kanya.”

“I kissed her, too.” Ako naman ang nanlaki ang mata sa sinabi niya.

“Bakit?” Napataas na ako ng boses.

Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot. “Nung time na depressed ako sa break-up namin ni Naomi ay pumunta ako sa kwarto niya at hinalikan siya. Hindi ko na alam ang ginagawa ko noon kaya ko siya nahalikan.” Napabuntong-hininga ako sa inis dahil sa sinabi niya.

“Ano na lang ang iisipin sa atin ni Trinity? Na mga manyak tayo?” Napasabunot na ako sa buhok ko dahil sa sobrang pagkainis sa kanila.

Bakit kailangan pa nilang halikan si Trinity?

“N-nagsorry na ako sa kanya at okay na kami. Pinaliwanag ko na rin sa kanya ang dahilan kung bakit ko siya hinalikan.” Napailing na lang ako.

“Daniel, babae si Trinity at respetuhin niyo naman siya!” This time ay napatayo naman siya at tinitigan ako ng masama.

He smirk. “You like her, right? Kaya ganyan ka magreact?” Napatayo rin ako at hinarap siya.

“Yes. Gusto ko siya at nakakainis lang dahil hinahalikan niyo na siya na wala naman kayong karapatan. Kahit depress ka pa sa break-up niyo ng girlfriend mo e, sana naman ay hindi mo hinalikan si Trinity.” Pumalakpak ito sa sinabi ko.

“Imagine? Nagkakagulo na tayo dahil sa iisang babae? But you can’t stop me from liking her, Mason. Nasa kanya na ang lahat. She’s nice, pretty, kind and caring kaya may the best man win na lang.” He offer his hand for a shakehands.

After 5 seconds ay tinanggap ko naman ito. “Okay.”

Jun’s POV

I kissed her. Nagulat siya sa ginawa ko.

“B-bakit mo ako hinalikan?” I kiss her again at itinulak niya ako saka sinampal. Napahawak ako sa pisngi kong sinampal niya.

“Why did you do that?!” She almost yelled at kitang-kita ko na hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.

“Why? You don’t like me? You cried when I got in trouble. You like me, right?” Napahilot siya sa sentido niya dahil sa sinabi ko.

“I like you.. but as a friend and I hate it when you kissed me.” Napayuko ako dahil sa mga sinabi niya at napakuyom ako ng kamao.

“May iba ka na bang nagugustuhan sa amin?” Kalmado kong tanong na anytime ay gusto ko nang manapak.

Hindi siya sumagot. May isa na nga siyang nagugustuhan.

“Who is he?”

Hindi pa rin niya sinagot ang tanong ko.

“Tell me who the fuck is he?!” Sumigaw na ako and I saw her shock in her face.

“You like me, Jun? Ilang araw palang tayong magkakilala tapos gusto mo na ako? Maybe you’re just infautated.”

I shook my head. “No.”

“Yes, you are.”

“No!”

“Yes, you-” Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang bigla ko siyang isinandal sa pader at hinalikan ng marahas. Nagpupumiglas siya pero hindi niya kaya ang laki at tangkad ko. I hate this feeling again being busted by the one you like.

“Bastard!” She said between my kisses. She didn’t responding to my kisses at halatang hindi marunong humalik. I’m starting kissing her neck pero napahinto na lang ako nang makita ko siyang umiiyak.

“I-im sorry..” I hug her but she refused to it.

“I hate you, Jun!” Lumayo siya sa akin at tumakbo na papalabas ng terrace.

Sinipa ko ang lamesang nakita ko at natumba ito. Pinagsisipa ko naman yung mga vase na nakadisplay sa terrace kaya nabasag ito.

“Ano ba ang nagawa ko? She’s angry with me now!” Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa matinding frustrations.

Papalabas na sana ako nang makita ko si Jaden na nakatayo sa pintuan ng terrace. Galit na galit ang itsura niya.

Lumapit siya sa akin at sinuntok niya ako kaya napaupo ako sa sahig.

“Gago ka Jun!” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumabas na siya.

I smirk at pinunasan ang labi kong nagdudugo dahil sa suntok ni Jaden.

“Another rival, e?”

Jaden’s POV

Pagkatapos kong masuntok si Jun ay sinundan ko si Trinity. Tumigil siya at napaupo sa likod ng garden saka umiyak ng umiyak. Nilapitan ko siya at niyakap. She’s crying very hard.

“I-I hate him! He almost rape me..” Hindi ko alam kung paano magcomfort ng isang babae kaya ang ginawa ko nalang ay hinagod-hagod ko ang likod niya katulad nang ginagawa ko noong mga bata pa lang kami kapag umiiyak siya. Natatakot akong sabihin sa kanya na ako ang kababata niyang si Jojo dahil kapag nalaman niya iyon ay magalit siya sa akin at layuan niya ako ngayon pa na ayoko na siyang mawala sa paningin ko. Hangga’t kaya kong itago na ako si Jojo ay gagawin ko, huwag lang siyang mawala sa akin.

I hate it when I see her crying right now. Kagagawan pa ng isang taong pinagkakatiwalaan ko. Anong pumasok sa utak ni Jun at ginawa niya ’to kay Trinity? Hindi naman ganon ang pagkakakilala ko sa kanya pero sa ngayon ay gusto ko siyang saktan dahil sa ginawa niya sa babaeng mahal ko.

“Ako nang bahala kay Jun. Huwag ka nang umiyak.” Mahinang sabi ko habang humahagulgol pa rin siya.

“I thought he was nice but I was wrong.. totally wrong.” Nanginginig siya at ninenerbiyos kaya mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

I will give Jun a good lesson.

Parang kanina lang ay umiiyak siya dahil sa nangyari kay Jun, inaamin ko kanina na nagselos ako sa kanilang dalawa. Napalabas ako kanina sa kwarto ko nang may narinig akong nagsisigawan, hindi ko lang alam kung bakit hindi iyon napansin ng TREASURE guys. Mabuti nalang at napaakyat ako sa rooftop kung saan nandon ang naririnig kong ingay at nakita ko ang eksenang hinahalikan ni Jun si Trinity ng sapilitan. Lalapit na sana ako sa kanila nang bigla siyang itinulak ni Trinity at umalis gamit ang isa pang exit door sa terrace kaya hindi niya ako napansin dahil nasa isang exit door ako naroroon. Saka ko lang nasuntok si Jun.

She stop from crying at tinitigan niya ako sa mga mata.

“Thank you so much Jaden. Ayoko na may iba pang makakaalam nito. Ayoko na magkakasira pa kayo ng mga kaibigan mo nang dahil sa akin.” Tinignan ko rin ang mga mata niya and I can see na ayaw niya itong malaman pa sa iba.

“Pero-”

“Please?”

I sigh. “Sige, pero sa susunod na mangyari ulit ito ay ipapakulong ko na siya.”

She nodded and smile. “Mag-iingat na ako sa kanya. Nandiyan ka naman para bantayan ako, di’ba?”

After so many years ay nakita ko na rin ang ngiti niya na nagpapabilis ng tibok ng puso ko. The Trinity who made me happier is the same Trinity who mades me more happier now.

“Oo naman. Kaibigan na kita, tama ba?” Noon palang kaibigan na kita. Hindi! Boyfriend pala.

“Oo. Kaibigan na kita.” Kinuha ko naman ang kamay niya at nag-insists ng isang pinky promise.

Tumugon naman siya. “Friends.”

My feelings for her is more than a friend.

Someone’s

POV

Nanginginig ako sa galit dahil sa nakikita ko ngayon. Bakit magkasama at nagtatawanan sa gilid ng garden sina Jaden at Trinity? Kailan pa sila naging close? Mga walanghiya! Kailangan ko nang kumilos para makuha ko ang tiwala ni Trinity at para na rin ako ang piliin niya. Itutuloy ko pa rin ang pagiging playing safe ko. Kailangan ko na maging mabait sa paningin nila. Hindi muna ako gagawa ng bagay na ikakapahamak ko. I’m already good at this before, ang magtago at magpanggap sa totoo kong katauhan. Ano pa ang silbi ng pagiging Suma Cum Laude ko nung college kung hindi ko naman gagamitin ang utak ko di’ba?

Dumiretso ako sa labas ng bahay para magyosi. Wala na akong ibang ginawa kundi magmura ng magmura. Hindi ko nagustuhan ang eksenang nakita ko kanina. Nagagalit ako kay Jaden lalo pa’t nakikita ko kay Trinity na iba ang mga tingin niya dito at kung paano siya mataranta sa harapan nito. Hindi ito pwede! Kailangan sa akin lang siya magkagusto! Sisimulan ko nang gawin ang mga plano ko. Ang planong mapasaakin siya dahil matagal na rin naman siyang sa akin.

Naramdaman ko na may humawak sa balikat ko.

“Nandito ka lang pala.” Sabi ni Daniel at inakbayan ako.

Ngumiti lang ako ng peke. “Nagpapahangin lang.”

– Hala! Sino kaya tong si someone na obsess? Don’t forget to vote para ituloy ko pa to. Haha.

Chapter 12 - Trouble Maker GD

Trinity’s

POV

Today is Monday, wala kaming pansinan ni Jun. Sa ginawa niya sa akin kahapon ay hindi ko pa siya mapapatawad at pinigilan ko si Jaden sa balak niyang pambubugbog kay Jun. Ayoko nang palalain pa ang sitwasyon, mabuti na lang at sinunod niya ako. Walang alam ang TREASURE guys sa nangyari sa amin kahapon kaya tinatrato pa rin nila ako ng normal na pakikitungo. Hindi rin kami nagpapansinan ni Travis pero naiirita ako sa tuwing tinititigan niya ako nginingisian. Kung pwede ko lang tusukin ang mga mata niya ay matagal ko nang ginawa para hindi na niya ako matitigan!

Nakabihis na ako’t lahat-lahat papuntang university. Papalabas na ako ng gate at pasakay na rin sa kotse nang may humawak sa braso ko.

“Ako na lang ang maghahatid sayo.” Jaden said.

Dug.. dug.. dug.. Yung puso ay tumitibok na naman. Ano ba ’tong nangyayari sa akin? Kapag nakikita ko siya e, nagiging abnormal na ang sistema ko.

I compose myself to smile. “A-ah e, sige..” Tatanggi pa ba ako?

He smiled at pinaalis ang driver sa driver’s seat. Pinapasok na niya ako sa kotse at napaupo ako sa katabi ng driver’s seat na inuupuan niya. Nasa loob na kami ng kotse and he start the engine hanggang sa nakaalis na rin kami ng bahay.

While he’s driving, hindi ko mapigilan na titigan ang mukha niya. His yellow hair na bagsak ay bumagay sa kanya, his pointed nose, long eyelashes, chinky eyes and perfect face shape. All in one perfect. May mga ganito pa palang kagwapong nilalang na nag-eexists sa mundo?

Natigil ang pagtitig ko sa kanya nang may biglang tumatawag sa phone ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa handbag na hawak ko at tinignan ang I.D caller.

It’s Leo.

“Hello, Leo?” Nakita ng peripheral vision ko na napatingin sa akin si Jaden pero hindi ko na lang iyon pinansin.

(Pinapasabi pala ni Jerome na hindi siya makakapasok. Sina Chae at Bonnie naman ay bukas pa ang klase dahil sa monthly assesment nila at si Micca ay sinundo ang tita niya sa airport kaya pinakiusapan nila ako na samahan ka sa school and it’s fine with me)

May kanya-kanya pala silang mga excuses kaya hindi sila nakapasok kaya kami na lang ni Leo ang naiwan.

“Nakakaistorbo na siguro ako sayo Leo, kaya ko naman na mag-isa e.”

(No. Okay nga lang. I’ll wait for you here in the waiting shed, okay? Bye!)

Magsasalita pa sana ako nang binaba niya na ang tawag. Ano pa bang magagawa ko?

“Sino ’yon?” Napatalon ako sa gulat nang biglang magsalita si Jaden habang nagmamaneho pa rin.

“S-si Leo, yung kaibigan namin nila Jerome.”

“Anong kailangan niya sayo? Hindi ba’t may girlfriend na siya?”

Napangiwi ako sa ani nito. “Teka? Magkaibigan lang kami, okay? Wala kasi akong makakasama dahil busy ang mga kaibigan namin kaya pinakiusapan na lang nila si Leo na samahan ako.” Kung makareact naman ’tong si Jaden parang girlfriend niya ako.

“Paano kung may gawin din siyang masama sayo? Katulad ni Jun kaya huwag ka masyadong magtiwala sa mga lalake. Masyado ka kasing mabait kaya namimisinterpret nila ang ginagawa mo.”

“So, hindi rin pala dapat kita pagkatiwalaan kasi lalake ka?” At tinaasan ko siya ng kilay.

“No. Except ako.” Tignan mo nga naman! Masyado siyang confident sa sarili niya at exemption pa siya.

Napacross-arms na lang ako at tumahimik. Ito na naman yung weird na pakiramdam ko na parang matagal ko na siyang kilala. Hays! Nakarating na rin kami sa YGA. Bumaba na ako ng kotse at bumaba na rin siya. Nagsitinginan namang ang mga babaeng estudyante pagkakita nila kay Jaden.

“Girl, ang gwapo niya grabe!”

“Oo nga pero bakit magkasama sila ni Trinity?”

“Baka boyfriend niya?”

“Huh? E, di’ba si boyfriend niya si Jerome Cruz?”

“Gaga! Magkaibigan lang sila!”

Ayan lang naman ang mga naririnig ko sa paligid namin. Nakita ko si Leo na nakaupo sa may waiting shed habang nagtetext. Nilapitan ko naman siya kaya napalingon ito sa akin.

“Nandito ka na pala.” Tumayo naman ito.

Nakita ko rin na papalapit sa amin si Jaden at masama ang tingin nito kay Leo na nakangiti lang at hindi napansin si Jaden.

“Oh, its you,” Sabi ni Leo pagkalapit sa amin ni Jaden.

Hindi pinansin ni Jaden si Leo instead ay bumaling siya sa akin.

“Sunduin kita mamaya kapag uwian niyo na.” With that ay tinignan niya muna si Leo bago siya umalis at sumakay sa kotse at pinaandar na ito.

I look at Leozon and he’s still smiling.

“Bakit ka nakangiti diyan?”

Napaling siya habang nakangiti pa rin. “He’s just possessive kahit hindi naman kayo.”

Siguro dahil alam ni Jaden kung paano ako nasaktan sa ginawa sa akin ni Jun and he promise me na poprotektahan niya ako kaya possesive siya sa sa akin. Jaden never fail to amuse me.

Pumasok na kami ni Leo sa YGA at mabuti na lang na first subject ay magkaklase kami kaya sabay na kaming nagpunta sa designated building namin.

“Hayy. Nakakamiss sila Chae, bakit ba kasi nagsabay-sabay pa sila?” Sabi ko at nagpout na lamang.

He chuckle. “Eh si Jerome, namimiss mo ba?”

“Uhm.. Oo, bakit ba kasi hindi siya pumasok?” Knowing na si Jerome ay grade consious at masipag pumasok.

Nagkibit-balikat siya. “Hindi ko rin alam,”

Bumaling naman ako sa kanya. “Si Chae? Miss mo na no?”

Tinignan niya ang cellphone niya saka siya napangiti. “A lot.”

He is so much in love to Chae kaya siguro sila nagtatagal ay dahil nakikita ko sa kanya na he’s willing to give everything para lang sa babaeng mahal niya. Chae is so much lucky to Leo and vice versa. Mabait na, gwapo at mayaman pa.

Habang naglalakad pa rin kami ni Leo papunta sa classroom namin ay biglang sumulpot sila ‘GD and friends’ sa harapan namin at hinarang kami. Ang kaninang magandang mood namin ni Leo ay napalitan ng pagkainis nang makita namin sila.

“Gavin, yung girlfriend mo pinagtataksilan ka oh.” Sabi ng mayabang na si Sean habang nakangisi. Kailan pa ako naging girlfriend ni GD?

“Aws. Bad girlfriend,” Umiiling naman na sabi ng maangas na si Paolo.

“Third wheel.” Sabi ni Theo habang nakacross arms na nakangisi kay Leo.

Hawak-hawak naman ni Dennis si GD na sobrang sama ng tingin kay Leo.

“Pathetic.” Sabi ni Leo. Nagulat na lang ako nang biglang kinwelyuhan ni GD si Leo at pinagsusuntok ito. Tumulong naman sina Paolo at Sean sa pambubugbog kay Leo habang hinawakan ako nila Theo at Dennis sa magkabilang braso ko. Naiiyak na ako sa sobrang takot. Palagi na lang nangyayari ’to sa tuwing nakikita ako ni GD na may kasamang lalake kahit kaibigan o kaklase ko lang. Kitang-kita ko na nakahiga na sa sahig si Leo at halos duguan na ang mukha nito.

“Pathetic? Ako? Mas pathetic ka Leozon!” Sabi ni GD habang pinagsisipa sa tagiliran si Leo.

“C-coward..” Narinig ko pang sinabi ni Leo at mas lalo akong nagulat na kahit hinang-hina na siya ay nakangisi pa rin siya.

I envy Leo for that dahil hindi siya natatakot noon pa man kay GD pero naiiyak na ako sa kalagayan niya.

“Anong sabi mo?!” Nangigigil na sabi ni GD at sinuntok ulit sa mukha si Leo.

Tawa lang ng tawa sina Theo at Dennis habang nakahawak sila sa magkabilang braso ko. Napakasama pa rin nila hanggang ngayon. Masaya sila kapag nakakapanakit ng ibang tao, ni hindi na sila naawa.

“Buenavista!”

Laking pasalamat ko nang may napadaan na isang lalakeng professor sa corridor na kinaroroonan namin at nakita niya ang pambubugbog nila GD kay Leo. Lumapit sa amin ang professor kaya binitawan na ako nila Theo at Dennis at hininto na ni GD ang ginagawa niya. Lumapit ako kay Leo at naiiyak ako nang makita ko siya sa itsura niya.

“Are you okay?” Nag-aalala kong tanong.

He nodded and smile. “D-dont worry..”

“Gavin, ano na naman bang perwisyo ang ginagawa niyo ng mga kaibigan mo? Ipapatawag ko ang dad mo at maghaharap tayo sa guidance office.” Sabi ni Sir.

Lumapit ang mga kaibigan ni GD sa kanya at aniya ay may binulong. GD smirk at hinarap ulit si sir.

“Gusto mo talaga akong pagalitan ni Dad no?” He said in sarcastic tone.

Napangisi si sir. “Bakit? Takot ka sa tatay mong Mayor?” Nakita ko ang pagkainis ng mukha ni GD dahil sa sinabi ni sir.

“Psh. Magsama-sama kayo!” Pagkatapos ay umalis na sila GD at ng mga kaibigan niya.

“See you and your friends in Guidance Office later!” Pahabol pa ni sir pero nakalayo na sila GD.

Lumapit sa amin si sir at inalalayan naming makatayo si Leo.

“Sir, mabuti na lang at dumating kayo. Thank you po.” Sabi ko.

Hindi ko pa ba nasasabi sa inyo na 25 years old lang si Sir Francis na sa pagkakatanda ko ay ayon ang pangalan niya dahil naalala ko na naging teacher na namin siya minsan sa Chemistry. Gwapo ito at matangkad kaya maraming mga estudyanteng babae sa YGA ang nagkakacrush sa kanya.

“Wala ’yon. Dalhin na natin siya sa clinic.” I nodded at dinala na namin si Leo sa clinic.

Inumpisahan na ng nurse na gamutin at linisin ang mga sugat ni Leo. Napanatag na rin ang loob ko dahil alam kong ligtas na siya.

“Sir Francis, maraming salamat po talaga.” Nakangiting sabi ko.

Ginulo niya ang buhok ko. “Mahal na mahal mo talaga ang boyfriend mo ha?”

With that ay nanlaki ang mga mata ko.

“Naku sir, nagkakamali po kayo, kaibigan ko lang po si Leo saka yung bestfriend ko po ang girlfriend niya,” Napatango ito sa sinabi ko.

“I thought he was your boyfriend but anyway, why Buenavista is always bothering you?” Nilagay niya ang index finger niya sa baba niya at tila nag-iisip.

“He likes me daw po kasi kaya lahat na lang po ng kaibigan o mga kaklase kong lalake kung hindi nila binubugbog ay ginagawan nila ng prank.” Napayuko ako at tila nalungkot. Dahil kasi sa akin kaya napapahamak ang mga kaibigan ko.

Naramdaman ko na hinawakan ni sir ang balikat ko kaya medyo nailang ako.

“I know what you’re thinking, hindi mo iyon kasalanan.” Napangiti na lang ako ng mapait.

Iniba ko na lang ang topic namin dahil masyado nang malungkot ang atmosphere.

“May girlfriend na po kayo, sir?” Tanong ko bigla.

Ngumisi siya ng malapad sa tanong ko. Nakita ko tuloy ang dimples niya. Hays! Ang gwapo naman ng professor na ’to.

“Bakit? Mag-aapply ka?” Hinampas ko naman ito sa balikat pero mahina lang.

“Matanda na po kayo no! Hindi ako pumapatol sa matanda!” Napa cross arms ako at napairap.

“What? I’m only 25.” Defensive niyang sagot.

Hindi naman talaga matanda ang 25, binibiro ko lang siya. Napansin ko na tapos nang gamutin si Leo at wala na rin yung nurse. Seryoso siyang nakatingin sa amin kaya nilapitan ko siya sa pwesto niya.

“Are you feeling well now?”

He smile suddenly. “Yes. Thanks to you.”

“Sorry Leo, kasalanan ko kung bakit ka nagkaganyan.” Umiling ito.

“It’s not your fault, huwag mong sisihin ang sarili mo. Habol na lang tayo sa next subject kaya halika na.” Tumayo itong bigla at hinawakan ang kamay ko.

“Pero paano ’yang itsura mo? Saka masakit pa ang katawan mo,”

“Mawawala rin ’to.” Hindi na ko nakapag complain pa at hinigit na niya ako papalabas ng clinic leaving Sir Francis.

“Trins! Ako nang bahala kina GD! Ingat ka. I hope that we could spend more time together next time!” Narinig ko pang sigaw ni Sir Francis nang nasa labas na kami ng clinic. Mas lalo pang binilisan ni Leo ang paglalakad namin habang higit-higit pa rin ako.

“Leo, are you okay?” Nag-aalala kong tanong.

He shrugged. “It’s obvious that the old man is flirting you. Don’t trust the guys too much, kami lang ni Jerome ang dapat mong pagkatiwalaan.” Seryoso nitong sabi.

Hindi na ako nakapagsalita pa nang nasa tapat na ako ng klase ko at tinulak na niya ako para pumasok. Hindi na kami magkaklase sa oras ng subject na ’to dahil nagskip na kami ng klase dahil sa insidente na nangyari.

“See you around.” Sabi niya at umalis na para naman pumunta sa klase niya.

** Natapos ang klase ko nang matiwasay. Kasama ko pa rin si Leo na nag-aabang dito sa waiting shed dahil gabi na daw at baka mapahamak pa ako. Eversince talaga ay masyado na talaga silang maaalalahanin ni Jerome sa akin. They treat me like their sister.

“Leo, kanina ka pa tingin ng tingin sa cellphone mo ah? May nangyari ba?” Tanong ko kay Leo dahil napapansin kong balisa siya at tingin ng tingin sa cellphone niya.

“Kaninang umaga ko pa kasi hindi macontact si Chae, nag-aalala lang ako kung okay lang ba siya.” Hinawakan ko ang balikat niya at tinignan siya ng mabuti.

“Malay mo, busy siya o nakapatay ang phone niya.” Kumalma na siya at tumango.

Sa di kalayuan ay natanaw ko na ang kotse na kaninang ipinanghatid sa akin ni Jaden. Nang makalapit na ito sa amin ay lumabas siya ng kotse at hinila ako papasok. Agad niya itong sinara at pinaandar kaya hindi na ako nakapagpaalam kay Leo ng maayos.

“Bakit ka ba nagmamadali?” Naiinis kong tanong.

“I’m jealous.”

What?

– Kapag nag-update ako ay ayoko nung update na may maupdate lang. I spend 5 hours for writing every chapter at may binabago ako sa nasulat ko kapag may mali akong nakita. Kaya votes niyo lang okay na ako para ipagpatuloy ang story na ito. Salamat.

Chapter 13 - Little Surprise

David’s POV

Nag aassist ako ngayon ng mga pasyente dito sa ospital, actually ay ospital ito ni Papa. Nagtatrabaho ako bilang isang nurse. Simula kasi nung nagkasakit ang mama ko mula noong bata pa lang ako ay gusto ko nang maging nurse paglaki ko para naman maalagaan ko siya. Dapat doctor di’ba? Pero may phobia kasi noon si mama sa mga doctor kaya nurse na lang ang napili ko. Now, she’s already deceased. She had a liver cancer that time at kumalat na ang cancer sa buong katawan niya kaya hindi na niya nakaya pang mabuhay. I was seven that time at natatandaan ko pa ang huling sinabi niya sa akin bago siya namatay,

“Kapag nakita mo na ang babaeng para sayo, bisitahin niyo ako sa puntod ko. I want to meet my future daughter-in-law.”

I hope that she is, Ma.

Pagkatapos kong mag-assists ay umupo muna ako sa bench ng ospital malapit sa E.R. Ininom ko ang hawak kong soda. Habang iniinom ko ito ay kitang-kita ko ang kumpulan nang mahigit anim na babaeng nurse sa gilid ko. Pinagtitinginan nila ako at nagbubulungan pa sila na rinig na rinig ko naman.

“Ang gwapo talaga ni David no? Kaso nga lang hindi tayo pinapansin,”

“What’s wrong with him? Magaganda naman tayo ha?”

“Ilan taon na tayong nagpapapansin sa kanya pero hindi niya tayo pinapansin!”

Tinignan ko sila na ikinabigla nila. They’re right, magaganda nga sila at matagal ko na rin silang katrabaho pero hindi ko naman sila napapansin, maybe dahil wala naman akong interest sa kanila. They are just a random girls na kapag gwapo lang ang isang tao ay magugustuhan na kaagad nila. Ayoko sa mga ganong klaseng babae.

Tumayo ako at lumapit sa kanila, nagsipulahan naman ang mga mukha nila at yumuko nang makita ako. I snap my fingers para tignan nila ulit ako and they did.

“When you’re talking about me, pwede bang huwag niyong iparinig sa akin?” Nagsiyukuan ulit sila dahil sa sinabi ko.

I smile at umalis na sa harapan nila. Girls are girls.

Naisipan kong umuwi na. Pinark ko muna ang sasakyan ko mula sa mall still wearing my nurse uniform. Hindi na ako nakapagpalit pa ng damit sa ospital dahil sa pagkainis ko sa mga babaeng iyon. Ayoko kasi sa lahat ay ang pinag-uusapan ako.

As I enter the mall, all eyes are on me at mas lalo pa siguro nila akong pagtitinginan kung kasama ko ang TREASURE guys. Habang tumitingin ako sa mga stores ay napahinto ako sa Blue Magic store at tinitigan ang isang pink teddy bear na normal size lang. May kwintas ito na naka engrave na jet ai’me at may hawak rin ito na artificial red rose. Naalala ko si Trinity pagkakita ko nung bear. I know that she likes color pink at sigurado akong matutuwa siya kapag nakita niya ’to. Pumasok ako sa loob ng store at itinuro sa isang saleslady ang bear na gusto kong bilhin. Dumiretso kami sa cashier at mukhang nastarstruck pa siya pagkakita sa akin.

I smile at inabot sa kanya ang bear na binili ko.

“P2,750 p-po sir,” Inabot ko sa kanya ang credit card ko at iswinipe niya ito sa machine.

Nang makuha ko na ang binili ko ay papalabas na sana ako nang bigla akong hawakan nung cashier sa braso ko. Napansin ko na wala pala yung isang saleslady kanina kaya kaming dalawa na lang nung cashier ang naiwan sa store.

Nagtanggal siya ng butones sa uniform na suot niya at nakita ko na ang cleavage niya kaya nag-iwas ako bigla ng tingin.

“W-what are you doing?” Tanong ko at napapikit. Lalake pa rin ako at naaakit din pero hindi ako magpapaakit sa cheap na babaeng ’to.

Mas lalo pang lumapit sa akin yung cashier at diniin ang katawan niya sa akin.

“Seducing you sir..” Walang ano-ano’y itinulak ko siya na ikinabigla niya. Muntikan pa siyang mapasubsob sa sahig dahil sa ginawa kong pagtulak sa kanya.

Gulat na gulat ito sa ginawa ko sa kanya. May biglang dumating na sa tingin ko ay manager ng store na ’to at lumapit sa amin.

“Sir, what’s happening here?” Tanong ng baklang manager.

I glare at the cashier at tinuro siya. “That girl is trying to seduce me and I didn’t know na may ganyan pala kayong klaseng cheap na empleyado!” I took a deep breath. Napaiyak naman iyong cashier sa sinabi ko.

“Sir, I’m really sorry kung ano man po ang ginawa ng empleyado ko. I will fire her tomorrow, don’t worry sir,” Sinamaan ng tingin ng manager yung cashier na umiiyak pa rin.

“Better. I have to go.” Napailing ako at tumingin sa cashier ng masama bago lumabas ng store.

Anong pumasok sa utak ng babaeng iyon para akitin ako? Akala ba niya ay maaakit ako nang tuluyan e, halata namang peke ang dibdib niya.

Lumabas na ako ng mall at nagpunta sa parking lot at pumasok na sa kotse ko. Tinignan ko ang bear na binili ko para kay Trinity.

“Sana magustuhan niya ’to.” Inilapag ko ang bear sa tabi ko at nag-umpisa nang magdrive.

8pm na nang makarating ako sa bahay. Pagkalabas ko ng kotse ay pumasok na ako sa loob at naabutan ko sina Travis at Kyle naglalaro ng Madjong sa sala.

“Ginabi ka yata?” Tanong ni Kyle nang makita niya ako.

Napalingon naman sa akin si Travis. “May dinaanan pa kasi ako. Si Trinity pala?”

“Nasa loob na ng kwarto niya. Bakit?” Mas mariin pa akong tinitigan ni Kyle dahil sa tanong ko.

“W-wala.” Umiwas na ako ng tingin at umakyat papuntang kwarto ni Trinity.

Nang nasa tapat na ako ng pintuan niya ay kumatok na ako. Pagkatapos ng ilang segundo ay pinagbuksan niya ako. Natulala ako nang makita ko siya pero agad rin namang nawala dahil sa tanong niya.

“David, ikaw pala. May kailangan ka ba?”

“M-may ibibigay lang sana ako sayo.” Napakamot ako sa ulo ko dahil sa sobrang hiya ko sa kanya.

Natawa siya sa reaksyon ko. “Ganon ba? Pasok ka.”

Wala na akong nagawa dahil hinila na niya ako papasok sa kwarto niya. Nilagay ko muna sa loob ng backpack ko ang regalo ko para naman may surprise kapag ibibigay ko na sa kanya.

Nang makapasok na kami sa loob ng kwarto niya as asual, typical room ng isang dalaga, malinis, maayos at maganda.

Pinaupo niya ako sa kama niya at umupo rin siya sa tabi ko. Kinuha ko iyong backpack na nakasabit sa balikat ko at saka ko iyon binuksan at kinuha ang teddy bear na regalo ko sa kanya.

“Para sayo..” At inabot ko sa kanya ito.

“Talaga? Thank you, David!” Napangiti siya at niyakap yung bear.

Napangiti rin ako sa reaksyon niya. Mabuti at nagustuhan niya.

“Oh my! May necklace pa? You know? I like color pink pero.. bakit mo pala ako binigyan nito?” Nakangiti pa rin nitong tanong.

“Ah kasi.. naalala kita nung nakita ko yan kanina sa mall.” She nodded.

“Thank you talaga at nag-abala ka pa sa akin.”

“Special ka kasi sa akin.” Mahina kong ani.

“Ha? May sinabi ka, David?” Tanong ni Trinity habang tinitignan yung bear.

“Wala. Sige, Trinity lalabas na ako.” Tumayo na ako at baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya dahil nasa iisang kwarto lang kami. Kanina pa ako nag-iinit pero pinipigilan ko lang. Tumayo na rin siya.

“Thanks ulit ha? Good night David.”

“G-goodnight din.” Lumabas na ako ng kwarto niya at isinara na nito ang pinto.

Napahawak ako sa dibdib ko at nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

“I think I already found her, ma..”

John’s POV

Nandito ako ngayon sa kwarto nila Justin. Wala kasi akong magawa kaya kinukulit ko siya. Nakakatuwa lang talaga kapag naaasar ko siya, masyado kasing pikon at iritable. Daig pa ang babaeng may menstruation.

“Kapag hindi mo pa ako tinantanan, Juan talagang masasapak na kita!” Banta ni Justin habang inaasar ko siya tungkol sa baklang may crush sa kanya noong highschool pa lang kami.

“Hahaha pikon ka talaga.. Aw! Ang sakit ah?” Bigla ba naman niya akong binatukan.

Umirap siya. “Ikaw nga diyan hinalikan ka dati ni Piggy dahil sobrang obsessed siya sayo.”

This time ay nagsitawanan naman ang mga kaibigan namin na nasa loob rin ng kwarto nila Jun. They are sharing a room kahit marami namang kwarto ’tong bahay. Ewan ko ba sa kanila ang lalakas ng sapak sa ulo. Kami nila Travis, Jaden, Ben at David ay may sariling kwarto dito.

“Naalala ko pa ’yon! Ayun yung time na nagconfess si Piggy ng pagmamahal niya kay John infront of our class.” Natatawang sabi ni Arthur.

“Kawawa talaga that time si Piggy. Nabasted ni John. Haha.” Natatawa ring sabi ni Justin.

Napafacepalm na lang ako. Pinaalala pa kasi nila ang nakakahiyang pangyayaring iyon. Si Piggy ay ang mataba naming kaklase nila Justin na may gusto sa akin noong highschool palang kami. She’s chasing me everyday at nahinto lang ’yon nang binasted ko siya sa harapan ng mga kaklase namin. Simula nun ay hindi na siya nagpakita sa school at biglang nag drop-out daw. Nakonsensiya ako dahil alam ko na ako ang dahilan ng pag-alis niya sa school. I hope na I could say sorry for her.

Napansin nila na natahimik ako sa pag open nila ng topic tungkol kay Piggy kaya tumahimik rin sila. Lumabas nalang ako ng kwarto nila at nilabas ang cellphone ko dahil may nagtext, kaibigan ko lang asking some stuff. Pagkatapos ko siyang mareplyan ay nakita ko si David na nakangiting mag-isa na nakaupo sa sofa. Why is he smiling like an idiot? He’s weird.

Nilapitan ko siya. “What’s happening to you?” I ask him at umupo sa tabi niya.

Nagkibit-balikat lamang siya habang nakangiti pa rin.

“I’m just happy. That’s it.” Tinaasan ko siya ng kilay.

“Alam mo, ang weird mo. Tama nga ang ang sinabi ni Travis na para kang alien. Dinaig mo pa si Justin.” Tumawa lang siya sa sinabi ko at sumandal sa couch.

“I’m already too old at sa tingin ko ay kailangan ko nang magkagirlfriend.” Namangha naman ako sa sinabi niya.

“Are you courting someone?”

“Hmm.. Secret.” Napa ’psh nalang ako.

Tumayo na ako at sinimangutan si David. “Wa-kwentang kausap!” Umalis na ako at narinig ko pa ang tawa niya nang makalayo na ako sa kanya. May pa secret-secret pa siyang nalalaman.

Pumunta muna ako sa labas ng bahay para magpahangin. Iniisip ang mga nangyari sa aming labintatlong magkakaibigan. Ilang taon na rin kaming lahat nakatira sa TREASURE House. Ang mga magulang namin ay pinatira kami sa iisang bahay dahil kami raw ang magmamana ng kompanya at mga ari-arian nila. Tradisyon din daw na may pakakasalan kaming babae na titira din sa TREASURE House and that is Trinity. Napakabata pa niya para sa amin at nagkakasala na kami dahil nagkakagusto na kami sa kanya. Ilang araw pa nga lang ay nagugustuhan ko na siya, to the point na muntik ko na siyang halikan na ikinabigla niya.

Now we’re okay. I said my apology to her and we’re good. Huwag ko lang daw uulitin iyon. Nangako naman ako na hindi ko na gagawin yun. Ayoko na kasi ng ilangan sa pagitan namin dahil sa ginawa ko.

I was practicing my dancing skills nang makita ko si Ben na papalapit sa akin. Himala at nandito siya dahil palagi siyang wala sa bahay. Busy marahil sa mga photoshoot at modeling niya.

“Bakit, Ben?” Tanong ko kay Ben nang makalapit na siya sa akin.

“Nakita ko si David na pumasok sa kwarto ni Trinity?” Nakangisi niyang ani na patanong pa. Literal naman na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

“Sigurado ka?” He rolled his eyes.

“Of course, kitang-kita ng dalawang mata ko.”

Kaya ba kanina na masaya si David ay dahil may nangyari sa kanila ni Trinity and he’s thinking to have a girlfriend at si Trinity ’yon? Hindi ganon ang pagkakakila ko kay Trinity, ni ayaw nga niyang mahalikan e, makipagsex pa kaya? Pero bakit pumasok si David sa kwarto niya? Ang gulo!

“Baka naman may sinabi lang si David na importante kay Trinity at masyadong private ’yon.” Napacross arms lang si Ben at tumawa.

“Really? Kung mag-uusap pa sila ay bakit sa kwarto pa? Pwede namang sa may terrace, veranda o di kaya sa garden.. unless may nangyari sa kanila..” He smirk.

Napailing ako. “Hindi, you’re thinking wrong.” He just smirk again and shook his head at umalis na.

Posibe ba ang mga sinasabi sa akin ni Ben?

Chapter 14 - Travis, The Concern Citizen

Trinity’s POV

Sobrang sama ng pakiramdam ko at sa tingin ko ay hindi na ako makakapasok. May kung anong mabigat sa katawan ko at sumasakit rin ang ulo ko. Nagkasakit na siguro ako dahil naulanan ako kahapon sa school. Bakit ba naman kasi kung kailan umulan ay saka pa ako hindi nagdala ng payong?

Pinilit kong bumangon mula sa kama ko at nagtungo sa baba para uminom ng tubig dahil nanunuyo na talaga ang lalamunan ko. Nang nasa kusina na ako ay umiikot na ang paningin ko at anytime ay babagsak na ako. Nang pabagsak na ako ay naramdaman ko na may sumalo sa akin. Pagkaangat ko ng tingin ay si Travis iyon na sobrang lapit ng mukha sa akin. Gusto ko siyang sigawan pero hindi ko nagawa dahil sa nanghihina ako. Medyo naiinis pa rin kasi ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin noon sa bar.

“Are you okay?” Itinayo niya ako at inalalayang maupo. Binigyan niya ako ng tubig at ininom ko naman ito. Kinapa niya ang noo ko at nakita ko na napamura siya.

“You have a fever,”

“Why? Are you concerned?” Sarkastiko kong pagkakasabi kahit nanghihina pa rin ako.

He sighed. “Yes, and I will take care of you.” Namula ako bigla sa sinabi niya.

“Why are you acting as if you’re concern about me?”

He lean on me and held my hand. All I can see is his concern eyes.

“Okay, I’m sorry from what happened don sa bar. Akala ko lang kasi ay maaakit ka sa akin e, but i’m wrong. I’m very sorry Trinity.”

Kung hindi lang talaga ako mabait ay hindi ko siya patatawarin pero nakita ko naman na nagsisisi na siya sa ginawa niya kaya tumango ako at nginitian siya.

“I’ll forgive you.” His eyes widened.

“Talaga?” I nodded.

He smiled na ikinabilis ng tibok ng puso ko. What’s happening to me?

Tumalikod siya sa akin at lumuhod. “What are you doing?” Tanong ko.

“Piggyback ride, alam ko na nahihirapan kang maglakad kaya iaakyat nalang kita sa kwarto mo.”

Wala na akong nagawa dahil nilagay na niya ang dalawa kong braso sa balikat niya at inumpisahan niya na akong buhatin. Napangiti ako dahil nakikita ko na nag-aalala siya para sa akin. At first, akala ko na masama siyang tao pero hindi pala.

“Ang gaan mo naman. Kumain ka nga ng marami,” Sabi ni Travis habang nakapiggyback ride ako sa kanya at umaakyat ito sa hagdan.

“Sexy naman!” He chuckled.

“Yeah, right.”

Habang inaakyat pa rin namin ang hagdan ay nakasalubong namin sina Daniel at Mason na gulat na gulat nang makita kami.

“She’s sick. I need to accompany her to her room.” Sabi ni Travis. Tumango yung dalawa at nilapitan ako kaya napahinto si Travis sa pag-akyat.

“I will buy you a medicine.” Daniel said at kinapa ang noo ko.

“I will buy you some fruits.” Mason said at hinawakan naman ang kamay ko.

Humarap si Travis sa dalawa at hindi ko alam kung anong klaseng ekspresyon ang binibigay niya sa dalawa dahil nakatalikod siya sa akin habang buhat pa rin niya ako.

“I can handle this.” Nagulat naman sina Daniel at Mason. Tumango lang sila at ngumiti sa akin.

“Take care, Trinity.” Pagkatapos nilang sabihin ’yon ay bumaba na rin sila.

Nag-umpisa na muling umakyat si Travis hanggang sa makarating na kami sa kwarto ko. Inihiga niya ako sa kama at kinumutan.

“Kukuha lang ako ng basang towel. Wait for me.” Lumabas siya ng kwarto ko at ilang minuto lang ay bumalik din siya dala ang isang towel at bowl na may lamang tubig.

Umupo siya sa tabi ko at inumpisahang basain ang towel at pinunasan ang upper part ng body ko. Sobrang lapit pa ng mga mukha namin kaya napatitig ako sa kanya. He’s handsome as hell! Kaya hindi na ako magtataka kung pinagkakaguluhan siya ng mga babae. Akala ko nga ay kay Jaden lang bumibilis ang tibok ng puso ko pero bakit kay Travis din? Abnormal na ba talaga ang beating ng puso ko at tumitibok sa kanilang dalawa?

Matapos niya akong punasan ay nilagyan niya ng basang bimpo ang noo ko.

“Masyadong mataas ang lagnat mo.” He said at tinitigan ako.

Mahigit sampung segundo din kaming nagkatitigan bago kami natauhan.

“Uh.. ikukuha lang kita ng gamot at porridge.” Hindi siya makatingin sa akin at lumabas na siya ng kwarto ko dala ang bowl na may lamang tubig.

Napatalukbong ako sa kumot ko at hinawakan ang dibdib ko.

“Bakit ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko?”

Ilang minuto rin ang nakalipas at bumalik si Travis na may dalang tray. Mayroon iyong sopas, tubig at tabletas na gamot.

Mas lalo pang bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginagawa niya.

“Ikaw ang nagluto nito?” Tanong ko at tinuro ang sopas na hawak niya. Inalalayan niya akong sumandal sa headboard ng kama dahil hilong-hilo talaga ako. Tinanggal niya muna ang bimpong basa na nakalagay sa noo ko.

“Yes. Sorry kung medyo natagalan ako.” I nodded. Kukunin ko na sana ang sopas na hawak niya nang inilayo niya ito sa akin.

“Why?”

“Susubuan na kita,” Umiling ako.

“Ako na. Kaya ko naman.” Tumaas ang kilay nito.

“Kaya mo? E, halos mahimatay ka na nga kanina sa kilos mo.” He laugh at sinamaan ko nalang siya ng tingin.

Wala naman akong nagawa dahil sinubuan niya na ako. Masarap ang luto niyang sopas pero halos kalahati lang ang naubos ko dahil sa sobrang hilo at panghihina ko. Pagkatapos ay pinainom niya ako ng gamot at inalalayan muling humiga sa kama.

Napaisip ako, bakit masyadong mababait ang 13 guys sa akin? Mula kay Daniel hanggang kay John. Akala ko nga ay hindi ko sila makakasundo pero nagkamali ako. Siguro ay itinuturing na talaga nila ako bilang nakababatang kapatid kaya sobrang bait nila sa akin.

Humarap ako kay Travis na nakaupo sa tabi ko. “Travis, salamat sa pag-aalaga sa akin. Pasensiya na kung naistorbo pa kita, kaya ko na rin namang mag-isa dito kaya pwede mo na akong iwan.”

“No. Babantayan kita hanggang sa bumaba na ang lagnat mo. Baka kung ano pang mangyari sayo kapag iniwan kita and don’t worry.. kahit kailan ay hindi ka sagabal sa akin.”

Dug.. dug.. dug..

My heart is beating so loud and fast.

Tumango na lang ako sinabi niya. Nakayuko lang siya na parang may iniisip. Playboy ba talaga ang lalakeng ’to? Why is he so kind to me?

Tumalikod nalang ako mula sa pagkakahiga at napangiti nang malapad hanggang sa dinalaw na ako ng antok.

** Napamulat ako at hindi katulad kanina ay magaan na ang pakiramdam ko at hindi na rin ako nahihilo. Nakita ko si Travis na nakasandal ang ulo sa kama ko at natutulog. He’s looks like an angel even if he’s sleeping.

“Ilang babae na kaya ang pinaiyak mo?” Sabi ko nang mahina.

I reach his straight black hair at hinawi ko ito. Naalala ko pa noong una kaming nagkita ay nadistract ako sa kagwapuhan niya. Nilapitan kasi niya ako at nginitian.

“ Hi! I’m Travis and you are?“

“Sorry, I don’t talk to strangers.”

“Makukuha din kita, tandaan mo ’yan!”

“It will never happen!”

Inis na inis ako sa kanya that time dahil sa sobrang kayabangan niya pero I never thought na makakasama ko siya sa iisang bahay at magkakasundo kami.

Gumalaw siya kaya inilayo ko na ang kamay ko sa paghawi ng buhok niya. Tuluyan na siyang nagising at napangiti nang makita niya ako.

Kinapa nito ang noo ko. “Bumaba na ang lagnat mo.”

“Siyempre, magaling mag alaga ang doktor ko e,” He chuckled. Ultimo pagchuckle niya ay ang sarap sa pandinig.

“Ikaw talaga.” At ginulo niya ang buhok ko.

Natahimik kami saglit pero di kalaunan ay nagsalita siya.

“Do you like Jaden?”

Nahinto bigla ang sistema ko sa tanong ni Travis. May gusto nga ba ako kay Jaden? Hindi ko alam ang isasagot ko.

“H-hindi ah.” Sabi ko nalang dahil hindi ko talaga alam kung ano na ang nararamdaman ko para kay Jaden.

Nakita ko ang pagpipigil niya ng ngiti pero hindi ko nalang iyon pinansin.

“Bakit naman ganyan ang tanong mo?”

“Wala lang.” Sabi niya at nagkibit-balikat.

May kumatok sa pintuan ng kwarto ko kaya napatayo si Travis at binuksan ang pintuan. Bumungad naman sa amin sila Kevin, Arthur, Kyle at Sam. Nakita ko pang may dala-dalang prutas si Kyle at inilapag sa bedside table ko. Nagsilapitan sila sa akin at chineck ang kondisyon ko. Wala si Jaden?

“Okay ka na ba?” Concern na tanong ni Kevin.

“Oo, okay na ako Kevin. Thanks to Travis.” Napalingon naman silang lahat kay Travis na nakatingin lang sa bintana ng kwarto ko.

“Sabi nila Mason na may sakit ka raw kaya pinuntahan ka kaagad namin dito.” Sabi ni Arthur.

I smile at them. “Okay na ako guys,”

They nodded.

“Gusto mo bang kumain?” Sabi ni Kevin.

This past few days ay yung kilig na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko si Kevin ay unti-unti nang nawawala. I don’t know why. Nagfade bigla ang pagkacrush ko sa kanya.

“Mamaya na lang.”

Medyo nalungkot ako dahil wala si Jaden. Teka? Bakit ba ako nalulungkot? At bakit ko siya hinahanap?

“Sige, magpahinga ka lang dahil kailangan mo yan para lumakas ka.” Sabi naman ni Kyle at binabalatan ako ng orange. Binigay naman niya ito sa akin nang nabalatan na niya at nagpasalamat ako.

Lumapit bigla sa akin si Travis at hinawakan ang kamay ko. “Bababa na ako, nandito naman sila. Babalik na lang ako mamaya.”

Hindi ko alam kung sarcastic ba ang tono ng pananalita nito o ganon lang ang dating sa akin kaya tumango na lang ako sa sinabi niya at lumabas na siya.

At naiwan nga ako sa pangangalaga ng apat na naggagwapuhang mga kalalakihan ng TREASURE guys.

Travis’

POV

Lumabas na ako sa kwarto ni Trinity nang may inis sa loob ko. Okay na sana eh, masosolo ko na siya kaso dumating pa sila Kevin at sinira ang araw ko. Kahit kailan talaga panira sila!

Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin, nahihibang na ako sa isang babae. Si Trinity nalang palagi ang naiisip ko. Sobra pa akong nag-alala kanina nang mapatumba siya sa kusina. Ngayon lang ako nagkakaganito. Nakipagbreak na rin ako sa mga girlfriends ko dahil sa kanya.

Napasabunot ako sa buhok ko. “Nababaliw na ba ako?”

Napadaan naman sa harap ko si Ben at nagtataka siya sa inaasta ko. He suddenly smirked at lumapit siya sa akin.

He lean on me at bumulong ito. “You know what Travis? Kilos-kilos din ’pag may time baka malay mo sa isang iglap lang.. na kay Daniel na siya o na kay Jaden na.” Napahinto ako dahil sa sinabi niya.

He smirk again and he left me dumbfounded.

Napakuyom ako ng kamao ko dahil sa mga sinabi niya.

“Hindi pwedeng mangyari ’yon! Hindi.”

Chapter 15 - Be With Me

Trinity’s POV

Dahil magaling mag-alaga si Travis ay magaling na ako sa aking lagnat. Laking pasasalamat ko sa kanya at nakakakilos na ako ng maayos hindi tulad ng kahapon. Araw-araw ay tumatawag sa akin sina kuya Troy at mommy, tinatanong nila ako kung ayos lang ba ang lagay ko dito. Minabuti ko nalang na hindi sabihin sa kanila ang ginawa sa akin ni Jun dahil kung sasabihin ko pa iyon ay lalo lang mas magiging komplikado kaya sinabi ko nalang na maayos ang lagay ko dito.

May kumakatok sa pintuan ng kwarto ko kaya napabangon ako mula sa kama at tumayo upang mapagbuksan ng pinto ang kumakatok. Nang binuksan ko ang pintuan ay si Daniel ang bumungad sa akin.

“Daniel, ikaw pala.”

Napakamot siya sa ulo niya at tila nahihiya. “Ah.. ano kasi.. y-yayain lang sana kitang mamasyal para naman malibang ka at hindi laging nakakulong dito sa kwarto mo. Yun ay kung okay lang sayo.”

Gusto ko sanang matawa sa itsura ni Daniel or should I say ‘Kuya Daniel’ dahil mas matanda siya sa akin ng 6 years. Halatang nahihiya siya sa akin.

I nodded at para bang nawala ang hiya niya at ngumiti sa akin. This guy is so handsome.

“Talaga? Salamat, Trinity,” Halatang masaya siya habang kausap ako.

“Your welcome. Sige, mag-aayos na muna ako ha?”

He tapped my shoulder. “Hintayin kita sa may sala.”

I nodded again at umalis na rin siya. Simula nang humingi ng tawad si Daniel dahil sa paghalik niya sa akin ay nawala na yung mga ngisi at malalalim na titig nito sa akin. Naging mas palangiti siya at komportableng kausap kumpara noon. Nagtataka nga ako kung paano nagawang makipagbreak ng girlfriend ni Daniel sa kanya. Napakaswerte naman ng babaeng ’yon dahil may Daniel na nagmahal sa kanya.

Nag-umpisa na akong maligo pagkatapos ay namili na ako ng magandang susuotin. I wear a blue dress na above the knee, may mga sequence din ito sa laylayan at hindi naman masyadong revealing. Niregalo ’to sa akin ni Chae nung Christmas. Nagsuot rin ako ng doll shoes na color peach at may ribbon itong color blue sa gitna. Kinuha ko naman ang sling bag ko na kakulay ng dress ko, naglagay lang ako ng simpleng make-up at nilugay ang brownish kong buhok at plinantsa ito. Nagspray din ako ng perfume na paboritong-paborito ko ang amoy. Nang matapos na ako ay bumaba na ako at nagpunta sa sala. Nakita ko naman na katabi ni Daniel sina Sam at John. Nang mapansin na nila akong tatlo ay natulala sila at napatitig lang sa akin.

Hindi ba maganda ang ayos ko?

“Okay lang kayo?” Nagwave ako ng kamay sa harap nila at doon lang sila natauhan.

“Ang ganda mo, Trinity.” Nginitian ako ni John at nag thumbs-up sa akin.

Napayuko ako dahil sa hiya. “S-salamat, John.”

Tumayo naman si Daniel at may binulong sa akin.

“You really look so beautiful and gorgeous.” Napangiti ako sa compliment niya at nagpasalamat.

“Saan kayo pupunta?” Tanong bigla ni Sam dahil napansing nitong bihis na bihis kaming dalawa ni Daniel at tinaasan niya rin kami ng kilay.

“May pupuntahan lang kami.” Sagot ni Daniel at nginitian si Sam.

Para pang napairap si Sam don habang si John naman ay nakaawang ang bibig na nakatingin sa amin.

“K-kayong dalawa lang?” Tanong niya.

Sasagot na sana ako nang biglang nagsalita si Daniel. “Oo, kaming dalawa lang.”

Hindi na nakapagsalita pa si John nang hilahin na ako ni Daniel papalabas ng bahay. Pinapasok niya ako sa isang kotse habang siya ay umikot papasok sa drivers seat.

“Baka kung ano ang isipin nila, Daniel.”

He stare at me na ikinailang ko. “Don’t mind them.”

Tumango nalang ako at ikinabit ang seatbelt ko. Nag-umpisa na rin siyang magdrive.

“Saan ba tayo pupunta?” Tanong ko at isinandal ang ulo ko sa may bintana ng kotse at pumikit.

“Kain muna tayo, alam ko kasing hindi ka pa kumain.” Napamulat ako at tinignan siya.

He’s still driving at nakikita ko sa kanya kung paano mag-alala sa akin si Jaden. Ito na naman ako, si Jaden nalang palagi ang naiisip ko! Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito nang dahil lang sa kanya. Siguro dahil naaappreciate ko ang ginagawa niya sa akin lalo na nung sinabi niyang poprotektahan niya ako sa kahit kanino. I smiled on what I thought. After a minutes ay huminto kami sa isang Italian Restaurant at pumasok kami don. Papaano nalaman ni Daniel na mahilig akong kumain sa Italian Restaurant? Gusto ko sanang magtanong tungkol don pero baka coincidence lang naman.

Nang makaupo na kami sa isang table ay may lumapit sa aming waiter na mukhang kaedad ko lang. Gwapo rin ito at mukha namang disente, yung tipong lalakeng hindi makabasag pinggan.

“Hello Ma’am! Goodmorning, What’s your order?” Nakangiting bati nito sa akin habang titig na titig.

Napadako ang tingin ko kay Daniel at para itong naiinis sa waiter. Sino ba namang hindi maiinis e parang ako lang ang costumer dito at hindi niya pinapansin si Daniel.

Bumaling ulit ako sa waiter. “A-ah..” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita si Daniel.

“Staring at my friend is a rude one for her. Do your job well and stop smiling like an idiot.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Daniel pero yung waiter ay nginitian lang siya at nagbow pa ito.

“I’m very sorry sir, maganda lang kasi talaga ang kaibigan niyo. Anyways, ano pong order niyo?” Hindi ko alam kung nang-aasar ba ang waiter na’to para lalong mainis si Daniel.

“2 Pasta, roasted chicken, salad and ice tea will do.” Nakangiting sagot ni Daniel pero mahahalata mo na may inis sa tono nito.

Nilista na nung waiter ang order namin at pagkatapos nun ay umalis na ito nang nakangisi pa.

“Lagi ba talagang may mga lalakeng nagpapapansin sayo kahit saan ka magpunta?” Tanong niya na ikinabigla ko.

“H-ha? Hindi ko alam..”

He sighed. “Siguro ’pag nagkaboyfriend ka paniguradong marami siyang karibal.”

“Ha?” Anong pinagsasabi nitong si Daniel?

He shrugged. “You’re so slow, kawawa naman sila.”

Dahil hindi ko naman maintindihan ang mga pinagsasabi niya ay hindi ko na lamang iyon pinansin. Paano magiging maraming karibal ang magiging boyfriend ko? Saka bakit ako naging slow? Ang labo rin nitong si Daniel.

Dumating na ang order namin at isang babaeng waiter naman ang titig na titig kay Daniel ang nagserve ng mga pagkain namin. Hindi ko naman masisisi ang waitress na ’to kung hindi niya mapigilang mapatitig kay Daniel. Talaga naman kasing gwapo ito.

“Stop staring at me, you may go now.” Tila nataranta ang waitress at umalis na ito.

“Mukhang natakot sayo yung waitress. Ang gwapo mo kasi kaya ka niya tinititigan.” Napangiti siya sa sinabi ko.

“Ikaw ba, nagagwapuhan ka sa akin?”

“Oo naman, hindi maipagkakaila.” Nginitian ko siya at tinitigan na naman niya ako.

Siguro kailangan ko na masanay sa pagtitig niya sa akin. Para kasing hindi na iyon mawawala sa sistema niya. Nag-umpisa na kaming kumain ng tahimik, ang tahimik rin pala nitong si Daniel. Para siyang si Jaden. Hays, ito na naman ako.. Jaden na naman.

“Nakita nga pala ni Mason na hinalikan ka ni Jun sa may terrace.” Sobrang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

“N-nakita iyon ni Mason?” Tumango siya at hininto ang pagkain niya.

“Nung una, ako ang humalik sayo tapos ngayon naman si Jun? This is so ridiculous!” Napangiti siya habang umiiling-iling.

Kung alam lang nila na hindi basta halik lang ang magagawa sa akin ng kaibigan nila ay baka nagkakagulo na ngayon. Ayoko lang na dahil sa akin ay masira ang pagkakaibigan na meron sila.

Napayuko ako dahil sa hiya pero hinawakan ni Daniel ang kamay ko. “Kinausap namin si Jun tungkol don and he said na may relasyon daw kayong dalawa pero hindi kami naniniwala because we know na hindi iyon totoo.”

Mas lalo namang nadagdagan ang galit na nararamdaman ko para kay Jun. Kailan pa kami nagkarelasyon? Gumagawa na siya ng storya para mapagtakpan ang ginawa niya.

“Kahit kailan ay wala kaming naging relasyon!” Matigas kong sabi.

“Yes, I know you’re a decent and innocent woman, Trinity.”

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Nagtinginan tuloy sa amin ang mga taong nandito rin sa restaurant. I hugged him back kahit medyo nahihiya ako sa posisyon namin. I don’t know why is he acting like this way pero siguro ay dahil sa concern siya sa akin and he treat me like his real sister.

Pagkatapos naming kumain ay dinala ako ni Daniel sa Amusement Park. Sinakyan namin halos lahat ng rides at muntik na akong matawa sa itsura niya matapos naming sakyan ang mga rides dahil namumutla siya, gulo-gulo ang buhok at gusot na rin ang suot niyang damit. Naupo kami sa isang bench at sumandal siya dito.

Naawa naman ako bigla sa itsura niya. “Daniel, gusto mo ba ng tubig? Sorry kung sinakyan natin ang lahat ng rides, kung alam ko lang-” Nilagay nito ang index finger niya sa bibig ko para hindi na ako makapagsalita.

“Sshhh.. I’m okay, ’wag ka nang mag-alala.” Napatango nalang ako dahil nangungusap ang mga mata niya na huwag na akong mag-alala. Inayos ko nalang ang buhok niyang magulo na.

“About the fiancé thingy..” Napahinto ako sa sinabi niya.

Hinarap niya ako sa kanya at hinawakan ang dalawang magkabilang balikat ko. “Kung sino man ang mapili mo sa amin ay susuportahan kita pero sana lang ay bigyan mo ako ng chance para mapatunayan ang sarili ko sayo.” Tila naguluhan ako sa sinabi nito.

“A-anong ibig mong sabihin, Daniel?”

Tinitigan niya ako sa mga mata. “Simula nang makilala kita, nawala nalang na parang bula ang nararamdaman ko para kay Naomi. Nung panahon na nagsorry ako dahil sa paghalik ko sayo at sinabi mo sa akin na kung mahal ko talaga siya ay kailangan kong respetuhin ang desisyon niya dahil may mas hihigit pa sa kanya at kailangan ko nang mag move-on ay doon lang ako nalinawan.”

Hindi ko alam ang irereact o sasabihin ko, tila napako ako sa kinatatayuan namin at labis nalang ang gulat ko sa pagtatapat niya.

Napahawi siya sa kanyang buhok at tila nahihirapan ito sa susunod niyang sasabihin. “Trinity, alam kong mabilis pero sa tingin ko.. Mahal na kita.”

Nagkatitigan kami at tanging ito lang ang lumabas sa bibig ko.

“D-Daniel…”

He smiled bitterly. “I know that you like someone else pero hindi ako titigil hangga’t hindi ko pa napapatunayan ang sarili ko sayo.”

Sobra akong nagulantang dahil sa mga sinabi niya. Mahal niya ako? Ang isang perpektong lalakeng katulad ni Daniel ay mahal ako? Masyado nga ’yong mabilis pero ang purpose naman talaga ng pagtira ko sa kanila ay mamili ng pakakasalan na isa sa kanila pero nalilito ako sa sinasabi niyang ‘You like someone else’. Sino naman kaya iyon?

Nang maistema ko na ang mga sinabi niya at naliwanagan na ako ay nginitian ko siya at hinawakan din ang magkabilang balikat niya. Tila nagulat pa ito sa ginawa ko.

“Ayon naman talaga ang purpose ko di’ba? Ang magbigay ng chance at alam ko naman na mabuti kang tao, Daniel kaya sige, I’ll give you a chance.”

Ngumiti siya ng malawak at niyakap ulit ako katulad ng ginawa niya sa akin kanina sa Italian Restaurant.

“Thank you so much, Trinity. I won’t waste this opportunity,”

I smiled fakely at hindi ko alam kung bakit nalungkot ako dahil hindi siya ang unang nag approach sa akin na inaasahan ko, si Jaden.

Someone’s

POV

Umalis sina Daniel at Trinity nang silang dalawa lang kaya sinundan ko sila. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang manibela dahil sa matinding selos at galit na lumulukob sa buong sistema ko, mukhang nauunahan na ako! Huminto sila sa isang restaurant at doon pumasok, pinark ko ang sasakyan ko sa gilid ng restaurant at naghintay hanggang sa lumabas na sila. After 1 hour ay lumabas na rin sila at pumasok na sa kotse ni Daniel. Sinundan ko ulit sila at huminto ito sa isang Amusement Park. Pumasok sina Daniel at Trinity kaya pumasok din ako, napilitan pa akong magbayad para lang makapasok sa loob. Sinundan ko sila ng sinundan at ako naman ay halos hindi na makahinga dahil sa matinding selos na nararamdaman ko dahil nakikita ko na masaya silang dalawa. Hindi maaari ito! Dapat sa akin lang ang mga ngiti ni Trinity at pati na rin siya! She’s my property.

Naupo sila sa isang bench pagkatapos nilang masakyan ang lahat ng mga rides hanggang sa nasipa ko na ang trashcan sa tabi ko dahil nagkatitigan sila at naghawakan ng balikat. Rinig na rinig ng dalawa kong tenga ang pagtatapat ni Daniel ng pagmamahal niya kay Trinity at binigyan siya nito ng pagkakataon.

Hindi ko na kinaya pa ang nakikita ko kaya naglakad na ako papalabas ng Amusement Park. Habang naglalakad ako ay napapasabunot ako ng aking buhok at napapasigaw dahil sa matinding galit at selos.

“Aaahhh! Aaahhhh! Akin lang siya! Akin!” Pinagtitinginan na ako ng mga tao pero wala na akong pakialam pa.

Nang makarating na ako sa kotse ko ay pinagsisipa ko ang gulong nito at napasuntok sa pader kaya nagdugo ang kamao ko. Napaupo ako sa sahig ng parking lot at nanginginig na sinuntok ko ang sahig gamit ang nagdudugo kong kamao.

“Hindi pa huli ang lahat, akin pa din si Trinity! Hindi siya pwede kay Daniel!” Napatawa ako dahil sa matinding frustrations.

Unti-unti namang tumulo ang mga luha ko at nagsisisigaw. “Akin lang siya! Matagal na siyang sa akin.. bago pa sila magkakilala ni Jojo ay sa akin na siya! Akin!”

Inuntog ko ang ulo ko sa pader dahil sa sobrang bigat ng nararamdam ko. Ang sakit lang isipin na hindi na niya ako maalala. Ang unang taong nagmahal sa kanya, ako iyon.

“Bakit Trinity? Bakit ginaganito mo ako?” Napayuko ako at ibinuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko na itinago ko sa matagal na panahon.

Nang mahimasmasan na ako ay napahagalpak ako ng tawa hanggang sa napangisi ako at tumayo na rin para pumasok ng kotse ko.

“Humanda lahat ng aangkin kay Trinity. Papatayin ko silang lahat!” And I laughed again.

– Sa tingin niyo, sino si Someone na obsess kay Trinity sa TREASURE guys?

Vote po please.

Chapter 16 - Confused

Trinity’s POV

Pagkatapos ng mga nangyari ngayong araw na ito ay umuwi na kami ni Daniel. Hindi naman ako tanga para hindi malaman na date ang ginawa namin. Hanggang sa pag-uwi namin ay hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa kanyang mukha. Tama ba talaga ang desisyon kong bigyan siya ng chance? Kahit sa tingin ko ay wala naman siyang pag-asa sa akin? Oo! Tama lang ang naging desisyon mo Trinity, mabait si Daniel at maaalalahanin kaya hindi imposible na magkagusto ka sa kanya.

“Salamat talaga at binigyan mo ako ng chance, Trinity.” Sambit niya sa gitna ng paglalakad namin papasok ng bahay.

Ngumiti na lang ako ng pilit, nagdadalawang-isip kasi ako sa desisyon na ginawa ko pero alam ko naman na there’s no turning back na dito. Nasabi ko na sa kanya at ayon na. Bakit kasi kay ‘You know’ ko pa ineexpect na siya ang unang manliligaw sa akin? Nababaliw na talaga ako!

Nang nasa loob na kami ay nakita namin ang TREASURE guys na nasa living room at halata na kanina pa kami hinihintay. Mga nakakunot-noo ang iba sa kanila, may nakaawang ang bibig habang nakatingin sa amin at ang iba naman ay tahimik lang katulad nina Jaden at Travis.

“Nandito na pala yung dalawang nagdate e,” Sarkastikong pagkakasabi ni Jun habang nakangising nakatingin sa amin.

Naiinis na talaga ako sa pagmumukha niya lalo na nung sinabi niya kila Daniel na may relasyon daw kami kahit wala naman. Siya na nga ’tong muntik akong gahasain pero siya pa itong malakas ang loob na magsalita ng wala namang katotohanan.

Bigla namang tumawa si Kevin.

“Rule no. 9” Rule no. 9? Ano naman kaya iyon?

Tinignan ko si Daniel at nakangiti lang ito. Nakakangiti pa siya kahit mukhang may tensiyon na nagaganap?

“Nagdate nga ba talaga kayo?” Seryosong tanong ni David.

“No. We’re not dating, niyaya ko lang si Trinity na lumabas para hindi naman siya mabore dito sa bahay.” Kinindatan ako ng palihim ni Daniel na ikinahinga ko naman ng maluwag.

Mabuti nalang at hindi niya muna sinabi na nililigawan niya ako dahil alam kong mabibigla sila kapag nalaman nila ’yon.

Umaliwalas ang mga mukha nila pagkasabi ni Daniel nun.

“Hayy.. akala namin ay nagdate na talaga kayo.” Nakangiting sagot ni Arthur. Kung alam mo lang Arthur.

“Wala naman palang problema, kain na tayo.” Sabi naman ni Mason nang hindi nakatingin sa amin ni Daniel at nagtungo na ito sa dining room.

Anong nangyari dun?

Sumunod na rin ang iba kay Mason hanggang kami nalang nila Kevin at Daniel ang naiwan sa sala.

Nakatitig lang sa amin si Kevin at para kaming sinusuri nito.

“Pwede ba tayong mag-usap, Trinity?” Sabi nito na seryosong nakatingin sa akin.

Tumango naman ako. “Sige.”

“Sige, aakyat na ako sa kwarto.” Paalam ni Daniel.

Tumango nalang ako hanggang sa kaming dalawa nalang ni Kevin ang naiwan. Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa aming dalawa hanggang sa wakas ay nagsalita na rin ito.

“Malapit ka na talaga sa kanila. Tayo ang unang naging magkaibigan pero tayo pa ’tong hindi na madalas magkasama.”

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Nakangiti siya habang sinasabi niya ’yon pero halatang may tono ng pagtatampo, bigla ay nalungkot ako.

“Kevin, pasensiya ka na talaga kung bihira nalang kita makausap, siguro dahil-” He cut me off.

“Alam ko, nililigawan ka talaga ni Daniel, di’ba?”

Hindi ako nakasagot.

“Tama nga ang hinala ko, kahit kasi yung ex-girlfriend niya ay hindi pa niya niyayang lumabas, ikaw palang ang una kaya nagulat nalang kami kanina na lumabas kayo but don’t worry Trinity, hindi ko sasabihin sa kanila na nililigawan ka na ni Daniel, safe ang sikreto niyo sa akin.”

Walang gustong lumabas na salita sa bibig ko, ni hindi ko alam kung paano magreact sa mga sinabi sa akin ni Kevin.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

“Pwede bang ganito na muna tayo kahit sandali lang?” Kahit hindi ko pa rin maintindihan ang nangyayari ay tumango nalang ako habang yakap-yakap niya na ako.

“I’m so lucky to have a friend like you.. be happy Trinity.” Pagkatapos ay kumalas na siya mula sa pagkakayakap sa akin at umalis na ito.

Naiwan akong gulong-gulo sa nangyari. Slow ba talaga ako o sadyang mahirap lang silang intindihin?“

Jaden’s POV

Tahimik kaming kumakain dito sa dining room. Wala sila Trinity, Kevin at Daniel kaya kami lang ang nandito. Kahit hindi aminin ni Daniel na nililigawan niya si Trinity ay alam ko na ang totoo. Hindi ganon kumilos si Daniel sa ibang mga babae kahit sa ex niya ay hindi man lang niya nagawang yayain sa labas.

“Nakakabingi naman ang katahimikan.” Parinig ni John habang lahat kami ay kumakain.

“Sana nga mabingi ka nalang para wala nang talak ng talak dito!” Segunda naman ni Justin. Sinamaan nalang siya ng tingin ni John.

“Hoy! Kayong dalawa para kayong mga bata diyan, kumain na nga lang kayo.” Suway ni Sam sa kanilang dalawa na ikinatahimik naman nila.

Tahimik siguro ang iba dahil kina Trinity at Daniel. Hindi ko mapigilang hindi magselos lalo na’t nililigawan na ni Daniel si Rin-rin. Minsan, gusto ko nang umamin na ako si Jojo pero hindi ko magawa dahil sa takot ko na kapag nalaman ni Trinity iyon ay layuan at kamuhian niya ako. Ang magagawa ko lang siguro ay ang protektahan siya kahit pa sa mga kaibigan ko.

Nakangisi si Jun habang nakatingin sa akin. Kahit kailan ay hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya kay Trinity. Hindi ko pinaalam sa kanya na binugbog ko na si Jun nung mismong araw na iyon, kulang pa iyon sa laki ng kasalanan niya. Hindi lumaban si Jun sa akin kahit napuruhan na siya pero ang tanging ginawa lang niya ay ang ngisian ako. Para bang pinaglalaruan niya ako like what he did 2 years ago.

Pagkatapos naming kumain ay nagkanya-kanya na kami sa aming mga gawain. Nagpunta ako sa labas ng bahay at lumanghap ng sariwang hangin. I can’t take this anymore, gusto kong yakapin at sabihin kay Trinity kung gaano ko siya namiss pero hindi ko man lang magawa kung ang daming lalakeng nakapalibot sa kanya. Nasa malapit lang siya pero ang hirap niyang abutin.

“Hey.” Someone said. Tinignan ko ito and it’s Sam.

“Sam,” Umupo siya sa tabi ko at pinaglaruan ang flower vase na nakalagay sa upuan na kaharap namin.

Sam is my bestfriend. Sa kanya ko sinasabi ang lahat ng problema ko dahil sa kanya lang ako nagtitiwala. Alam niya ang lahat lalo na sa ugnayan ko kay Trinity. When he said that he likes Trinity too, nagalit ako sa kanya pero nung narealize ko na ang purpose pala ng pagtira ni Trinity sa bahay na’to ay ipakasal sa kanya ang isa sa amin. Lahat sila ay may karapatan na suyuin siya pero hindi ako magpapatalo. I’m his first love and I will do everything to get her back kahit kapalit nun ay ang kamuhian niya ako na ako si Jojo, ang lalakeng nang-iwan sa kanya.

“I know that you’re in hurt right now, you know that Daniel is courting Trinity and you also know him. Kung magmahal yan ng isang babae ay nagpapakabaliw na siya.” He chuckled.

He’s right. Daniel has a lot of ex-es at lahat ng iyon ay kinabaliwan niya especially to Naomi. Niloloko na siya pero wala lang siyang pakialam dahil mahal niya yung tao. He’s crazy when it comes to love pero at the same time ay nagpaparaya rin siya.

“Yeah.” Tanging nasabi ko nalang.

“Kaya ba hindi mo pa nasasabi kay Trinity na ikaw si Jojo ay dahil natatakot ka na baka kamuhian ka niya after you left her for too many years?”

Napahinto ako. Tama siya. Natatakot ako sa magiging reaksyon ni Trinity. I cannot lose her again and not this time.

“Yes Sam, ayoko na lumayo ang loob niya sa akin. Tama na yung ilang taon na hindi ko siya nakita.  I just want to see her everyday.” He look at me na para bang sinusuri niya ako.

“I’m her first love.” I said.

Napailing siya sa sinabi ko. “You keep on saying that you are her first love when you already knew that you are not,” He said then chuckled.

Napahinto ulit ako. Bakit pinaalala pa niya?

“Stop talking about that. I’m her first love and she knows it.”

He nodded and smirked.

“You’re impulsive Jaden. Pinipilit mo ang hindi but I cannot blame you.. you’re in love.”

Naiinis ako sa mga pinagsasabi niya kaya iniwanan ko na siya. Bakit ba pinaalala pa niya na? Argh! Ginawa ko na ang lahat para hindi na iyon maalala pa ni Trinity. I did stupid things before para sa akin lang siya mapunta pero ngayon I’ve changed a lot. Nagbago na ako but I hope na sana patay na talaga ang tao na iyon.

I’m only Trinity’s first love, first crush, first dance and the first man to her life. Not Alec.

Ben’s POV

Seeing them head-over-heels to a girl makes me annoyed. Bakit ba sila nababaliw sa iisang babae? She’s just only a girl for pete sake! Nasisira na ang pagkakaibigan namin nang dahil kay Trinity. Ano ba ang ginawa ng babaeng ’yon para mabaliw sa kanya ang mga kaibigan ko? Dahil ba sa maganda siya? Sexy? Matalino? mas bata? Marami namang babae diyan at hindi lang siya. She’s beautiful and i’m attracted to her at first pero simula nung makita ko na nasisira na ang samahan na meron kami ay may namumuo na akong galit para sa kanya. We’re best of friends at hindi pwede na masira lang iyon nang dahil kay Trinity. Kailangan ay may gawin ako.

I sat on my bed and I dial Gavin Daryl’s number. He’s a cousin of Kyle at kaibigan ko na rin. I know that he likes Trinity so much and I also know that Gavin attempt to rape her but unluckily, he failed. He’s crazy to that girl tho.

(Hey Benjamin! Why did you call? I was in the middle of car racing and-)

“You like Trinity Hernandez, right?” Natahimik siya sa kabilang linya but suddenly he chuckled.

(How did you know? I’m craving for that woman over a year ago pero mailap pa rin siya sa akin)

I smiled. “You want her?” Then he laugh devilishly on the other line.

“Of course, so bad.. I want to taste every part of her gorgeous face and beautiful body, Ben) Medyo maingay ang background niya at naririnig ko pa ang tunog ng mga sasakyan. He said he’s in the middle of racing.

Devil maniac after all.

“Want me to help you how to get Trinity?”

(You know her? Wow!)

I know her. She’s ruining my friends life. “Yes.”

(Good. I’ll text you on what our plans)

“You’re crazy for that girl huh?” I feel he’s smirking on the other line.

(She’s mine Ben. Her body, her soul.. everything…)

Then end of conversation.

Hindi matanggal ang ngiti ko sa pag-uusap namin ni GD. Gusto ko nang mawala sa landas namin si Trinity. She’s a bad influence to my friends. She can’t deserve any of us, even Jaden. I see her like a bitch hanging out with the guys. She’s too young and she wouldn’t take us seriously. I don’t like her.

