Akin Ka Lang by Nuestro Hend
7 chapters · 7,803 words
Disclaimer
This novel contains explicit sexual content and scenes that may not be suitable for all readers. Reader discretion is advised.
The content of this novel includes scenes of a sexual nature which may be disturbing or triggering to some individuals. Reader discretion is advised, and it is recommended that readers consider their comfort levels before proceeding.
Thank youuu!
Prologue
⊹₊⋆ ☁︎ ⋆⁺₊⋆ ☀︎ ⋆⁺₊⋆ ☁︎ ⋆₊ ⊹
Kaninang umaga paggising ay winalis ko na kaagad ang sala kahit na maaga pa. Bago iyon ay nagdilig na rin ako ng halaman. Kinuha ko na rin ang mga natuyong damit na nakabilad kahapon pa sa sampayan para sa hapon ay matupi ko na. Mahirap kasi ang gumalaw kapag mainit lalo na sa panahon ngayon.
Pagtapos ko sa sala ay sa hanap naman. Habang nag wawalis ay inililigpit ko na rin sa table ang mga bagay at pagkain na nakalagay do’n gaya ng tinapay, palaman, at naiwang baso. Pinunasan ko na rin ito at nag simulang mag walis muli.
Ayon sa ulat kanina habang nanonood ako ng balita sa tv, tataas pa raw ang heat index na nararanasan natin sa panahon ngayon. Ngayon pa nga lang ay pawisan na ako kahit magtatanghali pa lang paano pa kaya sa mga susunod na araw. Ganito pala ang pakiramdam maging siomai. Tiyak akong pagtapos ng matinding init na ito, mas malakas na pag-ulan naman ang dadanasin natin dulot ng la niña. Sakitin pa naman ako.
Nasa kusina na ako. Inilagay ko muna sa lababo ang basong naiwan kanina sa sala. Nagpunas lang ako nang kaunti sa counter top gawa ng palagian ko naman itong nalilinis. Bukod kasi sa gawain ko rito ay ako na rin ang nagluluto at gusto ko malinis palagi ang ginagalawan gayong maselan pa naman ako sa dumi.
Itinuloy ko na ang pagwawalis hanggang sa pinto ng banyo. Kinuha ko ang basang lapad at ipinagpag ito upang matanggal ang alikabok na naipon. Inilapag ko ang basahan sa pinakamalapit na upuan.
Kinuha ko ang tambo para dakutin na ang mga nakolekta kong kalat. Yumukod ako para makuha nang maigi ang kalat dahil sa maselan nga ako pag dating sa kalat gaya ng aking nasabi.
Naging mabilis ang mga sumunod na nagyari. Matapos kong makuha ang kalat at aangat na sana nang bumukas ang pintuan ng banyo.
Akin pa sanang i-aangat pa ang aking mga mata upang masilayan ang mukha ng taong ito nang kaagad dumampi ang maumbok at may kalambutang hinaharap nito na balot ng isang manipis na tela sa aking mukha.
Nabatid kong ari ng kung sino ang nabangga ng aking mukha kung kaya sinikap kong makatayo na kaagad. Tuloy-tuloy ito sa pagbundol kaya napadiin pa lalo ang lapat ng ari nito sa aking balat. Kahit na anong usog upang umiwas ay siya namang paglapit nito sanhi para manatili ito sa aking mukha at nakuha pang ilamukos ito sa aking mukha. Nagtagal ito nang ilang segundo. Kung hindi ko pa nahawakan ang mabalahibo nitong mga binti ay tiyak na ikatutumba ko ito.
Sinipat ko ang mukha nito at ito ay walang iba kung hindi si Mang Greg kung kaya labis akong namula nang mapagtanto ko ang nangyari. “Nako Migs ayos ka lang ba?” Tanong nito bago kinuha ang magkabila kong braso.
Kamuntikan pang sumalampak ang mukha ko sa sahig nang sa wakas ay umurong ito nang mabilisan. Mabuti nalang at nabitawan ko ang aking hawak na walis tambo para maipang-alalay sa katawan kong papatumba na.
Akmang itatayo na ako ni Mang Greg nang kumambyo pa ito nang ilang beses dahilan upang marahas na lumapat muli ang papausbong nitong hinaharap sa aking mukha sa dagliang pagkakataon.
Natapon na ang mga nadakot kong alikabok sa sahig. Nabitawan ko na pala ito sa pagkuha sa akin ni Mang Greg.
Labis ang hiya kong naramdaman sa pagkakataong iyo kaya inayos ko ang aking sarili habang nakayuko upang hindi niya mapansin ang akung pamumula. Ang nadakot kong kalat ang natapon din pala sa sahig.
Mula rito ay aking nakikita ang galit nitong ari at patuloy na lumalaki na nagtatago sa red checkered boxers nito.
“Pasensya ka na’t ‘di kita napans…”
Nabalik ako sa ulirat dahil sa tapik ni Lito, katabi ko. “Huy Migs tagay mo na. Aba nag da-day dream pa ata ang loko HAHA!” Kinantyawan ako nang mga ito at labis ang mga kanilang mga tawa.
Itinigay ko ang basong bigay sa akin ni Lito dahil sa hiya. Hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa aking isipan ang mga nangyari kaninang umaga. Sobra ang aking pamumula dahil sa pagkahiya tuwing naalala ko ito.
Pilit kong isinawalang bahala ito sa buong durasyon na magkakasama kami. Itinututok ko ang aking sarili sa aking cellphone para maibsan ang hiya ko.
Kahit hindi ko na lingunin pa ay alam kong pinagmamasdan ako ni Mang Greg. Alam kong nakatingin ito sa akin.
Samutasaring mga kwento ang binahagi ng bawat isa sa kanila kaya nakilala ko pa sila nang lubos. Ito pa lang ang kauna-unahang makakausap ko sila nang matino. Hindi kasi ako yung tipo na palakaibigan. Mas gugustuhin ko pang mapag-isa kaysa makihalubilo sa ibang tao. Ito kasi ang nakagisnan ko noong nasa probinsya pa ako.
Si Lito pala ay nag-aaral ngayon ng civil engineering sa UST sa kasalukuyan. Si Mark, trabahador sa isang paggawaan ng mga tsinelas. Gaya ko ay nagta-trabaho rin sa fast food chain si Ian. Paraket-raket naman si Dexter. Habang si Niño ay isang sekyu sa isang banko. Naikwento rin ni Mang Gregorio na dati raw itong seaman. At ako, gaya ni nga ni Ian ay dating nagta-trabaho sa fast food.
Marami pa kaming napagkwentuhang mga bagay hanggang sa maubos na ang laman ng mga boteng aming ininom.
Pinili nang umakyat nila Ian at Dexter para siguro matulog na kaagad habang ang iba ay naman ay nag-unahan pa para maligo sa banyo.
Ako na ang nag presentang maglinis ng likod-bahay kung saan kami uminom bilang trabaho ko naman ito at hindi naman na sila umangal pa roon.
