loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
DAMPI NG APOY

DAMPI NG APOY

vincentmanrique · 12 chapters · 14,393 words

Dampi ng Apoy

Si Haru ay isang lalaking kumikita sa pamamagitan ng pagmamasahe sa kanyang mga kostumer. Wala siyang pinipili, babae man, lalaki o kahit maging miyembro pa ng ikatlong kasarian. Para sa kanya, ang ginagawa niya ay isang trabaho na kailangan niyang gawin para maitawid ang pang-araw-araw na pangangailangan ng kanyang pamilya.

Saan siya dadalhin ng kapalaran kung sakaling subukan niyang magpadarang sa apoy na dulot ng banayad na dampi ng kanyang mga palad sa katawan ng kanyang mga parukyanong umaasang matikman ang kapiraso niyang laman?

Inspired by a true story…

Unang Hagod

PINARA ni Haru ang dumaang jeep pero hindi iyon huminto. Paglagpas sa kanya ng sasakyan ay saka niya nakita ang dalawang lalaking nakasabit sa estribo. Puno na pala. Wala siyang magagawa kung hindi ang maghintay ng sunod na dadaang jeep sa gitna ng kainitan ng araw sa tanghaling tapat. Ganito araw-araw ang nararanasan niya kapag papasok na siya sa trabaho. Mag-iisang taon na siyang nagtatrabaho bilang masahista sa Hot Getaway Spa na bukas para sa mga kliyente nito mula ala-una ng hapon hanggang alas-singko ng umaga.

Tiningnan niya ang oras sa dalang cellphone. Alas-dose y medya na. Kailangang makasakay na siya para hindi siya ma-late sa trabaho.

Isa pang jeep ang dumaan pero hindi ito huminto sa kabila ng kanyang pagpara rito. Nakita niyang sumenyas ang drayber na wala nang bakante. Itinaas ni Haru ang kanyang kanang braso na nakakuyom ang kamay at tila sinasabing sasabit na lang siya. Huminto ang jeep at mabilis siyang sumabit sa estribo nito. Tiniis na lang niya ang mainit na sikat ng araw na tumatagos sa kanyang balat habang nakasabit na bumibiyahe patungo sa lugar ng kanyang trabaho. Mabuti na lang at nakaharang sa kanyang likuran ang dala niyang asul na backpack kaya naman kahit paano ay may panangga sa araw ang kanyang likod.

Pagbaba niya sa jeep ay halos gamunggo ang laki ng mga pawis sa kanyang mukha. Kinuha niya ang face towel sa kanyang bag at saglit na pinunasan ang kanyang mukha at leeg bago siya pumasok sa spa. Ala-una na kaya bukas na ito. Naabutan niya ang baklang receptionist na si Kelly na nasa puwesto nito at nagme-make up.

“Nandiyan ka na pala, Haru. Dumiretso ka na sa Room 5, may kliyente ka nang naghihintay roon,” salubong na sabi nito sa kanya.

“Sino?” Saglit siyang huminto para marinig ang sagot ni Kelly.

“Eh, ’di ang suki mong si Mr. William Desmond. Alam mo namang Miyerkules ngayon. Kagagaling lang daw niya sa simbahan kaya dumaan muna siya rito bago umuwi.”

“Oo nga pala. Nagpapamasahe nga pala iyon tuwing Miyerkules—”

“At ikaw lang ang lagi niyang request na magmasahe sa kanya,” putol nito sa sinasabi niya. “Hindi puwedeng iba. Ayaw niya sa ibang mga masseur dito. Ewan ko ba naman kung anong pinakain mo roon at hinahabol-habol ka,” sabi pa nito nang nakangiti at sa tonong nagbibiro at saka nilagyan ng lipstick ang makapal nitong mga labi.

“Alam mo namang pulido akong magtrabaho. Hindi ako ’yong tipo na konting haplos, konting lamas, masahe na. ’Pag ako ang trumabaho, babalik-balikan mo,” pag-aangat pa niya sa sarili. “Sige na, mag-aayos lang muna ako sa banyo. Pawisan ako, eh.”

Habang papuntang banyo ay naalala ni Haru ang unang pagkakataon na minasahe niya si Mr. Desmond. Ayaw pa nito noong una na siya ang magmamasahe rito. Gusto kasi nito ang dati nitong suking masahista sa Hot Getaway Spa na si Gio kaso, wala na roon ang lalaki dahil iginarahe na ito ng isang kostumer na nagkagusto rito. Sa huli ay wala nang nagawa si Mr. Desmond kung hindi ang subukan siya bilang kapalit ni Gio. Hindi inaasahan ni Haru na simula sa araw na iyon ay siya na ang masahistang babalik-balikan ni Mr. Desmond sa spa na iyon.

Pagpasok ni Haru sa Room 5 ay nakasuot na siya ng abuhing scrub suit. Nakita niyang nakahiga ang hubad na si Mr. Desmond at tanging puting tuwalya lang ang nakatakip sa pang-ibabang bahagi ng katawan nito. Nakapikit ito. Nakatulog na yata ito sa paghihintay sa kanya.

“Mr. Desmond…” Bahagya niyang tinapik ito sa braso. Kaagad naman itong nagmulat ng mga mata.

“Nandito ka na pala.” Ngumiti ito sa kanya. “Nakaidlip yata ako.”

“Anong masahe ang gusto n’yo ngayon, Mr. Desmond?” tanong niya sa kanyang kliyente. Kliyente ang tawag nila sa mga pumupunta roon para magpamasahe. Mas professional daw kasi ang dating ’pag sinabing kliyente kaysa kostumer.

“Gusto ko ng Swedish massage ngayon,” tugon nito. Sanay na siya kay Mr. Desmond. Bawat punta nito sa spa ay iba’t ibang klaseng masahe ang sinusubukan nito. Kaya importanteng tanungin ito palagi kung anong klaseng masahe ang gusto.

“Your wish is my command, Mr. Desmond,” nakangiting sabi niya sa nakahigang lalaki. Kahit lagpas singkuwenta na ang edad nito, mababakas pa rin kay Mr. Desmond ang kagandahang lalaki nito. Tisoy ito at mabalahibo ang braso, hita, binti at maging ang dibdib. Namana nito ang ganoong itsura sa ama nitong Irish.

“Umpisa na tayo…” pakli pa niya at saka hinubad ang suot na scrub suit. Ilang saglit lang at naka-white sando na lang siya at puti ring boxer briefs. “Dumapa ka na.”

“Sige…” Bahagya pang iniunat ng matandang lalaki ang kanyang leeg at saka mula sa pagkakahiga ay dumapa ito para maumpisahan na ang masahe.

Ang Swedish massage ang pinakakilalang uri ng therapeutic massage. Kung unang beses mo pa lang susubok sa pagpapamasahe o kung hindi ka madalas na nagpapamasahe, ang Swedish massage ang pinakamagandang masahe para magsimula. Ang masaheng ito ay kombinasyon ng maraming iba’t ibang teknik na pinag-isa. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paggamit ng madiin na pagpindot sa mga kalamnan kasama na ang sunod-sunod na mahahaba subalit dumudulas na paghagod. Magkaminsan ay masakit ang puwersang kakambal ng masaheng ito pero malaki naman ang naitutulong nito sa kalusugan ng isang tao. Ang resulta ng Swedish massage ay ang pagpapa-relax nito sa lahat ng muscles sa katawan ng isang tao at alisin ang anumang sakit na maaaring pagmulan ng tensyon.

  ![](https://img.wattpad.com/bc8edcaf2c3b4a8a9cc8e92b10828a9e70949d20/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f597071305a5946336c614d4a55673d3d2d3536313339303039372e313538333864653636313830343764343830313833373631333636342e6a7067)

Napapaliyad si Mr. Desmond habang ginagawa ni Haru ang Swedish massage. Kung dahil sa sakit sanhi ng madiin na paghagod o dahil sa kiliti ng mga haplos niya ay hindi na mahalaga pa. Ang mas pinagtutuunan ni Haru ng pansin ay ang mapagbuti ang ibinibigay niyang serbisyo sa kliyenteng nagtitiwala sa kakayahan niya bilang isang masahista.

Pagkatapos imasahe ang parteng likuran ay pinatihaya ni Haru si Mr. Desmond na agad namang sumunod. Naalis ang tuwalyang tumatakip sa ibabang bahagi ng katawan nito kaya malayang nag-hello ang pribadong bahagi ng matanda. Ibinalik ni Haru ang tuwalya upang matakpan ang bahaging nalantad bago niya inumpisahan ang pagmamasahe sa dibdib nito.

Banayad ang mga haplos at paghagod ni Haru sa dibdib ng kanyang kliyente. Pulidong trabaho. Eksaktong serbisyo. Sulit ang ibabayad ng kliyente, hindi ito lugi.

Bago pa matapos ang pagmamasahe ay nagsalita si Mr. Desmond. “Gusto ko rin ng lingam massage.”

Hindi na nagulat si Haru. Inaasahan na niyang sasabihin iyon ng kanyang kliyente katulad din ng mga nakaraan nitong pagbisita sa spa na iyon.

“No problem, Mr. Desmond,” kaswal niyang sagot. “Whatever pleases you…” Sinundan niya iyon ng isang pilyong ngiti at saka inumpisahang gawin ang lingam massage sa kanyang kliyente.

Tila narating ni Mr. Desmond ang ikapitong langit nang mag-umpisang gumapang ang banayad na haplos ni Haru sa hita niya paakyat sa bahaging nasa bandang gitna sa itaas ng kanyang hita. Namalagi roon ang palad ni Haru na malayang tinutudyo ang munting halimaw na kanina lang ay maamo ngunit ngayon ay nagpapakita na ng kabangisan.

Totoo pala.

Totoo palang ang pribadong bahagi ng isang lalaki ay walang pinagkaiba, binata man o matanda, kapag ito ay nagalit na. Pareho lang ang ipinakikita nitong igting at yabang. Pareho lang buong giting kung sumaludo. Pareho lang kung magbuga ng naipon nitong mainit na likido.

Paulit-ulit na dumampi ang mga palad ni Haru sa pribadong bahagi ni Mr. Desmond na lalong nagpaulol dito. Halos tumirik na ang mga mata ng kliyente sa ibayong sensasyong dala ng kakaibang masaheng iyon. Habol na nito ang kanyang hininga habang papalapit sa dulo ng walang hanggang makalupang ligaya. At sa isang erotikong paghagod ni Haru ay tuluyan nang sumabog ang kinikimkim na init sa loob ng katawan ni Mr. Desmond. Ang mga impit na ungol nito ay pumuno sa loob ng silid na iyon hanggang sa tuluyan nang humupa ang tensyon.

“You’re the best masseur in town, Haru,” puri nito sa kanya na sinuklian lang niya ng isang mapang-akit na ngiti.

  ![](https://img.wattpad.com/ee99f522e44e4d0f391cfb0bcb25d87a056fe6d5/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f6a31304264656b436c35435a51513d3d2d3536313339303039372e313538333865306231616431326439633332363333373630353232312e6a7067)

Ikalawang Haplos

SAGLIT na nagpahinga si Mr. Desmond at nang medyo bumalik ang lakas ay bumangon na ito at nagbihis.

Kumuha ito ng dalawang libo at iniabot kay Haru. “Para sa’yo.”

“Salamat…”

“Sabi ko naman sa’yo, puntahan mo na lang ako sa bahay once a week para doon mo na lang ako serbisyuhan. Eh, ’di mas malaki sana ang makukuha mong pera,” sabi ng matanda sa kanya. “Hindi naman nila malalaman dito.”

“Sige, minsan pupuntahan kita sa inyo, Mr. Desmond. Pero habang hindi pa ako nagpupunta, ikaw na lang muna ang pumunta rito anytime na gusto mong magpamasahe.”

Tumango ang matanda. “Pero, basta puntahan mo ako sa bahay kapag may oras ka. Alam mo naman kung saan ako nakatira.”

Hindi na siya sumagot.

“O siya, halika na sa labas at nang makauwi na ako,” maya-maya pa ay sabi ni Mr. Desmond.

Paglabas nila ay naabutan nila sa reception si Geffrey Carrel na mas kilala sa tawag nilang Jep. Ito ang 23-anyos na may-ari ng Hot Getaway Spa. Maliban sa pagiging may-ari ng spa ay wala nang iba pang alam tungkol dito ang mga empleyado nito. Medyo malihim din ang lalaki at kahit ang address nito ay hindi nila alam. Basta bigla na lang itong dumadating sa spa sa kahit na anong araw na magustuhan nito katulad ngayon. Hindi rin naman nagtatagal at umaalis din ang lalaki pagkatapos ng isa hanggang dalawang oras, maliban na lang kung may kliyenteng mag-request na ito ang magmasahe sa kanila.

Iyon pa ang isa sa ipinagtataka ng mga empleyedo sa spa. Nagmamasahe rin ng kliyente si Jep kahit puwede naman itong tumanggi dahil ito nga ang may-ari ng spa at hindi naman ito isa sa mga masseur doon.

“Hello, Mr. Desmond!’ masayang bati ni Jep sa matanda nang makita ito. “Okay na ba tayo?”

“Naturalmente, Jep. Magaling naman kasi talaga itong si Haru. Kaya nga siya ang regular kong kinukuha para magmasahe sa akin.”

“Mabuti naman kung ganoon, Mr. Desmond.”

“Magbabayad na ako,” sabi pa ng matanda.

“Kelly, asikasuhin mo muna si Mr. Desmond,” utos pa niya sa receptionist.

“Of course naman, Sir Jep.”

