Alcantara Brothers: The Ruthless Daddy (BXB) | ✔️
100%

Alcantara Brothers: The Ruthless Daddy (BXB) | ✔️

57 chapters · 72,824 words

Cover

STORY DESCRIPTION

Henry Finn Alcantara : The Ruthless Daddy

Written and Owned by IthinkJaimenlove

[DESCRIPTION] - Unofficial and can be changed.

**“You messed with my life. Take responsibility for staying with me the rest of our lives.” **

After the death of his wife, his heart became hard as stone. Sa trabaho niya itinutok and buong atensiyon. Kaya ang nag-iisa niyang anak ay kaniya nang napabayaan at lumaking walang disiplina.

In order to lessen his burden, he hired a nanny - not a woman but a young man with a soft heart like a woman. Pero hindi lang ang ugali ng kaniyang anak ang binago into, dahil maging ang tibok ng kaniyang puso.

Muli kaya siyang iibig sa ikalawang pagkakataon? O, tuluyan niyang isasara ang puso?

All right reserved © IthinkJaimenlove.

DISCLAIMER AND WARNING

DISCLAIMER!

All Right reserved. No part of this may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the permission of the author.

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, places, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in fictitious manners. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidence.

WARNING!

NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS AND SENSITIVE MINDS. This book may contains strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity which may disturbing to some readers.

It’s also contains grammatically incorrect and typographical errors. If you’re perfectionist and you wanted to read stories without mistakes, this book is not for you. Leave it alone!

READ AT YOUR OWN RISK! YOU’VE BEEN WARNED!

FOLLOW ME:

Facebook: Jaime Kawit
Facebook page: IthinkJaimenlove
Instagram: IthinkJaimenlove

READ MY OTHER STORIES:

Dreame: IthinkJaimenlove
Libri: IthinkJaimenlove
Readoo: IthinkJaimenlove
Wattpad: IthinkJaimenlove

SIMULA

THE RUTHLESS DADDY
PROLOGUE

A N D R E I

“Ate, bili na po kayo! Mura lang po! Presyong pangmasa at panghampaslupa lang po!” walang kapaguran kong sigaw nang paulit-ulit habang nagtatawag ng consumer dito. Pero kahit anong effort ko’y hindi pa rin sapat dahil wala man lang nakakapansin sa akin.

“Kaya mo ‘to, Drei! Wala sa vocabulary mo ang pagsuko,” sabi ko sa sarili at muling sumigaw. Iyong malakas na malakas at abot hanggang Jupiter para pati mga Aliens ay makarinig at baka bumili pa sila sa akin.

“Bakla, ang lakas ng sigaw mo. Abot hanggang kabilang probinsiya,” sabi ng pinakapanget sa balat ng lupa. Tinaasan ko siya ng kilay.

“Edi mabuti nang makarami ako ng benta! At saka, umalis ka nga diyan, ‘teh. Minamalas ‘tong paninda ko sa ‘yo,” sabi ko rito.

Umirap ito at lumipat sa tabi ko. “May chika pala ako sa iyo, Mars! Bet mo ba?”

Namewang ako at taas kilay akong humarap sa kaniya. “Huwag ako, Berting! Alam kong mangungutang ka lang. Kaya umalis ka na bago pa dumilim paningin ko’t itong bracelets at anklets ay ipasuot ko sa leeg mo.”

Kilala ko na ang baklang ulikba na ‘to na pinagsisihan ng mga magulang niya kung bakit pa siya pinanganak. Halos araw-araw ba naman akong puntahan dito’t manghihiram ng pera. Tapos kapag sisingilin mo na’y parang hindi ka kilala. Kung puwede ko lang talagang ikulong ito’t ipasok sa Zoo pero baka ako ang makulong. Bawal ang manghuli ng hayop ngayon nang walang pahintulot ng Animal Welfare.

“Wow! Kailangan talagang tawagin ako sa pangalan ko?”

“Alin? Iyong Berting?” Ngumisi ako pero sinamaan lang niya ako ng tingin. Mahina niya akong pinalo sa balikat at kaagad ko naman iyong pinunasan baka mahawa pa ako sa mukha ng isang ‘to.

“Seryoso nga, ‘teh! May alam akong bagong raket. Ayaw mo ba?”

Lumaki ang butas ng tainga ko sa narinig at saka mabilis siyang niyugyug. “Shuta! Saan?! Kailangan ko ng pera ngayon, ‘teh! Sabihin mo na, dali!”

Mabilis niya akong hinawi at muling sinamaan ng tingin. Inayos niya ang sarili pero katulad pa rin ng dati’y napakapangit pa rin niya. Ipinuwesto niya ang palad niya sa harapan ko. Kaya kumunot ang noo kong nakatingin doon.

“Ano iyan? Alam kong mangkukulam ka pero ‘di ako magpapakulam,” sabi ko.

“Gaga! Bayaran mo muna ako.”

Aba’y! “Ano?! Ikaw nga ang maraming utang sa akin. Ano na? Sabihin mo na iyong raket na alam mo!” sabi ko at pinalo ang kamay niya.

Humalukipkip naman siya’t inirapan ako. Siya pa may ganang mang-irap. Para tuloy siyang suso na tinubuan ng mukha. Kung hindi lang siguro ito SK Kagawad na wala namang sinusuweldo dahil ayaw silang bigyan ng SK Chairman nila, baka matagal na ‘tong natokhang dahil sa itsura niya.

Tinapik ko siya sa balikat. “Sasabihin mo ba o sasakalin kita?”

“Fine!” Wow! Nag-e-english na si Bakla. “Basta bawasan mo ng isang daan utang ko sa ‘yo, a.”

“Oo na, oo na!” inis kong turan. Hindi na kasi ako makapaghintay na malaman iyong raket na sasabihin niya. Kailangan ko kasi ng pera dahil mahirap lang kami at sa panahon ngayon, pera ang pinakamahalaga.

Huwag akong masabi-sabihan ni Jessie J nang money can’t buy a happiness dahil hindi iyon totoo. Kung wala kang pera, hindi ka magiging masaya.

At saka isa pa, may Diabetes si Mama at hindi sapat ang kinikita ko bilang isang vendor ng mga souvenirs at paminsan-minsang paglalaba sa mga bahay-bahay rito sa lugar namin para sa mga gamot niya.

“Alam mo ba? Iyong Boss ni Tita ay naghahanap ng katulong sa Manila,” aniya.

Katulong? E ‘di ba, kadalasan lang sa mga katulong ay babae? Edi wala akong pag-asa na makapasok do’n. Dahil kita namang lalaki ako, mukha lang babae pero may buntot pa rin ako sa gitna ng mga hita ko.

Lumungkot ang mukha ko at bagsak ang balikat na humarap sa paninda ko.

“E katulong pala hanap. Babae ang hanap nila,” sabi ko at tumingin sa mga paninda ko. “Umalis ka na nga lang! Naalibadbaran ako sa ‘yo,” dagdag ko pa.

“Gaga! Hindi pa nga ako natatapos. Ang kailangan nila ay lalaking katulong, kaya baka bet mo.” Nanlaki ang mga mata kong muling humarap sa kaniya. Mabilis akong napangiti.

“Talaga?!”

Tumango siya, “Oo nga! Magpapadala nga si Tita bukas ng pera para daw magamit mo papuntang Manila,” aniya.

Bigla akong napaisip. Manila. Malayo iyon dito sa probinsiya namin dahil kinakailangan mo pang sumakay ng eroplano para makarating doon. Malayo sa pamilya ko, kay Mama. Walang magbabantay sa kaniya.

“Pero…” Tumingin ako kay Berting na malungkot. “Paano si Mama? Nag-aaral pasi Andrea, walang magbabantay sa kaniya.”

“Baks, huwag kang mag-aalala. Akong bahala sa kanila. Basta baʼy susuwelduhan mo rin ako,” sabi nito.

Napakasuwapang talaga ng baklang ‘to. “Eh bakit hindi na lang ikaw ang pumunta ro’n? Tutal wala ka namang sweldoʼt pabigat ka lang sa pamilya mo?”

Tinuro niya ang sarili. “Sa tingin mo ba, papasok sa standards nila tong mukha ko? At saka, ikaw ang mas nangangailangan kaya ikaw ang sinabi ko.”

Napangiti ako at hinawakan siyang muli sa balikat. “Maasahan ka rin pala. Salamat!”

“Walang anuman! Basta, isang libo akin, a.” Pinaikutan ko lang siya ng mga mata. Kapal talaga ng pagmumukha ng isang ‘to.

Tumango lang ako bilang sagot at ibinalik na ang pansin sa pagtitinda. Hindi na ako makapaghintay na makatapak sa Manila at magtrabaho. Siguro naman ay malaki ang sasahurin ko ro’n at nang sa ganoon ay hindi na kami mahirapan pa rito.

At malaki na ang maitulong ko sa mga gamot ni Mama. Noon kasi minsan ay wala siyang gamot dahil wala akong kinikita. Ako lang din kasi ang nagtatrabaho dahil ang magaling kong Amaʼy matagal ng tigok. Siguro kung nabubuhay lang si Papa, hindi sana kami mahihirapan.

Pero wala na akong magawa pa, ito na ang tadhana ko. Go with the flow na lang ika nga ng iba. At laking pasasalamat ko kay Berting na binigyan ako ng trabaho. Pero nagtataka ako kung bakit lalaki ang kailangan nilang katulong? Bahala na! Malalaman ko rin iyon.

Chapter 1

THE RUTHLESS DADDY

CHAPTER 1

**
**

-

THIRD-PERSON’S POINT OF VIEW

**
**

**
**

“Sir, ayaw ko na po! Hindi ko na po kakayanin ang kademonyuhan ng anak niyo!”

**
**

Hindi siya nakasagot nang mabilis itong umalis sa kaniyang harapan. Luhaan ang kaniyang mga mata. Kaya wala siyang nagawa kundi ang hayaan itong umalis. Pang-ilan na bang katulong iyon na umalis? Sa loob ng isang buwan ay halos hindi na mabilang kung ilang katulong ang sumusuko.

Napapailing siyang umakyat sa second floor ng mansion at pumunta sa kuwarto ng anak. Prente itong nakaupo sa ibabaw ng kama nito habang kumakain ng ice cream at nanonood ng telebisyon. Nang makalapit siya rito’y kinuha niya ang remote ng TV at pinatay ito.

“WHAT DID YOU DO?! CAN’T YOU SEE THAT I’M WATCHING?” Nagulat siya nang sumigaw ito’t malamig na tumingin sa kaniyang dereksiyon. He couldn’t believe that he’s son was acting like an old man.

“Isn’t what I’m giving you enough? Have you lost your respect for me?” mahinahon niyang tanong. Pinipigilan lang din ang sarili na masaktan ang anak.

“Don’t ask me, instead ask yourself,” sagot nito. Bumaba ito sa kama at inilagay sa study table ang hawak na baso.

Mabilis niyang hinawakan sa braso ang bata at pinantayan ang tangkad nito. Sinamaan niya ito ng tingin. Pero isang malamig na tingin lang ang natanggap niya mula rito.

“Are you going to hit me? Huwag mo nang patagalin pa.” Napahigpit ang hawak niya sa braso ng bata dahil sa inis pero nang mapansin niyang tila nasasaktan ito’y mabilis niya itong nabitiwan at lumabas ng kuwarto.

Hindi siya makapaniwala na lumalaking walang respeto ang kaniyang anak. Isa rin sa mga sinusukuan ng mga nagiging katulong nito’y marami itong ginagawang kalokohan at natiyempuhan niyang isa na naman sa katulong niya ang umalis.

He was doing his best to provide everything he needs. Pero hindi pa rin iyon sapat. Halos bilhin niya lahat ng mga laruan sa buong mundo’y lumalaki pa rin itong walang respeto.

At aminado siyang hindi niya ito nababantayan nang maayos dahil sa dami ng trabahong nakapatong sa kaniyang balikat. He was just doing this because he wanted to secure the future of his son. Para din ito sa kaniya. Pero ang pangwawalang hiya ng anak ang siyang nakukuha niyang resulta.

“Sir, si Maria po ay umalis na. Dahil sa kagagawan na naman po ito ng anak ninyo,” sabi ng katulong na nakasalubong niya sa hallway.

He sighed and slowly nodded. “Find someone to replace her.” Iyon lang ang alam niyang paraan, na sa tuwing may aalis ay kailangan niyang palitan hanggang sa mahanap nito ang katapat at makakatulong sa kaniyang alagaan ang anak.

“Pero po sa nakukuha nating reviews dahil sa nagsisilayasang mga katulong, mukhang mahihirapan po tayong mapalitan si Maria,” she sadly said. Tinutukoy niya ang application kung saan maaaring maghanap ng kasambahay.

“Just do your best. Kung may kilala kayo, sabihin niyong magbabayad ako ng triple,” sabi niya. Napahawak siya sa sintido’t hinilot iyon nang marahan. Maging siya’y hindi na rin alam ang gagawin.

“Actually po may kilala ako,” sabi ng kasambahay na kausap niya. He immediately turn his gaze to her direction. “Kaso po baka hindi po puwede.”

“What do you mean?” nagtataka niyang tanong.

Bakit hindi puwede? Sa pagkakaalam niya’y kapag narinig nang mga mahihirap na malaki ang puwede nilang sahurin, agad-agad ang mga itong pumapayag. Kaya nga karamihan sa kanila’y naloloko. Because they didn’t filtered the job first. Ang nasa isip lang nila’y pera na makakatulong sa kanila.

“Eh kasi po, lalaki iyon,” natatawa nitong sagot.

“Is there a problem if he is a man?” he asked. Wala naman sigurong mali kung lalaki ang kukunin niyang magbabantay sa anak niya. Sa tingin niya nga’y makakabuti ito dahil baka matakot ang anak niya rito. “Just tell him to come here as soon as possible,” dagdag niya pa bago umalis at pumasok sa kaniyang opisina rito sa kaniyang mansion.

\—

ANDREI’S POINT OF VIEW

**
**

**
**

“Nay, huwag nga po kayong umiyak diyan! Hindi naman po ako mamamatay.”

**
**

**
**

Nilapitan ko siya’t niyakap. Mahigpit din siyang yumakap sa akin pabalik habang walang tigil sa pagbuhos ang kaniyang mga luha. Kaya ayokong napapalayo sa kaniya dahil sa napakaiyakin niya. Pero wala akong magawa kundi ang lisanin ang tahanang ito, para ito sa kinabukasan ng pamilya ko.

“Baks, mami-miss kita,” narinig kong sabi ni Berting na nakatayo sa gilid. Nang lumingon ako rito’y pinupunasan niya ang kaniyang mga luha.

Ang plastik! Alam ko ang motibo ng baklitang butanding na ‘to. Huwag niya akong maiyak-iyakan baka tusukin ko mata niya.

_
_

“Wala akong pake, ‘di kita mami-miss,” sabi ko rito’t inirapan siya. Hinaplos ko ang likod ni Mama. “Nay, kailangan ko na pong umalis baka mahuli ako sa flight ko,” bulong ko rito.

Mahirap na mapalayo sa kanila dahil simula nang isilang ako’y kasa-kasama ko na si Mama. Pero sa tuwing nakikita kong nahihirapan kami sa pang-araw-araw na gastusin, kailangan kong magsakripisyo para sa ikabubuti namin. At itong trabahong sinabi ni Berting sa akin ay magandang oportunidad para kahit papaano’y magkaroon nang sapat na kita.

“M-Mag-iingat ka roon, Andy. Tumawag ka palagi rito, ah.” Tumango ako at ngumiti. Pinunasan ko muna ang kaniyang luha at saka ko siya niyakap nang mahigpit na mahigpit. Kung ito man ang huling yakap ko sa kaniya’y susulitin ko na.

Charoot! ‘Di pa ako mamamatay. Si Berting ang mauuna sa akin.

Humiwalay ako kay Mama at saka tumingin sa nag-iisa kong kapatid na babae. Malungkot itong lumapit sa akin at mabilis akong niyakap.

“K-Kuya, dito ka na lang po kasi,” bulong niya. Hinagod ko siya sa kaniyang likod.

“Kung puwede lang na manatili si kuya ay ginawa ko na. Kaso hindi sapat ang kita, beh. Kaya huwag ka nang umiyak diyan at bantayan mo si Mama.” Tumango lang siya at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin. Yumakap din ako pabalik at saka bumitaw.

Bih, mala-late na ako sa flight. Ayokong maglakad papuntang Manila at galing Mindanao.

_
_

Sa huling pagkakataon ay nagpaalam ako sa pamilya ko bago tuluyang lumabas ng aming munting bahay, kung saan naghihintay ang karwahe – char! Ang tricycle na nirentahan nitong si Berting para ihatid ako ng sakayan papuntang airport.

“Beh, huwag mo kalilimutan ang sweldo ko sa pagbabantay rito, ah.” Taas kilay akong tumingin dito pero ang panget ay nakangiti lang sa akin. Labas pa talaga ang ngipin na naninilaw na.

Plastik akong ngumiti. “Oo naman! Basta bumili ka ng sipilyo’t i-brush mo iyang ngipin mo nang limang beses sa isang araw.” Sumama ang mukha nito kaya ngumisi lang ako. “Pero seryoso ako, baks! Huwag mo pababayaan sina Mama. May tiwala naman ako sa ‘yo, eh.”

Hinawakan niya ako sa kamay kaya napangiwi ako. Shutangina! Pasmado si bakla.

“Huwag kang mag-aalala, update lang kita palagi.”

“Salamat,” tangi kong sagot at saka sumakay na ng tricycle. “Kuya, tara na po,” sabi ko’t agad naman nitong sinunod. Pinaandar na niya ang tricycle at umalis na kami roon.

Pinunasan ko ang luhang bumagsak sa mga mata ko. Hindi ko mapigilan. Nalulungkot ako dahil malalayo ako kay Mama at sa kapatid ko. Pero sa kabilang banda’y masaya ako, dahil hindi naman masasayang ang paglayo ko dahil trabaho iyon. Malaking oportunidad na makatulong sa amin. Sana lang ay maganda ang magiging buhay ko sa malaking syudad na ‘yon.

Chapter 2

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 2

-

ANDREIʼS POINT OF VIEW

Alas-dos nang hapon nang makarating ako sa NAIA. Sinalubong ako ng Tita ni Bakla sakay ng isang mamahaling kotse. Taray ni, Ante! Pa-kotse-kotse na ngayon. Sa ‘yo, be?

“Andrei! Ang laki-laki mo na,” aniya sabay yakap sa akin nang kami ay magkita. Plastik akong yumakap sa kaniya pabalik, sabay sakal sa kaniya nang mahigpit para ‘di na siya makahinga. Char! ‘Di ako ganoong klase ng tao, si Berting puwede pang mapagkamalang mamamatay tao. Pero ako, never!

“Naman po, Ante! Alangan namang manatili akong bata,” sagot ko nang humiwalay siya ng yakap. Tawa lang ang isinagot niya at saka inutusan iyong kasama niyang driver na kunin ang mga gamit ko.

Wala naman akong dalang mga gamit. Dahil nga sa poorita kami sa probinsiya, na pati sarili kong damit ay hindi ko afford. Kaya ayan, isang maleta lang ang dala ko na may lamang tower ng Paris, rebulto ni Ninoy Aquino, at rebulto ni Dr. Jose Rizal.

Pagkatapos ilagay ni kuyang driver ang mga gamit ko, sumakay na rin kami sa kotse. Sa tabi ng driver’s seat naupo si Ante - na nakalimutan ko na ang pangalan dahil sa tagal niyang namalagi rito sa Manila. Rito na nga rin siya nakapag-asawa at nagkapamilya. Balak niya kasing mag-abroad noon, kaso ayon na-scam. Kaya nagpok- I mean, namasukan na lang siya rito bilang kasambahay. Ayon lang naman iyan sa mga dakilang tsismosa sa Baranggay namin. Umalis na rin kami roon, dahil wala na siguro kaming hihintayin pang iba.

“Ang yaman siguro ng amo niyo, Ante.”

“Ay naku, ‘nak! Sobrang yaman kamo. Kaya nga ang suwerte mo dahil tinanggap ka nila,” sabi niya. “Pero sa kabilang banda, malas ka rin.”

Kumunot ang noo ko. Aba’y napakawalang hiya namang babae ‘to. Kung hindi lang talaga ito ang nagbigay ng oportunidad sa akin, hihilain ko talaga iyang bangs niya na katulad ni Lisa ng Blankpink.

“Bakit naman po?” tanong ko, nakakunot ang noo kong nakatingin sa kaniya.

“Ayokong pangunahan ka, pero sana ay marunong kang magtiis, Andrei. Hindi basta-basta ang trabaho mo,” sabi niya.

Napaisip ako kung ano ba ang ibig niyang sabihin. Hindi basta-basta? Bakit? Magbebenta ba ako ng katawan? Lamang-loob? Droga? Giatay! Sana pala si Berting ang pinapunta nila rito kung ganoong klase naman pala ng trabaho ang sasalubong sa akin.

“Ano po’ng ibig niyong sabihing hindi basta-basta?” tanong ko.

“Makikita mo kapag nakarating tayo roon,” sagot niya.

Wala na rin akong nagawa pa kundi ang manatili sa kinauupuan ko’t tumingin sa labas ng bintana. Matataas na buildings ang nadadaanan namin. Ibang-iba sa probinsiyang kinalakihan ko.
At dito sa lugar na ‘to ako magsisimula nang panibagong mga ala-ala.

Kung ano man ang trabahong ibibigay sa akin, kakayanin ko. Kinaya ko ngang magtiis sa hirap ng buhay sa probinsiya, dito pa kaya sa lugar na ‘to? Lahat kakayanin ko, para sa pamilyang iniwan ko. Kaya dapat, iboto nila ako sa pagka-President. Tatakbo ako ngayon eleksiyon.

Hindi nagtagal ang byahe namin dahil hindi gano’n ka-traffic sa daan. Pumasok ang kotse sa isang Village at tumigil ito sa tapat ng isang malaking bahay, o mas tamang sabihing mansion. Sa labas pa lang ng bahay, sumisigaw na ang karangyaan nang kung sino mang nakatira dito.

“Ang laki po ng bahay,” ang nausal ko pagkalabas namin sa kotse. Tumingala ako kung saan dumako ang paningin ko sa balkonahe ng isang kuwarto, may nakatayo roon bata na may hawak na laruang baril sa kamay at masamang nakatingin sa amin. “‘Te, sino iyong batang iyon? Parang ang sama makatingin, a!”

Lumapit sa akin ang Tita ni Berting, binigay niya ang bag ko’t tumingin din sa balkonahe. “‘Yan si Senyorito Finley, anak ng amo natin. Siya ang babantayan mo, bente kuwatro oras.”

Napatingin ako rito. “Talaga po?! Akala ko po ba’y hindi basta-basta? Bata lang po pala?” Ngumiti lang siya at tumango.

Niyaya na niya akong pumasok sa loob. Kusa namang nagbukas ang pintuan nang makalapit kami rito. At ang unang bubungad sa ‘yo ay ang hagdan na kumikinang pa. Tumingin ako sa itaas at biglang huminto iyong ikot ng mundo ko.

“A-Ang guwapo,” naibulong ko habang nakatingin sa lalaking pababa roon. Katabi nito ang batang lalaki kanina na masama kung makatingin.

“‘Yan si sir Henry, Daddy ni Senyorito Finley,” bulong din ni Ante. Kaya bumaling ako rito’t nagtanong.

“Puwede ko rin kaya siyang tawaging Daddy, ‘teh?”

“You must be the new maid.” Nanindig ang balahibo ko sa lalim ng boses nito nang makalapit sila sa amin. Parang nagtatambol sa bilis ang tibok ng puso ko. Dahan-dahan akong humarap dito at ang seryosong mga titig ang sumalubong sa akin.

“Faggot!”

At mabilis akong napalingon dito nang magsalita iyong batang kasama niya. Ano raw sabi niya? Faggot? Ano ibig sabihin nun?

Hindi ko na lang siya pinansin at ibinaling ko na lang ang tingin ko kay Daddy. “O-Opo, Andrei Arellano po,” sagot ko.

“I’m Henry and…” Tumingin siya sa tabi niya kung saan prenteng nakatayo lang doon ang batang kamukha niya. Anak niya, e! “This is my son, Finley. You will take care of him from now on,” dagdag niya.

Tumingin ako kay Senyorito Finley na masamang nakatingin sa akin. Aba’y! Tusukin ko mata niya, e. Bumaling ulit ako ng tingin sa kaniyang Daddy at saka ngumiti.

“‘Wag po kayo mag-aalala, Dad- este, Boss! Ako pong bahala sa anak niyo,” sabi ko.

“Good. Sana’y kaya mong magtagal dito,” sabi niyang nagpagulo sa isipan ko. Pero hindi ko na lang iyon pinagtuunan pa ng pansin. “Now, may I leave you. Dolly will lead you to your room,” dagdag nito at saka umalis sa aking harapan.

“Faggot!” Napatingin ako rito at hindi pala sumunod itong anak niya sa kaniya. Ang liit kasi, hindi ko nakikita agad kung ‘di pa ako tumingin sa baba. At tinawag na naman akong faggot.

“Ano pong sabi niyo, Senyorito?” tanong ko.

Ngumisi siya. “I just wanted to remind you that your job isn’t easy. Baklang panget!” aniya’t mabilis akong tinalikuran.

Aba’y! “Pak-”

“Drei, ‘wag mo nang subukan.” Mabilis akong napigilan ni Ante Dolly. Nagtataka naman akong tumingin dito. “Baka masisante ka agad,” aniya pa.

“Pero iyong batang iyong walang respeto, ‘te!” Malungkot siyang tumingin sa akin at umiling-iling.

Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako pinigilan. Kukutusan ko lang naman iyong batang iyon. Parang kaedad niya lang ang kausap niya at ano’ng tawag niya sa pa sa akin? Baklang panget? Sa pagkakaalam ko, hindi ko kamukha si Berting.

Bumuntonghininga ako. Ito ba iyong ibig niyang sabihin na hindi basta-basta ang trabaho ko? Dahil sa batang iyon na mukhang pinaglihi sa demonyo ang ugali? Pero bakit ganoon ang ugali niya?

“Hayaan mo na muna siya nyayon. Dalhin na muna natin itong mga gamit mo bago ka pumunta sa alaga mo,” sabi nito. Tumango lang ako’t sabay na kaming naglakad papuntang maid’s area dito sa mansion.

Mamaya talaga sa akin iyong batang iyon! Naku lang! Kukurutin ko talaga ang singit niya, pati singit ni Daddy. Char!

Kaya ko ‘to, sa dami ko nang pinagdaanan. Keri ko ang trabahong ito. Hinding-hindi ako magpapaapi sa kung kanino man.


_© _ _IthinkJaimenlove _

Chapter 3

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 3

-

ANDREIʼS POINT OF VIEW

Dzai! First day pa lang ng trabaho ko, pero kumukulot na agad ang mga bulbul ko. As in! Naii-stress ako sa ugali ng batang ito. Tama nga ang sabi sa akin sa description na binigay ng auntie ng baklitang si Berting. Na hindi basta-basta ang trabaho ko rito.

Akala ko pa naman ay anghel iyong batang iyon. Nagkakamali pala ako! Isa pala siyang tiyanak! Demonyo! Hinayupak! Shutangina! Naiinis ako sa ginawa niya. Naku! Kung hindi ko lang talaga siya amo, baka matagal ko nang sinakmal ang leeg niya hanggang sa maubusan siya ng hininga.

Pero mahal ko paʼng buhay ko. Keri ko pa naman ang ginawa nitong pagbato sa akin ng itlog. Iyong nilagang itlog talaga ang ibinato sa akin pagkapasok ko pa lang sa kaniyang kuwarto.

Puta, beh! Hindi ko alam saan nakakuha ang batang ito ng nilagang itlog. Ayos lang naman sana kung itlog ng poge, kaso ang sakit sa ulo, sis!

“Ayos ka lang, Andrei?” Tumingin ako kay Ante Dolly nang pumasok siya rito sa kusina, kung saan ako tumakbo upang kumuha sana ng kutsilyo at pagsasaksakin ang batang iyon. Pero hindi ako natuloy dahil ang sakit ng bukol sa ulo ko, ses!

“Sa tingin mo, Ante? Ikaw kaya ang batuin oo ng nilagang itlog?” pilosopo kong sabi rito. Naawa naman itong tumingin sa akin. Mukha ba akong kawawa? “Huwag nga ho kayong tumingin ng ganiyan, malayo ho ‘to sa bituka. Dahil ulo ko ang tinamaan hindi tagiliran,” dagdag ko pa.

Pinakaayaw ko sa lahat ay kawawain ako ng kung sino. Kaya hangga’t kaya ko, ayaw kong ipakita sa kanila na nahihirapan ako. Keri ko pa naman ‘to! Hindi talaga masakit, promise! Mamatay man ang anak ni Boss Henry. Char!

“Pasensiya ka na, Drei. Napakademonyo talaga ng ugali ng batang iyon. Ganoon talaga kapag lumaking hindi kasama ang mga magulang,” sabi nito na ikinagulat ko nang husto.

Umiling-iling siya na tila ba hindi makapaniwala sa ugali ng batang iyon. Ako rin naman, noong una ay akala ko talagang mabait ito pero beh! Hindi ko keri ang ugali niya. Tawagin ba naman akong faggot? Ano bang ibig sabihin niyan?

“Bakit po? Nasaan ho ba ang mga magulang niya? Ampon ba siya?” sunod-sunod kong tanong, hindi naman sa nangingialam sa buhay nang may buhay pero kailangan lang ng nating ng konteng impomasyon tungkol sa target natin. Hindi ba?

Naupo si Ante Dolly sa bakanteng upuan sa tabi ko. Napansin ko ang pagbuntonghininga niya at saka nagsimulang magkuwento. Hindi ko kinaya ang talambuhay ni Senyorito Finley, sis! Kaya nga nang matapos magkuwento si Ante Dolly ay nagpupunas na ako ng aking mga luha.

Nakakaiyak! Puwede nang pang-SOCO ang kwento niya.

“Naaawa nga ako sa kaniya. Kaya siguro siya ganiyan ay dahil gusto niya ng atensiyon ng kaniyang ama, pero sadyang wala talagang pakialam si sir Henry sa anak,” dagdag pa nito.

Puwede na siyang maging tsismosa ng taon dahil sa rami ng kaniyang nalalaman. Kailangan na siguro siyang ipatumba, hano?

Bumuntonhininga ako. Himas-himas ko pa rin ng cold compress iyong bukol sa ulo ko habang nag-iisip nang malalim. Tama si Ante Dolly, kawawa nga talaga iyong batang iyon. Kulang sa uraga!

“Hey, Faggot! Why didn’t you bring me snacks?!” Nagulat ako nang pumasok sa kusina si Senyorito Finley na nakasuot na nang pangtulog. Gabi na rin kasi at kakatapos lang nitong kumain kanina nang pinuntahan ko siya upang sanaʼy painumin ng kaniyang vitamins. Pero ang tiyanak, pinagbabato ako ng itlog na ako rin ang nagligpit kalaunan.

“Hoy ka rin! Kita mo nang masakit pa ‘tong ginawa mong kawalanghiyaan!” Sinamaan ko siya ng tingin at nang tumingin ako sa tabi ko’y biglang naglaho si Ante Dolly. Saan nagpunta ang babaeng iyon? The flash ka, beh?

“Stupid!” singhal nito at mabilis akong tinalikuran.

Hindi ko na lang siya sinundan pa. Bahala siya sa buhay niya. Niligpit ko na lang ang mga ginamit kong pangpawala ng kirot sa bukol ko at saka ko pinatay ang ilaw sa kusina. Umakyat na muna ako sa kuwarto ni Senyorito Finley at bahagyang sumilip doon, nanatiling nakabukas ang television sa kaniyang kuwarto kaya unti-unti akong pumasok.

Naabutan ko siyang nakahiga na sa kama at nanonood. Anong oras na, bakit gising pa ito? Hindi sa pinag-o-overthink ko siya pero paano kung mamatay siya kakapuyat?

“Senyorito, ibiniliin po sa amin ng iyon Daddy na matulog po kayo—”

“Shut up! Can’t you see I’m watching? Get out!” sabi nito nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

Tumingin ako sa pinapanood niya at nagulat ako nang nanonood siya ng por-char! Marvel movies talaga. Alas-diyes na ng gabi. Kaya kinuha ko ang remote ng kaniyang TV at pinatay iyon. Mabilis siyang tumingin sa akin nang masama, pero hindi ako nagpatinag at tumingin din sa kaniya.

“Matulog ka na! Bukas mo na lang ipagpatuloy ang panonood,” sabi ko rito at tatalikod na sana ngunit natigilan ako nang bigla itong umiyak.

Bes! Gulat akong napatingin dito. Kaya taranta akong lumapit sa kaniyang ngunit pinagsisipa lang niya ako. Natamaan pa tuloy ang bukol sa noo koʼt dahilan nang pag-atras ko dahil sa kirot.

Sasabog yata ang ulo ko sa batang ito!

“ANO’NG NANGYAYARI DITO?!” Mabilis akong napalingon dito nang bigla-biglang pumasok dito ang kaniyang shet! D-Daddy!

Nawala yata iyong kirot ng bukol ko nang mapatingin ako sa kaniyang katawan. Dzai! Hindi ko na keri, para akong hihimatayin. Hindi ko na talaga kaya. Biglang nandilim ang paningin koʼt ang huling naaalala koʼy mabilis na yumakap ang malulusog na braso ni Daddy Henry sa katawan ko upang ako’y saluhin.

Mataas na ang sikat ng araw nang maimulat ko ang mga mapupungay kong mga mata. Pinagmasdan ko ang buong kuwarto kung nasaan ako ngayon, at sa pagkakatanda koʼy hindi ito ang kuwarto ng mga katulong.

May king size bed, malawak ang espasyo, at malinis din dito sa loob. Nanlaki ang mga mata ko nang bumukas ang isang pinto rito at lumabas doon si sir Henry, na tanging suot ay isang manipis na pajama lang.

Bakat!

“You’re awake,” aniya habang walang buhay na tumingin sa akin.

“B-Bakit po ako nandito?” iyan ang unang lumabas sa aking bibig. Nanatili akong nakaupo sa kama habang naguguluhang tumingin sa kaniya, na paminsan-minsang pinapasadahan ng tingin ang kaniyang kabubuuan.

Daddy!

“Nahimatay ka kagabi dahil sa kagagawan ng anak ko, at dito na kita dinala dahil ayaw kong istorbuhin ang mga kasambahay sa baba,” sagot niya.

Kaagad naman akong bumaba sa kama. “M-Maraming salamat po! B-Babalik na po ako sa trabaho,” sabi ko’t naglakad na papalabas ng kaniyang kuwarto ngunit natigilan ako nang siya ay magsalita.

“I’m sorry for what my son did to you.”

Lumingon ako rito at ngumiti. “Ayos lang po, naiintindihan ko ang ugali ng anak niyo.” Tumango lang siya bilang sagot. Kaya lumabas na rin naman ako.

Ayokong magtagal doon kahit gustuhin ko man. Basta! Biglang nag-init ang malandi kong katawan na itinatago-tago ko. Pero dahil sa hubad na katawan ni sir Henry na parang katawan ng mga Japanese Porn actors! Bigla akong sinilibahan.

Sheit! Kasalanan talaga ito ni Berting, nilason niya ang katawan ko. Papakulam ko talaga ang baklang iyon kahit hindi siya tinatablan.

© IthinkJaimenlove

Chapter 4

THE RUTHLESS DADDY

CHAPTER 4

\---

A N D R E I

Dalawang araw na akong nandirito sa Manila upang mamasukan at maging alipin ng batang tsanak na pinaglihi yata kay Satanas. Dalawang araw na akong halos hindi makatulog dahil para akong nag-aalaga ng sanggol na gigisingin ka sa madaling araw padedehin. Pero mas malala pa yata sa sanggol itong demonyong batang ‘to!

Napaka-peaceful naman ng buhay ko sa probinsiya, not until, char! English! Ang ibig kong sabihin, ang peaceful ng buhay ko roon pero sa tuwing sumusulpot lang si Berting, nasisira na ang araw ko.

Tapos nung napunta ako rito. Hindi ko na maramdaman iyong peaceful na iyon. Nangangamba na baka i-prank na naman ako ng Demonyo rito sa mansion. Timawa talaga! Kung hindi lang ako nakapag-advance payment ng tatlong buwan, aalis talaga ako rito.

Pero ika nga ng mga kasama ko sa maganda organization, tiis ganda lang. Malalampasan din natin ang lahat. Buo pa rin naman akong naglilinis dito sa may sala, kahit na may bukol ang ulo dahil nadulas lang naman ako noong nakaraan sa banyo ni Senyorito Finley. Tiis ganda lang, kahit na gusto ko nang itapon sa kalawakan iyong batang iyon.

“HEY, UGLY FAGGOT!” Napatayo ako nang matuwid at saka umikot upang harapin ang Tsanak.

Ngumiti ako. Iyong simple lang na ngiti, ngunit makikita mo ang kaplastikan at pagtitimpi. “Ano po iyon, Senyorito?” tanong ko. Napahigpit ang hawak ko sa walis dahil iyon na lang ang nagagawa ko upang hindi ko masaktan ang Tsanak na ‘to.

Naaalala ko lang naman kasi iyong bilin ng kaniyang Daddy sa akin.

Kakatapos ko lang maihatid ang pagkain ni Senyorito Finley sa kaniyang kuwarto nang tumawag si Berting sa akin.

“Hello! Bakit ka napatawag ?” sagot ko rito nang ilapit ko sa aking tainga ang pinagtagpi - tagpi kong cellphone gamit ang electric tape na nabili ko sa hardware. “Gabi na, a. May problema ba, butands ?”

Drei …”

Bigla akong kinabahan dahil sa paraan nang pagkakasabi nito sa pangalan ko. Bakla! Ang husky ng boses ng butanding na ‘to! Ang guwapo ng boses pero ang mukha, hindi na lang ako mag-talk.

Ano ? Hoy, bakla! Huwag mo ‘kong biburuin __ ngayong __ naii -stress ang buhay ko,” pagbabanta ko rito. Makikita talaga niya ang hinahanap niya kapag ginago niya ako. ” Pakausap nga kay Mama nang magkasilbe ka rito sa mundo,” dagdag ko pa nang hindi man lang nito nakuhang __ sumagot .

“I- Isinugod namin ang Mama mo sa hospital, baks . I- Inatake kasi siya at ngayon lang ako nakatawag dahil walang perang pang-load,” sabi nito.

Bigla kong nabitiwan ang cellphone ko sa narinig . Tila ba sirang __ plaka iyong mga sinabi ni Berting na nagpaulit -ulit sa aking isipan.

Isinugod si Mama? Pero bakit? Alam ko may sakit siya ngunit hindi naman iyon malala. Impossible! Malakas si Mama noong umalis ako.

Pinulot ko ang cell phone kong nahulog sa sahig . Mabuti na lang at hindi ito nagkalasog - lasog . Matibay ! Ulitin ko nga. Char!

Baks ! Ano iyon? Ano iyong malakas na tunog na iyon?!” sunod - sunod na naging tanong ni Berting nang muli akong magsalita .

“K- Kumusta si Mama?” tanong ko, imbes na sagutin ang kaniya. “Sabihin mo nasa maayos lang siyang kalagayan . H-Hindi kita mapapatawad kapag may nangyari sa kaniya!”

Ayos lang si Tita . Ang problema lang namin ay hindi kami makalabas dahil wala kaming perang __ pambayad sa hospital,” sabi nito.

Nakahinga ako nang maluwag nang marinig kong ayos lang sila. Ngunit kumunot ang noo ko nang malamang wala raw silang pambayad sa hospital. Sandali !

“E, ‘di ba may Philhealth naman si Mama at saka may pera pang natira sa ‘yo na iniwan ko?” tanong ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay malaki rin ang maibabawas ng Philhealth sa gastusin sa Hospital. Pero bakit ninakaw nila iyong 15 billion?! Charut ! Pero bakit, hindi sila makalabas ? Naalala ko pang malaking __ halaga rin ang iniwan ko kay Berting para sa kanilang gastusin .

“Eh, ‘teh. Nagastos ko, e.” Napapikit __ ako’t __ napahilot sa aking sintido . Mukhang mali talagang iwan ko ang pamilya ko sa kamay ng Butanding na ‘to.

“Sige na! Patayin mo na ang tawag bago ko pa dukutin ang hininga mo via phone call! Tatawag na lang ako kapag nakapagpadala ako,” sabi ko at narinig ko naman ang pag -toot ng cellphone hudyat na tapos na ang tawag .

Bumuntonghininga ako. Kung hindi lang ako mabait na nilalang , matagal nang walang buhay ‘yang si Berting , e. Pero ika nga nila, na huwag nating __ saktan ang mga hayop dahil may batas na nakalaan para sila’y __ protektahan .

“What happened? Is everything okay?” Napatalon ako sa gulat at mabilis na lumingon dito. Kung saan si sir Henry ay nakatayo’t __ seryosong __ nakatingin sa akin.

Bigla akong napalunok . Balot na balot ito ng kaniyang three piece suit na bagay na bagay sa kaniya, lalo na iyong salamin niya sa mata at iyong bitbit niyang briefcase. Hindi ko tuloy __ maiwasan na isiping __ gumaganap siya sa mga porn movies na pinapanood ng mga bata sa computer shop sa amin.

“Are you done checking me out?” sunod naman nitong tanong kahit hindi ko pa nasasagot ang una. Mabilis naman akong napabalik sa ulirat __ ko’t umiwas ng tingin.

“A- Ahm . W-Wala po,” sagot ko.

“Make sure to do your job properly. Ayaw kong nakikipagtawagan ang mga empleyado ko sa oras ng kanilang trabaho,” anito at narinig ko na lang ang mga yapak ng kaniyang mga paa __ papaalis .

Ano raw sabi niya? Nakikipagtawagan sa oras ng trabaho? Sa pagkakaalam ko, tapos na ang trabaho ko. Dapat nga ay mahimbing na akong natutulog ngayon dahil napakain ko na ang anak niya. Ginagawa ko rin naman ng tama iyong trabaho ko. Tinitiis ko iyong kademonyohan ng anak niya.

Napapikit ako nang mariin dahil sa panggigigil . Humugot ako nang malalim na hininga at saka tumingin sa dereksiyon kung saan siya tumungo . Naglakad ako papalapit sa kuwarto nitong nakarasado __ na’t __ nanginginig ang kamay na kumatok doon.

Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto at sa likod __ nito’y ang nakatayong si sir Henry ang bumungad sa akin. Sunod - sunod akong napalunok nang hindi ko maiwasang __ pasadahan ng tingin ang kaniyang kabuuan . Ang bilis naman nitong maihubad ang kasuotan niya kanina’t tanging tuwalya na lang ang nakabalot sa kaniyang pang- ibabang katawan.

Napakabastos naman! Ba’t hindi pa hinubad ng tuluyan .

“You’re drooling Mr. Arellano.”

Mabilis akong tumalikod at pasimpleng __ pinunasan ang labi ko. Shuta ! Naglalaway nga ako! Papaano ba naman kasi, ang sarap ng nasa harapan ko?

“What do you want?” tanong nito nang hindi ako humarap sa kaniya.

Dahan - dahan akong humarap at yumuko ngunit sa nakabukol sa harapan niya ako napatingin . Kaya mabilis kong iniangat ang tingin ko upang salubungin ang kaniyang mga mata. Nakakalusaw !

“S-Sir, p-puwede pong mag-advance ng sahod ?” Nagkatitigan kaming dalawa. Wala akong nakikitang ibang emosiyon sa mga mata nito kundi ang seryosong mga titig lang.

“How much do you want?”

Talong __ buwang __ sahod po sana. H-Huwag po kayong mag- aalala , h-hindi ko po kayo tatakbuhan . Hindi po ako investment scam, like Kappa.” Nakuha ko pang magbiro sa lagay kong ‘to.

“Are you sure that you could do your job properly and you will never leave my son?” Sunod - sunod akong tumango .

“Kahit po demonyo ang anak niyo—” Mabilis akong napatigil . “A-Ang ibig ko pong sabihin, kahit na po makulit si Senyorito ay hinding -hindi po ako aalis dito. Itong trabaho na lang pong ito ang makakapitan ng pamilya ko.”

Shuta ! Muntik ko nang mailaglag ang sarili ko sa harapan ng Amo ko. Baka paluhurin ako nito sa harapan niya. Tapos pagsisipa - sipain . Pero bakit wala pa ring emosiyon sa kaniyang mga mata?

“I’ll hold on to your promises that you’ll take care of my son, no matter how he treats you. I want you to do your best to changed him,” sabi nito.

Tumango lang ako kahit ‘di ko lubos na naiintindihan iyong sinabi niya. Changed daw ? Papaanong __ papalitan ? Ng damit ba?

\—

“HOY BAKLANG PANGET! I AM CALLING YOU, STUPID!” Napabalik ako sa reyalidad nang muli kong marinig ang matinis na boses ni senyorito Finley. Malapit na ito sa puwesto ko’t masamang nakatingila sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay. “Ano bang kailangan mo, hah? Kita mo nang naglilinis ako rito?”

“Taste this.” Ngayon ko lang napansin na may hawak-hawak pala siyang plato na naglalaman ng kung ano’ng klase ng pagkain. “I made this,” dagdag pa niya.

Umatras ako nang kaunti. “Baka may lason ‘yan. Ikaw na lang tumikim. Naku! Kilala kitang bata ka! Baka patayin mo ‘ko kasi hindi ka makukulong. ‘Wag ako, okay?!”

Ano’ng akala niya sa akin? Nagpapaloko? Excuse me! Hindi ako madaling lokohin. Alam ko na galawan ng Demonyong ‘to. Sapat na sa akin ang samut-saring paghihirap ko habang inaalagaan siya.

Tinaasan ko siya ng kilay ngunit nagulat ako nang biglang lumungkot ang mukha nito. Na tila ba pinagbagsakan ng langit at lupa. At para na siyang maiiyak. Kaya bigla akong nataranta at walang pagdadalawang isip na kinuha iyong puting bilog na parang cookies sa plato niya’t isinubo iyon.

Napapikit akong tinikman ang dala-dala nito. Hindi ko muna kinagat at tamang dila muna ang ginagamit ko. Nang malasahan ko ang parang harina ay napanatag ang loob kong walang kakaiba rito at simpleng pagkain lang ito. Kaya kinagat ko iyon, na sana’y hindi ko na lang ginawa dahil mabilis na sumabog sa bibig ko ang anghang.

Napangiwi ako’t mabilis na naidura ang pagkain. Napatalon-talon at parang aso na inilabas ang dila dahil sa sobrang anghang. Putacca!

Narinig ko na lang ang pagtawa ni senyorito Finley at mabilis na tumakbo papaakyat sa ikalawang palapag.

“Pakyo kang bata kaa!” sigaw ko bago mabilis na tumakbo papuntang kusina upang maghanap ng asukal.

Shuta! Ang anghang! Halos sumabog ang ulo ko.

Chapter 5

THE RUTHLESS DADDY

CHAPTER 5

\—

A N D R E I

Kakatapos ko lang ihanda ang mga pagkain ni Senyorito Finley nang saktong makababa ito galing sa kaniyang kuwarto. Napangiti ako nang makita ko ‘tong tila inaantok pa rin at napaka-independent niyang bata dahil hindi na ito nagpapatulong sa tuwing umuupo sa kaniyang high chair.

Ang cute-cute niya rin sa suot-suot niyang ternong pajama. Taray talaga ng mga mayayaman! Naka-pajama kapag natutulog, samantalang iyong iba riyan kahit may lakad iyong ternong pajama ang suot-suot. Kung hindi lang din demonyito itong batang ‘to, ang sarap sanang yakapin-yakapin at kurot-kurutin. Kaso, ang sungit!

“What are you looking at, faggot?!” Kitams! Ang liit-liit pero ang tapang-tapang at napaka-bully pa. Kung nandito lang siguro iyong Nanay neto, siya kukurutin ko sa singit dahil mukhang pinaglihi niya sa sama ng loob ang anak.

Ngumiti ako ng napakapeke. Mas peke pa sa Iphone mong may-chat heads ang messenger.

“Wala naman po, Senyorito. Kumain na po kayo at baka mahuli pa ho kayo sa inyong klase,” sabi ko at inirapan lang niya ako. Inambahan ko naman siya at saka inirapan din.

Naglakad naman ako sa gilid kung saan nakahilera ang mga kasambahay. At ilang sandali lang ay dumating si sir Henry na nakasuot na ng kaniyang three piece suit. Sabay-sabay kaming bumati nang magandang umaga at nagulat ako nang dumako ang paningin nito sa akin.

Baks! Ang seryoso niyang makatingin. ‘Wag sana niyang iniisip na nakahubad ako, dahil baka totohanin ko! Char.

“Bakit hindi ka pa kumakain?” tanong nito.

Busog na po ako, sir! Makita lang kita.

“What?!” Napatalon ako dahil sa gulat. Bigla akong napatingin dito at nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin. “What did you say?” seryoso at nakakatakot niyang tanong.

Shuta! Nasabi ko ba iyong nasa isip ko? Punyeta talaga! “A-Ah, w-wala po! Heto na nga, kakain na!”

Mabilis akong kumilos at naupo kaharap ni Senyorito. Naupo rin naman ito sa puwesto niya at saka sinimulang kainin ang nakahandang pagkain. Sana pagkain na lang ako.

“Gross!” Lumingon ako rito at ang nandidiring mukha ni Senyorito ang tumambad sa akin. Nakatingin ito sa dereksiyon ko.

Ano’ng gross? Damo ba?

“Eat your breakfast, Finley. You’re gonna be late at school,” narinig kong sabi naman ng kaniyang Daddy.

“Papaano ako kakain kung may nakakadiring panget sa harapan ko?” Bigla akong napatayo at gamit ang kamay kong basa pa dahil sa sabaw at may kanin pa rito, dinuro ko siya.

“Aba’y sumusobra ka na, a! Kurutin kita ng nail cutter, beh?” inis kong sabi. Wala akong pakialam sa kaniyang Daddy na seryoso lang nagpalipat-lipat ang tingin sa amin.

“Tss! You’re gross! How could you used your hands when you’re eating?”

Bigla kong naitago sa likod ko ang kamay kong may kanin pa dahil sa kahihiyan. Ewan ko pero parang nanliit ako sa sinabi ng demonyong ‘to, na nakakadiri ang kumain gamit ang kamay. Bakit, ano ba’ng ginagamit niya kapag kumain? ‘Di ba, kamay rin niya?

Pero iyon na nga, bigla akong nahiya dahil harap-harapan ako nitong sinasabihan nang nakakadiri. Sa harapan pa mismo ng Daddy niya. Sinong hindi mahihiya? Si Berting? Wala namang hiya talaga iyon!

“Kumain na kayo. Hindi niyo man lang nirerespeto ang pagkain sa harapan niyo,” narinig kong sabi ni sir Henry.

Inirapan ako ni Senyorito at saka bumalik sa kaniyang kinakain. Ako naman, dahil sa kahihiyan ay mabilis akong umalis doon. “P-Pasensiya na po. B-Busog na ako. Salamat sa pagkain,” paalam ko’t hindi na sila hinintay pang makasagot.

Mabilis akong pumunta sa Maid’s room kung saan may sarili kaming banyo, kusina, at iba pa. Para itong dorm sa mga eskwelahan. Pumunta ako sa kusina namin at dito uminom. Nakakahiya na kasing doon pa ako iinom. Pagkatapos kong uminom ay hinugasan ko na ang kamay ko. Napabuntonghininga ako pagkatapos.

Napakasama talaga nang ugali ng batang iyon! Konteng-konte na lang talaga, tatamaan na siya sa akin. Huwag niyang iisiping kaya ko siya hindi nasasaktan ay dahil mabait ako sa bata. Mabait ako pero sa katulad niyang masama ugali, ibang usapan na iyon! Kailangan niya talagang matuto ng tamang asal.

“Ayos ka lang, Drei?” Hinarap ko si Ante Dolly na kakapasok lang dito sa kusina. Ngumiti ako. “Pagpasensiyahan mo na ang bata, Drei. Alam mo naman ang rason kung bakit ganiyan ang ugali niya,” aniya.

Humugot ako nang malalim na hininga bago siya sinagot. “Huwag ho kayong mag-aalala, ‘Te. Ako hong bahala sa kaniya. Simula ngayon, ituturo ko sa kaniya kung papaano umasal ng tama.”

\—

Kaagad naman akong lumabas nang ipatawag na ako ni Senyorito. Naligo lang ako’t nagpalit nang maisusuot at saka rumampa na papalabas ng bahay kung saan naghihintay ang pinakamamahal na Prinsipe ng mga tiyanak.

Nakangiti akong lumapit dito. “Ang cute-cute niyo naman po sa uniform niyo, Senyorito,” hindi ko mapigilang sabihin nang suriin ko siya. Bagay na bagay ang dark blue nitong polo kung saan sa dibdib nito’y may tatak ng logo ng kanilang eskwelahan. Pinaresan ng dark blue ring khaki shorts at saka black shoes na may white socks.

“Tss.” Umirap na naman po siya at saka pumasok na sa loob ng kotse. Hindi ko na lang pinansin iyong ginawa niya’t sumunod na rin sa kaniya sa loob. “What are you doing here? Don’t sit next to me, please?!”

Nanlaki ang mga ko sa gulat na tumingin dito, sinamaan niya ako ng tingin.

“E-Eh, saan niyo po ako gustong sumakay? Sa atip nitong kotse?!”

“Stupid! Sit next to my father!” sigaw niya.

Lumingon ako sa harapan, sa tabi ng driver’s seat. Wala pa roon si sir Henry. Kaya umiling ako at saka nagmamatigas na tumingin sa tiyanak.

“Ayoko! Ikaw na lang ang maupo roon.” Mas lalo ako nitong sinamaan ng tingin. “Magkamatayan man tayo, senyorito Finley Alcantara! Hinding-hindi ako uupo sa harapan.”

Hinding-hindi talaga ako uupo riyan dahil kinakabahan ako. Baka kasi mamaya, biglang hawakan ni sir Henry batok ko’t inuntog ang ulo ko sa manibela ng kotse dahil sinigawan ko kanina ang anak niya. No! As in never!

Nagulat ako nang ngumisi siya. “Fine! Let’s see who’s going to regret.”

Umirap naman ako. “Sure!” sabi ko’t saka pabagsak na naupo sa tabi niya. Lumayo pa ito nang kaunti na tila ba nandidiri talaga sa akin. Hindi ko na lang pinansin pa’t hinintay na lang na makalabas si sir Henry na siyang maghahatid sa amin sa eskwelahan nitong tiyanak.

Ilang sandali lang ay nakita ko nang lumabas si sir Henry ng bahay
Suot pa rin nito ang three piece suit at may bitbit pang brief case. Naglakad ito papalapit sa kotse at umikot naman upang makalapit sa kabilang pinto kung saan ang driver’s seat. Nang makapasok ito’y tumingin sa amin nang seryoso.

“What are you doing there, Mr. Arellano? Dito ka maupo sa harapan. Do I looked like a driver to you?”

“P-Po?”

“You didn’t hear me? Ang sabi ko, rito ka sa tabi ko maupo dahil nagmumukha akong driver. Got it?”

\----

AUTHOR’S NOTE:

I’m sorry for updating my stories slowly. Hindi naman po kasi ito ang ginagawa ko. At nagpapasalamat ako dahil bimabasa niyo pa rin ang mga gawa ko kahit matagal akong mag-update.

Kapag bitin ka, then I’m sorry po. Ganoon talaga ang buhay!

Anyways, again and again. A lot of typos and grammatically incorrect po sa kwentong ito. Kung magaling ka at sa tingin mo’y **** matutulungan mo ko, then don’t hesitate to correct me in a NICE WAY.

Thanks and enjoy!

Chapter 6

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 6

\—

A N D R E I

Hindi ko talaga maintindihan ang mag-amang ‘to. Sarap nilang pag-untuging dalawa. Ayoko ngang maupo rito sa harapan dahil sa mas gusto kong katabi si Senyorito para magawa kong palihim itong makurot ng nail cutter. Pero heto ako, sis! Nakaupo sa passenger’s seat habang nakatingin sa labas ng bintana.

Pinipigilan kong huwag lumingon sa puwesto ni Sir Henry. Pigil na pigil ako. Iyong tipong, natatae ka sa eskwelahan tapos mas bet mong magpigil kaysa ilabas iyon sa banyo niyong may napkin na nakasabit sa bintana. Ayokong lumingon sa kaniya dahil ang guwapo niya, baka hindi ko magpigilan ang sarili ko’t mandilim ang paningin ko.

Ang sarap niyang itapon sa labas, kasama iyong anak niyang may saltik sa pag-iisip.

“DADDY, STOP THE CAR!!”

Dahil sa pagsigaw na iyon ni Senyorito Finley ay mabilis na inapakan ni Sir Henry ang preno ng kotse. At shutangina! Literal na nandilim talaga ang paningin ko’t umiikot-ikot pa nang malakas akong nauntog sa unahan. Napadaing ako sa sakit. Para akong nahulugan ng isang buko, iyong berde pa ang kulay. Sapo-sapo ang noo na lumingon ako kay senyorito Finley dahil sa ginawa nito at ang demonyo, nakangisi lang na parang tuwang-tuwa sa ginawa niya.

“Are you hurt, Yayo?” Tumawa siya. “Next time, you should put your seat belt on po, okay?”

Gusto kong pumatay ng bata!

Mabilis kong hibubad ang tsinelas ko’t papaluin sana siya nito ngunit may mabili na brasong pumigil sa kamay ko. Lumingon ako rito nang masama at ang seryosong mga tingin ni sir Henry ang sumalubong sa akin.

Shit! Bakit ka ganiyan makatingin, bebe?!

Umiling ito. “He’s right. Dapat ay ikabit mo ang seat belt mo,” sabi lang nito bago bitiwan ang kamay ko’t nagpatuloy sa pagmamaneho.

Wow! As in wow na wow! Iyon na iyon? Hindi niya ba pagsasabihan ang anak niya dahil sa kawalanghiyaang ginawa nito sa akin? Aba’y kaya naman pala sila nilalayasan ng kanilang mga katulong dahil sa mga ugaling mayroon sila! Sila pala ang napakalaking problema!

Pero sino ba ako para sagutin siya? Siya lang naman ang nagpapasweldo sa akin at nagbigay ng advance na sweldo. Kaya wala akong nagawa kundi ang bumuntonghininga’t bumalik sa pagkakaupo.

Pasimple ko na lang na ikinabit ang punyetang seat belt at saka tumingin sa labas. Nag-iisip ako ng paraan para makaganti sa demonyong batang ‘yan! Makikita niya! Hindi ako nagpapaapi at mabilis kinakarma ang nang-aapi sa akin dahil ako mismo ang karma.

Napangisi ako.

“Why are you smiling like stupid? Epekto ba iyan nang pagkakauntog mo kanina?” Nawala ang ngisi ko’t tumingin dito.

“Wala po, sir. Masaya lang po ako, bawal po ba?” Napapailing na lang itong tumingin sa harapan.

Lumingon naman ako kay Senyorito Finley pero sana ay hindi ko na lang iyon ginawa dahil sa ang sama nitong makatingin sa akin. Aba naman! Siya na nga ‘tong nangdedemonyo, siya pa may karapatang tingnan ako ng ganiyan? Pasalamat ka, kasama mo Tatay mo ngayon dahil kung hindi, baka kanina pa kita pinasagasa sa bus.

\—

Mabilis naman kaming nakarating sa eskwelahan ni Senyorito Finley. Unang beses akong makakapunta rito dahil nung dumating ako’y wala naman pasok ang alaga ko. Lumabas na ako ngunit nagtaka ako kung bakit hindi pa rin lumalabas si Senyorito Finley. Kaya nagkusa akong buksan ang pinto ng kotse.

“Senyorito, nandito na po tayo.” Lumingon ito at saka sa kaniyang Daddy.

“I-I don’t want to go to school,” bigla nitong sabi.

Ano raw? Ayaw na raw niyang pumasok? Aba naman, ang galing ano? Nagsuot-suot pa siya ng uniporme, nagpahatid-hatid pa rito, at sa tingin ko’y nanghingi pa ito ng baon tapos hindi pala papasok?

Are you gagoing us, beh?

“Finley!” Napatalon ako sa gulat nang hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si sir Henry. Kaya bahagya akong umatras upang bigyan siya ng daan. “Huwag mong subukan ang pasensiya ko ngayon.”

Napansin ko ang pagbabago sa ekspresiyon ni Senyorito Finley dahil sa sinabi ng Daddy niya. Mabilis naman nitong kinuha ang kaniyang bag at saka lumabas ng kotse. Hindi man lang ito nagpaalam dahil basta-basta na lang itong umalis.

Tumingin ako sa kaniyang Daddy na saktong nakatingin sa akin. “Go. Follow him,” anito.

“Ah sige po, Sir. Mag-iingat ho kayo sa byahe.” Ngumiti ako’t saka mabilis na sumunod sa tiyanak.

Mabuti na lang at maliliit ang biyas nito, kaya kaagad ko siyang naabutan.

“Senyorito, sandali! Ano ba! Batang ‘to naman, oh!” pagpipigil ko dahil ang bilis niyang maglakad.

“Stop following me, you gay! People were looking at us.”

“Wow! Sarap mong batukan, a! Hoy, kay bata-bata mo pa, kung ano-ano na iyang sinasabi mo. Hindi tayo talo!”

‘At saka, kay Daddy Henry lang ako.’ Balak ko sanang idugtong iyon ngunit hindi ko na lang ginawa. Baka isumbong pa ako ng batang ito.

Mabilis kaming nakarating sa kaniyang classroom at kaagad naman itong pumasok sa loob. Hindi na ako tumuloy pa at sa mga benches na nasa labas ng kaniyang classroom ako pumuwesto.

“Bago ka?” Lumingon ako rito. Nakatingin ito sa akin. Nakasuot ito ng uniporme ng mga katulong. Kaya sa tingin ko’y katulad ko rin itong may alaga rito.

“Opo. Kayo po? Bulok na?” Tumawa siya. Mukha ba akong nagbibiro? Totoo naman kasing nabubulok na siya, nabubulok iyong ngipin.

“Sinong alaga mo? Si Mr. Alcantara?”

“May lahi ho ba kayong tsismosa?”

“Ito naman, nagtatanong lang, e. Kasi halos lingo-lingo may bagong tiga-bantay sa batang ‘yan. Nagtataka lang talaga ako,” sabi niya.

Ngumiti na lang ako’t hindi na lang siya sinagot. Wala lang. Ayoko na siyang magsalita pa dahil nalalanghap ko iyong masang-sang na amoy sa kaniyang bibig. Baka imbornal ang tubig nito sa pinagtatrabauhan niya.

Anyways, eheeem! Napapa-English na naman ako.

Iyon na nga. Dahil nasa tabi lang bintana nitong classroom ng alaga ko ang puwesto namin. Sumilip ako sa loob at inilibot ang tingin upang hanapin si Senyorito. Napakunot ang noo ko nang makita ko itong nakaupo lang sa kaniyang upuan, nakayuko. Habang ang mga kaklase niya’y masayang nagkukulitan dahil hindi pa dumarating ang kanilang Teacher.

“Andiyan na si Sir Saul!” Kaagad ko namang ibinaling ang tingin ko rito nang tumili itong katabi ko. Sinundan ko ang tinitingnan nito’t dumako iyon sa naka-unipormeng guro. Kulay Asul ang polo nito na may logo sa ng eskwelahan sa bandang dibdib.

Iniangat ko ang tingin at tila ba huminto ang mundo sa pag-ikot nang magtagpo ang aming mga mata. Ang guwapo niya, ses! Para siyang korean. Korean pornstar na nakikita ko sa Twitter. Char! Pero seryoso ako na ang guwapo niya tapos bagay na bagay pa sa kaniya ang suot nitong uniporme. Mas lalo siyang pumuti at saka, bakit siya nagliliwanag?

Ano kayang sabon ni Sir?

“Good morning, sir!” masayang bati ng mga kasama kong katulong dito sa labas nang makalapit ito sa puwesto namin. Tumigil siya’t saka kami tiningnan isa-isa habang may ngiti sa kaniyang labi.

Sir, hindi ho kami ang estudyante niyo!

“Good morning, guys,” aniya at saka tumuloy na papasok sa loob.

“OMG, ‘teh! Tiningnan niya ako! Eye to eye! As in! Kinikilig ako. Puwede na yata akong mamatay ngayon!” Napanganga ako sa sinabi ng katabi ko kaya tumingin ako rito.