Kahit ramdam ko na ang hilo ay sinalansan ko na ang pinag-inuman. Ang
mga balat ng chichirya ay tinapon ko sa basurahan at itinabi ang mga boteng aming naubos.
Abala akong maglinis kung kaya hindi ko na pinansin pa ang aking mga kasama sa bahay. Akin nang tinungo ang lababo para hugasan ang mangkok at mga baso na aming nagamit.
Binanlawan ko na isa-isa ang mga pinggan na pinagkainan bago mag simula ang inuman gayon din ang mga baso, tasa, pitsel, at mangkok kanina.
Papatapos na ako sa pagsasabon nang lumabas ang pinakahuling gumamit ng banyo sa kanila—si Mang Gregorio.
“Haayyy, sarap maligo.” Panimula nito. Saglit ko itong tinignan at binigyan ng matipid na ngiti tsaka bumalik sa paghuhugas.
Hindi niya pinunasang maigi ang katawan nito kung kaya butil-butil ng tubig ang naiwan sa burdado nitong katawan habang nakatapis ng puting tuwalya. “Kaya nga po e. Maya-maya rin maliligo ako para po mahimasmasan din,” Tugon ko.
Sinilayan ko itong muli at sa pagkakataong ito, ay nakatingin ito sa akin nang nakakaloko t’saka ngumisi.
Akin nang binaling muli ang aking atensyon lababo. “Matutulog kana?” Mahimig nitong tanong at nag simulang maglakad papunta sa direksyon ko at huminto sa aking likuran
“Miguel, baka p’wedeng makiusap sa’yo,” Until-unting nabuhay ang kaba na naramdaman ko kanina lang ding umaga.
“A-ano po iyon, Mang Greg?” Mahina kong usal. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa aking leeg at tila ba sinasamyo ito. Hinanghina ako ng maramdaman ko ang bukol nito sa aking likuran at kiliti sa bago ahit nitong balbas.
Sa mga pagkakataong iyon ay daig ko pa ang patay sa tigas ng aking katawan. Bumulong ito at sinabing “Maari mo ba’kong hilutin? Hmmm?”
\+ ° . ๑・° ⊹ . + ° . ๑・° ⊹ . + ° . ๑・° ⊹ . +
Revised version na itong Prologue na ito pero still, summarized pa rin. Please re-read niyo if nabasa niyo na kahapon para hindi kayo malitooo. Sobrang compressed pala ang nagawa ko last time. Wala kasing word counter itong notes sa IPhone. Iyon lang hihi! Have a great day :))
Chapter 1
⊹₊⋆ ☁︎ ⋆⁺₊⋆ ☀︎ ⋆⁺₊⋆ ☁︎ ⋆₊ ⊹
Nang mawala ang mga magulang ko, na-realize kong mahirap ang mabuhay. Simula pagkabata ay araw-araw na akong nakikipagsapalaran sa buhay na walang patutunguhan. Basta may pangkain lang sa maghapon at maipadala sa aking Inang Sita—ang aking lola at masustentuhan siya ay ayos na iyon sa akin.
Minsan may sobra, ngunit madalas na kapos. May naitatabi oo, ngunit kakarampot lang pero pasalamat pa rin sa may kapal dahil kahit papaano naman ay may natitira at nairaraos ang maghapon.
Sa ngayon, twenty-eight years old na ako at nagtatrabaho ako sa isang fast food chain sa bayan. Alas kwatro palang ay gising na ako dahil bawal ma-late sa trabaho para laging goodshot sa boss ko.
Dahil sa sobrang taas ng expectations ng mga kompanya na salungat sa sahod na natatanggap ng mga empleyado ay walang lugar ang mga kagaya kong high school graduate sa mga white collar at high paying jobs.
Ayon sa employer ko na siyang nagpasok sa akin, dapat daw ay magpasalamat pa ako’t natanggap pa ako rito. Nakakainsulto ngunit totoo naman dahil pahirapan ang makapasok kahit ganito lang ang trabaho ko.
Kasalukuyan akong naka kontrata nang six months sa aking pinapasukan na magtatapos na ngayong buwan. Pagtapos no’n, endo na pero pinangako naman samin na kung sakaling gagalingan at sisipagan namin ay gagawin kaming regular kung kaya’t nagpapabibo ako lalo na ngayon para tuloy-tuloy ang kita dahil ito lang ang tangi kong pinakakakitaan at ayoko na ring bumalik pa sa dati kong trabaho.
Sa totoo lang p’wede naman akong mag apply sa call center dahil may mga kakilala rin akong kahit na hindi nakapagtapos ay nakapagtrabaho ang kaso lang ay wala akong skills na kadalasang hinahanap nila. Nariya’t ‘di ako bihasa sa paggamit ng computer at isa pa, hindi ako marunong ng ingles kumbaga ay saktuhan lang.
Sinisimulan ko ang araw ko sa agahan kong itlog at tuyo kasama ng mainit na kape bago maligo para pumasok na sa trabaho. Panigurado pababa na rin si Ian na aking roommate dahil madalas na siya ang nauuna sa akin dahil may katagalan itong maligo. Napili kong isangag nalang ang kanin para makakain ang iba dahil sa marami pa ang natira kagabi at baka mapanis pa ito mamayang tanghali kung hindi ko pa isasangag. Sayang at gusto ko pa naman sanang isabaw ang kape ko rito.
Pagtapos kong isangag ang kanin ay pumunta na ako sa salas upang magsimula nang mag-umagahan. Habang si Ian na isa sa aking kasama sa bahay ay nauna nang pumasok sa banyo.
Kung ako ay pagbibigyan ng kahit na isang kahilingan man lang, nanaisin kong maging mayaman. Bukod sa makuwarta, sino ba naman ang hindi diba? Halos lahat ng bagay, mabibili mo kung may pera ka. Kaya hindi ko kailan man maiintindihan ang mga taong nagsasabi na hindi mabibili ng pera ang kasiyahan kung ayaw nila ng pera sana binigay nalang sakin diba. Mapapaoperahan ko pa ang katarata sa kaliwang mata ni Inang Sita
Bago ako napasok sa fast food restaurant, ang pinaka-una ko munang trabaho ay magtinda ng tinapay sa panaderya sa amin do’n ako tumagal ng trabaho. Fourteen years old lang ako nang magsimula akong mag part-time sa panaderya para makatulong sa dialysis ng yumao kong lolo na si Tatang Selo. Hindi rin lingid sa kaalaman ng may-ari ng tindahan na ako ay isa pa noong estudyante. Ayon sa kaniya ay ayos lang naman sa kaniya dahil ako ang umaako sa resposibilidad nito habang wala at may ginagawa siya.
Paglalako ng gulay ang pinantutustos sa amin ni Inang Sita simula ng matigil si Tatang Selo sa pagiging tsuper ng jeep dala ng ito’y may katandaan na at marami na ring iniinda. Husto naman para sa amin ang kita ni Inang ngunit hindi lang naman si Tatang ang tumatanda. Kahit na hindi nag rereklamo si Inang, alam ko na nahihirapan at napapagod din siya. Nakikita ko na pinipilit niya kaming pakainin ni Tatang sa kaniyang kinikita sa paglalako kahit na magkanda kuba na ito sa hirap.
