loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Ang Gamu-Gamo sa Isang Lampara

Ang Gamu-Gamo sa Isang Lampara

Axll Aceberos · 1 chapter · 2,963 words

COMPLETED SHORT STORY

Sipat-sipat ni Josefina ang repleksyon niya sa salamin habang maingat ang kaniyang bawat galaw sa paglalagay ng eyeliner. Kinakailangan niyang matapos ito ng mas maingat upang maganda ang kalabasan. Kung tutuusin ay hindi na niya kailangan ng mga kolorete sa mukha. Maganda si Fina na may makinis na balat. Kung susumahin nga’y wala siyang kapintasan. “Josefina!” malakas na tinig ng kaniyang ina, “anong oras kapa dyan? Ma-le-late kana!” Napairap na lang si Josefina sa kawalan. “Saglit na lang ho!” sigaw niya at mabilis na inapura ang kaniyang sarili.

“Fina!!!” tawag ng kaibigan ni Josefina ng makita siya nitong papasok palang sa room nila. “Bakla ka! Kanina pa kita hinihintay. Pak na pak na naman ’yang mengkay(make-up) mo.” Hinawi ni Josefina ang may kahabaan niyang buhok tila iniingit ang kaibigang si Berto. “Buti na lang talaga hindi ganyang mukha ang binigay sa’kin.” may panunudyong aniya habang nakatingin sa kaibigan. “Charot lang!”

Dahil nga ito ang unang araw ng pagpasok ay hindi pa halos magkakakilala ang lahat. Siguro bilang lamang ang kilala ni Josefina sa loob ng room, kabilang na dito ang kaibigan niya. Nagsimulang dumating ang magiging Guro nila. Nagpakilala lamang ito pagkatapos ay sila naman ang naatasang ipakilala ang kanilang sarili sa mga kaklase.

“Bakla!” napukaw ang atensyon ni Josefina ng marinig niya ang kaibigan. Naantala tuloy ang paglalaro niya ng online games. “Ano ba—” bago pa man matapos ni Josefina ang sasabihin at natigilan na siya’t napatitig na lamang sa unahan. “Ang pogi niya” bulalas niya sa kaniyang isip. “Hi, Terrenz Montimayor, 20.” Kung totoo ang sinasabing Love at First Sight ay naniniwala na si Fina. Iba ang pakiramdam ng pagkatao niya. Tila may kung anong maliit na liyab ng apoy sa katawan niya. “Bakla ka! Natulala kana!” puna ng kaibigan ni Fina. Mabilis na nag iwas ng tingin si Fina. “Hindi ah,” pagtanggi niya.     