“Sa labas po kayo ng campus magpakamatay, baka multuhin pa itong eskwelahan ng mga bata,” sabi ko at saka ngumisi. Inirapan lang niya. Siya pa galit sa lagay na ‘yan, a!

_***_ **

**© ** **IthinkJaimenlove **

Chapter 7

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 7

\—

A N D R E I

Dalawang oras ang lumipas na nakatunganga lang ako rito sa labas ng classroom ni Senyorito Finley. Paminsan-minsan din akong sumisilip sa loob at kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik ng Tiyanak. Tumitingin naman ito sa pisara at kapag tinatanong ng kaniyang guro ay sumasagot naman. Narinig ko pa ngang nag-‘po’ ang demonyitong iyon.

“Okay, class. That’s for today. I hope to see you tomorrow,” paalam ng kanilang guro nang matapos ito sa kaniyang lesson.

Dali-dali ko namang inayos ang mga gamit ni Senyorito, iyong lunchbox na bitbit ko kanina at nagdala rin ako ng extrang T-shirt kasi alam kong makukulit ang mga bata kaya handa ako kapag pagpapawisan siya. Pero hindi ko naman po alam na dalawa’t kalahating oras lang ang itatagal ng kanilang klase. Aba’y ibang klase! Sa narinig kong lesson ng guro ay puro lang naman tungkol sa hayop. Bakit hindi ko nakita si Berting sa mga ginamit nitong endangered na hayop?

Iyon na nga. Tumayo na ako nang tumayo rin ang mga katabi kong mga katulong na may lahing mga tsismosa. Sunod-sunod namang lumabas ang mga bata at patakbong nilapitan ang kanilang mga Yaya. Habang ako, heto, nakatayo at nagtitimpi sa gitna ng mga ulan. Nanginginig ang mga tuhod at ang mga mata’y luhaan. Charut! Nakatayo lang ako at hinihintay rin ang alaga ko ngunit lahat ng mga bata’y mukhang nakalabas na.

“Bakla, iyong alaga mo nandoon na. ‘Di mo ba napansin?” Tumingin ako sa katulong na kasama ko nang tapikin niya ko. Sinundan ko naman ng tingin ang hintuturo nito at doon ko nga nakita si Senyorito Finley na naglalakad na.

Aba’y!

Hindi na ako nagpaalam pa’t mabilis na sumunod sa demonyo. Makakapagmura talaga ako ng malutong dahil sa batang ‘to. Araw-araw niyang sinusubok ang pasensiya ko sa kademonyohan niya. Makikita talaga niya, ihahatid ko siya kay Satanas kapag ako napuno.

Mabuti na lang din at miyembro ako ng mga magnanakaw–char! Athletes noong high school ako at ang marathon ang sports ko. Movie marathon! Kaagad ko ‘tong naabutan at mabilis na hinawakan ang maliit niyang braso. Tumigil naman ito at masamang tumingin sa akin.

“Don’t touch me!” singhal nito at saka hinila ang kamay niya. “HELP! HELP! THIS GUY IS A KIDNAPPER!!”

Nanlaki ang mga ko nang sumigaw ito. Shuta! Bigla akong nag-panic nang malala dahil sa kagagawan niya. Mabilis kong binitiwan ang mga hawak ko’t sinubukan siyang pigilan ngunit ang demonyo, mas lalong lumakas ang pagsigaw.

“HELP! PLEASE HELP ME! HE’S KIDNAPPING ME!”

“Hoy! Ano ‘yan?!” Pareho kaming natigilan nang mabilis na makalapit sa amin ang mga guwardiya, dahil malapit lang kami sa gate ng walanghiyang sumigaw-sigaw ang batang ‘to ng kidnapper daw ako. Sa mukhang ito?

Lumingon ako rito. Dalawang guwardiya ang lumapit sa puwesto namin. “Ah, B-Boss. Wala ho ‘to. Makulit po kasi itong alaga ko,” sabi ko’t tumawa nang mapakla. Kinakabahan ako, beh. Nakahawak kasi iyong isa sa kaniyang baril at mukhang handa na niyang bunutin at pasabugin ang mukha ko.

“No! He’s lying! Hindi po siya ang Yaya ko. Wala po akong Yaya. Please, bring him to jail!” Naiiyak akong napatingin kay Senyorito Finley. Ang galing umarte ng demonyo at puwede na siyang maging artisa ng Hollywood. Tumakbo pa ito sa likod ng dalawang pulis. “Please, help me. He’s a member of a syndicate po,” ani pa nito.

Hindi ako nakapalag nang bunutin na nga ng isa sa mga guwardiya ang kaniyang baril at saka itinutuk sa akin.

“Itaas mo ang mga kamay mo,” sabi nito.

Tumingin ako kay Senyorito Finley at ang kaninang nakakaawa nitong mukha ay napalitan ng nakangising ekpresiyon. Bumuntonghininga ako at saka dahan-dahang itinaas ang mga kamay. Mabilis naman silang kumilos at mabilis akong pinosasan.

“B-Boss, hindi ho talaga ako kidnapper. Maniwala ho kayo. Set up lang ‘to,” sabi ko habang pinoposasan nito ang kamay ko.

“Sa presinto ka na lang magpaliwanag,” sagot niya lang at kinaladkad na ako sa isang mobile truck na sa tabi lang ng kanilang guard house naka-park.

Hinanap ko si Senyorito Finley ngunit hindi ko na ito makita pa. Kaagad naman akong dinala ng mga walanghiyang ‘to sa presinto.

- -

“Oh anoʼng kalasanan nito?” agad na tanong ng isang pulis nang makapasok kami sa loob.

“Balak hong mang-kidnap ng bata, Chief.”

“Chief, hind—”

“Hep! Hep!” Itinaas nito ang kamay upang pigilan ako sa kung ano man ang dapat kong sabihin. “Wag ka ng magpaliwanag pa. Marami ng gumamit niyan, gasgas na. Dalhin na iyan sa loob!”

Hindi ako nakapalag dahil nga nakaposas ang mga kamay ko. Mga bwesit! Akala ko ba, sa presinto na lang ako magpaliwanag? Bakit hindi ako nito hinahayaang magpaliwanag? Pero wala akong nagawa nang kaladkarin na naman ako ng isa pang walanghiyang guwardiya sa kulungan. Pagbukas ng kulungan ay iyon din ang pagtulak nito sa akin sa loob.

Inilibot ko ang paningin ko. Maliit lang iyong kulungan, may dalawang double deck na gawa sa kahoy kung saan may apat nang nakahiga roon at nakatingin sa akin. Mayroon ding apat pang taong nakahiga sa sahig na ang mga pinagtagpi-tagping mga karton lang ang ginawang banig.

Gusto kong maiyak sa kalagayan ko ngayon. Hindi ko ‘to inaasahan. Nagtatrabaho lang ako dahil gusto kong makatulong sa pamilyang iniwan ko sa probinsiya, pero heto ako’t nasa kulungan. Tinalikuran ko na ang mga preso at saka tumingin sa dalawang mga walanghiyang nagpapasok sa akin dito.

“Boss, maniwala ho kayo sa akin. M-May saltik ho ang batang iyon. Alaga ko po siya at hindi ko magagawang kidnappin iyon,” nagmamakaawa kong sabi. “K-Kahit pa ho tawagan niyo iyong amo ko,” dagdag ko pa.

“May number ka ng amo mo?”

Natigilan ako sa tanong nito. Naalala ko nga pa lang wala akong number ni Sir Henry. Kinapa ko rin ang bulsa ng pantaloon na suot ko’t wala rin dito ang cellphone ko. Kaya umiling lang ako bilang sagot.

“Iyon naman pala. Kaya mabulok ka riyan!” Umalis na na ito at bumalik sa kaniyang puwesto habang iyong guwardiya naman ay nanatili.

“Ano? Ba’t ka nakatingin sa akin? May maitutulong ka ba hah?!” inis kong sabi pero hindi niya ako sinagot at tinalikuran na lang basta-basta.

Potek! Ano na ngayon ang gagawin ko? Hindi ko pa alam kung ilang araw ang itatagal ko rito at kung makakalaya pa ba talaga ako. Bwesit talagang batang iyon! Napakademonyo niya.

Napaupo na lang ako sa sahig at sinubukang manalangin na sana naman ay puntahan ako ni sir Henry dito at palayain. Anak naman niya kasi ang may kasalanan kung bakit ako nandito. Kung hindi lang kasi demonyo ang batang iyon, edi sana wala ako rito ngayon.

“Bakla!” Hindi ko ito pinansin at masama lang na tumingin sa pulis na nakataas ang mga paa at nakapatong sa mesa habang nanonood. Bold siguro pinapanood niyan.

“Hoy! Bakla! Tinatawag ka ni, Boss!” Bumuntonghininga na muna ako bago ako lumingon dito. Lahat sila’y nakatingin na sa akin. Iyong kaninang mga nakahiga sa kama ay ngayo’y nakaupo na. Tapos iyong isa sa kanila na nakaupo sa kama ay may dalawang katabi pang mga preso habang minamasahe ang mga masels nito.

Ang ganda na sana ng katawan pero iyong mukha, parang binugbog ng sampong katao. Hindi naman siya hipon. Kung ihahalintulad ko siya ay puwede na silang maging magkamag-anak ni Berting.

“Bakit?” tanong ko. Tiningnan ko sila isa-isa at bakit ba lahat ng mga nakukulong ay mga panget? Except sa akin dahil hindi naman ako mga kriminal. Wala man lang bang kriminal na guwapo? Iyong tipong handa kang magpasibak sa kaniya ng walang pag-aalinlangan?

Pero hetong mga ‘to, kahit magbait-baitan pa sila’y mukha pa rin silang mga kriminal!

“Gusto mo bang chumupa?” Mabilis akong tumayo at sinamaan siya ng tingin. Ngumisi lang ang gago at bahagya pang hinimas-himas ang kaniyang pagkalalaki.

“G-Gago ka ba?” Tumingin ako sa pulis na nagbabantay. “Chief, palabasin niyo nga ‘tong gagong ito. Ang bastos, e!”

Tumawa ito at tumingin sa akin. “Bakit, ayaw mo ba?”

Naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa inis. Mga bwesit! Mga manyakis! Pero bago pa man ako makasagot ay may biglang pumasok sa loob ng presinto at nang tumingin ako ritoʼy bumagal na naman sa pag-ikot ang mundo. At hindi ko maintindihan kung bakit siya nagliliwanag?

_***_ **

**©IthinkJaimenlove **

Chapter 8

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 8

\—

A N D R E I

Napapangiti ako habang pinagmamasdan ang paligid. Ganito pala sa labas ng kulungan. Ang daming nagbago. Ang dami ng mga buildings at iba pang malalaking gusali rito. Samantalang noon, wala pa ito nung panahon ng mga kastila.

Char!

Pero masaya ako dahil malaya na ako, dahil iyon sa kasama ko ngayon dito sa loob ng kaniyang kotse. Tumingin ako rito at abala lang itong nagmamaneho. Kanina pa talaga ako nagtataka bakit kaya siya nagliliwanag? May ilaw kaya siyang nalunok noong bata pa siya?

“Stop staring at me,” sabi nito. Kaya mabilis akong umiwas at itinuon ang pansin sa labas.

Nakakahiya! Bakit ba ako napatitig sa kaniya? Pero naalala kong may sasabihin pa pala ako sa kaniya, kaya muli akong lumingon dito.

“Sir, salamat nga po pala sa pagpapalaya niyo sa akin,” sabi ko habang nakatingin sa matangos niyang ilong. May kalakihan din ito na parang sa mga latino na napapanood ko sa pornsite. Pm lang sa link!

Tumawa siya nang mahina at saka mabilis lang na sumulyap sa akin. “It’s okay. Hindi lang naman ikaw ang kauna-unahang pinalaya ko sa kulungang iyon,” aniya.

Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi nito. “Ho? Ano po’ng ibig niyong sabihin?” tanong ko kay Sir Saul na siyang tumulong sa akin upang makalaya sa buwakanang kulungang iyon na may mga panget na manyak.

Naku! Nanggigigil talaga ako sa mga presong iyon. Pati na roon sa Hepe nilang sarap posasan ang bibig dahil pasmado. Susumbong ko talaga sila sa Presidente ng Pilipinas. Makikita nila! Ano’ng akala nila sa akin? Hindi maghihiganti?

Pero balik tayo sa sinabi ni Sir Saul, na hindi lang daw ako ang pinalaya niya sa kulungang iyon? ʼdi ba teacher siya? Hindi ko alam na attorney rin pala itong pornstar na ‘to.

“Iyong mga naunang katulong sa ʼyo. Linggo-linggo ba namang nagpapalit ng katulong ‘yang alaga mo,” natatawa nitong sabi.

Doon ko naman napagtapi-tagpi ang lahat. Ibig sabihin ay ginawa rin ng demonyong iyon ang bagay na ‘to sa kanila? Nauubos na talaga ang pasensiya ko sa batang iyon! Ano baʼng kasalanan naming mga katulong bakit niya kami ginaganito? At saka, bakit ba iyong mga Yaya lang niya ang ginagawan niya ng masama? Bakit hindi niya idamay si Auntie Dolly?

“Inakusahan din po niya ng kidnapping?” tanong ko, at hindi ko maiwasang hindi maikuyom ang mga kamao ko dahil sa inis.

“He did worse than that. He accused his maid of stealing, drug possession, and even insanity.” Napapailing siya habang nagmamaneho. Mas lalong kumulo ang dugo ko dahil sa mga nalaman ko. “Matalino siyang bata, pero hindi ko alam kung bakit ganiyan ang ugali niya.”

“At kayo po ang tumulong sa kanila upang makalaya?” Tumango lang siya’t sumulyap sa akin upang ngumiti. Natulala ako sa ngiti nito, kaya hindi ako kaagad nakaiwas ng tingin.

Umiwas lang ako ng tingin nang tumigil ang kotse sa harapan ng bahay ni sir Henry. Kaya agad akong lumabad at ganoon din ang ginawa niya.

“Salamat po ulit sa pagtulong niyo. Tatanawin ko ʼtong malaking utang na loob at kung kailangan niyo po ng tulong ko, sabihan niyo lang po ako,” sabi ko rito.

Ngumiti lang siya. “Anytime, Andrei,” sagot niya at saka nagpaalam na.

Sinundan ko lang ng tingin ang kotse nitong papalayo ngunit ‘di ko alam bakit hindi siya bumalik sa pinanggalingan namin. Sa pagkakaalam ko’y pang mayaman lang ang mga nakatira dito sa village na ‘to? ‘Di kaya’y may jowa si sir na rito nakatira tapos magkakan–ay bahala nga siya sa buhay niya. Tumalikod na ako ngunit sana pala’y hindi ko na lang iyon ginawa upang hindi ko makita ang nakakamatay na tingin ni Sir Henry sa akin.

Bakit ganiyan sa makatingin? May kasalanan ba ako? Sa pagkakaalam ko’y silang dalawa ng anak niya ang maraming kasalanan sa akin.

“S-Sir, n-nandiyan po pala kayo,” awkward kong sabi.

Ano ba sa tingin mo, Drei?! Hindi ‘yan picture frame! Mas HD pa ‘yang nakikita mo sa picture frame.

“Where have you been?” may diin nitong tanong at ang lalim din ng boses niyang may kasamang lamig. Napakayap ako sa sarili nang maramdaman ang lamig ng simoy ng hangin. Magtatanghalian pa lang pero bakig ang lamig-lamig na?

Pero mabilis din akong umayos ng tayo nang seryoso naitog nakatingin sa aking.

“S-Sa…” Natigilan ako dahil bigla akong napaisip kung sasabihin ko ba sa kaniya kung saan ako galing. Papaano kung hindi niya ako paniwalaan? At nagulat pa ako nang biglang lumabas si Senyorito Finley mula sa likuran ng kaniyang Daddy. Namumula ang mga mata nito na tila ba kakatapos lang nitong umiyak.

“My son has already told me the truth.” Iyon naman pala, sinabi na ng demonyong ‘yan ang totoo. Kaya hindi dapat ako kakabahan na pagagalitan ako dahil hindi kami sabay umuwi ng anak niya. Kaya ba umiiyak ang batang iyan dahil pinagalitan niya?

“Abaʼy mabuti naman poʼt sinabi na niya sa ʼyo ang totoo! Pinagsabihan niyo na ba ‘tong anak niyo? Kasi kung hindi pa, ako ang magsasa–” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang pinutol niya ako’t nagsalita.

“Yes, Mr. Arellano. Iniwan mo ang anak kong nag-iisa sa kaniyang school at nanlalaki ka. Is that true?”

Laglag ang mga balikat ko dahil sa gulat. Buong akala ko’y makakaganti na ako sa demonyong ‘to, pero iyon pala ay binaliktad niya ang katotohanan. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, kay sir Henry na seryoso na ngayong nakatingin sa akin papunta kay Senyorito Finley na may ngisi na naman sa kaniyang labi.

“Sandali lang po! Nagkakamali yata kayo,” mabilis kong sagot. Ayoko sa lahat ay iyong binabaliktad ako. “Alam niyo ho ba ang totoo—”

“My son is telling the truth. The guards also called me and told me the truth. What else do I not know? That you got lost?”

Gusto kong maiyak sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ko alam kung ano pang gagawin ko para paniwalaan niya akong hindi totoo ang mga nalaman niya. Pero sa nakikita ko, sarado ang isipan niya sa kahit anong paliwanag na manggagaling sa isang hampaslupang tulad ko. Hindi ko maintindihan ang mga mayayaman! Ang kikitid ng kanilang mga isipan.

“Sa susunod, Mr. Arellano. ʼWag mong dadalhin dito ang ka-egnorantihan mo sa syudad. Lolokohin ka lang ng mga tao at iisiping tanga ka dahil nagpapaloko ka. Nagpapauto ka. Sa panahon ngayon, marami nang manloloko.” Hindi ako nakasagot nang tinalikuran na niya akoʼt sabay silang pumasok ng kaniyang anak sa loob.

Gusto kong magmura! Magwala! Hindi ko alam bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon. Kasalanan talaga ‘to ni Berting, e! At saka, para sa kaalaman ng gagong tatay ng tiyanak na iyon, hindi ignorante ang mga taong galing sa probinsiya!

Shutangina talaga! Makakaganti rin ako sa batang iyan. Isama muna iyang Ama niyang hindi man lang nakaka-appreciate ng effort. Bwesit sila!

  • ****** **

**©IthinkJaimenlove **

Chapter 9

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 9

\—

A N D R E I

Maaga pa akong gumising kanina upang makapaghanda ng almusal ng aming mga magagaling na amo, iyong dalawang kampon ni Satanas na nandito sa mundo upang maghasik ng laggim. Pero siyempre, hindi ko sinolo ang trabaho. Tumulong lang ako may Auntie Dolly na maghanda nito, dahil siya naman talaga ang coc–cook dito sa mansion.

At ngayon ngaʼy kakatapos lang kumain ng dalawa. Kanina ko pa nga rin napapansin ang pagiging tahimik nila na para bang may hidwaan sa pagitan nila. Char! Kung makahidwaan, e. Siguro, ganito lang talaga itong mag-amang ‘to? Sabi nga nila, don’t talk when your mouth has coc–cook food in it.

Anyways, hayaan na natin silaʼt buhay nila ʼyan. Mas magandang pagtuunan nang pansin kung papaano ako makakaganti sa ginawa ng tiyanak na batang iyan. Anoʼng akala niya sa akin? Hindi gaganti? Pinanood ko kaya si Amor Power at marami akong nakuhang ideya sa kaniya upang makaganti ako sa batang iyan. Hinding-hindi ko palalampasin ang bagay na ginawa nito sa akin. Nakatatak na iyon sa isipan ko.

Napangisi ako habang iniisip ko ang paghihiganti ko, pero mabilis din iyong nawala nang makaramdam ako nang pagtapik sa balikat ko. Kaya lumingon ako rito at ang magkasalubong na mga kilay ni Auntie Dolly ang sumalubong sa akin.

“Bakit ho?” nagtataka kong tanong. Kung hindi ko lang ito nirerespeto, baka kanina ko pa ‘to pinakuluan sa kumukulong tubig, e.

“Anong nginingisi-ngisi mo riyan? Sundan mo na iyong alaga mo’t tulungan maghanda sa kaniyang klase,” aniya. Taas noo po, kaya kitang-kita ko mismo ang lapad nito at may pimples pa.

Tumingin naman ako sa puwesto kanina ni Senyorito Finley at wala na ito roon. Kaya hindi ko na lang pinatulan si Auntie Dolly at mabilis na umalis ng kusina upang sundan ang tiyanak. Malapit na sana ako sa kuwarto nito ngunit natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Sir Henry sa loob.

“Nalaman ko ang ginawa mo kahapon,” mahinahon ang boses nitong sabi ngunit ramdam ko iyong diin at pagkainis. Ano’ng nalaman niya? Dahil nga tsismosa ako, bahagya akong pumuwesto sa tabi ng pinto na bahagya ring nakabukas.

“It was his fault!” sagot ni Senyorito Finley. Para talagang matanda ang batang ‘to. Siguro reincarnation ‘to ni Ninoy Aqui-char baka si Ferdinand. “Because that gay is ugly and I don’t like him to be me nanny!”

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Walang duda na ako ang usapan nilang dalawa.

“Finley! I didn’t taught you like that. Hindi kita tinuruang bumastos ng mas nakakatanda sa ‘yo.”

“Yes. Y-you didn’t taught me because you were busy with your business. The only thing your cared about is your business. Y-You don’t even care about me,” sagot ni Senyorito Finley.

Mabilis kong binuksan ang pintuan at nagulat ako nang maabutan ko ang kamay ni sir Henry na nakataas. Handa na itong pagbubuhatan ng kamay ang anak ngunit mabuti na lang at naisipan kong pumasok sa agad, dahil iyon ang sinasabi ng isip ko.

“P-Pasensiya na po…” Tumingin ako kay Senyorito Finley at kitang-kita ko ang galit sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniyang ama. “P-Pero mukhang hindi ho yata tamang saktan niyo ang bata,” dagdag ko’t muling humarap kay sir Henry.

Naglakad ako papalapit kay Senyorito Finley at kahit nagpupumiglas itoʼy puwersahan ko pa rin siyang inilagay sa likuran ko. Para tuloy kaming mag-asawang nag-aaway at kung mangyayari man iyon, sa kaniya na ang bata, akin ang ari-arian. Char!

“Kung gusto niyo pong saktan ang anak niyo, dumaan na po muna kayo sa akin.” Ang tapang ko sa part na ‘to, ses. Kahit na kabadong-kabado ako sa mga oras na ito dahil baka nga ako ang tapukin ni sir Henry. Pero okay lang kung tite, kasi handa akong magpasampal nang paulit-ulit. Kaso, baks, ang laki ng kamay nito na halos sakop na nito ang mukha ko.

Bumakat pa sa braso niya ang mga ugat dahil nakasuot siya ng long sleeve polo na tinupi hanggang sa siko. Yummy, beh!

Pumikit ako nang igalaw nito ang mga kamay ngunit ilang segundo na ang lumipas ay hindi ako nakaramdam nang malakas na pagsapok. Kaya nang idilat ko ang mga mataʼy nakalagay na sa kaniyang bulsa ang kamay.

“I don’t want you to do this stupidity again, Finley. Dahil hindi ako magdadalawang isip na ibigay ka sa mga magulang ng ʼyong Mama.” At lumipat ang tingin nito sa akin ngunit wala man lang siyang sinabi kundi seryosong tingin lang at saka siya tumalikod pahara sa pintoʼt lumabas.

Nakahinga ako nang maluwag dahil umalis na ‘to. Lumingon naman ako sa likod ko kung saan tahimik na nakatayo roon ang anak ni Satanas.

“Wala man lang bang thank you dyan?” tanong ko ngunit masamang tumingin uto sa akin.

“Why would I? I can protect myself and I’m used to it,” sagot niya’t saka ako tinalikuran at naglakad ito papasok sa kaniyang banyo.

Used to it? Sanay na? Marunong akong umintindi dahil nakapag-aral din naman ako ng high school. Kaya naiintindihan ko ang sinabi nito at aniya’y sanay na raw siya. Papaanong sanay? Sanay nang sinasaktan siya ng Daddy nito? Iyon ang hindi ko maintindihan. Bakit?

Bigla akong nakaramdam ng awa para sa bata. Para bang kinurot ang puso ko at nanikip ito bigla sa nalaman. Sa pagkakaalam ko, kaya ganito ang ugali ay dahil din sa kaniyang Daddy na hindi binibigyan ng atensiyon. Masyado pa siyang bata para makaranas ng ganito. Kaya iyong inis ko sa mga ginagawa niya sa akin ay parang bula na naglaho at napalitan iyon ng awa.

Namatay na ang kaniyang Mommy at ang atensiyon ng kaniyang Daddy ang nais nito ngunit hindi ito maibigay ni sir Henry dahil sa sobrang kabusihan. Mas tutok ito sa trabaho kaysa sa pagpapalaki sa sariling anak. Kaya para na ring ulila ang bata dahil hindi nito maramdaman ang pagmamahal ng isang ama.

Mayaman nga sila ngunit ano’ng silbi niyon kung kulang ka sa pagmamahal na siyang dapat kailangan ng lahat?

Bumuntonghininga ako.

Alam kong wala ako sa puwesto upang makialam sa kanilang mga buhay. Alam ko nandito lang ako para bantayan ito’t sundin ang mga pinag-uutos. Ngunit alam kong ako lang ang makakagawa ng paraan para magkaroon sila ng koneksiyon sa isa’t isa. Kaya imbes na paghigantian ito sa mga masasamang nagawa niya sa akin, kukuhanin ko na lang ang loob nito nang sa ganoon ay bumait naman siya.

Tama-tama . Tumango-tango ako at saka napapangiti.

“Stupid!” Mabilis akong napabalik sa reyalidad. Tumingin ako rito at si Senyorito na kakatapos lang maligo. Nakasuot ng bathrobe na kulay asul. “Get out of my room!”

“Sige po, Senyorito. Sa labas ko na lang kayo hihintayin. Tawagin niyo lang po ako kung may kailangan kayo,” sabi ko kahit naiinis na naman ako sa pagtawag niyang stupid. Kailangan kong habaan ang pasensiya ko dahil naalala kong tatlong buwan ang advance payment na nakuha ko.

_****** _ _****** _ _***** _

_©IthinkJaimenlove _

Chapter 10

HAPPY HOLIDAYS!

-

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 10

\—

A N D R E I

Nakaginhawa ako nang maluwag nang maaga kaming nakauwi at walang kababalaghang nangyari sa buhay ko habang nasa eskwelahan ako ni Senyorito Finley. Buong durasyon kasi ng klase nitoʼy tahimik lang siya hanggang sa kamiʼy makauwi rito sa kanilang mansion.

At mabuti na lang talagaʼy hindi ko nakita iyong dalawang guwardiyang nagdala sa akin sa kulungan. Naku lang talaga! Makakatikim talaga silang dalawa sa akin ng tig-iisang sampal gamit ang pala. Hindi ko alam kung saan sila pumunta o baka nakarma na kaagad dahil sa ginawa nila sa akin. Wala akong pakialam. Ang concern ko ngayon ay ang makulimlim na kalangitan.

Bigla kasing dumilim na para bang may demonyong nagriritwal sa kalangitan. Nagbabadya yata ang ulan. Wala namang sinabi si Kuya Kim na uulan ngayon. Ano ‘to, surprise?

Kakatapos lang kumain ni Senyorito Finley at pinaakyat ko na muna siya sa kaniyang kuwarto. Dahil kami namana ang kakain. At, mabuti na lang din dahil sumunod ito dahil kung hindi ay bahala siya sa buhay niya. Kanina pa ako nagugutom.

Pito kaming naninilbihan dito sa mansion ni sir Henry. Dalawang guwardiya, isang driver na driver ni Senyorito Finley at apat na kasambahay, kasama na ako roon at si Auntie Dolly na siyang cookingina rito. Impyernes naman kasi dahil masarap ang mga luto nito. Ngunit ngayo’y dalawa lang kami ni Auntie Dolly na kumakain dahil iyong tatlo ay tapos na iyon kanina pa.

“Mukhang bumabait-bait iyang alaga mo, a.” Napatigil ang kamay kong may hawak na kutsara’t naglalaman ng kanin nang magtanong ang kasama ko ngayon. Ibinaba ko na muna iyon at saka tumingin sa kaniya.

“Paanong bumabait?” nakakunot noo kong tanong. Wala naman kasi akong napapansin dahil hindi naman talaga nagbago. Masungit pa rin iyong batang iyon kumpara sa mga kaklase niyang mabait sa kanilang mga Yaya. Wala tuloy itong kaibigan dahil sa kasungitan niya’t iyon ang napansin ko habang binabatantayan ko ito kanina sa eskwelahan niya. Kaya papaanong nasabi nitong si Auntie Dolly na bumabait iyong batang iyon? Paano?

“Hindi ka ginawan nang masama?” aniya, patanong iyon na parang hindi sigurado. Umiling ako bilang sagot. “Edi iyon nga! Bumabait sa ʼyo at sana namaʼy magpatuloy-tuloy ʼyan,” dagdag niya pa.

Tumawa ako at napapailing na ibinalik ang tuon sa pagkain ko. “Malabo ho,” sagot ko at saka nagpatuloy sa pagkain.

Malabong mangyari nga ang bagay na ʼyon. Kung posible ngang bumait ito, sa tingin koʼy hindi ako ang makakagawa niyon. Wala sa akin ang susi ng Encantadia–char, ang ibig kong sabihin ay wala sa akin ang paraan para bumait nga ito. Pero tulad nga ng sabi ko, kung wala man sa akin iyon ay gagawa ako ng paraan para lang magbago ito. Ang lungkot kaya ng buhay niya at saka hindi magandang tingnan sa isang bata ang masungit, dahil walang magkakagusto sa kaniya dahil sa ugali niya.

Saktong patapos na ako sa pagkain nang biglang kumulog nang malakas. Mabuti na lang at hindi ako magugulatin, at hindi takot sa kidlat ngunit nagulat ako nang makarinig ako nang malakas na sigaw ng isang bata.

Mabilis akong napatayo kahit hindi pa man ako nakakainom ng tubig ay mabilis akong lumabas upang puntahan si Senyorito Finley. Hindi ako pwedeng magkamaliʼt boses nito ang narinig ko. Isa pang pagkulog nang malakas ang ginawa ng kalangitan at kasunod nito’y ang muling pagsigaw ni Senyorito Finley. Mabilis din naman akong nakarating sa kaniyang kuwarto ngunit naka-lock ito.

“Senyorito! Buksan niyo ho ito!” sigaw ko habang pinupokpok ang pinto ng kaniyang kuwarto.

“M-Mama!”

Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko dahil sa unang pagkakataon ay narinig ko ang pag-iyak nito dahil sa takot. Kaya mas lalo kong nilakasan ang pagtawag sa kaniyang pangalan kasabay nang pagpokpok ko sa pinto nito.

“Senyorito, n-nandito lang ako! B-buksan mo na ʼto, please?” sinubukan kong malumanay ang boses ko ngunit hindi ko magawa dahil na rin sa takot. Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya sa loob. “Auntie Dolly! Tulungan niyo ʼko!” sigaw ko, nagbabakasakaling marinig ako ng hinayupak na iyon na kumakain pa rin nang iwan ko.

“M-Mama! P-Please, help me!” muli kong narinig ang pag-iyak nito’t pagtawag sa kaniyang Mama na matagal nang wala. Mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa kung papaano ito humagulgol sa loob na tila ba takot na takot sa kulog at kidlat.

“AUNTIE DOLLY!!” muli kong sigaw at ilang sandali lang ay dumating ito dala-dala ang mga spare key ng bawat kuwarto rito sa mansion. “Shutacca! Kanina pa kita tinatawag!”

“Pasensiya na, hinanap ko pa kasi ang mga ito,” aniya tukoy ang hawak-hawak na mga susi. Mabilis ko namang inagas iyon sa kaniya nang iabot niya. “Iyong silver ang susi niya,” dagdag nito.

\—

Nang makapasok ako sa loob ay mabilis kong nilapitan si Senyorito Finley na nasa sulok ng kaniyang cabinet kung saan kasyang-kasya ang tulad niyang maliit doon. Kaagad akong umupo sa kaniyang harapan at walang pag-aalinlangan ko siyang hinapit upang mayakap.

“Ssshhh. Ayos lang ang lahat, nandito lang ako. Hinding-hindi ako aalis,” bulong ko. Lumambot ang puso ko nang maramdaman ko ang mga maliliit nitong braso na mabilis na yumakap sa akin nang mahigpit. Hinagod-hagod ko ang kaniyang likuran upang siyaʼt patahanin.

Punyawa kasing PAGASA ʼyan, wala man lang pasabi na uulan pala ngayon. Ang init-init kaya kanina!

“Mama, d-don’t leave me,” ani Senyorito Finley habang nakayakap sa akin. “I-I’m scared,” dagdag pa nito.

Ako naman ang napahigpit ang yakap dahil sa narinig ko mula sa kaniya. Wala na akong pakialam pa sa kung ano ang itinawag nito sa akin dahil ang nais ko lang ay maibsan ang takot na nararamdaman nito.

“Oo naman. Hinding-hindi ako aalis sa tabi mo, kaya tumahan ka na,” bulong ko.

Nilingon ko si Auntie Dolly kung saan kakatapos lang nitong isara ang mga bintana ng kuwarto. Ngumiti lang siya’t nagpaalam na ipagpatuloy ang paglilinis nito sa kusina. Tango lang ang isinagot ko at saka ibinaling ang tingin kay Senyorito Finley na tumahimik na. At kaya pala ito tumahimik na dahil nakapikit na ang kaniyang mga mata, na sa tingin koʼy nakatulog dahil humihinga pa naman.

Hindi na ako nag-aksaya pa nang oras at kaagad itong binuhat upang dahan-dahang ihiga sa kaniyang kama. Pagkatapos kong maiayos ang kaniyang higa, saka ko naman siya kinumutan.

Nakahinga ako nang maluwag dahil mabilis itong tumahan.

Pinagmasdan ko ang kaniyang maamong mukha at nakikita ko ang kabataan ng Daddy nito sa kaniya. Ang amo nito habang natutulog na tila ang bait-bait niyang bata. Ramdam ko namang mabait siya, sadyang malayo lang talaga ang loob niya sa mga taong nakapaligid sa kaniya, kasama na roon ang kaniyang Daddy.

“Hayst. Sana naman, sa ginawa kong itoʼy hindi ka na magiging masungit sa akin.” Sana lang talaga ay maging mabait na siya sa akin.

__ ** __ ** *** **

**© ** **IthinkJaimenlove **

Chapter 11

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 11

\—

H E N R Y

I was busy reading a business proposal when Manang Dolly suddenly called my office phone. She told me that my son was crying and scared of the thunderstorm. Kaagad naman akong umalis at doon ko lang nalaman na umuulan na pala sa labas. Maghapon akong nasa loob ng opisan, abala sa mga papeles na kailangan kong basahin at aprobahan. I don’t have time to chit-chat with my friends nor hangout with others. Kaya minsan, hindi ko na namamalayan ang oras ay nagsisiuwian na ang mga empleyado ko.

At nang malaman ko ang sinabing iyon ni Manang Dolly, kaagad akong umalis ng opisina para puntahan ang anak ko. Nagulat ako. Hindi ko alam na takot pala ito sa malakas na kulog at kidlat. Papaanong hindi ko alam ang bagay na ‘to?

Mabagal lang akong nagmaneho dahil na rin sa may kalakasan pa ang ulan. And I was lucky that I got home safely. I immediately went out of the car and rushed myself to his room. Naabutan ko lang na tulog na ito kasama si Mr. Arellano, his Nanny or what should I call him?

Nakahinga ako nang maluwag dahil mukhang maayos na ang kalagayan nito. Lumapit ako sa kaniyang kama, umikot sa kabilang banda kung saan nakapuwesto ang anak ko. Mahimbing itong natutulog habang mahigpit ang yakap nito sa kaniyang Yayo.

Papaano ko malalaman ito gayong malayo ang loob niya sa akin?

Pinagmasdan ko silang dalawa. They seem so closed to each other and I was happy that Mr. Arellano was with him. I sighed in relief and was about to walked out of my son’s room when Mr. Arellano suddenly opened his eyes and looked at me. Naningkit pa ang mga mata nito at nang mapagtanto kung sino ako ay dahan-dahan siyang bumangon upang hindi magising si Finley.

“Kayo po pala…” I nodded. Tumingin ako kay Finley at ganoon din ang ginawa niya. “Takot na takot po siya kanina sa kulog at saka ng kidlat. Mabuti na lang ho’t may spare key si Auntie Dolly dahil kung wala ay baka ano na ang nangyari sa kaniya,” he said while looking at my son, with pity in his eyes.

“I-I didn’t know about this,” sagot ko, na siyang ikinalingon nito sa akin.

He smiled. “Dahil po sa masyado kayong abala sa trabaho. Kaya po siguro hindi niyo alam ang tungkol dito,” sabi nito at aaminin kong tama siya.

When Ashley died, I focus myself on the company. I spend most of my time with my employees and clueless of what happened to my son. Ang gusto ko kasi ay bigyan ito nang magandang buhay dahil ayaw kong kunin siya ng mga magulang ni Ashley. I want him to stay with me, pero lumalayo naman ang loob nito sa akin.

“I have my reason why I’m working hard,” sagot ko at umiwas ng tingin.

“Kung ano man po ʼyon, sana isipin niyo pa rin na may batang naghahangad ng kalinga at pagmamahal ninyo. Ayoko mang manghimasok ngunit pinanganak akong pakialamera, e.” He laughed but suddenly stopped when I turned my gaze on him. “A-Ang ibig ko hong sabihin na, makikialam ako dahil alaga ko si Senyorito,” dadag niya at umiwas ng tingin.

Bumuntonghininga ako. “Thank you.” I’ve never say this to any person and I don’t know why I’m doing this right now. It’s because I’m guilty? “Thank you for not leaving him. ʼWag kang mag-aalala, dadagdagan ko ang sahod mo.”

He immediately turned to looked at me, with eyes sparkling. I laughed in my mind and remained my serious face.

“Talaga ho? Wala ng bawian ‘yan, dahil nai-record ko po.” Tumango lang ako.

“Maiiwan na muna kita. Ipaghanda mo na lang ng makakain si Finley para makakain siya kapag nagising.”

“Sige po, sige po!” he happily said.

Hindi na rin ako sumagot pa’t kaagad na ring lumabas ng kuwarto. I went inside of my room and removed all the clothes I am wearing. Nang matanggal ko na ang huling saplot, kinuha ko ang tuwalya at papasok na sana sa loob ng aking banyo nang may sunod-sunod na kumatok doon.

\—

A N D R E I

Paglabas ni Sir Henry ay kaagad din akong lumabas nang maiayos kong muli ang pagkakahiga ni Senyorito Finley. Pababa na sana ako nang maalala ko ang itatanong ko sana kay Sir. Kaya imbes na sa hagdan ay sa kaniyang kuwarto ako dumeretso. Kumakot ako rito at ilang sandali lang ay dahan-dahan itong bumukas.

Nanlaki ang mga mata ko at ang medyo may kalabuan kong mga mata’y biglang luminaw na parang DSLR sa nakikita ko ngayon. Shutacca, Sir! Ang bastos naman, bakit may tuwalya siyang suot?

“Ehem!”

“Ay daks!” Napatalon ako sa gulat at mabilis na nag-angat ng tingin, para lang makita ang magkasalubong na kilay nito’t seryosong nakatingin sa akin. Shet! Baka bawiin nito ang pagdagdag sa sahod ko, bakla!

Tumaas ang kilay niya. “What do you want?”

Umiwas ako ng tingin. Ano nga iyong itatanong ko? Punyawa! Kasalanan ʼto ng sawa sa likod ng tuwalyang puti na iyan. Tanggalin ko iyan, e.

“Ah…” Muli akong lumingon sa kaniya. “Ano po pa lang niyong kainin habang malamig ang panahon? Para po maipagluto ko rin kayo.” Gusto ko pa sanang i-suggest ang sarili ko para ‘di na ako mapagod pero pinigilan ko na, baka sapukin ako nito sa mukha.

Tigilan ang kabaklaan, Andrei! Bawas-bawas din ng kasalanan.

“You know how to cook?” tanong nito.

Tumayo ako nang matuwid at saka namewang. I am proud of myself! Baka nakakalimutan nitong Andrei, ipinanganak noong panahon pa ng kastila. At, kapag natikman nito ang luto koʼy baka maghubad ito sa harapan ko. Nakakalasing kaya ang luto ko.

Charut!

Hindi talaga ako marunong. Hanggang prito-prito lang at instant noodles. Uutusan ko lang si Auntie Dolly na magluto dahil cookingina siya sa mansion na ‘to. Kahit lang sa paraang iyon ay magkaroon siya ng silbe.

“Siyempre naman, sir…” Ngumiti ako. “Hindi ho,” dagdag ko pa. “Pero marunong ho akong gumili–”

“Sabihan mo na lang si Manang Dolly na magluto ng sopas,” aniya at saka isinarado ang pinto ng kaniyang kuwarto.

Aba’y bastos iyon, a! ‘Di man lang ako binigyan nang pagkakataon na sampolan siya sa paggiling ko. Pambato kaya ako noong bata pa ako sa paggiling-giling iyan!

Anyways, tumalikod na akoʼt bumaba patungong kusina kung saan ang daan patungo sa likod ng bahay. Dito kasi ang kuwarto ng mga naninilbihan dito sa mansion. Para itong boarding house na may sampong kuwarto na sakto lang sa iisang tao. Dito rin ang kuwarto ko. Pagdating ko sa tapat ng pinto ni Aunti Dolly ay natigilan ako nang makarinig ako ng parang kinikilig na matanda.

“Bhie, ano ba! Baka marinig tayo sa labas niyan, e.” Nanlaki ang mga mata ko. “Oo! Se-send ko sa ʼyo mamaya. Basta pasahan mo rin ako, a. Eeehhh!”

Hindi na ako nakatiis at mabilis na itinulak ang pinto nito. Saktong hindi iyon nakarasado kung saan naabutan ko si Auntie Dolly na nakahiga sa kama habang kilig na kilig ang matanda. Aba naman siya! May ka-call mate. Baka iyong asawa niya na nandito lang naman sa pinas.

Nagulat ito kaya mabilis na napabangon. “Oras ng trabaho, ‘te! Tapos nandito kaʼt may kausap. Sana all!”

“Ano ka ba, Drei! Ako lang ‘to.”

“Oo ikaw nga! Ang cookingina nina Sir Henry at ang anak niya. Hala siya! Kumilos ka naʼt magluto ka roon ng sopas!”

“Sandali lang…” Ibinalik nito ang pansin sa cell phone. “Honey beh, magtatrabaho muna ako, a. Babush!” At ibinaba ang tawag saka tumayo. Umalis din kaagad na siyang sinundan ko lang ng tingin.

Shuta! Tanda-tanda na nakakaramdam pa rin ng kilig. Mapapa-sana all ka na lang talaga sa buhay pag-ibig nito. Maghiwalay sana kayong mag-asawa at ipatapon ng iyong Daddy sa America para tulungan ito sa company at babalik after five years upang maghiganti.

Char!

Sumunod na lang ako sa kaniya pabalik sa loob. ʼDi pa rin tumitila ang ulan ngunit hindi na katulad kanina na malakas ito. Tinulungan ko na lang si Auntie Dolly na magluto, dah nais ko ring matuto para sa susunod na uulan ay maihanda ko ang sarili ko’t isasawsaw sa sopas ang katawan para ako na ang kainin ni Sir. Rawr!

Chapter 12

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 12

\—

A N D R E I

Saktong natapos kaming magluto ni Auntie Dolly ng sopas nang dumating ang mag-ama. Magkasunod itong pumasok sa loob ng kusina. Bagong ligo si sir Henry at shuta, ba’t hindi man lang siya nag-abalang magsuot ng pang-itaas na tanging manipis na puting pajama ang suot?

Inaakit ba niya ako? Aba’y go! Sabi ng nanay ko noon ay hindi dapat tayo tumatanggi sa grasya, dahil minsan lang magkaroon ng pagkakataon sa ating buhay. Kaya nga, grab all you can.

Ibibaling ko naman ang tingin ko kay Senyorito Finley, na tahimik lang nakaupo sa kaniyang high chair. Nakatingin lang ito sa kaniyang mangkok na mayroong mainit na sopas.

“Tawagin niyo lang po kami kapag may iuutos kayo sa amin,” biglang sabi ni Auntie Dolly at hihilain na sana ako nito papaalis ng kusina nang tumingin sa amin si Sir.

“Mr. Arellano, please stay and join us,” sabi nito. Tumingin naman siya kay Auntie Dolly. “Manang, kumuha na lang po kayo at ihatid ninyo sa mga kasambahay at sa drivers natin.”

“Sige po, sir. Masusunod.” Kaagad na umalis ang gaga at naiwan akong mag-isang nakatayo malapit sa refrigerator.

Nang bumaling si sir sa akin ay kumunot ang kaniyang noo. “You didn’t understand what I have said?” tanong niya.

“N-Naiintidihan po, p-pero nakakahiya po kasi,” sagot ko at gusto kong pukpukin ang ulo ko ng tite-char! Gusto kong pukpukin ang ulo ko ng martilyo dahil sa pagkautal ko. Bakit ba ako nauutal? Hindi naman ako kinakabahan!

“Then why are you still standing there? Maupo ka na’t sabayan mo na kami rito.”

Hindi na lang ako sumagot at dahan-dahang lumapit sa upuan na kaharap ni Senyorito Finley. Tahimik pa rin nitong inuubos ang sopas na para bang walang pakialam sa kaniyang paligid. Nagtataka tuloy ako kung bakit hindi man lang ito nag-react nang maupo ako at sasabay sa kanila.

Bahala na nga! Nagugutom ako. Masarap kasi itong sopas na niluto namin ni Auntie Dolly. Hinaluan ko kasi ito nang pagmamahal. Charut! Pero seryoso, masarap ito. Kung gusto niyo, luto rin kayo.

Tahimik lang kaming kumakain. Nakatuon lang din ang buo kong atensiyon sa sopas dahil ngayon lang ako nakaramdam ng kaba. Para bang ang sikip-sikip dito sa kusina at tanging ang pagkalampag lang ng mga kubyertos ang naririnig. Ganito ba talaga ang mag-amang ito? As in, super tahimik habang kumakain?

Pero nabasag lang ang katahimikan nang magsalita si Sir Henry. “Finley, what should we say when someone saved us?”

Naingat ko ang tingin at dumako iyon kay Senyorito. Tumigil ito sa pagkain at saka iniangat din ang ulo, kaya nagkasalubong ang aming mga mata.

“T-Thanks,” aniya. Lumundag ang puso ko dahil sa tuwa. Simpleng pagpapasalamat lang ngunit masaya na ako na kahit papaanoʼy alam niya ang sasabihin kapag may tumulong sa atin.

Napangiti ako. “Tungkulin ko po na iligtas at bantayan kayo. Kahit ano pa pong mangyari, nandito lang ako. Tandaan niyo po ‘yan,” sagot ko.

\—

Kinabukasan ay maganda na ang sikat ng araw. Pagkatapos naming mag-agahan ay kaagad kaming umalis ng mansion, kasama ko si Senyorito Finley, hatid ng kotse na minamaneho ni Manong sino nga ito? Ah basta, driver ni Senyorito ito. Nauna na kasing umalis si Sir Henry kanina. Pagkagising ko’y nagmamadali itong lumabas ng bahay na para bang may emergency, hindi pa nga nito naiayos ang necktie na suot. Pero bagay na bagay pa rin naman sa kaniya.

Pagdating naman sa eskwelahan ay kaagad na pumasok si Senyorito sa kanilang classroom. Kaya naupo na ako sa dati kong puwesto kung saan katabi ko naman itong tsismosang Yaya ng kung sino mang bata sa loob.

“Himala, ‘te. Mukhang tumagal ka yata sa amo mong iyan, a?” Kitams? Mahilig makialam sa buhay ng iba. Hindi na lang nito atupagin ang naninilaw na niyang ngipin.

Taas noo ko siyang hinarap. “Bakit naman hindi, beh? Ikaw, bakit hindi ka nagsisipilyo?”

Sumama ang mukha nito sa sinabi ko. Oh common! Nagsasabi lang ako ng totoo. ‘Wag niya akong artihan at baka maibalibag ko siya sa pader.

Sasagot pa sana ito ngunit isang malakas na pag-iyak ang narinig namin. Kaya mabilis at nag-unahan kami sa pagpasok sa loob ng day care. Naroroon si Senyorito Finley na nakakuyom ang maliit na kamao habang may isang batang nakaupo sa sahig at umiiyak.

Hala! Ano’ng nangyayari?

“Senyori–”

“Sir Stanley!” Sinundan ko ng tingin ang tsismosang katulong na nilapitan ang batang natumba sa sahig. “Ayos lang po ba kayo?” tanong nito sa alaga.

Tiningnan ko si Senyorito Finley na masamang nakatingin sa batang si Stanley.

“Yaya, Finley pushed me po,” sabi ng bata habang umiiyak.

Tumayo ako sa gilid ni Senyorito Finley at saka dahan-dahang pinantayan ang bata. “Totoo po ba ang sinasabi niya, Senyorito?” malumanay kong tanong, dahil ayokong maramdaman nito na naiinis ako sa ginawa niya. “Alam mo ba-”

“Would you be mad at me when I said he’s right?” tanong nito at tumingin sa akin na seryoso.

Umiling ako. “O-Oo, kasi hindi tama iyong ginawa mo.”

Hindi ito sumagot bagkus lumingon siya kay Stanley. “Tell them the truth, Stanley.” Napakabata pa niya pero ganito na siya kung umasta. Sigurado ba talaga si Sir Henry na anak niya ‘to? Baka reincarnation ito ni Judas, a.

“You-” Sasagot na sana si Stanley ngunit biglang bumukas ang pintuan ng classroom kung saan pumasok doon si Sir Saul, na missing in action. Lumabas kasi ito kanina dahil ipinatawag daw ng Head Master at heto na nga’t nangyari na ‘tong gulo ng mga bata.

“What’s the commotion here?” tanong nito.

“E, sir, ito pong alaga ni Bakla, tinulak itong alaga ko.” Nanlaki ang mga mata ko nang si Yellow Teeth ang sumagot. Nakatayo na ito at masamang nakatingin sa akin. Aba, te! Bakit parang kasalanan ko?

“Mr. Arellano and Ms. Dimagiba, please follow me to my office. At sa lahat ng maiiwan dito, puwede na kayong umuwi. Class will be dismiss early for today.”

\—

Pumasok kami sa loob ng opisina ni Sir Saul. Taray din naman, te. May sariling office si sir.

Naupo kami ni Senyorito sa harapan ng mesa at sa harapan naman namin ay ang mag-Yaya na kanina pa masama ang tingin sa amin. Bakit ba ang laki ng problema ng babaeng ito? Sa pagkakaalam ko’y wala akong nagawa sa kaniya. Kakampihan ko pa sana ang alaga nito kung totoo ngang ginawa iyon ni Senyorito, e.

“Tell me what happened,” biglang sabi ni Sir Saul, kaya sa kaniya ako bumaling.

“Teacher, itinulak po niya ako kahit wala naman po akong ginagawa-”

“Liar!” biglang singhal ni Senyorito Finley. May anger issue talaga itong batanes na ito. “You called my Nanny gay and weird!”

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Napatingin ako kay Saul na mukhang maiiyak na naman. Tumingin ako sa Yaya nito pero hindi ito makatingin sa akin.

“Totoo ba ito, Saul?”

“I-It’s true po, Teacher. Akala ko po kasi ay galit siya sa Yaya niya kaya ko po nasabi iyon…”

“Then what should you say when you did bad things to other?”

Tumingin ito sa amin. “I-I’m sorry po for what I’ve done. H-Hindi ko na po uulitin,” sabi nito.

Napangiti ako. “Ayos lang. Totoo namang bakla ako. ʼWag mo na lang uulitin iyon, okay?”

“Tss!” narinig kong sabi ng katabi ko. Hindi ko na lang pinansin iyon. At least, alam kong effective ang mga plano kong mapalapit dito.

At mabuti na rin na ito ang ginawa ni Sir Saul kaysa ipatawag pa ang mga magulang ng mga bata. Masyadong maliit na problema lang ito kumpara sa nawawalang 15 bilyong peso na ninakaw ng Philhealth.

Chapter 13

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 13

\—

A N D R E I

“Salamat nga po pala sa pagtatanggol sa akin kanina,” sabi ko habang sakay na kami ng kotse, papauwi na kami ngayon dahil nga sa nangyari kanina. Hindi ito sumagot. Umiwas lang ng tingin. “May bait ka rin po palang itinatago, ‘no?” Tumawa ako nang mahina ngunit wala pa rin akong nakuhang sagot.

Hinayaan ko na lang. Baka nasa magandang mood at kapag kinausap ko paʼy bigla na namang akong sungitan. Might as well, sabi ng iba, na hayaan na lang. Mahirap na baka pababain ako nito rito sa gitna ng kalsada at pauuwin mag-isa.

Beh, wala akong perang dala para sa pamasahe ko pauwi. Hindi ko ugaling magdala ng pera. Saka ang totoo niyan ay wala rin talaga akong pera. Ipinadala ko lahat ng perang kinuha ko kay Sir Henry noong nakaraan.

Hayst. Miss ko na pamilya ko. Except kay Berting na baka inubos-ubos na ng hudas na iyon ang perang ipinadala ko’t pinambayad sa mga lalaking bino-booking niya. Aba! Kapag nalaman-laman ko lang talaga na mas lalo kaming maghihirap, ipapakatay ko talaga ‘yang balyenang iyan. Makikita niya talaga! Ipapatupad ko ang death penalty at sasampolan ko siya.

“Don’t think that I’m kind because of what I did. I was just returning the favor for saving and not leaving me,” narinig kong sabi ng katabi ko rito sa upuan. Ngayon lang sasagot.

Ngumiti na lang ako. Kahit papaano’y alam kong may itinatago pa rin siyang bait.

Pagdating namin sa mansion ay mabilis itong bumaba at pumasok sa loob. Kinuha ko na muna ang mga gamit niya’t sumunod na rin. Pagbukas ko sa pinto ay si Auntie Dolly ang bumungad sa akin na nakakunot ang noo.

“Oh, ba’t napaaga yata ang uwi niyo ngayon? Suspended ba ang klase ni Senyorito?” tanong nito.

“Eh…” Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kaniya o hindi. Pero wala akong maisip na iba pang dahilan, kaya sinabi ko rin sa kaniya ang totoo. “Nakipag-away–”

“Sino’ng nakipag-away!? Hoy! Sino!?” mabilis ako nitong pinutol.

Biglang nandilim ang paningin ko’t ibinaba ang lahat ng hawak ko. Sabay sakal sa kaniya hanggang sa mawalan siya ng hininga.

Char! Syempre, joke lang! Hindi ako mamamatay hayop.

“Patapusin niyo kaya muna ako,” mahinahon kong sabi. Ang overreacting naman kasi ng babaeng ito, e. Hindi pa nga ako natatapos.

Umayos naman siya ng tayo. “Sino nga!?”

Bumuntonghininga ako. Pigil na pigil ang inis ko sa mga oras na ‘to at isang beses na lang talaga, tatamaan na itong babaeng ito. Makikita na niya ang langit, kung doon man siya mapupunta.

“Nagkaroon lang ng misunderstanding sa klase. Kaya pinauwi kami kaagad ni Sir Saul,” sabi ko at saka ikinuwento kung ano’ng nangyari. Mabuti na lang at hindi ako nito pinigilan at hindi naging OA sa harapan ko. Aba! Sinasabi ko talaga sa ʼyo, Auntie Dolly.

“Ginawa niya iyon?” ang hindi makapaniwala niyang tanong.

Tumango ako at saka sumagot, “opo. Hindi ko nga rin alam kung bakit. Ano kaya pinakain niyo sa kaniya? Iyong sopas? Gawan mo ulit, Te!”

“Baka nga iyo–”

“Ano’ng pinag-uusapan niyong dalawa?” Isang maotoridad at malamig na boses ang nagsalita sa likod ko. Kaya sabay kaming napalingon ni Auntie Dolly rito, kung saan seryosong nakatingin sa dereksiyon namin si Sir Henry.

“Ah, wal–” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang hinawi ako ni Auntie Dolly at siya ang humarap kay Sir Henry.

“Kasi po ganito iyon, Sir…” At ikinuwento na nga nito ang nalaman kani-kanina lang.

Dahil sa ginawa niya, tumingin nang seryosong-seryoso si Sir sa direksiyon ko. Gusto ko tuloy manakal ng isang misis sa mga oras na ‘to.

“Did he really do that?”

“O-Opo,” sagot ko’t dahan-dahang tumango. “P-Pero sabi niya, bumabawi lang daw siya sa ginawa ko. Sa tingin niyo kaya, Sir? Babait pa ba iyang anak niyo?”

Umiwas siya ng tingin. Wala man lang akong nakitang reaksiyon sa mukha nito. Seryoso pa rin. “I don’t know and I want you to continue to take care of him,” sabi nito at saka kami nilagpasan ngunit tumigil din ito’t lumingon sa direksiyon ko. “By the way, we have a family dinner tonight and I want you to come with us. Go and prepare yourself and my son.”

Hindi ko masyadong na-getsung ang sinabi nito. My family dinner daw sila? Silang dalawa ng anak niya? At isasama ako? Sandali! Edi, part na ako ng family? Napangiti ako.

“Ay sus, siya! Ano na naman ‘yang iniisip mo?” Tumingin ako kay Auntie Dolly.

“Sa tingin mo kaya, ‘teh. Bagay ba iyong apelyedong Alcantara sa pangalan ko? Andrei Arellano–Alcantara!”

“Hindi naman bawal mangarap, baks! Kaya mangarap ka lang…” Ngumisi siya at saka iniwan na ako.

“Tse!” Umirap ako’t umalis na rin doon. Hawak-hawak ko pa rin pala iyong mga gamit ni Senyorito, kaya dinala ko na muna iyon sa kaniyang kuwarto kung saan naabutan ko itong nanonood ng Encanto, iyong bagong palabas ng Disney.

“Senyorito…” Inilagay ko na muna ang mga gamit nito sa kaniyang study table. Inisabit ko ang bag sa upuan at saka tumingin sa kaniya. “Sabi po ng Daddy niyo ay may family dinner daw po kayo mamaya. Kaya maghanda na po kayo.”

Kinuha nito ang remote control at pinindot ang pause doon bago tumingin sa akin nv seryoso. “Are you serious with that?”

Tumango ako. “Opo! Gusto niyo, puntahan pa natin ang Daddy niyo, e.”

“Looked at clock above your empty head. It’s still nine in the morning and dinner should be at night.”

Mabilis akong tumingin sa wall clock nito na nasa tabi ng kaniyang study table. Napakamot ako sa aking ulo nang makitang alas-nuwebe pa lang pala nang umaga. Ba’t hindi ko naisip iyon?

Tumawa ako at saka lumingon dito. “Nakalimutan ko sa sobrang poge ng tatay niyo,” sabi ko.

Inirapan lang niya ako’t itinuon muli ang pansin sa TV. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi nito pinansin ang sinabi ko. Shooo!

\—

Sumapit na nga ang oras na pinakahihintay ko. Ang honeymoon–charut, ang family dinner kuno namin ng soon-to-be family ko. Charut ulit. Malabong mangyari iyon. Alam kong mas straight pa sa flag pole si Sir Henry. Kaya pagkakasyahin ko na lang ang sarili ko kaka-imagine na hinuhubaran niya ako’t sinasakal gamit ang alambre.

Oh ‘di ba, ang wild ni sir sa isip ko na halos mapatay na ako nito. At talagang papatayin ako nito kapag nalaman niyang pantasya siya ng malanding pagkatao ko.

Eneweys, iyon na nga, beh. Mabilis kaming nakarating sa isang malaking-malaking mansion dito sa isa sa mga exclusive village rito sa syudad. Malaki na iyong bahay ni Sir Henry pero hetong bahay na ‘to, mas malaki pa roon ng triple. Parang palasyo ito sa labas pa lang. Moderno at sumisigaw ang karangyaan, sa labas pa lang.

“K-Kanino pong bahay ito? Sa inyo po?” ang tsismosang pagkatao ko ang siyang nagtanong. Hindi ko na kasi napigilan ang sarili ko.

“It’s my parentsʼ house,” sagot nito.

Parents?! Ang ibig niyang sabihin, makikilala ko ang mga future byanan ko? Shet! Ba’t hindi niya sinabi? Sana nakapaghanda man lang ako.

“You looked like stupid,” narinig kong sabi ng maliit na boses pero hindi ko na lang pinansin. Kinakabahan ako. Ba’t hindi kasi nito sinabi na mga magulang pala niya ang kasama sa family dinner? Akala ko ako lang! Akala ko-char! Katulong lang pala ako.

“Let’s get inside.”

Chapter 14

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 14

\—

A N D R E I

Kung mas bongga na ang balur na ‘to sa labas, mas lalo namang hindi magpapakabog ang loob niya, bes! Halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa sobrang ganda ng mga muwebles na naririto ngayon. Nakakatakot ngang hawak dahil baka magasgasan ng makalyo kong mga kamay. Mahirap na. Mukhang mas mahal pa ang malaking flower vase na nasa tabi ng magarbong hagdan sa buhay ko.

Hindi yata sapat ang dalawang kidney na mayroon ako at iba ko pang organs sa katawan, pamalit sa kung ano man ang masisira ko sa bahay na ‘to.

Nakasunod lang ako sa dalawa kong amo at narating namin ang likod nitong malaking mansion, kung saan ang kanilang malawak na bakuran. May swimming pool na walang naliligo sa mga oras na ‘to. May mga katulad kong katulong ang labas-masok sa loob ng bahay bitbit ang mga pagkaing dinadala nila sa mahabang lamesa na malapit sa garden dito sa labas.

May mga nakaupo na roong nakasuot ng magagarang kasuotan, katulad ng mga suot ng dalawa kong amo. At bigla kong nanliit sa sarili ko. Kaya tinawag ko ang pansin ni Sir Henry na siya ring ikinalingon nito sa direksiyon.

“Ah, sir. T-tawagin niyo na lang po ako kapag may kailangan kayo. S-Sasama na muna ako sa mga katulong dito,” sabi ko at aalis na sana nang may maliit na kamay ang humawak sa braso ko. Mabilis akong napatingin dito at si Senyorito Finley na may takot sa kaniyang mga mata. Takot? Bakit naman ito matatakot? Sa pagkakaalam ko’y pati yata si Satanas ay hindi kinakatakutan ng batang ito.

“D-Don’t go. Stay,” aniya. Seryosong-seryoso. Gulat na gulat naman akong napatingin kay Sir Henry, na siyang nakasalubong ang mga kilay na nakatingin sa anak.

“P-Pero–”

Hindi ko natapos ang dapat sana’y sasabihin ko nang pinigilan ako ni Sir Henry. “Samahan mo na. Beside, you’re his nanny. Nararapat lang na pagsilbihan mo siya,” anito at saka tumalikod na upang magpatuloy sa paglapit sa mahabang lamesa.

Wala akong nagawa kundi ang sumama kay Senyorito Finley na lumapit din sa lamesa. At agad naman namin nakuha ang atensiyon ng mga naroroon. Lahat sila’y napatingin sa akin? Hindi, kay Senyorito Finley na kasalukuyan pa ring nakahawak sa braso ko.

Nagawa ko rin silang pagmasdan isa-isa. May apat na lalaki, iyong isa ay nakaupo sa pinakadulo at isang babae na katabi nung lalaki sa dulo. At iyong natitira. Baks! Hindi ko kaya! Ang guguwapo nilang tatlo. At kung ito nga ang pamilya ni Sir Henry, pwede bang maki-join?

“You’re late, Mr. Alcantara,” seryosong sabi ng lalaking nasa dulo.

“I’m just five minutes late, Sir. That doesn’t really matter,” sagot naman ni Sir Henry.

“Hay naku. Magsisimula na naman kayo. Maupo ka na anak,” sabi naman nung nag-iisang babae na sa tingin ko’y ang Mama ni Sir Henry.

Naupo naman si Sir sa tabi nung may mahabang buhok na poge rin, bagay na bagay sa kaniya iyong mahaban niyang buhok na nakatali. Mukha tuloy itong babae kapag nakatalikod pero ang manly naman ng itsura, makalaglag napkin pa rin. Naglakad naman si Senyorito Finley kaya napasunod ako.

