BBC Series #1 - Alvaro Casanova
ratedxseon · 5 chapters · 6,746 words
BBC Series #1 - Alvaro Casanova
BBC Series #1 - Alvaro Casanova is a work of fiction. Any semblance between original characters and real persons, living or dead, is coincidental. The author in no way represents the companies, corporations, or brands mentioned in this book. The likeness of historical/famous figures have been used fictitiously; the author does not speak for or represent these people. All opinions expressed in this book are the author’s, or fictional.
This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author except for the use of brief quotations in a book review.
[Language: Filipino/English]
BBC Boys
With an undeniable attraction, what begins as simple curiosity soon becomes a love neither Alvaro nor Saiveon can escape. Makakaya kaya nilang ipaglaban ang isa’t isa, o magiging hadlang ang mundong hindi handang tanggapin ang kanilang pagmamahalan?
This book is dedicated to my beloved, BBC Jay Hefner .

WARNING: This book is under the category of Boys’ Love. As a result, it contains STRONG LANGUAGE, MENTIONS OF DEROGATORY TERMS, SCENES OF SEXUAL ASSAULT, DRUGS, VIOLENCE, POLY GAY RELATIONSHIPS, AND SEX THROUGHOUT.
18+ ONLY
Read more chapters of this story on Patreon, http://patreon.com/ratedxseon
Prologue
Prologue
Napapakamot ako sa uluhan ko dahil ang tagal tagal tumakbo ng sinasakyan kong jyip. Kung hindi pa ito aalis, ako na ang magmamaneho nitong sinasakyan ko. Dinutdot ko na lamang ang aking cellphone para malibang ako. Baka kapag ibinaling ko pa ang atensyon ko sa harapan ay baka palipatin ko na si manong at maging passenger princess pa ito.
Wala naman akong klase ngayon pero dahil face to face enrolment ang meron kami ay dapat maunahan ko ang mga mas maaga pa kay Batman. Mag-aalas syete pa lamang pero sinakripisyo ko ang tulog ko para rito sa ukinnam na enrolment na ’to.
Nagtataka nga ako kung bakit hindi na lang online pero ano nga bang magagawa ko at ganiti na talaga ang sistema ng aming unibersidad. Tama kayo nang naririnig, nasa kolehiyo na ako at ikatlong taon ko na ito.
Sino bang mag-aakala na makakayanan ko ang accountancy na kung tutuusin ay gusto ko na lamang isuka dahil parang umiikot ang mga mata ko sa mga numerong pinag-aaralan namin. Hindi ko naman masabing suko na ako dahil kahit ganito ako kagwapo at kagago ay may pangarap din naman ako para sa sarili ko.
Nang makarating na ako sa campus namin ay dali dali na akong tumakbo. Kung may isang bagay man akong ipagmamalaki, hindi ’yong mga babae ko kundi ang mga mahahaba kong biyas. Normal naman ang height ko para sa mga lalaki, saktong papalo lang sa anim na puntos. Kulang na lang maging seven footer ako kung hindi lang maliit ang napangasawa ng nanay ko.
Pipikit pikit ako habang hawak ko ang numerong sampu. Mamayang alas syete pa pala ang simula ng enrollment pero nandito na ako ng alas singko pa lamang nang umaga. Para kaming nag-aapply sa mga ukinnam na mga government agency sa nararanasan ko ngayon. Puta.
“Uyy!” Nakahanda na sana akong suntukin ang gumulat sa akin kung hindi ko lang naamoy ang masangsang na pabango nito. Sa sobrang tamis, gusto mo na lamang masuka.
“Aga mo,” salita ulit ni Dhezelle na kaibigan kong babae. Kung hindi ko lang alam na babae ito, sasabihin kong mukha itong bakla sa kapal ba naman ng kilay nito.
“May gagawin pa ako boy,” sagot ko naman sa kaniya.
Magsasalita pa sana ito kung hindi lang siya pinigilan ng mga student council na nag-aassist sa amin ngayon.
“Huwag pong sisingit. May numbering po tayo. Kung wala pa, kuha lang po kayo sa harapan. Hindi po kayo iaassist, kung wala po kayong number.” Bugnot naman ang mukha nito.
Gusto ko sanang asarin pa pero baka sa akin ibuntong ang kabwisitan nito ngayon. Ayoko namang madamay pa sa problema ng iba.
Mag-aalas otso na nang matapos ako. Akala ko dahil pangsampu ako ay mabilis. Hindi naman pala kaagad binubuksan ang system na ginagamit nila. Parang kasalanan pa namin na nag-enroll kami ngayon kahit na dapat sila na lamang ang tatapos nito.
Ngumiti lamang ako sa professor na nag-assist sa akin. Hindi na ako nag-thank-you pa dahil parang namalat yata ang lalamunan ko sanhi nang hindi ko pagdadala ng tubig. Malay ko bang ganito kalala ang enrollment sa amin kahit na ilang semester na akong pumipila rito.
Tatawa na sana ako sa mga pinagsasabi ko sa utak ko nang biglang may bumatok sa akin. “Nababaliw ka na, Alvaro.” Napasimangot naman ako nang mapagtanto ko kung sino ito.
“Kailangan bang may kasamang pambabatok?” pagtatanong ko kay Emery sa seryosong tono.
“Luh? Parang hindi mo ko sinipa nung last pasok natin ah,” pagrereklamo nito sa akin.
“So magbibilang tayo ng mga kasalanan natin sa isa’t isa?”
“Uy, mga kupal!” Halos makagat ko ang dila ko sa pagkabigla nang sumulpot ang isang kupal na si Ramiro.
Lahat yata ng mga taong nakakakilala sa akin ay sisirain ang araw ko. Kahit ayoko silang makita, wala naman akong magagawa dahil maliit lamang ang unibersidad na pinapasukan namin.