Kinabukasan, nagising ako at dumiretso sa kitchen para uminom ng gatas. Umupo ako saka ito ininom. Nakita ko naman si Trinity na papalapit dito. Ang gandang babae pero hindi niya alam na may nasisira na siyang pagkakaibigan.

“Good morning.” Bati niya pagkakita sa akin at saka may kinuha ’to sa ref, isang chocolate cake at milkshake. Nilapag niya iyon sa table at umupo sa tabi ko.

Napapansin ko na ang hilig niyang kumain ng chocolate cake tuwing umaga kaya tinanong ko siya. “Favorite mo ba talagang kainin ’yan tuwing umaga?” Hindi ba siya natatakot tumaba at maumay sa laging kinakain niya?

She nodded at nag-umpisa nang kumain. “Gusto mo?” Umiling ako.

“Bata palang ako ay mahilig na ako sa chocolate cake, siguro nga I can’t live without this e,” She laughed at napatitig ako sa mukha niya.

She’s really beautiful pero umiling-iling ako. Masama siyang impluwensiya sa mga kaibigan ko kaya dapat ay hindi ako mamangha sa kanya.

“I see.”

“Ikaw, Ben? Ikaw na yata ang pinakabusy sa inyong magkakaibigan ha? Palagi ka kasing wala dito sa bahay. Kung sa bagay ay model ka at ang mga model ay palagi talagang busy,”

Is she like this? Hindi ba niya nararamdaman na ayoko sa kanya? Why is she so kind to me? Hindi ko nalang siya pinansin at inubos ang iniinom kong gatas at iniwan na siya.

Umakyat ulit ako sa kwarto ko at napailing. Galit ako sa kanya pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Do I like her, too? No. Dapat ay magalit lang ako sa kanya.

Chapter 17 - Start

Trinity’s POV

Pagkatapos ng klase namin ay nagyaya sila Bonnie na dumalaw ulit sa TREASURE House. Wala naman akong nagawa dahil pinipilit nila ako. Alam ko naman na gusto lang niyang makita ulit si David at si Micca naman ay gustong makita si John.

“Kayong dalawa, gusto niyo lang makita sina David at John e,” Pang-aasar ni Chae.

“O-oy! Hindi ah? Gusto lang namin malaman kung okay lang ba ang lagay ni Trinity don!” Pagpapalusot ni Bonnie.

“Oo nga, kayo talaga mapanghinala!” Defensive na sagot ni Micca.

Natawa nalang kami nila Chae, Leo at Jerome. Halata naman sa kanilang dalawa na iyon ang pakay nila.

Pumasok na kami sa loob ng bahay at dumiretso sa sala. Nilapag nila Chae at Bonnie ang mga hawak nilang plastic na may lamang mga junk foods at softdrinks sa lamesa.

“Swerte mo talaga friend! Nililigawan ka na pala ng gwapong si Daniel!” Kinikilig na sabi ni Bonnie.

Naikwento ko na pala sa kanila ang tungkol sa panliligaw sa akin ni Daniel. Kilig na kilig ang mga babae kong kaibigan nang sabihin ko ’yon samantalang sina Jerome at Leo naman ay natahimik lang. Alam ko naman kasi na ayaw nila kina Daniel lalo pa nung nag-away sina Charles at Jun pero wala naman akong magagawa don.

“Quiet ka nga lang Bonnie,” Nahihiya kong sabi.

Nakita naman kami ni Arthur at nginitian kami.

“Kayo pala,” Sabi nito at nilapitan kami.

“Sorry kung feel at home kami ha? Gusto lang kasi naming tignan kung mabuti lang ba ang lagay ni Trinity dito.” - Micca

Ngumiti si Arthur na ikinapula ng mukha ng tatlong babae. “Okay lang ’yon, feel at home lang.”

Pati pala kay Arthur ay attracted din sila. Hindi naman kasi maipagkakaila na gwapo nga ito pero nakakaconcious lang dahil mas mukha pa siyang babae kaysa sa amin. Napailing nalang kami nila Leo at Jerome dahil sa reaksyon nila. Ilang minuto din ay nakita kami nila Travis at Kyle saka nilapitan.

“Sis, sino siya? Ang gwapo grabe!” Pabulong na tanong sa akin ni Bonnie pagkakita niya kay Travis na tahimik lang na nakatingin sa amin.

“Si Travis. Isa rin siya sa 13 guys, hindi niyo siya nameet noon kasi nagpunta siya nang Japan that time.” Paliwanag ko. Tumango naman si Bonnie.

“Guys, siya nga pala si Travis.” Pakilala ko sa mga kaibigan ko kay Travis.

Nginitian sila ni Travis at ngumiti naman ang tatlong babae sa kanya samantalang sina Leo at Jerome ay nag-uusap na may sariling mundo.

Aalis na sana sila Travis, Arthur at Kyle nang pigilan sila ni Bonnie.

“Huwag na muna kayong umalis, samahan niyo kami.”

“Hindi ba nakakahiya?” Napakamot pa ng ulo si Travis. Ang cute!

“Nope. Samahan niyo muna kami at kayong tatlo, umupo na kayo.” Umupo naman sina Arthur at Kyle sa isang bakanteng upuan at si Travis naman ay umupo sa tabi ko na ikinagulat nilang lahat.

“What’s wrong?” Tanong ni Travis.

Umiling naman silang lahat. Ako lang ba ang nakakapansin na sobrang sama ng titig ni Leo kay Travis o namamalik-mata lang ako?

Nag-umpisa nang intrigahin ng tatlong girls sina Arthur at Kyle habang kumakain kami samantalang kaming dalawa naman ni Travis ay nag-uusap din about sa personal stuffs. Sina Leo at Jerome naman ay nag-uusap din.

“Akala ko talaga ay 18 ka lang Travis, I can’t believe nasa 20’s ka na pala!” Hindi makapaniwala kong sabi. Akala ko kasi ay kaedad ko lang siya. He looks young in his real age.

“Looks can be deceiving, Trinity..” Sabi nito at kumagat ng chips na hawak niya.

“Tama! At mas matanda pala talaga kayo sa akin. Mga kuya ko na pala kayo.” Nakangiti kong sabi.

He stare at me. “Age doesn’t matter.” Seryoso nitong sabi.

“A-ah.. e-eh.. oo nga, hehe.” Natahimik naman ako. Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko.

“If I’m your kuya then you’re my baby girl.” Namula akong bigla sa sinabi niya.

Napatingin silang lahat sa amin na nanlalaki ang mga mata. Narinig ba nila yung sinabi ni Travis? Malamang, magugulat ba sila kung hindi?

“Pardon?” Gulat na tanong ni Chae.

Lahat kami ay naghihintay sa sagot ni Travis pero nagkibit-balikat lang ito habang nakangiti.

“I have something to do, aalis na ako.” Tumayo siya at nginitian ako then umalis na siya. At kami ay naiwan na mga nakaawang ang bibig.

Maya-maya pa ay..

“Aaaahhhh!” Nagtilian sila Chae, Bonnie at Micca at ang mga lalake naman ay napatakip ng tenga. Kahit nga ako ay mababasag na ang eardrums dahil sa lakas ng mga tili nila.

“Tigilan niyo nga ’yan! Ang sakit sa tenga.” Reklamo ni Leo habang nakatakip ang dalawang palad niya sa magkabilang tenga nito.

“Ang Kj mo Aragon! Hmp!” Pagtataray ni Bonnie at saka bumaling sa akin nang may nakakalokong ngiti. Oh no! Aasarin na naman ako nito panigurado.

“Type ka ni poging Travis for sure!” Kinikilig nitong sabi.

Napairap naman ako sa sinabi niya. “Kung anu-ano na talaga ang naiisip niyo.”

“I think he likes you.” Nabaling bigla ang atensiyon namin sa nagsalitang si Arthur. Arthur likes me? Imposible!

“Paano mo naman nasabi?” Nakakunot-noong tanong ni Jerome.

“It’s obvious.” Sabi ni Arthur.

“Kayo naman, parang yun lang may gusto na kaagad siya kay Trinity?” Leo chuckled.

Napatango ako. Oo nga, parang yun lang.

Pagkatapos nang mahigit tatlong oras ay umuwi na ang mga kaibigan ko. Hindi ko nalang pinapansin ang pang-aasar nila Bonnie na may gusto sa akin si Travis, hindi naman kasi totoo iyon.

Naiwan kami ni Arthur dito sa sala. Si Kyle ay umalis dahil tinawagan siya ng mama niya na pumunta sa bahay nito.

Nagulat nalang ako nang biglang humiga si Arthur sa lap ko, magkatabi kasi kami sa sofa.

“A-Arthur..” Napatitig tuloy ako sa mukha niya. Ang kinis-kinis niya at mukha talaga siyang babae. Mabuti nalang at nakapikit siya kaya hindi niya nakikitang nakatitig ako sa kanya.

“Pahiga muna ako, Trinity,” Sabi nito habang nakapikit pa rin.

“Baka makita nila tayo at ano pa ang isipin.” Medyo nahihiya din kasi ako sa posisyon namin.

“Hayaan mo na sila,” Wala na akong nagawa kundi hayaan siya sa gusto niya.

“Trinity..”

“Hmm?” Sabi ko at hinawi-hawi ang malambot niyang buhok.

“Gusto mo ba si Kevin?” Minulat niya ang kanyang mata at tinignan ako.

“Hindi ah.” Noon may crush ako kay Kevin pero bigla nalang naglaho ’yon simula nang tumira ako sa bahay na’to at hindi ko alam kung papaano nangyari iyon.

He smiled at me at ipinikit niya ulit ang kanyang mga mata.

“Bakit ka nakangiti diyan?” Umiling naman siya.

“Wala lang.”

“Oh.. mukhang nakakaistorbo yata ako,” Naitulak ko nang bahagya si Arthur dahil nakita kami ni Justin sa ganong posisyon. Napatayo tuloy ako habang si Arthur naman ay umupo lang.

“Justin, It’s not what you think.” Nakakunot-noo kasi niya kaming tinititigan at nanunuri.

“Humiga lang ako sa lap niya kaya ’wag kang mag-iisip ng masama diyan.” Balewalang sagot ni Arthur. Nag-unat lang ito ng mga kamay niya at humikab pa.

Tumango nalang si Justin habang nakakunot-noo pa rin. “Kung sabagay, kahit kanino ka naman naglalambing pero tandaan mo yung rule no.9” Nagcross-arms pa ito.

“Ano ba yung rule no.9 na ’yan?” Nung isang araw kasi ay narinig ko din ’yon na sinabi ni Kevin kay Daniel.

Umiling silang dalawa sa tanong ko. “Boys talk ’yon, teka? 10pm na pala, matulog na nga tayo haha.” Tumayo si Arthur habang nagkakamot ng batok niya at pumeke pa ito ng tawa. Anong nangyari sa kanya?

“M-mas mabuti pa nga na matulog na tayo.” Sambit naman ni Justin at umalis na sa harapan namin.

Tinaasan ko ng kilay si Arthur. Bigla nalang kasing naging weird ang mga kilos nila nung binanggit ko ang rule no.9 na ’yan.

“Good night, Trinity.” Nagbow pa ito sa akin saka umalis na din papaakyat sa kwarto nila.

Nagkibit-balikat nalang ako at nagtungo sa kwarto ko.

Arthur’s POV

Ngiting tagumpay ako nang umakyat na ako sa kwarto namin. Mabuti nalang at walang gusto si Trinity kay Kevin. May balak kasi akong manligaw kay Trinity dahil may gusto na ako sa kanya. Hindi ko naman siya liligawan kung gusto niya si Kevin pero hindi naman pala. Pag-akyat ko sa kwarto namin ay natutulog na si Mason samantalang wala naman si Kevin. Nasaan na kayo yun? 10pm na. Bahala na nga siya basta masaya ako na pwede kong maligawan si Trinity.

Humiga ako sa kama ko at chineck ang phone ko kung may mga nagtext ba sa akin, meron naman kaso mga iilang kaibigan ko lang at mga kamag-anak na nangangamusta lang. Habang busy ako sa pagtetext ay nagising si Mason at umupo sa kama niya.

“Anong oras na?” Tanong niya habang nagkukusot ng mata niya.

Tumingin ako sa wrist watch ko. “11:30pm.”

Tumango lang siya at tinitignan ako na busy sa pagtetext.

“Si Kevin?” Tanong ulit nito.

“Hindi ko alam kung nasaan e,” Nang matapos na ako sa pagtetext ay bumangon ako mula sa pagkakahiga ko at umupo nalang din katapat niya. Sinuri kong mabuti ang itsura ni Mason at napansin ko na parang ang lungkot nito.

“May problema ka ba?” Tumango siya at yumuko.

“Si Daniel, alam ko na nililigawan na niya si Trinity.” Nanlaki ang mga mata ko.

“Ha? Totoo ba yan?” Liligawan ko din si Trinity e!

“Yeap. Kilala ko si Daniel at kahit ilihim man nila ay alam ko pa rin.”

Paano na ’yan? Nililigawan pala ni Daniel si Trinity pero pwede pa naman akong manligaw di’ba? Lahat naman kami ay may karapatang manligaw sa kanya. Hindi ako dapat sumuko nang dahil lang don.

“Pero bakit ka malungkot? Hindi ba dapat masaya ka kasi nakamove on na si Daniel sa ex-girlfriend niya kaya niya liligawan si Trinity?” Hindi kaya?

Ngumiti siya. “Yes. I like her, Arthur.”

Kung kanina ay nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga sinabi ni Mason, ngayon ay halos lumuwa na ang mga mata ko dahil sa sobrang pagkabigla.

“Ano?” Napatayo ako at lumakas ang boses ko dahil sa sinabi niya.

Tinignan ako nito nang may pagtataka pero di kalaunan ay ngumisi ito sa akin. “You like Trinity, too.”

Doon ay natahimik ako. Totoo naman ang sinabi niya, gusto ko rin si Trinity.

Nung tinignan ko ang reaksyon niya ay nakangiti ito pero hindi ko alam kung may mali ba sa mga ngiti niya o wala, siguro ay nabigla din siya.

“Unbelievable! Wala pang isang buwan si Trinity dito sa bahay pero may gusto na agad tayo sa kanya.” Umiiling-iling na sabi ni Mason.

Tama si Mason, sa tingin ko nga ay pati sila Jaden, Travis at Kevin ay may gusto na rin kay Trinity. Sana nga lang ay hindi na maulit pa yung nag-away sina Jaden at Travis nang dahil sa iisang babae at mukhang hindi lang silang dalawa ang mag-aagawan.

“Parang 1 versus 13 lang ang mangyayari, Mason.” He nodded.

“I think this is the right time to start and let the battle begins.”

Start? I guess.

Chapter 18 - The First Mover

Kevin’s POV

12:00am na nang makarating ako sa mansyon namin. Ayoko munang makita si Trinity dahil nakikita ko na ang saya-saya niya kasama ang mga kaibigan ko. Ang unfair nga e, kasi kami ang unang nagmeet, nag-usap at nagdinner pero kami pa palagi ang hindi madalas magkasama. Ngayon, mag-isa na naman ako sa mansyon na ’to. Malungkot na naman ako. Sa kabila ng mga ngiti ko ay may lungkot akong nadarama. Siguro nga ay creepy ang tingin sa akin ng mga kaibigan ko dahil may kakaiba sa akin pero ang totoo, gusto ko lang naman maghanap ng kalinga at pagmamahal na hindi naibigay ng mga magulang ko dahil inabandona nila ako sa lola kong namayapa na at may mga sarili na din silang pamilya. Simula nung bata palang ako ay nasanay na akong mag-isa hanggang sa makilala ko si Arthur at ipinakilala niya ako sa TREASURE. Nang namatay ang lola ko ay sa akin niya ipinamana ang mga ari-arian niya at nakuha ko na iyon dahil 21 years old na ako. Katulong ko si kuya Francis na assistant ni lola na magpatakbo ng kompanya namin. Dahil anak ako ni Valdemore Monteclaro ay isa ako sa pagpipilian na maging fiancé ng nag-iisang anak na babae nila Mr. and Mrs. Hernandez at nalaman ko rin na pati ang TREASURE ay kasali rin kaya mga bata palang kami ay pinagsama na kami sa iisang bahay. Lahat kami ay anak ng mga makakapangyarihang business tycoon sa bansa. Talaga ngang pinagtagpo kami ni Trinity ng tadhana dahil siya pala ang babaeng tinutukoy ni lola. Ang babaeng nameet ko sa mall dahil sa pamangkin niyang si Valerie. Minsan nga mapasalamatan ko ang bata na ’yon dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko makikilala ang tita niyang si Trinity. Naalala ko rin nung nagdinner kami ni Trinity dito sa bahay ay ikwinento niya sa akin ang hindi pagbalik ng kababata niya na nangakong babalikan siya. Nainis ako that time don sa kababata niya dahil pinaasa niya lang sa wala si Trinity kaya ang ginawa ko ay siniraan ko ang lalakeng iyon. Hindi niya alam kung gaano kasakit na maiwan dahil naranasan ko na iyon noon pa sa pag-iwan sa akin ng mga magulang ko.

Umiinom ako ng beer mag-isa dito sa entertainment room ko nang biglang pumasok si kuya Francis na mukhang kakauwi lang galing sa university na pinagtuturuan niya. Nginitian niya ako pagkatapos ay umupo siya sa tabi ko at kumuha ng beer in can sa lamesang katapat namin.

“Himala at nandito ka.” Sabi niya at ipinatong nito ang kanyang paa sa lamesa. Bastos talaga at walang manners!

“Ano naman? This is my house and I can be here whenever I want.” Badtrip ako kaya siya ang napagbubuntunan ko ng inis.

Tumawa lang siya sa sinabi ko. “Babae ’yang problema mo at sa tingin ko ay si Trinity ’yan.” I rolled my eyes. Kilalang-kilala na nga niya talaga ako.

“You know what? Yung estudyante ko na anak ni Mayor Buenavista ay obsess na obsess sa kanya. Kilos na Kevin baka maunahan kapa pati ng mga kaibigan mo.” Sinamaan ko siya ng tingin pero natawa lang siya sa reaksyon ko.

“I have my ways,” Tinaasan niya ako ng kilay.

“What ways? Martyr ways? Waiting ways? Painnocent ways? Haha! You’re so old school Kevin. There’s one way na makukuha mo siya na wala nang kawala pa.”

Knowing Francis ay napakababaero nito at lahat nalang ng gusto niyang makuha ay nakukuha niya. Kahit nga pinsan pa niya ay kinuha niya ang pagkababae. He’s evil katulad ng anak ni Mayor pero kapag nandon daw siya sa university na pinagtuturuan niya ay daig pa niya ang anghel sa pagbabait-baitan. Minsan nga ay ikinikwento niya sa akin ang pagsesex nila ng mga estudyante niya. Psh. Maniac Prof.

“Ano?”

Umayos siya ng upo at hinawakan ang isang balikat ko. “Rape her.” Nagulat ako sa sinabi niya.

“Ano? Nababaliw ka na ba? Mas lalo niya akong kamumuhian kung gagawin ko ’yon at kahit kailan ay hindi ko magagawa iyon sa kanya dahil kaibigan ko siya.” He nodded at bumalik sa dating posisyon niya.

“Suggestion lang naman.”

“Your suggestion sucks, bigtime.” Baliw siya para maisip na gawin ko yun kay Trinity.

“Hindi ko rin kayo masisisi kung bakit baliw na baliw kayo kay Trinity. She’s pretty, sexy and nice.” I glared at him again.

Tinaas niya ang dalawang kamay niya na parang sumusuko. “Chillax, I’m just complimenting my student, dahil gusto mo siya ay sayo na siya, ayaw naman kitang taluhin, Kevin.”

“Para namang may pag-asa ka sa kanya. You’re already 25 Francis Martin Kesada.” Wala ba siyang patawad? Akala ba niya ay makukuha din niya si Trinity? Asa pa siya.

Pagkatapos niyang maubos ang beer in can na iniinom niya ay tinapon lang niya ito sa kung saan. Kahit kailan talaga ay wala siyang mannerism. Pasalamat siya at tinutulungan niya ako sa pagpapatakbo ng kompanya namin dahil kung hindi ay matagal ko na siyang pinalayas sa mansyon ko.

“Overprotective ka talaga kay Trinity? Don’t worry dahil sayong-sayo na siya.”

Hindi ko na lang siya pinansin dahil badtrip na badtrip na ako at ayoko nang madagdagan pa ang inis ko.

“By the way, pumasok ka sa office bukas ng 10:00am. May meeting kayo ng mga investors ng lola mo.” I nodded.

“Bakit parang kakarating mo lang galing ng university niyo? 12 in the morning na.” Napa hmm naman siya sa tanong ko.

“Make out with my sexy student, dun nalang naman namin ginawa sa classroom.” Then he wiggle his eyebrows.

“Tsk. Wala ka talagang patawad, pati mga estudyante mo ay papatusin mo.” Humalakhak lang siya sa sinabi ko. May nakakatawa ba? Wala naman di’ba? At totoo ang sinabi kong wala siyang patawad.

“Kevin.. Kevin.. Kevin.. Masaya kapag may thrill ang buhay at isa pa, aanhin ko naman ’tong kagwapuhan ko kung hindi ko rin naman pakikinabangan? You know me since we we’re kids, Kevin.”

“Psh. Katulad mo talaga ang kapatid mo, parehong-pareho kayo ng ugali.”

“Si Charles? Mas mabait naman ako kaysa dun ah?”

Pareho sila ni Charles, his younger brother. Parehong papalit-palit ng babae at naglalaro lang. Ang pinagkaiba nga lang nila ay mas mahaba ang pasensiya ni kuya Francis samantalang si Charles naman ay maikli ang pasensiya kapag nagagalit. Mahahalata mo talaga na magkapatid sila dahil magkamukha sila.

“Tigilan mo na nga yan.” He laughed at tumayo na ito.

“I have to go, see you tomorrow.” I nodded then he tapped my shoulder and left.

Napaisip ako sa suggestion ni kuya Francis sa akin, Rape? Paano nga kung iyon lang ang paraan para maging akin si Trinity? Nah. I wouldn’t do that. That’s hilarious. Di bale nang hindi maging akin si Trinity basta hindi niya lang ako kamuhian. She’s so precious to me and I cannot lose her.

Daniel’s

POV

Kaning 4:00am ay umalis ako dahil tumawag sa akin si mama para bantayan ko ang kapatid kong nasa ospital dahil naaksidente habang naglalaro ng soccer sa school nila. Seryoso? Ako pa talaga ang pinabantay? Pero wala naman akong magagawa dahil binantaan ako ni mama na kapag hindi ko daw binantayan ang kapatid ko sa ospital ay gigipitin niya ako, no choice naman ako kundi ang pumayag nalang. Wala sana akong angal kung ang babantayan ko ay 3 to 9 years old lang pero for pete sake, 15 years old na yung binantayan ko at lalake pa. Si mama talaga ay ginagawang baby ang kapatid kong dinaig pa ako sa dami ng girlfriends. Pagkatapos nun ay dumaan ako sa office ni papa dahil may pinapaasikaso siya sa akin about sa kompanya namin. Naikwento ko na rin kila mama at papa ang panliligaw ko kay Trinity at sinabi nila sa akin na gawin ko raw ang lahat para ako ang piliin niya. Kahit naman hindi nila sabihin ’yon ay alam ko na ang gagawin ko. Hinding-hindi ako magpapatalo sa mga kaibigan ko, walang nang kai-kaibigan pagdating kay Trinity.

7:00am na nang makarating ako sa TREASURE House. Napasandal ako sa sofa dahil sa sobrang pagod. Mamaya ay ihahatid ko pa si Trinity sa school nila at doon ko sisimulan ang panliligaw ko. Dumaan sa harapan ko si Jaden na kakagising lang. Ewan ko ba kung bakit naiinis ako sa tuwing nakikita ko siya. Siguro ay siya ang madalas na palaging nakikita kong tinitignan ni Trinity. Matagal ko na siyang kaibigan pero ngayon lang ako nainis sa kanya ng ganito.

“Jaden,” Tawag ko sa kanya. Humarap naman siya sa akin.

“Bakit?” Tumayo ako at lumapit sa kanya.

“May gusto ka ba kay Trinity?” Diretsahan kong tanong.

Naningkit ang mga mata niya sa tanong ko. “Bakit mo tinatanong? Dahil ayaw mo na may ibang manligaw kay Trinity kasi nililigawan mo na siya?”

Nagulat ako sa sinabi niya. “How did you know?”

Napailing ito sa sinabi ko. “Hindi ka kasi magaling magtago ng sikreto. Inaya mo siya sa labas na hindi mo naman magawa sa ex mo, dun palang ay halata na.”

Ang lakas talaga makaramdam ni Jaden. Noon palang ay magaling na siyang kumilatis.

“Okay, alam mo naman pala. May gusto ka nga sa kanya?” Medyo naiinis kong tanong dahil gusto ko lang makumpirma ang hinala ko.

Tinignan niya ako nang may panunuyo. “Natethreaten ka ba sa akin, Daniel?”

Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya.

“Ang tanong mo ba ay kung may gusto ako kay Trinity? Hindi ko na kailangang sagutin yan dahil nasa sa akin na ’yon.” Pagkatapos niya iyong sabihin ay umalis na din siya sa harapan ko.

Naiwan akong nakayuko at napakuyom ang kamao. Nag-uumpisa na nga ang kumpetisyon pero hinding-hindi ako magpapatalo sa kanila lalong-lalo na kay Jaden.

** Kasalukuyang kaming nasa kotse ni Trinity, ihahatid ko siya sa school nila katulad nga ng plano ko. Nararamdaman ko na naiilang siya sa akin. Siguro ay hindi lang siya sanay na nililigawan dahil alam ko na hindi pa siya nagkakaboyfriend. Hindi ko nalang pinapansin ang pagkailang niya sa akin at pinagpatuloy ang pagdadrive. Hinawakan ko ang kamay niya gamit ang isa kong kamay pero agad rin naman niyang tinaboy ang kamay ko.

“I’m sorry..” Sabi nito.

Nainis ako sa ginawa niya pero hindi ko nalang iyon pinansin at nagfocus nalang sa pagdadrive. Pinipigilan ko na ’wag magalit dahil mahal ko siya at ayoko na layuan niya ako dahil lang sa natatakot siya sa akin.

Narating na rin namin ang university nila kaya lumabas na ako ng kotse at pinagbuksan siya ng pintuan ng kotse.

“Ihahatid na kita sa room mo.” Sabi ko nang nakangiti.

“S-sige..” Tumango siya at pumasok na kami sa loob.

Habang naglalakad kami ay maraming napapatingin sa amin. At kitang-kita ko ang mga estudyanteng lalake ang nakatingin kay Trinity. Sinamaan ko sila ng tingin at umiwas na sila ng tingin kay Trinity. Kahit pala dito ay nakaw atensyon si Trinity. Nakakainis!

“Yung mga babae oh, halos tumulo na ang laway kakatingin sayo.” Turo ni Trinity sa mga babaeng estudyanteng nakatingin nga sa akin.

“Nagseselos ka?” Pang-aasar ko sa kanya.

“H-hoy! Hindi no, asa kapa!” Hinampas nito ang balikat ko pero mahina lang.

Napatawa naman ako sa ginawa niya.

“Trinity!” Sigaw nung babaeng kaibigan ni Trinity na nakalimutan ko ang pangalan. Papalapit ito sa amin kasama ang iba pa nilang mga kaibigan.

“Chae, kayo pala,” Sabi ni Trinity nang makalapit na ang mga kaibigan niya sa amin.

Bumaling ang mga kaibigan niya sa akin. Mga istorbo.

“Hi Daniel!” Bati nila. Mabuti nalang at hindi nila kasama yung dalawang lalakeng kaibigan din nila dahil panigurado na ayaw nila akong makita.

“Hi din.” Sagot ko nalang.

“Wow ha? Ligawan portion na pala ito!” Kinikilig na sabi nung babaeng may bangs na mukhang manika.

“Ang ingay mo Bonnie!” Napairap naman yung babaeng singkit.

“Ah hehe.. nasaan na nga pala sina Jerome at Leo?” Tanong ni Trinity sa kanilang dalawa.

“Speaking of those two guys, si Jerome ay may practice ng basketball at si Leo naman ay may practice ng fencing. Malapit na kasi ang Presentational Day natin kaya busy-busyhan na ang peg nila.” - Bonnie

“Ganon ba?” - Trinity

“Aalis na pala kami nila Bonnie at Micca, pupunta na kami sa next class namin. Goodluck sa inyo, bye!” Bigla namang hinila ni Chae sina Bonnie at Micca hanggang sa nakalayo na sila sa amin. Nakita ko pa na pasimple siyang umirap sa akin. Siguro naramdaman niya na ayoko silang nandito.

Nag-umpisa na kaming maglakad ni Trinity, habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Hindi yata makukumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya natititigan. Hindi ko na rin alam kung bakit ako nagkakaganito simula nang makilala ko siya, hindi naman ako ganito kay Naomi noon.

“May dumi ba ako sa mukha?” Tanong nito habang nakayuko.

Napangiti ako sa naging reaksyon niya. “Wala, ang ganda mo lang kasi..” Inakbayan ko naman siya na ikinabigla niya.

“Daniel, nakakahiya! Alisin mo nga ’yang kamay mo,” Pilit niyang tinatanggal ang kamay kong nakaakbay sa kanya kaya hindi ako nagpatinag hanggang sa sumuko na din siya.

Nagtagumpay ka Daniel Milan.

Nang marating na namin ang classroom nila ay kitang-kita ko na yung mga estudyanteng nasa loob non ay nakasilip sa amin mula sa bintana. Palagi talagang may atensyon akong nakukuha kapag kasama ko si Trinity, kung sa bagay ay ako din naman.

“Salamat pala sa paghatid sa akin, Daniel.” I didn’t answer her instead I kissed her on a cheek na siyang ikinagulat niya.

Naghiyawan ang mga estudyante habang ang iba naman ay nag-uusap at nagbubulungan na sigurado ako na patungkol sa amin ni Trinity.

“B-bakit-”

“I’ll fetch you up later. Bye!” Pinutol ko ang dapat niyang sasabihin at iniwan na siyang tulala at gulat na gulat sa ginawa ko.

Nakangiti akong naglalakad sa may hallway hanggang sa may nabangga ako..

“Shit! Bulag ka ba?! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!” Sigaw nung lalakeng nakabangga ko.

Tinignan ko siya ng masama pero unti-unti namang naglaho iyon nang mamukhaan ko siya. Tila nanlaki ang mga mata niya nang sa tingin ko ay namukhaan niya rin ako. Ito yung lalakeng kasing kulay na nang bondpaper dahil sa kaputian.

“Teka? Di’ba ikaw yung kaibigan ni Trinity? Hindi nito pinansin ang sinabi ko at nilagpasan nalang niya ako.

Siya yata si.. Jerome?

Chapter 19 - In Tagaytay (Part 1)

Trinity’s

POV

Ang bilis ng panahon, weekend na naman at mabobored ako dito sa bahay. Tuloy pa rin ang panliligaw sa akin si Daniel, nakikita kong ginagawa niya ang lahat para sa akin at nakakakonsensya nga lang dahil kahit anong gawin niya ay hindi ko pa rin siya magustuhan. Sasabihin ko ba na huwag na niya kong ligawan? Ayoko naman kasi na paasahin ko siya sa wala. Sige, pag-iisipan ko.

Kasama ko yung siyam na lalake dito sa may sala. Wala sila Kevin, Jun, Ben at Daniel dahil may kanya-kanya silang pinuntahan. Medyo naaawkwardan nga ako dahil katabi ko sa sofa sina Jaden at Travis. Napapagitnaan ako ng dalawang lalakeng nagagawang patibukin ang puso ko. Focus lang sila sa panonood habang ako naman ay ilang na ilang sa kanilang dalawa.

“Hayy.. ang boring.” Sabi ni John at humiga sa sahig.

“Sinabi mo pa, nakakaboring sa bahay na ’to. Ano ba ang magandang pwedeng gawin?” Tanong ni Arthur.

“Pumunta na lang kaya tayo sa resthouse nila Kyle?” Nabaling naman ang lahat kay Kyle dahil sa suggestion ni John.

“Okay lang naman sa akin na pumunta tayo don.” At napa ‘Yes’ naman sila.

“Saan ba yung resthouse nila Kyle?” Tanong ko sa katabi kong si Jaden.

Magsasalita na sana siya nang bigla namang sumabat si Travis. “Sa Tagaytay lang, I’m sure you will love that place, it’s very beautiful.” Titig na titig siya sa akin habang sinasabi niya iyon kaya napatango na lang ako. Nang tinignan ko si Jaden ay napaiwas naman ito ng tingin.

“Kung gusto mo Trinity, pwede mo rin isama ang mga kaibigan mo para may kasama ka ring babae o kakilala mo.” Sabi ni Kyle na mukhang may tinetext sa cellphone niya.

“Okay lang ba?” He nodded.

Dali-dali ko namang kinuha ang cellphone ko sa aking suot na maong short at tinawagan isa-isa ang mga kaibigan ko. Hindi ko na tinawagan sina Jerome at Leo dahil alam kong busy sila.

(Sorry girl, hindi ako pwede. Pinapapunta kasi ako ni mama sa Lucena para dalawin ang lola ko) - Micca

(Gusto ko sanang sumama kaso nga lang may iaattend kaming business matters ni mommy. Next time babawi nalang ako sayo) - Chae

(Sure! Sasama ako, sa Tagaytay ba? Sige mag-iimpake na ako at pupunta nalang ako diyan. Bye! Mwua!) - Bonnie

Mabuti nalang at hindi busy si Bonnie kaya kahit papano’y may makakasama rin akong babae sa resthouse nila Kyle sa Tagaytay. Talaga nga palang rich kid siya dahil may resthouse pa sila, kung sa bagay ay kamag-anak niya sila Mayor Buenavista.

“Si Bonnie lang ang free ngayon.” Sabi ko sa kanila.

“Atleast may kasama kang babae.” - David

Naaalala ko pala na may crush si Bonnie kay David, hindi ko rin naman masisisi si Bonnie dahil gwapo naman talaga si David at mabait pa, binigyan pa nga niya ako ng Pink Bear e. Paano kaya kung paglapitin ko sila mamaya? Tama! Good idea.

Tumango ang lahat. “Okay, let’s pack our things now.” Pinatay na ni Sam ang tv at d Dvd player at nagsitayuan na rin kami.

Maglalakad na sana ako papunta sa kwarto ko nang bigla akong higitin ni Travis sa braso ko at hinarap sa kanya.

“Tabi tayo mamaya sa van ah?” Nakangiti nitong sabi.

Bigla na namang bumibilis ang tibok ng puso ko kapag kaharap ko siya. Nagkakagusto na ba ako kay Travis?

Dahil sa sobrang kaba ay tango na lamang ang naibigay ko sa kanya. He smile and patted my head at umalis na siya. Naiwan ako sa sala na nakahawak sa dibdib ko. Anong ibig sabihin nito? Posible bang tumibok ng mabilis ang puso mo sa dalawang tao? Di’ba dapat sa isa lang? Pero bakit kay Jaden ay ganito rin ang nararamdaman ko? Nakakalito! Hindi ako naging ganito kalito noon. Simula nang tumira ako sa bahay na’to ay marami na ang nag-iiba sa pagkatao at nararamdaman ko. Masyadong komplikado.

** Natapos na rin kaming mag-impake, bumili sa grocery store sila Justin ng mga pagkain na kakailanganin namin don sa beach sa resthouse nila Kyle. Nagluto naman sila manang ng mga pagkain at tumulong ako sa paghahanda. Nang matapos ay lumabas na kami ng bahay at inilagay na nila ang mga pagkain at gamit na kakailanganin sa likod ng van na sasakyan namin. Malaki ang van kaya sigurado ako na kakasya kaming lahat. Naka simpleng tshirt at beach shorts lang ang suot nila pero bagay na bagay sa kanila. Nagsuot naman ako ng spaghetti straps na floral dress, nagdala rin ako ng sumbrero at shades dahil mainit ang panahon. Nagdala rin pala ako ng black bikini na susuotin ko mamaya.

Hindi ko nalang pinapansin ang pagtitig sa akin ng siyam na lalakeng ’to, sana nga ay dumating na si Bonnie para may makausap na ako. Speaking of her ay dumating na rin siya, may suot pa siyang shades sa ulo niya at may dalang maleta. Nakasuot na siya ng bikini pero pinatungan niya lang iyon ng bolero jacket. Talagang pinaghandaan na ng bruhilda!

“Ang ganda mo ’teh! Kaya pala titig na titig sayo ang mga boys!” Sabi nito nang makalapit na sa akin.

“Kanina pa nga ako naiilang sa kanila, mabuti nalang at dumating ka na.” Napansin ko naman na may hinahanap siya at alam ko na kung sino.

“Si David ba ang hinahanap mo?” Sabi ko nang may panunukso.

Bigla naman niya akong hinampas sa balikat. “H-hindi ah!”

Indenial pa e, halata naman na isa rin si David sa dahilan kaya siya sumama. Lumapit na kami sa siyam na lalake at halos matawa nalang kami nang mapatulala si Bonnie habang nakatingin kay David na ilang na ilang sa kanya, kahit sila ay napansin din iyon. Obvious naman kasi.

Pumasok na kami sa loob ng van, akala ko ay tatabi sa akin si Bonnie pero tumabi pa ito kay David na malapit sa bintana. Pagbigyan na nga at ngayon lang nainlove si bruhilda. Halata naman kay David na kanina pa siya naiirita kay Bonnie pero hinahayaan na lang niya dahil tumitingin ako sa kanya at sinasabi na ‘hayaan mo nalang’.

Nasa may bintana din ako pumwesto, nakita ko na papalapit na sa akin si Jaden nang biglang tumabi sa akin si Travis. Nanlumo akong bigla sa ’di ko malamang dahilan.

“Are you excited?” Tanong nito.

“Yes.” Sabi ko habang nakatingin kay Jaden na umupo nalang sa tabi ni Sam.

Hindi ko alam pero bigla nalang ako nanghinayang na hindi siya ang makakatabi ko. Hindi naman kami para manghinayang ako ganito.

Pinaandar na ni Kyle ang van dahil siya ang magdadrive, katabi naman niya si Mason na naka earphones lang at nakikinig ng music sa ipod niya.

“Anong isda ang mataba?” Tanong ni John kay Justin na nakasandal sa upuan at parang inaantok.

“Oh geez.. huwag mo nga akong kulitin John!” Naiiritang sabi ni Justin. Hinawakan naman ni John ang braso nito at inalog-alog. Kahit kailan talaga ay napakakulit ni John.

“Dali na, sagutin mo na yung tanong ko!” Pangungulit pa nito.

Bumuntong-hininga muna si Justin bago sumagot. “Fine. Ano?”

“E, di.. FATing. Hahahaha!” Napa facepalm nalang kaming lahat habang sina John at Bonnie naman ay tumatawa na parang wala nang bukas.

“Nice one, John!” Sabi ni Bonnie at nakipag-apir pa kay John.

“Thanks.” Mukhang magkakasundo sila. Pareho ba namang makukulit at corny ang dalawang ’to.

“Natawa ang dalawa sa corny’ng joke.” Mailing-iling na sabi ni Travis.

“Pareho ba naman sila ng personality e,” Natatawang sabi ko.

Biglang sumandal si Travis sa balikat ko at isinabit ang isang earphone niya sa tenga ko. Nagulat ako dun while the music playing The Way You Look At Me by Sabrina.

“Lets sleep. Ilang oras pa ang biyahe natin bago makarating don.” I nodded kahit medyo naiilang ako sa posisyon namin.

Hindi nila kami masyadong nakikita dahil nasa may pinakalikod kami nakaupo ni Travis, katabi naman niya si Arthur na nakatulog na.

And my stupid heart is beating fast, again..

Napatingin ako sa side mirror sa harapan nila Kyle at nakita ko na napairap si Mason pagkakita niya sa akin. Napairap siguro siya dahil sa posisyon namin ni Travis.

** Pagkatapos ng ilang oras na biyahe ay narating na rin namin ang beach resthouse nila Kyle dito sa Tagaytay. Masasabi ko na napakaganda nga ng beach house nila, with white sand at napakalinaw ng tubig sa dagat, napakasarap din ng simoy ng hangin. Totoo nga ang sinabi ni Travis na mamahalin ko ang lugar na ito dahil napakaganda. Pumasok muna kami sa resthouse at dinala ang mga gamit namin sa room na tutulugan namin. Karoommate ko si Bonnie habang sila Kyle naman ay pinaghatian ang may apat na kwarto ng resthouse sa kanilang siyam.

Nang makapasok na kami ni Bonnie sa room na tutuluyan namin ay napahiga ito sa isang malaking kama na kasya kaming dalawa. Umupo naman ako sa tabi niya.

“Alam mo Trinity, bagay kayo ni Travis.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

“Anong pinagsasabi mo diyan?” Lumingon ako sa sinabi niya na nanlalaki ang mga mata.

Sinundot niya ako sa tagiliran. “Kanina sa van, habang nasa biyahe tayo ay nakita namin ni David na nakasandal sa balikat mo si Travis, para ngang galit sa mundo si David na katabi ko dahil halos nagdadabog na.” Ngumuso pa ito.

“N-nakita rin iyon ni David?” She nodded.

“Yah. Ang sweet niyo ni Travis!” At tumawa pa ito.

Nakakahiya! Hindi lang pala si Mason ang nakakita sa posisyon namin kanina ni Travis sa van kundi pati na rin sina Bonnie at David. Pero bakit naman nagdabog daw si David na katabi lang ni Bonnie kanina?

Bumangon ito at umupo sa tabi ko. “Mas bet ko pa sayo si Travis kaysa sa Daniel na ’yon, parang ang yabang ng aura niya lalo na nung hinatid ka niya sa classroom mo.”

“Mabait naman si Daniel.” She rolled her eyes.

“Are you blind? Akala ko nung una he’s nice pero hindi pala, para ngang ayaw niya na nandoon kami nila Chae at Micca nung hinatid ka niya sa room mo. Hay naku Trins! Ayoko na magkaboyfriend ka nga maangas at mayabang..”

Magsasalita na sana ako nang biglang may kumatok sa pintuan ng room namin. Napatayo naman ako at binuksan ang pintuan.

Si Mason.

“Let’s go outside. Hinihintay na nila kayo sa labas.” He smiled.

“Sige, susunod nalang kami.” Nginitian ko rin siya not minding na nakita niya kami ni Travis sa awkward position kanina.

“Okay, sige.” At umalis na ito.

Lumapit sa akin si Bonnie at tinignan pa si Mason na nakalabas na.

“Sa kanilang lahat, parang siya lang yung napakabait, kalmado at pachill chill lang sa 13 guys.” Hinampas ko siya sa balikat.

“Ouch! Ang sakit ah?” Reklamo nito habang hinihimas niya yung braso niyang hinampas ko.

“Ikaw ang dami mo kasing napapansin sa kanila, manahimik ka na lang.”

“Pero infairness ha? Cute siya pero mas cute pa rin si David.” Kinikilig nitong sabi.

Napailing nalang ako at hinatak na siya papalabas ng kwarto. Nang makalabas na kami ay nandoon na nga silang lahat sa cottage. Ang sabi nila ay hanggang bukas lang kami dito dahil nga may pasok ako kaya dapat daw ay maenjoy namin ang napakagandang lugar na ito.

Nang makalapit na kami ay lalapit na sana sa akin si Travis nang maunahan siya ni Jaden at ako naman ay halos tumalon sa tuwa dahil lalapitan niya ako.

“Hi. Kain na muna tayo.” I nodded na pinipigilan ang kilig. Natawa si Bonnie ng mahina nang makita niya ang reaksyon ko. Inirapan ko siya ng pabiro at mas lalo lang itong natawa.

Nang makalapit na kami sa cottage ay masama ang titig ni Travis kay Jaden. Lahat na kami ay umupo kaharap ng lamesang punong-puno ng pagkain. Mayroong inihaw na bangus, pritong manok, mainit na kanin, seafoods katulad ng alimango, pusit, fruit salad at iba pa.

“Let’s pray before we eat.” Ani Sam.

Pagkatapos naming magdasal ay nagsimula na kaming kumain. Katabi ko si Bonnie sa left side habang katabi ko naman sa right side si Jaden. Para ngang halos mamatay na si Jaden dahil sa sobrang sama ng titig sa kanya ni Travis pero hindi nalang niya iyon pinapansin. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o magagalit sa ginagawa ni Travis, parang hindi niya kaibigan si Jaden kung ituring niya ito at hindi sila nagkasama sa iisang bahay ng ilang taon.

“Nagustuhan niyo ba yung place?” Tanong sa amin ni Kyle habang kumakain kami.

“Naku! Oo, napakaganda naman dito. Resthouse niyo ba ’to?” Tanong ni Bonnie.

“Yes. Kay daddy ’to.” Napanganga si Bonnie dahil sa pagkamangha. Kulang nalang ay pasukan ng langaw ang bibig niya dahil sa laki ng pagkakaawang.

“Trinity, do you like this place?” Tanong sa akin ni David. Nang tinignan ko si Bonnie ay napayuko ito.

“A-ah. Of course.” Sabi ko na may concern na tingin kay Bonnie.

“That’s good.” He smiled at me. I smiled at him awkwardly.

** Pagkatapos naming kumain ay bumalik ulit kami ni Bonnie sa kwarto at nagpalit ng bikini. Swimming time na din pero parang nahihiya akong magbikini dahil puro mga lalake ang kasama namin.

“Di’ba nakakahiya na magbikini tayo?” Tanong ko.

“Hindi no! Normal lang naman sa atin ang magbikini kapag nagsiswimming tayo ah?” Sabi nito habang naglalagay ng sunblock sa katawan niya.

“Pero nakakahiya kila Kyle!”

“Aysus, nahiya ka pa. Gora na tayo sa labas girl!” Wala na rin akong nagawa dahil hinatak na niya ako papalabas.

Nang marating na namin ang beach ay naabutan namin na naglalaro ng volleyball sina Justin at John, si Mason ay tumutugtog sa kanyang gitara, si Arthur ay nagseselfie, si David at Travis ay nag-uusap kasama si Kyle habang sina Jaden at Sam naman ay nakaupo lang sa may buhanginan. Nang makita nila kami ay tinignan pa nila kami mula ulo hanggang paa at biglang nagsipulahan ang mga mukha nila.

“Naakit sa alindog mo, te!” Bulong ni Bonnie sa akin.

Lumapit kami na tila natutulala pa sila. Parang nasa akin ang lahat ng atensiyon nila pero minsan ay napapatingin rin sila kay Bonnie.

“Wow! Ang sexy mo pala Trinity.” Namamanghang sabi ni John.

Namula bigla ang mukha ko dahil sa sinabi niya. “S-salamat..”

Lumusong na sa dagat si Bonnie habang naiwan naman ako sa mga lalakeng ito. Napatigil kasi silang lahat sa ginagawa nila nang makita nila kami.

Laking gulat ko nalang nang bigla akong buhatin ni Travis ng pabridal style at bumulong sa akin. “You look so gorgeous in that black bikini.” I blushed.

Lumusong naman kami sa dagat habang buhat niya pa rin ako. Nainis ako sa ginawa niya pero tinawanan lang niya ako. Dahil sa sobrang inis ko ay pinaghahampas ko siya sa balikat niya.

“You gave me a heart attack!” He chuckled on what I’ve said.

“Sorry na.” He still laughing and hugged my back under the water.

Nagulat ako sa bigla niyang pagyakap sa akin. Mabuti nalang at hindi nila kami napapansin dahil nasa medyo malayong parte ng dagat na pala kami nakaabot ni Travis. Bakit hindi ko man lang iyon napansin?

“Travis..” I said, he’s still hugging me.

“Trinity.. I like you.”

Dahil sa narinig ko, I don’t know how to react at hindi ko alam kung bakit hindi na bumibilis ang tibok ng puso ko habang kaharap ko siya.

Ang naiisip ko lang ay.. hindi ito tama.

Chapter 20 - In Tagaytay (Part 2)

Jaden’s POV

Napanganga silang lahat, I mean kaming lahat nang makita namin sila Trinity wearing a bikini. Lumaki siyang napakagandang babae at may maganda ring pangangatawan kaya hindi ko masisisi ang mga kaibigan ko na titigan siya. Biglang binuhat ni Travis si Trinity at lumusong sila sa dagat. Nakaramdam ako ng pagseselos nang makita silang masaya.

“Sakit no?” Pang-aasar sa akin ni Sam.

Hindi ko nalang siya pinansin.

“Ang bilis rin ni Travis makadamoves, kung sa bagay ay expert na siya sa ganyan.” Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay.

“Sam, pwede bang manahimik kana lang?” Napatango naman ito pero alam ko na pinipigilan lang niya ang pagngisi niya.

Tumayo na ako at iniwan siya, ayoko lang na mas lalo niya akong asarin dahil selos na selos na ako kila Trinity at Travis lalo na kanina sa van na magkatabi pa sila. Dapat ay tatabihan ko si Trinity pero naunahan lang ako ni Travis.

Habang naglalakad ako sa tabing dagat ay napaupo ako sa buhanginan at inilubog ang mga paa ko sa dagat. Napapikit ako at inaalala ang mga masasayang araw namin noon..

“Jojo, bakit hanggang ngayon ay mas maganda pa rin ang sand castle mo kaysa sa akin?” Pagmamaktol ni Rin-rin habang nakangusong tinitignan ang sand castle na ginawa ko .

Lumapit ako sa kanya at inayos ang sand castle na ginagawa niya. “Maganda naman yung sayo, kailangan lang taasan mo ang sand castle mo.”

Sumandal siya sa balikat ko. Natuwa ako sa ginawa niya pero hindi ko iyon pinahalata. Napatigil naman ako sa paggawa ng sand castle at hinawakan ang balikat niya

“Huwag mo akong iiwan ha? Wala na akong makakausap at makakalaro kung iiwan mo ako.” Nakita ko na napaluha siya kaya humarap ako sa kanya at pinunasan ang mga luha niya.

“Pangako, hindi kita iiwan at hindi ako aalis sa tabi mo.” Tumigil na siya sa pag-iyak at ngumiti ito. Ngiting gustong-gusto ko palaging makita sa kanya.

“Promise? Cross my heart? Mamatay man si Superman?”

Natawa ako sa sinabi niya. “Promise! Mamatay man si Superman!”

Napamulat ako pagkatapos kong maalala ang mga pangyayaring iyon. Napako ang pangako ko sa kanya na hindi ko siya iiwan, iniwan ko pa rin siya. Napasabunot ako sa buhok ko at napaluha na. Patawarin mo ako Rin-rin.. Patawarin mo ako Trinity.

** Tinignan ko ang wrist watch ko at alas siyete na ng gabi. Hindi pa rin ako bumabalik sa resthouse dahil gusto ko munang mapag-isa. Habang nakatitig lang ako sa dagat ay naramdaman kong may tumabi sa akin at laking gulat ko nang si Trinity ’yon. Nakasuot na ito ng t-shirt at shorts pero kahit ano pa man ang suot niya ay napakaganda pa rin niya.

“A-anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kanya.

Nakatingin lang siya sa paghampas ng mga alon sa dagat at inilublob rin ang mga paa niya sa tubig.

“Gusto ko lang mapag-isa, sakto at nakita kita dito.” Tinignan ko siya at para nga itong may problema.

“May problema ka ba?”

Katahimikan ang bumalot sa amin bago siya nagsalita.

“Sinabi sa akin ni Travis kanina na gusto raw niya ako.” Hindi na ako nagulat don dahil alam ko na iyon sa simula palang.

“Anong ginawa mo?” Bumuntong-hininga siya.

“Sinabi ko na ’wag na siyang umasa sa akin kasi hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya pero para lang siyang bingi at hindi pinansin ang sinabi ko.”

Natuwa ako nang malaman ko na wala siyang gusto kay Travis pero nalulungkot rin ako sa tuwing nakikita ko siyang malungkot.

“Isa pa akong tanga! Pinayagan ko na manligaw sa akin si Daniel kahit hindi ko siya gusto, parang pinapaasa ko lang siya dahil sa maling desisyon ko. Alam ko na isa sa inyo ang pakakasalan ko pero hindi ko kayang ipilit ang sarili ko sa taong hindi ko naman gusto..” Hindi na nito kinaya at umiyak na siya sa harap ko.

Nagpanic ako at niyakap nalang siya. Ayoko sa lahat ay ang makita siyang umiiyak nang dahil sa mga kaibigan ko.

“Sshhh. Don’t cry..” Pero umiyak pa rin siya nang umiyak. Di’bale nang mabasa ang suot kong tshirt basta malabas lang niya ang sakit na nararamdaman niya.

“Ayoko nang umasa sila sa akin dahil hindi ko kaya ’yon. Umasa sa akin noon si Jerome at binasted ko siya dahil hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kanya pero kahit hindi man niya inamin noon ay alam kong nagtangka siyang magpakamatay nang dahil sa akin.”

Nagulat ako sa sinabi niya. Nagtangkang magpakamatay si Jerome nang dahil binasted lang siya ni Trinity? Kakaiba rin pala ang lalakeng iyon.

“Siguro ang dapat mo nalang gawin ay kausapin sila at alam ko na maiintindihan ka nila. Matagal ko na silang kaibigan at nakakasigurado ako don.” Tumigil na rin ito sa pag-iyak at hinarap ako.

“Salamat Jaden, ikaw nalang palagi ang dumadamay sa akin kapag may problema ako. Salamat at nandito ka.” At the same time ay mas lalo akong sumaya dahil sa mga sinabi niya. Kahit habangbuhay ay nandito lang ako palagi sa tabi niya.

“Basta para sayo.”

Nang kumalma na siya ay napahiga kami sa buhanginan at pinagmasadan ang mga bituin sa langit, hindi na namin alintana ang lamig dahil sa ganda ng tanawin na nakikita namin. Tumingin ako sa kanya at nakapikit ito. Ngayon ay nakikita ko siya nang mas malapitan at kung ano ang ikinaganda ng mukha niya ay ganon din kabuti ang puso niya. Kung pwede lang sana ay hindi na matapos ang araw na ito.

“Jaden?”

“Ano ’yon?”

“May minahal ka na ba?” Tanong niya habang nakapikit pa rin.

Oo, ikaw ang una kong minahal, simula pagkabata palang natin ay minahal na kita.

“Oo, meron na. Ikaw?”

“Meron pero siguro ay kailangan ko na siyang kalimutan kasi kinalimutan na din naman niya ako.”

Nabigla ako. Sabi ko na nga ba at mangyayari ’to.

“Paano mo naman nasabi na kinalimutan ka na niya?” Kasi kahit kailan ay hindi kita nakalimutan. Araw-araw kitang naiisip. Hindi ko ginusto na malayo sayo pero kailangan para sa ating dalawa.

“He left me and he promised me na babalikan niya ako pero ilang taon na ang nakalipas ay hindi pa rin niya ako binalikan, siguro hindi niya ako mahal kaya ganon.” May halong lungkot ang boses nito.

Hindi ganon Trinity, hanggang ngayon ay mahal pa rin kita.

“Baka naman may rason siya kung bakit ka niya iniwan. Everybody have their own reason. Malay mo ginawa lang niya iyon para sa ikabubuti mo.” Umiling siya.

“Hindi, doon na sila tumira sa states at hindi na siya bumalik para sa akin. He’s my childhood friend at nangako siya na babalikan niya ako.”

“Kung babalik ba siya ay tatanggapin mo pa siya?” Dumilat siya at ngumiti ng mapait.

“I don’t know anymore..”

Nasaktan ko siya ng sobra, nangako ako at umasa siya, hindi ko kaya na magalit siya sa akin lalo na kapag nalaman niya na ako si Jojo.

Napabangon siya at napaupo ulit. Bumangon din ako at niyakap siya.

“Don’t worry.. I’m here.”

Someone’s POV

10:00pm na pero wala pa rin sa resthouse sila Trinity at Jaden kaya napagpasyahan namin ng TREASURE guys na hanapin sila. Baka may masama nang nangyari sa mahal kong Trinity. Naghiwalay kami sa paghahanap hanggang sa mapadpad ako sa tabing dagat na medyo malayo sa resthouse. Sa di kalayuan ay may natanaw akong dalawang tao na magkayakap na nasa may tabing dagat lang. Lumapit ako ng kaunti at hindi nga ako nagkakamali, sina Jaden at Trinity iyon. Kahit nakatalikod pa sila ay alam kong sila yun. Nag-umpisa na namang mamuo ang galit, inggit at selos sa puso ko, bakit sila magkasama? Bakit sila magkayakap? Lumayo na ako sa pwesto nila at nagsimulang magwala. Pinagbabasag ko yung mga flower vase at paso na bawat nakikita ko sa tabing dagat, hindi pa ako nakuntento at sinira ko yung mga halaman na nakadisplay sa bawat parte nito. Ganito ako kapag nagagalit, magwawala ng magwawala. Ang kapal naman talaga ng mukha ng Jaden na ’yon para landiin si Trinity, isama pa si Travis na kung makadikit kay Trinity ay akala mo sila na. Lintik na buhay ’to! Ang daming umaagaw sa aking iniirog. Hindi pa ito ang tamang panahon pero sisiguraduhin kong papatayin ko sila. Walang dapat humadlang sa pagmamahalan namin ng Trinity ko. Kahit pa mga kaibigan ko sila. Pagkatapos kong magwala ay bumalik na ako sa resthouse, pumasok ako sa kwarto at ininom ang gamot ko. Kailangan kong kumalma at magpanggap na hindi ko sila nakita. Magaling naman ako sa ganito na magpanggap, nakakaya kong kontrolin ang galit ko pero kapag nasagad na ang pasensiya ko ay magkikita nalang tayo sa impiyerno.

“Konting tiis nalang, magkakasama na tayong dalawa aking iniirog na Trinity..” Napangiti ako at pinagmasdan ang tagiliran kong may tattoo na nakaukit ang pangalan ni Trinity.

Simula noong mga bata palang kami, baliw na baliw na ako sa kanya.. baliw na baliw.

Kyle’s POV

11:00pm na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin namin mahanap sina Trinity at Jaden. Nasaan na ba ang dalawang ’yon? Magkasama kaya sila? Lakad lang ako ng lakad at patuloy lang sa paghahanap nang nagulat ako sa nakita ko. Basag-basag ang mga flower vase na nakadisplay malapit sa tabing-dagat at pati na rin ang mga halaman ay pinagbubunot at nasira na. Mahigit 50 na malalaking flower vase at mga halaman na 5 layer ang nabasag at nasira. Sino ang gumawa nito? Imposible namang yung mga maids sa resthouse dahil tulog na sila at imposible rin namang aso o anumang uri ng hayop dahil wala namang hayop dito. Halatang galit na galit at ito nalang ang pinagbuntunan ng galit ang sinumang gumawa nito. Nakatitig lang ako sa mga nabasag na flower vase at nasirang halaman nang may tumatawag sa akin mula sa malayo.

“Kyle!” Tumatakbo papalapit sa akin si Mason.

Nang makalapit na siya ay hinihingal pa ito at nailagay ang mga kamay niya sa kanyang tuhod dala ng sobrang pagod nito sa pagtakbo.

“Mason, bakit?” Huminto muna siya sa paghingal bago sumagot.

“Nasa resthouse na daw sina Trinity at Jaden kaya umuwi na tayo.”

Sabi na e, magkasama silang dalawa.

Napadako naman ang mga mata ni Mason sa mga nabasag na vase at nasirang mga halaman na nagkalat sa buhanginan.

“A-anong nangyari diyan? Sinong gumawa niyan?” Tanong nito habang nakakunot-noo.

“Hindi ko rin alam e, nadatnan ko nalang na ganyan ’yan, imposible namang mga katulong ang gumawa niyan dahil tulog pa sila at imposible ding hayop ang gumawa niyan dahil wala namang hayop dito, baka taong asal hayop ang gumawa niyan.” Ngayon, sigurado ako na isa sa mga kaibigan ko ang gumawa nito. Wala namang ibang gagawa niyan kundi isa sa kanila.

“Oh, sino naman ang gagawa niyan?” Nag-umpisa na akong maglakad kaya sumunod na sa akin si Mason.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at tinawagan ang caretaker na si Manong Rico para ipalinis yung mga nabasag at nasirang vase at halaman nang matapos ay hinarap ko si Mason.

“Maybe the camouflouging friend of ours?” Simula pa noon, alam kong may kaibigan akong mapagpanggap. Ayoko lang magturo pero tama na ako ngayon sa hinala ko.

“Sino naman?” Nagkibit-balikat lang ako dahil gusto kong makasigurado.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa marating na rin namin ang resthouse. Nang pumasok kami ay nadatnan namin si Travis na sinisigawan si Jaden, kinalabit ko si Justin na nakatanaw lang sa kanila.

“Anong nagyayari dito?”

He shrugged. “Nagalit si Travis dahil gabi na nang makauwi sina Jaden at Trinity. Nag-alala raw kasi tayo kay Trinity tapos magkasama lang daw pala sila, ewan ko ba, hindi naman masyadong bigdeal iyon, talagang OA lang siya.” Sabi nito at umakyat na sa kwarto nila.

Lumapit naman kami ni Mason sa pwesto nila Travis. Nakatingin lang rin sila David, Sam at John sa kanila.

“Sana naman ay inuwi mo si Trinity ng maaga kasi hindi mo ba alam na sobrang nag-aalala na kami sa kalagayan niya? Oh ano? Bakit hindi ka makasagot diyan?!” Lumapit si David at inawat si Travis.

“Tama na ’yan, Travis” Ani David.

“Si Trinity? Nasaan na?” Tanong ko kay Mason. Bakit kung makapagreact itong si Travis e akala mo boyfriend na siya ni Trinity?

“She’s already sleeping together with Bonnie.” Sagot nito habang may tinetext sa cellphone niya.

Nang lingunin ko ulit sina Travis at Jaden ay nagwalk out na si Jaden, umupo naman si Travis sa couch at napahilot sa sentido niya. For the first time ay ngayon lang namin nakitang mag-alala siya sa isang babae. Siguro ay tinamaan na ang loko.

“Matutulog na ako, sige.” Paalam ni Mason at nagpunta na sa kwarto niya. Tumango ako bilang sagot.

Lumapit sa akin sila David, Sam at John kaya naiwan si Travis sa couch.

“Iwan na muna natin siya, he’s really in love,” Sam na napailing.

“Nasira na nga yata ang eardrums ko dahil sa lakas ng boses ni Travis, mabuti nalang at hindi na siya pinatulan ni Jaden.” - John

“Yeah, matulog nalang tayo. Travis needs time para kumalma.”

We aggreed at nagpunta na kami sa kanya-kanya naming mga kwarto. Nadatnan ko naman si Arthur sa kwarto na tulog na. Ang aga naman matulog nito. Tsk.

Daniel’s

POV

Naibato ko ang hawak kong cellphone sa sahig nang tinext ako ni Mason at sinabing nagpunta daw sila nila Trinity sa resthouse nila Kyle sa Tagaytay. Kung bakit ba naman kasi ang dami kong inaasikaso dito sa opisina ni Dad e, di sana nakasama ako sa kanila. Nakadamoves na siguro sina Jaden at Travis kay Trinity dahil wala ako. Bwisit!

“Sir Daniel, ano pong nangyayari dito?” Tanong nung kakapasok lang na secretary ko sa office.

“Leave!” Mukhang natakot siya sa akin kaya kaagad rin itong lumabas.

What a worse day for me.

– Nakakapagod pong magtype, sorry sa mga typo. Mahaba talaga ako mag-update at tinatamad na ako mag edit. Vote lang po sana. Thank you. - Ajai

Chapter 21 - Going Crazy

Trinity’s

POV

Nakauwi na kami galing sa Tagaytay, masasabi kong nag-enjoy ako sa pag-iistay don dahil ang ganda-ganda ng lugar na iyon at doon rin kami nakapag-usap ni Jaden ng matagal. Dun ko na rin napag-isipan na kailangan kong makausap sina Daniel at Travis para maipaliwanag sa kanila na hindi na dapat nila ako pagtuonan ng pansin. Sana nga lang ay maintindihan nila ako. Nang makapasok na kami sa loob ng bahay ay nakita namin sina Daniel at Ben na nag-uusap. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay ayaw sa akin ni Ben at hindi ko alam kung bakit.

Nang mapansin na nila kami ay tumigil na sila sa pag-uusap at si Daniel ay nakatingin lang sa akin.

“Kumusta ang bakasyon niyo?” Tanong ni Ben kay John. Naupo naman si John sa isang couch at sumandal don.

Ang iba naman ay pumasok na sa kanilang mga kwarto at ang iba naman ay pumunta sa kusina.

“Masaya naman, nag-enjoy kami.” Sagot nito.

Lumapit sa akin si Daniel at inayang maupo sa tabi niya. Nakokonsensya lang ako dahil napakabait niya at lahat ay ginagawa niya para sa akin kaya mahirap ang tanggihan siya pero kailangan para sa ikabubuti niya. He doesn’t deserve a girl like me, he deserves someone better.

Nang maupo na ako sa tabi niya ay nilapit pa niya ang sarili niya at hinawakan ang kamay ko. Nacoconcious pa ako dahil nakasuot lang siya ng sandong hapit na hapit sa katawan niya at nagkakadikit pa yung katawan namin. Naiilang ako.

“Nag-enjoy ka ba dun?” Tanong nito habang hinahaplos-haplos ang palad ko.

“A-ah.. oo naman, nag-enjoy ako.” Agad ko namang binawi ang kamay ko. Natahimik siya sa ginawa kong iyon.

“We’re leaving.” Biglang paalam ni Ben at umalis na nga sila ni John na nagtatakang nakatingin sa amin ni Daniel.

Nang kaming dalawa nalang ni Daniel ay bumuntong-hininga muna ako bago magsalita.

“Daniel, alam ko na-” Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang sumabat.

“Gusto mo nang itigil ang panliligaw ko sayo?” Medyo nagulat ako dahil alam niya at may halong inis sa tono ng pananalita niya.

Yumuko ako at tumango. Lumayo naman siya sa akin ng kaunti.

“Ah shit!” Rinig kong bulong nito.

Kahit medyo nahihirapan ako ay hinarap ko pa rin siya dahil kailangan kong sabihin ang mga salitang ito.

“Daniel, alam kong mabait kang tao, gwapo at maaalalahanin. Noong una ay akala ko na kapag binigyan kita ng chance ay may posibilidad na magustuhan kita pero mali pala ako, ginawa ko ang lahat para magustuhan ka pero kahit anong gawin ko ay w-wala pa rin talaga..” Tahimik lang siyang nakikinig sa akin habang nakatitig sa couch na kaharap namin.

“You will find a right girl for you, halos lahat ng magagandang katangian ng isang lalake ay nasa sa’iyo na. Ayoko lang na umasa ka sa akin.”

Katahimikan ang bumalot sa buong living room.

Biglang napatawa si Daniel ng mahina. “I see. Sanay naman ako na tinatanggihan ang pagmamahal na binibigay ko, wala namang nagbago. I almost rejected for how many times.. sanay na sanay na ako,” Nakangiti siya habang sinasabi ’yan pero halata sa boses nito na nasasaktan siya.

Sorry Daniel, ginagawa ko lang ito para sa ikabubuti mo.

“Daniel..” Lumapit siya sa akin at tinap ang balikat ko.

“It’s okay. Pinilit ko lang naman ang sarili ko sayo e, at naiintindihan kita. Siguro nga ay hanggang magkaibigan nalang tayo.” Dahil sa tuwa ay niyakap ko siya.

“Thank you Daniel and i’m sorry.” He hugged me back.

“Okay lang ’yon.”

Tama nga si Jaden, maiintindihan ako nila Daniel kapag sinabi ko sa kanila ang tunay kong nararamdaman. Sana pati si Travis ay maintindihan din ako dahil nung una kong sinabi sa kanya na hanggang pagkakaibigan lang ang turing ko sa kanya ay parang wala lang siyang narinig.

Flashback >

“Trinity.. I like you.” Nabigla ako sa mga sinabi ni Travis. He likes me? Pero parang ang bilis naman yata.

Kumalas ako mula sa pagkakayakap niya at hinarap siya. Ang hirap naman nito!

“Travis, I’m sorry pero hanggang kaibigan lang ang turing ko sayo. Hindi ko kayang tapatan ang n-nararamdaman mo, sorry..” Nakita ko sa mga mata niya na nasaktan siya sa sinabi ko pero di kalaunan ay niyakap niya ulit ako.

“I really really like you and I will court you.” Pagkatapos nun ay kumalas na siya sa pagkakayakap niya sa akin at umahon na sa dagat.

Naiwan akong nashock sa sinabi niya. Hindi ba niya narinig ang sinabi ko?

End of Flashback <

“Hey, are you okay?” Nabalik lang ako sa aking ulirat nang tapikin ako sa balikat ni Daniel.

“O-oo, okay lang ako.” Nginitian ko siya and he nodded na parang hindi kumbinsido sa sinabi ko.

** Dahil Monday na ay pumasok na ako sa YGA. Lutang na lutang ang isip ko habang naglalakad sa hallway nang may umakbay sa akin.

“Hi bestfriend!” Tinignan ko kung sino ang umakbay sa akin at si Jerome pala.

“Jerome, ikaw pala.” Nginitian ko naman siya.

“Ah Trinity.. m-may nabanggit ba sayo si Daniel tungkol sa akin?” Tanong niya na parang kinakabahan.

“Wala naman. Okay ka lang ba Jerome? Bakit parang kinakabahan ka?”

Umiling siya at nginitian ako. “Wala no. Tara na sa canteen, samahan mo akong kumain.” Hinawakan niya ang kamay ko at inentwertine ito at tinungo na namin ang canteen. He’s acting weird.

Nang nasa canteen na kami ay naupo na kami sa isang bakanteng upuan.

“Anong gusto mong kainin?” Tanong nito.

“Spaghetti at milkshake nalang.”

“As usual, haha sige hintayin mo ako.” I nodded at umalis na siya para umorder.

Habang hinihintay ko si Jerome nakita kong papalapit sa akin si GD. Nang makalapit na siya ay umupo siya sa tabi ko na mas lalo ko pang ikinainis. Kahit kailan talaga ay ang kapal ng mukha niya para magpakita pa sa akin sa lahat ng mga pinaggagagawa niya. Himala at hindi niya kasama ang apat niyang mayayabang na kaibigan dahil lagi yung nakabuntot sa kanya.

“Namiss kita.” Nakahalumbaba nitong sabi habang nakangisi.

I rolled my eyes. “Hindi kita namiss.” Imbes na mainis siya sa sinabi ko ay tumawa lang siya.

“Ang sungit mo pa rin.” Natatawa nitong sabi. Hindi ko nalang siya pinansin dahil mas lalo lang masisira ang araw ko kung papatulan ko pa siya.

Bakit parang ang tagal naman yata ni Jerome?

“You know what?” He lean on me and he whispered something. “I know that you’re living with the 13 Guys in one house.” Natigilan ako sa sinabi niya.

“P-paano mo nalaman?” He touch my cheek.

“I have my ways but don’t worry, your secret is safe kung papayag ka sa kondisyon ko.” Ayoko na malaman ng buong school na tumitira ako sa isang bahay kasama ang 13 guys dahil kahit wala naman akong ginagawa ay pag-iisipan nila ako ng masama at sasabihan ng kung anu-ano at ayokong mangyari iyon.

“A-anong kondisyon?” He smiled. A devilish one.

“Go out with me later.” Kinilabutan ako sa kanya pero hindi ko nalang iyon pinahalata.

“O-okay..” He stand up and touch my hand.

“See you later, babe.” He smirk for the last time and he left.

Trinity, tiisin mo na makasama ang gagong ’yon kahit ngayong araw lang. Gawin mo ’to para safe ang sikreto mo. Tama! Tama.

Bumalik na si Jerome na may dalang tray na may lamang pagkain. Inilapag niya ang mga pagkain at drinks sa lamesang kaharap namin. Umupo na siya sa tabi ko at nagsimula nang kumain.

“Sorry kung natagalan ako, ang haba kasi ng pila sa bilihan pero ’wag kang mag-alala dahil may 15 minutes pa naman bago magstart ang klase natin.” Sabi nito habang kumakain ng favorite niyang carbonara.

Napansin yata ni Jerome na wala akong imik kaya nagtanong siya.

“Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?”

Umiling ako. “W-wala. Kain na tayo.” Nagsimula na akong kumain pero ramdam ko pa rin ang nang-uusisa niyang tingin sa akin.

“Kain na.” Nginitian ko siya kaya nagsimula na ulit siyang kumain.

** “Bye girl! Kita-kits nalang tayo bukas!” Paalam nila Chae, Bonnie at Micca habang papasok na sila sa isang SUV. Magkakakapit lang kasi silang tatlo ng bahay kaya sabay-sabay silang pumapasok at umuuwi. Ako lang talaga ang kawawa at walang makakasabay.

“Ingat kayo!” I wave my hands at umalis na nga ang SUV kung saan sila nakasakay.

Pinauna ko nang umuwi si Jerome dahil nagdahilan ako na susunduin nalang ako ng driver namin kahit hindi naman. Kahit labag sa kalooban ko ay kailangan kong samahan si GD ngayon.

I was waiting here outside nang makita ko na siyang naglalakad papalapit sa akin. Kung hindi ko lang talaga alam ang ugali niya ay mapagkakamalan ko siyang mabait at disenteng tao. He’s handsome at innocent face rin siya pero ika nga nila ‘Looks can be deceiving.’

“Naghintay ka ba ng matagal?” Tanong niya nang makalapit na siya sa akin.

“H-hindi naman.”

“Alright. Let’s go?” Hinapit niya ang bewang ko saka nag-umpisa na kaming maglakad papuntang parking lot. Behave, Trinity.. tiisin mo lang kahit ngayong araw ang kamanyakan niya para sa sikreto mo.

Nang nasa parking lot na kami ay pinasakay niya ako sa magara niyang kotse. I think that car costs for almost a hundred million pesos. Ganon kayaman sila GD at alam ko na marami pa siyang mamahaling sasakyan bukod dito. He had everything but not with a good attitude. Pinaandar na niya ang kotse niya at nag-umpisa na kaming bumiyahe.

“Saan ba tayo pupunta?” Tanong ko.

“You’ll know.” Sagot niya kasabay ng paghawak sa balikat ko. Tinabig ko naman ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko. Napailing lang siya habang nakangisi dahil sa ginawa ko.

“Ayaw pa magpahawak e,” Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya. Tiis lang Trinity, pagkatapos nito ay hindi mo na siya lalapitan pa.

** Pumasok kami ni GD sa isang malaking condominium. Nakapulupot pa ang isa niyang kamay sa bewang ko habang naglalakad kami, hindi ko talaga maimagine na dadating ang araw na makakasama ko siya sa kabila ng lahat ng mga kasalanan niya sa akin. Gusto ko siyang itulak papalayo pero hindi ko iyon dapat gawin.

“Hey bro!” May sumalubong sa amin na isang matangkad at gwapong lalake. Hindi ito kaputian pero mas lalo lang itong nagpalakas ng appeal niya.

“Sup, Ray?” Napadako naman ng tingin sa akin yung Ray at tinignan ako mula ulo hanggang paa kaya napayuko ako. Naka uniform at skirt lang kasi ako kaya masyadong naeexpose ang legs kong tinititigan niya.

“Girlfriend mo GD?” Tanong nito habang nakatitig pa rin sa akin.

“Stop staring at her and she’s my friend.” Medyo natakot naman ako dahil biglang naging nakakatakot ang boses ni GD habang nakatitig ng masama kay Ray.

Napatawa si Ray. “I’m sorry bro, your friend is so beautiful that’s why hindi ko mapigilan na mapatitig sa kanya but other than that, hinihintay na nila tayo don kaya pumasok na tayo.” Napakamot ito ng ulo at ginuide kami papunta sa isang entertainment room. At teka, friend daw ako ni GD? Kailan pa?

“Umayos ka.” Banta ni GD kay Ray habang naglalakad kami papasok sa isa pang kwarto, para pang nanigas si Ray nang sabihin sa kanya iyon.

Nang makapasok na kami sa entertainment room ay may mahigit sa anim na lalake at tatlong babae ang nakita kong nag-iinuman. Nakaupo sila sa isang couch na may circled table.

“They are my friends.” Sabi ni GD at lumapit na kami sa kinaroroonan nila.

Nalipat ang atensiyon ng mga kaibigan ni GD sa akin nang makalapit na kami. Halatang lahat sila ay mga anak mayaman dahil sa pagkasosyal ang way ng pagkilos nila at halata rin sa mga suot nilang branded na mga damit. They are all pretty and handsome, too.

“Who’s this pretty girl, Gav?” Tanong nung babaeng blonde na maganda habang nakangiti sa akin. I smile her back.

“She’s my friend, Jillian.” Sagot naman ni GD at pinaupo ako sa tabi niya. Naiilang talaga ako kapag katabi ko siya dahil pakiramdam ko ay para na niya akong nirarape sa ginagawa niya. OA man pero iyon ang nararamdaman ko.