“What are you two doing? It’s a family dinner and you’re not part of this family.” Nagulat ako sa narinig nang seryoso at mariing nagsalita iyong Daddy ni Sir Henry. Tumingin ako rito at kay Sir Henry.

“Dad, he’s Finleyʼs maid. Natural lang na sama-”

“I don’t care! Dalhin mo ‘yang bata sa kusina at doon kayo kumain,” sabi nito.

Hindi ko alam ba’t bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko nang lingunin ko si Senyorito Finley. Tumingin naman ako kay Sir Henry na siyang tinanguan lang ako. Wala akong nagawa kundi ang mabilis na binuhat ang bata na mabuti na lang at hindi nagpumiglas.

Pagpasok namin sa loob ay naramdaman kong basa ang mga balikat ko. Kaya tumigil ako sa paglalakad at saka ibinaba si Senyorito Finley, doon ko lang nakita na umiiyak na ito. Pinantayan ko ito. Bigla akong naawa, kaya mabilis ko itong niyapos nang mahigpit.

“U-Until now, h-he couldn’t accept me as his grandchild,” anito habang umiiyak sa balikat ko. “I-It’s not my fault that I born in this cruel family, right?”

“Ssshhhh…” Hinagod-hagod ko ang likod niya at saka pinaharap sa akin. Marahan kong pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa kaniyang mga mata. “Wala kang kasalanan. Nandito naman ako, ‘di ba? Tanggap kaya kita kahit na demonyito ka.” Tumawa ako ngunit agad ding tumigil.

“I-I’m sorry,” aniya. Lumabot ang puso ko sa sinabi nito. “I’m sorry for everything I’ve done,” dagdag niya pa.

Hinawakan ko ang kaniyang pisngi at saka ngumiti. “Hindi ko kayang magtanim ng galit sa ‘yo. Naiintindihan ko kung bakit mo ginawa ang mga bagay na iyon. At masaya ako na humingi ka ng tawad kahit hindi naman kailangan.”

Masaya ako, na kahit papaano’y mukhang tuluyan na nga itong magbabago ang pakikitungo sa akin. Naiintindihan ko na rin ngayon kung bakit ganito ito, malayo ang loob sa iba, dahil ang sariling pamilya niya mismo ay ayaw sa kaniya. Naaawaa ako para sa bata. At ang nakakainis pa, bakit hindi man lang nagawang pagsabihan ni sir Henry iyong buwakanang Daddy niya? Anak niya si Senyorito! Anak namin! Bakit basta-basta na lang niya kaming paalisin doon.

Kung alam ko lang na ganito ang bubungad sa amin dito, sana pala’y hindi na lang kami sumama pa ni Senyorito rito.

\—

Magtatatlumpong minuto pa lang kaming nakaupo ni Senyorito rito sa kusina na nag pumasok sa loob si Sir Henry at binuhat ang anak na walang pasabi.

“Uuwi na tayo,” anito at saka nagmartsa sa papalabas ng kusina.

Mabilis akong tumayo at kinuha na muna ang tupperware na pinalagyan ko nang mga pagkain kanina sa katulong bago sumunod kay sir Henry.

Ano’ng mayroon? Tapos na ba silang kumain at bakit nagmamadali itong umalis?

Nakasunod lang ako kay Sir Henry at nang malapit na kami sa labas ay may tumawag dito, kaya tumigil ito at ganoon din ako. Nilingon ko ito. Iyong guwapong kapatid ni sir Henry na may mahabang buhok pala.

“Sabay na ako sa inyo. Hindi ko dala iyong kotse ko, e.” Ngumisi ito na nakadagdag sa kaguwapuhan niya. Tumingin ito sa akin at kumindat. Bakla! Bigla akong nagka-pre-cum sa ginawa niya.

Bwesit! Panindigan mo ako, beh!

“Tara na. May importante pa akong pupuntahan,” ani Sir Henry at lumabas na ito ng bahay.

\—

Katabi ko ngayon dito sa likod si Sir Hunter, iyong kapatid ni sir Henry na nakikisabay sa amin. At kahit malawak naman dito sa loob ay dikit na dikit ito sa akin na halos ipagduldulan na ako sa gilid nitong kotse.

“Baka ho, gusto niyong umurong nang kaunti, ano?” bulong ko. Walanghiya! Oo nawalan na ako ng hiya. Baka kasi magbukas ng kusa itong pinto at mahulog pa ako.

“Kung gusto mo, dito ka na lang sa hita ko umupo?” bulong nito pabalik na biglang nanindig ang lahat ng balahibo ko sa katawan.

Like, hello! Pwede po ba?! Char!

“Ah––”

Tumigil ang kotse, kaya hindi ko natapos ang dapat na sasabihin ko. Sasabihin ko pa namang pumapayag na ako.

“We’re here. Now get out of my car before I’ll kick your ass out,” mariing sabi ni Sir Henry.

“Tss! Boring,” ani Sir Hunter at saka binuksan ang pinto sa tabi niya ngunit tumingin na muna ito sa akin. “You can come anytime you want, baby!” Ngumisi at kumindat muna bago lumabas.

Mabilis namang pinaharurot ni Sir Henry ang kotse niya. Ang daya. Bababa na sana ako, e. Sabi kasi ni Sir Hunter, pwede raw akong pumunta sa bahay niya.

“Huwag kang magpapaloko sa kaniya. He’s a player and a jerk.”

Chapter 15

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 15

\—

A N D R E I

“YES! PANALO NA AKO, SA WAKAS!” sigaw ko sabay hampas sa kalaro ko nang manalo ako sa nilalaro namin dito sa kaniyanh PS4. Ngumisi akong lumingon kay Senyorito Finley. “Oh, ano, Senyorito. Laban ka pa?”

“It was just your first win yet you’re already bragging,” aniya at saka ako inirapan.

Tumawa ako. Hindi ko aakalain na maging malapit kami sa isa’t isa. Ilang linggo pa lang akong nagtatrabaho sa kanila. At, ayon nga kay Auntie Dolly, ako pa lang ang tumatagal ng ganito. Akalain mo iyon? Nakaya kong magtiis sa mga prank na ginagawa nito sa akin. Siguro, dahil na rin sa malaking advance payment ko kaya ako tumagal.

Pero seriously speaking. Wow, si bakla, may pa-english nang nalalaman. Charut! Iyon nga, seryosong usapan, masaya ako na naging malapit kami ng batang ‘to sa isa’t isa. Kalinga lang naman kasi ang kailangan niya para mapaamo itong demonyong ‘to.

Pero iyong Daddy kaya, kailan ko mapapaamo? Charriz! Baka suntukin ako ni Sir Henry.

“Gusto mo bang magmeryenda?” tanong ko kay Senyorito nang matapos kaming maglaro. Tumango lang siya bilang sagot. Kaya sabay na kaming lumabas ng kaniyang kuwarto nang mai-off ko ang nilalaro namin kanina.

Dumeretso kami sa kusina at sakto namang nandoon si Auntie Dolly na abala sa pagtitingin ng mga stocks sa pantry nitong kusina. Magkatabi lang ito at malawak ang espasyo nitong kusina na sakto na apat na pamilya rito. Minimalist lang ang design kaya malinis tingnan.

“Te,” tawag ko sa kaniya na siya ring ikinalingon nito sa direksiyon ko. Aba, ang babaita, dahan-dahang humarap na para bang endorser siya ng Pantene shampoo. Bakla, may kuto ka, ‘di mo bagay.

“Yes?”

Napangiwi kaming pareho ni Senyorito Finley sa ginawa nitong pagngiti. “Ay naku, ‘Te Dolly, ayus-ayusin mo iyang pagmumukha mo baka gawing kong dart board iyan.”

“Yaya Dolly’s face isn’t a dart board po.” Tumingin ako kay Senyorito nang magsalita ito.

“Ano sa tingin mo ang mukha niya, Senyorito?” Ngumisi ako at pasimpleng sumulyap kay Auntie Dolly na hindi na maipinta ang mukha niya.

“Poop,” anito sabay tawa. Nakitawa rin ako kahit hindi ko alam kung ano iyong poop.

“Tse! Ikaw Andrei, nakukuha mo na ugali niyang alaga mo, a.” Inirapan kami nito at saka pabagsak na isinara ang refrigerator na kanina pa nakabukas. “Ano’ng kailangan niyong dalawa?!”

“Uyy, naiinis siya,” pang-iinis ko sabay ngumisi. Masama naman itong tumingin kaya umayos na ako ng tayo. Baka bigla kami nitong lamunin ni Senyorito. “Auhm… Gusto po namin ng meryenda,” ani ko.

“Yes po. We’re really sorry for teasing you, Yaya. Please, cook us.” Natuwa ako nang magpa-cute naman si Senyorito sa harapan ni Auntie Dolly.

“Mmmm! Sige na nga.”

\—

Dahan-dahan kong inayos ang kumot ni Senyorito nang mahimbing na itong natutulog. Bago ako lumabas ng kaniyang kuwarto ay hinalikan ko na muna siya sa kaniyang noo. Saktong pagbukas ko sa pinto ay naroroon si Sir Henry at muntik pa akong mapatalon dahil gulat.

“S-Sir, kanina pa po kayo?” tanong ko, ang bilis din nang tibok ng aking puso. Potaca – bakit ba ito seryosong nakatitig sa akin? Maganda ba ako, sir? Sabihin mo lang! Handa akong ialay ang buong pagkatao ko sa ʼyo.

“Tulog na ba si Finley?” tanong nito gamit ang nakakapanindig balahibong boses. Hindi nakakatakot ngunit nakakalibog. Charriz! Iyong boses na parang paos.

“A-Ah, opo. Pinainom ko po kasi siya ng sleeping pill–” Nanlaki ang mga mata ko nang magbago ang seryosong titig nito at napalitan iyon nang masamang tingin. Tangina, ses! Bakit ko ba nasabi iyon? “A-Ang ibig ko hong sabihin, vitamins hehe.”

Shutaca, Andrei! Kung ano-ano kasing lumabas diyan sa bibig mo.

Narinig kong bumuntonghininga ito at saka ako tinalikuran. Aba, bastos ito, a. Kinakausap pa nga ako. Pero wala akong nagawa. Nakakunot ang noo kong sinundan ito ng tingin nang maglakad na ito at nang makatapat siya sa kaniyang pintuan ay agad ding pumasok.

“Ang weird,” bulong ko sa sarili. Kibit balikat na lang akong bumaba papunta kusina upang ilagay itong baso at tray doon na pinaglagyan ko ng inimun ng alaga ko.

\—

Nang makahiga na ako sa kama at habang nakatingin sa kisame. Hindi mawala sa isipan ko si Sir Henry, iyong nakahubad. Charot! Seryoso, hindi siya matanggal sa isipan ko lalong-lalo na iyong seryoso nitong mukha ngunit hindi naitatago ang para bang malaking problemang kinakaharap. Ewan ko ba, pero ramdam kong may mabigat siyang dinadala. Titi kaya iyon?

Dahil hindi ako makatulog. Bumangon ako’t lumabas ng aking kuwarto. Tumungo ako sa kusina kung saan naabutan ko si Sir na nagjajak–jackstone. Char! Naabutan kp itong nakaupo sa isang high chair habang may mga bote ng alak na nakalapag na sa may counter, kaharap nito. Wala nang mga laman ang alak at ang tanging natitira na lang ay iyong hawak niya.

Bahagya siyang nakatungo kaya hindi ako nito nakita. Kaya lumapit ako at walang paalam kong kinuha ang mga walang lamang bote at itinabi iyon, baka kasi kunin niya’t ipukpok sa ulo ko. Pagkatapos kong ligpitin ang counter. Kumuha naman ako ng tubig.

“Sir, ayos lang po kayo?” tawag ko sa kaniyang pansin ngunit mukhang hindi ako nito narinig. Upakan ko kaya nang mahimasmasan?

Inilagay ko na lang sa tabi nito ang tubig na kinuha ko. Hahayaan ko na lang siyang mag-isa, baka kailangan niya iyon. Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil alam niyo naman na I was born pakealamera. Pero hahakbang pa lang sana ako pabalik sa aking kuwarto nang makaramdam ako nang malalaking kamay na humawak sa aking braso, dahilan para mapatigil ako sa paghakbang at pagtindig ng balihibo ko.

“Stay… Please?”

Lumingon ako rito at kasalukuyan pa rin itong nakatungo. Sino bang kausap niya? Iyong sahig? Pero bakit hawak niya ako sa braso? Pwede namang sa leeg para choke me daddeeh!

“A-Ako po ba?” tanong ko, naniniguro lang, sis. Baka kasi may iba pang nakikita itong si Sir na hindi ko nakikita rito sa bahay niya.

Dahan-dahan nitong iniangat ang ulo at saktong nagtama ang mga mata naming dalawa. Agad kong nakita ang lungkot sa kaniyang mga mata, maging ang takot na hindi ko mawari kung saan nagmumula.

“You’re the only person here beside me, Mr. Alcantara. May nakikita ka pa bang hindi ko nakikita?”

Nanlalaki ang mga mata ko’t lumingon-lingon sa paligid. Hindi naman sa pagiging bakla, char! Bakla pala ako. Pero ang ibig kong sabihin, hindi sa pagiging matatakutin, bukod sa pakealamera ako, pinanganak din akong takot sa mga multo. Story time–char! ‘Wag na, baka malaman niyo pa ang biggest secret ko.

Binitiwan naman ako nito at muling tinunga ang huling laman na nasa hawak niyang bote. Impyernes, mukhang hindi pa siya lasing? Lasingin ko kaya?

“M-Mukha pong may problema kayo, a?” tanong ko, dahil hindi ko na talaga napigilan. Naitanong ko na, kung sasampalin niya man ako dahil sa pagiging pakealamera ko. Sana iyong titi niya, ‘no?

Char! Hindi tayo ganoon. Hindi ako pokpok!

Umiwas ito ng tingin. “They wanted to take my son away from me,” anito na siyang ikinagulat ko. Ano raw? Ilalayo ng kung sinong buwakanang shit si Finley sa Daddy niya?

Hindi ako makakapayag! Nana–I mean, ako ang Yaya ng bata. At saka, siya ang ama. Paano na lang si Sir Henry kung kukunin nga nila ang bata? Hindi naman puwedeng buntisin ako nito, wala nga akong tahong, matres pa kaya?

Chapter 16

THE RUTHLESS DADDY

CHAPTER 16

\—

A N D R E I

“ANO?!” eksaherada kong sigaw nang malaman ko ang problema nitong si Sir Henry. Shutacca! Ayon sa kaniya, kukunin daw ng mga magulang nang namayapang asawa nito si Senyorito at dadalhin ito sa ibang bansa. “P-Pero, paano po kayo? I mean po, papayag po ba kayo sa plano nila?” dagdag tanong ko.

Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko, dahil kusa ko nang kinuha ang mamahaling wine na ipinakuha nito sa akin at nagsalin sa aking baso. Prente rin akong nakaupo habang kaharap ko sir Sir Henry. Para tuloy akong donya sa mga oras na ‘to. Aba, minsan lang ‘to kaya nararapat lang na lubos-lubusin ko na. Nang inumin ko ang alak ay agad nanuot sa lalamunan ko ang pait, parang lasa ng tamo-char hindi pa ako nakakatikim nun. Pero sa huli ay may tamis pa rin akong naramdaman. Hindi na rin naman bago sa akin ang lasa ng alak.

Anyways, iyon na nga. Gusto kong malaman dito kung papayag ba siyang kunin ng mga byanan niya ang anak? Kaya nga, nandito pa rin ako’t kasama siya dahil gusto kong malaman iyon. Hindi naman sa tsismosa ako, gusto ko lang talagang malaman.

“If that’s what they wanted, then I don’t have the right to disagree.”

Napatayo ako na muntikan pa akong mahulog sa kinauupuan ko. “Eh, ano pang pinoproblema mo kung papayag ka rin pala na kunin nila ang anak mo?!” inis kong sabi. Naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa pagpipigil. “A-Alam niyo ho bang nasaktan iyong anak niyo sa ginawa ng tatay niyo?”

Hindi ko sana sasabihin iyon pero wala na akong maisip na dahilan para hindi siya pumayag na kunin ng mga byanan niya ang bata. Ramdam ko rin naman kasi na kahit minsan, wala itong pakialam kay Senyorito, ay may pagmamahal pa rin sa kaniyang puso para sa anak. Isa pa, matagal nang hinahangad ni Senyorito ang pagmamahal nito. Kaya alam kong kahit malayo ang loob ng bata sa kaniya, hindi ito papayag na mapalayo sa Daddy niya.

Seryosong napatingin ito sa akin. Kaya bigla akong kinabaha. Baka kasi batuhin ako nito ng hawak niyang wine glass dahil sa pagiging pakealamero ko. ‘Wag naman sana. Samapalin na lang niya ako ng jumbo hotdog, matatanggap ko pa, pero ang wine glass? No! No!

“What do you mean?”

Napalunok ako. Bakit ba kasi ang baba ng boses nito? Nakakalibog tuloy. Charut! Ano kaya tunog ng ungol ni sir, ‘no?

Hindi na ako nagdalawang isip pa’t agad na ikinuwento sa kaniya kung papaano nasasaktan iyong bata nangh ignorahin siya ng sariling ama. Pati ako, nasaktan sa ginawa nito. Bakit hindi man lang ipinagtanggol iyong bata? Bakit parang takot na takot siya sa tatay nito?

“K-Kaya… hindi po sa panghihimasok pero sana, pag-isipan niyo pong mabuti ang desisyon niyo. Alam ko pong mahal niyo rin anak niyo, na ayaw niyo itong mawala sa puder niyo,” pagtatapos ko sa aking kuwento.

Napansin ko naman ang pananahimik nito. Tila ba may malalim siyang iniisip. Sir, ako ba iyan? Gusto ko sanang itanong iyon pero hindi ko na ginawa, baka isagot pa niya sa akin na ‘Oo, Andrei. Ikaw ang iniisip ko. Iniisip ko kung papaano ko itatago ang bangkay mo kapag napatay kita sa panghihimasok mo sa problema ko.’

“I-I don’t know what should I do…” bigla nitong sabi at nagsalin na muna sa kaniyang wine glass at tinunga iyon, ubos agad ang alak sa baso. “I love my son and I don’t want to lose him. if only I could stop them. Gagawin ko, para lang hindi nila ilayo si Finley sa akin.”

Napangiti ako. Muli akong naupo sa kinauupuan ko kanina. Nakakangalay kayang tumayo ng halos limampung minuto. Saka nanghihina rin ang tuhod ko sa mga ginagawang pagtitig ni Sir. “Alam niyo po. Madali lang naman po iyon…” panimula ko at sinabi ko naman sa kaniya ang naiisip kong plano. Hindi ko alam kung effective iyon pero alam kong sa paraang iyon ay magkakaroon ng ugnayan ang mag-ama.

“But that would be impossible.”

“Ano po’ng ibig niyong sabihin? Na hindi eepekto iyong plano ko?’ tanong ko. Ang plano ko’y kunin niya ang loob ni Senyorito Finley nang sa ganoon ay makita ng mga byanan nito na may dahilan si sir at ang bata na hindi dapat sila magkahiwalay.

“They told me they would take the child because I can’t take care of my son. Gusto nila na magkaroon ako ng bagong asawa para may mag-alaga sa kaniya,” sabi nito.

“Eh, kung ganoon po. Maghahanap tayo nang magiging asawa mo!” Seryoso ulit itong tumingin sa akin.

“That would be impossible, too. Hindi madali ang maghanap ng babaeng katulad ng asawa ko.”

Ngumisi ako. Mapapa-sana all ka na lang talaga, e ano? “Madali lang po iyon. Mag-omegle po kayo o Grindr.” Pero masamang tingin lang ang nakuha kong sagot sa kaniya. “Hehe biro lang, Sir. Pero huwag po kayong mag-aalala, tutulungan ko po kayong makahanap ng babaeng swak sa hotdo – I mean, swak sa panlasa niyo.” Kumindat-kindat pa ako na parang tanga.

Gusto ko sana i-volunteer ang sarili ko, kaso naalala kong sa matres pa lang ay talo na kaagad ako. At saka hello! Huwag niyo nga akong turuan nang mga kalandian na ‘yan, dahil hindi ako ganyang bakla. Alam kong mas straight pa sa flag pole itong si Sir, kaya alam ko agad kung saan ako nababagay. Doon sa kapatid niyang si Sir Hunter. Puntahan ko kaya?

Umiling-iling na lang siya’t walang pasabi na tumayo sa kinauupuan at tinalikuran ako. Aba! Binabastos talaga ako nito. Pero agad din itong tumigil at lumingon sa akin. Kumunot ang noo ko nang may kakaiba sa tingin niya. Alam ko na ang tinging ‘yan, iyong tinging may naiisip na hindi magandang plano.

“You’ll help me, right?” tanong niya, at walang pag-aalinlangan akong tumango. Naniniwala kasi ako na kapag sisipsip ako kay sir ay baka ipalit niya ako bilang CEO ng kompanya niya. “Then… how about, pretend to be a girl and be my wife?”

Ano raw? Pakiulit! Hindi ko masyadong naitindihan dahil sa naging blanko ang isipan ko sa sinabi nito. Pretend? Magkunwari daw bilang asawa? Sandaliiii! Hindi nag-si-sink sa akin ang lahat. Please, enlighten me with your light saber, sir! I wanted a clear but brief explanation. Char! Nakakapag-english talaga ako kapag naguguluhan na ako sa mga nangyayari sa buhay ko.

“A-Ano po?” mahina kong tanong, kunwari’y hindi ko narinig ang sinabi nito kahit malinaw na malinaw naman ang kaniyang sinabi. “L-Lasing na po ba kayo?”

Tumawa siya at dahan-dahang naglakad papalapit sa akin. Nabigla tuloy ako sa ginawa nito nang hawakan niya ang baba ko’t ilapit sa kaniyang mukha. Shutacca, Sir! ‘Wag kang gumaganito, baka mauwi tayo sa kama ng hubo’t hubad. Ramdam na ramdam ko pa ang hanging ibinubuga ng kaniyang matangos na ilong.

“Konting ayos lang sa ‘yo, puwede ka ng maging babae. Why don’t you pretend to be my wife?”

Bathala ng mga bakla! Mainggit ka please!

\---

THANK YOU 3K READS! THANK YOU FOR READING!

Chapter 17

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 17

\—

A N D R E I

Pagmulat ko pa lang ng mga mapupungay kong mga mataʼy ang ponyetang sinag ng araw agad ang bumungad sa akin. Shutacca, manong araw! Gandang-ganda ka ba sa akin kaya ako agad ang sinisinagan mo?

Hindi ho ako bulaklak, pero marunong akong bumukaka!

Char!

Iyon na nga, mga beh kong tsismosa. Kakagising ko lang at agad kong naramdaman ang kirot sa akin buta-char! Sa aking ulo, para ngang puputok ito dahil sa sakit. Inalala ko naman ang nangyari kagabi, kung may nangyari ba sa aming dalawa ni Sir Henry. Hindi naman niya ako ginahasa, ano? Subukan lang niya, hindi ko talaga siya mapapatawad! Charut.

Inilibot ko ang paniningin at mabuti na lang dahil sa kuwarto ko pa rin ako nagising, ibig sabihin lang nun ay buhay pa ako? Dahil wala pa ako sa langit.

Malamang, ‘teh! Buhay ka pa at sabi ni San Pedro, hindi raw tanggap mga bakla sa langit.

Tse!

Kung puwede lang sampalin ang inner self, matagal ko ng ginawa. Namumuro na talaga ito sa akin. Pakiramdam ko, mababaliw ako kakausap sa sarili ko. Kaya agad na akong bumangon at saktong pagbukas ko sa pinto ng aking kuwarto ay ang seryosong tingin sabay nakapamewang na si Auntie Dolly ang bumungad sa akin.

“Problema mo, ‘teh? ʼWag mo akong inaano riyan dahil masakit ulo ko, baka ilambitin lang kita nang patiwarik.” Inirapan ko siya. Ano ba’ng problema ng babaeng ‘to? Minsan, hindi ko siya maintindihan, may sira ba ulo nito? Sabihin ko kaya kay sir na ipakunsulta ito sa Veterinarian?

Ay, pang-hayop lang pala iyong vet. E, ‘di ba, hayop naman to kasi kamag-anak ni Berting?

“Ano’ng oras na, Senyorita Andrei? Ba’t ngayon ka lang nagising aber?” seryoso nitong sabi.

Kumunot ang noo ko at saka nagkibit-balikat. “Malay ko ho, wala ngang orasan itong loob ng kuwarto ko at saka iyong keypad ko pong phone ay Dubai time,” sagot ko.

Pumikit siya nang mariin na tila ba pinipigilan na lang niya ang sariling huwag akong sakalin. Nagsasabi lang naman ako ng totoo, tinamad na kasi akong i-time iyong cell phone ko kaya hinayaan ko na lang iyon nang mabili ko ito sa snatcher sa bayan namin. Isa pa, wala ring nakadikit na wall clock o orasan sa kuwarto ko.

“Tanghali na, Andrei!” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kaya mabilis ko siyang hinawi, kahit na bubuka pa sana ang mabaho nitong bibig dahil may sasabihin pa siya, agad na akong tumakbo papasok sa mansion. Imbes na sa banyo sana ako tutungo para maghilamos at magsipilyo man lang, hindi ko na ginawa.

Dire-diretso at tila ba lumilipad ako sa bilis nang pagkilos ko hanggang sa makarating ako sa kuwarto ni Senyorito Finley. Tumigil muna ako sa nakasaradong pinto at saka bumuntonghininga.

Shet! Nakakapagod iyon, a. Para akong nag-exercise sa ginawa kong pagtakbo.

Hinawakan ko ang door knob at saka ko iyon pinihit. Mabuti na lang at bumukas iyon. Dahan-dahan ang ginawa kong pagtulak. Sumilip muna ako sa loob baka may baril na nakatutok sa akin ngunit mabuti na lang at wala. Tuluyan akong pumasok at isinara ang pintuan.

“Senyorito…” tawag ko ngunit walang sumagot. “Gising na po ba kayo? May klase pa po kayo,” dagdag ko ngunit wala pa rin.

Kaya nilapitan ko na ang kama. May maliit munang hallway bago mo tuluyang makikita ang malinis at puting bedsheets ni Senyorito Finley. Kumunot ang noo ko nang hindi ko siya nakita sa kaniyang kama. Kaya pumasok ako ng banyo ngunit wala rin siya roon. Saktong paglabas ko naman ng banyo ay bumungad muli si Antie Dolly na nakasandal sa may edge ng pinto.

“Auhmm… Iyan ang napapala ng hindi pakikinig, ano?” aniya.

Tinaasan ko siya ng kilay. “Saan mo itinago ang mag-ama k—mag-ama?” tanong ko, muntikan pa akong ilaglag ng malanding pagkatao ko.

“Pinagsasabi mo? Naka-drugs ka ba hah?”

“Sagutin mo na lang ang tanong ko, Antie Dolly! Saan mo sila itinago?”

Ituro niya ako. “May sira yata iyang ulo, Drei. May pasok si Senyorito, na sa eskwelahan na siya. Dahil iyan sa kakapuyat mo, what if mamatay ka kakapuyat mo, hah?” Inirapan niya ako. “At na sa trabaho si sir, bakit mo siya hinahanap, aber? Jowa ka ba?”

“H-Hindi!” mabilis kong sagot. “I-I mean, hindi pa. Char! Tara na nga, kumain na tayo. Nagugutom na ako, e.” Agad na akong lumabas ng kuwarto ni Senyorito at dumiretso sa kusina. Sakto namang handa na ang agahan namin, kaya agad na akong umupo at saka kumain.

\- -

Alas-dose ang uwian nina Senyorito, kaya hindi na ako sumama pa sa pagsundo rito. Inutusan ko lang iyong driver na kunin siya sa eskwelahan. Inihahanda ko kasi ang sarili ko sa ano mang sasabihin nitong masasakit na salita sa akin. Ba’t ba kasi ako napuyat?!

Inalala ko ang nangyari kagabi, iyong paglapit ng mukha ni sir sa akin at mabilis na pagdampi ng kaniyang labi sa matatamis kong - naputol ang ini-imagine ko nang may kotseng bumusina sa labas. Saktong nasa sala lang ako habang inaalipusta ang mga kasambahay rito at ako na ang nagprisintang buksan ang gate. Mukhang sila Senyorito na iyan.

Pero nang buksan ko ang gate ay hindi ang kotseng minaneho ng driver na inutusan ko ang bumungad, kundi ang mamahaling itim at makintab na makintab, kasing kintab ng ulo nung kilala kong Senator, ang bumungad sa akin. Kotse ito ni Sir.

Shuta! Ngayon ko lang din napagtanto ang lahat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang pagkatapos nitong ipasok ang kotse ay agad itong lumabas doon at tumingin sa akin. Lupa, lamunin mo ako ng buo! Hindi ko gusto ang kakaibang titig na ibinabato nito sa akin.

Nagsisisi na ako kung bakit pa ako lumabas sa kagabi at makialam sa problema niya. Ayoko na! Bathala ng mga bakla, ikaw na rito sa puwesto.

“N-Napaaga ho yata ang uwi ninyo,” nauutal kong tanong nang makalapit ako. Hindi ko rin magawang tumingin sa mga mata niya nang diretso, dahil pakiramdam ko’y nilalamon ako nito ng buo.

“I forgot some important things in my room,” aniya’t mabilis na pumasok sa loob ng kaniyang bahay.

Nakahinga ako nang maluwag. Mukhang keme lang ni sir iyong kagabi na mag-pretend as his wife, ‘di ba? Joke lang iyon! Pero ba’t ganoon? Nakakaramdam ako nang pagkadismaya. Dismaya dahil mukhang hindi niya naalala iyong mga ginawa namin sa ibaba-char, wala talagang nangyaring ganoon. It was just all in my imagination. Pabarito ko kasi iyong krimstick nung bata ako.

Agad din naman akong sumunod sa pagpasok. Sakto rin na pababa na ito sa hagdan at mukhang babalik na sa kaniyang trabaho. Ano kaya trabaho ni Sir? Modelo kaya? Stripper? Pero ang layo ng mga iyon, feel ko drug dealer because he makes me crazy.

Tumigil ito sa paglalakad at tumingin sa direksiyon ko. Mabilis naman akong umiwas at tumingin sa punyetang flower vase na mas maputi pa sa akin.

“Prepare yourself because it’s time for you to change, they wanted to meet you,” anito at basta-basta na lang akong iniwan nang isang malaking katanungan.

Ano’ng ibig sabihin niya? Prepare daw? Sarili ko? Shet! Biglang nag-init ang magkabila kong pisngi nang mapagtanto ko ang sinabi niya.

Ihanda ko raw ang sarili ko dahil ipapakilala niya ako sa junjun niya mga accla!? Okay, time to clean my hole.

Chapter 18

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 18

\—

A N D R E I

Nakakaloka! As in! Lokang-loka na ako ngayon dito sa kinahihimlayan ko. Charut! Ano’ng kinahihimlayan, Drei? Patay ka na ba? Oo! Patay na patay sa kaniy–okay, seryoso na. Ito na talaga, naloloka na ako rito sa kinauupuan ko. Tila ba may mga bulateng nagpa-party sa butas ng puwet ko’t hindi ako mapakali. Naglinis naman ako ng butas, a?

Hindi rin ako makatingin sa kaharap ko dahil sobrang seryoso nitong nakatingin sa akin. Para niya akong kinakain ng buo. Para akong hinihigop ng mga mata niyang wala kahit na anong makikitang emosiyon. Gusto ko ng tumayo at umalis ngunit para akong naestatwa sa kinauupuan ko.

Akala ko naman kasi ay joke-joke lang ni Sir Henry iyong magpapanggap akong babae at Girlfriend niya. Akala ko lasing lang siya at makakalimutan din niya iyon kinabukasan, kaya naisipan kong sumakay sa gusto niya. Pero, bakla! Hindi siya nagbibiro at mukhang hindi yata marunong magbiro itong lalaking ‘to.

Ayoko na!

“S-seryoso po ba talaga kayo sa balak niyo?” tanong ko, nakatingin pa rin sa pesteng flower vase na mas mataba pa kay Berting at mas makinis pa sa kaniya. “As in, super-duper motherfcking serious?”

Narinig kong tumawa siya nang mahina. Kaya mabilis akong lumingon dito. Himala, marunong din pala siyang tumawa.

“What do you think, Andrei?”

Napaisip ako. Ano raw sa tingin ko, sabi ng translator sa isipan ko. Ewan ko! Seryoso ba siya? Feeling ko lang ‘to, pero mukha naman siyang seryoso. Pero baka ginagawa lang niyang paraan iyon para mapaibig-char! Malabo.

“Tumawa po kayo, kaya haha hindi kayo seryoso, ano?” sagot ko, tumawa rin ako ngunit alam kong peke lang iyon. Kailan pa ako nababaliw? Nahawaan na yata ako ng kabaliwan ng pamilya nina Berting.

Pero makalipas ang halos dalawang dekada, hindi man lang nagbago ang ekspresiyon nito sa mukha. Nanatiling seryosong nakatitig sa ganda ko. Ang mga mata niyang kulay abo… Sandali, noong nakaraan parang itim na itim iyang mga mata niya, a?

“M-Mukhang hindi nga po,” dadag ko sa aking sinabi nang hindi na ito magsalita pa. “Pero, Sir…” Tumaas ang kilay niya, hinihintay ang idadagdag ko sa sasabihin ko. Nahihiya man ako pero ipinagpatuloy ko, wala akong choice kundi itanong ito dahil baka mabaliw ako kapag hindi ko nalaman ang sagot. “M-Mag-se-sex po ba tayo?”

Kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung paano manlaki ang mga mata ni Sir Henry. Gulat na gulat yata sa tanong. Tapos ilang segundo ay unti-unting nagbago iyon na para ba ako nitong papatayin. Oo, dae, para ako nitong lalapain ng buhay. Tangna, sir! Maghunos-dili ka, hindi pa handa ang pempem ko.

“B-Bakit po?” Nagsisimula nang manubig ang noo ko dahil sa pawis. Malamig naman dito sa sala, a. At saka, may aircon naman sa buong mansion nina sir. Tapos ang tibok ng puso ko’y sobrang bilis na. Kinakabahan ako, oo!

Pero imbes na sagutin ang tanong ko’y tumayo ito bigla at agad akong tinalikuran. Akala ko’y aalis na ngunit muli siyang humarap.

“I’m sorry but I’m straight. Hindi ako pumapatol sa mga katulad mo,” may riin nitong sabi. Wala namang pandidiri ngunit mararamdaman mo talaga ang diin sa bawat letrang binigas niya, na animo’y siguradong-sigurado siya.

Tumayo naman ako. “A-Alam ko po, s-suggestion lang naman,” aniko’t tumawa pa. Buwakana ka, Andrei! Nakukuha mo pang sabihin ang mga iyan gayong nasa panganib na ang buhay mo. “Biro lang po,” dagdag ko. Baka kasi suntok ang isagot nito sa kakulitan ko.

Hindi na rin naman ito nagsalita pa’t agad nang umalis at umakyat sa itaas. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa wakas, ligtas ang buhay ko.

\—

Iyon na nga mga bakla. Dahil nga tuluyan akong na-promote sa trabaho at naging instant wife in disgusting o in discussions? Basta, nagpapanggap ako bilang asawa kuno ni sir. Kaya heto kami ngayon, sa isang saloon na kaibigan daw ng kaibigan ni sir. Ewan ko, basta nandito kami! Hindi na mahalaga kung kanino ‘to.

Nakaupo na ako ngayon sa swivel chair, katulad ng mga upuan sa saloon na may kutson. Tapos may dalawang bakla na mas maton pa sa mga basketball players ng NBA ang mga katawan. Nakatayo sila sa magkabilang gilid ko’t nakatingin sa akin.

“Alam mo, baks…” ani ng isa na may suot na pink apron. “Puki na lang kulang sa ‘yo, pwede ka nang maging parausan.”

Sumimangot ako, “Bastos naman ng bibig mo. Lagyan mo naman ng codename mga iyan!”

Nagulat ako nang paluin ako ng isang may pink din na apron pero ang kaibahan, madumi iyong kaniya. Napatingin ako rito nang masama dahil sa kaniyang ginawa. Aba, close tayo, beh?

“Gaga! Akala mo naman kung hindi mahalay. Iyong totoo, ‘di mo ba pinagnanasahan iyong amo mo?”

“H-Hindi!” mabilis kong sagot, sabay iwas ng tingin at ibinaling iyon sa harapan. “kaunti lang,” dagdag ko.

“Iyon naman pala!” sabay nilang sabi.

Sabay kaming nagtawanan at nang mapagtanto siguro nilang may trabaho pa sila’y agad nila iyong ginawa. Mabuti na lang dahil wala rito si sir. May pupuntahan daw at ewan ko kung saan. Baka bibili ng condom. Pero iyon na nga, hindi ko halos masundan iyong ginagawa ng dalawa sa bawat parte ng mukha, buhok, at kuko ko. Wala silang pinalampas pati ang anit ko, bakla!

Gusto ko sana silang murahin nang murahin dahil nasasaktan ako, pero hindi ko na lang ginawa. Ang lalaki pa naman ng mga katawan nila, baka ibalibag lang nila ako ng isang beses ay magkakalasog-lasog ang katawan ko.

At matapos nga ang halos isa’t kalahating oras, natapos ang kanilang ginagawa. Binuklat ko naman ang mga mata ko nang matapos lagyan ng isa ang mata ko ng eyeshadow.

Para ba akong sinimento sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan ang sariling repleksiyon sa salamin. Sandali lang… Ako ba talaga ito?

“Ivana?” wala sa sariling sabi ko habang tinitingnan ang sarili.

“Alawi?” sabay na sabi naman ng dalawang borta.

“Hindi! Ivana ang mukha ko, mga bakla! Ganda-ganda ko pala. Shet!” Napangisi ako. Oo, dae! Ang ganda ko. Simpleng make up lang ang iniligay dahil ayon nga sa dalawa, natural na ang pagiging babae ng mukha ko.

Hindi na ako makapaghintay.

Humanda ka, Sir Henry. Tingnan ko lang kung ‘di ka lumiko sa sinasabi mong straight ka!

\—

Isang puting dress ang pinasuot sa akin ng mga bakla, kitang-kita tuloy ang haba ng biyas at ang legs ko dahil sa suot ko ngayon. Tapos binigyan din nila ako ng pares ng two inches shoes na kulay puti rin. Hindi naman ako nahirapan na ilakad iyon dahil para sa kaalaman ng lahat, suki ako ng gay pageants sa baranggay namin. At ako palagi ang nananalo, dahil siyempre, ikaw ba naman ilaban kay Berting? Stand out ang beauty ko. Boplaks pa naman iyong baklang iyon sa sagutan.

Kaya kering-keri kong isuot ang dalawang inches na shoes na ʼto. 7 inches nga kaya kong isu–isuot.

“Where’s he?” narinig kong boses sa labas at kilalang-kilala ko kung kanino ang boses na iyon, kay Sir Henry.

“Nasa dressing room pa po, sinusukat pa iyong damit… Bakla, labas na riyan, nandito na amo mo,” sagot naman nung isang baklang may maruming apron.

“Sandaliii! Excited? Iniipit ko pa,” sagot ko pabalik.

“Teh, ano iyang iniipit mo—” Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito nang buksan ko na ang pinto at lumabas doon.

Nakatalikod si sir sa akin pero ilang saglit lang ay unti-unti itong humarap sa direksiyon ko. Nagkatitigan ang mga mata namin. Sinubukan kong ngumiti ngunit mas nangigibabaw ang kaba ko. Bakit ganiyan na naman siya makatingin? Seryoso lang, walang kaemo-emosiyon. Hindi ba niya nagustuhan? Edi… kung ganoon naman pala, huhubarin ko na lang at mag-two piece ako.

“Y-You’re fine. T-that’s good,” anito at mabilis na tumalikod. “Let’s go, they’re waiting for us.”

Napangisi ako. Akala mo, sir! Nakita ko iyon. Alam kong nagagandahan ka sa akin!

Hindi na lang ako sumagot, baka mapikon. Nagpasalamat na muna ako sa dalawa, iyon lang talaga bayad, salamat na lang sa lahat. At saka tuluyang sumunod kay sir patungo sa kotse niyang naka-park sa labas.

Chapter 19

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 19

\—

A N D R E I

Hindi ko alam saan ko ipapaling ang paningin ko, kung saan daan ba o sa kasama ko ngayon dito sa kotseʼt nagmamaneho. Kasalukuyan kaming nasa gitna ng traffic. Ewan ko ba sa gobyerno bakit hindi sila gumawa nung mga floating-floating keneme na high way nang mabawasan ang traffic. Nakakainis! Ang kupad-kupad ng mga sasakyan kung kumilos.

Kahit hindi mainit dito sa loob, para akong pinagpapawisan. Wala pa naman akong dalang pamaypay o salamin para matingnan kung hindi ba naaagnas iyong make up na gamit ko. Baka mamaya, burado na pala tapos ʼdi na ako mukhang babae. Unang meeting pa lang, bistado na agad na wala akong ekup.

Bakit ba kasi ang hot nitong si Sir Henry? Nag-iinit tuloy ako. Oo! Nag-iinit ang ulo ko sa bagal ng traffic. Tapos ang tahimik pa rito sa loob. Hello, sir! Magsalita ka naman o umungol ka po.

Pero dahil pinanganak akong mabilis maubusan ng pasensiya. Pinatabi ko si sir at ako na, ako na ang magsisimula nang usapan.

“Saan po pala si Senyorito?” tanong ko, kasalukuyan pa rin akong nakatingin sa labas ng bintana kung saan mabagal pa rin ang usad ng mga sasakyan.

“I asked manang to take care of him while we’re on our work,” sagot niya.

Doon ko lang din naalala na trabaho nga pala itong ginagawa ko. Dagdag kita rin dahil sa susunod na araw ay magpapadala na naman ako sa pamilya ko, kahit kakapadala ko pa lang noong nakaraan. Gusto ko kasi na hindi sila nagugutom. Alam kong may balyena sa bahay, na dagdag problema pa sa akin kung bakit pumayag akong bantayan sina mama. Pero mukhang matino naman si Berting nitong mga nakaraan, kaya hindi pa sumasakit ang ulo ko.

Anyways, mabalik tayo sa usapang trabaho. Sure kaya si sir na ayaw niya ng extra service ko? Tanungin ko kaya? Paaano ‘pag pumayag?

“Sir—” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang tumigil ang kotse. Sandali lang… tumingin ako sa labas at nasa tapat na kami ng isang fancy restaurant. Ang bilis naman naming nakarating? Ganoon ba kalalim ang iniisip ko kanina?

Lumabas na si Sir Henry ng kaniyang kotse at nang aakmang bubuksan ko ang pinto ay mabilis itong umikot at siya na ang nagbukas, upang makalabas ako. Biglang kumabog nang malakas ang puso ko sa simpleng pagbukas lang nito ng pinto. Shuta! Sigurado ba talaga ako sa pinasok kong ʼto?

Pero heto na… might as well, galingan ko na lang ang pag-arte nang hindi kami mabuko. Dahil kapag nabuko kami, baka itali ako ni sir nang patiwarik at ilublob sa kumukulong mantika. Mukha ba akong kikiam, sir?

“That’s them. Come closer,” bulong nito. Sinundan ko naman ng tingin ang kaniyang tinitingnan at nakita ang tatlong tao na nakaabang sa labas ng resto. Sa tingin ko, sila ang mga magulang ng dating asawa ni sir. Tangna, sana ʼwag akong multuhin ni ate girl! Hindi ko keri, beh!

Ginawa ko naman ang inuutos nito at lumapit nga ako sa kaniya. Nagulat ako. Oo, beh! Gulat na gulat ang suot kong panty sa mga oras na ʼto nang dumausdos ang kamay niya sa baywang koʼt mas lalo akong hinapit papalapit. Putacca, sir! Baʼt ʼdi ka man lang nang-i-inform? Nanindig tuloy ang balahiboʼt bulbul ko sa ʼyo.

Char! ʼWag kang pahalata , Andrei. Hindi ka malandi .

Nang maglakad si sir ay siya ring hudyat ko para sumabay sa kaniya. Hawak nga niya ako sa baywang, beh! Kaya napalakad din ako. Mas lalong bumilis ang kaba ko nang mapalapit kami sa mga byanan niya at doon ko lang napagmasdan ang kanilang mga mukha. Mukhang mga strikto at seryoso sa buhay, lalong-lalo na iyong babae na sa tingin ko’y nanay ng dating asawa ni sir.

Tapos sumisigaw na agad ang yaman nila sa suot pa lang na kasuotan. Pero alam kong hindi magpapatalo ang pamilya ni sir Henry. Naikiwento lang ni Auntie Dolly na sobrang yaman daw ng mga Alcantara. Hindi ko alam kung papaanong sobra pero kitang-kita ko naman iyon nang minsang pumunta kami sa mansion nila.

“You must be, Andrea Arellano? The new girl of Henry.” Napabalik ako sa reyalidad nang magsalita iyong babae.

At, ano raw sabi niya? Andrea raw? Bakla ka! Andrei pangalan ko. Papaanong naging Andrea? Imbento rin ʼtong babaeng ito.

Sasagutin ko na sana siya nang maramdaman kong parang humihigpit ang pagkakahawak ni sir sa baywang ko. Kaya sumulyap ako rito at agad ding ibinalik ang tingin sa harapan namin.

“Y-Yes po, M-Madame.” Ngumiti ako, confident naman akong maputi ang ngipin ko dahil three times a day ako nagsisipilyo. Pero shuta, bakit ako nauutal?! Siguro dahil sa kabang nararamdaman ko sa mga oras na ‘to.

Tiningnan ko isa-isa ang pamilya ng dating asawa ni Sir. Hanggang sa mapadako ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa likuran ng mag-asawa. Nakatingin din ito sa akin at tila ba may kakaiba sa paraan kung papaano niya akong tingnan. Kaya mabilis akong umiwas ng tingin. Pogi naman siya, pero mas pogi si sir. Char! Ano ba ‘tong pinagsasabi ko.

“Well… Let’s get inside so we can talk further,” ani ng babae at nauna nang tumalikod at naglakad papasok ng restaurant. Nakahinga ako nang maluwag.

Mukhang pasado ako sa first step ng trabahong ‘to. Sana lang, hindi malaglag itong mahabang wig na suot ko. Baka magkagulo sa restaurant na ‘to.

\—

Sa isang may kalakihang mesa kami pumuwesto. Magkatabi kami ni sir at sa kabilang side naman ay ang mag-asawa. Kaharap ko naman iyong lalaking kanina pa nakatitig sa akin nang kakaiba.

“Ayoko nang patagalin pa ʼto, Henry. I want you to take care of my grandson or else, we will take him away from you,” ani ng babae. Sino bang mga pangalan nila? “And I think, Andrea will help you. Right, Andrea?”

Napalunok ako. Bakit ba ako ang tinatanong niya? Pageant ba ‘to? Pero wala naman ako magagawa kundi ang sumagot. Kaya muli akong ngumiti, confidently beautiful with a heart dapat, iyan ang sabi ni Miss Universe Pia.

“Yes, Madame,” sagot ko. Iyon naman ang totoo, trabaho ko kaya iyon. Alangan namang hindi ko kayang alagaan si Senyorito? Hello, katulong po ako. “Kaya ko nga rin pong alagaan si si—si Honey,” dagdag ko.

Nakita ko ang pagngiti ng babae. Sumulyap din ako kay sir at ngumiti. Seryoso lang naman itong nakatingin sa akin. Naku! Sa tingin ko, sa loob-loob niya ay kinikilig na siya.

Gusto mo iyon, sir? Honey? Yieeeh!

Nag-usap-usap pa kami ng mga bagay-bagay sa mundo. Katulad ng kung gaano kalaki ang ninanakaw ng gobyerno sa taong bayan. Char! Tinanong din nila kung ano’ng trabaho ng mga magulang ko at mabuti na lang, kasama ko si Sir Henry na siyang sumagot sa naging tanong nila. Basta sabi niya, mayaman daw pamilya namin. Naman, mayaman talaga kami. Mayaman sa pagmamahal at mayaman sa utang. Mayaman sa sama ng loob at problema na hindi matapos-tapos.

Tumahimik lang din sila sa kakatanong nang dumating ang mga pagkaing in-order namin. Kaya nagsimula na kaming kumain. At alam niyo ba, best im acting talaga para kay sir nang lagyan nito ng mga pagkain ang plato ko. Oo, dzai! Mas lalong nabaliw tuloy ang puso ko sa simpleng ginagawa niya.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam akong magbabanyo na muna. Kanina pa kasi ako naiihi, pinipigilan ko lang. Nagtanong naman ako sa waiter na nakasalubong ko kung saan ang banyo nila.

“Diretso lang po kayo riyan, ma’am. Tapos may mahaba pong hallway at doon sa dulo po nun ay ang banyo,” anito, tumango ako’t agad nang tinungo ang kaniyang sinasabi.

Agad ko namang nahanap ang banyo at papasok na sana ako ngunit napatigil ako nang may magsalita sa gilid ko.

“I think you’re going to the wrong bathroom, Ms. Arellano? Para sa lalaki ang CR na ‘yan.” Lumingon ako rito at iyong anak pala ng mag-asawang hindi ko alam ano apelyedo. Seryoso ngunit may kakaiba na naman sa tingin nito sa akin. “Lalaki ka ba?”

Mayroon sa boses niya na tila ba hindi siya naniniwalang babae ako. Pakitaan ko kaya siya ng ekup?

Napalunok ako’t saka tumingin sa pinto ng banyo. May nakalagay nga sa taas ng pinto na ‘male’ at sa mga oras na ʼto, hindi ako lalaki. Shuta! Ano’ng sasabihin ko? Comment down!

Chapter 20

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 20

A N D R E I

\—

“Ah…” Shuta talaga! Ano ngayon ang isasagot ko sa hayp na ʼto?

Ungulan ko kaya? Pero baka hindi tatalab. Eh kung jombagin ko na lang nang makatulog hanggang bukas at para na rin makalimutan niyang nag-e-exist ako sa mundong ‘to? Ba’t naman kasi koya sunod ka nang sunod, may lahi ka bang buntot?

Inilibot ko ang paningin ko at talaga nga namang ang suwerte ko sa mga oras na ‘to dahil dalawa lang kaming naririto ngayon. Peste! Ihing-ihi pa naman ako.

“So you’re-”

“Babae ako, ‘no!” mabilis kong sagot at sinamaan siya kunwari ng tingin ngunit ang totoo niya’y kabado ako sa mga oras na ʼto. Gusto ko na lang magpalamon sa sahig at kusang mahulog sa impyerno. “B-Bakit may nakita ka bang lalaking may boobs?! B-Besides, malabo lang talaga mata ko. Akala ko ‘female’ ang papasukan ko.” Umirap ako at iiwanan na sana siya nang magsalita na naman ang hinayupak.

“Your boobs aren’t that big.”

Lumingon ako rito ng three-hundred-sixty-degree at saka siya tinaasan ng kilay. “Ano’ng sabi mo?” mahinahon kong tanong, pero sa loob-loob ko’y nagpipigil akong huwag mandilim ang paningin ko. Baka hindi na siya makaalis dito ng buhay.

Ngumisi siya at nainis naman ako sa pagngisi niya. “Sabi ko, maliit ang boobs mo. Parang hindi totoo,” sagot niya at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa. “Tell me the truth and I won’t tell to everyone. You’re–”

Hindi nito natapos ang sasabihin nang may nagsalita sa likuran niya. Parehas kaming napatingin doon at nakahinga ako nang maluwag nang makita ko si Sir Henry.

“Babe, are you done? We’re going home.”

Tumingin na muna ako sa lalaking bwesit at saka siya inirapan. Ngumiti ako nang tumingin ako kay sir. “Yes, Babe. I’m done.” At saka ako lumapit sa kaniya. Mabilis kong ipinulupot ang mga braso ko sa kaniyang katawan. Chance ko na ʼto, sis! Lulubos-lubusin ko na baka hindi na maulit pa. Mabuti na lang hindi pumalag si sir.

“Pre, mauuna na kami. My son’s waiting for us,” ani Sir Henry at saka kami naglakad papalabas ng restaurant ng mga mayayaman na iyan. Pati pag-ihi pahirapan!

\—

“Sir, puwedeng pakibilisan po ang pagmamaneho?” sabi ko nang nasa daan na kaming dalawa at ang shutangina, ang bagal-bagal kung magmaneho tapos kailan pa nagkaroon ng lubak-lubak sa sementadong daan? Ano na Philippine Government?

“What? Why?” tanong niya, tumingin ako rito at nasa daan lang siya nakatingin. Mabuti na lang din iyon dahil hindi niya nakikita kung papaano ako nagpipigil na huwag maihi rito sa kotse niya.

“E-Eh…” Napakagat ako sa ibabang labi ko, nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba sa kaniya o hindi. Pero iyon nga, no choice tayo. Ayoko namang umihi rito sa kotse niya, baka sa labas niya ako patulugin. “Ihing-ihi na po kasi ako!” mabilis at halos hindi na ako humingang sabi ko.

Mabilis naman nitong inapakan ang preno na siyang nakapagpapikit sa akin at todong pigil. Shutacca, bakla! Alam mo ba’ng feeling nang pumupigil ng ihi? Alam mo bang baka magka-UTI ako sa ginagawa mo?! Gusto ko siyang bulyawan pero dahil poge naman si Sir, tiis ganda lang tayo, Andrei.

“What?! I thought you were done?”

Gago ka ba, Sir? Tapos na sana ako kung hindi lang dahil sa kumag na iyon! Ang daming tanong, ‘di na lang ma-satisfied sa ganda ko!

Iyan sana ang isasagot ko pero baka nga palabasin niya ako ng kotse niya’t iwanan dito. Hello! Nasa walang katao-kataong parte pa naman kami ng mundo ngayon. Sandali! Bakit kami nandito?

“Eh kasi, Sir ganito po iyon…” At wala na nga akong nagawa kundi ang isalaysay sa kaniya ang tagpo namin ng isa pang alagad ni Satanas na iyon. “Gets niyo na po ba?” pagtatapos ko sa aking kwento.

At ang hinayupak na Henry, tumawa. Halos mautas ang leeg niya kakatawa. Heto naman ako, napatangang napatitig sa kaniyang gawi. Shuta! Ang ganda ng tawa niya, beh! Ang lalim, para akong hinuhubaran at pati kaluluwa ko bumubukaka.

“Y-Your face looks hilarious!” tawang-tawa niyang sabi.

Walang pag-aalinlangan ko namang kinuha ang cell phone nito sa may harapan ng kotse’t kinuhanan siya ng video. Minsan lang sa buhay natin na makakita ng guwapong masaya at tayo pa ang dahilan. Nakalimutan ko tuloy na naiihi pala ako. Nang mapansin nitong kinukuhanan ko siya ng video ay agad siyang tumigil at seryosong tumingin sa akin.

“What are you doing?” tanong niya, mabilis naman nitong kinuha ang kaniyang cellphone at saka iyon ibinulsa.

“M-Minsan ko lang po kasi kayo makitang tumawa, kaya kinuhanan po kita ng video. Pa-share it na lang po,” sabi ko, ngumiti.

“Really? You have the guts to used my phone?”

Napakamot ako sa ulo, “Eh poorita po ako. De keypad lang po cell phone ko,” sagot ko. “Share it niyo po, a. Upload ko sa only fans na ginawa ko sa Ipad ni Senyorito.”

Hindi na siya nagsalita pa’t muli nang pinaandar ang kaniyang kotse at kami na ngaʼy umalis na roon. Nakahinga naman ako nang maluwag, mahirap na baka iwan pa niya roon.

\—

“Yaya! Yaya! Yaya!” Nagising ang magandang diwa ko sa sunod-sunod na katok na ginawa ng kung sinong hayup sa labas ng aking kuwarto. ‘Di pa man ako tuluyang nagigising ay agad na akong bumangon at padabog na binuksan ang nakasaradong pinto.

“Ano ba?!” singhal ko, sabay pinanlakihan ito ng mga mata pero mabilis akong napabalik sa reyalidad nang makita si Senyorito na nangingilid na ang luha. Mabilis ko siyang pinantayan at pinatahan. “Hala, bhie! Sorry… I-ikaw naman kasi, nag-sleeping beauty ako rito sumisigaw ka riyan.”

“I-I’m sorry po,” sagot naman niya at mabilis na pinunasan ang mga luha.

Oh ʼdi ba, ang bilis ng character development ng batang ‘to. Kung noon, ang sama-sama kung makatingin sa akin na halos ipalibing na niya ako ng buhay. Pero kita mo naman ngayon, ang bait-bait na. Aba! Andrei po pangalan ko, hindi Nanny McPhee.

Pero seryoso, ang bilis magbago ng ugali niya at masaya ako. Konteng kiliti lang naman kasi rito, bibigay rin, e. Kaya nga nagpupursigi akong maging Wife in Disguise in Sir nang sa ganoon, maging real wife na sa sunod. Charut! Ang lakas ko mag-ilusyon.

“Ano ka ba, ayos lang iyon,” sabi ko kay Senyorito Finley at saka siya nginitian. Ang totoo niya, hindi talaga iyon okay. Gag-joke! “Hindi mo nga nagambala ang maganda kong tulog,” dagdag ko’t sinabayan nang mahihinang pagtawa.

“I’m sorry po, Yaya. I just wanted to tell you that Daddy bought you a new phone!” aniya.

Nanlaki ang mga mata ko’t mabilis kaming pumasok sa kanilang mansion at pinuntahan ang kaniyang Daddy na ngayo’y nakaupo sa sofa rito sa kanilang sala, prenteng nanonood ng TV.

“Daddy, yaya’s here po,” ani Senyorito na siyang nakapagpalingon kay Sir.

Inayos ko naman ang sarili ko at saka siya binati nang magandang umaga, kahit ang totoo niya’y magtatanghali na. Mabuti na lang din at walang pasok si Senyorito ngayon dahil ewan ko ba kay Sir Saul, gago ba iyon? Bigla-bigla na lang nagdedesisyon, tatay ba niya si President Duterte?

Late kasi akong nagising kaya ganoon. Late rin kaming dumating ng bahay at halos hindi ako makatulog dahil paulit-ulit kong naririnig sa isipan ko iyong ‘we don’t talk about bruno no no no no’ ni Sir Henry.

“Sir, true po ba ang tsismis?” tanong ko, pinanganak kasi talaga akong maikli lang ang pasensiya.

“What do you mean?”

“Dad, didn’t you say you bought him a phone?” sabi naman ni Senyorito. “Please, show him now! I want to see how Yaya will react to it!”

May kinuha naman si Sir Henry sa kabila, isang puting paperbag na may logo ng isang mamahaling cellphone. Kaagad naman niya itong iniabot sa akin at walang pag-aatubili ko itong tinanggap.

Shuta! Pangarap ko ‘tong cellphone noon pa man. Oo, dzai! Kahit marami akong naririnig na hindi raw maganda battery life nito, pangarap ko pa rin! Oh! Hindi po ito sponsored pero maganda po ang quality. Maraming nakaganito sa bayan namin, e. Kaso iyong kanila, kapag nag-re-restart, dalawang kamay na magkahawak ang lumalabas imbes na iyong apply na may kagat.

“S-Sir, a-akin po ba talaga ito?” tanong ko, nangingilid na rin ang luha ko habang tinitingnan si Sir na seryoso lang na tumango sa akin. “Wala na pong bawian, a? Saka po, pa-share it din po ako nung video niyo. Gagawin kong rington at pwede po download-an niyo rin ako ng bold.”


Chareezz! Pabitin muna mga accla! Maraming salamat nga po pala sa inyong lahat!!!

Chapter 21

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 21

\—

A N D R E I

“Dzai! Alam niyo ba?”

“Ano?!”

Nanlaki ang mga tainga ko nang magsalita itong panget na katabi ko rito sa waiting area ng eskwelahan ni Senyorito. Nai-pause ko pa ang pinapanood ko para lang maituon ang buong atensiyon ko sa kanila.

“May tsismax akong dala, bes!” sabi niya, excited na excited pang sabihin sa mga kasama niyang tsismosa rito.

Ako nama’y nanahimik lang. Hindi naman ako tsismosa, naririnig ko lang ang kanilang pinag-uusapan.

“Na nag-away na naman ang mga amo mo?” segunda naman ng isa, hindi ko na pinagkaabalahang tingnan pa sila dahil ayaw kong pahalata na nakikinig ako. Aba! Mautak kaya ako, hindi ako tsismosa, mautak lang.

“Oo! Kasi alam niyo ba? Na itong si sir, may kabit pala! Jusko, nakakaloka! At ang mas nakakaloka pa, bakla raw iyong kabit niya, beh!”

This time… Wow, English iyon. Char!

Bigla akong napatingin sa kanila na nanlalaki ang mga mata dahil sa gulat. Tama ba iyong narinig ko? Wala naman kasi akong tutuli sa tainga at sobrang lakas din ng boses nitong panget na ʼto kung magkuwento. Kaya malinaw na malinaw ang pagkakarinig ko sa kaniyang sinabi na may kabit daw ang amo niya at bakla pa ito? Sinetch itey kaya?

“True ba iyan? Baka nag-iimbento ka lang ng kuwento, ‘te?” ang hindi ko mapigilang sabihin, kaya sa akin naman sila napatingin. Alam ko namang ʼdi ako belong sa circle of friends nila, kasi alam ko sa mukha pa lang lamang na ako. Pero dahil nga pinanganak akong pakialamera ngunit hindi tsismosa, aba’y maki-join na ako.

Pero iyon na nga, nagsitaasan ang kanilang mga kilay dahil sa tinanong ko. Aba! Naniniguro lang ako, sis. Hindi kasi ako sanay na makarinig ng tsismis na bakla ang kabit. Buti sana kung gipit iyong lalaki pero may katulong sila, kaya nakakapagtaka. Kayo ba, hindi kayo nagtataka?

“Tingin mo sa akin, manloloko?”

Umayos ako ng upo at saka ngumisi bago siya sinagot, “Wala akong sinabing manloloko ka. Pero sa mukha mo pa lang, ‘di na katiwa-tiwala.” Boom, burn!

“Tse! Hindi ka kasali sa usapan kaya ʼwag kang makikisaws-”

“E, kung ipahanap ko kaya iyang pinagtatrabauhan moʼt sasabihin ko sa amo na pinagkakalat mo iyong issue ng pamilya niya? Ano? Gusto mo mawalan ng trabaho?” pagbabanta ko, kahit na ang totoo niya’y hindi ko naman alam kung papaano ko gagawin iyon.

Pero mukhang effective naman dahil kita sa kaniyang mukha ang takot. Napangisi ako dahil doon. At wala siyang nagawa kundi ang ikwento ang buong detalye ng nangyayari sa kaniyang pinagtatrabauhan.

Ganoon lang kasimple maging isang concern citizen. Oo! Hindi ako tsismosa. Concern lang talaga ako sa mga kasama nito na baka nag-iimbento lang ʼto ng kwento. Aba, mahirap na! Kung may baong tsismis, dapat legit.

\—

Matapos ang walang sawang pangba-backstabb sa mga amo nila ang mga hampaslupang ʼto, tumunog na ang bell ng eskwelahan na ibig sabihin tapos na ang klase. Isa-isang lumabas ang mga chikiting sa kanilang classroom at ang huling lumabas ay si Senyorito bitbit ang kaniyang mga gamit.

Nagtaka ako noong malungkot siya. Kaya agad akong lumapit at pinantayan siya. Kumunot ang noo ko kung bakit nakasimangot ang anak ni satanas. May nang-away ba? Kung sino mang chararet ang umaway sa batang ʼto, matitikman niya talaga ang impyerno. Char!

“Oh, ba’t ganiyan ang mukha mo?” mahinahon kong tanong.

Iniangat naman nito ang tingin. “Teacher asked us to bring our both parents to our family day po, Yaya.”

“E ba’t ganiyan ang mukha mo, aber?” Hinawakan ko ang kaniyang baba upang iharap sa akin. “Sigurado naman akong pupunta ang Daddy mo doon, ‘di ba?”

Tumango siya ngunit agad ding umiwas ng tingin. “Yeah. But I don’t have my mommy po. I’ll be the only kid who doesn’t have a complete family. And I don’t know if my dad will come, he’s always busy at work.”

Biglang kumirot ang dibdib ko nang marinig ko ang dahilan nito kung bakit siya malungkot. Masuwerte ako dahil nakaranas ako ng kompletong pamilya, noon. Kompleto pa rin naman ang mga magulang ko, nandiyan pa rin si Papa na naghahasik ng langgim kung saang lupalop man ng mundo. Buhay pa rin si Mama, medyo may kahinaan na’t nagiging pabigat…char! I love my mother!

