Glamir Series 1: BRANDON (Boys' Love)
nathchalant · 34 chapters · 54,609 words
GLAMIR SERIES 1
This is WORK OF FICTION . Names, characters, businesses, places, events and incident are either the products of the authors imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance too actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.
Please RESPECT me and my character. Don’t mention any characters names from other stories which isn’t mine. Thankss mwuaa!
This story is unedited, so expect typo graphical errors, gramtical errors, wrong spelling and whatsoever errors.
Plagiarism is a crime.
Disclamer : this is BoysLove / LGBTQ story, kung ayaw mo sa ganito, free to leave. ‘Wag na maraming dada. (•‿•)
All rights reserved
Prologue
Glamir Series 1: BRANDON
Taimtim akong nag-lalakad sa isang palayan. Masarap ang hangin na siyang humahaplos sa’king mukha kaya napa-ngiti ako. Huminga ako ng malalim.
Ang sarap talaga ng hangin sa probinsya, lalo na kung ang lugar na ito ay puno ng mga alaala. Ang sarap lang balikan ng nakaraan no’ng ako’y bata pa kasama si Lolo.
“Nagustuhan mo?” Tanong sa’kin ni Ate Amy, isa sa mga kapit-bahay namin dito noon.
Tumango ako bilang sagot dito.
Ngayon nalang ulit ako naka-balik sa probinsya ng Glamir matapos mamatay ni Lolo na siyang nag-iisang pamilya na meron ako pero kinuha lang siya ng mapanirang kalikasan.
Minsan talaga may mga bagay tayong hindi inaasahan na darating sa buhay natin, minsan darating ang mga bagay na ayaw nating mangyari lalo na kung sa pinaka-masayang araw ng buhay mo ito nangyari.
Namatay si Lolo dahil sa bagyong tumama rito sa probinsya namin. Birthday ko noon kaya labis akong nalungkot dahil nawalan ako ng isang Lalaki na tumangap at nag-mahal sa’kin sa kung ano at sino ako, sa mismong kaarawan ko pa ito nangyari.
Kaya hindi ko alam paano ko haharapin ang susunod kong birthday lalo pa’t maaalala ko lang ang nangyari kay Lolo.
Tila may bumara sa lalamunan ko nang maisip ko si Lolo, hirap lumunok kaya’t alam kong mai-iyak ako.
“Malapit na mag-gabi, sasamahan na kita papunta sa bahay ng Lolo mo para makapag-pahinga kana. Bukas ay dadalawin kita para naman mai-pasyal kita rito sa Glamir alam kong na-miss mo ‘to.” Masiglang wika ni Ate Amy.
Tinapik ako nito sa balikat bago mauna sa pag-lalakad.
Bumuntong-hininga ako kasabay ang pag-papatuloy ng pag-lalakad sa gitna ng mga palayan, sobrang lawak ng paligid, idagdag mo pa ang araw na malapit nang lumubog na siyang lalong nag-paganda sa tanawin.
Hindi ko akalain na makaka-balik pa pala ko sa ganitong ka-gandang lugar.
“Kumain ka naba? Gusto mo dalhan kita ng pagkain sa bahay niyo mamaya?” Tanong ulit ni Ate na siyang inilingan ko.
May dala naman akong pagkain sa maleta ko, kahit papaano ay makaka-survive ako ng ilang araw dito.
“Busog pa po ako, tsaka kumain na ako bago pa ako maka-sakay ng bus, muntik ko pa ngang isuka e dahil sa hilo.” Natatawang sambit ko dito.
Totoo naman kasi, mabilis akong mahilo sa mga biyahe buti nalang talaga at natiis ko na ‘wag isuka yung kinain ko.
Nakakadiri.
Natawa rin ito sa sinabi ko.
“Sige na, bilisan na natin at baka maabutan pa tayo ng dilim dito sa daan, delikado pa naman ang panahon ngayon.”tumango ako at sinundan siya.
Bit-bit ang aking maleta at isang itim na bag sa aking likod ay mabilis naming tinawid ang mabatong daan sa gitna ng palayan kung saan mas kita mo ang papalubog ng araw. Nang makarating sa dulo ng daanan ay isang patag at simentong daan na ang aming nilakaran.
Ilang minuto pa kaming nag-lakad hanggang sa makita ko na ang bahay ni Lolo, halos malapit na kami nang biglang tumigil si Ate Amy.
Dahil sa pag-tigil ni Ate Amy ay napa-tigil din ako, may nilapitan si Ate Amy na Lalaking nag-bubuhat ng mga sako.
“Akala ko mamaya pang gabi ang dating niya’ng mga buko. salamat naman at maaga-aga.” hinawakan ni Ate Amy ang braso nung Lalaki at marahang tinapik ito bilang pag-papasalamat sa pagbaba.
“Hayaan mo nalang muna ‘yan dito, mabigat itong mga sako baka masaktan kapa, umuwi kana dahil pa-dilim na.”dagdag ni Ate Amy.
Pinanood ko lang sila na mag-usap, nakita kong kumuha ng pera sa wallet niya si Ate Amy at binigay ito sa Lalaki na siyang nagpa-ngiti sa rito.
“Salamat po Ate,”
Hindi ko maiwasan ang tumingin sa Lalaki lalo na nang mag-salita ito. Baritono ang boses niya at halata sa tindig ang pagka-matigasin, namumutok ang mga braso at dibdib na siyang basa ngayon ng pawis.
Infairness. Akala ko puro mga Tito at Mga Tatay na ang maabutan ko rito, meron pa palang halos ka-edad ko lang at ang gwapo pa.
“Ate, para sulit ang bayad, ako na din po ang mag-bubuhat nito. Saan ba ipapasok? Sa budega niyo?” Tanong nung Lalaki.
Walang nagawa si Ate kun’di ang hayaan nalang ang Lalaki sa ginawa.
Ilang minuto ang lumipas nang dalhin nang Lalaki ang mga sako sa budega nila Ate Amy, tangging dalawang sako nalang ang natira.
Nakaka-hiya naman kung pinapanood ko lang siyang mag-buhat, kailangan ko rin siguro mabuhay sa ganitong paraan, ang mag-batak ng buto kahit ayaw ko naman talaga nito, hindi kaya ng katawan ko, feeling malakas lang talaga ako minsan.
Nilapag ko ang kaninang hatak ko na maleta at bag sa likod bago lumapit kay Ate Amy. Akmang bubuhatin ko ang isang sako nang pigilan ako nito na siyang ikinatuwa ko.
Buti naman, joke lang kasi yung mag-bubuhat din ako.
“Hindi ka sanay sa ganitong gawain, hayaan mo na si Brandon dito.” saway sa’kin ni Ate. Wala akong nagawa kun’di ang sundin siya na mabilis kong ginawa. Inantay lang namin na bumalik ang Lalaking may pangalang Brandon.
Nang maka-balik ang Lalaki ay saglit pa itong tumingin sa’kin, nag-tama ang aming mata at kita ko ang pagod sa mga ito.
Nagulat ako nang tipid itong ngumiti sa’kin bago muling buhatin ang dalawang natitirang sako.
Para akong pinako sa kinatatayuan ko at hindi nagawang gumalaw, iba ang dating sa’kin nung ngiti niya, parang tagos hanggang buto.
“Ka-gwapong bata, wala namang nobya.” Pag-bulong ni Ate nang mailagay ng Lalaki ang dalawang sako sa budega.
“Sino po Ate?” tanong ko.
Agad bumaling ang tingin niya sa’kin.
“Wala ikaw naman. Sandali lang… hintayin ko lang na matapos si Brandon bago tayo tumuloy sa bahay ng Lolo mo.” sabi sa’kin ni Ate na kaya tipid ko siyamg nginitian at tumango.
“Tapos na.” nagulat ako sa pag-sulpot nang Lalaki sa likod ko.
“Salamat, mauna na kami nitong kasama ko, bago dating kasi…” halos pabulong nalang na sabi ni Ate ang huling sinabi niya kaya hindi ko na pinansin kahit narinig ko naman.
“Sige---” Hindi natapos nung Lalaki ang sasabihin nang bigla kaming maka-rinig nang sunod-sunod na busina at pag-harurot ng isang kotse.
Napa-lingon naman ako sa kalsada. Halos kapusin ako ng hininga nang makita ang mabilis na pag-harurot ng kotseng palapit sa’min.
Hindi agad ako naka-galaw dahil sa gulat at kaba ang tanging nagawa ko nalang ay ang pumikit.
Hanggang sa maka-rinig ako ng isang pagbangga ng kotse sa isang matigas na bagay. Doon ay napa-dilat ako dahilan upang makita ko ang aming posisyon ng Lalaki.
Parehas kaming natumba at naka-patong ako ngayon sa Lalaki habang yakap niya ang aking katawan at sobrang lapit namin sa isa’t-isa.
Napa-lunok ako sa sitwasyon namin.
Brandon…
Chapter 1
Glamir Series 1: BRANDON
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha,agad kong inunat ang aking mga kamay at paa.
Bumangon ako at inayos ang aking hinigaan. Mabilis akong lumabas sa kwarto at pinagmasdan ang kabuuan ng bahay ni Lolo.
Halos antigo ang lahat ng gamit dito, mag-mula sa aparador,mga gamit na naka-dikit sa dingding at kung ano-ano pa gaya ng lamesa na sa tingin ko ay may kamahalan din dahil sa laki at haba nito.
Kung itatanong niyo ang nangyari kagabi? nakakahiya pero nung time na na-realize ko ang sitwasyon namin ni Brandon ay agad akong tumayo. mabilis naman lumapit sakin non si Ate Amy at kinamusta ako.
pinagalitan rin ni Ate Amy at kinausap ni Brandon yung driver na muntik maka-bundol samin, naayos naman namin ang gulo at ‘di na umabot pa sa barangayan.
“Primo, Gising kana?” Boses ni Ate Amy.
Pinag-buksan ko siya ng pintuan na halatang nagulat pa dahil sa ginawa ko. Si Ate talaga, hindi niya siguro alam na maaga talaga akong nagigising.
“Gising kana pala, akala ko tulog ka pa.” Anito. May dala itong plastic na dilaw at inabot sa’kin. “Ito, dinalhan kita ng sopas, nabili ko ‘yan kay Aling Nena, alam kong namiss mo ‘yan.” Masiglang sambit ni Ate.
Napa-ngiti ako ng kinuha ang supot na dala niya. Ang tagal ko ring hindi nakaka-kain ng mga ganitong pagkain simula nung nawala si Lolo, siya lang kasi ang nag-luluto ng mga ganito sa’kin.
“Pasok ka muna Ate, sabay na tayo mag-almusal.” Alok ko pero umiling lang ito sa’kin.
Mag-sasalita sana siya nang may isang Lalaki ang nag-salita mula sa likod ng bahay ni Lolo. Nagulat ako dahil pamilyar ang boses na ‘yun.
Anong ginawa niya dito?
“Ate, tapos ko nang ikabit ang kuryente dito.” Sabi nung Lalaki na si Brandon, kaya napa-kunot ang aking noo. tinignan ko ang loob ng bahay ni Lolo at napansin na meron na nga itong ilaw.
“Ay, salamat naman, hindi na mahihirapan mag-adjust si Primo sa kandila.” Masayang sambit ni Ate na may halong pang-aasar. Natulog lang kasi ako kagabi gamit ang kandila bilang liwanag ko, nakaka-takot pero kailangan tiisin.
Natigilan ako nang mag-tama ang mata namin nung Lalaki kaya mabilis akong umiwas at tinuon sa iba ang tingin. ito nanaman po ang puso ko halos mag-wala sa bilis ng kabog.
Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa tingin niya, nahihiya ako lalo na’t bagong gising ako, Nakaka-hiya ang itsura ko, baka may laway pa ako sa labi kaya wala sa sariling napa-punas ako sa gilid ng aking labi para tanggling ang kung ano mang laway na nandoon.
“Naku, wala akong pambayad, dapat hindi kana dapat nag-abala pa.”
Totoo naman, hindi sapat ang perang dala ko, akala ko kasi madali lang mag-adjust, mahirap pala. Tangging damit at ilang dokyumento lang ang nadala ko at ilang mga pagkain.
“Libre lang, ganito talaga ginagawa ko dito kaya h’wag ka nang mag-alala sa bayad, para saan pa’t naging magkapit-bahay tayo.” Natatawang wika ng Lalaki bago niya ako ngitian.
Magkapit- bahay ?
“So, dito lang ang bahay mo sa tabi ng bahay ni Lolo?” Manghang sabi ko, bigla tuloy natawa si Ate Amy na hindi ko napansing nandito pa pala.
“Mukhang nagkaka-mabutihan na kayo…” Biglang nag-init ang mukha ko sa sinabi ni Ate Amy. “Naku Primo, siya nalang ang ayain mong mag-almusal dahil tapos na ako, ‘yang si Brandon ang hindi pa.” Dagdag niya at halata ang pang-aasar sa’ming dalawa nung Lalaki na si Brandon.
Nahiya naman ako, nag-dala na si Ate dito ng pagkain tapos sosolohin ko lang, nakaka-hiya para sa nag-kabit din ng kuryente sa bahay ni Lolo.
“Si-sige po, Kuya…sabay kana po sa’kin, dinalhan ako ni Ate Amy ng almusal.” Nautal kong alok sa Lalaki.
Bakit parang biglang uminit ang umaga? Ma-araw lang siguro.
Ngumiti ang Lalaki sa’kin dahilan upang mas lalong mag-init ang aking mukha. nakakahiya.
“Sige, mauna na ako mga Hijo.” May diin na sambit ni Ate bago ito mag-paalam. Nang maka-alis na ito ay naiwan kaming dalawa nung Lalaki.
Awkward ng senaryong ‘to, hindi ko masyadong kilala ang Lalaki at tanging pangalan lang nito ang alam ko tapos sabay pa kaming kakain ng almusal, which is nagugustuhan kona din.
“Pa-pasok ka.” Na-utal kong sabi.
Hindi na ito nag-salita pa, walang ano-ano ay lumapit ito sa’kin at sinabayan ako sa pag-pasok.
“Pasensya na, medyo madumi pa ang loob. Bagong lipat lang kasi ako dito at hindi ko pa masyadong nalilinis.” Nahihiyang sabi ko dito.
Sabay kaming umupo sa lamesa, dito kami madalas kumain ni Lolo kasama ang ilang kamag-anak namin dati tapos ngayon mag-isa nalang ako kakain dito, ang sakit talagang isipin.
“Ayos ka lang? Parang malungkot ka, ayos lang naman kung ayaw mo akong maka-sabay, wala ‘yon sa’kin.” nabalik ako sa reyalidad nang mag-salita ito.
“Naku hindi,may naisip lang ako.”
Tumango ito pero hindi parin inaalis ang tingin sa’kin, nahihiya naman akong tumingin sa ibang direksyon upang hindi masalubong ang kaniyang tingin.
May gusto siguro ‘to sa’kin . Tingin kasi nang __ tingin .
“Ang tibay ng bahay na ‘to, dinaanan na kami ng bagyo pero naka-tayo parin. Iba talaga kapag sinauna.” sabi nito, Which is true. pero si Lolo hindi kinayanan.
Sinalin ko ang dalawang sopas na dala ni Ate sa mangkok, binigay ko yung isa na medyo marami ang laman dahil hindi ako sanay na kumain ng madami kapag umaga.
Habang kumakain kami at nililibot ko parin ang mga mata ko sa buong bahay, may mga gamit na dito nang dumating ako,halos kompleto na nga e. Gamit ko nalang talaga ang wala dito like, sabon, shampoo at kung ano pang ginagamit ko.
“Salamat.”
Naupo ako sa tabi niya. Tahimik kong kinain ang sopas, gano’n din ang ginawa niya hanggang sa nag-salita ito.
“Ako nga pala si Brandon,” pakilala niya. “Anak ako ni Mang Simon, kilala mo naman siguro siya ‘di ba?” Dagdag niya.
Simon ? May kilala ba akong Simon ang pangalan? Kilala siguro siya dito pero, hindi ko siya maalala ang tagal ko ding nawala dito sa Glamir.
“So-sorry, hindi ko na maalala.”
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Para bang may nasabi akong hindi niya mapaniwalaan, ano namang magagawa ko kung hindi ko ‘yun kilala.
“Pero kilala ka niya, ang sabi niya mag-kaibigan daw tayo nung mga bata tayo. Halos sabay pa nga tayong maligo…”
Nasamid ako sa kinakain ko dahil sa sinabi niya.
Halos mabarahan ng kung ano ang lalamunan ko nang maramdaman ko ang kamay niya na humahaplos sa likuran ko.
Tama na Brandon marupok ako…
“Ayos ka lang?” Tanong nito, halata ang pag-aalala kaya tumango ako.
Umayos ako ng upo at pinunasan ang bibig ko. ang dugyot grabe.
“Hindi ko siya kilala, siguro dahil matagal akong nawala dito, pero pamilyar sa’kin ang pangalan ng Papa mo.” Sagot ko nalang.
Simula kasi bata ay wala na akong natandaan pang alaala maliban sa’min ng Lolo ko dito sa Glamir, ang sabi sa’kin ni Lolo ay may mga kaibigan daw ako dito, tapos nagkaroon kami ng tampuhan dahil sa pag-alis ko papunta sa Maynila at nagka-trauma daw ako dahil sa hindi nila pag-pansin sa’kin no’n.
Tapos pinagamot ako nila Lolo at mas pinili nilang burahin ang memorya ko nung bata ako kaya ito, kaunti lang talaga ang natatandaan ko simula nung bumalik ako dito sa Glamir.
Nang mahimasmasan ay tinuloy ko nalang ang pagkain. Nang matapos ay nilagay ko sa lababo ang mga mangkok.
Wala palang tubig dito.
“Sandali, mag-kano ba kapag nagpa-kabit ako ng tubig?” Tanong ko kay Brandon na hindi parin tapos sa pag-kain. Dumantay ako sa lababo at pinanood ang pag-galaw nito.
Ang namumutok niyang braso ay halos magpa-tuyo sa lalamunan ko, parang biglang nanuyo ang aking lalamunan dahil sa ganda ng katawan niya, este tanawin.
“Hindi ako sigurado pero kung sa’kin, walang bayad.” Sagot naman nito na siyang nag-balik sa’kin sa reyalidad.
Bakit ba grabe kung mag-pantasya ako sa kaniya? Hindi ko naman siya maalala pero parang ang saya at gaan ng loob ko sa kaniya. o sadyang malandi lang talaga ako?
“Nakakahiya na sayo, paano ka kikita kung puro ka nalang walang bayad? Mahirap ang buhay ngayon kaya kailangan mo ding kumita.” Nailing na sabi ko. Feeling concern.
“Alangan pagkakitaan kita, hindi ako gano’ng tao. Wala kang pera ‘di ba?” Tugon niya.
Nag-init bigla ang mukha ko dahil sa narinig, wala sa sariling napa-kamot ako sa batok. Tama siya, nakakahiya man pero kailangan kong kapalan ang mukha ko lalo na’t wala talaga akong pera sa ngayon.
“Merong balon malapit dito, doon sa likod-bahay ng Lolo mo,kung gusto mo ipag-igib kita do’n ng tubig, malinis naman ‘yon.” Dagdag niya at tumayo.
Napa-atras naman ako dahil sa laki niyang tao, halos maharangan ng dibdib niya ang buong nakikita ko lalo pa’t hanggang dibdib lang nito ang height ko. maliit akong nilalang, nag-mana ako sa Mama ko.
“Wala namang kaso ‘yun.” Napa-lunok ako nang mas lumapit ang kaniyang dibdib sa mukha ko, wala na akong maatrasan.
Ilang beses akong napa-kurap nang tumigil sa harap ko ang Lalaki, ramdam ko ang kaniyang pag-hinga na tumatama sa aking ulo, ang amoy niyang nanuot sa ilong ko at ang tingin na ipinupukol nito sa’kin.
Nag-init ang pakiramdam ko nang mag-dikit ang aming balat, halos mapaso ako sa init no’n dagdag pa ang kuryenteng dumaloy sa katawan ko.
“Si-sige.” tangging sagot ko.
Naka-hinga ako ng maluwag nang lumayo at bumalik ito sa lamesa dahilan upang mabawasan ang init na nararamdaman ko.
Ilang minuto ang lumipas nang mapag-pasiyahan namin na humakot na ng tubig, bitbit ang dalawang timba na may kalakihan ay sabay naming binagtas ang masukal na daan papunta doon sa sinasabi niyang balon. Parang haunted forest na ito e. ang susukal ng damo.
Habang nag-lalakad ay hindi ko maiwasan ang mapa-tingin sa malapad nitong likod, kung maka-lakad siya parang sanay na ito sa ganitong daan.
“Ilang taon kana?” Tanong nito.
“Twenty Three.” sagot ko.
Kita ko ang pag-tango nito kahit naka-talikod ito sa’kin.
“Parehas pala tayo.”
Napa-kamot nalang ako sa batok dahil sa hiyang nararamdaman ko. Hindi parin ako sanay sa kaniya lalo pa’t kagabi lang kami nag-kita, idagdag mopa yung naka-patong ako… Argh!
“Malapit na tayo.”
Ilang saglit pa ay may nakita na akong ilog na gumaragasa, akala ko ay pupunta kami doon pero bigla nalang tumigil ang Lalaki kaya nabundol ako sa malapad nitong likod.
“Sorry.”
“Ito ‘yung sinasabi ko.”
Tinuro nito ang isang balon, napapa-libutan ito ng mga damo na siyang lalong nagpa-ganda dito,ang tubig ay malinaw na parang sa dagat, tama nga ang sinabi niya.
Yung vibes nito ay parang magical forest, yung may mga nag-babantay na diwata tapos sobrang gaganda ng mga bulaklak sa paligid, kulang nalang ay mga paro-paro na lumilipad, kaso wala akong makita.
“Sige, sumalok na tayo.”
Ako ang naunang mag-lakad sa kaniya papunta sa balon, may nakita ako doon na isang lata, siguro ito ang pang-salok nila.
Nang mapuno ang aking timba ay sumunod naman si Brandon na walang kahirap-hirap na basta nalang sinalok ang dala niyang timba.
Wow, ang lakas niya naman.
“Kaya mo ba ‘yan?” Tanong nito na tinanguhan ko naman. Easy lang naman ang mag-buhat.
Ilang hakbang palang ang nagagawa ko ay ramdam ko na ang pagod, hindi pa nga kami umaakyat sa masukal na daan bigat na bigat na ako, akala ko kasi sobrang gaan lang ng timba hindi pala.
“Akin na, hindi mo na ata kaya.”Akmang kukunin nito ang timba sa’kin nang biglang mamali ako ng apak.
Nabitawan ko ang dalang timba na siyang lalong nagpa-dulas sa aking inaapakan. Matutumba na sana ako nang bigla akong hawakan ni Brandon sa braso pero dahil may dala din itong mabigat ng balde kaya nadala ko siya sa pag-bagsak at pag-gulong pababa.
Ilang saglit na pag-gulong ay dumilat ako at gaya ng una naming pag-kikita ay muli nanaman akong naka-patong sa kaniyang dibdib. Grabe ang sarap.
Hindi ko mapigilan ang tumawa dahil sa nangyari, gaya ko ay tumawa din si Brandon na siyang nagpa-taas ng balahibo ko sa batok. Kakaiba ang tawa niya, parang ang sarap pakinggan nito.
Hindi ko akalaing magagawa ko pa palang tumawa matapos ng lahat, tumawa na parang wala akong problemang dinadala tumawa na hindi iniisip ang nangyari.
Isa lang ang napag-tanto ko habang sabay kaming tumatawa ni Brandon habang naka-patong parin ako sa ibabaw niya at ito ay sana habang buhay akong ganito na tumatawa hindi dahil may nag-papatawa, o tumatawa hindi dahil nakikiliti o may nakaka-tawang nangyari, kun’di tumatawa ako dahil totoong masaya at nasasayahan ako.
Chapter 2
Glamir Series 1: BRANDON
Sa gitna ng tawanan ay bigla akong natauhan, nasa gano’ng posisyon kami nang mabilis akong tumayo.
“Sorry.” tumayo din ito.
Basa ang aming mga damit, maging ang aming short dahil sa dalawang balde ng tubig na natapon at bumuhos sa’min.
Paniguradong wala nang laman ang mga iyon. Ang lampa-lampa ko kasi, para pag-bubuhat lang ay hindi ko pa nagawa, paano ako mag-aadjust nito?
“Sorry, hindi kita nasalo.” napa-kamot ito sa kaniyang batok at bahagyang yumuko. Kainis, bakit parang iba ang dating sa’kin?
“Ang lampa ko talaga, mag-igib nalang tayo ng panibago para maka-ligo na tayo, sorry talaga.” aniko dito.
Tumango naman siya bago kunin ang kaniyang balde na nasa damuhan at wala ng laman, gano’n din ang ginawa ko.
Muli kaming sumalok ng tubig, pero this time ay inalalayan na ako ni Brandon maka-akyat para hindi na maulit ang nangyari sa’min.
Ayos lang naman sa’kin ang ma-ulit ‘yon basta sa susunod ay saluhin na niya ako at h’wag hayaan na mahulog sa iba, este sa damuhan pala.
“Epic talaga kanina.” bigla nitong sambit kaya mabilis umakyat ang hiya sa aking katawan, nag-init din ang aking pisngi dahil sa kahihiyan.
Bakit binabalik pa niya ‘yon?
“Sorry na nga e, kasalanan ko…hindi ako nag-iingat pero salamat dahil kahit papaano ay sinubukan mo akong iligtas, sa-saluhin pala.” hindi ako naka-tingin.
Ramdam ko nalang ang mas pag-higpit ng kaniyang hawak sa’kin. Hindi gaya ng iba ay hindi malambot ang kamay ni Brandon, sabihin na natin na may kalyo, pero iba parin ang kuryenteng dala no’n sa tuwing didikit ito sa’kin. Hindi ko nga maintindihan kung anong nangyayari sa’kin.
Ilang saglit pa ay halos patag na ang nilalakaran namin - malapit na kami sa bahay ni Lolo,ilang kembot pa at mararating na namin ‘yon.
“Nandito na tayo,” binitawan saglit ni Brandon ang kamay ko upang ilapag ang kaniyang balde, matapos no’n ay siya naman ang lumapit sa’kin at kinuha ang bitbit kong balde na marami na ang bawas dahil natatapon parin naman ito.
“Sa susunod ako nalang ang mag-bubuhat, kahit sumama ka nalang.” komento nito nang mabuhat ang balde.
Princess treatment ba ‘to? o malandi lang talaga ako.
Bigla itong humarap sa’kin nang mai-lapag ang balde, kita ko kung paano bumakat ang namumutok niyang pandesal sa sandong suot.
Nakakapag-init ng katawan.
“Si-sige, salamat. Pero hayaan mo, sa susunod ay mag-papakabit na ako ng tubig kapag may trabaho na ako.” tumango lang siya sa sinabi ko.
Hindi ko talaga maintindihan ang Lalaking ‘yon, kanina palasalita siya tapos ngayon tango lang ang isasagot niya. Pero bakit ba ako nag-eexpect ng sagot mula sa kaniya? Masama ba ang sumagot ng pa-tango?
“Ipapasok ko lang ‘to.”
Sige __ ipasok mo. este sige tulungan mo akong ipasok.
Gaya ng ginawa niya ay tinanguhan ko lang ito. Sige mag-tanguhan tayo dito.
Walang kahirap-hirap niyang binuhat ang dalawang balde ng tubig papasok sa bahay, ako naman ay sumunod sa kaniya na hiyang-hiya sa sarili dahil hindi madaling kalimutan ang pagka-dapa ko.
Hindi pa man ako nakaka-pasok sa bahay ay may bigla akong naalala, ‘yung singsing galing kay Mama, nawawala, hindi ko makapa sa suot kong short.
Yung sing sing kasi na suot ko ay nilagay ko sa bulsa bago kami sumalok ng tubig para hindi ito mahulog, pero ito ngayon wala sa bulsa ko…
Kailangan kong bumalik.
Kahit basa pa ang aking damit ay desidido akong bumalik dahil mahalaga sa’kin ang singsing na ‘yon, kahit galit ako kay Mama ay kailangan ko paring pahalagahan ang naiwan niya dahil si Lolo mismo ang nag-bigay no’n sa’kin.
Bata palang ako ay nasa pangangalaga na ako ni Lolo, wala akong kinagisnang magulang, sabihin na nating Mama dahil alam ko ay patay na ang aking Papa. Bata palang ako ay kulang na talaga ako sa pag-mamahal ng isang magulang, lalo na ang pag-mamahal ng isang Papa.
Si Lolo lang ang tangging nag-mahal sa’kin at tumanggap sa kung sino ako, si Lolo lang din ang nag-paramdam sakin ng pag-mamahal ng isang Tatay at the same time ay isang Nanay. Pero nang mawala siya ay na-down ko na ang sarili kong wala na talagang mag-mamahal pa sa’king iba, lalo na yung pag-mamahal na ibinigay at ipinaramdam sa’kin ni Lolo.
Until killian came to my life, pinaramdam niya sa’kin kung paano ang mahalin, kung paano ang mag-mahal at syempre pinadama niya sa’kin kung gaano ka-sarap ang pag-mamahal ng isang Lalaki na akala ko ay hindi ko na mararanasan pa.
Pero lahat ‘yon ay nasayang lang ‘din, dahil ang pag-mamahal na akala kong meron siya ay wala naman pala talaga. Iniwan din niya ako. Kaya nag-decide akong bumalik dito sa Glamir.
“Nasaan naba ‘yon?” bulong ko sa sarili.
Halos hukayin ko ang mga damo kung saan kami dumain ni Brandon pero wala parin akong mahanap na singsing. Gusto ko nang sumuko pero talagang mahalaga ‘yon sa’kin. Hindi pwedeng mawala.
“Mag-pakita---” natigilan ako nang tumama ang aking paningin sa isang kumikinang na bagay, napa-ngiti ako nang makita ang singsing.
Sobrang saya ko at nakita ko pa ito.
“Ngayon oras na para bumalik.”
Natigilan ako nang isang hindi pamilyar na daan ang sumalubong sa’kin, masyado ba akong napa-layo sa pag-hahanap ng singsing kaya…
Kung nung una ay masukal na mga damo ang hinahanapan ko ng sing-sing ngayon ay mas lalo itong sumukal at kumapal, wala akong makitang paakyat na daan o kahit daanan mismo. napapalibutan ako ng matataas na damo at mga puno.
Naliligaw na ako?
Naliligaw ba ako?
Agad akong natakot. Wala sa sariling tinawag ko ang pangalan ni Brandon.
“Brandon!”
“Brandon, nasaan ka?” Sigaw ko pero parang wala namang nakaka-rinig na kahit sino, patay ako nito.
Nag-patuloy ako sa pag-lalakad sa daang hindi ko alam ang patutunguhan. Basta sinusundan ko lang ang pathway na nakikita ko, kahit pasukal na nang pasukal ang nadadaanan ko ay tuloy parin ang pag-lalakad ko.
“B-Brandon, nasaan kaba?” Patuloy parin akong sumisigaw kahit alam kong walang nakaka-rinig.
Gusto ko nang umiyak dahil parang naliligaw na talaga ako pero kailangan kong magpaka-tatag. Hindi ko na alam kung nasaan ako, wala akong alam na daan pabalik dahil bago palang ako, ang malas ko talaga.
Dahil sa kaba at takot na naramdaman ay napa-iyak nalang ako, umupo ako sa isang malaking bato na nakita.
Minsan talaga sa bawat kasiyahan na nararamdaman ko ay may masamang nangyayari, hindi ko naman kasalanan kung naging malas akong tao pero…ang hirap lang na, bakit ako pa ang kailangan maligaw dito sa gubat.
Pwede namang ahas nalang, o kaya lamok, baboy. Bakit ako pa? dahil ba malandi ako? Oo na inaamin ko naman ‘yun pero ‘wag naman sana ako parusahan ng ganito.
“Nasaan kana ba?”Panay ang patakan ng mga luha ko. Hindi ko mapigilang umiyak, parang nawawala ako sa sarili ko kapag naiiwan ako. Siguro dahil na rin sa trauma na naranasan ko ng mawala si Lolo, ng mawala yung mga taong minahal ko.
Simula nun ay parang nawawala ako sa sarili ko kapag naiiwan ako mag-isa. Simula nun ay hindi ko na kaya ang mag-isa pa, sinasabi ko lang sa sarili ko na kaya ko pero hindi talaga.
Gusto ko mang isipin na babalik siya kapag nalaman niyang nawawala ako pero naiisip ko rin na hindi lahat ng iniwanan ay binabalikan. Ang tanga ko talaga.
Mapait ako natawa sa naisip ko. Alam kong malas ako pero sobra na ‘to. Mag-bibigti ako dito sa gubat kapag walang naka-hanap sa’kin.
“Anong ginagawa mo dito?”
Napa-angat ako ng tingin. Akala ko bumalik siya pero ibang Lalaki pala na mas matangkad sa’kin, moreno kagaya ni Brandon.
“Na-naliligaw ako.” Paos kong sagot.
Pinunasan ko ang luha sa pisngi at mga mata bago harapin ang Lalaki. Tumayo ako at hinarap ko ang Lalaki. Matangos din ilong niya gaya ni Brandon, malaki ang pangangatawan, mapungay na mata at katamtamang pula ng labi.
Mukha siyang mabait.
“Naliligaw? Hindi kaba dito naka-tira sa Glamir? Bago ka lang ba?” Sunod na tanong ng Lalaki.
Inilingan ko naman siya.
Ngayon ko lang napansin na naka-suot pala ito na parang sa magsasaka yung long sleeve at may itak na nakasabit sa gilid ng kaniyang bewang at sumbrero na hindi gano’n kagandahan, pero manunuot ang amoy niya sa ilong mo na sobrang bango, akala mo hindi siya babad sa araw.
Yung amoy mayaman…
“Maraming ahas dito Mister, dapat hindi ka nag-lalakad nang basta-basta. Sino ba kasama mo?” Tanong ulit niya.
Maliligaw ba ako kung may kasama ako? Tsaka may nakikita ba siyang kasama ko? Wala naman ‘di ba.
“Wa-wala akong kasama.” Utal kong sagot.
Kumunot ang noo niya.
“Maputi ka, makinis. Tiga-Maynila ka ‘no?” Ngumiti ito kaya nakita ko ang perpekto at maputi nitong ngipin. Feeling ko ipagpapalit ko si Brandon dito.
Argh! stop na ang kalandian __ kaya __ ka __ minamalas e.
“Opo, gusto ko nang umuwi.” Pag-iiba ko sa usapan.
Napakarami niya’ng tanong. May balak ba siya na tulungan ako maka-balik o mag-tatanong lang siya nang mag-tatanong sa’kin?
“Sige, kumapit ka. Maraming bangin dito.”
Labag sa loob akong humawak sa kaniyang braso. Inalalayan niya akong lumakad palabas sa masukal na damuhan.
Hindi pa man kami nakaka-layo ay tumigil ito kaya tumigil din ako. naka-hawak parin ako sa matigas niyang braso minamasdan ang sunod niyang gagawin.
“Takbo!”
Walang ano-ano’y sumigaw ito ng Takbo at mabilis ako nahatak patakbo rin. Hanggang sa mamalayan ko nalang ang isang kulay itim na baboy, may sungay ang kaniyang bibig na humahabol samin.
Chapter 3
Glamir Series 1: BRANDON
Hindi maalis ang takot na nararamdaman ko, para akong tinakasan ng hangin dahil sa nakita kong humahabol sa’min.
“Bilisan mo ang takbo!” Napa-kagat labi ako sa sinabi niya. Ano pa bang ginagawa ko? hindi nga ako ganito kabilis tumakbo, nasa limitasyon nako, parang hihimatayin ako.
“Ano pa bang ginagawa ko!?” Sigaw ko dito. patuloy parin ang pag-takbo namin dahil patuloy parin ang pag-habol ng baboy saamin.
Hingal akong napa-tukod sa aking dalawang tuhod, malayo na ang natakbo namin at sa tingin ko ay hindi naman na kami nasundan ng baboy ramo.
“Wala na siya? hinihingal na ako hindi ko na yata kaya” Hingal kong bigkas bago ako tumayo ng tuwid at hinarap siya, hindi ko inaasahang gano’n din ang gagawin niya.
Halos sabay ang aming naging pag-kilos dahilan upang mag-dikit ang aming balat parehas. Ako na mismo ang lumayo ng kaunti para may space kami.
Pinasadahan ko ng tingin ang Lalaki na may ngiti sa kaniyang labi kahit muntikan na kaming mamatay dahil sa baboy ramo na yun naka ngiti parin siya.
“A-ayos ka lang ba?” Tanong nito? “Hindi na siguro tayo nasundan no’n” Dagdag niya kaya naka-hinga ako ng maluwag.
Nandito parin kami sa gubat pero hindi tulad kanina na sobrang sukal ay medyo kita ko na ang paligid, may nakikita na din akong mga sasakyan sa bandang itaas namin kaya konting ahon pa ay makakarating na kami sa kalsada.
“Umalis na tayo dito. Baka may dumating pang ibang hayop” Kinakabahan kong sabi dito. Tumango naman siya sa’kin at muling inalok ang kamay.
Wala akong nagawa kun’di ang tanggapin ito. Sabay naming nilakad ang daan paakyat pabalik sa highway, kahit hingal ay ginawa ko parin ang lahat para kayanin. Jusko! unang araw ganito agad ang nangyari sakin, napaka-malas talaga.
“Anong pangalan mo?” Tanong nito sa gitna ng pag-lalakad namin. Hindi ko alam kung dapat ba akong sumagot.
Ayokong mag-bigay ng impormasyon lalo na sa hindi ko kilala mas mabuti na ang sigurado. Pero gwapo naman siya.
“Secret.” Mapag-laro kong sambit. Natawa naman ito.
Sa tingin ko iba siya ‘kay Brandon, mas mabait siya, gentleman at matulungin medyo malambot din ang kamay niya para sa isang mag-sasaka. Kainis! Bakit ko ba kinukumpara ang Lalaking ‘yon sa kasama ko?
“Lalim ng iniisip natin, problema?” Muling tanong ng Lalaki. Feeling close si Kuya.
“Ikaw, ano pangalan mo?” Pag-iiba ko ng usapan. Ayoko munang pag-usapan ang Lalaki ‘yon, isang araw ko palang naman siya nakaka-sama.
“Secret din.”
Napa-ngiwi ako sa sinagot nito. Ano pa bang aasahan kong isasagot niya? Ofcourse gagayahin niya ako.
“Primo?”
Natigil kami sa pag-lalakad, nabosesan ko ang Lalaking tumawag sa’kin pero hindi agad ako naka-lingon. Wala naman akong mukhang ihaharap sa kaniya dahil baka isipin niya, basta ko nalang siya iniwan dahil sa singsing.
“Oh, pareng Brandon, anong ginagawa mo dito? Kilala mo ‘tong si Iyakin?” Mapang-asar na tanong ng Lalaki kaya siniko ko ito.
Gusto ko siyang sapakin kung pwede lang, kung hindi lang sana siya ang tumulong sa’kin nasapak kona siya sa mukha at naduguan ang maamo niyang mukha.
“I-iyakin?” Takang tanong ni Brandon.
Bakas ang hingal sa mukha ni Brandon, pawisan ito habang tinitignan ang magkahawak namin kamay kaya agad akong bumitaw.
“Gu-gusto ko nang umuwi, pwede mo akong ihatid sa bahay ng Lolo ko? Si Lolo Alfonso, kilala mo naman siguro siya.” Pag-iiba ko sa usapan.
Nahihiya talaga ako para kay Brandon. Halata ang pag-aalala sa kaniya kanina, mukhang inalala niya ako.
Hindi ko nagawang tignan si Brandon, pero alam kong naka-titig ito sa’kin na may pag-tataka pero hindi ko nalang pinansin. Alam kong marami siyang tanong.
“Sige Pare, mauna na kami nitong si Iyakin.” Yung Lalaki ang nag-paalam kay Brandon, bakit hindi ko magawang harapin si Brandon?
Mabuti at hindi na umangal si Brandon, pinanood niya kaming magka-sabay sa pag-lalakad ng Lalaki habang papalayo sa kaniya.
“Lolo mo si Lolo Alfonso? Akala ko nasa ibang bansa ang Apo niya, so ikaw na pala ‘yon?” Tanong nung Lalaki.
Tahimik lang ako. Ayokong sagutin ang sinabi niya, maraming bumabagabag sa isip ko at isa na doon ay kung sino ang Lalaking kasama ko. tsaka fake news yung sinabi niya na nasa ibang bansa ko. like! gaano ba kalayo ang Maynila para sabihing ibang bansa.
“Ang tahimik naman, ayaw sumagot.” Ngusong sabi niya. Napa-irap lang ako at mas lalong binilisan ang pag-lalakad.
“Naku! Primo saan kaba nag-punta? Pinapa-hanap kita kay Brandon kasi akala ko naligaw kana sa gubat.” Sinalubong kami ni Ate Amy, halata ang pag-aalala dito.
Buti pa siya __ nag-aalala __ sa’kin .
“Oh, Brandon nand’yan ka pala sa likod.”
Napa-lingon agad ako sa likod. Muntik ko pang madali ang Lalaki dahil do’n. Nang maka-lingon ay nakita kong nando’n pala si Brandon, sinusundan niya kami.
Bakit __ hindi ko nahalata ?
“Sa totoo niya’n naligaw talaga siya, buti nalang nakita siya ng gwapong ‘to sa gubat, ako dapat pasalamatan niyo Ate.” Pag-mamayabang ng Lalaki kaya sabay kaming napa-ngiwi ni Ate Amy.
Hangin niya.
“Tigilan mo ako Ismael, ke-bagong dating nitong si Primo lumalabas na agad ang kahanginan mo.” Napa-iling si Ate Amy. Natawa naman ako dahil sa sinabi niya.
“Ate naman e, sinisiraan mo agad ako dito kay Iyakin e bagong dating nga lang siya.” Ungot naman ni Ismael.
Panandaliang nawala sa isip ko si Brandon, dapat pala humingi ako ng sorry para sa ginawa ko, kung nagpa-sama ako hindi naman ako maliligaw. Tapos pati si Ate Amy nag-alala din sa’kin. feeling ko deserve ko ang nagyari sa’kin.
“Ate, una na ako…nahanap naman na si Primo.” Paalam ni Brandon, pinasadahan naman siya ng tingin ni Ismael na may halong pang-aasar.
Problema no’n.
Pinanood ko lang siyang umalis hanggang sa mawala ito sa paningin ko. May kung ano akong naramdaman na parang guilt dahil sa nangyari, pero hayaan mo na ‘yon. Nangyari na e.
“Sige na Ismael, mauna kana rin. Baka hinahanap kana ng magulang mo ako pa pagalitan no’n.”
Tumango lang si Ismael.
“Bye, Iyakin!”
Tss, bakit iyakin ang tawag niya sa’kin e may pangalan naman ako, dalawang beses o tatlo pa nga ata niyang narinig ‘yon. Kainis din siya.
“Nag-alala ako sayo, akala ko kung napano ka, bakit inabot naman kayo ng tanghali? Tignan mo, mag-alas onse na kaya.” Alalang sabi ni Ate Amy.
“Sorry Ate kung pinag-alala ko kayo, hinanap ko kasi ‘yung singsing na bigay ni Lolo kaya bumalik ako hanggang sa maligaw na.” Aniko.
“Umuwi na tayo, pinag-handa kita ng maka-kain doon sa inyo.” Tinapik nito ang aking balikat na parang pinapakalma ako.
Tahimik naming nilakad ni Ate Amy ang papunta sa bahay ni Lolo, medyo malayo pala ang narating ko nang maligaw ako sa gubat, biruin mo malapit na pala akong maka-punta ng bayad sa Glamir dahil do’n.
“O, kumain kana.” Inabot sa’kin ni Ate ang plato, may laman itong kanin at may sabaw ng tinola. Ang sarap naman nito.
Sabay kaming kumain ni Ate Amy, kanina padaw siya kumain kaso nagutom siya sa kaka-alala sa’kin. Natutuwa nga ako na kahit papaano ay may tao parin palang nag-aalala sa’kin.
Nang matapos ay ako na ang nag-kusang mag-lagay sa lababo ng aming pinagkainan. Pag-punta ko sa kusina ay malinis na ito, wala na ‘yung mangkok na kinainan namin kanina ni Brandon.
“Sa susunod h’wag kana ulit aalis ng gano’n, mag-paalam ka o kaya ay magpa-sama ka para hindi na maulit ‘yon, buti nalang at nahanap ka ni Ismael.” Tumayo si Ate at lumapit sa’kin.
“Pinag-alala mo ako, lalo na si Brandon. Bigla ka nalang daw nawala.” Dagdag niya.
Alam ko namang kasalanan ko, inuulit pa e, sorry na nga at nag-alala kayong dalawa malay ko bang maliligaw pala ako.
“Sige, mauna na ako sayo.”
Pinanood ko lang ang pag-labas ni Ate sa bahay bago ako kumilos.
Tinapos ko ang mga hugasin, pinuntahan ko ang banyo at nakita doon ang balde na kanina namin inigiban ni Brandon.
Na-kwento ni Ate Amy nung lumapit sakaniya si Brandon na basa ng pawis at alalang-alala, sinabi daw sakaniya ni Brandon na matapos namin mag-igib ng tubig ay bigla akong nawala. Sobrang na guilty ako nun ng malaman ‘yun.
Hindi na sana ako umalis. Kung sana natuto akong magpa-sama o mag-paalam ay hindi ko sila pag-aalalahanin.
Bakit kasi walang tubig dito? Ang layo kaya ng balon, paano bukas? Sa susunod na linggo buwan?
Nag-linis ako, naligo, nag-palit ng damit pag-tapos ko mag-linis ng bahay. Pabagsak akong naupo sa sofa, dinama ang lambot nito hanggang sa maka-higa ako dahil sa sarap.
Sana hindi nagalit sa’kin si Brandon. Sana pumunta parin siya dito at kausapin ako, kasi alam kong nag-alala din siya sa nangyari at panigurado akong sinisi niya ang sarili niya. Joke lang, bakit naman niya sisihin sarili niya e ako ang may kasalanan.
Siguro kailan ko lang mag-pahinga, masyado lang ako nag-alala para sa singsing kaya siguro nangyari ‘yon, hindi ko dapat sisihin ang sarili ko sa mga nangyari kasi kahit naman gano’n ay may maganda paring nangyari sa araw ko.
Bukod sa nahanap ko ang nawalang singsing ay nakilala ko pa ang ubod ng kayabangan na si Ismael, tapos, nalaman ko na kahit ilang beses na pala akong nasaktan na halos mawalan na ako ng tiwala sa ibang tao ay meron parin palang nag-aalala sa’kin.
Masaya na ako sa ganito, ang malaman na may taong nag-aalala parin sa’kin.
Chapter 4
Glamir Series 1: BRANDON
Gabi ng magising ako mula sa pagkakatulog. tinignan ko ang phone ko at nakitang 10PM na pala, sobrang tagal ko palang naka tulog.
Sa sofa na ako naka-tulog dahil sa nangyari, hindi ko talaga malilimutan ang araw na ‘to.
Binuksan ko lang saglit ang ilaw at pumunta sa kusina dahil malapit lang ito sa sofa, naghahanap ako ng pwede kong kainin mula sa mga dala ko. nang walang mahanap ay napa-nguso ako at bumalik ng pagkaka-upo sa sofa.
Bukod kasi sa Pancit canton ay ilang delata lang ang dinala ko. Nagsasawa naman na ako sa canton kaya ayoko itong kainin ngayong gabi.
Maya-maya ay may kumatok sa pintuan. Tumayo ako at ng buksan ko at si Ate Amy ang bumungad.
“Kanina pako kumakatok hindi ka sumasagot, naka-tulog ka ata.” sabi ni Ate Amy kaya napakamot naman ako sa batok.
“Naka-tukog nga Ate.” Nahihiyang sambit ko.
“Dinalhan kita ng ulam at kanin mo, alam kong hindi kapa nakapag-luto.” Kinuha ko naman ang dala nitong plastic.
After nun ay inaya ko si Ate Amy na sumabay sa’kin kumain pero tinanggihan niya ako dahil may pupuntahan daw siyang fiesta sa kabilang barangay.
Ito nanaman ako mag-isang kumakain, hindi ko naman pwedeng pilitin si Ate Amy dahil may sarili itong buhay at hindi niya ako araw-araw responsibilidad.
Naaawa lang ako sa sarili ko dahil ngayon ay wala na talaga akong kasama kahit sa pagkain lang.
Mabilis ko lang naubos ang pagkain na binigay sakin, hinugasan ko na din ito at bumalik nanaman sa sofa. Ilang beses kaya ako uupo sa sofa na ‘to? wala akong magawa kundi ang tignan ang kisame kung saan may mga agiw at iilang mga sira.
Dahil sa pagka-bagot at walang magawa ay mabilis akong dinalaw ng antok kaya nakatulog ulit ako sa sofa.
Maaga akong gumising para bumili ng bigas. May pera naman akong dala kaya ito muna ang ginamit ko pambili ng limang kilo ng bigas, medyo mabigat nga ‘yon, mabuti nalang at kinaya ko hanggang sa maka-uwi sa bahay.
Hindi ko rin pala nakita si Brandon nung lumabas ako kahit na kapit-bahay ko lang siya, hindi ko na rin siya hinanap nung pauwi ako kasi baka may iba itong ginagawa.
Nag-saing ako at niluto yung pansit canton na dala. no choice ako dahil ayokong ubusin ang pera na dala ko hanggat hindi ako nakaka-hanap ng trabaho.
“Primo?”
Isang pamilyar na boses ang narinig kong tumawag sa’kin habang nag-luluto. Mabilis ko namang binuksan ang pinto at nakita si Brandon na may dalang sopas kaya napa-ngiti ako.