Hindi ako pinilit ni Inang o Tatang na pumasok sa panaderya. Kusa ko itong ginawa para makatulong sa kanila at para mabawasan ang pasan ni Inang. Sa katunayan ay napagalitan pa nga ako ni Inang nang ipinagpaalam ko ang tungkol sa aking pagtatrabaho ngunit pinaintindi ko naman sa kanila kung bakit ko ginawa ang bagay na iyon na kalaunan ay kanila ring naintindihan. Basta raw ay ipangako kong pagsasabayin ko ang pag-aaral at pagtatrabaho.
Sa mga unang taon, dito ko napagtantong hindi madali maging working student. Noong una ay nahirapan ako sa sitwasyon ko. Nariya’t habang gumagawa ako ng assignments ay may bibili, habang nagmamasa ng dough para sa gagawing pandesal kinabukasan ay nasa meeting ako kasama ang mga kagrupo ko sa thesis gamit ang aking phone, at pagsabay-sabayin ang mga trabaho at schoolworks habang wala si Ate Nena na siyang may-ari ng panaderya.
Ilan lang iyon sa mga pinagdaanan ko habang nag-aaral. Kahit na sino ay mabu-burnout siguro sa ganitong scenario lalo na kung paulit-ulit nalang.
To cut the long story short, gaya ng usapan namin ni Inang ay ginapang kong makapag-aral kahit na mahirap kaya lang ay pagtapos ko ng senior high school ay hindi ko na makayanan pang masustentuhan ang aking sarili.
Bukod sa wala akong pambayad sa matrikula, hindi ko rin masusuportahan ang pag-aaral ko dahil hindi lang naman sa matrikula natatapos ang gastusin sa paaralan. Baka nga sa transportation ko pa lang ay kulangin na ito given na nasa kabilang bayan pa ang pinakamalapit na pamantasang aking mapapasukan.
Kung susubukan ko namang kumuha ng scholarship program, ay mapipilitan akong matigil sa pagtatrabaho kung pipilitin kong makamtan ang ‘maintaing grade’ upang tuloy-tuloy akong makapag-aral dahil gaya ng sabi ko, hindi naman ako kagalingan at sadyang saktuhan lang.
Pagtapos ng senior high school ay dito ko na naisipang tumigil nalang sa pag-aaral at gawin nang full-time ang pagtatrabaho sa panaderya upang lumaki ang aking kita at unti-unti ay naging stable naman ang pamumuhay namin.
Hanggang sa tumagal ako ro’n nang hanggang labing isang taon kung susumahin simula noong ako’y katorse años palang kahit na maliit lang ang kita. Bukod kasi sa sahod ay gusto ko rin ang ginagawa ko dahil pag be-bake ng tinapay ang bonding naming magpamilya nang nabubuhay pa sila Mama’t Papa. Sayang lang at wala na sila ngayon.
Nang mag pandemya, isa ang pinapasukan kong panaderya ay sapilitang nagsara dahilan upang mawalan ako ng income. Nagbigay ang barangay ng mga pagkain ngunit hindi naman iyon sumasapat sa isang linggo.
Sinubukan ko pa noong maghanap ng mapapasukan hanggang sa nag ECQ at hindi na ako tuluyang makapagtrabaho. Lugmok kami no’n sa hirap ni Inang Sita dahil hindi namin alam kung saan namin kukunin ang pambayad sa mga gastusin sabayan pa ng pagpanaw ni Tatang Selo dahil sa katandaan.
Hanggang sa aking nakita—
“Migs, ligo na aba. Baka mahuli pa tayo sa pagpasok,” Si Ian. Nakapagbihis na pala ito nang hindi ko napapansin at nagpapatuyo nalang ng buhok.
Inubos ko na sa isang yarukan ang kape “Sige maliligo na mabilis lang ito,” Hindi ko na nagawang maubos pa ang natira kong pagkain dahil ma-traffic pa kami sa byahe at busog naman na ako.
Akmang kukunin ko na sana ang akin pinakainan nang sitahin ako nito “Hayaan mo na ‘yan. Bilisan mo nalang sa pagligo ako nalang ang maghihugas,”
“Hindi, ako na. Kaya pa naman sa oras,” sagot ko
Pumunta ito sa kinatatayuan ko at kinuha ang pinggan “Ang kulit sabing ako na e. Shoo… shoo,” tinaboy-taboy ako nito gamit ang kamay na tila ako’y pusang pinapaalis kaya dahil dito ay wala na akong nagawa.
“Ikaw ang bahala. Kumain ka na rin d’yan may sobra pa riyan,” tumango ito sa aking turan.
Kinuha ko na ang aking tuwalya, white t-shirt, at pants habang ang mismo kong uniporme ay sa trabaho ko nalang susuotin.
Pagpasok ay nagtanggal na agad ako ng aking kasuotan. Habang naliligo ay napagtanto kong maswerte akong nakilala ko si Ian. Siya ang pinakauna kong naging kakilala simula nang mapadpad ako sa boarding house.
Siya na rin ang nagpresintang gawin ako bilang roommate nito nang tanungin ako dati ni Mang Greg na siyang may-ari ng boarding house kung saan ko gustong tumuloy.
Ito rin ang dahilan kung bakit minsan ay nakakatipid ako. Nang malaman nitong sa fast food din nag tatrabaho gaya ng sakanya at ilang kanto lang naman ang layo sa pinapasukan nya ay sinasabay na ako nito sa kaniya gamit ang motor at hindi na sinisingil pa.
Kung minsan ay hindi na ako nito nasusundo dahil may shota ito na baka ay hinahatid nito pauwi. Okay lang ito sa akin at nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit papaano ay naibibili ko ang mga dapat sanang aking pamasahe sa mga pangangailangan ko halimbawa ng damit at iba pa. Napakabuti nito sa akin na para ko na itong kuya kahit na magsing edad lang kami.
Mabilisan na akong nag shampoo. Sa pag kukuskos ng buhok ay sinasabay ko na ang kili-kili ko na tanging nagpapabango rito dahil hindi naman ako gumagamit ng deodorant o tawas man lang.
Sinunod ko na ang mag sabon ng buong katawan at siniguradong ang lahat ng parte ay malinis para hindi ako maglagkit lalo’t ayoko pa naman ng ganong pakiramdam.
Hindi na ako nagtagal pa sa loob ng banyo. Kaagad na akong nagbanlaw at nagpunas ng katawan. Sinuot ko na ang aking damit at pants at lumabas habang nagpapatuyo ng buhok.
Pagbukas ko ng pinto ay natanaw ko sa labas ng bintana na nilalabas na ni Ian mula sa garahe ang motor niya.
Dali-dali na akong nagtungo sa lababo upang mag tooth brush. Kumuha na rin ako ng baso sa cabinet na gagamitin kong pang mumog.