“Hi. What’s your name?” Tanong ni Jillian.

“Trinity.” Sagot ko habang nakayuko. Medyo nahihiya kasi ako sa kanila.

“Don’t be shy, we’re GD’s friends. This is Jen, Jiyoo, Jinu, Till, Serge, Sernon, Yujin and Bobby.” Pakilala ni Jillian sa mga kaibigan niya sa akin.

“I thought that you are GD’s girlfriend?” Nakangising tanong sa akin nung Bobby.

“Soon to be..” GD at hinapit ulit ang kamay niya sa bewang ko. Pilit ko namang tinatanggal ang kamay niya sa bewang ko pero hindi ko matanggal dahil mas lalo niya itong hinigpitan.

“Woah! Sweet.” Natatawang sabi nung Yujin nang makita niya ang posisyon naming dalawa ni GD na nagpupumiglas ako.

“Don’t harrass her, that’s bad.” Umiiling naman na sabi ni Serge kay GD habang nagsasalin ng beer sa baso niya.

Nakita na nilang hindi ako palagay dito tapos tatawanan lang nila ako? Now I know kung bakit naging kaibigan sila ni GD. They are all jerks.

“Huwag ka nang magpumiglas girl, hindi ka mananalo kay Gavin.” - Jiyoo

Hindi ko na kaya pang makasama sila dahil pakiramdam ko ay hindi na ako safe dito kaya buong lakas akong tumayo kaya nabitawan ako ni GD.

“Uuwi na ako..”

I was about to walk nang biglang hinatak ni GD ang kamay ko at dinala sa isang kwarto. Nilock niya ito at itinulak ako pahiga sa kama. Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon at may masama nga siyang balak sa akin. Kung hindi ba naman ako tanga at sumama pa sa kanya.

“Sa tingin mo ay ganon nalang? Uuwi ka na kaagad?” Lumalapit siya sa akin habang ako naman ay paatras ng paatras hanggang sa napasandal na ako sa headboard ng kama. Naiiyak na ako sa mga nagyayari.

“P-pakawalan mo na ako.. uuwi na ako..” Pagmamakaawa ko. Mas lalo niyang nilapit ang mukha niya sa akin at nginisian ako.

“Alam mo na gusto kita di’ba? Pero nagpapahard to get ka pa! Lahat na ng pagpapapansin ay ginawa ko but it’s still fucking useless! Ilang taon na kitang sinusuyo pero hindi mo pa rin ako magustuhan! Ano ba ang mali sa akin? Gwapo naman ako, mayaman at anak ng isang Mayor. Ano bang problema mo at ayaw mo sa akin?!”

Niyuyugyog niya ako ng sobrang lakas sa magkabilang balikat ko kaya tanging iyak nalang ang nagawa ko. Nasasaktan ako sa ginagawa niya pero kailangan kong maging matapang para matigil na siya sa kahibangan niya sa akin.

“Anong mali sayo at hindi kita magustuhan? Gusto mong malaman? Sige! Mayabang ka, mapagmataas, bully, walang respeto, walang galang, bastos, manyak, ma-” Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang bigla niya akong suntukin sa sikmura ko at hinalikan ng marahas. Nanghina ako sa ginawa niya kaya tuluyan na akong napahiga sa kama at pumatong naman siya sa akin.

Kailangan ko ng tulong pero mukhang walang makakatulong sa akin. Nasa kamay ako ng isang demonyo.

“Edi paninindigan ko na ang lahat ng sinabi mo sa akin makuha lang kita Trinity dahil sa akin ka lang! Akin!” Hinahalikan na nito ang leeg ko at unti-unti namang dumadapo ang mga kamay niya sa dibdib ko.

“M-maawa ka sa akin.. GD, p-please..” Pagmamakaawa ko.

Huminto siya sa paghalik sa akin at tinitigan ako. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagnanasa at galit.

“Maawa? Ikaw ba naawa ka sa akin? Lagi mo akong binabalewala at sobrang sakit nun Trinity!”

Laking gulat ko nalang nang bigla siyang umiyak sa harapan ko. Hindi ko inaasahan na magpapakita siya ng ganitong emosyon sa akin. Si GD na matapang at mataas ang pride ay umiiyak nang dahil sa akin? Ganon na ba niya ako kagusto kaya siya nasasaktan?

“I’ll mark you mine.. You’ll pay for this!” Muli niya akong sinuntok sa tiyan hanggang sa mawalan na ako ng malay.

Chapter 22 - My Treasure

Jaden’s POV

Naisipan kong sunduin si Trinity sa school nila dahil natutuwa ako at mas lalo kaming naging close nang makapag-usap kami ng matagal sa beach resthouse nila Harris sa Tagaytay. Iyon ang unang beses na nagkalapit kami ng ganon katagal at nalaman ang mga hinanakit niya sa akin. Hindi ko na siya sasaktan pa. Gamit ang kotse ko ay nagdrive ako papuntang university nila Trinity. Nang makarating na ako ay pinark ko ang kotse ko at naglakad papasok sa loob ng YGA. Habang nilalakad ko ang building nila Trinity ay rinig na rinig ko ang dalawang estudyanteng babae na nag-uusap malapit sa kinaroroonan ko.

“Nakita ko kanina na magkasama sina Trinity at GD, pumasok pa nga sila sa kotse ni GD e,”

“Talaga? Sila na ba? Bakit sila magkasama? Sa pagkakaalam ko ay ayaw na ayaw ni Trinity kay GD.”

“Hmm.. ewan, baka bumigay na siya dahil gwapo at anak ng isang mayor ba naman ang humahabol-habol sa kanya.”

Bigla ay kinabahan ako para kay Trinity. Sa pagkakaalam ko ay pinsan ’yon ni Kyle at anak ni Mayor Buenavista. Base sa mga kwento sa akin ni Kyle ay barumbado daw iyon at basagulero pa pero bakit magkasama silang dalawa ni Trinity? Hindi maganda ang kutob ko kaya agad kong tinawagan si Kyle.

“Hello, Kyle?”

(Oh, Jaden bakit napatawag ka at wala ka dito sa bahay?) Tanong nito sa kabilang linya.

“Susunduin ko sana si Trinity nang may narinig akong nag-uusap sa loob ng YGA na kasama raw ni Trinity si GD papasok ng kotse. Hindi ba’t base sa mga kwento mo ay walang ginagawang mabuti ang pinsan mo na ’yon? Baka kung may anong gawin siya kay Trinity.” Hindi matanggal ang kaba sa dibdib ko, pakiramdam ko ay magwawala na ako sa sobrang kabang nararamdaman ko.

(Really? Pero bakit sila magkasama?)

“I don’t know. Puntahan mo ako dito sa YGA at ituro mo sa akin ang bahay ng GD na iyon. Alam ko na may gagawin siyang masama kay Trinity.” At hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.

(He’s now living in his condo but I know the exact location, I’ll go there just wait for me) Pagkatapos ay pinatay ko na ang linya.

Sigurado akong may dahilan si Trinity kung bakit siya sumama sa lalakeng ’yon. I don’t know who’s that GD personally pero nasesense ko na nasa panganib ngayon si Trinity. Dumating na rin si Kyle at agad kaming sumakay sa kotse kong dala. Itinuro niya sa akin ang daan papunta sa condo ng GD na iyon and i’m sure na dun niya dinala si Trinity.

Habang nagdadrive ako ay mariin akong tinitignan ni Kyle na katabi ko lang sa drivers seat. Hindi ko nalang pinapansin ang mga tingin niya dahil sa kaba at takot na nasa loob ko, sobra akong nag-aalala ngayon sa kalagayan ni Trinity at baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

“You love her, do you?” Napatigil ako dahil sa tanong nito pero bakit pa ba ako magsisinungaling dito kung totoo naman.

“Yes.” Then he nodded.

“But be careful Jaden, someone might get her,” Tila naguluhan naman ako sa sinabi niya.

“What do you mean?” Napailing naman siya.

“Nothing. Dalian munang magdrive at baka may kung ano nang nangyari sa mahal mo.” Sabi nito na may halong panunukso, tila nag-init naman ang buong mukha ko dahil sa sinabi niya.

“You’re blushing dude.” I ignore him at dali-dali nang nagdrive. Halos paliparin ko na yung kotse sa sobrang bilis ng pagmamaneho ko.

Makalipas ng ilang minuto ay narating na namin ang condo ni GD. Pagkababa namin ng kotse ay agad kaming pumasok sa loob ng condo nito. Mabuti nalang at alam ni Kyle ang passcode ng condo dahil nakapunta na raw siya dito at sinabi sa kanya ni GD ang passcode. Nilibot namin lahat ng kwarto sa napakalaki nitong condo, may mga naiwan pang mga bote ng alak, kahon ng pizza at kung anu-ano pa ang nakakalat sa napasukan naming entertainment room. Halatang nag-inuman sila dito.

Nang may makita pa kaming isang kwarto ay agad naming binuksan iyon at sobrang galit ang nararamdaman ko nang maabutan namin si GD na hinahalikan sa leeg si Trinity. Hindi na ako nakapagpigil pa at agad ko siyang hinatak papalayo sa kama nito at pinagsusuntok.

“Walang hiya ka!” Sinuntok ko ng sinuntok ang mukha nito dahil sa galit ko. Nilingon ko saglit si Trinity at walang malay ito na nilapitan ni Kyle.

Hinang-hina na si GD kahit puro sugat at pasa na ang mukha at katawan nito ay nagawa pa rin niyang makapagsalita kahit nakahandusay na siya sa sahig.

“S-she’s mine..” Sinuntok ko ulit siya pero pinigilan na ako ni Kyle.

“Tama na ’yan. Dalhin mo nalang sa ospital si Trinity at ako na ang bahalang tawagan si tito para malaman nito ang ginawa ng anak niya.” Naging mahinahon na ako at tinitigan muna ng masama si GD bago ko nilapitan si Trinity.

Inangat ko ang ulo niya at may bahid pa ng luha ang mukha niya. Magulo na rin ang buhok nito at namumula ang palapulsuhan niya, malamang ay hinawakan iyon ng mahigpit. Tinapik-tapik ko ang pisngi nito upang magising siya.

“Trinity, wake up please..” Buong pag-aalala kong ani. Seeing her like this kind of situation makes me feel sad.

Nagmulat ito ng mata at ngumiti ng mapait pagkakita niya sa akin.

“I-ikaw na naman Jaden.. Thank you..” Mahinang bigkas niya kasabay ng pagtulo ng luha niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya.

“Ssshh.. nandito na ako. I’ll take you to the hospital.” She smiled and nodded.

Binuhat ko siya at nagpaalam kay Kyle na mukhang may tinatawagan sa cellphone niya, I think it’s GD’s Dad Mayor Buenavista. Nang makita niya na buhat ko si Trinity papalabas ay tumango ito at sinabing babalitaan nalang daw niya ako sa mangyayari. Tinignan ko muli si GD na nakahandusay sa sahig, may malay ito at nang tinignan ko siya ay kitang-kita ko ang pagngisi nito. Bago ko pa man siya sugurin ay lumabas na ako sa kwarto nito habang buhat ko si Trinity. Dinala ko siya sa kotse at pinasakay. Inupo ko siya sa inupuan kanina ni Kyle. Tinignan ko siya at nakapikit ito. Hinawakan ko naman ang isa niyang kamay at inumpisahan nang magdrive patungong ospital.

“You’re safe now.”

**

Kyle’s POV

Tinawagan ko si tito George, si Mayor Buenavista na ama ni GD at ipinaalam sa kanya ang nangyari. Hindi ito ang unang beses na makukulong ang anak niya, sa katunayan nga ay pang-apat na beses na ito. Nung una ay dahil sa pambubully niya sa isang nerd na anak ng isang pulitiko, pangalawa ay ang paggamit nito ng drugs at ang pangatlo naman ay ang pag-iillegal drug racing nito. Mababait naman ang mga magulang niya pero hindi ko maintindihan kung bakit siya nagrerebelde. Si Tita Fina na ina niya ay nasa ibang bansa dahil sa clothing company na negosyo nito. Siguro nga ay hindi siya nagagabayan ng tama dahil parehong busy ang mga magulang niya sa mga trabaho nito and he’s only 19 years old at may pagka immature pa.

Nasa presinto kami ngayon ni GD na nakaupo lang at nakayuko. Bugbog sarado siya kay Jaden pero mabuti nalang at hindi niya nagalaw si Trinity dahil nakauniform pa ito nang naabutan namin sila. Kitang-kita ko kung paano nagalit si Jaden at medyo natakot ako sa ipinakita niya, talagang mahal na mahal niya si Trinity at may pakiramdam ako na matagal na niya itong kilala. Tinawagan ko na rin ang kuya ni Trinity at pati na rin ang TREASURE Guys at sinabi ang nangyari. Galit na galit sila kay GD kaya ang iba sa kanila ay pupunta ng ospital at ang iba naman ay pupunta dito sa presinto.

Muli kong nilingon si GD at tinanong ito.

“Bakit mo ginawa iyon?” Nag-angat siya ng tingin sa akin mula sa pagkakayuko nito at nginitian ako na may halong pang-aasar. Nakakangiti pa siya sa lahat ng mga kasalanang ginawa niya? Ibang klase talaga siya!

“You know me Kyle, I will do everything to get what I want and I want a Trinity Hernandez. Eversince I laid my eyes on her I know that I like her but she don’t like me at hindi ako sanay na inaayawan ako kaya apat na taon ko siyang pinagtitripan at sinusuyo pero useless lang din kaya ginawa ko ang bagay na iyon. Kahit tarantado ako Kyle ay mahal ko siya.” Seryosong sabi nito.

Nabigla ako sa mga sinabi niya. Si GD? Mahal si Trinity? Kung ganon nga ay mali ang paraan ng pagmamahal nito dahil dinaan niya sa dahas ang lahat. Kahit papaano ay medyo naiintindihan ko na siya. Apat na taon na pala niyang minamahal si Trinity pero hindi ’yon sapat para gawin ang bagay na makapagpapasakit sa taong mahal niya.

“Pero mali pa rin ang pamamaraan mo ng pagmamahal. Mas lalo ka niyang kamumuhian dahil sa ginawa mo.” Umiling siya at tumawa ng mahina.

“Hindi ako martyr at pagood boy na katulad niyo.” Nainis naman ako sa sinabi niya pero hindi ko nalang pinahalata dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya.

Dumating na si Tito George kasama ang apat nitong bodyguards at napahilot nalang ito sa sentido niya nang makita ang anak niyang magulo ang ayos at bugbog sarado.

“Kailan ka ba magtitinong bata ka?” Tanong nito nang makalapit na kay GD na balewala lang na nakatingin sa ama niya. Halata naman sa boses ni tito George ang pagtitimpi ng galit sa anak niya.

“Mabuti at pinaalam mo ’to sa akin Kyle, kapag nalaman pa ito ng iba ay masisira ang imahe ng buong pamilya natin.”

“Kailangang magtanda niyan tito, puro perwisyo nalang lagi ang dinadala ng nag-iisa niyong anak sa eskwelahan nila pati na rin sa iba pang mga naagrabyado niya.” Singhal ko dahil sa sobrang inis ko kay GD.

Tumango naman si tito George. “What’s the name of the girl that Gavin attempt to rape?”

“Trinity Hernandez po.” Tila natigilan naman si tito.

“Is that Isabella Hernandez daughter?” Tanong nito.

“Opo. Yung babaeng kinababaliwan nitong anak niyo.”

Napapikit naman si tito George at bumaling sa anak niyang nagkakalikot ng cellphone nito, hinablot naman ito ni tito at hinarap siya.

“Tss.” Sagot na lamang ni GD.

“Of all people, bakit sa anak pa ni Isabella? Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayo!” Napasabunot na ito sa kanyang buhok dahil na rin sa matinding galit sa anak niya. Ang malas nga lang ni tito George dahil nagkaroon siya ng anak na walang ibang ginawa kundi ang gumawa ng problema at perwisyo.

“Ang ingay niyo dad.” Reklamo ni GD.

“Aba’t-” Susugurin na sana ni tito si GD nang maawat ko siya.

“Huminahon lang po kayo.” Huminga naman ito ng malalim at sinamaan nalang ng tingin ang anak niya.

Pagkalipas ng mahigit isang oras ay dumating na rin dito sa presinto ang kuya ni Trinity na si Tristan na nanlilisik ang mga mata habang nakatingin kay GD. Kasunod naman niya sila David, Arthur, John at pati na rin ang mga kaibigan ni Trinity.

Lumapit sa akin si David. “Ano bang nangyari?” Tanong niya.

“Mamaya ko nalang ikekwento.” Sagot ko naman and he nodded.

Laking gulat ko nalang nang biglang suntukin ni Tristan sa mukha si GD. Lumapit naman sina Jerome at Leo at inawat ito, si tito George ay napailing nalang at napahilamos ng kanyang mukaha nang mapaupo si GD sa sahig dahil sa suntok sa kanya ni Tristan.

“Ang kapal naman ng mukha mo para gawin ’yon sa kapatid ko! Wala kang karapatan na gawan siya ng masama!” Mababakas sa mukha ni Tristan ang galit na nararamdaman para kay GD. I can see that there’s something about him na parang hindi lang galit sa ginawa sa kapatid niya ang nakikita ko, may iba pa.

Lumapit si tito kay Tristan. “I’m very sorry from what happened to your sister. Gagawin ko ang lahat para mapagbayaran ng anak ko ang ginawa niya sa kapatid mo. Kung ikukulong siya papayag ako pero sana mapatawad niyo siya sa ginawa niya, sa ibang bansa ko nalang pag-aaralin ang anak ko para hindi na niya guluhin pa ang kapatid mo.” Buong pusong pagmamakaawa ni tito George.

Naiintindihan ko siya dahil anak niya ang pinag-uusapan dito. Mabuting ama ito at gagawin niya ang lahat para mapabuti lang ang lagay ng anak niya.

Kumalma ang ekspresyon ng mukha ni Tristan. “Sasabihin ko muna ito sa pamilya ko bago kami magdesisyon pero sa ngayon ay kailangan niya munang pagbayaran ang ginawa niya.” Nakahinga naman ng maluwag si tito George.

“Maraming salamat, hijo.” Tumango nalang si Tristan at bumaling ulit kay GD na nakaupo na sa monoblock chair na inuupuan niya mula pa kanina.

“I have to go. May appointment pa akong kailangang puntahan. I will call my secretary para bantayan ka dito, umayos ka Gavin!” Pagbabanta ni tito kay GD at umalis na din ito kasama ang mga bodyguards niya.

Nag-umpisa na ang interrogation at isinalaysay ko ang lahat ng mga nakita namin ni Jaden. Tahimik lang silang nakikinig sa amin at si GD ay tahimik lang din, malamang ay rinding-rindi na siya sa mga naririnig niya. Pagkatapos ay ikinulong na siya sa isang selda. Tsk! Hindi na nadala.

Pero nagulat rin ako sa pinagtapat niyang mahal niya si Trinity. Napakaswerte talaga ni Trinity dahil ang daming nagmamahal sa kanya.

Chapter 23 - Come To Me

Trinity’s POV

Nagising ako mula sa puting kisameng nakikita ko. Naalala ko na nasa ospital nga pala ako, dito ako dinala ni Jaden mula nang niligtas niya ako kay GD. Akala ko ay tuluyan na akong makukuha ni GD pero dumating si Jaden para iligtas ako. Papaano niya nalaman na nakila GD ako? Ayoko na munang mag-isip at gusto kong makapagpahinga. Iginala ko ang tingin ko mula sa kwarto, nakita ko si Jaden sa gilid na natutulog habang nakahawak sa kamay ko. Nakaswero na pala ako at naka hospital dress, ramdam ko ang kirot mula sa sikmura ko, marahil ay ito ang epekto ng pagkakasuntok sa akin ni GD. Naalala ko kung paano niya ako babuyin, nagmakaawa ako pero tila bingi siya at hindi ako pinakinggan hanggang sa mawalan na ako noon ng malay.

Pinagmasdan ko si Jaden at hinaplos ang kanyang buhok. Nagpadye na pala siya ng buhok, itim na ito at hindi na kulay dilaw pero kahit na ganon ay mas lalo pa siyang gumwapo. Yung puso ko ay tumitibok na naman ng sobrang bilis kapag nakikita ko siya at ganito kami kalapit sa isa’t-isa. Bakit ganito na naman ang puso ko? Nararamdaman ko rin ito dati mula kay Jojo. Nagkakagusto na ba ako kay Jaden? Hindi ko alam pero masaya at palagay ang loob ko kapag kasama ko siya.

Gumalaw ito hanggang sa nagising na siya, hindi ko kaagad nabawi ang kamay ko kaya nagulat siyang nakahawak ako sa buhok niya, agad ko naman iyong binawi.

“Gising ka na pala. Okay na ba ang pakiramdam mo?” Nag-aalala nitong tanong sa akin. Napangiti ako nang makita na sobra siyang nag-aalala para sa akin.

“Okay na ako. Maraming salamat at niligtas mo ako, Jaden,” Hinaplos naman niya ang buhok ko na ikinakilig ng sistema ko.

“Wala ’yon Trinity, nandito lang ako para protektahan ka katulad ng sinabi ko sayo noon.”

Hindi ko na napigilan at nagtanong na ako. “S-si GD.. a-ano nang nangyari sa kanya?” Gusto ko lang malaman kung ano ang nangyari kay GD matapos ang insidenteng iyon.

Natahimik sandali si Jaden bago muling nagsalita. “Nakakulong na siya, pupuntahan ka dito ngayon ng kuya at mga kaibigan mo saka dadalaw sila Sam kapag nakaalis na sila.” Tumango na lamang ako. Nakakulong na pala si GD. May awa akong nararamdaman para sa kanya pero kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sa akin.

“P-paano mo pala nalaman na nakila GD ako?” Ito rin ang tanong na gusto kong malaman ang sagot.

Napakamot siya ng ulo at nahihiyang tumingin sa akin. “A-ano.. susunduin dapat kita sa YGA kaso pagdating ko don ay may narinig akong nag-uusap at sinabi nila na nakita ka raw na pumasok sa kotse nung GD na ’yon. As far as I know, si GD yung pinsan ni Kyle at sinabi niya sa akin kung gaano kabarumbado iyon. Kinutuban agad ako at tinawagan si Kyle para malaman kung saan siya nakatira, sinamahan niya ako sa condo nito at pumasok kami sa loob nang makarating na kami. Pinasok namin ang lahat ng kwarto na meron sa condo niya hanggang sa napasok namin ang pinagdalhan niya sayo. I-Ive almost killed him when I saw him kissing you at wala kang malay..” Bigla ay napaluha ako at niyakap siya.

Kung hindi dahil sa kanya ay hindi na ako maliligtas mula kay GD. Ngayon, narealize ko na kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya. Gusto ko si Jaden.. ah hindi, mahal ko na siya. Ang tanga ko lang para hindi ’yon marealized kaagad.

“Thank you so much,” He caressing my back.

“Lahat gagawin ko para sayo dahil..” Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang mga kamay ko at tinitigan ako ng seryoso.

“Trinity Li Hernandez, I love you.” Parang biglang huminto ang buong mundo ko dahil sa sinabi niya, may kung ano sa sikmura ko ang umiikot at yung puso ko ay tumitibok ng sobrang bilis.

Mahal daw niya ako? Pareho kami ng nararamdaman at sobrang saya ko ngayon.

“P-paano?” Nauutal kong tanong.

Ngumiti siya na mas lalo pang nagpatibok sa puso ko. “I just love who you are.” Naweirduhan naman ako sa sagot niya. Matagal na ba niya akong kilala para masabi niya iyon? Pero imposible naman dahil ngayon lang kami nagkakilala.

“Mahal mo rin ba ako, Trinity?” Napatitig ako sa kanya dahil sa tanong nito. Oo mahal ko na siya.

I nodded. Nanlaki bigla ang mga mata niya dahil sa tugon ko. “Talaga? Mahal mo ako?” Napangiti nalang ako. Ang cute niya kasing tignan.

“Oo nga. Gusto mong bawiin ko?” Pagbabanta ko sa kanya. Agad naman siyang umiling at niyakap ulit ako. Sa yakap niya, pakiramdam ko ay palagi akong safe.

“No. So, tayo na?” Bulong niya sa akin.

“Ano ka, sinuswerte? Manligaw ka kaya muna.” Bulong ko din sa tenga niya. Para lang kaming mga tanga na nagbubulungan.

“Hindi ba pwedeng sagutin mo nalang ako tapos liligawan nalang kita ng habangbuhay?” Kinilig naman ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata.

“Hindi pwede, kailangan mo munang dumaan sa mga kuya ko at kay mommy.” Kumalas na kami sa yakapan namin.

Nagkatitigan kami at parang tangang nakangiti sa isa’t-isa. Hindi ko ineexpect na mangyayari ito that Jaden loves me too. Ang sarap sa pakiramdam, nung unang beses ko siyang nakita ay hindi na naalis ang mga tingin ko sa mata niya. I thought that he’s cold hearted guy pero hindi pala. He’s kind and saviour of my life. Lahat ay nasa kanya na.

“As you wish pero sagutin mo na ako, please?” Pangungulit niya lalo.

I rolled my eyes. “Demanding ka ha? Ano ’yon? Magiging girlfriend mo na ako na walang kahirap-hirap? That’s a big NO.” Demanding at makulit rin pala ’tong si Jaden. Kung titignan mo kasi talaga siya sa umpisa ay para siyang cold at suplado pero maraming naniniwala sa maling akala.

“Please?” Nagpuppy eyes pa ito. Shit. Gusto ko siyang kurutin sa pisngi dahil ang cute niya pero syempre dapat magpasuplada effect muna ako.

“Bakit ba gusto mo na maging tayo na agad? Kita mo na ngang nakaswero at dextrose pa ako e,”

“Para naman wala ka nang kawala sa akin at akin ka na.” Sabi nito at kumuha ng isang piraso ng grapes sa may basket at isinubo sa akin.

Halos uminit ang buong mukha ko habang nginunguya ang grapes na sinubo niya sa akin. Mas lalo tuloy dumadami ang nagkakarera sa loob ng sistema ko. Bwisit na Jaden! Bakit ginagawa niya sa akin ’to?

“T-tumigil ka nga diyan! Wala kang preno e,” Nahihiya kong sabi.

Ngumisi siya. “Ano na?”

I sighed. Ang kulit rin pala nito.

“Oo na.” Bakit ko pa ba patatagalin kung mahal naman namin ang isa’t-isa? Pero siyempre ay papahirapan ko muna siya para malaman ko kung gaano siya kaloyal sa akin.

Mas lumawak pa lalo ang ngisi niya at bigla nalang itong tumayo at nagsususuntok sa ere. “Yes! Girlfriend ko na si Trinity! Yuhooo!” Napangiti nalang ako kahit mukha na siyang tanga sa ginagawa niya.

“I promise that I will love you and take care of you as long as i’m here.” For the third time ay niyakap niya ulit ako.

Hays, parang ang bilis naman yata na naging kami? Pero wala naman daw yan sa tagal ng pinagsamahan basta ang mahalaga ay ang respeto at tiwala niyo sa isa’t-isa. He saved me, he loves me and he respect me so bakit patatagalin pa di’ba? Hindi ko lang talaga maimagine na naging kami dito sa loob ng ospital, I thought that my first would be in a romantic way pero di bale na, mahal ko naman siya.

Travis’ POV

Nabalitaan ko ang nangyari kay Trinity kaya kaagad akong nagpunta sa ospital kung saan daw siya nakaconfine. Sobrang nag-aalala ako sa kanya, I even confessed my feelings for her but she rejected me pero hindi ako makakapayag don, gagawin ko ang lahat para mahalin niya rin ako. Nang makarating na ako sa ospital ay nagtanong ako sa help desk kung saan nakaconfine si Trinity Hernandez. Sinabi naman sa akin ng isang nurse kung saan ang room number nito at walang pag-aalinlangan kong pinuntahan iyon. Nang nasa tapat na ako ng pintuan ng kwarto na may eksaktong room number na binigay sa akin ng nurse ay pipihitin ko na sana ang doorknob nang may narinig akong nag-uusap at halos hindi na ako makakilos dahil sa mga narinig ko.

“Yes! Girlfriend ko na si Trinity! Yuhooo!” Sinilip ko sila sa pamamagitan ng glass window ng pintuan ng kwarto and its Jaden, jumping with happiness. Lumapit naman siya kay Trinity at niyakap ito.

Napaigting ang bagang ko at napakuyom ang kamao ko dahil sa eksenang nakikita ko. Paano naging sila? Mabigat ang loob kong umalis ng ospital at nagdrive papuntang bar. Pagkarating ko ay umorder ako ng drinks, while I was busying myself from drinking ay may lumapit sa aking babae at agad na hinaplos ang dibdib ko. Kinandong ko naman siya sa hita ko at hinalikan. She’s kissing me back hanggang sa mapunta na ang labi ko sa leeg niya. Habang hinahalikan ko yung babae ay hindi ko mapigilang maalala ang nakita ko kanina. Nasaktan ako pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko naman naramdaman ito noon dahil maraming babaeng gustong-gusto ako. Nang matauhan ako ay agad kong itinulak ang babae na ikinagulat niya.

“Why babe?” But instead I ignore her at dali-daling lumabas ng bar at sumakay na sa sasakyan ko.

This time ay hindi na ako magpapatalo kay Jaden, minsan na siyang may inagaw sa akin kaya dapat ay ako naman ang mang-agaw. I love Trinity at gagawin ko ang lahat para maging akin siya. I’ll pretend na hindi ko sila nakita at itutuloy ko pa rin ang plano ko. Am I crazy? Yes, baliw na nga ako marahil kay Trinity and now no one’s gonna stop me even it’s Jaden or my friends. Masira na kung masira na ang pagkakaibigan namin pero wala na akong pakialam. Minsan na akong naisahan kaya ngayon ay ako naman ang magpapaikot ng mundo nila. I smirked on what I thought.

Jerome’s

POV

Nang makaalis na ang mga kaibigan namin ni Trinity at pati na rin ang kuya niya at si Kyle para magpunta sa ospital na pinagdalhan sa kanya ay nagpaiwan muna ako dito sa presinto dahil gusto kong makausap si GD ng mag-isa. Only God knows na kanina ko pa siya gustong suntukin pero hindi ko lang magawa dahil maraming makakakita. Habang nasa loob siya ng selda niya ay nakatingin lang siya sa akin nang nakataas ang isang kilay. Nilapitan ko siya with a smirk in my face. Its funny na ang kalaban mo ay bugbog sarado na at nakakulong pa.

His face turned to angerness nang makita niyang nakangisi ako habang tinitignan siya. “Ano? Ang saya mo yata Jerome? Kapag nakalabas na ako dito ay katapusan mo na!” I laugh so hard dahil sa sinabi niya at mas lalo pang nagalit ang ekspresyon ng mukha niya. Great.

“Death threat ba ’yan GD? Oh! I’m scared.” Pang-aasar ko pa lalo sa kanya. Parang anytime ay bubugahan na niya ako ng apoy dahil sa itsura niya.

“Mabuti nalang at binasted ka ni Trinity,” And that made me stop and clenched my fists and jaw. This time ay siya naman ang tumawa.

“What now Jerome? Butthurt? Isa ka lang naman niyang dakilang bestfriend at alalay, right? And she didn’t know who the real Jerome is.” He continue nang hindi ako makaimik.

“The Jerome that she used to know is a gentleman, kind, innocent, non-curser and wait.. a godliness guy when the truth is all of that is an opposite to the real Jerome is. Atleast ako ay pinapakita ko ang totoong ako, pero ikaw? Haha you’re a great pretending to be good.”

“Shut up!” Sigaw ko kaya nagtinginan sa akin yung mga pulis at taga bantay ng presinto. Nilapitan naman ako ng dalawang pulis na may pagtataka.

“May problema po ba, sir?” Naiinis ako sa pangingialam nila but I compose myself to smile, baka kasi kapag nagalit ako sa kanila ay makarating pa ’to kila Trinity.

“Wala po chief, may hindi lang po kami pagkakaintindihan ng anak ni mayor pero okay lang po kami.” They nodded at bumalik na sila sa kanilang mga pwesto.

GD chuckled. “Good acting huh?” I glared at him.

“You’re just only a piece of shit, mamatay ka na sana!” He looked at me with disbelief.

“If that happens, sisiguraduhin ko na mamamatay ka rin.” And he laugh.

“Devil.” I said.

“Demon.” He said then chuckled.

Matapos kong makipag-usap sa walang kwentang si GD ay lumabas na ako ng presinto at nagtungo na sa kotse ko. Sumandal muna ako doon at nilabas ang sigarilyo at lighter ko at sinindihan ito. Iniisip ko pa rin ang nangyari kay Trinity. That Jaden save her, mabuti nalang at nailigtas niya ang bestfriend ko. Kailangan ko siyang mapasalamatan ng personal dahil sa ginawa niya. Hindi ko kakayanin kung may masamang nangyari kay Trinity. He’s not that bad afterall at kung sakali man na mahalin siya ni Trinity ay susuportahan ko sila.

Susuportahang magkasiraan.

Chapter 24 - Incest?

Troy’s POV (Trinity’s eldest brother)

Tristan called me on what happened to our baby girl Trinity. I was in the middle of meeting with my client in Rizal when he called me and tell the news that Mayor Buenavista’s one and only son was attempt to rape Trinity but the guy named Jaden Ayuna saved her from that incident, mabuti nalang at ligtas na ang kapatid ko. Tinawagan ko si mommy na nasa U.K dahil sa business trip nito at binalita sa kanya ang nangyari. Baka bukas pa siya makakauwi ng pilipinas dahil sa biyahe.

Our mom cried over the phone nang sabihin ko sa kanya iyon. Trinity is so precious to us. My daughter Valerie cried too nang malaman niya ang nangyari sa tita Trinity niya, she really loves her so much. We’re heading now to the hospital with Valerie and my wife, Vanessa. Pagkatapos ko kasing makauwi ng Rizal ay dumiretso na ako sa bahay kanina.

“Gavin Daryl? Is that the name of the guy? Mayor George’s son?” Vanessa asked while I was driving heading to the hospital where Trinity was.

“Yes, hon.” I said then took a glance to our daughter sleeping in her mothers shoulder.

“That’s Eugene’s classmate and he said that guy is a total jerk.” Eugene is Vanessa’s younger brother.

Galit ang nararamdaman ko para sa taong iyon pero alam ko na mas nagagalit si Tristan ngayon. Kumpara sa akin ay mas close sila ni Trinity at dahil sa pagbabantay niya sa kapatid namin ay hindi na niya inaalala ang sarili niyang kaligayahan. He’s already 23 pero kahit kailan ay hindi pa siya nagkakagirlfriend. Ngayon na nasa ibang bahay na nakatira si Trinity ay ang laki na ng pinagbago niya. Hindi siya sang-ayon sa pagtira ni Trinity sa bahay nung 13 guys dahil baka daw may gawin silang masama. Siniguro naman namin ni mommy na walang mangyayaring masama don kay Trinity. Kahit ako ay hindi rin sang-ayon sa pagtira niya doon pero kailangan namin sundin ang habilin ng daddy namin at sa tradisyon na rin ng pamilya. Ang nagbago kay Tristan ay hindi na niya kami kinakausap unless na may importante siyang sasabihin. Siguro ay hindi pa rin niya matanggap na hindi na namin kasama sa bahay si Trinity. I cannot blame him dahil mahal na mahal niya ang kapatid namin more than that.

After an hour ay narating na rin namin ang ospital, ginising na namin si Val at pumasok na kami sa loob. Pinuntahan namin ang room number na binigay sa akin ni Tristan kung saan naka confine si Trinity. Nang nasa tapat na kami ng pintuan ng room ni Trinity ay nagsabi si Val na magccr daw muna siya kaya sinamahan siya ni Vanessa magpunta dun. Nang ako nalang ang naiwan ay I was about to open the door nang marinig ko ang boses ni Tristan.

“I love you so much..” I frowned on what he said. Alam kong mahal niya ang kapatid namin pero parang may mali.. parang hindi lang pagmamahal ng isang kapatid ang nararamdaman nito kundi higit pa don.

Pumasok na ako sa loob and there he is, holding Trinity’s hand while sleeping.

“Kuya,” Sabi niya ng makita ako.

“How is she?” Nilapitan ko si Trinity to check her condition.

He leaned closer to Trinity at tinitigan ito. “She’s stable now. The Doctor said that she needs some rest at pwede na siyang idischarge in the next day.” I nodded at inayos ang suot kong eyeglasses.

“How about that Gavin guy? What happened to him?” Bigla namang nagbago ang ekspresyon nito and it turns to anger.

“He’s now in jail. He hurt Trinity that’s why I want to kill that bastard.” I look at him. Sana talaga ay mali ’tong naiisip ko.

Dumating na rin sina Vanessa at Val. Biglang tumakbo si Val sa kinaroroonan namin ni Trinity. “Hows tita?” Tanong nito na may concern na tingin kay Trinity.

“She’s fine. Natutulog lang ang tita mo because she needs some rest.” Sabi ko and she nodded sadly.

“I hope tita will be fine.” I smiled. “Yes, of course she is.”

Hinatak ko muna si Vanessa at lumayo ng kaunti sa kinaroroonan nila Val at Tristan.

“Why?”

I sighed. “May napapansin ka ba kay Tristan?” With that ay biglang nanlaki ang mga mata niya.

“Napansin mo rin ba? Na parang there’s something in Tristan that look in a romantic way to Trinity?” I was shocked. Pati rin pala si Vanessa ay napansin ’yon?

“I guess, kailangan natin mapigilan iyon. Trinity is our sister at hindi pwede yung nararamdaman niya. Matagal ko na ’tong napapansin pero baka mali lang ako ng hinala pero nakumpirma ko na totoo ang hinala ko dahil ikaw mismo ay napansin mo rin. Incest is very bad.” Napailing ako. Ano bang nangyayari kay Tristan at sa kapatid pa namin siya nagkagusto?

Napaupo ako sa isang long chair. Sinenyasan ko naman si Tristan na tumabi sa akin and he did. “Jaden Ayuna saves her, right?” He sighed and nodded.

“Papayag ka ba na siya ang pakakasalan ni Trinity?”

“No.” He answered quickly. Tsk.

“Why?”

“B-because.. I don’t like him for Trinity.” He said nervously. Masama ’to.

“Why? He saved our sister and I think that he’s a good man.” He glared at me.

“Are you nuts kuya? Yes, he saves our sister pero hindi pa naman natin masyadong kilala yung tao na ’yon, malay mo ay katulad rin pala siya ng GD na ’yon. Basta, hindi ko siya gusto para sa kapatid natin.” Napapakit ako.

“Trinity is our SISTER, you should know your limits.” Nagtaka siya sa sinabi ko pero kitang-kita ko na naapektuhan siya don.

“What do you mean?” Tumayo ako.

“Follow me.” Sinundan niya ako hanggang sa makalabas na kami ng kwarto. I took a breath bago nagsalita.

“Are you in love with Trinity?” Tumitig lang siya sa akin at hindi makapagsalita.

“Answer me!” I raised my voice. Yumuko lang ito and he nodded.

Napahilamos ako sa mukha gamit ang mga palad ko, kinwelyuhan ko naman siya na ikinagulat niya. He’s so stupid to fall in love with our sister!

“Sa dinami daming babae na nagkakagusto sayo, bakit sa kapatid pa natin?” Sinigawan ko siya pero nanatili lang siyang tahimik. Nang humupa na ang galit ko ay binitawan ko na siya.

“Kalimutan mo na ’yang nararamdaman mo, hindi pwede yan at kapag nalaman pa ’to ni mommy I swear na ilalayo ka niya kay Trinity, is that what you want?”

Umiling ito habang nakayuko pa rin. “Wag kang mag-alala kuya, lalayuan ko na si Trinity para makalimutan ko na ang nararamdaman ko. Baliw na nga siguro ako para mahalin ang kapatid natin more than a sister, I don’t know kung paano nangyari iyon basta nagising nalang ako na mahal ko na pala siya. Titira nalang muna ako ng malayo sa inyo saka nalang siguro ako babalik kapag nakalimot na ako.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya pero bago pa man ay nakita ko na nagpahid siya ng luha sa kanyang mukha. He’s crying.

I’m sorry Tristan, tama lang ang naging desisyon mo, It’s the best way for us at kahit hindi ka namin tunay na kapatid ni Trinity ay hindi pwede ang nararamdaman mo. Sorry.

Justin’s POV

Nabalitaan namin ang nangyari kay Trinity kaya nagpunta kami sa ospital kung saan siya nakaconfine. Hindi namin kasama sina Travis at Ben dahil hindi rin namin alam kung nasaan sila. Mabuti nalang at nailigtas ni Jaden si Trinity sa GD na iyon dahil kung hindi ay napahamak na si Trinity. Alam ko naman na may pagtingin si Jaden kay Trinity at hindi naman ako kokontra dahil talagang bagay naman sila kaso nga lang ay may mga kuya akong bitter na kasama dito katulad nalang nila Daniel, Kevin, David at Arthur. Bitter kina Trinity at Jaden e, halatang-halata naman sa kanilang apat na gusto nila si Trinity.

Kahapon ay hindi kami nakadalaw para pagbigyan muna ang pamilya at mga kaibigan ni Trinity at ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon para makadalaw kami. Bumili kami ng mga prutas para sa kanya, kailangan niya magkaroon ng lakas para gumaling na siya.

Nandito na kami sa loob ng ospital at pinagtitinginan na kami ng mga tao. Bakit? Ang dami lang naman namin at hindi ko maipagkakaila na gwapo itong mga kasama ko. Salamat naman at hindi ako kinukulit ni John, siguro ay apektado rin siya sa nangyari kay Trinity. I kindly like Trinity pero gusto rin siya ng mga kaibigan ko kaya mananahimik nalang siguro ako. She’s nice and friendly kaya hindi malayo na nagkagusto kami sa kanya. Nasa tapat na kami ng kwarto ni Trinity at pumasok na sa loob. Naabutan naman namin na sinusubuan ni Jaden si Trinity at nang tinignan ko ang Team Bitter ay napayuko sila.

“Wassup? Okay ka na ba?” Masiglang bati ni John at lumapit ito kina Trinity. We did the same.

“Okay na ako. Salamat pala at dinalaw niyo ako dito.” Nakangiting sabi ni Trinity sa amin.

“Wala ’yon, para nga pala sayo,” Sabi ni Mason at nilagay sa bedside table ang basket na may lamang mga prutas na binili namin.

“Salamat.” Sabi nito at nginitian si Mason.

“Kyle, thank you nga pala dahil tinulungan mo si Jaden na iligtas ako mula kay GD.”

“No problem, ang mahalaga ay maayos na ang kalagayan mo.” Trinity nodded and smile.

“Sige, magngitian lang kayo,” Rinig kong bulong ni David na nasa tabi ko. Napatawa nalang ako dahil halatang nagseselos siya.

“May sasabihin nga pala kami ni Trinity..” Kinakabahang sabi ni Jaden kaya lahat kami ay napatingin sa kanya. Nagtinginan pa sila ni Trinity na parang hindi alam kung itutuloy ba nila ang sasabihin nila o hindi. Anong problema nila?

“Ano naman ’yon?” Tanong ni Daniel na nagtataka rin sa inaasal nila.

Huminga muna ng malalim si Jaden at sumulyap saglit kay Trinity bago nagsalita. “Girlfriend ko na si Trinity..” Lahat kami ay nagulat sa sinabi niya.

“Is that true?” Tanong naman ni Daniel kay Trinity. Napayuko lang ito at tumango.

“Yes, k-kami na ni Jaden and I love him.” Hindi nakaimik si Daniel at katahimikan ang bumalot sa buong kwarto.

“I love Trinity too at sana ay matanggap niyo ang relasyon namin dahil kaibigan namin kayo.” Dahil nakakabingi na ang katahimikan kaya umimik na si John.

“Ayon naman pala e, at least alam naman natin na napunta si Trinity sa mabuting kaibigan natin, di’ba guys?” Tanong ni John sa amin na nananatili pa ring tahimik.

“Oo naman. Congrats Jaden and Trinity.” Sam at kinamayan pa si Jaden.

“Salamat.”

“Congrats sa inyo.” Sabi rin nila Kyle, Mason at ako habang ang iba naman ay tahimik pa rin. Alam ko naman na nasaktan sila dahil gusto nila si Trinity pero kailangan nalang siguro nila tanggapin iyon.

Lumapit naman si Kevin kay Trinity. “Congrats, kayo na pala. Masaya ako para sayo.” Nakangiting sabi nito pero halatang may halo iyong lungkot.

“Thank you Kevin,” Ngumiti lang si Kevin at bumalik na sa pwesto niya.

Nagulat nalang kami nang biglang tabigin ni Daniel yung monoblock chair sa may gilid kaya natumba ito.

“Wow, kayo na agad, kaya pala ayaw mo na ligawan kita Trinity dahil kay Jaden. Pumayag naman ako na hindi ka na ligawan dahil iyon ang gusto mo pero ang sakit lang na si Jaden pa, dahil ba niligtas ka niya kaya ka pumayag na maging kayo?”

Nagulat kami dahil sa galit na galit si Daniel at ngayon lang namin nalaman na niligawan pala niya si Trinity? Bakit hindi ko nalaman kaagad yun?

Biglang umiyak si Trinity kaya dali-dali siyang inalo ni Jaden. “Wag ka ngang sumigaw Daniel! Mahal namin ang isa’t-isa. Oo, masyado ngang mabilis pero tanggapin mo nalang ’yon.” Napailing si Daniel na tila hindi makapaniwala sa sinabi ni Jaden.

Lumapit sina Sam at Mason kay Daniel at pilit pinapakalma ito. Wala na talagang pagbabago kay Daniel. Isa siya sa pinakamatanda sa aming 13 guys pero siya pa ’tong makitid ang utak at hindi makaintindi.

“Paasa kasi.” Pabulong na sabi ni Jun habang nakatingin kay Trinity.

“Tumahimik ka nga, Jun,” Suway sa kanya ni Arthur.

“Pwede ba Daniel, huminahon ka? Kung nagmamahalan naman sila ay hayaan mo na.” Sabi Mason.

Tumawa lang ito sa sinabi ni Mason at tinitigan ng matalim sina Trinity at Jaden. “Edi congrats sa kanilang dalawa!” Pagkatapos nun ay umalis na siya.

“Ssshh. Wag ka nang umiyak, maiintindihan rin niya ang lahat.” Patuloy pa ring umiiyak si Trinity at pinapatahan siya ni Jaden.

“Pagpasensiyahan mo na si Daniel, nasaktan lang siguro siya dahil gusto ka niya pero huhupa din ang galit nun at maiintindihan ka niya.” Pag-aalo ni Mason at hinawakan sa balikat si Trinity.

Hindi ko alam pero kung tignan niya si Trinity ay parang matagal na niya itong kilala pero imposible naman ’yon dahil alam kong ngayon lang sila nagkakilala. Nagkakamali lang siguro ako, siguro ay concern lang siya kay Trinity.

“Oo nga, ’wag mo nang pansinin si Daniel. Bigyan lang natin siya ng oras para mawala ang galit niya.” Sabi naman ni Kyle.

Nahinto na sa pag-iyak si Trinity at tinignan kami. “Salamat sa inyo at sorry din kung napaasa ko si Daniel, hindi ko iyon sinasadya..”

“That’s okay. Wag ka nang umiyak.” Sabi ko naman.

“Salamat sa inyo,” Sabi ni Jaden sa amin. Inakbayan siya ni John.

“Para saan pa’t magkakaibigan tayo kung hindi ka namin susuportahan di’ba? Basta ’wag mo lang sasaktan si Trinity kundi matitikman mo ang hagupit ni John Arcena.” Napatawa kaming lahat sa sinabi ni John.

“Promise, I’ll do everything for Trinity.” Sabi nito at pinunasan ang luha ni Trinity.

“Dapat lang kung hindi ay malalagot ka sa akin.” Biglang pag-imik ng kanina pang tahimik na si David at lumabas rin ito ng kwarto. Napailing nalang si Jun at lumabas na rin.

Oh ow! May isa pa palang nagseselos.

Chapter 25 - Cliche

Jun’s POV

Lumabas ako ng ospital at binalita kaagad kay Travis ang ‘Good News’ na nalaman ko pero alam ko naman na bad news ’yon para sa kanya. I know that he likes Trinity at magngingitngit yun sa galit dahil napunta na naman kay Jaden ang mga taong minamahal niya. Noong high school palang kasi kami ay kay Jaden lahat nagkakagusto ang mga babaeng nagugustuhan niya. Siguro dahil karamihan sa mga babae ay ideal type ang mga lalakeng tahimik at misteryoso na katulad ni Jaden. Hanggang sa nagkagusto si Travis kay Roxanne na pinsan ni Ben pero nung time na liligawan na niya ito ay nalaman niyang may gusto si Roxanne kay Jaden, nagalit siya nun pero humupa rin dahil inintindi pa rin niya ang pagkakaibigan nila ni Jaden. Nagparaya si Travis dahil akala niya ay mamahalin nito si Roxanne pero ’yon pala ay wala siyang pagtingin dito. Doon nag-umpisa ang hindi nila pagkakaintindihan dahil buong akala ni Travis na sa pagpaparaya niya ay sumaya si Roxanne kay Jaden. Parang nagparaya lang pala siya sa wala. Nasaktan nun si Roxanne kaya umalis siya at tumira na sa ibang bansa at ngayon na nakamove on na si Travis kay Roxanne at si Trinity na ang mahal niya ay malaking gulo ito dahil si Jaden na naman ang nagustuhan at sigurado akong hindi na magpaparaya pa si Travis.

“I already know that.” Sabi nito habang umiinom ng beer. Nandito kami ngayon nagkita sa bar.

“Paano mo nalaman?” Huminto siya at tinitigan ng masama ang bote ng beer na hawak niya.

“Nagpunta ako sa ospital kahapon, papasok na sana ako sa confine room ni Trinity nang marinig ko ang pagsasagutan nila ni Jaden. I want to hit that man, he always getting what’s mine. Kung noon ay nagpaubaya ako, this time I will make sure that Trinity is going to be mine.” He smirk.

Napailing nalang ako habang nakatingin sa kanya. He’s so selfish palibhasa ay naispoiled siya nila tito at tita na palagi niyang nakukuha ang gusto niya. Kinuha ko naman ang isang beer sa lamesa at ininom ito.

“I called Roxanne,” Napahinto ako.

“Why did you call her? Do you still love her?” Umiling naman siya habang natatawa pa.

“Of course not! I don’t love her anymore and I don’t care about her too. I just want to use her for my plan.” He smiled at me devilishly.

“What plan?” Sumandal naman ito sa couch na inuupuan namin.

“Gagamitin ko siya para kunin niya si Jaden at masolo ko na si Trinity. Simple as that.” Nagulat ako sa sinabi niya.

“Pumayag si Roxanne?” He nodded.

“Yeah and she’ll come back here in the Philippines soon..” He proudly said.

“You know how much she’s in love with Jaden at katulad ko ay baliw na baliw na siya.” Tumawa pa si Travis na parang wala nang bukas.

He’s crazy.

“Magkakagulo lang kapag itinuloy mo ’yang balak mo.” I said. Magkakagulo talaga dahil matagal ko nang kilala si Travis at kapag gumawa siya ng kalokohan ay maraming madadamay na ibang tao.

He tapped my shoulder. “Di’ba gusto mong makaganti kay Jaden dahil sa ginawa niya sayo? Let me help you, Jun.” Nag-isip muna ako bago sumagot.

“Ikaw ang bahala,” I sighed.

“Good.” He smiled at me devilishly.

Totoo na gusto kong makaganti kay Jaden dahil sa pambubugbog na ginawa niya sa akin dahil sa ginawa ko kay Trinity pero nagdadalawang- isip ako dahil kasalanan ko rin naman kung bakit binugbog niya ako. I almost rape Trinity. Aish! Bahala na.

“Siguraduhin mo lang na hindi masisira ang pagkakaibigan natin sa gagawin mo, Travis.”

“I’m not sure about that.” He smirk at me before he left.

Sana nga lang ay ’wag masaktan si Roxanne. Ang babaeng minahal ko rin noon.

David’s POV

That should be me holdin’ your hand,

That should be me makin’ you laugh,

That should be me this is so sad,

That should be me.. That should be me..

That should be me feelin’ your kiss,

That should be me buying you gifts,

This is so wrong.. I can’t go on,

Till you believe.. That should be me..

(Track: That Should Be Me by Justin Bieber/My World album)

Pagkatapos kong magstrum ng gitara at kumanta ay inilapag ko muna ang gitara sa tabi ko at sumandal sa puno na sinisilungan ko. Nandito ako ngayon sa parke. Pagkatapos ko kasing umalis ng ospital ay kinuha ko ang gitara ko sa kotse at dumiretso na dito. Nabigla ako sa mga nalaman ko kaya kailangan ko munang mapag-isa. Mukhang hindi ko na matutupad ang pangako ko kay mama na ihaharap ko sa kanya ang babaeng gusto kong pakasalan dahil may mahal na siyang iba. Sina Trinity at Jaden na pala. Nagmahal na nga lang ako ay dun pa sa hindi na pwede.

Nabaling bigla ang atensyon ko sa babaeng pumapalakpak habang papalapit sa akin. Siya yung isa sa mga kaibigan ni Trinity na dikit ng dikit sa akin nang nagbakasyon kami sa Tagaytay. Si Bonnie.

“Hi! Ang ganda pala ng boses mo David, nakakainlove!” Kinikilig nitong sabi habang umupo sa tabi ko. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Kung nakakainlove lang ang boses ko sana matagal nang inlove sa akin si Trinity kaso hindi.

“Salamat. Ano nga pala ang ginagawa mo dito?”

“Napadaan lang ako, nagkataon naman na nakita kitang naggigitara habang kumakanta. Singer ka ba? Ang ganda kasi talaga ng boses mo e,”

“Yes.” Sabi ko nalang at pumikit.

“May problema ka ba?” Napadilat naman ako sa tanong niya.

“Hindi mo pa ba alam na sina Trinity at Jaden na?” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.

She doesn’t know?

“Talaga? Bakit hindi man lang namin alam na mga kaibigan niya?” I shrugged.

“Kanina nasa ospital ako. Inamin nilang dalawa na sila na nga.” Napayuko naman ako.

Narinig ko nalang ang pagbuntong-hininga niya. “Kaya ka ba nandito ay dahil gusto mong mapag-isa at nasaktan ka na sila na?” Hindi ko alam pero parang ang lungkot niya habang sinasabi sa akin ’to.

“Yeah. I like your friend but she had a Jaden now,” Kinuha ko ulit ang gitara ko at nagstrum.

Sometimes I wonder I haven’t make it through..

Through this world without having you..

I just wouldn’t have a clue..

And sometimes it seems

This world closing in on me..

And there’s no way of breaking–

Nahinto

ako sa pagkanta nang biglang hinawakan ni Bonnie ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at nakatitig lang siya sa akin. Napansin ko na maganda rin pala siya at mukha siyang manika, palagi kasi akong nakatingin kay Trinity kaya hindi ko siya napapansin.

“Ah.. Bonnie, bakit?” Nakatitig pa rin siya sa mga mata ko.

“David, I-” Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang magring ang cellphone niya. Dali-dali naman niyang sinagot iyon.

“Hello? A-ah sige.. Theo.. pakisabi kila mommy na pupunta na ako diyan.. sorry..” Pagkatapos niyang ibaba ang tawag ay tumayo na siya at humarap sa akin.

“E, David kailangan ko nang umalis k-kasi hinahanap na ako nila mommy. Its nice to see you again.”

“Ganon ba? Sige, mag-iingat ka.” Tumango lang siya at pagkatapos ay naglakad na siya papaalis.

Napangiti ako habang tinitignan si Bonnie na naglalakad papalayo. Ang saya niya rin palang kasama kasi kahit papaano ay napangiti niya ako at nakalimutan ko ang pagiging broken hearted ko.

Bonnie’s POV

Bigla akong hinila ni Theo papasok sa kotse niya nang makarating na ako sa isang store kung saan siya naghihintay. Hindi alam nila Trinity at ng mga kaibigan ko na fiancé ko si Theo Natividad. Ang escort ng YGA at isa sa mga kaibigan ni GD. Nililihim naming dalawa na magfiancé kami at magkakilala dahil ayaw na namin na pag-usapan pa kami sa school.

Pinagkasundo kami ni Theo ng mga magulang namin dahil sa partnership ng aming kompanya at magbebestfriend rin sila. Ayoko man kay Theo pero wala na akong magagawa dahil lumulubog na sa utang ang kompanya ng mga magulang ko at tanging sila Theo nalang ang pag-asa namin. Kanina ay muntik ko nang maamin kay David na gusto ko siya pero mabuti na lang at hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil kahit aminin ko man sa kanya iyon ay kay Theo pa rin ako babagsak.

“Bakit ang tagal mo ha?! Kanina pa nila tayo hinihintay sa restaurant! Nanlalalake ka siguro no?” Sabi ni Theo habang may inis sa tono ng pananalita niya at tinititigan ako ng masama.

Nag-init bigla ang ulo ko dahil sa sinabi niya. “Ako nanlalalake? How dare you!” Tinulak ko ang dibdib niya. Ang kapal naman ng mukha niyang sabihin na nanlalalake ako e, kahit kailan nga ay hindi pa ako nagkaboyfriend.

Ngumisi lang siya sa akin. “Talaga lang ha? Subukan mo lang talagang lumandi sa iba kundi ibabaon ko siya sa hukay at ito ang tatandaan mo.. binenta ka na sa akin ng mga magulang mo kaya gagawin mo ang lahat ng gusto ko. Maliwanag ba?” Napaiyak ako dahil sa sinabi niya.

Totoo naman na binenta na ako ng sarili kong mga magulang sa taong kinasusuklaman ko. Hindi na lang ako umimik at patuloy pa rin sa pag-iyak.

“Iiyak-iyak pa.” Sabi pa nito at nag-umpisa nang magdrive.

Mga bata palang kami ay alam kong gusto na ako ni Theo. Matalik kaming magkaibigan noong mga bata palang kami at halos hindi na mapaghiwalay. Nagbago lang siya simula nang umuwi siya dito sa pilipinas nung 13 years old na siya dahil tumira sila sa amerika ng mommy niya nung 7 years old palang siya. Hindi na siya yung Theo na kababata ko dahil ang laki na ng pinagbago niya. Kahit sa pisikal na anyo ay nabago na rin siya. Kung noong mga bata palang kami ay mataba siya, ngayon ay matipuno na ang pangangatawan niya. Dati ay palangiti siya pero ngayon ay wala nang emosyon ang mukha niya. Hindi ko alam kung bakit nagkaganito si Theo, masyado na rin siyang possessive sa akin na dumadating sa punto na sinasaktan na niya ako. Wala na rin siyang pinagkaiba kay GD at pati na rin sa iba pa nilang mga kaibigan.

“Akin ka lang Bonnie. Tandaan mo ’yan.” Biglang sabi nito na ikinabilis ng tibok ng puso ko.

Ano bang nangyayari sa akin?

Narating na rin namin ang restaurant kung saan naghihintay na ang mga magulang namin ni Theo. Pagkalabas namin ng kotse ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko na ikinabilis na naman ng tibok ng puso ko. Kailangan ko na yatang magpaopera dahil sa abnormal heartbeat na nararamdaman ko. Lumapit kami sa table nila at nakipagbeso kami pagkatapos ay umupo na rin kami.

“Bonnie, after you and Theo’s graduation ay ikakasal na kayo.” Nakangiting sabi ni tita Verdara sa akin. Maging sila mommy, daddy at tito Isaac ay nakangiti rin.

When I took a glance at Theo, he’s just staring at me na bigla akong kinabahan don.

“Tita, masyado naman po yatang mabilis-” Bigla namang sumabat si mommy.

“No. Its the right time, Bonnie.” Tinignan ako ng masama ni mommy habang si daddy naman ay natahimik lang.

After graduation ay ikakasal na ako? I’m just only 18 for christ sake! Ayokong matuloy ang kasal namin ni Theo nang ganon kabilis pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Wala rin. Napayuko na lamang ako.

“Right hija and besides Theo said that he loves you at magkababata naman kayo kaya its okay if the two of you are getting married after your graduation.”

I know that. Simula nang mga bata palang kami ay palagi niyang sinasabi na gusto niya ako pero hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Nung highschool kami ay lumipat sila ng tirahan at noong first year college na kami ay hindi ko alam na kaschoolmate ko siya. Hindi niya ako pinapansin kapag maraming tao pero kapag kaming dalawa nalang ay todo na ang pangmomolestya at pagdikit niya sa akin. In YGA, he’s a bully like GD and their friends and I don’t know kung bakit naging ganito na siya. Siguro ay dahil hindi ko siya kayang mahalin katulad ng pagmamahal niya sa akin. I only treat him as a brother. He’s really handsome, tall and rich kaya maraming babaeng nagkakandarapa sa kanya at hindi ko alam kung bakit sa akin pa siya nagkagusto.

Sa huli ay wala na rin akong nagawa tungkol sa kasal namin ni Theo. Nagpaiwan muna sina tita Verdara at mommy sa restaurant para pagplanuhan na at mapag-usapan ang kasal. Sina daddy at tito Isaac naman ay nagpunta sa kompanya nila habang kami ni Theo ay pauwi na sa bahay.

Tahimik lang kami ni Theo sa kotse. Pagod na rin kasi ako sa mga nalaman ko ngayong araw. Masyadong nakakabigla at mabilis.

“Finally, you’re going to be mine.” He said while driving. He looks so happy but me? I’m not.

“Theo, what happened to you?” Mahina kong tanong na ikinatigil niya. Ito rin ang katanungan na gusto kong malaman ang sagot at sa wakas ay natanong ko na rin sa kanya.

Huminto siya sa pagdadrive at tinitigan ako ng malalim. Nanliit akong bigla sa mga titig niya sa akin.

“You’re asking me that kind of question, huh Bonnie? Its your fault kung bakit ako nagkakaganito! You rejected me a hundred times already! I love you but you didn’t love me back. Ano bang meron sa ibang lalakeng nagugustuhan mo na wala ako? I’m handsome, hot and rich at nasa akin na ang lahat. Ano pa ba ang kulang? Tell me!” Nabigla ako sa pagsigaw niya. Dahil nga sa akin kung bakit siya nagkakaganito.

Nanginginig ako at napayuko na lang. “I’m sorry..” Narinig ko ang mahina niyang pagmumura at malalim na pagbuntong-hininga.

“I will make you fall in love with me. Remember that.” At dahil sa sinabi niya ay bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

Chapter 26 - New Rival To Jaden’s Heart

Trinity’s POV

Nakalabas na rin ako ng ospital after what happened to me. Umuwi pa si mommy galing Europe para tignan ang kalagayan ko. Nagkasundo nalang sila kuya, mommy at Mayor Buenavista na dalhin sa amerika si GD para hindi na maulit pa ang nangyari sa akin. Pumayag nalang ako dahil kahit papaano ay naaawa pa rin ako sa kanya. Hindi ko naman kasi kayang magtanim ng sama ng loob sa isang tao. Si kuya Tristan daw ay malalayo muna sa amin dahil sa pribadong problema niya. Nagulat ako don dahil baka hindi na kami magkita pa. Mamimiss ko si kuya at pilit nalang siyang inintindi. At ngayon, sinabi ko na sa mga kaibigan ko na kami na ni Jaden. Nagulat din sila don dahil akala nila ay magiging kami ni Daniel. Pinaliwanag ko naman sa kanila ang lahat at naiintindihan nila ako. Si Daniel ay alam kong galit sa amin ni Jaden, hindi niya kami pinapansin at palagi rin siyang wala sa bahay. Nasaktan ko ang nararamdaman niya para sa akin at sana lang ay mapatawad pa niya ako. Hindi na muna ako pinapasok ni Jaden dahil baka raw magkasakit pa ako lalo na kapag nagpumilit pa akong pumasok. Kaya ko namang kumilos pero kung itrato niya ako ay para nang isang baby, deep inside ay kinikilig ako dahil concern siya sa akin.

“Simula ngayon, ako na ang maghahatid-sundo sayo baka kasi maulit pa yung nangyari and I wont allowed that.” Sabi ni Jaden na nakaakbay sa bewang ko. Nandito kami ngayon sa sala at nagmomoment.

“Oo na po,” Natatawang sabi ko. Tinignan ko siya. Napakaswerte ko dahil mahal niya ako at ang gwapo gwapo pa niya. Naaalala ko na naman sa kanya si ‘J’ dahil ngayon ko lang napansin na magkamukha sila pero imposible naman iyon dahil kung mahal niya talaga ako ay noon pa lang ay nagpakilala na siya sa akin. Ay! Ano ba ’to! Bakit ko pa ba siya iniisip e, may Jaden na ako?

“Gwapo ko no?” Nakangising sabi niya. Hinampas ko siya ng mahina sa braso.

“Kapal mo! Hindi kaya.” Hindi ko aaminin na gwapo siya dahil baka mas lalo lang lumaki ang ulo nito.

“Sus, hindi daw? Grabe ka nga kung makatitig sa akin..”

I rolled my eyes. “Ang panget mo kasi.” Then he chuckled. Palihim naman akong napangiti dahil ang sarap lang pakinggan ng tawa niya.

Siguro para sa inyo ay napakabilis na naging kami pero ano pa ba ang magagawa namin kung mahal na namin ang isa’t-isa? Wala naman sa tagal ng pinagsamahan iyan kundi kung paano kayo magtitiwala at haharapin ang mga pagsubok na darating sa inyo. Habang nagkukulitan kami ni Jaden ay biglang pumasok si Travis na nakangiti sa aming dalawa. Hindi na ba siya galit dahil sa pambabasted ko sa kanya?

Lumapit siya sa amin habang nakapamulsa.

“Congrats, Trinity and Jaden!” Masayang bati niya.

Nginitian ko naman siya. Marahil ay tanggap na niya. “Salamat, Travis.”

Ngumiti lang din si Jaden pero halata namang pilit. Bakit kaya?

“So paano.. iiwan ko na kayong dalawa. Congrats ulit.” Sabi pa niya at umalis na rin. Natahimik naman si Jaden nang umalis na si Travis.

“May problema ba?” Umiling siya.

“Nothing. Tara, kumain na tayo,” Hinila niya ang kamay ko papatayo at wala na rin akong nagawa kundi magpahila at dumiretso na kami sa kusina.

** 8pm at natapos na kaming kumain ng dinner. Hindi namin nakasalo si Daniel dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi dito sa bahay. Sinisisi ko tuloy ang sarili ko dahil kung hindi dahil sa akin ay hindi siya magagalit ng ganito. Alam ko naman na napaasa ko siya at nasaktan ang damdamin niya pero ano ba ang magagawa ko kung si Jaden talaga ang mahal ko? Kailangan ba talagang may masaktan na ibang tao para lang sumaya ako? Sa tanang buhay ko ay ngayon lang naging ganito kakumplikado ang sitwasyon ko. Ang hirap at nakakabaliw, dahil pa sa mga lalake.

Habang abala kaming lahat sa kanya-kanya naming mga gawain ay may isang babaeng pumasok at bigla nalang niyakap si Jaden na abala sa paglalaro nila ng chess ni Sam. Nagulat kaming lahat sa ginawa nung babae at sa nakita ko ay nakaramdaman ako ng pagseselos. Ako? Nagseselos? Pero ang sakit kasi.

“Jaden, I miss you..” Sabi nung babae habang yakap-yakap pa rin si Jaden. Agad siyang tinulak ni Jaden at tumingin sa akin. Sino ba ang babaeng ’to?

“Roxanne? Anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Jaden dun sa babae.

Umupo naman yung babae sa sofa. “Kakauwi ko lang galing sa amerika at dito na muna ako magbabakasyon sa pilipinas.” Napatingin sa akin yung Roxanne.

“Siya ba yung girlfriend mo Jaden?” Lahat kami ay nagulat sa sinabi niya. Papaano niya nalaman na kami na ni Jaden?

“Paano mo nalaman na sila na?” Tanong ni John na nagulat rin.

“Hahaha. Ben told me pero namiss ko talaga si Jaden.” Ngumiti siya kay Jaden at tumayo saka muling niyakap.

Yumuko ako dahil hindi ko kayang makita pa na niyayakap niya si Jaden. Para kasing unti-unting pinupunit ang puso ko sa nakikita ko. Ngayon lang rin ako nakaramdam ng ganito at ang sakit pala.

Lumapit naman sa akin si Jaden. “Trinity, siya si Roxanne. Pinsan siya ni Ben at kaibigan namin.” Di ako nakapagsalita kaya tumango nalang ako.

“Okay ka lang ba?” Hinawakan niya ang baba ko at inangat sa kanya. Ngumiti nalang ako. Kaibigan lang pala niya. Dapat hindi ako nagseselos ng ganito dahil may tiwala ako sa kanya sa sinabi niyang ako lang.

“Okay lang, ano ka ba!” Napatingin kami ni Jaden kay Roxanne na kinakausap na pala nila John.

Niyakap niya ako mula sa likuran ko at lumabas kami papuntang garden. Sinandal niya ako sa isang pader at nagulat nalang ako nang bigla niya akong hinalikan. Sa ginawa niya ay unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko at may kung ano na naman sa tiyan ko na nagliliparan. First kiss naman ito at pakiramdam ko ay para na akong nasa langit. Tumugon na rin ako sa mga halik niya dahil pati ako ay nadadala na rin. Pagkatapos nang mahigit dalawang minuto ay bumitaw na kami sa paghahalikan namin at parehong kinakapos ng hininga. Napatingin kami sa isa’t-isa at nagngitian.

“Nakikita ko sa mukha mo na nagseselos ka sa amin ni Roxanne. Wala ka namang dapat pagselosan dahil kaibigan ko lang siya. Okay?” Niyakap niya ako at hinalikan ang noo ko.

Napanatag ang loob ko sa mga sinabi niya. May tiwala ako kay Jaden. “Oo na.” Nakita ko na napangiti siya kaya napangiti na rin ako.

“Si Trinity Hernandez lang ang mamahalin ko habangbuhay.” Gusto kong magwala dahil sa kilig na nararamdaman ko ngayon. Ano bang meron sa lalakeng ’to at nagkakaganito ako?

“At si Jaden Ayuna lang din ang mamahalin ko habangbuhay.” Nakita ko na namula siya dahil sa sinabi ko. Ang cute lang.

Roxanne’s POV

After how many years ay nakauwi na rin ako dito sa pilipinas. Its been a long time simula nang umalis ako dito para makalimot pero kahit na nilunod ko na ang sarili ko sa pagtatrabaho sa amerika ay hindi ko pa rin makalimutan si Jaden. Mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Ngayon na nakita ko na siya ay mas lalo pa siyang gumwapo but the sad part is may girlfriend na siya. Travis called me and said na magtulungan daw kami para mapasaakin si Jaden at mapasakanya si Trinity na girlfriend ni Jaden. The Playboy Travis is in love with Jaden’s girl? Hmm.. I agreed on his plan dahil mahal ko si Jaden at gagawin ko ang lahat para maging akin siya. Pareho na nga siguro kaming baliw ni Travis pagdating sa pagmamahal but we don’t care dahil nagmamahal lang kami. And that Trinity, she’s pretty but she’s too young at hindi rin sila bagay ni Jaden because me and Jaden are compatible to each other.

Pagkatapos kong makausap ang mga friends ni Jaden na kaibigan rin ng cousin kong si Ben ay umalis na ako sa bahay nila. Nalaman ko na nakatira na pala ang Trinity na ’yon sa tinitirhan din nila ni Jaden. Travis explained to me kung bakit at hindi ako makakapayag na maging fiancé ni Jaden ang babaeng iyon. No!

Bago ako umalis kanina ay hinanap ko si Jaden pero hindi ko na siya nakita pa. Sabay pa silang nawala nung girlfriend niya. Nairita ako kaya nagmadali nalang akong umalis. Sumakay ako sa kotse ko at nagdrive papunta sa restaurant kung saan kami magkikita ni Travis. Nang makarating na ako ay bumaba na ako ng kotse at pumasok sa restaurant. Nakita ko kaagad si Travis na mas lalo pang gumwapo nung huli ko siyang nakita. Actually, mas gwapo naman talaga si Travis kaysa kay Jaden pero mas maappeal at interesting lang talaga si Jaden. Lumapit kaagad ako sa kanya at umupo sa upuan na katapat niya. He’s smiling at me.. not actually a smile but smirking instead.

May lumapit sa aming waiter at umorder muna kami. After a few minutes ay bumalik na rin ito dala ang mga inorder namin.

“Welcome back Roxanne De Luna!” I rolled my eyes. Still a jerk.

“Thanks Mr. Desperate.” He laugh. Argh! So irritating.

“Look who’s talking,” I ignored what he said and rolled my eyes again. Huminto na rin siya sa pagtawa at seryoso nang nakatingin sa akin.

“Do everything to ruin Jaden and Trinity’s relationship. If you want, seduce him, have a sex with him, chase him or anything. I have my plan, too.”

“You’ve already fallen for that girl huh?” He smirked.

“Trinity is already mine before. Kami ang unang nagkakilala pero inagaw siya sa akin ng tarantadong si Jaden.” Ako naman ang natawa sa sinabi niya na ikinakunot ng noo niya.

“What’s funny?” Nagtataka nitong tanong.

“Y-You..!” I said while laughing. “Paano inagaw sayo ni Jaden ang babaeng ’yon eh hindi naman kayo? Hahaha! You’re still self-proclaimed, Travis Ramos.” Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko pero di kalaunan ay ngumiti lang siya at umiling.

“What’s mine will always be mine.. Roxanne.”

Hanggang ngayon ay makasarili pa rin siya. Alam ko na simula nung highschool ay naiinggit na siya kay Jaden dahil lahat daw ng tao o bagay na gusto niya ay napupunta dito. I also know na minahal niya rin ako pero si Jaden talaga ang mahal ko noon. He understand me at hinayaan nalang niya ako sa gusto ko pero Jaden said to me na hindi niya ako mahal at hindi pwedeng maging kami. Nasaktan ako nun that time kaya nagdesisyon akong pumunta ng amerika para makalimot. In other part, hindi naman kami masama ni Travis. Nagpaparaya na siya noon pa kay Jaden dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila kahit kapalit pa nun ay nasasaktan na siya. Ganon rin ako, lumaya para mapalaya ang taong mahal ko. But not this time, hindi na namin pang hahayaang magsakripisyo at masaktan ulit kami, pero napapaisip rin ako minsan na kung sakali bang nakuha ko si Jaden ay tuluyan na akong sasaya kung alam ko naman na hindi niya ako magawang mahalin?

“Do we really need to do this, Travis?” Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

“Bakit? Nagbaback-out ka na ba? If yes then okay, kaya ko namang makuha si Trinity nang ako lang.”

Umiling ako. “No. Natanong ko lang.” He nodded then took a sip from his drink.

Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kanya dahil mas gumwapo siya.

“Baka matunaw ako niyan.” Nakangising sabi nito. Napairap nalang ako. Kahit kailan talaga ay napakayabang pa rin niya.

Pagkatapos naming mag-usap ni Travis ay umuwi na rin ako sa bahay namin dito sa pilipinas. Pumasok kaagad ako sa kwarto ko at humiga na sa kama ko. Napapikit ako at sa hindi malamang dahilan ay ang mukha ni Travis ang nakikita ko. Roxanne! Ano bang nangyayari sayo? Dapat si Jaden ang isipin mo at hindi ang Travis na ’yon!

Tama. Si Jaden, mapapasaakin rin siya. Forget about your ex-lover!

Chapter 27 - Meet His Parents

Sam’s POV

Nandito kami ni Kyle sa Timezone and we’re playing Shoot That Ball. Kahit hindi naman kami katangkaran which our height is 5’8 ay mahilig kami sa basketball. Kanina pa kami pinagtitinginan ng mga babae dito, hindi naman sa pagmamayabang pero gwapo talaga kaming dalawa ni Kyle. Anyways, naisipan lang namin maglaro sa mall dahil naiirita na kami sa pagiging bitter ng ibang 13 guys. Hindi kasi nila matanggap na magsyota na sina Jaden at Trinity.

Hindi ba sila pwedeng maging masaya nalang para dun sa dalawa?

“Ang galing mo talagang magshoot ng bola, Sam,” Hinihingal na sabi ni Kyle habang patuloy pa rin sa pagshoshoot ng bola. 89-125 na ang score at ako ang nangunguna.

“Galingan mo naman sa pagshoshoot, Kyle.” Nakangising sabi ko.

“Psh. Ayoko na, pagod na ako.” Napahinto na siya sa pagshoshoot ng bola. May nagsilapitan naman sa aming mga babae at inabutan kami ng tubig. Kinikilig pa sila habang nagpasalamat kami at bumalik na rin sa mga pwesto nila.

“Tch. Weird.” Bulong ni Kyle kaya napatawa ako.

Pagkatapos naming maglaro ay pumunta kami sa Shakeys at umorder ng pizza. Napagod kasi kami sa isang oras na paglalaro kaya nagwawala na ang mga alaga namin sa tiyan. It means na gutom na gutom na kami.

Habang busy kami sa pagkain ng pizza ni Kyle ay bigla itong nagsalita. “Alam mo, parang may kakaiba kay Travis.”