Ngayon na nandito siya ay kailangan ko mag-sorry syempre, and sa hindi ko pag-pansin sa kaniya.
“Pasok ka.” pumasok naman agad ito at umupo sa sofa. “Sorry nga pala kahapon.” umpisa ko.
“Nataranta lang talaga ako nung nawala ko yung singsing kaya bumalik ako mag-isa, hindi ko naman akalain na maliligaw pala ako.” paliwanag ko sa kaniya. Nanatili itong tahimik kaya hindi ko alam ang magiging sagot niya.
“Sorry ‘din hindi kita nabantayan kahapon…” Tipid itong ngumiti sakin bago tumayo at lumapit sa’kin kaya bahagya akong napa-atras. “Kalimutan na natin ‘yun, basta sa susunod magpasa at mag-paalam ka sa’min ni Ate Amy, lalo na’t hindi mo pa gamay ang lugar na ‘to.”
Nagulat nalang ako nang hawakan niya ang dalawa kong braso at parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko. Kita ko sa mata nito ang concern at takot.
“Thank you.”
Pag-tapos nun ay sabay kaming kumain ni Brandon. Oo bati na kami kaya sobrang saya ko, nag-alala talaga siya kahapon at hindi alam ang gagawin nung hindi niya ako makita.
Sobrang saya ng puso ko habang naririnig at pinakikingan ko ang kwento niya, kaya naalala ko si Lolo, ngayon ko nalang ulit naramdaman yung ganitong excitement at saya.
“Ano palang gagawin mo ngayong araw?” Tanong ni Brandon.
Naka-upo kaming dalawa sofa habang pinupunasan ko yung mga litrato na dala ko.
“Balak kong mag-linis ng bahay.” Sagot ko.
Tumango naman ito sa sinagot ko. Nag-patuloy ako sa pag-pupunas ng mga litrato nang biglang may kumatok sa pinto. Si Brandon ang nag-bukas nun na dapat ay hindi na pala niya ginawa dahil si Ismael ang nakita namin.
Halata ang gulat sa mukha nito nang makita na si Brandon ang nag-bukas, hindi naman kalayuan ang sofa mula sa pinto kaya makikita mo kung sino yung tao sa labas kapag binuksan yung pinto.
And yes Ismael, bati na kami ni Brandon, gulat ka ‘no?
“Anong ginagawa mo dito?” Rinig kong tanong ni Brandon kay Ismael.
“Ikaw? gawa mo dito?”
Nag-palitan sila ng tanong na parang ewan kaya napa-irap nalang ako.
“Papasok ka ba o hindi?”
Nilapag ko ang napunasan kong mga picture sa Table tapat ng sofa kung saan ako naka-upo, after nun ay tumayo ako at kinuha ang walis para umpisahan na ang pag-lilinis.
“Mag-lilinis ka?” Tanong ni Ismael.
“Hindi ba halata?” Casual kong sagot.
Kahit isang araw ko palang nakikilala si Ismael ay magaan ang pakiramdam ko sakaniya, gaya ng sabi ko ay mukha itong mabait na tao at mayabang, ewan ko rin bakit komportable na agad ako sakaniya.
“Boring. dapat pala hindi na ako pumunta dito.” Mapang-asar na sabi nito bago umupo sa sofa at tumabi kay Brandon.
“Tulungan na kita.”
Tumayo si Brandon at inagaw sa’kin ang hawak kong walis, wala naman akong nagawa dahil hawak niya na, ang tanging nagawa ko nalang ay ang ngumiti at pagmasdan siya na mag-walis.
Bakit mo ba ginagawa sa’kin ‘to Brandon. Baka mahulog ako sayo.
Ang ending ay napilitan na tumulong si Ismael sa pag-lilinis. Nag-aasaran kaming tatlo habang ginagawa ito kaya hindi na namin namalayan ang oras.
Maya-maya ay may kumatok sa pinto, hindi pa man ako nakakahakbang ay mabilis na binuksan ito ni Ismael. tsk.
“Hansel!” Sigaw niya dun sa Lalaking pinag-buksan niya ng pinto.
Matangkad din ang Lalaki halos ka height niya sila Brandon at Ismael, maputi, katamtamang tangos ng ilong at maliit na labi, yung mukha ay seryoso lang na parang walang emosyon.
“Tutulong siya sa’tin!” sabi ni Ismael na ikana-kunot ng akin noo. Tutulong saan?
“What?” rinig kong sabi ng Lalaki.
Tinawagan pala ni Ismael ang Lalaki para may katulong sa pag-lilinis ng bahay, sobrang nakaka-hiya ang ginawa ni Ismael dahil naka-abala pa kami ng ibang tao dahil sa kalokohan niya. Hindi ko na talaga kaya ang kulit niya.
“Ah, hindi na ayos lang. kahit maupo ka nalang sa sofa, kaya na namin ‘to” Siniko ko si Ismael para bawiin ang sinabi niya pero nag-insist ito.
“Hindi ayos lang ‘yan ang kaibigan ko ay kaibigan mo na rin.” Sabi pa nito kaya napa-iling nalang ako.
Nakaka-hiya…
Kahit ayaw ay tumulong sa pag-lilinis si Hansel, kaunti nalang naman ang nilinis namin dahil mabilis natapos ang iba nung kaming tatlo palang. And now na apat na kami ay mas lalong bumilis, palagi ko ding tinitignan si Hansel kung ayos lang ba siya dahil obvious naman na hindi siya marunong ng mga bagay na ginagawa namin.
Halos tanghali ng matapos kami sa paglilinis. Pinagmasdan ko ang tatlong lalaki sa harap ko, naka-upo sila sa sofa at pagod na pagod ito, kahit paano ay napa-ngiti ako sa nakita. Sobrang saya kapag may mga kaibigan kang ganito.
Sa Manila kasi isa lang ang naging kaibigan ko at ‘yon ay si Killian, mag-kaibigan talaga kami nung una, lagi kaming magkasama sa lahat ng gala, pati sa school ay sabay kaming kumakain kaya marami ang nag-aakala na kami ni Killian, and then one day nagkita kami sa bahay nila at umamin ito sa’kin.
Gusto niya raw ako at handang ligawan kung kailangan, sobrang saya ko nung araw na ‘yun dahil matagal ko ng kilala si Killian at nung umamin siya ay natuwa ako, nag-kwento agad ako kay Lolo that time at suportado niya ako sa kung anong gusto ko, boto pa nga daw siya kay Killian that time.
Then, ayun na nga nag-hiwalay kami ni Killian at si Lolo ang una kong iniyakan, siya lang din naman kasi ang malalapitan ko nong mga panahon na ‘yon and then Lolo promised me na siya na raw ang bahalang magparamdam na importante ako, na kamahal-mahal ako at sinabi rin niya na hindi ko na kailangan humanap pa ng ibang mag-mamahal sa’kin habang nabubuhay siya, doon ako kumalma at mabilis ding naka-move on sa nangyari.
Si Lolo talaga ang definition ng Loyal, and caring boyfriend para sa’ming mga part ng LGBT.
“Anong nginingisi mo d’yan?”
Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Ismael. Mas lalo kong nilakihan ang ngiti ko na siyang ikina-ismid niya.
“Thank you.”
‘Yun lang ang sinabi ko, dahilan para mapa-ngiti ang dalawang katabi niya na si Brandon at Hansel. such a cute name!
“Welcome.”
Dahil tanghali na din ay sabay-sabay kaming kumain. Si Hansel ang sumagot ng tanghalian namin, nag-order ito at mabilis na na-deliver, nahihiya man ay hinayaan ko nalang dahil big time ‘tong si Hansel.
Sa bayan pala nagta-trabaho si Hansel, sa isang pinaka-malaking kompanya dito sa Glamir, ang kwento ay ito raw si Ismael ang nag-pasok sa kaniya dito? like really?
E mukha nga siyang mag-sasaka nung una naming pag-kikita, tapos si Ismael magkakaroon ng kampit doon sa pinaka-malaking company na ‘yun? hindi ako naniniwala.
Doon rin nabuo ang pagkakaibigan nila, labas sa usapan si Brandon dahil bata palang talaga ay magkaibigan na sila ni Ismael, sabay itong naliligo at kumakain minsan, sabay rin daw silang tinuli na siyang ikinatawa ko.
“By the way, hindi ba nag-hahanap ka ng trabaho?” Panimula ni Ismael. nag-huhugas kasi ako ng plato at silang tatlo ay naka-upo sa sofa.
“Oo.” Sagot ko.
Tumayo si Ismael at ngimisi ng nakaka-loko.
“Kung ano mang trabaho ‘yan Ismael ayoko basta galing sa’yo. Malay ko ba kung anong trabaho ‘yan baka mamaya isang araw mabalitaan niyo binaril na ako.” Exaggerated kong sabi na ikinatawa nung tatlo.
“Grabe ka sa’kin Primo, wala kabang tiwala sa’kin?” Tinaasan ko lang ito ng kilay at agad naman niya itong nakuha. Yeah! medyo wala akong tiwala sa kaniya dahil sa mga kalokohan niya.
“I’ll ask Dad nalang mamaya pag-uwi ko. May Cellphone ka naman siguro di’ba?” Tinanguan ko lang ito.
Bahala ka sa buhay mo, hindi talaga ako interesado pag-dating sa kaniya, pero umaasa parin ako na kahit maloko at makulit si Ismael ay totoo ang sinasabi niya, hindi ko rin kasi alam paano uumpisahan ang pag-hahanap ng trahaho, hindi ko nga alam papunta sa bayan e.
Mabilis lumipas ang oras na mag-kasama kaming apat. After namin kumain ng tanghalian ay hindi agad umalis si Hansel at Ismael, nag stay sila at nakipag-kulitan.
Si Brandon ay ganon din nakikipag-tawanan sa kanila, sobrang saya niya at napaka gwapong tignan habang naka ngiti.
Ito ako ngayon tulala habang tinitignan siya. Ang pwesto kasi namin ay silang tatlo sa sofa tapos meron pang isang maliit na upuan kasama rin ng sofa sa harapan nila kaya kita ko parin silang tatlo. Wala naman siyang kamalay-malay na tinitignan ko siya dahil hinaharot siya ni Ismael, sobrang kalog kaya pati si Brandon na tahimik ay nahawa sa kanila si Hansel naman ay still parang wala paring reaksyon, hindi siya mahilig magpakita ng emosyon niya pero nakikipagtawanan din naman siya sa dalawa.
Maya-maya pa ay biglang tumigil sa pag-tawa ang tatlo, natauhan nalang ako nang makitang nakatingin na rin sa’kin si Brandon na may pagtataka sa mukha.
“Uy, tinitignan niya sa Brandon!” Pang aasar ni Ismael kaya agad akong umayos ng upo at nilayo ang tingin kay Brandon.
Parang sasabog ang puso ko sa hiya, bigla din uminit ang mukha ko lalo na nung tignan ako ni Brandon.
“Hala namumula siya!” Dagdag ni Ismael.
Mas lalo akong namula dahil do’n, wala akong magawa kun’di hayaan silang asarin ako hanggang sa muling magtama ang tingin ko kay Brandon.
At ito na nga po, hindi ko na napigilan yung puso ko at mas naging doble ang kabog dahil nakatingin sakin si Brandon habang naka ngiti.
“B-bibili lang ako Meryenda.”
Chapter 5
Glamir Series 1: BRANDON
Mabilis akong tumayo at lumabas ng bahay dahil sa hiya. Pag-labas ko ay agad akong nag-libot upang maghanap ng pwede kong bilhin.
Ang ending ay kila Ate Amy ako pumunta. Konti lang kasi ang nag-titindi dito sa sa’min, halos layo layo ang pagitan ng bawat bahay, tanging bahay lang ni Lolo at bahay nila Brandon ang magka-lapit ang iba ay sobrang layo ng pagitan.
Sila Ate Amy ay nagtitinda ng mga luto sa buko, like Buko pie mga palamig na gawa rin sa buko, naalala ko nung isang araw lang kami nagkita ni Brandon dahil sa buko na ‘yan.
Let say sila Ate Amy ay may kaya kumapara sa iba, may sarili itong tindahan ng niluluto niyang mga buko pie, at meron ding hiwalay na tindahan ng sari-sari store.
“Hi Primo! anong bibilhin mo?” Tanong ni Ate Amy
Bumili lang ako ng limang buko pie at dalawang bote ng malaking softdrinks, pwede na siguro ‘to laman tiyan.
Umalis din agad ako sa tindahan ni Ate Amy pagtapos ko bumili nginitian pa ako nito bago tuluyang umalis.
Ilang hakbang palang ang nagagawa ko nang biglang may humarurot na dalawang motor sa aking likod, muntik ko pang mabitawan ang dalang pagkain.
Ang malas ko talaga sa kalsada, siguro sa susunod h’wag nalang ako lumabas. Baka mamatay ako ng hindi pa natataniman ni Brandon. Estes nakikilala.
“Bwisit, akala mo kung sinong may ari ng lupa kung mag-patakbo.” Singhal ko bago ipinag-patuloy ang pag-lalakad hanggang sa matanaw ko ang bahay ni Lolo.
Dahil sa pag-lilinis na ginawa namin ay mas lalong gumanda ang lumang bahay ni Lolo, akalain mo ‘yon. Mapapa-ganda ko pa pala ang naiwan ni Lolo .
‘Yung dating naninilaw na kulay ng labas ng bahay ni Lolo ay medyo pumuti dahil nilinisan namin ito, ‘yung paligid din na nung unang dati ko ay puno ng mga bulok na dahon ay wala na rin kaya tanaw mo ang lawak ng bakuran ni Lolo.
Nang malapit na ako ay bigla akong napa-hinto nang may mapansin akong dalawang big bike na motor, naka-parada sa tapat mismo ng bahay ni Lolo, parang ito ‘yung dalawang motor kanina.
‘Yung motor na muntik na akong patayin. Grabe, ang liit nga naman ng mundo. Pwede ko naman siguro silang sapakin hindi ba? At teka…anong ginagawa nila dito sa bahay?
Bwisit na Ismael talaga!
Mabilis kong nilakad ang bahay at mabilis kong binuksan ang pinto.
Una kong nakita ay ang dalawang Lalaki na matangkad at naka-talikod sa’kin. Nang mapansin nilang nandito na ako at naka-titig sa kanila ay sabay silang humarap sa’kin.
Laking gulat ko nang makita ang kanilang mukha.
Kambal sila?
Mas lumapit pa ako para tignan kung tama ba ako, sa malapitan ay mas lalo lang akong naduduling sa dalawa.
Parang wala naman silang pinagka-iba sa isa’t-isa. Ano ba talagang nangyayari?
“Laway mo Primo.”
Awtomatikong napa-punas ako sa aking labi dahil sa sinabi ni Ismael. Narinig ko silang tumawa maging si Brandon dahil sa ginawa ko.
“Nag-papasok ka nanaman?” bulong kong sabi nang maka-lapit ako kay Ismael.
“By the way, this is Vistro at Victor. As you can see, kambal sila.” pakilala ni Ismael kaya nginitian ako nung dalawa.
The hek! Pati ngiti pareho, ano bang magka-iba sa kanila? Sukat ng---Ano ba ‘tong iniisip ko? Nakaka-hiya na.
“Welcome!” wala akong ibang nasa kun’di ayon lang.
“Pero sa susunod, h’wag kayong mabilis mag-paandar ng motor, alam niyo bang muntik ko ng mabitawan ‘tong bitbit ko sa bilis niyo kanina?” napa-kamot ang dalawa sa batok.
“Sorry, hindi na mauulit.” sabi nung isa na sa tingin ko ay si Victor. “We’re Doctor. Mahalaga ang bawat oras, bawal ang pabagal-bagal.” dagdag niya na nagpa-nganga sa’kin.
“Doctors?”
Big time talaga mga kaibigan ni Ismael. Yayamanin, nahiya naman kami ni Brandon. Speaking of, bakit ang tahimik niya?
“Kumain na tayo, gutom na ako.”
Doon ay hinanap ng mata ko si Brandon. Nag-tama ang aming mata dahil sa’kin din pala ito naka-tingin, napa-kunot nalang ako ng noo nang makita itong ngumiwi bago tumayo.
“Tara.” sabi niya.
“Primo, ikaw nalang pala ang hindi nakaka-kilala sa Kambal, kasi kami ni Brando ay kababata sila.” tumango lang ako sa sinabi ni Ismael.
Pumunta ako sa kusina para ikuha sila ng baso. Sa tingin ko hindi kasiya sa’min ang mga binili ko.
“Sa tingin ko kulang ‘yung mga binili ko. Lalabas nalang muna ako para dagdagan---”
“Sasama nalang ako.” sabat ni Brandon.
“Sige, ‘yung masarap naman na tinapay. Ikaw na bahala pare ah, alam mo naman mga gusto namin e,” may hinagis na pitaka si Ismael kay Brandon na nasalo naman nito. Anong pinagsasabi niyang tinapay e buko pie yan, merong harina pero hindi naman totally na tinapay ‘yun.
Lumabas kami at iniwan sila. Ang awkward kasi kanina lang nahuli nila akong tinititigan siya tapos ngayon magkasama kami.
“Bakit hindi ka nalang nag-stay dun?” simula ko.
“Ayoko, kung ano-ano lang pag-uusapan nila, kilala ko ang mga ‘yon.”
“mag-kababata pala kayo, pati ‘yung kambal? Mabuti at nag-kikita pa kayo?”
At ginawa __ niyong meet-up place ‘yung bahay ni Lolo.
“Mabuti nga e, minsan lang naman kasi. Tsaka matagal na nung huli kaming nag-sama.” tumango lang ako sa sinagot nito.
Narating namin ang tindahan, hindi kami kila Ate Amy bumili dahil tinapay ang gusto ni Ismael, napaka-arte talaga. Binili na ni Brandon ang mga gusto daw nila Ismael gamit ang pitaka na binato niya.
Kung titignan si Brandon para siyang iba sa kanila. ‘yung kambal mukha palang halatang playboy na, si Ismael naman ay maloko at si Hansel…hindi ko alam, wala naman kasing emosyon ‘yung Lalaki ‘yun.
Gwapo ang kambal na nakita ko kanina, maganda rin ang katawan nila, hindi nga lang kasing ganda ng kay Brandon pero masasabi kong, marami ang Babaeng magka-kagusto sa kanila kahit gano’n lang.
“Bakla! Primo!” halos tumalon ang puso ko dahil sa gulat at sigaw mula sa likod namin. Babae ito at sobrang tining ng boses niya.
Sabay naming nilingon ni Brandon ang Babaeng ‘yon. May ngiti ito sa labi at halos kuminang ang kaniyang mata habang tumatakbong naka-tingin sa’kin.
“Ikaw nga!”
Ako nga ?
Nang maka-lapit sa’kin ay agad akong sinungaban ng yakap, sobrang higpit nito na parang hindi na ako maka-hinga dahil sa higpit.
Sino ba ‘to? Bakit kilala at niyayakap niya ako? Hindi naman siya mukhang baliw.
Napa-tingin ako kay Brandon habang naka-yakap sa’kin ang Babae, pero tinignan lang din niya ako na parang walang pake.
“Kailan kapa bumalik? Bakit hindi mo agad sinabi sa’kin na bumalik kana pala, mag-tatampo nanaman ako sayo niya’n.” anito.
Kumunot ang noo ko dito, hindi ko nga siya kilala bakit ko naman sasabihin na dumating na ako? At pake ko kung mag-tampo siya sino ba kasi siya?
“Hi-hindi kita kilala.” natigilan ito sa sinabi ko.
“Ikaw naman…” hinampas nito ng mahina ang aking braso. “Prank ba ‘to? Paano mo ako hindi nakikilala e kasama mo nga si Brandon?” Dagdag niya kaya napa-tingin naman ako sa Lalaking katabi ko.
Mag-salita ka naman Brandon, wala akong idea sa sinasabi at kung sino ang Babaeng nasa harap ko.
“Wendi, sa tingin ko kailangan natin mag-usap.”
Hinagit ni Brandon ang braso nung Babae, bahagya silang lumayo sa’kin kaya hindi ko marinig ang pinag-usapan nila. Nanatili lang akong nakatayo sa gilid ng kalsada habang inaantay sila.
Ilang minuto ang lumipas na pag-hihintay ko ay bumalik na silang dalawa, kunot ang noo nung Babae na tinawag ni Brandon na Wendi?
“Naiintindihan ko na. Sorry, parang kasalanan namin ang nangyari sayo.” Paumanhin nito. Hindi ko naman alam ang sinasabi niya.
“Pe-pero, paano mo naman nalaman na ako ‘yung…alam mo na, sinasabi mong kaibigan mo nung mga bata pa kay—tayo i mean.” tanong ko.
“Well, nakita ko kasi si Brandon. So naisip kita.”
Sabay kaming napa-ngiwi ni Brandon sa sinagot nung Babae.
“Biro lang! Alam ko kasing walang ibang kasama si Brandon bukod sa kambal at kay Ismael. Tapos nung nakita ko kayo, nakakapag-taka kasi ibang mukha ang nakita ko, so ayon na nga, inisip kong ikaw ‘yon. I miss you!” muli itong yumakap sa’kin.
“Ah, speaking of kambal at Ismael, nasa bahay sila ni Lolo.” Sabi ko at bumitaw sa yakap niya. Awkward naman kasi.
“Talaga ba! Ang ganda naman ng araw na ‘to! Tara sasama ako.”
Dahil kay Wendi ay nabawasan ang pagka-awkward na nararamdaman ko kay Brandon. Ang dami niya kasing kwento, tapos puro siya tanong.
Nag-kwemto rin ito kung paano kami nagka-kilala at naging matalik na magkaibigan, tapos pati nung umalis ako ay nag-kwento parin siya kung paano sila nag-antay ng matagal sa tapat ng bahay ni Lolo nung umalis ako.
Sila pala ni Brandon ang sinasabi ni Lolong mga kaibigan ko na nag-tampo sa’kin at naging dahilan ng trauma ko, panay sorry si Wendi dahil do’n pero sabi ko ay wala na ‘yon.
“Alam ni Brandon na bakla ka, h’wag mo nang itago---”
Hindi niya natapos ang binubulong sa’kin nang sumingit si Brandon.
“Naririnig kita Wendi.”
Napa-hagikgik lang kami dahil sa mukha ni Brandon na parang asar na asar, hindi ko mapigilan ang mapa-ngiti dahil sa Babaeng kasama ko.
Parang siya ‘yung nag-bigay buhay sa’kin na may pag-asa kami ni Brandon. Ayokong umasa ulit pero umaasa nanaman ako.
Narating namin ang bahay ni Lolo, agad tumakbo si Wendi at sinalubong si Ismael at ang Kambal.
“Na miss ko kayong lahat! Ang ganda ng reunion nating ito.” ani Wendi habang yakap ang tatlo.
“Wendi, kaka-kita lang natin kanina.” ani nung isa sa mga kambal.
“Sorry, na-excite lang bumalik na kasi sa’tin si Primo.” ani Wendi.
Dahil mas nadagdagan kami ay sobrang ingay at saya namin. Maging ako nag-enjoy na kasama sila, kahit unang beses ko palang nakita ang iba ay parang komportable na ako sa kanila.
Lolo tignan mo kami, masaya kami dito sa bahay mo… akala ko hindi na ulit sisigla ang bahay mo Lolo pero look, ang dami kong mga kaibigan na nagpapasaya sa’kin.
Thank you Lolo!
Masaya dahil kahit wala akong maalala tungkol sa pinag-samahan naming lahat ay ang gaan parin ng loob ko sa kanila. Siguro nga isip lang ang hindi maka-kilala sa kanila, pero ang puso ko ay hindi sila nakalimutan. Lalo na ang Lalaking katabi ko.
Brandon
Parang sobrang dami naming pinagsamahan, kaya sobrang gaan na ng loob ko unang kita palang namin, sa sobrang gaan ay wala sa sarili kong nabanggit ang pangalan ni Brandon nung una naming kita.
At sana kung ano man ang alaalang nawala sa’kin noon ay bumalik na, gusto kong maalala lahat ng pinagsamahan namin, mga alaala na hanggang ngayon ay umaasa parin akong maibabalik kasama sila.
Chapter 6
Glamir Series 1: BRANDON
Tatlong linggo na ang nakalipas, 3 weeks as in. Sobrang saya ko sa loob ng tatlong linggong iyon. Marami ang nangyayari sa bawat araw ng linggo na ‘yon.
Sa bawat araw na ‘yon ay mas nakilala ko sila. Lahat sila, marami na rin ang pinag-samahan namin lalo na si Brandon, madalas kasi itong pumupunta sa bahay para kamustahin ako.
Si Brandon ‘yung tao na, hindi pababayaan ang mga kaibigan niya, saksi ako sa loob ng ilang linggo naming pag-sasama, kahit si Ismael na sobrang kulit ay sinasahan ni Brandon sa mga kalokohan.
Sa loob ng tatlong linggo na ring ‘yon ay naka-hanap na ako ng trabaho finally! Syempre sa tulong parin ni Ismael na parang gamay na ang bayan ng Glamir at sobrang daming kapit.
Siya ang nag-pasok sa’kin sa kompanya kung saan siya ang future C.E.O, sobrang big time niya. At ang kambal na lately ko lang nakilala ay may sarili palang Hospital.
Fenner Hospital ang pangalan. Sobrang big time ng mga kaibigan ko ngayon.
So balik tayo kay Ismael.
Mabait sila sa’kin, lalo na ang Papa ni Ismael, lagi ko kasing nakikita ‘yun dahil siya ang currently C.E.O, palagi akong pinapatawag at inaaya na sabay daw kami kumain, nag-seselos na nga sa’kin si Ismael dahil parang ako pa raw ang anak kesa sa kaniya, hindi ako nakaka-ramdam ng pagka-ilang sa kanila dahil mga friendly naman sila.
“Primo, pwede mo ba itong i-xerox lahat? Kailangan kasi mamaya sa meeting kasama ang CEO.” tumango at kinuha ko ang papel na binigay niya sa’kin.
“Sige.”
Madalas akong utusan dito, hindi naman mabibigat na trabaho sakto lang. Kaya nga nag-tataka ako bakit hindi nila ako inuutusan ng mabibigat na bagay. Weird, wala naman akong posisyon sa kompanyang ito.
“Salamat.”
Sandaling minuto lang ay natapos ko na ang pag-xerox, bumalik na ako sa desk ko para ayusin ito.
Alam ko kasing pag-tapos ma-xerox ng mga papel ay pinag-sasama nila ito at kailangan naka-stapler lahat. So ako na ang mag-kukusa.
“Hindi mo na dapat ginawa ‘yan, trabaho ko ‘yan e.”
Biglang sumulpot sa likod ko ang ka-trabaho ko. Ayos lang naman sa’kin na gawin ito lalo na at wala naman akong ginagawa, trainee palang kasi ako dito dahil ilang araw palang ng mag-simula ako.
“Ayos lang, ako na rin ang mag-dadala nito sa meeting room. Maupo ka nalang.” ngumiti ito sa’kin bago bumalik sa kaniyang desk. Sobrang bait din niya sa’kin.
Nung unang araw ko ay siya ang unang nakipag-usap sa’kin, mabilis ko naman siyang naka-sundo dahil may pagkaka-pareho ang ilang bagay naming gusto.
Hawak ang mga papel ay nag-lakad ako papunta sa meeting room na paniguradong marami nang employee.
“Excuse me. Ito na po ‘yung mga papel.” kumatok ako ng dalawang beses bago buksan ang pinto.
Bumungad agad sa’kin ang naka-americanang si Ismael, pormal na naka-tayo sa harap ng mga taong matataas ang katungkulan dito.
Dito mo lang talaga malalaman ang pagkakaiba ng Ismael na kilala ko at Ismael na C.E.O ng company.
“Distribute mo na sa kanila.”
Tumango ako.
Isa-isa kong binigay sa mga taong kasama sa meeting ang papel, sabihin na nating sales plan or business plan kahit ano pang may kinalaman sa business, agad naman nila itong kinuha at kita ko na agad ang pag-apruba sa mukha nila.
Nang matapos ay agad din akong nag-lakad palabas nang saktong bumukas ang pinto. Pumasok ang Papa ni Ismael si Tito Prim, nakaka-tuwa nga at halos kapangalan ko na siya kulang nalang ng Letter O.
“Magandang hapon po.” pag-bati ko. Ngumiti naman ito sa’kin at bahagyang tinapik ang balikat ko. Napaka-bait talaga niya, ewan ko ba kung bakit iba ang ugali ni Ismael sa Papa niya, mabait din naman si Ismael pero sobrang maloko.
Sa pag-labas ko ng meeting room ay parang may kung anong tumusok sa dibdib ko. Gusto kong umiyak pero mag-mumukha lang akong baliw nito.
Masyado lang siguro akong nainggit para kay Ismael. Dahil siya kasama niya na ang Papa niya simula bata palang siya, ako hindi ko man lang nakilala ang tunay kong Ama. Hindi ko nga din alam mukha niya e.
Pero habang tumatagal ay mas lalong dumadami ang tanong ko sa kaniya. Bakit niya ako iniwan kay Mama? Pero alam ko patay na siya bago pa sabihin ni Mama ang mga bagay na ginawa sa’min ni Papa, gaya ng pagkakaroon niya ng anak sa ibang babae.
Ang daming bakit na sa tingin ko ay madadala ko hanggang sa aking hukay.
“Anong ginagawa mo dito?”
Diretso akong napa-tayo nang makilala ang boses. Si Victor isa sa kambal. Ako nga dapat ang nag-tatanong niya’n e.
“Ikaw, anong ginagawa mo dito?” Tanong ko pabalik.
Nag-kibit balikat ito.
“Mag-babanyo?”
Pilosopo talaga.
“Ewan ko sayo.”
Nilagpasan ko ito at bumalik na sa desk ko. Kahit kailan talaga ang kambal na ‘yon sa’kit sa ulo. Sila lang talaga ang nagiging dahilan kung bakit ako high blood lagi, idagdag mo pa si Ismael.
“Guys, mauna na ako. Kita nalang tayo sa Monday.” nag-paalam ang isa sa mga ka-trabaho ko. Friday na!
Napa-tingin naman ako sa wrist watch ko. Tapos na pala ang oras ng trabaho. Uwian time na.
“Mauna narin ako, h’wag kayo masyadong mag-pagod.” paalam naman ni Jacob.
“Ako din, sasabay na ako sayo.”
Inayos ko ang mga gamit ko at mabilis na sumabay kay Jacob palabas. Tahimik lang kaming nag-lakad palabas.
“Saan punta mo? Uuwi kana ba agad?” Tanong nito.
“Siguro, bakit manlilibre kaba?” siniko ko ang tagiliran niya at tinaas-baba ang dalawang kilay.
“D’yan ka magaling! Ikaw nga madaming pera ayaw mo manlibre.” napa-nguso ako sa sinabi niya. Wala nga akong pera ngayon e.
Binayad ko na sa tubig ang pera ko, tapos binayaran ko pa si Brandon para sa kuryente. May naitabi naman ako pero para sa’kin ‘yun at hindi sa luho ko.
Nagpakabit na din kasi ako ng tubig, pinahiram ako ni Ismael ng pera at bayaran ko nalang raw pag-sahod ko, pumayag naman ko para hindi na mahirapan si Brandon na mag-igib ng tubig para sa’kin.
“Libre mo nalang ak---”
Natigil ako nang may tumawag sa’kin.
“Primo?”
Nilingon ko ito at laking gulat ko nang makita si Brandon.
Naka-suot ito ng puting polo shirt na sobrang hapit sa kaniya kaya bumabakat ang mga pandesal niya. Pinaresan niya ito ng Denim pants na medyo hapit din sa kaniya. Rinig ko kung paano siya pag-usapan ng mga babaeng nakakita sa kaniya,
Wal sa sariling napa-tingin ako sa ibabang bahagi nito, ang laki ng umbok. Baka may maka-kitang ibang Babae sa kaniya, anong ginagawa niya dito? Mamaya landiin pa siya dito.
“Brandon…”
Napa-bitaw ako ng hawak kay Jacob nang makitang dito naka-tingin si Brandon.
Selos naman agad siya. Ayaw pa kasing manligaw.
“Wala, pupuntahan ko lang sana si Ismael.” sagot nito bago tignan si Jacob. Nag-titigan lang sila na parang nagsasagutan na rin sa pamamagitan nito.
“Ah, si Jacob pala, kasamahan ko sa trabaho. Jacob si Brandon, ka-kaibigan ko.”
May ngisi sa labi ni Jacob nang makipag-kamay siya kay Brandon, habang si Brandon naman ay seryoso at kunot ang noong nakipag-kamay kay Jacob.
“Mauna na kami, kakain pa kami nitong si Primo e.” Mapang-asar na sabi ni Jacob kaya mas lalong napa-kunot ang noo ni Brandon kaya lalo itong pumogi!
“Sige, ingat kayo. Enjoy.”
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Parang may sakit sa pag-sasalita ni Brandon, siguro nag-seselos talaga siya.
Grabe ang pagka-delulu ko!
Tumango si Jacob sa kaniya kaya diretso ng pumasok si Brandon sa building. Napa-simangot nalang ako habang pinapanood si Brandon na papalayo sa’min.
“Crush mo ‘yon?”
“Hindi.”
“Halata naman e.”
Siniko ko ito dahil sa sinabi niya.
“Hindi ko siya Crush…” mahal ko kasi siya.
Gusto ko sanang sabihin kaso baka biglang tumawa si Jacob. Alam kong may pagka-baliw din ang isang ‘to.
“Deny mo pa, ayos lang hindi naman halata.”
Hindi na ako sumagot hanggang sa makarating kami sa pinaka-malapit na Café sa building.
Kumain kami ni Jacob at minsan ay nag-kwentuhan. Konti lang naman ang sinabi ko tungkol sa’kin kasi baka may ipang-asar nanaman ito sa’kin.
Lumipas ang ilang minuto nang matapos kami. Palabas na kami nang saktong pumasok ang tatlo.
Si Ismael, Brandon at Victor. Natigilan tuloy kami sa pag-labas lalo na nang sabay-sabay lumingon sa’min ang Tatlo.
Kainis. Bakit dito pa sila pumunta.
“Primo? May ka-date kana?” pag-bibiro ni Victor.
Inirapan ko lang siya.
“Mauna na kami, enjoy nalang kayo.”
Hinatak ko na palabas si Jacob kaya naka-hinga ako ng maluwag.
“Siguro kailangan mo ng mauna. Kasabay ko kasing umuwi ‘yung tatlong ‘yun kanina.” tumango lang siya at bahagyang tinapik ang ulo ko.
Ginagawa niya talaga akong aso.
“Sige, mag-ingat ka.”
Nasa tapat parin ako ng Café nang lumabas si Brandon.
“Brandon.” tawag ko.
Lumingon naman ito at halata ang gulat nang makita ako. Lumapit siya sa’kin nang maka-recover.
“Bakit nandito ka pa? Hindi kapa umuwi?” tanong nito.
“Wala akong kasabay e, kaya naisip kong sumabay nalang sa inyo, tutal nandito naman na kayo.”
“Hindi na kailangan, nauna na ako. Maiiwan ang dalawa dito. Kung gusto mo sabay nalang tayo umuwi.” Tumango ko at ngumiti.
Sabay at magka-tabi kaming nag-lakad sa gilid ng kalsada, madalas ang pag-dikit ng aming balat na siyang nag-bibigay sa’kin ng kiliti at parang may kung anong kuryente ang dumadaloy sa’kin kapag nag-lalapat ang aming balat.
“Anong meron sa inyo nung kasama mo?” biglang tanong ni Brandon.
Hindi ko nagawang sagutin ang tanong niya. Gusto ko kasi siyang pag-selosin, habang hindi ako sumasagot ay mas lalong nabubuo sa isip niya na may relasyon talaga kami ni Jacob.
Si Jacob ay kaibigan ko, kaibigan talaga, wala akong gusto sa kaniya at hindi ko siya magugustuhan, hindi tulad ni Brandon na…
“hmmm…”
“Siguro meron kayong relasyon.” dagdag niya.
“Bakit mo naman natanong ‘yun? At paano mo naman nasabing may relasyon kami.”
“So wala kayong relasyon.”
“Sinabi ko ba?”
Napa-ngiti nalang ako nang makita ang reaksyon ni Brandon. Bakit sobrang gwapo parin niya kahit galit na siya. Unfair talaga ng mundo.
“Ayoko sa kaniya…” napa-tingin ako sa kaniya nang mag-salita ito. Ramdam ko na parang binabalaan niya ako.
“Mukhang hindi mapagkakatiwalaan.” Dagdag niya.
“Hindi namang ganong tao si Jacob, mabait siya sa’kin tsaka lagi niya akong nililibre.” Ngumiti ako after kong sabihin ‘yun. Nakita ko kung pano mag-igting ang panga ni Brandon kaya napa lunok ako.
“H’wag ka basta magtitiwala. Kung pwede nga kami lang sana nila Ismael ang kilalanin mo. Ako.”
Napatigil ako sa sinabi niya. Nagulat nalang ito sa ginawa ko.
“Anong ibig mong sabihin?”
Ngumiti ito bigla kaya parang nanghina ang tuhod ko at mas lalong bimilis ang tibok ng puso ko ng guluhin niya ang buhok ko.
“Kilalanin mo muna ako bago ka kumilala ng ibang Lalaki.”
Chapter 7
Glamir Series 1: BRANDON
Sabado ngayon at walang pasok.
Si Ismael ay inaya kami na uminom sa bahay nila kaya pumayag naman agad kami, sinabi ko rin na mag-sasama ako ng kaibigan.
Pag-labas ko sa bahay ay sumalubong sa’kin si Brandon, naka-ngiti ito kaya parang natunaw ako at nanghina ang mga tuhod.
Tama na ang mixed signal Brandon.
Pagtapos ko masigurado na naka-lock ang bahay ay lumapit ako sakaniya. Sabay kasi kaming pupunta sa bahay ni Ismael which is malapit sa bayan.
“Tara na?”
Tipid akong ngumiti bago sumunod sa kaniya.
Simpleng Blue shirt at Short lang ang suot niya pero ang lakas na ng dating niya. Hindi ko tuloy makalimutan nung pumunta siya sa building namin, sobrang hot niya sa suot niya.
Sa gitna ng pag-lalakad ay biglang may nag text sa’kin.
Ismael Loko:
Nandito na ‘yung kambal at Hansel, san kayo?
Me:
Malapit na.
Pinatay ko na ang phone ko para sabihin kay Brandon na bilisan namin. Sinabi ko na malapit na kami kahit kaalis palang namin sa bahay. mga Filipino talaga.
Hindi naman naging matagal ang naging biyahe namin. mabilis kaming naka-punta malapit sa bayan, kasabay na rin namin si Jacob dahil siya ang sinasabi ko na isasama ko.
Tumigil kami sa isang napakalaking bahay. Napa-nganga ako sa nakita.
“Ito ba talaga ‘yung bahay ni Ismael?” Manghang tanong ko.
“Oo.” Sagot nung dalawa.
Pag-pasok namin ay doon ko mas nakita ang kabuoan ng bahay. Sobrang laki niya talaga.
Kulay puti at ginto ang kulay nito, may malaking front door sa unahan na akala mo ay parang sa mga simbahan. May nakaparada din na iba’t-ibang klase ng mamahaling sasakyan at syempre ang mahal na big bike ng kambal.
Nang tuluyan kaming maka pasok ay may sumalubong sa’min na isang babae. Maid.
“Sir sa Rooftop daw po kayo dumiretso sabi ni Sir Ismael.” Ani ng babae na agad naman naming sinunod.
Simple lang ang disenyo ng bahay nila pero yung gamit sobrang mahal tignan, ‘yung chandelier na sobrang laki at kumikinang palang hindi na kinaya ng kaluluwa ko.
“Grabe sobrang ganda…” Hindi parin maalis sa’kin ang pagka-mangha habang paakyat kami sa hagdanan.
Nakarating kami sa Rooftop at nakita ko ang kambal nagpi-picture, habang si Ismael ay nag-iihaw ng barbeque at si Hansel ay naka-upo lang may binabasa na magazine.
“Primo!”
Hindi ko napansin si Tito Prim na nandito rin pala, agad akong lumapit at binigyan ito ng yakap. Kahit sobrang ingit ko kay Ismael ay masaya parin ako dahil kahit paano ay nararamdaman ko kay Tito Prim ang hindi naiparamdam sa’kin ni Papa.
“Tito nandito rin po pala kayo.”
Napansin kong lumapit si Brandon kay Ismael at tinulungan ito, si Jacob ay umupo katabi ni Hansel na hindi ito binigyan ng pansin.
“Mabuti at naisipan niyong dumalaw dito, namiss ko kayong mga bata kayo!” Ani Tito Prim na halata mo sa mata sa kasiyahan.
Masaya naman talaga ako na magkakasama kami, lalo pa’t nagiging malalim na rin ang pinagsasamahan namin bilang magkakaibigan.
“Di’ba sabi ko sayo Primo dadalhin kita dito kapag ipapakilala na kita sa Dad ko.” Nag-tawanan silang lahat sa sinabi ni Ismael na siyang ikina-init ng mukha ko.
Nakaka-inis talaga ‘to, alam niya paano sirain ang magandang araw.
“Tama na ang kalokohan Ismael, Kumain na kayo at may gagawin pa ako.”
Nagpaalam sa’min si Tito dahil may aayusin pa raw ito sa office niya. Ako naman ay agad na nilapitan si Ismael at binigyan ng malakas na batok dahil sa sinabi niya, pero tumawa lang ito.
Tuloy parin sa pag-ihaw ng barbeque silang dalawa ni Brandon, ako naman ay tumabi kay Jacob matapos batiin si Hansel na ngiti lang sinagot sa’kin.
Maya-maya ay lumapit na sa’min ang kambal.
“Anong relasyon niyo?” Prangkang tanong ng isa sa kambal. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang nag-tanong dahil hanggang ngayon ay nalilito parin ako sa kanilang dalawa.
Parehas pa silang naka-suot ng kulay light blue na long sleeve polo at black slacks na bumagay naman sa maputi nilang balat.
“Kaibigan.” Simpleng sagot ko. Tumango naman si Jacob sa sagot ko.
After nun ay tinignan ko si Brandon, naka-tingin lang ito sa’kin at walang expression ang mukha niya. Ano nanaman bang nagawa ko? galit ba siya?
Natapos na lutuin nila Ismael ang Barbeque. Hindi lang ito ang handa dahil marami pa.
Nasa rooftop kami at may isang mahabang lamesa doon, may upuan na sobra pa saamin, tapos sa lamesa ay naka-hain ang iba’t-ibang pagkain bukod sa barbeque, merong carbonara, fried chicken mga inuman na hindi mawawala ang alak, meron ding mga dessert gaya ng leche flan at ilang malalagkit.
Inumpisahan na namin ang pagkain, katabi ko si Brandon at sa isang gilid ko ay isa sa kambal, katabi naman ni Ismael si Jacob at isa rin sa mga kambal tapos nun ay si Hansel na.
Syempre hindi ko nakalimutan na dalhan si Tito ng pagkain, ginawa ko ito bago kami kumain.
“Paki abot nga nun!” Turo ni Ismael sa Carbonara.
“Paabot nun!” Tinuro ng isa sa kambal ang Lumpiang shanghai gamit ang nguso, so cute.
“Paabot nun.” Si Jacob naman pinaabot ‘yung Juice sa tabi ko.
“Pakakainin niyo ba si Primo o magpapa-abot nalang kayo?” Nagulat ako sa pagsasalita ni Brandon. Hindi naman ito galit or what pero ramdam mo na may pinapatamaan kaya humagikgik yung apat maliban kay Hansel.
“Sorry boss.” Birong sagot ni Ismael.
Tinawanan ko lang sila at sumubo na rin ako ng akin. Nilagyan kasi ako ni Brandon ng carbonara, tatlong pirasong shanghai at isang basong juice, yeah! siya lahat ang nag-lagay nun sa’kin dahil panay nga ang paabot ng mga kasama namin.
“Ang sarap, nabusog ako.”
Napahawak nalang ako sa tiyan nang maramdaman na parang hindi ko na kaya dahil sa sobrang busog.
Nandito kami ngayon sa living room nila Ismael na obviously sobrang laki para sa’min.
“Sana laging may ganto.” Ani Jacob.
May dalawang sofa na magkaharap, kaharap ko sila Jacob, Ismael at Hansel. tapos syempre papahuli ba ako? katabi ko si Brandon at isa nanaman sa kambal, yung isa naman ay nasa gitna ng dalawang sofang magka-harap.
“Nabusog ba kayo?”
Nakita ko si Tito na pababa sa hagdan, naka-ngiti ito at sa’kin naka tingin. Naka-ngiti din akong tumango sa kaniya bilang sagot na sobrang nabusog ako.
“Mabuti naman. sa susunod dito na kayo matulog para naman mahaba ang pag-sasama natin.” Sunod na sabi ni Tito ng makababa ito ng hagdanan.
“Yes Tito, itong si Ismael lang naman ang madamot kesyo, busy raw siya.” Sagot ng isa sa kambal.
‘wag niyo na akong tanungin kung sino dahil nalilito talaga ako sa dalawa, minsan ko lang naman sila makita dahil lagi silang may duty.
Lumipas ang oras, nag-kwentuhan kami, nag-tawanan at nag-biruan. Masaya kaming inaasar ang isa’t-isa kaya kahit naiinis ay pinipili ko nalang tumawa rin para hindi masira ang mood.
Nang maramdaman ko na naiihi ako ay nagpaalam ako saglit sa kanila. pumunta ako sa bathroom at tinignan ang sarili sa salamin.
Lolo, unti-unti nakong sumasaya, unti-unti nakong bumubuo ng panibagong memories kasama ang mga dati kong kaibigan. Sana masaya kana dyan dahil masaya na ako rito.
Ngumiti ako sa salamin bago lumabas. Laking gulat ko ng maka-salubong ko si Brandon at Jacob, parehas kaming nagulat.
“Brandon may crush sayo si Primo.”
Nagulat ako sa biglang sabi ni Jacob bago ito pumasok ng tuluyan sa bathroom. nakaka-inis, anong trip ng lalaking ‘to.
“Ah, ‘wag ka maniwala dyan ano…” Napakamot ako sa batok ko dahil sa hiya, umiwas din ako ng tingin dito. “d-di ‘yon totoo.” Kahit totoo naman.
“Wala ‘yun sa’kin walang problema pero babae kasi gusto ko.”
Parang may kung anong tumusok sa puso ko ng sabihin niya ‘yun, yung ngiti sa mukha ko ay mabilis na naglaho. Ang sakit.
Parang pinamukha niya sa’kin na hindi niya ako magugustuhan at babae talaga ang gusto niya, sobrang sakit.
mapait akong ngumiti dito at naglakad palayo. hindi pa man ako naka layo ay hinabol niya ako at hinawakan ang braso.
“J-joke lang!”
Nagpintig ang tenga ko sa sinabi niya.
Nasaktan na ako dahil pinamukha niya sa’king dahil sa kasarian ko ay hindi niya ako magugustuhan, tapos hahabulin niya ako at sasabihin na joke lang? gago ba siya.
Hindi ko na napigilan ang lumuha, nagulat si Brandon sa bigla kong pag-iyak at parang nataranta ito.
“Sa tingin mo ba hindi masakit ‘yung sinabi mo? pinamukha mo sa’kin ‘yung kasarian ko!”
“Hindi…”
Hindi nito natuloy ang sasabihin
“Oo, crush kita. pero dahil sa sinabi mo sinaktan mo ako, hindi ko naman hinihiling na magustuhan mo rin ako pero sana ‘wag mong ipamukha sa’king bakla ako!”
Akmang hahawakan ako nito ng tabigin ko ang kamay nito at umalis.
Linggo ang lumipas simula nung nangyari ‘yun. Hindi na ako nakapag-paalam kila Ismael that time dahil nahihiya ako, tsaka anong sasabihin ko sa kanila kung bakit ako umiiyak?
Simula nun ay hindi na kami nag-papansinan ni Brandon, nakikita ko siya pero hindi ko ito tinitignan na parang hindi ko siya kilala. Masakit sa’kin ‘yung mga unang araw dahil akala ko ay iba si Brandon sa mga lalaking nakilala ko pero hindi pala, wala siyang pinagkaiba.
Pumapasok parin ako sa company, wala kaming naging problema ni Ismael dahil labas naman siya sa away namin ni Brandon, sa kaniya ko lang din na kwento ang nangyari, wala naman daw siya problema kung crush ko si Brandon, natural lang daw ‘yun dahil gwapo naman talaga si Brandon.
Ang pinagtataka niya ay bakit hindi ko raw siya naging crush e mas gwapo naman daw siya kay Brandon.
Kahit sa simpleng ganon niya ay napapa-saya niya ako, pinilit ko kalimutan ang mga sinabi ni Brandon dahil ano bang magagawa ko kung babae talaga ang gusto niya.
“Inom tayo sainyo?” Aya ni Ismael after namin mag-launch.
Kakatapos lang namin kumain kasabay si Tito, pabalik na kami sa building kasabay rin namin si Jacob.
“Sama!” Singit ni Jacob.
Ngumiti ako at tumango, wala namang problema sa’kin ‘yun dahil isang linggo na akong mag-isa sa bahay, dinadalaw naman ako ni Ate Amy pero dalawang beses lang.
5pm ang out ko at sinabi ni Ismael na siya na raw ang mag-hahatid sa’kin pauwi, hindi naman ako tumangi dahil sayang ang pamasahe.
Ligtas kaming naka-uwi ni Ismael, nagpaalam ako sa kaniya at sinabihan na mag-ingat pauwi, ngumiti naman ito sa’kin bago umalis.
Pag-pasok ko sa bahay ay hinubad ko ang suot na sapatos at pabagsak na umupo sa sofa.
Wala naman akong masyadong ginawa pero bakit parang nakaka-pagod ang araw na ‘to?
Maya-maya ay may kumatok sa pinto.
“Sino ‘yan?”
Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa sofa, Binuksan ko ang pinto pero wala akong nakitang tao, ang nakita ko lang ay isang paper bag na nakasabit sa handle ng pintuan.
Kinuha ko naman ito at tinignan ang laman. Pares ng damit.
Kinuha ko ang papel na kasama no’n at binasa, nang mabasa ay biglang bumilis ang tibok ng dibdib ko at hinanap kung nasaan si Brandon.
Hindi ko sinasadya ang nasabi ko Primo, sorry sana __ mapatawad mo ako.
\- Brandon
Chapter 8
Glamir Series 1: BRANDON
Natuloy ang plano namin ni Ismael na uminom sa bahay. Maaga siyang pumunta dito para sunduin ako dahil pupunta kami sa bayan para bumili ng mga alak.
Nasa baba siya ng bahay habang ako ay nasa second floor sa kwarto. Wala akong mahanap na isusuot ko, lalo pa’t hindi ako nakapag-laba ng ilang araw dahil busy ako sa trabaho.
Nang maalala ay agad kong kinuha ang paper bag. naka-ngiti kong binuksan at kinuha ang laman sa loob.
Simpleng white polo shirt at khaki short ang laman pero para sa’kin ay parang ang mahal at importante sa’kin ng bagay na ‘to.
Nang maisuot ay humarap ako sa salamin, pinagmasdan ko ang suot dahil talagang bumagay ito sa’kin, yung puti at khaki na kulay ay nag-blend sa balat ko kaya mas lalo akong pumuti tignan, pinaresan ko pa ito ng kulay brown na tsuno bag at puting sapatos.
Napa-tingin naman ako sa maliit kong mukha, ang matabang kong pisngi at mapupula kong labi. Panget ba ako? bakit hindi ako nagustuhan ni Brandon?
Mapait akong ngumiti dahil sa mga pinag-iisip, hindi ko parin naman nakakalimutan ang nangyari. Pero alam ng puso ko gaano ako kasaya dahil sa damit at sulat na binigay niya.
Hindi naman ako kalakihan, siguro mga 5’6 kumpara sa mga kasama ko na mga 6 footer ang tangkad, sakto lang din ang katabaan ng katawan ko na may kaunti naman shape.
“Perfect!”
Bumaba ako na may ngiti sa labi. Pag-baba ko ay naka-upo si Ismael sa sofa habang inip na mag-titipa sa kaniyang cellphone.
Nang makita ako ay mabilis siyang tumayo at sinalubong ako.
Naka-suot siya ng black tshirt at black short, pero hindi gaya ko ay naka crocs lang ito pero sobrang angas ng dating niya. Idagdag mo pa ang suot niyang shades na itim din. Gwapo.
“Wow, nag-effort kapa talaga, para lang malaman mo ‘no, hindi po ito date.” Napa-ngiwi ako sa sinabi nito.
Sa tingin ba niya makikipag-date ako sa kaniya? Grabe naman kung maka-husga ‘to, hindi ba pwedeng ayaw ko lang magpa-huli o ayoko lang mag-mukhang alalay niya pag-magkasama kami. Tsk.
“Ang dami mong dada, aalis ba tayo o hindi?” Tanong ko.
“Kaso wala tayong motor, ayos lang kung mag-lakad tayo?” Napa-kamot ito sa kaniyang batok.
Nagkibit-balikat nalang ako. May choice paba ako? Sumama ako sa kaniya kaya wala ng reklamo. “Sige, ayos lang naman.” Sagot ko.
Sabay kaming lumabas ni Ismael.
Ilang hakbang palang ang nagagawa namin nang maka-salubong namin si Brandon, naka-simpleng white tshirt lang ito at itim na short na kagaya rin ng kay Ismael.
Pareho kaming nagulat. Hindi ko nagawang tignan siya sa mata dahil sa hiya. Hindi naman kasi ito sa’kin naka-tingin kun’di sa damit na suot ko.
“Pare, sama ka sa’min. Pupunta kami sa bayan.” Pag-aya ni Ismael.
Masasapak ko talaga ang Lalaking ‘to e, alam naman niyang hindi kami ayos ni Brandon tapos pasasamahin pa niya sa lakad namin.
“Si-sige, papunta din naman ako do’n may bibilhin.” Sagot naman ni Brandon.
Patay __ na .
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang kasabay ko mag-lakad silang dalawa. Nasa gitna nila akong dalawa, malaki ang espasyo dito sa gilid ng kalsada kaya siguro kasiya ang lima kahit tabi-tabi.
Kainis !
“Hindi na kita nakikita nitong nakaraang araw, saan ka pumupunta? Sama ka naman sa’min ni Primo mag-iinuman kami sa kanila ngayon.” Si Ismael ang unang nag-salita.
Halata ang pang-aasar sa boses nito. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pag-kamot ni Brandon sa batok niya, parang nahihiya pa.
“Sa susunod nalang, busy kasi ako.” Sagot naman ni Brandon.
“Alam mo ba…” bumulong si Ismael pero rinig ko parin naman. “Asensado na si Primo, assistant ko na siya ngayon.” Ani Primo.
Sobrang taka nga ako dahil kahit trainee palang ako ay bigla akong pinatawag ni Tito Prim at sinabing kay Ismael na ako sasama dahil magiging assistant niya na daw ako.
Marami ang nag-gulat hindi lang ako, maging si Jacob. Kaya rin mainit ang mga mata sa’kin ng iba naming co-workers, tanging si Jacob lang ata ang masaya para sa’kin.
Mahinang tumawa si Brandon. Nag-taasan ang balahibo ko sa katawan nang hawak at tapikin niya ang balikat ko.
“Congrats.”Sabi sa’kin ni Brandon.
Hindi agad ako naka-react dahil muli nanamang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang nakikipag-karera sa sobrang bilis nito.
“Salamat.” Pinilit kong h’wag mautal.
Gaya kanina ay hindi ko siya nagawang tignan kaya lumingon nalang ako sa katabing si Ismael.
May nakaka-loko itong ngiti sa labi habang naka-tingin sa’kin kaya sinamaan ko siya ng tingin, nagawa ko pang sikuhin ang tagiliran niya.
“Uy, saan ang punta niyo?” Napahinto kami sa pag-lalakad nang maka-subong namin si Ate Amy.
Dalawang beses sa isang linggo nalang kung dumalaw sa’kin si Ate Amy simula nang mag-away kami ni Brandon o simula nang magka-trabaho ako. Hindi ako sigurado kung alam ba niya ang nangyari sa’min pero sana ay hindi.
“Sa bayan po.” Ako ang sumagot.
“Ay, pasabay naman ako Primo ng isda. I-ihawin ko lang kasi mag-iinom ang Tito mo.” Sabi ni Ate. Tumango naman ako.
May inabot siyang pera sa’kin. Dalawang piraso daw ng Bangus, kamatis, sibuyas ang bilhin ko daw sa bayan tapos sa’kin nalang daw ang sukli.
Naging tahimik na kami simula no’n hanggang sa makarating kami sa bayan. Nang nasa bayan na kami ay dumaan muna ako sa building kung saan ako nagta-trabaho.
Sinalubong ako ni Jacob.
“Nasaan si Ismael?” Ayon ang tanong na sinalubong niya sa’kin. Hindi man lang ako nagawang batiin.
“Hindi ko kasama.” Pag-sinungaling ko.
Napa-nguso siya sa sinagot ko. Nang makuntento ay umalis na ito at bumalik sa trabaho niya.
Nag-hiwalay na kasi kaming tatlo. Si Ismael ay pumunta sa isang mall malapit lang din sa bayan para bumili ng alak, si Brandon naman ay dumiretso lang at hindi na sinabi sa’min kung saan siya pupunta kaya ako ito, tambay muna dito.
Sumaglit lang naman ako dahil bibili pa ako ng isda na pinapabili ni Ate sa’kin. Nang maka-usap si Boss saglit ay mabilis akong nag-paalam.
Naka day-off ako FYI lang.
Nang maka-labas sa building ay mabilis kong tinungo ang palengke.
May malaking entrance dito kung saan pag-pasok mo ay mga vendor ng gulay ang una mong makikita kaya bumili agad ako ng kamatis, sibuyas. Sunod ay pumasok ako sa ahon ng mga mamimili at nakita ang mga nag-titinda ng karne at isda.
Pagka-bili ko ng isda ay umalis agad ako doon dahil hindi ko kinakaya ang lansa ng mga isda. Hinanap ko ang daan palabas pero dito talaga ako nahihirapan.
Magaling ako sa pag-punta ng lugar pero sa pabalik hindi. Halos libutin ko na ang buong palengke pero hindi ko talaga mahanap ang daanan palabas, idagdag mo pa na maraming tao ang namimili.
“Nasaan naba ako?”
Balak ko sanang mag-tanong hindi ko lang magawa dahil busy rin ang ibang taong nakikita ko. Akmang mag-tatanong ako nang may mag-salita mula sa likod ko.
“Naliligaw ka nanaman?”
Si Brandon.
Tumango lang ako dito na siyang ikina-tawa niya. Kung wala lang akong galit na nararamdaman sa kaniya madadala ako sa pag-tawa niya pero hindi.
Naging marupok ako kanina para isuot ang damit na binigay niya. Kung akala niya ay sinuot ko ang damit na binigay niya dahil may gusto parin ako sa kaniya…
Pwes, tama siya!
“Sumama ka sa’kin, sabay na tayo lumabas.” Inalok nito ang braso.
Nag-dalawang isip pa ako bago tanggapin ang braso niya pero wala din akong nagawa.
“Masaya ako.” Maya-maya sa gitna ng pag-lalakad namin ay nag-salita ito. Hindi ko nalang siya pinansin. “Dahil suot mo ang damit na binigay ko.” Dagdag niya.
Hindi ko parin siya pinansin.
“Alam kong masama parin ang loob mo sa’kin, pero sana naman patawarin mo na ako. Hindi ko ‘yon sinasadya, nadala lang ako dahil sa pagka-bigla.” Mahabang lintaya nito.
Parehas kaming naka-tingin sa daanan, hindi tinitignan ang isa’t-isa pero naka-hawak parin ko sa malusog niyang braso.
“Sorry Primo, sa totoo niya’n…”
“Primo!” Naputol ang sasabihin ni Brandon. Mabilis akong bumitaw sa braso ni Brandon dahil sa tawag.
Sinalubong kami ni Ismael na nasa bukana lang ng Exit. Dito lang pala ang daan nahirapan pa ako.
“Naka-bili kana?” Tanong ko. Hindi ko na pinag-tunan ng pansin ang kanina lang ay kasama pang si Brandon.
Hindi ko talaga siya pinansin para ipaalam sa kaniya na kahit may gusto ako sa kaniya ay kaya ko siyang tiisin at iwasan. Oo marupok ako pero nilalagay ko naman sa lugar.
“Magka-sama pala kayo, tara uwi na tayo, akala ko mahihirapan pa akong hanapin kayo.” Sabi ni Ismael.
Peke at mahina akong tumawa.
Hindi gaya kanina na papunta kami na sabay-sabay at magkaka-dikit kami. Ngayon ay mas nauuna na si Ismael sa’kin, nasa likod niya ako habang nasa likod ko naman si Brandon na alam kong naka-tingin sa’kin.
Wala akong ginawa kun’di ang panoorin ang malapad na likod ni Ismael habang nag-lalakad kami, maging ang kamay niya na umugat dahil sa bigat ng dala niyang mga bote ng alak.
“Ako na mag-bitbit nito, kila Ate Amy lang naman ito hindi ba?”
Wala akong nagawa nang kuhanin ni Brandon ang supot ng isda. Pinabayaan ko nalang siya.
Dahil sa pag-kuha ni Brandon sa plastic ng isda ay mas naka-lapit siya sa’kin, nasa gilid ko na siya ngayon na halos kasabay ko sa pag-lakad.
Patient Primo! Tiisin __ mo .
“Primo…” mahina pero sapat lang para marinig ko ang pag-tawag ni Brandon.
“Sorry ulit, sana mapatawad mo ako, kung mangyari man ang araw na ‘yon ay sinisigurado kong hindi na kita ulit sasaktan.”
Napa-lunok ako sa narinig.
Pero mas nagulat ako nang mas lapitan ako ni Brandon kaya napatigil ako sa pag-lalakad. Tumigil din ito at dahan-dahang inangat ang ulo ko gamit ang kaniyang kamay kaya napa-tingin ako sa mga mata niya. Hindi matigil sa pag-kabog ang dibdib ko lalo na ng lapatan ni Brandon ng halik ang noo ko.
“Sorry na.”
Chapter 9
Glamir Series 1: BRANDON
Hindi mapalagay ang puso ko hanggang sa maka-uwi kami. Kahit hindi na namin kasama si Brandon ay ramdam ko parin ang presensya niyang nasa tabi ko lang.
Ano ba ‘tong iniisip ko. Nag-sorry at humingi lang naman ng tawad ang tao kung ano-ano agad naramdaman ko. I hate this feeling na parang umaasa nanaman ako sa walang kasiguraduhan bagay.
Hindi ako sigurado kung totoo nga ba ang lahat ng sinabi ni Brandon at kung totoo man ‘yon, alam kong hindi na siya mag-kakagusto sa’kin at hanggang kaibigan lang talaga.
“Kanina ka pa tulala, may ginawa ba sayo si Brandon nung nasa likod ko kayo?” Tanong ni Ismael.
Siya lang kasi ang kasama ko ngayon dito sa bahay, tinutulungan niya akong mag-linis at mag-hugas ng mga basong gagamitin namin para mamaya.
“Wala, ano namang gagawin namin e, nasa gitna kami ng kalsada.” Palusot ko.
Tinignan lang ako ni Ismael pero alam ko iniisip niya, mahigit mag-isang buwan na pero hindi parin ako marunong mag-palusot. Ang hirap din naman kasing lusutan ng lalaking ‘to. Akala mo detective conan kung maka-suri.
“Sabi mo e.”
Nagkibit-balikat lang ito bago muling ituloy ang ginagawa. Ako naman ay inaayos ang mga boteng binili niya kanina.
Isang tingin ko palang sa mga bote ay alam kong may kamahalan na ito bawat isa. May iba’t-ibang kulay kang makikita dito na talaga namang nakaka-akit tignan.
Bumili din siya ng isang alak na sinabi niyang hindi daw nakaka-lasing, ayon nalang daw ang inumin ko para naman masanay daw ako, bukod dun ay marami ring mga pulutan, may binili din itong fries para sa’kin dahil tuwing kakain kami sa Mcdo ay ayan ang ino-order ko.
Nang matapos kami ay nag-pahinga muna kami saglit sa sofa. Magka-tabi kaming naka-upo habang nasa balikat ko ang ulo niya.
“Mahal mo parin si Brandon ‘no?” Tanong nito habang ang ulo ay nanatili sa balikat ko.
Gusto kong sabihin na oo gusto ko parin siya, mahal ko na nga e, maging sarili ko tinatanong ko kung dapat ko pa bang ituloy ‘to? dapat ko pa ba siyang gustuhin kahit masakit? kahit nasasaktan na ako.
“Hindi. Ilang linggo na ang lumipas, nakalimutan ko na ‘yon.” Pagsisinungaling ko. Hindi naman ako sigurado sa mga sagot ko pag-dating kay Brandon.
Dahil pag-dating kay Brandon ay nakaka-limutan ko ang lahat.
Ngayon ko lang ulit kasi ito naranasan sa buong buhay ko. Ang mag-mahal at syempre ang masaktan. Simula kasi nang mamatay si Lolo ay labis akong nasaktan kaya pati lahat ng Lalaki dinamay ko do’n sa sakit na naramdaman ko.
Na kesyo lahat sila iiwan ako ng walang paalam, na wala nang magma-mahal sa’kin at higit sa lahat wala nang tatanggap sa kung ano man ako.
Pero isang araw nakilala ko si Brandon.
Si Brandon na nagpa-dama sa’kin sa maikling panahon na hindi ako nag-iisa, na may kasama ako sa mga problema ko. Kaya nga umiyak talaga ako nang umiyak dahil sa sinabi sa’kin ni Brandon.
“Hindi mo’ko maloloko, bihasa na kaya ‘to, at alam ko ding ‘yung kaibigan mong si Jacob may gusto sa’kin.” Hindi ako nagulat sa sinabi niya.
Halata naman kasi talaga na may gusto sa kaniya si Jacob. Tuwing aayain ako ni Ismael kumain ay lagi itong sisingit at sasabihin na sasama rin daw siya, tapos kapag free time naman namin ay wala itong ibang bukang bibig kun’di si Ismael kaya sawang-sawa nako marinig ang pangalan niya.
“Hayaan mo na ‘yon, trip ka lang naman no’n, h’wag mo nalang pansinin.”
Tumayo ito at nilibot ang paningin sa buong bahay, hindi ko siya pinansin sa ginawa niya at umayos nalang ako ng higa sa sofa.
“Parang ang konti natin mamaya. Mag-aya pa kaya ako ng iba? Pwede naman hindi ba? Mas marami mas masaya.”
“Bahala ka.”
Pinikit ko ang mga mata ko dahil sa pagod na hindi mawala-wala kanina pa. Parang wala naman akong pahinga masyado, lalo na ang isip ko.
Ang daming tumatakbo sa isip ko, lalo na si Brandon. puro Brandon na ang nasa isip ko
Feeling ko sobrang talino ko na dahil sa dami ng naiisip ko.
Dumating na ang gabing hinihintay ko. Wala akong kasama ngayon dahil umuwi si Ismael sa bahay nila para daw mag-palit ng damit.
Gusto ko ngang sumama para kamustahin si Tito pero ayaw niya, ang sabi pa niya ay tama na raw ang isang beses na pinakilala niya ako kay Tito kasi naka raw ampunin na ako at itakwil siyang anak nito. Ang lakas talaga ng amats niya.
“Primo?” Boses ni Jacob.
Pinag-buksan ko siya ng pinto.
Nang maka-pasok ay mabilis din itong umupo sa sofa. Hindi ko pa man naisasara ang pinto nang dumating si Ismael ngumiti ito sa’kin bago pumasok.
Todo kilig naman si Jacob nang tumabi sa kaniya si Ismael. Hindi nalang pinansin ni Ismael dahil sabi ko ay ‘wag niya nalang itong bigyan ng pansin.
“Nasaan ‘yung iba? hind ba sila makaka-punta?” Tanong ko matapos isara ang pinto.
“Ito na nga, tinetext ko pa kung makaka-punta.” Sagot nito at hindi nagawang tignan ako. Si Jacob naman ay nakiki-tingin sa cellphone ni Ismael. Ako naman ay bumalik sa kusina para ayusin ang ibang pagkain
“On the way na daw sila---” natigil ito nang may kumatok. Si Ismael na ang nag-bukas Para sa kanila.
Nakita kong pumasok si Hansel na simple lang ang suot na damit, kasunod naman niya ang kambal na naka leather jacket na itim pa.
“A-ang dami palang bisita. Sana nag-ayos ko.” Bulong na sambit ni Jacob kaya siniko ko siya.
Hindi masyadong kilala ni Jacob yung kambal at si Hansel dahil minsan lang naman ito pumunta sa company, tsaka minsan lang din kami nagsasama-sama.
Lumapit at umupo ako katabi ni Jacob, habang ang tatlong bagong dating ay sa sahig umupo.
Nginitian ko lang ang kambal na siyang ngumiti sa’kin pabalik. Tinignan ko naman ang isa na si Hansel pero seryoso lang talaga ng mukha niya.
Nang isasara na ni Ismael ang pinto ay biglang pumasok si Brandon. Nagulat ako sa biglaan niyang pag-pasok.
A-anong __ ginagawa __ niya __ dito ?
“Brandon…”
“Naka-punta ka, akala ko tatanggihan mo ako e, sige pasok ka. Welcome kayong lahat dito.” Sigaw ni Ismael. Akala mo Bahay niya kung magka-sigaw.
“Ko-kompleto naba?” Tanong ko.
Tumango naman si Ismael.
Ang pwesto namin ay pabilog. Nasa gitna namin ang lamesa. Hindi na kami umupo sa sofa ni Jacob dahil nasa sahig ang iba naka-upo.
Buti nag-linis ako ng sahig kaninang umaga.
“Primo, kunin mo na ang alak!” Utos sa’kin ni Ismael. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pag-utos nito pero tinawanan lang niya ako.
Nang maka-balik ay biglang nag-iba ang puwesto. Nasa gitna na ako ngayon ng kambal na sobrang bango. Sa harap ko naman si Brandon katabi si Hansel at syempre ang malandi si Jacob ay katabi si Ismael.
“Sensya mga brad, bawal mag-inom ang may-ari ng bahay kaya tayo lang ang mag-sasaya ngayon!” Sigaw ni Ismael na sinundan ni Jacob at ang kambal.
Nang makuha ko ang alak ay agad itong binuksan ni Ismael, kinuha niya rin ang jag na dala at sinali ang mga ito doon. pinanood ko lang siya habang ginagawa ‘yun pero paminsan-minsan ay sumusulyap ako kay Brandon at nahuhuling tumitingin din ito sa’kin.
Inumpisahan ko na ang pag-lapang ng fries at ilang pulutan, habang si Ismael ay nagsasalin na ng alak para sa kanila.
“Cheers!”
Bale ang may alak ay lahat sila maliban sa’kin.
Ang iniinom ko ay ang kulay brown na alak pero hindi raw nakaka-lasing. San mig light daw tawag dito.
“Brandon, shot mo!” Binigyan ni Ismael ng isang baso si Brandon, agad naman niya itong kinuha at ininom.
Ramdam ko ang titig niya sa’kin pero hindi ko nalang pinapansin. Sa bawat lagok ko ng alak ay ang siyang pag-asim ng mukha ko.
Hindi nga nakaka-lasing pero ang pait naman.
Tuloy-tuloy ang inuman hanggang sa umabot na ng kalahati ang jag na nilagyan ng alak, at yung fries ay ubos na kaya pinapanood ko nalang sila na mag-inuman.
Wala pa namang bagsak sa kanila pero alam kong mga lasing na sila lalo na si Ismael dahil ang nangungunang tawa ay si Ismael, nasundan ni Jacob at ng isa sa kambal.
Nakakarindi.
“Tapos…sinapok ako ng tatay ko!” Kwento ni Ismael na siyang nagpa-tawa sa kanila. Bahagya din akong natawa pero mas nangibabaw ang hiya ko para sa kaniya.
Iba pala malasing ang isang Ismael.
“Yosi lang ako.” Paalam ni Hansel. Tinapik lang siya ni Brandon at Ismael.
Kanina ko pa nahahalata na panay ang tingin sa’kin ni Brandon, pero kapag titignan ko siya ay ibabaling niya ang tingin sa basong hawak ko o kaya isa sa mga kambal.
Ay , kainis __ siya .
Walang tingin-tingin kong kinuha ang baso sa harapan at mabilis na ininom. Halos maibuga ko sa mukha ni Brandon ang alak.
Hindi pala iyon ang alak ko. Nainom ko pala ‘yung dapat na shot ni Victor kainis. Kasalanan mo ‘to Brandon.
“Easy! Akala ko ba hindi ka umiinom? Bakit inagawan mo shot ni Victor?” Nag-tawanan ang lahat maliban kay Brandon na ngisi lang ang binigay.
“Na-mali lang ako ng kuha. Ang pait!” Sigaw ko.
Nag-tawanan lang sila nang padabog akong tumayo at pumunta sa kusina. Doon ko sinuka ang nainom na mapait na alak.
“Pwe! Kainis talaga ang Lalaking ‘yon, ang ingay.” Bulong ko.
Nagulat ako nang makita sa tabi si Hansel. May hawak na sigarilyo at sa’kin naka-tuon ang mga mata.
“Sorry.”
“No problem.” Pinag-patuloy niya ang paninigarilyo. Na-singhot ko pa ang ilan sa mga usok na pinakawalan niya kaya naubo ako.
“Sa labas ka manigarilyo. Sorry.” Sabi ko. Mabilis itong kumilos at hindi na sumagot.
Saktong pag-harap ko ay ang pag-sulpot ni Brandon. Halos mag-dikit ang mukha ko at dibdib niya dahil sa lapit.
“Mag-usap tayo…” Isang mahinhin pero nakaka-akit na boses.
“Ayos lang ako. Babalik na ako---”
Naputol ang sasabihin ko nang kabigin ni Brandon ang bewang ko palapit sa kaniya at mabilis na halikan. Rinig ko mula sa sala ang sigawan nila na parang nag-cheer pa sa ginagawa ni Brandon.
Ramdam ko ang bawat galaw ng labi ni Brandon at ang pag-pilit niyang pag-pasok ng dila sa aking bibig, kaya ng matauhan ako ay tinulak ko si Brandon ng malakas pero kaunting distansya lang ang nagawa no’n.
Kita mo na tinatamaan na si Brandon sa alak, pumungay ang mata nito na ngayon ay naka-tingin sa’kin.
“Primo.” Hindi na ako naka-galaw sa muling pag-lapit ni Brandon at ang muling pag-kabig niya ng bewang ko at mabilis na pag-halik.
“Mahal kita.”
Chapter 10
Glamir Series 1: BRANDON
“Mahal kita.”
Tila tumigil ang mundo ko ng panandalian. Hindi agad ako naka-galaw dahil sa gulat. Isabay mo pa ang kabog ng dibdib ko na parang sasabog dahil sa lakas ng kabog nito.
Biglang nag-init ang mukha ko nang mapag-tantong hindi lang pala kami ang tao at hindi lang ako ang naka-kita sa ginawa niya.
Ilang segundo bago mag-sink-in ang lahat sa’kin. Napa-lunok ako kasabay ang pag-tama ng mga palad ko sa pisngi ni Brandon.
Napa-Oh nalang ang mga tao na naka-kita.
Dahil sa tindi ng hiya na naramdaman ay mabilis akong tumakbo palabas ng bahay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero tumatakbo lang ako.
“Primo!” Rinig kong sigaw ni Brandon. Alam kong hinahabol niya ako pero hindi ko nagawang itigil ang pag-takbo ko.
Bakit ganito ang naging reaksyon ko? Hindi ba dapat ay masaya ako kasi…mahal niya ako? Pero bakit sinampal at tinakbuhan ko siya?
Ano __ kaba Primo! Ang tanga mo __ talaga .
Nang ma-realize ko ang maling nagawa ay doon ako napa-tigil. Nandito na pala ako sa gitna ng palayan, naka-tayo at hingal na hingal.
Sobrang lalim na pala ng gabi, tanging buwa nalang ang nag-bibigay liwanag sa daanan.
“Primo.”
Biglang hinila ni Brandon ang braso ko dahilan para mapa-lapit ako sa kaniya. Napa-hawak ako sa matipuno niyang dibdib na malakas ang kabog.
Ramdam ko ang pagod at hingal namin dalawa. Ang bilis ng tibok ng puso namin dahil sa pag-takbo.
Tumingin ako dito, kita ko kung paano tamaan ng sinag ng buwan ang maganda at gwapo niyang mukha.
“Brandon…mahal din kita!”
Tuluyan akong napa-iyak nang masabi ko ang nararamdaman ko. Mas humigpit ang yakap niya sa’kin na siyang ikina-luwag ng dibdib ko.
“Hi-hindi mo ba ako lalayuan ulit? O kaya pandidirian Brandon? kasi umamin nanaman ako sayo.” Pumiyok ang boses ko.
Pilit akong pinapatahan ni Brandon dahil sa hindi mapigil na pag-luha ko. Sobrang saya ko ngayong narinig ko ang pag-amin ng nararamdaman sa’kin ni Brandon.
“Hindi ba sinabi ko sayo, hindi na ulit kita i-iwan kahit kailan? Tanggap kita at hindi ako mandidiri sayo.” Bulong nito habang yakap ako.
Yakap na gustong-gusto ko. Ayoko na siyang pakawalan, parang mas gusto ko nalang na maka-yakap siya habang buhay para araw-araw nadadama ko ang init ng yakap niya na may halong pag-mamahal.
Dahil sa sinabi niya ay mas lalo akong napa-iyak. Hindi dahil sa galit kun’di dahil sa saya. Ang saya ko dahil tanggap na niya ako, hindi niya ako i-iwan at hindi rin siya nandidiri sa’kin. Mahal pa niya ako.
“Brandon…”
Yumakap ako sa kaniya ng sobrang higpit.
“Mahal kita Primo, mahal na mahal.” Muli niyang bulong.
“Matagal ko na dapat sinabi sayo ito pero pinangunahan ako ng takot. Nung una palang mahal na kita Primo…” dagdag niya.
Humiwalay ako ng yakap at binigyan siya ng isang hampas sa dibdib niya.
“Kung gano’n, bakit lumayo kapa sa’kin? Mahal mo pala ako bakit iniwan mo ako? Bakit mas pinili mong lumayo kesa sumama sa’kin?” Patuloy kong pinag-hahampas ang dibdib niya.
“Sige saktan mo lang ako hanggat mag-sawa ka, pero ito lang ang isipin mo. Kaya ako lumayo sayo ay dahil mahal kita…” Isang hampas pa bago ako mag-sawa.
Napasub-sob nalang ako sa dibdib niya at doon muling umiyak.
“Tahan na, ayokong makitang umiiyak ka. Nasasaktan ako alam mo ba ‘yon? Kaya tahan na.” Hinagod nito ang aking likod.
Nang kumalma ay tinignan ko siya mata sa mata. Kita ko sa mga mata nito ang saya, ang katotohanan at walang kasinungalingan.
“Mahal din kita Brandon, mahal na mahal…”
Hindi ko natapos ang sasabihin nang halikan niya ako. Mapusok at puno ng pag-mamahal niya akong hinahalikan.
Tinugunan ko ito na siyang lalong nagpa-init sa nararamdaman ko. Dahan-dahan bumaba ang halik niya hanggang sa napunta ito sa’king leeg na siyang nagpa-kawala ng isang ungol.
“Mahal na mahal din kita.”
“Akin kana ngayon. Pagmamay-ari na kita.” Dagdag niya.
Muli niya akong hinalikan at dinama ito.
Sabay namin dinama ang pag-mamahal ng isa’t-isa sa ilalim ng buwan. Saksi ang buwan kung paano aminin ni Brandon ang pag-mamahal sa’kin, saksi din ang buwan kung paanong ang pag-asang muntik na mawala ay nabuhay.
“Tangina Primo, ilang linggo kong inasam ang labing ‘to. Kung alam mo lang ang hirap at pag-pipigil ko.”
Natigil kami nang biglang may nag-busina sa’min. Tinignan namin ang kotse at nakita naming galing ito kay Hansel.
Seryoso itong naka-tingin sa’min.
“You two! Tama na ‘yan, hinahanap na kayo do’n.” Sigaw niya dahil may kalayuan ito sa’min.
Nahihiyang napa-tingin ako kay Brandon na ngayon ay masayang naka-tingin sa reaksyon ko.
“Tara?”
Nilahad nito ang kamay na siyang mabilis kong tinangap. Magka-hawak kamay kaming nag-lakad hanggang sa maka-rating kami sa kotse ni Hansel.
“Pasensya kung naabala ko kayo. Napag-utusan lang po.” Sabi agad ni Hansel nang maka-sakay kami sa kotse niya.
“Masyadong romantic ang scene na ‘yon, kulang nalang maging wild scene. Tsk!” Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Brandon.
Nahihiya ako sa ginawa namin. Napa-yuko nalang ako at hindi na nag-salita pa. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay ni Lolo.
Makalat, amoy alak at sobrang ingay parin.
“Ito na pala ang love birds, ano ayos na?” Tanong ni Ismael kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Hindi mapigil ang kabog ng dibdib ko nang akbayan ako ni Brandon, nilapit sa kaniya at binigyan ng isang halik sa ulo.
“Ayos na.” Siya ang sumagot kaya napa-sigaw nalang si Ismael at Jacob, maging ang dalawang kambal at si Hansel na tanging ngisi lang.
“Congrats! Inuman na ulit!” Sigaw ni Victor.
Binigyan niya si Brandon ng isang baso. Si Jacob naman ay binigyan din ako ng isang baso pero inagaw lang ito ni Brandon at siya ang uminom nito.
“Grabe, possessive naman po ng Boyfriend.” Kutya ng kambal.
“Bawal siyang uminom.” Sambit ni Brandon na siyang ikina-ngiti ko.
Nag-patuloy ang inuman sa pangunguna ni Ismael at ng kambal. Masaya kaming lahat, walang awkward na nararamdaman.
Gusto kong maulit ang ganitong tagpo. ‘Yong lahat kami masaya, walang problemang dinadamdam at syempre ang malaya.
Ito na siguro ang pinaka-masayang araw ko simula nang mamatay si Lolo, ang araw na tinanggap ako at minahal ni Brandon, ang araw na walang pandidiri at syempre ang araw na minahal namin ang isa’t-isa.
Sana hindi na matapos ang araw na ‘to. Sana patuloy lang ang saya na hindi nakaka-sawa.
“Cheers!” Sabay-sabay naming pinag-umpog ang mga baso. Pinayagan ako ni Brandon na uminom ng isang baso.
“Para sa mag-jowa!” Sigaw ni Jacob.
Nag-sigawan sila at muli nanaman kaming tinukso.
Maya-maya ay naubos na ang yelo kaya tumayo ako at kumuha sa ref ng panibago. Natagpuan ko si Hansel na naka-tayo sa gilid ng lababo habang seryosong naka-tingin sa sala kung nasaan kami.
“Bakit hindi kapa uminom? Pwede naman kayong matulog dito kung malasing kayo.” Sabi ko sa kaniya. Umiling lang ito sa’kin.
“Hindi pwedeng umagahin dito si Ismael, ihahatid ko siya mamaya kapag nalasing siya, ikaw nalang ang bahala sa kambal at sa Jacob na ‘yon.” Anito.
Napa-kunot nalang ang noo ko dahil sa pag-tataka. Ano namang meron sa kanila ni Ismael at bakit bantay sarado siya? Magka-babata? Kaibigan o kung ano pa man.
“Sige, ingat nalang kayo sa pag-uwi mamaya.” Tumango lang siya.
Tss. Ang seryoso naman niya, hindi man lang ba siya marunong tumawa? Ngumiti ng totoo? Ano kayang nagustuhan ni Ismael at tumagal silang mag-kaibigan nitong si Hansel?
“Ang tagal mo naman, namiss kita.” Lasing na sabi ni Brandon.
Mukhang tinamaan na ang isang ‘to. Lasing na agad.
Tinignan ko ang ilan, lasing na din. Tangging si Ismael nalang ang umiinon pero alam kong lasing narin siya kaya sinenyasan ko si Hansel na lapitan ito.
“Umuwi na kayo…” tumingin ako sa wall clock. “Ala una na ng madaling araw, lasing nadin ‘yang si Ismael kaya i-uwi mona.”
Tumango lang siya bago alalayan na tumayo si Ismael.
“Teka, umiinom pa ako. Mamaya na tayo umalis.” Pilit pang inaabot ni Ismael ang baso na wala nang laman.
Ang kambal ay bagsak na habang si Jacob ay naka-higa narin sa sofa. Kainis paano ko sila aayusin lahat?
“Brandon, gising…” tinapik ko ang pisngi niya kaya nagising ito.
Nasa sahig parin si Brandon malapit siya sa sulok ng lamesa, tumba na at lasing na lasing, siya kasi ang umiinom sa mga shot na binibigay sa’kin ni Jacob.
“O, mahal ko, ikaw pala. Bakit ang tagal mo? Namiss kita.” Pahina nang pahina ang pagkaka-bigkas nito. Lasing na talaga siya…
“Tumayo ka, ang bigat mo.” Pinilit kong itayo siya pero walang epek . Halos hindi ko ito nagalaw sa pwesto niya.
Nang subukan ko ulit buhatin si Brandon ay dumulas ang isang kamay ko at nadala ako sa pag-bagsak ni Brandon. Gusto kong mag-mura nang tumama ang ulo ko sa dulo ng lamesa. Ang sakit. Hinawakan ko ito at ganon nalang ang gulat ko ng makitang may dugo ito.
Napa-sigaw ako nang sumakit ulit ang ulo. Kasabay no’n ay ang mga boses na naririnig ko sa isip, mga alaalang bumabalik na hindi ko maintindihan.
Ano __ ba ‘tong nangyayari __ sa’kin ?
Dahil sa sakit na nararamdaman ay tuluyan akong napa-higa sa sahig. May mga malalabong imahe ang nabubuo sa isip ko, may mga usapan akong naririnig pero hindi ko alam kung ano ‘yon.
Hanggang ang sakit na naramdaman ko ay unti-unting nawala at tuluyan na akong dinala sa kadiliman.
Chapter 11
Glamir Series 1: BRANDON
Mataas ang sikat ng araw habang __ nag-lalaro __ kami __ sa __ tabi ng kalsada . Mainit pero wala kaming pake-alam __ dahil __ mga bata lang naman kami na gustong mag-saya.
Kasama ko ngayon si Kiko, nag-lalaro __ kami ng taguan kasama ang ibang bata. Si Giro at si Wendi.
Nang __ makapag- tago ako ay tahimik akong umupo . Baka makita ako ni Kiko, matataya ako. Lugi pa naman ako lagi .
Nandito ako sa __ kapitbahay namin. Masungit __ daw ‘yung tao dito kaya dito ko talaga __ naisipan na mag-tago . Atleast hindi ako pupuntahan ni Kiko dahil __ sa may-ari ng bahay.
Ilang __ minuto ang lumipas pero hindi parin ako nakikita ni Kiko. Napapa-hagikgik __ nalang ako dahil __ mukhang __ kanina pa siya nag-hahanap .
” Hanapin mo ako.” Muli akong humagikgik .
Nang __ mainip ay sinilip ko ang maliit kong ulo sa __ bakuran . Walang tao dito at hindi ko rin alam kung nasaan sila.
Nakita na kaya niya sila Wendi? Sana naman oo , kasi kung hindi ako talaga ang matataya dito. Pero kung mataya ako sasabihin ko ayaw ko na.
Ang galing ko talaga __ mag-isip .
“Sino ka ?”
Nag-tayuan ang balahibo ko sa __ katawan . Mabilis akong tumayo at hinarap ang nag-salita .
Hindi ko siya kilala pero sa __ tingin ko parehas lang kami ng edad pero mas matangkad lang siya sa’kin ng kaunti .
“Po? Na-nagtatago lang.” Kinakabahang __ sagot ko naman. Hindi ko magawang __ tignan siya dahil baka sapakin ako.
Kapag __ sinapak niya ako susumbong ko naman siya kay Lolo.
” Bakit dito ka __ nag-tatago ? Bawal __ ka dito. Bawal bata dito.” Wika __ nito .
” Paanong __ naging __ bawal e nandito __ ka . Bata ka rin naman ah.” Sabi ko naman.
Ilang segundo itong __ natahimik . Ramdam ko ang titig niya sa’kin . Siguro __ iniisip niya kung paano niya ako sasapakin .
” Umalis __ ka na dito.” Utos niya.
Kapag __ umalis ako baka naman makita ako ni Kiko. Kainis , nakaka-takot pa naman kasi ang Lalaking __ nasa __ harap ko.
“Mamaya na, baka makita ako ni Kiko.” Matapang kong sabi.
“Edi, pumasok __ ka __ sa __ loob ng bahay para hindi ka makita.”
Tila __ nasayahan ako sa __ sinabi niya. Tama siya, kung papasok ako hindi ako makikita ni Kiko. Tapos __ kapag hindi niya ako nakita, i-iyak siya.
Napa-hagikgik __ nalang ako sa __ naisip . Mabilis kong hinawakan ang kamay ng batang __ Lalaki __ tapos __ hinila ko ito papasok __ sa bahay.
” Baliw __ ka ba? Bakit tumatawa ka ng mag-isa.” Sabi nito __ nang __ maka-pasok __ kami .
Malaki din ang bahay nila parang ang bahay namin ni Lolo, marami silang gamit __ tapos marami ding laruan ‘yong nasa __ lamesa __ nila .
“Ang dami mong laruan . Pahingi ako.” Mabilis kong tinungo ang lamesa at tumungtong __ sa __ upuan para maabot ang mga __ laruan .
Kumuha ako ng isang kotse doon na laruan __ tapos robot. Doon ako nag-laro __ sa __ lamesa __ habang __ sa __ likod ko naman ay ‘yung Lalaki .
“Anong pangalan mo?” Tanong ko.
Umikot ito at pumunta __ sa __ kabilang __ bahagi ng lamesa at seryoso ako nitong __ tinignan . Ang cute niya. Tapos __ gwapo pa. Parang may gusto na agad ako sa __ kaniya .
” Bakit ko naman sasabihin ? Sabi ni Papa h’wag daw ako mag-tiwala __ sa kung sino.” Masungit __ niyang sabi na mas bumagay __ sa __ kaniya .
“Ang cute mo! Gusto kita .” Diretsong sabi ko kaya siya namula . Pati ang tenga niya namula din.
Hala, may sakit ba siya? Bakit __ namula ‘yung buong mukha niya?
Dahil __ sa __ pag-aalala ay mabilis akong tumalon mula sa __ upuan at nilapitan siya. Hinawakan ko ang noo niya at leeg kung mainit . Hindi naman.
“May sakit kaba? Bakit __ namumula __ ka !” Alalang sabi ko.
“Wala akong sakit . Ano ba kasi ‘yung sinasabi mong gusto mo ako. Baliw __ ka __ siguro ‘no, parehas __ tayong __ Lalaki .” Masungit __ nanaman __ niyang sabi.
“Pero gusto kita . Ang cute mo kasi kapag __ masungit __ ka .” Pag-pilit ko.
Natawa lang siya pero hindi parin __ nawawala ang pagka-pula ng mukha niya. Mas lalo siyang __ nagiging cute kapag __ seryoso siya tapos __ masungit .
“Ikaw naman, anong pangalan mo?” Tanong nito .
Andito __ kami ngayon sa __ kwarto niya, at gaya ng nasa __ lamesa ay marami din siyang __ laruan dito. May teddy, tapos __ malambot ang kama niya. Meron pa siyang __ umiilaw na laruan ang galing .
“Primo, doon ako naka-tira __ sa __ katabi ng bahay niyo .” Sagot ko. Tumango-tango ito pero hindi parin __ nawala ang pagka-seryoso ng mukha niya.
“Gusto mo ba talaga ako?” Tanong nito .
Tumango lang ako kasi nilalaro ko ‘yung umiilaw __ niyang robot. Mag-papabili din ako nito kay Lolo kasi nakaka-inggit siya.
“Hoy!”
Malakas __ itong __ sumigaw __ kaya __ nagulat ako. Nabitawan ko ang robot na hawak __ dahilan para malaglag ito sa kama. Mabilis ko siyang __ tinignan na papalapit na sa’kin .
Huli na ang lahat __ nang bigla itong __ tumalon __ sa kama at patungan ako. Hindi agad ako naka-galaw __ nang __ dahil do’n pero mas nagulat ako nang bigla ako nitong __ halikan __ sa __ labi ko.
Simula no’n ay naging __ mag-kaibigan na kami . Lagi akong pumupunta __ sa bahay nila __ tapos __ mag-lalaro __ kami . Kahit __ mag-kaibigan na kami ay hindi ko parin alam ang pangalan niya. Kainis siya.
” Pasok tayo sa __ kwarto .” Aya niya. Kasama ko ngayon si Kiko at si Giro, nag-lalaro __ kami ngayon ng mga __ laruan nung bata.
Tumayo naman ako kasabay ang pag-tayo ni Giro.
” Sama ako, sasali din ako.” Sabi ni Giro.
Tatlo kaming pumasok __ sa __ kwarto nung bata at naiwan __ si Kiko doon sa __ lamesa . Masaya kasi siya doon sa __ laruan na napili niya.
” Bakit dito tayo?” Tanong ko sa __ batang __ Lalaki .
“Giro upo __ ka muna doon.” Utos ko at umupo naman ito sa __ lamayo __ sa’min nung batang __ Lalaki .
Mas matanda ako kay Giro ng isang taon . Seven na ako tapos six palang siya kaya __ nauutusan ko siya.
“Kasi may sasabihin ako sayo.” Sabi nung Lalaki . Lumapit siya sa’kin . Hinalikan niya ulit ako sa __ pisngi ko. Ang bilis ng kabog ng puso ko kapag __ ginagawa niya ‘yon.
“Gusto din kita .”
Muling namula ang buong mukha niya. Natawa naman ako sa __ pag-amin niya. Sabi ni Lolo pwede na daw ako mag-crush kaya __ pwede na kami ng Lalaking ‘to.
“Alam ko naman ‘yon. Kiss mo ulit ako.” Ngumuso ako kaya __ hinalikan niya ako ng mabilis .
Ilang __ linggo ang lumipas na magka- sama kaming lahat . Nag- lalaro , nag- tatawanan . Hindi ko rin sinabi na may gusto ako sa __ batang __ Lalaki __ dahil baka asarin __ nila __ kami .
Tapos isang araw, may narinig akong kausap __ si Lolo sa __ telepono , si Mama siguro . Narinig ko kung paano __ tumaas ang boses ni Lolo kay Mama kaya __ natakot ako.
“Anong sinasabi mong kukunin mo ang apo ko!” sigaw ni Lolo kaya __ humigpit ang kapit ko sa __ laruan __ hawak .
“p-patay na si Prim?” Nautal na tanong ni Lolo. ‘yun ang huling __ narinig ko bago ako tuluyang __ makarinig ng isang pagbagsak ng telepono .
Ilang araw naging __ malungot __ si Lolo, tinatanong ko kung may sakit ba siya pero lagi __ niyang __ sinasabi na ayos lang siya at ‘wag siyang __ alalahanin .
Kompleto __ kami ngayon. Si Kiko, Wendi at Giro magka-kasama __ kami ngayon.
” A-alis kana talaga ?” Tanong sa’kin ni Giro. Maiyak-iyak __ itong __ naka-tingin __ sa’kin .
Pupunta kasi kami __ sa __ Maynila ni Lolo, gusto kong mag-paalam __ sa __ kanila bago ako umalis . Hindi ko naman makita ‘yong Lalaki __ kaya sila lang.
“Basta pasalubong ko.” Si Kiko naman na yumakap __ sa’kin .
” Bilhan mo ako ng Barbie doon ha.” Si Wendi ang nag-sabi no’n bago din ako yakapin . A- alis na sana ako sa __ palaruan namin nang may dumating .
‘Yung Lalaki .
“Akala ko hindi kana dadating . Gusto ko lang mag-paalam sayo.” Sabi ko sa __ kaniya .
Kumunot ang mukha niya. Ang gwapo __ talaga .
” A-alis __ ka ?” Tanong nito . Tumango naman ako.
” Sa __ Maynila na kami __ titira .” Sagot ko.
Tila may kung anong kumirot __ sa __ dibdib ko nang makita siyang __ umiyak . Nilapitan naman siya ng mga __ kaibigan namin.
Si Wendi, Giro at Kiko. Balak ko sana __ siyang __ lapitan __ kaso __ napatigil ako ng mag-salita __ si Giro.
“Ang daya mo naman. Ang totoo galit kami sayo.” Si Giro ang unang __ nag-salita __ habang __ yakap ‘yong Lalaki .
“Ako din galit ako! Hindi na kita __ bati .” Si Wendi naman.
Napa-iyak ako nang makita ang galit sa __ mga mukha nila , idagdag mo pa ang umiiyak na Lalaki .
“Sige, sasabihin ko na pangalan ko. Ako si Brandon.” Diretsyong sabi niya sa’kin .
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil __ sa __ wakas ay kilala ko na siya pero ngayon namang kilala ko na siya ay ang siya namang __ pag-iwan ko sa __ kaniya .
” Ayokong sabihin sa’yo __ pangalan ko para araw-araw ka __ pumunta __ sa bahay, para lagi __ tayong __ mag-lalaro !” Dagdag ni Brandon.
“Galit kami __ sayong __ lahat __ dahil i-iwan mo kami .”
Napa-atras ako sa __ mga __ sinabi __ nila . Hindi ko akalain na masasaktan ko silang lahat __ sa __ gagawin ko, gusto ko lang mag- paalam __ sa __ kanila pero hindi ko alam na magagalit sila sa __ pag -alis ko.
Balak ko sanang __ tumakbo ng pigilan ako ko Brandon
” Sandali .” Pinigilan sila ni Brandon at lumapit __ sa’kin . Umiiyak __ parin siya.
Hinawakan niya ang dalawang __ balikat ko at pinatingin __ sa __ kaniya . Naluluhang __ tumingin ako sa __ kaniya .
“Kung a-alis __ ka __ kalimutan mo na ako, kalimutan mo na kaming lahat ng nandito . H’wag mong isama ang pinag- daanan __ natin __ sa __ pag-alis mo dahil galit kami sayo! iiwan mo kami.” Sunod-sunod akong napa-iling .
” Ayaw ko, mahal ko kayong __ lahat at kaibigan ko kayo. Hindi ko kayo kakalimutan .” Sigaw ko. Gusto kong mag-wala kasi hindi kami __ bati , dahil galit sila sa’kin .
“Apo tara na!”
Bigla akong hinila ni Lolo. Nagulat ako sa __ ginawa niya kaya __ pilit akong nag-pupumiglas __ sa __ hawak ni Lolo.
“Brandon!” Sigaw ko.
“Brandon…” pahina __ nang __ pahina ang bawat __ sigaw ko habang __ palayo __ nang __ palayo kay Brandon at sa __ mga __ kaibigan ko.
“Lolo, bitawan mo ako. Hindi na ako sasama sayo! Doon lang ako kay Brandon!” Sigaw ko kay Lolo at pilit na tinatanggal ang hawak niya sa __ braso ko pero masyado __ siyang malakas.
Brandon…
Hind kita __ kakalimutan , araw-araw kong aalalahanin ang pangalan mo. Ikaw si Brandon, ang batang __ minahal ko dahil __ sa __ kasungitan . Ikaw ‘yon.
