Beinte-uno Kuwarenta
vincentmanrique · 62 chapters · 75,065 words
Beinte-uno Kuwarenta
Kuwarenta si Anton. Beinte-uno si Jason.
Nagkakilala sila sa panahong nangako na si Anton sa sarili na hinding-hindi na siya magpapaloko pang muli sa mga lalaki.
Pero si Jason ay isang sariwang putahe na ayaw niyang palampasin.
Tumatanggi ang kanyang isipan… Pero ang walang kadala-dala niyang puso, siya naman ay sinusulsulan.
1
FRIDAY NIGHT.
Maraming customer ngayon sa Moonlight Bar. Ito ang paboritong tambayan ngayon ng mga macho gays. May mga all out gays ding nagpupunta rito pero mas kilala ang lugar na ito sa dami ng mga guwapo at machong kalalakihan na ang puso’y tumitibok sa tulad din nila ang kasarian. Kung itsura lang ang pagbabasehan, walang mag-aakalang may bahid ng kalambutan ang mga lalaking naririto. Sa likod ng naglalakihan nilang mga katawan na hinulma ng regular na pag-eensayo sa gym ay naroon ang katotohanang tumitili sila ’pag nakikipagkuwentuhan sa isa’t-isa lalo na at ang lalaking tipo nila ang paksa ng usapan.
Sa isang sulok ng madilim na bar ay naroon si Anton at mag-isang nilalango ang sarili sa espiritu ng alak habang pinanonood ang isang customer na kumakanta sa stage. Isa sa panghatak ng bar na iyon ang videoke at malayang kumanta ang sinuman habang sinasabayan ang lyrics ng awitin na lumalabas sa malaking tv screen na nasa ibaba sa bandang harapan ng stage. Siyam na basyo ng beer ang nasa mesa ni Anton. Pang-sampu na ang boteng tinutungga niya ngayon. Mag-isa siyang nagtungo sa lugar na iyon para makalimot. Mag-iisang buwan na mula nang iwanan siya ni Carlo, ang lalaking nakarelasyon niya ng tatlong buwan. Pero hanggang ngayon ay hindi pa naghihilom ang sugat na iniwan nito sa kanyang puso. Pinagtatawanan na nga siya ng best friend niyang si Jairus. Talo pa raw niya ang babae kung mag-emote. Sabi pa nito, hindi raw dapat iniiyakan ang mga katulad ni Carlo dahil marami raw pwedeng ipalit rito. Isa, dalawa, tatlo. Kahit apat pa ay pwede niya raw palitan si Carlo. Pero ano bang magagawa ni Anton kung minahal niya talaga ang walang kuwentang Carlo na ’yun? Hindi naman kasi siya katulad ng iba na tila naglalaro lang. Seryoso siya ’pag nagmahal. Masama ba ’yun? Sa edad niyang kuwarenta, parang awkward naman yata kung ngayon pa siya hindi magseseryoso. Ang totoo, pinangarap niyang si Carlo na ang huling lalaki sa buhay niya. Akala niya kasi silang dalawa na hanggang sa huli. Mali pala. Wala nga palang forever. Lalo na sa mga katulad niya.
Pero iyon na ang huling beses na magpapaloko siya sa lalaki. Sisiguruhin niyang hindi na siya maloloko ulit ng kahit sino.
Naubos ang pangsampung bote ng beer ni Anton. Medyo dumodoble na ang tingin niya sa mga tao sa bar. May tama na siya, alam ni Anton. Pero malinaw pa ang kanyang isip. Kakayanin pa niyang makauwi.
Sumenyas si Anton na tila tumatawag ng waiter. Isang tauhan ng bar ang agad na lumapit kay Anton.
“Bill out na ako,” sabi ni Anton.
“Saglit lang, sir. Kukunin ko lang ang bill mo.”
Tumango lang si Anton habang ang waiter naman ay umalis para kunin ang bill.
HINDI TUWID ang paglalakad ni Anton habang papalabas ng bar. Nilakad niya ang kalye papuntang sakayan ng jeep sa gawing iyon ng Cubao. Malalim na ang gabi pero marami pa ring tao sa kalye. Karamihan ay naghihintay rin ng masasakyan pauwi sa kanilang mga tahanan.
Napansin ni Anton ang isang lalaking ilang hakbang lang ang layo mula sa kanya. Tila naghihintay rin ito ng masasakyan.
Nagtama ang kanilang mga tingin nang hindi sinasadya. Nagulat pa si Anton dahil tingin niya’y ngumiti sa kanya ang lalaki.
Ngumiti nga ba? O lasing lang talaga siya?
Mas nagulat pa si Anton nang biglang naglakad ang lalaki papalapit sa gawi niya. Akala niya’y lalagpasan siya nito pero huminto lang ito sa tabi niya at biglang nagtanong.
“Pauwi ka na ba?”
Tumango si Anton.
“Mukhang nakainom ka. Kaya mo pa bang umuwi?”
“Oo, isang sakay lang naman ako mula rito.”
“Ahh… Buti naman kung ganoon.”
Ngumiti si Anton pero ’di na siya sumagot.
“Ako nga pala si Jason.” Inilahad nito ang palad. “Ikaw, anong name mo?”
“Anton…” Tinanggap ni Anton ang palad ng bagong kakilala at saglit na nakipagkamay rito.
Pinara ni Anton ang dumaang jeep na may dalawang pasahero. “Sasakay na ako…”
“Ha?”
Sumakay na ng jeep si Anton. Hindi niya inaasahan na sasakay rin si Jason.
“Saan ka umuuwi?” tanong ni Anton.
“Sa Katipunan.”
“O, eh ba’t ka sumakay? Biyaheng Quiapo ’to.”
“Ihahatid na kita. Gusto kong masigurong makakauwi ka nang maayos. Nakainom ka, eh.”
Natulala si Anton. Ano’ng trip ng lalaking ito at ihahatid raw siya?
“Ayaw mo?” tanong ni Jason.
“Bakit?”
“Anong bakit?”
“Bakit mo ako ihahatid?”
“Para nga masiguro kong makakauwi ka sa inyo…”
“Bakit ka concern?”
Huminto ang jeep at nag-pick up ng mga pasahero hanggang sa mapuno na ito.
“Mamaya na lang tayo mag-usap pagbaba natin,” sabi ni Jason. “Saan ka bababa?”
“UST.”
Dumukot ng pera sa bulsa si Jason at nagbayad. “Pakiabot ng bayad, dalawang UST…”
Wala nang trapik sa oras na iyon kaya mabilis nilang narating ang UST.
“Sa tabi lang…” sabi ni Jason.
Huminto ang jeep.
Nauna nang bumaba sa jeep si Jason, kasunod si Anton.
“Saan dito ang sa inyo?” tanong ni Jason.
“Sasama ka talaga?” Nagsimulang maglakad si Anton.
“Oo. Nandito na nga ako, ’di ba?” Sinabayan ni Jason ang paglalakad ng kausap.
“Eh, bakit ka nga concern?”
“Masama ba?”
“Nakakapagtaka lang kasi.”
“Interesado ako sa’yo…”
“Pakiulit.”
“Alam kong narinig mo ang sinabi ko.”
Natawa si Anton. “Seryoso ka?”
“Mukha ba akong nagbibiro?”
“Bakla ka? Bisexual?”
Umiling si Jason. “Sa ngayon, straight pa ako. Never pa akong nakipagrelasyon sa lalaki.”
“Eh, bakit sabi mo interesado ka sa akin?”
“Ewan ko. Iba ang naramdaman ko sa’yo nung nagtama ang tingin natin kanina. Siguro, kung magiging tayo bisexual na ako.”
Napabuga ng hangin si Anton. “Totoy, ilang taon ka na ba?”
“Hindi na ako totoy. Beinte-uno na ako.”
“Ako, kuwarenta. Papasa na akong maging tatay mo.”
“E, ano? Hindi ka mukhang kuwarenta. Wala sa itsura at porma mo. At saka hindi naman importante ang edad.”
“Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakainom o pati rin ikaw.”
“Hindi ako nakainom. Malinaw ang pag-iisip ko.”
“O, andito na tayo. Eto ang bahay ko. Paano? Salamat sa paghatid at sa paglibre sa pamasahe sa jeep. Ingat ka sa pag-uwi.”
“Pwede ko bang hingin ang number mo?”
Saglit na nag-isip si Anton. Napakabata pa ng Jason na ito. Hindi ito ang tipo niya. Parang anak na nga niya ito. Pero hindi maikakailang gwapo ang lalaking ito at maganda ang katawan. Matangkad pa. Pero paano na ang pangako niya sa sarili na hindi na siya muling magpapaloko sa isang lalaki? Katatapos lang ng panloloko ni Carlo sa kanya. Hindi pa nga siya nakaka-move on tapos eto na naman. Pero ’di ba pwedeng si Jason ang gawin niyang inspirasyon para makalimutan niya si Carlo? Paano kung naghahanap lang pala ng ibang kalaro ang Jason na ito? Eh, ’di siya na naman ang luhaan in the end?
“Hindi puwede.”
“Ha? Number lang naman. Para may communications tayo.” Nalungkot ang itsura ni Jason.
Mas naging guwapo pa ito sa paningin ni Anton. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Ayaw niya kay Jason pero tangay na tangay siya ng kakaibang kaguwapuhan nito. Para siyang teenager na gustong kiligin sa appeal ng binatang kaharap.
“Please… Number lang naman.”
“09494648645.”
“Teka, teka saglit!” Agad na dinukot ni Jason sa bulsa ang cellphone niya para i-save ang number ni Anton. “0949… Ano nga ulit?”
Inulit ni Anton ang numero at agad itong inilagay ni Jason sa cellphone niya.
“Salamat!” Todo-ngiti si Jason. Halos mawala na ang singkit nitong mga mata.
Parang gustong mawala sa sarili ni Anton. Bakit ba mas tumatagal eh mas lalong gumuguwapo sa tingin niya ang Jason na ito? Hanggang nang papaalis na ito pagkatapos magpaalam sa kanya ay sinundan pa niya ng tingin ang binata.
Anton
,
umayos
ka
!
Hindi
ka
na
teenager
para
umakto
ng
ganyan
. Sinaway ni Anton ang sarili. Pero sa isang sulok ng kanyang puso ay nananatili ang nag-uumalpas na kilig na nararamdaman niya kay Jason.
2
TANGHALI na nang magising si Anton kinabukasan. Naabutan niyang nagluluto ng pananghalian ang best friend niyang beki na si Jairus na matagal na rin niyang kasama sa bahay. Naaalala pa ni Anton, may tatlong taon na ang nakakaraan nang umiiyak na dumating sa bahay niya si Jairus.
“Ano’ng nangyari? Napaano ka?” bakas sa boses ni
Anton ang pag-aalala para sa kaibigan.
“Iyong gagong kinakasama ko, binugbog ako at pinalayas!” Hindi maawat sa pagngawa si Jairus.
“At lumayas ka naman? Eh, hindi ba’t ikaw ang nagbabayad ng tinitirhan n’yo ng tarantado mong boyfriend? Bakit ikaw ang pinalayas? Dapat, siya ang pinalayas mo. Itinapon mo sana sa labas ang mga gamit niya.” Nanggagalaiti sa galit si Anton. “At dapat, hindi ka pumapayag na binugbog ka. Grabe ka! Hindi mo ba mahal ang sarili mo at hinahayaan mo ang kahit sino na basta ka na lang saktan?”
“Dumating kasi siya kanina, kasama niya ang bagong jowa niya. Doon na raw sila titira, kaya pinalayas na lang ako. No’ng ayaw kong umalis, eto bugbog award.”
“Ikaw naman kasi! Ang hilig-hilig mo sa lalaki. Kaya ayan ang napapala mo. Kailan ka ba matututo, ’pag napatay ka na ng kinakasama mo?”
Puro hikbi ang naging tugon ni Jairus. Naawa naman si Anton sa kaibigan.
“Puwede bang dumito muna ako? Wala kasi akong matutuluyan. Eto nga lang ang nadala kong gamit.” Itinuro ni Jairus kay Anton ang dala niyang dalawang bag.
“Sige, dumito ka na muna. Mas maganda nga na nandito ka para may kasama rin ako
ri
to sa bahay. At para makutusan kita ’pag umiral na naman ang pagkatanga mo sa mga lalaki.“
“Maraming salamat, Anton. Maraming salamat, best friend.”
Binati ni Jairus si Anton.
“O, good morning! Anong oras ka na ba nakauwi at tinanghali ka ng gising? Hindi ko na namalayan ang pagdating mo.”
“Alas-dos yata. Napainom lang ng konti.”
“Sus, aabutin ka ba ng alas-dos ng madaling araw kung konti?”
“Napasarap lang sa panonood ng nagvi-videoke.”
“Ba’t kasi umiinom ka na naman? Hindi ka pa rin ba maka-move on sa break-up n’yo ni Carlo?”
“Wala, nagpalipas oras lang.”
“Sige, deny pa more! Hoy! maloloko mo ang sarili mo pero hindi mo ako maloloko. Kilalang-kilala na kita. Alam ko kung kelan ka nagsasabi ng totoo at kung kelan ka nang-e-echos lang.”
“Eh, ’di ikaw na ang magaling. Alam mo na pala, ba’t nagtatanong ka pa?”
“Maluluto na itong sinigang, kakain na tayo.”
“Mapaparami na naman ang kain ko. Paborito ko na naman ang niluto mo.”
“Ayaw mo no’n? Para dalawa na tayong mataba rito?” kumpiyansang sabi ni Jairus.
“Asa ka na naman na tataba ako na tulad ng sa’yo. Ako, nag-e-exercise araw-araw. Ikaw puro kain lang ang alam kaya para ka ng lumba-lumba sa katabaan.”
“Kung maka-lumba-lumba naman ito! Sakto lang naman ang taba ko.”
“Haay, sige sabi mo, eh. Hindi na ako makikipag-argumento.”
“At saka kahit mataba ako, maganda pa rin ako.”
“Oo na. Bilisan mo na ’yan at nagugutom na ako.”
Nag-ring ang cell phone ni Anton. Numero lang ang nag-register sa cell phone.
“Hello? Sino ’to?”
“Anton, si Jason ’to. ’Yong kagabi… sa sakayan ng jeep. Hanggang diyan sa bahay mo.”
“Ah, oo. Napatawag ka?”
“Wala naman. Nangungumusta lang…” saglit na huminto sa pagsasalita si Jason. “Na-miss na kasi kita.”
Ewan pero pakiramdam ni Anton ay namula siya sa sinabi ng kausap. Si Jairus naman ay prenteng nakikinig sa sinasabi ng kaibigan bagamat hindi niya alam kung ano ang sinasabi ng kausap nito. Sa wari ay nakuha ang atensyon ni Jairus at interesado siyang malaman ang iba pang detalye.
Nahalata ni Anton na tila sumasagap ng tsismis ang best friend niya kaya naglakad siya papalabas ng kusina habang nagsasalita. “Agad? Wow, ha! Obvious na nambobola ka.”
“No! Hindi ganoon ’yon. I’m just being honest to myself. Miss na talaga kita. Gusto kitang makausap. Gusto kitang makasama… nang matagal.”
“Seryoso ka?” nagtatakang tanong ni Anton.
“Mukha ba akong nagbibiro? Tatawagan ba kita kung hindi ako seryoso?”
“Well, hindi lang siguro ako sanay na may lalaking nagbibigay sa akin ng ekstrang atensyon. Madalas kasi, ako ang nagbibigay ng atensyon sa lalaki.”
“Puwede namang mabaligtad ang sitwasyon, ’di ba? Katulad ng nangyayari ngayon.”
“Pero bakit?”
“Kasi, interesado ako sa’yo.”
“Bakit sa ’kin? Bakit ako?”
“Teka ha? Tatanungin ko muna ang puso ko…”
Napalunok si Anton. Ano ba naman ang trip ng Jason na ’to? Bakit siya pa ang nakatuwaang pagtripan?
“Hello, Anton? Nandiyan ka pa ba?”
“Nandito pa ako…”
“Puwede ba tayong magkita?”
Napabuntonghininga si Anton.
“Ang lalim naman ng buntonghininga na ’yun! Parang may pinaghuhugutan.”
“Narinig mo pa talaga ’yon, ha?”
“Oo naman,” sagot ni Jason. “O, paano? Kita tayo?”
Hindi nakasagot si Anton.
“Ano? Sumagot ka naman,” pangungulit ni Jason.
“S-Saan tayo magkikita?” Pakiramdam ni Anton ay isa siyang teenager na niyayayang makipag-date ng manliligaw niya. Pero nagdadalawang-isip siya dahil strict ang parents niya.
Tangina! Kuwarenta ka na, Anton! Huwag kang feeling dalagita. Gustong magdabog ng isip ni Anton.
“Sa Megamall. 5pm. Okay ba sa’yo ’yun?”
“Sige, darating ako.”
Pupunta rin pala, pakipot pa!
“Wow! Thank you. Akala ko tatanggihan mo ako, eh. Salamat, ha?”
“Harmless meeting lang naman, ’di ba? Kaya walang problema. So, bakit naman ako tatanggi?”
Ang sabihin mo, malandi ka rin talaga. Kunwari pang ayaw pero gustong-gusto
naman. Ayaw talagang paawat ng isip ni Anton.
“Oo naman. Gusto lang kitang makitang muli at makausap. Bitin kasi ’yung kagabi.” Ewan, pero naramdaman ni Anton ang kakaibang excitement sa boses ni Jason.
Seryoso ba talaga itong batang ito?
“Sige… Kita na lang tayo mamaya, Jason.”
“Okay. Uy, walang indyanan, ha? Hihintayin kita.”
“Huwag kang mag-alala, darating ako.”
“Salamat. Sige, see you later na lang. Bye!”
“Bye…”
Tapos nang mag-usap sina Anton at Jason ay nanatili pa rin sa kinatatayuan niya ang una. Tila iniisip pa rin kung bakit tila nagpapalipad-hangin sa kanya ang napakabata pang Jason na ’yon.
Por Diyos! Beinte-uno lang siya!
At ikaw, kuwarenta! tili ng isip niya. Papasa ka ng ama niya.
Naputol ang pag-iisip ni Anton nang mapansin niya si Jairus na nasa harapan na pala niya at tila nakakaloko ang pagkakangiti.
“Anong nginingiti-ngiti mo diyan?” sita ni Anton sa kanyang matalik na kaibigan.
“Nagniningning ang mga mata mo, best friend. Parang in love ka?”
Pakiramdam ni Anton ay pinamulahan siya ng mukha. “Gaga! Kung anu-ano ang napapansin mo. Luto na ba ang ulam? Maghain ka na, nagugutom na ako.”
“Asus! Huwag mong baguhin ang usapan. Sino ’yang tumawag sa’yo na nagpapatibok ng puso mo?”
“Baliw!”
Humalakhak si Jairus. “Ang akala ko pa naman ’di ka pa rin nakaka-move on sa ex mong si Carlo. ’Yon pala, kumekerengkeng ka na naman.”
“Huwag mo akong itulad sa’yo na napakabilis kung magpalit ng lalake.”
“Kailan? Aber, kailan ako naging mabilis sa pagpapalit ng lalaki? Eh, huling boyfriend ko nga three years ago pa.”
“Kasi nga hindi mo na bino-boyfriend. Tinitikman mo na lang. Kasi, wala nang gustong makipagrelasyon sa’yo dahil ang taba-taba mo.”
“Ang sama mo, best friend. Hindi ko alam kung best friend nga ba talaga kita.” Kunwari’y nagtatampo si Jairus. “Pati ang bago mong boylet, nililihim mo pa sa akin. Nakakasama ka ng loob.” Humikbi pa ito na tila nagpapaawa.
“Hay naku, kung ayaw mong kumain ako na lang ang kakain.” Humakbang si Anton papuntang kusina.
“Teka, teka maghahain na ako!” habol ni Jairus. “Basta, kuwentuhan mo ako mamaya, ha? Huwag kang selfish.”
“Tse! Wala akong ikukuwento sa’yo!”
3
MEGAMALL
Alas-kuwatro pa lang ng hapon ay nasa mall na si Anton. Hindi ba’t alas-singko ang usapan nila ni Jason?
Hindi
naman
halatang
excited
ka
,
ha
? tila nang-aasar ang isip ni Anton.
Hindi naman talaga. Masama bang nag-assume siyang matrapik ngayon kaya umalis siya nang maaga sa bahay? Ayaw lang naman niyang ma-late sa usapan. Mas mabuti na ang dumating siya nang maaga kesa naman may ibang taong naghihintay sa kanya. Marunong siyang rumespeto sa oras ng iba.
Defensive
, muling tila nang-iinis ang isip niya. Ano ba’t tila laging kontra sa mga ginagawa niya ngayon ang utak niya?
Naglakad-lakad muna si Anton. Pumasok siya sa department store at tumingin ng mga bagong polo shirts. Nang magsawa ay pumunta siya sa fourth floor ng mall sa Cyberzone at nagtanong-tanong ng presyo ng mga bagong labas na cellfone.
Sampung minuto bago mag-alas-singko nang makatanggap siya ng text message mula kay Jason.
Nandito
na
ako
sa
megamall
.
Sa
Bonchon
.
Hintayin
kita
rito
.
Biglang nakaramdam ng kaba si Anton. Kabang walang kasabay na takot, kundi kabang may halong kilig.
Eto
na naman
ang
dalaga
.
Kinikilig
sa
kaba
, biglang sumulpot na naman ang nang-aasar niyang isip. Teenager
lang
ang
peg
, ’
teh
?
Sinagot ni Anton ang mensahe.
Wait
,
papunta
na
ako
diyan
.
May pagmamadali ang paglalakad ni Anton patungong Bonchon. Excited? Ewan, pero biglang parang gusto na rin niyang makita si Jason.
Nasa labas pa lang ng Bonchon si Anton ay natanaw na niya si Jason na nakaupo sa loob. Sa mesa ay may isang juice na nangangalahati na sa baso ang laman.
Nilapitan ni Anton ang binata. “Kanina ka pa?” tanong niya rito.
“Hindi naman. Kararating ko lang nung nag-text ako sa’yo. Umorder lang ako ng juice kasi nauhaw ako. Maupo ka. Anong gusto mong kainin? Oorder na ako,” sabay tayo ni Jason para umorder ng makakain nila.
“Ah, ikaw na ang bahala. Kahit ano na lang.”
“Okay, sige.” Lumakad na si Jason patungong counter.
Pagbalik nito ay may dala itong number. Hihintayin pa nila ang pagkaing inorder ng binata.
Muling umupo si Jason. “So, kumusta ka na?”
“Okay naman. Wala namang bago. Ganoon pa rin,” seryosong sabi ni Anton.
“Good. Ako, ayos lang din.”
“Nag-aaral ka pa ba?” tanong ni Anton.
“Bakit, mukha ba akong estudyante?” napapangiting tanong ni Jason.
“Eh, kasi ’di ba twenty-one ka lang?”
“Graduate na ako. Business Administration major in Management. Nagwo-work ako sa Narvaez Group of Companies sa Makati.”
“Ahh…”
“Ikaw, ano ang pinagkakaabalahan mo?”
“Sa real estate. Sa Makati rin ang office.”
“Wow, talaga! Small world. Eh, ’di pwede na kitang makita nang madalas?” biglang nagliwanag ang mukha ni Jason.
“Bakit?”
“Anong bakit? Kailangan ko pa bang ulitin sa’yo ’yung sinabi ko kanina na interesado ako sa’yo?”
“Eh, bakit nga?”
“Excuse me, sir. Eto na po ’yung order n’yo.” Dumating ang isang crew dala ang pagkaing inorder ni Jason. Inilapag nito sa mesa ang dalawang chicken sandwich, fries at dalawang baso ng iced tea. “Anything more, sir?”
Nginitian ni Jason ang crew. “Wala na.”
“Thank you, sir! Enjoy your meal.” At umalis na ang crew.
“So, bakit nga?”
“Wow, akala ko tapos na ’yan. Hindi pa pala. Kain muna tayo, saka na natin pag-usapan ’yan.”
Naging busy ang dalawa sa pagkain. Paminsan-minsan ay may itinatanong si Jason. Si Anton naman ay sumasagot lang pero hindi ito nag-initiate ng iba pang mapag-uusapan.
NANG MATAPOS kumain ay nagsalita si Jason. “Nood tayong sine? Maraming magandang palabas ngayon. Ano ang gusto mo?”
“Ano ba ang gusto mong panoorin?”
“Palabas na ’yung A Quiet Place. Napanood mo na ba?”
“Hindi pa. Sige, ’yun na lang.”
“Tara na!”
Magkasabay na naglakad ang dalawa patungong sinehan. Inunahan na ni Anton si Jason sa pagbili ng tiket. Si Jason na nga ang nagbayad ng kinain nila, ito pa rin ba ang magbabayad ng tiket para sa sine?
“Ako na,” pilit na pinaaalis ni Jason sa pila si Anton. “Ako ang nagyaya, kaya sagot ko ’yan.”
“Ako na lang. Sinagot mo na nga ang pagkain kanina.”
“Eh, ako nga ang nagyaya.”
“Wala naman tayong pinag-usapan na kung sino’ng nagyaya eh, siya ang magbabayad.”
“Haay! Ang kulit! Basta next time ganun na ang usapan.”
Nagkibit-balikat lang si Anton. “Huwag ka nang maingay diyan. Pinagtitinginan tayo ng mga tao. Iniisip siguro nila, nag-aaway ’yung mag-ama.”
“Hayaan mo sila. Inggit lang ang mga ’yan.”
“Dalawa,” sabi ni Anton sa cashier nang siya na ang customer sa harap nito. Binayaran ni Anton ang tiket at pumasok na sila ni Jason sa loob ng sinehan.
Maraming tao sa loob ng sinehan bagama’t hindi ito puno. Sabagay, second week na kasi itong palabas.
Pumuwesto sina Anton at Jason sa gitna sa bandang itaas. Saktong eye-level ang screen. Kumportableng manood.
Pagkaupong-pagkaupo ay hinawakan ni Jason ang kamay ni Anton. Tatanggi sana si Anton pero naisip niyang baka mapahiya si Jason kapag ginawa niya ’yun. Hawak lang naman sa kamay, ipagdadamot pa ba niya?
Eh
,
gustong-gusto
mo
naman
kasi
.
Kanina
ka
pa
nga
kinikilig
sa
kaguwapuhan
ni
Jason
. Ang utak ni Anton ay nang-aasar na naman.
“Anton…” bulong ni Jason.
“Ha? Bakit?”
“Ang lambot ng palad mo. Ang sarap hawakan.”
“Bakit mo ba kasi hinahawakan ’yan? Bitawan mo na kaya.”
“Ayoko nga. Basta, hawak ko lang ito habang nanonood tayo.”
Seryosong nakikinig si Anton sa sinasabi ng katabi.
“Gusto ko,” patuloy ni Jason. “…maramdaman mo na safe ka habang kasama mo ako. Gusto kong maramdaman mo na ’pag ako ang kasama mo, hinding-hindi kita pababayaan.”
Napalunok si Anton. Totoo ba ang sinasabi ng Jason na ’to? Hindi ba napakabilis naman yata. Kagabi lang sila nagkakilala.
Eh
,
ano
naman
kung
kagabi
lang
? tili ng utak niya.
Hindi inaasahan ni Anton ang kasunod na ginawa ni Jason. Iniangat nito ang kamay ni Anton at marahang hinalikan.
Hindi alam ni Anton kung paano magre-react. Bakit ba pagdating kay Jason ay tila nawawala siya sa katinuan? Bakit tila siya isang walang muwang na nilalang na nakalimutan na ang lahat?
“Sana bigyan mo ako ng chance na maging tayo. Sana, payagan mo ako na magkaroon ng pakialam sa buhay mo. Sana hayaan mo akong ilagay kita dito…” Idiniin ni Jason ang kamay ni Anton sa tapat ng kanyang dibdib. “…sa puso ko.”
“Jason…” tila naguguluhang sabi ni Anton.
Huwag
ka
nang
magpakipot
,
loka
!
Baka
wala
nang
dumating
pa
na
ganyan
kaguwapo
sa
buhay
mo
! Biglang sumisingit ang nang-iinis niyang isip na hindi niya alam kung kakampi ba niya o hindi.
Nakatitig na si Jason kay Anton. Wala itong pakialam sa iba pang manonood na nasa likuran nila. Madilim naman sa loob ng sinehan kaya pakialam ba nila.
“Kailangan bang ngayon na rin ako sumagot? Pwede bang pag-isipan ko muna? Gustong sampalin ni Anton ang sarili niya. Ano’t may mga ganun pa siyang dialogue? So, pinanindigan na niya ang pagfi-feeling dalagita?
Ang
haba
ng
hair
mo
,
lola
!
Choosy
ka
pa
eh
,
beinte-uno
lang
’
yan
.
Sariwang-sariwa
!
Samantalang
ikaw
,
malapit
nang
mag-amoy
lupa
! Tila dinig na dinig ni Anton ang nang-uuyam na halakhak ng kanyang utak.
“Take your time. Basta habang nag-iisip ka pa, hayaan mo lang ako na laging magre-request na makasama ka. Para mas maipadama ko sa’yo na seryoso talaga ako.”
Naku, isang-isa na lang ta-tumbling na talaga si Anton sa sobrang kaswitan ng Jason na ’to!
4
“SALAMAT…”
“Saan?” naitanong ni Anton.
“Sa pagpayag mong makipagkita sa akin ngayon. Sa pagsama mo sa aking manood ng sine.” Hindi inaalis ni Jason ang tingin sa mukha ni Anton.
“Ah, wala ’yun. Salamat din sa paglibre mo sa akin sa Bonchon.” Bagama’t naasiwa si Anton sa pagtitig ni Jason ay binalewala na lang niya ito. “O, paano? Uuwi na ako.”
“Puwede ba kitang ihatid sa inyo?” Nakikiusap ang tinig ni Jason.
“Huwag na. Next time na lang. Gagabihin ka na naman, eh. Magte-text na lang ako sa’yo mamaya.”
“Sinabi mo ’yan, ha? Maghihintay ako…” Parang biglang nabuhay ang dugo ni Jason. Tila excited ito na parang kinikilig din.
Tumango si Anton. “Yup! I’ll text you.”
“Okay, okay. Sige, ihahatid na lang kita sa sakayan.”
Hindi na nakatanggi si Anton nang hawakan ni Jason ang kamay niya at naglakad na ito patungong sakayan. “Mag-fx ka na lang para mas mabilis kang makasakay.”
Sinubukan ni Anton na makawala sa pagkakahawak ni Jason pero mahigpit ang kapit ng binata.
“Ayaw mo ba na hinahawakan kita?”
“Ha? Hindi naman. Ikaw lang ang inaalala ko. Baka pagtinginan tayo ng mga tao.”
“Eh, ano naman? Wala naman akong pakialam kung magtinginan man sila. Wala rin akong pakialam kahit ano pa ang sabihin nila.”
Hindi nakasagot si Anton.
“Hindi ako nahihiya. Hindi kita ikinahihiya…” Buong tamis na ngumiti si Jason. Lumitaw ang buo at mapuputi nitong mga ngipin. Sa tingin ni Anton ay mas lalo pang gumuwapo si Jason.
“Masarap magmahal, pero mas masarap ’yung mahal ka rin ng taong minamahal mo,” parang wala sa sariling biglang nasabi ni Jason.
“Ha? Ano ’yun?” tanong ni Anton.
“Wala. Sabi ko, sumakay ka na para makauwi ka na.”
“Ah, o sige, mauna na ako sa’yo. Mag-iingat ka lagi. At salamat ulit sa libre.”
“Basta ikaw! Sana maulit pa ’to.”
Nginitian ni Anton si Jason. “Bye, bye!”
“Text ka, ha?” sabi ni Jason na sumenyas pa na tila nagtetext.
Sumakay na sa fx si Anton. Hindi agad umalis si Jason. Hinintay pa nitong makaalis ang fx bago ito nagpasyang sumakay ng jeep pauwi.
Mabilis na nakauwi si Anton. Kapapasok pa lang niya sa bahay ay sinalubong na siya ni Jairus.
“Kumusta ang date?” sabi nito habang malapad ang pagkakangiti.
Tuloy-tuloy lang na naglakad si Anton patungong kuwarto.
“Hoy, sumagot ka naman! Kainis ’to, ayaw man lang magkuwento.” Sumunod si Jairus kay Anton.
“Wala naman akong ikukuwento,” matabang na sabi ni Anton.
“Anong wala? Eh, ’di ba nakipag-date ka sa papa mo?”
“Wala akong ikukuwento sa’yo! Matulog ka na.”
“Ayoko nga. Hinintay nga kita para makibalita sa’yo, tapos patutulugin mo lang ako. Ang selfish mo, ha?”
“Baliw ka talaga. Eh, wala naman talaga akong ikukuwento.”
“Bakit wala?”
“Kumain lang naman kami, at nanood ng sine.” Pinandilatan ni Anton ang kaibigan. “Ayan, ha. Nagkuwento na ako. Masaya ka na?”
“Hindi. Kulang pa, eh.”
“Anong kulang? Ano pa ba ang gusto mong malaman?”
“Anong pangalan niya? Saan mo nakilala? Ilang taon na siya? Gwapo ba? Dakota?” sunod-sunod na tanong ni Jairus. Talagang excited itong makilala ang lalaking inaakala nitong bagong boylet ni Anton
“Teka, teka! Ano ba ’yang mga tanong mo? Ang dami naman,” reklamo ni Anton.
“Sige na, nagkuwento ka na rin lang lubusin mo na,” pamimilit ni Jairus. Gagawin nito talaga ang lahat makakuha lang ng impormasyon sa kaibigan.
Nagpalit ng damit pambahay si Anton. Sando at shorts.
“Ano na?”
“Ano?”
“Magkuwento ka na kasi. Ito naman, o! Ang damot!”
“Jason ang pangalan niya.” Humiga sa kama si Anton.
“Aaayyyy! Ang cute ng pangalan. Mukhang batang-bata!” Kinikilig na nang todo si Jairus. “Ano pa? Ilang taon na siya?”
“Matutulog na ako.” Kinuha ni Anton ang kumot at akmang magtatalukbong ito pero agad na hinila ni Jairus ang kumot.
“Hindi ka puwedeng matulog! Mamaya na. Magkuwento ka muna kasi,” pamimilit nito sa kaibigan. “Ilang taon na siya?”
“Twenty-one!”
Hindi makapaniwala si Jairus, nanlaki ang mga mata nito. “Seryoso? Gano’n kabata?”
Tumango si Anton.
“Eh, puwede mo nang maging anak ’yun, ah. Saan mo nakilala?”
“Diyan lang sa sakayan ng jeep. Nakipagkilala, nag-volunteer na ihatid ako dito sa bahay at ayun tumawag kaninang umaga para makipagkita.”
Napanganga si Jairus. “Ikaw na! Ikaw na talaga ang diyosa! Bakit ba hindi ako makatiyempo ng ganyan?”
“Matulog na tayo, inaantok na ako.”
“Teka muna, guwapo ba?”
“Oo. Guwapo, matangkad, maganda ang katawan at mabait naman.”
“Naiinggit ako sa’yo, best friend. Sa tanda mong ’yan nakakabingwit ka pa ng ganyan ka-fresh.”
“Kung makatanda naman ’to.”
“Totoo naman. Kuwarenta ka na, ’di ba? Tapos siya, beinte-uno? Jusko! Napaka-unfair ng mundo. Ano bang meron ka na wala ako?”
“Gusto mo talagang malaman?”
“Oo.”
“Hindi ka masasaktan ’pag nalaman mo?”
“Hindi,” taas-noong sabi ng hitad na best friend ni Anton.
“Maganda ang katawan ko. At hindi ako mukhang kuwarenta.”
“At ako?”
“Ayokong magsalita. Tumingin ka na lang sa salamin. Mas mabuti nang hindi sa akin manggaling.” Bumangon si Anton sa kama at naglakad papalabas ng silid.
“Oy, saan ka pupunta?” nagrereklamong tanong ni Jairus.
“Maghihilamos at magsisipilyo para makatulog na ako. Ikaw, matulog ka na rin. Pumunta ka na sa kuwarto mo.”
Lumapit si Jairus sa tokador na nasa may paanan ng kama ni Anton. Sinipat nito ang sarili at tila modelong tumagilid at umikot-ikot sa harapan ng salamin.
“O, anong problema sa akin? Maganda naman ako,” bulong nito sa sarili. “Unfair talaga. Dapat may makilala rin akong boylet na bata, sariwa at guwapo.”
Nang bumalik sa kuwarto si Anton ay naroon pa rin si Jairus.
“Ba’t ’di ka pa pumupunta sa kuwarto mo?”
“May kapatid ba siya?”
“Sino?”
“Iyong boylet mo.”
“Malay ko.”
“Ba’t malay mo?”
“Eh, hindi ko naman siya tinanong.”
“Bakit hindi mo tinanong?” Hindi talaga mapigilan ang kakulitan ni Jairus.
Nagkibit-balikat lang si Anton.
“Tanungin mo. Tapos ’pag meron ipakilala mo sa akin.”
“Kahit babaeng kapatid niya, ipapakilala ko sa’yo?”
“Gaga! Anong gagawin ko sa kapatid niyang babae? Manicure, pedicure, kulot, rebond?”
“Hay naku, matulog na nga tayo. Puro ka kalokohan.”
“Sige na, best friend. Matagal na akong walang lovelife. It’s about time na maging masaya naman ako.” Ang itsura ni Jairus ay tila babaeng nalipasan ng panahon na naghihintay na ibigay ng genie ang kahilingan niya.
Nag-ring ang cellphone ni Anton. Tumatawag si Jason.
“Napatawag ka? Nakauwi ka na ba?” tanong ni Anton.
Sumagot si Jason. “Oo, nasa bahay na ako. Hinihintay ko kasi ang text mo. Sabi mo magte-text ka pagdating mo ng bahay. Hindi ka naman nag-text, akala ko kung ano na ang nangyari sa’yo.”
Parang hinaplos ang puso ni Anton. Kelan ba mayroong nag-alala sa kanya ng ganoon? Matagal na yata, ’di na niya maalala. “Pasensya na, ha? Actually, magte-text na ako no’ng tumawag ka,” palusot pa niya. “Naunahan mo lang ako. Humiga kasi ako sandali, nagpahinga lang.”
“Ahh… I’m glad na nakauwi ka na. At least alam ko nang safe ka.”
“Si Jason ’yan, ’di ba? Tanungin mo na kung may kapatid siya,” bulong ni Jairus.
Pinandilatan ni Anton ang kaibigan.
“Anton, andyan ka pa ba?”
“Ah, oo andito pa ako. Sinong kasama mo diyan sa bahay?”
“Mag-isa lang ako rito. Nagre-rent ako ng room.”
“Nasaan ang parents mo? Mga kapatid mo?”
Nagliwanag ang mukha ni Jairus nang marinig ang tanong ni Anton.
“Nasa province ang parents ko. Sa Mindoro. Dalawa lang kaming magkapatid. Iyong Ate Mayella ko, may asawa na. Teacher siya sa province namin.”
“Ah, bunso ka pala.”
Seryosong nakikinig si Jairus sa mga sinasabi ni Anton. “Aaayy, may kapatid nga siya!” impit na tili nito.
Natatawa naman si Anton sa mga kaartehan ng kaibigan niya.
“Jason…”
“Yes?”
“Salamat sa tawag, ha? Matulog na tayo. Next time na lang ulit.”
“Sure. Thanks din sa’yo for accommodating me, my call.”
“Wala ’yun. Goodnight, Jason.”
“Goodnight…”
Ipinatong ni Anton ang cellphone sa mesitang katabi ng kama.
“Kelan mo ako ipakikilala sa kapatid niya?”
“May asawa na ang kapatid niya. May asawa na ang Ate Mayella niya.”
Parang binagsakan ng bomba si Jairus. “Ate? Nagdilang-anghel ka, bakla! Ikaw kasi.”
Humalakhak si Anton.
“Makatulog na nga!” Nagmartsa na papalabas ng kuwarto si Jairus.
5
“O, anong ginagawa mo d’yan?” Hindi napansin ni Anton ang pagpasok ni Jairus sa kanyang silid. Busy siya sa pagche-check ng notification sa kanyang facebook account.
“Wala, nag-e-FB lang.” Sumagot si Anton nang hindi inaalis ang tingin sa screen ng laptop.
“Eh, ba’t puro pictures ni Jason ang nandyan?” Nakisilip si Jairus sa laptop ng kaibigan.
“In-add niya ako. In-accept ko lang.”
“Stalker!”
Nanlaki ang mga mata ni Anton. “Hindi, ah! Siyempre ’pag new friend mo sa FB, iche-check mo ’yung profile niya. Malay mo may common friends pala kami. O kaya naman, baka may something in common kami aside sa friends like school, hobbies at iba pa,” argumento pa niya. Ayaw niyang magpatalo kay Jairus.
“Andami mo namang sinabi. Napaka-defensive mo,” nakangiting sabi ni Jairus. “Ay, teka! Speaking of common friends, dapat i-add ko siya para ako ang common friend n’yo, ’di ba?”
Pinaikot lang ni Anton ang kanyang mga mata.
“Ano ba ang full name niya? Dali, ise-search ko na dito sa cell phone ko,” kinikilig na sabi nito.
“Jason Buencamino,” sagot ni Anton. Nag-text sa kanya kanina ang binata, nagtanong kung anong apelyido niya dahil ia-add nga raw siya sa facebook. Natawa pa nga siya dahil nag-date na silang dalawa pero ’di pa pala nila alam ang full name ng bawat isa.
“Ayan, na-add ko na siya. Sana i-accept niya.”
“Hindi ka naman niya kilala,” hirit ni Anton sa kaibigan.
“Kahit na. Makikita naman niya na friend kita kaya I’m sure, ia-accept niya ang friend request ko,” positibong tugon ni Jairus.
Hindi na sumagot si Anton. Nagpatuloy lang ito sa pagbro-browse sa internet.
“Aaayyy!!!” Biglang tumili si Jairus. “In-accept na niya ang friend request ko!”
“Kung makatili naman ’to. Para kang pinuputulan ng kuwan, ah!”
“Hayaan mo na ako, best friend. Na-excite lang ako. Alam mo love ko na siya. Ang bait-bait niya.” Parang teenager na kinikilig si Jairus.
Pinandilatan ito ni Anton. “Magtigil ka nga.”
“Uy, selos!” At humahalakhak na naglakad si Jairus papalabas ng kuwarto.
Naiwan sa silid si Anton at muli niyang itinuon ang atensyon sa facebook account ni Jason. Maraming pictures ng binata ang naka-post doon. Gwapo talaga si Jason. At mukhang masayahin. Kitang-kita naman sa mga litrato nito kung gaano kaliwanag ang disposisyon nito sa buhay.
Isang litrato ang nakatawag ng atensyon ni Anton. Kasama ni Jason sa larawan ang isang magandang babae at mukhang sweet na sweet ang dalawa. Binasa ni Anton ang caption ng larawan.
“
Feeling
in
love
with
the
one
.“
Girlfriend ni Jason?
Malamang. Obvious naman, ’di ba?
“May girlfriend pala siya. Eh, anong trip ng bugok na ’yun at super mega papansin sa akin?” bulong ni Anton sa sarili. “Gagong ’yun, ako pa talaga ang pinagtripan!”
In-off ni Anton ang laptop at humiga na sa kama. Aminin man niya o hindi, naapektuhan siya nang malamang may nobya na pala si Jason.
Nakisali pa ang bully niyang isipan.
Eh
,
ang
laki
mo
kasing
tanga
.
Sinabi
na
nga
sa’yo
nung
tao
na
straight
siya
, ’
di
ba
?
Bakit
humohopia
ka
ngayon
na
wala
siyang
girlfriend?
Sa
guwapo
niyang
’
yon
,
single
and
willing
to
mingle
?
Imposible
!
Gustong-gusto nang upakan ni Anton ang isip niya. Hindi niya maintindihan kung kakampi ba niya ito o nambubuwisit lang talaga. Ito pa nga ang nagpipilit na patusin niya si Jason, ’di ba? Tapos ngayon, sisisihin siya?
Tumunog ang celfone ni Anton. Nang kunin niya ang cell phone sa mesita sa gilid ng kama ay nakita niyang si Jason ang tumatawag.
“Hello…,” matamlay niyang sabi.
“I just want to say goodnight. Matulog na tayo, maaga pa ang pasok sa trabaho bukas.” Suwabe ang boses ni Jason. Iyong tipong ang sarap pakinggan. ’Yong parang ’pag may hiniling ito ay kay hirap tanggihan.
“Okay, goodnight.” Wala pa ring sigla ang boses niya.
“Anton…”
“Um, bakit?”
“May problema ka ba? Parang ang tamlay ng boses mo.” Napansin pala ni Jason na wala siya sa mood makipag-usap. “Would you mind sharing it to me? Baka makatulong ako.”
“Wala naman. Pagod lang.”
“Ahh, okay. Sige, magpahinga ka na… tayo pala. Nyt, bye!”
Hindi na sumagot si Anton. Ibinalik niya ang cell phone sa mesita at muling humiga sa kama. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya.
After this night, dapat tapos na ang kahibangan niya. Mabuti na lang at hindi pa siya tuluyang nade-develop kay Jason. Mabuti na lang at hangga’t maaga ay nalaman niyang committed pala ito sa iba. Kung nagkataon, kaka-move on pa lang niya pero magmo-move on na naman siya ulit.
“Hindi pa ba talaga nade-develop? Eh,
bakit
super
emote
ka
diyan
?
Mega-affected
ka
, ’
teh
!“ parang nananadya ang isip niya.
Ah, basta! Goodbye, Jason!
Maagang pumasok sa trabaho si Anton kinabukasan. May client meeting siya. Prospective client na gustong makita ang condo unit na bibilhin nito. Nag-report muna siya sa opisina. Bandang alas-nueve ng umaga nang lumabas siya para makipagkita sa kliyente. Nagulat pa siya nang paglabas niya ng building ay naroon si Jason at tila ba hinihintay siya.
“Yes! Sakto ang dating ko,” excited na sabi ni Jason.
“Bakit ka naririto? Hindi kita mahaharap, may client meeting ako,” pag-iwas ni Anton.
“Ah, gusto lang naman kitang makita.”
“Bakit?”
“Anong bakit? Alam mo naman, ’di ba?”
“Jason, you’re already committed and I don’t want to be a relationship wrecker. So, please tigilan mo na ang pagpapa-cute mo sa akin dahil hindi na ’yan uubra.”
“Anong…?”
Nakatingin lang si Anton sa binata. Hinihintay niya ang sasabihin nito.
“Anong committed? Kanino?”
“Stop these lies and stop your game, Jason. Matanda na ako para bolahin at paikutin mo.” Pinipilit ni Anton na hinaan ang boses niya para hindi sila makatawag ng atensyon ng ibang mga tao sa paligid.
“Eh, kanino nga? Hindi kita maintindihan?”
“Yung babae sa posts mo sa facebook. You two look good together kaya it would be better for you to stay with her.” Nagsimulang maglakad si Anton. Sumunod naman kaagad sa kanya si Jason.
“Pero break na kami. Iniwan na niya ako,” biglang naging malungkot ang itsura ni Jason. “Ipinagpalit niya ako sa iba… sa lalaking siguro’y mas higit kesa sa akin.”
“Totoo ba ang sinasabi mo?” Nagdududa pa rin si Anton pero napahinto siya sa paglalakad at matiim na tiningnan si Jason.
“Anong dahilan para manloko ako ng tao? Mag-e-effort ba ako ng ganito kung nagtri-trip lang ako?” Sinalubong ni Jason ang tingin ni Anton.
“Ewan ko,” tangi niyang naisagot.
“Magtiwala ka naman. Bigyan mo naman sana ako ng pagkakataon na i-prove ang sarili ko sa’yo,” seryosong sabi ni Jason.
“Late na ako sa meeting. Mag-usap na lang tayo ulit.”
“Pupuntahan kita sa bahay mo mamaya.”
“Ikaw ang bahala…”
NAGPUNTA nga si Jason sa bahay ni Anton kinagabihan. Si Jairus ang nagbukas ng gate.
“Sino’ng kailangan mo?” tanong ni Jairus na halos lumuwa ang mata sa guwapong binatang nasa harapan niya ngayon.
“Hi! Ako si Jason. Nandyan na ba si Anton?”
Saka lang niya napansin na kamukha nga ito ng lalaking in-add niya sa facebook kagabi. “Aayyy! Ikaw pala si Jason,” kinikilig sa tili ni Jairus. “Halika, pumasok ka. Andyan siya sa itaas.” Hinawakan pa ng bakla ang kamay ng binata at hinila na papasok ng bahay.
Humanga si Jason sa loob ng bahay. Simple lang ito pero maayos at alam mong malinis.
“Pumasok ka, ’wag kang mahiya. Maupo ka muna diyan. Feel at home. Tatawagin ko lang sa itaas si Anton.” Umakyat ito sa hagdan patungo sa ikalawang palapag ng bahay kung nasaan ang kuwarto ni Anton. Katabi ng kuwarto nito ang kuwarto naman ni Jairus.
Walang sabi-sabing pumasok ito sa silid ng kaibigan. “Best friend, may dalaw ka. Umaakyat yata ng ligaw. Juice ko!!! Pagka-guwapo-guwapo pala ng Jason na ’yan! Napakasuwerte mo! Bumaba ka na diyan at huwag mag-inarte kung ayaw mong magpaka-anaconda ako ngayon at ahasin ko sa’yo ang boylet mo,” nakangiting sabi ni Jairus.
“Sige, bababa na ako. Bigyan mo muna siya ng maiinom.”
“Sweetness overload ka, best friend. Sige, bumaba ka agad, ha?” At lumabas na ito ng silid.
Hindi maipaliwanag ni Anton ang nararamdaman niya. Isang bahagi ng utak niya ay nag-aalangan sa intensyon ni Jason. Pero ang isa pang bahagi naman ay gustong-gustong mahalin na niya ang binata.
Ano ba itong nangyayari sa kanya?
Kung kelan pa siya tumanda at saka pa yata siya mahihirapang magdesisyon ng tungkol sa usapin ng puso.
6
“NAPADALAW KA?” walang buhay na sabi ni Anton nang harapin nito ang bisita.
Tatayo sana si Jason pero sinenyasan ito ni Anton na maupong muli.
“Hindi ba sabi ko sa’yo kanina na pupunta ako rito ngayon? Gusto kitang makausap. Iyong seryosong usapan sana.”
Sinuklay ni Anton ng daliri ang kanyang buhok. Tapos ay marahan itong bumuntong-hininga. “Anong seryoso ba ang pag-uusapan natin?”
“Tungkol sa’yo.” Lumunok si Jason. “Tungkol sa atin.”
“Naiintindihan mo ba talaga ang sinasabi mo? Iinglisin ko, ha? Do you really understand what you are saying?”
“Oo. Anton, gusto kita,” walang kurap na sabi ni Jason na ikinalaki ng mga mata ni Anton.
“Nakikita mo ba ako? Eto, nakatapat ako sa ilaw. Tingnan mo akong mabuti. Look at me very well. Halos tatay mo na ako. Anong tungkol sa’yo at tungkol sa atin ang dapat pa nating pag-usapan? You’re young. Very young. Huwag mong sirain ang buhay mo.” Medyo napalakas ang boses ni Anton sa kanyang huling sinabi kaya si Jairus na nasa kusina ay napasilip sa salas.
“Hindi ko sinisira ang buhay ko.”
“Eh, ’yun naman pala. Pero bakit pinipilit mo ang gusto mo?”
“Wala akong balak sirain ang buhay ko. Gusto ko ngang buuin. Kaya gusto kitang makasama. Kasi alam kong magagabayan mo ako nang tama para maayos ko ang buhay ko.” Nakita ni Anton ang pangingilid ng luha ni Jason habang nagsasalita ito.
Si Jairus na seryosong naninilip sa nangyayari sa salas ay medyo na-touch na rin sa eksena. Pero mas maalab ang pagnanais nitong sugurin si Anton at pagsasabunutan. “Ang arte, ha? Sinusuyo na ng napakaguwapong lalaki, nagmamaganda pa,” bulong nito sa sarili.
Saglit na natigilan si Anton. Ano ba itong nangyayari? Bakit seryosong-seryoso ang Jason na ito na parang everything is okay?
“Hindi ka naman lasing?” muling tanong ni Anton.
“Malinaw ang pag-iisip ko. Ikaw ang mukhang malabo ang utak, eh! Kanina ko pa sinasabi sa’yo na gusto kita.”
“Eh, bakit nga kasi? Bakit ako? Bakit hindi iba na lang?” Pinipigil ni Anton na huwag magtaas ng boses.
“Ewan ko, hindi ko alam! Basta gusto kita. Gusto kong lagi kang kausap, kasama! Kailangan pa ba ng eksplanasyon? Siguro, mahal kasi kita!” punong-puno ng emosyon na sabi ni Jason.
Iiling-iling si Anton. Si Jairus naman ay halos kiligin sa narinig na sinabi ni Jason. Kailan ba siya makakakilala ng lalaking katulad nito?
“Pag-isipan mo muna ang sinabi mo, okay?” kalmadong sabi ni Anton. “Huwag kang magpadalos-dalos. Baka mamaya infatuated ka lang. Itulog mo muna ’yan. Paggising mo bukas, wala na ’yan.”
Gustong humalakhak ni Jairus. Infatuated? “Siraulo talaga itong si Anton,” sabi nito sa sarili. “Ano sila teenager, para makaramdam ng infatuation?” Minabuti nitong mas talasan ang tainga para mapakinggan nang mabuti ang susunod pang mga eksena.
“Wala ka bang nararamdaman kahit konti para sa akin, Anton?” punong-puno ng hinanakit ang tinig ni Jason.
Hindi nakasagot si Anton. Paano siyang sasagot gayong alam niya sa sariling nahuhulog na rin ang loob niya sa binatang ito. Sa batang ito!
“Kahit konti lang, para meron akong pag-uumpisahan.” Nangungusap ang mga mata ni Jason. “Please… Bigyan mo naman ako ng chance na maipakita sa’yong seryoso ako.”
“Napakabata mo pa kasi!”
“Eh, ano naman!? Beinte-uno na ako.”
“At ako, kuwarenta! Sabi ko nga puwede mo na akong maging ama.”
“Hindi na ako bata, Anton. Malaki lang ang agwat ng edad natin pero hindi na ako bata.”
Parang nanghina si Anton. Paano ba niya kukumbinsihin ang lalaking ito na ibaling na lang sa iba ang atensyon nito?
Si Jairus ay matamang nakikinig at nanonood sa dalawa. Dalang-dala na siya sa mga eksenang totoong nangyayari sa harapan niya. “Ano ba? Bakit ba kasi nagpapakipot pa ang Anton na ’to? Kung sa akin lang nagtapat ang Jason na ’yan, hindi pa siya natatapos magsalita, sumagot na agad ako ng bonggang-bonggang yes!”
“Anton… Please…”
Huminga nang malalim si Anton.
“Bigyan mo ako ng pagkakataong maipakita sa’yo na totoo ako.”
“I’m sorry, Jason. Hindi ko mapagbibigyan ang gusto mo.”
Parang binagsakan ng langit ang binata sa narinig.
“Sana maintindihan mo ako. Kagagaling ko lang sa isang maling relasyon. Bago pa kita nakilala, naipangako ko na sa sarili ko na huli na ’yon. Ayoko na. Hindi na ako papayag na maloko ulit at masaktan.”
“Hindi kita sasaktan. Hindi kita lolokohin.”
“Ayoko pa rin. Nadala na ako.”
“Hindi naman pare-pareho ang mga lalaki. Iba-iba naman ang ugali ng mga tao. Bakit mo iisipin na gagawin ko rin ang ginawa nila sa’yo? Hindi ko gagawin ang manakit kasi alam ko kung paano masaktan. Hindi ko man lang iisipin na lokohin ka kasi naloko na rin ako at sobrang masakit ’yun.” Wala nang pakialam si Jason kung umiiyak man siya ngayon sa harapan ni Anton. “Hindi ko rin alam, eh kung ba’t gusto kita? Basta naramdaman ko na lang. At ayokong kontrahin kasi masaya ako kapag kasama ka. Ibang klaseng saya. Kaya ko sigurong ubusin ang buong araw na kausap ka lang at kukulangin pa tayo sa oras.”
“Jason…” Hindi malaman ni Anton kung ano ang sasabihin. Hindi niya inaasahan na iiyak nang ganoon si Jason.
Si Jairus ay sumabay na sa pag-iyak ni Jason. Hindi siya makapaniwalang ang napakaguwapong binatang ito ay iiyak nang ganoon sa kanyang kaibigan. Minsan pa’y binulungan ni Jairus ang sarili, “Ang haba-haba ng hair ng Anton na ’to! Anong meron ka na wala ako at nabaliw sa’yo nang husto ang Jason na ’yan?”
Nadudurog ang puso ni Anton. Ngayon lang may lalaking umiyak sa kanya. Kailan man, hindi pa siya iniyakan ng lalaki. Ngayon lang talaga. Ang totoo, siya ’yung laging umiiyak.
Paano niya tuluyang tatanggihan ang taong ito?
Muling nagsalita si Anton. “Okay… Bibigyan kita ng tsansang ipakita ang sinasabi mong totoo ka.”
“Yes! Yes! Yes! Ang saya-saya ko! Yes!!! Ang saya-saya ko!!!” Kapwa nagulat sina Anton at Jason nang biglang nagsisigaw si Jairus at tuluyan nang lumapit sa kanila.
“Anong ginagawa mo roon?” tanong ni Anton.
“Pinanonood kayo, ano pa?”
“Kanina ka pa roon?”
“Hindi. Kaninang-kanina pa. I’m so happy for you, best friend. It’s your time to shine! Break a leg!”
“Baliw! Anong pinagsasasabi mo riyan? Maghain ka na at nang makakain tayo.”
“Dito ka na kumain, Jason,” agad na sabi ni Jairus sa binata.
Pinandilatan ni Anton ang kaibigan.
Pinaikot lang ni Jairus ang kanyang mga mata tapos ay bumalik na ito sa kusina para maghain ng hapunan.
“Salamat,” nahihiyang sabi ni Jason kay Anton.
“Kumain ka na muna bago ka umuwi,” napipilitang anyaya niya sa binata.
“Food is ready, halina kayo rito.” Ang boses ni Jairus ay sapat na para pumuno sa buong bahay.
“Ang lakas naman ng boses mo. Hindi naman kami bingi,” sita niya sa kaibigan pagkapasok nila sa kusina.
“Sorry na. Excited lang talaga ako and I’m very, very happy. Best friend, kung itatapon mo talaga siya, ay naku, pupulutin ko kaagad.” Bigla itong tumingin kay Jason at nagtanong, “Magpapapulot ka ba sa akin, Jason?”
Tumingin muna si Jason kay Anton bago ito nagsalita. “Hindi, eh. Si Anton lang talaga ang gusto ko.”
“Sus…” Parang natalo sa sabong ang itsura ni Jairus. “O, siya kayo na ang sweet sa lahat ng sweet.” Bumaling ito kay Anton. “Kainis ka, best friend! Bakit ang guguwapo ng mga nagiging jowa mo?”
Napahalakhak si Anton. Natawa na rin si Jason sa kakulitan ni Jairus.
Nang magtama ang mga mata nina Anton at Jason, alam nila na ’yon na ang simula ng isang mas malalim na relasyon sa pagitan nilang dalawa.
7
“Can we meet later after work?” malambing na sabi ni Jason. Kausap niya ngayon sa telepono si Anton.
“Hindi ko sure. Baka kasi mag-OT ako. Tambak na kasi ang trabaho, kailangang matapos na ’to,” sagot naman niya.
“Nami-miss na kasi kita. Sobra…”
Kinilig si Anton. Jason has always been this sweet to him. Gusto na niyang matunaw sa sobrang kaswitan nito. Mula nang maging sila makalipas ng dalawang buwang panliligaw nito sa kanya, this guy has never failed to make him feel loved and prioritized. At base naman sa nakikita niya, alam niya positibo rin ang epekto ng relasyon niya rito. Mas naging masipag sa trabaho si Jason. Laging gusto nitong maging best sa lahat ng ginagawa. At higit sa lahat, lagi itong masaya at inspirado.
“Sabi ko, sobrang nami-miss na kita.” Inulit pa nito ang sinabi dahil walang narinig na sagot mula kay Anton.
“Ha?” At saka lang tila natauhan si Anton. “I miss you, too.”
“So, magkikita na tayo namaya after work?” paniniguro nito.
Napangiti si Anton. Naisahan yata siya ni Jason. “Sige, titingnan ko if kayang tapusin itong tambak na trabaho hanggang alas-sais. I’ll try pero hindi pa sure, ha?”
“Please… Sige na, magkita na tayo mamaya,” pangungulit pa rin ni Jason. Bakit ba parang ang hirap tanggihan ng binatang ito?
“Haay… Okay, okay. You win!”
“Yes!” excited na sabi ni Jason. Dinig ni Anton ang mahinang paghalakhak nito. Halatang masaya ito dahil sa pagpayag niyang magkita sila.
“Naisahan mo na naman ako,” kunwari ay nagtatampong sabi niya.
“Hindi, ah. Gusto lang talaga kitang makita. At makasama.”
“Okay, sabi mo eh. So, saan tayo magkikita?”
“I’ll pick you up. Five ang out ko. Sakto dadating ako diyan before six. Kaya magagawa mo pa rin ’yung trabahong tatapusin mo.” Kahit paano ay ayaw naman ni Jason na makaistorbo siya sa trabaho ni Anton.
“Sige. So, see you mamaya.”
“I’ll see you, that’s for sure. Bye!” sagot ni Jason.
“Bye!”
Saktong alas-singko nang mag-text si Jason kay Anton.
I’m
on
my
way
.
Agad naman itong sinagot ni Anton.
Okay
,
text
me
when
you’re
here
para
bababa
na
ako
.
Ipinagpatuloy niya ang ginagawa habang hinihintay ang pagdating ni Jason.
Saktong natapos niya ang trabaho nang muling mag-text si Jason.
I’m
here
.
Excited
to
see
you
.
Ewan pero nalulunod agad si Anton sa mga ganitong mensahe ng lalaking muling nagpatibok ng kanyang puso. Sana nga lang ay hindi ito maging katulad ng mg lalaking dumaan sa kanyang buhay.
Sige
bababa
na
ako
.
Agad kong nakita si Jason paglabas ko ng elevator sa ground floor. Gaya ng dati, matikas pa rin ito sa suot na slacks at long-sleeves polo. Guwapong-guwapo.
Malapad ang pagkakangiti ni Jason nang makita nitong papalapit na sa kanya si Anton.
“Nainip ka ba?” tanong ni Anton.
“No, hindi naman. Kararating ko lang naman, eh. Shall we go?”
“Saan tayo?”
“Kakain lang sa labas. Treat ko siyempre.”
“Gagastos ka na naman.” protesta ni Anton.
“Hindi naman. Kakain din naman talaga ako mamaya. Ano namang diperensya kung gusto kong makasabay kang kumain?” Kumindat pa ang binata.
Nang hindi na sumagot si Anton ay muling nagsalita si Jason. “Tara na?”
Tumango ang kanyang kausap.
SA ISANG sikat na restaurant dinala ni Jason si Anton.
“Bakit dito pa?” tanong ni Anton pagkaalis ng waiter na kumuha ng kanilang order. “Ang mahal dito, sayang ang pera.”
“Paminsan-minsan lang naman. At saka, ikaw naman ang kasama ko kaya dapat lang na espesyal,” seryosong sagot ni Jason. “Huwag na nating pagtalunan ito, please. Kumain na lang tayo at magpakabusog.” Isang ngiti ang pinakawalan niya para iparating kay Anton ang mensahe na wala naman talagang problema.
Nang dumating ang kanilang in-order na pagkain ay saglit silang natahimik para kumain. Pero paminsan-minsan ay sumisingit ng mga tanong si Anton.
“Kumusta ka naman doon sa tinitirhan mo?”
Nilunok muna ni Jason ang nginunguyang pagkain bago siya sumagot. “Okay naman. Mag-isa lang naman ako doon, eh.”
“That’s good,” komento ni Anton. “Magkano na nga ulit ang renta mo doon?”
Napatingin si Jason sa kaharap. “Bakit?”
“Iniisip ko kasi, mas makakapag-ipon ka kung mababawasan ang expenses mo.”
“Tapos?”
“Magkano ang rent mo?”
“P6000 monthly.”
“Additional six thousand pesos sa savings mo monthly kung hindi ka na magre-rent.”
“What do you mean?”
“If you want, you can stay sa bahay ko. Para hindi ka na magbayad mg monthly rental.”
Napaawang ang bibig ni Jason. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Anton. Sinasabi ba nito na magsama na lang sila sa isang bahay? “Seriously?”
“Kung gusto mo lang naman. Hindi naman kita pinipilit kung ayaw mo.”
“Wow! Of course, gusto ko not because of the savings but because makakasama kita sa isang bahay. I’m so happy sa sinabi mo. Seryoso ka ba?”
“Yeah, you can stay with me sa bahay. Dalawa lang naman kami ni Jairus doon. Malaki naman ’yung room ko.”
“Thanks, Anton. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya.” Nag-uumapaw ang tuwa sa puso niya. Bakit hindi eh makakasama na niya araw-araw ang taong mahalaga sa kanya?
“So when are you going to transfer to my house?”
“Sa sabado na lang, para walang pasok sa opisina,” halata sa boses ni Jason ang excitement.
“Do you need help?”
“No, I can manage. Kokonti lang naman ang mga gamit ko. Iinform na lang kita ’pag papunta na ako sa bahay mo.”
Tumango si Anton. “Sige, ikaw ang bahala.”
“Kain ka pa,” alok ni Jason.
Umakmang tatayo si Anton. “Excuse me, I’ll just go to the men’s room.”
“Sige…”
Sinundan pa ng tingin ni Jason si Anton habang papunta ito sa comfort room.
Walang tao sa toilet pagpasok ni Anton. Umiihi siya sa isa sa mga urinal nang marinig niyang may nag-flush sa cubicle. Ilang saglit lang ay lumabas naman ang lalaki mula sa cubicle at pumunta sa lavatory para maghugas ng kamay.
Nang matapos umihi ay dumiretso din sa lavatory si Anton. Agad niyang nakita sa repleksyon ng salamin ang lalaking naroon at ngayon ay inaayos ang pagkaka-tuck in ng suot nitong polo. Nagtama ang mga mata nila ng lalaki at sabay na rumehistro sa mga mukha nila ang pagkagulat. Sino ba naman ang mag-aakalang dito pa sila muling magkikita?
“Anton?” bulalas ng lalaki
“Carlo…”
“Ano’ng ginagawa mo rito?” halos sabay nilang nasabi.
“I’m with a friend,” sabi ni Carlo. “Ikaw, may kasama ka ba?”
Gustong magtaray ni Anton. Bakit
,
ikaw
lang
ba
ang
puwedeng
makahanap
ng
makakasama
? “I’m also with a friend.” Siniguro ni Anton na madiin ang pagkakabigkas niya ng salitang friend.
“Ahh…”
Mabilis na naghugas ng mga kamay si Anton at nagmamadaling naglakad papalabas ng comfort room pero hinabol ito ni Carlo.
“Anton, wait!”
Hindi pinansin ni Anton ang pagtawag nito. Deretso siyang naglakad pabalik sa kinauupuan ni Jason.
Kitang-kita ni Carlo kung saan pumuwesto si Anton. Kitang-kita rin niya ang lalaking kasama nito. Iyon pala ang friend daw ni Anton. Bakit ang tingin niya’y ang saya-saya ng dalawang iyon?
Pasimpleng lumingon si Anton sa lugar sa gawing comfort room at nasulyapan niyang naroroon pa rin si Carlo. Pinanonood ba sila nito?
“Puwes, mamatay siya sa inggit! Akala yata niya ay hindi ako kaagad makaka-move on sa kanya. Nagkakamali siya. ’Di hamak namang mas guwapo si Jason kaysa sa kanya. At mas sariwa pa!” bulong ni Anton sa sarili.
Nang lumabas ng restaurant sina Anton at Jason ay hindi na nakita ng una si Carlo. Pero nagdiriwang ang kalooban ni Anton dahil naipakita niya sa kanyang ex-boyfriend na hindi ito malaking kawalan sa kanya.
8
SUNOD-SUNOD NA pag-ring ng doorbell na nasa gate ang narinig ni Jairus. Tila ba nagmamadali ang kung sino mang nasa labas ng gate na iyon at hindi na makapaghintay.
“Teka lang! Andyan na!” Halos lundagin ni Jairus ang mga baitang ng hagdan sa ikalawang palapag ng bahay papunta sa ibaba upang puntahan ang nagdo-doorbell sa gate.
“Sino bang kailangan—” Napanganga siya pagkakita kung sino ang nasa labas ng gate. Si Carlo.
“Asan si Anton?” malumanay na sabi ng lalaki.
“Nasa trabaho siyempre. Anong akala mo, nagmumukmok dito ’yung tao dahil iniwan mo?” Binara kaagad ni Jairus ang kaharap. Kahit guwapo itong si Carlo, naiinis siya rito dahil sa ginawa nitong pambabasura sa kaibigan niya.
“Gusto ko siyang makausap.”
“Eh, ’di puntahan mo sa trabaho. Bakit sa akin ka nagpapaalam, anak ko ba siya?”
“Hindi niya sinasagot ang mga text messages at tawag ko.”
“Kung ako man ang nasa kalagayan niya, hindi ko rin sasagutin ang mga text at tawag mo. Para saan pa? Para makinig sa mga drama mo?” mataray na pahayag ng bakla.
“Bakit niya ba ako iniiwasan?”
“Hala? Baliw ka ba? Ano ba ang ine-expect mong gagawin niya pagkatapos mo siyang hiwalayan? Inaasahan mo bang maghahabol siya sa’yo at na-disapppoint ka ngayon dahil ’di man lang nag-effort ang best friend ko na magmakaawa sa’yo para balikan mo siya? Well, for your information huwag ka nang umasa na gagawin niya ’yun dahil naka-move on na siya,” mahabang sagot ni Jairus. Ipinagdiinan pa niya ang salitang “move on”.