“Ano naman?”

Uminom muna siya ng drinks bago nagsalita. “Ang weird lang kasi biglang natanggap na niyang sina Jaden at Trinity na e, alam naman natin na gustong-gusto niya si Trinity. Nagalit pa nga siya nung ginabing umuwi yung dalawa nung nasa resthouse tayo. Parang may kakaiba talaga.”

Napaisip naman ako sa sinabi niya. “Baka naman natanggap na niya na si Jaden ang mahal ni Trinity.” Nagkibit-balikat lang siya.

“Siguro pero mas nauna pa niyang natanggap kaysa kay Daniel? Tapos idagdag pa natin ang biglang pagsulpot ni Roxanne sa eksena. Ang first love ni Travis na patay na patay kay Jaden.”

Ang talino talaga nitong si Kyle, naisip pa niya iyon? Kung sa bagay ay matalino naman siya. Nakapagtataka nga at mas lalo pang magugulo ang lahat kapag nalaman ni Trinity na si Jaden ang kababata niyang nang-iwan sa kanya. Ano ba ’tong gulong pinasok ni Jaden?

I sighed. “Tignan nalang natin kung anong mangyayari.” He nodded at tinuloy na namin ang pagkain.

Bigla namang may tatlong lalake ang pumasok dito sa loob ng Shakeys. Pinagtitinginan rin sila dahil matatangkad at gwapo sila. Nakasuot sila ng varsity jacket and jeans. May mga nakasukbit rin na sports bag sa balikat nila at ang isa nilang kasamahan ay may hawak na bola. Kung maglakad sila ay para silang mga siga. Ang seseryoso ng mga mukha nila at parang naghahanap pa ng away pero nung tinignan ko yung lalakeng nasa gitna ay namumukhaan ko siya.

“Di’ba siya yung bestfriend ni Trinity na si Jerome?” Tanong sa akin ni Kyle na nakatingin rin sa kanila.

“Yeah.”

Napansin naman kami ni Jerome na nakatingin sa kanila. Nagulat pa siya nang makita niya kami pero di kalaunan ay ngumiti siya at lumapit sa pwesto namin. Sinundan rin siya ng dalawa pa niyang kasama.

“Uy, kayo pala,” Nakangiting sabi nito nang makalapit na sila sa pwesto namin.

“Hey,” Bati ko naman. Nginitian lang sila ni Kyle ng pilit.

“Pwede bang dito nalang kami makiupo?” Tanong niya.

“Sure.” Sabi ko naman at umupo na silang tatlo. Nanliliit tuloy kami ni Kyle dahil ang tatangkad nila at mukha pang mga 6’ footer.

“Mga kaibigan ko nga pala, sina Charles at Kier.” Pakilala ni Jerome sa dalawa niyang kasama. Tinanguan lang nila kami. Tsk.

“Charles at Kier, sila naman sina Sam at Kyle, mga kaibigan ni Trinity.” Ewan ko pero parang nagngisian pa sila nang binanggit ni Jerome na kaibigan kami ni Trinity.

“I see.” Nakangiting sabi nung Charles. Yung Kier naman ay tahimik lang na nakangiti.

Nang tumingin ako kay Kyle ay nakita ko pang napakuyom ito ng kamao niya. Nararamdaman rin siguro niya na pinaplastik lang kami ng dalawang ’to.

“Teka, oorder lang muna ako guys.” Paalam ni Jerome sa dalawa at umalis na ito para umorder.

Naiwan kaming apat sa table at nag-umpisa na ngang magsilabasan ang mga totoong kulay nila. Sabi na nga ba.

“Kalalake niyong tao pero kinulang pa kayo sa height.” Natatawang sabi ni Charles at natawa rin ang kasama niya.

Nagsimula nang uminit ang ulo ko habang si Kyle naman ay anytime ay mananapak na.

“Ano bang problema niyo sa amin?” Mahinahong tanong ni Kyle na nagpipigil din ng galit katulad ko.

Mas lalo lang silang natawa sa sinabi ni Kyle. Bakit ganito ang mga kaibigan ni Jerome? Masyadong mga hambog at mapang-insulto.

“Wala naman.” Nakangising sabi nung Kier.

Bumalik na si Jerome na may dalang tray ng pagkain habang ako naman ay hinigit na si Kyle papatayo.

“Saan kayo pupunta?” Maang na tanong ni Jerome na akmang aalis na kami.

“Wala naman. Mga hambog lang kasi ’yang mga kaibigan mong mapang-insulto.” Sarkastiko kong pagkakasabi. Napatingin naman si Jerome sa dalawa niyang kaibigan at napailing lang siya rito at ngumisi.

Hindi man lang ba niya pagsasabihan? Akala ko ba ay mabait siya? Plastik rin pala ’to katulad ng dalawa niyang kaibigan. Nainis lang akong lalo sa nakita ko kaya tuluyan na kaming umalis sa Shakeys.

“I can’t believe this! Pinaplastik lang tayo ng Jerome na ’yon. Siguradong magkakaugali rin sila ng mga kaibigan niyang lumaklak na ng sangkatutak na gluta dahil sa sobrang kaputian nila!” Galit na galit na sabi ni Kyle.

Bakit ba ang daming plastik at mapagpanggap sa storyang ’to?

“Hindi ko nga alam kung bakit nagkaroon si Trinity ng bestfriend na.. Psh. Nevermind.”

Napailing na lamang si Kyle.

“Malalaman at malalaman rin ni Trinity ang totoo at walang sikretong hindi nabubunyag.”

H-he’s right.

Jaden’s POV

Kinabukasan ay pumasok na si Trinity sa school nila. Hinatid ko siya leaving with my sweetest smile. Natutuwa nga ako dahil sa nangyari kahapon, nagseselos pala siya kay Roxanne kaya pinatunayan ko sa kanya na wala siyang dapat pagselosan sa pamamagitan ng halik ko. I love the way she kissed me back at doon ko naramdaman na mahal na mahal niya talaga ako. Nagulat nalang rin ako nang nagpunta si Roxanne sa TREASURE House at niyakap ako. I turn her down before dahil wala naman akong nararamdamang pagmamahal para sa kanya, alam ko rin na gusto siya ni Travis noon pero nagalit din siya sa akin dahil akala niya ay mamahalin ko si Roxanne nung nagparaya siya. Kaya malaki ang galit niya sa akin dahil don at naging girlfriend ko pa si Trinity na gusto rin niya. Kung alam lang niya na matagal ko nang mahal ang taong mahal niya.

Ngayon ay ipapakilala ko na si Trinity sa mga magulang ko although kilala naman talaga nila si Trinity dahil magkaibigan si papa at ang yumao niyang ama. Alam ni tita Isabella na ako ang kababata ni Trinity na si Jojo pero hindi ’yon alam ng mga kuya niya dahil ililihim ko raw muna dahil baka kapag nalaman niya iyon ay layuan niya agad ako nang hindi pa nakakapag-explain sa kanya. Sinundo ko na siya sa YGA at pinapasok sa kotse ko.

“May pupuntahan tayo ngayon.” Sabi ko kaya napalingon siya sa akin.

“Saan naman at bakit?”

“Ipapakilala na kita bilang girlfriend sa parents ko.” With that ay nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko.

“N-ngayon na? As in?” I nodded and smile.

“P-pero.. hindi pa ako handa, Jaden.” Napapikit siya at bumuntong-hininga.

Aish! This girl.

“Trinity, dapat sabihin na natin na tayo na, pati na rin sa mommy mo at mga kapatid mo.” Nagmulat ito at nginitian ako. Hindi niya lang alam na kapag nginingitian niya ako ay mas lalo pang nahuhulog ang loob ko sa kanya at siya lang ang may kayang gawin ito sa akin.

“Okay sige pero.. mababait ba sila?”

“Yup.”

“Only child ka lang ba?”

“Nope.” Napasimangot naman siya.

“Ano ba ’yan! Nice talking ka!” At mas lalo lang akong natawa sa kanya.

After some minutes ay nakarating na rin kami sa bahay. Sa itsura ni Trinity ay halatang kabado siya. First time niya rin kasing mamemeet ang parents ko. Sana nga at nandito si ate Sarah para mameet din niya pati na rin ang pamangkin kong si Joshua.

** Ayos rin pala ’tong girlfriend mo, Jaden at madaldal!“ Tumatawang sabi ni papa.

“Oo nga e. I like her for you.” Nakangiti namang sabi ni mama.

“Tapos nashoot pa po ako sa kanal that time..” At mas lalo pang natawa ang parents ko dahil sa kinekwento ni Trinity sa kanila.

Kanina pa kasi sila nagkukwentuhan at ako naman ay na-oop na sa kanila. Nawala na siguro yung kaba ni Trinity simula nang kinausap na siya nila mama at papa. Mabuti nalang at nagkasundo na sila kaagad and i’m happy for that. Sayang nga lang at nasa trabaho si ate Sarah at paniguradong matutuwa ’yon kapag nakita na niya si Trinity. She knows Trinity and well, my parents too but they’re pretending not dahil hindi pa ako handang malaman niya ang lahat. Not now.

“Pwede ko na bang masolo ang girlfriend ko?” Sabi ko sa parents ko and it made Trinity blushed.

“Such a possessive kid,” Umiiling na nakangiting sabi ni papa. Nginitian lang kami ni mama kaya tumayo na kami ni Trinity.

“Ah sige po, salamat po sa inyo.” - Trinity

“No problem hija. Jaden, ingatan mo ’yang girlfriend mo ha? Kagandang bata pa naman.” - Mama

“Yes, ma.”

Pagkatapos naming makalabas ng bahay ay pinasakay ko na si Trinity sa kotse ko. Sinandal ko siyang bigla sa may bintana ng kotse at hinalikan na ikinagulat niya. I’m kissing her torridly and passionately, she’s kissing me back at nararamdaman ko na ang init sa katawan ko.

Nag-eespadahan na rin kami gamit ang aming mga dila savouring and enduring every inch of our mouth. She moan kaya mas lalo pa akong ginaganahan sa ginagawa ko. Napakapit na siya sa leeg ko habang ako naman ay hinila siya at kinandong sa mga hita ko. Napahiga siya sa upuan ng kotse habang nasa taas na niya ako. I’m starting to kissing her neck at tatanggalin ko na sana ang butones ng suot niyang uniform nang magring ang cellphone niya. Napabitaw kami sa isa’t-isa at parehong kinakapos ng hininga. Ako naman ay nabitin don. Muntik na! Sinagot niya ang tawag habang inayos ko naman ang nagulo niyang buhok na ako rin ang gumawa.

“Hello? Mason?… Ah oo, kasama ko si Jaden… Nandiyan na si Daniel? Sige, pauwi na kami… Bye.” Binaba na niya ang tawag at tumingin sa akin.

“Bakit may number ka ni Mason? Kailan pa kayo naging close?” Nagtataka lang ako dahil bakit hindi ako ang tinawagan ni Mason at si Trinity pa? At umuwi na raw si Daniel? Bakit kailangan pa niya iyon ibalita kay Trinity?

“I dont know. Hindi ko naman binigay ang number ko sa kanya e, but it doesn’t matter. Umuwi nalang tayo at gusto kong makausap si Daniel para magkabati na kami.” Umayos na rin kami ng pwesto at nagsimula na akong magdrive pauwi.

Iniisip ko pa rin kung bakit.. Hays. Nabitin talaga ako sa halikan namin ni Trinity. Istorbong Mason!

Chapter 28 - He Wants

Trinity’s POV

Papasok na kami sa loob ng TREASURE House ni Jaden. Walang katao-tao nang magpunta kami sa living room. 11:00pm na rin kasi kami nakauwi kaya malamang ay natutulog na sila. Hindi ko nga alam kung saan nakuha ni Mason ang number ko kaya nagulat nalang ako nang tinawagan niya ako at binalitang nakauwi na si Daniel. Siguro ay nakuha niya ang number ko kay Kevin, alam niya kasi ang number ko na ipinagtataka ko. Speaking of Daniel, hindi na kaya siya galit sa amin? Gusto ko na kasi siyang makausap para magkaayos na kami. Ayoko nang may samaan pa kami ng loob sa isa’t-isa dahil napakabait niya sa akin at alam ko naman na nasaktan ko ang damdamin niya kaya hihingi pa rin ako ng tawad sa kanya.

“They are already sleeping and I think Daniel too. Bukas mo nalang siya kausapin.” Sabi ni Jaden na nakahawak sa kamay ko.

“Siguro nga. Sige, matulog ka na.” Nginitian ko siya.

Nagulat naman ako nang bigla niya akong hinalikan. I kissed him back at napakapit ang mga braso ko sa leeg niya. Aba! Namumuro na ’to sa halik ah? Eh kanina lang halos muntikan na namin magawa ang ‘You know’ sa kotse niya kung hindi lang tumawag si Mason tapos dito naman? Pero nadadala ako sa mga halik niya at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kung hindi ko lang mahal ang taong ’to.

Siya na ang kusang bumitaw sa paghahalikan namin at pareho na naman kaming kinakapos ng hininga.

“Baka hindi na ako makapagpigil at mabinyagan na natin ’tong sala. Mas gusto ko kasi na sa kama natin gawin ’yon.” Nag-init bigla ang mukha ko sa sinabi niya at hinampas ko siya sa balikat niya.

“T-tumigil ka nga!” He chuckled.

“Good night! Matulog ka na rin.” Magsasalita pa sana ako nang bigla na naman niya akong halikan, a quick kiss pagkatapos ay tumakbo na siya papunta sa kwarto niya.

Naiwan akong namumula at kinikilig. Kiss addict na ba si Jaden? Siya lang naman talaga ang nakakagawa sa akin ng ibang klaseng pakiramdam. Maglalakad na sana ako papunta sa kwarto ko nang nagulat ako at nakita si Daniel sa harapan ko na sobrang sama ng tingin sa akin. Hala! Anong ginawa ko? Ah.. nakita niya yung ginawa sa akin ni Jaden?

“Daniel?”

“At dito pa talaga kayo naghalikan ni Jaden ha? Wala na talaga kayong kahihiyan!” Bigla niyang hinila ang braso ko hanggang sa makarating na kami sa tapat ng kwarto niya.

“Daniel, nasasaktan ako..” Hawak pa rin niya ang braso ko ng mahigpit pero mabuti nalang at binitawan na niya ito. Namula yung braso ko dahil sa ginawa niya.

I know he’s really mad at me.

“I never thought that you can kiss like that. Siguro nga tama ang sinabi ni Ben na you are a bitch and-”

Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang bigla ko siyang sinampal. He call me bitch? How dare he! At sinabi iyon ni Ben?

“How dare you to call me a bitch? You don’t know me Daniel!” And now, I’m crying. Hindi ko akalain na masasabi niya sa akin ang bagay na ’to. Ito ang unang beses na masabihan ako ng malandi at masakit lang dahil kay Daniel pa mismo nanggaling.

He smirk na parang wala lang sa kanya na umiiyak ako sa harap niya. He’s heartless! “Totoo naman siguro? Kaya ba ayaw mo sa akin ay dahil hindi kita mahalikan ng ganon? Eh kung ganon naman pala ang gusto mo e, di sana hindi lang halik ang magagawa natin kundi magsesex pa tayo araw-araw dito sa kwarto ko at-” Hindi na niya ulit natuloy ang sinasabi niya dahil sinampal ko siya sa kabilang pisngi niya.

Masakit lang na iniisip niya na isa akong maduming babae. “Ganyan ba ang tingin mo sa akin Daniel? Dahil ba sa hindi kita magawang mahalin kaya ka nagkakaganyan? Daniel naman! You’re six years older than me at dapat naiintindihan mo rin naman ako pero bakit ganito? Mahal na mahal ko si Jaden at sana maging masaya ka naman para sa akin. Hindi lang ako ang babae sa mundo, marami pang magmamahal sayo so please.. nakikiusap ako sayo, Daniel.. Tama na.” Napahikbi ako. Nahihirapan rin naman ako at naiipit sa sitwasyon.

Yumuko siya at nakita ko na may tumulong luha sa mga mata niya. Nasasaktan din siya katulad ko pero mas nasasaktan naman ako. Hindi ko na kinaya pa at pumasok na ako sa loob ng kwarto ko na katabi lang ng kwarto niya at nilock ito. Iniwan ko siya doon sa labas na nakayuko pa rin. Napasalampak ako sa kama at umiyak ng umiyak.

Bitch pala ang tingin nila sa akin at si Ben.. sabi ko na nga ba at may galit siya sa akin. Bakit ba siya nagagalit sa akin? Dahil pinapaasa ko ang mga kaibigan niya? Pero sinabi ko na nung umpisa pa lang na hindi na pwede. Ang sakit lang talaga.

Kinaumagahan ay nagising na ako. Mabuti nalang at hindi namaga ang mata ko sa kakaiyak kagabi. Bahala na kung ayaw man ako patawarin ni Daniel basta wala akong ginagawang masama. Kung bitch ang turing nila sa akin ni Ben ay bahala na silang mag-isip ng ganon dahil alam ko naman na hindi iyon totoo.

“Good morning, Trinity,” Bati nila sa akin pagkababa ko ng dining room. Nakabihis na rin ako ng uniform papasok ng school. Naabutan ko silang kumakain at si Daniel naman ay hindi makatingin sa akin.

Nginitian ako ni Jaden kaya lumapit ako sa kanya at umupo sa upuan na katabi niya. Pinaghanda niya ako ng pagkain at nagpasalamat naman ako. Himala at nandito si Ben. Iniisip ko pa rin kasi kung bakit siya galit sa akin. Mabuti nalang at hindi nila inoopen ang topic na galit pa rin sa akin si Daniel, siguro ay alam nila na hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan iyon.

Pagkatapos naming kumain ay hinatid na ako ni Jaden sa YGA. Hinalikan niya ako pagkatapos ay umalis na siya. Nang nasa loob na ako ng YGA ay nakita ko sila Chae, Bonnie, Micca at Jerome na mukhang inaabangan ako, hindi nila kasama si Leo. Lumapit sila sa akin at mukhang alam ko na ang itatanong nila.

“Bakit hindi ka man lang nagsabi na kayo na ni Jaden? Nakakatampo ka Trins!” Nagtatampong sabi ni Chae.

“Sorry. Biglaan din kasi e,” At bigla nalang akong niyakap nung tatlong babae.

“At last may lovelife ka na rin. Congratulations Trinity! Kay David ko lang din nalaman.” Sabi ni Bonnie. Nag-uusap pala sila ni David?

Kahapon ay hindi ko pa nasasabi sa kanila na kami na ni Jaden dahil hindi rin naman kami nagkita-kita dahil sa paiba-iba naming schedule. Eto nga pala, simula nung pinadala na si GD ni Mayor Buenavista sa amerika ay naging mapayapa na sa YGA although bully pa rin ang apat niyang kaibigan at naghahanap pa din ng away at mapagtitripan pero atleast ay medyo nabawasan naman ang gulo dito. At ang napapansin ko sa kaibigan ni GD na si Theo na noon pa lang ay palagi niyang tinititigan si Bonnie na para bang mawawala na sa paningin niya. Magkakilala ba sila? Pero wala namang ’tong nababanggit si Bonnie sa amin.

“Kailan pa kayo nagkausap ni David?”

“A-ah basta.. Tara pasok na tayo.” Agad niya akong hinila papalakad kaya sumunod na lang yung tatlo sa amin.

Nang tinignan ko ang kanina pang tahimik na si Jerome ay nginitian lang niya ako. Alam ko na nasasaktan ko siya kasi alam kong mahal niya pa rin ako. I’m sorry Jerome. Nag-usap lang rin naman kami about sa amin ni Jaden sa may cafeteria pagkatapos ay nagpunta na kami sa aming mga klase.

Architecture nga pala ang kinuha kong course. Gusto ko kasing magdesign ng mga bahay o buildings dahil pangarap ko na ’yon mula noong bata pa lang ako. Pagkapasok ko sa room ay binati ako ng mga kaklase kong lalake, mas marami kasing lalake kapag architecture ang kurso di’ba? Mga pito lang yata kaming babae dito.

Umupo na ako sa upuan ko nang biglang lumapit sa akin si Aljay Davis. Kaklase ko na masasabi kong pinakagwapo sa buong Architecture Department. Nasa likod naman niya ang tatlo niyang kaibigan na mga kaklase din namin.

“Hi Trinity!” Bati niya.

“Ah.. Hi din.” Bati ko saka siya nginitian kahit naweweirduhan ako kung bakit parang natataranta siya.

“Gago! Sabihin mo na pre!” Narinig ko pang sabi ng kaibigan niyang si Owen saka itinulak pa si Jay papalapit sa akin. Ano bang nangyayari?

“A-ano kasi, Trinity.. Gusto kita so pwede ba kitang ligawan?” Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Jay. Lahat ng kaklase namin ay narinig ang sinabi niya.

“Puta! Ang bilis mo naman Jay! Hahahaha.” Sigaw pa nung isa naming kaklase na si Romero kaya nagtawanan silang lahat.

“Tangina mo! Huwag ka ngang nangingialam Romero!” Sigaw niya pabalik don sa kaklase namin saka muling bumaling sa akin.

“Ano, Trinity? Pwede ba?” Aish. Mabait ’tong si Jay pero kailangan ko itong sabihin sa kanya.

“Eh Jay, may boyfriend na kasi ako kaya hindi na pwede. I’m sorry.” Nabigla siya sa sinabi ko pero di kalaunan ay ngumiti lang siya sa akin pagkatapos ay nilapitan niya na ang tatlo niyang kaibigan.

“Langya! First time akong binasted,” Rinig kong sabi niya kay Owen pagkatapos ay bumalik na sila sa mga upuan nila.

“Hahahaha! Nabasted siya oh? Ayan kasi, akala niya ay lahat nalang ng babaeng magaganda ay gusto siya kaya ano ka ngayon Davis? Basted!” Sigaw ulit ng kaklase naming si Romero. Halata rin na nagpipigil ng tawa ang mga kaklase ko. May nakakatawa ba don?

“Aba? Gago ka ah?!” Akmang susugurin na sana ni Jay si Romero nang dumating na yung prof namin at mag-uumpisa nang magturo. I turn down many guys na kahit nga ang bestfriend ko ay binasted ko nang dahil kay ‘J’ pero ngayon ay kinalimutan ko na siya at mukhang magtuturndown na ako dahil naman kay Jaden.

Habang nagkaklase pa rin kami ay biglang kinalabit ako nang katabi kong si Jucy. “Bakit Jucy?”

Lumapit siya sa akin ng konti. “Hindi ko alam na may boyfriend ka na pala. Pati si fafa Jay ay binasted mo na. Naku naku! Napahiya pa siya kanina dahil sa gwapo ni Jay ay naignore lang siya ng beauty mo!” Natawa pa ito.

“Loko ka.” At napatawa nalang rin ako. Kahit kailan ay mapagbiro ’tong si Jucy.

Pagkatapos ng klase ay maaga kaming pinagbreaktime dahil wala ’yong susunod naming prof. Wala rin akong makakasabay magbreak dahil may klase pa yung mga kaibigan ko at si Jucy naman ay may pupuntahan pa raw kaya no choice ako kundi pumunta sa cafeteria ng mag-isa. Naglalakad ako papunta sa food stall nang manlaki ang mga mata ko nang papalapit sa akin si Travis.

“Travis? Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko nang makalapit na siya sa akin. Pinagtitinginan siya nung mga estudyanteng babae na halatang kilig na kilig dahil nakakita sila ng isang gwapong nilalang, idagdag pa na naka civilian siya kaya halatang hindi siya estudyante dito.

“Bored kasi ako sa bahay kaya pinuntahan kita dito,” He smiled. Mukhang good mood yata siya kasi kapag nakikita ko siya madalas ay palagi nalang siyang parang galit.

“Ganon ba? Si Jaden ba nasa bahay?” Bigla namang nawala yung ngiti niya pagkabanggit ko sa pangalan ni Jaden.

“I don’t know. Oorder ka ba ng foods? Ako nalang ang mag-oorder for you and its my treat.”

“Wag na, nakakahiya naman-” Bigla naman siyang sumabat habang nagsasalita pa ako. Great.

“I insist.” Dahil sa mapilit siya ay wala na rin akong nagawa. Libre naman niya at masamang tumanggi sa grasya.

Nag-order na si Travis habang pinahanap nalang niya ako ng table. Nang makahanap na ako ay agad akong umupo habang hinihintay siya. Alam ko na kanina pa kami pinagtitinginan ng mga estudyante dito dahil akala yata nila ay boyfriend ko si Travis. Hindi na yata ako mabubuhay ng walang ibang taong nakatingin sa akin. Medyo nagtaka din ako kung bakit pinuntahan pa niya ako sa YGA kung bored siya. Ibang klase rin pala ang trip niya, hindi man lang niya sinama si Jaden.

I’m still waiting for Travis nang nilapitan ako ni Jay and his friends. Umupo pa sila sa table na inuupuan ko. Ano na naman bang kailangan nito sa akin?

“Yung lalakeng ’yon ba ang boyfriend mo?” Medyo may pang-asar pa ang tono ng boses ni Jay habang tinuturo niya si Travis na nakatayo sa may food stall at busy sa pakikipag-usap sa nagtitinda.

“It’s none of your business.” Sagot ko dahil kanina pa talaga ako nagtitimpi sa kanya.

Tumawa naman ang mga kaibigan niya dahil sa sinabi ko at pati na rin siya. Ano bang nangyayari dito kay Jay? Hindi naman siya ganito noon.

“Binasted mo ako para lang sa mukhang bakla na ’yon? Ang baba pala ng taste mo sa isang lalake, Trinity,” Tila nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

“A-anong sabi mo?” Magsasalita pa sana siya nang biglang may sumabat.

“If I look like a gay then you look like a thin whited chalk.”

Biglang nagsitawanan ang lahat ng nandito sa cafeteria dahil sa sinabi ni Travis. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya dito. Dala na rin niya ang tray na may mga lamang inorder niyang pagkain.

Mukhang nainis si Jay sa sinabi ni Travis at napahiya na naman ito kaya nagwalkout nalang siya kasama ang mga kaibigan niya pero bago pa iyon ay sinamaan niya si Travis ng tingin.

Umupo na si Travis sa tabi ko at inilapag ang tray sa mesa na inuupuan namin. Napansin ko na mas lalo siyang gumagwapo.

“Thanks nga pala sa food.” Nahihiya kong sabi sa kanya.

Ang dami niyang biniling pagkain para sa akin. Mayroong spaghetti, fries, lasagna, carbonara, burger, chicken, nuggets, sundae, at bottomless iced tea. Mukhang patatabain niya ako ah?

“Kainin mo lahat ng ’yan.” Sabi nito habang seryosong nakatingin sa akin.

Kainin ko raw lahat ng binili niyang pagkain? Sa dami nito?

“Seryoso ka? Ang dami nito Travis at teka, hindi ka ba kakain?” Umiling lang ito habang nakapahalumbabang nakatingin sa akin.

“I’m fine kaya dapat kumain ka na.” Dahil gutom na rin ako kaya nag-umpisa na akong kainin ang mga pagkaing binili niya sa akin.

Somehow ay nahihiya rin ako dito kay Travis dahil kahit inamin niya sa aking gusto niya ako at binasted ko siya ay mabait pa rin siya sa akin. Mas mabait pa pala siya kaysa kay Daniel. Hays. Patuloy pa rin ako sa pagkain ko nang napansin ko na kanina pa pala ako tinititigan ni Travis. Nakakaconcious tuloy.

“Napakaswerte ni Jaden sayo. Nakakaselos lang dahil may girlfriend siyang katulad mo. Sayang nga lang at hindi mo ako gusto but I’ll make sure na magiging akin ka rin, Trinity.”

Nagtaka naman ako dahil nagsasalita siya na walang boses na lumalabas sa bibig niya. Napa ‘Hah’ nalang ako pero umiling lang siya at pininch ang ilong ko.

“Wala ’yon, kumain ka na.”

Kahit naweweirduhan ako sa kanya ay nginitian ko siya at itinuloy ko nalang ang pagkain ko.

Chapter 29 - We’re Now at Peace

Trinity’s POV

Lumipas ang dalawang linggo at wala pa rin pagbabago sa buhay ko. Kami pa rin ni Jaden at masayang masaya ako sa tuwing kasama ko siya. Hindi ko pa nasasabi kila kuya at sa parents ko na boyfriend ko na si Jaden at sigurado na ako na siya ang pipiliin kong maging fiancé sa labindalawang lalakeng kasama ko sa TREASURE House.

I discovered that Jaden can rap kasi last night ay sinorpresa niya ako ng isang dinner date sa veranda ng bahay. He performed a rap song tungkol sa kung paano kami nagkakilala. Sobrang napasaya niya ako dahil sa surprise niya. February na rin pala at malapit na akong grumaduate. I’m sure na mamimiss ko ang YGA at pati na rin ang mga friends at naging friends ko don kapag nakagraduate na ako. Kapag nagkaroon na kasi kami ng trabaho ay minsanan nalang kaming magkikita-kita pero ika nga nila, may hangganan ang lahat ng bagay pero walang hangganan ang pagmamahal ko kay Jaden. Naks! Ako na ang sweet na girlfriend.

Weekends ngayon at wala si Jaden dahil may inaasikaso daw ito sa kompanya nila. Mamayang gabi pa siya makakauwi kaya nandito lang ako sa bahay, sa may sala at pumapapak ng strawberries. Yung iba namang kasama ko dito sa bahay ay may mga pinuntahan din. Busyng busy pa rin ako sa pagkain ng strawberries nang pumasok si Arthur na naka t-shirt pero may nakapatong na jersey shirt sa suot niya. Naka jersey shorts rin siya at may hawak na bola na mukhang pagod na pagod at halatang kakatapos lang niyang magbasketball dahil pinagpapawisan siya.

Tuloy tuloy lang siyang naglakad at umupo sa isang single sofa na di kalayuan sa akin. Mukhang hindi rin niya ako napansin dahil busy siya sa pagtetext sa cellphone niya. Nang matapos na siya ay nagulat pa ito nang mapansin niya na ako. Kaagad naman siyang umiwas ng tingin sa akin.

This past few days ay napapansin ko na ilang na sa akin si Arthur at pati na rin si David. Palagi nalang silang umiiwas sa akin.

Tumigil muna ako sa pagkain ng strawberries at kinausap siya. “Arthur, galit ka ba sa akin?” Mukhang nagulat naman siya sa tanong ko.

“H-ha? Hindi ah.” Still ay hindi pa rin siya makatingin sa akin ng diretso.

“Eh bakit parang iniiwasan mo na ako?” Bumuntong-hininga siya sa tanong ko at nagpunas ng pawis gamit ang towel na nakasukbit sa balikat niya.

“Baka kasi magselos yung boyfriend mo kapag nakita niyang malapit kami sayo. Seloso kasi ’yon si Jaden.”

Seloso si Jaden? Kung sabagay ay parang nga dahil nagseselos yata iyon kapag kinakausap ako ni Travis.

“Pero kaibigan naman kita at maiintindihan ’yon ni Jaden. Isa pa, ayoko na umiiwas ka sa akin dahil you’re such a good friend to me,” Napatingin siya sa akin at nginitian ako. He’s handsome talaga.

“S-slamat. Sige, hindi na kita iiwasan,” Natuwa naman ako sa sinabi niya kaya lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

“Thank you, Arthur.” Niyakap niya ako pabalik.

“Uy.. basa ako ng pawis, Trinity.” Basa nga siya ng pawis pero kahit ganon ay ang bango pa rin niya. Wala naman yatang mali dito kay Arthur kasi parang perfect na siya sa lahat. Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya at nginitian siya.

“Basta, thank you. Huwag mo na ulit akong iiwasan ha? Akala ko kasi ay galit ka sa akin.” Ginulo naman niya ang buhok ko.

“Silly! Oo na, hindi na kita iiwasan.”

Someone’s POV

Ilang linggo rin akong nanahimik at pilit pinapakalma ang aking sarili lalo pa’t sina Trinity at Jaden na. Akalain mo nga naman, ang tatahi-tahimik na si Jaden ay sinunggaban agad ang pinakamamahal kong babae. At ito namang si Travis, akala ba niya ay hindi ko alam na nagpaplano sila ni Roxanne na paghiwalayin sina Trinity at Jaden? Tss. Stupid plan!

Sa ngayon ay hahayaan ko muna sila dahil alam ko na magkakagulo rin ang lahat. Malapit ko nang maisagawa ang plano ko at sa oras na mangyari iyon ay sisiguraduhin kong magsasama kami habangbuhay ng aking pinakamamahal na si Trinity. Napakatanga nila, hindi nila alam na ako pala ang malaking balakid sa kanila. Mga tatanga tanga kasi pero hindi ko rin naman sila masisisi dahil magaling akong magtago ng tunay kong pagkatao. Wala rin sa itsura ko na gumawa ng isang krimen. Natatawa nalang ako sa kanila.

Gabi na din at napakalamig ng simoy ng hangin. Nagpunta ako sa terrace at tumingala sa langit. Napakaganda ng buwan at mga bituin, kasing ganda ni Trinity. Kinapa ko ang pisngi ko at basa iyon, hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako. Ganito nalang ba palagi? Na umiiyak ako nang dahil kay Trinity? Ang lapit lang niya sa akin pero hindi ko man lang siya mahagkan at mayakap. Naiisip ko pa lang na nahahalikan at nayayakap siya ni Jaden ay parang sinasaksak ng paulit-ulit ang puso ko. Bakit ba pinaparusahan ako ng Diyos ng ganito? Kami ang unang nagkakilala, nauna niya rin akong mahalin pero bakit na kay Jaden siya? Bakit hindi ako? Tuwing gabi ay palagi ko nalang siyang iniiyakan at hindi niya alam ang sakit na nararamdaman ko. At dahil sawa na akong masaktan ay sila naman ang sasaktan ko.

Humalakhak ako dahil sa naisip ko. “Magbabayad sila! Hahahahaha!”

Napahawak ako sa aking tiyan dahil sa matinding pagtawa at nang maalala ko na naman sina Trinity at Jaden ay napaupo ako sa sahig at sinabunutan ang aking buhok at napahagulgol.

“Magsasama rin tayo ng walang hanggan.. aking mahal na Trinity. Konting panahon nalang at malalaman mo rin kung sino ako..” Muli na naman akong humalakhak at pinunasan ang mga luha ko gamit ang likod ng aking palad.

Nakakapagod umiyak, dapat pala ay maging kalmado lang ako at maging mapagpasensya. Kailangan ay maging normal lang ang mga kilos ko at baka may makakita pa sa akin dito. Malakas pa naman makaramdam ang mga tatanga-tangang iyon. Muli akong tumayo at pinagmasdan ang langit. Sa ilalim ng mga buwan at bituin, iniisip ko na ang mainit naming pagsasalo ni Trinity. Yung oras na aangkinin ko na ang puso’t kaluluwa niya. Kung sabagay ay ginawa ang magandang hubog ng katawan niya para lang sa akin.

Trinity’s POV

7:00pm na and still ay wala pa rin si Jaden. Sobrang aga niya kasing umalis kanina at ngayon ay namimiss ko na siya. Ilang oras pa lang kaming hindi nagkikita ay hinahanap ko na kaagad siya. Hindi yata ako mabubuhay ’pag hindi ko siya nakikita. Bakit ba kasi mahal ko ang yellow head na ’yon? Ay! Hindi na pala siya yellow head kasi black na ang kulay ng buhok niya at mas lalo pa siyang gumwapo dahil don.

Hihintayin ko nalang siya sa labas. Yung mga kaibigan niya kasi ay nakauwi na pero siya ay hindi pa. Lumabas muna ako at pumunta sa garden, gusto ko munang magpahangin. Nang nandoon na ako ay nakita ko si Daniel na nakaupo sa swing.

Sinabi pala sa akin ni Jaden na may banda daw sila noon ni Daniel at pati na rin ng 11 Guys noong highschool pa sila and the name of their band is TREASURE. Sikat daw sila noon sa school nila pero nadisband ang grupo nila dahil sa kanya-kanya nilang mga priorities at hindi rin sila magkakalevel ng year kasi hindi naman sila magkakaedad. They showcasing singing, dancing and rapping in their band before, sayang at hindi ko na sila nakitang magperform together. Bakit kasi mas bata ako kaysa sa kanila? E, di sana ay may pag-asang maging schoolmate ko sila noon dahil sa YGA daw sila nagtapos ng college. Sayang naman!

Mukhang hindi naman ako napapansin ni Daniel hanggang ngayon. Di’ba dapat ay magalit ako sa kanya dahil sinabihan niya akong bitch? Pero bakit hindi ko magawa? Siguro nga ay masyado akong mabait kasi kung galit lang ang paiiralin ko sa puso ko ay hinding-hindi ako magiging masaya. Diyos lang ang pwedeng magalit sa atin ng sobra.

Hinayaan ko nalang si Daniel at papaalis na sana ako nang bigla niya akong tinawag.

“Trinity! Wait!” Napalingon ako sa kanya at tumakbo ito papunta sa akin.

Nang makalapit na siya ay hinarap ko ito. “Bakit?”

Yumuko ito at parang may gustong sabihin. “Uhm.. ano kasi.. s-sorry sa mga masasakit na salitang nasabi ko sayo nung mga nakaraang araw. Hindi ko lang kasi matanggap na b-boyfriend mo na si Jaden dahil gusto kita pero nakapag-isip isip na ako na mali na magalit ako sa inyo. Tama naman yung sinabi mo e, hindi na ako teenager dahil 24 years old na ako at dapat ay naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Sorry if i’m acting like a kid. Hindi niyo naman kasalanan kung mahal ninyo ang isa’t-isa at pinipilit ko lang ang sarili ko sayo. I’m sorry for what I have done Trinity.”

Napangiti ako nang makita ko sa mga mata ni Daniel na concern siya at totoo ang sinasabi niya sa akin. Mabait naman pala siya, siguro ay nasaktan lang rin siya dahil gusto niya ako at naging kami na ni Jaden na kaibigan niya.

“Okay lang ’yon Daniel. Napatawad na kita.” Nabigla ito sa sinabi ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

“Talaga? Pinapatawad mo na ako?” I nodded and smile.

Bigla naman itong napayuko ulit. “Bakit ba madali mo akong napapatawad? Nung una nang hinalikan kita ng biglaan tapos ngayon naman na kung anu-ano pang nasabi ko sayong masasakit na salita. Jaden is so lucky to have you. You’re so extraordinary.” Mas lalo pa akong napangiti dahil sa mga sinabi niya. Nakakaoverwhelmed.

“We made mistakes and nobody is perfect kaya sino ba ako para hindi magpatawad? Kung ang Diyos nga nagpapatawad e, ako pa kaya na tao lang?” Nang sabihin ko iyon ay tinignan ako ni Daniel or should I say tinititigan na naman. Ayan na naman siya sa mga patitig titig niya. Nakakailang.

“You’ll never fail to amuse me, Trinity,” Hinala niya ako at niyakap. I can hear his hearbeat.

“Kahit ngayon lang.. payakap muna dahil alam kong hindi ko na ’to magagawa dahil may Jaden ka na.” Pinabayaan ko nalang siya dahil alam ko na tinatanggap na niya ang relasyon namin ni Jaden. Somehow ay natutuwa rin ako dahil mabuti at naiintindihan niya na kami ni Jaden. He’s nice talaga.

Kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin. “You’re not a bitch. That’s not true.” Napaisip ako.

“Hindi ba’t sabi mo dati na baka tama yung sinabi ni Ben na bitch ako and yes, you didn’t mean it pero bakit niya nasabi ’yon sa akin? Is he mad at me?”

Hindi naman ako pinapansin o kinakausap ni Ben kapag nandito siya sa bahay pero pakiramdam ko na may galit talaga siya o ayaw niya sa akin.

Daniel gave a big sighed. “Kasi Trinity, iniisip ni Ben na nasisira na ang pagkakaibigan naming 13 Guys dahil sayo pero hindi ’yon totoo. Wala ka namang kasalanan don. Hayaan mo nalang siya.”

Sa mga sinabing ’to ni Daniel ay totoo ngang may galit sa akin si Ben pero hindi ko naman intensiyon na sirain ang pagkakaibigan nila. Ayokong mangyari iyon sa kanila.

“Hindi ko naman intensyon na magkasira kayo nang dahil sa akin, Daniel.” He nodded.

“Don’t worry, kakausapin ko siya. Tulong na rin dahil pinatawad mo na ako.” Napangiti naman ako don.

“Ehem,” Napalingon naman kami sa umubo. Hindi namin namalayang nasa harap na namin si Jaden.

Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako mula sa likuran ko not minding Daniel na nakangiti lang habang nakatingin sa amin.

“Huy! Nakakahiya..” Bulong ko kay Jaden pero inignore lang niya ang sinabi ko.

“Anong kailangan mo sa girlfriend ko?” Maangas na tanong ni Jaden kay Daniel. Juskupo! Nagseselos na naman yata ’tong si lalake.

Pinilit kong kumalas mula sa pagkakayakap niya at hinarap siya. “Okay na kami ni Daniel at nagkaayos na rin kami. Nagsorry na siya kaya maayos na ang lahat.” Tumango lang siya.

Nakangiti pa rin sa amin si Daniel.

“Don’t worry Jaden, tanggap ko na ang relasyon niyo pero sa oras na saktan mo siya ay aagawin ko na talaga siya sayo.” Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Jaden dahil sa sinabi ni Daniel pero di kalaunan ay ngumiti na siya.

“Hinding-hindi ’yon mangyayari.”

“Siguraduhin mo lang,” He smirked at pagkatapos ay umalis na rin si Daniel.

Hinarap ko at pinameywangan ang lalakeng nasa harapan ko. “Bakit ngayon ka lang umuwi?” Nang tinignan ko ang itsura niya ay naka white longsleeves polo ito na tinupi ang sleeves hanggang siko niya at naka black pants din. Halata rin sa mukha nito na pagod siya at sa messy niyang buhok.

“Ang dami ko pa kasing inasikaso don sa opisina at ngayon lang ako natapos. Pakiss nga, pampatanggal pagod lang.” Magsasalita na sana ako nang bigla niya agad akong hinalikan. Smack lang.

Namula naman ako dahil sa ginawa niya. Inakbayan niya ako.  “Pasok na tayo sa loob. Gutom na kasi ako at gusto na kitang kainin este gusto ko nang kumain.”

Mas lalo akong namula dahil sa sinabi nito. “Baliw!” At tinawanan lang niya ako.

– Nakakapagod magtype huhu. Vomment po :)

Chapter 30 - Truth or Dare

Chae’s POV

Sa wakas at nagkaboyfriend na rin ang bestfriend kong si Trinity. Yung nagligtas pa sa kanya na si Jaden ang naging boyfriend niya. Botong boto talaga ako don kaysa sa Daniel na ’yon. Nung time kasi na hinatid niya si Trinity sa room nito ay parang naiinis pa siya nang dumating kami nila Bonnie. Mabuti nalang talaga at kay Jaden napunta si Trinity.

Dahil birthday ko ngayon ay inimbitahan ko ang mga kaibigan ko including Trinity at pati na rin ang 13 Guys dito sa bahay namin. Simpleng inuman, kwentuhan at kainan lang naman ang mangyayari dito. Katulong ko ang boyfriend kong si Leo sa pag-aayos at paghahanda ng pagkain habang sina Bonnie at Micca naman ay magkatulong na nililinis ang bahay ko. Wala pa si Jerome dahil may inaasikaso lang daw ito pero hahabol naman daw siya. Si Leo na ang gumastos sa lahat dahil mayaman naman siya at nag-insist ito. Sabi pa niya ay masusurprise daw ako sa gift niya. Ano naman kaya iyon? May regalo rin sa akin yung dalawa pero mamaya nalang daw nila ibibigay.

Pagkatapos namin maayos ang lahat ay umakyat na sina Bonnie at Micca sa kwarto ko para makapag-ayos na sila ng kanilang mga sarili para mamaya. In short, magpapaganda para sa mga crush nila sa 13 Guys habang kami naman ni Leo ay magkayakap sa couch at hinahalikan nito ang leeg ko.

“Stop it Leozon! Baka may makakita sa atin..” Suway ko dito. He just smirk at tumigil na rin siya.

“Did you know that Travis is my friend?” Nagulat ako sa sinabi niya.

“Really? Eh bakit parang hindi naman kayo nagpapansinan nung pumunta tayo sa bahay nila?” Hindi kasi talaga sila nag-iimikan that time kaya nakakagulat na magkaibigan pala sila.

“Sabi kasi niya na kapag nagkita kami at kaharap namin kayo e, ’wag daw kaming magpansinan edi ginawa ko ang gusto niya although its weird.” Ano ’yon? Kinakahiya ba ng Travis na yun na kaibigan niya ang milyonaryong si Leo?

“Hayaan mo na, magsaya nalang tayo ngayong birthday mo,” At muli na naman niya akong hinalikan.

“Kunwari wala nalang kaming nakita.” Napakalas kami ni Leo dahil nakita lang naman kami nila Bonnie at Micca na naghahalikan. Bihis na bihis na ’yong dalawa at halatang mga nagpaganda talaga sa mga crush nila.

“Hindi ka pa nasanay sa dalawang iyan, Bonnie.” Pangangantiyaw ni Micca.

Napailing na nangiti nalang si Leo habang ako naman ay napayuko dahil sa hiya. Nag ayos na rin ako ng sarili ko at ganon rin si Leo. Pagkatapos namin ay may narinig kaming nagdoorbell kaya nagpunta na ako sa may gate.

Pagkabukas ko ng gate ay bumungad sa akin ang magandang si Trinity at ang mga guys na kasama niya sa iisang bahay. What the? Bakit ang gagwapo nilang lahat? Lalo na ang maangas na Daniel na ’to. Teka! Bakit ba nasama siya sa usapan na ’to? Erase! Erase!

“Happy Birthday Bessy!” Bati ni Trinity at bineso ako. May dala rin siyang paperbags.

“Salamat Trins, mabuti at nakarating kayo,” Sabi ko.

“Siyempre naman. Hindi ako papayag na hindi kami makapunta dito, right guys?” Tanong pa ni Trinity sa mga guys.

“Yeah.” Sagot naman nila. Wow ha? Napapasunod sila ni Trinity? Hmm.

“Happy Birthday nga pala,” Bati sa akin ng katabi lang ni Trinity na si Jaden, ang boyfriend niya.

“Salamat. Kapag ikaw e, pinaiyak mo ang bestfriend ko talagang malilintikan ka sa amin.” Pagbabanta ko sa kanya. Mahirap na at baka masaktan niya ang bestfriend ko.

“I promise na hindi ko sasaktan si Trinity.” Sabi nito at nakikita ko naman na sincere siya sa mga sinasabi niya.

“Good.”

Binati rin ako ng ibang 13 guys at pinapasok ko na sila sa loob ng bahay. Wala sina mom at dad dahil may business trip sila sa Bangkok. Nag-iisa lang rin akong anak kaya mabuti nalang at may boyfriend at kaibigan akong kasama sa pagcecelebrate ng birthday ko and i’m very lucky to have a friends like them. Sa garden namin naisipan magcelebrate. Nakalatag na sa damuhan ang mga blanket na may mga pagkain at inumin namin. Nagtabi kaming apat na girls habang yung mga lalake naman ay nagtabi at si Leo ay tumabi nalang sa akin.

“Bakit wala pa si Jerome?” Tanong ni Trinity.

“Nagtext na sa akin si Jerome, nasa labas na daw siya ng gate nila Chae. Puntahan ko lang.” Sabi ni Leo at umalis na ito.

Nang tinignan ko ang 13 Guys ay hindi sila kumpleto. Wala yung gwapong matangkad, yung mukhang model pero baka busy lang. Tinignan ko sila isa-isa at grabe lang! Nung umulan yata ng kagwapuhan ay nasalo na nilang lahat. Para silang mga Supermodels dahil ang tatangkad rin nila. Sila na!

Ang tahimk nitong sina Bonnie at Micca ah? Nakapagtataka lang dahil sila ang bida ng kaingayan. Ah, kaya naman pala! Kaharap nila ang mga crush nila sa 13 Guys. Kung sa bagay ay ang gagwapo ng mga crush nila lalo na ’tong si David na crush ni Bonnie. Nakabalik na rin si Leo kasama ang gwapong koreanong si Jerome. May dala rin siyang paperbag na sa tingin ko ay may lamang regalo para sa akin.

“Happy Birthday.” Bati ni Jerome sa akin at umupo sa tabi ni Trinity. Lahat kami bale ay naka indian seat. Gabi na rin at kitang-kita ang buwan at mga bituin sa labas.

“Salamat, Jerome.” Ngumiti lang siya at bumaling na kay Trinity at kinausap ito. Nasa gitna pa siya nila Jerome at Jaden. Halata naman dito kay Jaden na nagseselos siya kay Jerome. May dapat naman siyang pagselosan dahil hanggang ngayon ay mahal pa rin ni Jerome si Trinity.

Napansin ko rin ang mga masasamang titig nila Sam at Kyle kay Jerome. Hala. Bakit kaya?

“Okay! Dahil birthday ni Chae ay kakantahan natin siya ng Happy Birthday!” Panimula ni Bonnie at kinantahan na nga nila ako ng HBD song pagkatapos ay binigay na nila ang mga regalo nila sa akin. Pati ang mga guys ay may regalo rin pala sa akin kaya nagpasalamat ako sa kanila. Ang dami ko tuloy gifts.

Nagsimula na kaming kumain at mag-inuman. Uber pala sa kasweetan ’tong sina Trinity at Jaden. Nagsusubuan pa habang nakaakbay sila sa isa’t-isa. Halata ang pagkabitter nitong si Jerome at ang ibang guys. Hay nako.

“Maglalaro tayo. Ang tawag sa game na ’to ay Truth or Dare. Kapag natapatan kayo ng empty bottle na hawak ko ay pipili kayo kung Truth o Dare and as usual, yung natapatan ang magtatanong sa inyo. Game?” Sabi ni Micca na may hawak na boteng wala nang laman.

Dahil bored rin kami ay tumango nalang kami sa game niya.

Pinaikot na ni Micca ang bote at unang tumapat ito kay John. Ow! Sa crush pa ni Micca unang tumapat. Haha.

“Truth. Wooohhh!” Sagot ni John at pumalakpak na kanina pa alive na alive.

Napayuko pa si Micca dahil nahihiya siguro. Mygahd! “A-ano, may girlfriend ka na ba?”

fft. What the heck is that? Gusto yatang mag-apply nang babae na’to na girlfriend ni John.

Halata ang pagpipigil ng tawa ng mga kasama ko dito. Obvious na kasi si Micca na interesado siya kay John.

“Wala pa.” Sabi ni John na ikinangiti ni Micca. Si John naman ang nagpaikot ng bote na tumapat kay Justin.

“Truth.” Sagot ni Justin at inirapan si John na may nakakalokong ngiti sa kanya.

“Sino ang pinaka kinaiinisan mong tao?”

“Sino pa ba? Eh di ikaw, Juan Alfonso.”

“Juan Alfonso? Ayon ba ang totoong pangalan ni John?” Natatawang sabi ni Trinity.

“Hahaha yes.” Sagot ni Justin kaya lahat kami ay nagtawanan. Juan Alfonso pala ang totoong pangalan ni John. Makaluma lang!

Nagpout nalang si John dahil pinagtatawanan namin ang totoong pangalan niya. Siguro ay aso’t-pusa din itong sina John at Justin kasi parang inis si Justin kay John na mahilig mangulit pero nakakatuwa naman sila. Pinaikot na ni Justin ang bote at tumapat naman ’to kay Travis. Ngayon ko lang napansin na kanina pa siya tahimik at hindi talaga sila nag-iimikan ni Leo.

“Dare for a change,” Sabi nito sabay crossarms.

Justin smirk at him. “Kiss Trinity on her cheek.” Lahat kami ay nanlaki ang mga mata dahil sa sinabi niya.

Magpoprotesta na sana si Trinity nang lumapit sa kanya si Travis at hinalikan siya nito sa pisngi. Nagulat si Trinity sa ginawa nito at si Jaden naman ay hindi makapagsalita. Maging kami ay nagulat rin.

Ano bang trip nitong si Justin at ’yon pa ang pinagawa? Pinag-aaway ba niya sina Travis at Jaden? Pagkatapos ay bumalik na si Travis sa pwesto niya at napansin nito na natahimik kaming lahat.

“Hey? It’s just a game. No malice at all.”

“Travis is right. Jaden, don’t be mad at him. Dare lang ’yon.” Sabi naman ni Justin.

Nanatili pa ring walang imik si Jaden at si Trinity naman ay tinititigan siya na may halong pag-aalala.

“Oo nga, game lang ’yon. Travis, ipaikot mo na yung bote,” Pag-imik bigla ni Mason kaya bigla nang umingay.

Nakita ko pa ang sikretong pagngisi ni Travis at pinaikot na nito ang bote. Teka? Ano iyon?

Huminto ang bote at sa kamalas malasan ay tumapat pa kay Trinity. Tumingin muna si Trinity kay Jaden at hinawakan ang kamay nito bago sumagot kay Travis.

Tumingin naman si Travis kay Jaden saka muling bumaling kay Trinity. Ako lang ba ang nakakaramdam na parang may tensyon na nagaganap sa kanilang dalawa? O nagkakamali lang ako?

“I said that I like you before, right? Kung hindi mo ba unang nakilala si Jaden ay posibleng magustuhan mo ako?”

Kanina ay nanlaki ang mga mata namin dahil sa dare ni Justin, ngayon naman ay halos lumuwa na ang mga mata namin dahil naman sa tanong ni Travis. Pati sila Leo, Bonnie, Micca at pati na rin ang guys ay nabigla sa sinabi nito.

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Jaden na hindi nila napansin at umiwas ito ng tingin. Si Trinity naman ay parang hindi na alam kung ano ang sasabihin.

Travis suddenly chuckled. “Wag niyo naman sineseryoso ang tanong ko. Tanggap ko naman ang relasyon nila Trinity at Jaden, gusto ko lang malaman ang sagot and this is only a game, okay? And Jaden, I didn’t mean to offend you pero kung naoffend ka man ay hindi ko na pasasagutin kay Trinity ang tanong ko.” Sabi nito kay Jaden. Bumuntong hininga nalang ito pero halata namang nagagalit na siya.

“Sagutin mo na ang tanong niya, Trinity.”

“S-sigurado ka?” Tanong ni Trinity. Jaden nodded at nginitian siya.

Tinignan na muli ni Trinity si Travis at sinagot na ang tanong nito. “Alam mo Travis, ang masasagot ko lang sa tanong mo ay kahit naman malaman ko na gusto mo ako at kahit hindi ko pa makilala si Jaden ay magugustuhan naman talaga kita. You’re nice, handsome and careable person pero siguro hanggang pagkakaibigan lang ang maibibigay ko sayo. I treasure you because you’re my friend. Wala kasing makakatalo na kahit sinuman ang nararamdaman ko para kay Jaden kahit hindi pa man kami magkita because only God knows who’s my heart with.” Namangha naman kaming lahat sa sinabi ni Trinity.

Napangiti naman si Jaden dahil sa sinabi nito at si Travis naman ay tumango nalang. Oh, ano ka ngayon?

“Ayieee! Ang cheesy..” Sigaw ni Bonnie.

Napuno na ng kantyawan dahil sa sinagot ni Trinity. Talagang mahal niya si Jaden at nakalimutan na niya ang kababata/first love niya na si Jojo. Naikwento lang rin niya sa amin ang kababata niyang iyon. Nangako daw ang Jojo na ’yon na babalikan si Trinity pero hindi naman natupad kaya tama lang na naka move-on na siya at si Jaden na ang mahal niya.

Turn na ni Trinity na ipaikot ang bote at tumapat kay Jerome na kanina pa tahimik at walang imik. Kung sa bagay ay tahimik lang naman talaga siya.

“Truth.” Sagot ni Jerome at tumitig kay Trinity.

Kumunot ang noo ni Trinity at bumuntong hininga na bumaling kay Jerome. “Is it true na bully ka Jerome?” Tumaas ang kilay ni Jerome dahil sa tanong ni Trinity. Maging kami ay nagtaka sa tanong nito. Bully si Jerome? Sa tahimik at bait niyang ’yan?

“Me? Bully? Of course not! Sino ba ang nagsabi sayo niyan?” Idk pero parang natetense na siya pero hindi lang niya pinapahalata. When I look at Sam and Kyle again ay parang hindi sila naniniwala sa sinabi ni Jerome. May issues kaya silang tatlo?

Trinity shrugged. “N-nevermind. Just spin the bottle.” Jerome look again at Trinity na parang malalim ang iniisip at pinaikot na ang bote. Huminto ito at tumapat kay Leo.

“Dare. Puro nalang kayo Truth e.” Sabi nito kaya nagtawanan kaming lahat.

“French kiss nga kayo ni Chae ng 1 minute.” Nakangising sabi ni Jerome.

Magrereklamo na sana ako nang bigla akong kabigin ni Leo at hinalikan. I returned him a favor. Sanay naman kami sa ganito at sa apat na taon naming relasyon ay ilang beses na din may nangyari sa amin. I can say that Leo is a sexual person, hindi yata siya mabubuhay ng wala kaming sexual attachment. After 1 minute ay napakalas na rin kami at parehong hinihingal.

“Grabe! Parang nanonood lang kami ng bed scene,” John said with amusement on his face.

“Oh my virgin eyes!” Bonnie na nagtakip pa ng mga mata niya. Adik talaga!

Nang makarecover na sila sa nakita nila at pati ako na namumula na sa sobrang hiya ay pinaikot na ni Leo ang bote. Tumapat na naman ulit ’to kay Trinity. Nagpout pa ito pero hindi niya alam na mas nakakaturn on pa iyon sa mga guys dahil sa ginawa niya. Such an innocent girl. She doesn’t know how beautiful she is in any facial expressions.

“Bakit ako na naman?” Leo laughed.

“Mukhang paborito ka ng bote ah? Anyway, ano? Truth or Dare?”

Trinity still pouting. “Hmp. Truth nalang ulit. Baka kung ano pa ang ipagawa mo sa akin, Mr. Rich kid.” At mas lalo lang natawa si Leo dahil sa sinagot ni Trinity sa kanya. Binatukan ko nga kaya tumigil na ito.

Sumulyap muna si Leo kay Jerome bago ulit tumingin kay Trinity. “Who’s your first crush?” What the heck? Anong klaseng tanong yun? Malamang si Jaden!

Parang nabigla pa si Trinity sa tanong ni Leo pero yumuko ito at pinaglaruan ang mga daliri niya. “To tell you honestly.. S-si Kevin..” Lahat kami ay nagulat at napalingon kay Basty na mukha ring hindi makapaniwala sa sinabi ni Trinity.

“Nung hindi pa ako nakatira sa bahay ng 13 guys, I met Kevin at the mall. We became friends at nung una ay nagkacrush ako sa kanya because he’s handsome and kind but when I live in TREASURE House ay nawala kaagad ang pagkacrush ko sa kanya nang makilala ko si Jaden.” Nanatili pa rin kaming tahimik at hindi alam ang sasabihin. Si Kevin pala ang first crush ni Trinity. Kung sa bagay, gwapo at cute rin siya at masasabi ko na he’s charismatic guy.

Kevin smiled bitterly and I can see the pain in his eyes. “Yes. We met 1 month ago. Sorry kung hindi ko nasabi na kilala ko na talaga si Trinity noon pa.” We all nodded and still shock pa rin.

Biglang hinila ni Jaden si Trinity kaya napatayo sila. “We’re going home. Let’s go Trinity.” Nagtaka si Trinity sa inaasal ni Jaden. Magpoprotesta pa sana siya nang tuluyan na siyang hinigit nito hanggang sa makaalis na sila.

Hahaha. Mukhang alam ko na ang dahilan. Selosong Jaden!

Chapter 31 - His Plan

Trinity’s POV

Breaktime namin ngayon at nandito ako sa canteen kasama sila Chae, Bonnie at Micca. After nung birthday ni Chae ay pinukol na ako ng tanong ng mga babaeng ’to sa mga nalaman nila kagabi. Kesyo tama daw sila ng hinala na gusto ako ng ibang 13 guys. Parang kapatid na nga ang turing ko sa kanila e. Tinanong rin nila ako kung bakit ko tinanong kung bully ba si Jerome. Ang dami kasing taga YGA ang nagsasabi sa akin na nakikita daw nila si Jerome na may pinagtitripan o pinapahirapang tao. Hindi naman ako naniniwala dahil sa tagal na naming magbestfriend ay napakabait niya pati na rin sa iba. Nacurious lang siguro ako kaya natanong ko ang bagay na iyon at naniniwala rin ako sa sinabi niya na hindi ’yon totoo. Nung gabi rin na nauna kaming umuwi ni Jaden ay sinabi nito sa akin na nagselos daw siya dahil sa first crush ko si Kevin. Natawa naman ako at kinurot ang pisngi niya. Sinabi ko na crush lang ’yon. Past is past at siya ang mahal ko kaya huminahon rin siya. Nainis rin daw siya nung hinalikan ako ni Travis sa pisngi. Dare lang naman iyon at walang malisya para sa akin. Alam ko rin na gusto ako ni Travis pero tanggap naman niya na kami na ni Jaden.

Pagkatapos ng breaktime namin ay naghiwa-hiwalay na rin kami ng landas ng mga kaibigan ko at papunta na sa kanya kanya naming mga klase. Naglalakad ako sa corridor nang makasalubong ko si Eugene. Napansin naman niya ako. Siya ang nakababatang kapatid ni ate Vanessa na asawa ni kuya Troy. We are at the same age.

“Trins! Ikaw pala,” Sabi nito at lumapit sa akin.

“Ano nga pa lang ginagawa mo dito?” Napansin ko na may hawak siyang folder at ipinakita sa akin.

“Idadaan ko lang ’to sa office nila Sir Francis. Ikaw ba papasok ka na sa next class mo?” I nodded.

“Oo. May 10 minutes pa naman bago ang klase ko.” Sabay tingin ko sa suot kong relo.

“Yieee! Si Eugene oh! Ang gwapo talaga!”

“Tama! Hottie patootie pa!”

Natawa naman ako sa mga sinasabi ng mga estudyanteng babae na nandito rin sa corridor. Talaga naman kasing gwapo si Eugene. Pretty boy type na katulad nila Arthur at John.

“Yung mga admirers mo oh? Kinikilig sayo!” Pang-aasar ko. Nagkamot na lang siya ng batok at nginitian yung mga babaeng kanina pa siya tinitignan. Kinilig naman ang mga girls sa ginawa ni Eugene.

“Kumusta ka na? Okay ka na ba? Pasensya ka na kung hindi kita nadalaw nung nasa ospital ka. Masyado kasing maraming pinapagawa si ate Van tungkol sa pagmamanage ng business namin na wala naman akong kaalam-alam don,” Natawa ulit ako sa itsura niya. Nakapout pa siya na parang naiinis.

“I’m fine saka naiintindihan ko naman e. Sundin mo nalang ang ate mo.” He nodded and smile.

“Salamat. Hindi ko talaga alam kung bakit ginawan ka ng masama ni GD. You’re kind kaya dapat ay hindi ka sinasaktan.” Napahinto ako dahil sa sinabi niya. Naaalala ko na naman na muntik na akong marape ni GD. He said that he likes me kaya umiyak siya sa harap ko begging for my love. Pero hindi ko siya kayang mahalin dahil si Jaden ang mahal ko. I hope na mahanap niya ang tunay na magmamahal sa kanya at sana ay okay lang siya sa amerika. Some part of me saying that he’s kind pero parang hindi rin. Ang gulo ko no?

“Ganon talaga. Kailangan nalang sigurong makalimot..” Ginulo naman ni Eugene ang buhok ko.

“Ang bait mo talaga. Ah basta mag-iingat ka palagi pati don sa bahay ng 13 Guys, baka may gawin na kung ano ang mga ’yon sayo. Balita ko nga pala na boyfriend mo na yung isang lalake sa 13 guys na nagligtas sayo mula kay GD.” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

“P-paano mo nalaman?” He smirk nang makita niya ang reaksyon ko.

“Ate Van told me, alam na rin yata ng kuya mo pati sina mommy at tita.”

“P-paano naman nila nalaman ’yon?” Hindi ko pa nasasabi sa pamilya ko ang tungkol sa relasyon namin ni Jiho.

Nagkibit-balikat lang siya. “Hindi ko rin alam. Basta sinabi lang sa akin ’yon. Sige Trins, ibibigay ko na ’tong folder kay Sir. See you nalang!” Marahan niyang tinapik ang balikat ko kaya tumango nalang ako hanggang sa makaalis na siya.

Napaisip ako, sinabi kaya ng mga kaibigan ko o ng mga kasama ko sa TREASURE House na kami na ni Jaden? O baka naman sinabi na ng parents ni Jaden? Posible rin dahil business partners pala nila mommy ang parents ni Jaden. Boto naman kaya sila sa relasyon namin?

Maglalakad na sana ako nang dumaan sa harap ko si Theo. Madilim ang aura ng mukha niya at parang galit na galit. Nang mapansin niya ako ay tinignan niya ako kaya bigla akong kinabahan.

“Pakisabi sa kaibigan mo na ’wag niyang pinapakita sa akin na nanlalalake siya kundi pahihirapan ko silang dalawa.” Malalim ang boses nito pero mas nakakatakot pa dahil para siyang nagbabanta. Pagkatapos niyang sabihin ’yon ay umalis na siya.

Sinong kaibigan ko ba ang tinutukoy niya? Hindi kaya si..

David’s POV

Isinabak na ang 12 Guys sa business industry kaya magiging busy na rin sila katulad ko dahil may mga trabaho na sila. At dahil don ay mag-isa lang ako dito sa bahay at naggigitara sa loob ng kwarto ko. Kung may maipagmamalaki man akong talent yun ay ang pagkanta. Since I was a child ay hilig ko na talaga ang kumanta. Kumakanta rin ako minsan sa gig kapag natripan ko at main vocalist ako ng TREASURE nung highschool pa lang kami. Day off ko din sa trabaho ko bilang nurse sa ospital na pagmamay-ari ng mga magulang ko. Suddenly, namiss ko si mama. Kung buhay pa siguro siya ay proud na proud ’yon sa akin. Sayang lang at hindi ko na maihaharap sa kanya ang babaeng gusto kong makasama habangbuhay.

Nang makaramdam ako ng uhaw ay bumaba ako mula sa kwarto ko at nagpuntang kusina para uminom ng tubig. Nang marating ko ang kusina ay binuksan ko ang ref at kinuha ang pitsel na may lamang tubig at isinalin sa baso at ininom ito. Habang umiinom ako ay may napansin akong papel mula sa basurahan malapit sa ref. Lumapit ako at kinuha ang papel saka binasa ang nakasulat.

“Benzodiazepines, Valium, Ativan, Xanax, Buspirone and Neurotin?” Napansin ko na reseta pala ito at dahil isa akong nurse ay alam ko kung anong klaseng mga gamot ang nakasulat dito at ang mga umiinom lang ng mga ganitong klaseng gamot ay ang mga taong may mental disorder, depressive at may mental health issues. Sa maikling salita ay mga baliw o wala na sa pag-iisip. Pero kanino naman galing ’to? May baliw ba sa bahay na’to?

Dumaan sa harap ko si Manang Ising na may dalang basket ng mga labahin kaya tinawag ko siya.

“Manang Ising!” Napansin naman niya ako kaya lumapit siya sa akin.

“Bakit ho, Sir David?”

Pinakita ko sa kanya ang resetang hawak ko. “Alam niyo po ba kung kanino galing ’to?”

Kumunot ang noo nito sabay iling. “Reseta ba iyan hijo? Hindi ko alam kung kanino galing iyan. Lalong hindi naman sa akin iyan dahil matagal na akong hindi nakakapagpacheck-up sa ospital. Ano ba ang mayroon sa papel na iyan?”

Umiling naman ako. “Wala po. Natanong ko lang po.”

Tumango naman ito. “Oh siya sige, kung may kailangan ka ay tawagin mo lang ako ha?”

“Sige po.” Ngumiti siya at umalis na rin.

Napatitig ako sa hawak kong reseta at nag-isip. Posible kaya na isa sa mga kaibigan ko ang may-ari nito? Hindi na ako magtataka kung isa sa kanila ang may-ari nito dahil halos lahat sila ay kakaiba ang mga kinikilos. Para ngang hindi normal ang mga pag-iisip nila. Kung sinuman siya ay ang galing niyang magtago ng totoong pagkatao niya dahil halos hindi napapansin ang kakaibang ikinikilos niya. Dapat pala ay mag-ingat ako sa bahay na ’to dahil may isa akong psycho na kaibigan.

Inilagay ko sa bulsa ng pantalon ko ang papel na reseta at nagtungo sa may favorite spot naming magkakaibigan, ang sala/living room. Umupo ako sa couch at sumandal don.

“Kung sino ka mang baliw ka, best actor ka sa galing mong magpanggap na normal na tao sa harap namin..” And I laughed so hard.

Bilib ako kung sino man siya.

Roxanne’s POV

Napag-usapan namin ni Travis na magkita sa restaurant kung saan kami unang nagkita. Napagdesisyunan ko nang magback-out na sa pinaplano namin para paghiwalayin sina Jaden at Trinity. I still love Jaden pero dahil alam ko naman na hindi niya ako kayang mahalin at nakikita ko kung gaano niya kamahal si Trinity kaya mas mabuti pang magparaya nalang ako. Pinag-isipan ko ’tong mabuti at ito ang nakikita kong tamang paraan para makapag move-on na ako. I’m not that bad para kunin pa si Jaden sa taong mahal niya. Masakit man pero kailangan ko ’tong tanggapin. Sana makumbinsi ko rin si Travis na ’wag na niyang ituloy ang binabalak niya.

I was still waiting for Travis nang makita ko siyang papasok na sa loob ng restaurant. Napatitig ako sa kanya dahil ang gwapo niya wearing a business attire that suits him. He’s also the tallest in his friends. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko dahil nakikita ko siya. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Nang makalapit na siya sa akin ay umupo ito sa upuan na katapat ko. Why is he so handsome? Napakaswerte naman talaga ng Trinity na ’yon dahil baliw na baliw sa kanya ang lalakeng nasa harapan ko.

“Ganon na ba talaga ako kagwapo para titigan mo ng ganyan?” He smirk kaya napaiwas tuloy ako ng tingin.

“What’s with that outfit, Travis?” Mataray kong tanong changing the atmosphere.

Ininom niya muna ang kapeng inorder ko para sa amin bago siya nagsalita. “Sinabak na kami sa business industry kaya magiging busy na kami and your cousin Ben wants to leave his modeling career para magtrabaho na sa kompanya nila.” Napatango nalang ako.

Ano bang paki ko kay Ben? Eh ang sama kaya ng ugali non pagdating sa aming mga pinsan niya. Mabait lang siya sa mga kamag-anak naming matatanda na. Ang hirap niyang pakisamahan. Swear!

Tumikhim muna ako bago nagsalita. “Magbaback-out na ako sa plano natin,”

Mukha namang hindi na siya nagulat sa sinabi ko instead ay ngumiti lang siya. “Expected ko naman na aayaw ka na sa plano natin and if that’s what you want then go.”

“Itutuloy mo pa ba ang plano mong paghiwalayin sila?” He nodded.

Ohghad! Gusto talaga niyang agawin si Trinity mula kay Jaden.

“If you love Trinity please set her free, Travis.” Then he laughed so loud kaya nagtinginan sa kanya yung mga taong nandito sa restaurant. Ang mga babaeng costumer naman ay halos tunawin na si Travis dahil sa mga titig nila. Grr. Ang sarap tusukin ng mga mata!

“Bakit ko naman gagawin,’yon? Mahal ko si Trinity kaya gagawin ko ang lahat para maging akin siya! Kung ikaw sinuko mo na kaagad si Jaden pwes ako hindi ko isusuko si Trinity dahil sa akin lang siya!” He almost shouting kaya nakaw atensyon na kami.

He’s crazily in love. What happened to Travis? He’s not like this.

“Nababaliw ka na ba? Hindi naman sayo si Trinity kaya itigil mo na ang pinaplano mo!” Lumapit siya sa akin at biglang hinawakan ng mahigpit ang braso ko. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng takot sa kanya at hindi iniinda ang sakit ng braso ko dahil sa mahigpit niyang hawak.

“Wag mo akong pakialamanan Roxanne! Subukan mo lang magsumbong sa gagong iyon kundi papatayin kita!” Marahas niyang binitawan ang braso kong namumula na at lumabas na ng restaurant.

Nag-umpisa nang tumulo ang mga luha ko. Baliw na si Travis, wala na siya sa tamang pag-iisip. Natatakot ako dahil may posibilidad nga na kaya niya akong patayin sa oras na magsumbong ako kay Jaden tungkol sa binabalak niya. Ganon na ba talaga niya kamahal si Trinity para mabaliw siya ng ganito?

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak hanggang sa may nag-abot ng panyo sa harap ko. Dahil nakaupo ako ay tumingala ako para tignan kung sinuman ’yon and it was Jun.

Kinuha ko ang panyo niya at pinunas sa mga luha ko. “What are you doing here?” Tanong ko.

He lean on me at sa hindi inaasahan ay niyakap niya ako. I miss his hug. “Don’t worry, I’m here.. my ex-girlfriend.”

Travis’ POV

Umalis na ako sa restaurant dahil pinainit ni Roxanne ang ulo ko. Napakabobo niyang babae, masyado niyang pinapairal ang katangahan niya. Hindi na rin ako nagulat nung nagback out na siya sa plano namin. Hindi ko na rin kailangan ng tulong niya dahil kaya kong maisakatuparan ang plano ko ng ako lang mag-isa. Nagdrive ako papunta sa kompanya ng mga Hernandez. Napangiti ako dahil sa naiisip kong plano. I will make up a story at dahil magaling akong umarte ay alam ko na mapapaniwala ko sila sa mga kasinungalingang sasabihin ko. Nang makarating na ako sa kompanya ng mga Hernandez ay nag elevator lang ako papunta sa office ni Mrs. Isabella Hernandez. Tinanong ko ang isa sa mga secretary nila kung nandiyan ba siya at salamat naman dahil nandon daw ito sa office at kausap ang pinsan ni Trinity na si Mikael. Pinapasok na ako ng secretary nito sa loob ng office.

Pagkapasok ko ay nakita ko silang nakatayo at nag-uusap. Kahit na matanda na ang mommy ni Trinity ay hindi maipagkakaila na magandang babae ito nung kabataan pa niya. Si Mikael ay alam kong katulong ni Mrs. Isabella sa pagpapatakbo ng kompanya nito. Nang mapansin nila ako ay tila nagulat pa sila. Lumapit sina Mrs. Isabella at Mikael sa akin at inaya akong maupo. They already know me dahil nakikita nila ako na palaging kasama ang mga magulang ko sa inaattendan nilang mga business matters at magkakaibigan rin sila.

“Travis, what brought you here?” Nakangiting tanong ni Mrs. Isabella sa akin.

Kung may biggest advantage man ako kay Jaden, ayon ay mas close ko ang mommy at pinsan ni Trinity at alam ko na may tiwala sila sa akin.

Pinalungkot ko ang mukha ko at yumuko kaya napatigil sila. “Alam niyo po ba na boyfriend ni Trinity si Jaden na anak nila Mr. and Mrs. Ayuna?”

“Yeah. Sinabi na nila Marcus at Ydea. Why?” Sabi ni Mrs. Hernandez na worried pa ring nakatingin sa akin.

Bumuntong hininga ako bago sumagot. “K-kasi po tita Isabella at Mikael, ang totoo po niyan ay.. pinipilit lang talaga ni Jaden ang relasyon nila ni Trinity,” Bakas naman sa mga mukha nila ang pagkagulat sa sinabi ko.

“Totoo ba ’yan Travis?” Tanong naman ni Mikael na hindi makapaniwala.

“Yes, Mikael. Hindi naman mahal ni Trinity si Jaden. Napilitan lang si Trinity na maging boyfriend si Jaden dahil sa utang na loob nito na niligtas siya mula sa anak ni Mr. Buenavista at sinabi rin ni Jaden na kapag hindi pumayag si Trinity sa gusto niya ay guguluhin niya si Trinity,”

Tumaas ang sulok ng labi ko dahil nakikita ko na napapaniwala ko sila sa mga kasinungalingan ko. Naging galit ang mga itsura nila.

“Papaano mo nalaman ang lahat ng ’to?” Tanong ni Mikael na napakuyom na ang kamao. Siguro ay apektado siya dahil pinsan niya ang involve dito.

Yumuko ulit ako at tumingin sa sahig. “Narinig ko lang iyon na pinag-uusapan nila Trinity at Jaden sa bahay.” Pagsisinungaling ko pa.

Napatayo si Mrs. Hernandez at napahawi pa ito sa buhok niya. “Mikael, kailangan na hiwalayan ni Trinity ang anak nila Marcus at Ydea. Hindi ko akalain na ganong klaseng tao pala ang naging nobyo ni Trinity,”

Mikael just nodded. “Right tita. Hindi tayo makakapayag na siya ang mapangasawa ni Trinity. Mas mabuti pa na si Travis nalang ang mapangasawa niya kaysa sa Jaden na ’yon! Pinipilit niya si Trinity sa ayaw nito.”