Ikaw si Brandon…
Chapter 12
Glamir Series 1: BRANDON
Nagising akong tagaktak ang pawis. Sumalubong sa’kin ang nakaka-silaw na ilaw at kulay puting kisame. Nilibot ko ang aking paningin kung nasaan ako.
Kaunti lang ang gamit dito. Kulay puti ang lahat at may isang Lalaki ang natutulog sa gilid ko.
“Brandon…” paos kong tawag sa pangalan niya. Mabilis siyang gumising at tinignan ako.
“Primo, gising kana?” Sabi nito.
Tumango naman ako at inayos ang higa. Umupo ako sa kama at kinumutan ang kalahati ng katawan.
“Guys!”
Pumasok si Ismael na may pag-aalala sa mukha, sunod si Hansel na seryosong naka-tingin sa’kin.
“A-anong ginagaw ko dito?” Tanong ko ng makitang nasa Hospital ako.
Lumapit sila sa’kin, si Brandon ay nasa tabi ko habang hinahaplos ang ulo ko. Si Ismael naman ay hindi parin mawala ang pag-aalala sa mukha nito.
Kung makita lang niya kung ano ang itsura ng loko matatawa siya. Si Hansel naman ay pirming naka-tayo sa likod ni Ismael at sa’kin naka-tingin.
“Nabagok ka at hinimatay, mabuti at nakita ka ni Hansel kaya dinala ka niya dito sa Ospital ng kambal.” Si Ismael ang sumagot. Tinignan ko naman si Brandon na parang maiiyak na.
“Sorry.” ‘Yung ang lumabas sa bibig niya. Naka-yuko at hindi ako magawang tignan. Nakaka-tawa naman mga mukha nila, para silang namatayan e buhay na buhay nga ako.
“Kasalan ko ‘to, kung hindi sana ako nag-lasing hindi mangyayari ‘tong lahat. Sorry Primo.” Pag-hingi niya ng tawad.
“Ako ang may kasalanan, hindi kita mabuhat.” Natatawa ko namang sabi na siyang nagpa-seryoso sa mukha niya.
“Lalo mo lang ako kino-konsensya e, alam mo namang mahal na mahal kita.” Malambing niyang sabi kaya mabilis uminit ang mukha ko.
“Tama na ‘yan, tinawag ko na si Victor para tignan ka.” Pag-singit ni Ismael at masamang tinignan si Brandon.
Patuloy parin ang pag-tatanong nila sa’kin kung ayos lang ako, at sinasagot ko naman sila na Oo, bago pumasok si Victor.
“Ayos naman siya.” Biglang sabi ni Victor nang maka-pasok. Agad naman siyang binatukan ni Hansel.
“Gago, anong ayos e hindi mo pa naman siya natitignan.” Masungit niyang sabi. Napa-kamot nalang sa batok si Victor.
“Maayos na nga siya. Unconscious lang siya dahil sa pagka-bagok, walang bleeding na nakita, maging fractured.” Sagot ni Victor.
“Pwede na siyang lumabas ngayon, lalaki lang ang ibabayad ko e, buti sana kung sagot nung isa d’yan ‘yong bills.” Parinig na sambit ni Victor.
Umiling lang si Ismael dito.
“Nawala amats ko sa’yo Primo. Pinag-alala mo kami.” ani Victor kaya tinawanan ko lang ito.
“Si Jacob nasaan?” Tanong ko.
“Hinatid ko na siya sa bahay nila.” Sagot ni Ismael.
Naku, siguradong imbis na mag-alala sa’kin ‘yun ay kinikilig pa ito dahil hinatid siya ni Ismael.
“Masakit paba?” Tanong ni Brandon. Umiling nalang ako dahil wala naman na akong nararamdaman.
“Anong oras naba? ilang oras ako walang malay?” Tanong ko sa kanila.
“10 Hours kang walang malay. Tangghali na po.” Si Victor ang sumagot.
Ang tagal ko palang nawalan ng malay. At sa loob ng sampung oras na ‘yun ay naalala ko ang pagka-bata namin ni Brandon at Wendi.
Nag-paalam na lalabas si Ismael at Hansel para bumili ng makakain namin, si Victor naman ay lumabas dahil mag-papahinga siya. Hindi raw siya tinantanan ni Ismael at Brandon hanggat hindi ako nagigising dahil sa sobrang pag-aalala.
“Ayos kana talaga? Wala nang masakit sa’yo? Kung gusto mo pwede ka pang mag-stay dito.” Alalang tanong ni Brandon, hinawakan ko lang ang kamay nito at tumango.
“Sure kang lalabas kana agad ngayon? Wala akong dalang mga damit mo dito. Kung gusto mo pwede ko utusan si Ismael na umuwi para ikuha ka.” Dagdag niya.
“Ang dami mo nang natulong kayo ni Ismael, ayos lang ako. Gaya ng sabi ni Victor ay nawalan lang ako ng malay dahil sa pagka-bagok, wala naman siyang sinabing hindi nako makaka-lakad.” Parehas kaming natawa sa sinabi ko.
Ilang segundong katahimikan ang dumaan sa’min parang may dumaang anghel sa harap namin. Pinagmasdan ko lang ang mukha nito.
Wala parin siyang pag-babago, kung gaano siya ka-cute nung mga bata kami kapag nag-susungit ay ganon parin siya.
“Pinag-alala mo ako. Akala ko i-iwan mo ulit ako.” Malumanay niyang sabi. Umupo ito sa tabi ko. Nasa kama kaming parehas at pirming naka-sandal ang ulo ko sa balikat niya.
“H’wag mo na ulit gagawin ‘yon. Mahal na mahal kita, hindi ko na hahayaang iwan mo ako ulit.” Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at binigyan ako ng halik sa labi.
Napa-ngiti naman ako dahil do’n kaya muli ko siyang hinalikan sa labi.
Bata palang ako malandi na talaga ako, at gustong-gusto ko kapag hinahalikan ako ni Brandon sa kwarto niya nong mga panahon na ‘yon.
Minuto ang lumipas matapos lumabas nila Ismael, bumalik din agad ito na may bitbit na Mcdo kaya agad akong napa-ayos ng upo at kinuha ang dala niya.
“Patay gutom.”
Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Ismael, mabilis kong kinuha sa plastic ang fries at burger, halos masamid pako dahil sa pag-mamadali sa pagkain.
“Hinay lang sa pagkain.” Paalala ni Brandon.
“Pinaayos ko na kay Victor yung bills, pwede na tayong umuwi pag-tapos mo kumain.” Ani Ismael.
“Thanks!”
Kumain na din sila kasabay ko at ng matapos kami ay nag-pahinga lang saglit at nag-paalam na kami kay Victor. Nasa Fenner Hospital kami kung saan ang kambal ang may ari, libre din ni Victor ang gastos sa’kin kaya wala kaming binayaran.
Inaalalayan pako ni Brandon habang palabas kami, sabi ko kaya ko na at tanging benda nalang sa ulo ang meron ako para hindi na daw dumugo ang ulo ko.
“Kaya ko nga sabi e.”
Nag-pupumilit talaga si Brandon alalayan ako, gusto pa niya na buhatin nalang ako hanggang sa maka-uwi kami, rinding-rindi na ‘yung dalawa sa’min ni Ismael at hinahayaan nalang kami.
Nang maka-uwi ay hindi parin umalis sila Ismael. Pinapaalis ko na nga sila dahil alam kong wala pa silang pahinga at tulog pero ang sabi niya dito nalang daw sila matutulog sa bahay kaya hinayaan ko nalang.
Maya-maya pa ay nakarinig kami ng malakas na tili mula sa labas.
“Primo!!”
Si Wendi.
Pag-bukas ni Hansel ng pinto ay agad na tumakbo sa’kin si Wendi at niyakap nanaman ako.
“Bestfriend ko akala ko iiwan mo nanaman kami!” Naiiyak na wika ni Wendi.
Nakita ni Brandon na hindi ako maka-hinga dahil sa higpit ng yakap ni Wendi kaya kinalas niya ito sa pamamagitan ng pag-hatak sa braso ng babae.
“Ayos na ako, ‘wag ka ng mag-alala.”
“Hindi ka okay, tignan mo ‘yung ulo mo may benda pa.” Turo niya kaya napa-iling nalang ang mga Lalaki.
“AO mo Wendi, lumabas kana nga.”
Lumapit naman ni Wendi kay Ismael at sinipa ito sa tuhod dahil sa sinabi.
“Kasalanan niyo ‘to e, lagi niyong sinasaktan si Primo ko.”
Nakita kong nawala ang ngiti sa mukha ni Brandon ng sabihin ‘yun ni Wendi, alam ko agad kung ano ang pumasok sa isip niya dahil do’n.
“Wendi tama na, walang may kasalanan sa nangyari.”
“Sorry, nag-alala lang ako sayo.”
Tinignan ko si Brandon at ganon parin ang itsura, parang malungkot parin ito at hindi ko naman siya masisi. Si Ismael naman ay walang reaksyon na naka-tingin lang sa’kin.
“Primo!”
May isang boses pa kaming narinig at iyon ay kay Ate Amy. Mabilis itong pumasok at nagulat ako ng pag-hahampasin niya ‘yung tatlong Lalaking kasama ko.
“Kayo talaga ang kukulit niyo, dinadamay niyo si Primo sa mga kalokohan niyo.”
Halata ang gulat sa tatlong Lalaki dahil sa ginawa ni Ate Amy, natawa naman ako sa mga mukha nila kaya tumayo na ako at pinigilan si Ate Amy.
“Ate ayos na po ako, wala namang malalang nangyari sa’kin.” Pag-hinahon ko kay Ate Amy.
Huminahon naman ito at sinuri ang katawan ko.
“Wala na ba talagang masakit?”
Tumango ako.
Saglit lang dumaan si Ate Amy dahil may meeting daw ito sa bayan, dumaan lang siya para pagalitan ‘yung tatlong lalaki at kamustahin ako.
“Grabe si Ate Amy ang sakit maka-hampas.” Iritang sambit ni Ismael kaya natawa kami ni Wendi.
“Deserve niyo.” Sabay na sambit namin ni Wendi bago muling tumawa.
Pag-tapos mag-paalam ni Wendi ay pinag-pahinga ko na sila Brandon, Ismael at Hansel.
Dalawa ang kwarto sa taas, isa sa’kin at pinatulog ko sila Ismael at Hansel sa kabila, syempre as malandi hindi ako papayag na hindi ko katabi si Brandon.
Pinagmamasdan ko ang mukha ni Brandon habang natutulog, kinakabisado ang bawat bahagi nito dahil ayokong makalimutan ulit ang mukhang minahal ko.
Pinadaan ko ang hintuturong daliri sa matango na ilong ni Brandon, nagising naman ito sa ginawa ko kaya mabilis ako nitong niyakap at pinaulanan ng mga halik.
“I love you…” Bulong ko.
“Mas mahal na mahal kita.”
Hindi nag-tagal ang harutan namin ng may narinig akong kumatok, nagkatinginan pa kami ni Brandon bago ako bumangon at buksan ang pinto.
Pag-bukas ko ay muli nanaman kumirot ang ulo ko ng makita kung sino ‘yon, kasabay ang boses ni Lolo na binabangit ang pangalan niya paulit-ulit.
“Papa…”
Chapter 13
Glamir Series 1: BRANDON
“Papa…”
Kunot-noong tumingin ito sa’kin. Akmang lalapit ito sa’kin ng umatras ako dahilan para mapa-tigil ito.
Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko, naguguluhan may inalalayan ako ni Papa upang maka-upo sa sofa.
“A-anong ibig mong sabihin.” Utal na tanong nito, halata ang kaba na nararamdaman.
“Papa…”
Paulit-ulit kong binangit ‘yon habang patuloy sa pag-iyak. Wala akong ibang masabi maliban sa mga salitang iyon.
“A-anak…”
Mas lalo akong humagulgol nang sabihin niya ‘yon, kasabay ang pag-hawak ko sa dalawang kamay niya at dinama ang init no’n.
Hindi ako maka-paniwala na nasa harapan ko na ngayon ang matagal ko ng hinahanap. Hindi ako makapag-salita at hindi alam ang gagawin, basta sobrang saya ko dahil ngayon alam ko na bakit ang gaan ng pakiramdam ko.
“Papa!”
Sigaw ko kasabay ang pag-yakap dito ng mahigpit. Papa ko si Tito Prim, hindi ako makapaniwala.
“Anak.”
Mas lalong humigpit ang yakap ko.
Ganito pala ang pakiramdam ng isang yakap mula sa Papa mo, ganito pala ang init ng yakap ng isang ama, sobrang sarap sa pakiramdam.
Wala akong galit sa kaniya, tampo meron pero dahil sa sobrang saya at pagka-excite ko ay parang nakalimutan at nawala na ang mga bagay na ‘yon.
“Primo?”
Napa-tingin ako sa itaas ng hagdan, nakita ko si Brandon at Ismael kaya agad kong pinahid ang mga luha.
“Dad…”
Sabay na bumaba si Brandon at Ismael patungo sa’min.
“Anong ginagawa mo dito Dad?” Tanong ni Ismael
“Bakit ka umiiyak Primo?” Tanong naman ni Brandon.
Nagka-tinginan kami ni Papa Prim at sabay na ngumiti bago sila tignan na tila nag-tataka sa mga nangyayari, kung bakit ako umiiyak.
“Ismael, alam na ni Primo ang lahat, bumalik na ang memorya niya.” Halata ang gulat sa mukha ni Ismael.
Wait, What! alam ni Ismael ang lahat at wala itong sinasabi sa’kin? alam niya na mag-kapatid kami?
“Ismael alam mo ang lahat? bakit hindi mo sinabi sa’kin?”
Hindi ito maka-tingin sa’kin ng diretso, ngumuso lang ito.
“Si Dad ang may sabi na ‘wag ko muna ipaalam sa’yo, alam ni Dad kung gaano kakati ang bibig ko na sabihin sa’yong mag-kapatid tayo sa ama pero ayaw niya.”
Tumingin naman ako kay Papa.
“B-bakit Pa?”
Lumapit sa’kin si Brandon at hinawakan ang kamay ko. Alam ko na nalilito rin siya sa mga nangyayari, parehas kami na walang kaalam-alam sa mga nangyayari ngayon.
“Akala ko kasi ay galit ka sa’kin dahil sa pag-iwan ko sa’yo sa Mama mo, akala ko ay maraming sinabi sa’yo ang Mama mo na masasama tungkol sa’kin kaya natakot ako…” Pansamantalang tumigil ito nang lumapit sa kaniya si Ismael at yapusin ang likod niya.
“Pero masaya ako ng malaman galing kay Ismael na merong tiga-maynila ang lumipat sa bahay ni Papa, kaya agad kitang pina-imbistigahan…”
“Ako nag-imbistiga.” Pag-singit ni Ismael kaya sinamaan ko ito ng tingin.
“Tama ang hinala ko, ikaw nga ang anak ko, kaya simula nu’n ay pinalapit ko sa’yo si Ismael.” Tumingin ito kay Ismael na naka-ngiti ngayon.
Tsk.
“Gusto ko mapalapit kayo ng kapatid mo, gusto ko kapag dumating ‘yung panahon na hindi mo parin maalala ang lahat… at kapag handa na akong sabihin ang totoo ay wala kang galit sa kapatid mo.” Paliwanag ni Papa na siyang muling nagpa-luha sa’kin.
Kahit na madalas akong inaasar ni Ismael ay hindi ko makita ang sarili kong magagalit sa kaniya. Sobrang bait niya at ang dami niyang nagawa para sa’kin.
“Kaya sabi ko sa sarili ko. kahit kayong dalawang mag-kapatid ay maayos, wala akong pake kung magalit ka sa’kin basta ang mahalaga sa’kin ay makita kayong mag-kapatid na maayos at hindi inaayawan ang isa’t-isa.”
Tila may kung anong tumusok sa puso ko nang makita ang pag-patak ng luha mula sa mga mata ni Papa, naka-yuko ito at hindi ako magawang tignan kaya mahigpit ko ulit itong niyakap.
“Hindi ako galit Pa. masaya ako…” Mas lalong humigpit ako yakap ko sa kaniya. “Masaya ako dahil alam kong buhay ka, alam kong maganda ang kalusugan mo, masaya ako na kahit matagal mo akong hindi nakita ay hinanap mo parin ako…” Kumalas ako ng yakap at tinignan ito sa mga mata.
“Masaya ako na kahit nahanap mo na ako ay ako parin ang inalala mo, sobrang saya ko Papa.”
Muli ay niyakap namin ang isa’t-isa.
Hindi ko akalain na darating pala sa’kin ang araw na pinaka-aasam ko. Ang araw na makita ko muling ang Papa ko, ang araw na malasap ang mahihigpit niyang yakap, ang araw kung saan makikita ko ang unang Lalaking nag-mahal sa’kin.
Papa…
“Ngayong alam mo na mag-kapatid tayo, pwede mo ng alisin yung feelings mo sa’kin.” Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Ismael.
feelings?
“Alam kong nagustuhan mo ako dahil mabait ako, gwapo, mayaman at perpekto ng mga panahon na ‘yun.”
Napa-ngiwi ako sa sinabi ni Ismael, mabilis akong tumayo at sinabunutan ito na siyang ikina-tawa naming lahat.
“Kahit pa hindi kita kapatid hindi ako magkaka-gusto sa’yo ‘no, napaka-hangin mo sobra…” Inirapan ko ito at bumalik sa tabi ni Papa at Brandon.
“Tsaka may mahal na ako.”
Niyakap ko si Brandon na siya namang kininagulat niya. Sobrang saya sa feeling na kasama at katabi mo ang dalawang lalaking importante sa buhay mo, sobrang saya at sarap sa pakiramdam na katabi mo ang dalawang lalaki na nag-mamahal sa’yo at tumatanggap sa’yo maging sino ka man.
Sana hindi matapos ang masasayang araw na ‘to, alam kong malas ako, alam kong tuwing may nangyayaring maganda sa buhay ko ay may masakit itong kapalit.
Pero kahit ngayong araw lang ay hindi ito masira, kahit ngayong araw lang ay hindi masira ang masayang araw na kasama ko ang dalawang lalaking mahal ko.
“Landi mo, hindi naman ako boto sainyong dalawa…” Ani Ismael kaya sinamaan ko ito ng tingin.
“Nag-seselos ako kapag si Brandon lagi kasama mo, ako ‘yung kapatid mo pero si Brandon bukang bibig mo.” Ngumuso ito na siyang nagpa-gwapo sa kaniya ng sobra.
“Basta ako anak, hindi ako tutol sa kung anong relasyon mo kay Brandon, ang sa’kin lang ay gusto ko mahalin mo siya.” Tumingin ito kay Brandon. “At gusto ko, yung hindi mo siya sasaktan gaya ng ginawa ko sainyo ng Mama mo.” May halong pag-babanta sa boses ni Papa kaya napa-lunok si Brandon.
Natawa nalang ako dahil ngayon ko lang ulit nakita ang ganiyang mukha ni Brandon. Madalas kasing lagi itong galit, laging kunot ang noo at laging seryoso, ngayon ko nalang ulit nakita ang takot sa mga mukha niya mula nung takbuhan ko siya.
Ang dami naming napag-usapan ni Papa, kasama si Ismael at Brandon. Nagtawanan kami at syempre nag-biruan.
Mabilis lumipas ang oras, gusto ko pa sana makasama sila pero kailangan din nila umuwi at mag-pahinga.
Sabay na umuwi silang tatlo, si Ismael, Papa at Hansel. Inalok pa ako ni Papa na doon sa kanila matulog, pero tumanggi ako, kahit pa gaano ko kagusto ay kailangan ko parin mag-pahinga.
Sobrang daming nangyari ngayong araw at hindi ko nagawang mag-pahinga, ang dami kong nalaman kaya kailangan ko rin mag-pahinga para ihanda ang sarili ko para sa kinabukasan.
Mag-kasama kami ni Brandon na inaayos ang mga pinag-kainan namin, huling tingin ko sa cellphone ko ay 9:30pm bago umuwi sila Papa, siguro 10pm na ng gabi ngayon.
“Mag-pahinga kana dun, ako na sabing bahala dito.” Saway sa’kin ni Brandon pero hindi ko ito pinakingan.
“Kaya ko pa, tutulong na ako para mabilis matapos at makapag-pahinga na tayo.”
Nakita ko itong nag-lakad palapit sa’kin. Nakaramdam nalang ako ng spark sa pagdikit ng balat niya sa’kin nang yakapin ako ni Brandon mula sa likod at pinahinga ang ulo sa balikat ko.
Pinagpatuloy ko lang ang pag-huhugas sa kabila ng kiliting nararamdaman dahil sa paghinga ni Brandon mula sa leeg ko.
“Sobrang saya ko ngayon…”
Napa-ngiti ako ng sabihin niya ‘yun.
Ako din Brandon sobrang saya ko. Labis ang sayang nararamdaman ko dahil kasama kita.
Hindi na ako sumagot at pinag-patuloy ang pag-huhugas, hanggang sa maramdaman ko ang pag-halik ni Brandon sa leeg ko.
“Brandon, nakikiliti ako tigil mo ‘yan.” Malandi kong sabi.
Napa-igwas ako ng muli niyang halikan ang leeg ko, mabilis akong himarap sa kaniya at pinahiran sa mukha ng bula.
Loko itong ngumiti at hinila ang bewang ko’t mabilis na nilapit sa kaniya.
Gamit ang hintuturo ay pinahiran niya ang aking ilong ng bula mula sa lababo.
“Sobrang ganda mo.”
Hindi ko maiwasa ang kiligin sa sinabi niya, parang may kung anong paro-parong nasa loob ng tiyan ko at hindi mawala ang ngiti sa labi ko.
Kahit may bula ang kamay ay hinawakan ko ang dalawang pisngi ni Brandon, hinarap ko ito sa’kin at hinalikan sa labi.
Nag-palitan kami ng halik, hanggang sa naging mapusok ito at pilit na pinapasok ang dila niya sa bibig ko dahilan para kumawala ang isang mumunting ungol sa’kin.
Parehas kaming nag-habol ng hininga nang tumigil ito sa pag-halik at tinignan ako sa mata.
“Mahal kita Primo…”
Hindi na niya ako inantay na maka-sagot at muli niya akong hinalikan.
Naramdaman ko nalang ang pag-buhat niya sa’kin at maingat na inupo sa sofa ng hindi pinuputol ang halikan.
Sobrang init ng nararamdaman ko, hindi ko mapigilan ang katawan na idikit kay Brandon.
“Shit!”
Napa-mura ako nang marahang kagatin ni Brandon ang leeg ko at mag-iwan ito ng marka.
Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari, parehas na kaming hubad ni Brandon at dinadama ang init ng isa’t-isa.
“Ahh…”
Napa-ungol ako ng bumaba ang halik ni Brandon at mapunta sa dibdib ko’t laruin ito gamit ang dila.
Dahil sa sensasyon na nararamdaman ay kusang gumalaw ang aking kamay at hinawakan ang galit at naka-tayong alaga ni Brandon.
Ganon nalang ang gulat ko ng mahawakan at masukat ang laki nito.
“Ang laki Brandon, h-hindi ko ata kaya.” na-utal at kinakabahan kong bigkas.
“Dadahanin ko lang…” Mapang-akit nitong bigkas bago ako muling halikan.
Napa-pikit ako ng idikit ni Brandon ang alaga at dahan-dahan itong ibinaba pababa sa aking butas, napa-lunok nalang at tumingin sa mga mata ni Brandon.
Ramdam ko ang pag-higpit ng kapit ko sa likod ni Brandon nang ipasok niya ang malaki at galit na alaga sa butas ko, halos hindi ako naka-hinga ng ilang segundo dahil sa ginawa.
Nang maipasok ay hinayaan niya muna ito at muling bumalik sa pag-halik.
Sobrang sakit at parang may kung anong napupunit sa’kin ng dahan-dahang gumalaw si Brandon.
Hindi maiwansan ang mumunting luha na pumatak sa’king mga mata nang mag-umpisang ibaon ni Brandon ang kabuuan sa aking butas.
Masakit, masarap, nakaka-pagod at nakaka-panghina, halo-halo ang naging pakiramdam ko sa bawat pag-galaw ni Brandon na siya namang sinusuklian ko ng mga ungol na mas lalong nag-papasarap at nagpa-init sa aming ginagawa.
Hindi alintana sa’min ang lamig ng gabi dahil sa init ng aming ginagawa.
Pinag-patuloy namin ang ginagawa, dinama ang init ng katawan ng bawat isa, nilasap ang sarap na nag-mumula roon at ng makuntento at guminhawa ay sabay kaming napa-higa dahil sa pagod.
Habol ang hininga, pagod na pagod, pawis na pawis, sa kabila no’n ay hindi naalis ang ngiti sa’ming mga labi.
“I love you Brandon.”
“Mahal na mahal din kita Primo.”
Chapter 14
Glamir Series 1: BRANDON
Week later. Maayos na ang lahat ng problema at misunderstanding namin ni Papa Prim, Sabay kaming kumakain na lagi naman talaga naming ginagawa no’ng hindi ko pa alam na siya ang Papa ko, iba lang talaga ang feeling na alam mong kasama mo sa pagkain ang Papa mo.
Hindi parin namin pinapaalam na Papa ko siya sa trabaho dahil baka mag-iba ang trato sa’kin ng ibang workmates ko na pinaka-ayoko, lalo na si Jacob. Okay na sa’kin ‘yung laging pinag-uusapan, na kesyo sipsip daw ako at inaakit ko si Ismael. Wala naman akong pake sa’kin, stay unbothered.
Kami ni Ismael ay mas lalong naging malapit, naging madalas na rin ang pang-aasar niya sa’kin at mas naging doble pa. One time pumunta ako kay Brandon na umiiyak dahil sa pang-aasar sa’kin ni Ismael, muntik pa silang mag-friendship over dahil do’n.
Kami ni Brandon…
Gano’n parin, mahal parin namin ang isa’t-isa, mas lumalim lang at mas naging mapusok…
Ganda ko kasi.
May mga araw na wala akong pasok kaya lagi kaming mag-kasama ni Brandon, sa bahay ito kumakain at natutulog, sabay rin kami maligo minsan kaya tipid ako sa tubig.
Pinakilala niya rin ako sa Papa niya na boto at walang problema sa relasyon namin, masaya pa nga raw ito dahil ‘yung laging bukang bibig raw ni Brandon nung bata siya ay boyfriend niya na ngayon and that’s me.
Nangingibabaw ang kaba at excitement ko no’n nang ipakilala ako ni Brandon sa Papa niya. Napuno ng saya ang puso ko habang nakikita ang pagtanggap at pagkakaroon ng tiwala mula sa kaniyang Papa. Isang bagay na nagbigay ng kakaibang sigla at kahulugan sa aming relasyon.
May pasok ako ngayon kaya nasa bahay lang si Brandon at may ginagawa, paminsan-minsan kasi ay inuutusan ito ni Ate Amy.
Katabi ko sa upuan si Ismael, busy siya sa mga papel na pinipirmahan niya habang ako ay tulala at pinapanood ko siya.
“Ismael, kailan ba ako kikilos dito? Puro ka nalang utos sa’kin. Nakaka-pagod kaya, gusto ko din gawin ‘yong ginagawa mo.” Maktol ko.
Tumawa lang siya sa sinabi ko. Sobra akong naiinis sa kaniya, lagi nalang siya tutol sa mga ginagawa ko, ang gusto niya ay utusan lang ako nang utusan.
“Ano pa ba ang ginagawa mo? Ganiya’n din naman ang ginagawa ko nung assistant din ako.” Pabalang niyang sagot sa’kin.
Hindi na ako umimik pa. Pinabayaan ko nalang siya na mahirapan sa ginagawa niya. Tutal naman ay maka-sarili siya.
“Saan ka pupunta?” Tanong nito nang bigla akong tumayo sa inuupuan. Tinignan ko lang siya ng masama bago lumabas.
Kainis, bakit lagi nalang akong gutom. Minsan talaga nakaka-pagod din ang mag-hapon kang naka-upo at walang ginagawa.
Pagka-labas ay dumiretso ako sa canteen ng building. Marami ang pagkain dito at halos lahat ay matatamis. Bigla tuloy akong natakam.
Lumapit ako sa isang pastry shop, pag-pasok ko ay sobrang daming matatamis na siyang nagpalaway sa bibig ko. Ang sasarap.
“Isa nga po nito, tapos ito po at tsaka ito narin.” Turo ko sa mga pagkain na mukhang masasarap.
Nang makuha ay mabilis akong lumabas ng may ngiti at nag-hanap ng mauupuan ko. Buti at walang gaanong tao dahil oras ng trabaho.
“Busy ka sa lagay na ‘yan? Kumakain ka lang sa gitna ng trabaho?” Biglang sumulpot ang isa sa mga kambal si Vistro.
“Wala kang pasok? Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko. Umupo ito sa tabi ko bago mag-salita.
“Day off ko ngayon. Naisipan kong dumaan dito para bisitahin ang busy kong kaibigan, then look what I see.” Tinuro niya ako.
Mahina naman akong natawa dahil sa hiya. Si Ismael naman ang nag-sabi na h’wag akong kumilos.
“Sorry naman, ang labo kasi ni Ismael e, puro madadaling trabaho lang ang pinapa-gawa niya sa’kin.” Maktol ko sa kaniya.
“Hayaan mo na. Buti kapa nga walang ginagawa e, tignan mo kami. Maagang tumatanda dahil sa trabaho.” Pagod itong sumandal sa upuan.
Ang gwapo niya rin pala ‘no, kahit medyo stress siyang tignan ay hindi mo maalis na may kamandag parin siya. Naka-suot ito ng black long sleeve polo na naka-tupi hanggang sa kaniyang siko, naka tuck-in din ito sa kaniya black na trouser.
“Don’t stare at me. Baka masapak ako ni Brandon.” Mabilis akong umiwas ng tingin. Mabilis nag-init ang mukha ko nang dahil sa sinabi niya.
Tahimik ko nalang kinain ang mga nabiling pastries. Nang maubos ay muli kong tinignan si Vistro pero naka-tulog na pala sa pagod.
Kawawang Doktor, pagod nalang lagi.
Dahil ayaw ko naman siyang abalahin ay pinabayaan ko nalang siyang natutulog. Umalis ako sa upuan at bumalik sa office ni Ismael.
Pag-balik ay si Papa ang nadatnan ko na kausap si Ismael. About ito sa work kaya tahimik lang akong pumasok at tumabi kay Ismael, ngumiti naman sa’kin si Papa ng makita ako.
“Kailangan na ‘yan tomorrow, kahit si Primo na utusan mo sa pag-bibigay sa’kin.” Tumango ako kay Papa.
“Bakit? para kayong dalawa nanaman ang mag-sama kumain, iiwan niyo ako dito na tambak ang trabaho?” Angal ni Ismael. Dinilaan ko ito.
“Buti nga, ayaw mo kasi akong turuan ng ginagawa mo e, buti ‘yan sa’yo.”
Tinawanan lang kami ni Papa.
Lumabas si Ismael dahil ibibigay niya raw ‘yun doon sa secretary niya sa first floor kaya naiwan kami ni Papa.
“Kamusta naman dito? hindi ka ba nahihirapan?” Tanong ni Papa.
Umiling ako.
“Sobrang bagot, wala talaga akong ginagawa lagi lang akong inuutusan ni Ismael, akyat baba ako first at second floor.” Maktol ko bago hawakan ang kamay ni Papa
“Pa, gusto ko rin ‘yung ginagawa ni Ismael…” Pinutol ako ni Papa at tinaas ang hintuturo na parang nag-babala.
“Kuya Ismael.” pag-tatama niya sa’kin kaya napa nguso ako. Ang sagwa kung tatawagin ko siyang kuya, kahit na kaming tatlo lang ay hindi ako kumportable.
“Okay, Kuya. Basta gusto ko matuto rin.” May ngiti sa mukha ko nang parang nag-iisip si Papa.
Papayag na ‘yan…
Papayag ‘yan…
“Pag-iisipan ko.” bumagsak ang balikat ko ng sabihin ‘yon ni Papa.
“Hanapin mo ang kuya ko at baka kung saan-saan nanaman ‘yon pumunta.”
Nagpaalam si Papa at lumabas ng office ni Ismael, ako naman ay malungkot na lumabas din at hinanap si Ismael.
Nasa second floor ako nang makita ang bulto niyang naka-talikod mula sa first floor. Kausap niya si Brandon?
Anong ginagawa niya dito?
Baka gusto akong dalawin.
Dahil sa saya ay bumaba ako at nilakad ang kanilang direksyon. Hindi pa man ako tuluyang nakaka-lapit nang marinig ko ang usapan nila na mukhang seryoso.
Anong meron?
“Seryoso ka ba sa sinasabi mo?” Hindi maka-paniwalang tanong ni Ismael.
Gusto ko na sanang lapitan sila pero mas pinili ko nalang na mag-tago at pakinggan ang pinag-uusapan nila. Sobrang seryoso kasi.
“H-hindi ko alam basta pumunta lang siya at sinabi ‘yun.” Utal at kinakabahang wika ni Brandon na siyang nagpakunot sa noo ko.
“Ayusin mo ‘to mo Bro, ayokong malaman ito ni Primo.”
Hindi mawala ang kaba sa dibdib ko dahil sa sinabi ni Ismael, anong hindi ko dapat malaman? may tinatago ba sila sa’kin.
Halos hindi ako maka-tayo ng maayos dahil sa panghihina, nerbyos at kaba na nararamdaman ko. Ano ba kasing pinag-uusapan nila?
“Paano? e kahit ako hindi sigurado kung totoo ba sinasabi ng Babaeng ‘yun?” Nagpantig bigla ang tenga ko ng maka-rinig ng Babae.
Wala naman akong problema kahit lapitan si Brandon ng maraming babae pero sa lagay nila ngayon na sobrang seryoso ng pag-uusap ay hindi ko maiwasang kabahan.
‘Wag naman sana ‘yung iniisip ko…
“Hindi ko rin alam, baka nag-sisinungaling lang siya kaya ayun ang alamin mo.”
“Paano si Primo?”
Nang marinig ang pangalan ay halos hindi ako maka-hinga, sobrang nerbyos ko, pawis na ang noo ko dahil sa mga nangyayari.
“Hindi ‘to pwedeng malaman ni Primo…” Huminto saglit si Ismael at tinignan ang paligid, ako naman ay mabilis na nag-tago sa pader malapit sa isang walis upang hindi niya makita.
“Hindi niya pwedeng malaman na may nabuntis ka!” Dagdag niya na siyang tuluyang nagpahina sa mga tuhod ko.
dahil sa nalaman ko na may nabuntis na babae si Brandon, para bang ang puso ko ay biglang napuno ng lungkot at sakit. Ang saya at pangako ng kinabukasan namin ay biglang napalitan ng malupit na pagkabigo. Parang nawalan ako ng saysay sa pag-ibig, at ang tiwala sa kanya ay tila napunit na parang puso ko.
May kurot akong naramdaman sa puso ko at muntik na akong matumba buti nalang at naagapan pero ‘yung walis na katabi ko ay malakas na bumagsak kaya napa-tingin dito ang dalawa.
Halata ang gulat sa mukha nilang dalawa, habang ako ay naka-tayo at tulala sa pwesto.
Hindi pwede ‘to…
Masaya pa kami nung nakaraang linggo pero bakit may ganito nanaman? Prank ba ‘to?
Baka alam nilang nakikinig ako kaya iniba nila ‘yung usapan.
Sobrang daming tumatakbo sa isip ko, hanggang sa makita ko nalang silang dalawa sa harapan ko.
“Primo…”
Dahil sa pag-tawag ni Brandon ay tuluyang pumatak ang mga luha ko.
“Primo mag-papaliwanag ako.” mahinahong wika ni Brandon habang hawak ang mga braso ko.
Tuloy-tuloy parin ang pag-iyak ko.
Isa lang naman ang hiling ko sa tuwing masaya ako… ang maging masaya sa mga susunod na araw.
Alam ko sa sarili kong kapag sumaya ako ay mapapalitan ito ng mas masakit na katotohanan, sobrang tanga ko dahil umasa ako na magiging masaya ako habang buhay.
Sobrang tanga ko dahil pinaniwalaan ko ang bagay na hindi ako lolokohin ni Brandon, sobrang tanga ko kasi nagpadala ako sa matatamis niyang salita.
Sobrang tanga ko.
“Hi-”
Hindi na natuloy ni Brandon ang sasabihin ng mabilis lumipad ang palad ko sa pisngi niya. Natulala siya sa ginawa ko at napahawak sa pingi.
“Primo!”
Hindi ko na pinansin ang tawag ni Ismael at mabilis na tumakbo palabas ng building.
This time, hindi na ako aasa sa mga bagay na walang kasiguraduhan, this time hindi ko na ipipilit ang mga bagay na alam kong sa una pa lang ay malabo na.
bakit pa nga ba ako aasa?
Iniisip ko, siguro hindi talaga siya ang para sa akin. May mga bagay na hindi tugma, at nararamdaman kong may kulang sa koneksyon namin. Parang may ibang landas na naghihintay sa akin na mas makakabuti sa damdamin ko.
Maybe this is not the time for both of us, maybe he is not the man for me.
Maybe Brandon and I aren’t really meant for each other.
Chapter 15
Glamir Series 1: BRANDON
Wala akong paki-alam kung sino man ang nakaka-bungo ko basta ang nasa isip ko lang ay maka-alis.
Hindi matigil ang aking pag-iyak dahil sa nalaman. Labis ang kirot na nararamdaman ko sa puso, idagdag mo pa ang pakiramdam ng pinagtaksilan.
“Primo, wait.” Napa-tigil ako sa pag-takbo nang kabigin ni Brandon ang braso ko at iharap sa kaniya. Hindi alinta ang dami ng taong nakaka-kita sa’min.
“Tama na Brandon! sobra mo na akong sinasaktan!.” Napa-sigaw ako dahil sa galit, mas tumindi pa ang aking pag-iyak na halong mawalan na ako ng hangin.
“Sa ibang lugar tayo---”
“Bakit? Natatakot ka! Na malaman din nila ang totoo?” Sigaw ko.
Nakita ko ang pag-habol ni Ismael.
“Isa kapa Ismael, kung hindi kita hinanap, itatago niyo sa’kin ‘yun?” Napa-tigil ito at hindi nagawang tumingin sa mga mata ko.
Tangina nila. hindi naman ako naging masama sa kanila pero bakit ginagawa nila sa’kin ‘to? May ginawa ba akong masama para parusahan ng ganito?
Ang ginawa ko lang naman ay mag-mahal, pero bakit parang iba naman ang isinusukli saakin? ginawa ko lang naman ay mahalin silang dalawa pero parang tanga lang kasi parang ayon pa ata ang mali na naging desisyon ko sa buhay, ang pagkatiwalaan sila.
“Primo, mag-usap tayo sa ibang lugar. H’wag kang sumigaw.” Pabulong na sabi ni Ismael.
“Hindi. Ayoko na, babalik nalang ako sa Maynila.” Akmang a-alis ako nang pigilan ako ni Brandon.
May lungkot sa mukha nito at the same time ay galit. Hindi agad ako naka-kilos nang makita ang luhang pumatak sa kaniyang pisngi, may sakit akong naramdaman pero mabilis din iyong nawala nang maisip ko ulit ang kagaguhan niya.
“I-iiwan mo ulit ako?” Mahina at puno ng lungkot niyang tanong. Wala sa sariling inalis ko ang hawak niya.
“Oo, ayoko na dito. Puno ng mga sinungaling at manloloko!” Sigaw ko.
Hindi na nila ako napigilan nang mabilis kong tinakbo ang kahabaan ng kalsada ng bayan. Hindi ko alam kung saan ba ako pupunta ngayon.
Hindi naman talaga ako aalis, gusto ko lang mapag-isa at makapag-isip, niloloko ko lang sila para hindi na nila ako sundan. Pero sino nga ba ang talagang niloloko ko? Sila o ang sarili ko?
Niloloko ko lang siguro ang sarili ko, siguro ito talaga ang para sa’kin, ang masaktan nang masaktan, ang parusahan dahil sa kahibangan.
Hindi ko matanggap na niloloko at pinaglilihiman ako ng dalawang lalaking malapit sa’kin at minahal ko.
Napa-hinto ako sa pag-takbo, hingal na hingal at patuloy parin ang pag-iyak, iniisip ang mga nangyayari.
Hindi ko na kaya!
Napasigaw ako dahil sa nararamdaman, halos maubos ang hangin sa katawan dahil sa sigaw na ginawa, hindi alitana ang mga sasakyan na dumadaan.
Ito nanaman ako, niliko ng taong mahalaga sa kaniya na akala ko hindi ako lolokohin.
“Ginagawa mo?”
Napa-angat ako ng tingin sa nag-salita, si Hansel. Halata sa mukha ang gulat ng makita akong umiiyak at nag-sisigaw sa gilid ng kalsada.
“Wala kang pake.” Sagot ko.
Hindi ko na ito binigyan ng pansin at pinagpatuloy ang pag-lalakad kahit hindi ko naman talaga alam kung saan ako pupunta.
Hindi ako pwedeng bumalik sa bahay dahil sigurado akong aabangan ako dun nila Brandon, ayoko muna silang kausapin, gusto ko mapag-isa at makapag-isip ng tamang gagawin.
“Wait, primo… saan kaba pupunta?”
Ramdam ko ang pag-habol sa’kin ni Hansel, at ng mahabol ay mabilis niya akong pinigilan.
Hinarap ko ito at unang kong napansin ay ang kotse sa likod niya.
“Buksan mo ‘yung kotse.” Utos ko. Mabilis akong pumasok pero nanatili parin siyang naka-tingin sa’kin na may seryosong mga mukha.
“Dalhin mo ako sa hindi makikita ni Ismael at Brandon.” Seryoso kong sambit.
“Bilis!”
Nagulat ito nang sumigaw ako. Hindi ko mapigilan ang sumigaw dahil sa galit na nararamdaman, pati narin sa sarili ko dahil nagpaka-tanga nanaman ako.
Alam kong gulong-gulo si Hansel sa mga nangyayari pero nanahimik nalang ito matapos nu’n, nag-maneho ito habang ako naman ay patuloy parin sa pag-iyak.
“What happened? May dapat ba akong malaman?” Tanong nito nang mahinasmasan ako.
Nauuhaw ako, nagugutom at inaantok. Gusto ko nang umuwi pero hindi ko magawa, gusto ko nang kumain at matulog pero hindi ko magawa.
“May alam ka ba?” Pabalik kong tanong sa kaniya.
Umiling naman ito na parang hindi sigurado sa sinasabi ko.
Matamlay akong naka-tingin sa kanyang seryosong mga mukha.
“Hindi mo alam na ‘yang magaling mong kaibigan na si Brandon ay may nabuntis na Babae!” Nagulat ito.
“What? Seryoso ka ba?” Sigaw nito.
Patuloy parin ito sa pag-mamaneho pero ramdam ko at alam ko na marami siyang gustong itanong sa’kin, hindi ko naman alam ang isasagot ko dahil maging ako ay walang kaalam-alam.
“Nung hanapin ko si Ismael, nakita ko siya kausap si Brandon, akmang lakapitan ko sila ng marinig ko ‘yun.” Pag-kwento ko.
Kahit hinang-hina na ako ay nagawa kong i-kwento sa kaniya ang nangyari. Ang mga nararamdaman ko at mga tanong, as if namang may maisasagot siya.
“Kaya ba tatakas ka?” Tanong niya.
Hindi ko alam kung takas ba talaga ang tawag sa ginagawa ko. Siguro nga tatakas ako dahil simula palang ay doon ako magaling, ang takasan ang problema ko at ibigay sa iba.
“Gusto kong mapag-isa, makapag-pahinga, siguro kung pagtakas lang ang magpapa-ramdam sa’kin ng ginhawa siguro.” Sagot ko. Tumango naman siya at sa daan na tinuon ang pansin.
Ilang oras na siyang nag-mamaneho, ako tulalang naka-silip sa bintana at dinadama ang hangin na tumatama sa’king mukha.
Maya-maya pa ay tumigil ang kotse kaya napatingin ako sa kaniya. Tinignan ko kung saan kami napadpad at nakita ko ang isang bahay.
Maliit lang ito na parang kasiya ang dalawang tao, moderno ang disenyo na akala mo ay mamahalin.
“Anong ginagawa natin dito?” Tanong ko.
“Ang sabi mo dalhin kita sa hindi makikita ni Ismael and Brandon, dito ‘yon. Medyo luma lang dahil hindi na nalinis.” Sagot naman niya.
“Ayos na ito. Salamat sa pag-tulong pero sana…kahit boyfriend mo si Ismael h’wag mong sabihin sa kaniya.”
Kita ko ang pagka-bigla dito, namula ang kaniyang tenga at hindi nagawang maka-tingin sa’kin.
“Pa-paano mo nalaman?” Utal niyang tanong.
Natawa nalang ako sa reaksyon niya.
“Ikaw naman, nahiya pa. Boto naman ako sa inyo.” Siniko ko pa siya.
Hindi na ito naka-imik. Binigay nalang niya ang susi ng bahay bago na agad ko namang tinanggap bago lumabas ng kotse at nag-paalam sa kaniya.
Hindi kami masyadong close ni Hansel dahil sa palagi itong seryoso, kaya alam kong gulat ito sa pag-sigaw ko sa kaniya. Hindi man lang ako naka-hingi ng sorry.
Bago pumasok ay tinignan ko muna ang tanawin. As I stood there, gazing at the majestic mountain bathed in the warm hues of the sunset, its beauty struck me like a gentle force.
The vibrant colors painted across the sky mirrored the depth of my emotions. Despite the heaviness and pain I carried within, the mountain and sunset created a breathtaking backdrop, a poignant reminder that beauty persists even in the midst of internal storms.
Pag-pasok ko ay puro mga puting tela ang nakita ko. Balot ng tela ang mga gamit at ang iba naman ay plastic.
Dumiretso ako sa isang pinto. Kwarto pala.
Maliit lang siya at sa tingin ko pang-isang tao lang talaga ito. Malinis naman ang ilang gamit nang tanggalin ko ang tela.
Humiga ako sa kama at dinama ang lambot nito. Walang alikabok dahil may tela namang takip.
Nang makahiga ay doon nalang basta tumulo ang luha ko. Natatawa ko itong pinunasan.
Ano ba ‘tong nangyayari sa’kin, una nawala si Lolo, tapos ngayon naman naka-buntis si Brandon? then anong ginawa ko? tinatakasan ko pa ang problema imbis na harapin ito.
Maling-mali talaga ang ginagawa ko.
Napa-buntong hininga ako. Ilang beses kong ginawa ‘yon pero wala lang natulong.
Hapon na at gutom pa ako. Wala akong pagkain na makita sa buong bahay kaya lumabas ako.
Malayo ang agwat ng bawat bahay dito. Ilang hakbang ang ginawa ko bago marating ang isang bahay na hindi kalakihan.
May nakita akong Babae na kinukuha ang mga sampay niya.
“Excuse po.” Tumingin ito sa’kin. “Saan po ba may malapit na kainan dito?” Tanong ko.
“Ay Hijo, doon pa ‘yon. Dumiretso ka nalang.” Sagot naman niya.
Sinunod ko ang sinabi niya, dumiretso ako kahit hindi ko naman talaga alam kung saan ako dadalhin ng dadaan na ‘yon.
Maya-maya ay may natanaw akong isang maliit na kainan, gawa ito sa mga kahoy at kawayan ngunit maganda parin at nakaka-enganyo.
Nang maka-lapit ay kita ko agad ang dami ng ulam, iba’t-ibang potahe pero isa lang ang umagaw ng pansin ko.
Chicken curry.
May ngiti sa labi ko nang bilhin ko ang ulam, sobrang namiss ko ang ulam na ‘to, hindi ko na maalala kung anong lasa nito.
Nang maka-bili ay mabilis akong humanap ng upuan at doon inumpisahan ang pag-lasap at pagkain.
Sa gitna ng pagkain ay biglang lumapit sa’kin ang babaeng nag-bigay sa’kin ng ulam, may bitbit ito na mangkok na may lamang mainit na sabaw.
“Para mahimasmasan ka, alam kong mabigat ang nararamdam mo sakabila ng mga ngiti mo.”
Nagulat ako sa mga sinabi nito. Hindi siguro maganda ang ginawa kong pag-arte, paano ko nga ba itatago ang sakit na nararamdaman?
“Salamat po.”
Ngumiti ito sa’kin bago bumalik sa pagkakahera.
Ilang minuto bago ko natapos ang pagkain. Tinignan ko ang paligid, ako nalang pala ang kumakain, ang kaninang maingay ay tumahimik na.
Maya-maya ay nilapitan ako ng Babae, edad 30 pataas na ito at mukhang nanay na.
“Sa pag-takas mo sa problema ay walang matutulong ‘yan, subukan mong harapin ang problema at makikita mo ang sagot na hinahanap mo.”
Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Naka-upo ito sa harap ko at parang binabasa ang nararamdaman ko.
“Po? hindi ko kayo maintindihan.”
Ngumiti ito.
“Kahit hindi mo sabihin ay nararamdaman ko, mabigat ang problema mo, tinakasan mo lang ito kaya gulong-gulo ka ngayon.” Wika nito.
Biglang naisip ko ang nangyari.
Gulong-gulo ako sa sinasabi niya pero mas naguhuluhan ako sa mga nangyayari, tama siya at tumakbo nanaman ako sa problema, hindi ko mahahanap ang sagot na hinahanap ko kung tatakasan ko lang ito.
Pero kahit tama siya ay gusto ko muna makapag-pahinga, parang sobrang daming nangyari ngayong araw.
“Salamat po.”
Sa gitna ng mabigat kong nararamdaman, isang babae ang nagbigay liwanag sa madilim at naguguluhan kong mundo.
“Kaya mo ‘yan,” aniya ng may matamis na ngiti.
Sa simpleng mga salita niya, biglang nabuhayan ako ng lakas at tapang na harapin ang hamon ng buhay. Parang bagyong dumaan siya, nag-iwan ng pag-asa at inspirasyon sa aking puso.