“Isa ka pa!” Sabay pahapyaw nang suntok kay Ramiro. Hindi naman masakit pero parang obvious na kinukupal ako nito sa mga ekspresyon nito sa kaniyang mukha.
“Iba ka talaga, Alvaro…” Napapailing iling pa ito.
“Bayolente!” sabay nilang salita ni Emery na siyang ikinatawa lamang nilang dalawa.
“Mga baliw.” Nagpaalam na ako sa mga kupal dahil medyo napapatagal na rin ang pag-iistay ko rito. Kung magkukwentuhan pa kami, baka hindi na sila makapag-enroll pa at ako ang sisihin nila kapag nalagay sila sa night shift. Kaya kahit ayokong magising nang umaga ay gumising ako dahil wala kang choice, kung wala nang available slot sa pang-umaga. Kung bakit kasi walang block section sa college kahit mga brand na lang ng panty or brief ang pangalan ng bawat section kung gagawa man sila . Sayang kasi sa oras.
Kumain na muna ako sa malapit na kapetirya rito sa tabi ng main library ng campus kung saan ako mag-aaral. Hindi ko lang alam kung may matututuhan akong aral dahil hindi lahat ng prof. ay pinapasukan ang subject na itatake mo kada semester, kung papasok man sila, still, hindi ako makikinig. Matapang na kung matapang at least hindi amoy isda.
“Burb!” Napalakas ang pagdidighay ko nang matapos akong kumain kaya halos umikot ang mga mata ng mga katabi ko. Gusto ko sana silang pakyuhan pero nakaharap ang cctv sa pwesto namin kaya pailalim ko na lamang sila ginantihan.
Mabilis na rin akong tumayo at habang papunta sa cr ng canteen ay may naaamoy akong ibang amoy kaya umalis na ako. Hindi ko na ipagkakatiwala sa instinct ko na baka mga amoy lamang ng mga lalaking naririto pero sayang ang kinain ko kung isusuka ko lamang kapag nagpunta na ako roon. Sabi nga nila, madalas daw dinadalaw ng multo ang mga banyo na naririto sa campus— walang tao pero may ebidensiya nang pandarambong.
Napasabunot na lamang ako sa buhok ko bago ako lumiko sa kabilang way kung saan makikita at madaraanan mo ang main library. Isa sa bagay na ipinagmamalaki ko sa campus namin dito ay ang banyo ng library. Sa lahat kasi ng banyong mayroon ang unibersidad namin, masasabi kong maarte ang mga taong nag-ccr dito at hindi nauubusan ng tubig. Kaya pagkapasok ko pa lamang dito ay langhap ko na ang amoy clorox na tanda na may tumae na nga. Okay naman ang ganitong amoy kahit na nakakasuka minsan sa sobrang tapang.
Pumunta na ako sa mga nakahileyang mga estante ng mga iihan. Walang mga tapal ang mga ito kaya kapag may iihi ay makikita mo na ang maliliit na kabute na may mga ugat-ugat pa. Tipikal Pilipino. Mabuti na lamang ay may dagdag na inches sa normal ang sa akin kaya masasabi kong kahit papaano ay favorite ako ni Lord.
Nakapikit pa ako habang ninanamnam ang sarap nang pag-ihi ko. Tama nga sila, sa ihi na lang talaga kinikilig ang mga lalaki. Napangisi naman ako habang tinataktak ang ulo ng pagkalalaki ko para naman iwas panghi at flavor sa suot mong brief.
Ibabalik ko na sana ang alaga ko sa suot kong seda nang bigla akong napasigaw sa gulat. “Tangina!” Napanganga naman ako habang nakatingin sa kargada ng lalaking katabi kong umihi. Alam kong lalaki ako pero nakakamangha kasi ang nakikita ko ngayon.
Malaki. Masyadong malaki. Kahit hindi sa akin ipapasok ito, alam kong isang buwan hindi makakalakad ang kung sino mang babae ang uupo rito. Godbless kung ganoon .
“You saying?” Kinagatan ko ang pang-ibabang labi ko para maibalik ko ang sarili ko sa reyalidad. Pero puta, nababakla ka na yata, Alvaro at bakit hindi ko maalis ang tingin ko sa higanteng titi na nasa harapan ko.
“Ha?” Litong tanong ko nang makuha nito ang atensyon ko. Nabingi na yata ako sa laki nang machine gun na hawak hawak nito habang patuloy pa ring nagpapalabas ng ihi ngayon.
“You wanna touch it?” Napalunok naman ako sa sinabi nito. Hindi ko kilala kung sino ang nasa harapan ko pero isa lang ang nasisigurado ko, hindi kulay tsookolate ang mga Pilipino at hindi ganito kahaba ang mga saging ng mga kababayan ko.
Napatunganga naman ako sa harapan niya at hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi dahil hindi ko maintindihan ang pag-eEnglish niya pero parang may parte sa pagkalalaki ko ang mawawala kung susundin ko ang gusto nito at ng sarili kong katawan.
“No worry, people won’t come here.” Pinagpag nito ang dambuhalang alaga nito at tuluyang humarap na sa akin habang nakabalandra pa rin ang kanina ko pang sinusulyapan.
Kahit may parte sa akin na umalis at iwan ang lalaking ito pero ang isipin na makakahawak ako nang ganitong armas ay parang iba ang hagod sa dibdib ko. Kahit hindi ko aminin, matagal ko na ring pinapangarap na maging ganito kahaba, kataba, at kalaki ang nasa pagitan ng mga hita ko ngayon.
Nanginginig akong sinundan ang lalaking nasa harapan ko.
“Mabilis lang ’to, Alvaro.”
“Try mo lang at walang mawawala.”
“Parang meet and greet mo lang ’to sa mga napapanood mong porno.”
Mga bulong ko sa aking isipan habang dumadampi na sa mga palad ko ang mas malaki pa sa del monte pineapple juice na sinasabing nakakadagdag flavor kapag nakapagpalabas ka na ng kinain mo ngayon.