Natutuwa ako sa mga naririnig ko sa kanila. Tama nga ang ginawa kong plano na sirain ang imahe ni Jaden sa pamilya ni Trinity at mas natutuwa pa ako sa narinig ko mula kay Mikael na ako nalang ang dapat pakasalan ni Trinity. Mukhang umaayon sa akin ang kapalaran.

“Travis?” Tawag ni Mrs. Hernandez sa akin kaya napatayo ako mula sa pagkakaupo ko.

“Yes, tita?” Lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawang balikat ko.

“Gawin mo ang lahat para maghiwalay si Trinity at ang lalakeng ’yon. We want you for my daughter.” Napangiti naman ako dahil don.

“I will, tita.”

This is the best plan I’ve ever made.

Chapter 32 - Usapang Lalake sa Lalake

Jaden’s POV

Kakatapos lang ng trabaho ko sa kompanya namin at maihatid si Trinity sa YGA. Nandito ako sa bahay at hinihintay ang pag-uwi ni Ben. Alam kong ayaw niya kay Trinity at gusto ko siyang makausap tungkol don.

Inaabangan ko si Ben dito sa tapat ng kwarto niya. Ilang minuto lang ay nakita ko na papunta na siya dito na may nakasukbit na backpack sa balikat niya. Naka t-shirt siyang puti at jeans. Halata naman na mukhang pagod na pagod rin siya.

Nagtaka pa ito nang makita niya ako sa tapat ng kwarto niya at tinaasan ako ng kilay. “Anong ginagawa mo diyan?”

Umayos ako ng tayo mula sa pagkakasandal ko sa pintuan ng kwarto niya at hinarap siya. “Mag-usap nga tayo.” He cross his arms and smirk afterwards.

“Mukhang alam ko na ang pag-uusapan natin,” I smirked too.

“Didiretsuhin na kita Ben, ano bang problema mo kay Trinity?” Kumunot ang noo niya dahil sa tanong ko pero di pa rin nawawala ang ngisi niya. Sa totoo lang ay kanina ko pa siya gustong suntukin.

“Nagsumbong na pala sayo ang girlfriend mo.” Pilit kong kinakalma ang sarili ko dahil sa totoo lang ay kanina ko pa pinagtitimpihan ang ugaling pinapakita niya sa akin at halatang pinaglalaruan niya ako.

“Nagagalit ka ba kay Trinity dahil akala mo na siya ang nakakasira sa pagkakaibigan natin? Yun ba ang dahilan?” He chuckled.

“Eh alam mo naman pala ang dahilan at totoo naman na siya ang nakakasira sa samahan natin. Nung wala pa siya ay okay tayong lahat pero simula nang dumating siya sa buhay natin ay nagkanda gulo-gulo na ang lahat. Hindi ko siya gusto!”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kaagad siyang sinuntok sa mukha niya kaya napaupo ito sa sahig. Nagdugo rin ang ilong niya dahil sa suntok ko pero pinahid niya lang iyon gamit ang palad niya at tinignan ako ng masama.

“Walang kasalanan si Trinity kung nagkakagulo man tayo! Hindi niya ’yon kasalanan!” Sigaw ko.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa sahig habang hawak niya ang ilong niyang nagdudugo.

“Alam mo, naiinis rin ako diyan sa girlfriend mo e, alam mo kung bakit?” Susuntukin ko na ulit siya nang bigla ulit siyang magsalita.

“Naiinis ako sa kanya dahil ikaw ang gusto niya, naiinis ako sa kanya dahil gusto siya ng mga kaibigan natin, naiinis ako sa kanya dahil mas nakakausap niyo siya ng malapitan kaysa sa akin. I hate her because she didn’t notice my existence here in this house! I like her, Jaden pero kinamumuhian ko siya dahil dumating pa siya sa buhay ko!” Pagkatapos niyang sabihin ’yon ay umalis na siya sa harapan ko.

Naiwan akong tulala dahil sa mga sinabi ni Ben. Malinaw pa sa sinag ng araw na nagagalit siya kay Trinity dahil hindi siya nito napapansin. Ako ang naiinis sa sinabi niya. He likes Trinity, too! Si Trinity nalang ba ang nag-iisang babae sa mundo kaya pati ang mga kaibigan ko ay nagugustuhan siya?

“Jaden, bakit sumisigaw si Ben?” Hindi ko na namalayan na kaharap ko na pala si John. Mabuti nalang at hindi niya narinig ang pag-uusap namin ni Ben.

“M-may hindi lang kami pagkakaintindihan.” Sagot ko nalang.

He looked at me suspiciously. “Ows, ’di nga? Kilala ko si Ben at kahit tatahi-tahimik lang ’yon ay hindi siya basta bastang sumisigaw kung hindi lang pagkakaintindihan ’yon. Siguro e galit siya sayo.” Bulls eye.

Sumandal ito sa may railings ng hagdan at magcross arms. Hinihintay ang sagot ko.

I sighed. Mukhang wala na akong kawala sa kanya. “Yeah. He’s mad at me.” Ngumisi lang siya sa sinabi ko.

“Alam ko na kung bakit,”

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. “Bakit mo alam?” He smirk again. This is not the usual John that  I know. Ngayon kasi ay ang seryoso niya at nakakapanibago lang.

“She hates Trinity dahil simula nang tumira siya dito sa TREASURE House ay wala na kayong bukambibig kundi siya. Hindi rin naman ako tanga para hindi mapansin na gusto niya si Trinity kaya lang ay umiiwas siya sa nararamdaman niya dahil nakikita niya na wala siyang pag-asa kay Trinity. Knowing Ben na masungit at mataas ang pride plus the fact na ayaw niya sa mga babae..” Nagulat ako sa mga sinabi ni John.

Alam na alam pala niya ang mga nangyayari sa paligid. Mas may alam pa yata siya kaysa kila Justin.

Napangiti ako. “Ginagamit mo rin pala ang utak mo minsan.” Tumalim bigla ang tingin niya sa akin pero di kalaunan ay napailing nalang siya.

“Ang salbahe mo talaga Jaden, para namang sinasabi mo na ang bobo ako.” Natawa siya kaya natawa nalang din ako.

Pagkaraan ay bigla kaming natahimik.

“Ang swerte mo, alam mo ba ’yon? Sa ating labintatlong magkakaibigan ay ikaw nalang palagi ang napapansin at nakakakuha ng swerte kaya nga inggit na inggit sayo sina Travis at kuya Daniel pero hindi mo rin naman kasalanan na lapitin ka ng grasya dahil napakabuti mong tao at tinutulungan mo pa yung anak na lalake ni Manang Ising sa pag-aaral nito kaya kung ano man ang mangyari ay susuportahan pa rin kita bro,” Lumapit siya sa akin at nakipag bump fist.

“Salamat, John.” Ngumiti lang ito.

Siya ang pinakabata sa aming 13 guys pero siya ang pinakamaintidihin. Sana ay maging katulad nalang siya ni Travis. Hindi talaga ako kumbinsido kay Travis na tanggap na niya ang relasyon namin ni Trinity. Noon nga ay halos magwala siya nang ginabi kaming umuwi ni Trinity nung nasa resthouse kami nila Kyle ngayon pa kaya na girlfriend ko na ang babaeng gusto niya. Malaki ang galit niya sa akin at sigurado akong may masama siyang binabalak.

“Wala ’yon basta hayaan mo nalang si Ben.” I nodded hanggang sa nagpaalam na siya sa akin na kakain lang daw siya kaya umalis na rin ito.

Bumaba na ako mula sa kwarto ni Ben hanggang sa may narinig akong nagpipiano mula sa music room. Nagpunta ako don at hindi nga ako nagkakamali nang si Sam ang tumutugtog ng piano. Magaling siya sa pagpipiano. Nagpunta nalang ako sa garden at hinayaan siyang magpiano. Wala ang iba pang 13 guys dito sa bahay dahil busy na rin sila sa pagtatrabaho sa kompanya ng mga magulang nila.

Habang nagpapahangin ako dito sa garden ay naglabas ako ng sigarilyo at lighter saka sinindihan ’yon. Naninigarilyo ako sa tuwing naiinis ako sa mga nalalaman ko. Ngayon na nasa akin na si Trinity ay hindi ako makakapayag na maagaw pa siya sa akin nang kahit sinuman. Mga bata pa lang kami ay sa akin na siya kaya hindi ako magpapadistract sa mga kaibigan kong may gusto sa kanya. Aish. Nagiging selfish na yata ako pero wala akong magagawa dahil mahal na mahal ko siya.

Naninigarilyo ako nang makita ko si David na papasok ng bahay. Naka nursing uniform siya at may suot na backpack nang mapatingin siya sa gawi ko. Nilapitan naman niya ako.

“Hey! Smoking is not good to your health.” Sabi nito. Napairap ako.

“Gago. Hanggang ngayon pala ay nagtatrabaho ka pa rin bilang nurse?” Pag-iiba ko ng usapan.

Kinanta niya muna ang chorus ng I’m Not The Only One ni Sam Smith bago niya ako sinagot. “Eh gusto ko e,” Natahimik nalang ako. Nonsense rin kung papatulan ko pa siya.

“Pahingi nga ng isang stick,” Tignan mo nga naman. Masama daw sa kalusugan ang paninigarilyo pero siya rin pala ay maninigarilyo.

Kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo sa bulsa ko saka inabot sa kanya pati ang lighter. “May smoking is not good to your health ka pang nalalaman diyan.” Sabi ko habang siya naman ay nagsisindi ng sigarilyo pagkatapos ay hinithit ’to.

“Naiinggit ako sayo.” Sabi pa nito saka nagbuga ng usok. Tss. Parang double meaning yung sinabi niya ah?

“Kumusta na pala kayo ni Trinity?” Bigla niyang tanong.

“Uhm.. okay lang.” Sagot ko saka tinapon ang stick ng sigarilyo ko sa damuhan at tinapakan ito.

“Alam ko naman na gusto mo si Trinity,” Napatingin siya sa akin dahil sa sinabi ko.

He laughed. “We’re bestfriends before kaya alam na alam mo na talaga kahit hibla pa ng mga bituka natin.” Napailing nalang ako at napangiti.

David is my bestfriend before pero dahil sa palagi siyang busy at kadikit ni Travis ay hindi na kami nakakapag-usap at nagkakasama. Lumayo ang loob namin sa isa’t-isa hindi katulad nang dati na halos hindi na kami mapaghiwalay. Talagang ganon nga siguro. Expect the unexpected happenings.

“Bakit ba si Trinity nalang ang palagi niyong nakikita? Eh ang dami namang ibang babae diyan na magaganda at sexy.” Nagkibit-balikat nalang siya pero mukha namang interesado sa tanong ko.

“I don’t know pero may kung ano sa pagkatao niya na hindi mo malimutan. Her face, she’s beautiful pero kakaiba ang ganda niya. Basta mahirap iexplain. Hindi lang siya basta isang ordinaryong babae lang. She’s an extraordinary.” Hindi mawala wala ang ngiti niya habang sinasabi niya sa akin ’to. He’s right, Trinity is not an ordinary girl.

“I agree.” Tinapon na rin niya ang stick ng sigarilyo sa damuhan at tinapakan saka tinignan ako ng seryoso.

“Sa oras lang na masaktan si Trinity nang dahil sayo, you know what I can do, Jaden Ayuna.” He smirk at me before he left.

Tss. Wala na ba silang alam kundi bantaan ako? Asa pa sila na makukuha nila sa akin si Trinity. Never.

Mason’s POV

5:00pm na at ngayon lang napag-isipan ni Mr. Santos na kapatid ni mom na pauwiin ako sa dami nang mga papeles na pinaayos niya sa akin sa office. Sumakit ang ulo ko at nagugutom na rin kaya dumiretso muna ako sa 7/11 para kumain. Pagkapasok ko ay tinitignan na ako ng mga babae na parang nakakita sila ng artista. Hindi ko nalang sila pinansin at nagtungo sa isang stall para bumili nalang ng noodles at kape. Pagkaorder ko ay pumunta ako sa isang bakanteng upuan at umupo. Nilapag ko naman ang mga pagkain ko sa lamesa at nag-umpisa nang kumain.

Habang kumakain ako ay may umupo sa kaharap kong upuan. Nagulat ako dahil sa Trinity iyon.

“Hi. Nandito ka rin pala,” Sabi nito at nilapag ang drinks niya sa mesa at kinain ang hawak niyang burger.

Napatitig ako sa kanya. Goddamn. She’s really beautiful.

“Nagutom kasi ako. Ikaw ba, di’ba susunduin ka ni Jaden? Bakit ikaw lang mag-isa?” Uminom muna siya bago nagsalita.

“Hindi na ako nagpasundo sa kanya. Alam ko naman kasi na pagod siya sa trabaho niya at gusto ko na makapagpahinga siya saka kaya ko namang umuwing mag-isa.” Natawa ako dahil nagpout pa siya at nagpatuloy nalang sa pagkain.

“By the looks of you, mukhang pagod na pagod ka sa new job mo ha?” Napansin ko naman na may amas ang bibig niya kaya kumuha ako ng tissue na nakapatong sa mesa at pinunas iyon sa bibig niya.

“Dalaga na pero ang kalat mo pa rin kumain.” Sabi ko. Bigla naman niyang iniwas ang mukha niya sa akin. Palihim na tumaas ang sulok ng labi ko dahil sa ginawa niya.

“S-sorry na po kuya..” Matamlay nitong sabi kaya naman natawa ako.

“Wow. Kuya na pala ang tawag mo sa akin. Oh sige na bunso,” Natawa siya at muling kinain ang burger niya. Nagpatuloy nalang din ako sa pagkain habang tinititigan siya.

“M-may dumi ba ako sa mukha?” Tanong niya nang hindi makatingin sa akin.

Umiling ako. “Wala.” Sagot ko at tumingin sa cellphone ko checking kung may nagtext ba sa akin. Nang matapos ako sa pagtingin sa cellphone ko ay tahimik lang si Trinity na nagmamasid-masid sa labas.

“Trinity..” Tinawag ko ang pangalan niya kaya napatingin siya sa akin.

“Bakit?”

“Maghanda ka na.” Nagtaka naman siya sa sinabi ko.

“Maghanda saan?”

Nginitian ko lang siya. “Basta.” Tumingin ako sa wrist watch ko.

“5:30pm na pala. Sabay na tayong umuwi.” Hindi na siya nakapalag pa nang hilahin ko na siya patayo at lumabas na kami ng store. Pinasakay ko na siya sa kotse ko at pinaupo sa front seat, ako naman sa driver’s seat.

Tumunog ang cellphone niya kaya sinagot niya ito. “Hello Jaden?… Ah oo, pauwi na ako… kasama ko si Mason… Nakita ko lang siya sa 7/11… Sige, bye… I love you.” Binaba na nito ang tawag.

“Anong sabi ni Jaden?” Tanong ko saka pinaandar na ang kotse.

“Tinanong lang niya kung nasaan na ako. Sinabi ko na nakita kita sa 7/11 at sabay na tayong uuwi.” I nodded.

Tahimik lang kami sa loob ng kotse kaya naman kinausap ko siya.

“Si Jaden na ba talaga ang gusto mong pakasalan?” Napatigil siya dahil sa tanong ko at napayuko.

“Siguro pero kasi.. hindi ko pa siya gaanong kilala. Gusto ko munang makilala siya nang lubusan bago yung asawa thingy na ’yan.”

“Ah kung sa bagay, dapat nga ay hindi ka muna ipakasal dahil ang bata mo pa pero for the sake of tradition and business ay kailangan mong sundin ang nakatakda.. but Trinity, I have to tell you something,” Napatingin siya sa akin.

“Ano ’yon Mason?” Hininto ko muna yung kotse at hinawakan ang dalawang kamay niya. Medyo nagulat pa siya dahil sa ginawa ko.

“Mag-iingat ka sa mga kaibigan ko. You don’t know them all. Kahit na mabait pa sila sayo ay ’wag mo silang pagkatiwalaan. I’m saying this because i’m concern to you.” Now, curiousity is now written on her beautiful face.

“Anong ibig mong sabihin?” Talagang walang kaalam-alam si Trinity sa mga nangyayari sa paligid niya.

“Tandaan mo lang ang sinabi ko. Wala namang mawawala sayo kung mag-iingat ka.” Binitawan ko na ang kamay niya at muling pinaandar ang kotse.

“Bakit ba ako mag-iingat sa kanila? Wala naman silang ginagawang masama sa akin. Tell me, hindi mo ba sila pinagkakatiwalaan?” Medyo tumaas ang tono ng boses niya. Hard headed girl.

“Because they are dangerous. They’re not thinking normal. Matagal ko na silang kasama sa iisang bahay at mapagpanggap sila Trinity. May mga tinatago silang sikreto even Jaden. They are nice with you in outside but in inside? Please.. maniwala ka sa akin. Pinoprotektahan lang kita.” Pinababa ko ang tono ng boses ko para paniwalaan niya ako.

Lumambot naman ang ekspresyon ng mukha niya. “Ganon ba? Siguro tama ka, na kailangan kong mag-ingat sa kanila kasi hindi ko pa nga sila lubusang kilala.” Nakahinga ako ng maluwag don. Finally at pinakinggan niya na rin ako.

“Thanks.” I smile with a triumph in my face. Mabuti nalang para makapag ingat siya. Trinity is a nice person kaya dapat na maprotektahan ko siya lalo na sa lalakeng iyon na baliw na baliw na baliw sa kanya.

Nakauwi na rin kami sa bahay at paglabas namin ng sasakyan ko ay si Jaden kaagad ang bumungad sa labas ng gate. Nilapitan nito si Trinity at hinalikan habang nakatingin sa akin. Napangisi naman ako.

“Jaden naman! Nakakahiya kay Mason,” Rinig kong bulong ni Trinity pagkatapos siyang halikan ni Jaden.

“Gutom ka na ba? Tara sabay na tayong kumain.” Hinapit ni Jaden ang bewang ni Trinity at nagtungo na sila papasok ng bahay.

Trinity look at me with ‘Pasensiya-ka-na-look’. I just smiled and nodded at her hanggang sa pumasok na sila sa loob. Naiwan ako sa labas at umiling.

“Masyadong possessive si Ayuna.”

I sighed at tuluyan na rin pumasok sa loob.

Innocent. Innocent. Innocent Trinity.

Chapter 33 - The Biggest Fight Ever

Trinity’s POV

Hindi ko alam pero parang may hindi magandang mangyayari ngayong araw na ’to o baka napaparanoid lang ako? Dahil ba ito sa mga sinabi sa akin ni Mason na dapat ay mag-iingat ako sa mga kaibigan niya dahil mapanganib daw sila? Kahit kay Jaden ay kailangan ko rin daw mag-ingat. Ang weird din niya katulad ng mga kaibigan niya. Why is he saying that to me?

It’s 5:00am at gising na ako. Sila Jaden yata ay tulog pa rin. Pababa na ako ng hagdan nang makita ko si Daniel na topless at naka jogging pants lang. Napapikit ako dahil yung katawan niya at abs. Susmaryosep! Bakit ba ang hot niya? Pero dapat ay hindi ako magpaapekto sa katawan ni Daniel.

“Good morning Trinity,” Bati ni Daniel nang makita niya ako.

Napamulat ako ng mata at tinignan siya. Pansin ko na basang basa na siya ng pawis at may hawak rin itong handle-sized na barbel.

“G-Good morning rin,” Iniwas ko ang tingin ko nang lumapit siya sa akin. Nadidistract ako dahil naka topless lang siya. Ginoo! That abs!

“Ang aga mo nagising ah? Wala naman kayong pasok. Tara at mag exercise ka nalang.” Aya niya sa akin.

Walang anu-ano’y hinubad ko ang suot kong t-shirt at ngayon ay nakasando nalang ako. Kaya rin naman ako nagising ng maaga ay para makapag exercise ako.

Nakita ko pa na napanganga at napatitig sa akin si Daniel dahil sa ginawa ko. Kinindatan ko nalang siya at hinila papunta sa labas ng bahay saka tinungo ang workout area nila sa likod lang ng bahay.

“Trinity naman.. sa paghawak mo pa lang ng kamay ko natuturn-on na ako sayo, bitawan mo na hangga’t maaari ang kamay ko kundi baka agawin na kita kay Jaden.” Agad ko namang binitawan ang kamay niya at tumingin sa ibang direksyon. Nakakahiya yung ginawa ko!

I heard him laugh. “Joke lang ’yon. Takot ko nalang sa possessive at seloso mong boyfriend.”

“Ewan ko sayo!” Saka ko tinungo ang threadmill.

Nakita ko naman na dumapa siya saka nag push ups. Napanganga ako dahil ang hot niyang tignan. Jusko.

“Stare or I’ll kiss you?” Nakangisi niyang tanong habang patuloy pa rin sa pagpupush ups. Napahiya naman ako kaya pinagpatuloy ko nalang ang pag-eexercise ko.

Wala na kaming imikan at patuloy pa rin sa pag-eexercise nang makita namin si Kevin na mukhang kakagising lang. Nagulat pa ito nang makita niyang nag-eexercise kami ni Daniel ng magkasama.

“O-oh.. kayo pala,” Sabi nito na may pagtatakang ekspresyon. Pansin ko naman na napadako ang tingin niya sa kahubdan ni Daniel.

Tumigil si Daniel sa ginagawa niya at hinarap si Kevin. “Kung anuman ang iniisip mo ay tigilan mo na ’yan. Kilala ko ang utak mo Kevin. Sabay lang kaming nag-exercise ni Trinity.” Napanganga kami ni Kevin dahil sa sinabi ni Daniel.

“Wala akong iniisip na ganyan, Daniel. Huwag ka ngang nag iimbento.” Tila di makapaniwalang sabi ni Kevin. Natawa naman ako don.

Daniel laughed too. “Eh yung mukha mo kasi nang makita mo kami ni Trinity na nag-eexercise, hindi maipinta.” Bago pa sila magkasagutan ay sumabat na agad ako.

“Hep hep! Tama na ’yan! Hindi pa pala ako nagbebreakfast. Kumain nalang tayo.” Hindi ko na sila pinansin at pumasok na sa loob ng bahay.

Ewan ko ba sa 13 Guys, magkababata at magkakaibigan sila pero parang may tensiyon sa pagitan nila. Tama nga siguro si Mason, I don’t know his friends at all.

** Kumakain kami ngayon ng lunch ng ilan sa 13 guys. Some of them ay maagang umalis para magtrabaho sa kompanya ng parents nila. Jaden was not here pero mamayang hapon ay uuwi raw siya.

“Arthur, tatanggapin mo na ba ang alok ni Future Bounce na maging Producer ka sa studio nila?” Tanong ni Kevin kay Arthur habang kumakain kami.

“Hmm.. Yup.” Sagot ni Arthur.

“Hind ba’t nagtatrabaho ka na sa kompanya ninyo? Paano mo pagkakasyahin ang oras mo sa pagtatrabaho sa kompanya niyo at ang pagiging producer mo?”

“Time management. Kailangan kong tanggapin ang alok ni Future Bounce dahil may atraso ako sa kanya.” Nagulat ang ekspresyon nila.

“Ano namang atraso ’yan?” Tanong naman ni Justin.

“Binugbog ko yung pamangkin niyang mayabang.” Ako naman ang nagulat sa sinabi niya. Sa amo ng mukha ni Arthur ay kaya pala niyang manakit ng isang tao? Hindi ako makapaniwala.

“I see.” Balewalang sagot nila na ipinagtaka ko naman.

“Okay lang sa inyo na may binugbog si Arthur?” Sabat ko.

Natawa bigla si Sam. “Chillax lang Trinity. Mayabang naman kasi talaga yung binugbog ni Arthur at tama lang sa kanya ’yon.”

“Tama ka kuya Sam. Mabuti nga sa Millennium na ’yon, ang yabang yabang niya porke pamangkin lang siya ni FB.” Matawa-tawa pang sabi ni John.

Dahil hindi naman ako makarelate sa pinag-uusapan nila ay tumahimik nalang ako. Sumulyap ako kay Arthur na patuloy pa rin sa pagkain. Hindi ko pa talaga sila lubusang kilala. Looks can be deceiving nga at nangilabot ako don.

Natapos na kaming kumain at 12:00pm na rin. Nagtungo ako sa kwarto ko at binuksan ang laptop ko para makapag facebook. Natawa pa ako dahil married na ang status namin ni Jaden sa Facebook. Binisita ko ang wall niya at puro mga babae ang nagpopost sa wall niya. Hindi naman sila nireplyan ni Jaden. Ang hirap talaga kapag gwapo ang boyfriend mo, magtatangkang agawin ito sayo pero sorry nalang sila dahil hinding-hindi ako makakapayag na agawin nila sa akin ang Jaden ko.

Tuloy tuloy lang ako sa pang-iistalk ng profile ni Jaden nang may nagmessage sa akin. Kaagad ko naman iyong binasa at takot nalang ang naramdaman ko bigla.

From: Alec Casimiro

How are you Trinity? You’re so beautiful every night and day. I’m seeing you everyday at nakakausap mo pa nga ako e, but still.. you didn’t recognized me. Di bale, makikilala mo na rin ako aking Trinity at magsasama na tayo habangbuhay. Wait for me. You are mine, right?

Your first love, Alec.

Napalitan ng takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Akala ko ba ay patay na si Alec? Hindi ’to maaari! Nang tinignan ko ang profile niya ay wala itong profile pic at halatang bagong gawa lang ang Facebook niya. Natatakot ako sa kanya at pinagsisisihan ko na sa musmos kong edad ay nakilala ko siya at minahal. Napaiyak ako, bakit pa siya nagbalik? Kung kailan okay na ako. At ano ang sinasabi niyang araw-araw niya akong nakikita at nakakausap? Nalilito na ako. He’s a psychotic since we was young. He tried to kill Jojo dahil inaagaw raw ako nito sa kanya. I don’t want to see him.

Tumigil ako sa pag-iyak at pinakalma ang sarili ko. Kailangan kong maging matapang para sa sarili ko.

3:00pm nang bumaba ako sa kwarto ko at pilit ’wag inaalala ang nabasa ko kanina. Nagpunta ako sa sala at doon ko hihintayin si Jaden. Namimiss ko na kaagad siya. Siguro dahil gusto ko ng masasandalan dahil pakiramdam ko ay bibigay na ako sa oras na guluhin pa ako ulit ni Alec. Jiho is the only man na gusto kong masandalan.

“Trinity? Yuhoo? Are you there?” Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Jaden na kakauwi lang galing sa trabaho niya.

Natulala pala ako dahil sa naiisip ko. “Sorry Jaden, may iniisip lang ako,” Naupo naman siya sa tabi ko at kinabig papalapit sa kanya.

“Sino naman ang iniisip mo? Ako o ibang tao?”

Napabuntong-hininga ako. Ibang tao kasi ang iniisip ko at hindi siya ’yon. Tao na siguradong guguluhin ang buhay ko. “Wag mo na akong alalahanin. Ano na, kumusta naman ang work mo?” Pag-iiba ko nalang ng topic.

Hinalikan ako nito sa noo. “Okay lang. Maayos naman ang transactions namin sa ibang mga clients and investors. Sumakit nga ang ulo ko e,” At hinilot nito ang sentido niya.

Napaupo naman ako ng tuwid. “Gusto mo na imassage ko ang ulo mo?” Ngumiti naman ito ng pilyo at tumango.

Lumapit pa ako sa kanya at hiniga ang ulo niya sa hita ko. Inumpisahan ko na siyang imassage habang siya naman ay pumikit. Hinihilot ko pa rin ang noo niya nang mapatitig ako sa mukha niya. Ang gwapo talaga ng lalakeng ’to. Ang swerte ko at ako ang minahal niya. Ang pinapangarap ng mga kababaihan na si Jaden Ayuna ay napunta sa akin.

“Halikan mo na ako kung gusto mo.” Ani nito habang nakapikit pa rin. Parang alam niya na kanina ko pa siya tinititigan.

Tinulak ko naman ang ulo niya papataas. “Heh! Magtigil ka nga diyan!” Ngumiti siya nang nakakaloko.

“Gusto mo naman talaga na mahalikan ako. Well, ayos lang naman sa akin dahil gusto ko rin.” Nag-init nalang bigla ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

“Trinity!” Bigla ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sina mommy at Mikael na papalapit sa amin.

Napatayo kaming dalawa ni Jaden dahil parang galit na galit sina Mommy at Mikael. Anong ginagawa nila dito? Kasama rin pala nila si Eugene na malungkot na nakatingin sa akin.

“Mommy, Mikael why-” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang hinigit ako ni mommy palayo kay Jaden.

“Hindi ka na titira dito! Uuwi ka na sa bahay at makipagbreak ka na sa lalakeng ’yan!” Pasigaw na sabi ni mommy habang dinuduro si Jaden.

Nanlumo akong bigla dahil sa sinabi ni mommy at hindi ko na napigilan pang maiyak. “B-bakit mommy? Bakit makikipaghiwalay ako kay Jaden?”

Si Mikael na ang sumagot sa tanong ko. “Because he’s not a right guy for you!” Bakit siya nakikisali dito?

“Tita Isabella, mahal ko po ang anak niyo kaya-” Biglang sumabat si mommy sa pagsasalita ni Jaden. Nanlilisik ang mga mata nito.

“Shut up Mr. Ayuna! How dare you to force my daughter to love you? I thought you’re a good man?” Nagtaka naman ako sa sinabi ni mommy.

“Mommy, ano bang sinasabi ninyo? Hindi ko po pinipilit na mahalin si Jaden, kusa-”

“At pinagtatakpan mo pa ang lalakeng ’yan? Kahit kailan ay hindi ka na makikipagkita sa lalakeng iyan!” Galit na galit na sabi ni Mikael.

Lumapit si Jaden kay mommy at lumuhod ito na ikinagulat ko. Hindi ko namalayan na pinapanood na kami ng mga guys at halata na nabigla sila sa ginawa ng kaibigan nila except kay Travis na naka crossarms lang at parang tuwang tuwa pa siya sa nakikita niya na ipinagtaka ko.

“Hindi ko po magagawang saktan si Trinity. Mahal na mahal ko po siya at kaya ko pong patunayan ’yon sa inyo.” Natahimik sina mommy at Mikael kaya nilapitan ko si Jaden at pinilit na tumayo ngunit ayaw niya at hindi nagpatinag.

“Jaden.. tumayo ka na diyan, please?” Pagmamakaawa ko sa kanya ngunit ngumiti lang siya ng mapait.

“Enough with that drama! Eugene, iimpake mo na ang mga gamit ni Trinity at pauuwiin ko na siya sa bahay.” Hinigit na ako ni mommy papatayo.

“Yes, tita.” Umakyat naman si Eugene papunta sa kwarto ko.

Hinatak na nila ako ng tuluyan pero nagpupumiglas pa rin ako. Nadaanan ko ang 11 guys na malungkot na nakatingin sa akin. Nang tinignan ko si Jaden ay nakaluhod pa rin siya ngunit kitang-kita ko na malungkot siya. Nasasaktan rin ito sa nangyayari sa amin ngayon.

Tuluyan na kaming nakalabas ng bahay kasama sina mommy at Mikael at pinasakay na ako sa kotse. Umiyak ako ng umiyak dahil hindi ko man lang alam ang dahilan kung bakit nilalayo nila ako kay Jaden.

Pero alam ko na ipaglalaban ako ni Jaden. Alam ng puso ko ’yon. Napangiti ako nang tumunog ang cellphone ko at nagtext siya.

From: My Jaden <3 Ipaglalaban kita Trinity. Papatunayan ko na mali ang binibintang nila sa akin. Just wait for me.

Ito siguro yung pakiramdam ko na may hindi magandang mangyayari.

John’s POV

Lahat kami ay nabigla sa pagdating ng mommy at pinsan ni Trinity at galit na galit sila kay Jaden. Hindi rin namin alam ang dahilan kung bakit. Malungkot rin ang lahat dahil hindi na titira si Trinity dito sa bahay. Naging isang mabuting kaibigan siya sa amin kaya mamimiss namin siya.

Ngayon ay inaalo namin si Jaden na kanina pa tahimik magmula nang kunin si Trinity ng mommy at pinsan niya dito. Nagtaka ako kung bakit nila nasabi na pinipilit daw ni Jaden na mahalin siya ni Trinity e, hindi naman namin makita ’yon. Alam kasi namin na mahal talaga ni Trinity si Jaden.

“Bro, magsalita ka naman..” Sabi ni kuya Sam.

Nalipat lang ang atensyon ni Jaden nang makita niya si Travis sa isang sulok na nakangisi lang at parang balewala lang sa kanya ang mga nangyayari. Bakit siya nakangisi? May kinalaman ba siya sa nangyayari ngayon?

Bigla ay sumugod si Jaden kay Travis at kinwelyuhan nito. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang umiiyak ito at mukhang hirap na hirap na sa nangyayari. Si Jaden ay umiiyak?

“Alam kong may kinalaman ka dito Travis! Umamin ka!” Pasigaw na sabi nito at inaalog alog ang braso ni Travis.

Mas lalo kaming nagulat nang ngumisi lang si Travis. “Paano kung sabihin kong oo? Ano pang magagagawa mo?” Agad siyang sinuntok sa mukha ni Jaden kaya lumapit na sina kuya Daniel at Sam at inaawat na ito.

Napahiga si Travis sa sahig at nagdudugo na ang labi nito. Parang gusto ko rin siyang suntukin dahil sa ginawa niya. Alam kong may rivalry sila ni Jaden pero bakit niya ginawa ang bagay na ’yon? Hindi ba niya alam na masasaktan rin si Trinity don? Dahil ba nasaktan siya kasi hindi siya gusto ni Trinity?

“Bakit mo nagawa ’yon, Travis? Wala ka ba talagang puso?” Tila nagagalit na rin ang kanina pang tahimik na si Mason. Halata kasi sa boses nito.

Tumawa lang si Travis at tinitigan kami isa-isa. “Wag nga kayong magmalinis, lahat tayo dito ay walang mga puso.” Sinugod nalang siya bigla ni Kyle at sinuntok din ito. Lahat naman kami ay napanganga doon. Ito kasi ang unang beses na makita namin si Kyle na magalit at manuntok. Tahimik lang kasi siya at kalmado kaya nakakagulat lang.

“Ang sama mo! Tinalo mo ang kaibigan natin. Hindi ka pa rin talaga nagbabago. You’re such a heartless!” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na ito at lumabas ng bahay.

Lahat kami ay natahimik at nabigla sa ginawa ni Kyle.

“I never thought that Kyle can be mad like that,” Umiiling na sabi ni Jun at sinundan si Kyle papalabas.

“Ano? Masaya ka na sa ginawa mo?” Sarkastikong pagkakasabi naman ni David kay Travis.

Napa ‘Psh’ na lamang si Travis at tumayo na ito mula sa pagkakaupo niya sa sahig. Kanina pa matalim ang pagkakatitig namin sa kanya. Hindi ko rin kasi akalain na magagawa niya ang bagay na ’to kay Jaden.

Tumingin siya kay Jaden at nginisian niya ulit ito. “Yes. I’m very very happy because Trinity’s family doesn’t like you anymore. Mapapasaakin na siya at nalamangan na rin kita sa wakas, Jaden.” At pagkatapos ay umalis na siya.

Napaluhod nalang si Jaden at sa wakas ay nagsabi na ng mga hinanakit niya. Dama namin ang paghihirap nito.

“Bakit kailangan niyang gawin ’to? Naging masama ba akong kaibigan sa inyo?” Inalo ko naman siya.

“Hindi Jaden. Isa kang mabuting kaibigan para sa amin.” Sabi ko.

“Oo, tama si John. Tutulungan ka namin sa problema mo. Don’t mind Travis.” Sabi naman ni Justin.

Ngumiti si Jaden. “Salamat. Mabuti pa kayo,” Inakbayan ko siya at ganon rin ang iba except kay Ben na tahimik lang na nakaupo sa isang gilid.

“We are TREASURE at walang iwanan.” And we all laughed.

Chapter 34 - Weird

Trinity’s POV

“Trinity, kumain ka na please.. kanina pang umaga walang laman ’yang tiyan mo, baka magkasakit ka niyan.” Pag-aalok sa akin ni Eugene pero nagtalukbong nalang ako ng kumot at hindi siya pinansin.

It’s been 5 days simula nang hindi na ako nakatira kila Jaden at grounded pa sa bahay na ’to. Ban ako sa internet at kinuha lahat ni mommy ang gadgets at cellphone ko. Pinagbawalan rin niya na dumalaw sa akin ang mga kaibigan ko pati na rin ang 13 Guys dahil baka daw na sila pa ang maging daan para magkita kami ni Jaden. Inexcuse na rin niya ako sa YGA na hindi muna ako makakapasok. Impyerno para sa akin ang paghihigpit na nararanasan ko. Parang isa akong preso na nakakulong sa kulungan. Miss na miss ko na si Jaden. Sana gumawa siya ng paraan para mapatunayan na mali ang ibinibintang sa kanya nila mommy at Mikael. Si Eugene lang ang kasa-kasama ko ngayon. Ipinagbilin kasi sa kanya na bantayan ako kaya hindi na rin siya nakakapasok sa YGA. Si kuya Troy naman ay may business meeting sa Spain kasama sina Val at ate Vanessa at hindi ko alam kung nasaan na si kuya Tristan kaya si Eugene nalang ang nandiyan para sa akin.

Narinig ko nalang ang paglapag ng tray ng pagkain sa bedside table ko at pagbuntong-hininga niya. Nagugutom na rin ako pero parang wala akong lakas na kumain. Sa tuwing naiisip ko na pinaghihiwalay nila kami ni Jaden ay bumibigay na ang puso at katawan ko.

“Alam mo, kung mahal ka talaga ng lalakeng ’yon e, sana matagal na dapat siyang gumawa ng paraan para malinis ang pangalan niya kila tita Isabella. Dapat rin na nagpakita na siya sayo pero limang araw na at walang pa ring nangyayari.”

“Nag-iisip lang siya ng paran para maging maayos ang lahat.” Kontra ko pero may punto din si Eugene dun na ikinalungkot ko lalo.

Paano kung sumuko na kaagad si Jaden? Paano kung narealized niya na hindi na niya ako mahal? Paano kung makikipagbreak na siya sa akin? Napaiyak na naman ako dahil dun.

Tinanggal ni Eugene ang kumot na nakatalukbong sa katawan ko saka niya ako inupo sa kama ko at niyakap. Hinahagod rin niya ang likod ko para kumalma ako sa pag-iyak.

“Sshhh.. Don’t cry. Maayos din ang lahat ng ’to.” Sabi niya.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko Eugene kung bakit pinapahirapan nila ako ng ganito. Ayaw ba nila akong sumaya?” Umiling ito habang yakap pa rin niya ako.

“Hindi ko rin alam kung bakit ayaw nila tita at Mikael dun sa boyfriend mo pero mukha naman siyang mabuting tao dahil niligtas ka pa nga niya nung nagtangkang gahasain ka ni GD. Nakakapagtaka lang dahil kahit sa akin ay ayaw nilang sabihin ang dahilan kung bakit sila galit dun nga sa boyfriend mong mukhang suplado.” Binatukan ko tuloy siya nang wala sa oras. Sabihin ba naman na mukhang suplado si Jaden?

“Ikaw lang yata ang babaeng kilala ko na umiiyak na nga pero nambabatok pa.” Reklamo niya habang hinihimas ang batok niyang binatukan ko.

I glared at him. “Hindi siya suplado no! At isa pa, may pangalan siya! JADEN.” Inemphasize ko pa ang pangalan ni Jaden sa kanya. Kung maka ‘Boyfriend mo’ kasi ay para namang walang pangalan yung tao.

“Whatever.” Sabi nalang niya habang kinuha ang tray ng pagkain at may isusubo sa aking kutsara na may kanin at hotdog.

“Kumain ka na. Namamayat ka na at baka ayaw na ng boyfrie- este ni Jaden ng girlfriend na payatot katulad mo.” Babatukan ko na sana ulit siya nang bigla nalang niya akong sinubuan.

“Tama na ’yang kakabatok mo sa akin at kumain ka na lang.” Akmang susubuan pa niya ako nang inagaw ko na sa kanya ang kutsara at ako nalang ang sumubo.

“May kamay naman ako Eugene Madrid kaya ako na ang kakain ng mag-isa.” Hinayaan na niya ako at humiga nalang bigla sa kama ko.

Pinakialaman ko na ang tray ng pagkain at nagsimula nang kumain. Naiisip ko kasi na kailangan ko ng lakas at nagugutom na rin talaga ako.

Nagtitingin tingin pa si Eugene ng mga picture frame sa bedside table ko. Nakita ko naman na kinuha at tinignan niya ang picture namin ni Jerome na magkasama at kinuhaan iyon sa park nung birthday niya last year.

“You know what? I don’t trust Jerome,” Nagtaka naman ako sa sinasabi niya. He knows Jerome dahil varsity player rin siya sa YGA.

“Why?”

“Ewan. Basta ayaw ko lang siyang pagkatiwalaan especially kapag kasama mo siya.” Kumunot ang noo ko don.

“Jerome is nice at hindi siya masamang tao. Matagal ko na rin siyang bestfriend at alam ko ’yon.” Tumango-tango lang ito.

“Uh, okay?” Binalik nalang niya yung picture frame sa bedside table ko at humiga ulit sa kama ko.

Hays. Bakit pati si Eugene ay pinagdududahan na rin si Jerome? Talaga bang hindi ko pa lubos na kilala ang bestfriend ko?

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung ano ang dahilan kung bakit nasabi nila mommy at Mikael na pinipilit akong mahalin si Jaden. Naiinis rin ako sa panghihimasok ni Mikael sa mga desisyon ni mommy e, pinsan ko lang naman siya at hindi ibig sabihin na tinutulungan niya si mommy sa pagpapatakbo ng kompanya namin ay mangingialam na siya sa buhay ko. Mikael Hernandez is my cousin. Dad niya ang kapatid ng daddy ko at kababata ko rin siya. He’s 21 years old at katulad rin siya ni kuya Troy na workaholic at tahimik na tao. Kung concern man siya sa akin ay sana inaalam niya muna ang totoo.

Dahil boring at wala naman akong magawa dito sa loob ng kwarto ko ay kinausap ko nalang si Eugene tungkol sa personal life niya. Mabuti pa siya at malayang nagagawa ang gusto niya. Hindi siya pinaghihigpitan ng pamilya niya hindi katulad ko na sunod-sunuran.

“Psst.. Eugene, kumusta ang buhay mo?’ Tanong ko habang busy na siya sa pagkain ng nachos.

“Hmm.. okay naman. Still living and breathing.” Sagot niya. I rolled my eyes.

Hindi ko namamalayan na sandali kong nakakalimutan ang problema ko dahil kausap ko ’tong si Eugene.

“May girlfriend ka na ba?” Curious lang ako dahil ang daming babaeng nagkakagusto sa kanya sa YGA. Varsity player pa kaya dagdag pogi points.

“Wala.” At patuloy pa rin siya sa pagnguya.

“Wala? Bakit naman?”

Nagkibit-balikat lang siya. “Ayaw ko muna ng commitments saka bata pa ako no pero kung kasing ganda at talino mo lang naman, why not?” Hindi ako nakaimik nun. Naflattered kasi ako sa sinabi niya.

“Idol mo ako?” Tumingin siya sa akin saka ako inakbayan.

“Oo naman. Crush nga kita e, pero hanggang dun lang ’yon ha? Huwag kang feeling..” Sinapak ko naman siya ng mahina sa braso niya.

“Grabe siya!” Natawa ako sa sinabi ko kaya natawa rin siya.

“Pero hindi ka na pala nakakapasok dahil sa kakabantay mo sa akin. Baka bumagsak ka niyan.”

“Walang problema dun. Kaya ko namang makahabol sa mga lessons namin saka ibinilin ka sa akin ni tita.”

“Kaya ko namang mag-isa.”

“Hindi rin. Baka magpakamatay ka pa kung ikaw lang ang mag-isa dito.” Kaagad kong tinanggal ang pagkakaakbay niya sa akin at tinignan ko siya ng masama.

“Grabe ka talaga sa akin.. kanina ka pa!” At mas lalo lang siyang natawa sa sinabi ko. Baliw talaga!

“Mabuti naman at hindi ka na umiiyak.” Tinignan niya ako ng seryoso saka ngumiti.

I smiled too. “Yes. Thanks to you.” Ginulo naman niya ang buhok ko.

Sa kagwapuhan at kabaitan ni Eugene ay sigurado akong dadating ang babaeng para sa kanya. We are not blood related pero nag-aalala siya para sa akin. Kung magkakapamilya man siya ay sigurado akong magiging isa siyang mabuting ama sa asawa at magiging mga anak niya.

“You’re always welcome, Trins.”

Sandaling lumabas si Eugene at pagkaraan ay bumalik din. Ngingiti-ngiti pa siya na para bang nanalo sa lotto.

“Bakit ka nakangiti diyan?” Umupo naman ito sa tabi ko.

“I called tita Isabella, pumayag siya na makalabas ka dito sa lungga mo pero dapat daw na kasama mo ako.” Naexcite akong bigla dahil sa sinabi niya.

“Talaga? Pwede bang puntahan natin si Jaden?” Nawala ang ngiti niya sa tanong ko.

“Hindi daw pwede dahil kapag ginawa natin ’yon ay tuluyan ka na raw niyang ilalayo kay Jaden.” Nalungkot naman ako don. Namimiss ko na talaga si Jaden at mababaliw na ako sa kakaisip sa kanya. I want to see him so badly.

“Cheer up Trins! Gumala tayo sa mall, manood ng sine o kumain basta ’wag mo muna siyang isipin o ang problema niyo. Kung mahal ka talaga ni Jaden ay ipaglalaban ka niya kaya mag unwine muna tayo. Ako kasi e nagsasawa na dito sa kwartong ’to.” Nakonsensiya naman ako don. Pati social life ni Eugene ay naaapektuhan na dahil sa kakabantay niya sa akin kaya sa huli ay pumayag na rin ako na lumabas kami.

Laking pasasalamat ko sa kanya at inudyukan niya si mommy na palabasin ako sa kwarto ko. Siguro ay dahil alam niya na sawang sawa na ako at nababagot dahil limang araw na akong hindi nakakalabas ng bahay. Naligo na ako at nag-ayos. Ganon rin si Eugene tutal dito na rin naman siya naliligo at kumakain pagkatapos ay siya na ang nagdrive para sa amin papuntang mall. Mabuti nalang at walang mga bodyguards na nakabuntot sa amin. Sa labas kasi ng bahay ay napakadaming mga nakabantay na bodyguards para daw hindi ako makatakas papunta kay Jaden. Nakakainis na ang paghihigpit sa akin nila mommy.

** Naglalakad kami ni Eugene sa 2nd floor ng mall. Kakatapos lang naming kumain sa McDonalds kaya nagiikot-ikot muna kami. Napagkakamalan na nga kaming magsyota pero parang wala lang ’yon sa kanya, tuwang-tuwa pa nga siya dahil don at ’wag ko nalang daw pansinin.

Nabigla ako nang makasalubong namin si Ben na nabigla rin nang makita ako. Kumunot ang noo niya nang makita si Eugene sa tabi ko. Ben is wearing red shirt and pants with rubber shoes pero kahit na ganon lang ang suot niya ay hindi maipagkakailang bagay ’yon sa kanya. Kapag gwapo naman talaga ang isang tao ay kahit ano pa ang isuot nito ay babagay sa kanya.

“You look familiar,” Pag-imik ni Eugene na tinititigan si Ben.

Tinaasan siya ng kilay ni Ben.

“Ah! Ikaw yung kaibigan ni GD di’ba? Nakita kita noon na pumunta sa room namin. Nagtilian pa nga ’yong mga kaklase kong babae nang makita ka.” Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Eugene. Bakit hindi ko alam na si Ben ay kaibigan pala ni GD?

“Totoo ba yun, Ben? Kaibigan mo si GD?” Tanong ko kay Ben na hindi makatingin ng diretso sa akin.

Marahil ay hindi napansin ni Eugene si Ben 5 days ago sa bahay ng 13 guys kaya hindi nito nakita si Ben nang oras na kinuha ako nila mommy at Mikael don.

“Magkakilala pala kayo?” Tanong pa ni Eugene na hindi alam na may galit sa akin ’tong lalakeng kaharap namin.

“Yeah. Isa siya sa 13 guys,” Sagot ko saka muling bumaling kay Ben at hinihintay ang sagot nito.

“Ah. Hindi ko siya napansin don.” Sabi pa ni Eugene.

Tumingin sa akin si Ben at nginisian ako. “Yes. And so? What’s the matter if I’m GD’s friend, Trinity?”

May naiisip ako pero sana ay nagkakamali lang ako.

“W-wala. Tara na Eugene.” Hinigit ko na si Eugene papaalis nang magsalita si Ben.

“Wag ka na sanang bumalik sa buhay namin. We’re happy now without you and one more thing.. ’wag mo na rin guluhin pa si Jaden.” Pagkatapos ay umalis na siya.

Napatigil ako at ultimo’y bigla nalang tumulo ang mga luha ko. Alam ko na malaki ang galit sa akin ni Ben pero hindi ko akalain na papaalisin na rin niya ako sa buhay nila. Hindi ko naman ginugulo si Jaden di ba? Minamahal ko lang siya.

Naramdaman ko nalang ang paghagod ng kamay ni Eugene sa likod ko. “Loko yun ha? May galit ba ’yon sayo?” I wipe my tears. Tama na ang pag-iyak ko. Masyado na akong madrama.

“I think galit siya sa akin dahil iniisip niya na pinagkakasira ko silang magkakaibigan.” Tinignan ako nito nang may pag-aalala.

“Hindi naman ’yon totoo. Hindi mo iyon kasalanan. Sila ang may kagagawan kung bakit sila nagkakasira. Akala mo ba na hindi ko napapansin na iba ang kinikilos ng 13 guys na ’yon? Parang nagbabalat-kayo lang sila.” Napatawa akong bigla.

“Ano bang pinagsasabi mo diyan? Ang babait kaya nila saka kung nagbabalat-kayo lang sila edi sana ay matagal ko nang napansin ’yon nung nandoon pa lang ako sa kanila nakatira. They are nice to me at hindi naman nila ako sinasaktan. In fact, kaibigan ko na nga sila.”

Nagkibit-balikat lang ito sa sinabi ko. “Siyempre mabait sila sayo dahil gusto ka nila. Hindi mo naman sila lubusang kilala kasi ilang buwan ka lang tumira sa kanila. Maganda rin pala yung desisyon ni tita na ’wag ka nang patirahin sa bahay nung 13 guys na ’yon, baka may kung ano pang masama silang gawin sayo.”

I rolled my eyes. Hindi kasi ako naniniwala na masasama ang 13 guys.

“Bahala ka nga diyan.” At nauna na akong maglakad.

“Wait! Trinity!” Hinabol naman niya ako nang medyo nakakalayo na ako.

“What now Eugene? Sisiraan mo na naman ba sila ulit sa akin?” Naiinis kong tanong.

Bumuntong-hininga ito saka ako hinawakan sa magkabilang balikat ko. “Sorry na okay? Kung jinudge ko kaagad ang mga kaibigan mo. Nag-aalala lang naman kasi ako sayo. I’m sorry talaga..”

Ngumiti ako. Nag-aalala lang pala siya sa akin. “Sige na nga basta ’wag mo na ulit sasabihin ’yon kasi kaibigan ko na sila.” Tumango naman siya.

“Okay, pero yung Ben iwasan mo na rin.” Nakasimangot nitong sabi.

“Oo na. Tara! Shopping tayo!” Hinigit ko siya.

“Shopping? Tss. Mga babae talaga,” Natatawa nitong sabi at nagpatangay na nga sa paghigit ko sa kanya.

Sana matapos na ang problema na ’to. Jaden, kung nasaan ka man ay umaasa pa rin ako sa sinabi mo na papatunayan mo na mali ang ibinibintang nila sayo.

– Si Eugene lang yata ang pinakamatino kong character dito. Para kasing may mga attitude yung mga characters ko dito sa LWT13G. Haha.

Chapter 35 - The Revelation

Ben’s POV

Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero nakokonsensya ako sa mga sinabi ko kay Trinity kanina sa mall. Bakit ba ako nakokonsensya? Tama naman ako hindi ba? Na siya ang panggulo sa aming magkakaibigan at masaya kami na wala siya. Masaya nga ba? Eh yung mga kaibigan ko ay malaki na ang pinagbago simula nang hindi na nakatira sa TREASURE House si Trinity. Masyado na silang tahimik. Ano ba ang ginawa ng babaeng iyon sa mga kaibigan ko? Isa pa si Jaden, nabalitaan ko na araw-araw daw siyang nagpupunta sa bahay nila Trinity pero hindi raw siya pinapapasok ng mga bodyguards don. For the first time, I saw him crying because of that woman. Is he really love Trinity? C’mon Ben! Iiyak ba ’yon kung hindi? Okay, I admitted that I like Trinity pero kung hindi rin lang naman siya mapupunta sa akin ay mas mabuti pa na magalit nalang ako sa kanya. She doesn’t deserve my friends too. Nalaman na rin pala niya na kaibigan ko si GD. Mabuti at hindi niya nalaman na isa ako sa may pakana para i-rape sana siya ni GD.

“Ano? Titigil na rin ba ang buhay ninyo kung wala dito si Trinity?” Pambasag ko ng katahimikan habang kumakain kaming lahat. Isang linggo na silang parang namatayan. At ang maingay na si John ay para nang pipi. Wala ni isang nagsasalita sa kanila. Limang araw na rin wala si Travis simula nung nag-away sila ni Jaden. Kasalanan naman niya ang lahat.

“Nakakamiss kasi siya,” Matamlay na sabi ni John at umub-ob ito sa lamesa.

“Kinda. Her smile, her laugh, her voice.. nakakamiss.” Sabi naman ni Justin.

Tsk. Para namang nakadepende ang buhay nila sa isang babae.

Bigla namang tumayo si Jaden at akmang aalis na nang magsalita si Kevin.

“Saan ka pupunta?”

“Basta.” At umalis na ito.

Umiling na lamang si Kevin at pinagpatuloy ang pagkain niya. “Of course, he’s going again to Trinity’s house.” Siya na ang sumagot ng mismong tanong niya.

“Kasalanan ’to ni Travis! Kung hindi dahil sa kanya ay hindi mangyayari ang lahat ng ’to.” Ani Arthur.

Nalaman na rin namin na siniraan pala ni Travis si Jaden sa pamilya nila Trinity. I didn’t expect na ang isang babaerong katulad ni Travis ay gagawa ng isang bagay para lang makuha ang gusto niya kahit kapalit pa nun ay ang pagkakaibigan namin.

“Wala naman tayong magagawa e, in love rin siya kay Trinity at siguro iniisip niya na inaagawan na naman siya ni Jaden like what happened before kay Roxanne.” - Jun

Isa din ’tong si Jun. Akala ba niya na hindi ko alam na naging girlfriend niya si Roxanne noon?

“Kumain na nga lang kayo.” Pag-imik bigla ni Sam na kanina pa nakakunot-noo sa pinag uusapan nila.

Natahimik na sila at kumain nalang. Natapos na kaming kumain at yung iba ay naghahanda nang pumasok sa trabaho nila. Nag quit na ako bilang isang modelo sa modeling agency na pinapasukan ko. Ayoko man pero kailangan ko na rin magtrabaho sa kompanya ng parents ko.

I was about to go in my room dahil inaantok na ako nang tinawag ako ni Daniel.

“Ben, pwede ba kitang makausap?”

“Pwede naman, so what we’re going to talk to?”

“It’s about Trinity,” Sabi ko na nga ba.

“What about her?” He looked at me apologetically.

“Please don’t be mad at her. She doesn’t deserve to be hated. Hindi naman niya kasalanan kung hindi tayo nagkakasundo. It’s our fault. I’m begging you Ben,” I sighed. Talagang mahal nila si Trinity pero masisisi ba nila ako kung nagagalit man ako sa kanya? Maybe he’s right that it’s not Trinity’s fault pero isa pa rin siya sa dahilan kung bakit nagkakagulo kami.

“Daniel, okay I get your point pero kung nagagalit man ako sa kanya ay hanggang doon nalang ’yon. Pinagsasalitaan ko ba siya ng masama sa harapan niya o ninyo? Pinapansin ko ba siya kapag kaharap kayo? Sinasaktan ko ba siya physically? You know me, I really hate girls because my real mother abandoned me when I was a child. Huwag niyo nalang akong pansinin at pabayaan niyo nalang ako.” Napapikit ito at umiling.

“Tell me, do you like her? Nagkakaganyan ka ba dahil gusto mo siya?” Hindi ako makasagot.

He nodded. “I guess its a yes. Sige, pababayaan nalang kita pero sana maisip mo man lang ang nararamdaman niya. If you really like Trinity then be a good friend to her like what I did kahit masakit dito (tinuro nito ang puso niya) I will support her no matter what.” He smiled at me then he left.

Bigla naman akong napaisip sa mga sinabi niya pero hindi ko naman kayang magpakamartyr katulad ng ginagawa nila.

I will not loving her like what he do. Martyr ways always sucks.

Jaden’s POV

Isang linggo na simula nang hinaharangan ako ng mga dambuhalang bodyguards nila Trinity sa bahay nila. Pumupunta din ako araw-araw sa kompanya ng pamilya niya para makausap ang mommy niya pero ayaw man lang nila akong lumapit don. Parang ineexpect na nilang pupunta ako. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko nalilinis ang pangalan ko sa kanila at hindi rin ako makakapayag na mapunta si Trinity kay Travis. I can see that Travis was so desperate to have Trinity at gagawin niya ang lahat para makuha sa akin ang girlfriend ko.

Ngayon ay nagpunta ulit ako sa bahay nila Trinity. Namimiss ko na siya at kailangan ko siyang makausap. Kung harangin man ulit ako ng mga bodyguards nila ay gagawa na ako ng paraan para makapasok sa loob ng bahay nila.

“Nandito ka na naman bata? Hindi ka ba talaga titigil sa ginagawa mo? Kahit anong gawin mong pagpunta rito ay hindi ka namin papapasukin.” Sabi nung isang guard na nagbabantay sa may gate.

“Gusto ko lang talaga makausap yung girlfriend ko.. please, kahit sandali lang,” Pagmamakaawa ko.

Napangiti yung isang guard sa sinabi ko. “Talagang mahal na mahal mo iyong anak ni Mam Isabella no? Kung sa bagay, maganda at mabait ang anak ni mam at gwapo ka namang binata pero kung papapasukin ka namin sa loob ay kami naman ang mawawalan ng trabaho. Gusto man kitang papasukin dahil naaawa na ako sa tiyaga mong magpunta dito ay hindi talaga pwede. Pasensya ka na.” Napaupo nalang ako sa may bato. Ang hirap nilang kumbinsihin kaya no choice ako kundi gawin ang plano ko.

Pumunta ako sa likod ng bahay nila Trinity. Tumingin ako sa bakod nila. Hindi naman ’yon kataasan kaya sigurado akong maaakyat ko ’yon. Pumunta na ako sa bakod at nagsimulang akyatin. Napangiti ako dahil madali lang palang akyatin ’to, sa taas ko rin sigurong 5’10 kaya madali nalang sa akin ’to. Sana naisip ko na ito noon pa para makita ko na si Trinity at mayakap. Nang malapit na ako sa ground ay agad ko itong tinalon at nakababa na nga ako. Pinasok ko ang loob ng bahay na walang ibang nakakakita sa akin pero laking gulat ko nalang nang makita at makasalubong ko ’tong lalakeng matangkad na nagpunta noon sa TREASURE House at kinuha ang mga gamit ni Trinity don. Anong ginagawa nito dito?

“You’re Jaden, right? What are you doing here?” Nakakunot-noo nitong tanong.

“Ikaw? Anong ginagawa mo dito sa bahay ng girlfriend ko?” His face turns to amusement dahil sa tanong ko.

“Tell me, inakyat mo pa talaga ’tong bahay para lang makapasok ka no?”

Napairap ako don. “Sagutin mo nga yung tanong ko.” And now he’s smirking like an idiot.

“Nakiusap yung mommy ni Trinity sa akin na bantayan ko muna siya habang grounded pa siya nang dahil sayo. By the way, I’m Eugene Madrid. Kapatid ako ng asawa ng kuya ni Trinity.” Inabot nito ang kamay niya sa akin. Tinignan ko muna ito bago tinanggap ’yon.

“She’s in her room. Tara at sasamahan kita don. You don’t know how much she missed you. Ilang balde na rin ang nailuha nun dahil sayo.” Napahinto ako.

Dahil sa akin kaya nahihirapan si Trinity. Kasalanan ko ’to!

“Is she crying everyday?” Nag crossarms ito at tinitigan ako.

“Yes. She loves you very much and I can see that you really love her too. Alam ko na palagi kang nagpupunta dito at sa opisina rin ni tita Isabella para makiusap pero alam mo ba na may iba nang nagugustuhan si tita para kay Trinity?” Mas lalo akong nalungkot dahil sa sinabi niya.

“Sino?” He tapped my shoulder.

“Travis Gabriel Ramos. Your friend.”

Doon ay mas lalo akong nagalit kay Travis. Talagang gagawin niya ang lahat para mapunta sa kanya si Trinity.

Napakuyom ako ng kamao. “Samahan mo ako sa kwarto ni Trinity,”

Ngumisi ito sa naging reaksyon ko. “Sige, sundan mo lang ako.”

Nag-umpisa nang maglakad si Eugene kaya sinundan ko nalang siya. Nang makarating na kami sa tapat ng kwarto yata ni Trinity ay huminto na kami.

“Lagot ka!” Bulong nito sa akin.

Magsasalita pa sana ako nang umalis na ito. Lagot daw ako? Ipinagsawalang bahala ko nalang ang sinabi niya at kumatok na sa pintuan. Nakakadalawang katok pa lang ako nang pinagbuksan na kaagad ako ni Trinity. Sa sobrang pagkamiss ko sa kanya ay yayakapin ko na sana siya na may gulat pa rin sa mukha niya nang bigla itong umatras.

“A-anong ginagawa mo dito?” Naluluha nitong tanong.

“Pinuntahan kita dito kasi namimiss na kita. Ikaw ba hindi mo ako namiss?” Kaagad siyang umiling at tuluyan nang umiyak. Lalapitan ko na sana siya nang bigla na naman itong umatras.

“Hanggang kailan ka ba magpapanggap, Jaden?” Pasigaw nitong tanong.

“Teka.. anong sinasabi mo Trinity?” Nakikita ko ang pagkamuhi niya sa akin nang makita ako. Akala ko ay masaya siya nang makita ako pero hindi pala.

“Hindi ka ba talaga aamin sa akin?”

“Ano bang aaminin ko? Ano bang nagawa kong mali at nagagalit ka sa akin?” Lumapit siya sa akin and I didn’t expected that she slapped me.

“I know who you are, ikaw si Jojo! Ang kababata ko na kinalimutan na ako sa matagal na panahon! Ang taong iniwan ako!” Napaupo na siya sa sahig at humagulgol. Hindi ako makagalaw dahil sa sinabi niya.

“P-Paano mo nalaman?” Tumingin siya sa akin nang may pagkamuhi.

“May nagpadala sa akin ng Cd na may record habang nag-uusap kayo ni Sam. I know that’s your voice at rinig na rinig ko ang pag-uusap niyo tungkol sa akin. Why are you came back out of the blue? Bakit nagbalik ka pa ha?” Tumayo ito at nilapitan ako saka pinagsusuntok sa dibdib. Naluha na rin ako at hindi makapagsalita.

“Because I’m scared.. na kapag sinabi ko sayo na ako si Jojo ay hindi mo na ako kausapin at makita. Iniwan kita at hindi na binalikan pa pero Trinity, babawi ako nga-” She slapped me again. I guess I deserve this.

“It’s too late Jojo. Nagsisisi ako na minahal kita. Kinalimutan mo na ako noon pa kaya wala nang panahon pa para bumawi ka. Nasaktan mo na ako ng lubos dahil sa ginawa mo. Kinamumuhian kita!”

“Trinity..” Nabigla nalang ako nang makita ko si Travis na papalapit sa amin at niyakap si Trinity. Nasasaktan ako habang nakikita silang magkayakap. Palihim na ngumisi sa akin si Travis.

“Nandito lang ako Trinity,” Akmang susugurin ko na sana si Travis nang humarang sa harap niya si Trinity.

“Wag na ’wag mong sasaktan si Travis!” Kahit nasaktan ako sa sinabi niya ay hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at iniharap siya sa akin.

“Trinity, makinig ka sa akin.. ginagawa ni Travis ang lahat-”

“Tama na! Umalis ka na dito!” Tinabig naman nito ang kamay ko.

“Umalis ka na nga raw e,” Tinignan ko ng masama si Travis.

“Walanghiya ka Travis! Gagawin mo talaga ang lahat para agawin sa akin si Trinity. Hayop ka!” Hindi ko na napigilan at sinuntok ko siya sa mukha niya for the 2nd time kaya napaupo ito sa sahig.

“Travis!” Nilapitan siya ni Trinity.

“Okay ka lang ba?” Ang eksenang ’to ang mas lalong dumurog sa puso ko.. na ang babaeng pinakamamahal ko ay nag-aalala para sa taong kinamumuhian ko.

Bumaling sa akin si Trinity. “Umalis ka na dito Jaden.”

“Trinity-”

“Umalis ka na sabi!”

“Trinity, okay lang ako. Huwag kang mag-alala.” Sabi ni Travis kay Trinity habang inaalalayan siya nitong tumayo.

“Hindi ka okay. Dun tayo sa kwarto ko at gagamutin natin ’yang sugat mo.”

Animo’y tila hindi nila ako nakikita habang papasok na sila sa kwarto ni Trinity pero bago pa man ’yon ay bumaling siya ulit sa akin at sinabi ang mga salitang ayokong marinig.

“Maghiwalay na tayo.” At tuluyan na silang nakapasok sa kwarto nito. Nahuli ko pa ang pagngisi ni Travis na natutuwa sa mga nangyayari.

Naiwan akong tulala at tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko. Wala na. Tapos na kami ni Trinity. Wala na siya sa akin.

“Kasalanan ko ’to!” Napasuntok ako sa pader kaya nagdugo ang kamao ko.

Nalaman na ni Trinity na ako ang kababata niyang si Jojo at napakasakit dahil kinamumuhian na niya ako at tinapos na ang lahat sa amin. Ang makita silang dalawa ni Travis na magkasama ay mas lalong nagpasakit sa kalooban ko. Lahat ay gagawin ni Travis para maagaw sa akin ang babaeng pinakamamahal ko. Sinisisi ko rin ang sarili ko kung bakit hindi ko na nabalikan pa si Trinity. Sana hindi nalang ako nagkasakit noon ng Pancreatic Cancer para hindi ako dinala sa amerika at operahan doon. Edi sana ay hindi galit sa akin si Trinity at masaya kami ngayon. Kahit 50/50 nalang ang chance ko noong mabuhay ay dapat inilaan ko nalang iyon kay Trinity. Ang tanga tanga ko! Bakit ba hindi ko na siya binalikan? Sana pala ay hindi ko na tinanggap ang lecheng therapy na ’yon para nabalikan ko na siya kaagad. Ngayon, wala na. Nalaman na niya dahil.. Sino ang nagpadala ng Cd kay Trinity habang nag-uusap kami ni Sam? Si Travis kaya? o isa lang rin sa TREASURE Guys?

– Gusto kong magdedicate ng chapters kaso sa mobile lang ako nag-uupdate. Di bale, magdededic ako sa mga readers ko na binabasa pa ’to kahit medyo magulo ang plot ng story ko. Salamat :*

Chapter 36 - We’re Over

Kevin’s POV

Nandito kami ngayon ng TREASURE guys sa bar. Sinasamahan namin sa paglalasing si Jaden. Nabalitaan kasi namin na nakipaghiwalay na sa kanya si Trinity dahil nalaman nito na si Jaden ang kababata niya na hindi na siya binalikan sa matagal na panahon. Hindi man lang niya sinabi sa amin na kababata pala niya si Trinity kasi natatakot raw siyang umamin dahil baka layuan siya nito. Kung hindi rin naman siya tanga at pinaasa na babalikan pa niya ang kababata niya ay malamang  na magagalit talaga ’yon. Matagal na rin pa lang alam ni Sam ang lahat kaya siya na ang nagpaliwanag sa amin ng lahat-lahat. Kaya pala nakikita ko na noon pa kay Jaden na para bang matagal na niyang kilala si Trinity dahil kababata niya ’to. Nalaman raw ni Trinity ang lahat dahil may nagpadala ng CD sa kanya habang nag-uusap sina Jaden at Sam patungkol sa kanya. Marahil ay si Travis ang gumawa non.

Kung may galit na galit sa nangyari, ayon ay si Daniel. Nagagalit siya dahil nagsinungaling si Jaden sa amin at sinaktan pa ang damdamin ni Trinity. Kung hindi nga lang namin siya naawat kanina ay malamang na napatay na niya si Jaden. Nakikita ko kung gaano kahalaga sa kanya si Trinity at ayaw nito na nasasaktan. Galit rin ang iba sa amin dahil sa ginawa ni Jaden.

“Ang tanga tanga ko!” Sabi ni Jaden sabay tinungga ang pang-pito nitong bote ng alak at sumubsob na sa lamesa dahil sa kalasingan.

“Tanga ka talaga.” Segunda ni Arthur na galit rin kay Jaden.

“Arthur, pwede bang manahimik ka nalang? May dahilan si Jaden kung bakit hindi na niya nabalikan si Trinity.” Pagdedepensa ni Sam na ikinatawa naman ni Arthur.

“At ano naman? Nagsinungaling siya sa atin at sinaktan pa niya si Trinity. Hindi siya marunong tumupad ng pangako,” Napatayo na ito habang tinititigan ng masama si Jaden. Bakit ba masyado siyang apektado?

“Will you please calm down, Arthur? Walang magagawa ’yang pagrarant mo dito.” Sabi ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin ng masama.

“At siya pa ang kinakampihan mo Kevin imbes na ako na bestfriend mo? Siya na nga ’tong may kasalanan tapos ipagtatanggol mo pa?” Hindi makapaniwala nitong sabi.

I sighed. “Hindi sa ganon-” Nagsalita itong bigla.

“I get it. Ano pa nga ba e, palagi niyo namang kinakampihan si Jaden kahit na mali siya. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit naiinggit sa kanya sina Daniel at Travis kasi palagi nalang si Jaden ang mabait sa paningin ninyo!”

Lahat kami ay natahimik sa sinabi ni Arthur habang si Jaden naman ay nakasubsob pa rin sa lamesa at lasing na lasing na talaga. Ngayon lang din siya naglabas ng saloobin niya.

Napatayo si Mason at nilapitan si Arthur. “We’re not defending Jaden. Ang sa amin lang ay kailangan na maging kalmado tayong lahat. We should listen to Jaden’s side.” Umiling si Arthur.

“Hindi. Malinaw na sa akin ang lahat. Anghel si Jaden sa paningin ninyo!” At kaagad siyang umalis.

Napailing nalang si Mason at umupo na sa pwesto niya.

“Lasing na lasing na ang isang ’to.” Turo ni John sa katabing si Jaden.

“Brokenhearted e,” Sabi ni Jun at tumungga ng beer.

“Mali naman kasi ang ginawa niya. Naglihim siya at hindi inamin ang totoo kay Trinity but I understand him because he don’t want to be rejected.” Sabi naman ni Kyle.

“Because he loves Trinity at siguro ay reasonable naman ang dahilan niya kung bakit hindi niya agad nabalikan si Trinity.” Justin said.

“Talaga bang hindi mo alam ang dahilan kung bakit hindi kaagad nabalikan ni Jaden si Trinity, Sam?” Tanong ni David kay Sam.

“Hindi niya sinabi sa akin. Yung ikwinento ko lang sa inyo ang sinabi niya sa akin.” David nodded. Maybe galit rin siya kay Jaden.

May lalakeng papalapit sa pwesto namin at hindi ako nagkakamali, ito si Jerome na bestfriend ni Trinity. Kalmado lang siya pero halatang nagagalit.

“Sinungaling pala ’yang kaibigan niyo!” Napatayo bigla si Sam.

“Sinungaling? Kinakausap mo ba ’yang sarili mo? Hoy Gluta man! Nagkukunwari ka lang namang mabait sa harapan nila Trinity, di’ba? Show your true identity!” Nagtaka naman kami sa sinabi ni Sam.

“What do you mean?” Nakakunot-noong tanong ni Jerome.

“You are Jerome Jung Cruz. The number 1 underground bully in YGA. Salamat sa pinsan kong si Elmer na galamay mo at nalaman ko ang lahat-lahat.” Namutla bigla si Jerome sa sinabi ni Sam.

“Y-Youre lying!” Sigaw nito at umalis na.

“Totoo ba ’yong sinasabi mo kuya Sam? Na bully pala si Gluta man?”

Pfft. What’s with that ‘Gluta man’ name? Haha ang puti naman kasi ng Jerome na ’yon.

“Nagbabait-baitan lang ’yon. Halata naman.” Sabat ni Kyle.

Napatawa bigla si Jun. “Lahat talaga ay gagawin nila para lang makuha ang atensyon ni Trinity, I mean.. kayo pala.”

“Jun! Stop it.” Napapikit na sabi ni David.

Nagsalin ng alak sa baso si Jun at ininom niya ito. “Bakit ba ayaw niyo pang aminin? na lahat kayo ay may gusto kay Trinity.”

Napahilamos ako ng mukha sa sinabi nito pero tama naman siya. Walang nakaimik sa amin. Mabuti nalang at nakatulog na sa kalasingan si Jaden at hindi niya naririnig ang mga pinagsasabi ni Jun.

“Even you, Jun.” Nakangising sabi ni Mason. Napangiti si Jun na mukhang naasar sa sinabi nito.

Ilang oras din ay umuwi na kami at inalalayan ang walang malay na si Jaden papasok sa kwarto niya. Nang maihiga na namin siya sa kama niya ay lumabas na kami sa kwarto nito at nagpunta sa may sala. Kami nalang ni Justin ang gising dahil matutulog na raw sila.

“It’s very tiring day.” Sabi ni Justin at sumandal sa couch na inuupuan namin.

“Unexpected day, too.” Sabi ko naman at sumandal rin sa couch.

“Arthur is now mad at you and he’s acting weird lately. Para bang naglalabas siya ng emosyon niya at pinagbubuntunan kayo. Even Millennium na binugbog niya dahil lang sa nagalit siya dito.” Napaisip ako sa sinabi ni Justin. Tama nga siya dahil kakaiba ang ikinikilos ni Arthur.

“I don’t know what’s on his mind. Hindi naman siya nagsasabi ng problema niya sa akin. Maybe its too personal to talk about,” Ayon nalang ang naisip kong dahilan kung bakit nagkakaganon si Arthur.

He nodded. “Maybe.”

“Bakit nga pala hindi ka pa natutulog e, napaka antukin mong tao ha?” Puna ko kay Justin. Palagi kasi ’tong natutulog ng maaga.

Natawa siya sa sinabi ko. “Eh sa hindi ako tinatablan ng antok, bakit ba?” Nagkibit-balikat pa ito.

“Namimiss ko ’yung pagkanta mo.” Pang-aasar ko sa kanya na ikinairap niya.

“Crap that Kevin! Di na nga ako kumakanta dahil nahihiya lang ako sa inyo!” Tuluyan na akong napatawa sa sinabi niya.

“Daniel, Travis and Arthur are mad at Jaden, maybe David too. Hays, ngayon lang nangyari ’to..”

Natahimik ako. “Siguro ay may mga bagay na mangyayari na hindi natin inaasahan but we need to focus on a bright side.”

Ang pinaka naaapektuhan sa lahat ay si Jaden. Trinity broke up with him at galit pa ang mga kaibigan namin sa kanya. Maybe Trinity’s family and friends too. Naaalala ko pa na siniraan ko pala si Jaden kay Trinity dahil sa pag-iwan nito sa kanya at pinaasa lang niya sa wala si Trinity but its all his fault. Sana ay maayos niya ang gusot na pinasok niya.

On the other side ay natutuwa ako sa mga nangyayari na hindi naman dapat.

Jaden’s POV

I was here in my room, drinking a lot. Hindi ko kaya na wala na sa akin si Trinity, hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. Hindi ako papayag na maagaw siya sa akin ni Travis! Mahal na mahal ko siya. Hawak at pinagmamasdan ko ngayon ang bracelet na kapareho ng binigay ko kay Trinity noong mga bata pa lang kami. How I miss our childhood days together. Kung pwede ko lang sanang ibalik ang mga nangyari noon para itama ang mga pagkakamali ko ay matagal ko nang ginawa. Pero kasalanan ko ba kung nagkasakit ako at iniwan siya para magpaopera? Na hindi ko sinabi sa kanya na 50/50 nalang ang chance ng buhay ko noon? I was seven that time and i’m too scared to lose her. Ang mali ko nga siguro ay nangako ako sa kanya na babalikan ko siya pero hindi na natupad ’yon.