Matalim ang tinging ipinukol ni Jep kay Kelly. Agad namang nakaunawa ang baklang empleyado.

“Ay, oo nga pala. Jep lang, hindi Sir Jep,” sabi pa nito nang nakangiti. Binalingan nito si Mr. Desmond at kinuha ang bayad nito para sa masahe. “Thank you, Mr. Desmond. Balik ka ulit.”

“Oo, lagi naman akong bumabalik dito,” kampanteng sagot nito kay Kelly bago tumingin kay Jep. “Aalis na ako, Jep.”

“Salamat, Mr. Desmond. Sa uulitin.”

“Sige, Haru.” Kumaway pa siya rito bago nagsimulang maglakad papalabas ng spa.

“Ingat, Mr. Desmond,” paalala ni Haru sa suking kliyente habang naglalakad ito papalabas ng establisyimento kung saan siya nagtatrabaho.

NANG matapos ang duty ni Haru nang araw na iyon ay naghanda na siya para umuwi. Nagulat pa siya nang makitang naroon pa rin sa spa si Jep. Ngayon lang yata ito nagtagal nang ganoon dito. Dati naman ay umaalis ito kaagad kapag nakitang maayos naman ang spa at walang problema.

“Uuwi ka na ba, Haru?” tanong ni Jep sa kanya.

“Oo, tapos na ang duty ko,” sagot niya kasabay ang pagtango.

“Sabay ka na sa akin. Ibababa na lang kita sa malapit sa inyo,” alok pa nito.

“Naku, ’wag na. Magdyidyip na lang ako,” tanggi niya.

“Sige na, minsan lang naman. Pauwi na rin naman ako, eh. Saan ka ba umuuwi?”

“Sa Tambo.”

“O, madadaanan ko naman ’yon, kaya sumabay ka na sa akin.” Tinapik nito ang balikat niya. “Hintayin kita sa labas, ha?”

Wala sa sariling napatango na lang siya.

Binilisan na niya ang pagkilos para hindi mainip sa paghihintay sa kanya si Jep.

Paglabas niya ay nasa loob na ito ng kotse nito. Binuksan niya ang pinto at sumakay sa upuang katabi ng driver’s seat.

“Sorry, naghintay ka pa,” paghingi niya ng paumanhin dito.

“Wala ’yon. Maaga pa naman. Hindi naman ako nagmamadali.” Ini-start nito ang makina ng kotse at saka pinasibad ito.

Hindi na nagsalita si Haru, bagay na napansin ni Jep kaya ito na mismo ang nagsimula ng kanilang mapag-uusapan.

“Kumusta naman ang trabaho mo sa spa?”

“Ayos naman, Jep. Nag-e-enjoy naman ako,” matapat na sagot niya.

“Wala ka naman bang nagiging problema sa mga kasama mo?”

“Naku, wala naman. Okay naman silang lahat,” sagot niya. “Minsan mga gumigimik pa kami pagkatapos mag-duty. Konting inom, ganoon lang.” Nakita niyang tumango si Jep na para bang nakuntento sa sinabi niya.

“Saan ka umuuwi?” Sa kawalan ng maitatanong ay iyon ang lumabas sa bibig ni Haru.

Mahinang halakhak ang isinagot ni Jep. Naintindihan na iyon ni Haru. Ayaw sagutin ng boss niya ang tanong.

Hindi na siya muli pang nagtanong.

Naging mabilis naman ang kanilang biyahe. Ilang saglit pa at natanaw na ni Haru ang kantong bababaan niya.

“Jep, doon na lang sa kanto,” sabi niya rito. “Bababa na ako.”

“Okay, sige…”

Nag-menor si Jep at saka ipinarada ang kotse sa kanto, sa tapat ng isang bakery.

Bumaba ng sasakyan si Haru pero bago niya isinara ang pinto ay saglit siyang sumilip at nagsabing, “Salamat, Jep. Ingat.” Nakita niyang itinaas lang nito ang kanang kamay at saglit na kumaway. Isinara na niya ang pinto ng kotse at kasunod noon ay umandar na ito papalayo.

Naglakad na si Haru patungo sa kanilang bahay. Binaybay niya ang kalyeng iyon. Ang bahay nila ay nasa gawi pa roon. Saglit siyang napahinto nang makita niya ang isang batang lalaki na binatukan ng isang may edad ng lalaki, ama siguro noong bata. Napatiim-bagang siya. Ang mga ganoong eksena ay pamilyar na pamilyar sa kanya. Hindi dahil iyon ay isang normal na tanawin sa lugar nila, kung hindi dahil iyon ay isang karanasang nangyari rin sa kanya. Paano ba niya malilimutan ang mga sakit na dulot ng mga pambubugbog sa kanya ng sarili niyang ama?

“Halika ka nga ritong bata ka!” Ang sigaw ng tatay niya ay sapat na para manginig ang buong kalamnan niya. “Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na ayokong inaabot ka ng gabi sa paglalaro sa kalye? Hindi ka ba marunong pagsabihan? Hindi ka ba marunong magtanda?” Halos ayaw niyang tingnan ang tatay niyang tila ba demonyo sa kanyang paningin kapag nagagalit na ito. Gusto sana niyang sumagot at mangatwiran pero alam niyang mas lalo lang siyang mapapasama. Inaasahan na niyang ang tainga niya ang unang makakaramdam ng sakit nang hilahin ng tatay niya ang kaliwa habang patuloy sa pagtutungayaw sa kanya. “Halika rito para makita mo ang hinahanap mo.”

“Aray, ’Tay! Masakit!” Hindi niya napigilang mapasigaw. Pero ang tatay niya ay walang balak na bitiwan ang tainga niyang siguradong namumula na sa higpit ng pagkakahawak dito ng kanyang ama. Ano ba naman ang laban ng isang bata sa lakas ng isang lalaking nasa tamang edad na?

Pagpasok sa loob ng bahay ay itinulak siya nito sa mahabang upuan na nasa salas. “Dumapa ka diyan!”

“Tatay, ’wag na po! Hindi na po ako uulit, ’Tay! pagmamakaawa pa niya. Pero bingi ang kanyang ama sa kanyang pagsamo. Nakita niyang tinatanggal ng kanyang ama ang suot nitong sinturon. Alam niya, lalatay sa kanyang puwetan na parang isang latigo ang sinturong iyon.

Tuluyan nang natanggal ng tatay niya ang sinturon. “Siguro naman, magtatanda ka na pagkatapos nito.” Isang malakas na palo gamit ang sinturon ang ibinigay ng tatay niya sa kanya. Hindi pa ito nakuntento, nagbigay pa ito ng isa pa. At isa pa. At isa pa.

“Araaaayyy! ’Tay! Tama na po! Maawa ka na po, ’Tay! Masakit po!” Napaiyak na siya sa sakit na nadarama. Hindi niya alam kung paano mapapatigil ang ama sa ginagawa nitong pagdidisiplina sa kanya gamit ang isang sinturon.

Magkahalo ang pawis at luha sa mukha ni Haru nang lubayan siya ng kanyang ama. Hindi man niya nakikita, alam niyang namumula ang kanyang puwet sa lakas ng pagkakapalo ng kanyang ama. Sa mura niyang isipan ay nakaukit na ang lahat ng sakit na naranasan niya sa tuwing napapagalitan siya ng tatay niya. Gayunpaman, kahit minsan ay hindi nawala ang pagmamahal niya sa taong pinagkakautangan niya ng kanyang buhay.

Ikatlong Dampi

NAGTULOY si Jep sa Savage Bar kung saan siya madalas pumunta kapag gusto niyang magpalipas ng oras. Wala pang alas-dose ng hatinggabi. Puwede pa siyang uminom at gumimik. Puwede nga kahit buong magdamag pa siyang magwalwal.

Sinalubong siya ng isang lalaking staff ng bar at iginiya sa isang bakanteng upuan. Kilala na talaga siya ng mga tauhan ng bar na ito. Sa dalas ba naman ng pagpunta niya rito, kung ’di man siya kilala sa pangalan, siguradong kilala naman siya sa itsura.

“Isang bucket ng beer,” sabi niya sa lalaking staff ng bar. “At saka, sisig,” dagdag pa niya.

“Okay, sir.” Ngumiti pa sa kanya ang lalaki bago tumalikod at naglakad para kunin ang in-order niyang inumin at pulutan.

Sa stage ay may live band na tumutugtog. At napansin niya, ang babaeng lead vocalist ay maganda at magaling kumanta. Pero ang isa pang napansin niya, hindi nito inaalis ang tingin sa kanya.

Dumating ang order niyang beer at pulutan kaya inumpisahan na niyang uminom. In-enjoy niya ang beer kasabay ng pag-e-enjoy niya sa musika ng bandang nagpe-perform sa entablado.

Nasa ikatlong bote na siya nang matapos ang set ng banda. Nagulat pa siya nang pagkababa ng stage ay tuloy-tuloy na naglakad ang babaeng lead vocalist papalapit sa kinaroroonan niya.

“Baka gusto mo ng kasama, puwede ako,” diretsong tanong nito sa kanya. Nagulat siya sa kaprangkahan ng babae.

“Take a seat,” sagot niya rito nang titig na titig. Mas maganda pala ito sa malapitan, at mas sexy. “By the way, I’m Jep.” Iniabot niya ang palad sa babae.

“Kitty,” sabi nito at saka inabot ang palad niya. Nang magkamay sila, hindi nakaligtas sa kanya nang pasimpleng pisilin ni Kitty ang kamay niya. Hindi siya manhid. Alam niyang nagpaparamdam sa kanya ang babae. Nginitian niya ito.

Pagkaupo ni Kitty ay inabutan niya ito ng isang bote ng beer. “Let’s enjoy the night. Maaga pa naman,” sabi niya rito.

Tinanggap ni Kitty ang beer at saka tinungga na parang tubig lang. Nauhaw yata ang babaeng ito sa kakakanta sa stage kanina.

“Bakit ka nag-iisa?” biglang tanong ni Kitty. “Wala ka bang friends?” Narinig niya ang mahinang pagtawa nito.

“Ah, galing ako sa trabaho. Naisipan ko lang dumaan dito dahil maaga pa naman, papalipas lang ng oras.”

“Masuwerte pala ako ngayong gabi, dahil nagpunta ka rito. Nagkakilala tuloy tayo.” Hindi pa naman lasing si Kitty pero bakit ba parang tingin niya rito ay kanina pa umiinom? Sabagay, posible namang tumikim na ito ng alak kanina bago pa sila sumalang sa entablado ng mga ka-banda niya.

“Kumusta naman ang sexlife?  How active?” tanong ni Kitty habang namumungay ang mga matang nakatitig sa kanya. Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon. Pero alam niya, senyales iyon na type siya ng babaeng ito. At parang gusto niya itong patulan.

“Well,  depende sa demand,” nakangiti niyang sagot habang sinasalubong ng pilyong tingin ang mga titig ni Kitty.

“So, mataas ba ang demand ngayon?” tanong ni Kitty bago kinagat ang kanyang lower lip.

Umiling-iling si Jep. “Hindi… Bakante nga, eh. Matumal.”

“Tara?” patanong na alok ng babae. Kahit konting hiya ay walang nakita si Jep sa mukha nito.

Dumukot ng pera sa wallet si Jep at inilagay sa mesa at buong pagnanasang tiningnan ni Kitty. “Tara na!”

Magkasabay nilang nilisan ang bar.

“Your place or mine?” tanong ni Jep habang ini-start ang makina ng kotse.

“Your place…”

Mabilis na pinatakbo ni Jep ang kanyang sasakyan para marating agad ang kanyang condo.

Pagdating sa condo ay para silang mga batang sabik na timikim sa isang masarap na pagkain. Hindi na nila nagawang i-lock ang pinto dahil agad silang nagyakap at naglapat ang mga labi. Matagal sila sa ganoong eksena at hindi na nga nila namalayan na kapwa na nila nahubaran ang isa’t isa. Hindi man sila gaanong magkakilala, ang mga katawan nila ay komportable na sa bawat isa. Magkasabay nilang tinuklas ang kani-kaniyang katawan. Kapwa sila mainit. Pareho silang nasasabik sa kung ano pang kayang gawin ng isa sa isa. Sa unang pagkakataon, sa unang araw rin ng kanilang pagkakakilala ay pinaligaya nila ang kanilang mga sarili at magkasabay nilang inabot ang langit.

UMAGA na nang magising si Jep. Nakita niya ang katabing babae na mahimbing pa ring natutulog.

“Hey, wake up! Bumangon ka na riyan. Hindi mo ba ako sasabayang maligo?” Hinawakan niya ang isang kamay ni Kitty at bahagyang hinila para gisingin ito. “Bangon na!” Nang hindi pa rin kumikilos ang babae ay siya na lang ang mabilis na tumayo at naglakad patungong banyo nang hubo’t hubad.

Bago pa nakapasok ng banyo si Jep ay nagmulat ng mga mata si Kitty kaya kitang-kita niya sa maliwanag ang magandang katawan ng binatang nakaniig niya kagabi. Hindi niya naiwasang humanga sa halos perpektong katawan nito. Hindi maikakailang ang katawan ni Jep ay kaiinggitan ng sino mang lalaki at pagnanasaan ng mga kabaro ni Eba.

“Halika na! Ang sarap ng tubig!” sigaw ni Jep mula sa bathroom.

Nagmamadaling bumangon si Kitty at katulad ni Jep ay nagmartsa din ito patungong banyo nang hubo’t hubad. Wala naman siyang dapat ikahiya. Nakita na ni Jep ang lahat-lahat sa kanya at ganoon din naman siya sa binata. Huwag na nating sabihin na maganda naman siya, mukha at katawan. Hindi lugi sa kanya si Jep. At siya rin sa lalaki.