Halos malagutan ako nang hininga nang tuluyan ko na itong mahawakan. Hindi ko masasabing nahawakan ko ito nang buo dahil halos kalahati lamang ang kasiya sa kamay ko dahil sa taba ng alaga nito.
Pumikit muna ako at huminga nang malalim bago ko tuluyang sirain ang mga bagay na sa tingin ko’y makakasira sa pinagmamalaki kong sekswalidad. Nang magmulat ako ay tuluyan ko nang ipinaubaya sa init at kuryosidad na nararamdaman ko. Bahala na.
Hinagod ko nang dahan dahan ang hawak hawak kong armas. Marahan lamang na para bang masasaktan ang alaga nito. Nang makapunta ang kamay ko sa uluhan nito ay hindi ko pinalagpas na dalhin ang index finger ko sa butas nito at damahin ang paunang katas na inilalabas nito. Para akong kinikiliti ng sarili ko na tikman ang nahahawakan ko ngayon pero dahil alam kong may parte sa akin na hindi pwede ay mabilis kong nilimitahan ang sarili ko.
Tumingin ako sa lalaking binabati ko ngayon. Mula sa tsokolate nitong balat. Sa buhok nitong nakatirintas na parang pambabae. Sa napakagandang ulma ng kaniyang mukha. Maging sa pagpapasadahan ng tingin ko’y mga inukit na imahe at salita sa balat nito. Parang isa siyang isinilang na kawangis ng mga lalaking nakikita ko lamang sa mga porno at sa pakalat kalat na video sa Facebook.
Ipinagpatuloy ko lamang ang ginagawa ko sa kargada nito. May mga puti puti na ring nasa kamay ko sa ilang ulit kong pagtaas baba mula rito habang isinasama at ginagawang pampadulas ang paunang katas na inilabas nito magmula pa kanina.
Napangisi naman ako dahil ang akala ko nga, nilalagyan ng mga krema ang mga alaga nila o lubricant na kakulay ng tamod para masabing marami itong inilalabas sa mga napapanood kong porno pero mali pala talaga ako at nakakamanghang makita na ganito ang pakiramdam na may malaki kang alaga at ganito karami ang pondo sa loob ng bayag mo. Tangina, ang astig.
“Yeah, that’s it! Baby boy.” Napapangiti ako habang ngayon ay tumingin ulit sa lalaking tinutulungang kong magpalabas. Kasalukuyan itong nakatingala habang nakapikit. Napapaliyad pa ito kapag mas hinihigpitan ko ang pagbabati ko sa kaniya kapag napupunta ako sa ulo ng alaga nito.Ang sarap nitong pagmasdan. Parang gusto ko na lamang maging alter na katulad ni cebu milker pero ang mga kliyente ko ay mga tsokolateng mga kano.
“Faster, please…” Sinunod ko naman ang gusto nito at mas binilisan ko ang ginagawa ko sa pagkalalaki nito at kahit nangangalay ako—hindi dahil sa pwestong nakatayo kami—kundi dahil mabigat talaga ang binabati ng kamay ko ngayon. Para nga akong nakikipaglaro sa bote ng coke hanggang sa sumabog ito kapag bubuksan mo na matapos mong kalugin ng ilang beses.
Muli akong tumingin sa bagay na pinagtataasan at pinagbababaan ko ng kamay ko. Hindi ko alam kung ako ba ang nagtataas baba o siya ang umuurong sulong sa kamay ko, pero ang nasisigurado ko lamang ay ang sarap hawakan at damahin ng pagkalalaki nito. Puta, kahit lalaki ako para akong tinitigasan sa nangyayari sa aming dalawa ngayon.
“I’m cumming…” Kasabay nang pagsulong ko at pagbayo nito ay ang pagpulandit ng masaganang katas nito. Tuloy tuloy ang pagbuga nito. Malapot na malapot at para ngang naging ihi sa dami nang inilalabas ng kaniyang armas sa kamay ko at tumulo pa nga ang iba sa tiles ng banyong ito.
Labis akong namamangha kaya hindi ko namamalayan na napapangiti ako sa nakikita ko habang patuloy pa rin ako sa pagbati sa pagkalalaki nito. Taena mo, Alvaro. Masyado ka na yatang nag-eenjoy.
Nang ibalik ko ang tingin ko sa lalaking halos habulin na ang hininga nito at sa pumipintig pintig pa nitong kargada ay parang nabalik naman ako sa reyalidad. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Para akong nahihiya o kung ano man ang tawag pero gusto ko na lamang magpalamon sa lupa ngayon.
Tumingin ulit ako sa lalaki. Ngumisi naman ito sa akin at halos makita ko na ang sarili ko sa mga ngipin nito sa sobrang puti at kinis. Taena, para akong nasisilaw ng liwanag sa ginagawa nitong pagngisi.
“Thanks for the treat, Baby Boy,” salita naman nito. Hindi pa rin ako kumikilos. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ganito ang nagiging reaksyon ko ngayon.
“You okay?” Tumulala lamang ulit ako sa kaniya. “Or…” Bumilog naman ako nang binitin nito ang dapat niyang sasabihin.
“Wanna taste it?” Para akong nahulog bigla sa bangin dahil sa napagtanto ko. Mabilis kong binitawan ang pagkalalaki niya at kunot noong humarap sa kaniya.
“Gago!” Mura ko na lamang sa kaniya kasabay nang pagpagpag ko sa kamay kong may tamod niyang halos maging kalamay na sa sobrang lapot at dami.
Napatawa naman ito habang ako naman ay dali daling umalis doon na halos maging kasing pula na ako ng ulo nang nakawakan kong chocolate bar na binabati ko lamang kanina.
Ang manyak mo, Alvaro.
Chapter 1
Chapter 1
Nakatulala lamang ako habang nakatitig sa pagkain na nasa harapan ko. Para akong pagod na ewan kahit wala naman akong ginagawa ngayon.