Nag susuot nalang ako ng sapatos pag pasok nito sa pinto. “Ano ready kana?” tanong nito. Nakapamewang ang kanang kamay nito habang nakasandal ang kaliwa sa pinto. Iba rin talaga ang dating ng moreno nitong balat sa blue nitong polo kaniyang ginagamit sa trabaho. Medyo hapit ito sa may kalakihan nitong mga braso pero nakakahinga pa naman.
Tapos ko na ang pagsisintas. Kinuha ko na ang aking bag tsaka siya hinarap. “Yes boss, ready na po,” pagbibiro ko sa kaniya dahilan upang lumabas ang puti nitong ngipin na nakakubli sa mapula nitong labi at umiling.
“Tara na kanina pa kita hinihintay e,” usal niya. Nauna na itong maglakad patungo sa kaniyang motor habang ako ni-lock ang pinto ng bahay.
Nakasakay na ito sa motor at nakaikot na rin nang matapos kong isarado ko ang gate. Nag-slant ito nang kaonti para makasakay ako pagtapos ay ibinigay sa akin ang helmet.
Nakabyahe na kami bago pa tuluyang sumikat ang araw.
“Sa bewang ang hawak, Migs. May kiliti nga ako sa balikat diba? Paulit-ulit,” saway nito habang umaandar ang motor.
“Nahahawakan ko nga yung tyan m—” hindi ko na natapos ang aking sinasabi dahil nagsalita ito. Ngunit totoo naman, nahahawakan ko ang tiyan nito lalo na ang matitigas nito oblique kapag humahawak ako sa bewang nito.
“Gano’n talaga malamang. Wala namang malisya sa’kin iyon. Parehas naman tayong lalaki. Sundin mo nalang bago pa tayo mabangga,”
\+ ° . ๑・° ⊹ . + ° . ๑・° ⊹ . + ° . ๑・° ⊹ . +
Guys, anong pangalan nung TikToker na moreno? Yung litaw yung cuts niya lalo na sa bewang HAHA. Siyang yung naalala ko rito. Siya sana yung pagbabatayan ko sa story para sa role ni Ian. Ang alam ko, nag side character siya sa isang movie last year ata. Tapos yung sex scene kalat sa twitter. Please if know niyo yung pangalan, comment kayo.
Baka may naglalaro rin ng ml sa inyo haha. Laro guys ako bubuhat. Lapag ko id kung may mag aya
Iyon lang guys! Sorry for the late update pero expect niyo na matagal talaga ang interval ng updates kasi I’m having a hard time pa kung paano papahabain yung chapter. Share niyo if may tips kayo.
Character: Ian
This is my interpretation of Ian’s character. You are welcome to envision Ian’s persona through your unique perspective, exploring the nuances and intricacies that resonate with your imagination.
CTTO.
Chapter 2
⊹₊⋆ ☁︎ ⋆⁺₊⋆ ☀︎ ⋆⁺₊⋆ ☁︎ ⋆₊ ⊹
Nakakapagod ang buong araw ko sa trabaho. Buti nalang sa pagkakataong ito nasundo ako ay nasundo niya ako sa aking trabaho kung kaya hindi ko na kakailanganin pang mag commute upang makauwi sa boarding house.
Pagkauwi ay binaba ako ni Ian sa tapat ng gate habang ako naman ay binuksan na ang gate para maipasok niya ang kaniyang motor.
Pagpasok ay agad ko nang isinira ang gate at umakyat na. Sa pagtahak ko ng daan paakyat ay siya namang pagbaba ng may-ari ng aking tinutuluyang boarding house—si Mang Greg na pakiwari ko’y kakagaling lang sa kaniyang kwarto sa third floor.
“Oh, nakauwi kana pala, Migs,” usal ni Mang Gregorio nang balingan ako ng tingin.
“Opo, Mang Greg,” sagot ko rito at ngumiti nang ‘di lumalabas ang ngipin.
“Kasama mo si Ian?” tanong nito na akin namang tinanguan.
“Oh sige maghahain na ako. Tawagin mo na si Lito sa kwarto niya’t maghahain na ako para makakain na tayo. Nagluto ako ng bicol express,” ani niya. Sa aming lahat, siya naman talaga ang malimit na umuwi ng maaga dahil isang sakayan lang naman ang pinapasukan nitong pagawaan ng tsinelas
“Sige po, Mang Greg,” sabi ko at umakyat na. Habang ito siya naman ay bumaba at tumungo paliko patungong kusina.
Kahit na ‘Mang Greg’ ang tawag ko kay Mang Greg, hindi naman ito gano’n kalayo ang edad nito sa akin. Sa pagkakatanda ko, nasa treinta y sais lang daw ito ayon sa kwento ni Niño na siyang pinakamatagal nang narito sa boarding house sa aning anim na nangungupahan rito. Tinawag lang namin itong Mang Greg dahil ito raw ang tawag sa kaniya ni Ramiel—na dati raw nangungupahan rito.
Ayaw na nga nitong tawagin namin siya sa ganong pangalan dahil nakakatanda raw masyado para sa edad niya pero tila yata nasanay na kami dahil lagi nang may kasamang ‘Mang’ kapag tinatawag namin ang pangalan niya. Siguro mahirap talagang pigilan ang isang bagay lalo na kung nakasanayan na.
Siguro kaya siya tinawag na ‘Mang Greg’ ni Ramiel na sinasabi ni Niño ay dahil sa pagmumukha’t pangangatawan nitong taglay. Ang tangkad nito
Tiyak ay kakabaliwan ng kung sino mang makakita mapa lalaki man o babae maski ako rin sa sarili ko, inaamin ko na humahanga ako sa katawan nito.
Sino bang hindi maakit sa kisig ng pangangatawan nitong ‘daddy’ o ‘dadbod’ type. Kumbaga ay lalaking-lalaki kahit saang anggulo tignan mula ulo hanggang paa.
Nariyan ang makakapal niyang mga kilay, ang mga mata nitong kulay brown na tiyak ay ikatutunaw ng kung sino mang titigan nito, ang kaniyang define na define na jawline.
Hindi magpapahuli sa eksena ang maumbok na dibdib ni Mang Greg kasama ng nangangalit nitong utong na kulay brown-pink pati na rin ang tiyan nitong nababalot ng buhok sa katawan hanggang sa taas. Hindi man ganoong ka predominant pero sa ‘di malamang paraan ay kapansin-pansin sa lahat ng mga tampok na bahagi ng katawan niya.
Mapupuna mo rin ang tangkad nitong na sa pagkakatansya ko’y 6’9 at siya ring laki kaniyang paang size 15. Isama na ang muscles nitong namumutok sa laki’t napapalibutan ng malalaking ugat sa paligid tanda ng palagiang pagbubuhat nito. At higit lalong-lalo na ang mga tatto na nakapalibot sa buong katawan nito na talaga namang bumagay sa kutis mayaman nitong kulay. Bruskong-brusko ganiyan ko mailalarawan si Mang Greg.
Ngunit sa kabila ng taglay na tikas nito, hindi ko maikakailang napaka bait nito lalo na sa aming nangungupahan sa kaniya. Seryoso ito ngunit pala ngiti naman.