Halos hindi humihinga si Jep nang pumasok na si Kitty sa banyo. Kita sa mga mata niya ang abot-langit na paghanga sa kagandahang nasa kanyang harapan. Sumaludo pa nga ang bahagi niyang nasa pagitan ng kanyang hita. Nakita niya ang pilyang pagngiti ni Kitty nang masulyapan nito ang matikas niyang sundalo.

Kinuha ni Kitty sa kanya ang sabon sabay sabing, “Ako na ang magsasabon sa’yo. Hayaan mong sabunin ko ang buong katawan mo.”

Pinaglaro muna ni Kitty ang kanyang kamay sa katawan ni Jep bago niya inumpisahang sabunin ang dibdib nito. Ganado siya sa kanyang ginagawa. Kaya buong kapilyahang ibinaba pa niya ang kanyang kamay at sinabon ang mas mababa pang bahagi ng katawan ni Jep.

Napasinghap sa hangin si Jep. Pakiramdam niya ay kinakapos siya ng paghinga. Ano ba ang ginagawa sa kanya ni Kitty?  Bakit gustong-gusto niya?

“Ibaba mo pa,” anas niya na halos magmamakaawa na. “Down, Kitty, down…” Napapikit siya sa kiliting nararamdaman.

Parang aliping sumunod si Kitty sa bawat ipinag-uutos ni Jep. Mas ibinaba pa niya ang pagsabon patungo sa sundalong ngayon ay may matikas pang nakasaludo sa kanya.

Walang anumang pag-aalinlangan sa puso ni Kitty na gawin ang gusto ni Jep. Walang pagkahiyang hinawakan niya ang matikas na sundalo at marahan iyong minasahe gamit ang mabulang sabon. Nakapagtatakang nagugustuhan niya ang kanyang ginagawa.

Muli ay hindi na rin napigilan ni Jep ang mapaungol. Sobra-sobra ang ligaya, kiliti at sensasyong ibinibigay sa kanya ng mapagpalang mga kamay ni Kitty.

Ipinagpatuloy ni Kitty ang kanyang ginagawa. Naramdaman niya ang mas lalo pang paglaki ng sundalo ni Jep habang aliw na aliw siyang pinaglalaruan ang dalawang bolang nakabitin dito.

Nagbanlaw si Jep sa shower pagkatapos ay kinuha niya ang sabon kay Kitty. Sinadya niyang bitiwan ito upang mahulog sa tiles na sahig ng banyo.

“Kunin mo…” bulong niya sa babae.

Dinampot ni Kitty ang sabon. Sa kanyang pagyuko ay tumapat ang mukha niya sa mayabang na sundalo ni Jep.

Tiningala ni Kitty si Jep. Nakita niya ang tila nagmamakaawang itsura nito.

“Taste me,” Jep whispered with full authority. Hinawakan niya ang kanyang magiting na sundalo at inilapit pa niya sa bibig ng dalaga.

Naintindihan ni Kitty ang gustong mangyari ni Jep. Without any hesitation, she captured his length and girth into her waiting mouth.

Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay muling napasinghap si Jep. Sanay na sanay si Kitty sa pagpapaligaya sa katulad niyang anak ni Adan. Nakababaliw. Masisiraan yata siya ng ulo sa ginagawa sa kanya ng babaneg ito!

Hinawakan ni Jep ang ulo ng babae at mabining iginiya iyon upang gumalaw nang pataas at pababa sa kanyang nagngangalit na pribadong bahagi. Gayunpaman, siniguro niyang magiging banayad ang kanyang paggalaw upang hindi magkaroon ng balakid habang patuloy si Kitty sa ginagawa nitong pagpapala sa bawat pulgada ng kanyang pagkalalaki.

Hindi nagtagal ay mas naramdaman na ni Jep na paparating na siya sa sukdulan ng luwalhati. Inutusan niyang tumayo ang katalik at buong suwapang na sinakop ang mga labi nito. Naglandas din ang kanyang dila sa loob ng bibig ng babae na tila isang ahas na naghahanap ng sisiw na masisila sa loob ng isang kuweba. Baliw na baliw siya habang kasalo sa makalupang ligaya ang babaeng ito na kagabi lang niya nakilala.

Jep’s tongue brushed every part of Kitty’s body. He commenced with her nape going to the rear side of her ears. He granted her with tiny love bites on her earlobes that made Kitty blubber in unexplored tingle.

Kitty unwittingly controlled Jep’s shaft and initiated an up and down motion. Jep could not just take it arising without returning the favor. He managed to conquer Kitty’s cantaloupes and his tongue played with her rosy pacifier like a newborn craving for mother’s milk. He feasted on this pair of chubby chest cheeks.

Napakiwal si Kitty sa maluwalhating sensasyon ng boltaheng umagos sa kanyang katawan na tumagos hanggang sa kanyang kaluluwa. Higit niyang ipinaggitgitan ang kanyang katawan para higit pang mabaliw ni Jep sa kanyang kandungan.

Naglakbay ang mga labi ni Jep patungo sa tiyan ng dalagang kaniig. Hinawakan niya ang mga kamay ni Kitty habang pinaglaruan niya ang pusod nito. Nagpaikot-ikot ang kanyang dila sa lalim ng pusod ng dalaga na ang intensyon ay mas lalo pa itong kilitiin at akitin. Hanggang sa maglandas pa ang mga labi niya at umabot na ang kanyang mga dampi sa puson nito at sa bahaging mas mababa pa roon.

Kitty gasped for breath when Jep cupped the heart of her femininity. Ramdam niya ang apoy at tila sumasakal na kasabikan ng lalaki nang  tikman nito ang kanyang kaangkinan. Dumaklot ang mga kamay ni Kitty at bumaon ang kanyang mga daliri sa  malapad at maskuladong balikat ni Jep. Ang malamig na tubig sa shower ay nilamon ng apoy na nagmumula sa sumasabog na init ng kanilang mga katawan.

Jep stood up, hugged Kitty very tight and kissed her again with full passion. Their private parts met each other and became one in an instant. Walang kahirap-hirap, Jep has again pushed himself inside Kitty’s golden palace. They made love for the second time like there was no more tomorrow. Umaapoy at puno ng kasabikan at makalupang pagnanasa. Nilandas nila ang daan papuntang seventh heaven.

At nang sa wakas ay maabot nila ang langit, hindi na napigilan ang pag-agos ng rurok ng kaligayahan. Pareho silang lupaypay sa pagod subalit kapwa bakas sa kanilang mga mukha ang hindi maisalarawang kasiyahan.

Compatible sila sa kama. Pinag-aapoy ni Kitty ang pagkalalaki ni Jep. Kung paanong may dalang kakaibang kiliti at sensasyon si Jep sa katawan ni Kitty. Alam ni Jep, hindi iyon ang huling pagkakataon na magniniig sila ng babaeng magaling kumanta.

Ikaapat na Himas

NILAPITAN ni Haru ang kanyang inang si Conching na nagluluto sa kusina.

“Tulungan ko na kayo,  ’Nay. Maaga pa naman,” sabi niya rito sabay aagawin sana niya ang hawak nitong sandok kung hindi lang mas maagap umiwas ang kamay ng kanyang ina.

“Ako na lang ang bahala rito. Maligo ka na, para pagkatapos mo, puwede ka nang kumain,” sagot naman ni Aling Conching.

“Nanay talaga, lahat na lang ng gawaing bahay inaako n’yo. Hayaan n’yo namang tulungan ko kayo,” sabi pa niya na kunwari’y nagtatampo.

“Madali lang naman ito. Ako na ang bahala rito. Unahin mo na ang paliligo para ’di ka ma-late sa trabaho mo.” Hindi talaga niya napapayag ang kanyang ina na tulungan niya ito. Bumalik na lang siya sa kanyang kuwarto,  kumuha ng tuwalya at underwear at saka nagtungo sa banyo para maligo. Nang matapos ay nagbihis siya at saka sabay silang kumain ng pananghalian ng kanyang ina na tanging kasama lang niya sa bahay. Ganoon ang pang-araw-araw niyang ginagawa bago pumasok sa trabaho.

MULA sa kanilang bahay ay babagtasin niyang muli ang kalyeng dinaanan niya kagabi hanggang sa makarating siya sa sa kalsadang dinadaanan ng nga sasakyan. Puwede namang sumakay ng pedicab hanggang labasan pero nilalakad na lang niya para kahit paano ay makatipid siya sa pamasahe. Katulad ng dati ay nagkalat ang mga batang naglalaro sa kalye sa labas ng kanilang bahay.

Pagtapat sa isang parlor ay tinawag si Haru ng isang bading na parlorista sa Reyna Hair Salon. Kilala niya ang bading na iyon. Si Reyna, ang may-ari ng parlor.

“Pogi, daan ka muna!” sigaw nito sa kanya.

“Ako ba?” tanong pa niya kahit wala namang ibang lalaking nasa kalsada nang oras na iyon kung hindi siya lang at mangilan-ngilang kababaihan na naglalakad din at mga pedicab na bumibiyahe.

“Oo, sino pa ba?” Umikot ang mga mata ng bakla. “Halika, saglit lang. May sasabihin lang ako,” sabi pa nito at saka ngumiti nang pagkatamis-tamis.

Naglakad siya papalapit sa bakla na kitang-kita niya ang malaking ngiti.

“O, bakit? Anong sasabihin mo?” tanong niya nang makalapit siya rito. “Bilisan mo at mahuhuli na ako sa trabaho.”

Inangklahan siya sa braso ng bading at saka hinila papasok sa loob ng parlor. “Halika muna rito sa loob. Sandali lang naman.”

Pagpasok nila sa loob ng parlor ay naabutan nilang nagtatawanan ang tatlo pang parloristang mga bading.

“Ano na naman ang pinag-uusapan n’yo? Kalandian na naman?” sita ng bading na may-ari ng parlor.

“Naku, Mama! Itong si Tasha, may booking kagabi. Iniinggit kami,” sumbong pa ng matabang bading na si Slim.

“Hindi ko kayo iniinggit, ’noh! Kinukuwento ko lang. Kayo nga itong namilit para magkuwento ako,” giit naman ni Tasha na maganda at maputi. Kaya siguro ito ang laging may booking.

“Kaya nga para hindi ka mainggit, Slim humada rin tayo mamaya. May alam ako, sumama kayong dalawa sa akin at hindi kayo mazi-zero,” buong pagmamalaking sabi naman ni Girlie na babaeng-babae ang itsura sa suot nitong pink na bestida na tinernuhan ang pink din nitong buhok.

“Sinabi mo ’yan, ha? Gogora talaga kami,” paniniyak pa ni Slim.

Tumaas ang kilay ni Reyna. Naaasar na hinarap niya ang mga kasamahan sa parlor. “Ano ba talaga ang mga plano n’yo sa buhay n’yo? Aba, eh, mag-isip kayo. Huwag puro hada. Huwag puro landi. Ano, may marathon ba kayong magbabarkadang mga bakla? Paunahang magka-HIV?” seryosong puna niya sa mga ito. “Sabi ko sa inyo, magtrabaho na lang kayo. Para kayong mauubusan ng mga lalaki,” dagdag pa niya.

Napasimangot na lang ang tatlong bading. Kapag si Reyna na ang nagsalita, tiyope na sila. Malaki ang respeto nila kay Reyna na nagtiwalang kunin silang hair stylist sa parlor nito.

“Pero alam mo naman, Mama na iyon lang ang tanging libangan ng mga bakla. Para sa amin, mas mabuti na iyong humada kami kaysa naman malulong kami sa droga,” argumento pa ni Tasha.

“Oo nga, Mama Reyna,” sang-ayon naman ni Slim. “Gays love boys. Hayaan mo na kami sa mga bagay na magpapasaya sa amin. Pangako, hindi naman namin pababayaan ang trabaho namin dito. Priority siyempre ang work. Para laging may andabelz ang mga bakla!”

“Isang malaking tsek ng pink na pink na ballpen!” tili naman ni Girlie.

“O, siya, bahala kayo sa mga gusto ninyong gawin. Basta, ’wag na ’wag n’yong kalilimutang mag-ingat. Mura lang ang condom, mga bakla! Always practice safe sex,” paalala ni Reyna sa mga tauhan. “Gets?”

“Gets, Mama!” korus na sagot ng tatlong tauhan sa parlor.

“Siyanga pala, ipapakilala ko lang sa inyo si Haru,” sabi niya sa mga tauhan. “Kapag gusto n’yong magpamasahe, doon na lang kayo pumunta sa spa kung saan siya nagtatrabaho. Safe pa kayo. Iwasan n’yo ang mga masahistang nakikilala n’yo lang kung saan-saan, baka iyon pa ang ikapahamak n’yo.”

“Saang spa ka nagtatrabaho, Haru,” hirit na tanong ni Slim.

“Sa Hot Getaway Spa, isang sakay lang mula rito. Mura lang ang masahe namin doon. Punta kayo minsan,” sagot niya.

“May discount ba kami?” tanong naman ni Girlie.

“Oo, sabihin n’yo sa receptionist doon na ni-refer ko kayo, para bigyan kayo ng ten percent discount.”

“Promise?” paniniguro ni Girlie.

“Oo, promise. Basta, pumunta lang kayo roon. Nandoon naman ako araw-araw. Bukas iyon mula ala-una ng hapon hanggang alas-singko ng madaling araw,” nakangiting sabi ni Haru. Bumaling siya kay Reyna. “Aaalis na ako. Male-late na talaga ako.”