“Sinasabi mo bang may iba na siyang boyfriend?”
Itinirik ng bakla ang kanyang mga mata at binalewala ang tanong ni Carlo.
“So, boyfriend nga niya ang nakita kong kasama niya sa restaurant no’ng nakaraang gabi.”
“Ah, talaga? Nakita mo ba sila? Ang sweet-sweet nila siguro. Kapag dito nga, halos mamatay ako sa inggit kay best friend Anton ’pag naglalambingan sila. How sweet talaga!” pang-iinis pa niya sa lalaki.
“Dito nakatira ang lalaking ’yun?” tila naiiritang tanong ni Carlo.
“Ano ito imbestigasyon? Puwede ba Carlo, manahimik ka na kung saang banga ka man nakatira ngayon. Huwag mo nang guluhin ang buhay ng kaibigan ko. Juice ko! Ikaw na nga ’tong nang-iwan ikaw pa ’tong manggugulo. Mahiya ka naman sa balat mo. Ang bait-bait sa’yo ng kaibigan ko para gaguhin mo lang.”
“Ginugulo ko ba? Sabi ko, gusto ko siyang makausap. Ano’ng panggugulo do’n?” depensa nito.
“Eh, para saan pa ang pag-uusap? Iniwan mo na nga, ’di ba? Kaya dapat, move on ka na lang din. Masaya na ang best friend ko. Sana maging masaya ka na lang din para sa kanya,” seryosong payo niya sa binata.
Hindi nakasagot si Carlo.
“Hindi na kita papapasukin dahil I’m sure na kahit nandito si Anton ay hindi ka rin niya papapasukin. Makakaalis ka na, marami pa akong gagawin. Babush!” Iniwan na ni Jairus ang lalaki.
KINAGABIHAN ay agad na ibinalita ni Jairus ang pagpunta ni Carlo kaninang tanghali.
“Best friend, ’yung ex mo nga pala nagpunta rito kanina, hinahanap ka,” kaswal na sabi ni Jairus.
“Bakit daw?”
“Malay ko ro’n,” nakairap nitong sagot.
“Anong sabi mo?”
“Eh ’di sinabi kong nasa trabaho ka at doon ka puntahan. Hindi mo raw kasi sinasagot ang mga text at tawag niya.”
“Buang ka talaga. Papupuntahin mo pa sa trabaho ko.”
“Kaysa naman dito ’yun magpunta. Nakakaistorbo lang sa online job ko. Alam mo namang busy ako mag-online encoding the whole day. Mas maraming ma-encode, mas malaki ang kita. Baka nga subukan ko na ring mag-online English tutor ng Koreans. Malay mo, Koreano pala ang soulmate ko. At saka, best friend hindi ka naman niya mahahanap sa trabaho mo. Madalas ka namang nasa labas. At hindi rin naman ’yon pupunta sa office n’yo during office hours,” mahabang diskusyon ni Jairus. Hindi talaga ito nauubusan ng sasabihin.
Nagkibit-balikat lang si Anton. Wala na siyang pakialam ano man ang gawin ni Carlo. Masaya na siya ngayon. Ayaw niyang mag-isip ng mga bagay na hindi na importante sa kanya ngayon.
HINDI mapakali si Jairus. Sabado ngayon. Ngayon ang araw ng paglipat ni Jason. Kanina pa nga niya hinihintay ang binata. Ano ba ito? Hindi naman niya boyfriend si Jason pero mas excited pa siya kesa kay Anton. Kanina pa nga siya paikot-ikot sa salas. Madalas din siyang sumisilip sa gate, baka naroon na ang binata. Mababa lang naman ang gate nila at mula sa salas ay makikita kung may tao man sa labas ng gate.
“Ano ba, para kang pusang ’di maihi? Ilang beses mo bang planong ikutin ang buong salas ngayong araw?” tanong ni Anton sa kaibigan. Abala siya sa paghahanda ng pananghalian. Luto na ang sinaing. Nakapagprito na rin siya ng isdang dalagang bukid. Niluluto niya ngayon ang pork sinigang na siyang specialty niya. Paborito niya ang sinigang kaya he made sure na marunong siyang magluto nito. Ang sabi ni Jason ay darating ito bago mag-ala una. Alas onse y medya pa lang naman. Mahaba pa ang oras para maihanda niya ang pananghalian nila.
“Best friend, anong oras ba talaga siya darating? Miss na miss ko na siya, eh.” Muling sumilip si Jairus sa gate. Baka sakaling naroon na ang binatang kanina pa niya hinihintay.
“Baliw! Eh, kung tinutulungan mo na lang ba akong magluto rito kesa para kang timang na nag-aabang ng grasya riyan. Mamaya pa ’yun darating. Ala-una nga, ’di ba?”
“Sige na nga, tutulungan na lang kitang magluto. Ano pa ba ang lulutuin?” Lumapit si Jairus sa kaibigang nasa kusina.
“Maluluto na itong sinigang. Pinalalambot ko lang itong baboy tapos ilalagay mo ang mga sahog na gulay, at ’yun na,” paalala niya.
“Eh, wala na pala akong maitutulong. Tapos na ’yan, eh. Ganito na lang, ako na ang bahala rito at ikaw naman, maligo ka na kasi amoy suka ka na. Mahiya ka naman sa boyfriend mong ang pogi-pogi, ang bata-bata at ang bango-bango, tapos ikaw matandang mabaho,” nakangiti si Jairus habang inaasar ang best friend niya.
“Kung maka-matandang mabaho ito! Hoy, kahit amuyin mo pa ang buong katawan ko, wala kang maamoy na baho. Malinis ako sa katawan, alam mo ’yan. Eksaherada ka.”
Humalakhak si Jairus. “Hindi ka naman mabiro. Basta, umalis ka na riyan at ako na ang bahala. Maligo ka na. Mag-beauty rest. Para pagdating ng prince charming mo, mas lalong mainlab sa’yo. Sige ka, baka maagaw ko siya sa’yo.”
“Eh, ’di agawin mo.” Nasa tinig ni Anton ang kumpiyansa. Alam niyang hindi naman siya aahasin ng kaibigan at hindi rin naman magpapaahas si Jason.
“Ang lakas ng loob. Porke alam niya na hindi ako type ni Jason. Naku, best friend ang swerte mo lang talaga na choosy ang Jason mo. Kung nagkataon, magsaulian na tayo ng kandila kasi aagawin ko talaga siya sa’yo.”
“Oo na. Andami mong alam. Tikman mo nga lang kung tama na sa lasa ’yung niluluto ko. Dagdagan mo ng patis kung kulang.”
Lumapit si Jairus sa kalan at hinalo ang nakasalang na sinigang. Pagkuwa’y kumuha ito ng konting sabaw, hinipan at tinikman. Medyo ninamnam pa nito ang lasa ng sabaw bago nagkomento, “Sakto na, best friend. Alam ko namang kahit nakapikit eh kayang-kaya mong magluto ng isang napakasarap na sinigang.”
Noon tumunog ang doorbell.
“Ay! Best friend, nandyan na siya!” Agad na binitiwan nito ang hawak na sandok at patakbong lumabas ng bahay patungong gate. Ngunit ang excitement niya ay agad na napalitan ng pagkagulat, pagtataka at pagkayamot. Bakit hindi? Kung ang inaasahan niyang dumating na si Jason ay hindi naman pala si Jason kundi ang taong ayaw niyang makitang muli ni Anton.
Si Carlo!
9
“IKAW na naman? Por Diyos, por santo, ano na naman ba ang ginagawa mo rito? Busy kami ngayon, bumalik ka na lang next time,” pagtataboy ni Jairus kay Carlo.
“Gusto kong makausap si Anton,” matigas nitong sabi. Wala siyang pakialam kay Jairus dahil hindi naman ito ang kailangan niya.
“Busy nga! Hindi makaintindi?” mataray na sagot ng bakla.
“Can you just tell Anton that I’m here? I didn’t come here to argue with you. I want to see Anton so we can talk.”
“Aba, Inglisero! Hoy! Marunong din akong mag-Ingles. I told you that we’re busy so, please go back to hell and stop pestering my best friend!”
“Jairus, si Jason ba ’yong dumating?” bungad ni Anton na sumunod pala kay Jairus sa gate. Nagulat pa ito nang makilala ang bisita. “Carlo? Ano’ng ginagawa mo rito?”
“Anton, puwede ba kitang makausap?” agad na tanong ng lalaki.
“Tungkol saan? May dapat pa ba tayong pag-usapan? Parang wala naman akong maisip na kailangan nating pag-usapan.”
“Marami.”
Napatingala sa ulap si Jairus sabay tirik ng mga mata. “Ang lakas ng loob mang-iwan, tapos babalik-balik,” bumubulong na sabi nito.
Umiling-iling si Anton.
“Please…”
“Tapos na tayo, Carlo. Tinapos mo na. Ikaw ang umalis. Ikaw ang tumapos sa kung ano mang meron tayo. Kaya wala na tayong dapat pag-usapan pa. Nag-move on na ako. Sana ikaw rin.”
“May iba ka na.”
“Hindi mo na kailangang malaman.”
“Iyon bang kasama mo sa restaurant noong nakaraang gabi?”
“Seriously, it’s none of your business. Buhay ko ito at wala kang pakialam ano man ang gawin ko,” diretsang sagot ni Anton. Minsan, kailangang prangkahin ang isang tao para tumigil na sa pangungulit.
“Noong nakita ko kayo, at saka ko na-realize na mahal pa pala kita. Bigla akong nagalit sa sarili ko na pinakawalan pa kita. Hindi kita dapat iniwan.”
Nanlaki ang mga mata ni Jairus sa narinig na sinabi ni Carlo. Poker-faced naman si Anton. Sanay na siya sa mga boladas ng lalaki. Hindi na nito mabibilog ang ulo niya.
Isang taksi ang pumarada sa harapan ng bahay ni Anton at bumaba si Jason na may dalang dalawang malaking bag.
“Ay! Nandiyan na siya, best friend!” Nagtitili si Jairus. Muling bumalik ang excitement sa katawan niya pagkakita sa binatang kanina pa niya hinihintay.
Napako ang tingin ni Carlo kay Jason. Ito ’yung lalaking nakita niyang kasama ni Anton sa restaurant. Bakit may bitbit itong dalawang malaking bag? Dito na ba ito titira?
“Pasok ka, Jason. Huwag kang mahiya. Feel at home.” Agad na sinalubong ni Jairus ang binata at pinapasok sa gate. “Akina ’yang isang bag mo.”
“May bisita pala kayo.” Napansin ni Jason si Carlo. “Ba’t ’di n’yo papasukin?”
“Papaalis na siya nung dumating ka,” maagap na sagot ni Anton. “Best friend, samahan mo na muna si Jason sa loob,” sabi ni Anton sa kaibigan.
“Halika na, Jason.” Hinawakan ito ni Jairus sa kaliwang kamay at hinila na papasok sa loob ng bahay. “Tamang-tama ang dating mo, luto na ang pananghalian.”
Nang makapasok na sa loob ng bahay ang dalawa ay saka muling hinarap ni Anton ang dating boyfriend. “Makakaalis ka na.”
“Jason pala ang pangalan niya. Dito na siya titira? Magli-live in na kayo?”
“Bahala ka na kung anong gusto mong itawag do’n. Isipin mo na rin kung ano man ang gusto mong isipin. Malinaw naman siguro sa’yo na totoong tapos na tayo. Kaya kung ano man ang gusto mong sabihin, hindi na ako interesadong malaman. Masaya na ako. Sana maging masaya ka na lang din para sa akin.”
“Anton…”
“Hindi ako ang nag-umpisa nito. Ikaw.”
“I’m sorry.” Hindi malaman ni Carlo kung ano pa ang sasabihin.
“Umalis ka na, Carlo. At sana, ito na ang huling pagpunta mo rito sa bahay ko.”
“Anton…”
“Goodbye!” matigas na sabi ni Anton at iniwan na nito si Carlo na nanatiling nakatayo sa labas ng gate.
Nang makapasok na sa loob ng bahay si Anton ay wala nang nagawa si Carlo kundi umalis na rin. Pero buo sa sarili ang paniniwala niyang hindi iyon ang huli nilang pagkikita ni Anton. Tiwala siyang darating ang panahon na mababawi niya si Anton sa bagong boyfriend nito. Kailangan niya lang na maghintay ng tamang panahon at pagkakataon.
“HANDA na ang pagkain! Halina kayong dalawa rito. Bumaba na kayo,” masiglang tawag ni Jairus kina Anton at Jason na nasa kuwarto pa at inaayos ang mga gamit ng huli.
“Oo, bababa na kami!”
Ilang sandali lang ay nasa kusina na ang dalawa. Naka-sando at shorts na lang si Jason. Mas lalong lumakas ang sex appeal nito sa paningin ni Jairus. Halos ayaw na niyang alisin ang pagkakatitig niya sa guwapong binata na super macho rin pala!
“O, best friend hindi si Jason ang ulam. Kung makatitig ka, parang pinapapak mo na siya,” sinita ni Anton ang kaibigan. “Kumain na tayo kasi alam kong kanina ka pa nagugutom.”
“Grabe ka talaga sa akin, best friend. Masama bang humanga ako kay Jason? Eh, anong magagawa ko, napakaguwapo niya. Macho pa. Juskolord! Sana makahanap rin ako ng ganyan.”
Nagkatinginan na lang sina Anton at Jason. “Ganyan lang talaga ’yan ’pag nalilipasan ng gutom. Pagpasensyahan mo na,” tila pagpapaalala niya kay Jason.
Pinaikot ni Jairus ang kanyang mga mata. “Grabe talaga siya. Parang hindi niya ako best friend,” kunwari ay nagtatampong sabi niya.
Nilagyan ni Anton ng pagkain ang plato ni Jason.
“Ang sweet! Bakit hindi pa kayo langgamin?” sabi muli ni Jairus, sabay irap sa dalawang kasama.
Lihim na napapangiti si Jason. Natutuwa siya sa mga sinasabi at ikinikilos ni Jairus.
Nagsimula na silang kumain. Maging si Jairus ay pansamantalang nanahimik para tikman ang masarap na niluto ni Anton.
“Sino nga pala ’yung lalaking kausap n’yo sa gate kanina?” inosenteng tanong ni Jason.
“Si Carlo, ex ko.” Hindi na naglihim si Anton. Para saan pa at maglilihim siya? Eh, alam naman ni Jason na kagagaling lang niya sa breakup.
Sinulyapan ni Jairus ang dalawa. Gusto niyang makita ang reaksiyon ni Jason pero wala naman siyang napansing kakaiba. Tila ba secured na secured ang binata sa puwesto niya sa buhay ni Anton.
“Ahh, nakikipagbalikan ba?” Tuloy lang sa pagkain si Jason habang nagtatanong.
“Ewan ko, parang ganoon yata. Hindi ko naman in-entertain. Wala naman siyang babalikan. Taken na ako.”
Tiningnan ni Jason si Anton at kinindatan.
“Hay naku! Hayan na naman sila sa walang katapusang kaswitan. Hindi na talaga ako magtataka kung dumagsa ang langgam dito mamaya.” Nakisali na naman si Jairus sa usapan.
“Kumain ka na lang ng kumain diyan, best friend. Ayan o, andami pang kanin at ulam. Ikaw na ang maghugas ng mga plato mamaya at siguruhin mong ’di tayo lalanggamin, ha?”
“Eh, ano pa nga ba?”
NAKAUWI na ng bahay si Carlo. Kapapasok pa lang niya ng pinto nang salubungin siya ng baklang kinakasama niya ngayon.
“At saan ka na naman nanggaling?” Mataray na tanong ng bakla. Kung titingnan ay nasa late twenties na siguro ang edad nito. Cross dresser ito at puno ng kolorete ang mukha. Malayong-malayo sa itsura ni Anton na bagama’t bakla rin ay itsurang lalaki pa rin.
“Pumunta lang ako sa bahay ng barkada ko,” walang ganang sagot ni Carlo.
“Siguruhin mo lang na barkada talaga ang pinuntahan mo. Dahil kapag nalaman kong may pinopormahan kang iba, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko,” pagbabanta pa nito.
“Sa barkada nga. Kung ayaw mong maniwala, huwag!” Tuluy-tuloy na pumasok si Carlo sa kuwarto. Sumunod naman sa kanya ang bakla.
“Huwag mo akong tinatalikuran, hindi pa ako tapos sa’yo!”
“Ano bang problema mo? Masama bang lumabas ako? Anong gusto mo, ikulong ako rito?” Umiinit na ang ulo niya. Napaka-nagger ng baklang ito at ayaw na ayaw niya sa mga bungangera.
“Hindi kita ikinukulong. Ang gusto ko lang magpaalam ka kung saan ka pupunta at sabihin mo ’yung totoo kung sino ang pupuntahan mo. Mahirap bang gawin ’yon?” Ayaw pa ring tumigil ng bakla.
“Eh, kahit ano naman ang sabihin ko hindi ka pa rin maniniwala. Kasi iniisip mo lagi na niloloko kita. Puwede ba Shelley, ayusin mo naman ang ugali mo bago pa ako magsisi na pinakisamahan kita!”
10
“AH, GANOON? So, nagsisisi ka na nakipagrelasyon ka sa akin? At kanino mo talaga gustong makipagrelasyon, doon sa matandang dati mong hinuhuthutan? Pasalamat ka nga at ibinahay pa kita. Puwedeng-puwede naman kitang tikman lang, tapos idispatsa na. Mabuti nga at iginarahe pa kita! Kaya huwag kang magsasalita na parang ikaw pa ang nagmamalaki sa akin.” May diin ang bawat salita ni Shelley. Wala siyang balak magpakabog sa Carlo na ’to.
Matalim ang tinging ipinukol ni Carlo sa baklang kinakasama. “Huwag mong kalilimutan na ikaw ang dahilan kaya kami nagkagulo ni Anton. Kung hindi mo inilagay sa wallet ko ang gamit na condom na itinapon ko na sa basurahan, hindi sana niya malalaman na nakipag-sex ako sa’yo. Hindi sana kami nag-away at hindi ko sana siya iniwan,” panunumbat pa niya kay Shelley. “Kung ayaw mo ako rito, magsabi ka lang. Puwede rin akong umalis kahit anong oras.” Malakas ang loob ni Carlo dahil hindi naman siya tambay na katulad ng ibang pumapatol sa bakla. Kahit paano ay kumikita siya sa trabaho niya bilang clerk sa city hall.
Iyon lang at tuloy-tuloy na pumasok sa kuwarto ang lalaki. Naiwan sa salas si Shelley at mainit pa rin ang ulong nagsindi ng sigarilyo. Hindi puwede sa kanya ang ganito. Ayaw na ayaw niyang niloloko siya ng mga lalaking nakakarelasyon niya. Malaki ang puhunan niya sa pakikipagrelasyon kaya hindi siya makapapayag na may makikisawsaw na iba habang pag-aari pa niya ang isang lalaki.
Nang maubos ang sigarilyo ay pumasok na rin ito sa kuwarto. Naabutan nitong nakahiga nang padapa si Carlo na tanging black brief lang ang suot. Matiim na tinitigan ni Shelley ang kanyang boytoy. Oo, laruan lang para sa kanya si Carlo. At madamot siya pagdating sa kanyang mga laruan. Walang puwedeng gumamit. Walang puwedeng humiram. Dapat, sa kanya lang.
Sumampa sa kama si Shelley at lumapit sa natutulog na binata. Marahan niya itong hinalikan sa batok at likod. Masuyo niyang hinaplos ang likod nito pababa hanggang makarating ang kamay niya sa maumbok nitong pang-upo. Bahagya niyang pinisil-pisil ang puwet ni Carlo at nang hindi na makapagpigil ay dahan-dahan niyang ibinaba ang suot nitong brief. Si Carlo naman ay nanatili lang na nakadapa at hindi kumikilos. Maaaring malalim na talaga ang tulog nito o kaya naman ay nagpapaubaya lang sa ginagawa ng baklang kinakasama. Walang kahirap-hirap na nahubad ni Shelley ang panloob ng binata. Muli niyang pinagsawa ang kamay sa paghimas sa puwet nito. Noon kumilos si Carlo at nagbago ng puwesto. Tumihaya ito kaya nalantad kay Shelley ang pribadong bahagi nito. Napalunok si Shelley. Isang buwan na silang nagsasama ni Carlo. Maraming beses na rin niyang nakita ang pagkalalaki nito. Pero sa tuwina ay nagdudulot sa kanya ng kakaibang init ang ganitong tanawin. Agad niyang sinunggaban ang nagsisimula nang mabuhay na pagkalalaki ni Carlo at pinagpala sa kanyang bibig.
Unang gabi ni Jason sa bahay ni Anton. Pagkatapos maghapunan ay sinamahan niyang manood ng tv sa loob ng kuwarto si Anton. Nakahiga sila habang nanonood. Si Jairus ay nasa kabilang kuwarto na at nagpapahinga na rin.
“Hindi pa ba tayo matutulog?” malambing na tanong ni Jason.
“Inaantok ka na ba?”
“Hindi pa naman.” Mula sa pagkakahiga ay bumangon si Jason at tumayo. “Maliligo lang muna ako.” Naghanap ito ng tuwalya sa mga gamit niyang nasa bag pa.
“Sige,” sagot ni Anton. “Ilagay mo na bukas sa aparador ’yung mga damit mo.”
“Gusto mong sumabay?”
“Saan?” nagtatakang tanong ni Anton.
“Sa akin. Maliligo. Sabay tayo?” alok nito.
Natawa si Anton. “Huwag na, mauna ka na. Mamaya na lang ako pagkatapos mo.”
“Sabay na kasi tayo. Para tipid sa tubig,” pilit ni Jason.
Pinandilatan ni Anton ang binata. “Huwag makulit. Ayokong may kasabay maligo.”
“Bakit naman?”
“Basta!”
“Eh, makikita ko rin naman ’yan,” pilyong sabi ni Jason.
“Ewan!” Binato niya ito ng unan. “Maligo ka na!”
Humahalakhak na pumasok sa banyo ang binata.
Pagkalipas ng kinse minutos ay lumabas ng banyo si Jason. Nakatapis lang ito ng puting tuwalya ay may pakonti-konting patak ng tubig na umaagos mula sa basa pa nitong buhok.
Napakaguwapo ni Jason. At maganda rin ang katawan. Hindi akalain ni Anton na ganoon kaganda ang katawan ng binata kapag walang damit. Halatang nagbababad ito sa gym. Halos hindi na maalis ang pagkakatitig niya kay Jason.
Hanggang sa naghahanap na ito ng maisusuot ay hindi pa rin niya ito hinihiwalayan ng tingin. Napansin ni Jason ang tila pagkakatulala ni Anton.
“Oh, bakit? Para kang natuka ng ahas diyan,” nakangiti nitong sabi. Bakit ba mas lalo itong gumuguwapo kapag nakangiti? Mas nagpapatingkad sa kaguwapuhan nito ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin.
“Wala,” palusot ni Anton. “Kung wala kang maisuot, may shorts at sando ako sa aparador. Humanap ka na lang doon.”
“Hindi na. Mayroon naman ako, eh. Nasa ilalim lang kasi. Kailangan ko pang halungkatin lahat ang laman nitong bag.”
“Gamitin mo na lang muna ’yung sa akin. Marami naman diyan, pumili ka na lang,” pamimilit pa ni Anton.
“Sige… Pasensya ka na, ha?”
“Para iyon lang?” Nginitian niya si Jason. At nakita niya itong naghahanap na ng maisusuot mula sa kanyang mga damit.
Unang isinuot ni Jason ang puting sando. Pagkatapos ay inalis nito ang tuwalyang nakatapis sa baywang at saka naman isinuot ang isang pambahay na shorts. Muli ay napako ang tingin ni Anton sa binata habang isinusuot nito ang shorts. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang nakaumbok na bahaging iyon sa pagitan ng mga hita nito.
Bago pa siya tuluyang mag-init dahil sa kanyang mga nakikita ay agad na siyang tumayo. “Ako naman ang maliligo.”
“Kailangan mo ba ng magsasabon sa’yo?” pilyong tanong ni Jason.
“Baliw!”
Napahalakhak na naman si Jason. Bakit ba sa pandinig ni Anton ay napakaharot ng halakhak nito? Pero hindi niya maitatangging para siyang kinikiliti kapag naririnig niya itong humahalakhak. May dalang libog sa sistema niya ang bawat pagtawa nito.
Isinampay ni Jason ang tuwalya pagkatapos ay sumampa na siya sa kama. Pagkalipas naman ng limang minuto ay lumabas na sa banyo si Anton.
“Tapos ka na agad?” nagtatakang tanong ni Jason.
“Oo, bakit?”
“Ang bilis naman. Para ka namang ibon kung maligo.”
“Matutulog lang naman ako, ah. Paggising ko maliligo ulit.”
“Sabagay. At saka, mabango ka naman kahit hindi ka pa maligo,” sabi nito kay Anton kasabay ang isang nang-aakit na kindat.
Hindi na napigilan ni Anton at siya naman ang napahalakhak. Kailangan niyang gawin iyon para maitago ang hindi mapigilang kilig na kanyang nararamdaman. Ano ba naman kasi itong nangyayari sa kanya? Kung kelan pa siya tumanda at saka pa siya kinilig. At saka pa siya kumerengkeng!
Haay
naku
,
Anton
!
Ang
landi-landi
mo
talaga
!
“Halika ka na rito, higa na tayo,” maya-maya ay sabi ni Jason.
Tinuyo muna ni Anton ang kanyang buhok bago bumalik sa kama.
Paglapit niya kay Jason ay agad siyang siniil nito ng halik sa leeg. “Pa-kiss nga, tingnan ko lang kung mabango ka talaga.”
Nakiliti si Anton sa halik ng binata pero pinilit niyang pigilin ang kanyang reaksyon. Nahihiya siya sa sarili niya. Hindi siya dapat umaakto nang ganoon. Hindi na dapat! Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao?
Nakakahiya!
Nakakahiya talaga.
“Matulog na tayo,” aya niya kay Jason para tumigil na ito sa kahahalik sa leeg niya.
Umungol ang binata at hindi huminto sa ginagawa. “Mamaya na, maaga pa.” Saglit na inabot nito ang remote control at pinatay ang telebisyon. “Saglit lang…” Huminto ito sandali at tumayo para i-off ang switch ng ilaw sa kuwarto at kaagad ding bumalik sa kama.
“Late na, matulog na tayo…” Iba ang sinasabi ni Anton sa gusto niya talagang mangyari. Aaminin niyang nadadarang na siya sa ginagawa ni Jason kahit na simpleng pagdampi lang iyon ng mga labi ng binata sa kanyang balat.
Nagulat siya sa sunod na ginawa ni Jason. Ang mga labi nito na kanina ay abala sa kanyang leeg ay biglang umakyat patungo sa kanyang labi. Sa unang pagkakataon ay naglapat ang kanilang mga labi. Masarap
pala . Mas
masarap
kesa
sa
mga
labing
natikman
na
niya
.
Hindi pa nakuntento si Jason sa basta halik lang. Nagsimulang maglikot ang dila nito na tila ahas na naghahanap ng mapapasukang kuweba. At sa konting pagbuka ng bibig ni Anton ay nakapasok ang pangahas na dila. Nalasahan niya ang laway ni Jason at wala siyang naramdaman ni konti mang pandidiri. God, he really loves this guy so much!
Hindi na namalayan nina Anton at Jason kung paano nilang nahubad ang kanilang mga suot. Nagmistula silang mga bagong silang na sanggol na iniluwal sa mundo sa kadiliman ng gabi. At katulad ng isang sanggol na giniginaw ay naghanap sila ng init ng katawan sa isa’t-isa.
Si Jason, kahit na bata pa ay tila sanay sa pagpapaligaya sa kanyang katalik. Halos tumirik ang mga mata ni Anton sa luwalhating dulot ng mga labi at mapagpalang kamay nito. Kung sa umpisa ay tila nahihiya pa si Anton, nang tumagal ay itinapon na niya ang lahat na natitirang hiya sa kanyang katawan. Dinama niya nang lubos ang ligaya sa piling ng lalaking nagparamdam sa kanya kung paano pahalagahan at mahalin.
Now it’s his turn to return the favor. Magpapatalo ba siya sa isang bata? He will not be a forty-year-old gay man for nothing. He wanted to give Jason the same pleasure and more! At gagawin niya iyon ngayon.
Inumpisahan niyang bigyan ng banayad na haplos ang dibdib ni Jason. Pinagsawa niya ang kanyang mga kamay sa magkabilang dibdib nito. He took time caressing his nipples that made Jason moan in unexplained sensation. At hindi pa siya nakuntento sa paghaplos dito, inumpisahan niyang isubo nang salitan ang dibdib ng katalik. Mas lumakas pa ang pag-ungol ni Jason na mas nagpatindi naman sa nag-iinit na pakiramdam ni Anton.
Dahan-dahan siyang bumaba papunta sa pusod ng binata at pinaglaruan ng kanyang dila ang palibot nito. Tila umaalon ang tiyan ni Jason sa tuwing madadampian ng dulo ng kanyang dila ang loob ng pusod nito. Halos mamilipit ito sa luwalhating nadarama na mas pinasagad pa nang dumako ang bibig niya sa pribadong bahagi nito. Paulit-ulit na binanggit nito ang pangalan niya habang abala siya sa pagbibigay ng walang katulad na ligaya rito. At nang maipon ang lahat ng init sa katawan ay tila bulkang sumabog ito at nagbuga ng mainit at malagkit na likido.
Kapwa humihingal sina Anton at Jason nang humupa ang init. Sa unang gabi ni Jason sa bahay ni Anton, bininyagan nila ang kama na naging saksi sa kanilang pag-iibigan. Bago sila tuluyang matulog, muling naglapat ang kanilang mga labi at minsan pang dinama ang tamis ng halik ng bawat isa.
11
TANGHALI NA nagising kinabukasan sina Anton at Jason. Hindi pa kaagad sila bumangon. Saglit pa nilang ninamnam ang pagkakalapat ng mga likod nila sa malambot na kama.
“Bumangon na tayo at mag-almusal,” yaya ni Anton sa katabi.
Tumingin lang sa kanya si Jason tapos ay bigla siyang niyakap nito. Maging ang hita nito ay idinantay sa katawan ni Anton. “Mamaya na lang. Higa na lang muna tayo rito.”
“Tanghali na, eh. Wala ka bang lakad o ano mang gagawin ngayon?”
“Gusto ko lang yumakap sa’yo,” sabi ni Jason in a bedroom voice tone. “Linggo naman. Okay lang mag-stay sa bahay buong araw.”
“Kung ayaw mo pang bumangon, ako na lang.” Kumawala siya sa pagkakayakap ni Jason at saka bumangon. Pero bago pa siya nakatayo ay nahila na siya nito.
“Halika muna rito.” Muli siyang napahiga at agad siyang kinubabawan ni Jason. Pagkatapos ay humiga ito sa katawan niya; ang ulo ay nakahimlay sa kanyang dibdib. “Mamaya ka na bumangon. Hihiga lang ako sandali rito.”
Wala nang nagawa si Anton kundi hayaan si Jason sa gusto nito. Inamoy-amoy na lang niya ang buhok nito kasabay ang marahang paghaplos dito. “Grabe, bagong gising siya pero napakabango pa rin ng kanyang buhok. Parang hindi pinagpapawisan ang lalaking ito.”
Maya-maya ay nakarinig sila ng katok mula sa pinto.
“Best friend, anong petsa na? Wala pa ha kayong balak bumangon diyan? Luto na ang pananghalian, diyos ko naman! Lumabas na kayo ng lungga n’yo at kumain na tayo,” talak sa kanila ni Jairus. “Puro kayo na lang ang nagkakainan diyan!”
Bastos
talaga
ang
bunganga
ng
baklang
ito
. “Oo, lalabas na!” sigaw ni Anton sa kaibigan.
“Alin ang lalabas na?” kunwari’y inosenteng tanong nito.
“Gaga! Puro kabastusan ang lumalabas sa bunganga mo.”
“Asus! Kunwari ka pa. Nag-eenjoy ka naman diyan.” At humalakhak ito nang malakas, dinig na dinig ni Anton kahit nasa loob siya ng silid.
“Jason… Jason…”
“Hmm…,” ungol nito.
“Bumangon ka na. Tapos nang magluto si Jairus, kakain na tayo.”
“Hmm…”
“Sige na… Tumayo ka na riyan.” Bahagya niya itong itinulak para mahulog mula sa pagkakadagan sa kanya. Pagkatapos ay agad siyang bumangon, sinuklay ang buhok sa pamamagitan ng kanyang palad at hinampas sa puwet si Jason. “Bangon na! Sumunod ka na rito sa labas.” Lumabas na siya ng silid.
Naabutan niya si Jairus na naghahanda na ng mesa.
“O, mabuti naman at bumangon ka na. Naku, kung hindi ka pa talaga lumabas kakain na akong mag-isa. Kanina pa nagririgodon ang tiyan ko. Gutom na gutom na ako,” reklamo nito.
“Anong niluto mo?”
“Eto, may nilagang baka at pritong bangus,” pagmamalaki pa nito sa mga inihandang pagkain. “Tapos, hinog na papaya ang panghimagas. Para mabawas-bawasan naman ang init ng mga katawan n’yo.” Nanunudyo ang ngiti nito.
“Bakit? Ano bang ginagawa namin? Wala naman, ah,” pagtanggi ni Anton.
“Naku, best friend huwag ako. Hindi ako ipinanganak kahapon. Magdamag kayo sa silid na kayong dalawa lang. Imposibleng wala kayong ginawa.”
“Meron nga kaming ginawa, natulog.”
“Natulog your face! Ikaw? Matutulog lang kasama ang boyfriend mong delicious?” hindi makapaniwalang tanong ni Jairus.
“Best friend, ha? Lumalagpas ka na sa linya. Pati ba naman private matters, kailangan ko pang ipaliwanag sa’yo?” Pinormalan niya ang kaibigan.
“Ito naman, masyado. Masama bang mainggit ako sa’yo. Bakit ba kasi napakaswerte mo sa boyfriend? Lahat guwapo. Lahat delicious. Ako kaya, kelan makakahanap ng ganyan?”
“Pakitaan mo kasi ng pera, para sila mismo ang lumapit sa’yo,” pagbibiro ni Anton sa kaibigan.
“Ang sama mo naman, best friend. Bakla lang ako, hindi ATM.”
Napahagalpak ng tawa si Anton. Kahit kelan talaga, karakter ang kaibigan niyang ito.
Noon lumabas ng silid si Jason. Naka-boxers lang ito at halos lumuwa ang mga mata ni Jairus pagkakita sa binata.
“Mahabaging langit!” bulalas nito.
“O, ’yang mata mo kung saan-saan na naman nakatingin,” saway ni Anton sa kaibigan.
“Best friend, huwag kang selfish. Share your blessings naman.”
Tuloy-tuloy na lumapit si Jason kay Anton at humalik sa labi nito. “Good morning…”
“Tanghali na po. Hindi na morning,” apela ni Jairus. “Ako ba, walang greetings?”
“Wala!” agad na sagot ni Anton.
“Kung ganoon, dumulog na kayo rito sa mesa at kumain na lang tayo,” sabi nito. “Ibubunton ko na lang sa pagkain ang pagkainggit ko.”
Masaya silang nananghalian. Sa pagitan ng mga pagnguya at pagsubo ay mga mumunting halakhakan dahil sa mga ibinabatong jokes ni Jairus.
KATATAPOS LANG maligo ni Carlo at ngayon ay nagbibihis na ito.
“Saan ka na naman pupunta?” mataray na tanong ni Shelley.
Hindi sumagot si Carlo. Naiinis na siya kapag ganitong lahat na lang ng lakad niya ay kinakailangang ipagpaalam pa sa baklang kinakasama niya.
“Bingi ka ba? Sabi ko, saan ka na naman pupunta?”
“Sa impiyerno. Sasama ka?” Matalim ang tinging ibinato niya sa bakla.
Lilipad sana ang palad ni Shelley sa mukha ni Carlo pero maagap niya itong nahawakan. “Hindi mo ako puwedeng saktan. Huwag mo akong bigyan ng dahilan para layasan ka,” madiing sabi niya sabay bitaw sa kamay nito at mabilis na humakbang papalabas ng silid.
Naiwan si Shelley pero hindi ito ang tipo na basta na lang magpapatalo. Kinuha nito ang celfone at may tinawagan.
“Hello, Yuri?”
“Shelley! Napatawag ka?”
“Pumunta ka rito sa bahay ko, may pag-uusapan tayong importanteng bagay.” seryosong pahayag ni Shelley.
“Sure! Alam mo namang basta ikaw ang humiling sa akin, hindi ko talaga matanggihan,” mabilis na sagot nito. “Kelan ako pupunta riyan?”
“Ngayon na.”
“Wow! Okay, pupunta na ako. Give me thirty minutes and I’ll be there!” paniniguro pa nito.
NAGAWANG DUMATING ni Yuri sa bahay ni Shelley sa itinakda niyang oras. Nang buksan ng bakla ang pinto ay isang pilyong ngiti ang isinalubong niya rito.
“I’m on time. I think I deserve a reward.” Umakma itong hahalikan si Shelley pero umiwas ang huli.
“Not now. Too early,” deklara ni Shelley. “You’ll get to receive your prize once you’re done with the task that I want you to do.”
“Task?” nagtatanong ang mga mata ni Yuri.
“You heard it right,” ani Shelley. Kumuha ito ng isang sigarilyo na nasa center table at sinindihan.
“Ano naman ang ipagagawa mo sa akin?”
“Kilala mo ’yung boyfriend ko, ’di ba?” Hinithit nito ang sigarilyo tapos ay ibinuga ang usok.
“Ah, ’yung bagong boyfriend mo? Iyong dating syota noong matandang bakla,” maangas na sabi ni Yuri. “Oo, kilala ko iyon. Bakit?”
“Tiktikan mo siya. Alamin mo kung saan nagpupupunta at kung ano ang mga pinaggagawa niya. Kapag may nakuha kang magandang impormasyon, ibibigay ko ang gusto mong premyo.” Muling humithit ng sigarilyo ang bakla at bahagyang lumapit sa mukha ni Yuri at saka ibinuga ang usok.
Pilyong napangiti ang lalaki. “One whole night with you ang gusto ko.”
“Deal!” Isang ngiti ang pinakawalan ni Shelley. “I’m giving you one week to do the task.”
“Aprub!” Nakangising tugon ng lalaki.
Nagkamay ang dalawa upang isara ang kanilang kasunduan.
12
“SABAY BA tayong uuwi mamaya?” tanong ni Jason kay Anton na kausap nito sa telepono.
“I’ll be out for a client meeting. Plano ko sana dumiretso na ng uwi pagkatapos ng meeting,” paliwanag ni Anton.
“Ah, ganoon ba? Sige, ingat ka. I love you.”
“I love you, too.” Ibinaba na niya ang telepono nang nakangiti. Jason has always been this sweet. Lagi nitong ipadarama sa kanya na importante siya. Ang swerte niya talaga kay Jason. Ang swerte-swerte niya.
Tiningnan niya ang kanyang relos, mag-aalas dose na. Kailangan na niyang umalis. Ala-una ang usapan nila ng kliyente niya. Ayaw niyang ma-late sa usapan. Baka bigla pang mainip iyon at mag-walkout.
Kinuha niya ang kanyang portfolio at nagbilin sa katrabaho, “May client meeting ako. I’ll see you all tomorrow.” Mabilis na naglakad na siya patungo sa elevator.
Paglabas niya ng building ay agad siyang pumara ng taxi. Laking gulat pa niya nang pagsakay niya ay kasunod niyang sumakay din si Carlo.
“Anong ginagawa mo rito? Bumaba ka nga!” singhal niya sa lalaki.
“HIndi ako bababa. We need to talk,” madiin na sagot ni Carlo, tapos ay bumaling ito sa driver. “Manong, abante na. Ako nang bahala rito.”
Mabilis na pinatakbo ng tsuper ang sasakyan.
“May client meeting ako. Huwag mong sabihin na hanggang doon ay bubuntot ka sa akin,” pagtataray ni Anton sa dating nobyo.
“Maghihintay ako hanggang matapos ang miting mo.” Desidido si Carlo na huwag magpatalo. “Hindi na ako papayag na hindi tayo makapag-usap.”
“May dapat pa ba tayong pag-usapan? Matagal na tayong tapos. Tinapos mo na. Hindi ba?” Napansin niyang sumisilip sa rear-view mirror ang driver. “Manong, sa kalsada ang tingin.”
“Kaya nga bumabalik ako. Aaminin ko, nagkamali ako nang iniwan kita. I’m sorry. Patawarin mo na ako and let’s start anew.” Parang lang itong batang nakikipagbati sa nakaaway na kalaro.
“Tang ina naman, Carlo! Ano tayo naglalaro? ’Pag ayaw mo na, ayawan na. Kapag nasa mood ka na, laro ulit?” Muling pinansin ni Anton ang driver. “Manong, saan ba tayo pupunta? Sa Eastwood po tayo.”
“Hindi mo kasi sinabi kaagad, ser. Inuna mo pang makipagtalo diyan sa katabi mo,” katwiran ng driver.
Hindi na sumagot pa si Anton. Aminado naman siyang kasalanan niya kung bakit hindi alam ng driver kung saan sila pupunta.
“Now, makikipag-usap ka na ba sa akin?” Hindi talaga maawat ang kakulitan ni Carlo. Parang katapusan na ng mundo para rito kung hindi nito makakausap si Anton.
“No! Busy ako at wala rin tayong dapat pang pag-usapan,” matigas niyang sagot. “Can’t you see? May boyfriend na ako. Pinalitan na kita. And it’s just being fair because I know na matagal mo na rin akong pinalitan. Ang lagay eh, ikaw lang ang puwedeng maging masaya?”
“Mag-usap nga kasi tayo. I’m willing to leave Shelley, basta bumalik ka lang sa akin. Magsimula tayo ulit.”
“Shelley pala ang pangalan. Wow! You really have mastered the art of dumping people, huh? Ang kapal-kapal ng mukha mo,” singhal ni Anton kay Carlo. Nanggigigil na siya rito. Kung puwede nga lang niyang sapakin ang gagong ito ay baka kanina pa namamaga ang pagmumukha nito.
Eh
,
ba’t
ayaw
mong
sakalin
?
Anong
pumipigil
sa’yo
? Ang utak niya ay tila nanunudyo.
“Stop it, Carlo. Walang mangyayari sa pangungulit mo. Kung ano mang meron tayo, tapos na ’yon. It’s over! Kaya please lang, para sa ikatatahimik ng mga buhay natin, tigilan mo na ang kabubuntot sa akin. Tigilan mo na rin ang pagpunta mo sa bahay. You are not welcome there anymore!”
“JASON! BAKIT ’di mo kasama si Anton?” bungad ni Jairus nang makita niyang mag-isa itong dumating sa bahay.
“May miting daw siya, eh. Sabi niya diretso uwi na siya after ng miting kaya dito ko na lang siya hihintayin,” sagot nito. “Akyat lang muna ako sa kuwarto, magbibihis.”
Pagkatapos magbihis ay sumalampak sa kama si Jason at binuksan ang laptop. Nag-log in siya sa kanyang facebook account. Saglit siyang nag-browse at tumingin-tingin sa mga new post doon. Isang picture ang kumuha ng kanyang atensyon. Litrato iyon ni Xaira, ang kanyang ex-girlfriend. Sa larawan ay masaya itong kasama ang mga kaibigan sa Baguio City, habang nakasuot sila ng Igorot costume. Mukhang naka-move on na ito mula sa break up nila. Wala ni katiting na lungkot sa mukha nito. Sabagay, dalawang buwan na rin ang nakakaraan mula nang maghiwalay sila. Ang babaw nga ng dahilan ng kanilang paghihiwalay. Space. She needed space. Eh, ba’t ’di na lang siya pumunta sa outer space? Siguradong ang laki ng space roon.
Jason clicked the like button. Hindi pa nakuntento, nag-comment pa siya sa litrato: “Forever beautiful…”
Ilang litrato pa ni Xaira ang nakita niya at ni-like rin. Hanggang sa antukin siya at nakatulog.
Hindi na niya namalayan ang pagdating ni Anton.
Maingat na pumasok sa silid si Anton nang makita nitong natutulog si Jason. Ang laptop ang agad tumawag sa atensyon niya. Kinuha niya ito at ipinatong sa study table na nasa isang sulok ng kuwarto. Io-off sana niya ang laptop nang makita niya ang facebook profile ni Xaira Lopez.
“Andiyan ka na pala.”
Napalingon si Anton kay Jason. “Oo, kararating ko lang. Kanina ka pa ba?”
Bumangon si Jason. “After office umuwi na ako kaagad. Pagdating ko rito nakatulog ako. Napagod sa trabaho. Akala ko nga mauuna kang makakauwi.”
“Ang gulo kasing kausap noong kliyente ko, kaya natagalan ako. Hayun, inabutan na ako ng rush hour. Traffic pauwi.”
Nakarinig sila ng mga katok sa pinto. “Dinner is ready. Lumabas na kayo diyan!” Si Jairus, nagtatawag na.
“Sige, susunod na kami.” Bumaling si Anton kay Jason. “Bumaba ka na. Magbibihis lang muna ako.”
“Sige… Pero, kiss muna. Hindi mo pa ako kini-kiss.” Ipinorma pa niya ang nguso na tila naghihintay ng halik.
Nilapitan ni Anton ang nobyo at hinalikan sa labi.
“Smack lang?” nagrereklamong tanong ni Jason.
“Tama na ’yon. Kakain pa tayo.”
“Anong koneksyon?”
“Basta, mamaya na lang.”
“Sinabi mo ’yan, ha? Sisingilin kita mamaya.”
“Labas na. Masamang pinaghihintay ang pagkain.”
“Opo…” Kinindatan pa ni Jason si Anton bago tuluyang lumabas ng silid.
Agad na nagpalit ng suot si Anton. Sando at shorts ang isinuot niya.
Lalabas na sana siya nang maalala niya ang laptop. Muli niyang tiningnan ang profile ni Xaira Lopez. Maganda ang babae. Napakaamo ng mukha. Ito kaya ang ex-girlfriend ni Jason?
“Anton, bumaba ka na rito nagugutom na ako!” sigaw ni Jairus mula sa kusina.
Agad na in-off niya ang laptop at dali-daling lumabas ng kuwarto.
“Kung makasigaw naman ito, dumadagundong sa buong bahay.” Sinita niya ang kaibigan.
“Eh, paano ang tagal mo kasing bumaba. Gutom na kami ni Jason. ’Di ba, Jason?”
“Upo ka na. Kain na tayo.” Maaliwalas ang mukha ni Jason dahil sa ngiti nitong napakatamis. Nilagyan nito ng kanin at ulam ang plato ni Anton.
Nang makakuha na silang tatlo ng pagkain ay nagsimula na silang kumain.
“Ang sweet! Buti ka pa, best friend may nag-aalaga sa’yo. Ako, jusko! Tatandang dalaga na yata ako.”
“Masyado ka kasing mapili,” kaswal na sagot ni Anton.
“Aba, dapat lang. Sa ganda kong ito, napakaswerte ng lalaking makakabihag ng puso ko,” puno ng kumpiyansang sabi ni Jairus. Si Jason ay patuloy lang sa pagkain habang nakikinig sa pag-uusap ng magkaibigan.
“Ang sinasabi ko, ’wag kang masyadong mapili para hindi ka nahuhuli sa biyahe.”
“Best friend, hindi naman ako fishball store na bukas sa lahat ng gustong tumusok.”
Muntik nang mapahagalpak ng tawa si Jason. Kahit kelan, karakter talaga itong si Jairus.
“Yuri, anong balita?” tanong ni Shelley sa kausap sa telepono.
“Magkasama kaninang tanghali ang syota mo at ang ex niya. Sumakay sila ng taksi at pumunta sa Eastwood.”
“Eastwood? Anong ginawa nila doon?” Agad na nag-init ang bumbunan ng bakla.
“Well, hindi ko na sinundan. Basta, pagbaba nila ng taksi umalis na rin ako.”
“Gago, hindi ba sabi ko sa’yo sundan mo. Paano ka makapagbibigay ng magandang impormasyon sa akin kung hindi mo sila susundan?”
“Sinundan ko nga, ’di ba? Mula Makati hanggang Eastwood. Tama na ’yun. Na-confirm ko nang magkasama sila. Ano ba ang gusto mo, sundan ko sila hanggang sa loob ng motel?”
“So, nag-motel nga sila?” galit na tanong ni Shelley.
“Malay ko. Malay mo…” panggagatong ni Yuri sa kausap.
“Makikita ng gagong lalaking ’yan! Makikita niya sa ’kin!”
13
“SAAN KA galing?” salubong na tanong ni Shelley kay Carlo nang dumating ito sa bahay.
“Sa trabaho, saan pa?” naiiritang sagot niya. Mag-uumpisa
na
naman
ang
baklang
’
to
.
“Alam mong sa lahat ng ayoko ay iyong taong sinungaling,” mataas ang boses na sabi ni Shelley. “Kaya mas makabubuti kung magsasabi ka na lang ng totoo.”
“Sa trabaho nga. Ano pa bang sagot ang gusto mong marinig?” naiiritang sabi ni Carlo. “Ang hirap sa’yo, wala ka nang ginawa kundi pagdudahan lahat ng kilos ko. Paulit-ulit na lang. Nakakasawa na!”
“Nagsasawa ka na? Ha?! Nagsasawa ka? Eh, ano ngayon ang gusto mong mangyari?” histerikal na tanong ng bakla sabay hila sa kuwelyo ng polo niya.
Kalmado pero madiin ang sagot ni Carlo. “Ikaw, ano bang gusto mo?” Itinulak niya si Shelley sabay talikod at naglakad patungo sa kuwarto.
Agad din namang sumunod si Shelley. “Akala mo ba tapos na tayo? Hindi kita titigilan hanggang hindi ka umaamin kung saan ka pumunta kanina!”
Hindi ito pinansin ni Carlo. Itinuloy lang nito ang pagbibihis. Akmang isusuot ni Carlo ang shorts niya nang maagap itong hinila ni Shelley sabay hawak sa brief niya at tila police dog na ineksamin ang kanyang panloob. “Eto, ano itong mantsang ’to sa brief mo?”
Hindi makapaniwala si Carlo sa ginagawa ng bakla. Para na itong napapraning sa tindi ng pagseselos. “Ano ba? Tigilan mo nga ang ginagawa mo! Para kang tanga.”
“Ano ang mantsang ’yan!” Hindi nagpapigil si Shelley.
“Hindi ko nga alam. Baka natuyong patak ng ihi. Imposible namang hindi ako umihi maghapon.”
Inagaw niya ang shorts kay Shelley at agad na isinuot. “Lubayan mo ako, ha? Napipikon na ako sa’yo!”
“Bakit, ikaw lang ba ang may karapatang mapikon? Anong gusto mo, pabayaan ko lang na niloloko n’yo ako ng matandang ex mo?”
Napailing na lang si Carlo.
“Huwag mo akong ginagago!” Isang matinding hampas sa balikat ang ibinigay ni Shelley sa nobyo.
“Araay!” Napangiwi siya sa naramdamang sakit. Malaking bulas si Shelley kaya siguradong mabigat ang kamay nito sakaling dumapo sa alin mang bahagi ng kanyang katawan. “Isa pa. Isa na lang, papatulan na kita. Hindi ako nagbibiro!”
“Sagutin mo ang tanong ko, saan kayo nagpunta ni Anton kanina?! Iyong totoo!”
Saglit na natigilan si Carlo pero hindi siya nagpahalata. Si Shelley ang tipo na gagawin ang lahat malaman lang ang gusto niyang malaman. Nagbayad
siguro
ang
gaga
para
pabantayan
ako
.
“Galing akong opisina. Maghapon akong nagtrabaho. Kung hindi ka naniniwala, malaki ang problema mo.” Tinalikuran niya ang bakla at nagmamadaling lumabas ng kuwarto.
“Saan ka pupunta?” tili ni Shelley pero hindi sumagot si Carlo. “Hoy, saan ka pupunta!”
SABADO NG TANGHALI
Katatapos lang maligo ni Jason. Lumabas siya sa banyo nang nakatapis lang ng puting tuwalya. Si Anton naman ang pumasok sa banyo.
Nagbihis si Jason. Puting manipis na sando at manipis na pambahay na shorts lang ang sinuot nito. Kitang-kita ang ganda ng katawan ng lalaki sa suot nito lalo na at paminsan-minsang sumisilip ang nipples nito sa suot na sando.
Hindi naman nagtagal at lumabas na ng banyo si Anton.
“Ba’t ’di ka pa bumababa? Kakain na tayo.” Nagsuot ng t-shirt si Anton, kasunod ang pambahay ding shorts.
“Hinihintay kasi kita. Sabay na lang tayong bumaba.”
“Tara na!” Sinuklay na lang niya ang buhok gamit ang kanyang kamay.
“Fresh na fresh, ah. Parang ayaw ko na tuloy kumain. Matulog na lang tayo.”
“Buang ka. Tanghaling tapat, matutulog? Hinihintay na tayo ni Jairus sa ibaba.”
Magkasabay silang bumaba para pumunta sa kusina.
“OMG! Ang fresh n’yo namang dalawa! Lalo ka na, Jason. Mukhang ang bango-bango mo. At ang sarap-sarap!” kinikilig na reaksyon ni Jairus pagkakita sa kanila.
“Jairus!” saway ni Anton sa kaibigan.
Si Jason naman ay pangiti-ngiti lang. Nasasanay na siya sa bulgar na bibig ni Jairus. Hindi siya nao-offend. Madalas pa nga ay natatawa siya sa mga sinasabi nito.
“Hay naku, best friend! Huwag ka namang killjoy. Pagbigyan mo na ako. Sumasabog talaga ang mga egg cell ko sa tuwing nasisilayan ko si Jason mo. Kung hindi lang kita best friend, hindi ko na pipigilan ang sarili ko at magpaka-anaconda na ako.” Kinindatan pa ni Jairus si Jason.
“Andami mong alam. Kumain na nga tayo.”
“Grabe ka na sa akin. Mula nang maging kayo si Jason, hindi mo na naa-appreciate ang jokes ko. Mabuti pa nga si Jason laging tumatawa kapag nagjo-joke ako,” kunwari ay nagtatampong sabi ni Jairus. Umupo ito at nilagyan ng maraming kanin ang plato niya.
Umupo na rin sina Anton at Jason para mananghalian.
“Andami ng kanin mo, ah. Kaya mo bang ubusin ’yan?” tanong ni Anton sa kaibigan.
“Oo, uubusin ko ’to. Masama ang loob ko ngayon kaya kakain ako nang marami.” Inabot nito ang ulam at nag-umpisang kumain.
Ngingiti-ngiti lang si Jason. Si Anton naman ay pinabayaan na lang ang “
trip
“ ng kaibigan niya.
Pagkatapos kumain ay si Jason na ang naghugas ng mga plato. Ayaw pa sana ni Anton pero mapilit ang binata.
Pagkatapos magsepilyo ay bumalik na sila sa kuwarto. Si Jairus naman ay nagkulong sa kanyang silid dahil may tatapusin raw report na parte ng online job nito.
Binuksan ni Jason ang telebisyon at naghanap ng magandang palabas. Isang pelikulang ingles ang kumuha sa atensyon nito. Si Anton naman ay binuksan ang laptop.
“Ano ba ’yan? Sabado nagtatrabaho,” reklamo ni Jason. “Halika na rito. Manood na lang tayo ng tv.”
“Saglit lang ito. May aayusin lang akong detalye dito sa client ko kahapon.”
“Bilisan mo, ha?” pangungulit nito kay Anton.
“Oo, mabilis lang ito.” Binuksan niya ang isang excel file at binasa ang mga nakalagay na detalye roon nang maalala niya ang facebook account ng babaeng inaakala niyang ex-girlfriend ni Jason. Ano na nga ba ang pangalan no’n? Hindi niya maalala. Tinapos na lang niya ang ginagaw at agad na tumabi kay Jason.
“Kumusta ang trabaho?” tanong niya rito.
“Ayun, maayos naman. Madali lang naman ang ginagawa ko do’n, kayang-kaya,” masayang kuwento ni Jason.
“Ituloy mo lang ang sipag mo sa trabaho, malayo ang mararating mo.”
“Oo, naman.” Hindi niya inaalis ang atensyon sa telebisyon. “Para sa future natin.”
Napangiti si Anton at tinitigan na lang ang nobyo.
“Bakit?” Napansin ni Jason na nakatitig sa kanya si Anton. “May kanin ba sa mukha ko?”
Napangiti siya. “Wala. Na-touch lang ako sa sinabi mo… Na para sa future natin iyong ginagawa mo.”
Inakbayan siya ni Jason at kinabig papalapit sa dibdib nito. “Ini-imagine ko na ang future ko na ikaw ang kasama. Gusto ko, sa pagtanda ko nasa tabi pa rin kita.”
“Paano mangyayari iyon eh, halos doble ng edad mo ang edad ko. Patanda ka pa lang, uugod-ugod na ako o baka nga tsugi na.” Dinaan niya sa biro ang seryosong usapan.
“Baliw! Wala namang kasiguruhan ang buhay. Hindi ibig sabihin na matanda ka eh, ikaw ang unang mamamatay. Minsan, mas nauuna ’yong mga bata pa,” argumento pa ni Jason.
“Sabagay, may punto ka doon,” pagsang-ayon ni Anton.
“Basta, mag-ingat lang tayo lagi tapos healthy living para magkasama tayong tumanda.” Hinalikan siya ni Jason sa buhok.
Tumunog ang doorbell.
“Sino kaya ’yon?” Bumangon si Anton at sumilip sa bintana. Nakita niya si Carlo.
Ang makulit na si Carlo!
14
LUMABAS NG kuwarto si Anton para puntahan sa gate si Carlo. Nakasabay niya sa paglabas ng kuwarto si Jairus.
“Si Carlo ’yun. Ako na lang ang pupunta,” sabi niya kay Jairus.
“Best friend, ’pag kailangan mo ng back up tawagin mo lang ako. Kayang-kaya kong patulugin ’yan.”
“Hindi na. Ididispatsa ko lang ’to.” Pinuntahan na niya si Carlo sa gate.
“Anton, mag-usap naman tayo. Please…”
“Ba’t ba ang kulit mo? Ilang beses ko ba kailangang sabihin sa’yo na wala na tayong pag-uusapan? Carlo, mag-move on ka na. Kasi ako, matagal nang naka-move on sa’yo.” Ipinagdiinan niya ang huling pangungusap.
“Marami pa tayong dapat pag-usapan.”
“Wala! At kung ano pa man ang gusto mong sabihin, hindi na ako interesadong malaman pa ’yon. So, please get out of my life. Tigilan mo na ako. Leave me alone.”
“Sige na, please. Noong iniwan kita, iyon ang pinaka-estupidong desisyon na ginawa ko. Akala ko hindi na kita mahal. Akala ko si Shelley na ang gusto ko. I was wrong… Completely wrong. That’s why I’m asking you to give me another chance.” Nakita ni Anton na pumatak ang luha ni Carlo.
Nataranta si Anton. Totoo ba ito? Umiiyak si Carlo? Kahit noong sila pang dalawa, never umiyak sa kanya ang hayup na ’to. Bakit umiiyak ito ngayon?
“Ba’t hindi mo siya papasukin para makapag-usap kayo nang maayos?” Napapitlag siya nang biglang magsalita sa likuran niya si Jason. Hindi niya namalayang nakalapit na pala ito sa kanila.
“Hindi, tapos na kaming mag-usap. Pauwi na siya,” kaswal na sagot niya pagkatapos ay bumaling kay Carlo. “Hindi ba, Carlo?”
Hindi ito sumagot. Iba ang salitang lumabas sa bibig nito. “I love you. Mahal na mahal kita, Anton.”
“No!” Hindi alam ni Anton kung paano magre-react. Bwisit na Carlo ito. Nag-i love you pa talaga sa kanya sa harap ni Jason.
Sinulyapan niya ang nobyo. Wala naman siyang nakitang kakaiba sa mukha nito. Hindi naman ito mukhang galit. Pero hindi rin naman mukhang masaya.
“I think you need to talk,” deklara ni Jason.
“Hindi… It’s over. I’m over him. There’s nothing to talk about.”
“Maiwan ko muna kayo.” Tumalikod si Jason at naglakad pabalik sa loob ng bahay. Nadaanan nito si Jairus na nasa pintuan at nag-aabang sa susunod na eksena nina Anton at Carlo.
“Jason…” nag-aalalang tawag niya sa binata.
“I’m okay. Doon na lang muna ako sa kuwarto.”
Lumapit si Jairus kay Anton. “Carlo, please lang umuwi ka na. Magdadala ka lang ng gulo rito, eh. Ang saya namin kanina bago ka dumating. Walang problema. Ngayon, mukhang meron na. Kaya umalis ka na, puwede?” Hinila nito si Anton pabalik sa bahay. “Halika na, best friend. Puntahan mo si Jason sa kuwarto.” Bago tuluyang umalis ay muling tinapunan ni Jairus ng matalim na tingin ang ex ni Anton.
Wala nang nagawa si Carlo kundi umalis. Aalis siya ngayon, pero hindi ibig sabihin na sumusuko na siya.
Pagpasok nina Jairus at Anton sa bahay ay pababa naman ng hagdan si Jason. Dala nito ang cell phone ni Anton na nagri-ring.
“May tumatawag sa’yo. Baka importante,” ramdam ni Anton ang tamlay sa boses ng boyfriend. Kinuha niya ang phone at sinagot ang tumatawag.
“Hello?”
“Si Anton ba ’to?” Mataray ang timbre ng boses na narinig niya.
“Ako nga. Sino ito?”
“Hindi na importante kung sino ako. Nandiyan ba si Carlo?”
“Well, kung ganyang hindi mo sinasagot ang tanong ko inaasahan mo bang sasagutin ko ang mga itatanong mo?” kaswal lang ang pagkakasabi ni Anton. Mukhang may hinala na siya kung sino ang kausap niya.
“Huwag kang pilosopo!”
“Puwes, ’wag kang bastos. Ikaw ang tumawag sa akin kaya ikaw ang dapat na unang magpakita ng respeto.”
“Respeto your face, gago! Ilabas mo ang boyfriend ko kung ayaw mong magkagulo tayo. Ang tanda-tanda mo na. Humanap ka ng boyfriend na kasingtanda mo!”
“Sabi ko na nga ba si Shelley ka,” nangingiting sabi ni Anton. Hindi siya naapektuhan ng mga patutsada ni Shelley tungkol sa kanyang edad.
“So, kilala mo na pala ako. Kinukuwento ba ako sa’yo ng boyfriend ko na bino-boyfriend mo?” sarkastikong tanong nito. “Anong pinag-uusapan n’yo about me? Pinaplano na ba niyang layasan ako?”
“I don’t know what you’re talking about. Kung may aagaw man sa’yo sa boyfriend mo, siguradong hindi ako.”
“Aba, hoy!!! Akala n’yo ba maloloko—” Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil naputol na ang linya. “Gagong ’yon. Akala yata niya…” Muli siyang nag-dial.
Napailing si Anton nang muling mag-ring ang kanyang cell phone.
“Siya ulit, best friend?” tanong ni Jairus.
“Huwag mo nang sagutin. Pabayaan mo na,” utos ni Anton.
“Hindi, bestfriend. Dapat diyan pinapatulan para hindi siya magkaroon ng ilusyon na puwede niyang gawin ’yan kahit kanino. Akina ang phone mo.” At bago pa nakaapagsalita si Anton ay nasa kamay na niya ang telepono.
“Hello!”
“Gusto kong makausap si matandang Anton.”
“Matanda talaga, teh? Nakita mo na ba siya? Mukha ba siyang matanda sa paningin mo?” sunod-sunod na tanong niya. “Aba, eh ’di ikaw na ang bata at maganda!”
“Sino ka bang pakialamera ka?”
“Ako lang naman ang best friend ng taong tinatawag mong matanda. Kaya magdahan-dahan ka sa pananalita mong impakta ka.”
“Siguro matanda ka na rin. Ano pa ba ang aasahan? Birds of the same feather are the same birds.”
Napahalakhak si Jairus. “Seryoso ka, ’teh? Aral-aral din ’pag may time, ha? Google mo, girl kung tama ba ’yong quote na sinabi mo.”
“Bobo! Ang pinupunto ko, pareho kayo ng best friend mo na matatanda na nga at lahat, mahilig pa rin sa mga batang lalaki. Bakit, dahil ba mas masarap kapag fresh?
“Eh, ikaw pala ang mas bobo. Ang lalaki, matanda man o bata, pare-parehong may titi lang ’yan. Kapag tumigas na, hindi mo na mahahalata kung alin ang sa 22 years old at alin ang sa kuwarenta. Kahit subukan mo pa!” Walang preno talaga ang bibig ni Jairus. “Kaya ’wag mong masabi-sabihan na matanda ang bestfriend ko dahil age is just a number and his age doesn’t show in his looks. Baka nga ’pag pinagtabi kayo magmukha kang tita niya.” Kalmado pa siya sa lagay na ’yan. Gusto lang talaga niyang inisin ang kausap. “At hindi kami naghahanap ng bata. Kami ang hinahanap nila dahil mas masarap kaming mag-alaga.” Humalakhak siyang muli para mas inisin ang kausap.
“Oy, kung sino ka mang impakto ka hindi ikaw ang gusto kong makausap. Ibigay mo ang telepono sa kaibigan mong matanda!” nanggagalaiting tili ni Shelley.
“Hoy, palengkerang bakla hindi mo ako utusan! Bago mo makanti ang bestfriend ko, dadaganan na muna kita. Siguruhin mo lang na hindi ka mapipisak sa bigat ko,” poised na poised na sabi ni Jairus. “O, ano wala ka nang sasabihin? Kung wala na, aba eh, ibaba mo na ang telepono dahil busy ang mga tao rito. At sa susunod, itali mo na sa pekpek mo si Carlo para hindi mo siya hinahanap kung kani-kanino. Baklang ’to! Aawayin mo pa ang bestfriend ko, as if aagawin sa’yo ang Carlo mo. Hoy! May dyowa na ang bestfriend ko. Mas bata, mas gwapo at mas masarap kesa sa Carlo mo. Kaya ’wag kang ilusyunada! Isaksak mo si Carlo sa ngala-ngala mo! Babush!!!” Iniabot niya kay Anton ang telepono. “O, hindi na siguro tatawag ulit ’yon.”
Kaaabot lang ni Anton ng celfone nang muli itong mag-ring.
Si Shelley na naman.
“Hay naku, eto na naman siya,” iiling-iling na sabi ni Anton.
“Aba, at walang kadala-dala ang lola mo. Akina, bestfriend. Ako na ang bahala diyan.”
“Huwag na. Hayaan na lang natin siya. Magsasawa rin ito sa katatawag.” Ni-reject niya ang tawag ni Shelley. Pero paulit-ulit pang tumawag ang baklang kinakasama ni Carlo. Desidido itong guluhin si Anton. Paulit-ulit lang din si Anton sa pag-reject sa bawat pagtawag nito. Nang magtagal ay nilagay na lang niya sa silent mode ang telepono at hinayaang mag-ring nang mag-ring ito.
MADILIM ANG mukha ni Carlo nang umuwi. Tulad ng dati, nakaabang na naman ang talakerang si Shelley.
“Saan ka nanggaling? Kanina pa ako tawag ng tawag sa’yo, bakit hindi mo sinasagot ang telepono?” Halos lumabas ang ugat sa leeg ni Shelley sa tindi ng panggigigil.
Hindi sumagot si Carlo. Diretso lang ito sa paglalakad papunta sa kuwarto.
“Sumagot ka kapag kinakausap kita!” Walang sabi-sabing hinila ni Shelley sa balikat si Carlo kaya napahinto ito sa paglalakad.
“Ano bang probema mo? Lagi ka na lang ganyan! Nakakabwisit ka na!”
“Nanggaling ka kina Anton, hindi ba? Doon ka galing, ’di ba?” Nanlilisik ang mga mata ni Shelley na parang ano mang oras ay magiging bayolente ito.
“Ewan ko sa’yo! Paulit-ulit na lang tayo.” Tinalikuran niya si Shelley.
“Tinawagan ko siya. Itinago ka niya sa akin. Pero alam kong nandoon ka.” Ayaw magpaawat ng bakla. “Gago ka, Carlo! Huwag lang kitang mahuhuli dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!”
“Eh, ’di gawin mo! Akala mo matatakot mo ako? Pasalamat ka nga at hanggang ngayon nandito pa ako at pinagtitiyagaan kita. Sa ugali mong ’yan, walang kahit sinong lalaki ang makakatagal sa’yo.”
“Hayup kaaa!” Sinugod niya si Carlo para muling pagbuhatan ng kamay pero mas mabilis ang lalaki at sinalubong nito ng isang malakas na suntok ang mukha ni Shelley!
15
PAKIRAMDAM NI Shelley ay tumabingi ang mukha niya sa lakas ng suntok ni Carlo. Nawalan pa siya ng balanse at muntik nang matumba sa sahig.
“Hayup ka! How dare you do that to me? Hangga’t nakatira ka sa pamamahay ko, wala kang karapatang saktan ako. Ang kapal ng mukha mo!” galit na galit nitong sigaw sa nobyo.
“Hindi lang ’yan ang aabutin mo sa akin kapag hindi mo tinigilan ang katatalak mo. Binging-bingi na ako sa boses mo. Araw-araw na lang, walang lumalabas diyan sa bunganga mo kundi puro mga hinala mo na wala namang katotohan!”
Hindi ’yon mga hinala lang. Totoo ’yon! Totoong niloloko mo ako. Kayong dalawa ng matandang ex mo!“
“Puta! Sana nga totoo. Para makaalis na ako dito sa pesteng bahay na ’to!” Napailing na lang si Carlo at pumasok na ito sa kuwarto sabay balibag ng pinto.