Ginagampanan niya ang mga bagay na hindi naman niya dapat gawin bilang aming landlord. Parang hindi na kami iba rito at tinuturing kami bilang pamilya palibhasa’y wala ni minsang dumalaw sa kaniyang kaanak. Kung ano ang dahilan ay minabuti na naming hindi na itanong.
Nandito na iyong kung minsan ay lulutuan kami ng makakain kagaya ngayon. Tuwing may okasyon gaya ng kaarawan ay sini-celebrate namin. Para manatili ang ganda ng boarding house, siya ang naglililinis nito kasama na ang mga gawaing bahay, at kung ano-ano pang mga bagay.
Sa ikawang palapag ay may limang kwarto na para sa limang boarders. Unang mamamataan pagtungtong ng second floor ang kwarto ni Mark, ikalawa ang kay Dexter, sumunod ang kay Niño, ikaapat ang kay Lito, habang pamg huli ang amin ni Ian.
At dahil madadaanan ko naman ang kwarto ni Lito ay minabuti ko nang katukin ito upang pababain na ito. “Lito, kakain na raw sabi ni Mang Greg. Pinapababa kana,” pagtawag ko rito.
Hindi na ako nag hintay ng ilan pang segundo dahil agad naman itong sumagot. “Oo bababq na saglit lang,” sagot niya.
Ako naman ay pumunta na rin agad sa kwarto namin ni Ian sa pinakadulong bahagi ng ikalawang palapag ng bahay. Isinara ko na ang pinto upang at pumunta sa aking drawer.
makapaghubad na ng damit upang makapag bihis.
Isa-isa ko nang tinanggal ang mga damit ko pang itaas kasama na ang sando kong basa na sa pawis.
Humanap na ako ng damit pamalit habang tinatanggal ang aking sapatos gamit ang aking mga paa. Pinili kong magsando muna upang maibsan man lang ang maalinsangang panahon.
Tinanggal ko na ang aking medyas at isinuksok ito sa sapatos na aking ginagamit pampasok sa trabaho upang mahubad ko na rin ang aking pants na naka-baston kaya nahihirapan ako sa paghuhubad nito.
Siguro’y mag bo-boxer short nalang ako para mamaya ay hindi na rin ako magpapalit sa pagligo mamaya. Pagkahubad ng medyas ay hinubad ko na nang sabay ang aking pants at brief.
Tuluyan nang natanggal ang natitirang saplot ko sa katawan. Kinuha ko na ang sando pati ang boxer pamalit at tumalikod hubo’t hubad akong nagbibihis nang bumukas ang pinto ng kwarto.
Nilingon ko upang tignan kung sino ang pumasok. Iniluwa nito ang bulto ni Ian sukbit ang bag nito sa kaliwang balikat at hawak ang helmet naming dalawa sa kanan nitong kamay.
Sinipat nito ang aking mukha bago balingan ang aking katawan. Until-unting nabuhay ang ngiti sa labi nito at ngumisi habang ako ay kaagad tinakpan ang aking hinaharap.
“Tanginang kinis ng katawan mo Migs, parang babae,” sabi nito sa mababang tono. Mga katagang lumabas sa kaniyang bibig dahilan upang mamula ako sa hiya.
“Labas ka muna Ian nagbibihis ako,” ang nahihiya kong sambit sa kaniy at saglit na niyuko ang tuwalya na nakalagay sa upuan. Ito nama’y ibinaba rin ang kaniyang dala-dala habang hindi tinatanggal ang titig sa aking katawan.
Nakapako ang tingin nito sa aking ibaba. “Ang puti’t tambok ng pwet parang ang sarap lamugin kakalamutak. Tiyak mamumula-mula ‘yan pag pinalo ko,” pang aasar pa niya.
“Malibog,” bumungis-ngis ito sa aking sinambit at unti-unting nag-iiba ang ekspresyon ng mga mata nito habang humahakbang ito nang dahan-dahan papunta sa aking direksyon na aking kinakaba. “LABAS!!!” sigaw ko.
Humagalpak ito kakatawa “Ito na lalabas na ‘di ka talaga mabiro kahit kailan,” ang turan niya habang natatawa pa rin. Gaya ng kaniyang sinabi ay lumabas na nga ito.
Dali-dali na akong nagbihis para makababa na rin kaaagad. Pagtapos ko ay tinawag ko na si Ian at pinapasok na ulit sa kwarto.
•••
“Oh kain na, Ian, Migs. Tara na rito,” tawag ni Mang Greg na nakaupo sa gitnang upuan sa mesa at kasalukuyang naglalagay ng pagkain sa aming mga pinggan.
Nakita ko sa tabi nito si Lito. “Ikaw ba ‘yong sumigaw kanina, Migs?” usisa ni Lito. “Anong nangyari?” dagdag niya.
Binalingan ko si Ian ng masamang tingin at inirapan habang siya ay nagbabadyang matawa nanaman. “Wala iyon haha” sabat niya kay Lito
Iniabot na sa akin ni Mang Greg ang pinggan kong kaniyang sinandukan ng kanin. Tinanggap ko ito at nagpasalamat sa kaniya. Sinunod kong lagyan ito ng ulam naming bicol express at medyo dinamihan ang sarsa dahil mahilig ako sa maaanghang na pagkain.
Saglit muna akong tumayo at pumunta sa kusina upang kumuha ng pitsel sa ref kasama ng mga baso sa kitchen rack. Saktong papabalik na ako nang sabay na dumating sina Mark at Niño.
Pinaupo na ito ni Mang Greg na kanila namang sinunod siguro ko’y mga gutom na rin ito. Ibinaba ko na ang mga baso pati ang pitsel at nilagayan na ng tubig para may naka amba nang panulak sakaling may mabulunan.
Maya-maya ay narinig namin ang pagbukas-sara ng gate. “‘Yon oh. May chibog na saktong-sakto lang pala ang dating ko,” si Dexter habang papasok sa pinto.
“Aba wala pa rin si Lito? Napapadalas ata ang pagka-late umuwi ni Lito umuwi,” dagdag niya. Agad na itong umupo at kasalukuyang sinasandukan ang kaninang nakataob na plato.
“Baka naman may iba nang inuuwian,” si Niño at kinantyawan ang wala sa eksenang si Lito
Binatukan naman ito ni Mark “Loko, may thesis daw iyon siya. Nakwento niya sa’kin no’ng nakaraan,” pagtatanggol niya sa kaibigan. Bukod sa aming lahat, si Mark ay higit na mas close kay Lito dahil magkababata ang mga ito ayon sa kwento nila.
•••
Nagtuloy-tuloy ang kanilang pag-uusap. Madalas naman itong mangyari dahil natural na madadaldal, palabiri at magagaan kasama ang mga tao rito sa boarding house kaya kahit na hindi kami magkakakilala ay napalapit ang mga loob namin sa isa’t isa dahil halos sabay-sabay lang naman kami nang tumuloy dito maliban kay Lito.
Walang humpay ang usapan ng mga ito habang ako ay ‘di rin tumitigil sa pagkain at tahimik lang dahil nakasanayan ko na ito namg nasa puder pa ako nila Inang. Ayon sa kaniya masama raw kasi ang kumakain habang nagsasalita.