Pero itong batang ʼto, simula pagkabata ay hindi nakaranas ng kompletong mga magulang. Nandiyan nga iyong Daddy niya ngunit hindi naman niya ramdam dahil palagi itong busy sa trabaho.

“Wag kang mag-aalala, gagawan ko iyan nang paraan!” sabi ko, ngumiti pa ako para pagaanin ang loob niya.

Isang tipid na ngiti lang ang isinagot niya’t saka ako iniwan. Kaagad naman akong sumunod at nang makarating kami sa parking lot kung saan naghihintay si manong driver, agad na kaming umalis ng eskwelahan.

\—

Kinahapunan ay nag-crave ako ng poge, kaya lumabas ako ng bahay. Naglakad ng ilang kilometro dahil nga pangmayamang village ʼto at nasa may dulo pa iyong convenient store. Nag-cat walk ako papunta roon at hindi nagtagal ay nakarating ako sa paroroonan ko.

Pumasok na ako sa loob at hinanap kung saan nakalagay ang mga poge. Ilang ikot-ikot pa ni Sarah G. ang ginawa ko’t nahanap ko na ang hinahanap ko. Potaena! Nasa-Ref lang pala ang poge. Bubuksan ko na sana ito nang may isang kamay ang naunang magbukas kaya mabilis akong lumingon dito.

Pero…

Potangina! Sana hindi ko na lang ginawa. Shuta! Mapapamura talaga ako ng ilang libong beses sa ponyetang tadhana iyan. Bakit nandito ‘tong hayup na ito? ‘Di ba dapat nag-fly high paru-paru G na sila sa ibang bansa dahil nga ponyeta sila?! Pero ba’t nandito pa rin ito?

“You looked tensed. Mukha ba akong nangangain?” tanong niya, tila ba parang wala lang.

Mabilis akong umiwas ng tingin at saka inilabas ang dala kong human size mirror - charut! Ang cellphone ko upang tingnan ang sariling reflection by Elsa Droga. Shuta! Hindi pala ako naka-disguise as wife, kaya heto’t mukha akong lalaki, pero maganda pa rin naman.

“Weird,” narinig kong sabi niya at napansin ko lang na umalis na ito matapos makuha ang softdrinks na bibilhin.

“Shuta ka, Drei! Wag kang papahalata sa gagong iyan! Hindi ka si Andrea today,” bulong ko sa sarili’t mabilis na kumuha ng mountain dew na may mukha ni James Reid na poge. Lalabas na sana ako ng convenient store nang harangin ako ng guwardiya.

“Sir, hindi pa po kayo nagbabayad,” aniya.

“H-Ha?” nagtataka kong sabi, “Akala ko po free ‘to? Nakalagay sa labas, ang laki pa nga po ng karatula ninyo. ‘Di ba, free sa tagalog ay libre? Naku ha! Wag mo kong binobobo!” dagdag ko pa.

‘Wag akong ginagago ng guwardiyang ito kung ayaw niyang mawalan ng trabaho. Ba’t ako magbabayad? Ang laki-laki ng karatula nila sa labas nitong store. F.R.E.E Convenient store!

“Sir, Freedy’s Convenient Store po iyon at hindi po free ang lahat ng bilihin dito.”

Bigla akong nainis kaya sasagutin ko na sana siya nang pangmalakasan kong mura nang may humawak sa balikat ko.

“I paid for it.” Tumingin ako rito at iyong anak ng mga byanan ni Sir Henry ang tumambad sa akin. Kinilabutan din ako sa paraan nang paghawak niya sa balikat ko. Para bang ang bigat ng kamay niya o sinasadya lang niyang diinan?

Sandali! Alam kaya niyang ako si Andrea at nagpapanggap lang na babae para lokohin ang mga magulang niya? Shet! Ano’ng gagawin ko ngayon? Hindi ʼto puwede, beh! Patay kaming dalawa ni Sir kapag nagsumbong ʼto sa mga magulang niya. Nabalitaan ko pa naman na mga homokojic ang iilan sa mga mayayaman kaya baka hindi nila matanggap ang pag-iibigan namin ni Sir Henry.

Wait… Nag-iibigan ba kami?

Gaga! Nag-iilusyun ka kamo! Sabat ng eksaherada kong isipan na walang ibang ginawa kundi basagin ang trip ko.

“Hey! May problema ka ba? You’re so weird o sadyang guwapo lang talaga ako kaya ka natutulala?”

Napabalik ako sa reyalidad nang magsalita ito. Hindi ko namalayan na nakalabas na pala kami sa punyetang convenient store na iyon na hindi pala free kundi FREEDY! Nandito kami ngayon sa park. Ano’ng ginagawa namin dito? Kailan pa ako nagpakaladkad sa gagong ‘to? At, anong sabi niya kanina? Poge?

Tumingin ako sa kaniyang direksiyon. Kumpara noong una ko siyang makita, medyo nakakaasar ang kaniyang mukha dahil palagi siyang nakangisi. Ngayon nama’y ang amo-amo niya, na para bang ang bait-bait niyang tao. Pero nakakainis pa rin siya!

Pero dahil nga, delikado ang buhay ko kapag nagtagal pa ako rito. Agad akong tumayo.

“Salamat nga pala rito. Sige, mauuna na ako sa ʼyo. Baka hinahanap na ako.” Maglalakad na sana ako papalayo ngunit natigilan ako nang tawagin ako nito na siyang ikinagimbal ng mundo ko.

“Wait… Andrea!”

Shet!

Hindi ko na siya pinansin pa’t mabilis na tumakbo. Nag-transform ako bilang si Flash dahil sa bilis ng takbo ko. Shuta talaga! Patay! Alam nga niyang nagpapanggap lang ako noon.

Chapter 22

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 22

\—

A N D R E I

Tuliro, balisa, wala sa sarili, at parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Nasasaktan, halos hindi na ako makakain nang maayos, at ang pusoʼy wasak na wasak dahil sa ginawa niyang pananakit.

Charooot!

Ang totoo niyan, nawawala lang ako sa katinuan sa mga oras na ʼto. Halos malibot ko na yata ang buong mansion nina Sir Henry dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Katapusan ko na ba? Katapusan na ba namin ni Sir dahil sa katangahang nagawa ko?

Bakit kasi sa dinami-rami ng convenient store dito sa mundo, doon pa talaga bumili ng condom iyong hayop na iyon?! Oo! Nakita kong may hawak siyang box ng condom noong lumapit siya sa akin upang iligtas ako sa kahihiyang nagawa. Pero bakit nga roon pa siya bumili? Bakit sa kaparehong araw pa kung kailan nag-crave ako ng softdrinks na may picture ng poge?!

Sana nag-adjust na lang siya, ‘di ba? Nakakainis! Wala ba siyang sariling isipan? Natatakot na tuloy akong lumabas ng bahay dahil baka iyong hayop na kung sino mang pangalan niya ang makita ko.

Sisisihin ko talaga siya kapag nawalan ako ng trabaho nang hindi nakakatikim ng poge rito sa syudad.

“Yaya, you looked stupid.” Nanlaki ang mga mata kong tumingin dito. Nakangisi siya habang may hawak ng bowl na may lamang popcorns.

Nandito kami ngayon sa kanilang movie room kung saan nagyaya itong isa pang demonyo na manood ng Hentai-char, ng Anime talaga iyon. Pero imbes na ituon ko ang sarili sa pinapanood, lumilipad ang isapan ko sa kung ano’ng mangyayari sa akin kapag nalaman ng mga byanan ni Sir Henry na hindi ako babae at nagpapanggap lang na girlfriend ni Sir. Baka nga ipakulong nila ako. Hindi ko alam kung anong kaso, pero posible iyon sa mga mayayaman.

Kung puwede nga lang magsangla ng kaluluwa sa demonyo para lang makalimot iyong lalaking iyon na bakla ako. Isasangla ko ang kaluluwa ni Berting o ni Aunti Dolly, pareho naman silang mukhang alipin ng mga demonyo sa nakikita kong mga palabas.

“Yeah. I know you’re stupid but I didn’t know you could be so stupid.”

“Hoy! Namumuro ka ng bata ka. Gusto mo ‘balik kita sa sinapupunan ng nanay mo?” Sinamaan ko siya ng tingin, para sana takutin ngunit ang demonyo ay ngumisi lang at saka ibinalik ang pansin sa malaking TV na nasa aming harapan.

“Nah. You can’t do that. My mom died when I was a little, they say.”

Parang normal lang sa kaniya sabihin na namatay ang kaniyang ina. Pero kahit anong tago niya sa totoong nararamdaman niyaʼy ramdam ko na nangungulila siya sa kalinga ng isang ina.

“Ewan ko sa ʼyo. Huwag mo na lang akong pansinin, may problema na nga ako’t dumadagdag ka pa,” sabi ko. Hindi na rin naman siya sumagot pa at itinuon na lang ang sarili sa harapan.

\---

Alas-siyete na ng gabi nang matapos si Senyorito manood ng Hentai sa kanilang movie room. Saktong tapos na rin si Aunti Dolly na maghanda para sa kaniyang hapunan. Kaya sa kusina kami dumiretso, kung saan naabutan namin si Sir Henry na mukhang kanina pa naghihintay.

“Good evening po, Sir. Nakauwi na po pala kayo,” pagbati ko, sinubukan ko pang ngumiti nang tumingin siya sa akin. Ngunit wala man lang akong nakitang reaksiyon o ni ang pagtango sa kaniya, dahil agad itong tumingin sa kaniyang pagkain at ito’y sinimulang kainin.

Sana pagkain na lang ako, ano? Char!

Pero bakit kaya hindi man lang ako nito tinanguan? Sandali! Hindi kayaʼy may nakarating ng balita sa kaniya na nalaman nung demonyong iyon na hindi talaga ako babae? Napalunok ako at mabilis na lumabas ng kusina, dumiretso ako sa aming tinituluyan dito sa mansion kung saan naabutan ko si Aunti Dolly na kakalabas lang sa kaniyang kuwarto.

“Oh, Andrei, ba’t tila nagmamadali ka?” tanong niya, nakakunot ang noo at puno nang pagtataka ang kaniyang mukha.

Tumingin ako rito. “Wala kang pake!” sabi ko’t mabilis na pumasok sa loob ng aking kuwarto.

Pagkasaradong-pagkasarado ko sa pinto. Agad kong hinubad ang shorts na suot ko’t nag-finge-char! Hinanap ko ang cellphone kong mamahalin. Nanginginig pa ang kamay ko habang dina-dial ang numero ng pinakapangit sa balat ng lupa, si Berting.

“Hello, sino ʼto?” tanong nito at ang taray ni bakla, ang lalim ng boses. Barakong-barako. Pero kung makikita mo lang siya sa personal, mabahong-mabaho.

“Baks, ako lang ʼto!”

“Eh sino ka nga?! Scammer ka, ano?”

Napapikit ako’t sinubukang ikalma ang sarili. Baka kapag namuro ito sa akin ay hahablutin ko talaga ang leeg niya over the phone! Makikita niya ang sakal via internet.

“Tangna mo, Berting! Nawalan ka na ba ng utak at nakalimutan mo na ang maganda kong boses?!” singhal ko, pero hindi ko naman nilakasan dahil baka marinig ako sa labas. Mahirap na. May pagkatsismosa pa naman ang mga kasama ko, lalo na iyong babaeng cook na walang ibang ginawa kundi ang maging call center sa gabi. Minsan naririnig ko pang umuungol si gaga habang may katawagan.

“Andrei!”

“Oo ako nga. Na-miss mo ba ako, butanding?!”

“Gaga! Hindi ‘no! Assuming ka masyado,” anito sa kabilang linya. Hindi ko na lang masyadong pinansin.

“Kumusta nga pala sina Mama at Andrea?” mahinahon kong tanong.

“Maayos naman ang pamilya mo, ‘teh. Iyong mama mo, nakakapaglakad na at nagtotong-its na sa kabilang purok. Tapos si Andrea, ayon nag-aaral pa rin naman. Walang bago. At ako naman-”

“Huwag na, hindi ako interesado sa buhay mo.”

Bumuntonghininga ako. Masaya ako na malaman kong nasa mabuting kalagayan na sila, na walang nangyayaring masama. Dahil kung mayroon man, ihuhulog ko talaga sa bangin si Berting.

“Eh ikaw, ayos ka lang ba dyan?” tanong nito na biglang nakapagpatigil sa akin.

Ayos lang ba talaga ako? Hindi ko alam. Lalo na ngayon, nasa isang sitwasyon ako na mahirap lampasan. Nakasalalay ang trabaho ko rito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nawalan ako ng trabaho. Papaano na ang hanapbuhay namin? Ayokong bumalik sa pagiging souvenir vendor sa bayan. Napapagod na akong sumigaw nang sumigaw na wala namang bumibili sa paninda mo, dahil iyon nga, kakaunti lang turista sa amin.

Ayoko nang bumalik sa kakarampot lang na kita, na halos hindi magkasya sa pang-araw-araw naming buhay.

“O-Oo naman. Mabait ang mga amo ko at saka masarap,” sabi ko, sinubukang pasiglain ang boses nang hindi niya mahalatang kanina pa ako kinakabahan.

“Masarap? Natikman mo ba?”

“‘Di pa, beh! Soon!” sagot ko’t sabay kaming tumawa.

Nakipagkwentuhan pa ako kay Berting ng ilang minuto. Ang gaga, nasa parlor daw at magpapa-rebond. Shutang iyan! Anong ipapa-rebond niya? Iyong pubic hair niya?

Naputol lang ang kwentuhan namin nang ipatawag ako ni Sir Henry. Kaya kahit kinakabahan, wala akong magagawa kundi ang harapin ito. Kung paaalisin na niya ako dahil lang sa nalaman nung lalaking iyon ang totoo, wala akong magagawa. Alam kong naiipit lang ako sa sitwasyon hindi ko naman ginustong mangyari, ngunit sino ba naman ako para umangal? Mahirap, walang kaya, at walang kalaban-laban ʼpag pera na ang pinag-uusapan.

Ganda lang. Iyan lang ang alam kong laban ko. At saka… Magaling din pala akong mag-BJ! Char!

Lumabas lang ako ng kuwarto matapos kong bumuntonghininga ng halos isang daang beses.

Chapter 23

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 23

\—

A N D R E I

Pagkatapos kong ihanda ang sarili ko sa loob ng kuwarto. Agad na akong lumabas at pinuntahan si Sir Henry sa kaniyang opisina rito kaniyang mansion. Pagdating sa harapan ng pinto’y bumuntonghininga ako ng ilang beses bago kumatok ng tatlong beses.

“You may come in, the door’s open,” sabi nito sa loob. Ngunit hindi ko siya pinakinggan, bagkus ay nag-twerk ako’t kinanta ang sa isipan ko ang kanta ni Toni Fowler na hit ngayon sa social media.

Charut! Baka mas lalo akong mawalan ng trabaho kapag hindi pa ako pumasok. Kaya dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng opisina nito. Bumungad sa akin ang mesa nito kung saan nakaupo si Sir Henry sa isang swivel chair, iyong upuan na kung trip mong paikot-ikutin ay puwede. May hawak siyang itim na ballpen habang may sinusulat sa isang puting papel.

“Sir, pinatawag niyo raw po ako?” bungad kong tanong, hindi na kasi ako makapaghintay pa. Baka kasi nakakaabal rin ako kay Sir. Kaya mas mabuti nang mabilis para mabilis akong makapag-impake’t makalipad na papauwi. Kahit ayaw ko man, ano pa bang magagawa ko?

Ibinababa niya ang hawak na ballpen at saka iniangat ang tingin sa akin. Shuta! Bigla akong nag-pre-cum sa paraan kung papaano niya ako tingnan. Seryoso itong nakatingin pero ang shutanginang pwerte ko’y naglalaway. Charut! Bakit ba ang halay ko? This is not me!

Napansin ko ang paghugot nito nang malalim na hininga. Palalayasin na ba talaga niya ako? No more second chance? Wala man lang konsidirasyon na naipit lang naman ako sa sitwasyong ito? Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang makipagtitigan kay Sir Henry nang matagal dahil baka mabasa pa iyong suot kong Avon na panty na nabili ko sa isa sa mga kaibigan kong bakla sa amin.

“My Dad wants to meet you,” bigla niyang sabi. Napatingin ako ulit sa kaniyang direksiyon nang nagtataka. “I mean, he wants to meet Andrea.”

“Ho? Iyong kapatid ko? Bakit? Ano’ng gagawin ng Daddy niyo sa kapatid ko? Bata-”

“Mr. Arellano, are you still in your mind?” Natigilan ako sa tanong nito. Tumango bilang sagot. Alam ko nasa tamang pag-iisip pa naman ako.

“Bakit po?” tanong ko, may bahid at puno nang pagtataka ang ekspresiyon. Tiningnan lang ako nito ng seryoso at nang mapagtanto ko ang katangahan ko’y bigla akong napaiwas ng tingin. Sabay kamot sa likod ng aking ulo. “P-Pasensiya na po…”

“As I’ve said, my father wants to meet Andrea, my wife,” sabi ni Sir Henry.

Hindi ko alam kung bakit ako kinikilig sa pagtawag nito sa aking ‘my wife’. Pero pinigilan ko na ang sarili ko dahil alam kong pagpapanggap lang lahat ng ito. Napalitan ng kaba iyong panandaliang kilig nang mapagtanto kong gusto akong makilala ng kaniyang ama. Ramdam ko na ang pagiging homokojic ng lalaking iyon. Kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

“N-Natatakot po ako,” bigla kong sabi. Ayaw talaga papigil ng bunganga ko. “Paano po kapag nalaman niyang hindi ako babae?”

Ang dami kong gustong sabihin sa kaniya, pero hindi ko magawang sabihin. May parte sa akin na huwag i-disappoint si Sir. Pero may mas malaki iyong parte na itigil na ʼto dahil trabaho ko ang nakasalalay.

Tumingin ako kay Sir, saktong nakatingin din ito sa akin. Hindi ko maintindihan pero biglang kumalma ang puso ko habang nagkatitigan kaming dalawa. Seryoso lang itong nakatingin ngunit may kakaiba. Hindi ko mawari kung ano iyon.

“Don’t worry. I’ll be always in your side. No matter what…” Nagulat ako nang ngumiti siya. Tuluyan na akong nilabasan. Char!

Ngumiti rin ako at nagpasalamat. Ramdam ko naman ang sinseridad sa boses ni Sir Henry. Kampante na ako roon.

Tatalikod na sana ako upang makakain na. Dzai! Kanina pa ‘ko gutom. Ang dami kasing chika nitong si Sir. Ayan tuloy, nagugutom na ako. Kainin ko siya riyan, e!

“Thank you…” sabi nito.

“Para po saan?” Hindi ko alam kung para saan ang pagpapasalamat nito.

“For helping me and for taking good care of my son.”

Ngumiti ako ng mula sa puso at saka siya sinagot, “Trabaho ko po na bantayan si Senyorito Finley. Trabaho ko rin po na tulungan kayo, ‘di b po dinagdagan niyo sahod ko?”

Tumawa siya nang mahina. Mas lalo tuloy siyang naging guwapo. Mas lalo pang nakakaguwapo ang suot niyang puting long-sleeved at reading glasses sa mga mata. Dadeng-dade ang itsura niya. Kailan ko kaya siya magiging daddy?

Muli na akong nagpaalam kay Sir at mabuti naman dahil hindi na niya ako pinigilan. Gutom na gutom na talaga ako, sis! Nakahinga rin ako nang maluwag dahil kahit papaanoʼy wala pang nakarating na balita sa kaniya na nalaman nung hayop na iyon na lalaki ako.

Dumiretso ako kusina para lang maabutan ko ang mga kasama kong patapos nang kumain. Oo, dzai! Parang ʼdi mga kasambahay ang mga hayop! Si Auntie Dolly, donyang-donyang nakaupo sa dulo ng mesa kung saan ang puwesto ni Sir. Iyong isa, nakataas pa ang isang paa sa upuan habang kumakain. At ang dalawa nama’y abala sa kani-kanilang mga cell phone.

“Aba naman, ang galeng! Bahay niyo? Bahay niyo?” singhal ko na mabilis naman nilang ikinagulat. Napaayos sila ng upo sabay tingin sa akin. Pero nang makitang ako lang ʼto, ang magandang si Andrei Arellano ng probinsiya ng Isulan, Sultan Kudarat. Inirapan lang at saka sila nagsibalikan sa kani-kanilang ginagawa. Aba’y putangingang mga ʼto!

“Kumain ka na lang, ʼteh. Dami mong paandar,” ani ng isang kasambahay na hindi ko matandaan ang pangalan.

Inirapan ko rin siya’t pumunta na sa puwesto. Nakakagutom kasing makipagtitigan kay Sir. Hindi ko naman kasi siya puwedeng kainin dahil hindi pa ako bampira o zombie. Maganda pa lang ako, wala pa ako sa stage na iyon.

\—

Today is the day, ika nga nila sa tagalog na ngayon na nga ang pinakahihintay ng lahat. Pero ako, hindi ito ang araw na hinihintay ko! Dahil ang araw na ito’y ang araw na ayaw kong mangyari.

Muli kaming pumunta sa parlor na pinuntahan namin dati, muling nagpaayos, at muli akong nag-transform bilang si Andrea. Dahil ngayong araw daw ako gustong makilala ng daddy ni Sir Henry. Gusto ko ngang mag-back out dahil isa sa ayaw kong makitang muli ay ang tatay ni sir.

Hindi ko man ito lubos na kilala, ramdam ko nang homokojic na ito. Isa pa, hindi ko pa rin nakakalimutan kung papaano niya itrato si Senyorito noong una naming punta sa mansion nila. Na parang hindi man lang niya itinuring na kapamilya si Senyorito. Hindi naman ito kapuso o kapatid, dahil puro anime pinapanood ng bata. Charut!

Kaya sa tuwing inaalala ko iyon, hindi ko maiwasan na hindi masaktan. Lalo pa’t sa murang edad ng bata, nakakaranasan na siya agad nang kakulangan sa pagmamahal.

“Pak! Ang ganda mo talaga, ‘teh! Parang Ariana o!”

Napabalik ako sa reyalidad nang magsalita iyong baklang nag-ayos sa akin. Tumingin ako sa salamin at nang muling makita ang repleksiyon, ngumisi ako. Totoo ang kaniyang sinabi, ang ganda ko for today’s video!

“True ba? Ariana Grande ang awrahan ko?”

“Oo naman! Oh awra!” Sinunod ko siya. Nag-pose ako sa harapan ng salamin at saka dahan-dahang ngumisi. Para tuloy kaming mga baliw.

“Ay ikaw rin pala, ‘teh! Ariana ang peg mo!”

“True ka ba riyan?” tanong niya.

Tumango ako at saka siya sinagot, “Ariana Granada! Puwede rin Ariana Grandeng tank build!”

Nagulat ako nang paluin niya ako at sinamaan ng tingin. “Tangna mo, bakla ka! Hindi porket may poge kang jowa, gaganyanin mo na ang kapederasyon mo! Tse!” Inirapan niya ako.

“Napakaseryoso mo naman. Wala ka bang rumor sa katawan?”

“Gaga! Tumor iyon! Boba ka ba?”

Mumurahin ko na sana siya ngunit bumukas ang pinto nitong parlor kung saan pumasok si sir Henry. Natigil tuloy kaming dalawa. Humarap ako kay Sir, pero imbes na siya ang magugulat sa ganda ko’y ako ang nagulat sa itsura niya.

Shutacca, sir! Nag-we-wet na naman ako! Buti na lang tatlong panty liner ang suot ko plus napkin na mag wings para lumipad-lipad ang poke ko.

Pinagmasdan ko si Sir. Ibang-iba ang itsura nito ngayon kumpara sa palaging seryoso at baka-three pieces suit na daddy. Maayos ang pagkakaayos sa kaniyang buhok tapos ang labi niya’y mamula-mula na parang naka-lipstick. Bagay rin ang pormahan niyang long-sleeved na hapit na hapit sa kaniyang katawan. Ang poge niya for today’s video at bagay kami.

“You’re stunned. Am I that handsome to you?”

Siniko ako ng baklang katabi ko. Dahilan para mabalik ako sa katinuan. Nandito pa pala ito? Ay, baka pinagnanasahan na nito si Sir.

“A-Ah…” Shet! Hindi ko alam ang isasagot ko. “T-Tara na po? May baklang nagnanasa na rito,” sabi ko at tumayo. Walang hiya ko siyang hinila papalabas ng parlor.

Chapter 24

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 24

\—

A N D R E I

Hindi ko alam kung papaano ko i-ha-handle ang ganda at ang kaba ko sa mga oras na ʼto. Ang lakas-lakas nang kabog ng aking puso na tila ba lalabas na ito sa aking suso. Hindi ko magawang tumingin sa harapan ko, dahil sa hiya at takot na baka makita nito ang tinatago kong kaluluwa.

“Son, do you mind if I ask your girlfriend what their family business?” tanong ng Daddy ni Henry, na ngayoʼy kaharap namin ditong nakaupo sa pahabang mesa sa kanilang kusina, rito mismo sa mansion nila.

Nanginig naman ang kalamnan ko sa naging tanong nito. Shutacca, beh! Bakit sa dinami-rami ng puwede mong itanong ay iyan pang wala kami ng pamilya ko? Anong isasagot ko, na nagtitinda lang ako ng souvenirs na hindi naman mabenta sa probinsiyang pinanggalingan ko. Wala akong maipagmamalaki, bukod sa ganda at medyo katalinuhang taglay lang.

Pero ika nga ni Sir Henry, na siya ang bahala sa lahat. Ngunit bakit hindi man lang ito tumugon sa ama? Nakakatakot pa naman ang titig ng ama nito na kahit seryoso lang, para ka nitong hinuhusgahan.

Humugot ako nang malalim na hininga at saka tapang-tapangang itinaas ang tingin upang salubungin ang titig ng ama ni Sir. Seryoso pa rin ito. Nakuha ko namang pagmasdan ang kaniyang itsura at masasabi kong namana ni Sir Henry ang iilang itsura nito, maging sa kung papaano ka nito tingnan ay kuhang-kuha ni Sir Henry.

‘Malamang, Drei. Tatay niya iyan! Tamod niya ang ipinutok sa bukanan ng ina!’

Hindi ko na pinansin ang mahadera kong isipan at nag-proceed sa totoong pakay ko kung bakit ko tiningnan ang ama ni Sir. Humugot ulit ako nang malalim na hininga at saka pasimpleng ngumiti, na puno lang naman ng kaplastikan.

“Sir, nasabi niyo po na plastik ang tatay niyo?” tanong ko, habang kami ay nasa kotse at patungo na sa kanilang mansion. Sa mansion ng kaniyang mga magulang.

Narinig kong tumawa si Sir Henry na siyang ikinalingon ko sa kaniyang direksiyon. Ampoge, beh! Pati pagtawa ay ang guwapo. Makalaglag vagina pa ang side profile niyang kitang-kita ang matangos na ilong. Ano kaya ang pakiramdam na inaamoy-amoy ka ni Sir?

“Yeah. Makipag-plastikan ka na lang sa kaniya,” sagot niya.

“Mayroon po kaming sariling factory,” sagot ko sa tanong nito nang mapabalik ako sa reyalidad. Matapos alalahanin ang naging usapan namin ni Sir sa kaniyang kotse.

“Factory?” tanong nito, kunot ang noong nakatingin sa akin. “Factory of what, Ija?”

Oo nga. Ano’ng factory ba ang ibig kong sabihin? Factory ng shabu? Ng marijuana? Tapos ako ang drug lord? Shuta! Mabilis nawala ang ngiti sa labi ko at lumingon kay Sir Henry. Sinusubukan kong humingi sa kaniya ng tulong na dugtungan kung anong factory ang ibig kong sabihin. Pero ang hayop, hindi man lang nakuhang lumingon sa akin.

“Drugs,” mabilis na sagot ni Sir Henry na hindi man lang tumitingin sa akin kundi sa kaniyang ama lang. Ako ang girlfriend dito, beh!

Pero sandali, anong sabi niya? Drugs? Shabu sa tagalog iyon ʼdi ba?! Nilalaglag ba ako ni Sir Henry?!

Palipat-lipat ang tingin ko kay Sir at sa Ama nito, gusto ko sanang umalma na hindi shabu ang laman ng factory namin pero malinaw na malinaw na ang sinabi ni Sir Henry.

“Ohh. So your family owns a hospital and you’re in line with family of doctors? Your last didn’t sounds familiar to me.”

Ano raw? Doctors? Kailan pa kami naging doctor?

“A-Ah. Hehe. Yes po. M-Medicine. T-Tama po kayo,” sagot ko na lang. Nasabi na niya. Iyon pala ibig sabihin ng drugs ay medicine para sa mga mayayaman. Pasensiya na, beh! Hindi tayo mayaman.

“That’s good to hear.”

Nakipagplastikan pa ako ng halos isa’t kalahating oras sa ama ni Sir Henry. Mabuti na lang din at nasa tabi ko si Sir Henry na sinasalba ako sa mga kabobohang nagagawa. Natapos lang iyon dahil may tumawag sa ama ni Sir Henry, na mabilis namang nagpaalam sa amin. Nakahinga ako nang maluwag nang mawala na ito sa kusina.

“Haaa! Ang sikip-sikip ng atmosphere, a! Mabuti na lang na-ha-handle ng ganda ko,” bigla kong nasabi.

“Yeah. You’re right. Ang ganda mo,” ang bigla ring sinabi ng katabi ko. Kaya napa-360 degree akong lumingon dito. Hindi siya direktang nakatingin sa akin.

“P-Pakiulit nga po iyong sinabi niyo?” Kunwari’y hindi ko narinig pero malinaw na malinaw kong narinig iyon. Gusto ko lang kompirmahin kung ako ba ang tinutukoy niyang maganda.

At ang shutanginang puso ko, halos magtatalon sa tuwa.

Imbes na sagutin niya ako’y tumayo. “Let’s go home. Baka maabutan pa tayo ng mga kapatid ko’t dagdag pasakit pa sa ulo mo iyon,” aniya.

Aangal pa sana ako dahil nga gusto kong marinig iyong sinabi niyang maganda ako. Pero wala na akong nagawa, nauna na itong lumabas na kusina. Kaya mabilis akong tumayo at nilingon ang mesa. Mabilis kong kinuha ang cup cakes na kanina pa ako tinatakam at saka sinundan si Sir.

“Bro, what are you doing here? Akala koʼy ang bahay na ʼto ang pinakaayaw mong puntahan?”

Natigilan kami sa paglalakad ni Sir at sabay na lumingon dito. Isang matangkad na lalaking may hawak na puting pusa, pababa ito ng hagdan. ‘Kasing tangkad niya lang si Sir. Halos parehas din sila ng features ng mukha ngunit mas matured lang si Sir Henry. Nang makalapit siyaʼy may ngisi nang nakadikit sa kaniyang labi. Parang nakita ko na siya. Ah—tama, noong una naming punta ritoʼy nandito rin siya. Malamang ay isa ito sa mga kapatid ni Sir.

At seswa, ang poge! Sandali. Dito na ba magsisimula iyong pag-aagawan nila akong magkapatid? Pwede namang both! Bakit mag-away pa para lang malasahan ang perlas ko?

“Harold…” mahinang sabi ni Sir. “What are you also doing here?” na agad niyang sinundan ng tanong.

Tumalon ang pusang hawak nito at tumakbo papalayo. Sinundan ko ang galaw ng mga kamay nito. Inilagay niya ang mga kamay sa bulsa ng suot niyang jogging pants. At nang mapadako ang mga mata ko roon, hindi nakatakas sa paningin ko ang bahagyang pagbakat nang itinatagong yaman. Mabilis kong iniangat ang paningin. Shuta! Ang laki ng sawa!

“Binisita ko lang ang mga alaga ko rito. Besides, I’m bored and I want to mess our dad,” sagot ni Sir Harold sabay tawa. “Ikaw, ano’ng pumasok sa isipan mo’t pumunta ka rito? And do you mind introducing this young lady besides you?” Sa akin na ito nakatingin at may kakaiba sa tinging ibinibigay niya.

“She’s Andrea, my girlfriend and Dad asked me to introduce her to him.”

Naglakad papalapit si Sir Harold sa akin at nagulat ako nang inilapit nito ang mukha, sobrang lapit mga bakla! Halos kita na nito ang pores kong kung hindi lang natatakman ng make up ay baka nag-hello na sa kaniya. Tinitigan ako nito, tila ba kinikilatis.

“Mmmm. Andrea…” Umayos siya ng tayo. “Nice to meet you. I’m Harold. Kung iiwanan ka nitong kapatid ko, call me. Akong bahala magpaligaya sa ʼyo.”

“S-Sige–”

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may humawak sa kamay koʼt mabilis akong hinila. Nagulat na lang akoʼt nasa labas na kaming dalawa ni Sir Henry. Nang tingnan ko ang kaniyang ekspresiyon ay masama itong nakatingin sa kaniyang kotse.

“Sir, ayos ka lang po?” tanong ko, “at bakit niyo po pala ako hinila bigla? Nakikipag-usap pa ho tayo sa kapatid niyo,” dagdag ko.

Tumingin siya sa akin. “We’re going home. Pagod na ako,” sagot nito at saka nauna nang pumasok sa loob ng kotse ng hindi man lang ako pinagbubuksan.

Chapter 25

**10K READS & COUNTING… THANK YOU SO MUCH! **

–––––––––––––––

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 25

\—

A N D R E I

Maaga akong nagising ngayong araw. Walang pasok ngayon si Senyorito. Balak ko pa sanang tumihaya na muna pero nakakahiya naman na kasamabahay ako ritoʼt wala man lang ginagawa. Tiningnan ko na muna ang oras sa aking cellphone, alas-sais pa lang nang umaga.

Nag-stretching na muna ako, tumawad, nag-twerk, at nag-split. Nang matapos ako’y agad na rin akong lumabas. Pero bago ako tumungo sa loob ng mansion pumunta na muna ako sa banyo upang magsipilyo at maghilamos. Nakakahiya naman kasi kung kakausapin ako ni Sir Henry tapos ang baho ng bagang ko. Hindi ako katulad ng kaibigan kong si Berting na buong pagkatao niyaʼy malansa.

Agad akong rumampa patungo sa loob ng bahay upang tulungan ang kapwa ko hampaslupa sa paglilinis. Pero nakakapagtaka dahil nang makapasok akoʼy wala pang tao roon.

“Masyado ba akong maganda kaya hindi pa sila nagigising?” tanong sa sarili habang inililibot ang paningin. Walang tao rito sa sala, na kadalasang inuuna naming linisan tuwing umaga.

Nagkibit-balikat na lang akoʼt agad nang kinuha ang mga gamit panglinis. Nagsimula akong magwalis, dahil pinanganak akong mahirap at mamamatay akong magkaka-asawa ng poging mayaman, hindi ko ho alam gamitin ang vacuum kaya hanggang walis na muna. Yes, opo! Walang ganiyan sa bahay, bebs! Kaya bakit natin gagamitin?

Inabala ko na lang ang pagwawalis habang ako’g kumakanta. Hindi naman sa pagmamayabang pero magkasing boses po kami ni Mariah Carey. Pero sikreto lang po natin ito yes opo, baka ma-discover ako ni Kuya ng PPB at gawin pa akong kasamabahay.

“There’s a hero…” Magsisimula pa lang ako sa pagkanta nang may bigla na lang tumikhim sa likuran ko, dahilan para muntikan na akong mapatalon sa gulat. Nandoon na, e! May pakulot epek na sana kaso…

Mabilis akong lumingon dito at napalunok ako nang bumungad sa akin si Sir Henry, nakasuot lang ng maikling shorts na hapit na hapit sa kaniyang mga hita. Walang kahit na suot na damit tapos pawisan pa. Parang ang bango at kay sarap dilaan! Rawr!

Nanginginig ang kamay ko. Pigil na pigil din akong huwag gumawa ng kahalayan sa mga oras na ‘to. Pinagkakasya ko na lang ang sarili sa pagtingin sa pawisan niyang katawan.

“Are you done checking me out, Mr. Arellano?”

Napabalik ako sa reyalidad nang muli siyang magsalita. Mabilis akong umayos ng tayo at pasimpleng pinunasan ang gilid ng labi nang maramdamanan kong naglalaway pala ako.

“H-Ho?” pagmamaang-maangan ko, hindi rin ako makatingin sa kaniya ng diretso. Hindi ko kaya, bebs! Ako’y natutukso, natatakam, at nanghihina. Char!

“Look at me,” utos nito pero ʼdi ko pinakinggan. Sino siya para utusan akong tingnan siya.

‘Boss mo iyan , Drei ! Boss mo. Siya ang nagpapasahod sa ʼyo ,’ eksaheradang singhal sa akin ng isipan ko.

Kaya bilang ipinanganak na masunurin. Sinunod ko ang utos nito. Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya, diretso mismo sa nakakatakam na pawisan niyang katawan. Shuta! Hindi nakalagpas sa paningin ko ang pink nitong utong. Inangat ko ang tingin, dahan-dahan hanggang sa magtagpo ang mga mata naming dalawa. Ang nakakapanghina nitong mga mata, para akong hinihigop.

“Have you ever touched a man’s body?” bigla niyang tanong, na hindi ko halos naintindihan.

“P-Po?” balik kong tanong. Ano ba kasi ang ibig niyang sabihin? Nakakaintindi ako ng english, beh! ʼDi ako bobo! Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit niya ako tinatanong ng ganoon?

“Nakahawak ka na ba ng katawan ng isang lalaki?”

“Naiintindihan po kita… Ang hindi ko maintindihan ay bakit niyo ako tinatanong niyan?”

“Just answer my question, Mr. Arellano.”

Lumunok muna ako nang napakaraming naipong laway, noong ʼ80’s pa ‘to. Napahigpit din a ko ng hawak sa walis at saka umiwas ng tingin.

“O-Opo. Maraming beses na nga,” sagot ko. Nagulat na lang ako nang bigla nitong hawakan ang panga koʼt iniharap ulit ang aking ulo sa kaniyang direksiyon. At, baks, sobrang lapit ng mukha niya. Amoy ko tuloy ang pinaghalong pawis at ang natural niyang amoy. Bigla na naman akong natakam at parang gusto kong gawin sabaw ang pawis ni Sir Henry.

Pero, bebz! ‘Di mo kaya! Ang lapit-lapit namin sa isa’t isa. Nakatitig pa ang itim na itim nitong mga mata sa akin nang deretso. Para akong kinakain ng buhay. At ang buong pagkatao ko ay hindi mapakali. Ang lakas nang dagundong ng puso ko sa mga oras na ito.

“S-Sir, ano po’ng ginagawa niyo?” nauutal kong tanong.

“Who are they?” na siya ring sinagot niya ng isa pang tanong. At hindi ko naman maintindihan kung ano’ng ibig niyang sabihin.

“H-Hindi po kita ma-gets,” sagot ko. Mabuti na lang at nagsipilyo ako kanina dahil nakakahiya na ang lapit namin isa’t isa tapos ang baho ng bunganga ko.

“Sino iyong mga lalaking nahawakan mo ang katawan?” may diin ang bawat letra niyang tanong. Mas lalong lumakas ang kabog sa dibdib ko.

Shuta! Bakit ba kasi ang lapit namin isa’t isa?! Sir, don’t do this to me!

“S-Si Daniel Matsunaga po. S-Sa brochure ng Avon po. Model po siya ng brief doon,” mabilis kong sagot. “M-Mabango pa nga–”

“What? Bakit mabaho ba ako sa tingin mo?” Mas lalo nitong inilapit ang katawan.

Ano ba itong pinagsasabi ni Sir Henry. Hindi kinakaya ng aking vagina ang pangmalakasan niyang tanong! Tapos bakit niya pa ‘to ginagawa? Bakit kailangan niya pang guluhin ang tumbong ko? Hindi ko siya ma-gets!

Shutacca , Andrei! Ipirmi mo ang tingil mo!’

“S-Sir, b-baka po may makakita pa sa atin. Lipat po kaya tayo sa medyo tago?”

Sa sinabi kong iyon ay binitiwan na nito ang baba ko’t lumayo rin siya ng distansya. Nakahinga ako nang maluwag pero ang pagkababae ko’y hindi na natigil, gusto pa raw niya. Pero hindi ko iyon pinahalata, siyempre. Pinanganak ako ng mga magulang kong dalagang pilipina.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Sir Henry. “I-I’m sorry. I didn’t meant to do tha-”

“Okay lang po,” mabilis kong sagot. Napatingin siya sa direksiyon ko. “A-Ang ibig ko pong sabihin, ‘wag niyo na lang pong intindihin iyon.”

‘Bet ko rin naman po. Kahit __ isampal niyo pa ako sa pader at ikulong sa mga braso niyo habang tinatanong ng random questions. Ayos lang!’ sasabihin ko pa sana iyan kaso tinigil ko na, baka isipin ni sir na dati akong pokpok. Hindi po ako pokpok, tindero lang ako ng bracelets sa umaga.

“I-I have to go. Maiiwan na kita,” sabi niya at hindi man lang ako hinintay na makasagot. Mabilis siyang naglakad papaakyat ng hagdan at agad na nawala sa paningin ko.

Naiwan akong parang timang. Ngayon ko lang napagtanto ang nangyari sa pagitan naming dalawa. Napahawak ako sa panga ko, para kasing may naiwang bakas habang hawak ito ni Sir. Tapos… Hindi pa rin nawawala sa pang-amoy ko ang natural nitong amoy. Lalaking-lalaki.

Napunta ang kamay ko sa aking dibdib. Ang lakas pa rin ng tibok ng aking puso. Bakit niya iyon ginawa? Hindi ko talaga siya naiintindihan. Hindi ba niya alam na isa akong sirena, madaling mahulog lalo na kapag poge. Char! Pero seryoso ako, madali akong mahulog, madaling magkagusto. Kaya gulong-gulo ang isipan ko sa ginawa ni Sir Henry.

“Teh, ginagawa mo? Bakit nakatingin ka sa kisame?”

Tumingin ako rito, isa sa mga katulong na may hawak na basahan. Nakakunot ang noo. Ginawa rin nito ang ginagawa ko kanina, tumingin siya sa taas.

Hindi ko na lang siya pinansin at iniwang nakatingin sa itaas. Ang bobo kasi. Sa chandelier kaya ako nakatingin. Isa pa, masyado nang napapahaba ang tayo ko rito. Nakakangalay kaya, hello!


HAPPY HEART’S DAY!! SANA ALL MAY JOWA !

Chapter 26

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 26

\—

A N D R E I

Wala akong ginawa maghapon kundi ang samahan ang demonyito kong amo. Chars! Hindi na siya demonyo ngayon, nabawasan na iyon. Hindi na siya nagsusungit pero tahimik pa rin. Mas mabuti na rin iyon kaysa noong unang Linggo ko rito na wala siyang ibang ginawa kundi ang pahirapan ako. Mabuti na lang, maganda ako kaya kahit ano’ng ginagawa niya’y hindi ako sumusuko.

Kaya ngayon, sobrang close na naming dalawa. Naghahanap nga ako ng tiyempo na utusan itong pumasyal naman kami minsan. Ang boring ng life, beh! Isa pa hindi pa ako nakakapasyal dito sa Manila, kaya lubos-lubusin ko na. Nandito na ako. Nabalitaan ko rin kasi na marami raw pogi sa BGC. Pero hindi ako makahanap ng tiyempo. Kundi ito nagbabasa ng libro, na ang bata pa niya sa lagay na iyan pero kinahihiligan na niya ang pagbasa, at minsan ay nanonood ng television. Tuwing Sabado at Linggo, ganiyan lang ang daily routine naming dalawa. Wala ba siyang friends? Like, yayayain siyang lumabas tapos mag-inom sa bar? ‘Di ba ganoon ang mga kabataan ngayon?

Charut!

Pitong taong gulang pa lang si Senyorito. Saka masungit, kaya walang friends. Pinaglihi yata ito sa sama ng loob noong pinagbubuntis pa siya ng ina, e.

“Senyorito, lalabas lang po ako. Kukuha lang ako ng meryenda,” paalam ko. Hindi siya sumagot. Lumabas na lang din ako baka maimbyerna ako sa pinapanood nitong Hentai na hindi ko maintindihan ang mga sinasabi.

Malapit na akong makababa nang makarinig ako ng tawanan. Kumunot ang noo. Dahil nga, curiosity kills, ika ng mga nakakaraming tsismosoʼt tsismosa sa mundo. Sinundan ko ang ingay. Nakarating ako sa likod ng bahay kung saan naroroon sina Sir Henry, Sir Hunter, at Sir Harold sa swimming pool. Lahat silaʼy nakahubad, bakla! Ang tanging suot lang ay manipis na itim na trunks tapos bakat pa iyong nota roon. Nakatayo kasi sila sa gilid ng pool, nasa gitna si Sir Henry na angat na angat ang ganda ng katawan.

Beh! Ayoko na pala ng meryenda sa kusina. Nandito lang pala sila sa pool. Pero ‘di ko inaasahan na pupunta sila rito sa bahay ni Sir. Buong maghapon kasi kaming nakakulong sa kuwarto ni Senyorito, e.

Nang mapansin kong titingin si Sir Henry sa akin ay mabilis akong nagtago sa malaking flower vase. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng tibok nito.

Shutacca, Drei! Muntik ka nang mahuli sa pamboboso mo.

“Nasaan na ba si Harrison, bakit hindi pa siya dumarating? Tawagan mo nga, Rye.” Boses iyon ni Sir Harold, parang iritable. Siguro dahil hindi pa nga dumarating ang isa pa nilang kapatid? Si Sir Harrison.

“Can’t you see I’m wet? Ayokong mabasa ang mamahalin kong cellphone, baka masira pa. Marami pa naman akong chikababes na naghihintay sa akin.”

“Dude, may tuwalya roon! Will you please use your mind instead of that fcking small dick of yours? Now go, before I lose my temper.”

“Gago! Mas maliit iyang sa ʼyo. Kaya ka nga iniwan ng girlfriend–”

“You two, stop arguing! I’ll go call him first,” narinig kong sabi ni Sir Henry. Bahagya akong sumilip at nakita ko itong naglakad papasok ng bahay.

Mabilis akong umalis doon. Tumakbo ako papunta sa kusina kung saan naabutan ko Auntie Dolly na abala na naman sa pagluluto. Kaya haggard na haggard itong babaeng ʼto dahil sa usok dito sa kusina. Kasama nito ang isa pang katulong, si Maribellat.

“Oh, beh, ba’t para kang hinahabol?” tanong ni Maribell, na nagbabalat ng papatas. Akala ko ba si Sarah ang dapat na magbalat?

“M-May nakita akong mga sawa!” hysterical kong sabi at dali-daling kumuha ng tubig at saka iyon tinunga. Bigla kasi akong nauhaw sa mga sawang nakita ko sa pool area. “N-Na sa pool. A-Ang lalaki!”

“What did you see? Where?” Nagunlantang vagina ko nang pumasok si Sir Henry dito sa kusina, na tanging suot lang ay tuwalya upang maging pantakip sa bumabakat niyang nota sa trunks nito.

“Sir, may ahas daw po siyang nakita sa may swimming pool. Nagdala ho ba si Sir Harold ng mga alaga niyang ahas?” pakialamerang tsisomang walang pakundangang bunganga ni Maribellat. Sarap i-stapler ang bibig ng babaeng ‘to.

Tumingin ako kay Sir pero mabilis ding umiwas ng tingin. Shuta talagang Maribellat ito! Mamaya ka sa aking babae ka! Ang bobo, ‘di makaintindi ang hayop! Char!

“No. He didn’t. Where did you see the snakes, Mr. Arellano?”

“M-Mali lang po sila nang pagkakarinig, Sir. Sawadeeka po nakita ko kanina. O-Opo, sawadeeka!” Ginaya ko pa ang mga Thai kung papaano sila bumati. Tumingin ako kay Auntie Dolly. “Te, gusto raw po pala ni Senyorito nang meryenda. Pakihatid na lang po,” sabi ko rito at mabilis na umalis doon.

Nagmadali akong umakyat pabalik sa kuwarto ni Senyorito Finley. Pero huli na nang makarating ako roon dahil nakasuot ito ng swimming trunks na kulay asul at may goggles o googles? Char! May goggles pa siyang suot at salbabida-bidang hawak sa kamay. Sandali, kailan pa nito naisipang mag-swimming?

“S-Saan punta mo, beh?” tanong ko, naguguluhan kasi ako. Kanina’y prente lang itong nakaupo nang iwan ko habang nanonood ng Hentai. Tapos ngayon, ano na namang trip ng batang itez?

“Daddy told me to join them today. Isn’t that fun, Yaya? Makakasama ko sina Tito Harold, Tito Hunter, at Tito Harrison!” sagot niya, kita ko naman sa mga mata niya ang saya.

Siguro hindi nito madalas kasama ang mga Tito. Hindi rin niya close. At ngayon nga na isasama siya ng Daddy niya’y tuwang-tuwa siya. ‘Wag ko kayang palabasin para naman maiyak siya? Char!

“Let’s go na po! I want to learn how to swim!” dagdag pa nito at mabilis na lumabas sa kaniyang kuwarto. Wala akong nagawa kundi ang sumunod patungo sa swimming pool.

“Hey, buddy!”

“H-Hello po,” sagot ni Senyorito sa kaniyang mga Tito, nahihiya.

“Mukhang nahihiya ka pa sa amin. But don’t worry, we’ll get to see each other more often.” Ngumiti si Sir Harold sa bata at saka ginulo ang buhok nito. Nang tumingin siya sa direksiyon ko’y kumunot ang noo. “You must be his Yaya?”

Tumango ako at saka umiwas ng tingin. Hindi pa pala ako nito nakikilala. Ang isa ko lang na katauhan. Doble kara ka, beh? Pero papaano kung makilala niya ako?

“You look familiar. Nagkita na ba tayo rati?” tanong pa nito, hindi pa rin nawawala ang titig.

Shet! Mukhang namumukhaan niya ako. Hindi ko ‘to napaghandaan. Anong isasagot ko? Kung puwede lang lumipad, kanina ko pa ginawa. Nasaan ba kasi si Ding!

“Stop messing my maids, Harold.” Nakahinga ako nang maluwag nang dumating si Sir Henry. Pero panandalian lang iyon dahil biglang tumabi sa akin Sir Henry. “Pumasok ka na muna sa loob, Mr. Arellano. Help manang Dolly,” dagdag nito.

“Tss. Boring mo naman, dude!”

Hindi na ako sumagot. Umatras ako’t tumalikod. Mas mabuti nang makaalis na muna ako roon baka hindi ako makapagpigil. Char! Busog na busog na kasi ang mga mata ko sa naggagandahan nilang katawan.

“Have you called Harrison? Where is he?” narinig kong tanong ni Sir Hunter. Kaya binagalan ko ang paglalakad upang marinig ang sagot ni Sir Henry.

“He didn’t pick up the phone,” sagot ni Sir.

“Maybe, he’s too busy? Kilala niyo ang lalaking iyon. Wala siyang ibang ginawa kundi ang magtrabaho nang magtrabaho. What’s wrong with him?” bigla ring sabi ni Sir Harold.

Tuluyan na rin akong nakapasok sa loob ng bahay. Dumeretso ako sa kusina dahil may babae pa akong pakukuluin sa kalan nang tatlong oras ang itatagal. Tingnan ko lang kung hindi mabubura ang bibig ni Maribellat ʼpag pinakuluan ko siya.

NOT AN UPDATE

Hello, Buddies!
This is not an update .

Promote ko lang po ang to be published book ko under PaperInk Publishing House. Limited copies lang po ang ilalabas ng publishing.

Kung naaalala niyo po sina Michael Angelo at Lance Vincent, ito na po sila. Completed po ito sa book version. Pinaikli at edited din po ang buong kwento. Affordable at marami pa pong freebies na kasama.

THANK YOUU SA LAHAT PO NG SUPORTANG INYONG IBINIBIGAY!

ONE LAST CHANCE
[TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE]

BOOK DETAILS

\- P269.00 + SHIPPING FEE
\- GLITTERY MATTE BOOK LAMINATED
\- ANTI-SCRATCH BOOK COVER
\- SOFT CREAM PAPER
\- 4” × 6.25” BOOK SIZE
\- SOFTBOUND PAPERBACK

INCLUSIONS

\- BOOKMARK
\- POSTCARD
\- BUTTON PINS
\- KEYCHAIN

How to order?

1\. Kindly send the publishing house or the author a private message for more information about the pre-order and the book.

2\. Once settled with the information, you can now proceed by making reservations or by purchasing the book right off the bat. STRICTLY PAYMENT FIRST!

3\. Make sure to have a receipt of your payment to confirm your order. After paying, you can now proceed in answering the ORDER FORM (link in the description). NO FILLED-OUT FORM, NO BOOK!

4\. Be wary of the pre-order cut-off period. Check whether or not it’s extended or if it already ended. Orders after the pre-order period will not be entertained.

5\. Once finished, you can now wait patiently for the arrival of the books within 1 - 2 months. Be sure to follow us on our Facebook page for updates.

You can message me on my facebook account JAIME **** KAWIT to order.

Chapter 27

THE RUTHLESS DADDY

CHAPTER 27

**
**

\—

**
**

A N D R E I

**
**

Nakakainis talaga! Kung kailan gusto kong matulog nang mahimbing ay saka naman ako gagambalain ng isang belat dito sa mansion. Balang araw ay magagantihan ko rin ang babaeng ‘to. Bumangon na lang ako’t pabagsak na binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ng Belat na nakataas ang mga kilay na drawing lang naman. Ang kapal din ng kaniyang foundation at ang lipstick na ginamit niya’y mukhang expired na.

Masama ko siyang tiningnan.

“Bakit?” mahinahon kong tanong pero sa loob ko’y gusto ko na siyang sabunutan.

“Magtatanghali na po, Senyorita. May pasok po ang alaga niyo ngayon,” sabi niya, may ngising nakakainis sa kaniyang labi. Doon ko lang din naalala na Lunes na naman ngayon at may pasok nga pala si Senyorito. Lutang ba ako? Akala ko kasi’y gabi na. Yawa kasing mga sawa ‘yan! Buong linggo kong inisip na sana’y mahawakan ko sila.

“Ba’t ngayon mo lang sinabi, panget ka!”

“Aba! Wala ka bang self initiative, beh? Lutang ka ba?”

Inirapan ko na lang siya’t hindi na sinagot. Malay ko ba sa sinasabi niyang self initiative, absent ako noong itinuturo iyan. Isinarado ko na lang ang pinto at muling pumasok sa loob. Tiningnan ko ang oras at malapit na nga palang ma-late si Senyorito sa klase. Kaya imbes na maligo pa ako’y mabilis akong nagpalit ng damit at saka nag-spray ng pabango sa buong katawan ko.

Lumabas ako ng kuwarto at saka tinungo ang kusina. Kung saan naroroon na sina Senyorito at Sir Henry na nag-aagahan. Mga pashnea! Hindi man lang ako hinintay, parang ‘di kami pamilya, a! Chariz. Ngumiti ako pagkakita nila sa akin.

“Mmm! What’s the smell?! Ang baho!” biglang sabi ni Senyorito. Kumunot tuloy ang noo ko’t inamoy-amoy ang paligid. Ngunit wala naman akong naaamoy na mabaho. Tumingin ako kay Mirabel na tahimik lang sa gilid habang may hawak na pitsel ng tubig, naghihintay na humingi sa kaniya sina Sir ng tubig. At as usual, ang kapal talaga ng foundation ng Belat na ‘to.

Muli akong tumingin kay Senyorito.

“Wala naman po, Senyorito. Baka po iyang bunganga niyo-” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang tumingin ito sa akin, iyong tingin na nakakamatay. Aba! Akala ko ba ‘di na ‘to Angry birds sa akin? “A-Ang ibig ko pong sabihin, baka iyong bunganga ni Mirabel ang naamoy ninyo. Hindi po kasi siya nagsipilyo,” pagtatapos ko.

Hindi na lang ito sumagot at nagpatuloy sa pagkain. Sumulyap ako kay Sir Henry at tahimik lang din ito. Ang poge niya talaga. At, ngayon ko lang din napansin na ibang kulay ng formal attire ang suot niya kumpara sa mga nakaraang suot niya tuwing siya ay pumapasok. Itim kasi ang palagi niyang suot, na bagay na bagay naman kasi talaga sa kaniya. Lalo pa’t parang itim din ang nagpipresinta sa ugaling mayroon siya. Ngayon kasi ay kulay abo ang kaniyang suot. Bagay naman sa kaniya, lahat na halos ng isusuot niya’y bagay pero pakiramdam ko mas bagay ‘pag walang suot. Chariz!

“Gaga kang baklita ka. Ikaw iyong tinutukoy ni Senyorito na mabaho!” bulong ng katabi kong si Mirabel. Pigil niyo ‘ko, kakalbuhin ko ‘tong babaeng ito.

Taas kilay akong lumingon sa kaniyang direksiyon. Ang lakas ng loob niyang mambintang nang mabaho samantalang amoy na amoy ko ang bulok niyang bagang na may nakasabit pang malunggay.

“Wag kang mambintang, wala kang proweba. Sampalin kita ng hawak mong pitsel diyan,” pagbabanta ko. Pasalamat siya dahil kasama namin mga amo namin baka pinag-untog ko na mga bungo nila nina Aunti Dolly na kanina pa nakatingin kay Sir Henry.

“Hmp! Totoo naman kasi, hindi ka nga-” Hindi na nito natapos ang sasabihin sana niya nang ambahan ko siya ng suntok. Chariz! Tumayo na kasi sina Sir at Senyorito na ibig sabihin ay tapos na silang kumain at aalis na kami, malamang, ang bo–Inirapan ko na lang si Mirabel at saka sumunod na sa dalawa papalabas.

Kinuha ko muna ang mga gamit ni Senyorito sa kaniyang kuwarto, binalikan ko naman ang lunch box niyang kadalasan ay ako ang nakakaubos dahil hindi naman siya mahilig kumain sa school. Lumabas na rin ako at pumasok sa loob ng kotse nang makalapit ako rito. Taas noo akong naupo roon.

“I still smell that bad smell!” inis na namang turan ni Senyorito. Hindi ko na lang pinansin, maging si Sir Henry ay hindi rin ito pinakinggan pero may kinuha siyang parang bote na ini-spray sa loob ng kotse.

Kumunot ang noo ko. Hindi na lang ako nagtanong nang maamoy ko ang hangin sa loob, ang bango. Air freshener. Manakaw nga ‘yan minsan tapos papadala ko sa probinsiya, marami rin kasing mabaho roon. Isa na si Berting na polusyion sa probinsiya namin. Marami ding mga tsismoso’t tsismosa, ‘pag ini-spray-an ko ba ang mga bibig nila ng air freshener ay babango ang sasabihin nila sa kapwa nila?

Malamang hindi. Kahit ano pang mabango ang ibuhos mo sa mga bibig nila kung gusto nilang siraan ang kanilang kapwa.

Pinaandar na ni Sir Henry ang kotse’t agad din kaming umalis at tinungo na ang school ni Senyorito.

\—

Dahil nga wala namang saysay para manatili ako sa labas ng classroom ni Senyorito. Nakakangalay rin kasing halos dalawang oras akong nakaupo roon at nakikita ko pa iyong mga kasama kong Yaya. Kaya naman na ni Senyorito sarili niya, binilinan ko rin na ‘wag siyang aalis doon kapag hindi pa ako nakakabalik. Napag-isip-isip kong maglakad-lakad at maglibot-libot na muna rito sa school. Malawak ang school na ‘to dahil na rin sa isa itong University.

Malayo na rin ang nakalakad ko’t hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa campus ng college na katabi lang ng Elementary at day care. Tiningnan ko ang mga buildings na nakikita ko. Sa bawat buildings ay may nakasulat doon kung anong department sila. Napunta ako sa building ng Engineering, dito kasi ako dinala ng mga sarili kong paa. May iilang estudyante akong nakikita, na abala sa kanilang mga school works.

Ilang hakbang pa ang nilakad ko ngunit natigil ako nang may nakita akong lumabas sa isang classroom, isang demonyong kinakatakutan ko. Tumalikod ako upang sana’y bumalik na sa classroom ni Senyorito dahil ayokong magtagpo na naman kaming dalawa. Baka tuluyan pa akong mapalayas ‘pag nalaman ito ni Sir Henry.

“Andrea?” Nanindig ang balahibo ko sa narinig. Shuta! Papaano niya ako napansin?! Hindi ako lumingon, mabilis akong naglakad hanggang sa makarating ako sa dulo ng hallway kung saan walang katao-tao akong nakikita. Lalabas na sana ako sa building na iyon nang may biglang humawak sa braso ko.

“Rape! Rape!” ang lumabas sa bibig ko’t nagpumiglas ngunit mahigpit ako nitong hawak at kinaladkad sa likod ng building kung saan tanging mga naglalakihang mga puno ang naroroon. Sinubukan ko pa ring pumiglas sa pagkakahawak niya’t mabuti na lang ay binitiwan niya ako.

“What’s that smell?” bigla nitong sabi, kaya natigilan din ako sa pagbabanta kong makaalis na roon. Inamoy ko ang paligid, wala talaga akong naamoy, maliban sa pabango niyang ang bango-bango. “Ikaw ba ang naamoy kong mabaho?”

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa kaniyang tanong. Kapal naman ng mukha niyang sabihan akong mabaho. Para sa kaalaman niya, malapit lang ang bibig sa ilong. “Kapal naman ng mukha mong sabihan ako niyan! Naligo ako—”

“When did you take a bath?” tanong niya, feeling close talaga.

Inalala ko kung kailan ako naligo. “N-Noong n-nakaraang Linggo p-pa yata? At saka, bakit ba?! Close ba tayo! Andrea ka nang Andrea, hindi naman ‘yan pangalan ko. Ang bobo, a!” inis kong turan at saka siya tinalikuran, babalik ako sa alaga ko.

“Wait. Alam kong ikaw at si Andrea ay iisa. Don’t you know that my parents are gay haters? What if I tell them that Henry’s girlfriend is actually gay?”


Pabitin ba?! Siyempre naman. char!

ONE LAST CHANCE PRE-ORDER IS STILL AVAILABLE(269 + SHIPPING FEE).

GRAB A COPY NOW!

Chapter 28

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 28

A N D R E I

-

Ang buhay ay parang tite, minsan matiga, minsan ay malambot. At ang buhay ko ngayo’y titeng matigas! Ang hirap! Chariz!

Bakit ba kasi nandito itong alipunga na ‘to sa buhay ko? Ang daming eskwelahan sa mundo, rito pa sa Unibersidad De Dolyares pa siya naglakwatsa? Puwede namang sa ibang bansa o sa ibang planeta. Huwag lang dito kung saan ako gandang-ganda sa sarili ko.

Masama ko siyang tinitingnan habang abalang sumisimsim sa kapeng in-order niya. Mabulunukan ka sanang hinayopak ka! Dinala ako nito sa cafeteria ng school. Magkaharap kaming dalawa. At kanina pa ako nito pinagsasabihan na maligo raw ako pag-uwi. Sino ba siya? Huwag niya akong mautos-utusan dahil hindi siya ang amo ko.

“Don’t look at me like that. Pakiramdam ko’y pinapatay mo na ‘ko sa isipan mo,” sabi nito. At, papaano niya nalamang pinapatay ko na nga siya sa isipan ko? Dati ba siyang manghuhula sa may labas ng simbahan?

Isa pang nakakainis sa kaniya’y mahinahon ang boses niya. Para bang may lambing ngunit mapang-asar. At sa tanang buhay ko, siya ang pangalawa sa nakakaasar na tao sa mundo na nakilala ko. Una kasi ay si Berting, makita ko lang ang butanding na iyon ay naasar na ako. Wala na kasi siyang ibang dinala sa buhay ko noon kundi problema. Kung hindi mangungutang, mamalasin niya ang paninda ko.

“Ganito ako tumingin! At saka, bakit ko ba ako dinala rito? Hindi mo pa ako ino-order-an ng makakain man lang!” inis kong sabi at mas lalo siyang sinamaan ng tingin.

Tumawa siya. Ibinaba ang kapeng iniinom. Ang init sa labas, nagkakape siya? Aba’y pinoy nga talaga itong shutaena na ‘to.

“I asked you if what food you want but you didn’t answered me.”

Aba! Ang kapal ng mukha niyang sisihin ako? Wala ba siyang initiative? Chor! Nakuha ko lang iyang bagong salita kay Belat. Pagkukusa pala ibig sabihin nun. Pero iyon nga, sana nagkusa na lang siyang bilhan ako. Nagugutom na kaya ako. Hindi ko pa naman dala iyong lunch box ni Senyorito na minsan ay ako ang nakakaubos ng laman.