“Alvaro, ayos ka lang ba?” Hinawakan pa ni Dhezelle ang uluhan ko na para bang may sakit ako kahit na hindi naman ako inubo o nahihilo. Mag-iisang linggo na kaming pumapasok sa klase na walang prof. Gets ko naman dahil first week pa lang naman at walang masyadong gagawin. Pero nakakawalang gana lang talaga dahil ang hirap maghintay ng oras lalo na kung oras ang pagitan ng bawat subject na papasukan mo sa buong araw.
“Wala akong sakit, nakakatamad lang pumasok,” paliwanag ko naman. Pinagpatuloy ko na lamang ang walang gana kong pagkain kahit na gusto ko na lamang matulog ngayon.
Ayos pa namang mag-absent ngayon pero ayoko namang gawin ’yun at baka ma-bad shot pa ako sa professor namin. Hirap pa naman nilang abulin kapag may singko ka na sa portal.
“Una na ko, next subj. ko na e.” Tumango lamang ako rito at hindi na siya tinapunan ng tingin.
Matapos kong kumain ay ipinatong ko na ang bag ko sa lamesa at dumukdok pagkatapos. Hindi ko na naisip pa kung may ibang kakain dahil mas mahalagang unahin ang sarili ko. Ganoon din naman sila ka-selfish kapag sila naman ang gagawa nang ginagawa ko ngayon.
“Hmm..” Ginalaw galaw ko pa ang sarili ko na para bang ipinapahiwatig sa kumakalabit sa akin na huwag niya akong gisingin.
“Mamaya na,” salita ko habang nakapikit pa at ipinagpatuloy ang pagtulog ko.
Hindi ko na alam kung ilang minuto ang lumipas pero nagising na lamang ako sa ingay na aking naririnig. Pagtingala ko ay para akong nasa impyerno nang makita ko si Emery na nasa harapan ko ngayon.
“Problema mo?” Kunot nitong tanong habang sumusubo pa sa kaniyang pagkain. Dahil masama ang gising ko ay kinuha ko ang bottled water na sa tingin ko ay kaniya at ininom ito.
“Alvaro!” reklamo naman nito.
“Ayan na, iinom lang nang kaunti e.” Sabay lapag ng tubig na halos maubos ko na. “Anong oras na ba?”
“Mag-aalas tres na.” Parang nagpantig ang tenga ko sa narinig ko kaya dali dali akong tumayo at kinuha ang bag ko.
“Una na ’ko, salamat.” Kumaripas ako nang takbo at para akong kabayo sa sobrang bilis habang hinihingal pa. Nakarating naman ako sa designated room ng subject na papasukan ko ngayon. Hindi ko lang sure kung anong oras na ako nakarating.
“Yes, Mr.?” tanong ng tingin ko ay prof..
“Casanova po, Ma’am.” Sineniyasan niya akong pumasok na mabilis ko namang tinugunan. Sa pinakalikod na ako pumunta dahil ayoko namang unang matawag sa unahan para magpakilala at saka parang alam na ng katawan ko na sa likuran ang pinakatahimik na lugar. Pwede ka kasing matulog nang hindi napapansin ng professor mo.
Nagpakilala muna ito sa amin at pagkatapos ay ang mga kaklase kong nasa harapan. Hindi pa nakakalahati nang may biglang pumasok na naman. Ngingisi na sana dahil may nahuli sa akin pero nahigit iyon nang mapagtanto ko kung sinong dumating ngayon.
“Have you got your schedule?” pagtatanong ng prof. Namin sa bagong pasok.
“Yes, thank you.” Salita ng taong naka-fun ko, kung iyon ang tawag noong enrolment.
“You may seat already.” Bago ito umupo ay may ibinigay na papel ito sa prof. namin at tumingin tingin sa paligid paa tignan kung saan ito uupo. Ako naman ay mabilis na yumuko dahil para akong may tinataguan na utang kahit totoo namang may mga nautangan ako na kinalimutan ko na rin.
Ilang minutong dumagungdong ang dibdib ko bago ko marinig ang ingay at boses na nanggaling sa kaniya. “Is this seat available?” Hindi ako sumagot baka ’yung upuan yung tinatanong niya, hindi ako ganoon kadelusional na isipin na kakausapin niya ako matapos nang pinaggagawa ko sa kaniya.
“Hey, I’m talking to you!” Nang hawakan ako nito ay doon ko napagtanto na ako pala talaga ang kinakausap nito. Tumingala ako sa kaniya habang nakapaskil ang pilit na ngiti. Para akong matatae sa itsura ko. Parang deserve ko pang matulog sa canteen dahil para akong nahilo sa kakaisip kung ano ba kaming dalawa kahit na wala namang kami. Lalaki ako, lalaki kang tunay, Alvaro.
“Hello…” Napalaki naman ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.
“Oh, you’re the baby boy!” malakas na komento nito.
“Quite please!” biglang sigaw naman ng prof. namin.
Mabilis ko siyang hinila paupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. Ang lakas lakas naman kasi ng boses ng tsokolateng ito. Kulang na lang sabihin sa lahat kung anong mga kagaguhan ko sa buhay.
“Listen, chocholate guy.” Ngumiti naman ito sa akin. Tumingin tingin muna ako sa paligid ko bago ko ilapit ang mukha ko palapit sa mukha nito. “What happen there should be left unheard between the two of us. Get it?” Nanlalaki pa ang mga mata ko habang kaharap ito. Ang akala kong matatakot ay halos lumapad lamang ang mga ngiti sa labi nito.
“You are cute.” Napapikit ako nang marihin dahil sa komento nito. Parang wala itong paki kung kanino man. Sabagay, kung ako naman ang maninirahan sa kung saan hindi ako kilala, gagawin ko ang lahat ng gusto ko.
Wala na akong magawa kung idukdok ang mukha ko sa armchair nang kinauupuan ko. Parang kapag kinausap ko pa ito ay lalo lamang akong mahihiya sa sarili ko.