When I was young, I hate to admit it but i’m a bully person that time at lahat ng mga batang lalakeng lumalapit kay Trinity ay inaaway ko o binabantaan. Si Trinity lang kasi ang kaibigan ko noon at gusto ko na sa akin lang ang atensyon niya. Alec is Trinity’s first friend. Bago pa kami nagkakilala ni Trinity ay kaibigan na nito si Alec. He’s Trinity’s first love kaya malaki ang galit ko kay Alec dahil gusto siya ni Trinity. Everyday kapag wala sa paningin namin si Trinity ay inaalila o di kaya ay sinasaktan ko si Alec dahil inaagawan niya ako ng atensyon kay Trinity. I was insecure to Alec because he gets what I want.

Flashback <-

“I hate you! Sana mawala ka na sa buhay namin ni Rinrin! Inaagaw mo siya sa akin!” Galit na galit na sabi ko

habang

pinagsisipa si Alec sa tagiliran niya na nakahandusay na sa damuhan dito sa parke.

“J-Jojo..t-tama na.. please..” Hirap na hirap na sabi nito na iniinda ang sakit ng ginagawa ko sa kanya.

“Kahit kailan ay hindi ako maaawa sayo Alec! Attention seeker ka! Sana nga mamatay ka na!” Sinuntok ko pa siya sa tiyan niya ng napakalakas bago siya iwan pero bago ’yon ay nakita ko pa ang pagsuka niya ng dugo dahil sa suntok ko. Napangisi ako don.

Araw-araw ko

siyang

sinasaktan pero iniinda niya lang ang lahat ng ginagawa ko na kinaiinis ko. Palagi rin

niyang

nilalapitan at kinakausap si Trinity at kapag

nakikita

ko silang masaya ay nagseselos ako. Ayaw

niyang

layuan

si Trinity kahit binabantaan ko na siya kaya

gumawa

ako ng isang bagay na pinagsisisihan ko pa rin hanggang ngayon.

Kumuha ako ng gas sa storage room  sa garahe namin. Kumuha rin ako ng posporo at pagkatapos ay nagpunta ako sa bahay nila Alec. Sinigurado ko muna na walang ibang makakakita sa akin bago ko binuhos yung gas sa paligid ng bahay nila at sinindihan iyon. Nang unti-unti na itong umaapoy ay napangisi ako. Mamatay ka na Alec!

Lumalaki na ang apoy hanggang sa nasusunog na ang bahay. Bigla ay may tumulak sa akin na ikinahiga ko sa lupa. Pagtingin ko ay si Alec ’yon na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. Napansin ko rin na umiiyak na pala siya.

Bakit

mo sinunog ang bahay namin? Alam mo ba na nandyan sa loob sina mama at papa?!“ Pasigaw na sabi nito at kitang-kita ko ang galit niya dahil sa

ginawa

ko.

“Ano ngayon? Mas mabuti pa na mamatay na ang mga magulang mo at sana mamatay ka na rin dahil mang-aagaw ka!” Bigla

siyang

lumapit sa akin at sinakal ako sa leeg. Nagpupumiglas ako dahil hindi ako makahinga.

“Ang sama sama mo Jojo!” Umiiyak

nitong

sabi.

“Alec!” Natigil ito sa pagsakal sa akin nang makita niya si Trinity na papalapit sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag nang binitawan na ako ni Alec.

Lumapit sa akin si Trinity at inalalayan akong tumayo. “Okay ka lang ba, Jojo?” Nag-aalala

nitong

tanong sa akin.

Tinignan ko ng masama si Alec at tinuro siya. “He tried to kill me! He’s a psychopatic! Sinisisi niya ako kung

bakit

nasusunog ang bahay nila!“

Nabigla si Alec dahil sa mga kasinungalingan ko.

“Totoo ba ’yon, Alec?” Naiiyak na tanong ni Trinity.

“Hindi totoo yun Rinrin! Sinunog ni Jojo ang bahay namin dahil akala niya ay inaagaw kita sa kanya!” Napatingin si Trinity sa bahay nila Alec na nasusunog.

“That’s not true! Nakita mo naman na sinasakal niya ako Rinrin. Sinasabi rin niya na inaagaw kita sa kanya. Don’t believe on his lies! He’s a psycho!” Sabi ko at niyakap si Trinity.

Base sa mukha niya ay naguguluhan rin siya kung kanino ba siya maniniwala. Lumapit si Alec kay Trinity

habang

umiiyak pa rin. Naririnig na rin namin ang tunog ng sirena ng mga bumbero dahil lumalaki na ang apoy sa bahay nila Alec.

“Nagsisinungaling si Jojo! Siya ang baliw! You know me Rinrin, hindi ko kayang gawin ang mga sinasabi niya!”  Napaluhod na si Alec at napahagulgol.

Nakatingin lang sa kanya si Rinrin. “Don’t believe him.” Sabi ko.

Humikbi si Trinity. “I don’t want to believe you anymore Alec! I hate you! You’re a killer!” Sabi nito at tumakbo na ito papaalis.

“S-si Mama.. at papa..” Rinig kong bulong ni Alec kaya napatayo ito.

Tinignan niya ako na may kasamang poot. “Ano? Masaya ka na?  Nakuha mo na ang bestfriend ko at sinira mo ang buhay ko! Ikaw nalang palagi ang anghel sa paningin nila! Wala kang puso Jojo!” Napahikbi na rin ito at laking gulat ko nang papasok siya sa bahay nila na nasusunog.

“Mama.. Papa.. Ililigtas ko kayo..” Umiiyak na sabi nito at tuluyan na

siyang

nakapasok sa bahay nila.

** Doon lang ako tinablan ng konsensya dahil sa ginawa ko. Nabalitaan ko na sunog na natagpuan ang bangkay ng mga magulang ni Alec sa bahay nila habang si Alec naman ay hindi na nakita. Inakala nila na patay na ito at akala rin nila na nasunog ang bahay nila dahil sa hindi napatay na electric stove. Sa akin naniwala noon si Rinrin sa mga kasinungalingan ko. Ako talaga ang tunay na psychopatic at killer. Ako ang pumatay sa mga magulang ni Alec dahil sa inggit ko sa kanya. Masama akong tao. Karma ko na rin siguro kung bakit ako naman ang nahihirapan ngayon at nawala na sa akin si Trinity.

Iba ang nagawa ng inggit sa akin noon dahil kahit mga bata pa lang kami ay nagawa ko nang pumatay ng tao. Sinabi ko sa mga magulang ko ang konsensyang ginawa ko at dahil ayaw nila akong makulong ay pinagtatakpan nila ako hanggang ngayon. Kung pwede lang sanang maibalik ko ang panahon ay itatama ko ito.

Pero nangyari na at ayokong malaman pa ni Trinity ’to. Ayoko na madagdagan pa ang sakit na ibinigay ko sa kanya. This secrets will keep safe forever.

Chapter 37 - Dirty Move

Trinity’s POV

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na si Jaden na taong minahal ko ay si Jojo pala na kababata kong hindi na ako muling binalikan pa. Napakasakit dahil niloko niya ako at pinaikot sa mga kasinungalingan niya. Kung hindi ko ba napakinggan ang CD recorder na ’yon ay hindi siya aamin sa akin? Sino ang nagpadala ng cd na iyon? Isa lang rin ba siya sa kasama ko noon sa TREASURE House?

“You’re spacing out again.” Puna sa akin ni Travis.

Simula nang mabuko at nakipaghiwalay na ako kay Jaden ay si Travis na palagi ang kasama ko. Nalaman ko na close pala siya ng pamilya ko at may tiwala rin sila dito. Si Eugene naman ay busy na sa pag-aaral at pagtulong sa pagpapatakbo ng kompanya nila. Sinabi niya pa sa akin na ’wag daw akong magtitiwala kay Travis dahil hindi maganda ang kutob niya dito. Nagtaka naman ako dun. Bakit parang hindi tiwala si Eugene sa mga kaibigan ko? Mahirap ba silang pagkatiwalaan?

Napaayos naman ako ng upo. “M-May iniisip lang ako.” Umupo siya sa tabi ko at pinagsalop ang kamay naming dalawa na ikinailang ko.

“If its Jaden then don’t. Niloko ka na nga niya and he even lied to us on his real identity. Dapat lang na magalit ka sa kanya dahil sa ginawa niya sayo.”

Nagagalit nga ako kay Jaden pero hindi ko tuluyang magawang magalit sa kanya na hindi ko maintindihan sa sarili ko. Gusto ko rin naman na marinig ang side niya kung bakit niya nagawa sa akin ito pero sa ngayon ay napapangunahan ako ng galit sa kanya.

Nanatili akong tahimik. Hinapit bigla ni Travis ang katawan ko sa katawan niya at bumulong sa akin na mas lalo ko pang ikinailang.

“Let’s drink? Para naman kahit papaano ay makalimutan mo ang panggagagong ginawa sayo ni Jaden.” Tinignan ko siya sa mga mata niya at tila naguluhan ako dahil nakikita ko ’yung pagnanasa niya sa hindi ko malamang dahilan.

“Trinity, ’wag kang

magtitiwala

sa Travis na ’yun. I can sense na manganganib ang buhay mo sa kanya. Hindi

maganda

ang

kutob

ko sa lalakeng

iyon

.“

Bigla ay pumasok sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Eugene. May point rin naman siya dahil hindi ko pa lubos na kilala si Travis. His look is so harmless pero dapat ay hindi ako makampante.

Lumayo ako sa kanya “Next time na lang siguro, wala ako sa mood.” Umiwas ako ng tingin dahil tinititigan niya ako ng mariin.

He sighed and cross his arms while still looking at me. “Are you afraid of me? Don’t worry I won’t bite.” Then he laughed. Kinabahan ako dun.

We are here in our house. Hindi na ako grounded at nakakapasok na rin ako sa YGA. Galit ang mga kaibigan ko kay Jaden and my mother, parang expected na talaga niya na masasaktan ako.

“No, I’m not.” Sagot ko na lang. Tumawa ulit siya.

“Pinagtatawanan mo ba ako?” Nakataas na kilay kong tanong.

He suddenly stopped from laughing at seryoso akong tinignan. “Maybe naiilang ka sa akin and for the 2nd time ay tinaasan mo ulit ako ng kilay at sinusungitan. I still remember our first encounter at the bar.” Ngumiti siya. Bakit ba ang gwapo ng lalakeng ito kahit ngumingiti pa?

Lumapit siya ulit sa akin at hinawakan ako sa kamay ko. “You can trust me Trinity. You know how much I like you and I’ll do anything for you.”

Nakonsensya naman akong bigla. Travis cares for me so much tapos ay sinusungitan ko pa siya? Ang sama ko na yata.

“I’m sorry kung nasungitan pa kita.” Nakatungo kong sabi.

He lift up my chin at ayan na naman po ang million dollar smile niya na kinababaliwan ng mga babae.

“It’s okay. Shall we drink?” I sighed. Makakatanggi pa ba ako?

“Sige.”

And I don’t think this is a good idea.

Arthur’s’ POV

Umalis muna ako sa TREASURE House dahil naiinis lang ako sa pagmumukha ni Jaden. Hindi ko nga akalain na pati ang bestfriend kong si Kevin ay si Jaden rin ang kinakampihan. Bakit kapag sila Daniel at Travis ang may mali ay halos magwala na ang mga kaibigan ko sa galit? Pero kapag si Jaden na niloko kami at niloko rin si Trinity ay iintindihin pa nila? Ano ’yon? Favoritism? Ayan ang mahirap sa kanila e, si Jaden na lang palagi ang tama sa paningin nila. Noon ko pa iyon napapansin but I still remained quiet dahil itinuturing ko siyang kaibigan pero ngayon.. handi na tama ’to. Ang babaeng mahal ko na ang naaagrabyado dito. Hindi ako katulad ni Mason para intindihin pa si Jaden.

“Problem?” Tanong sa akin ng kaibigan kong si Yuna.

Nandito ako ngayon sa condo unit niya. Nagpapalamig ng ulo. Si Yuna lang ang kaibigan kong babae dahil siya lang ang babaeng pinagkakatiwalaan ko.

“Si Jaden na naman ang kinampihan nila,” Naiinis kong sabi.

She just laughed at inakbayan ako. “Ang gwapo naman kasi nung Jaden na ’yon. Matangkad, maappeal at mukha pang anghel kaya siguro kahit gumawa pa siya ng krimen ay mas kakampihan pa rin siya ng lahat.” Mas lalong uminit ang ulo ko sa sinabi niya.

So, dahil pala sa itsura ni Jaden kaya palagi siyang kinakampihan?

Bigla na lang tumawa ng malakas si Yuna habang nakatingin pa rin sa akin. “L-Look at your face Arthur! Lukot na lukot na ’yung mukha mo dahil sa sinabi ko.” Napailing na lang ako at lumayo sa kanya. Baliw talaga.

“If you’re attracted to him edi ligawan mo!” She stopped from laughing and smiled sheepishly.

“Kung pwede nga lang kaso may Noa bebs na ako.” I rolled my eyes.

“Pero seryoso na ako, he’s nice naman e, tahimik nga lang at parang malihim.”

“Pati ba naman ikaw Yuna ay kakampihan mo si Jaden?” Tumaas na ang tono ng boses ko. Kahit si Yuna?

Umiling siya. “No. Ang sa akin lang ay pakinggan mo ang side niya. Malay mo may valid reason siya kaya niya nilihim ang tunay niyang pagkatao sa inyo at kay Trinity.” Napaisip ako.

Naikwento ko na sa kanya ang lahat and she knows Jaden dahil minsan ko na rin naipakilala si Say sa TREASURE guys.

“Obvious naman na gusto mo ’yung girlfriend ni Jaden..” Humalukipkip siya at nginisian ako. Kilalang-kilala na talaga ako ng babaeng ’to.

Napahawi ako sa buhok ko. “Shit. Yes, I like her. Tigilan mo na nga ako!”

“Naks naman! Binata ka na Arthur. I’m so proud of you!” Nagkukunwari pa siyang nagpupunas ng luha.

Paano ko ba naging kaibigan ’tong si Yuna?

Lumapit siya ulit sa akin. “Pakinggan mo muna kasi ang kaibigan mo kung mag-eexplain man siya. Walang magandang maidudulot ’yang galit mo. Okay? Wait, tatawagan ko lang muna ang boyfie ko. Lalabas muna ako.” I nodded at her at lumabas na rin siya dito sa condo niya.

Napatingin ako sa isang malaking salamin na katapat lang ng inuupuan ko at pinagmasdan ang repleksyon ko.

I have a white skin. Gwapo at ang sabi nga nila ay gumagwapo daw ako dahil mukha akong babae. Ang dami rin mga babaeng nagkakagusto sa akin pero bakit siya ay hindi? Bakit palaging si Jaden ang nagugustuhan nila? Nilalamon na ako ng insecurities ko. Ayoko maging masama na katulad ni Travis. Mabait ako at hindi ako magiging masamang tao.

Travis POV

I bought some beer at iniwan ko muna si Trinity sa bahay. Bumili rin ako ng snacks dahil mag-iinuman kaming dalawa. It seems na napilitan lang siyang makipag inuman sa akin pero mabuti na lang at napapayag ko siya. Pagkatapos kong bumili ay bumalik na ako sa bahay nila at pinuntahan siya sa kwarto niya. Dala-dala ko rin ang mga binili kong beer at snacks.

Naabutan ko siyang parang malalim ang iniisip.

“I’m back!” Masiglang bati ko at inilapag ang pinamili ko sa bedside table niya.

“Hey,” Pilit na bati niya at nginitian ako.

Tinabihan ko naman siya at kinuha ang dalawang beer in can sa plastic.

“Wait lang Travis, may tumatawag sa cellphone ko.” Sabi nito at tumayo.

“Okay. Answer that.” Sagot ko saka siya lumayo sa pwesto ko. Sa bandang veranda siya pumwesto at sinagot ang tawag sa cellphone niya. Medyo malayo sa akin.

Dali-dali ko namang kinuha ang ecstacy sa bulsa ng pantalon ko at binuksan ang isang beer na ipapainom ko kay Trinity. I put the drugs on her drinks at nang matapos ay agad kong nilagay sa bulsa ng pantalon ko ang drugs. I smirk.

Ang bobo mo talaga Jaden. Ikaw na mismo ang gumawa ng paraan para maangkin ko ang babaeng pinakamamahal mo. I’ll make sure na sa akin na si Trinity ng buong buo at wala ka nang babalikan pa.

Nang matapos si Trinity sa pagsagot sa tawag niya ay lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

“Drinks?” Sabay kong inabot sa kanya ang beer in can na nilagyan ko ng drugs.

Nag-aalangan pa siya pero tinanggap niya na rin ito. “T-thanks.”

I smiled at her at ininom ang hawak kong beer. Lalo pang lumawak ang ngiti ko nang inumpisahan na niyang inumin ang beer na binigay ko. Napakainosenteng babae, akala ba niya ay magiging sandalan lang niya ako sa mga problema niya? Nagtiwala siya sa isang Travis Ramos? Hindi ako makakapayag na si Jaden ang makauna sa kanya. Kailangan ay ako at sa akin lang siya.

Isang lagok pa lang ay nakikita ko na nahihilo na siya dahil bigla itong napakapit sa braso ko. I smirk again.

“Trinity, are you okay?”

Umiling siya. “Travis, nahihilo ako..” Napapikit na ito dahil sa hilo.

Tumalab agad ang pinainom ko. “Magpahinga ka muna. Akong bahala sayo.”

Magsasalita pa sana siya nang tuluyan na siyang mawalan ng malay at napasubsob na ito sa dibdib ko. Hinawi ko naman ang buhok niya at inamoy. Her scent is my drug. “Gotcha, Trinity.” I whispered to her ear.

Hiniga ko na siya sa kama niya at tumayo muna ako para ilock ang pintuan ng kwarto niya at pagkatapos ay pumatong ako sa kanya. Pinagmasdan ko ang walang malay niyang mukha. She’s very beautiful yet innocent. Buong buhay ko ay ngayon lang ako nabaliw sa isang babae. She changed the Playboy Travis Ramos into Obsessed Travis Ramos. I even betrayed my friends just because of Trinity. Alam ko na sa gagawin kong ’to ay kamumuhian na niya ako pero wala na akong pakialam pa basta ang mahalaga ay maangkin ko siya.

I removed my t-shirt and stared at her. “You’re only mine Trinity, mine and mine alone..” And I quickly claimed her sweetest lips.

And this night, I took advantage that she didn’t know. I feel the victory inside me but not totally completed.

She’s still sleeping why our naked body is covering a comforter. Naglabas ako ng sigarilyo at sinindihan ito. Pinagmasdan ko siya habang nagbubuga ako ng usok sa sigarilyo ko. Bigla ay nakaramdam ako ng lungkot dahil ang babaeng katabi ko sa kama ay hindi ako kayang mahalin at pahalagahan. Ito lang ang paraang alam ko para mapasaakin siya. I’m so madly deeply in love with her.

“I’m really really sorry, Trinity..”

And for the first time in my life, I cried because of a girl. Napatungo ako habang umiiyak pa rin. “I really love you so damn much that I can’t live without you. Ikamamatay ko ’yon!” Para na rin akong tanga dahil kumakausap ako sa taong tulog.

I hugged her and kiss her forehead. “Aalagaan kita at mamahalin nang higit pa sa kayang gawin ni Jaden. I will be a good man to you,” Pinunasan ko ang luha ko at hinalikan siya sa labi.

“I’ll do everything for you, Trinity. You’re my life and my everything. Gagawin ko ang lahat para sa akin ka lang,” Napatawa ako ng mapait.

“Hindi ka pwedeng mapunta sa iba. You’re mine..”

Someone’s POV

“Ikaw ang pinaka best na best na

kaibigan

ko sa whole world, Alec!“

“Walang iwanan ha? Gusto ko na ’pag mag grow na tayo ay magmarried tayo.”

“Wala ka bang chocolate? Gusto mo share na lang tayo

nitong

chocolate ko?“

“Huwag ka

nang

umiyak Alec, magkakaayos rin ang parents mo.“

“Alam mo ba na love kita more than a friend?”

“Ayiee! Nagsmile na ang tampururut na si Alec!”

“Alec, si Jojo nga pala, new friend ko at dapat itreat rin natin siya na friend ko ha?”

“I don’t want to believe you anymore Alec! I hate you! You’re a killer!”

Sinira ni Jojo ang buhay ko. Pinatay niya ang mga magulang ko at inagaw niya sa akin si Rinrin. Sinira niya ang masayang pamilya na meron ako. Napakasama niyang tao at hinding-hindi ko siya mapapatawad! Babawiin ko ang lahat ng kinuha niya mula sa akin. Pagsisisihan niya na binangga niya ang isang tulad ko. See you in hell, Jaden Ayuna.

– Nagulat kayo no? Nag-update na ako at nakabili ng new phone. Hindi na ako araw-araw mag uupdate dahil may work na ko pero as I said, I will finished this story. Salamat.

Chapter 38 - Drunk Mistake

Trinity’s POV

I’m crying like there’s no tomorrow. Pakiramdam ko ay napakadumi ko nang babae. The man sleeping beside me is an evil. I trust him but he broke my trust. Papaano niya sa akin nagawa ang bagay na ’to? Bakit niya ako sinaktan? Mas lalo pa akong napaiyak nang makita ko ang dugo na nasa kama. Its confirmed, Travis raped me at may nangyari sa amin.

Unti-unti na siyang gumagalaw mula sa pagkakahiga niya hanggang sa tuluyan na siyang nagising. Lumingon siya sa akin at tinitigan ako habang umiiyak. Ginawa niya ang kababuyan niya sa akin at dito pa mismo sa pamamahay namin. Galit ang nararamdaman ko para sa kanya. Hinding-hindi ko siya mapapatawad!

“Papaano mo nagawa sa akin ’to, Travis?!” Sigaw ko at pinagpapalo siya sa dibdib niya. Wala na akong pakialam kung natanggal man ang kumot na nakabalot sa akin. Wala na rin naman akong magagawa dahil nakita na niya ang lahat-lahat sa katawan ko.

Pinigilan naman niya ang dalawang kamay ko habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. Bigla na lang akong natakot sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

“Ano pa bang magagawa mo? Nangyari na at hinding-hindi mo na maibabalik pa ang virginity mo!” With that ay sinampal ko siya ng napakalakas. Napahawak naman siya sa pisngi niyang sinampal ko. He deserved it.

“I trust you! Bakit mo ba ’to ginagawa?” Natahimik siya sa sinabi ko pero di kalaunan ay ngumisi lang siya.

“Simple lang, ayokong mapunta ka kay Jaden at sinaktan mo rin ako. You rejected me!” Padabog niyang binitawan ang kamay ko at saka siya bumangon at umupo sa gilid ng kama patalikod sa akin.

“Napakasama mo! Kinamumuhian kita!” Napatakip na lang ako sa mukha gamit ang dalawa kong palad at humagulgol na ng tuluyan.

I’m only 18 years old at nakuha na ang pagkababae ko. Gusto ko pa naman sana na ibibigay ko ang virginity ko sa lalakeng mahal ko at papakasalan pero nakuha lang ’yon ng isang demonyo.

“Will you please stop crying? Nakakarindi ka!” Naiinis na sabi nito saka pinulot ang t-shirt niya sa sahig at sinuot ito.

Umiyak na lang ako ng tuluyan. Hindi ba siya nakokonsensya sa ginawa niya sa akin? Ganon na ba niya ako kagusto para angkinin ako? Sana pala at nakinig na lang ako sa sinabi ni Eugene na huwag akong masyadong magtiwala kay Travis dahil sa kutob niya dito. He’s right, nanganganib na ngayon ang buhay ko sa demonyong kasama ko.

“Pagkatapos mong umiyak diyan bumaba ka na. I will cook our breakfast dahil day-off ng mga katulong ngayon. Inumin mo din yung honey tea dyan sa bedside table para mawala ’yung sakit ng ibaba mo.” Tumayo siya at walang lingon na lumabas na siya ng kwarto ko.

Namalik mata lang ba ako nang makita kong may bumagsak na luha sa mga mata niya? Siguro nga dahil ang mga walang konsensyang katulad niya ay hindi umiiyak.

** Naligo ako at halos masugatan na ang balat ko sa matinding pagkukuskos sa katawan ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ako naging malakas. Kailangan kong magpakatatag para sa sarili ko.

Nang matapos akong maligo at magbihis ay bumaba na ako mula sa kwarto ko. Paika-ika pa akong naglalakad ng hagdan dahil sa sakit ng ibaba ko. Ang walanghiyang iyon! Ano kaya ang mga pinagagagawa niya sa akin nung wala akong malay? Ang natatandaan ko lang noon ay may pinainom siya sa aking beer at pagkatapos ay nahilo ako at wala na akong naalala.

Pagkarating ko sa kusina ay nakita ko si Travis na kumakain sa dining table. May nakahanda na ring pagkain sa lamesa.

“Bakit hindi ka pa umuwi?” May galit kong tanong sa kanya na ikinalingon niya.

“Eh sa ayoko. Kumain ka na.” Sabi nito at nagpatuloy lang kumain.

Kung makaasta siya ay para siyang may-ari ng bahay na ito.

“Hindi ako kakain kasabay ang demonyong katulad mo!” Sagot ko nang may panggigigil. Naiirita na din ako sa pagmumukha niya!

“Bahala kang magutom diyan.” Pagkatapos niyang kumain ay nilagay niya ang pinagkainan niya sa kitchen sink at uminom ng tubig na kinuha niya mula sa ref.

Humarap siya sa akin at nagcross-arms. “Wala ka nang magagawa kundi tanggapin ang katotohanan na sa akin ka na babagsak. Paano na lang kung malaman ng pamilya mo na may nangyari na sa ating dalawa? At paano na lang kung.. nabuntis kita?” He smirk.

Halos hindi ako makahinga dahil sa mga sinabi niya. Bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Hindi imposible na malaman ito ng pamilya ko at mabuntis ako. Hindi ko kaya iyon.

Lumapit siya at bumulong sa akin. “Are you scared? This is my punishment for hurting me and you chose Jaden instead of me. Just accept the fact that you are mine now, future Ms. Trinity Ramos.” He chuckle and tapped my shoulder before he left.

Napahagulgol na naman ako. Gusto kong maging malakas para sa sarili ko pero hindi ko magawa dahil sa sakit na pinapadanas sa akin ni Travis. Kung mahal niya ako ay bakit niya sa akin ginagawa ito? Diba kapag mahal mo ang isang tao ay hahayaan mo siyang maging malaya? Bakit pinapahirapan niya ako ng ganito? Tatlong lalaki na ang nakapanakit sa akin. Una ay si GD na gusto rin akong angkinin. Pangalawa ay si Jaden na pinaikot ako sa mga kasinungalingan niya at ang pangatlo ay si Travis na kinuha ang pagkababae ko. Tama nga sila, masyado akong mabait kaya inaabuso na ako ng mga taong akala ko ay mapagkakatiwalaan ko. Deserved ko bang maloko? Wala naman akong ginawang masama sa kanila para ganituhin nila. Uto-uto nga siguro ako kung maituturing.

Nang matapos na ako sa pag-iyak ay nag-umpisa na akong kumain. Desidido na ako sa binabalak ko, kakasuhan ko si Travis pero may maibibigay ba akong ebidensya? Naalala ko na may CCTV pala sa kwarto ko. Nabuhayan akong bigla. Pwede iyong patunay na kababuyan na ginawa sa akin ni Travis.

** 7pm na at mabuti naman na wala na siya dito sa bahay. Gusto kong makalimot kaya balak kong pumunta sa bar at uminom ng uminom. Gusto ko munang mapag-isa at mag-isip-isip. Nagsimula na akong mag-ayos ng sarili ko. I wear a sleeveless blackdress above the knee. Sandals with 3 inches heels, naglugay din ako ng buhok and I put some make-up. Nagdala rin ako ng purse at nang matapos ako ay agad akong umalis ng bahay at nagtaxi na lang papunta ng bar. Nang makarating na ako sa bar kung saan pinupuntahan namin ito nila Chae ay pumasok na ako sa loob at pumunta sa counter.

“One tequila please,” Sabay ngiti ko dun sa bartender na natulala pa pagkakita sa akin.

Nang matauhan siya ay nginitian niya din ako. “Right away, Ms. Gorgeous!”

Nang matapos niyang gawin ang order ko ay agad niya itong binigay sa akin at ininom ko naman.

“Hindi ko akalain na makikita kita dito.” Napalingon naman ako sa tumabi sa akin at nagsalita at laking gulat ko nang siya ang makita ko.

“One sunrise vodka.” Sabi niya sa bartender. Agad namang binigay ng bartender ang order niya.

“Ben?” Napalingon siya sa akin sabay ng pagshot niya ng inumin niya.

“What are you doing here?” Tanong niya.

Napayuko naman ako nang maalala ko ang dahilan ng pagpunta ko dito at dahil iyon sa walanghiya niyang kaibigan na si Travis.

“Hindi ba’t galit ka sa akin? Bakit mo ba ako kinakausap?” Pag-iiba ko ng usapan. Naalala ko kasi na galit siya sa akin dahil iniisip niya na nagkakasira silang magkakaibigan nang dahil sa akin.

Nagkibit-balikat siya. “ I heard on what happened to you and Jaden. Alam mo kung nasa sitwasyon mo ako, hindi lang break-up ang gagawin ko, bubugbugin ko pa siya.“ Medyo natawa naman ako dun pero hindi na lang ako nagsalita.

Uminom na lang ulit ako. Napansin ko naman na nakatitig lang siya sa akin.

“Bakit?” Bumuntong-hininga ito bago sumagot.

“Trinity, I’m really really sorry kung nagalit man ako sa’yo with some stupid reason. I just realize na mali ako. Dapat hindi kita hinusgahan, hindi naman totoo ’yung sinabi ko kay Daniel na flirt ka. It’s just.. panira ko lang ’yon sa’yo but I didn’t mean it. Sorry talaga.” Nagulat ako sa mga sinabi ni Ben.

He’s saying sorry? Napangiti ako.

“Okay lang, Ben. Naiintindihan ko naman kung pangit ang first impression mo sa akin. Bigla na lang kasi akong sumulpot sa buhay ninyo ng TREASURE Guys.” I smiled.

“Ganyan ka ba talagang kadaling magpatawad?” Inis na sabi nito.

“Ha?”

“Bakit ba ang bait-bait mo? Alam mo ba na pwede kang abusuhin dahil diyan sa sobrang kabaitan mo? Malaki ang ginawa ko sayong kasalanan kaya dapat lang na magalit ka sa akin.”

Bigla na lang tumulo ang luha ko na ikinagulat niya. Lumapit siya sa akin at pinunasan ang luha ko.

“Hey, why are you crying?” Napatawa ako ng mapait.

“Sa tanong mo Ben, inabuso na ako ng kaibigan mo.” Kumunot ang noo nito pero di kalaunan ay unti-unti na rin niyang nakukuha ang sinabi ko. He didn’t know na dalawang kaibigan niya ang umabuso sa akin.

“Daanin na lang natin ’to sa pag-inom.” Sabi ko.

He smiled pero halatang napilitan lang siya. “Kung ’yan ang paraan para pansamantala mong makalimutan ang problema mo. Sasamahan kita.”

“Thanks, Ben.”

Ben’s POV

Sinasamahan ko ngayon si Trinity sa pag-iinom. Naaawa ako sa kalagayan niya. Hindi niya deserve na masaktan at nakokonsensya pa ako dahil nagtanim ako ng sama ng loob sa kanya kahit wala naman siyang kasalanan kung bakit nagkakagulo ang TREASURE Guys. Ang dali rin niyang magpatawad. Hindi na ako magtataka kung nagkagusto man ako sa kanya at pati na ang mga kaibigan ko. Napakabait niya to the point na inaabuso na ang kabaitan niya.

“Trinity, ang dami mo nang nainom. Tama na ’yan!” Pigil ko sa kanya dahil lasing na lasing na siya at patuloy pa rin sa pag-inom.

“Kaya ko pa. Don’t worry.” Sabi niya at uminom ulit.

Wala naman akong magawa dahil ayaw din niyang magpaawat. Bakit ba sinaktan siya ni Jaden ng ganito?

Napansin ko na matutumba na si Trinity dahil sa kalasingan niya kaya sinalo ko na siya bago pa mahuli ang lahat. Napatitig siya sa akin kaya napatitig rin ako sa kanya. Nakasandal din ito sa dibdib ko na mas lalo pang nagpatibok sa puso ko.

Damn. Why she’s so beautiful?

Napakapit siya sa leeg ko at sa hindi ko inaasahan ang ginawa niya dahil bigla na lang niya akong hinalikan. Nanlaki ang mga mata ko dahil dun but I can’t stop myself to kissed her back. Alam kong nagtetake-advantage ako dahil lasing siya but shit! I like this girl so much.

“I love you, Jaden..” Doon ay natauhan ako kaya itinigil ko na ang paghalik sa kanya. Tuluyan na siyang nakatulog at napasubsob sa bar counter.

Sinaktan na nga siya pero si Jaden pa rin ang iniisip niya? Tsk.

Napahilot akong bigla sa sentido ko nang maalala ko na kailangan ko siyang iuwi sa buhay nila. Tinignan ko ang dala niyang purse kung may card man o kung nasaan ang address niya pero wala at pinapakialaman ko na rin ang cellphone niya. Pati wallpaper niya ay si Jaden pa rin? Tsk. Patuloy pa rin ako sa paghahanap pero wala talaga akong makitang address sa bahay nila. No choice kundi iuuwi ko siya sa condo ko dahil hindi naman pwedeng sa TREASURE House dahil nandoon si Jaden.

I sighed. “You’re making this hard for me, Trinity. You’re an innocent seductress. Don’t you know that?”

Binayaran ko na ang mga ininom namin at inalalayan ko na si Trinity palabas ng bar. Isinakay ko na rin siya sa kotse ko na nakaparada sa labas ng bar.

I’m staring at her beautiful face. “Napakatanga ni Jaden para saktan ka.” I lean on her and I kissed her again.

Pagkarating sa condo ko ay agad ko siyang hiniga sa kama ko. Nakatayo lang ako sa tabi niya at panay ang paypay sa sarili ko. Bakit nag-iinit ako? Napa facepalm pa akong lalo nang umangat ng konti ang suot niyang dress sa bandang hita niya kaya nakikita ko yung mapuputi niyang hita. This is the first time na napalapit at naattract ako sa isang babae. Nakakabaliw siya sa totoo lang. Kaya pala baliw na baliw sa kanya si GD at ang ibang mga kaibigan ko. Naiintindihan ko na sila ngayon.

Paano ko pala siya papalitan ng damit? Alangan namang ako pa ang magpapalit sa kanya at baka kung ano pa ang magawa ko. Wala na akong magagawa but I need a help from Roxanne. Ngayon lang rin ako manghihingi ng pabor sa babaeng iyon.

I dialed her number.

(Himala at napatawag ka?) May pagkagulat pa siya sa boses niya nang tumawag ako.

“Tsk. Go to my condo and buy some female clothes. Trinity is here at my condo and she’s drunk.”

(Why she’s with you and she’s drunk?“) I rolled my eyes.

“I will explain it to you later. Basta bumili ka na ng damit niya at pumunta ka na dito.” Magsasalita pa sana siya nang pinatay ko na ang tawag.

After a few minutes ay dumating na rin si Roxanne na may dalang paperbag na ang laman ay ang mga damit na pinabibili ko sa kanya. Lumabas muna ako sa kwarto ko para mabihisan niya sa Trinity. Nang matapos na rin ay pumasok na ako sa loob.

“Care to explain, Benjamin?” Nakapameywang niyang tanong.

Umiling na lang ako saka umupo sa sofa at sumandal. “I saw her at the bar. She’s drinking like there’s no tomorrow. Siguro ay dahil ’yon sa kinababaliwan mong si Jaden kaya siya naglalasing. They already broke up, right? Dahil siya ang kababata ni Trinity na iniwan siya and then sinamahan ko siyang uminom. Nakatulog na sa kalasingan e. Iuuwi ko sana siya sa bahay nila kaso hindi ko alam yung address ng bahay nila. Kahit sa cards o cellphone niya ay wala akong makitang address kaya sa huli ay dinala ko siya dito sa condo ko. Hindi rin naman pwede sa TREASURE House dahil nandoon si Jaden.” Natahimik siya at umupo sa tabi ko.

Nakatitig lang kami sa natutulog na si Trinity. She’s now wearing a pajama and white sleeveless shirt. Wala na rin siyang make-up marahil ay nilinisan na siya ni Roxanne.

“She’s suffering too much pain. Nung una ay pinagtangkaan siyang gahasain ni GD tapos ngayon naman ay dahil kay Jaden. She’s such a fragile girl.” Roxanne said.

“Yeah.” She look at me.

“Ngayon lang kita nakitang naging concerned sa isang babae. I know you and you hate girls even me. Tell me the truth Ben, do you like Trinity?”

Ang lakas talaga ng radar ng babaeng ito. Wala akong maitatagong sikreto sa kanya.

“So, what?” Napatawa naman siya.

“Gusto mo rin pala siya katulad ni Travis. Ang lakas talaga ng karisma ni Trinity sa inyo.. pati si.. Jaden.” Malungkot na sabi nito at ngumiti ng pilit. Hanggang ngayon ay gusto pa rin niya si Jaden. Too bad for her.

Tumayo na ako at binigay sa kanya ang susi ng condo ko. “Samahan mo munang matulog si Trinity dito. Ikaw na rin ang bahalang mag-explain sa kanya kung bakit siya nandito. Uuwi na ako sa TREASURE House.” She nodded at tumayo na rin.

She look at me with sincerity. “I’m glad that you didn’t take advantage of her. That’s true love, cous!” Natawa naman ako.

“Whatever. I’ll go ahead. May mga pagkain naman diyan sa ref. Pakainin mo siya.” She laughed.

“Wow! Daig ko pa ang nanay sa ginagawa ko, ah?”

“Silly,” I said.

Lumabas na ako sa unit ko at napangiti dahil ewan ko ba pero ngayon lang ako sumaya ng ganito. Trinity and I are now okay at masaya rin ako na nadala ko siya sa condo ko at yung take advantage na sinasabi ni Roxanne..

Hindi lang niya alam pero nag take advantage na ako kay Trinity but it’s just a kiss. I still respect her. Talaga ngang may kung ano sa kanya na hindi mo maayawan. Very extraordinary girl.

– After 2 years now lang naka update. Don’t expect po sa fast update dahil kumpara sa iba kong story ay mahaba ito every chapter. I spent 4 hour for this one update kaya mahirap talaga mag UD. I hope I will finished this by the end of this year. Thank you so much for reading this until now. Loveyou all!

Chapter 39 - Blackmail

Trinity’s POV

Papauwi na ako papuntang bahay. Napasapok na lang ako ng aking ulo nang malaman ko na nalasing pala ako at inuwi ni Ben sa condo niya dahil hindi nito alam ang address ng bahay namin. Naperwisyo ko pa tuloy sila ng pinsan niyang si Roxanne. Mabait naman pala si Roxanne. Pinagselosan ko pa tuloy siya. Dati, she said that she really likes Jaden pero nagpaubaya na lang daw siya dahil hindi siya nito mahal at alam din niya ang tungkol sa break-up namin pero hindi daw niya kukunsintihin ang panlolokong ginawa sa akin ni Jaden pero dapat daw ay humingi ako ng explanation. Gagawin ko naman iyon pero hindi pa muna sa ngayon, masakit pa rin kasi. Nagtanong pa siya kung okay lang ba kami ni Travis. Sinabi ko na lang na oo dahil ayoko nang marinig at makita ang lalaking iyon. Nagpapasalamat ako dahil kahit nalasing ako ay hindi ako ginawan ni Ben ng masama hindi katulad ng kaibigan niya. I’m glad that we’re okay now.

Nakauwi na ako ng bahay at pagkapasok ko ay wala pa rin tao. Nagbakasyon ang mga katulong namin sa probinsya. Dumiretso agad ako sa kwarto ko pero pagkabukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang pagmumukha ng lalaking kinamumuhian ko.

“Saan ka nanggaling?” Tanong niya pero sinamaan ko lang siya ng tingin at nilagpasan siya papunta sa loob ng kwarto ko.

“Ang sabi ko, saan ka nanggaling?” Tanong ulit niya saka lumapit sa akin at hinawakan ako sa braso.

Hindi ba’t dapat ako ang nagagalit dahil sa ginawa niya sa akin?

Tinabig ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. “Ano bang pakialam mo?” Inis na sabi ko sa kanya. I saw how he clenched his jaw.

“Baka nakakalimutan mo Trinity, pag-aari na kita.” Tumawa naman ako. Nagpapatawa ba siya?

“Kahit kailan, hindi mo ako naging pag-aari, Travis. You raped me at hindi ibig sabihin nun na pagmamay-ari mo na ako.” Bakas ang galit sa mukha niya dahil sa mga sinabi ko.

Ganyan lang Trinity, inisin mo siya.

“Talaga lang ha?” May paghahamon niyang sabi.

“Talaga at ipapakulong kita dahil sa ginawa mo sa akin. May ebidensya ako laban sa’yo.” Bigla ay tumawa siya ng malakas at pumalakpak pa.

“Ipapakulong mo ako? ’Yung ebidensya ba na tinutukoy mo ay ’yung kuha ng CCTV Camera sa loob ng kwarto mo? Oh c’mon! Pinabura ko na ’yon bago ka pa gumawa ng hakbang.” He smirk.

Bigla na lang akong nanlumo dahil sa mga sinabi niya. “Walanghiya ka! Napakasama mo!” Pinagpapalo ko siya sa dibdib at napaiyak na lang. Parang balewala lang sa kanya ang ginagawa ko at tuwang-tuwa pa siya na umiiyak ako. Wala siyang konsensya! Ang sama-sama niya.

Napaluhod na lang ako sa sahig. Ang pag-asa ko, wala na.

“Nakakarindi ka na! Iyak ka ng iyak.” Humiga naman ito sa kama ko.

Mas lalo namang namuo ang galit ko sa kanya. “Sasabihin ko ito sa mga magulang ko para makulong ka!” Mukha namang hindi ito makapaniwala sa sinabi ko at umiling.

“Talaga ngang napakabata mo pa, Trinity. Magsusumbong ka sa mga magulang mo? Tsk. mga bata lang ang gumagawa nun at isa pa, kaya ko namang baliktarin ang lahat.”

“Demonyo ka!” Sigaw ko.

“Alam ko. Binablackmail na nga kita. Sumunod ka na lang kasi sa mga gusto ko para wala ka nang problema.” Sabi niya habang nakangiti.

Parang hindi siya si Travis na nakilala ko at inalagaan ako nung may sakit ako. Ibang-iba itong kaharap ko ngayon.

“H-hindi ko akalain na ginagawa mo sa akin ’to, Travis. Hindi na pagmamahal ’yan kundi kasakiman mo. Hindi mo iniintindi ang nararamdaman ko… Itigil mo na ’to please…” Pagmamakaawa ko kasabay ng  pagpunas ng luha gamit ang kamay ko.

Tumayo siya at muling lumapit sa akin. “Alam mo ba na ngayon lang ako nagseryoso sa isang babae? Dahil sa’yo, napatunayan ko na pwede pa lang magbago ang womanizer na si Travis Ramos. Hindi mo ba alam kung gaano ako nabaliw nung una nating pagkikita? Halos hindi na kita maialis sa isip ko nun. Hindi ko nga alam kung ginayuma mo ako o hindi.” Tumawa siya ng pagak at napahawi ng buhok niya.

“Ginawa ko ang lahat para mapansin mo ako pero tangina lang! Si Jaden na naman ang napansin niyo!” Mas lalo akong natakot dahil dumilim ang mukha niya at halata ang pagpipigil niya ng galit.

“Ano bang nagustuhan mo sa lalaking ’yon? Mas gwapo naman ako kaysa sa kanya. Mas mayaman, mas matalino pa pero bakit siya? Niloko ka na nga niya pero mahal mo pa rin siya? Ang tanga-tanga mo, Trinity!” Itinayo niya ako at inalog-alog sa magkabilang balikat ko. Nasasaktan ako sa ginagawa niya sa akin.

“T-tama na please…” Mukha naman siyang natauhan at binitawan ako.

“Akin ka lang, Trinity. Tandaan mo yan. Hangga’t nabubuhay ako ay hinding-hindi ka na mapupunta pa kay Jaden. Alis!” Binangga niya ako pagkatapos ay lumabas na ito ng kwarto ko.

Walang tigil ang pag-agos ng mga luha ko. Ito na naman, palagi na lang ba akong iiyak? ’Yung kagaguhan na naman ba ni Travis ang iiyakan ko? Mason is right, his friends are not thinking normal.

Nagpunta ako ng kusina para uminom ng tubig. Nanunuyo na kasi ang lalamunan ko. Kumuha ako ng bottled water sa ref at ininom ’yon ng isang tunggaan lang. Maglalakad na sana ako pabalik ng kwarto ko nang may mapansin akong bagay na nakakalat sa sahig at halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko ito. Nanginginig ko itong pinulot at pinagmasdan.

“Ecstacy?”

Bakit may ecstacy dito? Hindi kaya kay Travis ito? He’s using drugs? Oh my god! Napatakip ako ng bibig. As a medical student ay nagreresearch ako about sa mga drugs and their side effects noong may lesson kami nun sa YGA when I was in 2nd year college at alam ko na ecstacy itong hawak ko at sigurado ako na kay Travis nga ito. Dahil sa mga ginagawa niya pa lang sa akin ay alam ko na may mali sa utak niya at kadalasan ang mga gumagamit nito ay sexually active sa sex.

What’s happening to him? Bakit niya sinisira ang buhay niya? Dahil ba talaga ito sa akin? Ginamit ba niya ito sa akin nung nahilo ako at pinagsamantalahan? This can’t be happening. He drugged me?

Nasa kalagitnaan ako nang pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko. Kaagad ko naman itong kinuha mula sa bulsa ng suot kong pantalon at sinagot ang tawag. Unknown number.

“Hello? Who’s this?”

(Hi.) It’s a man’s voice. A very familiar voice.

“Who are you?” I heard he chuckled on the other line. (Your first love, Rin-rin.) Then he ended the call.

My first love? Is that… Alec?

Travis’ POV

Napasuntok ako sa salamin ng kotse ko kaya nabasag ito kasunod nang pagdurugo ng kamao ko. Naiinis ako sa tuwing umiiyak si Trinity pero hindi dapat ako magpapadala sa awa ko. Nasimulan ko na ito at kailangan ko itong tapusin.

Nagmaneho ako papunta sa Hernandez Group of Companies pagkatapos ay pinuntahan ko ang office ni Mrs. Isabella Hernandez, Trinity’s mom.

“Hey, Hijo.” Bati niya sa akin habang may binabasa siyang papeles.

“Hi Tita.” Bati ko naman pagkatapos ay bineso siya.

Nilapag naman niya sa lamesa ang binabasa niyang papeles at saka ako hinarap. Umupo naman ako sa upuan na katapat niya.

“So, how’s my daughter?” Nakangiti niyang tanong at inayos ang suot niyang salamin.

This is it, Travis. Kailangan mo siyang mapaniwala sa mga kasinungalingang sasabihin mo. Kailangan mo siyang makumbinsi.

Yumuko naman ako at nagpaawa. “Tita, may nangyari po sa amin ni Trinity.” Nang tinignan ko si Tita Isabella ay nanlaki ang mga mata niya at napahawak sa dibdib niya. She was shocked.

“W-what? Are you serious?” Tumango ako.

“We’re both drunk at that time, tita. She was so depressed dahil sa break-up nila ni Jaden at hindi na namin alam ang ginagawa namin kaya-” She stopped me.

“Pinagkatiwalaan kita para sa anak ko and you know that she’s still studying and she’s too young. Paano na lang kapag nabuntis mo ang anak ko?” She said.

“Sorry, tita. I will take the responsibility. Mahal ko po si Trinity at gagawin ko po ang lahat para sa kanya.” Tumayo naman ito at hinilot ang sentido niya.

“I trust you, Travis but you broke it.”

Ang dami-dami pang sinasabi ng matandang ’to. Tsk.

“Sorry po.” Kunwaring paumanhin ko.

Umupo ulit si tita sa upuan niya at ininom ang kapeng nakalapag sa lamesa niya. Tila may iniisip siya at bumuntong-hininga.

“Nangyari na ’yon and you don’t have any choice but to marry my daughter.” Sa sinabi niya ay lihim akong napangiti.

Nakuha ko ang gusto kong mangyari.

Niyakap ko si tita. “Yes, tita. I want to marry Trinity as soon as possible.” Kaagad naman niya akong inilayo sa kanya.

“Kapag nalaman ito ng mga kapatid niya, hindi ko na alam ang gagawin ko.” Bumuntong-hininga ulit ito.

Napangisi na lang tuloy ako. Ayon ay kung may magagawa sila. They are only Trinity’s brothers at hindi sila ang magdedesisyon para sa buhay niya.

Ang mga plano ko ay unti-unti ko nang naisasakatuparan. Alam ko na kung saan minana ni Trinity ang pagiging uto-uto niya. Sa nanay niya

“Pagka graduate ni Trinity, magpapakasal na kayo.” Tita said.

Sounds good. Trinity is going to be my wife. My future Mrs. Ramos.

Pagkatapos naming mag-usap ni Tita Isabella ay dumiretso kaagad ako ng TREASURE House para ibalita sa mga kaibigan ko ang good news na para sa kanila ay bad news. Pang-insulto ko na rin kay Jaden. Nang makarating ako ay pumasok ako sa loob at saktong-sakto na ang lahat ng TREASURE guys ay nasa may sala at nag-uusap.

Nagulat sila nang makita ako. Kitang-kita ko rin ang galit sa mga mata nila.

Kaagad akong nilapitan ni Jaden at kwinelyuhan. “Anong ginagawa mo dito? Bakit nagpakita ka pa?” Galit na galit siya.

Sino ba namang hindi magagalit kung inagaw ko sa kanya ang girlfriend niya?

Napangisi ako. “Bakit? Bawal ba? Manloloko ka rin naman, ’di ba? You fooled us! Ikaw pala ang kababata ni Trinity na iniwan siya!” Natigilan ito sa sinabi ko at binitawan na ako.

Hinarap ko ang TREASURE Guys at nginisian sila. “I have a good news for you, guys.” Kumunot naman ang noo nila dahil sa sinabi ko.

“Ano namang good news ’yan? ’Yung panloloko mo rin sa amin katulad ng panlolokong ginawa ni Jaden?” Hindi makapaniwalang tanong ni Daniel.

“Not that.” Sabi ko habang nakangiti.

“Eh ano?” Iritadong sabi niya.

Nagpamulsa ako at tinignan si Jaden na sobrang sama ng tingin sa akin.

“Trinity and I will getting married after her graduation and she’s now my girlfriend. Too bad dahil alam kong gusto niyong lahat ang girl- oh let me scratch that… fiance ko.” Bakas sa mukha nila ang pagkagulat lalo na si Jaden.

“You gotta be kidding us,” Naiiling na sabi ni Kevin na hindi makapaniwala.

“I’m not, Kevin.” Sagot ko.

Tumayo naman mula sa pagkakaupo si John at bigla akong itinulak sa dibdib dahilan para matumba ako. “Anong kalokohan ba ’yung ginagawa mo kay Trinity? Bakit kayo magpapakasal? I know you force her to marry you. Alam ko na hindi ka niya gusto!” Sigaw niya sa akin.

John is angry? Ngayon ko lang siya makitang magalit ng ganito. Is it because of Trinity?

“Ano namang magagawa niyo? Her mother also agreed to our marriage. Wala na siyang pagpipilian sa inyo dahil ako na ang magiging fiance niya!” Sigaw ko at akmang tatayo na nang bigla naman akong sinuntok ni Ben na ikinagulat ng lahat. Nagdugo ang labi ko dahil sa pagsuntok niya sa akin.

“You’re so shameless pathetic. Isa kang kawawang aso na desperadong makakuha ng buto. Well, goodluck na lang sa’yo. You will end up living on this country with your conscience. Kahit kailan ay hindi mananalo ang demonyo sa anghel. Such a loser.” Kalmado at may pang-aasar nitong sabi pagkatapos ay umalis na ito.

Napaawang naman ang mga bibig nila dahil sa sinabi ni Ben. “Si Ben ba talaga ang nagsabi nun?” Tanong ni Justin sa kanila.

Napatango sila. “I think he’s not mad now at Trinity.” Sabi ni Mason.

Pwersahan akong hinila patayo ni David hanggang sa makarating na kami sa labas. Itinulak niya ako papalabas. Sumunod rin sa amin ang TREASURE Guys.

“We don’t want to see you again. Traydor ka Travis! Simula ngayon, hindi ka na namin kaibigan!” At isinara na niya ang gate.

Naiwan akong tulala. Hindi! Huwag kang magpapadala sa emosyon mo, Travis.

Jaden’s POV

Halos manlumo ako dahil sa mga sinabi ni Travis. Magpapakasal na sila ni Trinity? Ito ba talaga ang kapalit sa nagawa kong kasalanan? Bakit parang sobra sobra naman yata? May dahilan ako kung bakit ako naglihim pero ang sama ko ba talaga para maganito? Ginagantihan ba ako ni Alec kaya nangyayari sa akin ito?

Nakatungo lang ako at may tila iniisip nang biglang may magsalita.

“Gago ka kasi kaya ’yan nangyayari sa buhay mo!” Inangat ko ang tingin ko sa nagsalita. Si Daniel.

“Oo. Gago ako! Kasalanan ko na ang lahat. Ako na ang mali! Ano nga bang tamang nagawa ko? Wala naman, ’di ba? Pinaparusahan na ako ngayon. Ikaw, papahirapan mo rin ba ako? Sige, gawin mo na. Gwain niyo na!” Tumaas na ang tono ng boses ko at ilang segundo lang ay dumating ang mga TREASURE Guys at lumapit sa amin ni Daniel.

“Anong nangyayari dito?” Tanong ni Sam.

Tinawanan naman ako ni Daniel. “Alam mo, gustong-gusto kitang saktan, Jaden pero hindi ko magawa. You lied to us but I know you. You have a valid reason why you did that. If you’re ready, better to tell us what’s your fucking reason!” Sigaw niya.

Natahimik kaming lahat. Hindi pa ako handang sabihin ang rason ko.

“Sabihin mo na kasi ang rason mo sa amin o kay Trinity, Jaden.” Sabi ni Kyle.

“Gusto mo bang tuluyan nang mapunta si Trinity kay Travis?” Sabi naman ni John.

Kaagad akong umiling. “Okay. Sasabihin ko na ang lahat.”

They smiled to me.

“Hay! Salamat sa words of wisdom ni Daniel at magsasabi ka na rin.” Ani David.

Naupo kaming lahat at inumpisahan ko nang ikwento sa kanila ang lahat mula sa pagkabata namin ni Trinity hanggang sa magkasakit ako at kailangan ko siyang iwan para magpaopera sa ibang bansa at magpatherapy. Pagkatapos kong magkwento lahat sila ay napasinghap.

“Sana naman sinabi mo ’yan sa amin kaagad para hindi na kami nagalit sa’yo.” sabi ni Kevin at napahalukipkip.

“Pasensya na. Hindi naman kasi ako mahilig magkwento ng ganong kasensetibong bagay.”

Ayoko namang maglihim sa kanila pero ayoko rin na kaawaan nila ako nang dahil lang doon.

“Oo nga naman. Hindi mo nga ’yan nabanggit sa akin e,” Napalingon ako kay Sam.

Namalik-mata lang ba ako nang nakita ko siyang ngumisi?

Tumayo naman si Daniel at inunat ang leeg nito. “Since alam na natin ang lahat, kumain na tayo.” At umalis na ito.

Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin o hindi pero sa nakikita ko ay naiintindihan na niya ako. Bigla namang lumapit sa akin si Arthur nang nakayuko.

“Sorry kung nagalit man ako sa’yo. Nasaktan mo kasi si Trinity eh pero ngayon naiintindihan na kita kung bakit mo nagawa ’yon.” Tumango naman ako. 

“Wala ’yon. Naiintindihan kita, Arthur.” Ngumiti ito pagkatapos ay umakyat na siya papunta nang kwarto niya.

Nagpaalam na rin ang ibang TREASURE Guys sa akin na may gagawin pa daw sila. Napaupo na lang ako sa sofa at bumuntong-hininga.

“Sana maayos na ang lahat. I don’t want Trinity to marry Travis.” Seryoso kong banggit.

Chapter 40 - Wedding with him?

Leo’s POV

Napagpasyahan nila Chae, Bonnie at Micca na puntahan ’yung bahay na dating tinitirhan ni Trinity kasama ang 13 Guys. Gusto nilang makausap si Jaden dahil sa nalaman namin na siya pala ang tinutukoy ni Trinity na kababata nito na iniwan siya at hindi na muling binalikan pa. Halos marindi na ako sa boses ng mga babaeng kasama ko dito sa loob ng kotse ko.

Bakit kasi kasma pa nila ako at wala si Jerome? Kailangan ba talaga nilang mag-usap na sobrang lakas ng boses?

“Pwede bang hinaan niyo naman ang volume ng mga boses niyo? Mabibingi na ako dito e!” Reklamo ko habang nagmamaneho.

Sinamaan naman ako ng tingin ni Chae na nasa tabi ko lang. “Manahimik ka, Leozon kung ayaw mong sapakin kita.” Dahil under na under niya ako ay nanahimik na lang ako.

Pagkarating namin sa bahay ng 13 Guys ay kaagad kaming pumasok sa bahay nila. Para yata kaming sasabak sa giyera dahil sa mga babaeng kasama ko. Dinahilan pa nina Bonnie at Micca na gusto nilang makausap si Jaden eh mukhang gusto lang naman nilang makita ’yung mga crush nila sa 13 Guys. Mga babae nga naman! Pagkapasok namin ay kaagad silang bumungad sa amin at halatang-halata sa mga mukha nila ang pagkagulat nang makita nila kami.

“Bakit kayo nandito?” Tanong sa amin nung lalaking maputi at mukhang babae. Arthur yata ang pangalan nito.

“We want to talk to Jaden.” Mataray naman na sagot ni Bonnie.

Tumikhim naman ’yung lalaking si Mason yata ang pangalan nito at lumapit siya sa amin. “Wala siya dito e, would you mind if anong sadya niyo dito?” Malumanay niyang pagkakasabi.

He’s very strange.

“Nabalitaan niyo naman siguro ang panlolokong ginawa ng kaibigan niyo sa kaibigan namin kaya gusto namin siyang makausap.” Sagot naman ni Chae at tinaasan ito ng kilay.

“We don’t know where he is. Kaninang umaga pa siya wala dito sa bahay.” Sabi naman ni Mason.

“Weh? Baka naman tinatago niyo lang siya para mapagtakpan niyo?” Sabi ni Micca.

Bigla namang lumapit sa kanya ’yung John na ikinapula bigla ng buong mukha niya.

“Wala nga kasi si Jaden dito!” Naiiritang sagot ni John at tumingin sa ibang direksyon.

Did I saw this guy blushed? Apektado ba siya kay Micca? Something’s fishy.

“Kung ganon, nasaan na siya?” Tanong ni Bonnie at tumingin sa direksyon nung David na nakaupo lang sa sofa at pinapanood kami.

“Hindi namin alam.” Sagot naman nung David.

Ako naman ang nagsalita. “We want an explanation from Jaden kung bakit niya nagawa ’yun kay Trinity. Alam niyo na ba kung bakit?” Natigil naman silang lahat dahil sa tanong ko. Napansin ko rin na hindi sila kumpletong magkakaibigan.

Pinaupo muna kami nung Daniel bago siya nagsalita. “Actually, alam na namin kung bakit. Sinabi na sa amin ni Jaden ang dahilan.” Sabi niya.

At sinabi na nga niya sa amin ang dahilan every detail at hanggang sa matapos si Daniel magsalita ay lahat kami eh napabuntong-hininga na lang.

“All this time. si Trinity pa rin pala ang iniisip niya.” Sabi ni Chae.

“Naguguilty pa tuloy ako kung bakit nagalit ako kay Jaden.” Bonnie.

“Dapat malaman ’to ni Trinity para magkaayos na sila ni Jaden.” Micca.

Bigla namang napatawa si Mason. “Hindi niyo pa ba alam na ikakasal na si Trinity kay Travis?” Nanlaki naman ang mga mata namin sa sinabi niya at nagulat rin.

“Are you serious?” Gulat kong tanong.

Tumango siya. “Yes. Travis told us at mukhang totoo kaya nga mukhang nadepressed si Jaden dahil dun.”

Si Travis? Ano na naman kaya ang ginawa ng lalaking iyon at ipapakasal sila? Sigurado akong may ginawa iyong kalokohan para mapapayag si Trinity o ang pamilya niya knowing him na may saltik sa utak ’yon.

“P-pero bakit? Siya na ba ang gusto ni Trinity kaya magpapakasal na sila ni Travis?” Naiiyak na tanong ni Bonnie kaya niyakap sila nila Chae at Micca para pakalmahin.

“Siguro,” Nalulungkot na sabi nung John.

“But I thought she loves Jaden…” Mahinang sabi ni Bonnie.

Napailing na lang ako. Knowing Trinity ay alam ko kung gaano niya kamahal ’yung Jojo na kababata niya na si Jaden pala. She even turned down Jerome dahil dun. Hindi siya madaling mainlove. May mali, may ginawa si Travis na hindi tama. Nakikita ko na gustong-gusto niya si Trinity at ayaw niya na mapunta ito sa ibang lalaki.

Bigla ay naalala ko noon ang sinabi niya sa akin nung birthday ni Chae.

“Trinity is mine and I will do stupid things to make her mine just to marry me.”

Di kaya? Shit!

Trinity’s POV

Ilang beses na akong napapabuntong-hininga. Simula nang tumawag sa akin si Alec ay nagsimula na ang takot sa puso ko. Papaano niya nalaman ang number ko? Bakit ayaw niya akong tigilan? Ano ba ang kailangan niya sa akin? Sobrang daming sakit naman nitong nararanasan ko. Halos lahat ng sakit ay nasalo ko na. Kailan ba ako magiging masaya?

Nakatulala lang ako sa kawalan hanggang sa may naramdaman akong yumakap mula sa likod ko at hinahalikan ang leeg ko. Hindi ko na kailangan pang lumingon dahil kilala ko na kung sino siya.

“Spacing out, again?” Bulong niya sa tenga ko saka ito hinalikan.

Kakalas na sana ako sa kanya nang bigla niya akong isinandal sa pader at pwersahang hinalikan. Hindi ako makapalag dahil hawak niya ang kamay ko nang sobrang higpit. Napaiyak na lang ako at pakiramdam ko ay magdudugo na ang labi ko dahil sa paghalik niya.

I didn’t respond on his kisses that’s why he bit my lips harder to get an entrance on my mouth and he did it successfully. Ano nga bang laban ko sa isang lalaki? Binuhat niya ako at inihiga sa kama. Nasa ibabaw ko siya habang patuloy pa rin niya akong hinahalikan. Tuluyan na akong nanghina at hindi na nakalaban pa.

Ang sakit-sakit na ng kalooban ko. Pagod na pagod na akong umiyak. Napatigil bigla si Travis pagkakita niya sa akin. Kaagad siyang lumayo at bumangon. Nakaupo na siya sa kama at nakatalikod sa akin. Napahawak pa ito sa noo niya tsaka pumikit at umiling-iling.

“Trinity, bakit ba kahit anong gawin ko, hindi mo ako magawang mahalin? Ginawa ko na ang lahat para mapansin mo ako pero bakit ganon? Hindi pa rin kita maabot?”

At sa hindi ko inaasahan ay bigla siyang humagulgol ng iyak habang nakatakip ang dalawa niyang palad sa mukha niya. Nagulat naman ako doon. Is he really loves me that much para iyakan ang isang tulad ko?

“Travis…” Mahina kong pagkakasabi na hindi niya naririnig.

“I did so many stupid things just to make you mine. Hindi ko akalain na magagawa ko ang mga bagay na hindi ko maiimagine na magagawa ko dahil lang sa’yo. I was born with so many women in my arms at hindi ko alam na mababaliw lang pala ako sa isang babae. This is so insane!” Napatawa ito pero halata ang paos niyang boses dahil sa pag-iyak.

Travis is handsome, rich, well-educated and I know that he’s kind too pero bakit sa dinami-rami ng mga babae ay sa akin pa siya nagkagusto? Sa akin na mahal ko ang kaibigan niya?

Tumayo ito at kita ko na nagpahid siya ng luha mula sa mga mata niya. “Napakaswerte nga naman ni Jaden dahil lahat na lang ng nagugustuhan ko ay nagkakagusto sa kanya. Such a lucky bastard,”

Nagulat na lang ako nang bigla siyang humalakhak ng malakas. Natakot na lang akong bigla sa kanya. He’s crazy.

“I don’t effin’ care if you love me or not. The important is you are my property. Did you get it, Trinity?” Sigaw niya.

Nanatili akong hindi makaimik na mas lalo pang nagpagalit sa kanya.

“Sumagot ka!” Kaagad naman akong tumango dahil sa takot na nararamadaman ko.

His face become so soft saka siya lumapit sa akin at niyakap ako na para bang takot na takot siyang mawala ako. “I-Im sorry…” Bigla na naman siyang humagulgol ng iyak habang ako naman ay hindi makagalaw at tahimik na lang na umiiyak.

Tatanggapin ko na lang ba ang lahat ng ito para wala

nang

masaktan?

Tahimik kaming kumakain ni Travis sa Dining area. Pagkatapos ng eksena namin kanina ay wala ni isa sa amin ang umimik pa. Pareho kaming may malalim na iniisip. Iniisip ko kung tatanggapin ko na lang ba talaga siya sa buhay ko. May nangyari na rin kasi sa amin at baka kapag nabuntis ako ay- napakabata ko pa para magkaanak. Paano na ’to?

Tinignan ko si Travis na kumakain lang at halos hindi makatingin sa akin. Hindi ko akalain na iiyak siya sa harapan ko. He really loves me . Nawala lang ang atensyon ko sa kanya nang biglang pumasok si Mommy sa Dining area na may kasamang mag-asawa na sa tingin ko ay mga nasa mid 40’s na ang edad.

“Mom, Dad?” Gulat na sabi ni Travis sa mag-asawa.

Lumapit naman sila sa amin tsaka ako hinalikan ni Mommy sa pisngi. “Anak, I want you to meet Mr. and Mrs. Ramos. Parents sila ni Travis.” Seryosong sabi ni Mommy.

“Nakauwi na pala kayo galing Japan. Anong ginagawa niyo dito?” Parang naiinis na tanong ni Travis sa parents niya.

Tumikhim naman si Mr. Ramos. “Nabalitaan namin na may nangyari na sa inyong dalawa ni Trinity kaya we decided to go back here at pagplanuhan na ang kasal ninyong dalawa.”

“Kasal?” Gulat kong tanong na ikinaalarma ko.

And Travis told to my Mom and to his parents that something happened between us?

“Yes, hija at kaya ka naman tumira sa bahay ng 13 Guys ay para makapili ka ng pakakasalan mo sa kanila ’di ba? Why would it be Travis? Tutal boyfriend mo naman siya at may nangyari na sa inyo.”

“P-pero-” My Mom stopped me.

“No buts Trinity. You’re going to marry Travis after your graduation.” Napayuko ako at nangilid na ang mga luha ko.

Hindi ako makapalag. Pakiramdam ko ay pinagkakaisahan nila ako. For sake! I’m only 18 years old at ipapakasal nila ako sa isang baliw.

“Pwede ba tayong mag-usap, Trinity?” Napatingin ako kay Mrs. Ramos at alangan na tumango.

Iniwan muna namin sa Dining area sina Mommy at Mr. Ramos na kinakausap ni Travis saka kami nagpunta sa sala at nag-usap doon.

Travis mom is very beautiful and elegant. Mukha rin itong sopistikada at perfectionist. Same with my mom.

“I know that Travis is forcing you to be his girl.” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

“Alam niyo po pala? Pero pinapabayaan niyo lang ang anak niyo sa ginagawa niya sa akin?” Hindi ko makapaniwalang tanong.

Bigla naman niya akong tinaasan ng kilay at humalukipkip. “Travis is our only son at lahat ng gusto niya ay sinusunod namin kaya kung ako sa’yo ay manahimik ka na lang.” Napatawa naman ako at umiling.

May ganito palang klaseng mga magulang? Na kahit mali ang ginagawa ng anak nila ay kukunsintihin na lang nila? I can’t believe this!

“Hindi niyo po alam ang sinasabi niyo. Travis was using a drugs and he also raped me kaya po may nangyari sa amin!”

Ang akala ko ay magugulat siya sa sinabi ko pero tumawa lang ito.

“Really? He raped you? I know that you like it too and maybe the drugs you’re talking about is his medicine. Shut up, Trinity and be quiet!” Pagbabanta niya sa akin.

Nanghina ako sa sinabi nito at napakapit sa sandalan ng sofa na inuupuan ko.

They are crazy. Travis’s family is crazy.

“Ayokong magpakasal sa anak ninyo. Baliw na kayo!” Akmang tatayo na sana ako nang bigla akong hinigit ni Mrs. Ramos sa braso ko at hinawakan iyon ng mahigpit. Napangiwi naman ako sa sakit ng pagkakahawak niya sa akin.

Matalim niya akong tinignan. “Subukan mo lang kundi gigipitin ko ang kompanya na pinaghirapan ng mga magulang mo. Alam mo namang nalulugi na ang kompanya ng pamilya mo at kami na lang ang pag-asa para maisalba ’yon.” Binitawan niya na ako at bumuntong-hininga.

Napapikit ako hanggang sa tumulo na ang mga luha ko. Tinapik naman ni Mrs. Ramos ang balikat ko. “Marry my son and do whatever he wants. Ayon lang ang magagawa mo para hindi kayo maghirap ng pamilya mo.” Tumayo na ito bago ako tuluyang iniwan.

Wedding with him? Makakaya ko ba talagang gawin iyon? Gagawin ko ba iyon para hindi maghirap ang pamilya ko?

Travis’ POV

Matapos akong kausapin ni Tita Isabella at habang kausap pa ni Mom si Trinity ay naiwan kami ni Dad sa Dining area. He’s looking at me at may bahid ng pagdududa ang mga tingin niya.

“Why are you looking at me like that?” Tanong ko.

Tumawa naman siya. “My son, you did something stupid para mapapayag mo si Isabella na pakasalan mo ang anak niya. Am I right?” I rolled my eyes. He really knows me.

“Yeah,” Sagot ko na lang.

Tumawa ulit siya. “What did you do to her?” Tanong niya.

Mukhang kinukunsinti ako ng mga magulang ko sa mga masasamang ginagawa ko. Binibigay nila lahat ng gusto ko. Siguro kaya ganon sila ay dahil ako lang ang nag-iisang anak nila Mom at Dad at mahal na mahal nila ako. I’m very glad that they are supportive to me.

“It’s a secret.” Sabi ko naman at ngumiti lang.

“You will do anything for that girl huh?” He asked while smirking.

“Of course. She’s only mine at walang ibang makikinabang sa kanya kundi ako lang.” My Dad nodded.

“But how about your friends? I know that they’re already mad at you especially, Jaden. You stole his girlfriend.” Napahinto naman ako sa sinabi niya pero napangisi lang rin pagkatapos.

“I don’t have a friends anymore, Dad.”

#StanTREASURE

Chapter 41 - Roxanne’s Revelation

Jerome’s POV

Napaupo nalang ako sa sahig dahil sa lakas ng pagkakasuntok sa akin ni Dad. He’s mad at me right now.

“Fuck it, Jerome! Paiibigin mo lang ang bestfriend mo ni hindi mo pa magawa? Alam mo naman na kailangan natin ang shares ng company nila kapag nakasal ka kay Trinity. We need her!” Dad angrily said.

I glared at him. “Dad, ginawa ko na ang lahat pero hindi pa rin niya ako magustuhan. I even hide my true identity para mapansin niya ako but it’s fucking useless! I’m tired of being her bestfriend kaya titigil na ako sa kakaasa.”

I love Trinity so much pero napapagod na rin akong maging 2nd option niya. Ilang taon na akong umaasa sa wala at magpanggap na isang perfect bestfriend para sa kanya. Tao lang rin ako at napapagod. Hindi ko naman kayang pilitin niya akong mahalin dahil lang sa awa. She’s so important to me at kung si Jaden man ang magpapasaya sa kanya ay magpapaubaya nalang ako.

Dad sighed at tinulungan akong makatayo na ikinagulat ko. “I’m sorry son kung hindi ko man naisip ang nararamdaman mo. I’m sorry for being a selfish at kompanya na lang natin ang lagi kong iniisip. Patawarin mo ako, Jerome.” He hugged me.

I hugged him back. I didn’t expect that my Dad understands me. “It’s okay, dad and thank you for understanding me.”

“Thank you, son.”

“You’re welcome, Dad.”

Pagkatapos ng eksenang iyon ay nagkaayos na rin kami ni Dad at hindi na niya ako pinipilit kay Trinity. Gagawa na lang daw siya ng paraan para sa kompanya namin at tutulong din ako.

I called Charles.

(Sup, what’s up?)

“Prepare 100 persons in the underground. I’m very frustrated right now. Pinalaya ko na si Trinity. I can’t be her shoulder to cry on now.” I heard he sigh.

(Okay. Ihahanda ko na. What kind of gun?)

I smiled. “Anything.”

Roxanne’s POV

Nanlumo ako sa mga nalaman ko ngayon. Sinabi sa akin ni Travis lahat ng mga plinano niya simula sa paninira na ginawa niya kay Jaden sa Mommy ni Trinity hanggang sa pagdrugged rin niya kay Trinity at nirape pa niya ito. Ako ang naaawa kay Trinity. Why she deserves this kind of treatment to Travis? Travis is really obsessed right now to Trinity. Hindi pwedeng matuloy ang kasal nila kaya dapat malaman nito ang mga pinaggagawa ni Travis.

Nung minsan na nakasama ko si Trinity sa condo ni Ben ay mukha itong walang buhay at nawawala na sa sarili. She’s very quiet type of girl but she’s a nice person. Kahit sinabi ko sa kanya na nagkagusto ako kay Jaden ay hindi man lang siya nagalit at sinabi niya na lang na past is past. Angelic face din siya at parang ayaw mong magalit sa kanya dahil mahinhin rin siya. She’s too young para malagay sa mga kamay ni Travis.

Mahal na mahal siya ni Jaden at dapat ay sila ang magkatuluyan.

Nagdrive ako hanggang sa makarating ako sa bahay nila Trinity. Nalaman ko lang ang address nila based on my research about her. Pagkalabas ko sa kotse ko ay lumapit agad ako sa gate nila at nagdoorbell.

After 2 minutes ay bumukas ang gate at tumambad sa akin ang isang katulong.

“Ano pong kailangan niyo, Maa’m?” Magalang nitong sabi.

“Nandyan ba si Trinity? I’m Roxanne and I’m her friend at may sasabihin lang po ako sa kanya.”

“Ah, si Ma’am Trinity po? Nandyan siya sa garden kasama ang Mommy niya. Halika pasok ka.” Pinapasok naman niya agad ako sa loob kaya nagpasalamat ako.

Nang marating na namin ang garden ay nakita ko si Trinity na nakaupo habang nakayuko katapat ang mommy niya na parang may sinasabi sa kanya. Iniwan na ako ng katulong at umalis na ito. Lumapit naman ako sa kinaroroonan nila Trinity.

“Trinity,” Sambit ko nang makalapit na ako sa kanya. Napalingon naman sa akin ang mag-ina.

“Roxanne? Ikaw pala. Anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Trinity at pinaupo ako sa tabi niya.

“Mommy, siya nga pala si Roxanne. Kaibigan ko.” Pakilala niya sa akin sa Mommy niya. Tumango naman ito at ngumiti sa akin. She really looks like Trinity.

“Hi hija, what do you want? Gusto mo ba ng snacks or juice-” Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at nagsalita na.

“Salamat nalang po pero may kailangan kayong malaman tungkol kay Travis.” Bakas sa mukha nila ang pagkalito dahil sa sinabi ko.

“Tungkol kay Travis? What is it?” Tanong ng Mommy ni Trinity.

Tumingin muna ako kay Trinity na mukhang naguguluhan bago ko hinarap ang Mommy niya.

“Siguro po hindi pa sinasabi ng anak niyo pero nirape lang po siya ni Travis kaya may nangyari sa kanila and he also drugged your daughter, too.” Nagulat ito sa mga sinabi ko at napalingon kay Trinity na napayuko.

“Nagsasabi ka ba talaga ng totoo, hija? As far as I know Travis is a good man.” Napailing ako.

Kailan pa naging good man si Travis?

“You don’t know Travis, tita. Obsessed na po siya kay Trinity at kung ano man po ang mga kasinungalingang sinasabi niya sa inyo ay hindi po ’yon totoo. Sinisiraan rin niya si Jaden sa inyo para sa kanya mapunta ang anak niyo.” Napalingon naman kami kay Trinity na biglang humagulgol.

Mukha namang nanghina ang Mommy ni Trinity at naalalayan ko nang muntik na siyang matumba. Nag-umpisa na rin itong umiyak. Kaagad itong lumapit kay Trinity at hinawakan ang magkabilang-balikat niya habang umiiyak pa rin.