“E ikaw, Migs. Anong balita r’yan sa pinapasukan mo?” nabaling sa akin ng usapan nang tanungin ako ni Ian. Bigla ko tuloy naalala ang kapalpakan ko kanina sa trabaho.
Napabuntong hininga ako. “Iyon nga e. Mukhang alanganin pa ang pagka-regular ko ro’n” sabi ko. “Paano ba naman natapon ko ang pagkain ng food critique na kakilala ng may-ari ng pinapasukan ko,”
“Malas naman. Anong sabi ng manager mo?” dagdag niya.
“Hindi naman nagalit si Sir Fred ko dahil nangyayari naman daw talaga iyon at hindi ko naman sinasadya. Pero hindi niya lang daw alam ang magiging reaksyon ng may-ari pag nalaman,” sagot ko.
“Diba pang-ilang buwan mo na ro’n. Baka naman mapakiusapang ma-regular ka. ‘Wag mo nalang i-overthink,” si Mark
“Sana,” tanging nasambit ko.
Tapos na kami sa pagkain nang mag matagl na nag-vibrate ang cellphone ko tanda na may tumatawag dito. Habang umiinom ng malamig na tubig ay sinipat ko kung sino ang nag tumatawag dahil hindi naman ako typical na nakakatanggap ng tawag sa ganitong oras.
Sa pagtingin ko ay nakita kong unknown number ang naka rehistro sa display. Inilapag ko na ang basong aking hawak-hawak at lumabas na muna sa bakuran.
Migs: Hello? Sino sila?
Inang Sita: Apo, Migs. Ang lola mo ito.
Migs: ‘Nang, kayo po ba iyan? Kumusta ho
napatawag po kayo ngayon. Anong oras na ah? ang tanong ko.
Inang Sita: Naku, bawal na bang kumustahin ang apo ko? Tila malungkot ngunit magiliw nitong sambit. Napangisi ako sa sinabi nito.
Migs: Kayo naman, ‘Nang. Syempre kahit kailan p’wedeng p’wede.
Migs: Kaninong cellphone ang gamit niyo pantawag ngayon, ‘Nang
Inang Sita: Kay Beverly iyong kapitbahay natin na may tindahan. Nandito nga ako ngayon. May bibilhin lang sana ako ngunit naisipan ko lang tawag ka para kumustahin. Kumusta ka riyan, Migs? tanong niya.
Migs: Ayos naman ‘Nang. ‘Wag niyo po akong alalahanin kaya ko po ang sarili ko. Kayo ‘Nang kumusta kayo? Baka mamaya hindi niyo iniinom ang mga gamot niyo ah. Iyong ipinadala ko nitong nakaraang lunes, natanggap niyo na ho ba?
Inang Sita: Baka bukas ko pa makuha, Apo. May natira pa naman sa ipinadala mo nitong nakaraan kaya hindi ko muna ginalaw iyong huli mong pinadala.
Migs: ‘Nang, sabi ko ‘wag niyong tipirin ang sarili niyo at baka kayo mangayayat.
Inang Sita: Ano ka ba, Apo. Kaya ko na it—. Naputol ito sa pagsasalita.
Migs: ‘Nang?…’Nang
Migs: Hello, ‘Nang nandiyan pa ho ba kayo?
Ilang saglit pa ang aking hinintay bago kusang namatay ang tawag. Ganoon naman lagi ang scenario tuwing nakikitawag si Inang sa mga kapitbahay namin. Wala naman akong magawa dahil baka binalik na nito ang cellphone sa may-aring si Ate Beverly. Hindi ko na ito tinawag dahil hiniram lang naman ito ni Inang.
Pumasok na ako sa loob at baka mahamugan pa ako rito.
\+ ° . ๑・° ⊹ . + ° . ๑・° ⊹ . + ° . ๑・° ⊹ . +
Thank you for reading!
I would like to take this opportunity to share my milestone with you guys. Malayo pa pero malayo na.
Sana mas mataas pa sa susunod🤞
Yey! Nakapasa rin sa gusto kong school for SHS :))
Lately I feel like na-disappoint ko yung mga tao sa paligid ko especially my adviser at parents ko. God knows how hard I try para masungkit ‘yang with high honor na ‘yan katulad dati pero hindi ko talaga kakayanin lalo na kung kuripot magbigay yung MAPEH teacher ko despite the fact that I deserve better than that. Instead na malungkot, siguro susubukan ko nalang ulit at mag-i-improve pa lalo.
HAHAHAHAH grades reveal, grades reveal. Paabutin niyo ng 10k reads, face reveal naman😝🤣
Character: Mang Gregorio
This is my interpretation of Mang Greg’s character. You are welcome to envision Mang Greg’s persona through your unique perspective, exploring the nuances and intricacies that resonate with your imagination.
CTTO.
Chapter 3
⊹₊⋆ ☁︎ ⋆⁺₊⋆ ☀︎ ⋆⁺₊⋆ ☁︎ ⋆₊ ⊹
Pumasok na ako ng bahay pagtapos ng naputol na usapan namin ni Inang diretso sa hapag para balikan ang mga naiwang mga pinggan na aming pinagkainan.
Ang mga ilaw ay in-adjust na sa dimmed kaya medyo dumilim na ang paligid. Ginagawa namin ito lagi para makatipid sa ilaw dahil binilin ito ng may-ari sa amin.
Nilagay ko ang natirang ulam sa isang maliit na container pagkatapos ay nilagay ito sa ref upang hindi ito mapanis at maubos namin kinabukasan para walang masayang.
Isa-isa ko na itong sinalansan at inayos para madala ko lahat ng ito at hindi na bumalik pa. Nilagay ko na ang aming pinagkainan sa sink at pinaandar na ang tubig sa mababang lebel para madampian ito ng tubig nang matanggal ang mga tira-tirang pagkain dito.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagsasabon sa mga baso nang sumulpot sa likuran ko si Ian naka-topless ito ngayon at tanging taslan habang litaw ang waistband ng brief. Umupo ito sa countertop habang nakatingin sa’king nagsasabon. “Kumusta si Inang Sita mo? Narinig ko kayo kaninang nag-uusap ah. Tagal na rin nang huli siyang tumawag,” aniya kalaunan.
“Ayos lang naman daw siya. ‘Di nga nagtagal yung tawag dahil naputol hinala ko’y nawalan nanaman siya ng signal,” sagot ko sa tanong niya
“Medyo nag-aalala nga ako at baka tinitipid nanaman nito ang sarili niya’t hindi nabibili ang mga gamot na kailangan niya. Baka maulit pa yung nangyari dati,” pag sasalaysay ko. Dati na kasi itong nangyaring tinitipid ni lola ang sarili niya kahit na sapat naman sa kaniya ang mga pinapadala kong pera pang gastos niya sa pang araw-araw niya at lalo na sa gamot. Naalala ko pa no’n nang dali-dali akong umuwi dahil binalita ng katabing bahay namin na idinala raw si Inang sa ospital. Sabi ng mga doktor ay hindi raw na-control ang glucose sa katawan nito dahil hindi raw ito palagiang nagkakapag-take ng insulin.