Chapter 16
Glamir Series 1: BRANDON
Magaan ang loob ko ng bumalik sa maliit na bahay. Tila kinuha lahat ng Babae ang bigat at sakit na nararamdaman ko kaya’t bahagya itong humupa sa ngayon at wala akong ibang masabi kun’di salamat.
Thank you dahil kahit hindi niya ako kilala ay binigyan niya ako ng oras para sa nararamdaman ko, thank you dahil kahit masakit sa’kin ang katotohanang sinabi niya ay minulat niya ako.
Those words comfort me, binigyan ako nito ng bagong pag-asa pero sa ngayon ay buo ang desisyong kong palipasin muna ang araw. Handa akong harapin ang problema pero hindi ngayon, handa akong tanggapin ang paliwanag ni Brandon pero hindi ngayon.
‘Wag ngayong mahina ako at kulang sa karanasan, ‘wag ngayon na pagod ako at walang kasama. ‘Wag ngayong sariwa pa ang sakit sa puso ko.
Lumubog na ang araw ng maka-uwi ako, agad akong dumiretso sa maliit na kwarto at gaya kanina, dinama kong muli ang lambot nito at hinayaang dalhin ako nito sa pagkakatulog.
Ang isang araw na pahinga ay nasundan pa ng ilang araw dahil sa mga nalaman ko galing kay Hansel.
That girl! She’s pregnant at kini-claim nitong si Brandon ang ama, kahit wala naman itong sapat na mag-papatunay na si Brandon nga ang ama ng dinadala niya bukod sa merong nangyari sa kanila and Brandon didn’t deny it.
Sinabi sa’kin ni Hansel na pumunta ang babae sa bahay ni Brandon after ko umalis, dahil sa galit ay pinagtabuyan ni Brandon ang babae at patuloy akong pinaghahanap.
Hindi ko maiwasang natakot lalo pa’t alam kong galit sa’kin si Brandon sa pag-iwan ko sa kaniya, at si Papa…
Ang walang kaalam-alam na si Papa ay nadawit na, nag-bayad raw ito ng isang batalyon para lang hanapin ako kaya mas lalo akong nakonsensya sa ginagawa.
“May gagawing test si Victor para kahit nasa tiyan palang ang bata ay malaman na agad kung talaga bang kay Brandon ang batang ‘yun.” Dagdag niya kaya tumango ako.
Masinsin akong nakikinig sa mga kwento ni Hansel.
Nang magising ako nung unang araw ay dinaanan ako ni Hansel, may dala itong nga groceries at ilang stack para sa’kin, i really appreciate his effort, sasabihin ko sana sa kaniya na babalik din agad ako sa glamir pero dahil sa mga kwento niya that time ay napilitan akong mag-extend pa ng mga araw para makapag-isip.
At ngayon na may bago nanaman siyang information about that damn girl at hindi ko maiwasan ang magalit.
“Kailan daw lalabas ang result?” Kinakabahang tanong ko.
Alam kong lahat kami ay umaasa na hindi kay Brandon ang batang iyon, pero hindi rin mawala sa isip ko na paano kung kay Brandon ang bata?
“Next week maybe? pupuntahan nalang kita kapag alam ko na ang result.” Ngumiti ako dahil sa sinabi niya.
“By the way, ‘yung Papa mo…” Huminto ito sa sasabihin, halata mo ang takot dito. “Kinakabahan ako Primo, paano kung malaman niyang nandito ka?” Alam ko ang tinutukoy niya.
“Hindi ka madadamay dito Hansel, alam kong ikaw ang nag-kusang tulungan ako pero gawain ‘yun ng kaibigan di’ba?” Muli ko siyang binigyan ng ngiti.
Ayokong masayang ang effort ni Hansel sa pag-tagago sa’kin, kung dumating man ang araw na mahanap ako ni Papa ay ako mismong ang mag-papaliwanag sa nangyari.
“Nalaman ko rin na…” huminga itong malalim. “pinuntahan ng Papa mo si Brandon, i don’t know what happen next, na kwento lang ni Ismael.” dagdag niya na mas lalong nagpakaba sa’kin.
Dapat na ba akong bumalik sa glamir? baka may kung anong gawin si Papa kay Brandon dahil sa pag-alis ko, pero dahil sa ginawa ni Brandon ay may sumasagi parin sa isip ko na siguro deserve niya ang nangyayari sa kaniya ngayon, siguro parusa ‘yon sa ginawa niyang kagaguhan sa’kin.
“Hindi naman sa pakiki-alam, pero kahit si Ismael hindi na sapat ang tulog, hindi na rin ito kumakain sa tamang oras…” Yumuko ito, halatang nag-aalala, kahit ako. “Nag-aalala ako sa kaniya.” Mahina ngunit sapat lang para marinig ko.
Argh! ano bang gagawin ko? hindi pa ako handa na bumalik sa glamir, gusto ko munang malaman kung talagang anak ba ni Brandon ang nasa sinapupunan ng babaeng ‘yun, pero paano kung anak niya? babalik paba ako?
‘Yan ang tanong na hindi ko masagot. Kung anak ‘yun ni Brandon ay hindi ko siya kayang harapin, siguro kung anak niya ‘yun, babalik nalang ako sa Maynila at doon ipagpapatuloy ang buhay.
“Sorry, dahil sa’kin nangyayari ‘to, siguro kailangan ko pa talaga ng oras para mag-isip.”
Maagang pumunta si Hansel at umuwi rin ng tanghali, naiwan nanaman akong mag-isa. Ang sabi niya ay babalik raw ito kapag lumabas na ang result at wala akong gustong gawin kun’di ang ipagdasal na sana hindi ‘yun anak ni Brandon.
Dahil sa sobrang daming iniisip ay hindi ko namalayang may kumakatok pala sa pinto, mabilis akong tumayo at binuksan ang pintuan.
Bumungad sa’kin ang bulto ng isang Lalaki, umiiyak ito at parang may tinatakasan, laking gulat ko ng makita ang lobo sa kaniyang tiyan.
Buntis siya?
Hindi agad ako nakapag-salita sa nakita, para akong pinako sa kinatatayuan dahil sa nakita. Posible bang mabuntis ang isang lalaki?
“Tu-tulong…” Nanghihinang wika ng Lalaki.
Agad akong natauhan at inalalayan itong maka-pasok sa bahay. Pag-pasok sa bahay ay mas nagulat ako sa nakita.
Nakita ko ang kanyang mukha at katawan na puno ng mga pasa, para bang ang bawat marka ay nagpapakita ng mga hindi masayang karanasan. Sa kanyang mga mata, nakita ko ang lungkot na tila’y nagtatangkang tumakas ngunit nananatili sa kanyang puso.
Naisip ko kung gaano siya nagtiis at paano niya kinakaya ang bigat ng kanyang pinagdadaanan. Sa bawat hakbang na ginagawa niya, dama ko ang sakit at lungkot na bumabalot sa kanyang paligid. Naisip ko kung paano ko siya matutulungan.
Naka-suot lang ito ng puting tshirt na madumi, isang gray na short na hanggang taas ng kaniyang tuhod at walang sapin sa kaniyang paa. Naawa ako sa kalagayan ng Lalaki.
Kumuha ako ng tubig at binigay ito sa Lalaki, mabilis niya itong kinuha at ininom na akala ko ay hindi naka-inom ng ilang araw.
“Anong nangyari sa’yo? bakit ang daming pasa sa buong katawan?” Hindi ko mapigilan ang nag-tanong rito.
“Lumayas ako sa bahay, sinasaktan ako n-ng a-asawa ko.”
May kaputian ang lalaki kaya kitang-kita mo ang mga pasa nito, halos kasing tanggkad ko lang rin ito, gaya ko ay maliit rin ang mukha at magagandang mga mata pero dahil sa mga pasa ay parang nag-iba ito.
“Gusto mo ba tumawag ako ng pulis?”
Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko na parang takot na takot habang umiiling.
“Please ‘wag, hindi ito masisindak sa mga pulis… a-ayokong madamay ka dito.” May pag-aalala sa mga wika nito .
Naguguluhan man ay hinayaan ko nalang siya sa gusto niya. Binigyan ko ito ng mga damit ko, nilinisan ko rin ang mga dumi sa kaniyang katawan at maingat na ginamot ang sugat. Mabuti nalang at kompleto sa gamit ang bahay na ‘to.
“ayos kana ba?”
Muli kong tinignan ang Lalaki, parang nakikita ko sakaniya ang sarili, suot niya kasi ang damit na binigay sa’kin ni Brandon, palihim itong kinuha ni Hansel kasama ng ilan kong mga gamit.
“Salamat sa tulong mo, aalis din agad ako dito para hindi ka madamay.” Anito kaya mabilis ko siyang pinigilan, sa kalagayan niya ay pwede siyang mapahamak at ang anak niya.
“Kahit mag stay ka dito ng ilang araw ay ayos lang sa’kin, wala naman akong kasama rito.” may ngiti sa labi niya ng sabihin ko ‘yun.
“Ako nga pala si Primo De Glacias, ikaw?”
“Timothy, Tim for short.” Pakilala nito.
Kumalma na si Tim, sabay na rin kaming kumain ng tanghalian, hindi ako mapakali itanong ‘yung about sa pag-bubuntis niya like paano? totoo ba ‘to?
“I really don’t want to talk about it.” ‘Yun ang sinagot niya sa’kin.
After namin kumain ay bantay sarado ko parin ang Lalaki, gusto kong tawagan si Vistro para tignan ang kalagayan ng Lalaki pero malaking gulo ‘yon lalo pa’t isa rin siya sa mga nag-hahanap sa’kin.
“Sigurado ka bang ayos ka lang?” Tumango ito at ngumiti.
“Gusto ko sana tawagan ‘yung Doctor na kilala ko pero…” Tumigil ako at tumabi sa kaniya. “Gaya mo, tumakas lang din ako sa bahay namin.” Nagulat ito sa sinabi ko.
Gaya niya ay nag-kwento ako kung paano ako napunta sa ganung sitwasyon, hindi ito maka-paniwala na may boyfriend ako, natutuwa naman ako dahil alam niya ang pakiramdam ko.
Nagkakilala sila sa isang isla dito sa glamir, noong una ay maayos ang pakikitungo sa kaniya ng asawa niya, after a month ay nag-iba ito, sobrang bilis raw nitong magalit at simula nun ay sinasaktan na siya. Kaya siya lumayas sa kanila ay dahil sa nalamang dahil lang sa kakahayan nitong magka-anak kaya ito pumatol sa kaniya.
Nasaktan ako sa part na ‘yon at nagpapasalamat na hindi gano’n si Brandon sa’kin.
Nakaka-inis lang dahil may mga tao talagang hindi marunong makuntento, bakit may mga taong hindi marunong mag-appreciate ng mga bagay na nasa harapan nila.
“I’m so happy na kahit paano ay meron pa palang taong mga gaya mo. Alam kong nasaktan ka sa nalaman mo about sa boyfriend mo, pero ito ka ngayon, lumalaban.”
Napa-ngiti ako sa sinabi niya.
“Hindi ka dapat sumuko dahil lang sa isang problema, hindi naman isang problema lang ang binigay ng diyos sa’tin kaya dapat hindi ka agad sumuko.”
Hinawakan nito ang kamay ko na siyang nag-pagaan sa nararamdaman ko.
Nang sabihin ko sa kanya ang problema ko, parang biglang nawala ang bigat sa aking dibdib. Ramdam ko ang kakaibang ligaya, isang kahulugan ng kasiyahan na tila’y dumapo sa aking puso. Ang pakiramdam na mayroong nakikinig at handang umunawa para sa’kin ay isang biyayang hindi matutumbasan ng anumang materyal na bagay.
Chapter 17
Glamir Series 1: BRANDON
Masaya ang bawat araw na naging mag-kasama kami ni Tim. Relate kami sa isa’t-isa, natutunan na rin niyang ngumiti at mas kilalanin ako.
Mas pinili niyang hindi masyadong ikwento ang pinagdaanan kaya naiintindihan ko naman ‘yon, alam kong masakit na alalahanin pa niya ‘yon para lang i-kwento sa’kin.
Ako nalang ang nag-kwento pero may sinasabi rin naman ito sa’kin about sa kaniya kaya mas nakikilala ko rin siya.
Gabi na at hindi parin namin magawang matulog, masyadong kaming nag-eenjoy sa pag-kwento. Gusto ko pa sana siya kulitin at kwentuhan pero naisip ko ang kalagayan niya.
Buntis ito, maraming pasa sa bawat parte ng katawan, at hindi pa nakapag-pahinga ng maayos simula nung dumating siya.
“Bukas na natin ituloy, mag-pahinga ka na.” Wika ko rito. Malungot itong tumango.
Siya ang pinahiga ko sa kama, maliit lang kasi ‘yon at hindi kami mag-kakasiya, kaya ko naman matulog sa sofa na lagi kong ginagawa kapag galing ako sa trabaho, minsan kasi tinatamad na ako after ko mag-trabaho kaya sa sofa nalang ako natutulog.
“Salamat talaga Primo, good night.” rinig kong sabi nito ng maka-labas ako sa kwarto.
May ngiti akong umupo sa sofa.
Kahit ilang beses ng sinaktan si Tim ay nagawa pa nitong pag-tiisan ang asawa, bitbit ang anim na buwang anak ay nagawa niyang tumakas sa asawa, nagawa niyang maglakad gamit ang kaniyang paa ng walang sapin, nagawa niyang maka-hingi ng tulong kahit pagod at nanghihina ito.
Tapos ako…
Hindi ko man lang nagawang mag-stay sa tabi ni Brandon sa kabila ng nalaman, ako na tumakas at hindi nagpakita ng ilang araw.
Nakaka-inggit siya, nagawa niyang labanan ang sakit na nararamdaman habang ako tinakasan ito, naiinggit ako sa kaniya dahil kahit walang tulong ng iba ay mag-isa niyang nilabanan ang problema, samantalang ako laging may dinadamay na ibang tao maka-takas lang.
Nakokonsensya ako. Nagagalit at naiinis sa sarili, gusto kong labanan ang problema ng ako lang mag-isa, dahil kay Tim mas lalo akong nabubuhayan ng loob, gusto kong bumalik sa glamir at harapin ang problema.
Siguro bukas, handa na akong bumalik sa glamir, haharapin ko si Brandon at aayusin ang problema. Hindi ko na kailangang antayin ang resulta dahil kahit ano naman ang lumabas dito ay nasaktan na ako, wala paring mag-babago dun.
At kahit lumabas pa ang resulta ay mas pinangunahan ako ng takot at galit kaya tinakasan ko ito.
Kina-umagahan, naunang nagising si Tim sa’kin, nakita ko siyang naka-tanaw sa bintana, halatang ang pangamba at takot sa kaniyang mga mata kaya nilapitan ko ito.
“Good morning.”
Ngumiti ito sa’kin.
“Hindi mo na dapat iniisip ang asawa mo, malayo ito sa glamir sabi sa’kin ni Hansel kaya hindi tayo makikita dito ng asawa mo.”
“Natatakot lang ako, baka ano mang oras ay pumunta siya rito at saktan tayo.”
Hindi maiwasan ang pag-aalala sa kaniya, naiintindihan ko naman siya dahil kahit ako ay natatakot din, na baka isang araw ay pumunta dito si Papa, anong sasabihin ko sa kaniya kung mangyari ‘yun?
“Kumain na tayo.”
Sabay naming pinagsaluhan ang kakaunting pagkain, nag-luto ako ng dalawang sunny side up egg, tinapay at apat na hotdog, may kanin din pero konti lang ang niluto ko dahil hindi parin raw makakain ng maayos si Tim dahil sa pag-aalala na siyang inintindi ko nalang.
Pag-tapos namin kumain ay siya ang nag-prisinta na mag-hugas, ako naman ay nag-laba dahil ilang araw ko ng hindi nagagawa iyon.
Nang matapos siya ay sumilip ito sa pintuan.
“Tapos ka na?”
Umiling ako.
Nilabas ko kasi sa labas ng bahay ang washing machine, maliit lang ang espasyo sa loob at alam kong mahihirapan lang ako kumilos doon kaya nilabas ko ito, pinag-masdan ko lang si Tim na naka-dungaw mula sa pinto dahil takot parin ito.
“Tim, labas ka, samahan mo ako.” Pag-alok ko dito pero umiling lang ito kaya napa-simangot ako.
Gustong kong matulungan siyang labanan ang takot, ayokong magaya siya sa’kin na tinakasan ito, gusto ko mabuhay siya ng walang takot na inaalala.
“Wala kang dapat ikatakot, labas ka na, maganda sa balat ‘yung araw.” Pag-pilit ko rito.
Maya-maya ay kalahati na ng katawan niya ang naka-labas, hawak ang tiyan ay pinanood ako nito kung paano ko ilagay ang mga basang damit sa dryer.
“Hindi ako matatapos dito kung panonoorin mo lang ako.” Natawa ako ng ngumuso ito at tuluyang lumabas.
Thanks god! Sobrang saya ko na kahit sa simpleng ganito ay nagagawa kong tumulong sa ibang tao.
“a-ano bang gagawin ko?”
Matamis akong ngumiti at ibinigay sa kaniya ang mga damit na tapos ko ng i-dryer.
Inutusan ko siya sa isampay ito na mabilis naman niyang ginawa, nung una ay halata pa ang takot dito pero hindi rin nag-tagal ay ngumiti na ito, dinama ang sikat ng araw na tumatama sa’ming maputing balat.
Kapag tinitignan ko si Tim ay nakikita ko ang sarili ko, hindi tulad ng sarili kong mahina at tinatakasan ang problema, nakikita ko ang sarili ko sa kaniya bilang malakas.
Malakas na version ng sarili ko, nakikita ko ang sarili kong lumalaban sa mga problema at hinaharap ito, hindi pinangungunahan ng takot.
“Saan ba kasi tayo pupunta?” Tanong ni Tim.
4pm nang tignan ko ang cellphone. Kaninang umaga kasi ay naisipan kong dalhin si Tim sa lugar na nagpapagaan sa nararamdaman ko, nakita ko ito nung nakaraang araw dahil sa pag-iisip ko, gusto ko na makita rin niya kung gaano kaganda ang tanawin dun.
“Basta, sama ka sa’kin.”
Wala itong nagawa kun’di ang sumama sa’kin. Nilakad namin ang daan sa likod ng bahay, hindi naman ito kalayuan.
Sa ilalim ng mga naglalakihang puno, naglakad kami patungo sa malawak na damuhan. Ang kaharian ng damo ay sumalubong sa amin, tila ba isang bukas na palasyo na puno ng kapayapaan.
Habang naglalakad kami, ang malamig na simoy ng hangin ay nagdala ng kakaibang kasiyahan. Nang makarating kami sa gitna ng damuhan, napansin namin ang paglubog ng araw.
“Parang ang ganda ng lahat, ‘no?” sabi ni Tim, habang tahimik kaming nanonood ng papalubog na araw. Ang langit ay pumapalibot sa pula ng damuhan, at ang mga ulap ay nagiging mga pintura ng oras.
“Totoo ‘yan,” tugon ko, na tila ba nagsasalita ang mismong damo sa ilalim ng aming mga paa. “Parang nararamdaman ko ang kahulugan ng kapayapaan dito.”
Habang nagpapatuloy ang paglubog ng araw, nagsimula na itong pinturahan ang paligid ng mga kulay-kahel at pula. Ang damuhan ay tila nagiging mas makulay habang nag-aambon ang mga huling sinag ng liwanag.
“Alam mo, Primo, parang ang saya-saya ng buhay kapag ganyan lang tayo-naglalakad sa damuhan at nanonood ng magandang paglubog ng araw,” wika ni Tim, na tila ba humahagikhik sa sariling katuwaan.
Tumango ako, “Oo, nga, simple lang pero ang sarap sa pakiramdam. ‘Yan ang mga sandaling gusto kong tandaan habang buhay.” At sa pagtatapos ng araw, kami’y nanatiling tahimik, pinapanood ang paglubog ng araw sa likod ng mga puno, sa isang kaharian ng damo na puno ng mga alaala ng magandang pagkakaibigan.
Nagtatawanan kami bumalik sa bahay, pag-bukas ko ng pinto ay isang madilim na paligid ang agad kong nakita.
Binuksan ko ang ilaw at sabay na pumasok kasama si Tim. Sobrang saya namin habang pinanood ang paglubog ng araw.
“Bukas ulit, ang saya no’n.” Ngumiti lang ako sa sinabi ni Tim.
Hindi ko alam kung makakabalik pa ako sa ganong kagandang lugar, sorry Tim pero oras na para harapin ko ang mga problemang tinakasan ko, panahon na siguro para ako naman ang kumilos para sa sarili ko.
Kinilabutan ako ng may isang tawa ang narinig ko mula sa likod. Halos magtayuan ang balahibo ko ng lingunin ko ito, parehas kaming napa-atras ni Tim.
“Kailan kapa nag-saya ng wala ako?” Mapait na wika ng Lalaki.
Dahan-dahan itong nag-lakad palapit sa’min kaya napa-atras kami ni Tim, hawak ko ang kamay ni Tim habang nasa likod ko siya.
“At sino naman ‘tong kasama mo? kaibigan mo?” tinuro niya ako na siyang nag-bigay takot sa buong kalamnan ko.
“a-anong ginagawa mo dito?” matapang na tanong ni Tim ngunit hindi ito naka-tulong dahil galit na binato ng Lalaki ang lamp shade sa gilid ng pintuan.
“Ano pa ba sa tingin mo, edi sinusundo ka tanga.” Mabilis ang naging pag-lapit nito sa’min, halos hindi kami naka-galaw dalawa na tila pinako sa kinatatayuan.
“Halika na, uuwi na tayo.”
Nagulat nalang ako ng bigla nitong hilain ang braso ni Tim, sa sobrang bilis ay wala akong nagawa.
Wala sa sariling gumalaw ang mga paa ko ng marinig ang sigaw ni Tim, mabilis kong hinampas sa ulo ang lalaki gamit ang unan na nadampot ko sa sofa.
“Bi-bitawan mo siya!” Sigaw ko.
“Primo, ‘wag ka na maki-alam, sasama nalang ako sa kaniya ayokong madamay ka p-”
Nagulat ako ng biglang sabunutan ng Lalaki si Tim, dahil sa galit at inis na naramdaman ay muli akong nagtakang hampasin siya ng unan pero mabilis niyang nahuli ang kamay ko at hinila palapit sa kaniya.
Natagpuan ko nalang ang sarili kong naka luhod, hawak ng Lalaki ang buhok ko, ganon din ang sitwasyon ni Tim.
Parehas kaming napa-sigaw ng sabunutan niya kami at patapon na binato sa sofa. Mabilis kong niyakap si Tim at hinarang ang katawan.
“Umalis kana dito, ano pang kailangan mo! hindi ba halatang ayaw sa’yo ni Tim, bakit mo siya pinipilit.”
“Ayaw? ako lang ang pwedeng umayaw sa relasyon namin, ako ang masusunod.”
Dahil sa labis na galit ay mabilis dumapo ang kamay ko sa kaniyang pisngi na siyang ikinagalit ng lalaki. Nanlisik ang mga mata niya at ang pag-igting ng kaniyang panga ang siyang nagpa-atras sa’min at mas lalong ng bigay ng takot.
“Kayong mga bakla kayo! wala na kayong nagawang tama dito sa mundo! hindi paba sapat na pinanganak kayo sa mundong ‘to ng makasalanan!” sigaw nito at mabilis ako sinampal, dahil sa laki ng katawan at lakas ay sumalampak ako sa sahig na agad namang dinaluhan ni Tim.
Naramdaman ko ang hapdi ng aking katawan, sabay sa bugso ng takot na dumapo sa aking puso. Ang pagkabigo ay bumabalot sa akin, tila naglalaro ang dilim at kaba sa aking paligid.
Natagpuan ko nalang ang sarili kong yakap si Tim habang pinagsisipa kami ng Lalaki, patuloy kong iniinda ang sakit kasabay ang pag-iyak namin ni Tim.
“S-sorry…” Mahinang bigkas ni Tim.
Napatingin kami ng sumigaw ang lalaki, laking gulat namin ng may hawak itong vase, kaya napahigpit ako ng yakap kay Tim. Huli na ng maramdaman ko ang labis na sakit ng likod.
“Primo!”
Hindi agad ako maka-galaw sa sakit, tumayo si Tim at pinaghahampas ang lalaki pero muli rin itong nabalik sa kaniya pwesto ng sampalin siya nito.
“Tatantanan niyo ako sa kaartehan niyo mga bakla kayo! tara na Tim-”
Kahit nanghihina ay nagawa kong tignan ang dahilan kung bakit hindi natapos ng Lalaki ang sasabihin.
Mas lalong nagpatakan ang mga luha ko ng makita ang bulto ng isang Lalaking naka talikod samin, tila ang pigurang ito ay ang nag-bigay ng lakas sa’min.
Ligtas na tayo Tim…
“Victor.”
Chapter 18
Glamir Series 1: BRANDON
Mabilis ang pag-bibigay ko ng babala nang makita ang Lalaking tumayo at handang sumugod kay Victor.
Mabilis naka-ilag si Victor at binigyan ng isang malakas na suntok ang Lalaki. Habang abala ang dalawa ay dahan-dahan kong tinulungan si Tim ba maka-tayo, nang magawa ay nakita ko ng buo ang sitwasyon.
Habang nakatayo ako sa harap ng dalawang lalaki na nag-aaway, nararamdaman ko ang init ng tensyon sa paligid. Ang bawat tingin, at galit na bumabalot sa kanila ay nagdadala ng kaba at takot sa aking puso.
Hanggang sa isang malakas na suntok ang tumama sa Lalaki na siyang ikinatumba nito.
“Victor, tama na!”
Napa-sigaw ako ng akmang lalapitan ni Victor ang Lalaki at hahapasin ng isang estatwang anghel na gawa sa bato.
“Baka, mapatay mo siya.”
Lumapit ako rito at mabilis na inagaw ang hawak at ibinato ito sa hindi kalayuan.
“Ayos ka lang ba?” Napa-tingin ito kay Tim na nasa likod ko. “Ayos lang ba kayo?”
Parehas kaming tumango ni Tim.
Dumating na rin si Hansel na may kasamang mga pulis. Naka-upo kami ni Tim sa sofa habang sinasagot ang mga tanong ng pulis.
“Ayos na po ba kayo? wala na kayong ibang nararamdaman? wala ng masakit sa katawan niyo?” paninigurado ng pulis.
Umiling ako kahit na sobrang sakit pa ng likod at tagiliran ko dahil sa pagsipang ginawa sa’kin ng Lalaki.
“Sorry Primo nadamay ka pa…” Hindi mapigilan ang pag-iyak ni Tim kaya’t nag-alala agad ako para anak niya. Hindi pwedeng ma-stress si Tim dahil makaka-apekto ito sa pag-bubuntis niya.
“Ayos na ako Tim, tsaka choice ko na tulungan ka, mabuti nalang talaga at dumating si Victor.” pag-hinahon ko dito.
“Primo are you okay? gusto mo ba dalhin ka namin sa ospital?” nag-aalang tanong ni Hansel ng maka-pasok ito matapos umalis ng mga pulis, gaya kanina ay tumango lang ako.
Mas pinagtuonan ko ng pansin si Tim na hindi parin makalma kahit na sabihin kong ayos na ako at walang masakit sa’kin, i guess hindi ito naniniwala pero wala akong ibang maisip na dahilan para pakalmahin ito.
“Tahan na Tim, wala na ‘yung asawa mo, nasa kulungan na.” Maingat kong hinimas ang likod nito at inalalayan ang ulo na ipatong sa balikat ko.
“Sorry…”
Paulit-ulit nitong wika kaya lumapit na sa’min si Victor at pumunta sa harap namin, bahagya nitong niluhod ang isang tuhod para pumantay sa’min.
“Don’t worry, ako na ang bahala sa Lalaking ‘yon, hindi na ‘yun makaka-labas sa kulungan na ‘yon.” Hinawakan ni Victor ang kamay ni Tim.
“Ayos na ang lahat Tim, malaya ka na, hindi kana masasaktan ng Lalaking ‘yun.” dagdag ko.
Hindi rin nag-tagal ay huminahon na si Tim kaya pinag-pahinga ko na ito sa kwarto, kita ko ang pagod at takot sa kaniyang mga mata, kahit ako ay natakot pero tinatagan ko ang sarili ko para sa’ming dalawa at sa anak niya.
“Sino ‘yun? kaibigan mo ba?” Tanong ni Hansel.
Kita namin si Tim na mahimbing na natutulog mula sa sala.
“Nakilala ko nitong nakaraang araw lang.” Sagot ko sa tanong ni Hansel.
Nasa sofa kami ngayon at ginagamot ni Victor ang mga natamo kong sugat dahil sa Lalaki, tinitiis ko ang sakit na nararamdaman sa bawat pagpahid ni Victor ng bulak.
Hanggang ngayon ay may takot at kaba parin sa puso ko, hindi ko lang ito maipakita sa kanila dahil ayokong mag-aalala sila, pansin kong kanina pa bahagyang nanginginig ang kamay kaya hawak ko ito at palihim na tinatago sa kanilang dalawa.
Ayos naman na talaga ako, konting sakit nalang ang nararamdaman ko, pero yung takot at kaba ay hindi mawala, ngayon ko palang na-experience ang mabugbog ng ganito kaya siguro takot na takot ako.
“Ano palang ginagawa niyo dito?” Pag-iiba ko ng usapan.
“Bakit ayaw mo ba?” Diniinan ni Victor ang pag-pahid sa sugat ko kaya napa-sigaw ako. “Kung hindi pa kami dumating baka pinaglalamayan na kayo sa Glamir.” dagdag pa nito.
“Salamat nga pala, hindi ko talaga alam gagawin ko kanina.” mahina kong sabi.
Kung hindi dumating si Victor ay hindi ko alam paano po-protektahan sila Tim. Blangko ang isip ko at tangging ang pagsalo ng mga sapak at sipa lang ang nakita kong paraan para hindi na ulit masaktan ng Lalaking ‘yun si Tim.
“Alam na ba nila Ismael at Brandon kung nasaan ako? bakit kasama mo si Victor?”
kay Hansel ako tumingin at inantay ang sagot nito.
“Actually lumabas na ang result, at sinama ko si Victor dito para siya mismong ang personal na mag-sabi sa’yo.” Sagot nito kaya muling gumapang ang kaba sa katawan ko.
Napag-isipan ko na ito kanina, handa akong tanggapin kung ano ang magiging resulta at babalik sa glamir, gusto ko na makita ang mukha ni Brandon, gusto ko na siyang mayakap at mahalikan.
May inabot na envelope si Victor sa’kin, mabilis ko itong binuksan at tinignan ang laman, isang papel na maraming sulat, hindi ko alam kung ano ang mga naka-sulat kaya si Victor na ang inantay ko mag-salita.
“Hindi nag-match ang dna na kinuha namin kay Brandon at sa dinadala ng Babae.” Diretsong sagot ni Victor.
Ang biglang dating ng magandang balita ay parang isang mahinang hangin na nag-alis ng bigat sa aking puso, para bang isang matagal nang tinik ang biglang nawala. Napuno ako ng ligaya at pag-asa, tila ba ang lahat ng pagod at sakit ay napalitan ng isang maliwanag na kinabukasan.
“Buti naman…”
Labis na saya ang nararamdaman ko, parang gusto ko na agad umuwi sa glamir at salubingin ng mga yakap si Brandon.
“Tahan na, thank you ulit sa ginawa ko, hindi na kayo mag-hihiwalay ni Brandon.” biro nito kaya mahina ko itong hinampas.
“Siguro naman sapat na ‘yung result na ‘yan para bumalik kana sa glamir? hindi mo alam kung gaano nag-aalala sa’yo ang Papa mo at si Brandon.” tumango ako sa sinabi ni Hansel.
Dapat na talaga akong bumalik sa glamir, masyado ko ng pinag-aalala ang mga taong nag-mamahal sa’kin, ayokong ako ang maging dahilan kung bakit sila magkakasakit, ayokong ako ang maging dahilan ng labis na kalungkutan nila.
“Bukas, babalik na ako sa glamir… kakausapin ko lang si Tim.” Mabilis naman kaming napa-tingin sa kwarto kung saan mahimbing na natutulog si Tim.
“Tama ba ang nakikita ko? buntis siya?” Tanong ni Victor na tinanguan ko naman.
“Oo, pati ako nagulat nung una kaming mag-kita, pero noong nakasama ko siya ng ilang araw ay naintindihan ko rin ang sitwasyon niya.”
“Pwede ba natin isama si Tim?” Wala sa sariling tanong ko sa dalawa.
Kita ko ang pagka-gulat pero mabilis din itong napalitan ng ngiti nang makitang seryoso ako sa sinasabi ko.
“Yeah, sure. naaawa rin ako sa kalagyan niya, dapat rin siyang ma-check up ng maayos para walang mangyaring masama sa kanilang dalawa ng anak niya.” Si Victor ang sumagot habang naka-tingin sa kawawang si Tim.
Kinaumagahan, nag-luto ako para sa’ming apat ng almusal. Dinamihan ko na ito dahil ito na ang huling araw na kakain ako sa maliit na bahay.
“Ang dami naman nito Primo.” Ani Tim na katabi ko sa upuan.
“Babalik na kasi ako ng Glamir…” Natigilan ito at tumingin sa’kin na may pag-aalala sa mukha. “Pero isasama naman kita.” Dagdag ko kaya agad nawala ang pag-aalala sa mukha.
Matapos nun ay sabay kaming kumain apat.
Ilang oras nalang ay babalik na kami sa glamir kaya inayos ko na ang mga gamit ko, kinuha na rin nila Tim at Victor ang mga sinampay at si Hansel ay inaayos ang sasakyan.
Tinignan ko kung patapos na ang dalawa
Napa-ngiti ako ng makitang masayang nakikipag-tawanan si Tim kay Victor, hindi mo makikita ang sakit at lungkot na pinagdaanan nito dahil sa mga ngiting pinapakawalan.
Sobrang saya ko ngayon, at mas lalo akong natutuwa dahil nararamdaman ko rin ang saya niya. Sobrang ganda ng aming kwento ngayon, at sana’y magpatuloy pa ang mga masayang sandali na ito para sa aming dalawa.
“Maayos na ba ang lahat? wala ng naiwan?” Tanong ni Hansel ng mailabas ko ang huling bag na dadalhin, mabilis ko itong nilagay sa compartment sa likod ng kotse.
“Wala na last na ‘yun.” masaya kong sagot dito.
Na-excite kasi ako na bumalik sa glamir, ilang linggo rin ako nawala at sobrang namimiss ko sila Papa, Brandon at Ismael na pinaka-naapektuhan sa pagkawala ko.
“Tara na.”
Sumakay ako sa passenger sit katabi si Hansel na nasa driver sit, sa likod ay si Tim at Victor na mukhang nag-eenjoy na kausapin ang isa’t-isa.
Sa gitna ng biyahe ay sinabi ni Victor na nasa bahay raw si Brandon nag-aantay, naka-ngiti naman akong tumingin dito at kita ko kung paano maingat na ilagay ni Victor ang ulo ni Tim sa kaniyang balikat.
Naka-tulog na pala si Tim.
Tumingin ako sa bintana at binuksan ito, hinayaan ko ang hangin na humampas sa mukha ko habang tinitignan ang papalubog ng araw. Sobrang ganda nito.
Madilim na ang langit nang huminto ang sasakyan, hindi kalayuan sa bahay namin, Mabilis akong bumaba at dahan-dahan na lumapit sa bahay.
Sa paglapit ko sa bahay, nararamdaman ko ang kakaibang sigla sa puso ko. Sa bawat hakbang, tila ba mas bumibilis ang oras, at ang saya sa aking dibdib ay lalong tumitindi.
Sa wakas, makakasama ko na muli ang mahal ko, Brandon…
Sa pagbukas ko ng pintuan, agad kong nakita siyang nakatayo roon, nag-aabang na parang bituin sa dilim ng gabi. Ang kanyang mga mata ay sumiklab nang makita ako, at napuno ng ngiti ang kanyang mukha. Sa sandaling iyon, naramdaman kong ang oras ay tumigil, at ang buong daigdig ay umikot lamang sa paligid naming dalawa.
Chapter 19
Glamir Series 1: BRANDON
Brandon’s P.O.V
Naglakad ako sa tabi ng kalsada, at ang mga hakbang ko ay naging mabigat habang pinapanood ko siyang tumakbo palayo. Ramdam ko ang bigat sa puso ko, alam kong ako ang dahilan ng pag-alis niya.
Hindi ko na nagawang sundan si Primo sa pag-takbo, tila pinako ako sa kinatatayuan dahil sa mga sinabi nito.
Iiwan niya ulit ako?
Parang napunit ang puso ko. Alam kong masakit para sa kaniyang ang nalaman, kahit ako ay nasaktan dahil ang akala kong maganda na naming buhay ay mag-tutuloy, pero hindi pala.
Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ni Mitzy na buntis raw siya at ako ang ama, hindi ako naniniwala dahil wala naman itong patunay, Oo may nangyari sa’min apat na buwan na ang nakakaraan bago dumating si Primo, pero lasing ako nun at pinagsamantalahan niya. Hindi ko na nagawang kasuhan nun si Mitzy dahil malaking pamilya ang babangain ko kaya mas pinili ko nalang na manahimik.
“Ismael, si Primo…”
Parehas kaming walang magawa ni Ismael kun’di panoorin ang pag-takbo palayo sa’min hanggang sa tuluyan ng nawala ang imahe nito sa aming paningin.
“Akong bahala, susundan ko siya.”
Natauhan ako nang biglang tumakbo si Ismael at sundan si Primo, dahil doon ay kusang gumalaw ang aking mga paa at natagpuan nalang ang sariling naka-sunod kay Ismael sa pag-takbo.
Hindi pwedeng wala akong gawin, ako ang may kasalanan kay Primo kaya dapat ay ako ang umalis at hindi siya, hindi ko matatanggap na iiwan ulit ako ni Primo, hindi ko kayang mawala ang taong pinaka-mamahal ko.
Mas binilisan namin ang pag-takbo ni Ismael pero sa huli, hindi na namin nakita si Primo.
Hingal na hingal kaming tumigil sa gilid ng kalsada, patuloy parin hinahanap ang imahe ni Primo gamit ang aking mga mata.
Primo ‘wag please… ‘wag mo ulit ako iiwan, ayokong mawala ka pa, mahal na mahal kita Primo, aayusin ko ito para sa’yo… kaya paki-usap ‘wag mo akong iiwan.
Napa-luhod nalang ako ng malibot ang paningin pero hindi nakita si Primo, nasaan ka Primo, bumalik kana…
“Primo!” Rinig kong sigaw ni Ismael.
“Primo..”
Sa pag-alis niya, iniwan din niya ang masakit na bakas ng sakit na idinulot ko sa kanya.
Matamlay kaming bumalik sa bahay ni Primo, nagbabaka-sakaling naroon siya pero wala kaming natagpuan, tanging ang gamit lang niya ang naroon ngunit wala siya.
“Hihintayin ko dito si Primo, alam kong babalik siya.”
“Mag-hahanap ako sa kaniya gamit ang motor, balitaan mo ako kapag bumalik siya dito.” Tumango ako at pinanood ang pag-alis ni Ismael.
Sa gitna ng dilim at lungkot, nararamdaman ko ang hapdi ng puso ko. Sinaktan ko si Primo, iniwan siyang nag-iisa, at ngayon, nag-aantay ako sa pagbabalik niya.
Sa bawat paglipas ng oras, umaasa akong magbabalik siya, dala ang pagpapatawad sa aking pagkakamali.
Nakaupo ako sa sofa, naghihintay sa bahay ni Primo. Ang tahimik na paligid ay bumabalot sa akin ng lungkot. Iniisip ko ang mga sandaling magkasama kami, at sa bawat minutong lumilipas, nararamdaman ko ang kakaibang lungkot sa paghihintay.
“Alam kong babalik ka Primo, hindi mo ako iiwan.” bulong ko sa litratong hawak kasabay ang pag-patak ng luha.
Maya-maya ay may biglang kumatok sa pinto, mabilis akong tumayo, nagbabaka-sakaling si Primo ang madadatnan sa pag-buksan ang pinto pero nabigo ako.
Mitzy.
“Anong ginagawa mo dito? hindi paba sapat na sinira mo ang buhay ko!” mahina ko itong tinulak dahilan para mapa-atras ito.
“Bakit kapa kasi bumalik! hindi paba sapat sa’yo na binaboy mo ako?” Muli ko itong tinulak ng mahina. paulit-ulit ko itong ginawa hanggang sa matumba ito. “hindi paba sapat sa’yo na iniwan na ako ni Primo!”
Nakita ko ang pag-patak ng luha mula sa kaniyang mga mata, naka-yuko ito at hindi ako magawang tignan. Kahit sa kalagayan niya ay hindi ako nakaramdam ng awa, hindi niya deserve ang awa dahil sa mga kasalanan niya.
Sa tingin ba niya ay kaaawaan ko siya dahil sa buntis siya? ‘Ni hindi ko nga alam kung saakin ba ang bata.
Ang tangging gusto ko lang ay ang bumalik si Primo.
“S-sorry Brandon, hindi ko naman inaasahan na mabubuntis ako!”
Nagulat ako ng luhod ito sa harapan ko habang patuloy parin ang pag-iyak.
“Tanggapin mo kami ng bata Brandon, ayokong lumaki ito na walang kinikilalang ama.” Halos halikan nito ang paa ko.
“Ama? hindi ako ang ama niya’n Mitzy, kaya kung ako sa’yo imbis na naninira ka ng buhay, hanapin mo ang totoong ama niyang dinadala mo.” Mabilis kong inalis ang pag-kakahawak niya sa binti ko.
“Tangina mo Brandon, kung hindi mo kami pananagutan ng anak ko, sasabihin ko ‘to kay Daddy at sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan!” Tumayo ito at binigyan ang ng isang malakas na sampla.
Nag-igting ang panga ko sa galit, gusto ko sana siyang saktan pero mas iniisip ko kung ano ang kalagayan ngayon ni Primo.
“Umalis kana Mitzy, wala akong pake kahit sabihin mo pa sa tatay mong kurap ang sitwasyon, pero ito lang ang tandaan mo hindi na ako madadala sa takot ngayon.”
Hindi ito natinag, pinunasan ang mga luha at nakipag-laban ng titigan sa’kin.
“Mitzy…” Lumapit ako hinawakan ang braso nito.
“Aray, nasasaktan ako…”
“Aalis ka o kakaladkarin kita paalis?”Madiin kong wika na siyang nag-bigay ng takot sa kaniya.
“Babalik ako Brandon, ipapakulong kita!”
Sa sobrang desperada niya naka-limutan niya atang binaboy at pinag-samantalahan niya ako habang lasing, Gobernador pa ang tatay niya at walang takot siyang nag-eeskandalo.
Maka-lipas ang ilang linggo ay hindi parin bumabalik si Primo, Wala kaming tigil sa pag-hahanap sa kaniya. Kasama ko si Ismael sa pag-libot ng buong glamir pero bigo kaming makita si Primo, hindi ko na alam ano pa ang gagawin, nasisiraan nako ng bait.
Hindi na ako maka-kain sa tamang oras, kulang na rin ang nagiging tulog ko dahil alas-kwatro palang ng umaga ay gising na ako para pumunta sa bahay ni Primo, nagbabaka-sakaling pag-bukas ko ng pintuan ay makikita ko siya roon. Kung hindi ko man siya makita ay maaga rin kaming mag-kikita ni Ismael para umpisahan ulit ang pag-hahanap at titigil kapag madaling araw na.
Ganon kami nag-hirap ni Ismael sa pag-hahanap kay Primo pero lagi kaming bigo, sa bawat pag-uwi ng bahay ay lagi akong umiiyak, iniisip kung kumain naba siya? Naka-tulog ba ito ng maayos? may kasama ba siya? kamusta at anong ginagawa niya.
Nabalitaan ko rin na may binayaran si Tito Prim para mag-hanap kay Primo, sa sobrang hiya ko sa nangyari ay hindi ko magawang tignan si Tito.
“Napa-kulong mo ba? o blotter?” Tanong ni Tito.
Balak ko sanang pumunta sa bahay ni Primo ng makita ko si Tito. Galit siya sa nangyari pero ng ma-ikwento ang nangyari at naging sitwasyon kung paano kami ng uwi sa ganito ay naintindihan niya ako.
“Hindi po Tito, kilala niyo naman po siguro ang Papa ni Mitzy kaya sa takot ko ay hindi ko na nagawang subukan.” Sagot ko.
“Fvck! bwisit na pamilya ‘yan, napaka-walang puso, ginagamit nila ang antas ng pamumuhay para manakot ng iba.” Galit na napa-tayo si Tito.
“Don’t worry, ako ang bahala sa pamilya nila, hindi ko matatanggap na ang pamilya nila ang dahilan kung bakit hindi ko mahanap ang anak ko.”
Halata ang lungkot sa mga wika ni Tito, naiintindihan at ramdam ko siya dahil kahit ako, mahal na mahal ko si Primo, sobrang sakit na sa bawat araw na gigising ako ay hindi ko nakikita si Primo, hindi ko nararamdaman ang mga halik at yakap niya.
“Pasensya na Tito, nadamay pa kayo sa kasalanan ko, alam kong galit din kayo sa’kin kaya tatanggapin ko ang galit niyo.”
“Hindi pa naman sigurado kung anak mo ang batang iyon Brandon, ang importante ngayon ay mahanap natin si Primo.” Tumigil ito at dinaluhan ako sa pag-upo, hinimas nito ang likod ko at pinapagaan ang nararamdaman.
“Si Primo lang ang makakapag-decide kung patatawarin ka niya, si Primo lang ang makapag-decide kung matatanggap niya ang ginawa mo kung sakaling saiyo nga ang bata.” Dagdag nito.
Nung araw na ring ‘yon ay pinapunta nila si Mitzy sa ospital ng kambal para sa gagawing check-up, may gagawin din silang dna kaya kinuha nila ang sample ko.
“Sabihin mo nalang kung hindi mo kayang akuin ang bata, hindi ‘yung himihingi kapa ng tulong sa mga kainigan mo.” Mataray na sabi ni Mitzy ng maka-salubong ko ito sa ospital.
“Wala akong aakuin Mitzy, alam ko at nararamdaman kong hindi sa’kin ang batang iyan.” wika ko bago ito lampasan at nag-lakad palabas.
Pag-tapos kong maka-uwi ay muling dumaan si Tito sa bahay. Nagulat ako sa mga sinabi nito na handa itong lumaban sa pamilya ni Mitzy.
“Ipapakulong ko ang Babaeng ‘yun, Brandon, gusto ko lang ay kooperasyon mo.” Mabilis akong tumango sa sinabi ni Tito.
“Pero, sigurado po ba kayo? Baka tayo lang ang mabaligtad kung gagawin natin ‘yon.” Nag-aalalang bigkas ko dito.
Hindi mo makikita ang takot sa mukha ni Tito, alam mong malakas ang loob nito at handang gawin ang lahat para kay Primo. Dahil sa determination ni Tito ay mas lalo aking nabubuhayan ng loob na muli kong makikita si Primo at makaka-sama ito.
“Lahat gagawin ko para sa anak ko Brandon, kaya sana gawin mo rin ang maka-kaya mo para hanapin si Primo.”
Ilang araw matapos ng pag-kuha ng sample sa’kin ay mabilis na lumabas ang resulta. Mabilis kong tinahak ang papunta sa ospital kasabay si Ismael.
“Ano Victor? anak ko ba?” Tarantang tanong ko ng maka-pasok sa office ni Victor.
May kinuha itong dalawang kopya ng papel, ang isa ay naka-envelope at ‘yung isang hindi ay binigay niya sa’kin. Hindi ko maintindihan ang mga naka-sukat doon kaya inaantay ko si Victor ang mag-paliwanag.
“Hindi nag-match ang kinuha naming sample sa’yo at sa batang dinadala ni Mitzy, meaning, hindi ikaw ang ama.”
Nang malaman ko ang magandang balita, tila bumilog ang puso ko sa sobrang saya. Napuno ng saya ang bawat bahagi ng aking katawan, at parang isang masiglang kumpol ng kasiyahan ang umapaw sa aking damdamin.
Ang ngiti sa aking labi ay hindi mapigilan, at ang saya na ito’y tila nagbukas ng pintuan sa panibagong pag-asa.
“Salamat, maraming salamat.” Halos maiyak pa ako kaya pinagtawanan ako ng mga lokong lalaki.
“Baka maiyak kapa niya’n Pre, tigil mo na ‘yan ‘di bagay.” Pag-bibiro ni Victor.
Hindi ko na sila pinansin dahil mas nangibabaw ang saya sa aking puso, tila binigyan ako nito ng pag-asa na mapapatawad ako ni Primo, sobrang saya.
Muli kaming bumalik sa pag-hahanap ni Ismael matapos nu’n, pero this time ay may ngiti na sa labi ko.
Makita ko lang talaga si Primo ay pinapangako ko sa sariling hindi na ito pakakawalan.
Hindi nag-tagal ang pag-hahanap namin dahil bandang hapon ay tumawag sa’min si Victor na nahanap na raw niya si Primo.
Hindi ako mapakali habang inaantay namin si Primo dito sa bahay niya, ang daming tumatakbo sa isip ko at halo-halo ang nararamdaman ko pero mas nangingibabaw ay excitement at kaba sa’kin.
Makalipas ang ilang linggo pag-hahanap ay makikita ko na ulit si Primo.
Nang bumukas ang pintuan, biglang bumuhos ang liwanag mula sa labas, at doon ko siya nakita-ang mahal na matagal ko nang hinahanap.
Sumiklab ang saya sa puso ko, at parang ang lahat ng bagay sa paligid ay biglang nagliwanag. Hindi ko inakalang magtatagpo ulit kami, ngunit heto siya ngayon, naka-ngiti at naghihintay. Ang pagod at paghihirap ng paghahanap ay napalitan ng tamis ng tagumpay at pagmamahal.