          Lumipas ang mga araw. Naging masipag si Josefina sa kaniyang pagpasok at mas dinoblehan pa ang pag-aayos ng kaniyang sarili. Kung maganda na nga si Fina ay mas lalo pa siyang gumanda. Sa bawat paglipas ng araw ay siya namang paglago ng namumuong relasyon sa pagitan ni Fina at Renz. Napag alaman ni Fina na gusto din pala siya ng binata. Sino nga bang mag-aakala na ang dating pinagpapantasiyahan niya lang ay makukuha pala niya. “Tara sa bahay bukas. Ipakikilala kita sa mga magulang ko.” mensaheng natanggap niya ni Fina galing kay Renz. Sinubsob niya ang kaniyang mukha sa unan at doon malakas na tumili. Hanggang ngayon hindi parin nawawala ang karisma ng lalaking ito sa kaniya. Nalaman na lamang ni Fina na nai-send na pala niya ang pag payag sa gusto ng nobyo. Ilang oras pa silang nagpalitan ng mga mensahe bago nagpaalam sa isa’t-isa. Dumating ang umagang pinakahihintay ni Fina. Mabilis siyang naligo ngunit naging maingat sa pag-aayos. Kailangang maging disente at maayos siyang tingnan sa harap ng mga magulang ng nobyo. Ilang oras siguro ang naigugol ni Fina sa pag-aayos at sa pagpili ng susuotin. “Oh, anak ang ganda-ganda mo naman. Saan ka pupunta?” Anang ina ni Fina. “Magsisimba lang ho ma. Hihingi din po ako ng pera pamasahe, panggastos.” At dahil nga sa nalaman ng Ina na sa simbahan ang tungo ng anak ay hindi na siya nag atubiling dumukot ng pera sa kaniyang kalupi. “Mag-iingat ka anak. I love you.” anang Ina. “Thank you, Ma. I love you too. Mariing niyakap ni Fina ang Ina pagkatapos ay umalis. Nagtungo si Fina sa lugar kung saan sila magkikita ng nobyo. Malayo palang tanaw na niya ang kaniyang nobyo. Napaka g’wapo nito kahit sa simpleng suot. “Ang ganda mo Fina.” bungad na bati ng binata. “Salamat.” pagtugon niya. May panunuri sa mga mata ni Fina nang makarating sa bahay ng binata. Maganda iyon, maayos, malinis at simple lang ang kalakihan. Inaya ni Renz si Fina na pumasok sa loob. Tahimik ang ambiance ng paligid. Siguro tanging mabilis na pagtibok ng puso ni Fina ang kaniyang naririnig. Binanaagan siya ng kaba dahil nga sa unang pagkikita nila ito ng mga magulang ni Renz. “May work pa sina Mommy at Daddy. Hintayin na lang natin. Mamaya pa siguro uuwi ’yon. Manood muna tayo ng palabas habang naghihintay.” kumawala sa dibdib ni Fina ang malakas na kaba. Lalo’t alam ni Fina na bukod sa mga magulang ni Renz ay wala na itong iba pang kasama sa bahay. Naupo si Fina sa sofa habang inaayos ni Renz ang kanilang panonoorin. Tahimik ang dalawa sa kanilang panonood lalo’t maganda din ang naging takbo ng istorya. Mayamaya pa, naramdaman ni Fina ang pag-akbay sa kaniya ni Renz. Binalewala lang iyon ni Fina lalo’t komportable naman siya sa binata. Wala siyang pagka-ilang na naramdaman. Naging mainit ang tagpo ng mga bida sa pelikula. Naglalapat ang mga labi ng mga iyon habang mainit ang bawat tagpo. Marahang napalunok si Fina. Hindi na siya komportable. May kung anong emosyon sa katawan niya na ibig kumawala. “Fina.” baritonong boses na tawag ng binata sa dalaga at doon nagtama ang kanilang mga mata. Anomang ibig na iwas ni Fina sa pagtingin sa binata ay hindi niya magawa. “Fina gusto kitang halikan,”  bagtas ang kaba sa dibdib ni Fina habang pinipigilan niya ang pangangatog ng kaniyang tuhod. Hindi siya naka imik. Nakatitig lamang siya dito habang mabilis at malakas ang bawat pintig ng kaniyang puso. Nalaman na lamang ni Fina ang paglapat ng mga labi ng binata sa kaniya. May kung anong apoy sa loob ng katawan niya na unti-unting lumiliyab. Habang tumatagal ang bawat tagpo. Nalaman na lamang ni Fina na pati ang kaniyang mga labi ay gumagalaw ng kusa. Tumutugon sa bawat halik ng binata. Sa puntong ito walang ibang naging emosyon si Fina kundi ang takot. Natatakot siya sa mga susunod na mangyayari. Naramdaman ni Fina ang kamay ng binata sa iba’t-ibang parte ng katawan niya. Nagliliyab ang kamay na humahaplos at dumadampi sa balat niya. Ituturing bang isang pagkakamali ang pagmamahal? Kung ang pagmamahal na iyon ay sa pakiwari naman niya’y magtatagal. Kailanman ay hindi pinagsisisihan ni Josefina ang nangyari sa kanila ng nobyo. Para sa kaniya, hinding-hindi magiging masama ang isang gamu-gamong naglalaro sa apoy ng tadhana. Masakit ang buong pagkatao ni Fina. Simula ng mangyare ang lahat sa kanilang dalawa ng nobyo ay hagya na siyang makabangon pero ganonpaman ay pinilit niya. Ayaw niyang makahalata ang mga magulang niya. Kumilos siya ng naayon tulad ng dati. Hindi lang doon natapos ang paglalaro sa apoy ng kasukdulan. Na ulit pa iyon ng ilan pang beses. Ni hindi na nga alam ni Fina ang salitang dalagang Filipina. Kung saan na lang abutan ay doon na lang. Gayonpaman wala siyang ibang naramdaman kundi ang pagmamahal niya sa nobyo. Hindi na nga siya nakatanggi. Nasanay na siya. Nasanay na rin ang katawan niya. Ganoon man kainit ang bawat tagpo nila ni Renz ay alam na alam na Josefina na mahal na mahal siya ng binata. Ramdam niya ’yon sa paraan palang ng mga ginagawa nito sa kaniya. Mahal siya nito. Mahal siya ni Renz at ’yon ang panghahawakan niya.

Handang handa si Fina na malunod kung siya’y sa pagmamahal din ng binata malulunod. At handa na rin siyang sumagal dahil alam niyang ipapanalo siya nito.