“O, ayan, ha? Binigyan kita ng kostumer. Ako, kailan mo imamasahe?” Hinawakan pa ni Reyna nang mahigpit ang kamay ni Haru.

Nakangiti siyang sumagot, “Sumabay ka na sa kanila kapag pumunta sila. Mas malaki ang ibibigay kong discount sa’yo.” Kinindatan pa niya ang bakla na siya namang ikinakilig nito.

“Aasahan ko ’yan,” sabi ni Reyna.

Tumango siya. “Aalis na ako…”

“Halika, ihahatid na kita sa labas ng parlor.” Hindi na binitiwan ni Reyna ang kamay ni Haru. Muli itong umangkla sa braso niya. At habang naglalakad papalabas ng parlor ay pasimpleng hinihimas ni Reyna ang braso ni Haru.

Nang makalabas ay saka lang siya binitiwan ni Reyna.

“Tutuloy na ako. Salamat,” sabi niya rito.

“Pasyalan mo naman ako rito paminsan-minsan,” pakiusap sa kanya ni Reyna. “Paglabas mo sa trabaho, dumaan ka muna rito bago ka umuwi, ha?”

“Titingnan ko…” Kinawayan niya ito at naglakad na siya papunta sa sakayan ng jeep.

LATE na siya ng kalahating oras nang dumating siya sa spa. Katulad ng dati,  ang receptionist na si Kelly ang bumungad sa kanya.

“Hinihintay ka ni Jep. Pumunta ka raw sa opisina niya pagdating mo.” Sa tono ng bakla ay mukhang may atraso si Haru at makakatikim ng sermon mula sa boss niya.

“Galit ba dahil late ako?” tanong niya kay Kelly.

“Ewan ko. Basta puntahan mo raw siya sa opisina niya. Bakit kasi ngayon ka lang?” tanong pa nito.

“Wala.  Sige, puntahan ko na lang.”

Bukas ang pinto ng opisina ni Jep. Nasa labas pa si Haru ay nakita na niya ito. “Pumasok ka…”

Parang kinabahan si Haru. Galit ba ang tono ng boses ni Jep?

Tahimik siyang pumasok sa opisina ni Jep. Maliit lang ang silid na iyon na sapat lang para magkaroon ng privacy ang may-ari ng spa. “Pinatatawag mo raw ako?” nag-aalangan niyang tanong.

“Maupo ka…”

Umupo siya sa silyang nasa harapan ng mesa nito.

“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. May nakilala akong isang malaking kliyente. Gusto niyang magkaroon ng private therapist na titira sa bahay niya at makakasama niya araw-araw. Ikaw ang naisip ko,” mahabang paliwanag ni Jep.

“Pero walang makakasama sa bahay ang nanay ko…”

“Singkuwenta mil na suweldo kada buwan. Libre na rin lahat ng pangangailangan mo… kapag tinanggap mo ang trabahong ito.”

Hindi nakapagsalita si Haru. Malaking halaga ang singkuwenta mil. Magkano lang ba ang sweldo niya rito sa spa? Hindi naman araw-araw kung makatanggap siya ng bonggang tip.

“Ano ang desisyon mo, Haru?”

Ikalimang Hawak

“HARU…”

At saka lang parang nagising sa malalim na pagkakatulog si Haru. Nagtama ang mga mata nila ni Jep.

“Sabi ko, ano ang desisyon mo? Tatanggapin mo ba ang trabaho?” seryosong tanong ni Jep.

“Ah, Jep, puwede bang pag-isipan ko muna ito? Kailangan ko ring makausap muna ang nanay ko. Hangga’t maaari kasi, ayaw kong mag-isa lang siya sa bahay. Naaawa kasi ako sa nanay ko kung wala siyang kasama sa bahay,” sabi pa niya sa kanyang boss.

“Sige, sabihin mo sa akin ang desisyon mo bukas. I need your answer as soon as possible dahil kailangang-kailangan na ng kliyente ng therapist,” sabi ni Jep.

“Bakit ako, Jep?” biglang naitanong niya. Marami silang masahista sa spa na iyon, o therapist kung ’yon ang gusto niyang itawag. Pero bakit siya?

“Dahil ikaw ang personal choice ng kliyente,” kaswal na sagot ni Jep.

“Ako? Kilala ko ba ang kliyenteng sinasabi mo?” Nagtataka na siya at curious na rin kung sino ba ang kliyenteng ito na handang magbayad ng fifty thousand pesos a month para lang maging personal masseur siya nito.

“Hindi mo pa siya naging kliyente rito. Pero nakapagpamasahe na siya dati. Ibang therapist lang ang nag-service sa kanya,” matapat na sagot ni Jep. “May tanong ka pa ba?”

Napailing si Haru. “W-wala na…”

“Kung ganoon, puwede ka nang bumalik sa trabaho mo. Mag-usap na lang tayong muli bukas para sa sagot mo kung tatanggapin mo ang iniaalok kong trabaho o hindi.”

“Salamat, Jep. Aaalis na ako…”

Tinanguan lang siya ng boss niya.

Hindi nawala sa utak ni Haru ang offer sa kanya ni Jep. Malaking halaga ang fifty thousand pesos. Isang bahagi ng utak niya ang nagsasabing dapat niya iyong tanggapin. Pero ang isa pang bahagi naman ay tumatanggi.

Sa buong oras ng shift niya sa spa ay hindi nawala sa isip ni Haru ang pinag-usapan nila ni Jep. Kahit habang minamasahe niya ang isang kliyente ay lumilitaw pa rin sa kanyang gunita ang offer ni Jep na napakahirap yatang tanggihan lalo na ng isang katulad niyang kumakayod talaga para sa mga pangangailangan niya at ng kanyang ina.

Pagkatapos niyang mag-service sa isang kliyente ay pinuntahan nila sa reception area si Kelly. Naabutan niya roon ang kasamahang masseur na sina Palmer at Huge na katulad niya ay mabenta rin sa mga kliyente ng spa dahil sa magaling na serbisyong ibinibigay ng mga ito sa kanila.

Si Palmer ay kilala sa Hot Getaway Spa sa galing niya sa lingam massage. Si Huge naman, na Hugo ang totoong pangalan, ay hinahabol ng mga kliyenteng mahilig sa extra service dahil sa taglay nitong malaking kargada.

Nagbayad kay Kelly ang kliyente ni Haru. Kanina ay nag-abot na ito sa kanya ng tip na dalawang daan para sa pinagawa nitong hot stone massage.

  ![](https://img.wattpad.com/23eca831f3dc134e619e17a4ededf9499f8f5072/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f4f36313449766b734f78495a56513d3d2d3638393139303637302e313538333865333862356536373762313936383135323033363433362e6a7067)

“Salamat, Mr. Andres. Balik ka ulit,” sabi pa ni Kelly nang makapagbayad na ang kliyente.

“Sa susunod ulit,” sagot ng lalaking siguro ay lagpas trenta lang ang edad. Sumenyas pa ito kay Haru bago tuluyang naglakad papalabas ng spa.

“Okay ang pasok ng customer ngayon, ah,” sabi ni Palmer.

“Oo nga, hindi tayo nabakante,” pagsang-ayon ni Huge. “Lahat tayo ay may naging client na ngayong araw. Sana mas marami pang dumating na kliyente mamaya.”

“Nasa loob pa si Aris, may kliyente rin. ’Yung suki niyang bading. Sigurado, mamaya pa lalabas iyon,” natatawang sabi ni Palmer. “Tahimik ka yata, Haru,” pansin niya sa kasama.

Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot, “Wala naman. Pagod lang siguro. Inaantok kasi ako,” pagdadahilan pa niya.

“Bakit ka naman inaantok? Baka gumimik ka pa kagabi pagkalabas mo rito,” pagsali ni Kelly sa usapan.

“Hindi, ah!” tanggi niya. “Magkasabay kami ni Jep kagabi, ’di ba? Ibinaba niya ako doon sa kanto malapit sa bahay namin.”

Naputol ang pag-uusap nila nang may dalawang babaeng pumasok at lumapit sa kanila.

“Nagmamasahe ba kayo ng babae?” tanong ng isa.

“May masahista ba kayong babae?” tanong naman ng kasama nito.

“Eh, mamayang alas-diez ng gabi pa ang schedule ng masseuse namin. Pero magagaling naman ang mga male therapist namin at napaka-professional pa. Garantisadong sulit ang ibabayad n’yo,” maagap na pagse-salestalk ni Kelly. “At hindi kayo mababastos,” dugtong pa niya.

Nagkatinginan ang tatlong masahista. Si Palmer ay medyo natatawa pa pero pinipigilan lang nito. Pasimple itong pinandilatan ni Kelly.

Tiningnan din ni Huge nang masama si Palmer. Wala namang nakakatawa sa sinabi ni Kelly. Totoo namang propesyunal sila pagdating sa trabaho nila. Kung may nangyayari mang iba pa maliban sa masahe ay dahil iyon sa request ng kliyente. Hindi sila gumagawa ng anumang panlalamang sa mga kliyenteng nagtitiwala sa kanila at nagbabayad ng kanilang serbisyo.

“Sige, hindi bale. I prefer aromatherapy massage,” sabi ng unang babae.

  ![](https://img.wattpad.com/9e3811e4f6f64c717e2156d02c11ab65a22285c2/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f34383830394b36526f77687835513d3d2d3638393139303637302e313538333932396430333963333365333136323432323134303833302e6a7067)

“Shiatsu massage naman sa akin. I don’t mind if a masseuse is not available. Anyone of you guys can do it,” sabi naman ng pangalawa.

  ![](https://img.wattpad.com/379d23fbdd7c92dbcfddcb2de62a72fabd8d4dff/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f476c66444463422d5a65315851413d3d2d3638393139303637302e313538333932616561616264343861353735333538353433383233392e6a7067)

“Kami na ni Palmer ang gagawa, Kelly,” pagboboluntaryo ni Huge. “Okay lang ba sa’yo, Palmer?” Nakita niyang tumango ang tinanong na kasamahan.

“Sige, samahan n’yo na sila,” utos ni Kelly sa dalawang lalaki na agad namang kumilos kasama ang dalawang babaeng kliyente.

Naiwan sa reception area sina Kelly at Haru.

“Si Jep?” tanong niya sa receptionist.

“Umalis na,” sagot nito. “May aasikasuhin pa raw siya, eh. At saka alam mo namang bihirang magtagal ’yon dito. Nagulat nga ako kagabi dahil tinapos ang isang buong shift. Bakit mo hinahanap?”

“Wala, tinatanong ko lang.”

“Makikisabay ka na naman, pauwi?” deretsong tanong ni Kelly.

“Hindi, ’no? At saka hindi ako nakisabay. Siya ’yong nagsabi na sumabay na ako sa kanya at ibababa niya ako sa malapit sa amin. Ayaw ko nga, eh. Mapilit lang.”

“Eh, ’di hindi kung hindi.” Kinuha ni Kelly ang cell phone niya at nagkunwaring nagte-text.

Hindi na sumagot pa si Haru.

NANG makauwi siya ng bahay ay naabutan pa niyang gising ang kanyang nanay. Pagbukas niya ng pinto ay nakita niyang nasa kusina ito at nagsasalin ng tubig sa baso.

“Bakit gising pa kayo, ’Nay?” tanong niya rito.

“Hindi kasi ako makatulog. Medyo masakit ang tiyan ko. Kumikirot,” sabi ng nanay niya.

“Kailan pa ’yan, ’Nay?” Nasa mukha niya ang pag-aalala. Mula nang mawala ang kanyang ama dalawang taon na ang nakararaan ay natakot na siyang maulit iyon sa kanyang ina. Kaya kahit na kaunting sakit na nararamdaman lang ng nanay niya ay nilulukob na siya ng kaba.

“Kanina lang noong matutulog na sana ako. Bigla lang ang pagsakit.”

“Gusto n’yo bang pumunta tayo ng ospital ngayon?” tanong niya.

“Ospital? Naku, ’wag na,” tanggi ng nanay niya. “Mawawala rin ito maya-maya. Kumain ka na at matulog.”

“Eh, ’Nay, may sasabihin sana ako sa’yo.” Nakita niya ang pagkunot ng noo ng kanyang ina.

“Tungkol saan? May problema ka ba, anak?”

“Ah, wala naman po. Nagkausap lang kami kanina ng boss ko. Inaalok niya ako ng trabaho, malaki ang suweldo. Kaso, stay-in ako sa bahay ng magiging boss ko,” pagkukuwento pa niya.

“O, anong pinoproblema mo? Kung mas maganda ang magiging trabaho mo roon, tanggapin mo,” payo pa ng Nanay Conching niya.

“Pero, ’Nay, ayaw ko namang iwanan ka ritong mag-isa. Sinong makakasama mo?”

Nilapitan siya ng nanay niya at hinawakan nito ang kanyang kamay. “Huwag mo akong alalahanin, anak. Kaya ko naman ang sarili ko,” sabi ng nanay niya. “Puwede ko namang dito muna patirahin ang Kuya Marky mo. Papayag iyon dahil mas mapapalapit siya sa pinapasukan niyang trabaho.

Nagdilim ang kanyang mukha at nagsalubong ang mga kilay niya nang marinig ang pangalan ng kanyang Kuya Marky.

Ang Kuya Marky niya…

Ang pinsan niyang si Marky…

Ikaanim na Hipo

NAPANSIN ni Nanay Conching ang pagdidilim ng mukha ni Haru.

“Bakit? Ayaw mo ba na may kasama ako rito?” tanong niya sa anak.