Iniabot ko ang palad ko sa kaniya. “Akin na pera, ako na lang bibili,” sabi ko. Mas lalo itong tumawa at mas lalo akong nainis.

“Wala ka bang pera?”

“Mayroon pero dinala mo ‘ko rito, kaya ikaw ang dapat gumastos.” Ngumisi ako. Ano’ng akala niya sa akin? Bobo? Mautak akong tao, maparaan, mapanlinlang, at siyempre maganda.

Napapailing siyang inilabas ang wallet at saka bumunot doon ng dilaw na salapit at saka iyon iniabot sa akin. Kinuha ko naman at saka na tumayo. Tinungo ko ang counter. Wala pa naman masyadong mga estudyante rito dahil may klase pa sila ngunit may iilang nandito na mukhang nag-cutting class. Tumingin ako sa harapan kung saan isang babaeng may manipis ang kilay at pulang-pula ang labing nakatingin sa akin.

Tinaasan niya ako ng kilay. “Bago ka rito?” tanong nito.

Tumaas din ang kilay ko. Ano siya lang puwede magtaray? ‘Wag ako! Baka mawalan siya ng kilay.

“Pakialam mo? Gawin mo trabaho mo. Isa kang spaghetti, macaroni, at grahams cake,” sabi ko sabay abot ng pera. “At softdrinks. Bilisan mo, ipapasisante kita.”

Napangisi ako nang mabilis itong kumilos. Dapat lang! Trabaho niya iyan. Nang makuha nito ang mga binili ko, iniabot niya ito sa akin. Agad ko namang kinuha ngunit hindi pa ako umaalis. Iniabot ko ang palad ko sabay taas ng kilay. Baka nakakalimutan nitong limang daan ang pera ko’t may sukli pa iyon?

“Hindi ka ba na-inform na walang sukli-sukli rito, keep the change always,” sabi nito. Hindi ko siya sinagot. Nanatili ang kamay ko sa ere. “Bago ka lang dito–”

“Gusto mong sampalin kita ng magkambal tuko? Sukli ko o buburahin ko iyang kilay mo?” sabi ko na nagpatigil sa kaniya sa pagsasalita. Mukha namang natakot kaya’t dali-dali nitong ibinigay sa akin ang sukli. “Marunong ka naman palang umintindi. ‘Wag mo ‘kong aangasan.” Ngumisi ako at saka siya iniwang tulala.

Hindi ako tanga para malamang niloloko lang niya ako. Dati na rin akong naging taga-bantay ng canteen sa eskwelahan sa probinsiya at walang ganoong sistema sa isang private school. Sampalin ko siya ng tray sa mukha, e.

Bumalik ako sa puwesto ko’t saka sinimulang kainin ang binili ko. Kanina pa kasi ako nagugutom dahil hindi ako nakapag-agahan kaninang umaga.

“Hindi ka ba pinapakain ni Henry?” Tumigil ako sa pagsubo at nilunok muna ang laman ng bibig ko. Uminom ako ng softdrinks at saka tumingin sa kaharap ko. Nandito pa pala itong siraulong ‘to?

“Pakialam mo? At sino ka ba,” inis kong sabi.

“Y-You didn’t know my name?” gulat nitong sabi. Malamang! Kumunot ang noo ko.

“Hindi ka naman tanga ano?”

Tumawa siya. “Yeah. Hindi pa pala ako nagpapakilala sa ʼyo ng pormal. I’m Marlou by the way,” sabi niya. Iniabot niya ang kamag tanda nang pakikipagkamay sa akin.

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko’t pinagmasdan siya. Marlou? E, ‘di ba may pinipig iyon sa mukha? Chariz! Pero, hindi bagay sa kaniya ang pangalang Marlou. Dapat, Pakyo.

“Bakit ganoon?” biglang kong sabi. Hindi ko pa rin inaabot ang kamay niya. “Hindi mo naman kamukha si Marlou na ngayo’y Xander na.”

Tumawa siya. Binawi na nito ang kamay dahil mukhang nangalay na. “You’re funny! I like that,” sabi niya.

Pero pasensiyahan na’t ako’y hindi ko siya bet. Para lang ang poke ko kay Sir Henry. Umirap ako at tumingin sa labas, para lang magulat nang makakita ako ng isang nilalang na matalim na nakatingin sa amin. Kasama nito si Senyorito at pati si Senyorito Finley ay masama ring nakatingin. Shuta! Nakalimutan ko, may binabantayan pala akong bata.

Tangina!

Sisisihin ko na lang itong si Marlou na kinaladkad ako rito. Ipapapulis ko rin siya dahil pangbabanta nito sa buhay ko at sa trababo.

Tumalikod sina Sir Henry at Senyorito. Naglakad na sila papaalis. Sunod-sunod akong napalunok. Pakiramdam ko kasi’y nagtaksil ako sa pamilya ko. Chariz! Pero parang ganoon nga na mas malala pa roon. Gusto kong magpalamon sa lupa dahil sa kaba at takot.

Tumingin ako kay Marlou na malayong maging kamukha nung kilala ko sa social media na kumakanta ng theme song ng bonakid. Sinamaan ko siya ng tingin na ikinakunot ng kaniyang noo. Wala akong sinabi bagkus ay tumayo ako’t mabilis na umalis doon. Kailangan kong sundan sina Sir Henry dahil ‘pag hindi ko iyon ginawa at nanatili roon, baka mawalan ako ng trabaho.

“Hey, wait!” Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ito. Sumunod pala ito sa akin.

“Ano?!” inis kong turan. Hindi ba niya nakitang nagmamadali ako? Common sense naman!

“I didn’t know your name yet,” aniya. Tangina! Sinundan lang pala ako para diyan. Sana in-add na lang niya ako sa social media para updated siya sa buhay kong hayop siya.

“Andrei. Happy na? Kailangan ko nang umuwi, dahil malapit nang mag-alas dose mag-ta-transform na akoʼt babalik na sa dati kong buhay!” sabi ko na ikinatawa lang niya’t tumango.

“See you around, Andre-i.”

“Bwesit! ANDREI KASI, GINAWA MO PA AKONG RAPPER!”

“Fine,” sabi nito’t tumawa na naman.

Hindi ko na sinagot at agad na akong nanakbo para sundan ang mag-ama ko. Bumalik ako sa classroom ni Senyorito ngunit wala na akong naabutan doon kundi si Sir Saul na nagjajako-choss, nag-iimpaki ng kaniyang mga gamit.

“Oh, Andrei. Nariyan ka lang pala. Kanina pa nakaalis si Finley. Where have you been? He is looking for you.”

“Sino hong kasama?” tanong ko, kahit na alam ko naman. Wala lang gusto ko lang makausap si Sir Saul na pogeng-poge sa polo niyang hapit na hapit sa kaniya. Sir, paluin mo ‘ko sa pwet dahil noisy ako.

“Mr. Alcantara picked him up,” sagot nito.

“Sige po, Sir. Salamat!” Hindi ko na hinintay lang pigilan niya ako para mag-usap pa dahil agad akong umalis doon. Mukhang hindi pa sila nakaalis ng parking lot kaya roon ako pumunta pero hinanap ko ang kotse ni Sir Henry, wala. Wala akong nakita.

Patay talaga! Hindi ko mapapatawad ang lalaking iyon ‘pag ako nawalan ng trabaho. Hahanapin ko siya sa impyerno kapag namatay kami.

Ano ngayon ang gagawin ko? Magdasal kaya muna ako bago umuwi? Sigurado naman akong pagagalitan ako dahil sa ginawa kong pang-iiwan sa alaga ko. Pero ano pa bang magagawa ko, kundi ang umuwi. Sumakay na ako ng taxi dahil sapat naman na pera iyong sukli ng pera ni Marlou para ipambayad. Nagbabakasakali ring ako ang mauuna sa mag-ama.

At habang nasa kotse, inihahanda ko na rin ang sarili ko sa mga bagay na haharapin ko. Taimtim akong nagdadasal sa bathala ng mga baklang magaganda tulad ko na ‘wag akong pabayaan.

Sana nga…

Chapter 29

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 29

A N D R E I

-

Habang nasa sasakyan ako, ang dami ko nang dasal na nabanggit. Pati yata dasal ng demonyo’y binubulong ko. Pero hindi pa rin ako tinatakasan ng kaba. Ang bilis pa rin ng kabog ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan, o alam ko na sa una pa lang ang dahilan pero natatakot lang akong aminin.

Pero sige na nga, dahil mapilit kayo’y sasabihin ko na. Natatakot akong mawalan ng trabaho. Hindi ako natatakot na mapagalitan ni Sir Henry. Ayos nga lang sa akin kung parusahan niya ako. Ayos lang! Kahit na palu-paluin pa niya ako sa puwet o sakal-sakalin. Ayos lang!

Chariz!

Pero iyon na nga mga bebs, takot akong mawalan ng trabaho. Nandito na ako e. Maganda na ang trabahong nakuha ko. Malaking tulong sa pamilya ko sa probinsiya. At, kapag nawala ito, saan ako pupulutin? Wala pa naman akong perang naitatago dahil ipinadala ko lahat sa probinsiya. Kung tatanggalin ako ni Sir – na sana’y hindi niya gawin – pero mukhang iyon naman talaga ang kahahantungan ng lahat.

Ayokong isipin. Kinuha ko na lang ang cellphone ko sa bulsa at nagulat ako nang makita kong halos abutin ng isang daan ang missed calls sa notification ko. At lahat ng iyon ay galing sa iisang tao, kay Sir Henry.

Shutaena!

Hindi ko naramdaman. Naka-vibrate naman ito at malakas – na parang vibrator ni Auntie Dolly na aksidente kong nakita sa kaniyang kuwarto no’ng nakaraang linggo.

Bumuntonghininga ako. Paano ko nga pala mararamdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko kung naka-costume ang ringtone nito – na napunta pa kay Sir Henry ang mute.

Ang bobo, Andrei!

Tse! Dinedma ko na lang ang eksaheradang isipan ko’t binuksan ang twitter. Manonood na lang ako ng bold para mawala sa isipan ko ang posibleng kahihinatnan ng buhay ko pagdating ko sa bahay.

“Hoy!”

“Ay titeng daks!” Mabilis akong lumingon dito dahil sa gulat. Sinamaan ko ng tingin iyong driver na nakatingin sa rare view mirror. “Ano ba, kuya! Bakit ka nanggugulat diyan. Kita mo nang nanonood ako e!” inis kong sabi.

“Gago! Ang lakas ng volume niyang pinapanood mo!” aniya.

Bigla akong natauhan dahil sa sinabi niya. Ngayon ko lang din nakita na naka-full volume pala iyong pinapanood ko. E si Blake Mitchell pa naman at iyong jowa niya ang nasa screen. Shet! Nag-init ang pisngi ko at saka mabilis na ibinulsa ang cellphone ko.

“H-Huwag mo na lang po intindihin iyon. P-Prank po ng kaibigan ko,” sabi ko at pekeng tumawa. Napakamot ako sa likod ng ulo ko dahil sa kahihiyan. Bwesit kasing Marlou na hindi naman kamukha ni Xander Ford iyon! Sana madapa siya at mabagok ang ulo.

Tumawa si Manong driver. “Ayos lang bata, paborito ko rin naman iyan,” aniya sabay ngisi. Muli na ring pinaandar ang kotse nang mag-green light na ang traffic lights.

Gulat at hindi agad nakasagot. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay nina Sir Henry. Kaya dali-dali kong kinuha ang sukling nakuha ko sa pera ni Marlou kanina at saka iyon iniabot kay Manong Driver.

Lalabas na sana ako nang pigilan ako nito. Lumingon ako ritong nakakunot ang maganda kong noo.

“Kulang itong bayad mo, limang daan dahil halos isa’t kalahating kilometro ang layo nitong bahay mo.”

Tumaas naman ang kilay ko sa narinig. “Kapal–”

“Wag na maarte, bebs. Mahal na gasolina ngayon.”

Padabog kong kinuha ang wallet ko. Pasalamat siya may sapat pa akong pera dito. Iniabot ko iyon sa kaniya at saka lumabas ng kaniyang taxi. Agad ding umalis ang taxi. Tumingin ako sa mansion at muli na namang akong tinubuan ng kaba. Sana huminog na ‘tong kaba para mapakinabangan ko.

Bumuntonghininga ako. Ihahanda ko ang sarili ko. Kung ano man ang ibibigay na parusa ni Sir – sana spanking na lang para may pleasure. Char! Pero kung ano man ang ibibigay niyang parusa, tatanggapin ko, ano pa nga ba?

-

Pagpasok ko pa lang ay ang panget na mukha ni Mirabel ang bumungad sa akin. At ang gaga, nakangisi sa akin habang nilalapitan ako bitbit ang walis at dustpan.

“Hala ka, baks! Lagot ka talaga,” sabi niya. Gustuhin ko mang burahin ang pagmumukha niya sa mundong ʼto pero hindi ko ginawa. It’s such a waste of time! Char, tama ba grahams ko?

Tinaasan ko siya ng kilay. Kunwari ay unbothered queen ako pero ang totoo niyan, kabado na ako sa mga oras na ito.

“Pake ko?” Inirapan ko siya’t nilampasan.

“Mr. Arellano.”

Didiretso na sana ako sa kusina nang mapatigil ako sa paghakbang dahil sa boses na iyon. Mariin at tila ba may itinatagong hagupit sa kaniyang boses. Ayokong mang lumingon pero iyon puwede. Lumunok muna ako ng laway dahil bigla akong tinayua–natuyuan po! Yes opo! Nanuyo ang lalamunan ko.

Dahan-dahan akong lumingon dito. Nagsalubong ang mga mata naming dalawa. At agad kong nasilayan ang tila ba mata ng leon sa kaniyang mga mata – na handa nang lapain ako ng buhay. Muli akong napalunok. Dumoble, hindi, triple na yata ang bilis ng tibok ng peste kong puso dahil sa takot.

“Sir–” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang tumalikod ito at humarap sa hagdan.

“Follow me,” malamig niyang sabi at umakyat sa taas.

Napalunok na naman ako. Takot ako sa mga oras na ito pero ang peste kong malanding pagkatao, hindi na naman mapirmi’t nakuha pang pagmasdan ang kabuuan ni Sir Henry.

Shuta ka, bakla! Ang landi mong hayop ka.

Dahil ayoko pang mawalan ng trabaho. Agad akong sumunod kay Sir Henry. Pumasok ito sa kaniyang opisina. Pagpasok ko roon ay nakaupo na siya sa kaniyang swivel chair at ang bilis naman yata niyang nahubad ang suot na suit kanina. Ang natitira na lang ay ang dark blue necktie na pasimple niyang niluwagan at isang puting long-sleeved.

Bakit kahit nakakunot ang noo niya’t masama siyang nakatingin sa akin ay ang poge pa rin? Masyado naman siyang binigyan ng atensiyon ng Diyos para gawing perpekto.

“What did I told you the first time you entered my house and accept the job?” mahinahon ngunit ramdam ko ang diin sa bawat salitang kaniyang binigkas.

Hindi ako nakasagot. Wala akong maisagot. E kasi naman beh, hindi ko na maalala kung ano’ng sinabi nito sa akin. Kailangan ko pa bang mag-flashback para alalahanin iyon?

Umiwas ako ng tingin. Nakakatakot kasi ang mga mata ni Sir.

“H-Hindi ko po matandaan.”

S ana pala nag-take note ako, hindi ko alam na may exam pala akong kahaharapin. E ‘di sana nakapag-study ako.

“I told you to take care of my son, but what did you do? Trabaho ang pinunta mo rito, hindi paglalandi!”

Nagulantang ang kepyas ko sa sinabi niya. Alam kong tama ang sinabi nito – na trabaho naman talaga ang pinunta ko rito. Pero iyong huli, parang hindi makatarungan. Bigla akong nasaktan.

Napatitig ako sa kaniya, deretso sa kaniyang mga mata. Pero agad din akong umiwas. Yumuko ako.

“H-Hindi ko po sinasadya. At mali rin po kayo ng iniisip. Hindi po ako nakikipaglandian,” sabi ko.

“You’re not? Pero kung makapag-usap kayong dalawa, parang walang mga taong nakatingin sa inyo.”

Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga sinasabi nito. Wala rin naman siyang kodigo na itinatago. Mas lalo tuloy akong naguluhan sa sunod nitong sinabi.

_“You’re my wife, but you’re with someone else. _ _Sa _ _**** _ _karibal _ _ko pa.” _


Hello! Thank you for reading at sa **** biglang **** pag -boost ng follows. 4k na tayo!

Chapter 30

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 30

A N D R E I

-

Ang mumukbangin natin ngayong gabi ay sama ng loob na isinawsaw sa magulong damdamin. Sa magulong isipan. Sa magulong–buwakanangshit!

Chariz!

Pero masama talaga ang loob ko kay Sir Henry. E kasi naman, inasahan ko na sasabihin nitong, “lumapit ka sa ‘kin, Andrei at kumandong ka sa aking mga hita.” Mga ganoon linyahan. Pero ang yawa, ginulo lang ang damdamin ko.

Akala ko pa naman, magmumukbangan na kaming dalawa. Iyon pala, magsasarili lang ako. Isa pa bakit niya ba iyon sinabi? Ano’ng ibig niyang sabihin? Ni hindi man lang niya ako hinayaang magsalita at linawin sa kaniya ang lahat. Basta-basta na lang niya akong pinalabas sa kaniyang opisina.

Nakakairita din na hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ko–sa hindi ko malamang dahilan. Kagagawan ba ʼto ng mga masasamang yokai? O baka may orasyon ang yawang Marlou na malayong maging kamukha nung kilala kong Marlou sa social media.

“Hayst!”

Bumuntonghininga ako at saka naglakad na patungo sa kuwarto ni Senyorito Finley. Nawala sa isipan ko na kailangan ko pa palang humingi ng tawad sa alaga ko. Sa dami ba naman ng gumugulo sa isipan ko, malamang ay makakalimutin ko na si Senyorito.

Kumatok ako ng tatlong beses. Walang sumagot. Hindi rin bumukas ang pinto. Kumatok ulit ako ng tatlo pang beses. “Senyorito,” sabay sabi ko. Ngunit wala akong narinig sa likod ng pinto. Tiningnan ko ang door knob at sinubukang buksan iyon ngunit naka-lock.

Nagjajako–jackstone kaya siya sa loob?

“Huy, baks. Ginagawa mo diyan?” Mabilis ko itong nilingon pero sana hindi ko na ginawa. Ang nakabwesit na mukha lang kasi ni Mirabel ang makikita ko. Kaya gumuho si Casita dahil sa buwakanang ʼto, hindi kasi matanggap ni Casita na pangit siya.

Pinaikutan ko siya ng mata. “Duh! Bulag ka ba, beh?”–Tiningnan ko siya mula ulo mukhang paa–“Hindi mo ba nakikitang nakatayo ako?”

Namewang siya sabay taas ng drawing niyang kilay.

“Alam mo, hindi kita ma-gets. Kung bobo ka o talagang bobo ka na in the first place! Common sense ba, beh! Mindset-mindset!”

Aba! Nakuha pa akong pangaralan ng hinayupak na ʼto. For her information, hindi ako bobo. Dati akong honor student noong nag-aaral pa ako, kasi masipag ako at close ko mga teachers sa school. Isampal ko pa sa kaniya ang loyalty award ko noong elementary e.

Pero hindi ko na lang siya sinagot. Pagod ako. Pakiramdam ko kasi ay ang dami kong ginawa samantalang wala naman. Siguro, pagod lang ang bunganga ko sa kakasalita at maging ang isipan ko sa kakaisip ng mga sinabi ni Sir Henry sa akin.

Asawa ko raw siya? Kailan pa? E ‘di ba nga, peke lang ang lahat. For the show? Clout chasing? Pagpapanggap? Para lang hindi kunin ng mga magulang nang dati niyang asawa si Senyorito.

Pero bakit niya ba kasi iyon sinabi? Pakiramdam ko kasiʼy totoo. Umaasa ako. Kasi bakla ako…madaling paasahin, madaling utuin. Pakitaan mo lang ng motibo, kikiligin naʼt mangagarap na agad. Ganoon ako at alam ko, hindi lang ako. Marami akong kilalang bakla na assuming, kaya marami din sa kanila ang nauwing luhaan.

At kahit gaano ko kagustong pigilan ang damdamin ko. Hindi ko kaya. Hindi ko rin alam kung papaano ko iyon gagawin.

“Hmp! Natulala na ang gaga!” narinig kong sabi ni Mirabel bago ako nito tinalikuran. Napabalik din ako sa reyalidad at mabilis siyang piniglan. Agad din itong lumingon na nakataas ang kilay.

“Bebs, may itatanong ako.”

“What is it?” english ng gaga, akala mo naman kung bagay sa kaniya.

“Hayst. Huwag na lang pala. Nakakawalang gana iyang pagmumukha mo,” sabi ko at pinagtabuyan na siya. “Saan ba kasi si Senyorito, ba’t hindi ako nito sinasagot?” mahina kong sabi habang nag-iisip.

“Nasa playroom niya, baks.” Narinig pala nito ang sinabi ko. Umalis na rin ito pagkatapos.

Kaya wala na akong sinayang pang oras at agad kong tinungo ang playroom ni Senyorito. Katabi lang naman ito ng kaniyang kuwarto. Hindi na ako kumatok dahil papaano ko gagawin iyon kung nakabukas naman na ang pinto? Isip ba! Isip!

Agad ko siyang nakita na nakaupo sa gaming chair nito at nakatutok ang buong atensiyon sa computer. Minsan lang itong pumunta rito dahil mas gusto niyang manood nung Hentai sa kuwarto niya. Kinuha ko ang isa pang gaming chair. Dalawa kasi ang computer dito, magkatabi lang. Mayroon din namang Piano, drum sets, at movie area dito pero hindi ko pa siya nakitang ginamit ang mga iyon. Tanging itong computers lang.

“What are you doing here?” tanong nito, gamit ang isang malamig na tono. “Doon ka na sa boyfriend mo, tutal hindi mo naman kami lab ni Daddy.”

Ano raw? Si Senyorito Finley ba itong kausap ko o iyong Daddy niyang may saltik sa ulo?

Tumawa ako. Ang awkward, bebs! Hindi ko alam kung ano’ng sasabihin ko. Sabihin ko kaya sa kaniya ang totoo? Pero anong totoo? Na ako ang mommy n’ya?

‘Gaga! Sa tingin mo, paniniwalaan ka ng bata? Kita na ngang wala kang malaking dyoga!’

Hmp!

“A-Ano kasi, b-beh–” Napakamot ako sa ulo ko. Wala naman akong kuto pero trip ko lang kumamot, ganito kasi iyong mga nababasa ko. Kumakamot sa ulo ‘pag wala silang maisagot. “Uuwi na ako sa amin,” bigla kong sabi.

Natigilan ito. Narinig ko na lang ang sinabi ng computer ‘you have been slayed!’ Tumingin ito sa akin na may lungkot ang mga mata. Hala! Teka-– bigla akong nataranta nang umiyak ito.

“Senyorito, teka lang.” Pinigilan ko siya. “J-Joke lang naman e. Sino bang nagsabing uuwi ako, hah? Magpapakasal pa kami ng Daddy mo e.”

“Are you willing to marry me?”

Napa-360 ako ng lingon dito. Si Sir Henry na suot ang ngisi sa kaniyang labi. Iyon pa rin ang suot nito kanina. Ang poke kong nananahimik, biglang kumislot. Mahihimatay yata ako sa ginagawa ng mag-amang ʼto.

“Please po, Mommy. Marry my dad so you won’t leave us anymore po,” narinig ko namang sabi ni Senyorito. Tumingin ako rito at hindi na siya umiiyak. Makadikit na ang kaniyang mga kamay na parang nag-pi-pray. Nakanguso rin siya.

Ano ba ʼtong nangyayari? Hindi ako na-inform na may ganito pala. Hindi ko tuloy napaghandaan. Panaginip ba ‘to? Kasi kung oo, hayaan niyo lang akong matulog.

“P-Pero–” Natigil ako nang maramdaman ko ang presnsiya na Sir Henry na nakatayo sa gilid ko. Nanayo ang balahibo ko nang pumatong ang mabigat niyang kamay sa kanang balikat ko. Gustuhin ko mang lumingon pero tila ba nasemento na ang buo kong katawan dahil hindi ko maigalaw ito.

Bigla ko namang naramdaman ang binubuga nitong hangin malapit sa aking tainga. Ang init, beb! Para akong napapaso. Nag-init din ang katawan ko sa hindi ko malamang dahilan. Bakla, ito na ba? Ito na ba ang katapusan nang iniingatan kong puri?

Pero nandito si Senyorito. Palabasin kaya muna namin siya para hindi sagabal?

“Kapag nagpakasal tayo, wala nang makakaagaw pa sa ʼyo. You’ll be mine and I am all yours, too.” Ang init din nang binubuga niyang hangin mula sa bibig. Pakiramdam ko’y napapaso na ang bandang leeg ko dahil sa ginagawa niya.

Kinikilabutan din ako. Ang lalim ng boses nito. Lalaking-lalaki. Parang boses ng lalaking papaasahin ka lang. Tama! Paasa. Bakit naman niya ako yayayain ng kasal e hindi naman niya ako mahal?

Pagpapanggap lang ang lahat.

Bumuntonghininga ako at saka tumayo. Lumayo rin ako sa kanila bago ako tumingin kay Sir Henry. Nakatayo na siya at nakapamulsa. Nanatili naman si Senyorito sa kaniyang gaming chair habang nakikinig sa amin. Mukhang alam na nitong may relasyon kami ni Sir Henry–na peke lang. Na ginagamit lang ako nito para hindi sila magkalayo sa isa’t isa.

Muli akong humugot nang malalim na hininga at saka lumakad papalabas ng pinto. Nang makalabas ako’y napatigil ako nang may humawak sa braso ko. Kaya lumingon ako rito, si Sir Henry na inaasahan ko nang susunod sa akin.

“I want your answer now. Payag ka ba? I’ll pay you trice.”

Tama. Nasagot na ang katanungan sa isipan ko. Kaya lang pala ako nito niyayang magpakasal dahil mukhang request iyon ng mga magulang ng dati niyang asawa. Inaasahan ko na ʼto.

Straight nga pala siya. Hindi lumalampas sa sampong porsiyento ang tsansang magmahal sila ng mga katulad ko–ng mga bakla. Bakit ba kasi ako nag-assume?

Binawi ko ang kamay ko at saka ngumiti sa kaniya. “Pag-iisipan ko po. H-Hindi po kasi madali ang sinasabi ninyo,” sagot ko at alam na nito ang ibig kong sabihin.

Kaya kong magpanggap na babae pero hindi ko kayang magpanggap ng nararamdaman. Hindi ako sigurado pero posdibleng tuluyan akong mahulog at maging totoo ang nararamdaman ko. Gusto ko siyang tulungan. Gustong-gusto ko, pero ayokong isakripisyo ang damdamin ko.

Nasaktan na ‘ko noon. At natatakot nang maulit iyon.


5 days remaining para po sa mga gusto pang humabol sa pre-order ng One Last Chance. Pm niyo lang po ako sa facebook account ko Jaime Kawit .

Chapter 31

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 31

-

A N D R E I

Sa panahon ngayon, alam ko na may iilan nang tumatanggap sa relasyon ng magkaparehong karasarian. Iilan. Ibig sabihin, hindi pa buong isang daang porsiyento iyon. Marami pa rin sa kanila ang sarado ang isipan–na ang babae ay para lang sa lalaki.

No! Mali sila dahil ang lalaki ay para lang sa lalaki at ang babae, bahala na kayo kung kanino niyo gusto.

Pero wala na rin naman akong magagawa. Hindi ko kayang pakiusapan ang lahat na tanggapin ang ganoong klase ng relasyon. At, sandali nga… Bakit ba itong iniisip ko?

Mabilis akong bumangon. Umaga na pala. Hindi ko man lang namamalayan ang oras. Halos wala akong tulog. Ang laki nga ng eye bags ng mga mata ko pero hindi pa rin nababawasan ang ganda ko. Ngumiti ako sa salamin at saka ginaya ang mga supermodel na nakikita ko sa magazines.

“Ang ganda mo, drei! Kahit wala kang tulog at wala kang ligo.” Ngumisi ako.

Tatlong sunod-sunod na katok ang pumukaw sa atensiyon ko. Mabilis kong nilapitan ang pinto ng aking kuwarto at saka iyon binuksan. Kay aga-aga nang-iistorbo itong si Bellat.

“Bakla, anyare sa mga mata mo?!” eksaherada niyang tanong sabay takip ng bibig at ilong. Gulat na gulat?

Inirapan ko siya. “Gaga! Bagong uso ʼto,” sabi ko at saka siya tinalikuran. Pagod akong makipag-bardagulan sa kaniya ngayon. Huwag niya akong sinisimulan.

“Uyy teka lang!” Mabilis ako nitong napigilan gamit ang kinakalyo niyang kamay na humawak sa braso ko. Masama ko siyang nilingon dahil naiinis talaga ako!

“Ano ba, beh! May trabaho pa ako,” inis kong turan.

“May tanong kasi ako–” Kumunot ang noo ko’t tinaasan siya ng kilay. “What if mamatay ka kakapuyat mo? Tapos hindi ka pa naliligo.”

Oo nga, ano? What if mamatay tayo kakapuyat?

“Tse! Huwag mo ‘kong pakialam.” Tinalikuran ko na siya. Ang aga-aga naiimbyerna ako sa babaeng iyon. Kina-career na ang pambabasag trip sa akin. E kung basagin ko kaya bungo niya pati kaluluwa?

” ‘to naman hindi na mabiro. Nga pala pinapatawag ka ni Sir Henry sa opisina niya. Now na raw,” anito at saka ako naman ang nilampasan niya.

Mas lalong kumunot ang noo ko. Kasabay niyon ang pagpintig ng puso ko nang mabilis.

Ano ba, Heart Evangelista ! Pumirmi ka. Trabaho lang ang lahat. Walang katotohanan, peke lang. Pagpapanggap. Iyan ang isipin mo. ‘Wag assuming. Pinatawag ka nito dahil pipilitin ka na naman niya sa pansarili niyang kagustuhan.

Bumuntonghininga ako.

\-

Kumatok ako nang marating ko ang opisina ni Sir Henry. Nang walang sumagot ay agad ko nang pinihit ang door knob at saka iyon binuksan. Ang bubungad sa ʼyo pagpasok mo ay ang malawak na library. May sofa set, mga flower vase na mukhang hindi na napapalitan ang kulay, at sa dulo ay ang mismong mesa ni Sir Henry.

Pumasok ako nang tuluyan. Kinakabahan akong naglakad papalapit sa kaniyang mesa kung saan kasalukuyan siyang nakaupo at nakatingin sa papel na hawak niya. Ngunit nang mapansin ako nito, agad niyang ibinaba ang papel na tumatakip sa mukha. Kaya agad na nagsalubong ang mga mata naming dalawa.

Kumislot na naman ang puso ko maging ang puk— char!

“P-Pinapatawag niyo raw po ako.”

“Yes. Dad called me and said he wants us to have dinner with them.”

Iyon tatay na naman niyang pinaglihi sa kawalan ng preno sa bibig. Gustuhin ko mang umayaw ngunit wala akong magagawa. Trabaho ito. Pumayag akong tutulungan ko siya para hindi ilayo ng mga biyanan niya ang anak. Pero hindi sumagi sa isip kong darating kami sa puntong ito.

Umiwas ako ng tingin. “Sige po, maghahanda lang ako.”

Tatalikod na sana ako nang pigilan niya ako. Kaya tumingin ulit ako rito ngunit hindi sa kaniyang mga mata kundi sa kaniyang labi. Bigla akong napalunok. Ano kaya pakiramdam nang mahalikan ni Sir Henry? May kiliti kaya? Kasi naman, iyong balbas nitong tumutubo na ay parang ang sexy-sexy’ng tingnan.

Rawr dragon! Rawr !

“Mr. Arellano, are you listening?!”

“Ay dragon!” Napatalon ako sa gulat nang medyo napalakas ang boses nito. Shuta! Nawala ako sa sarili.

Shet ka, Andrei! Dapat __ naiinis ka sa kaniya kasi puro __ trabaho ang iniisip . Dapat __ nagtatampo ka kasi pinapaasa ka niya. Pero buwakanang shit, bakit mo siya pinagnanasahan ?

“What about the dragons? You wanna see a dragons?”

Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kaniyang mga mata. May gumuhit ding kakaibang ngisi sa kaniyang labi. Mabilis din akong umiwas ng tingin. Naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi dahil sa kahihiyan.

What if sabihin ko sa kaniyang hindi dragon ang gusto kong makita kundi sawa? Iyong sawa na nakita ko noong nakaraan? Ipapakita ka niya?

“N-Naku hindi po, Sir! Ano kasi–” Napakagat ako ng labi. “Ayoko po sa mga dragons. Mas gusto ko po ng sawa, iyon malalaki po.”

Narinig ko itong tumawa. Napansin ko ang pagtayo nito at tumungo sa harapan ko kung saan sumandal siya sa mesa. Nang tumingin ako rito ngayon ko lang napansin ang suot niya. Nakapambahay lang pala si Sir; isang manipis na pajama, at itim na damit. Nakasuot doon siya ng reading glasses.

Bakit ang guwapo niya?

Mas lalong nag-init ang pisngi ko. Pakiramdam ko’y buong mukha ko ang namumula dahil sa hiya.

Ano ba, bebs ! Kumilos ka! Huwag kang matukso ! O tukso , layuan mo ako.

“I thought you are so full of confident. Ang cute mo pa lang tingnan kapag nahihiya.”

\-

Hanggang ngayon ay parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa isipan ko iyong mga binigkas niya. Gusto kong sampalin ang sarili ko pero mas gusto kong sampalin si Sir Henry. Gusto ko siyang magising–na ang mga sinabi nitoʼy nagbigay nang malaking impact sa puso ko.

Gusto kong sabihin sa kaniya na huwag siyang magpakita ng motibo dahil hindi malabong ang tangang ako ay aasa. Iyon ang totoo. Hindi ko iyon itatago dahil kilala ko ang sarili ko. Madali lang akong utuin. Bigyan mo lang ako ng chocolates o stuff toys, tuwang-tuwa na ako’t iisipin kong may pagtingin ka sa akin. Pero iyon pala, inutusan ka lang pala na ibigay iyon sa ibang tao.

Mabilis akong mahulog pero sana ganoon ako kabilis makalimot.

Gusto ko iyon ipaalam sa kaniya pero iniisip ko pa lang na sasabihin ko iyon. Baka pagtawanan ako ni Sir Henry. Baka sabihin niyang masyado ko nang kina-career ang pagiging payaso.

Kaya hangga’t kaya ko pa. Pinipigilan ko ang sarili kong huwag mahulog. Kung puwede nga lang i-stapler ang puso ko’y ginawa ko na.

Pero hindi… Hindi ganoon kadali.

“We’re here.”

Tumingin ako sa labas. Sa isang kilalang restaurant dito sa syudad kaming pumunta. Ito ang ibinigay na lokasyon ng kaniyang ama. Kasama ko ngayon si Sir Henry, dalawa lang kaming dalawa at habang si Senyorito namaʼy naiwan sa bahay. Naaawa nga ako sa bata. Gusto ko siyang pasamahin pero sinabi ni Sir Henry na kami lang dalawa.

At as usual, naka-disguise na naman ako. Isang white na dress ang suot ko’t pinares sa gold na takong. Mahabang buhok at make up. May suot din akong bra na may foam. Kaya kung titingnan, mukha talaga akong babae pero alam namin ni Sir Henry na sa likod nang magandang damit na ito’y nakatago ang lawit ko sa pagitan ng mga hita.

Naunang lumabas si Sir Henry at gentedog ako nitong pinagbuksan ng pinto. Napaka-plastic! Parang si Bellat lang. Lumabas ako. Ngumiti sa kaniya pero napansin kong natigilan ito. Problema niya? Huwag niya akong inaano dahil naiinis pa rin ako sa pang-aasar nito sa akin kanina.

“Let’s go?” tanong nito, itinaas ang kamay. Humawak naman ako roon at parang may malakas na kuryenteng dumaloy sa kaniya papunta sa akin.

Tumango lang ako at sabay na kaming naglakad.

Chapter 32

THE RUTHLESS DADDY

CHAPTER 32

-

A N D R E I

Kanina pa ako nauumay sa pinag-uusapan nilang dalawa. Kung puwede nga lang na umalis na lang ay kanina ko pa iyon ginawa. Pero ang shutaccang Sir Henry na ʼto ay hawak ang kamay ko. Hindi napapakali ang puso’t isipan ko dahil sa ginagawa niya. Kanina pa niya ito hawak magmula nang pumasok kami rito sa restaurant at sinalubong itong ama niyang pinaglihi sa disappointment.

Ewan ko ba, kasi kanina pa ‘to salita nang salita. Nakakabobo na ang mga english spokening niya. Tungkol lang naman sa business nila ang pinag-uusapan at narinig ko pa na umalis daw ang isa niyang anak na si Sir Harrison. Kaya heto’t pinakikinggan namin lahat ng hinaing niya sa buhay. Nasaan ba ang manager ng restaurant na ‘to para mai-stapler niya bunganga nitong ama ni Sir Henry.

Char!

Tumingin ito sa akin. Kaya mabilis akong umayos ng upo. Shuta! Nakakakaba ang mga titig nito. Para kasi ako nitong kinikilatis. Para bang nababasa niya ang isipan ko. At, kailan pa naging fantasy ito?

“How about you, Andrea? What would you do if your son betrayed you?” tanong nitong hindi ko alam kung ano’ng isasagot.

Bakit ba hindi ako ini-inform ni Sir Henry na Q&A pa lang ang ipinunta namin dito. E ‘di sana nakapaghanda man lang ako nang pangmalakasan kong sagot. Kaso iyon nga, hindi ako handa. Pwera sa pekpek ko kasi palagi itong handa sa laban. Anytime, anywhere.

Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Sir Henry. “A-Ano po–” Tumingin ako sa paligid at abala ang mga tao.

What if magwala na lang ako para matakasan ko ang tanong niya?

Tumawa ito. “You don’t have to answer me. Siguro masasagot mo ang tanong kapag naranasan mo nang pagtaksilan,” makahulugan nitong sabi.

Nakahinga naman ako nang maluwag at saka bahagyang yumuko.

Dumating naman ang mga orders namin. Kanina pa kami rito’t ngayon lang ito dumating. Ang tagal a! Kanina pa kaya ako nagugutom. Pero hindi ko lang ipinapahalata iyon dahil nasa katauhan ako ni Andrea na mayaman, may sariling hospital, at kilala ang buong angkan na sa panaginip lang naman totoo. Kailangan kong maging mahinhin–kahit na kanina ko pa gustong mag-twerk.

Kailangan kong umaktong mayaman kahit singkwenta na lang ang laman ng bulsa ko. Kailangan kong makibagay sa mundo nila dahil iyon ang nauuso. Trabaho lang naman ito, walang personalan. Pero may mga kilala akong umaaktong mayaman kahit wala na silang makain tapos sa mga magulang niya iniaasa lahat. Bakit kaya hindi kayo magtrabaho para naman bagay sa inyong magkunwaring mayaman?

Tumahimik muli ang lamesa namin. Nagsimula na rin kaming kumain. Binitiwan na rin ni Sir Henry ang kamay ko at nagulat ako nang nilagyan nito ng mga pagkain ang plato ko.

“Salamat,” ani ko, nginitian ko siya. “Pero alam niyo po ba na ang konte ninyo maglagay ng pagkain? Nagtitipid po ba kayo?” bulong ko, na sapat lang para siya ang makarinig.

Sinulyapan ko si tito–chariz! Kung maka-”tito” e. Ah basta! Nang sulyapan ko siya’y abala ito sa kaniyang mamahaling cellphone na para bang may natanggap siyang importanteng tawag. At saka ko naman ibinaling ang tingin kay Sir Henry. Masama itong nakatingin sa akin na tila ba nagbabanta.

Ano bang problema niya? Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Napakakaunti kaya nang ibinigay niya sa akin? Mukha ba akong mabubusog niyang isang kutsara ng kanin at may kung ano’ng maliit na dahong inilagay? Samantalang iyong steak na nasa tabi ng ama’y hindi pa nababawasan. Nanggagago ka ba, Sir Henry?

Inirapan ko na lang at pasimpleng tinusok ang karneng malapit sa kaniya. Nagsimula na rin akong kumain pero pa-demure lang bebs, ‘wag pahalatang patay gutom. Lalo pa’t kanina ko pa napapansing pinagtitinginan kami rito sa pwesto namin.

“Nahanap niyo ba? Fck! You’re all stupid. Don’t call me if you haven’t found Harrison!” Nagulat ako sa sinabing iyon ni Tito. Napatingin ako rito pero hindi pa rin ako tumigil sa kakanguya.

Napansin ko ang magkasalubong nitong mga kilay. Mukhang nainis siya sa kausap nito sa cellphone. Gusto kong malaman kung bakit nito hinahanap si Sir Harrison. Wait…sandali! Ngayon ko lang napagtanto ang lahat–na kaya pala ako nito tinanong kanina’y dahil dito?

Bumaling ako kay Sir Henry pero tahimik lang itong kumakain.

Pero bakit kaya lumayas si Sir Harrison? Ano namang drama ng lalaking iyon at naglayas? Ang dami kong gustong itanong kay tito pero hindi ko magawa. Hindi ako tsismosa, nagtataka lang. Magkaiba iyon sa pagiging tsismosa.

Ibinaba na nito ang tawag at saka lumingon sa amin. Seryoso lang siyang nakatingin sa direksiyon namin.

“Well…” Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa ‘min ni Sir Henry. “When are you planning to get married?”

Ano raw, beh? Pakiulit. Married? Kasal?!

Muntik ko nang maibuga ang laman nang bibig ko dahil sa gulat. Ito ba ang dahilan nito kaya niya kami pinatawag dalawa ni Sir Henry? Kinuha ko nang pasimple ang tubig at saka uminom. Hindi ko ipinahalatang nagulantang ang poke ko sa tanong nito.

“I haven’t asked her properly,” narinig kong sagot ni Sir Henry.

Tumingin naman sa ‘kin si tito. “Pakakasalan mo ba ang anak ko kapag nag-propose siya sa ʼyo?” pagkuwa’y tanong nito.

Tumingin ako kay Sir Henry pero tahimik lang ito ngunit hindi nakatakas sa aking pansin ang pasimpleng pagngisi nito. Aba! Pilit talaga akong iniipit ng taong ‘to sa sitwasyong alam niyang mahihirapan akong takasan. Ibinaling ko na lang ang tingin kay tito at saka ngumiti, sweet smile na may kaunting panggigigil. Ang sarap pag-untugin ng mag-amang ‘to. Hindi ba nila alam na kumakain ako?

“A-Ano po kasi, t-tito.” Nahihirapan pa akong banggitin ang ‘tito’. “Hindi pa po ako handa,” dagdag ko. Umiwas ako ng tingin. Ang bilis ng tibok ng puso ko, beh. Parang may nangyayaring karera sa dibdib ko.

Tumawa ito nang mahina. Kaya muli akong napalingon sa kaniya.

“You have to decide as fast as you can, Andrea. Because you know, I’m an impatient person. I have plans on arranging his marriage for someone else,” anito na ikinagulat ko lalo ng husto.

Ano raw ulit? Balak nitong ipakasal si Sir Henry sa iba? Napakapranka niyang tao. Tumingin ako kay sir Henry at tahimik lang ito. Bakit ba hindi ito nagsasalita? Takot ba siya sa ama? Bakit parang sunod-sunuran lang siya rito?

Naiiyak ako! Pero nagugutom na rin ako. Nakakainis naman kasi mga ‘to, hindi ba nila alam na kumakain ako?

“At sa tingin ko, pumapayag naman si Henry sa plano ko. I know a lot of powerful persons na sa tingin kong makakatulong sa kompanya namin. Henry was my last option dahil umayaw si Harrison.”

Para akong estatwang natigilan sa mga sinabi nito. Hindi ko alam pero naninikip ang dibdib ko sa mga sinabi niya. Gusto ko itong sagutin pero wala akong mahanap na kahit anong salitang gustong lumabas sa bibig ko. Gusto kong lumaban–na wala siyang karapatan para ipakasal na lang kung kani-kanino ang mga anak.

Pero mas gusto kong sapakin si Sir Henry na tahimik lang sa isang tabi. Parang maamong tuta na binigyan ng treats at hindi na naging makulit. Bakit ganito? Bakit niya pinapayagang maging sunod-sunuran sa ama?

Alam kong wala akong karapatang masaktan dahil unang-una sa lahat, wala naman kaming relasyon. Peke lang itong lahat. Pero nasasaktan ako dahil ramdam kong hindi ito gustong mangyari ni Sir Henry. Nasasaktan ako dahil pakiramdam koʼy nahihirapan siyang magdesisyon.

\—

Natapos na lang ang dinner naming iyon na hindi ko masyadong na-enjoy ang mga pagkain. Sa dami-rami ba naman nang tumatakbo sa isipan ko–isa na roon ang nakahubad na si Sir Henry. Chariz!

Tahimik naming binagtas ang daan papauwi. Tumingin ako sa labas kung saan ang mga nagtataasang gusali ang aking nakikita. Ganito pala ang buhay ng mga mayayaman. Kailangan mong makasal sa kapwa mo mayaman para mas lalo pa kayong yumaman. Noong una akala koʼy hindi nangyayari ang ganito pero nang marinig ko ang mga iyon sa ama ni Sir Henry, bigla akong nakaramdam nang pagkakaiba naming dalawa.

Ako kasi’y naghihintay lang ng taong magmamahal sa ‘kin. Habang siya’y ipapakasal nang sapilitan sa iba kahit hindi naman niya ito mahal. Masuwerte rin pala ako sa buhay kahit papaano. Wala kasing nagdedesisyon para sa ‘kin.

“Pasensiya ka na.”

Tumingin ako rito nang magsalita ito. Kasalukuyan pa rin kaming nasa daan. Mabagal lang din ang takbo namin dahil sa traffic, rush hour kasi.

“Para po saan?” nagtataka kong tanong. Bakit siya humihingi ng tawad? May nagawa ba siyang mali?

“Because of what my dad said,” sagot niya.

Bumuntonghininga ako. Tumigil naman ang kotse nang tumapat kami sa traffic lights.

“Hayaan ninyo na po iyon. Iisipin ko na lang na nagpapatawa iyong tatay mong pinaglihi sa disappointment,” sagot ko.

Natawa siya nang mahina pero ako’y hindi. Hindi ko alam. Hindi ko dapat ito maramdaman kasi hindi tama. Walang patutunguhan. Ako lang ang malulugmok. Ako lang ang uuwing luhaan.

“Thank you. Palagi mo na lang pinapagaan ang loob ko. I couldn’t imagine our life without you, Andrei.”

Hindi ako nakasagot. Naiwan akong tulala. Parang tanga! Bakit ako kinikilig?

Chapter 33

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 33

\—

A N D R E I

“Tangina mo, bakla! Manok na ang lumalapit sa palay. Grab mo na ʼyan!”

Nailayo ko nang kaunti ang cellphone ko sa tainga dahil sa matinis na boses ng kausap ko. Walang iba kundi ang baklang pinagsisihan ng mga magulang bakit pa iniluwan, si Berting. Nakakarindi ang boses niyang pilit itinatago ang pagkalalaki. As if naman kaya niya! Naiisip ko pa lang ang mukha niyang nagpupumilit maging boses babae, nasusuka na ‘ko. Huwag ko lang makita ʼto kapag naglihi ako sa unang anak namin ni Sir Henry.

Chariz !

Iyon na nga. Tinawagan ko si Bakla at ibinalita ko sa kaniya ang lahat-lahat. Wala akong pinalampas. Sumobra pa nga ako sa pagkukuwento dahil sinabi kong may nangyari na sa amin ni Sir Henry tapos may lima pang lalaking pakiramdam ko, pag-aagawan ang ganda ako rito sa Manila.

At nang sabihin kong niyayaya ako nitong magpakasal, iyan ang naging sagot niya. Ang bobo pa ng kasabihan. Ewan ko ba bakit natuto pa ‘tong magsalita.

“Gaga! Palay na kamo ang lumalapit sa manok. Nag-aral ka ba? Papaaralin kita ulit,” inis kong sagot. “Siya nga pala, kumusta ang inay at ang kapatid ko?”

Narinig kong tumawa ito. Ano’ng nakakatawa sa kabobohan, beh?

“Ayos lang naman, friend. Iyon nga lang may maliit na problem–”

“Ano’ng problema?! Hoy, Berting sinasabi ko sa ʼyo, sasakalin talaga kita via phone call!”

“Puwede patapusin mo na muna ako?” anito sa kabilang linya.

Napapikit ako nang mariin at saka humugot nang malalim na hininga. “Okay fine. Spill it,” sabi ko.

“Ay wow! Natututo ka ng mag-English, ‘teh. Tinuro ba iyan ng amo mong kalagu–”

“Sasabihin mo ba sa akin ang problema o mawawalan ka ng allowance para sa mga lalaki mong kapareho mo ng genes?”

Naiinis na talaga ako. Pakiramdam ko’y may malaking problema pero itong taong ito, ayaw pang sabihin at ang dami pang sini-segway. Kung hindi lang talaga ako malayo sa kaniya, kanina pa siya nakatikim sa akin nang mahigpit na yakap sa leeg. At kung hindi lang dahil sa mahina si Mama at masyado pang bata si Andrea, hindi ko sila iiwan kay Berting. Pero ika nga nang nakakarami, no choice.

“Eh kasi–” Tumigil ito saglit ngunit agad din nitong sinundan na ikinadagundong ng puso ko. “Nandito iyong magaling mong ex-boyfriend.”

Natigilan ako saglit ngunit agad ding napabalik sa reyalidad. “Ano’ng ginagawa niya riyan?” seryoso kong tanong. “Bahay niya ba ang bahay nina mama para diyan siya tumira? Paalisin mo,” dagdag ko.

“Pero–” Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil agad kong pinatay ang cellphone ko at tinapon iyon sa pader pati ang flower–charut. Binulsa ko iyon at saka lumabas na ng aking kuwarto.

Ayokong malaman kung ano’ng dahilan ng gagong iyon na pumunta sa bahay. Ang kapal din pala ng mukha niya? Kasing kapal ng encyclopedia sa library nitong bahay. Ang liit-liit namang ng pagkalalaki!

Ang huling naaalala ko nang umalis siya noon ay hinding-hindi siya magpapakita sa akin o pupunta sa bahay. Tapos ngayon, naroon siya’t ano? Ah, dahil nalaman nitong may trabaho na akoʼt malaki-laki ang kinikita?

Bumuntonghininga ako. Ayokong masira ang araw ko ngayon. Kay ganda-ganda na parang ako ang sikat ng araw tapos sisirain ng butanding na iyon. Nagsisisi tuloy ako ng slight bakit tumawag pa ako sa kaniya kanina paggising ko.

\-

Kanina pa ako tulala. Oo, bebs! Buwesit kasing Berting iyon, bakit niya ba kasi sinabi pa sa akin iyon? Gusto ko tuloy umuwi sa Mindanao at ako mismo kakaladkad sa lalaking iyon papaalis ng bahay. Dagdag pasakit sa ulo!

“You looked like not in yourself today, Andrei.”

Nilingon ko ito at tumambad sa akin ang nakapolong sky blue na bagay na bagay sa kaniya. Hapit na hapit din ito. Tapos palagi pa siyang nakangiti. Ang poge-poge talaga ni Sir Saul, bakit hindi na lang siya naging jowa ko? Siguro kahit saktan niya ako, ayos lang! Poge naman e.

Tumawa siya na nagpabalik sa akin sa reyalidad at sa muntikan nang pag-i-imagine na pumapasok kami sa SOGO para mag-check in. Umiwas na lang ako ng tingin.

“May problema ka ba? Makikinig ako sa ʼyo,” sabi pa nito. Feeling close rin.

“Ah e, Sir. Mawalang galang na po pero hindi niyo naman po ako estudyante,” sabi ko.

“Bakit estudyante lang ba ang dapat kong pakinggan? You know, estudyante ko na rin ang mga yaya ng mga estudyante ko,” sabi nito kaya kunot noo ko itong nilingon.

“Edi daddy niyo rin po si Sir Henry kasi Daddy siya ni Senyorito?”

Tumawa ito nang malakas. Mukha ba akong nagbibiro? E kung estudyante niya si senyorito tapos estudyante niya rin si Sir Henry. Puwede niya rin itong tawaging Daddy kasi Daddy siya ng estudyante niya? Bigla akong napaisip. Ang gulo kasi nitong si Sir Saul! Dadagdag pa ito sa iisipin ko e.

“May nakakatawa po ba?” tanong ko nang hindi na siya natigil kakatawa. E kung sikuin ko kaya para maiyak naman siya? Kaso poge, kahinaan ko ang mga guwapo.

“Yes, Andrei. You made my today,” aniya at tumawa na naman.

Inirapan ko na lang at saka tumingin sa malayo pero sana ʼdi ko na ginawa dahil isang nakakabuwesit lang na tao ang masisilayan ko sa malayo. Ano na namang ginagawa nito rito? Bakit pagala-gala na naman ʼtong Marlou na ‘to.

Nakangising lumalapit ito sa direksiyon namin ni Sir Saul. Kasalukuyan kaming nasa labas ng building nitong elementary at ʼdi ko alam bakit ako tinabihan ni Sir Saul. Tumigil din ito sa pagtawa nang makalapit ang nakakabuwesit na mukha sa balat ng lupa.

“Marlou, dude!” mabilis na sabi ni Sir Saul at nilapitan si Marlou. Nag-bro hug silang dalawa. Humarap naman si Sir Saul sa akin habang nakaakbay sa lalaki.

Kumunot ang noo kong nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.

“Magkakilala kayo?” tanong ko, as if naman may pakialam ako. Pero dahil nga hindi ako tsismosa at curious lang na tao, nagtanong ako.

“Yes. We’re college friends, actually. Magkakilala kayo?” sagot at tanong naman pabalik ni Sir Saul.

“Hindi!” sagot ko.

“Yes. We’re also friends.” Na taliwas sa naging sagot ni Marlou.

Si Sir Saul naman ngayon ang nagpalipat-lipat ang tingin sa amin. Kaya muntik na akong matapon sa gulat nang hindi ko namalayang nasa tabi ko na si Marlou at nakaakbay sa akin.

“Nagkakilala lang kami ni Andre-i dahil kay Henry. He introduced this funny guy to me,” ani Marlou sabay hapit sa akin papalapit.

Ano raw? Funny? Ginawa pa akong clown. Kailan pa ako nakakatawa? Sa pagkakaalam ko, realtalk lang mga sinasabi ko’t hindi iyon nakakatawa. Sikmuraan ko siya e.

Sasagot na sana ako ngunit bigla na namang may nanghigit sa akin. Dahilan para mapalayo ako kay Marlou. Nang tingnan ko kung sino itoʼy dumagundong na naman ang puso ko sa kaba.

A-Ano’ng ginagawa nito rito? At beh, kung makatingin ito ay parang papatay ng tao. Napalunok ako bigla - na sana tamod na lang iyong nilunok ko.

“Didn’t I warned you that don’t touch what is mine?”

“Henry-”

Hindi natapos ni Sir Saul ang sasabihin nito nang tumalukod si Sir Henry habang hawak ako nito sa braso. Kaya nakaladkad tuloy ako hanggang sa makarating kami sa parking lot. Binuksan nito ang pinto ng kotse kung saan naroroon na si Senyoritoʼt naghihintay. Sandali, hindi pa naman nila uwian a?

“Get in the car, we’re going home,” anito at saka ako iniwan, at umikot upang sa driver’s seat siya pumasok.

Naestatwa ako sa inakto nito saglit pero nang tumingin ito sa akin nang masamaʼy mabilis akong pumasok. Nakakatakot siya! Bakit ba kasi siya biglang umaakto ng ganito? Paki-explain! Wala akong naiintindihan. May hindi ba ako alam?

Tumingin ako kay Senyorito at tila ba nakuha nito ang mga tanong sa isipan ko nang magkibit siya nang balikat. Umalis din kami roon ng walang nagsasalita.

Chapter 34

THE RUTHLESS DADDY

CHAPTER 34

-

**
**

A N D R E I

**
**

**** Sa punto ng buhay ko ngayon, parang gusto ko na lang na maging paru-paru. Ang dami-raming pumapasok sa isipan ko na mga bagay-bagay. Parang puputok ang ulo ko dahil hindi ko na kayang isiksik ang mga bagay na ‘yon. Pumunta akong Manila para magtrabaho hindi para bigyan ng ganitong problema. Ang inaasahan ko lang na problema ay pressure dahil sa dami ng problemang naiwan ko sa Mindanao pero yawa dzai!

Isa sa mga bumabagabag sa isipan ko’y itong mga inaakto ni Sir Henry sa mga nakalipas na araw. ‘Te, hindi na ako ang pinapabantay niya kay Senyorito kundi si Bellat na. Hindi na tuloy ako makalabas ng bahay nila’t makapag-soul searching ng foge. Hindi ko tuloy napagmamasdan si Sir Saul habang nagtuturo ng parts of body sabay tinuturo nito kung saan banda ang penis. Nakakainis! Nabuburyo na ako rito sa bahay nila. Gusto ko talagang lumabas pero sa tuwing naalala ko iyong sinabi niya noong nag-desiyonabilitism siyang hindi na ako ang magbabantay sa anakshie niya, umuurong ako.

“Starting today, you’re not going to Finley’s school,” sabi nito, kinaumagahan noon hinila niya ako habang nakikipag-usap pa ako kay Sir Saul at sa Marlou’ng iyon.

Nagtaka ang pekpek ko, baks! Ano’ng nangyayari sa lalaking ‘to at bakit ayaw niya akong bantayan ang anak niya? Papaano kapag may nangyari kay Senyorito? E di ako ang nasisisi! Ako na lang palagi-char!

Tiningnan ko si Sir Henry na seryoso lang na kumakain. Biglang pumasok sa isipan ko na sana ako na lang iyong ulam niyang bacon, pareho naman kaming masarap e. Chariz. Lumunok na muna ng laway, natatakam kasi ako habang pinagmamasdan siyang tinutusok ng tinidor iyong sabaw, bago ako nagsalita.

“Pero, Sir –” Tumingin ito sa direksiyon ko, kaya naman mabilis akong nag-iwas. “Trabaho ko po kasing bantayan ang anak ninyo,” sabi ko.

“And your work will be at home starting today. Si Mirabel na ang magbabantay kay Finley.”

Ayaw talagang patalo.

Paano na ‘to?

Tumingin ako kay Bellat, nagbabakasakali na makuha ko ito sa isang tingin na ‘wag siyang pumayag na makipagpalit sa ‘kin ng trabaho. Ayoko pa naman sa trabaho nitong nagkukuskus ng inidoro – chariz lang. Kasambahay pala ako’t hindi puwedeng mag-inarte baka walang maipakain sa pamilya. Pero ang gaga inirapan lang ako. Nanggigil ako bigla. May araw din talaga ang babaeng ‘to sa akin. Akala ba niya makakalampas sa akin lahat ng ginagawa niya? Nagkakamali siya dahil sa oras na ikasal kami ni Sir Henry, siya ang una kong tatanggalan ng sweldo.

Hindi ko na makikita si Sir Saul na borta!

Nakakainis naman kasing Sir Henry ‘to. Pala-desisyonabilitism siya masyado for today’s bedyo.

Bumuntonghininga ako pagkatapos kong punasan ang malaking flower vase sa tabi ng hagdan. Tumalikod na ako’t sakto namang bumukas ang main door ng bahay at bumungad sa ‘kin ang isa pang demonyong nabubuhay rito sa mundo, ang ama ni Sir Henry. Sandali lang bebs, ano’ng ginagawa nito rito?

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang tumingin ito sa ‘kin. Naglakad papalapit at kitang-kita ko kung gaano kakunot ang noo niyang nakatingin sa akin.

“Who are you? Why are you in my son’s house?” sunod-sunod nitong tanong. Wala siyang kasama maliban sama ng loob nito sa mga anak. Hindi ba nito naalala ang ganda ko? Ang ibig kong sabihin ay nagkita na kami noong minsan kaming pumunta sa kanila kasama si Sir na si Andrei ako’t ‘di si Andrea. Pero sabagay, ganoon talaga ang mga mayayaman, kapag hindi importante sa kanila’y madali lang nilang makalimutan.

Bahagya akong yumuko upang bigyan siya ng respeto at saka in-upper cut-charout. “A-Andrei po, Sir. K-Katulong po ako rito,” sagot ko. Muntik ko pang masabi ang pangalang ginagamit ko sa tuwing ako’y isang magandang dilag na may bayag.

Tumawa ito. Tawa pa lang niya’y demonyong-demonyo na. “I didn’t know my son hired a gay,” sabi niya.

Hindi ko na sinagot ang sinabi nito, bagkus ay nagpaalam akong aalis na ngunit tinawag nitong muli ang pansin ko’t lumingon naman ako.

“Ano po iyon?”

“Gusto ko lang ipaalala sa ‘yong gusto sana kitang palayasin sa pamamahay na ‘to but I couldn’t do that since we, Alcantara’s has rules, that we do not each other’s property. Pero hihilingin ko lang sana na ‘wag mo hawaan ang anak ko sa kabaklaan ninyo,” anito bago ako tinalikuran at naunang lumabas ng bahay.

Ano raw?

Iyon lang ba ang ipinunta nito rito para sabihin iyon sa ‘kin? Ang taray, bebs!

Bigla rin akong napaisip sa mga sinabi nito. Bakit? May mga bagay ba akong hindi alam?

\-

Nagpatuloy akong ganoong set-up sa buhay ko. Wala na akong ibang ginawa kundi ang maglinis sa buong bahay at sa tuwing narito naman si Senyorito’y binabantayan ko ito. Ang dami na ngang nagbago sa batang ‘to sa loob lang ng halos tatlong buwan ko nang pananatili rito. Parang kailan lang na ang sama nitong makatingin sa akin at kung trip niya akong batuhin ay gagawin niya nang walang pag-aalinlangan.

Pero ngayon, para na itong maamong tuta at natutuwa akong ako ang dahilan nang pagbabago nito. Paminsan-minsan ko na ring nakikipag-usap ito sa ama at narinig ko rin kay Bellat na sinusundo ito ng ama at sabay silang kumakain.

Hindi ko lubos maisip na marami na rin ang nagbago. Maging ang damdamin ko.

Char!

Napakaseryoso!

“Where’s Mr. Arellano?”

“Sir, ayon po, feeling may-ari ng bahay kung makaupo.”

Napaayos ako nang upo ng may humarang sa pinapanood ko. Tiningnan ko kung sino ‘to at walang iba kundi ang magaling kong amo. Seryoso at wala akong nakikitang emosyon sa kaniyang mga mata.

“What did my father told you?” tanong niyang nakapagpakunot sa makinis ko ng noo. Oo, bebs! Makinis na ako dahil nga sa bumili si Aunti Dolly ng rejuv set kaya napabili na rin ako.

Pero mabalik tayo sa kaharap ko ngayon. Kahapon pa nangyari ang kyemeng pagbisita ng tatay nito rito kahapon na hindi ko alam ano’ng pakay.

“W-Wala naman po,” sagot ko.

Kahit na ang totoo niya’y binabagabag pa rin ako ng mga sinabi ng tatay ni Sir Henry. Papaanong nakakahawa ang pagiging bakla? Is there any scientific explanation para sa mga bagay na ‘yon?

“Sinabi ba niyang tatanggalin ka niya sa trabaho?”

Tumawa ako nang mahina at saka pasimple siyang pinalo – na mabilis kong pinagsisihan dahil sa iba tumama ang kamay ko. Mabilis kong binawi ang kamay kong tatlong segundo ring nanatili roon. Nakatayo ito sa harapan ko habang nakaupo naman ako. “A-Ah, h-hindi ko po sinadyang mapalo ang putot-”

“You wake him up.”

Bigla akong napatingin sa mukha ni Sir Henry, nakangisi na ito ngayon. Tapos ibinaba ko naman ang tingin ko sa natamaan ng kamay ko. Kung kanina’y walang bukol doon, ngayo’y parang sasabog ang suot niyang slacks dahil sa parang sawang gustong kumawala roon.

Shuta! Ba’t ko ba kasi ginawa iyon? Nabitin tuloy ako!

Tumayo na ako’t mabilis siyang tinalikuran. “W-Wala pong sinabing ganoon ang tatay ninyo. Kung tatanggalin po niya ako, hindi mo na siguro ako makikita rito,” sagot ko sa kaninang tanong niya’t mabilis na umalis ng sala.