“Hoy! Buksan mo ang pinto! Hindi pa ako tapos sa’yo!” Kinalampag niya ang pinto pero hindi ito binuksan ni Carlo. At kahit na ginamitan pa niya ng susi, hindi pa rin nabuksan ang pinto dahil ni-lock din ni Carlo ang bisagra sa loob.
Nagpupuyos ang loob na nagsindi ng sigarilyo si Shelley at pagkatapos ay may tinawagan sa telepono.
“Hello, Yuri…”
“Shelley, napatawag ka,” sagot ng lalaki sa kabilang linya.
“Gusto kong bigyan mo ako ng ebidensya ng kataksilan ni Carlo. Ebidensyang puwede kong isampal sa pagmumukha ng lalaking ’yon.”
Ngumisi si Yuri bago ito nagsalita, “Iyon lang ba? Huwag kang mag-alala, ibibigay ko sa’yo ang ebidensyang gusto mo. Pero pagkatapos, kukunin ko na rin sa’yo ang premyo ko.”
“Deal!”
MAG-ISA SA kuwarto si Anton at busy sa pagbro-browse ng internet sa kanyang cellphone. Nagpaalam sa kanya si Jason. Lumabas ito para magpadala ng pera sa mga magulang nito sa probinsiya.
Nag-log in si Anton sa facebook account niya. Nakita niya ang maraming notification pero ’di na siya nag-abalang tingnan iyon isa-isa. Nakita niya ang isang picture ni Jason sa wall niya. Naka-tag ang binata kaya natural na lumabas iyon sa wall niya kahit na iba pa at hindi naman niya facebook friend ang nag-post.
Tiningnan niya ang picture na isang Xaira Lopez ang nag-post. Biglang nagliwanag ang mukha niya. Naalala na niya. Itong Xaira Lopez ang nakita niya dati na ni-like ni Jason ang mga post.
Sa litratong naka-post ay magkasama sina Jason at Xaira. Nakalagay sa caption ang mga salitang: Once Upon a Time.
Marami nang nag-like at nag-react sa post na iyon. Nagbasa siya ng mga comment. Isang komento ang tumawag sa kanyang pansin.
Nangangamoy
balikan
,
ah
.
Na sinagot naman ng isa pa.
Huwag
na
kasing
mataas
ang
pride
,
para
happy
ending
na
.
Hindi na sana papansinin ni Anton iyon, pero nakita niyang isa pala si Jason sa mga nag-react ng Love sa post na iyon.
Mukhang ito nga ang ex-girlfriend ni Jason kung pagbabasehan ang mga komento sa litrato.
Sinimulan niyang i-stalk ang profile ng babae. Maganda ito, napakaamo ng mukha. Mahaba ang buhok at maputi.
Nagpunta siya sa mga old photos nito at naghanap ng ebidensyang magkukumpirmang ito nga ang dating nobya ni Jason.
At hindi siya nabigo. Isang album ang naroon at puno ng mga larawan nina Xaira at Jason noong mga panahong hindi pa naghihiwalay ang dalawa. Naroon ang mga litrato nilang magkasama. May mga larawan pa ngang magkayakap ang dalawa. May isa pang akmang hahalikan ni Jason si Xaira. At may isang litratong magkalapat ang mga labi nila.
Napansin ni Anton na may comment si Jason sa huling larawan. Sabi nito: The
sweetest
kiss
from
the
sweetest
girl
.
Sabagay, lumang post na iyon. Lumang comment na rin. Wala naman siyang dapat ipangamba. O ipagselos kaya.
Kahit na nga hindi pa tinatanggal ni Xaira ang mga larawan nila ni Jason sa facebook, naiintindihan niya ito. Hindi naman lahat ng nagbre-break ay ganoon ang ginagawa. Marami ring hinahayaan lang nila na nasa social media pa rin ang mga larawan ng kanilang past relationships. Wala namang masama. Lalo na kung naghiwalay naman sila nang magkaibigan pa rin.
Gaya nina Xaira at Jason?
Magkaibigan pa rin silang dalawa?
Pero hindi ba sabi ni Jason ay ipinagpalit siya ng babaing ito sa ibang lalaki? Eh, bakit nag-post pa ang Xaira na ito ng litrato nila ni Jason na parang nagpaparamdam na ewan. At ang mga facebook friends naman, kung makapag-comment parang gusto nilang magkabalikan na ang dalawa.
Don’t tell me na break na kaagad ang babaeng ito sa lalaking ipinalit biya kay Jason? Eh, para palang nagpapalit lang ng damit kung magpalit ng boyfriend ng babaing ito. Anong mapapala ni Jason sa isang babaing napakasalawahan ng puso?
Pero ang tanong na mas nagpagulo sa isip ni Anton ay ang LOVE reaction ni Jason sa larawan.
May dapat na ba siyang pangambahan? Kauumpisa lang nila ni Jason. Nanganganib na ba agad ang kanilang sinimulan?
Ito na nga ba ang dahilan kaya ayaw niyang makipagrelasyon ulit. Baka sakit ng puso at damdamin na naman ang maranasan niya sa pakikipagrelasyon kay Jason.
Bago pa siya makaramdam ng hindi maganda ay binitiwan niya ang cellphone at lumabas na lang ng silid. Pumunta siya sa kusina at naabutan niya roon si Jairus na nagluluto ng meryenda.
“O, bestfriend diyan ka lang. Maluluto na ito. Tikman mo mamaya,” sabi ni Jairus sa kaibigan.
“Ano ’yan?”
“Minatamis na kamoteng kahoy. Nilagyan ko ng white sago,” buong pagmamalaking sagot nito. “Saan ba nagpunta si Jason? Ba’t antagal naman.”
“Magpapadala ng pera sa Mindoro. Baka pauwi na ’yon.”
“Sana dumating na siya. Mas nakaka-inspire kumain kapag kasabay natin siya.” Halatang kinikilig na naman si Jairus.
“Ikaw talaga. Si Jason na naman ang pinagpantasyahan mo. Baka nao-offend mo na ’yong tao.”
“Hindi naman siguro. Alam naman niyang ganoon lang talaga akong magbiro. Pero puwede niyang totohanin kung gusto niya.”
“Jairus!” Pinandilatan ni Anton ang kaibigan.
“Uyy, selos siya.” Gustong makita ni Jairus kung paano magre-react si Anton.
“Bakit naman kita pagseselosan? Una, kampante ako na hindi mo aahasin. Ikalawa, hindi ka type ni Jason. At ikatlo, alam mong papatayin kita talaga kapag tinalo mo ako.”
Ang lakas ng halakhak ni Jairus. “Papatayin talaga? Grabe kang magselos, ah. Dahil lang sa lalaki, papatayin mo ang best friend mo?”
“Oo…”
“Ganoon mo kamahal si Jason?”
Umiling si Anton. “Higit pa roon…”
16
“O… M… God! Tinamaan ka na talaga kay Jason. Ikaw na ikaw pa rin talaga ang Anton na kilala ko. Kapag nagmahal, todo-todo walang preno,” komento ni Jairus. “Basta, magtira ka para sa sarili mo, ha? Huwag mong ibuhos lahat sa kanya kahit siya pa ang pinakamasarap na boylet sa buong worldwide.”
“Magtira? Anong tingin mo sa pagmamahal, ulam?” pilosopong sagot ni Anton.
“Best friend naman, eh! Umandar na naman ang pagkapilosopo mo. You know what I’m saying, right? Hindi lang naman applicable sa heterosexual relationship ’yong sinabi ko. Sa lahat ng klase ng relasyon, puwede ’yon. Tingnan mo ako…”
“Oh, bakit? Anong meron sa’yo?”
“Eto, I enjoy being single. Sa sobrang gusto kong magtira para sa sarili ko, ayan hindi na ako namigay. Itinira ko na lahat para sa sarili ko. Less problem… Less stress…”
“At less happiness din.”
Parang sinampal si Jairus sa sinabi ni Anton. Pero agad itong bumawi. “Hindi naman puro lungkot ang pagiging single. May friends naman ako. Nandiyan ka naman. Oo, wala lang akong katabing matulog sa mga panahong malamig. Pero ’di bale, bibili na lang ako ng makapal na kumot,” katwiran ni Jairus. “At mag-aalaga ako ng aso para may kasama akong mamasyal sa park kapag gusto kong sumagap ng sariwang hangin.” Nangilid ang luha sa mga mata niya.
“Eh, bakit ka umiiyak? Ayan, o ’wag kang pipikit tutulo na ang luha mo.”
“Ikaw kasi, bestfriend. Bakit ba natin pinag-uusapan ang mga ganito? Naiiyak tuloy ako.” At tumulo na nga ang luha ni Jairus.
Napahalakhak si Anton. “Sira ka talaga. Eh, ikaw kaya ang nag-umpisa. Kung anu-anong itinatanong mo, ayan tuloy napunta sa’yo ang kuwento at ikaw ang naapektuhan.”
“Ganyan ka. Palibhasa masaya ang lovelife mo at ako nganga!”
Mas lalong lumakas ang tawa ni Anton. “Hindi bale, bibili ka naman ng makapal na kumot, ’di ba? Samahan mo na rin ng isang human-sized na unan. Para meron kang mayayakap buong magdamag.” Tumayo si Anton at umakyat ng hagdan pabalik sa kuwarto.
“Buang ka, best friend! Ang sama mo!”
Malutong na halakhak lang ang isinagot ni Anton sa kaibigan.
ABALA SA trabaho si Jason nang tumunog ang kanyang cellphone.
Tumatawag si Xaira.
Agad niyang sinagot ang tawag. “Hello…”
“Jason?”
“Yes, it’s me… Napatawag ka?” Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Matutuwa ba siya? Kikiligin? Ilang buwan na rin ang nakakaraan mula noong nag-break silang dalawa.
“Ahm, wala naman. Nangungumusta lang…”
“I’m doing good. Salamat. Ikaw, kumusta?”
“I don’t know kung masasabi ko bang okay ako o hindi.”
Nagtaka si Jason. “Bakit naman?”
“Wala na kami ni Hector. Hindi ko alam kung matutuwa ako o magiging masaya.”
Ah, Hector nga pala ang pangalan ng lalaking ipinalit ni Xaira sa kanya. “Anong nangyari? Parang ang bilis naman yata.”
“He broke up with me. Sabi niya, he’s not happy anymore. Baka daw mas magkli-click kami kung magiging friends na lang kami.”
“Ganoon lang? Anong klaseng lalaki ’yon?”
Ilang sandali ring nawala sa linya si Xaira. Hindi ito sumagot.
“Nandiyan ka pa ba, Xaira?”
“Yeah, I’m still here,” sagot nito. “Puwede ba tayong magkita mamaya, after office?”
Siya naman ang hindi nakasagot.
“I’ll understand kung hindi puwede, Jace.” Napapitlag si Jason. Jace ang tawag sa kanya ni Xaira noong sila pa.
“No!” natataranta niyang sagot. “I mean, yes! We can meet later this afternoon.”
“Salamat, Jace. Sa Greenbelt na lang. I’ll text you mamaya ’pag papunta na ako.” May narinig siyang excitement sa boses ni Xaira.
Dapat din ba siyang ma-excite? After few months, makikita niyang muli ang babaing minahal niya. O, mahal pa rin niya? “Okay, sige. I’ll wait for your message.” Napalunok siya pagkatapos. Hindi naman siguro masama kung makikipagkita siya kay Xaira. Magkikita lang naman. Mag-uusap. Wala naman siyang gagawing iba pa.
Eh, ba’t mukha siyang defensive?
Hindi naman siguro magagalit si Anton kung malaman nitong magkikita sila ng ex-girlfriend niya. Kaya nga ex, ’di ba? Tapos na. Wala na.
Pero kailangan pa ba niyang ipaalam kay Anton? Paano kung iba ang maging reaksyon nito? Baka magalit. Baka magselos.
Mas mabuti nga sigurong hindi na niya ipaalam. Sabi nga, what you don’t know won’t hurt you. Pero nag-text pa rin siya kay Anton para ipaalam na baka gabihin siya ng uwi dahil may kikitain siyang kaibigan.
NAGMAMADALING LUMABAS ng opisina si Jason pagkatanggap ng text message ni Xaira na nagsasabing papunta na ito sa lugar kung saan sila magkikita.
Mas maagang nakarating si Xaira sa meeting place nila. Nagpasya siyang hintayin si Jason sa isang pizza restaurant. Hindi naman siya nainip dahil ilang sandali lang ay nakita niyang pumasok sa loob ng restaurant ang kanyang ex-boyfriend.
“Hi!” bati ni Jason kay Xaira. “Pinaghintay ba kita nang matagal?”
“Hindi naman. Kararating ko lang din,” tila nahihiyang sagot ng dalaga. Pansin ni Jason, mukhang naiilang ito sa kanya kahit na ramdam niya kanina ang excitement nito nang pumayag siyang makipagkita rito.
“What do you want to eat? Oorder muna ako.”
“Ikaw na ang bahala,” sagot ng babae.
“Okay, wait for me here.” Nagtungo siya sa counter at bumili ng makakain. Pagkatapos ay agad ding bumalik kay Xaira dala ang isang tray na may dalawang iced tea at isang numero para sa inorder niyang pizza.
“Ano palang pag-uusapan natin?” tanong niya para mawala ang pagkailang nito sa kanya.
“I’m so stupid… I’m really stupid to have dumped you para kay Hector.” Bigla na lang umiyak si Xaira.
Napatda si Jason. Hindi niya inaasahan na iiyak ang babae sa harapan niya. “Don’t cry… Hindi tayo makakapag-usap nang maayos kung mag-iiiyak ka diyan.”
“I’m sorry, Jace. I’m very sorry na iniwan kita.” Hindi mapigil sa pag-iyak ang babae. “Sana hindi ko iyon ginawa. Ang tanga ko.”
“Tapos na iyon. Kinalimutan ko na. At hindi naman ako galit sa’yo. Things like that happen. May mga bagay na kahit ayaw nating mangyari, nangyayari talaga. Sabihin nating napunta ka sa sitwasyon na kailangan mong mamili. Kailangan mong magdesisyon. At sinunod mo lang kung ano sa tingin mo ang magpapaligaya sa’yo. Kaya walang dapat sisihin. Walang dapat ma-guilty sa mga nangyari. Maybe it was bound to happen.” Sinikap niyang mawala ang guilt na nararamdaman ni Xaira. “O, uminom ka muna ng iced tea para lumuwag ang dibdib mo.” Inabot niya rito ang isang basong iced tea ngunit sa halip na abutin ang baso, kamay niya ang hinawakan ni Xaira.
NASA MALL ding iyon si Jairus nang oras na ’yon. Katatapos lang nitong mag-grocery at naisipang kumain muna bago umuwi. Naghahanap ito ng makakainan nang mapansin nito ang isang pamilyar na imahe.
Si Jason!
Si Jason nga iyon na kahawak-kamay ang isang napakagandang babae!
“O… M… God! Juice ko pong pineapple! Anong ibig sabihin nito?” Hindi ito makapaniwala sa nakikita.
Isang desisyon ang nabuo sa isipan ni Jairus. “Kailangang malaman ito ni best friend!”
17
NAPATINGIN SI Jason sa gawi ni Jairus. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ng bakla kaya agad siyang nakapagtago. Napangiwi siya. Hindi niya alam kung tama bang magtago siya o baka naman mas mabuting puntahan niya si Jason para alam nito na nandoon din siya sa mall. Pero paano kung tama ang hinala niya na may ginagawang milagro ang Jason na ito? Hindi ba mas magandang magmasid na lang siya from afar para kumilos ito nang natural?
Nakita niyang nagpahid ng mga mata ang babaeng kausap ni Jairus. Umandar ang malisyoso niyang utak. Umiiyak ang girl? Bakit?
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at agad na kinunan ng litrato ang dalawa. Para siyang private investigator na nagmamanman sa bahaging iyon ng mall.
Click!
Click!
Click!
Nakatatlong litrato kaagad siya. Kuhang-kuha niya sa aktong nagpapahid pa rin ng luha ang babae at nakuhaan din niya ng litrato ag paghawak ni Jason sa mga kamay nito.
Nawala na sa isip niya ang gutom. Hindi na niya naisipang pumasok sa loob at kumain. Ang nasa isip lang niya nang mga oras na iyon ay panoorin ang iba pang mga eksenang gagawin nina Jason at ng babaeng kausap nito.
Sino ba kasi ang babaeng ito? Baka naman marumi lang ang isip niya? Puwede namang kamag-anak ito ni Jason. O baka kapatid. Hindi ba sabi ni Anton sa kanya dati na may kapatid na babae si Jason?
Maya-maya pa ay tumayo na si Jason at ang babae. Mukhang lalabas na ang mga ito. Napatakbo sa isang gilid si Jairus para magtago. Kitang-kita pa rin niya nang lumabas ang dalawa at magkasabay na naglakad papalayo.
Sinundan niya pa rin ang dalawa. Siniguro niyang may sapat sa distansiya siya sa mga ito para madali lang magtago sakali mang biglang lumingon sa likod si Jason.
Diretsong lumabas na sa mall sina Jason at Xaira. Nakabuntot pa rin si Jairus sa dalawa. Nakita niya hanggang sa magkasabay na sumakay ng taxi ang mga ito at siniguro niyang nakuhaan niya rin iyon ng litrato.
Minabuti ni Jairus na umuwi na. Pero habang nasa biyahe pauwi ay malalim siyang nag-iisip kung sasabihin ba niya ito kay Anton o hindi. Sa isip ng isang taong walang malisya, puwedeng walang ibang ibig sabihin ang mga nakita niya. Pero sa ibang tao, maraming puwedeng maging kahulugan ang mga na-capture niya sa litrato.
Wala pa si Anton nang dumating siya sa bahay. Agad siyang naghanda ng iluluto para sa hapunan. Eksaktong tapos na siyang magluto nang dumating si Anton.
“Wala pa ba si Jason?” tanong ni Anton sa kanya.
“Hindi pa dumarating. Baka nag-overtime,” kaswal niyang sagot.
“Hindi, may imi-meet daw siyang kaibigan. Baka gabihin ’yun kapag napasarap ang kuwentuhan.”
“Ahh…” Iyon lang nasabi niya. Alam naman pala ng kaibigan niya na makikipagkita sa kung sino si Jason. Hindi lang nito alam kung sino ang ka-eyeball.
“Pero sino nga kaya ’yung babaeng kasama ni Jason?” bulong niya sa sarili.
“May sinasabi ka?” Nagulat pa siya nang magtanong si Anton. Napalakas yata ang bulong niya. Narinig ba nito ang sinabi niya?
“Ha? Wala… Ang sabi ko lang, mauna na tayong kumain kung gagabihin siya. Nakapagluto na ako ng hapunan natin.”
“Sige, puwede naman tayong maunang kumain. Baka nga kumain na ’yon doon kung saan man sila nagkita ng kaibigan niya.”
“Ba’t hindi na lang niya pinapunta rito para hindi na sila gumastos pa. At least at home sila rito. May free food pa.”
“Buang, malay mo hindi alam ng kaibigan ni Jason na nakikipag-live in siya sa akin?”
“Bakit? Tatlo naman tayo rito. Wala naman sigurong mag-iisip na nagtri-threesome tayo,” kaswal na kaswal ang pagkakasabi ni Jairus.
“Jairus!” saway niya sa kaibigan. Bigla-bigla na lang talagang umaatake ang balahura itong bibig.
“Ito naman, hindi ka na nasanay sa bunganga ko. Ang ibig ko lang namang sabihin, hindi porke magkasama kayo sa bahay ay iisipin na agad ng kaibigan ni Jason na magka-live in kayo. Unang-una, hindi ka kaya mukhang jokla. Kung hindi nga lang kita kilala, baka na-in love na ako sa’yo.”
“Juskupo! Magtigil ka nga. Baka matamaan ka ng kidlat sa mga pinagsasasabi mo.”
“Hoy, bestfriend ’wag kang choosy. Kahit hindi ako kasing-macho mo, magkasingsarap tayo. Para akong adobo, mamantika pero masarap.”
“Ewww!”
“Maka-ewww ka, ha? Grabe ka talaga sa akin. Tawagan mo na lang si Jason mong mahal at itanong mo kung nasaan na siya? Itanong mo na rin kung hihintayin pa ba natin siya o hindi. Bilis na, bestfriend. Bago pa mahuli ang lahat!”
“Anong bago pa mahuli ang lahat?”
“Bago ko pa maubos ang lahat nag ulam at pagdating niya eh hindi pa pala siya kumakain. Patay! Anong ipapakain natin sa kanya?” palusot niyang sagot. “Kaya bilis, tawagan mo na ang lolo mo.”
“Akyat muna ako, magpapalit ng damit. Sa kuwarto ko na ang siya tatawagan.”
NASA TAKSI si Jason nang mga oras na iyon. Hinatid lang niya sa bahay si Xaira, pagkatapos ay sumakay na rin siya kaagad ng taksi para umuwi. Hindi pa naman masyadong late, pero siguradong nasa bahay na si Anton.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang tumunog ang kanyang cellphone. Nakita niya ang pangalan ni Anton sa screen ng kanyang telepono.
Agad niyang sinagot ang tawag. “Hello… Pauwi na ako, nasa taksi na.”
“Ganoon ba? Hihintayin ka na namin, para sabay-sabay na tayong kumain.”
“Huwag na, kumain na kayo. Mamaya na lang ako.”
“Sige, ikaw ang bahala. Ingat ka.”
“Thanks… love you.”
Pagkatapos kausapin si Jason ay bumaba na siya sa salas. Naroon si Jairus at nanonood ng palabas sa telebisyon.
“Kain na tayo,” sabi niya sa kaibigan.
“Natawagan mo ba si Jason?”
“Oo, nasa taksi na siya. Pero sabi niya, mauna na raw tayong kumain. Mamaya na lang daw siya.”
“Okay, nagugutom na nga ako.” Tumayo na ito at agad na nagtungo sa kusina para maghain.
“Kumusta ang trabaho mo?” naitanong ni Jairus sa kaibigan.
“Maayos naman. nag-eenjoy naman ako,” sagot ni Anton. “Kumusta naman ’yung Korean student mo na tinuturuan mong mag-Ingles?”
“Ayun, magaling siya. Madaling matuto. Sabi nga niya, kapag bumisita raw siya dito sa Pilipinas, makikipagkita raw siya sa akin. Gusto raw niyang kasama ako sa pamamasyal niya.”
“Wow, bestfriend! Ibang level na ang ganda mo! Pang-KPOP na.” Natawa nang malakas si Anton.
“Huwag isnabin, bestfriend. Guwapo talaga ang estudyante kong iyon. At lalong huwag mong iisnabin ang ganda ko… Gandang ’di mo inakala!” Lalong lumakas ang tawa ni Anton sa sinabi ni Jairus.
“Kidding aside, maganda ka naman talaga…”
“Huwag mo akong binobola, bestfriend. Hindi ako maniniwala sa’yo,” sagot nito. “Gusto ko na ngang ipa-raffle itong pagmumukha ko. Kaso, iniisip ko, baka hindi i-claim ng mananalo.”
“Sobra ka naman. Hindi ka naman pangit, bestfriend. Sabihin nating na-deform lang ang mukha mo kasi nga ang taba mo. Mag-diet ka, siguradong babalik ang alindog mo. Maglalaway sila sa’yo.”
Sumeryoso si Jairus. “Totoo ba ’yang sinasabi mo? Maraming magkakagusto sa akin kapag pumayat ako?”
“Oo naman. Lalo na kapag natikman nila kung gaano ka kasarap magluto.”
“Hmm… pag-iisipan ko ’yan. Alam mo naman ako, bestfriend. Kaya kong gawin ang lahat, ’wag lang ang pagda-diet!” Minsan pang napuno ng halakhak ni Anton ang buong kusina ng bahay nila.
NASA KUWARTO na at nagche-check ng facebook sa cellphone si Anton nang dumating si Jason.
“Magpalit ka na kaagad ng damit at kumain ka na,” paalala ni Anton.
“Hindi na ako kakain. Inaantok na ako. Maliligo na lang ako, tapos tulog na tayo.” Inilapag niya sa mesa ang kanyang bag tapos ay hinubad ang kanyang suot. Naka-brief na lang siya nang humiga sa tabi ni Anton. “Hihiga lang muna ako, mga fifteen minutes at saka ako maliligo.”
“Kumusta ang pagkikita n’yo ng kaibigan mo?” Hindi inasahan ni Jason na itatanong ’yon ni Anton.
Pero madali naman siyang sumagot. “Okay naman. Nagkita lang kami sa mall, usap-usap… Kumustahan… tapos uwian na.”
“Suggestion si Jairus, sa susunod daw dito na lang kayo sa bahay mag-bonding.” Muntik nang mapaubo si Jason.
“Naku, sobrang busy ’yon. Tagal na nga naming hindi nagkita dahil lagi siyang walang time para makipagkita sa mga kaibigan niya. Nagulat nga ako na bigla siyang nagparamdam ngayon.” Bigla siyang bumangon at nagtapis ng tuwalya sa bewang.
“O, saan ka pupunta?”
“Kukuha lang ako ng tubig sa ibaba. Nauuhaw ako.” Lumabas na siya ng silid. Pagdating sa kusina ay naroon si Jairus na kalalabas lang ng banyo.
“Kakain ka na ba?” tanong nito sa kanya.“
“Hindi, nauuhaw lang ako. Kukuha lang ng tubig.” Kumuha siya ng isang baso at binuksan ang ref.
“Kapag gusto mong kumain, magsandok ka na lang diyan.”
“Yup, salamat.”
Akmang aakyat na sa hagdan si Jairus nang may maalala ito. “Teka pala… may itatanong nga pala ako sa’yo.”
“Ano ’yun?”
“Gaano mo kamahal ang bestfriend ko?”
Napaawang ang mga labi ni Jason. Bakit nagtanong sa kanya ng ganoon si Jairus?
18
“BAKIT HINDI ka makasagot? Tinatanong kita, gaano mo kamahal si Anton?” pag-uulit ni Jairus.
Natawa si Jason. “Anong meron? Bakit mo ako tinatanong ng ganyan?”
“Walang nakakatawa sa tanong ko. Gusto kong malaman ang sagot mo,” sabi ni Jairus sa mahina pero madiin na boses.
“Siyempre, mahal na mahal. Nakita mo naman siguro dati kung paano ko siya pilitin na mapapayag siyang maging kami. At sa maikling panahon na magkasama kami, nakita mo naman siguro kung paano ko siya mahalin.”
“Mabuti kung ganoon. Sinisiguro ko lang…” Iyon lang at iniwan na niya si Jason na nagtataka pa rin kung bakit siya nagtanong ng ganoon.
Inubos ni Jason ang laman ng baso at pagkatapos ay bumalik na rin siya sa kuwarto.
“Ang tagal mo namang bumalik,” reklamo ni Anton.
“Grabe naman. Saglit lang akong nawala, na-miss mo na ako kaagad.”
“Maligo ka na, para makatulog na tayo…”
“Opo…” Kumuha siya ng malinis na underwear sa drawer at agad na pumasok sa banyo. Ilang sandali lang naman ay lumabas na rin siyang fresh at mabango.
Tinuyo niyang mabuti ang kanyang buhok bago siya humiga sa kama. Si Anton naman ay abala pa rin sa cellphone nito.
“Ano ba kasing ginagawa mo diyan? Kanina ka pa diyan.” Inagaw nya ang cellphone at in-offf. “Matulog na tayo.” Mablis siyang bumangon para patayin ang ilaw sa kuwarto at saka muling bumalik sa higaan.
SI SHELLEY ay kanina pa naghihintay sa pagdating ni Carlo. Naiinis na siya. Saan na naman kaya nagpunta ang lalaking iyon? Nakakailang tawag na rin siya rito pero hindi naman nito sinasagot ang telepono. Sa inis ay muli niyang kinontak si Yuri.
“Anong problema?” bungad sa kanya ng lalaki nang sagutin nito ang cellphone.
“Bakit alam mong may problema?”
“Eh, tinatawagan mo lang naman ako kapag may problema ka. Iyong dyowa mo na naman ba?”
“Ano pa nga ba!”
“Ikaw, eh. Kung ako na lang ba ang dyinodyowa mo kaysa diyan sa Carlo na ’yan… wala ka sanang problema ngayon. Kasi alam mong trip na trip kita. Hindi kita ipagpapalit kahit kanino pa.”
“Gago! Hindi kita tinawagan para magpaahas sa’yo. Gusto kong malaman kung kelan mo ako mabibigyan ng ebidensya ng panloloko ni Carlo. Kailangan ko ng litrato, video o kahit anong solid na ebidensya.”
“Huwag kang mainip, darating tayo diyan. Tinatrabaho ko na ang request mo. At sisiguruhin kong kapag ibinigay ko na ’yun sa’yo, special delivery talaga. Walang kawala ang lalaki mo.”
“Naiinip na ako…”
“Relax ka lang… Huwag kang masyadong excited. Ipapakita ko sa’yo kung paano ka lokohin ni Carlo.” Tumawa pa nang malakas si Yuri na lalong nagpataas sa level ng pagkayamot ni Shelley.
“O, siya! Ang dami mong daldal, kulang ka naman sa gawa. Basta ibigay mo agad sa akin ang kailangan ko. Kung ayaw mong pati ang premyong gusto mo ay hindi mo rin makuha.” Pinindot na niya ang end call bago pa makasagot ang kausap niya.
Inis na inis si Yuri. Pakiramdam niya, siya na ang hinihingan ng pabor pero siya ang parang namamalimos ng atensyon kay Shelley. Hindi naman yata puwede ang ganoon. Kapag may kailangan ang baklang ito, siya lagi ang tinatawagan. Kapag may ipagagawa, siya ang inuutusan. Bakit siya pa ang tila lumalabas na may utang na loob kay Shelley?
Nagsindi ng sigarilyo si Yuri, humithit, at pagkatapos ay ibinuga ang usok sa hangin. Ilang hithit buga pa ang ginawa niya habang iniisip kung paanong diskarte ang gagawin para maibigay niya ang hinihingi ni Shelley at makuha na rin niya ang premyong gustong-gusto niyang makuha.
“SAAN KA na naman galing?” salubong na tanong ni Shelley kay Carlo nang dumating ito sa bahay.
Mukhang nakainom si Carlo. Hindi niya sinagot si Shelley. Tinapunan lang niya ng tingin ang kinakasamang bakla.
“Bingi ka ba? Tinatanong kita!” Lumapit pa siya kay Carlo.
“Hindi ka ba nagsasawa sa katatanong? Wala ka na talagang gagawin kundi alamin ang bawat ginagawa ko?” Naamoy ni Shelley ang amoy tsikong hininga ng lalaki.
“Hindi! Hanggang hindi ka nagtitino, hindi ako magsasawang bantayan ka. Anino akong susunod saan ka man magpunta. Naiintindihan mo?” Muling umatake ang pagkahisterikal nito. “Saan ka uminom? Sinong kasama mo?”
“Hindi ako uminom,” tanggi niya.
“Huwag mo akong gawing tanga. Amoy na amoy ko ang alak sa hininga mo! Sinong kasama mong nagpakasaya, si Anton na naman?” Humarang siya sa dadaanan ni Carlo.
“Tsss… Tigilan mo nga ako. Puro ka hinala, wala ka namang mapatunayan.” Tinabig niya si Shelley. “Padaan nga!”
Sumunod pa rin si Shelley kay Carlo hanggang sa kuwarto. “Sino nga ang kasama mo?!” nanggagalaiting tanong niya. Kulang na lang ay saktan niyang muli ang lalake kung hindi lang niya inaalala na baka pagbuhatan siyang muli nito ng kamay.
Hinarap ni Carlo ang bakla. “Wala akong kasama, okay? Uminom lang akong mag-isa. Nagpalipas lang ako ng oras para sana pagdating ko rito, tulog ka na. Para wala na akong marinig na sermon. Para hindi ko na marinig ang boses mo dahil binging-bingi na ako sa’yo. Sawang-sawa na ako. Naiintindihan mo?” Titig na titig siya sa kausap.
“Ayusin mo ang ugali mo kung ayaw mong makatikim ng hindi magandang salita sa akin.” Hindi nagpatalo si Shelley. Kayang-kaya niyang makipagtitigan kay Carlo kahit buong magdamag pa.
“Ano bang gusto mo, ako? Eto?” Biglang kinabig ni Carlo si Shelley at mariing hinalikan sa labi. Marahas ang mga halik niya. Mas nang-aangkin kaysa nagmamahal. Puno ng pagnanasa, hindi pag-ibig.
Walang pakialam si Shelley sa klase ng halik na binibigay ni Carlo. Buong giting niyang tinapatan ng katumbas na dahas ang mapang-angkin nitong mga labi. Ipapakita niya kay Carlo kung ano ang kaya niyang gawin na maaaring hindi magagawa ni Anton. Ang pesteng si Anton! Si Anton na lagi na lang nakapagitna sa kanilang relasyon.
Ang halik na nag-umpisang marahas ay unti-unting naging banayad. Napuno ng mahihinang mga ungol ang buong silid. Ang mga damit na kanina lang ay nakabalot sa kanilang mga katawan ay nagkalat na ngayon sa sahig. Para na silang mga bagong silang na sanggol na hubo’t hubad. Iyon nga lang, ang kanilang ginagawa ay hindi gawain ng mga walang malay na sanggol kundi ng mga taong naglulunoy sa kamunduhan at tawag ng laman. At nang humupa ang init ng mga katawan, naglaho na rin ang naipong galit ni Shelley. Basta masaya na siya ngayon dahil muli niyang naabot ang langit sa piling ng mahal na mahal niyang si Carlo.
Nakangiting pinagmasdan ni Shelley ang hubo’t hubad na katawan ni Carlo na nakalatag sa sahig. Sa tindi ng namuong pagnanasa, hindi na sila umabot sa kama. Nakatitig sa kisame si Carlo habang humihingal pa rin ito sa pagod. Paminsan-minsan ay ipinipikit nito ang kanyang mata kasabay ang paghinga nang malalim. Naramdaman ni Carlo na gumagapang ang mga kamay ni Shelley sa kanyang dibdib. Pinabayaan lang niya ito. Maya-maya ay bumaba ang kamay nito sa kanyang puson papunta sa parteng mas mababa pa roon.
Sinulyapan ni Carlo ang katalik at nakita niya sa mga mata nito ang hindi pa nauubos na libog. Inilabas niya ang kanyang dila at ipinaikot sa kanyang labi para akitin ang bakla.
Napasinghap na lang sa hangin si Carlo nang kumilos si Shelley at simulan nito ang second round.
19
NAGULAT PA si Carlo nang sa paggising niya ay gising na rin si Shelley at nakapaghanda na ito ng almusal. Dati naman ay hindi man lang ito nag-aabalang bumangon para ipaghanda siya ng makakain bago pumasok.
“Gising ka na pala! Halika, kumain ka muna bago ka maligo,” masayang bati sa kanya ni Shelley. Hinalikan pa siya nito sa pisngi.
“Anong meron?” nagtataka niyang tanong. Hindi talaga siya sanay na ganito ka-sweet si Shelley. Mas maiintindihan pa yata niya ang nangyayari kung sa ganito kaagang oras ay nagbubunganga na naman ito at nagwawala sa kung ano mang dahilan.
“Wala naman. Masaya lang ako. From now on, i’ll try my best na ipaghanda ka ng breakfast bago ka pumasok sa trabaho. Maupo ka na.” Nagtataka man ay sumunod na lang si Carlo. Nagkibit-balikat na lang siya sa tila biglaang pagbabago ni Shelley. Baka resulta lang ito ng romansang ibinigay niya rito kagabi.
KAGIGISING LANG ni Jairus nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Landline ang numerong nakita niyang nakarehistro sa screen ng telepono. Agad niya itong sinagot.
“Hello?”
“Bestfriend…”
“O, napatawag ka? Bakit landline ang gamit mo? Nasaan ang cellphone mo?”
“Iyon nga ang dahilan kaya ako tumawag. Hindi ko makita ang phone ko. Pakitingnan mo naman diyan, baka naiwan ko lang.”
“Sige, teka lang pupuntahan ko sa kuwarto n’yo.” Hawak ang cellphone na nagtungo si Jairus sa silid ni Anton. Hinanap niya roon ang telepono, pero hindi niya nakita.
“Ano, nandiyan ba?”
“Wala rito. Sandali, bababa ako. Baka naiwan mo sa kusina.”
Agad siyang nagtungo sa kusina. Nakita ang cellphone ni Anton sa ibabaw ng mesa.
“Bestfriend, andito nga. Naiwan mo sa mesa.”
“Haay, salamat. Akala ko nahulog sa bulsa ko.” Tila nakahinga nang maluwag si Anton.
“Ano, dadalhin ko ba diyan?”
“Hindi ba nakakahiya sa’yo?”
“Tse! Sige, dadalhin ko na lang diyan. Alam ko naman ang opisina mo.”
“Salamat, bestfriend…”
“Sige maliligo lang ako tapos pupunta na ako diyan.”
Pagkatapos nilang mag-usap ay agad na bumalik siya sa kuwarto para kumuha ng tuwalya. ’Di katulad ng kuwarto ni Anton, walang sarilig banyo ang silid niya kaya doon siya naliligo sa banyong katabi ng kusina nila.
Pero bago pa siya nakapasok sa banyo ay biglang tumunog ang cellphone ni Anton.
Numero lang ang nag-register sa telepono. Sinagot niya ang tawag. “Sino ’to?”
“Ang dali mo namang makalimot, Anton. Dapat siguro i-save mo ang number ko sa phone mo,” sabi ng boses sa kabilang linya na agad namang nakilala ni Jairus. Si Shelley ito, hindi siya maaaring magkamali.
“Gaga! Hindi ako si Anton. Ako ang bestfriend niya na magiging pinakamasama mong bangungot kapag hindi mo tinigilan ang panggugulo sa kaibigan ko,” talak niya sa kausap. “Bakit ba tawag ka nang tawag, ha? Hindi ka naman ginugulo ni Anton. Nananahimik ’yung tao.”
“Gusto ko lang namang sabihin sa kanya na okay na kami ni Carlo. Kaya sabihin mo diyan sa kaibigan mo na huwag na niyang lalandiin si Carlo dahil hindi na siya gusto ng boyfriend ko,” puno ng kumpiyansang sabi ni Shelley na ikinataas naman ng kilay ni Jairus.
“Hoy, baklang insecure! Kung feeling mo maganda ka, puwes you’re not feeling well! Si Carlo ang pagbawalan mong lubayan ang kaibigan ko dahil wala na siyang pag-asa. May boyfriend na si Anton na mas guwapo, mas bata, at mas responsable kesa diyan sa Carlo mo.” Siniguro niyang may diin ang bawat salitang binigkas niya.
“So, mabuti naman kung ganoon. Dahil kapag hindi tinigilan ni Anton ang boyfriend ko, hindi niya magugustuhan ang gagawin ko.” May himig ng pagbabanta ang tono ni Shelley.
“Haay, takot na takot naman kami. Nanginginig na ako sa nerbiyos, oh!” Biglang humalakhak na parang nang-uuyam si Jairus. “Gaga! Gawin mo kung anong gusto mong gawin. Pero huwag kang magpapakita sa akin dahil paniguradong manghihiram ka ng mukha sa shih tzu . Babuh!!!” Tinapos na niya ang pakikipag-usap sa baklang jowa ni Carlo. Naiinis siyang pumasok sa banyo para maligo.
Nang matapos siyang maligo ay agad siyang nagbihis para dalhin sa opisina ni Anton ang cellphone nito. Mabuti na lang at hindi na rush hour. Mabilis siyang nakarating sa Makati kung saan nagtatrabaho ang kanyang kaibigan.
“Jairus!” Nagulat pa siya nang may tumawag sa kanya nang papasok na siya sa building kung saan nag-oopisina si Anton. Nang lingunin niya ang tumawag ay nagulat pa siya sa nakita.
“Anong ginagawa mo rito, Carlo? Hanggang dito ba naman ay ginugulo mo ang kaibigan ko?” Walang preno ang bibig na sita niya sa binata.
“Bakit ba ang sungit mo sa akin?” tanong ni Carlo sa mababang boses. Kalmado lang siya. Ayaw naman niyang gumawa ng eksena rito.
“Dahil ginugulo mo si Anton,” mabilis na sagot ni Jairus. “Alam mo bang ilang beses na siyang tinawagan ng jowa mo para pagbantaan? Kanina lang, tumawag na naman siya. Okay na raw kayong dalawa kaya huwag ka na raw landiin ni Anton. Matanong nga kita, kelan ka nilandi ni Anton? Uwiiwas nga sa’yo ang kaibigan ko, eh. Kaya sana naman pagsabihan mo ang syota mo na tigilan na niya ang pagtawag-tawag kay Anton. Alam mo, hindi na siya nakakatuwa.”
“Tinatawagan ni Shelley si Anton?”
“Ah, hindi mo alam? Wow, ha! Jowa mo ’yun. Hindi mo alam ang pinaggagagawa ng jowa mo?”
Umiling si Carlo.
“Puwes ngayon alam mo na.” Pinandilatan niya ang lalaki.
Wala silang kamalay-malay na habang nagtatalo sila ay nasa paligid lang din si Yuri at abala sa pagkuha ng larawan nilang dalawa.
Nakangisi si Yuri habang kumukuha ng litrato nina Carlo at Jairus. Kung susuwertehin, makukuha niya ngayong araw ang mga ebidensiyang hinihingi ni Shelley kapalit ng inaasam niyang premyo mula rito. Pero napansin niyang tila nagtatalo ang dalawa. Sayang at hindi niya naririnig kung ano ang pinagtatalunan ng mga ito. Mas okay sana kung may kasamang kuwento ang mga litratong nakuha niya.
“Hayaan mo, kakausapin ko si Shelley para hindi na niya guluhin si Anton,” pangako ni Carlo.
“Mabuti kung ganoon.” Tinalikuran na ni Jairus ang kausap.
“Jairus…”
“O, ano na naman?” Muli niyang hinarap ang lalaki.
“Puwede bang pakisabi kay Anton na nandito ako sa ibaba?”
“At kung ayaw ko?”
“Ako na lang ang aakyat sa itaas para puntahan siya,” kaswal na sagot nito.
Nagmartsa si Jairus papasok sa loob ng building. Naiwan sa labas si Carlo.
Nakarating si Jairus sa reception ng opisina ni Anton. Sinabi niya sa receptionist ang pakay.
“I’m looking for Mr. Anton Madlangbayan.”
“May I know your name, sir?” magalang na tanong ng receptionist.
“Jairus Fortes.”
“Thank you, sir. Maupo po muna kayo. Tatawagan ko lang si Sir Anton.
Umupo siya sa isa sa mga bakanteng silya sa reception area. Hindi naman siya nainip dahil ilang sandali lang ay nasa harap na niya si Anton.
“Bestfriend…”
“O, eto na ang cellphone mo.” Iniabot niya rito ang telepono. “Nasa ibaba si Carlo. Gusto ka yatang makausap.”
“Hayaan mo siya roon. Aalis din ’yun ’pag nainip.”
“Hindi. Aakyat daw siya rito kapag hindi ka bumaba. Baka mag-eskandalo pa rito ’yun.”
Huminga nang malalim si Anton pagkatapos ay nagbuga ng hangin. “Ano ba kasi ang gusto ng lalaking iyon?”
“Ano pa eh ’di ikaw,” panunudyo ni Jairus sa kaibigan. “O, siya aalis na ako. Bahala ka kung ayaw mo siyang puntahan sa ibaba.”
Saglit na nag-isip si Anton. “Sige, bababa ako. Sabay na tayo.”
“Eh, ’di halika na.”
Magkasabay na nga silang bumaba. Paglabas pa lang ng elevator ay natanaw na ni Anton si Carlo sa labas ng building.
Ang lapad ng ngiti ni Carlo nang makitang kasama ni Jairus si Anton.
“Bestfriend, salamat ha? Umuwi ka na, ako na ang bahala rito,” sabi niya kay Jairus.
“Sure ka?” paniniguro nito.
Tumango si Anton. “Oo…”
“Okay… Bye, see you later sa bahay.” Bumaling siya kay Carlo. “Huwag mong guguluhin ang bestfriend ko. Lagot ka sa akin!’
“Uwi na, bestfriend,” pagtataboy ni Anton sa kaibigan.
“Eto, aalis na nga…” At iniwan na ni Jairus ang dalawa.
Si Yuri na nag-aabang lang sa mga susunod na pangyayari ay inihanda na ang dalang camera. Sisiguruhin niyang makakakuha siya ng mga litratong magpapatunay na may relasyon pa rin si Carlo at ang Anton na ’to.
20
“ANO NA naman ang kailangan mo?” walang ganang tanong ni Anton kay Carlo. Hindi pa man ay nagsisimula nang uminit ang ulo niya rito.
“Gusto lang sana kitang makita… at yayaing mag-lunch.” Nakangiti si Carlo kahit nagpakita ng kawalang interes ang kausap. “Sana mapagbigyan mo ako.”
“Para saan pa ba? Sinabi ko naman sa’yo na masaya na ako sa buhay ko. Mahal ko si Jason at ayokong magkasira kami.”
“Kahit maibalik lang sana ’yung friendship natin. Please…” Nakita ni Anton ang sinseridad sa mukha ni Carlo. “Tanggap ko nang masaya ka na sa lovelife mo. At ayokong ako ang maging dahilan para muling gumulo. Nasaktan na kita dati. Ayokong masaktan ka ulit nang dahil sa akin. Kaya kuntento na ako na hindi na maging tayo, basta maging kaibigan sana kita ulit.”
Napabuntong-hininga si Anton bago muling nagsalita. “Sige, tatanggapin ko ang pakikipagkaibigan mo. Pero ilagay mo sa utak mo na hanggang doon lang iyon. Huwag kang mag-e-expect ng higit pa roon. Huwag kang aasta na parang pag-aari mo ako. At higit sa lahat, kausapin mo ang dyowa mo at ipaliwanag mo sa kanya na wala tayong relasyon para hindi niya ako ginugulo.”
“Oo, ’wag kang mag-alala! Ako ang bahalang magsabi kay Shelley.” Hindi maipaliwanag ang tuwang nakarehistro sa mukha ni Carlo.
“Mabuti kung ganoon. Wala tayong magiging problema.”
Hindi inaasahan ni Anton ang sumunod na ginawa ni Carlo. Dahil sa sobrang tuwa ay niyakap siya nito. Hindi siya kaagad nakakilos. Masayang-masaya si Carlo. Malaking bagay na sa kanya na okay na sila ni Anton. Sobrang pasasalamat niya na pumayag itong makipagbati sa kanya at maging magkaibigan silang muli. Hindi man sila nagkabalikan, pipilitin niyang makuntento na lamang sa pagkakaibigan nilang dalawa. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang yakap kay Anton.
Iyon ang eksenang kanina pa hinihintay ni Yuri. Mabilis nitong kinunan ng litrato ang dalawang pinababantayan sa kanya ni Shelley. Huling-huli sa camera ang pagyakap ni Carlo kay Anton at siniguro ni Yuri na nakakuha siya ng maraming shots at anggulo.
Tuwang-tuwa si Yuri sa magandang bunga ng matiyaga niyang paghihintay. Sa oras na maibigay niya kay Shelley ang mga larawan ay siguradong makukuha na rin niya ang pinakaasam niyang premyo mula rito. Saglit pa siyang naghihintay mula sa kanyang kinaroroonan. Baka sakaling may susunod pang mas magandang eksena. Pero nakita niyang pagkatapos yakapin ni Carlo si Anton ay saglit lang nag-usap ang dalawa at pagkatapos ay pumasok nang muli si Anton sa loob ng gusali samantalang si Carlo naman ay umalis na rin.
Hindi na nag-abala pa si Yuri na sundan si Carlo. Nagmamadali siyang nagpunta sa isang mall para ipa-print ang mga litrato. Matutuwa talaga si Shelley sa mga ebidensyang nakuha niya.
Pagkatapos maipa-print ang mga litrato ay agad nitong tinawagan si Shelley. “Magandang balita. Nakakuha na ako ng ebidensyang magpapatunay na may relasyon pa rin si Carlo at ’yung ex niyang matanda.”
“Mabuti naman kung ganoon,” sabi ni Shelley sa seryosong tinig. “Pumunta ka ngayon dito at dalhin mo ’yan sa akin.”
“Oppps! Ibibigay ko lang ito sa’yo kapag nakuha ko na ang premyong pinag-usapan natin.” Lumabas ang pagkatuso ni Yuri. Matagal na niyang pinapantasya si Shelley kaya hindi siya papayag na mautakan nito.
Medyo tumaas ang boses ni Shelley. “Anong akala mo, lolokohin kita? Ibibigay ko sa’yo ang premyong gusto mo. Tutuparin ko ang ipinangako ko sa’yo. Basta ibigay mo sa akin ang mga litratong hawak mo!”
“Magkita tayo kung ganoon. Ngayon ko gustong makuha ang premyo. Kung gusto mong makuha ang mga litrato, hihintayin kita sa Cubao. Madaming motel doon.” Abot hanggang tenga ang ngisi niya. Sa wakas, matitikman na rin niya si Shelley.
“Hindi ako makakapunta. Bukas na lang.” Narinig niyang sabi ni Shelley.
“Ayokong bukas. Ngayon ang gusto ko. Kung hindi ka pupunta, ide-delete ko na lang ang mga litratong ito at hindi na rin ako papayag na utusan mong sundan sila. Kaya magdesisyon ka, makikipagkita ka sa akin ngayon o hayaan mo na lang na lokohin ka ni Carlo nang wala kang kaalam-alam?”
Napamura si Shelley. “Sige, hintayin mo ako diyan! Tatawagan kita kapag nasa Cubao na ako. Hayup kang kupal ka! Akala mo tatakasan ka sa premyong hinihingi mo.”
“Mabuti na ang sigurado, Shelley. Minadali mo rin naman ako na makuha ang ipinapakuha mo. Kaya puwede rin naman sigurong madaliin ko rin ang pagkuha sa premyo ko,” argumento niya. “Patas, ’di ba?”
Hindi na sumagot si Shelley. Pinatayan na nito ng telepono ang kausap.
Akala ni Yuri ay maiinip siya sa paghihintay. Pero wala pang trenta minutos ay tinawagan na siya ni Shelley.
“Nandito na ako sa Cubao, nasaan ka?”
“Wow, ang bilis ah! Nandito ako sa mall, sa foodcourt. Puntahan mo ako rito.”
“Okay, sige…” Mabilis na naglakad si Shelley papasok ng mall. Nagtungo siya sa foodcourt at hinanap si Yuri na agad naman niyang nakitang nakaupo malapit sa kiosk ng mga inuming pampalamig. Nilapitan niya ang binata.
“Mabuti naman at dumating ka,” bungad sa kanya ni Yuri nang makita siyang papalapit. Ang laki ng pagkakangiti nito sa kanya.
“Nasaan ang mga litrato?” agad na tanong ni Shelley.
“Maupo ka muna. Masyado ka namang excited.” Ikinaway-kaway niya ang kanyang kanang kamay na may hawak na cellphone.
Umupo si Shelley. Iniabot niya rito ang cellphone at ipinakita ang mga litrato. Agad rumehistro sa mukha ng bakla ang matinding galit nang makita ang mga larawan.
“Ibibigay ko sa’yo ang printed copies ng mga ’yan pagkatapos kong makuha ang premyo ko,” kaswal na sabi ni Yuri. “May motel na malapit diyan sa labas ng mall.”
Tumayo si Shelley. “Sumunod ka sa akin. Ibibigay ko sa’yo ang gusto mo.”
Umabot na hanggang tenga ang pagkakangiti ni Yuri. Walang imik siyang sumunod kay Shelley papalabas ng mall.
Wala pa rin silang imikan nang pumasok sa motel. Kumuha ng kuwarto si Shelley at nagbayad. Nang makapasok sila sa pribadong silid ay hindi na napigilan ni Yuri ang sarili. Agad niyang pinupog ng halik ang bakla. Iba talaga ang dating sa kanya ni Shelley. Babaeng-babae naman kasi talaga ang porma at itsura nito.
“Teka,” reklamo ni Shelley. “Mag-shower ka muna.”
“Sabay na tayo,” pabulong na sagot niya. Inilapit pa niya ang bibig sa tenga ni Shelley kasabay ang marahang pagkagat dito.
Hinubad ni Yuri ang kanyang suot, at pagkatapos ay isinunod naman niya ang kay Shelley. Magkasabay silang pumasok sa banyo para mag-shower. Doon na rin inumpisahang kunin ni Yuri ang premyong kapalit ng mga larawang magkayakap sina Anton at Carlo.
Malamig ang tubig na nagmumula sa shower at umaagos sa kanilang mga katawan, pero tinalo ito ng nag-iinit nilang damdamin.
21
NASA BAHAY na si Carlo nang makauwi si Shelley. Inabutan niya itong nasa kuwarto at nanonood ng palabas sa telebisyon.
“Kanina ka pa ba?” tanong ni Shelley pagkatapos maibaba sa ibabaw ng tokador ang dala niyang bag.
“Hindi pa gaanong nagtatagal,” kaswal na sagot ni Carlo. Hindi nito inaalis ang tingin sa pinanonood. “Saan ka galing?”
“Saan pa eh ’di sa parlor. Tiningnan ko kung okay pa ba ang negosyo ko. Tapos, dumaan ako sa mall.”
“Asan ang pinamili mo?”
“Kailangan may pinamili? Hindi puwedeng gumala lang?” pilosopong sagot niya.
“Kilala kita. Hindi ikaw ’yong tipo na mag-aaksaya ng oras para umikot lang sa mall,” argumento ni Carlo. “Sigurado may importante kang pinuntahan doon.” Nag-angat siya ng tingin at pinasadahan ang buong katawan ni Shelley. “Sinong pinuntahan mo sa mall?”
“You’re being paranoid. Gumala nga lang ako. Masama na bang maglibang ngayon?”
“Anong klaseng paglilibang naman ’yan?”
“Carlo, huwag mo akong umpisahan. Pagod ako.” Tumaas na ang boses ni Shelley tanda na naiirita na ito.
Tumayo si Carlo at nagpalit ng t-shirt at cargo shorts.
“O, saan ka pupunta?”
“Kakain sa labas! Leche, wala man lang makain sa bahay na ’to!”
“Ang daming puwedeng kainin sa ref! Ipinagluto pa nga kita kaninang umaga, ’di ba? Kung gutom ka, magluto ka, o initin mo ’yung lutong pagkaing nasa ref. Makakakain ka kung gusto mo. Kaso, ang hirap sa’yo gusto mo isusubo na lang. Ayaw mo man lang kumilos.”
Hindi na niya pinsansin si Shelley. Tuloy-tuloy siyang lumabas ng kuwarto.
Tumalim ang mga mata ni Shelley. Isang araw, pasasabugin niya sa mukha ni Carlo ang lahat ng mga ebidensya ng panloloko nito sa kanya!
“THANK YOU sa paghatid mo ulit sa akin,” matamis ang ngiti ni Xaira habang kausap si Jason. “Baka hanap-hanapin ko ’to.”
Napangiti rin si Jason. “Hindi naman siguro. Paminsan-minsan lang naman.”
“Paminsan-minsan ba ’yong dalawang magkasunod na araw? Kahapon hinatid mo rin ako.”
“Maliit na bagay lang naman ito. At least alam kong nakakauwi ka nang ligtas.”
“Ayaw mo ba talagang pumasok? Mag-isa lang ako rito sa apartment. Uminom ka muna ng juice bago ka umuwi,” alok niya sa binata.
Ngumiti si Jason habang umiiling. “Hindi na, next time na lang.”
“Ikaw ang bahala. Mag-iingat ka pag-uwi.”
“I will. Bye!” Tumalikod na siya at nag-umpisang maglakad.
Nakakailang hakbang pa lang siya nang makarinig ng isang kalabog sa kanyang likuran. Parang may bumagsak!
Nilingon ni Jason si Xaira at laking gulat niya nang makitang nakahandusay sa semento ang babae.
“Xaira! Anong nangyari sa’yo?” Napatakbo siya pabalik para tulungan ito.
Ngunit nang makalapit siya ay saka niya nakitang wala itong malay.
Kaagad niyang binuhat si Xaira at itinakbo papalabas ng gate. Tiyempo naman ang pagdaan ng isang taxi kaya agad niya itong pinara.
Isinakay niya sa taxi ang walang malay na dalaga. “Manong, sa pinakamalapit na ospital tayo. Pakibilisan po…” Bakas sa tinig niya ang matinding kaba.
Nang makarating sa ospital ay agad na inasikaso ng doktor sa emergency room ang walang malay na dalaga. Hindi nawawala ang kaba sa dibdib ni Jason habang nakikita niyang sinusuri ng doktor si Xaira.
Noon tumunog ang telepono niya. Tumatawag si Anton.
Natampal niya ang sariling noo. Kanina pa marahil siya hinihintay ni Anton. Kung bakit ba naman nakalimutan niyang tawagan ito o kaya ay i-text man lang.
Lumabas muna siya ng emergency room bago sinagot ang tawag.
“Hello? Sorry, hindi ako nakatawag,” paghingi niya agad ng paumanhin.
“Nasaan ka ba?” tanong ni Anton.
“Nandito ako sa ospital. Isinugod ko kasi ’yong kaibigan ko. Biglang nawalan ng malay.”
“Sinong kaibigan?”
Natigilan si Jason. Hindi siya makasagot. Sasabihin ba niya kay Anton na ang ex-girlfriend niyang si Xaira ang dinala niya sa ospital?
Lumunok siya bago nagsalita. “Ikukuwento ko na lang sa’yo pag-uwi ko riyan. Kokontakin ko lang ang parents niya para malaman nila ang nangyari sa kanilang anak.”
“Makakauwi ka ba ngayong gabi?”
“Hindi ko sigurado. Titingnan ko. Kapag nagkamalay siya at wala namang problema, uuwi ako kaagad. Pasensya na, ha?”
“Bantayan mo siyang mabuti. Kung may maitutulong ako, sabihin mo lang kaagad.”
“Salamat…”
Katatapos lang nilang mag-usap ni Anton nang magkamalay si Xaira. Pagbalik niya sa loob ng ER ay gising na ito at kinakausap ng doktor.
“Ah, narito ka na pala,” sabi ng doktor nang makita siya.
“Jace…”
“Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong niya sa dalaga.
“Okay na ako. Pagod lang siguro kaya ako nahimatay. Sobrang stress ko sa work nitong nakaraang mga araw.”
“Doc?” Nagtatanong ang mga mata ni Jason sa manggagamot.
“Hintayin lang natin ’yung result ng lab tests niya. Para malaman natin kung kailangan pa ng further tests. Kapag okay na, makakauwi na rin ang pasyente mamaya,” nakangiting sabi ng doktor.
“BESTFRIEND…” Kinatok ni Jairus ang pinto ng silid ni Anton.
Ilang saglit lang at bumukas ang pinto.
“Bakit?” nagtatakang tanong ni Anton.
“Nasaan si Jason? Gabi na, ah.”
“Nasa ospital. Dinala niya raw ’yong kaibigan niya,” kaswal niyang sagot.
“Sinong kaibigan? Ano raw nangyari?” Kinutuban si Jairus. Iniisip niyang magkasama ngayon sina Jason at ’yung babaeng kasama nito sa pizza parlor.
“Mamaya na lang daw siya magkukuwento pag-uwi niya.”
“Bestfriend…”
“O?” Nagtatakang tinitigan niya si Jairus. “May kailangan ka ba?”
Umiling ito. “W-wala…”
“May sasabihin ka?”
“Hindi. Wala. Wala na,” mabilis na sagot nito. “Sige, babalik na ako sa kuwarto.”
Napatango na lang si Anton at sinundan ng tingin ang kaibigan habang papunta ito sa sariling silid.
ALA-UNA na ng madaling araw nang makauwi si Jason. Mabuti na lang at okay naman ang resulta ng lab tests ni Xaira kaya pinauwi na ito ng doktor. Pero may isa pang lab test na after two days pa malalaman ang resulta. Ganoon pa man ay pumayag na ang doktor na makauwi sila. Hinatid niya sa apartment nito ang dalaga. Nang maihatid at masigurong maayos na ang kalagayan nito ay saka siya nagpasyang umuwi na rin.
Mahimbing na ang tulog ni Anton nang pumasok siya sa kuwarto. Hindi na niya binuksan ang ilaw. Nagpalit siya ng damit na tanging ang flashlight lang ng kanyang cellphone ang pumuno sa isang bahagi ng silid. Pagkatapos ay pumasok siya sa banyo para maghilamos at magsepilyo. Inaantok na siya at pagod. Hindi na niya kakayaning maligo pa kahit ito ang nakasanayan niyang gawin gabi-gabi bago matulog.
Nang matapos sa mga ginawa niya sa banyo ay tahimik siyang tumabi kay Anton sa kama para matulog. May pasok pa siya bukas kaya kailangan na niyang magpahinga.
22
“HINDI NA kita nahintay kagabi. Sobrang antok ko kaya nakatulog na ako,” sabi ni Anton habang nag-aalmusal sila kinabukasan. “Saan ka ba nanggaling?”
“Sorry, pauwi na kasi ako dapat. Kaso biglang nawalan ng malay ’yong kaibigan ko kaya dinala ko na lang sa ospital.” Sumubo siya ng kapirasong hotdog pagkatapos magsalita.
“Sinong kaibigan?”
“Dati kong school mate.” Hindi tumitingin si Jason kay Anton habang nagsasalita. Kunwari ay abala ito sa kinakain.
“Sino nga?” Huminto sa pagkain si Anton at seryosong tumingin sa kausap.
Nag-angat ng mukha si Jason pero umiwas ito ng tingin sa kanya.
“May itinatago ka ba?” Matalas ang pakiramdam ni Anton. Sa tanda niya bang ito, napagdaanan na niya ang lahat ng klase ng kalokohan ng mga lalaki. Ika nga, been there done that.
“Ano naman ang itatago ko?” kaswal nitong sagot. Tumayo na ito at dinala ang plato sa lababo at hinugasan. “Mauuna na akong maligo, ha?”
Hindi siya sumagot. Sinundan lang niya ng tingin si Jason habang umaakyat ito ng hagdan pabalik sa kuwarto.
“Good morning, best friend,” bati sa kanya ni Jairus habang nagkakamot ng ulo. “Ba’t tahimik ka? Hindi ba masarap ang hotdog?” Dumiretso ito sa lababo at nagmumog. Tapos ay bumalik sa mesa at umupo sa tapat niya.
“Ano bang meron at para kang nalugi ng isang kilong tinapa?” Tumusok ito ng isang hotdog at kumagat. “Masarap naman ang hotdog, ah.”
Umiling si Anton. “Wala naman. Inaantok lang ako. Maaga kasi akong bumangon para maghanda ng almusal,” pagsisinungaling niya.
“Ah, ganoon ba? Maligo ka na kaya para mawala ang antok at manumbalik ang sigla mo. Iwan mo na ’yang plato mo. Ako na ang bahala riyan.”
“Salamat, ha? Sige, aakyat na ako,” matamlay pa rin niyang sagot.
Nagtatakang sinundan ng tingin ni Jairus ang kaibigan. Ano kayang nangyayari do’n?“ Muli siyang kumagat sa hotdog. Isang malaking-malaking kagat.
Saktong pagpasok ni Anton sa kuwarto ay siya namang paglabas ni Jason sa banyo. “Tapos na ako. Ikaw naman,” sabi nito.
Walang imik na kinuha niya ang tuwalya at kaagad na pumasok sa banyo. Si Jason naman ay nagmamadaling nagbihis at nang matapos ay kinatok ang pinto ng banyo. “Mauuna na ako, ha? Marami kasi akong naiwang trabaho kahapon na kailangang matapos before lunch time.”
Hindi sumagot si Anton.
Paglabas niya ng banyo ay wala na si Jason.
Nagbihis na siya at lumabas na rin ng bahay para pumasok sa trabaho. Gaya ng dati ay naiwan sa bahay si Jairus.
Bandang tanghali nang maisipan ni Anton na tawagan si Jason. Nakakailang tawag na siya ngunit hindi niya makontak ang cell phone nito kaya naisipan niyang tawagan ito sa opisina.
“Naku, hindi siya pumasok, eh. May emergency yata sa kanila,” sabi ng kausap niya sa kabilang linya.
“Ha? Ganoon ba?” nagtatakang tanong niya. “Sinabi ba kung anong emergency?”
“Hindi, eh. Basta nag-advise lang na hindi siya makakapasok today.”
“Sige, maraming salamat.” Ibinaba niya ang telepono na nag-iisip pa rin kung bakit hindi pumasok sa opisina si Jason. Saan ito pumunta? Anong emergency ang sinasabi nito?
Si Jason ay nasa ospital nang mga oras na iyon. Kaninang umaga pa siya rito. Papasok na siya sa trabaho nang makatanggap siya ng tawag mula kay Xaira. Sinabi ng dalaga na masama ang pakiramdam nito at nakararamdam ng pagkahilo. Agad na nagpasya si Jason na puntahan si Xaira sa apartment nito.
Nang dumating siya sa apartment ni Xaira ay agad niyang napansin na bahagyang nakaawang ang pinto. Pumasok siya at bumulaga sa kanya si Xaira na walang malay na nakahiga sa sahig.
Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Agad na binuhat ni Jason si Xaira at pumara ng taksi para isugod ito sa pinakamalapit na ospital kung saan din niya ito dinala kagabi.
Agad na sinuri ng mga doktor sa emergency room si Xaira. Namalayan na lang niya na lumapit sa kanya ang isang nurse.
“Sir, kayo po ba ang kasama no’ng babaeng pasyente?”
“Oo. Kumusta siya?”
“Ah, sir kailangan n’yo pong pumunta sa admission office para ikuha ng room ang pasyente.”
“Mako-confine siya?” Biglang bumangon ang kaba sa kanyang dibdib. Naririnig na nga niya ang pintig ng kanyang puso.
“Opo… Sige po, pakiasikaso na agad ang kuwarto niya para mailipat na roon ang pasyente.” Iyon lang at iniwan na siya ng nurse.
Agad niyang inasikaso ang mga dapat gawin para maikuha ng kuwarto sa ospital si Xaira. Pagkatapos ay tinawagan niya ang mama nito. Mabuti na lang at nasa cellphone pa rin niya ang phone number ng mga magulang ng ex-girlfriend niya.
Narinig niyang nagri-ring ang cellphone ng ina ni Xaira. Ilang sandali lang ay may sumagot sa tawag niya.
“Jason? Bakit napatawag ka?”
“Tita Arnie, nandito po kasi ako ngayon sa ospital. Dinala ko po si Xaira. Nadatnan ko po kasi siya sa apartment niya na walang malay.” Pinili niyang diretsuhin na ang kausap sa tonong hindi naman nagpa-panic.
“Ha? Anong nangyari sa anak ko?” Agad nataranta ang ginang. “Saang ospital ’yan? Luluwas na kami kaagad ng asawa ko.”
“Huwag po kayong mag-panic, tita. Okay naman po si Xaira. Ililipat na siya ng kuwarto.” Sinikap niyang pakalmahin ang kausap. “Nandito po kami sa Our Lady of Mercy Hospital.”
“Ikaw na muna ang bahala kay Xaira. Huwag mong iiwan ang anak ko. Hintayin mo kami diyan, pakiusap.”
“Opo, huwag po kayong mag-alala. Hindi ko po siya iiwan.”
SI ANTON ay hindi pa rin mapakali sa opisina. Sinibukan niya ulit kontakin kanina si Jason pero busy ang cellphone nito. Nakailang tawag na rin siya pero laging busy or cannot be reached ang telepono nito.
Muli niyang sinubukang tawagan ang karelasyon.
Napabuga siya ng hangin nang sa wakas ay mag-ring ang telepono.
“Hello…” Matamlay ang boses na narinig ni Anton sa kabilang linya.
“Asan ka? Tumawag ako sa opisina n’yo pero hindi ka raw pumasok. Eh, ang aga-aga mong umalis ng bahay kanina.”
“Sorry, hindi ko na nasabi sa’yo. Nataranta na kasi ako,” pahayag ni Jason. “Ah, k-kasi…”
“Nasaan ka nga?”
“D-dinala ko ulit sa ospital ’yong kaibigan ko. Iyong sinabi ko sa’yo kagabi na dinala ko rin sa ospital. Nawalan na naman kasi siya ng malay. Sabi ng doktor, kailangan na niyang i-confine.”
“Kaninang umaga ko pa tinatanong kung sinong kaibigan ’yan. Bakit parang ayaw mong sabihin ang pangalan?” paninita niya kay Jason.
“H-hindi naman. Ayoko lang kasi na… Baka kasi iba ang isipin mo.”
“Bakit? Dapat ba akong mag-isip ng iba?” May diin ang bawat salita ni Anton. “Sino ang kaibigang ’yan na sobrang importante yata sa’yo?”
“S-si Xaira, ’yong ex-girlfriend ko.” Halos bulong lang ang pagkakasabi niya pero tila granada itong sumabog sa pandinig ni Anton.
“Nagkabalikan kayo?”
“No! Hindi,” agad niyang tanggi. “Kailangan lang niya ang tulong ko. Walang ibang ibig sabihin ito.”
“Siguraduhin mo lang. Dahil alalahanin mong hindi ako ang nagpumilit para maging tayo.”
“Alam ko naman ’yon. Sorry… Wala naman akong ginagawang masama. Iniisip ko lang na baka magalit ka kapag nalaman mong nag-uusap na kami. Pero God knows walang balikang nangyari. Maniwala ka sa akin.” Hindi alam ni Jason kung paano magpapaliwanag. Basta ang nasa isip niya ngayon ay kailangan siya ni Xaira. Pero hindi rin niya gustong saktan si Anton.
Hindi kailan man.
23
“JASON!”