“Primo.”
Nakatayo ako, hindi ko inaasahan ang biglang paglalakad niya patungo sa akin.
Napansin ko ang biglang pagbabago ng kanyang mukha, tila may biglang nangyaring hindi maganda. Napansin ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata, at sa isang iglap, bumagsak siya sa harapan ko, tila isang bulaklak na biglang nawalan ng lakas.
Chapter 20
Glamir Series 1: BRANDON
Napa-hawak ako sa ulo nang maramdaman ang sakit. Napa-pikit pa ako. Ilang sandali lang ay nawala nadin ang sakit kaya dumilat na ako.
Pag-dilat ko ay nasinag ako sa liwanag ng ilaw, ilang sandali pa bago makapag-adjust ang mata ko.
“Primo.”
Boses ni Brandon ang kaagad na bumungad sa’kin kaya hinanap ko ito, nang makita ay hindi ko napigilan ang maluha.
“Brandon, na miss kita.”
Mabilis akong yumakap dito, mahigpit at dinama ang init na nag-mumula sa katawan niya.
Ngayon na yakap ko na siya ay labis ang sayang nararamdaman ko, ‘yung puso ko ay muling bumalik sa pag-tibok na parang nakipag-karera na sobrang namiss ko, ‘yung pag-dampi ng aming balat na nag-bibigay ng kakaibang koryente ay na-miss ko.
“Mahal, sobra-sobra-sobrang na-miss kita, hindi mo alam kung gaano kita na-miss, wala akong tigil sa pag-hahanap sa’yo.” Mas humigpit ang naging yakap nito.
“Sorry Brandon, hindi na ulit kita iiwan.”
Humiwalay ito ng yakap, hinawakan ang aking mukha at pinahid ang mga luha ko gamit ang kaniyang daliri.
“Mag-papaliwanag ako Primo, hindi ko anak-” Pinutol ko ito.
“Alam ko Brandon, alam kong hindi mo magagawa sa’kin, ‘yun kaya nga ako nandito di’ba? kaya bumalik ako para sa’yo.”
Isang mabilis na halik ang ginawad nito sa’kin na siyang nagpa-ngiti sa’kin.
Natigil lang kami ng biglang may pumasok sa pintuan. Nasa Ospital ako ng kambal, dinala nila ako rito matapos kong himatayin.
“Tim!”
Mabilis naka-lapit si Tim at mabilis ko itong niyakap. Panahon na siguro para sa bagong kwento namin, ito na siguro ang oras para kalimutan namin ang mga masasamang bagay na nangyari sa’min at ituon ang pansin sa kinabukasan.
“Akala ko kung ano ng nangyari sa’yo, pinag-alala mo kaming lahat.” Bumitaw ako ng yakap.
Sunod na pumasok si Ismael na mabilis ding yumakap sa’kin ng mahigpit, ang amoy niya ang agad na nanuot sa aking ilong na sobrang na-miss ko sakaniya.
“Tangina mo, hindi mo alam kung gaano kami nag-alala sa’yo, subukan mo pang ulitin ‘yun masasapak kita.” Nag-aalala ngunit may babala sa mga sinabi nito kaya napa-ngiti ako.
“Kuya, ang OA mo masyado.”
Tumayo ito ng tuwid at tinignan ako gamit ang naniningkit niyang mga mata.
“Kailan mo pa ako tinawag na Kuya? ikaw ba talaga ‘yan? alien kaba?” Tanong niya.
Kahit kailan talaga napaka-loko nito, hindi na siya nag-bago lahat dinadaan niya sa biro.
Dahil sa sunod na pumasok ay natahimik kaming lahat.
Si Papa.
“Anak!”
Ang yakap niya ang muling nag-painit sa aking mata, hindi ko rin nakayanan at tuluyang tumulo ang mga luha.
“Sorry Pa, hindi ko na uulitin, nadala lang siguro ako sa nangyari.” Paliwanag ko.
Matamis itong ngumiti sa’kin at muli akong niyakap, halata ang pagka-miss sa’kin, dahil sa higpit ng yakap.
“Ang mahalaga nandito kana anak, iyon ang importante.”
Sunod na pumasok ang kambal at si Hansel. Hindi ko alam kung na-explain naba ni Hansel ang lahat, pero masaya ako na makita silang lahat. Parang reunion namin ito at parang sobrang tagal namin na hindi nag-kita.
“Mag-antay lang tayo sa result ng test na ginawa kay Primo, si Doc Clara kasi ang na-assign baka mamaya pa ito, mag-pahinga na muna tayong lahat at-” Pinutol ni Vistro ang sinabi ni Victor.
“At mag-celebrate sa pag-babalik ni Primo!”
Tila nabuhayan ang loob ng kwarto sa Ospital dahil sa vibes na binigay ni Vistro, Wala din kaming nagawa kun’di ang sumang-ayos sa gusto niya, matagal din ang lumipas simula ng tumakas ako.
“Bibili lang kami ng pagkain.” Paalam ni Ismael, kasama nitong lumabas si Papa at Hansel.
“Babalik lang ako sa pagra-rounds, marami pa akong naiwang patients.” Umalis din agad si Vistro na sinundan ni Victor, naiwan kami ni Brandon at Tim.
“Ako pala si Brandon.” Pakilala ni Brandon. Tumayo naman si Tim mula sa pagkaka-upo at kinamayan si Brandon.
“A-ako si Timothy, Tim nalang itawag mo.” wika naman ni Tim na ikinangiti ko.
Halata parin ang hiya sa kaniya, pero nakaka-tuwa dahil sinusubukan niyang makipag-communicate sa iba sakabila ng trauma na naranasan.
Dahil sa pagiging seloso ng asawa ni Tim ay miski ang pakikipag-usap sa ibang lalaki ay binibigyan nito ng malisya, kaya para hindi masaktan si Tim ay mas pinili niyang ilayo ang sarili sa mga tao at kinulong ang sarili sa bahay.
“Ayos ka lang ba? wala kang nararamdamang masakit? ang dami mong pasa.” Alalang sabi ni Brandon.
Umiling si Tim.
“Ayos lang ako, si Primo ang alalahanin mo dahil-” Mabilis kong pinigilan si Tim sa pamamagitan ng pag-takip sa bibig nito.
Hindi ko kayang sabihin kay Brandon ang nangyari, Oo may mga sugat at pasa ako sa katawan pero karamihan dito ay natago ko gamit ang dami at ang tanging halata lang at ang pasa ko sa’king mukha at iilan sa dalawang braso.
“Ayos lang ako, nadapa kasi ako sa gubat kahapon.” Pag-sisinungaling ko.
Halata ang pag-tataka sa mukha ni Brandon at salit-salit niya kaming tinignan ni Tim na agad naman nakuha ang sinabi ko.
“Ah, yeah! kahapon kasi nadulas siya at ayun, nadapa.” Tumawa ako sa isip dahil sa palusot ni Tim.
Nag-sorry agad ako sa isip ko dahil napilitan na mag-sinungaling si Tim dahil sa’kin. Pero wala siyang magagawa dahil kaibigan kona siya.
Oras ang lumipas bago maka-balik sila Papa mula sa pag-bili ng mga pagkain, at dahil sa dami ng bitbit ay alam ko na agad kung bakit.
Pumasok naman ang kambal na may bitbit na isang mahabang foldable na table. Mukhang kinuha pa nila ito sa cafeteria ng Ospital.
Sa sobrang dami ng pagkain na binili nila Papa at Ismael ay halos sakupin nito ang mahabang mesa. Tabi-tabi kaming umupo at pinasadahan ng tingin ang mga pagkain. Ang tagal kong hindi naka-kain ng mga ganito.
Apat kaming naka-upo sa right side ng lamesa, Ako, si Brandon, Victor at Tim, sa harapan naman namin ay si Vistro, Hansel, Ismael At Papa.
Nag-lock bigla ang mata ko sa fries na sobrang dami.
“Mag-dasal muna tayo bago kumain.” Akmang kukuha nako ng fries nang sabihin ‘yon ni Papa.
Nag-dasal kami, nag-pasalamat sa pagkain at sa muli naming pag-sasama na talagang pinagpapasalamat ko sa diyos, kung hindi dahil sa mga taong nakilala ko ay hindi lalakas ang loob ko, dahil sa mga pinadala niyang bagong karakter sa buhay ko ay natuto akong lumaban at harapin ang problema.
Habang kasabay ko kumakain ang pamilya at mga kaibigan sa hapag, nadarama ko ang init ng pagmamahalan at saya sa paligid. Ang tawanan at kwentuhan ay nagbibigay ng kakaibang ligaya sa simpleng pagkakasama-sama. Isang masayang pagkakataon upang magsalu-salo at magbahagi ng mga kwento, nagiging buo ang saya sa bawat kagat at ngiti sa mukha ng bawat kasama.
Pag-tapos namin kumain ay kaniya-kaniya na kami ng ginawa. Kami ni Brandon ay bumalik sa bed katabi siya, si Ismael naman at Papa ay nasa gilid ng isang maliit na table kung saan may pinag-uusapan ito about sa work.
Ang kambal naman at si Tim ay lumabas para ilibot nila si Tim, si Hansel ay nasa isang gilid at busy ito sa pag-titipa sa kaniyang cellphone.
“Hindi ko ma-explain ang sayang nararamdaman ko Primo, akala ko hindi na kita makikita ulit.” Wika ni Brandon kaya nakaramdam ako ng kilig.
“Sorry talaga Brandon, pinangunahan ako ng takot sa nalaman ko, bwisit kasi na Mitzy ‘yan panira ng relasyon.”
Na-kwento sa’kin ni Brandon kung ano ang mga nangyari bago ito pumunta sa building at kausapin si Ismael.
Labis ang galit na naramdaman ko sa part na pinagsamantalahan niya si Brandon, Lalo na ‘yung pumunta pa ito sa bahay at pilit na pina-ako ang bata kay Brandon.
Grabe si Girl! desperada yarn?
“Ano na palang nangyari sa Mitzy na ‘yun?” Tanong ko.
Nasabi rin kasi niya ‘yung about sa pinag-usapan nila ni Papa, akala ko kasi ay kaya pinuntahan ni Papa si Brandon sa bahay niya ay para saktan ito pero mali ako.
Mas pinili ni Papa ang magpaka-tatag at iniwasan ang magpadala sa galit na siyang sobra akong proud.
“Sabi ng Papa mo, siya na ang bahala sa Babaeng ‘yun.” Halos pabulong nitong sabi. Tinignan ko naman si Papa na busy sa pakikipag-usap kay Ismael.
Siguro sa susunod ko nalang itatanong kay Papa, ang mahalaga ay mag-kasama kami.
“Na-miss talaga kita sobra Brandon, na-miss ko ‘yung halik mo.” Mabilis kong hinalikan ito sa labi. “Na-miss ko yung yakap mo.” Sunod nu’n ay niyakap ko ito ng mahigpit.
“At syempre ikaw, na mahal ko.” Napa-ngiti ito sa sinabi ko at namula ang kaniyang tenga, wala parin itong pinag-bago, simula bata kami ay laging nalang tenga nito ang namumula.
“Ehem, may nag-tatrabaho dito oh.” Pag-singit ni Ismael kaya inirapan ko lang ito. Palibhasa hindi maka-cuddle kay Hansel.
Inggit lang siya sa pagiging PDA namin ni Brandon, ni-lowkey lang kasi siya ni Hansel.
Maya-maya ay pumasok na si Victor at Tim na may ngiti sa mga mukha. Mukhang hindi lang si Hansel at Ismael ang lowkey na nag-lalandian ah.
May pang-aasar kong tinignan silang dalawa nang maka-pasok, agad na namula ang mukha ni Tim at mabilis na lumapit sa’kin, tumabi sa kabilang side ko.
“Nag-enjoy ba kayong dalawa?” Biro ko na mas lalong ikina-pula ng muka ni Tim. si Victor naman ay hindi kami tinitignan.
Aasarin ko pa sana sila nang pumasok ang isang doctor sa kwarto kasunod si Vistro. May hawag na parang folder.
“Mr, Glacias?” Tumingin ito sa’kin.
“Lumabas na po ang result.” Kinuha nito ang hawak ni Vistro, kinakabahan ako dahil sobrang seryoso ng mukha ni Vistro, maging ang doktor.
“Base sa resulta mula sa test na ginawa namin ay…” Binitin pa kami ng doktor.
“May sakit si Primo.” Si Vistro ang sumagot. Labis ang gulat na bumalot sa buong kwarto, maging si Papa ay napa-tayo.
“Sakit? ano?” Tanong ni Brandon.
Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil ito.
“Totoo ba ‘yan Vistro? Doc? ano pong sakit ng kapatid ko?” Lumapit sa’min si Ismael at inantay ang sagot ng dalawa.
“Joke lang buntis lang siya.” Diretsong sabi ni Vistro na mas lalong nagpa-gulat sa’ming lahat.
Nang sabihin sa akin ni Vistro na buntis ako, napuno ng kaba at tuwa ang puso ko. Hindi ko lubos maisip na magiging magulang na ako. Kasabay ng ligaya ay ang takot sa bagong yugto ng buhay na haharapin ko. Sa bawat pagtibok ng puso ko, dama ko ang pag-usbong ng bagong pag-asa at responsibilidad.
I couldn’t believe it when doctor repeatedly and calmly said,
“Congratulations, you’re pregnant.”
Chapter 21
Glamir Series 1: BRANDON
Hindi parin ako maka-paniwala dahil sa nangyari, kahit pa naka-labas na kami sa ospital ay halata parin sa’kin ang gulat at syempre kasiyahan.
Nasa biyahe kami ngayon pauwi sa bahay, sakay kami ng isang puting van kung saan kasama sila Papa. Naiwan ang kambal dahil kailangan nila mag-trabaho.
“Primo, hindi ako maka-paniwalang buntis ka rin!” Masayang wika ni Tim at matamis na ngumiti.
“Maybe this is the time to forget everything and start a new chapter of our lives.” Dagdag nito.
Tama siya, dahil sa paparating kong responsibilidad hindi makaka-tulong sa’kin kung iisipin ko pa ang mga walang kwentang nangyari sa’kin, siguro maiiwan sa isip ko ang masasayang araw at ang mga bagay na nakapag-pagaan ng loob ko.
Gaya ng sabi ko, si Tim ay ang matapang na version ko, dapat gayahin ko siya.
“Kahit ako hindi maka-paniwala Tim, hanggang ngayon halos hindi parin ako maka-move on.” Magkahawak kaming kamay at habang masayang nag-uusap.
Marami siyang sinabi sa’kin na mararanasan ka kapag bumilog na ang tiyan ko katulad ng sakaniya, ‘yung mga pag-babago sa’kin na normal lang naman sa isang buntis. Masaya ako na nasa tabi ko si Tim, kahit paano ay may nalaman ako ng mga bawal at hindi dapat gawin kapag ikaw ay buntis.
“Bibisitahin ko kayo sa mga susunod na araw, I’ll focus on work first, but if you need anything, just tell me.” Mahabang sabi ni Papa mula sa dulong upuan ng van.
“And of course take care of yourself Primo, I will send you fruits and vitamins.” Dagdag pa nito.
I truly appreciate what my Papa’s doing. siguro bumabawi lang ito sa mga taon na hindi kami nag-sama, pero para saakin ay gano’n talaga mag-mahal ang isang ama, handang gawin ang lahat para sa anak.
“Thank you Papa.”
Kasama namin si Tim dahil sa bahay muna ito mag-papalipas ng araw. Nahihiya pa nga ito at sinabing linggo or ilang buwan lang daw siya pero pinilit ko siya na hanggang manganak ako.
Sa lagay ko ngayon at sa lagay niya, hindi ko siya pwedeng pabayaan na walang kasama, at ako naman ay napalapit na sa kaniya, gusto ko pa siyang makilala at syempre gusto ko ng may kausap ako na naiintindihan ang nararamdaman ko lalo pa’t parehas kaming buntis.
Pagbaba namin ay agad humampas ang hangin sa’king mukha, tama lang ang lamig nito at napaka-sarap sa pakiramdam. Sobrang na-miss ko ang glamir.
“Pasok na tayo Primo.”
Inalalayan ako ni Brandon na parang may sakit. Hawak niya ang kaliwa kong kamay at naka-pulupot ang kanan niya sa aking bewang. Sa ginagawa niya ay sobra akong nahihiya.
“Bakit ganiyan ka maka-alalay sa’kin Brandon? ayos lang naman ako, wala akong sakit.” Inalis ko ang kamay nito na nakahawak sa kaliwa ko at nag-lakad. Naiiling nalang ako sa Lalaking ‘to.
“Mauuna na kami ng Kuya, mo tumawag ka sa’kin bago ka matulog.” Paalam ni Papa.
Kinawayan ko sila ni Ismael bago bumalik sa van, pinanood kong umalis ang van bago kami pumasok tatlo sa bahay.
“Maupo ka muna sa sofa Tim, ikukuha lang kita ng tubig.”
Hindi pa man nakaka-upo si Tim ay nag-salita si Brandon.
“Ikaw din umupo ka na, ako na kukuha ng tubig niyo.”
Kumuha siya ng tubig para sa’min ni Tim, umupo naman ako sa sofa at sumandal.
Sa sobrang daming nangyari sa’kin hindi ko akalain na may darating palang biyaya, sa sobrang daming masasamang nangyari sa’kin ay mas doble pa ang ibinalik na saya at kaligayahan sa’kin.
“Pumasok na muna kayo sa kwarto Tim, Primo. Mahiga kayo at matulog, magpahinga, ako na bahala dito.” Utos ni Brandon na akala mo Nanay.
Hindi na kami nag-salita ni Tim, sabay kaming umakyat sa hagdan at naka-ngiting pumasok sa kwarto. Humiga kami at dinama ang lambot nito.
“Sobrang saya ko Tim.” I said while looking at the ceiling. “Bukod sa nakilala kita, may blessing pa na dumating sa’min ni Brandon.” Dagdag ko.
“Deserve mo.”
Even though I don’t see him, I know that he is smiling and looking at the ceiling as I am.
“Masaya rin ako Primo, I didn’t know that in the midst of the problems and trials I went through I would meet you.” I feel the sincerity.
Tumagilid ako at tinignan ito. Kahit na maraming pasa ang kaniyang mukha ay maganda parin ito. Sa kabila ng mga pinagdaanan ay naka-ngiti siya ngayon sa harap ko at malakas na lumalaban.
Tim and I have shared meaningful conversations, finding happiness in our connection, grateful for the blessings the Lord has bestowed upon us. Hindi ko tuloy maiwasang isipin ‘yung mga sinabi ng asawa ni Tim.
Hindi naman namin kasalanan kung naging gan’to kami, ang sa’min lang ay tanggapin niyo kami na isa sa inyo, hindi ‘yung pandidirian at aasarin niyo kami na parang kaka-iba kami at hindi tao.
Tao rin naman kami, may nararamdaman, we feel pain at nasusugatan. We also get tired, both physically and mentally.
Gusto lang namin ang maranasan mahalin, mahirap ba ‘yon?
Kung mahirap kaming mahalin? ano pa kayang nararamdaman namin?
Nahihirapan din kaming tanggapin ang sarili namin.
Ang mga iniisip na ‘yon ay hindi ko nalang pinagtuunan ng pansin, What we need is to rest; we need a quiet and peaceful day.
Parehas kaming nagising ni Tim nang pumasok si Brandon. Ilang oras na pala ang naging pag-tulog namin, halos hapunan na ng magising kami.
“Kakain na.” Mahinang sambit ni Brandon.
Sabay kaming bumaba at pumunta sa kusina. Pag-upo ko ay naka-handa na ang lahat, mula sa mga plato at baso na naka-handa, meron na ring mga lutong pagkain at halatang bagong luto lang ito dahil sa usok.
Brandon surprised me with his cooking skills. The aroma of his special dish filled the air, and I couldn’t help but feel a warm mix of excitement and gratitude.
“Ikaw nag-luto nitong lahat?” Manghang tanong ko.
May ngiti sa labi ni Brandon ng tumango.
As he served the meal, I tasted the effort and love he put into it, creating a moment that I’ll always cherish.
Kumuha si Tim ng adobo, habang ako naman ay tinola. Sobrang sarap ng luto ni Brandon nakaka-gaan ng pakiramdam ang sabaw habang hinihigop ko.
Sa luto ni Brandon masasabi ko na totoo pala siguro na kailangan mong samahan ng pag-mamahal ang pag-luluto para mas lalong sumarap.
“Sarap.”
Matapos namin kumain ay nag-pahinga lang kami sa sofa, si Brandon ay niligpit ang mga pinagkainan namin.
Because of what Brandon does, I experience what they call the ‘princess treatment’, and yes, I admit it feels wonderful to be treated right by the person you love.
Matagal kong hinangad ang gano’ng pakiramdam at ngayon na nadarama ko ito ay sobrang sarap sa pakiramdam. Hindi ko akalain na kay Brandon ko lang pala mararansan ‘yon.
“Salamat sa ginagawa niyong mag-asawa sa’kin, tatanawin kong malaking utang na loob ‘to.” Sabi ni Tim habang naka-tingin sa ginagawa ni Brandon.
I don’t know what Tim is feeling, but I hope he becomes comfortable with us.
“Masaya na ako sa simpleng thank you, hindi naman ako nag-hahangad ng kapalit muna sa’yo, ‘yung lumaban ka kasama ko ay sapat na ‘yon.” Sagot ko.
“Kahit na, I don’t know how I would survive if I hadn’t met you, hindi ko alam kung paano pa haharapin ang bukas.” Matamis itong ngumiti sa’kin at hinawakan ang kamay ko.
“Kaya, salamat, thank you, thank you so much Primo and Brandon.”
Because of that I felt some joy, because what he said made me feel better.
“Baka mag-iyakan pa kayo d’yan ah, hindi pa lumalabas ang mga anak niyo pero may umiiyak na mga bata.” Panira ni Brandon sa moment namin.
Parehas naman kaming natawa.
Inabala nalang namin ang sarili sa pag-aayos ng gamit ko. May ilan akong damit na ibingay kay Tim na bumagay naman sa kaniya, sa susunod na araw ay mag-request nalang ako kay Papa na bilhan pa si Tim ng mga damit.
Natapos na namin ang pag-aayos kaya nag-pahinga ulit kami, hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nag-pahinga ngayong araw.
“Primo saan ko ilalagay ‘to?” Tanong ni Brandon, lumapit ito bitbit ang box ng ilang gamit ko na simula pa noong dumating ako sa glamir ay hindi ko pa nabubuksan.
Agad kumunot ang noo. Gusto kong makita ‘yung ibang laman ng kahon na ‘yun kaya tumayo ako at pinalapag ito kay Brandon.
Pag-bukas ko ay picture namin ni Lolo ang bumungad, naka-ngiti ako sa picture at talagang masaya ako nung araw na ‘yun, may iilan pa kaming picture ni Lolo kaya nag-decide ako na ilagay ito sa stand sa kilid ng kama ko. Ang iba naman ay sinabit ko.
Napa-tigil ako ng makita ang isang picture.
“Ano ‘yan?”
Lumapit sa tabi ko si Tim at kinuha ang picture.
Litrato namin ito nila Papa at Mama.
Sangol palang ako sa picture, buhat ako ni Mama habang si Papa naman ay naka-akbay sa balikat ni Mama, naka-ngiti silang dalawa sa picture na hindi ko nakita nung mga panahong kasama ko si Mama.
Sa tabi nila si Lolo, may ngiti rin sa mga labi nito.
Na miss ko bigla si Lolo.
Halos mag-tubig ang mata ko dahil sa mga alaalang bumalik sa’kin. Mabuti nalang at may kinuha ulit na picture si Tim na nag-paluwag sa nararamdaman ko.
Picture namin nila Brandon at Wendy nung mga bata. Hindi ko alam na meron pala ako nito.
Sa picture ay hindi kami naka-tingin apat. Naka-landscape ito kaya kita ako habang nilalaro ang buhangin, si Brandon naman ay nasa harapan ko naka-tingin sa’kin, si Wendy at Giro naman ay mukhang nag-aaway pa sa isang laruan.
Stolen shot namin ito habang masayang nag-lalaro.
Bigla ko namang naalala ang mga panahon ng aking kabataan, kung saan ang buhay ay puno ng masasayang alaala at walang iniisip na problema.
Naisip ko ang mga simpleng kasiyahan ng pagiging bata, tulad ng mainit na sikat ng araw sa mukha habang naglalaro sa labas, ang amoy ng bagong putol na damo sa ilalim ng paa, at ang walang kamatayang tawa na nagmumula sa kasiyahan ng mga simpleng bagay.
If only I could go back to those times, far from any current troubles and burdens.
Chapter 22
Glamir Series 1: BRANDON
Hindi rin nag-tagal ang pamamalagi namin sa bahay ni Lolo dahil napag-desisyunan nila Papa na doon muna kaming tatlo sa bahay nila.
Hindi naman kami umangal dahil gusto ko rin naman silang makasama araw-araw, lalo pa’t mas makaka-tulong ‘yon sa pag-bubuntis ko.
Kasalukuyan kaming nag-iimpake ng mga gamit na dadalhin namin, hindi naman kasi pwedeng dalhin namin lahat lalo na ‘yung mga hindi naman talaga namin kailangan.
“Primo, dumalaw ka sa’kin lagi ha, mami-miss kita sa pag-lipat mo.” Malungkot na wika ni Ate Amy.
“Ate, hindi naman malayo ‘yon. Tsaka isang sakay lang ‘yon mula sa bayan kaya pwede niyo rin akong dalawin.” Ani ko bago yumakap.
“Beshy, kapag dadalaw ka dalhan mo lagi ako ng masasarap na pagkain ha, ‘yung masasarap.” Pag-ulit ni Wendy.
Nandito sila ni Ate Amy nang malaman na lilipat na ako sa bahay nila Papa, kahit papaano ay nakapag-paalam na rin ako sa mga taong tumulong sa’kin at sumuporta.
“At ikaw naman,” Humarap ito kay Tim na katulong ko sa pag-tutupi ng damit. “kahit saglit palang tayong magka-kilala alam kong mabait ka, basta akin ang isa sa kambal ha.” Natawa nalang kami sa sinabi nito.
“Wala naman akong gusto sa kambal, kahit sayo pa silang dalawa.” ani Tim.
“Nasaan pala si Brandon? bakit wala rito?” Tanong ni Ate Amy sa gitna ng pag-ligpit namin.
“Pumunta po sa bahay nila, nag-paalam sa Papa niya.” Sagot ko.
Maaga kasi kaming gumising para ayusin ang mga gamit na dadalhin, si Brandon ay umuwi muna sa kanila para kuhanin ang ilan niyang gamit nag-sabi rin ito na mag-papaalam sa Papa niya.
Alam ko may parte sa Papa niya na mami-miss si Brandon, pero sinabi ko rin sa sariling hindi ko sasayangin ang tiwalang ibinigay niya saakin, mamahalin ko si Brandon kung paano niya mahalin ito. Tsaka dadalaw rin naman kami kapag may oras.
Natapos na namin lahat ng bagahe nang dumating si Brandon, may bitbit itong isang malaking bag sa balikat niya.
“Naka-ayos naba ang lahat? nakita ko ang kambal sila raw ang susundo saatin.” Ani Brandon.
Mabilis naman ang naging pag-kilos ni Wendy ng marinig ang sinabi ni Brandon, tumitili itong lumabas ng pintuan.
“Ingay talaga!”
Tinulungan kami ni Brandon sa pag-bitbit ng gamit kahit na meron siyang bag na bitbit, pag-labas namin ay nakita namin ang kambal. Si Wendy ay halos idikit ang sarili kay Vistro, habang si Victor naman ay naka-ngiti lang at naka-tingin sa’min.
“Bye Primo, Tim.” Yumakap sa’min si Ate Amy. “Mag-ingat kayo palagi.” Dagdag niya habang yakap kaming dalawa.
Ayokong maging emosyonal kaya ngumiti ako kay Ate Amy at niyakap ito pabalik. Nang maka-bitaw ay muling kinuha ni Brandon ang ilang gamit para ipasok sa likod ng Van, pero this time ay katulong na ang kambal.
“Pwede ba akong sumama sa pag-hatid? gusto ko lang maka-sama si Vistro.” Malanding sabi ni Wendy.
“Sino naman mag-hahatid sa’yo pauwi?” Tanong ni Vistro kaya napa-simangot ang Babae.
Inalalayan kaming sumakay ni Brandon at sa huling sandali bago umalis ay nag-paalam ulit ako.
“Kumain na ba kayo? gusto niyo mag-drive thru muna?” Alok ni Victor na siyang nag-mamaneho.
“Hindi na salamat, okay na ‘yung ginawa niyong pag-sundo sa’min.” Si Tim ang sumagot.
Sumang-ayon nalang kami dahil kumain na rin naman kami bago umalis ng bahay.
Naging matagal ang biyahe dahil nakaroon pa ng aksidente sa daanan, Nag-palit ng pwesto ang kambal at si Vistro naman ang nag-drive para makapag-pahinga si Victor.
Nasa likod kami ni Brandon magkatabi, sa harapan naman namin ay si Tim na mag-isa.
Naki-chismis pa si Victor sa kung anong nangyari dahil ang tagal na namin na stranded sa traffic.
Maya-maya pa ay pumasok ito at tumabi kay Tim.
“Hindi niyo ‘ko gagawing driver, bakit iniwan niyo ako dito sa harap?”
Hindi pa man nakapag-salita si Victor ay mabilis na umangal si Vistro. Kanina kasi katabi niya si Victor, tapos ng pumasok ulit ay sa harap na namin ito umupo.
“Matatagalan pa ‘yung traffic matutulog muna ako dito, patayin mo muna ang makina sayang gas.” Wika ng kambal.
Pinabayaan nalang namin sila na mag-away. Ang mahalaga kasama at katabi ko si Brandon, pabor pa sa’min ang traffic dahil mas matagal ko siyang makaka-sama.
Gaya ni Victor ay natulog na din kami ni Brandon, yakap ko siya at nasa dibdib niya ang ulo ko pinakinggan ko ang bawat kabog nito na parang iisa lang ang sinasabi.
Ang pangalan ko.
Na-alipungatan ako dahil sa pag-alog ng sasakyan, dumilat ako at nakitang nag-uumpisa na ulit ang biyahe. Mainit na at lagpas alas-dose na ng tanghali. Ganon katagal ang inabot ng traffic.
Nakita ko sa harap ang tulog parin na si Tim at Victor, naka-sandal sa balikat ni Victor ang ulo ni Tim habang ang kamay ni Victor ay nasa likod ni Tim.
They look like a couple who are tired from the trip, it’s nice to see them.
Halos hapon na ng maka-rating kami sa bahay ni Papa, sinalubong kami ng pag-aalala.
“Bakit ngayon lang kayo? kanina pa kayong umaga umalis di’ba?” Alalang tanong ni Papa nang maka-baba kami.
“May aksidente po kasing nangyari malapit sa bayan kaya natagalan kami. Hindi naman po kami nasaktan.” Paliwanag ko.
Niyakap ako ni Papa bago tulungan sila Brandon sa pag-baba ng ilang gamit.
Dumating din si Ismael pero walang ginawa kun’di ang asarin ako na lagi niyang ginagawa.
“Pumanget ka lalo, tapos sooner or later tataba ka pa.” Pang-aasar nito pero inirapan ko lang siya, hindi ko ito pinansin kaya nainis ito.
“Snobber nito, hindi naman maganda.” Dagdag niya kaya gumanti na ako dito, mabilis kong hinampas ang braso at sinabunutan. Tumawa lang ito sa ginawa ko.
Kahit ilang beses kong hindi pansinin ang pang-aasar niya marami parin itong sinasabi na ikaka-inis mo, kaya minsan kapag inasar niya ako mas pinipili ko nalang siyang gantihan dahil doon din naman ang punta nu’n.
“Tama na ‘yan, pumasok na kayo sa loob, naka-handa na ang mga pagkain doon.” Saway ni Papa kay Ismael.
Tinignan ko muna sila kung tapos na silang ibaba ang ilang gamit, nakita kong tinutulungan ni Victor si Tim at si Brandon ay katulong si Papa.
Bag lang ang bitbit namin ni Tim nang pumasok kami, Nilapag lang namin ito saglit sa sala bago dumiretso sa kusina.
Pag-punta namin sa kusina ay nakita ko si Hansel.
Lowkey nanaman siguro silang nag-landian ni Ismael. Bakit ayaw pa kasi aminin ng dalawang ‘to ang relasyon nila.
“Hi Hansel.” Bati ko rito, ngumiti lang ito sa’min bago bumalik sa ginagawa.
Sabay-sabay kaming nag-dasal bago mag-umpisa kumain. Sobrang daming pagkain ang pinaluto ni Papa dahil hindi lang naman daw ako ang kakain dahil pati ang bata sa tiyan ko.
Umayos ako ng upo at masayang pinagmamasdan ang pamilya at mga kaibigan ko na magkakasama sa hapag-kainan. Ang kwentuhan at tawanan ay nagbibigay buhay sa paligid, at ramdam ang init ng pagmamahalan sa bawat ngiti at kwento. Isang simpleng sandali ng saya na nagpapaligaya sa puso ko.
Dahil hapon na nga kami nakarating ay hindi na namin natuloy ang planong pag-pasyal dahil mag-didilim na at pagod kami sa biyahe.
Hiwalay ang kwarto namin ni Brandon kay Tim kaya nalungkot ako, parang mas gusto ko pa kasama si Tim kesa sa boyfriend ko.
“Ayaw mo ba ako kasama? bakit mas gusto mo katabi si Tim sa pag-tulog? mag-katabi lang naman ang kwarto niyo ah.” Maktol ni Brandon.
“Nag-sawa nako sa’yo Brandon, mabantot kana katulad ni Ismael.” Biro ko sa kaniya.
Mabilis ang naging pagkilos nito at dinambahan ako sa kama, pumaibabaw ito sa’kin at pinaulanan ako ng mga halik.
“Tama na Brandon, nakikiliti ako.”
Hindi parin ito tumigil sa pag-halik kaya gumanti naman ako, kinilit ko ang kaniyang tagiliran na mabilis nag-pahina sa kaniya, tumatawa itong bumagsak sa tabi ko.
“Akala mo hindi ko alam ang kahinaan mo.”
Pinagpatuloy ako ang pakilita sa kaniya na mas lalong nagpakawala ng mga tawa niya. Sobrang sarap pakingan ng bawat tawa niya, parang musika na nag-bibigay saya sa puso ko, mas lalo tuloy akong nahuhulog sa kaniya.
Nagulat nalang ako nang mahuli ang kamay ko at mabilis na ipinag-palit ang pwesto namin. Siya naman ngayon ang naka-patong sa’kin.
Tinignan ako nito sa mata.
“Alam mo ang kahinaan ko, bukod sa kiliti?” Napa-lunok ako dahil sa titig na ipinupukol nito sa’kin.
Maloko itong naka-ngiti sa’kin kaya umiling ako kasabay ang muling pag-lunok ng laway.
Ghad! Sobrang gwapo ni Brando mula sa angulo niya. Ang malim niyang mga mata na nakatitig sa’kin, ang matangos nitong ilong at mapupulang mga labi na unti-unti papalapit sa’kin.
“Ikaw, ikaw ang kahinaan ko.”
Bulong nito na siyang nag-painit sa pisngi ko, naging mabilis din ang pag-tibok ng puso ko.
Dahan-dahan lumapit ang mukha niya sa’kin at nilapatan ako ng isang halik.
“Alam mo rin ang kahinaan ko?” Tanong ko rito ng maka-recover sa ginawa niya.
Malako akong ngumiti ng umiling ito sa’kin, nanatili siyang naka-patong sa’kin.
“Ang junior mo.”
Natawa ako sa sinagot. Muling inulan ni Brandon ng halik ang mukha ko pababa sa leeg.
Masaya naming hinaharot ang isa’t-isa nang may kumatok sa pintuan, mabilis naman kaming tumigil at pinuksan ito.
“Tim?”
Bitbit nito ang gamit ng makita ko, nag-tataka akong lumabas at nagulat ako ng makita si Victor sa gilid nito.
“Mag-tatanan kayo?” Tanong ni Brandon ng maka-lapit ito.
Mabilis namula ang mukha ni Tim kaya napa-ngiti ako.
“May condo kasi si Victor na h-hindi na nagagamit, k-kaya nag-decide akong doon muna mag-stay.” Utal na wika ni Tim.
“Bakit? ayaw mo ba dito? malaki ang bahay ni Papa kaya h’wag mong alalahanin ang pag-tira mo.” Umakbay sa’kin si Brandon matapos nun.
“Sige papayag na nga akong mag-kasama kayo sa kwarto, h’wag mo lang iwan si Primo.” Tila napilitang saad ni Brandon.
“No, hindi naman ‘to about sa mga sinabi niyo, gusto ko lang talaga na…” Hindi niya matuloy ang sasabihin.
Nag-aantay ako ng sunod niyang sasabihin nang mag-salita si Victor.
“Mag-tatanan nga kami, mag-papaalam lang siya.”
Gaya ng kapatid ay diretso ito sa pag-sasalita at hindi iniisip ang magiging reaksyon ng iba. napaka-prangka.
“Ano ba ‘yang sinasabi mo Victor,” Humarap ito sa’kin “Hindi totoo ‘yang sinabi niya, gusto ko lang talaga muna lumayo-layo at hanapin ang sarili.” Paliwanag nito.
Hindi ko gusto ang pag-alis niya pero naiintindihan ko na meron din itong pinagdadaanan kahit na hindi niya sabihin ay nararamdaman ko.
Sa gabing iyon, umalis ang isa sa mga naging parte ng buhay ko. Umalis ang kaibigan ko pero walang pait at sakit sa puso ko.
Masaya ako sa pag-alis niya dahil umaasa ako na sa pag-balik niya ay nakita na niya ang sagot sa mga tanong sa isip niya.
I will miss you Tim, I will remember the happy memories I have, I will never forget our memories, until the end Timothy.
Chapter 23
Glamir Series 1: BRANDON
Isang buwan na ang lumipas simula ng tumira kami sa bahay ni Papa. Naging maayos naman ang buhay namin, maliban lang sa pang-aasar ni Ismael sa’kin.
Sabi ni Victor iwasan ko ang ma-stress pero sa ginagawa ni Ismael mukhang mauuna pa akong manganak kay Tim.
Simula nung umalis si Tim at tumira sa hindi nagagamit na condo ni Victor para akong nawalan ng kapatid, kaibigan o isang mahalagang tao sa buhay ko, pero masaya ako sa desisyon niya at kahit minsan ay dumadalaw ito sa bahay kasama ang kambal.
“Bagay ba sa’kin?” Tanong ni Brandon.
Tinignan ko ito at ngumiti.
Naka-suot ito ng long sleeve white polo na bukas ang dalawang button kaya kita ko ang dibdib nito. Sumakto rin ang black pants na suot niya. Mukha siya may ari ng isang building sa itsura niya. Isang ceo.
“Mas bagay ako sa’yo.” sagot ko rito na ikina-ngisi niya.
Lumapit ako sa kaniya at tinignan ang itsura sa mahabang salamin. Kita ko ang buong katawan ko dahil malaki ito.
Ngumiti ako ng makita ang maliit na umbok sa tiyan ko, napa-hawak ako dito habang naka-tingin sa Lalaking katabi ko.
Araw-araw sa loob ng pag-sasama namin ni Brandon ay puro saya ang naranasan ko, sobrang sarap lang sa pakiramdam dahil alam mong tinutupad niya ang mga sinasabi at pinapangako niya. Hindi ako maka-paniwala na boyfriend ko siya, sobrang swerte ko.
Simple lang ang suot ko dahil hindi ako pwede sa masisikip na damit. I was wearing a white shirt and gray short, nag-sapatos din ako.
“Tara na.” Pag-aya ni Brandon.
Susunduin kasi namin si Papa sa airport galing ito sa business trip niya sa Hong Kong, isang linggo siya doon kaya sobrang na-miss ko siya.
Pag-labas namin ay nakita namin si Ismael na naka-upo sa sofa, wearing a black polo shirt and black pants. Simple pero sobrang gwapo.
Kahit maloko at mapang-asar si Ismael ay masasabi kong may dating ito, para siyang model kapag naka-upo, gano’n din kapag naka-tayo, I don’t wonder why Hansel fell in love with him.
“Ang tagal niyo, nag-landian pa siguro kayo sa taas.” Reklamo nito.
Tumayo siya at hinarap kami.
“Inggit ka lang e.” Pang-aasar ko.
Lumabas kami ng bahay at pumunta sa garahe. Sumakay si Ismael sa motor niya habang kami ni Brando ay mag-kasama sa isang motor. May trabaho si Brandon before kami pumunta dito sa bahay ni Papa kaya naka-ipon ito at naka-bili ng motor, sa tulong na rin ni Ismael dahil dinagdagan niya ang pera ni Brandon para daw mas maganda na ang mabili.
Nang maka-sakay si Brandon ay sumunod ako, kumapit ako sa balikat nito at ng maka-sakay ay nilipat ko ang kapit sa kaniyang bewang. Naka-ngiti ako habang dinadama ang abs ni Brandon.
“Kumapit ka baka mahulog ka lalo sa’kin.”
“Kapal mo naman, ikaw kaya ‘tong patay na patay sa’kin.” Parehas kaming natawa sa sinabi ko.
“Oo na po, kaya akin ka lang.” Hindi na ako sumagot sa sinabi niya dahil nag-init bigla ang mukha ko.
Lagi niyang sinasabi ‘yan pero iba talaga ang epekto sa’kin nun.
Inumpisahan ni Brandon ang pagpapa-andar at sumunod kay Ismael.
Habang naka-yakap kay Brandon ay dinama ko ang hampas ng hangin. Hindi pa masyadong mainit dahil maaga kami umalis, saglit din naman kasi ang biyahe dahil malapit-lapit lang ang airport mula sa bahay.
Sa tuwing sumasakay ako sa likod ng motor ni Brandon, mararamdaman ko ang malamlam na ihip ng hangin na dumarampi sa aking mukha. Sa bawat takbo ng motor, parang kasabay nito ang aming mga damdamin, naglalaro sa hangin na nagiging saksi sa aming paglalakbay.
Ilang sandali lang ay naka-rating na kami sa Airport, bumaba ako habang sila Brandon at Ismael ay humanap ng parking lot.
Habang nag-hihintay ay nilibot ko ang paligid gamit ang mata. Hindi ito sobrang laki dahil probinsya itong Glamir, pero sa itsura ng airport ay alam mong hindi ito basta-basta, may pagka-moderno rin ang itsura nito hindi gaya sa iba.
Habang nililibot ang paningin ay may naka-bungo sa’kin, muntik pa akong matumba dahil sa lakas nito.
“Sorry, nag-mamadali ako.” Ani ng lalaking naka-bungo sa’kin.
Sasagot pa sana ako ng may marinig kaming tawag ng Lalaki, mabilis nag-bago ang expression nito dahil do’n at agad ding tumakbo.
“Ano kaya ‘yun? parang baliw lang.”
Umiling nalang ako at inantay sila Brandon. Hindi rin nag-tagal ay dumating sila kaya pumasok na kami.
Marami ang taong nag-aabang sa darating nitong kaibigan, pamilya at kakilala. Habang nag-aantay ako ay parang nararamdaman ko ang saya, excitement na nararamdaman ng ilang tao na nag-aantay din.
“Papa!” Sigaw ko nang makita si Papa na pababa sa escalator. Mabilis niya kaming nahanap at kumaway sa’min.
Bitbit ang isang maleta at bag ay lumapit ito sa’min. Mabilis ko siyang niyakap.
“I miss you Papa, lagi akong inaasar ni Ismael no’ng umalis ka.” Pag-sumbong ko.
“Panget ka kasi!” Singhal ni Ismael.
“Kayo talaga, hindi ba kayo magka-sundo? lagi kayong away at asaran.” Ani Papa kaya tinignan ko ng masama si Ismael.
Kinuha ni Brandon ang bag ni Papa at maleta kay Ismael, kasabay ko sa pag-lalakad si Papa palabas ng airport.
“Kain muna tayo sa mall. Akala ko ba may sasabihin kayo sa’kin.” Wika ni Papa.
Yup! Tumawag kasi ako kay Papa bago ito umuwi na may sasabihin kami sa kaniya. Hindi ko lang sinabi sa phone dahil gusto ko personal.
Pumunta kami sa isang mall malapit lang din sa airport. Sobrang daming tao kaya nahirapan kami na humanap ng makakainan. Nasa food court ako ngayon, inaantay ko silang tatlo na bumili ng pagkain.
Balak sana namin ay kakain kami sa restaurant pero puno ito dahil marami rin ang dumating galing ibang bansa at dito sila dumiretso para kumain. Mabuti nalang talaga at may nahanap kaming food court na konti ang tao kaya bumili nalang sila ng pagkain.
Nang makabalik sila Papa ay mabilis din kaming kumain dahil ang tagal at haba ng pili sa binilhan nila.
“Ano nga ulit ang sasabihin niyo.”
Tumingin ako kay Brandon ng magsalita si Papa.
“Balak po kasi naming bumalik sa bahay ni Lolo.” Umpisa ko. “Hindi naman sa ayaw namin sa bahay pero, sayang po kasi, tsaka gusto ko alagaan ang iniwan ni Lolo.” Dagdag ko.
Nakita kong ngumiti si Papa.
“Tsaka may trabaho naman po ako Tito, kaya ko pong buhayin si Primo at ang anak namin, h’wag po kayong mag-alala.” sabi ni Brandon.
Pinunasan ni Papa ng tissue ang labi bago mag-salita.
“Kung ako lang masusunod gusto ko talaga makasama kayo,” Hinawakan nito ang kamay ko. “Pero kung ayan ang gusto niyo wala akong magagawa, tsaka tama ka. Sayang din ang iniwan ni Papa na bahay.” Dagdag niya.
Alam kong gustong-gusto talaga ni Papa na maka-sama kami ni Brandon, pero nag desisyon kami ni Brandon na bumalik sa bahay ni Lolo dahil sa mga memories na naiwan namin doon.
Sobrang dami naming memories na naiwan doon, naroon din ang ilan naming mga kaibigan at kasama. Alam ko naman na kayang-kaya dumalaw ni Papa anytime kaya kampante ako.
“Pero lagi kong sasabihin na bukas ang bahay para sainyong dalawa, pwede kayong bumalik o dumalaw kahit anong oras.” Tumango ako.
“Kahit h’wag na kayo bumalik, ayoko ng panget do’n.” Inirapan ko lang si Ismael sa sinabi.
“Thank you Papa.”
Pag-tapos namin mag-pahinga sa pagkain ay namasyal pa kami sa mall, ang dami naming pinuntahan na lugar sa mall, bumili na rin ako ng ibang kailangan sa bahay para hindi na kami aalis pa.
“Bumili kaya tayo t.v? walang t.v sa bahay di’ba?” Ani Brandon habang naka-tingin sa isang appliance shop.
“Masyadong mahal ‘yan, tsaka na siguro.” Pag-tanggi ko.
Tinignan ko kasi ang presyo ng bawat isa, at sobrang mahal nito, merong mura pero alam mong hindi tatagal, mas gusto ko kasi na gumastos ng mahal lalo na kung alam mong mag-tatagal naman sainyo.
“Ano kaba Primo, ako na mag-babayad, regalo ko na rin sainyo ‘yang mag-asawa.” Pagpilit ni Papa.
Balak ko na kasi sanang lumabas ng shop nang pigilan niya ako.
“Nakaka-hiya naman Pa, ang dami niyo ng natulong sa’min.” Umiling ito bago pumunta sa cashier.
“Kukunin namin ‘yung t.v na ‘yon.” Tinuro ni Papa ‘yung hinawakan ko, humarap ito sa’kin. “Kulang pa ‘to sa mga panahong hindi kita kasama Primo, ang dami ko pang pag-kukulang sa’yo na dapat bayaran.” Dagdag niya. Halos maiyak ako sa sinabi niya.
Para sa’kin, masaya na ako na nakilala ko siya, para sa’kin sapat na ang mga ginawa niya sa mga taong hindi ko siya kasama, para sa’kin sapat na ‘yung pag-mamahal niya at ang pag-tangap niya sa’kin.
“Ako Dad? Gusto ko kotse. bilhan mo rin ako.” Pag-singit ni Ismael.
“May kompanya kana di’ba? bakit hindi ka maka-bili ng kotse?” Natawa kami sa sinabi ni Papa.
Hindi pa naman totally kay Ismael ang company ni Papa pero, ipapamana niya ito sakaniya.
“Ang daya mo talaga Dad, pag kay Primo bibilhin mo lahat pag-sa’kin bawal.” reklamo nito.
A
fter mabayaran ni Papa ay lumabas din agad kami, nag-paalam muna ako sa kanila na pupunta lang sa cr.
Mabilis kong nagawa ang dapat gawin sa cr kaya lumabas agad ako. Pag-labas ay biglang nag-vibrate ang phone ko kaya tinignan ko ito.
“Sino naman ‘tong abala na ‘to?” bulong ko.
Hindi naman kasi ako nag-expect ng tawag or text sa kahit na sino dahil minsan ko lang gamitin ang phone.
Unknown Number:
Primo, this is Jacob. Nakita ko kasi kayo na nasa mall kasama si Tito, mag-kita naman tayo sa parking lot may sasabihin lang ako.
Anong sasabihin niya?
Tsaka anong ginagawa niya dito sa mall malapit sa airport e, meron namang mall na malapit sa bayan.
Kahit nag-tataka ay sumunod nalang ako. Nag-text nalang ako kay Ismael na mauna na ako sa parking lot dahil gustong makipag-usap ni Jacob saakin.
Nag-elevator ako para sa ground floor na ang diretso ko. Pag-labas ko ay halos walang tao, medyo madilim at tahimik.