Malawak ang naging pag-ngiti ni Josefina habang pinaamasdan ang mga mata ng nobyo. Inaya kasi siya kito sa isang hindi man magarang date ay appreciate naman ito ni Fina at talagang gustong-gusto niya. Narito sa tabing dagat habang magka daupang palad. Nakatingin sila sa isa’t-isa na tila ba hindi na sila mapaghihiwalay. Inalis ng binata ang paghahawak ng kamay nila. May kung anong dinukot ito sa bulsa.

“Talikod ka.” Anang binata na agad namang sinunod ni Fina.

Malawak ang naging pag ngiti ni Fina. Tila ba’y kiniliti ang kaniyang puso ng maramdaman ang kwintas na ikinakabit sa kaniyang leeg. “Para sa’yo ’yan Fina, mahal ko.” Tiningnan ni Fina ang pendant ng suot niyang kwintas. Ito ay hulmang Infinity pendant. “Bakit infinity?” hindi maiwasang tanong ni Fina. “Yan ang sukat ng pagmamahal ko sa’yo. Walang hanggan hanggang sa kamatayan.” pinaharap ni Renz si Fina. “Mahal na mahal kita, Fina. Lagi mo ’yang pakakatandaan.”

Tila ilang libong kilig ang naramdaman ni Josefina nung panahong iyon. Iyon ang panahong hindi niya kailanman malilimutan.

Sumapit pa ang ilang buwan hanggang dumating ang kaarawan ni Josefina. Gayak na gayak siya sa kulay asul niyang Gown. Gandang-ganda ang mga taong nagsipag-puntahan sa kaniyang kaarawan. Hindi magawang alisin ni Josefina ang kaniyang ngiti sa ispesyal na araw na ito. Maraming nag bigay ng pagbati sa kaniya ngunit alam ni Fina sa kaniyang sarili na iisang pag bati lamang ang gusto niyang marinig. At iyon ay ang pagbati ng kaniyang nobyo.

Lumipas ang ilang oras, napipika na si Fina habang may pag-aalala. Wala parin kasi ang nobyo ni Fina. Hindi pa dumarating ang kanina pa niya hinihintay. Marami na rin ang mensaheng ipinadala niya sa nobyo ngunit ni isang pagsagot ay wala. Walang responde sa nobyo.

Nag-aalala na si Fina at binabalutan na rin siya ng kaba. Nasan na ba ’yung nobyo niya? Nasan na ba ’yung taong pinaka mamahal niya?

Natapos ang paganap sa kaarawan ni Fina. Walang Renz na sumulpot sa tabi niya upang batiin siya sa kaarawan. Walang Renz na pumunta. Tila pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha ni Fina. Hindi rin siya makatulog kahit pa nga pasado ala una na ng madaling araw. Iniisip parin niya si Renz.

Isang pagtunog ng telepono ni Fina ang nagpa gising sa kaniyang pagkatao. Mabilis niyang hinagilap ang cellphone at tiningnan ang nasagap na mensahe.

Bumagtas ang samu’t saring emosyon sa buong pagkatao ni Fina. Ang sakit, pagka gulo at kung ano-ano pa.

“Fina, gustong sabihin sa’yo na nakikipag hiwalay na ako. Mayroon na akong bago. Hindi ko lang nasabi sa’yo. Pasensya kana, Fina.”

Hindi alam ni Fina kung ano ang mararamdaman. Naguguluhan siya. Bakit? Anong ginawa niya? Bakit ganon? Bat naging ganon? May mali ba siyang nagawa?

Naramdaman na lang ni Fina ang pag-agos ng luha sa kaniyang mga mata. Hindi siya naniniwala sa mensahe ng nobyo niya. Mahal siya nito. Mahal siya ni Renz. Hindi siya nito iiwan. May pangako si Renz sa kaniya.

Nalaman na lamang ni Fina na dinala na siya ng kaniyang mga paa. Tumatakbo habang patuloy sa pag-agos ang kaniyang mga luha. Kailangan ni Fina makita si Renz. Kailangan nitong magpaliwanag sa kaniya. Kailangang maging malinaw ang lahat.

Sige sa pagtakbo si Fina. Ni pagod ay hindi niya ininda. Ang alam lang ni Fina gusto niyang makita ang binata.

Nang marating ang bahay ng binata ilang oras ang lumipas sa kaniyang pagtakbo. Naka lock ang pinto. At hindi niya mawari kung bakit may naka sulat ng “house for sale” doon. Nasan si Renz? Nasan ang mga magulang niya?