Nakita niya isang may edad na babae na nagmamadaling makalapit sa kinaroroonan niya sa bahaging iyon ng lobby ng ospital. Kasama nito ang isang may edad na ring lalaki na may katabaan. “Tita Arnie! Tito Ben!” tawag niya sa mga magulang ni Xaira. “Mabuti po at nandito na kayo.”
“Nasaan ng anak ko?” Halata ang tensyon sa boses ng ina ni Xiara.
“Nasa kuwarto po siya. Tena po, samahan ko kayo.”
“Kumusta si Xaira?” tanong ni Tito Ben sa baritono nitong tinig. Kabaligtaran ng asawa, kalmado lang ito.
“Nagpapahinga na po siya. Mukhang okay naman siya, Tito Ben. Though nag-undergo na siya ng iba’t-ibang tests to check ’yong condition niya,” pagbabalita niya.
Naabutan nilang tsinitsek ng nurse ang blood pressure ni Xaira.
“Ma… Pa… Ba’t lumuwas pa po kayo? Okay lang naman ako. Na-over fatigue lang siguro ako.”
Hinalikan ni Tita Arnie ang anak. “Mabuti nang nandito kami para may magbantay sa’yo. Aba, mahiya ka naman sa boyfriend mo. Mukhang hindi na yata nakapasok sa trabaho dahil binabantayan ka rito.”
Nagkatinginan sina Jason at Xaira.
Nagpatuloy si Tita Arnie. “Salamat, Jason. Kaya botong-boto ako sa’yo bilang boyfriend ng anak ko. Nakita ko sa’yo na responsable ka at maasahan sa lahat ng bagay, sa lahat ng oras.”
Hindi nakasagot si Jason. Ano ba ang dapat niyang isagot? Hindi pa pala alam ng mga magulang ni Xaira na ex-girlfriend na lang niya ang anak ng mga ito. Muli siyang napatingin kay Xaira. Tila naunawaan naman nito ang gusto niyang sabihin.
“Ma…”
“Magpahinga ka na, Xaira. Kung na over-fatigue ka, dapat magpahinga ka. Huwag kang daldal ng daldal diyan.” Bumaling ito sa asawa. “Dad, tanungin mo mamaya ’yong doktor kung ano ang initial findings sa batang ito.”
“Si mama talaga. Over-fatigue nga lang po. Huwag ka pong masyadong nag-aalala riyan.”
“Tita Arnie, magbabantay po ba kayo rito ngayong gabi?” tanong ni Jason.
“Oo, kami ng Tito Ben mo.”
“Ahh, kung ganoon po baka puwedeng umuwi muna ako. Babalik na lang po ako bukas,” nag-aalangan niyang sabi.
“Okay lang, Jace… Umuwi ka na muna. Kaninang umaga ka pa rito,” mabilis na sagot ni Xaira. “Nandito naman sina mama at papa.”
“Sige, Jason umuwi ka na para makapagpahinga ka rin,” sang-ayon ng ama ni Xaira.
“Salamat sa pag-aalaga mo sa anak namin. Napakaswerte ni Xaira na ikaw ang naging boyfriend niya.” Lumapit pa si Tita Arnie kay Jason at niyakap ito. “Mag-iingat ka sa pag-uwi, anak.”
Muli ay palihim na nagkatinginan sina Jason at Xaira.
NASA BAHAY na si Anton at kasalukuyang kinukulit ni Jairus.
“Saan ba nagpupupunta si Jason at ginagabi na ng uwi? Kagabi ’di ko na namalayan ang pagdating niya. Ngayon naman, o anong petsa na wala pa rin,” litanya nito sabay tingin sa suot na wrist watch.
“Dinala niya kasi kagabi sa ospital ’yong kaibigan niya kaya late na siyang nakauwi. Ngayon naman, naka-confine na ’yong kaibigan niya kaya andoon siya ulit sa ospital. Wala kasing kasama rito sa Manila ’yong friend niya. Kaya nagboluntaryo na siyang tumulong,” mahabang paliwanag ni Anton.
“Bakit siya? Wala bang ibang kaibigan iyon?” nakataas ang kilay na sabi ni Jairus. Halatang nang-iintriga ito.
“Siya ’yong tinawagan, eh. Alangan namang tanggihan niya iyon. Ikaw talaga.”
“Ah, close sila. Sino bang kaibigan iyon?”
Huminga siya nang malalim bago sumagot. “Iyong ex-girlfriend niya…”
Napanganga si Jairus. “Seryoso, bestfriend?”
Tumango siya. “Pero sabi naman niya, wala akong dapat ipag-alala. Hindi naman daw sila nagkabalikan.”
“Hindi nagkabalikan? O hindi pa nagkakabalikan?”
“Huwag nating husgahan kaagad ’yong tao,” pakiusap niya. “Wala naman tayong ebidensya.”
“Bestfriend, eto ang tatandaan mo… Walang straight na lalaki ang nai-in love sa bading. Sa babae pa rin sila mauuwi sa ending.”
Nagsalubong ang kilay ni Anton. “Bakit straight ba si Jason?” tanong niya.
“Eh, ano pala?”
“Bisexual. Nagkakagusto siya sa babae man o sa kapwa lalaki. Kaya kung gaano kalaki ang chance no’ng ex-girlfriend niya na maging sila ulit, ganoon din kalaki ang chance na ako ang pipiliin niya.”
“Wow, ikaw na talaga ang maganda! Go! Ipaglaban mo si Jason hanggang sa dulo ng bahaghari,” tili nito bago lumakad patungo sa kanyang silid.
“Saan ka pupunta?”
“Kukunin ko lang ang cellphone ko. May ipapakita ako sa’yo.”
Naisuklay na lang ni Anton ang kaliwang kamay niya sa kanyang buhok. Ano na naman ang ipapakita ng Jairus na ’to?
Ilang sandali lang ay eto na si Jairus at papalapit na sa kanya. Hawak nito sa kanang kamay ang cellphone. “Eto, ebidensya ba kamo? Tingnan mo ’to at tingnan mong mabuti.”
“Ano ’yan?” Kinuha niya ang telepono ng kaibigan at tiningnan ang ipinakikita nito.
Hindi inaasahan ni Anton ang litratong kinunan sa cellphone ni Jairus. Sweet na sweet sina Jason at ang kasama nitong babae sa loob ng pizza parlor. At hindi siya maaaring magkamali. Si Xaira ang babaeng kasama ni Jason. Si Xaira na nakita niya sa facebook. Si Xaira na ex-girlfriend ng boyfriend niya.
“Bestfriend…”
“Matagal na sa’yo ’to. Ba’t ’di mo sinasabi sa ’kin?” May himig panunumbat sa tinig niya.
“Bestfriend, naghihintay kasi ako ng tamang pagkakataon. Ayokong pag-isipan siya nang masama dahil sa picture na ’yan. At saka, siniguro naman niya sa akin na mahal na mahal ka niya.”
“Alam niya ang tungkol dito?”
“Hindi. Pero kinompronta ko siya. At ’yon nga, sabi niya mahal na mahal ka raw niya.”
“Eh, bakit ipinakita mo sa akin ito ngayon?
“Kasi, nasundan pa pala ang pagkikita nila. Ayan nga at siya pa ang tinawagan para magpadala sa ospital. Bestfriend kita… Ayokong niloloko ka ng kahit sino lang diyan,” sinserong sabi ni Jairus.
“Salamat… Hayaan mo, kakausapin ko si Jason tungkol dito para maging mas malinaw ang lahat.”
SINADYA NIYANG huwag munang matulog. Hinintay niyang dumating si Jason.
Nadatnan siya ni Jason na nakahiga at nagbabasa ng libro.
“Kumain ka na ba?” tanong niya rito. Ipinatong muna niya sa unan ang hawak na libro.
“Oo, tapos na ako. Maliligo lang ako sandali tapos matulog na tayo.” Hinubad niya ang suot na damit, pagkatapos ay kumuha ng tuwalya at dumiretso sa banyo.
Binalikan ni Anton ang librong binabasa habang naliligo si Jason.
Nang matapos itong maligo ay nagsuot ito ng brief at saka tumabi sa kanya.
“Tulog na tayo,” yaya nito.
“Nagkita pala kayo ng ex mo bago pa ’yong dinala mo siya sa ospital kagabi,” diretso niyang sabi na ikinagulat ni Jason.
“S-sinong nagsabi sa’yo?”
“Hindi na importante kung sino. Bakit itinago mo sa akin? Kelan ka pa nagsimulang maglihim sa akin?” kalmado ang boses ni Anton. Kung meron man siyang maipagmamalaki, iyon ay ang kakayahan niyang magpakahinahon kahit gusto na niyang sumabog sa galit.
“Sasabihin ko naman ’yon sa’yo. Tumitiyempo lang ako.”
“Kelan? Kapag nahuli ka na?”
“Hindi… Iniisip ko kasi baka iba ang maging dating sa’yo. Baka isipin mo na nagloloko ako. Ayaw kong isipin mo ang ganoon kaya hindi ko muna sinabi sa’yo. Pero sana maniwala ka, hindi kita niloloko.”
“Paano mo mapatutunayan na hindi ka nga nagloloko?”
“Tinawagan lang niya ako sa office. May problema siya. Gusto lang niya ng makakausap. Kaya nakipagkita ako…”
“Sa ex pa talaga niya gustong makipag-usap?”
“Ewan ko. Siguro… May pinagsamahan naman kami kahit paano,” depensa ni Jason.
“May pinagsamahan. At may pinag-awayan din.”
“Anton… Wala naman akong ginagawang masama. Huwag ka namang magalit.”
“Kelan siya lalabas ng ospital?”
“Hindi pa alam. Pero andoon na ang parents niya. Sila ang magbabantay kay Xai… Xaira sa ospital. Huwag ka nang magalit, ha? Magkaibigan na lang kami ni Xaira. Hindi kami nagkabalikan. Hindi kami magkakabalikan. Promise ko sa’yo ’yan.” Itinaas pa niya ang kanang kamay na tila sumusumpa. Kasunod ay buong higpit niyang niyakap si Anton. Alam niya, mawawala na ang tampo nito o galit.
PAGKATAPOS NG trabaho kinabukasan ay muling nagtungo si Jason sa ospital. May dala pa siyang mansanas at oranges para kay Xaira. Malapit na siya sa kuwarto nang makita niyang lumabas mula roon ang doktor na tumitingin kay Xaira at nagmo-monitor sa kalagayan nito. Sa kabilang bahagi ng pasilyo ito dumaan kaya hindi sila nagkasalubong.
“Good evening po!” masayang bati niya pagpasok sa kuwarto ni Xaira. Pero agad din siyang natigilan nang makita niyang umiiyak si Xaira habang inaalo ng umiiyak din nitong ina. “Ano pong nangyari?”
Sumagot si Tito Ben na halos nagpipigil na maiyak. “Jason, Xaira has… stage four acute myeloid leukemia…”
Pakiramdam niya ay biglang nanlaki ang kanyang ulo at nanlamig ang buo niyang katawan sa sinabi ng ama ni Xaira. Hindi biro ang sakit na leukemia!
24
HINDI AGAD nakapagsalita si Jason. Nakatanga lang siya sa kay Xaira na umiiyak habang inaalo ng umiiyak ding ina nito.
“Jace…” Hindi niya napansin na nakita na siya ni Xaira at ngayon ay tinatawag siya nito. “Jace…”
Lumingon sa kanya si Tita Arnie. “Jason, nandito ka na pala. Gusto kitang makausap,” naiiyak na sabi ng ina ni Xaira.
“Ano po ’yon, tita?”
“Jason, malubha ang sakit ni Xaira. May leukemia ang anak ko.” Napahagulgol na si Tita Arnie.
Awang-awa siya sa itsura ng kausap. Kung si Tito Ben ay kalmado lang, ang asawa nito ay halos histerikal na.
Napako ang tingin niya kay Xaira. Tahimik na lang itong lumuluha. Masakit malaman na may ganoon siyang sakit. Pero wala namang magagawa ang pag-iyak.
“Jason, napakaswerte ng anak ko at ikaw ang naging boyfriend niya. Sana huwag mo siyang iiwanan ngayon kung kelan ka niya higit na kailangan,” pakiusap ni Tita Arnie.
“Ma…” May pagtutol sa boses ni Xaira.
“Hayaan mo ako, anak. Maintindihan naman tayo ng boyfriend mo. Hindi ba, Jason?”
“Ha? Ah, eh.. Opo, Tita. Wala po kayong magiging problema sa akin.” Hindi niya alam kung paano lumabas sa kanyang bibig ang mga salitang iyon. Pero isa ang tiyak, malaking problema itong pinasok niya.
“Salamat, Jason. Sana lagi kang nandito para kay Xaira. Mahal na mahal ka ng anak ko. Sayang nga lamang at nagkasakit siya.”
“Pero, ’ma…” Gustong ilabas ni Xaira ang kanyang pagtutol sa gustong mangyari ng ina. Ayaw niyang ipasok si Jason sa isang malaking responsibilidad na hindi naman nito dapat gawin o akuin.
“Okay lang naman, Xai. Wala namang problema. Naiintindihan ko si Tita Arnie kung bakit niya hiniling sa akin ang ganoon.”
“Pero, Jace…” nanlalaki ang mga matang pagtutol niya.
“Pumayag na ako sa gusto ng mama mo. Para rin naman sa kabutihan mo iyon.”
“Naririnig mo ba ang sarili mo? Bakit mo igagapos ang sarili mo sa responsibilidad sa akin? Hindi mo naman iyon dapat gawin.” Binalingan niya ang ina. “Mama…”
“Anak, gusto ko lang masigurong hindi na madadagdagan ng hirap ng kalooban ang hirap na dinaranas mo. Isipin mo kung ngayon ka pa iiwanan ni Jason dahil sa sakit mo. Naghihirap na ang katawan mo, pati ba naman damdamin mo? Gusto ko lang na manatiling positibo ang pananaw mo sa buhay habang nagpapagamot ka, habang nilalabanan mo ang sakit na ’yan.”
“Xai, okay na. Huwag ka nang mag-alala. Huwag ka nang mag-isip ng kung anu-ano. Nandito lang ako lagi. Hindi kita iiwan,” seryosong pahayag ni Jason na tumitig pa sa kanya.
NAALIMPUNGATAN mula sa mahimbing na tulog si Carlo nang maramdaman ang mga labing nagpapakasasa sa kanyang pisngi at leeg. Nagmulat siya ng mga mata at naaninag niya si Shelley na abala sa ginagawang paghalik sa kanya.
“Ano ba? Matulog na tayo. Inaantok ako,” naiinis niyang sabi kay Shelley kasabay ang pag-iwas ng mukha niya sa paghalik nito.
“Matulog ka lang diyan, sandali lang ito. Just let me do the work.” Ayaw magpaawat ng bakla. Patuloy lang ito sa kanyang ginagawa.
“Tama na nga kasi!” Napakamot siya sa gilid ng pisngi. “Pagod ako.”
“Anong pagod? Saan ka napagod?”
“Sa trabaho, saan pa?” Sumagot siyang nakapikit ang mga mata.
“Trabaho? Sinong trinabaho mo, ha?” Bumangon si Shelley at hinila ang suot na sando ni Carlo sa parteng leeg. Tinamaan ng matutulis nitong kuko ang leeg niya at sumugat sa bahaging iyon ng kanyang katawan. Nakaramdam siya ng bahagyang kirot.
“Aray! Ano ba kasi?”
“Sinong trinabaho mo? Si Anton na naman?” Nanlilisik ang mga mga ni Shelley. Ang boses nito ay tumaas na rin. “Sumagot ka!”
“Oo! Si Anton nga! Masaya ka na? Iyan ang gusto mong marinig, ’di ba?”
Mas lalong sumabog si Shelley. Pinagsusuntok nito si Carlo. “Hayup ka! Ang kapal ng mukha mong gaguhin ako! Ipagpapalit mo rin lang ako sa matanda pa!” Nagsawa ang katawan ni Carlo sa mga suntok nito.
Para makaiwas ay bumangon si Carlo. “Tigilan mo ako, ha? Baka hindi kita matantiya.” Naglakad siya patungo sa pintuan.
“Saan ka pupunta?!” tili ni Shelley.
Hindi siya sumagot. Kumalabog nang malakas ang pinto nang padaskol niya itong isinara.
“Gago ka, Carlo! Gago ka!” nanggagalaiting sigaw nito. Tarantadong Carlo ’yon. Binitin siya! Hayup ka, Carlo! Magbiro ka na sa bagong
gising, huwag lang
sa nabiting
bading
!
Si Carlo ay nagtuloy sa salas at humiga sa sofa. Pero bago pa siya makatulog ay heto na naman si Shelley at mukhang walang balak na lubayan siya. Binuksan pa nito ang ilaw sa salas.
“Akala mo ba papayag ako na matulog ka?” nakapamewang na kuda nito habang nakatayo sa harapan niya. Ang isang kamay nito ay may hawak na maliit na brown envelope.
“Please lang, pagod ako. Inaantok ako. Gusto kong matulog. Tigilan mo ’ko, puwede?” aniya habang hindi natitinag sa pagkakahiga sa sofa.
Kinuha ni Shelley ang laman ng brown envelope at inihagis sa mukha ni Carlo. “Akala mo siguro hindi ko alam ang mga kalokohang pinaggagagawa mo! Ayan ang ebidensya ng katarantaduhan mo.”
Dinampot niya ang isang litrato at tiningnan. Siya ang nasa larawan habang nakayakap siya kay Anton.
Umupo siya sa sofa at kinuha niya ang iba pang mga larawan. Ayos, ah! Parang eksena sa pelikula. Kinunan nang sunod-sunod ang pagyakap niya kay Anton.
Tumayo siya at hinarap ang kinakasamang bakla. “Ang tiyaga mo rin. Nagbayad ka pa siguro para bantayan ang bawat kilos ko. Puta naman, Shelley! Malapit na akong mapuno sa’yo.” nanggigigil niyang sabi. Kumuyom ang kanyang mga palad. Gustong-gusto niyang sapakin ang kaharap pero pinigilan niya ang sarili.
“Galit ka? Galit ka dahil napakaaga kong nabisto ang panloloko mo?” Isang nang-uuyam na ngiti ang pinakawalan ni Shelley. Sinalubong niya ang matatalim na tingin ni Carlo. “Kung inaakala mong palalampasin ko ito, you are absolutely wrong.”
Naglakad si Shelley patungong pinto at binuksan ito.
“The door is widely open. I want you out of this house… Now!”
Bahagya nang nagulat si Carlo sa sinabi ng bakla.
“Huwag kang mag-alala, aalis ako. Kukunin ko lang ang mga gamit ko. Akala mo siguro magmamakaawa ako sa’yo na huwag mo akong palayasin. May trabaho ako, ulol! Kaya kong buhayin ang sarili ko.”
Nagmamadali siyang bumalik sa kuwarto at isinilid sa bag ang lahat ng kanyang mga damit. Walang dahilan para magtagal pa siya kahit isang minuto lang sa impiyernong bahay na ito.
Oo, impiyerno ang bahay na ito at si Shelley ang demonyo!
Walang lingon niyang nilisan ang bahay. Pinara niya ang unang taksing dumaan at agad na inutusan ang driver na umalis na sa lugar na iyon.
Sa wakas, hindi na niya kailangang kalasan si Shelley. Ito na mismo ang tumapos sa relasyon nila. Malaya na siya sa baklang Shelley na ’yon!
25
NAGPUPUYOS ang kalooban ni Shelley. Galit na galit siya sa ginawang paglayas ni Carlo. Ang gagong iyon, ang lakas ng loob na umalis!
Kung sabagay, hindi naman aalis iyon kung hindi niya pinalayas. Kinuha niya ang cell phone sa mesita sa kuwarto at tinawagan si Yuri.
“O, gabing-gabi na napatawag ka pa,” reklamo ni Yuri. “Nagpapaantok na ako, eh.”
“May ipagagawa ako sa’yo.”
“Ngayon? Shelley, bukas na lang. Gabi na.”
“Hindi ngayon, bobo. Sasabihin ko lang sa’yo kung ano ang gagawin mo.” Sa boses ay halata pa rin ang pagkainis ng bakla.
“Ano ba ’yon at hindi ka na makapaghintay ng bukas? Importante ba ’yan?”
“Ligawan mo si Anton,” diretsong sabi ni Shelley.
“Ano?!” gulat na reaksyon ni Yuri. “Shelley naman, hindi ko type ang baklang ’yon. Eh, mas macho pa ang itsura no’n kesa sa akin. Alam mo namang mga kagaya mo ang gusto ko, iyong mukhang babae. Ayoko ng mas mukha pang lalaki kaysa sa akin.”
“Treinta mil, gawin mo lang ang ipinagagawa ko.”
Nagising ang inaantok na utak ni Yuri. Handang magbayad si Shelley matupad lang ang gusto nito. Napangisi siya. “Gawin mong singkuwenta, deal tayo.”
“Sige, deal. Siguruhin mo lang na mailalayo mo si Carlo sa matandang baklang iyon sa lalong madaling panahon.”
“Your wish is my command, Shelley.” Nangingislap ang mga mata ni Yuri sa isiping may malaking pera siyang makukuha sa isang simpleng trabahong gagawin niya.
Sarkastikong ngiti ang pinakawalan ni Shelley. Sa kanya pa rin ang huling halakhak at walang magagawa si Carlo para pigilan ang mga plano niya.
KATULAD noong mga nakaraang gabi ay alanganing oras na naman nakauwi si Jason. Akala niya ay tulog na si Anton pero gising pa rin ito at talagang hinintay ang kanyang pagdating.
“Bakit gising ka pa?” tanong niya kay Anton habang nagpapalit ng damit.
“Ba’t ngayon ka lang?” tanong din ang isinagot ni Anton.
“Galing ako ng ospital. Dumalaw —”
“Na naman? Kailangan bang nandoon ka araw-araw? Wala na bang ibang puwedeng dumalaw sa kanya kaya ikaw na lang palagi?” kalmadong tanong niya pero halata ang diin sa bawat salita.
“Akala ko ba nag-usap na tayo?” Inilagay niya sa laundry basket ang hinubad na damit.
“Akala ko ba nangako ka na hindi kayo magkakabalikan? Eh, bakit araw-araw kang nandoon? Ex-boyfriend ka lang, ’di ba?”
“Pinagseselosan mo ba si Xaira?” Tinitigan niya si Anton.
“May dapat na ba akong ipagselos? Sabihin mo na ngayon. Huwag mo nang patagalin para pareho nating alam ang sitwasyon.” Sinalubong niya ang mga mata ni Jason. Bigla ay nagbawi ito ng tingin.
“Bukas na lang tayo mag-usap, inaantok na ako.”
“Ngayon na!” matigas na sabi ni Anton. “May gusto kang sabihin, alam ko.”
“Wala. Anong sasabihin ko?”
“Iyong totoong dahilan kung bakit araw-araw kang dumadalaw kay Xaira sa ospital.” Nabasag ang boses ni Anton. Lumabas ang pait sa kanyang tinig.
Napailing-iling si Jason. “Napakaimposible mo. Sinabi na ngang wala!” Sumampa siya sa kama, nahiga at agad na tinakpan ng unan ang ulo. “Patayin mo ang ilaw, matutulog na ako.”
“Magsabi ka na ng totoo…”
“Wala akong sasabihin. Kung ayaw mong maniwala, bahala ka sa buhay mo!”
“Bahala talaga ako sa buhay ko. Kahit kailan, I never asked anyone to take charge of my life!” Sumabog na si Anton. “Kung gusto mong magloko, sige gawin mo. Kung gusto mong umalis dito, walang pipigil sa’yo. Ayoko lang na ginagago ako nang harap-harapan!”
Hindi na sumagot pa si Jason. Mas lalo pa niyang idiniin ang unan na nakatakip sa kanyang ulo.
WALA na si Jason nang gumising si Anton kinabukasan. Sinadya niyang huwag bumangon nang maaga. Wala naman siyang balak pumasok sa trabaho ngayon.
Pagbaba niya sa kusina ay nakita niya si Jairus na nag-aalmusal.
“O, bestfriend nandito ka pala? Ba’t ’di ka pumasok? Halika, kain tayo.” May sinangag, fried egg at tocino sa mesa. Naroon din ang lalagyan ng kape, asukal at creamer. “Gusto mo bang ipagtimpla kita ng kape?”
“Ako na lang.” Kumuha siya ng mug at nilagyan ito ng mainit na tubig. Tapos ay umupo siya sa tabi ni Jairus at nagtimpla ng kape.
“May sakit ka ba, bestfriend? Bakit ba kasi hindi ka pumasok?” Muling nagtanong si Jairus. Kabisado niya ang kanyang kaibigan. Hindi ito umaabsent sa trabaho kung wala namang matinding dahilan.
Hinalo munang mabuti ni Anton ang tinimplang kape bago tumingin sa kanya. “Jason is hiding something from me. Hindi na talaga ako nadala. Ang tanda-tanda ko na pero parang wala akong pinagkatandaan. Ano ba ang gusto ko? Masanay na iniiwanan? Masanay na niloloko?”
“Best friend…”
“Ang labo niya. Mas malabo pa siya sa sabaw ng pusit,” himutok niya. “Ano ba ang mali sa akin? Bakit lagi akong iniiwan sa ere?”
“Umamin ba siya sa’yo?” Hindi na natapos ni Jairus ang pagkain. Paano pa siya makakakain kung ganitong nag-eemote na ang bestfriend niya?
“Hindi niya kailangang umamin, eh. Nararamdaman ko ang pagbabago niya.”
“Baka naman nag-o-overreact ka lang… Tanungin mo muna siya. Hingan mo ng paliwanag.”
“Best friend, hindi ako tanga!” nanggigigil na sabi niya kay Jairus.
“S-sabi ko nga…” Kumutsara ito ng pagkain at saka inalok kay Anton. “Kain tayo…”
Humigop siya ng kape at saka biglang tumayo.
“Best friend, saan ka pupunta?”
“Sa itaas, maliligo. Papasok na lang ako sa trabaho. Half day.” Diretso niyang pinanhik ang hagdan papunta sa kuwarto. Naiwan sa mesa si Jairus na muling naglagay sa plato ng sinangag at isang pirasong tocino.
NAKITULOY muna sa isang kaibigan si Carlo. Mabuti na lang at gising pa ito kagabi nang tawagan niya para pakiusapan kung puwede siyang makituloy pansamantala sa tinitirhan nitong studio type apartment. Hindi naman nagdamot ang kanyang kaibigan. Hindi siya pumasok sa trabaho nang araw na iyon para makahanap ng malilipatan. Maaga siyang umalis ng bahay para puntahan ang room for rent na na-search niya kagabi sa internet. Kapag nagustuhan niya iyon ay lilipat din siya kaagad mamayang hapon o kahit mamayang gabi, para makapagpaalam naman siya nang maayos sa kanyang kaibigan.
Pagdating niya sa pinarerentahang apartment ay nakausap niya ang caretaker nito.
“Five thousand pesos per month. One month deposit, one month advance plus isang libong deposit para sa kuryente at tubig. May sariling metro ng tubig at kuryente ang bawat unit dito. Apat na unit kayo rito sa second floor. Mababait ang mga katabing unit mo. Wala kang magiging problema sa kanila. Kung meron man, sabihin mo agad sa akin para makausap ko sila. Nandiyan lang ang unit ko sa third floor,” mahabang paliwanag ng may edad ng babaeng caretaker.
“Sige, ate kukunin ko na ’to. Lilipat na ako mamaya.” Dinukot niya ang wallet sa bulsa sa likuran ng kanyang pantalon at kumuha ng pera. “Heto ang eleven thousand, paunang bayad ko kasama na ang deposito sa tubig at kuryente.”
Nakangiting tinanggap ng caretaker ang pera. “Eto naman ang mga susi mo rito sa apartment. Hintayin mo ako rito at reresibuhan ko itong bayad mo. Ano nga ang buong pangalan mo?”
“Salamat, ate. Carlo Dueñas ang pangalan ko?”
“Ako naman si Nita,” sabi nito. “Teka lang, ha? Hintayin mo ako riyan.”
“Sige po…” Sinundan pa niya ito ng tingin habang paakyat sa ikatlong palapag ng building type apartment na iyon. Noon naman lumabas sa isang unit sa bandang dulo ng palapag na iyon ang isang lalaki at napako rito ang atensyon niya. Kilala niya ang lalaking ito. At kilala rin siya nito.
Nagtama ang mga mata nila at nakita niya ang pagkagulat nito nang makita siya. Pero agad din itong nakabawi at parang wala lang na naglakad patungo sa hagdan.
Dito pala nakatira si Yuri.
26
KAUSAP ni Yuri si Shelley sa telepono.
“O, bakit ka tumawag? Anong balita sa ipinagagawa ko sa’yo?” agad na tanong ng bakla.
“Wala pa, papunta pa lang ako sa trabaho niya. Hindi ko pa nga alam kung paano didiskartehan ang matandang baklang iyon,” sagot niya pagkatapos ibuga ang usok ng hawak nitong sigarilyo. “Tumawag lang ako para ibalita sa’yo na nakita ko ang dyowa mo.”
“Saan?” Biglang naging interesado si Shelley.
“Doon sa tinitirhan ko. Kausap niya ’yong kasera ko. Mukhang kukuha siya ng isang unit doon. Naghiwalay na ba kayo?”
“Nagkaroom lang ng konting hindi pagkakaintindihan. Ayun, umalis. Don’t worry, babalik din iyon.” Buo ang loob ni Shelley na maaayos din nila ni Carlo ang gusot.
“Bakit mo pa hihintaying bumalik? Nandito naman ako.”
“Si Anton ang pinalalandi ko sa’yo, hindi ako. Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na hindi kita gusto.”
“Even after what happened to us? Hindi mo ba nagustuhan ’yong ginawa ko sa’yo?” Pinalandi pa ni Yuri ang boses niya.
“Puwede ba, Yuri ’wag mo akong kinukulit! Hindi kita type. Makuntento ka na lang na natitikman mo ako paminsan-minsan. Huwag ka nang umasa ng higit pa roon,” deretsahang sabi niya sa lalaki.
“Sige, hindi kita pipilitin kung ayaw mo.” Mukhang agad namang sumuko si Yuri sa kanyang gusto. “Sigurado ka bang itutuloy ko pa ang pinagagawa mo? Parang useless nang gawin ko iyon dahil wala na kayo ni Carlo.”
“Mas lalo mo ngang dapat gawin ngayon dahil baka mas mag-effort si Carlo na makipagbalikan kay Anton ngayong wala na siya sa poder ko.”
“Eh, ’di ba meron namang jowa ang Anton na ’yon. Sabi mo nga mas bata pa kay Carlo ang bagong nauto ng matandang iyon. Bakit kailangan pa akong umeksena?”
“Simple lang. Hindi puwedeng masaya ang baklang iyon at ako eh, hindi. Kung miserable ang lovelife ko, dapat siya rin,” mataray niyang pahayag.
“Iba ka rin, ’no? Wala namang kasalanan sa’yo ’yong tao. Ikaw nga ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ni Carlo. Tapos, siya pa ang gagantihan mo na parang ang laki ng kasalanan niya sa’yo.”
“Bumabaligtad ka na ba? Wala kang pakialam sa mga gusto ko! Babayaran ko ang gagawin mo, kaya sumunod ka na lang. Hindi kita binabayaran para kontrahin ang mga plano ko!” Tinapos niya ang pakikipag-usap kay Yuri.
HINDI makapagtrabaho nang maayos si Jason. Kanina pa siya nag-iisip. Alam niyang hindi na nagugustuhan ni Anton ang madalas niyang pag-uwi nang gabi dahil sa pagpunta niya kay Xaira sa ospital. At alam din niyang hindi pa niya mapuputol ang ugnayan kay Xaira dahil ang alam ng mga magulang nito ay girlfriend niya ang dalaga at nangako pa nga siyang hindi niya ito iiwan lalo ngayong nakikipaglaban ito sa isang malubhang karamdaman. Gusto niyang kausapin si Anton at ipagtapat dito ang sitwasyon pero alam niyang hindi ito papayag sa ganoong set up. Naguguluhan na siya. Mahal niya si Anton, pero ayaw niyang pabayaan si Xaira. Kahit paano ay may pinagsamahan sila ng dalaga. Pero paano niya maipauunawa kay Anton na sila ni Xaira ay gagawa lang ng palabas, kung mas marami pa siyang oras na kailangang gugulin kasama ang ex-girlfriend kesa oras na kasama niya ito? Kahit naman sino sigurong karelasyon ay hindi papayag sa ganoon na tipong ang totoong karelasyon pa ang magmumukhang namamalimos ng oras at atensyon.
Wala sa sariling kinuha niya sa bulsa ang cellphone at tinawagan si Anton. Narinig niyang nagri-ring ang telepono nito pero hindi sinasagot ang tawag hanggang makarinig siya ng recorded voice.
The subscriber cannot be reached. Please try again later.
Muli siyang nag-dial. Muli niyang narinig ang pagri-ring ng cellphone ni Anton. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat na ring. Walang sumagot. Lima. Anim. Pito…
Narinig niyang may nagsalita sa kabilang linya. “Hello…” Matamlay ang boses pero sigurado siyang si Anton iyon.
“I’m sorry…” Hindi niya alam kung bakit iyon ang biglang lumabas sa bibig niya. Ganoon ba siya ka-guilty kaya hindi pa man ay humihingi na kaagad siya ng tawad?
“Busy ako. Sa bahay na lang tayo mag-usap.”
“No! I just called to say na sana sabay na tayong umuwi mamaya. Dadaanan kita riyan sa office mo. Then, sabay na tayong uuwi. Puwede ring i-treat muna kita ng dinner. Sabihan mo na lang si Jairus na sa labas na tayo magdi-dinner.” Umaasa siyang sisigla ang boses ni Anton, pero wala siyang narinig na sagot mula rito.
“Please…” Narinig niyang huminga nang malalim si Anton.
“Hayaan mo akong bumawi sa’yo.”
Wala pa ring sagot.
“Anton? Are you still there?”
Umubo si Anton para ipaalam na naroon pa siya.
“Basta, dadaanan kita riyan mamaya. Huwag kang aalis hanggang ’di pa ko dumarating. Darating ako, promise!”
“Usap na lang tayo mamaya, marami pa akong kailangang gawin,” ganoon pa rin katamlay ang boses niya. Iyong parang walang ganang makipag-usap.
“Okay, sige. Basta hintayin mo ako mamaya. Salam—” Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil nawala na si Anton sa linya. Wala na siyang nagawa kundi ibalik sa bulsa niya ang cellphone. Naiintindihan naman niya kung bakit ganoon kalamig ang pakikitungo sa kanya ni Anton. At handa siyang gawin ang lahat para bumalik ang dati nitong lambing sa kanya.
KABABALIK lang ni Carlo sa studio type apartment na rerentahan niya. Nakuha na niya sa apartment ng kanyang kaibigan ang mga gamit niya. Kokonti lang naman iyon kaya hindi na siya nahirapang maglipat. Parang kagabi lang din no’ng lumayas siya sa bahay ni Shelley. Hindi rin naman siya nahirapang bitbitin ang mga gamit niya papunta sa bahay ng kaibigan niya. Magpapahinga lang siya sandali at pagkatapos ay babalik siya sa apartment ng kanyang kaibigan para maisoli ang susi na ipinahiram nito sa kanya at para makapagpasalamat na rin ng personal sa pagpapatuloy sa kanya noong nagdaang gabi.
Napatingin si Carlo sa gawi kung saang unit lumabas kaninang umaga si Yuri. Mukhang hindi pa ito umuuwi. Saan ba nagtatrabaho ang Yuri na iyon? Maliban sa pangalan nito ay wala na siyang ibang alam sa lalaking iyon. Basta minsan ay naaabutan niya ito sa bahay ni Shelley at nag-iinuman ang dalawa kasama ang iba pa nitong mga barkada. Hindi siya nagkaroon kahit minsan man lang ng pagkakataong makausap ito dahil siya na mismo ang umiiwas dito. Ang totoo, hindi niya gusto ang karakas ng lalaking ito. Mukhang hindi mapagkakatiwalaan. Kung siya ay maloko at tinatawag na user ng ibang mga nakakakilala sa kanya, itong si Yuri ay mukhang mas malala pa sa kanya.
Pumasok na siya sa loob ng apartment at humilata sa kama. Mabuti na lang at may kama na roon. Nilagyan na lang niya ito ng tuwalya para may sapin siya habang nakahiga rito. Dadaan na lang siya sa mall mamaya para bumili ng kumot, bedsheet at unan. Alas-tres pa lang ng hapon. Puwede pa siyang matulog kahit isang oras lang.
NANG sumapit ang alas-singko ng hapon ay kaagad na nagligpit ng kanyang mga gamit si Jason. Nagmamadali siyang lumabas sa opisina. Kailangang hindi mainip si Anton sa paghihintay sa kanya. Baka kapag mainip iyon ay umuwi na lang mag-isa at hindi na siya hintayin.
Kalalabas lang niya ng building nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag ang mama ni Xaira. Bakit kaya?
“Tita, napatawag po kayo?”
“Jason, hihingi sana ako ng pabor sa’yo. Umuwi kasi ng probinsiya ang asawa ko kaninang umaga para silipin ang negosyo namin doon. Eh, katatawag lang niya ngayon masama raw ang pakiramdam niya. Inaatake ng asthma. Gusto ko sanang umuwi sandali, baka mapaano ang asawa ko. Mag-isa lang siya roon. Ayoko namang iwanan si Xaira rito,” mahabang paliwanag ng babae. “Puwede bang ikaw muna ang magbantay kay Xaira ngayong gabi? Hihintayin kita rito. Pagdating mo, at saka na lang ako aalis para bumiyahe pabalik ng probinsiya. Huwag kang mag-alala, babalik ako kaagad bukas basta maayos ko lang ang kalagayan ng Tito Ben mo.” Nahalata niya sa boses ng kausap na labis itong nag-aalala para sa asawa nito.
“Puwede po bang medyo late ako dumating, Tita Arnie? Puwede n’yo na pong iwanan diyan si Xaira. Darating naman po ako. May tatapusin lang po akomg trabaho,” pagdadahilan niya.
“Ayoko kasing iwanang mag-isa si Xaira. Lagi kasi siyang umiiyak. Naaawa na ako nang sobra sa anak ko. Hindi man niya sinasabi, alam ko nalulungkot siya at natatakot dahil sa sakit niya. Sino ba naman ang hindi? Grabeng sakit ang leukemia.”
“S-sige po, Tita Arnie. Pupunta na po ako diyan…” Paano na si Anton? Siguradong naghihintay na iyon?
Pagkatapos nilang mag-usap ng ina ni Xaira ay lakas-loob niyang tinawagan si Anton.
“Anton…”
“Nasaan ka na?”
“A-ano kasi, may emergency lang…” umpisa niyang sabi. “Puwede bang next time na lang tayo kumain sa labas? Saka ko na lang ipapaliwanag sa’yo kung ano ang nangyari. Pero sana, unawain mo ako. Sasabihin ko sa’yo ang lahat pag-uwi ko. Isa lang ang hihilingin ko, huwag ka sanang magagalit sa akin dahil wala akong ginagawang masama,” pakiusap niya kay Anton.
“Si Xaira na naman?”
“Kailangang-kailangan niya ako ngayon.”
Pinatayan siya ni Anton ng telepono.
MULA sa kanyang kinaroroonan ay kitang-kita ni Yuri nang sagutin ni Anton ang telepono nito. Nakita rin niya nang ang tila matamlay nitong itsura ay biglang napalitan ng pagkainis. Hindi niya alam ang problema. Wala siyang ideya kung ano ang nangyayari. Pero isa lang ang nasa isip niya, ito ang tamang pagkakataon para personal silang magkakilala ni Anton, at magawa na niya ang iniuutos sa kanya ni Shelley.
27
PASIMPLENG lumapit si Yuri kay Anton. Alam niyang bad mood ito kung pagbabasehan ang gusot na mukha nito.
“Hi! May problema ba? Baka may maitutulong ako.”
Tiningnan siya ni Anton pero hindi ito nagsalita.
“Nakita kasi kita na parang malungkot kaya lumapit ako. Baka gusto mo ng makakausap. Wala naman akong gagawin,” sabi niya nang nakangiti. Kailangang makuha niya ang tiwala ng matandang baklang ito. “By the way, I’m Yuri.” Inilahad niya ang kanyang kamay, umaasa na sana ay abutin ito ni Anton.
Saglit pa siyang pinagmasdan ni Anton. Tapos ay lumipat ang tingin nito sa kamay niyang nakalahad.
Mamaya pa ay inabot ni Anton ang kanyang kamay. “Anton…” sabi nito.
“Uuwi ka na ba? I mean, kung wala ka pang gagawin can I invite you over a cup of coffee?”
Tiningnan ni Anton ang suot na wrist watch. Alas-singko y medya pa lang naman. Wala naman sigurong masama kung iinom siya ng kape kasama ang lalaking ito.
Nginitian niya si Yuri. “Sure! Saan?”
Huli! Ang laki ng pagkakangiti ni Yuri. Alam niya, kuha na niya si Anton. “Diyan na lang sa malapit na mall. May alam akong coffee shop doon. Tara na?”
“Tena…” Nagdiriwang ang loob ni Anton. Kung inaakala ng Jason na iyon na ito lang ang may kakayahang magloko, puwes makikita nito ang kaya niyang gawin.
Sa isang kilalang coffee shop dumiretso sina Anton at Yuri. Umorder si Yuri ng maiinom nilang dalawa.
“Bakit mukha kang aburido kanina?” Hindi na nag-aksaya ng panahon si Yuri. Talking to Anton is synonymous to getting information na puwede niyang sabihin kay Shelley na siguradong ikatutuwa nito.
Marahang umiling si Anton. “Nothing serious. Nagkaroon lang ng konting misunderstanding with my partner.”
“Ahh…” Nagmukhang malungkot si Yuri. “May maitutulong ba ako? I am willing to listen and be a shoulder to cry on.” Gusto niyang bumunghalit ng tawa. Ang tagal na niyang hindi bumabanat ng ingles. Ginagamit lang niya ito kapag may sosyal siyang kliyente sa trabaho niya bilang masahista. Mabuti pala at nagbaon siya ng maraming ingles ngayon.
“Hindi naman masyadong malaki ang problema. Konting hindi lang pagkakaintindihan.”
“Basta, alam mong handa akong makinig kapag gusto mo ng kausap.” He flashed that seemingly sincere smile but at the back of his head lies the victorious scent of the task that Shelley asked him to do. Humigop siya ng kape para saglit na itago ang kakaibang kislap ng kanyang mga mata.
Humigop din ng kape si Anton bago nagsalita. “Thanks, but why are you so nice to me? I mean, we barely knew each other.” Bakas sa mukha niya ang pagtataka.
“Nakita kitang malungkot. Parang hinaplos ang puso ko at may nagtulak sa akin na lapitan ka… at damayan.” Ang korni mo, Yuri. “Ewan ko, but it seems attracted ako sa’yo.” Tinitigan niya ang kausap. “Tama ba ako sa iniisip ko na ang sinasabi mong partner ay isang lalaki?”
Napaawang ang labi ni Anton. Ganoon na ba talaga ka-transparent ang kabaklaan niya?
“Huwag kang mao-offend. Nagtatanong lang ako.” Best actor sa bait-baitan school of acting si Yuri. Tila ito isang maamong tupa na hindi gagawa ng kasamaan.
“Yes, lalaki ang partner ko.” Walang dahilan para mag-deny pa siya. Ano ba naman kung malaman ng lalaking ito na bakla siya?
Napangiti si Yuri at napansin iyon ni Anton.
“Bakit?” tanong niya.
“Masaya lang ako,” sagot nito na nagpakunot sa kanyang noo. “Ibig sabihin, may tsansa ako sa’yo.”
“Ha?”
“Ibig sabihin, hindi ako maasiwa na i-pursue ka.” Hinawakan nito ang kanang kamay niya. “Gusto kita…”
“May partner na ako. Hindi ako mahilig na pagsabay-sabayin ang pakikipagrelasyon.” Binawi niya rito ang kanyang kamay at pasimpleng uminom ng kape.
“Hindi naman ako nagmamadali,” sabi nito na hindi inaalis ang tingin sa kanya. “Maghihintay ako ng tamang panahon.”
Huminga siya nang malalim. “Ayokong paasahin ka. Pero mas mabuti sigurong huwag ka nang mag-umpisa sa kung ano mang plano mong umpisahan. Mahal ko ’yong partner ko. At wala naman kaming problema para isipin kong hiwalayan siya. Ayoko ng kumplikadong relasyon. Mas okay kung magiging magkaibigan na lang tayo,” diniretso ba niya ito.
Nalaglag ang balikat ni Yuri. Siyempre kasama iyon sa akting niya. Kailangang mapaniwala niya si Anton na seryoso siya at gusto niya talaga ito. “Wala akong magagawa kung iyon ang gusto mo. Payag ako na maging magkaibigan tayo.”
“Saan ka nagwo-work?” tanong niya rito para maiba naman ang takbo ng usapan nila.
“Therapist ako sa isang spa. Pero minsan, freelance masseur. Mas malaki ang kita ’pag freelancer, eh.” Pinagmasdan niyang mabuti si Anton para makita ang magiging reaksyon nito. Pero wala naman siyang napansing kakaiba nang malaman nitong masahista siya. “Ikaw, anong trabaho mo?”
“Sa real estate. Nagbebenta ng mga house and lot at condo.”
“Ahh,” reaksyon ni Yuri kasabay ang marahang pagtango. “Dumadami nga ang mga pumapasok sa real estate. Matagal ka na ba riyan?”
“Almost three years pa lang,” kaswal niyang sabi. Nababagot na siya. Gusto na niyang umuwi.
“Ako, limang taon na sa ganitong trabaho. Mula no’ng lumuwas ako ng Manila, ito na ang naging trabaho ko.”
“Good! Ibig sabihin, nag-e-enjoy ka sa trabaho mo.” Tiningnan ni Anton ang oras sa kanyang wrist watch. “Oh, I need to go, Yuri. May gagawin pa ako sa bahay. Maraming salamat sa coffee.” Tumayo na siya at inilahad ang kamay kay Yuri. “Nice meeting you.”
Mabilis na inabot ni Yuri ang kamay ni Anton. “Nice meeting you, too.” Siniguro niyang mararamdaman ni Anton ang marahan niyang pagpisil sa palad nito. “Shall we go?”
Magkasabay silang lumabas sa coffee shop. Inihatid siya ni Yuri hanggang sa sakayan. Pero humirit pa ito bago siya makasakay ng taksi.
“Can I get your number?”
Kumuha siya ng calling card sa wallet at iniabot niya rito.
“Thanks, Anton!”
“Salamat din.” Pinara niya ang dumaang taksi. “Sasakay na ako.”
“Ingat!” Kumaway pa siya kay Anton nang magsimula nang umandar ang taksi.
Nang nakaalis na ang taksi ay halos magdiwang ang kalooban niya. Big leap sa pinagagawa sa kanya ni Shelley ang nangyari ngayong gabi. Hindi naman kailangang maging jowa niya si Anton. Ang mahalaga lang ay mailayo niya ito kay Carlo.
Isang plano ang nabuo sa utak ni Yuri. Seseryosohin na niya ang utos ni Shelley. Mukha namang okay ang Anton na ’yon. Kung susuwertehin siya, hindi lang si Shelley ang pagkakakitaan niya.
Pati si Anton!
Tinawagan niya si Shelley.
“Anong balita?” bungad sa kanya ng bakla.
“Nagkausap na kami ni Anton. Naumpisahan ko na ang pinagagawa mo. Gusto ko lang linawin ang usapan natin… na hindi ko kailangang maging jowa si Anton, ’di ba? Kailangan ko lang siguruhin na hindi makakaporma si Carlo sa kanya,” pagkukumpirma niya.
“No! Kailangang maging jowa mo siya.”
“Imposible ’yon, Shelley. Sabi ko nga sa’yo, may boyfriend ang Anton na ’yon at nilinaw niya sa akin kanina na hindi siya ang tipo na nagsasabay-sabay ng relasyon. Hindi siya katulad mo na malandi.”
“Eh, ’di sirain mo ang relasyon nila! Hayup ka! Ang usapan natin, gagawin mo siyang jowa. Babayaran kita kapag naging jowa mo siya,” nanggigigil na sabi ni Shelley.
“Hindi mo ako babayaran kapag hindi ko siya naging jowa?”
“Natural! Ano ka sinusuwerte?”
“Kung ganoon, tigilan na natin ito. Wala naman pala akong mapapala, eh.”
“Hindi puwede! Pumayag ka na sa kasunduan. Hindi ka na puwedeng umatras.” Kung kaharap lang niya ang lalaking ito, baka nasampal na niya. Nakakagigil!
“Sinong may sabing hindi ako puwedeng umatras, ikaw?” Muli siyang humalakhak. “Hindi mo ako puwedeng talian, Shelley. Ikaw ang humihingi ng pabor sa akin. May karapatan akong tumanggi ano mang oras. Ngayon, kung gusto mo talagang gawin ko ang pinagagawa mo, ibigay mo na sa akin ang kalahati ng kabayaran ko.”
“Ang kapal mo!”
“Makapal talaga ako, alam mo ’yan. At mautak din. Hindi puwedeng ikaw lang ang makikinabang sa mga ipinagagawa mo sa akin. Dapat meron din akong mapapala. Pasalamat ka nga dahil dati okay na sa akin ang bayad mong sex. Pero ngayon, ayoko na ng sex na kabayaran sa mga utos mo. Pera na ang gusto ko.”
“Huwag kang magmalinis, alam ko kung hanggang saan ang kalibugan mo!”
Napahalakhak nang malakas si Yuri. “Pareho lang tayong malibog, Shelley! Nakausap ko na si Anton, wala akong balak na sirain ang relasyon nila ng boyfriend niya dahil hindi ko naman type ’yon. Pero kayang-kaya kong bantayan sila ni Carlo para masiguro ko na hindi sila magkakabalikan. Gagawin ko iyon kapag natanggap ko na ang twenty-five thousand pesos mula sa’yo. At isa pa pala, lalagyan natin ng duration ito. Six months lang. After six months at nagawa ko ang dapat kong gawin, ibibigay mo na ang natitirang kabayaran. Hindi puwedeng walang katapusan ang serbisyo ko sa’yo. Ano ka rin, sinuswerte? Kung gusto mo ng extension, mapag-uusapan naman natin ’yon… basta may bagong kabayaran ulit.”
Gigil na gigil si Shelley sa kausap. “Inuutakan mo ba ako?”
“Hindi. Pinoproteksyunan ko lang ang sarili ko, Shelley. Magpapagamit ako sa’yo, pero dapat bayad lahat ng serbisyo ko.”
28
MABILIS na nakauwi si Anton. Sumama siya kanina kay Yuri dahil gusto sana niyang gantihan si Jason. Pero nang magpakita na ng interes sa kanya si Yuri ay biglang nagdalawang-isip siyang ituloy ang binabalak.
Naguguluhan siya. Nasasaktan siya sa ginagawa ni Jason at idinidikta ng utak niyang saktan din ito, pero tumututol ang puso niya.
Gising pa si Jairus at nanonood ng tv sa salas nang dumating siya sa bahay.
“Best friend, nandyan ka na pala. Bakit ginabi ka?” tanong nito sa kanya sa nakasanayan na nitong baklang-baklang pananalita.
“May dinaanan lang ako,” matamlay niyang tugon.
“Kakain ka na ba? Maghahain ako.”
“Huwag na, busog pa ako.”
“May problema ka ba, best friend? Puwede mong sabihin sa akin. Malay mo, makatulong ako.”
Umiling si Anton.
“Hindi, eh. Kilala kita, best friend. Alam ko kung may problema ka o wala. At sa itsura mo ngayon, alam kong may mabigat kang dinadala riyan sa dibdib mo,” paniniguro ni Jairus.
Umupo sa sofa si Anton katabi ng kaibigan.
“Si Jason na naman, ’di ba?”
“Nagyaya siya kanina na lalabas kami after work, at sabay na kaming uuwi. Pero nag-backout siya last minute para puntahan iyong ex-girlfriend niya,” pagkukuwento ni Anton.
“Nagkabalikan na ba sila?”
“Hindi ko alam,” umiiling na sagot niya. “Ang hindi ko talaga maintindihan, kailangan ko bang makipag-agawan ng oras sa ex niya? At tama bang iyong ex niya ang lagi niyang inuuna?” Ang pait sa tinig niya ay hindi na maitago.
“Ano ngayon ang plano mo? Hihiwalayan mo siya?” tanong ni Jairus.
“Mahal ko siya, eh.”
Huminga nang malalim si Jairus. “Hay naku, best friend, ang love is a two-way street. Hindi puwedeng isa lang ang magmamahal.”
“Tingin mo ba hindi niya ako mahal?”
“Nararamdaman mo pa bang mahal ka niya?”
Ilang saglit siyang natigilan bago marahang umiling.
“Iyon naman pala, eh. Bakit mo pa pahihirapan ang sarili mo? Hindi ka naman ganyan dati. Nagsimula lang ’yan kay Carlo. Siya ang nang-iwan. Pero iyong ibang naging karelasyon mo, ikaw ang nakipaghiwalay,” paalala nito. “So, hihintayin mong si Jason pa mismo ang makipaghiwalay sa’yo?”
“Hindi ko alam. Gulong-gulo ang isip ko.”
“Ang bait mo kasi. Kaya lagi kang niloloko. Ayaw mo man lang gumanti.”
“Iniisip ko kasi, baka partly may fault din ako kaya niya nagawa iyon.”
“Ano ka ba, best friend? Ilagay mo nga sa lugar ang kabaitan mo para ’di ka inaabuso,” sermon sa kanya ni Jairus. “Baka ’pag may nakilala kang rape victim, sasabihin mong partly may fault rin siya dahil bumukaka siya kaya na-rape.”
Napakunot-noo si Anton. “Ang OA ng analogy mo. Rape talaga? Naglihim lang sa akin iyong tao, hindi niya ako binugbog,” apela niya. “Gusto mo agad, ganti.”
“So, dapat physical pain? Mas masakit ba iyon kesa sa ginawa niyang pagwasak sa damdamin mo? Best friend, nagiging masokista ka na ba? Gusto mo iyong ganyan na sinasaktan lagi ng mga lalaki ang damdamin mo?”
“Pero alam mo, naisip ko nga siyang gantihan kanina.”
Nanlaki ang mata ni Jairus.
“Nakipag-date ako sa isang bagong kakilala,” pagpapatuloy ni Anton. “Pero, na-realize kong hindi ko yata kayang gawin na lokohin din si Jason.”
Naaawang tiningnan na lang ni Jairus ang kanyang kaibigan. Kung may magagawa lang sana siya para hindi na ito maging malungkot.
“JACE…”
“Ha?” Nilingon ni Jason si Xaira. Akala niya ay natutulog na ito kaya inabala muna niya ang sarili sa paglalaro sa cellphone niya. “Bakit? May kailangan ka ba?” tanong niya rito.
“Matulog ka na. May trabaho ka pa bukas,” sabi nito sa binata. “Nahihiya na ako sa’yo. Hindi ka naman dapat naririto, nagpupuyat. Naaabala na kita nang husto.”
“Ano ka ba? Huwag mo na ngang iniisip iyon? Okay lang ako.”
“Paano kung magtagal pa ako rito sa ospital? Hindi naman puwedeng ikaw na lang lagi ang iistorbohin ko sa araw-araw na narito ako.”
“Xai…”
“Araw-araw nararamdaman kong mas lumalala ang kondisyon ko. Kabisado ko ang katawan ko. At kahit siguro matapos ko ang full cycle ng chemotheraphy, hindi pa rin ako gagaling.” Nangilid ang mga luha nito dala ng pagkaawa sa sarili.
“Pabayaan mo na lang ako na nandito para damayan ka. Huwag kang mag-alala, I am perfectly fine,” paniniguro niya kay Xaira.
“Salamat, Jace. Sana, hindi na lang kita iniwan noon. Hindi sana ganito ang nararamdaman kong guilt ngayon.” Hindi na niya napigilang umagos ang luha mula sa kanyang mga mata.
“Huwag ka nang umiyak. Mas mahihirapan ka lang kung ganyan. Hayaan mo na lang. Sumabay ka na lang sa agos. Mangyayari kung ano man ang mangyayari. In the end, umasa na lang tayo na magiging maayos ang lahat.”
PABABA ng building si Carlo nang makasalubong niya sa hagdan si Yuri. Hindi niya sana ito papansinin pero bigla itong ngumisi sa kanya.
“Anong nangyari sa inyo ni Shelley? Bakit napadpad ka rito?” nakangising tanong ni Yuri.
“Hiwalay na kami,” maikli niyang sagot. Hindi naman niya obligasyong magpaliwanag sa lalaking ito. In the first place puwede naman itong magtanong kay Shelley kung gusto nito ng mas kongkretong sagot.
“Small world, ano? Sa dinami-dami ng puwedeng tirhan, dito ka pa nakahanap ng mauupahan.”
“Bawal ba?” singhal niya rito.
Mas lalo itong ngumisi. “No! Hindi naman. Huwag kang masyasong hot. Hindi ako naghahanap ng away. Nagtatanong lang naman ako.” Sinundan nito iyon ng isang mahinang halakhak.
“Kung hindi ko lang kailangan agad ng malilipatan, hindi ako titira rito kung ganitong nandiyan ka lang ilang hakbang mula sa tinitirhan ko. Dahil siguradong makakarating kay Shelley lahat ng makikita mo sa akin,” diretso niyang buwelta kay Yuri.
“Ano namang akala mo sa akin, tsismoso? Anong mapapala ko kung ikukuwento ko kay Shelley ang mga makikita ko sa’yo rito?”
“Bakit ’di mo itanong sa sarili mo?” Malaki ang hinala niya na si Yuri ang kumuha ng litrato nila ni Anton na magkasama. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit lagi na lang siyang pinagdududahan ni Shelley. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit hindi niya mapaniwala ang bakla na wala silang relasyon ni Anton. At bakit hindi niya paghihinalaan si Yuri samantalang ito lang naman ang barkada ni Shelley na alam niyang papayag gumawa ng kahit ano kapalit ng pera. Sa tipo ng lalaking ito na wala namang permanenteng trabaho, gagawin nito ang lahat, kumita lang ng barya.
Napailing-iling si Yuri. “Akala ko pa naman ay magiging magkaibigan na tayo ngayong naging kapitbahay na kita. Pero mukhang hindi pa rin pala.” Tiningnan siya nito sa mata. “Hindi mo ako kaaway, pero kung ituturing mo akong kaaway bibigyan kita ng giyera. Isang matinding giyera.”
“Gawin mo kung ano ang gusto mo. Hindi ako natatakot sa’yo!”
29
NAGULAT pa si Jairus nang dumating sa bahay si Jason nang tanghaling iyon.
“Hindi ka pumasok?” Obvious naman pero nagtanong pa rin siya. Nakita niyang ang suot nito ay ang damit pa rin nito kahapon.
“Hindi. Umuwi lang ako para maligo at magpalit ng damit.” Diretso itong umakyat ng hagdan.
“Akala ko ba sabi mo hindi mo niloloko ang best friend ko?” Napahinto si Jason sa matalas na salita niya. Sinadya niyang magpakita ng tapang sa lalaking dati ay inakala niyang magpapasaya na sa kanyang kaibigan.
“Hindi ko siya niloloko,” seryosong sabi ni Jason. “At wala akong balak na lokohin siya. Mahal ko si Anton. Mahal ko ang kaibigan mo.”
“Tigilan mo nga ang kasinungalingan mo.” Diniretso na niya si Jason. “Alam kong niloloko mo siya. Halos hindi ka na nga umuuwi. Nandoon ka na lang lagi sa ospital. Bakit? Dahil naka-confine ang ex-girlfriend mong girlfriend mo na ulit.”
“Hindi ko obligasyong magpaliwanag sa’yo. Kay Anton lang ako may atraso.”
“Eh, ’di inamin mo rin na may atraso ka sa kaibigan ko. Ang kapal din ng mukha mo, noh?”
“Jairus, hindi kita kaaway. At wala tayong dapat pag-awayan. Pero please lang, kung may problema man kami ni Anton ngayon, kami na lang muna ang mag-uusap. Huwag ka na munang makisali.” Iniwan na nito si Jairus at mabilis na pumasok sa kuwarto nila ni Anton.
Naiwan si Jairus na gusot pa rin ang mukha sa tindi ng pagkainis kay Jason. Kung dati ay crush na crush niya ito, ngayon ay bumagsak na lahat ng paghanga niya rito.
Binuksan niya ang tv sa salas at nanood. Ilang sandali lang ang nakalipas ay nakita niyang pababa ng hagdan si Jason. Bagong ligo na ito at preskong-presko ang itsura.
“Aalis muna ulit ako. Pakisabi na lang kay Anton sakaling magtanong siya. Tatawagan ko na lang din siya.” Nakita ni Jairus ang lungkot sa mukha ni Jason pero hindi siya natinag. Sa ginagawa ng lalaking ito sa kaibigan niya, hinding-hindi ito makakakuha ng kahit konting simpatya sa kanya.
“Lumayas ka kung lalayas ka. Naiistorbo mo ang panonood ko.” Inirapan niya ito at inismiran.
Naglakad na si Jason patungo sa pintuan at diretsong lumabas ng bahay.
Naiinis na pinatay ni Jairus ang telebisyon at nagdadabog na nagtungo sa kanyang kuwarto.
BISITA ni Shelley sa bahay niya si Yuri.
“Ibigay mo na sa akin ang pera ko, may ibibigay naman akong kapalit, eh,” sabi ni Yuri.
“Ano na naman ’yan? Hindi mo ako mauuto!” taas-kilay na singhal ni Shelley.
Inilabas ni Yuri ang calling card ni Anton.
“Ayaw mo bang malaman ang address ng opisina ni Anton?” nakangising tanong ng lalaki.
“Akin na ’yan!” Tinangkang agawin ni Shelley ang calling card pero mas maagap si Yuri.
“Money down bago mo makuha ito…”
“Hayup ka!” Kumuha ng pera ang bakla sa kanyang bag at hinagis sa mukha ni Yuri. “Ayan ang twenty-five thousand pesos! Isaksak mo sa baga mo. Pero siguruhin mong magagawa mo nang maayos ang ipinag-uutos ko!” mataray na pahayag ni Shelley bago muling inagaw ang calling card na madali namang ipinaagaw ng lalaki.
“Sa’yo na ’yan.” Ngumisi si Yuri. “Huwag kang mag-alala, tutupad ako sa usapan. Hindi ko man mapaibig si Anton, gagawin ko ang lahat para hindi rin sila muling magkalapit ni Carlo.”
“Hindi ba kapitbahay mo na si Carlo?” tanong ni Shelley.
“Oo, naikuwento ko na sa’yo dati pa, ’di ba?”
Saglit na nag-isip si Shelley. Kahit paano, magkakaroon pa rin siya ng balita tungkol kay Carlo. “Bantayan mo siya. Balitaan mo ako kung ano ang naoobserbahan mong pinaggagagawa niya.”
“Areglado. Isasama ko na ’yun sa trabahong pinagagawa mo para ’di mo isiping lugi ka.” Hindi nawawala ang nakalolokong ngisi nito. “O, paano? Aalis na ako. Salamat dito sa pera,” humahalakhak na sabi nito habang naglalakad papalabas ng bahay ni Shelley.
PAGOD si Anton nang umuwi galing sa trabaho. Tatlong kliyente ang pinuntahan at kinausap niya buong maghapon kaya sa biyahe pa lang ay napagod na siya.
Pagpasok sa loob ng bahay ay dumiretso siya sa kusina para uminom ng tubig. Naabutan niya roon si Jairus na abala sa paghahanda ng hapunan.
“Ay tamang-tama ang dating mo, best friend. Maluluto na ’to.”
“Ano ’yan?” matamlay niyang tanong.
“Nilagang baka. Naisip ko kasi na parang gusto kong humigop ng mainit na sabaw.”
“Sige, aakyat muna ako. Hihiga lang ako saglit. Napagod ako sa trabaho.”
“Magpahinga ka na muna. Tatawagin na lang kita kapag kakain na tayo.” Nakita niyang tumango si Anton tapos ay umakyat na ito ng hagdan patungo sa silid nito.
Sa silid ay nakatagpo siya ng kapayapaan. Kapag ganitong hindi lang katawan at isipan niya ang pagod, mas gusto niyang magkulong sa silid kung saan tahimik lang at walang sino mang iistorbo sa kanyang pag-iisa. Akala niya tapos na siya sa phase na ito ng buhay pagkatapos siyang iwanan ni Carlo at maging sila ni Jason. Bakit bumalik ang mga dating eksenang tapos na? Bakit kasi hindi na siya nadala? Ilang failed relationship na ba ang pinagdaanan niya?
“Best friend…” Nakarinig siya ng mga katok sa pinto. Nasa labas si Jairus at tinatawag siya. “Kain na tayo…”
Hindi siya sumagot. Natatamad siyang bumangon.
“Best friend… Bakit ’di ka sumasagot? Tulog ka ba?” Muli itong kumatok.
Nang hindi pa rin siya sumagot ay narinig niyang binuksan nito ang pinto.
“O, gising ka naman pala. Bakit dinededma mo ’ko?” tanong nito. “Bumangon ka na riyan at kakain na tayo.”
Bumangon siya pero hindi tumayo. Nanatili lang siyang nakaupo sa kama.
“Anong iniisip mo?” Umupo siya sa tabi ni Anton.
“Na sana hindi ako niloloko ni Jason,” matamlay niyang sagot.
“Si Jason na naman?” Napasimangot si Jairus. “Eh, paano kung niloloko ka nga niya? Tatanggapin mo na lang ba?”
“If he cheats, I’ll let him. Bahala na siya. In the end, hindi naman ako ang talunan.”
“Hindi ka nga talunan, luhaan naman.” Parang kutsilyong bumaon sa dibdib niya ang sinabi ni Jairus. Totoo naman kasi. Kunwari lang siyang malakas. Kunwari lang na hindi apektado. Pero gusto na niyang magwala sa tindi ng galit. Gusto na niyang maglupasay sa sobrang pagkaawa sa sarili niya. Ano pa ba ang kailangan niyang gawin para makita ni Jason ang halaga niya? Ano ba ang hindi niya nagawa? Wala siyang maisip. Baka naman sumobra siya kaya na-spoil ang gagong iyon at inisip na okay lang kahit ano ang gawin nito.
“Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng resbak. Best friend kita, Anton. Ako ang nasasaktan kapag mayroong nananakit sa’yo. Kaya kapag hindi mo na kayang lumaban, sabihan mo ako. Ako ang makikipagpatayan para sa’yo.” Nakita ni Anton ang pagbagsak ng luha sa mga mata ng kaibigan. Walang salitang niyakap niya ito. Ilang beses na bang silang dalawa lagi ang nagdadamayan sa mga ganitong eksena? At sapat na ang pagyakap para ipadama niya kay Jairus ang kanyang pasasalamat.
HINDI inaasahan ni Anton na uuwi si Jason nang gabing iyon. Naabutan pa siya nitong gising at nagbabasa sa higaan.
Pagpasok sa kuwarto ay hinubad nito ang suot at dumiretso sa banyo para mag-shower. Nang matapos ay nagsuot ng boxer shorts at white sando at saka humiga sa tabi niya.
Walang nagsasalita. Nagpapakiramdaman lang silang dalawa. Walang may gustong bumasag ng katahimikan.
“Anton…” Bahagya pa siyang nagulat nang magsalita si Jason. Nilingon niya ito. Nakita niya ang humpak na pisngi nito. Ilang araw lang pero nahulog agad ang katawan ni Jason.
“I’m sorry…” usal nito na halos parang hangin lang na dumaan.
Parang binagsakan siya ng kisame. Tanda ba iyon ng pag-amin ni Jason sa mga panloloko nito sa kanya?“
“For what?” Parang may bara sa lalamuman niya at halos ayaw lumabas ng kanyang boses.
“For not making you my priority these past few days. Alam kong nagagalit ka na sa akin. Alam kong iniisip mo na niloloko kita, na ipinagpalit na kita. Na may iba na ako…”
“Hindi ba totoo?” lakas-loob niyang tanong kahit ayaw niyang marinig ang isasagot nito sa pangambang kumpirmahin lang ni Jason ang lahat ng kanyang takot.
“Hindi! God knows na wala akong iba. Napasok lang ako sa sitwasyong ayokong tanggihan dahil ayokong makasakit ng iba.”
“Kaya okay lang na ako ang masaktan?”
“Hindi ganoon,” mabilis nitong sagot. “Hindi ganoon.” Naitakip nito ang palad sa buong mukha. “Paano ko ba ipaliliwanag?”
“Sabihin mo. Ganoon kasimple. Hindi ako bobo para hindi ko maintindihan,” medyo mataas ang tonong sagot ni Anton. “Mas gusto kong alam ko ang totoong nagyayari kesa halos masiraan ako ng ulo sa pag-iisip.”
“Ex ko si Xaira…”
“Alam ko.”
“May leukemia siya…”
Hindi nakasagot si Anton.
“Hindi alam ng parents niya na hiwalay na kami. Akala nila kami pa rin hanggang ngayon dahil ako ang nakita nilang kasama ni Xaira sa ospital at ako rin ang kumontak sa kanila sa probinsiya…”
Ang mga mata ni Anton ay naghihintay sa sasabihin pa ni Jason.
“Nakiusap sa akin ang mama ni Xaira na huwag kong iwanan ang kanyang anak. Huwag ko raw bigyan ng sama ng loob si Xaira lalo na ngayon.”
“Hindi man lang kinontra ni Xaira ang paniniwala ng mama niya?” hindi makapaniwalang tanong ni Anton. “Napakaimposible naman kasi. Napakadaling sabihin sa mama nito na break na kayo, matagal na. Bakit hindi niya sinabi? O ayaw niyang sabihin dahil umaasa siyang magkakabalikan pa rin kayo?”
“Ewan ko, hindi ko alam. Basta ayaw kong bigyan ng sama ng loob ang mga magulang niya dahil may sakit din ang tatay niya.”