Chapter 35

THE RUTHLESS DADDY

CHAPTER 35

-

A N D R E I

Kalalabas ko pa lang sa ʼking lungga ngunit ang buwesit na Sir Henryʼng ʼto agad ang bubungad sa ‘kin. Ayoko sanang aminin ʼto pero ang presko niya ngayon. Palagi naman siyang fresh pero ibang-iba ang aura niya ngayon. Iba ang dating nito sa suot na puting shorts, tapos naka-blue siya na collared T-shirt na inserted sa short niyang pangmalakasan, at puting cup. Hulaan ko, mag-go-golf ito ngayong araw.

Alam ko na, e. Ganito kasi mga nakikita kong suot ng mga taong naglalaro nun.

“Good morning, Sir!” masigla kong bati, sabay lawak nang pagkakangiti ko ngunit ang puso koʼy gusto nang sumabog.

Ano ba, Drei! Ilang beses ko nang ipinapaalala sa ʼyong amo mo iyan. Huwag kang feeling at mag-day dream ng happy ending ninyong dalawa.

“We’re going out today,” sabi nito imbes na mag-good morning din sa ‘kin. Aba nakakatampo iyon, a.

“Saan po tayo pupunta?” tanong ko, kahit na alam ko naman kung ano’ng klaseng lugar ang pupuntahan namin.

“We’re playing golf today, Ande!”

Mabilis akong lumingon dito nang sumulpot si Senyorito Finley. Yes opo! Ande talaga tawag nito minsan sa ‘kin kapag good mood. Pero kapag trip naman niyaʼy ‘bakla’, ‘yaya’, ‘panget’, at kung ano-ano pa ang tawag niya. Dedma na lang dahil hindi naman totoo mga sinasabi nito. Iyong saliyang bakla at yaya, totoo. Pero panget? Mukhang ʼto?

Tiningnan ko naman ang suot nito at yes oo ulit, magkapareho sila ng suot ng ama. Ngayon ko nga lang din napansin ang check sa mga T-shirt nila. Ibinalik ko ang tingin kay Sir Henry. Nagtaka pa ako bakit bigla itong napaayos ng tayo. Problema niya?

“May sinalihan po ba kayong dance contest?”

Kunot-noo ako nitong tiningnan. “What?”

Bumuntonghininga ako. Ang hirap naman mag-joke sa lalaking ʼto. Walang rumor sa katawan.

“Wala po! Sige po’t magpapalit lang ako,” sabi ko’t agad na siyang tinalikuran.

\-

Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon. Ang tamlay-tamlay ko. Simula pa ‘to kahapon nang mag-usap kami tungkol ni Sir Henry sa sinabi ng ama niya. Aminin ko man o hindi pero nababahala ako sa puwedeng mangyari.

Papaano kung malaman nitong ang pinakilalang girlfriend ni Sir Henry sa kanilaʼy hindi tunay na babae? Alam kong peke lang iyon ngunit trabaho ko ang nakasalalay. Hindi ko lubos na kilala ang tatay ni Sir Henry at natatakot ako sa possible nitong gawin.

Kaya kagabi, habang nanonood ako ng bold, napag-isip kong dapat na namin itong itigil. Nasa ibang bansa naman na ang mga biyanan niyaʼt wala na kaming problema. I-ta-tape ko na lang ang bibig ni Marlou para hindi ‘to makapagsumbong sa mga magulang.

Ayoko nang magpatuloy sa pagpapanggap lalo paʼt may nararamdaman na akong kakaiba. May kumekerengkeng na sa puso ko.

“We’re here,” narinig kong sabi nito nang tumigil ang kotseng sinasakyan.

Tumingin ako sa labas. Isang puting mataas na gate ang bumungad sa akin. May nakasulat na pangalan ng lugar sa may itaas nito. Foreign City. Hindi ko naiintindihan ang ibig sabihin ngunit nang tuluyan kaming makapasok ay roon nasagot ang katanungan ko.

“N-Nasa America ho ba tayo?” tanong ko dahil kahit saan ako lumingon ay may mga nakikita akong kano. Oo bebs! Mga foreigner ang mga nandito. Mula bata hanggang sa matanda na.

Tumingin ako kay Sir Henry. “Nope. We are here at Foreign City. Lugar ʼto ng mga foreigner,” aniya.

“Ah. Kaya pala foreign city dahil lugar ng mga kano,” sabi ko. Tumango-tango pa ako.

Alam kong corny pero narinig kong tumawa si Sir Henry. Nagimbal naman ang puso koʼt bumilis ang pagtibok. Napahawak ako sa dibdib, sinusubukang pigilan iyon. Ano ba, Heart Evangelista! Stop it!

Tumingin akong muli sa paligid. May mga nakikita naman akong iilang Pinoy na naririto ngunit halos siyamnapong porsiyento ng papulasyon ay mga amerikano. Baka rito ko na makita ang Afam ng buhay ko!

Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Senyorito Finley dahil nanggigigil ako. Pinipigilan ko lang ang sarili kong huwag iwan itong mag-ama para lang hanapin ang Afam ng buhay ko.

“Why are you holding into my dadʼs hand, Ande?”

“Hah?” Nilingon ko ito at nasa kanan ko nga si Senyorito habang nasa kaliwa ko naman si Sir Henry. Natigilan kaming tatlo sa paglalakad.

Sandali!

Tiningnan ko kung totoo ba ang sinabi ng bata. Lumingon ako sa kamay ko sa kaliwaʼt totoo nga. Nakahawak ako sa kamay ni Sir Henry. Papaano? Hawak ko ang kamay ni Senyorito nang lumabas kami sa kotse kanina a? Papaanong hawak ko na ngayon ang kamay ng tatay niya?

“Well I don’t mind it, Mr. Arellano.” Nagulat ako nang hinawakan nito ang kamaʼy ko’t pinag-intertwined. “You can hold my hands for as long as you want,” sabi pa nito.

Tumingin ako sa paligid para tingnan kung pinagtitinginan ba kami pero walang pakialam sa amin ang ibang mga naririto. Agad ko rin namang binawi ang kamay koʼt lumipat sa kabila ni Senyorito at ang kamay nito ang hinawakan.

“Ikaw kasing bata ka, kung saan-saan ka pumupunta!” sabi ko rito na sinimangutan lang ako. Narinig ko lang ang tawa ni Sir Henry pero ʼdi ko na binigyan pa ng atensiyon.

Nasa puso ko ang buo kong atensiyon. Naghuhurumintado ito sa pagtibok–na parang may kung sinong pakshit na humahabol. Nakakatakot! Para akong hihimatayin. Hindi ko ʼto naramdaman noong nagkaroon ako ng relasyon. Dahil alam ko namang ang buwakanang lalaking iyon ay hindi naman ako minahal.

“Mr. Alcantara, I’m glad you accepted my invitation.” Napalingon ako rito kung saan isang lalaking amerikano ang sumalubong sa amin.

“I’m also grateful that you invited me here, Sir Hughes,” sagot ni Sir Henry. Nagkamayan silang dalawa.

Napatingin naman iyong foreigner sa direksiyon namin ni Senyorito. “And who’s these cute little boys with you today?”

Naramdaman ko ang paghigpit nang hawak ni Senyorito sa kamay ko. Natakot siguro sa laki nitong foreigner na kaharap namin.

“This is my Son, Finley and–” Napasinghap ako nang umakbay sa akin si Sir Henry. “My boyfriend, Andrei.”

Nakalimutan ko yata ang sarili dahil sa sinabi ni Sir Henry. Parang sasabog ang puso ko sa pinaghalong kilig at pangamba. Nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa labi ng Afam na kaharap namin.

“Bagay kayong dalawa,” anitoʼt ikinagulat ko ng husto hindi dahil sa sagot niya kundi dahil nagtatagalog naman pala siya. “Oh! I’m sorry. You must be shocked that I could speak in Tagalog–” Sabay tawa nito. “I’m actually half Filipino, half American,” dagdag pa niya.

\-

Hanggang ngayoʼy tumatakbo pa rin sa isipan ko ang mga sinabi ni Sir Henry kanina. Kung papaano ako nito ipinakilala kay Sir Januard. Hindi ko ʼto nakitaan nang pandidiri dahil nalaman kong may boyfriend din pala ito nang dumating naman ang isa pang lalaking guwapo rin.

Wala ako sa sariling nakaupo rito sa may bench na may malaking payong habang nakatingin sa malaking oval kung saan abala sina Sir Henry at Sir Januard sa paglalaro. Kasama ko naman si Senyorito Finley na kagagaling lang sa ama nito.

“Your eyes are sparkling, Ande.” Tumingin ako rito kung saan kaharap kong nakaupo si Senyorito na abala sa chuckie nito. Nakatingin ito sa akin.

“Ano’ng sabi mo?”

“Ang sabi ko po, lumiliwanag ang mga mata mo habang nakatingin kay Daddy,” paglilinaw niya.

Inirapan ko siya. “Hindi kaya! S-Sa langit ako nakatingin, ‘no. P-Para kasing ang ganda mapunta roon.”

“Tss! Tss! You’re unbelievable, Ande. You really know how to deny your feelings, ha.”

“Tse! ‘kaw bata ka, kung ano-ano pinagsasasabi mo. Gawin kitang golf ball dyan e.”

Hindi na lang niya ako sinagot. Kaya naman tumingin na ako sa malayo.

Hindi talaga ʼto tama. Kailangan kong ilugar ang sarili ko sa mga buhay nila. Kailangan kong pigilan ang sarili ko ngunit papaano?

Magpakamata–chariz! Mag-iisip na lang ako nang paraan. Hindi pa naman malaki ang puwang na nagagawa niyaʼt kaya ko pa iyong pigilan. Kaya ko! Kakanin ko!


31K reads and counting! Salamat-salamat .

Chapter 36

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 3 6

A N D R E I

Hindi naman kami nagtagal sa foreign city dahil may emergency na pupuntahan iyong mag-jowang kano. Sana all, ‘no? Kaya agad din kaming umalis. Ngayon ko nga lang naiintindihan na business pala ang pinunta namin dito. At, buwakanangshit… Kaya lang sinabi ni Sir Henry na boyfriend niya akoʼy dahil gusto niyang makuha ang loob ni Sir Hughes.

Bakit ba hindi ko naisip iyon? Masyado na ba akong bobo para ‘di agad ma-gets na businessman pala siya, gagawin niya ang lahat makakuha lang ng investors.

Gusto kong pukpukin ang ulo ko nang malaking tit–tinapay na matigas. Gusto kong matauhan kaka-day dream. Ewan ko ba. Bakit ang dali-dali nating mahulog?

Pag-uwi naman namin dito sa bahay nila Sir ay siya ring pag-alis nito. Gabi naʼt hindi pa rin bumabalik si Sir Henry. Nakahiga na ako’t nakapag-finge–chariz. Nakahiga na ako sa kama ko’t kanina pa malalim ang iniisip.

Bumuntonghininga ako at saka tumingin sa hawak ko cell phone. Nagdadalawang isip ako kung tatawagan ko si Berting o huwag na lang. Kaso naalala kong wala nga palang magandang naidudulot ang baklang ‘yon.

Pero tinawagan ko pa rin siya pagkatapos kong huminga nang malalim. Miss ko na rin kasi sina Mama kaya mangangamusta lang ako.

Isang minuto lang ang lumipas nang sagutin nito ang tawag.

“Baks!” sabi ko ngunit kinabahan ako ng ibang tao ang sumagot.

“Drei.”

Yawa! Kailan pa naging malalim ang boses ni Berting?

“Hoy, bakla! Nagparetoke ka ba ng boses?” Teka–nareretoke ba ang boses? Kung nareretoke, malabo na iyong kay Berting.

“Andrei, it’s me Henry,” sabi nito sa kabilang linya.

Nanlaki ang mga mata ko. Siya raw si Sir Henry. Niloloko ba ako ng butanding na ʼto?

“Hoy, Berting! ‘Wag mo ʼkong niloloko. Malabong maging kaboses mo si Sir! Maganda boses nun tapos nakakalibog!”

Narinig kong tumawa ito nang mahina. Napapamura ako ng sunod-sunod dahil sa lalim ng boses ni Berting. Kinikilabutan ako, bebs!

“You’re funny. You always makes me smile,” aniya. In-e-english na ako ng butanding na ʼto.

“Naka-drugs ka ba, Berting?! Umayos ka, hindi kita padadalhan ng pera sa susunod na buwan.”

Natawa na naman ito at mas lalo lang akong kinilabutan dahil sa bose nito. Malalim. Paos. Ang sarap sa pandinig nguniy sa tuwing naiisip kong si Berting ang taong itoʼy nandidiri na ako. Ayokong maging judgemental, nagsasabi lang ako ng totoo. Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko na sinungaling.

“Why are you making me crazy? Ano ba’ng mayroon sa iyoʼt naguguluhan ako?”

Kumabog ang dibdib ko. Ano ba’ng pinagsasabi ng baklang ‘to? Nababaliw ba siya?

“Ewan ko sa ʼyo, te! Bye na nga!” Mabilis kong pinatay ang tawag at saka ko tiningnan ang cellphone ko ngunit halos lumuwa na ang mga mata ko nang makita ko kung kaninong number ang natawagan ko.

Crazy, Andrei!

Ang tanga ko, beh! Bakit kay Sir Henry na number ʼto? Yawang cell phone ‘to, nag-ha-hang. Ang mahal-mahal pa naman ng bili ni Sir Henry tapos maglololoko?

Dalawa lang ang naka-save na number sa cellphone ko. Number ni Berting at ang number ni Sir Henry, magkasunod pa. Giatay, bebs!

Si Berting ang tatawagan ko sana pero bakit si Sir Henry? Patay ka! Nasabi ko pa namang nakaka-L ang boses nito sa cellphone.

Gusto kong ilibing ang sarili ko ng buhay at sa impyerno na lang kami magkikita. Nai-stress ako bigla. Ang bilis ng tibok ng puso ko’y hindi ko na mahabol. Kinakabahan ako.

“Waaahhh!” Napasipa-sipa ako habang nakahiga. “Ang tanga-tanga ko, Drei!”

Gusto kong pukpukin ang ulo ko ng titi na bebs para matauhan na ako. Bakit ba kapag nai-in love tayo ay nagiging tanga?

Teka–sino’ng in love? Hindi ako! Walang ganoon.

Natahimik ako bigla nang may tatlong sunod-sunod na katok akong narinig. Hala, shuta! Alas-onse na ng gabi, bakit may kakatok pa? Tulog na sina Auntie Dolly at iba pang katulong.

Umalis ako ng kama at lumapit sa pinto. “S-Sino iyan?”

“Open the door,” anito. Malalim ang boses. Pamilyar ngunit ʼdi ko masyadong nabobosesan.

Hindi ko siya sinunod. “A-Ayoko!” Kinakabahan na ako. Baka ito iyong katok-katok gang na bigla na lang papasok sa buhay natin at iiwan sa huli.

“It’s Henry. Open this damn door!”

Si Sir Henry? Mas lalo kong ‘di iyon sinunod nang maalala ko iyong katangahan ko kanina.

“B-Bakit po, Sir. A-Ano pong kailangan ninyo?” tanong ko, mahinahon ngunit mabilis pa rin ang kabog ng dibdib ko.

“Just open this door,” seryosong sabi nito. “Or else, sisirain ko ʼto.”

Hindi ko na hinintay na sirain pa niya ang pintuan ko dahil mabilis ko ‘tong binuksan. Bumungad sa akin si Sir Henry nga, nakasuot ito ng white polo na nakabukas ang tatlong butones sa itaas. Napalunok ako bigla. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Baka sabihin nito, pinagnanasahan ko siya. Hindi, ʼno! Hindi ako tatanggi.

“What did you say? My voice makes you turned on?” tanong nito na nakapagpanindig balahibo sa ‘kin. Hindi ako nakasagot, wala akong maisagot.

Napasinghap lang ako nang hawakan nito ang baba koʼt iharap sa kaniya–na ngayo’y ang lapit-lapit na. Para akong estatwa na hindi maigalaw ang mga kamay upang itulak siya. Kaagad ko ring nalanghap ang amoy ng alak at sigarilyo sa kaniya ngunit nangingibabaw iyong mamahalin niyang pabango na pasimple kong ini-spray minsan sa damit ko.

Hindi ko kayang tingnan ang kaniyang mga mata. Para kasi akong nahihipnotismo nito. Para akong hinihila pailalim. Sunod-sunod akong napalunok. Para bang sinisilaban ang loob ko’t nakakaramdam ako ng init.

Lasing siya.

Agad kong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa baba ko at saka umiwas ng tingin.

“M-Matulog na po kayo. M-Mukha po kasing nakainom kayo,” nauutal kong sabi. Isasara na sana ang pinto ng mabilis nitong napigilan.

“Kiss ko muna?” Nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kaniyang direksiyon. Kitang-kita ko kung papaano ngumuso ang mapula-pula’t mamasa-masa niyang labi. Pumikit din siya’t bahagyang lumapit sa ‘kin.

Ako nama’y natulala. Para akong tangang nakatingin sa kaniyang makakapal na kilay, mahahabang pilik mata, hanggang sa kaniyang labi.

‘Ano ba, Drei! Halikan mo na!’ suhol sa akin ng malandi kong isip.

Ang bilis ng tibok ng malandi ko ring puso pero ang isipan ko’y naghuhumiyaw na ‘wag itong pakinggan. Kaya bilang isang matured na nilalang at maganda. Mabilis ang ginawa kong pagdampi ng labi ko sa kaniyang pisngi. Bebs, hindi tayo papahulog sa ganiyan mga galawan!

Agad akong lumayo. “Ayan, matulog ka na po!” sabi ko at tuluyang isinara ang pintuan ko’t ni-lock iyon.

Napansandal ako pintuan dahil hindi maipaliwanag na kabang nararamdaman. Mapapakanta ka na lang ng ikaw na ba si Mr. Right ni Kim Chiu e. Parang nag-aapoy ang magkabila kong pisngi. Pakiramdam ko’y pulang-pula na ito sa ginawa kong paghalik sa kaniya. Sa pisngi pa lang niya iyon pero ang puso ko’y ʼdi na huminto kakatibok.

Napahawak ako sa dibdib at iba’t ibang scenario na ang pumapasok sa isipan ko. Masasayang scenario kasama si Sir Henry ngunit ilang sandali ay ang imahe ng kaniyang Ama ang pumalit. Napatayo ako ng tuwid.

“Ang KJ!” sabi ko at saka bumalik na sa pagkakahiga sa aking kama. Makatulog na nga lang. At sana’y makatulog pa ako. Tumihaya ako’t tumingin sa kisame. Napahawak ako sa labi ko. Nararamdaman ko pa ring parang nakadampi pa rin ang labi ko sa kaniyang pisngi.

Para naman kasing tangang Henry iyon! Ginugulo na niya talaga ang mundo ko.

Chapter 37

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 37

\—

THIRD-PERSON POV

Nagising si Henry na masakit ang kaniyang ulo. Hindi naman marami ang nainom niya kagabi sa Blue Moon, isang bar sa metro. Hindi rin mahina ang tolerance niya sa alak. Ang alam niyang rason bakit masakit ang ulo niyaʼy hindi siya nakatulog nang maayos kagabi.

He remembered everything. Simula sa pag-alis niya sa bahay niya hanggang sa siya’y makauwi. Wala siyang balak umuwi pero nakatanggap siya ng tawag sa kaniyang katulong. Hindi niya alam ba’t siya nito tinawagan pero nang magsimula nang magsalita si Andrei, his heart immediately went crazy.

He didn’t even notice that he was smiling while listening to him. Dali-dali rin siyang umuwi noon at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit imbes na dumeretso siya sa kaniyang kuwartoʼy sa kuwarto ng mga katulong siya tumungo.

He tried to stop himself but he couldn’t. Para bang may sariling buhay ang kaniyang puso at isipan at ang buong katawan niya’y napapasunod. Namalayan na lang niyang nasa harapan na siya ng pinto ni Andrei.

“Shit!”

Mabilis siyang bumangon at pumasok sa loob ng kaniyang banyo. He took a quick bath and went outside of his room after changing into his suit. Sa kakaisip niya sa kasambahay ay hindi niya namalayang malapit na siyang ma-late sa trabaho. Although, siya ang CEO, hindi pa rin tama na na-la-late siya. Baka magkaroon pa ng pagkakataon ang mga empleyado niya na magpahuli rin sa trabaho.

Suot ang seryosong ekspresiyon, bumaba siya’t tumungo sa kusina. Pasimple niyang inilibot ang paningin, searching for the person who makes his heart crazy and confused. But he wasn’t there.

“Ah, sir. Tulog pa po si Andrei,” ani ni Dolly na mabilis niyang nilingon.

Nagsalubong ang kaniyang kilay at napapailing. Papaano nito nalamang si Andrei ang kaniyang hinahanap? Obvious ba ang kaniyang ginagawa? Or maybe, they know him well?

Tumango lang siya rito at saka naupo na sa kaniyang puwesto. “Let him sleep for a while,” aniya at saka nagsimula nang kumain.

Napapatanong siya sa sarili, kung bakit tulog pa rin ito. Napuyat din ba ‘to katulad niya? Iniisip din ba siya nito habang nakahiga sa kama?

Napangiti siya nang hindi niya namamalayan. Dahil sa isang eksenang pumasok sa kaniyang isipan. Nahahawaan na siya nito. Nagiging baliw na rin siya ʼtulad ni Andrei.

-

A N D R E I

Kay sarap talaga ng buhay lalo na kapag tatlong taon ang tulog mo. Para akong si Sleeping beauty na hinalikan ng isang prinsipe’t nagising. Ang kaibahan lang namin ay mas maganda ako sa kaniya at walang humalik sa akin. Nagkusa na akong gumising. Kakatamad kayang maghintay.

Tiningnan ko ang oras, alas-dose na?! Nanlaki ang mga mata ko’t mabilis na lumabas ng aking kuwarto at tinungo ang kusina.

Giatay! Ang tagal ko bang nakatulog?

Pagdating ko roo’y kumakain na ang mga hinayupak ng tanghalian. Si Auntie Dolly na nakataas pa ang isang paa habang sarap na sarap sa luto niya. Aba! Mga walanghiyang ‘to? Ni hindi man lang nila ako ginising? Wala ba silang awa sa ‘kin? Paano kung hindi na pala ako humihinga?

“Sarap ng buhay niyo, ano?” sarcastic kong tanong na parang may choreography pa sila dahil sabay-sabay silang lumingon sa akin.

“Oh, gising ka na pala, mahal na Prinsesa. Kumain ka na hoʼt maghuhugas ka pa mamaya.”

Sinamaan ko ng tingin si Auntie Dolly at saka pabagsak na naupo sa tabi ng isang katulong.

“Nakakainis kayo! Hindi niyo man lang ako ginising!”

Inirapan niya ako. Ay, ang taray, beh! Natututo na siyang umirap. Kung tadyakan ko na lang kaya siya sa ngala-ngala nang pati iyang chopsticks na hawak niya’y malunok niya? Gago rin, e. Sino bang nag-cho-chopstick na sabaw ang ulam?

“Eh kasi, ʼte. Utos ni Sir Henry na huwag ka munang gisingin.” Otomatiko akong napalingon dito nang magsalita iyong isa sa katulong, na hindi ko natatandaan ang pangalan.

Pero ano raw iyong sabi niya? Na utos ni si Sir Henry na huwag muna akong gisingin sa pagiging sleeping beauty ko? Mabuti naman kung ganoon!

Alam ba nitong dahil sa kaniyaʼy hindi ako nakatulog nang maayos? Alam ba nitong halos ako na ang mapagod sa paulit-ulit na paglalaro niya sa isipan koʼt panggugulo sa puso ko? Alam ba nitong natatakot na ako sa posibleng mangyari?

Malamang! Kagagawan niya lahat ng ʼto.

-

Dahil nga sa nagpalit kami ng trabaho ni Mirabelat, ako ngayon ang nautusang pumunta ng grocery. Alas-dos na ng hapon at ngayon pa lang ako aalis. Nagpahatid lang ako kay kuyang driver sa mall at kaagad na akong rumampa papasok.

Una kong pinuntahan ang puwesto ng mga saleslady na may hawak na free foods. Napangiti ako dahil hindi ko pa sila mahahanap kanina kung hindi lang sila nagpakita.

“Good afternoon, sir! Gusto niyo pa bang tikman itong baked spam namin?” Tiningnan ko ito, isang sandwich na may spam sa gitna.

Napangiti ako. “Oo naman! Masarap ba ‘to, teh?”

“Yes po.”

At dahil nga isa tayong pinanganak na mahilig sa libre, buraot kung tawagin nang nakakarami. Kumuha ako ng dalawang slice at saka kumagat sa una. Napapikit ako, kunwariʼy sarap na sarap ako. Pero actually, masarap naman talaga–lalo na kapag wala kang gagastusin.

“Wow! Ang sarap naman nito, ‘teh!”

“Oo naman po, dahil po iyan sa aming brand new and original creative oven!”

Nagulat ako nang may sumulpot na lalaking may dala-dalang maliit na oven.

“Rechargeable po ito, Sir. Puwede niyo pong dalhin kahit saan. Kung wala po kayong kuryente, puwedeng-puwede niyo pa ring i-charge gamit naman ang solar battery na amin ding produkto.”

Aba-aba. Isa namang lalaking may hawak na solar battery ang lumabas. Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanila habang patuloy na kumakain ng spam sandwich. Pinapakinggan ko lang sila sa kanilang sales talk.

Nang matapos sila sa kaka-introduced ay saktong ubos ko na iyong sandwich ng babae. Ngumiti ako.

“Wala kayong libreng juice o coke?”

“Wala po, Sir. Pero mayroon po kaming refrigerator na mabilis lumamig-” Tinaas ko ang palad ko upang pigilan siya.

“Ayos na, beh. May refrigerator din kaming kasya buong pamilya mo ʼpag chinop-chop kita.” Napansin ko ang gulat sa mukha nito. “Charizz! Hindi ka na mabiro.”

Ngumiti ako at saka sila tinalikuran. Mabilis akong pumasok sa loob ng grocery store at saka sinimulang hanapin ang dapat kong bilhin. Pagkahaba-haba naman kasing listahan ʼto. Kumuha ako ng isang malaking cart at inuna kong puntahan ang section ng mga chichirya. Wala ‘to sa listahan pero bakit ba? Ako ang inutusan, ako ang masusunod kung ano’ng kukunin ko.

Palingon-lingon ako sa paligid, nagbabakasakali na madaanan ko ang iba pang kailangan ko para ʼdi ko na mabalikan. Dahil ang mga bagay sa nakaraan natiʼy hindi na dapat binabalikan. Move on na, beh! Para kang tanga na umaasang magbabalikan pa kayo.

Nang tumingin ako sa bandang kaliwa koʼy napatigil ako sa pagtulak sa cart at saka kunot noong tumingin doon. Mabilis akong lumiko at hinanap ang pamilyar na bultong nakita ko.

Kahit nakatalikod ito sa akin ay alam na alam kong siya iyon. Siya lang naman kasi iyong kahit siguro natutulog ay nakasuot ng three piece suit at pamilyar pa sa akin ang kulay ng suot nito. Hindi ko man siya nakita nang umalis siya kanina, alam ko naman kung anoʼng kulay ng suit ang suot niya dahil Lunes ngayon.

Palinga-linga ako sa paligid at nang makita ko itoʼy dali-dali kong itinulak ang cart papalapit ngunit natigilan ako nang may isang magandang babaeng lumabas at lumapit sa kaniya. May hawak itong shampoo na head and shoulder na mint green ang kulay.

Napaatras ako nang makita ko kung paano tumawa iyong babae. Para silang mga tanga! Shampoo lang, tinatawanan niya. At ang cheap naman ng gagamitin nilang pampadulas, shampoo?!

Umalis na lang ako roon bago ko pa pasabugin ang mall na ʼto na sa inis.

May pa-request-request pa siyang kiss tapos sa iba naman pala niya ikikiskis ang ponyeta niyang tite! Hayop siya.

Pakyo ka, sir Henry! Malala!

Chapter 38

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 38

A N D R E I

––

Pagdating ko sa bahay, lahat ng gamit na makita koʼy tinapon ko lahat. Iyong mga flower vase, binuhat ko paʼt pinagbabasag. Wala akong itinira. Pati mga katulong ay pinalayas ko. Dahil sa galit. Pinaghalong galit at inggit.

Kumuha rin ako ng mantika at ibinuhos iyon sa bawat sulok ng bahay at saka ko ‘to sinindihan.

Chariz!

Kailan pa mag-aapoy ang kandilan? Ulo ko lang ang nag-aapoy sa galit. Kung puwede ko nga lang gawin ang mga iyon, e di sana kanina pa sunog itong bahay ni Sir Henry. Pero never, bebs! Hindi pa ako ganoon kasama. Kinikimkim ko na lang ʼyong nararamdaman ko dahil para saan pa?

Para saan pa ang galit ko kung alam ko, alam naming dalawa na nagpapanggap lang kami sa harap ng mga magulang niyaʼt byanan?

Pagkatapos kong ilagay sa mesa ang mga pinamili koʼy agad kong tinungo ang aking kuwarto. Doon ako naglupasay at nagtatalon-talon sa inis. Chour! Naupo lang ako sa kama habang umiinom ng isang litrong softdrinks. Nakatingin sa kawalan.

“Bwesit! Hindi man lang ako nalalasing dito?!” inis kong turan pagkatapos kong maubos ang iniinom ko. “Nakakainis kasing lalaking ʼyon! Ginagawa niya akong tanga.”

May pa-request-request pa siyang kiss tapos wala naman pala siyang paninindigan.

‘Di ba ngaʼy ikaw na rin ang nagsabi na huwag maging tanga lalo naʼt tuwid ang pagkatao niya?’ ani ng limang porsiyento ng matino kong isip.

Bumuntonghininga ako. Tama. Ako lang pala ang nag-iilusyon ng sarili kong love story–na kahit kailan ay hinding-hindi mangyayari. Ako lang pala ang nag-iisip na lahat nang pinapakita niyang motiboʼy may ibang ibig sabihin.

Gusto kong umiyak pero walang luhang gustong lumabas. Nahihiya siguro sila dahil sa katangahan ko. Umirap na lang ako sa kawalan.

Napangiwi ako nang maamoy ko ang sarili. Ang baho ko na pala. Agad akong kumilos. Kinuha ang tuwalyaʼt lumabas ng kuwarto. Maliligo na lang ako kaysa isipin iyong hinayupak na Henry’ng iyon!

Hindi siya kawalan!

\—

Pagkatapos naming mananghalian ay naisipan kong maligo na lang sa swimming pool. ‘Di kasi ako nakaligo kanina dahil naliligo si Auntie Dolly, kaya tinamad na ako. Ngayon lang ulit ako sinapian nang kasipagan sa pagligo.

Kinuha ko ang swimsuits na ginamit ko pa noon sa gaypor—gay pageant na sinalihan ko. Oo! Magsusuot ako ng two piece at walang makakapigil sa ʼkin. Sa kuwarto ko na ako nagpalit at saka ako rumampa palabas bitbit ang lalagyan ko ng sabon, shampoo, at toothbrush. Habang nakabalot naman ang tuwalya ko sa aking katawan.

“Pft! Bakla, sa’n punta mo?” Taas noo akong lumingon dito, iyong kasamahan kong katulong na may hawak na mop.

“Sa impyerno, sasama ka? O mauuna ka?”

Tumawa ito. As if naman nakakatawa talaga iyon sinabi ko. What if, paunahin ko na siya sa impyerno? Ang daming segway!

Iniwan ko na lang siya roon at saka nagpatuloy patungong pool area. Walang tao roon nang makarating ako. Sakto ring maganda ang sikat ng araw. Ibinaba ko na muna sa may bench iyong hawak koʼt bumalik sa kusina. Pagdating ko roo’y saktong naroroon si Auntie Dolly na nakaupo lang habang hawak niya ang cell phone. Aba! Binabayaran siyaʼt bakit cell phone ang inuuna?

“Wow naman! Iyan ba ang nagpapasweldo sa inyo, ‘te?” Nagulat ito’t muntikan pang mahulog sa kaniyang kinauupan.

“Ano ba, Drei! Nakakagulat ka naman–”

“Bakit po? Nanonood ba kayo ng bold?”

Nanlaki ang mga mata niya. “Hindi, ʼno–” Napansin ko ang pamumula ng pisngi niya. “E kasi ʼtong asawa ko, inayaya akong mag-soc!” sabi niya na tila ba bulateng binudburan ng asin.

Wow, a! May asim pa ang Lola niyo.

Inirapan ko na lang at saka tinungo ang refrigerator. Bala ko sana siyang utusan na gawan ako ng meryenda kaso ʼwag na, baka mabitin siya sa ginagawa. Kaya ko naman na ang sarili ko. Kumuha ako ng isang pitsel ng orange juice at saka mga chichirya na binili ko kanina. Sinamahan ko rin ng cookies at saka nung mga nabalatan ng prutas.

Naalala ko kasi sabi ni Auntie Dolly noong unang linggo ko na hindi naman daw nagagalit si Sir Henry kapag kami ang nakakaubos ng stocks. Dahil para sa kaniya, pamilya na ang turing nito sa ‘min. Feel at home kumbaga. Siyempre, abusado tayong mga Pinoy kaya tinodo ko na. Baka kasi dumating sina Senyorito maya-maya. Yayayain ko na lang.

Nang mailapag ko sa mesang gawa sa semento rito sa pool area na may payong ang mga dala ko. Hinubad ko na rin ʼyong tuwalyang nakabalot sa katawan ko. At hetoʼt exposed na ang aking curved body. Umawra pa ako kahit wala namang camera. Feeling ko kasi ang sexy-sexy ko sa suot kong puting bikini. Alagang-alaga ko kaya itong katawan at mukha ko.

Napaharap ako sa likuran ko–kung saan ang pinto papasok sa loob–nang may sumipol doon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Marlou roon, nakatayo at nakapamulsang nakatingin sa aking gawi.

Dali-dali akong umatras at tumalon sa pool. Nang umahon akoʼy nasa gilid na ʼto ng pool.

“A-Ano’ng ginagawa mo ritong hayop kaʼt bigla-bigla ka na lang sumusulpot?”

Napansin ko ang pagngisi niya. Mabuti na lang at nakatalon ako kaagad para wala siyang pagkakataong suriin ang katawan ko o kanina pa ba niya ako sinusuri?

“Chill, Dude!”

“Dude mo mukha mo! Kita mo nang naka-bikini tatawagin mo niyan?”

Tumawa siya. Naningkit tuloy ang mga mata niya. “I’m sorry.”

Umirap na lang ako at saka lumangoy papunta sa may hagdan. Umahon akoʼt nagulat na lang nang hawak na nito iyong tuwalya ko na agad niyang isinampay sa aking balikat.

“Wow! Ang gentleman, a?”

Ngumisi na naman siya. Kinikilabutan ako pagngumingisi ʼto. Iniisip ko na lang na kamukha niya si Xander Ford para matawa ako. Pero kasi ang layo-layo ng itsura nito sa social media influencer na ʼyon. Guwapo ito pero mas poge si Sir Henry.

“Akala ko noong una babae ka pero nung humarap ka na, may bukol ka pala sa gitna ng mga hita mo,” sabi nito.

Dahil sa inis koʼt mabilis ko siyang naitulak sa swimming pool.

“Hala! Akala ko kasi sa ʼyo salbabida,” ani ko sabay irap. “Pero maligo ka na muna. Baka naiinitan ka.”

“Fck! Andrei! Did you know that this shirt is the most expensive shirt in the world?!”

Arte!

Hindi ko na lang siya pinansin. Naupo ako sa bench at saka sinimulang kainin iyong meryendang kinuha ko. Napansin ko ang pag-ahon nito sa pool. At hindi rin nakawala sa paningin ko ang paghubad nito sa expensive kuno niyang polo. Naitunga ko iyong isang pitsel ng orange juice nang tumambad sa ʼkin ang kahubdan niya.

Teka lang naman!

Hibuhad din niya ang suot na pantaloon at ngayoʼy naka-brief na lang siyang puti. Tapos iyong bukol sa gitna ng mga hita niyaʼy sobrang laki. Tumor ba iyon? O baka cyst?

Umiwas ako ng tingin nang tumingin ito sa akin.

“Look what have you done,” aniya. “O baka sinadya mo iyon para makita ang katawan ko?”

Nanlaki ang mga ko sa gulat sabay tumingin sa kaniya. Ang lapit-lapit nito sa ʼkin at mas lalong nangingibabaw ang perfume nito nang siyaʼt mabasa. Napalunok ako.

“U-Ulol!” ani ko’t sabay iwas ng tingin. Ano ba, Drei! Pigilan mo’ng sarili mo. May Henry ka na ngaʼt gusto mo pa ng isa.

Bakit ba nasasali iyong lalaking iyon dito? Mayroon ng bago iyon! At saka walang kami. Kingina niya!

Tumawa siya at saka naupo sa bakanteng upuan sa harapan ko. Nakatalikod siya sa pinto ng bahay habang kaharap ako. Hindi ako makatingin sa kaniya nang deretso. Mahirap na, baka isipin pa nitong pinagnanasahan ko siya.

“B-Ba’t ka ba nandito?” tanong ko, habang nginunguya iyong junk foods sa bibig.

“Mom asked me to visit my nephew,” sagot niya. “Wait… Nasaan na iyong juice?”

Tumingin ako sa mesa. Wala na pa lang juice sa pitsel dahil naubos ko na. Nagkibit lang ako ng balikat at saka tumingin sa kaniyang likod–kung saan nakatayo roon ang isang dragong masamang nakatingin sa amin.

Umirap ako. Pakialam ko? At ano namang problema niya? Dapat iyong babae niya pinoproblema niya, hindi kami!

“A-Alam mo, kung ako lang sa katayuan mo. Umuwi na ako kanina pa,” bigla kong sabi nang mapansin ko ang pagkawala ni Sir Henry sa paningin ko.

“What? Nandito na ako. Basang-basa na ako. Might as well enjoy the rest of the time, right?”

Napaka-bobo! “Wala akong pakialam, basta umuwi ka na lang.”

“What’s your problem?” Tumingin ako sa kaniya at saka umiling. “Then let me join you. Tutal wala pa naman si Finley, dito na muna ako.”

“B-Bahala ka nga sa buhay mo!” sabi ko’t tumayo. Tinanggal ko na muli ang tuwalya’t nilagay iyon sa tabi.

Saktong pagtingin ko sa likuran ni Marlou ay naroroon na si Sir Henry at tanging brief na rin ang suot. Tapos iyong disenyo ng brief niya’y si Ben 10 . Chariz! Kulay green iyon na hapit na hapit din sa kaniyang baywang na halos pumutok na dahil sa laki ng sawang nakakulong doon.

“S-Sir!” ang biglang lumabas sa matabil kong bibig na siyang ikinalingon ni Marlou rito.

Magkasalubong ang mga kilay niyang nakatingin sa akin. “I didn’t know you invited someone to hangout inside of my house,” sabi nito na ‘di ko naintindihan kung ano’ng ibig sabihin.

“It’s not what you think–”

“Hindi ikaw ang kausap ko, Marlou. I’m talking with my wife. Could you please leave us alone?” ani sir Henry na nakapagpatigil kay Marlou sabay tingin dito nang masama.

Hindi ko mawari. Hindi ko alam ano’ng nangyayari sa mga oras na ‘to. May hindi ba ako alam? Kinakabahan ako. Mayroon ba silang hindi pinagkakaintindihan sa isa’t isa? Tumahimik na lang ako’t nakikiramdam.

Bakit hindi na lang sila magsuntukan? Char!

*****

_Almost 40k reads na tayo! _ _Maraming-maraming _ _**** _ _salamat _ _po. _

Chapter 39

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 39

A N D R E I

Ang init, bebs! ʼDi ko kinakaya ang eksena habang nagpapalipat-lipat ako ng tingin sa dalawang magkaharap na ngayon. Masasama ang tingin sa bawat isa. Para bang walang gustong magpapigil sa madilim na aura’ng lumilibot sa kanilang dalawa.

Mga sayans ba sila? Ba’t ang lalaki ng dragon balls nila sa gitna ng kanilang mga hita?

Chariz!

Ano ba kasing nangyayari at nag-aaway itong mag-bayaw na ‘to? Paki-explain using the methods of how to find the value of ex with equivalent two point zero.

Hindi ko talaga kinakaya, bebs! Kaya bago pa man sila magkasakitan, lumuhod–chariz. Huwag tayong kekerengkeng, Andrei!

“Hoy!” Sabay ang mga itong lumingon sa akin. Bigla akong natameme. Bakit ang popoge nila, bebs? Lalo na si Sir Henry na daks na daks sa suot niyang Ben 10 na underwear. “A-Ano p-puwede bang explain ninyo sa akin ano pinag-aawayan ninyo?”

“You/Ikaw!” sabay nilang sagot. Nakatingin na rin ang mga ito sa akin. Napaturo ako sa aking sarili, hindi makapaniwalang tumingin sa kanilang dalawa.

Ako pa ngayon? Abaʼy! Napakaganda ko naman kung ganoon para pag-awayan ng dalawang ʼto.

“P-Paanong ako?” nagtataka kong tanong. Tumingin ako kay Sir Henry na seryosong nakatingin din sa akin. Bigla akong nahiya sa itsura ko ngayon dahil sa suot ko.

Ang foge kasi niya, beh!

Wait! Nasa seryoso nga pala akong sitwasyon. Isantabi na muna ang kalandian.

Narinig kong tumawa si Marlou kaya sa kaniya ako napatingin. Kumunot ang noo ko. Napansin ko namang sinamaan siya ng tingin ni Sir Henry.

“Oh, I’m sorry. I forgot. Medyo seloso nga pala itong boss mo, Andrei,” aniya. Kinuha nito ang mga basang damit at saka kami tinalikuran. “I guess, I should leave you guys first. May importante pa akong lakad,” dagdag niya pa’t agad ding nawala sa paningin namin dahil pumasok na ito sa loob.

Pero seswa, ‘di nakatakas sa paningin ko iyong malamang puwet ni Marlou.

“You like him?” Bigla akong napaayos ng tayo nang magsalita si Sir Henry.

Tumingin ako rito. ‘Di ko mawari kung ano’ng tumatakbo sa isipan niya at ano’ng ibig nitong sabihin? Ako ba tinatanong nito o baka may nakikita pa siyang iba na ‘di ko nakikita?

Nilingon ko naman ang paligid ko. Walang tao roon. Wala rin akong nararamdamang kakaiba. Ibinalik ko agad ang tingin ko kay Sir Henry – na kunot noo na ngayong nakatingin sa akin.

“A-Ako po ba ang tinatanong ninyo?”

“Bakit? May iba pa ba tayong kasamang maligno bukod sa ‘yo?”

Nanlaki ang mga mata ko’t dali-daling lumapit sa kaniya. Napahawak ako sa kaniyang malamang braso at tumingin muli sa paligid. Wala naman akong nakikita.

“S-Sir, m-may nakikita po ba kayong hindi ko nakikita?” tanong ko, kinakabahan. Pasimple kong napisil ang kaniyang braso. Rawr! Ang sarap, bebs!

Tumawa siya. “Tsumatsansing ka lang,” sabi nito.

Napabitaw ako’t lumayo nang bahagya sa kaniya. Namewang sa kaniyang harapan at saka siya tinaasan ng kilay. Ang kapal naman ng mukha niyang sabihin sa akin ‘yan? Wala siyang proyeba! At kung mayroon man, bakit naman ako aamin?

Hindi ko na lang siya sinagot at tumalikod na lang ako. Magsu-swimming na lang ako. Tumalon ako sa tubig at binabad ang sarili sa ilalim nito ng halos dalawang minuto. Nang umahon ako’y gulat na gulat ang poke ko nang nasa harapan ko na mismo si Sir Henry, nakatingin sa akin ng seryoso.

Bigla akong napasinghap nang maramdaman ang braso niyang dumausdos sa aking baywang at saka ako hinapit papalapit. Napalunok ako. Ano ‘tong ginagawa niya?

Nakakaramdam ako ng kakaiba. Hindi ko maipaliwanag. Naghahalo ang nararamdaman kong emosyon. Ngunit nangingibabaw iyong takot. Takot na baka may makakita sa amin at kung ano pa’ng isipin. Ayos lang sana kung hindi ganito ang itsura ko pero kahit naka-two piece na ako’y panglalaki pa rin ang gupit ko.

“A-Ano po’ng ginagawa ninyo?”

“Alam mo bang kaunti na lang natitira sa pasensiya ko?”

Kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. Ano bang pinagsasabi ng lalaking ito? Ang lapit-lapit pa niya sa akin at amoy na amoy na ako ang bango ng kaniyang hinihinga.

“W-Wala naman po akong ginawang masama sa inyo, a?” tanong ko, ‘di ko talaga siya maintindihan.

“You didn’t do anything wrong at kahit wala ka pang ginagawa, ang lakas na ng epekto mo sa puso ko. You make my heart skip and confused. Ano ba’ng mayroon sa ʼyo baʼt ako nagkakaganito?”

Naestatwa na yata ako rito. Ang lakas ng tibok ng aking puso. Hindi ko alam. Hindi ko talaga siya naiintindihan. Naguguluhan ako. Bakit ba siya nagkakaganito?

Napabalik lang ako sa reyalidad nang maalala ko iyong nakita ko sa Mall kanina. Mabilis ko siyang tinulak papalayo at saka lumangoy upang makadistansiya ako sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin na siyang ikinakunot ng kaniyang noo.

Ang kapal naman ng mukha niyang sabihin sa ‘kin iyan? Samantalang, may kinakasama siyang iba? Aba!

“M-May saltik lang po kayo, magkape kayo nang magising kayo,” sabi ko. Umahon ako. Nawalan na ako ng ganang maligo.

Kinuha ko ang tuwalya’t ibinalot iyon sa sarili. Rumampa na ako at pumasok sa loob ng bahay. Ngunit ‘di ko napansing sumunod pala ito sa akin. Nagulat na lang ako nang may humawak sa ‘king braso at hinila ako ng walang pasabi. Ngunit, mabilis kong hinila ang kamay ko at saka tumingin dito.

“Ano bang problema mo?”

“We have to talk,” seryoso nitong sagot.

“Wala po tayong dapat na pag-usapan,” sabi ko at tatalikod na sana ngunit nagulat ako nang bigla ako nitong binuhat ng pa-bridal style.

Nanlaki ang mga mata ko. Shutacca, Sir! Saan mo ‘ko dadalhin?

Napasigaw ako sa gulat nang bigla ako nitong ibinagsak sa isang malambot na kama. Bakla ka! Basa pa ang buo kong katawan at suot-suot ko pang two piece na basa rin. Napatingin ako kay Sir Henry. Nakatayo ito’t nakatingin sa akin ng seryoso.

Bumangon ako, “Ano po bang problema ninyo?!” singhal ko. “Bakit bigla-bigla–”

Hindi ko natapos ang dapat na sana’y sasabihin ko nang mabilis itong lumapit sa akin. Hinawakan ang baba ko’t sinungaban ako ng halik—na hindi ko inaasahang gagawin niya.

Parang umikot ang mundo koʼt ‘di ko alam kung ano’ng nangyayari. Kung bakit ako nito hinalikan? Kung bakit mabilis ang tibok ng puso ko at the same time–natatakot ako?

Buong akala ko’y iisa lang ang sinasang-ayunan ng puso’t isip ko. Ngunit ngayo’y magkaiba na silang dalawa. Hindi dapat ‘to ginawa ni Sir Henry, iyon ang paulit-ulit na sinisigaw ng isipan ko samantalang tuwang-tuwa na naman ang malandi kong puso.

Natatakot ako. Natatakot ako para sa sarili ko.

Naramdaman kong gumalaw ang labi nito. Kaya mabilis ko siyang naitulak at saka dali-daling lumabas ng kaniyang kuwarto nang hindi pinapansing naka-two piece lang ako. Naabutan ko pa si Mirabellat at Senyorito Finley na kakarating lang at papasok sana sa kuwarto ng huli. Ngunit ‘di ko sila pinansin. Ang nais ko lang ay makapagtago.

Kung hindi niya kayang pigilan ang sarili niya’t nauubusan na siya ng dahilan. Pwes! Ako na lang ang magpipigil. Dahil kung ano man ang nararamdaman niya, walang patutunguhan iyon.


Salamat **** sa 5k Followers at sa almost 50k reads nitong The Ruthless Daddy!

Chapter 40

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 40

A N D R E I

“WAAAAAHHH!!“hysterical kong sigaw nang makita ang repleksiyon ko sa salamin. “Hindi ‘to maaari! Salamin-salamin, sabihin sa ‘king ako pa rin ang maganda!”

Pero ang gagang salamin, hindi man lang ako sinagot. Mas lalo nitong pinagduldulan sa mukha ko ang itsura ko. Kitang-kita ang eyebags ko sa mga mata. Tapos tinubuan pa ako ng pimples sa may tuktok ng ilong ko. Hindi talaga ʼto maaari!

Kasalanan ‘to ni Sir Henry e. Kung bakit naman kasi niya ako hinalikan? Ayan tuloy, hindi ko maipikit ang mga mata ko dahil ang imahe ng mukha nito ang nakikita ko. Magdamag akong nakadilat. Magdamag!

Hindi rin ako nakakain kagabi dahil kasi… Baka mabura iyong lasa ng labi niyang manamis-namis sa aking labi. Charut! Pero true iyon.

Isang malakas kalabog ang nagpagulat sa akin. Mabilis akong tumingin sa aking pinto–na ngayoʼy nakabukas naʼt naroroon si Mirabellat na tila ba gulat na gulat.

“Ano’ng nangyayari?!” tanong nito, habol-habol ang hiningang nakatingin sa akin.

Tinuro ko ang sarili ko. “A-Ang pangit-pangit ko na, beh!” sabi ko, nangingilid na rin ang mga luha sa aking mga mata.

Bigla itong namewang. “Tangnamokanghayopka!”

“Abaʼy–”

Tinalikuran niya ako. “Matagal ka ng pangit, baks! At saka maligo ka na nga roon. Kahapon mo pa suot iyang swimsuit mo, e,” sabi niya sabay labas ng aking kuwarto.

Muli akong tumingin sa human size mirror na kinuha ko lang sa kuwarto ni Senyorito dahil pakiramdam ko, magagamit ko ‘to ngayon. Sinipat ko ang sarili at tama nga ang babaeng iyon. Suot ko pa rin iyong swimsuit ko kahapon na ngayo’y natuyo na.

Ano ba’ng nangyari kahapon? Nawala ba ako sa katinuan at hindi ko man lang nagawang magpalit ng damit?

Shuta!

Kasalanan talaga ito ng masarap na labi ni Sir Henry! Hindi puwedeng hindi ako makaganti. Abaʼy ano nga ba iyong kasabihan sa mga taong balak gumanti? Ah basta! Gagantihan ko siya.

Mabilis kong dinampot ang tuwalyang kahapon pa nasa aking kama. Lumabas ako ng kuwarto at tinungo ang banyo rito sa labas. Mabilis lang akong nakatapos maligo at saka nagpalit nang maayos na damit. Isang malaking T-shirt na cute na print sa gitna at maikling short. Para tuloy akong walang suot na pang-ibaba dahil malaki ang suot kong T-shirt.

Inayos ko na muna ang marumi kong kuwarto at saka ako lumabas.

Naabutan ko sa kusina ang mga katulong na kumakain na. Pansin ko lang, ako lang ang hindi nakasuot ng uniform sa kanila. E walang may pake, wala rin naman silang ibinigay na uniform sa akin ‘tulad ng mga kasama. Hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin at naupo na sa tabi ni Mirabellat.

“Walang pasok si Senyorito ngayon?” tanong ko, tumingin naman siya sa akin at umiling. Tumango lang ako’t nagsimulang kumain.

––

Habang binabantayan ko si Senyorito na walang may pake sa ‘kin dahil abala ito kakanood ng hentai. Naging abala ako sa pag-iisip kung papaano ko magagantihan si Sir Henry.

Papaano kong i-prank ko siyang nalulunok ako sa tabo, tapos kailangan ko ng CPR? ‘Di ba? Ganoon ang ginagawa kapag nalulunod?

O hindi naman kayaʼy nilalagnat akoʼt kailangan ko ng kissperin at yakapsul niya? Yieeh!

Naramdaman ko ang biglang pag-iinit ng magkabila kong pisngi. Iniisip ko pa lang, namumula na agad ang mukha ko.

“Bakla talaga,” sabi ng kung sino. Kaya’t nilingon ko ito. Si Senyorito na seryoso lang na nakatingin sa malaking TV screen.

“Tse! ʼPag ikaw naging bakla, tatawanan kita,” sabi ko naman at saka siya inirapan.

Hindi na niya ako sinagot at itinuon na lang ang buong pansin sa pinapanood.

\-

Lumipas ang mga oras at hapon na nang maisipan kong lumabas sa kuwarto ni Senyorito. Nakatulog nga ako kakabantay sa batang iyon. Dumiretso ako sa baba at hindi pa man ako nakakarating sa ibabaʼy saktong bumukas ang pinto ng bahay.

Napatingin ako roon, kung saan pumasok si Sir Henry. Nagtama ang mga mata naming dalawa at tila ba may kung anong kumislot sa puso ko na ʼdi ko mawari. Nakaramdam ako ng kiliti at kasabay nito ang biglang pag-iinit na naman ng magkabila kong pisngi.

Umiwas ako ng tingin. Nagkunwaring hindi ko siya nakita at dali-daling naglakad patungo sana sa kusina ngunit natigilan ako ng may humawak sa aking leeg at akoʼy sinakal hanggang sa mawalan ako ng hini–charut. Nilingon ko ang kung sinong humawak sa braso ko.

Si Sir Henry.

“M-Ma-May kailangan po kayo?” nauutal kong tanong sabay iwas sa kaniya ng tingin.

“Are you mad at me?” Kumunot ang noo ko sa kaniyang tanong. Kaya muli ko siyang tiningala. Nagulat ako dahil para bang nag-aalala ang kaniyang itsura.

Binawi ko ang braso ko at saka tuluyan siyang hinarap.

“Bakit naman po ako magagalit sa ʼyo? M-May nagawa po ba kayong mali?” tanong ko pabalik.

Ang totoo niyaʼy naiinis ako rito ngunit alam ko sa sarili kong wala akong karapatan para maramdaman iyon. Sino ba ako sa buhay niya? Isa lang akong katulong. Utusan. Binabayaran para sumunod. Tagabantay lang ng kaniyang anak. Iyon lang. Naiinis man ako pero sasarilinin ko na lang ito.

“I-I don’t know. Maybe because I suddenly kiss you?”

Napapikit ako. Napahilot din sa aking sintido. Bigla kasi akong nahilo sa ginagawa nitong ekspresiyon.

Ano ba, Sir! Bakit mo ba ako inaakit?!

Bumuntonghininga ako at saka siya tiningnan. “K-Kalimutan na lang po natin iyong nangyari. Isipin na lang natin na panaginip lang iyon,” sabi ko at tatalikod na sana ngunit bigla na naman ako nitong hinawakan.

Lumingon ako rito.

“You know I can’t do that,” sabi niya. Mas lalong kumunot ang noo ko. “I meant to kiss you. At hindi ko magagawang kalimutan iyon.”

Muli akong humugot ng hininga at saka tinanggal ang kamay nito sa braso ko.

Nasaan ba kasi ang mga katulong dito?! Bakit hindi man lang nila magawang magpakita sa tuwing may ganitong eksena para naman matapos na ito kaagad?!

Ngumiti ako–na puno ng kaplastikan.

“K-Kung iyan po ang nais ninyo. Kayo po’ng bahala,” sabi ko at saka siya tinalikuran na. Mabilis akong kumilos ngunit narinig ko pang magsalita ito na nagpabilis lalo sa kanina ko pang naghuhurumintadong puso.

“Kung hindi ka naniniwala sa mga sinabi ko sa ʼyo. I will prove that I am slowly falling, Andrei. Papatunayan ko sa ʼyong totoo iyong nararamdaman ko.”

Umiling na lang ako. Hindi ko siya lubos na naiintindihan. Ano ba kasing pinagsasabi niya? Hindi na lang ako diretsahin at bakit ginugulo na naman niya ang puso ko?


Hindi ko alam kung ilang chapters na lang ito. Basta, malapit na tayong matapos! Salamat sa pagbabasa.

Chapter 41

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 41

A N D R E I

Ano ba ʼtong behaviorabilitism na pinapakita nitong si Sir Henry at bigla-bigla na akong niyayaya kung saan? ʼDi ko talaga siya naiintindihan at lalong-lalo na iyong nararamdaman ko.

Gusto kong magwala, bebs! Gusto kong mag-rally sa harap ng Malacañang at isigaw na ibaba ang presyo ng chu—charot.

“Saan po tayo pupunta?” tanong ko habang nasa loob kami ng sasakyan. Bahagyang tumigil ang kotse dahil pula ang traffic lights. Nakakakaba nga dahil baka mamaya hawakan ako nito sa batok at ingudngud sa gitna ng mga hita niya. ‘Di pa ako handa sa car fun!

Chariz! I was born ready, born to be wild rawr!

“Where do you want to go?” Nanlaki ang mga mata kong tumingin dito.

Ako ang niyaya nitong lumabas at tatanungin ako kung saan ko gustong pumunta? Paano kung sabihin ko sa kaniyang gusto kong pumuntang langit? Nasa tapat pa naman namin iyong SOGO. Ano? Ikasa ko na?

Pero siyempre, ‘di tayo papahalatang kinikilig sa mga titig niyang kakaiba. Inayos ko ang buhok kahit na hindi naman magulo at kunwari’y may mahabang buhok na inipit sa likod ng aking tainga.

“H-Hindi ko po alam,” honest kong sagot. Wala akong maisip na puwede naming puntahan ngayon.

Hello! For his information mga accla, bago lang tayong napadpad dito sa Manila. Baka mamaya ‘pag sinagot ko siya na gusto kong pumuntang langit, ʼdi naman niya iyon alam kung saan.

“Gusto mo bang manood tayo ng sine?” tanong nito.

Napaisip naman ako kung gusto ko ba pero hindi, e. Iba ang gusto kong gawin ngayon. Ang matulog. Charot!

“K-Kung saan na lang po kayo masaya,” sabi ko na lang sa kaniya kasi sa totoo lang, wala akong maisip na puwede naming puntahan.

“I’m happy to be with you, Andrei,” aniya na ikinagulat ng pekpek kong bagong shave.

Hindi ako kinikilig! Promise. Ba’t naman ako kikiligin? Sinabihan na ako ng ganiyan ng ex boyfriend kong sumama sa may malaking cocomelon e mas magaling pa akong sumubo roon.

“I could see you smiling,” sabi pa nito.

Umirap ako at saka tumingin sa labas. “M-Manood na lang po tayo ng sine, kung ano-ano pong sinasabi niyo riyan,” sabi ko at sakto namang green na ang traffic lights kaya agad itong nagmaneho.

\—

Nasa loob na kami ng sinehan. Sa may likod kami naupo kung saan kakaunti lang din ang mga nakapuwesto rito. Hindi pa nagsisimula ang palabas at ang napili naming panoorin ay iyong sikat na sikat ngayon movie na Doctor Strange.

“Alam niyo po ba,” bigla kong sabi at tumingin kay Sir. Tumaas ang kaniyang kilay. Kumain na muna ako ng popcorn na binili ko bago nagpatuloy, “May nabasa akong confession sa Facebook na nagchupa–”

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng namatay ang ilaw.

“What did you say?” narinig kong tanong ni Sir.

“Ah wala po. Mukhang magsisimula na po yata iyong palabas,” sabi ko at itinutok na ang paningin sa harapan.

Hindi naman ako mahilig sa mga ganitong magic-magic na palabas. Pero nang tingnan ko si Sir Henry ay nakatutok lang ang mga mata nito harapan.

Ang guwapo niya, ‘teh. Ang haba ng ilong, pilik mata, at iyong papatubo na niyang balbas ay bagay na bagay sa kaniya. Masuwerte ang magiging asawa nito, bukod kasi sa pinagpala siya ng hinaharap, pinagpala rin ang bulsa niya.

Siya iyong tall, daks, handsome, and mayaman.

Nanlaki ang mga mata ko nang tumingin siya sa akin. Iiwas na sana ako ng tingin nang mabilis nitong nahawakan ang kamay ko. Nanginig ako dahil sa kaba nang makaramdam ako ng kakaibang kuryenteng dumaloy sa kamay ko. Napalunok ako.

Noong nagkaroon ako ng jowa, wala akong naramdamang ganito. Puro sama lang ng loob iyong naramdaman ko.

“Dapat pala ang sinabi mo’y mas gusto mo akong pagmasdan para hindi na tayo nagpunta pa rito.”

Ibinaling ko nang mabilis ang tingin sa pinapanood namin. Ang bilis ng tibok ng buwakanang puso ko. Kinakabahan ba ako o sadyang nababaliw lang ‘to?

“M-Manood na po tayo,” sabi ko. Narinig kong tumawa siya nang mahina.

“I’m just kidding, Andrei. You can stare at me for as long as you want,” sabi nito pero hindi ko na lang pinakinggan. Napasinghap ako nang pinag-intertwined niya ang mga kamay naming dalawa. Hindi tuloy ako makakain ng popcorn.

\—

“The movie was great. I could watch it again and again,” ani sir Henry nang makalabas na kaming dalawa.

Ngumiti lang ako at tumango. Wala akong masabi. Wala naman kasi akong naintindihan sa pinanood namin dahil ang buong atensiyon ko’y sa aking puso ko na hindi na natigil sa kakatibok ng mabilis. Isa pang nakakakaba ay ang kasalukuyan pa rin naming mga kamay na magkahawa. Hindi na niya ito binitiwan pa simula pa kanina.

Nang mapansin kong pinagtitingnan na kami ng mga tao’y dahan-dahan kong hinila ang kamay ko. Tila ba napansin niya iyon kaya mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak dito.

“Don’t mind them. Their opinions aren’t counted. Tara na, nagugutom na ako,” seryoso niyang sabi at hinila na ako sa isang Pizza house.

\—

Hanggang ngayo’y naguguluhan pa rin ako sa mga kinikilos ni Sir Henry. May parte sa puso ko naman na masaya dahil kahit papaanoʼy nakita ko ang iba pang karakter ni Sir Henry. Iyong madaldal, hindi iyong palaging nakakunot ang noo at ʼdi man lang marunong maka-appreciate ng bagay.

Nakilala ko pa siya ng lubos dahil sa ‘date’ kuno naming dalawa.

Pag-uwi namin sa bahay at agad itong dumiretso sa itaas. Ako nama’y tinungo ang kusina upang tumulong sana sa paghahanda ng hapunan pero ang naabutan koʼy mga masasamang tingin ng mga kasama ko.

“B-Bakit?” tanong ko, isa-isa ko silang tiningnan. Ganito pala tumingin nang masama ang mga pangit?

“Hoy, baks! Ano’ng pinakain mo kay Sir at parang may kakaiba sa inyong dalawa?” Tinignan ko si Ante Dolly. Tinuro ko ang sarili ko.

“Te, ako po ba ang cook dito?” balik tanong ko.

“Oo nga, ‘no? Ah, basta—”

“Para sabihin ko sa inyo, wala po akong ginawa o ginagawang masama. Kung ano man ‘yang iniisip niyo, hindi iyan totoo. Maganda lang talaga ako,” sabi ko sabay ngisi at flip ng imaginary hair. Hindi ko na sila hinintay pang makapagsalita dahil mabilis akong lumabas ng kusina at tinungo ang aking kuwarto.

\—

Pagkatapos kong maligo at makapagpalit ng damit, bumalik ako kaagad sa loob ng bahay. Saktong pagpasok ko’y siyang pagbaba ng pinakaayaw kong makasalubong kahit saan mang sulok ng mundo.

Napatingin ito sa akin. Umayos ako ng tayo. Dumoble ang kaba ko. Pakiramdam ko kasi nasa isa akong fraternity at sa mga tingin pa lang nitoʼy para na akong pinapalo ng dos por dos. Ba’t ba kasi ganito ito kung makatingin?

“How much do you need to stay away from my son?” biglang nitong question and answer portion. ‘Di ko tuloy alam kung ano’ng isasagot ko.

One million kaya? Pero ang konte naman yata nun. Dalawa? Tatlo? O sampo?

“A-Ano po’ng ibig niyong sabihin?” tanong ko.