“Renz, lumabas ka dyan!” Buong lakas na sigaw ni Fina wala na siyang pakialam kung maka bulahaw man siya ng natutulog. “Renz. Nasan ka?” Walang lakas na napahawak si Fina sa bakal ng gate. Nanlalabo na ang mga mata ni Fina at tila hindi maawat ang kaniyang mga mata sa bawat pag-agos ng kaniyang mga luha. Namamanhid sa sakit ang buong pagkatao ni Fina hanggang sa nawalan na siya ng Malay.

Natagpuan ni Fina ang kaniyang sarili sa ospital. Hinang hina ang kaniyang katawan at pugto ang mga mata. Narito na rin ang mga magulang niyang bakas ang pag-aalala.

Maraming tanong ang mga magulang niya ngunit wala siya ni isang gustong sagutin. Nag-iwas siya ng tingin dito at mariiing pinikit ang mga mata. Sana panaginip na lang ang lahat. Iyon ang naging usal niya.

Sa pagkawala ni Renz sa buhay ay siyang unti-unting pag guho ng buhay niya. Maraming problema ang dumating sa kaniya. Isa na rito ang pagdadalantao niya. Natanggap ito ng mga magulang niya ngunit siya hinding-hindi niya kayang tanggapin lalo’t alam ni Fina na ang sanggol na nasa sinapupunan niya ay ang sanggol ng manloloko niyang nobyo. Ang anak ng lalaking kinamumuhian niya.

Maraming naging bisyo si Fina simula noon. Nag sigarilyo, uminom ng alak kasama ang mga kaibigan. Tila naging pariwala na siya. Tila isang gamu-gamung inakala niyang kapag naglaro sa apoy ay hindi masasaktan. Na tupok si Fina ng apoy kasama na rin ang pagkatao niya. Parang wala na ngang buhay si Fina.

“Fina, tagay pa. Marami pa tayong alak.” anang lalaki kay Fina. Sa mga kilos nito’y alam ni Fina na nilalasing siya ng binata. Alam niyang may binabalak ito sa kaniya.

“Kung gusto moko. Hindi mona kailangan pang lasingin ako.” Lumapit si Fina sa kainuman at mariing hinalikan ang mga labi nito hanggang sa nalaman na lang ni Fina na nasa loob na sila ng k’warto ng binata.

Dumapo ang mga labi nito sa leeg niya. Napapikit si Fina at doo’y sumagi sa kaniyang isip ang larawan ng dating nobyo. Ang mukha ni Renz. Mabilis nagmulat ng mga mata si Fina. Malakad niyang tinulak ang lalaki.

“Hindi ko kaya.” aniya at mabilis na lumabas ng silid.

Ramdam man ni Fina na nahihilo siya ay pinilit niyang kayanin maka labas doon at nagpara ng masasakyan pauwi.

Sakay ng taxi si Fina doon nagsipag bagsakan ang mga luha sa kaniyang mga mata. Bakit ganoon? Mahal na mahal parin niya si Renz. Kahit ilang buwan na itong wala sa tabi niya. Kahit niloko lang siya nito’t pinaglaruan. Mahal na mahal parin niya ang binata.

Kina-umagahan walang ganang bumangon si Fina. Tuluyan siyang nalugmok sa higaan. Hindi siya nakakaramdam ng gutom kahit pa nga hindi pa siya kumain kagabi. Wala siyang pakialam sa mundo. At mas lalong wala siyang pakialam sa sanggol sa loob ng kaniyang tiyan. Di bale na sigurong mamatay ito mas doon ikasisiya pa niya.

Narinig niya ang pagkatok sa labas ng pinto ng kwarto niya. Rinig niya ang boses ng kaniyang ina sa labas tinatawag ang pangalan niya. Patay malisya siyang animo’y hindi naririnig ang tawag.

“Fina, anak. May sulat ka galing kay Renz.” Ang katawan ni Fina na putla at walang dugo ay tila nabuhayan. Mabilis siyang bumangon sa pagkakasadlak sa higaan. Ewan ang tagal tagal ng wala ni Renz sa buhay niya pero grabe parin ang naging epekto nito sa kaniya.

Kinuha niya ang sulat sa ina. Nilock niya ang pinto at doo’y nanginginig ang kamay na binasa ang sulat ng binata. Ramdam na ramdam ni Fina ang kabog ng kaniyang dibdib.

From: Terrenz To: Fina.