Sinunod ko na ako na ang mga kubyertos dahil ito nalang ang tanging natira na wala pang sabon. Pagtapos nito ay magbabanlaw nalang. Pupunasan at tapos.
“Mahal na mahal ka talaga ng lola mo e no biruin mo kahit wala siyang cellphone nakakagawa pa rin ng paraan para matawagan ka,” saad niya.
Tumango ako. “Ako nalang din kasi ang meron siya. Sure ako nami-miss na ako no’n gaya ng pagka-miss ko sa kaniya
•••
Simula baso hanggang sa mga plato ay mabusisi ko itong sinabon para masigurong malinis. Tinanggal ko na ang mga dumi-duming hindi natanggal nang dampian ko ang mga ito ng tubig.
“Maiba tayo, kumusta na kayo ng girlfriend mo, si Angelica? Napapadalas atang umuwi tayo nang sabay,” pagiiba ko. Nitong nakaraan napansin kong hindi na nito nahahatid pauwi si Angelica o Ica kung kaniyang tawagin. Si Ica ay isang kolehiyala sa isang unibersidad sa Sta. Mesa kung ano ito’y hindi na nabanggit ni Ian. Ang sabi niya sa’kin ay nasa ikaapat na taon na nito sa kursong tourism at graduating na ngayong taon.
Minsan nang ipinakita ni Ian ang shota niya sa akin at masasabi kong maganda ito. Maputi, malaki ang pang-upo, may hubog ang suso at payat.
Narinig ko itong bumuntong hininga. “Ewan ko ro’n sa babaeng ‘yon tuwing nag-aaway kami gustong makipaghiwalay,” paglalahad niya na parang tila naiinis.
“Laging siya nalang ang tama. Gusto niya siya ang nasusunod ni hindi man lang ako napagbibigyan ang gusto ko,” dagdag niya
“Baka naman siya ang tama. Baka gusto niya lang ng atensyon mo diba gano’n naman talaga ang babae gustong laging sinusuyo,” sabi ko naman
“Naknamputcha kung halos laging araw-araw nalang sino bang hindi maiinis. Lagi nalang, nakakasawa na,” tila nagsusumbong nitong usal.
“E ano ba ‘yong pinag-aawayan niyo?” tanong ko
“Nagseselos ako sa kaklase niya sa isang subject. Marco ang pangalan sa pagkaka-alala ko ang sabi niya sa’kin, matalik na kaibigan niya raw ‘yong kupal na Marco na ‘yon naging kaklase raw niya noong elementary pa,” sagot niya.
“Oh anong meron do’n,” ako.
“Simula nang makita niya ‘yon may nag-iba na kay Ica,” sabi ko.
Sumagot naman ako “Normal lang naman iyon na nagbabago ang isang tao diba. Baka guni-guni mo lang iyon o baka nabubulag ka ng selos kaya kung ano-ano nalang ang iniisip mo,”
Umiling ito “Hindi, Migs. May nagbago talaga kay Ica simula nang makilala niya ulit iyong Marco na ‘yon. Siguro maiintindihan mo rin kapag nagka-shota ka na. Malakas talaga ang kutob ko na may kinalaman ang Marco na ‘yon kung ba’t nagbago si Ica,” desidido ang pagkakabigkas niya ro’n
“E ano ba ang patotoo mong nag-iba nga ‘yang girlfriend mo? tanong ko.
Tapos na ako sa pagsasabon at binabanlawan ko na ngayon ang aking mga nasabunan. Pagtapos ay binibigay ko ito kay Ian para punasan niya bago ilagay sa dishrack dahil madaling mamahay ang dumi sa mga basa-basa.
“Marami. Una, ito ngayon hindi na siya nagpapahatid sa akin kaya nga kita nasusundo diba?” sabi nito habang naka buka ang hinliliit nito at umaktong may binibilang. “Sunod, ayaw niya nang kinukulit ko siya. Kung dati, parang nagpapakipot ito ngayon parang naiinis lang siya tuwing parang nabu-bwisit ko lang ito,”
“E tanga ka pala e kahit ako magagalit din kung parati akong kinukulit,” pambabara ko.
“Ano ba? Love language ko ‘yon ‘wag mo nga akong pakialamanan,” sabat niya.
Natawa nalang ako. “Tanginang love language ‘yan nakakasuya. ‘Ge tuloy mo na yung kwento”
“Pangatlo, hindi na siya parating nag-u-update sa akin ‘di tulad dati. Ni ayaw na nga niya akong ka video call habang natutulog,” sabi niya na kinangiwi ko sa sobrang pagkasukot o cringe. Nakita niya ako kaya pinandilatan niya ako ng mata.
“T’saka ano,” pagpuputol niya na parang nahihiya.
“Ano?” tanong ko.
Kinamot nito ang kaniyang noo. “Tinatanggihan niya ako kapagkagusto kong may mangyari sa amin,”
“Ayooon,” mahaba kong sabi sa isang salita na parang may natumbok. “Kaya naman pala. Malibog ka talaga,” sabi ko
“Hoy! Hindi ah. Mahalaga naman talagang nagse-sex sa isang relasyon. Kaya nga malapit lang ang pinili ko dahil ayokong malayo sa akin yung shota ko. Ano ‘yon may physical contact kami sa isa’t isa pero naka LDR yung puke niya sa’kin para naman kaming ewan no’n,” ang saad niya na akin ikinatawa nang malakas.
“Puro ka kalibugan,” ang tanging nasabi ko nalang at ipinagpatuloy ako aking ginagawa.
Natapos nang akong maghugas ng mga plato habang pinupunasan nalang ni Ian ang tatlong natitirang pinggan na basa pa. “Ian, pagtapos mo riyan paabot naman ako ng tuwalya sa taas magwa-wash up lang ako,” sabi ko sa kaniya.
Tanging tango lang ang sinagot nito kaya pumunta na rin kaagad ako sa banyo. Hinubad ko na ang mga saplot ko sa katawan at nilagay ang mga ito sa towel bar na katabi lang ng sink upang hindi mabasa dahil gagamitin ko pa itong muli para hindi na madagdagan ang lalabhan ko.
Pinaandar ko na ang gripo at nagsimula na akong magbuhos nang hindi sinasamang basain ang aking buhok. Sinabon ko lang ang aking katawan at sinuguradong malalapatan ng bula ang bawat sulok ng aking katawan hanggang leeg.
Sinama ko rin ang mukha ko at nagbanlaw na rin kaagad. Sa buong durasyon kong naglinis ng katawan ay walang Ian ang nag abot o kumatok man lang upang ibigay ang tuwalyang hinihingi ko.
“Ian? Nandyan kaba?,” pagtawag ko sa pangalan nito sakaling nandyan naman pala ito’t hindi lang nagsasalita.
Sa pagtawag ko sa pangalan nito ay wala namang sumagot. “Ian,” muli ko pang pagtawag sa ikalawang pagkakataon ngunit mukhang wala talaga rito si Ian.