Ilang minuto ang lumipas bago ko marinig ang pangalan ko. “Alvaro, ikaw na.”
Tumayo na ako at ngumiti nang pilit sa kanila. “Alvaro Casanova, 21.” Maikiling pagpapakilala ko. Uupo na sana ako nang may ihirit na naman sila.
“Why did you choose accountancy daw, Alvaro,” salita ng isang kaklase ko sa akin,
Huminga muna ako nang malalim bago ko sagutin ang tanong na hindi ko naman tinanong nang kunin ko itong course ko. “Gusto kong maging human calculator.” Ngumisi lamang ako habang umuupo at naririnig ang tawanan ng mga kupal kong kaklase.
“Ibang klase utak mo, Alvaro.”
“Pahingi naman at itatapon ko na sa basurahan.”
“Pangit mo kabanding, boy!”
Hindi ko na sila pinakyuhan kahit anong pinagsasabi nila sa akin. Mahirap na at baka hindi pa isali pangalan ko kapag hindi ako nagparticipate sa mga group activity kapag tinatamad na ’kong pumasok.
“Saiveon Washington, 22. Exchange Student.” Napatingala naman ako kay Saiveon nang magsalita ito. Para ngang mababali ang ulo ko dahil sa tangkad nito. Literal na the giant.
“Where are you from Saiveon?” tanong ng isang kupal kong kaklase.
“I came all the way to University of Michigan and been staying here for about 2 months.” Napapatango naman ang professor namin na para bang matatandaan niya ang mga sinabi nito. Sa dami namin, malabong malabo.
“You may seat now.” Dahil siguro tatlong oras ang kada subject namin kahit minor pa yan. Wala akong magawa kundi tiisin ang pagkaburyo kahit na nagdidiscuss ito ng mission – vision ng school na pinapasukan ko. Lahat yata sila ay required kahit nakakasawa na sa paulit ulit. Third year na ko, parang awa niyo naman na.
“So by next week, we will start the presentation.” Napatingin naman ako sa katabi ko nang may nginungungot ito. Ngayon ko lang naalala na hindi pala ito nakaka-intindi ng tagalog at bakit naman kasi hinahaluhan ng tagalog ang discussion. Kapag English, english lang.
Wala naman akong magawa dahil mabait naman ako ay inilapit ko ang katawan ko sa kaniya. “Hey, may I call you—” Para naman itong nagulat sa sinabi ko kaya natawa naman ako nang tumalon pa ito sa upuan niya. Imaginin niyo, ang tangkad niya ta’s mapapatalon pa siya. Para na siyang dildo na tumatalon bigla sa lagay niya.
Nang ibalik ko ang tingin ko sa kaniya ay nakasimangot lamang ito. Para itong chocolate ice scream na nagmemelt dahil sa init ng panahon. Hindi ko nga alam paano niya kinakaya ang init ng Pinas. Baka ganoon din sila, dry nga lang, kumpara sa atin na humid.
“Alvaro,” pagpapakilala ko. Nauna na ako dahil baka sapakin pa ako nito kapag ininis ko pa lalo.
“Saiveon,” maikling sagot din naman nito. Hindi nito kinuha ang kamay ko kaya napapikit ako nang mariin. Parang gets ko rin kung bakit, pero dahil nasa Pilipinas siya, dapat siyang mag-adjust.
Kinuha ko ang kamay nito at para akong nanigas sa pagkalalaki nang ulma nito kumpara sa maliit kong kamay. Parang ang sarap sigurong ipahagod ang katawan ko sa malapad nitong kamay. Tama nga yata sila, kapag malaki ang palad, malaki rin ang … puso. Tama, tama—Malaki ang puso.
“What are you doing?” Ngumiti naman ako sa kaniya.
“This is how you introduce yourself to other people.” Mabilis ko nang binitawan ang kamay niya at kakausapin pa sana siya nang magsalita nang malakas ang professor namin.
“Quite please!” Napaharap ako bigla at pilit na ngiti ang ibinalik ko paharap. Para nga akong matatae kahit na wala naman akong itatae. Kung pera lang sana, kahit magka-almuranas ako araw-araw ay walang problema.
“What she is talking about?” Ilang sandali lamang ay nagsalita ulit ito.
Napaharap naman ako sa kaniya habang nagkakamot sa uluhan ko. “Do you have dandruff?”
Naibusal ko na lamang ang kamao ko habang sinusumpa ang kupal na ’to. Mukha ba kong hindi naliligo? Hindi ko na tinapos ang iniisip ko at baka mapunta pa ako sa impyerno kung gaganti ako sa panlalait nito sa akin.
“She is asking us to create a business idea and present it in a creative way possible,” paliwanag ko naman. Tumango tango naman ito na para bang may naiisip na siya. Kakausapin ko pa sana siya pero bigla na lamang itong tumayo at naglakad papalapit sa professor namin.
Napakunot ang noo ko nang mag-usap sila at pagbalik niya ay malaki na ang ngisi na dala nito. Para itong nanalo sa lotto kahit hindi naman ito nag-iscatter.
Natapos ang araw na iyon na pinaiwan ako ng professor namin. Akala ko kung ano na, pero parang ngayon lang nag-sink in ang ginawa ni Saiveon kanina. Taena nun, gagawin pa akong katulong.
“You will be partnering to Mr. Washington, Mr. Casanova.” Kahit labag sa loob ko ay napapatango na lamang ako. Pinakiusapan din ako nito na pakisamahan na lamang lagi ang lalaki dahil mukhang matino naman daw ako. Mukha ba akong adik dati? Taena.
Nang makalabas ako ay mabilis kong hinanap kung nasasaan si Saiveon. Kahit nag-aagaw dilim na ang paligid, kitang kita pa rin siya sa laki niya. Kaya mabilis kong tinakbo kung saan siya patutungo. Mukhang alam ko naman na kung saan dahil iisa lang naman ang pwedeng tuluyan ng mga exchange and foreign student dito sa unibersidad namin.