“Do you think, I would never know that you and that woman Andrea he introduced were the same. Stay away from my son. I cannot accept someone like you in this house.”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya’t nagising sa kahibangan. Hindi ako makasagot dahil tama siya, ako at si Andrea ay iisa, parehong maganda. Kumirot ang dibdib ko. Sasagot pa sana ako ngunit muli na naman itong nagsalita.

“Bukas na bukas ay gusto kong wala ka na rito sa pamamahay ng anak ko o kung hindi, ipapakaladkad kita. Don’t worry, I’ll pay you. Alam kong pera lang naman talaga ang habol mo.” At saka ako nito nilampasan. Nawala siya sa paningin ko.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko’t ‘di alam ang gagawin. Pera? Sa tingin ba niya pera lang ang habol ko? Nag-iisip ba ang demonyong iyon? Itong baklang ito, pera lang ang habol kay Sir Henry? Hindi ba puwedeng tit–

“What did Dad tell you? Did he tell you to stay away from me?” si Sir Henry naman ngayon ang biglang dumating na ʼdi ko napansing nandito na pala sa tabi ko.

Umiwas ako ng tingin.

Umiling ako’t ngumiti. “W-Wala po. S-Sabi niya, pagbubutihan ko raw po sa trabaho kasi may bonus daw po siyang ibibigay,” sagot ko at parang may nakabara sa lalamunan ko habang sinasabi iyon. “Sige po. Babalik na muna ako sa kuwarto ko.”

Hindi ko na ito hinintay pang makasagot at mabilis siyang tinalikuran.


Ayan na-update na po ako. Gusto ko lang kasing **** magparamdam HAHAHAHAH! Anyways, maraming-maraming salamat sa mga nagbabasa **** nitong walang kakuwenta-kwentang story. Ewan ko ba! Byee ! Ingat **** palagi .

Chapter 42

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 42

A N D R E I

Nakaka-stress talaga ‘pag sobra mong ganda. Iyong tipong hindi ka magkandaugaga sa mga gagawin mo dahil hirap na hirap ka na, pero nanatili ka pa ring maganda. ‘Yan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Gulong-gulo na ang isipan ko, pero maganda pa rin naman ako. Hindi puwedeng hindi tayo maganda.

Ewan ko ba sa takbo ng buhay ko ngayon. I never thought that-charot ba’t ba ako napapa-english? Iyon na nga, hindi ko naman inaasahan ang lahat ng ito nang una ako tumapak dito sa Manila.

Well, yes, siguro. Inasahan kong may mahuhulog sa ganda ko. Pero hindi pumasok sa isipan ko ang maraming balakid.

Sino ba kasing producer, director, at script writer ng buhay ko nang makapag-meeting kamiʼt ibahin na lang ang takbo nito? Like, ako si Darna na ibang bato ang nilulunok! Mga ganoon. Ayoko nito. Ang complicated ng buhay ko.

Gusto ko na lang maging bato sa gilid o cactus, para kahit ibato ako o hawakan ako, hindi ako ang masasaktan.

Bakit ba kasi ako napunta sa sitwasyong ito? Bakit ba kasi ako naging maganda kahit may tit-kahit may buntot ako sa harapan? Napakahirap sagutin.

Bumuntonghininga na lang ako at lumabas na ng aking kuwarto. Madilim na pala ang paligid. Hindi ko man lang namalayan. Nag-marathon kasi ng mga movie ni Malik Delgati. Ang poge-poge rin kasi nun, dzai!

Pagpasok ko sa kusina nitong bahay nina sir Henry ay tahimik ang lahat. Kumunot ang noo ko. Hindi kasi ako sanay, lalo na itong si Mirabellat na kumakain ng strawberry. Tsismosa ito, e. Pati yata aso ng kapitbahay nina sir Henry, may dalang tsismis na kesyo nasalisihan daw ng Aspin.

Lumapit ako rito at kumuha ng isang strawberry at mabilis iyong kinain. Napatingin siya sa akin pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

“Tangna mo naman, Drei! Binili ko ‘yan online at alam mo bang ang mahal-mahal niyan tapos kukuha ka lang ng hindi nagpapaalam?” Masama siyang nakatingin sa akin pero bilang isang magandang dilag kahit kailan hindi kakalat ang lahi, ngumiti ako.

“Magkano ba, beh? Mag-wi-withdraw ako mamaya, babayaran kita, doble pa!” sabi ko sabay irap sa kaniya.

“400 iyang isa!”

Nanlaki ang mga mata ko’t mabilis na tumingin sa kaniya. “4-400?” ang hindi ko makapaniwalang tanong. Ang liit-liit ng kinain ko, tapos ang mahal-mahal. Ilang kilo na ng bigas mabibili ng 400 na iyon!

“Oo. May pangbayad ka ba?”

Ngumisi ako at saka siya sinagot, “utang muna, teh. Bawi na lang next life. Saka alam mo ba, first time kong matikman ang strawberry. Ganoon pala ang lasa? Isa pa nga.” At kumuha na naman ako ng isa’t mabilis iyong kinain.

“Masarap?”

Tumango ako. “Sarap pala, kahit medyo maasim. Isa-” Mabilis niya akong tinapik at dinuro-duro gamit ang wait, saan ‘to nakakuha ng kutsilyo? Wala namang kutsilyo rito sa mesa, a?

“Gusto mo na bang mauna sa impyerno, bakla? Baka lang naman.” Nakakatakot na ang tingin ni Mirabellat sa akin at mukhang hindi talaga siya nagbibiro.

Tumawa ako at tinapik ang kaniyang balikat. “I-Ikaw naman, ‘teh. Hindi ka na mabiro. Sige, pupuntahan ko lang alaga ko. Salamat sa strawberries!” sabi ko at mabilis na lumabas ng kusina.

Pero hindi pa ako nakakarating sa kuwarto ni Senyorito Finley ay napatigil ako nang makasalubong ko si Sir Henry. Malas! Sa dinami-rami ng makakasalubong ko ay iyong taong gusto ko ng iwasan. Puwede namang si kamatayan na lang.

Char! Ayoko pang mamatay, ikakalat ko pa ang lahi ng mga magaganda.

Nagkunwari akong hindi siya nakita at lalampasan na sana siya nang mabilis nitong nahawakan ang braso ko. Babawiin ko na sana ngunit hindi ako nakaangal nang siya namang pagkaladkad niya sa akin patungo sa isang kuwarto dito sa baba. Isinandal ako nito sa pinto ng nakasaradong kuwarto at kinulong gamit ang kaniyang naglalakihang mga braso.

Tumingin siya sa aking mga mata. Tumingin din ako roon ngunit mabilis akong umiwas. Para itong nag-aapoy na hindi ko mawari kung ano’ng ipinapahiwatig, at bakit ang lalim ko na magsalita?

“Why are you avoiding me, Andrei? Did I do something that’s makes you mad at me?”

“B-Ba’t naman po kita iiwasan?” tanong kong hindi pa rin makatingin sa kaniya ng diretso. Ang mga mata ko’y diretso sa kaniyang dibdib, isang polong puti lang ang suot niya’t nakabukas pa ang tatlong butones nito sa itaas.

Mukhang kararating lang nito sa trabaho. Pero kahit maghapon si Sir sa trabaho ay ang bango pa rin nito. Rawr!

Pero mabalik tayo sa tinanong nito, hindi ko naman talaga siya iniiwasan ng dalawang araw. Sadyang abala lang kaming pareho sa mga gawain namin. Siya sa trabaho, habang ako nama’y dito sa kaniyang bahay at sa pag-aalaga kay Senyorito. Madalas nga, sa kuwarto kami ni senyorito nagkukulong at nanonood maghapon ng bold. Siya namaʼy gabi na kung umuwi. Kaya malamang, hindi kami magkikita rito sa kaniyang bahay.

“Look me in the eyes and answer me,” sabi nito pero hindi ko siya pinakinggan. Hindi ko kaya, kasi kapag ginawa ko iyon baka mapaluhod ako rito bigla dahil sa nanlalambot na ang mga tuhod ko sa kaba.

Bakit ba kasi sobra nitong lapit? Puwede naman kaming mag-usap ng hindi ganito kalapit sa isa’t isa, na halos maamoy na nito ang maasim kong leeg.

“H-Hindi ko nga po kayo iniiwasan, busy lang po talaga kayo.” Pero parang wala itong narinig nang bigla-bigla na lang niyang hawakan ang baba ko’t iharap sa kaniya. Ngayo’y magkasalubong na ang mga mata naming dalawa.

Seryosong-seryoso itong nakatingin sa akin. Ako nama’y tinotodo na ng puso ko ang pagkabog dahil sa kaba. Aatakihin yata ako sa puso ng wala sa oras nito.

“You’re lying, Andrei. I could see it in your eyes. Tell me, what’s the problem? Ayoko ng ganito, I want you to tell me the problem so I can fix it. Nagsisimula pa lang tayo pero nagkakaproblema na,” sabi niyang halos hindi ko na maintindihan dahil sa bilis ng tibok ng ponyawa kong puso.

Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko upang sagutin siyaʼy bigla na lamang ako nitong hinalikan sa labi. Hindi ko napaghandaan ang paghalik nito. Kaya nakadilat ang mga mata ko habang nakadampi ang kaniyang malambot na sa labi sa dry at nagbabalat kong labi. Sana sinabi niya, para naman makapag-lip gloss ako!

Bumitaw siya’t tumingin muli sa akin. “No matter what will happen or whoever else hindered the two of us, I won’t let them. Hinding-hindi ako makakapayag na layuan mo ako, tandaan mo ‘yan!” At muli na naman ako nitong hinalikan.

Mali yata itong napasok kong trabaho. Maling-mali. Kahit pa sinabi nitong hindi niya hahayaan ang kahit na ano mang mangyari, mali pa rin sa mata ng iba. Lalong-lalo na sa mata nung Tatay niyang hindi pa yata nakatikim ng kapareha.

Pero, poge naman si Sir Henry. Pumikit na lang akoʼt nagpatianod sa agos ng aking damdamin.

Mali sa paningin ng iba, edi pumikit sila!

Chapter 43

THE RUTHLESS DADDY

CHAPTER 43

**
**

A N D R E I

**
**

Ito iyong mahirap kapag nai-inlove, hindi mo alam kung ano’ng gagawin mo. May bahid ng takot sa mga posibleng mangyari, na alam kong posible talagang mangyari dahil na rin sa sitwasyong pinasok ko. Ngayon nagdadalawang isip na ako sa mga bagay-bagay. Nagiging komplikado na ang buhay ko. Gusto ko na lang talagang maging tamod ulit at mag-swim-swim sa tiles ng CR o kung saan man ako iputok ng poge.

Pero wala, kahit ano’ng hilingin ko sa bathala ng mga baklang mukhang pa-chill-chill lang sa rainbow, hindi pa rin ako makakatakas. What should I-ayan, napapa-english na naman ako. Tuluyan ko na bang na-a-adopt ang buhay mayaman?

“Mukhang malalim ang iniisip mo.” Muntik na akong mapatalon sa gulat nang may magsalita sa aking likuran. Mabilis ko ‘tong nilingon pero sana pala’y hindi ko na lang ginawa nang tumambad sa akin ang pashneang si Marlou.

“Ano na namang ginagawa mo rito?” taas-kilay kong tanong, imbes na sagutin ang sinabi nito. Umirap ako para ipakita sa kaniyang ayaw ko siyang makita pero sadya ngang pinakanganak itong buwesit nang tawanan lang niya ako.

“Akala ko pa naman, gustong-gusto mong nandito ako,” aniya habang may nakakainis na ngisi sa kaniyang labi.

Mas lalong tumaas ang kilay ko roon. Ano raw sabi niya? Na gustong-gusto ko raw siyang palaging nandito. Excuse me with British accent. Sabihin na nating gusto ko ngang nandito ‘to dahil madaldal siya at para hindi ako ma-bored. Pero ang tanong, gusto ba ni Sir Henry na tumatapak ‘tong lalaking ito sa bahay niya?

“Alam mo…” Tumingin ako sa kaniya sabay turo sa kaniyang likuran. “Umuwi ka na lang, baka ako mandilim ang paningin e maaga kang makikipag eye ball kay kamatayan,” sabi ko.

Tumawa na naman siya. Gusto yata nito ng sample, e. Hinayaan ko siyang tumawa nang tumawa at aalis na lang sana sa sala dahil nagugutom ako nang hawakan nito ang braso ko.

“Wait. I’m just kidding,” aniya. Mabilis kong binawi ang aking braso. “Gusto lang kitang imbitahan,” dagdag pa nito.

“Ano’ng mayroon? ‘Wag mong sabihing birthday mo ngayon?”

“Yes,” sagot nito at tumango-tango. Nakadikit na sa kaniyang labi ang ngiti, kaya hindi na ito nawala pa simula kanina. What if i-upper cut ko siya tulad ng ginagawa ni Manny? “I have no one here. Dad and Mom are in abroad. Wala rin akong gaanong kakilala dahil lumaki ako sa ibang bansa. So, you’re the only one I thought could be my guest.”

Tiningnan ko ang wrist ko na walang watch bago ako sumagot dito. “Sige,” mabilis kong sagot. Minsan lang ako makapunta sa birthday ng mga mayayaman kaya ‘wag nang magdalawang isip pa. May lumpia kaya siyang handa? Nakaka-miss kasi talaga ang lumpia lalo na kapag sobrang laki nito.

Sinabi ko ritong maliligo lang ako’t magpapalit kaya hintayin na lang niya ako rito. Mabilis naman akong bumalik sa aking kuwarto at kinuha ang aking tuwalya. Paglabas ko’y bumungad sa akin si Auntie Dolly na nakakunot ang noo.

“Hoy, baks! Ano ba’ng pinapakain mo kina Sir Henry at kay Sir Marlou?” mapanuya niyang tanong habang magkasalubong na ang kaniyang kilay.

“Bakit po?”

“Gusto ko lang malaman, pakakainin ko rin kasi ‘yong asawa ko para mas ma-inlove siya sa akin lalo.”

Tumaas ang gilid ng labi ko dahil sa pandidiri sa babaeng ‘to. “Naku, ‘te. Try mong pakainin ng tite ‘yang asawa mo, baka gumana. At saka for your information po, wala pong recipe sa pagiging maganda!” sabi ko rito at saka siya nilampasan.

\—

THIRD-PERSON’S POV

**
**

“Dad, what are you doing here?” tanong niya nang makabalik siya sa opisina niya. Kagagaling lang niya sa isang business meeting.

Tumayo ang matanda at nilapitan si Henry. “Palayasin mo ang baklang ‘yon sa pamamahay mo o aalisin kita sa posisyon mo ngayon.” He was looking at him straight to his eyes. Walang bahid nang pagbibiro kun ‘di pagbabanta na posible nga nitong gawin ang binabalak.

His Dad was ruthless just like him. But that was before he met Andrei, who changed his life. And he promised Andrei that he won’t let anyone, even his family, stop them from doing what makes them happy.

Nilampasan niya ang Ama at tinungo ang kaniyang swivel chair. “You can’t do that,” sabi niya nang hindi tumitingin dito. Sigurado siya sa sagot niya rito. “You know that family’s golden rule that you’re the one who told us, na huwag na huwag makialam sa buhay ng bawat isa.”

Masamang tumingin dito si Mr. Alcantara dahil sa hindi nito nagustuhan ang sinagot niya. But he look at his Dad, fearlessly. Walang bahid ng takot. Hindi na siya ‘yong binatang Henry noon na sumusunod sa bawat utos nito.

“Definitely I was the one who told everyone not to interfere with each other’s lives. But not this time, Henry! Sisirain mo ang pangalang iniingat-ingatan ng pamilyang ‘to. Have you thought about that!”

He tried to calm himself by taking a deep breath. “I’m not ruining the family’s name, Dad.”

“Then stop this nonsense relationship with that gay! If people will find out, ano sa tingin mo ang magiging reaksiyon nila?”

Seryoso siyang tumingin dito. “Their opinions and reaction don’t matter. Now, will you please leave me alone?”

Buo na ang kaniyang desisyon, he will choose Andrei over anything in this life. At walang kung sino man ang makakapigil sa kaniya roon. Kung mandidiri ang iba dahil nagkagusto siya sa kapwa niya? It’s not his problem anymore. Sadyang sarado lang ang isipan ng iba para sa mga katulad ni Andrei.

Tao rin naman kasi sila, may karapatang magmahal at mahalin. They deserve what straight people deserve.

“This is my last warning, Henry. You’ll never like it when I’m mad,” ani ng kaniyang Ama bago ito lumabas sa kaniyang opisina.

Napabuntonghininga siya.

He knows his father. How ruthless he can be. Naranasan niya ‘yon noong mga binata pa lang silang magkakapatid. Naranasan niyang mapalayas dahil isang beses lang siyang hindi sumunod sa gusto nito. Namuhay siyang mag-isa hanggang sa ang kanilang Ina lang ang nakagawa nang paraan para makabalik siya sa mansion.

But still, no matter how ruthless his father is, he won’t let him hurt his Andrei.

AFTER a long and tiring work, kasama na rin sa pag-iisip kung ano’ng gagawin ng kaniyang ama kay Andrei, lumabas siya ng opisina at umuwi. He couldn’t wait to see him. Pinaharurot niya ang kotse. Malayo pa lang siya sa harapan ng kanilang gate ay kitang-kita niya kung ano’ng nangyayari sa labas.

Madilim na pero sa tulong ng street lights at bilog na buwan, kitang-kita niya kung gaano kalapit ang mukha ng mga ito sa isa’t isa. At hindi siya puwedeng magkamali, kahit nakatalikod ito’y kilalang-kilala na siya si Andrei. Instead of stopping his car, he drove faster. Nilampasan niya ito’t tinguno ang rota ng exit dito sa kanilang village.

Mahigpit ang hawak niya sa manibela habang mabilis na nagmamaneho. Fck! He suddenly felt a thousand of thorns in his heart. Masikip din ang kaniyang dibdib na para bang pinipiga sa sobrang higpit. Inapakan niya ang break ng kotse nang makarating siya sa parking lot ng isang bar. Lumabas siya’t agad-agad na pinapasok nang ipakita sa entrance ang kaniyang VIP card.

\—

A N D R E I

Kanina pa kami tapos kumain, tulog na rin ang mga kasambahay maging si Senyorito Finley pero ako’y narito pa rin sa sala’t naghihintay. Hanggang ngayon kasi’y hindi pa rin dumarating si Sir Henry. Sinusubukan ko naman siyang tawagan pero cannot be reach daw sabi ng buwakanang kung sino mang babae ang nagsasalita sa cell phone.

Pero maiba tayo, ano? Did you know that, nag-enjoy ako kasama si Marlou? Oo, dzai! Hindi mo alam ‘yon kasi hindi ka nakasama.

‘Yon na nga, pumunta kami sa iba’t ibang kainan. Kasi nagutom ako. Ikaw ba naman puro tawa habang kasama ‘yong lalaking ‘yon? Nagpunta rin kami sa isang museum at nalaman kong GomBurZa pala iyong tatlong haring martyr hindi pala MaJoHa.

“Gabi na, bakit hindi ka pa natutulog.” Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat nang makita ko si Auntie Dolly na lumabas galing kusina. Shuta, bebs!

“Te, papatayin mo ba ako sa takot? Shuta ka!” singhal ko rito, malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko.

“Tse! Ano tingin mo sa mukha ko, nakakatakot?”

“Wow, a. Ako pa talaga tinatanong mo niyan? Tanungin mo kaya ‘yong pamankin mong si Berting nasa probinsiya!” sabi ko at tumayo na nang makaramdam na rin ako ng antok. Bahala na, si Sir Henry na lang magsasara ng pinto ‘pag nakarating siya.

Pagkatapos kong maglinis ay bumalik na rin ako sa aking kuwarto. Naupo ako sa aking kama at kinuha ang aking cell phone. Sinubukan ko ulit na tawagan ang number ni Sir Henry at natuwa ako nang mag-ring iyon at ilang sandali lang ay may sumagot din.

“Si-” Natigilan ako nang may marinig ako sa kabilang linya.

[Yes, babe! Fck me harder!]

[Ganiyan nga! Shit! You’re so fcking big!!]

[fck, Henry!]

_
_

Mabilis kong pinatay ang tawag at ‘di ko alam pero biglang uminit ang magkabila kong mga mata. Nakatingin ako sa kawalan habang iniisip kung ano ba ‘yong narinig ko. Sinubukan kong kumbinsihin ang sarili na baka nanonood lang siya ng bold pero nang marinig ko ‘yong pangalan niya, parang tanga! Bakit ako umiiyak? Bakit ang sikip-sikip ng dibdib ko?

Ang unfair! Umasa pa naman akong totoo ‘yong nararamdaman niya. Paniwalang-paniwala ako. Na akala ko, sa wakas, kahit ganito ako’y may magmamahal din sa akin. Na deserve ko ‘to dahil tao rin naman ako.

Pero ano ‘yong narinig ko? Tama ba talaga ang desisyon kong manatili at kumapit sa binitiwan niyang salita kahapon?

Chapter 44

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 44

A N D R E I

Nagising ako kinabukasan na maganda pa rin ako, walang pinagbago, iyong nararamdaman ko lang ang nagbago. Kahit mugto ang mga mata koʼt halos hindi ako makatulog, nakangiti akong pumasok sa kusina.

“Good mo–” Babatiin ko na sana sila nang magsalita si Mirabellat.

“Pinapatawag ka ni Sir, baks,” aniya. Hindi man lang tumitingin sa akin. Ganoon din ang iba, parang wala silang pakialam na nandito ang isang dyosa sa kusina.

Umirap na lamang ako sa hangin at saka tinungo na ang opisina ni Sir Henry dito sa kaniyang bahay. Ano naman kaya ang sasabihin ng gungong na ‘yon? Paaasahin na naman ba niya ako? Gagamitin na naman ba niya ang mga nakakakilig niyang mga linyahan tapos sa huli, charot lang pala?

Ayaw ko sanang kumatok sa pinto nito dahil masama pa rin ang loob ko. Simula pa kagabi. Simula pa nang marinig ko iyong ungol na ‘yon. Kung sinoan iyon, gusto ko siyang sabunutan. Ang kapal nang pagmumukha nilang sagutin ang tawag ko tapos ipaparinig lang sa ‘king sarap na sarap sila?

Kung gusto pala nila ng audience, nag-live sana sila sa social media!

Pero naalala kong kasamabahay lang pala ako rito, kailangan kong sumunod sa utos ng aking magaling at paasang amo.

Kakatok na sana ko nang kusang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Sir Henry. Seryoso itong nakatingin sa akin at ako nama’y mabilis na umiwas ng tingin.

“Come in,” sabi nito at saka ako tinalikuran. Bumalik siya sa swivel chair niya. Sumunod naman ako at nanatiling nakatayo sa harapan ng kaniyang mesa.

“M-May iuutos po kayo?” tanong ko. Sinusuway ko lang ang sarili na umakto ng normal, magkunwaring walang narinig. Hindi ko pa rin magawang tumingin sa kaniya. Sa mesa ako nito tumitingin ngunit napapansin ko pa rin kung ano’ng ginagawa niya.

May kinuha itong sobre sa drawer ng kaniyang mesa at inilapag sa malinis na mesa.

“That would be your last salary and you can now go back to your family. May ticket na rin diyan. Puwede kang umuwi anytime today or tomorrow,” sabi nito.

Mabilis pa sa alas-kuwatro akong tumingin sa kaniyang direksiyon. Wala akong maaninag nang pagbibiro sa mukha nito. Kung papaano ko unang nakita si Sir Henry ay ganoon na ganoon ito. Seryosong-seryoso at nakakatakot.

Pero ang tanong na tumatakbo ngayon sa isipan ko’y sinisisante na ba ako nito? Malamang, dzai! Huling sweldo na nga, e.

“M-May nagawa po ba akong mali?” iyon na lang ang nasabi ko, imbes na itanong kung pinapaalis na ba ako nito sa trabaho. Sa pagkakaalam ko’y ginagawa ko naman ang trabaho ko. Tiniis ko iyong hirap na naranasan ko nang unang mga buwan ko rito. Hindi ako nagreklamo dahil alam kong ginusto ko ‘to.

Napansin ko ang pag-iwas nito ng tingin. Bigla siyang tumayo at inayos ang suot na necktie.

“Just leave my house, immediately. Hindi na kita kailangan dito,” sabi nito at pakiramdam ko’y parang may nakabara sa lalamunan ko. Nakaramdam din ako ng kirot sa puso ko.

Ayokong umiyak. Ngumiti na lang ako’t kinuha ang sobre sa mesa nito.

“S-Salamat po pala sa pagtanggap sa ‘kin kahit-k-kahit lalaki ako,” panimula ko. Nakuha ko naman ang atensiyon nito. “Malaki po ang naging tulong ng pagtatrabaho ko rito sa pamilya ko. Tatanawin ko po itong malaking utang na loob at hinding-hindi ko makakalimutan,” sabi ko at tatalikod na sana ngunit tinawag nito ang pangalan ko.

Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin. “T-Thanks,” ngunit iyon lang ang lumabas sa kaniyang bibig.

Ngumiti ako’t tumango. Tinalikuran siya’t dali-daling lumabas ng kaniyang opisina. Nang maisara ko ang pinto’y unti-unting nagsibagsakan ang mga luha ko.

“Why are you crying? You look stupid.” Mabilis akong napalingon dito, si Senyorito Finley na nakakunot ang noo suot na ang kaniyang uniporme.

Mas lalo akong naiyak at wala akong pakialam kung magalit ito, dahil dali-dali ko siyang nilapitan at niyakap. Hindi ako nanghihinayang na tanggal na ako sa trabaho. Nanghihinayang ako dahil napalapit na ang loob ko sa bata. Naaalala ko nga, masungit ito sa akin noon pero ngayon, masungit pa rin naman pero nabawasan na.

“M-Masaya lang ako na nakilala kita, Senyorito,” sabi ko nang humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya. Nakakunot lang ang kaniyang noo. “Kayo ng Daddy mo. Masayang-masaya ako. Magpakabait ka, okay?”

“What are you talking about?”

Ngumiti ako at pinunsan ang sipon ko gamit ang likod ng aking kamay. Tila ba nandiri ito’t lumayo ng kaunti sa akin.

“U-Uuwi na ako sa amin, na-mi-miss na ako ni Mama at ng mga kapatid ko,” sabi ko.

“W-Why so sudden?”

“Gano’n talaga, beh. ‘Wag kang mag-aalala, magkikita pa rin naman tayo sa impyerno,” sagot ko at sinubukang tumawa ngunit wala namang nakakatawa. Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. “Oh siya, bumaba na tayo. Ma-la-late ka pa sa school.”

Pero imbes na sumunod ito’y mabilis niyang binawi ang kamay at nilampasan ako. Sinundan ko ‘to nang pumasok siya sa loob ng opisina ni Sir Henry.

“What did you do?!” tanong ni Senyorito, nakatingin siya sa ama. “Y-You can’t just fired him from work, Dad! You told me you loved him.”

“S-Sir, p-pasensiya na po,” mabilis kong sabi at nilapitan si Senyorito. “Senyorito, t-tara na. Baka magalit pa si Daddy mo.”

“No! He must say what’s his reason for firing you! I-I don’t want Ande to leave or else, I’ll go with him.” Para itong matanda kung magsalita sa Ama. Pero iyong kaninang mabigat na damdamin ko’y mas lalong bumigat.

Ayoko rin namang umalis, dahil ang laking tulong ng trabahong ito sa pamilya ko. Pero ang Amo ko na mismo ang nagpapaalis sa akin, may magagawa pa ba ako?

Napatingin ako kay Sir Henry. Walang nagbago sa ekspresiyon nito sa mukha. Seryoso pa rin.

“I told him already that I don’t need him here.”

“B-But, Dad. I need him. He’s my friend and he even took care of me, he’s like a mommy to me. Sabi mo, mahal mo siya, but what happened?”

“I realized that we are not meant for each other. We’re both men. Besides, he don’t loved me. He loved someone else.”

Para akong tangang nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. Hindi ko sila naiintindihan.

“No!” Nagulat ako nang sumigaw si Senyorito. Tumingin ito sa akin. “Tell him that you loved him! Para ʼdi ka na niya paalisin,” sabi nito.

Kumabog nang malakas ang dibdib ko nang makita kong para na itong maiiyak. Pero hindi ko alam kung ano’ng isasagot ko. Ngumiti ako’t hinaplos ang kaniyang buhok at saka tumingin kay Sir Henry.

“Hindi na rin naman mahalaga pa ‘yon, Senyorito.” Bumuntonghininga ako. Ang hirap naman nito. Ang hirap magtago ng damdamin. “T-Totoo iyong sinabi ng Daddy mo, na hindi kami puwede dahil pareho kaming lalaki. At saka isa pa, n-nagpapanggap lang kaming dalawa para ʼdi ka kunin ng mga magulang ng mommy mo.”

Iyon naman ang totoo, ‘di ba? Pagpapanggap lang ang lahat. Isa lang akong kasambahay slash fake girlfriend ni Sir Henry.

Tumakbo palabas si Senyorito at mabilis naman akong sumunod dito. Pumasok ito sa kaniyang kuwarto at naabutan kong umiiyak. Muli na namang bumuhos ang mga luha ko. Ayoko siyang iwan sa ganitong sitwasyon dahil baka bumalik na naman ito sa dating ugali, pero may magagawa pa ba ako?

Naupo ako sa kaniyang kama at humugot nang malalim na hininga.

“B-Baki ka ba umiiyak? Ang pangit mo tuloy,” pagbibiro ko pero para itong walang narinig. Ang bigat na ng damdamin ko. Ang bigat-bigat na parang pinipiga ang puso ko.

Ito iyon pinakaayaw ko sa lahat, ang magpaalam. Ang mahirap pa rito, magpapaalam ka kahit ayaw mo namang umalis.

“I-I hate him! I hate my dad. I wish I had never been born!”

Napatingin ako rito. “Huwag mong sabihin ‘yan.”

Hindi siya sumagot. Umiyak lang siya nang umiyak. Agad ko naman siyang niyakap at hindi ko na rin napigilan na bumuhos ang mga luha ko. Nagtagal kami sa ganoong posisyon na nakayakap lang ako rito hanggang sa makatulog ito. Pinunasan ko ang mga mata ko’t inayos ang pagkakahiga nito. Hinayaan ko na muna at lumabas na ako ng kaniyang kuwarto.

“What did you say to my son?” Napatingin ako rito, si Sir Henry na nakasandal sa labas ng kuwarto ni Senyorito.

“W-Wala po,” sabi ko at saka siya nilampasan ngunit mabilis nitong nahawakan ang braso ko. Lumingon ako rito.

“Were you truly in love with me?”

Binawi ko nang dahan-dahan ang braso ko mula sa pagkakahawak nito at saka siya tiningnan sa mga mata.

“T-Totoo man o hindi, hindi na ‘yon mahalaga,” sagot ko. Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at mabilis ko na siyang iniwan doon.

Kung sasabihib ko bang nahulog ako rito, mababago ko ba ang desisyon niya? Malamang hindi, baka nga pandirihan pa ako nito at pagtawanan. Kasi nahulog ako sa patibong niya. Isa siyang malaking joke na nabubuhay rito sa mundo. Iba siya magbiro, nakakasakit ng damdamin.

——

“Talaga bang aalis ka na?” tanong ni Mirabellat, na kunwari ay nalulungkot.

Nakapag-impake na ako ng gamit at aalis na ako, ano ba sa tingin niya? Inirapan ko ito at tinuro ang isang maleta at isang malaking bag na dala ko.

“Hindi, beh! Magbabakasyon lang,” sabi ko rito. “Tss! Siyempre, aalis na. Tanggal na sa trabaho. Ano ba pa?” inis ko pang sabi.

“Eh ba’t ka ba galit?”

“Nagagalit ba ako? Nagpapaliwanag lang sa ga-munggo mong uta–” Nagulat ako nang mabilis ako nitong niyakap, naamoy ko tuloy ang maasim niyang pabango.

“M-Mamimiss kita, Drei. Kahit na nag-aaway tayo minsan, masaya pa rin ako na dumating ka rito kasi nagbigay ka ng kulay sa bahay na ‘to. Palagi mong tatandaan ito, na kahit saan ka magpunta, napakapangit mo pa rin.”

Tinulak ko siya. Tumawa lang ito pero may mga luha sa kaniyang mga mata. Umirap na naman ako, pero ang totoo niya’y naiiyak na rin ako.

“N-Napaka-drama ninyo, magkikita pa naman tayo sa impyerno, ‘no!” sabi ko at pinunasan ang mga luha ko.

“Nandiyan na iyong taxi,” sabi naman ni Auntie Dolly na nagtawag ng taxi kanina.

Tumayo na ako’t kinuha na ang aking mga gamit. Uuwi na ako. Uuwi na ako habang tulog pa si Senyorito dahil baka mahirapan na naman akong makaalis ‘pag nagpaalam pa ako rito.

“Salamat sa inyo, naging mabuti kayo sa ‘kin kahit minsan ninanakawan niyo ako ng kojic na sabon,” sabi ko sa kanila nang nasa labas na kami ng bahay. Nandito lahat ng kasambahay. Niyakap nila ako nang mahigpit.

Sumakay na ako sa taxi at saka umalis. Pinunasan ko ang mga luha ko’t saka tumingin sa labas ng bintana. Napakaganda ng langit, taliwas sa bigat ng nararamdaman ko.

Bakit ba kasi may salitang ‘paalam’? Sino ba nag-imbento niyan at makurot ko sa bumbunan!

Ngumiti ako.

“Paalam,” bulong ko sa hangin.


Hindi ganitong scene ang naiisip ko no’ng una kong draft pero wala, ganoon talaga ang mangyayari! Last chapter na ba? Happy ending or not?

Chapter 45

THE RUTHLESS DADDY

CHAPTER 45

A N D R E I

“Mga Madame, bili na po kayo nito. Bagay na bagay po sa inyo ‘tong damit na ‘to, Madame! Titingkad lalo ang kulay niyo rito,” pang-uuto ko sa isang medyo may katandaan ng babae nang dumaan ito sa aking shop.

Napangiti ako ng siya’y tumigil.

“Ano’ng brand niyan? Balenciaga ba ‘yan?” tanong nito.

Agad ko namang kinuha ang damit at saka ipinakita sa kaniya ang brand name. “Hindi po, Balengaga lang po ‘to,” sabi ko sabay ngiti sa kaniya. “Ano po, bibilhin niyo po ba? One-fifty lang, Madame!”

Naghihintay ako ng sagot pero tiningnan lang niya ang damit at saka umalis ng walang sinasabi. Yawa! Kung puwede lang manabunot ng costumer, baka nakalbo ko na ‘yong babaeng ‘yon! Kaninang umaga pa ako rito, nakatayo at halos maubusan na ng boses kakatawag ng mga costumer pero ni isa’y wala mang lang bumili. Hindi ba nila alam na mga luxury brands ang binibenta ko? Mahal ito pero dahil mabait akong tao, mura na lang nilang makukuha ang mga damit na ‘to.

Pero kailangan kong magtiis, dahil wala na akong aasahan maliban sa trabahong ‘to.

Dalawang Linggo na rin pala ang nakalilipas nang makauwi ako rito sa amin. Dalawang araw na tumutunganga lang ako habang iniisip kung ano’ng nangyari’t bakit ako natanggal sa trabaho. Ang buong akala nila Mama ay nagbabakasyon lang ako pero ang totoo niya’y wala na akong babalikan pa roon. Keribells lang! Nakapagsimula naman na ako nang panibagong buhay ko rito sa amin. At ito ngang maliit na store ng mga damit at siyang naipundar ko. Karamihan sa mga binibenta kong damit ay mga damit ko na binili ko pa sa Manila, na hindi ko naman nagamit. Oh, ‘di ba, recycling ang tawag doon.

“BAKLLAAAAAA!”

Napapikit ako. Biglang sumakit ang ulo ko at nabingi ako nang sumigaw ‘to. Para tuloy gusto kong manakit ng butanding sa mga oras na ‘to.

Nagulat ako nang yakapin ako nito nang mahigpit ng makalapit siya sa akin. At, impyernes sa kaniya, hindi na siya amoy maasim pero bigla kong natakpan ang ilong ko nang binugahan ako nito ng hangin. Mabilis ko siyang naitulak.

“Ano ba, Berting! Ang baho ng bunganga mo a!” inis kong sabi sabay irap sa kaniya. “Puwede ba, umalis ka na muna sa store ko’t nandidilim ang paningin ko sa ‘yo!” Napansin ko ang pagkawala ng ngiti niya sa labi. Hindi niya bagay, sa totoo lang. Para siyang puwet na nalulungkot.

“Don’t you miss me?” Ay shutacca! Nag-eenglish na si bakla!

“‘Wag mo akong artehan, ‘te. Baka nakakalimutan mo kung ano ang atraso mo sa akin!”

Dinuro ko siya habang pinagbabantaan. Ano’ng akala niya, makakalimutan ko ang atraso niya? Nang makarating ako, wala siya sa bahay. Sabi ng kapatid ko’y pumunta raw ito sa isang beach resort kasama ng mga ewan ko kung sinong mga kaibigan niyang lamang dagat din. At dalawang linggo raw silang mananatili roon. Siguro kung hindi pa ako umuwi, walang kasama sina Mama at Andrea.

“E, ‘te, nagpaalam naman ako sa Mama mo,” sagot niya.

“Wala akong pake! Kahit kay Satanas ka pa nagpaalam.”

“S-Sorry na, Beh.” Hindi ko siya pinansin at kinuha ang hanger sa may counter. Ibinalik ang damit sa may hanger at saka pumunta sa counter upang makaupo na muna.

Tiningnan ko si Berting na nanatili sa kaniyang puwesto habang malungkot na nakatingin sa akin. Bumuntonghininga ako at saka dumukot ng singkwenta sa bulsa ko’t iniabot iyon sa kaniya.

“Bumili ka nga muna ng coke roon sa may bakeshop, pampalamig lang. Baka sumabog ako’t puputukin ko iyang pimples mo!” Agad naman itong sumunod at dali-daling lumabas ng aking store.

Napahugot akong muli nang malalim na hininga. Tiningnan ko ang cell phone ko na nasa lamesa lang nakapatong. Hindi ko alam pero ba’t ako umaasang makakatanggap ako ng text message? E wala namang sim ‘yan kasi pinutol ko’t hindi pa ako nakabibili ng bago. Kinuha ko ito’t tiningnan ang mga pictures na nakuhanan ko ‘to. Wala sa sariling napapangiti ako habang pinagmamasdan ang mga litrato, lalong-lalo na ang litrato naming tatlo nina Sir Henry at Senyorito nang mag-golf silang mag-ama. Nakangiti silang pareho habang buhat-buhat ni Sir Henry ang anak habang ako’y nakasimangot. Kasi naman, ako dapat iyong binubuhat!

“Bakla!” Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang magsalita si Berting. “Ayos ka lang? at saka, taray ng cell phone. Iphone 13!”

Nilagay nito ang coke sa mesa at saka ang disposable cups na hiningi niya. May extra ding upuan malapit sa kaniya at doon siya naupo. Ngumiti langg ako’t inilagay sa bulsa ang cell phone ko. Mahirap na. Kahit kaibigan ko ‘to, kailangan ko pa ring mag-ingat.

“Bakit ka nga pala umuwi? Sisante ka na ba?” tanong niya bigla habang umiinom ng coke.

“Hindi pa ba obvious? Kaya nga ako nagtayo ng business kasi wala na akong trabaho,” sagot ko.

“E, bakit ka sinisente? Siguro, ginapang mo ang-” Mabilis ko siyang pinainom ng softdrinks na nasa bote para lang matigil siya. Napaubo ito nang maubos niya ang isang litro ng isang lagok lang. “Shutacca, ‘te! Papatayin mo ba ako!”

Tumawa ako. “Dry lips ka kasi, ‘te. Kaya pinainom kita kasi sabi nila, drink eight glass of coke a day.” Sabay ngiti.

Tumayo ako nang may papalapit na costumer. Napawi naman ang inis ko nang bumili ito sa aking mga paninda. Pagkatapos nang mahabang araw ay sabay na kaming umuwi ni Berting. Kinuha ko na ‘to bilang kasama sa store dahil wala akong choice. Dumaan na muna kami sa palengke upang makabili ng uulamin namin mamayang gabi.

KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Nagluto ako ng agahan at saka pinagtimpla ko na rin ng kape si Mama nang may kumatok sa aming pinto. Baka si Berting pero hindi naman ito kumakatok ng ganito kaaga. Lumabas na lang ako ng kusina at saka ito pinagbuksan.

Pero sana’y hindi ko na lang ‘yon ginawa nang tumambad sa akin ang hindi ko inaasahang s hutangina tao ang bumungad. Hindi ko alam kung tao ba ‘to o demonyo na bigla-bigla na lang nagpapakita. Akala ko pa naman, nagba-bonding na sila ni Satanas sa ilalim ng lupa pero buhay pa pala ito?

\—

H E N R Y

“NO! I’M NOT HUNGRY! I’M NOT GOING TO THAT FOOD!” sigaw niya. Mabilis niyang itinulak ang platong naglalaman ng kaniyang pagkain dahilan para mahulog ito’t mabasag. Nagkalat ito sa sahig.

“FINLEY!” I shouted as I glared at him. “I didn’t teach you to waste the food!”

“Y-You didn’t teach me anything k-kasi sarili mo lang ang iniisip mo!” he says and immediately went out of the kitchen. Napahilamos na lamang ako.

It had been two weeks. Bumalik sa dati nitong ugali si Finley at tila ba dumoble pa ito. Mas lalong tumigas ang kaniyang ulo dahilan para sumakit ang aking ulo. This isn’t what I expected.

Hindi ko na rin tinapos pa ang breakfast nang mapatingin ako sa aking relo. I immediately stand and walk out of the kitchen. Tumingin ako sa taas kung saan umakyat ang anak ko at saka bumuntonghininga. Maybe, one of these days, he’ll realize everything. That everything in this world isn’t permanent. Umalis ako ng bahay at nagtungo sa aking opisina. Pagpasok ko pa lang sa loob ay tumambad na sa akin si Dad, kasama ang isang ‘di ko kilalang babae.

Kumunot angnoo ko. “Dad…”

“Finally, you’re here!” sabi nito at saka tumayo. Lumapit siya sa akin at umakbay, na para bang wala kaming bangayang dalawa. “I have something for you, son. It’s a good news,” dagdag pa niya habang inaakay ako papalapit sa babaeng nakaupo sa harapan ng aking office table.

I look at the woman, who is also looking at me, seductively. Hapit na hapit ang suot nitong damit. She’s beautiful but I don’t like the way she dressed.

“She’s beautiful, right?” Napatingin ako kay Dad habang nakangiti.

“Hi, I’m Genevieve. Do you remember my name? We had sex last two weeks ago and you’re so fcking good at bed,” she said.

Wait what?! We had sex? I don’t remember. Wala akong maalala na may nakatabi ako sa kama, and if I’m not mistaken, nasa bar ako noon at ang huli ko lang naalala’y umiinom akong mag-isa ng may lumapit sa aking babae. We had a conversation but I couldn’t clearly remember what happens next. The next morning, nasa hotel ako’t walang kasama.

Fck!

Mabilis kong kinuha ang cell phone ko’t tiningnan ang recent calls. I received a call from Andrei last two weeks ago. May missed calls pero ang nakakagulat ay ang tawag nito na sinagot ko.

No! he’s wrong. This is fcking wrong. I made a mistake.

Mabilis kong ibinulsa ang cell phone ko’t saka sila tiningnan.

“I’m really sorry, but I have an important things to do,” sabi ko at tumalikod na sa kanila ngunit tinawag ako ni Dad. “What? Are you going to set me up with this woman? I’m sorry, Dad, but I’m committed to someone I loved.”

“Henry Finn Alcantara, come back here!” I didn’t listen to him.

Agad akong lumabas ng kompanya at sinusubukang tawagan ang number ni Andrei ngunit cannot be reached na ‘to. Fck! Ako ang mali. Dapat ay tinanong ko siya kung totoo bang naghahalikan sila ng lalaking ‘yon, kahit alam ko namang hindi dahil pinanood ko ang CCTV camera noon. And they didn’t kissed each other, instead parang may kinukuha si Marlou sa ilong ni Andrei.

This is all my fault. Nagpadala ako sa nararamdaman ko.

I have to fix this, but the problem is, where can I find him?

Chapter 46

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 46

A N D R E I

“Ano’ng ginagawa mo rito? In English, what is your doing here?!” taas-kilay kong tanong sa buwakanangshit na ‘to na kay aga-agang pumunta rito sa pamamahay namin.

Akala ko ba’y nasa impyerno na ito’t nagpapaalipin kay Satanas? ‘Di ko alam na masama pala siyang damo’t kay tagal mamatay. Napapa-english tuloy ako dahil sa kaniya. Baka gusto pa nitong mamura ng ‘damn’ ‘fck’ at ‘shit?’ o ‘di naman kaya’y ‘tangina’ na pinakamalutong sa lahat?

“Andre—“

“’Wag na ‘wag mo ‘kong matawag-tawag na Andrei!” inis kong sabi at saka isasara na sana ang pinto ng aming palasyo nang may isa na namang nakakarinding boses akong narinig.

“Bakla!” sigaw nito’t dali-dali lumapit sa harapan ng aming bahay, katabi nito ang hayop.

Tumaas ang kilay ko nang siya’y tumingin sa akin. Ngumiti siya at saka tinuro niya, gamit ang nangingitim na niyang nguso, ang katabi.

“Oh, ano ngayon?!” tanong ko.

‘Di ko na mapigilan ang inis ko. Pakiramdam ko’y may dalaw ako o ‘di kaya’y naglilihi. Ngunit sana’y ‘wag si Berting ang paglihian ko. Dahil kapag naging kamukha niya magiging anak ko, baka lunukin ko pabalik ang bata!

“Nagkita na pala kayong muli ni Max,” sabi ni bakla at saka ngumisi. “So, kumusta? Muling ibalik na ba ang tamis ng pag—“

Sinamaan ko siya ng tingin na nakapagpatigil sa kaniya sa dapat niyang sasabihin. O bakit ‘di niya ngayon matuloy? Natatakot ba siyang makipagpalit ng mukha sa tsinelas na hawak ko ngayon?

“Umuwi na kayong dalawa. Kay aga-aga, sinisira niyo ang araw ko.” Tumingin ako kay Max. “Lalo na kana. Baka hinahanap ka na ng Nanay mong mas mukha pang bakla sa akin,” sabi ko at tuluyang isinarado ang pinto ng aming bahay.

“BAKS! HOY! DIYAN AKO MAG-AALMUSAL!” sigaw ni Berting sa labas ng bahay. Wala talagang hiya kahit kailan.

“UWI!!” sigaw ko pabalik at saka bumalik na sa loob ng kusina.

Bumuntonghininga ako. Kinabahan ako ng very slight nang makita ko si Max, ang ex-boyfriend kong ‘di pa ako sigurado kung minahal ba niya ako o ginawa lang akong bank account. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko’t bakit mapagbigay ako? Kaunting kalabit lang nito sa akin, isang libo agad ang hinuhugot ko sa aking bulsa.

Kaya siguro ang daling masaktan ng mga bakla. Kapag nagmahal ay halos makalimutan na ang sarili, mapasaya lang ang lalaking mahal nila. Bumibigay agad sila. Marupok, kumbaga. ‘Eto namang mga lalaki’y tingin nila sa amin ay pera. Pati yata mga pangit, nakukuhang manghingi ng pera sa mga bakla. Excuse me lang, may taste po kaming mga bakla.

Guwapo si Max. ‘Di gaanong kahubog ang katawan nito noong maging kami. Pero ngayo’y muntik ko pang ‘di makilala dahil sa ganda ng katawan niya. Kung noon ay may kaunting pimples pa siya, ngayo’y ang kinis-kinis na niya. Ilang taon na ba? Limang taon? Hindi ko na matandaan. Ang alam ko lang, dati akong uto-uto at tanga.

Naghiwalay kaming dalawa dahil sa Ina niyang ‘di ko alam kung saan nagmula. Noon kasing ‘di na bumibenta ang mga paninda ko’t ‘di ko na nabibigyan ng pera si Max, doon naman nagpakita ang bruha’t sinabing hiwalayan ko ang anak niya kundi kakasuhan daw ako nito ng rape at child abuse.

Gago ba siya?! Dalawang taon ang tanda ni Max sa akin at kahit kailan, walang nangyari sa amin maliban sa halik. Kung alam ko lang na isa rin ito sa mga nakikinabang sa mga perang ibinibigay ko noon sa anak niya, baka nakalbo ko na ito.

Pero ika nga nila, moving on is the only way we can do. O, english na naman ‘yon. Seryoso, ‘yon lang ang tangi kong magagawa. Mag-move on ngunit ‘di ako makakalimot, ‘no.

Muli akong bumuntonghininga at saka sinimulan nang ihanda ang aming almusal. Tumatakbo ang oras. May trabaho pa akong dapat asikasuin.

\—

Alas-otso nang umaga nang pumunta akong puwesto. ‘Di ko na hinintay si Berting dahil ano pa ba’ng aasahan ko sa baklang ‘yon kundi kamalasang dala? Pagkatapos kong tanggalin ang padlock at iniangat ko na ang pinto nito. Hindi ko alam kung ano’ng tawag sa ganitong pinto, basta ‘yong gawa sa yero. Sliding door? Ewan! Basta mabigat.

Ngunit nagulat ako nang may isang pares ng kamay ang humawak sa pinto’t tinulungan akong buksan ang pwesto ko. Mabilis akong humarap dito. Ngumiti siya pero ako’y sumimangot lang. Bakit ba na nandito na naman ‘to?

“Salamat. Makakaalis ka na. Wala akong ibabayad sa tulong mo.” Pumasok ako sa loob at sumunod naman ito.

“Hindi mo ‘ko kailangang bayaran. Gusto lang kitang makausap,” sabi niya.

Kinuha ko ang walis at saka ng dustpan. Humarap ako rito at gamit ang walis dinuro ko siya.

“Gusto mo nang kausap? Oh heto walis, kausapin mo!”

Hinawakan niya ang dulo ng walis at dahan-dahan itong ibinaba. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Tumambol ang puso ko sa kaba.

“Nakikiusap ako, Drei. Kausapin mo naman ako. Kahit saglit lang,” mahina ngunit sapat lang para marinig kong sabi ni Max.

Humugot ako nang malalim na buntonghininga at saka ibinaba ang mga hawak ko.

“Ano’ng gusto mong pag-usapan?” pagsuko ko.

Siguro’y oras na rin para harapin ko ‘to. Wala namang masama. Mag-uusap lang naman kami at alam ko sa sarili kong hanggang doon na lang ‘yon. Hindi naman ako nito minahal, kaya wala akong aasahan pa. Baka nga manghihiram ito ng pera o ‘di kaya’y babayaran niya ako, much better nga kung magbabayad siya.

\—

Nasa may park kaming dalawa, nakaupo ako sa swing habang siya’y sa isang bench na malapit sa ‘kin. Iilan pa lang ang nandito, mga street food vendors pa lang dahil maaga pa lang naman. Isinarado ko na muna ang shop ko dahil ‘di pa rin dumarating si Berting.

Limang minuto na kaming nandito ngunit ‘di pa rin nagsasalita si Max. Naiinip na ako. Kaya tumingin ako rito’t sakto namang nakatingin na rin siya sa akin. Tinaas ko ang isa kong kilay.

Napansin ko ang paghugot nito ng malalim na buntonghininga at saka nagsalita, “Mahal kita. Minahal kita. Noon at hanggang ngayon, Drei.”

Hindi ako nakasagot dahil sa gulat. Mahal? Isa ba ‘tong ilusyon? Isa ba ‘tong panaginip? Pakigising ako.

Umiwas ako ng tingin at ibinaling ‘yon sa mga street food vendors.

“Kalimutan mo na lang ‘yang nararamdaman mo,” sabi ko at saka tumayo.

Mabilis niyang nahawakan ang aking braso. Dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. ‘Di ako tumingin sa kaniya.

Sandali nga, parang nakita ko na ‘to sa K-Drama na pinapanood ni Mirabel?

“Liligawan kita. Alam kong mahal mo pa rin ako, Drei. ‘Wag kang mag-aalala, ‘di na tayo mapipigilan ni Mama. Paralisado na siya,” aniya.

Deserve kung ganoon!

Binawi ko ang kamay ko’t saka tumingin sa kaniya. Ngumiti ako. Totoong ngiti. ‘Di naman kasi ako plastik.

“Hindi mo na kailangang gawin ‘yon dahil—“

“BAKLA!!!” Napapikit ako dahil sa inis. Shuta namang Berting ‘to! Sarap niyang itali sa swing at ipaduyan nang sobrang lakas.

Tumingin ako rito at patakbong lumalapit sa amin ang butanding. Habol-hininga ito nang makalapit sa amin. Ba’t ba kasi ito tumatakbo.

“Alam mo, panira ka ng mood!” inis kong sabi at akmang sasabunutan siya nang hawakan nito ang kamay ko.

“K-Kasi waaahh! K-Kasi, ‘teh! Yawa, feeling kong nilabasan na ako!” Tuluyan ko siyang sinabunutan dahil sa nakakainis niyang reaksiyon. “Araay! Bakit ka ba nananakit?”

“E, ako pa’ng tinatanong mo niyan?! Ano ba’ng problema mo’t bakit ka tumatakbo?!”

Bigla na lang siyang nagtatalon na parang bulateng binudburan ng asin, betsin, bawang, at sibuyas at saka ginawang adobo. Char!

“Iyon na nga, ‘teh! I was on my way there, to your ano-kuwan—“ Inambahan ko siya ng suntok. “Char! Ang ibig kong sabihin, papunta na sana ako sa shop tapos dumaan ako sa bahay ninyo. Tapos waaahh m-may poge kayong bisita. Oo, dzai! Ang guwapo! Daddy na daddy.” Tumingin siya kay Max. “Mas guwapo pa kay Max, ‘teh!”

Hindi na ako sumagot at dali-daling tumakbo. Mabilis akong nakahanap ng masasakyan at halos mapalo ko na ang driver para lang bilisan nito ang pagpapatakbo. Kinakabahan ako. Base sa description ng bading na ‘yon, kilala ko na kung sino’ng tinutukoy nito. Ngunit sana’y mali ako. Dahil malabong-malabo na pumunta iyon dito.

Chapter 47

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 47

A N D R E I

Muntik pa akong matumba sa pagtalon ko mula sa tricycle nang makarating kami sa bahay.

“Hoy, bayad mo!” sigaw ng driver. Bumalik ako’t inabot sa kaniya ang sampong piso. “Kulan–”

“Student’s discount!” sagot ko at hindi na siya pinakinggan pa sa kakangawa. Dali-dali akong pumasok sa loob ng aming palasyo para lang magulat sa naabutan ko.

Pakiramdam ko’y tinakasan ako ng dugo panandilian at biglang bumalik ito puwersahan na halos ikahimatay ko na. Overreacting na kung overreacting pero ano’ng ginagawa nito rito?

“‘Nak!” Lumapit sa akin si Mama. Kailan pa ‘to nakakalakad? Gumagaling na ba mga sugat nito sa paa? “‘Di mo sinabi na kay gwapo pala nitong amo mo,” bulong niya habang nakatingin kay Sir Henry.

Oo si Sir Henry nga ang nandito ngayon sa loob ng aming palasyo. Hindi ako makapagsalita dahil gulong-gulo ang buo kong pagkatao ngayon. Ano’ng ginagawa nito rito? Babawiin ba niya ang mga binayad sa akin? O sasabihin ba nitong bumalik ako kasi kailangan ulit niya ako? No never!

Nakapagpatayo na ako ng small business ko rito at kahit papaano’y stable na rin iyong kita ng shop ko. At saka, bakit ako babalik doon kung buhay ki naman ang nakataya? Nakakatakot kaya ang Tatay nitong homokojic!

“S-Sir…” Hindi ko alam kung ano’ng sasabihin ko. Bigla namang naglaho si Mama na kanina’y nasa tabi ko lang.

Ano ba, Drei! Umayos ka!

Tumayo siya at saka lumapit sa akin. Hindi ako makatingin sa kaniyang mga mata dahil pakiramdam ko’y hinihipnotismo ako nito’t mapapasunod na lang bigla sa kung ano’ng sasabihin niya.

“A-Andrei, I wanted to talk to you,” aniya. Halos pabulong ngunit sapat lang para marinig ko.

Bumuntonghininga ako. Sa pagkakataong ito’y tumingin ako rito. Hanggang labi lang ako nito dahil sobrang tangkad ni Sir Henry. Kaya tumingala ako nang bahagya upang salubungin ang kaniyang mga mata. ‘Di ko alam pero nakikitaan ko iyon ng pangungulila. Nangingitim din ang ilalim ng mga mata nito’t visible rin ang eyebags niya. May problema na naman ba siya? Tungkol na naman siguro ito sa mga magulang ni Marlou tapos nandito siya para hingin ulit ang tulong ko.

At kapag pumayag ako, sasabihin na naman nito ang nararamdaman at sa huli, kapag naiipit na siya sa isang sitwasyong mahirap takasan, paaalisin niya ako dahil iyon lang ang alam niyang paraan. Sasabihin niyang hindi na niya ako kailangan. Tapos na ang trabaho ko.

Tao lang ako. Napapagod. At nahihilo kakasakay ng eroplano. Ignorante kasi ako. Tapos uto-uto rin kapag poge ang nang-uto.

“Wala na po tayong pag-uusapan. Tapos na po ang kontrata ko sa inyo,” sagot ko at saka siya nilampasan. Mabuti na lang dahil hindi ako nautal nang sabihin ‘yon.

Iyon naman ang totoo, wala na kaming dapat na pag-usapan pa. Tapos na. The end na. Wala ng season two, three o four. Mahirap bang intindihin iyon?

“It’s about us,” sabi nito at natigilan ako sa pagliligpit ng mga baso rito sa aming sala. “We should talk about us. I know I’ve made mistakes and I am really sorry for that. Inisip ko na pera lang ang habol mo sa–”

Humarap ako rito at saka nagsalita, “ʼYan! Diyan kayo magaling. Na kapag kaming mga mahihirap, nagmahal ng mayaman, pera na agad ang habol. S-Sir, ‘di niyo ho ba naisip na bakla ako? Hindi po pera ang habol ko, kasi kung pera lang din, tinanggap ko na agad ang alok ng Tatay niyoʼt nagpakalayo-layo.”

Napayuko ito. Ang bigat ng dibdib ko, dahil nasasaktan ako. Mabuti na lang at dalawa na lang kaming nandito sa bahay. Humugot ako ng malalim na buntonghininga.

“It was my fault,” sabi niya. “I’m sorry. Please, bumalik ka na sa amin. I’ll do everything I can to earn your forgiveness. O kahit kay Finley lang, he needs you and I need you, too.”

Gusto kong matawa sa sinabi niya. Pero pinigilan ko. Tumalikod ako. Kinuha ko ang isang malaking bag na nasa upuang gawa sa kawayan at saka bumaling sa kaniya. Ibinigay ko iyon na agad naman niyang tinanggap. Hahawakan pa sana nito ang kamay ko ngunit mabilis ko rin itong binawi.

“Bumalik ka na lang po sa Manila. Maayos na ang buhay ko rito at salamat dahil sa inyo, nakapagsimula po ako ng maliit na business. ‘Wag niyo pong gamitin si Finley para lang sa pansarili ninyong kagustuhan. P-Pasensiya na po,” sabi ko at mabilis na tumakbo papalabas ng aming bahay.

Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa mapagod ako. Ewan ko ba’t ko ‘to ginagawa. Dapat ay nanatili na lang ako roon at siya ang umalis. Pero nandito na ako. Tumingin ako sa paligid. Nasa kagubatang parte na pala ako ng aming lugar. Madalas kami rito noong mga bata pa kami, nanghuhuli ng mga tutubi. Naglakad ako hanggang sa marating ko ang isang ilog. Malinaw ang tubig at kay sarap magtampisaw ngunit ‘di ko feel maligo ngayon dito.

Kumuha ako ng maliit na bato at saka iyon malakas na ibinato sa malayo.

“Araay!” Nanlaki ang mga mata ko nang may sumigaw. “Sino iyong nambabato riyan?!” May lumabas mula sa saan na isang ginang, nakababa ang palda nito. “Hoy, alam mo bang may tao rito’t tumatae?!” sigaw niya, nasa kabilang parte siya nitong ilog.

“Malay ko ba! ʼWag mo dagdagan problema ko ngayon at baka lunurin kita rito sa ilog!” sigaw ko pabalik at saka siya inirapan.

Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating ako sa lilim ng isang puno, kung saan katabi naman nitoʼy ang ilog. Naupo ako sa may damuhan at saka umiyak nang umiyak. Char! ʼDi mag-cry ang fersonability for today’s video.

Naiinis lang ako at nasasaktan. Ano ba’ng mali sa amin? Tao lang naman kami. May puso, atay, bituka, at buto. May nararamdaman. May five senses din. Pero bakit kami iyong palaging sinasaktan?

Nakakainis pa dahil hindi tuloy ako makapagtrabaho. Bakit ba kasi nagpakita pa iyong dalawang iyon? At sabay pa silang dalawa! Hindi na ako magugulat na darating din si Marlo—

“Someone told me that you’re here.” Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pinakabwesit sa lahat.

Shutangina’t buwakanangina. Ano’ng ginagawa nito rito?!

Gusto ko na lang maging bato o ‘di kaya’y damo! Para akong hihimatayin sa mga yawang ito! Bathalang Emre, kailangan talaga sabay-sabay?! Hindi ko kaya ang maging patty sa gitna ng tatlong hotdogs, walang burger na ganoon!

“Bakit ka nandito?! Una si Max, sunod si Sir Henry–”

“Wait, nandito si Henry?” tanong ng shutanginang si Marlou na kanina’y iniisip ko pa lang na baka magpakita rin ito’t nandito nga ang gago.

Nandito ba si Doctor Strange? Baka mamaya nagpatulong ang mga ito roon para mabilis na makarating dito?

“Kakasabi ko lang at ikaw, ano’ng ginagawa mo ritong hayop ka?!” inis kong sabi.

Napakamot siya sa likod ng kaniyang ulo. “Nagtaka kasi ako kung bakit wala ka na sa Manila. I asked Manang Dolly if she could tell me where can I find you.”

“Iyon lang tapos nandito ka na?” Nakatayo na ako sa pagkakataong ito habang nakatingin sa kaniya.

Tumango siya. “And I wanted to ask you personally, k-kung may pag-asa ba ako sa ʼyo?”

Ano raw? Pakiulit nga. Replay, please!

‘May pag-asa ba ako sa ‘yo?’

At nagpaulit-ulit iyon sa isipan ko hanggang sa tuluyan na akong mabaliw.

Ano’ng isasagot ko? Hakdog ba?

Naguguluhan ako.

Help!

“Alam ko namang wala akong pag-asa. Henry owns you, and you’re his property. No. So, I mean, he loves you, and I could see that you also adore him. It’s not that I didn’t want to know. I promise, hindi ko kayo guguluhin. Gusto ko lang malaman,” sabi pa nito.

Umihip ang malamig na simoy ng hangin. Preskong-presko ito at masarap sana sa pakiramdam ngunit sa mga oras na ito’y ‘di ko iyon maramdaman. Nahihirapan akong magsalita, na tila ba may nakabara sa lalamunan ko.

Napayuko ako nang dumaan ang dalawang minuto. “P-Pasensiya na p-pero, kaibigan lang ang tingin ko sa iyo,” ang sagot ko. Ayoko mang sabihin iyon ngunit ayoko rin itong umasa. Ayokong matulad siya sa akin na asadong-asado na. Kulang na lang ilagay ako sa steamer at ibenta na parang siopao na may asadong palaman.

“It’s alright, Drei. Basta ba’y friends pa rin tayo,” sabi nito.

Iniangat ko ang tingin at saka tumango. Lumapit ito sa akin at nagulat ako nang yakapin niya ako pabalik. Napatingin ako sa ‘di kalayuan, nakita ko roon si Sir Henry na nakatayo’t nakatingin sa amin ni Marlou.

Hindi ko maaninag ang expression nito pero kinabahan ako.

Mabilis itong tumalikod at umalis.

\—

“Maswerte si Henry sa iyo,” biglang sabi ni Marlou. Pabalik na kaming dalawa sa bahay.

“Sa papaanong paraan?” tanong ko’t ‘di ko alam bakit ko iyon naitanong.

“You love his son. You’re kind, and funny. Kaya siguro nito minahal,” aniya.

“Ang dami mong alam kahit wala ka naman alam sa nangyayari,” sabi ko at saka siya tinapik sa balikat.