“Hindi ko na lang tatanggapin ’yong trabaho, ’Nay. Kahit paano naman, kumikita ako sa trabaho ko sa spa,” paliwanag pa niya.

“Sayang naman, anak. Oportunidad na iyon. Kung sinasabi mong malaki ang suweldong iniaalok ng boss mo, kuwentahin mo. Ilang buwan mong bubunuin sa spa ang suweldong kikitain mo sa isang buwan sa iniaalok sa’yong trabaho. Pag-isipan mong mabuti, para wala kang pagsisihan sa bandang huli,” paalala niya kay Haru.

“Ayaw ko kasing iwanan kayong mag-isa rito, ’Nay. Hindi ako makakampante kung alam kong wala kang kasama rito araw-araw, lalo na sa gabi,” nag-aalalang sabi ni Haru. Kahit kailan, hindi niya naisip na iwanang mag-isa ang kanyang ina. Kahit nga siguro bumuo pa siya ng sariling pamilya, isasama pa rin niya ang nanay niya, saan man sila tumira ng mapapangasawa niya.

“Huwag mo akong alalahanin, anak. Tanggapin mo iyong trabaho, mag-ipon ka at paghandaan ang kinabukasan mo. Ayokong ako ang maging dahilan para hindi mo kaagad matupad ang mga ambisyon mo sa buhay. Kaya ko namang dumito na mag-isa, anak,” paniniguro pa niya kay Haru para lang mapapayag ito na tanggapin ang iniaalok na trabaho ni Jep.

“Pero, ’Nay…”

“Kung talagang ayaw mo akong mag-isa, pumayag ka nang dito ko muna patirahin si Marky. Papayag naman iyon. Magkasundo naman kayo ni Marky, ’di ba? Naaalala ko, sa kanya ka namin inihahabilin ng tatay mo noong bata ka pa kapag papasok na kami sa trabaho. At nababantayan ka naman niya nang maayos,” paliwanag ni Nanay Conching.

Napailing-iling si Haru. “Hindi, ’Nay. Nagpasya na ako. Hindi ko na lang tatanggapin ang trabahong iniaalok ni Jep. Sa spa na lang ako magtatrabaho.”

Nalungkot si Nanay Conching pero ayaw niyang kontrahin ang gusto ng anak. “Ikaw ang bahala. Basta kung ano man ang maging pasya mo, susuportahan kita kasi nanay mo ako…”

“Salamat, ’Nay…”

“Kumain ka na, ipaghahain na kita.” Akmang kukuha na siya ng plato nang pigilan siya ni Haru.

“Huwag na ho. Bumalik na kayo sa kuwarto at matulog. Ako na ang bahalang kumuha ng kakainin ko,” sabi niya sa kanyang ina.

“O, siya, ikaw na ang bahala riyan, ha?”

“Sige po…” sabi niya kasabay ang isang matipid na ngiti.

Nang makitang pumasok na sa silid nito ang kanyang ina ay saka siya nagsandok ng pagkain sa kaldero at tahimik na kumain.

Hanggang sa higaan ay hindi pa rin nawawala sa isip niya ang trabahong iniaalok ni Jep, pero malinaw sa utak niya na hindi niya iyon tatanggapin.

Bukas, kapag nagkausap na sila ni Jep ay maayos niyang tatanggihan ang trabahong iniaalok nito sa kanya.

MALALIM na ang tulog niya sa kanyang silid nang tila makarinig siya ng mga daing. Hindi siya maaaring magkamali. Boses ng nanay niya ang naririnig niyang para bang namimilipit sa sakit. Nananaginip ba siya? Panaginip nga lang ba iyon?

Nagpasya siyang imulat ang kanyang mga mata.

“Haru, anak tulungan mo ako!”

Napabalikwas siya nang bangon. Hindi siya nananaginip. Totoong dumadaing sa sakit ang kanyang ina!

“Haru!”

Mabilis siyang tumayo at patakbong lumabas ng silid. “Bakit, ’Nay?”

Diretso siyang pumasok sa kuwarto ng kanyang ina. Naabutan niya itong nakaupo sa kama habang sapo ang tiyan at namimilipit sa sakit.

“Anong nangyari, ’Nay? Napaano po kayo?” Bakas ang pagkabahala sa mukha ni Haru. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili.

“Ang sakit ng tiyan ko, anak. Mamamatay na yata ako. Sobrang sakiiit!” mangiyak-ngiyak na daing ni Nanay Conching.

“Sandali lang, ’Nay! Dadalhin kita sa ospital. Teka lang, kukunin ko lang ang wallet ko.” Mabilis siyang lumabas ng silid para kumuha ng pera sa kuwarto niya.

Pagbalik niya sa kuwarto ng kanyang Nanay Conching ay hindi na siya nagdalawang-isip pa na buhatin ito. Kaagad niya itong inilabas ng bahay at saka pumara ng pedicab.

Isinakay niya sa pedicab ang inang namimilipit pa rin sa sakit ng tiyan.

“Diyan lang sa labasan, bilis!” sabi niya sa drayber ng pedicab. Matatagalan sila kung padidiretsuhin na niya ang pedicab sa ospital. May kalayuan din iyon mula rito. Sasakay na lang sila ng taksi pagdating sa labasan.

Madali nanan silang nakasakay ng taksi at nadala kaagad sa emergency room ng ospital si Nanay Conching.

Nakita niyang inaasikaso naman ng mga doktor at nurse ang kanyang ina pero hindi pa rin nawawala ang kanyang pag-aalala para rito.

Maya-maya ay lumapit sa kanya ang isang lalaking nurse at may ibinigay na reseta.

“Pakibilhin n’yo ito. Mag-e-emergency appendectomy tayo para sa pasyente. Pumutok na ang kanyang appendix. Bilhin mo kaagad ’yan at dalhin mo sa nurse station,” bilin sa kanya ng lalaking nurse.

Hindi na nagsayang ng oras si Haru. Pagkatapos bilhin ang mga nakasulat sa reseta ay ibinigay niya iyon sa babaeng naka-duty sa nurse station.

Halos mahigit dalawang oras din siyang naghintay bago natapos ang operasyon. Tila may nakabara sa kanyang lalamunan habang papalapit sa kanya ang doktor na nag-opera sa nanay niya.

“Ligtas na ang pasyente. Pero dahil pumutok na ang appendix niya bago pa siya maoperahan, mas matagal ang recovery period niya,” sabi ng lalaking doktor.

“Gaano katagal ang recovery period?” tanong niya sa doktor.

“Two to four weeks. Sa mga araw na iyon, may mga gamot pa rin siyang iinumin. Pero puwede na siyang lumabas ng ospital after two days,” paliwanag ng doktor.

“Eh, Doc, magkano kaya aabutin ang babayaran ko rito sa ospital?”

“Mas mabuti kung sa cashier ka na magtanong ng tungkol sa hospital bill dahil mas maipapaliwanag niya sa’yo iyon.”

Marahan na lang siyang napatango. “Salamat, Doc.”

TULOG pa ang nanay niya nang puntahan niya ito sa silid na pinagdalhan dito pagkatapos ilabas sa operating room. Kahit alam niyang ligtas na sa panganib ang kanyang ina ay nakadama pa rin siya ng awa para rito.

Hindi maikakailang nagkakaedad na ang kanyang ina. Marami na ang mga puting buhok nito. Halata na rin sa balat nito ang mumunting kulubot.

Naalala ni Haru na parang kailan lang ay maliit pa siyang bata at nasa kalakasan pa ang kanyang mga magulang. Kapwa nagtatrabaho ang kanyang ama at ina. Ang tatay niya ay empleyado sa isang tanggapan ng gobyerno samantalang ang nanay naman niya ay bisor sa isang kompanyang gumagawa ng printer ng computer.

Kapag pumapasok na sa trabaho ang kanyang mga magulang ay naiiwan siya sa pangangalaga ng kanyang lola na kapitbahay lang din nila. Kung minsan naman ay ang Kuya Marky niya ang nagbabantay sa kanya. Ang Kuya Marky niya ay ang kinse anyos na anak ng kapatid ng tatay niya kaya magpinsang buo sila nito. Pumupunta ito sa bahay nila para magbantay sa kanya pagkatapos ng klase nito.

Isang araw habang sila lang ang tao sa bahay ay tinawag siya ng Kuya Marky niya na nasa silid.

“Haru, halika nga sandali rito. May ipapagawa lang ako sa’yo.”

Pumasok sa kuwarto si Haru. Naabutan niyang nakahiga sa kama ang Kuya Marky niya.

“Bakit, Kuya? Anong ipapagawa mo?” inosenteng tanong niya.

“Isara mo ’yong pinto. I-lock mo,” pabulong na sabi nito.

Walang malisyang sumunod ang pitong taong gulang na paslit. Ginawa niya ang iniutos ng pinsan.

“Halika rito sa tabi ko… Huwag kang maingay…”

Hindi niya maintindihan kung bakit ang mga pabulong na salita ng kanyang Kuya Marky ay nagbigay sa kanya ng takot.

“Kuya, bakit?”

Wala na siyang nagawa kung hindi sumunod sa mga iniutos sa kanya ng kanyang Kuya Marky.

Sa mura niyang edad, namulat si Haru sa isang bagay na hindi pa niya dapat matutunan.

Ikapitong Lamutak

ISANG masayang ngiti ang bumungad kay Haru nang magmulat siya ng mga mata. Nakatulog na pala siya sa pagbabantay sa Nanay Conching niya kaya hindi niya namalayang nagising na pala ang kanyang mahal na ina.

“Kanina pa ba kayo gising, ’Nay?” agad niyang tanong dito. “Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit pa ba?”

“Kumikirot nang konti itong opera ko, pero kaya ko naman. Maraming salamat, anak. Kung hindi mo ako nadala agad dito sa ospital, baka kung ano na ang nangyari sa akin.”

“Nanay kita. Siyempre, obligasyon kong alagaan ka. Alam mo naman, ’Nay na gagawin ko kahit ano, para sa’yo.” Nangilid ang luha ng nanay niya sa sinabi niyang iyon. Kung hindi lang siguro ito bagong opera ay baka nayakap na siya nito.

“Salamat, anak. Ang iniisip ko lang ngayon ay kung saan tayo kukuha ng perang pambayad dito sa ospital.” Biglang nag-alala si Nanay Conching.

“Huwag n’yo nang isipin iyon, ’Nay. Ako na ang bahalang dumiskarte,” paninguro pa niya. “Sabi ng doktor, kung walang magiging komplikasyon ay puwede ka nang lumabas sa Sabado.” Hindi na sinabi ni Haru sa kanyang ina na bago pa siya nakatulog sa pagbabantay rito ay nagpunta na siya sa cashier at inalam kung magkano aabutin ang magagastos dito sa ospital. Malaking halaga ang kakailanganin at hindi siya sigurado kung saang kamay ng Diyos kukunin agad-agad ang halagang iyon. Pero ayaw na niyang madagdagan pa ang alalahanin ng kanyang ina. Hindi bale nang siya na lang ang mamroblema.

NANG magkita sila ni Jep sa spa ay alam na niya kung anong isasagot sa iniaalok nitong trabaho. Iniwan niya sandali sa ospital ang kanyang ina para makipag-usap sa kanyang boss.  Importanteng malaman nito ang kanyang kasagutan bago pa nito ialok sa iba ang trabahong gustong ibigay sa kanya.

“Nakapagdesisyon ka na ba?” malumanay na tanong ni Jep. Para bang balewala naman dito kung tatanggapin man o tatanggihan ni Haru ang trabahong iniaalok nito.

“Kung tatanggapin ko ang trabaho, puwede ba akong humingi ng dalawang kondisyon?” diretso niyang tanong kay Jep habang nakatingin sa mga mata nito.

“Ano ’yon?” Bahagyang nagsalubong ang kilay ng lalaki.

“Nasa ospital ang nanay ko, inoperahan siya. Gusto ko sanang humingi ng advance payment na sapat para mabayaran ko ang bill sa ospital.”

Walang reaksyon sa mukha ni Jep pero muli itong nagtanong, “Ano ’yong isa pang kondisyon?”

“Na uuwi ako sa bahay namin tuwing Sabado at babalik lang ako sa bahay ng amo ko sa Linggo ng gabi.”

“Iyon lang ba?” tanong ni Jep.

“Oo,” maikli niyang sagot.

“Kung ganoon, sa lunes ka na mag-uumpisa sa bago mong trabaho. Dadaanan kita doon sa lugar n’yo.” May kinuha si Jep sa drawer ng mesa nito. Isang kontrata. “Pirmahan mo na muna itong kontrata, katunayang tinatanggap mo ang trabaho. Bibigyan na lang kita ng kopya kapag napanotaryo ko na. Basahin mo muna.”

Tinanggap ni Haru ang kontrata at walang pag-aalinlangang pinirmahan ito. “Hindi ko na babasahin, may tiwala naman ako sa’yo.”

Nagkibit-balikat lang si Jep. “Ikaw ang bahala.”

“Sige, Jep. Aalis na ako,” sabi niya pagkatapos ibalik kay Jep ang pirmadong kontrata. “At saka pala, hindi muna ako papasok ngayon dahil walang kasama sa ospital ang nanay ko.”

“Walang problema. Okay lang kahit hindi ka na pumasok. Magkita na lang tayo sa lunes para sa bago mong trabaho,” sabi sa kanya ni Jep habang nakangiti. “Okay?” Tumayo si Jep at inilahad sa kanya ang kamay na agad naman niyang inabot kasabay ang pagtayo rin.

“Maraming salamat, Jep.”