“Saiveon, sandale!” Mukha akong mang-aaway sa postura ko kaya nang lingunin ako nang lalaki ay parang tumagos lang sa likuran ko at pinagpatuloy ang paglalakad niya. Kapag naabutan kitang kupal ka, itatali ko ’yang mga bayag mong hayop ka.
Nang mahabol ko siya ay mabilis kong hinawakan ang likuran niya. Hindi kaagad ako nakareact nang mabilis niya akong pinaikot na siyang ikinasalampak ko sa lupa. “Nyeta!”
“Sorry, sorry, I thought someone was robbing me off.” Tinignan ko naman ito nang masama. Hindi makapaniwala na iisipin niyang may magnanakaw sa loob ng school. Meron nga, pero ako? Mukhang magnanakaw. Taena niya.
Nagpagpag naman ako pagkatapos at nang makatayo naman ako ay pina maywangan ko siya kaagad. Gusto ko siyang pagsalitaan ng masama pero nabubuhol ang dila ko dahil baka anong masabi ko. Kaya sa bandang huli ay kung ano na lang ang magandang gawin ang nasabi ko. “Wanna have coffee?”
“Now?” Tumango naman ako sa sinabi nito. Hindi ko na inulit ang sinabi ko dahil hindi naman siya bingi. Sa laki niyang ’yan pati tenga niya dapat malaki rin ang butas. Kung hindi, ano pang silbi ng katawan niya kung tenga niya ay parang tenga ng daga.
“Can I change my clothes?” Hindi ko na siya hinintay na magtanong nang magtanong pa at mabilis ko na lamang ipinatong ang kamay ko sa maskuladong braso nito at padarag na hinila siya palabas.
“Wa-wait…” Dahil nakukupalan pa ako sa ginawa niya ay huminto ako at mabilis ko na lamang siyang sinakyan mula sa likuran. Para naman itong trumpo na umikot ang mundo dahil sa ginawa ko.
“Just do it, Saiveon! You are my knight in this dashing and bustling night!” Tawang tawa naman ako habang nagsisimula na itong maglakad.
“This is not good, Alvaro.” Kahit nagrereklamo ito ay hinawakan naman nito ang dalawa kong paa para hindi mahulog at bilang suporta na rin sa katawan ko. Alam na alam ko na hindi ito mahihirapan dahil sa paghawak ko palang sa kaniya kanina ay alam kong batak na batak ito sa gym.
“What’s good is not good, let’s go!” Para na akong baliw sa kakatawa habang siya naman ay nakabusangot. Naaalala ko na naman ang sinabi ko sa isipan ko sa kaniya. Para siyang tsokolate na malungkot.
Chapter 2
Chapter 2
“Do you have crush on me?” Halos maibuga ko naman ang iniinom kong malamig na kape dahil sa sinabi nito sa akin. Napaliit pa ang mga mata ko na parang sinisigurado kung tama ba ang pagkadelusional nito. Kung may magkakagusto man sa aming daalwa, siya iyon dahil ako ang pinakagago sa mundo.
“Just drink your coffee, Saiv,” sagot ko lamang sa kaniya. Hindi ko na dinugtungan pa ang sinabi ko dahil baka isipin niya ay masiyado akong defensive.
“Then what happ—” Hindi ko na siya pinatapos pa at tinaas ang isa kong kanang kamay.
“I’m just curious, it’s not that s-serious,” nabulol pa ako sa huli kong sinabi. Inisip ko rin kung nagmakesense pa sa utak niya dhail hindi ko rin na-comprehend ’yung sinabi ko.
“Hmm…” Napangitngit naman ako sa mga ngipin ko sa makahulugang sinabi nito. Para bang tantiya at alam na niya kung ano bang kulay ang nananalaytay sa akin. Kung mayroon man, hindi na siya makakahinga pa kinabukasan kung ganoon.
Nagtititigan at kumakain na para bang nagpapaligsahan kung sino sa aming dalawa ang puputol ng katahimikang namumutawi sa pagitan naming dalawa. Ayoko naman magsalita pa at baka ano na namang pumasok sa utak nitong gagong ’to.
“Wanna be my fuck buddy?” Muli na naman akong nasamid sa sinabi nito. Tumingin pa ako sa paligid kung may nakarinig ba sa ulupong na ’to o dahil kung meron ay gagawin ko na siyang chocolate peanut butter flavor at ipapalaman sa mga nakahileyang loaf bread sa bahay namin.
“You’re delusional already, Saiveon. Hindi na tama ’yan. Wait— did you drink your medicine? “ pabalang na sagot ko sa kaniya.
“If you let me taste your ass, why not? That’s the one I was looking for.” Ginalaw galaw pa nito ang magkabila niyang kilay na para bang iniengganyo ako sa suhesyon nito. Parang kapag pumayag ako ay talagang yayarihin ako nito hangga’t hindi siya nasasaid at hindi niya maipapalabas ang lahat ng likido sa katawan nito.
Dahil iba na ang nangyayari at kabalastugan nito ay mabilis kong sinipa ang paa nito na nasa ilalim ng table na kinauupuan namin.
Ngumisi pa ako nang bigla itong sumigaw. “Shitt! Little mother fucker!”
Tumawa naman ako habang masama itong tumingin sa akin. “What’s your problem, little boy?” May bahid na nang suklam ang tono nito na parang kapag pinagpatuloy ko ang pagwawalangya ko sa kaniya ay talagang masusuntok na ako nito. Sa laki niya, malabong matalo ko siya.
“I’m straight, Saiv. I just got curious at that time. It was not even in my mind, nor did it even cross it, that I would do something fun with someone of the same gender.” Uminom ulit ako ng kape na mas mapait pa sa samahan namin ng lalaking ito.