    “Hi, Josefina mahal ko. Kamusta kana? Hmmm. Pano ko ba ito sisimulan? Alam kong galit na galit ka sa’kin dahil iniwan kita at nakipag hiwalay sa’yo ng walang pasabi. Alam kong hindi moko mapapatawad sa mga nagawa ko sa’yong pagkakamali. Gusto lang sabihin sa’yo na hanggang ngayon mahal na mahal parin kita at kailanman hindi nawala iyon. Fina mahal ko, patawad sa lahat. Gustong-gusto kong manatili sa tabi mo. Gustong-gusto kong makasama pa kita hanggang sa ating pagtanda. Pero alam kong hindi na mangyayare ’yon. Lumayo ako sa’yo dahil ayokong masaktan ka. Ayokong mag-isip ka. Ayokong maging pabigat sa’yo. Ayokong maging alagain mo kasi ako dapat ’yung nag-aalaga sa’yo. Ako dapat ’yung iintindi sa’yo at magmamahal sa’yo.

Fina, sinubukan kong labanan ’yung sakit ko. Sinubukan kong magpaka tatag para sa pagdating ng araw na magaling na ako ay makakasama na ulit kita. Pero habang lumilipas ang mga araw at buwan lumalala ng lumalala ang kondisyon ko. Nagsimula ng bumigay ’yung katawan ko pero umaasa parin akong gagaling ako. Gagaling pa ako. Magpapalakas pa ako para sa’yo. Magiging mabuting tatay pa ako ng mga anak natin. Pero Fina gusto ko mang lumaban pero hindi na lumalaban yung katawan ko. Bumibigay na.

Kung sakali mang mabasa mo ang sulat na ito ibig lang sabihin non nasa kabilang buhay na ako. Ibig sabihin non hindi kona kinaya. Sinabi ko sa kanila na kapag nawala na ako, ibigay sa iyo ang sulat na ito. Upang malinawan ka at malaman mo na hindi kita iniwan. Hindi kita niloko. Mahal na mahal kita Fina at hinding-hindi magbabago ’yon.

Mag-iingat ka palagi. Alagaan mo palagi sarili mo. Nandito lang ako palagi kasama ka. Patawad mahal ko. Hindi kona natupad mga pangako ko sa’yo. Pangakong kung magkakaroon man ako ng pangalawang buhay. Ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko.“

Nagmamahal, Terrenz.

Hindi na napigilan ni Fina ang paghagolgol. Ang pagbuhos ng luha sa kaniyang mga mata. Nanakip ang dibdib niya. Sobrang sakit na tila pinipilipit. May milyon-milyong karayom na tumutusok doon. Parang pakiramdam ni Fina ay tinatadtad ng paulit-ulit ang puso niya.

Sobra-sobrang sakit. Sobrang sakit.

Mabibigat ang bawat hakbang ni Fina patungo sa pinag libingan ng kaniyang nobyo. Parang ayaw na lang ni Fina na ihakbang pa ang kaniyang mga paa papalapit sa puntod ng pinakamamahal. Ang sakit sakit. Sobrang sakit.

Bawat hakbang niya papalapit sa binata ay siyang pag-agos ng mainit na likido mula sa kaniyang mga mata. Nangangatog ang kaniyang tuhod. Parang hindi pa niya kaya. Parang hindi pa niya kayang makita ang puntod nito.

Ganonpaman, pinilit ni Fina ang sarili.

At ng makarating siya sa puntod ng binata ay nangangatog ang tuhod na napa-upo siya doon. Hinawakan niya ang puntod ng nobyo. “Renz,” nakagat pa ni Fina ang kaniyang mga labi.

“Ang daya-daya mo. Hindi mo alam kung gaano kasakit ang iniwan mo sa puso ko. Bakit? Bakit hindi moko hinayaang makasama ka? Bakit hindi moko hinayaang alagaan ka? Makita ka. Mayakap ka at mahalikan ka sa huling sandali. Kahit man lang sana makita ka. Bakit mo hinayaang makita kita sa ganitong sitwasyon. Hindi ko kaya. Renz, mahal na mahal kita.” pinunasan ni Fina ang kaniyang mga luha. “Gabayan mo kami palagi ng anak mo. Mahal na mahal ka namin.” Naipikit ni Fina ang kaniyang mga mata sa isang malamyos na hanging dumampi sa kaniyang katawan. Tila niyayakap siya nito. Niyayakap siya ng taong pinakamamahal niya. Tila isa si Finang gamu-gamu sa isang lampara patuloy na maglalaro ng apoy ngunit kailanman hinding-hindi siya hahayaang masaktan sa taglay nitong pananggalang.

Ang Katapusan!


Return to top?