“Hindi mangyayari iyan kung hindi mo rin gusto. Gusto mo rin siguro,” deklara ni Anton. “Gusto mo rin na maging kayo ulit ng Xaira mo!”
“Hindi…” umiiling na sabi niya.
“Eh, bakit hinayaan mong mangyari ang ganyan? At pati si Xaira bakit pinabayaan n’yong magkunwari pa kayong dalawa kung puwede namang ipaliwanag sa nanay niya ang totoo. Tanga ba ang mama niya? Hindi naman siguro, ’di ba?”
“Anton…”
“Kung wala ka na talagang gusto kay Xaira, hindi n’yo papaniwalain ang mama niya sa isang bagay na hindi totoo at matagal nang tapos. Hindi naman kailangan ng isang babaeng mamamatay na ang boyfriend.”
“Anton! Hindi siya mamamatay! Gagaling siya, naiintindihan mo? Gagaling siya!”
“Ba’t affected ka? Kasi mahal mo pa. Kasi mahal mo siya! Kaya huwag mong binibilog ang ulo ko sa kung anu-anong dahilan na kesyo ang alam ng mama niya ay kayo pa rin hanggang ngayon. Ang totoo, gusto mong mag-feeling boyfriend kay Xaira dahil hanggang ngayon, mahal mo pa rin siya at ikaw itong umaasa na magkakabalikan pa rin kayo!”
30
“HINDI ’yan totoo!” maigting na tanggi ni Jason kasabay ang mabilis na pagbangon sa kama. “Matagal na kaming tapos ni Xaira. Gusto ko lang siyang damayan bilang kaibigan. Intindihin mo naman ako, Anton.”
Bumangon din si Anton at hinarap ang lalaki. “Damayan?” nang-uuyam niyang tanong. “Damayan lang ba talaga? Ganoon ka ba talaga kapag dumadamay sa kaibigan? Binabalewala mo na ang ibang tao para sa kanya.”
“Kasi nga—”
“Kasi nga mahal mo pa. Umaasa ka pa na isang araw magiging kayo ulit.”
“Paulit-ulit! Hindi nga kasi ganoon!” sigaw ni Jason.
“Eh, ano ang ganoon? Sabihin mo! Punyeta! Puwede kang dumamay nang hindi mo napapabayaan ang mga dati mo nang ginagawa. Nang hindi mo nakakalimutan ang obligasyon mo sa ibang tao,” nanggagalaiting sagot ni Anton. “Tingnan mo, umaabsent ka na pati sa trabaho para lang magbantay sa ospital. Nandoon ang tatay at nanay niya, ’di ba? Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang laging nandoon ka rin. Mas bibilis ba ang paggaling niya kapag nandoon ka? Sagutin mo ako, ikaw ba ang doktor niya?” Sumabog na siya nang tuluyan.
“Intindihin mo naman sana ako,” samo ni Jason.
“Gusto kong intindihin ka. Kaya sabihin mo kung gusto mong makipagbalikan kay Xaira, at doon ka na lang sa kanya. Hindi kita pipigilan, kung iyon ang iniisip mo. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa taong ayaw sa akin,” matigas niyang sabi habang pinipigil niyang maluha sa galit.
“Anton naman… Hindi nga kasi… Aaahhhh!” Hinawakan ni Jason ang kanyang ulo gamit ang dalawa niyang kamay at ubod lakas na sinabunutan ang sarili habang nagsisisigaw. “Aaahhhh!”
“Huwag mo ’kong artehan. Hindi bagay sa’yo!” Lumabas siya ng silid at pabagsak na isinara ang pinto. Diretso siyang bumaba ng hagdan papunta sa salas.
“Best friend…” tawag sa kanya ni Jairus.
“Ba’t gising ka pa?” tanong niya rito.
“Nagtaka ka pa. Makakatulog ba ako eh, sigawan kayo nang sigawan?”
“Pasensya ka na…”
“Don’t tell me na dito ka matutulog sa salas. Doon ka na lang sa higaan ko. Puwede naman akong maglatag sa sahig.”
“Huwag na,” tanggi niya. “Dito na lang ako. Pahiramin mo na lang ako ng isang unan.”
“Uubusin ka ng lamok dito.”
“Eh, ’di pahiramin mo na rin ako ng isang kumot.”
“Ayaw pa kasing matulog doon sa kuwarto ko, eh,” reklamo ni Jairus.
“Bilisan mo na. Pahiram ng kumot at unan. Inaantok na ako.”
“Haay naku, kaya nga ba ayaw ko nang mag-boyfriend. Dagdag sakit ng ulo lang,” sabi nito habang papunta sa kuwarto para ikuha ng unan at kumot si Anton.
Nang gabing iyon, natulog si Anton sa sofa at si Jason sa kuwarto.
Nagising siya sa mga yugyog sa kanyang balikat. Nagmulat siya ng mga mata at nakita niyang madilim pa ang paligid.
“Anton… Doon ka na matulog sa kuwarto,” narinig niyang sabi ng yumuyugyog sa kanya. Si Jason iyon, sigurado siya.
“Gigisingin mo ako para lang sabihing matulog?”
“Hindi… Lumipat ka na sa kuwarto. Hindi mo naman kailangang magtiis dito sa sofa. Malaki iyong kama sa kuwarto. Sa’yo ’yon. Dapat doon ka natutulog,” pagpupumilit nito.
“Hayaan mo na ako rito. Ikaw na lang ang matulog doon,” walang siglang sagot ni Anton.
“Please…”
“Please din! Huwag tayong magplastikan. We’re not okay so I’m not comfortable sleeping on the same bed with you.” Nagtalukbong siya ng kumot para hindi na siya istorbohin ni Jason.
Umaga na nang magising siya. Bumangon siya at tumuloy sa kusina nang maamoy ang nilulutong sinangag. Nagulat pa siya nang makita si Jason na abala sa pagluluto. Sabado nga pala ngayon at walang pasok sa trabaho. Bagong paligo ito at litaw ang pagka-macho sa suot nitong boxer shorts at apron. Magsasangag lang nag-apron pa!
“Gising ka na pala. Tamang-tama, Luto na ito. Kakain na tayo.” Totoo ang ngiting isinalubong ni Jason kay Anton na para bang wala silang pinagtalunan kagabi.
Nakita niya ang lutong longganisa at itlog sa mesa pero hindi niya pinansin ang lalaki. Nagtungo siya sa lababo at nagmumog. Tapos ay uminom ng isang basong tubig.
“Nasa kuwarto niya si Jairus. Siya dapat ang magluluto pero sabi ko, ako na lang muna. Simple lang naman ang inihanda kong pagkain. Sinangang lang at saka skinless longganisa at scrambled egg.” Para siyang nakikipag-usap sa hangin dahil walang reaksyon si Anton sa mga sinasabi niya. Nagsasalita pa siya ay naglakad na ito paakyat sa hagdan.
Parang walang nangyari, muli niyang itinuon ang sarili sa sinangag na nasa kawali. Pinatay niya ang stove at inilipat sa serving plate ang sinangag.
Kinatok niya sa kuwarto si Jairus. “Jairus, kakain na tayo…” Hinihintay niyang sumagot ito o kaya naman ay magbukas ng pinto, pero wala. “Lumabas ka na riyan, ha? Tatawagin ko lang si Anton.”
Pinuntahan niya sa kuwarto si Anton. Naabutan niyang nasa banyo pa ito at naliligo.
“Matagal ka pa ba diyan? Kakain na tayo pagkatapos mong maligo, ha?” Wala rin siyang narinig na sagot mula rito. Humiga na lang muna siya sa kama para hintayin ang paglabas ni Anton sa banyo.
Hindi naman nagtagal at natapos nang maligo si Anton. Nakatapis lang ito ng tuwalya sa bewang nang lumabas sa banyo. Agad na bumangon sa kama si Jason at umupo sa gilid nito.
Nagsuot ng blue chino shorts at beige t-shirt si Anton. Nang matapos itong magbihis ay saka nagsalita si Jason.
“Kain na tayo?”
“Hindi ako nagugutom. Kumain na kayo ni Jairus,” walang gana niyang sagot habang nakaharap sa tokador at sinusuklay ang buhok.
“Hindi na lang din ako kakain, kung hindi ka kakain.”
“Bakit hindi ka kakain, dala ko ba ang kaldero at plato?” Matalim ang tinging ipunukol niya rito.
“Kaya nga ako nagluto dahil gusto kong bumawi sa mga pagkukulang ko sa’yo. Gusto kong ipakita sa’yo na ako pa rin ito. Na wala naman talagang nagbago,” sagot ni Jason sa tonong kaaawaan ng kahit sino. Pero matigas ang loob ni Anton.
“Ano ako, batang inagawan ng kendi? Na uutuin lang at okay na ulit?”
Huminga si Jason nang malalim. “Ano ba ang gusto mong gawin ko?”
“Alam mo ang dapat gawin. Hindi mo na kailangang itanong sa akin.” Lumabas sa silid si Anton at iniwang mag-isa si Jason.
Susundan sana ito ni Jason pero biglang tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag ang mama ni Xaira.
“Hello, tita… Napatawag po kayo.” Saglit siyang huminto para pakinggan ang sinasabi ng kausap. Naalarma siya dahil umiiyak ito at tila balisa.
“Ha? Ano pong nangyari?” Bumilis ang kabog ng kanyang dibdib. “Sige po, pupunta na po ako diyan. Opo, ngayon na po. Papunta na po ako.”
Mabilis siyang nagpalit ng damit. Pagdaan niya sa salas ay naroon si Anton at nanonood ng palabas sa telebisyon habang nagkakape.
“Anton, pupunta lang ako sa ospital. Tumawag ang mama ni Xaira. May hindi magandang nangyari. Pasensya na…”
Nang hindi sumagot si Anton ay lumabas na ng bahay si Jason.
Muli ay nakaramdam ng pambabalewala si Anton. Sobra na ito. Hindi na talaga tama. Kung kayang gawin ni Jason sa kanya ang ganito, mas kaya niyang gawin din. At higit pa!
31
UMIIYAK si Tita Arnie nang dumating si Jason sa ospital. Pinapayapa ito ng asawa. Wala sa kuwarto si Xaira.
“Tita Arnie, ano po’ng nangyari? Nasaan po si Xaira?” Ang kabog sa dibdib niya ay hindi na normal. Sobrang kaba na ang nararamdaman niya.
“Nilipat siya sa ICU. Sumuka siya kanina, may kasamang dugo at nahihirapan din siyang huminga. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa anak ko,” hindi matigil sa pag-iyak na sabi ni Tita Arnie.
“Ano po ang sabi ng doktor?”
“Nagkaroon daw siya ng pulmonary hemorrhage. Isa raw iyon sa mga complication ng leukemia,” basag ang boses na sabi nito. “Natatakot ako para sa anak ko, Jason. Napakabata pa niya. Ayokong mawala siya sa amin ng papa niya.”
“Hindi po siya mawawala, Tita. May awa ang Diyos. Gagaling po si Xaira,” pagpapalakas-loob niya sa kausap.
“Sana nga, Jason. Hindi ko kakayanin kapag nawala sa amin ang anak ko,” lumuluhang pahayag nito.
NANG puntahan ni Jason sa ICU si Xaira ay tulog pa ito. Awang-awa siya sa kalagayan ng dating kasintahan. Parang biglang nahulog ng katawan nito. Ang laki na ng ipinayat ng dalaga. Ang dating masayahin at maliksing babaeng nakilala niya ay nanghihina na ngayon at unti-unting iginugupo ng karamdaman. Paano niya sasabihin ngayon kay Tita Arnie ang totoong relasyon nila ni Xaira? Ngayon pa ba siya dadagdag sa mga alalahanin nito?
Huminga siya nang malalim at pagkatapos ay ibinuga ito sa ere.
PAPALABAS na ng bahay si Anton nang tawagin siya ni Jairus. “Saan ka pupunta, best friend?”
“May imi-meet lang akong client,” sagot niya.
“Sabado? Pati ba naman weekend nagtatrabaho ka pa rin?” Sanay si Jairus na nasa bahay lang si Anton kapag Sabado.
“Importante lang kasi. Wala siyang time kapag weekdays kaya nakiusap na weekend na lang kami mag-meet.”
“Ahh, ganoon ba?” Sa wakas ay mukhang nakumbinsi na niya si Jairus. Hindi naman kasi talaga siya makikipagkita sa kliyente. Si Yuri ang kikitain niya. Actually, hindi niya kikitain. Inimbitahan siya nito na pumunta sa tinitirhan nitong apartment. Kanina pagkaalis ni Jason ay kinontak niya si Yuri at tinanong kung gusto ba nitong lumabas. Nag-suggest itong pumunta na lang siya sa apartment nito para makapag-bonding sila. At pumayag siya!
Tinanguan niya si Jairus. “Bye, best friend…”
“Mag-iingat ka. Dito ka ba magdi-dinner?”
“Hindi na. Baka gabihin ako,” sagot niya habang diretsong naglalakad papunta sa gate.
Kahit nakasakay na ng taksi si Anton ay tinanaw pa rin ito ni Jairus. Nakaramdam siya ng awa sa kaibigan niya. Alam niyang pinipilit lang nitong gawing busy ang sarili para makalimutan ang mga problema.
LUMABAS ng unit niya si Yuri at tinanaw ang unit ni Carlo. Nanghinayang siya na wala ito sa labas. Sana ay lumabas ito at makita ang pagdating ni Anton. Siguradong uusok ang bumbunan ni Carlo kapag nakita nitong papunta si Anton sa unit niya.
Pumasok siyang muli sa loob. Dito na lang niya hihintayin ang kanyang espesyal na bisita.
Hindi naman siya nainip sa paghihintay dahil ilang minuto lang ang nakalipas ay tumawag na sa kanya si Anton.
“Nandito na ako sa labas ng building,” sabi ni Anton sa kanya.
“Bukas ’yong gate. Pumasok ka na lang at dumiretso sa second floor. Pangatlong pinto ang unit ko,” sabi niya sa kausap kasabay ang isang misteryosong ngiti.
Binuksan niya ang telebisyon sa salas at kunwa’y abala siya sa panonood. Hindi nagtagal at nakarinig siya ng katok sa pinto.
Tumayo siya at nagtungo sa pintuan. Nang buksan niya ang pinto ay nakita niya si Anton na preskong-presko ang itsura. Ibinigay niya rito ang pinakamatamis niyang ngiti.
“Pasok ka.” Nagbigay siya ng daan para makapasok ang bisita. “Hindi ka ba naligaw sa pagpunta rito?”
Pumasok si Anton sa loob ng apartment. “Hindi naman. Nag-taxi ako papunta rito.”
“Maupo ka muna. Anong gusto mong inumin? Juice? Alak? Sabihin mo lang…”
“Ikaw na ang bahala,” sagot ni Anton.
“Food? Kumain ka na ba? Magpapa-deliver ako.” Todo pa-impress si Yuri sa kanyang bisita.
“Mamaya na lang. Inom na lang tayo habang nanonood ng palabas sa tv. Okay lang ba?”
“Oo naman. Bisita kita, eh. Diyan ka lang at maglalabas ako ng maiinom.” Iniwan siya ni Yuri at nagtungo ito sa kusina.
Pagbalik nito ay may dala na itong isang bote ng Jack Daniels, crushed ice, shot glass at isang platitong mani. “Pasensya ka na sa pulutan natin. Hindi na ako nakapaghanda.”
“Okay na ’yan. Hindi naman ako mapili sa pulutan,” sagot niya.
Umupo si Yuri sa tabi niya at pagkatapos ay binuksan ang bote ng alak. Nagsalin ito sa shot glass at iniabot sa kanya. “Eto, umpisahan mo na…”
Ininom ni Anton ang alak. Medyo napangiwi siya.
“Gusto mo ba ng chaser?” tanong ni Yuri. “May coke sa ref.”
“Hindi na, okay na ’to.”
“Ba’t parang gusto mong malasing? May problema ba?” puno ng kuryusidad na tanong nito. “Puwede mo akong sabihan, I’m willing to listen.” Muli itong nagsalin ng alak sa shot glass at nilagyan ito ng yelo.
“Wala naman. Konting problema lang. Puwede namang ayusin,” sagot niya.
“Lovelife?”
Tiningnan niya si Yuri at saka siya tumango. Naisip niya, wala naman siguro siyang kailangang itago.
“Anong pangalan niya? Niloko ka ba?” Ininom niya ang laman ng shot glass.
“Jason… Ewan ko biglang nagbago, eh. Hindi naman siya dating ganoon.”
“Huwag kang manghinayang sa kanya. Maraming lalaki sa mundo. Kayang-kaya mong palitan iyon.” Nilagyan niyang muli ng laman ang shot glass at iniabot kay Anton. “Eto, iinom na lang natin ang problema mo. Tagay pa!” humahalakhak na sabi ni Yuri.
SA ospital ay nagkamalay na si Xaira at kasalukuyang kausap ang kanyang mga magulang.
“Nasaan po si Jason, ’ma?” ramdam sa boses niya ang panghihina ng kanyang katawan.
“Lumabas lang sandali. May bibilhin siyang mga gamot mo. Sinabihan ko rin na kumain muna siya,” malumanay na sagot ni Tita Arnie. Nakatayo sa likod niya si Tito Ben at nakamasid lang sa kanyang mag-ina.
“Mama… may gusto sana akong sabihin sa’yo… Sa inyo ni papa.”
“Ano ’yon, anak. Sabihin mo lang.”
“T-tungkol po kay Jason…”
Nagtatanong ang mga mata ng kanyang ina. “Ano ang tungkol kay Jason?”
“Mama… Hindi ko po boyfriend si Jason. Napilitan lang siyang magpanggap na boyfriend ko dahil nahihiya siya sa’yo.”
“Nag-break na kayo? Kailan? Bakit ’di ko alam?” naguguluhang tanong ng kanyang ina.
“Medyo matagal na rin po, ’ma. Ako po ang nakipaghiwalay sa kanya. Nagkaroon po ako ng ibang boyfriend pero hindi rin kami nagtagal,” pumiyok ang boses niya. Huminga siya nang malalim para pigilan ang nagbabantang pagbagsak ng mga luha. “Kaya huwag na po natin masyadong obligahin si Jason na pumunta rito sa ospital, lalo na ang magbantay sa akin. Alam ko, kahit hindi niya sinasabi na naaapektuhan na ang trabaho niya at ang personal niyang buhay. Masyado na akong nagiging pabigat sa kanya gayong wala naman siyang obligasyon sa akin.”
“Sorry, anak. Hindi ko alam. Akala ko kasi siya pa rin ang boyfriend mo hanggang ngayon. Napakabait na bata ni Jason at boto ako sa kanya para sa’yo. Pero dahil sinabi mong wala na kayo, dapat lang talagang hindi natin gawing obligasyon niya ang alagaan ka,” malungkot na sabi ni Tita Arnie.
“S-salamat, ’ma…”
GABI na natapos ang inuman session nina Yuri at Anton. Halatang lasing na ang dalawa dahil iba na ang timbre ng mga boses nila at mas maharot na rin ang mga kilos. Si Yuri ay malanding sumasayaw at ginagaya ang nasa palabas sa telebisyon. Tawa lang nang tawa naman si Anton.
“Halika, sumayaw ka rin!” Hinila siya ni Yuri at pilit na pinasayaw. Nang hindi siya mapasayaw ay niyakap siya nito at isinabay sa paggalaw. Mahigpit ang yakap ni Yuri at ang mukha nito ay halos dumikit na sa kanyang mukha. Amoy na amoy na nga niya ang hininga nito. “Sige na, sumayaw na tayo,” bulong nito sa tainga niya. Nagulat pa siya nang pagkatapos nitong bumulong ay naramdaman niyang parang dinilaan siya nito sa tainga. Napakislot siya sa pagkagulat na may kasamang kiliti. Nang tingnan niya si Yuri ay titig na titig ito sa kanya habang senswal na pinapaikot ang dila sa labi.
32
ANTON felt Yuri’s left hand caressing his butt. Gusto niyang tumanggi pero mahigpit ang pagkakayakap ng kanang braso nito sa kanya.
Dahan-dahang inilapit ni Yuri ang mukha niya kay Anton hanggang dumampi ang mga labi nito sa kanyang pisngi na dapat sana ay sa labi kung hindi niya naiiwas ang sarili.
Ang halik sa pisngi ay gumapang pababa papunta sa leeg niya. Napapikit siya sa nadaramang kiliti. May tila mumunting boltahe ng kuryente na dumadaloy sa kanyang katawan na nagdidikta sa utak niya na ipagdiinan pa ang sarili niya kay Yuri.
Ngunit nanaig ang tamang pag-iisip ni Anton. Nagawa niyang itulak ang ngayon ay hayok na hayok nang si Yuri.
“No! Hindi tama ’to,” pagtanggi ni Anton. Mabilis niyang inayos ang sarili.
Hindi agad nakakilos si Yuri dahil sa pagkabigla. Akala niya’y nahuli na sa pain niya si Anton.
“Thanks for the time, Yuri. I think I need to go,” paalam niya sa lalaki at naglakad papalabas ng pinto.
“Anton, wait!” habol ni Yuri.
Huminto si Anton at nilingon ang lalaki. “Kita na lang tayo ulit next time. I really need to go now.” Pinihit niya ang doorknob at lumabas ng pinto. Naiwan sa apartment si Yuri na nabitin sa nagsisimula nang init ng kanyang katawan.
NILAPITAN ni Tita Arnie at Tito Ben si Jason.
“May kailangan po ba kayo sa akin?” tanong niya sa mag-asawa.
“Mayroon tayong dapat na pag-usapan,” malumanay na sagot ni Tita Arnie na tumingin pa sa asawa na parang hinihingi ang permiso nito. Tumango naman si Tito Ben sa kabiyak.
“Ano po ba ’yon, Tita?
“Nagkausap kami ni Xaira kanina. Nagtapat na siya sa amin…”
Umawang ang bibig ni Jason. Parang alam na niya ang tinutumbok ng salita ng ina ni Xaira.
“Bilang ama ni Xaira, gusto kong magpasalamat sa’yo sa walang sawa mong pag-aalaga at pagtulong sa anak ko,” sabi ni Tito Ben. “Kahit hindi mo dapat gawin, ginawa mo pa rin at tatanawin kong utang na loob sa’yo iyon.”
“Tito Ben…”
“Jason, alam na namin na hindi ka na pala boyfriend ni Xaira. Na matagal na kayong nagkahiwalay. At mali ako na ibigay sa’yo ang responsibilidad ng pag-aalaga sa kanya. Alam naming naaapektuhan na ang trabaho mo, pati ang iyong personal na buhay dahil sa paglalaan mo ng oras sa anak namin,” nangingilid ang luhang sabi ng matandang babae. “Hindi mo na iyon kailangang gawin. Pasensya na kung nagdala kami ng malaking istorbo sa buhay mo.”
“Tita, hindi naman po kayo nakaistorbo. Ginawa ko iyon dahil gusto kong gawin. Ginawa ko iyon dahil kahit wala na kami ni Xaira, tinuturing ko pa rin siyang kaibigan. At kahit na sinong kaibigan ay gagawin ang ginawa ko.” Naramdaman niyang may luhang umagos sa kanyang kanang pisngi at kaagad niya iyong pinahid gamit ang kanyang palad.
“Maraming salamat, Jason sa pagmamahal mo sa aming anak.” Si Tita Arnie. “Napakaswerte ni Xaira sa pagkakaroon ng kaibigang tulad mo.”
Hindi na sumagot si Jason. Nagbigay na lang siya ng isang matipid na ngiti.
GISING pa si Jairus nang dumating sa bahay si Anton. Nasa salas ito at nanonood ng palabas sa telebisyon.
“Bestfriend, kumusta ang lakad?” bati niya rito.
“Ayos lang. Napasarap ang inuman,” tila wala sa sariling sagot ni Anton.
“Inuman? Dumayo ka ng inuman? Akala ko makikipagkita ka sa kliyente?”
“Oo, tapos napainom kami ng konti,” palusot ni Anton. Duda naman si Jairus sa sinasabi ng kaibigan pero pinabayaan na lang niya. Anyway, minsan lang naman makipag-inuman ito. Naglalabas lang siguro ng stress ang kaibigan niya.
“May pagkain pa riyan. Baka gusto mong kumain,” alok ni Jairus.
“Hindi na. Busog pa ako. Aakyat na ako sa itaas at matutulog.”
“Ikaw ang bahala…” Sinundan na lang niya ng tingin ang kaibigan habang nasa hagdan at papaakyat sa ikalawang palapag ng bahay.
Nawalan na ng ganang manood ng palabas si Jairus. Muli siyang nakadama ng awa para sa kaibigan. Kung may magagawa lang sana siya para maayos na ang problema nito, matagal na niyang ginawa. Sobrang napakabait ni Anton para paulit-ulit lang na masaktan dahil sa walang tigil nitong pagmamahal sa mga maling lalaki.
Nang buksan ni Anton ang pinto ng silid ay nakita niyang wala pa rin si Jason. Hindi na siya umaasang madadatnan niya ito. Alam niyang hindi naman siya ang prayoridad nito. Naghubad siya ng damit na suot at walang pakialam na humiga sa kama na tanging brief lang ang saplot.
PAUWI pa lang ng bahay si Carlo. Galing siya sa team building activity nila sa opisina. Pagod na siya kaya halos nakapikit na ang mga mata niya habang naglalakad paakyat sa unit na tinitirhan niya. Sinususian niya ang kandado ng pintuan nang mula sa likuran niya ay magsalita si Yuri.
“Akala ko pa naman ay nasa loob ka lang at natutulog.”
Nilingon niya ang lalaki pero hindi na siya sumagot sa sinabi nito.
“Sayang! Kung napaaga ka lang sana ng uwi baka naabutan mo iyong bisita ko. Eh, ’di nakapagkuwentuhan sana kayo,” nakangising sabi ni Yuri na halatang gusto lang inisin si Carlo.
Papasok na sana si Carlo pero hindi pa rin tumigil sa kasasalita si Yuri.
“Huwag ka namang bastos. Kinakausap kita, tinatalikuran mo ako,” medyo umangas ang boses nito. Tipong manununtok na ito kapag hindi pa rin niya pinansin.
“Wala naman tayong dapat pag-usapan. At saka hindi ako nakikipag-usap sa lasing,” seryosong saad niya rito.
Nagsalubong ang mga kilay ni Yuri. “Kahit kailan mayabang ka talaga, eh. Ikaw na ang nilalapitan, ikaw pa ang nagmamalaki.”
“Matulog ka na, bro. Walang pupuntahan itong pagtatalo natin. Hindi ako interesado sa anumang sasabihin mo.” Pinihit niya ang pinto para bumukas ito ngunit nahablot ni Yuri ang kanyang braso at nang mapaharap siya rito ay sinalubong siya nito ng isang suntok sa mukha.
Sumargo ang dugo sa pumutok na labi ni Carlo. Muling sumugod si Yuri para sundan siya ng isa pang suntok pero nailagan niya iyon at si Yuri ang sumubsob sa pader ng apartment.
Walang balak si Carlo na patulan ang lalaking ito na tila nakainom yata kaya pumasok na siya sa loob ng unit at sinigurong nai-lock niya ang pinto.
“Lumabas ka rito, gago!” narinig pa niyang sigaw ni Yuri. Hinintay niyang sumigaw ito ulit para tatawagan na niya ang caretaker na sa fourth floor lang nakatira, pero hindi na ito umulit.
Sinilip ni Carlo sa bintana kung nasa labas pa si Yuri pero hindi na niya ito nakita.
Nakabalik na sa unit niya si Yuri. Natabig pa nito ang bote ng iniinom nilang alak kanina. Tumunog ang telepono niya pero hindi siya nag-abalang sagutin ito. Isa lang ang gusto niyang makausap o makasama ngayong gabi.
Si Anton!
33
PATULOY sa pagtunog ang telepono ni Yuri pero pinanindigan nito na hindi sagutin ang tawag. Hindi na rin ito nag-abalang tingnan kung sino ang tumatawag.
Pumikit siya para ma-relax pero parang multong lumilitaw sa kanyang isip si Anton.
Tangina!
Bakit ba hindi mawala sa utak niya si Anton? Bakit ba biglang gustong-gusto niya itong makasama? Iba na ’to. At hindi puwede ’to!
Tumayo siya at hinubad ang lahat ng kanyang suot. Hubo’t hubad siyang nagtungo sa banyo.
Binuksan niya ang shower at hinayaang pawiin ng malamig na tubig ang nag-iinit niyang pakiramdam. Nagbabad siya sa banyo hanggang makaramdam na siya ng ginaw.
Lumabas siya ng banyo at nagtungo sa kuwarto. Hinila niya ang tuwalyang nakasabit sa likod ng pinto ng silid at tinuyo ang basa niyang katawan. Pagkatapos ay walang pakialam na humiga sa kama.
UMAGA na nang magising si Yuri sa sunod-sunod na tunog ng kanyang cellphone. Bumangon siya at lumabas ng kuwarto. Sa salas yata nagmumula ang tunog.
Tama. Pagdating sa salas ay nakita niya sa center table ang kanyang telepono. Dinampot niya iyon at sinagot.
“Hello?”
“Leche ka, Yuri! Kagabi pa ako tumatawag sa’yo, bakit hindi mo sinasagot?” Parang nakikita niya ang gigil na gigil na itsura ni Shelley. Galit na galit ito.
“Maaga akong natulog kagabi. Ano bang problema mo?” naiinis niyang sagot. Ganitong kagigising lang niya, huwag siyang uumpisahan ng baklang ito at baka hindi siya makapagpigil siguradong mag-aaway silang dalawa.
“Ikaw ang problema! Ang usapan natin, lagi kang magbibigay ng update tungkol sa pinagagawa ko sa’yo. Hindi ko alam kung ginagawa mo ba ang pinagagawa ko sa’yo. Wala ka man lang text o tawag kaya,” reklamo ng bakla.
“Ginagawa ko naman, ah. Huwag kang excited. Bibigyan kita ng feedback kapag may positibong resulta na. Akala mo yata ganoon kadaling hulihin ang Anton na ’yon. Hindi ba sinabi ko na sa’yo na seryoso siya sa jowa niya?” naiinis niyang sagot. “Sige na, tumawag ka na lang ulit. Inaantok pa ako. Natutulog pa ang tao, tatawag-tawag ka.”
“Aba’t, hoy! Bayad ka na sa pinagagawa ko sa’yo kaya may karapatan akong istorbohin ka kahit kailan ko gusto. Punyetang ’to!”
“Bahala ka sa buhay mo!” Pinatayan niya ng telepono si Shelley para hindi na ito muling makatawag at pagkatapos ay bumalik ito sa kuwarto at muling humilata sa kama.
NANG magising si Anton ay lumabas siya ng kuwarto at nagtungo sa kusina. Pasado alas-otso na. Late na siya sa trabaho kaya hindi na naman siya papasok.
“Best friend, ba’t nandito ka? Hindi ka pumasok?” gulat na tanong ni Jairus na nasa kusina rin at nag-aalmusal. “Halika na, sabay na tayong kumain. Sinangag ko ang kaning-lamig at nagprito ako ng tinapa. Tapos eto, may fried eggs din at fresh tomatoes for my fresher, younger looking skin,” seryosong sabi nito pero alam mong nagpapatawa lang.
“Tinamad akong pumasok, eh. Gusto kong magpahinga muna today,” sagot ni Anton na hindi pinansin ang pagpapatawa ng kaibigan. Dumiretso siya sa lababo at nagmumog. Pagkatapos ay bumalik agad sa mesa.
“Kape, gusto mo? Ipagtitimpla kita,” alok ni Jairus.
“Huwag na. Kakain na lang ako ng kanin.”
Inabutan ni Jairus ng plato ang kaibigan. “Eto, o kumain ka nang marami. Huwag kang mahihiya.”
Naglagay siya ng sinangag at tinapa sa kanyang plato. Kumuha rin siya ng ilang hiwa ng kamatis at nagsimulang kumain. “Masarap itong tinapa, ah. Saan mo binili?”
“Saan pa, eh ’di sa Trabajo Market. May suki ako roon. Siguradong masarap ang mga tinapa niya. Kasingsarap ko.” Napansin niyang hindi ngumiti si Anton. Kanina pa siya puma-punchline pero dedma ang best friend niya. Tinitigan niya ito.
Napatingin sa kanya si Anton. “O, bakit?” tanong nito nang mapansing nakatitig sa kanya ang kaibigan.
“Okay ka lang ba?” puno ng pag-aalalang tanong ni Jairus.
Napataas ng kilay si Anton. “Well, oo naman. Okay lang ako.” Nagpatuloy siya sa pagkain.
“Hindi ka nanggaling sa kliyente kahapon, ’di ba?”
Hindi nakasagot si Anton pero tiningnan nitong muli si Jairus.
“Saan ka galing?”
“Nagkita kami ng isang kaibigan ko.”
“Sinong kaibigan? Kilala ko?” Bilang best friend ni Anton, kilala niya lahat ng iba pang mga kaibigan nito.
“H-hindi. Bagong kaibigan lang.”
“Bagong kaibigan o bagong manliligaw?”
“Kaibigan,” mariin niyang sagot.
“Best friend, hindi naman sa nangingialam ako sa inyong dalawa ni Jason. Pero sana alam mo pa rin kung ano ang tama. Nagkakagulo na ang relasyon n’yo. Iniisip mo na malapit nang bumitaw si Jason. Hindi ba dapat na mas ngayon ka dapat humigpit nang kapit sa kanya? Ikaw dapat ’yong puwersang pipigil para hindi siya tuluyang makabitaw. Hindi iyong ikaw pa ang unang bibitaw.”
“Para ano? Para kapag bumitaw na siya, ako naman ang maiwang nakabitin?” masakit ang loob na sabi niya. “I’ve done my part. Siguro naman deserve ko rin na maging masaya. Lagi na lang akong ganito, eh. Naiiwan. Iniiwan. Ano ba ang mali sa akin? Kulang ba akong magmahal? Sobra ba? Ano?” nangingilid ang luha niyang tanong.
“Walang mali sa pagmamahal. Walang mali sa taong nagbigay ng pagmamahal. Kulang man ’yan o sobra, hindi ka puwedeng sisihin ninuman. Ibinigay mo lang ’yong alam mong kaya mong ibigay. Walang mali roon, best friend.” Nagpahid ng luha si Jairus. Nauna pa siyang umiyak kaysa kay Anton. “Eto, o kumain ka ng itlog.” Inabot niya sa kaibigan ang platong may lamang pritong itlog.
Inabot niya ang plato ngunit ibinalik din lang ito sa mesa. “Kumain ka na. Huwag mo akong alalahanin. Okay lang ako.
KATATAPOS lang nilang kumain nang dumating si Jason. Halatang puyat ito. Nadaanan nito sa salas si Jairus.
“Hindi ka rin pumasok sa trabaho?” salubong na tanong niya rito.
“Nandiyan si Anton?”
Umikot ang mga mata ni Jairus. “Ano pa! Hindi ko alam na nag-declare pala ng holiday ngayon ang Malacanang. Aba, hindi nagsisipasukan sa trabaho ang mga tao.”
“Papasok ako mamaya. Half-day. Iidlip lang ako sandali,” sagot nito sa kaibigan ni Anton. “Sige, punta na ako sa kuwarto.”
Hindi inaasahan ni Anton na uuwi nang araw na iyon si Jason kaya nagulat siya nang bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok ito.
“Bakit hindi ka pumasok?” tanong ni Jason sa kanya.
“Baka pareho ng dahilan kung bakit hindi ka rin pumasok,” pilosopo niyang sagot.
“Magha-half day ako sa trabaho. Matutulog lang ako sandali.”
Bumangon siya at inayos ang bedsheet sa kama. “Hiyang-hiya naman ako sa boarder ko. Umuuwi lang kapag matutulog.” Pinagpag niya ang mga unan. “O, kamahalan, matulog ka na po. Para pagkagaling mo sa trabaho, may energy ka pa para magbantay sa ospital sa jowa mo.”
“Anton, ayokong makipagtalo. Hindi mo naman iniintindi ang paliwanag ko, eh.”
“Kailangan kong intindihin? Ako pa ang mag-a-adjust?” sarkastiko niyang tanong. “Ikaw, kailan ka mag-a-adjust para sa akin?”
HIndi na sumagot si Jason. Hahaba lang ang usapan nila nang wala namang patutunguhang maganda. Hinubad niya ang suot na damit at itinira lang ang brief at walang imik na humiga sa kama.
Si Anton naman ay pumasok sa banyo at naligo. May pupuntahan siyang taong alam niyang handang makinig sa kanya anuman ang mga problema niya.
Si Carlo.
34
“ANTON? Napatawag ka…” Bakas ang sigla sa boses ni Carlo nang marinig ang tinig ni Anton. Mula nang magsimula siyang magpakita ng interes na makipagbalikan kay Anton ay lagi na lang siya nitong tinatanggihan. Ayaw pa nga siyang kausapin. Ngayon lang ito nagpakita ng inisyatibo na kausapin siya.
“Busy ka ba?” tanong ni Anton. Katatapos lang niyang maligo at ngayon ay nakatapis lang siya ng puting tuwalya.
“Hindi. Wala namang masyadong ginagawa rito sa opisina. Gusto mo bang magkita tayo?” Nilakasan na niya ang loob na tanungin ito. Bahala na kung muli siya nitong tanggihan.
“Puwede ba? Hindi ba kita maaabala?” nag-aalangang tanong ni Anton.
“Naku, hindi. Sige, kailan? Nasaan ka ba? Puwede naman akong lumabas dito sa opisina.” Hindi siya magkandatuto sa sasabihin sa sobrang excitement.
“Mamayang lunch time sana. Hihintayin kita sa labas ng city hall.”
“Sure! Sige, magkita tayo mamaya,” excited na sagot ni Carlo. Ang saya niya. Sa wakas, magkakausap na rin sila ng seryoso ni Anton.
“Salamat. Mamaya na lang. Magte-text ako pagdating ko sa city hall.”
Inilapag niya sa kama ang cellphone niya at nag-umpisang magbihis. Simpleng maong pants at fitted na maroon polo shirt ang isinuot niya na lalong nagpatingkad sa maganda niyang pangangatawan. Sinipat niya ang itsura sa salamin ng tokador. Sino ba ang mag-aakalang kuwarenta anyos na siya? Walang puwedeng ipintas sa itsura niya. Guwapo siya kung pisikal na aspeto ang pag-uusapan.
Sinulyapan niya si Jason na mahimbing na ang tulog. Tapos ay lumabas na siya ng kuwarto.
Pagdaan niya sa salas ay naroon si Jairus at nakahiga sa sofa habang hawak-hawak ang cellphone. May pinanonood yata itong video sa you tube.
“Gisingin mo na lang ’yong boarder ko mamayang eleven-thirty,” bilin niya kay Jairus.
Napabalikwas ng bangon ang bakla. “Ha? Sinong boarder?” nagtatakang tanong nito.
“Sino pa eh ’di si Jason. Papasok daw ’yon ng half day sa opisina. Gisingin mo bago mag-alas dose para hindi ma-late.”
“Diyos ko! Akala ko naman tumanggap ka na ng boarders dito,” nagkakamot ng ulong sabi nito. “Eh, saan ka na naman pupunta?” Nagtatanong ang mga mata niya. Diskumpiyado siya kay Anton kapag ganitong napapadalas ang alis nito.
“Gagala lang. I need to unwind. Nakaka-stress na ang mga nangyayari.”
Napahinga na lang siya nang malalim. Kung may magagawa lang sana siya para hindi na maging malungkot ang best friend niya. “Mag-iingat ka, kung saan ka man pupunta, best friend.”
Tumango lang si Anton. “Sige, aalis na ako.”
Tinanaw na lang ni Jairus si Anton hanggang sa makalabas ito ng bahay.
EKSAKTONG alas-dose ay nasa labas na ng opisina si Carlo. Sa huling text message na natanggap niya mula kay Anton ay sinabi nitong maghihintay ito sa fast food restaurant na nasa kabilang kalye sa tapat ng city hall.
Kakaiba ang ngiti sa mga labi ni Carlo. Iba rin ang kabog ng kanyang dibdib. Para siyang binatang first time pa lang na aakyat ng ligaw.
Pagpasok niya sa fast food restaurant ay iginala niya ang kanyang tingin. Hinahanap niya si Anton. Nang makita niya itong nakaupo sa mesang nasa isang sulok ay kumaway pa ito sa kanya.
Mabilis siyang naglakad para lapitan si Anton.
“Kanina ka pa ba?” tanong niya na abot tainga ang ngiti.
“Hindi naman, kararating ko lang. Maupo ka,” nakangiti niyang sabi rito. May pineapple juice at large fries sa mesa nito.
“Okay lang bang umorder muna ako ng makakain? Anong gusto mo?” tanong ni Carlo.
“Umupo ka na, ako na lang ang oorder ng pagkain natin.”
“Hindi, ako na. Anong sa’yo?” muli niyang tanong.
“Ikaw na’ang bahala.”
“Sige, wait for me.” Tumalikod na si Carlo at nagtungo sa counter.
Nang magbalik ito ay may dala ng tray na may lamang dalawang order ng chicken with rice at pineapple juice.
“I’m glad to see you,” sabi ni Carlo pagkatapos makaupo. “Akala ko, hindi na darating ulit ang pagkakataong tulad nito.”
Matipid na ngiti ang isinagot ni Anton.
“Kain na tayo,” yaya ni Carlo at nagsimula na itong sumubo ng biniling pagkain.
“Bakit madalas na niloloko ng mga lalaki ang mga baklang kagaya ko?” Napatigil sa pagsubo si Carlo at napatingin kay Anton. Hindi siya agad nakapagsalita. Hindi niya alam ang sasabihin.
“Ah, siguro ano… na-fall out of love. Puwede ring nagsawa. O, baka gusto lang talagang tumikim ng bago.” Pinilit niyang gawing kaswal ang takbo ng kanilang usapan.
“Ganoon din ba ang reason kung bakit mo ako iniwan? Alin do’n? Na-fall out of love? O nagsawa at gustong tumikim ng iba?” Mahina lang ang pagkakasabi ni Anton pero parang bomba iyong sumabog sa pandinig ni Carlo. Hindi na siya kaagad nakasagot lalo na’t nang tingnan niya si Anton ay nakita niyang nangingilid na ang luha sa mga mata nito.
“I’m sorry… Hindi ko alam,” tanging nasabi niya. “Baka akala ko, na-fall out of love ako sa’yo. Pero later on, nalaman kong hindi naman pala. Mahal kita. Inakala ko lang siguro na nawala, pero hindi naman. Hindi kita iniwan para tumikim lang ng iba, sigurado ako roon. Kasi puwede namang gawin iyon kahit magkasama pa tayo. But I never did that.” Hinintay niyang may sabihin si Anton pero nanatili itong tahimik. “Kumain ka na muna, please. Maybe we can talk somewhere else na lang after lunch.”
Tuluyan nang nahulog ang nga luha ni Anton na agad nitong pinahid para hindi siya makatawag ng atensyon ng ibang kumakain doon.
“Anton, bakit? Niloloko ka ba ni Jason?” Parang nahuhulaan na niya ang mga nangyari. Kailangan lang marinig niya ang kumpirmasyon.
“I’m okay, Carlo. I’m okay,” matipid niyang sagot.
PAGKATAPOS ng trabaho ay kaagad na nagtungo si Jason sa ospital. Hindi naman tumawag o nag-text sa kanya ang mga magulang ni Xaira lalo pa at alam na ng mga ito na wala na silang relasyon ng kanilang anak. Pero siya na mismo ang may gustong damayan ang maysakit na dalaga.
Pagdating sa ospital ay diretso siyang pumasok sa kuwarto ni Xaira at laking gulat niya nang maabutan niyang umiiyak na nakayakap si Tita Arnie kay Tito Ben. Ang kamang hinihigaan ni Xaira kaninang umaga ay bakante na.
“Tito Ben, Tita Arnie… si Xaira po?” kinakabahan niyang tanong.
“Wala na si Xaira, Jason. Iniwan na niya tayo…” Napahagulgol na ang ginang.
Parang siyang ipinako sa kinatatayuan niya. Hindi niya alam kung paano magre-react. Iiyak din ba siya? Naramdaman niyang sumikip ang kanyang lalamunan kaya napalunok siya at saka muli sanang magsasalita pero walang salita ang gustong lumabas sa kanyang bibig. Ang hindi masabi ng mga labi ay ipinakita ng likidong nagmula sa kanyang mga mata. Tahimik niyang iniluha ang pagkawala ni Xaira.
NANG mga oras na iyon ay nasa bahay lang sina Anton at Jairus. Kakatwa na masaya ang mood ni Anton nang mga oras na iyon. Nagtaka pa nga si Jairus nang dumating ito kanina na parang walang problema. At ngayon nga ay nakikipagbiruan na sa kanya. Kababalik lang niya ng bahay pagkatapos niyang bumili ng tapsilog sa kanto dahil bigla nilang napagpasyahan na huwag nang magluto ng hapunan at bumili na lang ng lutong pagkain para maiba naman.
“Hay, naku! Hindi ko talaga gets kung anong ipinaglalaban ng mga tapsilogan na nagse-serve ng plain rice imbes na sinangag,” talak ni Jairus. “Hindi ba ang ibig sabihin ng tapsilog ay tapa, sinangag, itlog? Tapos, bibigyan nila ako ng plain rice? So, ano ba talaga ang ibig sabihin ng ‘si’ sa tapsilog? Sinaing, gano’n? Nakakaloka!” reklamo pa niya.
“Eh, ba’t bumili ka kung ayaw mo pala? Puwede namang ibang pagkain na lang.”
“Nag-crave kasi ako sa tapsilog nila, best friend. Mukhang masarap. Kaso plain rice ito. Plain rice, hindi sinangag.”
Eh, ’di isangag mo. Problema ba ’yun?“
“Seryoso, best friend? One cup of rice, isasangag ko? Sayang ang effort. Buhusan ko na lang kaya ng mantika at toyo tapos haluin ko. Tama! Gano’n na lang. Para kunwari, sinangag,” sabi pa ni Jairus sabay bunghalit ng tawa.
Nahawa na rin si Anton sa kasiyahan ng kanyang kaibigan. Pagkatapos nilang mag-usap ni Carlo kanina, para siyang naliwanagan. Masarap pala sa pakiramdam na iyong taong dati ay kinasusuklaman niya dahil sa panloloko sa kanya ay siya pang dadamay sa mga ganitong pagkakataon.
35
HANGGANG nang nakahiga na siya ay naalala pa rin ni Anton ang naging pag-uusap nila ni Carlo.
“I’m sorry, Anton. Hindi ko gustong saktan ka. Huli ko nang na-realize na mahal na mahal kita,” madamdaming pahayag nito. “Ang tanga ko lang dahil iniwan kita at ngayon ay nagsisisi ako dahil huli na at wala na akong puwang diyan sa puso mo.” Tapos na silang kumain at magkatabing nakaupo na sila sa isang bench sa park na malapit na city hall kung saan nagtatrabaho si Carlo.
“Sana nga ganoon lang kasimple, ’di ba? Iyong tipong, iniwan mo ako dahil nagkaroon ka ng iba, tapos nagkaroon din ako ng iba at masaya na ako ngayon. Sana nga gano’n, kaso hindi.”
“May problema kayo ni Jason? Niloloko ka niya?” Ang bilis niyang naisip iyon. Ganoon yata talaga. It takes one to know one.
“May pinagdadaanan kaming problema ngayon. Nagkita silang muli ng ex-girlfriend niya at halos hindi na siya umuuwi dahil doon na lang siya nakatambay sa ospital kung saan naka-confine ’yong babae,” mahinahon niyang salaysay.
Naunawaan ni Carlo na may sakit ang ex-girlfriend ni Jason. “Baka naman gusto lang niyang tumulong… dumamay.”
“Kahit pati trabaho ay napapabayaan na niya? May mga araw na hindi na rin siya nakakapasok sa opisina. HIndi na siya productive. Wala nang laman ang utak niya kundi ang Xaira na ’yon.”
“Ano ang plano mo ngayon?” naitanong ni Carlo.
“Pinalayas ko na siya sa bahay, ayaw niyang umalis…”
“Mahal ka niya,” konklusyon ni Carlo.
“Tingin mo gano’n nga?”
Marahan siyang tumango.
“Eh, paano kung ayaw lang pala niyang mawala ang benefits ng pagtira sa bahay ko? Libre board and lodging siya roon, ah. Malaki rin ang natitipid niya monthly. Pandagdag sa ipinadadala niyang pera sa mga magulang niya sa probinsiya,” argumento pa ni Anton.
“Ikaw ang mas nakakakilala sa kanya kung ganoong klase ba siya ng tao.”
Napatingin si Anton kay Carlo. Parang ibang Carlo ang kausap niya. Hindi niya inaasahang ganito ang magiging reaksyon nito. Ang akala niya ay sasamantalahin ni Carlo ang sitwasyon para tuluyan na niyang hiwalayan si Jason at nang maipilit nito na magkabalikan na sila katulad ng lagi nitong ginagawa noon kapag nagkakausap sila.
“Ikaw ang magdesisyon kung ano ang gusto mong mangyari. At asahan mong anuman ang iyong maging pasya, nandito lang ako para sumuporta,” dugtong pa ni Carlo at saka matipid na ngumiti sa kanya.
“Hindi mo ipipilit na magbalikan na lang tayo?” naitanong niya.
“Gusto ko! Gustong-gusto ko,” mabilis nitong sagot. “Pero ang pinakagusto ko ay maging masaya ka. Naisip ko, hindi na bale kung kanino ka magiging masaya, ang mahalaga’y masaya ka,” pumiyok ang boses ni Carlo. “I had my chance to make you happy. Sinayang ko ang tsansang iyon. Kaya sabi ko sa sarili ko, this time hindi lang puro sarili ko ang iisipin ko. Dapat isipin rin kita, ang kapakanan mo… ang kaligayahan mo.” Pinahid niya ng kanang kamay ang luhang nagbabantang tumulo.
“Carlo…”
“I’m sorry, Anton. Kung hindi kita iniwan, hindi mo sana nakilala si Jason. Hindi ka sana malungkot ngayon…”
“Hindi mo kasalanan na malungkot ako. Ibang chapter ng buhay ko ang kuwento natin. Iba naman ang kay Jason.” Inabot niya ang kamay ng lalaki at hinawakan. “Maraming salamat. Kung mayroon akong natutunan sa relasyon natin, iyon ay ang matutong maging matatag. Ngayon, alam ko na kung ano ang gagawin ko sa relasyon namin ni Jason.”
“Friends?” tanong ni Carlo.
“F
riends…“ At mas hinigpitan pa niya ang hawak sa kamay ng dating nobyo.
LUMAPIT si Tita Arnie kay Jason.
“Umuwi ka na, Jason. Kami na lang ng asawa ko ang bahalang mag-asikaso sa bangkay ni Xaira. Masyado ka na naming naaabala. Nahihiya na si Xaira sa’yo,” sabi ng matandang babae.
“Sasamahan ko na po kayo rito hanggang makuha ng punerarya ang katawan ni Xaira,” sagot ni Jason.
“Huwag na, kaya na namin ito ng Tito Ben mo. Nakatawag na ako sa punerarya. Mamaya lang, andiyan na ’yon. Kapag nadala na si Xaira sa punerarya, aalis na rin kami rito. Doon na lang kami magpapalipas ng gabi sa apartment ni Xaira. Pumunta ka na lang bukas sa punerarya kung gusto mo, ite-text ko na lang sa’yo ang address,” mahinahong sabi ni Tita Arnie.
“Sigurado po kayo?”
Tumango ang kausap niya. “Oo, kaya na namin ito. At maraming salamat sa’yo, iho.”
Niyakap ni Jason ang ina ni Xaira. Pagkatapos ay dinukot ang wallet at kumuha ng pera at inaabot sa ina ni Xaira.
Umiling ang matandang babae. “Huwag na. Itabi mo na ito.”
“Tulong ko po kay Xaira, sa huling pagkakataon,” matapat niyang sabi.
“Maraming salamat, Jason. Napakabuti mong kaibigan,” nangingilid ang luhang sabi nito.
“Wala pong anuman, Tita Arnie. Kung may maitutulong pa po ako, ’wag ka pong mahihiyang magsabi,” bilin niya rito.
GISING pa si Anton nang dumating sa bahay si Jason dala ang bag na ginagamit nito sa trabaho. Walang gustong magsalita sa kanilang dalawa, puro pakiramdaman lang.
Naghubad ng damit si Jason, kumuha ng brief sa drawer at pumasok sa banyo para mag-shower. Ilang sandali lang ay lumabas itong itim na brief lang ang suot. Tinuyo nito ng tuwalya ang buhok at ilang saglit ding itinapat sa electric fan bago ito humiga sa kama… sa tabi ni Anton na wala pa ring imik.
Tumagilid siya ng higa para makita ang mukha ni Anton. Pero wala siyang nakuhang anumang reaksyon dito. Nakatingin lang ito sa kisame na para bang naghihintay ng malalaglag na butiki. Mamaya pa ay tumagilid din ito ng higa, patalikod sa kanya. Ramdam ni Jason, malaki talaga ang tampo sa kanya ni Anton. O baka naman galit kaya?
Nagpasya siyang basagin ang nakabibinging katahimikan sa loob ng kanilang silid.
“Galit ka pa ba sa akin?” tanong niya kahit alam niyang oo ang sagot. Sino ba naman ang hindi magagalit sa kanyang ginawa? Aminado naman siyang napabayaan niya si Anton nitong mga nakaraang araw. Pati nga trabaho niya ay nasakripisyo na rin.
Hindi sumagot si Anton. Pero narinig niyang bumuntonghininga ito.
“Hindi kita masisisi kung galit ka. Ang laki ng naging pagkukulang ko sa’yo, alam ko ’yon. Pero gusto ko pa rin sanang hingin ang pang-unawa mo…”
Wala pa ring reaksyon si Anton.
“Anton, wala na si Xaira… patay na siya.”
Lihim na nanlaki ang mga mata ni Anton. Naiinis man siya kay Xaira, kahit minsan ay hindi sumagi sa isip niya na ipagdasal ang kamatayan nito.
“Ibuburol lang siya ng dalawang araw dito sa Quezon City, tapos iuuwi na rin siya ng mga magulang niya sa probinsiya para doon ilibing.” Huminga siya nang malalim tapos ay bumuga ng hangin. “Tapos na ang obligasyon ko sa kanya bilang kaibigan. Magagawa ko na ulit ang mga responsibilidad ko sa’yo. Kaya sana, mapatawad mo na ako. Hindi naman kita niloko. At wala akong planong lokohin ka…”
Hindi pa rin sumagot si Anton. Naguguluhan siya. Sobrang naguguluhan siya. Kanina ay tinanggap na niyang wala nang patutunguhan ang relasyon nila ni Jason. Pinaplano na sana niyang tapusin ang relasyon nila. Tumitiyempo lang siya.
Pero bakit biglang may ganitong eksena?
36
“ANTON…”
“Matulog ka na. Hindi ako interesado sa mga sinasabi mo.” At nagtalukbong siya ng kumot para iparamdam kay Jason na wala na siyang intensyong makinig.
Muling namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Gising pa rin si Jason. Si Anton naman ay tulog na, o nagtutulog-tulugan marahil. Mamaya pa ay dahan-dahang iniangat ni Jason ang kanyang kamay para yakapin si Anton na nakahigang patalikod sa kanya.
Malaya niya itong nayakap. Wala siyang naramdamang pagtanggi o ano pa man. Sa posisyong iyon ay payapa na siyang nakatulog.
NANG magising si Jason kinabukasan ay nakaalis na ng bahay si Anton. Alas-sais y medya na pala! Dali-dali siyang bumangon at pumasok ng banyo para maligo. Pagkatapos ay nagbihis siya at ginayak ang sarili papuntang opisina.
Pagbaba niya ay nakita niya sa kusina si Jairus at nag-aalmusal. Gusto sana niya itong batiin pero inunahan na siya nito ng irap.
Tahimik niyang tinungo ang pinto at lumabas ng bahay.
SUNOD-SUNOD na katok sa pinto ang gumising kay Yuri. Wala sa huwisyong bumangon ito upang alamin kung sino ang kumakatok. Hindi na ito nag-abalang magsuot ng shorts o magtapis man lang ng tuwalya. Walang pakialam itong naglakad sa loob ng apartment na tanging brief lang ang suot.
Bahagya na itong nagulat nang buksan ang pinto at makita kung sino ang dumating.
“Anong ginagawa mo rito?” naghihikab na tanong niya kay Shelley.
Hindi sumagot ang bakla. Basta na lang ito dumiretso papasok sa loob ng tinitirhan ni Yuri. Hindi man lang nga nito napansin na tanging underwear lang ang suot ng binata. Nang nasa loob na ay saka nito nilingon ang lalaki at nagsalita, “Baka nagkakalokohan na tayo, Yuri. Naniniguro lang ako. Naglabas na ako ng pera para sa ipinagagawa ko sa’yo. Sabihin mo lang kung wala kang balak gawin iyon, para mabawi ko sa’yo ang kabayaran.”
Humugot ng malalim na hininga si Yuri. Bigla ay nawala ang antok niya. “Anoka ba? Magkausap lang tayo kahapon. Ang kulit mo naman, eh. Sinabi ko na sa’yong gagawin ko, ’di ba? Ba’t hindi ka makapaghintay?”
“Wala akong panahong maghintay!” bulyaw nito sa kanya. “Habang tumatagal, mas lumalaki ang tsansang magkabalikan sina Carlo at Anton. Ayokong tumunganga at maghintay na ang karneng nilawayan ko na ay kakainin pa ulit ng iba.”
“Para kang sira, eh. Ikaw lang naman ang nag-iisip na magkakabalikan sila. Hindi nga kinakausap ni Anton ang Carlo na ’yon. Paano magkakabalikan, sige nga? Paranoid ka lang, tanga!”
Lumipad ang palad ni Shelley sa pisngi ni Yuri. Agad itong namula. “Gagang ’to!” Gaganti sana siya pero agad na may binunot si Shelley sa sukbit nitong shoulder bag at kinuha ang isang baril, sabay tutok sa kanya.
“Sige! Saktan mo ako, para bala na ng baril na ito ang bumaon diyan sa katawan mo.” Mahigpit ang hawak ni Shelley sa baril na nakatutok sa mukha ng lalaki. “I just want to let you know that when I talk business, I really mean business, Yuri. Kung hindi mo magawan ng paraan na mailayo si Anton kay Carlo, gawan mo nang paraan na mawala siya rito sa mundo.”
Nanlaki ang mga mata ni Yuri. “Teka, wala sa usapan na papatay ako ng tao.”
“Papatay ka o ikaw ang mamamatay, Yuri. You have a choice,” kalmadong pahayag ni Shelley pagkatapos ay nagpakawala ng isang nakakainis na ngiti.
Naglakad ito papunta sa pintuan pero bago tuluyang lumabas ay muling nilingon si Yuri. “Goodbye!” humahalakhak na sabi nito at tuluyan nang lumabas ng pinto.
Inis na inis si Yuri sa ginawa ni Shelley. Ang pinto ang napagbalingan niya at pabagsak niya itong isinara at saka muling nagbalik sa kuwarto para ituloy ang naabala niyang pagtulog.
PAGPATAK ng alas-singko ng hapon ay nagmamadaling lumabas ng opisina si Jason at sumakay ng taksi papunta sa trabaho ni Anton. Kanina pa niya ito kinokontak pero hindi naman sinasagot ang tawag niya. Nagdalawang-isip siya tuloy kung ipapaalam ba rito na susunduin niya ito. Yayayain niya sana itong pumunta sa burol ni Xaira. Once and for all, kailangan na nilang tapusin ang issue sa kanila. At naisip niyang makabubuti kung pupunta siya sa burol ni Xaira na kasama si Anton para makausap na rin ito nina Tito Ben at Tita Arnie. Alam niyang makatutulong ang mga mgulang ni Xaira para maniwala si Anton na wala silang relasyon ng namayapa niyang ex-girlfriend. Sa huli ay napagpasyahan niyang huwag nang sabihin at sosorpresahin na lang niya si Anton. Baka kasi kung ipaalam niya ay lumabas ito kaagad ng opisina at pagtaguan siya.
Nakuha sa sampung minuto ang biyahe mula sa opisina niya patungo sa trabaho ni Anton. Puwede ngang lakarin kung hindi lang siya nag-aalalang gahulin sa oras.
Pagbaba ng taksi ay tinakbo na niya ang entrance ng building kung saan nagtatrabaho si Anton. Sa pagmamadali ay nakabungguan niya ang isang lalaki na papasok din sa gusali.
“I’m sorry—” Hindi na niya natapos ang sasabihin nang makilala niya kung sino ang lalaking nabangga niya. “Ikaw si Carlo, ’di ba?”
“At ikaw naman si Jason,” seryosong sagot niya rito.
“Anong ginagawa mo rito?” sita niya kay Carlo.
“Bawal ba akong pumunta rito? Sa pagkakaalam ko, hindi naman sa’yo ang building na ’to.”
“Huwag kang pilosopo!” singhal niya sa kausap.
“At huwag ka ring mayabang. Hindi lahat ng tao ay natatakot sa’yo.”
“Gago ka pala, eh!” Umigkas ang kamao ni Jason at tumama sa panga ni Carlo. Sumadsad sa semento ang huli.
Sinubukang tumayo ni Carlo pero maagap siyang sinipa ni Jason kaya muli siyang tumilapon. Noon naman lumabas ng building si Anton at kitang-kita nito ang nangyayari. Nakatawag-pansin na rin sila ng ibang mga taong papalabas at papasok sa gusali.
Uupakan pa sanang muli ni Jason si Carlo pero maagap nang umawat si Anton. Maging ang isang guwardiya ng gusali ay umawat na rin.
“Tigilan mo ’yan, Jason!” Hinila niya ang kaliwang braso nito para hindi na ito makalapit kay Carlo. “Anong problema mo, ha?” Itinulak pa niya ito.
Hindi nakasagot si Jason pero bakas sa mukha nito ang hindi maipaliwanag na sama ng loob. Nagpupuyos ang kalooban niya sa katotohanang nalaman. Bakit mukhang okay na sina Anton at Carlo? Dati naman ay ayaw na ayaw makausap ni Anton ang lalaking iyan.
Mas gusto na niyang sumabog nang makita niyang inalalayan ni Anton si Carlo para makatayo ito.
“Sir, umalis na lang po kayo. Huwag kang gumawa ng gulo rito,” sabi ng guwardiya kay Jason na akma pang hahawakan ito.
“Huwag mo akong hawakan! Aalis ako!” At walang lingon-lingon na nilisan niya ang lugar. Ayaw na niyang lumingon pa dahil ayaw niyang makita ni Anton ang kanyang pagluha.
37
MAG-ISANG nagtungo si Jason sa punerarya kung saan nakaburol si Xaira. Naabutan niya roon ang mga magulang nito at ilang nakikiramay na katrabaho.
“Mabuti naman at nagpunta ka na ngayong gabi. Plano kasi naming iuwi na ang mga labi ni Xaira bukas ng umaga. Nakausap ko na ang manager ng punerarya. Nabayaran na ang mga dapat bayaran at naayos na rin ang mga papeles,” salubong na kuwento sa kanya ni Tita Arnie. Nakita niya si Tito Ben na tahimik na nakatunghay sa kabaong ng anak.
“Ah, Tita hindi po ako puwedeng magtagal dito ngayong gabi.”
“Okay lang iyon. Sapat na sa amin ang lahat ng nagawa mong kabutihan para sa aming anak,” malungkot nitong sabi kasunod ang isang matipid na ngiti.
“Sisilip lang po muna ako sa kabaong ni Xaira,” paalam niya sa ina nito.
“Sige,” tumatangong sagot ng ale.
Paglapit niya sa kabaong ay binati siya ni Tito Ben ng isang marahang pagtango. Sapat na iyon, nagkakaintindihan na sila.
Pinagmasdan niya si Xaira sa loob ng ataul. Napakaganda pa rin nito. Parang nasa isang mahimbing na pagtulog lang ito at gigising anumang oras mamaya.
Sari-sari ang mga isiping naglalaro sa kanyang utak. Paano kung hindi sila nagkahiwalay ni Xaira? Paano kung hindi niya nakilala si Anton? Magkakabalikan kaya sila ni Xaira? Pero paano nga kung mahal pa rin pala niya si Xaira kaya ganoon na lang ang pagdamay niya rito? Paano si Anton?
Kinapa niya ang laman ng kanyang puso. Sigurado siya, si Anton lang ang itinitibok nito. Wala nang iba pa.
PAG-UWI niya ng bahay ay tulog na sina Anton at Jairus. Dala ng matinding pagod, naghubad na lang siya ng damit na suot at marahang humiga sa tabi ni Anton.
Kinabukasan ay isang normal na araw. Ang hindi lang normal ay ang hindi nila pag-uusap. Magkasama silang natutulog sa iisang silid pero parang hindi nag-e-exist ang isa’t isa dahil sa patuloy nilang hindi pagpapansinan. Hanggang sa dumating ang araw ng Sabado at magkaroon sila ng hindi inaasahang bisita.
Parang nasunugan ang bagong dating kung makapag-doorbell. Sunod-sunod.
“Teka lang, nandyan na! Grabe naman ’to. Parang hindi makapaghintay na pagbuksan ng pinto,” sabi ni Jairus habang papunta sa gate.
Nang buksan niya ang pinto ay tumambad sa kanya ang isang may edad na babaeng tantiya niya’y nasa kuwarenta y singko anyos na. Mukhang probinsiyana ito kung pagbabasehan ang suot na bulaklaking blouse at palda. May dala rin itong bayong na gawa sa nilalang buli na punong-puno ng mga gulay yata.
Mabilis niya itong nilapitan. “Ano pong kailangan n’yo?” tanong niya sa babae.
“Papasukin mo ako. Pagod na pagod ako sa biyahe,” turan nito.
“Teka po, sino po ba kayo? Hindi ko po kayo kilala, eh.”
“Ako si Tesing. Dito ba nakatira ang anak kong si Jason? Eto ang address na nakalagay sa resibo ’pag nagpapadala siya ng pera sa amin, eh. Tingnan mo…” Iniabot sa kanya ng babae ang resibo at nabasa nga niya ang address. Kaagad niyang binuksan ang gate.
“Pumasok na po kayo…”
Hindi na siya nagdalawang salita dahil kaagad na pumasok ang babae. Diretso itong naglakad at pumasok sa pintuan patungo sa loob ng bahay kasunod si Jairus. Naabutan nito sa salas si Anton na nanonood ng balita sa telebisyon.
“Nasaan ang anak kong si Jason?”
Medyo napaawang ang labi ni Anton. “Ahh, good morning po. Ako po si Anton.” Inilahad niya ang kamay sa nanay ni Jason pero hindi iyon pinansin ng babae. Bumaling na lang siya kay Jairus. “Best friend, pakitawag naman si Jason sa itaas.”
Mabilis na nagtungo si Jairus sa itaas para tawagin si Jason. Ilang sandali lang at magkakaharap na sila sa salas.
“Bakit kayo napaluwas, ’Nay? tanong niya sa ina.
“Paanong hindi ako luluwas, ilang araw nang hindi dumadating ang padala mo. Aba, eh wala na kaming panggastos. Puro utang na lang kami sa tindahan. Lalo na ngayon, hindi makapagtrabaho sa bukid ang tatay mo dahil tinanggal ng may-ari. Napaaway kasi.” Hindi mapigilan sa pagkukuwento ang babae.
“Ha? Bakit po napaaway?” hindi makapaniwalang tanong ni Jason. Kilala niya ang tatay niya bilang isa sa napakatahimik na tao sa lugar nila sa Mindoro.
“Dahil sa’yo,” deretsahang sabi ng kanyang ina. “May kumakalat kasing tsismis sa lugar natin. May karelasyon ka raw na bakla rito sa Maynila. May nakakita yata sa inyo na nagde-date. Alam mo naman ang mga tsismosa sa atin. Sunog na agad ang ibinabalita kahit usok lang ang nakita. Kaya lumuwas na rin ako, para mapatunayan ko mismo na mali ang mga kumakalat na tsismis tungkol sa’yo.”
Hindi nakapagsalita si Jason. Pero sa isip niya ay wala siyang planong maglihim sa ina.
“’Nay, siya po si Jairus, eto naman po si Anton… magkaibigan po sila,” pagpapakilala niya sa dalawang kasama. “Si Anton po… ang nobyo ko. Totoo po ang tsismis na sinasabi n’yo.”
Hindi makapaniwala sa narinig si Tesing. Wala sa hinagap niyang gagawin ng anak ang ganito.
“Bakla ka ba, anak?” naguguluhang tanong nito kay Jason. “Bakit ka nakikipagrelasyon sa kapwa mo lalaki? Patawarin kayo ng Diyos!” Nag-sign of the cross pa ang matandang babae.
Hindi makasagot si Jason. Palipat-lipat lang ang tingin niya sa ina at kay Anton.
Bumaling ang ina ni Jason kay Anton. “Ikaw, bakla ka ba?”
Marahang tumango si Anton. “Opo…”
“Hesusmaryosep! Magugunaw na talaga ang mundo. Pati mga bakla ngayon, mukhang lalaki na! Sa amin sa probinsiya, kilos babae ang mga bakla at ang hihilig tumili.”
“Grabe naman kayong maka-sterotype sa mga bakla,” sundot ni Jairus.
“Ganyan! Ganyan ang mga bakla sa amin. Katulad mo! Andami sa parlor,” pagkukumpara pa ni Aling Tesing.
“Tse! ’Pag bakla, parlorista agad? Hindi na puwede sa ibang klase ng trabaho? Hay naku, Nanay! Moderno na ang panahon. Kalimutan mo na ang mga matanda mong paniniwala.” Ayaw talagang magpatalo ni Jairus.
“Huwag mo nga akong matawag-tawag na nanay. Mas mukha ka pang matanda kaysa sa akin,” nakaismid na sabi nito.
“Grabe siya sa akin, o. Thirty-four lang ako. Ilang taon ka na ba?”