“Then why do you aks me to have a date here?” Namilog naman ang mga mata ko sa sinabi nito. Masyado na siyang nasa alapaap at kailangan na niyang bumalik sa reyalidad ng mundo.
“Don’t you need a friend? Someone to have talked with?” Hindi ko alam kung tama pa ba ang grammar ko pero basta’t naintindihan na niya, doon na ko sa mas safe.
“Do I look like a Mr. Bean to you?” sagot nito sa akin.
“Mr. Bean?” Masiyado na siyang matanda para manood pa noon. Napatawa na lamang ako habang iniisip kung paano nasali si Mr. Bean sa usapan.
“Now, you’re laughing at me?” siya ulit.
“Nope, I’m crying,” pang-aasar ko pa sa kaniya na siyang ikinatalim pa lalo ng kaniyang mga mata. Parang kapag sumige pa ako ay talagang makakatikim na ako sa kaniya.
“Now, you’re joking?” Pakak niyang sagot ulit.
“No, I’m sitting.” Iminulestiya ko pa ang dalawa kong kamay na parang pinapakita kong nakaupo ako ngayon. Dahil siguro sa pagkainis nito ay bigla na lamang itong tumayo at pinamaywangan ako habang nakaharap sa akin. Para namang mababali ang leeg ko sa kakatingala sa kaniya. Parang pinapakita nito kung sinong ang mas angat sa aming dalawa.
“Do you want to be friends with me?” Seryosong saad nito ngayon. Napahigit naman ang dapat ngisi ko dahil parang kapag nagkamali ako nang sagot sa kaniya ay bigla na lamang niya akong lalayasan at hindi na kakausapin pa ulit.
“Yes! Of course!” Tumayo rin ako at nakipagtitigan sa kaniya. Para kaming nag-aamon nang away sa mga postura naming dalawa. Kung sinong matalo, siya ang mapupuwetan ngayong gabi.
“Urgg…” Napasabunot na lamang ito sa kaniyang buhok habang bumabalik ito sa pwesto niya. Ako naman ay nakatitig lamang sa kaniya at iniisip kung paano ako kukuha at sesegway para maiba ang atmosphere sa pagitan naming dalawa.
“Do you want strawberry cupcake?” Bigla ko na lamang suhesyon habang itinuro ang kakakita ko lamang na pagkain sa kaniya. Tumango lamang ito habang ako naman ay dali daling kinuha ang bag ko at pumunta na sa cashier.
Magmula mag-order ako at makuha ang tray na binigay sa akin ay si Saiveon lang ang nasa isip ko. Hindi ko alam kung anong gayuma ang pinainom niya sa akin at bakit iniisip ko kung paano siya pasasayahin ngayong magkasama kaming dalawa.
“Here. Hope this makes us equal now.” Ngumiti naman ako pagkaupo ko sa kaniya. Tumingin ito sa akin at nagtitigan lang kaming dalawa. Inisip niya siguro kung lalasunin ko siya, kung ganoon man, mauna na siya dahil gusto ko pang grumaduate nang hindi naguguidance.
Hindi rin siya nakatiis at tinikman na rin ang binili ko para sa kaniya. “It’s good,” maikling komento nito sa kinain niya. “You want some?”
Tumango lamang ako habang nakatitig pa rin sa kaniya. Kahit hindi ko man aminin, maganda talaga ang mukha nito. Para siya talagang porn model sa mata ko. Idagdag mo pa kung gaano kahigante ang nasa pagitan ng mga hita nito.
Dinusog naman nito ang plato palapit sa akin. Hindi na ako nag-inarte na kinuha ang iniabot nitong tinidor at ginamit din ito bilang pansubo. “Hmm…” Napapagalaw pa ako sa uluhan ko nang matikman ko ito. Basta’t ang masasabi ko, masarap na masarap dahil sulit ang 75 pesos na binili ko. Hindi na ako talo sa dami ba naman ng sugar na tiyak kong nilagay nila rito.
Titikim pa sana ko nang may biglang sumulpot na kung sino at sinigaw ang pangalan ko. “Alvaro!” Gusto ko na lamang magtago at hindi magpakita sa kaniya dahil pinagtitinginan na siya dahil sa bibig nito.
“Oy, hindi ka namamansin!” malakas na salita ulit ni Dhezelle. Para itong nakalunok ng mic sa sobrang lakas at tinis ng boses nito.
“Dumating ka lang, umingay na,” may halong pagkainis na ang tono ng boses ko dahil naririndi na rin ako sa kaniya. Sa lahat pa naman ng ayaw ko ay hindi marunong ilugar kung kailan itataas ang boses, pero kung itatanong niyo ako kung saan lugar ’yon, pwede na sa mental hospital. Walang pipigil sa’yo kahit magwala ka pa maghapon at magdamag.
“Who is this, Alvaro?” Pagkaupong pagkaupo nito sa tabi ko ay si Saiveon naman ang pinagdiskitahan niya. Tumingin naman ako sa lalaki at parang nagningning naman ang mga mata nito ngayon.
“She already has boyfriend,” mabilis na sagot ko. Napatingin naman sa akin si Dhezelle na parang tinatanong kung kailan, saan, at sino ang naging boyfriend nito. Pinanlakihan ko lang siya ng mga mata ko at pilit na ipinapahiwatig na, sumabay ka lang, hindi mo kakayanin ’yan .
“They are just boyfriend-girlfriend,” biglang salita ni Saiv. Kumunot naman ang noo ko at parang mababali yata ang mga ugat ko sa ulo dahil parang gusto pa nitong maging kabet sa lagay niya ngayon.
“She has 3 children,” depensa ko naman. Nanlaki naman bigla ang mata ni Dhezelle dahil sa sinabi ko. Parang ano mang oras ay huhukayin na ako nito at kung ano-anu na ang lumalabas sa bibig ko.
“You’re joking.” Humarap si Saiveon kay Dhezelle at siya ang kinausap nito. “Do you seriously have boyfriend?”