Nang hindi makita si Jacob ay kinuha ko ang cellphone at nag-reply dito.
Me:
Nasaan ka? hindi kita mahanap madilim. nasa tapat ako ng elevator.
Ilang sandali pa ang inantay ko pero hindi ito nag-reply, balak ko na sanang umalis ng may makita ako.
Nagulat ako dahil ang alam ko ay naka-kulong na ang taong ‘to. Anong ginagawa niya dito?
“Mitzy?”
Naka-harap ito sa’kin at may ngiti sa labi. Ngiting demonyo at nakaka-loko.
Kasabay ang pag-hakbang niya palapit sa’kin ay ang pag-hakbang ko pa-atras, biglang gumapang ang kaba at takot sa puso ko dahil sa babae.
“Hi Primo, nice to meet you.”
“Anong-”
Hindi ko natuloy ang sasabihin nang may humatak sa’kin at takpan ng isang peraso ng tela ang aking ilong. Isang nakaka-hilo at nakaka-panghinang amoy ang agad kong nalahap dahilan para mawalan ako ng malay.
Chapter 24
Glamir Series 1: BRANDON
Brandon’s POV
Kahit hindi ko sabihin ay alam ko sa sarili kong ito ang isa sa pinaka-masayang araw ko, bilang ama siguro.
Sobrang saya ko maka-sama si Primo, ang gaan sa pakiramdam at puro saya ang bumabalot sa puso ko. Hindi ko na siya papakawalan.
“Nasan na ba ‘yung panget na ‘yun? sabi niya sa parking lot.” Inip na wika ni Ismael.
Nag-paalam kanina si Primo na mag-cr lang tapos bigla itong nag-text kay Ismael na sa parking lot nalang daw kami mag-kita dahil doon sila mag-uusap ni Jacob.
Hindi naman ako strikto sa mga lalaking kinakausap ni Primo lalo na kung alam kong mapagkakatiwalaan ito at magiging mabuti sa kaniya, wala rin akong problema kahit lapitan siya ng maraming lalaki dahil alam ko na ako parin ang pipiliin niya.
Saan kaba makaka-hanap ng isang gaya ko?
“Mag-hintay pa tayo, baka naman hindi pa sila tapos mag-usap.” Sabi naman ni Tito.
Nagkibit-balikat lang ako dahil si Jacob naman ang kasama niya at kilala ko ito. Siguro mag-antay nalang talaga kami ng kaunti pang oras.
“Pero ‘di ba kanina pa siya? bakit hindi ko siya makita dito.” Hindi parin matahimik si Ismael.
“Text mo kaya ulit.” Aniko
Mabilis naman ginawa ni Ismael, hindi lang text kun’di pati tawag pero hindi sinasagot ni Primo, medyo nag-aalala na ako dahil hindi naman gano’n si Primo, mabilis ito mag-reply tsaka wala itong masyadong ka-text dahil hindi naman siya masyadong gumagamit ng cellphone.
“Wala parin?” Tanong ko nang paulit-ulit na tawagan ni Ismael si Primo pero hindi parin ito sumasagot.
Tangina, ayokong mag-isip ng masama pero kinakabahan ako sa bawat oras na hindi ko nakikita si Primo.
“Maybe…” Kinuha ni Tito ang cellphone niya. “Kung si Jacob nalang ang tawagan natin, meron akong number niya.” ani Tito.
Tama, pero sana sagutin ni Jacob dahil mag-kasama lang naman sila ni Primo.
“Hello Jacob? where are you? nasaan kayo ni Primo?” Sunod-sunod na tanong ni Tito nang sagutin ni Jacob ang tawag.
“Anong sinasabi mong nasa bahay ka lang?”
Halos huminto sa pag-tibok ang puso ko dahil sa sinabi ni Tito, nilagay niya ang phone sa loud speaker para marinig namin.
“Tito Prim, nasa bahay lang po ako. ‘di ko po alam ‘yung sinasabi niyong kasama ko si Primo.” Anito.
Tangina… Primo nasaan ka?
“Nag-text sa’min si Primo, sabi niya kikitain ka raw niya dito sa parking lot kasi may sasabihin ka.” Halata ang pag-aalala sa boses ni Tito.
“Fuck!” Rinig kong mahinang bulong ni Ismael.
“Dalawang araw na po kaming walang usap ni Primo, ang huling usap namin ni Primo ay ‘yung ibili ko ng damit si Tim tapos irereto niya raw ako kay Ismael.” Napa-tingin ako sa reaksyon ni Ismael.
Kung hindi lang nawawala si Primo ay matatawa ako sa sagot ni Jacob pero hindi ito ang oras gawin ito.
“Anong sinasabi mo? ibig sabihin may nag-pangap na ikaw para papuntahin si Primo sa parking lot?” Hindi na napigilan ni Ismael ang sumagot. Halata ang gulat ni Jacob mula sa kabilang linya.
“Si-siguro.”
Pinatay na ni Tito ang tawag.
Nandito parin kami sa parking lot nag-babakasakaling makikita si Primo.
“Dapat hindi ko na pinayagan si Primo na pumunta mag-isa e, kasalanan ko ‘to.” Napa-suntok ako sa pader, hindi ininda ang sakit na naramdaman.
“Paano kung may mangyari nanamang masama sakaniya? paano kung masaktan nanaman siya? wala ako sa tabi niya para protekatahan siya!”
Sobrang bigat ng dibdib ko, gusto kong maiyak dahil mukhang nasa kapahamakan nanaman ang taong mahal ko, sinabi ko sa sarili kong hindi kona siya pakakawalan pero ito nanaman tayo, nag-hahanap.
Tangina, kung sino man ang may gawa kung bakit nawala si Primo papatayin ko.
“Kalma Bro, kailangan muna nating umuwi, tatawagan ko ang kambal.” Pag-kamla sa’kin ni Ismael.
“Hijo, walang may gusto sa nangyari, mabuti pa at umuwi na muna tayo, tatawag din ako ng mga pulis para tulungan tayo.” Pinakalma ako ni Tito sa pagpahid ng palad niya sa likod ko.
Sorry Primo, hindi kita magawang ingatan, lagi kang napapahamak dahil sa’kin. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa’yo.
Gaya ng sinabj ni Ismael ay umuwi muna kami. Sumunod naman na pumunta sila Hansel at ang kambal kasama si Tim.
“Anong nangyari kay Primo? bakit nawawala siya?” Halos maiyak si Tim ng malaman.
Pinaliwanag namin ang lahat sa kanila para maintindihan. Kahit kami ay walang ideya kung sino ang gagawa no’n kay Primo.
“Trace ko phone ni Primo, kaso baka matagalan.” Ani Victor.
“Sasamahan kita.”
May kinuhang laptop si Victor bago umupo sa sofa, inumpisahan niya ang pag-pindot dito habang pinapanood namin ito.
“Dad, ‘yung mga pulis naka-usap mo na ba?” Tanong ni Isamel kay Tito.
“Nag-hahanap na sila, tinignan din nila ‘yung cctv sa mall.” Sagot ni Tito.
Habang lahat sila ay kumikilos para hanapin si Primo ito ako, pinapanood lang sila at walang ginagawa.
“Bro, kalmahan mo lang, mahahanap natin si Primo.” Pag-awat sa’kin ni Ismael.
Hindi ko mapigilan ang galit, pinagbabato ko ang unan sa sofa at ang ilang gamit.
“Paano ako kakalma? nawawala si Primo, buntis pa siya! paano kung may mangyaring masama sa anak namin!” Sigaw ko kasabay ang pag-suntok sa pader.
“Walang magagawa ‘yang galit mo Hijo, tulungan mong pakalmahin ang sarili mo!” ani Tito.
Sinubukan kong pakalmahin ang sarili, huminga ako ng malalim at tinuon ang pansin sa ginagawa ni Victor.
“Hindi naka-open ang location ni Primo, mahihirapan ako nito.” Aniya sa gitna ng pag-pindot.
“Gawin mo parin, h’wag kang titigil hanggat hindi natin nahahanap si Prim-”
Natigilan kaming lahat nang mag-ring ang telepono sa bahay. Isang malakas na tunog ang bumalot sa bahay, natahimik kami at pinanood ang bawat isa.
Lumapit ako, sa nanginginig kong kamay ay sinagot ko ito.
“Primo?”
Isang nakaka-kilabot na tawa ng isang Lalaki ang nagpatayo sa balahibo ko. Tangina sino ‘to.
“Sino ka gago ka! nasaan si Primo.”
Lumapit sila sa’kin dahil sa sigaw. Puno ng pagtataka at kaba ang mga mukha nila.
“Ikaw na siguro si Brandon, right? hawak namin ang bakla mo!”
Halos kumulo ang dugo ko sa galit dahil sa sinabi niya, hindi ko mapigilan ang pag-igting ng panga. Tangina.
“H’wag mong sasaktan si Primo, papatayin kita kapag hinawakan mo ang hibla ng buhok niya!” Matigas kong banta rito na tinawanan lang niya.
“Papatayin? bakit alam mo ba kung nasaan kami? hindi di ba?” Muli itong tumawa kaya napa-suntok ako sa pader dahil sa galit.
Sinusubok ng lalaking ‘to ang pasensya ko.
“Brandon!”
Halos manghina ako sa boses na narinig. Parang may kung anong tumusok sa puso ko ng marinig ang boses niya.
“Primo!”
Napa-sigaw ako, hindi ko na napigilan ang pag-luha dahil sa pag-aalala. mas lalo kong hinigpitan ang kapit sa telepono habang paulit-ulit na sinasabi ang pangalan niya.
“Prim-”
Natigilan ako dahil biglang namatay ang tawag.
“Kilala mo ba sila? hawak ba nila ang anak ko? kamusta si Primo sinaktan ba siya?” Sunod-sunod na tanong ni Tito, ang tanging nagawa ko lang ay ang pag-iling.
“Maayos po si Primo, pero mukhang hindi siya ligtas sa lalaking ‘yun.” wika ko.
“My god Primo. Hindi kaya si Cedric ‘yun?” Alalang tanong ni Tim.
Cedric? ‘yung asawa niya? hindi ba napakulong na nila ‘yun matapos ang ginawa sa kanila, wala pang dalawang buwan imposibleng maka-laya agad ang hayop na ‘yun.
“Tim, huminahon ka, nasa kulungan ang asawa mo at malabong maka-labas ‘yun.” Pag-kalma ni Victor kay Tim.
Wala na kaming panahon para isipin kung sino ang dumukot kay Primo, ang mahalaga ay mahanap namin kung saan niya dinala ang mahal ko.
“Pero paano kung siya…” Hindi na napigilan ni Tim ang pag-iyak.
Tangina, dahil sa sinabi ni Tim ay ang lalaking ‘yun lang ang pumasok sa isip ko na gagawa nu’n kay Primo.
“Malabo-”
Hindi natuloy ni Ismael ang sasabihin nang tumunog ang cellphone nito.
Pangalan ni Primo ang lumabas kaya mabilis itong sinagot ni Ismael.
“Kung gusto niyong makita ang baklang ‘to, papuntahin niyo si Brandon at Tim sa sasabihin kong lugar.”
Nanghina at napa-upo sa sahig si Tim ng marinig ang boses ng lalaki. Tama siya.
“Cedric…”
“And don’t try to call the police ah! wala rin naman silang magagawa.” Kasabay ng pag-tawa ng babae ang gulat sa’ming mukha.
Bakit mag-kasama sila? paano sila naka-labas sa kulungan, at anong kailangan nila kay Primo.
Tangina ng malanding babaeng ‘to, halos sirain niya ang relasyon namin ni Primo tapos gagawin niya ‘to.
“Mitzy!” Sigaw ko.
Tumawa lang ang babae na mas lalong ikinagalit ko.
“Tangina mo, subukan mong saktan si Primo ako ang papatay sa’yo!”
“Brandon… Grabe ka naman sa’kin, wala pa nga akong ginagawa sa baklang ‘to galit na galit kana, paano nalang kung saktan ko siya…” Matapos niyang sabihin ‘yun ay bigla namin narinig ang pag-sigaw ni Primo.
Shit, Primo…
“Fuck, sabihin niyo nalang kung saan sila pupunta h’wag niyo na patagalin!” Galit na sigaw ni Ismael.
“Easy brother. Subuksan niyo lang na mag-sama ng pulis o kahit na sino hindi niyo na maabutang humihinga ang baklang ‘to.”
Nag-end ang call na nag-iwan sa’ming lahat ng katahimikan.
Primo, tiisin mo para sa anak natin. Pupuntahan kita at ililigtas ko kayo ng anak natin. Tatagan mo lang Primo.
Chapter 25
Glamir Series 1: BRANDON
Pinilit kong idilat ang mga mata kahit na may nararamdamang hilo, hindi ko maaninag ang taong nag-mamaneho pero alam ko ay lalaki ito.
“Pwede ba bilisan mo, anong oras na oh!” rinig kong reklamo ng ni Mitzy.
Kahit nahihilo ay nagawa kong umayos ng upo mula sa pagkakahiga. Nasa backsit ako at ang dalawang dumukot sa’kin ay nasa harapan ko.
Mitzy bakit mo ‘to ginagawa mo? Tigilan mo na kami please lang.
“Good afternoon Disney princess.” Nabaling ang tingin ko kay Mitzy ng mag-salita ito, naka-tingin ito sa’kin mula sa rearview mirror.
“Mitzy…” Halos walang lumabas na boses mula sa’kin dahil sa panghihina at hilo.
“Matulog ka nalang ulit, malayo pa ang biyahe natin.” Wika nito bago tumingin sa kasamang nag-mamaneho.
Panandaliang huminto ang sasakyan, matapos nun ay bigla nalang akong nakaramdam ng sakit sa aking ulo.
Ngunit bago ako tuluyang mawalan ng malay ay nakita ko ang may gawa no’n, at sigurado ako.
Ang asawa ni Tim.
Pag-dilat ko ay natagpuan ko nalang ang sarili sa isang luma at kahoy na upuan, naka-tali ang aking mga kamay at paa.
Nilibot ko ang paningin para tignan kung nasaan ako pero wala akong makitang liwanag maliban sa ilaw na nasa itaas ng aking ulo.
Madilim, mabaho at nakaka-takot ang nakikita ko. Hindi ko alam kung saan nila ako dinala, pero natatakot na ako para sa anak namin.
“Tulong!” Sigaw ko.
Pilit kong kinakalas ang tali sa kamay pero hindi ko magawa, masyadong mahigpit at halos mag-iba na ang kulay ng aking kamay.
“Tulong!” Pag-ulit ko pero tila walang nakaka-rinig.
Maya-maya ay may narinig akong mga yabag, habang papalapit ito ay mas lalong nadadagdagan ang takot na nararamdaman, na parang sa bawat hakbang nito ay unti-unting nahihirapan ako huminga.
Ilang sandali ay pumasok si Mitzy, sa likod niya ang asawa ni Tim. May ngiti sa kanilang mga labi habang naka-tingin sa kalagayan ko.
“Sigurado ka ba na mapapa-punta natin sila dito dahil sa baklang ‘to?” Rinig kong tanong ni Mitzy.
Ano? Sinong pupunta?
“Yeah, Lalo na ‘yung asawa niyang bakla rin.” Sagot naman ng Lalaki.
“Hey! h’wag mong tawaging bakla si Brandon, straight ‘yun. Ginayuma lang talaga siya ng baklang ‘to kaya pinatulan siya.” Maarteng sambit ni Mitzy.
Halos mag-pantig ang tenga ko sa narinig, si Brandon?
Gayuma? The fuck mitzy, uso paba ‘yon sa panahon ngayon? bakit isisisi mo sa gayuma kung hindi ka talaga gusto ni Brandon? Hindi niya lang talaga matanggap na ako ang pinili.
“Bakit kayo mag-kasama? Hindi ba naka-kulong kayo?” Tanong ko.
Mas lumapit sila sa’kin kaya natikom ko ang aking bibig.
“because we will take what is his and what is mine.” Sagot ni Mitzy.
Hindi ko na sinubukan pang mag-salita. ayokong galitin pa sila dahil baka saktan nila ako, baka saktan nila kami ng anak ko.
“Hindi ka ba nag-tataka bakit kami mag-kasama?” Tumabi sa’kin si Mitzy at hinawakan ang buhok ko, maya-maya ay sinabunutan niya ako pero mas pinili kong tiisin ang sakit.
“Wala akong pake sa storya, basta ang alam ko, pagbabayaran niyo ang ginawa niyo sa’kin.” matigas kong sabi.
“Patawa ka rin bakla, paano? alam ba nila na dinukot ka namin? at kung alam nila,” Tumigil ito, gaya ni Mitzy ay lumapit din ito sa’kin. “alam ba nila kung saan ka hahanapin.” dagdag niya bago hawakan ang mukha ko na mabilis ko namang iniwas.
“Alam mo hindi na rin masama ang itsura mo, mas maganda ka kay Tim, kaya siguro pinili ka ng Brandon na ‘yon.” Sabi nito habang hawak ang panga ko.
“Fuck you Cedric, mas maganda naman ako kesa dyan ‘no!” Ani Mitzy.
“So ito na nga!” kinuha ni Mitzy ang upuan sa harapan ko at umupo, lumapit siya sa’kin.
“Hindi ko pa siya kilala that time, hmm… Napapansin ko lang siya sa kulungan kahit iba kami ng selda, laging bugnutin, basagulero, pero hindi niya naman kaya sarili niya.” Pag-umpisa ni Mitzy ng kwento.
“Mitzy ano ba ‘yang kwento mo? para kang lola.” Ani naman ng Lalaki na ikinainis ni Mitzy.
Halos walang pumapasok sa isip ko, hindi ko alam ang sinasabi nila at wala akong balak makinig, ang nasa isip ko lang ay kung paano ako maka-takas sa kanilang dalawa.
“Ganito ‘yan. Palagi kasi kitang minumura, kayo ni Tim ng pabulong, maraming nag-sasabi na baliw daw ako pero wala akong pake, tapos isang araw lumapit itong si Mitzy sa’kin at tinanong kung kilala kita, at doon nag-umpisa ang masasama naming plano.” Sabay tumawa ang dalawa na parang mga baliw, wala namang nakaka-tawa sa kwento niya.
Hindi ko na naintindihan ang ibang detalye, ang narinig kong kwento nila ay after nilang malaman na may connection pala sila sa sa’,min ay nag-patulong si Mitzy sa papa niya para sa piyansa, matapos no’n ay nakilala nila si Jacob dahil lagi kaming mag-kausap, sinundan rin nila si Jacob sa tinutuluyan ni Tim.
Nag-pakilala itong si Jacob at nag-text sa’kin. then this is what happened. Hindi ko alam ang tumatakbo sa mapurol nilang utak, bakit nagagawa nila ang bagay na ‘to.
Hindi ba nila kayang maging masaya para sa iba?
“Tawagan natin ang bahay nila.” Rinig kong sabi ni Mitzy.
Ilang ring pa lang ay sinagot na agad ito ni Brandon. Halos malusaw ang puso ko ng marinig ko ang boses niyang tinawag ang pangalan ko.
Hindi ko na pinansin ang ilan nilang pinag-usapan dahil mas tinuon ko ang pansin sa boses ni Brandon. Halos maiyak ako dahil sa galit na boses ni Brandon, galit na galit ito at pinag-mumura si Mitzy.
Hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil bigla nalang lumapit sa’kin si Mitzy.
“Paano nalang kung saktan ko siya.”
Nagulat ako nang mag-labas ito ng lighter at pinaso ako, sa sobrang sakit ay napa-sigaw ako, gano’n din si Brandon sa kabilang linya.
Shit Mitzy ano ba ‘tong ginagawa mo!
Hindi ko maiwasan ang pag-luha dahil sa hapding nararamdaman, hindi ko magawang hawakan ang paso dahil naka-tali ang mga kamay ko, ang nagawa ko lang ay ang umiyak at tiisin ang sakit habang tumatawa sila.
“Brandon…”
Matapos patayin ang tawag ay muli nanaman silang tumawa na parang mga wala sa sarili. Tuwang-tuwa sila sa ginagawang kagaguhan, tuwang-tuwa sila sa paninira ng buhay ng iba.
Brandon, iligtas mo ako at ang anak natin. Ayokong may mangyaring masama sa kaniya. Please Brandon.
“Tumigil ka nga sa pag-iyak! napaka-arte mo hindi naman malalim ang paso.” Muli akong sinabunutan ni Mitzy at patapong binitawan ang aking buhok.
“Itetext ko na sa kanila ang address, mag-hintay nalang tayo.” Ani Cedric.
Mag-kasama silang lumabas at iniwan ako sa isang maliit at mabahong kwarto.
Sa pagkakatali ko sa madilim at mabahong kwarto, nadarama ko ang kaba at takot na dumadaloy sa aking katawan. Hindi ko alam ang tamang hakbang na dapat kong gawin, at ang kawalan ng liwanag ay nagpapalala sa aking pagkakabahala.
Nasaan kana Brandon…
Halos kalahating oras ako umiiyak dahil sa sitwasyon, wala akong kasama at nag-iisa sa dilim. Hindi ko alam ang gagawin.
Maya-maya ay may narinig akong pag-basag ng bintana, agad akong napa-tingin sa aking likod at nakita ang mga basag na salamin dahil sa pagkakabato.
Mabilis ang aking naging pag-kilos, itinumba ko ang sarili at gumapang papunta sa mga bubog. Hinila ko kasama ang upuan na naka-tali sa’kin.
Nang maabot ang isang pirasong bubog ang agad kong inumpisahan ang paghiwa sa tali mula sa likod. Nakakapagod, at masakit sa kamay pero pinagpatuloy ko parin, hindi ko na pinansin kung masugatan ang kamay ko basta ang mahalaga ay makatakas kami dito ng anak ko.
Mabilis naputol ang nakatali sa aking kamay kaya sinunod ko ang tali sa aking katawan, hindi rin naging mahirap ang paputol dito dahil sa talas ng bubog, nakikita ko ang pag-patak ng dugo mula sa aking kamay pero mas pinili kong ipagpatuloy ang ginagawa.
Hindi ko ramdam ang sakit dahil sa pagiging desperada ko. Gusto kong makatakas dito at bumalik kay Brandon.
Dahan-dahan akong tumayo ng maputol na ang mga tali sa aking katawan.
Maingat akong nag-lakad para hindi maka-gawa ng kahit anong ingay. Pag-labas ko sa pintuan ng kwarto ay muling bumungad sa’kin ang madilim na pasilyo.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng kadiliman pero pinagpatuloy ko ang paglalakad.
Napatigil ako ng may makitang liwanag na nag-mumula sa kwarto malapit sa hagdan.
Nandoon si Mitzy at Cedric na nag-uusap, malaki ang chance na makita nila ako kapag dumaan sa hagdanan.
“Kaya mo ‘to Primo, para sa anak niyo.”
Dahil sa pag-kumbinsi sa sarili ay inipon ko ang lakas at mabilis na tumakbo pababa ng hagdan, nakita ako nila Mitzy kaya mabilis din hinabol.
“Habulin mo ‘yon, nakakalayo na!” Sigaw ni Mitzy.
Patuloy parin ako sa pag-takbo hanggang sa may mabungo ako. Natumba ako at inangat ng tingin ang Lalaki.
Sunod-sunod ang naging pag-patak ng luha ko ng masilayan ang mukha ni Brandon. Mabilis akong yumakap sa Lalaki at dinama ang init nito.
“Alam kong ililigtas niyo ako Brandon.”
Chapter 26
Glamir Series 1: BRANDON
“Brandon,”
Mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kaniya. Wala akong pake kahit maabutan kami nila Mitzy basta kasama ko si Brandon.
“Tangina, ang bagal mo kasi e!”
Agad akong bumitaw kay Brandon at hinarap ang dalawa, parehas silang pagod at nag-hahabol ng hininga.
“Nandito na pala sila e.” Sabi ni Mitzy.
Tinignan ko si Brandon at Tim na may pag-aalala sa mukha. No, hindi pwedeng mawala pa sa’kin ang dalawa sa importanteng tao sa buhay ko.
“Tama na Mitzy please! itigil niyo na ‘to, wala rin naman itong pupuntahan e.” Pagmamaka-awa ko.
Muli nanaman silang tumawa ng sabay.
“Meron Primo! kita mo, dumating silang dalawa.” Tinuro niya ang dalawa sa likod ko.
“Cedric please, masaya na ako…” Hinawakan ko ang kamay ni Tim. “Ayoko ng bumalik sa’yo, hindi na kita mahal!” Ani Tim na siyang nagpa-igting sa panga ng asawa.
Nakaramdam ako ng takot pero mas pinili kong h’wag ipakita ito.
“Matapos lahat ng ginawa ko sa’yo, sasabihin mo hindi mo ako mahal?” Bahagya itong humakbang palapit na siyang nagpa-atras sa’min. “Gago kaba Timothy, hindi mo alam ang hirap na pinagdaan ko dahil sa’yo, tapos sasabihin mo sa’kin ‘yan!”
Halos kapusin ako ng hininga ng mag-labas ito ng baril mula sa likod niya at itutok ito sa’ming tatlo.
“Tama na, Mitzy!” Matigas na saway na Brandon sa babae.
Wala akong nagawa nang humarang sa’min si Brandon, ngayon ay nasa likod niya kami ni Tim.
“Brandon, hindi kaba naawa sa’kin? nawalan ako ng anak!” Halos umiyak na ang Babae. “Dahil sa pag-iwan mo sa’kin Brandon, nakunan ako! nawalan ako ng anak—anak natin.” dagdag niya.
“Hindi ko anak ‘yun Mitzy, kung sana nakinig ka sa’kin at hinanap ang tunay na ama no’n ay hindi mangyayari sa’yo ‘yon.”
Napa-kapit nalang ako sa damit ni Brandon.
Please Brandon h’wag mo silang gagalitin, wala tayong laban sa kanila. May baril sila…
Nagtayuan ang balahibo sa katawan ko ng malakas na sumigaw si Mitzy, kinuha niya ang baril mula kay Cedric at itutok ito kay Brandon.
“Tangina mo Brandon! mahal na mahal kita! pero sinayang mo ako!” Umiiyak na sigaw ni Mitzy.
Sobrang natatakot nako dahil kita ko ang galit sa mga mata niya, hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya, baka mamaya bigla niya nalang iputok sa’min ang baril na hawak.
“Huminahon ka Mitzy! kapag nabaril mo ‘yang asawa ko ako papatay sa’yo!” Pilit pinapahinahon ni Cedric ang kasama at dahan-dahan kinuha ang baril.
Nang makuha ang baril ay napa luhod nalang si Mitzy habang umiiyak.
Hindi ko maiwasan maawa sa kaniya. Dahil sa labis na pag-mamahal niya kay Brandon ay nagawa niya ang mga bagay na ‘to, totoo ngang nakaka-takot ang pag-mamahal.
“Ikaw!” Tinuro niya si Tim habang naka-tutok ang baril. “Lumapit ka rito!” Dagdag niya kaya napa-hawak ako sa kamay ni Tim.
Parehas kaming umiiyak at ramdam ko ang takot sa kaniya, ramdam ko ang panginginig sa kamay niya dala ng takot.
“No, Cedric tama na—”
Hindi ko natuloy ang sasabihin ng sa’kin niya itutok ang baril.
“Manahimik ka bakla! hindi ikaw ang tinatawag ko!” Galit na saad nito.
Hindi na ako naka-imik, pinanood ko nalang si Tim na dahan-dahang lumalapit sa asawa niya.
“Tim…” Mahina kong binangit ang pangalan niya kaya napa-lingon ito. Tila may kirot akong naramdaman mula sa puso ng makita ang umiiyak at takot na takot nitong itsura.
Hindi niya deserve ‘to, hindi niya deserve ang mga nangyayari sa kaniya. Gusto lang namin maging masaya bakit hindi nila maibigay ‘yon?
Huli na nang hatakin ni Cedric palapit sa kaniya si Tim at ikulong sa bisig.
Hinawakan ko naman ang kamay ni Brandon at tinignan sa mata, tila kinakausap ko ito at sinasabing gumawa siya ng paraan.
Pero malabo, may baril sila at maaari namin itong ikapahamak.
“Ikaw Brandon, lumapit ka kay Mitzy.” Utos ni Cedric kaya mas hinigpitan ko ang kapit sa kamay ni Brandon.
Tinignan ko si Mitzy na biglang tumayo na parang excited pa sa pag-lapit ni Brandon.
“Brandon, h’wag mo akong iwan…” Maiyak-iyak kong sabi habang hawak ang damit nito at pinipigilan na parang bata.
“Brandon come here! i miss you so much! gusto kitang yakapin.” Binuka ng Babae ang mga kamay at inaantay na lapitan siya ni Brandon na hindi ko papayagan.
“Tama na! pakawalan mo na sila.”
Hindi ko alam ang ginagawa pero natagpuan ko nalang ang sarili nasa harapan ni Brandon at inihaharang ang sariling katawan.
“Primo anong ginagawa mo? mapapahamak ka sa ginagawa mo!”
Dahil sa lakas ni Brandon ay mabilis niya lang akong naibalik sa likod niya.
“Lalapit ka ba o hindi! tangina ang dami niyong alam, nag-lalandian pa kayo!” Galit na sigaw ni Cedric.
Wala akong nagawa nang dahan-dahang nag-lakad si Brandon at lumapit kay Mitzy. Napa-luhod nalang ako ng makitang niyakap ito ng Babae.
“Yey! Bumalik na sa’kin si Brandon.”
Naging blangko bigla ang isip ko. Ang naririnig ko lang ay ang masasayang tawa ni Mitzy at ang pag-iyak ni Tim.
Tapos na ba ang lahat? wala naba akong magagawa? mawawala naba sa’kin si Brandon.
Napa-subsob nalang ako sa mga palad habang umiiyak, rinig ko ang pag-tawag ni Brandon sa pangalan ko pero mas nangibabaw ang hagikgik ng Babae.
“I’m sorry Brandon,” Hinarap ko ito. Mas lalong nadurog ang puso ko ng makita ang mga mata nitong puno ng lungkot at pag-aalala. “Kung sana hindi ako umalis, sana nag-stay nalang ako sa tabi mo, hindi sana nangyari ‘to.” Sabi ko habang patuloy ang pag-iyak.
“Primo, sorry wala akong magawa…” ani Tim na hawak ni Cedric.
“I’m sorry Brandon.”
Muli kong tinignan si Brandon na kunot ang noo dahil sa tingin na ipinukol ko rito.
Tumango ito na naging hudyat kaya mabilis kong binato ang nadampot na bato kay Cedric.
Tumama ito sa kaniya mata kaya mabilis niyang binitawan si Tim na mabilis ding tumakbo palapit sa’kin. Si Brandon ay tinulak si Mitzy na sumalampak sa sahig at nakipag-agawan ng baril kay Cedric.
“Brandon!”
Sigaw ko ng masuntok siya ni Cedric.
Mabilis akong tumayo nang makita si Mitzy na may hawak na kahoy at balak itong ipupok kay Brandon, hinatak ko ang buhok niya kaya nabitawan niya ang hawak na kahoy.
“Hayop kang bakla ka! mamatay ka na!” Sigaw nito.
Sinabunutan ko ito hanggang sa aking makakaya, parehas kami gumugulong sa sahig dahil parehas naming hawak ang buhok ng isa’t-isa.
“Kung may dapat na mamamatay dito Mitzy, ikaw ‘yon! napakasama ng ugali mo!” Naka-patong ito sa’kin at pinag-sasampal ako pero sinalag ko ito gamit ang kamay.
“Primo!”
Napa-tingin kaming parehas ng babae dahil sa sigaw ni Tim, nakita namin ang dalawang lalaki na nag-aagawan sa baril at kasalukuyan itong naka-tutok saamin.
Huli na para maka-kilos kami ng isang putok ang umalingawngaw sa lugar.
Natahimik ang lahat at inantay ang sunod na mangyayari.
Tila tumigil sa patibok ang puso ko nang biglang bumagsak sa’kin ang katawan ni Mitzy na duguan.
“Mitzy!”
Rinig kong sigaw ni Cedric pero tulala parin ako at hindi maka-kilos sa nangyari. Nasa ibabaw ko ang katawan ni Mitzy habang naka-higa ako.
“Primo…”
Natauhan nalang ako ng lumapit si Tim at inalis ang katawan ng Babae.
Patay na siya?
“Pa-patay na siya…” Nanginginig at utal na wika ni Tim na siyang bumalot ng kaba sa akin.
Patay na si Mitzy?
Patay na…
Bumangon ako at nakitang patuloy parin ang pag-aagawan ng dalawang lalaki sa baril.
“Shit! ah!”
Sumigaw si Cedric kaya muli akong napa-tingin sa kanila. Kasalukuyang hawak ni Brandon ang baril, pinukpok niya ito sa ulo ni Cedric dahilan upang mawalan ito ng malay at bumagsak sa sahig.
Lumapit agad si Brandon sa’min ni Tim na takot na takot sa nangyayari.
“Primo ayos ka lang? nasaktan ba kayo?” Alalang tanong ni Brandon sa’min.
“Brandon…” Tinuro ko ang katawan ni Mitzy gamit ang nanginginig kong daliri. “Si-si Mitzy… pa-patay na..” Utal kong sabi.
“Shh, tahan na… wala ng mananakit sainyo, tara na umalis na tayo.” Pag-tahan sa’kin ni Brandon.
Binitiwan niya ang hawak na baril para alalayan ako, ganon din ang ginawa ni Tim.
Nang maka-tayo ay mabilis kong niyakap si Brandon at Tim.
“I’m sorry, dinala kopa kayo rito, muntik ko pa kayong ipahamak.” umiiyak kong sabi.
Takot na takot ako sa mga nangyari, hindi lang sa’kin kun’di pati sa anak ko. Hindi ko alam ang gagawin kung parehas silang mawawala sa’kin ni Brandon. Hindi ko kakayanin na maging si Tim at anak niya ay mapahamak.
“Primo, Tim!”
Tuluyang lumuwag ang pag-hinga ko ng makita ang tumatakbong mga kaibigan. Tila ba nabunutan ako ng tinik dahil sa pag-dating nila.
“Ayos na ba kayo? may narinig kaming putok ng baril, anong nangyari?” Yumakap ako kay Ismael.
“Si-si Mitzy…”
Si Tim ang sumagot at tinuro ang katawan ng Babae.
Lumapit pa sa’min ang ilang kasama, at tinignan ang katawan ng babae na walang buhay.
“Shit, paano ‘to? sinong naka-baril sa kaniya?” Alalang sambit ni Vistro.
“Nag-aagawan kami ng baril ni Cedric, naputok niya ito at tumama kay Mitzy.” Paliwanag ni Brandon.
“Tsaka na natin isipin ‘yan, umalis na muna tayo dito.” Ani Victor na yapos ang umiiyak na si Tim.
“Primo, tahan na…” Pinunasan ni Ismael ang luha sa mukha ko. “Tapos na ang lahat, wala ng mananakit sainyo, sige ka lalo kang papanget niyan.”
Dahil sa sinabi ay isang ngiti ang sumilay sa’kin at mahina itong hinampas.
“Let’s go guys, natatakot na ako dito.” Ani Vistro at naunang nag-lakad.
Tinignan ko muna si Brandon sa likod namin. Kita ko ang pagod sa mga mata nito, meron ding gasgas ang maamo niyang mukha.
“Tapos na Primo…” Bulong nito na ikina-ngiti ko.
Sabay kaming nag-lakad ni Ismael kasunod sila Tim at Victor. Yakap parin ako ni Ismael at inaalalayang mag-lakad.
“Thank—”
Naputol ang sasabihin ko ng isang malakas na putok ng baril ang narinig namin.
Tila nawalan ako ng lakas at awtomatikong napa-luhod ng makita ang katawan ni Brandon na naka-handusay sa sahig at duguan.
“Brandon!”
Chapter 27
Glamir Series 1: BRANDON
Brandon’s POV
Wala si Papa sa bahay dahil pumunta ito sa palayan, ako lang mag-isa sa bahay at nilalaro ang mga laruan na binili ni Papa.
Naka-rinig ako ng ingay mula sa labas, mga nag-lalarong bata ito mula sa kabilang bahay. Lumabas ako para tignan sila.
Pag-labas ko ay may nakita akong bata na naka-upo malapit sa bakuran namin, halatang nag-tatago ito.
Lumapit ako.
“Sino ka?”
Halata ang gulat dito dahil sa tanong. Mabilis gumapang ang takot sa mukha niya nang makita ako.
Ang cute.
“Po? Nag-tatago lang.” Sagot niya
“Bakit dito ka nag-tatago? Bawal ka dito. Bawal bata dito.” Pananakot ko sa kaniya.
“Paanong naging bawal e nandito ka. Bata ka rin naman ah.” Pabalang na sagot nito.
Aba! bastos na bata ‘to ah, pasalamat siya ka at cute ka.
Ilang sandali akong natahimik at tinitigan siya. Maliit lang ang mukha nito, hindi rin kaputian sa’kin.
“Umalis ka na dito.” Utos ko sa kaniya.
Nag-isip ito saglit bago sumagot.
“Mamaya na, baka makita ako ni Kiko.” Dahilan niya kaya kumunot ang noo ko.
“Edi, pumasok ka sa loob ng bahay para hindi ka makita.” Wika ko rin at ngumiti sa’kin, para siyang binigyan ng candy sa ngiting iginawad niya.
Humahagikgik itong lumapit sa’kin, hinawakan niya ang kamay ko at dinala papasok sa bahay namin.
“Baliw ka ba? Bakit tumatawa ka ng mag-isa.” Tanong ko ng maka-pasok kami pero hindi niya ako pinansin at tinuon ang tingin sa loob ng bahay namin.
“Ang dami mong laruan. Pahingi ako.”
Mabilis siyang pumunta sa lamesa, pumatong pa siya sa upuan dahil sa kaliitan nito.
Kinuha niya yung kotse na kanina ay nilalaro ko, tapos yung robot na pinag-lalaban ko. Nilaro niya ito habang nasa likod niya ako.
“Anong pangalan mo?” Tanong niya habang naglalaro, nanatili itong naka-talikod sa’kin.
Nag-lakad ako papunta sa kabilang bahagi ng lamesa para tignan siya. Sobrang cute niya tignan.
“Bakit ko naman sasabihin? Sabi ni Papa h’wag daw ako mag-tiwala sa kung sino.” Masungit kong sabi dito.
“Ang cute mo! Gusto kita.” Diretsong sabi niya na ikinagulat ko. Nakaramdam nalang ako ng kakaibang init sa mukha.
Anong sinasabi niyang gusto niya ako? nababaliw naba siya?
Nagulat nalang ako ng mabilis itong tumalon mula sa upuan at lumapit sa’kin, hinipo niya ang aking noo na tila tinitignan kung may sakit ako.
“May sakit kaba? Bakit namumula ka!” Alalang sabi niya na ikinahiya ko.
“Wala akong sakit. Ano ba kasi ‘yung sinasabi mong gusto mo ako. Baliw ka siguro ‘no, parehas tayong Lalaki.” Muli ko itong sinungitan para matakot sa’kin, lalo na’t mas malaki ako sa kaniya.
“Pero gusto kita. Ang cute mo kasi kapag masungit ka.” Diretso nitong sabi na parang hindi pinagiisipan.
Natawa ako sa sinabi niya pero ang init sa aking mukha ay hindi na mawala dahil sa pag-pupumilit niya. Napaka-kulit ng batang ito. Dalawa siguro ang puyo niya.
“Ikaw naman, anong pangalan mo?” Tanong ko.
Pumasok kami sa kwarto kung saan may mga laruan din ako, kinuha ang iba rito at pinaglaruan.
“Primo, doon ako naka-tira sa katabi ng bahay niyo.” Sagot niya.
Tumango-tango ako pero hindi ko inalis ang pagka-seryoso sa mukha ko para matakot siya. Hindi ko alam bakit ginagawa ko ‘to, halata namang hindi siya natatakot sa’kin.
“Gusto mo ba talaga ako?” Tanong ko ulit.
Tumango ito sa tanong ko dahil nilalaro niya ‘yung laruan ko na umiilaw bili ni Papa.
Sa bawat tango nito ay tila sumasabay ang kabog ng puso ko. Anong nangyayari sa’kin? baka nga may sakit talaga ako.
“Hoy!”
Malakas akong sumigaw, nagulat ito at nabitawan ang nilalarong robot nalaglag ito sa kama, bago pa man niya ako tignan ay mabilis ang ginawa kong pag-lakad.
Hindi ko alam ang ginagawa ko, tumalon ako at pumatong sa kaniya na ikinagulat niya lalo, dahan-dahan ang naging pag-baba ng aking ulo at hinalikan ito.
Simula ng araw na ‘yon ay naging mag-kaibigan kami, ang kulit niya, lagi itong pumupunta sa bahay namin para lang makilaro.
“Pasok tayo sa kwarto.” Aya ko rito. Kasama niya si Kiko at si Giro, nag-lalaro kasi sila ng mga laruan na bigay ko.
Tumayo siya dahil sa pag-aya ko, kasabay si Giro na tumayo rin.
“Sama ako, sasali din ako.” Sabi ni Giro.
Tatlo kaming pumasok sa kwarto nila Primo, naiwan si Kiko doon sa lamesa. Parang masaya naman na ito sa mga laruan kinuha.
“Bakit dito tayo?” Tanong niya ng maka-pasok kami.
“Giro upo ka muna doon.” Utos niya sa bata at umupo malayo sa’ming dalawa.
“Kasi may sasabihin ako sayo.” Sabi ko. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. Nakita ko kung paano namula ang kaniyang mukha.
Sobrang cute niya.
“Gusto din kita.”
Mas lalong namula ang kaniya mukha, natatawa ako habang tinitignan ito. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya.
“Alam ko naman ‘yon. Kiss mo ulit ako.” Ngumuso siya matapos sabihin ‘yon, ako naman ay mabilis na lumapit sa kaniya at binigyan siya ng halik.
Naging gawain na namin ang gano’n. Ilang linggo ang lumipas masaya kaming nag-lalaro, sa labas. Madalas na nga akong pagalitan ni Papa dahil sa sobrang dumi ko kapag umuuwi, madalas kasi namin nilalaro ay ang mga buhangin.
Isang araw, sumilip ako sa bintana namin at nakita silang kompleto. Hindi naman sila nag-aya na mag-lalaro kami ngayong araw ah, bakit magkakasama sila?
Dahil nag-tataka ay Lumabas ako ng bahay at nilakad ang kinaroroonan nila.
“Bilhan mo ako ng Barbie doon ha.” rinig kong sabi ni Wendy bago yumakap kay Primo, Akmang aalis na si Primo ng makita ako.
Anong meron? bakit parang ang lungkot nila, may nang-away ba sa kanila?
“Akala ko hindi kana dadating. Gusto ko lang mag-paalam sayo.” Sabi niya sa’kin na pinagtaka ko.
Bakit siya mag-papaalam sa’kin?
“A-alis ka?” Tanong ko at tumango naman ito.
Tila may kung anong tumusok sa puso ko at naka-ramdam ng sakit. Hindi ko ito pinahalata dahil baka isang araw lang itong aalis.
“Sa Maynila na kami titira.” Sagot niya kaya hindi ko na napigilan ang pag-luha. Sobrang sakit ng nararamdaman ko dahil sa narinig.
Bakit niya ako iiwan? akala ko ba gusto niya ako?
Nilapitan ako ng mga kaibigan namin ng makita ang pag-iyak ko. Niyakap naman ako ni Giro.
“Ang daya mo naman. Ang totoo galit kami sayo.” Si Giro ang unang nag-salita habang naka-yakap sa’kin.
“Ako din galit ako! Hindi na kita bati.” Nagulat ako ng sundan ito ni Wendy.
Halos madurog ang puso ko ng makita si Primo na umiiyak, alam ko na may dahilan din sila Wendy para magalit at mag-tampo kay Primo.
Kahit ako ay nagagalit at nag-tatampo sa pag-alis niya, pero anong magagawa namin?
“Sige, sasabihin ko na pangalan ko. Ako si Brandon.” Diretsong sabi ko, Oo ilang linggo na kaming magkaibigan pero hindi ko sinasabi ang pangalan ko sa kaniya.
Kasi ayokong dumating ang kinakatakutan ko, at ito ay ang araw na aalis siya.
“Ayokong sabihin sa’yo pangalan ko para araw-araw ka pumunta sa bahay, para lagi tayong mag-lalaro!” Dagdag ko.
“Galit kami sayong lahat dahil i-iwan mo kami.” Tila wala sa sariling sambit ko. Mabilis akong nag-sisi nang makita ang bahagyang pag-atras nito sa’min.
Masyado ko na ba siyang nasaktan?
“Sandali.” Pinigilan ko ito ng makitang tatakbo siya. Kahit umiiyak ay nagawa ko siyang lapitan.
Hinawakan ko ang dalawang balikat nito at pinatitig sa’kin. Kita ko ang sakit sa mga mata nito. Hindi ko sinasadya ang saktan siya.
“Kung a-alis ka kalimutan mo na ako, kalimutan mo na kaming lahat ng nandito. H’wag mong isama ang pinag-daanan natin sa pag-alis mo dahil galit kami sayo! iiwan mo kami.” Sunod-sunod itong umiling.
“Ayaw ko, mahal ko kayong lahat at kaibigan ko kayo. Hindi ko kayo kakalimutan.” Sigaw nito, nanatili kaming tahimik hanggang sa dumating ang Lolo niya.
“Apo tara na!”
Hinila siya nito at kahit anong pumiglas ni Primo ay hindi niya nagawang maka-takas sa Lolo niya.
“Brandon!” Sigaw nito.
Sobrang sakit panoorin ang unti-unti niyang pag-layo sa’kin. Akala ko siya na ang makaka-sama ko habang buhay. Akala ko hindi niya ako iiwan dahil gusto niya ako.
“Brandon…” pahina nang pahina ang bawat sigaw nito.
Kasabay ng paglayo niya ay ang pag-sampal sa’kin ng sakit at katotohanang iniwan niya ako, hindi niya ako babalikan.
Ilang linggo, buwan ang nag-daan. Madalas akong sumisilip sa bintana namin para tanawin ang bahay ni Primo at nag-babakasakaling babalik siya, pero sa bawat pag-silip ay siya ring sakit ang bumabalik sa’kin.
Madalas akong magising sa gabi. Umiiyak dahil hanggang sa panaginip ko ay paulit-ulit na nangyayari kung paano ako iniwan ni Primo, para itong sirang plaka na paulit-ulit tumatakbo sa panaginip ko.
“Ayos ka lang ba anak?” Alalang tanong ni Papa.
Nagising nanaman akong umiiyak, tinatawag ang pangalan ni Primo.
“H’wag kang mag-alala anak, babalik din si Primo, mag-hintay ka lang.” Ani Papa habang hinihimas ang likod ko.
Maraming taon na ang lumipas at hanggang ngayon ay pinanghahawakan ko parin ang sinabi ni Papa na balang araw babalik si Primo.
Walang araw ang lumipas ng hindi ko siya naisip, paulit-ulit din kasing binabanggit ni Wendy ang pangalan ni Primo.
Isang linggo na rin ang lumipas simula ng tamaan kami ng bagyo dito sa glamir. Marami ang nalungkot sa pagkamatay ng ilan naming kapit-bahay, lalo na ang Lolo ni Primo, hindi ito naka-survive sa nag-daang bagyo na labis na ikinalungkot ko.
“Brandon, kumuha ang Ate Amy mo ng mga buko, ikaw na ang mag-hatid nito sa kaniya.” Utos ni Papa.
Tinignan ko ang mga sako-sakong mga buko na binubuhat ni Papa at sinasakay sa sasakyan.
“Masyado ng gabi pa, bukas na kaya ‘yan.” Sabi ko.
“H’wag mo na paabutin ng bukas, ito nalang ang gagawin natin at pwede na tayong mag-pahinga bukas.” Ani Papa.
Sinunod ko nalang ito.
Nang maka-punta ako sa bahay ni Ate Amy ay tinawag ko ito.
“Ate Amy!” Sigaw ko pero walang sumasagot.
Dahil walang tao ay isa-isa ko nalang i binaba ang mga sako ng buko. Hindi pa man ako natatapos ay biglang dumating si Ate Amy.
“Akala ko mamaya pang gabi ang dating niya’ng mga buko. salamat naman at maaga-aga.” Humawak si Ate sa braso ko at marahan itong tinapik.
“Hayaan mo nalang muna ‘yan dito, mabigat itong mga sako baka masaktan kapa, umuwi kana dahil pa-dilim na.”dagdag ni Ate Amy.
Maya-maya ay dumukot ito ng pera at binigay sa’kin, hindi pa pala bayad ang buko.
“Salamat po Ate,” pasalamat ko.
Pawisan na ako dahil hindi naman biro ang bigat ng mga buko, pero lumaki ako sa ganito kaya medyo madali na saakin ito.
“Ate,para sulit ang bayad, ako na din po ang mag-bubuhat nito. Saan ba ipapasok? Sa budega niyo?” Tanong ko. Nakita ko kasing sobra nanaman ang binayad niya.
Lagi niyang ginagawa ‘yun tuwing mag-hahatid ako ng mga buko. Laging may sobra ng isang daan, minsan dalawa, kaya laking pasalamat ko dito.
Nabuhat ko na ang ilang sako at dalawa nalang ang tira. Pag-balik ko ay bahagya pang nag-tama ang mata namin ng kasamang Lalaki ni Ate Amy kaya tipid akong ngumiti rito.
“Tapos na.” May ngiti sa labi kong sambit nang maka-balik.
“Salamat, mauna na kami nitong kasama ko, bago dating kasi…” halos pabulong nalang na sabi ni Ate ang huling sinabi niya kaya bahagya akong natawa.
“Sige---”
Hindi ko natapos ang sasabihin nang maka-rinig kami ng isang malakas na harurot ng sasakyan.
Tinignan ko ang Lalaking kasama ni Ate Amy na tila nagulat sa nakita, hindi niya nagawang kumilos kaya mabilis ang naging hakbang ko’t hinatak siya palapit sa’kin.