Tumawa siya ngunit bigla ring nagseryoso. “I know he loves you. Muntik pa nga ako nitong masuntok dahil akala niyaʼy naghahalikan tayo tapos tinanong din niya ako kung tinatago ba raw kita.”

Hindi ko iyon inaasahan. Ako naman ngayon ang natigilan. True ba iyon? Hindi false? Si Sir Henry, kayang suntukin si Marlou?

“E-Ewan ko sa inyo!” sabi ko at mabilis na naglakad. Iniwan siyang napapailing.

\—

Kaagad ding umuwi si Marlou at nakahinga ako nang maluwag. Aniya’y susunod na siya sa kaniyang mga magulang sa ibang bansa. Dumaan lang daw siya rito. Kita mo, iba talaga mamaalam ang mga mayayaman, dadayuhin ka pa talaga kahit sa ilalim ka pang dagat nakatira.

Hindi ko na siya pinigilan pa. Aba, matanda na ito’t alam na nito ang gagawin sa buhay.

Ako nama’y nanatili sa aming palasyo. Hindi ko na nagawang bumalik pa sa shop dahil nawalan na ako ng gana. Nakahinga lang ako nang maluwag dahil wala na rito si Sir Henry. Nang matapos akong magluto ng pananghalian namin ay pumasok muna ako sa aking kuwarto ngunit laking pagtataka ko nang makita ko sa aking kama ang bag ni Sir Henry.

Lumabas ako ng bahay. Pinuntahan ko ang bingohan dito sa baranggay namin kung saan nakita ko si Mama. Tinapik ko ‘to at tinawag.

“Bakit nandoon pa rin iyong bag ng lalaking iyon?” Nakapamewang ako.

“E walang hotel dito, ‘nak. Sa atin muna siya tutuloy. Kasi sabi niya, may trabaho raw siya ritong gagawin.”

Aba ang galing naman. Napakamot ako sa ulong bumalik sa bahay at pumasok sa kusina, kung saan naabutan ko sina Andrea at sir Henry na kinakain ang niluto kong pagkain.

“Hoy!” Tinuro ko si Sir Henry. Seryoso lang siyang tumingin sa akin. ‘Wag ako, ‘di ako madadala niyang kapogian mo. “E-Eat well po,” pagpapatuloy ko sa sasabihin at saka lumabas ng bahay.

Nawala nga si Marlou, may dalawa namang natitira. Hayp na buhay ito! Pero okay nang ganito, kaysa maging kamukha pa ako ni Berting.

Kalma, Drei! Masusulusiyonan mo ito.


5 Chapters left na po talaga, including the ending.

Chapter 48

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 48

A N D R E I

Hawak-hawak ang batok nang lumabas ako sa kuwarto nina Mama at Andrea. May pera na kasi kami kaya naipagawa o mas magandang sabihing, pinatibay ko na itong bahay namin. Nakakalakad na rin si Mama dahil nga sa mga gamot nito’t hindi na rin matigas ang kaniyang ulo.

Sa kuwarto nila ako natulog, sa sahig, habang sina Mama at Andrea ay magkabi sa kama. Papaano ba naman kasi, nandito pa rin si Sir Henry at nakikitulog pa sa bahay namin. Hinayaan ko na lang. Susuko rin siya. Alam kong ‘di niya kayang magtiis sa ganitong klase ng tirahan. Maliit, mainit, at maingay pa ang kapitbahay.

“Baks!”

“Shutacca!” Napahawak ako sa puso ko dahil sa gulat. Biglang bumilis ang tibok nito. “Pakyo ka, Berting! Ano baʼng ginagawa mo riyan?!” singhal ko kay baklita nang makita ko ʼto sa labas ng aming bahay.

Alas-sais pa lang! At mukhang hindi pa ʼto natulog dahil sa nangingitim ang ilalim ng kaniyang mga mata. Tapos suot pa rin nito ang damit niya kahapon.

Tumawa lang ang gaga at saka tumayo. Sumilip ito sa loob na para bang may hinahanap. “Gising na ba si Bossing?”

Sinamaan ko siya ng tingin at saka dinuro. “Hoy, ʼte! Alam ko ʼyang kalakaran mo. Umuwi ka na bago pa tuluyang mandilim paningin ko sa ‘yo!”

Napakamot siya sa likod ng ulo. Umismid lang ito’t saka ako tinalikuran ngunit ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya’y bigla siyang humarap. Mabilis siyang bumalik sa harapan ko’t sobrang lapit niya.

“Eh nandito na ako, ba’t pa ako uuwi? May trabaho pa tayo mamaya,” sabi niya.

Napatakip tuloy ako ng ilong dahil umaalingasaw ang mabaho niyang hininga. Ano ba’ng huling kinain ng baklang ʼto? Ang baho-baho ng bibig!

“Umuwi ka na muna at maligo, baka mapatay mo ng wala sa oras iyong amo ko!” sabi ko na kasalukuyang nakatakip pa rin sa bibig.

Ngumuso ito, para tuloy siyang puwet ng manok na nangingitim. Nagpadyak-padyak pa ang gaga ngunit tumalikod din at naglakad papalayo. Doon ay nakahinga ako nang maluwag. Tumalikod na ako’t papasok na sana ngunit natigilan ako nang tumambad sa aking harapan ang nakakatakam na pandesal sa umaga. Binilang ko iyon. Walo, ‘te! Pinasadahan ko ng tingin ang pandesal hanggang sa makarating ako sa ibaba at bigla na lang akong napalunok dahil sa malaking bundok doon.

Teka!

Mabilis kong iniangat ang tingin at ang nakangisi niyang labi ang tumambad sa akin.

“Good morning. Maganda ba ang nakikita mo?”

Mabilis kong hinawi si Sir Henry na nakaharang sa pinto at dali-daling tumakbo papasok ng kusina. Yawa! Bakit hindi ko siya napansin na nakatayo sa likuran ko? At… Bakit siya nakahubad, ang ibig kong sabihin, bakit manipis lang ang suot niyang short?

Para sabihin ko sa kaniya, ‘di ako tinatablan ng mga ganoong estilo!

Ipinagsawalang bahala ko na lang ang nakita at naghanda na para sa aming agahan. Pero pakiramdam ko’y busog na ako kanina pa– char! Kinuha ko ang kalderong maitim ang puwetan at saka naglagay roon ng limang baso ng bigas. Napansin ko namang pumasok sa loob ng kusina ang bwesita ko ngunit ‘di na lang ako nag-abalang tumingin dito.

“How may I help you?” tanong niya.

Kinuha ko ang lighter at saka naglagay ng kahoy sa ilalim ng bakal na pinaglulutuan naman. Isang bunga ng palm tree na pinukpok ko muna ng bato upang magkaroon ito ng kaunting katas, na magsisilbing mitsa upang madaling sindihan ang mga kahoy.

“Gusto kitang tulungan. Let me know… Please.”

Matagumpay kong nasindihan ang kahoy. Kaya tumingin ako rito.

“Gusto mong tumulong, umuwi ka sa Manila at tulungan mo si Auntie Dolly sa gawaing bahay.”

“I can’t. I won’t leave until you’ll come with me. I promised Finley, uuwi ako roon na kasama ka,” aniya.

“Iyon naman pala,” sabi ko at muli siyang tinalikuran. Hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi niya dahil ayoko lang. Bakit ba?

Lumapit ako sa lababo na gawa lang sa kawayan at tiningnan ang balde ngunit wala itong lamang tubig. Nadismaya ako. Kinuha ko ang balde at lalabad na sana sa kusina nang hawakan ni Sir Henry ang braso ko. Tumingin ito sa aking mga mata at ‘di ako nakapalag ng kunin niya sa akin ang baldeng hawak.

“Let me do this for you.”

“Alam mo ba kung saan mag-iigib nang malinis na tubig?” tanong ko dahilan para mapakamot siya sa likod ng ulo at saka mahinang tumawa. Umiling din siya. Bigla tuloy akong napaiwas ng tingin dahil tumambad sa mga mata ko iyong buhok sa kili-kili niya. “S-Sa m-may ilog, may balon malapit doon. D-doon kami umiigib nang malinis na tubig.”

\—

Hindi sila magkanda-ugaga sa pagpili ng mga paninda ko. Pinagkakaguluhan. Bawat isa’y gustong sumingin at pumasok sa loob upang magpa-assist. Ako, nandito sa labas at nakapamewang. Gusto kong magsisigaw sa inis dahil sa mga babae’t mga baklang kay aga-aga ay nandito sa shop ko, pero ‘di ko magawa, dahil costumer sila at halos maubos na nila iyong mga branded kong paninda.

“Hindi ko aakalain na iyang dalawang Daddy lang pala ang magdadala sa iyo ng swerte,” sabi ng katabi kong si Berting at nakatingin lang siya sa loob.

“Nga, e…” pagsang-ayon ko. “Puro kasi kamalasan dala mo!” dagdag ko pa at saka siya inirapan.

Naglakad ako’t sumiksik papasok sa loob. Hindi ko mabilang kung ilang tao ang nandito ngayon sa loob ng aking shop, hindi para lumandi kundi para pagkaguluhan ang dalawang lalaking ʼto. Sumasakit ang ulo ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Si Sir Henry na nakangiti habang nakikipag-usap sa mga costumer at inuuto itong bumili. Sa kanan nama’y si Max, na ganoon din ang ginagawa. Nagpapauto rin ang mga itong i-flex ang kanilang mga muscles. Bigla silang nagkatinginan at ewan ko pero nakaramdam ako nang maitim na aura sa pagitan nilang dalawa. O, ako lang ang nakapansin nito.

“O tama na!” sigaw ko. “Hindi po theater ang shop ko. Kung walang perang pambili, umuwi!”

“We’re really sorry, girls. Our boss is here,” ani sir Henry. Ngumiti pa siya at nagsigawan na naman ang mga babae at bakla. Narinig ko pang nakisigaw rin si Berting.

“Tss!” Tumingin ako kay Max na masamang nakatingin kay Sir Henry.

Ano ba’ng mayroon sa dalawang ito? Ngayon lang sila nagkakilala pero bakit ramdam kong mainit ang pagitan nilang dalawa? Nagsisisi tuloy akong isinama pa sila rito.

NAKAHINGA ako nang maluwag dahil isa-isa nang nagsialisan ang mga tao rito sa shop. Lumapit naman ako sa counter at naupo roon. Ang init-init ng panahon at naliligo na ako sa pawis ngunit bigla akong nakaramdam ng hangin. Nang tingnan ko ito’y si Max na may hawak ng pamaypay at ako’y pinapaypayan.

“Ano’ng ginagawa mo?” tanong ko rito.

“Pinagsisilbihan ka. Alam ko kasing pagod ka na,” sagot niyang nakangiti. Kita ko tuloy ang mapuputi’t pantay-pantay niyang mga ngipin.

“S-Salamat,” sagot ko na lang at tiningnan ang drawer ng aking mesa. Maraming pera. Nakarami kami ngayong araw. Kinuha ko ang one hundreds, two hundreds, one thousands, at iba pang perang papel upang bilangin iyon.

Nagulat naman ako ng may malamig na ice ang biglang inilapag sa aking mesa. Tiningnan ko kung saan ito galing, kay Sir Henry na may hawak na scoop, baso, at saka kutsara.

“Ice cream for hot weather, as hot as I adore you.”

Inilagay niya ang baso sa mesa at saka binuksan ang ice cream na ‘di ko na lang papangalanan dahil hello, ʼdi po ito sponsor pero baka naman, Selecta! Char. Cookies and cream ang flavor ng ice cream.

“Ah–”

“Hindi kumakain si Andrei ng Cookies and Cream. Ube ang paborito niya,” biglang sabi ni Max, na tumigil na sa kakapaypay sa akin. Alam na alam nito ang taste ko.

Tiningnan ko si Sir Henry at mukha itong nadismaya nang dahan-dahan niyang bawiin ang kamay, at saka siya umayos sa pagkakatayo.

“I-I’m sorry, I didn’t kno–”

“Ayos lang po. Wala naman akong allergy sa Cookie and Cream. Gusto ko ring itong subukan,” mabilis kong sabi at saka ako na ang nagkusang mag-scoop ng ice cream at saka iyon inilagay sa baso. Tinikman ko’t napapikit. Masarap naman pala! Dati kasi noong una ko ‘tong matikman sa mga dirty ice cream, parang lupa. Hindi ko alam kung cookies ba iyon o literal talagang lupa ang inilagay.

“Do you like it? It’s my favorite,” ani Sir Henry.

Tumango ako. “Bago kong favorite…” At saka ko nilingon si Berting. “Kumuha ka na! Alam kong kanina ka pa natatakam,” sabi ko at dali-dali nitong kinuha ang ice cream at isang kutsara.

“Max, gusto mo?” tanong ni Berting pero umiling lang si Max at saka ito lumabas ng shop. “Saan iyon pupunta?”

Nagkibit lang ako ng balikat at saka ipinagpatuloy ang pagkain ng ice cream. Si Berting nama’y ang buong lalagyan na ng ice cream kinuha’t sinolo na ito.

\—

Pagkatapos ng maghapong pagbabantay sa shop, na nakakatuwa dahil nakarami kami ng benta, nagsara na kami. Kanina pa nakauwi si Max dahil tinawagan siya ng ina, habang si Berting ay pumunta sa isang kaibigan daw nitong may birthday. Kaya ngayo’y dalawa na lang kami ni Sir Henry.

Bago kami umuwi ay mabilis kong hinila si Sir Henry sa may park kung saan marami pa ring tao. Nakahilera naman sa gilid ang mga nagtitinda ng street foods.

“What are we doing here?”

“Kakain at saka bibili na rin ng uulamin mamaya,” sagot ko at tumingin sa mga iba’t ibang street foods, ‘di ko alam kung ano’ng pipiliin ko. “Wag kang mag-inarte ngayon, nasa teritoryo kita,” dadag ko.

“I am not. Ang totoo niya’y balut ang paborito ko. I’ve tasted these kind of foods when I was in college.”

“Weh?”

Tumawa siya. “Yes. Dad then suspended my bank accounts, and the only money left in my wallet was a thousand. So I have to save money and street foods save my life.” Tumingin siya sa akin at ‘di ko namalayang hawak na pala niya ang aking kamay at ito’y pinag-intertwined. “Let’s go? It’s our date!”

Date? Teka lang–Hindi na ako nakaangal pa ng hilain niya ako.


Gusto ko po itong **** tapusin pero busy po ako. Salamat sa mga nag-aabang , at marunong **** maghintay . Salamat! Salamat!

Chapter 49

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 49

A N D R E I

Madilim na ang langit; punong-puno ito ng mga nagkikislapang mga bituin at ang buwan ay bilog na bilog. Malamig din ang simoy ng hanging yumayakap sa aking balat. Napayakap ako sa sarili nang umihip ang may kalakasang hangin. Ngunit agad akong nakaramdam ng ginhawa nang may makapal na telang pumasok sa aking magkabilang balikat.

Tumingin ako rito… si Sir Henry at ang jacket niya ang inilagay niya sa balikat ko. Ang tanga ko kasi, lalabas-labas ako ng bahay na tanging manipis na tela lang suot.

“The stars are beautiful,” bigla niyang sabi. Nakaupo na siya sa tabi ko rito sa upuang gawa sa kawayan sa likod ng aming bahay.

Imbes na tumingin ako sa langit, sa kaniyang mukha ako tumingin. Ang tangos ng ilong niya. Tumatakbo tuloy sa isipan ko kung gaano kahaba ‘yon ano – kuwan niya – pasensiya, tama ‘yong pasensiya na. Nagulat ako ng bigla siyang lumingon sa akin, nagkasalubong ang mga mata naming dalawa at pakiramdam ko’y para ako nitong hinihila sa pinakailalim. Mabilis akong umiwas. Ang bilis ng tibok ng punyeta kong puso.

“Do you still love him ?” bigla niyang tanong na ‘di ko lubos maintindihan; kung sino ba’ng tinutukoy niya. “Kasi kung mahal mo pa siya, handa naman akong magparaya. I can let you go, as long as he promised me that he’ll never hurt you again.”

‘Di ko alam kung ano ba ‘tong lumalabas sa bibig niya. ‘Di ko alam kung papaano ko siya sasagutin. Natatakot ako… natatakot akong baka may masabi akong pagsisisihan ko rin sa huli.

“A-Ano po ba’ng ibig ninyong sabihin? M-Mahal po tayo ng Panginoon.” Hindi ko alam kung konektado ba ‘yong sinabi ko sa tinutukoy niya. Tumingin ako rito at ngumiti. “At mahal ko rin po siya. A-Ame—”

“That’s not what I mean, Andrei. Ang ibig kong sabihin, kung mahal mo pa rin ba ‘yong Max na ‘yon?” Ah. Si Max pala ang tinutukoy niya. ‘Di niya kasi nililinaw!

Tinanong ko naman ang sarili ko; mahal ko pa ba si Max? Noong naging kami, sigurado ako sa sarili kong minahal ko siya. Ibinigay ko ang lahat ng gusto nito, kahit na alam kong nauubos na ako. Minsan lang kasi kaming mga bakla kung makaranas ng ganoon, kaya kahit walang-wala kami’y gumagawa kami ng paraan mapasaya lang ang taong mahal namin…

Ngunit pagkatapos ng lahat? Pagkatapos ng kawalanghiya ng kaniyang Inang nakikinabang din sa perang ibinibigay ko sa anak. Pagkatapos ako nitong sugudin at ipahiya. Doon ko napagtantong kahit na ano’ng gawin ko’y walang magmamahal sa akin, sa ‘tulad kong bakla . Natakot na rin akong mahalin siya, o mas tamang sabihing napagod na akong umintindi’t ibigay rito ang lahat.

Humugot ako nang malalim na buntonghininga.

“Mahal ko—” Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at tinalikuran ako. “‘Di pa ako tapos magsalita!” inis kong sabi.

“But you said, you still love him,” sabi niya nang ‘di man lang lumilingon sa puwesto ko.

“Ay wow! Disyonabilitism ka rin e. Ang ibig kong sabihin, mahal ko siya pero bilang kaibigan lang.”

Muntik pa akong mahulog ng bigla siyang tumabing muli sa akin at niyakap ako. “Really?! Fck! I promised I will never let you go nor hurt you,” sabi niya.

Parang timang ‘yong puso kong tumitibok nang mabilis. Kung nasa karera lang ito ng mga kabayo, baka nanalo na kami.

“Bakla po ba kayo?” ang siyang bigla kong tanong, kasalukuyan pa rin siyang nakayakap sa akin.

“If loving someone like you is considered to be being homosexual, then yes, Andrei, I am gay, but only for you.”

\—

Ang daks ng eyebags ko kinabukasan. ‘Di kasi ako nakatulog kagabi. Muntik ko pang magising sina Mama at Andrea na mahimbing na natutulog sa kanilang kama dahil para akong tangang sumisigaw at nagpapapadyak. Ewan ko ba, ‘teh! Pero ang poke ko na kulay rosas, kilig na kilig. Sinasabihan naman ako ni Max noon kung gaano niya ako kamahal, pero sa tuwing inaabutan ko siya ng isang daan lang naman.

“Kuya, para kang binugbog,” natatawang ani ni Andrea nang pumasok siya sa kusina. Sumunod naman si Mama na napatingin din sa akin.

“Oo nga, ‘Nak. Ano’ng nangyari sa mga mata mo? Nakatulog ka ba nang maayos?”

Sasagot pa lang sana ako ngunit bigla namang pumasok si Sir Henry na may dalang balde ng tubig sa kaliwang kamay at saka ng supot sa isa naman. Ngumiti ito. Binati rin niya sina Mama at Andrea.

“Aba’y bakit mo pinag-iigib itong Boss mo, Andrei?! Ikaw talagang bata ka, ‘di ka ba nahihi—”

Natigil si Mama nang magsalita si Sir Henry. “I was the one who insisted on this. Don’t be mad at Andrei.”

Tumingin dito si Mama at saka siya lumingon sa akin na magkasalubong ang mga kilay. “‘Nak, ano raw sabi niya?” bulong nito.

Lumapit naman ako nang bahagya. “‘Ma, ang aga-aga raw po ang ingay-ingay ninyo. ‘Di na lang kayo manahimik,” sabi ko at saka tumayo. Ngumiti ako kay Sir Henry at saka tiningnan ang supot na dala niya.

Na mukhang nakuha naman nito agad dahil ipinakita niya ang malalaking Sugpo na naroroon. “Someone gave this to me. And I thought, you’ll like it.”

Dali-dali ko itong kinuha. “Aba sino’ng may sabing ayaw ko ng Hipon? Lalo na’t libre mo lang palang nakuha.” Tumawa lang siya’t inilagay na sa may tabing lababo ang balde ng tubig at saka ako nito tinulungan sa paghahanda ng kakainin namin.

\—

“‘te, ano’ng nakain mo’t naisipan mong magyayang mag-swimming? Tit-” Mabilis kong ipinasubo ang Rambutan na kakabalat ko lang sa kaniyang matabil na bibig.

“‘Daming sinasabi, ‘di na lang magpasalamat na libre lang ang lahat!”

Kinain na muna niya ang Rambutan bago siya sumagot, “Nagtataka lang naman kasi. Bawal na bang magtanong?”

“Oo bawal, ‘pag ikaw!”

“Hmp! Bakit ba palagi na lang masama ugali mo sa ‘kin?” ‘Di ako nakasagot nang itanong iyon ni Berting sa ‘kin. “Kaibigan mo naman ako. Sabihin mo nga, may nagawa ba akong masama?”

“Pinagsasabi mo? Siyempre, ‘yang—”

“Mukha ko? Dahil ba masama ang mukha ko—”

“Bunganga mo, ‘teh. Masama ang amoy ng bunganga!” sabi ko.

“Ay talaga ba?” Tumango lang ako. Inamoy naman niya kaniyang hininga. “Totoo nga! Tanginang toothpaste ‘yon, ‘di effective!”

“Ano ba kasing toothpaste ang gamit mo?” tanong ko. nakatingin lang ako sa tabing-dagat kung saan naglalaro sina Andrea at inilibot ko ang paningin ko upang hanapin si Sir Henry.

“Bostik, dzai. ‘Yung yellow at blue ang packaging, nabili ko sa hardware.”

Nanlalaki ang mga mata kong napatingin kay Berting. “Vulcaseal kasi ‘yon, ‘teh! ‘Yan kasi, imbes na mag-aral e nagbubulakbol,” pangangaral ko sa kaniya bago siya iwanan sa cottage nang may makita akong naglalandian sa malayo.

Mabibigat ang hakbang ko sa buhangin hanggang sa makarating ako sa tabing-dagat, malapit sa puwesto ni Andrea. Namewang ako habang pinagmamasdan ko ang mga higad na mukhang nagpapalitan na ng number. Aba nga naman!

“Ehem!” Mabilis silang lumingon sa akin. Tumaas ang kilay kong tumingin sa babaeng katabi nito. Girl, ‘wag mo akong ismiran dahil baka sa kabilang Isla ka matagpuang wala ng malay.

“Yes? How may we help you?” Ay Aba, in-english ako. May accent pa siyang pilit na pilit.

“Wala akong kailangan sa ‘yo pero alam mo ba’ng itong nilalandi mo’y in a relationship na single Daddy? Kaya kung ako sa ‘yo, lumayo ka bago ka pa ilunod ng jowa ng lalaking ‘yan!” At saka ko sila tinalikuran.

“I’m sorry, Miss,” narinig kong sabi ni Sir Henry at nagulat na lang ako ng kasabay ko na itong naglalakad pabalik sa cottage. “Hey. She was just asking ‘bout busi—”

“Wala ‘kong pake. Kahit mag-Q and A pa kayo magdamag,” sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad. Mas binilisan ko upang ‘di niya ako maabutan ngunit masyadong malalaki ang mga hakbang nito’t naabutan pa rin niya ako.

“You’re jealous.”

Tumigil ako. Humarap sa kaniya nang nanlilisik ang mga mata. Tinuro ko ang sarili. “S-Sa ganda kong ‘to, magseselos ako sa mukhang Sugpong ‘yon na kinulang sa nutrisyon? Never!” At muli akong tumalikod, ngunit ‘di pa ako nakakahakbang ay hawak-hawak na ako nito sa aking braso at ilang sandali lang ay nasa loob na kami ng walang katao-taong banyo.

Isinandal niya ako sa pinto. Kinabahan ako. Napapamura ang puso ko posisyon namin ngayon. Sobrang lapit din ng kaniyang mukha sa akin at ilang pulgada lang ay magdidikit na ang aming labi.

“Nagseselos ka ba o hindi?” Malalim ang boses at nakakakilabot.

“H-hindi nga. W-wala naman akong karapata—” ‘Di ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla nitong hinuli ang labi ko gamit ang kaniya. Tumigil yata ang mundo ko sa pag-ikot at ang buong atensiyon ko’y sa labi naming magkadikit. ‘Di ito ang unang beses na gawin niya ‘to sa akin ngunit pare-pareho lang ang nararamdaman ko; mabilis ang tibok ng puso.

Dalawa o ewan ko kung ilang minuto ang itinagal ng halik na ‘yon bago siya humiwalay at isandal ang noo nito sa noo ko.

“Ngayon may karapatan ka na. You are mine, and I am also yours, whether you like it or not.” At muli na naman niya akong hinalikan sa labi.

Chapter 50

THE RUTHLESS DADDY

CHAPTER 50

A N D R E I

“Baks, talaga bang aalis ka na?” Tumingin ako rito. Nangingilid ang kaniyang luha. ‘Di ko alam kung malungkot siya o hindi, kasi kahit ano’ng ekpresiyon niya’y pangit pa rin siya. Char! No offense pero totoo lang tayo rito.

Tiningnan ko naman ang mga bagahe ko. Isang maletang kulay pink na may glitters pa, tapos isang bag, at paperbag na laman lang ay mga dried foods tapos iilang pasalubong ng pamilya ni Auntie Dolly sa kaniya. Bumuntonghininga ako.

Makalipas ang halos isang Linggong pag-iisip. Napagtanto kong may isip pala ako, salamat naman! Dahil ‘di ako nahawaan ni Berting.

“Hindi pa, ‘te. Magpapalaba lang ako sa Manila!” inis kong sagot at kung ‘di ko lang talaga pinipigilan ang sarili ko, baka kanina pa ‘to nakalbo. “Malamang! Aalis na ako, kasi—” Namula ang magkabila kong pisngi nang maalala ko ‘yong sinabi noon ni Sir Henry sa akin. Ano ba! ‘Wag kang mainggit for today’s video. “Kasi ikakasal na ako, uwu!”

“Buti na lang wala akong boyfriend. Nakakajejemon talaga pag may jowa,” bigla niyang sinabi kaya napatingin ako rito nang masama.

“Dahil walang napatol sa ‘yo,” sabi ko sabay irap.

“‘Di kaya, iyong anak ni Mang Tanyo, adik na adik sa ‘kin ‘yon, ‘no!”

Chaka! Matagal nang adik ‘yon. Dami mong sinasabi. Tulungan mo na nga lang akong dalhin ‘to sa labas,” sabi ko at saka kinuha iyong bag at paperbag. Mahirap na baka dukutin ni Bakla ang mga pagkaing dala ko. Inirapan lang niya ako’t hinila na papalabas ang aking maleta.

Sa labas ay naghihintay sina Mama at Andrea, katabi nila si Sir Henry. May taxi namang nakaparada sa labas ng bahay. Ngumiti si Sir Henry nang makita ako. Bigla na namang namula ‘yong pisngi. Shuta! Bakit ba ako kinikilig? Ngiti lang ‘yon. Umiwas ako ng tingin. Nang makalapit kami sa kanila’y tumingin ako kay Mama at sa kapatid ko; may bahid ng lungkot ang mga mata nilang dalawa. Dahil sa pangalawang pagkakataon ay iiwanan ko na naman sila.

Pasensiya na, ‘Ma. Para lang sa ekenomiya ‘tong gagawin ko.

“‘Wag mong kalilimutang tumawag parati, ‘nak,” ani Mama.

Hindi ako sumagot, bagkus ay nilapitan ko silang dalawa at saka pareho ko silang niyakap nang mahigpit. Humiwalay lang ako nang biglang nakiyakap si Berting.

“Kuya Bert, mag-tawas ka rin minsan!” reklamo ng kapatid ko. Tinaasan ko lang si Bakla ng kilay nang lumingon siya sa akin.

“Mag-iingat din po kayo rito. Lalo na ikaw, Andrea. Huwag munang magbo-boyfriend, mag-aral na muna nang mabuti—” Tumingin naman ako kay Berting. “Bakla, ‘wag mong pababayaan sina Mama at lalong-lalo na ‘yong puwesto ko. Malilintikan ka sa ‘kin ‘pag na-bankrupt ‘yon.”

“Te, ‘wag kang mag-aala—”

“Oo, dzai, may sweldo ka kahit marami kang atraso sa ‘kin.” Ngumisi lang siya, akala mo naman kung bagay na bagay niya. Tumingin kay Sir Henry. “Tara na po?”

Tumango lang siya at nagpaalam na kila Mama at Andrea. Hihirit pa sanang yumakap si Berting pero mabilis ko na siyang napigilan. Wala talaga siyang hiya kahit kailan.

“Mag-iingat kayo,” huling paalala ni Mama bago kami tuluyang pumasok sa loob ng Taxi.

Nang umandar ang kotse ay tumingin ako sa kanila sa huling pagkakataon ngunit ‘di nakatakas sa paningin ko ang lalaking nakatayo sa malayo’t nakatingin sa papaalis na kotse.

“Are you okay?” Lumingon ako rito, nakakunot ang kaniyang noo na may pag-aalala naman sa kaniyang mga mapupungay na mga mata.

Ngumiti ako ng pilit. “A-Ayos lang. Kuya, paliparin mo ang kotse!” sabi ko sa Driver ngunit ‘di pa rin nawawala sa isipan ko ‘yong nakita ko.

Max .

“P-pasensiya na, nahuli ako. Pinatulog ko pa muna si Mama,” saad niya nang makarating siya. Naupo siya sa aking tabi at saka ngumiti. “Mag-da-date ba tayo?”

Tumingin ako rito ng seryoso. ‘Di ko alam kung papaano ko sasabihin sa kaniya. Kahit na sinaktan ako nito noon, ‘di ko naman magagawang saktan siya bilang ganti. Pero ayoko rin siyang paasahin. Ano ba talaga? Ang hirap naman nito. Ba’t ba kasi ang ganda-ganda ko?

“A-Ayos lang,” sabi ko at saka tumingin sa paligid. Ang ganda ng langit. Puno ng mga bituin. “Kumusta na pala ang Mama mo?”

“Ayos lang naman siya, kahit papaano’y may improvement, pero kailangan pa ring bantayan dahil ‘di niya kayang kumain.” Nang tingnan ko siya’y kita ko ang sakit sa kaniyang mga mata habang sinasabi ‘yon.

“Ah, Max…”

“Mmmm?” nakangiti niyang sagot. Namumungay na ang kaniyang mga mata.

Humugot ako nang malalim na buntonghininga. “P-Pasensiya na kung ‘di ko masusuklian ‘yong pagmamahal mo. Nasaktan mo ako noon, pero pinapatawad naman na kita. H-Hindi ko alam, p-patawad!” Napayuko ako.

Pinag-isipan ko ‘tong mabuti. Halos ‘di ako makatulog nang dalawang magkasunod na gabi. Kulang na lang, isulat ko sa papel ‘yong sasabihin ko, kaso nung nandito na, biglang naging blangko ‘yong isipan ko.

“Hindi naman ako umaasang susuklian mo ‘yong pagmamahal ko, Drei. Masaya na akong napatawad mo ako. Pero pangako mo sa aking babalik ka sa ‘kin ‘pag sinaktan ka ng lalaking ‘yon.”

Napatingin ako rito. Nakangiti siya ngunit iba’ng sinasabi ng kaniyang mga mata. Imbes na sagutin siya’y niyakap ko na lang siya nang mahigpit at gumanti rin siya. Kahit papaano’y gumaan ang pakiramdam ko.

“Naaalala mo pa ba—”

“Ay sandali, ba’t may biglang pag-spoken poetry? Maghahating gabi na po.” Sabay kaming nagtawanan ngunit napatigil lang nang may biglang umangungol.

Nagpaalam kami sa isa’t isa na magaan ang loob. Sinabi ko naman sa kaniyang mananatili ‘yong pagkakaibigan naming dalawa dahil kahit papaano’y may pinagsamahan naman kami. Sinabi naman niyang ‘di na muna siya magmamahal dahil aalagaan na muna niya ang kaniyang Ina. Nang gabing ding ‘yon ay nakatulog ako nang masaya.

Isa na lang ang problema ko.

NAGISING ako dahil sa mga halik na nararamdaman ko sa iba’t ibang parte ng aking mukha. Tumingin ako rito at ang nakangisi niyang labi ang tumambad sa akin. Nakaunan ako sa kaniyang mga hita. Mabilis akong bumangon dahil nakakaramdam ako nang matigas sa ulunan ko.

“There, you’re awake.” At Muli na naman niya akong hinalikan, ngayo’y sa gilid ng aking labi. “We’re here.”

Napatingin ako sa labas upang umiwas dahil sa biglang pamumula ng aking pisngi. “N-Nasa Manila na po tayo? Pinalipad ba ni Kuya—”

“Babe, nasa GenSan International Airport pa lang tayo,” mabilis na sagot ni Sir Henry.

Napakamot ako sa aking batok. Binuksan ko na lang ang pinto sa tabi ko’t lumabas ng Taxi. Lumanghap ako nang hangin at ipinikit ang mga mata. Ilang sandali ay nakaramdam ako nang mahigpit na yakap mula sa likod ko. Kahit ‘di ko iyon tingnan ay alam kong si Sir Henry ‘yon.

“Finley will be the happiest kid if he’ll see you,” bulong niya, nakapatong ang baba sa balikat ko.

‘Di ako sumagot. May parte sa puso kong masaya na babalik nga ako roon at magkikita kaming muli ng anak ni Satanas, ngunit nang bigla kong maisip ‘yong mas mataas pa ang posisyon kay Satanas, ‘yong tatay ni Sir Henry, biglang umuurong ang excitement ko.

“Papaano kung may gawing masama ‘yong Daddy mo?” ang ‘di ko mapigilang tanong. Napahawak ako sa kaniyang mga brasong nakayakap sa aking katawan ngunit saglit lang ‘yon nang humiwalay siya. Pinaharap naman niya ako’t hinawakan ang magkabila kong pinsgi.

“I won’t let him. I promised. Ipangako mo lang na kahit ano’ng mangyari, hindi mo na ako iiwan ulit.” Tumango ako. Nakahinga ako nang maluwag dahil alam kong may panghahawakan na ako ngayon.

Napansin ko ang dahan-dahang paglapit ng mukha niya sa akin. Pumikit ako nang ilang pulgada na lang ay magkakadikit na naman ang aming mga labi ngunit napadilat ako nang may magsalita.

“Ah, mga sir, lumipad na po ‘yong eroplano,” saad ng Driver ng Taxi na katatapos lang ilabas ‘yong mga gamit namin.

“KUYA, BA’T NGAYON MO LANG SINABI?!” sigaw ko’t tumingin sa kakaalis lang na Cebu Pacific.

“Eh naglalandian pa po kayo riyan.”

Shuta!

“It’s okay, we can have the next flight.”

‘Di na lang ako nagsalita. Baka sumunod lang sa eroplano ‘tong Driver na ‘to.

EPILOGUE

THE RUTHLESS DADDY

EPILOGUE

**
**

A N D R E I

**
**

“MISS!” tawag ko sa stewardess na nakasuot ng yellow na uniform. Taray ni Bakla. Pak na pak ang make up. Mukha tuloy syang minion. Lumingon ito sa akin at saka ngumiti.

“Yes, sir. How may I help you?”

Tinitigan ko siyang mabuti. Titig na titig ako rito hanggang sa matunaw na lang siya sa kinatatayuan. Sa ganda kong ‘to tatawagin niya ako Sir?! Oo may talong akong dala-dala sa gitna ng mga hita ko pero babae ang aking damdamin. Pero hindi ko na lang iyon pinansin pa baka masabunutan ko lang siya.

“Nasaan ang Piloto nitong eroplano at bakit ang tagal nating makarating?” tanong ko. Wala rito si Sir Henry dahil pumunta siya ng banyo. Naiinis na nga ako dahil kanina pa siya roon. ‘Wag niyang sabihin sa akin pagbalik niya na tumae siya. Mag-iisang oras na! Ayokong mag-overthink pero tumatakbo sa isipan ko iyong music video ni Britney Spears na Toxic. ‘Yung nagkan – Hindi. Sabi ni Sir sa akin lang ang footlong niya.

“Nasa harapan po. Siya po ang nagpapalipad nitong eroplano. Besides, a-ano po…” Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi nito maituloy ang sanay sasabihin. Lumapit siya ng kaunti sa akin. “Ano’ng english nang ‘kakaalis lang natin’?”

Napamura ako sa isipan ko dahil sa tinanong niya. May quiz na pala rito sa eroplano? Bakit noong una akong makasakay at iyong pangalawa, wala naman! E handa pa naman ako noon sa mga englisan.

“Ano—” Ano ba english nun. Tinuro sa amin ito noong elementary pa lang ako pero nakalimutan ko na. Matagal na ‘yon at wala namang sinabing palagi ko dapat tatandaan ang english ng kung ano-ano kasi baka itanong sa akin ng isang Stewardess balang araw. “Bumalik ka na lang sa trabaho mo, beh. Baka mandilim paningin ko!” bulong kong may diin ngunit hindi ako nakatingin dito kundi sa lalaking naglalakad papalapit sa kinauupuan ko.

Hindi na rin naman nagsalita pa iyong Stewardess at itinulak na nito ang cart na may mga lamang pagkain. Inilabas ko naman ang kinuha kong pagkain sa cart ng Stewardess na hindi niya napansin. Binuksan ko ang mamon at saka iyon kinain. Hindi ko pinansin ang pag-upo nito sa tabi ko kahit pa para na ako nitong hinuhubadan sa tuwing nakatingin siya sa akin.

“Where did you get that?” tanong niya pero pinuno ko ng mamon ang bibig ko upang hindi ko siya masagot. “Babe.” Nanindig ang balahibo ko sa bigla nitong paglapit at pagbulong malapit sa aking tainga. Ang init ng kaniyang hininga at sobrang lalim ng kaniyang boses.

Lumunok ako at tumingin dito. Ang lapit-lapit ng mukha namin sa isa’t isa. Nakangisi siya. At ang mga mata niya’y napakaganda na halos nakikita ko ang repleksiyon nang maganda kong mukha roon. Gandang-ganda ba sa akin si Sir Henry?

Umangat ang kamay niya at gamit ang hinlalaki niya’y pinunasan niya ang gilid ng labi ko ngunit akala ko’y ipupunas niyo sa kung saan. Mali ako, bakla! Dahil isinubo niya iyong daliri niya’t dinilaan ang labi. Shutacca, Sir Henry! Nasa eroplano tayo. Hindi ka ba makapaghintay? But I was born ready naman. Anywhere, anytime! Pinikit ko ang mga mata ko’t handa nang makipag- ano kay Sir Henry dito sa loob ng eroplano. Wala na akong pake sa mga kasama namin.

Ngumuso ako.

“What are you doing?” bigla nitong tanong kaya naidilat ko nang mabilis ang mga mata’t tumingin dito. Nakakunot ang kaniyang noo.

“A-Akala ko po gusto niyo ‘kong laplapin dito?” tanong ko.

“What?” Umayos ako ng upo dahil sa sinagot niya. Ano’ng what, what, watawat! Kitang-kita ko kaya sa mga mata niya ang kagustuhang hubaran ako. “I mean, I wanted to kiss you. Fck! But not in this place. Mamaya na lang pagdating natin,” mahina ngunit may diin niyang sabi.

Humalukipkip ako’t hindi tumingin sa kaniya. Tumingin ako sa maliit na Tv na nasa aking harapan at sinimulan iyong kalikutin. Manonood na lang ako ng bold. Mayroon ba nun dito? Pero hindi ko pa nabubuksan iyong TV ay may bigla na lang humawak sa mukha ko’t iharap dito. At mabilis ako nitong dinampian ng halik sa labi.

“There. Satisfied?” aniya habang seryosong nakatingin sa ‘kin pagkatapos akong halikan. “Wait until we get home, Andrei. I’ll show what Alcantara can do.”

Ibubuka ko na sana ang bibig upang magsalita ngunit natigilan ako nang may magsalita sa harapan namin. “Iww Bading moments!” sabi ng batang lalaki na may suot na salamin. Nakatingin ito sa amin na tila ba’y nandidiri sa kaniyang nakita.

“Tse! Bakla ka rin.” Inirapan ko siya. Napakapakialamera ng mga batang ito! Tumatawa na nang mahina ang katabi ko.

\—

Pagdating namin sa Airport ay sumakay lang kami ni Sir ng grab dahil wala raw siyang sinabi na magpapasundo siya ngayon. Gusto raw kasi niyang surpresahin si Senyorito Finley. Pero teka nga, ilang linggo ba nawala si Sir? At sino’ng kasama ng bata?

“Sino po pala nagbabantay kay Senyorito noong wala kayo?” tanong ko.

“I asked Marlou to take care of his nephew while I’m courting you.” Tumango lang ako’t tumingin sa labas. Hindi na ako nagtanong pa hanggang sa makarating kami sa bahay ni Sir Henry. Pagpasok namin ay imbes na si Senyorito Finley ang bubungad sa amin, ang homokojic na tatay ni Sir Henry ang nakatayo’t masamang nakatingin sa amin.

“What’s he doing here?!” may diin nitong tanong. “Didn’t I told you that I will never accept him! He’s gay, Henry! Hindi ka ba nahihiya na pagtawanan ng mga ta—”

Mabilis akong pumunta sa likod ni Sir Henry dahil baka mamaya’y lapitan ako nitong Tatay niya’t saktan. Ayoko pa namang pumatol sa mga mapuputi na ang buhok dahil kahit papaano’y may respeto pa rin ako. At saka bakit ba kasi ito nandito? Jusko . Patapos na lahat-lahat, balak pa niyang manira ng relasyon. Hindi ba puwedeng mag next season na lang siya?

“I don’t care. They can laugh at us. Judge us. But they can never stop us. Mahal ko si Andrei at kung hindi niyo iyon matatanggap, wala na po akong magagawa. Now will you please leave us alone? Dahil kahit ano’ng gawin mo, hinding-hindi ko iiwan si Andrei. He’s my life. At problema niyo na kung matatanggap niyo kami o hindi dahil hindi ko naman kailangan nang pagsang-ayon ninyo o ng ibang tao.”

Ngayon ko lang narinig na magsalita si Sir Henry ng ganoong mga bagay. Minsan kasi ay isa o dalawang sentences lang ang sinasabi pero iyong isang buong paragraph na may 73 word counts, isang nakakagulat na pangyayari.

Tumingin naman ako sa Tatay ni Sir Henry na hanggang ngayo’y hindi ko pa rin alam ang pangalan nito. Umigting ang panga nito’t ramdam ko ang galit nito sa nakakuyom niyang kamao ngunit ilang sandali lang ay mabilis itong naglakad at lumabas ng bahay ni Sir Henry.

Ngunit mabilis naman akong sumunod dito. Alam kong hindi tama na magkaaway silang dalawa dahil sa akin. Kahit pa bali-baliktarin ang mundo, tamod pa rin nito ang bumuo kay Sir Henry. Kung wala ito at ang Ina ni Sir, wala rin si Sir. Naabutan ko itong sasakay na sa kaniyang kotse.

“S-Sir!” tawag ko at tumigil ito. Masama siyang tumingin sa akin. “Mag-iingat po kayo. Padadalhan ko na lang kayo ng invitation na may LGBTQ flag. Approved na ako, a. Nagawa ko na ang gusto ninyo. ‘Wag po kayong mag-aalala, ako na po’ng bahala kay Sir Henry.” Kumindat ako rito.

Nagulat ako nang ngumisi siya. “I didn’t regret that I asked your help, Mr. Arellano. Thank you. Please take care of my son,” sabi niya at saka tuluyang sumakay sa kaniyang kotse’t umalis.

Magka-vibes talaga kami ni Sir. Naalala ko iyong pagbabanta nito sa akin na ipapakaladkad niya ako mga guwardiya nang malaman nitong ako at ang maganda si Andrea ay iisa. Pero pakitang tao lang pala ‘yon.

Pagkatapos kong maligo at makapagpalit ng damit, bumalik ako kaagad sa loob ng bahay. Saktong pagpasok ko’y siyang pagbaba ng pinakaayaw kong makasalubong kahit saan mang sulok ng mundo.

_
_

Napatingin ito sa akin. Umayos ako ng tayo. Dumoble ang kaba ko. Pakiramdam ko kasi nasa isa akong fraternity at sa mga tingin pa lang nitoʼy para na akong pinapalo ng dos por dos. Ba’t ba kasi ganito ito kung makatingin?

_
_

“How much do you need to stay away from my son?” biglang nitong question and answer portion. ‘Di ko tuloy alam kung ano’ng isasagot ko.

_
_

One million kaya? Pero ang konte naman yata nun. Dala wa? Tatlo? O sampo?

_
_

“A-Ano po’ng ibig niyong sabihin?” tanong ko.

_
_

“Do you think, I would never know that you and that woman Andrea he introduced were the same? Stay away from my son. I cannot accept someone like you in this house.”

_
_

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya’t nagising sa kahibangan. Hindi ako makasagot dahil tama siya, ako at si Andrea ay iisa, parehong maganda. Kumirot ang dibdib ko. Sasagot pa sana ako ngunit muli na naman itong nagsalita.

_
_

“Bukas na bukas ay gusto kong wala ka na rito sa pamamahay ng anak ko o kung hindi, ipapakaladkad kita. Don’t worry, I’ll pay you. Alam kong pera lang naman talaga ang habol mo.” At saka ako nito nilampasan. Nawala siya sa paningin ko.

_
_

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko’t ‘di alam ang gagawin. Pera? Sa tingin ba niya pera lang ang habol ko? Nag-iisip ba ang demonyong iyon? Itong baklang ito, pera lang ang habol kay Sir Henry? Hindi ba puwedeng tit–

_
_

“What did Dad tell you? Did he tell you to stay away from me?” si Sir Henry naman ngayon ang biglang dumating na ʼdi ko napansing nandito na pala sa tabi ko.

_
_

Umiwas ako ng tingin.

_
_

Umiling ako’t ngumiti. “W-Wala po. S-Sabi niya, pagbubutihan ko raw po sa trabaho kasi may bonus daw po siyang ibibigay,” sagot ko at parang may nakabara sa lalamunan ko habang sinasabi iyon. “Sige po. Babalik na muna ako sa kuwarto ko.”

_
_

Hindi ko na ito hinintay pang makasagot at mabilis siyang tinalikuran.

_
_

Kinabukasan ng araw na iyo’y nakatanggap ako ng isang text message sa isang unknown number.

_
_

“Meet me at the El Classic,” pagbasa ko. Nakalagay rin ang address ng El Classic na hindi ko alam kung anong lugar iyon. Pero dahil I was born curious and curiosity kills, ika ng mga pakialamerang tao. Pinuntahan ko ang El Classic dahil malay mo, may ayuda. Malapit pa naman na ang Election.

_
_

Pagdating ko’y hindi pa sana ako papapasukin ng guwardiya dahil naka-short, T-shirt na may drawing ng panda sa may bandang dibdib ko, at tsinelas lang ako.

_
_

“He’s with me,” ani ng tao sa likod ng guwardiya. Bumungad sa akin ang Tatay ni Sir Henry. Bigla akong kinabahan. Oo may ayuda nga. Mukhang ngayon nito kailangan ang sagot ko. pero hindi pa ako nakakapag-decide kung ilan. Malaki-laki pa naman ang pangangailangan ko.

_
_

Lumunok muna ako at sabay kaming pumasok sa loob. Hindi ko na nagawang ilibot ang paningin ko sa loob dahil sa kaba ko. Magkaharap kaming naupo at lumapit naman ang isang waiter upang kunin ang order namin. Hindi ako ang nag-order dahil wala naman akong alam. Baka mamaya, ‘pag binili ko iyong mamahalin ay hindi naman pala masarap.

_
_

“So, what can you say about my son?” Napatanga ako. Oo, dzai! Kasi ibang-iba ang aura ng Tatay ni Sir ngayon. Ang aliwalas na para bang walang offeran ng yamang naganap kahapon.

_
_

“P-Po?”

_
_

“Oh, uh I’m sorry. Nagulat yata kita. ‘Wag kang mag-aalala, hindi ko naman kayo paghihiwalayin ni Henry. The truth is, I need your help.”

_
_

Help? Para saan? Ano ba’ng nangyayari? Bakit walang nagsabi sa akin na ganito ang script ng matandang ‘to.

_
_

“P-para po saan?” tanong ko, inembento ko na lang iyon.

_
_

“You see, my son was so busy with his work that he couldn’t take care of his son. Nang mamatay ang Ina ni Finley, bigla itong nagbago. The Henry I used to know was gone. Pero noong makita kita, I saw my son again. I saw how happy he is while talking with you. I could see it, and I know you’re the one that can help me.”

_
_

Wala talaga akong naiintindihan sa mga sinabi niya nang una ngunit unti-unting nililinaw ng kaunti pang natitirang talino sa isipan ko. Hindi talaga ‘to galit? E sayang naman iyong pera kung hindi naman pala niya kami paghihiwalayin! Pero dahil mabait akong tao, sumang-ayon ako. Itago lang daw namin ito kay Sir Henry. At tutulong din siya para magbago si Sir.

_
_

Ang totoo niya’y wala naman talaga akong ginawa. Ganda ko lang at patay na patay na ito kaagad sa akin.

“What did he say to you this time?” Nakatayo na si Sir sa tabi ko. Bigla pa niyang ipinulupot ang braso sa baywang ko upang hapitin ako palapit. “You’re not going to leave me again, are you?”

Tinanggal ko ang kamay nito sa baywang ko’t humarap sa kaniya. Malungkot akong ngumiti at saka sumagot, “Kailangan ko po ng pera. Tinanggap ko po iyong offer ng Tatay niyo. Package deal, e. Dalawang milyon at may kasamang free WiFi every month with brazilian wax every week. Pasensiya na po kayo.”

“W-What? N-No.” Hahawakan na sana niya ako pero umatras ako. “Mababaliw ako ‘pag umalis ka na naman,” aniya.

“OA mo na, sir!” Ngumisi ako. “Kahit naman po hindi ako umalis. Baliw na baliw ka na sa akin.” Tumawa ako at mabilis na tumakbo papasok sa loob ng bahay.

“Andrei! You’re dead!”

Hindi ko siya pinakinggan. E gusto ko ‘to, beh! Gusto ko ‘tong nangyayari. Bahala nang tanghaling tapat. Uunahin na namin ang honeymoon dahil baka ‘di pa matuloy ang kasal.

The End.

APPRECIATION!

THANK YOU!

Before we proceed to the next story of this series. Gusto kong magpasalamat sa inyong lahat. Sa mga walang sawa ninyong komento; good or bad. Nagbibigay iyon sa akin ng lakas para ipagpatuloy ang mga nasimulan ko.

Hindi ko kayo ma-mention lahat-lahat. Lalong-lalo na iyong mga tahimik na nagbabasa. Paramdam naman kayo. Igalaw ang baso!

SALAMAT. This will never be enough to thank you all for the support you gave. Salamat sa pagsama sa aking tumawa dahil sa kabaliwan ni Andrei. Pagdadasal ko na lang kayo, ano? char! Pero seryoso, isasama ko kayo sa mga dasal ko na sana’y safe kayo palagi.

SALAMAT! Hindi pa naman ito ang huli. Kaya hinihingi ko ulit ang inyong suporta sa mga susunod pang kwento. Mag-iingat kayo palagi!

Kung gusto ninyo akong makausap. You can add me here,

**Facebook page: IthinkJaimenlove
**

Facebook account: Jaime Kawit

Instagram: Ithinkjaimenlove

You can also follow me on both Yugto and Dreame: Ithinkjaimenlove.

**
**

Thank you! see you on The Runaway Billionaire!

SPECIAL CHAPTER

THE RUTHLESS DADDY
SPECIAL CHAPTER

ANDREI ARELLANO-ALCANTARA

“Baks, I have something to ask.” Naningkit ang mga kyot kong mga mata na may bagong eye lash extension. Tumingin ako rito.

Wala akong masabi. Impyernes, ang dating ulikba, ngayo’y mukha ng garapata. Charut lang. Nagulat lang ako kasi straight na ang English nitong si Berting. Siguro mga isang buwan niyang inaral ‘yon.

“Wow, teh. Nag-e-english ka nga ngayon,” sabi ko rito at saka muling ipinaling ang paningin sa TV.

Na sa sala kami nitong mansion ni Henry. Actually, eme! Pero mansion namin ‘to. Ano ba kayo, ako lang ‘to. Hello! Andrei Arellano-Alcantara? Pero iyon na nga, nandito kami sa sala at nanonood ng goblin. ‘Yung hentai na goblin. Wala naman kaming kasama rito kaya okay lang. Naka-day off lahat ng mga kasambahay tapos ang asawa’t anak. Hoy! Ano ba, kinikilig ang kiffy ko.

Seryoso, na sa trabaho si Henry habang na sa eskwelahan naman si Finley. Kahit na mayaman ang Daddy niya dapat pa rin siyang mag-aral para ‘di matulad kay Berting na pariwara.

“Tse! Ano na, may itatanong nga ako sa ‘yo,” ani ng baklita. Nakuha niya pang magmaktol, mukha tuloy siyang suso na natanggal sa kaniyang shell.

“Siguraduhin mo lang na matino ‘yang tanong mo kundi ipapatapon talaga kita pabalik ng Mindanao,” sabi ko sa kaniya.

Hindi ko naman talaga siya kinuha o niyayang pumunta rito. Ang totoo niyan, kaya siya nandito ay dahil tumatakas siya sa mga inutangan niya. Ewan ko ba sa baklang ‘to. Ipinamana ko na nga sa kaniya ‘yong pwesto ko roon, hindi pa niya inayos ang trabaho. Kaya ayun, nalugi. Ang gaga , hilig magpaloko sa mga lalaki.

Ang dali niyang mauto. Pinakitaan lang ng motibo, ayon nagpaloko. Niloko siya ng boylet niyang mukhang kuwago. Ibinigay ba naman lahat. Pati iyong mga damit, ibinigay roon tapos sa huli, may asawa’t anak na pala ‘yon.

Bakit ba kasi ‘di niya ako gayahin? Ah, sa bagay, mahirap akong tapatan. Mukha pa lang, talo na siya.

Joke! Maganda naman talaga si Berting. Magandang itapon sa bangin.

“Eh kasi, ‘teh. Curious ako. Alam mo na, sabi mo curiosity kills the cat.” Lumapit siya ng kaunti sa akin at bumulong. “Nag-sex na ba kayo ni sir Henry?”

Dahil sa gulantang ko, naitulak ko siya nang malakas. Napaatras din ako. “ALAM MO! HINDI CURIOUS PAPATAY SA ‘YO KUNDI IYANG AMOY NG BIBIG MO!” sigaw ko. “At saka, ano ba ‘yang mga tanong mo, bakla ka! Hindi magandang pakinggan ‘yan,” dagdag ko.

Umayos ako ng upo at tumingin kay Berting. Nagulat yata sa pagtulak ko kaya hindi siya kaagad nakapag-react. Aba’y dapat lang!

“P-Pero…” Napakagat ako sa aking labi at muling binalikan ang mga ‘di ko malilimutang mga alaala.

\-

Katatapos lang ng kasal naming dalawa. Ganoon pa rin naman ang ganap sa tuwing may ikinakasal. Hindi engrande ang kasal namin pero masasabi kong napaka-espesyal ang araw na ‘to para sa amin.

Pareho naming mahal ang isa’t isa. Marahil sa tingin ng iba, na kahit wala namang mali, iisipin pa rin nilang mali ang magmahal ng kaparehong kasarian. Hindi ko sila masisisi, ‘yon ang nakasanayan.

Pero, hello, world, hello universeeee! Char!

Pero ano’ng taon na ba ‘to? Anong century na ba tayo? Matagal na panahon na ‘yung pag-iibigan nina Florante at Laura. Ang dami ng nagbago. Mas nabibigyan nan g karapatan ang mga babaeng pumili ng kung ano’ng gusto nila, ganoon din sa mga lalaki. Mas nagiging expressive na rin ang iba. May batas na ring sinusunod; at kasama roon ang freedom of rights and expression.

Walang mali sa pagmamahal ng kapwa, ang mali ay ‘yung huhusgahan mo ang iyong kapwa base sa kung ano’ng gusto nila. Hindi ko talaga maintindihan bakit nagsasayang ang iba ng oras sa panghuhusga. Wala ba kayong mga sariling buhay?

Ngunit ika nga sa kasabihan, “you can’t please everyone”. Ka ya mas mabuti sigurong hayaan na lang. ‘Wag magpaapekto. Hangga’t may isang taong tatanggap sa akin, masaya na ako roon.

At saka, bakit ba ang seryoso-seryoso. Kailan pa naging drama ang tema ng buhay ko.

“Looks like you’re thinking deep?” Lumingon ako sa driver’s seat kung saan kasalukuyang nagmamaneho si Henry, suot pa rin niya ang puting suit niya na kapareho ng suot ko ngayon.

Ang guwapo niya.

“A-Ah, wala po. Iniisip ko lang kung saan tayo pupunta,” sagot ko. Kasalukuyan kaming na sa kahabaan ng kalsada.

“You’ll know when we get there,” sabi nito at kumindan-kindat sabay ngisi.

Bigla tuloy tumibok ang kiff—ang puso ko nang mabilis. Kinabahan ako. Bakit ba kasi ang seryoso ko kanina? Nawala tuloy sa isip kong kasal na nga pala kami at ngayon ang honeymoon naming dalawa.

Huminga lang ako nang malalim. Mabuti na lang, I was born ready. Aba’y dapat talagang paghandaan. Dapat laging handa. What if, maisip nitong sa damuhan na lang kami kasi nagtitipid siya?

G na g talaga ako sa damuhan!

Ilang minuto ang nakalipas, nakarating kami sa isang mataas na building. Huminto si Henry sa harapan at sabay kaming bumaba. Ibinigay naman nito ang susi ng sasakyan sa naroroong bell boy o ewan ano tawag sa kanila. Nagulat ako nang hawakan niya ang aking kamay, pinag-interwined niya ang mga daliri namin. At saka ako nito hinila papasok ng hotel. May ibinigay lang siyang card sa babaeng nagbabantay sa lobby at nagtuloy-tuloy na kami sa elevator.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung excited ako o natatakot. Mga bathala ng sangkabaklaan, bigyan niyo ako ng energy para makarami!

Muling bumukas ang elevator. Nagulat akong muli, at sa pagkakataong ito’y napasigaw ako, dahil mga bakla! Bigla niya akong binuhat. Iyong para kini-kidnap na buhat. Charut! Pa-bridal style niya akong binuhat.

“I-Ibaba niyo po ako, baka may makakita,” sabi ko pero umiling siya.

“Who cares? Let them see us and think whatever they wants. Let the world knows that you’re mine and I am all yours,” sabi nito at saka naglakad palabas ng elevator.

Hindi ko namalayang na sa harapan na pala kami ng isang pinto. Nakaya niyang buksan ‘yon kahit na buhat-buhat ako. Pumasok kami sa loob. ‘Di ko na nagawang pagmasdan ang buong kuwarto dahil nang makarating siya sa kama’y malakas niya akong ibinagsak.

“Yawaa!”

“Fck. I’m sorry. Kanina ka pa kasi nakakagigil!” anito at saka pumatong sa akin. “It’s been a while, I hope you can do it.” May ngisi sa kaniyang labi habang tinatanggal ang mga butones sa kaniyang polo.

Napalunok ako. Mga mhie, heto na talaga. Heto na ang katapusan ng aking perlas ng silangan. This is it. This is really it.

Ngumisi ako at saka siya sinagot. “‘Wag kayong mag-aalala, I was born ready. Ilang rounds ba’ng kaya mo?”

-

“Hoy, bakla ka! Natulala ka na riyan. Saka kadiri ka, ‘teh, naglalaway ka pa!”

Napabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Berting. Pinunasan ko ang laway na tumulo sa aking bibig. Shutangina! Bakit ba ako naglaway bigla?

“Nag-crave kasi ako ng hot dog with lots of chees,” sagot ko.

“Ay sus! So ano nga, nag-sex na kayo?”

“Bakit mo ba tinatanong? I-send ko na lang sa ‘yo mamaya iyong video para mainggit ka pa lalo,” sagot ko rito sabay irap. Tumayo na ako dahil malapit na pa lang magtanghalian. Plano ko kasing dalhan ng lunch si Henry ngayon. “At saka bumalik ka na nga sa trabaho mo, pabigat ka lang dito.”

\—

Idinaan ko na muna si Berting sa kaniyang trabaho. Ginawa ko siyang manager sa business na ipinatayo ko. Natuto na siguro kaya ‘di na nagloloko. Sakay muli ng aking kotse, na katas mismo ng business ko.

Ayokong umasa kay Henry. Mayaman siya, pero ako’y hindi. Nag-aral akong muli. Inaral ko ang pagpapatakbo ng isang business. At ilang taon lang, naging successful ang parlor na ipinatayo ko at isang boutique shop. Marami ng branches ‘yon. Kaya may mga naipundar na rin ako galing sa sipag at galing kong sumub-sumubok ng mga bagay na bago.

Pero ‘di ko mararating lahat ng ito kung hindi dahil kay Henry. Sinuportahan niya ako. Inalalayan. Kaya kung ano man ang naipundar ko, sa kaniya rin iyon.

Nang makarating ako sa parking lot ng kompanya ay kaagad na akong pumasok sa loob bitbit ang lunch boxes. Nginingitian ako ng mga empleyadong nadadaanan ko. Aba’y dapat lang. What if ako pala ang secret judge para mamili ng ipo-promote?

Rumampa ako sa hallway ng makarating ako sa floor ng opisina ni Henry. Otomatiko namang bumukas ang glass door nitong opisina niya kaya kaagad akong pumasok sa loob. Nagmamadali talaga akong pumasok dahil gusto ko siyang supresahin, baka may igat na nakapatong sa kaniya aba’y talagang malilintikan silang dalawa.

Pero mabuti na lang at abala siyang nagpipirma sa kaniyang mesa nang makapasok ako.

“Honey, I’m here,” sweet with matching cutie eyes kong tawag sa kaniya.

Iniangat niya ang ulo at nagtama ang aming mga mata. Hanggang ngayon, ‘di pa rin nababawasan ang kabog ng dibdib ko sa tuwing nagtatama ang aming mga mata.

“Hon…” Tumayo siya at mabilis na lumapit sa akin. Niyakap ako nito. “Fck! I’m so tired but now that you’re, nawala lahat iyong pagod ko. You’re my ‘pahinga’ in this world full of restless life,” aniya.

“Tse! Korny mo,” sabi ko pero ‘di mawala-wala iyong ngiti sa aking labi habang nakayakap sa kaniya. “Pero kahit korny ka, mahal na mahal pa rin kita.”


Tsaraaan! Surprise!

  1. STORY DESCRIPTION
  2. DISCLAIMER AND WARNING
  3. SIMULA
  4. Chapter 1
  5. Chapter 2
  6. Chapter 3
  7. Chapter 4
  8. Chapter 5
  9. Chapter 6
  10. Chapter 7
  11. Chapter 8
  12. Chapter 9
  13. Chapter 10
  14. Chapter 11
  15. Chapter 12
  16. Chapter 13
  17. Chapter 14
  18. Chapter 15
  19. Chapter 16
  20. Chapter 17
  21. Chapter 18
  22. Chapter 19
  23. Chapter 20
  24. Chapter 21
  25. Chapter 22
  26. Chapter 23
  27. Chapter 24
  28. Chapter 25
  29. Chapter 26
  30. NOT AN UPDATE
  31. Chapter 27
  32. Chapter 28
  33. Chapter 29
  34. Chapter 30
  35. Chapter 31
  36. Chapter 32
  37. Chapter 33
  38. Chapter 34
  39. Chapter 35
  40. Chapter 36
  41. Chapter 37
  42. Chapter 38
  43. Chapter 39
  44. Chapter 40
  45. Chapter 41
  46. Chapter 42
  47. Chapter 43
  48. Chapter 44
  49. Chapter 45
  50. Chapter 46
  51. Chapter 47
  52. Chapter 48
  53. Chapter 49
  54. Chapter 50
  55. EPILOGUE
  56. APPRECIATION!
  57. SPECIAL CHAPTER