Hanggang sa natapos nalang akong mag sipilyo ay wala pa rin ito. Kainis mukhang wala na akong pagpipilian. Sa mga oras na ‘to tiyak naman akong wala nang tao sa baba dahil lahat ay nag si akyatan na sa mga kwarto nila at patulog na.
Isinuot ko nalang ang salawal ko at lumabas na. Hawak ko ang boxers at sandong suot ko kanina. Sa itaas nalang ako magpupunas para magamit ko pa rin ang damit ko. Paglabas ay saglit ko namang tinukod ang switch ng ilaw sa banyo para patayin.
Asan na kaya iyong si Ian bakit hindi niya man lang naiabot sa akin ang tuwalya ngayon tuloy lalabas akong salawal lang ang suot baka mamaya ay may makakita pa sa akin.
Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Mang Gregorio na prenteng nakasandal ang pang-upo sa isang table malapit sa banyo. Magkadaop ang kaniyang mga bisig nito. “Mang Greg, ano pong ginagawa niyo riyan?” tanong ko sa kaniya habang tinatapik ko ang aking dibdib gamit ang buong palad dahil sa gulat. “Magba-banyo po ba kayo,”
Nahuli ko ang mga mata nitong nakatitig ito sa katawan ko at dito naalala kong wala akong suot kundi ang salawal ko lang. Kaya gamit ang damit ko’y pinantakip ko ito sa aking katawan habang ang boxers ko naman ay sa pang ibaba. Kahit na lalaki ako ay hindi ako sanay na may nakakakita ng katawan ko. Normal man sa iba ngunit hindi ko naman nakagisnang gawin ito.
Nag-ayos siya ng pwesto at tumayo nang diretso “Ah hindi. Sinandya talaga kita,” sabi nito at tumingin as akin matiim itong nakatingin sa’kin bago lumapit paunti-unti sa akin.
Sa ekpresyong pinakita ay bahagya akong natakot kaya sa bawat hakbang nito ay siya namang atras ko. “G-gano’n po ba a-ano po iyon Mang Greg,” kababakasan ng kaba ang tinig ko.
Umatras lang ako hanggang sa tumama ang katawan ko sa dingding. Binalingan ko ito ulit ng tingin si Mang Greg at sa pagkakataong ito ay nakangisi na ito. Hindi ko pinahalata ngunit ako’y naguluhan. Ang ekpresyon nitong magaan ay bumalik na ulit sa dati.
“Nabanggit mong hindi pa sigurado ang pagiging regular mo sa trabaho hindi ba?” tanong nito.
Tumango ako bilang tugon. “Opo, Mang Greg,”
“Baka gusto mong pumasok sa akin bilang katulong dito sa bahay? Kailangan ko kasi nang katuwang dito at minsan ay hindi ko na naalagaan ang bahay,” ang sabi niya.
“Gano’n po ba. May trab—,” hindi na ako nito pinagpatuloy pa sa pagsasalita.
“Kung gusto mo, doblehin ko ang sweldo mo rito sa kinikita mo ro’n,” pangungumbinsi sa’kin ni Mang Greg.
“Sa ngayon po kasi Mang Greg ay naka-kontrata po ako e. Ayon sa pinirmahan ko, hindi po ako p’wedeng basta-basta mag resign,” ang sabi ko.
“Kahit hindi pa naman sa ngayon. Ang gusto ko lang, makapagtrabaho ka kung sakali. At least dito, hindi kana mamamasahe pa. At isa pa, magagaan lang ang ibibigay kong mga gawain sa iyo kaya hindi kita papagurin,” siya.
“Salamat po, Mang Greg. Pag-iisipan ko po,” sagot ko. Ngumiti lang ito nang tipid.
“Bakit nga pala ganyan ang ayos mo? Sasali kaba sa bikini open?” ngumisi ito.
“Hindi po, Mang Greg. Hindi po kasi iniabot sa’kin ni Ian yung tuwalyang hinihingi ko kaniya kanina. Ewan ko ba sa lalaking ‘yon kung saan nagpunta’t bakit ngayon wala pa,” saad ko. “Mababasa kasi ang damit at boxers ko kung susuotin ko nang basa pa ang katawan ko kaya nag brief nalang ako para makatipid sa labahin,”
“Sige po mauna na po ako,” ang sabi ko.
Tanging tango lang isinagot nito. Tinungo ko na ang daan paakyat ng hagdan habang naka takip pa rin ang mga saplot ko sa aking kaselanan.
Pag-akyat ko sa taas ay hindi ko nadatnan ro’n si Ian. Kaya naman pala hindi nito naiabot sa akin ang tuwalya. Saan naman kaya nagpunta ang mokong na ‘yon.
Akin namang hinanap ang tuwalya sa palagi kong pinaglalagyan nito para makapagpunas na ngunit wala naman ito ro’n. Kung kailan talaga kailangan ang isang bagay ay do’n naman ito nawawala.
Kumuha nalang ako ng malinis na damit at iyon ang ipinang-punas. Isasabit ko nalang ito para matuyo at magamit ko rin kinabukasan.
Saglit ko munang ni-lock ang pinto at baka pumasok nanaman basta-basta si Ian sa kwarto kagaya kanina. Hinubad ko na ang salawal at sinuot na ang boxers pati na ang damit. Siguro ay hindi nalang muna ako mag-bi-brief dahil gabi naman na.
Sakto namang pagbihis ko at pagbukas nang pinto nang pumasok si Ian. “Saan ka naman galing?” tanong ko sa kaniya.
“Sa tindahan,” Sagot nito habang may nginunguya sa bibig.
“Bakit hindi mo man lang binigay sa’kin yung tuwalya? Ang tagal ko kayang naghintay,” ako sa medyo inis na tono.
Tinaktak nito sa bunganga ang mamisong chichirya bago sumagot. “Inutusan ako ni Mang Greg ng toyo at oyster sauce pang-marinate raw sa liempo pang-ulam bukas ito nga o may chichirya ako, akin nalang daw yung sukli,” sabi naman nito.
“Edi sana pinaabot mo nalang sa kaniya,” ako.
“Ipinaabot ko nga sa kaniya. Bakit hindi mo ba natanggap?” nagtatanong nitong saad.
Tinignan ko pa ang mukha nito kung nagsasabi ito nang totoo. Mukhang hindi naman ito nagsisinungaling dahil nakakunot ang noo nito. Ngunit kung binigay naman pala ni Ian ang tuwalya ko kay Mang Greg, bakit hindi ito sa’kin ibinigay ni Mang Greg?
\+ ° . ๑・° ⊹ . + ° . ๑・° ⊹ . + ° . ๑・° ⊹ . +
Thank you for reading!
Magkakaroon ng minor revisions yung prologue pero don’t worry kasi same lang naman ang context at lalamanin ng chapter na iyon kaya if nag update ako ro’n it’s okay if hindi niyo na basahin. Para lang sa mga future readers na magbabasa pa ng story.
Happy 2.83k reads sa story na ito. Hopefully maka-3.5k na siya when I publish this chapter.