“Kailan mo kailangan ang pera?” tanong nito? “Magkano?”

“Sa Sabado sana,” sagot niya. “One hundred fifty thousand.”

“Walang problema,” sabi ni Jep. “Idedeposito ko sa Friday ang suweldo mo for four months. Para may pera kang maibibigay sa nanay mo.” Hindi makapaniwala si Haru na ganoon lang kadali niyang mapapapayag si Jep at pinasobrahan pa nito ang halagang sinabi niya.

MAGKAHALO ang saya at pagkalitong nararamdaman ni Haru habang pabalik siya ng ospital. Masaya siya dahil nasolusyunan na niya ang problema sa hospital bills. Pero nalilito siya kung tama ba ang ginawa niyang pagtanggap sa trabahong inialok sa kanya ni Jep. Hindi niya maisip na iiwan niyang mag-isa ang nanay niya. At kung may makakasama man ito sa bahay ay ang pinsan niyang si Marky pa.

Bahala na. Wala naman sigurong magiging problema.

SABADO

Magkasama sina Jep at Kitty sa apartment na tinitirhan ng babae at kasalukuyan silang kumakain ng pananghalian. Ang totoo ay kagabi pa sila magkasama rito. Ang buong magdamag ay gising na gising sa init na dulot ng kanilang mga katawan, kaya nga tanghali na silang bumangon.

“Maligo ka na pagkatapos nating kumain,” maya-maya’y sabi ni Jep. “Pupunta kasi tayo sa mall later.”

“Ililigpit ko pa itong pinagkainan natin,” sabi ni Kitty.

“Huwag na. Ako na’ng bahala rito.”

Napatanga si Kitty. Hindi niya inaasahan na ang lalaking katulad ni Jep ay maghuhugas ng mga plato at kubyertos.

“O bakit natigilan ka riyan? Tulala ka na naman. Siguro crush mo talaga ako.” Natatawa si Jep habang nagsasalita at napansin ni Kitty na lalong gumuguwapo ang binata kapag nakangiti o tumatawa.

“Sigurado kang ikaw ang magliligpit nito?” paniniyak ni Kitty.

“Oo nga. Ako na ang bahala rito. Akala mo ba hindi ko kayang gawin ito?”

Hindi sumagot si Kitty. Tumayo na lang siya at tinalikuran ang lalaki para bumalik na sa kuwarto.

“O, saan ka na pupunta?”

“Sa kuwarto. Ikaw na ang bahala diyan, ’di ba?” sagot ni Kitty nang hindi nililingon ang kausap.

Tumayo na rin si Jep at inumpisahang magligpit ng mga pinagkainan nila ng dalaga. Pagkakuha ng mga plato at kubyertos sa mesa ay dinala niya ito sa lababo upang mahugasan. Madali naman niyang natapos ang dapat gawin. Hindi naman kailangang eksperto para matutunan ang tamang paghuhugas ng mga plato at kubyertos, pati na ang mga baso.

Nang masigurong okay na ang mga gamit sa kusina ay pumasok na siya sa kuwarto. Nagulat pa siya nang madatnang nakatapis lang ng tuwalya si Kitty at nagba-brush ng buhok.

“Ba’t ba bigla ka na lang pumapasok. Hindi ka man lang kumatok,” asik sa kanya ni Kitty.

“Ba’t pa ako kakatok? May itinatago ka ba?” sagot ni Jep. “At saka, nakita ko na lahat ’yan, ano pang itatago mo?”

“Buang…” bulong ng dalaga.

“May sinasabi ka?”

“Wala! Maligo ka na rin. May pupuntahan tayo, ’di ba?”

“Yeah! Sige maliligo na rin ako.” Diretso na itong pumasok sa banyo. Pero bago nito isinara ang pinto ay muli itong nagsalita. “Gusto mong sumabay maligo ulit?”

“Baliw!” Binato ni Kitty ng brush si Jep pero hindi naman tinamaan ang binata dahil mabilis nitong naisara ang pinto. Malulutong na halakhak na lang nito ang narinig ni Kitty.

Nagbihis na si Kitty.  Isinuot niya ang isang simpleng bestida na binili niya last month noong nagpunta siya sa mall. Naalala pa niya, tuwang-tuwa siya sa bestidang iyon dahil nang isukat niya ay saktong-sakto sa hubog ng kanyang katawan at mas tumingkad ang kanyang kaseksihan. Simple lang ang bestida pero elegante. Mas nagmukha pa itong mamahalin nang isuot na niya.

Pinagmasdan ni Kitty ang sariling repleksiyon sa human-size mirror sa loob ng kanyang silid. Hindi maikakailang bagay na bagay sa kanya ang bestidang iyon. Kapag kasama niya ang mga kagrupo niya sa banda ay parang ibang tao siya. Maangas, malandi, palaban. Pero kapag hindi siya kumakanta ay isa siyang napakasimpleng babae na akala mo’y mahinhin at hindi man lang makabasag ng pinggan. Hindi naman niya sinasadyang baguhin ang kanyang personalidad. Nagkataon lang na iba talaga siyang kumilos o gumalaw kapag nasa entablado at kumakanta. Performer talaga.

Walang kamalay-malay si Kitty na kanina pa pala tapos maligo si Jep at seryoso siya nitong pinagmamasdan. Maging ito ay tila naengkanto sa taglay na kagandahan niya. Hindi na nga ito nakaalis sa may pintuan ng banyo. Nanatili lang itong nakatayo doon habang inuukit nito sa kanyang isip ang mala-diyosang kagandahan sa kanyang harapan.

“Ang ganda mo… Napakaganda mo…” Akala ni Jep ay sa isip lang niya ito sinabi. Hindi niya alam na naisatinig niya ang kanyang buong paghanga sa dalaga.

Nagulat pa si Kitty pagkarinig sa boses ng binata. Hindi rin niya namalayan na tapos na pala itong maligo.

Pero hindi niya ipinahalata ang pagkabigla. “Tapos ka na pala. Magbihis ka na. Hihintayin na lang kita sa salas.”

Hindi pa rin kumikilos si Jep na nanatiling nakatingin lang kay Kitty.

“Lagi ka na lang tulala. Siguro crush mo ako.” Ginaya ni Kitty ang linyang madalas sabihin sa kanya ni Jep.

Tila naalimpungatan ang binata at agad na dumipensa. “Hindi ah! ba’t ako magkaka-crush sa’yo?”

“Eh ba’t sabi mo napakaganda ko?”

“Sa totoo namang maganda ka, eh. Pero ibig bang sabihin no’n, crush na kita agad?”

“Sige na magbihis ka na. Nandito lang ako sa labas.” Lumakad na papalabas ng silid ang dalaga.

Naiwan sa silid si Jep. Nagmamadali itong nagbihis. Kinuha nito sa closet ni Kitty ang isang black shirt at khaki pants. Lagi naman siyang may dalang extra clothes sa kanyang kotse, para anumang oras na kailanganin niya ay mayroon siyang maisusuot.

Fit sa katawan ni Jep ang shirt na nagdagdag sa hindi matatawaran nitong sex appeal. Nag-spray din siya ng pabango at inayos ang buhok. Ilang sandali lang ay ready to go na siya.

“Shall we go?” agad niyang sabi nang makita si Kitty sa salas.

Alam ni Kitty na guwapo si Jep, pero ’di niya maitatangging mas guwapo ang tingin niya rito ngayon. Nagtataka siya. Ano bang meron sa lalaking ito at kahit naka-shirt at pants lang ay sobrang guwapo pa rin? Alam niya, may ibang mga lalaking sobrang effort nang mag-ayos ng sarili pero hindi pa rin maihahambing kahit konti sa taglay na itsura at porma ni Jep.

Nauna nang lumabas si Jep at nagtungo sa labas ng apartment kung saan nakagarahe ang kanyang kotse. Nang nakasakay na siya ay nakita naman niyang lumabas si Kitty kaya sinenyasan niya ito na sumakay na rin.

Agad na sumakay ang dalaga sa upuan sa tabi ng driver’s seat.

“Mag-seatbelt ka,” paalala ni Jep.

“Sure!”

At bago pa nakapagsalita ulit si Kitty ay umandar na ang kotse. Mabilis silang nagbiyahe patungo sa isang mall. Dumiretso sila sa sinehan at bumili ng tiket. Sa madilim at malamig na sinehang iyon ay hindi naman nila naintindihan ang kanilang pinanonood dahil mas naging abala sila sa mas lalo pang pagkilala at pagtuklas sa kanilang nag-iinit na mga katawan.

Ikawalong Dama

INALALAYAN ni Haru si Nanay Conching habang pababa ito ng taksing sinakyan nila mula ospital papunta sa kanilang bahay. Hawak-hawak niya ang kanang braso nito para masigurong hindi ito matutumba. Nakasukbit naman sa katawan niya ang isang bag na puno ng mga gamit ng kanyang ina. Pagkatapos ay inakay niya ito habang papasok sa kanilang bahay.

Pagpasok sa loob ay pinaupo muna niya ito sa sofa na nasa kanilang maliit na salas.

“Magpahinga ka muna riyan, ’Nay. Ipapasok ko lang sa loob itong bag ng mga gamit mo. Tapos, maghahanda na ako ng makakain natin,” sabi pa niya na bahagyang nakangiti at maaliwalas ang mukha. Kahit naman problema ang pinagdaan niya nitong nakaraang mga araw, hindi pa rin nawawala ang positibo niyang pananaw sa buhay.

Naalala ni Haru na sa lunes na nga pala siya dadalhin ni Jep sa bago niyang trabaho. Kailangang makausap na nila ngayon ang pinsan niyang si Marky para may makasama sa bahay ang nanay niya. Kung may pera lang sana siya, mas gugustuhin na niyang ikuha na lang ng kasambahay ang nanay niya kaysa naman tumira sa bahay nila ang Marky na ’yon. Hindi talaga siya komportable na makita ang pinsan niyang iyon.

Lagi na lang niyang naaalala ang mga ginawa ni Marky sa kanya. Pagtagal ay naisipan din niyang magsumbong sa kanyang mga magulang, pero hindi naman siya pinaniwalaan ng mga ito. Ang akala pa nga ng tatay niya ay gumagawa lang siya ng kung anu-anong tsismis. Iyon daw ang napapala niya sa kapapanood ng kung anu-anong palabas sa telebisyon. Kaya nga siguro mas lumakas pa ang loob ng pinsan niya na gawin nang paulit-ulit ang mga ganoong kahalayan, dahil alam nitong wala namang mangyayaring masama kahit pa nga magsumbong siya sa kanyang mga magulang. Natigil lang ang mga pinagagawa sa kanya ni Marky noong lumipat ng tirahan ang buong pamilya nito kaya bihira na itong makapunta sa kanila. Tatlong taon din iyon. Tatlong taon din siyang nakaranas ng kamunduhan sa kamay ng pinsan niya.

“Ako na lang ang tatawag kay Marky,” sabi ng nanay niya habang kumakain sila.

“Kayo po ang bahala,” sagot niya pagkatapos tapunan ng sulyap ang kanyang ina. Ipinagpatuloy niya ang pagkain habang si Nanay Conching ay may sinasabi pa.

“Tatawagan ko na mamaya, para makapaghanda na siya ng mga dadalhin niyang gamit.”

“Para namang sigurado kayo na papayag ’yon na tumira rito,” giit niya.

“Papayag iyon. Mabait ang pinsan mong iyon. Hindi ba’t binabantayan ka rin niya noong bata ka pa?”

Hindi siya sumagot.

“At saka, pabor rin naman sa kanya. Mas malapit na sa trabaho niya kung dito na siya titira,” dugtong pa ng nanay niya. “Basta, tiwala ako na mapapapayag ko ang pinsan mong si Marky.”

Pagkatapos kumain ay nagpahinga sa kuwarto si Haru. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Nagising lang siya nang makarinig ng mga katok sa pinto.

Kahit inaantok pa ay bumangon siya at pinagbuksan ang kumakatok.

“O, ’Nay bakit po?”

Pumasok sa loob ng silid ni Haru si Nanay Conching. “Nakausap ko na si Marky. Sabi ko sa’yo papayag iyon, eh.”

Pakiramdam ni Haru ay nawala ang kanyang antok dahil sa sinabi ng ina. “Kailan daw po siya pupunta rito?” naitanong niya sa kawalan ng sasabihin.

“Bukas. Sabi ko sa kanya, bukas na lang. Kasi sa lunes ka pa naman magsisimula sa bago mong trabaho,” nakangiting sagot ng kanyang nanay.

“Mag-iingat ka rito, ’Nay. Hindi bale, nandito naman ako tuwing Sabado at Linggo. Kahit paano matitingnan ko pa rin kayo. Kapag may problema, tawagan n’yo agad ako,” bilin niya sa kanyang ina.

“Oo, ako na ang bahala,” paniniguro pa nito. “Huwag mo akong masyadong iniintindi. Kaya ko pa naman. Malakas pa ako…”

Hindi na nakipagtalo pa si Haru. Gagawin na lang niya ang abot ng kanyang makakaya para maalagaang mabuti ang nanay niya. Lahat ng ginagawa niya ay para rito. Mahal na mahal niya ang kanyang Nanay Conching.

Kinabukasan ay hindi inaasahan ni Haru na maagang darating ang pinsan niyang si Marky. Ang akala niya ay gabi pa ito darating, pero bago pa magtanghali ay kumatok na ito sa pinto.

“Anak, nandito na si Marky,” masayang pagbabalita ng kanyang ina. Agad niyang napuna ang lalaking nasa likuran nito at naglalakad papalapit sa kanya. May bitbit itong isang travelling bag.