Nasobrahan yata ako sa paghatak, dahil bigla kaming nawalan ng balanse ng Lalaki, pumaibabaw ito sa’kin at ng sandaling sumilay ang liwanag sa mukha niya ay agad pumasok ang imahe ni Primo sa’kin.
Hindi agad ako naka-kilos ng mag-tama ang mata namin.
Sobrang saya ko ng mapagtantong ang Lalaking naka-patong sa’kin ay si Primo.
Bumalik ka Primo…
Chapter 28
Glamir Series 1: BRANDON
“Tulungan niyo Brandon!” Sigaw ko habang umiiyak.
Mabilis kumilos ang mga kasama, binuhat nila si Brandon, habang si Victor naman ay muling pinaulanan ng suntok si Cedric at nilayo ang baril.
“Brandon, h’wag kang pipikit ha!” Wika ko habang sinasabayan sila Ismael sa pagdala kay Brandon sa kotse.
“No, Brandon… h’wag kang pipikit ha, nandito lang ako hindi kita iiwan.”
Mas lalong umagos ang mga luha nang makita ang maliit na ngiti sa labi ni Brandon, kita mo ang sakit sa kaniyang mukha pero pinipilit niyang ngumiti.
“A-ayos lang…” Nahihirapan at halos walang lumabas na boses dito. “Ayos ako…” Hikahos nitong sabi bago tuluyang ipikit ang mga mata.
“Brandon!”
Mabilis pinaandar ni Vistro ang kotse, halos maging kasing bilis ito ng sport car dahil sa pag-mamadali.
“Kumapit ka Brandon, nandito lang kami.” Hinihimas ko ang mukha nito.
“Kumapit ka pre, hindi ko hahayaan lumaki ang pamangkin ko ng walang ama!” Sigaw ni Ismael.
May hawak na tela si Ismael, naka-diin ito sa katawan ni Brandon na merong tama ng baril, ito lang ang magagawa namin ngayon para hindi siya maubusan ng dugo.
“Brandon…h’wag mo akong iiwan.”
Kahit nanghihina ay hindi ko inaalis ang tingin kay Brandon.
“Magiging maayos si Brandon, malapit na tayo!” Ani Vistro.
Maliit lang ang kotseng dala nila, naiwan si Victor at Tim dahil may motor naman si Victor at alam kong naka-sunod sila sa’min.
Biglang nanginig ang kamay ko ng makita ang dugo rito mula kay Brandon, hindi ko alam ang gagawin, ayaw kumalma ng katawan ko, nauubusan na ako ng lakas dahil sa pag-iyak.
“Primo!” Rinig kong tawag ni Ismael.
Nanlalabo na ang paningin ko at hinang-hina.
“Primo!”
Pilit ko mang labanan ay hindi rin ito naka-tulong, mabilis akong binawian ng lakas at naging madilim ang paligid.
Napadilat ako ng maalala ang nangyari, mabilis akong tumayo mula sa pagkakahiga at agad hinanap si Brandon.
“Brandon, nasaan ka!”
Agad pumasok si Papa at Ismael para paklmahin ako.
“Kumalma ka anak, maayos si Brandon ginagamot na siya…” Hinawakan ni Papa ang balikat ko ng mag-pumilit akong lumabas.
“Primo, mag-pahinga ka muna, hindi maganda ang ginagawa mo para sa anak mo.” Saway ni Ismael.
Napa-luhod ako at sumobsub sa palad.
“Kasalanan ko ‘to e, ako dapat ako ang nasa kalagayan ni Brandon, hindi siya!”
Dahil sa guilt na naramdaman ay sinaktan ko ang sarili, pinaghahampas ang mga braso ang mukha na mabilis namang pinigilan ni Ismael.
Yakap niya ako habang umiiyak.
“Brandon…” Mahina kong tawag sa pangalan niya.
“Shh, kalma ka lang, magiging maayos si Brandon.”
Yumakap na rin si Papa para pakalmahin ako.
Patuloy parin ang pag-iyak ko, hindi ko maiwasang isipin na baka may mangyaring masama kay Brandon, na baka hindi na ito bumalik saakin.
“Sasabihan kita kapag natapos na ang operation ni Brandon, sa ngayon mag-pahinga kana muna dahil baka mapano ang anak mo.” Ramdam ko ang lungkot sa boses ni Papa.
Muling bumalik sa’kin ‘yung panahon na nag-usap kami ni Papa, sinabi niya saakin kung gaano siya kasaya na si Brandon ang ama ng magiging anak ko, matagal niya ring nakilala si Brandon dahil naging kaibigan ito ni Ismael at panatag siya na aalagaan ako ni Brandon hanggang sa pagtanda namin.
Pero paano niya magagawa ‘yun kung palagi ko siya dinadala sa kapahamakan? paano niya kami makaka-sama ng anak niya kung ngayon palang ay halos mawalan na ito ng buhay para lang sa’kin.
Napaka-malas ko talagang tao, parang lahat ng kamalasan sinalo ko. Hindi ko alam ang nagawa kong masama bakit nangyayari sa’kin ‘to.
“Pa, sabihan niyo agad ako kapag pupunta na tayo kay Brandon, gusto ko na siyang makita…” Niyakap ko ng mahigpit si Papa. “Gusto ko siya yakapin.”
Ilang oras nang kumalma ako, naka-upo ako sa kama at piniling mag-pahinga.
Ang katawan ko nag-papahinga pero ang isip ko ang daming tumatakbo. Ang daming masasamang bagay ang tumatakbo sa isip ko dahil sa kalagayan ni Brandon, lalo pa’t hanggang ngayon ay hindi pa ito pwedeng puntahan.
Maya-maya ay pumasok si Papa, tinignan ko ito at nakitang may dalang pagkain.
“Wala po akong gana kumain Pa, hindi ko kayang kumain lalo na at hindi ko alam ang lagay ni Brandon.” Sabi ko rito ng maka-lapit.
“Pero kailangan mong kumain, paano mo makikita si Brandon kung walang laman ang tiyan mo, at tsaka isipin mong hindi lang ikaw ang kakain, pati ang apo ko.”
Dahil sa sinabi ni Papa ay bumalik sa isip ko ang anak namin. Hinawakan ko ang tiyan at dinama ito.
Pasensya kana anak, malas ata ang nagbubuntis sa’yo kaya nangyayari sa’tin ‘to. Hindi ko alam kung deserve ko pang mabuhay matapos lahat ng kamalasan na ibinigay ko kay Brandon.
“Bawal pa po bang puntahan si Brandon?” Muling tanong ko.
Minu-minuto ko itong tanong kay Papa, hindi na ako makapag-antay makita si Brandon.
“Pwede na siyang puntahan pero bawal pa lapitan, hanggang labas lang muna tayo…” Ani Papa.
“Gusto ko na makita si Brandon, puntahan na natin siya.” Mabilis akong kumilos at umalis sa pagkaka-upo. Pinigilan ako ni Papa ng akmang lalabas ako.
“Hindi ka lalabas ng walang kinakain Primo, h’wag matigas ang ulo mo!” Dahil sa galit na boses ni Papa ay bumalik ako sa kama at kinuha ang pagkain na dala.
Mabilis ko lang itong kinain at naubos dahil gusto ko na talagang makita si Brandon.
“Tapos na Pa, pwede na ba?” Tumango si Papa.
Sinamahan niya akong pumunta sa room kung saan naka-assign si Brandon.
Halos madurog ang puso ko ng makita itong naka-higa sa kama at walang malay.
Lumapit ako at napahawak sa salamin na siyang nagiging harang namin mula kay Brandon.
“Brandon…”
Muling tumulo ang mga luha ko habang tinitignan si Brandon.
Gusto kong isipin na mahimbing lang itong natutulog, na balang araw ay gigising siya.
Wala akong magawa kun’di ang tignan lang si Brandon, mula sa matangos niyang ilong, ang labi niyang sobrang lambot at masarap halikan, lahat ay namimiss ko sa kaniya.
“Unconscious pa si Brandon dahil hindi biro ang nawalang dugo sa kaniya, maayos ang naging operation niya at kailangan niya muna mag-pahinga.” Paliwanag ni Victor.
Ramdam ko ang pag-yakap ni Tim sa’kin.
“Sorry Primo, dahil kay Cedric nasa ganiyang kalagayan si Brandon, sabihin mo lang kung galit ka sa’kin, sabihin mo kung ayaw mo akong makita tatanggapin ko.” Umiiyak na wika ni Tim.
Niyakap ko lang ito pabalik.
“Kayo nalang ang meron ako, bakit ako magagalit sainyo? wala naman kayong kasalanan sa mga nangyari, sadyang malas lang talaga ako.” wika ko rito habang naka-tingin parin kay Brandon.
Napaka-malas ko, malas!
“No Primo, walang may gusto sa nangyari, hindi ka malas okay?” Ramdam ko ang paghimas nito sa likod ko.
Ang sakit tignan ang walang malay na si Brandon, parang tinutusok ng karayom ang bawat parte ng puso ko. Sobrang sakit na sa bawat tingin mo ay bumabalik sa’yo ang masasayang alaala niyo na mukhang malabo ng maulit pa.
“Mag-pagaling ka Brandon, hinihintay ka ng Anak natin.”
Kinuha ko ang kamay ni Brandon at pinunasan ito ng basang panyo.
Mahigit isa’t kalahating linggo na ang nagdaan pero hindi pa gumigising si Brandon at sa bawat araw na ‘yon ay unti-unting humihina ang loob ko, sa bawat araw na ‘yon ay sinasaktan ko ang sarili ko ng palihim.
Sinisisi ko parin kasi ang sarili ko sa nangyari sa kaniya.
“Kapag gumising ka na, hindi na ako aalis sa tabi mo.”
Sunod kong kinuha ang kaliwang kamay niya at pinunasan ito.
Araw-araw akong nag-kukulong kasama si Brandon, wala akong kinakausap sa kanila at naiintidihan naman nila ‘yon. Dinadalhan lang ako ni Papa ng mga pagkain.
“Ang daya mo Brandon,” Sunod-sunod na pumatak ang luha ko ng matapos siya punasan. “Akala ko hindi mo ako sasaktan, bakit ginagawa mo sa’kin ‘to! sa tingin mo ba hindi mo ako nasasaktan kahit natutulog ka lang d’yan?” Inalog ko ito ng bahagya.
“Gumising kana kasi d’yan, namimiss na kita, namimiss ko na ‘yung boses mo, gusto ko kapag tinatawag mo ‘yung pangalan ko kapag galit ka, gusto kong tinatawag mo ang pangalan ko kapag gusto mong mag-palambing…” Napa-subsob ako sa katawan niya at niyakap ito.
“Gising na Brandon.”
Mabilis kong pinunasan ang mga luha ng pumasok si Papa, may dala itong apple at pambalat nito.
“Kumain ka muna nitong apple Primo, matamis ito binili ni Ismael sa mall.” Inabot niya sa’kin ang apple.
“Ako na pong mag-babalat nito Pa, mag-pahinga na po kayo.” Sabi ko rito.
Palagi niya kasi akong binabantayan kahit na nasa loob lang ako ng room kung nasaan si Brandon, hindi niya alam na sinasaktan ko ang sarili ko at wala akong balak ipaalam sa kanila.
Nang lumabas si Papa ay inumpisahan kong balatan ang mansanas. Napatigil lang ako ng makita ang hawak na kutsilyo at nag-dudugong kamay.
Nahiwa ang daliri ko pero hindi ko naramdaman ang sakit. Tila naging manhid ako ng makita ang hawak.
Sa nanginginig kong kamay ay tinapat ko ang hawak na patalim sa palapulsuhan ko. Napa-ngiwi ako dahil sa sakit ng dahan-dahan kong hiwain ang balat kasabay no’n ay ang pag-patak ng mga luha.
“I’m sorry Brandon,”
Hindi pa nakuntento at sinugatan ko ang kabilang braso, habang unti-unti kong tinitiis ang sakit sa paghiwa ay nabitawan ko ang hawak na kutsilyo.
Tila bumalik ako sa reyalidad nang marinig ang isang pamilyar na boses, mabilis kong tinago ang ginawang pag-hiwa gamit ang long sleeve na suot.
“Brandon!” Sigaw ko.
“Primo…” Mahina nitong sabi na nagpabilis sa tibok ng puso ko.
Gising na siya, gising na si Brandon…
Chapter 29
Glamir Series 1: BRANDON
Kahit mahapdi ay niyakap ko si Brandon ng magpit. Masyadong makapal ang suot kong long sleeve kaya kahit pumatak ang dugo ko ay hindi ito makikita ni Brandon, idagdag mo pa na kulay itim ito.
“Thank you gumising ka!” Naiiyak kong sabi.
Tipid itong ngumiti dahil ilang linggo itong tulog, alam kong may nararamdaman pa siya kaya bumitaw ako ng yakap.
“Tatawagin ko lang sila Victor.”
Mabilis akong lumabas at nag-sisigaw na parang baliw. Tinatawag ang pangalan ng kambal para makuha ang atensyon nito.
“Bakit Primo? may nangyari ba kay Brandon?” Tanong ng kaka-rating lang na si Victor. Tumango naman ako.
“Oo, may nangyari.”
Mabilis nag-iba ang ekspresyon niya na tila kinakabahan.
“Gising na siya…” Naka-ngiti kong sambit.
Napa-buntong hininga ito dahil sa sinabi.
Mabilis siyang tumakbo at pumasok sa room ni Brandon, may kasunod itong isang nurse kaya sumunod din ako.
“Brandon ayos kana ba? may nararamdaman kang masakit?” Rinig kong tanong ni Victor nang maka-pasok ako.
Dahan-dahan akong lumapit, muli nanaman nanubig ang mga mata ko ng mapag-tantong totoo nga at gising na si Brandon, hindi guni-guni ang nakita ko kanina.
May ngiti sa labi kong pinapanood ang ginagawang pag-examine ni Victor kay Brandon, pinanood ko lang ito ng tahimik hanggang sa matapos.
“Thanks god! pinag-alala mo’ko pre, gago ka.” Isang malalim na bunting-hininga ang pinakawalan ni Victor matapos no’n.
“Maiwan ko na kayo, tatawagan ko muna sila Ismael.”
Tinapik nito ang balikat ko bago lumabas kasama ang nurse.
Ako naman ay dahan-dahan na nilapitan si Brandon na umayos ng higa. Ngumiti ito sa’kin na halos magpa-lambot ng mga tuhod ko.
Sobrang na-miss ko ang mga ngiting ‘yan. Sobrang kinasabikan kong makita ulit ang ngiti niyang nakaka-panghina.
“Tahan na Primo,” Pinunasan nito ang mga luha ko. “Gising na ako, sorry kung pinag-alala kita, sorry at nasaktan kita.” Dagdag niya.
“Pero…”
Nagulat ako ng kunin niya ang kamay ko at itaas ang sleeve ng suot, tinapunan niya ako ng nag-aalalang tingin na siyang ikina-kirot ng puso ko.
I’m sorry, hindi ko alam na magagawa ko ang mga bagay na ‘to.
“Akala ko guni-guni kong lang ang nakitang ginawa mo,” Marahan nitong pinisil ang kamay ko. “Bakit mo ginawa ‘to sa sarili mo Primo?”
Hindi ko magawang tignan ito, matalim ang tingin na ginagawa niya dahil sa galit at naiintindihan ko ito.
“Primo,” Mahinahon niyang tawag sa pangalan ko pero nanatili akong tahimik at hindi siya tinitignan.
Nang hindi ko parin ito tinapunan ng tingin ay hinawakan niya ang dalawa kong pisngi at hinarap sa kaniya.
“Pumunta ka muna kay Victor, ipagamot mo ‘yang mga sugat na ginawa mo bago tayo mag-usap ulit.” Utos nito.
Naka-nguso akong lumabas at nanatiling tahimik.
Hindi ko alam na makikita ni Brandon ang ginawa ko, kahit ako ay hindi ko maintindihan ang sarili bakit ginawa ko ang bagay na ‘yon, pinangunahan ako ng lungkot at kahi aan ng loob, masyado akong nag-padala sa paninisi ko sa sarili at nagawa iyon.
Gaya ng sinabi ni Brandon ay dumiretso ako kay Victor. Halata ang gulat sa mukha nito nang makita ang bagong hiwa kong sugat at ang mga peklat na pagaling na.
“Primo, bakit mo ginawa ‘to? maari kang mamatay kapag may nahiwa kang ugat mo.” Sabi ni Victor habang ginagamot ang sugat ko.
“H’wag mo nalang sabihin kila Papa at Tim, nagawa ko lang naman ‘to dahil sa pangungulila ko kay Brandon, hindi ko na uulitin.” Tinaas ko pa ang kaliwa kong kamay na parang nanunumpa.
“Siguraduhin mo lang na hindi mo na talaga gagawin ang ganitong bagay Primo, pwede mong sabihin sa’min ang mga problema mo, hindi mo kailangan sarilinin ‘yan.” Tumango ako sa sinabi niya.
Nang matapos kami ay nag-paalam ako rito na babalik muna kay Brandon. Pag-labas ko ay naka-sabay ko sila Papa at Ismael, mukhang pupuntahan nila si Brandon.
“Sabi ko naman sa’yo, gigising si Brandon mag-tiwala ka lang.” Inakbayan ako ni Papa at sinabayan sa paglalakad.
“Thank you Pa, hindi ka nawala sa tabi ko nong mga panahon na ‘yon.” Ngumiti ito at tinapik-tapik ang balikat ko.
“Buti naman nagising na ang lalaking ‘yon, akala ko lalaking walang ama ang pamangkin ko.” Rinig kong sabi ni Ismael.
Sabay-sabay kaming pumunta sa kwarto ni Brandon, nagulat pa ito ng makitang mag-kakasama kami, pero hindi ako naka-takas sa nag-aalalang tingin nito sa’kin.
Ngumiti lang ako sa kaniya para ipaalam na ayos na ako, masaya ako na nagising na siya.
“Long time no talk Bro!” Nakipag apir si Ismael kay Brandon.
“Masaya akong nagising kana Brandon, masyado mong kaming pinag-alala at ang anak ko.” Sunod naman ay si Papa na yumakap.
Pag-tapos yumakap ni Papa ay muling binuka ni Brandon ang mga braso, tila sinasabi nitong ako naman kaya mabilis akong nag-lakad at niyakap siya ng mahigpit.
“Na-miss kita Primo.” bulong nito na ikinasaya ng puso ko.
Na-miss ko rin siya…
“H’wag mo na akong iiwan ulit, hindi mo na kami makikita ng anak mo kapag sinaktan mo pa ulit ako.”
Bumitaw ako ng yakap dito.
Nagulat ako ng mabilis niya akong halikan.
Wala akong pake kahit kasama namin sila Papa, tinugunan ko siya ng halik pabalik.
“Mahal na mahal kita Primo, bakit kita sasaktan.”
Isang buwan na ang lumipas. Naka-labas na kami ni Brandon sa ospital at masayang nag-haharutan sa kwarto namin.
“Tama na Brandon, nakikiliti ako.” Hindi ko mapigilan ang tawa dahil sa pangingiliti ni Brandon.
Ang sabi niya kasi ay hahawakan niya lang ang tiyan ko para i-check ang anak namin pero nauwi ito sa harutan at pag-kiliti niya sa’kin.
“Titigil nako, kumain na tayo.”
Gaya ng sabi ay tumigil ito at tumingin sa’kin, nilagay nito ang mga palad sa aking pisngi at nilapit sa kaniya para halikan.
“Kain na.” Sabi nito matapos akong halikan.
Nauna itong lumabas sa’kin, pinanood ko lang ang ginawa nito bago tuluyang kumilos.
Hanggang ngayon ay kinikilig parin ako sa mga simpleng ginagawa ni Brandon, hindi siya nabibigo pakiligin ako kahit sa simpleng pag-halik lang ay masaya ako dahil alam kong may kasama itong pag-mamahal.
Yung kapag tinitignan mo siya sa mga mata ay wala kang ibang makikita kun’di ang kasiyahan, pag-mamahal at ang pagka-kuntento.
“Anong ginagawa mo rito?” Masungit na tanong ko nang makita si Ismael sa lamesa.
“Walang pagkain sa bahay eh, makiki-kain lang.” Sagot nito.
Palagi nalang siya nakiki-kain dito sa’min, akala mo laging ginugutom ni Papa sa bahay eh mas marami pa nga silang pagkain dun.
“Sungit mo naman, ganiyan ba kapag buntis?” Nilapag nito ang hawak na cellphone at kumuha ng plato.
Aba’t makiki-kain talaga siya!
“Sa’yo lang ako ganito, sana hindi mag-mana ang anak ko sa’yo.” Biro ko bago umupo rin sa lamesa at tumabi kay Brandon na inaayos ang pagkain ko.
“Wow, feeling ko tuloy special ako dahil sa’kin ka lang masungit.” Naka-ngiti nitong sabi.
“Yeah, special child!” Inirapan ko ito.
Nang makuha ni Brandon ang ulam ay mabilis niyang nilagyan ang plato ko habang nag-sariling kuha si Ismael.
Patay gutom talaga.
“Paka-busog ka.” bulong ni Brandon kasabay ang pag-halik sa pisngi ko.
“Hindi ka kakain? sabay na tayo.” Aniko pero umiling lang ito.
“Mamaya na ako, may inaantay lang.” Sabi nito kaya kumunot ang noo ko.
“Ano? sino?” Tanong ko habang kumakain pero hindi niya ako sinagot.
Umupo ito sa sofa at nanood ng t.v, hindi sinasagot ang tanong ko pero may ngiti sa labi nito.
Tinignan ko naman si Ismael pero nag-kibit balikat lang ito at pinag-patuloy ang pagkain.
Pag-tapos kumain ay tumabi ako kay Brandon sa sofa, sumandal ako sa braso niya at nanood din ng t.v.
“Aalis na ako, tapos na akong kumain.” Paalam ni Ismael kaya napa-irap ako.
“Ikaw uubos ng pagkain namin dito e, hindi ka naman nag-aambag.” Sabi ko dito pero bago ito tuluyang lumabas ay may sinabi ito kay Brandon.
“Yung linayang sinabi ko sayo Pre, h’wag mong kakalimutan.” Sabi niya bago lumabas.
Kunot-noo kong tinignan si Brandon, pero gaya ni Ismael ay Nagkibit-balikat lang ito at nag-panggap na hindi alam ang sinasabi ni Ismael.
Ayokong ma-stress kaya hindi kona pinansin ang sinabi ni Ismael. Alam kong kalokohan nanaman ‘yon dahil siya lang naman ang nakaka-isip ng mga kalokohan na ginagawa sa’kin ni Brandon.
Gano’n parin ang pwesto namin ni Brandon habang nanonood. Maya-maya ay may tumatok sa pintuan, mabilis naman tumayo si Brandon at lumabas.
Pag-labas ni Brandon ay pinag-patuloy ko lang ang panonood pero nang mapansing hindi parin bumabalik si Brandon ay tumayo na ako.
“Brandon!” Tawag ko ng may pag-aalala habang nag-lalakad palapit sa pinto, masyado na kasing gabi.
Pag-bukas ko ng pinto ay halos magulat ako nang biglang tumugtog ang paborito kong kanta, pero mas nagulat pa ako ng makita ang makukulay na letra at sinasabing…
WILL YOU MARRY ME?
At doon sa tapat ng mga letrang iyon, nakita ko si Brandon na naka-luhod ang isang tuhod, holding a small velvet box. With a nervous but genuine smile, at sinabing…
“Will you make me the happiest person alive and be my forever?”
Chapter 30
Glamir Series 1: BRANDON
6 Months later…
Kinikilig parin talaga ako kapag iniisip ko kung paano nag-propose sa’kin si Brandon. Hinding-hindi ko makakalimutan ang linyang sinabi niya.
Syempre alam niyo na ang sinagot ko, ‘Yes’. Hindi na kasi maalis sa’kin na si Brandon na talaga ang makakasama ko, ang mag-aalaga sa’kin at sa anak ko, sigurado na rin ako kay Brandon na siya na talaga. Siya na ang habang buhay ko.
“Hi Tim, kamusta ka na?” Tanong ko ng maka-pasok.
Nasa bahay niya ako dahil nag-silang na ito ng sangol ilang buwan lang ang nakakaraan.
Kasama niya ngayon si Victor, kung titignan ko sila ay para talaga silang mag-asawa na, sobrang sweet ni Victor sa kaniya at sa anak niya kaya hindi na ako mag-tataka kung main-love si Tim kay Victor.
“Ito, laging kulang sa tulog dahil kailangan magpa-dede.” sagot nito na ikinatawa namin.
Bumilog na ang tiyan ko ng tuluyan at malapit na rin akong manganak, pumunta lang ako sa bahay nila Tim para kamustahin ito. Hindi na rin ako nag-pasama kay Brandon dahil sinundo naman ako ni Victor at ihahatid niya rin ako.
“Don’t worry malapit ko na rin maranasan ‘yan, at pag nangyari ‘yun, ako naman ako kamustahin mo.”
Sabay kaming tumawa sa sinabi ko.
Maingat akong umupo sa sofa at pinanood kung paano maingat na ihele ni Tim ang kaniyang anak, mahimbing itong natutulog at sobrang nakaka-taba ng puso na makita ito.
Mabuti nalang talaga at hindi nag-mana ang itsura ng bata sa kaniya ama, wala namang problema pero ‘yung ugali kasi…
“Kumain kana ba Primo?” Tanong ni Victor na tinanguan ko naman.
Tahimik ko lang silang pinapanood, napa-ngiti ako ng maingat na kunin ni Victor ang bata at siya naman ang pumalit kay Tim sa paghele rito. Ang saya nila panoorin, sobrang saya ng pamilya nila.
Ayaw pa kasi aminin sa’min na may gusto sila sa isa’t-isa, halata naman at kita namin. Palihim din namin silang pinag-uusapan kapag wala sila.
Pinag-uusapan namin sila about sa mga kilos nila, sa tinginan, halata naman kasi namin at hindi lang kami, pati ang mga taong naka-paligid sa kanila halata, pero kapag tinatanong ko si Tim isang lang ang sinasagot niya.
‘Masaya na ako Primo’
“Ang cute naman niya…” Tumayo ako at lumapit kay Victor para tignan ang bata. “Manang-mana sa nag-buntis sa kaniya, mabuti nalang at hindi nag-mana sa bumuntis.” Birong dagdag ko kaya napailing si Victor.
“Gusto mong buhatin?”
Nagulat ako sa sinabi ni Tim, wala akong experience sa pag-buhat ng bata, lalo na sa pag-hele rito.
“Sigurado ka ba? hindi kasi ako marunong.” Nag-aalalang sabi ko.
Ngumiti ito.
“Lalabas na ‘yang bata sa tiyan mo, subukan mo dahil hindi pwedeng si Brandon ang magpa-dede.” Tinawanan ko ito sa sinabi.
Maingat na inabot sa’kin ni Victor ang bata, Kinakabahan pa akong kunin ito dahil baka magising siya at umiyak, wala talaga akong idea kung paano ito hawakan, tinuro lang sa’kin ni Tim.
Nanlaki ang mga mata ko ng gumalaw ang baby, parang panandalian akong tumigil sa paghinga dahil ayokong magising ito.
Oh my god! muntik na ‘yun.
Napabuntong-hininga ako dahil hindi nagising ang bata, pinagpatuloy ko ang pag-galaw ng katawan na parang sumasayaw para hindi magising ang baby.
Ilang minuto kong ginawa ‘yun hanggang sa mangalay ako at muling binalik kay Victor, matapos mabigay ay hindi na nawala ang ngiti sa labi ko.
Ang sarap hawakan ng anak niya, kahit hindi ko siya anak ay sobrang nakaka-taba ng puso, na-excite tuloy ako manganak na. Gusto ko na rin mabuhat ang anak ko ng may pag-iingat, gusto kong ibuhos ang pag-mamahal ko sakaniya na hindi ko naranasan sa aking Mama.
Nag-kwentuhan lang kami ni Tim tungkol sa mga bagay na gusto namin kapag lumaki na ang mga anak namin. Ang sinabi ko naman sa kaniya ay mag-tatayo ako ng Restaurant, gusto kong ipagluto ng masasarap na pagkain ang anak ko, gusto kong maranasan nila ang hindi ko mga naranasan nung bata pa ako, yung ipinagluluto ka ng mga magulang mo.
Si Tim naman ay Bake shop, na-wili at nag-enjoy kasi ito sa pag-bake nung buntis pa siya, ang pag-bake ang naging pampalipas oras niya, marami siyang sinubukan at saksi ako ron, marami siyang pinatikim sa’min na mga ginawa niya at sure ako na magiging magaling siya sa gusto niya.
“Mag-ingat kayo, ingatan mo si Primo Victor.” Paalala niya.
Sumakay na ako sasakyan, sumunod si Victor at pinaandar ang kotse.
Naging tahimik lang kami sa biyahe dahil 20minutes lang naman ito, malapit lang talaga siya sa bahay nila Papa kaya napapadalas ang pag-dalaw ko kay Tim.
“Salamat sa pag-hatid Victor, ingat ka pauwi.”
Nag-paalam siya at umalis din agad.
Pumasok ako sa bahay ni Papa, may Family dinner kasi kami ngayong gabi, nag-text na rin sa’kin si Brandon na nasa loob na siya kasama si Ismael at Hansel.
“Good evening Pa,” Humalik ako sa pisngi ni Papa. “Hi Brandon ko.” Sunod naman ay kay Brandon na hinalikan ko sa labi.
“Ikaw buntis ka kung saan-saan ka gumagala.” Pang-aasar ni Ismael na sinamaan ko ng tingin.
Mapapa-aga talaga ang panganganak ko kapag nakakasama ko si Ismael, hindi talaga mauubos ang araw na hindi niya ako aasarin at kukulitin.
“Tama na ‘yan, kumain na tayo.”
Sumunod kami kay Papa sa kusina. Sobrang daming pagkain ang nakita ko ng maka-pasok kami, iba’t-ibang potahe kaya mabilis nag-laway ang bibig ko.
“Busog nanaman nito ang buntis.” Pang-aasar ulit ni Ismael.
Hindi ko na ito pinansin nang umupo si Papa, sumunod naman agad ako na tinabihan ni Brandon. Si Papa ang nasa gitna ng lamesa, ako at si Brandon ay mag-katabi sa kaliwa niya at sa harapan namin ay sila Ismael at Hansel.
Pag-tapos namin mag-dasal ay kumain na kami ng tahimik, tunog ng kutsara at tinidor lang ang tanging maririnig mo, pati ang mga basong maya’t-maya ang pag-kuha.
“Ano palang sasabihin mo Ismael?”
Napa-tingin kami kay Ismael dahil sa tanong ni Papa. Mabilis itong tumigil sa pagkain na tila kinakabahan.
Nantili kaming tahimik at inaantay na mag-salita si Ismael. Ilang sandali bago ito mag-salita.
“May sasabihin po sana ako…” Tila kinakabahang sabi ni Ismael.
“Ano nga ‘yung sasabihin mo?” Pag-ulit ni Papa kaya natawa ako.
Nakita kong napa-lunok ni Ismael, tumingin ito kay Hansel na gano’n rin ang reaksyon na tila kinakabahan.
Nagulat ako, hindi lang ako maging si Papa ng hawakan ni Ismael ang kamay ni Hansel na naka-patong sa lamesa.
Don’t tell me…
“May relasyon po kami ni Hansel.” Diretsong bigkas ni Ismael.
Nakita kong yumuko si Hansel dahil sa hiya, namumula rin ito gaya ni Ismael na sobrang pula ng tenga.
Sandaling katahimikan bago kami magka-titigan ni Papa, matapos no’n ay ang sabay naming pag-tawa ng malakas.
“Dad, bakit kayo tumatawa?” Alalang tanong ni Ismael.
Siniko naman ako ni Brandon at nag-tanong din.
“Anong meron Primo?” Bulong nito.
Napa-tigil ako sa pagtawa at pinunasan ang luha sa gilid ng mata dahil sa labis na pag-tawa, gano’n rin si Papa bago hinarap si Ismael.
“Alam ko.” Sagot ni Papa na ikinagulat nilang dalawa.
Tinignan ako ni Hansel na may pag-tataka sa mukha, gano’n rin si Ismael na parang naiinis sa’kin.
“Sinabi sa’kin ni Primo.” Dagdag ni Papa.
Sinabi ko kasi kay Papa ang relasyon nila nung nakaraang buwan.
Pumunta kasi ako dito sa bahay ni Papa para dumalaw, sakto namang si Ismael ang sumalubong sa’min at syempre inasar niya nanaman ako pero that time ay matindi na dahil naiinis talaga ako sa biro nito.
Umiiyak akong pumunta sa office ni Papa, tapos galit na sinumbong si Ismael, kaso dahil sa galit at inis ko ay nadulas ako at nasabi ang relasyon nila.
Hindi naman nagalit si Papa, naintindihan niya at sinabing may kutob na daw talaga siya, hinihintay niya lang na mag-sabi si Ismael sa kaniya.
“Dad naman!” Napa-sandal si Ismael sa upuan at halata ang pagka-talo. Dinilaan ko ito.
“Halos mag-dasal na ako sa lahat ng santo para lang bigyan ako ng lakas ng loob na umamin sainyo tapos sasabihin niyo alam niyo na?” Natawa kami sa sinabi ni Ismael.
“Why? ilang santo ba dinasalan mo bago ka mabigyan ng lakas ng loob?” Tinawanan namin siya ni Papa.
“Dapat kasi Pre, sa’kin ka humingi ng ritwal.” Pang-aasar ni Brandon.
Nanatiling tahimik si Hansel at nakikitawa lang, ang kaninang kinakabahang mukha ay napalitan ng ngiti at ginhawa dahil sa asaran.
“Nag-salita ang natorpe.” Ganti ni Ismael kay Brandon.
Natapos ang pagkain na puro natawanan at biruan. Wala na akong hinihiling ngayon kun’di ang palaging maging masaya hanggang sa araw na ikasal ako. Sana ganito kami palagi, hindi ako mapapagod na paulit-ulit na hilingin ang bagay na ‘yon dahil ayon naman talaga ang gusto ko, maging masaya.
“Kinakabahan ako Tim.” Hindi mapakaling sabi ko habang palakad-lakad hawak ang tiyan.
Araw ng kasal ko ngayon, nandito kami sa isang room ng simbahan, muli kong pinagmasdan ang sarili sa malaking salamin dahil sa kaba na nararamdaman, i can’t imagine mag-lalakad ako patungo sa altar papunta sa lalaking minamahal ko.
Isang puting silk na coat at puting pants ang suot ko, hindi ito masyadong masikip dahil sa umbok ng tiyan ko, pero masaya ako sa itsura ko.
“Primo, labas kana mag-start na.” Pumasok si Papa para sabihin ‘yon.
Napa-tingin ako kay Tim na may ngiti sa labi, lumapit ito sa’kin at hinawakan ang kamay.
“H’wag kang kabahan, moment mo ‘to, once lang natin mararanasan ko kaya dapat i-enjoy mo.” Napa-ngiti ako sa sinabi nito pero hindi parin naalis ang kaba.
Sinamahan ako ni Tim at Papa hanggang sa tumigil kami sa harap ng malaking pintuan ng simbahan.
“Hinga lang ah.”
Sa pag-bukas ng pintuan, nararamdaman ko ang kaba sa aking puso habang hawak-hawak ko ang braso ni Papa. Ang hallway ng simbahan ay puno ng bulaklak at masusing pagmamasid mula sa mga bisita.
Ang tinig ng piano ay umaakma sa ritmo ng aking paglakad. Kasama si Papa, naglakad kami ng mabagal tungo sa altar kung saan naghihintay ang lalaking minamahal ko. Nakatitig siya sa akin, may ngiti sa kanyang mga labi, at tila ba ang oras ay bumagal habang naglakad kami palapit sa isa’t isa.
Nang ako’y makarating sa harap niya, tinanggap niya ng may pag-ibig ang aking kamay mula kay Papa. naka-ngiti siya ng mas malaki, at doon namin naramdaman ang pagsilay ng pagmamahalan na bubuo ng bagong yugto ng aming buhay.
Epilogue
Glamir Series 1: BRANDON
“Brimo! ang likot mo, bibihisan pa kita!” Hinabol ko ang batang tumatakbo palayo saakin.
Hawak ang damit niya ay nagpaikot-ikot kami sa mga sulok ng bahay dahil sa sobrang likot, hindi ito nawawalan ng lakas at nagawa pang tumawa habang nag-papahabol sa’kin.
“Gosh Brimo, kanino kaba nag-mana?” Anas ko sa bata nang mahuli ito at ikulong gamit ang mga braso.
“Dada!” Anito na ikina-ngiti ko.
No, never akong pinag-habol ni Brandon, sigurado ako na hindi ka nag-mana sa Ama mo, ewan ko kung saan mo namana ang kakulitan mo pero kahit isa saamin ni Brandon ay wala kang pinagmanahan.
“Dada Mael!” Muling sabi ng bata kaya napa-irap ako. Gosh! tuwing maririnig ko ang pangalan ni Ismael ay awtomatikong napapa-irap ang mga mata ko.
“Yes, kay Ismael ka nag-mana sa kakulitan mo!” Umupo kami sa sofa, marahan ko itong hinawakan at maingat nasinuot ang damit, isang bunting-hininga ang pinakawalan ko matapos kong masuot ang damit. Akala ko tatakbuhan nanaman niya ako.
Nang mabihisan ay tinignan ko siya. Napa-ngiti ako ng makita ang sumilay na ngiti sa kaniyang labi dahilan para lumabas ang dimple niya sa kaliwang pisngi.
“Ayan ang ngiti mo, minana mo sa Ama mo!” Sabi ko rito at marahang nilandas ang daliri sa maliit niyang ilong.
“Bakit naririnig ko nanaman ang pangalan ko d’yan?” Tanong ng pababa na si Brandon.
Tinapunan ko ito ng tingin.
Habang bumababa siya sa hagdanan, ang kanyang kaswal na ka-gwapuhan ay walang kahirap-hirap na umakma sa pagiging simple ng kanyang suot—isang well-fitted jeans at isang classic na puting T-shirt.
“Mag-bihis kana, ako na bahala sa makulit na batang ‘yan.” Ani Brandon nang makababa sa hagdan.
“Dapat talaga hindi tayo pumunta sa bahay nila Papa nu’ng nag-bubuntis pako, tignan mo,” Tinuro ko si Brimo na ngayon ay nagpa-gulong-gulong sa mat. “Nag-mana tuloy sa Lalaking ‘yon!” Dagdag ko, narinig ko lang ang mahinang tawa ni Brandon.
Umakyat ako sa kwarto at inayos ang sarili.
Nag-desisyon kasi kami ni Tim na mamasyal kasama ang mga anak namin, sa park lang naman na hindi kaluyuan dito pero balita ko ay maganda raw ang tanawin doon kapag hapon na.
4pm pa naman ang alis namin, tinignan ko ang phone at nakitang kaka-3pm palang kaya may isang oras pa ako para ayusan ang sarili.
Humarap ako sa salamin at tinitigan ang suot. I observed the unassuming attire that adorned my frame – a plain white shirt, faded jeans, and worn-out sneakers. Simple, yet somehow reflecting the comfort of familiarity.
Matapos mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto, habang pababa ay narinig ko ang anak ni Tim na kausap si Brimo.
“Binili sa’kin ‘to ni Daddy, gusto mo?” Rinig kong sabi.
Pagbaba ay tuluyang nakita si Tim, may ngiti sa labi nito habang naka-tingin sa kaniyang anak. Gaya ko ay simple lang din ang pananamit nito. Simple plain pink shirt at short.
“Ang aga niyo naman pumunta rito.” Ani ko, lumapit ako kay Tim at niyakap ito.
Nakita ko namang magkasama sila Brandon at Victor sa kusina, sila ang nag-aayos ng mga pakain na dadalhin namin dahil picnic style ang gagawin namin.
“Thak yo!” Rinig kong pasalamat ni Brimo dahil sa pagbibigay ni Timtim ng lollipop sa kaniya.
Apat taon na ang anak ni Tim at diretso na ito sa pag-sasalita, si Brimo ay 3-years-old (Malapit na mag-4Years old) at medyo bulol pa ito sa pagsasalita.
Kaya Timtim ang nickname na binigay ko rito ay dahil palaging lumalapit ito sa’kin kapag umiiyak, tapos hihingin siya ng help dahil inaaway ni Ismael.
Naalala ko nung unang kita namin ni Tim, gaya ng anak ay lumapit ito sa’kin at humingi ng tulong. Natatawa ako kapag naiisip ko na may pinagmanahan siya.
“Wow, nakakapag-salita na ang baby Brimo ko…” Bahagyang yumuko si Tim at ginulo ang buhok ni Brimo na ikina-ngit ng bata.
“Mama, ako ‘yung baby mo ‘di ba? bakit tinatawag mo rin na baby si Brimo?” Confused na tanong ng sariling anak kay Tim.
“Ikaw naman talaga ang baby ko, pero ang cute-cute kasi nitong friend mo oh.” Sabay kurot sa pisngi ni Brimo.
“Tapos na ‘to, tara na? o hintayin na natin mag alas-cuatro?” Tanong ni Victor kaya napa-tingin kami.
“Baka ma-traffic tayo, alis na tayo.” Suggest ko.
Kinuha na nila Victor at Brandon ang basket na lulan ang mga pagkain namin, kami naman ni Tim ay binuhat ang mga anak at sumunod sa paglabas.
Nang maka-labas ay saglit kong binaba si Brimo para i-lock ang pinto, nang ma-lock ay muli ko itong binuhat at sumakay sa Van.
“Brimo h’wag malikot ah, mag-broom-broom na tayo.” Saway ko sa anak dahil pagka-lapag ko sa kaniya sa Van ay naglikot nanaman ito.
Naku, Ismael! tignan mo ‘tong ginawa mo sa anak ko, sa dinami-rami ng ibibigay ay kakulitan pa talaga ang naisip mo.
Pumasok ako at tumabi kay Brandon, sa gitna namin si Brimo. Sa unahan naman namin ay si Tim na kandong ang anak tapos si Victor na siyang driver namin.
“Let’s go!” Sigaw ng Timtim.
“Ley go!” Sinundan naman ito ni Brimo na ikinatawa namin dahil hindi niya mabigkas ng maayos.
Nang paandarin ni Victor ang van ay naging tahimik na loob, pero hindi pa man kami nakaka-layo ay muli nanamang nag-ingay ang dalawang bata.
Dahil binuksan ni Tim ang radio ay umingay ang loob dahil nasakto pang paboritong tugtog ito ng mga bata.
Kumanta ang mga bata at sinabayan ang kanta, sumunod naman ang dalawang Lalaki na nakipag sabayan sa mga bata ng pagkanta.
Jusko! ano bang mga Tatay ‘to.
“baby shark dud-du-ru-ru, baby shark…” Kanta ni Brimo.
“Mommy shark dud-du-ru-ru, Mommy shark dud-du-ru-ru, mommy shark!” Kanta ni Timtim.
Sabay na kumanta ang dalawang Lalaki.
“Daddy shark dud-du-ru-ru, daddy shark dud-du-ru-ru, daddy shark.” Kanta ng dalawa kaya nagtawanan ang dalawang bata.
Pinagpatuloy lang nila ang pagkanta habang napapa-iling nalang kami ni Tim sa ginagawang pagiging isip bata ng mga Tatay nila.
“Da, cream!” Tinapik-tapik ni Brimo ang balikat ni Brandon habang tinuturo ang ice cream sa labas.
“Mamaya baby, marami niya’n sa park.” Sagot naman ni Brandon. Akala ko ay iiyak si Brimo pero pag-tingin ko rito ay namilog ang mata at halos kuminang dahil sa sinabi ni Brandon.
“Maraming ice cream sa park dad?” Tanong naman Timtim.
“Oo, ilan ba gusto niyo ibibili namin kayo?” Mayabang na sagot ni Victor kaya hinampas ito ni Tim.
“Sumakit ang ngipin niya’ng mga bata, h’wag kang mangako kung hindi mo kayang tuparin.” Saway niya.
“Fine,” Sukong sagot nito. “Kaya ko naman talagang bilhan sila ng marami…” Dagdag ni Victor pero halos pabulong na.
Mabuti nalang ay maaga kaming umalis dahil tama ang hinala ko, medyo marami ang sasakyan kaya traffic, ang 30 minutes na biyahe at tumagal ng mahigit isang oras.
“Finally narating din!”
Bumaba kami sa van, isang malakas na hangin ang agad na sumalubong sa’min. Sobrang daming tao ngayon sa park dahil weekend, idagdag mo pa na holiday din.
Kinuha nila Brandon ang basket at ang malaking tela na ilalatag namin, kami naman ay binuhat nanaman ang mga makukulit na bata dahil gusto agad magpa-gulong-gulong sa damuhan.
Marami ang napapa-tingin sa’min pero sanay na kami ni Tim, marami ang naka-ngiti at mukhang masaya para sa’min pero meron ding walang reaksyon ang mukha at pinapanood lang ang paglalakad namin.
Hindi kami mahirapan sa paghahanap ng pwesto, may nakita agad kaming isang malaking puno sa ilalim no’n ay doon namin nilatag ang dalang tela at inayos ang mga dala.
Ang dalawang bata naman ay mabilis na tumakbo matapos namin ibaba mula sa pagkakabuhat.
“Brimo h’wag lalayo!” Sigaw ko.
“Vin! bantayan mo si Brimo!” Paalala naman ni Tim
Vincent ang tunay na pangalan ni Timtim.
Nakatagilid ang ulo ko’t naka-sandal sa balikat ni Brandon habang pinapanood namin ang aming anak na naglalaro sa malawak na damuhan. Napuno ng saya ang puso ko habang sumasayaw ang damo sa ihip ng hangin, at sa bawat ngiti ni Brimo, nadarama ko ang kasiyahan ng buong pamilya namin.
Nang bumalik ang mga bata na pagod at pawisan ay napag-pasiyahan namin na kumain muna para mabawi ang lakas ng mga anak.
Nakakatuwa ang araw na ito, katabi ko ang mga bata habang kumakain sa piknik. Masarap ang hangin, at puno ng halakhak ang paligid. Nandito ang mga kwento, laruan, at masasayang ngiti ng mga anak. Isang masayang pagsasama ng pamilya na puno ng ligaya at kasiyahan.
“Airplane!” ginaya ng kamay ko kung paano ang pag-landing ng airplane papunta sa bibig ni Brimo, masaya niya naman itong kinain na ikinasaya lalo ng puso ko.
“Airplane!”
Nagulat ako nang gayahin ni Brandon ang ginawa ko, wala akong nagawa kun’di kumagat sa sandwich na sinubo saakin.
“Isip bata talaga…” Natatawang sabi ko matapos kumagat.
Tahimik lang na kumain sila Tim, maayos ang pagkain ni Timtim dahil tinuruan ito ni Tim, meron din kaming mga dala na desert gawa ni Tim.
“Malapit na mag sunset, tara.” Pagyaya ni Victor.
Tumayo kami at nag-hanap ng pwesto para mas masilayan ang ganda ng papalubog na araw.
As the golden hues of the sunset painted the sky, I cradled our child in my arms, feeling the warmth of their tiny body against mine. Brandon wrapped his arms around us, a gentle embrace filled with love. Together, we stood, a family, captivated by the beauty of the moment as the sun dipped below the horizon, casting a tranquil glow over our shared world.
Nagpapasalamat talaga ako na nakilala ko si Brandon. He brings so much joy and support into my life. Ang pagiging ama ng aming anak ay isang hindi kapani-paniwalang journey, and I couldn’t be more thankful for the love and happiness he has brought into our family.
“Thank you Brandon,” Hinarap ko ito, kita ko ang saya sa mga mata niya. “Thank you for making me feel the things, i though i would never feel.”
May sumilay na ngiti sa kaniyang labi.
“Primo, ang presensya mo sa buhay ko ay naging isang malaking blessing. Salamat sa walang sawang pagmamahal na ibinibigay mo sa akin at sa ating anak. Ang mga salita ay hindi sapat para maipahayag ang labis ng pasasalamat na nararamdaman ko… sa hindi maipaliwanag na kasiyahan at init na dinala mo sa aking mundo.” Sabi nito and felt the sincerity of it.
In a life full of sadness and pain, I am happy that I met a man who accepted me, ang Lalaking pinaramdam saakin kung gaano ako ka-importante sa kaniya, he made me feel the things I thought I would never feel, he made me feel to me that no matter what problems we go through, he will stay by my side, he will love me no matter who I am and that man is Brandon.
-THE END-
Author’s Note
THANK YOU EVERYONE
I want to express my deepest gratitude to all my followers and readers who have been a part of this incredible journey. Your support and engagement mean the world to me. Every like, comment, and share has been a source of inspiration and motivation.
Thank you for taking the time to read my stories and share in the adventures, emotions, and ideas I’ve poured into them. Your presence has turned this creative endeavor into a vibrant community, and I am genuinely thankful for each and every one of you.
As we continue this storytelling voyage together, I look forward to sharing more tales that captivate and resonate with you. Your enthusiasm fuels my passion, and I am genuinely grateful for the privilege of having such a fantastic audience. Here’s to more stories, connections, and shared moments ahead!
- GLAMIR SERIES 1
- Prologue
- Chapter 1
- Chapter 2
- Chapter 3
- Chapter 4
- Chapter 5
- Chapter 6
- Chapter 7
- Chapter 8
- Chapter 9
- Chapter 10
- Chapter 11
- Chapter 12
- Chapter 13
- Chapter 14
- Chapter 15
- Chapter 16
- Chapter 17
- Chapter 18
- Chapter 19
- Chapter 20
- Chapter 21
- Chapter 22
- Chapter 23
- Chapter 24
- Chapter 25
- Chapter 26
- Chapter 27
- Chapter 28
- Chapter 29
- Chapter 30
- Epilogue
- Author’s Note