“Is that true, baby girl?” Tumango lang si Trinity at niyakap ang Mommy niya.

“I-I’m sorry ma, k-kung hindi ko po sinabi kaagad sa inyo. Natatakot lang p-po ako sa gagawin ni Travis sa akin o sa inyo.” She said between her sobs.

Habang nakikita ko sila sa ganitong eksena ay hindi ko mapigilang maawa. Hindi kailanman matitiis ng ina ang kanyang anak at magdadamayan sila sa hirap at ginhawa. Talaga bang wala nang konsensya si Travis para manira ng buhay ng isang 18 years old na babae?

“It’s okay, baby girl. Sisiguraduhin ko na makukulong ang Travis na ’yan dahil sa ginawa niya sa’yo. I trust him at hindi ko akalain na masama pala siyang tao. I’m sorry kung wala akong nagawa para protektahan ka.” Hinagod-hagod din nito ang likod ni Trinity para mapakalma ito.

Pagkatapos ay humarap sa akin ang Mommy ni Trinity.

“Papaano mo nalaman ang lahat ng ito, hija?”

“Sinabi po sa akin ’to ni Travis. Ang akala niya siguro ay hindi po ako magsusumbong sa inyo dahil nagkagusto rin po ako noon kay Jaden.”

“Nagkagusto ka kay Jaden?” Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko.

Ngumiti ako. “Opo pero gaya ng sinabi ni Trinity ay past is past na.” Tumango siya habang nginitian naman ako ni Trinity at laking gulat ko nalang nang niyakap niya ako.

“Salamat, Roxanne.” I hugged her back at kumalas rin sa yakapan namin.

“May isa pa pala akong sasabihin sa’yo,” Seryoso kong sabi.

“A-ano?”

Yumuko ako. “Trinity, sana ’wag kang magalit kay Jaden. Alam kong wala akong karapatang manghimasok sa inyo pero kaya ka niya iniwan noon at nagpunta sa amerika ang pamilya niya ay dahil may sakit siya at that time at kailangan niyang magpaopera sa amerika dahil 50/50 na lang ang chance na mabuhay pa siya. Naging successful naman daw ang operasyon niya pero inabot ng ilang taon ang therapy niya kaya hindi ka niya nabalikan pa. Ben told this to me dahil ikwinento sa kanila ’to ni Jaden. Please, Trinity forgive Jaden. Alam kong masakit na iniwan ka niya pero may valid reason siya para itago ’yon sa’yo.” Halos hindi makapagsalita si Trinity dahil sa sinabi ko. Nakatitig lang siya sa akin habang ang Mommy naman niya ay natahimik lang.

“P-pero bakit hindi niya ’to sinabi sa akin?” Pabulong niyang sabi at napapikit pa.

“As I said, 50/50 na lang ang chance ng buhay niya noon at natatakot siguro siya na sabihin sa’yo ’yon para hindi ka niya masaktan. I can see that he really loves you, Trinity. Kapakanan mo palagi ang iniisip niya.” Napasabunot naman siya sa buhok niya at umiling-iling.

“Pakiramdam ko, ang sama-sama ko! Ako lang pala ang iniisip niya. Ipinagtabuyan ko pa siya noon. Ang sama-sama ko!” Muli na naman siyang umiyak at niyakap ng Mommy niya.

“Don’t blame yourself,” Bulong ng Mommy niya sa kanya.

“No, ma. It’s my fault. Sana pala ay pinakinggan ko noon ang explanation niya.”

“You need to forgive Jaden. Ayon lang ang magagawa mo. Aalis na po ako, ’yon lang po ang sasabihin ko.”

Hindi ko na sila hinintay pang magsalita nang kaagad na akong umalis ng bahay nila at dumiretso na sa kotse ko. Doon ko na halos ibinuhos ang kanina ko pa pinipigilang mga luha. Ang sakit magpaubaya lalo na kung mahal na mahal mo pa rin hanggang ngayon ang tao na iyon. Nagsinungaling ako sa kanila dahil hanggang ngayon ay mahal ko pa rin si Jaden. Ilang taon na ang nakalipas pero siya pa rin ang mahal ko pero sa nakikita ko ay wala talaga akong pag-asa sa kanya dahil nagmamahalan sila ni Trinity. Trinity is my new friend too and I respect their relationship. Kahit masakit, I already give up.

Habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak ay narinig kong may kumakatok sa bintana ng kotse ko kaya nag-angat ako ng tingin at binaba ang bintana ng kotse ko. Napairap na lang ako nang si Jun ang nakita ko habang nakasakay ito sa motor niya.

“What are you doing here? Are you following me?” Mataray kong tanong sabay pahid ng luha ko gamit ang palad ko.

“Wow, assuming ka naman. Hindi kita sinusundan no,” Hindi siya makatingin sa akin habang sinasabi niya iyan.

Kahit hindi niya aminin ay alam ko naman na sinusundan niya ako. Simula nang makita niya akong umiiyak at binigyan niya ako ng panyo ay hindi na niya ako tinigilan sa kakasunod sa akin. Ewan ko ba sa trip niya.

“Ewan ko sa’yo!” Ibababa ko na sana ang windshield ng kotse ko nang pinigilan niya ako.

“Teka lang,”

“Ano ba kasi ’yon?” Naiinip kong tanong.

“Did you already tell about Travis plan?” I nodded at ngumiti ng mapait. Napatitig naman siya sa akin at sinusuri kung okay lang ba ako. Napaayos naman ako ng upo.

“Huwag mo nga akong tignan ng ganyan. O-okay lang ako kaya pwede bang aalis na ako?” Nginisian naman niya ako at laking gulat ko nang pumasok ito sa loob ng kotse ko at umupo sa front seat katabi ko. Naiwan tuloy ’yung motor niya sa labas.

“What the? Bakit ka pumasok? Alis nga shoo!” Pagtataboy ko pero parang wala lang siyang narinig at isinandal pa ang dalawang kamay niya sa ulo niya at sumandal din sa upuan ng kotse ko saka ito pumikit.

“Sabing umalis ka e!” Hinila ko siya patayo pero hindi ko rin kinaya dahil sa tangkad at laki niya. Napasimangot nalang ako.

“’Cause if you like the way you look that much oh baby you should go and love yourself…” He suddenly sing at napatingin nalang ako sa kanya.

His eyes was still closed. Just like before, maganda pa rin ang boses niya and I still remember nung hinarana niya ako noon sa school nung nililigawan palang niya ako. Halos kiligin ako noon dahil sa kilig. Ano pa bang hahanapin ko kay Jun? He’s handsome, tall and good at singing and dancing pero sa ngayon ay si Jaden pa rin ang gusto ng puso ko kahit hindi na pwede.

“Let’s date.” Nagulat ako sa sinabi niya.

What? A date? with him?

Expect for slow update guys. Keep safe everyone for Covid-19. God bless.

Chapter 42 - The Pain Ends

Trinity’s POV

Para akong nabunutan ng tinik dahil nalaman na rin ni Mommy ang lahat ng ginagawa sa akin ni Travis. Hindi ko iyon nasabi kaagad dahil sa pambablackmail sa akin ni Travis at baka may masama siyang gawin sa pamilya ko. Sa nakikita ko kasi sa kanya ay kaya niyang gumawa ng mga bagay na makakasira sa amin ng pamilya ko. Hindi na rin namin itutuloy ang napagplanuhang kasal. Bigla ay naalala ko si Jaden, sobrang laki ng kasalanan ko sa kanya. Pinagtabuyan ko siya at hindi pinakinggan ang eksplenasyon niya. Mapapatawad pa kaya niya ako sa ginawa ko? Gusto ko siyang makausap para magkaayos kami. Nung sinabi sa akin ni Roxanne na kaya hindi na ako binalikan pa ni Jaden ay dahil sa nagkasakit ito at inabot na ng ilang taon ang therapy niya nung naging successful ang operasyon niya.

Bakit ba kasi ganon si Jaden? Ni hindi man lang niya sinabi sa akin ang dahilan kung bakit siya aalis. Kinimkim niya ang problema niya at ako lang pala ang iniisip niya all this time.

Pagkatapos ng klase ko ay sinundo ako nina Mommy at Kuya Troy mula sa school dahil didiretso daw kami sa isang restaurant para makausap sila Travis at ang parents nito. Sinabi ni Mommy kay Kuya Troy ang lahat at galit na galit ang kapatid ko. Nagalit nga rin sa akin si kuya dahil bakit ko daw nilihim ang lahat ng iyon. Naintindihan naman niya ako nung sinabi kong inunahan lang ako ng takot at baka may gawing masama si Travis sa amin. Kanina sa YGA ay nagulat ako nang nalaman nila Chae na dapat ay papakasalan ko si Travis at iyong tungkol din kay Jaden. Ayon pala ay pumunta sila sa TREASURE House at humingi ng explanasyon kila Daniel at sa iba pang TREASURE Guys. Nagkwento daw kasi si Jaden sa TREASURE Guys kaya nalaman na nila ang lahat. Sinabi ko rin sa kanila ang tungkol sa panggagahasa at pagdrugged sa akin ni Travis kaya halos nag-iyakan nalang kami nun sa Canteen. Galit na galit rin at halos kanina ay nagwala na sina Jerome at Leo sa matinding galit. Lumambot ang puso ko nun dahil nakikita ko kung paano sila sobrang mag-alala sa akin. They are really my true friends.

Bigla ay naalala ko si Kuya Tristan. Kumusta na kaya siya? Namimiss ko na rin kasi siya. Ano ba ang dahilan niya para lumayo sa amin?

“Makukulong ang Travis na ’yon. I will make sure.” Matigas na sabi ni Kuya Troy at hinawakan ang kamay kong nanlalamig sa sobrang kaba lalo na’t kakausapin nila si Travis at ang parents nito.

“Kinakabahan ako, Mommy at kuya,” Sabi ko.

“Don’t worry anak, maaayos rin ang lahat ng ’to.” Sabi ni Mommy at nginitian ako. Ngumiti na lang rin ako kahit may kaba pa rin akong nararamdaman.

Narating na rin namin ang restaurant na pinareserve ng parents ni Travis para sa amin. Ang buong akala nila ay mag-uusap lang kami tungkol sa kasal pero hindi nila alam na nalaman na nila Mommy ang katarantaduhan na ginawa ng anak nila sa akin. Pagkapasok namin sa loob ng restaurant ay nakita namin sila Travis at ang parents nito na nakaupo na sa isang reserved seats. They all look presentable especially Travis wearing a white shirt, black coat, dark blue pants and sneakers. Ang disente niyang tignan pero ubod naman ng sama ang pagkatao.

“I’m glad to see you again, Trinity,” Bati sa akin ng Mommy ni Travis at saka ako bineso nang makalapit na kami sa pwesto nila. Hindi nalang ako umimik dahil sobrang sama ng titig ni Kuya Troy kay Travis.

“Pag-uusapan na ba natin ang kasal nila Trinity at Travis?” Nakangiting tanong ng Daddy ni Travis kay Mommy.

“Walang magaganap na kasal.” Galit na sabi ni Mommy na ikinagulat nila.

“What? We already talked about this, right? That-” Hindi na natapos magsalita ang Mommy ni Travis nang magsalita agad si kuya.

“We don’t want Trinity to marry a crazy, rapist and a drug addict guy like your son, Mrs. Ramos.” Sarkastikong pagkakasabi ni Kuya Troy na mas lalong nagpagulat sa kanila.

“W-What are you taking a-about?” Mautal-utal na tanong ni Mrs. Ramos. Si Travis naman at ang Daddy niya ay hindi makaimik.

Kuya Troy laugh. “Pagtatakpan niyo nalang ba palagi ’yang gago niyong anak? Alam na namin ang mga pinaggagagawa niya sa kapatid ko. Nilasing niya at pinainom ng party drugs si Trinity saka niya ’to pinagsamantalahan. Tell me, gawain ba ng isang matinong lalake ang mga bagay na ’yon sa isang inosenteng babae, ha?” Sigaw ni kuya saka lumapit kay Travis at kwinelyuhan niya ito.

Gulat na gulat ako dahil ngayon ko lang nakitang sobrang magalit si Kuya Troy. Mas lalo akong napakapit sa braso ni Mommy. Hinagod naman niya kaagad ang likod ko.

Travis suddenly smirk habang may pang-asar na tingin kay kuya. “So, ano naman kung ginawa ko ’yon? Kahit anong gawin niyo ay wala na rin namang magbabago na naangkin ko na ang kapatid mo.”

“Walanghiya ka!” Hindi na napigilan pa ni kuya at sinuntok niya si Travis dahilan para humandusay ito sa sahig. Susuntukin niya sana ulit ito nang humarang sa harap ni Travis sila Mr. at Mrs. Ramos.

“How dare you to hurt my son? Alam mo bang pwede kitang kasuhan dahil sa ginawa mo?” Galit na galit na sabi ni Mrs. Ramos at inalalayan nilang tumayo si Travis na sobrang sama ng tingin kay kuya.

“Ako? Kakasuhan niyo? Dapat yata ang anak niyo ang makasuhan at makulong dahil sa ginawa niya sa kapatid ko! Dapat siyang makulong sa bilangguan!” Sigaw ni kuya.

Tuluyan na akong napaiyak kaya niyakap ako ni Mommy. Ang hirap sa kalooban ko na makita si Kuya Troy na nagagalit dahil sa ginawa sa akin ni Travis. Hindi nakaligtas sa mga mata ko na may tumulong luha sa mga mata niya habang ibinubuhos nito ang galit niya kay Travis. Nasasaktan rin siya katulad ko.

“Sige, ipagpalagay na natin na ginawa ’yon ni Travis pero may ebidensya ba kayo sa mga ginawa niya kay Trinity?” Mr. Ramos smirk habang hawak nilang mag-asawa sa magkabilang braso si Travis na nakatitig lang sa akin.

Natahimik kami sa sinabi nito dahil ang ebidensya sana na pag-asa namin ay kinuha na rin ni Travis.

“See? Wala, kaya hindi niyo mapapakulong si Travis.” May panunuyo pang sabi ni Mr. Ramos.

Umiling-iling si Kuya Troy na hindi makapaniwala sa sinabi ni Mr. Ramos. “Anong klase kayong mga magulang? Papaano niyo na nasisikmura na kunsintihin ang anak niyong halos sinira na ang buhay ng kapatid ko?” Hindi makapaniwalang tanong ni kuya.

“Because we love our son. Nawalan na rin kami ng anak noon at nang dumating sa buhay namin si Travis ay ipinangako namin na ibibigay namin ang lahat ng gugustuhin niya at susuportahan siya sa mga gagawin niya either it’s good or bad.”

Bigla ay kumalas sa pagkakayakap sa akin si Mommy at laking gulat namin nang lapitan niya si Travis at sinampal ito ng malakas. Napahawak naman si Travis sa namumula niyang pisngi dahil sa sampal ni Mommy at tinitigan niya ito ng masama.

“Mahal na mahal ka ng parents mo, suportado ka nilang lahat sa mga ginagawa mo pero bakit kailangan mong angkinin ang taong hindi ka naman mahal? Why do you want to ruin my daughter’s life? Kung mahal mo siya ay dapat na hayaan mo siyang maging masaya sa taong mahal niya. Wala ka na ba talagang konsensya, Travis?” Tuluyan nang umiyak si Mommy sa harapan nila kaya lumapit kami ni kuya sa kanya at pilit na pinapatahan siya.

Natahimik ang parents ni Travis habang siya naman ay napayuko.

“M-maawa ka naman kay Trinity. Hirap na hirap na siya sa sakit na pinaparanas mo sa kanya. I’m a mother and you didn’t know how hard it is to see your daughter crying because of the studipity you did to her.” Humagulgol na ito ng tuluyan kaya inalo ko siya.

“M-Mommy, tama na po please…” Naiiyak kong sambit.

Naaawa ako kay Mommy. Katulad ni Kuya Troy ay apektado rin siya sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko. Maswerte pa rin ako dahil may pamilya akong handang dumamay sa akin sa kahit na anong oras. Sa wakas ay huminto na rin si Mommy sa pag-iyak niya at tinignan si Travis na nakayuko pa rin.

“We will not filing a case againts you anymore pero hindi ako papayag na ikasal ka sa anak ko. Hindi bale nang maghirap kami basta ay hindi siya mapupunta sa’yo. Sana makonsensya ka sa mga ginawa mo at sana maintindihan mo na hindi si Trinity ang babae para sa’yo.” Napatingin bigla si Travis kay Mommy at nangingilid na rin ang luha niya.

“Umuwi na tayo, Trinity.” Nagsimula nang humakbang papalabas si Mommy kaya inalalayan na siya ni Kuya Troy papaalis.

Maglalakad na sana ako para sundan sila nang hinawakan ni Travis ang braso ko.

“I’m sorry, Trinity…” Napatigil ako dahil sobrang lungkot ng boses niya pero kaagad ko rin binawi ang braso ko at tuluyan nang sinundan sila Mommy at Kuya Troy.

Masakit pa rin ang ginawa niya sa akin at hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ba siya sa ginawa niya. Sobrang hirap magpatawad lalo na kung sobra-sobra ang sakit at hirap na ipinaranas niya sa’yo.

Nang nasa loob na kami ng kotse ay niyakap ko sina Mommy at Kuya Troy.

“I love you Mommy and kuya. I know that Dad is guiding us.” Napangiti naman sila sa sinabi ko at hinalikan ang noo ko. I’m so lucky to have them.

Sinabi noon sa akin ni Daddy bago siya namatay na huwag ko daw muna siyang isipin sa oras na magkaroon ako ng malaking pagsubok sa buhay ko. Isipin ko na lang daw siya kapag sa tingin ko ay maaayos na ang pagsubok na iyon dahil sisiguraduhin daw niya sa langit na magiging maligaya ang buhay ko at mapupuno ito ng pagmamahal at pag-asa. Sana nga ay matapos na ang lahat ng ito.

Nakauwi na kami at nagpaalam sa akin sina Mommy at Kuya Troy na pupuntahan daw muna nila ang company namin kaya naiwan akong mag-isa dito sa bahay. Nandito na rin naman ang mga katulong kaya safe ako kung sakaling may gawing masama ulit sa akin si Travis.

I was sitting in a couch. Tahimik akong nag-iisip sa mga hakbang na gagawin ko para magkaayos na kami ni Jaden. Desidido na akong kausapin siya para makipagbati. Kung hindi man niya ako mapatawad ay hindi ako titigil hangga’t hindi kami nagkakaayos.

“Ang lalim ng iniisip, ah?” Napalingon ako sa nagsalita at iyon ay si Eugene na naglalakad papalapit sa akin. Umupo naman ito sa tabi ko.

I smiled at him. “Hey, kumusta ka na?” Pinanliitan naman niya ako ng mata.

“Ikaw dapat ang tanungin ko niyan. Nabalitaan ko ’yung mga nangyari sa’yo. Okay ka na ba?” Inakbayan niya ako at tinitigan mula sa mga mata ko.

Napayuko ako. “Hindi ko alam. Dapat pala sinunod ko ’yung dating sinabi mo na ’wag kong pagkatiwalaan si Travis. Ito tuloy ang napala ko.” Narinig ko siyang bumuntong-hininga.

“Alam mo, may mga nagagawa talaga tayong bagay na hindi natin inaasahan na magiging masama pala ang epekto nun. We are only human at kung ako nga ang nasa sitwasyon mo ay kakampihan ko ’yung taong pinagkakatiwalaan ko. Trinity, it’s going to be okay. Lahat ng nangyayari sa buhay mo ay purpose ’yan ni God.” Naluha ako sa sinabi niya pero hindi ito yung luha na puno ng sakit. Luha ito na puno ng pag-asa.

“Thank you, Eugene.” He smiled at me at pinunasan ang pisngi ko na may luha.

“Hindi ka talaga aware na lahat ng mga nagkakagustong lalake sa’yo na nasa paligid mo lang ay gagawin ang lahat makuha ka lang. Napakainosente mo naman kasi.” I pouted na ikinatawa niya.

“Gumanyan ka pa at hahalikan na talaga kita. Sinabi ko na sayong crush kita kaya tigil-tigilan mo ’yang pagpapacute mo at baka may gawin akong hindi mo inaasahan.” Seryosong sabi niya.

Napaiwas naman ako bigla ng tingin sa kanya. “H-Hindi kaya ako nagpapacute, ano!” Napatawa naman siya at pinisil nang marahan ang pisngi ko.

“Ang cute-cute mo talaga!” Napasimangot ako. Pinagtitripan yata ako ni Eugene e.

Ilang saglit lang ay naging seryoso ulit ang itsura niya. “Dapat siguro ay makipag-ayos ka na kay Jaden. Mali rin ’yung ginawa niyang pag-iwan at pagsisisinungaling sa inyo pero kailangan niyo nang magkaayos dahil mahal niyo ang isa’t-isa at pareho niyo lang pinapahirapan ang mga sarili niyo kung magpapataasan pa kayo ng pride. Ay oo nga pala, ikaw lang naman ang nagalit sa kanya dahil sa nakikita ko ay hindi niya magawang magalit sa’yo, Trinity. He really loves you.”

I sighed. Tama si Eugene. Kailangan na magkaayos na kami ni Jaden. Hihingi ako ng sorry sa mga nagawa ko sa kanyang pagtataboy. I love him so much at kailangan kong ibaba ang pride ko para sa kanya. Ako lang ang iniisip ni Jaden at napaka impokrita ko siguro kung siya pa ang unang lalapit para magkaayos kami.

“You’re right. I will do everything for Jaden because I love him.” He smiled and nodded pero hindi umabot sa mata niya ang mga ngiti niya.

It’s a fake smile and I knew it.

“That’s right. By the way, I gotta go may pupuntahan pa pala ako.” Tumayo na ito kaya napatayo na rin ako.

“Thank you, Eugene sa mga sinabi mo. Mag-iingat ka.” I said.

He nodded. “Always remember, makikita mo rin ang magandang hinaharap sa pagsubok na nararanasan mo ngayon.” I was stunned on what he said then he already left.

He’s very kind to me at maswerte ang babaeng mamahalin niya.

I woke up with a smile on my face. Matagal na rin bago ako nakangiti ng totoo. I hope that everything will be fine. May mga nangyari man na ayokong mangyari sa buhay ko ay kailangan ko itong harapin dahil sabi nga ni Eugene ay makikita ko rin ang magandang hinaharap sa pagsubok na nararanasan ko ngayon.

Ginawa ko ang mga daily routine ko pagkatapos ay pumasok na ako sa YGA at sinalubong ako nang tatlong babaeng kaibigan ko sa tapat ng school.

“Ang ganda yata ng gising mo. I miss that.” Pambungad ni Chae.

“Ahuh! at hindi na peke.” Sabi naman ni Bonnie.

“May nangyari sigurong maganda kaya good mood ’tong si Trinity.” Sabi ni Micca at nginisian ako.

I just smiled at them. “Tara na nga at baka malate pa tayo!” Hinila ko na sila papasok ng YGA habang may weirdo pa rin silang tingin sa akin.

Habang naglalakad kami ay bigla nalang kaming hinarangan nila Aljay at ng mga kaibigan niya.

“Hi.” Nakangiting bati niya sa akin.

“What do you want, Jay?” Tanong ko kaagad. Hindi ko pa rin kasi makalimutan ang ipinakita niya sa aking kayabangan noon sa Canteen kaya medyo inis ako sa kanya.

Tumawa naman siya. “Wow, grabe ang sungit mo naman. Kung makapagsungit ka parang ginawan kita ng masama, ah?” May mapang-asar at nakangising sabi niya na ikinatawa naman ng dalawang kaibigan niya na sina Owen at Marco.

“Hoy Aljay! Bakit ba trip mong asarin ’tong kaibigan namin? Gusto mo na bang maging GD the second? Ano ’yon, ikaw ang papalit sa trono niya?” Hindi makapaniwalang sabi ni Bonnie na iwinagayway pa ang isang kamay niya sa harapan nila Jay.

Mas lalo naman silang natawa dahil sa sinabi ni Bonnie. Mga sira yata ang ulo nila pero ilang sandali lang ay halos manlaki ang mga mata ko nang lumuhod si Jay sa harapan ko habang may kinukuha ito mula sa bulsa niya. Naagaw naman namin ang lahat ng atensyon ng mga estudyante dito sa YGA. Pinalibutan nila kami at halatang kinikilig ’yung mga girl students habang ang mga boy students naman ay ang sama na ng titig kay Jay. Sila Chae, Bonnie at Micca naman ay gulat na gulat din at anytime ay luluwa na ang mga mata nila.

Tuluyan nang nailabas ni Jay ang kinukuha nito mula sa bulsa niya at halos mabigla ako sa hawak nito.

It’s a diamond ring.

Hindi ako makapagsalita dahil sa gulat.

“Trinity, I know it’s too fast to propose on you but I really like you since then and I know that you like me too because I’m handsome, rich, a girl magnet and famous here in YGA. Trinity Hernandez, will you marry me?”

What? What he’s doing? Nababaliw na ba siya?

Nagtilian ang lahat ng estudyante at nagche-cheer na sila ng “Yes na ’yan!”

Pumikit ako at bumuntong-hininga. Nang iminulat ko na ang mata ko ay magsasalita na sana ako nang..

“She’s not going to marry you because she’s mine.”

Oh no. This can’t be!

Jaden is here.

Get a guy like Eugene ;)

Chapter 43 - Forgiving Him

Trinity’s POV

“She’s not going to marry you because she’s mine.”

Tell me, nananaginip lang ba ako dahil ang nakikita ko sa harapan ko ay si Jaden? Matagal na rin simula nung huli ko siyang nakita at masasabi ko na mas lalo pa siyang gumwapo dahil sa blonde niyang buhok. Nagpadye na naman siya ng buhok pero bumagay iyon sa kanya. Nakatingala lang ako sa kanya dahil matangkad siya. Halos maglaway naman ang mga estudyanteng babae ng YGA pagkakita nila kay Jaden. Sa gwapo ba naman nito ay sinong hindi mapapatingin sa kanya?

“Jaden,” Mahinang sambit ko na hindi naman niya narinig.

“And who are you to ruin my proposal?” Tumayo si Jay na may masamang titig kay Jaden.

Jaden look at me na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Kaagad rin bumaling ang tingin niya kay Jay at nginitian ito.

“Ang gwapo naman ni blonde guy!” Tiling sabi nung isang babaeng estudyante.

“Makalaglag panty ’te! Ang cool pa niyang tignan.” Sabi pa nung isa.

“Tall, white and handsome.” Sabi naman nung isa.

Napailing nalang ako sa mga naririnig ko. Pinagnanasahan ba nila ang Jaden ko?

Jaden ko? Saan nanggaling iyon?

“I’m Trinity’s boyfriend and who are you?”

B-Boyfriend? Hindi ba niya narinig na nakipag-break ako sa kanya nung pinagtabuyan ko siya? But I suddenly smile.

Jay looks so shock on what Jaden said. “B-Boyfriend ka ni Trinity? Ah okay, lahat naman ng mga lalake na gusto rin si Trinity ay kiniclaim na girlfriend siya and you’re not an exemption.” Then he raised his eyebrows on Jaden.

Jusko! Ano bang pinagsasabi nitong si Jay? At bakit nagpopropose siya sa akin? Hindi ko maintindihan ang nasa takbo ng utak niya.

“Nababaliw na yata ’yang Jay na ’yan. Magpropose ba naman sa’yo at akala niya ay gusto mo siya?” Bulong ni Chae sa akin at napahilot nalang ito sa sentido niya.

“Ang dami talagang nababaliw sa’yo, Trinity!” Natatawang sabi naman ni Bonnie.

Napasandal nalang ako sa balikat ni Chae. “Ewan, hindi na yata ako mawawalan ng mga lalakeng magpapasakit ng ulo ko. Nakakapagod na.” My friends laugh at me.

Okay? They are very supportive.

“At least dumating naman ang knight in shining armor mo. Ayieee! Kinikilig na ’yan!” Panunukso ni Micca.

I pouted pero deep inside ay kinikilig ako.

Jaden raised his eyebrows too at tinitigan ng seryoso si Jay. “You too, you have a guts to propose to my GIRLFRIEND? Para sabihin ko sa’yo Mr. Tisoy, Back off at my girl!” Nakangising sabi nito.

Mr. Tisoy? Natawa naman ako sa alyas niya kay Jay. Kung sa bagay sobrang puti kasi nito.

Jay clench his jaw at mas lalong sumama ang tingin nito kay Jaden.

“Lintek!” Dumaan ito sa harap ni Jaden at binunggo ang braso nito at tuluyan nang umalis. Sumunod naman sa kanya ang dalawa niyang kaibigan.

Walang anu-ano’y hinatak ako sa braso ni Jaden hanggang sa makalayo na kami. Nang tumingin ako sa direksyon ng tatlo kong kaibigan ay nginitian lang nila ako at nagwave pa sila ng kamay sa akin.

Napadpad kami sa isang tagong parte nitong school. Sinandal niya ako sa pader at inilagay ang kamay niya sa pagitan ng ulo ko. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at tinitigan ako. Napatitig rin ako sa kanya habang pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Si Jaden, nasa harapan ko na si Jaden. Totoo ba ito?

Bigla ay naalala ko na napakalaki pala ng atraso ko sa kanya. Kailangan kong humingi ng tawad dahil nasaktan ko siya.

Naluluha akong tumingin ulit kay Jaden na ikinabigla niya. “I-Im sorry J-Jaden…” The unexpected is, he hugged me.

“Ako ang dapat na humingi ng tawad sa’yo, Trinity. Ni hindi man lang kita naprotektahan kay Travis. Napakawalang kwenta kong lalake!” He said at ramdam ko na umiiyak siya dahil nabasa ng luha niya ang suot kong uniform sa balikat ko.

Umiling ako. “Hindi Jaden, kasalanan ko. Hindi kita pinakinggan at sinaktan ko pa ang damdamin mo. Nagpabulag ako sa mga kasinungalingan ni Travis at hindi ko rin iningatan ang sarili ko. S-sorry…”

Sa yakap ni Jaden, pakiramdam ko ay ligtas ako sa lahat ng oras. Mahal na mahal ko siya at siya lang ang kaya kong mahalin ng ganito. Si Jojo lang.

Kumalas siya sa pagkakayakap namin at pinunasan ang mga luha ko sa pisngi. “Pagbabayarin ko si Travis sa mga ginawa niya sa’yo. Sisiguraduhin ko ’yon.” Napangiti ako dahil dun.

Kapakanan ko na naman ang iniisip niya. Napakaswerte ko dahil minahal ko ang isang Jaden Ayuna. Si Jaden Ayuna na habulin ng mga babae. Gwapo, malakas ang appeal, matangkad, sweet at higit sa lahat ay nirerespeto ako.

“I love you.” Biglang sabi niya na ikinapula ng mukha ko. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.

“I love you too.” Nahihiyang sabi ko. Napangiti naman ito sa reaksyon ko.

Naupo kami sa isang bench dito sa likod ng school. Hindi na muna ako pumasok sa 1st subject ko dahil gusto ko munang makausap si Jaden. Ang kababata kong si Jojo.

“May toyo ba sa utak ’yung tisoy na nagpropose sa’yo kanina? At gusto mo pa daw siya? Totoo ba ’yon, Trinity?” Natawa ako sa ekspresyon niya dahil nakakunot ang noo nito at halatang nagseselos siya.

“Ewan ko ba dun kay Jay, sinabi ko naman noon sa kanya na may boyfriend na ako pero ayaw niya pa rin akong tigilan. He misinterpreting my actions dahil napakabait ko sa kanya kaya ang akala niya ay gusto ko siya.” I said. He nodded.

“Ayon nga ang problema, masyado kang mabait sa mga tao especially sa mga tao sa paligid mo na pinagnanasaan ka k-kaya pati si Tra-” Hindi na niya tinuloy pa ang sasabihin niya at tumingin nalang sa malayo.

Napayuko ako, Tama naman siya kaya pati ang sarili ko ay hindi ko na napagtuunan ng pansin. “Tama ka.”

Katahimikan ang bumalot sa amin hanggang sa nagsalita na ako. “B-bakit mo nilihim ang sakit mo noong mga bata palang tayo?”

He sighed and smile bitterly. “Ayokong malungkot ka kapag nalaman mo na may sakit ako, isa pa 50/50 nalang ang chance ng buhay ko noon kaya mas minabuti ko nalang na hindi ’yon sabihin sa’yo.”

“Akala mo ba ay hindi ako nalungkot sa ginawa mo? Hindi mo pa kaagad sinabi sa akin na ikaw si Jojo simula nung tumira ako sa TREASURE House. Hindi ko alam na ang taong first boyfriend ko ay ’yun palang kababata ko. Kaya pala ganon nalang ang pagtataka ko dahil kamukhang-kamukha mo si Jojo in a younger version kasi ikaw naman pala talaga ’yon.” Tumingala ako dahil may nagbabadya na namang luha sa mga mata ko. Naging iyakin na talaga ako simula nung tumira ako sa TREASURE House.

Pinunasan ni Jaden ang mga luha ko at ikinulong sa dalawa niyang palad ang mukha ko. “Patawarin mo ako kung nagawa ko man ’yon at hindi na rin kita nabalikan pa. Kung pwede nga lang sanang balikan ang mga panahong nalungkot ka dahil sa ginawa ko edi sana matagal ko nang ginawa para hindi kana nasasaktan nang dahil sa akin.” Ayan na naman siya. Sinisisi na naman niya ang kanyang sarili.

Lumayo ako ng kaunti sa kanya at hinarap siya. “Ang mahalaga ay nagkita ulit tayo. Kailangan mong bumawi sa mga pagkukulang mo sa akin.” I pouted na ikinangiti niya.

“Yes Ma’am.”

Bigla ay inakbayan niya ako at inilapit sa kanya. Hinapit rin ako nito sa bewang ko na mas lalong nagwawala ang puso ko. Sa tingin ko nga ay pulang-pula na ako dahil sa ginagawa ni Jaden.

“Namiss talaga kita, Rinrin.” I missed how he calls me Rinrin.

“Namiss rin kita, Jojo.” Sabi ko na ikinangiti niya. Bigla ay may naalala akong itanong sa kanya.

“Bakit ka pala nagpablonde ng buhok? Nakakainis dahil bumagay sa’yo at mas lalong magdadagdagan na naman ang mga fangirls mo niyan.” Sumimangot ako. Ngumisi naman ito.

“Napilitan lang akong magpablonde dahil kay ate. Nagpunta kasi siya ng salon at sinamahan ko siya. Napagtripan niya ako dahil binantaan niya ako na kapag hindi ko sinunod ang utos niya ay puputulin niya ang mga luho ko. Siya rin ang may kagagawan ng yellow kong buhok noon kaya inis na inis ako sa kanya.” Nakasimangot niyang sabi.

Matindi rin pala itong ate ni Jaden. Blackmailer rin pala pero sa ginagawa nito ay mas lalong nagpapagwapo iyon sa kapatid niya.

“Ganon ba.” Sabi ko nalang.

Jaden laugh. “Huwag ka ngang magselos dyan. Kahit naman mag-iba ang itsura ko at dumami ang mga fangirls ko ay ikaw pa rin ang mamahalin ko.”

Ito na naman siya, pinapakilig ako. Hindi ba niya alam na sa mga ganong salita ay ang lakas ng epekto nun sa akin?

Mabuti nalang at nasa tagong parte kami nitong school kaya walang nakakakita sa pagmomoment naming dalawa ni Jaden.

“Oo na po. Ikaw na ang magaling magpakilig!” Natawa na naman siya. Bigla ay hinila niya ako patayo.

“Saan tayo pupunta?”

“Secret.” Sagot nito kaya nagpahatak nalang ako hanggang sa makarating kami sa gate papalabas ng school.

“Class hour ngayon at bakit nasa labas kayong dalawa?” Tanong nung guard na nagbabantay sa gate. Napadako naman ang tingin nito kay Jaden at tinignan ito mula ulo hanggang paa.

“Mukhang foreigner ka, ah? At naka civilian dress code ka pa. Bakit mo kasama ang estudyante namin dito?” Mapanuri nitong tanong.

“Sir, kasi po asawa ko ’tong kasama ko. May dinner date kami mamayang gabi kaya kung pwede lang ay payagan niyo nang makalabas kami. Nagpaalam na rin kami sa Professor niya.” Tila ay nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Jaden.

Mag-asawa na daw kami?

Mukha namang nagulat si Manong guard sa sinabi ni Jaden at dali-daling binuksan ang gate.

“Mga kabataan talaga ngayon, ang babata pa pero ang aagang nagsisipag-asawa.” Naiiling na sabi nito pagkatapos mabuksan ang gate.

Lumabas na kami ni Jaden hanggang sa naisara na ni Manong guard ang gate at doon ay inilabas na niya ang kanina pa niyang pinipigilang tawa.

“Ang dali palang lokohin ng mga guard dito. Maniwala ba naman siya na asawa na kita? Mangyayari rin naman ’yon pero hindi muna sa ngayon dahil nag-aaral ka pa. Makakapaghintay naman ako.”

Banat day ba ngayon at banat ng banat itong si Jaden? Sumimangot ako kunwari pero deep inside ay kinikilig talaga ako.

“Hmp. Saan ba kasi tayo pupunta?” Pag-iiba ko ng usapan.

Humawak muna ito sa baba niya na tila nag-iisip bago ako nito sinagot. “Magdi-date tayo.”

“D-date?” Gulat kong tanong.

He nodded. “Yes. Date as a couple. Ikaw lang naman ang nakipagbreak sa akin pero pumayag ba ako?” He smirk.

Hays, pati ba naman ’pag ngumisi siya ay ang gwapo pa rin niya?

Wala na rin akong nagawa kundi sundin ang mga utos niya. Sumakay kami sa isang bus. This is the 2nd time na nagcommute ako sa isang public vehicle. Noong una ay nung nagmall kami nila Chae, Bonnie at Micca. Wala kasing nagdala ng kotse noon kaya napilitan kaming magcommute. Nag-enjoy naman ako kahit papaano dahil nakasubok ako ng isang bagay na hindi ko pa nae-experience.

Pulang pula na talaga ang pisngi ko dahil hawak-hawak pa rin ni Jaden ang kamay ko hanggang sa nakarating na kami sa isang park. This park looks familiar to me.

“Pamilyar ba sa’yo ’tong park?” Tanong ni Jaden.

I nodded. He smile at me. “Dito tayo unang nagkakilala.”

Realization hit me. “I remember.” I said and I smiled too.

Bigla naman akong iniharap ni Jaden sa kanya at pinagdikit ang mga noo namin. His face is the greatest view I’ve ever seen. Sobrang lapit na ng mga mukha namin sa isa’t-isa.

“I love you so much, Trinity…” He said then he kissed me.

I kiss him back. “I love you too, Jaden…” I said between our kisses.

It’s been a while. I-uupdate ko pa rin to kahit na nag-uupdate ako araw-araw ng Obsessed Psychopath. Hindi niyo talaga ieexpect kung sino talaga si Someone. Salamat sa patuloy pa rin na nagbabasa ng LWT13G. Sobrang tibay niyo. Hehe

Chapter 44 - Going to Japan

Daniel’s POV

Kanina pa ako pinapakalma ng TREASURE Guys dahil sa mga nalaman naming kagaguhan ni Travis kay Trinity. Hindi ko maiwasang magwala at magalit sa hayop na iyon. How can he do such thing to an innocent girl? Nababaliw na ba siya? Hindi na niya nirespeto si Trinity and I can’t imagine na nagawa niya ang bagay na iyon sa tagal na naming magkaibigan.

“Just calm down, Daniel.” Sabi ni Mason.

I glared at him. “Calm down? Do you think I can do that?” Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

“You act as if your Trinity’s boyfriend? Why? Hindi ka pa rin ba nakakamove-on?”

Lahat kami ay halos nagulat sa inaasta ngayon ni Mason. Mason is the calmest person in TREASURE Guys at hindi siya nagsasalita ng mga ganitong klaseng bagay. Ngayon lang.

I was about to punch him nang napigilan ako nila Kyle at Kevin.

“Huwag na kayong mag-away, please?” Pakiusap ni Kyle.

Naibaba ko ang kamay ko at tinignan muli ng masama si Mason na seryosong nakatingin sa akin.

“You know what, Daniel? You act like a child too. Imbes na ikaw ang dapat umintindi sa sitwasyon ngayon dahil mas nakatatanda ka sa amin ay ikaw pa ’tong kailangan naming intindihin dahil dyan sa tantrums mo.” Napatahimik naman ako don. He has a point. Hindi dapat ako umakto ng ganito.

“I’m sorry.” Nasabi ko nalang.

Umiling lang ito at umakyat na papuntang kwarto niya. Napuno ng katahimikan ang lahat.

“I’m sorry guys it’s just.. I’m affected on what happened to Trinity.” at napayuko ako.

Bigla ay inakbayan ako ni John. “Okay lang ’yan Kuya Daniel, naiintindihan ka namin. Siguro may problema lang rin si Mason kaya niya nasabi ’yon sa’yo.”

“No, he’s right. Dapat si Jaden ang nagwawala ngayon at hindi ako.”

“Maging matured ka naman kasi kahit minsan.” Parinig ni Ben na nasa isang tabi.

“Shut up Ben, will you?” Naiiritang sabi naman ni David.

Napapikit nalang ako. Kumusta na kaya si Trinity? Okay na kaya sila ni Jaden?

“Hindi ko talaga maimagine na nagawa ni Travis ’yon kay Trinity. He’s really obsessed to do that kind of thing.” Sabi ni Jun at napasandal sa sofa na inuupuan niya.

“The player turns into an obsessed man? Creepy!” Nanginginig pang sabi ni Justin.

“Dapat sa lalakeng ’yon binubugbog e!” Tila may galit naman na sabi ni Arthur.

My friends are also mad at Travis too. Sino ba namang tao ang hindi magagalit sa ginawa niya? We treat him as a real brother and we trust him too but he broke it. Napakalaki ng respeto namin kay Trinity kaya hindi niyo rin ako masisisi kung nagagalit man ako ng ganito.

“Ang mas mabuti pang gawin natin ay ang kausapin si Travis. Okay na ba ’yon?” Suhestiyon ni Sam.

They all nodded.

“But when?” Kyle asked.

Sam smirk. “Kapag natapos na si Jaden na gumanti.”

Napakunot-noo naman kami dahil sa sinabi nito.

“What do you mean?”

“Just watch and learn.”

Travis POV

“Fuck it! Bullshit!” Halos lahat ng mga gamit dito sa kwarto ko ay pinagtatapon ko at pinagbabasag. I need this to ease my frustrations and anger. Hindi ko kaya. I don’t want to lose my girl that I really love. I don’t want to lose Trinity.

“Travis son, open the door please? Mag-usap tayo!” Rinig kong sabi ni Mommy sa labas ng kwarto ko.

Hindi ko iyon pinansin at patuloy pa rin sa pagwawala. Gustong-gusto ko si Trinity pero sa tingin ko ay kailangan ko nang sumuko dahil simula palang nung una ay talo na ako at ako lang ang nagpupumilit sa relasyon na gusto ko. Tumagos sa akin ang mga sinabi ni Tita Isabella. Masyado ko nang nasasaktan si Trinity. Hirap na hirap na siya nang dahil sa akin.

Nang mapagod na ako sa pagwawala ay napaluhod nalang ako at humagulgol ng iyak. Sobrang sakit na palayain na ang taong mahal mo. Bakit kailangan ko na namang magparaya kay Jaden? Ganito nalang ba palagi ang kapalaran ko?

Ilang minuto lang ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko at pumasok si Mommy na kaagad lumapit sa akin at niyakap ako nang makita nito ang kalagayan ko.

“Oh my god! Please tell to me what happened?” Naririnig kong umiiyak ito habang hinahagod ang likod ko.

“Mom, ang s-sakit! H-hindi niya talaga ako m-mahal…” Sabi ko habang humihikbi.

Napakalas ito ng yakap sa akin at hinawakan ang dalawang pisngi ko. Tama nga ako. Umiiyak siya.

“Do you really love her?” Tanong niya.

Tumango ako.

“Anong gusto mong gawin ko para lumigaya ka, anak? Gusto mo bang gipitin ko ang kompanya nila para mapilitan si Trinity na pakasalan ka? Lahat gagawin ko para sumaya ka, Travis.”

Umiling ako. “H-huwag na Mommy. Papalayain ko na si Trinity. Tama ang Mommy niya, dapat ko siyang hayaang maging masaya. I really love her at kung si Jaden man ang magpapasaya sa kanya ay wala na akong magagawa don.”

“S-son…” She said at muli niya akong niyakap.

I cried that there’s no tomorrow. I’m so pathetic and loser. I’m crying like a gayshit pero nasasaktan ako ng sobra at hindi ko mapigilang umiyak. Who would thought na ang Playboy na si Travis ay iniiyakan ang isang babae? I’m such a bastard!

“Shhh. I’m here son, don’t cry pleae,”

After an hour ay kumalma na rin ako at dinala ako ni Mommy sa garden sa labas ng mansyon namin. Pinaligpit na din nito sa mga katulong namin ang mga nasira kong gamit sa loob ng kwarto ko.

I really look wasted. Magulo ang buhok ko at may sugat din ang kaliwang pisngi ko dahil sa bubog galing sa lampshade na hinagis ko kanina sa kwarto ko. Gusot-gusot na rin ang suot kong t-shirt. Mom gave me a water at dali-dali kong ininom ’yon. Nilinis na rin niya ang sugat ko sa pisngi pati mga sugat ko sa braso then she faced me.

“Ayan na ba talaga ang desisyon mo?”

I smiled bitterly. “Yes, mom.” She smiled and held my hand.

“I understand. Balang araw darating rin ang babaeng magmamahal sa’yo anak. You’re handsome and lovable guy at alam kong maraming magmamahal na babae sa’yo.”

Napailing ako. Hindi ko na alam kung kaya ko pa bang magmahal ulit. Baka maobsessed na naman ako at maulit na naman ’to. Ayoko nang masaktan ulit.

Hindi ko na sinagot ang sinabi ni Mom at uminom nalang ng tubig.

“Travis!” Napalingon naman ako sa nagsalita at nagulat ako nang makita ko si Jaden na galit na galit na lumapit sa akin. Napatayo naman ako pati na rin si Mommy.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Mommy kay Jaden.

Jaden didn’t answer her but instead he punch me straight to my face. Narinig kong napasigaw si Mommy dahil don.

I guess I deserve that.

“Bakit mo ginawa ’yon kay Trinity?” Mahinang sabi nito at galit na nakatingin sa akin.

“Sorry.” Tanging nasabi ko hanggang sa sinuntok na naman niya ako ng paulit-ulit at napahiga na ako sa lupa dahil sa mga suntok niya. Pilit kong iniinda ang sakit dahil alam kong kulang pa ito sa mga kasalanan ko sa kanila ni Trinity.

Ramdam ko ang matindi niyang galit sa akin at labis ko iyong naiintindihan.

“Ang sakit para sa akin ng ginawa mo kay Trinity! Alam mo ba ’yon?” Nagulat ako nang makita kong umiiyak na siya kahit napapapikit na ako sa iniinda kong mga suntok niya.

Narinig ko pa ang pagtawag ni Mommy ng security guard bago ako mawalan ng malay.

Nagising ako at una kong nakita ang puting kisame. Lumingon ako sa paligid at napagtanto ko na nasa ospital pala ako. Naalala ko na binugbog pala ako ni Jaden at nawalan ako ng malay pagkatapos.

“Thanks and you’re now awake!” Narinig kong sabi ni Mommy na nasa tabi ko lang pala.

“H-how long did I sleep?” Tanong ko at napahawak sa noo kong nakabenda pala.

“Almost 6 hours. Are you okay now?” I nodded.

“Where’s Jaden?” Mommy sighed.

“That bastard. He’s now in jail.” Napahinto ako.

“What? Mommy naman, bakit siya nakakulong?” Kunot-noo kong tanong.

“He almost kill you kaya dapat lang na ipakulong ko siya.” Napailing nalang ako at napapikit.

“Palayain niyo na siya.” Pagod kong sabi at napasandal sa headboard ng kama.

“What? No!” Pagpoprotesta pa nito.

“You know the reason kung bakit niya nagawa ’yon and I can’t blame him for that so please mom,” Pakiusap ko.

Wala namang ibang nagawa si Mommy kundi tawagan ang Police Station at palayain na si Jaden. After that ay hinarap niya ako at niyakap.

“Kawawa ka naman anak, palagi ka nalang nasasaktan physically.”

“Cause I hurt them emotionally.” Kumalas ako sa yakap ni Mommy.

“Mom, can you give me a pen and paper? I want to write something.” Napakunot ang noo nito sa hinihingi ko.

“For what?”

“Basta.”

Kahit may pagtataka pa rin ito ay binigyan niya ako ng ballpen at papel na nakapatong lang sa bedside table ng kamang hinihigaan ko. Kahit masakit pa rin ang ulo at buong katawan ko ay pinilit kong magsulat. Nang matapos akong magsulat ay saka ko hinarap si Mommy.

“I want to go back in Japan.” Tila nagulat ito sa sinabi ko.

“Are you sure?”

“Yes.” Napahawak naman siya sa kamay ko.

“Do you really have to do this?” Naiiyak nitong tanong.

“Gusto ko munag lumayo at baka sakaling maka move-on na ako kay Trinity, Mom. Hindi ko kayang makita silang dalawa na masaya ni Jaden.” Hindi ko na napigilan at napaluha na rin ako. Tumango lang si Mommy at hinalikan ang noo ko.

“I totally understand my son. Mamimiss ka namin ng Daddy mo. He’s in the meeting right now kaya mamaya ka pa niya mapupuntahan dito.”

Tita Isabella is right. I’m such a lucky guy to have a parents like them. They really love me and support me kahit minsan mali na ang ginagawa ko.

“Kailan ka aalis?” Tanong niya.

“Ngayon na, Mommy.” She nodded again kahit may bakas ng kalungkutan sa mata niya.

Tinupi ko ang papel na pinagsulatan ko at ibinigay ito sa kanya.

“After I left this country, please give this note to Trinity, Mom.”

Trinity’s POV

Todo ang pagpipigil ko ng kilig dito sa loob ng kwarto ko, Inaalala ko lang naman ’yung date namin ni Jaden. Naging mas sweet at caring kasi siya sa akin. Ngayon lang ulit ako sumaya ng ganito.

“What’s with that smile, sis?” Nakangiting puna ni Kuya Troy habang nagbabasa ito ng magazine at nakaupo sa sofa ng kwarto ko.

Hindi ko namamalayan na kanina pa pala ako nakangiting mag-isa dito kaya hindi ko na rin napansin si kuya. Binibisita niya nga pala ako dito sa bahay at hindi niya nasama si Val dahil nandun daw ito sa bahay ng parents ni Ate Vanessa. Nakakamiss rin kasi ang kakulitan ng batang iyon.

Pinigil ko ang ngiti ko at yumuko. “Masaya lang ako kasi okay na kami ni Jaden at hindi siya nagalit sa ginawa ko sa kanya. I’m such a lucky girl to have him, kuya. Tanggap niya ako kahit h-hindi na ako..” Pinigilan ako nito sa susunod kong sasabihin at lumapit sa akin.

“Huwag mo nang ituloy, hindi mo naman ginusto ’yung nangyari sa’yo. Ang importante ngayon ay unti-unti nang naaayos ang lahat.” Kuya Troy hugged me at hinalikan ang noo ko.

He’s right. Dapat ay intindihin ko rin ang positive sides na sa tingin ko ay nakakamit ko na.

“Thanks kuya.” I said.

Pagkatapos ng madramang mode namin ni Kuya Troy ay napagpasyahan kong bumaba na ng kwarto ko para kumain ng breakfast. Nagpunta ako sa kusina at kumuha ng tinapay, jam spread at freshmilk. Hindi ko trip kumain ngayon ng favorite kong chocolate cake kaya gumawa nalang ako ng sandwich.

“Good morning, Ma’am.” Bati sa akin ng katulong habang papalapit ito at may hawak na puting envelope.

“Good morning din.” Nakangiting bati ko naman.

“May nagpapabigay nga po pala nito sa inyo.” Sabi nito at inabot sa akin ang puting envelope na kinuha ko naman.

“Kanino daw galing?” Tanong ko at umupo sa upuan at sinuring mabuti ang envelope.

“Hindi ko po alam basta inabot lang ’yan sa akin nung messenger. Sige, aalis na po ako Ma’am at may gagawin pa po ako.” I nodded at umalis na ito.

Binuksan ko ang envelope at kinuha ang sulat nito. Pagkabukas ko ng sulat ay halos maluha ako dahil sa mga nakasulat doon. Pagkabasa ko ay napatakip ako ng bibig at humagulgol na ng tuluyan.

Trinity,

Alam ko na

habang

binabasa mo ’to ay papaalis na ako

papuntang

Japan. Alam ko rin na galit na galit ka sa akin dahil sa

ginawa

ko sa’yo at pati na rin kay Jaden. I made your life miserable at hinding-hindi mo na ako

mapapatawad

pa dahil doon. I force you to love me, I lied, I forget my friends and I betrayed Jaden para lang makuha kita at

maging

akin ka. I know I’m being obsessed with you at hindi ko alam kung

bakit

nagkaganito ako dahil lang sa isang babae at sa’yo pa. I’m a womanizer, lahat ng

babaeng

nagugustuhan ko ay nakukuha ko pero nagbago lang ’yon

nang

makilala kita noon sa bar. Sobrang nagandahan talaga ako sa’yo noon kaya nilapitan kita pero sinungitan mo lang ako at dinedma kaya sinigaw ko pa noon dun sa bar na makukuha rin kita

kapag

nagkita ulit tayo. Simula noon ay

palagi

na kitang naiisip at hinihiling na sana ay magkita ulit tayo kaya

nagulat

nalang ako na ikaw pala ang

babaeng

magiging fiancee ng isa sa aming TREASURE Guys. Sobrang saya ko nun dahil makakasama na kita sa iisang bahay pero hindi rin pala.

Siguro

hindi mo alam na lahat ng TREASURE Guys ay may gusto sa’yo? I knew it dahil napakainosente mo at alam kong ninanakawan ka rin ng halik ng iba sa amin.

Ang swerte nila at nahalikan ka nila pero mas maswerte si Jaden dahil siya ang mahal mo. Siya rin pala ang

kababata

mo noon. Dahil sa inggit na

nararamdaman

ko at pakiramdam ko na inagaw niya na naman sa akin ang

taong

nagugustuhan ko ay

gumawa

ako ng

paraan

para masira siya sa’yo pati na rin sa pamilya mo. Gumawa ako ng kung anu-anong kwento hanggang sa napaniwala ko ang mommy at pinsan mo sa mga

kasinungalingan

ko.

I am desperate and obsessed with you kaya nilasing kita at nilagyan ko ng drugs ang inumin mo nung time na

nalaman

mong si Jaden pala ang

kababata

mong si Jojo. That night, I took all of your clothes and I was about to rape you

nang

mapatitig ako sa natutulog mong mukha, Pagkakita ko nun ay

napaiyak

ako at

niyakap

ka. Narealize ko na hindi ko

kayang

angkinin

ka

nang

hindi mo nalalaman. Trinity, wala talagang

nangyari

sa atin. Pinalabas ko lang na may

nangyari

sa atin dahil sa desperado na akong

maging

akin ka. ’Yung red blood stains na nakita mo noon sa kama ay sarili ko ’yung dugo. Iyong pagsakit naman ng puson mo ay epekto ’yon ng drugs na

pinainom

ko sa’yo. You’re still a virgin at

ayokong

ako ang makauna sa’yo. I’m sorry kung nagsinungaling ako. My parents didn’t even know about this.

I’m sorry sa’yo pati na rin kay Jaden, sa mga

kaibigan

mo at pati na rin sa TREASURE Guys. Alam kong hindi

niyo

na ako

mapapatawad

dahil sa pagsira ko ng lahat. I decided to leave this country. Ben is right, I will end up leaving this country with my conscience. Sobrang nagsisisi na ako sa mga

nagawa

ko sa’yo, Trinity pati na rin kay Jaden. I messed up everything kaya magpapakalayo-layo muna ako dahil kung mag-iistay pa ako dito sa Pilipinas ay hindi ko na alam kung ano pa ang

magagawa

ko sa sarili ko.

Sana sa susunod

nating

pagkikita

ay

tuluyan

mo na akong mapatawad. Sana mapatawad rin ako ni Jaden, ng mga

kaibigan

mo at ng TREASURE Guys.

This is my last time to say, I love you, Trinity. You’ll always be in my heart and I will never regret to love a girl like you.

-Travis Gabriel

That’s it. Wala talagang nangyari sa kanila :) Malalaman niyo na rin sa mga susunod na chapters kung sino ba talaga si someone. Thanks for voting, commenting and supporting LWT13G!

Chapter 45 - Happiness?

Jaden’s

POV

It’s been one month since unexpected things happened. Masasabi ko na masaya at mapayapa na ang lahat. We are now at TREASURE house celebrating Trinity and her friends graduation party. Kami ni Trinity ay going strong pa rin. I want our relationship won’t last dahil sa mga pinagdaanan namin pero sa huli ay kami pa rin ang magkasama.

“Congrats sa mga bagong graduate!” Sigaw ni John.

“Kailangan talagang sumigaw?” Naiirita namang sabi ni Justin at tinakpan ang tenga nito gamit ang dalawang palad niya.

Kahit kailan talaga ay palagi silang nagbabangayan. Wala yatang araw na hindi sila nagtatalo pero sa maniwala man kayo o hindi ay magbestfriend talaga sila.

Tumawa naman si Bonnie. “Ang cute niyo kapag nag-aaway kayo.” Napangiti naman kaming lahat dahil sa sinabi niya.

“Seriously? Cute sila kapag nag-aaway? Are you blind?” Sarkastikong sabi ni Ben na siniko naman ni Jun.

“Ano bang pakialam mo eh ’yon ang tingin sa kanila ni Bonnie e,” Naiirita namang sagot ni Micca na ikinairap nalang ni Ben.

As I look at Trinity, she seems so really happy. Isinandal ko naman siya sa balikat ko at hinalikan ang noo niya. Nakita pa ng peripheral vision ko na napayuko si Daniel dahil sa ginawa ko.

“Congratulations to you.” Mahinang sambit ko.

“Thank you.”

“Ehem! Ang sweet-sweet naman ng couple dito, oh?” Parinig ng bestfriend ni Trinity na si Chae habang nakaakbay naman sa kanya si Leo.

“Ang sakit pa rin makita na ganyan kayo. Oh shit!” Nagkunwari naman na parang nasasaktan si Kevin na ikinatawa ni Trinity.

“Nawala na kaagad ’yung pagkacrush ni Trinity sa’yo kasi narealize niyang pangit ka talaga.” Nang-aasar na sabi ni Arthur na nakatikim ng death glare ni Kevin.

Open naman ang TREASURE Guys na gusto nila si Trinity pero ngayon ay alam nila kung saan sila lulugar. Masaya ako dahil pinapahalagahan nila ang pagkakaibigan namin for almost a decades and I hope that someday they will find the right girl for them.

Tumayo naman bigla si Trinity at nagbow ito sa lahat.

“Guys, thank you for everything. Mula kila Chae, Bonnie, Micca at Leo pati na rin sa inyo Daniel, Kevin, Arthur, David, Kyle, Jun, Sam, Mason, Ben, Justin and John. Alam kong maraming problema ang dumaan sa akin simula nang makilala ko ang 13 guys. Siguro ay kapalaran ko na talaga ’yon. Salamat at nandyan kayo para sa akin. Alam kong napakabata ko pa para maranasan ang lahat ng pagsubok na ’to pero dahil sa inyo ay naging mas matatag ako especially to you, Jaden.” She smiled at me habang ako ay napatitig nalang sa maganda niyang mukha.

“Since we was a kid, alam na ng puso ko na ikaw ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda ko but you broke my heart a hundred times. You kept a secret from me pero nagbalik ka naman, e. Let’s forget about the past. Let’s make a new happy memories together.” May kung anong humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. Ang alam ko lang ay kailangan ko siyang protektahan, mahalin at alagaan.

Tumayo ako at niyakap si Trinity. Nakita ko pa na napapaluhang napapahiyaw sa amin sila Bonnie while the rest ay nakangiting nakatingin sa amin.

“I will promise to you, Trinity that I will never leave you again. I will love you forever and make a good memories to you in the future.” Naramdaman ko nalang ang pagyugyog ng balikat niya senyales na umiiyak siya.

Inilayo ko ng kaunti ang mukha niya sa balikat ko at pinunasan ang mga luha niya.

“Sshhh.. don’t cry,” She pouted while sobbing.

“I-Ikaw naman kasi e, n-natouch ako sa sinabi mo.” I laughed at kinabig ulit siya para yakapin.

“Sorry na.” I heard she chuckled.

“Bagay talaga kayo. Perfect match!” Sigaw ni Micca.

“Pero mas bagay tayo.” Biglang singit naman ni John na ikinapula ng pisngi ni Micca.

Nagconfess na rin pala si John na gusto niya si Micca. Micca feels the same way too kaya ngayon ay nasa dating stage na sila. I still remember na noon ay takot na takot pa si John sa mga babae pero ngayon ay magbago na siya sa tulong na din ng ibang TREASURE Guys.

“Aysus ang corny!” May bitterness naman na sabi ni Bonnie.

“Sus, inggit kalang kasi hindi ka pinapansin ni-” Hindi na naituloy ni Micca ang sasabihin niya nang kaagad tinakpan ni Bommie ang bibig niya.

“Shut up, Miccalyn Silvana!” Natawa naman kami.

“We are happy for the both of you so ituloy na ang inuman. We’re here to celebrate, right? So let’s get it on!” Sigaw ni Sam kaya naupo na kami ni Trinity sa sofa at nagsimula na kaming magcelebrate.

“What’s your plan after this?” Tanong ko kay Trinity saka siya sinubuan ng nachos.

“Hmm.. after vacation ay magtatrabaho na ako sa company namin.”

“Do you want me to help you?” Umiling siya.

“You don’t need na. Alam kong may inaasikaso ka rin sa inyo and I want to be independent by myself.” Tinitigan ko naman siya.

“If you want me to help you, just call my name and I’ll be there.” I wink at her na ikinapula naman ng pisngi niya.

It’s so cute how Trinity affected by my words.

The celebration is still on going nang biglang sumenyas sa akin si Mason na mag-usap kami sa labas. I just nodded at bumaling kay Trinity na busy sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya.

“Labas lang ako sandali. May pag-uusapan lang kami ni Mason.” She smiled and nodded at nakipagkwentuhan na ulit sa mga kaibigan niya.

Lumabas na ako ng bahay at naabutan ko si Mason na nakasandal sa may pader habang naninigarilyo. Lumapit naman ako sa kanya.

“It seems that you’re really happy now, Jaden. Good for you.” Nakangiti nitong sabi sa akin at nagshoulder fist kami like we’re used to do.

“Yeah, I am. Sana ay magtuloy-tuloy na ’to.” He nodded then he offered me cigarettes but I refused it. Baka kasi magalit sa akin si Trinity kapag nanigarilyo ako.

We stayed silent for a moment then he finally speak.

“Si Travis, he’s currently working in Japan. It looks like he’s doing everything to forget Trinity. He’s not that bad after all.”

I still remain silent. A month before, sinabi sa akin ni Trinity na wala daw talagang nangyari sa kanila ni Travis. Travis sent her a letter at pinabasa niya iyon sa akin. Para makasigurado ako kung nagasasabi nga ba ng totoo si Travis ay kumunsulta kami ni Trinity sa isang Obygiene checking kung nagalaw nga ba siya ni Travis and Travis is right, hindi niya nagalaw si Trinity. After that, I already forgive him. Kilala ko siya at alam kong mabuti talaga siyang tao. He loves Trinity to the point na naging obsess na siya dito pero hindi niya kailanman kinuha ang pagkababae nito and I’m very thankful for that. Nalaman na rin ng mga kaibigan namin at mga kaibigan ni Trinity iyon kaya kahit papaano ay nabawasan na rin ang galit nila kay Travis.

“Your right, he’s not that bad.” I sighed.

Tinapon ni Mason ang stick ng sigarilyo niya sa sahig at inapakan ito at pagkatapos ay humarap siya sa akin.

“Happy ending na ba talaga kayo?” He smirk na ikinakunot ng noo ko.

“What do you mean?”

Mas lalo namang lumawak ang ngisi nito. “Malay mo, hindi pa pala kayo happy ending ni Trinity. Baka mas may malala pang tao na dadating sa buhay niyo at sisirain ang relasyon niyo. Worse than Travis.”

I look at him suspiciously. It seems like na may ipinapahiwatig siya sa akin.

Suddenly he laughed at tinapik-tapik ang balikat ko.

“Your face is priceless, Jaden! Tinatakot lang kita. Huwag mo ’yung dibdibin, ha?” Sinuntok ko naman siya sa balikat niya. Hindi pa rin siya nagbabago pagdating sa pananakot sa akin.

“Bravo!” I rolled my eyes na ikinatawa lang niya.

Napailing nalang ako. Maglalakad na sana ako pabalik sa loob nang nagsalita ulit siya na ikinalingon ko.

“This time, I really mean it, Jaden. Goodluck to you.” He smirk at me again then he passed me by and went inside the house.

I was left dumbfounded and shocked.

Trinity’s POV

Bumalik na si Jaden dito sa loob at tumabi muli sa akin pero napansin ko na tulala siya at masyadong tahimik kaya pinuna ko naman ito.

“Jaden, are you okay?” Napatingin siya sa akin at biglang hinawakan ang magkabilang-kamay ko. He looks so tense.

“Trinity, please listen to me,” Kahit naguguluhan ako sa ekspresyon ng mukha niya ay tumango nalang ako.

“Kahit anong mangyari ay kailangan na palagi kang nasa tabi ko. Kung aalis ka o gusto mong magmall o bumili tawagan mo lang ako at sasamahan kita. Maliwanag ba?”

“B-Bakit, Jaden? May nangyari ba?” Napapikit ito at tumango.

“Si Alec, I think I know him.” Tila nagulat ako sa sinabi niya at halos hindi na makapagsalita pa.

“Sino siya, Jaden?” Umiling naman ito.

“H-hindi ako pwedeng magkamali. Si Alec ay si.. w-wala pala. Baka nagkakamali lang ako. Hindi niya magagawa ’to sa akin.” Napasabunot nalang ito sa buhok niya at alam kong nahihirapan siya.

“Jaden…” Mahinang sambit ko.

“Anong nangyayari sa inyo?” Tanong bigla ni Chae nang mapansin niya na tila balisa si Jaden. Napalingon naman ang lahat sa amin.

“W-wala naman.” Sagot ni Jaden at inakbayan ako.

Napatango na lamang ako kahit naweweirduhan na ako sa ikinikilos niya. Kilala na daw niya si Alec? Pero bakit hindi niya masabi sa akin ito at tila naguguluhan siya kung sino nga ba ito?

Natapos na ang celebration party at umuwi na rin sila Chae, Bonnie, Micca at Leo. Bago pa man sila umalis ay nagligpit na kami ng mga pinagkainan namin. Ang TREASURE Guys ay nasa kani-kanila nang mga kwarto habang kami naman ni Jaden ay nandito pa rin sa sala at magkahawak ng kamay.

“Iuuwi na ba kita?” Tanong niya at saka ako hinalikan. Tumugon naman ako.

“Oo. Pagod na kasi ako at baka kung ano pang magawa mo sa akin dito.” I rolled my eyes on him at natawa nalang siya.

“Hmm.. Okay? I’ll get my keys. Wait for me here, okay?” Tumango ako at saka hinalikan nito ang noo ko at tumayo na.

Nang makaalis na siya ay naiwan ako dito sa sala. Bumukas ang pinto ng bahay at si Mason ang bumungad sa akin. Galing ito sa labas at mukhang ngayon lang nakauwi. Nang mapansin niya ako ay nginitian niya ako saka ito lumapit sa pwesto ko at tinabihan ako.

I smiled him back. He’s only wearing a simple black t-shirt and pants pero kahit na ganon ay ang gwapo at malakas pa rin ang dating niya.

“Akala ko nakauwi kana. Nasaan pala si Jaden?” Tanong nito na nakatitig lang sa akin. Hindi ko alam pero parang kinabahan ako sa mga titig niya.

“A-ah, kinuha lang niya ang susi ng kotse niya. Iuuwi na rin naman niya ako sa amin ngayon.” Ngumiti siya habang hindi pa rin nito inaalis ang titig sa akin.

“Mahal niyo talaga ni Jaden ang isat-isa, no?” Mahinang tanong nito at nagulat nalang ako nang bigla niyang hinawakan ang balikat ko.

“O-oo naman. Mahal namin ang isat-isa.” He nodded at sa wakas ay tinanggal na niya ang kamay niya sa balikat ko. Tumingin ito sa malayo at malungkot na ngumiti na ipinagtaka ko.

“May problema ba, Mason?” Tanong ko.

Tumingin ito sa akin at muling ngumiti ng malungkot.

“Wala, Trinity. May iniisip lang ako.”

“Kung may problema ka, pwede mo naman akong sabihan. Handa akong makinig kung ano man ’yan.” He smiled. A true smile.

“Sige. Pwede bang lumabas nalang tayo bukas at doon ko nalang sasabihin ang problema ko sa paboritong lugar ko? Kung okay lang naman sa’yo.”

“Ah, okay lang pero magpapaalam muna ako kay Ja-” Hindi pa ako tapos sa sasabihin ko nang bigla siyang nagsalita.

“Huwag kana lang muna magpaalam kay Jaden. Alam ko kasing hindi ka nun papayagan dahil alam mo namang napakaseloso nun. Makita pa nga lang niya tayong dalawa na magkatabi ay maiinis na siya o magagalit so please, Trinity? Sa ating dalawa lang ’to.” Nang tinignan ko siya ay nakikita ko sa mga mata niya na nagmamakaawa siya.

Napabuntong-hininga nalang ako at tumango. “S-Sige.”

Pero sa hindi ko inaasahan ay nagulat nalang ako nang bigla niya akong yakapin na para bang ayaw na niya akong pakawalan.

“I miss you…” May ibinulong ito pero hindi ko na narinig dahil sa sobrang hina.

“Mason?” Mas lalo pa nitong hinigpitan ang yakap sa akin na mas lalo ko pang ipanagtaka.

Anong nangyayari sa kanya?

“M-Mason… Teka!” Tila natauhan lang ito nang itulak ko siya. Tinignan ko siya nang hindi makapaniwala.

“I-I’m sorry, Trinity. N-nadala lang ako dahil sobrang lungkot ko lang at ikaw lang ang malalapitan ko. My Mom is in UK at wala akong ibang mapagsabihan ng problema ko. Sorry talaga.” Paghingi ng paumanhin nito kasabay ng paulit-ulit na pagyuko niya.

Napatango na lamang ako habang nakatingin sa kanya. Bakit parang biglang nag-iba ang mood niya?

Tumayo na ito at muling ngumiti sa akin. “See you tomorrow.” At pagkatapos ay umalis na ito.

Napailing nalang ako. Weird.

“My boo!” Napatingin ako bigla sa tumawag sa akin. Si Jaden na hawak ang susi ng kotse niya habang papalapit sa akin.

I smiled at him at tumayo na sa pwesto ko.

“Let’s go?” Masayang tanong nito at inakbayan ako.

“A-ah, Jaden?”

“Hmm?”

Hindi ko na maituloy ang sasabihin ko nang maalala ko ang sinabi ni Mason na ’wag na akong magpaalam pa kay Jaden dahil alam ko namang hindi niya ako papayagan sumama kay Mason bukas. Mason needs me as his friend at nangako ako sa kanya na makikinig ako sa kung anumang problema niya at isa pa, kaibigan naman siya ni Jaden at alam kong wala siyang gagawing masama sa akin.

I know he can’t do that.

“W-Wala naman. Tara na?” Sabi ko at nauna na akong maglakad.

Nakita ko pa ang pagtataka sa mukha niya dahil sa inasal ko bago ito sumunod sa akin.

Chapter 46 - Unexpected

Trinity’s POV

Napag-usapan namin ni Mason na magkikita kami sa Coffee Shop mamayang 8am at iuuwi naman daw niya ako ng 5pm. Mabuti nalang at may pasok si Jaden sa kompanya nila at kaninang 6am pa siya umalis at baka 9pm na rin siya makauwi kaya pasalamat nalang at hindi kami magkikita ngayong araw dahil magiging busy siya sa trabaho niya.

7:45am na at nakabihis na rin ako. I wear simple jeans at sleeveless ruffled dress na kulay yellow. Nagdala rin ako ng purse at ready to go na.

Nagpahatid ako sa driver namin papuntang Coffee Shop. Nang makarating na ako at makalabas ng kotse ay nakita ko kaagad si Mason sa labas ng Coffee Shop na mukhang naghihintay sa akin. He’s very simple when it comes to his fashion. Hindi siya katulad ni Jaden at ng ibang TREASURE Guys na kung todo pumorma. He’s wearing a simple gray t-shirt, wristwatch, jeans and rubber shoes pero kahit napakasimple lang ng get up niya ay nakaw atensyon pa rin siya dahil napakagwapo niya. Hindi nga nito napapansin na maraming babaeng napapatingin sa kanya dito sa labas ng Coffee Shop dahil busy ito sa kakatingin sa hawak niyang cellphone.

“Mason!” Tawag ko habang papalapit sa kanya.

Napatingin naman siya sa akin at nginitian ako nang makalapit na ako sa kanya.

“Mabuti at dumating ka.” Sabi niya habang nakatitig sa akin.

“Syempre, nangako ako sa’yo na sasamahan kita sa favorite place mo at makikinig na rin sa problema mo.” I wink at him na ikinatawa niya.

“Thank you. Gusto mo bang kumain muna dito or magcoffee?” Alok niya pero umiling lang ako.

“Nakapagbreakfast na ako sa bahay. Ikaw ba kumain ka na?” Tanong ko.

“Tapos na, so pwede na tayong umalis?” Nahihiya niyang tanong.

Tumango nalang ako at tinungo namin ang kotse niya sa parking lot ng Coffee Shop.

Nang makarating na kami sa parking lot ay sumakay na ako sa kotse niya at nagseatbelt habang siya naman ay pumasok na rin at nag-umpisa nang magmaneho.

Tahimik lang kami sa biyahe hanggang sa nagsalita na siya.

“Salamat at hindi ka nagpaalam kay Jaden.” Sabi nito at sumulyap sa akin at ibinalik rin ang tingin niya sa kalsada dahil nagmamaneho siya.

“Okay lang. Busy rin naman si Jaden ngayong araw kaya pwede kitang samahan.” He smiled at hindi na muling nagsalita.

This guy really loves to smile.

Pagkatapos ng mahigit isang oras na biyahe ay narating na rin namin ang sinasabi niyang lugar. Namangha ako dahil napakaraming mga bulaklak sa paligid nito at over looking pa siya dahil nakikita namin ang buong syudad. Mahangin rin at mapresko ang lugar. May mga puno rin at napansin kong may nakalatag na puting tela, mga prutas at iba’t-ibang klase ng pagkain sa may tabi ng puno. Mayroon rin juice at candies.

“Ang ganda naman dito, Mason at talagang balak mo pang magpicnic  tayong dalawa, ah?” Natawa siya sa sinabi ko at inayang maupo sa puting telang nakalatag sa damuhan. Umupo naman ako at siya rin.

“This is my secret place. I discovered this 1 decade ago. Dito ako palaging nagpupunta kapag may problema ako. TREASURE Guys didn’t know this place. Kapag nagpupunta ako dito ay panandalian kong nakakalimutan ang problema ko.” Sagot nito at ngumiti na naman ng malungkot.

Mas lumapit naman akong lalo sa kanya. “Tell me, what’s your problem?” Bumuntong-hininga ito at tumingin sa over looking view na nasa harap lang namin.

“The truth is, I’m only an orphan. Namatay ang mga magulang ko dahil sa isang sunog. Ako nalang ang nabuhay sa amin hanggang sa nagpalaboy-laboy ako sa lugar na hindi ko na alam kung saan. Hindi ko kilala ang mga kamag-anak namin kaya hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta.” Hindi ko alam pero biglang nangilid ang luha ko dahil sa ikinikwento niya.

“I was only eight that time at walang kamuwang-muwang sa mundo. Nagpalaboy-laboy lang ako at natutulog sa mga bangketa. Minsan pa nga sa ilalim ng tulay. Wala akong kahit isang nasalbang gamit namin dahil sunog na sunog ang bahay namin. Nakasurvive ako sa kalye sa pamamagitan ng pagkalkal sa basurahan sa mga restaurants at karinderya. Tuwing gabi na lagi akong nasa kalye wala na akong ibang ginawa kundi umiyak at inisip ang mga masasayang alaala namin nila mama at papa nang nabubuhay pa sila.” Hindi ko namalayan na tuluyan na pala akong umiyak habang siya ay nakatingin pa rin sa over looking view.