Hindi nito pinansin ang tanong ni Jairus. Si Jason ang tanging concern niya sa pag-uusap na iyon. “Anak, umalis ka na rito. Tigilan mo na ang pakikipagrelasyon mo kay Gaston.”
Nanlalaki ang mga matang napatingin si Jason sa kanyang ina.
“Anton po…” pagtutuwid niya sa sinabi ng nito.
“Mas mabuting mag-usap na muna kayo ng nanay mo. Doon na lang muna kami ni Jairus sa kuwarto,” sabi ni Anton. “Best friend, doon ka muna sa kuwarto mo.”
Kumekembot na naglakad si Jairus papasok sa kanyang silid. Si Anton naman ay pumunta na rin sa silid niya sa ikalawang palapag ng bahay.
Umupo sa sofa si Tesing. Pakiramdam niya ay nangalog ang kanyang tuhod sa sinabi ng anak.
“Galit po ba kayo sa akin, ’Nay?” Umupo siya sa tabi nito.
“Hindi ko kasi alam, anak kung nagkamali ba kami ng tatay mo sa pagpapalaki sa’yo. Hindi ko alam kung bakit napasok ka sa ganyang klase ng relasyon.” Umiwas itong tumingin sa kanya.
“Twenty-one na po ako, ’Nay. Alam ko na po kung ano ang tama at mali.”
“Bakit pinili mo ang mali? Nagiging masyado na ba kaming pabigat ng tatay mo sa’yo kaya nakipagrelasyon ka sa bakla, para may mapagkunan ka ng perang ipadadala sa amin?”
“Nanay, hindi ko po pineperahan si Anton,” mabilis niyang tanggi.
“Huwag mong sabihing mahal mo siya.” Sa wakas ay tinapunan nito ng isang matalim na tingin ang anak.
Marahan siyang tumango. “Opo. Mahal na mahal ko siya,” pag-amin niya. “Ngayon nga po, may kaunting problema kami. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa na magkakaayos din kami.”
“Mali, anak mali. Pareho kayong lalaki. Labag ’yan sa utos ng Diyos,” naiiyak nitong sabi.
“Ang sabi ng Diyos, mahalin mo ang iyong kapwa. Utos ng Diyos na magmahalan, ’Nay.”
“Huwag kang pilosopo! ’Yan! ’Yan ang natututunan mo sa Gusting na ’yan.”
“Anton nga kasi, ’Nay, ang kulit!”
“Kahit ano pa ’yan. Ke Gusting, ke Gaston, ke Anton ang sinasabi ko, mali ang relasyon n’yo. Mamalasin ang buhay mo! Huwag mong hintaying balikan kayo ng langit,” pagbabanta pa nito.
“’Nay, ang Diyos na kilala ko, hindi mapagtanim ng galit. Hindi mapaghiganti. Isang Diyos na marunong magpatawad at umintindi sa nagkakasala Niyang mga anak. Ikaw ang unang-unang taong inaasahan kong makauunawa sa akin, ’Nay. Hindi ko inakalang maririnig sa inyo ang ganyan.”
“Sagutin mo nga ako, Jason. Bakla ka ba?” mariin nitong tanong.
“Hindi ko alam, ’Nay. Pero kung ang depinisyon mo ng bakla ay isang lalaking nakikipagrelasyon sa lalaki rin, siguro nga bakla ako. At wala akong pakialam.”
Lumagapak sa pisngi niya ang palad ng ina. Pakiramdam niya ay nagmanhid ang kanyang buong mukha.
“Napakawalang kuwenta mong anak! Hindi kita pinalaki para sagut-sagutin mo ako ng ganyan. Ikaw lang ang iniisip ko. Ang reputasyon mo! Kumakalat na sa lugar natin na may karelasyon kang bakla rito. Hiyang-hiya na rin pati ang kapatid mo sa tuwing pinagtsitsismisan ka ng mga kapitbahay.”
“Wala akong pakialam sa kanila. Hindi nila hawak ang buhay ko. At hindi ako mabubuhay base sa kung ano ang gusto nila para sa akin. Nasa tamang edad na po ako, ’Nay. Kahit ayaw n’yo, hinding-hindi ko iiwanan si Anton.”
38
NAPATAYO ang nanay ni Jason.
“Ikaw ba’y nasisiraan na talaga ng ulo ha, Jason? Ano bang hahabulin mo sa kanya, eh bakla na nga, matanda pa. Parang tatay mo na ’yan, ah!” nanggigigil na sabi nito.
“Eh, ano po ba talaga ang ikinagagalit n’yo, ’Nay? Na pumatol ako sa bakla o dahil pumatol ako sa matanda?”
“Dahil pumatol ka sa baklang matanda!” walang prenong sabi nito.
“So, okay lang na bakla basta hindi matanda?” pagkukumpirma ni Jason.
“Hindi rin! Lalaki kitang ipinanganak, Jason. Dapat mamuhay ka bilang lalaki. Hindi ’yong ganyan. Paano kayo—” Hindi malaman ni Tesing kung paano sasabihin ang gusto niyang sabihin.
“Paanong ano? Ituloy n’yo, ’Nay. Sasagutin ko para maliwanagan ka,” pamimilit ni Jason sa ina.
“Paano kayo gumagawa ng bata? Paano kayo gagawa ng bata? Paano kayo bubuo ng pamilya?” Sa wakas ay nasabi niya ang nasa kanyang isip.
“Puwede kaming mag-ampon, kung iyon lang ang pinoproblema n’yo. Maraming puwedeng gawin, ’Nay. Makabago na ang siyensiya at teknolohiya. Lahat pupuwede nang gawin. Ang importante, magkasama kami at nagmamahalan.” Buo sa loob niyang mabago ang paniniwala ng ina.
“Hindi. Sina Eba at Adan lang ang nilikha ng Diyos. Walang nilikhang bakla ang Diyos,” umiiling na pahayag nito.
“Nakita n’yo ba mismo ’yan, ’Nay? Napatunayan na ba ’yan?” argumento pa niya. “Paano kung hindi naman pala sina Eba at Adan ang unang nilikha, kundi sina Esteban at Adan?”
“Hesusmaryosep santisima ng awa!” nanlalaki ang mga matang sigaw ni Tesing. “Anong kalapastanganan sa Diyos ang sinasabi mo? Hindi kita tinuruan ng ganyan, Jason!”
“Pang-unawa mo lang po ang hinihingi ko, ’Nay. Wala po akong planong lapastanganin ang Diyos. Nagmahal lang ako. At utos Niya ang magmahal. Kung may limitasyon man ang pagmamahal na sinabi ng Diyos, ako na lang ang bahalang kumausap sa kanya sa gabi-gabi kong pagdarasal. Hihingi na lang ako ng tawad kung talagang mali ito. Pero sana, hayaan n’yo akong gawin ito dahil dito ako magiging masaya,” pagsusumamo niya sa ina.
“Gago ka! Imoral! Nilukuban na ng kaimoralan ang utak mo. Isa lang ang sasabihin ko sa’yo, layuan mo ang Gaston na ’yan!”
“Anton, ’Nay!”
“Kahit ano pa ang pangalan niya! Layuan mo na siya bago pa tuluyang sumpain ng langit ang mga buhay n’yo!”
“Hindi ko kayo masusunod, ’Nay pasensya na po. Ngayon lang po ako susuway sa kagustuhan n’yo,” matapang niyang sabi.
“Puwes, magsama-sama kayo sa impiyerno! Babalik na ako sa Mindoro bago pa ako madamay sa kamalasan n’yo. Akin na ang pera, wala na kaming makain ng tatay mo.” Inilahad nito ang palad.
“Ipadadala ko na lang po sa susunod na linggo, ’Nay. Wala pa akong pera ngayon.” Paano siya magkakapera eh, naibigay na niya sa nanay ni Xaira.
“O, kitam! Nag-uumpisa na ang kamalasan mo. Saan napupunta ang pera mo? Huwag mong sabihing ikaw pa ang nagbibigay ng pera sa matandang baklang iyon?” Walang pakundangan sa pagsasalita si Tesing.
“Hindi ho, ’Nay. Huwag naman kayong ganyan kay Anton. Kahit kailan hindi siya humingi ng pera sa akin. Ako pa nga ang nakikitira ng libre rito. Pati pagkain ko, libre na rin. Huwag naman po kayong sobra kung makapagsalita. Ako ang nanliliit sa mga sinasabi n’yo tungkol kay Anton, eh.”
“Nanliliit ka sa sinasabi ko? Eh, sa ginagawa mong kaimoralan hindi ka nahihiya? Anong klaseng kapal ng mukha mayroon ka?” sumbat nito sa anak.
“At anong klaseng tabas ng dila mayroon ka rin?” Mula sa likod ng pinto ng kanyang silid ay lumapit si Jairus na kanina pa nakikinig lang sa diskusyon ng mag-ina.
“Jairus, ’wag kang makisali sa usapan nila.” Nasa hagdanan na si Anton at pababa na rin sa salas.
“Hindi, best friend. Umo-over na sa pagkasanta ang nanay ni Jason. Hindi puwede sa akin ang ganyan.” Ayaw paawat ang matabang bakla.
“Pasensya na kayo sa nanay ko, Jairus… Anton. Ako na ang humihingi ng dispensa.”
“Walang mali sa mga sinabi ko. Ganyan kayong makaarte kasi, nasapol kayo!” Hindi rin nagpatalo si Tesing.
“’Nay, tama na po, please.”
Nakalapit si Anton sa mag-ina. “Eto po ang pera, makakatulong ’yan kahit paano sa inyo ng asawa mo.” Hinawakan ni Anton ang kanang kamay ni Tesing at isiniksik dito ang ilang pirasong isanlibong piso. Nabigla man ay mabilis na naibulsa ng babae ang pera. At pagkatapos ay taas noong tumingin kay Jason.
“Huwag kang makauwi-uwi sa atin hanggang hindi mo inaayos ang buhay mo. Suwail kang anak!” Binigyan nito si Jason ng isang matalim na tingin tapos ay nagmartsa na ito papalabas ng bahay.
Susundan sana ni Jason ang ina para tiyaking makasasakay ito nang maayos pero huminto ito sa paglalakad at lumingon sa kanya.
“Huwag na huwag kang susunod. Nakarating nga ako rito. Sinong may sabing hindi ko kayang umuwi?” Iyon lang at ipinagpatuloy nito ang paglalakad. Tinanaw na lang ni Jason ang ina hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin.
Si Anton ay bumalik na sa kuwarto, gayundin si Jairus. Naiwan sa salas si Jason. Binuhat niya at dinala sa kusina ang bayong na puno ng mga gulay. At saka niya naalalang walang ibang dala ang nanay niya. Kahit damit na pamalit ay wala. Kung ganoon, talagang aalis din ito ngayong araw kahit na hindi sila nagkasagutan. Dumayo lang talaga ito para kunin ang perang hindi niya naipadala.
Pagpasok niya sa silid ay parang walang nangyaring pagtatalo kanina lang. Kampanteng nakahiga sa kama si Anton at may kung anong binubutingting sa cellphone. At gaya ng dati, hindi pa rin siya nito pinapansin.
Umupo siya sa gilid ng kama at siya na ang kusang bumasag sa katahimikan.
“Pasensya ka na sa nanay ko. Matalas lang talaga ang dila no’n, pero mabait ’yon. Sorry, para sa mga hindi magandang salitang nasabi niya sa’yo.” Wala siyang nakitang reaksyon mula kay Anton. Tuloy lang ito sa ginagawa nito.
“Babayaran ko na lang next week iyong perang ibinigay mo kay nanay,” dugtong pa ni Jason. “Naitulong ko na kasi sa mama ni Xaira ’yong pera ko…” Wala pa ring reaksyon mula kay Anton.
“Sorry rin pala kung naging mainit ang ulo ko kahapon at nasuntok ko si Carlo. Uminit lang ang ulo ko…”
Nag-angat ng mukha si Anton at tumingin sa kanya. “Ang sabihin mo, barumbado ka kasi.”
Sunod-sunod ang naging pag-iling niya. “Hindi… Natakot lang ako na baka magkabalikan kayo. Natakot lang ako kasi ayokong maghiwalay tayo.”
Napaismid si Anton. Gusto na yata niyang bigyan ng acting award ang Jason na ’to.
“Alam mo, tama naman ang nanay mo. Ano nga ba ang hahabulin mo sa akin? Isang baklang matanda. Sa edad pa lang, ang laki na ng agwat. Sinabi ko rin ’yan sa’yo dati. Masyado lang matigas ang ulo mo. Ipinilit mo ang gusto mo.”
“Hindi naman natin naging problema ang edad mo, ah.”
“Oo, dati hindi. Ngayon pa lang. Dahil ngayon pa lang lumalabas ang mga taong kontra sa relasyon natin. At hindi sila basta kung sinong tao lang. Pamilya mo sila.” Binigyan niya ng diin ang salitang pamilya.
“Oo, pamilya nga. Pero may sarili kaming mga buhay. At ang buhay na gusto ko ay ang buhay na kasama ka, Anton.” Nabasag ang boses ni Jason dahil sa pinipigilang pagluha. “Sana naman, maniwala ka…”
Tumayo si Anton at lumapit sa kinauupuan ni Jason. “Bakit hindi mo na lang bigyan ng peace of mind ang pamilya mo. Sundin mo ang payo ng nanay mo. Mas okay iyon para lahat tayo, wala ng gulo.” Tinalikuran niya si Jason at saka siya lumabas ng silid.
39
LUMABAS din ng kuwarto si Jason at sinundan si Anton na nasa salas na at kasama si Jairus.
“Anton, mag-usap tayo. Once and for all ayusin natin ito.”
“At sa’yo pa talaga nanggaling ’yan? Sino ba ang nag-umpisa ng gulong ’to? Ako ba?” Napabuga siya ng hangin. “Parang ako pa ang may kasalanan kung bakit tayo nagkaganito, ah!”
“Kaya nga mag-usap tayo,” giit niya. “Para maayos na ang gulo. Puwede naman nating pag-usapan ito.”
Nagmatigas si Anton. “Wala na tayong dapat pang pag-usapan. Naapektuhan na pati pamilya mo. Ayokong ako pa ang maging dahilan ng pagtakwil sa’yo ng mga magulang mo.”
“Bakit sila ang iniisip mo? Hindi naman sila ang pakikisamahan mo, ako. Saka ko na sila poproblemahin. Matatanggap din nila tayo at ang relasyon natin. Sa ngayon, tayo muna ang dapat magkaayos,” diin ni Jason. “Inaamin ko na nagkaroon ako ng pagkukulang sa’yo at nabalewala kita dahil sa atensyong ibinigay ko kay Xaira. Humihingi ako sa’yo ng paumanhin para roon. Sana patawarin mo na ako. Tumulong lang ako bilang kaibigan. Walang nangyaring anuman na lagpas pa roon. Maniwala ka naman sana.”
“Best friend, mukhang nagsasabi naman ng totoo si Jason,” singit ni Jairus.
“Huwag kang makialam dito, Jairus,” sita niya sa kaibigan. Natahimik na lang si Jairus at nakinig sa diskusyon.
“Bigyan mo ako ng isa pang chance para mapatunayan kong mahal kita…” samo ni Jason.
Napailing-iling si Anton. “Nakakadala, eh. Lagi na lang akong niloloko. Lagi na lang akong iniiwan.”
“Hindi kita niloko, Anton. Maniwala ka…”
“Puwede bang umalis ka na lang? Ayoko na, eh. Gusto ko ng tahimik na buhay. At my age, gusto ko ng seryosong relasyon. Ayoko na ng lokohan. Ayoko na ng tikiman lang.”
“Isang pagkakataon pa, please,” pakiusap ni Jason na pumiyok na ang boses. “Hindi kita niloko kahit kailan. Intindihin mo naman sana ako…”
“Umalis ka na rito, please lang. Umalis ka na!” matigas na sabi ni Anton.
“Umalis ako? Sigurado ka, pinaaalis mo ako?” Umagos na ang luha sa kanyang pisngi. “Matanong nga kita, Anton. Minahal mo ba talaga ako? Kahit konti ba minahal mo talaga ako? O ginawa mo lang akong pamasak-butas para makalimot ka sa ginawang panloloko ng Carlo mo?” sumbat niya rito.
Nagpanting ang tainga ni Anton. “Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ginawa ba kitang pamasak-butas? Isipin mo nga, ilang beses ba kitang tinanggihan at ilang beses ka rin bang nangulit para sagutin kita? Kung pamasak-butas lang pala ang kailangan ko, dapat sinunggaban kita agad-agad. Ibabalik ko sa’yo ang tanong mo. Seryoso ka ba no’ng sinabi mong gusto mo ako o naghahanap ka lang ng karamay dahil iniwan ka ng girlfriend mo? Ako yata ang ginawa mong pamasak-butas, Jason. At no’ng bumalik si Xaira, nagkandarapa ka na sa pagbuntot sa kanya. At kinalimutan mo nang may taong naghihintay sa’yo rito. Wala ka nang inintindi kundi si Xaira. Bakit? Dahil ba umaasa kang magkakabalikan kayo? Siguro kung hindi siya nagkasakit at namatay, baka hanggang ngayon ay wala akong kaalam-alam na niloloko n’yo na ako,” mapait ang tinig na sumbat ni Anton.
“Hindi nga kita niloko, ano ba? Makinig ka kasi sa sinasabi ko. Tinulungan ko lang si Xaira, dinamayan. Maaaring sumobra ako sa pagdamay sa kanya to the point na napabayaan kita at nabalewala, pero hindi kita niloko dahil hindi naman kami nagkabalikan. Bakit kasi ayaw mo akong pakinggan? Nagpapaliwanag ako. Gusto kong marinig mo ang side ko. Makinig ka naman… sana.” Patuloy sa pag-agos ang luha niya.
“Bestfriend…” singit muli ni Jairus. Tiningnan siya ng matalim ni Anton.
“Sabi ko ’wag kang makialam dito.”
“Bakit ba kasi ayaw mo siyang bigyan ng isa pang chance?”
“Gusto mo siyang bigyan ng isa pang chance?” Mabilis na tumango si Jairus. “Eh, ’di bigyan mo, tapos kayong dalawa ang magsama,” mariing sabi ni Anton.
“Kung puwede nga lang ba, eh. Kaso, ayaw naman sa akin ni Jason. Ikaw ang gusto niya,” giit ni Jairus sa kaibigan. “Ipamimigay mo si Jason, akala mo siguro tatanggihan ko.”
“Eh, ’di sa’yo na!” Tinalikuran niya ang dalawa at mabilis na pumanhik ng hagdan papunta sa kanyang silid.
“Salamat kasi naiintindihan mo ako,” sabi ni Jason kay Jairus.
“Nanghihinayang kasi ako sa inyong dalawa. Ang ganda ng simula n’yo. Hindi ko rin alam kung anong nangyari at biglang gumulo. Pero dahil sinabi mong hindi mo niloko ang kaibigan ko, gusto kitang paniwalaan. Gusto kong magkaayos kayo ni Anton.”
“Kaso mukhang malabo na talaga. Ayaw na sa akin ni Anton. Hindi ko alam kung paano niya ako mapapatawad,” madilim ang mukhang sabi ni Jason.
“Lilipas din ang galit no’n. Hintayin mo lang…”
Nakita nilang pababa ng hagdan si Anton. Nakabihis ito.
“Saan ka pupunta, bestfriend?” tanong dito ni Jairus.
“Magpapalamig lang ako sa labas. Sana pagbalik ko rito, wala nang outsider,” patutsada niya kay Jason.
“Bestfriend naman. Huwag mo namang paalisin si Jason dito. Pinag-uusapan ang problema, hindi pinag-aawayan at lalong hindi tinatakbuhan,” pahayag pa ni Jairus.
“Huwag mo akong pangaralan. Alam ko ang ginagawa ko.” At tuluyan na itong lumabas ng pinto.
“Paano ngayon ’yan?” naguguluhang tanong ni Jairus kay Jason.
“Okay lang. Aalis na lang ako,” malungkot na sagot ng lalaki.
“Pero saan ka pupunta? May mapupuntahan ka ba?”
“Titingnan ko kung may bakante sa dati kong tinitirhan. Kilala naman ako no’ng may-ari. Kung wala, bahala na. Makakahanap naman siguro ako ng malilipatan, kahit saan.” Nginitian niya si Jairus pero hindi maitago ang lungkot sa kanyang mukha kahit siya’y nakangiti. “Sige, akyat muna ako. Mag-eempake.”
Hindi na nakasagot si Jairus. Sinundan na lang niya ng tingin ang lalaki habang naglalakad ito papunta sa ikakawang palapag ng bahay.
NASA taxi si Anton at kausap niya sa telepono si Carlo.
“Nasaan ka? Busy ka ba?” tanong niya rito.
“Nasa bahay lang. Nagpapahinga. Bakit?”
“Puwede ba akong pumunta riyan? Magpapalipas lang ako ng oras.”
“Okay lang, nasaan ka ba?”
“Nasa taxi na ako. I-text mo sa akin ang address mo.”
“Sige, hihintayin kita.”
“Thanks. Bye…”
Ilang saglit lang at dumating ang text message ni Carlo. Nagulat siya nang mabasa ang address nito. Kung hindi siya nagkakamali, ito rin ang address ni Yuri.
“Boss, sa J. P. Rizal, Makati tayo,” sabi niya sa drayber. “Sa Concepcion Apartments,” dugtong pa niya.
Hindi na siya nagulat nang huminto ang taxi sa isang pamilyar na lugar. Ito rin nga ang apartment na tinitirhan ni Yuri.
Binayaran niya ang drayber at saka siya bumaba sa taxi.
Tinawagan niya si Carlo.
“Nandito na ako. Saan ang unit mo? Anong floor?”
“Second floor. Akyat ka na rito, aabangan kita sa labas ng unit ko.”
Pareho pa sila ng floor ni Yuri, nasabi niya sa sarili.
Pumasok siya sa gate ng building at diretsong umakyat sa second floor. Pagdating niya roon ay nakita niya agad si Carlo na malawak ang ngiti.
“Matagal ka na ba rito?” tanong niya kay Carlo.
“Hindi pa naman. Lumipat lang ako rito no’ng nilayasan ko si Shelley,” matapat nitong sagot.
Iginala ni Anton ang tingin sa gawi kung nasaan ang unit ni Yuri.
“Halika, pasok na tayo,” yaya sa kanya ni Carlo.
Pero bago pa sila nakapasok ay bumukas ang pinto ng unit ni Yuri at lumabas ang lalaki. Eksaktong nagtama ang kanilang mga tingin.
“Anton!” sigaw ni Yuri.
Nagtatakang napatingin si Carlo kay Anton. “Magkakilala kayo?”
40
“KILALA mo rin siya?” nagtataka ring tanong ni Anton kay Carlo.
Bago pa nakasagot si Carlo ay nakalapit na si Yuri. “Akala ko ako ang dadalawin mo rito. Bakit ang gagong ’yan ang pinuntahan mo?”
“Teka, paano kayo nagkakilala?”
“Sinong nag-utos sa’yo na makipagkaibigan kay Anton?” Hinarap ni Carlo si Yuri. “Si Shelley ba?”
Ngumisi lang si Yuri habang hinihimas ang baba. “Wala ka nang pakialam do’n. Hindi mo na problema ’yon,” maangas na sabi nito.
“Kilala mo si Shelley?” Si Anton.
“Magkaibigan sila. Sanggang-dikit. Pareho ang likaw ng bituka ng dalawang iyan. Kaya hindi ka dapat nakikipagmabutihan sa kanya,” babala ni Carlo.
Humalakhak si Yuri. “Wow! Salamat sa compliment, ha? Ikaw na ang walang bahid ng katarantaduhan,” nang-uuyam na sagot nito.
“Kung alam kong kaibigan ka ni Shelley, hindi ako makikipagkaibigan sa’yo. Not for anything, pero ayokong isipin na naman ni Shelley na inaagawan ko siya ng lalaki.”
“Wala namang nag-utos sa akin na kaibiganin ka,” pagsisinungaling ni Yuri. “Aksidente lang ang pagkakakilala natin.”
“Akala mo maniniwala ako sa’yo?” untag ni Carlo. “Sinong gagaguhin mo? Kilala kita, Yuri. Kabisado ko ang karakas mo,” gigil niyang sabi.
Iiling-iling lang si Yuri at pangisi-ngisi. “Masyado mo naman akong minamaliit.” Bumaling ito kay Anton, “Ganoon din ba ang pagkakakilala mo sa akin, Anton?”
“Ewan ko, hindi ko alam. Kailan lang naman tayo nagkakilala.”
“Anton, halika na,” sabi ni Carlo. “Wala kang mapapalang matino sa taong ’yan.”
“Ang yabang mo! Kanina ka pa, ah!” Biglang umigkas ang kanang kamao ni Yuri. Sapol sa panga si Carlo at dahil hindi inaasahan ang gagawin ni Yuri ay natumba pa siya sa sahig na semento.
Susugod pa sanang muli si Yuri pero humarang na si Anton para awatin ito. “Tama na, Yuri. Huwag kang gumawa ng gulo rito.”
“Pagsabihan mo ang gagong ’yan. Masyadong mayabang wala namang sinabi.”
“Tama na, please. Ako na ang bahala rito. Bumalik ka na sa unit mo.” Pinormalan niya ang lalaki.
“Sige, ’pag gusto mo akong puntahan ando’n lang ako sa dulo. Kumatok ka lang.” Mayabang na naglakad si Yuri pabalik sa kanyang tinitirhan.
Himas-himas ni Carlo ang nasapak na panga.
“Nasaktan ka ba?”
“Halika na sa loob,” yaya sa kanya ng binata.
“LAYUAN mo si Yuri. Malakas ang kutob kong inutusan siya ni Shelley para makipaglapit sa’yo. For what reason? I don’t know,” babala ni Carlo kay Anton nang makapasok na sila sa loob ng unit nito. Magkatabi silang nakaupo sa sofa habang nag-uusap.
Tumango si Anton. “I’ll definitely do that. After kong makita ang ibang kulay ni Yuri kanina, kumbinsido akong hindi siya gagawa ng mabuti.”
“Bakit ka nga pala napasugod dito? May problema pa rin ba kayo ni Jason?”
“Oo, hindi pa nga tapos ’yong una naming problema dumagdag pa ang pamilya niya. Hindi pabor sa relasyon namin ang pamilya niya. Maliban sa gender ko, pati edad ko naging issue,” pagtatapat niya.
“May maitutulong ba ako? I mean, huwag mong isipin na sasamantalahin ko ang oportunidad para pilitin kang makipagbalikan sa akin. Nag-usap na tayo dati at nilinaw ko na sa’yong sapat na sa akin na maging mabuting magkaibigan tayo. Kung saan ka magiging masaya, masaya na rin ako.”
“Anong gagawin ko kay Jason? Naguguluhan ako. Sa tanda kong ito, parang wala akong pinagkatandaan. Hindi ko masolusyunan ang sarili kong problema.”
“Kung ang problema mo ay hindi na maabot ng utak, gamitin mo ang puso. Maaaring hindi nag-iisip ng tama ang puso pero puso lang din ang nakararamdam ng totoong pagmamahal.”
Napaisip si Anton.
“Kung mahal mo si Jason, he deserves a second chance. He deserves it more than I deserve. Lalo na kung wala naman talaga siyang ginawang panloloko,” seryosong payo ni Carlo. “Iyong problema sa pamilya niya, mapag-uusapan din ’yan. Ikaw pa ba ang basta susuko sa problema? Kilala kita. Strong ang personality mo. Hindi ka basta maitutumba ng problema.”
Wala sa loob na niyakap ni Anton ang dating nobyo kasabay ng pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.
GABI na nang makauwi si Anton. Nadatnan niya sa salas si Jairus na nakaupo sa sofa at nagbabasa pero agad itong tumayo nang makita siya.
“Saan ka galing?” salubong na tanong ni Jairus kay Anton.
“Sa apartment ni Carlo. Nagpalipas lang ng sama ng loob,” kaswal niyang sagot.
“Carlo? Iyong ex mo?” hindi makapaniwalang tanong ni Jairus.
Tumango si Anton. “Bakit parang gulat na gulat ka?”
“Kailan pa kayo nagkaayos ng Carlo na ’yon?”
“Noong nakaraang linggo lang.”
“Best friend, hindi ako makapaniwala…”
Kumunot ang noo ni Anton. “Saan?”
“Galit na galit ka kay Jason dahil sa pakikipaglapit niya sa ex-girlfriend niya. Eh, ano ’yang ginagawa mo?” sumbat nito sa kaibigan.
“Iba ang ginawa ni Jason. Iba itong ginagawa ko ngayon. Si Jason, nagkagulo kami dahil sa pag-uubos niya ng oras kasama ang ex-girlfriend niya. Si Carlo ang tumutulong sa akin para makalimutan ko ang problema ko kay Jason.”
“Ako, hindi ba kita dinadamayan kaya naghanap ka pa ng damay ni Carlo? Nakalimutan mo na bang siya rin ay nanakit sa’yo sa isang panahon ng buhay mo? Tapos ngayon, bonding-bonding na kayo? Bakit siya kaya mong patawarin? Bakit si Jason, hindi?”
“Bakit ba ipinagtatanggol mo ang Jason na ’yan? Ano bang ipinakain sa’yo ng lalaking ’yon?”
“Wala! Nakita ko lang na nagsasabi siya ng totoo. Hindi ka naman siguro bingi, best friend. Narinig mo naman siguro kung paano ka niya ipinagtanggol sa nanay niya. Narinig mo rin naman siguro kung paano ka niya pinili kahit itakwil pa siya ng pamilya niya. Oo, sabihin na natin na nagkaroon siya ng pagkukulang sa’yo. Pero humihingi na siya ng tawad, ’di ba? Bakit ang tigas ng puso mo?”
“Hindi mo alam ang sakit ng kalooban na pinagdaanan ko.”
“Alam ko. Magkasama tayo rito. Nakikita kita araw-araw. Nararamdaman ko ang nararamdaman mo, kaibigan kita eh. Kaya nga ang gusto ko, magkaayos kayo. Kasi hindi naman ganoon kalaki ang pinag-awayan n’yo. Wala ka nang karibal. Patay na ang ex-girlfriend niya. Ano pa ba ang ikinatatakot mo? Sabi mo gusto mo ng seryosong relasyon. Ayaw mo na ng tikiman lang. Pero bakit ayaw mong bigyan ng isa pang pagkakataon si Jason? Baka puwede pang iligtas ang relasyon n’yo. Sayang kasi. Baka siya na ’yong seryosong relasyon na hinihintay mo, best friend.”
Hindi nakasagot si Anton. Pero hindi niya inaalis ang tingin kay Jairus.
“Masuwerte ka nga, hindi naging hadlang sa relasyon n’yo ang agwat ng edad n’yo. Tanggap ka niya kahit parang anak mo na lang siya. Kahit tutol pa ang nanay niya, ikaw pa rin ang pinili niya.”
“Akala mo ba ganoon lang kadali iyon? Pamilya niya pa rin iyon. Kahit ano pang sabihin mo, hindi niya basta-basta matatalikuran ang pamilya niya. Darating ang oras na iiwanan niya pa rin ako para sa pamilya niya. Sabi mo nga, parang anak ko na lang si Jason. Paano kung bigla niyang maisipang mag-asawa at bumuo ng totoong pamilya? Iiwan niya pa rin ako. Hindi lang siguro ngayon, pero siguradong darating ang panahong iyon.”
“Paano kung hindi, best friend? Paano kung panindigan niya ang sinabi niyang hindi ka niya iiwan?”
“Ewan ko. Malabo ’yan.”
“Pero puwede mong subukan. Wala namang mawawala, ’di ba?” Ayaw talagang sumuko ni Jairus sa hangaring magkasundo sina Anton at Jason.
Nagsalubong ang kilay ni Anton bago sumagot, “Sige, pagbibigyan kita. Kakausapin ko si Jason. Masaya ka na?”
“Ay shunga. Asan ang kakausapin mo?” Nameywang pa si Jairus.
“Nasa kuwarto, ’di ba?”
“Anong nasa kuwarto? Wala! Umalis.”
“At saan na naman nagpunta?”
“Pinaalis mo, ’di ba? Kaya ayun, nag-empake kanina at umalis na.”
Hindi nakapagsalita si Anton. Umalis na si Jason?
“Sinabi ba kung saan siya pupunta?” Ewan pero parang may pag-aalalang narinig si Jairus sa boses ng kaibigan.
“Titingnan daw niya kung may bakante pa roon sa dati niyang tinitirhan. Kung wala, bahala na raw.”
41
HINDI inaasahan ni Carlo ang pagdating ng kanyang bisita.
“Shelley? Anong ginagawa mo rito?” gulat niyang tanong nang mapagbuksan ng pinto ang dati niyang kinakasama.
“Nagpunta lang ako rito para sabihan ka na puwede ka nang bumalik sa bahay. Kalimutan na natin ang nangyari. Magsama na tayo ulit,” dire-diretsong sabi ng bakla.
Sunod-sunod ang iling ni Carlo. “No! Akala mo ba nagtatampo lang ako na kapag inuto eh babalik na ’yong dating tayo?” Mapait ang ngiti niya. “Pasensya na, Shelley. Hindi na ako babalik sa bahay mo.”
Tumikwas ang kilay ng bakla. “Umaasa ka pa rin ba na magkakabalikan kayo no’ng matandang ex mo?” Tinitigan nito si Carlo.
“Hindi. Nagkausap na kami. Magkaibigan na kami. At kuntento na ako roon.”
Umismid si Shelley. Halatang hindi ito naniniwala sa sinabi ng kausap. “So, nagkikita pa rin kayo?”
“Umalis ka na.” Hindi niya sinagot ang tanong nito. “Wala na tayong dapat pag-usapan pa.”
Ngumiti nang mapait si Shelley, pagkatapos ay nag-iwan ng isang banta. “Hindi pa tayo tapos, Carlo. You’ll get what you deserve. Pati na ang matandang hinahabol-habol mo!” Pinanlisikan niya ng mata ang binata.
“Huwag mo nang sinasabi. Gawin mo na lang dahil hindi ako natatakot sa’yo.”
MALAYO rin ang ibibiyahe ni Jason para marating ang bahay nila sa Mindoro. Mabuti na lang at may natira pang pera niya sa ATM. Kakasya pa iyon para makauwi siya ng probinsiya at kausapin nang masinsinan ang kanyang mga magulang.
Pagkababa niya ng ferry sa Calapan ay sumakay siya ng bus na biyaheng Roxas. Bababa siya sa bayan ng Pinamalayan kung saan siya isinilang at lumaki.
Matagal din ang naging biyahe niya sa bus bago niya narating ang kanilang lugar sa probinsiya ng Mindoro.
Sarado ang pinto ng kanilang bahay nang siya’y dumating kaya tumawag siya.
“Tao po! ’Nay! ’Tay! Tao po!”
Dumilim ang mukha ng nanay niya nang makita siya.
“Anong masamang hangin ang nagtaboy sa’yo rito?” Halata ang sama ng loob sa boses ng nanay ni Jason. “Kung hindi pa rin kayo naghihiwalay ng matandang baklang kinakasama mo, huwag kang makaakyat-akyat sa bahay namin. Hindi ka welcome rito.”
“Sino ba ’yang dumating?” Mula sa loob ng bahay ay lumabas ang kanyang amang si Mang Lino.
“’Tay…”
“Ba’t ’di mo papasukin ang anak mo?”
“Para ano? Para isipin ng mga kapitbahay na kinukunsinti natin ang pakikipagrelasyon niya sa matandang baklang iyon? Hindi puwede!” Matigas ang pagtanggi ng babae.
“Kaysa naman dito kayo magtungayawan. Mas lalo kayong tatawag ng atensyon ng kapitbahay. Papasukin mo na ’yang anak mo. Tingnan mo, mukhang pagod na pagod.”
Sumimangot ang ina ni Jason, pero pagkalipas ng ilang minuto ay nagbigay ito ng daan. “Sige, pumasok ka. Siguruhin mo lang na hindi ka magtatagal dito. Hindi ka puwedeng matulog dito.”
Walang imik siyang pumasok sa loob ng bahay. Ganoon pa rin ang bahay nila. Luma. Walang ipinagbago. Ang pangako niya sa mga magulang na ipagagawa ang kanilang bahay ay hindi pa rin niya natutupad. Sabagay, kailan lang naman siya nagsimulang magtrabaho.
“Maupo ka,” sabi ng ina niya.
“Ba’t ’di mo papasukin sa kuwarto niya para makapagpahinga siya,” untag naman ng tatay niya.
“Hindi. Aalis din siya. Hindi puwedeng naririto siya. Ayokong lalo pa tayong pagtsismisan ng mga kapitbahay.”
“Huwag po kayong mag-alala,” sabi niya na nananatiling nakatayo. “Hindi po ako magtatagal dito. Pumunta lang ako para humingi ng tawad sa inyo kung nagdala man ng problema sa pamilya natin ang ginawa kong pakikipagrelasyon kay Anton.”
“Hindi lang problema,” sagot ng nanay niya. “Kahihiyan din! Kapag naglalakad kami sa kalye, para kaming walang ulo sa sobrang kahihiyan dahil pinagbubulungan kami ng mga tao. At ’yon ay dahil sa’yo!”
“Hindi n’yo naman kailangang problemahin ang ibang tao, ’Nay. Hayaan n’yo silang magtsismisan. Magsasawa rin sila. Pinag-uusapan lang nila ako kasi bago pa. At bihira lang may kumalat na balita rito sa atin na may nangyayaring ganito. Pero sigurado bang ako lang talaga? Andaming mga bakla rito, ’Nay. Hindi ako naniniwalang wala silang boyfriend. Ibig sabihin, hindi lang ako ang lalaking tagarito na nakipagrelasyon sa bakla. Hindi lang nabalita ’yong iba,” paliwanag pa niya.
“Huwag mong bigyang katwiran ang kaimoralan mo. Hindi ka namin pinalaking ganyan.” Pinandilatan siya ng ina niya. “Nakakadiri ang ginagawa mo. Nakakadiri ka!”
“Magulang ko kayo, “Nay… pamilya. Kayo ’yong huling taong iniisip kong mandidiri sa akin. Wala akong tinapakang tao. Nagmahal lang ako. Mahirap po ba sa inyong tanggapin na ang anak n’yo ay gumawa ng bagay na lihis sa nakasanayang gawin ng iba? Paano ako aasang tatanggapin ako ng ibang tao kung pamilya ko mismo ay hindi ako matanggap?”
“Tama na ’yan,” saway ng tatay niya. “Bangayan kayo nang bangayan. Pag-usapan n’yo nang maayos. Hindi iyong ganyan, inuuna n’yo ang galit.”
“Sino ba ang hindi magagalit sa ginawa nitong anak mo? Ikaw ba, natutuwa? Napaaway ka na nga para ipagtanggol ang gagong ’to.” Ayaw talagang paawat ng nanay niya.
“Wala akong tinatapakang tao, ’Nay. Huwag n’yo na lang pansinin ang mga kapitbahay. Magsasawa rin sila sa katsitsismis.”
“Jason, pumasok ka sa kuwarto mo. Tayong dalawa ang mag-uusap,” utos ng ama niya.
“Pagsabihan mo ’yan. Tumatanda nang paurong,” pahabol pang sabi ng nanay ni Jason.
MULING tinawagan ni Shelley si Yuri.
“Bakit na naman?” yamot na tanong ng lalaki.
“Tutal, hindi mo naman magawa ang ipinag-uutos ko sa’yo iba na lang ang ipagagawa ko,” walang paligoy-ligoy na sabi ni Shelley.
“Ano na naman?”
“Naalala mo ’yong sinabi ko sa’yo dati? Kung hindi mo sila mapaghiwalay, burahin mo sila sa mundo,” diretsong sabi ng bakla.
“Seryoso ka?”
“Kailan ba ako nakipagbiruan sa’yo?”
“Wala sa usapan natin na papatay ako ng tao, Shelley! Gago lang ako. At malibog. Pero hindi ako kriminal,” mariin niyang sabi.
“Bayad ka na, gago! Pero wala ka pang nagagawa sa ipinag-uutos ko. Kaya ’yan na lang ang gawin mo. Idispatsa mo si Anton at Carlo! I’m giving you one week to do that. Hindi ko na problema kung paano mo gagawin. I just want them dead!”
“At kung hindi ako sumunod sa utos mo?”
“Then, wala akong magagawa kundi… patayin ka!”
“Huwag mo akong takutin. Hindi ako natatakot sa’yong bakla ka.”
“Hindi naman kita tinatakot, ah. Sinasabi ko lang ang puwede kong gawin sa’yo kapag hindi mo sinunod ang ipinag-uutos ko. Gusto mo akong gaguhin, puwes ipakikita ko sa’yo kung sino ang mas gago sa atin.” Iyon lang at binabaan na niya ng telepono ang kausap.
42
“ANO ba talaga ang nangyari sa’yo? Bakit pumasok ka sa ganyang relasyon?” malumanay na tanong ng tatay ni Jason. Walang bakas ng galit o paninisi sa tinig nito.
“Nakilala ko po si Anton no’ng kaka-break lang namin ng girlfriend ko. Akala ko, atraksyon lang ito noong una. Pero nahulog na talaga ang loob ko kay Anton nang magtagal. Hindi ko maipaliwanag, ’Tay. Basta naramdaman ko na lang na mahal ko siya,” paliwanag ni Jason. “Hindi ako nakipagrelasyon sa kanya para perahan siya o gamitin. Minahal ko siya talaga, ’Tay. I’m sorry po. Alam kong hindi ganitong klase ng relasyon ang inaasahan mo sa akin. Pati buhay n’yo, naging sentro ng tsismis. Napaaway pa kayo. Pasensya na po. Nagmahal lang po ang anak n’yo. Wala po akong ginawang masama. Wala akong tinapakang ibang tao.” Sinikap niyang magsalita nang mahinahon para maipadama sa ama ang laman ng kanyang dibdib. Higit kailan man, ngayon niya kailangan ang suporta at pang-unawa ng kanyang ama.
“Bakit hindi mo siya isinama rito?”
“Galit po siya sa akin ngayon,” sabi niya sa ama. “Nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan dahil na rin sa kagagawan ko. Umalis ako sa bahay niya. Hindi po, pinaalis niya pala ako. Hindi niya ako mapatawad sa nagawa ko. Dumagdag pa ang pagtutol ni nanay sa relasyon namin. Sinabihan niya akong bumalik sa pamilya ko para magkaroon na kayo ng peace of mind.” Kasabay ng pagtulo ng kanyang luha ang pagsinghot niya para pigilan ang pagbagsak ng likido mula sa kanyang ilong.
“Ano ngayon ang plano mo?”
Hindi na napigilan ni Jason ang kinikimkim na emosyon. Napabunghalit na ito ng iyak. “Mahal ko siya, ’Tay! Ayokong mawalay sa kanya. Gagawin ko ang lahat para magkabalikan kami. Pero gusto ko munang ayusin ang problemang dinala ko sa pamilya natin. Patawarin n’yo po ako, ’Tay. Hindi ko po gustong ipahiya kayo at maging sentro ng tsismis dito sa lugar natin.”
Matagal bago sumagot ang tatay niya. Nakatingin lang ito sa kanya habang patuloy siyang lumuluha. “Ako man ay hindi rin sang-ayon sa ginawa mong pakikipagrelasyon sa bakla. Gusto ko ring magalit sa’yo. Pero naisip kong kahit patayin kita, hindi ko naman mapipigilan ang nararamdaman mo. At ano man ang mangyari, anak pa rin kita. Hindi kailangang magkapareho tayo ng opinyon at paniniwala sa ating buhay. Ang mahalaga ay kaya nating irespeto ang bawat isa ano man ang pagkakaiba ng ating mga ginagawa at iniisip.” Hinawakan siya ng tatay niya sa balikat. “Gusto kong irespeto ang desisyon mo bilang isang taong nasa tamang edad na. Hindi man iyon sang-ayon sa pamantayang pinaniniwalaan ko, ako pa rin ang tatay mo at ikaw ay anak ko.”
“Salamat, ’Tay…” Niyakap niya nang mahigpit ang amang pilit na umunawa sa kanya. Tinapik-tapik naman ng matandang lalaki ang kanyang likod.
Pagkalipas ng ilan pang minuto ay lumabas na ng silid ang mag-ama. Agad na nag-utos si Mang Lino sa asawa, “Ipaghanda mo ng makakain ang anak mo. Dito rin siya matutulog mamayang gabi dahil bukas na lang siya babalik ng Maynila.”
Kunot ang noong sumunod naman si Aling Tesing. Kapag ang asawa na niya ang nagsalita, hindi na niya ito kinokontra.
“BAKIT maaga ka yatang umuwi ngayon?” tanong ni Jairus kay Anton nang dumating ito sa bahay.
“Wala naman akong pinuntahan pagkatapos ng trabaho kaya saan pa ba ako pupunta kundi umuwi.”
“Si Jason, nakausap mo na ba?”
“Hindi. Bakit?”
Napatanga si Jairus. “Akala ko ba kakausapin mo na siya? Hinanap mo pa siya kagabi.”
“Lumayas na siya, ’di ba? Walang dahilan para habulin ko siya. Hindi pa ako naghabol sa kahit sino sa mga nakarelasyon ko,” pagdidiin ni Anton na tuloy-tuloy lang na naglakad patungong hagdanan.
“Ano ba, best friend? Ba’t ka ganyan? Magtitikisan na lang ba kayo? Hanggang kelan?” Pinaikot ni Jairus ang kanyang mga mata at saka sumimangot. “Walang mangyayari kung ganyan ka, best friend. Patigasan ang labanan? Maloloka ako sa inyo!”
Tinapunan lang ni Anton ng tingin ang kaibigan at saka muling naglakad para pumunta na sa kanyang silid. Napakamot na lang sa ulo si Jairus.
PANAY ang buga ni Yuri ng usok ng sigarilyo tuwing pagkatapos ng isang malalim na paghithit. Nabubuwisit siya kay Shelley. Naiinis din siya kay Anton. At naaasar siya kay Carlo. Pero hindi naman niya iniisip na sapat nang dahilan iyon para patayin niya ang dalawa. Si Shelley lang talaga ang mahilig magpakumplikado ng sitwasyon. At madalas, nakakatakot ang mga naiisip nitong solusyon sa inaakalang problema.
Nang gabing iyon ay matagal bago nakatulog si Yuri. Inisip niyang mabuti kung ano ang nararapat gawin sa kinasasangkutan niyang sitwasyon. Hanggang sa makaisip siya ng ideyang sa tingin niya ay mas mabuting gawin. Binuo niya ang plano kung paano niya isasakatuparan ang naisip na ideya. Sana naman ay hindi na siya pumalpak sa gagawin niyang ito.
Kinabukasan ay maaga siyang nag-abang sa labas ng opisina ni Anton pero hindi niya ito nakitang pumasok sa loob ng gusali. Marahil ay mas maaga itong dumating kaysa sa kanya o kaya naman ay hindi lang niya talaga ito nakita dahil na rin sa dami ng mga taong pumapasok at lumalabas sa gusaling iyon. Paano niya magagawa ang plano niya kung hindi niya matitiyempuhan si Anton?
Sinubukan niya itong tawagan subalit hindi nito sinasagot ang telepono. Pinadalhan na rin niya ito ng text messages pero wala rin siyang natanggap na sagot.
“Buwisit!” nanggigigil nitong sabi sa sarili. Wala siyang magagawa kung hindi ang mag-abang sa paglabas ni Anton. Pero paano kung hindi ito pumasok? Mapapanis siya sa kahihintay dito.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang makita niya ang pakay na lumabas ng gusali. Awtomatikong napangisi si Yuri. Ang suwerte nga naman, sadyang darating kung para sa’yo talaga.
Nakita niyang naglakad si Anton patungo sa kung saan. Walang babala niya itong sinundan. Nang magawi sila sa bahaging walang masyadong tao ay dinikitan niya ito at inakbayan.
Napapiksi si Anton sa pagkagulat. Pero agad ding nakabawi nang makitang si Yuri pala ang umakbay sa kanya.
“Magugulatin ka pala,” nakangising sabi ng lalaki.
Asiwa siyang ngumiti. “Bakit ka naririto?”
“Iimbitahan sana kita. Samahan mo lang ako, may pupuntahan tayo,” sabi nito na hindi nawawala ang nakakalokong ngisi.
“Hindi puwede. Hinihintay ko si Carlo. May pupuntahan kami. Sa ibang araw na lang siguro tayo magkita,” tanggi pa niya rito.
Umiling si Yuri. “Huwag mo naman akong tanggihan. Napapahiya ako, eh.” Naramdaman niyang nay kung anong matigas na bagay itong idiniin sa tagiliran niya. Nahintakutan siya. “Matalas ’yan. Babaon ’yan sa katawan mo kapag ’di mo ako pinagbigyan.” Nakangisi pa rin ito na parang normal lang silang nagkukuwentuhan.
Pumara ng taksi si Yuri pagkatapos ay muling bumaling kay Anton. “Sakay…”
“Anton!” Mula sa hindi kalayuan ay narinig ang boses ni Carlo.
“Bilisan mo, sumakay ka na!” Itinulak na siya ni Yuri papasok sa loob ng taksi.
“Hoy! Saan mo siya dadalhin!” sigaw ni Carlo na tumakbo na para maabutan ang dalawa.
Gilda Bruhilda
Abangan n’yo po ang next novel ko rito sa Wattpad tungkol sa isang modern day worst witch in the city.
Samahan natin siya sa kanyang mga kalokohan, kagagahan, katangahan at kapalpakan.
Kilalanin ang nag-iisang bruha with a heart.
Siya si…
GILDA BRUHILDA
Ang Bruha In The City
Malapit na malapit na!!!
43
“AALIS na po ako, ’Tay, ’Nay.” Bitbit ang kanyang asul na backpack ay nagpaalam si Jason sa kanyang mga magulang. “Pakisabi na lang po sa ate na umuwi ako pero saglit lang.”
“Mag-iingat ka sa biyahe,” paalala ng kanyang ama.
“Opo,” maikli niyang sagot kasabay ang pagtango. Nilingon niya ang ina pero palihim lang siyang inirapan nito. Halata namang hindi pa rin nito matanggap ang sitwasyon kahit na ba mukhang okay na sa kanyang ama.
“Wala ka bang sasabihin sa anak mo?” tanong ni Lino sa asawa.
“Eh, ’di ba nag-usap na kayo? Ano pa ba ang sasabihin ko?” mataray nitong sagot. “Wala na akong magagawa. Nagkaayos na kayo.”
Tumingin sa kanya ang ama at tumango. “Sige na, lumakad ka na at baka ’di mo maabutan ang barko. Ako na ang bahala rito sa nanay mo.”
“Opo, salamat.” Mabigat ang mga paang naglakad siya patungo sa sakayan ng tricycle na maghahatid sa kanya sa highway para makasakay ng bus. Nasulyapan pa niya ang ilang mga kapitbahay na nakatingin sa kanya. Pakiramdam niya’y siya na naman ang magiging sentro ng usapan ng mga ito mamaya pero wala na siyang pakialam. Ang mahalaga sa kanya ay nauunawaan siya ng kanyang ama at umaasa siyang matatanggap din siya ng kanyang ina sa mga darating na araw.
PAPASOK na rin sa taksi si Yuri pero bago nito nagawa ay sinipa ito ni Anton. Bahagyang tumilapon ang lalaki. Sinamantala iyon ni Anton para makalabas sa taksi. Pero maagap siyang nahawakan ni Yuri sa kamay at nahatak.
Ipinagtulakan siya ni Yuri papasok sa loob ng taksi.
“Sakay! Sumakay ka!” sigaw ng lalaki kay Anton.
“Boss, ayaw kong madamay sa gulo n’yo. Sa iba na lang kayo sumakay,” sabi ng drayber ng taksi sabay mabilis nitong pinatakbo ang sasakyan.
“Hoy! Puta…” sigaw ni Yuri sa drayber sabay napakamot na lang sa ulo. Pinagbalingan niya si Anton. “Halika rito!” Hinawakan niya ito sa braso at hinila, saka tinutukan ng patalim sa leeg.
Hindi ganap na makalapit si Carlo sa dalawa. “Bitiwan mo siya!” utos niya kay Yuri.
“Gago! Umalis ka rito kung ayaw mong madamay.
Hindi malaman ni Carlo kung paano tutulungan si Anton.
Napangiwi si Anton nang bahagyang dumiin sa leeg niya ang nakatutok na patalim. Alam niya, sa konting pagkakamali ay aagos ang dugo mula sa kanyang leeg.
Tinantiya niya kung kakayanin niyang agawin mula kay Yuri ang patalim. Pero tila ba nabasa ng lalaki ang kanyang iniisip.
“Huwag mong tatangkaing agawin ito, baka magulat ako eh, maisaksak ko ito sa kahit na anong parte ng katawan mo,” banta pa nito sa kanya.
“Akala mo ba makakatakas ka pa? Dumadami na ang mga tao sa paligid. Mamaya lang ay may darating ng mga pulis. Mapapatay mo siguro ako, pero wala ka ring ligtas. Sa kulungan ang bagsak mo, Yuri.”
Noon lang napansin ng lalaki na nakakatawag na pala sila ng atensyon ng iba pang mga tao sa lugar na iyon.
Kinabahan si Yuri. Hindi kasama sa plano niya ang makulong. Kung mayroong dapat makulong ay si Shelley, hindi siya!
Bigla ang naging pasya ni Yuri. Itinulak niya pasubsob sa kalsada si Anton at saka tumalikod para tumakas pero hindi niya akalaing isang police mobile ang huminto ilang metro ang layo sa kanya at mula rito ay bumaba ang tatlong pulis at agad na tumakbo papalapit sa kanya. Bawat isa ay nakatutok sa kanya ang baril.
Agad na tinulungan ni Carlo na makabangon si Anton.
“Tigil! Taas ang mga kamay!” sigaw ng isang pulis na hindi inaaalis ang pagkakatutok ng baril nito kay Yuri.
Napahinto si Yuri kasabay ang pagtaas ng dalawang kamay. Hawak pa rin nito sa kaliwang kamay ang patalim.
“Ihagis mo sa semento ang hawak mo!” mariing utos ng pulis. Ang dalawang kasama nito ay nakaantabay lang at handa sa anumang maling pagkilos na puwedeng gawin ni Yuri.
Walang nagawa si Yuri kundi ang sumunod sa sinabi ng pulis. Pagkahagis ng patalim sa semento sa kanyang harapan ay muli niyang itinaas ang kanyang dalawang kamay tanda ng pagsuko.
Kaagad na lumapit sa kanya ang dalawang pulis at ang isa ay nilagyan siya ng posas habang ang isa naman ay mabilis siyang kinapkapan sa buong katawan. Nang masigurong wala na siyang dalang anumang mapanganib na sandata ay ineskortan siya ng mga ito papasakay sa police mobile.
“Sir, maaari bang sumama rin kayo sa amin para makapagsampa ng pormal na reklamo laban sa lalaking ito?” tanong ng isang pulis kay Anton.
Nagkatinginan sina Anton at Carlo. Nakita ng una ang pagtango ng huli.
“Sige, sasama ako…”
“Sasama na rin ako, Anton,” sabi ni Carlo.
“Sige, boss. Magtataksi na lang kami. Susunod kami sa inyo.” Si Anton.
“Areglado,” sagot ng pulis pagkatapos ay sumakay na rin ito sa police car na magdadala kay Yuri sa presinto.
PAGDATING sa presinto ay nagwala si Yuri.
“Wala akong kasalanan! Pakawalan n’yo ako! Hindi ko siya kikidnapin!” sigaw nito habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng pulis sa kanyang braso.
“Huwag ka nang pumalag, bata. Baka mas lalong dumami ang asunto mo,” paalala sa kanya ng pulis.
Pagdating sa desk ng investigating officer ay pinaupo siya sa silyang naroon.
“Anong kaso niyan?” tanong ng investigating officer.
“Illegal possession of deadly weapon. Pwedeng madagdagan ng frustrated kidnapping kapag nagsampa ng kaso ’yong lalaking dudukutin sana niya,” sagot ng pulis na kasama ni Yuri.
“Hindi ko siya kikidnapin. I just invited him to come with me. May pupuntahan lang kami,” mariing tanggi ni Yuri. “Magkakilala kami ni Anton.”
“Mas makabubuting kumuha ka na ng abogado mo,” payo ng pulis. “Mukhang magtatagal ka rito.” Bumaling ang pulis sa investigating officer. “Ikaw na ang bahala riyan.” At iniwan na niya ang dalawa.
“Anong pangalan mo?” tanong ng investigating officer.
“Yuri Chavez.”
“Edad?”
“Twenty-six.”
“Tirahan?”
Noon dumating sa presinto sina Anton at Carlo. Dumiretso sila sa isang silid upang pormal na maghain ng reklamo laban kay Yuri.
ALAS-SIETE na ng gabi nang makarating ng Maynila si Jason. Tumuloy siya sa dati niyang boarding house bago pa siya tumira sa bahay ni Anton. Mabuti na lamang at may bakante pang isang kuwarto kaya madali niyang napakiusapan ang may-ari na doon na muli siya titira kahit na wala siyang ibinigay na deposit at advance payment.
Pagpasok sa loob ng silid ay hinubad lang ni Jason ang suot na sapatos at medyas at ibinagsak na niya ang katawan sa kama. Hindi na niya nakuhang magpalit ng damit dahil sa sobrang pagod. Hindi na rin niya nagawang kumain muna ng hapunan. Ang tanging gusto lang niyang gawin sa mga oras na iyon ay pumikit at bigyan ng pahinga ang pagal niyang katawan.
NAGTAKA pa si Jairus nang dumating sa bahay si Anton.
“Bakit ginabi ka?” tanong nito sa matalik na kaibigan.
“Tinapos ko pa kasi ’yong trabaho sa opisina. Hindi ko kasi nagawa kaagad dahil nagpunta pa ako ng presinto,” kaswal na sagot ni Anton.
“Ha? Anong ginawa mo sa presinto?” gulat na tanong ng matabang bakla.
“Nakaproblema kasi ako kaninang umaga. Iyong kaibigan ni Shelley, muntik na akong kidnapin.”
Nanlaki ang mga mata ni Jairus. “Paano? Ano’ng ginawa mo?”
“Buti na lang dumating si Carlo… at ang mga pulis.”
Umangat ang kilay ni Jairus. “Carlo na naman? Hindi ka nadadala, best friend?”
Tumulong lang ’yong tao. Huwag mo nang bigyan ng ibang kahulugan.“
“Si Jason, nagkausap na ba kayo?”
Umiling si Anton. “Huwag na nating ipilit ang isang bagay na hindi na talaga puwede,” sagot niya. “Kung kami talaga, gagawa ng paraan ang tadhana na magkasundo kaming muli. Pero para ako mismo ang gumawa ng paraan para mangyari iyon, malabo.”
44
GABI na pero hindi pa rin dalawin ng antok si Jason. Naiisip niya ang tatay niya. No’ng umuwi siya sa Mindoro para kausapin ang kanyang mga magulang upang ipaunawa sa mga ito ang kanyang sitwasyon, inaasahan na niyang mas magkakaproblema siya sa kanyang ama. Hindi niya inasahang ito pa pala ang mas makauunawa sa kanya. Mas matigas pala ang puso ng kanyang ina.
Kilala niya ang nanay niya bilang isang maunawaing babae. Pero naiintindihan niya kung bakit hindi nito matanggap ang pinasok niyang sitwasyon. Mahirap naman talaga para sa isang magulang na tanggaping ang anak na pinalaki nila nang maayos ay papasok lang sa isang kumplikadong relasyon. Hindi nga lang basta kumplikado, kakatwa pa at hindi tanggap ng ipokritong lipunan.
Napabuga ng hangin si Jason. Hindi niya alam kung kailan darating ang panahon na matatanggap siya ng kanyang ina. Pero hindi siya magsasawang umasa na darating din ang araw na iyon.
Pero may mas malaki pa siyang problema, si Anton.
Kahit naman matanggap siya ng kanyang ina ay balewala rin naman ang lahat kung hindi na siya mapapatawad ni Anton.
Ano ba ang kailangan niyang gawin para mawala ang galit nito sa kanya? Ayaw niyang mawala sa kanya si Anton. Pero paano kung ito ang may gusto na mawala na siya sa buhay nito?
Hindi. Hindi siya makapapayag sa gano’n. Gagawin niya kahit ano, magkabalikan lang ulit sila ni Anton.
NAGHAHANDA ng agahan si Jairus nang makita nitong bumaba ng hagdan si Anton at diretsong naglakad papuntang pintuan ng bahay. Hinabol nito ang kaibigan.
“O, aalis ka na ba, best friend? Kumain ka muna. Handa na ang almusal,” sabi nito sa kaibigan at sinubukan pang habulin ito.
“Hindi na. Sa opisina na lang ako kakain,” sagot nito nang hindi lumilingon at diretso lang na naglakad papalabas ng pintuan ng bahay. Hindi na nga nakasagot pa si Jairus dahil nawala na sa paningin nito ang kaibigan nang isara ni Anton ang pinto. Napailing-iling na lang si Jairus at saka ito bumalik sa kusina.
SI JASON ay pumasok na rin sa trabaho at piniling gawing abala ang sarili sa mga natambak na gawain sa opisina. Pero plano niyang sunduin mamaya sa opisina si Anton. Kung kinakailangang suyuin niya itong muli ay gagawin niya bumalik lang ang tiwala at dating pagtingin nito sa kanya.
Masigla niyang tinapos ang lahat ng trabahong hindi niya nagawa kahapon dahil sa ginawa niyang pag-absent. Nang mag-lunch break ay sumabay siyang kumain sa kanyang mga kaopisina. Pero bago iyon ay nag-text siya kay Anton para paalalahanan ito na ’wag kalimutang kumain.
Hindi sumagot si Anton sa ipinadala niyang mensahe.
BANDANG alas-tres ng hapon ay nagkaroon ng bisita sa bahay si Shelley.
Hindi na siya nagulat nang buksan ang pinto at makita kung sino ang dumating.
“O, Yuri mabuti naman at dumating ka na. Kanina pa kita hinihintay. Nasaan si Attorney?” salubong na tanong niya rito.
“Papasukin mo muna ako,” salubong ang kilay nitong sabi.
Binigyan niya ng madadaanan ang lalaki. “Pumasok ka…”
Humakbang si Yuri papasok. “Bumalik na sa opisina si Attorney pagkatapos niya akong piyansahan. Salamat sa tulong mo. Akala ko, mabubulok na ako sa kulungang ’yon.”
Dinampot ni Shelley ang sigarilyo at lighter na nasa center table at sinindihan ang sigarilyo. Hinithit nito ang yosi bago muling nagsalita. “Iyan ang napapala ng katangahan mo. Pasalamat ka at grave threat lang ang ikinaso sa’yo. Kaya puwedeng piyansahan.”
Uminit ang ulo ni Yuri. “Kasalanan mo naman kung ba’t ko ginawa ’yon. Kung ’di mo ako inutusang guluhin sina Anton at Carlo, hindi sana ako napasok sa ganitong sitwasyon.”
“Ang sabihin mo, bobo ka kasi. Hindi ka marunong dumiskarte. Umagang-umaga manunutok ka ng patalim sa gitna ng kalye. Daanan ’yon ng mga taong papasok sa trabaho. Hindi ka nag-iisip. Eh, kung pinabayaan na lang kitang mabulok sa kulungan?”
“Hindi mo gagawin iyon kasi idadamay kita,” nanlilisik ang matang sabi ni Yuri.
Lumipad ang kamay ni Shelley. Halos mabingi si Yuri sa lakas ng sampal na dumapo sa kanyang pisngi. Nayanig ang kanyang mukha.
“Gago ka! Bago mo magawa ’yon, papatayin na muna kita. Umalis ka na rito! At ’wag ka nang magpapakita sa akin kahit kelan!”
Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Yuri kay Shelley bago ito nagmamadaling lumabas ng bahay.
MALAKI ang ngiting nakarehistro sa mukha ni Jason nang lapitan niya ang receptionist sa opisina nina Anton.
“Miss, I’m looking for Anton.”
“Ah, si Sir Anton? Kalalabas lang niya, eh. Mga fifteen minutes pa lang siguro.”
“Umuwi na?” tanong pa niya.
“Hindi ko lang sure, sir. May sumundo kasi sa kanya rito kanina.”
“Ahh…” Iyon lang ang nasabi ni Jason. “Sige, thank you,” paalam pa niya sa kausap bago niya nilisan ang opisina ni Anton.
Sa elevator ay iniisip ni Jason kung sino ang sumundo kay Anton. Isang pangalan lang ang pumapasok sa utak niya, si Carlo. Sana naman ay mali siya. Selos na selos talaga siya sa Carlo na ’yon. Kailangan niyang makatiyak. Paglabas ng elevator ay kaagad niyang tinawagan si Anton. Narinig niyang tumutunog ang teleponong tinawagan pero walang Anton na sumagot sa tawag niya.
Tumawag siyang muli. Ganoon pa rin. Nagri-ring ang telepono ni Anton, pero hindi nito sinasagot ang tawag niya.
Pinadalhan niya ito ng text message.
Please answer my call.
Wala rin siyang natanggap na sagot sa mensahe.
Naalala niya si Jairus. Baka alam nito kung nasaan si Anton. Tinawagan niya ang best friend ni Anton.
Isang ring pa lang ng telepono ay narinig na niya kaagad ang boses ni Jairus.
“Hello… Jason?”
“Alam mo ba kung nasaan si Anton?”
“Ah, katatapos nga lang naming mag-usap. Tumawag siya para sabihing gagabihin daw siya ng uwi.”
“Bakit? Saan siya pupunta? Sinong kasama niya?”
“Hindi naman niya sinabi kung saan siya pupunta. Hindi na rin ako nagtanong, baka singhalan pa ako no’n. Kasama niya si Carlo… Ay! Teka, ba’t ko ba nasabi sa’yo?”
“Si Carlo nga ang kasama niya… Si Carlo ang sumundo sa kanya sa opisina kanina kaya pagdating ko roon ay wala na siya.”
“Pumunta ka sa opisina ni Anton?”
Wala nang narinig na sagot si Jairus dahil nawala na sa linya ang kausap niya.
NATAGPUAN na lang ni Jason ang sarili na nasa Cubao. Ewan kung bakit niya naisipang pumunta roon. Siguro ay dahil sa matinding pangungulila niya kay Anton. Naglakad siya nang hindi alam kung saan pupunta. Basta naglakad lang siya.
Mamaya pa ay huminto siya sa isang pamilyar na lugar. Tapos ay mapait siyang ngumiti. Hindi niya makakalimutan ang lugar na ito dahil dito sila nagkakilala ni Anton. Malinaw pa sa alaala niya ang araw na nagkakilala sila.
“Ako nga pala si Jason.” Inilahad nito ang palad. “Ikaw, anong name mo?”
“Anton…” Tinanggap ni Anton ang palad ng bagong kakilala at saglit na nakipagkamay rito.
Muling napangiti ng mapait si Jason. Miss na miss na niya si Anton.
Naglakad pa siya sa bahaging iyon ng Cubao hanggang sa madaanan niya ang isang bar.
“Moonlight Bar.”
Saglit siyang nag-isip kung papasok ba siya sa bar o hindi. Pero mas mabuti nga sigurong lunurin niya sa alak ang problemang hindi na niya alam kung malulutas pa niya.
Pumasok siya sa Moonlight Bar at humanap ng mapupuwestuhan.
Isang tauhan ng bar ang kaagad na lumapit sa kanya.
“Beer, sir?”
Tumango siya. “Isang bucket. At saka pulutan na rin.”
“Anong pulutan, sir?”
“Anong meron?”
“Sisig, sir. Meron ding calamares, tacos at saka chicharong bulaklak.”
“Calamares na lang.”
“Okay, sir.”
Tinanguan na lang niya ang papaalis na staff ng bar dahil napako ang tingin niya sa lalaking kumakanta sa stage. Bakit ang tingin niya’y nakatitig sa kanya ang lalaking iyon? Sa kanya ba talaga nakatingin? Bahagya pa siyang lumingon sa kanyang likuran para matiyak kung may iba pa bang tinitingnan sa gawi niya ang lalaking nasa stage. Pero wala namang ibang tao roon. Sigurado siyang sa kanya nga nakatingin ang lalaki.
45
NANG bumalik ang staff ng bar ay dala na nito ang isang bucket ng beer at calamares na order ni Jason. Agad na binuksan niya ang isang bote at isinalin sa basong puno ng yelo.
Tinungga ni Jason ang beer mula sa baso. Noon naman natapos ang kumakanta sa stage. Bumaba ito ng stage at kaswal na naglakad papalapit kay Jason.
“Hi! Can I join you? Wala rin akong kasama,” nakangiting sabi ng lalaki.
Nag-angat ng mukha si Jason at kunot ang noong tiningnan ang lalaki. Pagkuwa’y tinanguan niya ito at nagsabing, “Okay lang…”
“Teka, kukunin ko lang ’yong iniinom ko.” Mabilis itong nagtungo sa isang bakanteng mesa at kinuha ang bucket ng beer na naroon. Pagkuwa’y agad din itong bumalik sa kinaroroonan ni Jason at umupo sa bakanteng silya.
Isang matabang bading ang umakyat sa stage at nagsalita. “Mga mamshie at mga beshie, ang kakantahin ko ay para sa inyong lahat. Pero bago ’yon, isang masigabong palakpakan naman diyan.”
Nagpalakpakan ang mga parukyano ng bar. Pati sina Jason at ang lalaki ay pumalakpak na rin.
Lumabas sa malaking screen ng videoke ang kakantahin ng bading at nagsimula itong kumanta.
Pista sa amo
Ako nangimbitar.
Mikalit kadaghang bisita
Ug wa jud ko magdahum…
Naghiyawan ang mga tao sa bar. Feel na feel ng bading ang pagkanta. Maganda rin ang boses nito at nakaaaliw ang tono ng Visayan song na kinakanta nito.