“Kumusta ka na, Haru?” nakangiting bati ni Marky. “Ang tagal din nating hindi nagkita.”

Saglit na tiningnan ni Haru ang kanyang pinsan. Tatlumpu’t dalawang taon na si Marky. Napansin niyang mas gumuwapo ito ngayon. Lumutang ang gandang lalaki nito sa morenong kulay ng balat at magandang pangangatawan na halatang batak sa gym.

Tipid na ngiti lang ang isinagot niya sa tanong ng pinsan.

“Eh, anak, tutal naman ay tuwing Sabado at Linggo ka lang uuwi rito, sinabi ko kay Marky na siya na lang ang ookupa ng kuwarto mo. Kapag nandito ka, kasya naman kayong dalawa sa higaan mo.”

“’Nay?!” Bumakas sa mukha niya ang pagtutol.

“Ayaw mo ba?” maagap na tanong ni Marky, napatingin tuloy rito si Nanay Conching.

“S-sige, ’Nay. Ikaw po ang bahala,” tanging naisagot ni Haru.

“O, siya, ilagay mo na ang mga gamit mo riyan, Marky. Tapos sumunod na kayo sa akin dito sa kusina at kakain na tayo.” Tumalikod na ang matandang babae upang pumunta sa kusina. Naiwan sa silid sina Marky at Haru.

“Buti ka pa, mukhang maganda ’yang trabahong pupuntahan mo. Ako, hanggang factory na lang talaga.” Saglit na sumulyap sa kanya si Marky pero hindi naman niya ito tiningnan.

“Pumunta na kayong dalawa rito, nakapaghain na ako,” narinig nilang sigaw ni Nanay Conching mula sa kusina.

Tahimik na lumabas ng silid si Haru. Iniwan niyang mag-isa si Marky.

“Huy, hintayin mo ’ko!” Humabol na ito sa kanya.

NANG sumapit ang gabi ay parang gusto nang hilahin ni Haru ang oras. Magkatabi silang nakahiga ngayon ni Marky sa higaan niya. Pagkalipas ng halos labinlimang taon ay muli silang nagkasama sa iisang silid ng lalaking unang nagmulat sa kanya sa kamunduhan.

Hindi na niya namalayan ang pagtakbo ng oras dahil dinalaw na siya ng antok. Hindi na rin niya alam ang oras nang maalimpungatan siya dahil sa bigat ng katawan na nakadagan sa kanya.

Nagmulat siya ng mata at kahit madilim sa kanyang silid ay nakilala niya ang lalaking nasa ibabaw niya.

“Kuya Marky!” sabi niya sa mahinang tinig pero sapat iyon para marinig ng tinawag niya. “Anong ginagawa mo?” Itinulak niya ito kaya naalis ito sa pagkakadagan sa kanya.

Akala niya ay tapos na. Hindi niya inaasahang biglang babangon ang kanyang pinsan at mabilis siyang inupuan sa dibdib kasabay ang pagsakal sa kanya gamit ang kanang kamay samantalang ang kaliwa naman ay humawak sa buhok niya.

“Anong inaarte mo sa akin, ha? Nagmamalinis ka? Huwag sa akin, Haru. Kung sana hindi ko alam kung ano ang trabaho mo. Alam ko ang kalakaran sa mga massage parlor. Isa kang bayaran!” matigas na sabi ni Marky. Lalo pa niyang diniinan ang pagkakasakal kay Haru na nagpumiglas naman at pilit na inaaalis ang kamay niya, subalit hindi nito magawa dahil mas malakas siya rito.

“Hayup ka… Hayup ka!” nanggigigil sa galit na sabi ni Haru. Kung puwede nga lang sana niyang patayin ang pinsan niyang ito, malamang ay nagawa na niya.

“Sige, mag-ingay ka para magising ang nanay mo at makita niya tayo sa ganitong sitwasyon. Ako lang ba ang mapapahiya? Bigyan mo ng dahilan para atakehin naman sa puso ang sakitin mong ina.” Mas hinigpitan pa niya ang pagkakasakal kay Haru. “Wala kang magagawa kapag ginusto ko. Tandaan mo, utang na loob mo sa akin na babantayan ko ang nanay mo. Hindi masama kung paminsan-minsan ay maniningil ako.” Inilapit ni Marky ang mukha niya sa mukha ni Haru. Halos magkadikit na ang kanilang mga mukha nang magsalitang muli ito, “Naiintindihan mo?”

Nang hindi sumagot si Haru ay ubod-lakas na hinila ni Marky ang buhok nito.

“Aahhh!” Napaungol sa sakit si Haru. Pero pinutol ni Marky ang pag-ungol na iyon nang selyuhan nito ang bibig ni Haru ng isang mariing halik sa labi. Nang-aangkin ang halik na iyon.

Gulat na gulat si Haru sa ginawa ni Marky. Natuluyan na bang maging bakla ang pinsan niya kaya nanghahalik na rin ito ngayon sa labi?

Mas natuliro ang utak ni Haru nang magsimulang igiit ni Marky ang dila nito sa kanyang labi para makapasok sa loob ng kanyang bibig. Pinilit niyang itikom ang kanyang bibig para hindi ito tuluyang mapasok ng dila ni Marky subalit mas pursigido ang huli na maisakatuparan ang sariling balak.

Sa patuloy na pagtikom ni Haru ng kanyang bibig ay biglang kinagat ni Marky ang kanyang labi. Napasigaw sa sakit si Haru. Natikman niya ang maalat at tila lasang kalawang na likidong lumabas sa nasugatan niyang labi.

Mas lalo pang nag-umulol sa matinding pagnanasa si Marky nang makitang nasasaktan si Haru. Sa wakas ay malaya niyang naipasok ang dila niya sa loob ng bibig ng kanyang pinsan.

Hindi na nanlaban si Haru. Hindi na rin siya nagpakita ng pagtutol. Ang lahat ng gustong gawin ni Marky ay nagawa nito kay Haru nang buong laya at walang kahirap-hirap.

Ikasiyam na Salat

“AALIS na ako, ’Nay,” paalam ni Haru sa kanyang ina kinabukasan.  Nakasimpleng puting t-shirt lang siya at maong na pantalon. Nakasabit sa likod niya ang kanyang backpack na naglalaman ng mga damit niya at ilang personal na mga gamit. “Baka dumaan na sa kanto si Jep. Nakakahiya naman kung maghihintay pa siya.” Nakita niyang lumabas ng silid niya si Marky. Wala itong suot na damit pang-itaas. Tanging boxers shorts lang ang tumatakip sa katawan nito.

Gusto niya itong lapitan at pagsabihan. Hindi man lang nahiya sa nanay niya ang hayup para pumarada sa loob ng bahay nila na ganoon lang ang suot.

“Mag-iingat ka roon, anak.”

“Opo, ’Nay. Mag-iingat ka rin dito,” sabi niya sa medyo malakas na boses para masigurong marinig iyon ni Marky na pasimple pa niyang binigyan ng matalim na tingin.

Nagmano siya sa nanay niya at saka lumabas ng kanilang bahay. Sinundan na lang siya ni Nanay Conching ng tanaw habang papalayo siya sa kanilang bahay.

Eksaktong pagdating niya sa kanto kung saan niya hihintayin si Jep ay saka naman dumating ang lalaki sakay ng kotse nito. Huminto ang sasakyan sa tapat ni Haru at agad naman siyang sumakay sa passenger seat sa unahan. Nakangiti sa kanya si Jep pero katulad ng dati ay naroon pa rin ang pagkamisteryoso sa itsura nito.

“Ready ka na ba?” tanong ni Jep sa kanya.

Tumango siya nang walang pag-aalinlangan. “Oo. Saan ba tayo pupunta?”

“Malalaman mo mamaya…” sagot nito habang abala sa manibela. “Isa lang ang bilin ko sa’yo. Ilagay mo sa isip mo na isa kang lisensiyadong physical therapist.”

“Ha?”

“Hindi ka masahista. At hindi ka galing sa massage parlor,” patuloy pa ni Jep. “Kapag may nagtanong sa’yo kung saan ka dati nagtatrabaho, sabihin mong nagtrabaho ka sa isang ospital. Ikaw na ang bahala. Kailangan mong gumawa ng kuwento.”

“Bakit?” nagtatakang tanong ni Haru. Hindi niya inaasahang may kakambal na pagkukunwari ang gagawin niya sa bago niyang trabaho.

“Huwag ka nang maraming tanong pa. Sumunod ka na lang.” Dinukot ni Jep sa bulsa ang kanyang wallet at kinuha roon ang isang ID at iniabot kay Haru.

Kumunot ang noo ni Haru. Nagulat siya sa nakita. Ang ibinigay sa kanya ni Jep ay isang PRC ID na nagpapatunay na isa siyang lisensiyadong physical therapist. At may pirma pa niya ang ID. Puno ng mga tanong ang kanyang mata na napatingin siya sa kausap. “Peke ito?”

“Natural,” natatawang sagot ni Jep. “Gagamitin mo lang ’yan kapag may gustong makakita ng katibayan na propesyunal ka nga.”

“Bakit kailangan kong magpanggap?” Gusto niyang magprotesta.

“Dahil mag-aalaga ka ng isang pasyenteng inbalido ang kalahating katawan.” Hindi na dinetalye ni Jep ang kanyang sagot.

“Binayaran ako ng fifty thousand kada isang buwan, bakit hindi na lang sila kumuha ng totoong physical therapist?”

“Ang dami mong tanong, Haru. Basta sumunod ka na lang sa mga sinabi ko. Huwag mong kalilimutan ang lahat ng bilin ko. Alalahanin mo, hindi ka na puwedeng tumanggi pa dahil bayad ka na sa apat na buwan mong suweldo.”

“Paanong nagkaroon ng pirma ko itong ID?”

“Marami kang pirma sa spa. Pumipirma ka sa attendance sheet. Pumipirma ka ’pag kinukuha mo ang suweldo. Pumirma ka rin sa kontrata noong nag-usap tayo. Hindi mahirap maghanap ng pirma mo,” kampanteng sabi nito.

Natahimik si Haru. May mali ba sa ginawa niyang pagtanggap sa trabahong inialok sa kanya ni Jep?

“Huwag kang mag-alala, Haru. Basta sundin mo lang ang mga sinabi ko, wala kang magiging problema,” paniniguro pa ni Jep sa kanya.

Marahan na lang siyang napatango.

Tahimik na silang nagpatuloy sa biyahe.

ISANG subdivision sa BGC, Taguig  ang pinuntahan nila. Sa gate pa lang ay nakita ni Haru na sumaludo kay Jep ang dalawang guwardiya. Mukhang kilala ng mga ito ang boss niya. Tagarito kaya si Jep?

Ilang kanto pa mula sa gate ng subdivision ang nilampasan nila at saka kumaliwa ang sasakyan at huminto sa tapat ng isang malaki at modernong bahay. Sa tingin ni Haru ay parang mansyon na ang bahay na ito.  Sa gate ay may isang lalaking nagbabantay. Agad nitong binuksan ang gate para maipasok ni Jep ang sasakyan.

Nang maiparada ang sasakyan ay bumaba sa kotse sina Jep at Haru.

“Bahay mo ’to?” naitanong niya kay Jep habang ang mga mata niya ay puno ng paghanga sa karangyaang nasa kanyang harapan.

“Hindi,” matipid na sagot ni Jep.

“Nandiyan na pala kayo!” Hindi nila namalayan ang paglabas ng isang guwapong lalaki mula sa loob ng bahay. Kasing-edad lang siguro ito ni Jep. Maganda rin ang katawan nito at mukhang mayaman kahit na nga naka-cargo shorts at white t-shirt lang ito. “Pumasok kayo,” anyaya nito sa kanila.

“Xion! Nasaan ang wife mo?” tanong ni Jep. “Nandito na ang physical therapist na inirekomenda ko para sa kanya.” Napatingin sa kanya si Haru. Nginitian lang niya ito.

“Nasa kuwarto si Amelia, nagpapahinga. Hayaan na lang muna natin siya roon,” sagot ni Xion. Binalingan nito si Haru. “Anong pangalan mo?”

“Haru…”

“Nice name,” komento pa ni Xion. “Japanese word na ang ibig sabihin ay spring, tagsibol.”

Hindi umimik si Haru. Tumango na lang siya.

Mas namangha si Haru nang makapasok sila sa loob ng bahay. Kung marangya na ang itsura nito sa labas ay elegante naman ang loob ng bahay na iyon. Bawat gamit ay mukhang mamahalin at napakaganda ng contemporary interior design ng bahay. Simple pero totoong elegante. Alam ni Haru, hindi biro ang halaga ng salaping ginastos para sa interior design ng bahay na iyon.

“Maupo muna kayo,” alok ni Xion sa dalawang bisita. “Kanina ko pa kayo hinihintay. Nagpahanda na ako ng makakain.”

Kauupo pa lang nina Jep at Haru nang makarinig sila ng tunog na tila nagmumula sa isang kuliling (small bell).

“Tinatawag na ako ng asawa ko,” sabi pa ni Xion. “Dito lang kayo, pupuntahan ko lang siya sa kuwarto para mailabas ko siya rito.”

Bago pa nakasagot si Jep ay nakalakad na si Xion papunta sa kuwarto.

Nang bumalik ito sa salas ay itinutulak nito ang isang wheelchair kung saan nakaupo ang isang may edad ng babae. Kung itsura ang pagbabasehan, siguro ay lagpas kuwarenta na ang edad nito. Kahit may edad na ay bakas pa rin sa mukha nito ang natural nitong ganda. Nakangiti ang babae nang makalapit sa kanila.