“Ballpen?” Napatampal na lamang ako sa uluhan ko at nagawa pa nitong magbiro. “I have ballpen here, do you want some?” Maiinis pa sana ako nang biglang tumawa nang malakas si Saiveon na para bang nakakatawa ang sinabi ni Dhezelle sa kaniya.
“I want you now. Do you want to be my boyfriend?” Hindi na ako nakatiis pa at hinila na lamang si Dhezelle at bigla siyang hinalikan sa harapan ni Saiveon.
“I am his boyfriend!” salita ko pagkatapos nang paghalik ko kay Dhezelle. Nakatulala lamang ang babae habang ako ay may malaking ngisi sa harapan ni Saiveon. Para naman itong natupok sa kinatatayuan niya dahil sa ginawa ko sa tingin ko’y nagugustuhan niyang si Dhezelle. “So fuck off!”
Mabilis kong hinila si Dhezelle palabas ng coffee shop at hindi na inisip pa kung maiiwanan kong mag-isa si Saiveon. Nang makalayo kami ay halos masuka ako sa nangyari kanina. Para akong binuhusan dahil sa kagaguhan na ginawa ko.
“Kadiri ka, Alvaro!” Napatawa na lamang ako pagkatapos kong dumura at pinagpag ang labi ko.
“Ayaw mo nun, may experience ka na sa lalaki,” sagot ko naman sa kaniya.
Pinakyuhan lamang ako nito habang nagpupunas din siya sa kaniyang labi. Ilang minuto lamang ay seryosong tumingin ito sa akin.
“May gusto ka ba sa kanong ’yun, Alvaro?” Namawis naman ang kamay ko sa tanungan nito sa akin. Parang kapag iniiwas ko ang tanong, alam na nito ang sagot.
“Wala naman. Iba kasi ’yung tingin niya sa’yo at imaleta ka pa kapag nagkataon,” sagot ko sa kaniya na may halong biro. “Branded pa naman maleta nun, hindi mo deserve. Dapat sa sako ka lang.”
“Taena mo!” Natawa na lamang ito sa klase ng sagutan na binigay ko sa kaniya. Hindi naman na dapat pinapalaki ang isang bagay na hindi pa malaki. “Pero kung magkagusto ka man, dapat ihanda mo na ’yang butas mo.”
“Mandiri ka naman, Dhezelle.” Kinilabutan naman ako sa sinabi nito. Hindi naman talaga sumagi sa isip ko ang bagay na sinasabi niya at ang sa akin lang, naging mabuti lang akong estudyante at mamamayan ng Pilipinas. Baka isipin pa ng kanong ’yun na napakasama ng mga Pilipino kahit na masama naman talaga ang budhi natin.
“O siya, bumalik ka na ro’n at iniwan mo pa talaga siya. Kapag naligaw ’yun, baka ibang maleta ang ipasok sa’yo.” Napasabunot na lamang ako sa buhok ko habang nagpapaalam kami sa isa’t isa. Kahit ayokong bumalik doon ay wala akong magawa at baka maligaw ng landas si Saiveon. Ayoko namang magbiro na baka hindi siya makita sa gabi dahil iba na ang panahon ngayon lalo pa’t may ilaw naman sa mga daraanan pabalik at papasok ng unibersidad namin.
Mabilis kong hinanap si Saiveon at nang hindi ko ito makita sa table namin kanina ay sa comfort room ko naman siya tinignan. Hindi nga ako nagkamali at kasalukuyan itong umiihi sa pinakaduluhan ng mga nakahanging toilet bowl ng panlalaki.
Hindi pa ako nagsasalita ay parang ramdam nito na may nanonood sa kaniya. Nang mapatingin na siya sa banda ko ay hindi naman ito nagulat. Parang may halong pagngisi pa nga ang nangyari dahil parang kinilabutan ako na hindi ko maipaliwanag.
“Do you wanna see a snowman?” May kalakasang tanong ni Saiveon dahil medyo may kalayuan din kahit papaano kung saan siya umiihi ngayon. Napasingkit naman ang mga mata ko dahil kahit hindi ko bigyan ng meaning ang sinabi niya ay parang alam na alam ko kung ano ang tinutukoy nito.
Tinaas ko ang isa kong kamao sa kaniya na parang sinasabi na kapag nagbiro pa ito ay sa alaga na nito dadapo ang dapat sa kaninang mukha niya pa dahil kanina pa niya pinapainit ang ulo ko.
Lalapit na sana ako nang bigla itong humarap sa akin.
“Taena mo, Saiveon!” Malakas na sigaw ko dahil kitang kita ko na naman ang higanteng tsokolateng alaga nito. Parang mas lumaki pa lalo ito nang huli ko itong mahawakan at makita.
Malakas lamang itong tumawa habang pinapagpag ang pagkalalaki niya. Hindi ko alam kung bakit sinundan pa ng mga mata ko kung paano niya ipasok ito paloob sa suot niyang pantalon hanggang maitago niya ito nang mabuti. Paano niya natatago ang ganiyang kalaking ahas? Kahit yata magdoble siya ay kitang kita pa rin ang umbok nito.
“Did you enjoy the show, lmy ittle boy?” bigla nitong tanong na may kasama pang malawak na malawak na pagngisi. Parang nanalo ito sa lotto dahil sa kaniyang nasasaksihan. Parang ito talaga ang pinunta niya rito sa Pilipinas kaysa sa mag-aral nang mabuti at unawain ang kulturang Pilipino.
Katulad nang ginawa sa akin ni Dhezelle ay ginawa ko rin kay Saiveon. Pinakyuhan ko ito habang mabilis na umalis sa banyong iyon. Hindi ko na inisip kung makakauwi pa siya nang buhay dahil parang ang namutawi na lamang sa akin ay kung paano ko papatahimikin ang gagong dibdib ko na hindi pa rin matigil na pagtakbo. Lalaki ka, Alvaro, taena mo.