Naratol si mama
Kay nahutdag gamit sa kusina
Maong ako na lang
Nangita ug paagi…
“Frank…” Inilahad ng lalaki ang palad para makipagkamay kay Jason. Tinitigan ni Jason ang kaharap bago niya inabot ang palad nito.
“Jason,” matipid niyang sagot at muling ibinalik ang tingin sa kumakanta sa stage.
Maong gi-fingers,
gi-fingers na lang
Kay wa nay kutsarag
tinidor sa lamisa
Maong gi-fingers,
gi-fingers na lang
Kay akong amigo
gigutom na…
“Bakit mag-isa ka lang?” naitanong ni Frank. “Mukhang may problema kang gusto mong lunurin sa alak.” Bahagya pa itong ngumiti.
“Parang ganoon na nga.” Hindi nagkaila si Jason.
Napaawang ang mga labi ni Frank. Uminom ito ng beer bago muling nagsalita, “Kung gusto mo ng makakausap, puwede ako.”
Sinulyapan ni Jason ang kausap. Sa sinag ng kulay pulang ilaw na tumatama sa mukha nito ay nakita niyang tila mapagkakatiwalaan naman ito.
Tuloy lang ang matabang bading sa pagkanta sa stage.
Ako gayud nauwaw,
Di na ko halos mutan-aw
Maayo na lang ang
Akong amigo mi-ingon…
“Kinawboy lang ta bai”
Naratol si mama
Kay nahutdag gamit sa kusina
Maong ako na lang
Nangita ug paagi…
Maong gi-fingers,
gi-fingers na lang
Kay wa nay kutsarag
tinidor sa lamisa
Maong gi-fingers,
gi-fingers na lang
Kay akong amigo
gigutom na…
“Ano ba ang problema mo?” tanong ni Frank. “Puso?”
Bahagyang tumango si Jason.
“Nag-break kayo? Kuwento ka naman.”
“Nagalit siya sa akin. Kasalanan ko rin kasi. Pero ’di ko siya niloko. Hindi ko magagawa sa kanya ’yon.” Nilagok niya ang natitirang laman ng hawak na bote. Tapos ay binuksan ang isa pa at muling lumagok. Pinanonood lang siya ni Frank na tila naghihintay sa susunod niyang sasabihin.
“Ba’t dito ka napunta?” muling tanong ni Frank na tila nag-iimbestiga.
Napahinto sa pag-inom si Jason. Sinipat niya ang kausap. “Bakit?” nagtataka niyang tanong. Nakita niyang ngumiti si Frank na parang nakakaloko.
“Are you aware na kilala ang bar na ito bilang tambayan ng mga gay at bisexual?”
Namilog ang mga mata ni Jason. Hindi niya alam iyon. Sunod-sunod ang ginawa niyang pag-iling.
Dugtong pa ni Frank, “Madalas din nila itong ginagawang pick-up point. Kaya ’wag kang magugulat kung may biglang lalapit sa’yo at makikipagkilala.”
“Just like what you did,” seryoso niyang sabi sa kausap.
“Oo, but don’t you worry. I’m not here to ask you to go out with me. Pagpasok mo pa lang dito, napansin na kita. Wala kang kasama, eh. Usually, ang mga pumupunta rito ng mag-isa, either malungkot kasi brokenhearted o malungkot kasi nag-iisa at naghahanap ng maikakama.” Bahagyang natawa si Frank sa huli niyang sinabi. “Pasensya ka na, medyo bulgar yata ang bibig ko.”
“Okay lang…” Muling tumungga ng beer si Jason.
Natapos kumanta ang bading. Bumaba na ito ng entablado.
“Bakit nagalit sa’yo ang girlfriend mo?”
“Hindi girlfriend. Gayfriend.”
Si Frank naman ang bahagyang nanlaki ang mga mata. “So, bakit nagalit sa’yo ang gayfriend mo?”
“Akala kasi niya na niloloko ko siya dahil madalas kong kasama ang ex-girlfriend ko.” Hindi tinatantanan ni Jason ang pag-inom ng beer. Tungga lang ito nang tungga gayong hindi naman ito sanay na uminom. “Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong magpaliwanag dahil ayaw na niya akong kausapin.” Muli niyang tiningnan ang kaharap. “Ikaw, bakit ka nandito?”
“Malungkot din ako kaya ako nandito. Pero hindi ako brokenhearted. Naghahanap lang ako ng pupuwedeng makasama.” Nagkibit-balikat ito. “Makasama, maikama… kahit ano.”
“And you think dito mo makikita ang hinahanap mo?” Kaagad na tumutungga si Jason sa tuwing matatapos itong magsalita.
“Bakit naman hindi. Madalas sa mga ganitong lugar ang mga tipo ko.”
Hindi na pinansin ni Jason ang sinabi ng kausap. Mas pinagtuunan niya ng pansin ang beer na nasa mesa.
“O, dahan-dahan lang. Wala kang kaagaw,” umiiling na sabi ni Frank.
“Oorder pa ako pagkaubos nito.”
“Huwag na. Sa’yo na lang itong apat na bote ko. Dalawa lang ang kaya kong ubusin,” deklara ni Frank. “Baka mamaya hindi ka na makauwi.”
HINDI nila namalayan ang mabilis na pagtakbo ng oras. Ang dalawang bucket ng beer na nasa mesa ay halos ubos na.
“Oorder pa ako.” Halata na sa boses ni Jason ang kalasingan.
“Huwag na. Umuwi ka na. Lasing ka na, Jason.”
Tumayo si Jason para tawagin ang staff ng bar pero agad itong natumba at sumubsob ang mukha sa mesa. Tulog!
“Patay! Sabi ko na nga ba.” Napailing na lang si Frank. Siya na ang sumenyas sa waiter at binayaran ang inorder nilang dalawa. Pagkatapos ay nagpatulong na rin siya rito para mailabas ng Moonlight Bar si Jason at maisakay sa kotse niyang nakaparada sa ’di kalayuan. Binigyan ni Frank ng tip ang waiter pagkatapos maisakay si Jason sa kanyang kotse.
“Saan kaya umuuwi ang mokong na ’to?” tanong niya sa sarili sabay dinukot niya sa likurang bulsa ng pantalon ni Jason ang wallet nito at binuksan. Nagbabakasakali siyang makita sa pitaka ang address ng lalaking lasing at ngayon ay nakahilata sa kanyang sasakyan.
Nakita niya ang ID ni Jason. May address na nakasulat doon. “Sampaloc, Manila. Malapit lang pala.” Ibinalik niya ang wallet sa bulsa ni Jason at mabilis siyang sumakay sa kotse. Ilang sandali lang ay binabaybay na nila ang kahabaan ng E. Rodriguez Avenue para marating ang address ni Jason sa Sampaloc.
Ilang sandali pa ay narating nila ang address. Ipinarke ni Frank ang kotse sa harap ng gate ng bahay at saka siya bumaba at nag-umpisang magtawag.
“Tao po! Tao po!” Malalim na ang gabi. Mukhang mahihirapan siyang gisingin ang mga kasama ni Jason sa bahay. Muli siyang tumawag.
“Tao po!!!” At saka lang niya napansin ang doorbell. “May doorbell pala…” Pinindot niya ang doorbell ng dalawang beses. Hindi naman siya nainip dahil ilang saglit lang ay bumukas ang pinto at lumabas ang isang chubby na lalaki na magulo pa ang buhok at halatang bagong gising. Kasunod nitong lumabas ang isang lalaking maganda ang katawan pero may edad na. Magkasunod na lumapit sa kanya ang dalawa.
“Anong kailangan mo?” tanong ng chubby na magulo ang buhok. Agad nitong napansing may hitsura ang lalaking nasa labas ng gate.
“Ah, kasama ko kasi Jason. Andoon siya sa kotse, tulog sa kalasingan kaya hinatid ko na lang siya rito. Pasensya na, pinakialaman ko ang wallet niya para malaman kung saan siya nakatira,” mahabang sagot ni Frank.
Nagkatinginan sina Jairus at Anton. Mukha namang nagsasabi ng totoo ang lalaki.
Si Jairus ang unang kumilos. Binuksan nito ang gate. “Asan si Jason? Tulungan mo akong maipasok siya sa loob,” sabi nito kay Frank.
Agad namang binuksan ni Frank ang pinto ng kotse at maingat na inilabas si Jason. Magkatulong nilang ipinasok sa loob ng bahay ang lasing habang nakamasid lang si Anton. Inihiga nila ito sa sofa.
“Maraming salamat sa’yo. Anong pangalan mo?” tanong ni Jairus kay Frank.
“Frank,” sagot niya sabay lahad ang kamay. “And you are?”
“Jairus. At siya naman si Anton, ang partner ni Jason.
“Nice to meet you, Anton.” Inabot ni Frank ang palad niya kay Anton.
“Same here,” kaswal na sagot ni Anton at inabot ang palad ni Frank.
“Salamat, Frank at inuwi mo rito si Jason,” sabi ni Jairus.
“Wala ’yon. Kung wala akong nakitang address sa wallet niya, iuuwi ko muna siya sa pad ko to make sure he’s safe,” nakangiti nitong sabi. Hindi inaasahan ni Jairus ang sunod na sinabi ni Frank. “By the way, can I have your number?”
Nanlaki ang mga mata ng bakla. “Ako? Number ko talaga?” Hindi siya makapaniwala. Ba’t hihingin ng lalaking ito ang number niya?
“Yeah… Kung okay lang sa’yo.”
Pakiramdam ni Jairus ay ang haba-haba ng buhok niya ngayon. Ang ganda niya bang babae para hingin ng guwapong Frank na ito ang number niya?
At bago pa magbago ng isip ang Frank na ito ay agad na nagdesisyon si Jairus. “Akin na ang cell phone mo para mai-save ko ang number ko.”
46
“MAGPAPAALAM na ako,” sabi ni Frank pagkatapos na maibalik ni Jairus ang cellphone niya. Hindi niya inaalis ang tingin sa bagong kakilala.
“Sige… Balik ka, ha?” Nag-beautiful eyes pa si Jairus kay Frank.
“Best friend!” sita ni Anton sa kaibigan.
“Tutuloy na po ako,” paalam ni Frank kay Anton bago ito naglakad patungong pintuan. Agad namang sumunod dito si Jairus hanggang sa gate.
“Frank!” tawag niya sa lalaki nang makalabas na ito sa gate.
Lumingon ang tinawag. “Bakit?”
“Text mo ako ha?” Halata ang pagpapa-cute ni Jairus.
Ngumiti nang matamis si Frank. “Oo,” sabi nito sabay tango. “Bye!”
Kumaway pa si Jairus sa lalaki at sinundan ito ng tingin hanggang sa makasakay ito ng kotse at paandarin nito ang sasakyan.
Parang nakalutang sa alapaap si Jairus nang makabalik sa loob ng bahay.
“Hoy!” sita rito ni Anton.
“Ha?” tila natauhang sagot ni Jairus.
“Bangag ka na naman. Nakakita ka lang ng lalaki.”
“Ang guwapo niya, best friend! At ang bait!” kinikilig nitong sabi. “Baka siya na ang forever ko.”
“Buang! Buhatin mo na itong lasing at dalhin mo sa kuwarto mo,” utos niya sa kaibigan.
“Bakit ako? Jowa ko ba ’yan?” reklamo ni Jairus. “At saka, bakit sa kuwarto ko? Ayoko na sa kanya, best friend. May Frank na ako.” At nagmartsa na ito papunta sa kanyang kuwarto. Naiwang nakatanga sa salas si Anton at ang tulog sa kalasingang si Jason.
Napakamot na lang sa ulo si Anton. Wala sa plano niyang ipasok sa kanyang silid si Jason. Nagsimula siyang humakbang para pumunta sa kanyang kuwarto. Pero bago pa niya narating ang hagdan ay lumitaw si Jairus at nagsalita.
“At talagang iiwan mo siya riyan? ’Di mo man lang ipapasok sa kuwarto para makatulog nang maayos?” nakapamaywang na sabi nito, nakataas pa ang kilay.
“Gusto mo siyang makatulog nang kumportable? Puwes, dalhin mo siya sa kuwarto mo at doon kayong dalawa matulog.” Inilang hakbang lang ni Anton ang mga baitang ng hagdanan at kaagad na pumasok sa kuwarto. Siniguro rin niyang naka-lock ang pinto para hindi na siya kulitin pa ni Jairus. At para hindi rin makapasok si Jason sakali mang magising ito mamaya.
Pinatay niya ang ilaw sa kuwarto at mabilis na ibinagsak ang katawan sa kama. Pero hindi naman siya dinalaw ng antok. Paminsan-minsan ay lumilitaw sa isip niya ang imahe ni Jason. Ngayon lang niya nakitang lasing ang lalaki. Ang alam nga niya’y hindi naman ito umiinom. Ayaw niyang maging feelingera pero iniisip niyang siya ang dahilan ng paglalasing ng binata.
Bigla ay naisip niyang bumangon para puntahan sa salas si Jason pero nagdadalawang-isip siya. Baka magising pa ito at makita siya. Baka mag-isip pa ito ng kung ano. Ayaw niya ng ganoon.
Pero sa huli ay nagpasya siyang puntahan ang natutulog na lasing sa salas.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan pero muntik na siyang mapasigaw nang makitang nakatayo sa labas ng pinto si Jairus.
“Anong ginagawa mo riyan?” Gusto niyang batukan ang kaibigan. “Akala ko multo ka!”
“Wow, ha? Best friend, ang ganda ko namang multo,” nakasimangot na reklamo nito. “At ikaw, ano rin ang ginagawa mo riyan?”
“Ha? Ah, eh… Pupunta sana ako sa kusina. Nauuhaw ako,” pagsisinungaling pa niya.
“Nauuhaw? ’Yong totoo? Nauuhaw ka sa pagmamahal ni Jason,” diretsong sabi ni Jairus kasabay ang isang malutong na tawa.
“Jairus!”
“Huwag ka nang tumanggi, best friend. Naiintindihan kita.” Hindi nawawala ang nakalolokong ngiti ni Jairus.
Nagsalubong ang kilay ni Anton at saka pinormalan ang kaibigan. “Ang sabi ko, iinom lang ako ng tubig. Ikaw, ba’t ka nandito?”
Sumeryoso si Jairus. “Hihingi sana ako sa’yo ng unan at kumot. Kawawa naman kasi si Jason do’n sa sofa, hindi komportable.”
Binigyan ni Anton ng daan ang kaibigan. “Ayun, kunin mo sa kama.”
Mabilis na pumasok sa silid si Jairus at kinuha ang isang unan at kumot sa kama. Kasunod noon ay kaagad din siyang lumabas at nagpaalam kay Anton. “Dadalhin ko na ’to kay Jason.”
Hindi siya tuminag.
“Akala ko ba iinom ka ng tubig?” pahabol na tanong ni Jairus.
“Hindi na. Tinamad na ako. Bumaba ka na, isasara ko na ang pinto.” Bago pa nakasagot si Jairus ay napagsarhan na niya ito ng pinto.
Bumalik siya sa higaan pero hindi pa rin siya dalawin ng antok. Hindi niya namalayan ang paglipas ng oras.
Muli siyang bumangon at dahan-dahang lumabas ng silid. Tahimik pa rin siyang bumaba ng hagdan at nagtungo sa salas. Nang sa wakas ay malapitan niya ang natutulog na si Jason ay buong kasabikan niyang pinagmasdan ang napakaguwapo nitong mukha. Salamat na lang sa liwanag ng buwan na naglalagos sa salaming bintana kaya malinaw niyang nakita ang mukha ng nahihimbing na binata.
Wala sa sariling lumuhod si Anton para mas mapagmasdan ang natutulog na si Jason. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Hindi ba dapat ay galit ang nararamdaman niya pa rito? Bakit parang iba na ang pakiramdam niya? Bakit tila gusto niyang yakapin ito nang mahigpit at halikan nang paulit-ulit sa labi?
Tatayo na sana siya nang bigla siyang mapako sa pagkakaluhod nang makita niyang biglang dumilat ang mga mata ni Jason. Hindi niya malaman kung paano kikilos. Kitang-kita siya ni Jason na nakaluhod at tila binabantayan ito sa pagtulog.
“A-anton?” Hindi siya sigurado kung narinig ba niya talagang nagsalita si Jason o bunga lang iyon ng kanyang imahinasyon. Pero nang tingnan niyang muli ang lalaki ay nakapikit na ito at tila bumalik sa pagkakahimbing.
Nakahinga siya nang maluwag. Ang akala niya’y nagising talaga si Jason.
Nagpasya siyang bumalik na sa kuwarto bago pa tuluyang magising ang lalaki. Tatayo na sana siya pero isang kamay ang humawak sa kanyang braso.
“I’m sorry, Anton… Patawarin mo na ako, “ narinig niyang bulong ni Jason. May kung anong kilabot na gumapang sa kanyang katawan. Ramdam niya ang sinseridad sa mga binitiwang salita nito.
Itutuloy na niya sana ang pagtayo pero mas humigpit pa ang hawak ni Jason sa braso niya. Ayaw siya nitong pakawalan.
“Please… Nakikiusap ako.” Hindi inaasahan ni Anton ang biglang pagbangon ni Jason at kasunod niyon ay niyakap siya nito nang mahigpit habang patuloy sa paghikbi. Paghikbi na unti-unti ay naging impit na pag-iyak.
Sabi-sabi nang ’pag iniyakan ka raw ng isang lalaki ay totoong mahal ka nito. Ayaw paniwalaan ni Anton ang kasabihang iyon pero bakit ramdam niya ang sobrang paghihirap ng kalooban ni Jason?
Hindi niya na namalayang kumilos ang kanyang kamay at dumampi sa likod ni Jason. Marahan niyang hinaplos ang likod nito na tila ba isang amang nagpapatahan sa kanyang umiiyak na anak.
Mas lalo pang hinigpitan ni Jason ang pagkakayakap kay Anton. Wala na siyang pakialam kung muli siyang ipagtatabuyan nito. Basta gusto niyang mayakap ito. Paulit-ulit na mayakap.
47
Author’s Note:
I would like to thank Makris Orpilla,
magbmara
here on Wattpad for writing 80% of this chapter. Please go and check her profile and read her novels. She writes romance, action, humor and fantasy.
SA pagdampi ng kamay ni Anton sa likod ni Jason at paghigpit ng yakap ng huli ay tila may ningas ng kugon na nabuhay mula sa kanya. Ang mga kamay na humahagod at nagpapatahan ay unti-unting kumawala sa yakap at marahang kumilos upang haplusin ang luha mula sa mga mata ni Jason. Wala silang imik at nakatitig lang sa mga mata ng isa’t-isa, nangungusap sa liwanag ng buwan. Ang isa ay tahimik na humihingi ng tawad habang ang isa naman ay nakararamdam ng labis na pangungulila. Matagal niyang tiniis si Jason at ang nararamdaman niya para rito. Panahon na ngayon para sa isa pang pagkakataon.
Lumagablab ang apoy at init na matagal na pinigilan ni Anton at sinalubong naman ito ng pagnanasa ni Jason. Hindi na kailangan ang mga salita. Sapat na ang pagsasalubungan ng kanilang mga mukha papalapit sa isa’t isa. Sa paglalapat ng kanilang mga labi ay kasabay na kumilos ang mga kamay nila na hindi magkamayaw sa paghaplos sa balot na katawan ng isa’t-isa.
Sinamantala ni Jason ang pagkakataon na ibinigay sa kanya. Gaya ng dati niyang ginagawa, pinaulanan niya ng halik ang leeg ng katipan, pinaglaro ang dila sa tenga ni Anton hanggang sa mapaungol ito ng kanyang pangalan na tila ba umabot sa walang hanggang kaligayahan.
Habang pinagpipiyestahan ng mga labi at dila ni Jason ang katawan ni Anton ay siya namang paghagod ng malilikot na kamay niya para damhin ang katawan nito. Simula sa mga dibdib, pababa sa bahagi na nagpapainit sa kanya ng sobra.
“Anton… ang bango mo, ang halik mo… ang haplos mo…na-miss ko ’to nang sobra…” tila nagdediliryong bulong niya habang unti-unting inaalis ang damit na sagabal sa kanilang pag-iisa. Walang pakialam ang dalawa kung nasa sala man sila o makita at marinig man sila ni Jairus. Sa oras na iyon, kanila lamang ang mundo. Solong-solo nila ang lugar na iyon at walang sinumang puwedeng gumambala sa kanilang ginagaw. Para kay Jason, huling baraha na niya ito upang makuhang muli ang atensyon ni Anton… at ang pagmamahal nito.
Nasa gilid ng hagdan lang ang kuwarto ni Jairus pero hindi na iyon mahalaga. Mas nagpatindi pa nga ng init nila nang maisip na posible silang mahuli nito sa kamunduhang ginagawa nila.
Ang utak naman ni Anton ay wala na sa tamang katinuan. Lunod na lunod na siya sa kiliting binibigay ng mapangahas na labi ni Jason na tumutudyo sa bawat sulok ng kanyang katawan. Baliw na kung baliw, pero wala na siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Panahon na para siya naman ang lumigaya.
Naging mas mapusok na ang mga halik ni Jason nang tuluyan na silang mawalan ng saplot. Hindi nila namalayan kung paano sila naghubad o kung saan ba nila naihagis ang mga damit. They desperately wanted to feel each other’s body. Sa sobrang init ng pakiramdam nila ay naligo sila sa halik ng isa’t-isa. Ang pagkalango sa alak ni Jason ay nadagdagan ng pagkabaliw niya kay Anton. Nang lumuhod si Anton sa hubad niyang harapan, at buong pagkasabik na ikulong sa palad nito ang kanyang kahabaan hindi niya napigilang pakawalan ang isang mahaba at malalim na ungol. Lalo pa siyang nalasing sa pagmamahal dahil sa halik at hagod na ginawa nito na nagdala sa kanya sa langit. Parang litanyang paulit-ulit na sinambit ni Jason ang pangalan ni Anton hanggang sa marating niya rurok ng kaligayahan.
Tila walang pagkasawa si Anton. Bawat ungol ni Jason ay lalong nagpatindi sa pagnanasa niyang maipadama rito ang pagmamahal niya. Marami siyang sinayang na panahon. Marami silang nasayang na oras. Gusto niyang bumawi. Ngayon!
“Jason…” ungol ni Anton nang siya naman ang nakalapat ang likod sa sofa at ang mga kamay naman nito ang naglalakbay sa buong katawan niya, kasunod ng mapagpalang dila at masarap na mga labi. Para siyang ice cream na pinagpipiyestahan ng dila ng katipan. Ilang marka na rin ang naibigay nito sa katawan niya dahil sa gigil. Jason wanted to possess Anton by marking him. He wanted to claim him as his own dahil alam niyang hindi siya magiging buo kung wala si Anton sa kaniya. Mga markang inilagay niya sa leeg, sa dibdib maging sa mga hita at sa tiyan ni Anton na binalikan ni Jason habang ang kamay naman ay nakakapit sa pinakamatigas na bahagi ng katawan nito. He teased him endlessly with his tongue and glorious mouth that made him writhe in desire. Sabi nila toe curling blow job raw ang tawag sa ganoon, pero para kay Anton, it was pure love coupled with raw need and passion. Damang dama niya kung gaano kasabik sa kanya si Jason nang bumaba ang mga labi nito sa pribadong parte ng katawan niya. Iyon ang isa sa mga nagustuhan niya kay Jason. Hindi ito maramot. Marunong itong magbigay at tumbasan ang ligayang kanya ring ibinibigay. Hindi siya nito iniiwang nakabitin sa ere. Kung dati ay nararating niya ang luwalhati sa piling ni Jason, sa pagkakataong iyon ay nakailang balik siya sa langit dahil sa kakaibang sensasyong dulot ng pinaghalong kamay, dila at mga labi ng lalaking mahal niya. Halos maubos ang lakas niya sa tindi ng pagsabog ng init na nagmula sa kaloob-looban. Kapwa sila bumabawi sa ilang buwang pagtitiis, parang tagulan matapos ang matinding tagtuyot.
“Anton…” Nang kapain ni Jason ang bahaging iyon ni Anton, para itong nakikiusap. Alam na niya ang gusto nito. He wanted to seal their love with their union. Physically and emotionally. Tumango si Anton at sabay silang bumangon para tumungo sa kuwarto kung saan nila itinuloy ang pagpapadama ng pagmamahalan nila. When they were one, sigaw ang mga pangalan ng isa’t-isa, finally ay naramdan ni Anton at Jason ang matagal nilang hinahanap… fulfillment and contentment na tanging sa piling ng isa’t-isa lamang nila madarama.
Nang humupa ang init ay saglit na namayani ang katahimikan. Parang walang gustong magsalita. Bawat isa ay nakikiramdam lang.
Bumaling si Anton sa gawi ni Jason at masuyo itong niyakap. Napangiti si Jason. Alam niya, hupa na rin ang galit sa kanya ni Anton. Puwede na silang magsimula ulit at dugtungan ang namantsahan nilang relasyon.
Ginantihan niya ang yakap ni Anton at sa loob ng silid na iyon ay minsan pa nilang inakyat ang ikapitong langit.
48
MALALAKAS na katok sa pinto ang gumising kay Yuri. Bumangon siya at nagkakamot ng ulong binuksan ang pinto. Nawala ang antok niya nang makita si Shelley na nakatayo sa kanyang harapan.
Malawak ang pagkakangiti ni Shelley na tila ba nakakita ng isang masarap na pagkain. Bigla ay nagkaroon ito ng matinding pagnanasa sa lalaking kaharap na halos hubo’t hubad sa suot nitong manipis na puting brief. Matagal na rin siyang tigang magmula nang lumayas sa bahay niya si Carlo.
“Anong ginagawa mo rito?” asik ni Yuri kay Shelley. Iniharang niya ang katawan sa pintuan para hindi makapasok ang bisita.
“Papasukin mo muna ako para doon tayo mag-usap sa loob.”
Wala nang nagawa si Yuri nang tabigin siya ni Shelley at diretso itong pumasok sa loob ng apartment.
“Ano na naman ba ang kailangan mo? Tapos na ang obligasyon ko sa’yo. At wala na akong balak na magpagamit pang muli sa mga kabaliwan mo,” matigas niyang sabi sa baklang bisita.
Misteryoso ang pinakawalang ngiti ni Shelley. “Alam mong hindi totoo ’yan, Yuri. Binayaran kita. Pero wala pang matinong resulta ang pinagagawa ko sa’yo. Palpak ka kasi!”
“Kaya nga! Palpak ako kaya ’wag mo nang asahang gagawin ko pa ang gusto mo.”
“Paano naman ang ibinayad ko sa’yo? Malaking pera din ’yon, Yuri. Hindi ganoon kadaling kumita ng pera.”
“Puwes, magalit ka na kung gusto mo. Magwala ka na hanggang impiyerno, pero wala ka nang mababawing pera sa akin. Ubos na ’yon!”
Humalakhak si Shelley na ikinagulat ni Yuri. “Madali naman akong kausap, alam mo ’yan. Puwede mong ibalik sa akin ang halagang ibinayad ko sa’yo, sa ibang paraan,” malanding sabi ng bakla tapos ay kumindat pa ito sa kausap.
“Walanghiya ka talagang bakla ka! Hindi mo na magagamit ang katawan ko kahit kelan!”
Umarko ang kilay ng bakla. “Wala ka namang magagawa kapag ginusto ko. What Shelley wants, Shelley gets…” Binuksan nito ang dalang handbag at dinukot ang kung ano.“
Nanlamig ang buong katawan ni Yuri nang ilabas ni Shelley ang isang baril at itutok sa kanya.
“Napakadali mo namang makalimot, Yuri. Ginawa ko na ’to sa’yo dati, ’di ba? Pero kung noon ay hanggang tutok lang, ngayon ay ipuputok ko na ito makuha ko lang ang gusto ko,” pagbabanta pa nito sa lalaki. “Ngayon, i-lock mo ang pinto,” utos niya kay Yuri habang nakatutok pa rin dito ang baril.
Nag-aalangang sinunod niya ang utos ni Shelley.
Dahan-dahang lumapit ang bakla kay Yuri. Hindi pa rin nito inaalis ang pagkakatutok ng baril. Anumang oras ay handa si Shelley na iputok ito kung kinakailangan.
Nang makalapit kay Yuri ay idiniin ni Shelley ang dulo ng baril sa dibdib ng lalaki.
Mula dibdib ay pinagapang ni Shelley ang baril paikot sa dibdib ng binata. Nang magsawa sa dibdib ay pinadausdos niya iyon pababa papunta sa gawing pusod nito. Pinaikot-ikot ni Shelley ang dulo ng baril sa pusod ni Yuri. Halos hindi humihinga ang lalaki sa nadaramang kaba. Paano kung biglang pumutok ang baril?
Hindi pa nakuntento si Shelley at isinuksok niya ang baril sa garter ng brief ni Yuri. Tapos ay pilyang sinilip ang bahaging nakatago sa loob ng brief.
Napangiti si Shelley sa nakita. Inaasahan na niya iyon dahil ilang beses na ba niyang natikman ang lalaking gustong-gusto niyang matikman ulit ngayon.
“Hubad!” utos niya kay Yuri.
“What the fuck? Stop this nonsense, Shelley,” pagkontra ng lalaki sa gustong mangyari ng bakla.
“Sabi ko, hubarin mo ang brief na suot mo,” matigas niyang sabi. Wala siyang balak na ipagpaliban ang init niyang nararamdaman. Itinapat niya ang baril sa noo ni Yuri.
“You’re sick!”
Humalakhak ang bakla. Tila tuwang-tuwa pa ito sa sinabi ng lalaki. “Ngayon mo lang ba nalaman?”
Napailing na lang si Yuri. Paano pa ba niya mapipigilan ang baklang ito?
“Maghubad ka na, naiinip na ako!” Tumalim ang tingin ni Shelley sa kausap.
Unti-unting ibinaba ni Yuri ang suot niyang brief. Sanay siyang makipaglandian kung kani-kanino pero nakakainis rin pala kung ganitong napipilitan ka lang na gawin ang katulad nito.
“Bilisan mo! Ang bagal mong kumilos.” Hinila na nito ang kanyang brief at tuluyan na ngang nahubad hanggang sa kanyang binti. Nalantad sa mga mata ng bakla ang bahaging tinatakpan kanina ng kapirasong telang iyon.
Parang baliw na sinibasib ni Shelley ng halik ang hubad na katawan ni Yuri habang nakatutok pa rin ang baril sa lalaki. Tila wala na ito sa sariling katinuan. Basta ang mahalaga na lang para rito ay mailabas nag nararamdamang init ng katawan.
Kumokontra man ang isip ay wala namang magawa si Yuri kung hindi pabayaan na lang ang bakla sa ginagawa nito sa kanyang katawan. Paano ba niya magagawang tumanggi kung ang dulo ng baril na hawak nito ay nakatutok sa kanya at maaaring pumutok sa isang munting pagkakamali.
Ngayon ay nakaluhod na si Shelley sa kanyang harapan at tila nasaniban ng kung anong elemento na sumasamba sa kanyang pribadong bahagi. Ang mga ungol na lumalabas sa mga labi nito ay tila orasyong hindi niya maintindihan ang kahulugan.
Napapikit si Yuri sa nararamdamang sensasyon. Totoo nga na ang iba ang reaksyon ng katawan sa sinasabi ng utak. Kahit ayaw ng kanyang isip, hindi magsisinungaling ang kanyang katawan na nagugustuhan nito ang ginagawa ni Shelley.
“Humiga ka sa sofa!” utos sa kanya ng bakla.
Noon tila natauhan si Yuri. Imbes na sundin ang sinabi nito ay bigla niyang itinulak ang bakla kaya napahiga ito sa sahig ng salas. “Hindi!” Mabilis na tumalikod si Yuri para tumakbo papalabas ng silid.
“Hayup ka!” Mabilis na itinutok ni Shelley ang baril sa nakatalikod na lalaki at bago pa ito nakalabas ng apartment ay pumutok na ang baril.
Isang bala ang naglagos sa likod ni Yuri at duguan siyang bumagsak sa sahig.
Nang mga oras na iyon ay papalabas naman ng kanyang tinutuluyan si Carlo at dinig na dinig niya ang putok ng baril na sa tingin niya ay nagmula sa isa sa mga apartment sa palapag na iyon.
Hindi pa siya natatagalang mag-isip ay nakita naman niyang nagmamadaling lumabas si Shelley sa apartment ni Yuri. Hawak pa rin nito ang baril.
Nanlaki ang mga mata ni Carlo. “Shelley!” tawag niya rito.
Nagulat din ang bakla nang makita siya. HIndi siguro nito inaasahan na may saksi sa ginawa niya kay Yuri.
“Anong ginawa mo kay Yuri?”
Itinutok ng bakla ang baril kay Carlo. “Huwag kang makikialam!” Habang naglalakad siya papalapit sa hagdanan ay hindi niya inaalis ang pagkakatutok ng baril sa dating nobyo. Nang marating ang hagdan ay mabilis siyang nagtatakbo pababa para takasan ang ginawang krimen.
Agad na tinakbo ni Carlo ang apartment ni Yuri. Naiwan pa nga ni Shelley na bukas ang pintuan nito kaya nakita niya sa labas pa lang ang nakahandusay na hubo’t hubad na katawan ng lalaki.
“Yuri!” Walang pagdadalawang-isip niya itong nilapitan at tiningnan ang pulso nito. Nang matiyak na humihinga pa ang lalaki ay kaagad niya itong binuhat para maisugod sa ospital. Nakasalubong pa niya ang kanyang kasera kaya hindi na siya nag-atubiling humingi ng tulong rito. “Tulungan mo ako, tumawag ka ng taksi!”
Naguguluhan man at natataranta ay nagtatakbo pa rin pababa ng building ang babae para tumawag ng taksing magdadala kay Yuri sa ospital.
49
“SAAN ka pupunta?” pansin ni Anton kay Jairus na bagong paligo at bihis na bihis.
“Magkikita kami ni Frank. Alangan namang kayo lang ni Jason ang masaya. Dapat, ako rin,” nagmamagandang sabi ng hitad.
Natawa na lang si Anton. “O, siya mag-iingat ka. Push mo na ’yan, ’teh! Alam mo namang matagal ko nang wish ang kaligayahan mo.
“Maraming salamat, best friend. Ikaw ang principal sponsor sa kasal namin, ha?”
“Kasal agad? Hindi mo pa nga boyfriend.”
“Malapit na, best friend. Sisiguruhin kong magiging boyfriend ko si Frank,” nakangiting sabi ni Jairus. “Babush!” At lumakad na nga ito papalabas ng pinto. Hinatid pa ni Anton ng tingin ang kaibigan. Totoong masaya siya para rito. At sana nga ay maging masaya na rin ang lovelife nito.
“Sana mapasaya na rin kita…” Nagulat pa si Anton nang marinig ang boses ni Jason mula sa likuran. Napalingon siya rito.
“Gising ka na pala… Kumain ka na. May pagkain sa mesa sa kusina,” aniya.
Lumapit sa kanya si Jason na parang walang narinig. Tumabi ito sa kinauupuan niya. “Okay na ba tayo?”
Muntik na siyang matawa. Alangan namang pagkatapos ng nangyari sa kanila kagabi ay sasagot siyang hindi pa sila okay. Ano pala ’yung nangyari sa kanila, libog lang?
Marahan siyang tumango. Nagliwanag ang mukha ni Jason at bigla siyang niyakap.
“Maraming salamat…” Mas lalo pang hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya. “Promise, hinding-hindi na kita sasaktan pang muli.”
Noon tumunog ang cellphone ni Anton.
“Teka, may tumatawag. Sasagutin ko lang…” Kumawala siya sa pagkakayakap ng nobyo.
Numero lang ang nakarehistro sa telepono. Sino kaya ito?
Magsasalita pa lang sana siya pero naunahan na siya ng nasa kabilang linya. “Ikaw na ang susunod kay Yuri!”
“Sino ’to?” tanong niya sa tumawag. “Hello?” Narinig niyang naputol na ang linya. “Hello!”
“Sino ’yan?” tanong ni Jason.
“Ewan ko. Siraulo yata,” sagot niya. “Walang magawa.” Nagkibit lang siya ng balikat. Ang mga ganitong bagay ay hindi sineseryoso.
Pero binanggit ng tumawag ang isang pangalang pamilyar sa kanya. Si Yuri. Siya na raw ang susunod kay Yuri?
Bakit? Anong nangyari kay Yuri?
Biglang kinabahan si Anton. Isang tao lang ang naisip niyang posibleng makasagot sa tanong niya. Walang iba kundi ang taong nakatira rin sa parehong gusali kung saan nakatira si Yuri.
Si Carlo.
Agad niyang idinayal ang numero ng dating boyfriend. Narinig niyang nag-ring ang telepono nito. Isa. Dalawa. Tatlong ring. Apat…
Bago matapos ang ikalimang pag-ring ng telepono ay narinig na niya ang boses ni Carlo. “Anton…”
Bakit matamlay yata ang boses nito? “Carlo, nasaan ka? Nasa apartment ka ba? Pakitingnan mo naman kung nandoon si Yuri, please.”
“Nandito ako sa ospital. Isinugod ko si Yuri. Binaril siya ni Shelley.”
“Si Shelley… Si Shelley ’yung tumawag!”
“Ano? Tinawagan ka ni Shelley?” Bigla ang pagbangon ng kaba sa dibdib ni Carlo. “Anong sabi niya sa’yo?”
“Sabi niya, ako na raw ang susunod kay Yuri. Kaya nga kita tinawagan. Inisip kong baka may nangyaring hindi maganda kay Yuri. Alam mo kahit naman gago ang taong iyon, hindi ko naman ipagdadasal ang kapahamakan niya.”
“Agaw-buhay siya ngayon. Nasa operating room pa rin,” pagbabalita ni Carlo.
“Sana maligtasan niya ’yan. At sana’y pagbayaran ni Shelley sa batas ang ginawa niya.”
“Mag-iingat ka, Anton. Baka may binabalak ding masama sa’yo si Shelley. Kilala ko ang takbo ng utak ng baklang ’yon. Gagawin niya kahit ano, makuha lang niya ang gusto niya. Basta, mag-iingat ka.”
“Salamat, Carlo. Balitaan mo na lang ako mamaya ng tungkol sa kalagayan ni Yuri.”
“Anong sabi ni Carlo?” tanong ni Jason pagkababa niya ng cellphone.
“Si Shelley, iyong baklang ipinalit sa akin ni Carlo, tumawag. Nagbabanta. Binaril niya si Yuri, ang kaibigan niyang inutusan niya para kaibiganin ako. Ngayon, ako naman ang pinagbabantaan ng Shelley na ’yon.”
“Gusto mo bang ipa-blotter? Sasamahan kita sa presinto.”
Umiling si Anton. “Huwag na. Mag-iingat na lang ako. Kaya ko naman sigurong ipagtanggol ang sarili ko sa kanya.”
NASA bahay niya si Shelley at hindi ito mapakali. Kanina pa siya paikot-ikot sa loob ng kanyang silid habang nakasuot ng pink na roba at humihithit ng sigarilyo. Nagkalat na nga sa sahig ng kuwarto ang mga upos at abo. Halatang aburido ang bakla at natutuliro. Hindi siya mapakali at halata ang tensyon sa kanyang mukha.
“Buwisit ka, Yuri! Ang tanga-tanga mo!” Ibinato niya ang sigarilyo sa sahig at mariin itong tinapakan. “Hindi naman kita babarilin, eh. Kung sana pumayag ka lang sa gusto ko.”
Dinukot ni Shelley ang kaha ng sigarilyo at lighter sa bulsa ng roba at muling nagsindi ng isa. Hinithit niya iyon na parang wala nang bukas pa. Tapos ay madilim ang mukhang ibinuga ang usok. Humarap siya sa tokador na pantay-tao ang taas at pinagmasdan ang kanyang kabuuan sa repleksyon sa salamin. Mamaya pa ay unti-unti siyang humagulgol sa labis na pighati at kalungkutan. Kalungkutang dala ng hindi natuloy niyang balak kay Yuri? O kalungkutang dala ng kabiguan niya sa buhay?
Tuloy-tuloy sa pagluha si Shelley, pero makalipas lang ang ilang minuto ay muli itong tumitig sa sariling repleksyon sa salamin. Pagkatapos ay unti-unti siyang ngumiti. Ngiti na naging mahinang hagikgik, hanggang sa maging isang malakas na tawa na nauwi sa isang malutong na halakhak. Salitan ang ginawa niyang pag-iyak at paghalakhak na tila ba nawala na sa kanyang katinuan. Sa huli, humahagulgol siyang napaluhod hanggang sa tuluyang mapasalampak na sa sahig.
KINAGABIHAN ay dumalaw sina Anton at Jason sa ospital kung saan nakaratay si Yuri. Naabutan nilang nasa loob ng ICU si Carlo at binabantayan ang walang malay pa ring pasyente.
“Kumusta ang pasyente mo?” bating tanong ni Anton sa lalaki.
“Eto, nahagip ng bala ang lungs niya kaya ilang oras din siyang nasa operating room. Pero successful naman ang operasyon, sabi ng doktor. Mabuti na lang daw at naisugod agad siya rito sa ospital. Hopefully, magkamalay na siya mamaya.”
“Hindi ko alam na close kayo ni Yuri,” panunukso ni Anton. Si Jason naman ay nakikinig lang.
“Hindi, ah! Ako lang kasi ang nandoon noong nabaril siya. Kahit sino naman siguro, gagawin din ang ginawa ko. Tutulong sa abot ng makakaya.”
“Alam na ba ng pamilya niya na nandito siya sa ospital?” tanong ni Jason.
“Malay ko ba kung may pamilya ’yan. Ang alam ko lang, barkada siya ni Shelley. Maliban doon, wala na akong iba pang alam sa kanya,” pahayag pa ni Carlo.
“Sa phone niya! Siguradong may contact number doon ang mga magulang niya o mga kapatid kaya,” bulalas ni Anton.
“Pupunta ako sa apartment niya kapag nagkamalay na siya. O kaya naman, siya na mismo ang tanungin natin kung sino ang puwedeng kontakin. Papakahirap pa tayo, makakausap naman siguro siya paggising niya.”
“Si Shelley, nahuli na ba siya?” muling tanong ni Anton.
“May mga pulis na nagpunta rito kanina. Kinuhaan na nila ako ng statement. Sinabi ko na rin sa kanila ang kumpletong address ni Shelley. Sana, mahuli na agad ang hayup na baklang ’yon. Kilala ko si Shelley, hindi iyon titigil hanggang hindi nagagawa at nakukuha ang mga gusto niya,” deklara ni Carlo. “Kaya mag-iingat ka, Anton,” paalala niya. “Kung ganyang tinawagan ka niya at pinagbantaan, malamang na pinaplano na niya kung ano ang gagawin sa’yo.”
50
GISING pa si Jairus nang umuwi sina Anton at Jason.
“Saan kayo galing?” tanong nito pagkapasok pa lang nila sa loob ng bahay. Komportable itong nakaupo sa sofa at talagang hinihintay ang kanilang pagdating. “Kanina ko pa kayo hinihintay. Excited pa naman akong magkuwento tungkol sa bonding namin ni Frank.”
“Nagpunta kasi kami sa ospital,” sagot ni Anton na umupo sa tabi ni Jairus. Si Jason ay dumiretso na sa kanilang silid. “Tinawagan kasi ako ni Carlo. Dinala niya sa ospital si Yuri.”
“Yuri? Iyong dinemanda mo?”
Tumango si Anton.
“Anong nangyari? Ba’t dinala sa ospital? Sana mamatay na ang gagong ’yon.” Umarko ang kilay ni Jairus. Hanggang ngayon ay kumukulo pa rin ang dugo niya sa lalaking nagtangka nang masama sa buhay ni Anton.
“Binaril siya ni Shelley?”
“Iyong baklang sira-ulo na tumatawag sa’yo at inaaaway ka? Iyong jowa ni Carlo na ex mo?”
“Ipagdidiinan mo pa talaga?” Pinandilatan ni Anton ang kaibigan.
“Nililinaw ko lang, best friend. Para sigurado. Alam mo naman ako, hindi ko tinatandaan ang mga taong wala namang katuturan sa buhay natin.”
Huminga nang malalim si Anton at saka ibinuga ang hangin. “Tumawag nga rin sa akin si Shelley, eh.”
Napanganga si Jairus. “At baket?”
“Ako raw ang susunod kay Yuri…”
“Eh, tarantado pala talaga ang baklang ’yan. Ikaw na naman ang napagbuntunan ng mga kashungahan niya,” nag-iinit ang ulong komento ni Jairus. “Naku, ’wag na ’wag ko siyang makikita at siya ang isusunod ko kay Yuri.”
“Ang tapang mo naman… Ano na ang ikukuwento mo tungkol sa inyo ni Frank?” pagbabago niya sa tinatakbo ng kanilang usapan.
Bigla ring nagbago ang mood ni Jairus. Tumili ito nang pagkatinis-tinis. “Naku, best friend! Ang saya ko! Si Frank na nga yata talaga ang magpapatibok sa pihikan kong puso.”
Muntik nang maubo si Anton. “Paano kang naging pihikan eh, wala naman talagang nagkakagusto sa’yo?” pambabasag niya rito.
“Grabe ka naman! Magkaibigan pa ba tayo o hindi na?” kunwa’y nagtatampong sabi ni Jairus.
Tinawanan lang ni Anton ang kaibigan bago siya nagseryoso. “Kidding aside, I’m so happy for you, best friend. You deserve to be happy. Sana nga, si Frank na ang totoong magpapasaya sa’yo.”
Touched si Jairus sa sinabi ng kaibigan. Alam naman niya kung gaano siya kamahal ng best friend niyang si Anton. “Sana nga siya na, friend! Ayoko na ng iba pa. Siya na ang gusto ko!”
“Nililigawan ka na ba?”
Nagusot ang mukha ni Jairus. Bigla itong nalungkot, tapos ay umiling. “Hindi pa. Pero papunta na kami roon.” Pinagkrus pa nito ang dalawang daliri.
“Paano mo naman nasabi?”
“Best friend, napaka-gentleman niya sa akin,” kinikilig niyang sabi. “Tapos, hindi niya ako pinagbayad sa mga kinain namin. Siya lahat talaga ang gumastos.” Bigla siyang natigilan at napatingin sa kausap. “Best friend, first time in history na hindi ako gumastos sa lalaki. Dati, butas ang bulsa at wallet ko kapag lumabas ako with a guy. Pero ngayon, feeling ko isa akong dalagang sinusuyo to the highest level. Ang ganda-ganda ko kanina, best friend. Sumobra ang haba ng hair ko!”
Natatawa lang si Anton na napapailing habang nakikinig sa pagkukuwento ni Jairus. Pero sa loob niya ay masaya siya para sa matalik na kaibigan. Deserve namang maging masaya ni Jairus. Mabait naman ito, at todo rin kung magmahal. “So, kelan naman ang kasal?” naisipan niyang itanong.
“Kasal agad? Hindi pa nga ako nililigawan. Nagpaparamdam pa lang.” Bahagya itong sumimangot. “Pero alam ko, magiging kami. Kasi…”
“Kasi ano?”
“Kapag hindi niya ako niligawan, ako ang manliligaw sa kanya!” deklara pa ni Jairus na ikinahalakhak ni Anton.
HATINGGABI ay nasa bus terminal si Shelley. Bitbit ang isang malaking bag na puno ng kanyang mga damit at iba pang mga gamit ay sumakay siya ng bus. Alam niyang anumang oras ay maaaring may pumuntang mga pulis sa bahay niya. Puwede siyang hulihin ng mga ito para ikulong dahil sa ginawa niya kay Yuri. Pero hindi ang tipo niya ang ganoon kabilis na mahuhuli. Bago pa siya mapuntahan ng mga pulis ay nauna na siyang nag-alsa balutan upang magtago pansamantala sa bahay na kinalakhan niya sa probinsya ng Pangasinan. Alam niyang ligtas siya roon. Walang nakakaalam kahit isa sa mga kaibigan niya sa Manila kung saan ang probinsiya niya. Hindi naman kasi talaga siya palakuwento. At ugali na talaga niyang magtago sa ibang tao ng mga personal na impormasyon tungkol sa kanyang sarili.
Bumiyahe ang bus patungong Norte. Ayaw sana niyang matulog pero dahil sa haba ng biyahe ay hindi na niya nakayanan ang antok. Nagising lang siya nang huminto ang bus sa highway kasunod ay nakita niyang may dalawang sundalong umakyat sa bus at isa-isang tiningnan ang mga pasahero.
Kinabahan si Shelley. Hindi niya inaasahang may madadaanan silang checkpoint.
Pagtapat ng sundalo sa kanya ay alanganin niyang nginitian ang isa.
Lumagpas sa kanya ang sundalo at nang matapos inspeksyunin ang mga pasahero ay kaagad din namang bumaba ang mga ito.
At saka pa lang nakahinga nang maluwag si Shelley nang muling umandar ang bus at nagpatuloy sa biyahe.
Pagdating sa bayan ng Mangatarem ay bumaba ng bus si Shelley at sumakay naman ng tricycle para magpahatid sa kanilang bahay. Wala nang nakatira sa bahay nila na iniwan na niya upang manirahan sa Maynila mula nang sabay na mamatay sa car accident ang kanyang mga magulang. Tanging ang mahigit singkwenta anyos na caretaker na si Lucia ang nakatira ngayon sa malaking bahay nila na naipundar ng yumao niyang mga magulang.
Gulat na gulat si Lucia nang bumaba ng tricycle si Shelley. Napalabas tuloy ito ng bahay para salubungin ang amo.
“Shelley! Ikaw nga ba ’yan? Hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka. Sana man lang ay nakapaghanda ako ng espesyal na agahan.” Kinuha niya kay Shelley ang bitbit nitong mga gamit.
“Malinis ba ang kuwarto ko?” tanong pa niya. “Gusto ko munang matulog.”
“Oo, nililinis ko ’yon araw-araw,” sagot ni Lucia habang naglalakad kasunod ni Shelley.
Nang makapasok silang dalawa sa kuwarto ay nagbilin si Shelley sa babae. “Iwan mo na lang ang gamit ko d’yan. Matutulog ako, ayoko munang maistorbo.”
“Sige, Shelley, magpahinga ka na. Nandito lang ako sa labas. Tawagin mo lang ako ’pag may kailangan ka.”
Nang mapag-isa sa silid ay ni-lock niya ang pinto at saka humilata sa kama.
Dito sa probinsiya ay makapagtatago siya sa mga pulis at makakaisip pa siya ng magandang diskarte kung paano makagaganti sa matandang si Anton.
51
MULING dinalaw ni Anton si Yuri sa ospital. Naabutan niya roon si Carlo na inako na yata ang pag-aasikaso sa lalaking binaril ni Shelley.
“Kumusta na siya?” tanong niya kay Carlo habang nakatingin sa natutulog na pasyente.
“Medyo okay na siya. Nagising na siya kanina. Actually, katutulog lang niya. May mga pulis na nagpunta rito kanina at kinunan siya ng statement kung ano ba talaga ang nangyari. Sana mahuli na nila si Shelley bago pa ito muling makagawa ng ganitong krimen. Tingin ko, nasisiraan na ng ulo ang baklang ’yon kaya ganoon na lang ang ikinikilos niya,” matapat niyang sabi. “Ayoko naman na dumating ang oras na ako o kaya naman ay ikaw ang pagbalakan niyang patayin.”
“Sa tingin mo ba, magagawa talaga ni Shelley ang pumatay?”
“Eh, ano ba sana ang gagawin niya kay Yuri, kikilitiin lang?” pilosopo niyang tanong-sagot.
“Puwede naman kasing aksidente lang ang nangyari. Baka naman hindi niya sinasadya.”
“Sinadya man niya o hindi, ba’t siya may dalang baril? Bakit niya inilabas at itinutok kay Yuri? At ipinutok?” iiling-iling niyang sabi. “Mahirap mambintang, pero kahit paano ay kilala ko na si Shelley. At alam kong kaya niyang gawin ang kahit anong kademonyohan makuha lang ang gusto niya.”
“Maiba tayo, hindi ka na naman ba pumasok sa trabaho?” tanong ni Anton.
Umiling si Carlo. “Papasok na ako bukas. Hinintay ko lang na magkamalay ang pasyente. Ewan ko, parang naging kargo ko na yata siya kaya gusto kong siguruhin na ligtas siya bago ko iwanan dito sa ospital.”
Tumaas ang kilay ni Anton kasunod ang pagkunot ng noo. “Baka iba na ’yan,” natatawa niyang sabi.
“Anong—?”
“Lagot ka, baka in love ka na kay Yuri.”
“Bakla ba si Yuri?”
“Pumapatol.”
“Bakla ba ako?”
“Pumapatol.” Tinitigan niya si Carlo. “Kaya hindi imposible na magkagusto ka sa kanya. O siya sa’yo.”
Hindi nakasagot si Carlo. Parang naubusan siya ng sasabihin. Bakit nga ba sobra yata ang concern na ipinapakita niya kay Yuri ganoong hindi naman niya ito kaibigan? Ang totoo nga ay mainit ang dugo niya rito kahit noon pa.
Wala sa loob na napailing na lang siya. At saka bahagyang natawa.
“O, ba’t nakangiti ka riyan? Na-realize mo bang tama ang sinabi ko?” Ayaw pa ring tigilan ni Anton ang dating nobyo.
“Baliw ka. Hindi naman masamang tumulong sa taong nangangailangan. Binibigyan mo agad ng ibang kahulugan.”
“Hindi naman. Natutuwa lang ako na makita ang ibang mukha mo.”
Kumunot ang noo ni Carlo.
“Ang akala ko lang dati pagkatapos mo akong lokohin na ikaw na ang pinakagagong tao sa mundo. Sinong mag-aakala na magiging magkaibigan pa tayo? At sinong mag-iisip na kaya mong gumawa ng kabutihan sa taong kinaiinisan mo?”
“Kumusta kayo ni Jason?” pag-iiba ni Carlo sa usapan.
“Maayos naman. Okay na kami, I mean, as far as the two of us is concerned,” matapat na sagot ni Anton.
Napamaang si Carlo. “What do you mean?”
“Kung kaming dalawa lang, walang problema. Pero hindi naman lahat ng tao ay papabor sa relasyon namin.”
“Parents ba niya?” diretsong tanong ni Carlo.
Sarkastikong napangiti si Anton. “Ba’t ang galing mong manghula?”
“Eh, sino pa ba ang unang-unang kokontra sa ganyang relasyon? Except sa girlfriend ng guy, siguradong ’yung pamilya niya.”
“Sabi naman ni Jason, okay na sa tatay niya. Ang nanay niya ang may ayaw talaga.” Napatingala pa siya na akala mo ay may hinahanap sa kisame ng silid na iyon sa ospital.
“Anong plano mo ngayon?”
“Hindi ko alam. May magagawa ba ako kung ilayo ng nanay niya sa akin si Jason? Go with the flow na lang ako siguro. Kung iiwanan ako ni Jason, handa na ako. Tanggap ko na, ngayon pa lang.”
Nagpakawala ng tipid na ngiti si Carlo. “Maaayos n’yo rin ’yan. Tingin ko naman kasi, seryoso sa’yo ang Jason na ’yon.”
Nagkibit-balikat lang siya tapos ay bumuntong-hininga. Ang relasyon nila ni Jason ay hindi na nawalan ng problema. Oo nga’t naaayos din naman nila ang mga gusot. Nasosolusyunan din nila ang mga dumadaang pagsubok sa kanilang relasyon. Pero ang nanay ni Jason ay hindi lang isang maliit na problema. Ina ’yon. Kadugo. Pinagkakautangan ng buhay ni Jason. Gaano ba siya kasiguradong ipaglalaban siya ni Jason hanggang sa dulo?
Hanggang sa makauwi ay nasa isip pa rin ni Anton ang mga pinag-usapan nila ni Carlo. Good thing na puwede niyang hingahan ng mga problema si Carlo. Okay na okay na talaga sila pagkatapos nilang magkaroon ng sarili ring gulo noon.
Pagpasok niya sa kuwarto nila ni Jason ay naabutan niyang nag-eempake ang lalaki. Tahimik lang itong naglalagay ng damit sa isang itim na backpack. Sumulyap lang ito sa kanya at saka ipinagpatuloy ang ginagawa. Puno ng pagtataka siyang nagtanong, “Saan ka pupunta?” Iiwan mo na ba ako? Gusto sana niyang idugtong iyon pero hindi na niya naisatinig.
Isinara ni Jason ang backpack na puno ng damit at muling sumulyap sa kanya. Napansin ni Anton na hindi lang basta tahimik ang nobyo. Malungkot ito. Lukob ng kalungkutan ang itsura nito.
Hindi niya inaasahan nang bigla itong humikbi at lumuha.
“Bakit? Anong nangyari?”
“A-Anton… patay na ang tatay ko,” basag ang boses na sabi ni Jason. “Inatake siya sa puso kanina, hindi na siya umabot sa ospital. Bago ka dumating, katatapos lang naming mag-usap sa telepono ng ate ko.” Mas lalong binalot ng lungkot ang mukha niya. “Kailangan kong umuwi sa amin.”
Marahang napatango si Anton bago walang sabi-sabing niyakap si Jason na tuluyan nang bumigay sa bigat ng dibdib na nararamdaman.
“Wala na ang tatay ko, Anton. Hindi ko man lang siya nabigyan ng magandang buhay bago siya nawala. Wala akong kuwentang anak…” Yumugyog ang balikat niya sa hindi mapigilang pag-iyak.
“Huwag mong sabihin ’yan.” Hinaplos-haplos niya ang likod ni Jason para pakalmahin ito. “Alam ng tatay mo ang mga pagsisikap mo. Hindi ka nagdamot sa kanila. Naging mabuti kang anak. Maiintindihan niya kung may pagkukulang ka man.”
Kumawala siya mula sa pagkakayakap ni Anton. Gamit ang sariling palad ay tinuyo niya ang luha sa kanyang mga mata at saka hinarap ang kinakasama. “Salamat… sa mga suporta mo sa akin.” Pinilit niyang huwag nang maluha pang muli.
“Gusto mo bang samahan kita sa Mindoro?” seryosong tanong ni Anton.
Hindi agad nakasagot si Jason. Alam ng puso niya kung gaano niya kagustong makasama si Anton at maipagmalaki sa kanyang pamilya at mga kaanak sa probinsya. Pero pagkatapos nang nangyari noong lumuwas dito ang kanyang ina, natatakot siyang baka hiyain lang ulit ng nanay niya si Anton.
Naghihintay si Anton sa isasagot ni Jason. Walang pagkainip sa mukha nito.
“Okay lang ba sa’yo?” sa wakas ay naitanong ni Jason. “Iniisip ko ang nanay ko. Ayokong pagsalitaan ka niya ulit nang hindi maganda.”
“Okay lang ako. Kaya kong palampasin lahat ng sasabihin ng nanay mo.”
MARAMING tao sa bahay nina Jason nang dumating sila ni Anton. Ang iba ay nasa labas ng bahay kung saan may trapal na nagsisilbing bubong sa dalawang mesang napapalibutan ng mga kalalakihang nagsusugal.
Pagbaba pa lang nila ng traysikel ay nakamasid na agad sa kanila ang mapanuring mga mata ng mga naroroon na tila ba alam na ngayon sila darating at sadyang sila ay hinintay para may mapagbulungan.
Bitbit ang kani-kaniyang backpack ay naglakad ang dalawa papunta sa bahay nina Jason.
Pero hindi na nila nagawa pang makapasok sa loob ng bahay dahil sa labas pa lang ay sinalubong na sila ng galit at nagdadalamhating ina ni Jason.
52
“BAKIT naririto ang baklang ’yan?” salubong na tanong ng ina ni Jason sa kanya. Nanggagalaiti ito at para bang pusang handang mangalmot anumang oras. “Sinong nagsabi sa inyong puwedeng tumuntong sa pamamahay natin ang taong ’yan?”
“Makikiramay lang si Anton, ’Nay. Hindi naman yata tama na ganyan ang trato niyo sa isang taong wala namang ginagawang masama sa inyo,” depensa pa ni Jason. Siya ang nahihiya sa inaasal ng ina lalo na at ang mga kapitbahay nila ay nasa paligid lang at tila ba nakakita ng isang magandang palabas.
“At sanay na sanay ka nang sumagot sa ’kin, ha, Jason? Ano ba ang ipinakain sa’yo ng matandang baklang ’yan at itinapon mo na lahat ng kagandahang asal na itinuro namin sa’yo ng tatay mo? Sa tingin mo ba, matutuwa ang ama mo kung makikita niyang ganyan ka na kawalang-galang sa ina mo?”
“Hindi naman sa ganoon, ’Nay. Nangangatwiran lang po ako dahil sobra naman ang mga salita n’yo kay Anton, wala namang ginagawang masama sa’yo ’yung tao,” depensa pa niya. Pero inismiran lang siya ng kanyang ina. Sa malas ay tila wala itong balak na yumukod sa kanilang dalawa. Si Anton ang muling pinuntirya ng kanyang ina.
“Lumayas ka rito! Hindi ako makapapayag na madampian ng kaimoralan ang burol ng asawa ko.” Bumaling si Tesing sa anak. “At ikaw, Jason, hinding-hindi ka rin makakasilip man lang sa bangkay ng ama mo kung ipagpilitan mong isama ang matandang baklang ’yan!”
“Ano ba, ’Nay? Huwag naman kayong mag-eskandalo. Pinapanood na tayo ng mga tao.”
“Bakit, nahihiya ka? Aba, eh dapat ka lang talagang mahiya. Pumatol ka ba naman sa baklang matanda, nakakahiya talaga ’yon!” walang preno ang bibig na litanya ng ina ni Jason. Si Anton ay nanatiling tahimik at pinabayaan na lang ang pang-aalipusta nito sa kanya. Muli siyang pinagbalingan nito. “Umalis ka na kung ayaw mong ipa-barangay kita!”
Napakamot sa ulo si Jason. “Ano bang— ’Nay! Ano bang pinagsasasabi n’yo?”
“Palayasin mo siya!” sigaw ni Tesing sa anak.
Pinukol ni Anton ng tingin si Jason at saka marahang tumalikod at naglakad papalayo sa kanila.
“Anton!”
“Huwag mo siyang susundan!” babala ng kanyang ina. “Hayaan mo siya. Matanda na ’yan, hindi ’yan maliligaw!”
Hindi pinansin ni Jason ang mga sinabi ng nanay niya. Sinundan pa rin niya si Anton. Nakita niya ang nakikiusyusong mga kapitbahay pero wala siyang pakialam sa mga ito. Ang tanging nasa isip lang niya ay si Anton.
“Anton, saan ka pupunta?” tanong niya rito nang kanyang maabutan.
“Pupunta na lang muna ako sa bayan, hahanap ako ng matutuluyan doon,” matamlay na sagot ni Anton. “Magkita na lang tayo ’pag babalik na tayo ng Maynila.”
“Sasamahan na kita…”
“Huwag na. Ako na lang, kaya ko na ’to.” Muling naglakad si Anton.
“Hindi. Sasamahan na kita.” Sumunod si Jason at hindi inalintana ang nanunuring mga mata ng mga usisero at usiserang kapitbahay.
“Sige, sumama ka sa baklang ’yan. Huwag ka nang babalik dito!” sigaw ni Tesing.
Nagpatuloy lang sa paglalakad ang dalawa. Hindi pinansin ni Jason ang pagtutungayaw ng ina.
Pumara ng traysikel si Anton. Pero bago siya sumakay ay hinarap si Jason. “Hindi mo na ako kailangang samahan. Huwag mong hayaang mas lumala pa ang galit ng nanay mo. Puntahan mo na siya at mag-sorry ka sa kanya. Mas kailangan ka niya ngayon,” paalala niya rito.
“Pero…”
“Tama ang nanay mo, matanda na ako. Hindi ako maliligaw.” Tinapik niya si Jason sa balikat at saka mabilis na sumakay sa traysikel. “Pakihatid ako sa bayan. Kung saan merong hotel o lodging inn na puwede kong tuluyan,” bilin pa niya sa drayber na agad namang pinatakbo ang sasakyan.
Wala nang nagawa si Jason kundi tanawin na lang ang papalayong traysikel. At saka taas-noong naglakad pabalik sa kanilang bahay. Noon niya nakita ang Ate Mayella niyang bumaba na rin pala ng bahay at ngayon ay nasa tabi ng kanyang ina.
“Huwag na huwag mo nang pababalikin dito ang baklang iyon,” singhal ng kanyang ina nang mapatapat siya rito.“
“Tama na po, ’Nay, umalis na nga ’yung tao,” saway rito ng ate niya bago bumaling sa kanya. “Umakyat ka na sa itaas.”
Halos talunin niya ang mga baitang ng kanilang hagdan para makapasok agad sa loob ng bahay. Naabutan niya sa loob ang ilan pa nilang mga kamag-anak na lahat ay nakatingin sa kanya na para bang inuuri ang kanyang buong pagkatao. Pero hindi siya nagpadaig sa nanlilibak nilang mga tingin. Diretso siyang naglakad patungo sa kabaong kung saan nakahiga ang namayapa niyang Tatay Lino.
Halos madurog ang puso niya nang makita ang walang buhay niyang ama. Kahit na ba mukha namang payapa ang itsura nito sa loob ng kabaong, hindi niya maiwasang lukubin ng lungkot ang buo niyang pagkatao. Ilang linggo pa lang ang nakararaan nang umuwi siya at nagkausap sila ng tatay niyang buong pusong tinanggap ang kanyang sitwasyon. Ang taong inaasahan niyang kokontra sa pakikipagrelasyon niya kay Anton ang siya pang unang taong nakaintindi sa kanya. Bakit naman kinuha agad ng Diyos ang taong kakampi niya?
Kasabay ng pag-usal niya ng dalangin para sa kaluluwa ng kanyang ama ay hindi namalayan ni Jason na tumutulo na pala ang luha niya. Saganang umagos sa kanyang pisngi ang likidong nagmula sa kanyang mga mata na tanda ng sobra niyang kalungkutan pero hindi niya iyon inalintana. Hindi na nga rin niya namalayan nang lumapit at tumabi sa kanya ang ate niya.
“Bago siya namatay, nagkausap kami,” mahinang sabi ni Mayella pero sapat naman para marinig ni Jason na bahagya lang nagulat sa kapatid. “Pinag-usapan namin ang sitwasyon mo, at kung paano niyang tinanggap iyon. Ipinaliwananag niya sa akin na nasa tamang edad ka na para magdesisyon sa iyong sarili. Aaminin ko sa’yo, ayoko sa ginawa mo. Ginagawa kang paksa ng mga usapan ng mga kapitbahay. Alam mo naman dito sa atin, hindi tanggap ang ganyang klaseng relasyon. Kaya siguradong pag-uusapan ka ng lahat. Pero pagkatapos naming mag-usap ni Tatay, mas naintindihan na kita.”
“Salamat, Ate,” sagot niya sa normal sa lakas ng boses. “Wala naman akong pakialam sa mga sasabihin nila. Pagtsismisan nila ako kung gusto nila. Anong taon na ba? 2019 na. Hindi ko na kasalanan kung hanggang ngayon ay may mga tao pa ring makitid ang pag-iisip pagdating sa relasyong lalaki sa lalaki. Hindi ako ang unang lalaking nakipagrelasyon sa bakla. Hindi rin ako ang huli. Pero isa lang ang masasabi ko, hindi ako nagsisisi.”
Tinapik ni Mayella sa balikat ang kapatid. “Mahal na mahal ka ni Tatay. Naiintindihan ka niya. Pero sana, maintindihan mo rin kung bakit iba ang pagtanggap ni Nanay sa ginawa mo.”
Marahan siyang tumango. Wala rin namang siyang balak na pilitin ang nanay niya kung hindi nito matatatanggap ang ginawa niyang pakikipagrelasyon kay Anton. Kahit habang buhay pang magalit sa kanya ang ina, hindi niya tatalikuran ang mga responsibilidad niya rito bilang anak. Pero buo rin sa puso at isip niya na hindi rin niya muling ilalagay sa alanganin ang relasyon nila ni Anton ano man ang mangyari.
NAKAHANAP na ng matutuluyan si Anton. Hindi naman pala mahirap humanap ng lodging inn sa bayang iyon. Simple lang ang kuwartong nakuha niya, tipikal sa mga lodging inn sa probinsiya. Pero ayos na ayos na iyon kay Anton. Mas importante sa kanya na malinis ang lugar at may matutulugan siya mamaya pagsapit ng gabi.
Pero habang nakahiga siya at nagpapahinga ay hindi mawala sa isip niya ang mga sinabi ni Nanay Tesing. Paulit-ulit na ipinamukha sa kanya ng ina ni Jason kung gaano nito ikinahihiya ang relasyon niya sa anak nito. Naiisip niya tuloy ngayon na baka nga tamang hindi na lang niya ipagpatuloy ang pakikipagrelasyon kay Jason. Kung meron siyang ayaw na ayaw, iyon ay ang masira ang relasyon ni Jason at ng ina nito nang dahil lang sa kanya.
53
HINDI inaasahan ni Anton ang natanggap niyang tawag.
“Anton?” narinig niyang sabi ng boses babaeng nagsalita nang sagutin niya ang tawag sa kanyang cell phone mula sa isang ’di pamilyar na numero.
“Yes, sino ’to?” Bahagyang umangat ang kaliwang kilay niya sa hindi rin pamilyar na boses ng babaeng kausap niya sa kabilang linya ng telepono.
“Ako si Mayella, kapatid ni Jason.” Napaawang ang bibig ni Anton nang makilala kung sino ang kanyang kausap.
“Ahm, may kailangan ka?” tanong niya rito.
“Gusto sana kitang makausap,” sagot ni Mayella. “Maaari ba tayong magkita? Nasaan ka?”
“Nandito ako sa Tahanan Lodging Inn, sa bayan, malapit sa may palengke.”
“Puwede ba kitang puntahan diyan?”
Naisip ni Anton, wala naman siyang dapat ikabahala kung makaharap man niya ang ate ni Jason. “Sige, punta ka na lang dito.”