“Hon, si Jep, barkada ko. Naalala mo?” tanong ni Xion sa asawa. “Nagpunta na siya dati rito.”

“Oo, natatandaan ko siya,” nakangiting sagot ng babae na kumaway pa kay Jep. Gumanti naman ng kaway rin ang lalaki.

“Siya naman si Haru, ang physical therapist mo,” pagpapakilala ni Xion sa kanya.

“Nice to meet you, ma’am,” magalang na sabi niya.

“She is my wife, Amelia. Siya ang aalagaan mo,” sabi niya kay Haru na kaagad namang tumango.

“Matagal ka na bang physical therapist, Haru?” tanong ni Amelia.

Saglit na napatingin si Haru kay Jep bago sumagot. “Maglilimang taon na po.”

“Ako naman, magpipitong buwan nang nakatali sa wheelchair mula nang maaksidente ang kotseng sinasakyan ko. Sobrang na-damage ang spinal cord ko kaya paralisado na ako mula baywang pababa. Awa na lang Diyos na nabuhay pa ako kaya kahit naparalisa ako, nagpapasalamat pa rin ako sa pangalawang buhay na ibinigay sa akin.”

“At saka nandito pa naman ako. Hinding-hindi kita iiwan,” pangako naman ni Xion.

Humanga si Haru sa napakapositibong disposisyon ni Amelia. Pero humanga rin siya kay Xion sa pagmamahal at pag-aalagang ginagawa nito sa asawang ’di hamak na mas matanda kaysa rito.

Pero sa isang sulok ng puso at utak ni Haru ay naroon ang pag-aalala.

Paano niya maaalagaan nang tama si Amelia gayong hindi naman siya totoong physical therapist? Marunong lang siyang magmasahe.

Por Diyos por santo, hindi masahista ang physical therapist sa kung paanong hindi physical therapist ang isang masahista! Iba ang klase ng masaheng ginagawa ng isang physical therapist kumpara sa masaheng ginagawa ng katulad niyang massage therapist.

Ikasampung Hilot

PAGKATAPOS kumain ay tinawag ni Xion ang kasambahay nilang si Callie.

“Samahan mo si Haru sa magiging kuwarto niya,” utos ni Xion sa babae na agad namang tumango at tumingin kay Haru.

“Halika, sumunod ka sa akin,” sabi nito kay Haru. Magkasunod na naglakad ang dalawa papunta sa magiging silid ni Haru sa bahay na iyon.

“Uuwi na ako, Xion,” untag naman ni Jep. “Amelia, aalis na ako.”

“Mag-iingat ka sa pagmamaneho. Mahirap maaksidente. Tingnan mo ang nangyari sa akin…” paalala ng asawa ni Xion.

“Lagi akong nag-iingat. Salamat sa masarap na pananghalian. Tutuloy na ako.”

Mabilis na hinawakan ni Xion ang wheelchair ni Amelia. “Ihahatid ka na namin hanggang sa sasakyan mo.”

“Well, kayo ang bahala…” nakangiting sagot ni Jep at kampanteng naglakad papunta sa kanyang nakaparadang sasakyan.

“Dreb, buksan mo ang gate,” utos ni Xion sa lalaking bantay at siya ring nagbukas ng gate kanina.

Mabilis na kumilos si Dreb para sundin ang utos ng kanyang amo.

Kumaway pa si Jep sa mag-asawa bago nito pinaandar ang kotse at saka nilisan ang lugar na iyon.

ANG magiging silid ni Haru ay malaki. Hindi niya inaasahang ganito ang kuwartong ibibigay sa kanya ng mga bago niyang amo. Kung sabagay, baka wala namang maliit na kuwarto ang bahay na ito. Hindi bagay ang maliit na silid sa isang bahay na malaki at magarbo.

“Katabi nitong kuwarto mo ang kuwarto ko. Katabi naman ng kuwarto ko, ang kuwarto ni Dreb,” pagbibigay impormasyon ni Callie.

“Sino si Dreb?”

“Ah, driver ni Ma’am Amelia si Dreb. Kapag kailangan ni Ma’am Amelia na pumunta sa opisina, si Dreb ang naghahatid sa kanya roon. Malamang, sa susunod na pumunta ng opisina si Ma’am, kasama ka na,” patuloy na pagkukuwento ng babae.

“Matagal ka na ba rito?” tanong ni Haru.

Umiling ang babae. “Hindi. Magtatatlong buwan pa lang ako rito. Sige, may gagawin pa ako, eh. Dito ka na lang muna. O, kaya naman ay kausapin mo ang mga amo natin, baka may ipagagawa sa’yo.” Kumindat pa sa kanya ang babae at saka siya iniwan nito.

Nang nakatalikod na si Callie ay saka napansin ni Haru ang kakaibang pag-imbay ng balakang nito. Seksi si Callie, hindi iyon maipagkakaila ng mahubog nitong katawan. Ang balakang nito ay senswal din kung umindayog habang naglalakad. At kanina, habang kausap  niya ito ay hindi nakaligtas sa kanya ang mapang-akit nitong anyo. Napakaganda ni Callie. Walang mag-iisip na isa itong kasambahay dahil kuntodo make-up pa ito at sunod sa uso kung pumorma.

At kumindat ba ito sa kanya kanina nang magpaalam na aalis na?

Whew!

Napailing na lang si Haru habang natatawa.

Inayos niya ang kanyang mga damit sa clothes organizer na nasa kuwarto. Iilang piraso lang naman ang mga damit niya kaya hindi nagtagal ay naisalansan na niyang lahat ang mga ito.

Lumabas siya ng silid. Nakasalubong niya si Xion.

“Sumunod ka sa akin. May pag-uusapan tayo,” sabi nito sa kanya kaya napasunod siya rito.

Pumasok sila sa isang silid na mistulang isang opisina ang ayos. Umupo si Xion sa silyang nasa likuran ng isang office table.

“Take a seat, Haru,” utos ni Xion habang nakatingin sa kanya.

Walang kibong sinunod niya ang sinabi ng kanyang bagong amo.

“Alam kong nasabi na sa’yo ni Jep kung ano ang magiging trabaho mo rito. Now,  I want to know kung naiintindihan mo lahat ng sinabi niya.” Hindi inaalis ni Xion ang tingin kay Haru.

“Oo, Sir Xion. Malinaw naman sa akin kung ano ang magiging trabaho ko rito,” kaswal niyang sagot.

“Mabuti kung ganoon. Kasama sa trabaho mo siyempre ang sundin lahat ng ipag-uutos ni Amelia… at ipag-uutos ko. Malinaw ba iyon?”

“Malinaw, Sir. “ Sinabayan pa niya ng pagtango ang kanyang sagot.

“Lahat ng makikita mo sa bahay na ito, dapat sa’yo lang. Dapat dito lang. Hindi na kailangang makarating pa sa ibang tao.”

May mga tanong sa isip ni Haru pero mas pinili niyang huwag nang magsalita. Alam naman na niya kung ano ang ibig sabihin ng amo niya. Hindi na kailangang ipaliwanag pa. “Kung wala na kayong sasabihin, puwede na ba akong umalis?”

Naningkit ang mga mata ni Xion. Dumilim ang mukha niya. Napakaaga naman yatang magpakita ng sungay ng bago niyang tauhan.

“Sige, makakaalis ka na. Pero hindi para magpahinga. Puntahan mo si Amelia sa kuwarto. Baka may ipag-uutos siya sa’yo.”

Walang salitang tinalikuran ni Haru ang amo. Lumabas siya ng silid at nagtungo sa silid kung saan pinuntahan ni Xion kanina si Amelia.

Kumatok sa pinto si Haru.

“Pumasok ka,” narinig niyang sabi ni Amelia mula sa loob ng silid.

Binuksan ni Haru ang pinto. Naabutan niyang nasa kama si Amelia at nagbabasa ng libro.

“Ma’am Amelia, sabihan mo ako kapag gusto mong lumabas o kaya naman ay kapag gusto mong magpamasahe.”

“Sige…” matipid na sagot ng babae.

“Ma’am, puwede ko bang hingin ang mga reseta ng gamot mo para alam ko kung anong oras ka dapat uminom?”

“Huwag na. Kabisado ko naman ang oras ng pag-inom ko ng mga gamot. Tatawagin na lang kita kapag kailangan kong uminom,” sabi pa ng amo niyang babae na hindi man lang nag-angat ng ulo at sa libro pa rin nakatingin. “Huwag mo nang problemahin ang mga gamot ko. Kaya ko naman. Ako na ang bahala…”

“Ma’am, kung may kailangan ka, nandoon lang ako sa kuwarto ko,” sabi ni Haru at saka lumabas na ng silid.

Hanggang sa makapasok sa silid ay iniisip niya ang trabahong pinasok. Parang weird. Parang may mali. Hindi siya tanga para hindi maisip na hindi siya ang dapat kinuha para sa trabahong ito. Unang-una, dapat babae ang kinuhang private therapist ni Amelia. Paano kapag maliligo na ito? Siya ba ang magpapaligo?

Napahugot siya nang malalim na hininga. Wala na siyang magagawa dahil kailangan niya ang trabahong ito. Gagawin na lang niya ang lahat para magawa ito nang tama.

Pagkatapos maghapunan ni Amelia ay dinala niya ito sa kuwarto para painumin ng gamot nito. Nakita niyang tatlong klase ang gamot na pinakuha nito sa kanya sa drawer ng computer table nito.  Napansin niyang walang pangalan ang mga plastik na botelya ng mga gamot.

Iniabot niya kay Amelia ang mga gamot.

“Kukuha muna ako ng tubig,” sabi niya rito at kaagad na lumabas ng silid.

Pagbalik niya ay may dala na siyang isang basong tubig. Ibinigay niya ito kay Amelia.

“Salamat…” Inabot ng babae ang basong may tubig. Isinubo niya ang mga gamot at saka uminom ng tubig.

“May ipagagawa ka pa ba, Ma’am?” tanong niya.

“Ilipat mo na lang ako sa kama. Tapos, puwede ka nang bumalik sa kusina at kumain. Sabihan mo sina Dreb at Callie na kumain na rin. Tatawagin na lang kita kapag may kailangan ako,” kaswal na sabi ni Amelia.

Maingat na binuhat ni Haru ang among babae para mailipat ito sa kama. Kinumutan niya rin ito hanggang baywang.

“Lalabas na ako, Ma’am Amelia.”

Nakita niyang tumango ang among babae.

Naabutan niyang kumakain na sa kusina sina Callie at Dreb. Nasa mesa ang kaldero ng kanin at ulam. May plato at kubyertos na rin doon na hindi pa nagagamit. Habang kumakain ay nagkukulitan pa nga ang dalawa na sa wari ba ay kapwa palagay na ang loob sa isa’t isa.

“O, kumain ka na rin, Haru. Nauna na kami kasi akala namin matatagalan ka pa sa kuwarto ni Ma’am Amelia,” sabi ni Callie. “Kilala mo na si Dreb, ’di ba?” tanong niya habang itinuro pa ang lalaking kasabay niya sa pagkain.

“Alam ko na ang pangalan niya,” sagot niya kay Callie tapos ay nilingon niya si Dreb. “Haru nga pala, Dreb,” pagpapakilala niya.

“Umupo ka na at kumuha ng pagkain mo para makasabay ka na sa amin,” nakangiting sagot naman ni Dreb. Kahit nakangiti ito ay hindi nakaligtas kay Haru ang talim ng mga mata nito. O baka naman sobra lang siyang nag-oobserba kaya kung anu-ano ang napapansin niya.

“Sige, kukuha na ako ng pagkain.” Umupo siya at kinuha ang plato at kubyertos na nasa mesa at saka sumandok ng pagkain sa kalderong nasa mesa.

Wala siyang imik habang kumakain. Si Callie ang unang natapos. Sumunod si Dreb na agad ding umalis sa kusina pagkatapos hugasan ang pinagkainan niya.

“Pumunta ka na sa kuwarto mo, Callie. Ako na ang bahala rito.”

“Sige, patayin mo na lang ang ilaw pagkatapos mo rito.” Hindi niya alam kung nakita ni Callie ang pagtango niya dahil mabilis na itong naglakad papunta sa silid nito.

Nang gabing iyon ay hindi agad nakatulog si Haru kahit na ba komportable naman siya sa silid niyang air-conditioned. Para bang nauuhaw siya na hindi niya maintindihan. Naisipan niyang bumangon upang kumuha ng tubig. Paglabas niya ng kuwarto ay napansin niyang bukas ang silid ni Dreb. Kaswal siyang naglakad papunta sa kusina at laking gulat niya nang mapadaan sa silid ni Dreb at hindi sinasadyang masilip ang ginagawa nito. Hindi siya maaaring magkamali dahil napagdaanan na rin niya ang ganitong bisyo.

Abala si Dreb sa pagsinghot ng shabu!

Nanlaki ang mga mata ni Haru. Sa isang iglap ay nanumbalik sa alaala niya ang mga panahong sumubok siyang tumikim ng ipinagbabawal na droga.

GRAB A COPY NOW

Hello,

My novel ARANNIK: Hilakbot sa Pusod ng Gubat is now published under VRJ Books (Viva Books Publishing, Inc.). Copies are available in all National Bookstores and Powerbooks branches nationwide for only P225.00.

Maraming nadagdag na scenes sa book na wala sa Wattpad version.

Sana suportahan po ninyo ang unang libro ko sa Viva Books Publishing para magkaroon pa ng kasunod.

Please grab your copy now.

Maraming salamat!


Return to top?