“Tiniis ko ang lahat ng ’yon sa loob ng dalawang buwan hanggang sa isang gabi ay may nakakita sa aking isang matandang mayamang babae habang natutulog ako sa may tabi ng isang junk shop. Niyaya niya akong sumakay sa kotse niya at binigyan niya rin ako ng isang tinapay.” Nagsimula na siyang magsalin ng juice sa baso at iniabot iyon sa akin. Ininom ko naman ’yon kaagad habang patuloy pa rin sa pagtulo ng mga luha ko.

“Hanggang sa makarating na kami sa mansyon niya. Pinaliguan niya ako, binihisan at pinakain. Nakita kong awang-awa siya sa akin. Ikwinento ko sa kanya lahat-lahat ng trahedyang nangyari sa buhay ko at nang matapos na akong magkwento ay napaiyak siya at niyakap ako.” Naramdaman ko na unti-unti akong nahihilo pero pilit ko pa rin ginigising ang sarili ko para makinig sa kwento niya.

“She decided na ampunin ako tutal byuda naman daw siya at walang anak kaya malaki ang pasasalamat ko kay Mommy Hilda. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako makakabangon sa hirap na dinanas ko.” Mas lalo pa akong nahihilo at umiikot na ang paligid ko kaya nabitawan ko ang hawak kong juice at natapon ito. Napasandal naman ako sa dibdib ni Mason dahil sa hilong nararamdaman ko.

“M-Mason, nahihilo ako,” Pero imbes na pag-aalalang mukha ang nakita ko dahil sa sinabi ko sa kanya ay isang malademonyong ngisi ang nakita ko na ikinagulat ko.

Naramdaman ko na hinihimas-himas niya ang balikat ko. “Alam mo ba, Trinity? Matagal na kitang gusto. Mas matagal pa sa inaakala mo.” Bulong niya sa tenga ko.

“A-ano?” Nanghihinang sabi ko habang patuloy ko pa rin nilalabanan ang hilo ko.

“Matagal ko nang pinapangarap ’to, ang makasama ka, malapitan ng ganito, ang amuyin ka at titigan ka ng malapit.” Pinilit kong tumingin sa mga mata niya at nagulat ako. Kaparehong-kapareho niya ng mata ang lalakeng iyon!

“Walang happy ending sa inyo ni Jaden dahil hangga’t nabubuhay ako ay hinding-hindi kayo magiging masaya.” Nakangising sabi niya sa akin at hinalikan ako ng mabilis.

“S-sino ka ba talaga?” Nanginginig kong sabi hanggang sa tumulo na ulit ang mga luha ko.

Hinaplos niya ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko.

“Talaga bang kinalimutan mo na ako dahil sa lalakeng ‘yon? Mas pinaniwalaan mo ang mga kasinungalingan niya kaysa sa akin na una mong nakilala?’ Ngumisi siya na mas lalo pang kinakaba ng sistema ko.

“H-hindi kita kilala…” Bigla namang nagdilim ang mukha niya at kitang-kita ko ang galit at pangungulila sa mga mata niya.

“Ako? Hindi mo kilala? Tanga ka ba, Trinity? Hindi pa ba halata na ako ang batang lalakeng kinamumuhian mo noon?” Sigaw nito at halos hindi na ako makahinga dahil napagtanto ko na kung sino siya.

“P-pero bakit nag-iba ang m-mukha mo?” Humihikbi kong tanong.

Tumawa naman siya ng malakas at biglang sumeryoso ang mukha. Natatakot na ako sa kanya.

“Nasunog ang buong mukha ko nang nasunog ang bahay namin, Trinity. Nagpagala-gala ako sa kalsada na lapnos ang buong mukha ko at pinagtatawanan ng mga taong nakakakita sa akin. Alam mo ba na sobrang paghihirap ang dinanas ko noon? Walang pamilya, walang pagkain, walang matitirhan at walang karamay? Pero mabuti nalang at may kumupkop sa aking isang mayamang babae at pinaayos itong mukha ko. Uso naman ang plastic surgery, ’di ba? Mas lalo akong gumwapo para lang magustuhan mo.” Natatawa nitong sabi.

Napailing nalang ako sa takot nang dahil sa kanya. “K-kaya pala h-hindi ka namin nakilala ni Jaden. Mapagpanggap ka!” Nanghihina ko ng sabi.

He chuckled at niyakap ako. “Ang galing ko, ’no? I’m acting like a normal person kahit gusto ko nang patayin si Jaden at ang ibang mga kaibigan namin sa tuwing nilalapitan ka nila at kinakausap. When I was 10, I know how to pretend the funny thing is hindi nahalata ni Jaden na ako ’yung batang lalakeng inagrabyado niya noon.”

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. “Inagrabyado ka ni Jaden? You’re lying!” He shrugged his shoulders at bigla ay nagdilim na ang paningin ko.

“You’re mine now, Rinrin. Sweetdreams.”

Jaden’s POV

9pm na nang makauwi ako sa TREASURE House. Ang dami ko pang inasikaso sa kompanya namin. Nagtataka ako kung bakit mula kanina pang umaga ay hindi pa nagtetext si Trinity. Tinatawagan ko rin siya pero out of coverage ang cellphone niya. Tinawagan ko rin ang landline ng bahay nila at sinabi ng katulong nila na wala siya doon. I’m starting to get worried. Kung aalis siya ay bakit hindi man lang siya nagpapaalam sa akin?

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa living room at napapahawi ng buhok dahil sa sobrang pag-aalala ko sa kanya. Kanina pa ako dial ng dial sa cellphone niya pero out of coverage pa rin.

“Napano ka diyan?” Napatigil ako sa paglalakad-lakad nang dumaan sa harap ko si Jun na nagtatakang nakatingin sa akin.

I sighed. “I don’t know where Trinity is, I tried to call her a hundred times pero out of coverage ang cellphone niya. Wala rin daw siya sa bahay nila. Nag-aalala na ako Jun, baka kung napaano na siya.” I frustratedly said.

“Tinawagan mo na ba ang mga kaibigan niya? Baka magkakasama lang sila.” He asked.

Nabuhayan ako bigla ng loob at kaagad tinawagan ang mga kaibigan niya pero nadismaya lang ako nang sinabi nila na hindi daw nila kasama si Trinity.

“Hindi rin nila kasama si Trinity. I’m so worried!” Napaupo ako sa sofa at napahilamos ng mukha.

Umupo naman si Jun sa tabi ko at humalukipkip na palagi niyang ginagawa kapag may seryoso niyang sasabihin.

“You know what? Kaninang umaga pa rin wala si Mason dito. I tried to contact him pero hindi rin siya sumasagot sa mga tawag ko. Hinahanap kasi siya ng guardian niya sa akin para sa pag-uusapan nilang inheritance plan pero walang nangyari. Ayokong magsalita ng ganito pero Jaden, ilang beses ko nang napapansin na parang nawawala sa sarili si Mason. Nakita ko siya dati sa terrace ng gabing iyon na tumatawang mag-isa na parang baliw. May nakita rin akong drugs sa loob ng kwarto niya at kahapon lang ay may nakita naman akong box doon na punong-puno ng mga litrato ni Trinity. Sa tingin ko baliw si Mason at may gusto siya kay Trinity ng sobra.”

Nabigla ako sa mga sinabi ni Jun at bigla ko nalang natandaan ang mga salitang sinabi ni Mason sa akin kahapon.

“Malay mo, hindi pa pala kayo happy ending ni Trinity. Baka mas may malalala pang tao na dadating sa buhay niyo at sisirain ang relasyon niyo. Worse than Travis.”

Nanlamig ang mga kamay ko dahil sa naiisip ko. Hindi na ako pwedeng magkamali. Siya iyon, siya iyon. Sana pala ay inilayo ko na kaagad si Trinity sa kanya pero ako ’tong tanga na mas inisip ang pinagsamahan namin bilang magkaibigan kaysa sa kapakanan ni Trinity.

“Si Mason, siya ’yon…” Hindi ko mapigilan at napaluha nalang ako.

“Ano? Anong siya, Jaden?” Hindi ko na pinansin pa ang sinabi ni Jun at kaagad nang tumayo.

“Aalis muna ako, hahanapin ko si Trinity.”

“Saan mo naman siya hahanapin?” Tanong ni Jun.

“Basta sa kahit saan pang lugar ang mahalaga lang ay makita ko siya. Hindi matatahimik ang konsensya ko kapag nawala siya sa akin, Jun. Mahal na mahal ko si Trinity. I’ll do everything for her kahit kapalit pa nun ay ang buhay ko.”

May sasabihin pa sana si Jun ngunit kaagad na akong naglakad papalabas ng bahay. Hindi mawala ang kaba at takot sa puso ko. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Trinity.

Nagdrive ako papunta sa kompanya ng ina ni Mason na si Tita Hilda. Nang makarating na ako sa kompanya nila ay tinungo ko kaagad ang office kung nasaan siya. Ilang beses na rin ako nakapunta dito dahil sa utos nila Mom at Dad kaya alam ko na kung saan ko makikita ang ina ni Mason.

Nang pumasok na ako sa loob ng opisina nito ay naabutan ko siyang pumipirma ng papeles. Lumingon siya sa gawi ko at napatigil sa kanyang ginagawa. Tinanggal rin nito ang suot niyang salamin.

“Jaden, what are you doing here?” Tanong nito saka tumayo at lumapit sa akin.

“Hindi niyo po totoong anak si Mason, ’di ba?” Diretsong tanong ko. Bakas naman ang pagkagulat sa mukha niya dahil sa sinabi ko.

“A-anak ko si Mason. Ano bang sinasabi mo, hijo?” Hindi makatingin nitong sabi sa akin.

Napailing ako. “Tita Hilda, ’wag na po kayong magkaila. Alam niyo rin siguro na may mental disorder si Mason?” Mas lalo pa itong nagulat sa sinabi ko at parang kinakabahan na.

“Baliw ang anak ko? Are you serious, Jaden? Hindi baliw si Mason kaya kung wala kang ibang sasabihin you better leave my office now!” Sigaw nito pero hindi ako nagpatinag.

“I know he kidnapped my girlfriend. I know you love your son and you also know that he have a mental disorder. He likes Trinity, tita. Alam niyo na po ’yon, right?” Napatigil ito at napapikit at saka napaupo sa sofa.

“Yes, he always mentioning Trinity to me kahit kayo na. I thought na magaling na siya sa sakit niya dahil normal naman siyang kumilos but I was wrong. Bumabalik na naman ang sakit niya at alam ko na makakaya niyang kidnappin si Trinity dahil minsan na rin niya ginawa ’yon sa nakaaway niya noong bata palang siya.” Napahagulgol ito ng iyak.

“Hindi talaga Mason ang pangalan niya, ’di ba tita?” Tumango ito.

“His real name is Alec. Natagpuan ko siya sa kalsada noong natutulog siya sa tabi ng isang junk shop. His face was all over burned. He said na nasunugan daw sila ng pamilya niya at siya lang daw ang nakaligtas. Naawa ako kaya kinupkop ko siya at pinaayos ang mukha niya sa ibang bansa. That’s not his real face dahil hindi ko rin alam kung ano ang totoong itsura niya kaya doktor nalang ang nagdesisyon kung ano man ang magiging itsura ni Mason.”

Nagulat ako sa mga sinabi ni Tita Hilda, kaya pala hindi ko namukhaan si Mason na siya si Alec noong mga bata palang kami at hindi ko alam na ang taong sinira ko ang buhay ay naging kaibigan ko pa sa matagal na panahon. He’s pretending to be kind to me kahit alam naman niyang ako ang pumatay sa mga magulang niya. Hindi ba dapat ay pinakulong na niya ako? pero bakit hindi niya ginawa? Inagaw ko pa sa kanya ang babaeng mahal niya.

Bakas sa mukha ni Tita Hilda na wala siyang kaalam-alam sa nakaraan naming tatlo nila Alec at Trinity. Marahil ay nililihim ito ni Alec sa kanya. Iwinaksi ko muna ito sa aking isipan at inisip si Trinity.

“Tita, alam niyo po ba kung saan pwedeng dinala ni Mason si Trinity?” Tanong ko.

Saglit itong napatigil at tumango.

“In our resthouse in Batangas.”

Chapter 47 - Why Him?

Trinity’s POV

Nagising na lamang ako sa isang madilim na kwarto. Tanging ilaw na lamang na nanggagaling sa bintana ang nagsisilbing ilaw sa kwarto. Nakahiga ako sa isang kama habang nakagapos ang mga paa at kamay ko. May panyo rin na nakalagay sa bibig ko. Naiyak nalang ako nang mapagtanto ko na kung sino ang gumawa sa akin nito.

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at kahit madilim at hindi ko maaninag ang mukha niya ay alam ko na kung sino siya. Lumapit ito sa akin at umupo sa gilid ng kama. Nakatitig ako sa kanya habang umiiyak habang siya naman ay nakangising nakatingin sa akin.

“You’re still beautiful even if you’re crying.” Nakatitig niyang sabi sa akin.

Takot ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil nakatakip ang bibig ko ng panyo. Hikbi na lamang ang nagawa ko at sumiksik ako sa dulo ng kama gawa ng takot ko sa kanya. Hindi siya ang Mason na nakasama ko sa TREASURE House. Ibang-iba siya. Nakakatakot siya.

“It looks like you’re really scared of me. Please don’t, baby…” Unti-unti itong lumalapit sa akin habang iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya.

Naramdaman ko nalang na magkalapit na ang mukha namin at bigla nitong hinipan ang buhok ko na mas lalong nagpakaba sa sistema ko. Ngayon, nakikita ko nang malapitan ang mukha niya. Napakaamo pero hindi niya ito totoong itsura.

“Takot na takot ka talaga sa akin, Trinity, no? Si Jojo ang may kasalanan nito e! Kung hindi niya ako siniraan sa’yo ay hindi ka matatakot sa akin ng ganyan!”

Oh god. Baliw na siya.

Bigla ay tinanggal na niya ang panyong nakatakip sa bibig ko kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras para pagsalitaan siya.

“Baliw ka na! Pakawalan mo ako dito hayop ka!”

Natigilan siya sa sinabi ko at mukhang namangha pa sa mga pinagsasabi ko. Tumawa siya saka lumayo sa akin ng kaunti at humalukipkip.

“Ako? Baliw? Si Jojo yata ang baliw sa aming dalawa. Pinatay niya ang mga magulang ko, Trinity.” Seryoso niyang sabi.

Umiling ako. “Nasunog ang bahay niyo kaya namatay ang mga magulang mo kaya wala siyang kasalanan.” Siya naman ang umiling sa sinabi ko.

“Paniwalang-paniwala ka talaga sa lalakeng ’yon, ha? Noon pa man ay siya na talaga ang pinaniniwalaan mo simula pagkabata natin imbes na ako na una mong naging kaibigan.” Tumayo ito at binuksan ang ilaw ng kwarto.

I roamed my eyes around the room at sobra akong nagulat sa mga nakikita ko. The wall is filled with my pictures. Mula sa stolen, kuha mula sa school, mula sa mga lakad ko, ultimo’y mga kuha ko sa loob ng TREASURE House ay nandoon rin. Pati pillow cases at punda ay mukha ko ang nakalagay. ’Yung mga balat ng pinagkainan ko ay nakasabit rin sa dingding at pati na rin ang mga nawawala kong gamit ay nakalagay sa isang glass cabinet. Napaiyak na ako ng tuluyan. He’s so obsessed with me. Hindi ko akalain na ang isang katulad ni Mason na palangiti, mabait, kalmado at understanding ay isa palang baliw at obsessed sa akin.

But one thing got my attention at iyon ay ang isang malaking litrato na kung saan ay kuha ito noong mga bata palang kami at nakaakbay si Alec sa akin habang nasa parke kami. Pareho kaming nakangiti sa picture at sa pagkakatanda ko ay ang Mommy niya ang kumuha ng litrato na ito.

Napansin naman ni Mason na nakatitig na ako doon sa picture.

“That was our first photo together. Nung nasusunog ang bahay namin ay iyan lang ang naisalba ko dahil natupok na ng apoy ang mga magulang ko. The reason why my face was totally burned ay dahil kinuha ko pa ang litrato na ’yan sa loob ng nasusunog kong kwarto at dagliang natupok ang mukha ko ng apoy. That picture is a special thing to me.”

Hindi ako makapagsalita dahil sa mga sinabi niya. I’m so shock and at the same time ay nanghihinayang. Oo at magkaibigan kami pero bakit kami umabot sa ganitong punto? Na nasasaktan na pala namin ang isa’t-isa?

“Rinrin at Alec, dali at pipicturan ko kayo. Ang cute-cute niyo kasing tignan. Parang kuya lang ni Rinrin itong anak ko, oh!” Kinikilig na sabi ng mama ni Alec at pinagtabi kami para kuhanan ng litrato.

“Mama naman! Hindi ako kuya ni Rinrin dahil magiging husband niya ako in the near future!” Naiiritang sabi ni  Alec at nagkamot ng batok. Kinilig ako sa sinabi niya pero hindi ko iyon ipinahalata.

“Whatever. Okay, pipicturan ko na kayo, ha?” Inakbayan akong bigla ni Alec at saka tumingin sa akin ng nakangiti.

“Magsmile ka sa camera.” Sabi nito at tumingin na sa nakatutok sa aming camera. Tumango ako saka humarap rin sa camerang hawak ng mama ni Alec sabay ngiti.

“1, 2, 3 smile.”

Nagflashback sa akin ang eksenang iyon. Birthday iyon ni Alec that time. Nasa parke kami nun at nagpipicnic kasama ang mama niya. Hindi alam ng mommy at kuya ko na tumakas ako sa bahay para lang makapunta sa parke dahil alam ko naman na hindi nila ako papayagang lumabas. Gusto kasi nila na palagi lang akong nasa loob ng bahay nun.

“I’m sorry…” Tangi kong nasabi.

Nagulat ako nang tinabig niya ang lampshade sa kwarto kaya nahulog ito at nabasag.

“Sorry? Sorry lang ang sasabihin mo sa akin? Walanghiya lang, Trinity! Sorry? Sorry lang?” Sigaw nito at napasabunot na sa kanyang buhok.

Mas lalo akong nanginig sa takot dahil sa inaasal ngayon ni Mason pero may kaunting parte rin sa puso ko na naaawa sa kanya at hindi ko maitatanggi na naging malaking bahagi siya ng buhay ko.

Napapikit ako at huminga ng malalim.

“A-ano ba ang dapat kong gawin para mapatawad mo ako?” Napahinto siya sa sinabi ko pero ’di kalaunan ay nginisian niya ako.

“Broke up with Jaden at magpakasal na tayo para happily ever after na tayo. Remember what I said before? na kapag lumaki na tayo ay magpapakasal na tayo.”

“I can’t do that at ’yung promise natin ay nakaraan na iyon. Marami nang nagbago sa atin.” Nanlisik naman bigla ang mga mata niya sa sinabi ko saka ako nilapitan at sinampal. Kaagad namang tumulo ang mga luha ko.

“Nangako tayo sa isa’t-isa na tayo pa rin hanggang sa huli pero binaliwala mo na ’yon, Trinity dahil mas pinaniniwalaan mo ang baliw na si Jaden? Pwes kung hindi ka rin naman susunod sa gusto ko ay mas mabuti pa na isa-isa ko nalang silang papatayin. Maaagaw ka nila sa akin kaya dapat sa impyerno sila mapupunta!” Sigaw pa niya na tila nababaliw na.

“Please dont do this, Alec. Nagmamakaawa ako…”

“Then you should break-up with Jaden. Kaya kong totohanin ang sinabi ko. Kaya kong pumatay ng tao katulad nalang ng ginawa ni Jaden sa mga magulang ko.”

“Hindi mamamatay tao si Jaden!” Sigaw ko.

Umiling naman siya. “Maniwala ka naman sa akin, Trinity. Bakit palaging si Jojo nalang ang pinaniniwalaan mo? Kahit ngayon lang, paniwalaan mo naman ako.” Napayuko siya at nanghihina siyang napaupo sa gilid ng kama.

Tila napaisip ako sa sinabi ni Mason. Totoo kaya na pinatay ni Jaden ang mga magulang ni Alec? Pero saksi ako sa nangyari dahil aksidente iyon na nasusunog ang bahay nila.

“Papaano niya pinatay ang mga magulang mo kung aksidenteng nasusunog ang bahay niyo noon?” Tanong ko.

Napatingin siya sa akin habang nakayuko pa rin at biglang ngumisi.

“How could you say na aksidente lang ’yon kung siya mismo ang gumawa ng paraan para masunog ang bahay namin? He did that because he’s so insecure and jealous with me. He likes you even before that’s why he always bullying me and making fun of me. You didn’t know, Rinrin? Just try to ask him kapag pumunta na siya dito. I know that he went to my mother to asked where we was.” Nabigla ako sa sinabi niya at tumulo na naman ang mga luha ko.

No. Jaden can’t do that.

Travis’ POV

1 month. 1 month na rin pala akong nagpapakabusy at nagpapakasubsob sa trabaho ko dito sa Japan. I’m acting as a CEO dito sa kompanya ng parents ko dito sa Fukuoka. Naghahandle ang kompanya namin ng mga electronic products na iniimport rin sa iba’t-ibang bansa. Dahil ako lang ang nag-iisang anak ng mga Ramos ay sa akin lahat ipapamana ang kompanya at ari-arian ng mga magulang ko. Mas mabuti na rin ito, na magpakabusy ako para na rin makalimot.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makalimot. My first 2 weeks of staying here in Fukuoka is a hell for me. Dalawang linggo akong nakakulong at umiinom sa condo ko. Masakit pa rin kasi, masakit na hindi ka mahal ng taong mahal mo. Siguro, ganito rin ang nararamdaman ng mga naging girlfriends ko na minamahal na pala ako. Karma nga siguro ito sa mga babaeng pinaiyak ko at pinaglaruan. Walang araw na hindi ko iniisip si Trinity. Alam kong masaya na sila ni Jaden. Ano pa bang magagawa ko kung nagmamahalan sila? Ginawa ko na ang lahat para maging sa akin si Trinity pero wala pa rin talaga. Pati pagkakaibigan namin ng TREASURE Guys ay sinugal ko na pero wala pa rin’g nangyari. Naging bato na ang puso ko at sobra nang namanhid. Malamig na rin ang pakikitungo ko sa lahat ng tao maging sa mga empleyado ko dito sa Fukuoka. Alam kong takot na takot sila sa akin dahil isang maling galaw lang nila ay pinupuna ko na. Nabuhos lahat ng frustrations ko sa kanila at wala na rin akong pakialam kung masama ang turing nila sa akin dahil iyon naman ang tingin sa akin ng lahat ng tao.

4pm nang matapos ang meeting namin kaya napagpasyahan ko na magkape muna sa isang Coffee shop malapit sa building ng kompanya namin. Walking distance lang naman iyon kaya lalakarin ko nalang. Malamig ang panahon ngayon dito sa Fukuoka kaya naka long jacket ako at scarf. Habang naglalakad ako ng nakapamulsa ay napapikit ako.

“I hope that I can easily move on…”

Napamulat ako at tinitignan ang mga magagandang structures sa Fukuoka. Maraming mga buildings at Coffee shop dito. Hindi masyadong maraming tao at napakatahimik rin ng lugar. Balak ko nang kumuha ng Japanese citizenship at dito nalang ako titira ng pang habangbuhay. Hindi ko na kasi kayang bumalik sa Pilipinas dahil baka mabaliw lang ako ulit kapag ginawa ko pa iyon.

Patuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa may isang napakapamilyar na babae ang nakasalubong ko.

Nagkatitigan kami. Kilala ko ang babaeng ito. Isa siya sa mga naging ex-girlfriend ko.

“Travis?” Gulat na gulat niyang tanong.

“Sowon.” Sabi ko naman at nginitian siya.

Paanong hindi ko siya makakalimutan eh siya lang naman ang naging girlfriend ko na tumangging makipag one night stand sa akin.

Lumapit naman siya sa akin at sinuri ako ng mabuti. Nailang naman ako sa ginagawa niya. Sino bang hindi maiilang kung tinititigan ka ng isang magandang babae?

“Hala! Ikaw nga. Kumusta ka na? Hindi ko ineexpect na mapapadpad ka dito.” Nakangiti niyang sabi.

Sowon was my first girlfriend. Tumagal kami ng 2 months. Siya ang pinakamatagal na naging girlfriend ko at nagbreak kami dahil hindi niya maibigay ang pangangailangan ko bilang isang lalake. Masyado siyang inosente at conservative pero masasabi ko na siya ang pinakamatino sa lahat ng naging ex ko. Hindi siya aggressive. She likes simple things. Sa loob ng 2 months naming relasyon ay puro kakaiba at simpleng bagay lang ang naranasan ko sa kanya. She’s very different.

“I’m now working here as a CEO of Ramos Electronics Company.” Sabi ko saka itinuro ang building kung saan ako nagtatrabaho. Sinundan niya ng tingin ang itinuro ko at mukha pa siyang namangha at napaawang ang bibig sa nakita niya.

“CEO k-ka sa napaka laking building na ’yan? Wow! Talaga palang ang yaman niyo, Travis!” I smiled again when I saw her reaction. Sa loob ng isang buwan ko dito sa Japan ay ngayon lang ako ngumiti.

“Yes. Would you like to go in the Coffee shop? My treat.” Pag-aalok ko.

“Really? Salamat.” Napatango naman siya at nginitian ako.

This girl always love to smile kahit noon ay nasasaktan ko na siya. I’m such a bastard to hurt a girl like her before.

And I think I need to reconciliate with her. Sowon is different from the girls that I’ve met and I will never hurt her again.

Chapter 48 - Shocking Twist

Jaden’s POV

Napa facepalm nalang ako habang tinatahak namin ang Batangas kasama ang ibang TREASURE Guys. Nang nabalitaan nila sa akin na si Mason ang Alec na tinutukoy ko na kababata namin ni Rinrin ay nagpresinta na rin sila na sumama sa akin para iligtas si Trinity. Ikwinento ko na sa kanila ang lahat para hindi na sila magtaka pa kung bakit dinukot ni Mason si Trinity.

Ang sikip ng pwesto namin dito sa Van at dahil ang dami namin sa loob ng sasakyan ay halos hindi na ako makahinga sa sobrang suffocation.

“Ano ba naman ’yan, John! Pwede bang ’wag kang malikot? Nakita mo na ngang ang sikip-sikip dito tapos para ka pang bulate na inasinan diyan!” Inis na reklamo ni Justin habang katabi si John.

“Sorry na! Nag-aalala lang naman kasi ako kay Trinity kaya hindi ako mapakali, e.” Nakapout niyang sabi.

“Tsk! Mabuti nalang at wala si Micca dito kundi baka-” David stopped them.

“Huwag na nga kayong magbangayan dyan. Kahit ngayong araw lang ay ’wag na kayong magtalo. Nasa panganib si Trinity at kailangan nating iligtas siya.” Sabi nito.

“Malalagot talaga sa akin ang Mason na ’yan sa oras na may gawin siyang masama kay Trinity.” Madiing sabi ni Daniel.

“Oh? So you’re acting again as her boyfriend while you are not?” Sarkastiko namang pagkakasabi ni Ben na ikinasama ng tingin sa kanya ni Daniel.

“Shut up, Ben.” Sabi naman ng kanina pang tahimik na si Kyle pero alam kong nag-aalala rin siya para kay Trinity.

“Alam mo na palang si Mason ’yung Alec na ’yon pero bakit hindi mo pa sinabi kay Trinity nung una?” Tanong naman ng nasa tabi kong si Sam.

Napabuntong-hininga ako. “Hindi kasi ako sigurado nun na siya talaga si Alec. It’s my fault too kung bakit sumama pa sa kanya si Trinity.” Napayuko nalang ako at napailing.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Trinity nang dahil kay Mason.

Hinagod naman ni Sam ang balikat ko. “It’s not your fault, Jaden. We will make sure na mauuwi natin si Trinity ng ligtas.” Sabi niya na ikinatango ko nalang.

Malayo-layo rin ang byahe namin mula Maynila hanggang Batangas hanggang sa makarating na kami sa resthouse na sinasabi sa akin ni Tita Hilda na pinaghihinalaan niyang dito dinala ni Mason si Trinity.

Pagkababa namin lahat sa Van ay bumungad sa amin ang isang tahimik na isla na napapaligiran ng mga puno at halaman. May malaking bahay kaming nakita kaya kaagad kaming pumunta doon.

Its already 11 am in the morning at kahit pagod at puyat kami sa byahe ay gagawin namin ang lahat mailigtas lang si Trinity mula kay Mason. Naiinis ako sa sarili ko dahil nagtiwala ako kay Mason, ni hindi ko man lang napansin na siya pala ang kababata namin noon ni Trinity na si Alec. Napakagaling niyang magpanggap na okay lang ang lahat sa amin pero ayon pala ay may binabalak siya para masira ang relasyon namin.

“What kind of house is this? Early 80’s pa yata ang style nito.” Sabi ni Jun habang tinatanaw nito ang malaking bahay sa tapat namin.

“It’s a cool but creepy house.” Sagot naman ni Arthur.

“Pasukin na natin ’yung loob.” Sabi ko at nag-umpisa na akong maglakad papunta sa may gate. Good thing is hindi nakalock ito at ang akala yata ni Mason ay hindi namin sila makikita.

Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng malaking bahay ay tahimik lang ang paligid at wala kaming marinig na ingay. Nagulat nalang kami nang biglang lumabas sa isang kwarto si Mason kasama si Trinity na nakasakay sa isang wheelchair.

Nagulat si Trinity nang makita niya kami at napaluha na ito. Napansin ko rin na may benda ang paa niya at may bahid pa ito ng dugo. May sugat siya.

Napakuyom ang kamao ko at tinignan ng masama si Mason na nakangisi sa akin.

“Walanghiya ka! Anong ginawa mo kay Trinity?” Sigaw ko at lalapitan na sana siya nang bigla niya akong tinutukan ng baril.

“Lalapit ka pa o magpapaalam ka na kay Trinity?” Nakangiting sabi nito.

“What are you doing, Mason? I can’t believe na magagawa mo ’to!” Galit na sabi ni Kevin.

Tumawa naman si Mason sa sinabi ni Kevin. “Nabanggit na siguro ni Jaden sa inyo kung sino talaga ako. Yes, I’m Alec Casimiro. Ang batang lalakeng siniraan ng buhay ni Jaden. Pati ba naman ’yung babaeng mahal ko ay inagaw rin sa akin ng baliw na ’yan?” Nakangiting sabi niya habang umiiyak.

Napatahimik naman ako doon.

“What do you mean?” Tanong ni Ben na mukhang naguguluhan sa sinabi ni Mason.

Mason chuckled. “Si Jaden lang naman ang may kagagawan kung bakit namatay ang mga magulang ko. Sa sobrang inggit niya sa akin noong bata palang kami dahil may masaya akong pamilya at close kami ni Rinrin ay sinunog niya ang bahay namin para lang makaganti sa akin. Parehong namatay ang mga magulang ko sa sunog at ako? Nasunog ang buong mukha ko sa kagagawan niya!” Sigaw niya at itinutok pa nito lalo ang baril sa akin.

Nagulat sila sa sinabi ni Mason lalo na si Trinity.

“Totoo ba ’yon, Jaden?  Tell me, gumagawa lang siya ng kwento para masira tayo ’di ba?” Umiiyak nang sabi ni Trinity.

Napayuko ako at tila nakonsensya ako sa nagawa ko noon. Kung may iba mang mamamatay tao walang iba ’yon kundi ako. Sinira ko ang buhay ni Mason, sa kanya dapat napunta si Trinity at buhay pa sana ang mga magulang niya pero dahil sa sobrang inggit at pagkamuhi ko sa kanya noong bata palang kami ay nagawa ko ang bagay na iyon mawala lang siya sa landas ko.

Ako ang masama at dapat pinagbabayaran ko ang mga kasalanang ginawa ko pero naging makasarili ako.

“I’m sorry, Trinity.” Sabi ko at hindi ko na rin napigilang mapaiyak.

Gulat na gulat ang TREASURE guys sa rebelasyong sinabi ko at parang hindi sila makapaniwala doon.

“H-How could you do that, Jaden?” Gulat na tanong ni John.

Tumawa naman ulit si Mason.

“Ngayon, alam niyo na kung gaano kasamang tao si Jaden. Sabihin niyo nga sa akin, sino ang mas masama sa aming dalawa? Kinuha ko lang naman si Trinity sa kanya dahil baka may gawin rin siyang masama sa kanya sa oras na magtagal pa ang relasyon nila. Kung baliw ako ay mas baliw naman si Jaden. Obsessed siya at makasarili. Sino sa amin ang masama? Siya ’di ba?” Tumatawa nitong sabi.

Tinignan naman ako ng masama ni Ben bago siya muling bumaling kay Mason.

“Yeah, right. You are both crazy and obsess at dapat lang talaga na mamatay na rin kayo dahil mga demonyo kayo. Idadamay niyo pa si Trinity diyan sa mga kagaguhan niyo? Set her free dahil hindi siya laruan para pahirapan niyo!” Mariing sabi ni Ben.

Tumawa si Mason sa sinabi ni Ben. “At sino ka ba para pakialamanan ako? Ikaw yata ’tong ayaw na ayaw kay Trinity nung una pero ngayon nagpapaka anghel ka na sa kanya? At kayo naman, bakit nandito rin kayo? Gusto niyo bang isa-isahin ko pa kayong patayin para lang mawala na kayo sa landas namin ni Trinity?” Sigaw niya sa TREASURE Guys at isa-isa niyang tinutukan ito ng baril.

“Ah, kapag ba napatay mo na kami ay mamahalin ka ni Trinity? Alam mo naman sa sarili mo na ang mamamatay tao na si Jaden pa rin ang pipiliin niya, right?” Nakangising sabi ni Daniel.

Mas lalong sumama ang tingin ni Mason kay Daniel.

“Mason, itigil mo na ’to please…” Naluluhang pakiusap ni Trinity at hinawakan nito sa braso si Mason na napahinto dahil sa ginawa niya.

Inis na umiling si Mason at pinunasan nito ang luhang nakita ko na kumawala sa pisngi niya. Nasasaktan rin siya sa nangyayari at alam kong may kasalanan rin ako kung bakit nagkakaganito siya ngayon.

“Patayin mo nalang ako kung ’yan ang gusto mo, Mason. I’m a criminal and I deserve to die. I’m sorry sa nagawa ko sa pamilya mo at sa pag-agaw ko kay Trinity mula sa’yo. If my death was your satisfaction then tatanggapin ko ’yon.” Sabi ko.

Sumama naman ang tingin niya sa akin. “Oo, Jojo! Gustong-gusto kita patayin ngayon dahil sinira mo ang buhay ko! Tiniis kong makasama ka sa TREASURE House dahil parte iyon ng plano ko para maghiganti sa’yo. Itinuring ko kayong mga kaibigan ko at aaminin kong kahit papaano naging masaya ako at nagkaroon ako ng mga kaibigan pero ’yung hirap na dinanas ko at ’yung buhay ng mga magulang ko ay hindi mo na mababayaran ’yon! Oo, kamatayan lang ang paraan para makabayad ka sa atraso mo sa akin at pati na rin sa pag-agaw mo sa akin kay Rinrin. Makasarili ka at dapat lang sa’yong mapunta ka sa impyerno!” Sigaw niya hanggang sa pumutok ang hawak niyang baril at tumama ito sa pader na nasa likod ko.

Nang tumingin ako kay Mason ay ngumiti ito sa akin habang naluluha at laking gulat ko nalang nang itinutok niya ang hawak niyang baril sa ulo niya. Rinig na rinig ko ang hagulgol ni Trinity na nasa tabi niya habang ang TREASURE guys naman ay tila natulala at hindi na malaman ang gagawin.

“Hindi ako kasing sama mo, Jojo. Pinatay mo ang mga magulang ko pero dahil mahal ko si Trinity ay hahayaan ko nalang na mabuhay ka dahil mahal ka niya. Pinapatawad na kita sa kasalanang ginawa mo. Alam mo kung bakit? Kasi ayokong nakikitang nasasaktan si Trinity. I can’t force her anymore to love me dahil nasasaktan rin ako kapag nakikita kong nasasaktan siya at malulungkot lang siya kapag namatay ka. Gusto kong maghiganti sa’yo pero naalala ko ang sinabi ng mga magulang ko na hayaan ko nalang na Diyos ang magparusa sa ginawa mo sa kanila. Susunod na ako sa mga magulang ko tutal wala nang silbi ’tong buhay ko. Alagaan mo si Trinity at ’wag na ’wag mo siyang sasaktan…”

“Mason…” Umiiyak na sabi ni Trinity.

Ngumiti naman si Mason sa kanya. “Patawarin mo ako sa lahat, Trinity. Mahal na mahal kita at sana maging masaya ka kay Jaden.”

Huling sabi niya at sa hindi namin inaasahan ay pinutok niya ang hawak niyang baril sa ulo niya. Humandusay ang katawan ni Mason sa sahig at nagkalat ang parte ng utak nito sa sahig. Mas lumakas ang hagulgol ni Trinity kaya lumapit ako sa kanya at pinantayan siya saka niyakap.

Hindi siya makapagsalita at umiyak lang siya sa mga bisig ko. Nagulat siya sa pangyayari.

“M-Mason.. why did you do this…” Umiiyak nang sabi ni David at nilapitan nito ang patay na katawan ni Mason na naliligo na sa sariling dugo. Ganoon rin ang ibang TREASURE guys.

Lumapit naman sa akin si Daniel at hinigit niya ako papatayo. Kwinelyuhan niya ako habang nakatitig siya ng masama sa akin.

“You’re such a lucky bastard, Jaden. Inggit na inggit ako sa’yong gago ka pero wala akong magagawa kung pati si Mason ay pinatawad ka na rin. Sana lang ay magtino ka na sa huling chance na binigay niya sa’yo.” Madiing sabi niya at umalis na ito.

Nang makaalis na si Daniel ay lumapit naman sa akin si Ben nang nakangisi at si Kevin na nakatingin lang sa akin.

“You don’t deserve a second chance pero wala naman kaming magagawa kung binuhay ka pa ni Mason. Anyways, ihahatid nalang namin sa ospital si Trinity.” Sabi niya saka nito nilapitan si Trinity at itinulak na ang wheelchair nito papaalis. Sumunod naman sa kanila si Kevin.

Tumingin naman sa akin si Trinity at bumuntong-hininga ito hanggang sa tuluyan na silang makaalis nila Ben.

Lumapit naman sa akin si Sam at tinapik nito ang balikat ko. “I already called the police. Let’s wait for them.”

Tumango nalang ako at muling sinulyapan ang walang buhay na katawan ni Mason. Nakapalibot sa kanya ang ibang TREASURE Guys at kitang-kita ang pagluluksa nila dito.

I’m sorry, Mason pero salamat sa chance na binigay mo sa akin kahit malaki ang naging

atraso

ko sa’yo. I will make sure na

aalagaan

at mamahalin ko si Trinity at hindi kita

bibiguin

doon.


Chapter 49 - Understanding

Trinity’s POV

Nasa ospital ako ngayon at nang iminulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang mga nag-aalalang mukha ng TREASURE Guys.

“Trinity, are you now okay?” Nag-aalalang tanong ni John sa akin.

Ngumiti naman ako saka tumango. Natamaan ng basag na vase ang binti ko nang magwala si Mason kaya nasugatan ito at halos hindi ko na maigalaw ang paa ko sa sakit. Isinakay niya ako sa isang wheelchair dahil ipapagamot raw niya ako sa personal doctor niya.

Hindi ko aakalaing aabot kami sa ganito at sa pagkamatay niya ay lubos akong nalulungkot para dun. Siya pa rin ang Alec na kababata ko. Siya pa rin ’yung Alec na mabait at mapagmahal sa mga magulang niya. Napaiyak na naman ako na ikinaalarma nila.

“Trinity, what’s wrong?” Tanong ni David at inalo niya ako.

Umiling lang ako bilang sagot saka hinarap ang TREASURE Guys.

“Maraming salamat sa pagligtas niyo sa akin. Nasaan na pala si Jaden ngayon?” Tanong ko.

Umiling naman si Daniel saka ito umupo sa tabi ko.

“Nasa police station sila kasama si Sam. Dadalhin na rin nila sa Morge si Mason.” Sabi niya.

Napayuko naman ako saka tumango nalang. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa ni Jaden ang bagay na iyon sa mga magulang ni Alec. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin at gawin. Mali ang ginawa ni Jaden pero napatawad pa rin siya ni Mason sa kabila nun.

“Trinity, are you still in love with Jaden sa kabila ng nagawa niya noon sa mga magulang ni Mason?” Biglang tanong ni Kyle sa akin dahilan para mapahinto ako.

Sa totoo lang ay kahit nalaman ko iyon ay mahal ko pa rin si Jaden pero maling-mali ang ginawa niya.

“Yes, I still love him pero.. hindi ko alam kung ano ba ang tama at mali. Mali ang ginawa niya at-”

“Pero pinatawad naman na siya ni Mason. Mason wants you to be happy kaya nga hindi niya itinuloy ang balak niyang patayin si Jaden, ’di ba? Trinity, as Mason’s last wish ay sana maging masaya ka kay Jaden ngayong wala na siya. Huwag mo nang isipin pa ang nakaraan at maging masaya ka nalang sana kasama ang taong mahal mo.” Arthur said.

Tama si Arthur, nagparaya si Mason kay Jaden dahil mahal niya ako at gusto niyang maging masaya ako. Mali ang ginawa ni Jaden noon pero sabi nga ni Arthur ay nakaraan na iyon at pinatawad na rin naman ni Mason si Jaden. Hindi ko pwedeng pigilan ang nararamdaman ko at dapat ay sundin ko kung ano ang tinitibok ng puso ko.

Ngumiti ako sa sinabi ni Arthur. “Salamat, Arthur.”

“Wala ’yon, Trinity. We want you to be happy kasama si Jaden.” Sabi niya.

“Psh. That moron is so lucky to get you. Imagine? Pinatawad na nga siya ni Mason tapos nakuha ka pa niya? That’s unfair.” Naiiling na sabi ni Ben na tinawanan naman ni Kevin.

“Oo at ang masasamang damo talaga ay hindi madaling mamatay.” Seryoso namang sabi ni Daniel at umiling nalang din ito.

Tumawa naman ang TREASURE guys sa sinabi ni Daniel.

Ilang oras pa ay dumating naman sila Mommy kasama sila Kuya Troy at Ate Vanessa. Kasama rin nila sila Chae, Leo, Bonnie at Micca. Umalis na rin ang TREASURE guys at sinabi nilang dadalawin nalang nila ulit ako bukas.

Inasikaso nila ako habang nasa ospital ako hanggang sa maggabi na. Umuwi na rin ang mga kaibigan ko at ang naiwan nalang sa ospital ay si Kuya Troy. May aasikasuhin pa muna mula sa kompanya si Mommy at si Ate Vanessa ay umuwi na para naman asikasuhin si Val.

“May bisita ka.” Ani Kuya Troy at nagulat nalang ako nang pumasok mula sa confine room ko si Jaden.

Iniwan kami ni Kuya Troy at isinara na nito ang pintuan. Lumapit naman sa akin si Jaden at umupo ito sa gilid ng kamang hinihigaan ko.

Hinawakan niya ang isang kamay ko at hinalikan ito.

“Mabuti na ba ang pakiramdam mo?” Tanong niya habang nakatitig sa akin.

Tumango nalang ako bilang sagot. Narinig ko pang huminga siya ng malalim bago muling nagsalita.

“Are you mad at me dahil sa nagawa ko noon?” Malungkot niyang tanong.

Ngumiti naman ako ng mapait. “Hindi ako nagagalit sa nagawa mo noon kundi nalulungkot lang ako dahil nagkaganoon ka nang dahil sa akin. Dahil sa pagiging malapit ko kay Alec ay nagawa mo ang bagay na ’yon. Hindi mo dapat ginawa ’yon, Jaden.” Sabi ko.

Natahimik naman siya sa sinabi ko. “Oo, Trinity. Dapat hindi ko ginawa ang bagay na ’yon pero dahil sa inggit at selos ko noon kay Alec noong mga bata pa tayo ay nagawa ko iyon. Halos hindi na ako pinatulog ng konsensya ko noong sinunog ko ang bahay nila at namatay doon ang mga magulang niya. Maniwala ka man o hindi pero pinagsisisihan ko ang nagawa kong ’yon, Trinity. Dapat lang na parusahan ako sa kasalanang nagawa ko at kung makukulong man ako ay tatanggapin ko ’yon dahil ’yon ang tama.” Sabi niya at hindi na nito napigilan pang mapaiyak.

Natutuwa ako at kahit papaano ay alam ni Jaden ang nagawa niyang mali noon. Sabi nga nila ay nasa huli talaga ang pagsisisi. Nangyari na ang nangyari at hindi na mababago iyon ng kasalukuyan. Ang mas mabuti nalang sigurong gawin ay ang tanggapin nalang ang lahat at magsimula ng panibago. Hindi pa rin nabawasan ang pagmamahal ko kay Jaden sa kabila ng nagawa niya. Mali iyon pero nakita ko naman ang pagsisisi niya at napatawad na rin naman siya ni Mason.

We need to start a new life with better memories.

“Nangyari na ang nangyari at ang mas makabubuti nalang sigurong gawin ngayon ay magsimula tayo ng panibagong buhay. Mas magiging masaya si Mason kung magiging masaya na rin tayo, Jaden.” Sabi ko at nginitian siya.

Bigla naman akong niyakap ni Jaden. “Salamat at hindi ka galit sa akin, Trinity. You’re right, kailangan nating magsimula at itatama ko na ang lahat ng pagkakamali ko. Alam kong hindi ko dapat maranasan na maging masaya sa kabila ng ginawa ko pero dahil sa binigyan ako ng pagkakataon ni Mason ay hindi ko sasayangin ’to. Mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat para lang maprotektahan kita at maalagaan.” Iniharap niya ako sa kanya at hinalikan ng mabilis sa labi. Pinunasan ko naman ang luhang lumalandas sa pisngi niya.

“Mahal na mahal din kita, Jaden.” Sabi ko.

Si Jaden o kahit si Jojo pa siya ay mahal ko pa rin siya. Kahit hindi siya perpektong lalake ay mamahalin ko pa rin siya sa kabila nun. Alam kong magiging masaya na si Mason sa itaas at sa huling niya bago siya namatay ay gusto niyang maging masaya ako kay Jaden at gagawin ko iyon

Salamat sa

kapatawaran

mo kay Jaden, Mason.

Daniel’s POV

“Daniel, okay ka lang ba? Nakakailang bote ka na rin ng alak, e.” Tanong ni Jun at tinignan ako nito ng mariin.

Nandito kami sa bar ngayon at sinasamahan niya akong mag-inom.

Tumawa naman ako ng mahina sa sinabi niya.

“Magsisinungaling ako kung sasabihin ko sa’yong okay lang ako pero hindi, Jun. Nasasaktan ako, nasasaktan ako dahil kahit may ginawa pang krimen si Jaden ay pinatawad pa rin siya ni Mason at ang gago ay nakuha pa si Trinity. Napakaswerte niya habang tayo ay bigong-bigo!” Sabi ko at tinungga ang hawak kong beer.

Tanggap ko naman na hindi ako mahal ni Trinity at tanggap ko na rin lahat pero hindi ko pa rin mapigilang masaktan. Mahal na mahal ko si Trinity at napunta lang siya sa gagong si Jaden.

“Kaya nga e, simula noon ay si Jaden na talaga ang nakakakuha ng luck sa atin but we cannot dictate and blame him for that. Ako nga ay minsan ko na rin pinilit ang sarili ko kay Trinity pero in the end ay tinanggihan niya pa rin ako.” Natatawa namang sabi ni Jun at nagsalin ito ng beer sa isang baso.

“Yeah, you force her to love you, right? Pero si Jaden talaga ang mahal niya.” Nakangisi ko namang sabi at napailing nalang.

“Yeah. That’s destiny. Kahit anong gawin natin ay hindi pa rin natin makukuha ang mga bagay na hindi natin pag-aari. The other TREASURE guys are also brokenhearted too pero mas pinili nalang nilang intindihin at unawain ang desisyon ni Trinity at mahal niya si Jaden kaya wala na tayong magagawa dun.” He said.

Mahal niya si Jaden at kahit masakit para sa akin ay tatanggapin ko nalang iyon maging masaya lang si Trinity.

“Daniel! Jun!”

Lumingon naman kami ni Jun sa tumawag ng pangalan namin at nakita namin ang TREASURE guys na naglalakad papunta sa amin.

“Sabi na nga ba at nandito kayo. Hindi niyo man lang kami niyaya. Mabuti nalang pala at naisipan rin namin na magpunta dito.” Nakangiting sabi ni Kevin at umupo ito sa tabi ko.

Umupo rin sa tabi namin ang ibang TREASURE guys at pinagdiskitahan naman nila ang mga inumin at pagkain namin sa lamesa.

“Oy! ano ’yan? Order namin ’yan kaya umorder kayo dun at ’wag niyong ubusin ’yan!” Inis na sabi ni Jun at akmang kukunin na sana nito ang bote ng beer na hawak ni David nang itinaas ito ng huli.

“Oorder kami mamaya pero sa amin muna ’to.” Nakangising sabi ni David.

Inikutan lang siya ng mata ni Jun. “Siguraduhin mo lang, David. Ang mahal pa naman ng mga inumin dito at masyado kayong matatakaw lalo na si John.” Sabi nito at binalingan si John na kinakain na nga ang pulutang steak na inorder ni Jun.

“Grabe ka naman sa akin, Kuya Jun! Pagkain na nga lang ang nagpapasaya sa akin tapos pinagdadamot mo pa!” Nagtatampo niyang sabi na kunwari lang.

“Pagkain nga ba ang nagpapasaya sa’yo o si Micca?” Nakangisi namang sabi ni Justin dahilan para mamula ang mukha ni John.

“P-Pareho syempre.” Mautal-utal na sabi ni John.

“Yung kaibigan lang naman pala ni Trinity ang magpapatino sa’yo, John. Eh sa’yo naman, David? Hindi mo pa rin ba nililigawan si Bonnie?” Tanong naman ni Kyle kay David na nagulat sa sinabi niya.

“Ha? What are you saying? May boyfriend na si Bonnie. I saw them together the other day na magkasama.” Sabi niya at nag-umpisa na rin inumin ang drinks sa lamesa.

“Really? I thought she’s single at may gusto sa’yo.” Sabi naman ni Arthur.

David shrugged at hindi na rin nagsalita pa.

Binalingan naman ako ulit ni Jun. “Don’t worry, Danny. Nandito naman kaming mga kaibigan mo at kahit bigo tayo sa pagmamahal ni Trinity ay hinding-hindi matitibag ng kahit na sino ang pagkakaibigan natin.” Sabi niya dahilan para mapangiti ako.

“Hindi ka naman rin bigo dahil nandyan si Roxanne, right?” Nakangising sabi ko na ikinaiwas naman niya ng tingin.

“W-What are you saying?” Hindi makatingin niyang sabi.

“Sus! Kunwari ka pa, Jun eh halata namang type mo pa rin si Roxanne. Akala mo ba hindi namin alam na ex-girlfriend mo siya?” Panghuhuli ni Kevin dahilan para mailang si Jun doon.

“Tsk! Mga chismoso talaga kayo kahit kailan.” Pagsuko niya at napailing nalang.

“Obvious naman kasi.” Nakangisi pang sabi ni Arthur.

Napapangiti nalang ako habang pinagmamasdan ang mga kaibigan ko. Kung minsan man ay nag-aaway kami at may hindi pagkakaintindihan ay nagkakasundo pa rin kami sa huli. Sana ay maayos lang rin si Travis sa Japan at si Mason naman ay maging masaya sa itaas.

Ang grupo namin na TREASURE ang tawag ay parang diyamante at hindi ito matitibag nang kahit na sino man.


#MyTreasure

Chapter 50 - Slowmotion

Jaden’s POV

Lumipas ang isang buwan at naging maayos naman ang lahat sa amin ni Trinity. Sa pagkawala ni Mason ay marami akong natutunan at narealize na mga bagay. Hindi sagot ang inggit at selos sa puso para makapanakit ka ng isang tao. Kung gagawin mo ang mga bagay na ’yon ay kahit kailan ay hinding-hindi ka magiging masaya.

Humingi ako ng tawad kay Mason at sa mga magulang niya dahil sa ginawa ko noon sa pamamagitan ng pagdadasal. Sa kabila noon hanggang ngayon ay malaya pa rin akong nagagawa ang mga bagay lalong-lalo na ang mahalin si Trinity.

Nandito kami ngayon sa Tagaytay kasama si Trinity, ang TREASURE guys at ang mga kaibigan ni Trinity. Bakasyon ngayon at naisipan naming magpunta ulit dito sa resthouse nila Kyle para makapagrelax man lang. Sa daming nangyari nitong nakalipas na isang buwan ay minabuti nalang naming kalimutan ang lahat at makapagsimula ulit ng bago.

Nakangiti kaming dalawa ni Trinity sa isa’t-isa habang nakaholding hands na nakaupo sa buhanginan at pinagmamasdan sina John at Micca na nagtatalo nang dahil lang sa mas naunang kumain si John at hindi na hinintay pa si Micca na nagsiswimming kanina sa dagat kasama si Trinity.

Naaalala ko pa na noong teenager kami ay masyadong takot ’tong si John sa mga babae. Nabago lang ’yon nang naturuan siya nila Daniel at Jun kung paano makipag-interact sa mga babae.

Takot pa rin naman si John sa mga babae ngayon, kay Micca nga lang.

“Bagay na bagay talaga sila John at Micca, no?” Nakangiting sabi ni Trinity habang pinagmamasdan pa rin sina John at Micca.

“Oo nga, e. They are both youngest too.” Sabi ko naman.

Bigla ay itinuro sa akin ni Trinity sina Bonnie at David na nag-uusap sa lilim ng puno.

“Look at Bonnie and David, too. They look good together, right? Kaso inamin sa akin ni Bonnie na fiance niya na pala si Theo Natividad na schoolmate namin at mahal niya daw ito. Bet ko pa naman si Bonnie kay David pero kung si Theo ang mahal niya ay wala na akong magagawa don. It looks like Bonnie and David are good friends naman.”

Tinignan ko sina Bonnie at David. Trinity is right, they look good together pero alam ko naman na hanggang ngayon ay may gusto pa rin si David kay Trinity but I’m glad that he accepted me as Trinity’s boyfriend.

“Parang pinagtagpo pero ’di tinadhana.” Nakangiti kong sabi.

Natawa naman siya sa sinabi ko at hinilig niya ang ulo niya sa balikat ko.

I’m the happiest guy in the world dahil kasama ko si Rinrin o Trinity na kababata ko at minahal ko simula noong una palang. Ang akala ko ay hindi na ako sasaya nang ganito. Sa dami ng pagsubok na dinaanan namin ay magiging maayos rin pala ang lahat.

“I love you, Trinity..” I said.

She smiled at me. “I love you too, Jaden.”

“Wow naman! Ang lovebirds ay nagsosolo dito. Medyo masakit sa paningin para sa aming mga single pero ganon talaga.” Nagkunwari pang parang nahihirapan huminga si Sam nang makalapit sila sa amin kasama ang iba pang TREASURE guys.

“Baliw!” Natatawang sabi ko at sinabuyan siya ng buhangin na ikinailag naman niya.

“Hindi ka naman mabiro, Jaden. By the way, kailan niyo naman balak nagpakasal?” Nakangising sabi nito na ikinabigla naman namin ni Trinity.

“What? So you’re the one who’s forcing them to get married? They know what they are doing at masyado pa namang maaga para magpakasal sila.” Nakakunot-noong sabi ni Ben at humalukipkip pa ito.

“Kaya nga. Mas mukhang excited ka pa kaysa sa kanila, e!” Sabi naman ni Justin.

“Why not? Mahal naman ni Trinity si Jaden kaya pwede silang magpakasal anytime.” Nakangiting sabi ni Kyle at kinindatan ako.

Kaya isa sa paborito kong kaibigan ’tong si Kyle. Masyadong supportive sa akin.

Nang tinignan ko si Trinity ay namumula ito at parang hiyang-hiya sa pinag-uusapan namin. I smiled at hinarap ang mga kaibigan ko.

“We we’re going to marry kung handa na sa Trinity don. Remember that she’s only 18 years old so I won’t force her to marry me immediately.” Sabi ko.

Mukha namang makahinga ng maluwag si Trinity sa sinabi ko at nginitian niya ako.

“Fine! Sige at maiwan na namin kayo diyan. Maliligo na muna kami.” Huling sinabi ni Sam bago niya higitin ang TREASURE guys, pumalag pa si Ben doon pero wala na rin itong nagawa dahil hinigit na rin siya nila Kyle at Kevin papunta sa dagat hanggang sa kaming dalawa nalang ulit ni Trinity ang naiwan.

“I’m glad na okay na rin kayo ng buong TREASURE guys pero.. kumusta na kaya si Travis?” Trinity said at tumingin nalang ito sa malayo.

Si Travis, alam kong nagawa niya lang ang mga bagay na iyon dahil sa sobrang inggit at galit niya sa akin dahil sa tingin niya ay inagaw ko ulit sa kanya ang babaeng mahal niya. I’m really thankful to him na hindi niya ginalaw si Trinity at may parte na kasalanan ko rin kung bakit siya nagkaganon.

“Nabalitaan ko na okay naman siya doon sa Japan at minamanage niya ang kompanya ng parents niya.” Sabi ko para mapanatag ang loob ni Trinity.

Tumango naman siya sa sinabi ko. “Mabuti naman at unti-unti na siyang nakakamove-on sa akin. All I want is his happiness at sana ay mahanap na niya ang babaeng magmamahal sa kanya ng lubos.” She said.

“He will find her, soon.” Sabi ko.

She just smiled at me. Inalalayan ko naman siyang makatayo mula sa pagkakaupo namin sa buhanginan at inaya siya na pumunta sa isa sa mga kwarto sa resthouse nila Kyle. Pagkapasok namin sa loob ng isang kwarto ay kaagad ko siyang hinalikan.

After a seconds, she responded to my kisses. I want to get her now at ayoko nang may ibang lalake pang aangkin sa kanya bukod sa akin. I’m so selfish when it comes to her at hindi ko hahayaang may iba pang manggulo o sirain ang relasyon naming dalawa. I want to mark her as mine.

Unti-unti kong tinanggal ang suot niyang beach dress habang patuloy pa rin siyang hinahalikan. Inalalayan ko namang humiga sa kama si Trinity at kaagad kong tinanggal ang suot kong t-shirt.

I kissed the every part of her body. I want her so badly at matagal ko nang gustong gawin ’to sa kanya malaman lang niya na sa akin siya at kung gaano ko siya kamahal.

Para kaming kinakapos ng hininga.  Napapaungol naman si Trinity kapag nahahalikan ko ang maseselang bahagi ng katawan niya. Hinubad ko na ang lahat ng damit ni Trinity at ganoon rin ako.

Parang slow motion ang paggalaw namin at gusto kong sulitin ang oras na aangkinin ko na si Trinity.

“Ohh.. Jaden!” Ungol ni Trinity nang hinalikan ko ang dibdib niya. Kinapa ko naman ang ibaba niya at kaagad pinasok ang isang daliri ko dahilan para mapaungol ulit si Trinity.

I feel so hot right now, hindi ko na rin kayang pigilan pa ang init na nararamdaman ko. I am glad na ako ang una ni Trinity at hindi si Travis na inaakala ko nung una.

I did what I want from Trinity at nang matapos na kami ay nakatulog na ito sa sobrang pagod sa ginawa namin. It’s her first time kaya naging gentle lang ang ginawa ko sa kanya. I just smiled and kiss her lips habang pinagmamasdan siyang natutulog.

We are naked inside the blanket. Napakaganda talaga niya at maswerte ako na minahal niya ako.

Habang pinagmamasdan ko pa rin na natutulog si Trinity ay may biglang tumawag sa cellphone ko.

It’s Sam. Ano naman kaya ang kailangan niya?

“Hello, Sam?”

[Jaden, nasaan na ba kayo ni Trinity? Bakit bigla nalang kayong nawala? Hinahanap siya sa akin ng mga kaibigan niyang babae, e.] Tanong niya sa kabilang linya.

“Nandito kami sa loob ng resthouse. Nasa kwarto kami.” Sabi ko.

[N-nasa kwarto kayong dalawa? Did you mean na-]

“Yes, Sam. We did it kaya ’wag niyo na muna kaming istorbohin, okay?” Nakangisi kong sabi.

[Ang lupit mo talaga, Jaden! Ikaw na!] Tumatawa niyang sabi.

“I just want to mark her as mine kaya ginawa ko na ’to. Baka kasi agawin pa ulit siya sa akin ng iba.”

[Then what do you mean by that? Pinutok mo sa loob?] Gulat na sabi ni Sam.

I chuckled. “Of course not, masyado pang bata si Trinity para buntisin ko.  I think she’s not yet ready to have a baby.”

[Pwew! Akala ko naman tinapos mo na, bro. Sige, solohin mo na muna ’yang girlfriend mo at ’wag mong papagurin ha?]

“Gago! Sige na nga at ibaba ko na ’to.”

[Okay! bye bro. Slow motion lang ah?]

“Aba’t-”

Nagsasalita pa ako pero binabaan na ako ni Sam ng tawag. Siraulo talaga ’yon!

Unti-unti namang nagising si Trinity mula sa pagkakatulog niya. Napangiti siya nang makita ako. Inakbayan ko naman siya at ipinatong ang ulo niya sa braso ko.

“Are you still tired?” Tanong ko at hinalikan ang tenga niya.

She nodded. “Medyo masakit nga ’yung ibaba ko, e. First time ko kasi.” Nahihiyang sabi niya.

I touch her chin. “And thank you that I’m the one who got you first.” I stared at her beautiful face.

He stared at me too hanggang sa hindi ko na namalayan na pinipisil ko na pala ang dibdib niya at hinalikan ko siya sa leeg.

I kiss her again like there’s no tomorrow. Hinding-hindi talaga ako magsasawa kay Trinity dahil sa bawat paghawak at paghalik ko sa kanya ramdam ko kung gaano niya rin ako kamahal the way she responded on my kisses and touches.

Pagkatapos ulit ng nangyari sa amin ay hinalikan ko na naman siya sa labi. She kissed me back. Even her mouth is so tasteful to me. Ako lang dapat ang may karapatang humalik sa kanya ng ganito.

“Trinity, nandito- ay pusang gala!”

Napatigil kaming bigla ni Trinity sa paghahalikan nang makita kami ni Chae.

Napahawak naman ako sa noo ko nang hindi ko pala nai-lock ang pintuan ng kwarto. Sa sobrang pagkasabik ko kay Trinity ay hindi ko na napansin iyon. Shit! Paano kaya kung ’yung TREASURE guys ang nakapasok dito? Edi nakita pa nila na nakahubad si Trinity? Hays!

“C-Chae..” Gulat na sabi ni Trinity kay Chae na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa amin.

“Sorry, h-hindi ko alam na may ginagawa pala kayo ni Jaden. Hindi naman kasi nakalock ’tong pintuan. Yayayain sana namin kayong mag bonfire pero sige, ituloy niyo lang ’yan! Aalis na ako. Enjoy the sex life. Bye!” Nakangising sabi niya at umalis na kaagad. Hindi na rin niya hinintay pang magsalita si Trinity.

Napatakip nalang ng unan si Trinity sa kahihiyan habang ako naman ay natatawang nilapitan siya.

“That’s embarrassing!” Hiyang-hiya niyang sabi.

I held her waist. “Don’t worry, feel ko ginagawa rin naman nila ng bf niya ’to kaya normal lang ang nakita niya sa atin.” Sabi ko at nginitian siya.

She sighed. “Yes, normal lang naman na ginagawa rin nila ni Leo ’yon pero nakakahiya pa rin na nakita niya tayo! Chismosa pa naman si Chae.” Nakasimangot niyang sabi.

Natatawa ko naman siyang kinurot sa ilong. “Hayaan mo kung ichismis niya. Para malaman rin ng mga kaibigan ko na naangkin na kita at sa akin ka na.”

“Pero-”

I stopped Trinity by kissing her again.

Damn this girl. I really love her!


Epilogue - Beautiful

Trinity’s POV

After 5 years…

Living with the 13 guys was surprising and unexpected for me. Nang nakilala ko ang labin-tatlong lalake at nakasama sa iisang bahay ay doon na tuluyang nagbago ang mundo ko. Sa pagkakakilala ko sa kanila ay marami akong natutunan katulad nalang ng pagsasakripisyo at pag-unawa.

Mason or Alec is my bestfriend. Mas nauna ko siyang nakilala kaysa kay Jaden. Noong mga bata palang kami ay siya na ang naging kasama at kalaro ko noon. That was my best happenings in life, ang makilala ko siya.

Then Jaden came, ang lalakeng mahal na mahal ko simula noong palang. He has a lot of imperfections pero in the past few years ay natanggap ko na lahat iyon lalo na nung pinatawad siya ni Mason sa naging kasalanan niya.

Pagkatapos ng limang taon ay marami na rin nagbago. Madalas ay nag-aaway kami ni Jaden dahil sa pagiging seloso nito pero nasanay na ako sa kanya at nagkakabati rin naman kami sa huli. Alam ko naman na noong una palang ay ayon na talaga ang issue niya but I still love him for that.

Ang TREASURE Guys ay may kanya-kanya na rin’g mga trabaho at career. Although some of them still loves me ay hindi naman naging hadlang iyon sa relasyon namin ni Jaden. They are still our friends at ngayon nga ay nandito sila sa birthday party ko na ginanap sa bahay namin.

My friends Chae and Leo are still in a relationship. Engaged na si Chae at Leo habang si Bonnie naman ay asawa na si Theo. I didn’t know that they are in a relationship dahil ang akala ko ay si David ang gusto ni Bonnie. Si Micca naman ay going strong pa rin ang relasyon nila ni John kahit nagtatalo pa rin sila sa maliit na bagay. Part na yata ng relasyon ang pagtatalo but I’m glad that they are still together.

Si Jerome naman ay nasa Korea na. Doon na siya nagtrabaho pagkatapos namin mag-aral ng college. He confessed that he still loves me at ang tanging paraan lang daw para maka move-on siya ay ang lumayo nalang muna sa akin. Naiintindihan ko naman siya sa naging desisyon niya at sinabing isa pa rin siya sa mga kaibigan ko na pinapahalagahan ko.

Kuya Tristan came back 1 year ago. Ipinakilala niya sa amin ang girlfriend niyang si Ate Katie. I am happy for them dahil nakikita ko kung gaano kamahal ni Kuya ang girlfriend niya. Kahit hindi ko pa alam ang dahilan ng paglayo niya sa amin noon ay mas minabuti ko nalang na hindi tanungin iyon dahil mukhang maayos naman na ang lahat.

Kuya Troy and Ate Vanessa got married again. Tuwang-tuwa naman ang pamangkin kong si Val doon at dahil magkakaroon na siya ng baby boy na kapatid ay mas lalo siyang naexcite doon. Val also said that he has a crush to his Kuya Kevin na nameet niya noon sa mall. Natawa nalang si Kevin nang malaman iyon at sinabing minsan daw ay gusto niyang makipaglaro kay Val.

“Happy Birthday, Trinity!”

Sigaw nilang lahat at pinasabog ang confetti at party poppers na hawak nila.

“Thank you.” I smiled at them at hinipan ang candle na nakalagay sa cake na hawak ni Jaden.

Pagkatapos nun ay hinalikan ako ni Jaden nang mabilis sa labi.

“Ang sweet naman. Sana all may jowa, no?” Panunukso ni Sam.

“Eh bakit kasi hindi ka pa magjowa, Sam? Gwapo ka naman tapos magaling pang sumayaw at magpiano.” Sabi naman ni Micca dahilan para magreact don si John.

“Ano? Nagagwapuhan ka kay Sam, Micca? May boyfriend ka na nga at nasa harapan mo pa tapos sinasabi mo ’yan sa kanila?” Nakasimangot na sabi ni John na tinawanan naman ni Justin.

“Nagselos ka naman kaagad, Juan. Hindi ba pwedeng magwapuhan rin si Micca sa ibang lalake tapos ipagpalit ka sa huli?” Nakangising sabi ni Justin at akmang babatukan na sana siya ni John nang mabilis naman siyang nakaiwas.

“These two childish boys! Ang tatanda na pero isip bata pa rin.” Naiiling na sabi ni Ben.

“Kilala mo naman ang dalawang, ’yan. Wala yatang araw na hindi sila nagtatalo.” Sabi naman ni Kyle habang natatawa na tinanguan rin ni Arthur.

Natawa na lang rin kami ni Jaden sa kanila. Hinarap ko ang TREASURE guys, mga kaibigan ko, sina Kuya Troy, Ate Vanessa, Kuya Tristan at Ate Katie.

“Salamat sa pagpunta niyo dito sa birthday party ko. Masaya ako at nandito kayong lahat na nakiki celebrate. Marami man nangyaring hindi inaasahan nitong mga nakaraang taon ay naging daan ’yon para maging isang matatag na tao ako.” Sabi ko at hindi ko na napigilan pang mapaiyak.

Hinawakan naman ni Jaden ang isang kamay ko at pinunasan ang mga luha ko.

“I know that there’s no perfect happy ending in my story. May namatay at nagsakripisyo, may nagkamali, may mga nabigo at may umaasa pa rin pero sa kabila nun hanggang ngayon ay matatag pa rin tayo. Salamat sa TREASURE guys dahil tinanggap niyo pa rin ang relasyon namin ni Jaden sa kabila ng lahat ng mga pinagdaanan natin. Sa mga kaibigan ko na walang sawang sumusuporta sa akin at pati na rin sa pamilya ko na laging nandyan sa tabi ko sa oras na kailangan ko ng tulong. Maraming salamat sa inyo.”

Ngumiti ako at pinagmasdan sila. Some of them are crying, some of them are smiling at me and some of them looks so sad but happy for me.

“You don’t know how did you do to us when you came in our life, Trinity. Binago mo kami simula nang makilala ka namin.” Daniel said.

“Daniel is right, kung hindi ka namin nakilala, malamang hindi na nagkakulay ang buhay namin.” Sabi naman ni Jun.

“We are thankful to you, Trinity. Kahit hindi mo man minahal ang isa sa amin ay masaya kami dahil napunta ka naman kay Jaden. We know that Jaden will love you unconditionally no matter what happens.” Sabi ni Kyle habang nakangiti.

I cried again. “Salamat sa inyo. Salamat sa pag-unawa niyo. I know na mahahanap niyo rin ang babaeng para talaga sa inyo.” I said.

They all nodded.

“Birthday na birthday mo tapos umiiyak ka. Dapat lang na maging masaya ka kaya ituloy na natin ang party!” Sigaw naman ni Bonnie at nag-umpisa na nga itong magpatugtog ng malakas.

Napangiti nalang ako at inumpisahan na namin ang simpleng birthday celebration ko.

“Are you happy?” Tanong ni Jaden habang sinusubuan niya ako ng favorite kong chocolate cake.

Tumango ako. “Of course, salamat at tinulungan mo sila Kuya Troy at Ate Vanessa sa paghahanda nitong birthday party ko.”

Pinunasan niya muna ang amas ko sa bibig bago muling nagsalita.

“Syempre, gagawin ko ang lahat para sa girlfriend and soon to be wife ko.” Nakangising sabi niya dahilan para mamula ang buong mukha ko.

I look at Jaden. He’s handsome and sweet as always. Lahat ginagawa niya para sa relasyon namin. Kahit seloso siya ay pilit niya pa rin inuunawa ang sitwasyon ko at kahit busy rin siya sa work niya ay naglalaan talaga siya ng oras para lang makasama ako.

“Am I late?”

Napalingon naman kami sa nagsalita at nagulat nalang ako nang makita ko si Travis na nakangiti sa amin.

Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa at napanganga nalang nang makita ko siya. Mas lalo pa yata siyang gumwapo at tumangkad. Pati rin ang mga kaibigan kong babae ay napatulala nang makita si Travis.

It’s been 5 years simula nang umalis siya dito sa Pilipinas at pinabasa sa akin ang huling mensahe niya. Matagal ko na siyang pinatawad sa naging kasalanan niya at masaya akong makita siya ngayon.

“Travis? Ikaw na ba ’yan? Ang gwapo mo na lalo. Natalo mo na ako sa kagwapuhan!” Sabi ni Justin at lumapit ito kay Travis para makipag fist bump.

“Gwapo? Kailan ka pa naging gwapo, Justin? Baka ang tinutukoy mong gwapo ay ako.” Sabi naman ni John dahilan para ngumiwi si Justin don.

“As you wish!”

Nangingiti namang lumakad si Travis papalapit sa amin ni Jaden. Tumingin siya sa amin at nginitian ako.

“Happy birthday to you.” He said then he hugged me.

“Thank you, Travis.” Sabi ko naman habang nakayakap sa kanya.

“Ehem!”

Napakalas naman kaagad kami sa pagkakayakap ni Travis nang biglang umubo si Jaden sa tabi ko na mukhang nagseselos na naman. Kaagad niya akong hinapit sa bewang at hinalikan sa pisngi. Namumula naman akong napatingin ulit kay Travis na nakangiti lang sa amin.

“After 5 years, seloso ka pa rin, Jaden.” Nakangising sabi ni Travis.

“May karapatan naman akong magselos, Travis lalo na’t girlfriend ko si Trinity.” Seryosong sabi ni Jaden.

Tumango naman si Travis doon na parang pinipigilan niya lang na ’wag matawa.

“Don’t worry, Jaden. Matagal ko nang natanggap ang relasyon niyo ni Trinity. I’m already okay at hindi na ako katulad nang dati. I’m happy for the both of you.” Sincere na sabi ni Travis saka ito tumingin sa akin at kinindatan ako.

Napangiti nalang rin ako sa ginawa ni Travis. He looks so matured and happy now. Masaya rin ako na nakamove-on na siya sa akin.

Mukha namang nakahinga si Jaden nang maluwag doon. Bigla namang niyakap ni Travis si Jaden na tila naestatwa sa ginawa niya.

“Patawarin mo ako dati sa nagawa ko sa relasyon niyo ni Trinity, Jaden. I was so selfish and fool at that time. Pinagsisisihan ko na ’yon.” Travis said.

Niyakap naman siya ni Jaden pabalik. “It’s already in the past. Kalimutan na natin ’yon. Matagal na kitang pinatawad.” Sabi naman niya.

Kumalas naman mula sa pagkakayakap si Travis at humarap ito sa buong TREASURE guys.

“I’m sorry sa lahat ng nagawa kong mali sa inyo. Sana mapatawad niyo ako.” Nalulungkot niyang sabi.

Lumapit naman sa kanya ang buong TREASURE guys at isa-isa siya nitong niyakap.

“It’s okay pero sana ’wag ka na lang ulit maging gago sa susunod dahil hindi bagay sa’yo.” Nakataas na kilay na sabi ni Ben na tinawanan lang ni Travis.

“Masyado ka na rin gwapo at matangkad ngayon. Lugi na naman kami nito dahil dumating ka. Inagaw mo na naman sa amin ang spotlight!” Pagbibiro naman ni David.

“Tss. Pero ’pag inulit mo pa ulit ’yung katulad ng ginawa mo dati ay kahit mas bata ka pa sa akin ay mabubugbog talaga kita.” Sabi naman ni Daniel na halatang nagbibiro lang rin.

Umiling naman si Travis. “I will never do that again.”

“Siguraduhin mo lang.”

Bigla ay lumuhod nalang si Jaden sa harapan ko na ikinagulat ko. Ang mga kasama ko naman dito sa loob ng bahay ay nagngitian lang at mukhang alam na nila na gagawin ito ni Jaden.

May nilabas si Jaden mula sa bulsa ng suot niyang polo at naluha nalang ako nang makita kong inilabas na niya iyon.

Hinawakan niya ang isang kamay ko at sinuot ang diamond ring sa palasingsingan ko.

“Trinity, it’s been 5 years. You’re already 23 at kahit alam kong bata ka pa para pakasalan ako ay gagawin ko pa rin ’to. Alam ko sa sarili ko na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko hanggang sa mamatay ako. I want you officially to be mine.” Sabi ni Jaden at nakita kong napapaluha na rin siya.

I can see that it’s his tears of joy.

“Marami mang pagsubok na dumaan sa relasyon natin ay nalampasan pa rin natin ’yon. Gusto ko na hanggang sa pagtanda natin ay sabay nating haharapin iyon.”

“Jaden…” Naluluhang sabi ko.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Naiiyak ako sa sobrang tuwa. Mahal na mahal ko ang lalakeng nasa harapan ko at gusto ko rin siyang makasama ng habangbuhay.

“Trinity, will you marry me?” He asked.

Naluluha naman akong tumango.

“Of course, I will marry you. Jaden.”

Sa tuwa niya ay tumayo siya mula sa pagkakaluhod sa harapan ko at niyakap ako. I hugged him back hanggang sa sinapo niya ang buong mukha ko at hinalikan ako.

I kissed him back. I’m very happy right now.

Magiging Mrs. Jaden Ayuna na rin ako.

I’m glad that I met Jaden and to lived with 13 guys in one house.

THE END.


Thanks for reading LWT13G. It’s been 5 years din bago ko natapos ito. Thank you for supporting this story. Revised version na rin pala ito.


Return to top?