“Salamat… Papunta na ako riyan.”
Hindi nagtagal ay nakatanggap ng text message si Anton mula kay Mayella na nagsasabing naroon na ito sa labas ng lodging inn kung saan siya tumutuloy. Mabilis siyang nagtungo sa kinaroroonan ng babae. Hindi man niya kilala ang ate ni Jason ay ito na mismo ang tumawag sa kanya nang makita siya nitong lumabas sa pintuan ng lodging inn.
“Anton!”
Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses. Nakita niya ang isang magandang morenang babae. Nakapusod ang buhok nito at kitang-kita ang maaliwalas nitong mukha bagama’t bakas ang lungkot sa mga mata nito.
Nilapitan niya ang babae at agad siyang nag-abot ng palad sabay sabing, “Ikinagagalak kitang makilala, Mayella.”
Inabot naman nito ang kanyang palad kasunod ang isang matipid na ngiti.
“Anong pag-uusapan natin? Doon tayo?” Itinuro niya ang isang fast food restaurant na nasa tapat lang ng kinaroroonan nila.
“Hindi na. Sandali lang naman tayo. Gusto ko lang itanong sa’yo, seryoso ka ba sa kapatid ko?”
Kahit nagulat si Anton na diretsong tanong ni Mayella ay hindi siya nagdalawang-isip sa isasagot. “Oo, lahat ng relasyong pinasukan ko, seryoso ako. May mga pagkakataong hindi lang talaga nagkasundo kaya nagkahiwalay. Pero lagi akong seryoso at hindi ko ugaling manloko ng tao.” Siniguro pa niyang nakatingin siya sa mga mata ng babae habang nagsasalita.
“Paano kung hindi talaga matanggap ng nanay namin ang relasyon niyo ni Jason?”
“Hindi ko pipigilan si Jason kung mas pipiliin niya ang nanay n’yo. Pero hindi ko rin naman siya iiwanan nang dahil lang may mga taong kontra sa relasyon naming dalawa,” buo ang loob na sagot niya.
“Mahal mo ang kapatid ko?” Tinitigan siya ni Mayella.
“Nagmamahalan kami. Pareho naming mahal ang isa’t isa.” Hindi siya nagpatalo sa pakikipagtitigan. “Kahit hindi pa naman ganoon katagal ang aming relasyon, marami na rin kaming pinagdaanang mga problema. Pero nandito pa rin kami, patuloy na pinatutunayan sa mundo kung anong klaseng pagmamahal ang mayroon kami.”
Hindi makapagsalita si Mayella. Pero nangilid ang luha sa kanyang mga mata.
“Hindi ko ipapahamak ang kapatid mo, kung iyon ang ikinababahala mo,” seryoso niyang sabi kay Mayella. Totoo naman kasi ang sinasabi niya. Kailan man ay hindi siya nagkulang sa mga nakaraang relasyon niya. Siya iyong laging iniiwan sa anumang mga kadahilanan. “At my age, ngayon pa ba ako magloloko?”
Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Si Anton ang bumasag nito.
“Mayella…”
“Wala na akong itatanong. Wala na akong sasabihin pa. Sana lang, ingatan mo talaga ang kapatid ko. Para sa kaluluwa ni Tatay, tatanggapin ko nang maluwag ang relasyon n’yo ni Jason.”
“Salamat…”
“Aalis na ako…” Tumalikod na si Mayella at humakbang papalayo. Pero pagkatapos ng ilang hakbang ay tumigil ito at lumingon kay Anton. “Alam ni Jason na magkikita tayo. Sa kanya ko hiningi ang cell phone number mo.”
Marahang napatango na lang si Anton.
Hanggang sa maglakad na papalayo si Mayella ay sinundan niya ito ng tingin. Sa puso niya, masaya siya na handa ang kapatid ni Jason na tanggapin ang kung ano mang mayroon sa kanilang dalawa.
ISANG masayang ngiti ang isinalubong ni Yuri kay Carlo nang pumasok ito sa silid ng ospital. Napansin miyang may bitbit itong pulang plastic bag. Kanina pa siya gising. Nalaman niya mula sa nurse na umuwi lang sandali ang nagbabantay sa kanya. Si Carlo lang naman ang alam niyang nagtitiyagang mag-alaga sa kanya mula noong dinala siya nito sa ospital pagkatapos siyang barilin ni Shelley.
“Gising ka na pala. Umuwi lang ako para maligo at magpalit ng damit,” paliwanag si Carlo. Ipinatong niya sa mesa ang isang plastic bag na may lamang oranges.
Tumango si Yuri at saka ngumiti. “Hindi mo naman kailangang magpaliwanag. Nahihiya na nga ako sa’yo. Hindi ka na yata nakakapasok sa trabaho sa kababantay sa akin.”
“Nag-leave naman ako sa office. Huwag kang mag-alala, marami pa akong leave na hindi nagagamit. At madali lang namang magpa-approve ng VL ’pag sa gobyerno nagtatrabaho,” sagot naman niya.
“Nakausap ko pala ’yong doktor kanina,” sabi ni Yuri na ikinatingin dito ni Carlo. “Puwede na raw akong lumabas sa makalawa.”
“That’s good news,” nakangiting reaksyon ni Carlo.
“Uuwi na lang muna ako sa probinsya pagkalabas ko rito,” seryosoyong sabi ng pasyente.
Hindi nakasagot si Carlo. Parang may bahagi ng pagkatao niya na gustong tumutol. “Kung iyan ang makabubuti sa’yo, sige. Saan ba ang probinsya mo?”
“Sa Tuguegarao. Doon na lang muna siguro ako. May maliit na negosyo naman doon ang mga magulang ko, tutulungan ko na lang sila.”
“Alam na ba nila ang nangyari sa’yo?”
“Hindi pa,” sagot niya habang umiiling. “At ayoko na ring sabihin, baka mag-alala lang sila. Okay naman na ako.”
“Ikaw ang bahala,” kaswal na sabi ni Carlo. Parang okay lang sa kanya ang desisyon ni Yuri pero bakit parang may kakaibang lungkot na kanyang nararamdaman?
Nagulat pa si Carlo nang biglang abutin ni Yuri ang kanyang kamay at hawakan nang mahigpit.
“Maraming salamat sa lahat ng tulong mo,” seryosong sabi nito na hindi inaalis ang pagkakatitig sa kanya.
“Wa-wala ’yon. Kahit sinong nasa sitwasyon ko, ganoon din ang gagawin.” Naramdaman niyang mas hinigpitan pa ni Yuri ang pagkakahawak sa kamay niya. Naramdaman din niya ang bahagyang pagpisil nito sa kanyang kamay. Para siyang biglang naasiwa at kumalas mula sa pagkakahawak sa kanya ni Yuri.
Agad niyang kinuha ang prutas na nasa mesa. “Teka, kumain ka muna nitong dala kong mansanas.”
“Anong mansanas? Orange ’yan, ah!” natatawang sabi ni Yuri.
“Oo nga, orange pala. Eto, kumain ka.” Iniabot niya rito ang isang piraso ng orange. “Ikaw na ang magbalat. Baka marumi ang kamay ko.”
Inabot ni Yuri ang prutas pero hindi nawawala ang pagkakangiti niya. Ramdam niyang parang wala sa sarili si Carlo.
Sinulyapan niya ito habang binabalatan niya ang orange. Huling-huli niyang nakatingin din ito sa kanya. “Gusto mo?” alok niya kay Carlo.
Sunod-sunod na iling ang pinakawalan nito. “Ikaw na lang…”
“Ako na lang ang gusto mo?” kunwa’y nagulat na sabi ni Yuri.
“Hindi, ah!” tigas na tanggi ni Carlo. “Anong pinagsasasabi mo?” Ayaw niyang magpahalata pero naaasiwa na siya sa takbo ng usapan nila ni Yuri. Ano ba itong nangyayari sa kanya?
54
KANINA pa paikot-ikot sa silid niya si Shelley habang humihitit ng sigarilyo. Bagot na bagot na siya sa araw-araw na pagtatago sa bahay na ito sa probinsiya. Siguro naman ay nagsawa na ang mga pulis sa paghahanap sa kanya. Kailangan na niyang bumalik sa Maynila dahil hindi pa tapos ang misyon niya sa pesteng matandang Anton na iyon. Hindi matatahimik ang isip niya habang alam niyang masaya si Anton.
Hindi puwedeng masaya si Anton habang siya ay kinakain ng matinding kalungkutan dahil ang lalaking gusto niya ay si Anton pa rin ang mahal.
Hindi puwede ang ganoon!
Nayayamot na itinapon niya ang sigarilyo sa bintana at saka misteryosong ngumiti.
Kinuha niya sa aparador ang bag na dala niya pagpunta roon at saka siya nagpalit ng damit. Siniguro niyang maganda siya. Naglagay siya ng make-up at pinapula nang todo ang labi.
Dinampot niya ang bag at saka nagmamadaling lumabas ng bahay at pumara ng tricycle. Bakas sa mukha niya ang kakaibang ngiti.
“Dalhin mo ako sa bus terminal,” utos niya sa drayber.
Humarurot ang tricycle paalis sa lugar na iyon.
Pabalik na rin ng Maynila sina Anton at Jason. Kabababa lang nila ng fast craft at ngayon nga ay sakay na sila ng bus na magdadala sa kanila sa Maynila. Tahimik na nakaupo si Anton malapit sa bintana.
Hanggang sa mailibing ang ama ni Jason ay hindi na nakabalik si Anton sa bahay nito. Pero gumawa siya ng sariling paraan para maipakita sa yumao ang respeto niya rito. Nagpunta siya sa simbahan at nag-alay ng misa para rito. Para sa buong siyam na araw at isang misa rin para sa ikaapatnapung-araw naman. Kaya kahit nasa Maynila na sila, kampante siyang may misang iaalay para sa kaluluwa ng ama ni Jason.
Hindi siya galit sa nanay ni Jason. Naiintindihan niya ito nang lubos. Kahit sinong nanay naman siguro ay hindi papayag na ang anak nilang lalaki ay sa bakla makikisama. Walang nanay na mangangarap ng ganoon para sa mga anak nila. Kaya wala ring balidong dahilan para magalit siya sa nanay ni Jason kung tutol man ito sa relasyon nila. Masaya na siya na alam niyang natanggap sila ng tatay ni Jason pati na rin ng Ate Mayella nito. Kung dumating man ang panahon na matanggap rin sila ng nanay ni Jason, salamat. Pero kung hindi man dumating ang oras na iyon, hindi niya dadalhin bilang malaking kabiguan sa kanyang buhay.
“Tahimik ka,” pansin sa kanya ni Jason at siniko pa siya nito.
Sinulyapan siya ni Anton bago ito nagsalita, “Wala naman. Inaantok lang.”
“Matulog ka muna. Mahaba pa ang biyahe natin.”
Hindi siya sumagot. Itinali niya ang kurtina ng bintana ng bus at itinuon ang tingin sa labas ng bintana.
“Iniisip mo ba si nanay?” tanong ni Jason. Kunot ang noong napatingin siya rito.
“Ba’t ko naman iisipin ang nanay mo?”
“Baka kasi iniisip mo pa rin ang mga sinabi niya. Sabi ko naman sa’yo na ’wag mo siyang intindihin. Dahil kahit ano pa ang mangyari, hindi kita iiwan. Pangako ko ’yan sa’yo.” Bahagya pa niyang sinundot sa tagiliran si Anton na ikinapiksi nito.
“Tigilan mo nga ’yan,” saway niya rito. “Hindi ito ang oras para sa mga ganyan.”
“Sige, sa bahay na lang pagdating natin…” bulong ni Jason. “Na-miss kita, eh.”
“Tumawag nga pala kahapon sa akin si Carlo. Nakalabas na ng ospital si Yuri at umuwi na lang muna sa probinsiya nila,” pagbabalita pa ni Anton.
“Mabuti naman kung ganoon. Para nababawasan ka ng problema.”
“Hindi ko naman sila pinoproblema. Pero hindi mo rin naman maiaalis sa akin ang mag-alala dahil si Shelley ang gumawa noon kay Yuri at alam kong matindi rin ang galit sa akin ng baklang iyon. Hindi nga ako magtataka kung gusto rin niya akong patayin.”
“Ah, ’yon naman ang hindi ko mapapayagang mangyari. Magdadaan sa bangkay ko ang Shelley na ’yan bago ka niya masaktan. Pangako ko ’yan sa’yo,” seryosong pahayag ni Jason. “Habang buhay pa ako, walang sinumang puwedeng kumanti sa’yo.”
Tiningnan lang ni Anton si Jason at saka muling itinuon ang tingin sa labas ng bintana. Sa malas ay mukhang matatagalan pa ang biyahe nila dahil sa natanaw niyang nakabalandrang sasakyan sa bandang unahan ng kalye.
May nagkabanggaang dalawang sasakyan at ngayon ay naging dahilan ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lugar na iyon.
DUMIRETSO si Shelley sa bahay niya. Maingat siya habang papasok sa bahay. Palinga-linga pa siya dahil iniisip niyang baka may mga pulis sa paligid na nag-aabang sa kanyang pagbabalik dito sa bahay niya.
Nang makapasok sa kuwarto ay buong laya niyang inilatag ang kanyang katawan sa kama. Ilang araw din niyang hindi nagamit ang kama niyang ito. Miss na miss na niyang matulog sa komportableng kama niya.
Hindi na nga niya namalayan ang oras. Nakatulog siya nang mahimbing dahil na rin sa matinding pagod sa biyahe.
Madilim na nang magising siya. Kaagad siyang bumangon at nagtungo sa banyo para maligo. Hindi siya puwedeng mag-aksaya ng oras. Makakatulong ang dilim ng gabi para magawa niya ang plano niya kay Anton. Hindi puwedeng hindi mawala sa landas niya ang matandang baklang iyon. Hindi babalik sa kanya si Carlo hanggang nasa paligid lang si Anton kaya kailangang mawala ito sa landas niya!
NAGMAMADALING nagtungo sa pintuan si Jairus nang makarinig siya ng sunod-sunod na mga katok sa pinto. Alam niyang ngayon uuwi sina Anton at Jason. Sa wakas ay dumating na ang mga ito. Kanina pa siya naghihintay.
Excited pa siya nang buksan ang pinto.
“Bakit ngayon lang—” Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil sa nakita niyang nakatutok na baril sa mukha niya. Sa harapan niya ay may isang baklang ayos babae na puno ng galit sa mukha habang mahigpit ang pagkakahawak sa baril na nakatutok sa kanya.
“Pasok!” mariing utos ni Shelley at saka idiniin pa sa mukha ni Jairus ang dulo ng baril. Nang makapasok na rin siya sa loob ng bahay ay isinara niya ang pinto at sinigurong naka-lock iyon.
“Sino ka? Paano kang nakapasok sa gate?” Pinigilan ni Jairus ang sarili na magpakita ng takot.
Ngumisi si Shelley at nang-iinsultong sumagot, “Hindi mo ako kilala, baklang mataba? Puwes, magpapakilala ako. Shelley is the name.” Nanlaki ang mga mata ni Jairus. Ito pala ang Shelley na nanggugulo lagi kay Anton sa telepono. “Bukas ang gate. Iniwan mong bukas, baklang pangit at tanga!” diin ni Shelley. “Ngayon, magtataka ka pa kung paano ako nakapasok?”
Nagdilim ang mukha ni Jairus. Mapapatawad niya ang pagtutok sa kanya ng baril ng baklang ito at kahit na nga ang pagtawag sa kanya ng tanga. Pero ang tawagin siyang pangit ay itinuturing niyang isang kalapastangan sa kanyang kagandahan. “Akala mo naman maganda ka? Eh, binalot mo lang naman sa kolorete ang pagmumukha mo, baklang toh!” nanggigigil niyang sabi.
“Nasaan si Anton?” galit na sigaw ni Shelley.
“Nakita mo ba rito? Hindi ba, wala? Eh, ’di wala!”
“Huwag kang pilosopo kung ayaw mong kumalat sa sahig ang utak mong malabnaw!”
“Eh, gaga ka pala. Sige, iputok mo ang baril na ’yan para marinig ng kapitbahay. Akala mo ba makakaligtas ka? Mapatay mo man ako, mabubulok ka naman sa kulungan, boba!”
Naningkit ang mga mata ni Shelley. “Hindi ko gusto ang katabilan mo. Gusto kong tabasan ang dila mo,” mariin nitong sabi.
Tumunog ang telepono ni Jairus na nasa bulsa ng suot niyang shorts.
“Sinong tumatawag sa’yo?” agad na tanong ni Shelley. Hindi pa rin nito inaalis ang pagkakatutok ng baril kay Jairus.
“Malay ko!” singhal niya rito.
“Akin na ang cell phone mo! Bilis!”
Nakasimangot na dinukot niya ang telepono sa bulsa at iniabot kay Shelley. “Ayan, sa’yo na! Tsismosa! Pati tawag na ’di sa’yo pakikialaman mo.”
Nabasa ni Shelley ang pangalan ng tumatawag. “Frank. Sino si Frank?”
“Boyfriend ko,” mabilis niyang sagot. “Bakit, inggit ka? Tatawagin mo akong pangit, at least may boyfriend. Eh, ikaw, waley! At walang magtitiyaga sa’yo dahil ang sama ng ugali mo.”
Nagpanting ang tainga ni Shelley sa sinabi ni Jairus. Kumulo ang dugo niya at umakyat hanggang ulo. Walang babalang sinugod nito si Jairus.
Sa labas ng bahay ay pumarada sa tabi ng gate ang isang taksi. Magkasunod na bumaba sina Jason at Anton dala ang kani-kanilang mga backpack.
Agad na napansin ni Anton ang nakabukas na gate.
“Nakalimutan na naman ni Jairus na isara ang gate.” Napailing-iling na lang siya. Si Jason na ang nag-lock ng gate.
Noon sila nakarinig ng kalabog kasunod ang tila nabasag na salamin mula sa loob ng bahay.
“Ano ’yon?” tanong ni Anton. “Si Jairus!”
Napatakbo si Jason para tingnan kung ano ang nangyayari sa loob ng bahay. Mabilis din namang nakasunod sa kanya si Anton. Binuksan niya ang pinto pero naka-lock ito.
“Hayup ka! Bitiwan mo ’yan!” narinig nilang sigaw ni Jairus.
“Hindi!” narinig nilang sagot ng kung sino mang kaaway ni Jairus sa loob.
Mabilis na dinukot ni Jason sa bulsa niya ang mga susi at agad na sinusian ang lock ng pinto. Eksaktong pagbukas ng pinto ay tumambad sa kanya ang dalawang nag-aagawan sa baril.
“Jairus!”
Kapwa napatingin sina Jairus at Shelley kay Jason. Hindi pa rin nila binibitawan ang isa’t isa.
Noon pumutok ang baril.
Sapul si Jason!
55
“JASON!” Binalot ng hilakbot ang mukha ni Anton nang makita ang dugong umaagos sa tagiliran nito. Agad niya itong dinaluhan.
Sinapo ni Jason ang tinamaang bahagi ng kanyang katawan. Unti-unti siyang naupos.
“Hayup kang bakla ka!” Kinagat ni Jairus ang braso ni Shelley. Napasigaw ito sa sakit at nabitiwan nito ang baril.
Hindi na binigyan ni Jairus na makabawi pa si Shelley. Kinubabawan niya ito at pinagsasampal. Kung minsan ay umiigkas din ang kamao niya sa katawan nito. Nang mapagod ay tinantanan niya rin ito.
“Tumawag ka ng pulis! Tumawag ka ng ambulansya!” natatarantang sigaw ni Anton.
Nakita ni Jairus ang cell phone niya sa sahig. Mabilis niya itong dinampot at tumawag sa istasyon ng pulis. “Hello? Police station… Pumunta kayo rito sa Sampaloc. May barilan… Ambulansya, kailangan din ng ambulansya. Ano? Address? Teka, eto…”
Sa gitna ng pagkataranta ng lahat, nagawang damputin ni Shelley ang baril niya at dahan-dahang nakabangon.
“Hindi pa tayo tapos. Magsasama kayong lahat sa impiyerno!” umiiyak na sigaw ni Shelley habang nakatutok kina Jairus, Anton at Jason ang baril. “Kasalanan mo ito, Anton. Gusto mong agawin sa akin si Carlo.”
“Anong pinagsasasabi mo? Wala akong inaagaw sa’yo! Wala na kami ni Carlo bago pa naging kayo. Naghiwalay kayo dahil na rin sa’yo, hindi dahil sa akin.” Hindi maintindihan ni Anton kung bakit siya nagpapaliwanag sa baklang ito na tila sarado naman ang isip.
“Hindi ’yan totoo!” malakas nitong sigaw kasabay ang pagpapaputok ng baril sa itaas na naglagos sa kisame ng bahay. Napapitlag si Jairus sa putok ng baril. “Inagaw mo sa akin si Carlo. Inagaw mo, kaya dapat kang mamatay!” Muling itinutok ni Shelley ang baril sa kanila pero maliksing hinablot ni Anton ang kamay nito at pilit na inagaw ang baril. Mas malakas si Anton kaysa kay Shelley pero hindi ito ang tipong magpapatalo nang basta-basta.
Pinilipit ni Anton ang braso ni Shelley pero wala itong balak na bitiwan ang baril. Nakipaglaban ito kay Anton nang buong lakas at buong tapang.
“Best friend, mag-iingat ka!” tili ni Jairus. At saka niya nakita si Jason na tigmak na sa dugo ang tagilirang bahagi hanggang sa may tiyan nito.
Isang malakas na suntok sa mukha ang ipinatikim ni Anton kay Shelley. Tumilapon sa sahig ang bakla at nabitawan ang baril na agad namang dinampot ni Anton at tinanggalan ng mga bala. Biglang bumunghalit ng iyak si Shelley.
“Salbahe ka. Sinasaktan mo ako. Masama kang tao!” sigaw pa nito at saka muling bumunghalit ng iyak.
Napanganga si Anton. Anong nangyayari kay Shelley? Pero hindi pa siya nakakabawi sa nasaksihan ay bigla na naman siyang nagulat sa sunod nitong ginawa.
Biglang humalakhak si Shelley na akala mo ay masayang-masaya. Naging malikot ang mga mata niya. Tapos ay humikbi… at muling umiyak. At saka humagikgik na tila ba kinikiliti.
Maging si Jairus ay hindi makapaniwala sa nakitang itsura ni Shelley. Nabaliw na yata ang baklang ito.
Nagkatinginan sina Anton at Jairus.
“Mga salbahe kayong lahat. Ayoko sa inyo, salbahe kayo!” Tumawa nang pagkalakas-lakas si Shelley at saka tumayo at nagtatakbo papalabas ng pinto.
Paglabas niya ng gate ay tila nagulat pa ito sa dami ng mga taong nasa labas at nabulabog sa mga putok ng baril.
Noon naman dumating ang mga pulis. Kasunod nito ang isang ambulansya. Bumaba ang mga ito sa police mobile at lumapit kay Shelley. Ang iba naman ay tumakbo papunta sa bahay nina Anton.
Nataranta si Shelley at hindi na alam ang gagawin. Muli itong umiyak, pagkatapos ay tumawa.
Iyak, tawa.
Tawa, iyak.
Sa malikot na mga mata ni Shelley ay makikita ang lubos na takot at pagkabahala.
“Huwag kayong lalapit! Wala akong kasalanan! Sinaktan nila ako. Salbahe silang lahat!” umiiyak na sigaw ni Shelley. “Salbahe sila…” Umatungal na ito sa labis na paghihinagpis.
Hinuli ng mga pulis si Shelley. Sumama sa presinto si Jairus. Si Jason naman ay isinugod sa pinakamalapit na ospital kasama si Anton.
Kaagad na binigyan ng first aid treatment sa emergency room si Jason habang inihahanda ang operating room.
“Marami ng dugo ang nawala sa pasyente. Kailangang masalinan siya ng dugo,” sabi ng doktor kay Anton. “Blood type O.”
“Ako, type O ako. Kunan n’yo ako ng dugo,” kaagad na pagboboluntaryo niya.
“Maghintay ka lang dito. Ipatatawag kita sa nurse mamaya,” sagot ng doktor.
Bago pa siya puntahan ng nurse ay tinawagan ni Anton si Mayella.
“Si Anton ’to,” pagpapakilala niya nang marinig niya sa kabilang linya ang boses ng ate ni Jason.
“Napatawag ka… Dis-oras na ng gabi.”
“Nandito ako sa ospital. Nabaril si Jason… Ooperahan siya at sasalinan rin ng dugo,” pahayag niya sa kausap.
“Anong nangyari? Bakit siya nabaril? Sinong bumaril?” Ramdam ni Anton ang pangamba at pag-aalala sa boses ni Mayella.
“Mahabang kuwento, Mayella.”
“Sir, excuse me. Kayo po ba ang donor ng dugo para kay Jason?” Hindi niya namalayang nakalapit na ang nurse at ngayon ay nagtatanong.
Mabilis siyang tumango. “Oo, ako nga.”
“Sumunod na po kayo sa akin…”
Habang naglalakad ay nagpaalam siya sa kausap sa cell phone. “Mayella, ite-text ko na lang sa’yo ang address ng ospital sakaling gusto mong dalawin si Jason. Tinawag na ako ng nurse. Kukunan na ako ng dugo para isalin kay Jason. Saka na lang tayo ulit mag-usap.”
“Huwag mong pababayaan ang kapatid ko. Pakiusap…” nanginginig ang boses ni Mayella.
“Hindi ko siya pababayaan, pangako. Naniniwala akong malalagpasan niya ang operasyon.”
DINALA ng mga pulis sa presinto si Shelley. Sinubukan ng mga pulis na kausapin ito at kunan ng pahayag pero hindi ito sumasagot sa mga tanong. Si Jairus na lang ang nagbigay ng impormasyon sa mga pulis tungkol sa mga nangyari.
“Sa tingin mo, ano ang motibo ng suspek para gawin ang karahasang iyon sa mismong bahay n’yo?” tanong ng pulis.
“Selos. Nagseselos siya sa kaibigan ko kasi akala niya, nagkabalikan ang kaibigan ko at si Carlo na ex na rin ni Shelley. Paranoid na ang bakla. Hindi ito ang unang beses na may binaril siya. Kalalabas lang sa ospital noong lalaking binaril niya,” pahayag pa ni Jairus. “Ewan ko ba sa baklang ’yan. Lumuwag na yata ang turnilyo. Tingnan n’yo, umiiyak tapos biglang tatawa. Weird…”
“Makikipag-coordinate kami sa police station na may hawak ng kasong pamamaril na sinabi mo. Iimbitahan din namin dito ang kaibigan mo para makunan din namin ng pahayag,” sabi ng pulis.
“Puwede na ba akong umalis?” tanong niya. “Pupuntahan ko pa sa ospital ang mga kaibigan ko.”
“Sige, tatawagan ka na lang namin kapag may mga katanungan pa kami.” Kinamayan siya ng pulis.
“Jairus!” Narinig niyang may tumawag sa kanya. Nilingon niya ang pinagmulan ng tinig.
“Frank!” Bumakas ang saya sa mukha ni Jairus. Tinawagan na niya kanina ang binata at naikuwento na niya rito ang nangyari kaya nagpunta agad ito sa presinto. “Mabuti at dumating ka na, samahan mo ako sa ospital.”
“Halika na…”
Habang nasa biyahe, isa lang ang panalangin ni Jairus.
Sana ay nasa maayos na kalagayan na si Jason.
Hindi puwedeng mamatay si Jason.
Hindi puwede…
Hindi ngayon!
56
TAPOS nang operahan si Jason nang dumating sa ospital sina Frank at Jairus. Nasa kuwarto na ito na may dalawang higaan. Sa kabila ay naroon si Anton na nagpapahinga dahil katatapos lang din niyang kunan ng dugong isinalin kay Jason.
“Best friend, pasensya ka na. Natagalan kami sa presinto. Tapos sobrang trapik pa kaya ngayon lang kami nakapunta rito,” paliwanag ni Jairus.
“Kumusta na si Jason?” tanong naman ni Frank.
“Naoperahan na siya,” umpisa ni Anton. “Maraming dugo ang nawala sa kanya kaya nagbigay ako ng dugo. Sabi ng doktor, hintayin na lang natin na magising siya. Huwag lang magkakaroon ng komplikasyon, magiging maayos na ang lagay niya.”
“Mabuti naman kung ganoon. Takot na takot ako kanina, best friend. Ang dami niyang dugo. Mabuti magkatipo kayo. Kung nagkataon maghahanap pa tayo ng katipo niya.” Kahit paano ay nakahinga nang maluwag si Jairus.
“Umuwi na muna kayo para makapagpahinga kayo. Ako na lang ang bahalang magbantay rito,” sabi ni Anton sa dalawang kasama.
“Sige, best friend. Pero babalik ako bukas. Para may kasama ka sa pagbabantay rito.”
Tumango siya. “Salamat…”
“Mauuna na kami…” pagpapaalam ni Frank.
“Ingat kayo,” tipid niyang sagot.
Hanggang sa makaalis ng ospital sina Frank at Jairus ay nanatili na lang si Anton sa silid ni Jason. Dito lang siya… magbabantay. Hindi niya iiwan si Jason sa lahat ng mga laban nito sa buhay.
Kinabukasan ay naalimpungatan si Anton sa boses na tumatawag sa kanyang pangalan.
Nagmulat siya ng mga mata.
“A-anton…”
Gising na si Jason!
Kaagad siyang bumangon at bumaba sa kama para makalapit sa pasyente.
“Kumusta na ang pakiramdam mo?” nag-aalala niyang tanong.
“Masakit lang ang sugat ko, pero okay na ako,” sagot ni Jason sa mahinang tinig.
“Sigurado ka? Wala kang iba pang nararamdaman?” paniniguro pa niya.
“Oo…”
Noon pumasok ng silid ang doktor kasama ang isang nurse.
“Gising na pala ang pasyente. Nurse, please check his vital signs,” utos ng doktor sa kasama na agad namang sumunod at ginawa ang mga dapat niyang gawin. Pagkatapos ay iniabot sa doktor ang patient’s record.
Nilagyan ng doktor ng betadine solution ang sugat ni Jason. Nang matapos ay gumawa ito ng reseta at ibinigay kay Anton. “Bilhin mo ito at umpisahan mong ipainom sa pasyente ngayon, three times a day para sa mas mabilis niyang paggaling.”
“Sige po, Doc.”
Nang makalabas na ang doktor at ang nurse ay nagpaalam si Anton kay Jason.
“Pupunta lang ako sa botika. Saglit lang…” Nakita niyang marahang tumango ang pasyente.
Maliksing kumilos si Anton. Ayaw niyang matagal na maiwang mag-isa si Jason. Nang makabalik sa silid ay agad niyang pinainom ng gamot ang pasyente. Muli itong nakatulog pagkatapos uminom ng gamot.
Bago magtanghali ay dumating si Jairus. May dala itong pagkain para kay Anton at prutas para kay Jason.
“Ba’t dinalhan mo pa ako ng pagkain?” tanong ni Anton sa kaibigan.
“Siyempre, baka mamaya ikaw naman ang magkasakit. Gusto ko lang masiguro na makakakain ka nang maayos at nasa oras,” paliwanag ni Jairus.
“Boyfriend mo na ba si Frank?” biglang naitanong niya.
“Oo, bakit?”
“Kaya pala todo effort na samahan ka rito sa ospital kagabi.”
“Siyempre naman, love niya ako, eh.” Abot-tenga ang ngiti ni Jairus.
“I’m happy for you,” matapat niyang sabi. “You deserve to be.”
Tila dalagang mahiyain na nagpakawala si Jairus ng isang mahinhin na ngiti. “Thank you, best friend. Ito na talaga. Hindi ko na pakakawalan si Frank.”
Kinagabihan ay dumating sa ospital si Mayella kasama ang inang si Tesing. Si Anton na lang ang nagbabantay kay Jason nang oras na iyon dahil umuwi na si Jairus. Eksaktong pinapainom ni Anton ng gamot si Jason nang pumasok sa silid ang mag-ina. Dala-dala pa nga ni Mayella ang isang bag na mukhang naglalaman ng mga damit nilang mag-ina.
Nagulat pa si Anton sa malakas na boses ng ina ni Jason.
“Kung sinunod mo lang ang sinabi kong layuan mo ang anak ko, hindi niya sana sinapit ang trahedyang ito.” Dire-diretsong lumapit si Tesing kay Anton at sinampal ito.
Hindi agad nakakilos si Anton. Dinama lang ng kaliwang palad niya ang pisnging nasaktan.
“’Nay…” daing ni Jason. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ng ina.
“Nasa ospital po tayo, ’Nay. Huwag kayong gumawa ng eksena rito,” pakiusap ni Mayella.
Hinarap ni Tesing ang anak na babae. “Hindi puwede rito? Puwes, sa labas!”
“Tama na, ’Nay. Pumunta tayo rito para makita ang kalagayan ni Jason, hindi para makipag-away.”
Pero parang walang narinig si Tesing. Muli siyang bumaling kay Anton at hinawakan ang suot na t-shirt nito. Padaskol na hinila si Anton ng ina ni Jason.
“Halika rito! Halika!” Hila-hila ng matandang babae si Anton papalabas ng silid.
“Teka, ’Nay!” Susunod sana si Mayella pero pinandilatan siya ng kanyang ina.
“Diyan ka lang. Huwag kang makasunod-sunod dito. Bantayan mo ang kapatid mo!” pasigaw na utos ni Tesing sa anak na babae.
Hila-hila pa rin ni Tesing si Anton habang naglalakad sila sa pasilyo ng ospital. Nang madaanan nila ang pinto ng fire exit ng ospital ay binuksan iyon ni Tesing at pumasok sila roon.
“Dito tayo. Kahit patayin kita rito, walang makikialam,” matigas na sabi ni Tesing. Tinitigan nito si Anton habang hawak pa rin ang t-shirt nito. “Sagutin mo ako, ano ba talaga ang plano mo kay Jason? Kailan mo lulubayan ang anak ko? Kailan mo siya titigilan, kapag patay na siya? Hihintayin mo pa bang mamatay muna ang anak ko bago ka magising sa kahibangan mo?” galit na galit na tanong ni Tesing. Kung nakamamatay lang ang matalim na tingin, kanina pa siguro bumulagta sa sahig si Anton.
“Ano bang kasalanan ko sa’yo?” buwelta naman niya. “Bakit galit na galit ka sa akin? Minahal lang ako ng anak mo. Minahal ko lang din siya. Nagmahalan lang kami. Bakit hindi mo iyon matanggap?”
“Dahil bakla ka! Ayokong masunog sa impiyerno ang kaluluwa ng anak ko! Inililigtas ko lang siya sa malaking kasalanan. Kasalanan na patuloy niyang gagawin kung hindi niya puputulin ang pakikipagrelasyon sa’yo,” nanggigigil na sabi ni Tesing. Hindi niya kailanman matatanggap na sa isang bakla lang makikisama si Jason. Hinding-hindi! “Nakakahiya… Alam mo iyon? Kukutyain siya ng mga tao. Pagtatawanan siya. Dahil ano? Dahil nakipagrelasyon siya sa’yo. Dahil nakisama siya sa bakla.”
Hindi makapaniwala si Anton sa sinabi ng ina ni Jason. “Bakit ang damot ng puso mo? Bakit ang damot mo?” sumbat niya rito. “Mas iniisip mo pa ang sasabihin ng ibang tao kaysa sa kaligayahan ng anak mo. Ipokrita ka!”
Lumagapak muli ang palad ni Tesing sa mukha ni Anton. Pangalawa na. Ramdam niya ang sakit pero gusto niyang turuan ng leksyon ang ina ni Jason. Hindi siya nagdalawang-isip na sampalin din ito.
Gulat na gulat si Tesing. Hindi niya inaasahang gaganti si Anton.
“Tarantado ka! Wala kang karapatang saktan ako! Matandang bakla ka lang!” histerikal na sabi ni Tesing. Tinangkang hablutin ng babae ang buhok ni Anton pero maagap na nahawakan niya ang dalawang braso nito. Buo ang loob niyang hinarap ang galit na galit na ina ni Jason.
“Oo, may edad na ako. At oo, bakla ako. Pero may pinagkatandaan ako at mas mabuting tao ang baklang ito kaysa sa inyo!” namumula ang mukhang sabi niya sa babae. “Hindi kabawasan ng pagkatao ko ang pagiging bakla ko. Pinalaki ako ng magulang ko na may tamang asal. Kailan man ay hindi ako nang-agrabyado ng tao. Marunong akong rumespeto sa iba. Eh, ikaw? Anong klaseng pagkatao mayroon ka? Saan mo natutunan ang ganyan kabaluktot na pag-uugali?”
Nagpupumiglas si Tesing at pilit na kumawala sa pagkakahawak niya. “Bitiwan mo ako! Kahit ano pa ang sabihin mo, hindi magbabago ang paniniwala ko na hindi ka magandang impluwensiya sa anak ko. Kaya layuan mo ang anak ko para parehong matahimik ang mga buhay natin.”
Napailing si Anton. “Nakakaawa ho kayo. Natanggap kami ng asawa mo. Natanggap kami ni Mayella. Bakit ikaw, bakit hindi mo kami matanggap? Nakikita mo ang mali sa ginagawa namin. Kailan mo naman makikita ang mali sa ginagawa mo? Sa ginagawa mong panghuhusga at pagyapak sa karapatan naming magmahal at mahalin.” Hindi inaalis ni Anton ang tingin sa mata ni Tesing. Nagpatuloy siya, “Hindi ko ho kayo hinuhusgahan, pero matanong ko nga ho kayo… Hindi ka ba nakagawa ng pagkakamali sa buong buhay mo? Hindi ka ba nagkasala kahit minsan sa buhay mo? Pare-pareho tayong tao, sana naman tratuhin mo akong tao, labas ang sekswalidad ko. Kahit kailan, hindi kasalanan ang magmahal. Pero napakalaking kasalanan ang manghusga ng kapwa.” Binitiwan niya ang dalawang braso ng nanay ni Jason at sa huling pagkakataon ay tiningnan ito sa matang puno pa rin ng galit at saka walang imik na iniwan. Taas-noo siyang naglakad pabalik sa silid ni Jason.
Naiwang mag-isa si Tesing. Namumula ang pisngi niya sa galit na nadarama. Parang gusto niyang sumabog pa at habulin ang kinaiinisang matandang baklang lumalason sa utak ng anak niyang si Jason. Pero taliwas sa gusto niyang gawin, unti-unting namuo ang luha sa kanyang mga mata hanggang tuluyan na itong umagos sa kanyang pisngi.
Naabutan ni Anton si Jason na pinapakain ng kapatid na si Mayella.
“Uuwi muna ako para makapag-usap kayo ng nanay mo,” sabi niya kay Jason bago bumaling sa kapatid nito. “Mayella, ikaw na muna ang bahala kay Jason, please… Babalik na lang ako bukas.”
Napatango na lang ang babae.
Kinawayan na lang ni Anton si Jason at saka lumabas ng silid. Nakita pa niya si Tesing na pabalik na rin sa silid ni Jason at saglit na nagtama ang kanilang mga tingin pero hindi na iyon inintindi pa ni Anton at tuluyan na siyang naglakad papalabas ng ospital na iyon.
57
PAGPASOK ni Tesing sa kuwarto ni Jason ay agad napansin ni Mayella ang pamumugto ng mga mata nito.
“Umiyak ba kayo, ’Nay?” nag-aalalang tanong niya.
Umiling ang kanyang ina. “Hindi…” Lumapit ito kay Jason. “Kumusta ka na?”
“’Nay… medyo okay na po ako,” mahinang sagot ni Jason. “Ano pong pinag-usapan n’yo ni Anton? Sana naman, ’Nay, hindi n’yo na siya pinagsalitaan ng hindi magagandang salita. Wala namang ginagawang masama sa’yo ’yong tao. Nagbigay pa nga siya ng dugo para iligtas ako. Ang laki ng utang na loob ko kay Anton. Baka patay na ako ngayon kung hindi niya ako tinulungan.”
Hindi sumagot si Tesing. Sumali na sa usapan si Mayella.
“Magpahinga ka na, Jason. At saka na kayo mag-usap ni Nanay.” Bumaling siya sa ina. “Punta muna tayo sa canteen, ’Nay. Kumain muna tayo.”
Marahang tumango si Tesing.
“Jason, kakain lang kami. Babalik kami kaagad,” paalam ni Mayella sa kapatid at saka siya lumabas ng silid kasunod ang nanay niya.
Sa canteen ay napansin ni Mayella na matamlay ang nanay niya. Halos hindi nga nito ginagalaw ang pagkaing nasa plato.
“May problema ka po ba, ’Nay? Si Anton po ba?”
Nakita niyang huminga nang malalim ang kanyang Nanay Tesing. “Ayoko siyang pag-usapan,” sabi nito habang tinitingnan siya nang matalim.
“Mabait po si Anton, ’Nay. Nagkausap kami noong nakaburol pa ang tatay. Pinuntahan ko siya sa bayan, nagkita kami at nag-usap. At ipinaalam ko sa kanya na tanggap ko siya… na tanggap ko ang relasyon nila ni Jason.”
Nanlaki ang mga mata ni Tesing. “Anong pinagsasasabi mo? Okay lang sa’yo ang kaimoralang ginagawa ng baklang iyon at ng kapatid mo?”
“’Nay…”
“Tama na! Ayoko nang pag-usapan pa ito!” Napalakas ang boses ni Tesing. Napatingin sa kanila ang iba pang mga kumakain sa canteen na iyon.
Taas-noong tumayo ang ina ni Mayella at naglakad paalis sa lugar na iyon.
“’Nay!” Tumayo na rin si Mayella at iniwan ang pagkain para habulin ang ina.
NAGULAT pa si Jairus nang dumating sa bahay si Anton. Nasa sala ito at nanonood ng palabas sa telebisyon.
“Best friend, anong ginagawa mo rito? Sinong nagbabantay kay Jason?” nagtatakang tanong ni Jairus.
“Dumating ang nanay at kapatid ni Jason. Sila na muna ang magbabantay ngayong gabi. Babalik na lang ako roon bukas,” kaswal niyang sagot ngunit matalas ang pakiramdam ni Jairus.
Sumimangot si Jairus. Alam niyang may gulo na namang nangyari. “Nagtaray na naman ang nanay niya, ’di ba?” pagkukumpirma pa niya.
Sinulyapan siya ni Anton. Huminga muna ito nang malalim bago nagsalita, “Ano pa nga ba? Kumukulo lagi ang dugo no’n kapag nakikita ako. Kahit nga sa Mindoro nagwala.”
“As expected…”
“Kaya hindi ko man lang nakita ang tatay ni Jason,” malungkot niyang pahayag. “Sa hotel ako nag-stay the whole time na nasa Mindoro kami. Hindi niya ako pinayagang makatuntong man lang sa bahay nila.”
“Eh, ang sama pala talaga ng ugali ng babaeng iyon. Mabuti na lang at hindi ako sumama sa inyo. Naku, papatulan ko ’yon.” Nanggigigil na si Jairus.
“Hayaan na natin, tapos na ’yon. Wala naman akong magagawa kung ayaw niya sa akin,” pagkikibit-balikat ni Anton.
Umikot ang mga mata ni Jairus. “Tumawag nga pala si Carlo. Sorry daw hindi pa siya nakakapunta sa ospital. Tambak daw ang trabaho niya dahil ilang araw siyang absent no’ng nasa ospital pa si Yuri. At sorry rin daw dahil alam daw niyang siya ang dahilan kung bakit ginawa iyon ni Shelley.”
“Akala kasi ni Shelley aagawin ko sa kanya si Carlo. Eh, si Carlo nga mismo ayaw na rin sa kanya. Hindi na kinaya ang ugali niya. Ano nga pala ang balita kay Shelley?” naalalang itanong ni Anton.
“Dumaan ako sa presinto kanina. Nagsampa na ako ng kaso para hindi nila pakawalan si Shelley. Pero alam mo naman na puwede siyang magpiyansa. Kaso, may sinabi sa akin ang pulis.”
“Ano raw?”
“Mukhang nasisiraan daw ng ulo si Shelley. Kapag ganoon, best friend, hindi siya ikukulong. Ipagagamot siya sa mental. At saka ’di ba, hindi naman talaga puwedeng makulong kapag napatunayang nasisiraan siya ng bait noong oras na ginawa niya ang krimen?” pakumpas-kumpas pa ang kamay ni Jairus habang nagsasalita.
Bumakas ang pagkabahala sa mukha ni Anton. Kailan ba matatapos ang problema nila kay Shelley?
SA ospital ay nakita ni Mayella ang ina na nasa isang sulok ng chapel. Tahimik itong nakaupo sa hulihang upuan. Nakalapit siya rito nang hindi nito namamalayan.
“’Nay…”
Hindi lumingon si Tesing.
Naglakad si Mayella at umupo sa tabi ng ina.
“Doon na lang po tayo sa kuwarto ni Jason,” yaya niya sa kanyang ina. “Wala siyang kasama roon.”
Hindi pa rin umiimik si Tesing. Nanatili lang itong nakatingin sa kawalan.
“Galit ka na rin ba sa akin, ’Nay? Ang gusto ko lang naman po ay maayos na ang gulo. Wala namang idudulot na mabuti ang hindi natin pagkakasundo-sundo. Pamilya tayo, ’Nay, isang pamilya tayo. Dapat pinag-uusapan natin ang mga problema para masolusyunan,” mahabang paliwanag ni Mayella.
Wala pa ring imik si Tesing. Pinanindigan na nito ang hindi pagpansin sa anak.
“Mahal na mahal kita, ’Nay.” Gumaralgal ang boses ni Mayella. “At mahal na mahal ko rin si Tatay dahil tinanggap niya ako nang walang alinlangan… kahit hindi niya ako anak. Kahit bunga ako ng kasalanan mo sa kanya.” Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. “Natatandaan mo ba iyon, ’Nay? Nasa abroad pa si Tatay noong nangyari iyon.”
Nilingon siya ni Tesing. “Pinatawad ako ng tatay mo. At pinagsisihan ko na ang kasalanang nagawa ko sa kanya.” Pumatak ang luha ng ina ni Mayella. “Alam kong malaking kasalanan ang nagawa ko. Pero pinatawad at tinanggap pa rin ako ni Lino. Pati ikaw, tinanggap niya.”
“Kaya ganoon na lang din kadali sa kanya na tanggapin ang relasyon nina Jason at Anton. Kaya ganoon din siguro kadali sa akin na tanggapin sila. Sino ako para husgahan sila eh, ako nga mismo bunga ng isang kasalanan pero tinanggap pa rin ni Tatay?”
“Ewan ko, natatakot ako sa sasabihin ng mga tao. Napagdaanan ko na ang libakin ng ibang tao. Naranasan ko na ang pagpiyestahan ng mga tsismosa. Ayoko nang pagdaanan pa ulit iyon. Ayokong maranasan iyon ni Jason.” Walang tigil sa pagluha si Tesing.
“Hayaan natin sila, ’Nay. Hindi natin sila mapipigilan kung gusto nila tayong pag-usapan. Pero puwede nating gawing masaya ang mga buhay natin nang hindi iniintindi ang mga bulung-bulungan. Ang mas mahalaga ay tayo. Mas importanteng nagkakasundo tayo at masaya sa ating mga buhay. Huwag nating ibase sa ibang tao ang kaligayahan ng taong mahal natin. Mas mahirap, ’Nay kapag ikaw pa mismo na inaasahan ni Jason na uunawa sa kanya ang unang-unang kokondena sa kaligayahan niya. Kailangan ni Jason ang suporta mo, ’Nay. Suportahan natin siya.”
Napahagulgol na si Tesing. Niyakap ni Mayella ang kanyang ina at hinagod ang likod nito. Mahigpit silang nagyakap. Hindi na kailangan pang magsalita ni Tesing. Naiintindihan niya ang sinabi ni Mayella, at alam niyang naiintindihan na rin siya nito.
Hindi na kailangan pa ang maraming salita.
58
BINISITA ni Lucia sa kulungan si Shelley.
“Kanino mo nalaman na nandito ako?“naiiritang tanong ni Shelley habang nasa visitor’s area sila at magkaharap na nakaupo habang napapagitnaan sila ng isang mahabang mesa.
“Laman ng mga balita sa telebisyon ang nangyari, Shelley. Kaya lumuwas ako para kumistahin ka. May abogado ka na ba? Kailangan mo ng abogadong magtatanggol sa’yo.”
“Huwag ka nang mag-abala. Binigyan na nila ako ng abogado,” walang pakialam na sagot ni Shelley. “At sigurado namang hindi nila ako maipakukulong nang matagal dito. Sisiguruhin ko ’yan.” Mapait ang ngiting pinakawalan ni Shelley.
“Anong sabi ng abogado mo? Hindi ka ba puwedeng magpiyansa?” tanong ni Lucia. Kita sa mukha nito ang pag-aalala sa kausap.
“Sa dami ng kasong isinampa sa akin, saan ako kukuha ng perang pampiyansa?” taas-kilay na tanong niya.
“Nag-aalala ako sa’yo, Shelley.”
“Huwag kang OA. Hindi naman tayo magkamag-anak.” Itinirik pa ni Shelley ang kanyang mga mata.
“Kahit katiwala lang ako sa bahay n’yo, hindi mo maiaalis sa akin ang mag-alala. Bata ka pa lang, sa inyo na ako nakatira. Halos ako na ang nagpalaki sa’yo, kaya mahalaga ka sa akin,” matapat na sabi ni Lucia. “Parang anak na rin kita.”
“Wala ka na bang sasabihin? Gusto ko nang bumalik sa loob,” nagkakamot ng ulong sabi ni Shelley.
“Wala na. Sige, babalik na lang ako sa ibang araw. Mag-iingat ka rito, Shelley,” paalala pa ng matandang babae.
Huminga lang nang malalim si Shelley at saka tumayo. Hindi man lang nito inintindi ang sinabi ni Lucia. Walang pakialam siyang tumalikod at naglakad pabalik sa kanyang selda. Si Lucia ay naiwang nakatanaw lang sa kanyang baklang amo.
MAGKASABAY na nagpunta sa ospital sina Anton at Jairus. Naabutan nilang gising na si Jason at kasalukuyang pinapakain ni Aling Tesing. Si Mayella naman ay naroom din at nakamasid lang.
“Mayella, baka gusto n’yong umuwi muna sa bahay para makapagpahinga naman kayo ng nanay mo,” alok ni Anton. “Sumabay na kayo kay Jairus pauwi mamaya. Ako na lang muna ang bahala rito. Bukas na lang kayo bumalik.”
Napatingin si Mayella sa kanyang ina na nagbaba naman ng tingin nang magtama ang kanilang mga mata.
Bumaling siya kay Anton. “Sige, kung okay lang sa’yo…”
“Oo naman, walang problema. Baka kayo naman ang magkasakit kung tuloy-tuloy kayong magbabantay rito. Huwag n’yong alalahanin itong si Jairus. Aasikasuhin niya kayo habang nandoon kayo sa bahay.” Tiningnan pa niya ang kaibigan.
“Wala kang aalalahanin, best friend. Ako na ang bahala sa kanila,” nakangiting sabi ni Jairus. “Isa lang ang goal natin ngayon, magkaisa para sa mabilisang paggaling ni Jason. Lahat tayo, na nagmamahal sa kanya.” Nagkatinginan sila ni Anton bago siya tumingin sa kapatid ni Jason. Sinubukan naman ni Anton na hulihin ang tingin ni Tesing pero nanatiling iwas ito at parang hindi narinig ang pag-uusap sa silid na iyon.
“Kumain ka pa para gumaling ka agad,” sabi ni Tesing kay Jason at muling sinubuan ito ng pagkain.
“Tama na po, ’Nay. Busog na ako,” pagtanggi pa niya. Natuon ang tingin niya kay Anton bago siya muling nagsalita, “Maraming salamat sa inyo. Lalo na sa’yo, Anton sa pagliligtas ng buhay ko.” Bumaling naman siya sa ina. “’Nay, wala akong ibang hinihiling ngayon kung hindi ang magkaayos na kayo ni Anton. Sana matanggap mo na siya. Sana tanggapin mo na kung ano mang relasyon mayroon kami. Ang relasyon namin ni Anton ay hindi magdidikta kung mabuti o masama ba kaming tao. Dahil ang kabutihan man o kasamaan, katulad ng pagmamahal ay walang kinikilalang kasarian. Puso ang magsasabi. Puso ang bumubulong kung kanino ito titibok. At wala tayong magagawa kapag tumibok na ito at nagmahal.” Pumatak ang luha ni Jason. “Mahal na mahal kita, ’Nay. Pero mahal na mahal ko rin si Anton. Kaya nahihirapan ako na hindi kayo magkasundo. Nasasaktan ako na hindi mo siya matanggap. Pero gusto kong sabihin, ’Nay na hindi ko siya iiwanan. Kahit buong mundo man ang tumutol.”
Gustong matunaw ni Anton nang marinig ang mga sinabi ni Jason. Hindi niya akalaing ganoon kalalim ang pagmamahal nito sa kanya. Pagkatapos ng mga nangyari noon na halos ikasira ng kanilang relasyon, hindi ni inaasahang ganito pala siya kaimportante sa lalaking ito na noong una ay ayaw niyang mahalin dahil sa paniniwalang napakabata pa nito para sa kanya. Halos anak na nga niya ito, ’di ba? Pero mahal pala siya ni Jason. Totoong mahal siya nito.
Gusto niya sanang sugurin ng yakap si Jason pero inaalala niya ang presensya ng ina nito. Kaya bilang respeto na lang kay Tesing at para wala na ring gulo, nanatili lang siya sa kanyang kinatatayuan. Sapat nang tinititigan niya si Jason, umaasa siyang sa titig na iyon ay naipahiwatig niya rito kung ano ang gusto niyang sabihin. Na mahal na mahal niya rin ito at hinding-hindi niya rin ito iiwan ano man ang mangyari.
TUMUNOG ang maliit na kampana sa kulungan tanda na oras na upang kumain ng hapunan. Nagkanya-kanyang takbuhan ang mga bilanggo sa lugar kung saan nila kukunin ang rasyon nilang pagkain. Pumila ang mga bilanggo at sinimulang bumilang para masigurong naroon na ang lahat.
Matapos bumilang ang lahat ng mga bilanggo ay nagsalita ang isang jail guard.
“Nasaan ’yong bakla? ’Yong bago?”
Nagkatinginan ang mga bilanggo. Wala naman silang maisagot kung nasaan nga ba si Shelley.
“Walang sasagot?” matigas na tanong ng jail guard. “Walang kakain hanggang hindi kayo kumpleto!”
“Boss, baka nasa kubeta!” sigaw ng isa sa mga preso.
“Puntahan mo!” pasigaw na utos ng jail guard.
Mabilis na tumakbo ang preso at nagtungo sa kubeta. Naabutan niyang sarado ito at nang subukan niyang buksan ay saka niya nakumpirmang naka-lock ito.
Kinatok niya nang sunod-sunod ang pinto.
“Hoy, lumabas ka na riyan! Ikaw na lang ang hinihintay para makakain tayo!” Muli niyang kinalampag ang saradong pinto pero wala siyang narinig na sagot mula sa loob.
Nayayamot na ang preso.
“Punyeta naman! Lumabas ka na ritong bakla ka! Gutom na kami!”
Nang wala pa ring sagot ay bumalik siya at ipinaalam sa jail guard ang nangyari.
“Boss, naka-lock ang pinto ng kubeta. Sisirain ko na ba?” tanong ng preso.
“Halika, sumunod ka sa akin.” Itinuro pa nito ang dalawang preso. “Kayong dalawa, sumama kayo.”
Magkasunod nilang pinuntahan ang kubeta.
“Sirain n’yo ang pinto,” utos ng jail guard.
Magkatulong na sinira ng tatlong preso ang pinto ng kubeta para mabuksan ito. Ilang sandali lang at tuluyan nilang nabuksan ang pinto.
Sa bukana pa lang ng kubeta ay nakita na nila ang kanina pa nila hinahanap.
Si Shelley…
Nagbigti sa loob ng kubeta gamit ang isang nylon cord na ginagamit ng mga preso bilang sampayan.
59
UMAGA na nang matanggap ni Jairus ang balita tungkol sa nangyari kay Shelley.
“Nagpakamatay si Shelley?” hindi makapaniwala niyang tanong sa kausap niya sa telepono. Kahit napakalaki ng kasalanan nito sa kanila, hindi niya kailanman hihilingin ang kamatayan nito. “Paano po ba nangyari?”
Tutok ang tainga ni Jairus habang ikinukuwento ng kausap niya kung ano ang nangyari. Hindi talaga siya makapaniwala na patay na si Shelley.
Pagkatapos ng tawag na iyon ay kaagad naman niyang kinontak si Anton na naroon at nagbabantay kay Jason sa ospital.
“Best friend, patay na si Shelley. Nagpakamatay siya. Nagbigti siya,” pagbabalita niya kay Anton. “Naku, sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa. Ayokong matuwa sa kanyang pagkawala pero sa isang banda, mawawalan na tayo ng alalahanin dahil sa pagkamatay niya.”
“Sinong nagbalita sa’yo?” tanging naitanong ni Anton.
“Tinawagan ako noong isang jail guard, best friend. Ano ang gagawin natin ngayon?”
“Wala na tayong magagawa, patay na pala. Hindi naman natin puwedeng idemanda pa ang isang taong namatay na,” seryosong sagot niya sa matalik na kaibigan. “Ipagdasal na lang natin siya sa ikatatahimik ng kaluluwa niya. On a lighter note, gusto ko namang ibalita sa’yo na puwede nang makalabas ng ospital si Jason sa makalawa. Sabi ng doktor niya, puwedeng sa bahay na lang siya magpagaling nang lubusan.”
“Wow! Naku, praise the Lord!” Halata sa boses ni Jairus ang hindi maitagong saya. “Pupunta kami riyan mamaya.”
“Kumusta pala sina Mayella at nanay niya?”
“Tulog pa siguro sila. Hindi pa lumalabas ng kuwarto, eh. Pero handa na ang almusal. Nakapagluto na ako. Sabi ko naman sa’yo, ako ang bahala sa kanila.”
“Salamat. Ang laking tulong mo sa akin. Hindi ko alam kung paano ang buhay ko kung wala akong kaibigang katulad mo,” matapat na sabi niya kay Jairus.
“Naku, best friend, wala ’yon,” sagot niya kay Anton. “Ikaw talaga. Alam mo namang loyal ako sa’yo at napakasuwerte ko rin dahil naging matalik kitang kaibigan.”
EXCITED ang lahat sa araw ng paglabas ni Jason sa ospital. Sina Tesing at Mayella ang naroon at nagbabantay sa pasyente. Si Anton naman ay nasa bahay at kasalukuyang naghahanda sa pagpunta niya sa ospital.
Lumabas ng banyo si Anton. Katatapos lang niyang maligo. Ang puting tuwalya niya ay nakatapis sa kanyang baywang. Tinanggal niya ang tuwalya at natambad ang kanyang katawan na natatakpan lang ng suot niyang boxer briefs. Ginamit niya ang tuwalya para mas tuyuin pa ang kanyang katawan at buhok. Nang makuntento ay kumuha siya ng kamiseta at pantalon sa aparador at saka niya iyon isinuot. Noon siya nakarinig ng sunod-sunod na tunog ng doorbell.
“Sino kaya iyon? Grabe namang makapindot ng doorbell.” Hindi na siya nakapagsuklay. Maliksi siyang kumilos at lumabas ng silid para puntahan ang gate.
Nagulat pa siya nang buksan ang gate at makilala kung sino ang kanyang bisita.
“Maaari ba kitang makausap? Iyong tayong dalawa lang?” Nakikiusap ang mukha ni Tesing.
Napanganga si Anton pero agad din naman siyang nakabawi. Tiningnan niya ang mukha ng matandang babae. Himala yata na kalmado ito ngayon. “Pumasok po kayo. Ako lang ang tao rito. May pinuntahan si Jairus. Papunta na sana ako sa ospital, nagbibihis lang ako,” paliwanag pa niya sa bagong dating.
Pumasok si Tesing. Nagpauna nang maglakad si Anton. “Halikayo rito sa loob,” anyaya pa niya rito. “Maupo muna kayo. Magtitimpla lang ako ng maiinom.”
“Huwag na,” saway sa kanya ni Tesing. “Hindi naman ako magtatagal. May gusto lang sana akong sabihin sa’yo.”
“Tungkol po ba saan?” nag-aalangang tanong niya. Hindi talaga siya sanay na hindi sumisigaw si Tesing kapag kausap siya.
“Hindi ko alam kung paano mag-uumpisa. Pagkatapos ng mga nangyari, pagkatapos ng mga ginawa ko… hiyang-hiya ako sa’yo. Masyadong huli na bago ako namulat sa katotohanan. Kinailangan mo pang ipamukha sa akin na makasalanan din ako. Kinailangan pang ipaalala sa akin ni Mayella, na minsan sa buhay ko ay lumublob din ako sa kasalanan. Pero may isang taong tinanggap pa rin ako nang buong-buo at hindi ako hinusgahan… ang asawa ko. Kahit kailan, wala akong narinig na masakit na salita mula kay Lino, sa tatay ni Jason. Hindi niya ako sinisi. Inunawa lang niya ako… at minahal,” garalgal ang boses na sabi ni Tesing.
Hindi sumagot si Anton. Naghihintay siya ng iba pang sasabihin ng kaharap.
“Makasalanan din ako, Anton. Kaya wala akong karapatang husgahan ka.” Umagos ang luha ni Tesing sa kanyang pisngi. “Mapapatawad mo pa ba ako?”
“Wala kang dapat ihingi ng tawad sa akin. Kailan man ay hindi ko itinuring na kasalanan mo ang hindi mo pagtanggap sa akin. Ina ka, nauunawaan ko nang buong puso kung bakit ganoon ang reaksyon mo. Hindi ikaw ang unang ina na nagpakita ng ganoong reaksyon. Alam kong kapakanan lang ni Jason ang iniisip mo. Alam kong gusto mo lang siyang mapabuti sa paraang alam mo. Wala kang kasalanan sa akin. Umpisa pa lang, alam ko nang posibleng umabot talaga kami sa ganoong senaryo.” Matapat ang ngiting ibinigay niya sa ina ni Jason bilang pagpapakitang anumang hindi magandang nangyari noon ay hindi niya isinisisi rito. “Kalimutan na natin ang mga hindi magandang nangyari. Maikli lang ang buhay para magpakulong tayo sa galit at hindi pagkakaunawaan. Mahal ko ang mga taong minamahal ni Jason, ang mga taong importante sa kanya.”
Napahahulgol na si Tesing. Hindi na niya napigilan ang pagbuhos ng luha sa sobrang kasiyahan. “Maraming salamat, Anton. Salamat…”
Hinawakan ni Anton ang kamay ng ina ni Jason at saka ngumiti. “Hintayin n’yo ako rito. Magsasapatos lang ako at pupunta na tayo sa ospital. Huwag na kayong umiyak.”
Sunod-sunod na tango lang ang isinagot ni Tesing kasabay ang mga paghikbi sanhi ng pagpipigil niya sa pagtulo ng kanyang luha.
Nang makalabas ng ospital si Jason ay nagpaalam na sina Tesing at Mayella para umuwi sa Mindoro.
“Ikaw na ang bahala sa anak ko. Alam kong hindi mo siya pababayaan,” sabi pa ni Tesing kay Anton. Nakamasid lang sina Mayella, Jason at Jairus sa dalawa. Lahat sila ay masaya pero higit ang tuwang nadarama ni Jason dahil sa wakas ay natapos na ang gusot sa pagitan ng dalawang taong mahalaga sa kanya.
“Makakaasa kayo. Hinding-hindi ko pababayaan ang anak n’yo,” sagot naman ni Anton.
“Jason, aalis na kami. Huwag mong bibigyan ng sakit ng ulo si Anton,” paalala ni Tesing sa anak.
Niyakap ni Jason ang kanyang ina pati na rin ang ateng si Mayella. “Mag-iingat po kayo sa biyahe. Mahal na mahal ko kayo.”
“Mahal na mahal din kita, anak.” Hinalikan niya sa noo si Jason.
“Alis na tayo, ’Nay. Baka magbago pa ang isip mo eh hindi na tayo bumalik sa Mindoro. Mukhang gusto mo nang tumira rito,” natatawang sabi ni Mayella.
“Puwede kayong bumalik rito ano mang oras n’yo gusto. Bukas ang bahay namin para sa inyo,” maaliwalas ang mukhang sabi ni Anton. Alam niya na simula sa araw na ito ay mas magiging maganda na ang samahan nila ni Jason dahil tanggap na siya ng ina nito.
Nang gabing iyon ay magkatabi silang humiga sa kama. Inaantok na si Anton nang maramdaman niyang kinakalabit siya ni Jason.
“Bakit? Hindi ka pa inaantok?” inaantok na tanong niya nang hindi ito nililingon.
“Mamaya ka na matulog. Usap muna tayo,” sabi naman ni Jason.
“Antok na antok na ako, eh. Ano bang pag-uusapan natin?”
“Anong ginawa mo kay nanay? Bakit biglang bumait?”
“Mabait naman talaga ang nanay mo. Siguro nakita niyang mahal talaga kita kaya tinanggap na niya ako para sa’yo?” Ipinikit niya ang kanyang mata dahil sa hindi na mapigilang antok.
“Weh? Ganoon?” Hindi makapaniwala si Jason sa sinabi ng katabi.
Hindi na sumagot si Anton na tuluyan nang nilamon ng antok.
“Anton? Tulog ka na ba?”
Wala pa ring sagot.
Tumagilid si Jason at saka niya nakitang nakapikit na ang katabi. Tahimik siyang napangiti habang pinagmamasdan ang payapang mukha ni Anton. Maya-maya pa ay marahan niya itong hinalikan sa pisngi, kasunod noon ay niyakap niya ito at saka inihimlay ang kanyang ulo sa balikat nito. Hinigpitan pa niya ang yakap kay Anton. Si Anton na minahal niya sa edad nitong kuwarenta at patuloy niyang mamahalin hanggang sa huling sandali ng kanyang hininga.
Epilogue
NANG ganap nang magaling ang sugat na tinamo ni Jason sa operasyon ay kaagad din siyang bumalik sa trabaho. Nanumbalik ang dati nilang samahan, malayo sa mga problema.
Nabalitaan nilang ang bangkay ni Shelley ay iniuwi sa Bulacan ng isang babaeng nagngangalang Lucia. Hindi na nila inalam pa kung kaano-ano ito ni Shelley.
Si Carlo ay naging abala rin sa trabaho at madalang nang makipagkita kay Anton pero paminsan-minsan naman itong nangungumusta sa telepono. Nalaman ni Anton kay Carlo na pupunta ito sa Tuguegarao dahil inimbitahan ito ni Yuri sa kapistahan ng kanilang bayan kung saan Mayor pala ang ama nito. Ikinagulat ni Carlo ang nalamang iyon. Kaya pala noong bago lumabas ng ospital si Yuri at nagtanong siya kung magkano na ang bill ay sinabi ng kahera na bayad na ang hospital bills nito. Siguro ay binayaran na ng ama ni Yuri. Pero ang ipinagtataka niya ay kung bakit wala man lang kapamilyang dumalaw kay Yuri habang nagpapagaling ito sa ospital. Kaya nga nagboluntaryo na siyang asikasuhin ito. Ang buong akala niya talaga ay nag-iisa na lang ito sa buhay. Maraming bagay na kailangang linawin sa kanya si Yuri kapag nagkita silang muli.
Kasama rin sa inimbitahan ni Yuri si Anton at si Jason para pumunta sa bayan nila sa Tuguegarao pero magalang nila itong tinanggihan dahil sa iyon naman ang araw na kailangan nilang bumiyahe papuntang Mindoro para sa kaarawan ng nanay ni Jason. Nagpasabi pa nga si Tesing na hindi puwedeng hindi umuwi si Jason. At lalong hindi puwedeng hindi siya kasama. Talagang okay na sila ng ina ng lalaking minahal niya.
Nang dumating nga sila sa Mindoro ay naranasan niya ang salubungin ni Tesing nang may ngiti at masayang mukha, na hindi niya nakita noong una at ikalawang pagpunta niya rito.
Nakilala rin niya ang lahat ng mga kamag-anak ni Jason at ramdam niya ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga ito.
Tuwang-tuwa si Jairus nang makarating sa bayan nina Jason sa Mindoro. First time niyang makarating sa lugar na iyon at kasama pa niya ang boyfriend na si Frank. Sobrang nag-enjoy siya sa out of town trip na iyon at lalo pa silang nagkaroon ng bonding time ni Frank.
Makalipas ang ilan pang buwan ay nagpaalam na si Jairus kay Anton dahil niyaya na ito ni Frank na tumira sa bahay nito. Walang pagsidlan ng kaligayahan si Jairus. Pagkatapos ng ilang beses niyang kabiguan sa pag-ibig, sa wakas ay magkakaroon na rin siya ng happy ending.
Masayang-masaya si Anton para sa kanyang matalik na kaibigan dahil wala naman siyang ibang hinihiling kung hindi ang magkaroon na rin ito ng makakasama sa buhay. Napakabait ni Jairus. Deserve nito na maging masaya kapiling ng lalaking magmamahal dito nang lubos at tapat.
At sila naman ni Jason, patuloy lang ang maligaya at tahimik nilang buhay. Totoong tapos na ang mga problema at kung may darating pa, magkasama nila itong haharapin. Walang problema ang hindi nila malalampasan, basta ba pagtutulungan nila itong pag-uusapan at sosolusyunan.
At sa lahat ng magtataas ng kilay sa kanilang relasyon hindi lang dahil sa kanilang sekswalidad kung hindi dahil sa agwat ng kanilang mga edad, hindi na nila kailangan pang magpaliwanag na ang pag-ibig ay walang kinikilalang kasarian at hindi rin tumitingin sa edad. Dahil ang edad ay numero lamang, binibilang pero hindi ginagawang batayan ng pagpili kung sino ang iyong mamahalin at gugustuhing makasama habang buhay.

